Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

advertisement
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO
Panimula
Ang epektibong pagpapahayag sa sariling pananaw, opinyon at ideya tungkol sa
isang paksa sa pasulat na anyo gamit ang ating sariling wika ay isang kasanayan na
dapat malinang sa bawat mag-aaral. Ang kasanayang ito ang huhubog ng tiwala sa sarili
at kakayahan sa pakikipagtalastasan na lubhang napakahalaga sa pag-unlad ng bawat
kabataan . Subalit sa panahong ito, isang hamon sa bawat guro at mag-aaral ang pagsulat.
Bawat mag-aaral ay nakakararanas ng matinding alalahanin kung paano nga ba
sisimulan ang pagsusulat.
Marami ring bilang ng mga mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng m
otibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito
ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat.
Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsu
lat (Badayos, 1999).
Maiisip na isa sa mga pangunahing solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa kasanay
ang ito ay ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ng pagsulat. Masasalamin ang
kahandaang ito sa maraming gawaing inihahanda ng guro para sa pagtuturo ng pagsulat .
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit
na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng ating kaisipan. Sama
katwid ang pagsulat ay bunga ng ating mga karanasan at kaalaman. At ito ay binibigyan
ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagsulat.Ang kawalan ng karanasan at kaalaman sa
isang paksa ay isang balakid sa epektibong pagpapahayag at pagbuo ng komposisyon.
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa wastong gamit ng
mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan at retorika. Marapat lamang na ang isang
mag-aaral ay maihanda at magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang nabanggit
upang maging magaan at mabisa ang pagsusulat.
Binigyang-diin nina White at Arndt (1991) at Raimes (1983) ang pagsulat bilang isang
proseso na hindi natatapos sa isang upuan kundi nahahati sa iba’t ibang yugto.
Itinuturing itong isa sa pinakakomplikadong kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aa
ral sapagkat habang nagsusulat, natututuhan din nila kung paano mag- eksperimento
gamit ang wika. Dahil sa ganitong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa mga mag
aaral ang process approach na binubuo ng sumusunod na mga yugto: bago sumulat;
paggawa ng borador; pagrerebisa; pag-eedit at paglilimbag. Ang mga gurong gumagamit
ng ganitong dulog ay nakabibigay sa mga mag-aaral ng dalawang mahahalagang suporta
sa pagbuo ng isang sulatin ito ay ang sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna. P
inatutunayan lamang nito na nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process approac
h sa pagsulat upang maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin nito
ang mga balakid na maaaring humahadlang upang maging madali ang pagpapahayag ng
saloobin at pananaw tungkol sa isang paksa.
Mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga mag-aaral ay bibigyan ng sapat
na panahong makapagsulat; binibigyang diin na ang pagsulat ay nangangahulugan ng
eksperimentasyon sa paggamit ng wika, pagsubok ng mga bagong ideya, isang gawain n
g paglikha. Mahalaga ring mabigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong makatutulo
ng sa mas mabilis at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat.
Pinatutunayan ng mga nabanggit na impormasyon na ang process approach ay
maaring magamit upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay nagagabayan at nalilinang
ang kakayahan sa pagsulat na napakahalaga sa pagkakamit ng pang-akademikong
pagganap. Ito rin ay nagpapatibay ng mga tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong
Sekondarya ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapaki-pakinabang na
Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiin ng Edukasyon
para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng
Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa
at pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa antas sekondarya. Lilinangin ang limang
makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng
iba’t ibang dulog at pamamaraan.
Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa ring maling pananaw sa pagsulat ang
umiiral tulad ng: pampalipas oras ang pagsulat, isang parusa at kailangan lamang gawain
o makapagsa bilang kailanganin para magkaroon ng marka kung kaya nawawala ang
tunay na layunin at kahalagahan ng pagsulat. Ang kahirapan sa pagtuturo ng pagsulat ay
mapapagaan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa parte ng guro (Lozano 2002). H
anggang sa pagtuntong sa sekundarya ay dala-dala nila ang pananaw na ito sa pagsulat
sapagkat hindi nalinang sa kanila ang tamang kasanayan at motibasyon sa pagsulat.
Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay naniniwala sa kahalagahan ng
pakikipagtalastasan na pasulat sa lubos na pagkatuto ng bawat mag-aaral. Nakakatulong
ito sa pag-aangat ng kakayahang pang-akademiko ng bawat mag-aaral at kahusayan sa
pagpapahayag ng sarili.
Ang bawat institusyon ng lipunan gaya ng paaralan ay may responsibilidad sa
paghubog ng kasanayan sa pakikipagtalastasan maaring ito ay pasalita o pasulat man. Ang
paglinang ng kakayahang ito ay magdudulot ng higit na pakinabang sa bawat
kabataan na nagnanais na marinig ang saloobin, maunawaan ang pagkatao, maibulalas
ang kanyang damdamin at magkamit ng mataas na antas ng karunungan at kaganapang
pantao.
Paglalahad ng Suliranin
Layunin ng pag-aaral na ito na masukat ang kabisaan ng process approach sa
pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Pampublikong Paaralan
ng Caluluan, Concepcion, Tarlac, Taong Panuruan 2012-2013.
Sa kabuuan, sinikap na tugunan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos ma
ituro ang process approach bilang isang estratehiya sa pagsulat batay sa:
1. nilalaman
2. organisasyon
3. talasalitaan
4. wika
5. mekaniks
2. Gaano kabisa ang paggamit ng process approach sa pagpaunlad ng kasanayan
sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga marka sa kanilang mga
komposisyon?
3. Ano ang naging kalakasan at kahinaan ng process approach batay sa saloobin
at pananaw ng mga mag-aaral?
4. Ano ang implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral sa pagtuturo ng pagsulat
sa Mataas na Paaralan ng Caluluan?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, magulang, guro,
Punong-Guro at mga gumagawa ng patakaran sa edukasyon.
Sa mga mag-aaral sa high school, ito ay magdudulot ng kamulatan sa kahalagahan ng
paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng may prosesong sinusunod upang higit na mabisa
at kawili-wili ang pagsulat.
Sa mga magulang, ito ay magsisilbing hamon upang higit na gabayan ang kanilang
mga anak tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sa pagsusulat higit lalo na sa pagbuo ng
tiwala at pagtingin sa sarili. Ang pagsusulat ay isang paraan ng pagbabahagi sa ating
kapwa tao ng ating mga pananaw at saloobin batay sa ating kaalaman at karanasan
Sa mga guro, magbibigay ito ng lubos na kamalayan at kaalaman upang higit na
maging epektibong guro sa Filipino sa pamamagitan ng pagggamit ng estratehiyang ito sa
pagtuturo ng pagsulat. Sa ganitong paraan higit na mas gagaan ang pananagutan sa
paglinang ng kasanayan sa pagsulat at ang kahalagahan ng pagbibigay ng puna sa
kalagayan ng bawat mag-aaral sa paraan ng pagsulat na lubos na makakatulong sa
paglinang ng kasanayang ito.
Sa mga Punong-Guro at tagagawa ng mga Patakaran sa Edukasyon
Ito ay
magsisilbing tagapaggising na lalong gabayan at suportahan ang mga guro sa pag-aaral
ng dulog na ito para sa mabisang pakikipagtalastasan tungo sa higit na mataas na kalidad
ng edukasyon at pang-akademikong pagganap.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kabisaan ng pagtuturo ng process ap
proach sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng
Caluluan para sa Taong Panuruan 2012-2013.
Ito ay tuwirang nagsuri sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat bago at
matapos ang paggamit ng process approach. Nailarawan nito ang antas ng kasanayan ng
mga sinulat na komposisyon mula sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at
mekaniks. Layunin din nito na maimulat sa mga guro ang paggamit ng process approach
sa pagsulat para sa higit na makabuluhang pakikipagtalastasan ng mga kabataan.
Ang mga pinagmulan ng datos ay galing sa 290 na mag-aaral mula sa mga ito ay
kinuha ang 80 kalahok. Ginamit ang random sampling na fish bowl technique upang
makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling upang ayusin ang mga
kalahok batay sa kanilang marka sa Filipino II mula sa pinakamatas at pinakamababang
marka binigyan ang mga marka ng bilang mula 1-80. Mula sa mga bilang na ito ay ginam
it ang lahat ng odd number bilang control group at ang even number bilang experimental
Sa pagtala ng iskor sa mga isinulat ang mananaliksik ay gumamit ng Second Languag
e Composition Profile ni Hughey (1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagsulat at ang kabisaan ng paggamit ng process approach.
Mga Katawagang Ginamit
Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng mga
terminolohiyang na kanyang binigyang kahulugan konseptwal at batay sa pagkakagamit
nito sa pag-aaral.
Kabisaan.
Di-Pormal na Sanaysay.
Liham na Paanyaya.Ito ay isang uri ng liham pangkaibigan na nagsasaad ng paanyaya
sa isang mahalagang pagtitipon nakapaloob dito ang mahahalagang detalye ng okasyon
tulad ng layunin, kailan at saan. Madalas inilalagay rin ang uri ng kasuotang inaasahan
gayundin ang direksyon papunta sa lugar ng okasyo. Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa
pagsulat ng liham ng paanyaya sa isang kilalang tao upang maging tagapagsalita sa isang
pagpupulong.
Mag-aaral.
Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaatend ng mga klase
sa paaralan.(http//education.yahoo.com/reference). Sa pag-aaral na ito, ito ay tinutukoy
ang mga mag-aaral na nasa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, Taong
Panuruan 2012-2013.
Maikling-kwento. Ito ay salaysay na may ilang tauhan at isang pangyayari sa
kasukdulan.
Mekaniks. Ito ay tumutukoy sa bantas gaya ng tuldok, kuwit, tandang pananong,
tandang padamdam at kudlit na ginagamit sa pangungusap at pagbaybay na tumutuko
y sa katumpakan ng pagkakasulat ng mga salita.
Nilalaman.Tumutukoy ito sa kahulugan o kabuluhan ng isang paksang sinulat. (http.
google.com.) Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa kabuluhan ng mga detalyeng
sinulat at pagkakaugnay ng mga kaisipang inilahad.
Organisasyon. Ito ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at pansuportang detalye.Maging
ang paraan ng pagkakabuo ng paksa mula sa panimula, katawan at wakas.
Process Approach (Prosesong Dulog). Ito ay isang estratehiya sa pagsulat na hindi
nakatuon sa produkto ng sinulat kung hindi sa proseso ng pagsulat.Ang mga mag-aaral ay
sasailalim sa tatlong yugto ng pagsulat: ang unang yugto (Prewriting) ito ay
kinapapalooban ng mga panimulang gawain gaya ng pagpili ng paksa,anyo ng
komposisyon, paglilimita sa paksa pangangalap ng mga impormasyon at pag-aayos ng
mga ideya, ikalawang yugto ang pagsulat (Writing) kinapapalooban ng pagsulat ng
unang burador at rebisyon at ang huling yugto ay pagsulat na muli (Post writing)
nakapaloob dito ang proofreading at pagbibigay puna at huling pagsulat.
Sanaysay. Ito ay malayang paraang naglalahad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng
kasiyahan ng sumusulat; upang umaliw, magbigay-kaalaman o magturo.
Talasalitaan. Tumutukoy ito sa angkop na pagpili at paggamit ng salita, idyoma. at
talinghaga sa isang komposisyon.
Tradisyunal na Paraan ng Pagsulat.Tumutukoy ito sa pagtuturo ng pagsulat na
nagsisimula sa pagtalakay sa paraan ng pagsulat ng isang partikular na komposisyon at
saka na magsusulat ng burador,ito ay ipapasa sa guro para sa pagbibigay ng marka.
Wika. Tumutukoy ito sa ugnayan ng aspekto, bilang, salita, pantukoy, panghalip at iba
pang bahagi ng salita na ginagamit sa pagbuo ng isang makabuluhang komposisyon.
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na
makabuluhang ginamit ng mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad
ng kasalukuyang pag-aaral.
Kaugnay na Literatura
Ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) ay isang kompleks na kasanayan.Ang isang
manunulat ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng
isang sulatin, gaya ng mga sumusunod:
1. Tapik/Paksa- kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o
impormasyon sa paksang susulatin.Ang kaalaman/impormasyon ay maaring sa mga
sangguniang aklat, dyornal at iba pa o mga impormasyong nakalap buhat sa mga
pagmamasid at personal na mga karanasan.
2. Layunin- dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit sila
nagsusulat.Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraang ng pagsulat.Kaya ang
kaibhan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatya ng malaki sa layunin.
3. Interaksyon at Isang Kamalayan ng Awdyens-dapat isaisip ng isang manunulat na
may nagaganap na interaksyon sa pagsulat.Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak
sa kanyang sarili, halimbawa ,kapag nagsusulat sila ng dyornal pero sa maraming
pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao.Nagsusulat ka para mangumusta o di
kaya’y sa pagsulat ng isang maikling paalala/mensahe o kung may nais ipagawa sa isang
kasambahay.Kailangan ding
linangin ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin
kung sino ang sinusulatan,ano ang gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang
pag-unawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung isasaalang-alang ang kanyang
kalagayan sa buhay at antas ng kanyang pinag-aralan.
4. Wika- ang isang manunulat ay kailangan mayroong kaban ng wikang maaring
gamitin ayon sa pangangailangan.Dapat alam nila ang istilo ng wikang angkop na
gamitin sa lahat ng pagkakataon.Ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao sa
pagpapahayag ng kanyang isipan at damdamin maging ito man ay pasalita o pasulat.
5. Kombensyon- dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat na tinatangkilik
sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat at istilo ng wika ang pagsulat ng
adbertisment na kaiba sa pagsulat ng isang memorandum.
6. Mga kasanayan sa pag-iisip-ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang
kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga
bagay at pangyayari upang madesisyunan niya ang kung alin ang mahalaga o hindi;
kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang makapangatwiran siya nang mabisa;
kailangang alam din niyang paglawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain sa
isang kawili-wilang paglalahad;kailangan mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay
ng sariling pagpapasya at iba pa.Anupa’t totoong masasabi natin na ang pagsulat ay
isnag kompleks na proseso sa pag-iisip.
7. Kasanayan sa Pagbubuo- isa sa mga tungkulin ng manunulat ang makabuo
nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang
detalye.Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailahad ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa
pamamagitan ng mga angkop na pang-ugnay.
8. May sariling Sistema ng Pagpapahalaga- dapat isaalang-alang sa pagsulat
ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at handa niyang panindigan
ang mga ito.Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod:
 ano ang mahalaga sa paksa
 ano ang maganda o mahusay na pagsulat
 ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may
edad kaysa sumusulat.
 sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin.
9. Mekaniks (pagsusulat, pagbaybay, pagbabantas, kombensyon sa pagsulat)dapat isaisip na ang maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay isang kailanganin na
dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin sa
pagsulat ay may wastong baybay. Hindi rin dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at
ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa pagsulat.
10. Ang Proseso ng Pagsulat- dapat mabatid ng isang manunulat ang mga
proseso na sinusunod sa pagsulat: pagpili ng paksa; paglilikom ng mga ideya; paggawa
ng draf o burador; pagrerebisa, pag-eedit, ibayong pagtingin at pagpapakinis sa buong
manuskrito at paglalathala.
Ayon pa rin kay Badayos (2002) ang kalagayan o kultura sa ating paaralan ay
maaring makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang
pagsusulat.Ilan sa mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin
para sa isang takdang panahon na di man isinasaalang-alang ang abilidad ng isang klase
o pangkat.Nariyan pa ang estratehiyang “write – to-a-title-approach” at iba pang gawi na
totoo namang pinaglumaan na ng panahon.Nagpahayag siya ng mga walong (8)
batayang simulaain sa pagsulat na hindi dapat kaligtaan ng mga guro:1. Iba-ibahin ang
haba ng sulatin, 2. Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat, 3.
Iugnay ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng wika, 4.
Iplano ang mga aralin nang may wastong pagkakasunud-sunod, 5. Tiyaking may
interaksyong pang-mag-aaral sa proseso ng pagsulat, 6. Talakayin ang layunin sa
pagsulat at ang awdyens na paglalarawan nito, 7. Ituro ang mga teknik ng pag-eedit ng
sulatin at 8. Iba-ibahin ang pokus ng pagmamarka.Dinagdag pa niya sa kanyang
pagwawakas ang mga mungkahing paraan upang mabago at mapaunlad ang mga
kaganapan sa mga pagtuturo.Nagbigay siya ng mga mungkahi para mahawan ng bagong
landas at direksyon ang pagtuturo ng pagsulat:
1. Bigyan ng masusing pagtaya ang kasalukuyang dulog sa pagtuturo ng pagsulat
batay sa mga simulain sa pagtuturo ng wika.
2. Isaalang-alang ang mga batayang elemento sa pagtuturo at pagkatuto sa
pagsulat maging ito man ay una o ikalawang wika gaya ng manunulat, mambabasa, ang
uri ng teksto, ang konteksto at ang interaksyon ng mga ito sa isa’t isa.
3. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagsulat
upang maging batayan ng kurikulum sa pagsulat sa bawat antas ng pag-aaral.
4. Bumuo ng isang silabus sa pagsulat na may komplimentasyon ang Ingles at
Filipino upang maiwasan ang duplikasyon ng mga gawain (gaya ng kung naituro na sa
Filipino ang pagbabalangkas hindi na dapat ito ituro sa Ingles).
5. Idokumento ang anumang karanasan sa pagtuturo na sa sariling palagay ay
naging epektibo sa pagkatuto.Maaring nasa loob ng silid-aralan ang mga epektibo at
mabisang pamamaraan at teknik sa pagkatuto.
Ang ikatlong mungkahing nabanggit ang naging batayan ng mananaliksik upang
bigyang diin at magsagawa ng pananaliksik ukol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo
ng pagsulat ng sa gayon ay makagawa ng isang rekomendasyon na mapapakinabangan ng
mga kapwa guro ko sa Filipino higit lalo na ng mga mag-aaral na siyang sentro ng
pagtuturo.
Ang pagsulat ayon kay Tumangan at iba pa (2001) ay isang paraan ng pagpapahayag ng
pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag ng mga tunog
ng salita.Ito rin ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa paraang palimbag upang
maipahayag ang kanyang iniisip at nadarama.Sa mga mag-aaral ang pagsulat ay ay
isang paraan ng pagkatuto o pagtaya ng kanilang natutunan.Natututo silang magsulat ng
isang komposisyon bilang paghahanda sa pagsulat ng mahabang salaysay,sumusulat
silat ng ulat upang matuto ng mga bagay at impormasyong isinasama sa ulat at
nagsusulat sila ng isang napapanahong papel na nakadaragdag sa kanilang mga kaalaman
sa iba’t ibang paksa na isinasama sa pananaliksik. Nagsisilbing ebalwasyon ng pagkatuto
ang pagsulat kapag maganda ang ulat na sinulat,higit na malaman at kapaki-pakinabang
ang napapanahong papel at talagang nagsaliksik at nagbasa ng mga sangguniang aklat.
Ayon kay Hedge (2002) ang pagsulat ay hindi lamang isang simpleng paraan ng
pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo ito ay isang proseso ng pag-iisip. Ito ay
nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap na dapat na mapanatili sa isang takdang
panahon.Sapagkat ang kabisaan sa wika ay hindi sapat upang mapadali ang pagsulat
bagkus dapat ang pangkognitibong kasanayan.
Binigyang pansin ni White (2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa mga
salitang nakalista at nakalinya. Bagamat makikita sa mga talumpati at napapanahong
papel ang mga hanay ng salita ito pa rin ay dumadaan sa proseso ng pagpili na
nagaganap sa ating isip. Ang manunulat ay nakakaranas ng mas mataas na yugto ng pagiisip.gaya ng isang kompyuter na nagsasaliksik ng angkop na ideya na angkop sa
paksang sinusulat. Ang kawalan ng aktibong pakikibahagi ng manunulat ay maaring
magbunga ng kabiguan sapagkat ang ideyang ito ay hindi matatamo. Samakatwid,
napapadali ang pagsusulat kapag nararating ng manunulat ang yugto ng kamalayan o
“subconscious mind”. Sa kahit na anong sitwasyon kung saan ang manunulat ay pumipili
o binibigyan ng isang paksa o suliraning bibigyan ng kalutasan, ang paksa ay magiging “f
elt sense in a vague fussy feeling within the body created by the images, words, ideas
evoked by the topic”.
Samantalang si Edward (1987) ay nagpapatunay na ang pagsusulat ay maaring
maisama bilang pinakamahirap na kasanayan sa wika. Mga kamalian sa pagbaybay at
gramatika ay hindi maiiwasan kahit na maliwanag ang kahulugan at ang pagkakasulat ay
kaakit-akit at maayos.
Sa artikulo ni Keh (1990) ipinahayag niya na ang proseso ng dulog sa pagsulat ay
nangangailangan ng mga maraming mga hakbang mula sa paglikha ng ideya,pagsulat,
pagrerebisa at pagkuha ng feedback sa mga bumasa ng iyong sinulat at pagsulat muli. Siy
a ay nagdisenyo ng mga hakbanging sa pagsulat na hango sa ganitong pananaw. Ang
kanyang disenyo ay nakabalangkas ng ganito.
Panimulang Pagsulat (Prewriting)
Sa yugtong ito ng pagsulat ang mag-aaral ay nagpaplano ng kanyang
bago sulatin ang borador.Ito rin ay dumaraan sa mga sumusunod na
isusulat
proseso.
Pagpili ng paksa-natutuon ito sa pagpili ng paksa batay sa inyong interes
at
lawak ng kaalaman.Itala ang lahat ng mga ito,mula sa mga ito ay pumili ng
iyong
paksang susulatin.
Pagpili ng anyo ng komposisyon-ito ay nakatuon sa pagdedesisyon kung
susulatin ay isang sanaysay, anekdota, talambuhay o maikling kwento.Ito ang
ang
magbibig
ay sa iyo ng gabay sa pagsulat.
Limitahan ang paksa- kailangan pumili lamang ng isang aspekto o
bahagi ng
iyong paksang nais na sulatin.
Pangangalap ng mga impormasyon- una, ay isulat ang mga kaalamang
alam mo
na tungkol sa paksa,Pangalawa, maari kang kumuha ng mga
impormasyon sa mga
pahayagan,magsin at mga libro.Maari ka ring magkaroon ng
pananyam sa isang tao
bihasa sa iyong paksa.Itala ang mga nakalap na
impormasyon.
Ayusin ang mga ideya- basahin ang mga detalye ng iyong nakalap na
syon.May mga magagamit at mayroong detalye na walang kaugnayan sa
alisin ito.Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pinakamahalagang
imporma
iyong paksa,
ideya.Maari kang
gumawa ng banghay na magiging tuntunin mo sa pagbuo.
Pagsulat ng burador (Writing)- nakatuon sa pagsulat ng iyong unang
Magsulat at hayaan muna ang mga maling baybay at bantas.Maari mo
itama pagkatapos mong basahin muli ang iyong borador.Hayaan mo
borador.
naman itong
ang daloy ng
ideya.Sundin mo ang iyong plano o banghay .
Pagsulat na muli (Post writing)
Rebisyon- ito ay ang pagwawasto ng iyong komposisyon.Sinusuri ang
mga ideya at salita.Basahin muli ang sinulat.Maaring itanong ang mga
iyong
sumusunod:
May pagkakaugnay ba ang mga ideya?
Nakakapukaw ba ito ng interes?
Angkop ba ang mga salita?
Sa iyong burador markahan ang mga nais na palitan.Isulat ang mga
salitang
nais mong ipalit at isama.
Proofreading- ang huling yugto ng pagrerebisa.Ito ang huling pagwawasto sa
bantas, balarila,baybay at pagsulat ng malaking titik.
Pagsulat muli- ito ang huling pagsulat gawin itong malinis at nababasa nang
mabuti.
Binigyan niya ng pansin ang ganitong dulog ay positibo sa pagpapahusay ng
nilalaman, organisasyon at wika.Karagdagan, itong dulog na ito ay nakapagpabago sa
mainipin at bigong pananaw tungo sa pagsulat para magkaroon ng positibong pananaw.
Batay sa mga pag-aaral na naisagawa malaki ang nagagawa ng pagsulat sa
paghubog ng damdamin ng isang mag-aaral.Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag
niya ang anumang mga paniniwala, mithiin, layunin sa buhay, pangarap, agam-agam,
damdamin at mga hinaing. Sa pagsulat din nakikilala ng mga mag-aaral ang kanyang
sarili; ang kanyang kalakasan at kahinaan, lalim ng kanyang pag-unawa, ang tayog at
lawak ng kanyang kaisipan at ang naabot ng kanyang kamalayan. Ayon kina Hugney,et.
al(1983), nakatulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin, napapaunlad nito ang iba pang kasanayang
pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga impormasyong nakalap bago
ang ganap na pagsulat.
Sa aklat na “Teaching Second Language Composition” (Principles and Techniques)
gumamit sina Hughey, et. al (1981) ng isang pamamaraan upang masuri ang kahinaan
at kalakasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon sa kanilang paniniwala na
Important aspect of becoming an independent lifelong writer is
ability to evaluate one’s own writing progress and to use feedback
developing the
from the evaluation
as a guide for further growth and improvement.
Bunuo sila ng isang rubrics sa pagtataya ng isang sulatin na kanilang tinawag na Comp
osition Profile, na nakatuon sa limang aspekto. Ang bawat isa ay nakatuon sa
mahalagang bahagi ng pagsulat,ang bigat nito ay batay sa kahalagahan ng komunikasyon
sa paraang pasulat at ito ay; CONTENT tumutukoy sa pagkakaroon ng sinasabi o
nilalaman ng sinulat, ORGANIZATION tumutukoy sa pag-aayos ng kaisipan, VOCAB
ULARY , LANGUAGE USE and MECHANICS tumutukoy naman sa
panlinggwistika at mekanikal na paniniwala para sa epektibong paglalahad ng talakay.
Ang kabuuang bigat ng bawat aspekto ay nahahati sa apat na mastery level-Excellent to
Very Good, Good to Average, Fair to Poor at Very Poor. May tiyak na katangiang
naglalarawan na siyang magiging gabay sa pagtataya ang mga ito.Dahil sa pawang mga ke
yword lamang na siyang nagpapakilala na malalaking konsepto ukol sa komposisyon,
ibinigay nila sa kanilang aklat ang mga detalye ng bawat isang mastery level upang
lalong maging malinaw ang pagtataya.Mahusay ang sulatin kung tumutukoy na
matagumpay na napahayag nito ang mensahe sa mambabasa.Samanatalang kabaligtaran
nito ay magulo at tuluyang nawala ang mensaheng ninanais na ipahayag sa sulatin dahil
sa kakulangan ng kasanayan.Ang unang dalawang mastery level ay nagpapakita na
matagumpay ang naging komunikasyon, may pagkakaiba nga lamang sa digri, at ang
dalawang huling mastery level ay pagkakaroon ng pagka-antala ng komunikasyon.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
A. Lokal na Pag-aaral
Ayon kay Batin (2000) sa kanyang di nailathalang disertasyong “Developing
Academic Writing Proficiency and Learner Autonomy through the Process Approach”
isang pag-aaral ang kanyang binanggit na nakatuon sa pagtaya ng pagiging epektibo ng p
rocess approach sa pagtuturo sa pagsulat ng komposisyon ng mga mag-aaral sa
elementarya sa National Capital Region. Ang pag-aaral ay lumikha ng konseptong
hulwaran na gaya ng process approach para sa pagsulat ng komposisyon na binubuo ng
tatlong mga salik gaya ng:1. Ang mag-aaral bilang ang manunulat 2. Ang Guro bilang
taga facilitator at 3. Mga materyales na gagamitin.Ang implikasyon ng pag-aaral na ito ay
magiging epektibo ang process approach sa edukasyon ng Pilipinas kung mabibigyan
ang bawat guro at mag-aaral ng sapat na materyal at angkop na tekstong susulatin.
Pinatitibay ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral sa
pagpapatupad ng process approach at ang bahaging ginagamapanan ng bawat guro sa
pagsasagawa nito.Bagamat ipinakikita nito na nararapat na makalikha ang bawat guro ng
matetyal na gagamitin na ang proseso ay dumaraan sa panimulang pagsulat,
pagpapaunlad ng sinulat at huling pagsulat.
Batay sa pag-aaral na ginawa ni Ignacio (2008) “Teaching Writing to Fourth Year High
School Students”na naipamalas ng ebalwasyon sa kasanayan ng mga mag-aaral na ang p
rocess approach ay nakatulong upang malinang ang kanilang kasanayan sa pagsulat. Dahi
l ang mga bata ay binigyan ng pagkakataong mapag-isipan at marebisa ang kanilang
ideya kasama ng gabay na ibinibigay ng kanilang guro at kamag-aral sa mga pulong
–panayam, naging mas mahusay ang kinahinatnan ng mga huling sipi ng kanilang akda.
Ang kabisaan ng paggamit ng process approach sa pagsulat ay pinatunayan sa
kwalitatibong pag-aaral na isinagawa ni Concepcion (2006). Lumabas sa kanyang pagaaral na mas mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng mag-aaral kung ginagamitan
ng process approach ang mga ito. Napatunayan ding malaking tulong ang ganitong
dulog sa paglinang ng komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung isinasaalang-alang
ang interes, kakayahan at istilo sa pagkatuto ng mga estudyante.
Sa dalawang pag-aaral na isinagawa nina Concepcion at Ignacio pinatutunayan lamang
na higit na mabisa ang paggamit ng process approach upang matamo ang kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Bagaman lumabas din sa pag-aaral ni
Concepcion na nabubuo ang komprehensyon sa pagsulat dahil sa pagkakaroon ng lubos
na pagkaunawa sa paksa. Kapwa kinakatigan at pinaniniwalaan ng pananaliksik na ito na
mabisa ang paggamit ng estratehiyang process approach sa pagtuturo ng pagsulat at
paglalantad ng kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral para sa higit na mabisang
paggabay.
Ang kaalaman at kasanayan sa pagsusulat ay maaring bunga ng maagang paglinang nito
sa bawat indibidwal ng ito ay nasa elementary pa lamang.Ito ang paniniwala ni Soledad F
rancisco (1991) sa kanyang “Acquisition of Discourse Skills in Written Narratives of
Filipino Students” ang pag-aaral na ito ay nagpapatibay sa
paniniwalang na ang
kakayahan ng mga nasa kolehiyo sa pagsulat ay nalilinang sa kanilang pag-aaral. Ang
mga resulta ng pag-aaral ay una, may mga baytang ng pag-unlad sa pagkamit ng
kakayahan sa pagsulat na makikita na dumaan sa natural na proseso. Pangalawa, ang
mga datos ay nagpapakita ng sistematikong pamamaraan ng paglinang ng kakayahan sa
pagsulat at ikatlo, ang pag-unlad sa pagsulat ay naiimpluwesnsiyahan ng antas ng
kanilang gulang dahil na rin sa iba’t ibang pagkatuto natin sa wika sa bawat yugto ng
ating buhay bilang estudyante. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng rekomendasyon na sa
kadahilanan na ang pagkakamit ng kakayahan at kasanayan sa pagsulat ay sumasailalaim
sa bawat yugto ng pag-unlad mahalaga na makapagbibigay ang guro ng angkop na
pagsasanay sa pagsulat para maiugnay ang sarili at matapos ang pagsasanay ng may
tiwala sa sarili. Karagdagan, ang bawat mga guro ay nararapat na makalikha ng
kalagayan sa silid-aralan na makahihikayat sa bawat mag-aaral na sumulat at magsalita.
Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na sa bawat antas ng pag-aaral ang bawat mag-aaral ay
magkamit ng mga kasanayan sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan upang
mahubog ang kakayahan sa pagsulat kaisa ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang
pananaliksik ang makita ng bawat guro ang kabisaan ng process approach para sa
tamang paggabay at positibong pananaw sa pagsulat.
Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na“Teacher Education
Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension Service Review na nailimbag
noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng
edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng
mag-aaral. Ang tagapagturo ay isa sa tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at p
angwika.Idinagdag pa niya na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraa
n para madaling matuto ang mga mag-aaral. Isa sa pamamaraang ito ay ang kurikulum
na nagiging instrumento sa pagsalin ng pag-asa o inaasahang edukasyon sa kongkretong
realidad. Para magawa na ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at pangwika ay
maging totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang sistema ng edukasyon
na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na kakayahan at pagpapatupad ng kata
nggap-tanggap na pamamaraan. Sa bawat isa na nagbibigay ng malikhaing mga
karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay ang paparating na bagong kaalaman sa
pag-usad ng panahon (97-98).
Sa rekomendasyong ito ay pinahihintulutan ang paggamit ng mga estratehiya sa
pagtuturo para sa lubos na pagkatuto.Magkatulad ito sa layon ng pananaliksik na
maipakita ang isang epektibong dulog para magtulungan ang mga mag-aaral na
mahubog ang kasanayan sa pagsulat at ito nga ang process approach.
Sa pag-aaral ni Sengseng (1987) ipinahayag niya na “huwag nating asahan ang ating
mga estudyante na makalikha ng isang komposisyon na higit na orihinal at makabuluhan
sapagkat ang kanilang kakayahan ay nakadepende lamang sa uri ng materyal at
estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng kanilang mga karanasan upang makapagsulat
kaalinsabay nito ang pagtuturo ng tamang proseso ng pagsusulat.
Kaisa ang mananaliksik sa pahayag na ito na ang kakayahan ng bawat mag-aaral ay
nakadepende sa paraang ng pagbibigay ng tamang estratehiya ng pagsulat upang lubos
na mahubog ang kanilang kakayahan. Ang sapat na panahon at mga panimulang gawain
bilang paghahanda sa kanilang pagsulat ay lubos na nakakatulong upang lalo silang
magkaroon ng lubos na pagkaunawa sa paksang kanilang nais na isulat at ang pagbibigay
ng puna ay makakatulong upang higit na magabayan ang mga mag-aaral.
