Mga Batayang Konseptong Pangwika

advertisement
Mga Batayang Konseptong Pangwika
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Wika





Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at
interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng
tainga, nakasulat man o binibigkas.
Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan. (Romeo Dizon)
2 uri: likas at artipisyal
Pambansang Wika

Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
Wikang Rehiyunal

Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyong
Kailokanuhan-Isabela, Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N)
Lalawiganin

Taguri sa wika ng probinsya. (Bulakeño, Pampangeño, Caviteño, Zamboangueño,
Davaoueño)
Wikang Pampanitikan

Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.
Pabalbal o Kolokyal

Karaniwan at impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig.
Teknikal na Wika

Kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at wikang
cybernetics.
Patay na wika

Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pagsplit ng isang wika-ang pagkawala o
pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ginagamit ito. Namamatay ang isang wika
dahil meron itong kapalit na wikang mas pinapaboran ng mga myembro ng komunidad.
Pidgin at creole

Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nadedebelop na bagong wika.
Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidgin ang
tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya na kahit mali mali, hanggang
magkaintindihan ito. Creole naman ang tawag sa wikang nadedebelop sa isang pidgin at
nagiging unang wika ng isang lugar.
Dayalek



Taguri sa wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong grupo. (Bisaya-Cebu, TagalogBulacan, Ilokano-La Union, Kapampangan-Nueva Ecija, Bikolano-Naga, PangasinenseBenguet)
Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa
kultura . Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na grupong etnolinggwistiko ang
mga tao kung sila ay kabilang o nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan .
Basehan nito ay pagkakaroon ng kapareho sa wika , pinaggalingan , pag-unlad na
pangkasaysayan , mga tradisyon at paniniwala , at iba pang salik na nagbibigay-hugis sa
kulturang taglay ng nasabing grupo .
Idyolek


Ang katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang pinagmulang
dayalektong sinasalita. (puntô o pagbuo ng pangungusap)
Tinatawag na Idyolek ang kabuuang katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang
indibidwal. Ang variant o mga linggwistik na katangian ng isang idyolek sa isang
linguistic-community ay di kasing laganap sa mga variant na ginagamit ng geographic
dialect o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang mga ito ng indibidwal.
(http://akosibebelz.weebly.com/mga-gamit-ng-wika.html)
Barayti at Baryasyon ng Wika


Sa sosyolinggwistika, ito ay salita para sa pagkakaiba iba ng porma ng wika.
Kadalasan ding ginagamit ng mga linggwista ang barayti/baryasyon ng wika para sa
pagkakategorya ng wikang mula sa iisang sanga.
1. Heyograpikal – Pagbabago ng wika sa lugar. (Ilokano sa La Union, Pangasinan, Ilocos,
sa ilang bahagi ng Baguio)
2. Sosyal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng sitwasyon at taong kasangkot. (kaswal sa
kapamilya, kaibigan o kakilala at pormal naman sa pagtitipon, pagpupulong o kasiyahan)
3. Okupasyunal – Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o hanapbuhay. (Literatura,
Korte, Simbahan, Medisina)
Rehistro ng Wika





Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang
ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga
Magsisipagtapos, atbp.)
Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na
daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya,
Deklarasyon atbp.)
Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa
ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng
komunikasyon. (sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral,
abogado at kliyente, atbp.)
Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o
kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay
normal. Ito ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang
makakonekta sa usapan.
Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga
matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa,
magkasintahan, magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.)
UGNAYAN NG WIKA AT TAO
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng tao ay inuukol
niya sa pakikipagtalastasan. Samakatuwid, wika ang ginagamit ng tao sa maghapon niyang
pakikipag-interaksyon sa kanyang kapwa.
Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa Genesis 11:1-9, noon ay iisa lamang ang
wikang ginagamit ng tao. Subalit noong nagtayo ng lungsodang mga tao na halos abot sa langit
ay lubos na nabahala ang Diyos dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos
ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy ang kanilang balak.
Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at
dalubwika, ang wika ay dinevelop lamang ng tao para makabuo ng iba’t-ibang kaalaman.
Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at klasikong Griyego,
huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng
mga bagay na maaari nating magamit sa araw-araw.
UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang siasalita ng lahing iyon.
Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi.
Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong depinisyon, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Samakatuwid, hindi pwedeng paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang
tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saang kultura siya nabibilang.
UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN
Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wika. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles,
Pranses at iba pa. Sa Pilipinas ay may walong maituturing na pangunahing wika: Tagalog,
Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray, Hiligaynon, Cebuano at Bikol.
Dayalek ang tawag sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o barayti sa loob ng
wika. Halimbawa na lamang ng mga barayti ng Tagalog. Meron tayong Tagalog-Nueva Ecija,
Tagalog-Bulacan at iba pa.
Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao dahil tanging kanya
lamang. Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa pagsasalita.
Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng katayuan o istatus ng
isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan.
Kabilang naman sa mga Slang words ang haleer, yuck, praning, japorms, windang at
iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may edad na kapag ito ay binibigkas ng mga
kabataan.
Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita na tinatawag na
Gaylingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa kanilang grupo.
Bawat propesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi basta mauunawaan ng
hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na Jargon.
Meron din tayong tinatawag na Rehistro. Ito ay nakabatay sa uri at paksa ng talakayan,
sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at iba pang salik.
Mga Konseptong Pangkomunikasyon
MGA KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON
Komunikasyon/Pakikipagtalastasan
Kahulugan…





