Untitled - NDFP - Human Rights Monitoring Committee

advertisement
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
CARHRIHL
COMPREHENSIVE AGREEMENT ON RESPECT FOR HUMAN RIGHTS
AND INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW BETWEEN THE
GOVERNMENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND THE
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
( FILIPINO
AND
ENGLISH)
Revised Edition
1
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
Talaan ng mga Nilalaman
Table of Contents
4
Kumprehensibong Kasunduan sa
Paggalang sa Karapatang Pantao
at s a Inte rnasyun al n a M akat aon g
B a t a s s a Pa g i t a n n g G u b y e r n o n g
Republika ng Pilipinas at ng Pambansa
Demokratikong Prente ng Pilipinas
26 C o m p r e h e n s i v e A g r e e m e n t o n R e s p e c t f o r
Human Rights and International
Humanitarian Law Between the
Government of the Republic of the
Philippines and the National Democratic
F ro nt o f the Ph ilippin es
2
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
PAUNANG SALITA
Ang bersyon sa Filipino ng Kumprehensibong Kasunduan
sa Paggalang sa Karapatang Pantao at sa Internasyunal na
Makataong Batas ay muling inililimbag bilang pagtugon
sa pangangailangan para sa karagdagang kopya ng
Kasunduan sa iba’t-ibang lokal na wika.
Ang kasalukuyang paglilimbag ay ang nirebisang bersyon
ng naunang inilimbag nuong 2005. Isinaalang-alang ang
mga kuru-kuro at komentaryong natanggap mula sa iba’tibang indibidwal at organisasyon sa 2005 na bersyon.
Anumang karagdagang komentaryo upang mapahusay pa
ang kasalukuyang bersyon ay malugod na tinatanggap.
FOREWORD
The Filipino version of the Comprehensive Agreement on
Respect for Human Rights and International Humanitarian
Law (CARHRIHL) is being reprinted to address the requests
for additional copies of the Agreement in various local
languages.
The present publication is a revised version of the earlier
one printed in 2005. It has taken into account the comments
and feedback received from various individuals and
organizations in the 2005 version.
Additional comments to improve the present version are
most welcome.
3
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
KUMPREHENSIBONG KASUNDUAN SA
PAGGALANG SA KARAPATANG PANTAO AT SA
INTERNASYUNAL NA MAKATAONG BATAS SA
PAGITAN NG GUBYERNO NG REPUBLIKA
NG PILIPINAS AT NG PAMBANSA
DEMOKRATIKONG PRENTE NG PILIPINAS
Marso 16, 1998
4
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
ANG GUBYERNO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS,
kabilang ang ehekutibong departamento
at mga ahensya nito,
tinutukoy rito na GRP
AT
ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG PRENTE NG
PILIPINAS,
kabilang ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)
at ang Bagong Hukbong Bayan (BHB),
tinutukoy rito na NDFP
Tinutukoy rito na “mga Partido”,
PREAMBULO
KUMIKILALA na ang paggalang sa karapatang pantao at
internasyunal na makataong batas ay napakahalaga at lubhang
kinakailangan upang mailatag ang pundasyon para sa makatarungan
at pangmatagalang kapayapaan,
NAGSASAALANG-ALANG na ang isang kumprehensibong
kasunduan sa paggalang sa karapatang pantao at internasyunal na
makataong batas ay dapat may pagsasaalang-alang sa kasalukuyang
kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas at sa makasaysayang
karanasan ng mamamayang Pilipino,
PINAGTITIBAY na ang mga prinsipyo ng karapatang pantao at ang
mga alituntunin ng internasyunal na makataong batas ay unibersal
ang aplikasyon,
KUMIKILALA na ang matagalang armadong tunggalian sa Pilipinas
ay nangangailangan ng paglapat ng mga prinsipyo ng karapatang
pantao at mga alituntunin ng internasyunal na makataong batas,
MULING PINAGTITIBAY ang kanilang nagpapatuloy na komitment
sa mga nasabing prinsipyo at aplikasyon nito,
5
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
NAUUNAWAAN ang pangangailangan at kahalagahan ng
paggampan sa magkahiwalay na mga tungkulin at pananagutan para
itaguyod, pangalagaan at ipalaganap ang mga prinsipyo ng karapatang
pantao at mga alituntunin ng internasyunal na makataong batas,
NAGTATAGUYOD at tumatalima sa mga prinsipyong kapwa
katanggap-tanggap sa magkabilang panig gayundin sa mga magkatulad
na mga adhikain at layuning nasa Pinagsanib na Pahayag sa The Hague
(The Hague Joint Declaration) noong Setyembre 1, 1992, sa Pinagsanib
na Pahayag sa Breukelen (Breukelen Joint Statement) noong Hunyo 14,
1994 at kaukulang pinagsanib na mga kasunduang nilagdaan, at
LUBOS NA NABABATID ang pangangailangan para sa mga
epektibong mekanismo at hakbang upang itaguyod, pangalagaan at
ipalaganap ang mga prinsipyo ng karapatang pantao at mga
alituntunin ng internasyunal na makataong batas sa isang
kumprehensibong kasunduan,
TAIMTIM NA PUMAPASOK nang walang reserbasyon sa
Kumprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa Karapatang Pantao at
Internasyunal na Makataong Batas na ito.
