Uploaded by heravictrixa

LM.AP10 4.21.17

advertisement
ARALING PANLIPUNAN 10
ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN
Panimula at Gabay na Tanong
Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Ano-anong mga suliranin
ang iyong nakikita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay? Paano
tinutugunan ng inyong komunidad ang mga nabanggit na isyu at hamon?
Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga sanhi at
bunga ng mga isyu at hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang
maunawaan mo ito upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon
sa mga isyu at hamong ito.Hindi lamang mga namumuno sa pamahalaan at ng
mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain ang may tungkulin. Bilang
isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang
masasagot mo ang tanong na: Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t
ibang isyu at hamong panlipunan?
1
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa panimulang aralin
ang sumusunod na
pamantayan sa pagkatuto:
Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
1. Ang Lipunan
2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Sa panimulang aralin na ito ay inaasahang matututuhan mo ang
sumusunod:
Aralin
Aralin:
Isyu at Hamong
Panlipunan
Kasanayang Pampagkatuto

Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga
bumubuo rito

Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga
elemento nito

Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pagaaral ng lipunan

Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
isyung personal at isyung panlipunan

Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga
isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan
2
PAUNANG PAGTATAYA
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin
sa modyul na ito.
1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. lipunan
B. bansa
C. komunidad
D. organisasyon
2. Para sa bilang na ito, bigyang-pansin ang datos tungkol sa unemployment.
Halaw sa National Statistics Coordinating Board (NSCB), 2013
3
2. Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013.
Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO?
A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang
suliranin sa unemployment sa Pilipinas.
B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na
natatanggap ng mga manggagawang Pilipino
C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong
panlipunan
D. Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng
institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin
Para sa bilang na ito, suriin ang larawan
3. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag
sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Paniniwala
B. Pagpapahalaga
C. Norms
D. Simbolo
4
Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung
panlipunan
“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang
magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng
pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa
kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000
mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang
trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit
kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa
mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung
panlipunan.”
4. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan?
A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung
personal ay hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan
samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng
isang lipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning
kinahaharap ng indibiduwal.
Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan
(2015)
Sanggunian:
http://michaelamacan.blogspot.com/2015/09/tugon-ng-mgakabataan-sa-mga-isyu-ng.html
Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan.
Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang
pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan
ay kakabit n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang
kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay
may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na
maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may
katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng
ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang
hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot
haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo
tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.
Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga
nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.
5
5. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga
isyu at hamong panlipunan?
A.Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa
mamamayan
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling
komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong
panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
6
Aralin: Kaligiran at Katangian ng mga Isyu at Hamong Panlipunan
Upang maging lubos ang iyong pagkaalam sa mga isyu at hamong
panlipunang nararanasan sa kasalukuyan, mahalaga na maunawaan mo muna
ang lipunan na iyong ginagalawan. Makakatulong ito sa pagtingin mo ng
obhektibo sa mga isyu at hamong panlipunan.
ALAMIN
Sa bahaging ito ay susuriin ang iyong mga dating kaalaman
at pag-unawa tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong
panlipunan.
Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa
susunod na gawain.
Gawain 1.Headline-Suri
Makibahagi sa iyong pangkat, suriin ang larawan ng headline naitalaga
sa inyo. Sagutin ang tanong na: Bakit ito ay maituturing na isyu o suliraning
panglipunan? Isulat ang sagot sa diagram.
____________
____________
____________
____________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
Headline
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
___________
7
Unang Larawan
P18.4B in ‘Yolanda’ emergency aid distributed late
By: Joey A. Gabieta, Nestor P. Burgos Jr. - @inquirerdotnet
Inquirer Visayas / 05:35 AM November 07, 2015
Members of the Philippine military unload relief goods for those affected by Typhoon
Haiyan at the airport in Tacloban. AP FILE PHOTO
Sangunian: Joey A. Gabieta. Inquirer. net. Retrieved April 4, 2016.
Ikalawang Larawan
DOLE order ending contractualization
expected in February
Labor secretary Silvestre Bello III wants to sign the department order on Valentine's Day,
February 14
NO TO ENDO. Workers belonging to the Nagkaisa Coalition march to Mendiola in
Manila on January 4, 2016 to call on the government to end the practice of
contractualization. File photo by Martin San Diego/Rappler
Sanggunian: Pasion, 2017. Rappler.com. Retrieved February 10, 2017
8
Ikatlong Larawan
Philippines elects first transgender woman to
congress
By Robert Sawatzky, for CNN
Updated 0155 GMT (0955 HKT) May 11, 2016
Geraldine Roman waves to supporters while campaigning in Bataan province, April 30,
2016.
Sanggunian: Sawatzky, 2016). cnn.com. Retrieved February 10, 2017
Ikaapat na Larawan
UN rights expert welcomes halt on drug killings in the
Philippines
Leila B. Salaverria
Philippine Daily Inquirer/ANNManila | Thu, February 2, 2017 | 09:04 pm
Human rights activists light candles for the victims of extra-judicial killings around the country
in the wake of "War on Drugs" campaign by Philippine President Rodrigo Duterte in suburban
Quezon city northeast of Manila, Philippines, Aug. 15, 2016. (AP/Bullit Marquez)
Sanggunian: Salaverria, 2017. TheJakartaPost.com. Retrieved February 10, 2017
9
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa headline na napunta sa inyo?
2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakikita ng bawat headline?
Bakit?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?
BINABATI KITA!
Pagkatapos masuri ang iyong mga kaalaman tungkol sa mga isyu
at hamong panlipunan, natitiyak kong nais mong mapalalim pa ang
iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.
Masasagot din ang ilang katanungang naglalaro sa iyong isipan.
Sa iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang
iyong mga dating alam sa mga bagong kaaalaman na iyong
matututuhan sa modyul na ito. Gamitin ang mga dating kaalamang ito
para sa talakayang gagawin sa susunod na bahagi ng aralin, ang
PAUNLARIN.
PAUNLARIN
Sa
bahaging
ito
ng
aralin,
inaasahang
matutuhan
mo
ang
mahahalagang kaalaman at konsepto tungkol sa mga katangian ng isyu at
hamong panlipunan, mga bumubuo sa lipunan, at pagkakaiba ng elemento ng
istrukturang panlipunan at kultura. Susuriin mo rin kung tama o mali ang iyong
panimulang sagot sa gawain.Simulan mo na ang paglalakbay tungo sa iyong
pagkatuto.
10
Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa artikulo ni Leile B. Salaverria
tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas.
Larawan 1: Editorial Cartoon Tungkol sa Corruption
Sanggunian: Philippine Daily Inquirer: 2012
Sa artikulong isinulat ni Leila
B. Salaverria na nailathala sa
Philippine Daily Inquirer noong
Disyembre 5, 2012, tinalakay
niya ang resulta ng pag-aaral
ng Transparency International
tungkol sa persepsyon ng
korapsyon sa Pilipinas. Sa
nasabing pag-aaral, nagtala
ang Pilipinas ng iskor na
tatlumpu’t apat sa kabuuang
100 kung saan ang 100 ay
may deskripsyon na “very
clean”.
Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor na tatlumpu’t
anim.Kung tutuusin, mababa pa rin ang markang ito kung ihahambing sa mga bansang
Denmark, Finland, New Zealand, Sweden, at Singapore na may matataas na marka at
itinuturing na “very clean”. Nagbibigay ito ng mensahe na ang Pilipinas ay isa pa rin sa
mga bansa sa daigdig na may malaganap na korapsyon sa pamahalaan.
Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan sa ating bansa. Sa
katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral, higit na mataas ang marka ng Pilipinas
kung ihahambing sa mga karatig-bansa sa Asya tulad ng Vietnam, Indonesia,
Bangladesh, at ng North Korea na kasama sa “five most corrupt countries” sa
daigdig. Subalit hindi ito dahilan upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon.
Ayon kay Rosalinda Tirona, ang pangulo ng Transparency International
sa Pilipinas, kailangan pa ang mas maraming pagkilos upang labanan ang
korapsyon. Ngunit, hindi lamang korapsyon ang dapat na bigyang pansin kundi
ang transpormasyon ng lipunang Pilipino upang makamit ang tunay na
pagbabago.
Halaw sa Artikulo ni Salaverria, L. B. (2012, December 5). Philippines Remains
One of the Most Corrupt Countries- Survey. Retrieved September 5, 2014, from
Philippine Daily Inquirer: http://globalnation.inquirer.net/58823/philippinesremains-one-of-the-most-corrupt-countries-survey#ixzz2uxN9aww
11
Binigyang-pansin sa iyong binasa ang isa sa mga isyung nararanasan
sa ating bansa – ang korapsyon. Angkorapsyon ay makikita sa mga simpleng
serbisyong pampamahalaan tulad ng pagkuha ng permit para sa pagbubukas
ng negosyo hanggang sa mga malawakan at malakihang proyekto tulad ng
pagpapagawa ng kalsada, tulay, at mga gusaling pampamahalaan. Maraming
mamamayan ang nag-aakala na wala itong direktang epekto sa kanila subalit,
ang katotohanan lahat tayo ay apektado nito. Ganito rin ang persepsyon ng
ibang mamamayan sa iba pang isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa
ating bansa tulad ng paglabag sa karapatang pantao, malayang kalakalan,
pang-aabuso sa mga kababaihan, at mga suliraning pangkapaligiran na dulot
ng maling pangangalaga sa kalikasan.
Bunga nito, hinihiwalay ng mga
mamamayan ang kanilang sarili sa mga isyu at hamong panlipunan upang
matugunan ang mga personal na hamon at pangangailangan.
Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman
sa mga isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga
nito sa isang lipunan at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay
may
bahaging
ginampanan
sa
pagkakaroon
ng
mga
suliraning
pangkapaligiran.
Mahalaga ring maunawaan mo ang epekto nito sa indibiduwal, sa iba’t
ibang pangkat ng tao, at sa lipunan sa kabuuan. Higit sa lahat, makatutulong
din ito upang maging aktibong bahagi ka ng mga programa at polisiya na
naglalayong bigyan ng katugunan ang mga suliranin. Ang mga mamamayang
mulat at tumutugon sa kanilang mga tungkulin ay kailangan sa pagkamit ng
ganap na transpormasyon ng indibiduwal at lipunan.
12
Paksa: Ang Lipunan
Nabasa mo ang isang balita tungkol sa isyung panlipunan na
nararanasan sa ating bansa. Upang higit itong maunawaan, kailangan mo
munang malaman, masuri, at maunawaan kung ano ang lipunan at ang
mga bumubuo rito. Simulan ito sa pamamagitan ng pagbasa sa susunod
na teksto.
Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pagunawa sa bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga
ba ang ibig sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon, at pagpapahalaga. Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang
mga sosyologo tungkol sa lipunan. Ilan sa kanila ay sina Emile Durkheim, Karl
Marx, at Charles Cooley. Tunghayan ito sa sumusunod na pahayag.
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan
nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na
kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan
nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)
Emile Durkheim
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay
http://2.bp.blogspot.com/_VV5eRHrz0jk/TBDxFg2Fd7I/AAAAAAAAAOQ/M-6cYvJ8fGU/s400/0022nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na
ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa
lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
Karl Marx
http://www.philosophybasics.com/photos/marx.jpg
13
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na
ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan
ng
maayos
na
interaksiyon
ng
mga
mamamayan.”(Mooney, 2011)
Charles Cooley
http://wpcontent.answcdn.com/wikipedia/en/thumb/1/1c/Charles_Cooley.png/220pxCharles_Cooley.png
Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan, makikita na ang
mga sosyologong ito ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang
institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan
mo kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan.
Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura
Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang
mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa
naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang dalawang mukha ay magkaiba
at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring
paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan.
Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social
groups, status (social status), at gampanin (roles).
Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay
organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011). Isipin
halimbawa ang isang pangkaraniwang araw. Magsisimula ito sa paghahanda
ng mga miyembro ng pamilya para sa kani-kaniyang mga gawain. Ang pamilya
14
ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao
ng isang nilalang. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya
ay magtungo sa paaralan samantalang ang iba naman sa kanila
aymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan. Tulad ng
pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng
kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan, isa rin itong institusyong panlipunan. Samantala,
ang mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto ay bahagi ng isa
pang instituyong panlipunan – ang ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa
lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan. Mula sa tahanan hanggang sa mga
lugar na patutunguhan maaaring may makasalubong kang traffic aide, may
madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil sa abala na dulot ng ginagawang
kalsada. Maaaring may makita ka ring mga anunsyo ng mga programang
pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga
tungkulin ng pamahalaan na isa ring institusyong panlipunan. Sa pagtupad mo
sa iyong pang-araw-araw na tungkulin, naghahangad ka ng kaligtasan,
nagdarasal ka na maging tagumpay ang iyong mga gawain, at maging ligtas
ang iyong mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa ating
pananampalataya. Ang usapin ng pananampalataya ay bahagi ng relihiyon na
isa rin sa mga institusyong panlipunan. Ang pamilya, relihiyon, edukasyon,
ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan.
15
Unempoyment Rate sa Pilipinas
noong 2013. Ang mataas na bilang
ng walang trabaho ay dulot ng
kabiguan ng ilang institusyong
panlipunan na matugunan ang
kanilang mga tungkulin.Sa iyong
palagay,
aling
institusyong
panlipunan ang may responsibilidad
na resolbahin ang mataas na
unemployment sa ilang rehiyon sa
Pilipinas? Bakit?
Halaw sa National Statistics Coordinating Board (NSCB), 2013
May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa kabiguan ng
isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. Halimbawa,
ang mataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho ay maaaring dulot
ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan
na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon. Maaari rin namang ito ay
dahil sa hindi nagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin na lumikha ng
trabaho para sa kaniyang mamamayan. May mga pagkakataon din na ang
hidwaan sa pagitan ng mga institusyon ay nagdudulot ng mga isyu at hamong
panlipunan. Hindi ba’t naging malaking usapin ang Responsible Parenthood
and Reproductive Health Law (RA 10354)? Sa nabanggit na isyu, naging
magkasalungat ang pananaw ng pamahalaan at simbahan.
16
Social Group
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social
group.
Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may
magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at
bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group:
ang primary group at secondary group. (Mooney, 2011). Angprimary group ay
tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan,
ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at
kaibigan.Sa kabilang banda, ang secondary group ay binubuo ng mga
indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa
pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang
halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa.
Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang
social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa
ang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung
panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga
manggagawa at may-ari ng kumpanya.
Status
Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social
groups, ang mga social groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang
status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa
lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng
ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at achieved
status .
17
Status
Ascribed Status
Achieved Status
Nakatalaga sa isang indibiduwal
simula nang siya ay ipinanganak
Nakatalaga sa isang indibiduwal
sa bisa ng kaniyang
pagsusumikap
Hindi ito kontrolado ng isang
indibiduwal
Halimbawa: Kasarian
Maaaring mabago ng isang
indibiduwal ang kaniyang
achieved status
Si Jaja ay ipinanganak na babae.
Halimbawa: Pagiging isang Guro
Si Nho-nho ay naging guro dahil
sa kaniyang pagsusumikap.
Pigura 1: Ang ascribed at achieved status
Paano nga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ngstatus? Maaaring
makaapekto ang ascribed status ng isang indibiduwal sa kaniyang achieved
status. Halimbawa, ang isang indibiduwal ay ipinanganak na mahirap. Ang
pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay maituturing na ascribed status.
Ang ascribed status na ito ay maaaring maging inspirasyon sa kaniyang
hangarin na makatapos ng pag-aaral o kaya ay maging isang propesyunal
upang makaahon sa hirap ng buhay. Ang pagiging isang college graduate o
propesyunal ay maituturing naachieved status.
May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnayan sa status ng
tao sa lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa
magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman
kung ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din namang mga
18
mahihirap na naging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong
magsumikap para mabago ang estado sa buhay.
Gampanin (Roles)
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang
bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga
gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na
kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang
nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga
tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan
ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay
at pagbibigay ng pagsusulit sa klase.
Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibiduwal
o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan.
Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa
lipunan. Kung ito ay hindi magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng
ilang isyu at hamong panlipunan. Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod
sa batas ng pagtatapon ng basura. Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay
makapagdudulot ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na
banta sa kalusugan ng mga mamamayan.
May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng pagbabago sa
roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawa nito ang pagkakaroon ng
mga househusband sa kasalukuyan. Ito ay mga asawang lalaki na siyang
gumagawa ng mga gawain sa loob ng tahanan habang ang kaniyang asawang
babae ang naghahanapbuhay. Marami ring pagkakataon na ang asawang
lalaki at asawang babae ay kinakailangang parehong magtrabaho upang
matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Makikita sa ganitong sitwasyon
ang pagbabago ng gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan bilang tugon
sa nagbabagong panahon.
19
Gawain 2. Timbangin Mo
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman
ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag
at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang
ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan
sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon,
at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at kultura ng isang lipunan.
___2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa
isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
___3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan
mula rito.
___4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary
group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may
malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa.
___5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group.
Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang
social group ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na makaaapekto
sa bawat isa sa nasabing grupo.
20
Gawain 3. Photo Essay
Sa isang oslo paper ay gumawa ng Photo Essay na nagpapakita ng iba’t
ibang isyu at hamong panlipunan na dulot ng mga elemento ng istrukturang
panlipunan. Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine o kumuha ng mga
ito sa internet.
Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilang gabay sa
pagtupad ng gawaing ito.
Rubric sa pagmamarka ng Photo Essay
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Nakuhang
Puntos
Kawastuhan
Ang mga inilagay na larawan at paliwanag ay 7
tumutugma sa paglalarawan at konsepto ng
isang isyu at hamong panlipunan
Nilalaman
Wasto at makatotohanan ang impormasyon. 6
May pinagbatayang
pag-aaral, artikulo,
o
pagsasaliksik ang ginamit na datos.
Organisasyon
Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng photo 4
essay. Maayos na naipahayag ang konsepto ng
isyu at hamong panlipunan gamit ang mga
larawan at datos.
Pagkamalikhain
May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo 3
essay. Gumamit ng mga angkop na disenyo at
kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuan
ng produkto.
Kabuuan
20
Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga elemento ng istrukturang
panlipunan. Ang iyong kaalaman sa mga bagay na ito ay makakatulong sa pagsusuri at
pag-unawa mo sa ilang isyu at hamong panlipunang tatalakayin sa bawat markahan.
Kung may mga isyu na dulot ng hindi mabuting ugnayan ng mga Istrukturang
panlipunan, mayroon din namang mga isyung may kaugnayan sa kultura. Sa bahaging
ito, matutunghayan mo ang iba’t ibang elemento ng kultura at kaugnayan nito sa mga isyu
at hamong panlipunan.
21
Katuturan ng Kultura
Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang
kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay isang
kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa
isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama
sa mali at ang mabuti sa masama.
Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura
sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao”.
Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura. May
dalawang uri ang kultura. Ito ay ang materyal na kultura at hindi materyal na
kultura.
Dalawang Uri ng Kultura
Materyal
Hindi Materyal
Binubuo ito ng mga
gusali, likhang-sining, kagamitan,
at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa o nilikha
ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga
bagay na ito ay may kahulugan at
mahalaga sa pag-unawa ng
kultura ng isang lipunan.
Kabilang dito ang batas, gawi, ideya,
paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.
Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito
nahahawakan subalit ito ay maaaring makita
o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan. (Mooney, 2011)
Pigura 2: Dalawang Uri ng Kultura
22
Mga Elemento ng Kultura
Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga
istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.
Naglalarawan ito sa isang lipunan.
Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat
lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga paniniwala
(beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo.
Paniniwala (Beliefs)
Mga Elemento ng Kultura
Tumutukoy ito sa mga
Maituturing
itong batayan
kahulugan
at paliwanag
tungkol ng
sa
Paniniwala
Pagpapahalaga
Norms
Simbolo
pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo.
Pigura 3: Mga Elemento ng Kultura
Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan
sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala
ng isang indibiduwal o pangkat ng tao.Halimbawa, ang isang lipunang
naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay
magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang
kasarian nito.
Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng
isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa
kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito
kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat(Mooney, 2011).Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat
23
lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang
isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na
isyu o hamong panlipunan.
Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng
mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang
pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan
sa kabuuan. Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na
batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga
legal na parusa (Mooney, 2011).
Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring
magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang
magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito
ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may
kaukulang kaparusahan.
Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga
taong gumagamit dito. (White, 1949)
Kung walang simbolo, walang
magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng
mga tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas
(gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang
lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing
ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga
Pilipino sa mga nakatatanda.
24
Gawain 4. Modified True or False
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali,
itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.
__________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.
__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa
mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos
sa isang lipunan.
__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggaptanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.
__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may
kaukulang kaparusahan o sanctions.
__________5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan.
Paksa:Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Ikaw bilang bahagi ng isang lipunan ay may kinabibilangang institusyon, social
groups, status at may mga gampaning dapat gawin. Gayundin, mayroon kang mga
paniniwala, pagpapahalaga, norms na sinusunod, at nauunawaang mga simbolo.
Subalit, hindi maiiwasan sa ating lipunan ang pagkakaroon ng hindi
pagkakasundo o pagkakaunawaan ng mga institusyon, mga pagkakaiba ng
pagpapahalaga at paniniwala, at pagkakaiba ng opinion ng mga taong kabilang sa
magkaibang social groups. Ang hindi pagkakaunawaang ito ay maaaring magdulot
ng iba’t ibang isyu at hamong panlipunan.
Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang isyu? Ang susunod na
bahagi ay magbibigay ng kaalaman sa iyo tungkol sa mga katangian ng isyu at
hamong panlipunan.
25
Isang pampublikong usapin ang isyung panlipunan.
Samakatuwid,
nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi
mismo ng nasabing lipunan.
Karaniwang ang mga isyung panlipunan ay
sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Walang maituturing
na iisang depinisyon ang suliraning panlipunan subalit lubusang maunawaan
ito gamit ang Sociological Imagination.
Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pagunawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan
sa isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng
istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung
panlipunan.
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang
kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang
tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological
Imagination. Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang
koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating
buhay bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang
ating ginagalawan.
Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa
usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig-lugar. Sa simula,
maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit
kung susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli
ay bunga ng malawakang suliraning pantrapiko.
Kung gagamitin ang
Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na isyu ang
dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang
indibiduwal.
26
Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal at isyung panlipunan? Ang
mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang
malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng
indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay isang
pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa
isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay.
Isang
halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na
bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang
barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan.
Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang
lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng
pagtatapon ng basura.
Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya.
Isang
magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng
isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung
sa
isang
komunidad
na
may
100,000
mamamayang
maaaring
maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang
isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at
15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na “isyung
panlipunan”. Sa malalim na pagtingin, maaaring maging kongklusyon na may
kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng trabaho
ng maraming mamamayan dito.
27
Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung
panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao.
Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila
ang epekto nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng
kaguluhan at karahasan.
Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang bahagi ng
lipunang iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga
personal na isyung nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong
panlipunan.
Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang papel na
gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunan sa
kasalukuyan.
Gawain 5. Personal o Panlipunan?
Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan.
Isyung
Personal
Isyung
Panlipunan
28
Gawain 6.Pangatuwiranan mo!
Basahin ang mga situwasyon sa unang kolum. Ipaliwanag ang sanhi at
epekto ng bawat situwasiyon gamit ang Sociological Imagination. Pagkatapos,
punan ng tamang sagot ang kahon ng paglalahat.
Situwasyon
1.
Ayon
Paliwanag
sa
istatistiks, labing
limang
milyong
Pilipino
ang
walang trabaho.
2.
Isang mag-
aaral
ang
nahihirapang
gumawa
ng
takdang-aralin sa
Araling
Panlipunan.
3.
Dahil
sa
biglang paglakas
ng ulan, malaking
bahagi
komunidad
ng
ang
bumaha.
Paglalahat
Kung gayon, masasabi ko na ang Isyung Panlipunan ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
29
___________________________________________________________________
BINABATI KITA!
Matapos mong isakatuparan ang mga gawain sa bahagi ng
Paunlarin, may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa lipunan
at mga isyu at hamong panlipunang kinakaharap sa kasalukuyan. Sa
susunod na bahagi ng araling ito ay palalalimin ang iyong pag-unawa
tungkol sa paksang ito, ang PAGNILAYAN AT UNAWAIN.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa
tungkol sa paksa. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal
mong masusuri ang kaugnayan ng iyong mga personal na isyung
nararanasan sa mga hamon at isyung panlipunang nararanasan sa
kasalukuyan.
30
Gawain 7. Awit-Suri
Suriin ang bahagi ng awit na “Pananagutan” at sagutin ang mga
katanungan sa bawat kahon.
Ano
ang
ipinahihiwatig
ng
unang talata tungkol
sa pagiging bahagi
ng isang tao sa
lipunang
kanyang
ginagalawan?
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
Pananagutan
Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling Niya
Sa ating pagmamahalan at
paglilingkod sa kanino man
Tayo’y nagdadala ng balita ng
kaligtasan (Drilon, 2014)
Sa iyong palagay,
ano ang kahulugan
ng linyang “tayong
lahat
ay
may
pananagutan sa isa’t
isa? Ipaliwanag.
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
Ano ang kahalagahan ng pagmamahalan at paglilingkod ng bawat tao sa isa’t isa bilang
kabahagi ng lipunan? Ipaliwanag
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
31
Gawain 8: Ako ay Kabahagi
Punan ang kahon ng isang isyu o hamong panlipunang nararanasan sa
kasalukuyan at isulat ang iyong bahagi sa pagkakaroon at pagtugon sa isyu o
hamon sa pamamagitan ng pagkompleto sa nilalaman ng pangungusap.
Isyu/ hamong Panlipunan:
___________________________________________
Ang
aking
bahagi sa
pagkakaroon ng ganitong
isyu/hamong panlipunan ay
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
Ang
aking
bahagi sa
pagtugon
sa
ganitong
isyu/hamong panlipunan ay
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
32
Pamprosesong mga Tanong:
1. Anong aspekto ng lipunan ang may kaugnayan sa isyu o hamong iyong
napili?
2. Ano ang aral na iyong nakuha mula sa paggawa ng gawain? Ipaliwanag.
3. Bilang bahagi ng lipunan, anong papel ang iyong magagawa sa pagtugon
sa mga isyu o hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan?
Ipaliwanag.
BINABATI KITA!
Matapos mong isakatuparan ang mga gawain sa bahagi ng
Pagnilayan at Unawain, may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa
tungkol sa lipunan at mga isyu at hamong panlipunang kinakaharap sa
kasalukuyan. Handa ka nang magsuri sa iba’t ibang isyu at hamong
kinakaharap ng iba’t ibang aspekto ng lipunan katulad ng sa kapaligiran,
ekonomiya, kasarian at lipunan, politika at pagkamamamayan, at iba pa.
Transisyon sa Susunod na Modyul
Tinalakay sa modyul na ito ang mga katangian ng lipunan. Mahalaga
ito sapagkat kailangan mo munang malaman kung ano-ano ang mga bumubuo
sa lipunan upang maunawaan mo ang ugat ng mga isyu at hamon na ating
nararanasan sa kasalukuyan. Binigyang-linaw rin sa modyul na ang mga
personal na isyu ay nararanasan ng isang indibiduwal subalit kung ito ay
nararanasan ng mas nakararami at nakaaapekto sa lipunan sa pangkalahatan,
ito ay maituturing na isyung panlipunan.
33
Tatalakayin sa kabuuan ng asignaturang ito ang mga isyu at hamon sa
iba’t ibang aspekto ng lipunan katulad ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran, isyung pang-ekonomiya, kasarian at lipunan (gender and
society) at pagkamamamayan (citizenship). Naglalayon ang bawat aralin na
maging mulat ang bawat mag-aaral sa mga isyu at hamong hinaharap ng
lipunan at maging aktibong bahagi sa paglutas ng mga ito.
34
MODYUL 1: MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN
Panimula at Gabay na Tanong
Noong Hunyo 2014, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Albay ang
zero casualty sa kanilang lalawigan na isa sa sinalanta ng malakas na bagyong
Glenda (Andrade, 2014). Ibig sabihin, sa kabila ng pagtama ng malakas na
bagyo, walang namatay sa nasabing probinsiya.
Marami ang pumuri sa
tagumpay na ito ng mga taga-Albay dahil kadalasan, nagdudulot ng
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian ang malalakas na bagyong
nararanasan sa ating bansa. Paano kaya nila ito nagawa? Nagkataon lang ba
o ito ay dulot ng masusi at maayos na paghahanda?
Ang pagiging handa sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ay
mahalaga dahil sa kasalukuyan itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
bansang may mataas na posibilidad na makaranas ng iba’t ibang kalamidad at
suliraning pangkapaligiran.
Sa modyul na ito, pagtutunan mo ng pansin ang mga suliranin at
hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kasalukuyan. Inaasahan na
masagot mo ang tanong na: Paano mabisang matutugunan ang mga
suliranin at hamong pangkapaligiran?
35
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na
pamantayan sa pagkatuto:
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa mga sanhi at implikasyon
ng mga hamong pangkapaligiran
upang maging bahagi ng pagtugon
na makapagpapabuti sa pamumuhay
ng tao
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo
ng angkop na plano sa pagtugon sa
hamong pangkapaligiran tungo sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng tao
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 – Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran
Aralin 2 – Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran
Aralin 3 – Mga Hakbang sa Pagbuo ngCommunity-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan
Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:
Mga Aralin
Aralin 1:
Konteksto
ng
Suliraning
Pangkapaligiran
Aralin 2:
Ang Dalawang
Approach
sa
Pagtugon
sa
mga Hamong
Pangkapaligiran
Aralin 3:
Mga Hakbang
sa Pagbuo ng
CommunityBased Disaster
Risk Reduction
Kasanayang Pampagkatuto
 Natatalakay
ang
kasalukuyang
kalagayang
pangkapaligiran ng Pilipinas
 Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran
 Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang
sektor upang pangalagaan ang kapaligiran
 Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas
batay sa epekto at pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran
 Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa
pagharap sa suliraning pangkapaligiran
 Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottom up
approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran
 Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa
pagharap sa suliraning pangkapaligiran
 Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa
pagsasagawa ng CBDRRM Plan
 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
CBDRRM Plan
36
and
Management
Plan
 Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa
harap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran
 Naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan
 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at
kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng
mga suliraning pangkapaligiran
 Nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster
Risk Reduction and Management Approach sa
pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran
37
PAUNANG PAGTATAYA
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin
sa modyul na ito.
1. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng
balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung
patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig,
gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon
ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na
nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na
yaman ang tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig
B. Yamang lupa
C. Yamang gubat
D. Yamang mineral
Para sa bilang 2-4, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning
Office tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa Pilipinas.
National Disaster at a Glance(Senate Economic Planning Office, 2013)
Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of
lives, homes, livelihood and services. They also result in injuries, health
problems, property damage, and social and economic disruption. From 2000 to
2012, natural disasters in the Philippines caused the death of 12,899 people and
injury to 138,116 persons. These disasters also affected more than 71 million
individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socioeconomic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual
damages of US$251.58 million.
2. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan
sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan
38
B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
3. Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng epekto ng kalamidad sa
pamumuhay ng tao.
4. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa iyong
mabubuong kaisipan tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran sa pamumuhay ng tao.
5. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t
ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003
C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742
D. Republic Act 7586
Para sa bilang 6, tignan ang graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas mula
1990 hanggang 2015.
26.5
26.0
25.5
25.0
24.5
24.0
23.5
23.0
22.5
22.0
1990
1995
2000
2005
2010
2015
1990 - 2015
39
Ano ang ipinakikita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?
A.
Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990
hanggang sa kasalukuyan
B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 19902015.
C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng
2010-2015.
D. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan
nito.
7. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga suliraning pangkapaligiran?
A.
Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng
iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa
kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
8. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach
sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization
(NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa
kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan
mula sa panganib ng paparating na bagyo.
40
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng
estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng
malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first
aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
Basahin ang teksto para sa bilang 9-10
Sa bottom-up approach, nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang
mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan. Ito ay taliwas satop-down approach.
Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan
lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Binigyangdiin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan ng top-down approach ang mga
pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster
management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumunoang nabibigyang
pansin sa pagbuo ng plano.
Ang kahinaang ito ng top-down approach ang nais bigyang katugunan ng bottom-up approach.
Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad,
at pangagangilangan ng pamayanan. Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at
pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.
9. Sa pamamagitan ng Venn diagram, suriin ang pagkakatulad at pakakaiba
ng katangian ng top-down at bottom-up approach.
Top down approach
Bottom up approach
41
10. Batay sa teksto, ano ang iyong mabubuong pangkalahatang ideya sa
pagkakaiba ng top-down at bottom-up approach? Ilahad ito gamit ang tatlo
hanggang limang pangungusap.
Tignan ang kasunod na pigura upang masagot ang tanong bilang 11-12:
STEP 1:
STEP 2:
STEP 3:
STEP 4:
Community
Engagement
Identification of
Vulnerability
Factors
Identification of Local and
Scientific Strategies
Integrated
Strategy
Local Strategies
- Past and present
Community
Engagement:
- Collaboration with
community and
stakeholders
Identification of
intrinsic and extrinsic
components
contributing to hazard
vulnerability.
Identification through:
- Identification of
community goals
1. Community
situation analysis
Integrated Strategy
- Examples may
include: land use
planning,
building
methods,
food
strategies,
social
Scientific Strategies
- Past and present
2. Identification of
priorities
Process Framework
integrating local and scientific
knowledge (J. Mercer)
- Addressing intrinsic
components to
hazards
- Examples may
include: land use
planning,
building
methods,
food
strategies,
social
linkages
and
- Dependent on
effectiveness level of
each strategy
Ongoing revision and evaluation
42
DRR
11. Pagtuunan ng pansin ang Step 1, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
community engagement kung saan nakapaloob ang collaboration with
community and stakeholder?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag
pinagplanuhan
C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito
ng iba’t ibang sektor
D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga
mamamayan
12. Suriin ang Step 3 at Step 4, bakit mas hinihikayat ang pagsasanib o
integrasyon ng mga lokal at siyentipikong istratehiya sa pagbuo ng Disaster
Risk Reduction and Management Plan? Ilahad ito sa tatlo hanggang limang
pangungsap.
13.Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Response
C. Hazard Assessment
D. Recovery and Rehabilitation
14. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng CommunityBased Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Capability Assessment
C. Loss Assessment
B. Hazard Assessment
D. Vulnerability Assessment
43
Basahin ang kasunod na teksto para sa bilang 15-17:
Ang Disaster Risk Reduction and Management Plan ay mayroong apat na
yugto: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster
Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa unang yugto ay isinasagawa
ang iba’t ibang pagtataya tulad ng hazard assessment, risk, vulnerability assessment,
at capacity assessment. Ang mga impormasyong makukuha dito ay gagamitin bilang
batayan sa iba pang yugto ng plano. Sa ikalawang yugto naman ay ipinagbibigayalam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin bago at habang nararanasan ang
isang kalamidad upang maiwasan ang higit na pinsala sa buhay at ari-arian.
Samantala sa ikatlong yugto ay inilalahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang
nararanasan ang kalamidad. Sa ikaapat na yugto ay inilalatag ang plano kung paano
matutulungan ang mga nasalanta at maging ang komuidad na bumangon mula sa
naganap na kalamidad.
Para sa tatlong puntos, gumawa ng flowchart na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng apat at dahilan kung bakit isinasagawa ang apat na
yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.
Rubric para sa pagmamarka ng flowchart
Pamantayan
Deskripsiyon
Nilalaman
Wasto ang lahat ng nilalaman ng
flowchart. Naipakita sa flowchart 2
ang lahat ng impormasyon na
kailangan maunawaan ang
kaugnayan ng mga konsepto.
Madaling
maunawaan
ang
pagkakaayos
ng
mga 1
impormasyon sa flowchart. Ang
naisip
na
flowchart
ay
nagpapakita ng maliwanag na
daloy at pagkakaugnay-ugnay
ng impormasyon.
Kabuuan
3
Organisasyon
Puntos Nakuhang
Puntos
44
Para sa 18-20, basahin ang sumusunod na artikulo:
Unang artikulo.Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas
(2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.
Geography and Public Planning:
Albay and Disaster Risk Management
Agnes Espinas
Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon
sa mga kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog
ng kampana ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang
isang barangay na magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang
uri ng kalamidad. Ang iba ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon
ng kaalaman sa estado ng kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang
pagbangon mula sa isang kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng isang
komunidad ang mga paraan kung paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot
ng isang kalamidad. Nasa kanilang pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas
na lugar. Ang pagtungo sa mga evacuation centers, na karaniwang mga pampublikong
paaralan, ang paraan upang magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng
pagkain, damit, at gamot. Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin
ang mga lokal na opisyal upang masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan
subalit, walang sinusunod na protocol at nakahandang plano sa pagharap sakaling
magkaroon ng kalamidad sa kanilang lugar.
45
Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay
tinatawag na “after-the-fact-disaster response”.(Romero, 2008:6) Ang paraan
ng pamahalaang pamprobinsya, mahahalagang ahensya ng lokal na
pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at reaksiyon lamang sa mga
naganap na kalamidad.
Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng
pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing pinagtutuunan
ng pansin ang kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng
relief assistance sa panahon ng kalamidad.
Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap
sa kalamidad ay maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang
pangangailangan at hindi bahagi ng regular na tungkulin ng nasabing ahensya
ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang dahil sa
pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga
gawain ng disaster control group ay ang pagbibigay ng mga early warning
signal, paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng mga relief goods,
at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa kalamidad,
nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na nagaganap.
Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga gawain sa rehabilitasyon ng
mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad.
Taong 1989, sa tulong ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng
Albay ang pagkakaroon ng community-based disaster preparedness upang
mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay at pagkasira ng ari-ariang
dulot ng mga kalamidad sa kanilang lalawigan.
46
Ikalawang Artikulo. Ang ikalawang aritkulo ay hango mula sa ulat ng
Partnerships for Disaster Reduction – South east Asia Phase 4 (2008). Ang
ulat ay tungkol sa implementasyon ng Community-Based Disaster Risk
Management sa Pilipinas.
Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects
and Programs Implemented by Non-Government Organiations
(NGOs)
Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang
nakikibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at
siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya at siyudad, 43, ang natukoy na mga atrisk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng READY Project. Makikita sa
talahanayan ang iba’t ibang organisasyon na nagpatupad ng mga gawain may
kaugnayan sa CBDRM. Ang mga organisasyong ito ay isinaayos sa
kategoryang internasyunal na NGO, lokal na NGO, NAPCVDC NGOs.
Ang mga natitirang NGOs ay miyembro ng Victims of Disaster and Calamities
(VDC) Sector of National Anti-Poverty Commission (NAPC). Ang limang NGOs
ay na ito ay ang Balay Rehabilitation Center, Inc (Balay), Creative Community
Foundation, Inc (CCF), Pampanga Disaster Response Network, Inc (PDRN),
Philippine Relief and Development Services, Inc (PhilRADS), at PNRC Agusan
Del Norte–Butuan City Chapter.
Ang mga nabanggit na internasyunal at lokal na NGOs ay may kabuuang
51 CBDRM-related na proyekto at programa. Subalit, mayroon lamang
dalawang NGOs na may kasalukuyang programa na may kaugnayan sa Hydrometeorological Disaster Mitigation for Secondary Cities in Asia (PROMISE). Ito
ay matatagpuan sa Dagupan City, sa Pangasinan at sa Easter Visayas.
47
Talahanayan 1.11 – List of Non-Government Organizations that have
Implemented Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM)
Activities
Sanggunian: Partnerships for Disaster Reduction – Southeast Asia Phase 4
(2008)
48
Ikatlong Artikulo. Ang ikatlong artikulo ay hango mula sa artikulo ni Lorna
P. Victoria, (2001) ang director ng Center for Disaster Preparedness ng
Pilipinas.
Replicating Ideally Prepared Communities
(Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)
Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization
sabagong tatag na Philippine Disaster Management Forum, tiniyak pa rin nito na
ang presensiya, tinig, at interes ng mga pamayanan sa CBDM ay mapapanatili.
Pagkatapos ang matagumpay na disaster preparedness at emergency response
activities tulad ng maayos na paglikas, search and rescue at evacuation center
management ng mga pamayanan mula pa noong 1997, tumulong na rin ang
Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang kanilang
CBDM. Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo
ng mga residente ng Doña Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North
at South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997 pagkatapos ang
pagkilos ng pamayanan laban sa plano ng isang construction company na
magtayo ng isang cement batching plant sa katabing lupaing agrikutlural.
Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga pagbaha sa kanilang
pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina.
Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness
Seminar noong Hunyo 1997, binuo ng Buklod Tao ang Disaster Response
Committee (DRC) na mayroong 33 miyembro at nagbalangkas ng Counter
Disaster Plan. Tatlong disaster management teams ang binuo at ang emergency
rescue at evacuation plan ay inayos (kasama ang pagbuo sa 3 bangkang
fiberglass). Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang
life jacket. Mula sa ibang mga donasyon ay nakalikom ang samahan ng pondo
(humigit kumulang Php 30,000) na pambili ng flashlights, baterya, mga tali,
megaphones, first aid kits at mga kagamitan sa pagbuo ng tatlong rescue boats.
Dalawang buwan pagkatapos ng disaster preparedness seminar, isang bagyo
ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na maraming bahayang nasira ay wala
namang namatay at maraming naisalba ang mga mamamayan. Simula noon,
maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa flood-level monitoring, early
warning, evacuation, rescue operations, at relief assistance activities ng DRC at
Buklod Tao.
49
Summary chart
Para sa tatlong puntos, punan ng tamang sagot ang summary chart:
Paano tinugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?
Batay sa unang artikulo
Batay sa ikalawang artikulo
Batay sa ikatlong artikulo
v
Batay sa tatlong artikulo na aking sinuri, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin
at hamong pangkapaligiran ay dapat na ______________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________.
50
ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran
Ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran ay nagsisimula sa
pag-unawa sa mga sanhi at bunga ng suliranin at hamong nararanasan natin
sa kasalukuyan. Tatalakayin sa araling ito ang kalagayang pangkapaligiran ng
Pilipinas at ang pagtugon na ginagawa upang ito ay mabigyan ng solusyon.
ALAMIN
Bago
tuluyang
tuklasin
ang
hamong
pangkapaligiran
na
kinakaharap ng sangkatauhan, subukin muna ang iyong kaalaman tungkol
sa paksa sa pamamagitan ng pagganap sa mga inihandang gawain sa
bahaging ito.
Pagtuunan ng pansin ang iyong paunang sagot sa Gawain 2 upang
makita mo ang pag-unlad ng iyong kaalaman at pag-unawa sa mga
paksang tatalakayin sa modyul na ito.
Gawain 1.“Sa Gitna ng Kalamidad”
Makibahagi sa gawain na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa
alituntunin na ilalahad ng iyong guro. Isabuhay ang mga tauhan na maitatalaga
sa iyo.
Ang Barangay Sanipilip ay isang isla na kadalasang nakararaanas
ng malakas na bagyo. Isipin ang hakbang na dapat gawin ng tauhan na
naitalaga sa iyo sa sumusunod na pagkakataon:
a. bago ang bagyo
b. pagtama ng bagyo
c. pagkatapos ng bagyo
Ikaw
ay
maaaring
maitalaga
bilang
government
official,
pangkaraniwang mamamayan, miyembro ng isang Non-Government
Organization (NGO), o mula sa business sector.
51
Pamprosesong mga Tanong:
1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang aksiyon sa naganap na
kalamidad? Bakit?
2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinasalang dulot ng mga
kalamidad sa buhay at ari-arian?
3. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga kalamidad?
Gawain 2.Inner/Outer Circle
Sagutin ang tanong na: “Paano mabisang matutugunan ang mga
suliranin at hamong pangkapaligiran?” Isulat ang sagot sa inner circle.
Inisyal na
Sagot
Panghuling Sagot
52
BINABATI KITA!
Pagkatapos masuri ang iyong mga kaalaman tungkol sa pagharap sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay tiyak kong nais mong mapalalim
pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.
Sa susunod na bahagi ng
aralin ay pagtitibayin ang iyong kaalaman at masasagot din ang ilang tanong
na naglalaro sa iyong isipan. Sa pagtupad mo sa iba’t ibang gawain, suriin
kung tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaaalaman
na iyong matututuhan sa modyul na ito. Gamitin ang mga dating kaalamang
ito para sa talakayang gagawin sa susunod na bahagi ng modyul, ang
PAUNLARIN.
53
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahan na mauunawaan mo ang kaligiran ng mga
suliraning pangkapaligiran at mga pagkilos ng ginagawa para mapangalagaan ang
ating kalikasan. Bilang kabahagi ng komunidad, mahalagang maging mulat ka sa
mga suliraning pangkapaligirang nararansan sa kasalukuyan.Simulan mo na ang
paglalakbay tungo sa iyong pagkatuto.
Paksa: Ang mga Suliranin at HamongPangkapaligiran
Sa paksang ito, tatalakayin ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran
na nararanasan ng Pilipinas at ang epekto ng ito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman? Natutuhan mo sa pagaaral ng Ekonomiks na isa ang likas na yaman sa tinatawag na salik ng
produksiyon. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng mga hilaw na materyales
upang gawing produkto at pinagmumulan din ito ng iba’t ibang hanapbuhay.
Sa katunayan, humigit kumulang sa 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas
na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay ang
pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross Domestic
Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014. Kasama din dito ang 1.4% mula sa
yamang-gubat, at 2.1% mula sa pagmimina. Ang likas na kagandahan ng
Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo ay nagbibigay ng
trabaho sa mga Pilipino.
Makikita sa mga nabanggit na situwasiyon ang
54
kahalagahan ng likas na yaman at kalikasan sa ating pamumuhay. Ngunit, sa
kabila nito ay tila hindi nabibigyang-halaga ang pangangalaga sa ating
kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at hamong kinahaharap ng
ating bansa dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang
kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng
pagkakaroon ng malalaakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang
pagbaha.
Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan para
mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay. Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa
Pilipinas ay ang sumusunod:
1. Suliranin sa Solid Waste
Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan
at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga
kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada
araw noong taong 2015.
Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7
kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average
(National Solid Waste Management,2016). Ang malaking bahagdan ng
itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong
56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong
tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste
Management Status Report,2015).
55
Other
Residential
Commercial
56.7%
8.8%
Commercial
Market
27.1%
18.3%
Industrial
Institutional
4.1%
12.1%
Bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste. (National Solid
Waste Management Status Report, 2015).
Paper and
cardboard
Biodegradables
52.31%
8.70%
Recyclables
27.78%
Plastics
10.55%
Metals 4.22%
Glass 2.34%
Residual
Special
17.98%
Textile 1.61%
Leather and rubber 0.37%
1.93%
Bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste. (National Solid
Waste Management Status Report, 2015).
56
Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa
solid waste. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.
Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero,
kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha
at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog ng basura na
nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga
waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago
dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite, problemang maaari sanang
maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga
pampublikong lugar ang waste segregation.
Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila,
ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito.
Sa ulat na
pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank, 2004) ang
leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na
dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay
ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng
halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming
iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado
din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na
sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o
kaya ay mamatay. Matatandaan na ipinasara ang Payatas dumpsite matapos
ang trahedya na naganap noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang
natabunan nang gumuho ang bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan.
Nasundan pa ito ng sunog na ikinamatay ng 205 katao.
Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng
electronic waste o e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv. Lumabas sa
pagsusuri na ginawa ng Global Information Society (2010), na humigit
57
kumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa landfill na siyang
kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na
mapapakinabangan.
Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng
pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot
ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead,
cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at
maging ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
Ang mga nabanggit na suliranin sa solid waste ay pinagtutulungang
solusyunan ng iba’t ibang sektor. Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act
9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang
magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga
naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility
(MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang
nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa
kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang
ng MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste Management Status
Report, 2015). Iniulat din ng National Solid Waste Management Commission
ang ilan sa best practices ng mga Local Government Units (LGUs) sa
pamamahala sa solid waste.
Halimbawa ng mga Best Practice sa pamamahala ng Solid Waste
Lugar
Sto.
Best Practice
Tomas,
Davao del Norte

No Segregation, No Collection

No Orientation & Implementatin of Ecological
Solid Waste Management (ESWM), No Issuance
of Municipal Permits

