the harrow - Romblon State University

advertisement

M

atapos ang pormal na pagupo ni Dr. Jeter S.

Sespeñe bilang bagong pangulo ng Palawan

State University (PSU) noong Disyembre 2,

2011, ikinasa na ang paghahanap para sa susunod na pangulo ng

RSU.

Ang mga kandidato ay sina Dr.

Merian C. Mani, Vice President for Research, Extension and Production; Dr. Mario

A Fetalver, Jr., Dekano, C ollege of Arts and

Sciences; Dr. Alexander F. Formento, Pangulo,

Faculty Association; Dr. Arthur R. Ylagan,

Dekano, College of Agriculture, Fisheries and

Forestry at Dr. Arnulfo F. de Luna, Presidential

Assistant for Institutional Development.

Ayon sa CHED Memorandum Order

No. 16 S. 2009, o mas kilala sa tawag na

“Rules and Regulations Governing the

Search for Presidents of State Universities and Colleges”, ang mga kwalipikasyon para maging pangulo ay ang mga sumusunod:

1. 35-61 taong gulang sa panahon ng aplikasyon.

2. Nagtapos ng Doctoral Degree mula sa isang respetadong unibersidad.

3. May karanasan bilang administrador

(Presidente, Bise-Presidente, Dekano,

Campus Administrator, Direktor) sa akademya, pampubliko o pribado nang hindi bababa ng limang taon.

4. Sa mga kandidatong hindi pa nagiging pangulo, dapat walang kasong administratibong hinaharap, o anumang krimeng may kinalaman sa moralidad, kung saan ang parusa ay higit sa anim (6) na buwan.

Ang mga basehan para sa ebalwasyon ng Search Committee for P residency

( SCP) ay Professional Competence-35%,

Academic Background-25%, Public

Forum/Presentation-25% at Panel Interview-15%.

Kanya-kanya rin ang paghahain ng mga kandidato ng kanilang mga plataporma, tulad ng pagpapaunlad ng University

Library, pagpapatayo ng mas maraming gusali sa bawat kolehiyo, pag-organisa ng review center, pagsasapribado ng mga security guards, mas mataas na produksyon ng mga produktong agrikultural, paglaban sa katiwalian at malinis na pamamahala ang kanilang mga pang ako.

Ayon kay Atty. Erwin M. Fortunato,

Kalihim ng RSU Board of Regents, nagsimula ang ebalwasyon ng itinalagang SCP para sa mga kandidato noong Enero 2012. Binubuo ang nasabing komite nina Dr. Ruperto S. Sangalang, Chair; Dr. Teoticia C. Taguibao, CHED

Representative; Mr. Dan D. Mandia, Academic

Community Re presentative; Ms. Dorie Fe F.

Tacasa, Private Sector Representative, Dr. Jessie Zamora, President, Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinsCAT),

Ms. Victoria L. Alcala, Staff ni Commissioner

Nona S. Ricafort at Atty. Fortunato bilang

Head Secretariat.

Maaari pa ring humabol ang iba na gustong maging pangulo hanggang Peb. 17.

Ang pagpili sa mga kandidato ay ayon sa mga sumusunod na proseso: Compliance

Check ng Secretariat, Profile Appraisal,

Panel Interview ng S earch Committee,

Public Forum/Presentation, Finalization ng

SCP Report, Submission ng SCP Report sa

SUC Governing Body (GB) at Eleksyon ng bagong pangulo sa pamamagitan ng majority vote ng GB members.

Ang magiging resulta ng pagpili ng SCP ay ipapasa sa SUC Governing Body na siyang boboto para sa bagong pangulo.

Ang magigin g bagong pangulo ay siya ring magsisilbing Vice Chairperson ng RSU

Board of Regents.

SAmantala, itinalagang OIC-President si Dr. Alice F. Foja habang wala pang napipiling bagong pangulo.

RSU PReSidential FRont RUnneRS

dR. aRNULfO f. de LUNa dR. MeRiaN C. MaNi dR. MaRiO a. fetaLveR JR.

dR. BiLShaN SeRvaNeZ dR. aLexaNdeR fORMeNtO dR. aRthUR R.yLagaN

the haRROw

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng

Romblon State UniveRSity,

Odiongan, Romblon

Tomo

| BLg. 1

LXII

Unang Semestre taong Panuruan 2011-2012

Tuebor

Veritas

Balita | 03

no permit, no Exam policy, mahigpit na tinutulan

I

ng CHED

nilunsad ng Commission on

Higher Education (CHED) ang batas na nagtatakda sa mga kolehiyo at unibersidad na payagan ang mga estudyanteng kumuha ng examinations kahit hindi pa bayad sa mga tuition fees, ang No Permit, No Exam Policy.

OpinyOn | 05

pwede po ba ang one mistake?

S abi nila, walang taong perpekto. Oo nga naman.

Sige nga, kung perpekto ka, mamatay ka na ngayon.

Ibig sabihin lang nito, lahat ay may pagkakataong magkasala o magkamali. At syempre kasunod nito ang pagbibigay ng sinasabing second chance.

Pahina 6

2

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

Balita

no sticker, no entry sa mga motorista sa RSU, ipinatupad

nina dyna fadeRagaO at angelic BeRNaRdO

N oong nakaraang taon ay ipinatupad sa Romblon State University-Main Campus ang polisiyang “No Sticker, No Entry” na naglalayong paigtingin ang seguridad at mapanatili ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani ng pamantasan.

Sa “No Sticker, No Entry Policy,” ang lahat ng mga sasakyan ng mga empleyado, estudyante at ilang motorista ay dapat magkaroon ng sticker na magsisilbing gate pass upang makalabas-pasok sila sa kampus gamit ang kani-kanilang sasakyan. Hindi ito maaring ilipat sa ibang sasakyan sapagkat ang gate pass entry number na nakasaad sa ibabang bahagi ng sticker ay kaakibat ng numero ng plaka ng sasakyang pinagdikitan nito. Samantala, ang mga sasakyang wala nito ay sinisita at hindi pinapapasok ng mga guwardiya.

Upang makakuha ng gate pass, kailangang magbayad ng

P100.00 ang mga tsuper ng Jeep at truck, P75.00 para sa mga tricycle at iba pang Public Utility Vehicle (PUV) at P50.00 naman sa mga pribadong sasakyang pagmamay-ari ng mga kawani at estudyante ng RSU.

Dahil ang RSU ay may one-way traffic, kinakailangang obserbahan at sundin ang mga alituntuning kalakip ng polisiyang ito. Ayon sa alituntuning pangtrapiko ng RSU, hindi dapat tataas sa 15 kph ang bilis ng takbo ng sasakyan habang nasa loob ng kampus.

Ang mga mahuhuling hindi sumunod sa mga regulasyong ito ay bibigyan ng kaukulang parusa. Sa unang paglabag, makakatanggap sila ng babala mula sa kinauukulan at hindi na pahihintulutang mag-renew ng sticker sakaling maulit ito. Ang sticker ay maari lamang gamitin sa loob ng isang taon. Kaugnay no StickeR, no entRy Policy.

bawat sasakyang papasok sa unibersidad ay kailangang mayroong sticker. ito ay bahagi na rin ng mahigpit na seguridad na ipinapatupad ng paaralan.

nito, kailangang magrenew ang mga motorista upang muling pahintulutang makapasok sa pamantasan.

Ang polisiyang ito ay naisakatuparan dahil sa inisyatibo nina Prof. Edgardo F. Fadallan, Director, Special Project and

Environmental Concerns (SPEC) at Prof. Ronillo F. Foja,

Corporate Affairs and Entrepreneurial Development Office

(CAEDO) Director.

Kumperensiya ukol sa tatlong wikang Romblomanon, ikinasa

ni john carlo fadeRON

S a pangunguna ng Departamento ng Wika ng Romblon State University at sa pakikipagtulungan ng Asi Center for the

Culture and the Arts Inc. (ACCSA), Kusog Sibalenhon Inc. (KSI), RDL- CLEAR, Supreme Student Council at ng “The

Harrow” ay naging matagumpay ang kauna-unahang “3-Rila: Usang Adlaw it Sanrokan sa Lenggwaheng Romblomanon (A

Conference on Romblon’s Mother Tongue) ,” na ginanap noong Setyembre 14, sa Audio Visual Center ng Romblon State

University.

Sa pamumuno ni G. John F. Rufon, nabuo ang konsepto ng conference na may layuning payabungin ang lengguwaheng

Romblomanon (ASI, ONHAN at ROMBLOMANON), dahil ito ang mga wikang nag-uugnay sa kamalayan ng bawat mamamayang Romblomanon sa historikal at etnikong aspeto. Mithiin din nito na pukawin ang kaisipan ng mga Romblomanon sa pagpahalaga sa sariling panitikan, linangin at paunlarin ang kasanayan at talento ng mga kalahok sa pagsusulat.

Naging bahagi ng programa sina G. Nicon Fameronag, direktor para sa komunikasyon ng DOLE na tumalakay ng paksang “CULTURAL AMNESIA: Language as a cure;” Ms.

Heather Kilgour, M.A., bilang keynote speaker; G. Ish Fabicon, founder ng ASCCA at RDL-CLEAR; Dr. Sherwin M. Perlas, na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa Karaan Songs of Romblon at si Dr. Emelyn R. Villanueva, na nagsalita tungkol sa “Mother

Tongue and National Development.”

Hindi rin nagpahuli sa programa ang 1622: Unang Usbor , isang bandang Bantoanon sa pagpapakita ng kanilang talento at ang kanilang pang-aliw na mga awiting Asi.

mabUhay anG tatlonG Rila nG Romblon.

dr. Sherwin Perlas habang nagbabahagi ng kaniyang disertasyon tungkol sa mga karaan songs na kabilang sa tradisyong pabigkas ng romblon sa tatlong wika.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pangwakas na mensahe na ibinigay ni G. John F. Rufon, ang direktor ng nasabing kumperensya.

Clean Energy Forum, inilunsad

ni christian MORteL

S a pangunguna ng opisina ng pagsasaliksik, ekstensiyon at produksiyon na pinangungunahan ng pangalawang pangulo nitong si Dr. Merian Mani, isinagawa ang pagpupulong, sa silid- aklatan ng Romblon State university, tungkol sa bagong pagkukunan ng alternatibong malinis na enerhiya, noong ika-17 ng Hulyo na nilahukan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, opisyales ng pamantasan at mga estudyante.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang ground breaking and ceremonial planting doon mismo sa pagtatayuan ng biomass run power plant. “We will not stop not unless the province of Romblon becomes competitive” ani Dr. Jeter Sespeñe sa kanyang pambungad pananalita. Itinalakay niya kung papaano nagkaroon ng ugnayan ang korporasyong CLENER-

GEN at ang pamantasan. “You can’t see in the entire country a biomass-run power plant in an island, just only here in Romblon,” dagdag pa nito.

Sa pagpapatuloy ng programa, inilatag naman ni Mr. Antonio Jimenez, representante ng korporasyong CLENERGEN, ang kundisyon nito at kung gaano kalawak na ang napagtayuan nila ng isang biomass power plant. Sinundan naman ni Dr. Merian

Mani, VP –REP ang pagpapaliwanag sa mga pagsasaliksik at testing experimentation ng Beema bamboo, isang Indian variety.

Samantala, ibinalita naman ni Engr. Orville Ferranco ang status ng power demand and supply sa probinsiya. Sinabi niya na ang kasalukuyang pagkunsumo ng kuryente ay madodoble pa sa loob ng 5-10 na taon. Dahil dito, higit niyang pinasalamatan ang proyekto ng RSU at CLENERGEN na pwedeng maging sagot sa papataas na demand ng kuryente. Tinalakay naman ni Prof. Tomas

Faminial ang alternatibong pagkolekta ng panggatong.

Natapos ang programa sa isang open forum.

the haRROw

Mamamayan ng tablas, panalo laban sa ivanhoe

ni lyle gepe fORMiLLeZa

I natras ng Ivanhoe Philippines Incorporated, subsidiary ng Ivanhoe Mines Limited na nakabase sa Canada, ang kanilang aplikasyon para minahin ang isla ng Tablas, Romblon noong ika-30 ng Setyembre, 2011.

Sa wakas ay nagbunga ang walong buwang pakikipaglaban ng mga taga-isla laban sa kumpanyang ito .Sa kadahilanang ito, nagbunyi ang mga mamamayan ng Tablas sa kanilang pagkapanalo. Ang tagumpay na ito ay dahil na rin sa tulong ng mga lokal na opisyal ng ating probinsya at ang malaking ambag ng sektor ng kabataan at simbahan partikular ang Alliance of Students Against Mining (ASAM) at Romblon Ecumenical Forum

Against Mining (REFAM). Malaki rin ang naging kontribusyon ng moratoryong ibinaba ni Gobernador Eduaro “Lolong” Firmalo na nagsilbing sandata upang pansamantalang ipatigil ang kasalukuyang mining activities at pigilan ang pagpasok ng mga

Mining Companies sa isla.

Nakasaad sa sulat ng Ivanhoe sa Mines and Geosciences

Bureau Director ng MIMAROPA na si Dir. Roland A. De Jesus na hindi na prayoridad ng naturang kumpanya na minahin ang ang isla.Ayon sa taga-payo ng ASAM na si Mrs. Sheryll M.

