PAGTITIIS HANGGANG MAANGKIN ANG LANGIT HEBREO 12:1-3 HEBRO 12:1-3 “Yamang napapalibutan tayo, yamang naliligid tayo ng makapal na saksi, mga saksi na singkapal ng ulap, iwaksi natin, itabi natin ang mga kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin, mga pabigat na nagiging sagabal sa atin, at tayo’y buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan. “Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito, na dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, hindi niya inalintana ang kahihiyang dala nito, at siya ngayon ay nakaluklok sa kanan ng trono ng Diyos. “Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang paglaban ng mga makasalanan. Ito ay upang hindi naman kayo manlupaypay at panghinaan ng loob. At isip-isipin nyo rin na sa inyong pakikipagtunggali sa kasalanan ay hindi pa naman kayo humahantong sa pagdanak ng inyong sariling dugo…” PASIMULA “Kayat dahil napapalibutan tayo ng ganoon kakapal na bilang ng mga saksi” (12:1a). “Therefore, since we are surrounded by so great a cloud of witnesses...” Ang mga saksing tinutukoy dito sa kapitulo 12 ay ang mga sumasampalataya na nabanggit sa kapitulo 11. Sinasabing sila ay nagmamasid habang ang kanilang kapwa Cristiano ay nakikipagbuno sa ampiteatro ng buhay. Ang salitang “saksi” ay salin mula sa Griego na “marturon,” siyang salita din kung saan nanggaling ang salitang “martyr”! Marturon> saksi > martyr. Ang mga martir na namatay sa kanilang pananampalataya ay saksi din sa kanilang pananampalataya! Si Abel, na pinatay ng kanyang kapatid na si Cain, ang unang martir sa pananampalataya. Patay sila ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay buhay sa isang sulok ng mundo na kung tawagin ay “Hades,” kung saan sila inilagay ng Panginoon habang naghihintay ng pagbabangong muli. Buhay din sila sa ating isipan dahil sa magandang halimbawa na kanilang ipinakita. Saksi sila sa mga paghihirap natin, sa mga pagbagsak at pagbangon natin, sa mga pait na tinamo natin, sa mga pagluha at paghikbi natin. Ang nasasaisip ng manunulat ng aklat ng Hebreo habang sinusulat niya ang talatang ito ay ang mga sinaunang laro sa bansang Italia. Ang Olympic games sa Athens, Greece. Ang mga bilanggo na nakikipag-away, o nakikipagtunggali laban sa kapwa bilanggo. Ang mga gladiator na nakikipagpatayan upang aliwin ang mga taong nanonood. Masyadong madugo ang mga laro ng panahong yaon! Ang kapal sa dami ng taong nanonood, nakaupo sa nakaikot na mga upoan sa ampiteatro, kung saan klarong klaro nilang nakikita ang mga manlalarong nakikipagbuno, nakikipag-away sa kapwa manlalaro. Noong panahong ding yaon, ang Cristianismo ay isang ilegal na relihiyon. Pinipilit silang magsamba sa mga imahe na hindi diyos, magsindi ng insenso at mag-alay ng alay sa kanilang emperador. Ang ayaw ay pinapatay. Bago sila papatayin pinapanood muna sila habang nakikipag-away ng patayan sa kapwa bilanggo. Kung minsan po ang mga bilanggo’y sinasagasaan ng chariot na hila ng mabibilis na mga kabayo, hanggang sa mamatay. Kung minsan sila ay pinapakain ng buhay sa mga gutom na leon! Ang larawang ito sa Hebreo 12 is a figurative representation. It admonishes us to act as if these ancient believers were in sight, and were cheering us on. Kung sila’y naghirap noon at nanalo sa laban, tayong naghihirap ngayon ay mananalo din sa ating laban sa buhay. Ano ang mga bagay na dapat gawin upang makakasiguro tayo sa pagkapanalo natin? OUTLINE (1) ITABI NATIN ANG MGA PABIGAT AT ANG PAGKAKASALANG BUMIBITAG SA ATIN, 12:1b. (2) TAKBUHIN NATIN NG MAY PAGTITIIS ANG TAKBUHING INILAGAY SA HARAPAN NATIN, 