Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 REPUBLIKA NG PILIPINAS i KAPULUNGAN NG MGA REPRESENTANTE Lungsod Quezon IKALABING-ANIM NA KONGRESO Ikalawang Regular na Sesyon PANUKALANG BATAS BLG. 4994 Ipinakilala nina Representante FELICIANO BELMONTE, JR., HENEDINA R. ABAD, GIORGIDI B. AGGABAO, SERGIO A.F. APOSTOL, PANGALIAN M. BALINDONG, CARLOS M. PADILLA, ROBERTO V. PUNO, NEPTALI M. GONZALES II, MEL SENEN S. SARMIENTO, ENRIQUE M. CONJUANGCO, MARK LLANDRO L. MENDOZA, ELEANDRO JESUS F. MADRONA, ELPIDIO F. BARZAGA, JR., ANTONIO F. LAGDAMEO, JR., ROLANDO G. ANDAYA, JR., NICANOR M. BRIONES, at RAYMUND DEMOCRITO C. MENDOZA PALIWANAG Ang Komprehensibong Kasunduan sa Bangsamoro (KKB), na nilagdaan noong 27 Marso 2014, ay hudyat ng pagwawakas ng ilang dekadang armadong tunggalian sa Mindanaw na nagtampok ng malalaking hadlang sa lubusang progreso at kaunlaran ng bansa. Ang tinalakay na kasunduang pampolitika ay naghahanay ng mga mekanismo, proseso, at modalidad na sa pamamagitan nito’y sinisikap ng mga partido na magtatag at maglugar ng isang rehimen ng kapayapaan, kaunlaran, katarungang panlipunan, at pananaig ng batas sa mga pook na malaganap ang tunggalian at sa mga komunidad ng Katimugang Pilipinas. Inspirado ng pundasyong konstitusyonal sa mga awtonomong rehiyon alinsunod sa Artikulo X ng Konstitusyong 1987, ang KKB ay nagtatadhana ng disenyo ng bagong entidad na pampolitika na mapagsisimulan ng masisiglang repormang ipinakilala ng kasalukuyang gobyerno ng Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw. Ang muling isinabalangkas na entidad ay magpapalawig ng mga umiiral na sistema at balak, at makapagtatatag ng bagong lipon ng mga kaayusang pang-institusyon at modalidad sa panig ng Gobyernong Sentral at ng awtonomong gobyerno hinggil sa hatian-ngkapangyarihan, hatian-ng-yaman at kita, mga pansamantalang aspekto, at normalisasyon. Upang maganap ang matatayog na layunin ng KKB, ang mga probisyon ng kasunduan ay dapat isalin sa wikang pambatas, at ang mga pagtatayang pampolitikang taglay nito ay mahubog tungo sa mga probisyong legal. Dapat kilalanin ng Kongreso ang pangunahing tungkulin nito sa proseso ng pagkakamit ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanaw sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukalang Batayang Batas ng Bangsamoro upang mabuksan ang bagong panahon ng kapayapaan at kaunlaran hindi lamang sa Mindanaw bagkus sa buong Pilipinas. Dahil sa binanggit, ang maagap na pagpapatibay sa panukalang ito ay hinahangad. 1 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 FELICIANO BELMONTE, JR. HENEDINA R. ABAD GIORGIDI B. AGGABAO SERGIO A.F. APOSTOL PANGALIAN M. BALINDONG CARLOS M. PADILLA NEPTALI M. GONZALES II MEL SENEN S. SARMIENTO ENRIQUE M. COJUANGCO MARK LLANDRO L. MENDOZA ELEANDRO JESUS F. MADRONA ELPIDIO F. BARZAGA, JR. ANTONIO F. LAGDAMEO, JR. ROLANDO G. ANDAYA, JR. NICANOR M. BRIONES RAYMOND DEMOCRITO C. MENDOZA ROBERTO V. PUNO 2 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Republika ng Pilipinas KAPULUNGAN NG MGA REPRESENTANTE Lungsod Quezon IKALABING-ANIM NA KONGRESO Ikalawang Regular na Sesyon Panukalang Batas Blg. 4994 Ipinakilala nina Representante FELICIANO BELMONTE, JR., HENEDINA R. ABAD, GIORGIDI B. AGGABAO, SERGIO A.F. APOSTOL, PANGALIAN M. BALINDONG, CARLOS M. PADILLA, ROBERTO V. PUNO, NEPTALI M. GONZALES II, MEL SENEN S. SARMIENTO, ENRIQUE M. COJUANGCO, MARK LLANDRO L. MENDOZA, ELEANDRO JESUS F. MADRONA, ELPIDIO F. BARZAGA, JR., ANTONIO F. LAGDAMEO, JR., ROLANDO G. ANDAYA, JR., NICANOR M. BRIONES, AT RAYMUND DEMOCRITO C. MENDOZA BATAS NA NAGTATADHANA NG BATAYANG BATAS PARA SA BANGSAMORO AT BUMUBUWAG SA AWTONOMONG REHIYON SA MUSLIM MINDANAW, PINAWAWALANG-BISA PARA SA GAYONG LAYON ANG BATAS REPUBLIKA BLG. 9054, NA PINAMAGATANG “BATAS NA NAGPAPALAKAS AT NAGPAPALAWAK NG ORGANIKONG BATAS PARA SA AWTONOMONG REHIYON SA MUSLIM MINDANAW,” AT BATAS REPUBLIKA BLG. 6734, NA PINAMAGATANG “BATAS NA NAGTATADHANA NG ORGANIKONG BATAS PARA SA AWTONOMONG REHIYON SA MUSLIM MINDANAW,” AT IBA PANG LAYUNIN Isabatas nawa ng Senado at ng Kapulungan ng mga Representante ng Pilipinas sa Kongresong pinulong: PANIMULA Kami, ang sambayanang Bangsamoro at iba pang naninirahan sa Bangsamoro, [na] nananambitang tulungan ng Maykapal, naghahangad na magtatag ng pangmatagalang kapayapaang nakabatay sa katarungan sa aming mga komunidad at sa marapat na pantay-pantay na lipunan, at naggigiit ng aming karapatan na panatilihin at paunlarin ang aming pamana; Alinsunod sa Konstitusyon ii at sa mga unibersal na tanggap na prinsipyo ng karapatang pantao, kalayaan, katarungan, demokrasya, at sa mga sukatán at pamantayan ng batas internasyonal, na sumasalamin sa aming sistema ng búhay na itinadhana ng aming pananampalataya, at umaayon sa aming mga batas, kaugalian, at tradisyon; Sinasang-ayunan ang natatanging pakasaysayang identidad at likás na karapatan ng sambayanang Bangsamoro sa pamanang lupain ng kanilang mga ninuno at sa kanilang karapatang pamahalaan ang sarili—mula sa pakikibaka para lumaya ang mga ninuno sa mga nakaraang henerasyon at umaabot hanggang kasalukuyan—upang maibalangkas ang kanilang pompolitikang kinabukasan sa pamamagitan ng demokratikong proseso na magtitiyak ng kanilang identidad at posteridad, at hayaan ang tunay at makabuluhang pamamahala, gaya sa isinasaad ng Komprehensibong Kasunduan sa Bangsamoro (KKB). Sa basbas ng Maykapal, isinasabatas at inihahayag itong Batayang Batas ng Bangsamoro, sa pamamagitan ng Kongreso ng Republika ng Pilipinas, bilang batayang batas ng Bangsamoro na nagtatatag ng asimetrikong ugnayang pampolitika sa piling ng 3 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Gobyernong Sentral na ipinundar sa mga prinsipyo ng subsidyaridad at pantay na pagkilala iii. Artikulo I PANGALAN AT LAYUNIN Seksiyon 1. Maikling Pamagat.—Ang batas na ito ay tatawagin at sisipiin bilang “Batayang Batas ng Bangsamoro.” Seksiyon 2. Pangalan.—Ang pangalan ng pampolitikang entidad sa ilalim ng Batayang Batas na ito ay ang Bangsamoro. Seksyon 3. Layunin.—Ang layunin ng Batayang Batas na ito ay magtatag ng pampolitikang entidad, maglaan ng pangunahing estruktura ng gobyerno bilang pagkilala sa pagkamakatarungan at lehitimidad ng sambayanang Bangsamoro iv at ng kanilang mithi na bumuo ng kanilang kinabukasang pampolitika sa pamamagitan ng demokratikong proseso na magtitiyak ng kanilang identidad at salinlahi at magbubúkas ng makabuluhang pamamahalang nakapagsasarili. Artikulo II IDENTIDAD NG BANGSAMORO Seksiyon 1. Sambayanang Bangsamoro. —Sila na sa panahon ng paglupig at pananakop ay itinuturing na katutubo o orihinal na naninirahan sa Mindanaw at sa arkipelago ng Sulu at sa mga kalapit-isla na kinabibilangan ng Palawan, at ang kanilang mga salinlahi, mayhalo man o purong dugo, ay may karapatang tukuyin ang kanilang mga sarili na Bangsamoro sa pamamagitan man ng pagtaguri sa kanila o pagtaguri sa sarili. Ang kanilang mga asawa at ang kanilang mga desendiyente ay uuriin bilang Bangsamoro. Seksiyon 2. Kalayaang Pumili. —Ang kalayaang pumili ng iba pang katutubong lipì ay igagalang. Seksiyon 3. Sagisag ng Bangsamoro.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magtataglay ng opisyal na watawat, sagisag, at awit v ng Bangsamoro. Artikulo III Teritoryo Seksiyon 1.Pakahulugan ng Teritoryo. —Tumutukoy ang teritoryo sa lupain gayundin sa mga maritimo, terestriyal, pantubigan, at panlupaing dominyo vi, at ang mga panghimpapawid na dominyo sa ibabaw nito. Mananatiling bahagi ng Pilipinas ang teritoryo ng Bangsamoro. Seksiyon 2.Ubod ng Teritoryo. Ang ubod ng teritoryo ng Bangsamoro ay bubuuin ng sumusunod: a. ang kasalukuyang heograpikong pook ng Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw; b. ang mga munisipalidad ng Baloivii, Munai viii, Nunungan, Pantar, Tagoloan, at Tangkal sa lalawigan ng Lanao del Norte at iba pang barangay sa mga 4 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Munisipalidad ng Kabacan ix, Carmen x, Aleosan, Pigkawayan, Pikit, at Midsayap na bumoto para mailahok sa ARMM noong plebisito ng 2001; c. ang mga lungsod ng Cotabato at Isabela; at d. lahat ng iba pang karatig pook na may resolusyon ang pamahalaang lokal na yunit o may petisyon ang kahit man lang 10 porsiyento (10%) ng mga rehistradong botante sa pook na humihiling na mailahok sila dalawang buwan bago isagawa ang ratipikasyon ng Batayang Batas ng Bangsamoro at ang proseso ng pagtatakda ng hanggahan ng Bangsamoro. Upang matiyak ang pinakamalawak na pagtanggap sa Batayang Batas ng Bangsamoro sa mga ubod na pook na binanggit sa itaas, ang popular na ratipikasyon ay isasagawa sa lahat ng Bangsamoro sa loob ng naturang mga pook upang pagtibayin. Seksiyon 3. Teritoryong Kanugnog.—Ang mga pook na kanugnog at nasa labas ng ubod na teritoryo ay makapamimili sa anumang oras kung nais nitong maging bahagi ng teritoryo kung may petisyon ang kahit man lamang 10 porsiyento (10%) ng mga rehistradong botante at sinang-ayunan ng mayorya ng mga kalipikadong boto na tinanggap sa plebisito. Seksiyon 4. Panloob na Tubigan.—Lahat ng panloob na tubigan, gaya ng mga lawa, ilog, ilog-sistema, at sapa sa loob ng teritoryong Bangsamoro ay magiging bahagi ng Bangsamoro. Ang pagpapanatili at pangangasiwa nito ay isasailalim sa hurisdiksiyon xi ng Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 5. Mga Tubigan ng Bangsamoro.—Ang mga tubigan ng Bangsamoro ay aabot hanggang 22.224 kilometro (12 náutikong milya) mula sa mababang marka ng tubig sa baybayin na bahagi ng teritoryong Bangsamoro. Ang mga Tubigang Bangsamoro ay magiging bahagi ng hurisdiksiyong teritoryal ng pampolitikang entidad ng Bangsamoro. Kung ang konstitutibong pamahalaang lokal na yunit ng Bangsamoro at ang karatig na pamahalaang lokal na yunit ay nakapuwesto sa magkasalungat na baybayin na may tatlumpung (30) kilometro ng tubigan o mababà pa rito ang nakapagitan, ang isang linya na pantay ang sukat mula sa magkasalungat na baybayin ang iguguhit upang hatiin ang Tubigang Bangsamoro at ang tubigang munisipal ng karatig na pamahalaang lokal na yunit upang ibukod ito mula sa Tubigang Bangsamoro. Kung ang mga ito ay nakapuwesto nang may higit tatlumpung (30) kilometro ngunit mababà sa 37.224 kilometro ng tubigan sa pagitan ng mga ito, isang linya ang iguguhit sa gilid ng labinlimang (15) kilometrong tubigang munisipal ng kanugnog na pamahalaang lokal na yunit upang maging hanggahan yaon ng Tubigang Bangsamoro. Sampung taon (10) makalipas mapagtibay ang Batayang Batas na ito, ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay tatalakayin ang pagpapalawig ng pook ng Tubigang Bangsamoro sa pamamagitan ng mga kinakailangang proseso at modalidad. Seksiyon 6. Mga Konstitutibong Yunit.—Ang mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, barangay, at heograpikong pook sa loob ng teritoryo nito ay ituturing na mga konstitutibong yunit ng Bangsamoro xii. Seksiyon 7. Kolektibong Demokratikong Mga Karapatan ng Sambayanang Bangsamoro.—Ang kolektibong mga karapatan ng Bangsamoro ay kikilalanin. 5 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Artikulo IV MGA PANGKALAHATANG PRINSIPYO AT PATAKARAN Seksiyon 1. Pamamahalang Nakapagsasarili.—Upang maisagawa ang karapatan nitong pamahalaan ang sarili at makapagpasiya nang sarili, ang Bangsamoro ay malayang magpatupad ng pagpapaunlad na pangkabuhayan, panlipunan, at pangkultura nito. Seksiyon 2. Demokratikong Sistemang Pampolitika.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magiging parlamentaryo. Ang sistemang pampolitika nito ay demokratiko, na hinahayaan ang mga mamamayan nito na malayang makilahok sa mga prosesong pampolitika sa loob ng teritoryo nito. Seksiyon 3. Sistemang Panghalalan.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng sistemang panghalalan na angkop sa isang anyong ministeryal ng gobyerno, na hahayaan ang demokratikong pakikilahok, paghikayat ng pagbubuo ng tunay na may prinsipyong mga partidong pampolitika, at magtitiyak ng pananagutan xiii. Seksiyon 4. Gobyernong Sibilyan.—Ang pamamahala sa Bangsamoro ay responsabilidad ng gobyernong sibilyang inihalal nang nararapat. Ang awtoridad ng sibilyan, sa lahat ng panahon, ang mananaig sa militar. Seksiyon 5. Pagpapalaganap ng Pagkakaisa.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magpapalaganap ng pagkakaisa, kapayapaan, katarungan, at kabutihan sa lahat ng lipì, at maghihikayat ng patas at mapayapang paglutas sa mga pagtatalo. Ang Bangsamoro ay susunod sa prinsipyo na ang bansa xiv ay itinatakwil ang digmaan bilang instrumento ng pambansang patakaran, isasagawa ang pangkalahatang tanggap na mga prinsipyo ng batas internasyonal bilang bahagi ng batas ng lupain at sumusunod sa patakaran ng kapayapaan, igwalidad xv, katarungan, kalayaan, kooperasyon, at pagkakaunawaan sa lahat ng nasyon. Seksiyon 6. Pagpapalaganap ng Karapatan.—Ang Bangsamoro ay susundin ang prinsipyo na itatadhana kung ano ang tama at ipagbabawal kung ano ang mali. Seksiyon 7. Katarungang Panlipunan.—Ang Bangsamoro ay magtatatag ng gobyernong magtitiyak na ang bawat mamamayan sa Bangsamoro ay makatatanggap ng pangunahing pangangailangan at pantay-pantay na mga oportunidad sa búhay. Ang katarungang panlipunan ay ipalalaganap sa lahat ng yugto ng kaunlaran at panig ng búhay sa loob ng Bangsamoro. Seksiyon 8. Mga Tratadong Internasyonal at Kasunduan.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay igagalang at susundin ang lahat ng tratadong internasyonal at kasunduan na bumibigkis sa Gobyernong Sentral. Artikulo V MGA KAPANGYARIHAN NG GOBYERNO Seksiyon 1. Mga Reserbadong Kapangyarihan.—Ang mga reserbadong kapangyarihan ay mga bagay na pinananatili ng Gobyernong Sentral ang awtoridad at hurisdiksiyon nito. Ang Gobyernong Sentral ay isasagawa ang mga sumusunod na reserbadong kapangyarihan: 1. Depensa at panlabas na seguridad; 6 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 2. Patakarang Panlabas xvi; 3. Pagsasalapixvii at patakarang pananalapi; 4. Serbisyong pangkoreo; 5. Pagkamamamayan at naturalisasyon; 6. Inmigrasyon; 7. Aduwana at taripa bilang kalipikado batay sa Seksiyon 2 (10), Artikulo V ng Batayang Batas; 8. Pangkalahatang merkado at pandaigdigang kalakalan, maliban kung ang kapangyarihang makipagkasundong pang-ekonomiya na ibinigay sa ARMM sa bisa ng Batas Republika Blg. 9054 ay isasalin sa Gobyernong Bangsamoro alinsunod sa itinatadhana ng Artikulo XII, Seksiyon 25 nitong Batayang Batas; at 9. Mga karapatang pag-aaring intelektuwal. Seksiyon 2. Mga Pantay na Kapangyarihan xviii.—Ang mga pantay na kapangyarihan ay tumutukoy sa mga kapangyarihang pinagsasaluhan ng Gobyernong Sentral at ng Gobyernong Bangsamoro sa loob ng Bangsamoro, gaya ng isinasaad sa Batayang Batas na ito. Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay magpapatupad ng mga pinagsaluhang kapangyarihan sa loob ng Bangsamoro sa mga sumusunod na bagay: 1. Panlipunang seguridad at pensiyon.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring bumuo ng sariling sistema sa panlipunang seguridad at pensiyon, kasabay ng umiiral na mga sistema sa panlipunang seguridad at pensiyong buhat sa Gobyernong Sentral. Ang Gobyernong Bangsamoro at ang Gobyernong Sentral sa pamamagitan ng mga mekanismo sa intergobyernong ugnayan, at iba pang proseso ng konsultasyon, ay titiyakin, sa hanay ng iba pang bagay, na ang pamumuhunan sa mga ambag ng mga kasapi mula sa Bangsamoro sa panlipunang seguridad at pensiyon ng Gobyernong Sentral ay tutugon sa kanilang pangkultura at pangrelihiyong sensibilidad. Ang panghinaharap na ugnayan ng sistema ng Gobyernong Sentral sa sistema ng Bangsamoro hinggil sa mga bagong kawani ng gobyerno at iba pang kalipikadong tao sa Bangsamoro ay patuloy na paglalaanan sa batas na pagtitibayin para sa gayong layunin. 2. Kuwarentenas xix.—Itatatag ang isang opisina para sa mga serbisyong kuwarentenas sa Bangsamoro. Ito ay makikipagtulungan at makikipag-ugnayan sa mga katumbas nitong opisina sa Gobyernong Sentral. 3. Pagpaparehistro ng Lupain.—Ang Gobyernong Bangsamoro, alinsunod sa sistema ng pagpaparehistro ng lupain ng Gobyernong Sentral, ay mamamahala sa pagpaparehistro ng lupain sa teritoryo ng Bangsamoro sa pamamagitan ng opisina na lilikhain para sa gayong layunin. Ang Gobyernong Bangsamoro ay maglalaan ng mga sipi ng mga titulo, batas, at iba pang patakaran na pertinente sa mga ahensiya ng Gobyernong Sentral. Ang Gobyernong Bangsamoro ay makagagawa ng hakbang hinggil sa mga konsultasyon. 7 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring magtatag ng mga proseso upang maipalaganap ang higit na episyenteng pagpaparehistro ng mga lupain sa loob ng Bangsamoro. 4. Pagkontrol sa polusyon.—Ang mga ahensiya ng Gobyernong Sentral at ng Gobyernong Bangsamoro ay magtutulungan at makikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga mekanismo sa intergobyernong ugnayan hinggil sa mga usapin ng pagkontrol sa polusyon. 5. Karapatang pantao at makataong proteksiyon at promosyon.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring magtatag ng sarili nitong mga láwas para sa karapatang pantao at makataong proteksiyon at promosyon na kikilos nang may pakikipagtulungan sa mga pertinenteng institusyong pambansa. 6. Penolohiya at penitensiyariya.—Ang mga institusyon ng Gobyernong Sentral at ng Gobyernong Bangsamoro ay makikipagtulungan at makikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga mekanismo ng intergobyernong ugnayan sa mga bagay na ukol sa pagpapataw ng parol xx at pagmumungkahi sa Pangulo na magbigay ng kapatawarang ehekutibo. Ang Gobyernong Bangsamoro ay lilikha ng opisina na mangangasiwa sa sistemang parol at magmumungkahi ng pagbibigay ng kapatawarang ehekutibo sa Tanggapan ng Pangulo. Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring lumikha at mangasiwa ng mga bilangguan, kolonyang penal, at iba pang pasilidad. Titiyakin nito na umaangkop ang nasabing mga pasilidad sa pambansang sistema ng pangangasiwa ng bilangguan at penitensiyariya, sa pamamagitan ng mekanismo ng intergobyernong ugnayan. Ang nasabing mga pasilidad ay nauunawaang magiging bahagi ng pangangasiwang pangkatarungan ng bansa. 7. Awditing.—Ang láwas awditing ng Bangsamoro xxi ay magkakaroon ng responsabilidad sa pag-awdit ng mga publikong pondo ng Bangsamoro, nang walang prehuwisyo sa kapangyarihan, awtoridad, at tungkulin ng pambansang Komisyon sa Awdit xxii (KSA). Titiyakin ng Gobyernong Bangsamoro ang mga mekanismo ng pagiging malinaw na umaayon sa bukás na kagawian ng gobyerno. 8. Serbisyong Sibil.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magpapaunlad at mangangasiwa ng isang propesyonal na pangkat ukol sa serbisyo sibil, nang mailahok ang mga kapangyarihan at pribilehiyo sa mga usaping serbisyo sibil na pawang itinatadhana ng Batas Republika Blg. 9054, at nang walang prehuwisyo sa kapangyarihan, awtoridad, at tungkulin ng pambansang Komisyon sa Serbisyo Sibil. Lilikhain ang opisina ng Bangsamoro Serbisyo Sibil na magpapaunlad at mangangasiwa ng propesyonal na pangkat ukol sa serbisyo sibil, nang walang prehuwisyo sa kapangyarihan, awtoridad, at tungkulin ng pambansang Komisyon sa Serbisyo Sibil. Ang Gobyernong Bangsamoro ay lilikha ng batas sa serbisyo sibil para sa nasabing layunin. Ang batas na ito ang papatnubay sa asal ng mga lingkod-bayan, sa kalipikasyon para sa mga posisyong di-inihahalal, sa pagpapatibay ng sistema sa merito at kaangkupan xxiii, at sa pangangalaga sa mga karapat-dapat na lingkod-bayan, kabilang na ang mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno na may orihinal na saligang batas, sa Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng pangunahing awtoridad sa pagdidisiplina sa mga opisyal at kawani nito. 8 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 9. Bantay-dagat. —Ang Gobyernong Sentral ay magkakaroon ng pangunahing responsabilidad sa mga usaping hinggil sa bantay-dagat. Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay makikipagtulungan at makikipagtulungan sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan. 10. Aduwana at Taripa.—Ang Gobyernong Bangsamoro at Gobyernong Sentral ay magtutulungan at makikikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan hinggil sa pagsasakatuparan ng mga batas at regulasyon sa aduwana at taripa upang matiyak ang epektibong pagsasagawa ng mga kapangyarihan nito sa baligyâ xxiv at ganting-kalakalan xxv sa mga bansang ASEAN, gayundin sa regulasyon ng pagpasok ng mga produktong haram xxvi sa hurisdiksiyong teritoryal ng Bangsamoro. 11. Pagpapataw ng katarungan.—Ang pagpapataw ng katarungan ay dapat umayon sa mga napapanahong probisyon nitong Batayang Batas at nang may pagsasaalang-alang sa mga kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman at sa kahusayan ng Gobyernong Bangsamoro sa mga hukumang Shari’ah at sa sistemang pangkatarungan ng Shari’ah sa Bangsamoro. Ang pangingibabaw ng Shari’ah at ang aplikasyon nito ay magiging para lamang sa mga Muslim. 12. Pagpopondo sa mantenimiyento ng mga pambansang lansangan, tulay, at sistemang irigasyon. —Ang Gobyernong Sentral ay magiging responsable sa pagpopondo, konstruksiyon, at mantenimiyento xxvii ng mga pambansang daan, tulay, at sistemang irigasyon sa Bangsamoro, at ilalahok sa Pambansang Lansangang Network sa Sistemang Impormasyon xxviii ang lahat ng pambansang lansangan at tulay sa Bangsamoro. Magkakaroon ng koordinasyon sa pamamagitan ng mekanismo ng intergobyernong ugnayan sa mga angkop na ahensiya ng Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro doon sa Gobyernong Sentral hinggil sa usapin ng mga pambansang lansangan, tulay, at sistemang irigasyon sa loob ng Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magsusumite ng mga panukala sa mga angkop na ahensiya ng gobyerno para mailahok ang halaga ng gayong mantenimiyento sa badyet ng huli na isusumite sa Kongreso para mailahok sa Batas sa Pangkalahatang Paglalaan xxix Ang pondo para sa mga pambansang lansangan, tulay, at sistemang irigasyon ay regular na ilalabas tungo sa mga angkop na kagawaran ng Gobyernong Sentral. 13. Pagbabawas at pangangasiwa sa mga peligro ng disaster.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng pangunahing responsabilidad sa pagbabawas at pangangasiwa sa mga peligro ng disaster sa loob ng Bangsamoro. Magkakaroon ng pagtutulungan at pag-uugnayan sa mga angkop na ahensiya ng Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro hinggil sa pagbabawas at pangangasiwa ng peligro sa disaster. Lilikhain ang Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), na may mga kapangyarihan at gawaing itatakda ng Parlamentong Bangsamoro sa batas hinggil sa paghahanda at pagtugon sa disaster. Ang BDRRMC ay magbabalangkas ng Plano sa Pagbabawas at Pangangasiwa ng Peligro sa Disaster sa Bangsamoro xxx, na magiging komplementaryo sa Pambansang Balangkas at Plano ukol sa Pagbabawas at Pangangasiwa ng Peligro sa Disaster xxxi. Dagdag pa, ang BDRRMC, sa pamamagitan ng tagapangulo nito, ang Punong Ministro, ay maaaring magrekomenda sa Pangulo na pakilusin ang mga yaman ng pambansang tanggulan sa panahon ng mga disaster sa Bangsamoro. 9 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 14. Kaayusan at seguridad ng publiko.—Ang Gobyernong Bangsamoro ang may pangunahing responsabilidad sa kaayusan at seguridad ng publiko sa loob ng Bangsamoro. Ito ang may kapangyarihan sa kaayusan at kaligtasan ng publiko, kabilang na ang yaong nauugnay sa pangangasiwa sa bilangguan, pag-iwas sa sunog, at pagsasanay sa kaligtasan ng publiko. Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay magtutulungan at makikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan. Seksiyon 3. Mga Esklusibong Kapangyarihan.—Ang mga esklusibong kapangyarihan ay mga bagay na tumutukoy sa awtoridad at hurisdiksiyon xxxii ng Gobyernong Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro ay gagamitin ang mga kapangyarihang ito sa mga sumusunod na bagay sa loob ng Bangsamoro: 1. Agrikultura, paghahayupan, at seguridad sa pagkain; 2. Pagpapalitang pang-ekonomiya at pangkultura; 3. Pakikipagkontrata sa mga pautang, kredito, at iba pang anyo ng pagkakautang sa alinmang bangko na pribado o publiko at iba pang institusyong nagpapautang, maliban sa mga humihingi ng garantiyang soberanya, na nangangailangan ng pagsang-ayon ng Gobyernong Sentral; 4. Kalakalan, industriya, pamumuhunan, pangangalakal xxxiii at regulasyon ng mga negosyo nang may pagsasaalang-alang sa mga kaugnay na batas; 5. Lakas-paggawa, empleo, at hanapbuhay; 6. Pagpaparehistro ng mga pangalan ng negosyo, na ang Gobyernong Bangsamoro ay ipalilista ang mga ito sa Philippine Business Registry para sa mga pangalan ng negosyo; 7. Baligyâ at ganting-kalakalan sa mga bansang ASEAN; 8. Sonang pang-ekonomiya at sentrong pang-industriya; 9. Mga malayang daungan.—Ang Bangsamoro ay maaaring magtatag ng malalayang daungan sa Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro ay makikipagtulungan saGobyernong Sentral sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan hinggil sa aduwana, inmigrasyon, serbisyong kuwarentenas, at internasyonal na pananagutan. Ang mga negosyo at iba pang pangangalakal sa loob ng malalayang daungan ng Bangsamoro ay dapat malapit sa daungan o paliparan sa loob ng Bangsamoro. 10. Turismo; 11. Pagbuo ng pagmumulan ng kita; 12. Pagbabadyet; 13. Sistemang Pananalapi at Pagbabangko.—Ito ay walang prehuwisyo sa kapangyarihan ng superbisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at maliban pa na ang Gobyernong Bangsamoro, ang BSP, ang Kagawaran ng Pananalapi (KP) xxxiv, at ang Pambansang Komisyon sa Filipinong Muslim (PKFM) xxxv ay magkakasamang itatampok ang pag-unlad ng sistema ng Islamikong pagbabangko, na ilalahok, kasama ang iba pa, ang pagtatatag ng lupong tagapangasiwa ng Shari’ah. 10 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 14. Pagtatatag ng mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno (PKKG) xxxviat institusyong pinansiyal.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay isasabatas at ipatutupad ang paglikha ng sarili nitong mga PKKG xxxvii upang matamo ang kabutihan ng nakararami, at alinsunod sa kakayahan nitong pangekonomiya. Ang mga PKKG ay iparerehistro sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan (KPP) xxxviii, o itatatag sa bisa ng tsarter nitong isinabatas ng Gobyernong Bangsamoro; 15. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng awtoridad na itakda ang paglikha, pagpapadaloy, at pamamahagi ng enerhiya at esklusibong isasagawa ito sa Bangsamoro at hindi konektado sa pambansang transmisyon grid xxxix. Itatampok nito ang mga pamumuhunan, panloob man o pang-internasyonal, sa sektor ng industriya ng enerhiya sa Bangsamoro. Ang mga plantang pangenerhiya at network ng distribusyon sa Bangsamoro ay dapat maging interkonektado at maipagbili ang enerhiya sa pambansang transmisyon grid tungong mga konsumidor. Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring tulungan ang mga kooperatiba sa elektrisidad sa pagtatamo ng mga pondo at teknolohiya, upang matiyak ang kakayahan nito sa pananalapi at operasyon xl. Kapag konektado na sa pambansang transmisyon grid ang mga pasilidad sa paglikha, pagpapadaloy, at pamamahagi ng enerhiya, ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay magtutulungan at makikipag-ugnayan sa sa isa’t isa sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan xli; 16. Pagpapatakbo ng mga publikong utilidad sa Bangsamoro.—Sa kaso ng mga inter-rehiyong utilidad, magkakaroon ng pagtutulungan at pag-uugnayan sa mga angkop na ahensiya ng gobyerno; 17. Tumanggap ng mga grant at donasyon; 18. Edukasyon at paghahasa ng mga kasanayan; 19. Agham at teknolohiya; 20. Mga konseho sa pananaliksik at iskolarsip; 21. Kultura at wika; 22. Isports at aliwan; 23. Pagtatakda ng mga operasyon hinggil sa mga laro at libangan sa loob ng Bangsamoro; 24. Mga Aklatan, museo, at pook na pangkasaysayan, pangkultura, at pangarkeolohiya.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng kapangyarihang magtatag ng sarili nitong mga aklatan at museo, at maghayag ng mga pook na pangkasaysayan at pangkultura. Ang Gobyernong Sentral ay ililipat ang pamamahala sa gayong mga pook na kasalukuyang nasa hurisdiksiyon ng Pambansang Museo, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, at iba pang ahensiya ng Gobyernong Sentral tungo sa Gobyernong Bangsamoro o sa mga pamahalaang lokal na yunit na naroon nang may pagsunod sa mga tiyak na proseso sa pamamagitan ng mekanismo ng intergobyernong ugnayan. Hinggil sa mga pook na pangarkeolohiya, ang Gobyernong Bangsamoro ay makikikipag-ugnayan sa mga angkop na ahensiya ng Gobyernong Sentral patungkol sa regulasyon, paghuhukay, preserbasyon, at pagluluwas ng mga ari-ariang pangkultura, gayundin sa pagpapanumbalik ng mga naglahong artifaktong pangkasaysayan at pangkultura; 11 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 25. Mga regulasyon sa pagmamanupaktura at pagpapalaganap ng mga pagkain, inumin, droga, at tabako para sa kabutihan ng Bangsamoro; 26. Hajj at Umrah.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay may pangunahing hurisdiksiyon sa mga usaping hinggil sa Hajj xlii at Umrah xliii na pawang makaaapekto sa mga peregrinong nagmula sa loob ng Bangsamoro. Ang Gobyernong Sentral ay magtataglay ng kakayahan sa mga usaping Hajj at Umrah na nakaaapekto sa mga peregrinong dumarating at nagmula sa labas ng Bangsamoro. Lilikhain ang isang awtoridad sa peregrinasyong Bangsamoro na makikipagtulungan sa Gobyernong Sentralukol sa mga usapin ng hajj at umrah na kasangkot ang mga opisina at ahensiyang nasa labas ng Bangsamoro; 27. Mga batas na pangkaugalian; 28. Deklarasyon ng mga pista opisyal ng Bangsamoro; 29. Mga pamanang lupain at likas-yaman; 30. Proteksiyon sa mga karapatan ng mga katutubong lipi sa Bangsamoro alinsunod sa United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, at isaalang-alang pa na bukod sa mga kriteryong pang-ekonomiya at pangheograpiya, ang kanilang mga pansarili at pampamayanang karapatan sa ari-arian, integridad na pangkultura, nakaugaliang paniniwala, at mga tradisyong pangkasaysayan at pampamayanan. Ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng angkop na opisina o ministeryo para sa mga Katutubong Lipi, na magiging bahagi ng Gabineteng Bangsamoro upang paunlarin at isakatuparan ang mga programa ng Bangsamoro para sa katutubong lipi alinsunod sa batas na pinagtibay ng parlamento. 31. Pangangasiwa sa lupain, pamamahagi ng lupain, at muling pag-uuri ng paggamit ng lupaing pang-agrikultura xliv.—Ang pag-uuri ng mga publikong lupain na maisasalin ang pag-aari xlvat maitatapon xlvi ay dapat kusa at rekomendado ng Gobyernong Bangsamoro sa Pangulo para sa napapanahong pagsasakatuparan ng mga plano at target sa pagpapaunlad ng Bangsamoro; 32. Agrimensura xlvii.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay may awtoridad na magsagawa ng agrimensura, sarbey ng lupain, at bukod at espesyal na sarbey sa Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro ay ipababatid ang mga resulta ng naturang mga sarbey sa, at sa pakikipag-ugnayan sa, mga angkop na ahensiya ng Gobyernong Sentral upang mailahok ang gayon sa pambansang agrimensura. 33. Ekspropiyasyon at dominyo eminente xlviii. 34. Kaligiran, parke, pangasiwaang panggubat, fawna, mga reserbang likas, at konserbasyon.