Lahat - Divine Mercy Catholic Church

advertisement
DIVINE MERCY
NATOMAS
CATHOLIC CHURCH
Simbang Gabi
December 15, 2011
PAMBUNGAD NA
PANALANGIN
Loving God, you speak to us
and nourish us through the
life of this church
community. In the name of
Jesus, we ask you send your
spirit to us so that men and
women among us, young and
old, will respond to your call
to service and leadership in
the church.
We pray especially in our day
for those who hear your
invitation to be a priest, sister,
brother or deacon. May those
who are opening their hearts
and minds to your call be
encouraged and strengthened
through our enthusiasm in
your service. Amen.
AWITING PAMBUNGAD
HALINA, EMANUEL
Halina, O Emanuel,
At tubusin ang Israel
Nalulungkot sa pagkatapon,
Hinihintay Anak ng D'yos.
Magdiwang na,
Emanuel ay darating,
O Israel!
Halina, O Karunungan,
Tagapag-ayos nang tanan,
Sa matuwid kami'y turuan,
Laging ang loob mo'y
sundin.
Magdiwang na,
Emanuel ay darating,
O Israel!
ANG BANAL
NA MISA
Pagbati
Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu Santo.
Amen.
Pagbati
Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong
Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at
ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyo lahat.
At sumainyo rin.
PAGSISI NG
KASALANAN
Inaamin ko sa
makapangyarihang Diyos
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang,
kaya isinasamo ko sa
mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at
mga banal at sa inyo, mga
kapatid, na ako’y
ipanalangin sa Panginoong
ating Diyos.
Kyrie
Panginoon maawa ka (3x)
Kristo maawa ka (2x)
Kristo, Kristo maawa ka
Panginoon maawa ka(4x)
PAGPAPAHAYAG
NG SALITA NG
DIYOS
Unang Pagbasa
Pagbasa sa aklat ni
Propeta Isaias
Isaias 54: 1-10
Lector :
Magalak ka, O baog, babaeng di
nanganganak; sumigaw at umawit,
ikaw na hindi nagdanas ng hirap ng
panganganak! Sapagkat higit na
marami ang mga anak ng
pinabayaang babae kaysa mga anak
ng may asawa, wika ng Panginoon.
Palakhin mo ang kinalalagyan ng
iyong kubol, iladlad ang mga tabing ng
iyong tinitirhan: huwag mong iurong,
habaan ang mga panali at patibayin
ang mga tulos; sapagkat lalago ka sa
kanan at sa kaliwa at aariin ng iyong
lahi ang mga bansa at mamamayan sa
mga gibang lunsod.
Huwag kang matakot, at hindi ka
mabibigo; huwag mangamba at hindi
ka mapapahiya. Malilimutan mo ang
kahihiyan ng iyong kabataan, at di mo
na maaalaala ang kadustaan ng iyong
pagkabalo. Sapagkat ang magiging
asawa mo ay ang Maylalang sa iyo na
ang pangalan ay Panginoon ng mga
hukbo, at ang iyong manunubos ay
ang Banal ng Israel, na siyang Dios ng
sangkalupaan.
Oo, tinawag ka nga ng Panginoon
tulad ng isang babaeng pinabayaan at
namamanglaw. Ang naging asawa sa
kabataan, ay matatakwil baga? Wika
ng iyong panginoon. Sa isang saglit
lamang pinabayaan kita subalit sa
aking malaking pag-ibig muli kitang
tinatawagan. Sa pusok ng pagkagalit
ay saglit akong nagtampo sa iyo,
ngunit sa aking walang hanggang awa
ay nagdalang habag ako sa iyo, wika
ng Panginoong iyong manunubos.
Tulad noong kapanahunan ni Noe ay
mangyayari sa akin ang ganito: kung
paanong sumumpa akong di na
magpapabaha uli sa balat ng lupa,
gayon din ngayon sumusumpa ako na
di na magagalit sa iyo at di na
magbabanta.
Kumilos man ang mga bundok,
yumanig man ang mga burol, kailan
man ay di lalayo sa iyo ang aking awa
at di masisira ang aking tipan ng
kapayapaan, wika ng Panginoong
nagmamahal sa iyo.
Lector :
Ang Salita ng Diyos
Lahat:
Salamat sa Diyos.
Responsorial Psalm
I will praise you,
Lord, for you have
rescued me.