12:1c. (3) PAGMASDAN NATIN SI JESUS NA SIYANG NAGTATAG AT NAGPASAKDAL SA ATING SIMULAIN, 12:2a. (1) ITABI NATIN ANG MGA PABIGAT AT ANG MGA KASALANANG BUMIBITAG SA ATIN, 12:1b. Ang salitang “pabigat”—ὄγκον sa lenguaheng Griego—ay isang bagay na may bigat na inilalagay sa bingwit, kung tayo’y mamimingwit ng isda. Ang salitang “ONGKON” ay ginamit din ng mga classical writers to refer to anything na namamaga, namumula, tumor, kanser or anything na nagbibigay ng mabigat na karamdaman. “ONGKON,” pabigat. Ang anumang bagay na may kabigatan ay sagabal sa pagtakbo. Inaalis ito, winawaksi, tinatapon. Alam nyo naman kung anong klaseng mga kasuotan ang pinapasuot sa mga tumatakbo. Magaang sapatos. Damit na magaan, at dikit sa katawan. Sa sinaunang Olympic games sa Athens, Greece, ang mga runners ay tumatakbo na walang saplot! Iyan ang pinagmulan ng konseptong “Oblation Run” na ginagawa sa University of the Philippines taon-taon. Sa isang Cristiano, dapat niyang alisin ang anumang bagay na nagiging sagabal sa kanyang pagtakbo upang maangkin nya ang putong ng buhay. Ang pabigat, o bigat na dapat alisin, ay hindi pare-pareho sa bawat Cristiano. Sa iba, ito’y ang kanyang pagiging mapagmataas. Ang kanyang pagiging makamundo. Ang kanyang galit at di-pagtitimpi. Ang kanyang isip na marumi. Ang kanyang pusong hindi maawain. Ang kanyang pagiging maramot. Ang kanyang ugali na makasarili. Ang kanyang pagiging mayabang. Ang kanyang pagiging mapagkukunwari. His being critical of other people, his fault-finding attitude at iba pa. Mga laro sa internet na nakakaadik, at mga activities and diversions, and movies na nakakaubos ng ating oras upang hindi na magsamba. Ang pagmamahal sa dating buhay na hindi maiwan-iwan kahit na ito’y mali. Malimit nyong marinig ang awit na: “Laki sa layaw, laki sa layaw, Jeproks!” Buhay na makasalanan. Nahuli si Dindo Fernando na nakipagkita sa dating karelasyon. Sagot niya: “Minsan lang ako nagkamali.” Tanong ni Hilda Koronel: “Gaano ba kadalas ang minsan?” Ang mga anak na drug addict, pasaway, na naging pabigat sa magulang, sa komunidad at sa bansa. Ang ating special attachment sa mga trabahong hindi banal, sa mga kaibigang hindi banal, sa mga bagay na hindi banal. Whatever it may be, we are exhorted to lay all these pabigat aside. Masyado silang mabigat, hindi tayo makakalipad! Isang preacher ang naging pabigat sa kongregasyon. He was advised na umalis na. Ayaw niyang umalis. Bakit? Ang kanyang bahay ay nakatirik sa lupa ng church, at ang lupa ng church ay nasa kanyang pangalan! Kung minsan po ang ating mga ari-arian, bahay, lupa, negosyo, pera ay naging pabigat na sa buhay Cristiano, na hindi naman dapat. Nagiging pabigat din po ang ating pagiging hindi sensitibo sa kalagayan at sa kahirapang dinadanas ng ating mga kapatid. Totoo nga naman. Hindi po madaling unawain ang kahirapan kung tayo po ay napapalibutan ng karangyaan. Ibinenta ni Peter Waldo, isang mayamang Pranses, ang kanyang mga ari-arian at ibinili ng pagkain para sa mga mahihirap. Si Peter Waldo po ang lider ng iglesia ng Panginoon diyan sa Pransya, 12th century AD. Bago ako umalis ng LCC, pinamigay ko ang aking mga aklat, gamit, at mga damit sa mga estudyante! Ang naiwan sa akin ay mga shorts. Bigat kasi! Listen to the story of Sister Godelia Sabal: Naging pabigat sa kanya ang asawang lasenggo, sugarol, nanakit sa kanya at sa kanyang mga anak. Noong akmang itatapon na siya nito sa bintana, nagpumiglas siya, tumakbo, at nakipaghiwalay na. Kung hindi pa raw siya nakipaghiwalay, ay hindi ko siya mababautismohan! Listen to the story of Aldous