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay may awtoridad na protektahan at pangasiwaan ang kaligiran. Ito ay may kapangyarihang ihayag ang mga reserbang likas at parkeng akwatiko, kagubatan, at reserbasyong watershed, at iba pang protektadong pook sa Bangsamoro; 35. Loobang tubigan para sa nabigasyon; 36. Mga tubigang looban; 12 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 37. Pangangasiwa, regulasyon, at konserbasyon ng lahat ng yamang pangisdaan, pantubig, at akwatiko sa loob ng hurisdiksiyong teritoryal ng Bangsamoro; 38. Mga paninirahan sa Bangsamoro; 39. Kaugaliang katarungan; 40. Mga hukumang Shari’ah at sistemang pangkatarungan ng Shari’ah; 41. Publikong administrasyon at burukrasya para sa Bangsamoro; 42. Kalusugan, sa pasubaling ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay makikipag-ugnayan sa, at tutulungan ang isa’t isa sa pag-iwas at pagkontrol ng epidemya at iba pang sakit na nakahahawa; 43. Panlipunang serbisyo, kagalingang panlipunan, at kawanggawa. 44. Pangangasiwa sa basura; 45. Pagtatatag at pangangasiwa ng mga serbisyong makatao at institusyon; 46. Pagtukoy, paglikha, at pagpapakilos ng mga internasyonal na yamang-tao para sa pagpupundar ng kakayahan at iba pang aktibidad na kasangkot ang naturan sa loob ng Bangsamoro. Ang Gobyernong Sentral ay makikipag-ugnay at makikipagtulungan sa Gobyernong Bangsamoro upang matiyak ang pagtamo ng gayong angkop na mga yaman sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan; 47. Pagtatatag ng Awqaf [dotasyon] at mga kawanggawang pangangalaga xlix; 48. Opisina ng Hisbah para sa pananagutan bilang bahagi ng sistemang pangkatarungan ng Shari’ah; 49. Pagpaparehistro ng panganganak, kasal, at kamatayan, na ang mga sipi nito ay ipapasa sa Philippine Statistics Authorityl; 50. Pabahay at paninirahan ng mga tao; 51. Pagpaplano ng kaunlaran; 52. Panglungsod at pangnayong kaunlaran li; 53. Mga suplay ng tubig at serbisyo, mga sistema sa pagkontrol ng baha at irigasyon sa Bangsamoro, sa pasubali na hinggil sa mga suplay ng tubig at serbisyo, mga sistema sa pagkontrol ng baha at irigasyon na nag-uugnay sa o mula sa mga pasilidad na nasa labas ng Bangsamoro, magkakaroon ng kooperasyon at koordinasyon ang Gobyernong Bangsamo at ang angkop na Sentro o mga pamahalaang lokal na láwas; 54. Pagawaing bayan at mga haywey sa loob ng Bangsamoro; 55. Pagtatatag ng mga angkop na mekanismo para sa mga konsultasyon sa mga babae at dukhang sektor lii; 56. Mga programa sa espesyal na pagpapaunlad at ang mga batas para sa mga babae, kabataan, matanda, obrero, maykapansanan, at katutubong pamayanang pangkultura; 13 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 57. Pangangasiwang lokal, mga korporasyong munisipal, at iba pang lokal na awtoridad, kabilang na ang paglikha ng mga pamahalaang lokal.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay pangangasiwaan at magtatatag ng sarili nitong burukrasya at administratibong organisasyon, alinsunod sa ministeryong anyo ng gobyerno; Ang Parlamentong Bangsamoro ay maaaring lumikha, humati, magsanib, magbuwag o baguhin nang malaki ang mga hanggahan ng mga lalawigan, lungsod, munisipyo, o barangay alinsunod sa batas na pagtitibayin ng Parlamentong Bangsamoro, at nakasalalay sa pagsang-ayon ng mayorya ng mga botong tinanggap sa plebisito sa mga pampolitikang yunit na tuwirang apektado. Alinsunod sa mga kriteryong itinatadhana ng nasabing batas, ang Parlamentong Bangsamoro ay maaaring lumikha ng angkop na yunit sa mga pook na pinaninirahan ng mga katutubong lipi; Gayunman, kung ang nasabing mga gawa ay nangangailangan ng paglikha ng distritong pangkongreso, ang Gobyernong Bangsamoro ay makikipagtulungan at makikipag-ugnay sa Gobyernong Sentral sa pamamagitan ng Kongreso ng Pilipinas-Forum sa Parlamentong Bangsamoro upang gawing priyoridad ang mga talakayan sa paglikha ng distritong pangkongreso; at 58. Pagtatatag o paglikha ng ibang institusyon, patakaran, at batas para sa pangkalahatang kabutihan ng mga tao sa Bangsamoro. Seksiyon 4. Iba pang Esklusibong Kapangyarihan.—Ang sumusunod na mga kapangyarihan at kakayahan na dating ibinigay sa Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw (ARM) sa bisa ng Batas Republika Blg. 6734, na sinusugan ng Batas Republika Blg. 9054, ay inililipat sa Gobyernong Bangsamoro bilang bahagi ng mga esklusibong kapangyarihan nito: a. Itakda at gamitin ang awtoridad sa mga banyagang pamumuhunan sa loob ng hurisdiksiyon nito. Ang Gobyernong Sentral ay maaaring manghimasok sa mga bagay na sangkot ang pambansang seguridad; b. Ihayag ang estado ng kalamidad sa hurisdiksiyong teritoryal o sa mga bahagi nito, na ang mga bagyo, biglaang pagbaha, lindol, tsunami, o iba pang kalamidad ay naghatid ng malawakang pananalanta o pagkawasak sa buhay o ari-arian sa rehiyon. Ang estado ng kalamidad na inihayag ng Punong Ministro ay para lamang sa layuning malubos ang mga pagsisikap na iligtas ang mga namimiligrong tao o ari-arian at mapabilis ang rehabilitasyon ng mga nasirang pook; c. Pansamantalang pangasiwaan o tuwirang paandarin ang alinmang pribadong pag-aaring utilidad o negosyong apektado ang interes ng publiko, sa mga panahong inihayag ng punong ministro ang estado ng kalamidad, kapag hinihingi ng publikong interes at sa ilalim ng makatwirang kondisyon at proteksiyon na itatadhana ng Parlamento. Ang publikong ulitidad o sangkot na negosyo ay maaaring salungatin ang pamamahala sa operasyon nito ng Gobyernong Bangsamoro sa pamamagitan ng paghahain ng angkop na kaso o petisyon sa Hukuman ng Apelasyon liii; d. Kilalanin ang konstruktibo o tradisyonal na pagtataglay ng mga lupain at yaman ng mga katutubong pangkulturang pamayanan na isasailalim sa pagsang-ayong hudisyal, ang petisyon para roon ay dapat isagawa sa loob ng sampung (10) taon mula sa pagkakabisa nitong Batayang Batas. Ang prosidyur para sa pagsang-ayong hudisyal hinggil sa mga di-perpektong titulo sa bisa ng 14 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 umiiral na batas, ay dapat hangga’t praktikal, ay gagamitin sa pagsang-ayong hudisyal ng mga titulo sa mga pamanang lupain; e. Magtakda at magsagawa ng komprehensibong programa hinggil sa reporma sa lupaing urban at paggamit ng lupa upang matiyak ang makatarungang paggamit ng mga lupain sa loob ng hurisdiksiyon nito; f. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magtataglay ng sumusunod na kapangyarihan: 1. Isabatas ang mga karapatan ng sambayanang Bangsamoro upang makapagpasimula ng mga hakbang sa pagpapatibay, pagsususog, o pagpapawalang-bisa ng batas panrehiyon o panlokal; tumawag ng referendum hinggil sa mahahalagang usaping nakaaapekto sa kanilang buhay; at tanggalin ang mga rehiyonal at lokal na opisyal; 2. Isagawa ang pagsisiyasat o publikong konsultasyon na tulong sa lehislasyon alinsunod sa mga tuntunin nito. Kaugnay nito, magkakaroon ito ng kapangyarihan na magpalabas ng subpoena o subpoena duces tecum upang sapilitang mapadalo ang mga saksi at mapalitaw ang mga papeles, dokumento, o bagay ng mga saksi o tao na iniimbestigahan ng mismong Parlamento, o ng alinman sa mga lupon liv nito. Magkakaroon din ito ng kapangyarihang tawagin ang mga saksi o tao na pawang iniimbestigahan sa pambabastos dahil sa pagtangging tumestigo dito o sa alinmang lupon nito o maglabas ng mga papeles, dokumento, o bagay na hinihingi ng Parlamento o alinmang lupon nito. Ang mga karapatan ng tao na dumadalo sa, o apektado ng, mga pagsisiyasat ay igagalang; 3. Gumawa ng batas na magpapahintulot sa Punong Ministro, Ispiker ng Parlamento, at Tagapangulong Hukom lv ng Mataas na Hukumang Shari’ah ng Bangsamoro lvi na dagdagan ang alinmang lahok sa Bangsamoro General Appropriations Lawlvii(Batas sa Pangkalahatang Paglalaan sa Bangsamoro) para sa kani-kanilang opisina mula sa mga ipon lviii sa ibang lahok ng kani-kanilang paglalaan; 4. Gumawa ng batas na magtatakda ng pagbibigay ng prangkisa at konsesyon at magdudulot ng kapangyarihan sa Punong Ministro na pahintulutan ang mga paupa, permit, at lisensiya sa mga lupaing pangagrikultura at pangangasiwang panggubat; g. Lumikha ng mga pasimunong kompanya at iba pang negosyong entidad na kinakailangan upang mapasigla ang kaunlarang ekonomiko sa Bangsamoro; h. Magtatag at magpaandar ng mga pasimunong publikong utilidad para sa panrehiyong kapakanan at seguridad sa Bangsamoro. Kapag naibayad na ang katumbas na halaga, maaari nitong ilipat ang pag-aari ng gayong utilidad sa mga kooperatiba o ibang kolektibong organisasyon; i. Tangkilikin at hikayatin ang pagtataguyod ng mga kakayahang pangnegosyo sa Bangsamoro, at kilalanin, itampok, at protektahan ang mga kooperatiba; j. Mangasiwa at itakda ang mga pribadong paaralan sa Bangsamoro at hayaan ang pakikilahok ng tatlong (3) representante lix ng mga pribadong paaralan sa mga talakayan ng angkop na ministeryo o opisina ng Bangsamoro sa mga usaping may kaugnayan ang mga pribadong paaralan; 15 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 k. Maisakatawan sa lupon ng mga estadong unibersidad at kolehiyo lx (EUK) sa Bangsamoro ng Tagapangulo ng angkop na lupon ng Parlamentong Bangsamoro, bilang ka-tagapangulo o ka-ikalawang tagapangulo. Ang mga EUK sa loob ng Bangsamoro ay ituturing na bahagi ng sistemang pang-edukasyon ng Bangsamoro. Sa kabila nito, ang nasabing mga EUK ay magtataglay ng kalayaang akademiko at awtonomiyang pananalapi, lxi at patuloy na papatnubayan ng kani-kanilang tsarter; l. Mangasiwa, sa pamamagitan ng angkop na ministeryo, ng akreditadong madaris sa Bangsamoro; m. Magsagawa ng pana-panahong pahusayang eksaminasyon sa pagtanggap ng mga gurong madaris para sa mga permanenteng pagtatalaga sa sistemang edukasyon ng Bangsamoro; n. Gumawa ng mga hakbang upang protektahan at itampok ang mga karapatan ng mga samahang masa lxii at iba pang kolektibong organisasyon; o. Gumawa ng mga hakbang para protektahan ang kabataan sa Bangsamoro at itampok ang kanilang kabutihan, at lumikha ng angkop na opisina at iba pang mekanismo para sa pagsasakatuparan ng gayong mga hakbang; p. Ipatupad ang patakarang laban sa anumang paghirang o pagtatalaga ng sinumang kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas lxiii sa sibilyang posisyon sa Gobyernong Bangsamoro, kabilang na ang mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno, o alinmang sekundaryo o instrumentalidad sa loob ng Bangsamoro. Artikulo VI MGA UGNAYANG INTERGOBYERNO Seksiyon 1. Asimetrikong Ugnayan.—Ang ugnayan ng Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro ay magiging asimetriko. Ito ay sumasalamin sa pagkilala sa identidad nilang Bangsamoro, at sa kanilang mithing pamahalaan ang sarili. Ito rin ang ikinatatangi nito sa iba pang rehiyon at ibang pamahalaang lokal. Seksiyon 2. Pantay na pagkilala lxiv.—Ang Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro ay papatnubayan ng mga prinsipyo ng pantay na pagkilala at tanggap na pamantayan sa mabuting pamamahala. Ang Gobyernong Sentral ay igagalang ang pagsasakatuparan ng mga kakayahan at esklusibong kapangyarihan ng Gobyernong Bangsamoro.Ang Gobyernong Bangsamoro ay igagalang ang pagsasakatuparan ng mga kakayahan at reserbadong kapangyarihan ng Gobyernong Sentral. Seksiyon 3. Pangkalahatang Superbisyon.—Alinsunod sa prinsipyo ng awtonomiya at asimetrikong ugnayan ng Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro, ang Pangulo lxv ay magkakaroon ng pangkalahatang superbisyon sa Gobyernong Bangsamoro upang matiyak na ang mga batas ay matapat na ipinapatupad. Seksiyon 4. Mekanismo sa Intergobyernong Ugnayan.—Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay magtatatag ng mekanismo sa pinakamatataas na antas na mag-uugnay at maglalapat ng kanilang mga ugnayan. Para sa ganitong layunin, ang magiging pangunahing mekanismo ay ang Gobyernong Sentral– Gobyernong Bangsamoro Intergobyernong Ugnayang Láwas lxvi upang lutasin ang mga usapin sa mga ugnayang intergobyerno. Lahat ng pagtatalo at usaping kaugnay sa naturang intergobyernong ugnayan ay lulutasin sa pamamagitan ng regular na konsultasyon at patuloy na negosasyon sa paraang di-nagtatagisan. 16 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang Intergobyernong Ugnayang Láwas ay gagamitin nang lubos ang lahat ng pamamaraan upang malutas ang mga usaping inihain dito. Ang mga usaping nabigong malutas ay iaangat sa Pangulo, sa pamamagitan ng Punong Ministro. Ang Gobyernong Sentral ay hihirang ng pinuno na kakatawan sa Gobyernong Sentral. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng Ministro na dadalo sa lawas na ito, at kakatawanin ang Gobyernong Bangsamoro. Ang lawas ay tatangkilikin ng magkasanib na sekretaryat. Seksiyon 5. Konseho ng mga Pinuno.—Ang Bangsamoro Konseho ng mga Pinuno lxvii ay bubuuin ng Punong Ministro, mga gobernador ng lalawigan, mga alkalde ng mga lungsod na isinabatas, at mga kinatawan mula sa mga di-Morong katutubong komunidad, kababaihan, mga komunidad na pinanahanan, at iba pang sektor. Ang Konseho ng mga Pinuno ng Bangsamoro ay pamumunuan ng Punong Ministro. Papayuhan ng Konseho ang Punong Ministro sa mga usapin ng pamamahala sa Bangsamoro. Ang pagkatawan ng mga di-Morong katutubong pamayanan ay alinsunod sa kanilang mga nakaugaliang batas at katutubong proseso. Seksiyon 6. Debolusyon at Subsidyaridad.—Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay tinatanggap ang konsepto ng debolusyong inspirado ng mga prinsipyo ng subsidyaridad lxviii. Isasagawa ang mga desisyon sa nararapat na antas upang matiyak ang publikong pananagutan at pagkabukás, at sa pagsasaalangalang sa mabuting pamamahala at pangkalahatang kapakanan lxix. Seksiyon 7. Gobyernong Bangsamoro at ang mga Konstitutibo nitong Pamahalaang Lokal na Yunit.—Ang mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, barangay, at heograpikong pook sa loob ng teritoryo nito ay magiging konstitutibong yunit ng Bangsamoro. Ang awtoridad na itakda ang sarili nitong responsabilidad sa mga gawain ng pamahalaang lokal na yunit ay garantisado sa loob na hanggahan ng Batayang Batas. Ang mga pribilehiyong pinakikinabangan na ng pamahalaang lokal na yunit sa bisa ng mga umiiral na batas ay hindi babawasan, maliban kung pinalitan, binago, o isinaayos para sa mabuting pamamahala alinsunod sa batas na isasabatas ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 8. Forum ng Kongresong Filipino lxx - Parlamentong Bangsamoro.— Magkakaroon ng Forum ng Kongresong Filipino-Parlamentong Bangsamoro para sa layunin ng kooperasyon at koordinasyon ng mga pagkukusang pambatasan. Seksiyon 9. Pakikilahok ng Bangsamoro sa Gobyernong Sentral.—Magiging patakaran ng Gobyernong Sentral na humirang ng mga kompetente at kalipikadong naninirahan sa Bangsamoro sa mga sumusunod na opisina sa Gobyernong Sentral: kahit isa (1) man lamang na kalihim ng Gabinete; kahit isa (1) man lamang sa bawat iba pang kagawaran, opisina, at kawanihan, at maghahawak ng ehekutibo, pangunahin ang pagiging teknikal, tagapagtakda-ng-patakarang posisyon; at isang (1) Komisyoner sa bawat láwas konstitusyonal. Ang mga rekomendasyon ng Gobyernong Bangsamoro ay ipapaling sa pamamagitan ng mga mekanismo sa intergobyernong ugnayan. Seksiyon 10. Tulong sa Iba pang Komunidad ng Bangsamoro.—Titiyakin ng Gobyernong Sentral ang proteksiyon sa mga karapatan ng sambayanang Bangsamoro na naninirahan sa labas ng teritoryo ng Bangsamoro, at magsasagawa ng mga programa para sa rehabilitasyon at pagpapaunlad ng kanilang komunidad. Ang Gobyernong Bangsamoro ay maglalaan ng tulong sa kanilang mga komunidad upang mapalawig ang kanilang pang-ekonomiya, panglipunan, at pangkulturang kaunlaran. 17 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Artikulo VII ANG GOBYERNONG BANGSAMORO Seksiyon 1. Mga Kapangyarihan ng Gobyerno.—Ang mga kapangyarihan ng gobyerno ay ipaiilalim sa Parlamentong Gobyerno, na magsasakatuparan ng gayong mga kapangyarihan at gawaing malinaw na ipinahintulot dito nitong Batayang Batas, at sa mga kinakailangan para, o nagkataon lamang, sa tumpak na pamamahala at pagpapaunlad ng Bangsamoro. Itatakda nito ang mga patakaran, magsasabatas ng mga bagay na saklaw ng awtoridad nito, at maghalal ng Punong Ministro, na magsasagawa ng ehekutibong awtoridad sa ngalan nito. Seksiyon 2. Kapangyarihang Lehislatibo.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magkakaroon ng awtoridad na magsabatas ng mga bagay na saklaw ng mga kapangyarihan at kakayahan ng Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 3. Awtoridad na Ehekutibo.—Ang ehekutibong tungkulin at awtoridad ay isasakatuparan ng Gabinete, na pamumunuan ng Punong Ministro. Ang Punong Ministro na namumuno sa ministeryong gobyerno ng Bangsamoro ay ihahalal ng mayoryang boto ng Parlamento mula sa mga kasapi nito. Hihirangin ng Punong Ministro ang Ikalawang Punong Ministro mula sa hanay ng mga Kasapi ng Parlamento, at mga miyembro ng Gabinete, na ang mayorya nito ay magmumula rin sa Parlamento. Parlamentong Bangsamoro Seksiyon 4. Kayarian lxxi.—Ang Parlamento ay bubuuin ng hindi bababâ sa animnapung (60) kasapi, maliban kung may itatadhanang iba ang Parlamento, na mga representante ng mga partido politikal na inihalal sa pamamagitan ng sistema ng pagkatawang patimbang lxxii, mga inihalal mula sa isang kasaping mga distrito at sa mga reserbadong puwestong pagkatawan para katawanin ang mahahalagang sektor sa Bangsamoro, maliban kung itatadhana nang salungat sa Artikulong ito. Seksiyon 5. Pag-uuri at Pagbabahagi ng mga Pagkatawan.—Ang mga pagkatawan sa Parlamentong Bangsamoro ay uuriin at ibabahagi gaya ng sumusunod: (1) Mga Kinatawang Pandistrito. —Kuwarenta porsiyento (40%) ng mga Kasapi ng Parlamento ay ihahalal mula sa isang kasaping parlamentaryong mga distrito na hinati para sa mga pook at sa paraang itinatadhana sa Apéndise nitong Batayang Batas. Ang Parlamentong Bangsamoro ay maaaring gumawa ng bagong pagsasaayos ng distrito upang matiyak ang higit na pantay na pagkatawan sa mga distritong elektorallxxiii sa Parlamentong Bangsamoro. Ang mga representanteng pandistrito ay ihahalal sa pamamagitan ng tuwiran at maramihang boto ng mga rehistradong botante sa mga distritong parlamentaryo. (2) Mga Representante ng Partido.—Singkuwenta porsiyento (50%) ng mga Kasapi ng Parlamento ay mga representante ng mga partido politikal na pawang nagwagi ng mga pagkatawan sa pamamagitan ng sistema ng pagkatawang patimbang, alinsunod sa kabuuang teritoryo ng Bangsamoro. Ang mga Partido ay isusumite ang kani-kanilang listahan ng mga aprobadong kandidato bago ang halalan. 18 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 (3) Mga Reserbadong Pagkatawan; Mga Representanteng Sektoral.—Ang mga representanteng sektoral, na bumubuo ng sampung porsiyento (10%) ng mga Kasapi ng Parlamento, kabilang ang dalawang (2) reserbadong pagkatawan para sa bawat di-Morong katutubong komunidad at nandayuhang lxxiv komunidad. Ang Parlamentong Bangsamoro ay titiyakin ang paraan ng halalan ng sektoral at iba pang pagkatawan sa Parlamentaryo. Seksiyon 6. Halalan para sa mga Reserbadong Uupong Kinatawan na laan sa mga Di-Morong Katutubong Sambayanan lxxv.— Sa kabila ng isinasaad ng kagyat na mga kasunod na seksiyon, ang mga reserbadong uupong kinatawan para sa mga di-Morong katutubong sambayanan, gaya ng Teduray, Lambangian, Dulangan Manobo, B’laan, at Higaonon, ay alinsunod sa kanilang mga kaugaliang batas at katutubong proseso na batay sa mga sumusunod: a. Pangingibabaw ng mga kaugaliang batas at gawi; b. Pangingibabaw ng taguyod na pangkalahatang pagkakasundo lxxvi; c. Pagiging tanggap ng komunidad; d. Mapaglangkap at ganap na pakikilahok; e. Pagkatawan ng mga kolektibong interes at mithi ng mga di-Morong katutubong sambayanan; f. Pagiging likas-kaya lxxvii at pagpapalakas ng mga Katutubong Pampolitikang Estruktura; g. Rekord ng mga nagawa at kakayahan; at h. Pagkakapantay-pantay na pangkasarian. Seksiyon 7. Mga Partidong Panrehiyon.—Ang malaya at bukás na panrehiyong partidong sistema ay pahihintulutang lumago alinsunod sa malayang pagpili ng mga tao. Para sa gayong layunin, tanging ang mga panrehiyong pampolitikang partido na akreditado ng Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro lxxviii ay maaaring lumahok sa mga halalang parlamentaryo sa Bangsamoro. Seksiyon 8. Pagsasaayos ng Distrito lxxix.—Ang Parlamento ay magkakaroon ng kapangyarihang isaayos, sa pamamagitan ng batas, ang mga parlamentaryong distrito na hinati-hati sa mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at heograpikong pook ng Bangsamoro upang matiyak ang pantay na pagkatawan sa Parlamento. Ang pagsasaayos ng distrito, pagsasanib o paglikha, ng mga parlamentaryong distrito ay ibabatay sa bilang ng mga naninirahan at karagdagang lalawigan, lungsod, munisipalidad, at heograpikong pook, na magiging bahagi ng mga teritoryo ng Gobyernong Bangsamoro. Para sa layunin ng pagsasaayos ng distrito, ang mga parlamentaryong distrito ay hahati-hatiin batay sa populasyon at heograpikong pook; Sa pasubali na ang bawat distrito ay bubuo, hangga’t praktikal, sa kanugnog, siksik, at kalapit na teritoryo, at dapat ay may populasyong hindi bababâ sa sandaang libo (100,000). Seksiyon 9. Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro.—Ang Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro lxxx ay magsasabatas ng Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro, na kaugnay ng mga batas sa pambansang halalan, hangga’t ang mga ito 19 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 ay umaayon sa Batayang Batas na ito. Ang sistemang panghalalan ay pahihintulutan ang demokratikong pakikilahok, titiyakin ang pananagutan ng mga publikong opisyal pangunahin na sa kanilang mga nasasakupang mamamayan at hihikayatin ang pagbubuo ng tunay at may prinsipyong mga partidong pampolitika. Lilikhain ang Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro na magiging bahagi ng Komisyon sa Eleksiyon, at gaganap ng mga tungkulin ng Komisyon sa Eleksiyon sa Bangsamoro. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magsusumite ng listahan ng tatlong (3) rekomendado sa Pangulo, na siyang pipili at hihirang sa hanay nila ng Direktor Heneral, na mamumuno ng Opisina. Bukod sa pagpapatupad ng mga batas sa pambansang halalan sa Bangsamoro, ang Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro ay magpapatupad ng Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro na isinabatas ng Parlamento sa Bangsamoro, at gaganap ng mga sumusunod na tungkulin: 1. Irehisto at iakredit ang mga panrehiyong partidong pampolitika; 2. Kaugnay ng plebisito para sa pagsapi sa Bangsamoro, tumanggap ng mga petisyon/resolusyon para sumapi mula sa mga heograpikong pook; 3. Itakda ang panahon ng mga plebisito para sa pagpapalawak; at 4. Maghanda ng mga patakaran at regulasyon para sa mga halalan at plebisito sa Bangsamoro, para ipromulga ng Komisyon sa Eleksiyon. Lahat ng patakaran at regulasyon na gumagabay sa mga halalan at plebisito sa Bangsamoro ay magmumula sa Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro. Seksiyon 10. Badyet para sa Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro.—Ang badyet para sa Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro ay ilalahok sa apropriyasyon sa Komisyon sa Eleksiyon. Seksiyon 11. Termino ng Panunungkulan.—Ang termino ng panunungkulan ng mga kasapi ng Parlamento ay magiging tatlong (3) taon hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro. Walang kasapi ang magsisilbi nang higit sa tatlong (3) magkakasunod na termino. Seksiyon 12. Mga Kalipikasyon. —Walang sinuman ang magiging Kasapi ng Parlamento hangga’t hindi siya mamamayan ng Pilipinas, hindi bababâ sa dalawampu’t lima (25) ang edad sa araw ng halalan, nakababása at nakasusulat, at rehistradong botante sa Bangsamoro. Para sa mga representante ng distrito, siya ay dapat rehistradong botante sa distrito na siya ay kandidato sa araw na siya ay maghain ng kaniyang sertipiko ng pagkandidato, at nakapanirahan sa nasabing distrito nang hindi bababâ sa tatlong (3) taon bago pa ang araw ng halalan. Para sa unang regular na halalan na kagyat na kasunod makaraang maisabatas ang Batayang Batas ng Bangsamoro, ang binanggit sa itaas na pangangailangan sa paninirahan ay paiikliin sa isang (1) taon na kagyat na kasunod sa araw ng halalan. Seksiyon 13. Mga Sahod ng mga Kasapi ng Parlamento.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay titiyakin ang mga sahod at gantimpagal lxxxi ng mga kasapi nito. Walang dagdag sa nasabing bayad ang magkakabisa hangga’t hindi nagwawakas ang ganap na termino ng lahat ng kasapi ng Parlamentong Bangsamoro na nagpatibay sa gayong dagdag. Para sa unang Parlamentong Bangsamoro, ang mga sahod at gantimpagal ng mga kasapi nito ay itatakda ng batas na pinagtibay ng Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro (ATB). 20 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ay hindi tatanggap sa panahon ng kanilang panunungkulan ng iba pang sahod at gantimpagal mula sa Gobyernong Bangsamoro o mula sa Gobyernong Sentral maliban kung itinatadhana ng batas o mga regulasyon mula sa Parlamentong Bangsamoro.’’ Seksiyon 14. Paglalahad lxxxii.—Ang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro, makaraang magsimula sa panunungkulan, ay ilalahad nang ganap ang kanilang mga pananalapi at pangnegosyong interes, kabilang na yaong taglay ng kanilang mga asawa at anak. Ipababatid nila sa Parlamentong Bangsamoro ang anumang potensiyal na pagsasalungatan ng interes na maaaring lumitaw mula sa paghahain ng panukalang batas o resolusyon na sila ang awtor. Sinumang kasapi na mapatunayang nagkasala sa di-paglalahad, gaya sa itinatadhana nitong Seksiyon, ay mahaharap sa aksiyong pandisiplina lxxxiii ng Parlamentong Bangsamoro alinsunod sa mga Patakaran, at nang walang prehuwisyo sa kaniyang ibang pananagutan sa ilalim ng batas. Seksiyon 15. Prohibisyon laban sa anumang Pagsasalungatan ng Interes.—Ang Punong Ministro, ang Ikalawang Punong Ministro, at ang lahat ng kasapi ng Parlamentong Bangsamoro, sa loob ng kanilang termino, ay hindi dapat makisangkot, tuwiran man o hindi, sa alinmang gawaing pangnegosyo o pangkalakal na maaaring magkaroon ng salungatan ng interes sa pagsasakatuparan ng mga tungkulin ng kanikanilang opisina. Seksiyon 16. Pagkawala ng Karapatang Kumatawanlxxxiv.—Ang Kasapi ng Parlamento ay matatanggalan ng karapatang kumatawan, kung: a. Siya ay nagkusang magbitiw sa anyong pasulat o pabigkas na pahayag sa Parlamento; b. Siya ay naparusahan sa mabigat na pagkakasala, gaya sa isinasaad sa Mga Patakaran ng Kapulungan na ihahayag ng Parlamentong Bangsamoro, alinsunod sa Artikulo VII, Seksiyon 9 nitong Batayang Batas, o pagtataksil sa bayan, malalaking krimen, nakasusuklam lxxxv na krimen, mga krimen laban sa moralidad, o iba pang krimen na may parusang higit sa anim (6) na taon; c. Siya ay nahadlangan ng permanenteng pinsalang pisikal o pangkaisipan para makakilos at hindi na kayang gampanan ang kaniyang mga tungkulin bilang kasapi ng Parlamento, o namatay habang nanunungkulan; d. Siya, na inihalal sa bisa ng sistema ng representasyong patumbas, ay pinalitan ng partido na kinabibilangan niya, at ang ipinalit ay ibang kasapi ng nasabing partido; e. Siya, na inihalal sa bisa ng sistema ng representasyong patumbas, ay lumipat sa ibang partido sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang kasapi ng Parlamento; f. Iba pang sanhi na itatakda ng Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro, gaya ng binanggit sa Artikulo VII, Seksiyon 9 nito. Seksiyon 17. Pagpupunô ng Bakante.—Sa kaso na mabakante ang isang puwesto ng kinatawan sa representasyong patumbas, ang partido na pinagbuhatan ng naturang pagkatawan ang magpupuno sa bakante. 21 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Sa kaso na mabakante ang puwesto ng kinatawang pandistrito ng kaanib na Kasapi ng Parlamento, ang kaniyang partido ay magnonomina ng kapalit sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa paglitaw ng gayong bakante, at ang nasabing nominado ay hihirangin ng Punong Ministro. Sa kaso na mabakante ang puwesto ng kinatawan na okupado ng di-kaanib na Kasapi ng Parlamento lxxxvi, ang espesyal na halalan ay maaaring ihayag upang punuan ang nasabing bakant sa paraang itinadhana ng batas na isinabatas ng Parlamento. Ang hinirang o inihalal na Kasapi ng Parlamento, anuman ang angkop na pangyayari, ay magsisilbi sa natitirang hindi pa tapos na termino ng bakanteng opisina. Seksiyon 18. Mga Pribilehiyo at Inmunidad lxxxvii.—Walang sinumang kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ang maaaring arestuhin samantalang nasa sesyon ang Parlamentong Bangsamoro, maliban para sa mga krimeng maparurusahan nang mahigit anim (6) na taon ng pagkakabilanggo. Ang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ay hindi maaaring tanungin sa ibang pook na mag-oobliga sa anumang talumpati o debate na binigkas sa mga sesyon ng Parlamentong Bangsamoro, o sa mga pulong ng mga lupon nito. Seksiyon 19. Mga Sesyon sa Parlamentong Bangsamoro.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay isasagawa ang regular nitong sesyon kada taon na magsisimula sa 15 ng Hunyo pataas hanggang tatlumpung (30) araw bago ang pagbubukas ng susunod na regular na sesyon. Ang espesyal o kagipitang lxxxviii sesyon ay maaaring ihayag ng Ispiker, alinsunod sa hiling ng Punong Ministro o ng mayorya ng mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 20. Mga Opisyal ng Parlamentong Bangsamoro.—Sa unang sesyon makaraan ang kanilang pagkakahalal, ang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ay maghahalal, sa isang bukás na sesyon, sa pamamagitan ng payak na mayoryang boto mula sa lahat ng kasapi nito, ng Ispiker, Katuwang na Ispiker, at iba pang opisyal ng Parlamentong Bangsamoro, gaya ng isinasaad ng Mga Patakaran ng Kapulungan ng Parlamentong Bangsamoro. Sa kaso ng pagkamatay, pagkatiwalag, pagbibitiw, o permanenteng kapansanan o legal na pagkainutil ng Ispiker, ang Katuwang na Ispiker ay siyang gaganap na Ispiker hanggang ang bagong Ispiker ay naihalal ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 21. Tagapamunong Opisyal lxxxix.—Ang Ispiker, Katuwang na Ispiker, o sinumang tao na nagsisilbing tagapamuno sa Parlamentong Bangsamoro ay dapat: a. Maging independiyente; b. Magsilbi para tiyakin ang dangal at dignida ng Parlamentong Bangsamoro; c. Maging responsable sa pagtitiyak—(i) ng mga karapatan at pribilehiyo ng lahat ng kasapi; at (ii) publikong akses sa mga katitikan xc; d. Magtaglay ng awtoridad at huwarang moralxci upang mapanatili ang kaayusan at kabutihang-loob sa Parlamentong Bangsamoro, alinsunod sa mga Patakaran ng Kapulungan; at e. Kumilos nang patas, at walang takot, pabor at prehuwisyo. Seksiyon 22. Mga Tuntunin sa Kaparaanan xcii.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magtatadhana ng sarili nitong Mga Patakaran ng Kapulungan para sa pagsasakatuparan ng mga aasikasuhin nito. 22 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 23. Mga Katitikan.—Ang mayorya ng mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ay bubuo ng korum upang magawa ang dapat nitong asikasuhin. Ang lehislatibong katitikan sa Parlamentong Bangsamoro ay itatala sa orihinal nitong anyo at isasalin sa Filipino, Arabe, at Ingles. Hangga’t walang itinatadhanang iba ang batas o ang Mga Patakaran ng Kapulungan ng Parlamentong Bangsamoro, ang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ay maaaring gamitin ang alinman sa mga karaniwang nauunawaang katutubong wika sa mga lehislatibong deliberasyon. Seksiyon 24. Pangkalahatang Kapakanan.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapasa ng batas na magtatampok ng pangkalahatang kapakanan ng mga tao sa Bangsamoro. Seksiyon 25. Apropriyasyon.—Walang publikong salapi ang maaaring gastahin nang walang batas sa apropriyasyon na malinaw na nagsasaad ng layunin para sa inaasahang paglalaanan nito. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapasa ng taunang batas sa apropriyasyon. Seksiyon 26. Badyet.—Ang anyo, nilalaman, at paraan ng paghahanda ng badyet ng Bangsamoro ay itatadhana ng batas na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro. Samantalang hindi napagtitibay ang nasabing batas, ang proseso ng pagbabadyet ay papatnubayan ng mga umiiral na batas, patakaran, at regulasyon sa badyet. Seksiyon 27. Muling Isinasabatas na Badyet.