Municipal-wide composting & livelihood projects
58

Takakura Market Waste Composting

Garbage = Points
Teresa, Rizal

Residual Waste Management
Quezon City

Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with
Bago
City,
Negros
Occidental
Barangay
Bagumbuhay,
Project
4,
Quezon City
Methane Recovery for Power Generation
(Sanggunian: Aguinaldo, 2014)
Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang
mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay
sumusunod:
 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga
barangay.
 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng
Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice
Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo,
2008).
 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation
ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.
 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao
sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng
kapayapaan
Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin
ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ang
59
pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng
pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa
nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang
tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na
paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran
na ating nararanasan.
Gawain 3. Data Retrieval Chart
Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutuhan sa suliranin
sa solid waste sa Pilipinas.
Suliranin
Sanhi
Bunga
Mga Solusyong Ginagawa
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?
Gawain 4. Sa aking komunidad
Magsaliksik ng programa para sa solid waste management na
ipinatutupad sa inyong paaralan o barangay. Gumawa ng presentation tungkol
dito.
60
Rubric para sa presentation
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Nilalaman
Makatotohanan
presentasyon.
datos,
at
ang
nilalaman
ng
Gumamit ng mga larawan, 10
iba
pang
sanggunian
upang
suportahan ang impormasyong binanggit sa
presentasyon.
Pagsusuri
Naipahayag
ang
mga
dahilan
ng
mga
kinahaharap na pagsubok o pagtatagumpay 10
ng programa at nakapagbigay ng mungkahi
upang magpatuloy ang mga ito.
Pagkamalikhain Gumamit ng malikhaing paraan sa paglalahad
ng programa.
5
Kabuuan
25 puntos
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga balakid na kinaharap o kinahaharap ng programa na
inyong inilahad?
2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor sa mga programa
para sa solid waste management?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin
sa solid waste?
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na
yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita
mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang
61
pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap
sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya
at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain
ay naggawa mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na
yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at
nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit
nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi epektibong
pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan,
at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ng aralin
ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa.
Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…
Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay
naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003.
Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw
mula sa dating 10 kilo.
Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung taon
Sanggunian:(Country Environmental Profile, 2005), (National Economic
Development Authority, 2011)at (Center for Environmental Concerns Yamang mineral – 1.3% ng GDP o 97.1 bilyong piso noong 2009 ay mula sa kita sa
Philippines, 2012)
pagmimina.
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang
Biodiversity
– noong
2008
nasa
221nilalang
species ng
526 species
flora ang
bilang
tahanan
ng iba’t
ibang
mga
na fauna
nagpapanatili
ng ng
balanse
ng nailista
kalikasan,
mga threatened species.
mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang
62
iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao.
Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng
trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa
kagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa
kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan
ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforesataion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United Nations, ang
deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng
kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad
(FAO, 2010). Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung
saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong
ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change Commission,
2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge Demetrio Ignacio,
lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa
mga bansa sa Timog silangang Asya (Andrade, 2013). Higit na mababa ang
ulat na inilabas ng European Union Joint Research Centre kung saan gamit ang
satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19% ang kagubatan
ng Pilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa nito
ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain
Epekto
Illegal logging
Ang walang habas na pagputol ng puno ay
- Ilegal na pagputol sa mga nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng
puno sa kagubatan.
kawalan
ng
ngipin
Ang pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng
sa tahanan ng mga ibon at hayop. Sa katunayan
pagpapatupad ng mga batas noong 2008 ay mayroong 221species ng
sa illegal logging sa Pilipinas fauna at 526 species ng flora ang naitala sa
63
ang
nagpapalubha
sa threatened
suliraning ito.
list
(National
Economic
Development Authority, 2011)
Migration – paglipat ng Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn
pook panirahan
farming) ang mga lumilipat sa kagubatan at
kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo
ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng
lupain dito.
Mabilis
na
pagtaas
populasyon
ng Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng
Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas na
demand sa mga pangunahing produkto kung
kaya’t
ang
mga
dating
kagubatan
ay
ginawang plantasyon, subdivision, paaralan,
at iba pang imprastruktura.
Fuel wood harvesting
Ayon sa Department of Natural Resources na
-paggamit ng puno bilang lumabas sa ulat ng National Economic
panggatong.
Isang Development Authority (2011), tinatayang
halimbawa ay ang paggawa mayroong
ng uling mula sa puno.
8.14
milyong
kabahayan
at
industriya ang gumagamit ng uling at kahoy
sa
kanilang
pagluluto
at
paggawa
ng
produkto, ang mataas na demand sa uling at
kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng
mga puno sa kagubatan.
Ilegal na Pagmimina
Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil
kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng
mga mineral tulad ng limestone, nickel,
copper, at gold. Kinakailangang putulin ang
mga puno upang maging maayos ang
operasyon ng pagmimina. Nagdudulot din ng
64
panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang
nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay
na mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23
proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa
kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at
Mindoro.
Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga
mamamayan lalo na yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan.
Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila
ng kabuhayan.
Sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang batas, kautusan,
programa at proyekto na isinagawa sa Pilipinas mula sa pagtutuluungan ng
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapangalagaan ang
kagubatan. Makikita ito sa timeline na nahahati sa tatlong bahagi: ang una ay
noong panahon ng pananakop mula (1910-1945); panahon matapos ang
digmaan (1946-mid 1970s), at 1970-hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
impormasyon sa timeline na ito ay hango sa aklat na pinamagatang One
century of forest rehabilitation in the Philippines (Chokkalingam et al., 2006),
sa ulat na pinamagatang Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement
(Oliva, 2007) at sa opisyal na website ng Forest Management Bureau.
Panahon ng Pananakop (1910-1945)
1910
Itinayo ang kauna-unahang Forestry School (ngayon ay College of
Forestry and Natural Resources) sa Los Baños, Laguna.
1916
Isinabatas ang Republic Act 2649 kung saan ay naglaan ng
sampung libong piso para sa reforestationng Talisay-Minglanilla
Friar Lands Estate sa sa Cebu.
1919
Itinatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos, at
Zambales.
65
1927-1931
Itinatag ang Cinchona plantation sa Bukidnon at nagsagawa ng
iba pang proyekto para sa reforestation.
1937-1941
Naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan para sa mga
programang pangkagubatan. Itinatag ang Makiling Reforestation
Project.
Panahon matapos ang digmaan (1946kalagitnaan ng dekada 70)
1946-1948
Limitado lamang ang pondong nilaan ng pamahalaan para sa mga
proyekto ng reforestation kung kaya’t hindi gaanong
naisakatuparan ang mga programa.
1948
Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation sa bisa ng
Republic Act 115.
1960
Itinatag ang Reforestation Administration sa bisa ng Republic Act
2706. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa
reforestation ng bansa.
Kalagitnaan ng dekada 70 hanggang sa
kasalukuyan
1975
Nilagdaan ang Presidential Decree 705 kung saan ay ipinag-utos
ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang
pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema
ng pagkakaingin.
1977
Sa bisa ng Presidential Decree 1153 ay ipinag-utos sa lahat ng
mga mamamayang 10 taong gulang pataas na magtanim ng 12
seedling bawat taon sa loob ng limang taon.
1980s
1987
Sinimulan ng pamahalaan ang mga people-oriented programs
tulad ng Integrated Social Forestry Program noong 1982 at
Community Forestry Program noong 1987.
Tumulong din ang mga NGO tulad ng programang “Sloping Land
Agricultural Technology” o SALT sa Mindanao, progama ng World
Neighbours sa mga komunidad sa kabundukan, at ang programa
ni Pastor Delbert Rice sa mga katutubo sa Sta Fe Nueva Viscaya.
Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa ng Executive Order 277
66
1987
Sinimulan ang Forest Sector Projects (FSP) I at II
1992
Naisabatas ang Republic Act 7586 o ang “NationalIntegrated
Protected Area System” (NIPAS). Layunin nitong mapangalagaan
ang mga tinatawag na protected areas mula sa pang-aabuso
1995
Sinimulan ang National Forestation Program (NFP). Layunin nito
na magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya ng
kagubatan sa buong bansa.
1997
Malaki ang naging epekto ng pagsasabatas ng Republic Act 8371
o Indigenous People’s Rights Act” (IPRA) sa pangangalaga ng
kagubatan.
2001
Ipinasa ang sumusunod na batas:
RA 9072 - “National Cave and Resources Management and
ProtectionAct”,
RA 9147 - “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”
2004
2011
RA 9175 - “The Chainsaw Act”
Proclamation No. 643
Hinakayat ang participasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno,
pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang
makihalok sa tree planting activities. Idineklara ang June 25 bilang
Philippines Arbor day.
Nilagdaan ang sumusunod:
Executive Order No. 23
- nagdelakara ng moratorium (isang legal na kautusan upang ihinto
ang isang gawain) sa pagputol ng puno sa natural at residual na
kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging
task force.
Nilagdaan
ang sumusunod:
Executive Order
No. 26
2015
Sa kasalukuyan
Executive
Order
193
- idineklara
ang No.
pangangailangan
sa pagtutulugan ng iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program
- layunin nito na palawakin ang sakop ng National Greening
Mga
programa para sa pagpapanumbalik ng kagubatan
Program
National Greening program
National
Protection
RepublicForest
Act No.
10690 Program
Forestland
Project
- tinatawagManagement
din bilang The
Forestry Profession Law
Integrated
Natural
Resources
and
Environmental
Management
Project
- itinadhana
ng batas
na ito ang
pagsasagawa
ng regulasyon
sa mga
67
Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng
pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ay ang unti-unting
pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng United
Nations Food and Agriculture Organization (FAO), noong 2015 ay panlima ang
Pilipinas sa 234 na bansa na may malawak na lupaing napapanumbalik sa
kagubatan (Galvez, 2016).
26.5
26.0
25.5
25.0
24.5
24.0
23.5
23.0
22.5
22.0
1990
1995
2000
2005
2010
2015
1990 - 2015
Line graph na nagpapakita ng lawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2015.
Sanggunian: (Food and Agriculture Organization, 2015) Retrieved on February 4, 2017.
Gawain 5. Thesis Proof Worksheet
Punan ng sagot ang chart batay sa iyong natutuhan sa mga suliraning
nararanasan sa ating yamang gubat.
Tanong:
Dapat
bang Thesis: (dapat o hindi dapat ipagpatuloy)
ipagpatuloy ang mga gawaing dahil
___________________________________
68
pangkabuhayan sa kabila ng
pagkasira ng kagubatan?
Proof o mga patunay upang suportahan ang
iyong thesis.
1.
2.
3.
Kongklusyon:
Pamprosesong mga Tanong:
1. Paano natin dapat ginagamit ang ating kagubatan?
2. Makatutulong ba kung ititigil na ang paggamit sa yamang-gubat? Bakit?
3. Paano kaya makakamit ang pag-unlad nang hindi nalalagay sa panganib
ang ating kalikasan?
Gawain 6. Status report
Makibahagi sa iyong pangkat upang gumawa ng status report tungkol sa
suliraning nararanasan sa iba pang likas na yaman ng ating bansa. Gamiting
gabay ang format sa ibaba. Maging malikhain sa paglalahad ng status report.
Suliranin sa ________________________
Panimula:
(Magbanggit ng mga datos tungkol sa
likas na yaman na napili ng inyong
pangkat)
Kahalagahan:
69
(Ipaliwanag ang kahalagahan ng
napiling likas na yaman. Suportahan
ito ng mga datos.
Suliranin:
(Suriin
ang
nararanasan
mga
sa
suliraning
kasalukuyan
at
epekto nito)
Mga Pagkilos:
(Magsaliksik
tungkol
sa
mga
programa ng pamahalaan at iba’t
ibang sektor tungkol sa likas na
yamang napili)
Konklusyon:
(Magbigay ng konklusyon kung bakit
patuloy na nararanasan ang mga
suliranin sa likas na yaman)
Rubric sa pagmamarka ng status report
Pamantayan
Deskripsiyon
Nilalaman
Wasto
ang
Puntos
nilalaman.
Gumamit
ng
napapanahong datos. Nailahad ang hinihingi ng 10
status report
Pagsusuri
Naipahayag ang pagsusuri sa dahilan kung bakit
patuloy na nararanasan ang mga suliranin sa likas 10
na yaman gamit ang napapanahong datos
Presentasyon
Malikhain at organisado ang paglalahad ng ideya. 5
Kabuuan
25
puntos
70
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa likas na yaman na sinuri ng
inyong pangkat?
2. Paano ito nakaapekto sa ating pamumuhay?
3. Kung magpapatuloy ang mga nabanggit na suliranin, ano ang maaaring
mangyari sa ating pamumuhay?
4. Paano masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin sa ating mga likas
na yaman?
3. Climate Change
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein,
Dorsch, & Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung
bansa na pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas,
dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na
kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa
Pilipinas dahil sa climate change.
Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa Intergovernmental Panel on
Climate Change (2001), “Climate change is a statistically significant variation
in either the mean state of the climate or in its, variability, persisting for an
extended period (typically decades or longer). It may be due to natural internal
processes or external forcing, or to persistent anthropogenic changes in the
composition of atmosphere or in land use.” Sinasabi na kahulugan na ang
climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding
napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito
ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na
antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere.
Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at
pagsusunog ng mga kagubatan.
71
Talahanayan 1.1 – The Long-Term Climate Risk Index (CRI): the 10 countries most affected
from 1995 to 2014 (annual averages)
Sanggunian: Global Climate Risk Index (Sönke et al., 2015)
Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008), na
nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang
madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng malalakas
na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fires.
72
Talahanayan 1.2 – Destructive typhoons of more than 1 B PhP annual total damage
Sanggunian:IMPLEMENTIING CLIIMATE SMART AGRIICULTURE
Riidge -- Riiver -- Reeff:: The Philippine Adaptation and Mitigation Initiative for
Agriculture(Rudinas, Godilano, & Ilaga, 2013)
Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral
bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling
mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan
din na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa
patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa
Antartic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa
food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor
ng agrikultura.
Lumiliit ang produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa
pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani,
73
irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at pagkamatay ng mga magsasaka
at mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng
sakit tulad ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at
matinding init. Mayroon ring ilang mga mamamayan ang napipilitang lumikas
sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan
ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang
dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.
Sa mga nabanggit na situwasiyon, isa lamang ang malinaw, mayroong
ginagawa ang tao na lalong nagpapabilis at nagpapasidhi sa climate change.
Ang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng suliranin sa solid waste,
deforestation, water pollution at air pollution ay maituturing na mga sanhi ng
climate change. Kung hindi ito mahihinto, patuloy na daranas ang ating bansa
ng mas matitinding kalamidad sa hinaharap. Hindi na natin mapipigilan pa ang
climate change, kung kaya’t ang mahalagang dapat gawin ay maging handa
tayo sa pagharap sa mga kalamidad na dulot nito.
Gawain 7. Climate Change Forum
Magsaliksik ng batas, programa, mga best practices ng pamahalaan, NGO, at
mga pamayanan bilang tugon sa hamon ng climate change sa Pilipinas.
Gumawa ng presentasyon tungkol dito at ilahad sa Climate Change Forum ng
inyong klase. Sa huling bahagi ng forum, gumawa ng repleksiyon kung paano
nauugnay ang mga suliranin tulad ng suliranin sa solid waste management at
pagkaubos ng likas na yaman sa Climate change.
Repleksiyon:
74
Gawain 8. Environmental issue map
Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng environmental issue
map sa pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:
a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari
b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan sa
iba pang likas na yaman
d. tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kung magpapatuloy ang
nararanasang suliraning pangkapaligiran
Environmental issue map: __________
Epekto
Sanhi
Tunguhin
Kaugnayan
Paliwanag:
75
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang kongklusyon na iyong mabubuo tungkol sa epekto ng mga
suliraning pangkapaligiran?
2. Ang suliraning pangkapaligiran ba na ating nararanasan ay may kaugnayan
sa isa’t isa? Patunayan.
3. Kung magpapatuloy ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran na ito,
sino ang pangunahing maapektuhan? Bakit?
4. Paano mabisang masosolusyunan ang mga nabanggit na suliranin at
hamong pangkapaligiran?
BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga
malawak na epekto ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas.
Gamitin ang iyong mga natutuhan sa bahagi ng PAUNLARIN upang maisagawa
ng maayos ang mga gawain sa susunod na bahagi ng modyul, ang
PAGNILAYAN AT UNAWAIN.
76
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa
tungkol sa dahilan at epekto ng suliranin at hamong pangkapaligiran sa
pamamagitan ng pagsusuri ng iba’t ibang situwasiyon.
Gawain 9. Generalization Chart
Basahin ang tatlong sanggunian tungkol sa epekto suliranin at hamong
pangkapaligiran at punan ng sagot ang generalization chart.
Sanggunian 1:Impacts of Natural Disasters on Agriculture, Food Security,
and Natural Resources and Environment in the Philippines(Israel &
Briones, 2013)
. “From 2000 to 2010, the total value of agricultural damage, by commodity,
affected by typhoons, floods and droughts in the Philippines amounted to a
total of P106,882.70 million. The crops with the most damage were rice, corn
and high value cash crops. Other commodities recording damage included
vegetables, coconut, abaca, sugarcane, tobacco, fisheries products, and
livestock. While generally increasing, the total damage to agriculture
decreased from 2000 to 2002, increased in 2003 to 2004, fell in 2005, rose
in 2006, declined in 2007, increased in 2008 and 2009, 18 and decreased
again in 2010. The total damage to agriculture due to typhoons, floods and
droughts were lowest in 2002 and highest in 2009”.
77
Talahanayan 1.3 – Total value of damage to agriculture due to typhoons, floods, and droughts
in the Philippines, by commodity, 2000-2010 (million pesos)
Sanggunian: Impacts of Natural Disasters on Agriculture, Food Security, and
Natural Resources and Environment in the Philippines (Israel & Briones, 2013)
78
Sanggunian 2: Climate Change Impacts(United States Environmental
Protection Agency, 2016)
Food Safety and Nutrition
Climate change and the direct impacts of higher concentrations of
carbon dioxide in the atmosphere are expected to affect food safety and
nutrition.Extreme weather events can also disrupt or slow the distribution of
food.
Higher air temperatures can increase cases of Salmonella and other
bacteria-related food poisoning because bacteria grow more rapidly in warm
environments. These diseases can cause gastrointestinal distress and, in
severe cases, death. Practices to safeguard food can help avoid these
illnesses even as the climate changes.
Climate change will have a variety of impacts that may increase the risk
of exposure to chemical contaminants in food. For example, higher sea
surface temperatures will lead to higher mercury concentrations in seafood,
and increases in extreme weather events will introduce contaminants into the
food chain through stormwater runoff.
Higher concentrations of carbon dioxide in the air can act as a "fertilizer"
for some plants, but lowers the levels of protein and essential minerals in
crops such as wheat, rice, and potatoes, making these foods less nutritious.
Extreme events, such as flooding and drought, create challenges for
food distribution if roads and waterways are damaged or made inaccessible.
79
Sanggunian 3: National Disaster at a Glance(Senate Economic Planning
Office, 2013)
Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes,
livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property damage, and
social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines
caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also
affected more than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless.
The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual damages
of US$251.58 million.
Talahanayan 1.4 – Selected Natural Disaster Statistics in the Philippines, 2000-2012
80
Generalization Chart
Mahalagang
Tanong:
Paano
nakaapekto
ang
mga
suliranin
at
hamong
pangkapaligiran sa ating pamumuhay?
Sanggunian 1
Sanggunian 2
Sanggunian 3
Sagot:
Mga ebidensya mula
sa teksto
Dahilan
(Ipaliwanag
kung
paano
sinusuportahan
ng
ebidensya ang iyong
sagot
Kongklusyon: (Paano
nagkakatulad
ang
tatlong situwasiyon?
Naunawaan mo sa bahaging ito namagkakaugnay ang mga dahilan at epekto ng
mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas.
Sa susunod na aralin ay
pagtutuunan mo ng pansin kung paano paghahandaan ang iba’t ibang hamong
pangkapaligiran upang maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian.
81
ARALIN 2: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran
Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t
ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan? Ito ba ay tungkulin ng
pamahalaan o ng mamamayan? Sa araling ito ay pagtutuunan mo ng pansin
ang dalawang approach na ginagamit sa pagbuo ng disaster management.
Bilang isang mag-aaral, suriin mo kung paano ka makatutulong sa pagharap
sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
Ang Disaster Management
Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, alam mo ba
iyong gagawin? Kung saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas? kung kanino
ka hihingi ng tulong? Ang sagot sa mga tanong na ito ay ilan lamang sa mga
dapat mong malaman upang maging ligtas ka sa panahon ng kalamidad. Ang
pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Ayon kay Carter
(1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol.
Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat
magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at
makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at
hazard. Malinaw na sinasabi dito na hindi lamang nakasalalay sa kamay ng
pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management plan. Kabilang din
dito ang mga mamamayan at ang pampribado at pampublikong sektor. Ayon
naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay tumutukoy
sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon
ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito ang mga plano at
hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay
sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at
82
hazard. Kung bibigyang pansin ang dalawang kahulugan, makikitang hindi
lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng
disaster management, kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang
makabangon mula sa kalamidad at maibalik ang normal na daloy ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang
pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto. Ang sumusunod na
kahulugan ay isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk Management System
Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008).
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan
o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng
pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy
sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na
usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan gaya ng
ipinakikita
sa
larawan
ay ilan
sa
mga
halimbawa
ng
anthropogenic hazard.
Goncero, Aldo G.
Tinajeros National High School
Tinajeros, Malabon City
83
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na
dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo,
lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide.
Ipinakikita sa kasunod na larawan ang pagbabalita sa
pagdating ng isang malakas na bagyo.
STORM SIGNAL NO. 3
Goncero, Aldo G.
Tinajeros National High School
Tinajeros, Malabon City
84
2.Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib
at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang
disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao
tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard,
vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang
mga hazard.
Goncero, Aldo G.
Tinajeros National High School
Tinajeros, Malabon City
85
4. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura
na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at
antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales.
Goncero, Aldo G.
Tinajeros National High School
Tinajeros, Malabon City
86
5. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay
dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
Ang vulnerable na bahagi ng
pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad
na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
Vulnerable
Human Risk
Structural Risk
87
6. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa
kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang
mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita
sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng
kalamidad.
Goncero, Aldo G.
Tinajeros National High School
Tinajeros, Malabon City
88
Gawain 10. Situational Analysis
Basahin ang sumusunod na situwasiyon. Tukuyin kung anong konsepto
na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management ang
inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot ang sumusunod:
NH – Natural Hazard
D - Disaster
AH – Anthropogenic Hazard
V - Vulnerability
R – Risk
R - Resilience
_____1. Maagang umuwi ng bahay si Jerone mula sa kanilang paaralan dahil
sa paparating na malakas na bagyo.
_____2. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa
at dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa
kanilang lugar.
_____3. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot
ng malakas na lindol na tumama sa kanilang pamayanan.
_____4. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan
nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng
produkto.
_____5. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay
upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng
kalamidad.
Naunawaan mo sa nakaraang paksa ang mga batayang konsepto
tungkol sa disaster management. Nakapaloob sa disaster management ang
proseso ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno
at pagkontrol. Sa susunod na bahagi ng aralin ay mauunawaan mo ang
kaugnayan ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management
Framework at ang Community-Based Disaster Risk and Management
Approach.
89
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management
Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin: (1) Ang hamon na dulot ng mga
kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at (2) Mahalaga ang bahaging
ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na
dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard. Ang mga nabanggit na layunin ay
kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk
Reduction and Management Framework (PDRRMF).
Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang
pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at
hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring
mapababa o maiwasan.
Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating
pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay
dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng
lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Nongovernmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang
naninirahan sa isang partikular na komunidad.
Ang ganitong proseso ay
tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM).
Sa kasalukuyan, isinusulong rin ng NDRRMC ang Community BasedDisaster and Risk Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya
sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
90
Gawain 11.Plus o Minus.
Basahin ang magkatapat na pahayag. Lagyan ng plus sign (+) ang maliit na
kahon na katabi nito kung ang salita ay naayon sa National Disaster Risk
Reduction and Management Framework. Ilagay naman ang minus sign (-) kung
wala.
Pagpaplano sa pagharap sa
kalamidad
Pagharap sa kalamidad sa
tuwing mararanasan ito
Isinusulong ang Top-down
Approach
Isinusulong ang CommunityBased Disaster Management
Approach
Tungkulin ng pamahalaan ang
Disaster Management
Tungkulin ng lahat ang paglutas
sa Suliraning Pangkapaligiran
Dapat na kasama ang NGOs sa
pagbuo ng Disaster Management
Plan
Ang mga NGOs ang siyang
mamumuno sa pagbuo ng
Disaster Management Plan
Hinihingi ang tulong ng lahat ng
sektor ng lipunan sa pagbuo ng
Disaster Management Plan
Sa pamahalaan nakasalalay ang
lahat ng tungkulin upang maging
disaster-resilient ang buong
bansa
Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach
Ano nga ba ang Community Based-Disaster and Risk Management?
Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk
Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang
maranasan.
Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at
maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian. Nangangahulugan
91
ito na ang mga mamamayan ay bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng mga
desisyon at implementasyon ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster
risk management. Sa Community-Based Disaster Risk Management
Approach, napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may
pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at
kalamidad.
Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring
makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga
hazard at kalamidad.
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster
and Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban
sahazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng
kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard
at kalamidad sa kanilang pamayanan. Bukod dito, mahalaga ring masuri ang
mga istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika na maaaring
nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad. Ang kahulugang ito ng
CBDRM Approach ay sang-ayon sa konsepto ng isyu at hamong panlipunan
na tinalakay sa unang aralin. Kung iyong matatandaan, sinasabi sa unang
aralin na ang mga isyu at hamong panlipunan ay maaaring dulot ng kabiguan
ng ilang institusyon na isagawa ang kanilang mga tungkulin. Halimbawa, ang
kabiguan ng pamahalaan na magsagawa ng maayos na Disaster Risk
Management Plan ay maaaring magpalubha sa epekto ng hazard at kalamidad
sa isang pamayanan. Maaari ding dahilan ng kabiguan ng implementasyon ng
Disaster Risk Management Plan ang kawalan ng interes ng mga mamamayan
na makilahok sa pagpaplano nito. Ito ay sinusugan sa isang ulat ng WHO
(1989) tungkol sa CBDRM Approach.
Ayon dito, mahalaga ang aktibong
pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang:(1) mabawasan ang
epekto ng mga hazard at kalamidad; (2) maligtas ang mas maraming buhay at
ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan
ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang
Pamahalaan; at (3) ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad
92
ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng
pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag
nakararanas ng kalamidad. Ipinaliwanag din ni Sampath (2001) na kung ang
isang komunidad ay hindi handa, maaaring mas maging malubha ang epekto
ng hazard at kalamidad. Subalit kung ang bawat mamamayan na naninirahan
sa isang pamayanan ay magiging pamilyar sa mga pamamaraan at mga dapat
gawin sa panahon ng kalamidad, maaaring mabawasan ang masamang
epekto nito.
Makikita sa mga nabanggit na kahulugan at pagpapaliwang tungkol sa
Community-Based Disaster and Risk Management Approach na napakahalaga
ng partisipasyon ng mamamayan at ng lahat ng sektor ng lipunan upang
maging matagumpay ang isang disaster management plan.
Gawain 12. Dugtungan Mo
Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa CommunityBased Disaster Risk Management Approach sa pamamagitan ng paglalagay
ng angkop na salita o parirala.
1. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay
tumutukoy sa __________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung __________________
_____________________________________________________________.
3. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management
Framework at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach
dahil _______________________________________________________
_____________________________________________________________.
93
4. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
5.
Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at
hamong pangkapaligiran dahil _____________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
Kahalagahan ng CBDRM Approach
Bakit kailangan ang CBDRM Approach sa pagharap sa mga hamon at
suliraning pangkapaligiran? Pinakamahalagang layunin ng Philippine National
Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang
pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. Ibig sabihin, ang lahat ng
mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster
management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at
matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran. Malaki ang posibilidad
na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na
maisasagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management
Approach.
Ang CBDRM Approach ay nakaayon sa konsepto ng bottom-up
approach kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor
ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
Ito ay taliwas sa top-down approach. Ang top-down approach sa disaster
management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain
mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
94
pamahalaan.
Halimbawa, kung ang isang barangay ay nakaranas ng
kalamidad, ito ay aasa lamang sa tugon ng Pambayan o Panlungsod na
Pamahalaan. Kung ang buong bayan o lungsod naman ang nakaranas ng
kalamidad, ang sistema ng pagtugon ay nakabatay sa prosesong ipatutupad
ng lokal na pamahalaan. Ang sistemang ito ng disaster management ay
nakatanggap ng mga kritisismo. Binigyang-diin nina Shesh at Zubair (2006) na
hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng
pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang
pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng
mga namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano. Tila hindi
nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan, pangangailangan,
at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad. Ito ay sa kabila ng
katotohanang ang mga mamamayang ito ang tunay na nakababatid ng
maaaring epekto ng isang kalamidad o hazard. Isa pang suliranin ng top-down
approach ay may mga pagkakataon nahindi nagkakasundo ang Pambansang
Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat
gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal
ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Ang situwasiyonna
ito ay masasalamin sa sinabi ni Panfilo Lacson, itinalaga bilang Presidential
Assistant for Rehabilitation and Recovery, (Gabieta, 2014) kaugnay sa relief
operations sa Tacloban City matapos ang bagyong Yolanda. Aniya, “That is
why, I am appealing to our local chief executives not to wait for our national
government, private sectors.
They have to do their work to hasten the
rehabilitation effort.” Ibig sabihin nakita rin ni Lacson na magiging matagumpay
ang rehabilitation efforts kung mayroong aktibong partisipasyon ng mga lokal
na pamahalaan at ng mga mamamayan.
Ang kahinaang ito ng top-down approach ang nais bigyang katugunan
ng bottom-up approach. Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may
kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at pangagangilangan ng pamayanan.
95
Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga
mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area. Sa katunayan ito ang
modelong ginamit ni Panfilo Lacson, bilang rehabilitation czar ng mga lugar na
nasalanta ng bagyon Yolanda. Para sa kaniya, mas mapapabilis ang
pagbangon ng mga lugar na ito kung bottom-up approach sa rehabilitasyon ng
lugar. Para sa kaniya, mas makabubuting makipagpulong sa mga mayor ng
mga nasalantang bayan at lungsod sa halip na antayin ang post-disaster needs
assessment na ipalalabas ng Office of the Civil Defense. Sa ganitong paraan,
mas makabubuo ng planong angkop sa pangangailangan ng bawat
pamayanan.
Ang paggamit ng bottom-up approach ay hindi lamang ginagamit sa
Pilipinas. Ilan sa mga bansa sa Asya na gumagamit nito ay ang Laos, East
Timor, Indonesia, at India. Mula sa karanasan ng mga nabanggit na bansa at
sa obserbasyon sa iba pang gawain na may kaugnayan sa disaster
management ng iba’t ibang pandaigdigang organisasyon, nabuo nina Kafle at
Zubair (2006) ang mga katangian ng bottom-up approach.
Katangian ng Bottom-up Approach
* Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang komunidad
* Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor
at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots
development ang pamumuno ng lokal na pamayanan.
* Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na
bottom-up strategy.
* Mahalaga ang pagpapabuti ng paggamit at pamamahala sa mga lokal na
yaman
96
Katangian ng Bottom-up Approach
* Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan
* Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach
ay ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
* Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang
naninirahan sa pamayanan.
* Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang
pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
Sa pagpaplano ng disaster risk management mahalagang magamit ang
kalakasan ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down. Mahalagang
maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa
pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng
disaster risk management. Hindi rin naman kailangang kalimutan ang pananaw
at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.
Ang pagsasanib na ito ng dalawang approach ay maaaring magdulot ng holistic
na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.
Sa kasalukuyan, ang National Disaster Coordinating Council (NDCC),
(na kilala ngayon bilang National Disaster Risk Reduction Management
Council) ng Pilipinas ay kasapi sa proyektong “Partnerships for Disaster
Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA) Phase 4 (2008).
Layunin ng
programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng
Community Based Disaster Risk Management Plan. Mahalaga ang proyektong
ito sapagkat binibigyan nito ng sapat nakaalaman at hinahasa ang kakayahan
ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga
plano at programa ng lokal na pamahalaan. Bukod dito, mas masisiguro na
ang mabubuong disaster management plan ay nakabatay sa pangangailangan
at kakayahanan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang hazard at kalamidad
na maaari nilang maranasan. Sa ganitong paraaan, mas matutugunan ang
97
pangangailangan ng mga mamamayan at magagamit ng maayos ang kanilang
mga resources. Higit sa lahat, ang plano na binuo kasama ang iba’t ibang
sektor ng lipunan kabilang na ang mga mamamayan ay mas epektibo sa
patugon ng pangangailangan ng mga mamamayan. Bunga nito, sinabi rin ni
Lacson (Gabieta, 2014) na nagdesisyon siyang gamitin ang “bottom-up
approach” upang mapabilis ang pagbangon mula bagyong Yolanda.
Gawain 13. KKK Chart
Punan ng tamang sagot ang KKK chart. Gamiting batayan ang nabuong
KKK chart upang sagutin ang kasunod na tanong.
Top-down Approach
Bottom-up Approach
Kahulugan
Kalakasan
Kahinaan
Mas makatutulong sa isang pamayanan ang pagsasanib ng dalawang approach dahil
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang kalakasan ng top-down approach ang makatutulong sa maayos na
pagbuo ng disaster management plan?
2. Alin sa mga kalakasan ng bottom-up approach ang dapat bigyang-pansin sa
proseso ng pagbuo ng disaster management plan?
3. Nararapat bang isang approach ang gamitin sa pagbuo ng disaster
management plan? Bakit?
98
Gawain 14.Pagsulat ng Sanaysay
Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagsasanib ng top-down approach at bottom-up approach sa pagbuo ng
disaster management plan. Gamiting batayan ang sumusunod na pamantayan.
Rubric sa pagmamarka ng sanaysay
Nakuhang
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Puntos
Malinaw na nailahad ang kahalagahan
Pag-unawa
ng CBDRM Approach. Nakapagbigay 6
ng mga kongkretong halimbawa upang
suportahan ang mga paliwanag.
Kumprehensibo at malinaw ang daloy
Organisasyon
ng ideya.
Maayos na naipahayag ang 5
pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga
tinalakay na konsepto.
Wasto
Nilalaman
at
impormasyon.
makatotohanan
Nakabatay
ang
ang 5
nilalaman sa mga tinalakay na paksa.
Sumunod sa mga pamantayan sa
Teknikalidad
pagsulat
ng
sanaysay
tulad
ng 4
paggamit ng tamang bantas, kaayusan
ng pangungusap, at pagdebelop ng
kaisipan.
Kabuuan
20
99
BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay mayroon ka nang malawak na pag-unawa tungkol sa
mga dalawang approach sa pagbuo ng disaster risk reduction and management
plan. Gamitin ang iyong mga natutuhan sa bahagi ng PAUNLARIN upang
maisagawa ng maayos ang mga gawain sa susunod na bahagi ng modyul, ang
PAGNILAYAN AT UNAWAIN.
100
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa
tungkol sa dalawang approach sa pagbuo ng disaster risk reduction and
management plan.
Gawain 15. My Idea Pad
Suriin ang panukalang Process Framework nina Mercer at Gaillard (2010)sa
pagsasanib ng dalawang approach sa pagbuo ng DRRM plan, pagkatapos ay
sagutan ang My idea pad.
STEP 1:
STEP 2:
STEP 3:
STEP 4:
Community
Engagement
Identification of
Vulnerability
Factors
Identification of Local and
Scientific Strategies
Integrated
Strategy
Local Strategies
- Past and present
Community
Engagement:
- Collaboration with
community and
stakeholders
Identification of
intrinsic and extrinsic
components
contributing to hazard
vulnerability.
Identification through:
- Identification of
community goals
1. Community
situation analysis
Integrated Strategy
- Examples may
include: land use
planning,
building
methods,
food
strategies,
social
Scientific Strategies
- Past and present
2. Identification of
priorities
Process Framework
integrating local and scientific
knowledge (J. Mercer)
- Addressing intrinsic
components to
hazards
- Examples may
include: land use
planning,
building
methods,
food
strategies,
social
linkages
and
- Dependent on
effectiveness level of
each strategy
Ongoing revision and evaluation
101
DRR
My Idea Pad
1. Anong bahagi ng framework makikita ang aktibong partisipasyon ng komunidad?
Binigyang-diin sa nakaraang paksa ang konsepto at kahalagahan ng
CBDRM Approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
2. Bakit mahalaga
ang hinihikayat
partisipasyon
ng komunidad
sa iba’tibang
bahagi
pagbuo ng
Ibig sabihin,
ka bilang
isang mag-aaral
at bahagi
ng ng
pamayanan
naDRRM plan?
maging aktibong kalahok sa pagsasagawa nito. Sa susunod na bahagi ng
aralin ay pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang sa pagbuo ng Disaster Risk
Reduction and Management Plan.
3. Saang bahagi nagkakaroon ng pagsasanib ang kaalamang lokal at siyentipikong kaalaman?
Aralin 3. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk
4. Magiging
matagumpay
kaya ang pagbuo
Reduction
and Management
Plan ng DRRM plan kung ang gagamiting batayan sa STEP 3
ay ang mga siyentipikong kaalaman lamang? Bakit?
Sa bahaging ito ng aralin ay tatalakayin ang mga hakbang na dapat
gawin sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan.
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang
5. Ano
ang mabubuo
mong kongklusyon
tungkol
nararapat
na approach
sa pagbuo sa
ng DRRM
magkaroon
ng sapat
na kaalaman
kung sa
paano
ka aktibong
makikibahagi
plan?
pagbuo ng CBDRM plan sa inyong pamayanan.
Bahay ng mga Ivatan. Sanggunian:
(http://opinion.inquirer.net/68827/batanesmodel-for-storm-readiness) retrieved last
102
August 18, 2014.
Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard
at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo
ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna
at kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan
nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk
Assessment.Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang
komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment.
Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng
Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga
babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano
ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
Hazard Assessment
Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop,
at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng
hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng
kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar.
Sa
pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at
Temporal na katangian nito.
103
Talahanayan 1.5 – Pisikal na Katangian ng Hazard
Pagkakilanlan
Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at
kung paano ito umusbong sa isang lugar.
Katangian
Pag-alam sa uri ng hazard
Intensity
Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng
hazard
Lawak
Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw
Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o
maapektuhan ng hazard
Predictability
Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang
hazard
Manageability
Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang
hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na
katangian ng hazard sa kanilang lugar upang maging malinaw ang mabubuong
hazard assessment. Bukod dito, ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy
sa mga pisikal na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na
pamayanan. Bukod sa pisikal na katangian, mahalagang maunawaan rin ang
mga temporal na katangian ng hazard. Makikita ito sa talahanayan 1.6.
Talahanayan 1.6 – Temporal na Katangian ng Hazard
Frequency
Dalas ng pagdanas ng hazard.
Maaaring ang hazard ay
nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung
taon o kaya ay biglaan lamang.
Duration
Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
Maaaring ito ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob
ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng
digmaang sibil.
104
Speed
onset
of Bilis ng pagtama ng isang hazard.
Maaaring mabilisan o
walang babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na
magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha.
Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng
hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad
Force
Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig
tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng
ilog, flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng
landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o
kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao
tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil, rebelyon, at pagaaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog,
pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad
ng taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa
mga
pananim.
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng
hazard na maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa
ang dalawang mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment:
ang Hazard Mapping at Historical Profiling/Timeline of Events. Ang Hazard
Mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar
na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali,
taniman, kabahayan na maaaring mapinsala. Sa Historical Profiling/Timeline
of Events naman, gumagawa ng historical profile o timeline of events upang
makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad,
gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
105
Ang talahanayan 1.7 ay isang halimbawa ng historical profile na
ginagamit sa pagsasagawa ng hazard assessment.
Talahanayan 1.7 - Hazard Assessment (Historical Profile)
Hazard
Frequency Duration
type
Speed
Forewarning Force
When
of
Onset
Flood
Drought
Earthuake
Landslide
Civil war
Pollution
Volcanic
Eruption
Sanggunian: Asian Disaster Preparedness Center (ADPC), 2001
Gaya ng ipinakikita sa talahanayan, ang Historical Profile ay isang
paraan sa pagsasagawa ng Hazard Assessment.
Kinakailangan ang
koordinasyon sa mga opisyales ng barangay o kaya ay ng pamahalaang
panlungsod o sa ibang lugar ay pambayan upang ito ay mapunan ng tamang
impormasyon.
Alinman sa dalawang nabanggit na halimbawa ang gamitin sa
pagsasagawa ng hazard assessment, mahalaga pa rin sa CBDRM Approach
ang partisipasyon ng mga mamamayan dahil mayrooon silang personal na
karanasan sa mga hazard sa kanilang lugar. Mas mabibigyan ng sapat na
kaalaman ang mga mamamayan kung sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng
hazard assessment sa kanilang pamayanan.
106
Gawain 16. Hazard Assessment Map
Makibahagi sa inyong pangkat at gumawa ng hazard assesement map
na magpapakita ng iba’t ibang hazard sa inyong lugar. Ilahad ito sa klase.
Upang maisagawa ito sundin ang sumusunod na hakbang:
1. Alamin kung anong uri ng hazard ang nakatalagang susuriin ng
inyong pangkat.
2. Humingi ng kopya ng mapa ng inyong barangay sa kinakuukulan.
3. Kung mayroon namang hazard assessment map ang inyong
barangay, maaari itong hingin. Mag-ikot sa inyong barangay upang
matukoy ito o kaya ay gumawa ng katulad na mapa na nakapokus
lamang sa inyong sariling kalye, o kapitbahayan.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard
assessment map?
2. Paano ninyo hinarap ang mga nabanggit na hamon?
3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa
ng hazard assessment map?
Naunawaan mo sa bahaging ito na ang mga hakbang at kahalagahan ng hazard
assessment. Sa susunod na bahagi ng aralin ay mauunawaan mo naman kung
ano ang nilalaman ng Vulnerability at Capacity Assessment at kung paano ito
makatutulong sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.
107
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)
Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng
isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan
sa kanilang lugar.
Sa Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o
kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa
pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa Capacity Assessment naman ay
tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang
Vulnerability: ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali tungkol
sa hazard.
Talahanayan 1.8 – Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment
Kategorya
Pisikal
Materyal
Deskripsiyon
Halimbawa
o Tumutukoy sa mga materyal na Di sapat na kita
yaman tulad ng suweldo mula sa Pagkakaroon ng utang
trabaho, pera sa bangko at mga Kakulangan ng sapat na kakayahan
likas na yaman. Ang kawalan o at edukasyon
kakulangan ng mga nabanggit na Kawalan ng pangunahing serbisyo
pinagkukunang-yaman
ay tulad
ng
nangangahulugan na ang isang pangkalusugan,
komunidad
ay
vulnerable
edukasyon,
sistema
ng
o komunikasyon at transportasyon
maaaring mapinsala kung ito ay
makararanas ng hazard
Panlipunan Tumutukoy
vulnerable
sa
o
pagiging Kawalan ng pagkakaisa ng mga
kawalan
ng miyembro ng pamilya, ng mga
kakayahan ng grupo ng tao sa mamamayan
isang lipunan.
Halimbawa ay Hindi maayos na ugnayan sa
mga kabataan, mga matatanda, pagitan
ng
mamamayan
mga may kapansanan, maysakit, pamahalaan
108
at
at iba pang pangkat na maaaring Kawalan ng maaayos na sistema ng
maging
biktima
ng
hazard. pamahalaan tungkol sa Disaster
Kasama rin dito ang pagiging Management
vulnerable
ng
institusyong
panlipunan tulad ng pamahalaan.
Pag-uugali
May mga paniniwala at gawi ang Kawalan
tungkol sa mga
Hazard
mamamayan
ng
interes
sa
mga
na programa ng pamahalaan
nakahahadlang sa pagiging ligtas Pagiging
negatibo
sa
mga
ng isang komunidad. Bunga nito, pagbabago
nagiging vulnerable ang isang Kawalan ng sapat na kaalaman
komunidad.
tungkol sa hazard sa kanilang
komunidad
Pagiging palaasa sa pamahalaan at
sa tulong ng pribadong sektor
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
Vulnerability Assessment
Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon
itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas
malawak ang pinsala na dulot ng hazard.
Halimbawa, kung ang isang
komunidad ay walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng
kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng
sakuna o kalamidad. Ang mga mamamayang ito ay matatawag na vulnerable
dahil sila ang mga posibleng maging biktima ng sakuna o kalamidad.
Samantala, ang mga mamamayan naman na may maliit na kita ay maituturing
rin na vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang kanilang suweldo upang
tustusan ang dagdag na gastusin sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo o
baha.
Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging
mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila
na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang
109
maranasan. Bukod dito, dapat na maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga
programa ng pamahalaan kabilang na dito ang tungkol sa disaster
management. Sa panig naman ng pamahalaan, dapat na maging seryoso ito
sa pagbuo ng disaster management plan.
Hindi dapat kalimutan ng
pamahalaan ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga mamamayan sa lahat
ng aspekto ng pagbuo ng disaster management plan. Sa pamamagitan nito,
magkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at
pamahalaan.
Higit na mauunawaan ng mamamayan ang programa ng
pamahalaan kung sila ay kabahagi sa pagbalangkas nito.
Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng
Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk,
People at risk, at Location of people at risk.
Elements at risk.Tumutukoy ang
People at risk. Sa people at risk
Location of
elements at risk sa tao, hayop, mga
naman, tinutukoy ang mga grupo
People at
pananim,
ng tao namaaaring higit na
risk. Sa
imprastruktura, kagamitan para sa
maapektuhan
usapin
transportasyon at komunikasyon, at
Halimbawa, ang mga buntis ay
naman ng
pag-uugali.
maituturing
location of
bahay,
kasangkapan,
Pagkatapos matukoy
ng
kalamidad.
navulnerable
sa
ang mga elements at risk, sinusuri rin
panahon ng kalamidad dahil sa
people at
kung
na
kanilang kondisyon. Gayundin,
risk,
Halimbawa, may mga
ang mga may kapansanan ay
tinutukoy
bahay sa pamayanan na maituturing
maituturing
ang
na vulnerable. Ilan sa mga dahilan
elements
at
ay ang lokasyon nito, dahil malapit sa
silang
vulnerable
dahil
tirahan ng
anyong-tubig,
nangangailangan sila ng higit na
mga taong
bundok, nasa mababang bahagi ng
atensyon
ng
natukoy na
pamayanan, o kaya ay gawa sa mga
kalamidad. Ang mga nabanggit
vulnerable.
kasangkapang madaling masira ng
napeople at risk ay kailangang
bagyo. Mahalaga ang pagsasagawa
ikonsidera sa pagbuo ng warning
nito dahil makatutulong ito sa pagbuo
system, pagbuo ng evacuation
ng
plan, at ng disaster risk reduction
bakit
vulnerable.
disaster
sila
maituturing
nasa
risk
paanan
reduction
ng
and
management plan ng pamayanan.
navulnerable
sa
risk.
o
Itinuturing
panahon
lokasyon o
and management plan ng isang
pamayanan.
110
Ang vulnerability ng isang pamayanan ay nakabatay sa lokasyon nito,
halimbawa, mas vulnerable sa pagbaha, ang mga mabababang lugar.
Samantalang vulnerable naman sa landslide ang mga naninirahan malapit sa
paanan ng bundok.
Ipinakikita sa talahanayan ang halimbawa ng instrumento na ginagamit
sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment.
Talahanayan 1.9 – Halimbawa ng Vulnerability Assessment Chart
Lugar:
Uri ng hazard:
Elements at risk
Dahilan
People at risk
Location of People at risk
Sanggunian: apdc.net
Mahalaga rin ang mga impormasyon na makukuha sa Vulnerability
Assessment dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster management ng
isang pamayanan.
111
Gawain 17. Vulnerability Assessment Chart
Makibahagi
sa
inyong
pangkat.
Magsagawa
ng
Vulnerability
Assessment sa inyong pamayanan gamit ang sumusunod na format.
Vulnerability Assessment Chart
Lugar:
Uri ng hazard:
Elements at risk
Dahilan
People at risk
Location of People at risk
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard
vulnerability assessment?
2. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang pagiging
vulnerable sa mga disaster?
3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa
ng vulnerability assessment?
112
Capacity Assessment
Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na
harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o
Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa
Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may
kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan,
gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa
aspektong Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang
komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may
nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga
sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management
plan.Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang
kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ng
komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o
panganib.
Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga
kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng
pagtama ng hazard o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat
magbibigay ito ng imporasyon sa mga mamamayan at sa mga pinuno ng
pamayanan kung ano at kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang
kakulangan ng pamayanan.
Tandaan na hindi lahat ng pamayanan ay mayroong magkakatulad na
pisikal na katangian. Kung kaya’t maaaring makaapekto ito sa kanilang
kapasidad. Gayundin, ang pagkakaiba ng antas ng kita ng bawat pamayanan
ay mayroon ding malaking epekto sa pagiging handa nila sa panahon ng
kalamidad.
113
Talahanayan 1.10 – Halimbawa ng Capacity Assessment
Capacities identified by urban poor Capacities
identified
by
upland
communities in Metro Manila to deal communities to address drought
with flood:
·
·
Boats ·
Evacuation
center
in
Diversification
church ·
Eating
of
wild
crops
crops
· Wood, iron sheets to rebuild houses · Budgeting of meals per day (dietary
·
·
Footbridges change)
First
aid ·
Selling
livestock
· Some people have good contact with · Seasonal migration by men and women
local government to ask for assistance · Social network to take care of small
· Some active community members children
· Day care center helpful for working ·
mothers
Community
maintained
organization’s
despite
activities
out-migration
· PO formulated land use management
plan
·
Motivated
to
stay in
the
remote
community, and therefore willing to learn
new farming methods
Sanggunian: apdc.net
114
Gawain 18.Capacity Assessment Template
Makibahagi sa inyong pangkat at magsagawa ng Capacity Assessment
sa inyong pamayanan. Sundin ang sumusunod na format.
Lugar:
A. Kagamitan
B. Human Resource
C. Transportasyon at
Komunikasyon
Pamprosesong mga Tanong:
1. Sapat ba ang kakayahan ng inyong paaralan, kapitbahayan, o barangay sa
pagharap sa kalamidad?
2. Paano mapupunan ang mga kakulangan o mapananatili ang kasapatan ng
inyong mga kagamitan?
3. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga
mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad?
Ang mga naunang hakbang ay nakapaloob sa Disaster Prevention. Sa
unang unang yugto ng CBDRM Plan ay isinasagawa rin ang mga hakbang para
sa Disaster Mitigation na kinapapalooban naman ng Risk Assessment.
Tunghayan ito sa susunod na bahagi ng aralin.
115
Risk Assessment
Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard
at kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na
mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay
tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang
pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).
Dalawang uri ng Mitigation
Structural migitation
Tumutukoy
sa
mga
paghahandang ginagawa sa
pisikal na kaayuan ng isang
komunidad upang ito ay maging
matatag sa panahon ng pagtama
ng hazard. Ilan sa halimbawa
nito ay ang pagpapagawa ng
dike upang mapigilan ang baha,
paglalagay ng mga sandbags,
pagpapatayo ng mga flood gates,
pagpapatayo ng earthquakeproof buildings, at pagsisiguro na
may
fire
exit
ang
mga
ipinatatayong gusali.
Non Structural migitation
Tumutukoy sa mga ginagawang
plano
at
paghahanda
ng
pamahalaan upang maging ligtas
ang komunidad sa panahon ng
pagtama ng hazard. Ilan sa
halimbawa nito ay ang pagbuo ng
disaster
management
plan,
pagkontrol sa kakapalan ng
populasyon, paggawa ng mga
ordinansa at batas, information
dissemination,
at
hazard
assessment.
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment
Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung
bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:
116
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at
pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa
kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk
assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring
maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management
plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at
istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang
hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at
magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga
hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga
hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit
na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.
Mahalaga ang mga hakbang na nakapaloob sa yugto ng Prevention and
Mitigation. Lahat ng impormasyon na makukuha mula sa pagsasagawa nito
ay makatutulong upang magkaroon ng malinaw na batayan sa pagbuo ng
DRRM plan ang isang pamayanan.
Hindi natatapos ang DRRM plan sa pagtataya ng mga banta ng
kalamidad at kakayahan ng komunidad na harapin ito. Mahalagang gamitin
ang mga imporasyong nakalap mula sa unang hakbang sa pagbuo ng
ikalawawang yugto: ang Disaster Preparedness.
117
Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
Madalas tayong nakakapanood ng mga patalastas sa telebisyon tungkol
sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna. Mayroon ding mga anunsyo sa
radyo, sa mga pahayagan, at maging sa ating pamayanan tungkol sa mga
gagawin natin kung sakaling tayo ay makaranas ng iba’t ibang kalamidad. Ito
ay ilan lamang sa mga gawaing nakapaloob sa ikalawang yugto ng DRRM plan
.
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response.
Ito ay
tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng
kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng
pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng
pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat
ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang gagawin upang
magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na
maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay.
Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang
bilang ng mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang
pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang
pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang
pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong
pangunahing layunin:
1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at
pisikal na katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa
proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
118
3. to instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar
na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng
sakuna, kalamidad, at hazard.
May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala
o babala.
Ito ay pinadadan sa pamamagitan ng barangay assembly,
pamamahagi ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard, mga patalastas sa
telebisyon, radyo, at pahayagan. Lahat ng ito ay ginagawa upang maging
mulat at edukado ang mga mamamayan sa uri ng hazard at dapat nilang gawin
sa panahon ng pagtama nito.
Bukod sa pagbibigay ng paalala o babala, mayroon pang iba’t ibang
gawain na dapat malaman ng mamamayan bago at sa panahon ng pagtama
ng sakuna, kalamidad, at hazard upang sila ay maging ligtas at maiwasan ang
malawakang pinsala. Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng
sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang
gawin bago, habang, at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda
sila sa mga posibleng epekto nito.
Gawain 19. Be informed!
Pumili ng isang uri ng hazard o kalamidad. Gumawa ng poster ad na
nagpapakita ng sumusunod:
1. Impormasyon tungkol sa katangian at kahulugan ng disaster
2. Mga sanhi at epekto nito
3. Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng disaster
4. Mga gamit na dapat ihanda upang maging ligtas kapag naranasan
ang disaster.
5. Mga opisyales, kawani ng pamahalaan o NGO na maaaring hingan
ng tulong.
119
Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng inyong
poster ad.
Rubric sa pagmamarka ng poster ad
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Wasto
at
makatotohanan
impormasyon.
ang
Nakatulong
mga 10
upang
maging handa ang mga mamamayan sa
panahon ng kalamidad
Kaangkupan
Madaling maunawaan ang ginamit na 7
salita, mga larawan, at simbolo sa
ginawang
poster
ad.
Madali
ring
maunawaan ang ginamit na lenggwahe.
Pagkamalikhain
Nakapupukaw
ng
atensyon
ang 3
ginawang poster ad dahil sa ginamit na
mga larawan at salita na nakahikayat sa
mamamayan upang ito ay bigyan ng
pansin.
Kabuuan
20
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang dapat gawin upang maipagbigay sa lahat ang mga dapat gawin sa
panahon ng kalamidad?
2. Bakit mahalaga na malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon
tungkol sa kalamidad at mga dapat gawin kung mararanasan ang mga ito?
3. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman
tungkol sa disaster preparedness?
Sa kabila ng pagtataya ng mga maaaring maranasang kalamidad at kakayahan ng pamayanan
na harapin itoay makararanas at makararanas pa rin tayo ng mga kalamidad. Paano ba tayo tutugon
sa mismong pagkakataon na tayo ay nasa gitna ng isang kalamidad? Ito ang pagtutuunan ng pansin
120
sa ikatlong yugto, ang Disaster Response.
Ikatlong Yugto: Disaster Response
Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response.
Sa
pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang
kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil
magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya: ang
Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss Assessment.
Ayon kina
Abarquez, at Murshed (2004), ang needs ay tumutukoy sa mga pangunahing
pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan,
damit, at gamot.
Samantala, ang damage ay tumutukoy sa bahagya o
pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. Ang loss
naman ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at
pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon. Ang damage at
loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng mga produkto, serbisyo, at
imprastraktura na nasira. Halimbawa, ang pagbagsak ng tulay ay damage, ang
kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon ay loss. Ang pagkasira ng
mga lupaing-taniman ay damage samantalang ang pagbaba ng produksiyon
ng palay ay loss. Isa pa ring halimbawa ay ang pagguho ng ospital dahil sa
lindol ay maituturing na damage. Samantala, ang panandaliang pagkaantala
ng serbisyong pangkalusugan ay maituturing na loss.
Mahalagang maunawaan mo na sa yugtong ito ay napakahalaga ng
koordinasyon ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama din sa pagsasagawa
ng una at ikalawang yugto. Kadalasan kasi ay nababalewala ang nilalaman ng
DRRM plan kung walang maayos na komunikasyon lalo sa pagitan ng iba’t
ibang sektor lalo na sa oras na nararanasan ang isang kalamidad. Mahalaga
rin ang kaligtasan ng bawat isa kaya sa pagsasagawa ng Disaster response ay
121
dapat isaalaang-alang ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan sa
pagsasagawa nito.
Maaaring gamitin ang mungkahing checklist sapagbuo ng ulat tungkol
sa needs, damage, at loss assessment.
Sanggunian: Partnerships for Disaster Reduction – Southeast Asia Phase 4
(2008)
122
Gawain 20. Flash Reporter
Maghanap ng balita tungkol sa isang kalamidad na naranasan sa inyong
pamayanan. Gumawa ng flash report tungkol dito. Gamitin ang sumusunod
naformat sa paggawa nito.
1. Situwasiyon
1.1 Uri ng disaster
1.2 Petsa at oras
1.3 Apektadong lugar
1.4 Posibilidad ng “after effects”
2. Paunang ulat ng Epekto
2.1 Bilang ng namatay
2.2 Bilang ng nasaktan
2.3 Bilang ng nawawala
2.4 Nangangailangan ng tirahan at damit
2.5 Nangangailangan ng pagkain
2.6 Nangangailangan ng tubig
2.7 Nangangailangan ng sanitasyon
2.8 Pinsala sa imprastraktura
3. Pangangailangan ng tulong
3.1 Search and rescue
Oo/Hindi
3.2 Evacuation
Oo/Hindi
3.3 Proteksyon
Oo/Hindi
3.4 Pangangailangang Medikal
Oo/Hindi
3.5 Pangangailangan sa tirahan at damit
Oo/Hindi
3.6 Pangangailangan sa pagkain
Oo/Hindi
3.7 Pangangailangan sa tubig
Oo/Hindi
3.8 Sanitasyon
Oo/Hindi
3.9 Pagkukumpuni sa mga imprastraktura
Oo/Hindi
123
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang dapat isaisip sa pagsasagawa ng flash report?
2. Paano makatutulong ang isang mapagkakatiwalaang flash report?
3. Nararapat bang makibahagi ang mga mamamayan sa pagsasagawa nito?
Bakit?
Sa ikatlong yugto ng DRRM planay binigyang-diin ang pagkakaroon ng
mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Mahalaga ito
dahil magsisilbi itong batayan para sa ikaapat at huling yugto ng DRRM plan, ang
Disaster Rehabilitation and Recovery.
Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa yugtong ito ang
mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang
pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema
ng
komunikasyon
at
transportasyon,
suplay
ng
tubig
at
kuryente,
pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot.
Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at
pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga
biktima ang kanilang dinanas na trahedya.
Noong 2006, ang Inter-Agency Standing Committee (IASC) na binubuo
ng iba’t ibang NGO, Red Cross at Red Crescent Movement, International
Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ng United
Nations ay nagpalabas ng Preliminary Guidance Note.
Ito ay tungkol sa
124
pagpapakilala ng Cluster Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan
ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Makatutulong ito upang maging mas malawak
at ang mabubuong plano at istratehiya at magagamit ng mahusay ang mga
pinagkukunang yaman ng isang komunidad. Ginamit na batayan ng National
Disaster Coordinating Council (NDCC) ang Cluster Approach sa pagbuo ng
sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad, at hazardsa Pilipinas.
Noong Mayo 10, 2007, ipinalabas ang NDCC Circular No. 5-2007, ito ay isang
direktibo na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster
Management System sa Pilipinas. Iminumungkahi rin nito na magtalaga ng
pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlong antas: nasyunal,
rehiyunal, at probinsiyal. Noong taong 2007 rin, sa bisa ng Executive Order
No. 01-2007, nabuo ang Ayuda Albay Coordinating Task Force na syang
namuno sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong
Reming. Noong July 2007, sa bisa ng E.O. No. 02-2007, ay binuo naman ang
Albay
Mabuhay
Task
Force.
Layunin
nito
na
ipatupad
ang
mas
komprehensibong programa para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan
sa panahon ng kalamidad. Kinapapalooban ito ng pagbuo ng iba’t ibang cluster
sa bawat barangay, bayan at komunidad na siyang mamumuno sa mga ito sa
panahon ng panganib, pagpapatatag ng seguridad at suplay ng pagkain at
pangunahing pangangailangan, pagpapasigla ng information campaign, at
pagpapayabong ng mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
Nakita ang pagiging epektibo ng nasabing programa dahil idineklara ng Albay
ang zero casualty sa kabila ng pagtama ng malakas na bagyong Glenda noong
Hulyo 2014. Nagpapatunay ito na kung magkakaroon ng maayos na sistema
ng disaster management ang isang lugar ay maaaring maiwasan ang
malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad. Higit sa maayos na sistema,
nakita rin sa Albay ang partisipasyon ng mga mamamayan, NGO, at iba pang
sektor ng lipunan sa pagpaplano at implementasyon ng kanilang disaster
management plan. Samakatuwid, ang yugto ng Recovery ay nakasalalay rin
sa kung paano binuo ng isang komunidad ang kanilang disaster management
125
plan na bahagi ng yugto ng Preparation. Makikita dito na kailangan ay may
sapat na kaalaman at partisipasyon ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng
lipunan, NGO, at mga mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan upang ito ay
maging matagumpay.
Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa
mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga
paaralan. Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang Disaster
Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa ng mga konsepto na may
kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong
paaralan.
Gawain 21.Kung ikaw kaya
Makibahagi sa inyong pangkat. Magsagawa ng panayam sa inyong
pamayanan tungkol sa mga dapat gawing hakbang upang mapanumbalik ang
maayos na daloy ng buhay sa isang pamayanang nakaranas ng kalamidad.
Ilahad sa klase ang resulta ng inyong panayam.
Pangkat 1 – mga mag-aaral
Pangkat 2 – mga magulang
Pangkat 3 – mga guro o kawani ng paaralan
Pangkat 4 – mga kawani ng pamahalaang pambarangay
Pangkat 5 – mga miyembro ng NGO
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang tugon sa mga hakbang na
dapat gawin upang mapunmbalik ang kaayusan matapos ang kalamidad?
2. Dapat bang iasa ang mga gawaing pang-rehabilitasyon sa pamahalaan?
Bakit?
3.
Paano
ang
mabisang
pagharap
sa
mga
suliranin
at
hamong
pangkapaligiran?
126
BINABATI KITA!
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang iba’t ibang yugto ng isang
DRRM plan. Naging malinaw din sa iyo ang kahalagahan ng partisipasyon
ng mga mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng DRRM plan.
Samakatuwid dapat na maging aktibo kang kabahagi ng pagbubuo ng plano
sa inyong lugar upang maging handa ang inyong pamayanan sa pagtama
ng iba’t ibang hazard at kalamidad.
Sa susunod na bahagi ng modyul, ikaw ay magsusuri ng mga artikulo
upang higit pang mapagtibay ang iyong pag-unawa tungkol sa Aralin 3.
Gamitin ang iyong mga natutuhan sa bahagi ng PAUNLARIN upang
maisagawa ng maayos ang mga gawain sa susunod na bahagi ng modyul,
ang PAGNILAYAN AT UNAWAIN.
127
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa
paksa.
Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal na masusuri mo ang
kahalagahan ng aktibong pagkilos sa pagharap sa mga hamon ng kapaligiran.
Gawain 22. Summary Chart
Basahin at unawain ang sumusunod na artikulo, pagkatapos ay punan
ng sagot ang summary chart.
Unang artikulo.Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas
(2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.
Geography and Public Planning:
Albay and Disaster Risk Management
Agnes Espinas
Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon
sa mga kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog
ng kampana ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang
isang barangay na magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang
uri ng kalamidad. Ang iba ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon
ng kaalaman sa estado ng kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang
pagbangon mula sa isang kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng isang
komunidad ang mga paraan kung paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot
ng isang kalamidad. Nasa kanilang pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas
na lugar. Ang pagtungo sa mga evacuation centers, na karaniwang mga pampublikong
paaralan, ang paraan upang magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng
pagkain, damit, at gamot. Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang
mga lokal na opisyal upang masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit,
walang sinusunod na protocol at nakahandang plano sa pagharap sakaling magkaroon
ng kalamidad sa kanilang lugar.
128
Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay
tinatawag na “after-the-fact-disaster response”.(Romero, 2008:6) Ang paraan
ng pamahalaang pamprobinsya, mahahalagang ahensya ng lokal na
pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at reaksiyon lamang sa mga
naganap na kalamidad.
Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng
pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing pinagtutuunan
ng pansin ang kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng
relief assistance sa panahon ng kalamidad.
Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap
sa kalamidad ay maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang
pangangailangan at hindi bahagi ng regular na tungkulin ng nasabing ahensya
ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang dahil sa
pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga
gawain ng disaster control group ay ang pagbibigay ng mga early warning
signal, paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng mga relief goods,
at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa kalamidad,
nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na nagaganap.
Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga gawain sa rehabilitasyon ng
mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad.
Taong 1989, sa tulong ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng
Albay ang pagkakaroon ng community-based disaster preparedness upang
mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay at pagkasira ng ari-ariang
dulot ng mga kalamidad sa kanilang lalawigan.
129
Ikalawang Artikulo. Ang ikalawang aritkulo ay hango mula sa ulat ng
Partnerships for Disaster Reduction – South east Asia Phase 4 (2008). Ang
ulat ay tungkol sa implementasyon ng Community-Based Disaster Risk
Management sa Pilipinas.
Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects
and Programs Implemented by Non-Government Organiations
(NGOs)
Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang
nakikibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at
siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya at siyudad, 43, ang natukoy na mga atrisk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng READY Project. Makikita sa
talahanayan ang iba’t ibang organisasyon na nagpatupad ng mga gawain may
kaugnayan sa CBDRM. Ang mga organisasyong ito ay isinaayos sa
kategoryang internasyunal na NGO, lokal na NGO, NAPCVDC NGOs.
Ang mga natitirang NGOs ay miyembro ng Victims of Disaster and Calamities
(VDC) Sector of National Anti-Poverty Commission (NAPC). Ang limang NGOs
ay na ito ay ang Balay Rehabilitation Center, Inc (Balay), Creative Community
Foundation, Inc (CCF), Pampanga Disaster Response Network, Inc (PDRN),
Philippine Relief and Development Services, Inc (PhilRADS), at PNRC Agusan
Del Norte–Butuan City Chapter.
Ang mga nabanggit na internasyunal at lokal na NGOs ay may kabuuang
51 CBDRM-related na proyekto at programa. Subalit, mayroon lamang
dalawang NGOs na may kasalukuyang programa na may kaugnayan sa Hydrometeorological Disaster Mitigation for Secondary Cities in Asia (PROMISE). Ito
ay matatagpuan sa Dagupan City, sa Pangasinan at sa Easter Visayas.
130
Talahanayan 1.11 – List of Non-Government Organizations that have
Implemented Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM)
Activities
131
Sanggunian: Partnerships for Disaster Reduction – Southeast Asia Phase 4
(2008)
Ikatlong Artikulo. Ang ikatlong artikulo ay hango mula sa artikulo ni Lorna
P. Victoria, (2001) ang director ng Center for Disaster Preparedness ng
Pilipinas.
Replicating Ideally Prepared Communities
(Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)
Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization
sabagong tatag na Philippine Disaster Management Forum, tiniyak pa rin nito na
ang presensiya, tinig, at interes ng mga pamayanan sa CBDM ay mapapanatili.
Pagkatapos ang matagumpay na disaster preparedness at emergency response
activities tulad ng maayos na paglikas, search and rescue at evacuation center
management ng mga pamayanan mula pa noong 1997, tumulong na rin ang
Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang kanilang
CBDM. Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo
ng mga residente ng Doña Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North
at South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997 pagkatapos ang
pagkilos ng pamayanan laban sa plano ng isang construction company na
magtayo ng isang cement batching plant sa katabing lupaing agrikutlural.
Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga pagbaha sa kanilang
pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina.
Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness
Seminar noong Hunyo 1997, binuo ng Buklod Tao ang Disaster Response
Committee (DRC) na mayroong 33 miyembro at nagbalangkas ng Counter
Disaster Plan. Tatlong disaster management teams ang binuo at ang emergency
rescue at evacuation plan ay inayos (kasama ang pagbuo sa 3 bangkang
fiberglass). Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang
life jacket. Mula sa ibang mga donasyon ay nakalikom ang samahan ng pondo
(humigit kumulang Php 30,000) na pambili ng flashlights, baterya, mga tali,
megaphones, first aid kits at mga kagamitan sa pagbuo ng tatlong rescue boats.
Dalawang buwan pagkatapos ng disaster preparedness seminar, isang bagyo
ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na maraming bahayang nasira ay wala
namang namatay at maraming naisalba ang mga mamamayan. Simula noon,
maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa flood-level monitoring, early
warning, evacuation, rescue operations, at relief assistance activities ng DRC at
Buklod Tao.
132
Summary chart
Paano tinugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?
Batay sa unang artikulo
Batay sa ikalawang artikulo
Batay sa ikatlong artikulo
v
Batay sa tatlong artikulo na aking sinuri, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin
at hamong pangkapaligiran ay dapat na ______________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________.
Sa puntong ito ay inaasahan na mayroon ka nang malalim na pag-unawa sa
mga paksa ng modyul na ito. Ngayon ay sagutan mo ang outer circle ng Gawain 2.
Suriin mo ang mga pagbabago sa iyong mga sagot sa bahagi ng PAGTUKLAS.
133
BINABATI KITA!
Naunawaan mo sa modyul na ito ang maaaring gawin ng tao upang harapin ang
lumalalang suliranin at hamong pangkapaligiran. Binigyang-diin ang kahalagahan ng
pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ang malawakang
pinsala na dulot ng iba’t ibang kalamidad na maaaring maranasan sa ating bansa.
Sa susunod na bahagi ng modyul, ikaw ay magsasakatuparan ng isang gawain
na maaari mong makaharap o maranasan sa mga susunod na panahon.
Gamitin ang
iyong mga natutuhan sa mga nakaraang paksa upang maisagawa ng maayos ang
panghuling gawain ng modyul na makikita sa bahagi ng ILIPAT/ISABUHAY.
134
ILIPAT/ISABUHAY
Sa pagkakataong ito, isagawa mo ang huling yugto ng Modyul 1,
ang ILIPAT/ISABUHAY. Sa gawaing ito sasanayin ka na tumugon sa
isang situwasiyon na maaari mong maranasan.
Inaasahan na ang
pagtugon na iyong gagawin ay magpapakita ng iyong natutuhan mula sa
mga nakaraang aralin.
Gawain 23. We are ready!
Makibahagi sa iyong pangkat sa pagbuo ng DRRM plan na nakabatay
sa inyong paaralan, kalye (street), kapitbahayan, barangay, o isla. Basahin ang
nilalaman ng situwasiyon at isagawa ito.
Ikaw ay pangulo ng isang NGO na kasapi sa pagbuo ng CommunityBased Disaster Risk Reduction and Management Plan sa inyong pamayanan.
Ang inyong pamayanan ay kalahok sa taunang patimpalak sa paggawa ng
CBDRRM plan na inilunsad ng National Disaster Risk Reduction and
Management Council. Ikaw ay naatasang gumawa ng Disaster Risk Rreduction
and Management Plan na nakabatay sa pangangailangan ng inyong
komunidad. Ang mabubuong DRRM plan ay ilalahad sa mga miyembro ng
sangguniang pambarangay at mga kinatawan ng NDRRMC. Ito ay bibigyan
ng marka batay sa sumusunod na pamantayan: Kaangkupan, Nilalaman,
Presentasyon, Praktikalidad, at Aspektong Teknikal.
135
136
Rubric sa pagmamarka ng DRRM Plan
Kraytirya
Kaangkupan
Napakahusay
Mahusay
Nalilinang
Nagsisimula
4
3
2
1
Naaayon ang nilalaman ng DRRM Naaayon ang nilalaman ng Hindi naaayon ang nilalaman ng Hindi angkop
plan sa resulta ng isinagawang hazard DRRM plan sa resulta ng DRRM
plan
sa
resulta
ng sa komunidad
mapping, vulnerability assessment, at isinagawang hazard mapping, isinagawang hazard mapping, ang nabuong
capability
assessment
pamayanan.
Kumuha
ng vulnerability assessment, at vulnerability
ng capability
assessment
karagdagang datos mula sa mga lokal pamayanan.
ng capability
assessment,
assessment
at DRRM plan.
ng
Nagmula ang pamayanan. Hindi Kumuha ng
na opisyal, mga residente ng lugar, at lahat ng datos mula sa mga karagdagang datos mula sa
mga
nakaranas
ng
nakaraang opisyal
kalamidad at nagamit ito ng maayos.
ng
lokal
na mga lokal na opisyal, mga
pamahalaan o pamahalaang residente ng lugar, at mga
pambarangay.
nakaranas
ng
nakaraang
kalamidad
Nilalaman
Impormatib ang nabuong DRRM plan. Impormatib
Malinaw
na
sinasabi
ang
mga DRRM plan.
ang
nabuong Hindi malinaw na sinasabi ang Maraming
Malinaw na mga detalyeng dapat malaman nakalilitong
detalyeng dapat malaman ng mga sinasabi ang mga detalyeng ng
mamamayan sa pagharap sa mga dapat
kalamidad.
malaman
ng
mga
mamamayan
sa impormasyon
mga pagharap sa mga kalamidad. sa
nabuong
Ang mga nakatalang mamamayan sa pagharap sa Ang mga nakatalang datos at DRRM plan
137
datos at impormasyon ay updated at mga kalamidad.
reliable.
nakatalang
Ang mga impormasyon ay hindi updated
datos
impormasyon
ay
at at reliable.
hindi
updated at reliable.
Praktikalidad
Ang mga suhestyon sa DRRM plan ay Ang mga suhestyon sa DRRM Ang mga suhestyon sa DRRM Ang
naaayon
sa
kakayahan
pamayanan
na
tugunan
kalamidad.
Binigyang-diin
ng plan
ay
naaayon
sa plan ay naaayon sa kakayahan nabuong
ang kakayahan ng pamayanan na ng pamayanan na tugunan ang suhestyon ay
ang tugunan
ang
kalamidad. kalamidad. Hindi malinaw na hindi
lubusan at episyenteng paggamit ng Binigyang-diin ang lubusan at natalakay
ang
mga kagamitan, oras, at pondo ng episyenteng paggamit ng mga episyenteng
pamayanan.
Madaling
mga
lubusan
paggamit
at nakabatay sa
ng kakayahan ng
kagamitan, oras, at pondo ng kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan.
maunawaan
ng
mga pamayanan.
pamayanan.
mamamayan ang DRRM plan dahil sa Gumamit ng mga salita at Gumamit ng mga salita at
pagkamit ng mga salita at simbolo na termino na hindi gaanong termino
angkop sa kanilang pamayanan.
maunawaan
ng
na
mga maunawaan
mamamayan.
hindi
gaanong
ng
mga
mamamayan.
Pagsunod sa Kumpleto ang lahat ng bahagi ng isang Kumpleto ang lahat ng bahagi ng Mayroong mga bahagi ng DRRM Hindi sumunod
Proseso
DRRM
plan.
Binuo
ito
batay
sa isang DRRM plan. Binuo ito plan ang hindi naisagawa.
sa proseso ng
pagsasanib ng top-down at bottom-up gamit ang ang isa sa dalawang
pagbuo
approach.
DRRM plan
approach.
138
ng
Transisyon sa Susunod na Modyul
Binigyang-diin sa modyul na ito ang kahalagahan ng
pagsasanib ng oras, lakas, pondo, at kakayahan ng pamahalaan at ng
mga mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan upang maging handa sa
iba’t ibang suliranin at hamong pangkapaligiran. Makatutulong ang iyong
mga natutuhan sa modyul na ito upang bilang mag-aaral ay magkaroon
ng kontribusyon sa pagbuo hakbang upang mabawasan kundi man
tuluyang malutas ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
Pakatandaan mo na kabahagi ka ng lipunan at ng kapaligiran kung kaya’t
may responsibilidad ka na ito ay pangalagaan.
Sa susunod na modyul ay tatalakayin ang mga isyung
pang-ekonomiya, katulad ng natutuhan mo sa modyul na ito, ang mga
isyung pang-ekonomiya ay mayroon ring epekto sa pamumuhay ng mga
Pilipino kung kaya’t mahalaga na maging mulat ka sa mga ito.
139
Sanggunian:
Agency, U. S. E. P. (2016). Climate Change Impacts.
Aguinaldo, E. C. (2014). 3R Forum in Asia.
Andrade, J. I. (2013, April 23). PH has SE Asia’s lowest forest cover.
Philippine Daily Inquirer.
Authority, N. E. D. (2011). Conservation, Protection, and Rehabilitation
of the Environment and Natural Resources. Philippine Development
Plan 2011-2016.
Bank, A. D. (2004). The Garbage Book.
Change, I. P. on C. (2001). Climate Change 2001: Impact, Adaptation,
and Vulnerability. Contribution of Working Group II to the Third
Assessment Report of IPCC.
Chokkalingam, U., Carandang, A. P., Pulhin, J. M., Lasco, R. D., Peras,
R. J. J., & Toma, T. (2006). One century of forest rehabilitation in the
Philippines. Center for International Forestry Research, Bogor,
Indonesia, 132p.
Commission, P. C. C. (2010). National Framework Strategy on Climate
Change 2010-2022.
Country delegate to the European Commission. (2009). Country
Environmental Profile.
Domingo, E. V. (2008). Gearing a National Statistical System Towards
the Measurement of the Impact of Climate Change : The Case of.
FAO. (2010). Global Forest Resources Assessment 2010. Assessment,
140
1–27. http://doi.org/10.1017/CBO9781107415324.004
Galvez, M. (2016, February 22). Philippines 5th out of 234 countries on
forest gain. Philippine Star.
Gazette, O. Republic Act 9003 s. 2000 or the Ecological Solid Waste
Management Act of 2000 (2000). Congress of the Philippines.
Retrieved from http://www.gov.ph/2001/01/26/republic-act-no-9003s-2001/
Global Information Society. (2010). Global InformatIon SocIety Watch
2010. Retrieved from http://giswatch.org/the-reports
Israel, D. C., & Briones, R. M. (2013). Impacts of Natural Disasters on
Agriculture , Food Security , and Natural Resources and
Environment in the Philippines October 2012. ERIA Discussion
Paper Series, (October), 1–53. http://doi.org/10.1007/s10273-0111262-2
Kimpo, B. (2008). The Clean and Green Foundation and Bantay
Kalikasan.
Retrieved
August
10,
2015,
from
https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/bingkimpo/Home/enrm2222008-1/the-clean-and-green-foundation-and-bantay-kalikasa
Mercer, J. and J. G. (2010). Bridging the gap between top-down and
bottom-up initiatives in disaster risk reduction ( DRR ).
Mooney, L. A., Knox, D., & Schacht, C. (2011). Understanding Social
Problems. Learning.
NATIONAL SOLID WASTE MANAGEMENT. (2016).
141
National Solid Waste Management Status Report. (2015), (December).
Office, S. E. P. (2013). Natural Disasters at a Glance. Retrieved from
http://senate.gov.ph/publications/AAG
2013-04
-
Natural
Disasters_final.pdf
Oliva, R. V. (2007). Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement
Situationer and Core Issues.
Oliveira, J.P., Doll, C., Kurniawan, T.A., Yong, G., Kapshe, M., Huisingh,
D. (2013). Promoting win-win situations in climate change mitigation,
local environmental quality and development in Asian cities through
co-benefits,. Journal of Cleaner Production, (58), 1–6.
Organization, F. and A. (2015). Forest Area. Retrieved February 4, 2017,
from
http://data.worldbank.org/indicator/AG.LND.FRST.ZS?locations=P
H
Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation. (2013). Status of
Philippine Forests (Vol. 20).
Philippines, C. for E. C. (2012). Confronting the Ecological Crisis.
Quezon City.
Rudinas, J. S., Godilano, E. C., & Ilaga, A. G. (2013). Implementing
Climate
Smart
Agriculture,
Ridge-river-reef:
The
Philippine
Adaptation and Mitigation initiative for Agriculture. Retrieved from
http://www.pdf.ph/downloads/Rural
Development/Highlights
of
Meeting/23 May 2013/attachments/03-Implementing Climate Smart
142
Agriculture.pdf
Sönke, K., Eckstein, D., Dorsch, L., & Fischer, L. (2015). Global climate
risk index 2016: Who suffers most from Extreme weather events?
Weather-related loss events in 2014 and 1995 to 2014.
http://doi.org/978-3-943704-04-4
143
MODYUL 2: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA
Panimula at mga Gabay na Tanong
Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya
tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon kaakibat ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Hangarin sa pag-aaral
ng mga aralin na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga
mag-aaral ang mga hamon at tugon sa mga isyung nabanggit tungo sa
pagpapabuti ng ng kalidad ng pamumuhay. Makatutulong ang pagunawang ito sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng isang indibiduwal.
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masagot ang
tanong na ‘Paano nakaapekto ang mga isyung pang-ekonomiya sa
pamumuhay ng mga Pilipino?’
144
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na
pamantayan sa pagkatuto:
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa sanhi at implikasyon ng
mga lokal at pandaigdigang isyung
pang
ekonomiya
upang
mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa
pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang
mga
mag-aaral
ay
nakabubuo ng
pagsusuring papel sa mga isyung
pang-ekonomiyang nakaaapekto
sa kanilang pamumuhay.
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 – Globalisasyon: Konsepto at Anyo
Aralin 2 – Mga Isyu ng Paggawa
Aralin 3 – Migrasyon
Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga
sumusunod:
Mga Aralin
Kasanayang Pampagkatuto
 Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon
bilang isa sa mga isyung panlipunan
Aralin
1:
 Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng
Globalisasyon:
globalisasyon bilang isyung panlipunan
Konsepto
at
 Nasusuri ang implikasyon ng iba’t ibang anyo ng
Anyo
globalisasyon sa lipunan
 Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap
sa epekto ng globalisasyon
 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng
ibat ibang suliranin sa paggawa
Aralin 2:
 Natataya ang implikasyon ng ibat ibang suliranin sa
Mga Isyu sa
paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
Paggawa
ekonomiya ng bansa
 Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang ibat
ibang suliranin sa paggawa
145

