Hunyo-Disyembre 2013 Tomo XV Blg. I FREE WORKERS www.ffw.org.ph Ang isyung ito ng Free Workers ay tumatalakay sa pagiging Bayani, Lider at Manggagawa ni Andres Bonifacio at kung paano ito sasalamin sa kasalukuyang mga gawain at adbokasiya ng Unyon. Opisyal na Publikasyon ng FEDERATION OF FREE WORKERS (FFW) Bayani. Lider. Manggagawa. Hawak-hawak ang isang pistol sa kaliwa at bolo sa kanang kamay, mababanaag mo sa kanyang mukha tapang at dedikasyon sa kalayaan. Isang moog na sa gitna ng abalang lansangan ay tila nanghihikayat para sa panibagong rebolusyon. Sa Caloocan, Maynila at sa iba pang panig ng bansa, makikita ang mga rebulto ng dakilang bayani na si Gat Andres Bonifacio maging ng ordinaryong Katipunero, tulad ng sa Pugadlawin noon na nakagawiang ipangalan sa kanya. Mga imaheng naging makabuluhang bahagi ng ating kasaysayan. Sa gitna ng pagdiriwang para sa ika-150 anibersaryo ng kanyang kapanganakan, ang Federation of Free Workers (FFW) ay nagbibigay pugay sa dangal at kabayanihan ni Andres Bonifacio. Higit pa dito, nagbabalik-tanaw ang FFW sa mga aklat ng kasaysayan at karanasan ng mamamayan upang muling suriin at pagnilayan ang mga aral na ibinigay sa atin ni Bonifacio, ng Katipunan at ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. BAYANI Itinatag ni Bonifacio ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na siyang nanguna sa kauna-unahang rebolusyon hindi lamang sa bansa kundi sa buong Asya. Ito ang pangunahing puwersang nanguna sa mga himagsikan sa iba’t ibang bayan partikular sa Luzon na naglayong makalaya sa pamamahala ng Kolonyalistang Kastila. Ngunit hindi si Bonifacio o ang Katipunan ang nagbunsad ng rebolusyon—kundi ang mga kaapihan at kawalang katarungang panlipunan na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop. Ang pag--aaklas ay reaksyon ng mamamayan na inorganisa, kinonsolida at pinangunahan ni Bonifacio at ng Katipunan. Binibigyang pansin ang mga isyung isinusulong ng FFW Ang mga kabayanihan sa gitna ng Superbagyong Yolanda Ang pagbabagong dulot ng Desisyon ng Korte Suprema sa PDAF Ang ILO Convention on Decent Work for Domestic Workers at Kasambahay Law Ang patuloy na pagpapalakas ng Unyonismo ng FFW Inside this issue: SC: PDAF Labag sa Konstitusyon 5 Highlights ng Desisyon ng Korte Suprema 6 Labor Day Manifesto 7 Bayani at Bayanihan ng Yolanda 8 Pangarap na Nakamit, 10 Tagumpay ng Kasambahay Ang kabayanihan ni Bonifacio ay hindi lamang dahil sa kanyang pagbubuwis ng dugo, kundi nagmumula pa sa desisyong tumugon sa hamon ng panahon at pangunahan ang kilusan. Kuwentong Kasambahay, Isyung Manggagawa 11 Tulad ng mga proletaryadong kasapi ng Katipunan, patuloy na nahaharap ang manggagawang Pilipino sa karahasan, kaapihan at kawalan ng katarungang panlipunan. FFW Patuloy ang Serbisyong Manggagawa 12 Patuloy na kaapihan. Sa kabila ng abang sitwasyon ng mga manggagawa, ng kawalan ng sapat na pantustos sa pang araw-araw ng pangangailangan ng pamilya, bilyong pisong mula sa kaban ng Page 2 Federation of Free Workers (FFW) BAYANI. LIDER... ( mu l a s a p ah i n a 1) bayan ang ibinubulsa ng ating sariling mga pulitiko—ang mga bagong gobernadorcillo ng ating panahon. hig, isang tuka pa rin’. Sa kanyang edad, inaalala niya kung paano kakain ang pamilya kung mawawalan na siya ng trabaho. Patuloy ang panggigipit sa mga oposisyon, pagpaslang at pananakot sa mga lider-unyon. Nakamamatay din ang mga sitwasyon sa loob ng maraming pagawaan. Mga “sweat shops” na tila tinotortyur at unti-unting pinapatay ang mga manggagawa sa pamamagitan ng labis na oras ng trabaho na walang pahinga, karampot na sahod at kawalan ng katiyakan sa trabaho. Si Eric, sa edad na 21 ay nakapagtrabaho na sa walong kumpanya. Walang kaseguruhan. Natatapos ang kanyang kontrata sa loob ng limang buwan hanggang isang taon. Nauubos din ang panahon ng kanyang kabataan ng walang malinaw na seguridad para sa kinabukasan. Iilang tao pa din, tulad ng mga Prayle at Gobernador, ang nagkakamal at patuloy na nagpapayaman sa dugo at pawis ng mga mamamayan. Si Manong Emil, sa loob ng mahigit 30 taon ng pagtatrabaho ay ngiwi na ang mukha, iika-ika maglakad, at halos hindi na maintindihan ang mga salita, magreretiro sa isang taon na ‘isang ka- Sa lumalalang sitwasyon, naninindigan ang mga bayaning lider-manggagawa ng FFW na patuloy na mag-organisa at magsulong ng mga pagbabago sa mga patakaran at batas para sa kapakanan ng mga manggagawa. Mga bayaning nagdesisyong tumugon sa hamon ng kasalukuyang panahon. LIDER. Maraming kritiko ni Bonifacio ang nagsasabing higit ang kakayahan ni Ri- SUGOD MGA KAPATID!? Nagmartsa ang FFW kasama ang ibang mga unyon mula sa Nagkaisa! bilang paggunita sa ika-150 kaarawan ng bayani ng uring manggagawa na si Andres Bonifacio zal at Aguinaldo. Si Rizal ang pumukaw sa damdamin ng maraming Pilipino. Si Aguinaldo ang nagpanalo sa maraming labanan sa ilalim ng Katipunan na pinamumunuan ni Bonifacio. Ang kontribusyon ng bawat isang bahagi ng ating kasaysayan ay hindi maaaring ipagkait. Si Bonifacio ang nagkonsolida at nagorganisa ng mulat na mamamayan sa ilalim ng Katipunan upang simulan ang pakikidigma. Hinog ang panahon upang mapagkaisa ang mga Pilipino sa layuning makalaya sa mapanupil na pamamahala ng mga Kastila. Siya ang lider manggagawang nagbigay pag-asa sa mga karaniwang tao upang bumuo ng puwersang hihigit sa kapangyarihan ng mga kalaban. Hindi nawalan ng pananalig ang mga kasapi sa layunin ng Katipunan. Mga layuning napatunayang tama — sa pagpapatuloy ng himagsikan at pagtatagumpay ng Rebolusyong Pilipino Patuloy ang layunin ng pagpapalaya. Patay na si Bonifacio pero ang layuning makalaya ang bansa ay nagpatuloy at nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kalayaan sa kahirapan. Marangal na trabaho. Makatarungang hatian sa bunga ng paggawa. Karapatang maging bahagi sa pagbuo ng mga patakaran at batas na tunay na tutugon sa sitwasyon at pangangailangan ng mamamayan. Patuloy na nangunguna ang mga samahang masa tulad ng FFW at ibang unyon sa layuning makamit ang tunay na kalayaan. Mga puwersang maituturing na bagong Katipunan. Sa pagpapalit-palit man ng mga lider, patuloy na Tomo XV Blg. I Page 3 di-sapat at dimakatarungang kita, at ang di-makataong pagtrato sa mga manggagawa ay nagbubunsod ng matiim na pagnanais ng pagbabago. BONI@150. Pinaliwanag ni Ka Sonny, Pangulo