—Kung, sa pagwawakas ng piskal na taon, ang Parlamentong Bangsamoro ay nabigong makapagpasa ng mga panukalang apropriyasyon sa Bangsamoro para sa darating na piskal na taon, ang Batas Apropriyasyon ng Bangsamoro ng naunang taon ang ituturing na awtomatikong muling isinabatas at mananatiling umiiral at may bisa hangga’t ang bagong batas sa apropriyasyon sa Bangsamoro ay pinagtibay ng Parlamento. Mga Ehekutibong Opisyal xciii Seksiyon 28. Mga Kalipikasyon ng Punong Ministro.—Walang sinumang tao ang maaaring mahalal na Punong Ministro hangga’t hindi siya umaabot man lamang sa edad 25 sa panahon ng halalan, tunay na residente ng Bangsamoro sa loob ng tatlong (3) taon agad bago ang araw ng halalan, at may mapapatotohananang kakayahan at katapatan, malusog ang isip, at kilala sa kaniyang integridad at mataas na huwarang moral. Para sa unang halalan ng Punong Ministro na agad kasunod ng pagsasabatas ng Batayang Batas sa Bangsamoro, ang nabanggit na pangangailangang manirahan ay babawasan ng isang (1) taon agad bago ang araw ng halalan. Seksiyon 29. Paghahalal ng Punong Ministro.—Sa pambungad na sesyon ng Parlamentong Bangsamoro makaraan ang pagkakahalal nito, ang mga kasapi ng Parlamento ay maghahalal, sa isang bukás na sesyon, ng Punong Ministro sa pamamagitan ng botong mayorya ng lahat ng kasapi nito. Kung walang sinumang kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ang nakakuha ng mayoryang boto na kailangan para maihalal na Punong Ministro sa unang ikot ng botohan, isasagawa ang isang halalang pangwakas xciv. Sa gayong kaso, ang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro ay maghahalal ng Punong Ministro mula sa dalawang (2) kandidato na nakakuha ng pinakamatataas na bilang ng boto sa unang ikot ng botohan. Hindi pahihintulutan ang anumang abstensiyon sa halalang pangwakas. 23 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 30. Mga Kapangyarihan, Tungkulin, at Gawain ng Punong Ministro.— Hangga’t walang itinatadhana ang batas, ang Punong Ministro ay isasakatuparan ang mga sumusunod na kapangyarihan, tungkulin, at gawain: a. Pamunuan ang gobyerno ng Bangsamoro; b. Humirang ng mga pinuno ng mga ministeryo, ahensiya, kawanihan, mga opisina ng Gobyernong Bangsamoro, o iba pang opisyal ng mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng Bangsamoro, o mga entidad na may mga orihinal na tsarter; c. Humirang ng ibang opisyal sa Gobyernong Bangsamoro, gaya ng itinatadhana ng Parlamento; d. Bumalangkas ng plataporma ng gobyerno alinsunod sa pagpapatibay ng Parlamento; e. Maghayag ng mga kautusang tagapagpaganap at iba pang patakaran ng Gobyernong Bangsamoro; f. Katawanin ang gobyerno ng Bangsamoro sa mga gawaing nasa labas ng Bangsamoro; g. Isakatuparan ang iba pang kapangyarihan at tungkuling kakabit ng nasabing posisyon. Seksiyon 31. Pagpapanumpa sa Punong Ministro.—Ang Wali ang magpapanumpa sa tungkulin ng lahat ng Kasapi ng Parlamento, kabilang na ang Punong Ministro pagkaraang mahalal siya. Seksiyon 32. Kasapiang Ex-Officio.—Ang Punong Ministro ang magiging kasaping ex-officio ng National Security Council (NSC) sa mga usaping may kaugnayan sa Bangsamoro at sa National Economic and Development Authority Board (NEDA). Seksiyon 33. Ang Ikalawang Punong Ministro.—Ang Ikalawang Punong Ministro ay hihirangin ng Punong Ministro mula sa hanay ng mga kasapi ng Parlamento at maaaring humawak ng posisyon sa gabinete. Sa kaso ng pagkamatay, pagkatiwalag, pagbibitiw, o inkapasidad ng Punong Ministro, ang Ikalawang Punong Ministro ay pansamantalang gaganap bilang Punong Ministro hanggang makapaghalal ng bagong Punong Ministro ang Parlamento. Ang nasabing halalan ay gaganapin sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa paglitaw ng bakante. Seksiyon 34. Pagtawag ng Bagong Halalan sa Parlamentong Bangsamoro.—Sa loob ng pitumpu’t dalawang (72) oras pagkaraang tumanggap ng dalawang-katlong (2/3) boto ng kawalang kumpiyansa ang lahat ng kasapi ng Parlamento laban sa gobyerno ng araw na iyon, ang Punong Ministro ay papayuhan ang Wali na buwagin ang Parlamento at tumawag ng bagong halalang parlamentaryo. Hindi maaari ang kaso na ang Wali ay sasalungatin ang payo ng Punong Ministro. Ang Wali ay tatawag ng halalan ng bagong Parlamentong Bangsamoro sa petsa na hindi lalampas sa sandaan at dalawapung (120) araw mula sa petsa ng pagkakabuwag. Sa kaso ng pagkakabuwag, ang gumaganap na Punong Ministro at at ang Gabinete ay magpapatuloy sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng Gobyernong Bangsamoro hanggang ang Bagong Parlamento ay mapulong at ang bagong Punong Ministro ay maihalal at maging kalipikado. 24 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Artikulo VIII Wali Seksiyon 1. Pinunong Pampagamat ng Bangsamoro.—Magkakaroon ng Wali na magiging pinunong pampamagat ng Bangsamoro. Bilang pinunong pampamagat ng Bangsamoro, ang Wali ay gaganap lamang sa mga panseremonyang gawain. Ang Wali, bilang bahagi ng Gobyernong Bangsamoro, ay mapaiilalim sa pangkalahatang pamamahala ng Pangulo xcv. Seksiyon 2. Paghirang sa Wali.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay maghahayag ng kapasiyahan na sumasalamin sa konsensus sa pagpili ng Wali mula sa listahan ng mga pangalan ng mga tanyag na residente ng Bangsamoro na isinumite ng Konseho ng mga Pinuno. Seksiyon 3. Termino ng Panunungkulan ng Wali.—Ang unang Wali ay hihirangin ng Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro xcvi (ATB) at manunungkulan sa loob ng tatlong (3) taon. Bawat susunod na Wali ay magkaaroon ng terminong anim (6) na taon. Seksiyon 4. Mga Alawans ng Wali.—Ang unang Wali ay tatanggap ng mga alawans na katumbas ng halagang itatakda ng BTA. Ang mga alawans ng Wali na pinili pagkaraan ay itatakda ng Parlamentong Bangsamoro. Ang naturang mga alawans ay hahanguin mula sa mga pondo ng Gobyernong Bangsamoro at ibibigay alinsunod sa taunang batas sa apropriyasyon. Artikulo IX MGA BATAYANG KARAPATAN Seksiyon 1. Batayang Karapatan sa Bangsamoro.—Bukod sa mga batayang karapatang tinatamasa ng mga mamamayan sa Bangsamoro, ang Gobyernong Bangsamoro ay gagarantiyahan ang mga sumusunod na maipatutupad na karapatan: a. Karapatan sa buhay at hindi mayuyurakang pagkatao at dignidad; b. Karapatan sa kalayaan at pagpapahayag ng relihiyon at mga paniniwala; c. Karapatan sa pribasidad xcvii; d. Karapatan sa malayang pamamahayag; e. Karapatang magpahayag ng opinyong pampolitika at kamtin sa demokratikong paraan ang mga mithing pampolitika; f. Karapatang maghanap ng pagbabagong pangkonstitusyon sa pamamagitan ng mapayapa at lehitimong paraan; g. Karapatan ng mga babae sa makabuluhang pakikilahok pampolitika at proteksiyon sa lahat ng anyo ng karahasan; h. Karapatan sa malayang pagpili ng pook ng tirahan at sa di-mapanghihimasukang tahanan; 25 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 i. Karapatan sa pantay-pantay na oportunidad at sa walang-diskriminasyon sa gawaing panlipunan at pang-ekonomiya at serbisyo, anuman ang uri, paniniwala, kapansanan, kasarian, at etnisidad; j. Karapatan na magtatag ng mga kasapiang pangkultura at panrelihiyon; k. Karapatang magkaroon ng kalayaan laban sa mga pandarahas na relihiyoso, etniko, at sektraryan; l. Karapatan na harapin ang mga hinaing at dumaan sa tumpak na proseso, alinsunod sa batas; m. Karapatan sa libreng publikong edukasyon sa mga antas elementarya at hayiskul; Ang Parlamentong Bangsamoro ay maaaring magpatibay ng batas para sa promosyon at proteksiyon ng mga binanggit sa itaas . Seksiyon 2. Karapatang Pantao.—Lahat ng batas at patakaran, kabilang na ang mga kaugaliang batas, ay dapat umayon sa mga internasyonal na karapatang-pantao at makataong pamantayan. Ang mga karapatan sa bisa ng Internatiional Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR), Internatiional Covenant on Civil and and Political Rights (ICCPR), at iba pang internasyonal na batas hinggil sa karapatang pantao ay gagarantiyahan ng Gobyernong Sentral at ng Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 3. Mga Protektadong Karapatan sa Ari-arian.—Ang mga protektadong karapatan sa mga ari-arian ay kikilalanin at igagalang. Hinggil sa mga lehitimong hinaing ng sambayanang Bangsamoro na sanhi ng alinmang di-makatarungang pag-agaw sa kanilang mga karapatang panteritoryo at pang-ariarian, ang mga nakaugaliang paninirahan sa lupain o ang kanilang karukhaan ay kikilalanin. Kung hindi na possible ang pagpapanumbalik sa dating kalagayan, ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay gagawa ng mga epektibong hakbang para sapat na matumbasan ang nawala sa gaya ng kalidad, kantidad, at estadong sa pangkalahatan ay may benepisyo sa Sambayanang Bangsamoro, at magkasamang tutukuyin ng kapuwa gobyerno. Seksiyon 4. Katarungang Lumilipas.—Lilikhain ang isang lumilipas na pangkatarungang mekanismo upang harapin ang mga lehitimong hinaing ng sambayanang Bangsamoro, gaya sa istorikong inhustisya, paglabag sa mga karapatang pantao, [at] pagkadukha sanhi ng di-makatarungang pag-agaw sa kanilang mga karapatang panteritoryo at pang-ari-arian at [panghihimasok] sa kaugalian sa pagtataglay ng lupain xcviii. Seksiyon 5. Mga Karapatan ng mga Pangkat Etniko.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay kikilalanin ang mga karapatan ng mga pangkat etniko, at gagawa ng mga hakbang para sa promosyon at proteksiyon ng kanilang mga karapatan, ang karapatan sa kanilang katutubong titulo at/o fusaka ingëd xcix, ang mga katutubong kaugalian at tradisyon, ang mga sistemang pangkatarungan at katutubong estrukturang pampolitika, ang karapatan sa patas na pamamahagi ng mga kita mula sa paggamit ng mga likas-yaman sa kanilang mga pamanang lupain, ang karapatang magbigay ng malayang pahintulot at may paunang pagpapaalam c, ang karapatan sa pampolitikang pakikilahok sa Gobyernong Bangsamoro, kabilang ang mga reserbadong puwesto ng pagkatawan para sa mga pangkat etniko sa Parlamentong Bangsamoro, ang karapatan sa mga pangunahing serbisyo, at ang karapatan sa kalayaang mamilì ng kanilang identidad. 26 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 6. Mga Kaugaliang Karapatan at Tradisyon.—Ang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng mga tao sa Bangsamoro ay kikilalanin, poprotektahan, at gagarantiyahan. Ang Parlamentong Bangsamoro ay gagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kapuwa respeto at proteksiyon sa mga natatanging paniniwala, kaugalian, at tradisyon ng sambayanang Bangsamoro at iba pang naninirahan sa Bangsamoro. Walang sinumang tao sa Bangsamoro ang dapat dumanas ng anumang anyo ng diskriminasyon dahil sa paniniwala, relihiyon, katutubong ugat, pinagmulang angkan, o kasarian. Seksiyon 7. Komisyon sa Karapatang Pantao ng Bangsamoro.—Lilikhain ang Komisyon sa Karapatang Pantao ng Bangsamoro, na magiging independiyente at patas, upang matiyak ang promosyon at proteksiyon ng mga karapatang pantao sa Bangsamoro. Sa pagganap ng mandato nito, ang Komisyon ay maaaring isakatuparan, kabilang ang iba pang bagay, ang kapangyarihang magsiyasat, kapangyarihang magsakdal, at kapangyarihang sapilitang padaluhin ang mga saksi at magpalabas ng ebidensiya. Ang Komisyon ay isusumite ang ulat ng mga gawain at nagawa nito nang kahit isang beses kada tao sa Parlamentong Bangsamoro. Ang iba pang instrumentalidad sa Bangsamoro ay tutulong sa Komisyon at titiyak sa pagiging independiyente, patas, marangal, at epektibo nito. Ang Komisyon ay magkakaroon ng maugnayin at komplementaryong pakikiharap sa pambansang Komisyon sa Karapatang Pantao na nagsasagawa ng mandato nito. Ang mga detalye hinggil sa pagtatatag ng Komisyon, gaya ng kasapian sa Komisyon, mga termino sa panunungkulan, at kakayahan at responsabilidad, ay itatakda ng Parlamentong Bangsamoro alinsunod sa mga probisyon nitong Batayang Batas. Katarungang Panlipunan Seksiyon 8. Paghahatid ng mga Pangunahing Serbisyo.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magbibigay, magpapanatili, at magtitiyak ng paghahatid, kasama ang iba pang bagay, ng mga pangunahin at tumutugong programang pangkalusugan, dekalidad na edukasyon, angkop na serbisyo, oportunidad na pangkabuhayan, abot-kaya at progresibong proyektong pabahay, at pagpapaunlad ng pinagkukunan ng tubig, sa sambayanang Bangsamoro at iba pang naninirahan sa Bangsamoro. Pananatilihin nito ang angkop na yunit sa paghahanda sa disaster para sa mga kagyat at epektibong serbisyong pansagip sa mga biktima at ng likas at likhang-tao na kalamidad. Titiyakin din nito ang rehabilitasyon ng mga pook ng kalamidad at ng mga biktima ng kalamidad. Seksiyon 9. Mga Karapatan ng Lakas-Paggawa.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay gagarantiyahan ang lahat ng pangunahing karapatan ng lahat ng manggagawa na kusang organisahin ang lahat ng manggagawa, at sabayang aktibidad na mapayapa, kabilang ang karapatang magwelga alinsunod sa batas na pinagtibay ng Parlamento. Sa ganitong pangyayari, ang karapatan ng mga manggagawa, publiko man o pribado ang hanapbuhay, na bumuo ng mga unyon, asosasyon o federasyon ay hindi paiikliin. Ang mga manggagawa ay makikilahok sa mga prosesong pampatakaran at pagpapasiya na umaapekto sa kanilang mga karapatan at benepisyo, gaya ng isinasaad ng batas na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro. 27 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang karapatan ng mga manggagawa hinggil sa seguridad sa paninirahan, makataong kondisyon sa trabaho, at napapanahong sahod ay gagarantiyahan. Hindi papayagan ang pagpupuslit ng mga tao at pagkuha sa mga menor de edad sa mga mapanganib o makasasamâng anyo ng hanapbuhay. Ang mga karapatang ito ay itatadhana sa bata na pagtitibayin ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 10. Proteksiyon sa mga Babae at Bata.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay titiyakin at isasanggalang ci ang mga pangunahing karapatan ng mga babae at bata, kabilang ang karapatan ng mga babae na makapagtrabaho nang legal. Ang mga babae at bata, lalo ang mga ulila sa murang edad, ay isasanggalang sa pagsasamantala, pang-aabuso, o diskriminasyon. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magsasabatas ng mga kinakailangang batas para sa pagsasakatuparan nitong seksiyon. Seksiyon 11. Pakikilahok ng mga Babae sa Gobyernong Bangsamoro.—Bukod sa reserbadong puwesto ng pagkatawan para sa mga babae sa Parlamento, magkakaroon ng kahit isa (1) man lamang na kalipikadong babae na hihirangin sa Gabineteng Bangsamoro. Ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng batas na kikilala sa importanteng papel ng mga babae sa pagtataguyod ng bansa at kaunlarang panrehiyon, at titiyak sa representasyon ng mga babae sa iba pang láwas hinggil sa pagbubuo ng pasiya at pagtitiyak ng patakaran sa Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 12. Mga Karapatan ng mga Bata.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay igagalang, isasanggalang, at itatampok ang mga karapatan ng mga bata. Ang mga patakaran at programa ng Bangsamoro ay dapat isaalang-alang nang lubos ang pinakamabuting interes ng bata, kawalang-diskriminasyon sa mga bata, kaligtasan at kaunlaran, proteksiyon at mga karapatan ng mga bata, kabataan, at adolesente. Ang Gobyernong Bangsamoro at ang mga konstitutibong pamahalaang lokal yunit ay magbibigay ng sapat na pondo at epektibong mga mekanismo para sa pagsasakatuparan nitong patakaran. Karapatan sa Edukasyon Seksiyon 13. Integradong Sistema ng Edukasyong De-kalidad.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magtatatag, magpapanatili, at magtatangkilik, bilang pangunahing priyoridad, ng kompleto at integradong sistema ng edukasyong de-kalidad, at gagamit ng isang balangkas na pang-edukasyon na napapanahon, at tumutugon sa mga pangangailangan, mithi, pangarap ng Bangsamoro. Seksiyon 14. Sistema ng Pantribung Unibersidad.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng isang sistemang pantribung unibersidad upang matugon ang higit na mataas na pang-edukasyong pangangailangan ng mga katutubong pangkulturang pamayanan sa Bangsamoro. Karapatan sa Kalusugan Seksiyon 15. Komprehensibo at Integradong Paghahatid ng Serbisyong Pangkalusugan.—Ang Bangsamoro ay magsasagawa ng patakaran sa kalusugan na magbibigay ng komprehensibo at integradong paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga nasasakupan nito. Ang Bangsamoro, sa bisa ng batas, ay magtatatag ng sistema ng pangkalahatang ospital upang pagsilbihan ang mga 28 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan nito, upang matiyak na ang indibidwal na pangunahing karapatan sa buhay ay matamo sa pamamagitan ng mabilis na pagbibigay ng mahuhusay at abot-kayang mga serbisyong medical. Ang Bangsamoro ay kikilalanin din ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng akses sa mahahalagang produkto, at mga pangkalusugan at iba pang panlipunang serbisyo na magtatampok ng kanilang kapakanan cii. Seksiyon 16. Tangkilik sa mga May-kapansanang Tao.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magtatatag ng isang espesyal na ahensiya at mga suportang pasilidad para sa mga may-kapansanang tao at ibang nasa desbentahang tao para sa kanilang rebilitasyon, at pagsasanay para kabuhayan at kasanayan nang mahikayat ang kanilang produktibong pagsanib sa malawak na lipunan. Sining at Isports Seksiyon 17. Edukasyong Pisikal at Pagpapaunlad ng Isports.—Ang sistemang pang-edukasyon ng Bangsamoro ay magpapaunlad at mapagpapanatili ng integrado at komprehensibong programa sa edukasyong pisikal. Ito ay magpapaunlad ng mga malusog, disiplinado, mapagbago, at produktibong indibidwal, at magtatampok ng mabuting kaginoohan sa isports, pagtutulungan, at bayanihan ciii. Seksiyon 18. Mga Programa sa Isports.—Ang sistemang pang-edukasyon ng Bangsamoro ay maghihikayat at tatangkilik ng mga programa sa isports, kompetisyong panliga, katutubong mga laro, martial arts, at amatyur isports, kabilang ang pagsasanay para sa mga kompetisyong panrehiyon, pambansa, at pandaigdig. Kultura Seksiyon 19. Preserbasyon ng Pamanang Pangkultura ng Bangsamoro.—Upang mapanatili ang kasaysayan, kultura, sining, tradisyon, at mayamang kulturang pamana ng mga Sultanato, gaya ng mga Sultanato sa Sulu, Magindanaw, Buayan, at ang mga Maharlikang Tahanan ng mga Mëranaw at mga katutubong pangkat ng Bangsamoro, lilikhain ang isang komisyon sa Bangsamoro para sa preserbasyon ng pamanang kultura. Seksiyon 20. Pangunahing Responsabilidad ng Komisyon.—Ang Komisyon ng Bangsamoro para sa preserbasyon ng pamanang kultura ay magtataglay ng pangunahing responsabilidad na sulatin ang kasaysayan ng sambayanang Bangsamoro, at magtatag at magpalawig ng mga institusyong pangkultura, programa, at proyekto sa mga kabahaging pook ng Bangsamoro. Ang komisyon ay magtatatag ng mga aklatan at museo, at maghahayag at magpapanumbalik ng mga makasaysayang dambana at pook pangkultura upang manapanatili ang pamana ng Bangsamoro sa susunod na salinlahi. Seksiyon 21. Pangangasiwa ng mga Makasaysayan at Pangkulturang Pook ng Bangsamoro.—Ang Gobyernong Sentral ay isasalin ang pangangasiwa ng mga makasaysayan at pangkulturang pook ng Bangsamoro na kasalukuyang nasa hurisdiksiyon ng Pambansang Museo, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan, o iba pang ahensiya ng Gobyernong Sentral sa komisyon para sa preserbasyon ng pamanang pangkultura ng Bangsamoro, sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan. Ang komisyon para sa preserbasyon ng mga pamanang pangkultura ng Bangsamoro ay makikipag-ugnay sa mga pertinenteng ahensiya ng Gobyernong Sentral hinggil sa regulasyon, paghukay at preserbasyon ng mga artefaktong pangkultura at sa pagbawi ng mga nawalang makasaysayan at pangkulturang pamana. 29 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Artikulo X SISTEMANG PANGKATARUNGAN NG BANGSAMORO Seksiyon 1. Sistemang Pangkatarungan ng Bangsamoro.—Ang sistemang pangkatarungan sa Bangsamoro ay kabibilangan ng Batas Shari’ah na mangingibabaw at ilalapat sa mga Muslim lamang; ng tradisyonal o pantribung sistemang pangkatarungan na para sa mga katutubong lipi sa Bangsamoro; ng mga hukumang lokal; at ng alternatibong sistema sa paglutas ng pagtatalo. Para sa mga Muslim, ang sistemang pangkatarungan sa Bangsamoro ay magbibigay ng pangunahing konsiderasyon sa Shari’ah, at at mga kaugaliang karapatan at tradisyon ng mga katutubong lipi sa Bangsamoro. Wala ritong ipapakahulugan na magkakabisa na ikasasamà ng mga di-Muslim at dikatutubong lipi. Sistemang Pangkatarungan ng Shari’ah Seksiyon 2. Sistemang Pangkatarungan ng Shari’ah. —Ang mga Hukumang Shari’ah sa Bangsamoro ay magkakaroon ng hurisdiksiyon sa batas Shari’ah na isinabatas ng Parlamentong Bangsamoro hinggil sa ugnayan ng mga tao at pamilya, at iba pang usapin sa batas sibil, batas komersiyo, at batas kriminal. Magkakaroon ng kooperasyon at koordinasyon saGobyernong Sentral hinggil sa sistemang pangkatarungan ng Shari’ah, sa pamamagitan ng iba’t ibang mekanismo gaya ng nasasaad dito. Seksiyon 3. Mga Batas sa Shari’ah.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng mga batas hinggil sa ugnayan ng mga tao at pamilya, at iba pang usapin sa batas sibil, batas komersiyo, batas kriminal, kabilang na ang pakahulugan ng mga krimen at pagtutumbas ng kaparusahan hinggil dito. Ang nasabing mga batas sa Shari’ah ay tanging maipapataw sa mga Muslim. Ang mga batas kriminal na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro ay magkakabisa sa loob ng teritoryo ng Bangsamoro at dapat umayon sa mga unibersal na katanggap-tanggap na prinsipyo at pamantayan ng karapatang pantao. Seksiyon 4. Mga Sanggunian ng Batas Shari’ah.—Ang sumusunod ang mga sanggunian ng Batas Shari’ah, kabilang ang iba pa: a. Al-Qur’an (Ang Koran); b. Al-Sunnah (Mga Tradisyong Propetiko); c. Al-Qiyas (Analohiya); at d. Al-Ijima (Konsensus). Seksiyon 5. Mga Sirkitong Hukuman ng Shari’ah.—Ang Sirkitong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro ay isasakatuparan ang esklusibong orihinal na hurisdiksiyon sa mga sumusunod na pangyayari: a. Lahat ng kaso na kaugnay sa pagkakasala at pinarusahan sa bisa ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083, na ang pagkilos o di-pagkilos civ ay isinagawa sa Bangsamoro; 30 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 b. Lahat ng aksiyon at pagdinig na sibil sa panig ng mga partido na naninirahan sa Bangsamoro, at pawang mga Muslim o ikinasal alinsunod sa Artikulo 13 ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083 na kaugnay ng mga pagtatalo hinggil sa: i. Kasal; ii. Diborsiyo na kinikilala sa bisa ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083; iii. Ésponsales cv o paglabag sa kasunduang magpakasal; iv. Kaugaliang dote (mahr); v. Disposisyon at pamamahagi ng ari-arian pagkaraan ng diborsiyo; vi. Mantenimiyento at tangkilik, at mga handog na pampalubag-loob cvi (mut’a); vii. Restitusyon ng mga karapatan sa pag-aasawa. c. Lahat ng kaso na hinggil sa pagtatalo na kaugnay ng mga ari-ariang pampamayanan; d. Lahat ng kaso na kaugnay ng mga pagkakasalang ipinakahulugan at parurusahan sa bisa ng batas Shari’ah na isinabatas ng Parlamentong Bangsamoro na may pagkakabilanggo nang hindi hihigit sa anim (6) na taon anuman ang halaga ng multa, at gaano man ang iba pang maipapataw na dagdag o ibang kaparusahan, kabilang ang pananagutang sibil na lumitaw mula sa gayong mga pagkakasala o ibinatay doon, anuman ang uri, kalikasan, halagahan, o halaga nito cvii; e. Lahat ng aksiyong sibil, sa bisa ng batas Shari’ah na isinabatas ng Gobyernong Bangsamoro, na kaugnay ng ari-ariang lupain cviii sa Bangsamoro, na ang tinayang halaga ng ari-arian ay hindi lalabis sa Apat na Raang Libong Piso (P400,000.00); at f. Lahat ng aksiyong sibil na ang mga partido ay mga Muslim, o ang lahat ng litigante ay kusang sumunod sa hurisdiksiyon ng mga Sirkitong Hukuman ng Shari’ah, kung hindi nila isinaad nang tiyak sa kasunduan kung aling batas ang mangingibabaw sa kanilang mga ugnayan na ang hinihingi o hinihiling ay hindi lalabis sa Dalawandaang Libong Piso (P200,000.00). Seksiyon 6. Mga Distritong Hukuman ng Shari’ah.—Ang Distritong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro ay magsasakatuparan ng esklusibong orihinal na hurisdiksiyon sa mga sumusunod na pangyayari: a. Lahat ng kaso na kaugnay sa kustodya, pangangalaga, lehitimidad, paternidad, at pagkamagulang cix sa bisa ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083; b. Lahat ng kaso na kaugnay sa disposisyon, pamamahagi, at pagkakasundo sa ari-arian ng mga yumaong Muslim na mga residente sa Bangsamoro, legalisasyon ng mga testamento cx, paghahayag ng mga liham ng pangangasiwa o pagtatalaga ng mga administrador o ehekutor, anuman ang kalikasan o pinagsama-samang halaga ng ari-arian; c. Mga petisyon para sa deklarasyon ng pagkawala o pagkamatay para sa kaselahin o ituwid ang mga lahok sa mga Rehistro ng Muslim na binanggit sa Titulo VI ng Aklat Dalawa ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083; 31 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 d. Lahat ng aksiyong lumitaw mula sa kaugalian at tumupad sa mga kontratang Shari’ah na ang mga partido ay Muslim, kung hindi nila isinaad ang tiyak na batas na gagabay sa kanilang mga ugnayan; e. Lahat ng petisyon para sa mandamus, pagbabawal, pagpapahinto cxi, certiorari, habeas corpus, at iba pang dagdag na kautusang hudisyal at proseso na katuwang sa hurisdiksiyon ng apela nito; f. Mga petisyon ng mga Muslim para sa pagbubuo ng tahanan ng pamilya, pagbabago ng pangalan, at pagpapasok sa isang baliw na tao doon sa asilo cxii; g. Lahat ng aksiyong personal at tunay na hindi saklaw ng hurisdiksiyon ng mga Sirkitong Hukuman ng Shari’ah na ang mga partidong sangkot ay mga Muslim, maliban doon sa mga sapilitang pagpasok at labag-sa-batas na pagbilanggo, na pumapasok sa esklusibong orihinal na hurisdiksiyon ng Sirkitong Hukuman ng Munisipyo; h. Lahat ng espesyal na aksiyong sibil para sa patas na remedyo o alibyo deklaratoryo cxiii na ang mga partido ay Muslim na naninirahan sa Bangsamoro o ang mga ari-ariang sangkot ay esklusibong nagmula sa mga Muslim at matatagpuan sa Bangsamoro; i. Lahat ng kaso na may kinalaman sa mga kasalanang ipinakahulugan at parurusahan sa bisa ng batas Shari’ah na isinabatas ng Parlamentong Bangsamoro na hindi saklaw ng esklusibong hurisdiksiyon ng mga Sirkitong Hukuman ng Shari’ah o alinmang hukuman, tribunal, o láwas; j. Lahat ng aksiyong sibil, na sa bisa ng batas Shari’ah na isinabatas ng Parlamentong Bangsamoro, na may kinalaman sa ari-arian sa Bangsamoro, na ang tinayang halaga ng ari-arian ay lumalampas sa Apat na Raang Libong Piso (P400,000.00); at k. Lahat ng aksiyong sibil na ang mga partido ay Muslim, o ang mga litigante ay kusang tinanggap ang hurisdiksiyon ng Sirkitong Hukuman ng Shari’ah, kung hindi nila isinaad nang tiyak sa kasunduan kung aling batas ang gagabay sa kanilang mga ugnayan na ang hinihiling o hinihingi ay lumalampas sa Dalawandaang Libong Piso (P200,000.00). Ang Distritong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro ay ipatutupad ang hurisdiksiyong pang-apela cxiv sa lahat ng kaso na pinagpasiyahan ng mga Sirkitong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro na saklaw ng hurisdiksiyong panteritoryo, gaya ng nasasaad sa Artikulo 144 ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083. Seksiyon 7. Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah.—Itatatag ang Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah cxv. Ang Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah ay magpapatupad ng esklusibong orihinal na hurisdiksiyon, katuwang man o hindi ng hurisdiksiyon sa apela nito, sa sumusunod: a. Lahat ng petisyon para sa mandamus, pagbabawal, utos, certiorari, habeas corpus, at iba pang dagdag na na kautusang hudisyal at proseso na katuwang ng hurisdiksiyon sa apela nito cxvi; at b. Lahat ng aksiyon para pagpapawalang bisa ng mga kapasiyahan ng mga Distritong Hukuman ng Shari’ah. 32 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah ay magpapatupad ng esklusibong hurisdiksiyong pag-apela sa mga kaso na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng mga Distritong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro. Ang mga pasiya ng Mataas na Hukumang Shari’ah ay magiging pangwakas at maipatutupad. Seksiyon 8. Mga Karagdagang Hukuman ng Shari’ah.—Alinsunod sa rekomendasyon ng Gobyernong Bangsamoro, ang Kongreso ay maaaring lumikha ng mga karagdagang hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro, at hatiin ang hurisdiksiyon ng bawat Sirkito at Distritong Hukuman ng Shari’ah. Seksiyon 9. Mga Kalipikasyon ng mga Hukom Shari’ah.— a. Sirkitong Hukuman ng Shari’ah.—Walang sinumang tao ang itatalagang hukom ng Sirkitong Hukuman ng Shari’ah kung hindi siya Muslim, mamamayan ng Pilipinas, hindi bababâ sa edad dalawampu’t lima (25), nagtapos ng apat na taóng kurso sa Shari’ah o hurisprudensiyang Islamiko, at pumasa sa eksaminasyon sa Shari’ah na ibinigay ng Kataas-taasang Hukuman para mapabilang sa espesyal na kasapian sa Abogasyang Filipino na makapagpapraktis sa mga Hukumang Shari’ah. Sa pasubali na, sa loob ng pitong (7) taon makaraang ratipikahan ang Batas na ito, ang hinihinging pagkompleto sa apat na taóng Shari’ah o Hurisprudensiyang Islamiko ay hindi mailalapat. b. Distritong Hukuman ng Shari’ah.—Walang sinumang tao na itatalagang hukom ng Distritong Hukuman ng Shari’ah kung hindi siya Muslim, mamamayan ng Pilipinas, hindi bababâ sa edad tatlumpu’t lima (35), nagtapos ng apat na taóng kurso sa Shari’ah o hurisprudensiyang Islamiko, at nakapasa sa eksaminasyon sa Shari’ah na ibinigay ng Kataas-taasang Hukuman para mapabilang sa espesyal na kasapian sa Abogasyang Filipino na makapagpapraktis sa mga Hukumang Shari’ah. Dagdag pa, ang nasabing tao ay dapat nakapagpapraktis ng batas Shari’ah sa Pilipinas nang hindi bababâ sa limang (5) taon bago pa siya maitalaga; Sa pasubali na, sa loob ng pitong (7) taon makaraang ratipikahan ang Batas na ito, ang hinihinging pagkompleto sa apat na taóng Shari’ah o Hurisprudensiyang Islamiko ay hindi mailalapat. c. Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah.—Walang sinumang tao ang itatalagang Mahistrado ng Mataas na Hukumang Shari’ah kung hindi siya Muslim, likás na isinilang na mamamayan ng Pilipinas, hindi bababâ sa apatnapung (40) taón, nagtapos ng apat na taóng kurso sa Shari’ah o Hurisprudensiyang Islamiko, at nakapasa sa eksaminasyon sa Shari’ah na ibinigay ng Kataas-taasang Hukuman para mapabilang sa espesyal na kasapian sa Abogasyang Filipino na makapagpapraktis sa mga Hukumang Shari’ah. Dagdag pa, ang nasabing tao ay dapat nakapagpapraktis ng batas Shari’ah sa Pilipinas nang hindi bababâ sa sampung (10) taón bago pa siya maitalaga. Sa Pasubali, na sa loob ng pitong (7) taon makalipas ratipikahan ang Batas na ito, ang pangangailangang makapagpraktis ng batas Shari’ah sa Pilipinas ay magiging anim (6) na taón lamang. Ang Mataas na Hukumang Shari’ah ay bubuuin ng siyam (9) na mahistrado, kabilang na ang Tagapamunong Mahistrado cxvii. Maaari nitong isakatuparan ang mga kapangyarihan, gawain, at tungkulin nito sa pamamagitan ng tatlong (3) dibisyon, na ang bawat isa ay binubuo ng tatlong (3) kasapi. Maaari lamang itong umupo en banc para sa layuning isagawa ang mga administratibo at panseremonyang tungkulin. Ang mga estasyon ng tatlong dibisyon ay itatatag sa Lungsod Cotabato, Lungsod Marawi, at Jolo, Sulu. 33 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 10. Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya cxviii.