B.Banyagang Pag-aaral
Sa pag-aaral na ginawa ni Belinda Ho (2006) Effectiveness of using the process
approach to teach writing in six Hong Kong Primary Classrooms”. Napatunayan ng
pag-aaral na ito na epektibo ang paggamit ng prosesong ito sa paghubog ng kasanayan sa
pagsulat. Ang pagtaya ng pagiging epektibo nito ay ang pagsasagawa ng post-interviews
at paghahambing sa pre at post questionnaire, pre-test at post-test. At pinatunayan nito
na positibo ang resulta sa lahat ng klase na may mataas at mababang antas ng talino. Iminu
mungkahi niya na maaring ito ay sagot para sa higit na epektibong paglinang ng mga mag
aaral sa kasanayan sa pagsulat. Karagdagan, bago isinagawa ang pag-aaral ang mga guro
ay sumailalim muna sa dalawang buwang pag-aaral sa programa.
Ang pag-aaral na ito ay kahalintulad ng kasalukuyang pag-aaral ng mananaliksik na epekt
ibong estratehiya ang process approach sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat batay sa
mga feedback o puna na ibinigay ng mga kalahok.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Onozawa (2000) na pinamagatang “The Use of Process
Approach : A suggestion for an eclectic writing” tinalakay niya ang mga kabutihang
dulot ng paggamit ng process approach ayon sa kanyang pag-aaral nagkakaroon ng
sapat na panahon ang mga mag-aaral na magsulat o bumuo ng komposisyon na
nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan sa pagsulat dahil sa tatlong proseso
ng pagsulat na kanilang pinagdadaanan.Nakabubuti rin ang paggamit ng istratehiyang
ito sa paggamit ng wika sapagkat ang mga mag-aaral mismo ang pipili at lilikha ng mga
salita na angkop sa nilalaman at mensahe ng kanilang komposisyon. Nabibigyanghalaga rin nito ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay-puna sa kanilang
isinulat.Karagdagan pa,aniya, ang istratehiyang ito ay nakabubuti sa mga mag-aaral dahil
sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa paglinang ng kakayahan sa paggamit ng wika
at ang paggamit ng teknik na “conferencing”.
Bagamat ang naturang pag-aaral ay nakatuon sa mga mag-aaral na eclectic masasabi ko
na ang kinalabasan ng pag-aaral ni Onozawa ay nakakatulong sa pag-aaral ng kabisaan
ng process approach dahil sa bawat mag-aaral ay mayroong eclectic learner, manapa ay
masasabing sa kahit anong uri ng mag-aaral ay maaring epektibong magamit ang
prosesong ito upang malinang ang kakayahan sa pagsusulat na isa sa makrong kasanayan
ng Filipino.
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Unger (2004) na pinamagatang “Is Process
Writing the, Write Stuff?” batay sa kanyang mga rekomendasyon ay nangangailangan
pa rin ng malawakang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kabisaan ng process
approach sa pagsulat bagamat ayon sa kanya ay sapat ang mga nalikom na datos para
masabing epektibo ang paggamit ng process approach. Lalo na ang paggamit ng una at
ikalawang yugto ng pagsulat; ang panimulang pagsulat (Prewriting) at pagsulat (Writing)
ay nakatutulong sa paghubog ng kakayahan sa pagsulat. Sa kabuuan ang resulta ng
kanyang pag-aaral ay nagmumungkahi ng paghahanap ng mga tugma at angkop na
materyales sa paggamit ng prosesong ito sa pagtuturo ng pagsulat sa bawat mag-aaral.
Iminumungkahi ng pag-aaral na ito, na kailangan pa ng iba pang pag-aaral upang higit na
mapatunayan ang pagiging epektibo ng paggamit ng process approach. Ang mga datos
na nalikom ng pag-aaral ng mananaliksik ay magsisilbing patunay sa kakayahan at
kabisaan ng prosesong ito sa paghubog ng kakayahan ng bawat mag-aaral sa mahusay na
pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at pananaw sa pasulat upang magkaroon ng
malawak na kaalaman sa paggamit ng wika at organisasyon ng ideya.
Ayon din sa pag-aaral ni Chau ( ) na isinagawa sa Ly Tu Trong Specialized UpperSecondary School na may paksang “The impact of Adapting the Process-Oriented
Approach on EFL Learners Writing Performance”. Tinalakay niya sa kanyang
rekomendasyon ang mga lumabas na suliranin na naranasan ng mga ginamit niyang
kalahok sa kanyang pag-aaral. Ang mga nakitang suliranin ay ang mahabang panahon ng
paghahanda ng mga mag-aaral at guro gaya ng brainstorming at pangangalap ng mga
impormasyon sa pagsulat ng paksa, ang oras para sa pagsulat ng unang burador, ang
pagrerebyu at pag-eedit at pagsulat muli.Ang lahat ng mga ito ay hindi magagawa sa
loob lamang ng 45 minuto o isang oras. Kaya iminumungkahi ng pag-aaral na ito kung
ito ay isasali sa kurikulum ay kailangang isaalang –alang ang paglalaan ng sapat na oras
para sa matagumpay na pagpapatupad ng process approach.
Ginamit din ng pag-aaral na ito ang English for Second Language Composition Profile
ni Jacobs sa pagtaya ng mga komposisyon ng mga mag-aaral.Tinaya ang bawat
komposisyon sa pamamagitan ng nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at
mekaniks.
Ang mga kinalabasan ng pag-aaral at rekomendasyon ni Chau ay tumutugma sa nakalap
ng mananaliksik. Ito rin ang nagsisilbing kahinaan ng process approach sa pananaw ng
mga kalahok. Bagamat ang mga ito ay hindi nararapat na maging hadlang sa
pagpapatupad ng prosesong ito gaya ng nasabi ni Chau dapat lamang itong isaalangalang sapagkat ang bunga naman ng prosesong ito ay higit na mapapakinabangan ng mga
mag-aaral lalo na sa pasulat na pakikipagtalastasan. Bagamat ginamit ng pag-aaral ng
mananaliksik ang ESL Composition Profile ni Hughey at hindi ang kay Jacobs masasabi
pa rin natin na hindi sila nagkaiba sa pagtaya ng komposisyon na sinulat gaya ng
pagsukat sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.
Batayang Konseptwal
Ang pagsulat ay isa sa mga limang makrong kasanayan na nililinang ng asignaturang
Filipino sa bawat mag-aaral na nakatuon sa pagpapahayag ng pananaw, saloobin o damda
min. Ipinapakita rin nito ang lubos na kabatiran ng bawat mag-aaral sa paksa na
nililinang.
Ang paglinang sa kasanayan sa pagsulat ay maaring mapadali sa pamamagitan ng
paggamit ng isang dulog o estratehiyang angkop sa pagtuturo ng kasanayang ito.Isang
estratehiyang tutugon sa pangangailangan, interes at estilo ng bawat mag-aaral.
Nagsisi
mula ang pagtuturo ng estratehiyang process approach sa pamamagitan ng pangangalap
ng guro ng mga angkop na materyales na gagamitin sa pagtuturo.Matapos maihanda ang
mga ito,sumasailalim ang bawat mag-aaral sa tatlong yugto ng pagsulat:unang yugto
(Prewriting) ang bawat mag-aaral ay nakatuon sa pagpili ng paksa batay sa kanilang
interes at kaalaman,pagpili ng anyo ng komposisyon, paglimita sa paksa at pangangalap
ng impormasyon sa napiling paksa, ang pangalawang yugto ay ang pagsulat (writing)
dito nakapaloob ang pagsulat ng unang burador ito ay nakadepende sa anong uri ng
kombensyon ang napili gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento, sanaysay at liham
paanyaya at ang huling yugto ay ang pagsulat muli (Post writing) nakapaloob dito ang
rebisyon ng mag-aaral, pagbibigay feedback gamit ang isang batayan ng pagtaya ng
marka at ang pagsulat ng huling burador.Ang bawat mga yugto ng pagsulat ay tumtulong
upang mahubog ang kasanayan sa pagsulat. Ang kahusayan at kasanayan sa pagsulat ay
makapagpapabago sa nangingibabaw na konseptong nakababagot ang pagsulat.Ang
pagsulat ay tumutulong sa paghubog ng iba pang kasanayan gaya ng lohikal na pag-iisip,
paglutas ng suliranin at pagiging kritikal at mapanuri. Makakatulong din ito sa pagangat ng pang-akademikong pagganap ng bawat mag-aaral. Ang prosesong ito ay
makakatulong sa bawat mga guro upang higit na maging epektibo sa pagtuturo. Kaalinsab
ay ng pag-unlad ng bawat mag-aaral any ang pag-unlad din ng paaralan higit lalo na sa
larangan ng pagsulat bilang isa sa mga mahalagang makrong kasanayan.
Unang Pigura: Ang Daloy ng Process Approach tungo sa kasanayan sa Pagsulat
Kabanata 3
PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ilalahad ang mga disenyo ng pananaliksik, lokal ng pag-aaral,
pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa pag-aaral, pinagmulan ng datos,
instrumentong ginamit sa pananaliksik, pamamaraan ng pagbibigay ng iskor at grado,
pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at estatistikang ginamit sa pagsusuri ng mga
datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit ng mananaliksik ang eksperimental na pamamaraan ng pananaliksik. Napili
ito sapagkat, ito ang makatutugon sa pagtukoy ng kabisaan ng paggamit ng process
approach sa pagsulat ng mga mag-aaral.Ang pamamaraang ito ay maglalarawan ng
antas ng kasanayan sa pagsulat sa asignaturang Filipino ng Caluluan High School matapo
s maituro ang process approach. Nagkaroon din ang mananaliksik ng panayam sa mga
kalahok upang makita ang kalakasan at kahinaan ng istratehiyang ito.
Lokal ng Pag-aaral
Ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan ay matatagpuan sa Caluluan,Concepcion,
Tarlac.Naitatag ito noong 1966 (Taong Panuruan 1966-1967) sa pamamagitan ng tulong
ng Konseho ng Baryo sa pamumuno ng Kapitan ng Barangay na si Victor Mallari,
Pangulo ng Samahan ng mga Magulang na si G. Bienvenido Hipilito at ni G. Glicerio
Zablan na noon ay Punong-Guro ng elementarya ay naipatayo ang paaralan.Ito ay
matatagpuan malapit sa Barangay Parulung mayroon itong halos 25 mga silid-aralan,
kantina, silid-aklatan at mga tanggapan ng guro.
Patuloy sa paglago ang Pampublikong Paaralan ng Caluluan na may 48 na mga guro ,
4 na Head Teacher sa Agham, Matematika, Araling Panlipunan at Communication Arts at
humigit kumulang sa 1200 mga mag-aaral na galing sa mga kalapit na barangay.Ito ay
nagpapatupad ng Basic Education Curiculum sa Ikaapat at Ikatlong Taon,Secondary
Education Curriculum sa Ikalawang Taon at K-12 Curiculum sa Unang Taon.
Pinagmulan ng mga Datos
Ang mga mag-aaral sa Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan ng Caluluan, taong
panuruan 2012-2013 ang ginamit na kalahok sa pananaliksik. Ang mga kalahok ay
binubuo ng 290 na mag-aaral mula sa mga ito ginamit ang random sampling na fish
bowl technique para makuha ang 80 mag-aaral. Ginamit din ang stratified sampling upa
ng ayusin ang mga kalahok batay sa pinakamataas at pinakamababang marka na
nakuha nila sa Filipino II bawat mag-aaral ay binigyan ng bilang mula 1-80.Mula sa
mga bilang na ito ay ginamit ang lahat ng odd number bilang control group at ang even
number bilang experimental. Ang mga nabibilang sa control group ay sasailalim sa
tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng pagsulat samantalang ang experimental ay
sasailalim sa pagtuturo ng process approach.
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Second Language Composition
Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ang ginamit sa pagtaya ng antas ng kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsulat at kabisaan ng process approach.
Ang nabanggit na Composition Profile ay binubuo ng mga iskor na 30 para sa nilalama
n, 20 para sa organisasyon, 20 para sa talasalitaan , 25 para sa tamang paggamit ng
wika/gramatika at 5 para sa mekaniks.Ang kabuuang iskor ay 100.
Ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983) ay nagtataglay ng 5 b
ahagi at bawat bahagi ay nakatuon sa isang aspekto ng pagsulat at may katumbas na
kahalagahan sa pagsulat.
Ang nilalaman ay magbibigay tuon sa kaalaman ng mag-aaral sa paksa ng pagsulat, m
aging ang pagiging malikhain nito sa paggamit ng mga salita,talasalitaan at ng wikang
Filipino para sa epektibong paglalahad ng mga ideya.
Ang bawat mga bahagi ay binigyan ng katumbas na bilang upang masukat ito at
nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto (Lubhang Mahusay__Mahusay,
Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan___Mahina at Lubhang Mahina) na binigyan
ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat krayterya ng pagsulat ng
komposisyon.
Ito ay susukatin batay sa bawat iskor na makukuha sa bawat bahagi o krayterya at
ang magiging kabuuang iskor ng bawat kalahok.
Ang mga nilalaman at gawain ng binuong mga aralin na ipapatupad sa experimental at
control group ay isinangguni ng guro/mananaliksik sa kanyang Punong-guro, Head
Teacher sa Communication Arts at sa tatlong mga kasama pa niyang guro na nagtuturo
ng Filipino para sa ebalwasyon. Nagmasid din ang Head Teacher para sa pakitang turo
ng pagpapatupad ng process approach ng mga nasa experimental group.
Para sa aralin ng pagbibigay ng wakas ng kwento ginamit at dinagdagan ng mananali
ksik ang mga gawain na nasa Banghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa Pagtuturo ng
Basic Education Curriculum para sa Filipino III,sa pagsulat ng sanaysay ay nangalap s
a mga aklat sa retorika at internet ng mga datos kung paano ang paraan ng pagsulat ng
sanaysay at sa pagbibigay ng liham ng paanyaya ay ginamit muli ng mananaliksik ang B
anghay Aralin na matatagpuan sa Gabay sa Pagtuturo ng BEC at dinagdagan ito ng mga
gawain ng mga mag-aaral na lilinang sa kasanayan sa pagsulat.
Samantalang tatayain ang komposisyong ng experimental at control group gamit ang
Second Language ni Hughey. Magkapareho ng aralin ang experimental group gaya ng
pagbibigay ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng Liham ng
Paanyaya. Parehong ituturo ang kombensyon ng pagsulat sa dalawang grupo ngunit
magiging magkaiba sa istratehiyang gagamitin. Kapwa tatanggap ng limang araw na
pagtuturo ang experimental at control group sa bawat komposisyon na lilikhain.Sa
kabuuan ay may labinglimang araw ng pagtuturo sa bawat grupo upang maisakatuparan
ang pag-aaral.
Ginamit din ng mananaliksik ang panayam bilang instrumento upang makalikom ng
mga datos ukol sa kalakasan at kahinaan ng process approach. Tinanong ang 40
kalahok na nasa experimental group tungkol sa kanilang karanasan sa pagsulat, kung nak
atulong ang mga gawain sa paghubog ng kanilang kasanayan sa pagsulat,kung nakatulong
ang puna sa pagpapahusay ng kanilang komposisyon at ng natapos ang proseso ay higit
na naunawaan ang mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon.
Pamamaraan ng Pagbibigay ng Iskor at Grado
Bibigyan ng iskor ang unang burador at pinakahuling burador ng mag-aaral gamit
ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983). Magsisilbing
tagapagwasto at tagapagbigay ng puna ang Guro/Mananaliksik.Magkahiwalay ang iskor
sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks. Ang bawat iskor sa pagsulat
ng burador at panghuling burador ay ihahambing upang masukat ang kabisaan ng
paggamit ng process approach sa pagsulat. Susukatin rin ang kabuuan ng iskor na
nakuha sa bawat komponent upang matukoy ang kanilang antas ng kasanayan.
Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos
Ang mga sumusunod na mga hakbang ang ginamit ng mananaliksik sa pagsasagawa
ng process approach upang makalikom ng datos na magpapatunay ng kanyang kabisaan.
(Experimental Group)
Pagsulat ng Wakas ng Kwento
Ang bawat mag-aaral ay nagsulat ng wakas ng maikling kwento ni “Kwento ni
Mabuti” .Dalawang mga komposisyon ang isinulat, ang unang burador at ang
panghuling burador.
Panimulang Pagsulat
A. Panimulang Pagsulat (Prewriting)
Nagkwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga hindi makakalimutan na
karanasan sa kanilang mga nagdaang guro sa elementarya at sekundarya.Nagbigay din
sila ng pagpapakahulugan tungkol sa pamagat ng “Kwento ni Mabuti” na sinulat ni
Genoveva Edroza-Matute na hango sa Gabay sa Pagtuturo-Filipino III ng Basic
Education Curriculum.Narito ang mga katanungan:
Ano ang ibig sabihin ng pamagat?