Echegoyen: Kay kapatid na Aldous Echegoyen, ang trabahong mataas ang sweldo ay malaking sagabal! Ito ang naging dahilan upang hindi siya makapagsamba! Umalis siya doon, nagtayo ng munting negosyo at naging preacher ng De Castro church. (2) TAKBUHIN NATING MAY PAGTITIIS ANG TAKBUHING INILAGAY SA HARAPAN NATIN, 12:1c. Ang bawat isa na naging kasapi ng iglesia ay kasali sa takbuhing ito, ayaw man niya o hindi. This race is for the strong, not the strong in legs, but the strong in heart. Para po tayong lumilipad papunta sa langit. Kung ang isang elese o propeller ng eroplano ay tumigil na sa pag-ikot habang nasa himpapawid, ito ay babagsak. Kung ang isang Cristiano ay huminto na, siya rin ay babagsak. Ang payu po sa isang Cristiano ay ang huwag tumigil sa pagsasampalataya sa Panginoon. Sabi nga ng isang bantog na pulitiko, “Kung ayaw nyong sumunod sa utos ko, pupulotin kayo sa kangkongan!” Kung tayo’y titigil sa ating pananampalataya sa Diyos, saan naman kaya tayo pupulotin? APOCALIPSES 21:8. “Ngunit sa mga duwag, sa mga hindi nananampalataya, mga karumaldumal, sa mga mamamataytao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay ang lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.” Ang payu po sa isang Cristiano ay ang huwag tumigil sa pagsisilbi sa Panginoon, at ang pagsasamba sa kanya. HEBREO 10:25. “Huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginagawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isa’t isa lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang pagdating ng Panginoon.” Ang payu po sa isa Cristiano ay ang huwag tumigil sa paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa. GALACIA 6:9. “Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; dahil kung hindi tayo magsawa, tayo’y mag-aani sa takdang panahon.” 2 CORINTO 9:6.“Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay mag-aani ng kakaunti; ang naghahasik ng marami ay mag-aani ng marami.” Kung ang isang tao’y wala itinanim, mayroon ba siyang aanihin? Wala po. Kung ang isang tao’y tumigil na sa pagtatanim, mero pa po ba siyang aanihin? Wala din po! Tingnan natin ang halimbawa nitong isang Kano na nagtanim upang maipangaral ang ebanghelyo sa Asia Ang pangalan niya ay George, at isinilang siya noong ika-20 ng Hunyo, taong 1886. Ang kanyang lolo ay galing sa Inglatiera, at ang kanyang ama ay isinilang sa Montgomery County, Illinois. Ang kanyang inang si Mary ay Baptist, at ang kanyang amang si John ay Episcopal, ngunit nang kanilang narinig ang tungkol sa tunay na iglesia diyan sa isang liblib na lugar sa Kansas, sila ay naging Cristiano, members of the Church of Christ. In short, si George, tulad ng kanyang ama at ina at mga kapatid, ay naging Cristiano din. Noong 1903, si George ay nag-aral sa Parson’s Business College, gumradwet, nagtrabaho bilang empleyado sa isang gas company, then bilang stenographer sa isang mayamang negosyante, then bilang book keeper sa isang company. Nag-asawa si kapatid na George sa edad na 23, kumita ng 12 dollars per week, ngunit hindi niya ito mapagkasiya sa kanyang pamilya. Bagong labas lang yong sasakyang Model T Ford, yong karag-karag na sasakyang gawa ni Henry Ford. So brother George started a business supplying parts for the model T Ford, like the windshield, tail lights, mirrors, light bulbs, spare tires, bumpers, speedometers, spark plugs. Ang kanyang initial capital, 5 dollars, pambayad sa stamps. Kumita si kapatid na George, at ang kanyang nagiisang store ay naging marami, at by the time he was 25, naging milyonaryo na siya. Ang kanyang 5 dollars na initial capital