—Ang Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya ay magrerekomenda sa Konseho ng Hudikatura at Abogasya ng mga aplikante para sa posisyon ng mga hukom ng Distrito at Sirkitong Hukuman sa Bangsamoro at mga mahistrado sa Mataas na Hukumang Shari’ah. Ang Konseho ng Hudikatura at Abogasya ay magbibigay ng sukdulang pagsasaalang-alang sa mga nominado ng Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya sa pagrerekomenda ng mga hihirangin ng Pangulo. Ang Pangulo ay maghahayag ng mga itatalaga sa loob ng siyamnapung (90) araw mula sa sandaling maisumite ng Konseho ng Hudikatura at Abogasya ang listahan. Seksiyon 11. Konsultant sa Konseho ng Hudikatura at Abogasya.—Ang Pangulo ay magtatalaga ng konsultant sa Konseho ng Hudikatura at Abogasya, na rekomendado ng Punong Ministro mula sa hanay ng mga kasapi ng Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya, at siyang magpapayo at sasangguniin ng Konseho ng Hudikatura at Abogasya sa mga itatalaga sa mga posisyog hudisyal ng Shari’ah sa Bangsamoro. Seksiyon 12. Komposisyon ng Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya.— Lilikhain ang Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya na bubuuin ng limang (5) kasapi: isang nakatatandang kasapi ng Mataas na Hukumang Shari’ah, bilang Tagapangulong ex-officio, ang Pinuno ng Akademyang Shari’ah, at isang (1) representante mula sa Parlamentong Bangsamoro, bilang mga kasaping ex-officio. Ang iba pang regular na kasapi ng konseho ay isang (1) representante sa bawat akreditadong organisasyon ng mga abogadong Shari’ah at iba pang angkop na akreditadong organisasyon sa Bangsamoro. Seksiyon 13. Mga Tungkulin ng Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya.— Ang Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya ay magkakaroon ng mga susunod na tungkulin: a. Magrekomenda ng mga nominado sa mga Hukumang Shari’ah sa Bangsamoro na pawang isusumite sa Konseho ng Hudikatura at Abogasya; at b. Magsagawa ng mga imbestigasyon sa mga nagkasalang kasapi ng Abogasyang Shari’ah sa Bangsamoro at mga hukom at kawani ng mga hukumang Shari’ah sa Bangsamoro, at isumite ang mga resulta ng gayong imbestigasyon sa Kataastaasang Hukuman upang aksiyunan nito. Seksiyon 14. Mga Patakaran ng Hukumang Shari’ah.—Ang mga patakaran ng hukuman para sa mga hukumang Shari’ah sa Bangsamoro ay ipopromulga ng Kataastaasang Hukuman, na nagbibigay ng sukdulang pagsasaalang-alang sa mga rekomendasyon ng Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah. Samantala, ang mga espesyal na patakaran ng hukuman para sa mga hukumang Shari’ah, gaya ng ipinromulga ng Kataas-taasang Hukuman, ay patuloy na magkakabisa. Seksiyon 15. Espesyal na Eksaminasyong Pang-abogasya para sa Shari’ah.—Ang Kataas-taasang Hukuman ay magpapatuloy na mangasiwa sa mga eksaminasyong pang-abogasya ng Shari’ah para tumanggap ng mga aplikante sa Abogasyang Pilipinas bilang mga kasapi nito, nang may sapat na pagsasaalang-alang sa espesyal na kalikasan ng sistemang Shari’ah at sukdulang pagkilala sa mga panukala ng Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah hinggil sa bagay na ito. Seksiyon 16. Suweldo.—Ang mga hukom ng Sirkitong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro ay tatanggap ng parehong suweldo at magtatamasa ng parehong pribilehiyo gaya sa mga hukom ng Pambayang Sirkitong Hukuman sa Paglilitis cxix. 34 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang mga hukom ng Distritong Hukuman ng Shari’ah sa Bangsamoro ay tatanggap ng parehong suweldo at magtatamasa ng parehong pribilehiyo gaya sa mga hukom sa mga Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis. Ang mga Mahistrado ng Bangsamoro Mataas na Hukumang Shari’ah ay tatanggap ng parehong suweldo at magtatamasa ng parehong pribilehiyo gaya sa mga mahistrado sa Hukuman ng Apelasyon. Seksiyon 17. Paghirang at Pagdisiplina ng mga Kawani sa Hukumang Shari’ah.— Ang Kataas-taasang Hukuman ay hihirang ng mga kawani ng hukumang Shari’ah, at magkakaroon ng kapangyarihang disiplinahin sila. Ang Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya ay magsasagawa ng imbestigasyon sa mga nagkasalang kawani ng hukumang Shari’ah sa Bangsamoro, at isusumite ang mga resulta ng gayong imbestigasyon sa Kataas-taasang Hukuman upang harapin cxx nito. Seksiyon 18. Shari’ah Opisina sa Tulong Pangmadla cxxi.—Upang makapagbigay ng tulong pambatas sa mga dukhang litiganteng partido, ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng Shari’ah Opisina sa Tulong Pangmadla para sa iba’t ibang hukumang Shari’ah sa Bangsamoro. Seksiyon 19. Shari’ah Espesyal na Serbisyong Piskalya cxxii. —Lilikhain ang Shari’ah Espesyal na Serbisyong Piskalya para sa pang-Shari’ah na pagpapairal cxxiii ng katarungan sa Bangsamoro. Ang Shari’ah Espesyal na Serbisyong Piskalya ay ikakabit sa Pambansang Serbisyong Piskalya cxxiv ng Gobyernong Sentral. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magrerekomenda ng mga kalipikadong aplikante para sa posisyon ng mga pang-Shari’ah na piskal at kawani ng Shari’ah Espesyal na Serbisyong Piskalya sa Kalihim ng Katarungan. Seksiyon 20. Akademyang Shari’ah.—Lilikhain ang Akademyang Shari’ah, na ang pangunahing tungkulin ay magsagawa ng mga kurso at pagsasanay hinggil sa pagpapapatupad ng Batas Shari’ah sa Bangsamoro, mag-akredit ng mga pang-Shari’ah na kurso at digri na natamo ng Bangsamoro mula sa mga paaralan at unibersidad sa ibayong-dagat, at magpaunlad ng kurikulum ng mga paaralan at unibersidad sa Bangsamoro. Ipapakahulugan ng Parlamentong Bangsamoro ang mga kapangyarihan at karagdagang tungkulin nito at ang mga angkop na pondo para doon. Ang Akademyang Shari’ah ay makikipag-ugnay sa Pambansang Komisyon sa mga Filipinong Muslim (PKFM) cxxv kung kinakailangan. Seksiyon 21. Huriskonsultong Bangsamoro sa Batas Islamiko.—Lilikhain ang opisina ng Huriskonsulto cxxvi ng Batas Islamiko sa Bangsamoro. Ang parlamento ay ipapakahulugan ang mga kapangyarihan at tungkulin ng opisinang ito. Ang Tanggapan ng Huriskonsulto ay magiging láwas kolehiyado na binubuo ng Huriskonsulto at tatlong (3) Diputado na pawang hihirangin ng Punong Ministro alinsunod sa rekomendasyon ng Parlamento, nang may pagsasaalang-alang sa iba’t ibang pangkat etniko sa Bangsamoro. Ang Huriskonsulto at ang kaniyang mga diputado ay dapat maging kasapi ng Abogasyang Shari’ah ng Pilipinas o Integrated Bar of the Philippines, pawang Bangsamorong Muslim, may hawak ng Digring Batsilyer sa Batas Islamiko at Hurisprudensiya, at hindi dapat karaniwang makilala na lumalabag sa mga Islamikong pagpapahinto cxxvii, may napatunayang kahusayan at katapatan, malusog ang pag-iisip, at kilala sa pagtataglay ng mga pamantayan sa integridad at kabutihang-asal. Seksiyon 22. Huriskonsulto sa Bisa ng Batas.—Sa kabila ng naunang seksiyon, ang Opisina ng Huriskonsulto sa bisa ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 1083 ay patitibayin 35 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 sa pamamagitan ng paglalaan ng suweldo, ranggo, at pribilehiyo ng Mahistrado ng Hukuman ng Apelasyon. Mga Tradisyonal/Pantribung Sistemang Pangkatarungan Seksiyon 23. Mga Tradisyonal/Pantribung Sistemang Pangkatarungan.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng mga batas na magtatampok at tatangkilik sa mga tradisyonal/pantribung sistemang pangkatarungan na angkop para sa mga katutubong lipi cxxviii, gaya ng ipinakahulugan nito. Ang mga tradisyonal na sistemang pangkatarungan ay mga mekanismo para matiyak, maisaayos, at mapagpasiyahan ang mga kontrobersiya at maipatupad ang mga pasiya na kaugnay ng mga pagtatalo sa panig ng mga kasapi ng mga katutubong lipi alinsunod sa mga kodigong pantribu ng nasabing mga komunidad. Seksiyon 24.Opisina para sa Tradisyonal/Pantribung Sistemang Pangkatarungan.—Lilikhain ang Opisina para sa Pantribung Sistemang Pangkatarungan na responsable sa pamamanihala sa pag-aaral, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng pantribung sistemang pangkatarungan sa loob ng Bangsamoro. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng Opisina ay ipapakahulugan ng Parlamentong Bangsamoro. Ang Opisina ay magtitiyak ng ganap na pakikilahok ng mga katutubong lipi sa pagbubuo, pagsasakatuparan, at pagtatasa ng mga patakarang kaugnay sa pagpapalakas ng pantribung sistemang pangkatarungan; magtitiyak lalo na ang gayong mga sistema ay magpapanatili ng kanilang katutubong katangian alinsunod sa mga kaugalian ng bawat tribu. Mga Hukumang Lokal Seksiyon 25. Mga Hukumang Lokal.—Ang mga hukumang lokal sa Bangsamoro ay magpapatuloy na isakatuparan ang kanilang mga tungkuling hudisyal, alinsunod sa itinatadhana ng batas. Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring magsagawa ng mga hakbang na magpapahusay ng kanilang trabaho, na umaayon sa mga kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman. Alternatibong Sistema sa Paglutas ng Pagtatalo Seksiyon 26. Alternatibong Paglutas ng Pagtatalo (APP) cxxix.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magtatatag ng alternatibong sistema sa paglutas ng pagtatalo sa Bangsamoro. Ang Parlamento ay magpapatibay ng kinakailangang batas para tumakbo ang APP. Ang Gobyernong Bangsamoro ay gagamit ng mga prinsipyo ng pakikipagkasundo at tagapamagitan cxxxsa pagsasaayos ng mga pagtatalo. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magbibigay ng paunang pagdulog sa alternatibong pagsasaayos ng pagtatalo bago maghain ng mga kaso sa mga hukumang Shari’ah sa Bangsamoro o sa alinmang opisina ng Gobyernong Bangsamoro. Mga Mahistrado mula sa Bangsamoro Seksiyon 27. Mga Mahistrado mula sa Bangsamoro.—Magiging patakaran ng Gobyernong Sentral na may isa (1) man lamang na mahistrado sa Kataas-taasang Hukuman at dalawang (2) mahistrado sa Hukuman ng Apelasyon sa loob ng isang panahon ang magiging mga kalipikadong indibidwal sa teritoryo ng Bangsamoro. Para sa layuning ito, ang Punong Ministro, matapos ang mga konsultasyon sa Parlamentong Bangsamoro at Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya, ay maaaring magsumite 36 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 ng mga pangalan ng mga kalipikadong tao sa Konseho ng Hudikatura at Abogasya para maisaalang-alang. Ang mga paghirang sa mga rekomendado ng Punong Ministro sa mga posisyong hudisyal na binanggit sa itaas ay walang prehuwisyo sa mga pagtatalaga na maaaring umabot sa ibang kalipikadong naninirahan sa Bangsamoro tungo sa iba pang posisyon sa Hudikatura. Seksiyon 28. Ikalawang Administrador ng Hukuman para sa Bangsamoro.— Lilikhain ang Opisina ng Ikalawang Administrador ng Hukuman para sa Bangsamoro. Ang Ikalawang Administrador ng Hukuman para sa Bangsamoro ay hihirangin ng Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman mula sa tatlong (3) rekomendado ng Punong Ministro na sumailalim sa mga naunang konsultasyon sa Parlamentong Bangsamoro at sa mga kaukulang sektor ng Bangsamoro. Artikulo XI PUBLIKONG KAAYUSAN AT KALIGTASAN Seksiyon 1. Publikong Kaayusan at Kaligtasan.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay may pangunahing responsabilidad hinggil sa publikong kaayusan at kaligtasan sa loob ng Bangsamoro. Magkakaroon ng pagtutulungan at pag-uugnayan ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan. Seksiyon 2. Pulisyang Bangsamoro.—Lilikhain ang Pulisyang Bangsamoro na bubuuin, pananatilihin, pangangasiwaan, at gagamtin para sa pangunahing layunin ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro. Ito ay magiging bahagi ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas cxxxi. Ang Pulisyang Bangsamoro ay magiging propesyonal, sibilyan ang katangian, panrehiyon ang sakop, epektibo at episyente sa pagpapatupad ng batas, patas at walang kinikilingan, malaya sa anumang partidistang pampolitikang kontrol, at may pananagutan sa mga ginawa nito alinsunod sa batas. Ito ay magiging responsible sa kapuwa Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro, at sa mga komunidad na pinagsisilbihan nito. Seksiyon 3. Mga Kapangyarihan at Tungkulin ng Pulisyang Bangsamoro.—Ang Pulisyang Bangsamoro ay magsasakatuparan, sa loob ng Bangsamoro, ng mga sumusunod na kapangyarihan at tungkulin: a. Magpatupad ng mga batas na isinabatas ng Kongreso at ng Parlamentong Bangsamoro na kaugnay sa proteksiyon ng mga buhay at ari-arian ng mga tao; b. Panatilihin ang batas at kaayusan at tiyakin ang kaligtasan ng publiko; c. Imbestigahan at pigilin ang mga krimen, arestuhin ang mga nagkasalang criminal, lapatan ng katarungan ang mga pinaghihinalaang criminal, at tumulong sa paghahabla cxxxii nito; d. Magsagawa ng pagsisiyasat at pagsamsam alinsunod sa mga pertinenteng batas; e. Ibilanggo ang mga tao sa panahong hindi lalampas sa itinadhana ng batas, ipabatid sa ibinilanggong tao ang lahat ng kaniyang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon at ng Batayang Batas, at sundin ang lahat ng karapatang pantao ng lahat ng tao sa Bangsamoro; 37 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 f. Iproseso at pabilisin ang mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng mga armas at maglabas ng mga lisensiya at permiso para aprobahan ng mga angkop na opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas; g. Magpasimuno ng mga kampanya cxxxiii para sa pagpaparehistro o pagsusuko ng mga di-rehistradong armas; kumpiskahin ang mga di-rehistradong armas matapos ang gayong gawain; ihain sa piskalya o irekomenda sa Pangulo ang pagbibigay ng amnestiya o patawad sa mga mayhawak ng di-rehistradong armas na nagsauli nito; at h. Magsagawa ng iba pang tungkulin at iba pang gawain na pawang itinatadhana ng batas na isinabatas ng Kongreso o Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 4. Pulisyang Organisasyon ng Bangsamoro.—Ang balangkas ng organisasyon ng Pulisyang Bangsamoro ay ang sumusunod: a. Ito ay pamumunuan ng Bangsamoro Pulis Direktor, na tutulungan ng hindi bababâ sa dalawang (2) pangalawang Pulis Direktor. Sila ay dapat mga propesyonal na opisyal ng pulisya na may ranggong hindi bababâ sa Punong Superintendente ng Pulisya cxxxiv. Sa loob ng sampung (10) taon, matapos na isabatas ang Batayang Batas na ito, ang pinuno ng Pulisyang Bangsamoro at ang kaniyang mga pangalawa cxxxv ay maaaring piliin mula sa listahan ng mga opisyal ng Pulisyang Bangsamoro na may ranggong Pulisya Superintendente Superyor cxxxvi. b. Ito ay magkakaroon ng mga opisinang panrehiyon, panlalawigan, at panlungsod o pangmunisipyo; c. Ang opisinang panlalawigan ay pamumunuan ng isang direktor panlalawigan, na dapat ay propesyonal na opisyal ng pulisya na may ranggong hindi bababâ sa pulisya superintendente; at d. Ang opisina o estasyong panlungsod o pangmunisipyo ay pamumunuan ng Hepe ng Pulisya, na dapat ay propesyonal na opisyal ng pulisya na may ranggong hindi bababâ sa pulisya superintendente para sa lungsod at pulisya inspektor para sa munisipalidad. Seksiyon 5. Pulisyang Kalupunan ng Bangsamoro.—Lilikhain ang Pulisyang Kalupunan ng Bangsamoro cxxxvii, na magsasagawa ng mga tungkulin ng Komisyon sa Pambansang Pulisya cxxxviii sa Bangsamoro. Ang kalupunan ay magiging bahagi ng Komisyon sa Pambansang Pulisya cxxxix (KPP). Ang KPP ay magtitiyak na ang Pulisyang Kalupunan ng Bangsamoro ay isinasakatuparan ang mga kapangyarihan at tungkulin nito sa loob ng saklaw na awtoridad nito. Dagdag pa, gaganap ito ng sumusunod na tungkulin: a. Magtakda ng mga pangontrol na layunin at priyoridad sa Bangsamoro; b. Subaybayan ang pagganap ng Pulisyang Bangsamoro laban sa mga pangontrol na layunin at priyoridad; c. Subaybayan ang mga daloy at padron ng krimen, gayundin ng pagganap sa mga larang ng karapatang pantao, pagbabawas ng krimen, at pag-iwas sa krimen, mga pardon ng pagrekrut at oportunidad sa empleo sa Bangsamoro; d. Magbigay ng impormasyon at patnubay sa Gobyernong Bangsamoro at sa PPF cxl hinggil sa kahingian ng taunang badyet ng Pulisyang Bangsamoro; 38 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 e. Subaybayan ang pagganap ng pulisya katubas ng paglalaan ng badyet para sa Pulisyang Bangsamoro; f. Irekomenda ang Direktor ng Pulisyang Bangsamoro at ang kaniyang mga diputado, ang mga Direktor Panlalawigan, at ang mga hepeng Panlungsod at Pangmunisipyo ng Pulisyang Bangsamoro. Ang Kalupunan ng Pulisyang Bangsamoro ay magtataglay ng kapangyarihang imbestigahan ang mga hinaing laban sa Pulisyang Bangsamoro. Maaaring ihain ang mga apela sa pasiya nito sa Komisyon sa Pambansang Pulisya. Habang wala pang kapasiyahan sa apela, ang mga kapasiyahan nito ay maipatutupad. Ang mga patakaran at regulasyong gumagabay sa imbestigasyon ng mga kasapi ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay susundin ng Kalupunan ng Pulisyang Bangsamoro hangga’t wala pang mga patakaran at regulasyong isinasabatas ang Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 6.Komposisyon ng Kalupunan.—Ang Kalupunan ay bubuuin ng labingisang (11) kasapi. Anim (6) na kasapi ng Kalupunan ay magmumula sa Parlamentong Bangsamoro at lima (5) mula sa iba’t ibang sektor. Ang lahat ng anim (6) na kasapi ng Parlamento ay hindi hahawak ng anumang posisyong ministeryo. Lahat ng kasapi ay hihirangin ng Punong Ministro alinsunod sa mga patakarang ipinromulga ng Parlamentong Bangsamoro para sa nasabing layunin. Ang Tagapangulo ng Kalupunan ang magiging ex-officio komisyoner ng Komisyon sa Pambansang Pulisya hinggil sa mga bagay na may kaugnayan sa Pulisyang Bangsamoro. Seksiyon 7. Takda ng Panunungkulan.—Ang mga representanteng sektoral sa kalupunan ay manunungkulan sa loob ng tatlong (3) taon; sa pasubaling sa hanay ng unang hinirang bilang mga representanteng sektoral, dalawa (2) ang manunungkulan nang tatlong (3) taon, ang sumunod na dalawa (2) ay manunungkulan nang dalawang (2) taon, ang huli manunungkulan nang isang (1) taon. Ang paghirang sa alinmang bakante ay para lamang sa mga hindi pa nagwawakas na termino ng naunang hinirang. Ang mga kasapi ng Parlamento na pawang kasapi rin ng Kalupunan ay manunungkulan sa loob ng panahon ng kanilang pagkakahalal. Seksiyon 8. Mga Kapangyarihan ng Punong Ministro sa Pulisyang Bangsamoro.—Magtataglay ng sumusunod na kapangyarihan ang Punong Ministrong mangingibabaw sa Pulisyang Bangsamoro: a. Gumanap bilang diputado ng Komisyon sa Pambansang Pulisya sa Bangsamoro at bilang tagapangulong ex-officio ng Kalupunan ng Pulisyang Bangsamoro; b. Piliin ang pinuno ng Pulisyang Bangsamoro at ang kaniyang mga diputado; c. Isakatuparan ang pagkontrol sa operasyon, at ang mga kapangyarihan sa pangangasiwa at pagdisiplina sa Pulisyang Bangsamoro; d. Mag-empleo o maglagay ng mga element ng, at italaga o muling italaga ang Pulisyang Bangsamoro sa pamamagitan ng Direktor ng Pulisyang Bangsamoro. Ang Direktor ng Pulisyang Bangsamoro ay hindi ipapawalang-bisa ang utos ng Punong Ministro maliban kung ito’y lumalabag sa batas; e. Pamanihalaan cxli ang paghahanda at pagsasakatuparan ng Integradong Planong Pangkaligtasan ng Publiko sa Bangsamoro cxlii; 39 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 f. Magpataw, makaraan ang sapat na pagpapabatid at mabilisang pagdinig sa mga hinaing ng mamamayan, ng mga parusang administratibo sa mga tauhan ng Pulisyang Bangsamoro maliban doon sa mga hinirang ng Pangulo; at g. Gawin ang lahat ng kinakailangan upang itampok ang maipalaganap ang tangkilik sa Pulisyang Bangsamoro. Seksiyon 9. Antas Panao cxliii.—Ang promedyo cxliv ng antas panao ng Pulisyang Bangsamoro ay tinatayang alinsunod sa pulis-sa-populasyon ratio na isang (1) opisyal ng pulisya sa bawat limandaang (500) tao. Ang aktuwal na lakas ng mga lungsod at munisipalidad ay nakasalalay sa kalagayan ng kapayapaan at kaayusan, densidad ng populasyon, at aktuwal na hinihingi ng serbisyo sa isang tiyak na pook; sa pasubaling ang minimum na pulis-sa-populasyong ratio ay hindi bababâ sa isang (1) opisyal ng pulis sa bawat sanlibong (1,000) tao; sa pasubali pa na ang mga pook sa kalungsuran cxlv ay magkakaroon ng higit sa minimum na pulis-sa-populasyong ratio, gaya ng maitatakda ng mga regulasyon. Seksiyon 10. Pagtatalaga ng mga Opisyal at Kasapi ng Pulisyang Bangsamoro.— Ang pagtatalaga ng mga opisyal at kasapi ng Pulisyang Bangsamoro ay isasagawa sa sumusunod na paraan: a. Pulis Opisyal 1 hanggang Superyor (Senyor) na Pulis Opisyal IV cxlvi.—Hinirang ng pinuno ng Pulisyang Bangsamoro at sertipikado ng Komisyon sa Serbisyo Sibil. Ang mga tauhan para sa Pulisyang Bangsamoro ay itatalaga ng pinuno nito. b. Inspektor hanggang Superintendente.—Itinalaga ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, alinsunod sa rekomendasyon ng Pulisyang Bangsamoro at ng Punong Ministro, at sertipikado ng Komisyon sa Serbisyo Sibil; at c. Superyor na Superintendente at nakatataas.—Itinalaga ng Pangulo alinsunod sa rekomendasyon ng hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, nang may angkop na pag-endoso ng Punong Ministro at ng Komisyon sa Serbisyo Sibil, at nakasalalay sa kumpirmasyon ng Komisyon sa Pagtatalaga cxlvii. Seksiyon 11. Pulisya ng Komunidad.—Ang Pulisyang Bangsamoro ay magsasagawa ng pagkontrolcxlviiisa komunidad bilang mahalagang mekanismo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Seksiyon 12. Batas na Pumapatnubay sa Pulisyang Bangsamoro.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay pinahihintulutang lumikha ng mga batas na papatnubay sa Pulisyang Bangsamoro na umaayon sa Batayang Batas na ito. Seksiyon 13. Kaayusang Lumilipas.—Makaraang maitatag ang Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro at habang binubuo pa lamang ang Pulisyang Bangsamoro, ang Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro ay magkakaroon ng mahalagang pakikilahok sa pagpili ng pinuno at sa pag-eempleo at pagpupuwesto ng umiiral na Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Bangsamoro. Ang pinuno ng Pulisyang Bangsamoro ay pipiliin mula sa listahan ng tatlong (3) kalipikadong opisyal na rekomendado ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Seksiyon 14.Pambansang Suportang Serbisyo.—Ang ugnayan ng Pulisyang Bangsamoro at ng pambansang suportang serbisyo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay itatakda ng láwas ng mga intergobyernong ugnayan. 40 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 15.Depensa at Seguridad.—Ang depensa at seguridad ng Bangsamoro ay responsabilidad ng Gobyernong Sentral. Ang Gobyernong Sentral ay maaaring lumikha ng Bangsamoro Command ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas para sa Bangsamoro, na bubuuin, pananatilihin, at gagamitin alinsunod sa mga umiiral na pambansang batas. Ang mga kalipikadong naninirahan sa Bangsamoro ay bibigyan ng pagkakataong makapamili para sa mga pagdedestino sa naturang Bangsamoro Command. Seksiyon 16. Pagtawag sa Hukbong Sandatahan.—Sa kabila ng mga probisyon mula sa mga naunang seksiyon, ang Punong Ministro ay makahihiling sa Pangulo na tawagin ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas: a. Upang maiwasan o pigilin ang labag sa batas na karahasan, pananakop, o rebelyon, kung hinihingi ng kaligtasan ng publiko, sa Bangsamoro; b. Upang supilin ang panganib sa, o paglabag sa kapayapaan sa Bangsamoro, kapag ang Pulisyang Bangsamoro ay hindi magampanan ang dapat gawin; o c. Upang maiwasan ang napipintong panganib sa publikong kaayusan at seguridad sa pook ng Bangsamoro. Seksiyon 17.Pag-uugnayan.—Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay magtatatag ng mga protokol sa pag-uugnayan, na papatnubay sa pagkilos ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa Bangsamoro. Seksiyon 18. Katutubong Estruktura.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay kikilalanin ang mga estruktura o sistema na magtatampok ng kapayapaan, at bataw at kaayusan. Ang Parlamentong Bangsamoro ay maglalaan ng suportang pang-institusyon sa mga nasabing estruktura at sistema upang mapalawig ang kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro. Artikulo XII Awtonomiyang Pananalapi Seksiyon 1. Awtonomiyang Pananalapi.—Ang Bangsamoro ay magtatamasa ng awtonomiyang pananalapi nang matamo ang pinakamataas na anyo ng ekonomikong kasapatang pansarili at tunay na kaunlaran. Ito ay may karapatan sa lahat ng pagmumulan ng pondo na inilista rito, at magkakaroon ng kapangyarihang lumikha ng sariling pintungan ng kita gaya ng isinasaad sa batas na ito. Ihahanda nito ang sariling badyet, at maglalaan ng pondo alinsunod sa taunang batas paglalaan na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro. Ang anyo, nilalaman, at paraan ng paghahanda ng badyet ay itatakda ng batas na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 2. Awditing.—Lahat ng publikong pondo ng Bangsamoro ay isasailalim sa awditing. Para sa layuning ito, lilikhain ang Bangsamoro Komisyon sa Awdit (BKA). Ito ay magkakaroon ng kapangyarihan, awtoridad, at tungkulin na suriin, awditin, at ayusin ang lahat ng akawnt hinggil sa kita at tinanggap na, at mga gastusin o paggamit ng, mga pondo at ari-arian, na pag-aari o ipinagkatiwala sa, o kaugnay sa mga publikong pondo ng, Bangsamoro. Ang paggamit ng kita na nalikha ng Gobyernong Bangsamoro at ang paghadlang sa mga grant o subsidyo mula sa banyaga o domestikong donor ay isasailalim sa mga patakaran at regulasyon sa awditing ng Gobyernong Bangsamoro at sa awditing ng mga awditor ng BKA. Ang kapangyarihan, awtoridad, at tungkulin ng BKA ay dapat walang prehuwisyo sa kapangyarihan, awtoridad, at tungkulin ng Komisyon sa Awdit na surin, awditin, at ayusin ang lahat ng akawnt, na kaugnay ng mga kita at gamit ng pondo at ari-arian na 41 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 pag-aari at ipinagkatiwala sa alinmang instrumentalidad ng gobyerno, kabilang na ang mgaKPKG. Hinggil sa responsabilidad ng BKA na tiyakin ang masinop na paggamit ng pondo sa loob ng Bangsamoro, ang mga disbursement voucher cxlix ng Gobyernong Bangsamoro ay isusumite agad sa BKA. Seksiyon 3. Pinansiya ng Pamahalaang Lokal.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay lilikha ng mga mekanismo para sa pag-uugnay, pagtulong, at pagsubaybay ng mga pinansiya ng mga konstitutibong pamahalaang lokal na yunit tungo sa pagtatamo ng mabuting pamamahala at awtonomiyang lokal. Seksiyon 4. Tulong ng Gobyernong Sentral.—Ang Gobyernong Sentral ay magbibigay ng tulong sa Gobyernong Bangsamoro hinggil sa pangangasiwa ng buwis at pamamanihalang pananalapi. Kabilang sa tulong na ito ang mga programa sa pagpapatatag ng kakayahan at pagsasanay, alinsunod sa plano ng pagtatasa ng mga pangangailangan at pagpapatatag ng kakayahan na binuo ng Gobyernong Bangsamoro sa pakikipagsangguni sa Gobyernong Sentral. Seksiyon 5. Tulong sa Ibang Rehiyon.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring tumulong sa mga gawaing pagpapaunlad ng ibang rehiyon sa panahong natamo ng Bangsamoro ang likas-kayang pananalapi. Mga Pagmumulan ng Kita Seksiyon 6. Mga Pagmumulan ng Kita.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magtataglay ng kapangyarihang lumikha ng sarili nitong pagmumulan ng mga kita, at magpataw ng mga buwis, bayarin, at singil, alinsunod sa mga probisyon ng batas na ito at ayon sa mga prinsipyo ng debolusyon ng mga kapangyarihan, pagkakapantay, igwalidad, pananagutan, kapayakang administratibo, armonisasyon, at kahusayang pang-ekonomiya, at awtonomiyang pananalapi. Ang nasabing mga buwis, bayarin, at singil ay esklusibong lilikumin ng Gobyernong Bangsamoro. Ang mga pagmumulan ng kita ng Gobyernong Bangsamoro ay kabilang, kasama ang iba pa, ang sumusunod: a. Mga buwis; b. Mga bayarin at singil; c. Taunang blokeng grant mula sa Gobyernong Sentral; d. Mga kita mula sa paghahagilap, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas yamang nakuha mula sa mga pook/teritoryo, lupain, or tubigan, na saklaw at nasa loob ng hurisdiksiyon ng Bangsamoro; e. Mga kita mula sa mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno (PKKG) sa Bangsamoro, institusyong pananalapi at iba pang korporasyon, at sapi mula sa mga kita ng mga pambansang PKKG at mga subsidiyaryong umiiral sa Bangsamoro, gaya ng maaaring itakda ng intergobyernong lupon sa patakarang pananalapi; f. Mga grant mula sa mga kasunduang pang-ekonomiya na inilahok sa Gobyernong Bangsamoro at mga kumbensiyon na partido ang Gobyernong Sentral; g. Mga grant at donasyon; at 42 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 h. Mga utang at Overseas Development Assistance (ODA) cl. Seksiyon 7. Pagbubuwis.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay isasakatuparan ang kapangyarihan nito na magpataw ng mga buwis, bayarin, o singil na pawang ibinigay sa Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw at/o pinahintulutan ng Batas Republika Blg. 6734 at Batas Republika Blg. 9054, at iba pang lehislasyon, gayundin ng mga nasasaad dito. Sa pagpapatibay ng mga batas hinggil sa paglikom ng kita, ang Bangsamoro ay susundin ang mga prinsipyo ng unipormidad at pagkakapantay-pantay sa pagbubuwis. Ang mga kita ay magkakabisa para sa kapakinabangan ng, at sasailalim sa pamamahagi ng, Gobyernong Bangsamoro. Ang mga buwis, bayarin, o singil ay hindi dapat maging di-makatarungan, labis, mapandahas, mapangkumpiska, at salungat sa patakaran ng publiko. Ang paglikom ng mga buwis, bayarin, singil at iba pang pataw ay hindi dapat pahintulutan sa sinumang pribadong tao. Ang kapangyarihang magpataw ng buwis sa bisa ng Batayang Batas ay isasakatuparan ng Parlamentong Bangsamoro, sa pamamagitan ng angkop na lehislasyon, na hindi pagtitibayin nang walang pangunang pagdinig na isinagawa para sa gayong layunin. Ang Gobyernong Bangsamoro ay dapat, hangga’t praktikal, ay maglilinang ng progresibong sistema ng pagbubuwis. Seksiyon 8. Mga Insentibo sa Pamumuwisan.—Upang mahikayat ang mga pamumuhunan at iba pang gawaing pang-ekonomiya, ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng kapangyarihang na magbigay ng eksensiyon sa buwis, rebaha cli, libreng-araw na walang buwis, at iba pang insentibo, kabilang na yaong ibinibigay sa Panrehiyong Lupon ng Pamumuhunan ng ARMM. Bilang bahagi ng mga insentibo sa mga namumuhunan, ang Bangsamoro ay maaaring piliing magpataw ng isahanghalagang lipon ng suma na buwis clii sa maliliit at midyum na negosyo. Seksiyon 9. Mga Kapangyarihan sa Pamumuwisan.—Ang mga sumusunod na buwis sa Bangsamoro ay ipapataw ng Gobyernong Bangsamoro. a. Buwis sa Kita ng Puhunan cliii. Buwis na ipinataw sa mga kita na ipinapalagay na natamo ng nagbenta mula sa ipinagbili, ipinagpalit, o iba pang inilipat na puhunang asset, kabilang na ang pacto de retro na pagbebenta at iba pang anyo ng pagbebentang may pasubali; b. Buwis sa Dokumentong Pananalapi cliv. Buwis sa mga dokumento, instrumento clv, kasunduan sa utang, at papeles na nagpapatunay ng pagtanggap, paglilipat, pagbibili o pagsasalin ng mga pananagutan sa karapatan o ari-ariangkaugnaynito; c. Buwis sa Donor clvi. Buwis na ipinapataw sa donasyon o regalo, at ipinapataw sa malayang paglilipat ng ari-arian sa dalawa o higit pang tao na naninirahan sa isang panahon na isinagawa ang paglilipat. Ito ay magaganap kung ang paglilipat ay sa pagiging katiwala o kasalungat nito, kung ang regalo ay tahasan o di-tahasan, at kung ang ari-arian ay tunay o personal, materyal o di-materyal; d. Buwis sa ari-ariang naiwan ng namatay clvii.