DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH Simbang Gabi December 17, 2011 PAMBUNGAD NA PANALANGIN Loving God, you speak to us and nourish us through the life of this church community. In the name of Jesus, we ask you send your spirit to us so that men and women among us, young and old, will respond to your call to service and leadership in the church. We pray especially in our day for those who hear your invitation to be a priest, sister, brother or deacon. May those who are opening their hearts and minds to your call be encouraged and strengthened through our enthusiasm in your service. Amen. AWITING PAMBUNGAD HALINA, EMANUEL Halina, O Emanuel, At tubusin ang Israel Nalulungkot sa pagkatapon, Hinihintay Anak ng D'yos. Magdiwang na, Emanuel ay darating, O Israel! Halina, O Karunungan, Tagapag-ayos nang tanan, Sa matuwid kami'y turuan, Laging ang loob mo'y sundin. Magdiwang na, Emanuel ay darating, O Israel! ANG BANAL NA MISA Pagbati Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Pagbati Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyo lahat. At sumainyo rin. PAGSISI NG KASALANAN Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang, kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. Kyrie Panginoon maawa ka (3x) Kristo maawa ka (2x) Kristo, Kristo maawa ka Panginoon maawa ka(4x) PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS Unang Pagbasa Pagbasa sa aklat ng Genesis Genesis 49:2, 8-10 Noong mga araw na iyon, tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi: Magsama-sama kayo at ipahahayag ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo sa mga araw na darating. Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid; ilalagay mo ang iyong kamay sa leeg ng iyong mga kaaway; yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama. Si Juda ay isang batang leon; ikaw ay nakaakyat, anak ko, sa isang huli. Nakadapa at nakahigang tulad ng leon: tulad ng isang babaeng leon, at sino ang makapagpapatindig sa kanya? Ang setro ay hindi maaalis kay Juda, ni ang tungkod sa pagitan ng kanyang mga paa. Hanggang di dumarating ang may-ari noon. Tatalima sa kanya ang mga bayan. Lector : Ang Salita ng Diyos Lahat: Salamat sa Diyos. Responsorial Psalm Justice shall flourish in his time, And fullness of peace forever. MABUTING BALITA Alelu, Alelu, Aleluya (2x) Purihin ang Diyos, Aleluya Cantor: O karunungan ng Kataas-taasang Dios, na ang lahat ay inaayos mo nang buong lakas at giliw, halina at turuan kaming maging mahinahon. Alelu, Alelu, Aleluya (2x) Purihin ang Diyos, Aleluya Priest: The Lord be with you. And with your spirit. Priest: A reading from the holy Gospel according to Matthew Glory to you, O Lord. THE GOSPEL Matthew 1:1-17 The book of the genealogy of Jesus Christ,the son of David, the son of Abraham. Abraham became the father of Isaac, Isaac the father of Jacob, Jacob the father of Judah and his brothers. Judah became the father of Perez and Zerah, whose mother was Tamar. Perez became the father of Hezron,Hezron the father of Ram, Ram the father of Amminadab. Amminadab became the father of Nahshon, Nahshon the father of Salmon, Salmon the father of Boaz, whose mother was Rahab. Boaz became the father of Obed, whose mother was Ruth. Obed became the father of Jesse, Jesse the father of David the king. David became the father of Solomon, whose mother had been the wife of Uriah. Solomon became the father of Rehoboam, Rehoboam the father of Abijah, Abijah the father of Asaph. Asaph became the father of Jehoshaphat, Jehoshaphat the father of Joram, Joram the father of Uzziah. Uzziah became the father of Jotham, Jotham the father of Ahaz, Ahaz the father of Hezekiah. Hezekiah became the father of Manasseh, Manasseh the father of Amos, Amos the father of Josiah. Josiah became the father of Jechoniah and his brothers at the time of the Babylonian exile. After the Babylonian exile, Jechoniah became the father of Shealtiel, Shealtiel the father of Zerubbabel, Zerubbabel the father of Abiud. Abiud became the father of Eliakim, Eliakim the father of Azor, Azor the father of Zadok. Zadok became the father of Achim, Achim the father of Eliud, Eliud the father of Eleazar. Eleazar became the father of Matthan, Matthan the father of Jacob, Jacob the father of Joseph, the husband of Mary. Of her was born Jesus who is called the Christ. Thus the total number of generations from Abraham to David is fourteen generations; from David to the Babylonian exile, fourteen generations; from the Babylonian exile to the Christ, fourteen generations. Priest: The Gospel of the Lord. Praise to you, Lord Jesus Christ. HOMILY PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Sumasampalataya ako sa isang Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat na nakikita at di nakikita. Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating ating kaligtasan, siya ay nanaog mula sa kalangitan. (Lahat ay yuyuko*) *Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao.* Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagkasakit sa hatol ni Poncio Pilato, namatay at inilibing. Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw ayon sa banal na kasulatan. Umakyat siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal. Paririto siyang muli na may dakilang kapangyarihan upang hukuman ang mga buhay at mga patay. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay na nanggagaling sa Ama at sa Anak sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta. Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at Apostolika gayundin sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, at hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan Panginoon, gawin Mo kaming tapat sa Iyo! (Lord, make us faithful to you!) PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN PAGHAHANDA NG MGA ALAY PAGHAHANDONG NG SARILI Kunin mo, O Diyos at tanggapin Mo Ang aking kalayaan ang aking kalooban Ang isip at gunita ko Lahat ng hawak ko Lahat ng loob ko Lahat ay aking alay sa Iyo Mula sa Iyo ang lahat ng ito Muli kong handog sa Iyo Patnubayan Mo't paghariang lahat Ayon sa kalooban Mo Mag-utos Ka Panginoon ko Dagling tatalima ako Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo At lahat ay tatalikdan ko Tatalikdan ko … Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman. … Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman. Pari: Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan. (Tumayo at sumagot:) Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal. PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT Pari: Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon. Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan. SANTO (Sanctus) Santo, Santo, Santong Panginoong Diyos na makapangyarihan Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo Osana, Osana sa kaitaasan (2x) Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon Osana, Osana sa kaitaasan (2x) Misteryo ng Pananampalataya Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain Bilang pagkai’t inumin, pinagsasaluhan natin Hanggang sa Siya’y dumating (2x) Amen, Amen Amen, Amen Amen AMA NAMIN Ama namin sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo Mapasa-amin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para ng sa langit Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso At i-adya Mo kami sa lahat ng masama Pari: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng tagapagligtas naming si Hesukristo. Lahat: Sapagka’t iyo ang kaharian, ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman. Simbolo ng Kapayapaan Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pari: Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Lahat: Amen. Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo. Lahat: At sumainyo rin. Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa. KORDERO NG DIYOS (Lamb of God) Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka maawa ka sa amin (2X) Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan KOMUNYON Pari: Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. Lahat: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. AWIT PANG KOMUNYON HALINA HESUS HALINA KORO: Halina Hesus Halina Halina Hesus Halina Sa simula isinaloob mo O Diyos kaligtasan ng tao Sa takdang panahon ay tinawag mo Isang bayang lingkod sa Iyo Gabay ng Iyong bayang hinirang Ang pag-asa sa Iyong Mesiyas Emmanuel ang pangalang bigay sa Kanya Nasa atin ang Diyos tuwina (KORO) KORO: Halina Hesus Halina Halina Hesus Halina Isinilang S'ya ni Maria Birheng tangi Hiyas ng Judea At Hesus ang pangalang binigay sa Kanya Aming Diyos ay tagapag-adya Darating muli sa takdang araw Upang tanang tao'y tawagin At sa puso Mo aming Ama'y bigkasin Sa pagibig na di mamaliw (KORO) KORO: Halina Hesus Halina Halina Hesus Halina AWIT PANG KOMUNYON PANANAGUTAN Walang sinuman ang nabubuhay, Para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay, Para sa sarili lamang KORO: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya Sa ating pagmamahalan, At paglilingkod sa kanino man Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan KORO: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya Panalanging Pagkapakinabang Lahat: Amen. PAGHAYO SA PAGWAWAKAS Pagbabasbas Priest: Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Pari: Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo. Salamat sa Diyos. AWIT PANGWAKAS ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon Nagagalak ang aking espiritu sa ‘king Tagapagligtas Sapagkat nilingap N’ya kababaan ng Kanyang alipin Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa Maraming Salamat Po!