ng FFW, ang kahalagahan ng social protection. isinusulong ang mga paninindigan ng mamamayan. MANGGAGAWA. Pwersang proletaryo o manggagawa ang pangunahing bumubuo ng Katipunan. Si Bonifacio mismo ay naging manggagawa ng tungkod at pamaypay na kanyang ibinebenta sa Tondo matapos siyang maulila sa edad na 14. Nagtrabaho siya sa isang kumpanyang Briton, J.M. Fleming & Co. bilang ahente ng mga lokal na materyales, tar at rattan. Nakapagtrabaho din siya sa isang kumpanyanmg Aleman, Fressell & Co., bilang bodegero. Sa kasaysayan, itinuturing siya ng ilan bilang kauna-unahang Pangulo ng bansa. Higit sa sarili. Tulad ni Bonifacio, ang mga manggagawa ay nahubog na mangarap ng mga bagay na higit sa sarili. Ang bawat patak ng pawis sa pagtatrabaho ay inilalaan sa pamilya at sa kinabukasan ng mga anak. Tulad ni Bonifacio, ang kawalan ng seguridad at disenteng trabaho, ang Ang unyon ang sandigan ng mga manggagawa. Hindi man nito istratehiya ang gumamit ng bolo at baril gaya ng Katipunan, ang lakas ng pagkakaisa ang kanyang sandata. Sa nakaraang mahigit 100 taon ng pag-uunyon sa bansa, marami nang napagtagumpayan ang hanay ng mga manggagawa. Globalisasyon Kinaharap nina Bonifacio ang kolonisasyon ng mga Kastila. Hinaharap ng mga manggagawa ngayon ang mga dagok ng globalisasyon. Tila magkaiba man sa pamamaraan, parehong pang-aapi at pagsupil sa karapatan ng mga manggagawa ang bunga. Ang FFW ay isa sa mga bagong Katipunan. Naninindigan para sa pagbabagong panlipunan at paggawad ng kapangyarihan sa mamamayan. Naniniwala itong sa pamamagitan ng patuloy na pag-oorganisa at pagpapalawak ng mga samahan, at sa pakikipagtulungan sa mga organisasyon ng mga mangagawa sa buong mundo, matutugunan ang hamon ng globalisasyon. Marami na ang pumalit kay Bonifacio. Marami na ang nagpapatuloy ng nasimulang pagkilos para sa pagbabago. Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO Agosto 23, 1896 nang pormal na sinimulan ng Katipunan ang kanyang paghihimagsik laban sa mga Kastila. Pero hindi natapos sa sarili o sa pamilya ang pangarap ni Bonifacio. Nararamdaman niya ang hirap at pasakit ng tulad niyang manggagawa at ang sitwasyong kinakaharap sa lipunan. Patuloy niyang pinalawak ang kaalaman, nagbasa ng mga aklat at naging manunulat. KALAYAAN... Mula sa trahedya, mula sa kahirapan, mula sa katiwalian. Page 4 Federation of Free Workers (FFW) Nag-alay ang FFW sa pamamagitan ni Atty. Matula ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio. BONI sa BAGONG PANAHON. Iniugnay ng FFW ang patuloy na laban ni Bonifacio sa pagkakamit ng makatao at nakabubuhay na sahod sa kasalukuyan. Sabay-sabay nilang pinunit ang mga cedula at nagdeklara ng pagpapalaya ng bansa sa ilalim ng mga kastila at pagtatatag ng Rebolusyunaryong Pamahalaan ng Pilipinas. Kanilang idineklarang Pangulo at Commander-in -Chief si Andres Bonifacio. Na ang ating unang pangulo ay isang manggagawa ay patunay sa kakayanan ng manggagawa na mamuno ng sambayanan. NAGKAISA! Ipinagdiwang ang ika150 Taong Kapanganakan ni Bonifacio Muling iwinagayway ang mga bandila. Wala na ang mga bansag na “pulahan” o “dilawan”, samasamang nagmartsa ang libu-libong mga manggagawa patungo sa Liwasang Bonifacio at sa Mendiola, Lungsod ng Maynila. NAGKAISA! Ito ang organisasyong nagsamasama sa iba’t ibang lider manggagawa at mga Unyon para isulong ang kanyang mga kolektibong adbokasiya. Ito rin ang sumisimbolo sa nagkakakaisang hanay ng mga manggagawa matapos ang ilang taong pagkakawatak-watak. Sa ika-150 taon ni Gat Andres Bonifacio, Nobyembre 30, 2013, ipinakita ng buong hanay ng nagkakaisang mga manggagawa hindi lamang ang kanilang pagpupugay sa bayani kundi maging ang panuntunang “Ituloy ang Laban ni Bonifacio!” FFW: Ituloy ang Laban ni Bonifacio, Wakasan Katiwalian sa Gobyerno! Sa pangunguna ni FFW President Emeritus Atty. Allan Montano at ni FFW President Atty. Jose Sonny G. Matula, kasama ng NAGKAISA!, nagmartsa ang mga kasapi ng FFW mula Mehan Garden patungo ng Liwasang Bonifacio. Iginiit ng Pederasyon ang nakakahiyang estado ng korapsyon at katiwalian sa gobyerno sa gitna ng mga iskandalong kinasasangkutan sa isyu ng Pork Barrel o PDAF at sa pamamahala ng tulong para sa mga nasalanta ng Super-Bagyong si Yolanda. “Ang pagkakapunit sa sedula sa pagsisimula ng himagsikan noong 1896 ay simbolo na ayaw na ng mga Pilipinong mapailalim sa mga Kastila at magbayad ng buwis na wala naman silang kapakinabangan,” pagliliwanag ni Dan Laserna, AVP for Education and Training ng FFW. Sa kaparehong sitwasyon aniya nalulugmok sa patuloy na kahirapan ang ating mga mamamayan dahil sa bulsa ng mga tiwaling tao sa gobyerno napupunta ang dapat sanaý pantustos sa serbisyo publiko, kagalingang pangmamamayan at pantulong sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng hagupit ni Yolanda. mga manggagawa. Iginiit niya ang patuloy na pagmamatyag sa mga gawain ng pamahalaan at ang patuloy na paglaban sa katiwalian sa gobyerno. FFW: Ituloy ang Laban ni Bonifacio, Isulong ang Nakabubuhay na Sahod! Kaakibat ng kanyang kampanya para sa Disenteng Trabaho, isinusulong ng FFW ang Nakabubuhay na Sahod! “Ang di makataong pagtrato sa paggawa at hindi nakabubuhay na pasahod, ay puwedeng ihalintulad sa panahon ng pang-aalipin sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila,” dagdag ni Laserna. Wala mang latigong humahagupit o baril na nakatutok, patuloy na tila nakagapos ang kamay ng mga manggagawa sa tanikala ng kahirapan at pang-aapi. Deklarasyon ni Atty. Matula, “Tuloy ang Laban ni Bonifacio!” Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Atty. Matula na bagama’t makasaysayan ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pagbabasura ng PDAF, hindi UNANG PANGULO. Nagbigay pugay ang FFW sa dapat maging kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas ng maraming kumpyansa ang sektor sa ngayon. Page 5 Tomo XV Blg. I SC: PDAF Labag sa Konstitusyon “New wind of change…” Maiksi ngunit matalinhagang komento ng Pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) na si Atty Jose Sonny G. Matula. Ganito niya binigyang kahulugan ang naging desisyon ng 14 na mahistrado ng Korte Suprema nang ideklarang labag sa Konstitusyon ang pork barrel system at ilang kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas na may patungkol sa paggamit ng Malampaya Funds at Presidential Social Funds. “The Court renders this Decision to rectify an error which has persisted in the chronicles of our history,” ayon sa konklusyon ng GR 208566 En Banc ng Korte Suprema. Ipinagbubunyi ng FFW ang desisyon ng Korte Suprema sa pagdedeklara na labag sa batas ang PDAF at ang Sistema ng Pork Barrel. “Malaking papel ang mga nagging pagkilos ng mamamayan na nagsimula sa 1M March sa Luneta,” dagdag ni Atty. Matula. Ang 1M March ay naganap noong Agosto 26, 2013 sa Luneta ay nabuo sa pag-iimbita ng mga netizens na magtipon- tipon upang kondenahin ang pork barrel at pagmamatigas ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na panatilihin ito sa sistema ng gobyerno. Sunod-sunod na mga kilos ng mamamayan ang naganap matapos ito. Naging sentro muli ng iskandalo ang pork barrel matapos na mabunyag ang may sinasabing P20B PDAF na napunta sa mga bogus na proyekto ng pekeng mga NGO ni Janet Lim Napoles. Sa pagkakabasura ng 2013 PDAF at sa pagtatakda ng Korte Suprema ng mga panuntunan sa magkahiwalay na papel na dapat gampanan ng ehekutibo at lehislatibo, inaasahang mababawasan ang katiwaliang bunga ng sabwatan ng mga pulitiko. Maiiwasan ang patuloy na patronahe sa kung sino ang may hawak ng kaban ng bayan. Napakarami nang mga pagkakataong pinaghihinalaan ang paggamit ng pork barrel upang maimpluwensyahan ng ehekutibo ang lehislatibo. Sa impeachment trial ng dating Chief Justice Renato Corona, napabalitang ginamit ng Pangulo ang pork upang maseguro ang boto ng mga Senador. Madalas nauulat na nagagamit din ang pork barrel upang makakuha ng pagsangayon ang ehekutibo sa mga mambabatas sa iba’t ibang proyekto at programa. Kung masinop na maipatutupad ang esensya ng nasabing desisyon, wala na dapat papel ang mga mambabatas sa pagtukoy at pagpapatupad ng mga proyekto. Ibig sabihin posibleng mabawasan kung hindi man mawala ang mga kickbacks o Standard operating Procedure (SOP) sa mga proyekto ng gobyerno na kalimitang pinagdududahan na pinagkakakitaan ng mga Kongresista at Senador. Umaasa ang FFW na kung tuluyang mawawala ang pork mababawasang ang pulitiikong balimbing at oportunista, mangingibabaw ang pulitikang magtataguyod ng tunay na lehislaturang makamamamayan. “Pero hindi pa natatapos ang laban ng mamamayan. Madami pang puwedeng gawin ang mga nasa poder upang paikutan ang desisyon ng Korte,” pahayag ni Atty. Matula. Matatandaang sinabi ng dating National Treasurer Leonor Briones, lead convenor ng Social Watch Philippines na dapat na bantayan ang “Special Purpose Fund” na itinuturing na “mother fund” ng pork barrel. Ayon kay Briones umaabot sa halagang P310 bilyon ang kabuuan ng special purpose fund kung saan nakapaloob ang pork barrel. Kung ibabawas umano ang P25-bilyon pondo para sa PDAF, lalabas na may natitira pang P285bilyon sa special purpose fund. Ang pondong ito ay lumpsum na kontrolado ng ehekutibo at inilalabas lamang kapag may pagapruba ng Pangulo ng bansa. Wala itong detalye kung paano at saan gagastusin. Ang special purpose fund ay kinabibilangan ng budgetary support sa mga state -owned corporations, alokasyon para sa mga lokal na pamahalaan, calamity fund, contingent fund, DepEd school building program, E-government fund; International Commitments Fund, miscellaneous personnel benefits fund, pension and gratuity fund at feasibility studies fund. Sa pagtatapos, iginiit ni Atty. Matula na “Dapat patuloy tayong maging mapagmatyag. Patuloy tayong mag-organisa upang maging malakas na boses hindi lamang ng mga manggagawa kundi ng buong sambayanang Pilipino.” Page 6 Federation of Free Workers (FFW) Tomo XV Blg. I Highlights ng Desisyon ng Korte Suprema ukol sa PDAF, Malampaya Fund at Presidential Social Fund* =============================== *Ito ay pagsasalin sa salitang mas madaling maintindihan ng mga karaniwang tao at para lamang sa layong mas maintindihan ang isyu at walang intensyong baguhin ang tema o esensya ng Desisyon o gamitin bilang batayang legal o teknikal sa anumang venue o forum. =============================== Ang desisyon ng Supreme Court En Banc ay napapaloob sa 72 pahina na nilagdaan ng 14 na mahistrado. Binibigyang pansin ang mga sumusunod na punto ng nasabing Desisyon batay sa Paglalagom ng Korte Suprema: Ipinahayag ng Korte Suprema na ang Desisyon ay ginawa upang itama ang isang mali na matagal nang umiiral sa aklat ng ating kasaysayan; Idinedeklarang labag sa Konstitusyon ang Pork Barrel System: Dahil nabigyan nito ng kapangyarihan ang mga mambabatas upang maging bahagi ng pagpapatupad ng badyet matapos na ito ay maipasa ng Kongreso, bilang paglabag sa prinsipyo ng pagkakahiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaaan; Nagbigay sa mga mambabatas ng power of appropriation sa pamamagitan ng discretionary funds para sa mga proyektong sila mismo ang nagtukoy, ay hindi umaayon sa prinsipyong nagbabawal sa paglilipat obligasyon ng kapangyarihang lehislatibo; Nagpalawig ito ng sistema sa pagbabadyet na hindi naiprepresenta ang detalye ng mga gastusin, at dahil dito, napapahina ang kapangyarihan ng Pangulo na i-veto ang mga partikular na budget items; Nababahiran din nito ang prinsipyo ng Public Accountability; Nalalagpasan din ang autonomiyang lokal sa pagbibigay karapatan sa mga mambabatas na nasyunal na opisyal na makialam sa mga gawaing lokal; Dahil binigyang kapangyarihan ang Pangulo na gamitin ang pondo (Malampaya Fund) sa mga bagay na walang kinalalaman sa enerhiya o dahil sa napakalawak na posibleng interpretasyon ng “priority infrastructure development projects;” sa anumang pangalan o katawagan, na itinuturing na labag sa batas ayon sa Desisyon na ito; ing ng Korte na pang- DAHIL DITO, idinedeklarang maaaring iatas ng Pangu- labag sa Konstitusyon (a) lo" sa ilalim ng Seksyon 8 ang buong 2013 PDAF Arti- ng cle; ang lahat ng No. 910 at (2) "pondohan probisyon ng mga nakaraan ang mga priority infra- at kasalukuyang mga batas structure ukol sa Congressional Pork projects" sa Barrel na nagbibigay ka- Seksyon 12 ng Presiden- pangyarihan sa mga mam- tial Decree No. 1869, na babatas—bilang indibidwal inamyendahan ng Presi- or kolektibo bilang lupon— dential Decree No. 1993 na (b) makialam, akuin o makibahagi sa anumang pagpapatupad ng badyet matapos na ito ay maipasa; (c) ang lahat ng probisyon sa mga nakaraan o kasalukuyang Congressional Pork Barrel