—Buwis na ipinapataw sa karapatan ng namatay na tao na isalin ang kaniyang ari-arian sa kaniyang umaalinsunod sa batas na tagapagmana o benepisyado sa panahon ng kamatayan at sa ilang paglilipat, na nilikha ng batas na katumbas ng testamentaryong paglilipat; 43 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 e. Mga kita na ipinapataw sa mga bangko at iba pang institusyong pananalapi; f. Mga butaw sa pagpaparehistro ng mga sasakyan na ipinarehistro ng mga mayari nito sa Gobyernong Bangsamoro at daungang-bayarin sa mga daungan na binuo at pinanatili ng GobyernongBangsamoro o ng may kinalamang yunit ng pamahalaang lokal; g. Bayarin sa paggamit ng mga tulay o lansangan na ipinagawa at pinanatili ng mga may kinalamang lalawigan, lungsod, munisipyo, o barangay o ng Gobyernong Bangsamoro; h. Mgabuwis, bayarin, o singil sa mga produktong pang-agrikultura at pantubigan, maliban kung ipinagbili ng mga dukhang clviii magsasaka o mangingisda; i. Mga hating-buwis clix sa mga bagay na hindi isinaad sa ilalim ng Kodigo sa Pambansang Panloob na Buwis; j. Mga buwis, bayarin, o singil sa mga pangnayon at pambarangay na negosyo at kooperatiba na hindi rehistrado sa ilalim ng Batas Republika Blg. 6810, ang “Magna Carta para sa mga Negosyo sa Kanayunan at Barangay” at Batas Republika Blg. 6938, ang “Kodigo ng mga Kooperatiba sa Pilipinas,” ayon sa pagkakasunod-sunod; at k. Iba pang buwis na pinahintulutang ipataw ng Gobyerno ng Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw sa bisa ng Batas Republika Blg. 6734, Batas Republika Blg. 9054, at iba pang batas at ehekutibong pahayag. Kung ang mga elemento ng pagbubuwis ay saklaw ng teritoryo ng Bangsamoro, ang mga buwis sa ilalim ng mga titik (a) hanggang (d) na binanggit sa itaas ay hindi ipapataw ng Kawanihan ng Rentas Internas (KWI) ng Gobyernong Sentral. Ang Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapiclx ay maghahayag ng mga patakaran hinggil sa pagtitiyak ng mga elementong maibubuwis kaugnay ng mga buwis (a) hanggang (d) sa itaas at sa pagbabahaginan ng mga kita mula sa koleksiyon ng gayong mga buwis na ang mga elementong maibubuwis ay matatagpuan sa loob at labas ng teritoryo ng Bangsamoro. Anumang pagtatalo ng Gobyernong Bangsamoro at Gobyernong Sentral na lumitaw mula sa pagpapataw ng mga buwis sa ilalim ng (a) hanggang (d) ay dapat lutasin ng Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi. Seksiyon 10. Hatian sa mga Buwis ng Gobyernong Sentral.—Ang mga buwis, bayarin, at singil na kinolekta ng Gobyernong Sentral sa Bangsamoro, na bukod sa mga taripa at buwis sa aduwana, ay hahatiin sa sumusunod: a. Dalawampu’t limang porsiyento (25%) sa Gobyernong Sentral; at b. Pitumpu’t limang porsiyento (75%) sa Bangsamoro, kabilang na ang mga sapi ng mga pamahalaang lokal na yunit. Ang nasabing dalawampu’t limang porsiyento (25%) na hati ng Gobyernong Sentral ay dapat panatilihin ng Gobyernong Bangsamoro sa loob ng sampung (10) taon. Ang panahon ng pagpapanatili ay maaaring palawigin alinsunod sa kapuwa mapagkakasunduan ng Gobyernong Sentralat Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 11. Pagtatasa at Koleksiyon ng mga Buwis.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magtatatag, alinsunod sa batas, ng Opisina ng Buwis ng Bangsamoro clxi sa loob ng Bangsamoro para sa layuning tasahin at likumin ang mga buwis sa Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro at ang Gobyernong Sentral ay 44 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 maaaring pagkasunduan ang modalidad ng koleksiyon at pagpapadala clxii ng nalikom na mga pambansang buwis, kabilang ang mga gastusin clxiii, sa Bangsamoro. Habang hinihintay na maitatag ang Opisina ng Buwis ng Bangsamoro, ang koleksiyon ay gagawin muna ng Kawanihan ng Rentas Internas (KRI). Ang hati ng Gobyernong Bangsamoro ay tuwirang ipapadala rito. Ang mga korporasyon, tambalan, o kompanya na tuwirang sangkot sa pagnenegosyo sa Bangsamoro ay magbabayad ng katumbas na mga buwis, bayarin, at singil sa lalawigan o lungsod, kung saan nagsasagawa ng negosyo ang korporasyon, tambalan, o kompanya. Ang mga korporasyon, tambalan, o kompanya na ang sentro, pangunahin, at punong tanggapan ay matatagpuan sa labas ng Bangsamoro ngunit nagsasagawa ng negosyo sa loob ng saklaw na teritoryo nito sa pamamagitan ng pagsasaka, paglilinang, o paggamit ng lupain, pantubig, o likas na yaman doon ay magbabayad ng buwis sa kita na umaalinsunod sa kitang natamo mula sa kanilang pagsasagawa ng negosyo sa Bangsamoro tungo sa lungsod o munisipalidad na ang kanilang sangay na opisina o negosyo o aktibidad ay matatagpuan. Ang KRI at ang Opisina ng Buwis ng Bangsamoro ay magkakasundo sa mga modalidad ng paghahain ng papeles sa buwis sa kita sa pamamagitan ng Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi. Seksiyon 12. Hati ng Konstitutibong Pamahalaang Lokal na Yunit sa mga Buwis sa Loob ng Bangsamoro.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng batas na magdedetalye ng mga hati ng mga konstitutibong pamahalaang lokal na yunit sa 75% hati ng Gobyernong Bangsamoro sa mga buwis, bayarin, at singil na nilikom sa kanilang hurisdiksiyon ng Gobyernong Sentral sa Bangsamoro. Seksiyon 13. Kodigo ng Buwis at Kita sa Bangsamoro.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng Kodigo ng Buwis sa Bangsamoro na sasaklaw sa kapangyarihang magpataw ng buwis ng Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 14. Bayarin at Singil.—Ang Bangsamoro ay may kapangyarihang magpataw ng bayarin at singil alinsunod sa mga kapangyarihan at tungkulin nitong isasagawa alinsunod sa Batayang Batas na ito, kabilang ang mga kapangyarihan na itinadhana ng Batas Republika Blg. 6734, Batas Republika Blg. 9054, at iba pang ehekutibong pahayag at memoranda ng kasunduan. Blokeng Grant Seksiyon 15. Taunang Blokeng Grantclxiv.—Ang Gobyernong Sentral ay magbibigay ng taunang blokeng grant na magiging hati ng Bangsamoro sa pambansang rentas internas ng Gobyerno. Ang halaga ay dapat sapat upang makapagsakatuparan ng mga kapangyarihan at tungkulin ng Gobyernong Bangsamoro sa ilalim ng Batayang Batas na ito na hindi bababà sa huling badyet na tinanggap ng ARMM bago ang pagtatatag ng Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro. Seksiyon 16. Pormula ng Blokeng Grant.—Para sa taon-badyet clxv na kasunod ng taon na magkakabisa ang Batas na ito, ang halaga ng blokeng grant ay magiging katumbas ng apat na porsiyento (4%) ng naawas na koleksiyon ng pambansang panloob na kita clxvi ng Kawanihan ng Rentas Internas na binawasan pa ng panloob na kita sa buwis ng mga pamahalaang lokal yunit. Para sa layunin nitong seksiyon, ang naawas na koleksiyon ng pambansang panloob na kita ng Kawanihan ng Rentas Internas ay ipapalagay na suma ng lahat ng koleksiyong panloob na kita sa buwis sa loob na batayang taon na ibinawas ang halagang inilabas sa parehong panahon para sa pagsasauli ng labis na buwis, mga bayad sa pabuya sa impormante, at alinmang bahagi ng mga koleksiyon ng panloob na kita sa buwis na kasalukuyang ibinukod, o 45 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 pagkaraan ay itinadhana sa ilalim ng mga natatanging batas para sa pagbabayad sa ikatlong mga tao. Sa pasubali, na ang komputasyon ay ibabatay sa mga koleksiyon mula sa ikatlong piskal na taón piskal bago pa sumapit ang kasalukuyang piskal na taon; Sa pasubali, dagdag pa, na ang nasa itaas na pormula ay isasaayos kung, matapos ang bisa nitong Batas, ay magaganap ang pagbabago sa kabuuang sukat ng lupain ng Bangsamoro; Sa pasubali, sa wakas, na sa panahong ang Gobyernong Sentral ay makaranas ng hindi mapangangasiwaang defisit sa publikong sektor, ang Pangulo ng Pilipinas ay tatawag sa pagbuhay ng intergobyernong láwas ng ugnayan na ang Pangulo at ang Punong Ministro ng Bangsamoro ay makikilahok upang tingnan ang posibilidad ng pagsasaayos ng taunang blokeng grant ng Bangsamoro; Sa pasubali muli na ang pagsasaayos na ito ay magaganap lamang sa panahon ng di-mapangasiwaang depisit ng publikong sektor. Seksiyon 17. Awtomatikong Paglalaan.—Ang taunang blokeng grant ay awtomatikong ilalaan sa Gobyernong Bangsamoro at matutunghayan sa Batas sa Pangkalahatang Paglalaan clxvii. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng batas sa taunang paglalaan na magtatakda ng blokeng grant sa iba’t ibang ahensiya at programa, alinsunod sa mga kapangyarihan at tungkulin ng Gobyernong Bangsamoro. Ang Bangsamoro Batas sa Taunang Paglalaan ay maaaring ilahok ang mga pamantayan at target sa pagganap ng bawat sektor. Anumang hindi nagugol na halaga sa kasalukuyang taon na ibinigay ang blokeng grant ay ibabalik sa pangkalahatang pondo ng Bangsamoro para sa muling paglalaan. Seksiyon 18. Regular na Paglalabas.—Ang blokeng grant ay ilalabas, nang walang iba pang dagdag na aksiyon, nang tuwiran at malawakan sa Gobyernong Bangsamoro, at hindi sasailalim sa alinmang lien o pagpigil na maaaring ipataw ng Gobyernong Sentral para sa anumang layunin. Seksiyon 19. Mga Bawas mula sa Blokeng Grant; Mga Eksensiyon.—Apat na taon mula sa pagganap ng regular na Gobyernong Bangsamoro, ang sumusunod ay ibabawa mula sa mga blokeng grant: a. Mga kita mula sa karagdagang buwis na higit na ipinasakamay sa ARMM na at nilikom tatlong (3) taon bago pa ang pangyayari; at b. Hati ng Bangsamoro sa kita ng gobyerno na hango sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas-yaman, gaya ng nasasaad sa Seksiyon 32 sa ibaba, na nilikom tatlong taon bago pa ang pangyayari. Sa pasubali, na ang halaga ng inilaan para sa pagpapatakbo ng Lupon sa LikasKayang Pag-unlad ng Bangsamoro, gaya ng nasasaad sa Artikulo XIII, Seksiyon 4, ay hindi ilalahok sa halagang ibinawas rito mula sa blokeng grant; Sa pasubali pa, na nabanggit na pagbabawas ay hindi ilalahok ang mga sapi ng mga konstitutibong pamahalaang lokal na yunit at ng katutubong komunidad sa kita ng gobyerno na hango mula sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng likas-yaman, sa bisa ng mga Seksiyon 33 at 34, ayon sa pagkakasunod. Seksiyon 20. Repaso ng Pormula ng Blokeng Grant.—Ang pormula para sa Blokeng Grant, gaya ng itinadhana sa itaas, ay rerepasuhin ng Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi sampung taon makalipas mawalan ito ng bisa. Ang pagrepaso na isasagawa ay isasaalang-alang, kasama ang iba pa, ang mga pangangailangang pananalapi ng Bangsamoro at ang aktuwal na kita na káya nitong likhain. Pagkaraan, 46 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 ang pagrepaso ay isasagawa tuwing ikalimang (5) taon gaya ng napagkasunduan sa Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi. Kung ang Gobyernong Sentral ay walang sinumang representante sa nasabing lupon, ang pagrepaso ay isasagawa ng Intergobyernong Lupon sa Ugnayan para maging batas. Seksiyon 21.Mga Programa at Proyektong Pangkunlaran. —Makalipas agad ang ratipikasyon nito, at para sa susunod na limang (5) taon, ang Gobyernong Sentral ay maglalaan ng karagdagang pondo na magbibigay ng subsidyo sa mga gastusin sa mga pangkaunlarang proyekto at impraestruktura sa Bangsamoro, kabilang ang mga daang panlalawigan at pangmunisipyo, alinsunod sa planong pangkaunlarang binuo ng Gobyernong Bangsamoro. Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay dapat magkaisa sa halaga sa pamamagitan ng intergobyernong láwas ng ugnayan, gayundin ang paraan ng paglalabas ng nasabing halaga sa Gobyernong Bangsamoro. Mga Utang Seksiyon 22. Mga Utang na Panlabas at Panloob; Mga bill, bond, Kasulatan, at Obligasyon.—(a) Mga Utang, Kredito, at Iba pang anyo ng Pagkakautang.—Ang pakikipagkasundo hinggil sa mga utang, kredito, at iba pang anyo ng pagkakautang ng Gobyernong Bangsamoro ay dapat para sa kaunlaran at kabutihan ng mga mamamayan ng Bangsamoro. Nakasalalay sa katanggap-tanggap na kreditong matuwid, ang gayong mga utang ay maaaring kunin mula sa mga domestiko at banyagang institusyong nagpapautang, maliban sa mga utang na banyaga at domestikong nangangailangan ng soberanong garantiya, tahas man o hindi, na nangangailangan ng pagsang-ayon ng Gobyernong Sentral. Ang Parlamentong Bangsamoro ay maaaring pahintulutan ang Punong Ministro na makipagkasundo para sa mga utang na domestiko o banyaga. Ang mga utang na pinagkasunduan ay magkakabisa pagkaraang aprobahan ng mayorya ng lahat ng kasapi ng Parlamentong Bangsamoro. Ang Gobyernong Sentral ay tutulungan ang Gobyernong Bagnsamoro sa pagtupad sa mga kahingian nito para sa mabilis na paglalabas ng soberanong garantiya, upang gugulan ang impraestrukturang lokal at iba pang proyektong pagpapaunlad na sosyoekonomiko alinsunod sa Planong Pangkaunlaran ng Bangsamoro. Sa loob ng 30 araw mula maisumite ng Gobyernong Bangsamoro ang aplikasyon nito para sa soberanong garantiya, ipapaalam ng Gobyernong Sentral sa Gobyernong Bangsamoro ang mga aksiyong ginawa sa aplikasyon. Ang aplikasyon ay dapat lutasin agad. b) Mga Bill, Kasulatan, Debenture clxviii, at Obligasyon.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay awtorisado ring maglabas ng mgatreasury bill clxix, bond clxx, debenture, panagot clxxi, kolateralclxxii, kasulatan clxxiii, obligasyon clxxiv, at iba pang pang-utang na papeles o dokumento, at bawiin o wakasan ang pareho, alinsunod sa batas na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro. Ang nasabing awtoridad ay maaaring isagawa upang tustusan ang mga naglilikida nang kusa, kumikitang pangkaunlaran o pangkabuhayang proyekto alinsunod sa mga itinatag na priyoridad sa nabanggit na planong pangkaunlaran. c) Pagbabayad ng mga Utang at Pagkakautang.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay maglalaan sa taunang badyet nito ng mga halagang sapat upang bayaran ang mga utang nito at ang natamo nitong pagkakautang. Seksiyon 23. Tulong Pangkaunlaran sa Ibayong-Dagat clxxv.—Upang matamo ang mapaglangkap na paglago at mabawasan ang kahirapan, sa pamamagitan ng 47 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 pagsasagawa ng mga priyoridad na proyektong pangkaunlaran, ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring tuwirang humingi ng Tulong Pangkaunlaran sa IbayongDagat (TPI). Ang Parlamentong Bangsamoro ay maaaring gumawa ng batas na gagabay sa TPI. Mga Grant at Donasyon Seksiyon 24. Mga Grant at Donasyon.—Ang mga grant at donasyon mula sa mga banyaga at domestikong donor na tinanggap ng Gobyernong Bangsamoro para sa kaunlaran at kabutihan ng sambayanang Bangsamoro ay gagamitin lamang para sa layuning itinakda rito. Ang mga donasyon at grant na esklusibong ginamit para tustusan ang mga proyekto sa edukasyon, kalusugan, kabataan at kultura, at kaunlarang pang-ekonomiya ay maaaring bawasin nang ganap mula sa mabubuwisang kita ng donor o grantor. Mga Pang-ekonomiyang Kasunduan at Kumbensiyon Seksiyon 25. Mga Kasunduang Pang-ekonomiya.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring pumaloob sa kasunduang pang-ekonomiya at tumanggap ng mga benepisyo at grant na hinango doon at nakasalalay sa mga reserbadong kapangyarihan ng Gobyernong Sentral hinggil sa ugnayang panlabas. Seksiyon 26. Palitang Pangkultura, Kooperasyong Pang-ekonomiya at Teknikal.— Konsistent sa mga reserbadong kapangyarihan ng Gobyernong Sentral, ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring magtatag ng mga ugnayan para sa palitang pangkultura, kooperasyong pang-ekonomiya at teknikal sa mga bansang may diplomatikong relasyon sa Pilipinas, sa tulong ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas, o sa pamamagitan ng iba pang pakikipag-ayos sa Gobyernong Sentral na tumatangkilik sa gayong mga gawain. Seksiyon 27. Mga Benepisyo mula sa Kumbensiyon.—Ang Bangsamoro ay may karapatan sa mga benepisyo na bunga ng mga kumbensiyon na partido doon ang Gobyernong Sentral. Ang gayong mga benepisyo ay dapat patas at isasaalang-alang ang mga yamang pantao at materyal at ang komparatibong bentaha ng Bangsamoro, gayundin ang mga kondisyong sosyo-ekonomiko at pangangailangan. Mga Pag-aari at/o Kontroladong Korporasyon ng Gobyerno at iba pang Institusyong Pananalapi Seksiyon 28. Mga Pag-aari at/o Kontroladong Korporasyon ng Gobyerno at Institusyong Pananalapi.—Ang Bangsamoro ay may kapangyarihang lumikha ng mga Pag-aari at/o Kontroladong Korporasyon clxxvi(PKK) at institusyong pananalapi sa pamamagitan ng mga modalidad, at alinsunod sa batas hinggil sa Mga Pag-aari at/o Kontroladong Institusyon na ipapasa sa Parlamento. Ang nasabing likhang-gobyerno na PKK ay dapat iparehistro sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan (KPP) clxxvii. Seksiyon 29. Mga Umiiral na PKK na Esklusibong Gumaganap sa Bangsamoro.— Ang Gobyernong Bangsamoro ay may awtoridad at kontrol sa mga umiiral na PKK at institusyong pananalapi na esklusibong tumatakbo sa Bangsamoro, matapos matukoy ng intergobyernong lupon sa patakarang pananalapi ang kakayahan nitong magtagumpay. Ang gayong pagsasalin ay dapat maganap sa pamamagitan ng mga kinakailangang pagbabago sa mga nangangasiwang lupon ng PKK. 48 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 30. Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Katimugang Pilipinas at AlAmanah Islamic Investment Bank clxxviii.—Sa loob ng anim (6) na buwan mula sa pagkakatatag ng BTA, ang Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi ay dapat tukuyin ang pakikilahok ng Bangsamoro sa pag-angkin at pangangasiwa ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines at ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Katimugang Pilipinas, gaya ng nasasaad sa Pampanguluhang Dekreto Blg. 1703 at ang uri ng paglilipat ng pag-aari sa Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 31. Umiiral na PKK sa Bangsamoro.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay dapat may kinatawan sa kalupunan ng mga direktor o sa mga láwas pampatakaran ng PKK na nangangasiwa ng malaking bahagi ng kanilang mga negosyo tuwiran man o sa pamamagitan ng kanilang mga subsidiyaryo sa Bangsamoro o kung saan may malaking interes ang Bangsamoro. Ang Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi (ILPP) ay titiyakin ang lawak ng pakikilahok. Hindi dapat mangyari na ang Bangsamoro ay makakuha nang mababa pa sa isang puwesto sa namamahalang lupon sa mga gayong entidad. Ang sapi ng Gobyernong Bangsamoro mula sa mga resulta ng operasyon ng PKK at mga subsidiyaryong tumatakbo sa Bangsamoro ay ibabatay sa pormulang itinakda ng Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi sa bisa ng Seksiyon 36 nitong Batayang Batas. Hatian sa Eksplorasyon, Pagpapaunlad, at Paggamit ng mga Likas-Yaman Seksiyon 32. Hatian sa Eksplorasyon, Pagpapaunlad, at Paggamit ng mga LikasYaman.—Ang kita ng Gobyernong Sentral mula sa mga buwis na hinango sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng lahat ng likas-yaman sa loob ng Bangsamoro ay hahatiin sa sumusunod: a. Para sa mga di-metalikong mineral (buhangin, graba, at yamang kantera clxxix), ang kita sa gayon ay dapat mapunta sa Bangsamoro at mga pamahalaang lokal na yunit nito; b. Para sa mga metalikong mineral, ang pitumpu’t limang porsiyento (75%) ay dapat mapunta sa Bangsamoro; c. Para sa mga gatong fosil clxxx(petrolyo, likas na gas, at karbón) at uranium, magkakaroon ng patas na hatian ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro. Ang gayong balangkas na hatian ay mailalapat sa mga likas yaman na matatagpuan sa lupain na bumubuo sa teritoryong Bangsamoro gayundin sa mga tubigan na nasa loob ng teritoryong saklaw ng Bangsamoro. Seksiyon 33. Hatian ng mga Konstitutibong Pamahalaang Lokal na Yunit.—Ang hati ng Gobyernong Bangsamoro sa mga kita na tinukoy sa nakaraang seksiyon ay isasama yaong para sa mga konstitutibong pamahalaang lokal na yunit. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng batas nanaglilista ng mga hati ng gayong mga pamahalaang lokal na yunit. Seksiyon 34. Hati ng mga Katutubong Komunidad.—Ang mga katutubong lipi ay magkakaroon ng patas na hati mula sa mga kitang nalilikha sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas yaman na matatagpuan sa loob ng mga teritoryong saklaw ng katutubong titulo sa kanilang panig. Ang hati na ilalaan ay itatakda ng batas na pagtitibayin ng Parlamentong Bangsamoro. 49 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng batas na isasaad ang detalye sa nasabing sistema ng paghahatian, kabilang ang porsiyento ng mga hati ng mga katutubong lipi at komunidad, at ang mga mekanimo para doon. Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi Seksiyon 35. Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi.—Lilikhain ang Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi (ILPP) na lulutas sa mga dibalanseng kita at fluktuwasyon sa mga panrehiyong pangangailangang pananalapi at kakayahang magpundar ng kita ng Bangsamoro. Seksiyon 36. Mga Tungkulin.—Ang ILPP ay isasagawa ang sumusunod na tungkulin: (a) Irekomenda ang mga kinakailangang pag-angkop ng patakarang pananalapi sa pagsasagawa ng peryodikong pagrepaso sa kapangyarihang magpabuwis, batayang buwis at mga singil clxxxi ng Gobyernong Bangsamoro, kasunduan sa hatian ng yaman, bukál ng kita vis-à-vis mga kailangan sa pagpapaunlad ng Bangsamoro; (b) Lutasin ang mga pagtatalo ng Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro na kaugnay ng koleksiyon ng buwis-sa-kita-puhunan, buwis sa dokumentong pananalapi, buwis ng donor, at buwis sa ari-arian sa Bangsamoro; (c) Tukuyin ang lawak ng pakikilahok ng Gobyernong Bangsamoro sa kalupunan ng mga direktor o sa mga láwas pampatakaran ng PKK na nagpapatakbo ng malaking bahagi ng kanilang negosyo nang tuwiran o sa pamamagitan ng mga subsidiyaryo sa Bangsamoro o kung saan may malaking interes ang Bangsamoro; (d) Tukuyin ang pakikilahok ng Gobyernong Bangsamoro sa mga resulta ng mga operasyon ng mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno at mga subsidiyaryo nito na tumatakbo sa Bangsamoro. Ang Kalupunan ay tutukuyin di ang pormula para sa hati ng Gobyernong Bangsamoro mula sa mga resulta ng nasabing mga operasyon; (e) Tukuyin ang pakikilahok ng Bangsamor sa pag-aari at pangangasiwa ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines at ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Katimugang Pilipinas (PPKF) sa Bangsamoro; at (f) Irekomenda ang pagsasakatuparan ng mga karagdagang pananalaping kapangyarihan ng Gobyernong Bangsamoro upang matamo ang pinakamataas na anyo ng awtonomiyang pananalapi. Seksiyon 37. Komposisyon.—Ang Kalupunan ay binubuo ng mga pinuno at/o representante ng mga angkop na ministeryo at opisina sa Gobyernong Bangsamoro. Ang Gobyernong Sentral ay dapat katawanin ng Kalihim ng Pananalapi at iba ibang opisyal kung kinakailangan doon sa kalupunan. Kapag nakamit ang ganap na awtonomiyang pananalapi ng Bangsamoro, ito ay hindi na kinakailangang pang magkaroon ng representante sa Gobyernong Sentral upang umupo sa Kalupunan. Seksiyon 38. Mga Pulong at Taunang Ulat.—Ang Kalupunan ay magpupulong nang hindi bababà sa isang beses kada anim (6) na buwan, at magbubuo ng sarili nitong mga tuntunin ng pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pulong. Seksiyon 39. Patakarang Ganap na Pagbubunyag.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay tataglayin ang patakaran ng ganap na pagbubunyag ng badyet at pananalapi nito, at 50 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 ang mga alok at publikong pagbibili, at magbibigay ng mga protokol para sa patnubay ng mga lokal na awtoridad sa pagsasakatuparan ng nasabing patakaran, na kabibilangan, sa piling ng iba pa, ng pagpapaskil ng Lagom ng Kita at Gastusin. Ang parehong patakaran ay ipatutupad sa mga konstitutibong pamahalaang lokal na yunit, gaya ng itinatadhana sa batas na pagtitibayin ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 40. Karagdagang Kapangyarihang Pananalapi.—Ang ILPP ay maaaring magrekomenda na gamitin ng Bangsamoro ang karagdagang pananalaping kapangyarihan upang matamo nito ang ganap na awtonomiyang pananalapi. Ang gayong mga rekomendasyon ay ipapanukala sa Kongreso o sa angkop na ahensiya ng Gobyernong Sentral na may kapangyarihang isagawa ang gayong mga rekomendasyon. Artikulo XIII Ekonomiya at Patrimonyo Seksiyon 1. Ekonomiya at Katarungang Panlipunan ng Bangsamoro.—Ang patakaran at programa ng Gobyernong Bangsamoro ay ibabatay sa prinsipyo ng katarungang panlipunan. Alinsunod sa prinsipyong ito, ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng mga batas na may kaugnayan sa ekonomiya at patrimony ng Bangsamoro na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan nito. Likas-kayang Pag-unlad clxxxii Seksiyon 2. Pantay-pantay at Likas-kayang Pag-unlad.—Upang maprotektahan at mapaunlad ang kalidad ng buhay ng mga naninirahan sa Bangsamoro, ang pagpapaunlad sa Bangsamoro ay dapat masinop maiplano, isasaalang-alang ang mga likas yaman na naroroon para magamit nito at para magamit ng susunod na salinlahin. Ang Gobyernong Bangsamoro ay palalaganapin ang mahusay na paggamit ng mga yamang pang-ekonomiya at magsisikap na matamo ang kaunlarang pang-ekonomiya na magpapabilis ng paglago at ganap na empleo, kaunlarang pantao, at katarungang panlipunan. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magbibigay din ng pantay-pantay na oportunidad para sa pag-unlad ng mga konstitutibong pamahalaang lokal na yunit, at palalakasin ang mga sistema ng pamamahala upang matiyak ang pakikilahok ng sambayanan. Seksiyon 3. Komprehensibong Balangkas para sa Likas-kayang Pag-unlad.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magpapaunlad ng komprehensibong balangkas para sa likas-kayang pag-unlad sa pamamagitan ng tumpak na konserbasyon, paggamit, at pagpapaunlad ng likas-yaman. Ang gayong balangkas ay dapat gumabay sa Gobyernong Bangsamoro sa pagtanggap ng mga programa at patakaran at pagtatatag ng mga mekanismo na nagtutuon sa mga pangkaligirang dimensiyon ng mga interbensiyong panlipunan at pang-ekonomiya. Ibibilang nito ang mga batas para mabawasan ang vulnerabilidad ng mga babae at dukhang pangkat sa pagbabagongklima at varyabilidad. Seksiyon 4. Lupon sa Likas-kayang Pag-unlad ng Bangsamoro.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng Lupon sa Likas-kayang Pag-unlad ng Bangsamoro (LLPB)clxxxiii, na isang intergobyernong láwas na binubuo ng mga representante mula sa Gobyernong Bangsamoro at Gobyernong Sentral. Ang Lupon ay titiyakin ang armonisasyon ng mga planong pangkaligiran at pangkaunlaran, at bubuuin ang mga pangkalahatang layuning pangkaligiran. 51 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang tangkilik na pondo para sa Lupon ay ilalahok sa taunang badyet ng Gobyernong Bangsamoro. Gayunman, kung may mga kitang nalikom mula sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng lahat ng likas-yaman sa loob ng Bangsamoro, ang ilang porsiyento ng gayong kita ay ilalaan para sa operasyon ng Lupon, gaya ng maitatadhana sa Batas na pagtitibayin ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 5. Planong Pangkaunlaran ng Bangsamoro.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay bubuo ng mga planong pangkaunlaran nito nang may pagsasaalangalang sa mga natatanging pangangailangan at mithi ng sambayanang Bangsamoro, at umaayon sa mga pambansang mithing pangkaunlaran. Isasaalang-alang din ng plano ang mga hakbang sa paglikha ng kita na kinakailangan para sa rehabilitasyon pagkaraan ng tunggalian, rekonstruksiyon, at pagpapaunlad ng teritoryo nito. Ilalahok din sa plano ang pagtatampok ng pag-unlad at ganap na empleo, kaunlarang pantao, at tutugunin ang mga di-pagkakapantay-pantay na panlipunan at pangekonomiya na pawang bunga ng ilang dekadang pagpapabaya, inhustisyang pangkasaysayan, kahirapan, at di-pagkakapantay-pantay. Para sa layuning ito, ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng opisina sa pagpaplanong pang-ekonomiya. Seksiyon 6. Kasarianclxxxiv at Kaunlaran.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay kikilalanin ang papel ng mga babae sa pamamahala, at titiyakin ang pundamental na pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa harap ng batas. Titiyakin din nito ang ganap at tuwirang pakikilahok ng mga babae sa pamamahala at sa proseso ng pagpapaunlad, at titiyakin pa na makikinabang nang pantay-pantay ang mga babae sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto. Sa paggamit ng mga publikong pondo, ang Gobyernong Bangsamoro ay titiyakin na ang mga pangangailangan ng mga babae at lalaki ay sapat na natutugunan. Para sa layuning ito, hindi bababà sa limang porsiyento (5%) ng kabuuang laang badyet ng bawat ministeryo, opisina, at konstitutibong pamahalaang lokal na yunit ng Bangsamoro ang ilalaan sa mga programang panugon sa kasarian, alinsunod sa planong pangkasarian at pagpapaunlad (PPP). Sa parehong paraan, hindi bababà sa limang porsiyento (5%) hanggang treynta porsiyento (30%) ng mga opisyal na pondong pangkaunlaran na tinanggap ng Bangsamoro ay ilalaan upang tumugma sa nasabing paglalaan ng badyet sa PPP. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magtatatag ng mekanismo para sa konsultasyon sa mga babae at pamayanang lokal upang lubos na matiyak ang paglalaan at tumpak na paggamit ng nasabing mga pondo. Tutukuyin din nito at isasakatuparan ang mga natatanging programang pangkaunlaran at batas para sa mga babae. Seksiyon 7. Pakikilahok ng Bangsamoro sa Pambansang Pagpaplanong Pangkaunlaran.—Sa kabila ng naunang seksiyon, at upang matiyak na ang mga planong pangkaunlaran ng Bangsamoro ay sumasalamin sa mga pambansang planong pangkaunlaran, ang Bangsamoro ay makikilahok sa pambansang pagpaplanong pangkaunlaran. Ang Punong Ministro ay magiging ganap na kasapi ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (PPKP). clxxxv Likas-Yaman Seksiyon 8. Mga Likas Yaman, Reserbang Kalikasan, at Protektadong Pook.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng awtoridad, kapangyarihan, at karapatan na galugarin, paunlarin, at gamitin ang mga likas-yaman, kabilang ang mga karapatan 52 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 sa rabaw at ilalim-ng-rabawclxxxvi, mga tubigan sa loob ng lupain, baybaying tubigan, at mga yamang napanunumbalik at di-napanunumbalik sa Bangsamoro. Ang proteksiyon, konserbasyon, rehabilitasyon, at pagpapaunlad ng mga kagubatan, mga yaman sa baybayin at pandagat, kabilang na ang pagtanggap ng mga programa at proyekto na magtitiyak sa pagpapanatili ng balanseng pang-ekolohiya ay bibigyan ng priyoridad. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon din ng kapangyarihang ihayag ang mga reserbang kalikasan at akwatikong parke, reserbang watershed, at iba pang protektadong pook sa Bangsamoro, na sinususugan para sa layuning ito ang sumusunod na batas, kabilang ang iba pa: a. Batas Republika Blg. 7586, na kilala rin bilang Pambansang Integradong Sistema ng mga Protektadong Pook, na sinusugan ng Batas Republika Blg. 10629; b. Pampanguluhang Dekreto (PD) Blg. 705, Binabago ang PD Blg. 389 o ang Kodigo ng Kagubatan ng Pilipinas; c. PD Blg. 1515, Ipinapataw ang Hurisdiksiyon at Kontrol sa mga Reserbang Watershed sa Ministeryo ng Enerhiya at para sa iba pang Layunin; d. PD Blg. 87, Binabago ang PD Blg No. 8, Batas na Nagpapalaganap ng Pagkakatuklas at Produksiyon ng Katutubong Petrolyo at Iba pang Angkop na Pondo para rito; at e. Batas Republika Blg. 7942, ang Batas ng Pagmimina saPilipinas ng 1995. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng batas sa mga protektadong pook, hinggil sa mga pamamaraan ng deklarasyon, at sa pangangasiwa ng mga pook na deklarado, at ang papel ng Gobyernong Bangsamoro at ibang kasangkot sa proseso. Seksiyon 9. Pagsasalin ng mga Umiiral na Reserbang Kalikasan at Protektadong Pook.—Ang pangangasiwa at proteksiyon ng mga reserbang kalikasan at akwatikong parke, kagubatan, reserbang watershed, at iba pang protektadong pook sa teritoryo ng Bangsamoro na naipakahulugan na, at nasa ilalim ng awtoridad ng Gobyernong Sentral ay isasalin sa Gobyernong Bangsamoro. Sa loob ng tatlong buwan mula sa pagkakatatag ng Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro, ang Gobyernong Bangsamoro at Kagawaran ng Kaligiran at Likas Yaman (KKLY) clxxxvii gayundin ang iba pang kaugnay na ahensiya ng gobyerno ay magsisimula ng prosesong isalin ang mga pook na ito kabilang ang pagsasagawa ng mga sarbey sa lahat ng apektadong pook at ang pagpaplano at transisyon ng bawat protektadong pook. Ang gayong proseso ay dapat kompletuhin sa loob ng panahong hindi lalampas sa dalawang taon. Seksiyon 10. Eksplorasyon, Pagpapaunlad, at Paggamit ng mga gatong fosil at uranium.