Fetalvero ,“Ang laban ay hindi lamang titigil sa Ivanhoe dahil hanggat hindi pa naisasabatas ang House Bill 4815 ni Cong. Eleandro Jesus Madrona na nagdedeklara sa Romblon bilang isang

Mining Free Zone ay patuloy pa rin ang pakikipaglaban ng organisasyon”. Idinagdag pa niya na kailangan ding matutukan ang Illegal Small-Scale Mining sa ating probinsya partikular sa

Isla ng Sibuyan at ang pagbibigay ng trabaho sa mga minerong nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ng pagmimina. Ang pag-atras ng Ivanhoe ay nagpapakita lamang na sa apat na elemento ng estado, ang tao talaga ang pinakamalakas. Pagdating naman sa sektor ng kabataan isa itong pagpapatunay na tama ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na

“Ang kabataan ay pag-asa ng bayan” Namulat din ang mata ni

Ma’am Sweet base sa kanyang personal na opinyon na marami pala tayong nailagay sa pwesto na dapat hindi nakaupo sa kanilang posisyon simula ng pumutok ang isyu ng pagmimina at nakita na ang ilan sa mga taong ito ay nagpapahalaga sa kanilang personal na interes at hindi interes ng nakararami.

Sa ngayon patuloy ang pagkilos ng ASAM at REFAM sa pangangalap ng pirma upang sumuporta sa pagsasabatas ng House Bill 4815 “Declaring Romblon a Mining Free Zone.”

Panawagan ng ASAM at REFAM ang patuloy na pagsuporta sa kampanya laban sa mapanirang pagmimina dahil ang tagumpay laban dito ay tagumpay ng lahat.

atty. Fortunato, bagong Board of Regents Secretary

nina erwin QUiNtON at aljon feRNaNdO

Itinalaga bilang bagong kalihim ng Board of Regents (BOR) ng Romblon State University (RSU) si Atty. Erwin M.

Fortunato noong ika-12 ng Setyembre, taong kasalukuyan bilang kahalili ng nagretirong dating kalihim na si G. Nelson

Fedelin.

Batay sa utos ni Atty. Jose

Anselmo Cades, Solicitor General ng Republika ng Pilipinas at kasalukuyang tagapangulo ng mga abogado sa Pilipinas, at sa mungkahi na rin ng BOR, itinalaga ni Dr. Jeter Sespeñe si

Atty. Fortunato bilang bagong kalihim ng RSU-BOR.

Si Atty. Fortunato ay ang dating legal na tagapayo ng

RSU sa loob ng isa at kalahating taon. Dahil sa kanyang civil service eligibility, naging kwalipikado siya sa nasabing posisyon. Idagdag pa rito ang kanyang mga karanasan sa serbisyo publiko.

“Being a BOR secretary entails a lot of sacrifice,” aniya nang tanungin kung paano haharapin ang bagong tungkuling nakabatay sa ating university code, Section 13: “The Secretary of the University. - The Board shall appoint a secretary, who shall serve as such for both the Board and the University, and shall keep all records and proceedings of the Board. He/She shall serve upon each member of the Board the appropriate notice of the Board meetings.” the haRROw

Guilders’ Caravan, sinimulan

ni christine eStReLLa

B ilang bahagi ng patuloy na paglilingkod sa mga kabataang mamamahayag dito sa Romblon, ang The

Harrow, sa pakikipagtulungan ng College Editors’ Guild of the Philippines – Romblon Chapter (CEGP-RC),

Kabataan Partylist (KP), Anakbayan at RSU-Wide Alliance of Student Publication (RSU-WASP), ay naglunsad ng

“Guilders’ Caravan,” ang kauna-unahang mobile seminar sa probinsiya.

Layunin ng Guilders’ Caravan na makapaghatid ng talakayan at palihan tungkol sa iba’t ibang kasanayan sa pahayagang pangkampus. Layunin din nitong imulat ang mga estudyante mula sa mga paaralang sekundarya at kolehiyo sa iba’t ibang munisipalidad ng Romblon tungkol sa kasalukuyang sitwasyong panlipunan.

Isinagawa ito upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyanteng manunulat na hindi nabibigyan ng pagkakataong makalahok sa mga seminar tulad ng ASURAN, Provincial Student

Press Congress ng CEGP-RC; Regional Student Press Congress

(RSPC) ng CEGP-Southern Tagalog; LUNDUYAN, Luzon-Wide

Student Press Congress; at National Student Press Congress

(NSPC), dahil na rin sa problemang pinansyal.

Ang unang bugso ng naturang programa ay isinagawa sa

RSU-San Andres Campus noong ika-3 ng Setyembre na dinaluhan ng humigit-kumulang 50 mga estudyante mula sa RSU-San Andres

Campus at iba’t ibang paaralang sekondarya sa nasabing bayan.

Nagkaroon ng mga panayam at pagsasanay sa paggawa at pagsusulat ng lathalain, balita, opinyon at literatura na ibinahagi ng mga miyembro ng ‘The Harrow.’ Bilang bahagi ng determinasyong pukawin ang mga mag-aaral na Romblomanon at hikayating makiisa at makialam, tinalakay din ang iba’t ibang isyung panlipunan.

Ang adbokasiyang ito ng Guilders’ Caravan ay magiging regular buwan-buwan at idaraos sa mga satellite campuses ng RSU.

GUildeR, ihanda anG mGa eRoPlanonG PaPel.

guilder’s caravan ng The Harrow sa San Andres Campus sa isang activity na magpalipad ng mga eroplanong papel, ang pagpapakilala.

‘Cease and Desist Order’ ng pagmimina sa Sibuyan, pinagtibay

ni arjay BaRRiOS

A ltai Philippines Mining Corporation is hereby enjoined to cease and desist from conducting mining operations in the contract area under MPSA No. 304-2009-IVB,” ito ang nakasaad sa kautusang inilabas ng Mines and Geosciences Bureau para kay G. Pio C. Fortuno, Pangulo ng Altai

Philippines Mining Corporation.

Malaking pinsala sa kalikasan, hangin at kalusugan ng mga tao ang idinudulot ng eksplorasyon at pagmimina sa Sibuyan.

Ang tuluyang pagkasira sa hanapbuhay ng mga magsasaka at banta sa kinabukasan ng kalikasan ang nag-udyok kay Mayor

Dindo Corone Rios ng San Fernado, Romblon upang hilingin sa Mines and Geosciences Bureau ang kagyat na pagpapatigil ng operasyon ng pagmimina sa isla. Ang sulat na may petsang

Septyembre 13, 2011 ay umaapela upang mapahinto ang mineral na eksplorasyon sa Sibuyan na pinamumunuan ng Altai Philippines Mining Corporation. Ang naturang eksplorasyon ay nagdudulot ng kasiraan sa ilog na pinagkukunan ng irigasyon ng mga magsasaka at inumin ng mga taga-Sibuyan. Tinutukoy ni mayor ang mineral na eksplorasyon sa ilalim ng Mineral

Production Sharing Agreement (MPSA) No. 304-2009-IVB na inaprubahan noong Disyembre 23,2009 sa nasabing korporasyon na sinasakop ang lugar na kontratang 1,580,810 ektarya na nasa munisipalidad ng San Fernando Sibuyan, probinsya ng Romblon. Kaagad itong inaksyonan ni G. Roland A. De

Jesus, Regional Director ng Mines and Geosciences Bureau sa pamamagitan ng cease-and-desist order. Noong Setyembre 19,

2011 nagpadala si G. De Jesus ng sulat na nilalaman ang ceaseand-desist order kay G. Fortuno. Kaakibat nito ang agad na pag-implimenta ng nasabing aksyon sa Sibuyan.

Balita

Marcelino, nanguna sa Dean’s list, 1.205

ni micah eunice fegaLaN

B ase sa listahang inilabas ng opisina ng Student

Affairs and Discipline, si Bb.

Gina Marcelino ang nanguna sa listahan ng mga academic scholars na nakakuha ng general average na 1.205.

Siya ay nasa ikatlong taon sa kursong Bachelor in

Secondary Education (BSED) major in Filipino. Narito ang listahan ng Top 20 Academic

Scholars:

RANK PANGALAN

16

17

18

19

12

13

14

15

8

9

6

7

4

5

2

3

10

11

20

21

KURSO

Dan Hubert Fabello

Befe Grace Largueza

BSEd III

ABEng III

Mae Angelica Fabito BSEd III

Dan Mandia

Charmaine Sixon

Jerry Morada

Meriam Ruado

ABEng IV

BEEd IV

BSEd III

BEEd IV

April Joy Fabella BSBio IV

Ronald Allan Fabellar AB PubAd II

Frankie Fran

John Mark Tan

BSEd II

BSEd III

Menchie Fabro

Christine Manal

BSEd III

BSBA IV

Ma. Theresa Compas BEEd IV

Imie Jane Sayson BSAg II

Jhelanie Manas

Marwin Sarandin

Regie Familara

Ansherina Marie

Ramirez

Emie Liza Ferrancol

BSBA IV

BSEd II

BEEd III

BSEd II

BEEd II

1.341

1.344

1.365

1.375

1.375

1.393

1.413

1.429

1.250

1.271

1.273

1.281

1.318

1.321

1.321

1.337

WEIGTED

AVERAGE

1.207

1.208

1.219

1.429

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

3

‘the Harrow,’ 5

th

Gawad

Karen Dela Cruz Best tabloid

ni abbygail JayLO

G inawaran ng College Editors’ Guild of the Philippines

(CEGP) ang The Harrow, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng mga estudyante ng Romblon State University, bilang Best Tabloid sa nakaraang ika-limang Gawad Karen dela Cruz na idinaos sa United Methodist Church Tagaytay

Mission Camp, Tagaytay City, Cavite noong ika- 22- 26 ng

Setyembre.

Ang nasabing parangal ay taunang pagtitipon ng mga mamamahayag pang- kampus na nagmula sa iba’t ibang kolehiyo sa MIMAROPA at CALABARZON upang tanghalin ang pinaka-natatanging pahayagan. Layon nitong magbigay motibo sa mga pahayagang pangkampus na magpursige sa kanilang layunin sa paglalahad ng mga isyung kinasasangkutan ng mga estudyante at pamantasan. Tampok dito ang mga kategoryang tulad ng Best Tabloid, Best Literary Folio, Best Newsletter, Best Alternative Folio, at Best Magazine.

Pinangunahan ni Ms. Jhelanie Manas, punong patnugot ng The Harrow ang pagtanggap ng parangal na iginawad ni Estel

Lenwij Estropia, ang bagong taga- pangulo ng CEGP- ST.

“Ito na ang pangalawang karangalang natanggap ng The

Harrow sa palihang ito. Noong isang taon, nakuha namin ang

Best Magazine na nagbigay sa amin ng motibo upang mas pagbutihin ang aming mga panulat. Para sa mga estudyanteng pinagsisilbihan namin, para sa inyo ito at asahan ninyong mas pagbubutihin pa namin ang aming tungkulin,” pahayag ni Ms.

Jhelanie Manas,

EIC ng The Harrow .

18th CEGp-RSpC at pandayan 2011, idinaos

S a pagkakaisa ng College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP) at National Union of Students in the Philippines

(NUSP) Southern Tagalog Chapters (ST), naging matagumpay ang ika-18 Regional Student Congress na ginanap sa

United Methodist Church Tagaytay Mission Camp, Tagaytay City, Cavite noong ika-22 hanggang ika-26 ng Setyembre,

2011 na may temang “Student Journalists, Intensify the Struggle for Free Education, Lead the Fight for Social Justice and

Change.” Dinaluhan ito ng mga manunulat pangkampus at lider estudyante mula sa iba’tibang kolehiyo sa rehiyon ng MI-

MAROPA at CALABARZON.

ni abbygail JayLO

Layunin ng pagtitipong ito na hasain at sanayin ang kakayahan ng mga estudyante sa pagsusulat at pamamalakad ng konsehong pangkampus, higit sa lahat, layunin ng kumbensyong ito na imulat ang mga partisipante hinggil sa mga napapanahong isyung panlipunan na

GinoonG anU....

rui lorenz reyes (nagtataas ng kamay), punong panugot ng The Clarion Sawang Campus at

Jhelanie manas, punong patnugot ng The Harrow sa isang classroom discussion.

dapat tugunan ng mga mamamayan.

Aktibo namang nakisangkot ang bawat kalahok sa mga talakayan ukol sa iba’t ibang usapin na gaya ng pagtatapyas sa pondo ng edukasyon, mga reporma sa lupa (ang pananatili ng sistemang pyudalismo sa bansa), mga paglabag sa karapatang pantao, at ang kasalukuyang sitwasyon ng ating kalikasan na ibinahagi ng mga bihasang tagapagsalita mula sa iba’t ibang pangmasang organisasyon sa Pilipinas. Isa sa mga naging pangunahing tagapagsalita si Cong. Raymund Palatino ng Kabataan Partylist (KPL).

Sa pamamagitan ng kongresong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na maging mulat sa kasalakuyang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan, mga manggagawa, magsasaka, at mga iskolar ng bayan.

Bago magtapos ang kongreso, nagkaroon ng eleksiyon ng mga bagong opisyales na bubuo sa CEGP-ST. Nahalal sina Estel Lenwij Jao

Estropia bilang tagapangulo kapalit ni G. Rogene Gonzales, Abbygail

M. Jaylo bilang Finance and Alliance Committee Head, Nico Jay Jaylo bilang tagapangalawang pangulo para sa rehiyong MIMAROPA.

Nagkaroon din ng pagbuo ng resolusyon ukol sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng mga estudyante at kolehiyo. Naging kaabang-abang naman ang paggawad ng ika-limang Gawad Karen de la Cruz para sa mga pinaka- natatanging pahayagang pangkampus.