naging millions. Sa Los Angeles, CA, siya’y naging elder ng Inglewood church, at naging supporter ng missions. Noong 1928 si brother George Benson, ang unang misyonero ng church na napunta sa Pilipinas, ay nangaral sa Mindoro, at si kapatid na George ang sumuporta sa pangangailangan ni brother George Benson. In short, sinuportahan ni George si George! Si George Benson ay bumalik sa China noong 1929. Sinuportahan naman ni kapatid na George ang misyonerong si Henry G. Cassel na nangaral din dito sa Pilipinas. Noong si brother Kenneth Wilkey ay naging director ng PBC Baguio, itong si kapatid na George ay sumuporta din sa kanya. Si brother George ang prime mover upang masuportahan ang gawain ng PBC sa Pilipinas, bilang isang elder ng Inglewood church. Utang po nating malaki sa Panginoon kung bakit naipangaral ang ebanghelyo sa Pilipinas noong panahong yaon. Utang din po natin sa kapatid na George na dahil sa kanyang malaking pagmamahal sa mga Asians ay sumuporta ng mga missions dito. Ang kapatid na George ay siya ring nagtayo ng isang university sa California, na kung saan gumradwet ang maraming Cristiano. Ang tinutukoy kong George ay si George Pepperdine, ang founder ng Pepperdine University sa Los Angeles, CA. When someone asks him kung bakit malaki siyang magbigay sa missions, ang sagot niya’y ganito: “Sa aking pagbibigay, ako’y gumagamit ng malaking pala. Bigay ako ng bigay. Ngunit sa aking likuran, mayroong isang bigay din ng bigay sa akin, at ang kanyang ginagamit na pala lalong mas malaki!” Mga kapatid, huwag po tayong tumigil sa paggawa ng mabuti. Each member here should have a part in the conversion of every soul in this congregation. You can do that by doing the following: Pag-imbita sa iyong mga kaibigan o kapitbahay upang magsamba dito, upang maaralan siya ng inyong minister. Pagbibigay kahit man lang isang basong tubig, isang boteng Coke, isang tasang kape, isang pirasong pan de sal, o kahit isang hamburgher para sa inyong minister, sa inyong kapatid na bagong bautismo, o sa mga kapatid na nangangailangan. The church of Jesus is a family and we should be helping one another, aiding one another, looking at the welfare of one another. Kung ano yong ugali natin dito sa mundo ngayon, hindi kaya ganoon din ang magiging ugali natin pagdating natin doon? Kung tayo’y maramot dito at hindi mapagbigay sa pangangailangan ng ating kapwa, do you think makakapasok tayo doon? Mag-isip-isip po tayo. Alam ni kapatid na George Pepperdine na ang pagmamahal sa yaman ay isang malaking pabigat sa buhay Cristiano. Ang paraan po upang mawala ang pabigat na iyan ay ang itakwil ang ating pagiging maramot at magsimula tayong maging mapagbigay. “It is more blessed to give than to receive” (ACTS 20:35). “Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (GAWA 20:35). (3) PAGMASDAN NATIN SI JESUS NA SIYANG NAGTATAG AT NAGPASAKDAL SA ATING SIMULAIN, 12:2a. Ang ibig sabihin nito, kopyahin natin ang halimbawa Niya! Pagmasdan natin ang kabanalan ng buhay niya, at pagsikapang maging kagaya Niya. Pagmasdan natin ang kanyang pagtitiis habang dinadanas Niya ang hirap. Pagmasdan natin kung paano siyang nagdusa, at kung paano siya nangibabaw doon, at kung paano niya nakuha at naangkin ang korona ng buhay. Pakinggan natin ang mga aral niya. Ang ating Panginoong Jesus mismo ang nagsabi, “It is more blessed to give than to receive” (ACTS 20:35). “Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (GAWA 20:35). Siya mismo ang nagsabi: “It is easier for a camel to enter the eye of a needle than for a rich man to enter the kingdom of