—Ang Gobyernong Bangsamoro at ang Gobyernong Sentral ay magkabalikat na gagamitin ang kapangyarihang magbigay ng mga karapatan, pribilehiyo, at konsesyon sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga gatong fosil (petrolyo, likás na gas, at karbón) at uranium sa Bangsamoro. Ang Gobyernong Sentral, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Enerhiya (KE) clxxxviii, at ang Gobyernong Bangsamoro ay gagamit ng mahigpit at malinaw na proseso para sa pagbibigay ng mga karapatan, pribilehiyo, at konsesyon sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga gatong fosil at uranium. 53 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang KE at ang Gobyernong Bangsamoro ay tutukuyin at pipiliin ang mga posibleng pook ng kasunduan na ihahain para sa eksplorasyon at pagpapaunlad. Ang kalipikadong Filipinong mamamayan na isang tunay na residente ng Bangsamoro ay makatatanggap ng reyting na higit na mataas sa ibang proponent sa panahon ng proseso ng ebalwasyon. Ang paggagawad ng kontrata sa serbisyo ay gagawin nang magkabalikat ng KE at Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 11. Mga Karapatan sa Pagpili ng mga Tunay na Naninirahan sa Bangsamoro.—Ang mga kalipikadong mamamayan na tunay na naninirahan sa Bangsamoro ay may mga karapatan sa pagpili clxxxix sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas yaman, kabilang ang mga gatong fosil (petrolyo, likás na gas, at karbón) at uranium, sa loob ng teritoryo ng Bangsamoro. Ang mga umiiral na karapatan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga likas yaman ay igagalang hanggang sa magwakas ang mga katumbas na pagpapaupa, permiso, prangkisa o konsesyon, hangga’t wakasan nang ayon sa batas. Seksiyon 12. Mga Karapatan ng mga Katutubong Lipi sa mga Likas Yaman.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng batas na kumikilala sa mga karapatan ng mga katutubong lipi sa Bangsamoro kaugnay ng mga likás yaman sa loob ng mga teritoryong ng katutubong titulo, kabilang ang kanilang hati sa mga kita, gaya ng itinatadhana nitong Batayang Batas, at mga karapatan sa pagpili sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng gayong likas-yaman sa kanilang pook. Seksiyon 13. Mga Mina at Yamang Mineral.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay may awtoridad at hurisdiksiyon sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga mina at mineral sa mga teritoryo nito. Ang mga permiso at lisensiya at paggagawad ng mga kontrata para sa ganitong layunin ay dapat saklaw ng mga kapangyarihan ng Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 14. Mga Kasunduang Pinansiyal at Teknikal.—Ang mga aplikasyon para sa mga kasunduan hinggil sa tulong pinansiyal at teknikal (KTPT)cxc na sumasaklaw sa mga yamang mineral sa loob ng Bangsamoro ay ipagpapatuloy sa, at irerekomenda ng, Gobyernong Bangsamoro sa Pangulo. Ang paraan kung paano isasagawa ng Gobyernong Bangsamoro ang pagrerekomenda ay alinsunod sa mga patakaran ng pagmimina na pipiliin ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 15. Regulasyon ng Maliliit na Pagmimina.—Ang maliliit na pagmimina ay kokontrolin ng Gobyernong Bangsamoro hanggang wakas na ang balanseng pangekonomiya, kaligtasan, at kalusugan, at ang mga interes ng mga apektadong komunidad, minero, katutubong lipi, at pamahalaang lokal na yunit ng pook na ang gayong mga operasyon ay isinasagawa ay poprotektahan at babantayan. Seksiyon 16. Pagsasabatas ng mga Benepisyo, Bayad-Pinsala sa mga Biktima at Komunidad na Labis na Apektado ng Pagmimina at Iba pang Gawaing Gumagamit ng mga Likas Yaman.—Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng mga batas para sa benepisyo at kabutihan ng mga naninirahang napinsala, nasaktan, o labis na apektado ng paggamit ng likas at yamang mineral sa Bangsamoro. Ang gayong mga batas ay maaaring ilahok ang pagbabayad ng makatarungang kompensasyon sa, at relokasyon ng, mga tao at rehabilitasyon ng mga pook na lubhang apektado ng paggamit ng mga yamang likas at mineral na binanggit sa itaas. Ang Parlamentong Bangsamoro, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring hilingin sa mga tao, likás man o huridiko, na responsable sa pagdudulot ng sakit o pinsala na 54 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 binanggit sa itaas, na sagutin ang mga gastusin ng kompensasyon, relokasyon, at rehabilitasyong binanggit sa itaas nang buo o bahagi nito. Seksiyon 17. Patakaran sa Pagmimina ng Bangsamoro.—Ang mga patakaran sa pagmimina at iba pang industriyang ekstraktiba cxci ay bubuuin ng Parlamentong Bangsamoro alinsunod sa Komprehensibong Plano sa Likas-kayang Pag-unlad cxcii, gayundin sa pangkalahatan nitong medyo-pangmatagalan at pangmatagalang Plano sa Pagpapaunlad ng Bangsamoro cxciii. Seksiyon 18. Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan cxciv.—Ang mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan sa Dagat Sulu at at sa Golpo Moro ay lilikhain, [na] ang mga koordineyt nito ay tutukuyin ng ad hoc magkasanib na láwas na binubuo ng mga representante mula sa Kagawaran ng Kaligiran at Likas Yaman (KKLY) at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) at ng pantay na bilang ng mga representante mula sa mga angkop na ahensiya ng Gobyernong Bangsamoro. Ang Magkasanib na Láwas ay pupulungin sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos ang ratipikasyon ng Batayang Batas at magwawakas matapos nitong maitakda ang mga koordineyt ng teritoryong Bangsamoro, kabilang ang mga Tubigang Bangsamoro at Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan. Gayunman, ang nasabing magkasanib na láwas ay muling pupulungin sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos isagawa ang plebisito para mailahok ang ibang teritoryo, gaya ng isinasaad sa Batayang Batas. Seksiyon 19. Magkasanib na Láwas para sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan.—Lilikhain ang Magkasanib na Láwas para sa mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan na bubuuin ng Ministro ng Bangsamoro bilang Tagapangulo, hindi bababà sa isang (1) representante ng konstitutibong pamahalaang lokal na yunit ng Bangsamoro na kanugnog ng Dagat Sulu, hindi bababà sa isang (1) representante ng konstitutibong pamahalaang lokal na yunit ng Bangsamoro na kanugnog ng Golpo Moro, ang Kalihim ng [Kagawaran ng] Kaligiran at Likas Yaman, ang Kalihim ng [Kagawaran ng] Agrikultura, at ang Kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon ng Gobyernong Sentral, o ang kanilang mga awtorisadong representante, at ang kanilang katumbas na opisyal mula sa angkop na opisina at/o ahensiya ng Bangsamoro. Magkakaroon ng hindi bababà sa isang (1) representante mula sa kalapit na pamahalaang lokal na yunit na hindi bahagi ng Bangsamoro, at kanugnog ng Dagat Sulu, at hindi bababà sa isang (1) representante mula sa kalapit na yunit na hindi bahagi ng Bangsamoro, at kanugnog ng Golpo Moro. Ang Magkasanib na Láwas ay magiging responsable sa pagbabalangkas ng mga patakaran na binanggit sa naunang Seksiyon, gayundin ang mga kaugnay nito. Ang Magkasanib na Láwas ay maaaring anyayahan ang mga representante sa pribadong sektor mula sa mga industriya ng pangingisda at transportasyon kung kinakailangan. Ang Gobyernong Sentral at ang Gobyernong Bangsamoro ay magtutulungan upang kontrolin ang mga tubigan na bumubuo sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan sa Dagat Sulu at Golpo Moro. Ang mga patakaran ay magkasanib na babalangkasin para sa mga sumusunod na layunin: a. proteksiyon ng mga tradisyonal na pook pangisdaan; b. pagtamasa ng mga yaman doon; c. pagtitiyak sa interkoneksiyon ng mga pulo at malawak na lupaing bahagi ng bahagi ng Bangsamoro kaya ang mga ito ay bahagi ng matibay na pampolitikang entidad ng Bangsamoro; at 55 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 d. pagtitiyak ng pagsasakatuparan ng mga karapatan sa pagpili ng sambayanang Bangsamoro, ibang katutubong lipi sa kanugnog na lalawigan, at mga residenteng mangingisda sa Bangsamoro hinggil sa pangisdaan, akwamarino, at iba pang buháy na yaman sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan. Ang Magkasanib na Láwas ay maghahayag ng mga patakaran at regulasyon hinggil sa pagsasakatuparan ng mga karapatan sa pagpili. Ang mga karapatan sa pagpili na ibinigay sa sambayanang Bangsamoro sa ilalim ng seksiyon na ito ay aabot lamang sa mga tao na makapagpapatunay na sila ay Bangsamoro gaya sa itinadhana nitong Batayang Batay o mga salinlahi ng Bangsamoro simula noong Pebrero 2, 1987. Ang Gobyernong Bangsamoro at ang Gobyernong Sentral ay titiyakin na dapat ay may malayang pagkilos ng mga sasakyan, produkto, at tao sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan. Seksiyon 20. Eksplorasyon, Pagpapaunlad, at Paggamit ng mga Di-Buháy na Yaman sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan.—Ang Magkasanib na Láwas para sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan ay titiyakin ang pagtutulungan at pag-uugnayan ng Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at paggamit ng mga di-buháy na yaman sa Mga Sona ng Pagtutulungan, at tutukuyin ang pagbabahaginan ng mga kita cxcv na hango doon. Seksiyon 21. Transportasyon sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan.— Ang transportasyon na bumibiyahe nang diretso at kumokonekta sa mga pulo ng Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at/o ang mga lupaing bahagi ng Bangsamoro at lumalagos sa Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan ay ituturing na rutang intra-rehiyonal. Seksiyon 22. Mga Tubigan sa Loob ng Lupain.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng esklusibong kapangyarihan sa mga tubigan sa loob ng lupain, kabilang ngunit hindi limitado sa mga lawa, latìan cxcvi, ilog, at tributaryo. Ang Parlamentong Bangsamoro ay magpapatibay ng mga batas hinggil sa regulasyon, pangangasiwa, at proteksiyon ng nasabing mga yaman. Maaari ding lumikha ito ng opisina ng Bangsamoro at mga awtoridad para sa mga tiyak na láwas ng tubigan sa loob ng lupain at siyang magsasakatuparan ng mga kapangyarihan sa pangangasiwa sa nasabing mga láwas ng tubigan. Ang Gobyernong Bangsamoro ay titiyakin na ang paggamit ng nasabing mga tubigan ay pangunahing laan sa kapakinabangan ng mga tao sa Bangsamoro at titiyakin na ang mga komunidad sa Bangsamoro na ang teritoryo’y naroroon ang nasabing mga tubigan ay binibigyan ng patas na hati mula sa mga kita na nalikha sa gayong paggamit. Seksiyon 23. Agrikultura, Pangisdaan, at Yamang Akwatiko.—Ang mga patakaran at batas ng Gobyernong Bangsamoro hinggil sa agrikultura, pangisdaan, at yamang akwatiko ay magsusulong ng agrikultura bilang mahalagang estratehiyang pangkaunlaran, magtatampok ng mga hakbang sa produktibidad, at maglalaan ng tangkilik sa mga magsasaka at mangingisda, lalo sa mga dukhang maylupa at mangingisda cxcvii. Kalakalan at Industriya Seksiyon 24. Kalakalan at Industriya sa Bangsamoro.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay kinikilala ang pribadong sektor bilang tagapagsulong ng kalakalan, komersiyo, at industriya. Hihikayatin nito at tatangkilikin ang pagtataguyod ng kakayahang magnegosyo sa Bangsamoro at kikilalanin, itatampok, at poprotektahan ang mga kooperatiba. 56 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang Gobyernong Bangsamoro ay itatampok ang kalakalan at industriya sa Bangsamoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon na ang ibang mga bansa ay matututo sa Bangsamoro sa mga natatangi nitong industriya, oportunidad na pangekonomiya, at kultura sa pamamagitan ng mga misyong pangkalakalan, pistang kalakalan, at iba pang gawaing pampalaganap. Maaaring bumuo ito ng mga misyong pangkalakalan sa ibang mga bansa, at sumunod sa mga kinakailangang pakikipagugnayan sa mga kinakailangang ahensiya ng gobyerno. Ang Gobyernong Bangsamor ay magtatampok ng domestikong pagpili sa kalakalan para sa mga produktong nalikha at materyales na hinango mula sa loob ng Bangsamoro at gumawa ng mga hakbang upang mapataas cxcviii ang pagiging kompetitibo. Ang Gobyernong Bangsamoro ay titiyakin din na ang mga Bangsamorong produkto at serbisyo ay magkaroon ng malaking puwang sa mga merkado ng mga kabalikat na mangangalakal, at ang tiyak na pansin ay dapat ibigay sa mga merkado ng mga kabalikat na mangangalakal na may ugnayang pangkasaysayan at pangkultura sa Bangsamoro. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magbibigay ng mga programang teknikal at pagsasanay sa kahusayan, lilikha ng mga oportunidad sa kabuhayan at trabaho, at maglalaan ng mga pantay-pantay na karapatan sa pagpili ng mga maninirahan dito. Sa ganitong pagkakataon, ang Parlamentong Bangsamoro ay lilikha ng mga batas na magtatanggol sa mga karapatan ng mga manggagawa. Seksiyon 25. Baligyâ at Ganting-kalakalan sa mga bansa sa ASEAN.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay kokontrolin ang tradisyonal na baligyâ at gantingkalakalan sa mga bansa sa ASEAN. Ang mga produkto o bagay na ikinalakal sa nasabing mga bansa ay hindi ipagbibili kung saan-saan sa bansa nang hindi nagbabayad muna ng buwis sa mga angkop na aduwana o singil sa pag-angkat. Ang tradisyonal na baligyâ at ganting-kalakalan ay tumutukoy sa lampas-sahanggahang kalakalan ng lahat ng produkto na hindi itinuturing na ipinagbabawal noong una pa man sa panig ng mga pook ng Bangsamoro at mga bansa sa ASEAN. Ang Gobyernong Bangsamoro ay titiyakin ang pagsunod sa hinihinging mga pambansang pamantayan at ligtas-na-produktong pamantayan. Anumang pagtatalo na may kaugnayan sa pagsunod o pagsuway ay idudulog sa mekanismo sa intergobyernong ugnayan. Seksiyon 26. Mga Sonang Pang-ekonomiya, Ari-ariang Pang-industriya, at Malayang Daungan.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay maaaring magtatag ng mga sonang pang-ekonomiya, ari-ariang pang-industriya, at malayang daungan sa Bangsamoro. Sa pamamagitan ng mekanismo sa intergobyernong ugnayan, ang Gobyernong Bangsamoro at ang Gobyernong Sentral ay magtutulungan sa aduwana, inmigrasyon, serbisyong kuwarentenas, kabilang ang mga resultang internasyonal na pangako doon, upang maisakatuparan at maging ganap ang pagpapatakbo ang mga sonang pang-ekonomiya, ari-ariang pang-industriya, at malayang daungan sa loob ng isang (1) taon mula sa pagkakatatag ng mga ito. Ang mga negosyo at iba pang empresa na pawang tumatakbo sa loob ng mga sonang pang-ekonomiya, ari-ariang pang-industriya, at malayang daungan ng Bangsamoro ay magkakaroon ng karapatan sa mga insentibong pananalapi at iba pang benepisyo na inilalaan ng Gobyernong sentral sa mga natatanging sonang pang-ekonomiya. Ang Gobyernong Bangsamoro ay magsasakatuparan ng mga insentibong pananalapi at iba pang benepisyo sa mga namumunuhan sa mga sonang pang-ekonomiya, ari-ariang pang-industriya, at malayang daungan. Ang malalayang daungan ng Bangsamoro ay dapat maging kanugnog ng daungan o paliparan. Ang pook na saklaw ng malayang daungan ay maaaring hangga’t kinakailangan ang gayong bahagi ng konstitutibong pamahalaang lokal na yunit ng Bangsamoro, alinsunod sa pamantayan na itatakda ng Parlamentong 57 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Bangsamoro para sa gayong layon. Ang mga umiiral na malayang daungan sa ARMM ay isinasalin sa Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 27. Pagbabawal sa mga Sangkap cxcix na Nakalalason o Mapanganib.— Ang Gobyernong Bangsamoro ay kokontrolin, hihigpitan o ipagbabawal ang paggamit, pag-angkat, paglilipat, pagbibiyahe, pag-iimbak, paglalagay, o pagtatapon ng mga sangkap na nakalalason o mapanganib sa loob ng Bangsamoro. Kokontrolin din nito sa parehong paraan ang mga gawain na labis na makapipinsala sa kaligiran at maaaring makasamâ sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng Bangsamoro. Seksiyon 28. Mga Láwas na Tagapagsertipika ng Halāl cc; Programang Kampanya hinggil sa Halal.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay magkakaroon ng kapangyarihan na mag-akredit ng mga láwas na tagasertipika ng halāl sa Bangsamoro. Itatampok din nito ang pagiging malay sa pamamagitan ng pagpapaunlad at pagsasakatuparan ng programang kampanya hinggil sa halāl. Pagbabángko at Pinansiya Seksiyon 29.—Mga Bangko at Institusyong Pinansiyal.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay dapat hikayatin ang: a. mga bangko at institusyon at ang mga sangay nito; at b. mga yunit ng bangko sa ibayong-dagat na mula sa mga banyagang bangkero. Seksiyon 30. Islamikong Pagbabangko at Pananalapi.—Ang Gobyernong Bangsamoro, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) cci, ang Kagawaran ng Pananalapi (KP) ccii, at ang Pambansang Komisyon sa mga Filipinong Muslim (PKFM) cciii ay magkakasanib na itatampok ang pagpapaunlad ng Islamikong sistema ng pagbabángko at pananalapi, na ilalahok kasama ang iba pa, ang pagtatatag ng Láwas Pampangasiwaang Shari’ah cciv. Upang mapabilis ang pagtatatag ng Islamikong sistema ng pagbabangko at pananalapi, ang mga gobyernong Sentral at Bangsamoro ay rerepasuhin ang mga umiiral namerkadong kaligiran at patakaran, at gumawa ng mga hakbang upang mapalakas ang pagiging kompetitibo ng mga Islamikong produktong pananalapi. Ito rin ay itatampok pa lalo ang kamalayan at pagtanggap ng mga namumuhunan upang makapagtaguyod ng malawak na báse ng mga kostumer at ari-arian. Transportasyon at Komunikasyon Seksiyon 31.Transportasyon at Komunikasyon.—Ang Gobyernong Bangsamoro ay isasakatuparan ang gayong kapangyarihan, tungkulin, at pananagutan na pawang isinalin o ipinaubaya ccv sa ARMM: Ang intergobyernong láwas ng ugnayan ay pupulungin ang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (KTK) ccvi, Pangasiwaan sa Abyasyong Sibil ng Pilipinas (PASP) ccvii, Lupon sa Aeronawtika Sibil (LAS) ccviii, Pangasiwaan sa Industriyang Maritima (MIM) ccix, Pangasiwaan ng Daungan sa Pilipinas (PDP) ccx, Lupon sa Prangkisa at Pamamahala ng Transportasyong Panlupa (LPPTP) ccxi, Tanggapan ng Transportasyong Panlupa (TTP)ccxii, Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon (PKT)ccxiii, at iba pang may kaugnayang ahensiya ng Gobyernong Sentral at ng Gobyernong Bangsamoro. Ang láwas ay magsasagawa ng sumusunod na tungkulin: a. Tukuyin ang pagsasakatuparan ng mga dagdag na kapangyarihan, tungkulin, at pananagutan na kaugnay sa transportasyon at komunikasyon sa Bangsamoro, batay sa mga prinsipyo ng subsidyaridad, kakayahang teknikal at pinansiyal, 58 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 armonisasyon (unipormeng sistemang konsepto), pagsunod sa mga internasyonal na pamantayan, mga tratado at kumbensiyon, at paggalang at pagkilala sa isa’t isa, at pagkilala sa mithi ng Bangsamoro na matamo ang mga dagdag na kapangyarihan hangga’t maisasagawa nang praktikal habang ito ay umuunlad; b. Maghayag ng mga tuntunin at regulasyon sa pagsasakatuparan ng mga dagdag na kapangyarihan, tungkulin, at pananagutan sa transportasyon at komunikasyon sa Bangsamoro; c. Iangkop ang mga patakaran, programa, regulasyon, at pamantayan; at d. Lutasin ang mga problema sa pagsasakatuparan ng Gobyernong Sentral at ng Gobyernong Bangsamoro. Lahat ng kita na malilikom ng Gobyernong Bangsamoro mula sa pagsasakatuparan ng mga kapangyarihan, tungkulin, at pananagutan nito ay mapupunta sa Gobyernong Bangsamoro. Artikulo XIV Rehabilitasyon at Kaunlaran Seksiyon 1. Rehabilitasyon at Kaunlaran.—Ang Gobyernong Bangsamoro, na may tulong na pondo mula sa Sentrong Gobyerno, ay paiigtingin ang mga gawaing pagpapaunlad para sa rehabilitasyon, rekonstruksiyon, at kaunlaran ng Bangsamoro bilang bahagi ng proseso ng normalisasyon. Ito ay magbabalangkas at magsasagawa ng programa para sa rehabilitasyon at kaunlaran na tutugon sa mga pangangailangan ng mga kawal na MILF/ kasapi ng BIAF at mga babaeng tinanggal sa reserbang hukbo ng aktibong serbisyo, mga tao na napilitang lumipat kung saan ccxiv, at mga dukhang komunidad. Seksiyon 2. Natatanging Pondong Pangkaunlaran.—Ang Gobyernong Sentral ay magbibigay ng Natatanging Pondong Pangkaunlaran sa Bangsamoro para sa mga layuning may kaugnayan sa rehabilitasyon at kaunlaran matapos maratipika ang Batayang Batas ng Bangsamoro. Ang halaga ay katumbas ng Pitong Bilyong Piso (PhP 7,000,000,000.00 na ilalaan sa unang taon makaraan ang ratipikasyon nitong Batayang Batas. Sa simula ng ikalawang taon, ang Natatanging Pondong Pangkaunlaran ay magkakahalaga ng Sampung Bilyong Piso (PhP 10,000,000,000.00) na ibabayad sa Gobyernong Bangsamoro sa loob ng limang (5) taon, sa bilis na Dalawang Bilyong Piso (PhP 2,000,000,000.00) kada taon. Ang gayong halaga ay ilalabas nang regular sa pagsisimula ng bawat piskal na taon sa Gobyernong Bangsamoro. Artikulo XV Plebisito Seksiyon 1. Pagtatatag ng Bangsamoro.—(1) Ang pagtatatag ng Bangsamoro at ang pagtiyak ng teritoryong Bangsamoro ay magkakabisa makaraang maratipika itong Batayang Batas sa pamamagitan ng mayoryang boto sa sumusunod na lalawigan, lungsod, at pook heograpiko sa plebisitong isinagawa para sa gayong layon: a. Ang kasalukuyang pook heograpiko ng Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw (ARMM); b. Ang mga munisipalidad ng Baloiccxv, Munaiccxvi, Nunungan, Pantar, Tagoloan, at Tangkal sa lalawigan ng Lanaw del Norte ccxvii; 59 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 c. Ang sumusunod na tatlumpu’t siyam (39) Barangay sa mga Munisipalidad ng Kabacan ccxviii, Carmen, Aleosan, Pigkawayan, Pikit, at Midyasap sa Hilagang Cotabato na bumuto para mapabilang sa ARMM noong 2001 plebisito sa bisa ng Batas Republika Blg. 9054; i. Dunguan, Lower Mingading ccxix, at Tapodocccxx sa munisipalidad ng Aleosan (3); ii. Manarapan at Nasapian sa munisipalidad ng Carmen (2); iii. Nanga-an, Simbuhay, at Sanggadong sa munisipalidad ng Kabacan (3); iv. Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kapinpilan, Kudarangan, Central Labas ccxxi, Malingao ccxxii, Mudseng, Nabalawag, Olandang, Sambulawan, at Tugal sa munisipalidad ng Midsayap (12); v. Lower Baguer, Balacayon ccxxiii, Buricain ccxxiv, Datu Binasing, Kadingilan, Matilac ccxxv, Patot, at Lower Pangangkalan sa munisipalidad ng Pigkawayan (8); vi. Bangoinged, Balatican ccxxvi, S. Balong, S. Balongis, Batulawan, Buliok, Gokoton, Kabasalan, Lagunde, Macabial, Macasendeng ccxxvii, sa munisipalidad ng Pigkawayan (11); d. Ang mga lungsod ng Cotabato at Isabela; at e. Ang mga kalipikado para mailahok sa plebisito sa pamamagitan ng resolusyon o petisyon. Seksiyon 2. Hurisdiksiyong Teritoryal.—Ang plebisito para sa layuning tukuyin ang aktuwal na hurisdiksiyong teritoryal ccxxviii ng Bangsamoro ay isasagawa, hangga’t praktikal, sa loob ng sandaan at dalawapung (120) araw mula sa pagkakabisa nitong Batayang Batas. Para sa layuning ito, ang KOMELEK ccxxix ay magsasagawa ng mga kinakailangang hakbang para maganap ang plebisito sa loob ng nasabing panahon. Seksiyon 3. Mga Resulta ng Plebisito.—(a) Para sa kasalukuyang heograpikong pook ng ARMM: kung ang mayorya ng mga rehistradong botante ng bawat lalawigan at lungsod ay bumoto nang pabor sa Batayang Batas ng Bangsamoro (BBB), ang naturang mga lalawigan at lungsod ay ibibilang sa Bangsamoro. (b) Para sa mga munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagaloan, at Tangkal sa Lalawigan ng Lanao del Norte: Kung ang mayorya ng mga rehistradong botante ng bawat munisipalidad ay bumoto nang pabor sa Batayang Batas ng Bangsamoro (BBL), ang naturang mga munisipalidad ay ibibilang sa Bangsamoro. (c) Para sa iba pang barangay sa mga munipalidad ng Kabaca, Carmen, Aleosan, Pigcawayan, Pikit, at Midsayap na bumoto para mapabilang sa ARMM noong plebisito ng 2001: Kung ang mayorya ng mga rehistradong botante ng bawat barangay ay bumoto nang pabor sa Batayang Batas ng Bangsamoro (BBB), ang naturang barangay ay ibibilang sa Bangsamoro. (d) Para sa mga lungsod ng Cotabato at Isabela: Kung ang mayorya ng mga rehistradong botante ng bawat lungsod ay bumoto nang pabor sa Batayang Batas ng Bangsamoro (BBL), ang naturang mga lungsod ay ibibilang sa Bangsamoro. 60 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 (e) Para sa lahat ng kanugnog na pook na may kapasiyahan ang pamahalaang lokal na yunit o may petisyon ang di-bababà sa sampung (10%) porsiyento ng mga rehistradong botante sa heograpikong pook at humihiling na mapabilang nang di-bababà sa dalawang buwan bago isagawa ang ratipikasyon ng Batayang Batas ng Bangsamoro (BBB). Kung ang mayorya ng mga rehistradong botante ng bawat pamahalaang lokal na yunit ay bumoto nang pabor sa Batayang Batas ng Bangsamoro (BBB), ang naturang mga pamahalaang lokal na yunit ay ibibilang sa Bangsamoro. Seksiyon 4. Plebisito sa Paglahok sa Bangsamoro.—Alinmang pamahalaang lokal na yunit o heograpikong pook na labás sa hurisdiksiyong teritoryal ng Bangsamoro, ngunit kanugnog ng alinmang kabahaging yunit ng Bangsamoro, na matapos beripikahin ang petisyon sa pagsasagawa ng plebisito ng di-bababà sa sampung (10%) porsiyento ng mga rehistradong botante ay dapat isumite ito sa Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro. Sa pasubali, na ang paglalahok sa naturang pamahalaang lokal na yunit o heograpikong pook sa Bangsamoro ay magkakabisà kapag inaprobahan ng mayorya ng mga rehistradong botante sa loob ng pamahalaang lokal na yunit sa plebisitong isinagawa para sa gayong layunin. Sa pasubali pa na ang iskedyul ng plebisito ay tutukuyin ng KOMELEK sa pamamagitan ng Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro. Seksiyon 5. Rekonstitusyon ng mga Pamahalaang Lokal naYunit.—Ang Parlamentong Bangsamoro, sa pamamagitan ng panrehiyong batas, ay maaaring itakda ang pagbuo sa mga heograpikong pook sa Bangsamoro tungo sa angkop na mga paghahati-hating panteritoryo o pampolitika, alinsunod sa mga resulta ng alinmang plebisito doon. Walang alinmang naririto ang ipakakahulugang nagpapahintulot sa Parlamentong Bangsamoro na lumikha ng mga distritong pangkongreso. Seksiyon 6. Tanong sa Plebisito.—Ang tanong na ipupukol sa mga botante sa plebisito ay ang sumusunod: “Sinasang-ayunan ccxxxmo ba ang Batayang Batas ng Bangsamoro?” Seksiyon 7. Pagsubaybay sa Plebisito.—Ang KOMELEK ay magbibigay din ng akreditasyon sa mga susubaybay sa plebisito, kabilang ang láwas na internasyonaldomestikong tagasubaybay na nilikha ng panig ng Gobyernong Pilipinas at ng MILF, alinsunod sa mga itinatag na internasyonal na pamantayan sa pagsubaybay ng halalan. Ang láwas tagasubaybay ay magkakaroon ng akses sa lahat ng operasyong kaugnay sa pagsasagawa ng plebisito at makapagsasagawa ng mga regular at panaka-nakang pagsisiyasat. Ang mga ulat ng láwas tagasubaybay ay ipababatid sa mga Panig ccxxxi para gamitin sa mga pagpapasiya nito. Seksiyon 8. Mga Rehistradong Botante.—Lahat ng rehistradong botante sa mga lalawigan, lungsod, at heograpikong pook na binanggit sa Seksiyon 1 ay magiging kalipikado na makilahok sa plebisito sa pagtatatag ng Bangsamoro. Sa kabila ng mga umiiral na batas, tuntunin, at regulasyon sa mga botante mula sa ibayong-dagat at lokal na lumiban ccxxxii, ang KOMELEK ay titiyakin na ang mga kalipikadong botante para sa plebisito na nasa labas ng Bangsamoro sa araw ng plebisito ay bibigyan ng oportunidad na bumoto, at ang mga botanteng kasalukuyang nakarehistro sa labas ng pook na tinukoy ngunit kalipikado doon na maging rehistradong botante ng mga pook, at tumupad sa mga kahingian ng paninirahan sa bisa ng batas, ay bibigyan ng oportunidad na ilipat ang kanilang rehistrasyon nang naaayon, sa panahon na laan sa pagsasagawa ng plebisito. 61 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang KOMELEK ay magsasagawa ng natatanging rehistrasyon bago ang petsa ng plebisito sa Batayang Batas ng Bangsamoro. Ang KOMELEK ay ipopromulga ang mga patakarang kinakailangan para sa pagsasagawa ng plebisito, kabilang ang para sa akreditasyon ng mga tagasubaybay sa plebisito, kusang paglalahok sa plebisito, at natatanging rehistrasyon ng mga botante gaya sa na sasaad dito, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkakabisa nitong Batayang Batas, na may pangunahing layunin nal ubusin ang oportunidad para sa pakikilahok sa plebisito ng mga kalipikadong botante sa mga pook na tinukoy para sa paglikha ng Bangsamoro. Seksiyon 9. Mga Pagpapalaganap ng Impormasyon ccxxxiii.—Ang Komisyon sa Eleksiyon ay pangangasiwaan ang pagsasagawa ng mga pagpapalaganap sa impormasyon hinggil sa plebisito, kabilang ang mga kampanyang sektoral para sa mga katutubong lipi, babae, kabataan, relihiyoso, propesyonal, at publiko at pribadong sektor na empleado, sa bawat munisipalidad, lungsod, at lalawigan na pinagganapan ng plebisito. Ang mga publikong kumperensiya, asamblea, o pulong sa mga petsa bago ganapin ang plebisito ay isasakatuparan upang ipabatid sa mga resident doon ang halaga at kahulugan ng plebisito, at upang matulungan silang bumuto nang matalino. Hihikayatin ang malaya, ganap, at mapagbuong talakayan at palitan ng mga pananaw sa mga usapin. Para sa layuning ito, ang tulong ng mga tao na tanyag ang katapatan at karunungan ay maaaring hilingin ng Komisyon sa Eleksiyon, pamahalaang lokal na yunit, o mga interesadong partido para maging tagapagsalita o sanggunian. Ang gayong kampanya ay magaganap nang walang prehuwisyo sa iba pang pagpapalaganap ng impormasyon at kusang publikong pagtataguyod ng ibang grupo o indibidwal. Para sa mga pagpapalaganap ng impormasyon at iba pang kusang publikong pagtataguyod sa piling ng mga katutubong komunidad, ang mga pinunong lokal ay dapat makisangkot sa mga pangunahing talakayan sa kanilang mga komunidad. Ang mga kusang publikong pagtataguyod ay isasagawa sa loob ng balangkas ng solidaridad, pagtutulungan, at pagkakaisa sa hanay ng mga Moro, katutubo, at nandayuhang komunidad. Ang mga konsultasyon ay igagalang ang mga papel ng mga katutubo at Morong babae, at hihikayatin ang kanilang aktibong pakikilahok. Seksiyon 10. Paglalaan.—Ang sapat na halaga ay inilalaan dito para sa mga kahingian ng pagsasagawa ng plebisito, kabilang ang pagsubaybay, pagpapalaganap ng impormasyon, at pagpaparehistro sa mga botante; Sa pasubali, na ang Komisyon sa Eleksiyon ay tutukuyin ang paraan ng pangangampanya at pagtatalaga sa mga ahensiya ng gobyerno para sa gayong layunin. Artikulo XVI Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro Seksiyon 1. Panahon ng Transisyon.—Ang transisyon o pansamantalang panahon para sa pagtatatag ng Bangsamoro ay magsisimula pagkaraang maratipika itong Batayang Batas. 62 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Ang batas ay ituturing na ratipikado makaraang maiproklama ng Komisyon sa Eleksiyon, o ng mga angkop na awtorisadong opisyal nito, na ang mayorya ng mga boto sa plebisito sa mga konstitutibong yunit ay pumabor sa paglikha ng Bangsamoro. Ang katotohanan ng ratipikasyon ay kukumpirmahin ng Gobyernong Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang pansamantalang panahon ay magwawakas kapag nabuwag ang Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro, gaya ng isinasaad sa Batayang Batas na ito. Ang panahon ng transisyon na ipinakahulugan dito ay walang prehuwisyo sa pagpapasimuno o pagpapatuloy ng iba pang hakbanging kinakailangan pagkalipas ng tunggaliang transisyon at normalisasyon nang lampas sa termino ng ATB. Seksiyon 2. Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro.—Lilikhain dito ang Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro (ATB) na magiging pansamantalang gobyerno o ang láwas tagapamahala sa Bangsamoro sa panahon ng transisyon. Ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), na pangunahing partido sa Komprehensibong Kasunduan sa Bangsamoro, ang mamumuno ng ATB, sa pamunuan at kasapian. Ang ATB ay bubuuin ng limampung (50) kasapi, na hihirangin lahat ng Pangulo; Sa pasubali, na ang mga di-Morong katutubong komunidad, babae, at nandayuhang komunidad at iba pang sektor ay magkakaroon ng mga representante sa ATB. Ang mga nominasyon ay maaaring isumite sa Tanggapan ng Pangulo para sa layuning ito. Ang Konseho ng mga Pinuno, gaya ng nasasaad sa Seksiyon 5, Artikulo VI, ay bubuuin din sa panahon ng transisyon. Seksiyon 3. Mga Kapangyarihan at Awtoridad.