Aralin 3:
Migrasyon


Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon
sa loob at labas ng bansa
Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong
panlipunan, pampolitika at pangkabuhayan
Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa
mga suliraning dulot ng migrasyon.
PANIMULANG PAGTATAYA
Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyangpansin ang mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang
sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong
mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto
sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong
mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong
political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng
tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa
C. Migrasyon
B. Ekonomiya
D. Globalisasyon
3. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang
pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod
na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible
labor?
146
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan
ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging
posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang
kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad
na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa
ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang
kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad
na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
4. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa
kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang
paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa.
Ano ang iskemang subcontracting?
A. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon.
B. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na
subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng
isang trabaho o serbisyo.
C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa
isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
5. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng
mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga
hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
6. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na
interpretasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
147
Ekonomikal
Globalisasyon
Sosyokultural
Politikal
A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa
pamumuhay ng tao.
B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at
kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
7. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na
pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang
manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang
sumusunod.
I.
II.
III.
148
Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng
paggawa sa maraming kompanya.
Naapektuhan ang
kalusugan ng maraming
manggagawang namamasukan partikular ang mga call
center agents.
IV.
Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming
Pilipino.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong
konklusyon dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng
tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng
marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang
globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa
pamumuhay ng tao.
8. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban
sa isa. Ano ito?
A.
B.
C.
D.
Ekonomikal
Teknolohikal
Sosyo-kultural
Sikolohikal
9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag
na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga
manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa
bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga
Automatic Teller Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
10. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod
ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa
bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang
Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito
sa bansa?
A. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng
produksiyon sa iba’t ibang krisis.
B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa
ibang bansa.
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga
manggagawang Pilipino.
149
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa
bansa sa pandaigdaigang kalakalan.
11. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at dimakatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan
ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga
manggagawang Pilipino?
A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya
sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa
mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng
tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement
(CBA).
C. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at
kapitalista
D. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o
kagamitan ng kompanya
12. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong
pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito
I.
Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang
nagpupunta sa Pilipinas.
II.
Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang
pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga
industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon
D. Migration transition
13. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang
pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng
naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal
at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit
na pinaunlad ang mga malalaking industriya
150
14. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang
globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga
bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa
sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng
impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa
sa daigdig.
15. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang
paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Hanapuhay
B. Turismo
C. Edukasyon
D. Tirahan
16. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabagp
sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema
ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang
kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan
ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa
pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng
mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na
manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa
pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo
ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa
bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata
lamang sa mga lokal na manggagawa.
17. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga
dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa
ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa
sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng
BPO. Sa kabilang dako patuloy namang bumababa ang paglago
ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa
pahayag na ito?
151
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa
bansa at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing
wika na madali sa mga Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa
bansa kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga
sebisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at
impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso
na may kinalaman sa BPO.
18. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong
1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa
bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o
permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working
arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa
hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano
ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang
kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging
regular.
B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa
mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible
ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan
kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax
incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuang
kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa
bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng
pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya
na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.
19. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang
ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang
mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan
sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi
kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano
ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na
mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
152
20. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa
isa. Ano ito?
A. Nearshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Inshoring
ARALIN 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo
Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang
patuloy na nagbabago kundi maging ang takbo ng lipunan na
kinabibilangan ng bawat isa. At isa sa mga pagbabagong ito ay tinatawag
na globalisasyon.
Matutunghayan sa araling ito ang paksang globalisasyon. Halina’t
suriin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa
iyo ang mga gawain upang lubusang maunawaan ang mga esensyal na
kaisipan patungkol sa globalisasyon. Halina at simulan ang pagsusuri
nito.
ALAMIN
Ipahahayag mo sa gawaing ito ang iyong mga nalalaman
tungkol sa globalisasyon.
Makatutulong ang mga
paunang gawain upang maisakatuparan ang layuning ito.
Maaari mo nang simulan ang ito.
Gawain 1. Guess the Logo
Subukin mong tukuyin ang mga produkto o serbisyo gamit ang
sumusunod na logo. Humandang sagutin ang mga tanong.
153
______________________
______________________
_____________________
_______________________
____________________
_________________________
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong kompanya ang kinakatawan ng mga logo?
2. Madali mo bang nasagot ang mga ito? Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong
ito?
4. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang globalisasyon?
Gawain 2. D&D (Dyad Dapat)
Pumili ng kapareha at basahin ang katanungan sa ibaba. Sagutin
ang kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya.
154
Samantala, ang dalawang kahong nasa gawing ibaba ay sasagutan sa
ibang bahagi ng aralin.
TANONG SA ARALIN
Paano nakaapekto ang mga isyung
pang-ekonomiya sa pamumuhay
ng mga Pilipino?
AKING KASAGUTAN
KAPAREHA
(Sagot ng Mag-aaral)
(Sagot ng Kapareha)
PINAGSAMANG IDEYA
(Sagot ng Magkapareha)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang bagong kasagutan.)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na sagot )
BINABATI KITA!
Nagawa mong makapagbahagi ng mga paunang kaisipan tungkol sa
globalisasyon. Panahon na upang paunlarin ang iyong kaalaman tungkol sa
paksang ito. Sa puntong ito ay nagtatapos ang bahagi ng Alamin.
Makatutulong ang paggamit ng iyong dating kaalaman sa pagsasagawa
ng mga gawain sa bahagi ng PAUNLARIN.
155
PAUNLARIN
Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang
globalisasyon bilang isyung panlipunan. Nilalayon din na
matapos ang aralin ay iyong maipaliliwanag kung paano nito
binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo
Sa paksang ito, tatalakayin ang mga kaisipang may kinalaman sa
globalisasyon partikular ang mga pananaw tungkol sa pag-usbong nito.
Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng
tao sa kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa
paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay
mababanaag ang manipestasyong ito. Ngunit, kailan at paano nga ba
nagsimula ang pandaigdigang penomenong ito? Paano nito binago ang
ating pamumuhay?
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011)
Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis
ng tao ang ugnayan sa bawat isa.
Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa
pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang
156
pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa
tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa
ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t ibang panig
ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa
kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago
sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ng taong 1914.
Higit na pinabilis ng pag-unlad ng teknolohiya at mga polisiyang
ipinatupad
sa nagdaang mga taon ang
palitan ng mga kalakal at
serbisyo, pamumuhunan at maging ng migrasyon. Simula ng taong 1950
halimbawa, ang volume ng pandaigdigang kalakalan ay tumaas ng 20
ulit at mula taong 1997 hanggang 1999 ang dayuhang pamumuhunan ay
dumoble mula sa $468 bilyon patungong $827 bilyon.
Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review ng World
Trade Organization sa taong 2016, ang halaga ng mga produktong
naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon samantalang
nakapagtala ng humigit na $4 na trilyon naman sa serbisyong
komersyal. Bagamat bumaba ng kaunti kung ihahambing sa taong 2014,
ito ay halos doble naman sa naitala noong 2005.
Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa
kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis,
mura, at malalim’. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang ‘The World
is Flat’ na nailathala noong taong 2006, ‘Any job- blue or white collar- that
can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes
can now be exported to other countries where there is a rapidly
increasing number of highly educated knowledge workers who will work
for a small fraction of the salary of a comparable American worker.’
Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa
ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, partikular sa nagdaang dalawang dekada, marami sa mga
157
bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na
nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at
pamumuhunan.
Gamit ang kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay
ng karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit na
maunawaan ito.
 Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw?
Electronic gadgets, makina o produktong agrikultural?
 Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled
workers at propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver?
 Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific
findings and breakthroughs, entertainment o opinyon?
 Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang paraan?
 Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula
sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang
kabaligtaran nito?
 Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States,
China, Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas?
Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon? Bakit?
Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon
ay tinitingnan
bilang isang pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang
prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng
pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito.
Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang
halimbawa. Dahil sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa
iba’t ibang panig ng daigdig, ang terorismo ay mabilis ding
nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong
panlipunan.
Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa
pamamagitan ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na
naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran
158
tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyokultural.Nariyan ang iba’t ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng
mga bansa sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.
Bakit maituturing itong isang isyu? Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon
sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga
perennial institusyon na matagal nang naitatag.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang
mga ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa
mahahalagang gampanin nito.
Suriin natin ang mga manipestasyong ito sa iba’t ibang anyo at ang kaakibat nitong
hamon.
Perspektibo at Pananaw
Upang higit na maunawaan ang globalisayon bilang isang
kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga
pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito.
May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at
simula ng globalisasyon.
Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat
sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak
sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,
mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.
Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang
globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay
Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga
159
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap
tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit
na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong pinagdaanan nito.
Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon
ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang
binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula
ang globalisasyon at ito’y makikita sa talahanayan na nasa kasunod na
pahina.
Panahon
Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo Globalisasyon
ng
Relihiyon
(4th-5th Century)
(Pagkalat
ng
Islam
at
Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo
(late 15th century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan sa pagitan ng mga bansa
hanggang unang bahagi ng sa Europa na nagbigay-daan sa
ika-19 na siglo( late 18th-early globalisasyon
19th century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na Rurok
ng
siglo hanggang 1918
Kanluranin
Imperyalismong
Post-World War II
Pagkakahati
ng
daigdig
sa
dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at
kapitalismo.
Post-Cold War
Pananaig ng kapitalismo bilang
sistemang
pang-ekonomiya.
Nagbigay-daan sa mabilis na
pagdaloy
ng
mga
160
produkto,serbisyo,
ideya,
teknolohiya at iba pa
sa
pangunguna ng United States.
Talahanayan na nagpapakita ng anim na panahon o epoch ng globalisasyon
(Therborn, 2005)
Mula sa talahanayan, itinampok ni Therborn na ang globalisasyon
ay hindi isang bagong penomenon o pangyayari at hindi rin siklo.
Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula
ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa
kasaysayan. Sa katunayan, posibleng
maraming pinag-ugatan ang
globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:
o Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si
Kristo (Gibbon 1998)
o Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang
pagbagsak ng Imperyong Roman
o Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
o Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong
Iceland, Greenland at Hilagang America
o Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
o Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa
Italya noong ika-12 siglo
Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20
siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956 o nang lumapag ang
‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang London. Maaari
rin namang nagsimula ito nang lumabas ang unang larawan ng daigdig
gamit ang satellite ng taong 1966. Mayroon ding nagsasabi na ang
globalisayon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga
terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay
gumising sa marami na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang
‘global’ na daigdig.
Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang
globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
161
Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing
may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang:
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar
nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at
sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (
taong 1960-70).
Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and
TNCs)
Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay
nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany,
Great Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang
nagtutuon ng pansin sa ibang
bansa partikular sa mga developing
nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at General Motors.
Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang ito
subalit sa kasalukuya’y malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita
ay nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America. (Tatalakayin
ang isyung ito sa mga susunod na bahagi.)
Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union
noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos
ang pangyayaring ito’y mabilis na nabura ang markang naghahati at
naghihiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista. Pumasok ang
mga multinational companies (MNCs) sa mga bansang dating sakop ng
USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia. Nagbukas ang mga bansang
ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang panlabas.
162
Mula sa mga pangyayaring binanggit, sa iyong palagay ano ang naging dahilan ng
pagsisimula ng globalisasyon? Pangatuwiranan?
Gawain 3. Tilamsik Kaalaman
Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalaman batay sa
iyong naunawaan sa binasang teksto. Isulat sa unang kolum ang
pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang
kolum naman ang mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Isulat sa
ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa bawat
pananaw.
163
Pamprosesong mga Tanong
1. Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang
globalisasyon.
2. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon?
Naniniwala ka ba dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang
sa iyong palagay ay katanggap-tanggap? Pangatuwiranan.
164
Gawain 4.Window Shopping
Pumunta sa isang sari-sari store o grocery store, canteen at mga kauri
nito. Maglista ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Pumili ng lima
sa mga produkto o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o
ipinagbibili rin sa ibang bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa
ibaba.
PRODUKTO/
SERBISYO
KOMPANYA
BANSANG
PINAGMULAN
1.
2.
3.
4.
5.
Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong
produkto at serbisyo ang iyong natuklasan na
ipinagbibili hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging
sa iba pang bansa?
2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o serbisyong
nabanggit?
3. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa
atin? Pangatuwiranan.
165
Paksa: Anyo ng Globalisasyon
Tatalakayin sa paksang ito ang mga anyo ng globalisasyon na
makatutulong sa pagsusuri ng penomenong ito.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa
kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paran
ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa
daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking
korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang
pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
Multinational at Transnational Companies
Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at
transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission
on Transnational Corporations and Investment, ang TNC ay tumutukoy
sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang
mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal.
Marami
sa
kanila
ay
kompanyang
petrolyo,
I.T.
consulting,
pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang
Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein
(halimbawang produkto ay sensodyne at panadol).
166
Samantala, ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan
na
tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit
ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang
Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER,
Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa.
Dinala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at
serbisyong naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino.
Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o korporasyon sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at
dayuhang namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital. Sa
katunayan, batay sa datos ng International Monetary Fund, ang ilan sa
mga MNCs at TNCs ay higit pa ang kinikita sa Gross Domestic Product
(GDP) ng ilang mga bansa.
Suriin ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng mga
kompanya at bansa kasama ang kanilang kaukulang kita sa taong 2011.
Kompanya
Kita
Bansa
GDP
Yahoo
$6.32 billion
Mongolia
$6.13 billion
Visa
$8.07 billion
Zimbabwe
$7.47 billion
eBay's
$9.16 billion
Madagascar
$8.35 billion
Nike
$19.16 billion
Paraguay
$18.48 billion
McDonald
$24.07 billion
Latvia
$24.05 billion
Amazon
$32.16 billion
Kenya
$32.16 billion
Pepsi
$57.83 billion
Oman
$55.62 billion
Apple
$65.23 billion
Ecuador
$58.91 billion
Procter and Gamble
$79.69
Libya
$74.23 billion
167
Ford
$128.95 billion
Morocco
$103.48 billion
GE
$151.63 billion
New Zealand
$140.43 billion
Walmart
$482 billion
Norway
$414.46 billion
Batay sa talahanayan, ano kaya ang implikasyon nito sa mga
bansa kung saan sila matatagpuan?
Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building
Asean empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero
9, 2017, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia
ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International
Container Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation. Binigyang
pansin dito ang halaga ng mga nasabing korporasyon sa pamilihan ng
mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang ilang
korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John Mangun
ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, ilang mga
korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway
Marketing Corporation, ang itinayo sa China at nakararanas ng patuloy
na paglago.
Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at
transnational corporations sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang
pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili
na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na
sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto.
Maituturing itong pakinabang sa mga mamimili. Bukod dito, nakalilikha
rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning
nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang
168
pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na
kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na
may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang
lokal ang tuluyang nagsasara.
Malaki rin ang kakayahan ng mga ito na impluwensyahan ang
polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa tulad ng
pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng tulong-pinansyal, at maging ang
pagpapagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung
pangkapaligiran. Nakukuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan
ng pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang
bansa. Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at paglakas
ng mga nasabing MNCs and TNCs nagdudulot naman ng paglaki ng
agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa
taong 2017. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung
pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo sa taong 2015-2016 ay
higit pa sa kita ng 180 bansa. Tinukoy din sa nasabing ulat na ang yaman
ng nangungunang walong bilyonaryo ay katumbas ng pinagsamasamang yaman ng 3.6 bilyong tao sa daigdig!
Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng
paglakas ng MNCs at TNCs?
Outsourcing
Bukod sa mga nabanggit, ang pagdami ng outsourcing companies
ay maituturing na manipestasyon ng globalisasyon. Hindi na bago ang
konsepto ng outsourcing dahil marami na ang gumagamit nito partikular
sa malalaking pribadong kompanya.
169
Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng
serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya
upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na
mahalaga.
Isang halimbawa nito ay ang paniningil ng utang ng isang
institusyong pinansyal sa mga credit card holders nito. Sa halip na sila
ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula
sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang
pagkakautang.
Dahil dito mas napagtutuunan nila ng pansin ang higit na
mahahalagang bagay tulad ng agresibong pagbebenta (aggressive
marketing) ng kanilang produkto at serbisyo na nagbibigay naman ng
malaking kita.
Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na
serbisyo tulad ng Business Process Outsourcing na tumutugon sa
prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Nariyan din ang
Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing
nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal. Kung
gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng
kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin
ito sa mga sumusunod:
1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang
bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa
ganitong uri ng outsourcing. Sa pagnanais ng mga outsourcing
companies mula United States, at mga bansa sa Europe na makatipid
sa mga gastusing kalakip ng nasabing serbisyo minarapat nilang
kumuha ng serbisyo sa mga kompanya mula sa bansang Asyano tulad
170
ng India at Pilipinas. Marami sa mga outsorcing companies sa bansa ay
tinatawag na Business Process Outsourcing na nakatuon sa Voice
Processing Services. Ilan sa mga gawaing kalakip nito ay pagbebenta
ng produkto at serbisyo, paniningil ng bayad sa nagamit na serbisyo at
produkto, pagkuha ng order ng isang produkto at serbisyo, pagkuha ng
mga impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit ng mga
namumuhunan at mga katulad nitong gawain. Bukod sa pagkakaiba ng
oras, karaniwang nagiging suliranin dito ang pagkakaiba ng wika at
kultura na nakapagpapabagal ng produksyon.
2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya
sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat
ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan
ng serbisyo ay may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika
at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito.
3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan
ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng
bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.
Tulad ng nabanggit, talamak sa Pilipinas ang offshore outsourcing sa
kasalukuyan. Patunay rito ang dumaraming bilang ng call centers sa
bansa na pag-aari ng mga dayuhang namumuhunan na ang ilan ay mula
sa United States, United Kingdom, at Australia. Malaking bilang ng mga
graduates ang nagtatrabaho sa call centers dahil na rin sa mataas na
sahod na ibinibigay ng mga ito.
Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top
100 Outsourcing Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga
siyudad sa buong mundo (sunod sa Bangalore, India) na destinasyon ng
BPO. Kasama rin sa listahan ang Cebu City (7th), Davao City (66th), Sta.
Rosa City (81st), Bacolod City (85th), Iloilo City (90th), Dumaguete City
(93rd), Baguio City (94th), at Metro Clark (97th).
171
Malaki ang naitulong ng industriyang ito sa pag-angat ng
ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Information Technology and Business
Process Association of the Philippines (IBPAP), pangalawa ito sa
pinagkukunan ng dolyar ng bansa. Katunayan, lumikha ito ng 1.2 milyong
trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Tinukoy
ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kung magpapatuloy ang
ganitong takbo ng industriya, malalagpasan nito ang inuuwing dolyar ng
mga OFW sa mga susunod na taon.
Naging daan din ito sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa
maraming mga Pilipino na nagbunsod naman ng pagkakaroon ng surplus
budget na nailagak sa mga institusyong pinansiyal bilang savings o
investment. Iyong matatandaan na binigyang pansin sa asignaturang
Ekonomiks ang halaga ng savings at investments sa pag-angat ng
ekonomiya ng isang bansa. Samakatuwid, mayroong positibong dulot
ang outsourcing sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Gawain 5.Tuklas-Kaalaman
Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksang globalisasyong
ekonomiko. Gawin ang sumusunod.
1. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng multinational at
transnational companies sa Pilipinas gamit ang aklat at internet.
2. Tukuyin alin sa mga ito ang may operasyon sa ating bansa at kung
ito ay may kakompetensyang lokal na namumuhunan.
3. Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng
MNC’s at TNC’s sa ekonomiya ng bansa.
172
Pamprosesong Tanong
1. Nakatutulong
ba
ang
mga
multinational,
corporations at outsourcing sa pag-unlad
transnational
ng bansa?
Patunayan ang sagot.
2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at
multinational at transnational corporation sa ating bansa?
3. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga
pagbabagong nabanggit? Pangatuwiranan.
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng
globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino
na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay
matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timogkanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at
Silangang Asya tulad ng South Korea,Japan, Taiwan, Hongkong at
China.
Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at
United States ay kakikitaan ng mga manggagawang Pilipino.
Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino
ay
nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang
panandaliang tugon sa
budget deficit ng kaniyang administrasyon.
Naging matagumpay ang stop gap measure na ito.
Nang makita ng pamahalaan ang malaking kapakinabangang
makukuha dito’y pinaigting pa ang pagpapadala ng mga manggagawa
173
sa
ibang
bansa.Kaya
naman
nagpapatuloy
ito
hanggang
sa
kasalukuyan. (Higit na palalalimin ang paksang ito sa susunod na aralin.)
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL
Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng
globalisasyon. Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal at sosyokultural ng mga bansa sa daigdig.
Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing
countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na
nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad
ng Pilipinas, Bangladesh at India.
Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang
pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa
panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis
na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
Halimbawa nito’y ang pakinabang na nakukuha ng mga
mangingisda ng Kerala sa India. Bago pa man pumalaot ang mga
mangingisda ay tinatawagan na nila ang mga ‘prospektibong’ mamimili
kaya naman nabibigyang kasiguruhan na sila ay kikita. Sa katunayan,
higit walong porsyento ang itinaas ng kanilang kita dahil sa sistemang
ito.
Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile phones. Sa
katunayan, ang pagte-text ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa
mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang
isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring
ekstensiyon ng
kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay
ng maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng
computer at internet sa nakararami.
174
Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo
tulad ng e-mail. Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga kompanya,
pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha
ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala
sa tawag na e-commerce.
Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang
mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang
panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga
ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula,
videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social
networking sites at service provider.
Ang mga sikat na awitin, pelikulang, palabas sa telebisyon, viral
videos at pictures, hashtags, memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa
mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet
access.
Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa
ibang bansa partikular ang mga nagmumula sa United States.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang
kultural ng Koreans sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula,
Korean novela, K-pop culture, at mga kauri nito.
Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa
pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang
Pilipino sa kasalukuyan.
Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking sites tulad
ng facebook, twitter, instagram at Myspace ay ang pagbibigay
kakanyahan sa mga ordinaryong mamamayan na ipahayag ang kanilang
saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi ang
mga netizen sa mga usaping lubos na nakakaapekto sa kanila. Netizen
ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking
175
site bilang midyum o entablado ng pagpapahayag.
Hindi na sila
maituturing na pasibong consumer lamang na tumatangkilik ng iba’t
ibang produkto at serbisyo. Sa katunayan, ginagamit ng marami ang mga
ito upang maipakita nila ang talento at talino sa paglikha ng mga music
videos, documentaries at iba’t ibang digital art forms. Maituturing silang
prosumers na nangangahulugan ng pagkonsumo ng isang bagay o ideya
habang nagpo-produce ng bagong ideya.
Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga
suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer
viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging
sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
Bukod dito nagkakaroon din ng mga pagkakataon na makagawa
ng intellectual dishonesty dahil sa madaling pag-copy and paste ng mga
impormasyon mula sa internet.
Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad.
Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet
bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga
target nito.
Sang-ayon ka ba sa cyber crime law upang mabigyang-tugon
ang suliranin ukol dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang mga penomenong ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang
kultural na mabilis namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng
mundo.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyokultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong
politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga
176
bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon
na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang mga
kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay
nagbigay daan sa epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa na
nagdulot naman ng mabilis na palitan ng mga produkto, ideya,
kahusayang teknikal at maging ng
migrasyon ng kani-kanilang
mamamayan.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan,
South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga
oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig.
Halimbawa nito ang economic and technical aid na ibinibigay ng ilang
bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project ng Japan, BEST Project ng
Australia, military assistance ng US, at mga tulad nito.
Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga
bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay
daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang
pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang ASEAN Integration
sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat
isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at
pagtutulungang politikal.
Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga
pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Ayon sa
artikulo ni Prof. Randy David na pinamagatang, ‘The Reality of Global
pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, European Union,
Amnesty International at mga tulad nito sa mga polisiya at programang
kinahaharap ng isang bansa.
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang
layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan
177
ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga
mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad
ng isang bansa kung ang kanilang interes ang bibigyang pansin.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong
ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay
sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang
sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
Bibigyan pansin sa araling ito ang mga pagtugon sa iba’t ibang hamon ng
globalisasyon.
Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa
buhay ng tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang
aspeto
ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning
kailangang harapin at bigyang katugunan.
Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon
ng globalisasyon maging ito man ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal
o sosyo-kultural.
Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na
isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Guarded Globalization
Pakikialam
ng
pamahalaan
sa
kalakalang
panlabas
na
naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante.
178
Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:
 pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at
serbisyong
nagmumula
sa
ibang
bansa.
Sa
ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng
mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe
ang mga produktong lokal; at
 pagbibigay
ng
subsidiya(subsidies)
sa
namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay
mga
tulong-
pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States
sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga
magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang
pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya
naman murang naipagbibili ang mga ito.Bukod sa
United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin
ng
malaking
subsidiya
sa
kanilang
mga
namumuhunan.
Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay
tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at
pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa
pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit
na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito
na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at
nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes
ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal
at panlipunan. Binibigyang pansin din nito ang ilang mahahalagang
dimensiyon ng kalakalan tulad ng pangangalaga ng karapatan ng mga
179
manggagawa (hal.pagbuo ng unyon), pagbibigay ng sapat at ligtas na
trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong
ligtas sa
lahat. Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang
kalakalan.