Laws na nagbibigay sa mga mambabatas ng personal, lump-sum allocations sa mga proyektong Bilang pagtalima sa batas, hindi na dapat gamitin ang anumang sistema sa pamamahala, sila mismo ang tumukoy; (d) ang lahat ng mga katulad na gawain na itinutur- aabuso sa diskresyon; (e) ang mga pariralang ( 1) "at iba pang paglalaan na Presidential Decree development ilalim ng Iniaatas ang pagiimbestiga at pagsasampa ng kaso laban sa sinumang kawani ng pamahalaan o pribadong indibidwal na maaaring may paglabag kriminal sa hindi tama at labag sa batas na pagpapalabas o paggamit ng pondo sa ilalim ng Pork Barrel System. Page 7 Page 8 Federation of Free Workers (FFW) Bayani at Bayanihan ng Yolanda D umating sa bansa ang super bagyong Yolanda (may internasyunal na pangalang Haiyan), isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. Sinalanta nito ang Kabisayaan at halos burahin sa mapa ng Pilipinas ang mga bayan sa Leyte kasama na ang Tacloban City. Hinagupit din ang Eastern Samar, Capiz at nagtamo ng TULONG PANDAIGDIGAN. Ang buong mundo ay tumulong sa mga pinsala ang Iloilo. Hindi natapos ang epekto ng bagyo sa paglabas nito sa bansa. Maliban sa mga bahay at istrukturang nawasak, mga kabuhayang kasabay inanod ng dagat, mga ariariang itinapon ng malakas na hangin, sinalanta din ng bagyo ang diwa at kalooban ng mga mamamayan. Sa gitna ng matinding kagutuman, umaalingasaw ang amoy ng bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay. Tumindi ang kawalan ng pag-asa nang sa loob ng ilang araw ay tila walang tutulong sa kanila. Walang tahanang uuwian. Walang hanapbuhay na babalikan. Walang pagkain. Walang komunikasyon sa loob at labas ng mga probinsyang nasalanta.Marami din sa kanilang mga kaanak ang sa isang iglap ay nawala sa kanilang piling. Lumipas ang mga araw, kasabay ng munting pagsilip ng araw, unti-unting nagliwanag ang kalangitan. Ang kawalang pag-asa ay pilit pinapalitan ng saya at pagudyok mula sa mga kababayan at ng buong mundo para sa muling pagbangon. Isang grupo ng mga pedicab drivers sa Tondo ang nagambagan, 5,000 sundalo ng 4th Infantry Division ang nagdonate ng kanilang isang araw na pangkain, mga artista, atleta, mga nasalanta ng super bagyong Yolanda. OFWs, simbahan at simpleng mga tao ay boluntaryong nag-aambagan ng anumang kanilang maitutulong para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Yolanda. Ang United Nations at maraming mga bansa tulad ng Estados Unidos, UK, Israel, Myanmar, Australia, Belgium, Canada, The Netherlands, Espana, Sweden, Hapon at iba pa ay nagpadala ng kanilang tulong—pinansyal, pagkain, mga eksperto maging mga sundalong humanitarian. Mga Unyonistang Biktima ni Yolanda Sa inisyal na pagtataya, may 250 FFW union members mula Universal Robina sa Passi, Iloilo, Capiz Emmanuel Hospital in Roxas City and Amigo Hotel sa Iloilo City ang nawalan ng tahanan at mga ari-arian sa bagyong Yolanda. May 220 kasapi pa ng The Redsystem Company Inc. Employees Association (TRCIEAFFW) at hindi matukoy na dami ng mga kasapi na nasa gitna ng mga lugar na lubos na nasalanta. “Nakikidalamhati kami sa pamilya ni G. Oscar Embarnace, dating union president ng FFW Chapter sa Container Haulers, na namatay sa Tacloban,” pahayag ni Atty. Sonny Matula, Pangulo ng FFW. Dagdag pa niya, ang pag-aalala ng Federation sa patuloy na nawawalang kasapi ng HiEisai Union. Pakikiisa ng mga Mga Unyon sa Buong Mundo Kaisa ng FFW sa pagtulong sa mga biktima ng Yolanda ang mga pandaigdigang kilusang manggagawa. SINALANTA. Maliban sa buhay, inalisan din ng malinis na tubig at pagkain ang Leyte at ibang nasalanta ni Yolanda. Sa isang pahayag, sinabi ni Sharan Burrow, secretary general ng International Trade Union Confederation (ITUC) na ang mga iba’t ibang mga Trade Unions sa buong mundo ay nananawagan sa kanilang mga kasapi na makapagbigay ng maraming tulong para sa relief efforts sa nasalanta ng bagyo sa Pilipinas. Nanawagan din ng tulong ang Building and Woodworkers International (BWI), Public Services International (PSI) at iba pang global union federations. Kapareho din ang naging apela ng ITUC-Asia Pacific na nakabase sa Singapore sa pamamagitan ni Noriyuki Suzuki, secretary general. Agad nagpadala ng tulong ang Unyon ng Bansang Hapon, JTUC-Rengo ng may halagang katumbas USD 5,000.00. Nakiisa din ang mga unyonista sa Canada sa pamamagitan ng kanilang Steelworkers Humanity Fund at nakapag-ambag ng may halagang USD 30,000 para sa relief efforts. Paliwanag ni Ken Neumann, National Director ng Canada United Steelworkers., ang kanilang kontribusyon ay ipapadala sa Oxfam Canada at tatapatan ng gobyerno ng Canada ang kanilang kontribusyon hanggang 9 December 2013. Kabayanihan ng mga Pilipinong Manggagawa Ang mga unyong kasapi ng FFW ay nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa relief operations ng Federation. Pinakiusapan ng Temic Automotive Philippines Inc. Employees Union-FFW, Johnson and Johnson Specialists Council for Employees Affairs -FFW, FFW-Hi Eisai Pharmaceutical Philippines Chapter, Country Bankers Employees Union-FFW, BPI Family Page 9 Tomo XV Blg. I FFW Visayas Relief Operations Maliban sa pagkalap ng mga donasyon at relief operations na isinagawa sa FFW National HeadYOLANDA RUN. Nakiisa ang FFW sa benefit quarters, masigasig din fun run para sa mga biktima ng super bagyo. itong ginawa ng mga kasaping Bank Employees Union- union sa Visayas at MainFFW at TRCIEA-FFW ang danao. kani-kanilang mga kumpanya na ilaan na Sa pangunguna ni FFW VP lamang ang badyet na for Visayas Amalia Camdapat sana ay gagastusin pos, nakapamahagi ang sa kanilang Christmas Par- FFW ng relief goods sa ty para maitulong sa mga mga kasapi ng unyong nasalanta ng nakaraang biktima ng super bagyo. bagyo sa Capiz at Iloilo. Sa BPI Family bank, nangakong tatapatan ng Yolanda Run: Buhay at management ang kontri- Bahay Itindig Muli! busyon ng mga manggaga- Nakitakbo ang FFW sa wa samantalang ang ginanap na Yolanda Run: Macajalar Labor Union ay Buhay at Bahay itindig Munaglaan ng P10,000 mula li! kampanya ng National sa kanilang union fund. Anti-Poverty Commission Ang mga unyon sa Caga- (NAPC), Philippine Center yan De Oro ay hindi nagda- of Investigative Journalism lawang isip na magpadala (PCIJ), Alliance of Seven at ng tulong sa diwa ng kapa- Habitat for Humanity na tiran at bilang pagtanaw ng