MABUTING BALITA
Alelu, Alelu, Aleluya
(2x)
Purihin ang Diyos,
Aleluya
Cantor:
Ipakita mo sa amin, Panginoon, ang
iyong awa at iligtas kami.
Alelu, Alelu, Aleluya
(2x)
Purihin ang Diyos,
Aleluya
Priest: The Lord be with you.
And with your spirit.
Priest: A reading from the holy Gospel
according to Luke
Glory to you, O Lord.
THE GOSPEL
Luke 7: 24-30
When the messengers of John the
Baptist had left, Jesus began to
speak to the crowds about John.
"What did you go out to the desert
to see a reed swayed by the wind?
Then what did you go out to see?
Someone dressed in fine
garments?
Those who dress luxuriously and
live sumptuously are found in royal
palaces. Then what did you go
out to see? A prophet? Yes, I tell
you, and more than a prophet.
This is the one about whom
Scripture says:
Behold, I am sending my
messenger ahead of you,
he will prepare your way before
you.
I tell you, among those born of
women, no one is greater than
John; yet the least in the Kingdom
of God is greater than he."
(All the people who listened,
including the tax collectors,
who were baptized with the
baptism of John,
acknowledged the righteousness
of God; but the Pharisees and
scholars of the law, who were not
baptized by him, rejected the plan
of God for themselves.)
Priest: The Gospel of the Lord.
Praise to you,
Lord Jesus Christ.
HOMILY
PAGPAPAHAYAG NG
PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa isang
Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat, na may gawa ng langit at
lupa, ng lahat na nakikita at di
nakikita.
Sumasampalataya ako sa iisang
Panginoong Hesukristo, bugtong na
Anak ng Diyos, sumilang sa Ama
bago pa nagkapanahon.
Diyos buhat sa Diyos, liwanag
buhat sa liwanag, Diyos na totoo
buhat sa Diyos na totoo.
Sumilang at hindi ginawa, kaisa
ng Ama sa pagka-Diyos, at sa
pamamagitan niya ay ginawa
ang lahat. Dahil sa ating pawang
mga tao at dahil sa ating ating
kaligtasan, siya ay nanaog mula
sa kalangitan.
(Lahat ay yuyuko*)
*Nagkatawang-tao siya lalang
ng Espiritu Santo kay Mariang
Birhen at naging tao.*
Ipinako sa krus dahil sa atin.
Nagkasakit sa hatol ni Poncio
Pilato, namatay at inilibing.
Muli siyang nabuhay sa ikatlong
araw ayon sa banal na
kasulatan. Umakyat siya sa
kalangitan at lumuklok sa
kanan ng Amang Maykapal.
Paririto siyang muli na may
dakilang kapangyarihan upang
hukuman ang mga buhay at mga
patay.
Sumasampalataya ako sa
Espiritu Santo, Panginoon at
nagbibigay-buhay na
nanggagaling sa Ama at sa
Anak sinasamba siya at
pinararangalan kaisa ng Ama at
ng Anak. Nagsalita siya sa
pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang
banal na Simbahang Katolika at
Apostolika gayundin sa
ikapagpapatawad ng mga
kasalanan, at hinihintay ko ang
muling pagkabuhay ng
nangamatay at ang buhay na
walang hanggan. Amen.
Panalangin ng Bayan
Panginoon, dinggin
ang Iyong bayan!
(Lord hear your people!)
PAGDIRIWANG NG
HULING HAPUNAN
PAGHAHANDA NG MGA ALAY
PAGHAHANDONG NG
SARILI
Kunin mo, O Diyos at
tanggapin Mo
Ang aking kalayaan ang
aking kalooban
Ang isip at gunita ko
Lahat ng hawak ko
Lahat ng loob ko
Lahat ay aking alay sa Iyo
Mula sa Iyo ang lahat ng
ito
Muli kong handog sa Iyo
Patnubayan Mo't
paghariang lahat
Ayon sa kalooban Mo
Mag-utos Ka Panginoon
ko
Dagling tatalima ako
Ipagkaloob Mo lang ang
pag-ibig Mo
At lahat ay tatalikdan ko
Tatalikdan ko
… Kapuri-puri ang Poong
Maykapal ngayon at kailanman.
… Kapuri-puri ang Poong
Maykapal ngayon at kailanman.
Pari: Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain
natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
(Tumayo at sumagot:)
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at
karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.