Isa sa mga nakinabang sa pantay na kalakalan (fair
trade) ay
mga magsasaka ng kape. Humigit-
kumulang pitong milyong katao mula sa umuunlad
na bansa (developing nations) kasama ang Brazil
ang nakinabang sa patakarang ito dahil sa mas
mataas na halaga nila naibenta ang kanilang coffee
bean na nagkakahalaga ng $1.29 per pound kung
ihahambing sa $1.25 sa pamilihan. Upang maging
kuwalipikado, kinakailangan na ang magsasaka ay
makasunod sa mga alituntunin sa paggamit ng
pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa.
Sa kabilang banda, hindi lahat ng mga bansa ay
napakikinabangan
ito
tulad
ng
Columbia,
Guatemala at Ethiopia. Malaki ang kinikita ng
Starbucks mula sa mataas na uri ng kape mula sa
Ethiopia ngunit hindi ang mga magsasaka ng kape.
Sa katunayan, isang sentimo lamang mula sa
limang dolyar kada tasa ng kape ng Starbucks ang
natatanggap ng mga magsasakang ito. Kaya
naman, malayo pa ang lalakbayin ng programa o
proyektong ito upang higit na mapakinabangan ng
mga umuunlad na bansa.
Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat
bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang
daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa
180
Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na
bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulongpinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany,
Japan, France at Italy
ay sinasabing hindi sapat kung hindi
magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning
ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki
ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.
BINABATI KITA!
Sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa globalisasyon.Gamitin ang
iyong mga natutuhan sa bahagi ng PAUNLARIN upang maisagawa ng maayos
ang mga gawain sa susunod na bahagi ng modyul, ang PAGNILAYAN AT
UNAWAIN.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa puntong ito’y, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol
sa globalisasyon.
Inaasahan na iyong masusuri ang mga positibo at
negatibong dulot ng globalisasyon. Makakatulong ang inihandang gawain
upang iyong matimbang ang dulot ng globalisasyon sa buhay ng mga Pilipino.
Gawain 6.Decision Diagram
Surrin ang dalawangartikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon
sa pamumuhay ng mga Pilipino at punan ang Decision Diagram.
Halaw angartikulo sa akda ni Lisa Smith. Isinalin ang ilang bahagi ng mayakda ang nasabing artikulo.
181
Globalization: Progress or Profiteering?
(Liza Smith)
Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang
lokal n
patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng
daigdig. Ayon sa mga sumusoporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa
mga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami
ng bilang ng trabahong naibibigay nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito. Patunay
dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand.
Para sa mga
malalaking negosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon
sapagkat nakakukuha sila ng manggagawang handang tumanggap ng mas mababang
Summary
chart
sahod na
nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita.
Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging
ang mga manggagawa sa iba’t ibang bansa na handang makipagkompetensya upang
makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang
trabaho (hal. autoworks) mula sa US
na dinala ngNorth American Free Trade
Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito ay inilipat
sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man
ang mga produktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga.
Samantala, ang mababang pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na
bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga
kanluraning bansa.
Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa
papaunlad na mga bansa dala ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga
korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa.
182
Ngunit kabaliktaran naman nito ang nagyayari sa mga mauunlad na bansa sapagkat batay
sa mga pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap sa mga
bansang ito. Ilang politiko rin ang nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class
dala ng penomenong ito.
Kasama rin sa duot ng globalisasyon ang ‘homonisasyon’ ng kultura sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig. Ang pag-usbong ng coffee shops at big-box retailers sa mga syudad ng
maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang kultural.
Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang pambansang
soberanya ng mga maliliit na bansa dahil sa malakas na impluwensyang dulot ng
mayayamang bansa kung saan nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho.
Hangga’t hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaakibat ng globalisasyon,
mananatili ang edukasyon, flexibility at adaptability sa mga kasanayang makatutulong
upang makasabay dito.
Hango ang artikulo sa balita ni Ma. Stella F. Arnaldo ng Business Mirror.
Isinalin ang ilang bahagi ng may-akda ang nasabing artikulo.
Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines
(Ma.Stella F. Arnaldo)
Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng
ugnayan nito sa Pilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa
bansa mula taong 2018 hangagang 2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines
Luis Antonio Calvo, umabot ng €50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa sa mula
taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang mga programa na
may kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk reduction, at de-kalidad na
pagtugon sa humanitarian crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga
183
Peninsula.
Ayon din sa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na handang
mamuhunan hanggang malinawan sila sa makroekonomikong kondisyon ng bansa.
Batay sa tala ng Philippine Embassy sa Madrid, ang kabuuangforeign direct
investments ng Espanya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang
2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Espanya nang kumita
ang huli ng $136 milyon sa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at serbisyo
ng bansa sa Espanya ay patuloy ang paglago na may average na 11.13% kada taon
simula ng 2011.
Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership projects ay mula sa
Espanya tulad ng OHL (Obrascon Huarte Lain), na
bahagi ngAyala Group
consortiumpara sa Cavite-Laguna Expressway (Calax), Grupo ACS (Actividades de
Construccion y Servicios)para sa proyektong paliparan,at Abengoa para sa mga
proyektong patubig.
Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang
nakatanggap ng tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng Espanya na magaya ang proyekto nitong national
disaster risk-reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng bansa na
tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
184
Mabuting dulot ng globalisasyon
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabuti o nakasama ba
globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
185
Di- mabuting dulot ng globalisasyon
________________
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di-mabuting dulot
ang globalisasyon?
2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino?
Magbigay ng halimbawa.
3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama ang
globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan ang
iyong sagot.
186
ARALIN 2: Mga Isyu sa Paggawa
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahang matututuhan mo ang iba’t ibang isyu na
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Sa pagtalakay sa isyu ng paggawa
balikan ang mga sagot sa unang bahagi ng (D&D) Dyad Dapat na iyong sagot sa
Gawain 2 upang mapaunlad sa bahaging ito. Samantala maitatala mo ang iyong
mga matututuhan sa ikalawang bahagi ng D&D sa susunod na gawain.
Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang larangan
dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin
ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Sa unang aralin ng
modyul na ito ay nabatid mo ang naging impact ng globalisasyon sa bansa sa pagbabago sa
kaisipan at perspektiba ng mga mamamayan tungkol sa pandaigdig na komunidad at
pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan mo rin sa unang aralin ang iba’t ibang anyo
ng globisasyon tulad ng globalisasyong ekonomiko, teknolohikal, at sosyo-kultural.
Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat
pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na
napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na
sa mga usapin sa paggawa.
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang
anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod,
kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’
bunga
187
ng
mga
‘job-skills
mismatch,’
iba’t
ibang
anyo
ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang
hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga
puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman
ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon
sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok
sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging
ang workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga
pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade Organization (WTO) ng
mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa
mga manggagawa. Naglalagak ang mga multi-national company ng mga
investment para sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga
kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa
mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang
mga sumusunod:
 una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard;
 pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na
produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan;
 pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik
ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget,
computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at
 pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa
mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan
na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal.
188
Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa
sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na
hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang
magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.
Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa
Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga
kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015
sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro
ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang
pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na
isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga
mag-aaral na Pilipino.
Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na
paggawa (tunghayan ang Talahanayan 2.1) na naaangkop sa mga
kasanayan para sa ika-21 siglo. Ito ay ang Media and Technology Skills,
Learning and Innovation Skills, Communication Skills at Life and Career
Skills
(DepED, 2012). Upang makatugon sa mga kasanayang ito,
isinasakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng
dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na
Senior High School. Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayang
pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive na nakabatay sa
balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic
Education, Technological-Vocational Education at Higher Education
(DepED, 2012).
189
Talahanayan 2.1
Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin
na Hinahanap ng mga Kompanya
Skills
Basic writing, reading, arithmetic
Theoritical knowledge and work skills
Practical knowledge and skills of work
Human relations skills
Work Habits
Will to work
Sense of responsibility
Social responsibility
Ethics and morals
Health and hygiene
Educational Level
Elementary
Secondary
Secondary
Secondary
Secondary
Secondary
Secondary
Secondary
Secondary
Elementary
Halaw mula sa Productivity and Development Center
Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pagangat ng Pilipinas sa larangan ng Business Process Outsourcing dahil
sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang Pilipino. Ang
Pilipinas ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng
non-IT BPO. Ito ay ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong
kompanya na ang kanilang tanggapan ay nasa ibang bansa at pagkuha
ng mga call center agent sa bansa upang magtrabaho. Gagampanan ng
mga agent na ito ang ilang aspeto ng operasiyon na nasa Pilipinas upang
tugunan ang pangangailangan ng kanilang kliyenteng kompanya na
nakabase pa rin sa ibang bansa.
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE,
2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa
kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang
Pilipino tungo sa isang disenteng pagggwa (decent work) na naglalayong
na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang
kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa. Matutunghayan
190
sa Pigura 2.1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at
marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa
bansa.
Pigura 2.1
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE,
2016)
Employment
Pillar
Worker’s
Rights Pillar
191
Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at
maayos na workplace para sa mga manggawa.
Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng
mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.
Social
Protection
Pillar
Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo
para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
Social
Dialogue Pillar
Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan
ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa
pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining
unit.
Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor
Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 ang distribusyon ng paggawa
sa bawat sektor na kung saan ay nagpapakita na papaliit ang industriyal
at agrikultural na kumakatawan sa produktibong sektor habang papalaki
ang nasa sektor ng serbisyo. Sa pangkalahatan, mas mura ang mga
dayuhan produkto na makikita sa mga lokal na pamilihan kumpara sa
mga lokal na produkto ng bansa dahil sa mas mura at mababa ang cost
ng produksiyon sa mga pinanggalingang bansa ng mga naturang
dayuhang produkto.
A. Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy
na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at
ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa
mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas
maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya
na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa. Sa kabilang
banda, may mga lokal na high class product na saging, mangga at iba
pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa.
Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon
sa mga usapin at kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang
pandaigdigang institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga
lokal na magsasaka bunsod ng pagpasok ng mga lokal na produkto na
naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas mura kumpara sa mga lokal na
produktong agricultural. Batay sa ulat ng DOLE (2016), mahigit 60% ng
mga dayuhang produktong agrikultural sa loob ng sampung taon (20062016) ay malayang nagiging bahagi sa mga lokal na pamilihan.
192
Talahanayan 2.2
Percentage Distribution of Employed Persons by Industry, Occupation,
Class of Worker and Hours Worked in a Week, Philippines 2016
Selected Indicators
EMPLOYED PERSONS
Number (in thousands)
Percent
MAJOR INDUSTRY GROUP
Agriculture
Agriculture, Forestry and hunting
Fishing
Percent
Industry
Mining and quarrying
Manufacturing
Electricity, gas, steam, and airconditioning supply
Water supply, sewerage, waste management, and
Remediation activties
Construction
Services
Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles
and motorcycles
Transportation and storage
Accommodation and food service activities
Information and communication
Financial and insurance activities
Real estate activities
Professional, scientific and technical activities
Administrative and support service activities
Public administration and defense; compulsory social
security
Education
Human health and social work activities
Arts, entertainment and recreation
Other service activities
OCCUPATION
Officials of government and special-interest goods,
corporate executives, managers, managing proprietors,
and supervisors
Professionals
Technicians and associate professionals
Clerks
17.5
0.5
8.3
0.2
0.2
Halaw mula sa Philippine Statistics Authority, (PSA, 2016)
193
40,837
100.0
26.9
23.8
3.1
8.3
55.6
19.6
7.4
4.3
0.9
1.3
0.5
0.5
3.4
5.3
3.2
1.2
0.9
7.1
17.0
5.1
3.3
5.7
Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka
ay ang kakulangan para sa mga patubig, suporta ng pamahalaan sa
pagbibigay na ayuda lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa
bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon
ang pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang
sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang
gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan, at bagsakan
ng mga produkto mula sa TNCs.
Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa simula
dekada 80’s at sa pagpapalit-palit ng administrasyon hanggang
kasalukuyan, nagpatuloy rin ang paglaganap ng iba’t ibang industriya sa
bansa. Kasabay nito ang patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at
pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.
Nagbunga ang mga pangyayaring ito ang pagkasira ng mga
biodiversity, pagkawasak ng mga kagubatan, kakulangan sa mga
sakahan, dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural,
nawasak ang mga mabubuting lupa na mainam sa taniman.
B. Sektor ng Industriya
Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba
pang dayuhang kompanya ay setor ng industriya bunsod din ng mga
naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong
pinansyal. Katulad ng mga imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga
kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamilihan ng
bansa,
import
liberalizations,
tax
incentives
sa
mga
TNCs,
deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo.
Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng
globalisasyon ay ang malayang pagpapasok ng mga kompanya at
mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telecommunikasyon,
194
beverages, mining, at enerhiya na kung saan karamihan sa mga kaugnay
na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa. Bunsod nito ang mga
pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at
pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga pamantayan
at polisiya. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa
karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok
sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili
ng mga empleyado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga
manggagawa tulad sa mga minahan, konstruksiyon, at planta na
nagpoprodyus ng lakas elekrisidad na kung saan may mga manggagawa
na naaaksidente o nasasawi.
C. Sektor ng Serbisyo
Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 na ang sektor ng serbisyo ay
masasabing may pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong
manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon (DOLE, 20062016). Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor
na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng
sektor na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang
pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon,
libangan, medikal, turismo, business processing outsourcing (BPO), at
edukasyon.
Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa
dahil tinitiyak nito na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto
sa bansa. Kaalinsabay nito ang iba’t ibang suliranin, bunsod ng
globalisasyon sa pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng
pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan kasunduan na
kung binubuksan ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang
kompanya o TNCs kaya’t sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula
195
sa TNCs nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga
Pilipino sa pandaigdigan kalakalan.
Ayon sa datos ng National Economic Development Authority
(NEDA) sa taong 2016 mahigit 56.3 bahagdan ng bilang ng mga
manggagawa sa bansa ay kabilang sa sektor ng serbisyo, kaya’t
iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit
na prioridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na
pag-eenganyo sa mga dayuhang kompanya na magpasok ng mga
negosyo sa bansa dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific
Economic Cooperation Summit na naganap sa bansa na ang mga
manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo ang patuloy na tumutulong
sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang
Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing countries” sa Asya dahil
sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang
mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang
patakaran ng mga mamumuhunan, tax incentives. Ngunit kaakibat nito
ang samu’t saring suliranin tulad ng over-worked, mga sakit na nakukuha
mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO
dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba
ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa
dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya o supermalls ang
maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may
kalamangan sa logistics, puhunan, at resources (NEDA report, 2016).
Iskemang Subcontracting
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis ang pagdating
ng mga dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng
kumpetisyon sa hanay ng mga dayuhan at lokal na kompanya at
korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan
196
na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang mapalaganap ang
iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa na naging malaking
hamon sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng uring
manggagawa. Matutunghayan sa Talahanayan 2.3 ang kabuuan ng mga
manggagawa na nasa kategoryang non-regular o mga manggagawang
di-regular o kontraktuwal. Mapapansin din sa talahanayan ang patuloy
na paglago ng bilang mga uring manggagawa na di-regular o nasa ilalim
ng iskemang ito.
Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa
paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang
ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho
o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng
subcontracting ito ay ang:
 Ang
Labor-only
Contracting
na
kung
saan
ang
subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin
ang
trabaho
o
serbisyo
at
ang
pinasok
niyang
manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompaya;
 Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat
na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain
ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala
silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil
naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa
sa trabaho.
Talahanayan 2.3
Non-Regular Employment in Establishments with 20 or More
Workers
by Category, Philippines: 2012 and 2014
Category
197
2014
2012
2012-2014
Total NonRegular
Employme
nt
Contractual/
ProjectBased
Workers
Probationar
y Workers
Casual
Workers
Seasonal
Workers
Apprentices/
Learners
No.
%
Distributio
n
No.
%
Distributio
n
Percen
t (%)
100.0
Increase
/
Decreas
e
187,108
1,335,67
3
100.00
1,148,56
5
672,279
50.3
600,764
52.3
71,515
11.9
318,705
23.9
260,260
22.7
58,445
22.5
207,895
15.6
202,472
17.6
5,423
2.7
102,070
7.6
56,059
4.9
46,011
82.1
34,722
2.6
29,009
2.5
5,713
19.7
16.3
Halaw mula sa Philippine Statistics Authority, (PSA, 2011/2012 and 2013/2014)
Unemployment and Underemployment
May mataas na demand para sa globally standard na paggawa,
at pagtugon na isinasagawa ng ating pamahalaan tungkol sa hamon ng
globalisasyon sa paggawa. Sa kasaluyang datos ayon sa ulat ng
Philippine Statistics Authority (PSA, 2016), ipinakikita ang lumalaking
puwersa sa paggawa na umabot na sa 63.4 milyon, (tunghayan ang
Talahanayan 2.5) umaabot sa 2.7 milyon ang walang trabaho,
samantalang nasa 7.4 milyon ang underemployed.
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas
ng bansa taon-taon. Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang
kabuuang OFW. Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na
trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa
(labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong
nangingibang bayan para magtrabaho. Sa katunayan, ang OFW na
ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito
sa bansa na dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit
pa dumaan ito sa matitinding krisis pampolitika’t pang-ekonomiya. Ito rin
198
ang isa sa mahahalagang indicator ng papalaking pag-asa ng bansa sa
panlabas na salik sa halip na sa panloob na mga kondisyon ng patuloy
na paggulong ng ekonomiya.
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay
nasa 687,000 ayon sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016).
Hindi makasasapat kahit ikumpara sa mga bagong pasok na puwersa sa
paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay
sa paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng
bilang ng mga job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang mga college
graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement
ng mga kompanya sa bansa. Ipinapahiwatig nito na maraming kurso sa
mga Higher Education Institutions (HEIs) at mga kolehiyo sa bansa ang
hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya
na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa, tinataya na
aabot sa 1.2 milyon na college at vocation graduates ng nagdaang taon
(2016) ang mahihirapan sa pagkuha ng mga trabaho dahil sa patuloy na
mismatch sa kanilang kasanayan at kakayahan mula sa kanilang tinapos
na kurso sa kakailanganing kasanayan at kakayahan na hinihingi ng mga
employer sa bansa at sa labas ng bansa (TUCP, 2016).
Ang patuloy na paglaki ng bilang ng job-skills mismatch sa bansa
ay maituturing ng krisis batay na rin sa ulat ng DOLE (2016), ipinapakita
sa kanilang records na mula sa 4.23 milyong bakanteng trabaho sa loob
at labas ng bansa na binuksan sa mga job fair ng DOLE para sa mga
manggagawang Pilipino ng taong 2014 at 2015, umabot lamang sa
391,000 na mga aplikante ang natanggap agad sa iba’t ibang posisyon
mula sa 1.29 milyon na aplikante.
Dagdag pa sa ulat ng DOLE (2016), ayon sa kanilang Labor
Market Information para sa taong 2013 hanggang 2020 tinataya na aabot
199
sa 275 na iba’t ibang trabaho ang kinilala ng kanilang kagawaran na hard
to fill o mga trabaho na mahirap punan mula sa mga major at emerging
industries. Halimbawa ng mga nito ay ang 2-D digital animator,
agricultural designer, clean-up artist, cosmetic dentist, cosmetic surgeon,
cuisine chef, multi-lingual tour guide, at mechatronics engineer.
Talahanayan 2.4
Percent Distribution of Employed Persons by Class of
Worker
Class of Worker
Philippines
(number in thousands)
Total
April 2016
Wage and Salary Workers
Worked for Private Household
Worked for Private Establishment
Worked with Pay in Own Family
operated Farm or Business (OFOFB)
Worked for Government & Government
Corporation
Self-employed without Any Paid Employee
Employer in Own Family-operated Farm or
Business
Without Pay in Own Family-operated Farm
or Business (Unpaid Family Workers)
61.6
5.0
48.4
0.4
40,664
100.0
7.9
26.8
3.3
8.3
Halaw mula sa Philippine Statistics Authority, Labor Force Survey, (PSA, 2016)
Isang malaking bahagi ng nasa kategorya ng Self employed
without any paid employee ang tumutukoy sa trabahong para-paraan o
sa sinasabing vulnerable employment ng Labor Force Survey (2016) na
makikita sa Talahanayan 2.3. Ayon sa ulat ng DOLE, NEDA, at iba pang
sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa paggawa sa bansa na
bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP, 2016), ang
pinakamalaki bahaghan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable
ay nasa sektor ng agrikultura. Samantala, ang isang malaking bahagi pa
200
nito ay ang mga mala-manggagawa sa kalunsuran na ang hanapbuhay
ay para-paraan gaya ng paglalako o ambulant vendor at sidewalk vendor
na sangkot sa pagbebenta ng iba’t ibang kalakal tulad ng kendi, sigarilyo,
bote-dyaryo, bakal at kung ano ano pa. Pagtitinda ng mga street food
gaya ng fishball, kwek kwek, banana cue, barbecue, prutas at iba pa.
Batay sa klasipikasyon ng gobyerno, ang 22 milyon na hindi
bahagi ng Labor Force Participation Rate o LFPR ay ang mga taong may
edad 15 pataas na may kakayahan nang magtrabaho ngunit hindi pa
aktuwal na lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng trabaho. Ang
pinakamalaking bilang nito ay ang mga estudyante, mga full time mother
at mga taong umano’y tumigil na o nawalan na ng sigla sa paghahanap
ng trabaho (discouraged workers).
Hindi rin maikukubli ang katotohanang maraming estudyante lalo
na yaong nasa kolehiyo ay aktuwal nang nagtatrabaho (PLEP, 20112016). May kalakihang bilang sa hanay nila ang working student para
tustusan at patapusin ang sarili sa pag-aaral. Samantala, ang halos lahat
ay dumadaan sa anim na buwan hanggang isang taong OJT o Internship
bilang bahagi ng kurikulum ng mga paaralan.
Samantala, ang mga full-time mother naman ang gumaganap sa
halos lahat ng mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pamamalantsa,
pagluluto at paglilinis ng bahay. Nag-aalaga rin siya ng kaniyang mga
anak at nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng asawa. Maliban dito,
siya ang kalimitang nagtuturo sa mga anak na nag-aaral, gayundin ang
nagbabadyet sa mga gastusin sa bahay at gumawa ng paraan upang
pagkasyahin ang badyet para sa pamilya.
Ang kanilang kalagayan ay halos walang ipinagkaiba sa mga
tinatawag na unpaid family labor na inihanay ng pamahalaan sa mga may
trabaho ayon sa klasipikasyon ng LFPR. Sapagkat malaking bahagi ng
populasyon ang 22 milyon ang hindi isinama ng LFPR sa mga walang
201
trabaho, ang datos sa unemployment rate ay hindi magiging eksakto o
accurate.
Ang itinuturing na may produktibong trabaho ay iyong humigitkumulang 5 milyon mula sa 11 milyon na naeempleyo sa sektor ng
agrikultura. Mahigit sa 2 milyon naman na plant machine & equipment
operators at assemblers ang mula sa mahigit na 5 milyon sa sektor ng
industriya. Kung isasama ang mga manggagawang maikakategorya sa
essential services, hindi ito lalaki nang higit pa sa bilang ng mga
manggagawang bahagi ng tuwirang paglikha o produktibong trabaho.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang unemployment
rate at underemployment sa bansa (Talahanayan 2.5) ay bumaba sa
4.7%, ang pinakamababa sa loob ng tatlong taon.
Talahanayan 2.5
Percent Distribution of Population 15 Years Old and Over
by Employment Status and by Region: 2016
Region
Total
Persons in
the Labor
Force
68,125
Total
Total
Employed Unemployed
Persons
Persons
Total Under
employed
Persons
63,400
2,625
7,431
100.0
12.8
100.0
15.5
100.0
6.0
1.8
1.9
1.2
2.4
I – Ilocos Region 4.9
II – Cagayan 3.4
4.8
3.5
6.0
1.7
4.9
2.0
10.6
14.0
12.4
17.7
9.1
12.0
3.1
5.9
7.6
2.0
4.8
8.2
3.0
10.5
8.5
Philippines
Number
(in
thousands)
TOTAL
100.0
NCR – National 12.9
Capital Region
CAR –
Cordillera
Administrative
Region
Valley
III – Central Luzon
IVA
10.7
– 14.2
CALABARZON
IVB – MIMAROPA 3.0
V – Bicol Region 5.8
VI – Western 7.6
Visayas
202
–
VII
Central
8.0
8.1
5.9
6.0
Eastern
4.4
4.4
4.3
7.2
3.7
3.7
2.5
3.7
Northern
4.9
5.0
4.6
7.6
Davao
4.8
4.8
4.2
4.4
- 4.4
4.4
4.4
5.4
2.7
– 2.6
2.7
2.7
2.5
2.0
4.7
2.6
Visayas
–
VIII
Visayas
IX –
Zamboanga
Peninsula
X
–
Mindanao
XI
–
Region
XII
SOCCSKSARGEN
Caraga
ARMM
Autonomous Region
in Muslim Mindanao
Halaw mula sa Philippine Statistics Authority, Labor Force Survey, (PSA, 2016)
Ang sektor ng industriya ay nag-eempleyo lamang ng 5.9 milyon
(16.8%) at ang sektor ng agrikultura naman ay 12.5 milyon (33%). Kaya
ang pinakamalaking bilang na naeempleyo sa sektor ng serbisyo na 19.4
milyon o 51.4% ng Labor Force Participation Rate (LFPR) na may 40.2
milyon.
Pinapahiwatig ng ulat ng Labor Force Survey ng PSA (2016), ang
underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa
mga rehiyon na ang pangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Tinataya
na maraming nagtatrabaho na underemployed. Sila ang manggagawa
na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag
pang hanapbuhay o bagong hanapbuhay na may mahabang oras na
pagtatrabaho.
Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng
manggagawa upang maging katanggap-tangap sila gayundin sa
mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase enterpreneurship, small
business, project contract, business outsourcing, business networking sa
mga ahente ng seguro, real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de
signature, damit, food supplements, organic products, load sa cell phone,
203
at iba’t iba pang produktong surplus (imported) mula sa mga kapitalistang
bansa. Pinalakas at inorganisa rin ang mga chain ng barbecue stand, fish
ball, kikiam, ice cream at iba pa.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa
ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.
Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa
produksiyon. Iniaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa demand
ng globally standard na paggawa. Bunga naman nito ang patuloy
napagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho at walang sapat na trabaho.
Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang
iskemang kontraktuwalisasiyon para ibaba ang gastos sa paggawa,
alisin ang anumang proteksiyon at ang tuwirang responsibilidad nito sa
manggagawa. Laganap ang kalakaran ng mga manggagawang
kontraktuwal o naempleyo sa pamamagitan ng ahensya.
Gawain 7. K-K-P-G Tsart.
Itala mo sa unang bahagi na “K” ang mga kasalukuyang
kinakaharap na isyu sa paggawa na iyong nakita sa teksto, sa ikalawang
bahagi naman na “K”, ilagay kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Sa bahagi ng “P” naman ay
ilahad ang mga programa ng pamahalaan para bigyan solusyon ang mga
isyung ito. Sa panghuling hanay na “G” naman ay magbigay ka ng iyong
mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa.
K
(Kinakaharap
na Isyu)
204
K
(Kasalukuyang
Kalagayan)
P
(Programa)
G
(Gagawin Ko)
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa
kasalukuyan?
2. Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng
mga manggagawa sa kasalukuyan?
3. Ano ang iskemang sub-contracting? Bakit ito umiiral sa sektor ng
paggawa sa bansa? Sino ang mga self-employed without any paid
employee at unpaid family labor?
4. Paano umiiral ang iskemang sub-contracting?
5. Ano-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng iskemang subcontracting sa mga manggagawang Pilipino?
6. Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin
sa mga ito ang patuloy pa rin sa mga hamong hinaharap ng mga
manggagawang Pilipino?
Gawain 8. Ulat M-P-S
Kompletuhin mo ang impormasyon na hinihingi sa kasunod na
diagram tungkol sa kampanya para sa isang marangal na trabaho. Itala
mo sa “M” ang uri ng manggagawa sa iba’t ibang sektor ng paggawa na
humaharap sa iba’t ibang suliranin sa paggawa at itala sa kasunod na
kahon ang kanilang isyung kinakaharap. Sa “P” naman itala ang pillar o
haligi para sa isang disente at marangal na paggawa na kung saan hindi
nabibigyan ng pansin at itala sa kasunod na kahon ang nagpapatunay
dito. Samantalang, sa “S” naman itala mo iyong suhestiyon upang
205
matugunan ang suliranin sa paggawa na iyong itinala sa unang bahagi
ng diagram at itala mo sa kasunod ang isang maikling pamamaraan sa
pagpapatupad ng iyong suhestiyon.
Ulat MPS
Deskripsiyon
M
_______________________________________
_______________________________________
_____________________.
Deskripsiyon
P
_______________________________________
_______________________________________
_____________________.
Deskripsiyon
S
_______________________________________
_______________________________________
_____________________.
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino-sinong manggagawa ang nakararanas ng hindi pantay na
oportunidad at mas vulnerable sa mga pang-aabuso?
2. Ano-ano ang itinakdang stratehiya ng DOLE upang makamit ang
isang disente at marangal na trabaho?
3. Bakit hindi naipatutupad ang ilan o mga stratehiya para sa isang
disenteng trabaho ng ilang kompanya sa bansa?
4. Ano-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang kinakaharap ng
mga manggagawang Pilipino?
5. Sa mga naitalang suhestiyon, alin sa mga ito ang sa iyong palagay
ay maaaring kagyat na tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino?
206
Gawain 9. Imbentaryo ng mga Manggagawa
Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbertaryo ng mga
maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong pamilya.
Pangalan:________________________________Pangkat:_________
Tirahan:__________________________________________________
Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.
A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan:
Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos Hanapbuhay Status:
na
Regular/
Kurso
Kontraktuwal
B. Benipisyong Natatanggap:
SSS
Iba
pang
_________________
PhilHealth
________________________________
benipisyo
C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho,
anong
hanapbuhay
ang
nais
mong
pasukan?
_______________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-anong uri o kategorya ng manggagawa mayroon sa inyong
tirahan o sa inyong pamilya?
2. Ano-anong uri ng paggawa sila nabibilang?
207
3. May manggagawa ba sa inyong pamilya o tirahan sa kasalukuyan
na naghahanapbuhay na malayo o walang kaugnayan sa kanyang
tinapos na pag-aaral?
4. Bakit may nagaganap na job-skills mismatch?
Tinalakay sa nakalipas na paksa ang iba’t ibang isyu at hamon na
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino bunga ng globalisasyon.
Sa kasunod na paksa ay iyong matutunghayan ang mga implikasyon ng
globalisasyon sa paggawa at maaaring nararapat na hakbang upang matugunan
mga ito.Implikasyon ng Globalisasyon sa Paggawa
Paksa:
Natunghayan mo sa nakalipas na paksa ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ng
mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan dulot ng impluwensiya ng globalisasyon sa
paggawa. Mababatid mo sa kasunod na paksa ang mga naging implikasyon ng
globalisasyon sa paggawa tulad ng paglaganap ng mura at flexible labor, patuloy na paglala
ng kontraktuwalisasyon at iba pa. Tatalakayin din dito ang mga naging tugon sa mga hamon
sa paggawa at patuloy na kampanya para sa isang disente at marangal na trabaho.
“Mura at Flexible Labor”
Isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa
mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa
bansa (IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o
mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan
ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na
produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa.
Sa panahon ng rehimeng Marcos, pinagtibay ang Presidential
Decree (PD) 442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng
flexible labor. Nauna rito na isinabatas ang Investment Incentive Act of
208
1967 para ilunsad ang malayang kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng
patakarang neo-liberal (Balikan ang naging talakayan sa patakarang ito
sa unang aralin). Isinunod dito ang pagsasabatas ng RA 5490 – para
itayo ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ), at iba pang Economic
Processing Zone (EPZ) bilang show case ng malayang kalakalan.
Subalit nahirapan ang dating Pangulong Marcos na maipatupad
ang flexible labor dahil sinalubong at binigo ito ng mga demonstrasyon
at kilusang anti-diktadura hanggang sa pagsiklab ng pag-aalsa sa EDSA
noong 1986.
Sa pagpasok ng administrasyong Corazon C. Aquino, buong-buo
nitong niyakap ang neo-liberal na globalisasyon at kasunod nito,
ginawang bukas para sa mga dayuhang mamumuhunan ang kalagayan
ng paggawa.
Isinabatas ang Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign
Investment Act of 1991 na batas na nagpapatibay sa mga patakarang
neo-liberal. Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong laya sa daloy ng
puhunan at kalakal sa bansa ay nagsilbing malawak na impluwensiya
ng mga kapitalista upang ilipat lipat ang kanilang produksyon sa mga
itinayong branch companies sa panahong may labor dispute sa kanilang
itinayong kompanya.
Sinusugan noong Marso 2, 1989 ang Labor Code - (PD 442) ni
dating Pangulong Marcos na kilala ngayong RA 6715 (Herrera Law) na
isinulong ni dating Senator Ernesto Herrera.
Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan
at kalalakalan at batas paggawa, madaling naipataw ng mga kapitalista
ang patakarang mura at flexible labor o kontraktwalisasyon.
Sa simula, ginamit ng mga kapitalista ang probisyon ng batas
paggawa hinggil sa kaswal, kontraktwal, temporary, seasonal, on the job
training at ang probisyon ng Article 106-109 hinggil sa pagpapakontrata
ng mga trabaho at gawaing hindi bahagi ng produksyon gaya ng security
209
guard, serbisyong janitorial, at messengerial. Isinunod ang iba’t bang
bahagi ng operasyon ng kompanya gaya ng pagbuburda, paggawa ng
patches, etiketa, at emboss sa garments.
Sa mga kompanya naman ng sapatos, inihiwalay ang taga-gawa
ng swelas at para sa iba pang bahagi ng sapatos. Ihiniwalay rin ang pagaasembliya, sa mga kompanya ng pagkain gaya ng San Miguel––
ihiniwalay ang bawat brand ng produkto gaya ng beer, soft drinks, meat
processing; hauling hanggang warehousing at marami pang iba. Sa
PLDT, MERALCO at MWSS, inihiwalay ang line man at repair man, ang
meter reader at billing section, ang sales division at marami pang iba.
Isusunod na ng gobyerno ang mga patakarang magpapalakas ng
flexible labor gaya ng Department Order No. 10 ng Department of Labor
and Employment (DOLE), sa panahon ng Adminitrasyong Ramos at
Department
Order
18-02
ng
DOLE
sa
panahon
naman
ng
Administrasyong Arroyo.
Nilalaman ng Department Order 10 ng DOLE ang probisyong
maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan ng
mga regular na manggagawa; pamalit sa mga absent sa trabaho, mga
gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya – ang
mga ito ay gawaing ginagampanan ng mga manggagawang regular.
Naging malaking usapin ito kaya’t binalasa ang probisyon ng
Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 1802, isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at
gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta
sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa; o kung
ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas
ng kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati ng
bargaining unit.
210
Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa
Noong taong 1992, wala pa ang Department Order No. 10 at 1802 ng DOLE, may 73% nang pagawaan sa bansa ang nagpapatupad o
gumagawa ng iba’t ibang flexible working arrangements, ayon sa
International Labor Organization o ILO (1992). Samantala sa pagitan ng
1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang - sa bawat isang
manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal.
Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag-eempleyo
ng mga temporaryong manggagawa/kaswal dahil nagbabago-bago ang
mga job orders o purchase orders ng kanilang kalakal; at bumababa ang
halaga ng kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan. May 83% ng
mga kompanya ang nag-empleyo ng mga kaswal at kontraktuwal upang
maiwasan ang pagkakaroon ng unyon sa mga manggagawa noon. Ayon
sa ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang ganitong sistema ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa. Bunsod nito ay iminumungkahi ng iba’t
ibang mambabatas, ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng
manggagawa na tuluyan ng ibasura ang sistemang kontraktuwalisasyon
o kilala rin ngayon na ’endo.’
Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga
manggagawang
kontraktuwal/kaswal.
Hindi
sila
binabayaran
ng
karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa
ng mga manggagawang regular. Naiiwasan ng mga kapitalista maging
ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa. Hindi nila
natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining
Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila
maaaring magbuo o sumapi sa unyon dahil walang katiyakan o
pansamantala lang ang kanilang security of tenure. Maliban pa rito, hindi
kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa
mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya. Iginigiit ito ng
211
mga kapitalista kahit ang mga ito ay itinuturing na labor only
contracting na ipinagbabawal ng batas.
Sa tuwing natatalakay ang usapin ng pagpapakontrata, napipilitan
ang mga mahina na magsama-sama at maglunsad ng iisang pagkilos.
Ang pana-panahong pagkilos na ito ang lumilikha ng atensiyon at
nakatatawag-pansin sa pandaigdigang komunidad. Nagbibigay ito ng
impresiyong hindi sumusunod sa pandaigdigang mga pamantayan sa
paggawa ang batas paggawa sa Pilipinas.
Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag
ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang
probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng
karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang
seguridad sa trabaho o pagka-regular), at iba pang karapatang
tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
Makikita sa kasunod na Talahanayan ang mga probisyon ng ilang
kautusan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) laban
sa pagpapakontrata sa paggawa.
Mga Ilang Probisyon Tungkol sa Labor-only Contracting
DOLE D.O. No. 10, s.
1997
“Labor-only Contracting
is
prohibited
where…There is laboronly contracting where
the contractor o subcontractor
merely
recruits, supplies or
places
workers
to
perform a job, work or
service for a principal,
and
the
following
elements are present:
a) The Contractor or
subcontractor does not
have substantial capital
or investment to actually
perform the job, work or
service under its own
212
DOLE D.O. No. 18-02, s.
2002
“Labor-only Contracting is
prohibited where ...Laboronly contracting shall refer
to an arrangement where
the contractor or
sub-contractor
merely
recruits, supplies or places
workers to perform a job,
work or service for a
principal,
and any of the following
elements are present:
i) The contractor or
subcontractor does not
have substantial capital or
investment which relates to
the job,
DOLE D.O. No. 18-A, s.
2011
“Contracting
or
subcontracting shall be
legitimate if all the following
circumstances concur:
a)The contractor must be
registered in accordance
with these Rules and carries
a distinct and independent
and undertakes to perform
the job, work or service on
its responsibility, according
to its own manner and
method, and free from
control and direction of the
principal in all matters
connected
with
the
performance of the work
account
and
responsibility; and
b)
The
employees
recruited, supplied or
placed
by
such
contractor
or
subcontractor
are
performing
activities
which
are
directly
related to the main
business
of
the
principal.”
--`Section 2
work or service to be except as to the results
performed
and
the thereof;
employees
recruited, b)The
contractor
has
supplied or placed by such substantial capital and/or
contractor or
investment; and
subcontractor
are c)The Service Agreement
performing activities which ensures compliance with all
are directly related to the the rights and benefits
main business of the under Labor Laws.
principal; or
--Section 4
ii) the contractor does not
exercise the right to control
over the performance of
the work of the contractual
employee.
--Section 5
Halaw mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Orders 10, s.1997; 1802, s. 2002; 18-A, s. 2011
Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa
Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring
pagkakaisa at determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan
(tunghayan ang Pigura 2.2). Kung ang mga kapitalista ay mulat sa
kalakaran na maging dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na.
Kailangan maging mulat bilang uri at maging alerto ang mga
manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor.
Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo
sa isang marangal na trabaho para sa lahat. Pag-oorganisa ng hanay ng
mga manggagawa nang walang itinatangi – regular man o hindi, kasapi
man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang mga
isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring manggagawa.
Mas paigtingin ang pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga
manggagawa sa bago at mahirap na kalagayan. Pagsulong sa ilang
probisyon ng DO 18-A, na angkop para maisagawa ang bagong
kaayusan sa paggawa.
Sa
kabilang
banda,
hindi
maitaas
ang
suweldo,
hindi
maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang
benepisyo ng mga manggagawa sa bansa sapagkat mahihirapan ang
213
mga
namumuhunan,
negosyante
at
may-ari
ng
Transnational
Corporations (TNCs) na ipagkaloob ang mga ito dahil sa patakarang
umiiral sa ilang bansa na kakompetensiya ng sariling bansa sa
produksiyon, katulad ng China na may mataas na demand ng
pangangailangan ng mga pamumuhunan dahil sa mababa, mura at
flexible labor.
Pigura 2.2
Mga Karapatan ng mga Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)
-
-
-
-
ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya
mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi
ng grupo sa halip na mag-isa.
bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d
mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga
kabataan.
bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na
suweldo para sa parehong na trabaho.
ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa
mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.
ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa
makataong pamumuhay.
Halaw mula sa ILO, teksbuk sa Ekonomiks, DepED
Gawain 10. 3-2-1 Tsart
Panuto: Punan ng impormasyon ang hinihingi sa tsart.
Ano-ano ang isyung Bakit
nagpapatuloy
nabasa
mo
sa ang mga isyu o
teksto?
usaping naitala mo sa
unang kolum?
1.
214
1.
Paano
mo
mabibigyan
ng
solusyon ang mga
isyung nabasa at
itinala mo sa una at
ikalawang kolum?
1.
2.
2.
3.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mura at flexible labor?
2. Sa iyong palagay, anong sektor ng paggawa ang naaapektuhan
ng mura at flexible labor sa bansa?
3. Bakit umiiral ang mura at flexible labor sa bansa?
4. Alin sa mga isyu sa paggawa ang nabasa mo ang may pakialam
ka?
5. Ano-ano ang maaaring magawa mo upang matugunan ito?
6. Ano-ano
ang
mabuti
at
hindi
mabuting
epekto
ng
kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino?
7. Isa-isahin ang mga batas o polisiya ng pamahalaan na
nagpapatibay sa isyu ng kontraktuwalisasyon sa bansa at paano
ito nakaapekto sa mga manggagawang Pilipino?
Gawain 11. Imbentaryo ng mga Manggagawa
Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbertaryo ng mga
maggagawa sa inyong pangkat.
Paaralan:________________________
Grado atPangkat:_____________
Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.
A. Bilang ng mga Manggagawa sa buong pangkat
215
Pangalan
Relasyon
Edad
Edukasyon
Natapos
na Kurso
Hanapbuhay
Status:
Regular/
Kontraktuwal
Gawain 12. D&D (Dyad Dapat)
Muling basahin ang katanungan sa ibaba kasama ang dating
kapareha sa gawaing ito. Sagutin ang kahong itinakda sa inyo bago
pagsamahin ang mga ideya. Huwag sagutin ang ikatlong kahon na nasa
gawing ibaba. Balikan ito sa huling bahagi ng ikatlong aralin.
TANONG SA MODYUL
Paano nakaapekto ang mga isyung
pang-ekonomiya sa pamumuhay
ng mga Pilipino?
SAGOT KO
SAGOT NG
KAPAREHA
PINAGSAMANG IDEYA
(Sagot ng Magkapareha)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang bagong kasagutan.)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na sagot )
216
Natukoymo sa nakaraang paksa ang iba’t ibang naging implikasyon sa
paggawa ng globalisasyon sa bansa na lalong nagpalala sa kontraktuwalisasyon ng
paggawa, paglaganapng mura at flexible labor.
Sa kabilang banda naman,
kinakailangang iangat ang kalidad ng uri ng paggawa sa bansa at pagkakaroon ng
kaalaman sa mga batas tungkol sa paggawa ay makakatulong upang
maproteksiyonan ang iyong karapatan sa panahon na ikaw ay magiging
manggagawa na.
BINABATI KITA!
Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga
isyu na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Maaari ka nang tumungo
sa susunod na bahagi ng modyul upang higit na mapalalim at mapalawak pa
ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol
sa paksa. Inaasahan sa pagkakataong ito ay kritikal na masusuri mo na ang
pagtugon sa hamon na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino.
Makakatulong ang mga inihandang gawain upang lalo pang mapalalim ang
iyong pagkaunawa sa mga bunga ng globalisasyon sa paggawa.
Gawain 13. Labor Discussion Web Organizer
Kompletuhin ang nilalaman ng discussion web organizer.
Papangkatin ng guro ang klase sa anim. Bawat pangkat ay
magsasagawa ng roundtable discussion tungkol sa mga isyu sa
217
paggawa
na
nararanasan
ng
mga
mangagawang
Pilipino
kasalukuyan gamit ang template ng discussion web organizer.
PROS
Isyu sa
Paggawa
CONS
Mga karapatan ng mga manggagawa
Mungkahing Solusyon
218
sa
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga
isyu, suliranin ng mga manggagawa?
2. Paano makatutulong ang binuong mungkahing solusyon ng
inyong pangkat sa pangangalaga sa karapatan at pagbibigay
halaga sa kapakanan ng mga manggagawa?
Rubric : Labor Discussion Web Organizer
PAMANTAYAN:
Nialaman:
Kaangkupan
Konspeto:
Partisipasyon:
Kabuuang
Presentasyon:
KABUUAN:
219
INDIKADOR
Nagpapakita
nang
maayos na ugnayan
ng mga katagang
ginamit
ng Maayos
na
nailarawan ang mga
konsepto at mensahe
sa bawat panig
Pagtatalakay
ng
bawat miyembro ng
kanilang kaalaman,
konsepto,
opinyon
upang
maipahayag
ang
nilalaman,
konsepto at mensahe
tungkol sa isyung
tinatalakay
Nagpakita ng maayos
at
malinis
na
kabuuang
presentasyon
PUNTOS
21 - 30
11 - 20
1 - 15
1 - 15
NAKUHANG
PUNTOS
Natunghayan sa bahaging ito ang iba’t ibang isyu sa paggawa na
kung saan binago ng globalisasyon ang market place at daloy ng paggawa
sa bansa na lalong nagpalala sa kawalan at kakulangan ng hanapbuhay,
kontraktuwalisasyon, mura at flexible labor. Bilang tugon sa mga isyu at
hamong ito patuloy ang pangangampaya ng mga manggagawang Pilipino
tungo sa isang disente at marangal na trabaho.
Isa pa sa malaking hamon na kinakaharap ng bansa dulot ng
globalisasyon ang mga isyu tungkol sa migrasyon. Matutunghayan mo ang
mga nakapaloob na isyu sa migrasyon sa susunod na aralin.
ARALIN 3: Migrasyon
PAUNLARIN
Tatalakayin sa bahaging ito
ang isyu ng migrasyonna lubos ding
nakapagpabago sa buhay ng maraming bilang ng mga Pilipino. Sa pagtalakay sa
isyu ng migrasyon gamitin ang iyong mapanuring pag-iisip.Isagawa ang mga
inihandang gawain at huwag kalimutang sagutin ang pinal na bahagi ng gawaing
D&D.
Paksa: Migrasyon: Konsepto at Konteksto
Tuwiran ang ugnayan sa isyu ng paggawa sa panlipunang kalagayan ng marami sa
mga Pilipino. Sa katunayan, ang pag-alis ng mga manggagawang Pilipino ay lumikha ng mga
PAUNLARIN
oportunidad
at hamon sa pamahalaan at lipunang Pilipino. Lubusang unawain ang konsepto
at konteksto ng migrasyon ng mga Pilipino.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat
mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito
man ay pansamantala o permanente. Ang dahilan ng pag-alis o paglipat
ay kalimitang mauugat sa sumusunod:
•
hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na
inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay;
220
•
paghahanap ng ligtas na tirahan;
•
panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
•
pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman
partikular sa mga bansang industriyalisado.
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay
mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin
sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at
stockfigures.
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang
pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay
kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or
immigration. Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o
lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures or
outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok
nakukuha ang tinatawag na net migration.
Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na
naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa
pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang
ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto
ng migrasyon sa isang populasyon.
Pag-aralan ang mga datos at impormasyon na nailahad tungkol
sa naging pandarayuhan ng mga manggagawa sa buong mundo.
•
Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong
mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
•
Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos
dumarami pa para maghanapbuhay.
221
•
Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho.
Mahigit pa sa 90 porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang
mga pamilya.
•
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang
ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
•
Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.
(Halaw sa ILO: International Labor Organization Facts and Figures)
Gawain 14.Sisid-Kaalaman
Suriin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na
tanong.
Top 10 Destinations/Countries of Overseas Filipinos (2013)
Rank
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Countries
USA
Saudi Arabia
UAE
Malaysia
Canada
Australia
Italy
United Kingdom
Qatar
Singapore
Filipino Migrants
3,535,676
1,028,802
822,410
793,580
721,578
397,982
271,946
218,126
204,550
203,243
*Source 2014 CFO Conpendium of Statistics*
Table 1- Number of Workers with Contracts Processed by Type: 20092013
Type
Total
Landbased
Workers
New Hires
Re Hires
Seabased
Workers
222
2009
1,479,070
1,043,555
2010
1,644,439
1,205,734
2011
1,850,463
1,384,094
2012
2,083,223
1,629,867
2013
2,241,854
1,773,939
362,878
680,677
435,515
424,977
780,757
438,705
517,311
866,783
466,369
554,665
1,075,202
453,356
562,635
1,211,304
467,915
Table 2- Number of Deployed with Overseas Filipino Workers by Type: 20092013
Type
Total
Landbased
Workers
New Hires
Re Hires
Seabased
Workers
2009
1,422,586
1,092,162
2010
1,470,826
1,123,676
2011
1,687,831
1,318,727
2012
1,802,031
1,435,166
2013
1,836,345
1,469,179
349,715
742,447
330,424
341,966
781,710
347,150
437,720
881,007
369,104
458,575
976,591
366,865
464,888
1,004,291
367,166
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-anong pangkat ng manggagawa ang madalas na
nangingibang-bansa upang humanap ng trabaho?
2. Ano-anong
bansa
ang
madalas
puntahan
ng
mga
manggagawa? Sa iyong palagay, bakit sa mga bansang ito sila
nagpupunta?
3. Magbigay ng mga salik o dahilang nakaiimpluwensiya sa mga
manggagawa sa pagpili ng bansang kanilang pupuntahan at
pangatuwiranan ito.
Paksa: Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
Ipagpatuloy ang pag-aaral sa isyu ng migrasyon sa bansa. Suriin ang iba’t ibang
pananaw at perspektibo na makatutulong sa lubusang pag-unawa sa paksa.
Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang
ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa
mga lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man
ay sa usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o
maging personal.
223
Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa
kasalukuyan kung ihahambing sa nagdaang mga panahon. Sa
katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng bansa ay
masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto
nito sa lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo.
Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly
qualified specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng
pamilya.
Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa
kanilang akdang The Age of Migration na sa buong mundo, iba’t ibang
anyo at daloy ng migrasyon ang nakapangyayari bilang tugon sa
pagbabagong pangkabuhayan, pampolitikal, kultural at marahas na
tunggalian sa pagitan ng mga bansa.
Mayroon ka bang kamag-anak o kakilala na nangibang bansa bilang isang
manggagawa? Sila ba ay maituturing na specialists, entrepreneur o manual laborers?
Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pangekonomiya sa pagpunta ng maraming mga Pilipino sa ibang bansa.
Binanggit sa mga naunang aralin sa kwarter na ito na malaki ang
naipadadalang dolyar ng mga OFW sa kani-kanilang kamag-anak sa
bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng
mga ‘pangkalahatang obserbasyon’ tungkol sa usaping ito na mababasa
sa mga sumusunod na ideya.
224
1.
Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng
Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring
dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga
bansang pinagmumulan nito.
Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya,
Latin America at Aprika.
Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas dayuhin ang mga bansang nabanggit sa
binasang teksto? Ipahayag ang iyong saloobin.
2.
Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t
ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at
polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3.
Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos
lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang
nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular,
temporary at permanent migrants.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
225
Temporary migrantsnaman ang tawag sa mga mamamayan na
nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang
magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.. Ang ilan sa
halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga
negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na
buwan.
Samantala, angpermanent migrants ay mga overseas Filipinos
na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho
kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman
kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng bilang sa tatlong uri ng
migrasyon ng mga Overseas Filipinos ng taong 2012-2013.
2012
2013
Irregular Migrants
1.07 Million
1.16 Million
Temporary Migrants
4.22 Million
4.21 Million
Permanent Migrants
4.93 Million
4.87 Million
*source 2014 CFO Compendium of Statistics
Batay sa estadistika, dumarami ang mga Koreans na pumupunta sa Pilipinas
upang mag-aral ng kolehiyo. Partikular sa mga lugar na kanilang pinupuntahan ang
lungsod ng Baguio, Manila, at Cebu. Sa anong uri kaya ng migrasyon sila nabibilang?
Ano kaya ang epekto nito sa mga lugar na madalas nilang puntahan?
4.
Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga
bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang
bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
226
Kaya naman, higit kailanman kinakailangan ang higit na kooperasyon at
ugnayan sa pagitan ng mga bansang kasangkot sa usaping ito.
5.
Paglaganap ng ‘migration transition’
Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang
bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon
na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
Partikular dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain,
Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.
6. Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon
sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at
refugeesay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging
kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa
kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa
Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay
nagpapatunay rito.
Tunghayan ang datos na nasa kahon na naglalahad ng daloy ng
migrasyon ng mga Pilipino batay sa kasarian mula 2005 hanggang 2014.
Number of Registered Filipino Emigrants
By Gender: 2005-2014
Year
Male
Female
Total
Sex/Ratio
2005
27,333
41,695
69,028
65M/100F
2006
32,259
50,708
82,967
64M/100F
2007
30,877
49,722
80,599
62M/100F
2008
27,839
42,961
70,800
65M/100F
227
2009
31,793
47,925
79,718
66M/100F
2010
36,287
49,788
86,075
73M/100F
2011
34,563
48,847
83,410
71M/100F
2012
34,076
49,564
83,640
69M/100F
2013
31,288
46,940
78,228
67M/100F
2014
32,368
48,321
80,689
67M/100F
TOTAL
318,683
476,471
795,154
67M/100F
Annual
31,868
47,647
79,515
67M/100F
Average
*Sex Ratio is number of Males for every 100 Females
Source: Commission on Filipino Overseas (CFO)
Gawain 15. Suriin mo!
Basahin ang artikulo at sagutin ang mga pamprosesong tanong.
Ayon sa Asia-Pacific Report 2015 tungkol sa Women Migration…
The proportion of women among all international migrants in the Asia Pacific
region is 48 percent, but there are often significant differences between countries.
Female constitute about half of all migrants in Australia and New Zealand, where
most migrants are permanent settlers. Women comprise high percentages of
migrants in Hongkong, China (59 percent), Singapore (56 percent), partially
because of the large numbers of domestic workers in those economies, but also in
Nepal (68 percent), largely owing to patrilocal marriage customs (United Nations,
2013).
Gender differences are much greater with regards to temporary migrant
workers. Women make up low proportions of workers migrating through official
channels, with the notable exceptions of Indonesia, the Philippines and Sri Lanka.
The proportion of women formally deployed from Bangladesh in 2013 was 13.8
percent, although this represented a rapid increase from only 4.7 percent in 2007
because the government removed the main restrictions on their migration. In
2006, the minimum age for low-skilled women to migrate with special permission
was reduced to 25 years and restrictions on the migration of unmarried women
were removed (UN Women, 2013a:271)
228
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon? Ipaliwanag ang
iyongsagot.
2. Ayon sa artikulo, bakit mas marami ang bilang ng kababaihan na
dumarayo sa Hongkong, China, Singapore at maging Nepal?
3. Ano sa iyong palagay ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon
sa mga bansang iniwan ng mga migrante? Magbigay ng halimbawa.
Implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon
Kaakibat
ng
migrasyon
ang
pagbabago
ng
gampaning
pangkasarian sa isang pamilya. Sinasabing kapag ang lalaki ang
nangibang bansa ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat
ng gawaing pantahanan. Sa kalagayan sa Pilipinas kapag ang asawang
babae ang nangibang bansa pangkaraniwan na na kumuha ng tagapagalaga ang lalaki sa kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang
pangtahanang gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay
sa mga kamag-anak.
Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto (2013) kapag ang lalaki ang
nangibang bansa hindi ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag
responsibilidad ang pag uusapan sa dahilan na patuloy na ginagawa ng
babae ang kanyang responsibilidad bilang asawa at nananatiling
“breadwinner” ang lalaki. Subalit sa kaso ng Pilipinas at Thailand, napag
alaman at lumabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag ang isa sa
magulang o pamilya ang nangibang bansa dahilan ito sa tradisyunal na
kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung babae ang umalis upang
magtrabaho malayo sa pamilya dahil mas higit na nararamdaman ng
229
mga anak ang kawalan ng isang miyembro kahit pa ito ay nakakatulong
ng malaki sa pagpuno ng gastusin sa kanilang pamumuhay.
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konseptong “house
husband” kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa
tahanan pati ang gawain ng isang ina (kung ang ina ang nangibang
bayan o bansa) upang mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang
mga anak. Hindi ito marahil nakakaapekto sa kalagayang panlipunan ng
mga lalaki at unti unti nang natanggap ng lipunan sa kadahilanan na mas
tinatanggap na dahilan ay upang mapaunlad at maiangat ang katayuan
ng kani-kanilang pamilya.
Mahalagang banggitin na maraming bansa ang nagpanukala na
mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa
kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan. Halimbawa na lang ang
bansang Bangladesh na nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing
manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic workers. Ito
ay upang maiwasan ang mga undocumented workers na laganap sa ibat
ibang panig ng mundo. Sa bansang Nepal nagkaroon din ng panukala
na ang lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na magkaroon
ng approval permit mula sa kanilang embahada bago kumuha ng mga
Nepalese worker upang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan
at maiwasan ang mga illegal na pagpasok sa ibang bansa.
Gawain 16. Suri-realidad
Alalahanin ang Gawain 11 kung saan ang klase ay ipinangkat at
isinagawa ang imbentaryo ng paggawa. Ilan sa kamag-anak ng inyong
kapangkat
o
kamag-aaral
ay
nangingibang-bansa
upang
maghanapbuhay. Kapanayamin sila gamit ang kasunod na mga gabay
na tanong. Kung ikaw naman mismo ay may magulang na nasa ibang
bansa, maaari mo ring sagutan ang mga gabay na tanong. Iulat ang
230
iyong nakalap na sagot sa klase. Makinig din sa ibang mga kamag-aral
na mag-uulat sa klase.
1. Saang bansa naghahanapbuhay ang iyong mga magulang o
kaanak?
2. Kailan sila nagsimulang mangibang-bansa at ano ang nagtulak
sa desisyon nilang ito?
3. Ilang taon na sila rito? Sila ba ay nagpaplano sa hinaharap na
bumalik sa bansa at dito na lamang maghanapbuhay?
Ipaliwanag.
4. Nang sila o isa sa kanila ay umalis, sino na ang nag-alaga at
gumabay sa inyong magkakapatid?
5. Mahirap bang mamuhay kung ang mga magulang o isa sa
kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa? Maaaring maglahad
ng karanasan na magpapatunay rito.
6. Kung ikaw ang papipiliin, mas gugustuhin mo bang sa loob ng
bansa na lamang maghanapbuhay ang iyong mga magulang
sa kabila ng hirap na maaari ninyong maranasan? Ipaliwanag
ang sagot.
7. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang
manggagawa sa ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
8. Nakabuti
ba
ang
pangingibang-bayan
ng
iyong
mga
magulang? Ipaliwanag ang sagot.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa gawain?
2. Magkakatutulad ba ang naging reaksiyon ng mga anak na ang
mga magulang ay naghahanapbuhay sa ibang bansa?
3. Pinatunayan ba nito na ang isyu ng Migrasyon ay nararanasan
ng maraming Pilipino?
231
4. Batay sa inyong nakalap na mga impormasyon, higit bang
nakabubuti o nakasasama sa pamilya ang pangingibangbansa ng mga magulang?
5. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang
manggagawa sa ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Paksa: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Pagtutuunan sa bahaging ito ang mga kalakip na isyu ng migrasyon partikular ang mga
banta sa kalagayan ng mga migrante.
Forced Labor, Human Trafficking and Slavery
Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon.
Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga migranteng mangagagawa
patungong Kanlurang Asya. Sa isang banda, ang mga migranteng
manggagawa ay nakapagdadala sa kanilang pamilya ng libo-libong
dolyar na remittance. Malaki ang naitutulong nito sa pag-ahon ng
kanilang pamilya sa kahirapan, sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa
pagpapaaral, at pambayad sa gastusing pangkalusugan-habang
nakakatulong sa ekonomiya ng bansang pinagtrabahuhan.
Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,
nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, at nagiging biktima ng trafficking.
Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng
dalawang mukhang ito ng migrasyon.
Marami sa mga domestic worker ang napupunta sa maayos na
trabaho. Marami rin ang nahaharap sa ibat-ibang uri ng pang-aabuso
tulad ng hindi pagtanggap ng sahod, pagkakulong sa bahay ng kanilang
amo, hindi pagkain, sobrang trabaho, at ilang kaso ng matinding
psychological, pisikal, at sekswal na pang aabuso. Nakapagtala ang
Human Rights Watch ng dose-dosenang kaso kung saan ang
232
pinagsamang mga kalagayang ito ay kahalintulad na ng kalagayang
sapilitang pagtatrabaho, trafficking, o mala-aliping kalagayan.
Inamin ng mga opisyal ng Saudi labor at social affairs na
kinapanayam ng Human Rights Watch ang problema sa pang aabuso sa
mga domestic worker. Subalit kanilang idiniin na maayos ang trato sa
karamihan ng domestic worker sa nasabing bansa. Wala pang datos na
lumalabas ang makakapagbigay ng wastong bilang ng mga domestic
worker na nahaharap sa paglabag sa kanilang karapatan sa paggawa o
sa iba pang karapatang pangtao. Subalit lalong lumalaki ang banta na
sila ay maabuso dahil sa mgan kahinaan sa labor code at mahigpit na
gawi sa immigration sa nasabing bansa. Maliit lamang ang pag-asa ng
mga nakatikim ng pang aabuso na tuluyang maituwid ang sinapit nila.
Ayon sa tala ng International Labor Organization:
-
Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito
ay mga kababaihan at 9.5 milyonnaman ay mga kalalakihan
-
Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng
pribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang
milyon naman ng mga rebeldeng grupo
-
Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng
eksploytasyong sekswal
-
Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced labor
taon-taon
-
Malimit na mga migrant workers atindigenous peoples ang
nagiging biktima ng forced labor
Pag-angkop sa pamantayang internasyunal
Hindi
mapasusubalian
ang
pagbabagong
pamantayang
internasyunal dala ng globalisasyon. Ilan sa mga ito ay mga kasunduan
233
ng iba’t ibang bansa at samahang internasyunal. Ilan dito ang Bologna
at Washington Accord.
Bologna Accord
(Europa )
Washington Accord
(United States)
K to 12
(Pilipinas)
Ang Bologna (bo-LO-nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng
isang unibersidad sa Italy na University of Bologna kung saan nilagdaan
ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga bansa sa Europe ang
isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa
upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling
matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay
nagnanais na lumipat dito.
Dahil sa kasunduang ito, mabilis na naiaakma ang kurikulum sa
hinihinging pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na paglipat ng
234
mga manggagawa at propesyunal na siyang kinakailangan ng iba’t ibang
kompanya at negosyo.
Samantala, ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay
kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international
accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses sa
bansang hindi accredited ay hindi makapagtatrabaho sa mga bansang
miyembro nito tulad ng Australia, Canada, Chinese Taipei, Hongkong,
Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Africa,
United Kingdom at USA.
Samakatuwid, ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi
itinuring na engineer sa mga bansang nabanggit. Dahil sa mga
kasunduaang ito, maraming mga Pilipinong propesyunal sa ibang bansa
ay hindi nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.
Isa pang dahilan dito ay ang kakulangan ng bilang ng taon sa
basic education kaya naman second class professionals ang tingin sa
maraming mga Pilipino. Kung ihahambing sa maraming bansa, isa na
lang ang Pilipinas sa may pinakamaikling bilang ng taon ng basic
education.
Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to12 Kurikulum
na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.
Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng
edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho
sa bansa.
BINABATI KITA!
Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga
sa migrasyon. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul upang
higit na mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang
ito.
235
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol
sa paksa. Inaasahan sa pagkakataong ito ay kritikal na masusuri mo na ang
pagtugon sa hamon na kinahaharap ng mga migrante.
Gawain 17. Case Analysis
Suriin ang sumusunod na artikulo. Punan ang kasunod na diagram ng
mga alternatibong solusyon sa mga suliraning kaakibat na nakatala sa
artikulo. Sagutin ang pamprosesong mga tanong matapos itong basahin.
Contract Labour Migration to the Middle East
Labour migration from Asia to the Middle East developed rapidly after the oil price rise of
1973. Labour was imported by oil-rich countries from India and Pakistan, then from the
Philippines, Indonesia, Thailand and Korea, and later from Bangladesh and Sri Lanka. In the
1970s, most migrants were male workers employed as manual workers in the many
construction projects. Governments of sending countries like India, Pakistan and the
Philippines actively marketed their labour abroad, and made labour-supply agreements
with Gulf countries. Korean construction companies were encouraged to take on contracts
in the Arab region, which included provison of labour. The Asian labour-sending countries
also allowed private agencies to organize recruitment (Abella, 1995). By 1985, there were
3.2 million Asian workers in the Gulf states, but the Iraqui invasion of Kuwait and the Gulf
War in 1990-1991 led to the forced return of some 450,000 Asians to their countries of
origin.
The temporary decline of the construction sector after 1985 encouraged more
diverse employment of contract workers, particularly a shift into services. There was an
upsurge in demand for domestic workers, nurses, sales staff and other service personnel,
leading toa marked feminization of migrant labour flows, with Sri Lanka and Indonesia as
the main sources. In later years, other countries in the Middle East- LebanonJordan and
Israel- also became labour-importing countries (Asis 2008).
Women domestic workers are highly vulnerable to exploitation and sexual abuse,
and it is difficult for authorities of their countries of origin to provide protection (Gamburd,
2005). Asian migration to the Middle East has become more differentiated over time.
While many migrants remain low-skilled labourers, others have semi-skilled jobs as drivers,
mechanics or building tradesmen. Others came with professional or para-professional
qualifications (engineers, nurses and medical practitioners).
236
Many managerial and technical posts are filled by Asians, although
sometimes they come second in job hierarchies to senior personnel recruited in
Europe or North America. In many cases, Asian labour migrants were not part of the
unemployed rural and urban poor at home, but people with above-average
education, whose departure could have a negative effect on the economy (Skeldon,
1992:38).
Asians in Arab countries encounter difficult conditions, due to both to the
lack of worker rights and the very different cultural values. Workers are not allowed
to settle or bring in dependants, and are often segregated in barracks. Employers may
retain migrant passports and sometime trade (illegally) in work visas. Migrants can be
deported for misconduct and often have to work very long hours. Many migrant
workers are exploited by agents and brokers, who take large fees (up to 25 per cent
of wages) and often fail to provide the jobs and conditions promised.
(The Age of Migration pp.130-132)
237
Suliranin
Solusyon
Suliranin
Solusyon
Suliranin
Solusyon
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit kinailangan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ang
mga manggagawa mula Timog at Timog-Silangang Asya?
2. Bakit sa taong 1985 ay kinailangan ang mga babaeng
manggagawa sa rehiyong ito?
3. Mayroon bang diskriminasiyong nararanasan ang mga
manggagawang
Asyano
kung
ihahambing
sa
mga
propesyunal mula sa Europe at North America?
4. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga
‘skilled workers’ sa mga bansang pinagmumulan nito?
5. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga
manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa
Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong
nararanasan ng mga manggagawa nito sa ibang bansa?
238
7. Sa konteksto ng Pilipinas, sapat ba ang ginagawa ng
pamahalaan
upang
mabigyang
seguridad
ang
mga
manggagawa nito sa ibang bansa? Pangatuwiranan.
Gawain 18: D&D (Dyad Dapat)
Matapos mong malaman ang mahahalagang konsepto tungkol sa aralin,
balikan ang map of conceptual change at sagutan ng iyong kapareha ang
bahaging pinal.
TANONG SA ARALIN
Paano nakaapekto ang mga isyung
pang-ekonomiya sa pamumuhay
ng mga Pilipino?
AKING KASAGUTAN
KAPAREHA
(Sagot ng Mag-aaral)
(Sagot ng Kapareha)
PINAGSAMANG IDEYA
(Sagot ng Magkapareha)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang bagong kasagutan)
(Sa bahaging ito, isusulat ng magkapareha ang kanilang pinal na sagot )
239
Mahusay mong naisagawa at nagampanan ang mga gawain sa bahaging
ito ng Pagnilayan at Unawain.Ngayong may sapat ka nang kaalaman
tungkol sa Migrasyon ay maaari ka nang pumunta sa mga gawain sa
huling bahagi ng modyul upang mailapat ang lahat ng iyong natutuhan.
Ilipat / Isabuhay
Sa bahaging ito ay isasagawa mo ang nararapat na Pagganap. Gamit ang
natutuhang kaalaman mula sa pag-unawa sa mga aralin ay ihanda ang sarili sa
pagsasagawa ng susunod na proyekto.
Gawain 19. Pasulat ng Critical Analysis Paper
240
Upang lubos na makatulong sa pagharap sa hamon sa mga isyung pangekonomiya ay sumulat ng isang Critical Paper Analysis tungkol sa isyu
na may kinalaman sa isa sa mga ito: globalisasyon, paggawa, at
migrasyon. Ang suliranin o hamong pang-ekonomiyang susuriin ay batay
sa mga impormasyon at datos na nakalap sa Gawain 5,6, 8, 9, at 11 ng
yunit na ito kaya naman inaasahan na ang mga suliraning susuriin ay
batay sa iyong karanasan o karanansan ng mga kamag-aaral.
Siguruhing makapagmumungkahi ng mga posibleng solusyon sa
suliraning sinuri.
Patnubay sa paggawa ng Critical Analysis Paper
Panimula (Introduction)
Maikling
paglalahad
pagsasalaysay
ng
nilalaman
o
ng
Analysis Paper.
Suliraning Pang-ekonomiya
Paliwanag sa suliraning pangekonomiyang susuriin. Ilalahad
dito ang salik at dahilan ng pagusbong ng suliraning ito.
Paglalahad at pagsusuri ng datos Paglalahad at pagsusuri mga
(Analysis)
datos. Ang mga datos ay batay sa
mga impormasyong nakalap sa
mga gawain ng yunit na ito.
Konklusyon (Conclusion)
Pagbibigay konklusyon sa mga
datos upang makabuo ng mga
pahayag na magiging batayan ng
solusyon.
Solusyon (Solution)
Kauukulang
solusyon
o
alternatibo na makatutugon sa
241
suliranin
o
hamong
pang-
ekonomiyang sinuri.
Rubric sa pagmamarka ng analysis paper
Eksperto
Mahusay
Nagsisimula
Baguhan
(4)
(3)
(2)
(1)
Ang
nabuong Ang
nabuong Ang nabuong Ang
analysis paper analysis
ay
lubos
paper analysis
na ay
nakapagpaha-
nabuong
na paper ay hindi analysis
nakapagpaha-
malinaw
na paper
yag ng malinaw yag ng malinaw nakapagpaha
Kalinawan
at
na
at kompre-
komprehensi-
konsepto
hensibo ng
bong ideya at nagdala
ideya
ideya
ay
walang
at -yag
ng naipahayag
na malinaw
na na ideya at
ng ideya
at konsepto na
konsepto
na pagkaunawa sa konsepto
nagdala
ng bumabasa nito.
na magdadala
magdadala
sana
pagkaunawa sa
sana
bumabasa nito.
pagkaunawa
sa
sa pagkaunawa
sa
sa bumabasa bumabasa
nito.
Maayos
at Maayos
sistematikong
Paglalahad
at
pagsusuri
ng datos
nailahad
mga
kaugnay at
(relevant)
na datos
datos
at impormasyon
tungkol
tungkol
datos
na impormasyon
at tungkol
paksang
sa sinuri.
sa paksang sinuri.
paksang sinuri.
Walang
ang had ng datos nailahad na
kaugnay (relevant)
impormasyon
242
na Nakapagla-
nailahad
ang mga
nito.
at
impormas-
sa yon tungkol
sa paksang
sinuri.
Komprehen
sibo at
lohikal na
konklusyon
Komprehensibo Komprehensibo
at lohikal ang ang
nabuong
at
kalinawan
nabuong konklusyon.
konklusyong nabuo.
konklusyon.
kahi ng
Nakapagmung-
Nakapag-
Walang
akma kahi ng akmang mungkahi ng naimungka-
at malinaw na solusyon
solusyon
ng solusyon isyung sinuri.
243
ng Walang
konklusyon.
NakapagmungKaakmaan
Nakabuo
sa isyung sinuri.
sa solusyon
sa hing
isyung sinuri.
solusyon.
GLOSARYO
Globalisasyon- proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga
tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon
Iskemang Subcontracting - Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa
isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
Migrasyon – tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente.
MNC- multinational corporations
Mura at Flexible Labor - Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na
palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
Netizen- ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa
usaping panlipunan maging ito man ay politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag
Outsourcing- paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang
kompanya na ang pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang
mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.
Perennial institutions - matatandang institusyong nananatili pa rin sa
kasalukuyan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan dahil
sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan
PLEP – Philippine Labor and Employment Plan, binuo ng Department of
Labor and Employment o DOLE upang ilatag ang mga pagtataya sa
kalagayan ng paggawa sa bansa sa nakalipas at sa mga susunod pa na
mga taon.
244
Prosumers - tawag sa taong kumokunsumo ng isang produkto o
serbisyo maging ito man ay bagay o ideya habang nagpo-produce ng
bagong ideya
Subsidiya- tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa
anyong pinansyal at serbisyo.
Self employed without any paid employee – tumutukoy sa trabahong
para-paraan o sa sinasabing vulnerable employment.
TNC- transnational corporations
Unpaid family labor – uri ng paggawa na nagaganap sa pagitan ng mga
miyembro na hindi palagian ang sahod o sweldo (DOLE)
Sanggunian:
http://www.businessinsider.com/25-corporations-bigger-tan-countries2011-6#yahoo-is-bigger-than-mongolia-1
https://www.oxfam.org/sites/www.oxfam.org/files/file_attachments/bpeconomy-for-99 percent-160117-en.pdf
https://business.inquirer.net/204522/top-filipino-firms-building-aseanempires
http://bweconomicforum.com/index.php/2016/12/14/multinationalcorporations-in-the-philippines-what-do-they-want/
http://www.differencebetween.net/business/difference-between-tnc-andmnc/#ixzz4XyMLVgfxhttps://business.inquirer.net/201841/top-5reasons-why-multinationals-are-locating-in-the-ph#ixzz4XyJkSjf8
https://open-look.com/philippine-top-outsourcing-destinations/
https://business.inquirer.net/209531/bpo-industry-grows-second-largestsource-income-ph#ixzz4YHMoe7pF
245
MODYUL 3: MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN
Panimula at Gabay na Tanong
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang iba’t ibang isyu at
hamon tungkol sa Kasarian at Lipunan. Ito ay naglalaman ng mga gawain
na hahamon sa kaalaman at kasanayan ng mag-aaral na masuri at
maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa Kasarian at Lipunan.
Makatutulong ang pag-unawang ito na malinang sa iyo ang
pagpapahalaga pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig.
Inaasahan na maipapaliwanag ng mga mag-aaral kung paano
magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa isang lipunan sa kabila
ng pagkakaiba-iba ng pananaw sa isyu ng kasarian.
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na
pamantayan sa pagkatuto:
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa mga epekto ng mga
isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang
maging aktibong tagapagtaguyod
ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi
ng pamayanan.
246
Pamantayan sa Pagganap
Ang
mga
mag-aaral
ay
nakagagawa
ng
mga
makabuluhan
at
malikhaing
hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t
ibang kasarian upang maitaguyod
ang pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan.
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 – Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Aralin 2 – Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Aralin 3 – Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan ang sumusunod:
Mga Aralin
Aralin 1:
Kasarian sa Iba’t Ibang
Lipunan
Konsepto ng Kasarian
at Sex
Gender Roles
Pilipinas
sa
Gender Roles sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig
Kasanayang Pampagkatuto





Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa
kasarian at sex
Nasusuri ang mga uri ng kasarian ( gender) at
sex
Natatalakay ang gender roles sa Pilipinas sa
iba’t ibang panahon
Natataya ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t
ibang panahon
Nasusuri ang gender roles sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig
Aralin 2:
Mga Isyu sa Kasarian at
Lipunan

Diskriminasyon
Karahasan
Aralin 3:
Tugon sa mga Isyu sa
Kasarian at Lipunan
Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan,
kalalakihan at LGBT ( Lesbian , Gay , Bi –
sexual , Transgender)
 Nasusuri ang karahasan sa kababaihan,
kalalakihan at LGBT


Tugon
ng
Pandaigdigang
Samahan sa Karahasan
at Diskriminasyon
247

Nasusuri ang tugon ng Pandaigdigang
Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon
Napahahalagahan
ang
tugon
ng
Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at
Diskriminasyon
Napahahalagahan ang tugon ng Pamahalaang
Pilipinas sa mga
isyu ng karahasan at
diskriminasyon
Tugon ng Pamahalaang
Pilipinas sa mga isyu
ng
karahasan
at
diskriminasyon

Nakagagawa ng mga makabuluhan at
malikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian
upang
maitaguyod
ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
PAUNANG PAGTATAYA
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin
sa modyul na ito.
1.Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa
biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki?
A. bi-sexual
C. gender
B. transgender
D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex
C. bi-sexual
B. gender
D. transgender
3. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang,
at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso
C. pagsasamantala
B. diskriminasyon
D. pananakit
4. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang
tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang
ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki.
248
Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961.
Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
A. India Penal Code
B. Anti-Dowry Law
C. Nine-point checklist
D. Violence – against Dowry Law
5. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of
2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa
C. Uganda
B. Pakistan
D. United Arab Emirates
6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang
batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang
mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito.
Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng
may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o
dating asawang babae.
7. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong
pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong
pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam
na siya ay nabubuhay sa maling
katawa at ang kaniyang pag-iisip
at
magkatugma. Siya ay tinatawag
na:
249
pangangatawan
ay
hindi
A. bakla
B. transgender
C. lesbian
D. homosexual
8. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong
pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at
lalaki
ay
maalaga
o
mapag-aruga,
matulungin,
at
mapayapa
samantalang sa mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento
samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang
ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.
9.
Isaayos ang
sumusunod
na
mahahalagang
pangyayari
na
nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang
nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi
lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang
kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o
paglilingkod ng buhay sa Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong
ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
250
_______
D.
Pagkakaroon
ng
pandaigdigang
mga
batas
na
nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of
Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa
pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
A. 1,2,3,4,5
C. 2,3,4,5,1
B. 3,2,4,5,1
D. 4,5,1,3, 2
10. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang
biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat
lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o
alagang hayop.
11. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa
iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang
foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o
bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga
Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang
maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano
ang tawag dito?
251
A. Babaylan
C. Lotus Feet
B. Purdah
D. Dowry
12. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga
ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki
C. Sexual Harassment
D. Sex Trafficking
13. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino.
Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae,
matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan.
‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’.
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult
circumstances?
A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin
ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
252
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang
tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
15. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125
milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang
pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay
maikasal
16.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang
tanong sa ibaba.
KUMILOS MGA KALALAKIHAN
Noel Cabangon
Titik at Musika
Kumilos mga kalalakihan
Makiisa laban sa karahasan
Maging kasama, kapatid, at kaibigan
Itigil ang karahasan sa kababaihan
253
H’wag mo silang saktan, h’wag mong sigaw-sigawan
H’wag mong idadaan sa lakas ng boses at katawan
Ano ang mensahe ng awit na ito?
A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa
kababaihan.
B. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
C. Ang
kalalakihan ay dapat sumuporta at
tumulong upang
mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang
kababaihan, hindi sila dapat saktan at paglaruan
17. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.
Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?
A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga
gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
254
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki
ang naiiwan sa bahay
18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
“LGBT rights are human rights”
Ban Ki – Moon
UN Secretary General
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
19. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi
mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong
magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal,
ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an
gaming pagkakaibigan.
20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong
Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27
eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing
layunin nito?
255
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa
pang-aabuso at karahasan.
256
ARALIN 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon
ng paghahati sa mga miyembro nito ayon sa kasarian. Sa kasaysayan,
sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang
bumuhay sa kaniyang mag-anak. Mauugat ito sa Panahong Paleolitiko
na lalaki ang nangangaso at nangangalap ng pagkain para sa
ikabubuhay ng pamilya. Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin
na alagaan ang mga anak at maging abala sa mga gawaing-bahay.
Samakatuwid, noon, ang mga lalaki ay nagtatrabaho sa labas ng bahay
at ang mga babae ay inaasahang manatili sa loob.
Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap
ng ideya ng feminismo, nagkaroon na ng malaking pagbabago sa
gampanin ng babae. Sa ating bansa, masasabing sa kasalukuyan ay
hindi na mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at
sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae naging hayag o lantad na rin ang
mga tinatawag na LGBT (lesbian, gay, biseksuwal, at transgender) na
nagnanais din na matanggap at kilalanin ang kanilang karapatan bilang
mamamayan.
ALAMIN
Sa araling ito ay matutunghayan natin ang mga konseptong may
kinalaman sa Kasarian at Lipunan at ang gender roles sa Pilipinas at sa iba’t
ibang lipunan sa mundo. Sa bahaging ito masusukat ang iyong dating
kaalaman sa paksa. Handa ka na bang simulan ang araling ito?
257
Gawain 1. Simbolo, Hulaan Mo!
Handa ka na bang simulan ang araling ito? Kung handa ka na,
subukin mong sagutin kung ano ang kahulugan at ipinahihiwatig ng
kasunod na mga simbolo. Isulat ang iyong sagot sa kasunod na mga
patlang.
__________________
________________
_______________
Pamprosesong mga Tanong
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan ng unang dalawang
simbolo? Ng pangatlo?
2. Ano sa palagay mo ang kinakatawan ng mga simbolong ito?
Gawain 2. Timbangin Natin!
Ngayong tapos mo nang sagutan ang unang gawain, ihanda mo
ang iyong sarili sa pagsagot sa susunod na gawain. Makatutulong ang
kasunod na larawan ng timbangan upang mas maunawaan mo kung
bakit mga simbolo ang ginamit sa pagtukoy ng mga kasarian sa
258
nakaraang gawain. Pansinin ang kasunod na larawan ng timbangan at
sagutin ang pamprosesong mga tanong.
http://upbeacon.com/wp-content/uploads/2013/10/gender_equality.jpg
Ano ang ipinahihiwatig ng dalawang simbolo na sa timbangan? Sa iyong palagay,
mayroon kayang hindi napabilang sa representasyon na ipinahihiwatig ng larawang ito?
Sino? Ano sa palagay mo ang pangkalahatang mensahe ng larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong
1._____________________________________________________________________
Sa iyong palagay, bakit kaya wala sa larawang ito ang isa pang
simbolo na nakita mo sa unang gawain?
____________________________________________________________________.
259
Gawain 3. K-W-L-S Chart
Masdan mo ang K-W-L-S Chart sa ibaba. Sikaping makapagtala
ng tatlong sagot sa bawat hanay. Iwan munang blangko ang bahagi ng
“Learned” sapagkat ito ay sasagutan lamang sa sandaling matapos na
ang aralin. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa
talakayan.
260
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakatulad ng iyong sagot sa hanay ng KNOW at
WANT?
2. Sa iyong palagay, marami ka pa bang dapat malaman tungkol sa
mga isyu ukol sa kasarian?
BINABATI KITA!
Pagkatapos masuri ang iyong mga kaalaman tungkol sa paksa ay tiyak
kong nais mong mapalalim pa ang iyong kaalaman at pag-unawa tungkol dito.
Sa susunod na bahagi ng aralin, masasagot ang ilang katanungang
naglalaro sa iyong isipan. Sa iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain, suriin kung
tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaalaman na iyong
matututuhan sa modyul na ito. Gamitin ang mga dating kaalamang ito para sa
talakayang gagawin sa susunod na bahagi ng modyul, ang PAUNLARIN.
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahang mas lalawak ang iyong
kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga konseptong may kinalaman
sa kasarian. Maaari mong balikan ang mga katanungan at kasagutan
na iyong nabuo sa unang bahagi ng araling ito upang mapagtibay
ang tamang kasagutan at maiwasto ang maling sagot o konseptong
nabuo. Pagtuunan ng pansin ang babasahin at sagutanang mga
tanong sa gawain. Handa ka na ba?
261
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang
dalawang salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang
kasarian.Tatalakayin natin sa bahaging ito ng aralin ang kahulugan ng mga
konseptong may kinalaman sa pag-aaral ng kasarian.Upang maunawaan mo ang
mga konseptong ito, lalo na ang kaibahan ng gender at sex basahin mo ang
sumusunod na teksto.
Konsepto ng Gender at Sex
Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa
kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae
at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa
biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
GENDER
SEX
masculine
male
(lalaki)
feminine
female
(babae)
Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba
paghambingin man ang mga lipunan subalit sa aspekto ng gender, maaaring
malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan.
262
 Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang
mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi
nagtataglay nito.
 Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)
Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi
nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
Si Aziza Al Yousef ay nakulong matapos
lumabag sa Women Driving Ban sa Saudi Arabia.
Si Al Youself ay kilalang tagapagtaguyod ng
kampanya laban sa pagbabawal sa kababaihan
na magmaneho ng sasakyan. Siya ay nakulong
nang mahuling nagmamaneho kasama si Eman
Al-Nafjan, sadya nilang gawin ito. Silang dalawa
ay magkapareho ang adbokasiya na alisin ang
driving ban para sa mga kababaihan sa Saudi.
Matapos nilang pumirma sa isang kasunduan na
hindi na nila ulit ito gagawin, sila ay nakalabas ng
kulungan.
Sanggunian:http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/meast/saudi-arabia-female-driversdetained/
Oryentasyong Seksuwal
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual
orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim
na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba
sa
kanya, o kasariang higit sa isa. Samantalang
ang pagkakakilanlang
pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na
263
pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang
pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa
pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay
tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o
pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal,
homosekswal, at bisekswal.

Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng
kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga
babaeng gusto naman ay lalaki

Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong
lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na
lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.

Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay
panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa
lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa
anumang kasarian

Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay
sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
264
Sanggunian:
(http://taw.acas.org/contents/index.php?option=com_content&view=article&id=
54:trans-101-pilipino&catid=47:tagalog)
Gawain 4. Paano Nagkaiba?
Ngayong natapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo
nang tukuyin kung ano ang pagkakaiba ng sex at gender. Ilista ang
katangian ng sex at gender sa mga kahon sa ibaba.
GENDER
SEX
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang napansin mong pagkakaiba ng iyong mga itinala?
2. Ano ang dati mong iniisip na kaibahan ng dalawang konseptong
ito? Naging maliwanag na ba sa iyo ang kaibahan ng sex at gender?
Gawain 5. Gender at Sex: Ano nga Ba?
Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang
pagkakaiba ng gender at sex mula sa mga natutunan mo sa aralin sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap sa ibaba.
Mula sa araling ito, natutunan ko na ang sex ay ______________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__________________________________________________samantalang ang
gender naman ay tumutukoy sa ____________________
_________________________________________________________________
______________________________________________________.
265
Natutunan ko rin na ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay naiiba sa
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang oryentasyong seksuwal ay
__________________________________________________________________
______________________________________________________samantalang
ang pagkakakilanlang pangkasarian (genderidentity) ay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________.
Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Gender Roles sa Pilipinas
Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano ang
katayuan at gampanin ng babae at lalaki iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng
ating bansa.
Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan
sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring
timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga
binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae
na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila
pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan
hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.
Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang
karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
266
Ang “Boxer Codex” ay isang
dokumento na tinatayang
ginawa noong 1595. Ang
dokumento (at mga larawan)
ay pinaniniwalaang
pagmamay-ari ni Luis Perez
Dasmariñas, ang
Gobernador-Heneral ng
Pilipinas noong 1593-1596.
Ang dokumento ay napunta
sa koleksiyon ni Propesor
Charles Ralph Boxer; kaya
ipinangalan sa kaniya ang
buong manuskrito.
http://www.allphilippines.com/wpcontent/uploads/2010/08/BoxerCodex.jpg
Paano naman winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon? Bagamat
kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang
asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang
kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
Base mga kaso na naobserbahan mo Dr. Lordes Lapuz, binanggit niya
bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of Psychopathology and Filipino
Marriages in Crises na:
Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings
of inferiority that upbringing creates.
Idinagdag pa ni Emelda Driscoll (2011) na sa loob ng pamilya, ang mga
Pilipina ay lumalaking tinitingnan bilang siyang pinagmumulan ng
kapangyarihan sa pamilya.
Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang
Position of Women in the Philippines, ang posisyon ng kababaihan sa Pilipinas
noong panahon ng mga Espanyol:
Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life,
her education principally undertaken under the supervision of priests and nuns.
Being economically dependent on her men folk, she had to be subservient to
them. Held out as an example was the diffident, chaste, and half-educated
woman, whose all-consuming preoccupation was to save her soul from
perdition and her body from the clutches of the devil incarnate in man. (Garcia,
1965)
267
Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang
taglay ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang
legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na
tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita
ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang
asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng
mga Espanyol. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga
Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero
na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
Sa pagsisimula ng
pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap
o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng
kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937.
90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng
kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may
kinalaman sa politika.
http://ffemagazine.com/wpcontent/uploads/2013/12/cartoon.png
Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng
kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng
mga gawaing-bahay. Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang
isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at
lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT. Sa iyong palagay, naipatutupad kaya
ito?
268
Gawain 6. Gender Timeline
Natunghayan mo sa iyong nabasang teksto ang papel ng mga
babae at lalaki sa iba’t ibang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Itala mo
sa gilid ng mga gender symbol ang gampanin ng babae at lalaki sa
kasaysayan ng ating bansa.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at
lalaki na napansin mo?
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na
naabuso ang karapatan ng mga kababaihan? Pangatwiranan
3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan
sa
kababaihan at kalalakihan? Bakit?
4. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa
lipunan/pamayanan? Pangatwiranan.
269
Ang Babae at Lalaki sa Aking Pamayanan
Upang higit na lumawak ang kaisipan tungkol sa paksang tinalakay.
Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging katatayuan/gampanin ng
babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa iyong pamayanan. Alamin din
kung paano ang katayuan/gampaning ito nakaapekto sa pang-unlad nito.
Ibahagi sa klase ang ginawang pananaliksik. (Maari itong ipakita sa iba’t
ibang malikhaing paraan.)
Nabatid mo sa katatapos na paksa ang papel ng mga babae at lalaki sa
iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa puntong ito, malalaman mo
naman kung paano nagsimula ang kasaysayan ng LGBT (Lesbian, Gay,
Bisexual, at Transgender) sa Pilipinas. Basahin ang teksto na mula sa akda ni
Dr. Michael L. Tan (2014), isang antropologo, na pinamagatang “LGBT in Asia:
The Philippines Country Report”.
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, mababanggit
ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang babaylan
ay
isang
lider-ispiritwal
na
may
tungkuling
panrelihiyon
at
maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. Ang salitang
babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking
babaylan – halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae
upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga
espiritu.
Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng
kaugaliang kasuotan ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos
ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang
simboliko bilang “tila-babae.” Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa
270
lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal.
Habang sila ay
tinatanggap at iginagalang sa lipunang pre-kolonyal, para sa mga
Espanyol, ang mga babaylan ay hindi lamang nakalilito, sila rin ay
kinatatakutan dahil sa kanilang makapangyarihang posisyon.
Sa panahon ng mga Espanyol, ilan sa mga babaylang ito ay nagiba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Mula noon,
ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa mga Pilipinong hindi
tumatalima
sa
kombensiyunal
na
oryentasyong
seksuwal
at
pagkakakilanlang pangkasarian.
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong
ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming
akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. Mababanggit
ang mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at
Luis Flores.
Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay
mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal
na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa.
Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90,
maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng
kamalayan ng Pilipinong LGBT. Maibibigay na halimbawa nito ang
paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong
miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil
Garcia noong 1993. Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco
Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines noong
1994.
Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang
naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective
sa martsa ng International Women’s Day noong Marso 1992. Ito ang
kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong
sektor ng LGBT sa Pilipinas.
271
Ang dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement
sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang
Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan
(pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP)
noong 1992. Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong
dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates
Philippines (LeAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT
community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party.
Ang
konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT
lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o
LAGABLAB - noong 1999.
Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor
sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na Ang Ladlad.
Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad na tumakbo
sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010,
ang partidong ito ay ganap nang pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman
ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. Noong 2004 naman, ginanap
sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang
bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga
indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.
Sanggunian: UNDP, USAID (2014). Being LGBT in Asia: The Philippines Country
Report. Bangkok.
Gawain 7. History Change Frame
Matapos mong basahin ang kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas,
sagutan mo ang History Change Frame. Upang mas maunawaan ang
kuwentong binasa, punan ng sagot ang mga kahon.
272
Pamprosesong mga Tanong
1.
Ayon sa teksto, sino ang matatawag na unang LGBT? Sa aling
panahon sa kasaysayan ito nagsimula?
2. Kailan nagsimulang lumawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa
LGBT? Ano-anong pangyayari ang nagbigay-daan dito?
3. Ano-ano ang mahalagang ideya ang naitala mo? Bakit mo nasabing
mahalaga ang mga ito?
Gawain 8. Eh, ano na ngayon?
Matapos matunghayan ang ilang mahahalagang pangyayari
tungkol sa kalagayan ng LGBT sa bansa. Sa pamamagitan ng
pangkatang gawain magsagawa ng pag-aaral tungkol sa kalalagayan ng
LGBT at papel na ginagampanan nila sa pamayanan o bansa . Maaring
magsaliksik sa internet, libro , magazine at peryodiko o magsagawa ng
panayam sa mga taong sumusuporta at hindi sa kanila. Ipakita ang
273
kinalabasan ng pag-aaral sa kalalagayan ng LGBT at papel na
ginagampanan nila sa pamayanan/ bansa sa iba’t ibang malikhaing
paraan.
Paksa: Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Matapos mo malaman ang gampanin ng mga babae, lalaki at LGBT sa
Pilipinas, tuklasin mo naman ngayon kung ano ang pagtingin sa mga lalaki at
babae sa iba’t ibang lipunan sa daigdig.Basahin ang susunod na teksto at
sagutan ang Gawain 8.
Africa at Kanlurang Asya
Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga
babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang
panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang
mga babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia
sa paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila ay hindi pa
maaaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa taong 2015 pa
lamang sila makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi pagboto, may
pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang
walang pahintulot sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o
kapatid).
Talahanayan 3.1Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa
Kababaihan
Kanlurang Asya
Africa
Lebanon (1952)
Egypt (1956)
Syria (1949, 1953)
Tunisia (1959)
274
Yemen (1967)
Mauritania (1961)
Iraq (1980)
Algeria (1962)
Oman (1994)
Morocco (1963)
Kuwait (1985, 2005)*
Libya (1964)
Sudan (1964)
*Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at
muling naibalik noong 2005.
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may
ilang bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang
mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pangaabuso (seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125
milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa
mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng
pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong
ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa
karapatang pantao ng kababaihan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga
lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila
matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas
275
ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga
kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro
ng LGBT.
Gawain 9. Basa-Suri
Matapos na mabasa ang teksto tungkol sa Africa at Kanlurang Asya
sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
Pamprosesong mga Tanong
1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga
babae? Ano sa palagay mo ang epekto sa: a) emosyonal, b) sosyal,
at c) sikolohikal na kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
2. Bakit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng FGM sa rehiyon ng Africa at
Kanlurang Asya?
3. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga
miyembro ng LGBT sa Africa at Kanlurang Asya? Magbigay ng
patunay.
4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at
mga miyembro ng LGBT sa bahaging ito ng mundo? Patunayan ang
sagot.
Gawain 10. Paghambingin at Unawain
Ang gawaing ito ay naglalayong mapaghambing mo ang tatlong
pangkultura pangkat sa New Guinea ayon sa pag-aaral na isinagawa ni
Margaret Mead. Sagutan ang kasunod na talahayanan at ang dalawang
mahalagang tanong kaugnay nito upang mataya ang pag-unawa sa
iyong binasa.
Pangkulturang Pangkat sa New Guinea
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang
kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa
276
Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa
lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3)
pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pagaaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito,
nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa,
at maging sa Estados Unidos.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na
nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito.
Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at
mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa,
kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa kanilang
namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag
na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din
na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin
sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune
bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng
makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay
inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga
kuwento.
Sanggunian: (A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies.
HarperCollins Publishers, 1963.
http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html
GAMPANIN
Primitibong
Pangkat
Lalaki
Arapesh
Mundugumor
277
Babae
Tchambuli
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at mga lalaki sa
tatlong pangkulturang pangkat nabanggit ni Margaret Mead?
2. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng
personalidad at pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na
kaanyuan?
Gawain 11. Halina’t Magsaliksik
Ngayong alam mo nang may mga primitibong pangkat sa New
Guinea kung saan ang mga babae at lalaki ay may kakaibang gampanin
o papel, subukin mo naman ngayon na magsaliksik kung mayroon din
ganitong pangkat sa Pilipinas. Gamiting gabay ang kasunod na
impomasyon:
Gender Roles ng Pangkat Etniko sa Pilipinas
__________________________________
Maikling deskripsyon o paglalarawan:
_______________________________________________________
__
_______________________________________________________
__
278
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_
Gampanin ng Babae
Gampanin ng Lalaki
Website na maaaring gamiting sanggunian:

