Ang Surian ng Wikang Pambansa at ang Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa Aluan, Nathaniel Agustin A. IV- 6 (BEED) Sa bisa ng Batas Komonwelt 184 ay itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong Nobyembre 13,1936 upang patnugutan ang pagpili ng katutubong wika na magiging batayan sa pagpapalaganap at paglinang ng pambansang wika Pilipinas. Iniatas ng seksiyon 5 ng batas na dapat isagawa ng SWP ang sumusunod: 1. to make a study and survey of each of the chief tongues of the Philippines spoke at present by at least haft a milliaon inhabitants. 2.to select from said native tongues and arrange in separate groups: a. words and phrases used in all or in the majority of said tongues, with common sound and meaning. b. words used in all or in the majority of said tongues, with the same sound but with different meaning. c. words used in all or in the majority of the said tongues, with similar sound but with the same or different meaning. 3. to study and determine the Philippine phonetic and orthography. 4. to make comparative critical study of the Philippine prefixes, infixes and suffixes. 5. to choose the native tongue which to be used as a basis for the evolution and adoption of the Philippine national language. In proceeding to such election, the institute shall give preference to the tongue that is the most developed as regards structure, mechanism and literature and is accepted and used at the present time by the greatest number of the Pilipino. Itinatadhana pa rin sa seksiyon 7 ng batas komonwelt 184 na: …it shall be the duty of the National Language Institute to state which native tongue it has chosen as basis for the national language and to recommend to the President of the Philippines the adoption of the national language based on the native tongue chosen, by executive order, proclaim such national language based on the native tongue chosen by the National Language Institute, as language of the Philippines, effective two years thereafter. Nakasaad din sa Seksiyon 8 at 9 ng batas na ito na ang Surian ay maghahanda ng isang diksiyunaryo at balarila para sa ‘’purification and enrichment’’ ng wikang pambansa. Dalawang taon matapos maproklama ang wikang pambansa,ang disksiyunaryo at balarilang inihanda ay dapat na maipalimbag upang ito’y magamit sa mga pampubliko atpribadong paaralan sa pilipinas. SECTION 8. Upon the proclamation of the national language by the president of the Philippines, it shall be the duty of the national language institute to prepare a dictionary and grammar of the national language. Special attention shall be given to the purification and enrichment of the national language in accordance with the following procedure: SECTION 9. Not later than two years after proclamation of the national language by the President of the Philippines, the National Language Institute shall publish the dictionary and grammar of the national language prepared as provided for in the preceding section, and the President of the Philippines shall issue orders to the Department of Public Instruction to the effect that, .. beginning with a day to the fixed by the President of the Philippines, said national language shall be used and taught in all public and private schools of the Philippines in accordance with the dictionary and grammar prepared and published by the National Language Institute. Pinili nang SWP ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod: 1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak 4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampulitika at pangekonomiya ng Pilipinas. 5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong Hunyo 18, 1938 sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 333 ay ang “National language Institute” ay ginawang “Institute of National Language” at ipinailalim sa tuwirang pamamahala at pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas. Malinaw na nakasaad sa mga tungkulin ng SWP ang ilang proseso sa pagpaplanong pangwika: 1. Pagpili sa katutubong wika na magiging batayan para sa ebolusyon at adopsiyon ng Pambansang Wika.a 2. paggawa ng diksyunaryo at balarila at ang “pagpapadalisay ng wika” 3. pagpapaunlad at pagpapayaman ng wika sa pamamagitan ng mga salita mula sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas at kung kinakailangan ay sa wikang banyaga tulad ng Ingles at Espanyol. Bago sumapit ang panahon ng Hapon, nagpanatili ang SWP ng isang programa ng pagpaparami ng publikasyon(1937-1941) Nakapagpalimbag ang surian ng serye ng monograph sa leksikograpiya ng mga wika ng Pilipinas. Pagkaraan, ang mga publikasyon ay nakatutok sa retorika at panitikang Tagalog tulad ng dula, panulaan, katha, pelikula, awit na nakasalulat sa wikang Tagalog. Sa panahon ng pangasiwaang Hapones, ang patakarang pangwika ay sa Atas Militar Blg. 2 na may