may layong makalikom ng utang na loob dahil sila din pondo upang makapagtayo ay natulungan ng mga un- ng mga disaster-resilient yonista nang hagupitin ng na tahanan sa Tacloban bagyong Pablo noong City. nakaraang taon. Suporta ng ILO Nagbigay-pugay ang FFW sa International Labor Organization (ILO) sa pagbubuo nito ng multimillion dollar “cash-for-work” and emergency employment program para sa tinatayang tatlong milyong manggagawang Pilipinong naapektuhan ng super bagyong Super Typhoon Yolanda. Pinaliwanag ni ILO Director General Guy Ryder na ang programa ay bahagi ng $301-million relief appeal na inilunsad ng United Nations upang matulungang bumangon ang mga komunidad at kabuhayan sa mga lugar na sinira ng Yolanda. “Ang programa ay magbibigay trabaho at kasanayan sa pagtatayo ng pansamantalang mga tirahan, magbibigay social protection sa mga empleyado, katulad ng minimum na pasahod at health and accident insurance,” dagdag ni Ryder. Ang FFW ay bahagi ng UN Early Recovery at Livelihood Clusters. Atty. Matula: Huwag Pagsamantalahan ang mga Manggagawa Sa gitna ng mga planong rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng Superbagyong Yolanda, binalaan ni Atty. Matula ang gobyerno na “Huwag pansamantalahan ang mga Manggagawa.” Ang kanyang pahayag ay bunsod ng ulat na posibleng mabayaran lamang ng 75 porsyento ng minimum wage sa rehiyon ang mga manggagawa sa Cash -for-Work Scheme ng National Economic Development Authority (NEDA). Paliwanag ni Atty. Matula ito ay illegal at muli na namang bibiktima sa mga manggagawang nasalanta na nga ng bagyo maaabuso pa ng gobyerno. Iginigiit ng FFW na mas kailangan ngayong ipatupad ang umiiral na minimum na pasahod para sa mga manggagawa sa rehiyon. KAPATIRAN AT DAMAYAN. Dumagsa sa mga apektadong lugar ang tulong mula sa FFW at mga kapatid na unyon sa ibang bansa Page 10 Federation of Free Workers (FFW) Pangarap na Nakamit, Tagumpay ng Kasambahay M atatas ang debatehan. Isang lalaking tila dilaw ang pagkaputi at isang Indian ang nakatayo at nakikipagdiskusyon sa Pilipinang Kalihim ng Paggawa. Sa mahabang diskusyon ng Committee on Decent Work for Domestic Workers ng International Labor Conference sa Geneva naipasa ang Convention. Tatlong taon na itong isinusulong ng gobyerno ng Pilipinas sa tulong ng Decent Work for Domestic Worker Technical Working Group (DomWork TWG). Kabilang dito ang Federation of Free Workers (FFW) at ibang unyon, ang Kagawaran ng Paggawa, NGOs at Migrant Groups maging ang employers. Pinamunuan ng Kagawaran ng Paggawa ang dalawang taong talakayan ng Komite sa ILO sa Geneva. Ang ILO CONVENTION 189 (ILC 189) ay kumikilala sa kontribusyon ng mga Domestic Workers sa ekonomiya ng mga bansa. Layon nitong tugunan ang diskriminasyon at dimakataong pagtrato sa mga kasambahay sa buong mundo. Pinagtibay ng ika-100 ILO Conference ang ILO Convention No. 189 noong June 16, 2011 at niratipikaihan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ang nasabing tratado ay inayunan ng Senado na may botong dalawampu (20) mula sa lahat ng Senador na dumalo sa session noong 06 Agosto 2012. “Sa mahabang panahon, hindi magawang makalaya ng mga kasambahay sa kadena ng pang-aalipin at kalagayang busabos na siyang kalimitang sitwasyon ng kanilang pagtatrabaho. Na ang pagtatrabaho bilang kasambahay ay nakaugat sa di-makataong gawain mula pa noong unang panahon,” paliwanag ni Atty. Jose Sonny Matula, Pangulo ng FFW. Paliwanag ni Atty. Matula na sa pagsusulong ng ILO C. 189, kinikilala ang kahalagahang matiyak ang marangal na trabaho at pagsasabuhay ng karapatang pangmanggagawa para sa mga kasambahay. Hindi pa dito natatapos ang tagumpay ng adhikain ng FFW at iba pang mga Unyon, NGO at Kagawaran ng Paggawa para sa Kasambahay. Matapos ang mahigit 18 taong isinusulong ang mga pagbabagong gagarantiya sa karapatan at kapakanan ng mga kasambahay, ipinasa ng Kongreso at pinirmahan bilang batas ang Republic Act 10361, “An Act Instituting Policies for the Protection and Welfare of Domestic Workers, otherwise known as “Domestic Workers Act” or “Batas Kasambahay” noong Enero 18, 2013. Ang ilang mga importanteng probisyon ng “Batas Kasambahay” ay ang mga sumusunod: Si FFW President Atty. Matula sa IRR Consultation para sa Kasambahay Law Karapatan sa edukasyon at komunikasyon sa labas ng lugar paggawa. Responsibilidad din naman ng Pagbabawal sa anumang kasambahay na wag isiwalat o ipamahagi ang anumang komunikasyon o impormasyon tungkol sa kanyang employer. uri ng pang-aabuso, pananakit o harassment, o anumang gawain na makakapagpababa sa dignidad ng kasambahay; Nagtatakda ang batas ng ilang mga kongkretong probisyon upang seguruhin ang pagtupad sa layunin ng batas: Seguruhing makakain ang kasambahay ng hindi bababa sa tatlong beses sa isang araw, may maayos na tulugan at may sapat na pahinga at tulong medikal sa panahon ng pagkakasakit. Gingarantiyahan ang karapatan sa privacy ng kasambahay. Pangangailangang may kontrata sa pagitan ng employer at kasambahay. Dapat na nakasaad sa kontrata ang: i) ii) iii) iv) v) vi) vii) viii) ix) x) xi) tukoy na mga gawain at responsibilidad, tagal ng empleyo, sahod at benepisyo, mga pinapayagang kaltas, oras ng trabaho at dagdag na bayad sa oras na higit dito, araw ng pahinga at pinapayagang bakasyon, Board, Lodging at Medikasyon, kasunduan sa gastos sa deployment, kasunduan sa pagpapautang paghinto ng empleyo, at iba pang kasunduan na naaayon sa batas Tinutukoy din ng batas ang konkretong mga patakaran at kondisyon sa paggawa. Ilan dito ang mga sumusunod: UNYON PARA SA KASAMABAHAY. Matapos ang 18 taon, naisabatas na sa wakas ang Batas Kasambahay sa pagtutulungan ng mga unyon, mga kasamabahay at ibang sektor. Kabuuang oras ng pahinga na walong oras kada araw; Tomo XV Blg. I Page 11 24 oras na rest day; Ang pagpapatrabaho sa komer- syal, agrikultural at ibang gawain ay dapat bayaran ng umiiral na minimum wage sa industriya o gawaing iyon; Ang Minimum na Pasahod kada buwan sa mga kasambahay ay ang mga sumusunod: i. P2,500 para sa NCR ii. P2,000 para sa chartered cities at first class munipalities iii. P1,500 sa ibang pang munisipyo Limang (5) araw na service incentive leave matapos ang isang taon na pag-empleyo; Itinatakda ding maging kasapi ng SSS, Philhealth at Pag-ibig ang mga kasambahay. At iba pang probisyon ukol sa pagkakautang