Tattooed women of Kalinga:
http://www.onetribetattoo.com/history/filipino-tattoos.php

http://www.everyculture.com/No-Sa/The-Philippines.html
Ang mga mag-aaral ay maaari ring humanap ng ibang sanggunian.
Gawain 12. Eh Kasi . . . . . .
Matapos mong malaman ang kalagayan ng mga lalaki,
babae, at mga miyembro ng LGBT sa Africa at Kanlurang Asya, at
kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, balikan mo ang iyong sariling
pananaw tungkol sa mga nabanggit na kasarian.
279
Basahin ang mga salitang nakatakda. Itala sa kahon sa ibaba
ang mga salitang sa tingin mo ay tumutukoy sa mga lalaki, babae, at
LGBT, maaaring mag-ulit ng mga salita.
Mang-aawit
Makabayan
Chef
Masipag
Mananayaw
Tahimik
Piloto
Magalang
Malikhain
Maaasahan
Doktor
Matulungin
Emosyonal
Pangulo
Pulis
Aktibo
Masunurin
Mapagpakumbaba
Hukom
Mabait
Babae
LGBT
Lalaki
Paliwanag
Paliwanag
Paliwanag
280
BINABATI KITA!
Sa mga natapos mong gawain sa bahagi ng PAUNLARIN, ikaw ay
nagkaroon ng kaalaman tungkol sa konsepto ng kasarian at sex, gayundin ang
kaalaman tungkol sa iba’t ibang gender roles sa Pilipinas at ibang bahagi ng
daigdig. Kaya naman ihanda mo na ang iyong sarili sa pagsasagawa ng mga
gawain sa bahagi ng PAGNILAYAN
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong
pag-unawa tungkol sa paksa. Inaasahan ding sa bahaging
ito ay kritikal mong masusuri ang mga konseptong iyong
napag-aralan na may kinalaman sa kasarian at gender roles
sa lipunan ng Pilipinas at lipunan ng ibang bansa.
Gawain 13. Magtanong-Tanong
Magsagawa ng sarbey sa inyong pamayanan. Hingin ang
kanilang opinyon kung ano ang kanilang pananaw o ano sa palagay nila
ang kontribusiyon ng mga babae, lalaki, at LGBT sa lipunan. Gawing
gabay ang kasunod na format.
281
Pamprosesong mga Tanong
1. Paano mo pinili ang mga taong iyong nakapanayam?
2. Ano ang napansin mo sa kanilang sagot? Pantay ba ang kanilang
pagtingin sa kontribusiyon ng mga kasarian? Ipaliwanag.
3. May diskriminasiyon ba sa kanilang sagot? Ipaliwanag.
Bilang pagtatapos ng araling ito, subukin mong sagutin ang paglalahat
upang magkaroon ka ng mas matibay at klarong pananaw tungkol sa kasarian
at lipunan.
282
Gawain 14. Pagalalagom
Matapos na matalakay ang paksang ito, pumili ka ng gawain na
makapaglalahad ng kabuuan ng iyong natutunan sa araling ito. Gamiting
gabay ang rubric na ibibigay ng guro:
Sanaysay
Editorial cartoon
Slogan
Poster
Sa araling ito, natunghayan mo ang iba’t ibang konsepto sa kasarian,
maging ang mga uri ng kasarian. Nailatag din sa araling ito ang kasaysayan ng
mga LGBT sa Pilipinas at ang iba’t ibang gender roles sa ibang bahagi ng
daigdig.
BINABATI KITA!
283
ARALIN 2: Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan
Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay
ayon sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng
kababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya, at iba
pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at
karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at
karahasan, maging ang lalaki din ay biktima nito. Panghuli, ang tinawag
ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang
kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang
nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking
hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan,
negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.
Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the High
Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga
LGBT (bata at matanda)na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at
pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan. Ang
layunin ng araling ito ay nakatuon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan
na may kaugnayan sa mga LGBT, sa mga babae at mga lalaki bagama’t
may CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discriminations Against Women (1979) na ang mga babae, may ilang
mga bansa at insidente pa rin ng hindi-pantay na pagtingin at pagtrato
sa mga babae.
Sa araling ito, ilalatag ang impormasyong nagpapakita ng
diskriminasyon at karahasan sa mga babae, lalaki, at LGBT. Nakapaloob
din sa araling ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing
diskriminasyon at karahasan sa ibat’ ibang bahagi ng daigdig.
284
PAUNLARIN
Sa
bahaging
ito
ng
aralin,
ilalatag
ang
mga
diskriminasyong nararanasan ngkalalakihan, kababaihan, at
LGBT sa iba’t ibang panig ng daigdig sa kamay ng pamilya at ng
lipunan. Pagkatapos ng bahaging ito, maaari mong balikan ang
katanungan at ang iyong kasagutan sa gawain sa bahagi ng
ALAMIN. Maaari mong pagtibayin ang iyong mga kasagutan o
iwasto kung may maling konsepto o sagot na nabuo. Simulan mo
na.
Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
Sa bahaging ito ng aralin makikilala mo ang ilang mga babae,
lalaki at LGBT na kilala sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa
buong mundo. Maaari ring mangalap ng iba pang impormasyon tungkol
sa mga personalidad na ito upang mas malawak na makilala ang
kanilang buhay bilang myembro ng lipunan, bukod sa mga personalidad
na ito inaasahan din na magsaliksik ang mag-aaral ng iba pang mga
personalidad na kinikilala sa kanilang larangan.
ELLEN DEGENERES (lesbian)
Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa
pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres
Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang- aawit gaya ni
Charice Pempengco.
TIM COOK (gay)
Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple
products. Bago mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa
Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa computers.
CHARO SANTOS-CONCIO (babae)
Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa longestrunning Philippine TV drama anthology program Maalaala Mo Kaya, simula pa
285
noong 1991. Siya ay nagging presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation
noong 2008-2015.
DANTON REMOTO (gay)
Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at
mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan
na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
MARILLYN A. HEWSON (babae)
Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa
paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga
makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang pananatili sa kumpanya,
naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.
CHARICE PEMPENGCO (lesbian)
Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa
ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the
world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid.
ANDERSON COOPER (gay)
Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent
open gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kaniyang
coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya
bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN.
PARKER GUNDERSEN (lalaki)
Siya Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer
na may sangay sa ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines,
Hong Kong, at Taiwan.
GERALDINE ROMAN (transgender)
Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan
ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng AntiDiscrimation bill sa Kongreso.
Gawain 15. May ‘K’ Ka!
Matapos makilala ang ilang LGBT na naging matagumpay sa
kanilang napiling larangan, bumuo ng isang pangkat. Para sa gawaing
ito, gagamit ang bawat pangkat ng meta cards na ididikit sa modelong
mapipili ng bawat pangkat. Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat
pangkat ang mga trabahong sa tingin nila ay angkop sa napili o
naitalagang paksa.
286
Pangkat A. LGBT
Pangkat B. Babae
Pangkat C. Lalaki
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat sa kasariang
itinalaga sa kanila? Ipaliwanag
2. Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag.
3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong naisulat ng ibang
pangkat? Bakit may mga pagkakatulad?
4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat? Ipaliwanag.
5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na
para sa lalaki (halimbawa, piloto, engineer, boksingero, astronaut)?
Ipakilala sila sa klase.
6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang itinuturing na
para sa babae? Ipakilala sila sa klase.
7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na matagumpay sa larangang
kanilang napili? Ipakilala sa klase.
8. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa
trabahong papasukan? Ipaliwanag.
Gawain 15. Opinyon At Saloobin, Galangin!
Kayo ay bibigyan ng pagkakataong makipanayam sa ilang tao
upang alamin ang kanilang opinyon at saloobin sa mga karapatan ng
mga LGBT. Matapos ang panayam, ibahagi ang resulta sa inyong
pangkat. Ang mga ito ay binubuo ng mga babae, lalaki, LGBT, lider ng
relihiyon, negosyante, at opisyal ng barangay.
287
Babae
Lider ng Relihiyon
Lalaki
Miyembro ng LGBT
Negosyante
Opisyal ng Barangay
288
Pamprosesong mga Tanong
1. Paano mo pinili ang mga taong iyong nakapanayam?
2. Naging madali ba sa kanila na sagutin ang mga tanong?
3. May pagkakaiba ba ang resulta ng iyong panayam sa resulta ng iyong
mga kamag- aral? Ibigay kung mayroon.
4. Ano kaya sa tingin mo ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng kanilang mga
sagot?
Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang halimbawa ng
diskriminasyong kinakaharap ng babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na matapos
ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga isyu at
magkakaroon ka ng mas malinaw na pag-unawa sa mga usapin tungkol sa
kasarian.
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa
Pakistan
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong
paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong
ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa
karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena
hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala.
Bumuhos ang tulong
Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula
sa
Afghanistan.
Tinutuligsa
ang
Taliban
sa
konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa
Qur’an. Itinuturing ng Estados Unidos na terorista
ang grupong Taliban. Ilan sa mga akusasyong
289
pinansyal upang
ibinabato
agarang
trafficiking, di-pantay na pagtrato sa kababaihan, at
mabigyang lunas
suicide bombings.
sa
Taliban
ay
massacre,
human
ang pagbaril sa
kanyang ulo. Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2 ng
Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan,
malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang
Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga
patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga
ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga
babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan
upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa
mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap
na makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng
kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni
Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan
at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay
ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy
niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na
kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos niyang
maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at pangaral ang kanyang
natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi
lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya
noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na
magkapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng
12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo
para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel
Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014.
Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang
290
babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan, patuloy
ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga
batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at
pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga
organisasyong sibil at non-government organizations o NGOs gaya ng
United Nations at iba pa.
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino si Malala Yousafzai?
2. Ano ang kanyang ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa kanyan ng
mga Taliban?
3. Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa pag-atake kay Malala?
4. Paano nakaapekto kay Malala ang pagtatangka sa kaniyang buhay?
5. Ikaw, bilang mamamayan, ano ang aral na maari mong makuha sa
buhay ni Malala?
Gawain 16. Paghahambing sa Edukasyon ng Pakistan at Pilipinas
Batay sa kwento ng buhay at pakikipaglaban ni Malala Yousafzai
sa mga Taliban sa Pakistan, paghambingin ang kalagayan edukasyon
ng mga batang babae sa Pilipinas at Pakistan. Maari pang magsaliksik
upang mas mapalalim ang pag-unawa sa paksa.
291
EDUKASYON NG
KABABAIHAN
PILIPINAS
PAKISTAN
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sistema ng edukasyon ng
Pakistan at Pilipinas? Ipaliwanag.
2. Alin sa dalawang bansa ang may higit na pagkakataon sa pag-aaral
na ibinibigay sa mga kababaihan? Ipaliwanag.
292
Gawain 19. House Husband(Pagsusuri ng larawan)
Gamit ang kasunod na larawan, suriin ang kalagayan ng lalaki na
nananatili sa tahanan sa pamamagitan ng pagsagot sa
pamprosesong tanong.
NOTE: Make an original oillustration depicting the same context
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino sa tingin mo ang nasa larawan? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang gawaing bahay na ipinakikita sa larawan?
3. Sa inyong tahanan, sino ang kadalasang gumagawa ng mga
gawaing ito? Ipaliwanag.
4. Sa isang bahay na lalaki o ama ang naiiwan na gumagawa ng
mga gawaing bahay,ano kaya ang pangunahing dahilan nito?
5. Mayroon ka bang kakilala na lalaki o ama na naiiwan sa bahay?
Bakit kaya sila ang naiiwan sa bahay?
293
Paksa: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at LGBT
Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang mga halimbawa ng
mga karahasang kinakaharap ng babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na matapos
ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga nasabing
isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay malinaw na pag-unawa sa lahat ng
kasarian.
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging
sa edukasyon.Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban
sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na
patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender
Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula
2008- 2012.
Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay
nagkaroon ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang Uganda
ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad
na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.
Gawain 20. Huwag Po! Huwag Po!
Narito ang ilang larawan na may kinalaman sa isyung
pangkasarian. Tingnan ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa
gawain.
294
BABALA: Ang sumusunod na larawang iyong makikita ay patungkol sa
karahasan. Pinapaalalahanan ang mga mag-aaral na ito ay hindi nararapat
gayahin. Patnubay ng guro ay kailangan.
Sa tulong ng mga larawan na iyong nakita sa nakaraang pahina,
at napapanood sa mga komersyal sa telebisyon, isa-isahin ang
karahasang nararanasan ng kababaihan. Isulat ito sa loob ng mga bilog.
295
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang opinyon at saloobin mo sa karahasang nararanasan ng ilang
kababaihan?
2. Paano mawawakasan ang ganitong gawain sa kababaihan?
Ang karahasan sa kababaihan ay hindi bago sa lipunang
Pilipino. Ito ay maaaring nangyayari mismo sa loob ng iyong tahanan subalit
inaakala ng iba na ito ay natural lamang at bunga ng pagiging mahina ng
kababaihan. Sa komiks na iyong makikita sa susunod na pahina,
matutunghayan mo ang isang halimbawa.
Gawain 21. Komik-Suri!
Narito ang isang komiks tungkol sa isyung may kinalaman sa kasarian.
Basahin at unawain mong mabuti ang diyalogo. Pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong sa gawain.
296
297
298
Iginuhit ni:
Pocholo Dela Torre
Antipolo City
299
Pamprosesong mga Tanong
1. Tungkol saan ang komiks?
2. Sa iyong palagay, anong isyu ang ipinakikita rito?
3. Gaano kaya kadalas nangyayari ang ganitong sitwasyon? Bakit kaya
nagaganap ang ganitong pangyayari?
Mga Tanong
Sagot
1. Ilarawan ang pakikitungo ni Marco
sa kaniyang asawa. Makatuwiran
ba ito?
2. Ano ang reaksyon mo sa ginawa ni
Marco? Kung ikaw ay anak ng magasawang tauhan sa komiks ano
ang iyong mararamdaman?
3. Nakasaksi ka na ba ng ganitong
pangyayari? Ibahagi sa klase ang
iyong karanasan.
Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay
nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na
pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig.
Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging
dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
300
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China.
Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte
ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga
buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong
paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos
isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase
ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at
ang kanilang pakikisalamuha.
Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng
panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.
https://www.mtholyoke.edu/courses/rschwart/h
atlas/mhc_widerworld/china/foot1.jpg
http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2014/06/08/article2652228-1E92A95D00000578743_964x963.jpg
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations,
ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang
karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal
301
o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang
mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng
paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito,
ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit
na halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa.
Ang breast ironing o breast
flattening ay isang kaugalian sa
bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ang pagbabayo o
pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng
bato, martilyo o spatula na pinainit sa
apoy. May pananaliksik noong 2006
na nagsasabing 24% ng mga batang
babaeng may edad siyam ay
apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina
sa anak na ang pagsagsagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan
nito ay upang: maiwasan ang (1)
maagang pagbubuntis ng anak; (2)
paghinto sa pag-aaral; at (3)
pagkagahasa. Ang mga dahilan na
nabanggit ay mula sa paniniwala ng
ina na ang paglaki ng dibdib ng anak
ay maaaring makatawag-pansin sa
mga lalaki upang sila ay gahasain.
Bukod sa sampung rehiyon ng
http://www.orijinculture.com/community/wpcontent/uploads/2012/06/breastironing3.jpg
http://edge.ilpvideo.com/img/2010/07/27/m
others-resort-to-breast-ironing-incameroon-africa-to-keep-young-girls-fromattracting-men-and-getting-pregnant.jpg
Cameroon,
isinasagawa rin ang
breast ironing o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory
Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe.
Bukod sa pagiging mapanganib ng breast ironing, marami ring kritisismo
ang binabato sa pagsasagawa nito. Ang GIZ (German Development
Agency) at RENATA (Network of Aunties), ay ilan sa mga organisasyong
sumusuporta sa kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy
na pag-iral ng gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39% ng mga kababaihan
302
sa Cameroon ang di panig sa pag-iral ng breast ironing, 41% ang
nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay walang pakialam.
Maaaring bisitahin ang website na ito upang maponood ang ilang video na kaugnay sa
breast ironing: https://www.youtube.com/watch?v=mO6GrlIZbLs
Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi
pati narin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang
International Day for the Elimination of Violence Against Women. Tunghayan mo ang
istadistika sa susunod na pahina.
Gawain 22. Hanggang Ka-Ilan?
Kasunod ang isang istadistika tungkol sa karahasan sa kababaihan.
Basahin mo itong mabuti at sagutin ang gawain na kasunod nito. Isulat
sa loob ng bulaklak ang iyong sagot.
ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN

Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas
ng pananakit na pisikal.

6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal

Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas
ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga
asawa.

Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National
Statistics Office)
Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,
Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang
303
porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly
Sins Against Women. Ang mga ito ay ang (1) pambubugbog/pananakit, (2)
panggagahasa, (3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, (4) sexual
harassment, (5)sexual discrimination at exploitation, (6) limitadong access sa
reproductive health, (7) sex trafficking at prostitusyon.
Ngayong nabasa mo na ang istadistika tungkol sa karahasan sa
kababaihan, sagutin ang gawain. Isulat sa loob ng kahon sa kanan ang
iyong sagot sa katanungan sa bawat bilang.
Mula sa mga datos na iyong nakita sa istadistika, sagutin ang
sumusunod na tanong:
….
ang porsyento ng babaeng nagbuntis ang
nakaranas ng pananakit na pisikal habang
sila ay nagdadalang-tao?
sa bawat 10 babaeng nasa edad 15-49 ang
nakaranas ng pananakit na seksuwal?
Sa kabuuan, 4% ng mga babaeng nagbuntis
sa bawat ang
5 babaeng
nakaranas
ng pananakit
nakaranas
ng pananakit
na pisikal
na pisikal/seksuwal
ang
nakaranas
ng
habang sila ay nagdadalang-tao
masamang epekto sa kanilang
pangsikolohikal na kondisyon?
Sa iyong palagay…
Hanggang Kakaya mangyayari ang ganito?
Ano-ano kayang hakbang ang dapat gawin ng pamahalaan upang
mawakasan na ang karahasan sa kababaihan?
304
__________________________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________________________.
__________________________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________________________.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Gawain
23. Girl Power
__
_________________________________________________________________________.
Sa kanang bahagi, magtala ng tatlong paraan kung paano
mapipigilan
ang karahasan sa kababaihan. Sa kaliwa naman ay magtala
__________________________________________________________________________
ng__________________________________________________________________________
tatlong paraan kung paano mapagtitibay ang karapatan ng mga
__
kababaihan.
_________________________________________________________________________.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________.
Paano Mapagtitibay
1.
Paano Mapipigilan
1.
2.
Karahasan sa Kalalakihan
305
3.
2.
Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan
ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang
tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.
Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi
madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t
ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso.
Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at
homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga
palatandaan ng ganitong uri ng karahasan.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong
kapareha ay:
 tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa
ibang tao, iniinsulto ka;
 pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
 pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta
at kung ano ang iyong mga isusuot;
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
 nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
 pinagbabantaan ka na sasaktan;
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o
mga alagang hayop;
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat
lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
306
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:
 Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at
mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian
 Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender
 Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente
Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang
ganitong pangyayari:
 pinagbabantaan ka ng karahasan.
 sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
 humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng
suhol.
 Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
 Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas
tumitindi sa paglipas ng panahon.
BINABATI KITA!
Matapos mong masuri ang mga diskriminasyon at karahasang
nararanasan ng mga lalaki, babae at LGBT sa iba’t- ibang bahagi ng daigdig sa
pamamagitan ng mga gawain sa bahagi ng PAUNLARIN, harapin mo naman
ngayon ang mga gawain sa PAGNILAYAN at UNAWAIN.
307
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito ng aralin, susubukin mong ilatag ang
mahahalagang aral na natutunan mo sa araling ito. Hihingin ang
iyong opinyon, paglalagom at repleksiyon sa susunod na
gawain. Makibahagi at magbahagi ka ng iyong saloobin.
Gawain 24. Aking Repleksiyon
Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa isyung may kinalaman sa
kasarian, ano ang iyong naging repleksiyon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawain 25. Paglalapat
Ang gawaing ito ay pagtatala ng mga paraan upang maisabuhay
mo ang mahahalagang aral na natutunan mo sa araling ito. Ang chart ay
binubuo ng tatlong hanay. Isulat sa hanay A ang puno o malaking paksa,
isulat naman sa hanay B ang dalawang mahahalagang aral na natutunan
mo sa paksang napili mo, at sa hanay C isulat ang tatlong sitwasyon
kung saan maaari mong gamitin ang mahahalagang aral na natutunan
mo sa pang-araw-araw na buhay.
308
Hanay A
Mahalaga
Punong
Hanay B
Hanay C
o Mahahalagang Bagay na Tatlong sitwasyon sa
Natutunan
Paksa
Buhay na Maaaring
Magamit
ang
Natutunan
1.
1.
2.
2.
3.
Sa araling ito nasaksihan mo ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon at
karahasang nararanasan ng babae, lalaki at LGBT. Walang pinipiling edad, bansa,
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ang mga biktima nito.
BINABATI KITA!
309
ARALIN 3: Tugon sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may
kaugnayan sa Kasarian at Lipunan na nararanasan hindi lamang sa
Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa araling ito,
pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan
upang matugunan ang mga isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan.
Handa ka na ba?
PAUNLARIN
Nasagutan mo bang lahat ang mga naunang gawain? Huwag
mag-alala dahil sa bahaging ito ay inaasahang mas lalawak ang
iyong kaalaman at pag-unawa sa mga tugon sa isyu ng Kasarian at
Lipunan. Maaari mong balikan ang kasagutan at katanungan na
iyong nabuo sa unang bahagi ng araling ito upang mapagtibay ang
tamang kasagutan at maiwasto ang maling sagot o konseptong
nabuo kung mayroon man. Pagtuunan ng pansin ang susunod na
babasahin at sagutan ang mga gawain.
Gawain 26. Discussion Web
Basahin at suriin ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa
Prinsipyo ng Yogyakarta at ang pahayag ng UN Secretary General na si
Ban Ki-Moon tungkol sa mga LGBT. Sa kasunod na discussion web isulat
310
kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa kaniyang pahayag. Pagkatapos,
humanap ka ng iyong kamag-aral na taliwas o di kapareho ng iyong sagot
at isulat sa discussion web ang kanyang sagot. Talakayin ang inyong
konklusyon tungkol sa isyu at isulat din ito sa web.

Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at
Diskriminasyon
Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring
lumalakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa
di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) na
nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta,
Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang
mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay
binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga
rekomendasiyon.
“LGBT
DISCUSSION WEB
http://www.un.org/sg/img/ban
kimoon/ban_kimoon_portrait.jpg
311
rights
are
human
rights.”
Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary
General Ban Ki-Moon upang hikayatin ang mga miyembrong
estado na wakasan na ang mga pang- aapi at pang- aabuso
laban sa mga LGBT.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang dahilan kung bakit ka sang-ayon o di sang-ayon sa pahayag
ni
UN Sec Gen Ban Ki- Moon?Bakit?
2. Naging madali ba sa inyo ng kapareha mo na makabuo ng konklusyon
sa
kabila ng pagkakaiba ng inyong pananaw tungkol sa isyu? Bakit?
Gawain 27. Ipaglaban Mo!
Sa gawaing ito, matutunghayan mo ang ilan sa mahahalagang
prinsipyo ng Yogyakarta. May 7 prinsipyong napili upang pag- usapan at
pagnilayan sa klase. Ang klase ay papangkatin sa pito, bawat pangkat
ay may isang prinsipyong susuriin at pagninilayan.Maaring pagtuunan ng
pansin sa pagsusuring gagawin kung sumasang-ayon kayo o hindi sa
prinsipyo at ipaliwanag ang dahilan kung bakit. Bibigyan kayo ng sapat
na oras upang ito ay isagawa pagkatapos ilahad sa klase ang naging
312
resulta ng inyong talakayan sa pamamagitan ng malikhaing paraan gaya
ng dula-dulaan, awit, tula, news reporting at iba pa.
Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA
KARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang
pantao.
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
nang
walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantaypantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Prinsipyo 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na
lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may
kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang
parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual
sexual activity ng
mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
313
Prinsipyo 10
ANG KARAPATAN LABAN SA TORTURE AT SA
Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho,
samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong
nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian.
Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA
BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko,
kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga
patakarang maykinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang mabigyan
ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya,
kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang
diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
Pamprosesong Tanong
pangkasarian.
1.Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyakarta?
2. May pagkakaiba ba ang mga karapatang nilalayon ng mga LGBT sa
Sanggunian:
B.P. (2011).
Retrieved December 03,2014
Pandaigdigang Batas
ng mgaIlagan,
Karapatang
Pantao?
.http://ypinaction.org/files/03/49/GALANGYogyakarta_Filipino.pdf
3. Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ng seryosong
aplikasyon ang mga bansa ng Prinsipyo ng Yogyakarta? Ipaliwanag.
314
Gawain 28. Think-Pair-Share
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women
Pagtuunan ng pansin ang mga kasunod na babasahin tungkol sa
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women. Basahin at suriin ang teksto. Pagkatapos sagutan ang
pamprosesong tanong, humanap ng kapareha, ibahagi ang mga sagot
at talakayin.
Ano ang CEDAW?
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination
Against
Women.
Karaniwang
inilalarawan
bilang
International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o
ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan
at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas
sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika.
Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981
o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
nakakaalam nito.
315
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay
sakababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may
mgaresponsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado
sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang
paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at
opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o
grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa
CEDAW?
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa
rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng
babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang
State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng
kababaihan.
Ang mga State parties ay inaasahang:
1.ipawalang-bisa
nagdidiskrimina;
316
ang
lahat
ng
batas
at
mga
nakagawiang
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang
hakbang kondisyon at karampatang aksiyon;at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Sanggunian: CEDAW Primer(UNIFEM CEDAW, 2006)
Pamprosesong Tanong
1. Sang-ayon ka ba sa paglagda ng Pilipinas sa mga probisyon ng
CEDAW?
2. Ano ang maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan sa
mundo?
317
Gawain 29. Triple-Burger Organizer
Upang matiyak kung naunawaan mo ang nilalaman ng CEDAW,
punan ng tamang impormasyon ang hinihingi ng kasunod na burger
organizer .
318
Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan
at Diskriminasiyon
Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga
kababaihan tulad ng Anti-Violence Against Women and Their Children
Act at Magna Carta for Women.Basahin ang susunod na teksto tungkol
sa batas laban sa Karahasan sa Kababaihan.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay
isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito,
at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino
ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan
at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa
mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18)
taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at
pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot
sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki,
mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga
lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual
or datingrelationship” sa babae.
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf
319
Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang Anti-Violence Against Women Act?
2. Sino-sino ang binibigyang proteksiyon ng batas na ito? Sa iyong
palagay bakit binalangkas ang ganitong uri ng batas?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal
ang batas na ito?
Paksa: Magna Carta Of Women
Bukod saAnti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women
ay isa ring batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan. Basahin ang teksto
upang malaman mo kung patungkol saan ang batas na ito.
Ano ang Magna Carta for Women?
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008
upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa
halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat
ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng
kababaihan ay karapatang pantao.
320
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang
pangunahing
tagapagpatupad
(“primary
duty
bearer”)
ng
komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng
pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang
pamahalaan
ng
mga
nararapat
at
mabisang
paraan
upang
maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na
ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa
na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang
pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran,
programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang
mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng
kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang
hindi pantay ang mga babae at lalaki.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan,
trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay
saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na
pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women,
at Women in Especially Difficult Circumstances.
321
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa
di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan
namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang
mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at
katutubo.
**Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay
ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga
biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.
Sanggunian: Primer ng Magna Carta
Gawain 30. Mga Tanong Ko, Sagutin Mo!
Ngayong tapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo namang
sagutin ang mga tanong sa loob ng sun map batay sa naunawaan mula
sa binasa.
322
Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang nagagawa ng Magna Carta
para sa kababaihan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Gawain
31. Tapat-Tapat
____________________________________________________________
Natutunan mo sa mga nakaraang paksa na may batas na
_________________________________________________________________
nagpoprotekta sa kababaihan at LGBT. Magsaliksik tungkol sa mga
________________________________________________________________.
batas para kalalakihan. Itala sa talahanayan ang mga batas na
kukumpleto sa hanay. Pagkatapos, humanap ka ng mga batas na
nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng kalalakihan.
Batas
para
kababaihan
323
sa Batas
LGBT
para
sa Batas
para
kalalakihan
sa
Batay sa itinala mo sa talahanayan, gumawa ng buod tungkol sa
mga batas na nagbibigay ng karapatan sa kalalakihan, kababaihan at
LGBT.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Pamprosesong
mga Tanong
_______________________________________________________________
1. Ano ang mga batas na para sa kababaihan, kalalakihan at LGBT?
2. Bakit walang partikular na batas para sa lalaki? Paano ito
nakaapekto sa mga babae at LGBT?
3. May pantay bang karapatan ang lalaki , babae at LGBT?
4. Makakatutulong ba ang mga batas na ito upang matugunan ang
mga isyung may kinalaman sa karahasan at pang-aabuso sa babae ,
lalaki at LGBT? Pangatwiranan.
BINABATI KITA!
Sa bahaging ito ng aralin ay nagawa mong masuri ang mga tugon ng iba’t
ibang organisasyon sa daigdig at ng pamahalaan
324
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
PAGNILAYAN
Sa bahaging ito, pagtibayin mo ang mga nabuong pagunawa tungkol sa paksa. Inaasahang sa bahaging ito ay kritikal
mong masusuri ang mga konseptong napag-aralan hinggil sa
isyu ng Kasarian at Lipunan.
Gawain 32. Ano Kaya?
Matapos malaman ang mga batas na nangangalaga sa karapatan
ng lalaki, babae at LGBT sa daigdig at bansa, sa pagkakataong ito ikaw
ay magsaliksik tungkol sa mga batas/ordinansa, programa o samahan
na nagtataguyod sa karapatan ng lalaki, babae at LGBT sa iyong sariling
pamayanan. Alamin ang layunin at kabutihang dulot nito sa pamayanan.
Ibahagi sa klase ang nasaliksik sa iba’t ibang malikhaing paraan gaya
powerpoint presentation, video clips, panel discussion at iba pa.
Pagkatapos ng presentasiyon ay magsagawa ng malayang talakayan
gamit ang kasunod na mga pamprosesong tanong.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod
sa karapatan ng lalaki, babae, at LGBT sa inyong pamayanan?
2. May kabutihan ba itong dulot? Bakit?
3. Natutugunan ba nito ang mga isyung kinakaharap ng lalaki, babae at
LGBT sa inyong pamayanan? Sa paanong paraan?
4. Sa inyong paaralan may mga programa ba o alintuntunin na
nangangalaga sa karapatan ng mga mag-aaral na babae, lalaki
kabilang sa LGBT?
325
o
#HeForShe
Ang HeForShe.org ay isang pinag-isang kampanya ng UN
Women para sa pagakakapantay-pantay ng kasarian. Ito rin ay
naglalayong isama ang mga kalalakihan sa laban sa di-pantay na
pagtrato sa mga kababaihan at para sa karapatan ng mga kababaihan.
Noong ika-20 ng Setyembre taong 2014 sa punong- tanggapan ng
United Nations, pinangunahan ni Emma Watson ang isang ang
kampanya para sa HeForShe.org.
Today we are launching a campaign called for HeForShe. I
am reaching out to you because we need your help. We want to
end gender inequality, and to do this, we need everyone involved.
This is the first campaign of its kind at the UN. We want to try to
mobilize as many men and boys as possible to be advocates for
change. And, we don’t just want to talk about it. We want to try and
make sure that it’s tangible.
I was appointed as Goodwill Ambassador for UN Women
six months ago. And, the more I spoke about feminism, the more I
realized that fighting for women’s rights has too often become
synonymous with man-hating. If there is one thing I know for
certain, it is that this has to stop.For the record, feminism by
definition is the belief that men and women should have equal
rights and opportunities. It is the theory of political, economic and
social equality of the sexes.
I started questioning gender-based assumptions a long time
ago. When I was 8, I was confused for being called bossy because
I wanted to direct the plays that we would put on for our parents,
but the boys were not. When at 14, I started to be sexualized by
certain elements of the media. When at 15, my girlfriends started
dropping out of sports teams because they didn’t want to appear
muscly. When at 18, my male friends were unable to express their
feelings.
I decided that I was a feminist, and this seemed
uncomplicated to me. But my recent research has shown me that
feminism has become an unpopular word. Women are choosing
not to identify as feminists. Apparently, I’m among the ranks of
women whose expressions are seen as too strong, too
aggressive, isolating, and anti-men. Unattractive, even.Why has
the word become such an uncomfortable one? I am from Britain,
326and I think it is right I am paid the same as my male counterparts.
I think it is right that I should be able to make decisions about my
own body. I think it is right that women be involved on my behalf
in the policies and decisions that will affect my life. I think it is right
But sadly, I can say that there is no one country in the world where all
women can expect to see these rights. No country in the world can yet say
that they achieved gender equality. These rights, I consider to be human
rights, but I am one of the lucky ones.
We don’t often talk about men being imprisoned by gender stereotypes,
but I can see that they are, and that when they are free, things will change for
women as a natural consequence. If men don’t have to be aggressive in order
to be accepted, women won’t feel compelled to be submissive. If men don’t
have to control, women won’t have to be controlled.
Both men and women should feel free to be sensitive. Both men and
women should feel free to be strong. It is time that we all perceive gender on
a spectrum, instead of two sets of opposing ideals.
If we stop defining each other by what we are not, and start defining
ourselves by who we are, we can all be freer, and this is what HeForShe is
about. It’s about freedom
I want men to take up this mantle so that their daughters, sisters, and
mothers can be free from prejudice, but also so that their sons have permission
to be vulnerable and human too, reclaim those parts of themselves they
abandoned, and in doing so, be a more true and complete version of
themselves.
You might be thinking, “Who is this Harry Potter girl, and what is she
doing speaking at the UN?” And, it’s a really good question. I’ve been asking
myself the same thing.
All I know is that I care about this problem, and I want to make it better.
And, having seen what I’ve seen, and given the chance, I feel it is my
responsibility to say something.
Statesman Edmund Burke said, “All that is needed for the forces of evil
to triumph is for good men and women to do nothing.”
327
In my nervousness for this speech and in my moments of
doubt, I told myself firmly, “If not me, who? If not now, when?” If you
have similar doubts when opportunities are presented to you, I hope
those words will be helpful. Because the reality is that if we do
nothing, it will take seventy-five years, or for me to be nearly 100,
before women can expect to be paid the same as men for the same
work. 15.5 million girls will be married in the next 16 years as
children. And at current rates, it won't be until 2086 before all rural
African girls can have a secondary education.
If you believe in equality, you might be one of those
inadvertent feminists that I spoke of earlier, and for this, I applaud
you. We are struggling for a uniting word, but the good news is, we
have a uniting movement. It is called HeForShe. I invite you to step
forward, to be seen and to ask yourself, “If not me, who? If not now,
when?”
Sanggunian:http://sociology.about.com/od/Current-Events-in-SociologicalContext/fl/Full-Transcript-of-Emma-Watsons-Speech-on-Gender-Equality-at-theUN.htm
Si Emma Watson ay isang aktres mula sa United Kingdom
na nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula ng Harry
Potter series bilang Hermione Granger. Itinalaga si Watson ng UN
Women, isang ahensya ng United Nations para sa
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at sa ikabubuti ng mga
kababaihan, bilang UN Goodwill Ambassador. Pinangungunahan
niya ang kampanyang HeForShe.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ayon kay Emma Watson, ano ang paunang palagay sa feminism at
ano ang tunay na diwa nito? Ano ang pagkakaiba ng dalawa? Ipaliwanag.
2. Sino ang mga itinuturing ni Emma Watson na inadvertent feminists?3.
Ano- ano ang mga gender-based assumptions na naranasan ni Emma
328
Watson noong kabataan niya? Ikaw, may nahahawig ka bang karanasan
tungkol sa gender- based assumptions?
4. Ano ang papel ng mga lalaki sa feminism ayon kay Emma Watson?
Mahalaga ba ang kanilang gampanin? Bakit?
Gawain 33. Quotable Cute
Batay sa binasang teksto na naglalaman ng talumpati ni Emma
Watson sa UN Women, humanap o pumili ng isang pangungusap na
pumukaw ng iyong pag- iisip. Isang pangungusap na tumatak at nagiwan sa iyo ng mahalagang aral tungkol sa feminism. Isulat ang iyong
napiling pangungusap sa isang papel at ipaliwanag sa mga kamag-aral
ang dahilan ng pagkakapili mo sa pangungusap.
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang pangungusap na napili mo?
2. Bakit mo ito napili? Ipaliwanag.
Gawain 34. K-W-L-S Chart
Maaari mo nang balikan ngayon ang K-W-L-S Chart na
pinasagutan sa simula ng araling ito. Sa puntong ito, sagutan ang bahagi
ng “Learned”. Inaasahan na masasagutan mo na ang tanong na:
Paanomagkakaroon ng pagkakapantya-pantay sa isang lipunan sa
kabila ng pagkakaiba-iba ng pananaw sa isyu ng kasarian? Matapos
masagot ang katanungan , sagutin naman ang “So what” matapos mong
maunawaan ang mahahalagang konsepto sa araling ito ano ang
kabuluhan nito sa buhay mo?Gamiting gabay ang mga pamprosesong
tanong sa talakayan.
329
Pamprosesong Tanong:
1. Marami ka bang naitala sa hanay ng LEARNED? Ano-ano ito?
2. Ano-ano ang mga kakayahang iyong natamo sa modyul na ito?
3. Matapos mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa
araling ito, ano ang plano mo upang ito ay maisabuhay?
Gawain 35: Pledge of Commitment
Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa
paglinang ng ganap na kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anuman
ang kasarian nito. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge
of Commitment. Gawin mong gabay ang halimbawa sa ibaba.
330
Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga
natutunan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Gawain 35. You Complete Me
Bilang pagtatapos ng araling ito, kompletuhin ang mga kasunod
__________________________________________________________________
na pahayag o pangungusap upang mas maunawaan mo ang aralin
_________________________________________________________________.
Ang aralin ay tungkol sa _______________________
natutunan ko na
Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat
331
BINABATI KITA!
Nagawa mong pahalagahan ang mga karapatan ng mga lalaki, babae at
LGBT. Sa bahaging ng ILIPAT at ISABUHAy, inaasahang ikaw ay gagawa ng
konkretong aksiyon upang mas maging aktibo kang bahagi ng pagbabago sa
lipunan tungkol sa kasarian.
ILIPAT /ISABUHAY
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain
may sapat na pag-unawa ka na sa mga isyu at hamon sa Kasarian
at Lipunan.Siguradong handa ka nang simulan ang sumusunod
na gawain.Inaasahang isasabuhay mo ang mga kaalaman at pagunawaang iyong natutunan sa paksang tinalakay. .Simulan mo na.
Gawain 36. Mga Hakbang Tungo sa Pagkakapantay-Pantay
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang
na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
Sa bahaging ito kayo ay papangkatin sa lima ng inyong guro,
pumili ng lider at tagatala. Ang pangunahing gawain ng bawat pangkat
ay makagawa
ng mga malikhaing hakbang na magsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong
gawin
332
sa
pamamagitan
ng
media-advocacy,
symposium,
documentary presentation at iba pa. Ito ay tatayain ayon sa nilalaman,
pagkamalikhain, dating/hikayat, organisasyon at kapakinabangan.
Pamantayan
Katangi-tangi
Mahusay
Nalilinang
Sisimulan
Pa
Lamang
ang
Paglinang
Nilalaman
Ang hakbanging Ang hakbanging Ang
hakbanging Ang
ginawa
ay ginawa
ay ginawa
ay hakbanging
naglalaman
ng naglalaman
ng naglalaman
ng ginawa ay may
sapat ,tumpak at tumpak at may impormasyon
na kakulangan sa
may kalidad na kalidad
ng impormasyon
na magsusulong
impormasyon na impormasyon na pagtanggap
at na
magsusulong ng magsusulong ng paggalang sa iba’t magsusulong
pagtanggap
at pagtanggap
at ibang
paggalang
sa paggalang
sa upang maitaguyod at
iba’t
ibang iba’t
kasarian
kasarian ng pagtanggap
paggalang
ibang ang pagkakapanta- sa iba’t ibang
upang kasarian
upang pantayng
tao
sa kasarian upang
maitaguyod ang maitaguyod ang lipunan.
maitaguyod
pagkakapantay-
ang
pagkakapantay-
pantay ng tao sa pantayng tao sa
pagkakapanta-
lipunan.
pantayng
lipunan.
tao
sa lipunan.
Organisasyon
Maayos
May
detalyado
wastong May
lohikal
na Hindi
at daloy ng kaisipan organisasyon
madaling
at
maayos
ang
madaling ngunit hindi sapat organisasyon
maunawaan ang maunawaan ang upang makahikayat at
daloy
ng
mga impormasyong
kaisipan
at inilahad
impormasyon
inilahad
mahikayat
333
mga maunawaan
upang Pilipino/mag-aaral
makahikayat ng na tumugon.
upang mgaPilipino/
ang
ng
hindi
ang
mga
impormasyong
nailahad.
mga
Pilipino/ mag-aaral
mag-aaral
na
na tumugon.
tumugon.
Kapakinabangan
Madaling gawin
Madaling gawin Maaaring
at naaayon ang ang mga
gawin Mahirap
ang mga hakbang.
mga hakbang at hakbang
at
maunawaan at
gawin ang mga
magsusulong ng magsusulong ng
Hakbang.
pagtanggap
at pagtanggap
at
.
paggalang
sa paggalang
sa
iba’t
ibang iba’t ibang
kasarian
upang kasarian.
maitaguyod ang
pagkakapantaypantay ng tao sa
lipunan.
Pagkamalikhain
Malinaw
naaayon
at Malinaw
ang ginamit
ang pamamaraang
pamamaraang
sa
angkop
mga
mga disenyong
hakbang na ginawa. ginamit
ginamit sa mga
ginamit sa mga hakbang
hakbang
kakulangan Hindi
ang mga disenyo at ang mga disenyong ang
mga disenyo at masining
masining
ang May
sa
hakbang
na
na
ginawa.
na ginawa.
ginawa..
Dating/Hikayat
Ang
dating
sa Ang
manonood/
manonood/
mambabasa
ay mambabasa
lubos
na nakahikayat
nakahikayat
at
nakatawag
ng
pansin
334
dating
sa Mahina ang dating Walang dating
sa
manonood/ sa
mga
ay mambabasa upang manonood/
makahikayat.
mambabasa.
BINABATI KITA!
Sa modyul na ito natalakay at naunawaan mo ang konsepto ng kasarian sa iba’t
ibang lipunan, nasuri mo rin ang mga isyu at hamon sa kasarian at lipunan. Naisa-isa
rin ang mga hakbang na ginagawa ng pandaigdigang samahan, mga bansang
nagsusulong sa karapatan ng lalaki, babae at LGBT. Mahalagang mapag-aralan ang
mga ito upang lubos mong maunawaan na ang lahat ng tao anuman ang lahi, wika,
kultura, relihiyon at maging oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
ay may karapatang pantao. Makatutulong ang pag-unawang ito upang maitaguyod ang
pagtanggap, paggalang at pagkakapantay-pantay ng tao bilang isang kasapi ng
pamayanan. Sa susunod na modyul mas lalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa
karapatang pantao at pagkamamamayan.
335
Glosaryo
Anti-Violence Against Women and Their Children Act - Isang batas
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga
anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Bakla – Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae.
Babaylan – Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at
maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
Bisexual – Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa
kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng kaparehong atraksiyon
sa katulad niya ng kasarian
Female Genital Mutilation – Isang prosesong pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong
medikal.
Foot Binding - Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China.
Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms
Integrity, Leadership and Action) – Isang samahan sa Pilipinas na
336
laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan
na tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women.
Gender – Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Marginalized Women - Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo
ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Lesbian– Tinatawag ding tomboy, mga babae na ang kilos at damdamin
ay panlalaki; babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
LGBTQ
- Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual,
transgender, at mga di tiyak.
Oryentasyong Seksuwal – Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal,
seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa taong ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya , iba sa kaniya, o kasariang
higit sa isa.
Queer o Questioning - mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado
ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Purdah – Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng
pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha
at maging ang hubog ng kanilang katawan.
337
Sex – Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae at lalaki.
Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay
nabubuhay
sa
maling
katawan,
ang
kanyang
pag-iisip
ang
pangangatawan ay hindi magkatugma , siya ay maaring may
transgender na katauhan.
Women in Especially Difficult Circumstances - Babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga biktima
ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng
nakakulong.
338
Bibliyograpi
Books
Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the Phillippines: Ethnographic
Interviews
with
Female
Employer-Female
Domestic
Dyads.
Syracuse University. 2011.
Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies.
HarperCollins Publishers, 1963.
UNDP, USAID (2014), Being LGBT in Asia: The Philippines Country
Report.
Online Sources
Violence Against Women and their Children
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf
Asian Transsexual/Transgender Women
http://taw.acas.org./contents/index.php?option+comcontent&view+articl
e&id=54:trans-101-pilipino&catid+477:tagalog
339
Prinsipyo - Yogyakarta Principles in Action
http://ypinaction.org/files/03/49/GALANGYogyakarta_Filipino.pdf
Saudi Arabia Female Drivers Detaineed
http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/me/ast/saudi-arabia-femaledrivers-detained
Spanish friars [image file]
http://www.freewebs.com/philippineamericanwar/Spanish%20friars%20
combo%pic.ipg
Dowry sa Lipunan ng India
http://www.bbc.com/news/world-asia-india28140205?OCID=fbasia&ocid=socialflow_facebook
http://www.mtholyoke.edu/course/rschwarth/hatlas/mhcwiderworld/chin
a/foot1.ipg
http://archivethedailystar.net/photo/2010/08/31/2010-08-31 point02.jpg
Magna Carta Primer
http://www.wegoverninstitute.org/wp-content/uploads/2012/07/MagnaCarta-Primer.pdf
340
MODYUL 4: MGA ISYU AT HAMON
SA PAGKAMAMAMAYAN
Panimula at Gabay na Tanong
Ang modyul na ito ay tungkol sa papel ng mamamayan para sa
pagbabagong panlipunan. Bilang mahalagang bahagi ng estado, nasa
kamay ng mamamayan ang pag-asa para sa ikauunlad ng bayan.
Upang matupad ang misyong ito, ang mamamayan ay kinakailangang
may sapat na talino at kakayahan para paunlarin ang bansa.
Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang konsepto ng
pagkamamamayan at ang pinagdaanan nitong pagbabago. Malalaman
mo rin dito ang mga karapatang pantao na nagbibigay-proteksiyon at
kapangyarihan sa mamamayan. Ipaliliwanag din sa modyul na ito kung
ano ang mga paraan ng politikal na pakikilahok na nagbibigaykapangyarihan sa mamamayan para itakda ang kinabukasan ng ating
bayan. Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masasagot mo
ang katanungang, “Ano ang iyong maaaring gawin para tugunan ang
mga isyung panlipunan sa kasalukuyan?”
341
Pamantayan sa Pagkatuto
Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na
pamantayan sa pagkatuto:
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay may pagunawa
sa
kahalagahan
ng
pagkamamamayan at pakiki-lahok
sa mga gawaing pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan at
bansang maunlad, mapayapa, at
may pagkakaisa.
Nakagagawa ng pananaliksik
tungkol
sa
kalagayan
ng
pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko at politikal ng mga
mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.
Mga Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 –Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Aralin 2 – Mga Karapatang Pantao
Aralin 3 – Politikal na Pakikilahok
Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan mo ang sumusunod.
Mga Aralin
Kasanayang Pampagkatuto

342
Naipaliliwanag ang mga katangian na
dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan na nakikilahok sa mga
gawain at usaping pansibiko