Tungkol saan ang kwento?
Bakit kaya ganito ang pamagat ng kwento?
A. Pagpapabasa sa akda
B. Pagbibigay ng buod ng kwento
C. Pagsusuri sa maikling kwento ayon sa mga sumusunod:
1. Banghay
2. Paningin
3. Paksang-diwa
4. Himig
5. Tauhan
6. Tunggalian
7. Teoryang Pampanitikan
8. Pag-uugnay sa akda sa mga tiyak na karanasan (pangkatang gawain)
9. Pangangalap ng impormasyon sa silid-aklatan bilang paghahanda sa
komposisyong isusulat.
II.Pagsulat ( Writing )
A. Pagsasalaysay sa maikling kwento “Estero”.
B. Pagtalakay sa mga tuntunin ng pagsulat ng maikling kwento.
C. Pagbasa sa halimbawa ng pagbibigay ng wakas ng kwento, ang
“Estero”.
D. Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento ng “Kwento ng
Mabuti”.
E. Pagsumite ng output para sa pagbibigay ng puna ng mananaliksik.
III. Muling Pagsulat (Postwriting)
A. Pagsasauli sa sinulat na burador kasama ng mga puna at komento.
B. Pagpapaliwanag sa mga komento. (One-on-one).Tinalakay sa mga kome
nto ang nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.Binigyang-diin din ng
mananaliksik ang kalakasan at kahinaan ng komposisyong sinulat ng bawat mag-aaral
para sa higit na ikagaganda ng kanilang mga komposisyon.
C. Muling pagsulat sa komposisyon.Tinaya muli ng mananaliksik ang mga
panghuling output upang matukoy kung naging mabisa nga ba ang process approach sa
kanilang pagsulat.
Pagsulat ng Sanaysay
Ang mga kalahok ay sumailalim sa mga proseso na inilalalarawan sa ibaba upang
maisulat ang una at huling burador.
I. Panimulang Pagsulat (Prewriting)
1. Pagpapabuod sa maikling kwentong “Ang Kwento ni Mabuti” ni
Genoveva Edroza-Matute.
2. Tinalakay ang mga magagandang mga pananaw ng pangunahing tauhan
sa kwento.
3. Sinuri ang kalakasan at kahinaan ng propesyon ng pagiging guro.
4. Bumasa ang guro ng halimbawa ng isang sinulat na sanaysay tungkol sa
guro.(Ito ay ang isa sa mga sinulat o output ng mananaliksik sa kanyang asignatura sa
(Pagbasa at Pagsulat)
5. Pagpili ng paksa
6. Pangangalap ng impormasyon ukol sa napiling paksa.
7. Tinalakay ang mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng sanaysay.
a. Tatlong Mahahalagang hakbang sa pagsulat ng sanaysay
b. Gabay sa pagsulat ng sanaysay.
8. Pagsulat
1. Binigyan ng isang oras ang mga mag-aaral upang makapagsulat ng isang
sanaysay na may kaugnayan sa guro.
2. Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na iugnay ang kanilang mga
karanasan maging ang mga tinalakay na impormasyon na isali ito sa pagsulat ng
kanilang sanaysay maging ang resulta ng kanilang pananaliksik.
3. Sinimulang sulatin ang unang burador at ipinasa sa guro para sa
pagbibigay puna.
I. Muling Pagsulat (Post Writing)
1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador
batay sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.
2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang
iskor at kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa
kinalabasan ng pagtaya gamit ang Second Language Profile Composition.
3. Matapos ang pagbibigay ng puna sinulat ang huling burador.
4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit pa rin
ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1981).
Pagsulat ng Liham ng Paanyaya
I. Panimulang Pagsulat (Prewriting)
1. Palarong pahulaan kung ano ang okasyon ang isinasaad ng mga larawang
ipinakita ng guro.
2. Pagtalakay sa mga larawan kung kailan, saan ito ginanap, sino ang tagapa
gsalita at paano kaya inanyayahan.
3. Pagtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang nalalaman nila sa pagsulat
ng Liham ng Paanyaya.
4. Pagpapabasa sa isang tiyak na halimbawa ng liham na paanyaya.
5. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa nilalaman ng liham.
6. Pagbibigay ng sintesis tungkol sa mga kailangan sa pagsulat ng liham ng
paanyaya.
7. Pangangalap ng iba pang impormasyon ukol sa Liham Paanyaya.
8. Pagtalakay sa mga tuntunin o paraan ng pagsulat ng liham ng paanyaya.
I. Pagsulat
1. Binigyang ng isang oras upang matapos ang pagsulat ng “Liham ng Paany
aya”.
2. Isinumite ang sinulat na unang burador para sa pagbibigay ng puna.
I. Muling Pagsulat (Post writing)
1. Binigyan ng puna at iskor ng guro/mananaliksik ang unang burador
batay sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks.
2. Nagkaroon ng “one on one” ang guro/mananaliksik ukol sa kanilang
iskor at kung paano higit na mapapahusay ang kanilang komposisyon batay sa kinalabasan
ng pagtaya gamit ang Second Language Composition Profile ni Hughey (1983).
3. Matapos ang pagbibigay ng puna at pagwawasto sa komposisyon ay
sinulat ang huling burador.
4. Tinaya muli ng guro/mananaliksik ang iskor ng mag-aaral gamit ang Seco
nd Language Composition Profile ni Hughey (1983).
Matapos ang tatlong mga komposisyon sa pagpapatupad ng process approach ay
tinanong ng guro/mananaliksik ang mga mag-aaral ukol sa nakita nilang mga
kalakasan at kahinaan nito.Isinulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin saka
ito tinipon ng mananaliksik.
(Control Group)
Sumailalim ang grupong ito sa tradisyunal na pagtuturo, ang bawat komposisyon ay
nagkaroon ng limang araw na pagtalakay.Karaniwang pagpapaliwanag sa mga tuntunin
ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya. Matapos ang talakayan
ay nagpakita ng modelo o halimbawa ng nasabing komposisyon at hinayaan na ang mga
mag-aaral na magsulat.Matapos ang pagsusulat ipinasa ang papel at saka ito iniwasto ng
guro.Tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga komposisyon at isinulat itong muli
upang itama ang mga kamalian.
Narito ang pamamaraan na tinanggap ng mga mag-aaral na nasa control group. Sa
pagsulat ng wakas ng kwento, pagsulat ng sanaysay at liham ng paanyaya, ang mga
sumusunod na hakbang ay isinagawa.
1. Pagtalakay sa kombensyon ng pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay
at liham ng paanyaya.
 Nagbigay ng isang halimbawa ng naisulat na komposisyon sa pagsulat ng
wakas ng kwento, sanaysay at liham ng paanyaya.
 Pagsulat ng mga mag-aaral ng wakas ng kwento, sanaysay at liham ng
paanyaya.
 Pagpasa ng output sa guro/mananaliksik.
 Tinaya ng guro ang sinulat na komposisyon gamit ang Second Language Compo
sition Profile ni Hughey (1983) para sa pagbibigay ng marka.
Pagsusuring Pang-istatiska
Ginamit ang mga sumusunod na instrumento para sa pagbibigay-kahulugan sa mga
datos na nakalap.
1. Frequency – ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na magkakaroon ng
mataas at mababang iskor sa una at huling pagsulat ng burador.
2. Measure of Central Tendency- ang pagtukoy nito ay ang paggamit ng Mean.
Kukunin ang mean ng iskor ng una at huling borador upang makita kung naging mabisa
ang paggamit ng process approach sa mga kalahok.
X= fm/n
Kung saan: f= frequency
m= midpoint
n= number of cases
Sa pagtaya ng bawat komposisyong sinulat ay ginamit ang Second Language
Composition Profile (Hughey et. al. 1983).Kung saan ang bawat mga bahagi ay binigyan
ng katumbas na bilang upang masukat ito at nilagyan din ng apat na antas ng pagkatuto (L
ubhang Mahusay_Mahusay, Magaling__Magaling-Galing, Karaniwan__Mahina at
Lubhang Mahina) na binigyan ng tiyak na paglalarawan para kumatawan sa bawat
krayterya ng pagsulat ng komposisyon.
Kabanata 4
PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga tinipong datos na nasa talahanayan at
tekswal na anyo.Ang mga datos ay inayos,pinag-uri-uri at sinuri gamit ang mga angkop
na instrumentong pang-istatistika at mga proseso na nailarawan sa kabanata 3. Ang
interpretasyon ay naisagawa sa paliwanag ng mga tiyak na sakop at lawak ng pag-aaral
na ito.
Kaugnay ng mga layuning ito, ang mga sumusunod ay maingat na sinuri ng
mananaliksik.
1. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos ituro a
ng process approach bilang isang istratehiya sa pagsulat batay sa nilalaman,
organisasyon, talasalitaan, wika/gramatika at mekaniks.
Ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon sa una at huling burad
or ay sinukat gamit ang limang krayterya na makikita sa Second Language Compositio
n Profile (Hughey et. al. 1983). Ito ay binubuo ng nilalaman (30%), organisasyon (20%),
talasalitaan (20%), wika (25%) at mekaniks (5%).Ang kanilang kasanayan ay makikita
sa kanilang mga iskor sa bawat krayterya sa una at huling burador ng kanilang sanaysay,
pagsulat ng Liham ng Paanyaya at pagbibigay wakas ng kwento. Matapos masukat ay
kinuha ang karaniwang iskor sa bawat krayterya upang mailarawan ang antas ng
kasanayan sa pagsulat.
Makikita sa ibaba ang pagsusuri at interpretasyon sa mga datos kaugnay sa antas ng
kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa kalidad ng kanilang sinulat na hinatihati sa limang komponent.
A. Pagbibigay ng Wakas ng kwento
Talahanayan 1
Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga
Mag-aaral Matapos Maituro ang Process Approach
Unang Burador
Komponent Kabuuang
Huling Burador
Iskor
Karaniwang/ Deskripsyong Kabuuang
Iskor
Mean
Karaniwang Deskripsyong
Mean
Berbal
Nilalaman
830
20.75
30%
Karaniwang
1058
26.45
Mahina
Berbal
Lubhang
MahusayMahusay
Organisasyon 538
13.45
20%
Talasalitaan
450
11.25
20%
Magaling- 700
17.5
Lubhang
Magaling-
Mahusay-
Galing
Mahusay
Karaniwang
750
18.75
Mahina
Lubhang
MahusayMahusay
Wika
690
17.25
25%
Mekaniks
130
5%
3.25
Magaling- 860
21.5
Lubhang
Magaling-
Mahusay-
Galing
Mahusay
Karaniwang
180
Lubhang
4.5
Mahusay-
Mahina
Mahusay
Kabuuan
65.95
88
7
1. Karaniwang Iskor ng mga Mag-aaral bago at Matapos ang Pagtuturo ng P
rocess Approach.
Ipinakikita ng Talahanayan 1 ng karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng una at huling burador batay sa limang krayterya. Para sa nilalaman ng
unang burador nagkaroon ng kabuuang iskor na 830 na may karaniwang mean na
20.75 at deskripsyong berbal na karaniwan_mahina samanatalang matapos
maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na
1058 at karaniwang mean na 26.45 na may deskripsyong berbal na Lubhang
Mahusay_Mahusay.
Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor
na 538 na may karaniwang mean na 13.45 at deskripsyong berbal na Magaling_Mag
aling-Galing. Samantalang sa pinal na burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
700 at karaniwang mean na 17.5 na may deskripsyong berbal na Lubhang
Mahusay_Mahusay.
Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 450 at karaniwang mean na 11.25 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 750 at 18.75 na
karaniwang mean at Lubhang Magaling bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 690
at karaniwang mean na 17.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 860 at 21.5 na
karaniwang mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
130 at karaniwang mean na 3.25 at Karaniwang_Mahina bilang deskripsyong berba
l samantalang sa huling burador ay may kabuuang 180 at 4. 5 na karaniwang
mean at Magaling_Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.
Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng
mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pagaaral Francisco (1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi
nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa
kawalan ng interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay ang
kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto.At ang
kawalan ng puna upang malaman ang mga kamalian.Ngunit nang matapos
maisagawa ang proseso ng process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor
batay sa limang krayterya. Patunay na nagabayan nang tama, nabigyan ng
makabuluhang pagpuna at sapat na kaalaman kung paano isusulat ang ganitong
teksto.
1. Nilalaman
Ito ang pinakamahalagang krayterya sa pagtaya ng sulatin o komposisyon. Sapag
kat dito makikita ang lawak ng kaalaman at lubos na pagkaunawa sa paksa ng mga
mag-aaral. Sa mga sinulat na komposisyon gaya ng pagbibigay ng wakas ng kwento.
Ang nilalaman ay tumutukoy sa maayos na pagpapaliwanag ng paksa,
pagkakaroon ng mga ebidensya ng pagkaunawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga suportang mga impormasyon na orihinal, kongkretong detalye, paglalarawan,
pagtutulad, pagbibigay ng halimbawa at sanhi at bunga.
Talahanayan 2
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Pinal na Burador Deskripsyon Berba
Nilalaman
30-26
l
0
25
Lubhang
Mahusay- Mahus
21-25
15
15
ay
Magaling-
20-16
25
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
15-11
Kabuuan
0
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Batay sa talahanayan 1, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 ang nakakuha
ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Karaniwan_ Mahina). ito ang nakuha ng pinakamalaking
bahagdan ng mag-aaral na kung saan nasa karaniwan patungong mahina ang antas ng
kasanayan ng mga mag-aaral batay sa nilalaman ng kanilang sinulat na wakas ng kwento.
Samantalang 15 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Mag
aling-Galing).Bagamat naituro na sa mga mag-aaral ang paraan ng pagsulat ng wakas ng
kwento at nakabasa ng halimbawa nito masasabing nasa antas pa rin ng Karaniwan
patungong Mahina ang mga mag-aaral sapagkat ang ganitong komposisyon ay hindi
karaniwang isinusulat ng mga mag-aaral sapagkat ang Filipino II ay nakatuon sa
paglikha ng tula, balagtasan at dula na siyang batayan ng pag-aaral sa ikalawang taon sa
ilalim ng Secondary Education Curriculum (SEC). Ipinapakita rin ng resulta nito na nawa
lan ng pagkakaugnay ang mga aralin ng SEC sapagkat sa ikatlong taon ang mga magaaral ay nasa ilalim sa Basic Education Curriculum.
Samantalang matapos maituro ang process approach wala ng mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16, labinlima sa mga mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-galing) at 25 mag-aaral ang nakakuha
ng iskor sa pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan ng mga
datos na ito na nakatulong ang paggamit ng process approach bilang dulog sa pagsulat
ng wakas ng kwento upang lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong sinulat. N
agkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral ng Lubhang Mahusay_Mahusay nakatulong
sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil
sa nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano
higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang sinulat na siyang diin ng Edukasyong
Sekondari ng 2010 ang paggamit ng iba’t ibang dulog at pamamaraan sa paglinang ng
limang makrong kasanayan sa Filipino.
Sa pagsulat ng huling burador ay hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng
self-correction at peer correction ang mga mag-aaral na dalawang pamamaraan ng
ebalwasyon na iminumungkahi ni Brookes (1990) dahil na rin sa mababang iskor na
nakuha ng mga mag-aaral sa pagsulat ng kanilang unang burador.Ipinapakita lamang
nito na walang kakayahan ang mga mag-aaral na makita ang kanilang mga kamalian
dahil sa mababang marka nila sa nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks
na mga krayterya sa pagbuo ng komposisyon.Tanging ang guro/mananaliksik o Teacher
Correction ang ginamit bilang batayan ng pagtaya sa mga kamalian ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng wakas ng kwento, sanaysay at liham paanyaya.
1. Organisasyon
Ang organisasyon ay tumutukoy sa kalinawan ng ideya at paraan ng pagkakabuo ng
paksa mula sa simula, katawan at wakas.
Talahanayan 3
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon
Hanay ng Iskor sa
Organisasyon
Unang Burador
Pinal na Burador Deskripsyong
Berbal
20-17
0
22
Lubhang
Mahusay-
16-13
17
18
Mahusay
Magaling-
12-9
23
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
8-5
Kabuuan
0
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Ang talahanayan 4 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan ng mga
mag-aaral sa una at pinal na burador matapos maituro ang process approach batay sa org
anisasyon. Sa unang burador 23 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 12-9
(Karaniwan_Mahina) na nagpapakita na ang sinulat ay hindi maayos at hindi lohikal
ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Samantalang 17 mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing) nawala ang pagka-organisado
ngunit malinaw pa rin ang paksa. Masasabing ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral
ay nabibilang sa Karaniwan-Mahina nangangahulugan ito na nahirapan ang mga mag-
aaral sa pagbuo ng wakas ng kwento dahil sa kawalan ng pagpapakilala sa ganitong uri
ng komposisyon, kawalan ng interes at negatibong pananaw ukol sa pagsulat. Keh (1990)
Sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng nabibilang sa iskor na sa pagitan ng
12-9 na nasa Karaniwan_Mahina.Nagkaroon ng 18 mag-aaral na ang iskor ay nasa
pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing) at 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor
sa pagitan ng 20-17 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng pagunlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong paglalahad ng mga pangyayari
sa wakas ng kwento ang mga mag-aaral matapos na maisagawa ang process approach at
nagkaroon ng Lubhang Mahusay-Mahusay na antas ng kasanayan ang mga mag-aaral
dahil nabigyan ng pansin ng dulog na ito ang positibong pagpapahusay sa nilalaman,
organisasyon at talasalitaan (Keh 1990).