petsang Pebrero 17, 1942 at ang pamagat ay “Instructions Concerning the Basic Principles of Education in the Philippines” nakatukoy sa tagapangulo ng Komisyon tagapagpaganap ng Pilipinas na si Jose B. Vargas. Ganito ang atas: “in order to popularize the Philippine National language, Tagalog proper means should be taken as early as possible after the study by the Institute of National Language in the Department of Education and Welfare” Isa rin sa mga pagbabagong ginawa ng Pangasiwaang Militar ng Hapon ay ang palitan ng mga pangalang Tagalog at Hapon ang mga daang nagtataglay ng pangalang Amerikano. Ang Taft Avenue ay naging Daitoa Avenue. Ang Jones Bridge ay naging Bansai Bridge. Naging Plaza Bagong Pilipinas ang Wallace Field. Lumawak ang gamit ng Wikang Pambansa sa mga akdang pampanitikan. Pinigil ng mga Hapon ang pagsusulat sa Ingles at hinikayat ang mgamanunulat na Tagalog. Ang Liwayway, Ang tanging magasin sa tagalog ay nagpatuloy ng publikasyon. Pinigilan ang Manila tribune, ang tanging arawang pahayagan sa Ingles sa panahong iyon at ang mga awitin at dulaang pangtanghalan na dati ay nasa wikang Ingles ay napalitan ng Tagalog. Ang mga kontrobersya sa wikang pambansa naging dahilan upang imungkahi ng Kagawaran ng Edukasyon ang solusyon na gawing Pilipino sa halip na Tagalog ang wikang pambansa. Ang kadahilanan ay hindi sa anumang makaagham na paliwanag kundi sa praktikal na kadahilanan na maniyutralisa ang mga oposisyon na mga anti-Tagalog sa pamamagitan ng hindi pagbanggit sa salitang Tagalog. (Agoncillo 1990) Upang lubos na makuha ang kalooban at kooperasyon ng mga Pilipino ay itinatag ang Republika ng Pilipinas noong panahon ng hapon. Isang komisyon ang naghanda ng saligang batas at isa sa mga probisyon ay itadhana ang Tagalog bilang Wikang Pambansa. Nakasaad sa Sec. 2 Artikulo IX ng Konstituson ng 1943 na “The government shall take steps towards the development and propagation of Tagalog as national language.” Sa panahon ng panunungkulan ni Ponciano B. Pineda, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaanap Blg. 304, may petsang Marso 16, 1971, na nagpapanauli sa Surian na ang mga kagawad ay kakatawan sa sumusund na pangunahing pangkat lingguwistiko: Bikol, Sebwuano, Hilagaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinan, Samar-Leyte at Tagalog. Hinirang ang mga sumusunod na bubuo ng Surian: Direktor Ponciano B.P. Pineda(Tagalog) Tagapangulo Dr. Lino Q.Arquiza (Sebuwano) D.Nelia G.Casambre(hilagaynon) Dr. Lorenza Ga. Cesar (Samar-Leyte) Dr. Ernesto Constantino(Ilokano) Dr. Clodualdo H. leocadio (Bikol) Dr. Juan Manuel (Pangasinan) Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng komite sa loob ng SWP. Malaki ang tulong ng komite sa mabilis at malawak na pagpapalaganap ng Wikang Pambansa. (KWF 2002) Mga kautusan para sa Implementasyon ng mga Patakarang Pangwika Ang implementasyon ay mga desisyon ukol sa paggamit ng wikang pambansa sa mahahalagang larangan o mga desisyong binuo sa kategorya nga pagtiyak at pagpapaunlad ng wika. Ayon kay Bernabe(1986) ang tagumpay ng implementasyon ay kadalasang nakasalalay sa pagkakaroon ng mga aklat, at pagsasanay sa mga guro, realsitikong iskedyul ngimplemenstasyon at epektibongprogramang pang-impormasyon upang hikayatin ang mga tao sa paggamit ng wika. Para mapabilis ang paglinang at pagpapalaganap ng wikang pambansa, ay nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1954 ang: Proklamasyon Blg. 12 – nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa tuwing Marso-Abril taon-taon, nang sumunod na taon ay nailapat ang petsa sa Agosto 13-19 taon-taon. Si Pangulong Diosdado Macapagal ay naglagda naman ng: Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nagaatas ng pag-awit ng Pambansang awit ng Pilipinas sa mga titik lamangnitong Pilipino sa alinmang pagkakataon, sa bansa o sa ibang bansa man. Sa Panahon ni Pangulong Ferdinand E.Marcos, maraming kautusan, proklamasyon, sirkular at ibang atas na kumikilala sa wikang Pilipinobilang opisyal na wika ng pamahalaan. 1. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96. Nagaatas na lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan na Pilipino. 2. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 na nag-atas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Pilipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal at transaksiyon ng pamahalaan. 3. Memorandum Sirkular Blg. 277 s. 1969 na nananawagan sa mga opisyal at empleyado na dumalo sa seminar sa Pilipino na idaraos ng surian ng Wikang Pambansa. 4. Memorandum Sirkular Blg. 368, s. 1970 nagaatas sa mga opisyal ng tanggapan ngpamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa. 5. Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagaatas na magtalaga ng mga empleyadong mangangasiwa sa lahat ng korespondensiya ng opisyal sa Pilipino. Salamat! \m/