Aralin 1:
Pagkamamamayan: 
Konsepto at
Katuturan

Aralin 2:
Mga Karapatang
Pantao


Aralin 3:
Politikal na
Pakikilahok
Nasusuri ang mga pagbabago sa
konsepto ng pagkamamamayan
Napahahalagahan ang papel ng isang
mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan
Natatalakay ang pagkabuo ng mga
karapatang pantao batay sa Universal
Declaration of Human Rights at Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas
Nasusuri ang bahaging ginagampanan
ng mga karapatang pantao upang
matugunan ang iba’t ibang isyu at
hamong panlipunan
Napahahalagahan ang aktibong
pakikilahok ng mamamayan batay sa
kanilang taglay na mga karapatang
pantao
 Natatalakay ang mga epekto ng
pakikilahok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan,
politika, at lipunan
 Napahahalagahan ang papel ng
mamamayan sa pamamahala ng
isang komunidad
 Nasusuri ang mga elemento ng isang
mabuting pamahalaan
PANIMULANG PAGTATAYA
Ngayon, subukan mong sagutin ang paunang pagsusulit na
magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang
mga katanunngan na hindi mo masasagutan nasng wasto at alamin ang
wastong kasagutan nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Handa ka na
ba? Simulan mo na ang pagsagot.
343
1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag
mayroong digmaan.
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng
Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat
ang Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang
mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa tamang gulang.
3. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang
dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang
pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong
bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
344
4. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan
niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago
maghalalan.
5. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan
maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. Grassroots Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations
6. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang
Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay
Pilipino at piniling maging Pilipino.
7. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak
na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian
sa pamahalaan.
345
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng
kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization
na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
8. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa
pagkabuo ng mga karapatang pantao mula sinaunang panahon
hanggang sa kasalukuyan.
1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human Rights
A. 1324
B. 3124
C. 3214
D. 1234
9. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit
ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya
sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang
barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
346
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang
pantao.
10. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na
nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga
kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o
hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa
sa kaniyang malayang pagpapasya.
11. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating
lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng
karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang
salihan?
A. Funding-Agency NGOs
B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations
12. Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong.
NGO
People’s
Council
Paglahok sa
iba’t ibang
konsehong
panlungsod
Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?
A. Participatory Budgeting ng Lungsod ng Naga
B. Participatory Governance ng Lungsod ng Naga
347
Paglahok sa
talakayan,
pagpanukala, at
pagboto sa mga
batas
C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre
13. Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for
your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag niPangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang
karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga
polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay
makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at
pamantayan sa pagkamamamayan.
14. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang
pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang
matamasa
15. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
348
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga
mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang
estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang
Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang
pambansang interes kung may pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga
mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at
malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga
mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at
lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang
Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang
pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga
produktong dayuhan
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang
pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa
kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa
pagharap ng suliraning pangkapaligiran
349
B. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung
bakit kailangang tugunan ang mga isyung pangkapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang
matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na
pangalagaan ang kapaligiran.
D. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
ligtas na kapaligiran ang pundasyon sa paggawa ng mga
hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
18. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi
tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing
eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng
iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay
ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.
19. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?
A. mas maraming sasali sa civilsociety
B. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
C. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
D. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
20. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga
mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
350
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga
mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga
mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng
pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa
bansa
ARALIN 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
Marapat na umpisahan mo ang iyong pag-aaral tungkol sa konsepto ng
pagkamamamayan. Kung paano ito nagsimula at kung paano lumawak ang
pakahulugan nito sa kasalukuyan ay tatalakayin sa araling ito. Halina at
simulang suriin ang konsepto at katuturan ng pagkamamamayan.
ALAMIN
Sa pagsisimula ng iyong pagtalakay sa modyul na
ito, pagtutuunan mo ng pansin ang gawaing pupukaw sa
iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang
iyong
nalalaman
tungkol
sa
konsepto
ng
pagkamamamayan at bahaging ginagampanan nito sa
kasalukuyan.
Dito mo rin sasagutan ang My IRF Clockna iyong
magsisilbing batayan ng pag-unlad ng iyong pag-unawa sa
araling ito. mo na!
351
Gawain 1.Awit-Suri
Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabangon. Maaaring basahin ang titik ng awitin sa ibaba. Pagkatapos
aysagutin ang kasunod namga tanong.
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.
Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan
‘di na makahambalang parang walang pakialam.
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kung binibigay
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.
‘Di ako nagkakalat nga basura sa lansangan.
‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos kong mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot.
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di
pumapasok.
Pingtatanggol ko ang aking karangalan
352lamang ang tangi kong kayamanan
‘Pagkat ito
‘di ko binebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.
Ako, ilang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
Di ko binubulsa ang pera ng Bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko.
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin.
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Panatang makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kaniyang kinukupkop
At tinutulungan upang maging malakas
Maligaya, at kapaki-pakinabang
Bilang ganti diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tungkulin ang aking
paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayang makabayan
Paglilingkuran ko ang aking bayan
Nang walang pag-iimbot at buong katapatan
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino
Sa isip sa salita at sa gawa.
Sanggunian: Cabangon, N. (Composer). (2009). Ako'y
Isang Mabuting Pilipino. [N. Cabangon, Performer]
Manila, Philippines.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa
awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang
kaniyang mga tungkulin at pananagutan?
4.Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng
kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?
Gawain 2. My IRF Clock
Sagutan ang My IRF Clocksa pamamagitan ng pagtatala sa apat
na kahon sa kanang bahagi ng orasan (Initial Idea) ng iyong paunang
kasagutan sa tanong na “Ano ang katangian ng isang aktibong
mamamayang Pilipino?”Sasagutan ang Refined at Final ng MyIRF
Clocksa ibang bahagi ng aralin.
Ano ang iyong maaaring gawin para tugunan ang
mga isyung panlipunan sa kasalukuyan?
Final
Refined
Initial
353
BINABATI KITA!
Sa bahaging ito, iyong tinukoy ang mga dati mong kaalaman tungkol
sa pagkamamamayan. Gamitin ang mga dating kaalamang ito para sa
talakayang gagawin sa susunod na bahagi ng modyul, ang PAUNLARIN.
PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahan na iyong matututuhan
ang pinagmulan ng konsepto ng pagkamamamayan.
Ipaliliwanag din sa modyul na ito kung paano ito lumawak sa
pagdaan ng panahon. Susuriin mo rin kung naaayon ba ang
iyong mga panimulang kaalaman sa paksa sa talakayan sa
bahaging ito.
Paksa:Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)
Bago mo basahin ang talakayan ng konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan, gawin muna ang gawaing Survey Says… Layunin
nitong alamin kung paano nauunawaan ng iba’t ibang tao ang konsepto ng
pagkamamamayan.
354
Gawain 3.Katangian ng Aktibong Mamamayan
Ihanda ang sarili sa pagbuo ng mga katangian ng isang aktibong
mamamayan. Sundin ang sumusunod na panuntunan:
1. Kayo ay hahatiin sa limang pangkat na ang bawat isa
ay inaasahang bumuo ng listahan ng katangian ng mga
aktibong mamamayan.
2. Ito ay inyong iuulat sa klase at ipaliliwanag kung bakit
ito naging katangian ng isang aktibong mamamayan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng isang aktibong
mamamayan?
2. Paano ninyo nasabi na ito ay katangian ng isang
aktibong mamamayan?
Paksa: Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan
Pagkatapos mong alamin ang inyong paunang kaalaman tungkol sa
isang aktibong mamamayan, ikaw ay magiging mas handa para sa pag-unawa
tungkol sa dalawang pananaw ng pagkamamamayan: ang ligal na pananaw at
lumawak na pananaw.
Ligal na Pananaw
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan
o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng
kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na
355
polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na
limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang
pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa
orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen
kundi maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong
asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador,
husgado, at sundalo.
Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming
pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa
kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na
kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray
Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng
estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa
isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga
karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas
ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.
Dito rin makikitakung sino ang mga maituturing na citizen ng isang
estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen.
Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa
ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag
ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing
na mamamayan ng Pilipinas.
356
ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay
ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang
mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala
nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin
upang
matamo
o
malubos
ang
kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na
maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1,
Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o
muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila
ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang
batas.
Sanggunian:
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August
21, 2014, from Official Gazette:
http://www.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ngpilipinas-1987/
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan
ng isang indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa
proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay
ang sumusunod: 1.)ang panunumpa ng katapatan sa Saligang357
Dalawang Prinsipyo ng
Pagkamamamayan
Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng
isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang.
Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci
Ang pagkamamayan ay
nakabatay sa lugar kung
saan siya ipinanganak. Ito
ang prinsipyong sinusunod
sa Amerika.
Pagiging
Mamamaya
ng Pilipino
Batas ng ibang bansa; 2.)tumakas sa
hukbong sandatahan ng ating bansa kapag
maydigmaan, at 3.) nawala na ang bisa ng
naturalisasyon.
Gawain 4.Filipino Citizenship Concept
Map
Isulat ang hinihinging impormasyon
sa kasunod na concept mapbatay sa iyong
binasang teksto.
Mamamayang
Pilipino
Dahilan ng
Pagkawala ng
Pagkamamam
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano angmga batayan ng pagiging isang mamamayang
Pilipino?
358
2. Ano-ano ang dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibiduwal?
3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?
Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo kung saan nagmula ang
konsepto ng citizenship at ang tradisyonal na pananaw nito. Sa susunod na
mga talata ay iyong matutunghayan kung paano sa pagdaan ng panahon ay
lumawak ang konsepto ng pagkamamamayan. Pansinin ang malaking
pagkakaiba ng tradisyonal at ang pagiging malawak na pakahulugan ng
pagkamamamayan.
Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan
Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa
kasalukuyan. Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang
bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus,
maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng
kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay
nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa
paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang
lipunan kasama ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong
nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang
lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan,
inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga
isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng
pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng
isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng
359
bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas
upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at
saloobin. Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga
ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkatwala namang monopolyo ang
pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung
gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa
halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari
nating matukoy ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan.
Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay
inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa
karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga
karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at
may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang
gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay
maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat
isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring
magbunga ang mga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan.
1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto.
Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkodbayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga
anak.
Sanggunian:
Lacson,
Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do
Gawain 5.Venn
Diagram
to Help Our Country. Alay Pinoy Publishing House
360
Lagyan ng angkop na impormasyon ang Venn Diagram na
naghahambing sa tradisyonalat lumalawak na pakahulugan sa
pagkamamamayan. Ilagay sa dalawang bilog ang mga natatanging
katangian ng dalawang pananaw ng pagkamamamayan. Ilagay naman
sa gitnang bahagi ang mga pagkakatulad ng dalawang pananaw ng
pagkamamamayan.
Ligalna Pananaw
Lumawak naPananaw
Pagkakatulad
Pamprosesong mga Tanong
1. Anoang
pagkakaiba
ngligal
na
pananaw
ng
pagkamamamayan sa lumawak na pananaw nito?
2. Ano naman ang mga pagkakatulad ng ligal at lumawak na
pananaw ngpagkamamamayan?
3. Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunan?
Gawain 6.Ako Bilang Aktibong Mamamayan
Magsulat ng limang katangian ng aktibong mamamayan sa
bawat pananaw ng pagkamamayan. Magbigay ng maikling paliwanag
361
Pagkakatulad
kung bakit ito naging isang katangian ng aktibong mamamayan. sa
tingin mo ay nagpapakita ng pagiging aktibong mamamayan.
Ligalna Pananaw
Lumawak na Pananaw
Aktibong
Mamamayan
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?
2. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo satsartay
nagpapakita ng pagiging isang aktibong mamamayan?
3. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong
mamamayan?
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagawa ang mga gawain sa bahaging ito ng
modyul. Maging handa para sa mga gawain sa susunod na bahagi: ang
PAGNILAYAN at UNAWAIN.
362
PAGNILAYAN at UNAWAIN
Ang bahaging ng modyul na ito ay tutulong sa iyo
upang mas mapalalim ang iyong pag-unawa sa konsepto at
katuturan ng pagkamamamayan. Sa pagtatapos ng modyul,
inaasahang mabuo sa iyong kaisipan ang kasagutan sa
tanong na, “Ano ang katangian ng isang mabuting
mamamayang Pilipino?”
Gawain 7.Suri-Basa
Basahin ang artikulong Filipino Ideals of Good Citizenship ni
Mahar Mangahas. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga
tanong.
Ang pananaw ng mga Pilipino sa pagiging
mabuting mamamayan
ni Mahar Mangahas
Philippine Daily Inquirer
01:33:00 04/19/2008
Noong nakaraang lingo ay aking iniulat na tayong mga Pilipino, kung
ihahambing sa ibang nasyonalidad, ay napakahusay sa
pangangalaga ng ating karapatan sa pagsasagawa ng civil
disobedience. Ngunit, tayo ay below average pagdating sa
pangangalaga ng ating karapatan sa minimum living standard,
karapatan ng mga minorities, karapatan para sa pantay na pagtrato,
363
karapaan para marinig, at ang karapatang makilahok sa
demokratikong proseso.
Hindi lamang ang paggiit ng mga karapatan ang kalakip ng
pagiging mabuting mamamayan kundi maging ang pagtupad sa mga
tungkulin.
Sa lingong ito, aking iuulat, batay pa rin sa 2004 Survey on
Citizenship of the International Social Survey Program
(www.issp.org), na ang mga Pilipino, kung ihahambing sa iba, ay may
mataas na pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng isang
mabuting mamamayan.
Gumawa ang 2004 ISSP Citizenship Survey ng isang listahan
ng 10 tungkulin ng mga mamamayan at tinanong ang mga
respondent na markahan ang bawat isa gamit scale na mula sa 1
hanggang 7, kung saan ang 1 ay hindi mahalaga at ang 7 ay
napakahalaga. Narito ang bahagdan ng mga sumagot ng 6 o 7 na
mga Filipinos, ang ibang nasyonalidad, at ang global average, ayon
sa pagkakasunod ng mga tungkulin ng mamamayan na minarkahan:
1. Laging boboto sa halalan: Filipinos 88, Americans 78,
Mexicans 75, Koreans 71, global 68, Taiwanese and
Spaniards 68, Japanese 67. Sa pagbibigay ng
kahalagahan sa pagboboto, nanguna ang Pilipinas,
sinundan ng Denmark (87) at Canada (84). Ang
pinakamababa ay ang Czech Republic (37).
2. Hindi iiwas sa pagbabayad ng buwis: Japanese 85,
Americans 84, Taiwanese 80, Filipinos 79, Koreans 78,
Mexicans at Spaniards 75, global 73. Ang tungkulin sa
pagbabayad ng buwis ay ang tanging isyu kung saan
naungusan ang mga Pilipino ng ibang bansa. Ang Japan
ay No. 1, at ang United States at United Kingdom ay ang
pangalawa. Ang Pilipinas, ay pang-siyam kasama ang
Chile at Slovakia. Ang Flanders ay ang panghuli (52).
3. Laging sundin ang mga batas at regulasyon. : Filipinos
86, Americans 85, Mexicans 84, Taiwanese 83,
Japanese 81, global 78, Koreans 77, Spaniards 76. Ang
pinakamatataas, lahat ay 88, ang Venezuela, Bulgaria,
Canada at Poland. Ang Pilipinas, ay pang-walo kasama
ang Chile at Ireland. Ang huli ay ang Switzerland (51).
4. Laging pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan:
Filipinos 79, Americans 75, Mexicans 69, Japanese 59,
Taiwanese 59, global 55, Koreans 53, Spaniards 50. Ang
Canada (81) ay ang nanguna, na sinundan ng Pilipinas
at United States. Ang panghuli ay ang Czech Republic
(23).
364
5. Ang maging epektibo sa panlipunan at politikal na mga
samahan: Filipinos 59, Mexicans 49, Spaniards and
Americans 30, Koreans 27, global 26, Taiwanese 22,
Japanese 15. Ang Pilipinas ang nanguna rito; ito lamang
ang bansa kung saan ang mayorya ng mga respondent
ay nagsabi na ito ay mahalaga. Ang Mexico at South
Africa ay parehong nasa ikalawang puwesto. Finland
ang pinakahuli (6).
6. Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may
ibang opinyon: Mexicans 76, Filipinos 68, Americans 67,
Spaniards 65, global 61, Koreans 59, Japanese 49,
Taiwanese 47. Ang Uruguay (85) ang nanguna,
sinundan ng Mexico. Ang Pilipinas ay pang-siyam. Ang
pinakahuli ay ang Czech Republic (35).
7. Pumili ng produkto para sa politikal, etikal o
pangkalikasang kadahilanan, kahit na ito ay mayroong
dagdag na gastos: Spaniards 53, Filipinos 47, Koreans
44, Taiwanese 39, Americans 37, Mexicans 35, global
34, Japanese 25. Ang Portugal (56) ang nanguna,
sinundan ng Spain, at Australia (49). Dalawang bansa
lamang ang mayroong mayorya ng mga taong
nagsabing ang isang mabuting mamamayan. Ang
Pilipinas ay pang-apat kasama ang Austria. Ang
pinakahuli ay ang Bulgaria (8).
8. Tulungan ang mamamayan ng bansang [pangalan ng
bansang] may hindi magandang kalagayan: Mexicans
85, Filipinos 79, Spaniards 74, Americans 70, global 62,
Taiwanese 60, Koreans 50, Japanese 41. Ang mga
bansang nanguna ay ang Venezuela (90), Chile (88),
Uruguay (86), at ang Mexico. Ang Pilipinas ay panganim, kasunod ng Israel (80). Ang mga nasa huli ay
Czech Republic (31) at ang Hungary (38), pagkatapos ng
Japan.
9. Tulungan ang mamamayan ng mga bansa sa mundo na
may hindi magandang kalagayan: Mexicans 80,
Spaniards 67, Filipinos 55, global 44, Americans 37,
Taiwanese 36, Japanese 28, Koreans 20 (ang
pinakahui). Pang-una ang Venezuela (85), na sinundan
ng Mexico. Ang Spain ay pang-4. Ang Pilipinas, na mas
mababa ng 30 puntos sa bansang nanguna, ay ang
pang-siyam dahil sa sampung bansa lamang ang
mayorya ng mga respondent ang nagsasabing ang
pagtulong sa iba ay bahagi ng pagiging mabuting
mamamayan. Ito ay isa sa mga isyu kung saan ang
United States ay below average.
365
10. Handang maglingkod sa militar sa oras ng
pangangailangan; : Filipinos 62, Americans 60,
Taiwanese 57, Mexicans 56, Koreans 54, global 43,
Spaniards 25, Japanese 13. Ang Israel (79) ang
nanguna, kung saan ang panlahatang serbisyo militar ay
bahagi ng kanilang seguridad. Malayo ang puntos ng
Russia (65) sa Israel, Poland (63), at ang Pilipinas, na
kasama ang Venezuela sa pang-apat na puwesto. Ang
mga bansang nasa huli ay ang Flanders (12) at Japan.
Bukod sa mga Pilipino, ang mga Mexicans lamang ang laging
mas mataas sa global average. Dahil sa pagiging No. 1 ng dalawang
beses, No. 2 ng isang beses, at hindi lumalagpas ng No. 9, tayong
mga Pilipino ay may average rank na 5.3 sa pagbibigay halaga sa
tungkulin ng pagkamamamayan. Ang mga Venezuelan ay may
tatlong No. 1, ngunit may mababang average na 8.3 dahil sa tatlong
ranking na No. 14 o mas mababa. Ang mga Mexicans na naungusan
ang mga Pilipino sa tatlo mula sa sampung tungkulin ng mga
mamamayan, ay mayroong average rank na 8.6.
Marami tayong matutuhan sa ating sarili sa pamamagitan ng pagaaral sa ibang tao. Ipinapakita ng mga survey, na hindi sa unang
pagkakataon, na ang tingnan ang mga Pilipino na mayroong sirang
kultura ay pagbatay sa ‘parachute journalism’ sa halip sa agham
panlipunan.
Sanggunian:
Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship.
Retrieved March 19, 2014, from Inquirer:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419131332/Filipino-ideals-of-good-citizenship
Salin sa Filipino ni Mark Alvin M. Cruz
366
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa
binasang artikulo?
2. Ano ang ranggo ng Pilipinas sa iba’t ibang tungkulin ng isang
mamamayan?
3. Alinsa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong
ginagawa? Bakit ito mahalagang gawin?
4. Anong konklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkolsa
pagiging mabuting mamamayan ng mga Pilipino batay sa
survey?
Gawain 8.My IRF Clock
Muling balikan ang My IRF Clock.Sa bahaging ito ay sagutan ang pokus
na tanong ng modyul. Isulat ito sa bahaging Refined.
Ano ang iyong maaaring gawin para tugunan ang mga
isyung panlipunan sa kasalukuyan?
Final
Refined
Initial
367
Pagkatapos mong malaman ang katuturan at kahalagahan ng
konsepto ng pagkamamamayan, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa
karapatang pantao. Dito ay iyong makikita ang ugnayan ng karapatang
pantao at pagiging isang mabuting mamamayan.
368
ARALIN 2: Mga Karapatang Pantao
Sa iyong pag-aaral ng unang aralin, natutuhan mo ang katuturan ng
pagkamamamayan at kung paano nagkaroon ng transisyon ang konseptong ito
mula sa ligal tungo sa lumawak na kahulugan nito.
Sa araling ito, bibigyang-pansin ang mga karapatang pantao na taglay
ng bawat mamamayan. Tatalakayin din ang bahaging ginagampanan ng mga
karapatang ito upang maging aktibong mamamayan na tutugon sa mga isyu at
hamon ng lipunan. Ang paggiit ng mga karapatan ng mamamayan ay ang
esensiya ng lumawak na pakahulugan ng isang mamamayan. Binibigyan nito
ng kapangyarihan ang mamamayan para maging aktibong kalahok sa lipunan.
Halina at simulang suriin ang mga taglay na karapatan ng bawat tao
mula sa kontekstong historikal tungo sa pagiging instrumento ng mga ito sa
pagiging aktibo ng mamamayan.
PAUNLARIN
Sa yugtong ito, tatalakayin ang paksang “Karapatang
Pantao.” Kabilang ang pagkabuo ng karapatang pantao batay
sa kontekstong historikal nito, ang Universal Declaration of
Human Rights, Bill of Rights, at ang paglalagom ng mga
karapatang pantao na tinutukan sa mga nakaraang aralin ng
modyul na ito.
Paksa: Pagkabuo ng Karapatang Pantao
369
Maraming pagkakataon na nababasa sa mga pahayagan,
naririnig sa radyo, napanonood sa telebisyon, at napag-uusapan ang
paksa tungkol sa karapatang pantao. Kung bibigyan ka ng
pagkakataong magtanong sa mga taong iyong masasalubong kung
ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao, iba’t ibang sagot ang
iyong makukuha. Ito ay dahil sa iba’t ibang karanasang humubog sa
kanila batay sa kinaaanibang relihiyon, uri ng kultura at lipunang
kanilang kinabibilangan.
Taglay ng bawat tao ang mga karapatang nakabatay sa
prinsipyo ng paggalang sa isang indibiduwal. Lahat ng nabubuhay
naindibiduwal ay may taglay na mga karapatan dahil bawat isa ay
nararapat na tratuhin nang may dignidad. Saklaw ng tao ang kaniyang
mga karapatan sa aspektong sibil, poltikal, ekonomikal, sosyal, at
kultural.
Makikita sa kasunod na diyagram ang kontekstong historikal ng pagunlad ng konsepto ng karapatang pantao mula sinaunang panahon
hanggang sa pagkabuo ng Universal Declaration of Human Rights ng United
Nations noong 1948.
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng
Persia at kaniyang mga tauhan ang
lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang
mga alipin at ipinahayag na maaari
silang pumili ng sariling relihiyon.
Idineklara rin ang pagkakapantaypantay ng lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-clay
cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus
Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s
first charter of human rights.”
Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa
karapatang pantao ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at
pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism,
Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism,
Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga
kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol
sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa
kaniyang kapwa.
Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, saMagna Carta, isang dokumentong
naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa
370
dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of
Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang
hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng
Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang
sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar
sa panahon ng kapayapaan.
Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng
labing-anim na Europeong bansa at ilang estado
ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala
ito bilang The First Geneva Conventionna may
layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga
nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang
Human Rights Commissionsa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
Sa pamamagitan ng naturang komisyon,
nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong
tinawag naUniversal Declaration of Human
Rights.
Noong 1787, inaprubahan ng United
States Congress ang Saligang-batas
ng kanilang bansa.Sa dokumentong
ito, nakapaloob ang Bill of Rights na
ipinatupad noong Disyembre 15,
1791. Ito ang nagbigay-proteksiyon
sa mga karapatang pantao ng lahat
ng mamamayan at maging ang iba
pang taong nanirahan sa bansa.
Noong 1789, nagtagumpay ang
French Revolution na wakasan ang
ganap na kapangyarihan ni Haring
Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng
Declaration of the Rights of Man and
of the Citizenna naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.
Sanggunian:
United for Human Rights. (2014). A Brief
History of Human Rights. Retrieved August 21,
2014, from United for Human Rights:
http://www.humanrights.com/what-are-humanrights/brief-history/cyrus-cylinder.html;
http://www.universalrights.net/main/histof.htm
Gawain 9.Human Rights Declared
Magsaliksik tungkol sa mahahalagang probisyon ng
sumusunod na dokumentong naglalahad ng mga karapatang
pantao. Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa bawat
dokumento sa pangalawang kolum.
371
Dokumento
Mga Nakapaloob
na Karapatang Pantao
1. Cyrus’ Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
5. Declaration of the Rights
of Man and of the Citizen
6. The First Geneva
Convention
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit mahalaga ang mga binanggit na dokumento sa pag-unlad ng
konsepto ng karapatang pantao?
2. Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng mga dokumento batay
sanabuongtsart?
3. Ano ang iyong nabuong konklusyon tungkol sa pag-unlad ng
karapatang pantao sa iba’t ibang panahon?
Gawain 10.Connecting Human Rights Then and Now
Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob sa
alinman sa tinalakay na dokumento. Magbigay ng halimbawa,
situwasiyon o pangyayari sa iyong komunidad na nagpapatunay
na nagaganap o ipinatutupad ito sa kasalukuyan. Ipakita ang
372
gawaing ito sa malikhaing paraan. Sundin ang nasa loob ng
kahon.
1. Piniling dokumento sa pagkabuo ng karapatang
pantao: ______________.
2. Karapatang pantaong nakapaloob sa dokumento
na nagaganap/ipinapatupad sa kasalukuyan:
______________.
3. Malikhaing Gawain:
______________.
(Maaaring role playing, pagsulat ng tula
o sanaysay,
pag-awit, at iba pa)
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang karaniwang karapatang pantao ang ipinakita sa
malikhaing gawain?
2. Ano ang patunay na nagaganap at ipinatutupad sa kasalukuyan
ang mga naturang karapatang pantao?
3. Nararapat bang maging bahagi ng buhay ng mamamayan ang
mga nabanggit na karapatang pantao? Bakitt?
Paksa: Ang Universal Declaration of Human Rights
at ang Bill of Rights
Bibigyang pansin sa bahaging ito ang mga dokumento ng
Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights ng ating
SaligangBatas ng 1987. Ipaliliwanag dito ang kahalagahan ng mga ito sa
ating papel bilang mabuting mamamayan sa lipunan.
373
Sanggunian:UN (United Nations).
(2014). The Universal Declaration of
Human Rights. Retrieved 26 2014, March,
from United Nations:
http://www.un.org/en/documents/udhr/hist
ory.shtml
Ang Universal Declaration
of Human Rights (UDHR)
ay
isa
sa
dokumentong
mahalagang
naglalahad
ng mga karapatang pantao
ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng
buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal,
ekonomiko, sosyal, at kultural.
Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945,
binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng
kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang
kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat
ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General
Assembly noong 1946.
Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng
Human Rights Commission ng United Nations si Eleanor
374
Roosevelt – ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt
ng United States. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan
ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang
ito bilang Universal Declaration of Human Rights.
Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang
UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all Mankind.” Sa kauna-unahang
pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang
naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa
pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.
Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang
mga artikulong nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1
ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng
pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng
mga karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21.
Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga karapatang
ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy naman ang tatlong
huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na
itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
Makikita sa kasunod na diyagram ang buod ng mga piling
karapatang pantao na nakasaad sa UDHR.
375
Universal Declaration of Human Rights
Sanggunian: Facing History and Ourselves. (2017). The Universal Declaration
of Human Rights. Retrieved 9 2017, February, from Facing History and Ourselves:
https://www.facinghistory.org/resource-library/image/udhr-infographic
Ang mga karapatang nakapaloob sa UDHR, maging ito
man ay aspektong sibil at politikal o ekonomiko, sosyal, at kultural,
ay tunay na nagbibigay-tangi sa tao bilang nilalang na
nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghahatid sa
376
kaniya upang makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay at
magkaroon ng mabuting pamumuhay.
Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob
sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kung ganap na
maisasakatuparan ang mga karapatang ito, magiging higit na
kasiya-siya ang manirahan sa daigdig na maituturing na isang
lugar na may paggalang sa bawat tao at tunay na kapayapaan
para sa lahat.
Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng
UDHR upang panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang
dignidad at karapatan ng bawat tao. Naging inspirasyon din ang
deklarasyong ito sa maraming opisyal ng pamahalaan at mga
mambabatas upang magkaroon ng mas mabuting pamumuhay
ang tao.
Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang
nagbigay ng maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga
karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ayon sa Seksyon
11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987
ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang
pantao. Binigyang-diin ng Estado ang pahayag na ito sa
Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) na nakapaloob sa
Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng
Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at
karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa
Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng
mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong
377
bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang constitutional
rights. Unawain ang diyagram sa ibaba.
Natural
Rights
Constitutional
Rights
Mga karapatang taglay
ng bawat tao kahit hindi
ipagkaloob ng Estado.
Karapatang mabuhay,
maging malaya, at
magkaroon ng ariarian
Mga karapatang
ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan
na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan.
Uri
ng mga
Karapatan
Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga
pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang
kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi
lumalabag sa batas.
Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na
sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
Karapatan ng akusado – mga karapatan na
magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan
sa anomang krimen.
Statutory
Rights
Mga karapatang kaloob ng
binuong batas at maaaring
alisin sa pamamagitan ng
panibagong batas.
Karapatang
makatanggap ng
minimum wage
Ang mga karapatang ito ay nararapat na taglay ng bawat
indibiduwal dahil taglay nito ang dignidad ng isang tao, anoman
ang kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang pangekonomika.
Matutunghayan sa kasunod na diyagram ang nilalaman ng
mga karapatang-pantao na kinikilala ng Estado ayon sa
Konstitusyon.
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987
Artikulo III
378
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na
pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa
kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi
makatwirang paghahaluglog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat
labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip
maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom
matapos masitasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng
panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga
taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal n autos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba
ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin
sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang
seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na
mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang
mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o
nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman
ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at
pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang
pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng
tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal n autos
ng hukuman. Ni hindi dapat bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung
para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang
pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran
hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga
379
opisyal na record, at sa mga dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na Gawain,
transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na
pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa
ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang criminal ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na
walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng
karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng
uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan,
at hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang
kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya
para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring
ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na
napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban
kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang
pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas
ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman,
malapanghukuman, o pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang
paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod,
maliban kung ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o
di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang
Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na
Sanggunian: Angkrimen.
Konstitusyon
Republika
ng Pilipinas,
Dapat ng
ibaba
sa reclusion
perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.
380
(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal,
sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang paggamit
ng mga kaluwagang penal na di-makatao.
aIpinalimbag ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. (1991). Retrieved 9 2017, February, from
http://www.gov.ph/downloads/1987/02feb/19870211-Konstitusyon-CCA.pdf
Gawain 11.Kung Ikaw Ay …
Unawain ang sumusunod na panuntunan sa pagsasagawa ng
human diorama.
1. Sa gabay ng iyong guro, pumili ang bawat pangkat ng isang
situwasiyon sa loob ng kahon.
Kung ikaw ay
dinarakip.
Kung ang iyong bahay ay
hinahalughog.
Kung ikaw ay napasailalim sa
isang pagsisiyasat o kaya ay
imbestigasyon.
Kung ikaw ay
Kung ikaw ay
nililitis.
Kung ikaw ay
pinagbibintangan.
Kung ikaw ay
pipili
ng susunod na opisyal ng
pamahalaan.
Kung ikaw ay
babae,
matanda, o may kapansanan.
may sakit.
Kung ikaw ay
nakakulong.
2. Bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng pangkat na ihanda ang
mga miyembro nito sa pagtatanghal ng human diorama batay
sa piniling situwasiyon.
3. Maaaring gumamit ng kagamitang pantulong at akmang
kasuotan sa pagtatanghal.
4. Sa aktuwal na pagtatanghal, mistulang mga estatwa nang
lahat ng miyembro sa diorama.
5. Magtalaga
ng
isa
hanggang
dalawang
miyembro
na
magpapaliwanag ng diorama.
381
6. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng
Human Diorama gamit ang sumusunod na rubric.
Rubric sa Pagmamarka ng Human Diorama
Pamantayan
Deskripsiyon
Puntos
Wasto ang detalyeng inilahad sa gawain;
Detalye at
malinaw ang pagpapaliwanag sa ipinakitang
15
Pagpapaliwanag diorama; mahusay na naiugnay ang angkop na
karapatang
pantao
sa
nakatalagang
situwasiyon
Angkop ang ipinakitang scenario sa diorama
Pagbuo ng
tungkol sa nakatalagang paksa; akma ang
10
Human Diorama kagamitang pantulong at kasuotang ginamit sa
pagtatanghal
Masining ang pagpapakita ng diorama; may
Pagkamalikhain wastong blocking, puwesto, at paglalagay ng
5
kagamitan.
Kabuuan
30
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mga karapatang pantao na binigyang-diin sa mga
ipinakitang diorama?
2. Paano napangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan batay
sa mga ipinakitang situwasiyon sa diorama?
3. Kung taglay ng mamamayan ang kanilang mga karapatan batay sa
UDHR at Konstitusyon ng Pilipinas, ano ang nararapat nilang gawin
upang higit na mapakinabangan ito?
Gawain 12.Mga Scenario: Paglabag at Hakbang
Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan tungkol sa
mga situwasiyon sa bansa o ibang bahagi ng daigdig na may
paglabag sa karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang
pagsagot sa hinihinging mga datos.
382
Magbigay ng detalye sa larawan/
artikulo
Idikit ang larawan/
artikulo
Mga karapatang pantaong nilabag batay
sa nakuhang datos
Mga hakbang na dapat isagawa
bilang mamamayan kaugnay
sa naturang paglabag
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao ang iyong
nakuhang larawan o artikulo?
2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng paglabag sa
karapatang pantao at sa lipunang kaniyang kinabibilangan?
3. Ano ang iyong maaaring imungkahi upang maiwasan
ang paglubha ng mga situwasiyong dulot ng paglabag sa mga
karapatang pantao?
Paksa: Mga Organisasyong Nagtataguyod sa Karapatang Pantao
Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga organisasyong
nagtataguyod sa mga karapatang pantao. Sa tulong ng mga mamamayan at
ng pamahalaan, nakaiimpluwensiya ang mga pandaigdigan at lokal na
samahang ito upang magkaroon ng isang lipunang nagtataguyod ng mga
karapatang pantao.
383
Maraming organisasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig ang
binuo upang itaguyod ang mga karapatang pantao at tuluyang
wakasan ang pagmamalabis sa mga karapatang ito. Bagama’t
may mga kani-kaniyang pamamaraan at may partikular na kasapi
ng lipunan ang pinagtutuonan ng pansin, nagkakaisa naman ang
mga samahang ito sa pagasasagawa ng mga kampanyang
magbibigay-proteksiyon
sa
mga
karapatan
ng
tao
at
magpapalakas ng kanilang kakayahang tiyakin na paggiit ng mga
mamamayan sa kanilang mga karapatan.
Karaniwan sa matatagumpay na pandaigdigang samahang
nagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nagmula sa mga
NGO
o
nongovernmental
organization
kung
saan
pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng
mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito.
Makikita
pandaigdigang
sa
talahanayan
organisasyong
ang
ilan
sa
tanyag
nagbibigay-proteksiyon
na
sa
karapatang pantao.
Simbolo
www.amnesty.ie
Organisasyon
Amnesty International – ito ay isang pandaigdigang kilusan na
may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong
katao. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse
the darkness.” Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng
pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga
karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin ang mabigyan ng
katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Aktibo Aktibo ang organisasyong ito sa Pilipinas.
384
thrda.org
Human Rights Action Center (HRAC) – Itinatag ito ni Jack Healey
na isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito
ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses
ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa
buong daigdig. Nakikipag-ugnayan din ang HRAC sa mga pinuno
ng pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula, at
maging ng printed material upang maipalaganap ang kahalagahan
ng karapatang pantao.
Global Rights –Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang
ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong
walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. Pinalalakas din
nito ang mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad ang
mga pang-aabuso sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng
mga repormang patungkol sa karapatang pantao at makapagbigay
ng serbisyong-legal.
Asian Human Rights Commission (AHRC) – Itinatag ito noong 1984
ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa
karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang
magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao
at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
OSISA
African Commission on Human and People’s Rights – Ito ay isang
quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia.
Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao
at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and
People’s Rights.
http://www.human
rightsactioncenter.com/
http://www.globalrights.org/
Sa Pilipinas, ang Commission on Human
Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na
pangalagaan ang mga karapatang pantao ng
mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang
“National Human Rights Institution (NHRI)” ng
Pilipinas.
Sanggunian: www.chr.gov.ph.
Retrieved February 14, 2017
Nilikha
ito
ng
Konstitusyon
ng
Republika ng Pilipinas alinsunod sa Seksyon 17
(1) ng Artikulo XIII.
Nagkakaloob ang CHR ng mga pangunahing programa at
serbisyo upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Ilan sa mga ito ay pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo
tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng tulong at
serbisyong legal sa mga biktima, pagsubaybay sa kalagayan ng mga
385
piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang
pantao, at pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service.
Binibigyang-tuon din ng CHR ang iba’t ibang programa,
estratehiya, at advocacy campaign upang higit na makapagbigay ng
impormasyon at aktibong makalahok ang mga mamamayan sa
pangangalaga ng mga karapatang pantao sa bansa.
Maliban sa CHR, naging
aktibo rin ang ilan sa mga
nongovernmental organization sa pagtaguyod ng mga karapatang
pantao ng mga Pilipino.
philippinehumanrights.org
Human Rights Online
Philippines
www.karapatan.org
http://flagfaqs.blogspot.de/
Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) – itinatag
ang alyansang ito noong 1986 at nilahukan ng mahigit sa 100
organisasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nilalayon ng
PAHRA na itaguyod, pangalagaan, at isakatauparan ang tunay na
pag-iral ng mga karapatang pantao sa bansa.
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) – isang
organisasyon na nakarehistro sa SEC simula pa noong 1994.
Konektado ito sa United Nations Department of Public Information
(UNDPI) at sa UN Economic and Social Council. Hangad ng
PhilRights na magkaroon ng bansang may kultura ng pagkakapantay-pantay ng tao.
KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights – ito
ay alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag
noong 1995. Itinataguyod at pinangangalagaan nito ang mga
karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa mga programa ng alyansa
ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga
mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa
pagsuporta sa mga gawaing magtataguyod sa karapatang pantao.
Free Legal Assistance Group (FLAG) – ito ay isang pambansang
grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at
nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974
nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo. Ilan sa
mga adbokasiya ng FLAG ay ang paglaban sa pag-usig sa mga
indibidwal sa kadahilanang politikal, pang-aabuso ng militar at
kapulisan, at parusang kamatayan.
386
en.wikipilipinas.org
Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) – Itinatag ito noong
1974. Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political
prisoner. Nagkakaloob din ang samahan ng suportang legal,
pinansiyal, at moral sa mga political prisoner at kanilang pamilya.
Gawain 13.Hagdan ng Pagsasakatuparan
Pumili ng isang organisasyong nagtataguyod ng karapatang
pantao sa daigdig o sa ating bansa. Magsaliksik sa piniling
organisasyon. Pagkatapos ay buuin ang diyagram batay sa
hinihingi ng bawat baitang sa hagdan. Isulat ang sagot sa ilalim
ng baitang.
Aksiyong
isinagawa
Isyung
binigyang-pansin
Adbokasiya ng
Organisasyon
Mga Gabay na Tanong
1. Nararapat ba na pagtuunan ng pansin ng iyong piniling
organisasyon ang isyung inilahad sa diyagram? Bakit?
387
2. Makatuwiran ba ang aksiyong isinagawa ng organisasyon
upang maitaguyod/mapangalagaan ang karapatang pantao
ng mga sangkot/biktima? Bakit mo nasabi?
3. Kung ikaw ang pinuno ng nasabing organisasyon, anong
hakbang o solusyon ang iyong isasakatuparan upang
matugunan ang naturang isyung may kaugnayan sa
karapatang pantao?
Paksa:Mga Karapatan ng Bata
Mahalagang sa bahaging ito ay magkaroon ka ng malawak na pagunawa sa mga karapatang para sa katulad mo na isang bata.
Nakatuon din ang maraming pamahalaan sa iba’t ibang
panig ng daigdig at maging ang mga Non-Government
Organizations (NGOs)
para sa maigting na pagbuo at
pagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang mga
karapatan ng mga bata.
Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the
Child (UNCRC), tumutukoy ang children’s rights o mga karapatan
ng mga bata sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal na
may gulang na 17 at pababa, maliban sa mga bansang may
sariling batas sa pagtukoy ng “legal age” ng mamamayan nito.
Ang mga karapatang ito ay kailangan ng mga bata upang
magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay, at mahubog ang
kanilang kakayahan upang magtagumpay sa buhay at maging
yaman ng bansa sa hinaharap. Dagdag pa rito, bawat bata,
anuman ang kasarian at katayuan sa buhay ay nararapat na
taglay ang mga karapatang ito.
388
Nasa talahanayan ang buod ng mga karapatan ng mga
bata batay sa UNCRC.
Artikulo 1
Artikulo 2
Artikulo 3
Artikulo 4
Artikulo 5
Paglalahad sa kahulugan ng bata
Pagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay ng bawat bata
anuman ang kaniyang lahi, kultura, relihiyon, kakayahan, o
kalagayan sa buhay
Pangunahing pagbibigay ng pansin sa nararapat na
kalagayan at kapakanan ng mga bata sa pagtakda ng
mga batas at polisiyang makaaapekto sa kanila
Pagtatakda sa pamahalaan ng tungkulin nito na tiyakin ang
paggalang, pangangalaga, at pagpapatupad ng mga
karapatan ng mga bata
Paggalang ng pamahalaan sa mga karapatan at tungkulin
ng mga pamilya na turuan at gabayan ang kanilang mga
anak na matutuhan ang wastong pagganap sa kanilang
mga karapatan
Ang sumusunod na mga karapatan ng mga bata
ay inilahad sa Artikulo 6 hanggang 40
Magkaroon ng ligtas at malusog na buhay, at legal at rehistradong
pangalan, nasyonalidad, manirahan at maalagaan ng kanilang
magulang.
Magkaroon ng karapatang magpahayag ng kanilang saloobin at
magkaroon ng tinig sa mga pagpapasyang makaaapekto sa
kanilang buhay.
Magkaroon ng karapatan sa pag-alam ng impormasyong
makabubuti sa kanilang kalusugan at pagkatao, kalayaan sa pagiisip, pananampalataya, pribadong pamumuhay, at paglahok sa
mga organisasyon.
Magkaroon ng proteksiyon laban sa lahat ng pang-aabusong pisikal,
seksuwal, at mental. Gayundin ang child labor, drug abuse,
kidnapping, sale, at trafficking.
Magkaroon ng espesyal na karapatan sa pangangalaga sa mga
ampon, refugee, biktima ng digmaan o kaguluhan, may mga
kapansanan, at naakusahan ng paglabag sa batas.
Magkaroon ng mabuting pangangalagang pangkalusugan, standard
of living, edukasyon, libangan at paglalaro.
Sanggunian: UNICEF (United Nations International Children's Emergency
Fund). (2014). UNICEF. Retrieved March 26, 2014, from Rights Overview:
http://www.unicef.org/crc/files/Rights_overview.pdf
389
Gawain 14.Triple Venn Diagram
Kompletuhin ang diyagram sa pamamagitan ng pagtala ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karapatang pantao batay sa
UDHR, Bill of Rights, at Children’s Rights. Pagkatapos, sagutin
ang tanong sa ibaba.
Bill of
Rights
UDHR
Children’s Rights
Batay sa diyagram, ano ang iyong konklusyon tungkol sa
mga karapatang pantao na inilahad sa tatlong dokumento?
Paksa: Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan
Ang bahaging ito ay naglalayong ipaliwanag ang kaugnayan ng
ating mga karapatan sa ating pagiging mamamayan ng isang estado.
Inaasahan na sa pagtatapos ng paksang ito ay magagamit natin ng
wasto ang ating mga karapatan para sa ikabubuti ng ating bayan.
390
Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong
karapatang pantao. Inilahad sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas ang
mahahalagang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural
na nararapat na itaguyod ng pamahalaan para sa mamamayan nito. Ang
katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng estado
sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at
mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga Pilipino.
Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng
mamamayan, naging tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa
bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga
karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksiyon upang lubos
na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang
pantaong ito.
Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng kamalayan sa
pag-unawa at pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao.
Makikita ang mga antas na ito sa sumusunod na talahanayan batay sa
Facilitator’s Manual on Human Rights Education (2003).
Antas 1 – Pagpapaubaya at Pagkakaila – walang pasubaling
pagpapaubaya sa mga paglabag ng karapatang pantao
Antas 2 – Kawalan ng pagkilos at interes – may limitadong
kaalaman tungkol sa mga karapatang pantao ngunit may pagtanggi
o kawalan ng interes na igiit ang mga karapatang ito dahil sa takot,
panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga
kondisyong panlipunan, ekonomiko, at politikal ng bansa
Antas 3 – Limitadong Pagkukusa – kakikitaan ng pagtaguyod ng
karapatang pantao, paghanap ng mga solusyong gamit ang
karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng reklamo
Antas 4 – Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa – may kamalayan,
aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa
pamamagitan ng matatag at sama-samang pagsisikap
391
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng
mamamayan ay hindi dapat nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang
ng mga karapatang ito. Tungkulin din ng mamamayan na isa-alangalang at isakatuparan ang mga ito upang maging aktibo ang
mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga nangyayari sa
kanilang lipunan. Ayon kay M.S. Diokno (1997), maliban sa pagiging
malaya, pinalalawak pa ng iba pang nakapaloob na karapatang pantao
ang perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan. Hindi lamang
mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao
kundi ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang
ito ang nararapat na mangibabaw. Ito ang tunay na pagpapakita ng
pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng isang bansa.
Sa kasalukuyan, nahaharap ang mamamayang Pilipino sa
samu’t saring suliranin at isyung panlipunan. Batay sa mga paksang
iyong tinalakay sa mga nakaraang modyul, ipinakita ang seryosong
kalagayan ng mamamayan na tunay na nakaaapekto sa pagkakaroon
ng mas mabuti at matiwasay na pamumuhay.
Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa
kanilang paligid, tungkulin nating tugunan ang mga ito para sa
kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga karapatang pantao ay isang
paraan nito.
Gawain 15. Pagsusuri.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang tungkulin ng pamahalaan sa pagkilala nito ng mga
karapatang pantao ng mamamayan?
______________________________________________________
____________________________________________________
2. Magbigay ng isang patunay na ginagampanan ng pamahalaan
392
ang tungkulin nito sa pagkilala ng mga karapatang pantao ng
mamamayan.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Sa mga antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan
ng karapatang pantaong mga mamamayan, alin ang pinakamahalaga sa mga ito? Bakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayang mulat sa mga taglay niyang karapatan?
_________________________________________________
_________________________________________________
______
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagawa ang mga gawain sa bahaging ito ng
modyul. Maging handa para sa mga gawain na nasa susunod na bahagi:
ang PAGNILAYAN at UNAWAIN.
393
PAGNILAYAN at UNAWAIN
Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa
mga karapatang pantao ay bibigyan ng malalim na pagsusuri
sa pamamagitan ng pag-ugnay nito sa mga isyu at hamong
panlipunang nakapaloob sa mga nakaraang modyul.
Gawain 16. Mga Isyu at Karapatang Pantao
Sagutin ang mga tanong sa diyagram kaugnay ng mga isyu
at hamong panlipunang tinalakay sa lahat ng nakaraang modyul
at sa mga karapatang pantaong taglay ng bawat mamamayan.
5
Isyu at hamong panlipunan na
tinalakay sa ______ Markahan
1
Bilang mag-aaral, ano ang iyong
maaaring gampanan/gawin upang
matugunan ang isyu/hamon?
Ano ang epekto nito sa tao,
pamayanan, at bansa?
4
2
Ano ang mga hakbang na maaaring
imungkahi/gawin ng pamahalaan
upang matugunan ang isyu/hamon?
Ano ang mga karapatang
pantao ang hindi umaayon/
nilalabag sa naturang isyu?
3
394
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang kaugnayan ng mga karapatang pantao sa mga isyu
at
hamong panlipunan na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon?
2. Paano makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng kaalaman
sa mga karapatangpantao sa pagtugon sa iba’t ibang isyu at
hamong panlipunan?
3. Bilang mag-aaral, aling karapatang pantao na iyong taglay ang
makasasagot sa problema ng edukasyon sa kasalukuyan?
Gawain 17.My IRF Clock
Pagkatapos mong maunawaan ang paksa ng karapatang pantao
ay muling balikan ang My IRF Clock. Muling sagutin ang pokus na
tanong at isulat sa Refined Idea. Tingnan kung paano nabago ang iyong
kasagutan mula sa iyong inisyal na ideya.
Final
Refined
Initial
395
Inaasahan na sa pagkakataong ito ay mayroon ka nang malalim
na pang-unawa sa paksa ng karapatang pantao at kung paano ito
nakatutulong sa aktibong pakikilahok sa lipunan. Gamitin ang mga
konseptong ipinaliwanag sa aralin na ito sa pag-aaral ng iba’t ibang
paraan ng politikal na pakikilahok sa ating lipunan.
ARALIN 3: Politikal na Pakikilahok
Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang mga paraan ng politikal na
pakikilahok. Ang mga paraang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa
mamamayan para makamit ang tinatamasang mabuting pamamahala.
PAUNLARIN:
Paksa: Politikal na Pakikilahok
Ang bahaging ito ng aralin ay tumatalakay sa mga paraan kung paano
aktibong makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.
Tinalakay sa unang tatlong modyul ang mga isyung kinakaharap ng
mundo sa kasalukuyan. Nararanasan natin ang iba’t ibang manipestasyon ng
mga isyung ito at kadalasan pa nga’y kabilang tayo sa sanhi o sa nagpapalala
sa mga ito. Bilang pinakamahalagang elemento ng Estado, nasa kamay natin
396
bilang mamamayan ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan na ating
kinakaharap.
Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating
lipunan, nararapat lamang na kalimutan ang maling pananaw na pamahalaan
lamang ang may tungkulin na bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan;
na sila ay ating inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating
pangangailangan at wala na tayong gagawin bilang mamamayan. Ang ganitong
pag-iisip ay nagdudulot ng sentimyentong paninisi sa pamahalaan kapag ang
ating mga pangangailangan at suliranin ay hindi natugunan.
Sa katunayan, ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas,
“Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na
kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng
mga awtoridad na pampamahalaan.”Ito ay patunay lamang na ang
kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong
bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan. Katulad ng
nabanggit na, ang mamamayan ay dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa
pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong panlipunan.
Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang
solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Mangyayari lamang ito
kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung
panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong
makilahok sa mga hakbanging magbibigay katugunan sa maraming isyung
panlipunan.
Sa kabila ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyung panlipunan
ay mas mahalaga rito ang pagtugon mismo ng mamamayan. Isang mahalagang
paraan para matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing
politikal. Ngunit, may iba’t ibang paraan para maging kalahok dito ang isang
mamamayan. Maaaring ito ay sa paraan ng pagboto o maaaring sa mas
masidhing mga aksiyon para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting
pamahalaan.
397
Eleksiyon
Sanggunian:http://www.topnews.in/regions/Philippines
398
Ang pakikilahok saeleksiyon
Mga Diskwalipikadong Bumoto
1.
2.
3.
Mga taong nasentensiyahan
na makulong nang hindi
bababa sa isang taon. Maaari
siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos
ang parusang inihatol sa
kaniya.
Mga taong nasentisyahan ng
hukuman sa mga kasong
rebelyon, sedisyon, paglabag
sa anti-subversion at firearms
law at anumang krimeng
laban sa seguridad ng bansa.
Maaari siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos
ang parusang inihatol sa
kaniya.
Mga taong idineklara ng mga
eksperto bilang baliw.
Sanggunian:Omnibus Election
Code, Artikulo 12, Seksiyon 116
ang
pinakapayak
na paraan ng
pakikilahok ng mamamayan. Ang
pagboto ay isang obligasyon at
karapatang
politikal
na
ginagarantiyahan ng ating Saligangbatas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang
Batas ng 1987, ang mga maaaring
makaboto ay a.) mamamayan ng
Pilipinas, b.) hindi diskwalipikado
ayon sa isinasaad ng batas, c.) 18
taon gulang pataas, at d.)tumira sa
Pilipinas nang kahit isang taon at sa
lugar kung saan niya gustong bomoto
nang hindi bababa sa anim na buwan
bago mag-eleksiyon.
Sa pamamagitan ng pagboto,
nakapipili ang mamamayan ng mga
opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang
maayos. Ito ang pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na
siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal;
na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin
nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang
tungkulin. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang
nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang
Pilipino
ay
mayroon
lamang
isang
boto,
mayaman
man
o
mahirap.Ngunit ang iisang botong ito ay lubhang makapangyarihan
sapagkat maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.
Ngunit sa kabila nito ay may mga nagiging balakid sa pakikilahok ng
mga tao sa eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na mayroon
tayong mga kababayan na nagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko.
399
Noong halalan ng 2016 sinabi ng dating Commissioner ng Commission
on Elections na si Gregorio Lardizabal na naging talamak pa rin ang
insidente ng pamimili ng boto. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng
automated election. Dahil dito maaaring Sa halip na ang nakaupo sa
pamahalaan ay mahuhusay at matitinong opisyal na bumabalangkas at
nagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa edukasyon,
kalusugan at kabuhayan, maaaring ang maupo ay mga opisyal na sarili
lamang ang iniisip.
Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang
pagboto bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga
Pilipino.Kasama rin sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis,
laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan at
unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang surveyna ito ang
pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa
kahalagahan ng karapatang makaboto sa kabila ng maraming balakid
at mga suliranin. Ayon nga sa constitutionalistna si Fr. Joaquin Bernas
(1992), ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato
sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng
kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at malupig ang
mga nagpapahirap sa bayan.
400
Gawain 18.Suriin Natin!
Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa
mga ito. Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga larawang ito.
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
________________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Sanggunian:
Vera Files. (2013, February 1). Democracy at Gunpoint: Election-Related Violence in the
Philippines. Retrieved March 26, 2014, from Vera Files: http://verafiles.org/taf-vera-filesto-launch-democracy-at-gunpoint-election-related-violence-in-the-philippines/
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
________________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Sanggunian:
The 11th Commandment for Voters. (2013, May 9). Retrieved March 26, 2014, from Bicol
Mai: Bicolandia's Only Regional Newspaper: http://www.bicolmail.com/2012/?p=8488
401
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
________________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Sanggunian:
National Ctizens' Movement for Free Elections (NAMFREL). (n.d.). Anti-Political
Dynasty bill finally tackled in Congress; would cover all national and local elective
positions. Retrieved March 26, 2014, from http://www.namfrel.com.ph/v2/news/bulletin-
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
________________________________
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Sanggunian:
Sun Star. (n.d.). Retrieved March 26, 2014, from Vote Buying:
http://gallery.sunstar.com.ph/keyword/vote%20buying/
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa
pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang
bumoto?
402
Paglahok saCivil Society
Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang political na
pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang lamang ito
para sa isang malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasiya ay ang
magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa
paraang higit pa sa pagboto. Isang paraan dito ay ang pagbuo ng mga
samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang
iparating ang pangangailangan ng mamamayan. Kaya naman
napakahalagang makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil
society.
Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa
estado. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayangnakikilahok
sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental
Organizations/People’s Organizations. Hindi naman bahagi nito ang
tahanan, mga negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo
na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan. Nilalayon ng civil
society na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at maggiit
ng accountability (kapanagutan) at transparency(katapatan) mula sa
estado (Silliman, 1998).
Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na tinatawag na NonGovernmental Organizations (NGOs) at People’s Organizations (POs)
ay mahalagang bahagi ng civil society.
Ang paglahok sa mga
samahang ito ay isa sa maraming paraan ng paglahok sa civil society.
Ayon kay Horacio Morales (1990), “people empowerment entails the
creation of a parallel system of people’s organizations as government
partner in decision making…”Ibig sabihin, mahalaga ang pagbuo ng
mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan.
Ayon naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society
ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberenya ng isang
403
estado. Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin
ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong estado sa
pamamahala ng isang bansa.
Sa katunayan, kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang
kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran: “the
state encourage non-governmental, community based, or sectoral
organizations to effective and reasonable participation at all levels of
social, politikal, and economic decision making.”
Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa
civil society. Ito ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang
pagkilos, at mga voluntary organization.Ang huli ay nahahati sa
dalawang
Mga Halimbawa ng NGOs
kategorya:
ang
mga
grassroots organizations o people’s
organizations (POs); at ang mga
Operation Smile Foundation
grassroot support organizations o
non-governmental
“to mobilize a world of generous hearts to
heal children’s smiles and transform lives;
and to provide free constructive surgery
to indigent Filipino children afflicted with
cleft lip, cleft palate, and other facial
deformities”
(NGOs).Ang
“to contribute to national development
through pure and fundamental and / or
applied research and/or creative work in
environmental protection, natural
resources conservation, wildlife
management, and tribal culture.”
mga
POs
ay
naglalayong protektahan ang interes
ng
mga
miyembro
nito.Dito
nahahanay ang mga sectoral group
ng
Haribon Foundation for the
Conservation of Natural Resources
organizations
kababaihan,
kabataan,
magsasaka, mangingisda, at mga
cause-oriented
group.Sa
banda,
mga
ang
kabilang
NGOs
ay
naglalayong suportahan ang mga
programa
ng
mga
people’s
organization. Magkaiba man ang
layunin ng dalawang uri ng samahan,
nagkakapareho
Filipino Wardsnaman
Veteransang mga ito sa mga gawain tulad ng
Foundation
pagsusulong
ng mga adbokasiya, pagsasagawa ng mga kampaniya at
lobbying,
atand
pakikilahok
mga gawain sa lipunan.
“to establish
make availablesa
services
and assistance to Veterans such as
medical, socio-economic and related
services; perpetuate, promote, preserve
and maintain the ideals, principles and
deed the Veterans fought for.”
Sanggunian: Philippine Council for NGO
404
Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang
mabuo ang mga NGO sa kasalukuyan nitong anyo(Constantino-David,
1998). Ang mga NGO na nabuo sa panahong ito at sa sumunod na
dekada ay naglalayong tuligsain ang mga hindi makataong patakaran
ng pamahalaan at tulungan ang mamamayan na makaahon sa
kahirapan.Ibig sabihin, ang mga NGO ay nabuo bilang tugon ng
mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang mga suliranin
ng mamamayan at sa pananaw na ang pamahalaan ay isa sa mga
dahilan ng paghihirap nila.
Nang paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong ika-21 ng
Agosto 1983, umusbong ang mga samahang direktang tumutuligsa sa
pamahalaan. Ang ilan sa mga ito ay ang Justice for Aquino, Justice for
All (JAJA), Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL), at Bagong
Alyansang Makabayan (BAYAN). Nang mapatalsik sa kapangyarihan si
Ferdinand Marcos at maluklok sa kapangyarihan si Cory Aquino noong
1986, ay lumago ang bilang ng mga NGO. Sa panahong ito, ang
atensiyon ng mga NGO ay natuon na sa paglulunsad ng mga
programang magpapaunlad ng kabuhayan ng mamamayan.
Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang
paglawak ng kanilang kahalagahan sa lipunang Pilipino. Ang Local
Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa papel na
ginagampanan ng mga NGO. Ayon dito, kailangang magkaroon ng
konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensya ng pamahalaan
para sa mga programang ilulunsad nito. Nakasaad din sa batas na ito
ang pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong
plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o lalawigan.
Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local development
council ang manggagaling sa mga NGO at PO. Dahil sa mga probisyong
ito, binigyan ng pagkakataon ang mamamayan na makibahagi sa mga
pagbuo at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa
pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong patunay na hindi lamang
405
nalilimitahan sa pagboto ang maaaring gawin ng mamamayan para
pagbutihin ang kalagayan ng bansa.
Tungkulin ng NGO at PO
Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas
at bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)

TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto
para sa mahihirap

FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng
tulong pinansiyal sa mga people’s organization para tumulong
sa mga nangangailangan

DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs) –
Nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo

PACO (Professional, academic, and civic organizations) –
binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng
akademiya

GRIPO (Government-run and inititated POs) – mga POs na
binuo ng pamahalaan

GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na
itinayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng
pamahalaan
Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong
uri ng samahan? Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa mga
ganitong samahan ay isang mahusay na pagsasanay para sa
demokrasiya. Sa pamamagitan ng paglahok sa mga NGO at PO ay mas
napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas
aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din ng
406
mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba,
at pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao; ito ay mahahalagang
katangian ng isang mabuti at aktibong mamamayan na lubhang
napakahalaga sa isang demokrasiya.
May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa
Pilipinas sa kasalukuyan.

Una, ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong
paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay
hindi natutugunan ng pamahalaan.

Pangalawa, nagsasagawa ang mga NGO ng mga
pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang
kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng
mamamayan.