1. Talasalitaan
Ang talasalitaan ay sumusukat sa angkop na pagpili at paggamit ng salita , idyoma at
talinghaga sa pagbibigay ng wakas ng kwento.
Nakatuon ang talahanayang 3 sa kasanayan sa talasalitaan. Sa unang burador ay
ipinakita na 35 na mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-Mahina) at 5
mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-galing).
Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina kung
talasalitaan ang pag-uusapan batay sa kanilang unang burador sapagkat ang maikling
kwento ay nararapat na mayaman sa mga talinghaga at idyoma upang maipakita ang
pagiging malikhain ng isang manunulat.
Talahanayan 4
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan
Hanay ng Iskor
Unang Burador
Huling Burador Palarawang
Sa Talasalitaan
20-17
Berbal
0
20
Lubhang
Mahusay-
16-13
5
20
Mahusay
Magaling-
12-9
35
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
Mahina
8-5
Kabuuan
0
40
0
40
Lubhang Mahina
Ipinapakita lamang nito na limitado ang talasalitaan ng mga mag-aaral bunga ng
kawalang ng interes sa pagbabasa.Ang pagsusulat ay pagsasalin sa papel ng anumang
kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon (Lozano 2000). Samakatwid nahirapan sa paggamit ng tamang talasalitaan
ang mga mag-aaral dahil sa kawalang ng karanasan at kaalaman.
Samantalang matapos maisagawa ang process approach at maisulat ang pinal na
borador ay nagkaroon ng 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 16-13 (Magaling_Maga
ling-Galing ) at 20 mag-aaral na may iskor sa pagitan ng 20-17
( Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayang ito na nasa pagitan ng Magaling_Magalin
g-Galing at Lubhang Mahusay-Mahusay ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral at nak
atulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga idyoma, salita at
bokabolaryo sa pagtatapos ng pagtuturo ng process approach sa mga mag-aaral.
1. Wika
Ito ay tumutukoy sa kahusayan ng paggamit ng bahagi ng pananalita, ugnayan
ng aspekto, bilang at salita.
Talahanayan 5
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Wika
Hanay ng Iskor
sa wika
25-21
Unang Burador
0
Huling Burador
25
Palarawang
Deskripsyon
Lubhang
Mahusay-
20-16
20
15
Mahusay
Magaling-
15-11
20
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
10-6
Kabuuan
0
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Ipinapakita ng talahanayan 4, ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika. Sa unang
borador ng paggamit ng process approach ay may 20 mag-aaral na may iskor sa pagitan
ng 15-11 (Karaniwan_Mahina) at 20 na mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng 20-16 (Ma
galing_Magaling-galing).Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may antas ng
kasanayan sa pagitan ng Karaniwan_Mahina at Magaling _Magaling-Galing sa wika
dahil sa may kaalaman na ang mga mag-aaral sa paraan ng paggamit ng mga bahagi ng
pananalit dahil mula elementarya ay itinuturo na ang mga ito.
Samantalang matapos ang proseso ng process approach ay wala ng mga mag-aaral
ay nabibilang sa Karaniwang_Mahina sa wika. May mga 15 mag-aaral ang nabibilang sa
iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-galing) at 25 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng
25-21 (Lubhang mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman
ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita ng
mga mag-aaral dahil nabibilang na sila sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay.Naba
lik-aralan ng mga mag-aaral ang tamang paggamit ng mga bahagi ng pananalita, aspekto
at salita sa pagbibigay ng puna.
1. Mekaniks
Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa kombensyon na pagsulat, mga
kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking titik.
Talahanayan 6
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Wakas ng Kwento ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Huling Burador Deskripsyon Berba
Mekani
ks
5
l
0
20
Lubhang
Mahusay-
4
10
20
Mahusay
Magaling-
3
30
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
2
Kabuuan
0
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Sa talahanayan 6, mga 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina)
at 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-galing). Ipinapakita
nito na sa unang borador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_M
ahina naging karaniwang mali ng mga mag-aaral ang kinaugaliang paraan ng pagsusulat
sa pagtetext kaya’t madalas na mali ang pagbaybay at paggamit ng malaking titik. Hindi
masyadong karaniwan ang ganitong uri ng teksto na nararapat na maituro, masuri at
maipaalam sa mga mag-aaral ang kombensyon ng ganitong teksto.
Matapos maisagawa ang proseso ng process approach ay wala ng mag-aaral ang
nabibilang sa Karaniwan_Mahina o iskor na 3 at 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor
na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 20 ang nakakuha ng iskor na 5 (Lubhang Mahusay_M
ahusay).
Batay sa mga datos ng huling burador may kasanayan ang mga mag-aaral sa wika
ng Lubhang Mahusay_Mahusay at Magaling_Magaling-Galing dahil sa mabisa nang
naituro at naipaalam ang pamamaraan ng pagsulat sa ganitong teksto at nagkaroon ng
interaksyon ang mga mag-aaral sa kanilang guro,upang ituro ang teknik ng pagsulat at
maitama ang kanilang mga kamalian (Badayos,2002).
A. Pagsulat ng Sanaysay
B.1. Nilalaman
Talahanayan 7
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman
Hanay ng Iskor
Unang
Burado Huling Burador
sa
r
Nilalaman
30-26
0
Deskripsyong
Berbal
30
Lubhang
Magaling-
25-21
15
10
Magaling
Magaling-
20-16
25
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
15-11
Kabuuan
0
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Batay sa Talahanayan 7 antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanayasay batay sa
nilalaman, ipinapakita nito na sa unang burador ay may 25 mag-aaral ang nakakuha ng
iskor na 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing).Batay sa mga datos na ito ang antas ng
kasanayan ng mga mag-aaral ay nasa Karaniwan_Mahina bagamat ang sanaysay ay ang
malimit na isulat ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ipinapakita pa rin na nasa
karaniwan patungong mahina ang kasanayan nila nangangahulugang na sa 25 sanaysay it
o ay nagtataglay ng limitadong kaalaman sa paksa halos ang mga detalye ay kaunti
lamang upang mapaunlad ang komposisyon.Marami pa rin ang mga mag-aaral na
nakatatapos ng elementary na kulang sa kakayahan sa pagsulat.(Bernales at Villafuerte,
2008)Kung nakakasulat man ang kanilang sulatin ay hindi tumutugon sa mga itinakdang
krayterya sa kanilang antas ng pagkatuto.
Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 ,sampu sa mga mag-aaral ay nakuha ng iskor sa
pagitan ng 25-21 (Magaling-Magaling-Galing) at 30 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 30-26 (Lubhang Mahusay-Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na ito na n
asa Lubhang Mahusay_Mahusay ang kasanayan ng mga m,ag-aaral at nakatulong ang
paggamit ng process approach bilang estratehiya sa pagsulat ng sanaysay upang lubos
na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong sinulat. Nakatulong sa mga mag-aaral ang
pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa nagkaroon sila ng
pagkaunawa sa kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano higit na
mapapayaman ang nilalaman ng kanilang sinulat (Badayos, 2002)
.
B.2. Organisasyon
Talahanayan 8
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Huling Burador
Organisasyon
20-17
Deskripsyong
Berbal
0
28
Lubhang
Magaling-
16-13
10
12
Magaling
Magaling-
12-9
30
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
Mahina
8-5
Kabuuan
0
40
0
40
Lubhang Mahina
Ang talahanayan 8 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan ng mga ng
mga mag-aaral sa una at huling na burador matapos maituro ang process approach batay
sa organisasyon. Sa unang borador 30 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan
ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) ang sinulat ay hindi maayos at hindi lohikal ang pagkakasun
od-sunod ng mga detalye at 10 mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_M
agaling-Galing). Sa unang burador makikita na nasa Karaniwan_Mahina ang antas ng
kasanayan ng mga mag-aaral nangangahulugan ang sinulat na sanayasay ay hindi
maayos ang kaisipan, walang kaugnayan at hindi lohikal ang pagkakasunod ng mga
impormasyon.
Samantalang sa huling burador 12 mag-aaral nakakuha ng iskor sa pagitan ng 1613( Magaling_Magaling-Galing ) at 28 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan
ng 20-17 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito na nasa Lubhang Mahusay_Mah
usay ang antas ng kasanayan sa sanaysay ng mga mag-aaral nagkaroon ang mga ito ng
pag-unlad sa pagpapahayag ng paksa kasama ng organisadong paglalahad ng mga
suporta at detalye ng isang sanayasay matapos naisagawa ang process approach.
B. 3. Talasalitaan
Talahanayan 9
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Talasalitaan
20-17
0
Huling
Deskripsyong
Burador
Berbal
20
Lubhang
Magaling-
16-13
8
20
Magaling
Magaling-
12-9
32
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
0
40
0
40
8-5
Kabuuan
Mahina
Lubhang Mahina
Nakatuon ang talahanayan 9 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng
bokabularyo, salita at idyoma. Sa unang burador ay ipinakita na 32 mag-aaral ang nasa
iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan-Mahina) at 8 mag-aarla ang may iskor sa pagitan
ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga datos a ng mga mag-aaral ay may
antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina kung talasalitaan ang pag-uusapan batay sa
kanilang unang burador. Ang mga salik na nakaapekto rito ay ang kawalan ng interes sa
pagsulat (Keh,1990). Kasama rito ang kawalan din ng interes sa pagbabasa upang lalong
mapalawak ang kaalaman sa mga bokabularyo at idyoma na nagpapaganda sa anumang
komposisyon.
Samantalang matapos ang proseso ng process approach at maisagawa ang huling
burador 20 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13( Magaling_Magalinggaling ) at 20 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay. Samakatwid ang
antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ay kapwa nasa pagitan ng Lubhang MahusayMahusay at Magaling-Magaling-Galing.Pinatutunayang ito na nakatulong sa mga magaaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga idyoma, salita at bokabolaryo sa
pagtatapos ng pagtuturo ng process approach sa mga mag-aaral. Nakatulong ang aktibong
pakikibahagi ng mga mag-aaral sa estratehiya ng process approach upang matamo ang
yugto ng kamalayan at mapabuti ang sanaysay..(White, 2004)
B.4. Wika
Talahanayan 10
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika
Hanay ng Iskor
Unang Burador
Huling Burador
Sa Wika
25-21
Deskripsyong
Berbal
0
30
Lubhang
Mahusay-
20-16
5
10
Mahusay
Magaling-
15-11
30
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
5
40
0
40
10-6
Kabuuan
Mahina
Lubhang Mahina
Ipinapakita ng talahanayang 10 ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika o
kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap.Sa unang burador
ng paggamit ng process approach, 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 106 (Lubhang Mahina), 30 mag-aaral ay may iskor sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_Mahina
) at 5 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 20-16 (Magaling_Magaling-Galing)
. Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may kasanayan ng Karaniwan_Mahina sa wik
a na inilalarawan nito na ang sanaysay ng unang burador ay may mga suliranin sa
pagkakabuo at kamalian sa ugnayan ng aspekto at bahagi ng pananalita. Mauunawaan na
ang mga ito ay naituro na mula sa elemetarya at sekundarya ngunit magpahanggang
ngayon ay dala pa ng mga mag-aaral ang mga ganitong kamalian.(Bersales at Villafuerte,
2008).
Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay wala ng
mga mag-aaral ang nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina sa wika. May
mga 10 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-16(Magaling_Magaling-galing) at 30
mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipin
apakita nito na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang
pamamaraan ng paggamit ng mga bahagi ng pananalita at aspekto dahil sa nagkaroon
ang mga mag-aaral ng antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay_Mahusay na
nangangahulugang naging mahusay na pagkakabuo ng sanaysay at madalang na lamang
ang mali sa ugnayan, aspekto at bahagi ng pananalita na naunawaan matapos ang
pagbibigay ng puna.(Ho, 2006)
B. 5. Mekaniks
Talahanayan 11
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Huling Burador
Mekaniks
5
Deskripsyong
Berbal
0
32
Lubhang
Mahusay-
4
10
8
Mahusay
Magaling-
3
25
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
5
40
0
40
2
Kabuuan
Mahina
Lubhang Mahina
Sa Talahanayan 11 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa
kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas at
pagtatala at paggamit ng malaking titik.Limang mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 2
(Lubhang Mahina), 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at 10
mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita nito na
sa unang burador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina.
Inilalarawan nito na ang komposisyong ay malimit na may kamalian sa pagbabaybay,
paglalagay ng bantas, pagtatala at paggamit ng malaking titik. Isang malaking salik sa
ganitong suliranin ay ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa pagtetext na kadalasan ay
nadadala maging sa pagsulat ng komposisyon kasama na rin ang kawalan ng interes sa
pagsulat.(Concepcion,2006).
Matapos maisagawa ang proseso ng process approach wala ng mag-aaral ang
nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan-Mahina, 8 mag-aaral na lamang ang
nabibilang sa iskor na 4 na may deskripsyong berbal na Magaling_Magaling-Galing
at 32 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5 na Lubhang Mahusay_Mahusay.
Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral sa wika ay may antas ng
kasanayan na Lubhang Mahusay_Mahusay sapagkat ito ay nakakuha ng pinakamalaking
bahagdan ng mga kalahok. Ipinakikita nito na naunawaan na ng mga mag-aaral ang
paraan ng pagsulat ng sanaysay maging ang pagkakaroon ng madalang na kamalian sa
pagbabaybay, paglalagay ng bantas ,pagtatala at paggamit ng malaking titik sa
pamamagitan ng tamang paggabay at pagpapapaliwanang ng puna ng guro .Mahalaga
ang guro sa pagpapatupad ng process approach upang maging totoong epektibo ang
pagtuturo (Doctor, 1996).
B. 6. Karaniwang Iskor ng mga mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay
Talahanayan 12
Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach
Unang Burador
Huling
Burador
Komponen Kabuuang
Iskor
t
Karaniwang/ Deskripsyong Kabuuang
Karaniwang Deskripsyong
Mean
Mean
Iskor
Berbal
Nilalaman 831
20.78
Berbal
Karaniwang 1120
28.00
Mahusay-
30%
Mahusay
Mahina
Organisas 510
12.75
Karaniwan735
18.38
Talasalitaa 512
12.8
Karaniwang 665
16.63
Mahina
n
Mahusay
MagalingMagalingGaling
20%
600
15.00
Karaniwang 920
23.00
Mahina
Mekaniks 125
Lubhang
Mahusay-
25%
5%
Lubhang
Mahusay-
g Mahina
yon 20%
Wika
Lubhang
3.13
Lubhang
Mahusay
192
4.8
Mahina
1. 8
Lubhang
MahusayMahusay
Kabuuan
64.46
90.81
Ipinakikita ng talahanayan 12 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral
sa pagsulat ng una at pinal na borador batay sa limang krayterya. Para sa
nilalaman nagkaroon ng kabuuang iskor na 831 na may karaniwang mean na 20.78
at deskripsyong berbal na karaniwan- mahina samanatalang matapos maiisagawa
ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na 1120 at
karaniwang mean na 28.00 na may deskripsyong berbal na Lubhang MahusayMahusay.
Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor na 5
10 na may karaniwang mean na 12.75 na may deskripsyong berbal na
karaniwang-mahina.Samantalang sa pinal na borador ay nakakuha ng kabuuang
iskor na 665 at karaniwang mean na 16.63 na may deskripsyong berbal na
Magaling-Magaling-galing.
Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang
iskor na 512 at karaniwang mean na 12.8 at Karaniwan- Mahina bilang
deskripsyong berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 665 at 16.63
na karaniwang mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na 600
at karaniwang mean na 15.00 at Karaniwang-Mahina bilang deskripsyong berbal
samantalang sa huling burador ay may kabuuang 920 at 23.00 na karaniwang mea
n at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
125 at karaniwang mean na 3.13 at Karaniwan- Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling borador ay may kabuuang 192 at 4.8 na karaniwang
mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng
mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pagaaral (Francisco) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit hindi
nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil sa
kawalan marahil ng interes sa pagbabasa .Maari ring maging salik ng kahinaan ay
ang kawalan ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto. At ang
kawalan ng puna upang malaman ang mga kamalian. Ngunit nang matapos
maisagawa ang proseso ng process approach ay tumaas ang mga kabuuang iskor
batay sa limang komponent. Nabigyan nang tamang paggabay,makabuluhang puna
at sapat na kaalaman kung paano isusulat ang sanayasay batay na rin sa kanilang
sariling pang-unawa.