4

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

Balita

no permit, no Exam policy, mahigpit na tinutulan ng CHED

ni christine joy heRNaNdeZ

Inilunsad ng Commission on Higher Education (CHED) ang batas na nagtatakda sa mga kolehiyo at unibersidad na payagan ang mga estudyanteng kumuha ng examinations kahit hindi pa bayad sa mga tuition fees, ang No Permit, No

Exam Policy.

Nakasaad sa CHED’s Manual for Regulation of Private

Higher Education, Section 99 ang CHED Memorandum

Order 02 ng 2010 na: “No higher education institution shall deny final examinations to a student who has outstanding financial or property obligations, including unpaid tuition and other school fees corresponding to the school term.”

Kaugnay ng polisiyang ito, maaari namang i-hold ng institusyon ang final grades ng mga estudyante at may karapa tan silang harangin ang pag-eenrol ng mga ito hangga’t hindi pa nababayaran ng buo ang kanilang tuition fees para sa nakaraang semestre.

Ayon naman kay Prof. Lucy F. Fopalan, Direktor, Office of Student Affairs and Discipline (OSA), kung may ganito mang alegasyon dito sa Romblon State University, bukas naman ang kanyang opisina para sa mga hinaing ng estudyante ngunit kailangan muna nilang mag-file ng pormal na reklamo sa OSA upang agad na mabigyang solusyon ang nasabing problema.

University Day, ipinagdiwang

ni jhelanie MaNaS

H indi man natuloy sa unang pagkakataon, naging matagumpay naman ang ginanap na dalawang araw na University Day noong Enero 26-28.Hindi maikakailang kulang ang taon kung hindi maipagdiwang ang kaarawan ng pagkaka-convert ng RSC sa unibersidad.

Bilang pasasalamat , isang misa ang ginanap sa unang araw.

Ito ay nagsimula ganap na 6:40 ng umaga sa RSU Quadrangle.

Pinangunahan ni Fr. Edilberto Magbata ng St. Anthony De Padua sa Ferrol at Fr. Joey Valencia of Our Lady of Candles ang nasabing misa.

Natapos ang misa ganap na 7:52 . Agad namang naghanda ang lahat para sa parada. Nanguna ang RSU at NROTC Colors na sinundan ng NROTC Majorette at NROTC Model Platoon.

Ang bawat kolehiyo rin ay nagpasiklaban ng kani-kanilang makukulay na mga float. Sa huli naman ang lahat ng administra tion personnels at ang RSU Band.

Pagkatapos ng parada, isang maikling programa ang sumunod. Naging panauhing pandangal si Dr. Venizar Maravilla. Hindi rin nawala sa pagdiriwang si Gobernador Lolong

Firmalo na nagbigay ang kanyang punung-puno ng inspirasyong mensahe.

Magkasabay namang ginanap ang literary contest,spelling bee at medical and dental mission.

Ang literary contest ay inorganisa ng “The Harrow” , ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng RSU. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: poem writing and essay writing. Ang mga nagkamit ng parangal at premyo sa patimpalak sa paggawa ng tula ay sina Raymond Falogme, Jessa Marie Fornal at Rico Dave

Catajay. Natamo naman ni Dainty Joy Fetalver ang unang karangalan sa paggawa ng sanaysay.Sinundan ito ni Catherine Vergara at ang ikatlong parangal ay napunta kay Glecel Gay Salvador.

Sa kabilang dako, ang Quiz Bee naman ay pinangunahan ng

Supreme Student Council. Umabot sa 37 ang mga nakilahok mula sa ibat-ibang department at kampus. Nasungkit ni Vincent Paul

Fiestada, mula sa RSU Science High School, ang unang gantimpala.

Sa iskor na 28, si Marwin Sarandin mula sa College of Education ang nagkamit ng ikalawang gantimpala. Hindi naman nagpahuli ang

BS Biology sa pamamagitan ni Jason Enciso na umupo sa ikatlong puwesto.

Hindi lang tagisan ng galing ang bumuo ng araw ng lahat. Ito rin ang nagsilbing magandang pagkakataon para sa isang medical at let’S celebRate.

Congressman budoy madrona kasama ang dekano ng CAS at ang presidente ng SSC patungo sa rSu Quadrangle.

the haRROw

Bilang ng mga mag-aaral ng RSU, tumaas ng 13.16%

ni rose PaNgaN

M uling nakapagtala ng mataas na bilang ng mga estudyante ang RSU MAIN CAMPUS na umabot ng 13.16% na pagtaas sa unang semestre ngayong taon.

Ito ay kumakatawan sa 534 bilang ng mga estudyanteng dumagdag sa talaan. Mula sa dating bilang na 7,346 umabot na ito ngayon ng bilang na 7,880.

Dr. Sespeñe, bagong presidente ng pSU

nina melo faa at marwin SaRaNdiN

P ormal nang nanumpa at umupo bilang bagong pangulo ng Palawan State University (PSU) si Dr. Jeter

S. Sespeñe, Nob. 28.

Ayon kay Atty. Erwin

Fortunato, Kalihim ng RSU

Board of Regents, nahalal na pangulo ng PSU si Dr.

Sespeñe base sa isinagawang ebalwasyon para sa susunod na pangulo ng PSU. Nagsimula ang termino ni Sir Jet bilang pangulo noong Nob. 28 taliwas sa mga balitang noong

Dis. 2 lamang siya nagsimulang manungkulan bilang presidente ng PSU.

Samantala, itinalagang

OIC si Dr. Alice F. Foja, Vice President for Academic Affairs, habang wala pang napipiling papalit sa posisyong iniwan ni

Dr. Sespeñe.

Nakatakdang namang magsimula ang paghahanap para sa bagong presidente ang Search Committee for President

(SCP) na binubuo nina Atty. Fortunato, Head Secretariat at ng limang iba pa sa darating na Enero 2012.

dental mission.Tatlo ang naging bahagi ng misyong ito . Una ay ang blood typing. Di rin nawala ang medical consultation at ang huli ay ang tooth extraction. Ito ay naging matagumpay sa tulong na rin ng

35 volunteers, mga piling mag-aaral na kumukuha ng kursong B.S.

Biology at ang grupo ng mga doktor, medical technicians, dentista at mga nars.

Nagkaroon din ng pagkakataong maglibang ang mga empleyado ng RSU. Sa pamamagitan ng laro pansamantalang naibsan ang kanilang pagod. Sa dalawang kategorya nahati ang laro:balibol at basketbol.

Naunang nilaro ang basketbol. Nahati sa tatlong koponan ang mga empleyado: Regulars, Lecturers at Non-teaching. Napuno ng sigawan ang buong quadrangle habang pinapanood ang magandang laban. Ngunit sa huli’y itinanghal na kampeon ang grupo ng Nonteaching. Sinundan ito ng Regulars at nakuha naman ng Lecturers ang huling pwesto.

Kinagabihan inaliw ang lahat ng isang maikling programa. Ito ay ang battle of the band na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang departamento. Itinanghal na panalo si Ann Janette Alba mula sa College of Education.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang Ground Breaking Ceremony para sa itatayong worship center. Pagkatapos magbigay ng mensahe ang lahat ng mga mahahalagang personalidad tulad nina Dr. Alice

Foja ,OIC-President; Anthony Sevilla, SSC President; Prof. Lucy Fopalan, Director, Student Affairs and Discipline at si Cong. Eleandro

Jesus Madrona ay dumiretso na ang lahat sa Audio Visual Room

(AVR). Si Cong. Madrona ang tumulong upang sa wakas ay maitayo na ang matagal nang inaasam na kapilya. Ipinagpatuloy naman sa AVR ang programa kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat estudyante na harapang makausap ang solon.

Ang RSU MAIN CAMPUS ang may pinakamalaking naitala na umabot sa kabuuang bilang na 4,441 kung ihahambing noong nakaraang semestre na mayroon lamang

4,113.

Base sa talaang inilabas ng Office of the Registrar ng

Main Campus, nananatiling ang College of Engineering and Technology (CET) pa rin ang may pinakamalaking populasyon na umabot sa bilang na 1,419. Pumapangalawa naman ang College of Arts and Sciences (CAS) na mayroong

517 na bilang ng mga estudyante. Samantala, ang College of

Business and Accountancy (CBA) naman ay umabot ng 774

,sinundan ito ng College of Education (CED) na nakapagtala ng 666 at ang CAFF na nakakuha naman ng pinakamaliit na bilang ng populasyon na mayroon lamang 200 estudyante.

Ang graduate studies naman ay umabot ng 93 bilang ng mga estudyante.

Kung ang pagbabasehan ay ang mga programa, ang

Bachelor of Science in Business and Accountancy (BSBA) ang nasa pinakamataas na puwesto, kung saan nakapagtala ito ng 469 na estudyante. Ang kursong Bachelor in Science and Information Technology (BSIT) na siyang nangunguna noong nakaraang taon ang pumangalawa na mayroong 456 na bilang ng mga rehistradong mag-aaral. Ang Bachelor of Secondary Education(BSED) ang pumangatlo na may kabuuang 380 at ang bagong bukas na kursong Bachelor of

Science in Criminology (BS Criminology) ay nakapagtala naman ng 330 na bilang ng mga estudyante. Ang Bachelor of Science in Civil Engineering (BSCE) ay nakakuha naman ng 303 estudyante. Ang BEED, BSHRM, AB

POLSCI,BSEE,BSME,ay mayroon namang 286, 241, 231, 188,

167 bilang ng mga rehistradong estudyante.

Sa RSU extension o satellite campuses naman, ang Sawang Campus ay nakakuha ng pinakamataas na bilang na 993 o dagdag na 105 sa dating bilang nito na kumakatawan na 2.59 na porsiyento ng pagtaas. Sinundan ito ng San Fernando Campus kung saan nakapagtala ng

902 na bilang ng mga estudyante kung saan 32 o 0.79% ang ibinaba. Ang Cajidiocan Campus ay nakapagtala naman ng 530 o katumbas ng 85 estudyanteng naidagdag. Ang

San Agustin,Sta. Fe, Calatrava, San Andres at Sta. Maria ay nakapagtala naman ng 262, 210, 193, 184, 165 na populasyon.

Isa itong salamin na ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng populasyon ng RSU ay dahil na rin sa mataas, may kalidad at epektibong edukasyong ipinapalaganap ng unibersidad. Isa itong daan upang ang bawat pangarap ng mga kabataan ay magkaroon ng katuparan sa patuloy na pakikilahok at pakikiisa sa mga programa ng pamantasan ng

Romblon.

Datos ng Enrollment ngayong

SY 2011-2012 - Unang Semestre

Opinyon

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

5 the haRROw

re-evaluation

Jhelanie Manas

Punong PATnugoT

Pwede PO Ba aNg

ONe MiStake?

S abi nila, walang taong perpekto.

Oo naman. Sige nga, kung perpekto ka, mamatay ka na ngayon. Ibig sabihin lang nito, lahat ay may pagkakataong magkasala o magkamali. At siyempre kasunod nito ang pagbibigay ng sinasabing second chance.

Alam ba ninyo kung bakit nagkakaroon ng pagkakamali o kung bakit may may taong napipintasan na mali? Ito ay nakaugat sa salitang “comparison”. Dahil may tama kaya may mali. May mabuti kaya may masama. Binary opposition ang tawag dyan.

At alam rin ba ninyo ang pinakamahirap na sitwasyong maaari mong kasadlakan? Ito ay ang ikumpara ka. And take note, hindi ikaw ang tama, kundi ikaw ang MALI.

At ito ang pampalubag-loob nila diyan, “Take criticisms constructively”. Tama na naman! Sa pagkakamali ka nga naman natututo. Kaya next time dapat alam mo na ang dapat mong gawin. Ganito lang kasimple ‘yan eh, habang gumagawa ka ng mali, at may taong magtatama sa’yo at darating ang panahong tama na lahat ang gagawin mo. O hindi kaya’y maaring maging perpekto ka na. Salamat naman sa mga taong mahilig mambato, utang na loob pa pala namin ang pamimintas ninyo.

Pero dapat ba talaga silang pasalamatan? Kung sa bawat segundong itinatakbo ng buhay mo, ikakatakot mo kung ano pa ang maling maaring magawa mo. Nakaka-pressure kaya.

Ang amin pong opisina ay hindi iyong tipong nakikipagkumpetensiya sa ibang organisasyon ng kolehiyong ito. At ako ay nakikiusap na sana pare-pareho nalang nating gawin ang bawat papel natin na maglingkod sa mga estudyante.

Ang punto ko rito ay may mga taong nagte-take pa talaga ng

“extra effort” para makahanap ng butas. Nakakatuwang isipin na makitaan lang kami ng konting pagkakamali doble na ang pagkakamaling makakarating sa iba.

Mawalang-galang lang po sa mga taong nakaupo, ang mga bumubuo sa aming publikasyon ay halos lahat estudyante. Hindi kami propesyunal na dapat hindi magkamali. Masakit isipin na ang mga taong nangako pa ng tulong ang mga taong humihila sa iyo pababa ngayon.

Ilalatag ko lang sa inyo ang dahilan ng lahat ng ito. Alam ba ninyo ang “Law of Diminishing Return”? Ganito ang paliwanag ng propesor ko tungkol diyan. Kung ang isang bata ay bumili ng ice cream at naubos niya ito, malaki ang posibilidad na bumili siya ulit ng ice cream. At kapag naubos niya ulit maaring bumili siya ulit. Ngunit sa pagkakataong naabot na niya ang kasukdulan o na-satisfy na siya, maaaring mawala na ang kaniyang pagnanais na bumili at kumain ng ice cream.