Hinango sa salitang Latin na communis (komon) na ang kahulugan ay pagkakatulad, ibig
sabihin, posible ang pag-iral ng komunikasyon kung may katula na paraan ng
pakikipagtalastasan dito.
Mula naman sa Communication as a Field of Study, ito ay isang sistematikong proseso,
ibig sabihin, tuluy-tuloy itong nagaganap at nagbabago, may mga hakbang upang
maganap ito.
Mula naman sa Getting Started-An Approach to Communication Skills, ito ay paggamit
ng mga salita at kilos na kung saan nagkakaroon ng ugnayan gamit ang salita at kilos.
Ito ay pakikipag-ugnaya sa pamamagitan ng mga simbolo, ayon kay Wood noong 1994.
3 konteksto: 1) pisikal- kung saan nagaganap ang talastasan; 2)sosyo-sikolohikal- kung
anong kalagayan ng taong kausap/kasangkot; 3)panahon- kung kalian naganap ang
usapan/talastasan
Uri…


Berbal- komunikasyong gumagamit ng wika (salita/letra), pasulat man (telegram,
pahayagan, e-mail, atbp.) o pasalita (pakikipagkwentuhan, telepono, pagtatalumpati,
atbp.)
Di-Berbal- komunikasyong di-gumagamit ng wika bilang kasangkapan ng pakikipagugnayan, maaaring sa pamamagitan ng senyas (☺,
), kilos (pagkaway,pagkindat), o
bagay (magarang damit, maraming tao, malaking bahay)
Modelo…
LINYAR O ARISTOTELYAN

Modelo ni Aristotle batay sa kanyang Retorika, nagbigay ng 3 sangkap ng komunikasyon
1.Nagsasalita 2. Ang sinasabi 3. Ang Nakikinig
DAVID BERLO – 1960

May apat na element sa modelo ng komunikasyon ni Berlo 1.Pinagmumulan
2.Mensahe(nais sabihin) 3.Tsanel (ginamit na daluyan) 4.Tagatanggap

Bago bigkasin ang salita, pinag-iisipan kung ano ang sasabihin batay sa kanyang
layunin, ang prosesong ito ay tinatawag na encoding kapag lumabas na sa bibig.
Ang mga salitang pinag-iisipangsasabihin, ito ang tinatawag na mensahe. Ang
tumanggap ng mensahe at umunawang mensahe ay tinatawag na decoding. Kung
naunawaan ang tinanggap na mensahe at sumagot(response) o nagbigay ng
reaksyon o feedback, kung nagkaroon ng palitan ng usapan, nagkaroon ng
komunikasyon.
Antas…







Intrapersonal na komunikasyon (Pansarili)-Ito ang komunikasyong pansarili. Nagaganap
sa isang indibidwal lamang.
Interpersonal na komunikasyon (Pang-iba)-Ito ang komunikasyong nangyayari sa dalawa
o mahigit pang tao.
Komunikasyong Pampubliko-Isinasagawaang komunikasyon sa harap ng maraming
mamamayan o tagapakinig.
Komunikasyong Pangmasa-Ito ay komunikasyong gumagamit ng mass-media, radio,
telebisyon at pahayagan.
Komunikasyonna Pang-organisasyon-Ang komunikasyon na nangyayari sa loob ng mga
organisasyon o samahan.
Komunikasyong Pangkultura-Ang komunikasyon para sa pagtatanghal o pagpapakilalang
kultura ng isang bansa.
Komunikasyong Pangkaunlaran-Ang komunikasyon pangkaunlaran tungkol sa
industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan.
Tipo…