A. Pagsulat ng Liham na Panyaya
C.1. Nilalaman
Talahanayan 13
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Nilalaman
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Huling Burador
Nilalaman
30-26
Deskripsyong
Berbal
0
15
Lubhang
MahusayMahusay
25-21
15
25
Magaling-
20-16
25
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
0
40
0
40
15-11
Kabuuan
Mahina
Lubhang Mahina
Batay sa talahanayan 13, ipinapakita nito na sa unang burador ng pagsulat ng liham
ng paanyaya batay sa nilalaman ay may 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 20-16 (Karaniwan patungong mahina) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng iskor
sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing). Makikita na ang antsa ng kasanayan
sa nilalaman ng unang burador ay nasa Karaniwan_Mahina. Ipinakikita nito na ang
sinulat na liham ay limitado ang kaalaman sa paksa at hindi napaunlad ang kaisipan. Sapa
gkat kung minsan ang ating mga estudyante ay nahihirapan sa paglikha ng komposisyon
na orihinal at makabuluhan dahil nakadepende ang kanilang kakayahan sa uri ng matetyal
at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay ng kanilang karanasan (Sengseng, 1987). Ipinapa
kita na hindi naging mabisa ang mga dating materyal na ginamit upang malinang ang
kasanayan sa pagsulat ng liham noong sila ay nasa elementarya at maaring sekundarya.
Samantalang matapos maituro ang process approach wala na sa mga mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan 20-16 (Karaniwan_Mahina),at 25 mag-aaral ang nabibilang
sa iskor sa pagitan ng 25-21 (Magaling_Magaling-Galing) at 15 mag-aaral ang nakakuha
ng iskor sa pagitan ng 30-26. Pinatutunayan ng mga datos na ito na nakatulong ang
paggamit ng process approach bilang estratehiya sa pagsulat ng liham ng paanyaya upan
g lubos na mapahusay ang nilalaman ng komposisyong sinulat. Nakatulong sa mga magaaral ang pagbibigay ng puna na isinagawa ng guro sa bawat mag-aaral dahil sa
nagkaroon sila ng pagkaunawa sa kanilang kamalian at nabigyan ng payo kung paano
higit na mapapayaman ang nilalaman ng kanilang sinulat.
C.2. Organisasyon
Talahanayan 14
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Organisasyon
Hanay ng Iskor
Unang Burador
sa
Organisasyon
20-17
Huling
Deskripsyong
Burador
0
27
Berbal
Lubhang
Mahusay-
16-13
22
13
Mahusay
Magaling-
12-9
18
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
8-5
Kabuuan
0
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Ang talahanayan 14 ay nagpapakita ng iskor na kumakatawan sa kasanayan ng mga
mag-aaral sa unang burador matapos maituro ang process approach batay sa organisasyon
Sa unang burador 18 mag-aaral ang nabibilang sa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_M
ahina) at 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_MagalingGaling). Batay sa mga datos na ito, makikita na ang kasanayan ng mga mag-aaral ay
nasa Magaling_Magaling-Galing na nangangahulugan na ang liham ng paanyaya ay
nawala sa pagiging organisado ngunit malinaw pa rin ang paksa at limitado ang suporta
ng mga detalye.
Samantalang sa huling burador ng mga mag-aaral ay wala ng mag-aaral ang
nakakuha ng iskor na 12-9 at 13 mag-aaral na nakakuha ng iskor na sa pagitan ng 16-13
(Magaling_Magaling-galing) at may 27 mag-aaral ang may iskor sa pagitan ng 20-17
(Lubhang Mahusay_Mahusay). Pinatutunayan ng mga datos na sa pagtatapos ng pagsasag
awa ng process approach ang mga kalahok ay nagkaroon ng kasanayan na Lubhang
Mahusay-Mahusay sa pagsulat ng liham paanyaya nangangahulugan lamang na naging
maayos na ang pagpapahayag ng paksa at malinaw na nailahad ang mga suporta at
lohikal ang pagkakaayos at may kaisahan ng kaisipan. Mas mataas ang kalidad ng liham
na nabubuo ng mga mag-aaral kung ginagamitan ng process approach. Malaking tulong
ang ganitong dulog sa paglinang ng pagkaunawa sa mga mag-aaral at kung isinasaalangalang ang kanilang interes,kakayahan at estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
(Concepcion 2006).
C. 3. Talasalitaan
Talahanayan 15
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Talasalitaan
Hanay ng Iskor sa Unang Burador
Huling Burador
Talasalitaan
20-17
Deskripsyong
Berbal
0
18
Lubhang
Mahusay-
16-13
4
22
Mahusay
Magaling-
12-9
30
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
8-5
6
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Kabuuan
Nakatuon ang talahanayang 15 sa kasanayan sa talasalitaan o ang paggamit ng
bokabularyo,salita at idyoma sa pagsulat ng liham na paanyaya. Sa unang burador ay
ipinakita na 6 na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 8-5 (Lubhang Mahina),
30 mag-aaral ang nasa iskor sa pagitan ng 12-9 (Karaniwan_Mahina) at 4 na mag-aaral
ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 16-13 (Magaling_Magaling-Galing). Batay sa mga
datos ang mga mag-aaral ay may antas ng kasanayan sa Karaniwan_ Mahina. Nanganga
hulugan lamang na ang sinulat na liham ay limitado ang kaalaman at may kamalian sa
pagpili ng angkop na salita.Ito ay bunsod ng kawalan ng mga gawain na lilinang sa mga
mag-aaral upang mapayaman ang kanilang kaalaman sa talasalitaan. Malimit ding alang
interes sa pagbabasa ang mga mag-aaral na hadlang sa paglinang ng mayaman na
talasalitaan.
Samantalang matapos maisakatuparan ang proseso ng process approach at
maisagawa ang huling burador ay wala ng nabibilang sa karaniwang –mahina. May 22
mag-aaral ang nagkaroon ng iskor sa pagitan ng 16-13 ( Magaling_Magaling-Galing )
at 18 mag-aaral sa kategorya ng Lubhang Mahusay_Mahusay. Pinatutunayang ito na
nakatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa mga idyoma,
salita at bukabolaryo sa pagtatapos ng pagsasagawa ng process approach. Dahil ang
mga mag-aaral ay binigyan ng pagkakataong mapag-isipan at marebisa ang kanilang
ideya kasama ng gabay na ibinigay ng guro na naging dahilan para maging mahusay ang
huling sipi ng kanilang liham.(Ignacio,2008)
C.4. Wika
Talahanayan 16
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Wika
Hanay ng Iskor
Unang Burador
Huling Burador
Deskripsyong
Berbal
25-21
0
20
Lubhang
Mahusay-
20-16
15
20
Mahusay
Magaling-
15-11
20
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
10-6
Kabuuan
5
40
0
40
Mahina
Lubhang Mahina
Ipinapakita ng talahanayang 16 na ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wika o
kahusayan sa paggamit ng mga bahagi ng pananalita sa pangungusap. Sa unang burador
ng paggamit ng process approach ay may 5 na mag-aaral na nakakuha ng iskor sa pagitan
ng 10-6 (Lubhang Mahina), 20 mag-aaral ay may iskor sa pagitan ng 15-11 (Karaniwan_M
ahina). Batay sa mga datos ang mga mag-aaral ay may kasanayan ng Karaniwan_Mahina
sa wika na nangangahulugan na ang liham na isinulat ay may mangilan-ngilang
suliranin sa pagkakabuo at may ilang kamalian sa ugnayan ng aspekto, salita at bahagi
ng pananalita.
Samantalang matapos maisagawa ang estratehiya ng process approach ay wala ng
mga mag-aaral ay nabibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwang_Mahina sa wika. May
20 mag-aaral ang nabibilang sa iskor na 20-16 (Magaling_Magaling-galing) at 20 ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 25-21 (Lubhang Mahusay_Mahusay). Ipinapakita nito
na nagkaroon ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng
paggamit ng mga bahagi ng pananalita dahil sa pagkakaroon ng antas ng kasanayan na
kapwa Lubhang Mahusay_Mahusay at Magaling_Magaling-Galing.
C. 5. Mekaniks
Talahanayan 17
Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Liham ng Paanyaya ng mga Mag-aaral
Matapos Maituro ang Process Approach Batay sa Mekaniks
Hanay ng Iskor
Unang Burador
Huling Burador
Deskripsyong
Berbal
5
0
15
Lubhang
Mahusay-
4
10
25
Mahusay
Magaling-
3
22
0
Magaling-Galing
Karaniwan-
8
40
0
40
2
Kabuuan
Mahina
Lubhang Mahina
Sa talahanayan 17 ng mekaniks na tumutukoy sa pagpapakita ng kahusayan sa
kombensyon na pagsulat, mga kamalian sa pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala
at paggamit ng malaking titik. Walo sa mga mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 2
(Lubhang Mahina), 22 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 (Karaniwan_Mahina) at 10
mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 4 (Magaling_Magaling-Galing). Ipinapakita nito na
sa unang burador ang kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina n
a nangangahulugan na ang mga sinulat na liham ay may malimit na kamalian sa
pagbabaybay, paglalagay ng bantas, pagtatala,paggamit ng malaking titik at may
malabong kahulugan.
Matapos maisagawa ang estratehiyang process approach wala ng mag-aaral ang nab
ibilang sa Lubhang Mahina at Karaniwan_Mahina, 25 mag-aaral ang nakakuha ng iskor
na 4 (Magaling_Magaling-galing) at 15 mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5 LubhangMahusay-Mahusay.
Batay sa mga datos ng huling burador ang mga mag-aaral ay may kasanayan sa wika
ng Magaling_ Magaling-Magaling ang mga liham na isinulat ay nagkaroon na lamang
ng mangilan-ngilang kamalian sa pagbaybay,paglalagay ng bantas , pagtatala at
paggamit ng malaking titik.Pinatutunayan na nakatulong ang process approach sa
pagpapabuti ng mga liham na sinulat ng mga mag-aaral.
C. 6. Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham Paanyaya ng mga Mag-aaral
Ipinakikita ng talahanayan 18 ang karaniwang iskor o mean ng mga mag-aaral
sa pagsulat ng una at huling na burador batay sa limang component .Para sa
nilalaman nagkaroon ng kabuuang iskor na 875 na may karaniwang mean na 21.
88 at deskripsyong berbal na Magaling-Magaling-Galing samanatalang matapos
maisagawa ang proseso ng process approach ay nagkaroon ng kabuuang iskor na
1040 at karaniwan mean na 26 na may deskripsyong berbal na Lubhang MahusayMahusay.
Talahanayan 18
Karaniwang Iskor sa Pagsulat ng Liham ng Panyaya ng mga Mag-aaral Matapos
Maituro ang Process Approach
Unang Burador
Huling Burador
Komponent Kabuuang Karaniwang/ Deskripsyong Kabuuang Karaniwang Deskripsyong
Nilalaman
Iskor
Mean
875
21.88
30%
Organisasyon568
14.2
20%
Talasalitaan
20%
457
11.43
Iskor
Berbal
Magaling- 1040
Mean
26
Berbal
Lubhang
Magaling-
Mahusay-
Galing
Mahusay
Magaling-
721
18.03
Lubhang
Magaling-
Mahusay-
Galing
Mahusay
Karaniwang
Mahina
684
17.10
Lubhang
MahusayMahusay
Wika
650
16.25
870
21.75
Magaling-
25%
Mekaniks
Magaling-
122
3.05
5%
Galing
Karaniwang
Mahina
Lubhang
Mahusay-
175
4.38
Mahusay
MagalingMagalingGaling
Kabuuan
6
87.26
6.81
Batay naman sa organisasyon nakakuha ang mga mag-aaral ng kabuuang iskor
na 568 na may karaniwang mean na 14.2 at deskripsyong berbal na MagalingMagaling-Galing. Samantalang sa huling borador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 721 at karaniwang mean na 18.03 na may deskripsyong berbal na Lubhang
Mahusay-Mahusay.
Batay naman sa talasalitaan ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang
iskor na 457 at karaniwang mean na 11.43 at Karaniwang_Mahina bilang
deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 684 at 17.1
na karaniwang mean at Lubhang Mahusay-Mahusay bilang deskripsyong berbal.
Batay naman sa wika ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor na
650 at karaniwang mean na 16.25 at Magaling_Magaling-Galing bilang
deskripsyong berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 870 at 21.
75 na karaniwang mean at Lubhang Mahusay_Mahusay bilang deskripsyong
berbal.
Batay naman sa mekaniks ang unang burador ay nakakuha ng kabuuang iskor
na 122 at karaniwang mean na 3.05 at Karaniwan_Mahina bilang deskripsyong
berbal samantalang sa huling burador ay may kabuuang 175 at 4.38 na
karaniwang mean at Magaling-Magaling-Galing bilang deskripsyong berbal.
Ipinapakita ng mga nakalap na datos na mahina ang pundasyon sa pagsulat ng
mga mag-aaral sapagkat ang kasanayang ito ay nililinang sa bawat yugto ng pagaaral (Francisco, 1991) dumaan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ngunit
hindi nalinang ang kasanayang ito, naging limitado ang talasalitaan at ideya dahil
sa kawalan ng interes sa pagbabasa. Naging sanhi rin ng kahinaan ay ang kawalan
ng kaalaman sa kombensyon ng pagsulat ng ganitong teksto maging ang kawalan ng
puna upang malaman ang sariling mga kamalian. Kasama nito ang kawalan ng
istratehiya sa pagsulat na makakatulong sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat
upang makalikha ng mas mataas na kalidad ng mga sulating bububuin (Doctor,
1996)
1. Kabisaan ng process approach sa pagpapaunlad ng kahusayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral sa ikatlong taon batay sa kanilang marka sa iba pang
komposisyon.
Talahanayan 19
Mga Marka ng mga Mag-aaral na ginamitan ng Process Approach
Komposisyon
Karaniwang Mean ng gumamit ng Proce
ss Approach (Experimental Group)
Pagsulat ng Wakas ng Kwento
Pagsulat ng Sanaysay
88.7
90.81
Pagsulat ng Liham ng Panyaya
87.26
Karaniwang Mean
88.92
Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga marka ng mga mag-aaral na nabibilang
sa experimental group ito ang nakatanggap ng proseso ng process approach. Ipinapakita
ng talahanayan 19 ang mga marka ng mga mag-aaral sa pagsulat ng wakas ng maikling
kwento na may markang 88.7, pagsulat ng sanaysay na may markang 90.81 at pagsulat
ng liham ng paanyaya na may markang 87.26. Ito ay may kabuuang karaniwang mean na
88 .92. Nangangahulugan lamang na higit na naging madali sa mga kalahok ang
pagsulat ng sanaysay dahil ito ang pinaka-karaniwang ginagamit sa klase mula sa
paggamit ng estratehiyang ito, mas lalo nila itong naunawaan maging ang mga tuntunin
ng pagsulat nito. Samantalang pumangalawa ang pagsulat ng wakas ng maikling kwento
dahil sa naging pamilyar na sila sa mga tuntunin at nilalaman nito at pinakahuling marka
naman ang pagsulat ng liham.Ito ay may karaniwang mean na 88.92 na nagpapatunay na
higit na nakatulong ang paggamit ng estratehiya ng process approach batay sa mga datos
na ito.
Talahanayan 20
Mga Marka ng mga Mag-aaral sa Control Group sa Pagsulat
Komposisyon
Karaniwang Mean (Control Group)
Pagbibigay ng wakas ng maikling
82.00
kwento
Pagsulat ng Sanaysay
80.00
Liham na Paanyaya
81.00
Karaniwang Mean
81.00
Ang talahanayang ito ang naglalarawan sa mga control group ito ang pangkat na
sumailalalim sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo.Ipinapakita ng talahanayan 20 ang
mga iskor ng mga mag-aaral sa mga komposisyong sinulat na hindi gumamit ng
estratehiyang process approach. Ipinakikita nito na sa kabuuan ang mga kalahok ay
may pangkalahatang iskor na 82.00 sa pagsulat ng wakas ng maikling kwento, 80.00 sa
pagsulat ng sanaysay at Liham ng Paanyaya na 81.00. Sa kabuuan ito ay nakakuha ng
karaniwang mean na 81.00. Pinatutunayan ng mga datos na ito na mahina ang kakayahan
ng mga mag-aaral kung kasanayan sa pagsulat ang magiging batayan. Dahil sa kawalan
ng estratehiyang ginamit upang mahikayat at maunawaan ng mga mag-aaral ang
kanilang mga gagagawin.Wala rin panimulang gawain upang maihanda sila sa kanilang
isusulat.Ang mga mag-aaral ay nararapat na dumaan sa maraming hakbang sa pagsulat
mula sa paglikha ng mga ideya,pagsulat,pagrerebisa, pagkuha ng feedback at pagsulat
muli.(Keh 1990).
