PANLINGGONG BLOCK PLAN PARA SA ARALING PANLIPUNAN 10 Pangalan ng Guro: Jeffrey L. Magsayo Jr. Quarter: 1st Week No.: 1 Pamanta yang Pangnila laman Pamanta yan sa Paggana p Pamanta yan sa Pagkatut o Daily Essentia ls Paksa Layunin Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng programang pangkabuhayan (livelihood project) batay sa mga pinagkukunang yaman na matatagpuan sa pamayanan upang makatulong sa paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan. Naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad Natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga kalamidad Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryon g Isyu Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporary ong Isyu (continuation) Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ukol sa Kontemporaryon g Isyu Nakagagawa ng isang slogan sa kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporary ong Isyu para sa kinabukasan ng komunidad. Nakapaglalabas ng saloobin sa epekto ng Kontemporaryon g Isyu sa buhay Mga Suliraning Pangkapaligiran 1. Disaster Risk Mitigation 2. Climate Change (Aspektong Politikal, Pangekonomiya, at Panlipunan) Nakapagliliwanag sa konsepto ng kalamidad at ng mga uri nito. Nakapagbabahagi ng sentimento tungkol sa kapinsalaan ng kalamidad sa buhay at ari-arian ng tao. Mga Suliraning Pangkapaligiran Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Pamayanan Nakapaglilista ng mga suliraning pangkapaligiran sa sariling komunidad Nakapaggagawa ng isang Solution Statement para resolbahin ang mga suliraning pangkapaligiran Summ ative Assess ment at komunidad Level 1 (15%) QA) Knowled ge Activitie s Level 2 (25%) QB) Process Activitie s Level 3 (30%) QC) Understa nding & Reflectio ns Activitie s Level 4 (30%) QB) Activitie s on Products or Performa nces Gawain No.1. Palabunutan! Gawain No.2. Bigyan mo! Nakapaguugnay gamit ang Venn Diagram sa ugnayan ng gawain at desisyon ng tao sa harap ng kalamidad Gawain No. 6. Pagtataya Nakapaglalahad gamit ang dula sa mga paghahanda sa harap ng kalamidad Gawain No.1. Quiz Bowl Gawain No.2. Pagbuo ng sariling depinisyon sa sariling komunidad Gawain No. 8. Think, Pair, Share Gawain No.3. Gallery Tour Gawain No.4. Compare and Contrast Gawain No. 3. Talakayin Mo! Gawain No. 4. Ilabas Mo! Gawain No. 5. Isigaw Mo! Gawain No.5 Charades Gawain No.6. Sharing Gawain No. 7. Palaganapi n Mo! Gawain No.7. Comical Skit Gawain No.9. Group Investigation and Solution Making Summ ative Assess ment Teacher’ s Remarks Principal ’s Commen ts MGA GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN No. 1 Sabdyek: Araling Panlipunan Taon: 10 Pamantayang Kasanayan: Naipaliliwanag ang konseptong Kontemporaryong Isyu Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa isyu sa mga Kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig. Paksa: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu Layunin: Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ukol sa Kontemporaryong Isyu Nakapaglalabas ng saloobin sa epekto ng Kontemporaryong Isyu sa buhay at komunidad Nakagagawa ng isang slogan sa kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu para sa kinabukasan ng komunidad. Gawain No.1. Palabunutan! Bilang pambungad na gawain, magpapalabunutan ang guro sabay sa saliw ng musika sa mga mag-aaral na nagtataglay ng mga tanong na kailangan nilang sagutin ng makatotohanan. Bawat mag-aaral na sasagot ay bibigyan ng puntos bilang partisipasyon sa klase. Ang mga katanungan ay: 1. Ano ang pinoproblema mo ngayon? Bakit? 2. Sino ang pinoproblema mo ngayon? Bakit? 3. Kailan mo resosolbahin/sosolusyunan ang problema mo? Bakit? Ang mga kasagutan ng mag-aaral ay siyang gabay para mapakilala sa kanila ang paksa sa araw na ito. I. Pagkilala sa Paksa (Kaalaman) Gawain No.2. Bigyan mo! Papangkatin ang klase sa tatlo at bibigyan ang bawat isa ng isang cartolina at pentelpen. Bubuuin nila ang acronym sa ibaba. Panuto: Punan ng mga salita ang bawat letra na naglalarawan kung ano ang kontemporaryong isyu. Gawing batayan ang sa pagpuna ang halimbawa para makompleto ang acronym. kyoonntgem-apanganib ips-salot oyruar- Bibigyan ng labing-limang (15) minute ang bawat grupo sa gawain. Pagkatapos, isang maikling presentasyon ang grupo ng isang representante para mareport ang natapos nila. Pagkatapos ng lahat ng presentasyon ay magtatanong ang guro ng mga pamprosesong tanong sa gawain. 1. Ano ang mahihinuha niyo sa mga salita na naglalarawan sa kontemporaryong isyu? Pangatwiranan. 2. Base sa mga salita, ano ang pagkakaintindi niyo sa kontemporaryong isyu? Bakit? 