Tayutay

advertisement

ST. MARY’S COLLEGE OF BAGANGA, INC.

Baganga, Davao Oriental

BANGHAY ARALIN

Department: BED Quarter: 4th

Subject/Level: AP/Grade 8-P Unit:

Date: January 25, 2019

Lesson No.

I. Panimulang Gawain

Pagbabalik Tanaw:

Balikan ang kwentong Florante at Laura. Hayaang tugunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

 Ano ang pinag-usapan sa kwento?

 Ilarawan kung paano isinulat ng may akda ang kwento.

 Magbigay ng linya sa kwento na talagang nakaagaw sa inyong atensyon.

Pokus: Tayutay

Paghawan ng Sagabal:

 Matalinghagang Salita- hindi direktang sinasabi, nangangailanagn ng mas malalim nap ag-unawa

Paglinang ng Kasanayan/Pagganyak:

Ang guro ay magbibigay ng mga katanungang dapat sagutin ng mga magaaral. Mga katanungang may koneksyon sa aralin na kung saan kapag pagsama-samahin ang mga unang titik ng mga sagot ay mabubuo ang araling tatalakayin.

T ULA. Ito ay isang anyo ng panitikan kung saan binubuo ito ng taludtod o verse at saknong o stanza sa wikang Ingles.

A LAMAT. Isang uri ng tradisyonal na kwento tungkol sa pinagmulan ng isang tao o lugar.

Y AMANG TAO. Sinasabing ito ang pinakamahalagang pinagkukunang-yaman ng isang bansa dahil sila ang lumilinang at gumagamit ng mga likas na yaman.

U RI NG PANGUNGUSAP. Anu-ano ang mga ito: Pasalaysay,

Patanong, Pautos, Padamdam?

T EMA. Ito ang nilalaman ng talata at tinatawag din itong paksa.

A SIGNATURA.

Ang katumbas ng “ subject

” sa tagalog.

Y.

Sa anong letra nagtatapos ang ingles na katumbas ng salitang

“kwento”?

II. Panlinang na mga Gawain

A. Pagpapakilala sa Aralin

Malalaman ng mga mag-aaral ang:

1. Matalinghagang Pananalita (Tayutay)

Ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Nakabubuo ng mga pangungusap na napapalooban ng iba’t ibang uri ng tayutay.

B. Mga Gawain

1. Balikan ang napag-usapan sa Paglinang ng Kasanayan ant pagganyal.

Tulungang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang koneksyon nito sa aralin.

2. Ipakilala at ipaliwanang ang limang tayutay lakip na ang mga halimbawa nito.

3. Hayaang ang mga mag-aaral na makapagbigay din ng kanilang sariling pangungusap gamit ang mga tayutay.

C. Integrasyon

ICV/RV: Excellence/Competence

Bibigyang diin ng guro na dapat matutunan ng bawat mag-aaral ang kahalagahan ng mga tayutay sa iba’t ibang larangan.

Sa anong paraan ninyo magagamit ng tama ang mga tayutay na ating tinalakay?

SO: (Bullying)

 Pag-uugali ba ng isang mabuting Marian Student ang pagmamalabis sa kapwa? Ang pagtawag sa isang kaibigan ng ibang persona o di kayay paghahalintulad sa kanila sa isang bagay o tao na makadudulot ng masama sa kanilang emosyon?

LAD: (Figures of Speech)

Isasalaysay ng guro na hindi lamang sa Filipino mayroong tayutay sapagkat ito ay may katumbas din sa ingles na tinatawag na Figures of Speech na lubos na nakakatulong sa iba’t ibang larangan ng panitikan.

BR: Philippians 4:8

Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.

III. Pagtataya/Ebalwasyon

Pangkatang Gawain

Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa tatlong grupo. Pasusulatin sila ng mga pangungusap mula sa larawang ibibigay ng guro. At kailangan nilang bumuo ng mga pangungusap na napapalooban ng iba’t ibang uri ng tayutay. Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng mga suusunod na pamantayang ibibigay ng guro.

Pagsusulit

Panuto: Bumuo ng tigdadalawang pangungusap sa bawat uri ng tayutay.

IV. Aksyon/Paglalahat

Ano ulit ang tayutay?

Anu-ano ang mga uri ng tayutay?

Ano ang nagagawa ng tayutay sa isang pahayag?

Paano bibigyang halaga ang mga tayutay?

V. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na hindi bababa sa limang pangungusap. Siguraduhing ang mga pangungusap ay mapapalooban ng iba’t ibang uri ng tayutay, Pweding pulimi ng paksa sa mga sumusunod: a. Pag-ibig b. Pamilya c. Pagmamahal sa kalikasan d. Pagpapahalaga sa paligid

Sanggunian:

Kalinangan 8

Kagamitan:

Aida M. Guimarie pp. 326-327

Slides aklat

Visual aids

Inihanda ni:

LOVELY T. LUCHAVEZ

Student-Teacher

Iniwasto ni:

BB. LUJI GO

Teacher

Download