—Ang mga lehislatibo at ehekutibong kapangyarihan sa Bangsamoro sa panahon ng transisyon ay ipapataw sa ATB. Sa panahon ng transisyon, ang ehekutibong awtoridad ay isasakatuparan ng pansamantalang Punong Ministro, na hihirangin ng Pangulo sa gayon, samantalang ang lehislatibong awtoridad ay isasakatuparan ng ATB. Lahat ng awtoridad na isinalin ay ipapataw sa ATB sa panahon ng transisyon. Para sa mga layunin ng mga mekanismo para sa intergobyernong ugnayan sa Gobyernong Sentral at mga pamahalaang lokal na yunit sa Bangsamoro, ang ATB ay ituturing bilang Gobyernong Bangsamoro sa buong panahon ng transisyon. Seksiyon 4. Mga Tungkulin at Priyoridad.—Ang ATB ay titiyaking matupad ang mga sumusunod napriyoridad sa panahon ng transisyon: a. Pagsasabatas ng mga priyoridad na batas, gaya ng Kodigo sa Pangangasiwa ng Bangsamoro, ang Kodigo sa Kita ng Bangsamoro, at ang Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro, na umaalinsunod sa mga kapangyarihan at prerogatibong ipinataw sa Gobyernong Bangsamoro nitong Batayang Batas; Sa pasubali, na hanggang hindi naisasabatas ang nabanggit na batas para sa Bangsamoro, ang Batas sa Awtonomiya ng Muslim Mindanaw Blg. 25 o ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng ARMM, at ang mga umiiral na batas sa eleksiyon at iba pang usapin sa eleksiyon ay mangingibabaw sa Bangsamoro. Ang ATB ay maaaring isabatas din ang Kodigo sa Serbisyo Sibil ng Bangsamoro, gaya ng itinatadhana nitong Batayang Batas. Dahil wala pa ang nabanggit, ang mga pambansang batas at regulasyon hinggil sa serbisyo sibil ay pangunahing ipatutupad sa Bangsamoro; 63 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 b. Ang organisasyon ng burukrasya sa Gobyernong Bangsamoro sa panahon ng transisyon, kabilang ang pagpapatibay at implementasyon ng plano sa transisyon, at ang pagsasabatas ng proseso ng pagtatalaga ng mga kawani para sa paghirang ng mga kawani sa panahon ng transisyon. Ilalahok din dito ang pagtatatag ng mga opisina at iba pang institusyong kinakailangan para sa patuloy ng pagganap ng gobyerno at paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa rehiyon, gayundin ang mga kinakailangan para sa maayos na pagpapatakbo ng unang inihalal na Gobyernong Bangsamoro sa 2016; c. Pagsasalin ng mga kapangyarihan at ari-arian ng ARMM Panrehiyong Gobyerno sa Gobyernong Bangsamoro, at ang disposisyon ng mga kawani, gaya ng isinasaad sa Batayang Batas na ito; at d. Iba pang usapin na maaaring kailangan para sa transisyon mula sa ARMM Panrehiyong Gobyerno tungo sa Gobyernong Bangsamoro, gaya ng isinasaad ng Batayang Batas na ito. Seksiyon 5. Plano sa Transisyon.—Sa loob ng animnapung (60) araw matapos ang panahon ng transisyon, ang pansamantalang Punong Ministro ay isusumite sa ATB ang plano sa transisyon na magtataglay ng panukalang planong pang-organisasyon, gayundin ng talatakdaan ccxxxiv nito. Seksiyon 6. Mga Pansamantalang Opisyal.—Ang pansamantalang Punong Ministro ay bubuuin ang pansamantalang Gabinete at hihirang ng pansamantalang Ikalawang Punong Ministro, na magiging kasapi ng ATB. Ang pansamantalang Punong Ministro ay hihirangin din ang iba pang ministro hangga’t kinakailangan upang gampanan ang mga tungkulin ng gobyerno sa panahon ng transisyon, at ang mayorya nila ay magmumula sa mga kasapi ng ATB. Ang mga kasapi ng ATB na hihirangin sa mga posisyon ng gabinete ay magsisilbi sa kanilang mga opisina nang magkakaayon; Sa pasubali na, walang kasapi ng ATB ang maaaring hirangin, ihalal, o humawak ng mahigit dalawang (2) posisyon sa parehong panahon. Seksiyon 7. Pansamantalang Gabinete.—Ang Pansamantalang Gabinete ay bubuuin ng sampung (10) pangunahing opisina na may sub-opisina sa mga gawaing sakop at sa mga priyoridad na ministeryo, kabilang ang: a. Pamamahala, na mamumuno sa badyet at pinansiya, pananagutan, at iba pang kahawig o kaugnay na bagay; b. Serbisyong Panlipunan, na mamumuno sa kabutihang panlipunan, at iba pang kahawig o kaugnay na bagay; c. Kaunlaran, na mamumuno sa transportasyon at komunikasyon, pamumuhunang panrehiyon, kalakalan at industriya, agrikultura, kagubatan at kaligiran, kaunlarang panlungsod at pangnayon ccxxxv, at iba pang kahawig o kaugnay na bagay; d. Edukasyon; e. Publikong Kaayusan at Kaligtasan; f. Kapakanan ng mga Katutubong Lipi; g. Kalusugan; 64 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 h. Pagawaing-Bayan; i. Pamahalaang Lokal; at j. Pinansiya. Ang ATB ay maaaring bigyan ng kapangyarihan ang pansamantalang Punong Ministro na lumikha ng iba pang ministeryo at pangunahing opisina, makaraang tukuyin ng mayorya ng mga kasapi nito na ang gayon ay kinakailangan upang makamit ang kambal na layuning ipagpatuloy ang serbisyong panlipunan at pagbabagong-anyo tungo sa karaniwang Gobyernong Bangsamoro. Seksiyon 8. Organisasyon ng Burukrasya.—Ang awtoridad ng ATB na lumikha ng mga opisina at ayusin ang burukrasya sa panahon ng transisyon ay walang prehuwisyo sa awtoridad ng Gobyernong Bangsamoro na isaayos muli ang burukrasya matapos itong mabuo, o kailan man pagkaraan nito. Sa pagsasakatuparan ng awtoridad, ang ATB ay titiyakin ang pinakakaunting posibleng pagkabalam sa panunungkol ng gobyerno at paghahatid ng mga serbisyo sa rehiyon. Lahat ng opisina at institusyong nilikha ng mga batas na isinabatas ng Panrehiyong Lehislatibong Asamblea ng ARMM ay ituturing na bahagi ng Gobyernong ARMM at sasailalim sa planong pagwawakas na pagtitibayin ng ATB. Seksiyon 9. Pagsasalin ng mga Kapangyarihan at Ari-arian at Disposisyon ng mga Tauhan.—Lahat ng kapangyarihan, tungkulin, asset, puhunan, resibabol, kasangkapan, at pasilidad ng Panrehiyong Gobyerno ng ARMM sa panahon ng ratipikasyon nitong Batayang Batas ay isasalin sa Gobyernong Bangsamoro. Ang ATB ay dapat itakda ang bai-baitang na pagwawakas ng mga opisina ng ARMM, na ituturing na nabuwag na pagkaraang maratipikahan ang Batayang Batas ng Bangsamoro. Sa pagsasaalang-alang ng publikong interes at paghahatid ng mga serbisyo, ang mga opisyal na mayhawak ng mga posisyong hinirang ay magpapatuloy na gampanan ang kanilang mga tungkulin alinsunod sa talatakdaan. Ang Gobyernong Sentral ay maglalaan ng mga kinakailangang pondo para sa mga benepisyo at karapatang dapat matamo ng mga apektadong kawani sa ARMM. Ang ATB ay dapat isabatas ang independiyente, mahigpit na batay-sa-merito at mapagtitiwalaang pag-eempleo at proseso ng paghirang sa lahat ng opisina, ahensiya, at institusyon sa Bangsamoro, at dapat isaalang-alang ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagkakatutubo. Ang imbentaryo ay isasagawa upang matiyak na sa mga pagkakautang ng ARMM sa ilalim ng batas, ang mga kasunduan o iba pa ay babayaran bago ang pagsasalin sa ATB. Para sa layuning ito, ang Opisina ng Panrehiyong Gobernador ng ARMM ay isasalin sa ATB matapos itong makabuo ng lagom na ulat ng kalagayan ng Panrehiyong Gobyerno mula sa petsa ng ratipikasyon nitong Batayang Batas, kabilang ang impormasyon sa kalagayan ng debolusyon, mga kawani, mga ari-arian, at mga asset ng Panrehiyong Gobyerno. Seksiyon 10. Disposisyon ng mga Tauhan at Asset ng mga Opisina/Ahensiya ng Gobyernong Sentral.—Ang Gobyernong Sentral ay magsasagawa ng disposisyon ng mga kawani ng Gobyernong Sentral o Pambansang KPKG ccxxxvi na ang mandato at mga tungkulin ay isasalin sa, o ipinataw ngayon sa Gobyernong Bangsamoro sa bisa nitong Batayang Batas. Ang mga ari-arian at asset ay isasalin sa Gobyernong 65 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Bangsamoro sa loob ng anim (6) na linggo mula sa pagkakabuo ng ATB. Ang pagsasalin ng mga ari-arian at asset ay walang prehuwisyo sa kapangyarihan ng ATB na ayusin ang burukrasya sa panahon ng transisyon. Seksiyon 11. Pagbuwag sa ATB.—Pagkatapos na pagkatapos ng kalipikasyon ng inihalal na Punong Ministro sa ilalim ng unang Parlamentong Bangsamoro, ang Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro ay ituturing na buwag na. Ang ATB ay dapat isumite ang pangwakas na ulat at mga rekomendasyon sa Parlamentong Bangsamoro, gayundin sa Kapulungan ng mga Representante at Senado, hinggil sa kalagayan ng gobyerno sa panahon ng transisyon sa loob ng animnapung (60) araw mula nang manungkulan sa opisina ang lahat ng kasapi ng unang Parlamento. Seksiyon 12. Mga Regular na Eleksiyon.—Ang unang regular na eleksiyon para sa Gobyernong Bangsamoro sa bisa nitong Batayang Batas ay gaganapin sa unang Lunes ng Mayo 2016. Ito ay papatnubayan ng Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro. Ang National Omnibus Election Code (Pambansang Kodigo sa Halalang Panlahat)ccxxxvii ay mangingibabaw sa mga pagkukulang, kung kailan naaangkop. Ang Komisyon sa Eleksiyon (KOMELEK), sa pamamagitan ng Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro, ay maghahayag ng mga tuntunin at regulasyon hangga’t kinakailangan sa pagsasagawa ng nasabing mga eleksiyon, at ipatutupad at pangangasiwaan ang pareho, na umaalinsunod sa Batayang Batas na ito at sa Kodigong Panghalalan sa Bangsamoro, gaya sa iniuugnay sa may kinalamang mga pambansang batas. Seksiyon 13. Panimulang Pagpopondo para sa Transisyon.—Upang maisagawa ang kinakailangan sa transisyon, kabilang ang mga gawaing pang-organisasyon ng ATB, pagbubuo ng burukrasya, paghirang ng mga kawani, at pagsasakatuparan ng mga tungkulin at kapangyarihan ng ATB, gaya ng isinasaad nitong Batayang Batas, ang halagang Isang Bilyong Piso (1,000,000,000.00) ay inilalaan para sa ATB, na sisingilin sa Pangkalahatang Pondo ng Gobyernong Sentral. Dagdag pa, ang mga paglalaan sa kasalukuyang taon para sa ARMM ay isasalin din sa ATB para sa layuning ito. Ito ay dapat maganap nang walang prehuwisyo sa alinmang karagdagang baduet na maaaring ilaan ng Kongreso upang tangkilikin ang transisyon. Ang mga tungkulin ng Gobyerno na nasa loob ng reserbadong kapangyarihan ng Gobyernong Sentral sa Bangsamoro ay patuloy na popondohan ng Gobyernong Sentral. Artikulo XVII Mga Susog at Pagtutuwidccxxxviii Seksiyon 1. Mga Susog at Pagtutuwid.—Lahat ng panukalang susugan o ituwid ang mga probisyon nitong Batayang Batas ay dapat unang talakayin at iendoso ng Kongresong Filipino-Parlamentong Bangsamor o Forum sa Kongreso. Ang gayong pagsusog o pagtutuwid, gaya ng isinabatas ng Kongreso, ay dapat magkabisa pagkaraang aprobahan ng mayoryang boto ng mga kalipikadong botante sa Bangsamoro na bumoto sa plebisito na tinawag para sa gayong layunin. Ang plebisito ay gaganapin nang hindi maaga sa animnapung (60) araw o lampas sa siyamnapung (90) araw makaraang aprobahan ang gayong pagsusog o pagtutuwid. Artikulo XVIII 66 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Mga Pangwakas na Probisyon ` Seksiyon 1. Sugnay na Nagbubukod.—Ang mga probisyon nitong Batayang Batas ay ituturing na bukod. Kung, sa anumang dahilan, ang alinmang seksiyon o probisyon nitong Batayang Batas ay inihayag na labag sa konstitusyon, ang iba pang seksiyon o probisyon, na hindi apektado ng gayong paghahayag ay magpapatuloy na may sukdulang lakas at bisa. Seksiyon 2. Sugnay na Nagpapawalang-Bisa.—Lahat ng batas, dekreto, kautusan, tuntunin at regulasyon, at iba pang inihayag o bahagi niyon, na taliwas sa Batayang Batas na ito, ay pinawawalang-bisa o binabago nang naaayon. Seksiyon 3. Mga Umiiral na Panrehiyong Batas.—Lahat ng umiiral na batas na isinabatas ng Panrehiyong Lehislatibong Asamblea ng Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanaw sa bisa ng awtoridad na itinatadhana ng Batas Republika Blg. 6734, na binago ng Batas Republika Blg. 9054, ay ituturing na may bisa, maliban kung taliwas sa Batayang Batas o binago ng mga batas na isinabatas ng Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro o ng Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 4. Sugnay ng Pagkakabisa.—Ang Batayang Batas ay magkakabisa labinlimang (15) araw makalipas ang ganap na paglalathala sa hindi bababà sa dalawang (2) pambansang pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon at isang (1) pahayagang lokal na may pangkalahatang sirkulasyon sa awtonomong rehiyon. Seksiyon 5. Pagbuwag sa ARMM.—Makalipas ang ratipikasyon nitong Batayang Batas, ang Bangsamoro ay ituturing na naitatag na, at ang ARMM ay ituturing na buwág. 67 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 APENDISE SA BATAYANG BATAS ORDINANSA NA NAGTATADHANA NG MGA DISTRITONG PARLAMENTARYO NA BINUBUO NG MGA LALAWIGAN, LUNGSOD, MUNISIPALIDAD, AT HEOGRAPIKONG POOK NG BANGSAMORO Seksiyon 1. Maliban sa mga puwestong sinadya para sa mga representanteng reserbado, pansektor, at pampartido, at hangga’t walang tinutukoy ang Parlamentong Bangsamoro, ang mga eleksiyon ng unang mga kasapi ng Parlamentong Bangsamoro, kabilang ang mga susunod na eleksiyon, ay ibabatay sa mga distritong parlamentaryo na pinaghati-hati sa mga lalawigan, munisipalidad, barangay, at heograpikong pook ng Bangsamoro, gaya sa sumusunod: LALAWIGAN NG MAGUINDANAO, Anim (6) na Distrito:—Unang Distrito: Mga Munisipalidad ng Buldon; Barira; Matanog; Parang; Sultan Kudarat;—Ikalawang Distrito: Datu Blah Sinsuat; Datu Odin Sinsuat; Kabuntalan; Hilagang Kabuntalan; Upi; Timog Upi;—Ikatlong Distrito: Ampatuan; Datu Abdullah Sangki; Datu Unsay; Datu Hoffer Ampatuan; Datu Saudi Uy Ampatuan; Shariff Aguak; Ikaapat na Distrito: Datu Anggal Midtimbang, Talitay, Datu Piangi; Datu Salibo;Guindulungan;—Ikalimbang Distrito: Mamasapano; Pagalungan, Datu Montawal; Rajah Buayan; Shariff Saydona Mustapha; Ikaanim na Distrito: Datu Paglas; Pandag; Gene. SK Pendatun; Buluan; at Mangudadatu. LUNGSOD NG COTABATO, Tatlong (3) Distrito—Unang Distrito: Mga Barangay Bagua Mother, Poblacion 1; Poblacion 2; Poblacion 3; Poblacion 4;—Ikalawang Distrito: Poblacion 5; Poblacion 6; Poblacion 7; Poblacion 8; at Poblacion 9. Mga Barangay Rosary 4; Rosary Heights 5; Rosary Heights 6;—Ikatlong Distrito: Rosary Heights 7; Rosary Heights 8; Rosary Heights 9; Rosary Heights 10; Rosary Heights 11; Rosary Heights 12; Rosary Heights 13; Tamontaka Mother; Tamontaka 1; Tamontaka 2; Tamontaka 3; Tamontaka 4; at Tamontaka 5. LALAWIGAN NG LANAO DEL SUR, Anim (6) na Distrito—Unang Distrito: Mga Munisipalidad ng Buntong; Bubong; Ditsaan-Ramain; Togoloan; Saguiaran; Kapai; Marantao; Piagapo; Buadiposo; —Ikalawang Distrito: Maguing; Mulondo; PoonaBayabao; Tamparan; Taraka; Lumba-Bayabao; Bumbaran; Wao;—Ikatlong Distrito: Balindong; Tugaya; Bacolod Grande; Madalum Madamba;—Ikaapat na Distrito: Masiu; Lumbayanague; Lumbatan; Butig; Bayang;—Ikalimang Distrito: Ganassi, Pualas, Binidayan; Pagayawan; Tuburan;—Ikaanim na Distrito: Calanogas; Picong; Malabang; Kapatagan; Balabagan. LUNGSOD NG MARAWI, Dalawang (2) Distrito—Unang Distrito: Mga Barangay Ambolong; Banggolo Poblacion; Beyaba-Damag; Bubonga Pagalamatan; Bubonga Lilod Madaya; Bubong Lumbac; Calocan East; Calocan West; Daguduban; Dansalan; Datu sa Dansalan; Dulay; Dulay West; Gadongan; Guimba (Lilod Proper); Kilala; Lilod Madaya (Poblacion); Lilod Saduc; Lumbaca Madaya (Poblacion); Lumbac Marinaut; Gadongan Mapantao; Marinaut East; Marinaut West; Pantaon (Langcaf); Mipaga Proper; Moncado Colony; Moncado Kadingilan; Datu Naga; Olawa Ambolong; Pagalamatan Gambai; Pagayawan; Papandayan; Papandayan Caniogan; Paridi; Patani; Pindolonan; Pugaan; Raya Madaya I; Raya Madaya II; Sabala Manao; Sabala Manao Proper; Sangcay Dansalan; Somiorang; South Madaya Proper; Sugod Proper; Timbangalan; Tuca Ambolong; Tolali; Tuca Marinaut; Tongantongan-Tica Timbangalan; Wawalayan Calocan; Wawalayan Marinaut; Marawi Poblacion; Norhaya Village;— Ikalawang Distrito: Bacolod Chico Proper; Banga; Bangco; Bangon; Bito Buadi Itowa; Bito Buadi Parba; Boganga; Boto Ambolong; Bubonga Cadayonan; Bubongan Marawi; Bubonga Punod; Cabasaran; Cabingan; Cadayonan; Cadayonan I; Kormatan Matampay; Dayawan; Dimaluna; East Basak; Emie Punud; Fort; Buadi Sacayo (Green); Kapantaran; Lomidong; Lumbaca Toros; Malimono; Basak Malutlut; Amito 68 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Marantao; Matampay; Moriatao Loksadato; Navarro (Datu Saber); Panggao Saduc; Poona Marantao; Matampay; Rapasun MSU; Raya Saduc; Rorogagus Proper; Rorogagus East; Saduc Proper; Sagonsongan; Tampilong; Toros; Tuca; LALAWIGAN NG SULU, Anim (6) na Distrito—Unang Distrito: Mga Munisipalidad ng Hadji Panglima Tahil; Pangutaran; Jolo;—Ikalawang Distrito: Maimbung; Parang; Indanan;—Ikatlong Distrito: Patikul at Talipao; —Ikaapat na Distrito: Old Panamao; Panglima Estino; Luuk;—Ikalimang Distrito: Lugus, Tapul; Pandami; Siasi;—Ikaanim na Distrito: Omar, Pata, K. Caluang. LALAWIGAN NG BASILAN, Dalawa (2)—Unang Distrito: Mga Munisipalidad ng Akbar; Al Barka; Hadji Mohammad Ajul; Tuburan; Tipo-tipo—Ikalawang Distrito: Hadji Muhtamad; Lantawan; Maluso; Sumisip; Tabuan Lasa; at Ungkaya Pukan. LUNGSOD NG ISABELA, Isa (1)—Nag-iisang Distrito: Mga Barangay Aguada; Balatanay; Baluno; Begang; Binuangan; Busay; Cabunbata; Carbon; Diki; Isabel Eastside (Poblacion); Isabela Proper (Poblacion); Doña Ramona T. Alano (Isabela Westsite); Kapatagan Grande; Kaumpurnah Zone I; Kaumpurnah Zone II; Kaumpurnah Zone III; Kumalarang; La Piedad (Poblacion); Lampinigan; Lanote; Lukbuton; Lumbong; Mariki; Maligue (Lunot); Marang-marang; Marketsite (Poblacion); Menzi; Panigayan; Panunsulan; Port Area (Poblacion); Riverside; San Rafael; Santa Barbara; Santa Cruz (Poblacion); Seaside (Poblacion); Sumagdang; Sunrise Village (Poblacion); Tabiawan; Tabuk (Poblacion); Timpul; Kapayawan; Masula; Small Kapatagan; at Tampalan. LUNGSOD NG LAMITAN, Isa (1): Nag-iisang Distrito: Mga Barangay Arco; Baas; Baimbing; Balagtasan; Balas; Balobo; Bato; Boheyakan; Buahan; Boheibu; Bohesapa; Bulingan; Cabobo; Campo Uno; Colonia; Calugusan; Kulay Bato; Limo-ok; Look; Lumuton; Luksumbang; Malo-ong Canal; Malo-ong San Jose; Parangbasak; Santa Clara; Tandong Ahas; Tumakid; Ubit; Bohebessey; Baungos; Danit-Puntocan; Sabong; Sengal; Ulame; Bohenange; Boheyawas; Bulanting; Lebbuh; Maganda (Poblacion); Malakas (Poblacion); Maligaya (Poblacion); Malinis (Poblacion); Matatag (Poblacion); Matibay (Poblacion); Simbangon. LALAWIGAN NG TAWI-TAWI, Tatlong (3) Distrito:—Unang Distrito: Mga Munisipalidad ng Bongao; Languyan; Turtle Islands; at Mapun;—Ikalawang Distrito: Panglima Sugala; Sibutu; Simunul; Sitangkai;—Ikatlong Distrito: South Ubian; Tandubas; at Sapa-Sapa. HEOGRAPIKONG POOK NG BANGSAMORO I: Isang (1) Distrito:—Nag-iisang Distrito: Mga Munisipalidad ng Baloi; Munai; Nunungan; Pantar; Tagoloan; at Tangkal, ng Lalawigan ng Lanao del Norte na bumoto para mailahok sa Plebisito ng ARMM noong 2001. HEOGRAPIKONG POOK NG BANGSAMORO II: Isang (1) Distrito—Nag-iisang Distrito: Mga Barangay Bagoaingud), Balatican, Balong, Balungis, Batulawan, Buliok, Gokoton (Gokotan), Kabasalan, Lagunde, Macabual, Macasandeg sa Pikit; Mga Barangay Nangaan, Sanggadong, at Simbuhay sa Kabacan; Mga Barangay Damatulan, Kadigasan, Kadinglian, Kapinpilan, Kudarangan, Central Labas, Malingao, Mudseng, Nabalawag, Olandang, Sambulawan, Tugal sa Midsayap; Mga Barangay Dugungan; Lower Mingading, at Papodoc sa Aleosan; Mga Barangay Nasapian, Manarapan sa Carmen; Mga Barangay Balacayon, Buricain, Datu Binasing, Kadingilan, Lower Baguer, Lower Pangangkalan, Matilac, Patot sa Pigkawayan; lahat sa Hilagang Cotabato, na bumuto para mailahok sa Plebisito ng ARMM noong 2001. Seksiyon 2. Ang mga konstitutibong yunit ng Bangsamoro ay magkakaroon ng mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, barangay, at heograpikong pook sa loob ng teritoryo nito. 69 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Seksiyon 3. Alinmang lalawigan, lungsod, o munisipalidad na maaaring likhain upang matamo ang mga pamantayang itinakda ng batas na pinagtibay ng Parlamentong Bangsamoro ay may karapatan sa kasunod na eleksiyon sa hindi bababà sa isang (1) kasapi o sa gayong bilang ng mga kasapi gaya ng maitatakda batay sa bilang ng mga naninirahan nito sa Parlamentong Bangsamoro. Sa pasubali, na ang lalawigan o lungsod ay bubuo ng kahit man lamang isang (1) distrito para sa layunin ng pagkatawan doon sa Parlamentong Bangsamoro. Seksiyon 4. Ang Parlamentong Bangsamoro, sa pamamagitan ng batas, ay magtatadhana para sa muling pagpapangkat-pangkat o pagsasanib-sanib, anuman ang nararapat, ng ibang heograpikong pook na bumoto nang pabor sa Bangsamoro, at sa iba pang kanugnog na pook na pinili o nagpetisyon na mapabilang, sa bagong konstitutibong yunit na magiging bahagi ng mga teritoryo ng Bangsamoro. Seksiyon 5. Ang Ordinansang ito ay magiging bahagi ng Batayang Batas ng Bangsamoro at isusumite rin nang kahawig at kasabay sa plebisito na ginanap para sa gayong layunin, at magkakabisa gaya sa itinatadhana sa Seksiyon 3, Artikulo XV ng Batayang Batas ng Bangsamoro. Pinagtibay, ______________, 2014. TALA: POPULASYON BAWAT LALAWIGAN AT LUNGSOD, BATAY SA MAYO 2010 SENSO Lalawigan ng Maguindanao — 945,820 Lungsod ng Cotabato — 271,786 Lalawigan ng Lanao del Sur — 933,260 Lungsod ng Marawi — 187,106 Lalawigan ng Sulu — 718,290 Lalawigan ng Basilan — 293,322 Lungsod ng Isabela — 97,857 Lalawigan ng Tawi-Tawi — 322,317 70 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 Mga Tala i Ginamit sa salin ang “Pilipinas” bilang pagsasaalang-alang sa itinatadhana ng Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act No. 8491) na inaprobahan noong 12 Pebrero 1998. Sa nasabing batas, ang paggamit ng “Pilipinas” ay itinumbas sa salin ng “Philippines,” at mauugat sa deliberasyon ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1973 na ginamit ang wikang Pilipino sa salin, at hindi Filipinong Konstitusyong 1987, na dapat sanang may dagdag na titik na \F\. Ang “Philippines” ay maituturing na iisa’t opisyal na pangalan ng bansa, ayon sa deliberasyon ng Konstitusyong 1987, hangga ngayon. Gayunman, higit na pipiliin at inirerekomenda ng tagasalin ang salitang “Filipinas” sa buong teksto sa Filipino upang maging konsistent sa “Filipino” alinsunod sa Ortograpiyang Pambansa (2014), at nang magkaroon ng isang pangalan lamang ang bansa—kung hindi siya ihahabla sa hukuman ng mga mambabatas sa Kongreso at Senado. ii Tumutukoy sa Konstitusyong 1987, ngunit hindi tiniyak ang gayong batas na maaaring tumukoy din kahit sa alinmang saligang batas. iii Tumutukoy sa “parity of esteem” ang “pantay na pagkilala.” Tingnan ang Artikulo VI, Seksiyon 2. iv Tumutukoy sa “Bangsamoro people” ang “Sambayanang Bangsamoro.” Maaari ding gamitin ang “mga mamamayan ng Bangsamoro” kung ituturing na “mamamayan” (citizen) ang “people.” v Tumutukoy sa “anthem” na gaya sa “pambansang awit.” vi Tumutukoy sa “maritime, terrestrial, fluvial and alluvial domains.” Ang “pantubigan” ay tumutukoy hindi lamang sa ilog, bagkus maging sa sapa, talon, sanaw, lawa, bukal, at iba pa. vii Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa (2014), ang “Baloi” ay magiging “Baloy” o “Balëy” (kung tunog schwa), sapagkat ang “Baloi” ay mahihinuhang hispanisadong paraan ng pagbabaybay ng kambal patinig na \oi\. viii Kung isusunod saOrtograpiyang Pambansa (2014), ang “Munai” ay magiging “Munay” sapagkat ang “Munai” ay hispanisadong paraan ng pagbabaybay ng kambal-patinig na \ai\. ix Kung isusunod saOrtograpiyang Pambansa (2014), ang “Kabacan” ay magiging “Kabakan” sapagkat ang “Kabacan” ay hispanisadong paraan ng pagbabaybay na ang \c\ ay may tunog na \k\, gaya sa “caballo” ng Espanyol na naging “kabayo” pagsapit sa Filipino. x Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa (2014), ang “Carmen” ay hindi mababago ang ispeling sapagkat ito ay pangngalang pantangi. xi Magagamit ding katumbas ng hurisdiksiyon ang “saklaw” na tumutukoy sa pook na may kapangyarihan ang isang pangkat, tao o entidad. xii Ang “konstitutibo” ay matutumbasan din ng “kabahagi” ng isang láwas (body). Ginamit ang konstitutibo para sa layuning legal. xiii Tumutukoy ang “pananagutan” dito bilang katumbas ng “accountability.” xiv Tumutukoy ang “bansa” rito bilang “Republika ng Pilipinas” na kinapapalooban ng Bangsamoro. xv Itinumbas sa “equality” ang “igwalidad” na inangking salita mula sa Espanyol, ngunit maaari ding gamitin ang “pagkakapantay-pantay.” xvi Itinumbas sa “foreign policy” ang “ugnayang panlabas,” at hango sa nakagawiang salin ng nasabing termino sa mahabang panahon. xvii Maaaring ihalili rito ang “moneda” mula sa Espanyol at katumbas ng “coinage.” xviii Itinumbas sa “concurrent powers” ang “mga patay na kapangyarihan” na pinagsasaluhan ng kapuwa Gobyernong Sentral at Gobyernong Bangsamoro. xix Tumutukoy ang “kuwarentenas” sa “quarantine.” Ginamit ang pangmaramihang anyo dahil ito ang namayani sa bokabularyo ng taumbayan, at tinanggap sa mga diksiyonaryo. Maihahalintulad ito sa “mansanas,” “ubas,” “papeles,” “oras,” at iba pang namayani ang pangmaramihang anyo, kahit na iisang bagay lamang ang tinutukoy. 71 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 xx Tumutukoy ito sa “parole” o kalayaang kondisyonal. xxi Tumutukoy ang “láwas awditing ng Bangsamoro” sa “Bangsamoro auditing body,” at mula rito ay gagamitin na ang ganitong termino sa buong teksto upang manapanatili ang konsistensi ng ispeling. xxii Ang “Komisyon sa Awdit” (KSA) ang katumbas sa Filipino ng “Commission on Audit (COA).” Para sa mga susunod banggit, gagamitin ang KSA bilang daglat, at bilang pagsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na inihayag ni Pangulong Corazon C. Aquino. xxiii Tumutukoy ang “merito at kaangkupan” sa “merit and fitness.” xxiv Tumutukoy ang “baligyâ,” na hango sa Hiligaynon at Tagalog, sa barter trade. Tingnan din ang Artikulo III, Seksiyon 3, Blg. 7. xxv Tumutukoy ang “ganting-kalakalan” sa “countertrade.” Tingnan din ang Artikulo III, Seksiyon 3, Blg. 7. xxvi Tumutukoy ang “háram” sa “anumang bagay na ipinagbabawal ng Islamikong batas.” Tingnan ang haram.Dictionary.com. Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 10th Edition.HarperCollins Publishers. http://dictionary.reference.com/browse/haram(hinango: 22 Nobyembre 2014). xxvii Itinumbas sa “maintenance” ang “mantenimiyento” na inangkin ng wikang Filipino at mula sa Espanyol. Maaaring gamitin ding panumbas ang “pagpapanatili,” at kung mangyayari ito, ang orihinal na pakahulugan ng “pagpapanatili” na mula sa Tagalog ay lalawak at magkakaroon ng dagdag na tiyak at teknikal na pakahulugan. xxviii Itinumbas sa “National Road Network Information System” ang “Pambansang Lansangang Network ng Sistemang Impormasyon.” xxix Tumutukoy ito sa General Appropriations Act (GAA). Ginamit ang termino sa Filipino para mapanatili ang konsistensi. xxx Tumutukoy ito sa “Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Plan.” xxxi Tumututukoy ito sa “National Disaster Risk Reduction and Management Framework and Plan.” xxxii Itinumbas sa “jurisdiction” ang “hurisdiksiyon,” upang mapanatili ang pakahulugang nitong pambatas, ngunit maitutumbas din dito ang “saklaw.” xxxiii Tumutukoy ito sa “enterprise,” na maaaring itumbas sa mga proyektong isinagawa o isasagawa. xxxiv Itinumbas sa “Department of Finance (DOF)” ang “Kagawaran ng Pananalapi (KP).” xxxv Itinumbas sa “National Commission on Muslim Filipinos (NCMF)” ang “Pambansang Komisyon sa Filipinong Muslim (PKFM). xxxvi Maaaring tumbasan ang “government owned and controlled corporations (GOCCs)” ng “mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno (PKKG).” Ang PKKG ay pinakamalapit ding katumbas na daglat ng GOCC. xxxvii Itinumbas sa “government owned and/or controlled corporations” (GOCCs) ang “mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno” (PKKG). Ginamit ang panumbas na “PKKG” sapagkat alanganing gamitin ang “GOCC” na Ingles ang batayan. Pansinin na ginamit ang katumbas sa Filipinong termino sa Artikulo XII, mga Seksiyon 20–31 at Artikulo XVI, Seksiyon 10. xxxviii Itinumbas sa “Securities and Exchange Commission (SEC)” ang “Komisyon sa mga Panagot at Palitan (KPP). xxxix Tumutukoy ang “paglikha” sa “generation,” ang “pagpapadaloy” sa “transmission,” at “pamamahagi” sa “distribution.” Ang “pambansang transmisyon grid” ay panumbas sa “national transmission grid.” Tinumbasan ng “enerhiya” ang “power,” dahil magiging malayo ang konotasyon kung gagamitin ang “lakas.” xl Tumutukoy ito sa “operational viability” na matutumbasan ng “kakayahang magpatakbo ng gawain” o “magpaandar ng planta.” 72 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 xli Tumutukoy sa “intergovernmental relations mechanisms” ang “mga mekanismo sa intergobyernong ugnayan.” Ang nasabing termino ay mauulit sa iba pang bahagi ng teksto, halimbawa, sa ikalawang talata ng Seksiyon 9, Artikulo VI. xlii Tumutukoy ang “hajj” sa “peregrinasyon sa Mecca, na dapat isagawa kahit isang beses ng sinumang tao na nasa tamang edad sa pasubaling may sapat siyang salapi at malusog ang pangangatawan: Ikalimang Haligi ng Islam.” Tingnan ang hajj.Dictionary.com. Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 10th Edition.HarperCollins Publishers. http://dictionary.reference.com/browse/hajj (hinango: 22 Nobyembre 2014). xliii Tumutukoy ang “úmrah” sa “peregrinasyon, na binubuo ng mga ritwal na isinasagawa sa iba’t ibang dambana, na isinasagawa ng isang Muslim pagkapasok sa Mecca.” Tingnan ang umrah.Dictionary.com. Dictionary.com Unabridged.Random House, Inc.http://dictionary.reference.com/browse/umrah (hinango: 22 Nobyembre 2014). xliv Itinumbas sa“agricultural land use reclassification” ang “muling pag-uuri ng paggamit ng lupaing pangagrikultura.” xlv Tumutukoy ang “maisasalin ang pag-aari” sa “alienable.” xlvi Tumutukoy ang “maitatapon” sa “disposable.” xlvii Itinumbas sa “cadastral land survey” ang “agrimensura.” xlviii Ang “ekspropriyasyon” (expropriation) ay tumutukoy sa “pag-ilit ng lupain,” samantalang ang “dominyo eminente” (eminent domain) ay ang “pag-ilit ng lupain na pribadong pag-aari para sa gamitin sa publikong layunin at may katumbas na bayad sa may-ari.” Ginamit ang salitang “ekspropiyasyon” na hango sa Espanyol na “expropiacion” at isinunod ito sa Ortograpiyang Pambansa (2014) na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). xlix Tumutukoy ang “awqaf” sa “endowment” na tinumbasan ng “dotasyon” na mula sa Espanyol; samantalang ang kawanggawang pangangalaga ay itinumbas sa “charitable trusts.” l Ang Philippine Statistics Authority” ay maaaring tumbasan ng “Awtoridad sa Estadistikang Filipino,” ngunit sa pagkakataong ito ay pinanatili ang termino sa Ingles. li Itinumbas sa “panglungsod at pangnayong pagpapaunlad” ang “urban and rural development” na maaari ding tumbasan ng “kaunlarang urban at rural.” lii Itinumbas sa “marginalized sector” na “dukhang sektor.” liii Tumutukoy sa “Court of Appeals,” na maaari ding tumbasan ng “Hukuman ng Apelasyon.” liv Ginamit ang “lupon” bilang panumbas sa “committee” bagaman maaaring gamitin din ang “komite.” Samantala, ang salitang “kalupunan” ay esklusibong ginamit na panumbas sa “board,” gaya sa “Board of Directors” na “Kalupunan ng mga Direktor.” Ang ganitong tumbasan ay pinaiiral sa Komisyon sa Wikang Filipino. lv Itinumbas sa “presiding justice” ang “tagapangulong hukom”. lvi Tumutukoy ang “Mataas na Hukumang Shari’ah ng Bangsamoro” sa “Bangsamoro Shari’ah High Court.” lvii Pinanatili ang taguring “Bangsamoro General Appropriations Law” dahil sa pagiging teknikal nito; ngunit ang katumbas lamang nito sa Filipino na “Batas Pangkalahatang Paglalaan ng Bangsamoro.” Ang GAA ay maaaring tumbasan na Batas Pangkalahatang Paglalaan (BPP). lviii Ginamit na panumbas ang “ipon” sa “savings.” lix Maaaring tumbasan din ang “representative” na “kinatawan.” lx Itinumbas sa “state universities and colleges” (SUCs) ang “estadong unibersidad at kolehiyo” (EUK). lxi Tumutukoy ito sa “fiscal autonomy” na ang “fiscal” ay maaaring tumbasan ng “pananalapi” o anumang may kaugnayan sa kita o publikong kaban. Kung nais ay maaaring gamitin ang “piskal” na dati nang nasa bokabularyo ng mga Filipino. 