heaven” (LUCAS 18:25; MARCOS 10:25). “SIYA ANG NAGTATAG AT NAGPASAKDAL NG ATING PANANAMPALATAYA.” Si Jesus ang una at katapusang halimbawa kung paano ipinagkatiwala ang lahat ng sa kanya, ang lahat ng mayroon siya, sa Diyos Ama. Ipinagkatiwala Niya sa Ama ang buhay Niya, ang panahon Niya, ang oportunidad Niya, ang pangarap Niya. Ang kanyang halimbawa ang pinakamalaki at pinakakompletong maipakita upang sundin natin. “NA DAHIL SA KAGALAKANG INILAGAY SA KANYANG HARAPAN, AY TINIIS NIYA ANG KRUS,” 12:2b. Dahil sa kagalakang kanyang maaangkin, ang uupo sa kanang kamay ng kanyang Ama, at dahil naiisip Niya na ang kanyang sakripisyong buhay ang siyang magliligtas sa mundo, tiniis nya ang sakit at pait na kasa-kasama sa plano ng pagtubos sa makasalanang tao. Sa kanyang pagkamatay ay para bagang ipinagpalit Niya ang kanyang sampung bilyong dolyar sa kanilang sampung sentimo! Tanong ko sa sarili ko: Bakit kailangang magdusa ang Diyos na inosente sa walang kwentang taong kagaya ko? May kwenta ba ang buhay ng tao? Ang phosphorus sa ating katawan ay tamang-tama lang po sa isang kaha ng posporo. Ang mantika sa ating katawan ay tamangtama lang po upang makagawa ng isang baretang sabon-panlaba. Ang lead o tingga sa ating katawan ay tamang-tama lang po sa isang bala ng baril. Ang asukal sa ating katawan ay tamangtama lang po upang makatimpla ng isa tasang kape. All the rest of us is tubig. We are threefourths water! Nagkakaroon lang po tayo ng halaga dahil pinahalagahan tayo ng Diyos, na ibinigay ang kanyang buhay kapalit ng buhay natin! Ang tao sa loob natin ang siyang mahalaga. Ang katawang lupa na ito ay hindi makakapasok sa kalangitan. Ngunit ito’y papalitan, babaguhin, upang maging karapatdapat sa buhay sa dako pa roon. “Hindi niya inalintana ang kahihiyan,” 12:2c. Kahihiyan ang dala ng krus! Kung malaking kahihiyan ang mapugotan ng ulo sa gilotina, Ang mabitay sa electric chair, Ang mamatay sa gas chamber, Ang mamatay sa lethal injection, Ang ang kahihiyan sa krus ay mas higit pa! Ang krus ay para sa mga kriminal, mga magnanakaw, mga rebelde, mga rapists, mga bayolenteng tao, mga bandido, mga nangaabuso sa kapwa tao, mga nagbebenta ng kapwa tao, mga nagbebenta ng kanyang laman at iba pa. Ipapako nila ang isang kamay, at isa pang kamay, at ang dalawang paa, at biglang huhugotin ang krus paitaas! Nakakagulat, nakakatakot, masakit! Yong ibang ipinako doon ay hindi namamatay kaagad. Tumatagal pa sila ng mga ilang araw, exposed to the sun and to the rain. At habang nakabitin siya doon, darating ang buong komunidad. Makakarinig siya ng mga insulto, ng pag-aalipusta. Hihingi siya ng tubig na mainom, tatawanan nila siya. Kung may magbibigay man, suka ang ipapainom sa kanya. Lalo siyang uuhawin! Iyon dati ang kahulogan ng krus. Ngayon, kung naiisip natin ang krus, naiisip natin ang pinakamalaking biktima ng krus, ang hindi makasalanang Anak ng Diyos, na pinatay ng mga taong makasalanan, na ang kanyang kamatayan ang nagpabago ng kanilang pagtingin sa krus, na ngayon ay napapaikutan na ng kaluwalhatian. “Nagtiis Siya ng gayong pagsalungat ng mga makasalanan laban sa kanyang sarili,” 12:3a Habang siya’y nakabitay doon sa krus, hindi niya ginawa ang isumpa, murahin, o gantihan ang mga makasalanang nagpako sa kanya. Pwede siyang tumawag ng isang batalyon ng mga anghel mula sa langit upang alisin siya sa krus, at sunugin sa apoy iyong mga umalipusta sa kanya, ang pumako sa kanya, ngunit hindi nya ginawa! Tiniis nya maski pa yong mga pagkawala ng hustisya sa mundo. Ang kanyang pagtitiis ay halimbawa “upang huwag tayong manghina o manlupaypay,” 