3. Ano ang meron sa kontemporaryong isyu na dapat nating pagaralan? Pangatwiranan. 4. Kung ganoon ang pagkakaintindi ninyo, ano nga ba ang kontemporaryong isyu? II. Pagdebelop sa Kakayahan (Proseso) Gawain No. 3. Talakayin Mo! Gamit ang dayagrama sa ibaba, hahayaan na ang mga mag-aaral ang magtatalakay nito sa patnubay ng guro para mas magkaroon sila ng interaksyon sa paksa at sa ibang mag-aaral. Sa gitna ng pagtatalakay ay itatanong ng guro ang mga pamprosesong tanong. Mga Pamprosesong Tanong 1. Paano nagkakaroon ng isyu? 2. Paano nakakaapekto ang mga kontemporaryong isyu sa buhay ng tao? 3. Paano nakakaapekto ang mga kontemporaryong isyu sa ekonomiya ng bansa? Gawain No. 4. Ilabas Mo! Sa nabuong grupo kanina, gagawa sila ng comical skit na nagpapakita ng pagusbong ng kontemporaryong isyu sa pamayanan. Bibigyan sila ng tig-iisa-isang isyu na kanilang idudula. Bawat grupo ay magsasadula ng 2-3 minuto, at bibigyan sila ng 10 minuto para magplano at magensayo. Group 1 Group 2 Group 3 - Same-Sex Marriage - Climate Change - Marawi Crisis Ang comical skit ay ire-rate base sa rubrik sa ibaba. Content Delivery Impact - 50% - 25% - 25% 100% III. Pagbuo ng Kahulugan (Pagunawa at Repleksyon) Gawain No. 5. Isigaw Mo! Ang mga mag-aaral ay ipoporma ang klase ng oval shape. Ang guro ay magtatanong ng mga katanungan base sa mga gawain kanina. Ang sharing ay sunod-sunod sa hanay ng oval. Ibig sabihin, lahat ng mag-aaral ay makapagbibigay ng kanilang sagot sa mga katanungan. Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ibahagi sa klase ang iyong karanasan sa gawain kanina. 2. Sa tingin mo ba naging mapagmatiyag ka sa iyong paligid? Sa paanong paraan? 3. May saysay ba ang pagsasadula ng mga kontemporaryong isyu kahit nakakatawa? 4. Paano naging makabuluhan ang pagkatuto ng mga kontemporaryong isyu sa buhay mo ngayon? 5. Paano mo masasabi na mahalaga ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu? 6. Sa gawaing ito nagbigay ba ito ng daan para mas maging mapagmatiyag ka sa mga nangyayari sa paligid mo? Bakit? Gawain No. 6. Pagtataya 1. Walang anu-anuy hinampas ni Teodoro gamit ang batuta ang kanyang asawa na si Alice. Anong tawag sa isyung ito? a. Adultery b. Concubinage c. Human Rights Violation d. Reproductive Health Law 2. Ito ay isang halimbawa ng isyung pangkapaligiran. a. Terorismo b. Climate Change c. Bugaw d. Korapsyon 3. Ang tawag sa isyung panlipunan na inaabuso ang mga taong iba ang race na kinabibilangan. a. propaganda b. rasismo c. bugaw d. halalan 4. Ang kontemporaryong isyu na kinabibilangan ng gobyerno. a. isyung pangkalakalan b. isyung pangkapaligiran c. isyung pangkalusugan d. isyung panlipunan 5. Paggamit sa iyong katalinuhan para makabuo ng solusyon sa isang isyu. a. paglinang sa kritikal na pag-iisip b. pag-ugnay sa sarili sa isyu c. pagpapahalaga sa tauhan d. wala sa nabanggit. 6. Ang Kto12 ay isang halimbawa ng isyung _____________. a. pangkalakalan b. pangkalusugan c. panlipunan d. pangkapaligiran 7. Magiging miserable ang bansa kapag hindi naagapan ang mga kontemporaryong isyu. a. Tama b. Mali c. Depende d. Undecided 8. Lahat ay mga halimbawa ng isyung panlipunan maliban sa isa. Ano ito? a. halalan b. edukasyon c. korapsyon d. Avian flu 9. Mahalagang matutunan ang mga kontemporaryong isyu para sa ikagaganda ng buhay ng magisa. a. Tama b. Mali c. Hindi ko alam d. wala sa nabanggit 10. Alin sa nabanggit ang halimbawa ng isyung pangkalakalan? a. Halalan b. Climate Change c. Import/Export d. Korapsyon 11-15. Magbigay ng limang kahalagahan kung bakit kinakailangan nating alamin at makialam sa mga kontemporaryong isyu na nagaganap sa komunidad. (5pts.) IV. Pagkatuto ng Husto (Product or Perfromances) Gawain No. 7. Palaganapin Mo! Ang mga mag-aaral ay maghahanap ng kapareha/kapartner. Bawat pares ay gagawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu sa bansa. Sa loob ng isang araw lamang nila ito gagawin. Matapos ang paggawa ay ipapaskil ito sa mga dinding ng silid-aralin at mag-ga-gallery tour ang mga mag-aaral para matunghayan rin nila ang gawa ng iba pa nilang kaklase. Ang guro ang siyang magdedeklara sa panalo kapag pasok ang nagawang slogan sa rubric na ito: Nilalaman Pagkamalikhain Mensahe Total Nagpapakita ng napakaraming ideya na pinasok sa isang salita o parirala para magbigay ng nakakamanghang mensahe. Nagpapamalas ng kakaibang talento sa paggamit ng mga kulay at pamamaraan na nagpapaganda sa slogan. Ang mensaheng dala ng slogan ay nakakaantig-damdamin at nakakadala ng pagnanasa na sundin ang slogan 7 2 1 10