Ano ang koneksyon nito sa mga pinagsasabi ko? Ibig ko lang ipaabot na kung may nagawa man kaming mali ngayon ibig sabihin lang noon nakagawa na kami ng tama. Hindi biro ang apat na taong maging miyembro ng publikasyong ito. Mahirap i-perfect lahat ng mga gagawin mo. Sabi nga nila ang pagiging staffer ay masaya pero madalas puro pasakit.

Ito na rin siguro ang huling chance na gagawa ako ng kolum

(kung papalaring makagraduate). Kaya’t isisingit ko na rin ang gusto kong sabihin pati na rin ang aking huling pasaring:

Sabi nga sa likod ng CBA t-shirt:

To those who agree with us, we find comfort!

To those who disagree, we find growth!

At sa lahat ng maiiwang staff patuloy na “Sumulong,

Sumulat, Manindigan at Magmulat! Mamimiss ko kayo!

editoryal

N agdiwang ang lahat simula ng tawaging unibersidad ang dating Romblon State

College. Unang-una sa listahan ng mga natuwa ay ang mga naging dahilan at nagpunyagi na matuloy ang pagkakaconvert ng RSC sa RSU .Nararapat lang naman talaga silang pasalamatan at palakpakan ng lahat dahil sa kanilang naging ambag. Marahil ang iba’y itinuring pa silang mga bayani ng kasaysayan ng RSU. Hindi rin maikakailang kahit ang mga estudyante ay nagsaya.

Naipagmalaki na nila sa mga kaklaseng sa tawid-dagat nag-aaral na mayroon ng unibersidad sa bayan ng marmol.

At noong nakaraang Enero 26-28, dalawang taon na rin ang binilang ng lahat mula noong pirmahan ang

Republic Act 9721 o mas kilala sa tawag na Romblon

State University Law. Ang ikalawang kaarawan ng

RSU ay sumapit na. Lahat ay naghintay at nasabik na masaksihan ang pagdating ng mga araw na ito. Noong una’y di natuloy ngunit sa ikalawang pagkakataon lahat ay napagbigyan. Tatlong araw ng pagsasaya at pagtakas sa mga problema lalo na sa mga estudyanteng nais munang magpahinga.

Kasabay ng pagunita ng araw ng unibersidad ang pagputok ng mga balitang hindi inaasahan ng lahat.

Masasabing hindi kumpleto ang nadamang kasiyahan ng bawat isa. Nararapat lang sigurong pagsaluhan ng lahat ang tagumpay na natamo ng institusyon na dalawang taon na nating ginugunita. Ngunit paano kung ang haligi mismo na siyang may tungkuling mamuno at manguna ang mawala?

Sa isang bahay ang pagkawala ng isang haligi ang kadalasang nagiging dahilan ng paghina at pagkalugmok nito. Mala- toreng bahay man ay guguho kung walang pundasyong tumutulong dito. Hindi rin maikakailang ang pagkakaroon rin ng padre de pamilya ay mahalaga sa isang pamilya. Inilalarawan lang ng mga halimbawang ito ang kahalagahan ng isang namumuno. Isang lider na hahawak ng sulo at tatayo sa harapan habang iniilawan ang madilim na daan.

Sabi nila dapat tuloy ang pag-ikot ng mundo. Ang bawat bakante ay dapat punan. Ang sinimulan ay dapat tapusin. Sa pagkawala ng isang ama, siguradong nariyan ang isang inang sasalo at aako ng lahat ng responsibilidad.

Inang gagawin ang lahat para maitaguyod ang mga anak na naulila at ang tahanang iniwan. Ngunit paano kung ang inang tinutukoy ay malapit na ring umalis? Inaasahan nang ang mga anak ang aako ng responsibilidad na naiwan.

Maraming mga anak ang naghangad para sa legasiyang naiwan ng mga magulang. Mga anak na handang gawin ang lahat, haharangan man ng sibat makamit lang ang inaasam

-asam. Handa nilang kalimutan ang kanilang pinagsamahan para makaupo sa upuang dati’y pag-aari ng kanilang mga magulang.

Ang pagnanais rin bang ito ang magiging dahilan ng inggit at pagkakawatak-watak? Huwag naman sana.

Paano na ang pamilyang minsa’y nangarap ng isang maganda at masayang tahanan ay natanggalan ng haliging sana ay aagapay?

Kung sino man ang mahirang na bagong pangulo ng unibersidad, sana’y ipagpatuloy niya ang bawat nasimulan.

Sana’y ang hangarin niya’y panig sa mga estudyanteng umaasa sa serbisyong ibibigay ng unibersidad. At sana sa kabila ng lahat ng di-pagkakaunawaan, mangingibabaw pa rin ang pagmamahal at umiral ang pagiging tatak RSU. At sa pagpinid at muling pagbukas ng bagong aklat ng kasaysayan ng unibersidad sabay sabay masasaksihan ng lahat ang ating pamamayagpag.

THE Harrow

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon taong-Panuruan 2011-2012

Member: College editors’ guild of the Philippines, RSU-wide alliance of

Student Publications/ Editorial Office • Room 2, Student Center Building,

Romblon State University, Odiongan, Romblon/ email: the_harrow08 @ yahoo.com/ Blog: www.the-harrow.blogspot.com

Punong Patnugot: JHELANIE MANAS; Kabakas na Patnugot: ALySSA MARIE FERNANDEZ; Mga Tapag-ingat na Patnugot: MELO FAA, SHIELAMAE GONZALES; Patnugot ng Sirkulasyon: GINA

MARCELINO, CHRISTIAN MORTEL; Patnugot ng Opinyon: ABByGAIL JAyLO, MARWIN SARANDIN; Patnugot ng Lathalain: KAREN ARCASITAS, KATHRINA SARITO; Patnugot ng Balita:

DyNA FADERAGAO, CRISTINE ESTRELLA; Patnugot ng Literari: KEyCEL FEJER, ALJON FERNANDO; Patnugot ng Isports : ARJAy BARRIOS, EDG BEA FERRERA; Tagalapat ng Disenyo: NICO

JAy JAyLO, PETER JOHN ALTO; Punong Dibuhista: JEZRyL FALO; Mga Dibuhista: JOSHUA FABITO, JOSEPH CLINT ROI DIOCADES; Mga Manunulat: JOHN CARLO FADERON, GERALD

DAVID, JENNIE VAN FIESTADA, ROSE PANGAN, CHARLES FADALLAN, MICAH EUNICE FEGALAN, LyLE GEPE FORMILLEZA, ERWIN QUINTON, JOHN BRIAN ROLDAN,

CRISTINE JOy HERNANDEZ; Director of the Office of External Linkages and Public Information Office, RSU / Tagapayo: DR. SHERWIN M. PERLAS; Kabakas na Tagapayo: MR. MARK CALIMBO

6

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

OPLaN Red tag

Ang SimulA ng rebeldeng bAnSAg

N

ip in the bud”, Mamamayan,

Lambat Bitag I, II and III,

Makabayan, Bantay Laya 1 and 2 at ang sikat ngayon,

Bayanihan. Ito ay hindi mga pamagat ng pelikula na nagkamit ng matataas na parangal sa Cannes Film

Festival, Grammy Awards o sa Metro

Manila Film Festival, lalo’t higit hindi mga pamagat ng mga “best-seller” na libro ni Bob

Ong o kahit ano mang nobela, kundi ito ay mga programa ng gobyerno sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naglalayong supilin at puksain ang mga rebelde kasama na ang mga progresibong grupong banta sa interes ng pamahalaan at mga ideolohiyang meron nito.

Sa programang ito ng militar at gobyerno simula pa noong panahon ng Martial Law, talamak na ang pangaabuso sa ating karapatang pantao. Bakit? Kapag ikaw ay hindi sumasang-ayon sa gobyerno at kabilang sa isang subersibong grupo o di kaya isa ka lang sa mga simpleng

Pilipinong gustong mamuhay ng marangal at sapat ngunit may nakikitang mali sa ating gobyerno, ikaw ay ituturing na subersibo, aktibista at rebelde.

Tila isa itong epidemya na mabilis ang paglaganap at nagbibigay ng trauma sa mga taong nakararanas nito – ang

RED TAG.

Ang Red Tagging, ayon sa mga nakaranas nito, ay isang malinaw na pang-aabuso ng ating karapatang pantao sapagkat titiktikan ka ng mga intelligence unit ng militar at kapulisan at mawawala ang pagka-pribado ng buhay na meron ka. Bibigyan ka ng mga kasong hinabi ng imahinasyon upang ikaw ay makulong, iimbitahan ang mga “mass leaders” at kung sino pa sa headquarters ng militar at kapag hindi ka pumunta ay babansagan kang NPA at tatawaging “KA (insert your name here)” o sasabihing isa kang NPA supporter o di kaya isa ka sa mga rebelde na nagiging sanhi sa pagiging biktima ng “Enforced

Disappearance” at “Extra Legal Killings” na para bang kinakahon ka nila. Sino nga ba sila? MILITAR? PULIS? o

MILITAR at PULIS? Pwede both?!

Ngunit ano nga ba ang basehan nila dito? Bakit kasama ang mga estudyante?

Pagdating sa eskwelahan hindi din mawawala ang nakakadiring bansag. Kapag ikaw ay tumayo upang sabihin na mayroong mali sa sistema ng pamumuno ninuman sa

School Admin, sa Faculty ng Kolehiyo na kinabibilangan, sa College Organization na kung saan ka kabilang o di kaya sa isang “seminar” na hindi patas ang ginagawa at lalong higit sa isang gurong mahigpit, na mahilig mangurot sa singit, kapag ikaw ay tutol, hindi ka makakawala sa bansag na subersibo, matapang at walang galang na kung saan nagdadala ng takot sa kung sino man ang gustong makiisa.

Kumpara sa tunggalian ng puwersang Militar at NPA na baril at pampasabog ang gamit, iba ang tunggalian ng School Admin at Faculty and staff laban sa mga

the haRROw

Lathalain they posed to oppose education budget cut/ mining in romblon

a ng “Pose to Oppose Budget Cut” ay bahagi ng mga kampanya ng ‘the harrow,’ opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Romblon State

University - Main Campus na naglalayong tutulan ang malawakang pagkaltas ng badyet para sa sektor ng edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan tulad ng serbisyong pangkalusugan, pabahay at iba pa. ang pagbawas ng badyet sa mga naturang serbisyong panlipunan ay nagbabadya ng malawakang pagsasapribado ng mga pampublikong institusyon na naggagarantiya ng mga pinakabatayang karapatan ng masang

Pilipino. tiyak na magiging isang delubyo ito para sa mga mahihirap nating kababayan.

Samantala, ang “Pose to Oppose Mining in Romblon” ay bahagi rin ng kampanya ng publikasyon na naglalayon namang pataasin ang awareness ng mga mag-aaral at iba pang Romblomanon hinggil sa mapanirang pagmimina. Nilalayon din nitong pigilan ang anumang aplikasyon ng pagmimina sa Romblon at sawatahin ang mga small-scale mining sa isla ng sibuyan.

Bilang isang alternatibong medya, tungkulin ng pahayagang “the harrow” na imulat ang mga Romblomanong salat sa kaalaman hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunang kinakaharap ng bansang Pilipinas sa ngayon. tungkulin din ng publikasyon na dalhin sa pampublikong debate ang mga isyung ito at hikayatin ang mga tao partikular ang mga Romblomanon na pumanig at makihalubilo sa kaganapang sosyal na may kinalaman sa paghulma ng kanilang kinabukasan.

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

7 estudyanteng tinatawag nilang subersibo, aktibista at rebelde. Nandiyan ang kapangyarihan ng mga guro upang manggipit at magbigay ng mababang grado dagdag pa dito ang mainit na ulong laging nabaling sa iyo dahil sa pagiging subersibo. Nandiyan din ang pagharang sa mga importanteng dokumento tulad ng Transcript of Record at

Good Moral Character Certificate na kinakailangan upang makahanap ng trabaho at lalo’t higit ang pagpapaalis sayo sa eskwelahan.

Masama ba na tumayo at tutulan ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin upang ipaalam sa mga kapwa estudyante na ang edukasyon ay hindi isang pribelehiyo kundi isang karapatan? Masama ba na tumayo at tutulan ang ma-anomalyang paggamit ng pondo ng eskwelahan?

Sa Romblon State University, merong isang estudyante na inimbitahan sa PRESINTO ng mga kapulisan, si SSC

P.R.O. Carl Jonas M. Opiana, matapos magpag-alaman na isa siya sa mga delegado upang magtanong ng ilang mga bagay bagay patungkol sa naganap na 18th Regional Student and Press Congress na ginanap sa Tagaytay City, Cavite noong Setyembre 23-26 ngunit naging mailap si G. Opiana na magbigay ng kanyang saloobin sa naganap na insidente.

Nagdala ba ito ng takot upang siya ay ma-TRAUMA?

Tinanong ba siya kung isang NPA supporter? Nasasailalim ba siya sa isang masusing surveillance? O nagkaroon ba ng pang-aabuso sa kanyang karapatang pantao?

Mga katanungan na hindi nabibigyang linaw sapagkat nananatiling tahimik at pilit na itinatago ang katotohanan.

Bagaman wala pang linaw sa mga naganap na insidente kay Ginoong Opiana may mga NGO’s na handang magbigay tulong sa mga taong na-aabuso ang karapatang pantao katulad ng KARAPATAN, NUPL (National Union of People’s

Lawyers) at NUJP (National Union of Journalist of the

Philippines), para sa mga manunulat at lider estudyante na inaabuso.