3.Kalakasan at kahinaan ng process approach batay sa saloobin at pananaw ng
mga mag-aaral.
Mula sa mga kalahok na sumailalim sa experimental group ang guro/ mananaliksik
ay nagkaroon ng panayam sa mga mag-aaral batay sa kanilang saloobin at pananaw
sa pagsasagawa ng process approach. Tinipon ng mananaliksik ang mga kasagutan ng
mga kalahok at ito ay inilagay sa isang talahanayan.
Talahanayan 21
Kalakasan ng Process Approach batay sa panayam sa mga Mag-aaral
Kalakasan
1.Nagkaroon ako ng
sapat na panahon para
sulatin ang burador at
sulating muli ang
huling burador.
1. 2. Nakatulong ang
mga paghahanda sa
panimulang pagsulat at
pagpapakita ng mga
halimbawa ng mga
komposisyong isusulat
Blg. ng kalahok
5
Bahagdan
12.50%
para maging malawak
ang aking kaalaman sa
paksa at masuring mabuti
ang sariling komposisyon.
15
37.50%
3.Nagkaroon ako ng
7
17.50%
5
12.50%
pagpapahalaga sa aking
sarili lalo na nang
mabigyan ng puna ang
aking komposisyon
nawala ang konseptong “h
indi binabasa ng guro
ang mga komposisyon”.
4.Angkop ang mga
pagsasanay sa pagsulat
para maiugnay ko ang
aking sariling karanasan
at matapos ko ang
pagsulat ng may tiwala sa
sarili.
5.Naunawaan at natutunan
8
20%
40
100%
ko ang mga paraan o
panuntunan ng pagsulat
ng iba’t ibang
komposisyon.
Kabuuan
Ang talahanayan 21 ang naglalarawan ng pagkakahati ng mga pananaw ng bawat magaaral.Habang isinasagawa ng mananaliksik ang pag-aaral ng process approach ay
nagkaroon siya ng panayam sa mga mag-aaral ukol sa kalakasan nito. Makikita sa
talahanayan 20 na 15 (37.50%) sa mga kalahok ang nagsabing nakatulong ang mga
paghahanda sa panimulang pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng mga
komposisyong isusulat para maging malawak aking kaalaman sa paksa at masuring
mabuti ang sariling komposisyon, 8 (20%) ang nagsabing naunwaan at natutunan nila ang
mga paraan o panuntunan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon, 7 (17.50%) ang
nagsabing nagkaroon sila ng pagpapahalaga lalo na nang mabigyan ito ng puna ng guro,
5 ( 12.50%) ang nagsabing angkop ang mga pagsasanay sa pagsuloat para maiugnay ang
sariling karanasan at matapos ang pagsulat ng may tiwala sa sarili at 5 (12.50%) rin ang
nagsabi na nagkaroon sila ng sapat na panahon para matapos ang pagsulat ng una at
huling burador.
Talahanayan 22
Kahinaan ng paggamit ng process approach batay sa pananaw ng mga Mag-aaral
Kahinaan ng process
approach
1. Mas mahabang
panahon ang iniuukol sa
pagsulat mula sa
panimulang gawain ng
pagsulat ng unang
burador hanggang sa
pagbibigay ng puna ng
guro para sa muling
pagsulat ng huling
burador.
Bilang
Porsyento
Ng Kalahok
18
45%
2.Sa una ay nahirapan
17
42.50%
5
12.50%
ako sa paghahanap ng
mga ibang halimbawa ng
mga komposisyong
tatalakayin. Ngunit ng
magpakita na ang guro ng
mga halimbawa ay
naunawaan ko na.
3. Hindi ako sanay na
mabigyan ng puna ng
harap-harapan at
ipinaliliwanag sa akin
ang aking kamalian “napa
ka-awkward ng
pakiramdam”.
Kabuuan
40
100%
Samantalang sa Talahanayan 21 tungkol sa kahinaan ng process approach ay 18 (45%)
nagsabing kahinaan ng process approach ang mahabang panahon ng proseso mula sa
paghahanda sa panimulang pagsulat, pagsulat at muling pagsulat, 17 (42.50%) ang
nagsabing sa una ay nahirapan sila sa paghahanap ng mga halimbawa ng komposisyon
ngunit naunawaan na nila ng magpakita ng halimbawa ang guro at 5 (12.50%) ang
nagsabing hindi sila sanay sa pagbibigay ng puna sa sinulat na komposisyon.
1. Implikasyon ng mga natuklasan ng pag-aaral sa pagtuturo ng pagsulat sa
Caluluan High School
A. Sa mga Mag-aaral
Sa pagsusuri sa mga nakalap na datos ay ipinapakita na maraming mga mahahalagang
ambag ang paggamit ng process approach bilang isa sa mga dulog sa pagtuturo at
paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Batay sa mga iskor ng mga kalahok sa pagsulat ng
sanaysay,pagbibigay ng katewiran at opinyon na hindi sumailalim sa process approach
ay nakita ang mababang iskor ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat maging ang
antas ng kanilang kasanayan. Subalit nang gamitin ang process approach ay tumaas ang
kanilang mga marka dahil sa nalaman nila ang mga tuntunin sa pagsulat ng iba’t ibang
komposisyon, nagkaroon sila nang higit na kaalaman sa paggamit ng talasalitaan at wika
at nakatanggap sila ng feedback o puna tungkol sa kanilang mga kamalian at kung paano
nila higit na mapapahusay ang kanilang sinulat.
Ang mga panimulang paghahanda ng prosesong ito ay nagbigay nang higit na mas
malalim na pagkaunawa at pagsusuri sa paksa. Sapagkat ang malawak na kaalaman sa
paksang isusulat at ang kabatiran sa paraan ng pagsulat ng isang anyo ng komposisyon
gaya ng pagsulat ng sanaysay,wakas ng kwento o maging ng liham ay nakakatulong para
makapagrodyus ng isang makabuluhang komposisyon. Ito rin ay makakatulong sa pagangat ng kanilang kakayahang pang-akademiko,ang paghubog ng tiwala sa sarili sa
pagsulat at pagkakaroon ng motibasyon upang magsulat. Higit sa lahat ay nakikilala ng
mag-aaral ang kanyang sarili; ang kanyang kalakasan at kahinaan, lalim ng kanyang pagunawa, ang tayog at lawak ng kanyang kaisipan at ang naaabot ng kanyang kamalayan.
A. Caluluan High School
Bagamat ipinapakita ng mga sinuring datos na mababa ang antas ng kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsulat bagay na nakakaapekto sa kakayahan ng bawat mag-aaral manging
ng paaralan.Makakatulong ang process approach sa paaralan upang maitaas ang antas ng
pang-akademikong pagganap ng mga mag-aaral hindi lamang sa asignaturang Filipino
kundi maging sa iba pang asignaturang nangangailangan ng pagpapahayag ng damdamin
at saloobin lalo sa larangan ng pagsulat.
A. Sa mga Guro
Nakita ng mananaliksik na sa unang mga buwan ng pagpapatupad ng process approach
ay mangangailangan ng mas maraming panahon ang guro ng pangangalap ng mga
hulwaran na komposisyon na magsisilbing modelo ng mga mag-aaral gaya ng pagsulat ng
sanaysay,wakas ng kwento o ng liham. Mangangailangan din ng kabisaan ang guro sa
pagbibigay ng tuntunin sa paraan ng pagsulat ng mga nabanggit.Maging ang pagbibigay
ng mga gawaing makatutulong nang malaki sa kaalaman sa gramatika at talasalitaan. Nan
gangailangan din ang guro na maging malikhain sa paglikha ng mga panimulang gawain
bago ang pagsulat bilang paghahanda sa mga mag-aaral..Sa madaling salita ay ang guro
ang magsisilbing daloy ng kaalaman sa prosesong ito. Ngunit sa kalaunan ng paggamit
nito ay magiging magaan na ang gawain sa bahagi ng guro sapagkat nabigyan na ng kaala
man ang bawat mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang komposisyon at maging ang pag;
linang ng kasanayan sa pagsulat ay matatamo na rin. Magkakaroon na rin ng kakayahan
ang bawat mag-aaral na magbigay ng puna sa mga isinulat ng kanilang mga kapwa
kamag-aral. Maging ang pagngongolekta ng mga materyales na ginamit sa unang buwan
o taon ng pagtuturo ay makaktulong para sa muling paggamit..
Anumang bagay na bago sa guro ay magiging mahirap sapagkat manganngailangan ito ng
ibayong paghahanda at pag-aaral ngunit ang pagbabagong ito na dulot ng process
approach ay mararamdaman at makikita sa pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa
pagsulat ng mga mag-aaral
Bagamat ang process approach ay isang dulog na sa unang tingin ay nakakapagod dahil
sa mahabang prosesong paghahanda ng guro maging ng mga mag-aaral mula sa
panimulang pagsulat, sa proseso na ng pagsulat at sa muling pagsulat. Ngunit ang mga
benepisyong maibibigay nito mula sa paglinang ng pagiging kritikal na pagtingin sa
paksa hanggang sa paglinang sa kakayahan sa pagsulat mula sa kaalaman sa organisasyon
nilalaman,talasalitaan,wika at mekaniks ng isang komposisyon ang siyang minsan ay
hindi nabibigyan ng pansin.Tandaan nating nakakatulongf ang pagsulat sa paglinang ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin,napapaunlad
nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala ,pagtukoy ng
mahahalagang detalye,pakikipagtalakayan,pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga
impormasyong nakalap.
Kabanata 5
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Matutunghayan sa tsapter na ito ang nagging resulta ng pag-aaral ayon sa buod,
kongklusyon at rekomendasyon batay sa mga nasuring datos.
Lagom
1. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral bago at matapos
ituro ang “process approach” bilang isang pagdulog sa pagsulat batay sa:
Pagsulat ng wakas ng kwento
1. Nilalaman
Mas maraming mag-aaral ang nabibilang sa antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina
(25) at Magaling_Magaling-Galing (15) sa unang burador. Samantalang sa huling burado
r mas marami ang nasa antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay-Mahusay (25) at Ma
galing_Magaling-Galing (15)
1. Organisasyon
Mas maraming mag-aaral ang nasa antas ng Karaniwan-Mahina (23) kaysa Magaling_M
agaling-Galing (17) sa unang burador. Sa huling burador ay mas maraming nabibilang
sa Lubhang Mahusay_Mahusay (22) kaysa sa Magaling_Magaling-Galing (18).
1. Talasalitaan
Mas maraming mag-aaral ang nabibilang sa antas ng kasanayan ng Karaniwan_Mahina
(35) kaysa Magaling_Magaling-Galing (5) sa unang burador .Sa pagsulat naman ng
huling burador ay kapwa nasa antas ng Lubhang-Mahusay_Mahusay (20) at
Magaling_Magaling-Galing (20) ang mga mag-aaral.
1. Wika
Kapawa nasa pagitan ng Magaling_Magaling-Galing (20) at Karaniwan_Mahina (20)
ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa unang burador at sa pagsulat ng huling
burador ang mga mag-aaral ay nasa antas ng Lubhang Mahusay-Mahusay (25) at
Magaling-Magaling-Galing (15).
1. Mekaniks
Mas maraming mag-aaral ang nasa antas ng Karaniwan_Mahina (30) kaysa sa
Magaling_Magaling-Galing (10) sa unang burador. Samantalang nasa pagitan ng
Lubhang Mahusay-Mahusay (20) at Magaling-Magaling-Galing (20) ang antas ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa huling burador.
Sa kabuuan ang unang burador ay nakakuha ng marka na 67.21 at ang huling burador ay
nakukuha ng kabuuang marka na 88.41.
Pagsulat ng Sanaysay
2. Nilalaman
Mas marami ang nasa antas ng kasanayan na Karaniwan_Mahina (25) kaysa sa Mag
aling_Magaling-Galing (15) sa unang burador. Sa pagsulat ng huling burador ay mas
marami ang nabibilang sa Lubhang mahusay-Mahusay (30) ang antas kayasa sa
Magaling_Magaling-Galing (10).
2. Organisasyon
Sa pagsulat ng unang burador karamihan sa mga mag-aaral ang nasa Karaniwan_Mahina
(30) kaysa sa Magaling_Magaling-Galing (10). Nang matapos maisulat ang huling
burador nasa Lubhang Mahusay_Mahusay (28) a ng mga mag-aaral at ang natitira ay
nabibilang sa Magaling_Magaling-Galing (12).
2. Talasalitaan
Nasa antas ng Karaniwan_Mahina (32) ang malaking bilang ng mga mag-aaral at
Magaling-Magaling-Galing (8) sa unang burador. Nang matapos ang pagsulat ng huling
burador ay nasa pagitan ng Lubhang Mahusay-Mahusay (20) at Magaling-Magaling-
Galing (20) ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral.
2. Wika
Ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa unang burador ay nasa Karaniwan_Mahina
(30) at ang natitira ay nasa pagitan ng Lubhang Mahina (5) at Magaling_MagalingGaling (5) .Sa pagtatapos ng pagsulat ng huling burador ay nasa antas ng LubhangMahusay-Mahusay (30) at ang nalalabing mga mag-aaral ay nasa Magaling_MagalingGaling (10).
1.5. Mekaniks
Nasa Karaniwang_ Mahina ( 25) ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa unang
burador at ang nalalabing mag-aaral ay nasa Magaling_Magaling-Galing (15).
Samantalang sa pagsulat ng huling burador ay nasa Lubhang Mahusay_Mahusay (32)
ang antas ng kasanayan ng karamihan sa mga mag-aaral at Magaling_MagalingGaling (8) naman ang nalalabing mag-aaral.
Ang kabuuang marka ng mga mag-aaral sa pagsulat ng unag burador ay 64.46 at sa
huling burador ay 90.81.
Pagsulat ng Liham na Paanyaya
2. Nilalaman
Sa unang burador ang mga mag-aaral ay may antas ng Karaniwan_Mahina (25) at ang
nalalabing mag-aaral ay may antas ng Magaling_Magaling-Galing (15). Nang matapos
maisulat ang huling burador ang karamihan sa mag-aaral ay nagkaroon ng antas ng
kasanayan na Magaling_Magaling-Galing (25) at ang mga nalalabing mag-aaral ay
nagtamo ng antas ng kasanayan ng Lubhang Mahusay_Mahusay (15).
2. Organisasyon
Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkaroon ng
Magaling_Magaling-Galing (22) na antas ng kasanayan at ang mga natitirang mag-aaral
ay nabibilang sa Karaniwan_Mahina (18). Matapos sulatin ang huling burador ay
nagkaroon ng antas ng kasanayan na Lubhang Mahusay _Mahusay (27) at nasa Magaling
_Magaling-Galing (13) ang mga natitirang mag-aaral.
2. Talasalitaan
Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkamit ng antas na
kasanayan na Karaniwan patungo sa Mahina (30) at Magaling_Magaling-Galing (10). Ma
tapos sulatin ang huling burador ay nagkaroon ng antas ng kasanayan na Magaling_Maga
ling-Galing (22) ang karamihan at nasa Lubhang Mahusay-Mahusay (18) ang mga
natitirang mag-aaral.
2. Wika
Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkamit ng antas na kasanayan
na Karaniwan_Mahina (20) , Magaling_Magaling-Galing (15) at Lubhang Mahina (5). Ma
tapos sulatin ang huling burador ay kapwa nagkaroon ng antas ng kasanayan na
Magaling-Magaling-Galing (20) at Lubhang-Mahusay-Mahusay (20) ang mga magaaral.
2. Mekaniks
Sa unang burador ang karamihan sa mga mag-aaral ay nagkaroon ng antas ng kasanayan
na Karaniwan_Mahina (22), Magaling-Magaling-Galing (10) at Lubhang Mahina (8).
Matapos sulatin ang huling burador ay nagkaroon ng antas na kasanayan na Magaling_M
agaling-Galing (25) at Lubhang Mahusay_Mahusay (15) ang mga natitirang mag-aaral.
Sa kabuuan ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa unang burador ay 66.81
samantalang sa huling burador ay 87.26.
2. Kabisaan ng process approach sa pagpapaunlad ng kahusayan sa pagsulat ng
mga mag-aaral batay sa kanilang marka sa iba pang komposisyon.
Ang kabuuang marka ng mga mag-aaral na hindi sumailalim sa process approach na
nabibilang sa control group ay 82.00 para sa pagsulat ng sanaysay , 80.00 sa
pagpapahayag ng opinyon ay at 81.00 sa pagpapahayag ng katwiran .Ang mga ito ay
may karaniwang mean na 81.00. Samantalang ang kabuuang marka ng mga mag-aaral na s
umailalim sa process approach o tinawag na experimental group ay 88.7 para sa
pagsulat ng wakas ng kwento, 90.81 pagsulat ng sanaysay at 87.26 para sa Liham ng
Paanyaya.Ito ay may karaniwang mean na 88.92.