12:3b Ang kawalan ng hustisya sa mundo, ang pananalo sa makamundong laban ng mga taong masasama, ang magandang posisyong naangkin ng iba dahil kasipsipan nila, at kahusayan nila sa pulitika, dahil sa marami silang kaibigang nasa mataas na posisyon, ay dahilan kung minsan kung bakit ang taong nagsisikap na mabuhay ng marangal ay nanlulupaypay. Ngunit alalahanin natin na ang Diyos ay hindi bulag, siya ay hindi bingi. Naririnig niya ang lahat. Nakikita niya ang lahat. Darating ang araw, darating ang panahon na ang bawat isa’y mag-aani ng kanyang itinanim! Pakinggan po ninyo ang kuwento ito: Isang matandang lalaki, may pamilya, at nasa bingit ng kamatayan, ano pa ba ang kanyang magagawa? Habang naka-attached ang oxygen tank sa kanyang ilong, dumating ang kanyang pamangkin, dala-dala yong papeles ng lupa nya, at pinipilit siyang pumirma sa “Deed of Sale.” Ayaw niyang pumirma, dahil ang lupa na iyon ay kanyang pamana sa kanyang mga anak na maliliit pa. Gusto niyang magsalita, umiling ng kanya ulo. Ngunit wala siyang lakas. Ikinuha siya ng ballpen; nanghihina siya, at nabitawan nya ang ball pen. Pinilit siyang ikabit ang thumb mark ng kanyang daliri sa papeles. Ayaw nya. Nagpumiglas siya. Ngunit wala siyang magawa. At ang kanyang pamangkin ay nakatawa pang sinabi: “Magmula ngayon, Uncle, akin na yong lupa mo. Di bale, ipapalibing naman kita. Ang kabaong mo, P500. Ilang oras ka na lang. Hindi na kita ipaiimbalsamo. Malaking gastos yon.” “Mag-iwan ako ng P500 kay Auntie, tulong ko yon. Iyon lang po ang halaga ng limang ektaryang lupa mo, Uncle: Isang libo. Salamat.” At umalis na. Dumating ang kanyang asawa. Gusto niyang sabihin ang pwersahang pagkuha ng kanyang lupa, ngunit hindi siya makapagsalita. Tumulo na lamang ang kanyang mga luha, at nalagutan siya ng hininga. Yumaman ang kanyang pamangkin dahil sa lupang ninakaw niya. Naibenta ng sampung milyon. Nagnegosyo. Ngunit pagkaraan ng sampung taon, nagkasakit din ng kanser. At bago namatay ay naikuwento pa sa kanyang mga pinsan ang kasamaang ginawa niya. Ngayon ang kanyang auntie at ang kanyang mga pinsan ay kasapi ng Mountain View church of Christ sa Cebu. Ako mismo ang nagbautismo sa kanila. Nagkaroon sila ng manang kailan man ay hindi na mananakaw sa kanila! CONCLUSION So, mga kapwa Cristiano, sa gitna ng maraming hirap na ating nararanasan dahil sa ating pananampalataya sa kanya, tiisin pa rin natin ang lahat. Tiisin natin ito dahil sa kaluwalhatian at malaking gantimpalang kapalit nito. Ang kagalakan at ang kapanalunan ng langit ay mapapasa-atin, magpatuloy lamang tayo. Sa ating pakikipagbuno sa kasamaan, huwag tayong patalo. Silang mga nauna sa atin, panalo sila. Nakatingin sila sa atin. Let’s keep on. Itapon ang anumang pabigat at kasalanang kumakapit sa ating kaluluwa. And keep on. Huwag tumingin sa kanan o sa kaliwa. Huwag tumingin sa likod. Look up, look before you and focus your eyes on Jesus. And keep on. At para naman sa ating mga kaibigan: Ang buhay Cristiano po ay siya pa ring pinakamabuting buhay para sa lahat. Ang sagot po sa ating kawalan ay ang pag-asang tayo ay magkakaroon ng mana sa dako pa roon. Ang sagot po sa ating kahirapan sa mundo ay ang kapahingahan pagdating ng panahon. Ang sagot po sa ating paghikbi ay ang kagalakang madarama kung tayo’y nandoon na kapiling Niya. Makakamit nyo rin po ang buhay na yaon, kung kayo’y magsisimula sa panibagong buhay ngayon. Kung kailangan niyo pong isuot si Cristo sa pamamagitan ng bautismo, sabihin nyo lang po at nakahanda kaming tumulong sa inyo. MARAMING SALAMAT AT MAGANDANG TANGHALI SA INYONG LAHAT!