Sa isang unibersidad na kumakahon sa mga mag-aaral nito sa apat na sulok ng silid-aralan, sapat na ang pagbabasa ng libro, sapat na ang pagsasaulo ng mga leksyon, tama lang na sagutan ang mga takdang-aralin at lalo’t higit ang mag-

“comply” sa mga projects.

Ngunit sa mga institusyon na naniniwala na ang estudyanteng may silbi sa lipunan ay hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan, hindi sapat ang pagbabasa ng libro, hindi sapat ang pagsasaulo ng leksyon, kulang ang pagsagot sa mga takdang-aralin at lalo’t higit hindi sapat ang pag-“comply” sa requirements bagkus ito ay lumalabas upang ipaalam sa nakararami ang kanilang natututunan may mga naghaharing uri na nagdidikta sa ating lipunan.

Hindi magkaiba ang laban ng militar at NPA sa laban ng School Admin sa mga estudyante ng isang unibersidad.

Ito lamang ay malinaw na nagpapakita na ang sistema na meron sa dalawang laban ay para sa mga naghaharing uri na nagdidikta sa ating lipunan. Isang sistema na walang kalayaan, sistemang nabubulok, at sistemang tuta ng isang imperyalistang bansa.

Isang bansa na kung saan ang naghaharing uri ay iilan, bansa na ang habol ay kapitalistang bansa, bansang nagbibenta ng lakas paggawa, bansa na ang sistema ng edukasyon ay nakabatay sa dikta ng mga imperyalistang bansa, bansa na mas marami ang walang lupa, bansa na kung saan ang mga tao nito ay lugmok sa kahirapan, bansa na tumuturing sa mga subersibong grupo ng mga lider estudyante at mamamayang Pilipino na rebelde, bansa na walang kalayaang magsalita, bansang kumikitil ng buhay ng mga taong nagsusulong ng Pambansang Demokrasya at bansang walang ginagawa kundi magtago sa anino ng ibang mauunlad na bansa.

Ito ang ugat ng nakadidiring bansag, ang RED TAG.

Dito nakabatay ang mga taong nakikipag laban para sa kahirapan, kawalan ng lupa, kakulangan sa trabaho, pang-aabuso sa karapatang pantao at pagpapatahimik at pagkitil ng buhay sa mga taong nagsusulong ng makatao at makatotohanang alternatibo.

Subersibo, Aktibista at Rebelde, ito ang nakakadiring bansag, ito ang RED TAG!

8

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

kaleidoscope vision

gina Marcelino

KAbAKAS nA PATnugoT

aNO Ba aNg

PaPeL MO ditO?

Ako ay isang lider estudyante.

Naglilingkod ng tapat at tumatayo para sa kapakanan ng kapwa estudyante.”

Madalas nating marinig ang mga katagang ganito tuwing halalan sa ating pamantasan. Mga mabulaklak na pananalitang namumutawi sa bibig ng ating mga estudyanteng humihingi ng simpatiya para iboto ng karamihan. Minsan, dahil sa kanilang mga sinasabi, naaakit naman tayo sa kanilang mga pangako at kagyat silang isusulat sa ating mga balota. Ngunit kapag nailuklok na, tsaka naman lumalabas ang totoong pagkatao.

Kapag sinita mo sila sa kanilang mga pangako, tatanungin ka pa – “Nagsabi ba ako ng ganun?” Ayun, nagka-amnesia na.

Nakakatawa di ba? Wag na tayong mainis, tawanan na lang natin. Tutal, kasama naman tayo sa dapat sisihin. Kung naging matalino lamang sana tayo at di nagpadalus-dalos sa pagpili

(sabagay, wala na rin namang mapipili), wala sanang sisihang mangyayari.

Minsan, kapag nakakarinig ako ng mga reklamo, di ko maiwasang mag-react agad. Ewan ko ba, masyado na yata akong nerbyosa. Dahil sa kakainom siguro ng kape (pero hindi sa

Nestle huh). Iniwan ko ang mga organisasyong kinabibilangan at pinamumunuan dati dahil namulat ako sa isang katotohanan.

Mahirap pala ang mamuno. Kapag gumawa ka ng tama, siguradong magiging mali pa rin ito sa iba. Pag gumawa ka naman ng mali, siguradong sisisihin ka. Buhay lider nga naman, oo!

Pero ano nga ba ang saysay ng pagiging estudyante? Tama na bang pumasok, maupo at makinig sa guro? Magreview, gumawa ng mga proyekto at tapusin ang lahat ng requirements? Akala ko dati, sa ganitong senaryo lamang umiikot ang buhay ng isang responsableng estudyante. Mali pala ako. Dapat din palang makisangkot sa mga usaping pampaaralan at panlipunan para maging produktibo hindi lamang ang ating buhay bilang estudyante kundi bilang isang mamamayang Filipino.

Naalala ko tuloy ng magkaroon ng 2011 MIMAROPA Student

Leaders and Press Congress na hosted ng The Harrow. Isang lider-estudyante (na hindi naman tumulong o di kaya’y dumalo pero panay ang reklamo) ang nagsabi na bakit mag-aaksaya ng panahon sa mga ganitong aktibidad samantalang wala naman itong koneksyon sa buhay ng mga estudyante. Ang dapat daw, mga ‘speech workshop‘ ang talakayin at hindi ang mga usaping panlipunan dahil mulat na RAW ang mga tao sa ganitong mga isyu. Tatanungin kita ngayon. Ano ba ang ibig sabihin ng

CONGRESS? Sa tingin mo, akma ba ang speech workshop sa mga ganitong pagtitipon? Paano mo bibigyang-kahulugan ang salitang MULAT? At gaano na ba talaga tayo kamulat sa mga nangyayari sa paligid? Sige, ikaw na lang ang mag-speech workshop, total related naman sya sa course mo, di ba?

Siguro nga alam na ng karamihan ang tungkol sa Education

Budget Cut, problema sa Hacienda Luisita, political at journalist killings, pagmimina atbp. Syempre nga naman, laman na ito ng mga balita araw-araw. Pero naitanong mo na ba kung bakit ito nangyayari?

Sino ang nasa likod nito? Nabibigyang-hustisya ba ang mga ito?

Hanggang saan at kailan mangyayari ang ganito? Ano ang magagawa ko bilang isang estudyante at bilang isang mamamayang Filipino?

Mananahimik na lamang ba ako?

Kung totoong lider ka, dapat alam mo ito. Hindi ko sinasabing maging Rizal o Bonifacio ka. Ngunit sa halip na mangutya, sa halip na pumuna, bakit di ka mag-usisa at makisangkot? Hindi lamang sa mga aklat umiikot ang ating mundo. Noong marinig mo ang budget cut sa edukasyon, ano ang inisip mo? Ano ang ginawa mo?

Naisip mo ba kung paano na lang ang mga kapatid mo, anak mo o di kaya’y mga apo kung magpapatuloy ito? Hindi mo ba alam na sa pananahimik mo, lalo mong binibigyan ng puwang ang mga mapang-aping imperyalista at mga buwaya sa gobyerno?

Kung di ka makikialam, hindi sila maaalarma. Kung gusto natin ng pagbabago, simulan natin ito. Dapat alam mo ang totoong pakahulugan ng salitang ‘MULAT’. Marami ang nagsasabing dilat sila pero bulag pala. Marami ang nagkukunwang nakakarinig ngunit bingi naman pala. Marami ang nagmamataas pero wala namang alam. Ikaw, ano ka? Ano nga bang papel mo dito?

Opinyon grapiks

abbygail Jaylo

the haRROw

the mirror

PATnugoT ng bAliTA

B

PaUNawa

ago ako magpatuloy, uunahan ko na kayo sa mga gusto n’yong isipin matapos basahin ang kolum na ito. Hindi ko nilayon ang magpasaring o magpatama.

Ang nais ko lang ay pitikin ang inyong mga tainga upang marinig ang aming mga tinig at buksan ang inyong mga mata upang malinaw n’yong makita ang kalagayan naming tila binabalewala. Ngunit higit sa lahat ay ipaunawa sa mga pinaglilingkuran naming mga guro at estudyante ang hirap at hinaing naming mga manunulat.

A ng The Harrow ay opisyal na pahayagang pangkampus ng Romblon State University. Maraming mga taong ang nagugulat kapag nalamang kasama ka sa “The Harrow”. Ngunit kaakibat ng pangalang ito ang isang napakalaking responsibilidad na nakaatang sa aming mga balikat. Bilang isang manunulat, tungkulin namin ang ipagsigawan ang mga piping hinaing ng mga kapwa namin estudyante. Kami ang kanilang tinig na hindi pwedeng mamalat para sila’y mapagsilbihan ng naaayon sa katotohanan. Aba, hindi biro ang maging boses ng libu- libong estuyante. Ngunit, paano na lamang ang mga responsibilidad na ito kung may isang malaking batong pumipigil sa amin upang makapagsulat ng mga mas masustansya at mas maanghang na panitik? Mahirap, pero lahat posible para sa mga kapwa namin estudyanteng uhaw sa kamulatan.

****

S iguro nama’y napasyal na kayo sa mumunting tirahan ng mga taga- The Harrow. Sinong hindi naiinis kung tuwing enrollment at pirmahan ng clearance, mistula tayong mga sardinas na pilit na pinagkakasya sa isang napakaliit na lata!? Bukod sa masikip, lumi-level up din ang temperatura sa loob ng aming opisina. Kaya naman, hindi na bago sa amin na marinig ang mga reklamo ng mga estuyanteng nagbabayad at nagpapapirma ang mga katagang “ang init.” Paano’y dalawang electric fan lang ang aming gamit (yung isa umiikot, yung isa, tulala). Oo nga pala, sa mga di pa nakakabisita sa aming opisina, nasa Room 2 lang po kami ng Student Center

Building. Kapitbahay namin ang mala-residential house na opisina ng University Student Council at mala-Antarctica sa lamig na

NSTP/CWTS office (kami na lang ata ang natitirang nasa Old Age).

****

S a isang semestre, humigit sa tatlong beses na nagsasagawa ng presswork ang ‘The Harrow’. Dito, nakikipagbuno kami sa ilang gabing puyatan at ilang araw na pagod upang makapagsulat ng mga artikulong ilalagay namin sa babasahing nakatakdang i-release bago magtapos ang semestre (tabloid, magazine, literary folio at newsletter). Ang maliit naming opisina ang nagsisilbing tulugan

(kasya naman po kami, yung iba nakatayo). Marami naman kaming banig na always ready para kung antukin man, meron kaming ilalatag sa sahig at pananggalang sa lamig (di bale ng walang unan at kumot).

****

T uwing sasapit ang presswork, di magkanda-ugaga sa pila ang mga articles na i-e-encode. Paano’y dadalawa ang computer namin sa opisina (yung isa, tinamaan ng deadly disease este virus pala kaya tamang pang-movie marathon na lang ang function nito, pang-alis ng antok sa gabi). Ang nag-iisang computer na ito ang gamit ng staffers sa pag-encode at pag-layout. Malaking tulong na rin kahit papaano, pero mas mapapadali sana kung meron kaming dalawa o higit pa.

****

P irmahan na naman ng clearance, sinabayan pa ng enrollment para sa ikalawang semestre. Masakit po para sa amin ang pagsalitaan n’yo kami ng mga bagay na ikinasasama ng loob nyo dahil lamang sa hindi kayo nakasunod o naka-comply sa mga hinihingi naming requirements bago mapirmahan ang inyong mga clearance. Kami po ay sumusunod lamang din sa mga patakaran ukol sa tamang proseso ng pagpipirma. Hindi naman mahirap ang aming hinihingi. Mayroong ilang estudyante ang nakapagpaenroll ng hindi nagbabayad ng TH at SSC Fee kaya kami naghigpit kahit na paulit- ulit nyong idinadahilan sa amin na hindi naman kayo makakapag-enroll kung hindi kayo nakapagbayad sa aming organisasyon para lamang makapagpapirma.

****

A no nga ba ang punto? Ang sa akin lang po ay ipaliwanag ang panig naming mga manunulat sa The Harrow. Ilang beses na kaming humingi ng extension ng aming opisina pero naghintay kami sa wala.

Minsan naming narinig si Ma’am Foja nung dumalaw sya dito sa the haRROw

neutral aspect

Melo faa

TAgAPAg-ingAT nA PATnugoT

Negative, NeUtRaL OR

POSitive?

A ng mga organisadong impormasyong ilalatag ay totoo at hindi pawang kathang isip lamang. Mga sentralisadong pananaw na hindi ibig sabihing pananaw din ng

The Harrow.

Kamakailan nga, madalas kong masumpungan ang aking sarili na nilalamon ng bugso ng damdaming nag-uuminit sa inis at galit kasabay ang isipang tuliro at walang pakundangang nakikipagtalakayan sa isang kamag-aral. Bagay na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan, ito ang aking nausisa matapos suriin ang aking nagawa. Nais kong ang mga ito’y pag-isahing lahat at itatak sa inyong mga kukote ang samu’t saring batong maipupukol sa ulo mo.

Ano nga ba ang nagagawa ng masidhing damdaming nagdudumaling maglustay ng mga salitang hindi katanggap-tanggap?

Ang saya nga bang dulot na ipinagbubunyi ng aking mga neurons dahil sa agad-agad akong nakapagrespond sa tanong ng aking kaharap ay tatagal?

Ayon nga sa pagsusuri na ang tagalitis ay ang konsensyang mabigat pa ang katungkulan sa pinakamataas na huwes ng bansa ay nagiging mali din.