Pormal na komunikasyon – piling salita o wika ang ginagamit dito, maging ang mga
kilos at galaw ay pormal dahil ito ay sitwasyong may ugnayan ang mga pormal na tao.
Impormal na komunikasyon – hindi limitado ang salitang ginagamit pati na ang mga
kilos at galaw dahil ito’y nagaganap sa pagitan ng mga magkakalapit o matatalik na
kapwa.
Mga Konseptong Pandiskurso
Diskurso




Mula sa Latin na discursus na nangangahulugan ng pagtutuloy tuloy.
Pakikipagtalastasang pasalita at pasulat.
Paraan ng pagbuo ng kaalaman, kaisipan, o pangangatwiran para sa masining na
pagpapahayag.
Tumutukoy sa berbal na kakayahan ng tao sa komunikasyon.


Kakayahan ng tao sa pakikipag-usap, pagkukuwento, pagbabalita o anumang proseso ng
taong makipag-ugnayan.
Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at
tagapakinig, at ng manunulat at mambabasa.
DISKURSONG PASALITA
ü Gumagamit ng Wika
ü May layunin/mensahe
ü May encoder at decoder
ý Naririnig
ý Binibigkas
ý Di halos napaghahandaan ang mga
ideya/impormasyon
DISKURSONG PASULAT
ü Gumagamit ng Wika
ü May layunin/mensahe
ü May encoder at decoder
ý Nababasa
ý Sinusulat
ý May mahabang panahon ng paggawa
Pasulat man o pasalita ang diskurso, gamagamit ito kapwa ng mga panandang pandiskurso
upang maghudyat ng:
a. sunud-sunod na pangyayari
Halimbawa: una, bilang pangwakas
b. pagtitiyak
halimbawa: gaya ng mga sumusunod, tulad ng
c. paglalahat
halimbawa: anupa't samakatuwid
d. paghahalimbawa
Halimbawa: sa pamamagitan ng
e. pagbibigay-pokus
Halimbawa: ukol sa, pansinin sa
f. pagbabagong lahad
Halimbawa: sa madaling sabi, sa bilang salita
g. Naghuhudyat ng pamamaraan ng sumulat
Halimbawa: subali't ,datapwa't ,sa aking palagay
Uri ng Teksto







Naratibo - teksto na naglalayong magsalaysay ng isang pangyayari na may tiyak na
ayos ng pagkakasunud-sunod sa galaw at kilos. (pagkukuwento)
Impormatibo – tektong naglalayong magbigay ng kongkreto at tunay na impormasyon
sa bumabasa/nakikinig. (pagbabalita sa midya)
Persuasive– tekstong may layuning manghikayat na pumanig, maniwala at umayon sa
sinasabi. (patalastas ng produkto)
Deskriptibo – tekstong naglalayong maglarawan ng tiyak na katangian o anyo panlabas
man o panloob ng tinatalakay na paksa. (Pinoy Henyo)
Argumentative – tekstong tumatalakay o nagtitimbang ng paksa o maaaring dalawang
nagtatalong isyu na batay sa sariling pananaw o palagay ng encoder (Editoryal)
Procedural – tekstong may layuning magturo kung paano gawin ang isang bagay,
naglalahad ng mga pamamaraan sa paggawa o pagbuo, (cook book)
Expository – teksto na nagsisiwalat ng katotohanan at detalyadong binubusisi ang isang
paksa, gayundin ito ay tila pinagsama-samang iba pang uri ng teksto. (dokumentaryo)
Konteksto ng Diskurso
S – setting, ang lugar at panahon na kinaganapan ng diskurso
P – participants, ang tao o mga taong kasangkot sa diskurso
E – ends, layunin o goal ng diskurso, maaaring upang mang-aliw, manghikayat, pumuna,
at iba pa.
A – act sequence, ang pagkakasunod sunod ng pagbuo ng diskurso na minsan kung ito’y pasalita
ay naaantala
K – keys, ang susi na makatutulong sa mabisang diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at
pamamaraan sa pagpapahayag
I – instrumentalities, ano ang gamit ng wika pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
dikurso.
N – norms, kaugalian, tradisyon at kulturang kinasangkutan ng diskurso
G – genre, anyo ng diskurso, sa pasulat, maaaring ito ay sanaysay, maikling kwento, awit, tula,
at iba pa; kung ito naman ay diskursong pasalita, maaaring nagbabalita, nasasalaysay,
nagpapaliwanag, nagbababala, at iba pa.
Mga Teoryang Pandiskurso
Ethnography of Communication