3. Kalakasan at kahinaan ng paggamit ng “process approach”.
Ang mga kalakasan ng process approach ay ang mga sumusunod: 15 (37.50%) an
g nagsabing nakatulong ang mga paghahanda sa panimulang pagsulat at pagpapakita
ng mga halimbawa ng komposisyong isusulat para maging malawak ang kanilang kaala
man sa paksa at masuri nang mabuti ang sariling komposisyon, 8 (20%) ang nagsabing
mas naunawaan at natutunan nila ang mga paraan o panuntunan sa pagsulat ng iba’t
ibang komposisyon, 7 (17.50%) ang nagsabing nagkaroon sila ng pagpapahalaga sa
kanilang mga sarili lalo na nang mabigyan ng puna ang kanilang mga komposisyon
nawala ang konseptong “hindi binabasa ng guro ang sinulat na komposisyon”, 5 (12.
50%) ang nagsabing nagkaroon sila ng sapat na panahon para sulatin ang una at
huling burador at 5 (12.50%) ang nagsabi na angkop ang mga pagsasanay sa pagsulat
para maiugnay nila ang kanilang sariling karanasan at matapos ang pagsulat ng may
tiwala sa sarili.
Samantalang ang kahinaan ng process approach sa pananaw ng mga mag-aaral ay
ang mag sumusunod: 18 (45%) ang nagsabing mas mahabang panahon ang iniuukol sa
pagsulat mula sa panimulang gawain ng pagsulat ng unang burador hanggang sa
pagbibigay ng puna ng guro para sa pagsulat ng huling burador, 17 (42.50%) ang
nagsabing sa una ay nahirapan sila sa paghahanap ng mga halimbawa ng mga
komposisyong susulatin ngunit ng magpakita na ang guro ng mga halimbawa ay
naunawaan na nila at 5 (12.50%) ang nagsabing hindi sila sanay na mabigyan ng
puna ng harap-harapan at ipinaliliwanag sa akin “awkward ang pakirandam”
Kongklusyon
Batay sa mga resulta ng pagsusuri, ang mga sumusunod ang kongklusyon ng pag-aaral
1. Batay sa nilalaman, nabibilang sa antas ng kasanayan na Karaniwan
patungong Mahina ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento,sanaysay at
liham paanyaya sa kanilang unang burador.Samantalang nasa antas ng Lubhang
Mahusay_Mahusay matapos ang huling burador.Batay sa organisasyon , nabibilang sa
antas ng kasanayan na Magaling_Magaling-Galing ang mga mag-aaral sa pagbibigay
ng wakas ng kwento, sa sanaysay ang mga mag-aaral ay nasa antas ng Karaniwan
patungong Mahina at sa liham paanyaya ay nasa antas ng Magaling-Magaling-Galing
sa kanilang unang burador. Samantalang nasa antas ng Lubhang-Mahusay-Mahusay ang
mga mag-aaral matapos ang huling burador.Batay sa talasalitaan , nabibilang sa antas ng
kasanayan na Karaniwan patungong Mahina ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas
ng kwento,sanaysay at liham paanyaya sa kanilang unang burador . Samantalang nasa
antas ng Lubhang Mahusay_Mahusay sa pagsulat ng wakas ng maikling kwento,
Magaling-Magaling-Galing sa sanaysay at Lubhang Mahusay_Mahusay sa pagsulat ng
Liham ng Paanyaya matapos ang huling burador. Batay sa wika , nabibilang sa antas ng
kasanayan na Magaling-Magaling-Galing ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas
ng kwento, Karaniwang-Mahina sa sanaysay at Magaling_Magaling-Galing sa liham
paanyaya ayon sa kanilang unang burador.Samantalang nasa antas ng Lubhang
Mahusay_Mahusay ang mga mag-aaral matapos ang huling burador. Batay sa mekaniks ,
nabibilang sa antas ng kasanayan na Karaniwang patungong Mahina
ang mga mag-
aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento, Lubhang Mahina sa sanaysay at Karaniwan
patungo sa Mahina sa liham paanyaya ayon sa kanilang unang burador. Samantalang
nasa antas ng Lubhang Mahusay_Mahusay ang mga mag-aaral matapos ang huling
burador sa pagbibigay ng wakas ng maikling kwento at sanaysay at Magaling_MagalingGaling sa pagsulat ng Liham ng Paanyaya.
2. Matapos maisagawa ang process approach ay nagkaroon ng pag-unlad sa nilalaman,
organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks ang mga mag-aaral na nasa experimental
group batay na rin sa kanilang mga marka sa pagbibigay ng wakas ng kwento 88.7,
sanayasay 90.81 at Liham ng Paanyaya 87.26.Samantalang ang mga marka ng mga
mag-aaral sa control group sa pagbibigay ng wakas ng kwento ay 82.00, pagsulat ng
sanaysay 81.00 at pagsulat ng liham ng paanyaya 80.00.
3. Maituturing na kalakasan ng “process approach” ang pagsasagawa ng mga
paghahanda sa panimulang pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng mga
komposisyong isusulat para lumawak ang kaalaman ng mga mag-aaral,nakaramdam ring
ng pagpapahalaga sa sinulat na komposisyon ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay puna at nagkaroon ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang tapusin
ang komposisyon.Nakitang kahinaan ng process approach ay ang mahabang oras o
panahong pag-uukol sa pagsulat mula sa panimulang gawain ng pagsulat ng unang
burador hanggang sa pagbibigay ng puna ng guro para sa muling pagsulat ng huling
burador.
Rekomendasyon
Batay sa pagsusuri ng resulta at kongklusyon, ang mga sumusunod ang
rekomendasyon ng pag-aaral.
Para sa mga Guro
1. Ang pagtuturo at paglinang ng kasanayan sa pagsulat ay nakasalalay sa
estratehiya ng guro, mga angkop at sapat na materyal na gagamitin, ang mga panimulang
gawain sa pagsulat ay mahalaga upang mahawan ang mga balakid at pagkayamot sa
pagsulat ng mga mag- aaral.
1. Ang guro ay nagsisilbing daloy ng kaalaman sa loob ng silid-aralan
kaya’t
kailangan niya ang kabisaan sa paraan ng pagsulat ng iba’t ibang komposisyon upang
maituro nang mabuti ang mga paraan ng pagsulat.
1. Kinakailangan na mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa
kahulugan ng nilalaman, organisasyon, talasalitaan, wika at mekaniks ng isang
partikular na komposisyon upang malinang ang kasanayan sa pagsulat.
2. Ang pagsulat ay isang proseso na dumadaan sa bawat yugto ng pagaaral ng bawat mag-aaral nararapat na makalikha ang guro ng isang kalagayan sa silidaralan na makahikayat sa bawat mag-aaral na sumulat.
3. Magkaroon ng pagsusuri sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa
pagsulat upang maging batayan ng pagbibigay atensyon upang magabayang mabuti ang
mga mag-aaral sa paghubog ng kasanayan sa pagsulat.
Para sa mga Mag-aaral
1. Ang paglinang ng kasanayan sa pagsulat ay hindi lamang nakadepende
sa guro nararapat na tulungan ng bawat mag-aaral ang kanilang sarili sa pamamgitan ng
pagbabasa upang lalong lumawak ang talasalitaan at magkaroon ng ideya kung paano
isinusulat ang isang komposisyon.
2. Maging aktibo sa pakikibahagi sa mga gawaing lilinang sa kasanayan sa
pagsulat upang marating yugto ng kamalayan sa pagsulat
Para sa mga Namumuno ng Paaralan
1. Bigyan ng sapat na panahon ang mga guro sa pagpapatupad ng
istratehiyang ito para maging epektibo sila sa pagtuturo at paglinang ng kasanayan sa
pagsulat.
2. Suportahan ang mga guro sa pangangalap ng mga angkop at sapat na
materyales na gagamitin sa pagpapatupad ng process approach gaya ng pagkakaroon
ng internet connection at pagbili ng mga libro sa pagsulat.
TALASANGGUNIAN
Allen, Edward et. al. (1987). Classroom Technique: Foreign Language and English
as a Second Language. New York: Hardcourt Brace Jovanovich, Inc.
Badayos, Paquito B. (2006). Worktext sa Komposisyn: Paglikha at Pagsulat III
Quezon City: Vibal Publishing House.
Badayos, Paquito B. (2001). Retorika: Susi sa Masining na Pagpapahayag.
Makati City. Grandwater Publications.
Batin, E. (2000). Developing Academic Writing Proficiency and Laerners Autonomy
Through the Process Approach. Unpublished Dissertation.University of the
Philippines.Quezon City.
Brookes, Arthur and Peter Grandy. (1990) Writing for Study Purposes.Cambridge
University Press.
Doctor, Ramades M. Teacher Education Curricula. Philippine Extension Service
Review.
Francisco, Soledad. (1991). Acquisition of Discourse Skills in Written Narratives of
Filipino Students.Unpublished Dissertation.University of the Philippines.
Hedge, T. (2002). Writing. New York: Oxford University Press.
Hughey, Jane B., et. Al. (1981). Teaching ESL Composition Profile: Principles
And Techniques. Newtoin House Publishing Inc.
Ho, Belinda. (2006). Effectiveness of using the Process Approach to Teach Writing in
Six Hongkong Primary Classrooms.www. cityu. edu.hk.
Ignacio, Maria Theresa C. (2008). Teaching Writing to Fourth Year High School
Students through the Process Approach.
Keh, Claudia L. (1990). Design for a Process Approach Writing Course.English
Teaching Forum. No.1.
Krashen, Stephen.(1981). Second Language Acquisition and Second Language
Learning. Pergamon Press, Wheaton & Co. Ltd., Exeter.
Lozano, Jennette J. (2002). Mga Gawain sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat
para sa mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Mataas na Paaralan. Special Project.
Philippine Normal University.
Raimes, Ann (1991). Out of the Woods: Emerging Traditions in the Teaching of
writing.TESOL Quarterly.Vol. 255.
Tompkins, G. E. Teaching Writing: Balancing Process and Product.
Tumangan, Alcomtizer. (1997). Sining ng Pakikipagtalastasan. Makati: Gradweyter
Publishing.
White, J. (2004). Children’s Writing: Some Findings from Data Collected
Longitudinally.Research Paper in Education.
White,R. and Arndt, V. (1991). Process Writing. New York: Longman.
White R. V. (1988). Academic Writing: Process and Product.In P.C. Robinson (Ed.)
Academic Writing: Process and Product. ELT Documents 129.
Gabay sa Pagtuturo ng Filipino III. Basic Education Curriculum
Secondary Education Curriculum 2010
www. yahoo.com.
www.google/seacrh.com.
Appendix A
Second Language Composition Profile ni Hughey (1983)
Salin ni Michael Angelo E. dela Cruz
Pangalan ng Mag-aaral:____________
Iskor: _______________
Komponent
Nilalaman
Antas: _______________
Iskor
30 – 27
Petsa: ______________ Paksa:_______
Diskripsyong Berbal
Lubhang Mahusay-Mahusay
Naipaliwanag nang maayos ang tesis-may
26- 22
kaugnayan sa
paksa.
Magaling-magaling-galing –may kaalaman sa paksa may sapat na haba-
limitadong
pagpapalawig
sa paksa halos may kaugnayan sa
paksa ngunit kulang ng detalye.
21-17
Karaniwan-Mahina-limitado ang kaalaman sa
a,kaunting nalalaman-hindi napaunlad ang
16-13
pangunahing
kaisipan.
Lubhang Mahina-kulang sa nilalaman-walang
nayan sa paksa at hindi sapat upang
kita ng
Organisasyon
paks
kaug
masukat ang sinulat-hindi nagpapa
kaalaman sa paksa.
20-18
Lubhang Mahusay-Mahusay-maayos ang
pagpapahayag-ang paksa ay malinaw na
may suporta-direkta sa punto-
nailalahad at
organisado ,lohikal na pagkakaayos o
pagkakasunod-sunod-may kaisahan.
17-14
Magaling-Magaling-galing-maypagkaantala
ala ang pagka-organisado ngunit
ang
malinaw pa rin ang paksa-
suporta-lohikal ngunit hindi buo ang
nawaw
limitado
pagkaka
sunod-sunod.
13-10
Karaniwan-Mahina-hindi maayos-magulo o
o ang mga kaisipan,walang kaugnayansunod at
Malab
hindi lohikal ang pagkakasunod-
pagpapaunlad.
9-7
Lubhang mahina- hindi nangungusap-walang
organisa
syon-hindi sapat upang itaya.
Talasalitaan
20-18
Lubhang Mahusay-Mahusay-epektibong
pagpili at paggamit ng talasalitaan,salita at
an sa pagbubuo ng salita17-14
Magaling-Magaling-galing-sapat na kaalaman-
idyoma,ngunit
m
at paggamit ng talasalitaan salita/
hindi naapektuhan ang kahulugan.
13-10
Karaniwan-Mahina-limitadong kaalaman
it na kamalian sa pagpili at paggamit ng
nawala ang
malim
talasalitaan,salita,idyoma-
kahulugan.
9-7
Lubhang Mahina-maliit na kaalaman sa
aggamit ng
Wika
kaalam
kilalang salita.
angilang-ngilang kamalian sa pagpili
upang
idyoma-may
pagpili at p
talasalitaan,salita/idyoma-hindi sapat
itaya.
25-22
Lubhang Mahusay-Mahusay- mahusay sa
pagkakabuo ng kayarian-madalang na kamalian
bilang,salita,pantukoy
,panghalip at sa ibang bahagi ng pananalita.
sa ugnay ng aspekto,
21-18
Magaling-Magaling-galing- mahusay ngunit
ang pagkakabuo-mangilan-ngilang
ilang kamalian sa
suliranin sa pagkakabuo-may
ugnayan aspekto,bilang,salita,pantukoy
,panghalip at sa ibang
17-11
simple
bahagi ng pananalita.
Karaniwan-Mahina- magilan-ngilang suliranin
agkakabuo-may ilang kamalian sa sa
sa p
ugnayanngaspekto,bilang,salita,
pantukoy,
panghalip at sa ibang
bahagi ng pananalita- ang
kahulug
an ay nawawala.
10-5
Lubhang Mahina- walang kasanayan sa
pinangungunahan ng kamalian, hindi
kayarian-
nangungusap hindi sapat upang
itaya.
Mekaniks
5
Lubhang Mahusay-Mahusay-nagpapakita ng
husayan sa kombensyon sa pagsulatpagbaybay,paglalagay
ka
madalang na kamalian sa
ng bantas at pagtatala,paggamit ng malaking
titik.
4
Magaling-Magaling-galing-mangilan-ngilang
sa pagbaybay,paglalagay ng bantas at
titik,ngunit
3
pagtatala,paggamit ng malaking
hindi naapektuhan ang kahulugan.
Karaniwan-Mahina-malimit na kamalian sa
paglalagay ng bantas at
nawawala o
kamalian
pagbaybay,
pagtatala,paggamit ng malaking titik,
nagiging malabo ang kahulugan.
2
Lubhag Mahina- walang kaalaman sa
na pagsulat pinangungunahan ng
Kabuuan: ___________________
kombensyon
kamalian-hindi maintindihan ang sulat.
Tagapagwasto:_____________Komento:____
Appendix B
Liham ng pahintulot sa Punong-Guro ng Paaralan sa pangangalap ng datos
Punong-Guro
Caluluan High School
Caluluan,Concepcion,Tarlac
Sir:
Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng
process approach sa komposisyon na may pamagat na “KABISAAN NG PAGGAMIT
NG PROCESS APPROACH SA PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL SA
IKATLONG TAON SA CALULUAN HIGH SCHOOL:.Bilang bahagi ng pagtupad
sa gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong Master sa Edukasyon, medyor sa Filipino.
Sa katuparan po ng pag-aaral na ito,humihingi po ako ng inyong kapahintulutan na
masangkot ang walumpung (80) mag-aaral sa ikatlong taon bilang mga tagatugon.
Ang inyong pagsang-ayon ay nangangahulugan po ng isang kaganapan ng aking
pagtatagumpay.
Mula po sa aking puso,maraming salamat po!
Sumasainyo,
ANA LIZA S. SALAS
Pinagtibay:
(SGD) MARIO M. TAYAG
Punong-Guro II
TALA TUNGKOL SA MANANALIKSIK
PERSONAL NA IMPORMASYON
Pangalan
: Ana Liza S. Salas
Tirahan
: Concepcion, Tarlac
Kapanganakan
: May 17, 1975
Magulang
: Mr. Francisco C. Salas
Mrs. Elena S. Salas
EDUKASYONG NATAMO:
Post Graduate
: University of St. La Salle
Graduate School
Bacolod City
Master of Arts in Teaching Filipino
Medyor sa Filipino
Kolehiyo
:
1992-1996
Tarlac State University
Bachelor of Secondary Education
Medyor sa Araling Panlipunan
Sekondarya
:
1988-1992
Benigno S. Aquino Memorial High School
Concepcion, Tarlac
Elementarya
:
1982-1988
Concepcion North Central Elementary School
Concepcion, Tarlac
ELIGIBILITY:
Licensure Examination for teachers (LET)
Obtained a General Average Rating 81.00%
Download