at sa pagbabawal na pagkaltas sa sahod. Nakaatang sa Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng batas na ito. Samantala, patuloy na magiging katuwang ang DomWork TWG at mga kahlintulad na pormasyon nito sa mga probinsya sa pagtitiyak na maipapatupad ang Kasambahay Law at maglilikha ng kaukulang programa na magtataguyod nito. Ang ILO C.189 ay isang positibong hakbang upang bigyang proteksyon ang ating mga domestic workers lalong lalo na ang ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa ngayon, 15 bansa na ang nagratipika ng ILO C. 189. Bilang pagtugon sa patuloy na hamon sa Pilipinas na maging pangunahing tagapagsulong ng karapatan ng mga kasambahay sa Asya, nakipag-ugnayan ang FFW sa Migrant Forum in Asia (MFA) upang ikampanya ang ILO C. 189 sa rehiyon. Sa taong ito ay umarangkada na ang kampanya ng MFA at FFW sa Sri Lanka, Nepal at Bangladesh. Magkatuwang sa DomWork TWG, magkasamang hinihikayat ng MFA at FFW ang mga kilusan para sa karapatan at kagalingan ng domestic workers na magtatag din ng DomWork TWG sa kanikanilang bansa upang magamit ang bisa ng tripartismo sa pagsusulong ng adhikain. Samantala, sa tulong ng ILO ay magtatatag ang FFW at ibang mga unyong kabilang sa DomWork TWG ng isang “Trade Union Domestic Workers Center” na magiging pangunahing tagadaloy ng serbisyo para sa mga kasambahay. Ang DomWork Center ang inaasahang magbibigay daan sa pagorganisa ng mas maraming domestic workers at pagbubuo ng isang pambansang pederasyon ng mga kasambahay. KWENTONG KASAMBAHAY, ISYUNG MANGGAGAWA M araming tila pare-parehong kuwento ng buhay ng ating mga kapwa manggagawang kasambahay. panga-ngailangan, pero malaking lungkot ang dulot din nito,” dagdag pa niya. Aakalain mong trenta anyos na ang diseotsong dalaga. bahay, pinapatrabaho pa siya sa tindahan ng damit na negosyo ng kanyang amo. Si Nanay Libay May asawa na ngayon ang kanyang panganay. Sa edad na 15 ay nabuntis ng kanyang boyfriend at nagsama na bago pa man makatapos ng high school. “14 pa lang po ako nang una akong kinuha ng malayong kamag-anak ng aking ama. Tutulungan daw ako at pag-aaralin. Siyam kaming magkakapatid kaya hindi daw niya kami kayang tustusan lahat, ang paliwanag ng aking ama”, pagkukuwento ni Ate Kolai. “Minsang tumakas ako, hinuli ako ng mga pulis dahil inakusahan niya akong nagnakaw. Binantaan niya ako na sa susunod na tumakas, ipakukulong na daw ako.” dagdag ni Ate Kolai. Si Nanay Libay kung tawagin ng kapwa niya mga Pilipino ay may walong taon nang nagtatrabaho bilang domestic worker. Mula Hongkong, nalipat siya sa Qatar. “Masuwerte ako dahil mababait na amo ang napapagtrabahuhan ko,” sabi ni Nanay Libay. “Marami na ang aking nakilala na hindi kasing-palad ko, may binubugbog ng amo, may hindi pinapasahod ng tama, kinukuha passport at iyong isang balita ko nawala na lang baka pinatay na.” Ikinuwento niya na noong una, ginusto talaga niyang makapagtrabaho sa abroad sa hirap ng buhay. Gusto niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak na ang panganay niyang babae noo’y walong taong gulang pa lamang nang una siyang umalis. Ang pangalawang lalaki ay anim na taon. Namamasada lamang ng pedicab ang kanyang asawa at hindi sapat para ipangkain sa maghapon ang kinikita. “Hindi ako nagsisisi dahil madami ding kabutihang naidulot sa pamilya ko. Nagawa kong tustusan ang kanilang mga Si Dave, ang bunso ay kasama ng kanyang ama, “sumakabilang bahay na!” biro pa niya. Sa edad na 38, halos solong katawan na si Nanay. “Ibinubuhos ko na lang ang aking atensyon at pagmamahal sa mga alaga ko. Bagay na di ko nagawa sa aking sariling mga anak.” kanyang pagtatapos. Si Ate Kolai Makikita ang munting mga kulubot sa noo at nangigitim ang ilalim ng mga mata. Pilit ang kanyang mga ngiti at kitang kita ang paltos na mga kamay at lapnos sa kanyang hita. Pero naging malupit daw sa kanya ang tiya-tiyahin. Ipinakita niya ang pilat sa kanyang braso, hugis bangka. Minsan daw na magalit sa kaniya habang siya ay namamalantsa, inagaw ng tiyahin ang plantsa at ipinaso sa braso niya. “Sa loob ng dalawang taon, halos gabi-gabing puyat pero maaga ang gising. Kahit anong oras ikaý kakatukin sa kuwarto o tatawagin ano man ang ginagawa.” Maliban pa sa trabaho sa Nang tanungin kung bakit napakaaga niya nakapag-asawa, sagot niya, “Tumakas ako kasama ng manliligaw ko. Tinulungan niya akong makalayo upang hindi matunton ng aking tiya-tiyahin. Hanggang sa magsama na kami.” Kasambahay pa rin si Ate Kolai hanggang sa ngayon. Nagpalipatlipat na siya ng amo. Sa bawat pamilyang kanyang pinagsisilbihan, may kuwento sa likod ng bawat isang kulubot sa noo, lapnos sa katawan o sugat sa braso. Sa pagpapatupad ng ILO Convention 189 para sa mga kasambahay, malaki ang pag-asa nina Nanay Libay, Ate Kolai at iba pang namamasukan sa bahay na tratratuhin na sila nang mas makatao at bilang manggagawang may karapatan. Page 12 Federation of Free Workers (FFW) FFW Patuloy ang Serbisyong Manggagawa AKSYON NEGOSASYON. Ikinagalak ng BPI Family Bank Employees Union - FFW ang kanilang "makasaysayang" CBA negotiation na maagang matapos sa diwa ng kooperasyon. M asayang mga ngiti at mahigpit na pagpapalitan ng mga kamay, ito na marahil ang pinakamagandang tagpuin matapos ang ilang araw, linggo o buwan ng matinding balitaktakan at kumbinsihan sa harap ng CBA negotiating table sa pagitan ng Unyon at Management. “Hindi nasusukat ang kagandahan ng CBA sa tagal ng negosasyon o kapal ng booklet nito,” paliwanag ni FFW Vice President Rod Catindig. Aniya malaking bahagi sa tagumpay ng negosasyon ang klase ng relasyon na umiiral sa pagitan ng unyon at management. Hindi rin maisasantabi ang kahalagahan ng sapat na paghahanda hindi lamang sa pagbuo ng proposal kundi pati na sa mga justifications at datos na susuporta dito. Binibigyang diin din ang kahandaan ng Unyon bilang organisasyon at pagkakaisa ng mga kasapi nito na suportahan at pagtiwalaan ang kanyang negotiating panel. Nagbabagong Panahon sa industriya, maaaaring agreement sa Pilipinas hindi matamo ang ganap ang pagbabatayan, na makatarungang CBA. maaaring umuunti nga ito. Ngunit kung lakas at kaNagbabago din ang pangyarihan ng hanay ng istruktura ng pagdedesisymga manggagawa ang on hindi lamang sa bahagi magiging sukatan, pagging kumpanya kundi maggiit ni G. Catindig, “Lalong ing sa hanay ng mga