73 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 lxii Tumutukoy ang “samahang masa” sa “people’s organization.” Ang nasabing salita ay tumanyag noong dekada 1960 at lumaganap nang lubos noong dekada 1990. lxiii Tumutukoy ang “Sandatahang Lakas ng Pilipinas” sa “Armed Forces of the Philippines.” lxiv Itinumbas sa “parity of esteem” ang “pantay na pagkilala.” Maaari ding itumbas ito sa ang “pantay na paggalang” na may pahiwatig sa pagsunod sa awtoridad. lxv Hindi malinaw kung tumutukoy ito sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas, o Pangulo ng Gobyernong Bangsamoro. lxvi Tumutukoy ito sa “Central Government-Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body.” Ginamit ang salitang “láwas” na mula sa Sebwano bilang panumbas sa “body.” lxvii Ginamit ang terminong “Bangsamoro Konseho ng mga Pinuno” upang paikliin ang salin ng “Bangsamoro Council of Leaders.” lxviii Itinumbas sa “subsidiarity” ang “subsidyaridad” na mula sa Espanyol, at nangangahulugang “ang prinsipyo ng pagsasalin ng mga pagpapasiya sa pinakamababa at praktikal na antas sa larangan ng sistemang pampolitika.” Tingnan ang subsidiarity. Dictionary.com. Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 10th Edition. HarperCollins Publishers. http://dictionary.reference.com/browse/subsidiarity (hinango: 9 Disyembre 2014). lxix Itinumbas ang “pangkalahatang kapakanan” sa “general welfare.” lxx Ginamit ang “Kongresong Filipino” bilang panumbas sa “Philippine Congress” upang mapaikli ang salin, bukod sa mapanatili ang magandang tunog ng salita. Magagamit din ang salitang “Filipinong Kongreso” na panumbas sa termino sa Ingles. lxxi Itinumbas sa “composition” ang “kayarian” imbes na “komposisyon” na hiniram mula sa Espanyol na “composición” upang itangi ito sa mga kathang pampanitikan. Gayunman, maaaring gamitin pa rin ang “komposisyon” kung nais maging modern ang salin. lxxii Tumutukoy ang “sistema ng pagkatawang patimbang” sa “system of proportional representation” na terminong pambatas. Maaari ding gamitin ang “proporsiyonal na representasyon” kung hindi maunawaan ang unang mungkahing termino. lxxiii Itinumbas sa “constituencies” ang “distrito elektoral” na hango sa Espanyol na “distrito electoral.” lxxiv Itinumbas sa “settler” ang “nandayuhan,” gaya sa “settler communities” na “nandayuhang komunidad.” lxxv Ginamit na panumbas sa “non-Moro Indigenous Peoples” ang “di-Morong Katutubong Sambayanan” sapagkat tumutukoy ang sambayanan hindi lamang sa pagiging pamayanan, bagkus sa isang natatanging kalipunan ng mga tao na may naiibang kultura sa kabansaang Filipino. Pansinin na ang pag-uuri sa di-Morong pamayanan ay waring sumasalungat sa orihinal na pakahulugan ng “Bangsamoro.” lxxvi Itinumbas sa “konsenso” o “consensus” ang “pangkalahatang pagkakasundo.” lxxvii Itinumbas sa “sustainability” ang “likas-kaya,” gaya sa “likas-kayang pag-unlad” na sustainable development. lxxviii Itinumbas sa “Bangsamoro Electoral Office” ang “Opisinang Panghalalan sa Bangsamoro.” lxxix Itinumbas sa “redistricting” ang “pagsasaayos ng distrito.” lxxx Tumutukoy ito sa “Bangsamoro Transitional Authority.” Ang pangalang ito ay dapat tumbasan ng Filipino alinsunod sa Batas Tagapagpaganap Blg. 335 na inihayag noong panahon ni Pang. Corazon C. Aquino. lxxxi Itinumbas sa “emolument” ang “gantimpagal,” at tumutukoy sa “tubo, kita, at bayad mula sa opisina o empleo; at tumutukoy din sa katumbas na bayad sa serbisyo o trabahong ginawa ng isang tao sa kaniyang kapuwa o sa ibang institusyon.” Tingnan ang emolument. Dictionary.com. Dictionary.com Unabridged. Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/emolument (hinango: 9 Disyembre 2014). lxxxii Itinumbas sa”disclosure” ang “paglalahad.” lxxxiii Itinumbas sa “subject to disciplinary action” ang “mahaharap sa aksiyong pandisiplina” o maaring “patawan ng aksiyong pandisiplina.” 74 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 lxxxiv Tumutukoy sa “forfeiture of seat” na nagpapahiwatig ng pagbawi o pagtanggal ng karapatan hinggil sa isang bagay dahil sa ginawang paglabag sa batas.” Maaari din itong tumbasan ng “pagkawala ng panunungkulan.” lxxxv Maitutumbas sa “heinous crime” ang “karumal-dumal na krimen” o “kasuklam-suklam na krimen.” lxxxvi Itinumbas sa “unaffiliated member of parliament” ang “di-kaanib na kasapi ng parlamento.” lxxxvii Itinumbas sa “immunity” ang “inmunidad” na mula sa Espanyol. lxxxviii Itinumbas sa “emergency” ang “kagipitan.” lxxxix Itinumbas sa “presiding officer” ang “tagapamunong opisyal.” xc Itinumbas sa “proceedings” ang “katitikan” sapagkat ito ang nagtatala sa lahat ng naganap na talakayan, pagpapasiya, at katulad ng mga representante. xci Itinumbas sa “moral ascendancy” ang “huwarang moral” bagaman maaari ding gamitin ang “kapangyarihang moral.” xcii Itinumbas sa “Rules of Procedure” ang “Mga Tuntunin sa Kaparaanan.” xciii Maaari itong tumbasan ng “Mga Opisyal Tagapagpaganap” para sa “Executive Officials” ngunit ginamit ang “ehekutibo” na mula sa Espanyol upang maging konsistent sa tawag sa iba pang sangay, gaya ng “lehislatibo” at “hudisyal,” na pawang mula rin sa Espanyol. xciv Tumutukoy ang “halalang pangwakas” sa “runoff elections” na magtitiyak kung sino ang dapat magwagi sa halalan. xcv Dapat tukuyin dito kung ang “Pangulo” ay tumutukoy sa Gobyernong Sentral o sa Gobyernong Bangsamoro. xcvi Tumutukoy sa “Bangsamoro Transition Authority” ang “Awtoridad sa Transisyong Bangsamoro.” Mapapansin na halos literal ang tumbasan kung gagamitin ang “Bangsamoro Transisyong Awtoridad (BTA)” na bagaman napanatili ang daglat na “BTA” ay iba ang dating sa Filipino. Maaaring ding tumbasan ito na “Awtoridad sa Transisyon ng Bangsamoro” ngunit ito ay mahaba kaya hindi pinili ng tagasalin. xcvii Itinumbas sa “privacy” ang “pribasidad” na hinango sa Espanyol na “privacidad.” Tingnan ang privacidad. Diccionario de la lengua española. Real Academia Española. http://lema.rae.es/drae/?val=privacidad (hinango: 24 Nobyembre 2014). xcviii Mapapansin dito ang hagod na legalese, at nalilinsad ang sintaks dahil ang “marginalization” ay sanhi ng pangaagaw sa mga karapatan ng mga mamamayan ng Bangsamoro. xcix Tumutukoy sa “fusaka ingëd,” mula sa teritoryong Bangsamoro, ang “maharlikang titulo.” Maimumungkahi sa mga bumalangkas ng borador na panukalang batas na ipakahulugan ang salitang ito. c Itinumbas sa “the right to free and prior informed consent” ang “karapatang magbigay ng malayang pahintulot at may paunang pagpapaalam.” Mapapansin na ang salin ay bahagyang mahaba upang mahuli ang esensiya ng kahulugang may bahid ng jargon ng batas. ci Maaaring ding gamitin ang “poprotektahan” na hango sa Espanyol ang ugat na salita. cii Ginamit na panumbas sa “well-being” ang “kapakanan,” na tumutukoy sa kabuuang kabutihan ng katauhan. ciii Ginamit na panumbas para sa “good sportsmanship, cooperation and teamwork,” upang mailabas ang mga katutubong konsepto sa Filipino. civ Itinumbas sa “act or omission” ang “pagkilos o di-pagkilos” bagaman magagamit din ang Ingles na “gawa o omisyon” para mapanatili ang himig legal. cv Itinumbas sa “betrothal” sa “ésponsales” na mula sa Espanyol. 75 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 cvi Itinumbas sa “consolatory gifts” ang “mga handog na pampalubag-loob” dahil ang intensiyon talaga nito ay madulutan ng pampaginhawa sa loob ang mga agrabyado. Maaaring itumbas din sa naturang termino ang “pamëmëgayon” na hango sa Mëranaw, at kabilang sa kaugalian ng Mëranaw. cvii Itinumbas sa “value, or amount thereof” ang “halagahan, o halaga nito” upang itangi ang katumbas ng isang bagay sa materyal at di-materyal na aspekto. cviii Itinumbas sa “real property” ang “ari-ariang lupain.” cix Itinumbas sa “filiation” ang “pagkamagulang” na maituturing na newtral, ngunit maaari ding gamitin ang “filyasyon” na hango sa Espanyol na “filiación.” cx Itinumbas ang “probate of wills” sa “legalisasyon ng mga testament.” cxi Itinumbas ang “injunction” sa “pagpapahinto” sa yugtong ito. Magagamit din ang utos na pagpapatigil. Kung nais panatilihin ang legalese, maaaring panatilihin na lamang ang “injunction.” cxii Itinumbas sa “asylum” ang “asili,” na mula sa Espanyol, bagaman maaaring gamitin ang “asaylum.” cxiii Itinumbas sa “interpleader or declaratory relief” ang “patas na remedyo o alibyo deklaratoryo ng hukuman.” Ang “interpleader” ay isang anyo ng patas na remedy upang ang mga hukuman ay maipatupad nang bukod sa paghahayag ng pasiya na katumbas ng salaping danyos perhuwisyos. Ginagamit ang interpleader kapag ang dalawang magkatunggaling partido ay nais maangkin ang salapi o ari-arian na taglay ng ikatlong partido. (Tingnan ang interpleader.Dictionary.com.Dictionary.com Unabridged.Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/interpleader (hinango: 9 Nobyembre 2014). Samantala, ang “declaratory relief” ay tumutukoy sa pasiya ng hukuman na naglilinaw ng mga karapatan ng mga partido nang walang iniuutos na gawin o pagbayarin sa pinsala kung hindi man danyos perhuwisyos. Ang kapasiyahan ng hukuman ay magsisilbing opisyal na pahayag hinggil sa estado ng bagay o usaping pinagtataluhan, at ito ang magpapahinto sa mga susunod pang pagtatalo. Basahin ang US Legal.com na mahahango sa http://definitions.uslegal.com/d/declaratory-relief/ (hinango: 9 Nobyembre 2014). cxiv Itinumbas sa “appellate jurisdiction” ang “hurisdiksiyong pang-apela” na nangangahulungang “kapangyarihang ipinagkaloob sa isang hukuman ng mga apela na repasuhin at baguhin ang aksiyong hudisyal ng isang imperyor na hukuman, na patutunayan ng inaapelang kautusan o inaapelang kapasiyahang inihayag ng nasabing hukuman.” Tingnan ang appellate jurisdiction. Black’s Law Dictionary ni Henry Campbell Black. Edit ng The Publisher’s Editorial Staff. Minnesota: West Publishing Inc., 1991, p. 98. cxv Ginamit na panumbas sa “Bangsamoro Shari’ah High Court” ang “Bangsamoro Mataas na Hukuman ng Shari’ah” upang itangi ang nasabing hukuman sa “Kataas-taasang Hukuman” o Korte Suprema ng Republika ng Pilipinas. cxvi Ginawang konsistent ang salin, na matutunghayan din sa Seksiyon 6, titik e, kaya ang rendisyon ng salin ay hawig sa nauna. cxvii Itinumbas sa “presiding justice” ang “tagapamunong mahistrado” at gagamitin ang terminong ito sa buong teksto ng panukalang batas. cxviii Itinumbas sa “Shari’ah Judicial and Bar Council” ang “Shari’ah Konseho ng Hudikatura at Abogasya” na gagamitin sa buong teksto ng salin. cxix Itinumbas sa “Municipal Circuit Trial Courts” ang “Pambayang Sirkitong Hukuman sa Paglilitis” sa buong teksto ng salin. cxx Maaaring gamitin din ang salitang “aksiyonan,” ngunit ginamit sa pagkakataong ito ang “harapin” na ang pakahulugan at pahiwatig ay hindi lamang nakatuon sa “aksiyon” bagkus sa aktibong paglutas sa anumang inihaing bagay dito. cxxi Itinumbas sa “Shari’ah Public Assistance Office” ang “Shari’ah Opisina sa Tulong Pangmadla.” cxxii Itinumbas sa “Shari’ah Special Prosecution Service” ang “Shari’ah Espesyal na Serbisyong Piskalya.” cxxiii Itinumbas sa “administration of justice” ang “pagpapairal ng katarungan.” Hindi ginamit ang “administrasyon ng katarungan” o “administrasyon ng hustisya” sapagkat napakaliteral ng rendisyon nito. 76 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 cxxiv Itinumbas sa “National Prosecutorial Service” ang “Pambansang Serbisyong Piskalya” imbes na “Pambansang Serbisyong Pampiskalya.” cxxv Itinumbas sa “National Commission on Muslim Filipinos (NCMF)” ang “Pambansang Komisyon sa mga Filipinong Muslim (PKFM).” cxxvi Itinumbas sa “jurisconsult” ang “huriskonsulto” na hango sa Espanyol na “jurisconsulto.” Ang huriskonsulto ay “tao na kalipikadong magpayo hinggil sa mga usaping legal.” Ito rin ay ipinakahulugan sa “maestro sa láwas o sistema ng mga batas, partikular sa batas sibil.” Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang jurisconsult. Dictionary.com. Dictionary.com Unabridged. Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/jurisconsult (hinango: 9 Nobyembre 2014). cxxvii Ginamit na panumbas sa “Islamic injunctions” ang “mga Islamikong pagpapahinto,” bagaman ang injunction ay terminong legalese na nangangahulugang “kautusan ng hukuman na pumipigil o pumipilit sa isang tao, organisasyon, o opisyal ng gobyerno.” Tingnan injunction.Dictionary.com.Dictionary.com Unabridged. Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/injunction (hinango: 9 Nobyembre 2014). cxxviii cxxix Itinumbas sa “indigenous peoples” ang “katutubong lipi” sa buong teksto. Itinumbas sa “Alternative Dispute Resolution (ADR)” ang “Alternatibong Paglutas sa Pagtatalo (APP).” cxxx Itinumbas sa “conciliation and mediation” ang “pakikipagkasundo at tagapamagitan.” Maaari ding gamitin ang “pakikipagkasundo at pamamagitan” imbes na “konsilyasyon at medyasyon.” cxxxi Itinumbas sa “Philippine National Police” ang “Pambansang Pulisya ng Pilipinas” upang maging konsistent sa Ortograpiyang Pambansa, at ito ang paninindigan ng tagasalin. Gayunman, maaaring gamitin pa rin ang “Pambansang Pulisya ng Pilipinas” kung isasaalang-alang ang Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act No. 8491). cxxxii Itinumbas sa “prosecution” ang “paghahabla.” cxxxiii Itinumbas ang “drives” sa “kampanya,” na isa sa mga paraan ng paghimok sa taumbayan na magparehistro at magsuko ng armas o sandata. cxxxiv Itinumbas sa “Police Chief Superintendent” ang “Punong Superintendente ng Pulisya,” na dati nang ginamit ng Komisyon sa Wikang Filipino sa babasahin nitong Mga Katawagang Pampulisya (1992), ngunit isa pang maisasaalang-alang ang “Hepeng Superintendente ng Pulisya.” cxxxv Itinumbas sa “deputy” ang “pangalawa” o “ikalawa,” alinsunod sa pagkakagamit sa pangungusap. cxxxvi Itinumbas sa “Police Senior Superintendent” ang “Pulisya Superintendente Superyor.” cxxxvii Itinumbas sa “Bangsamoro Police Board” ang “Pulisyang Kalupunan ng Bangsamoro.” cxxxviii Itinumbas sa “National Police Commission” ang “Komisyon sa Pambansang Pulisya.” cxxxix cxl Itinumbas sa “National Police Commission” ang “Pambansang Komisyon sa Pulisya.” Itinumbas sa “Philippine Naional Police” ang “Pambansang Pulisya ng Pilipinas. “ cxli Itinumbas sa “oversee” ang “pamanihalaan,” gaya sa pagsubaybay at paggabay sa mga kawani o estudyante. Itinumbas sa “Integrated Bangsamoro Public Safety Plan” ang “Integradong Planong Pangkaligtasan ng Publiko sa Bangsamoro.” cxlii cxliii Itinumbas sa “Manning Level” ang “Antas Panao.” cxliv Itinumbas sa “average” ang “promedyo” na hango sa Espanyol na “promedio.” cxlv Itinumbas sa “urban” ang “kalungsuran,” samantalang ang “rural” ay tutumbasan naman ng “kanayunan.” cxlvi Itinumbas sa “Police Officer I” ang “Pulis Opisyal I” samantalang ang “Senior Police Officer IV” ay tinumbasan ng “Superyor (Senyor) Pulis Opisyal IV.” 77 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 cxlvii Itinumbas sa “Commission on Appointments” ang “Komisyon sa Pagtatalaga.” cxlviii Itinumbas sa “policing” ang “pagkontrol.” Tingnan ang Artikulo XI, Seksiyon 5, titik b. cxlix Maitutumbas ang “disbursement voucher” sa mga patotoong pormularyo hinggil sa paglalabas ng salapi o pondo ng gobyerno.” Pinanatili ang termino sa Ingles sapagkat ito ay maituturing na teknikal. Kung aangkinin ito sa Filipino ay maaaring magkaanyo ito ng “disbersment bawtser.” cl Itinumbas sa “Overseas Development Assistance (ODA)” ang “Tulong Pangkaunlaran sa Ibayong-dagat (TPI). Ngunit dahil pangngalang pantangi ang ODA, at maituturing na isa itong terminong teknikal, pananatilihin ang ispeling sa Ingles. cli Itinumbas sa “rebate” ang “rebaha” na mula sa Espanyol na “rebaja,” ngunit magagamit din ang “deskuwento.” clii Itinumbas sa “flat rate lump sum tax” ang “isahang halagang lipon ng suma na buwis.” cliii Itinumbas ang “capital gains tax” sa “buwis sa kita ng puhunan.” Ito ay sapagkat ang capital gains tax ay tumutukoy sa buwis na ipinapataw sa kita mula sa ipinagbiling bagay na may halaga. Tingnan ang capital gains tax. Dictionary.com. Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 10th Edition.HarperCollins Publishers. http://dictionary.reference.com/browse/capital gains tax (hinango: 9 Nobyembre 2014). cliv Itinumbas sa “documentary stamp tax” ang “buwis sa dokumentong pananalapi.” clv Itinumbas sa “instrument” ang “instrumento” na tumutukoy sa isang pormal at legal na dokumento, gaya ng borador o kasunduan. Tingnan ang bond.Dictionary.com.The American Heritage® New Dictionary of Cultural Literacy, Third Edition. Houghton Mifflin Company, 2005. http://dictionary.reference.com/browse/bond (hinango: 9 Nobyembre 2014). clvi Itinumbas sa “donor’s tax” ang “buwis sa donor.” clvii Itinumbas sa “estate tax” ang “buwis sa ari-ariang naiwan ng namatay.” clviii Itinumbas sa “marginal” ang “dukha,” dahil literal ang paggamit ng “maliliit” namangingisda. clix Itinumbas sa “excise tax” ang “hating-buwis” na tumutukoy sa panloob na buwis o butaw, sa ilang bilihin, gaya ng alak at tabako, na sinisingil sa pagmamanupaktura, pagbebenta, o pagkonsumo nito. Tumutukoy din ito sa buwis na ipinapataw para magkaroon ng lisensiyang magsagawa ng kalakalan, isports, at iba pang kaugnay na bagay. Tingnan ang excise.Dictionary.com.Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 10th Edition.HarperCollins Publishers. http://dictionary.reference.com/browse/excise (hinango: 9 Nobyembre 2014). clx Itinumbas sa “Intergovernmental Fiscal Policy Board” ang “Intergobyernong Lupon sa Patakarang Pananalapi.” clxi Itinumbas sa “Bangsamoro Tax Office” ang “Opisina ng Buwis sa Bangsamoro.” clxii Itinumbas dito sa “remittance” ang “pagpapadala ng nalikom na salapi” bagaman maaaring gamitin ang “remitans” na hiram upang mapaikli ang pangungusap. clxiii Itinumbas ang “costs” sa “gastusin,” na bayad na ibinibigay sa nagtagumpay na panig sa isang kasong dinidinig, para sa mga gastusin sa paglilitis, at sisingilin sa natalong panig. Tingnan sa costs. Dictionary.com. Dictionary.com Unabridged. Random House, Inc. http://dictionary.reference.com/browse/costs (hinango: 10 Nobyembre 2014). Hindi nalalayo rito ang pakahulugan saBlack’s Law Dictionary (1990), na ang gastusin ay ibinabalik sa nagwaging panig sa paghahabla o pagtatanggol ng aksiyon o natatanging hakbang sa loob ng isang aksiyon. clxiv Itinumbas sa “Annual Block Grant” ang “Taunang Blokeng Grant.” Ang “block grant” ay tumutukoy sa pinagsama-samang pagbibigay ng pondong mula sa Gobyernong Sentral, na maaaring gamitin ng Gobyernong Bangsamoro sa anumang naisin nito, gaya sa edukasyon, likas-yaman, pagpapaunlad-kalungsuran, atbp. Tingnan ang pakahulugan ng block grant.Dictionary.com. The American Heritage® New Dictionary of Cultural Literacy, Third Edition. Houghton Mifflin Company, 2005. http://dictionary.reference.com/browse/block grant (hinango: 11 Nobyembre 2014). clxv Itinumbas sa “budget year” ang “taon-badyet” na legalese na hindi nalalayo sa orihinal nitong konsepto. 78 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 clxvi Itinumbas sa “net national internal revenue collection” ang “naawas na koleksiyon ng pambansang panloob na kita.” Ang “net collection” ay tumutukoy sa kabuuang koleksiyong iniawas ang iba pang gastusin. clxvii Maitutumbas sa “General Appropriations Act” ang “Batas sa Pangkalahatang Paglalaan.” clxviii Tumutukoy ang “debenture” sa pangmatagalang kasunduang walang katiyakan, at inihahayag alinsunod sa indenture. Isang pangakong pabatid o bond na suportado ng panlahatang kredito at kakayahang kumita ng korporasyon at karaniwang nakukuha kahit walang sanlang katumbas o singil sa isang ari-arian. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. p. 401. clxix Tumutukoy ang “treasury bill” sa pangmaikliang panahong obligasyon ng Gobyernong Federal. Ang treasury bill ay nagtatadhana ng mga tiyak na terminong tatlo, anim, at labindalawang buwan. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. p. 1501. clxx Sertipiko o ebidensiya ng utang na ang naglabas na kompanya o láwas ng gobyerno ay nangangakong bayaran sa mga mayhawak ng bond ang tiyak na halaga ng interes para sa isang itinakdang haba ng panahon, at bayaran ang utang sa petsa ng pagkakapaso nito. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. p. 179. clxxi Itinumbas sa “security” ang “panagot.” Tumutukoy ang “security” o “securities” sa “proteksiyon; katiyakan; bayad-pinsala.” Ang salita ay maaaring tumukoy din sa obligasyon, pangako, sangla, deposito, lien, at iba pa na ibinigay ng umuutang upang matiyak ang pagbabayad ng utang o ang paggamit ng utang, sa pamamagitan ng pagsasaad sa kreditor ng pambayad na katumbas kung sakali’t mabigong makapagbayad ng prinsipal na obligasyon. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. mp. 13541355. clxxii Itinumbas sa “collateral” ang “kolateral.” Tumutukoy ang kolateral sa ari-arian na ipinangakong paniguradong pambayad para matamo lamang ang hinihingi ng utang. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. p. 261. clxxiii Itinumbas sa “notes” ang “kasulatan,” bagaman maaaring gamitin ang “nota” na magkakaroon ng tiyak na pakahulugan hinggil sa “kasulatan sa pagbabayad ng utang.” Tumutukoy ang “notes” sa kasunduang nagtataglay ng malinaw na pahayag at lubos na pangako ng lumagda na magbayad sa isang tiyak na tao o orden o mayhawak nito, ng tiyak na halaga ng salapi sa isang takdang panahon. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. p. 1060. clxxiv Mula sa ugat na salitang Latin na “obligatio,” ang obligasyon ay tumutukoy sa tungkuling ipinataw ng batas, pangako, kontrata, ugnayan sa lipunan, paggalang, kabutihan, at iba pa. Hango sa Black’s Law Dictionary (1990), Ikaanim na Edisyon, ni Henry Campbell Black, M.A. p. 1074. clxxv Itinumbas sa “Overseas Development Assistance (ODA)” ang “Tulong Pangkaunlaran sa Ibayong Dagat.” clxxvi Tumutukoy ito sa government-owned and controlled corporation (GOCC). clxxvii Itinumbas sa “Securities and Exchange Commission (SEC)” ang “Komisyon sa mga Panagot at Palitan (KPP)”. clxxviii Itinumbas sa Southern Philippine Development Authority (SPDA) ang “Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Katimugang Pilipinas (PPKP).” Ginamit ang nasabing termino batay sa Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino. Edisyong 2013. Inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino. clxxix Itinumbas sa “quarry resources” ang “yamang kantera.” clxxx Itinumbas sa “fossil fuel” ang “gatong fosil” upang maging maikli ang anyo. clxxxi Itinumbas sa “rates” ang “singil” alinsunod sa konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap. clxxxii Itinumbas sa “sustainable development” ang “likas-kayang pag-unlad” na unang ginamit sa mga babasahin ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) noong dekada 1990 at pinauso ni Teo T. Antonio, at pagkaraan ay sinundan nina Mike L. Bigornia at Roberto T. Añonuevo sa kani-kaniyang mga akda. clxxxiii Itinumbas sa “Bangsamoro Sustainable Development Board (BSDB)” ang “Lupon sa Likas-kayang Pag-unlad ng Bangsamoro (LLPB). Ang salin ay ibinatay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na inihayag noong 25 Agosto 1988sa panahon ni Pang. Corazon C. Aquino. 79 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 clxxxiv Ginamit na panumbas sa “gender” ang “kasarian,” at ito ang maituturing na pinakamalapit, kung isasaalangalang na ang ugat na pakahulugan nito na tumutukoy sa “uri.” Tingnan ang gender.Dictionary.com. Collins English Dictionary - Complete & Unabridged 10th Edition.HarperCollins Publishers. http://dictionary.reference.com/ browse/gender(hinango: 16 Nobyembre 2014).Kaya ang “Gender and Development” ay tinumbasan din ng “Kasarian at Kaunlaran.” clxxxv Itinumbas sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang “Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (PPKP)” na nakalahok Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino. Edit ni Eilene Antoinette G. Narvaez. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2013, p. 54. clxxxvi Itinumbas sa “sub-surface” ang “ilalim-na-rabaw” at maaaring halinhan ito ng “sub-rabaw.” Ang rabaw ay hango sa salitang Ilokano. clxxxvii Itinumbas sa “Department of Environment and Natural Resources (DENR)” ang “Kagawaran ng Kaligiran at Likas Yaman (KKLY).” clxxxviii Itinumbas sa “Department of Energy” ang “Kagawaran ng Enerhiya.” clxxxix Itinumbas ang “preferential rights” sa “karapatan sa pagpili,” bagaman maaaring gamitin din ang “karapatan sa pagtatangi.” cxc Itinumbas sa “financial and technical assistance agreements” ang “kasunduan hinggil sa tulong pinansiyal at teknikal (KTPT).” cxci Itinumbas sa “extractive industries” ang “mga industriyang ekstraktiba,” bagaman maaaring gamitin din ang “mga industriyang humihigop” o “mga industriyang humahalukay.” cxcii Itinumbas sa “Comprehensive Sustainable Development Plan” ang “Komprehensibong Plano sa Likas-kayang Pag-unlad.” cxciii Itinumbas sa “Bangsamoro Development Plan” ang “Plano sa Pagpapaunlad ng Bangsamoro.” cxciv Itinumbas sa “Zones of Joint Cooperation” ang “Mga Sona ng Magkasanib na Pagtutulungan.” cxcv Itinumbas sa “income” at “revenues” ang “kita,” na maaaring kita mula sa isang hanapbuhay o pagpapaupa, o kaya’y kita mula sa paglikom ng buwis, butaw, at katulad. cxcvi Itinumbas sa “marsh” ang “latìan,” na mula sa ugat na salitang “latì” ng Tagalog at Kapampangan. cxcvii Itinumbas sa “small landholders and marginal fishers” ang “mga dukhang maylupa at mangingisda” alinsunod sa palaugnayan ng Filipino. cxcviii Ginamit ang salitang “mapataas” imbes na “madagdagan” bilang katumbas ng “increase” sapagkat magiging alangan sa Filipino ang literal na “madagdagan.” cxcix Itinumbas sa “substance” ang “sangkap.” Sa ganitong pagkakataon, ang pakahulugan ng “sangkap” ay pinalawak upang tumukoy din sa materyal ng isang uri o kabuuan ng mga uri; o kaya’y sa anumang nagtataglay ng mass at sumasakop ng espasyo. Tingnan ang substance.Dictionary.com. The American Heritage® Stedman's Medical Dictionary. Houghton Mifflin Company. http://dictionary.reference.com/browse/substance (hinango: 18 Nobyembre 2014). cc Tumutukoy ang “halāl” dito na hayop na kinatay o karne nitong inihanda alinsunod sa Batas Islamiko. Tingnan ang halāl.Dictionary.com. Online Etymology Dictionary. Douglas Harper, Historian. http://dictionary.reference.com/ browse/halal (hinango: 18 Nobyembre 2014). cci Kinakailangang gamitin ang “Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)” alinsunod sa Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act No. 8491), ngunit maimumungkahing simulang gamitin ang titik \f\ sa gaya sa “Bangko Sentral ng Pilipinas (BSF)” upang makasunod sa Ortograpiyang Pambansa na itinadhana ng Komisyon sa Wikang Filipino. ccii Itinumbas sa “Department of Finance” ang “Kagawaran ng Pananalapi.” 80 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 cciii Itinumbas sa “National Commission on Muslim Filipinos” ang “Pambansang Komisyon sa mga Filipinong Muslim (PKFM).” Mapapansin na ginamit dito ang “Filipino” na may \F\ na tumutukoy sa tao, bukod sa mga konsepto at wika. cciv Itinumbas sa “Shari’ah Supervisory Board” ang “Láwas Pampangasiwaang Shari’ah.” ccv Itinumbas sa “devolved or decentralized” ang “isinalin o ipinaubaya,” at dahil dito’y nakargahan ng mga dagdag na pakahulugan ang naturang mga salita. ccvi Itinumbas sa “Department of Transportation and Communication (DOTC)” ang “Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (KTK).” ccvii Itinumbas sa “Civil Aviation Authority of the Philippines” ang “Pangasiwaan sa Abyasyong Sibil ng Pilipinas (PASP),” bilang pagsunod sa itinatadhana ng Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act No. 8491) na inaprobahan noong 12 Pebrero 1998. Gayunman, maaaring ihalili ang terminong “Filipinas” kung ipagpapalagay na ang pangalan ng bansa ay nasa Ingles lamang, at walang opisyal na katumbas ito sa Filipino na taliwas sa Pilipino. ccviii Itinumbas sa “Civil Aeronautics Board (CAB)” ang “Lupon sa Aeronawtika Sibil (LAS).” ccix Itinumbas sa “Civil Aeronautics Board” ang “Lupon sa Aeronawtika Sibil (LAS).” ccx Itinumbas sa “Philippine Ports Authority (PPA)” ang “Pangasiwaan ng Daungan sa Pilipinas (PDP.” ccxi Itinumbas sa “Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)” ang “Lupon sa Prangkisa at Pamamahala ng Transportasyong Panlupa (LPPTP).” ccxii Itinumbas sa “Land Transportation Office (LTO)” ang “Tanggapan ng Transportasyong Panlupa (TTP).” ccxiii Itinumbas sa “National Telecommunications Commission (NTC)” ang “Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon (PKT). ccxiv Itinumbas sa “internally displaced persons” ang “mga tao na napilitang lumipat kung saan” upang mahagip ang esensiya ng terminong legalese at idyoma. ccxv Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring mabago ang ispeling nito at maging “baloy” o “balëy” kung ituturing na tunog schwa ang nasabing salita. ccxvi Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring mabago ang ispeling nito at maging “Munay” sapagkat ang diptong na \ai\ sa hispanisadong salita ay natutumbasan ng \ay\. ccxvii Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Lanaw del Norte” imbes na “Lanao del Norte” na mahihinuhang ang ispeling ay hispanisado, sapagkat ang “lanaw” ay katutubong salita na tumutukoy sa “lawa” [lake]. ccxviii Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Kabakan,” sapagkat ang “Kabacan” ay mahihinuhang hispanisadong salita. ccxix Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin an gang “Mingading Ibaba.” ccxx Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Tapodok.” ccxxi Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Sentral Labas.” ccxxii Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Malingaw.” ccxxiii Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Balakayon.” ccxxiv Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Burikain.” ccxxv Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Matilak.” ccxxvi Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Balatikan.” 81 Salin ni Roberto T. Añonuevo Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, 12 Disyembre 2014 ccxxvii Kung isusunod sa Ortograpiyang Pambansa ay maaaring gamitin ang “Makasendeng.” ccxxviii Tumutukoy ang “hurisdiksiyong teritoryal” sa “teritoryong saklaw.” ccxxix Tumutukoy sa “Commission on Elections (COMELEC)” ang “Komisyon sa Eleksiyon (KOMELEK)” at gagamitin at pananatilihin ang daglat na KOMELEK dahil ito ang katumbas na daglat sa Filipino. Ang KOMELEK na binanggit dito ay tumutukoy sa komisyong sumasaklaw sa buong bansa, at nangangasiwa ng mga halalan sa Filipinas. ccxxx Maaaring tumbasan din ito na “Payag ka ba s aBatayang Batas ng Bangsamoro?” o kaya’y “Inaaprobahan mo ba ang Batayang Batas ng Bangsamoro?” o “Sumasang-ayon ka bas a Batayang Batas ng Bangsamoro?” ccxxxi Itinumbas sa “panel” ang “panig.” ccxxxii Tumutukoy ito sa “overseas and local absentee voters.” ccxxxiii Itinumbas sa “information campaigns” ang “mga pagpapalaganap ng impormasyon,” bagaman magagamit pa rin ang “kampanyang pang-impormasyon.” Maipapalagay naman na literal ang “kampanya sa impormasyon.” ccxxxiv Ginamit na panumbas sa “schedule” ang “talatakdaan,” bagaman maaaring gamitin din ang “iskedyul.” ccxxxv Itinumbas sa “urban and rural development” ang “kaunlarang panglungsod at pangnayon” bagaman ang pinakamaikli ay ang “kaunlarang urban at rural” o “pagpapaunlad urban at rural.” ccxxxvi Tumutukoy ang daglat na “PKKG” sa “GOCC,” na “mga pag-aari at/o kontroladong korporasyon ng gobyerno.” ccxxxvii Maaaring itumbas sa “National Omnibus Election Code” ang “Pambansang Kodigo sa Halalan para sa Lahat” kung isasaalang-alang ang ugat na pakahulugan ng “omnibus” (para sa lahat) mula sa Pranses. ccxxxviii Itinumbas sa “amendments and revisions” ang “mga susog at pagtutuwid.” 82