Panghuli, malaki ang papel ng mga samahang ito sa
direktang
pakikipag-ugnayan
sa
pamahalaan
upang
maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at
mga naiisip na programa at batas na naglalayong
mapagbuti
pumapasok
ang
ang
kalagayan
mga
ng
mamamayan.
ginagawang
Dito
pagpoprotesta,
pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-impluwensiya
sa mga desisyon ng opisyal ng pamahalaan para makamit
ang isang mithiin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang
ginawa ng CPAR o Congress for a People’s Agrarian
Reform, isang koalisyon ng 70 NGO at PO, kung saan
hinikayat ang Kongreso na bumuo ng isang tunay na
repormang pang-agraryo.
Ang NAC-FAR naman o
Nationwide Coalition of Fisherfolk for Aquatic Reform,
isang alyansa ng walong samahang pangmangingisda, ay
nakipaglaban para sa pagkakaroon ng Comprehensive
Fisheries Reform Code.
407
Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasiya.
Binibigyan ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na
pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo
sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na
magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang
tungkulin (Bello, 2000).
Gawain 19.Tukoy-Salita
Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na
pangungusap.
__________
__________
__________
__________
__________
__________
__________
1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga
nakikilahok sa mga kilos protesta, mga lipunang
pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.
2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang
interes ng mga miyembro nito.
3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga
programa ng mga grassroots organization.
4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel
na ginagampanan ng mga NGO at PO.
5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal
sa
mga
POs
para
tumulong
sa
mga
nangangailangan.
6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na
mga serbisyo.
7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing
sa sektor ng akademiya.
__________
8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.
__________
9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang
plano para makamit ang kaunlaran ng mga lokal na
pamahalaan.
10. Dito kabilang ang mga sectoral group na
kinabibilangan ng kababaihan at kabataan.
__________
408
Gawain 20.Civil Society Organizations Mapping
Hahatiin ang klase sa mga pangkat. Tutukuyin ng bawat pangkat ang
mga civil society organization(NGOs/POs) sa kanilang komunidad. Kanilang
tutukuyin kung anong uri ng civil society organization ito, anong sektor ng
lipunan ang kinakatawan nito, at kung ano ang kanilang mga tungkulin. Ang
gawaing ito ay unang bahagi lamang. Ipagpapatuloy ito sa performance task na
makikita sa Gawain 26.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga civil society organization ang matatagpuan sa
inyong komunidad?
2. Anong uri ito ng NGO/PO?
3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?
4. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na
ito?
5. Anong sektor sa inyong lipunan ang walang representasyon sa
mga civil society organization?
Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap
sa ating pamahalaan o lipunan sa kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng
ating demokrasiya sa kasalukuyan?
Maaaring sagutin ang mga katanungang iyan ng mga pag-aaral
tungkol sa ating bansa. Ang Democracy Index at Corruption Perceptions
Index ay dalawa lamang sa mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado
409
ng demokrasiya ng ating bansa. Ang una ay binubuo ng Economist
Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasiya sa
167 bansa sa buong mundo. Limang kategorya ang pinagbabatayan ng
index na ito: electoral process, civil liberties, functioning of government,
political participation, at political culture.
Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu
sa kabuuang 167 na bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay
isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay itinuturing na isang flawed
democracy. Ibig sabihin, may malayang halalang nagaganap at
nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga
ibang aspekto ng demokrasiya ang nakararanas ng suliranin tulad ng
pamamahala at mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan.
Ayon sa index, hindi tayo maituturing na ganap na demokrasiya. Sa
katunayan, labingsiyamna bansa lamang ang maituturing na may ganap
na demokrasiya at nangunguna rito ang bansang Norway. Malaki na ang
itinaas ng marka at ranggo ng Pilipinas. Noong 2012 ay nasa 69 ang
ranggo n gating bansa sa index na ito. Ang marka ngating bansa para
sa 2016 ay ang pinakamataas nating nakuha sa nakalipas na 10 taon.
Wala namang bansa sa Asya ang nakapasok sa klasipikasyon bilang
ganap na demokrasiya. Ang mga bansang Japan at South Korea ang
itinuturing na may pinakamataas na marka sa index bagamat kapuwa
ito itinuturing na flawed democracy.
Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng
mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang katiwalian,ayon saTransparency
International, isang pangkat na lumalaban sa katiwalian, “corruption
ruins lives.” Tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa paggamit sa
posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
Ayon kay Co at mga kasama (2007), ang katiwalian ay ang
pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at
sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan. Ayon naman kay Robert
Klitgaard (1998), batay kay Co at mga kasama (2007), nagkakaroon ng
katiwalian bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, malawak na
410
pagbibigay ng desisyon, at kawalan ng kapanagutan. Kaya naman
naging laganap ang mga katiwalian sa mga bansang dating kolonya,
dahil ginamit ito bilang instrumento ng pananakop (Scott, 2000, ayon
kay Co at mga kasama, 2007).
Hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung katiwalian ang paguusapan. Ang Corruptions Perception Index ay naglalaman ng pananaw
ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang
isang bansa ay maaaring makakuha ng marka na 0 (pinakatiwali)
hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan). Sa kanilang ulat para sa
taong 2016, Ang mga bansang Denmark at New Zealand ang may
pinakamataas na markang nakuha, 90/100 samantalang ang bansang
Somalia naman ang nakakuha ng pinakamababagmarka na 10/100.
Noong 2016 ay nakakuha ang Pilipinas na markang 35/100 at ika-101
sa 176 bansa sa mundo. Hindi maganda ang markang ito sapagkat
kasama ang Pilipinas sa 120 bansa na ang marka ay hindi man lang
umabot ng 50. Ayon pa sa datos na ito, ang karamihan ng mga bansa
sa Asya-Pasipiko ay nasa pinakamababang mga ranggo. Makikita sa
kanilng listahan na 19 mula sa 30 bansa sa rehiyon ang nakakuha
lamang ng marking 40 pababa mula sa pinakamataas na marka na 100.
Ayon sa pagsusuri ng Transparency International sa datos na ito,
maituturing na dahilan ng mababang markang ito sa Asya-Pasipiko ay
ang sumusunod: hindi pagiging accountable ng mga pamahalaan,
kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan, at lumiliit
na espasyo para sa civil society.
Ang Global Corruption Barometer naman ng Transparency
International ay ang kaisa-isang pandaigdigang surveyna nagtatanong
sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa. Ayon
sa ulat nitong 2013, 19% ng mga respondent ang nagsabing lumala
nang husto ang katiwalian sa Pilipinas; 12% naman ang nagsasabing
lumawak nang kaunti ang katiwalian; 31% ang nagsabi na walang
411
pinagbago sa katayuan ng katiwalian sa bansa; 35% ang nagsabing
nabawasan nang kaunti; at 2% ang nagsabing malaki ang ibinaba ng
katiwalian. Sa mga institusyon naman sa pamahalaan, ang mga pulis
ang itinuturing na pinakatiwali sinundan naman ng ibang opisyal ng
pamahalaan. Sa kabila ng mga ito, batid naman ng mga respondent na
malaki ang kanilang papel na gagampanan para labanan ang katiwalian.
Hindi natin maipagkakailang malaki ang problema ng ating
bansa kung demokrasiya ang pag-uusapan. Kaya naman mahalaga
ngayong kumilos ang mamamayan para tugunan ang mga isyu at
suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan sa pamahalaan
pagbabagong ating hinahangad.
Participatory Governance
Ang participatory governance ayisang mahalagang paraan ng
mamamayan para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa
pamahalaan. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang
mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan
upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas
sa tinatawag na ‘elitist democracy’ kung saan ang desisyon para sa
pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno. Ngunit, may
mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay ang kanilang
sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng
isang estadoay tunay na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang
makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala dahil mas
magiging
matagumpay ang
isang
proyekto kung
malaki ang
partisipasyon dito ng mamamayan(Koryakov & Sisk, 2003). Ang
participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o
412
ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan,civil societyat mga
mamamayan, na isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at
mabuting pamamahala.
Maraming paraan ang participatory governance na maaaring
gawin upang mapaunlad ang isang bansa. Isang paraan ng
pagsasagawa ng participatory governance ay ang pangangalap at
pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan. Ang mga halimbawa
nito ay pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mga survey.
Maituturing rin bilang paraan ng participatory governance ang pagsama
sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung
mahalaga para sa bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon
ng mamamayan sa napapanahong mga isyu at sa mga programang
ipatutupad nito. Ayon sa ilang mga eksperto, mas magiging aktibo ang
paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo
sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan. Sa paraang ito, hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang
opinyon ng mamamayan kundi ay magkatuwang nilang ginagawa ang
mga programa nito. Sa kabila nito, maituturing na ang pinakamataas na
paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ay kung
kasama sila ng pamahalaan sa mismong pagpapatupad ng mga
programa nito(Koryakov & Sisk, 2003).
Pagsasagawa ng Participatory Governance
Ang
sumusunod
ay
dalawang
halimbawa
kung
paano
isinasagawa ang participatory governance. Ang isa ay mula sa Porto
Alegre, Brazil at ang ikalawa naman ay kung paano ito isinasagawa sa
ating bansa.
Case Study #1: Porto Alegre, Brazil: Ang Participatory Budgeting
Bilang Anyo ng Participatory Governance(Minos, 2002)
413
Ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance sa
mundo bilang modelo ng pamamahala ay ang lungsod ng Porto Alegre
sa Brazil. Bago ipatupad ang participatory governance, nakaranas ang
lungsod ng maraming suliraning nakaaapekto sa buhay ng mga
mamamayan nito. Hindi sapat ang badyet ng pamahalaan para tugunan
ang kanilang pangangailangan tulad ng serbisyong medikal at
imprastruktura.
Taong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto
Alegre ang pagkakaroon ng participatory governance, partikular na ang
participatory budgeting. Sa prosesong ito, isinama ng lokal na
pamahalaan ang mga mamamayan ng lungsod sa pagbalangkas ng
badyet.
Layunin ng prosesong ito na magkasamang balangkasin ng
pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng lungsod. Sa
pamamagitan nito, naipararating ng taumbayan ang kanilang mga
pangangailangangnararapat paglagakan ng sapat na badyet. Nagiging
magandang lugar ito ng pag-uusap o deliberasyon sa pagitan ng
dalawang panig kung paano mas mapagbubuti ang mga serbisyo ng
pamahalaan. Nagkaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala.
Taliwas ito sa tradisyonal na proseso na ang mga nasa pamahalaan
lamang ang nagdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat
paglaanan ng sapat na pondo.
Upang maisagawa ang prosesong ito ay hinati ng pamahalaan
ang lungsod salabing-anim na regional assemblies at mga thematic
assemblies. Ang una ay batay sa rehiyon ng Porto Alegre at ang huli
naman ay mga asembliyang nakatuon sa partikular na aspekto ng
lipunan:
pampublikong
transportasiyon,
kultura,
pagbubuwis
at
kaunlaran, edukasiyon, urban at social development, at kalusugan.
414
Proseso ng Participatory Budgeting
Maraming hakbang ang isinasagawa sa proseso ng participatory
budgetingsa Porto Alegre, Brazil. Mayroon itong tatlong mahahalagang
elemento: ang Regional/Thematic Assemblies, Fora of Delegates, at
Council of Participatory Budgeting (COP).Makikita sa tatlong ito ang
papel ng mamamayan sa pagbuo ng badyet ng Porto Alegre.
Sa mga Regional at Thematic Assembliestinataya ang mga
Investment Plan ng nakaraang taon. Dito rin tinutukoy ang mga
priyoridad na proyekto ng bawat regional at thematic assembly. Sa
puntong din ito nagkakaroon ng mga halalan ng magiging miyembro ng
Fora of Delegates at Council of Participatory Budgeting. Ang mga
nahalal na miyembro ng Fora of Delegates ay ang magsisilbing
tagapamagitan sa mga mamamayan at sa Council of Participatory
Budgeting (COP). Kanila ring susubaybayan ang pagpapatupad ng
inaprubahang investment plan.Tungkulin naman ng mga miyembro ng
COP ang pagtatakda ng mga pamantayan sa pag-alam kung saan
ilalagak ang pondo ng kanilang lungsod. Ang mga miyembro ng COP
ang may tungkuling makipag-negosasyon sa lokal na pamahalaan sa
pagbalangkas ng badyet ng kanilang lungsod.
Nagdulot ang inisyatibong ito ng Porto Alegre ng pag-unlad ng
antas ng pamumuhay ng kanilang mamamayan mula sa malalang
suliranin ng kahirapan sa bayan. Nakapagbigay rin ng mas maraming
serbisyo ang pamahalaang lokal sa mamamayan nito tulad nang mas
maayos na pangongolekta ng basura, pagkakaroon ng malinis na tubig,
at paglalagay ng mga ilaw sa daan. Bumaba ang antas ng infant
mortality at maging ang bilang ng mga batang natigil sa pag-aaral. Sa
kabuuan, nakabuti sa pamumuhay ng mga taga-Porto Alegre ang
sistema ng participatory budgeting dahil ang pondo ng bayan ay
nailalagak sa mga proyektong pinakakailangan ng mamamayan. Ito ay
naging posible dahil sa mahalagang papel na ginampanan ng
mamamayan sa paglalagak ng badyet.
415
Case Study # 2: Participatory Governance sa Pilipinas
Ang konsepto ng participatory governance ay hindi bago sa ating
mga Pilipino. Sa katunayan, ang Local Government Code of 1991 ay
isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa
pamamahala(Blair, 2012). Ayon sa batas na ito, ibinaba ng pambansang
pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan ang ilang tungkulin sa
pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan tulad ng mga may kinalaman
sa kalusugan, edukasyon at iba pang serbisyo tulad ng mga
imprastruktura kung saan kabilang ang pagpapatayo ng mga kalsada at
mga pampublikong pamilihan.
Kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng papel ng mga
people’s
organization
at
non-governmental
organization
sa
pamamahala ng mga bayan o lungsod. Binigyang-diin ng batas na ito
na ang papel ng mga Pilipino sa pamamahala ay hindi limitado tuwing
araw lamang ng eleksiyon sa halip ay isang pang-araw-araw na
tungkulin ng bawat isa sa atin. Binigyang-anyo ng LGC ang mekanismo
kung paano maaaring maging aktibong kabahagi ang mamamayan sa
pamamahala.
Isa sa magandang halimbawa ng participatory governance sa
bansa ay ang Lungsod ng Naga na pinasimulan ng dating alkalde nito,
ang yumaong Kng. Jesse Robredo. Noong 1995, nagpalabas ng isang
ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Naga na nag-aanyaya sa lahat
ng mga NGO sa bayan na lumahok sa itatatag na Naga City People’s
Council (NCPC). Mula sa mga miyembro ng mga NGO na lumahok sa
NCPC ay pipili ang konseho ng mga magiging miyembro ng iba’t ibang
komite ng konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal na
kawanihan ng lokal na pamahalaan. Binubuo nito ang 25% ng mga
miyembro sa mga nabanggit na sangay ng lokal na pamahalaan, bukod
416
pa sa mga konsehal na inihalal ng taumbayan. Tungkulin ng mga
miyembro ng NCPC na makilahok sa talakayan, bomoto at
magpanukala ng mga batas at ordinansa sa mga komite ng
konseho(Blair, 2012). Dahil sa pagkakaroon ng papel sa lokal na
pamahalaan ng mga samahang kumakatawan sa iba’t ibang interes ng
mamamayan,binigyan ng sistemang ito nang mas malawak na boses
ang mga mamamayan ng Naga sa pagpapanukala ng mga ordinansa at
programa na makatutulong sa kanila.
Naging bahagi rin ng mahahalagang sangay ng lokal na
pamahalaan tulad ng Investment Board at Urban Development and
Housing Board ang mga miyembro ng NCPC. Ang Naga, katulad ng
Porto Alegre, ay nagpapatupad din ng participatory budgeting kung
saan ang NCPC naman ang katuwang ng lokal na pamahalaan sa
pagpaplano at alokasiyon ng badyet ng Naga (Blair, 2012). Sa kabuuan,
nagdulot ng transparency sa pamahalaan at mutual trust sa pagitan ng
mamamayan at ng mga lokal na opisyal ang sistemang ito ng
participatory governance sa Naga (ANGOC, 2006).
Bukod dito, nagpatupad pa ang lokal na pamahalaan ng mga
programang
mas
nagpalakas
sa
mekanismo
ng
participatory
governance sa lungsod. Ang isa rito ay ang productivity improvement
programna nag-ayos sa benepisyong nakukuha ng mga kawani ng lokal
na pamahalaan. Nagpatupad din ang lokal na pamahalaan ng private
sector human resource management techniques para sa mga
empleyado ng pamahalaang lungsod na may layuning mas mapaayos
ang serbisyong kanilang ibibigay sa mamamayan ng Naga. Pinatatag
niya ang Merit & Promotion Board ng lungsod upang maalis ang
patronage system o ang sistemang padrino. Naging tanyag din ang
lungsod dahil saNaga City Citizens Charter, isang gabay na aklat na
nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol sa mga serbisyong
pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan at ang kalakip nitong mga
proseso(Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural
Development (ANGOC), 2006).
417
Ang participatory governance ng lungsod ng Naga ay
nakaangkla sa sumusunod na prinsipyo (ANGOC, 2006):

Progressive development perspective – tumutukoy itosa
paniniwalang kayang mabago ang mga lumang sistema ng
pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan. Binubuo ito ng
pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan, pagpapatatag ng
kakayahan ng pamahalaan at ang pagmamalaki ng mga
Nagueño sa kanilang sarili.

Functional partnerships – Walang monopolyo ang lokal na
pamahalaan lalo na ang mga opisyal nito sa pagbuo ng mga
programa para sa mamamayan ng lungsod. Kaya naman
isinangkot ang mga NGO at PO para sa mas produktibong
serbisyo sa mga Nagueño.

People’s Participation – Kinikilala nito ang napakahalagang
papel ng mamamayan sa pamamahala. Hindi magiging
matagumpay ang anumang programa kung walang suporta ng
mamamayan.
Gawain 21.One Minute Essay
Layunin ng gawaing ito na matukoy ang iyong mga natutuhan
tungkol sa paksang participatory governance. Isang minuto lamang ang
ibibigay sa iyo sa pagsulat ng iyong mga natutuhan. Gamiting gabay ang
sumusunod na katanungan sa pagsulat ng iyong one-minute essay.
My One Minute Essay
Ano ang iyong natutuhan tungkol sa paksang participatory
governance?
_______________________________________________
418
_______________________________________________
Gawain 22.Compare and Contrast Matrix
Kompletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan
ng participatory governance na ginawa sa Porto Alegre, Brazil at sa
Lungsod ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang mga criteriana nasa unang
kolum sa paghahambing sa dalawang paraan ng participatory
governance.
Porto Alegre
(Brazil)
Lungsod ng Naga
(Pilipinas)
Layunin
Paraan ng
Participatory
Governance
Epekto
Papel ng Mamamayan
Papel ng Pamahalaan
Pamprosesong mga Tanong
1. Paano nagkakatulad ang paraan ng participatory governance
sa Porto Alegre at Lungsod ng Naga?
2. Paano nagkakaiba ang paraan ng participatory governance sa
Porto Alegre at Lungsod ng Naga?
3. Ano ang mga kalakasan at kahinaan ng dalawang paraan ng
participatory governance?
419
4. Paano naipakita ng dalawang paraan ng participatory
governance
ang
kahalagahan
ng
mamamayan
sa
pamamahala?
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng participatory
governance?
2. Paano mo ihahambing ang inyong barangay sa ibang lugar
na nagsasagawa ng participatory governance?
3. Ano ang naging epekto ng pagsasagawa ng participatory
governancesa mamamayan ng mga lugar na nagsasagawa
nito?
Mabuting Pamamahala o Good Governance
Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng
eleksiyon, paglahok sa civil society, at pagkakaroon ng participatory
governanceay naglalayong magkaroon ng isang mabuting pamamahala
o good governance.
Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo
Bulatao, ang pinuno ng Local Governance Citizens and Network, ang
governance ay interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan
sa corporate sector, civil society organizations (CSOs), at mga partido
politikal (ANGOC, 2006). Ang mahusay na interaksiyong ito ay
makapagdudulot ng paggawa ng mga polisiya, pagtukoy ng mga
nararapat na priyoridad, paglaan ng yaman, pagpili ng mga opisyal, at
pagsasakatuparan ng mga hakbang.
Bagama’t maraming bansa sa daigdig ang naghahangad na
mangibabaw ang good governance sa kani-kanilang pamahalaan, hindi
420
maikakaila na masalimuot ang konsepto ng good governance dahil sa
iba’t ibang pakahulugan at manipestasyon nito sa isang bansa.
Para sa World Bank, isang pandaigdigang institusyong
pinansiyal na nagpapautang sa mga papaunlad na bansa o developing
countries, ang good governance ay isang paraan ng pagsasakatuparan
ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and social resources” ng
bansa para sa kaunlaran nito (1992 Report on “Governance and
Development). Ang interes ng World Bank patungkol sa governance ay
ang paghahangad nito na magkaroon ng “sustainability” o pagpapanatili
ng mga proyektong pinansiyal na tinustusan ng World Bank.
Sa huling dekada ng ika-20 siglo hanggang sa pagpasok ng ika21 siglo, patuloy na nakapokus ang World Bank sa isyu ng pamamahala
at pagtakda ng global agenda tungkol sa kalidad ng pamamahala sa
konteksto ng mga polisiya at estratehiyang pangkaunlaran. Maaari
lamang maganap ang sustainable development ng isang bansa kung
mayroon itong “predictable and transparent framework of rules and
institutions” para sa mga negosyong pampubliko at pribado. Lumilitaw
na ang katuturan ng good governance para sa World Bank ay ang
pagkakaroon ng isang bansa ng bukas at malinaw na polisiyang
pangkaunlaran, may mataas na kalidad ng propesyonalismo sa
burukrasya, at mapanagutang pamahalaan sa mga aksyon nito. Sa
kabila ng pagbibigay-halaga sa aspektong politikal ng good governance,
higit na pinagtutuonan ng pansin ng World Bank ang aspektong
ekonomikal, at ang good governance ay katumbas ng “mabuting
pangangasiwang pangkaunlaran” ng bansa.
Makikita sa talahanayan ang anim na dimensiyon ng good
governance mula sa mga mananaliksik ng World Bank Institute.
421

Voice and accountability, which includes civil liberties and
political stability;

Government effectiveness, which includes the quality of policy
making and public service delivery;

The lack of regulatory burden;

The rule of law, which includes protection of property rights;
and

Independence of the judiciary; and control of corruption.
(Kaufmann, Kraay and Zoido-Lobaton 1999)
Ibinilang
naman
ng
IDA
o
International
Development
Association, isang kasapi ng World Bank Group, ang good governance
bilang isa sa apat na salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng
yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng poverty o
kahirapan sa isang bansa. Kung ang bansang pauutangin ay may
mahinang pamamahala o “weak governance”, maaaring itigil o hindi ito
mapautang ng World Bank. Ang mga indikasyon sa pagtataya ng good
governance ay pananagutang pinansiyal (financial accountability),
transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at
procurement processes, “rule of law”, at partisipasyon ng civil society sa
mga pinaplano at isasagawang estratehiyang pangkaunlaran.
Maliban sa World Bank at IDA, inilahad din ng OHCHR o Office
of the High Commissioner for Human Rights (2014) ang pakahulugan
nito sa good governance. Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga
pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko,
nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pangaabuso at korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law. Ang tunay
na manipestasyon ng pagkakaroon ng good governance ay ang antas
ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat
ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.
422
Paano matitiyak ng mamamayan kung nananaig ang good
governance sa isang lipunan o bansa? Matutunghayan sa kasunod na
diyagram ang ilan sa mga katangian ng good governance.
Consensus
orientation
Effectiveness at
efficiency
Resource
prudence
Transparency
Rule of Law
Responsiveness
GOOD
GOVERNANCE
Participation
Equity
Ecological
soundness
Accountability
Strategic vision
Empowering
Partnership
Legitimacy
Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang
partisipasyon ng lahat ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan
ng mga institusyong kanilang kinakatawan. Sarule of law, nararapat na
maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao nang
patas at walang kinikilingan. Binibigyang-pansin din sagood governance
ang equity o pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na
mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan. Saconsensus
orientation, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay
pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung
ano ang pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa
kabuuan. Sastrategic vision, nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan
at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective
para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao. Ayon sapartnership,
hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala
nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o
pribado.
Bukod sa tinalakay na mga katangian ng good governance,
mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang dalawa sa katangian ng good
governance: ang kapananagutang politikal at katapatan. Ipinakikita
ritong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang
423
pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa mamamayan
pagdating sa mga pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang
interes ng isang pamayanan at ng bansa sa kabuuan.
Binibigyang-linaw
ng
kapananagutanang
taglay
na
kapangyarihan at katungkulan ng mga pinuno upang gampanan ang
responsibilidad na nakaatang sa kanila. Sa pagkakataong ito, madaling
matukoy kung sino ang responsable at may pananagutan sa
komunidad.
Ipinahayag
din
ni
Bulatao
na kabilang
sa
may
pananagutang ito ang lahat ng stakeholder tulad ng mga negosyante at
community-based organization ngunit higit ang pananagutan ng mga
inihalal at hinirang na mga opisyal ng pamahalaan.
Ang katapatannaman ay tumutukoy sa malayang daloy ng
impormasyon sa lahat ng transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng
pamahalaan. Sa pagkakaroon ng transparency, binibigyan ng
pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa
nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
Binigyang-diin
ang
kapanagutan
at
katapatan
ng
mga
pampublikong opisyal ng pamahalaan sa Artikulo XI ng Saligang-batas
ng 1987 ng Pilipinas na pinamagatang “Kapanagutan ng mga Pinunong
Pambayan.” Nakasaad sa loob ng kahon ang tungkol sa Seksiyon 1 ng
naturang artikulo.
SEK1. Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan.
Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakailangang
mamalaging nananagutan sa mga taong-bayan, maglingkod sa kanila na
taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at
kahusayan, manungkulan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan
at mamuhay nang may pagpapakumbaba.
424
Hindi magiging posible ang pagkakaroon ng isang mabuting
pamamahala kung walang kapananagutan at katapatansa panig ng
pamahalaan at mamamayang laging mulat sa mga gawain ng
pamahalaan. Kaya naman mahalagang magsagawa ang mamamayan
ng iba’t ibang paraan ng politikal na pakikilahok: pagboto, pagsali sa civil
society, at pakikilahok sa participatory governance. Kung ang
mamamayan ay laging naggigiit sa mga opisyal ng pamahalaan na
magkaroon ng kapananagutan sa kanilang tungkulin at maging bukas
sa pagpapatupad ng mga ito, malaki ang posibilidad na mabawasan
kung hindi man tuluyang mawala ang mga suliranin ng pamahalaan
tulad ng katiwalian.
Gawain 23. Tsart ng Mabuting Pamamahala
Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng
hinihinging datos at sagot tungkol sa good governance.
ayon sa World Bank
ayon sa
ayon sa
at IDA
OHCHR
sariling pagkaunawa
Good Governance
Ano ang dapat gawin
ng pamahalaan?
Ano ang partisipasyon ng
mamamayan?
425
Gawain 24.Hagdan Patungong Mabuting Pamamahala
Ang gawaing ito ay naglalayong tukuyin kung iyong naunawaan
ang mahahalagang konsepto ng politikal na pakikilahok. Punan ang
ladder graphic organizer ng wastong titik
A. advocacy
campaign
E. participatory
governance
I. public
hearing
M. public
consultation
B. paglahok sa
civil society
F. demand sa
pamahalaan
J. participatory
budgeting
N. voluntary
organizations
C. kilos protesta D. lipunang
pagkilos
G. mabuting
H. NGOs
pamamahala
K. pagboto
L. POs
O. paglahok sa pagbuo at
pagpapatupad ng programa
kasama ang pamahalaan
Tinalakay sa bahaging ito na malaking papel na ginagampanan ng
mamamayan upang magkaroon ng mga pagbabago sa lipunan. Ang lahat ng ito
ay makatutulong para makamit natin ang hinahangad nating pagbabago: mula sa
tradisyonal na paraan ng pakikilahok tulad ng pagboto hanggang sa
pagsasagawa ng participatory governance.
426
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagawa ang mga gawain sa bahaging ito ng
modyul. Maging handa para sa mga gawain na nasa susunod na bahagi:
ang PAGNILAYAN at UNAWAIN.
PAGNILAYAN at UNAWAIN
Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol
sa mga politikal na pakikilahok ay bibigyan ng malalim na
pagsusuri sa pamamagitan ng pag-ugnay nito sa mga isyu
at hamong panlipunang nakapaloob sa mga nakaraang
markahan.
Gawain 25.Katangian ng Aktibong Mamamayan
Muling balikan ang inyong binuong listahan ng mga katangian
ng isang aktibong mamamayan sa gawain 3. Sundin ang sumusunod na
panuntunan:
1. Gamit ang inyong mga natutuhan mula sa buong
modyul na ito ay baguhin/ayusin/panatilihin ang inyong
listahan
ng
mga
katangian
ng
isang
aktibong
mamamayan.
2. Ito ay muling iuulat sa klase at ipaliwanag kung bakit
binago/inayos/pinanatili ang mga katangiang nasa
listahan.
427
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga nabagong katangian ng isang
aktibong mamamayan?
2. Ano-ano naman ang mga katangiang napanatili sa
listahan?
3. Ano ang inyong ginawang batayan para sa pagbabago
at pagpapanatiling ito?
Gawain 26. My IRF Clock
Sa puntong ito ay inaasahan na mayroon ka nang malalim na pagunawa sa mga paksa ng modyul na ito: konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan, karapatang pantao, at politikal na pakikilahok. Kaya,
saguting muli ang pokus na tanong sa My IRF Clock at ilagay ito sa bahagi ng
Final Idea.
Ano ang iyong maaaring gawin para tugunan ang mga
isyung panlipunan sa kasalukuyan?
Final
Refined
Initial
428
ILIPAT/ISABUHAY
Sa pagkakataong ito, isagawa mo ang huling yugto ng
Modyul 4, ang ILIPAT/ISABUHAY. Gamit ang kaalaman na
iyong natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto at pagsagot sa
mga gawain, ihanda ang sarili sa paggawa ng susunod na
proyekto.
Gawain 27. Case Study: The Final Task
Ang gawaing ito ay ang pagpapatuloy ng Gawain 20.Isaalangalang ang sumusunod na panuntunan:
1. Muling balikan ang Gawain 20 na may kaugnayan sa isinagawang
mapping ng mga NGO at PO sa inyong komunidad o barangay.
2. Pumili ng isang NGO/PO na nais ipokus sa gawaing ito. Sa patnubay
ng
inyong
guro
o
magulang,
humingi
ng
pahintulot
na
makapagpanayam sa mga opisyal ng NGO/PO. Ilahad sa liham ng
pahintulot ang dahilan ng panayam at petsa kung kalian maaaring
isagawa ang panayam.
3. Gawing gabay ang sumusunod na pormat sa pagsagawa ng Final
Task, Panayam, at Konklusyon.
IMPORMASYON NG PANGKAT
a. Baitang at seksiyon: ______________________________
b. Pangalan ng pangkat: ______________________________
c. Pinuno: _________________________________________
d. Mga Kasapi:
________________________ _______________________
________________________ _______________________
NGO/PO na KAKAPANAYAMIN
a. Pangalan ng NGO/PO: ______________________________
________________________________________________
b. Kasapi ng Komunidad na Kinakatawan:
_________________________________________________
_________________________________________________
c. Adhikain/ adbokasiya ng samahan:
429
_________________________________________________
_________________________________________________
MGA TANONG SA PANAYAM:
1. Aktibo po ba ang inyong samahan sa kasalukuyan?
2. Nakikipag-ugnayan po ba ang inyong samahan sa pamahalaang
Barangay/Bayan/Lungsod na inyong kinabibilangan?
3. May kinatawan po ba ang inyong samahan sa People’s Council ng
inyong Pamahalaang Barangay/Bayan/ Lungsod?
4. Kung wala po kayong kinatawan sa People’s Council, ano po ang
inyong paraan upang maiparating ang inyong adbokasiya sa mga
opisyal ng pamahalaan?
5. Sa paanong paraan po aktibo ang inyong partisipasyon sa
pamahalaan?
6. May mga pagkakataon po ba na nahihirapan ang inyong samahan
na maiparating ang inyong adbokasiya sa pamahalaan? Bakit?
7. Ano po ang inyong mungkahi upang magkaroon ng boses at higit na
maging aktibo ang inyong partisipasyon sa pamahalaan?
8. May mga paraan po ba kayo na mahikayat din ang iba pang
miyembro ng inyong komunidad na mapabilang sa inyong samahan
at
adbokasiya?
Ano-ano
pong
paraan
ang
inyong
isinagawa/isasagawa?
4. Bumuo ng Evaluation Report tungkol sa isinagawang panayam.
Isaalang-alang ang sumusunod na bahagi sa paggawa ng ulat:
a. Unang Bahagi – Buod ng Panayam na kinabibilangan ng
mga sagot ng kinapanayam na opisyal ng piniling NGO/PO.
b. Ikalawang Bahagi – Paglahad ng konklusyon batay sa
naging partisipasyon ng piniling NGO/PO sa pamahalaan.
430
c. Ikatlong Bahagi – Pagbigay ng mungkahi/rekomendasyon sa
kung paano higit na mapalalakas ang partisipasyon ng mga
opisyal at miyembro ng piniling NGO/PO sa pamahalaan.
5. Ang
sumusunod
na
mga
pamantayan
ang
gagamitin
sa
pagmamarka.
Pamantayan
Nilalaman ng
Evaluation Report
4
3
2
1
Kompleto ang
tatlong bahagi ng
nilalaman ng
Evaluation Report;
May isang nawala
sa nilalaman ng
Evaluation Report;
May dalawang
nawala sa
nilalaman ng
Evaluation Report;
Hindi kompleto ang
lahat ng bahagi ng
Evaluation Report;
100% ng datos ay
komprehensibong
na naitala sa ulat;
May 1-3 sa mga
datos ang hindi
komprehensibong
naitala sa ulat;
May 4-6 sa mga
datos ang hindi
komprehensibong
naitala sa ulat;
Higit sa 6 sa mga
datos ang hindi
komprehensibong
naitala sa ulat;
100% na wastoang
mga tala sa ulat
May 1-3 sa mga
tala ng ulat ang
hindi wasto
May 4-6 sa mga
tala ng ulat ang
hindi wasto
Higit sa 6 sa mga
tala ng ulat ang
hindi wasto
Pamamaraan sa
Pagsagawa ng
Case Studyat
Pagbuo ng
Evaluation Report
Wasto at angkop
ang pamamaraan
sa pagsagawa ng
case study
at mahusay ang
pagdokumento ng
Evaluation Report
Wasto at angkop
ang higit sa 75% ng
pamamaraan
at mahusay ang
pagdokumento ng
ulat
Wasto at angkop
ang 50% ng
pamamaraan
at may pagalinlangan sa
pagdokumento ng
ulat
Mahigit sa 75%
ang hindi wasto
ang pamamaraan
at may pagalinlangan sa
pagdokumento ng
ulat
Paglahad
ng kongklusiyon,
mungkahi/
rekomendasiyon
Komprehensibo
ang paglahad ng
kongklusyon;
naipakita ang tunay
na situwasyon ng
piniling NGO/PO;
Komprehensibo
ngunit may 1-2 tala
sa kongklusyon ang
hindi akma o
nagpapakita ng
tunay na
situwasyon ng
piniling NGO/PO;
May 3-4 na tala sa
kongklusyon ang
hindi akma o
nagpapakita ng
tunay na
situwasyon ng
piniling NGO/PO;
May 5 o higit pang
tala sa
kongklusyon ang
hindi akma o
nagpapakita ng
tunay na
situwasyon ng
piniling NGO/PO;
Nakapagbigay ng 4
o higit pang
mungkahi/
rekomendasyon sa
piniling NGO/PO;
Nakapagbigay ng
tatlong mungkahi/
rekomendasyon sa
piniling NGO/PO;
Nakapagbigay ng
dalawang
mungkahi/
rekomendasyon sa
piniling NGO/PO;
Nakapagbigay ng
isang mungkahi/
rekomendasyon sa
piniling NGO/PO;
Makatotohanan ang
mga iminungkahi/
May isang
mungkahi/
May dalawang
mungkahi/
May 3 o higit pang
mungkahi/
431
rekomendasyon sa
piniling NGO/PO
rekomendasyon
ang hindi
makatotohanan
rekomendasyon
ang hindi
makatotohanan
rekomendasyon
ang hindi
makatotohanan
6. Isunod ang pag-uulat sa klase.
PAGLALAGOM
Ang
Araling
Panlipunan
10
na
pinamagatang
“Mga
Kontemporaryong Isyu” ay napapanahong paksa sa mga mag-aaral
dahil binibigyang-diin nito ang makalinang ng kabataang Pilipinong may
malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bansa sa kasalukuyan. Ang
mga nakapaloob na isyu at hamong panlipunan sa modyul na ito ay
humihikayat sa pagsusuri ng mga napapanahong isyu sa ating
kapaligiran, ekonomiya at kabuhayan, kasarian at lipunan. Kabilang din
ang pag-unlad ng konsepto ng Pagkamamamayan, mga taglay na
karapatang pantao ng mamamayan, at kanilang gampanin sa paggiit ng
kanilang partisipasyon sa pamahalaan.
Sa Modyul 1, ipinaunawa sa atin na likas ang mga panganib sa
kapaligiran tulad ng lindol, pagputok ng bulkan, at bagyo. Ang paglubha
ng mga panganib na ito ay dulot din ng tao. Kabilang sa mga salik nito
ay mabilis na paglaki ng populasyon, pagtaas ng antas ng
industriyalisasyon, walang habas na paggamit ng mga likas na yaman
at iba pang gawain ng tao na nakapagpapaigting nang hindi mabuting
epekto ng mga sakuna.
Sa pagsagot sa mga hamon ng kapaligiran, patuloy na
gumagawa ng hakbang ang pamahalaan ng mga paraan upang
malimitahan
ang
hindi
mabuting
bunga
ng
mga
suliraning
pangkapaligiran sa bansa. Ilan dito ay pagpasa ng mga batas na may
kaugnayan
sa
kapaligiran,
pangunguna
sa
mga
programang
pangkaligtasan tulad ng disaster risk reduction management, at
paglahok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga proyektong
may kaugnayan sa kapaligiran.
432
Inilahad din sa unang modyul na ang mamamayan ang may
malaking ambag sa paglubha ng mga sakunang pangkapaligiran. Dahil
dito, nararapat lamang na maging bahagi tayo sa pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran tulad ng seryosong pagsunod sa batas
pangkalikasan, pakikilahok sa mga programang pampamahalaan, at
paghihikayat sa ibang tao na maging aktibo sa pangangalaga sa
kalikasan.
Sa
Modyul
2,
tinalakay
ang
malaking
kaugnayan
ng
pagbabagong pang-ekonomiya sa buhay ng mga Pilipino. Tinalakay sa
mga aralin ang pagbabago sa sistema ng paggawa tulad ng pag-igting
ng ugnayan ng internasyunal at lokal na namumuhunan at pagbabago
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Dahil sa mga pagbabagong
ito, nagkaroon ng hamon sa pamahalaan na tugunan ang mga
pagbabagong pang-ekonomiya upang mapakinabangan ang mga ito na
hindi masasakripisyo ang kabutihang panlahat. Ilan sa inilahad na
hakbang ay ang proteksiyon sa maliliit na namumuhunan, paglikha ng
mga trabaho, at mahusay na pagpapatupad ng mga batas para sa
kapakanan ng mga manggagawa.
Para sa mamamayan, nararapat na taglayin nito ang matalinong
pagpapasiya sa usaping tulad ng pagkonsumo, sa trabahong pipiliin, at
sa isyu ng pananatili o paglisan sa bansa upang maghanapbuhay.
Sa Modyul 3, binigyang-pansin ang isyu ng paggalang at
pagkakapantay-pantay ng tao ano man ang kaniyang sekswalidad:
lalaki, babae, o bilang isa sa LGBTQ. Sa Pilipinas, hindi maikakailang
nagpapatuloy pa rin ang diskriminasyon pagdating sa gender at
identidad. Ilan sa mga ito ay ang samu’t saring karahasang nagdudulot
ng seryosong panganib sa buhay ng mga biktima, diskriminasiyon sa
paggawa, hanapbuhay, at promosyon, at maging sa hindi pantay na
pagtrato sa lipunang kanilang kinabibilangan.
Ang
maigting
na
panawagan
ng
mga
samahang
pangkababaihan at LGBT na maibsan ang isyu sa gender at identidad
ang binigyang-tuon ng pangatlong modyul. Ang pagtugon ng
pamahalaan tulad ng paglikha ng CEDAW at GAD, at pagtakda ng
433
Magna Carta for Women ay nagpapakita ng pagsisikap ng Estado na
mabigyang-lunas ang diskriminasiyon at karahasan sa mga indibiduwal.
Sa kabila nito, patuloy na hinahangad ng iba’t ibang
organisasyong pangkababaihan at LGBT na itaguyod ang tunay na
paggalang at pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagtanggap
ng Yogyakarta Principles at seryosong pagpapatupad ng mga batas
laban sa diskriminasyon at karahasan sa bawat tao ano man ang
kasarian at identidad nito.
Sa Modyul 4 na pinamagatang “Ang Pagkamamamayan”, sinuri
ang bahaging ginagampanan ng mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan. Naunawaan mo ang pagbabago ng konsepto ng
Pagkamamamayan mula sa tradisyonal na pananaw patungo sa
lumalawak na kahulugan ng pagkamamamayan.
Binigyang-diin ng paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan
ang papel ng mamamayan na hindi lamang bilang tagamasid sa
lipunang ginagalawan kundi ang pagkakaroon ng aktibong pakikilahok
sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan. Ipinakita rin sa
lumawak na konsepto ng Pagkamamamayan ang pagiging masigasig
ng bawat isa na harapin ang mga suliranin at maging aktibo sa
paghanap ng solusyon sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo sa
pamahalaan at pakikiisa sa mga gawaing makatutulong upang
mabigyang-lunas ang mga isyung kinakaharap ng bansa.
Tinalakay rin sa huling modyul ang mga karapatang pantao na
taglay ng bawat mamamayan at ang mga karapatang ito na nag-ugat sa
umiiral na Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas at ng Universal
Declaration of Human Rights ng United Nations. Ipinakita rin saaraling
ito na ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ay
hindi dapat tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito. Bagkus,
tungkulin ng mamamayan na aktuwal na igiit at isakatuparan ang mga
karapatang ito upang higit na maipakita ang kanilang aktibong
pakikilahok sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan.
May iba’t ibang paraan upang aktibong makilahok ang
mamamayan. Isa rito ay eleksiyon na itinuturing bilang pinakapayak na
434
paraan ng pakikilahok. Tungkulin ng bawat mamamayan ang pumili ng
magiging pinuno ng bansa na maglilingkod at mangangalaga sa mga
karapatang pantao ng bawat indibiduwal. Bukod sa eleksiyon, higit na
maisasakatuparan ang tunay na pakikilahok ng mamamayan sa
pamamagitan ng pagiging aktibo sa civil society, pagiging kaanib sa
mga NGO at PO, pagiging seryoso na makabahagi sa participatory
governance, at paggiit sa pamahalaan na magkaroon ng mapanagutang
politikal at katapatan.
Sa pagtatapos ng asignaturang ito, hinatid ng mga tinalakay na
modyul ang iba’t ibang isyu at hamong panlipunan na tunay na may
malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Sa
pagkakataong ito, hindi lamang mahalaga ang magkaroon ng kaalaman
at pag-unawa sa mga sanhi, bunga, at epekto ng mga nabanggit na
suliraning panlipunan. Higit sa mga ito, dapat taglayin ng bawat
mamamayan ang mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasiya, at
tunay na pagtanggap sa responsibilidad ng pagiging mamamayan --ang maging aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing politikal at
panlipunan, handang itaguyod ang kaniyang mga karapatan, at maging
kabahagi sa bawat hakbang upang makamit ang tunay na pagbabago
at pag-unlad ng kaniyang bansa.
435
GLOSARYO
Bill of Rights (Katipunan ng mgaKarapatan) – tumutukoy sa mga
karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng
1987 Saligang Batas ng Pilipinas
CHR – o Commission on Human Rights; komisyong itinadhana ng
Saligang Batas na maging malaya sa tatlong sangay ng pamahalaan
ng Pilipinas na may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga
karapatang pantao ng lahat ng indibiduwal sa bansa kabilang ang mga
Pilipinong nasa ibayong dagat
Civil Society – isang sektor ng lipunang hiwalay sa Estado. Binubuo
ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang
pagkilos, at mga Non-Governmental Organization/ People’s
Organization
Corruption Perception Index – isang panukat na naglalaman ng
pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang
bansa
Democracy Index – isang panukat na binuo ng Economist Intelligence
Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa
buong mundo
Ekspatrasiyon – kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan.
Hindi maaaring gawin sa panahon ng digmaan
Estado – isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng
sumasakop sa isang tiyak na teritoryo, may panloob at panlabas na
436
soberanya, at may matatag na pamahalaang namamahala sa mga
mamamayan nito
Global Corruption Barometer – kaisa-isang pandaigdigang survey na
nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang
bansa
Good Governance – proseso kung saan ang mga pampublikong
institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa
sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang
mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at
korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law
Karapatang pampolitika – ang mga karapatang pampulitika ay
patungkol sa karapatan ng mga mamamayan na makilahok a
pamamalakad ng pamahalaan
Karapatang sibil – ang mga karapatang sibil ay yaong ipinagkakaloob
sa tao upang matamasa ang kaligayan sa buhay. Kabilang dito ang
karapatan sa buhay, kalayaan at pagtatamao ng kasiyahan sa buhay
Karapatang sosyal – ang mga karapatang panlipunan o sosyal at
ekonomiko ay yaong ipinagkakaloob upang matiyak ang kapakanan at
seguridad ng tao. Ang karapatang mag-asawa, maghanapbuhay at
magmana ng mga ari-arian ay ilan sa mga halimbawa nito
Korapsyon – o katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan
upang palaganapin ang pansariling interes
Magna Carta – dokumentong nilagdaan ni Haring John I ng England
noong 1215 na naglalaman ng ilang karapatan ng mga taga-England
at naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England
437
Mamamayan – pinakamahalagang elemento ng estado. Ang mga tao
ang namamahala at nagsasagawa ng mga gawain ng estado. Kung
walang mamamayan, hindi magkakaroon ng isang estado
Naturalisasyon –prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang
nagnanais maging mamamayan ng isang estado
Non-Governmental Organization (NGO) – isang uri ng boluntaryong
organisasyong naglalayong magbigay ng suporta sa mga programa ng
mga People’s Organization
Pagkamamamayan – (citizenship) pagiging miyembro ng isang
samahang pampolitika at may karapatang sibil at politikal.
Participatory Governance - isang uri ng pansibikong pakikilahok
kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa
suliranin ng bayan
Participatory Budgeting – proseso kung saan magkasamang
babalangkasin ng pamahalaan at ng mamamayan ang budget ng yunit
ng pamahalaan
People’s Organization (PO) – isang uri ng boluntaryong
organisasyong naglalayong isulong ang interes o kapakanan ng sektor
na kinabibilangan ng mga miyembro
Polis – tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na
binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan
Porto Alegre – lungsod sa Brazil na nagpasimula ng participatory
governance
438
Repatrasiyon – kusang loob na pagbabalik sa dating
pagkamamamayan
Saligang-batas – isang katipunan ng mga pangunahing simulain,
pamantayan at doktrinang dapat sundin ng mga mamamayan.
Nakasaad dito ang mga kapangyarihan ng pamahalaan at ang mga
karapatan at tungkulin ng mga mamamayan upang maging matibay
ang pagkakabuklod ng sambayanan
UDHR – o Universal Declaration of Human Rights ay mahalagang
dokumentong tinanggap ng UN General Assembly noong 1948 na
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng
mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural
439
Bibliography
The 11th Commandment for Voters. (2013, May 9). Retrieved March
26, 2014, from Bicol Mai: Bicolandia's Only Regional Newspaper:
http://www.bicolmail.com/2012/?p=8488
Asian NGO Coalition for Agrarian Reform and Rural Development
(ANGOC). (2006). Promoting Participatory Local Governance for
Rural Development. Quezon city: Report of the Third Country
Training Program on Building Capacities of ASIAN NGOs in
Poverty Reduction through Community Actions. .
Bello, W. (2000, May). Civil Society as Global Actor: Pitfalls and
Promises. Retrieved February 15, 2017, from Global Policy:
https://www.globalpolicy.org/component/content/article/177/3163
1.html
Blair, H. (2012). Participatory Budgeting and Local Governance. Visby:
Swedish International Center for Local Democracy.
Cabangon, N. (Composer). (2009). Ako'y Isang Mabuting Pilipino. [N.
Cabangon, Performer] Manila, Philippines.
Cabangon, N. (2010). Ako'y Isang Mabuting Pilipino. Retrieved March
23, 2014, from Lyrics: http://lyrics.rebelpixel.com/2010/06/akoyisang-mabuting-pilipino/
Cebreros, M. T. (2014, January 26). CHR calls for respect for human
rights as houses demolished in Agham Road. Retrieved March
26, 2014, from Commission on Human Rights:
http://www.chr.gov.ph/MAIN%20PAGES/news/PR_26Jan2014_A
gham.htm
Co, E., Lim, M., Jayme-Lao, M. E., & Lilibeth, J. (2007). Philippine
Democracy Assessment: Minimizing Corruption. Pasig: FriedrichEbert-Stiftung.
Commission on Human Rights and Department of Education. (2003).
Facilitator's Manual on Human Rights Educaion: Training Pack
on Human Rights Education for Trainers of Classroom Teachers.
Quezon City/Pasig City: Commission on Human Rights and
Department of Education.
Constantino-David, K. (1998). From the Present Looking Back: A
History of the Philippine NGOs. In G. S. Noble, Organizing for
Democracy: NGOs, Civil Society, and the Philippine State (p. 6).
Honolulu: University of Hawai'i Press.
de Leon, H. S. (2008). Textbook on the Philippine constitution . Manila:
Rex Book Store.
440
Diokno, M. S. (1997). Citizenship and Democracy in Filipino Political
Culture, vol. 1. Quezon City: UP Third World Studies Center.
IFAD Executive Board 67th Session (1999). Good Governance: An
Overview. Rome.
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. (n.d.). Retrieved March
25, 2014, from Official Gazette of the Philippines.
Koryakov, I., & Sisk, T. (2003). Democracy at the Local Level. Retrieved
February 22, 2014, from I Know Politics:
http://iknowpolitics.org/sites/default/files/democracy-locallevelsouthcaucus.pdf
Lacson, A. L. (2005). 12 Little Things EVery Filipino Can Do to Help Our
Country. Quezon City: Alay Pinoy Publishing.
Mangahas, M. (2008, April 19). Filipino Ideals of Good Citizenship.
Retrieved March 19, 2014, from Inquirer:
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080419
-131332/Filipino-ideals-of-good-citizenship
Minos, D. C. (2002, April). Porto Alegre, Brazil: A new, sustainable and
replicable model of participatory and democratic governance?
Retrieved February 28, 2014, from Transnational Institute:
http://www.tni.org/sites/www.tni.org/archives/archives/chavez/por
toalegre.pdf
PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism). (2013, May 10).
Polls may be orderly, peaceful, but vote-buying still a problem.
Retrieved August 21, 2014, from Philippine Center for
Investigative Journalism: www.pcij.org/blog/2013/05/10/pollsmay-be-orderly-peaceful-but-vote-buying-still-a-problem
Putzel, J. (1998). Non-Governmental Organizations and Rural Poverty.
In G. S. Noble, Organizing for Democracy: NGOs, Civil Society,
and the Philippine State (pp. 77-79). Honolulu: University of
Hawai'i Press.
Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August
21, 2014, from Official Gazette:
http://www.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republikang-pilipinas-1987/
Santiso, C. (2001). Good Governance and Aid Effectiveness: The World
Bank and Conditionality. Washington DC: Johns Hopkins
University.
Silliman, G. &. (1998). Introduction. In G. &. Silliman, Organizing for
Democracy: NGOs, Civil Society, and the Philippine State (p.
13). Honolulu: University of Hawai'i.
Sun Star. (n.d.). Retrieved March 26, 2014, from Vote Buying:
http://gallery.sunstar.com.ph/keyword/vote%20buying/
441
UN (United Nations). (2014). The Universal Declaration of Human
Rights. Retrieved 26 2014, March, from United Nations:
http://www.un.org/en/documents/udhr/history.shtml
UNITED NATIONS. (2007). Good Governance Practices for the Protection
of Human Rights. New York and Geneva: United Nations Publication.
UNICEF (United Nations International Children's Emergency Fund).
(2014). UNICEF. Retrieved March 26, 2014, from Rights
Overview: http://www.unicef.org/crc/files/Rights_overview.pdf
United for Human Rights. (2014). Retrieved March 26, 2014, from A
Brief History of Human Rights:
http://www.humanrights.com/what-are-human-rights/briefhistory/cyrus-cylinder.html
United for Human Rights. (2014). A Brief History of Human Rights.
Retrieved August 21, 2014, from United for Human Rights:
http://www.humanrights.com/what-are-human-rights/briefhistory/cyrus-cylinder.html
Vera Files. (2013, February 1). Democracy at Gunpoint: ElectionRelated Violence in the Philippines. Retrieved March 26, 2014,
from Vera Files: http://verafiles.org/taf-vera-files-to-launchdemocracy-at-gunpoint-election-related-violence-in-thephilippines/
Yeban, F. (2004). Requirements of Transformative Education. In A.
Tujan, Transformative Education (pp. 130-143). Quezon City:
IBON Books.
442
Download