~o0o~

Bilang isang mag-aaral, nagiging mali rin minsan ang pinaninindigan nating rason kapag ibinubunton ang sisi ng mababaho at maruruming C.R sa ating administrasyon sapagkat hinahanapan natin sila ng kanilang tungkulin para linisin at buhusan araw-araw ang bawat patak ng manilaw-nilaw at nanlilimahid sa dumi na toilet bowl dahil sa katamaran o kawalang pakialam.

Pero ok lang, baka nakalimutan lang. Nararapat nga lamang na magkaroon ng toilet rooms ang pampublikong paaralang ito. Ngunit dapat paganahin ng mahusay ang mga utilities na pagkarami-rami at hindi nakatiwangwang.

~o0o~

Ang mga kahalintulad na problema ay masusuri rin ayon sa mga datos na nakalap ng TH sa mga nagmumura na sanang classrooms dahil sa dami ng kalat, arm chairs at pader na puno ng kodigo, naghahanap ng textmates at mga love notes, at mga basurahang naghalo-halo ang nabubulok at hindi. Dahil din kaya sa katamaran o walang pakialam. Kung sila’y nakakapagsalita lamang, matagal na nila tayong napagsabihan.

~o0o~

Sumentro na naman tayo sa dakong sining ng pag-awit.

Halos kadikit na ito ng mga kabataan ngayon. Ilan sa mga ito gaya nina Lady Gaga, Beyonce, Jay-Z, at maging itong si Justin Bieber ay sinasabing nahumaling na rin umano sa mga anti-Christ at nakipagkasundo sa demonyo kapalit ang katanyagan. Sila ay mga miyembro raw ng Illuminati at dito napansin na ang kanilang mga awitin ay may mga mensaheng kampi sa demonyo. Backmasking ang tawag dito.

Oh anu, maling akala ka na naman? Sa kanta ni Lady Gaga na

Alejandro, may bahagi itong tumutukoy sa pagtaboy sa pinakabanal na pangalan ng may likha. “Don’t call my name; don’t call my name…Alejandro…Alejandro.” Ang mga nasabing salita ay nangagahulugan na “Huwag mo nang tawagin ang pangalan ko, Ama”.

Sinasabing ang Alejandro ay nangangahulugang ‘The Father’.

~o0o~

Hahayaan mo na lamang bang ang mga hahawakan nating posisyon pagkadaka’y maiiwang bulok ang sistema? Tayong mga kabataan ang susunod na mamumuno at magpapatakbo ng isang mapayapa at masaganang Pilipinas. Ngunit paano mangyayari iyon kung may kaakibat na namang problema ng Education Budget

Cut?

Malamang ay bulag pa ang mga murang isipan ng iba sa atin batay sa mga ganoong pangyayari. Subalit hindi man natin masisi ang gobyerno sa lagay ng lipunang ginagalawan natin ngayon, naniniwala ako sa isang bagong lipunan taliwas sa malarebolusyunaryong paraan. Ang isang marangal at kapita-pitagang mamamayan ng Pilipinas ay hindi kinakailangang maging inutil na gagala-gala na lamang sa kalye at magiging dahilan pa ng laganap na kriminalidad. Kalat na mga plastic materials na siyang bum-

Opinyon grapiks

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

9

the sixth sense

Christian Mortel

PATnugoT ng SirKulASyon

PaRa aNU Pa’t tiNawag tayONg iSkOLaR Ng BayaN?

A ng edukasyon ay karapatan at hindi isang pribilehiyo lamang,” isang katagang gasgas na o mas gasgas pa yata sa gulong ng padyak na ipinasada sa isang buong taon ngunit patuloy na naririnig at nakikaita sa mga itinataas na plakard at karatula ng mga iskolar ng bayan. Bakit nga ba ito ang isa sa parating isinisigaw ng mga iskolar ng bayan?

Nang maluklok si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang pwesto, tinatayang 1.6 trilyon ang panukalang budget ng kanyang administrasyon na mapupunta sa programa niyang

“tuwid na daan” at “reform” na pumapabor lamang sa mga mahihirap. Ngunit kung ating susumahin, nakatuon ang pinakamalaking pondo ng gobyerno sa pagbabayad-utang ng bansa sa mga lokal at dayuhang namumuhunan na umabot sa mahigit-kumulang

P823.27 bilyon. Dahil sa ganitong neo-liberal na kalakaran, isa sa mga pinakaapektadong sektor ay ang edukasyon lalo’t higit ang mga State Universities and Colleges (SUCs) at isa tayo doon.

Ayon sa datos ng Budget Expenditures and Sources of Financing ng Department of Budget and Management (DBM), nakalaan ang mahigit kumulang na P23.41 bilyon na pondo para sa ngayong taon. Tinatayang mas mababa ito ng P437milyon kumpara sa budget nang nakaraang taon at mas mababa pa ng P2 bilyon sa pondo noong 2009. Biruin mo kung halos taun-taon ang pagbababa ng pondo sa edukasyon, malaki ang magiging posibilidad na tumaas ng mga matrikula ang mga SUC para pondohan ang sarili at iyan ang hinihiling ng administrayon - maging self-sufficient and financially independent. Mantakin mo ‘yon? Ipinasa na sa mga iskolar ng bayan at SUC ang responsiblidad na ipinangako nilang gagampanan. Isang matinding pruweba lamang ito ng pag-aabandona sa karapatan sa edukasiyon.

Ayon sa artikulo XIV, seksiyon 5 ng 1987 konstitusiyon ng

Republika ng Pilipinas, “The State shall assign the highest budgetary priority to education and ensure that teaching will attract and retain its rightful share of the best available talents through adequate renumeration and other means of job satisfaction and fulfillment” . Mas malinaw pa sa plastic labo ang pahayag ng ating konstitusyon ngunit bakit hindi pa rin maintindihan o mabigyang-tugon? Nakakalungkot lang isipin na sa halip na sa edukasyon ibigay ang pinakamataas na pondo, napunta lamang ito sa mga debt servicing o pagbabayad ng mga utang sa mga lokal at panlabas na mga kreditor at para sa mga militar. Ang dalawang sektor ang patuloy niyang dinadagdagan ng pondo sa kabila ng kakarampot na pondo para sa edukasyon.

Marahil ay magtataka kayo kung bakit ko sinasabi ang lahat ng ito sa inyo. Sasabihin siguro ninyo,”anong pakialam ko?” Puwes, sinasabi ko sa inyo, meron, meron tayong pakialam sa mga bagay na ito. Isa tayo sa mga SUCs na nakakaramdam nito.

Isa tayo sa mga iskolar ng bayan na umaasa lamang sa subsidiya ng pamahalaan para maibsan ang gastos sa pag-aaral. Kung magpapatuloy ang ganitong neo-liberal na sistema, tayo ring mga iskolar ng bayan ang makakaramdam nito. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit kulang na kulang tayo sa mga kagamitang pang-laboratoryo, mga updated na libro at iba pang alam nating kailangan natin. Sabi nga ng isang kasamahan ko sa TH, estimate lang ang kanilang ginagawa para malaman ang bigat ng mga bagay na dapat i-examine.

Eh paano, wala silang platform balance. Iyan ay dahil sa lumiliit na subsidiya para sa Maintenance and Operating Expenses (MOOE) na ginagamit para aktwal na pagpapatakbo ng iba’t ibang serbisyo at pasilidad ng kolehiyo. Isama pa natin ang pagkakaroon ng zero capital outlay ni PNoy na gagamitin sana sa pagpapatayo ng mga gusali at imprastraktura ng kolehiyo. Saan nga ba kukuha ng pondo ang ating pamantasan kung walang inilalaang pondong ang gobyerno? Sa atin siguro ano? Ano pa’t tinawag tayong iskolar ng bayan? Tsk! Tsk! Tsk!

Nakakatuwa lang isipin, na sa kabila ng pagtapyas sa pondo natin ay hindi pa rin tumataas ang matrikula at sana ay hindi na nga tumaas. May nakapagsabi na hindi pa pang-unibersidad ang natatanggap ng pamantasan. Nananatili pa ring pangkolehiyo ang pondong natatanggap ng ating pamantasan kaya nga lubos kong tinitingala ang ating dating pangulo na si Dr. Jeter Sespeñe. Sa kabila ng kapiranggot na pondo, hindi pa rin nananatili sa isang sulok ang ating pamantasan. Nariyan ang mga pagbabagong hindi natin inaaasahan na magkakaroon tayo. Mabuhay pa rin ang ating pamantasan.

10

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

arjay Barrios

sa totoo lang

PATnugoT ng iSPorTS

waLa Na Ba kayONg

MaiSiP Na igP?

M akatarungan ba na ipataw sa mga estudyante ang pinansyal na bayarin upang maging karagdagang IGP? Ang tinatawag na IGP o Income

Generated Project ay isang proyekto na nakadaradag sa pondo ng isang organisasyon.

Ang paglulunsad ng IGP ay maaaring sa pamamagitan ng pagbebenta ng damit, aksesorya, button pins, at paglulunsad ng seminar at palihan.

Ngunit pati pala ang log-in at log-out ng mga estudyante, nagiging IGP na rin? Sa tuwing magtatapos ang semestre, nakatambak ang mga nakakatakot na bayaring animo’y tumutulak sa estudyante na hindi na magpapirma ng clearance. Makikintal na lamang sa mga isip ng estudyante ang dumiskarte sa pagkuha ng classcard at magpa-enroll sa susunod na semestre. Pataasan ang presyo ng multa ng bawat kolehiyo na pinangungunahan ng College of Education na may kaakibat na P25 kada log-in at log-out, sinundan ng College of Agriculture, Fisheries and Forestry na may multang P15-P20, College of Engineering and Technology na mayroong P7.50-P10 at ang College of Arts and

Sciences na mayroong P5.00 Kaakibat ng hindi pag log-in at pag log-out ang pinansyal na parusa sa hindi makakapunta sa aktibidad ng kolehiyo o unibersidad. Wala naman sanang problema roon kung makatwiran ang multang ipinapatupad at nakasaad ito sa konstitusyon ng bawat organisasyon. Walang magrereklamo kung legal ang lahat ng gawain. Pero tama ba na sobra-sobra ang multang sinisingil sa mga estudyante?

Mantakin mo ‘yun? Kung sino pa ang naturingang lider-estudyante ng organisasyon, sila pa mismo ang nagpapahirap sa mga estudyante. Bato-bato sa langit, ang tamaan kardyak!

Ngunit kung pag-aaralan nating mabuti , ito ay isang paraan lamang upang madisiplina ang mga estudyante ng bawat kolehiyo.Wala rin naman kasing babayaran kung tayo ay naroon sa bawat aktibidad o programa. Dangan nga lamang na tila mahirap sa isang estudyante ang hindi pumaltos sa paglogin at paglog-out dahil sa kani-kaniyang prayoridad. Hindi rin maiiwasang magkaroon ng aberya sa personal na buhay ng mga estudyante. Pero hindi rin naman mahihirapan ang isang estudyante kung magaling siyang magmaniobra ng kanyang oras.

Ang pagpapataw ng tubong-lugaw na bayarin ay sadyang hindi nararapat. At kung hindi pa magrereklamo ang estudyante dahil sa kabi-kabilang bayarin ng paaralan hindi pa nila hahatiin o bibigyan ng discount ang mga ito. Ang pera na ibabayad nila rito ay pwede pang magamit na baon kada araw, pang-load, pang-photocopy, at pantustos sa ibang pangangailangan. Subalit ang labis na bayaring dulot nito ay mala-bayonetang bumubutas sa mga bulsa ng mga kumakayod na magulang.

Ang lider-estudyante dapat ang pumuprotekta sa karapatan at ikabubuti ng mga estudyante dahil sila ay inihalal upang manguna at magsilbi.

Ngunit ano ba ang ginagawa ng ibang lider d’yan? Nauna pa ang implementasyon sa paniningil kaysa resolusyon, tsk.tsk.tsk! Oo.. ikaw nga!! Kilala nating dalawa kung sino ka, ayusin mo naman sana ang implementasyon mo. Alam naman nating mahirap ang pagiging lider-estudyante ngunit isaalang-alang naman sana natin ang naghihikahos na bulsa ng ating kapwa estudyante.

Dapat mino-monitor din ng institusyon at mga tagapayo ang ganitong mga gawain at polisiya para maitama ang mga bulok na sistema. Sabagay, sino ba sa kanila ang tumatanggap ng pagkakamali? Hindi ba’t maghahanap pa rin sila ng butas para maibunton sa mga estudyante ang sisi?

grapiks grapiks

the haRROw

Suportahan ang mga kampanya at adbokasiya ng ‘the harrow’ tulad ng

‘th’ gift giving

activity

at

guilders’ caravan

bumili lang ng mga button pins at ‘tuebor veritas’ t-Shirts sa halagang P25.00 at P200.00 bawat isa. Sugod na sa ‘The Harrow’ Office, Room 2, Student Center Bldg., Romblon State

University, Odiongan, Romblon at hanapin ang staff-on-duty.

mAy Souvenir iTem KA nA, nakatUlonG ka Pa!

the Mirror...

mula sa pahina 8 opis na i-extend kahit 1 metro man lamang. Pero nanatiling bingi ang mga nakarinig. Mayroon din namang nagbago, yung isang parte ng dingding na gawa sa plywood, sementado na. Maraming salamat para dito. Sa ngayon, natutunan na naming makuntento sa kung ano ang meron sa aming organisasyon. Sa mga mahal naming kapwa estudyante, pagunawa lang ang hiling namin sa inyo. Kung hindi man po namin ma-meet ang takdang oras ng aming pagre-release ng mga inaabangan ninyong mga babasahin, iyon po ay dahil hindi ganoon kasimple at kadali ang mag-isip at gumawa ng mga artikulong ilalagay namin dito. Marami pa pong proseso ang dapat naming pagdaanan bago makabuo ng isang akda (pag-iisa-isa ng mga mga artikulong dapat isulat, interview, paghahanap ng facts, drafting, editing, revising at proofreading).