PANALANGIN NG
PAGPUPURI AT
PAGPAPASALAMAT
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
At sumainyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Itinaas na namin
sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating
Diyos.
Marapat na
siya ay pasalamatan.
SANTO
(Sanctus)
Santo, Santo, Santong
Panginoong Diyos na
makapangyarihan
Napupuno ang langit at
lupa ng kaluwalhatian
Mo
Osana, Osana sa
kaitaasan (2x)
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon
Osana, Osana sa
kaitaasan (2x)
Misteryo ng
Pananampalataya
Si Kristo ay gunitain,
sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin,
pinagsasaluhan natin
Hanggang sa Siya’y
dumating (2x)
Amen, Amen
Amen, Amen
Amen
AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit Ka,
sambahin ang ngalan Mo
Mapasa-amin ang kaharian
Mo,
Sundin ang loob Mo, dito sa
lupa para ng sa langit
Bigyan Mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa
aming mga sala
Para nang pagpapatawad
namin sa nagkakasala sa
amin
At h’wag Mo kaming
ipahintulot sa tukso
At i-adya Mo kami sa lahat ng
masama
Pari:
Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat
ng masama, pagkalooban ng
kapayapaan araw-araw, iligtas sa
kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng
pagpapahayag ng tagapagligtas naming
si Hesukristo.
Lahat:
Sapagka’t iyo ang
kaharian, ang
kapangyarihan at
ang kapurihan
magpakailanman.
Simbolo ng Kapayapaan
Pari:
Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa
iyong mga apostol: Kapayapaan ang
iniiwan ko sa inyo. Ang aking
kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.
Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang aming
mga pagkakasala.
Pari:
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat:
Amen.
Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon
ay laging sumainyo.
Lahat:
At sumainyo rin.
Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa
isa’t-isa.
KORDERO NG DIYOS
(Lamb of God)
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka
maawa ka sa amin (2X)
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng
sanlibutan, ipagkaloob Mo sa
amin ang kapayapaan
KOMUNYON
Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nagaalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Mapalad ang mga
inaanyayahan sa kanyang piging.
Lahat:
Panginoon, hindi ako
karapat-dapat na
magpatuloy sa iyo
nguni’t sa isang salita
mo lamang ay gagaling
na ako.
AWIT PANG KOMUNYON
HALINA HESUS HALINA
KORO:
Halina Hesus Halina
Halina Hesus Halina
Sa simula isinaloob mo
O Diyos kaligtasan ng tao
Sa takdang panahon ay tinawag mo
Isang bayang lingkod sa Iyo
Gabay ng Iyong bayang hinirang
Ang pag-asa sa Iyong Mesiyas
Emmanuel ang pangalang bigay sa
Kanya
Nasa atin ang Diyos tuwina (KORO)
KORO:
Halina Hesus Halina
Halina Hesus Halina
Isinilang S'ya ni Maria
Birheng tangi Hiyas ng Judea
At Hesus ang pangalang binigay sa
Kanya
Aming Diyos ay tagapag-adya
Darating muli sa takdang araw
Upang tanang tao'y tawagin
At sa puso Mo aming Ama'y bigkasin
Sa pagibig na di mamaliw (KORO)
KORO:
Halina Hesus Halina
Halina Hesus Halina
AWIT PANG KOMUNYON
PANANAGUTAN
Walang sinuman ang nabubuhay,
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay,
Para sa sarili lamang
KORO:
Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling N'ya
Sa ating pagmamahalan, At
paglilingkod sa kanino man
Tayo ay nagdadala ng balita ng
kaligtasan
KORO:
Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling N'ya
Panalanging
Pagkapakinabang
Lahat:
Amen.
PAGHAYO SA
PAGWAWAKAS
Pagbabasbas
Priest: Sumainyo ang Panginoon.
At sumainyo rin.
Pari: Pagpalain kayo ng
makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at
ng Espiritu Santo.
Amen.
Pari: Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang
kapayapaan ni Kristo.
Salamat sa Diyos.
AWIT PANGWAKAS
ANG PUSO KO’Y
NAGPUPURI
Ang puso ko’y nagpupuri,
nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu
sa ‘king Tagapagligtas
Sapagkat nilingap N’ya
kababaan ng Kanyang alipin
Mapalad ang pangalan ko sa
lahat ng mga bansa
Maraming Salamat Po!
Download