Unlumalakas. Sa istruktura yon. Marami na ngayon pa lamang ng pag-uunyon ang mga inisyatiba at na sumasakop na hindi kampanya ng mga unyon lamang sa mga pormal na sa buong mundo ang nagmanggagawa sa sasama-sama bilang kumpanya kundi maging pagpapakita ng solidarity sa mga impormal na pagsa kanilang kapwa manggawa, pati na ang mga gagawa. Ang strike kontraktwal, kaswal at halimbawa ng isang global agency workers, lalong food company sa Egypt, lumalaki at dumadami ang Tunisia at Pakistan ay sikasapi ng mga unyon.” nusuportahan ng mga manggagawa ng ka- Maaaring sukatan din ng parehong kumpanya mula lakas at impluwensya ng sa US at iba pang mga mga unyon ang lumalawak bansa. na suporta at pagkakaisa Marami sa kasalukuyang mga negosasyon ay palagian tumitingin sa ng mga manggagawa sa madaming factors na Humihina ang mga Unpamamagitan ng pinagmaaaring makaapekto sa yon isang global union at ang collective bargaining. DatiKung bilang ng mga kasa- pagbubuo ng mga secrerati, sapat nang tingnan ang pi ng Unyon at sakop ng tariats ayon sa mga indusfinancial statement ng collective bargaining triya. kumpanya mula sa SEC upang sukatin ang kakayahan ng kumpanya na ibigay ang kahilingan ng mga manggagawa. Sa ngayon sinusuportahan na ito ng pagbasa sa sitwasyon at trends sa industriya sa bansa at sa global na lebel. Mabilis ang mga pagbabago at LABAN SA CHILD LABOR. Sabay na pinag-aralan ng kung hindi mo bibigyang MANGGAGAWA bagong organisadong TRCIEA-FFW ang unyonismo at ang adhikain para pansin ang nangyayari wakasan ang child labor. Page 13 Tomo XV Blg. I nakamalalaking kumpanya ng semento sa buong mundo. Patuloy na Pag-aaral ITUC-AP REGIONAL CONFERENCE ON PRECARIOUS WORK Nakilahok ang Federation of Free Workers (FFW) sa ITUCAP Regional Conference on Precarious Work nang nakaraang 25-26 Oktubre 2013 sa Ortigas, Pasig City. NAGKAISA! Bahagi ng pagsisikap na pagkaisahin ang kilusang paggawa sa Pilipinas. Sa ganitong batayan, hindi humuhina bagkus ay mas lumalakas ang kakayahan ng mga Unyon na magsulong ng mga pagbabago hindi lamang sa loob ng mga kumpanya, sa komunidad o sa bansa, kundi sa buong mundo. Collective Bargaining Sa paggabay at suporta ng mga opisyales at staff ng FFW, patuloy ang CBA Negotiations sa pagitan ng unyon at management sa Pentagon Gas, TRCIEA, Zoetis Manufacturing Services at Interphil Laboratories Employees Union — FFW. Isinasapinal na ang mga napagkasunduan sa Toyo Ink Phils., at kakatapos lamang ng pormal na negosasyon para sa mga manggagawa ng BPI Family Bank. Ilan lamang ito sa mga unyong sineserbisyuhan ng FFW mula noong Oktubre ng kasalukuyang taon. Pag-oorganisa Malinaw ang hamon sa mga manggagawa—mag -organisa! Ang kalakasan ng paguunyon at ang pagpapanatili ng boses nito para sa pagbabago ay nakasalalay sa nagkakaisang hanay. Isa sa pinakabagong inisyatibang pagoorganisang ginagawa sa ngayon ng FFW ay ang pagsasampa ng Petition for Certification Election (PCE) para sa mga manggagawa ng Holcim Philippines, isa sa pi- Kasama ang ibang affiliates ng International Trade Union Confederation - Asia-Pacific (ITUC -AP), pinag-usapan ang umiiral na sitwasyon ng labor market sa buong Asia-Pacific Region. Nagkaroon din ng palitan ng impormasyon ukol sa kampanya laban sa walang katiyakang uri ng trabaho. Nagpahayag ng pagkabahala ang mga participants ng kumperensya sa dumadaming sitwasyon ng hindi tradisyunal na pagtatrabaho sa mundo. Ayon sa survey ng ITUC/ ITUC-AP, ang mga manggagawang nasa ganitong sitwasyon ng pagtatrabaho ay nahaharap sa di maayos na working conditions kumpara sa mga regular na manggagawa, partikular patungkol sa sahod, oras ng trabaho, holiday at iba pang mga benepisyo tulad ng pensyon, disability allowance at unemployment benefits. Nagkakaroon din ng pagbabago sa mga batas ng mga bansa na nagbibigay kakayahan sa mga employer na magsagawa ng mas flexible na uri ng pagtatrabaho. Sa pagtatapos, napagkasunduan ng 23 delegado mula sa 15 bansa na pag-ibayuhin ang pagaaral sa mga batas at polisiya ukol sa walang katiyakang uri ng trabaho at isulong ang patuloy na BATANG MALAYA. Ang mga mag-aaral ng St. Scholastica's College na naging on-the-job trainees ng FFW noong nakaraang Mayo ay naglunsad ng "Stop and Shoot against Child Labor Photo Competition" sa kanilang unibersidad matapos isapuso ang adbokasiya ng FFW. Page 14 Federation of Free Workers (FFW) Union Leadership Skills Development sa Tagaytay City. 104 na lider-unyon mula sa 34 local chapter unions ang nakibahagi sa mga training na ito. ADBOKASIYA Ilan sa mga nagsipagtapos ng batayang kurso sa AGOS pagprotekta sa trabaho, paggawa ng pangmatagalang hanapbuhay at itaguyod ang disenteng trabaho para sa lahat. Ipinanukala ding palakasin ang pag-oorganisa ng mga manggagawa kasama na ang mga impormal o ditradisyunal na sektor at magsulong ng kampanya para sa proteksyon ng karapatan ng mga manggagawang nasasadlak ng kahirapan, kawalang-proteksyon at kawalang-kaseguruhan. TULOY-TULOY NA AGOS Hindi man ito tubig, pero tuloy-tuloy ang agos ng karunungan sa hanay ng FFW. Ang programang AGOS o Aralin at Gabay para sa mga Obrero tuwing Sabado ay tuloy-tuloy na isinasagawa sa pangunguna ni Bro. Dan Laserna AVP for Education and Training. Naglalayon ang programa na bigyang batayang kaalaman ang mga kasaping manggagawa ng bawat unyon sa ilalim ng Pederasyon. Preparasyon din ang pagtatapos ng batayang kurso upang mas mapalawak ang kaalaman at kakayahan sa iba’t iba pang mas abanteng gawain ng Unyon tulad ng collective bargaining, labor education at labor disputes settlement. Sa tulong ng Department of Labor and Employment, sa pamamagitang ng kanyang WODP Training Grants, nakapagsagawa ang FFW ng Trainor’s Training sa Calamba, Laguna; Special Course in Collective Bargaining and Interest-Based Negotiation sa Baguio City; at Workshop on Labor Dispute Settlement in Tagaytay City. Sa kasalukuyan may 109 local officers mula sa 50 local chapter unions ang nakinabang na sa mga training programs na ito. Noong nakaraang taon, sa tulong pa rin ng DOLE, nakapagpatupad ang FFW ng Special Course on Trade Union Financial Administration na ginanap sa Baguio City at Trade Paglaban sa Kontraktuwalisasyon at Pagsusulong ng Dagdag na Sahod. ACT2WIN. Isa sa mga alyansang pangunahing kinabibilangan ng FFW. Napapanahon ang panawagan ng alyansa sapagkat