Sa aming mga pinagpipitaganang mga guro at staff ng pamantasang ito, pasensya na kung minsa’y nadadawit ang inyong mga pangalan sa ilang isyung aming naisusulat. Tungkulin lang namin ang magsulat ng naaayon sa katotohanan lalo na sa mga usaping dawit ang kapakanan naming mga estudyante. Paunawa lamang po na hindi namin isinulat ang mga iyon dahil gusto namin kayong pasaringan. Ang sa amin ay tumupad lamang sa tungkuling pinanumpaan.

Pang-unawa. Iyan lang po ang hiling naming kapalit sa mga hirap at pagod na aming pinagdaanan.

guilders’

the Sixth Sense...

mula sa pahina 8 abara sa mga kanal.

Hindi natin lahat kailangang magpasilaw sa kinang ng salapi ng mga dayuhan at pasakop sa kanilang marangyang uri ng pamumuhay. Na ang asal ng kanilang mga anak ay naiiwan na lamang bastardo lingid sa kanilang kamalayan sapagkat sila’y abalang nagkakamal ng salapi ng bayan.

~o0o~

Magmumula rin dapat ang bawat pangaral at turo na wala sa klase sa mga magulang na patuloy pa ring hawak ang kapangyarihan bilang isang sandigan at gabay ng kanilang mga anak hanggang sila’y makapag-asawa man.

caravan

THe mobile SeminAr And worKSHoP of ‘THe HArrow’

ang guilders’ Caravan ay serye ng mga seminar at palihan na ginaganap sa iba’t ibang munisipalidad ng Romblon.

Layunin nito na makapaghatid ng mga talakayan tungkol sa iba’t ibang kasanayan sa pahayagang pangkampus. Layunin din

Kaya nga, isa ring paraan ng pagmumulat ay ang ipamukha sa mga kabataan ng kasalukuyang panahon ang kalagayan ng lipunang lulong sa droga, handang pumatay sa mga murang edad, at baliwalain ang batas ng bansa na tila walang pinag-aralan. Ayon nga sa isang pagsusuri, isang ordinaryong droga ang halos pumapatay ng 1,200 katao araw-araw hindi lamang dito sa Pilipinas dahil sa sigarilyo.

Oh anu? Saan ang lagay mo? Magsasawalang kibo ka na lamang ba o ipipiglas ang pakikibaka. Nawa’y nagbigay aral ang mungkahing ito upang gawing mabisa ang positibong pananaw.

Hindi neutral, hindi rin negative. Think Positive!

the haRROw

RSU-Romblon at CEt, kampeon sa Dancesports

ni christian MORteL

M uling pinatunayan ng pares ng CET at RSU-Romblon ang angkin nilang galing sa pagsayaw ng makuha nila ang panlasa ng mga manunuod at hurado at sa dancesports competition sa RSU Olympics, Nobyembre 22 sa gym ng pamantasan.

Naunang nagpakitang gilas ng sabay-sabay sa iisang tugtog ang mga magkakalabang pares sa tango, waltz at quickstep. Matapos ay sinundan ito ng mga magkakalabang pares sa

Latin na sumayaw ng cha-cha, rumba at jive.

Samantala, upang lubusan pang maipakita ang tunay na potensyal sa larangan ng pagsasayaw sa kategoryang standard, isa- isa silang binigyan ng 1 at 30 minuto para ipakita ang kanilang inihandang routine. Dahil na rin sa mga maaliwalas na pagsayaw nina Tiffany Casimero at Karlo Ibañez ng CET, hindi na nagdalawang isip ang mga hurado para ibigay sa kanila ang gintong medalya. Nakuha naman nina Sarah Mae

Galicha at Paul Zedrick Madrona ng CAS ang pangalawang pwesto at sinundan naman nina Christine Gyapa at Frederick

Limpiada ng RSU-Sibuyan.

Hindi naman nagpaiwan sina Kevin Famini at Phoebe

Grace Magallon ng RSU-Romblon sa kategoryang Latin.

Dahil sa mapang-akit , pulido at masigla nilang pagsayaw ng cha-cha, rumba at jive, sila ang hinirang na kampeon. Nakamit naman ang ikalawang pwesto sina John Ian Diocadez at Mae

Lee Anastacio ng CET at Kennan Rosas at Macresie Royo ng

RSU- Sibuyan. Nasungkit naman ni John Ver Claud at ZArah

Jean Gelindon ng CAS ang ikatlong pwesto.

Kakatawanin ng CET ang RSU para sa Standard Category ngunit base sa desisyon ng tatlong hurado, piniling kapalit ni Kevin Famini si Kennan Rosas ng RSU-Sibuyan bilang kapareha ni Phoebe Grace Magallon sa Latin para maging kinatawan sa gaganaping PASUC Olympics sa Cavite.

‘Clash of the towns,’ matagumpay

ni arjay BaRRiOS claSh oF the townS.

Team odiongan A at b sa kanilang mahigpitang tagisan para sa championship game, rSu gymnasium.

A ng kauna-unahang Clash of the Towns na inilunsad ng SSC noong ika-15 ng Setyembre hanggang ika-16 ng Oktubre, taong kasalukuyan ay matagumpay na nairaos sa RSU (main) – quadrangle.

Labindalawang (12) koponan ang naglaban-laban na binubuo ng Odiongan Team A, San agustin, Looc, San Andres,

Alcantara, Sibuyan, Corcuera, Santa Fe, Banton, Romblon,

Ferrol at Odiongan Team B. Mahigit isang buwan na pakikipagtagisan sa larangan ng basketbol ang naganap na sinalihan ng bawat munisipalidad sa lalawigan ng Romblon. Nasungkit ng Odiongan Team A ang kampyunato laban sa Odiongan

Team B. Gayon din naman ang koponan ng San Andres na umangkin ng pangatlong puwesto laban sa Alcantara. Naiuwi ng Odiongan Team A ang halagang P7,000 bilang kampyon, sumunod ang Odiongan Team B na nakauwi ng P5,000 at pumangatlo ang San Andres na nakakuha ng halagang P3,000.

Ang naturang palaro at papremyo ay inisponsor ng ating

Congresman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, Governor

Eduardo “Lolong” Firmalo, SP member Felix “Dongdong”

Ylagan, Engr. Roger Fodra, Mayor Robert Fabella, Mayor Artemio Madrid, Engr. Dodoy Perez, SB Member at SK Federation President Val Joseph Maulion.

isports

counter strike

arjay Barrios

PATnugoT ng iSPorTS

atLeta Sa kaBiLa Ng Lahat

M arami sa ating hinahangaang mga atleta ang pinapagsabay ang kanilang pinili na kurso at hilig sa pampalakasan. Ito ay marahil sa dedikasyon at pasyon nila sa larangan ng isports. Ang paghahangad na maging kampyon at makatuntong sa luna ng tagumpay ang minimithi ng bawat atleta na kung saan ito ang nagsisilbi nilang inspirasyon.

Sa kabila ng pagsisikap at pagpupunyagi ng ating mga atleta, nariyan naman ang ating paaralan upang magbigay ng suporta. Ang ating paaralan ay nagbibigay ng pinansyal na insintibo at scholarship sa mga atletang may nakamit na medalya sa PASUC Olympics. Sa mga paraan na ito, naguudyok na ito sa isang atleta upang sikaping manalo.

Sa bawat patak ng pawis na nanggagaling sa ating atleta ay kaakibat ang pride ng ating minamahal na paaralan. Ngunit bakit sa kabila ng binibitbit na parangal ng ating atleta ay mayroon pa ring mga gurong binabagsak na lamang sila? Wala na ba talagang konsiderasyon ang mga taong ito? Siguro maiintindihan ko kung ang nasabing atletang iyon ay hindi talaga pumapasok sa klase at matatawag na nating bulakbol. Ngunit bilang isang atleta na pumapasok naman sa klase at nag-aaral ng mga leksyon, matatawag ata natin na balahura ang isang guro na hindi iniexcuse ang atleta kahit sa oras ng ensayo nito.

Na ang tanging hangad lamang ay bigyan ng kasikatan ang kanilang sarili kasama ang ating Alma Mater. Kung baliktarin natin ang sitwasyon, “kung ang mga atleta ang magtuturo at ang mga gurong hindi nagbibigay ng konsiderasyon ang maglalaro? Panu kung boxing ang labanan? Naku,ano kaya kahihinatnan nito?Trahedya malamang…

Ang pag-aaral at pag-eensayo ang dalawang aktibidad na kailangan nilang imaniobra. Dito masusukat kung gaano kaflexible ang isang tao na makikita natin kalimitan sa kanila. Ang pag-aadjust sa bagong topiko sa klase, pagreview ng siya lamang mag-isa at pagsagot sa mga tanung kung talo o panalo ay iilan lamang sa mga senaryo na nararanasan nila.

Sa kabila ng nangyayari sa siklo ng pagiging atleta, matatawag ba natin na sapat na ang hakbangin na ginagawa ng ating paaralan? O kulang pa ang kanilang binibigay na insintibo? Nararapat lamang na ang pagkokomento ay nasa direktang nakakaranas nito.

Sawang Kickers, nilampaso ang Sibuyan Goalers

ni rose PaNgaN

S aksi ang nakapapasong init ng araw nang lampasuhin ng Sawang Kickers ang Sibuyan Goalers para makamit ang kampeonato ng Soccer sa ginanap na 2011 RSU

Olympics noong ika-25 ng Nobyembre sa Odiongan Sports

Complex .

Kahanga-hangang bilis ng mga paa ang ipinamalas ng kickers laban sa goalers upang lumamang at maka-goal.

Kasabay ng malakas na sigawan ng mga manonood, ang bawat miyembro ng magkalabang koponan ay tila walang kapaguran sa pagpapalit-palit sa pagsipa ng bola.

Isang nakakabilib na strike ni Mark Sy ng kickers ang lalong nagpalakas sa hiyawan ng mga manonood lalo nang hindi masalo ito ng goalkeeper ng kalaban.

Ang bawat manonood ay tense na tense sa nasasaksihang mainit na laban ng dalawang koponan. Ang bawat isa ay inip na inip sa magiging resulta ng laro kung sino ang sisipa para sa hinahangad na gintong medalya.

Sinelyuhan ng kickers ang kanilang tagumpay ng muling maka-goal sa huling tatlong minuto. Nagtapos ang laro sa iskor na 3-0, pabor sa Sawang Kickers.

Opisyal na Pahayagan ng mga Estudyante ng Romblon State University - Odiongan, Romblon

11

RSU, nag-uwi ng ginto sa paSUC Olympics 2012

ni melo faa

N oong Enero 15-20, Cavite Sate University, muling naglakas loob ang mga atleta ng RSU para makipagtagisan ng galing sa larangan ng palakasan. Bitbit ng mga atleta ang tunay na diwa ng temang ““Sustaining Excellence and Unity Through

Sports”. Naroon din ang OIC president na si Dr. Alice Foja upang magbigay suporta sa mga manlalaro.

Matapos ang limang taong pananahimik, muling nakilahok ang University of the Philippines - Los Baños

(UPLB) sa PASUC Olympics. Nangako ang kanilang chancellor na hinding-hindi na nila iiwan ang PASUC Olympics. Ngunit hindi ito naging dahilan para matakot nag mga atletang

Romblomanon. Ito pa ang naging hudyat para sila ay lalo pang magpursige sa kanilang -kanilang laban bagaman at kakaunti lamang ang mga laro.

Bukod sa karangalang maiuuwi para sa paaralan lalong naging inspirado ang mga atleta sa naging hamon ni Dr. Alice

Foja. Nagpresentang magbibigay ng karampatang halaga ang pangulo para sa mga atletang makakapag-uwi ng gintong medalya.

Sa unang araw, agad isinalang ang RSU football team.

Dalawang koponan agad ang kanilang pinataob ngunit sa huli natalo sila ng ibang koponan. Nasungkit nila ang ikalawang karangalan at inuwi ang isang silver medal. Parehong karangalan din ang nauwi ng basketball team ng RSU matapos ang isang close match sa koponan ng Cavite State University

(CvSU).

Nakakuha rin ng bronze, dalawang silver, at isang gold medals ang mga atletang RSU sa larangan ng boxing, table tennis at athletics.

Ito ang kanilang magiging inspirasyon upang sa muli ay ipakita sa lahat ang kanilang determinasyong lumaban.

RSU FoR Gold!

Jhelanie manas sa karera ng bilis at taas ng lundag sa mga hurdles ay nagkamit ng gintong medalya noong nakaraang PASuC olympics 2012, CvSu.

Sa aming mga mambabasa,

Lubos ang paghingi namin ng paumanhin sa inyo mga minamahal naming estudyante dahil sa matagal na pagkaudlot ng labas para sa unang semestre.

Hindi namin itatatwa ang aming pagkukulang sa responsibilidad na igawad sa inyo ang pinakamabilis na serbisyo subalit bilang mga pangkaraniwang estudyante tulad ninyo, ang lupon ng mga manunulat at dibuhista na bumubuo sa patnugutan ng ’The Harrow’ ay may mga responsibilidad pangakademiko rin tulad ng thesis, project proposals at OJT.