Pinasimulan ni Dell Hymes noong 1962, isang sosyolinggwist na nagsulong sa
kahalagahan ng antropolohiya sa linggwistika.
Unang tinawag na “ethnography of speaking”
Ang teoryang ito ay nakatuon sa kakayahang komunikatibo ng tagapagsalita higit sa
kakayang gramatika ng wika na ginagamit sa diskurso.
Mahalagang salik dito ang pakikiangkop sa kultura, tradisyon, at kinaugalian ng mga
taong kasangkot sa diskurso.
…that the study of language must concern itself with describing and analyzing the ability of the
native speakers to use language for communication in real situations (communicative
competence) rather than limiting itself to describing the potential ability of the ideal
speaker/listener to produce grammatically correct sentences (linguistic competence). Speakers of
a language in particular communities are able to communicate with each other in a manner
which is not only correct but also appropriate to the sociocultural context. This ability involves a
shared knowledge of the linguistic code as well as of the socio-cultural rules, norms and values
which guide the conduct and interpretation of speech and other channels of communication in a
community … The ethnography of communication ... is concerned with the questions of what a
person knows about appropriate patterns of language use in his or her community and how he or
she learns about it. (Farah, 1998: 125)
Variationist Theory



Pinangunahan ni William Labov (1971), isang Amerikanong linggwista na nagimpluwensya sa mga metadolohiya sa linggwistika.
Ang teoryang ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang tiyak na salita o
mga salita ay tumutugon sa pokus ng diskurso.
Binibilang ang dalas na gamit sa wika upang masuri ang kalikasan ng diskurso.

Ang “gamit” ng salita ay nababago sa “porma” nito, halimbawa, sa tuntunin ng wikang
Filipino, ang panghalip na kayo ay ginagamit na panghalili sa maramihang ngalan; ngunit
mapapansin na sa pakikipag-usap sa isang matanda ay nagagamit ang kayo, “Kumusta po
kayo?” , “Pasok po kayo.”
…investigates the actual usage of spoken language. The goal of this theory is to provide patterns
of occurrence of a particular variable and to lay out the hierarchical structure when this
variable can occur. Thus, it does not only indicate the occurrence of variants, but also shows the
relative frequency of occurrence of each possible variant.
Pragmatic Theory




Pinangunahan ni Paul Grice (1967), pilosopo ng wika na may impluwensya sa pag-aaral
ng semantika sa dulog pilosopikal.
Teoryang tutukoy sa kakayahan ng tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso na
mauunawaan agad ng tagapakinig o tagatanggap.
May iba’t ibang salik pa na dapat isa-alang alang sa pag-unawa, kasama na rito ang
intelektwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder at ang pagtatagpo ng kanikanilang interpretasyon.
Nililinaw ang relasyon sa pagitan ng intensyon at kahulugan.
When a diplomat says yes, he means ‘perhaps’;
When he says perhaps, he means ‘no’;
When he says no, he is not a diplomat.
Voltaire (Quoted, in Spanish, in Escandell 1993.)
…a fundamental distinction of what a speaker says and what he implicates;
…a set of rules or principles, derived from general principles of rationality, cooperation
and/or cognition, that guide, constrain or govern human linguistic communication; and
… a notion of communicative intention (called M(eaning)-intention by Grice) whose fulfillment
consists in being recognized by the addressee.
Speech Act Theory





Isinulong ni John Langshaw Austin (1962) at pinalawig ni John Rogers Searle, pilosopo
ng wika sa Britanya na nakilala sa kanilang paniniwala na kayang mabago ng salita ang
realidad.
ang pananalita o diskurso ay kaugnay ng aksyon.
Aktong Locutionary pagsasabi ng mga tiyak na kahulugan sa tradisyunal na paraan.
Aktong Illocutionary may tiyak na "pwersa" tulad ng pagpapabatid, pag-uutos o
pagbababala atbp
Aktong Prelocutionary Nagtatamo o nagpapalabas ng isang bagay tulad ng
paghihikayat, pagkumbinse at pagbabawal.
Speech acts are a staple of everyday communicative life, but only became a topic of sustained
investigation, at least in the English-speaking world, in the middle of the Twentieth Century.
Since that time “speech act theory” has been influential not only within philosophy, but also in
linguistics, psychology, legal theory, artificial intelligence, literary theory and many other
scholarly disciplines. Recognition of the importance of speech acts has illuminated the ability of
language to do other things than describe reality
Download