partikular nitong tinututukan ang paglaban sa kontraktuwalisasyon at pagsusulong ng dagdag na sahod para sa mangga- gawa. Action Against Contractualization and Towards Significant Wage Increase Now! (Act2Win). Ang mga pagkilos ng alyansa na binubuo ng iba’t ibang mga Pederasyon ay naaayon sa panindigan ng FFW para sa disenteng trabaho at sa pagkamit ng nakabubuhay na sahod. Sa magkasunod na pagkilos noong Oktubre 1 para igiit ang disenteng sahod sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board at noong Oktubre 7 sa Mendiola bilang pagdiriwang ng World Day for Decent Work, iginigiit ng FFW at ng Act2Win ang karapatan ng mga manggagawa para sa Disenteng Trabaho at Pasahod. Oktubre 7: World Day for Decent Work Page 15 Tomo XV Blg. I LAKAS-SIPA. Ang FFW kasama ang National Child Labor Committee, mga diplomats at corporate sponsors ay nakiisa sa Lakas Sipa para sa Batang Manggawa at paglulunsad ng Red Card to Child Labor. Wakasan Labor ang Child lulunsad ng Red Card To Child Labor. Sa kabila ng mga tagumpay na isulong ang pagpapasa ng mga batas na magbabawal sa pag-empleyo o pagpapatrabaho ng mga batang manggagawa, nananatiling matingkad na suliranin ito ng lipunan at kilusang Unyon. Ang Lakas-Sipa ay isang football clinic kasama ang mga batang dating biktima ng child labor na ginanap noong September 17 sa Emperador Football Stadium, Taguig City. Kasama ang International Labour Organization, Department of Labor and Employment, ilang mga Diplomat, kasama ang mga sikat na manlalaro ng football na sina James at Phil Younghusband, nakiisa ang FFW sa Lakas-Sipa Batang Manggagawa Football Clinic at pag- Layon ng nasabing clinic na maenganyo ang mga bata sa football bilang bahagi ng malawakang kampanya upang wakasan ang child labor sa bansa. Ang FFW ay nagpatupad ng isang programa upang palakasin ang mga programa ng unyon hinggil sa child labor. Ang FFW sa pamamagitan ni Asst. Vice Presi- KOOPERASYON. Ang FFW President sa ika-9 Kumbensyon ng Labor-Management Cooperation dent Julius Cainglet ang tumatayong tagapangulo ng Knowledge Managaement SubCommittee ng National Child Labor Committee. Ang naturang komite angnangangasiwa sa website at information portal ng Child Labor Knowledge Sharing System (CLKSS). Maaari itong bisitahin sa www.clkss.org.ph Workshops and Technical Writeshops on Updating the List of Hazardous Work for Children. Sa pandaigdigang larangan, nakibahagi rin ang FFW sa 2nd UN High Level Dialgoue (UN HLD) on Migration and Development at mga kaugnay na konsultasyon nito sa rehiyon ng Asya. Pagsusulong ng Social Dialogue Upang mas mapalawig ang diyalogo sa pagitan ng hanay ng mga manggagawa at ng grupo ng management, naging bahagi ang FFW ng ilang mga kumperensya at mga pagpupulong: Conference on Industry BOOTERS. Pinagitnaan ng Younghusbands Roadmaps na nagla- ang young lawyer-lider ng FFW. layong tukuyin at pagusapan ang sitwasyon at patunguhan ng mga industriya sa bansa. Social Dialogue on the Plastic Industry 9th National Convention on Labor Management Cooperation kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng kooperasyon lagpas sa layon ng katahimikang pangindustriya patungo sa mas produktibo, mas ligtas at malusog na pagawaan. ASEAN Trade Union Council Meeting/ Industriall Social Dialogue at iba pang mga gawaing nagpapalakas ng pagkakaisa ng mga unyon sa bansa at sa buong mundo. SOCIAL DIALOGUE. Ang FFW President at President Emeritus sa ATUC Meeting na ginanap sa Ortigas Center noong Nobyembre 2013. Nakibahagi rin ito sa ILO Tripartite Technical Meeting on Labor Migration, na nagsilbing follow up sa UN HLD, maging sa ASEAN Regional Qualification Framework. Kabilang din ang FFW sa mga pulong ng bagong tatag na Trade Union Development Cooperation Network. Palagiang pakikiisa sa mga gawain, programa at proyekto ng iba’t ibang kasapi ng FFW sa buong Pilipinas. President Emeritus and International Secretary - Atty. Allan S. Montano FFW Women’s Network National President - Ma. Sonia Balgos Chairperson Emeritus - Dolores B. Tan - Atty. Jose Sonny G. Matula FFW Women’s Network National Vice President - Francia Maravilla National President National Vice President - Rodrigo M. Catindig Vice President for External - Isidro Antonio Asper National Treasurer - Jose D. Cayobit Vice President - Luzon - Alfredo “Bowie” Maranan Dep. VP for Luzon - Jeselinda Parra Vice President – Visayas - Amalia Campos Dep. VP for Visayas - Wilma Gerson - Aida Brillante - Elizabeth Navarroza VP for Mindanao Dep. VP for Mindanao Asst. VP for Research, Com- - Julius Cainglet munication, Networking and Project Development Asst. VP for Education and Training - Danilo Laserna Asst. VP for Legal Affairs - Ronnie Nismal Arquipo Cababaros, Jr. Board at Large - Oliver Mondigo Jun Ramirez Arlene Golloso Adeline Colarina Noemi Alcantara Trade Federation Representatives TF I Chairperson Deputy Chairperson TF II Chairperson Deputy Chairperson TF III Chairperson Deputy Chairperson TF IV Chairperson Deputy Chairperson TF V Chairperson Deputy Chairperson TF VI Chairperson Deputy Chairperson TF VII Chairperson Deputy Chairperson TF VIII Chairperson Deputy Chairperson Ang Free Workers ay ang opisyal na pahayagan ng Federation of Free Workers (FFW), kasapi ng International Trade Union Confederation (ITUC) at ilang global union federations. Anumang komento o liham para sa editor ay maaring ipadala sa: Patnugot, Free Workers, FFW Bldg. 1943 Taft Avenue Malate 1004 Manila, Philippines. Telepono: (63 2) 521.9435/ 64. Telefax: (63 2) 400.6656. email: dabigdyul@gmail.com - Rico Angulo - Ric Sanchez - Reneboy Luterte - Rommel Santos - Rolando Marcelo PATNUGUTAN: - Rundsted Pelayo Julius H. Cainglet - Alvin Gonzales - Joel Balaus - Tranquilino Bunaladi - Clemente Fortaleza - Ana Marie Sy - Donaldo Devilla - Eric Pingol - Santos Gudao - Jomel General - Lucy Santos website: www.ffw.org.ph Punong Patnugot, Manunulat Atty. Jose Sonny G. Matula FFW President, Manunulat Danilo A. Laserna Darius M. Guerrero Manunulat Juliet P. Palabon Tagapamahala ng Sirkulasyon Maaaring sumipi nang buo o ng ilang bahagi sa mga artikulo sa pahayagang ito sa kondisyong bibigyan ng pagkilala ang Free Workers o ang mga sumulat nito sa anumang pagsasaliksik o paglilimbag na hindi binabaluktot ang pahayag o paninindigan ng Free Workers o ng FFW.