Ang mga gawaing ito marahil ang pinakamainam na dahilan namin kung bakit nahuli ang labas na ito.

Bagaman nagkulang kami, buong puso naming inihahandog sa inyo, mga ginigiliw naming publisher, ang isyung ito na pinaglaanan namin ng aming panahon.

Bawat titik at salita ay mainam na pinili upang hulihin ang inyong panlasa.

Bawat tinta ng aming pluma ay iniangkop sa mga napapanahong mga isyung malaki ang kinalaman sa pag-inog ng ating mga mundo bilang mga estudyante.

Bawat isa sa amin ay naglaan ng panahon at katalinuhan upang maihandog sa inyo ang aming obra.

Sana ay ang pagkakataong ito ang masgsilbing daan para sa ating mas matibay na pagsasamahan.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Patnugutan ng ‘The Harrow’

dR. aRNULfO f. de LUNa

Presidential assistant for institutional

“O ne way to develop the place is to develop the people”- this is what

Dr. Arnulfo F. De Luna believed, the former Director of Romblon State University

Romblon Campus and the present Presidential

Assistant for Institutional Development.

Dr. De Luna had his elementary education at Odiongan South Central

School (OSCES) in 1976 and finished his secondary education at Romblon

Agricultural College (RAC) in 1981. He continued his tertiary studies on the same college where he took Bachelor of Science in Agricultural Education. So willing to have an advanced degree, he was able to complete his master’s academic requirements and was able to pursue his Master’s degree of Science in Agriculture in the year 2008. He then finished his doctor’s degree of Philosophy in Crop Science just last year.

According to him, RSU, being an agricultural university, should be an instrument and be a model in promoting agricultural development and activities in the province of Romblon to help the farmers.

Talking about his plans for the university, he said that the students are his focus. They should be given an equal and quality education without hike in the rate of tuition fees. For him, training students to be productive is one way of preparing them to cope up in a competitive world. Aside from the students, he has also put up a plan for faculty development. It is the three to four years plan of vertical articulation of teachers, wherein they must teach according to the courses they had finished. In addition, he is also centering his plans on increasing the population of full pledged Ph. D. graduate professors to maximize their potentials.

Dr. de Luna also pointed out that “Education is a right and not for the privilege few”, in which he strongly opposes the tuition and other

Fee Increases (TOFI) and the trending State Universities and Colleges’ issue, the SUC Corporatization. He stressed that the administration must give back the money (the tuition fees) to the students in forms of trainings, education, sports and facilities.

Back in the days of his youth, Dr. De Luna was also a writer and a student leader. He said that he is against the human rights violations especially when it talks about the campus press freedom.

“For as long as what you write is not contrary to the law, No problem!”

“The Campus Paper serves as a window of the University.”

“If there is truth on what you say, no one can bring you down! Just be fair!”

These phrases showed his just governance if ever given a chance to be the next RSU President.

dR. MaRiO a. fetaLveR JR.

dean, College of arts and Sciences

H e is a man who possesses the charisma that hypnotizes almost everyone. Everyone in the university knows his name.

He is Dr. Mario A. Fetalver Jr.. He is an English

& Mathematics teacher, educator, organizer of seminar-workshops, a leader, innovator, agent of change, and inspirer. He is a versatile person.

At present, he is designated as Dean of the College of Arts and

Sciences and Director of Science High School. These dual responsibilities only point out that he has the capability to lead and manage his time.

His flair of leading instigate him to create an organization that caters the need of the young in terms of leadership, self-esteem, personality development, team building and positive attitudes. This is the Junior Leadership

Organization (JunLeadO) which was founded in 2009.

He graduated with a degree of Bachelor of Science in Secondary

Education major in English and Mathematics as a Cum Laude in the year

1994 in the then Romblon State College. He enrolled his Master of Arts in

Education major in Educational Administration in 1994 and graduated in

1999. Awarded as Magna Cum Laude, he took his Doctor of Philosophy in Education at the University of Santo Tomas (UST).

His 16 years in RSU is not enough to satisfy his passion in serving his alma mater. Luckily, if he will be chosen to be the next president of RSU, he will pursue accreditation programs offered in all colleges including the campuses. He is a pro-quality education leader. Aside from this, he also dreams to improve and enhance school services like library, medical and dental, food services, civil security, guidance and placement, scholarship programs, sport activity development, laboratory and physical facilities .

He also guarantees the creation of an Academic Research Council where the faculty could make and present their researches (simple yet informative) in their respective colleges for publication. Focus on the doable faculty development program: Vertical Articulation will be observed. This means the compliance on the alignment of specialization must be observed. He also planned to develop and create relations ( local and abroad

) with government agencies, alumni, private sectors and general public for possible external linkages that could help improve the operations of the university. He will make,create and revisit faculty, administrative, and operation manuals for effective and efficient management of the university.

Lastly, he will enforce participative management among the employees in the university and maintain excellent performance, innovativeness, and competence among students and faculty.

According to him there is a need to provide opportunities in different areas like instruction and knowledge creation and applications through research, development and production. When the “The

Harrow” ask him if he is against the tuition fee and other fee increase, he answered, “No. But before there would be an increase in fees, I will see to it that students are aware where these fees are suppose to go. Letting the students know where their money would go and are used is the best thing to do”.

dR. aLexaNdeR fORMeNtO faculty Regent

He has always a great advocacy for Romblon State University, the man who served and continues serving the studentry and the university itself. Yes, he is Dr. Alexander Formento or simply “Sir Alex”, the former Director and Vice

THE HARROW

Opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng

Romblon State UniveRSity,

Odiongan, Romblon

Tomo

| BLg. 1

LXII

Unang Semestre taong Panuruan 2011-2012

President of Research, Development, and Extension Center (REDC, presently REPC) of Romblon State University.

Dr. Formento is a graduate of Associate in Agricultural Technology of the former Romblon Agricultural College in 1976. Due to the courage to get a higher educational attainment, he pursued his bachelor’s degree in Agriculture major in Animal Science in Aklan

Agricultural College (1976- 1979). He then continued his master’s degree of Science in Management at the University of the Philippines Los Baños, from 1995-1998. In the same university, he finally had his doctor’s degree of Philosophy in Community Development

(1998-2001).

He is a man of service, that’s why he loves being committed to serve his fellowmen. Sir Alex became a member of Romblon State

College Board of Trustees (RSC BOT) and presently, he still has his chair in the Romblon State University Board of Regents. Aside from this, he was also a pioneer of Agricultural Researches at RSC (now

RSU). Before he reached the status he has right now, he started working with small but significantly very profitable projects and programs like opening up the Extension Programs with PhilRice and with the Local Government Units (LGUs). He had also built up program in the Office of Provincial Agriculture like the International

Training Center on Pig Husbandry. He also made researches about

Climate Change with the LGUs. Sir Alex was once dean of the

Institute of Business and Accountancy (IBA, now CBA). Through this works, he was able to show the people how dedicated he is in service. Given another chance, he once again would like to render his service by being a candidate in the RSU’s Search for Presidency and hoping to be its next President. He had actually set his mind on the development and advantageous changes for RSU. Talking on having a quality education for Romblomanon youth, he plans to improve the physical facility like classrooms and classroom ventilation, laboratory equipment, higher technology apparatuses, and updated books for the library. He was actually planning to put an

Electronic Library for the students to be modernized in researching and doing their study works. Moreover, he would like to develop the

Human Resource Management and better administration programs.

Privatizing the security guards and establishing a review center are also some of his priorities.

dR. MeRiaN MaNi vice-President, Research, extension

S he is a woman of courage and determination- the courage to pursue everything she had started and the determination within herself that she could go through with whatever challenges she might encounter as she travels her journey in life. The one being described here is no other than Doctor Merian Mani, the present

Vice President of Romblon State University for Research, Extension, and Production Center (RSU- REPC), and if given the chance and opportunity, she might be the next Romblon State University

President.

Currently, she is working on a big project, tied up with FU-

TENCO, an international company that promotes an eco- friendly energy source like the Bio- Mass Power Plant that they are pushing through right now. So far, the said project is going smoothly as it is planned.

Doc Mani, as a candidate for RSU Presidency, talked about a university run in a corporate manner. Corporatization of RSU, to her, wouldn’t mean tuition fee increases but rather it would generate income that will greatly benefit not just the students but also the parents. She said that a corporate university denotes treatment of students as customers, and as customers, the faculty and admin have to attend to their needs such as quality education. Through this process, the school administration and support personnel must work hand in hand to satisfy the needs of the students (as customers) wherein their basic needs and services should be addressed and improved.

A corporate university requires financial needs. In terms of this, Doc Mani has seen a solution wherein the national and international linkages play a big part. She stressed that increasing the tuition is not just the only way of promoting corporatization; instead, we must formulate other advantageous ways out of increasing the financial status of a corporate university. The administration must be aware of proper budgeting through thorough planning where basic needs should be the priority.

In her ten point agenda, she showed that the students are her main concern. Doc Mani mentioned that the admin must prioritize stu dents’ wholesome and holistic development (favoring the SSC’s

RSU Worship Center Project as a student wholesome development center). She would also like to improve the student’s performance in

Licensure Examinations. Aside from all of this, Doc Mani promotes the students’ cultural awareness and appreciation of arts.

She imparted also about the Student’s Academic freedom in which she pointed out that the students must be properly oriented about the real essence of freedom and should exercise freedom in a responsible manner.

dR. BiLShaN SeRvaNeZ

Provincial Coordinator, dOSt

T his candidate is an educator, a scholar, an agricultural engineer, a planner and builder, a DOST employee and a family man. He is Dr. Bilshan Servañez. He took his doctoral degree in Forestry particularly in the field of Wood Science and Technology at the University of the Philippines, Los Baños (UPLB). As an educator, he continues teaching at RSU. He was the department chair of the

Engineering Department in 1986 to 1990, in which during his time, the department hurdled a 100% passing in the Agricultural Engineering

Board Examination.

He used his agricultural engineering abilities when he developed

1-hectare irrigated fields and designed a food processing facility in

Calatrava.

The DOST accorded him Most Outstanding Employee for exemplary performance of his duties and responsibilities. He had represented his office well and had brought DOST to the fore in the delivery of technical services as well as science promotion in the province.

Dr. Servañez would be running on the flatform of academic excel lence, sound fiscal management and social relevance. He assures that

“university leadership must exhaust all means to provide the best so as to unleash the full potential of the students. The best faculty must be invited, the best and updated facility must be provided to have an environment where the quality learning could take place.”

He is also planning a sound fiscal management and it could only be attained by attaching value for every peso spent in the operation of the university. Example salary scales should be justified by the perfor mance of the faculty of the employees.

He believes that a university is a potent force in transforming the economic and social state of a nation. “Where a university turns out critical thinkers, sound policy makers, entrepreneurs, artisans, scientists and law abiding citizens, the nation’s economy would grow and social justice would prevail,” he added.

For him, the students’ rights and welfare should be the primary concern of the university. This is the reason why a student regent sits in the board of regents. For him, the voice of the student (student regent) must not become the puppet of the administration.

He will also push faculty development through seminars, training and scholarships. The finances for these activities must be included in the annual budget of the university.

And lastly, he gave reaction about tuition fees and other fee increase, “Tuition and other fee increase is a tough pill to shallow, but one that must be. If one wants quality medicine, he must pay the price.”

dR. aRthUR R.yLagaN

dean, College of agriculture, fishery and forestry

H is castle may be far off in the rocky ranges of Romblon State Univesity nesting alone in profound solitude, and adrift from the large portion of the university, but the king’s welcoming warmth and sunny aura are more than enough to suck up one’s sweat and weariness. This king is no medieval figure of course, although his name suggests a rather familiar royalty in the olden times. But he is indeed a king in his own right, for he reigns in the throne of the College of Agriculture, Fisheries and Forestry as its dean.

Now, he is darting for a title change— a king aiming for the post of

RSU presidency. The name? Dr. Arthur Rance Ylagan.

Dr. Ylagan, an Associate Professor II, was born on January 27,

1958, and as had been mentioned earlier, the dean of CAFF. He took his Master’s Degree in Agriculture 2004 at Romblon State College

(now RSU) and while his Doctor’s Degree in 2008 at Cavite State

University. He is married to Cita Carganillo, who is also employed at

RSU, and had sired two daughters who are pursuing degrees in nursing and finance. Since he is the dean of CAFF, his craftsmanship centers on man’s primitive source of income— agriculture. His passion for agriculture had influenced him greatly in his outlook and this was rather highlighted in his main plan for RSU: to create more income-generating projects (IGP) to sustain the maintenance and operating expenses of the university. The creation of IGP, according to him, will prevent SUC corporatization which will be inevitable “if it could no longer sustain its maintenance and operating expense to continuously serve its clientele— the students. But if a certain SUC has the guts to generate more income for maintenance and operation of expenses, this corporatization could not happen. This plan is on the case-to-case basis.”

Aside from the sustenance of the university’s expense, Dr. Ylagan also envisions himself as a leader who will encourage most of the faculty to upgrade themselves in the Continuing Education Programs

(Masteral and Doctoral). “It is a mandate for SUCs to have its faculty involve in the continuing education program. The program (faculty development) already exists and everyone is enjoined to avail of it,” uttered the doctor.

He also plans to uphold the rights and privileges of the students by conducting awareness campaign by college, providing student handbook to every freshmen student, and conducting seminars or symposia.

He raised his concern about tuition fee increase when he said, “on the first year of my incumbency, no hike will happen. I will personally manage the income generating projects that I am planning in order to generate more funds for the university, thus— your (students’) tuition fee could be at the same level, NO HIKE!”

Download