UNANG BAHAGI
DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO
Artikulo 1
Ang mga Partido ay ginagabayan ng balangkas ng pagdaraos ng mga
negosasyong pangkapayapaan alinsunod sa kapwa katanggaptanggap na mga prinsipyo ng pambansang soberanya, demokrasya at
katarungang panlipunan at nang walang pre-kundisyon na
nagbabalewala sa katangian at layunin ng negosasyong
pangkapayapaan, na nakasaad sa Pinagsanib na Pahayag sa The Hague
(Parapo 4) at muling pinagtibay sa Pinagsanib na Pahayag sa Breukelen
(Bilang 7 ng II) at mga sumusunod pang mga kasunduan.
Artikulo 2
Itinataguyod ng mga Partido ang mga prinsipyo ng mutwalidad at
pagbibigayan sa kondukta ng negosasyong pangkapayapaan alinsunod
sa Pinagsanib na Pahayag sa The Hague. Gayundin, pinagtitibay ng
6
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
mga Partido ang pangangailangan ng paggampan sa magkahiwalay
na mga tungkulin at pananagutan alinsunod sa nilalaman at layunin
ng Kasunduang ito.
Artikulo 3
Nauunawaan ng mga Partido ang pangangailangan para sa
kumprehensibong pagkakasundo hinggil sa karapatang pantao at
internasyunal na makataong batas batay sa mga katotohanang may
nagaganap na mga paglabag sa karapatang pantao at mga alituntunin
ng internasyunal na makataong batas.
Artikulo 4
Kinikilala ng mga Partido na ang mga saligang indibidwal at
kolektibong kalayaan at karapatang pantao sa larangan ng pulitika,
lipunan, ekonomya at kultura ay makakamit lamang at yayabong sa
kalagayang may pambansa at panlipunang kalayaan ang mamamayan.
Artikulo 5
Pinagtitibay ng mga Partido ang pangangailangang itaguyod,
palawakin at garantiyahan ang mga demokratikong karapatan at
kalayaan ng mamamayan, laluna ng masang anakpawis na
kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid.
Artikulo 6
Batid ng mga Partido na ang matagalang armadong tunggalian sa
Pilipinas ay nangangailangan ng paglapat ng mga prinsipyo ng
karapatang pantao at mga alituntunin ng internasyunal na makataong
batas at ng matapat na pagtalima sa mga ito ng kapwa Partido.
Artikulo 7
Sa pamamagitan nito, ang mga Partido ay binubuo ang Kasunduang
ito upang pagtibayin ang kanilang matibay at tuloy-tuloy na mutwal
na komitment sa paggalang sa karapatang pantao at mga alituntunin
ng internasyunal na makataong batas at sa pamamagitan nito ay
kinikilala na ang mga hakbang ng mabuting intensyon ng alinman sa
mga Partido ay sinasaklawan ng at tumatalima sa mga alituntunin ng
internasyunal na makataong batas.
7
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
IKALAWANG BAHAGI
MGA BATAYAN, SAKLAW AT APLIKASYON
Artikulo 1
Ang Kasunduang ito ay naglalayong tugunan ang mga
pangangailangang ibinubunsod ng mga kongkretong kalagayan ng
mamamayang Pilipino kaugnay sa mga paglabag sa karapatang pantao
at mga alituntunin ng internasyunal na makataong batas, at hanapan
ng prinsipyadong mga kaparaanan para mabigyan ng katarungan ang
lahat ng mga biktima ng mga nasabing paglabag.
Artikulo 2
Ang mga layunin ng Kasunduang ito ay: (a) upang garantiyahan ang
proteksyon ng karapatang pantao ng lahat ng mamamayang Pilipino
sa lahat ng sirkumstansya, laluna ng mga manggagawa, magbubukid
at iba pang maralitang mamamayan; (b) upang pagtibayin at ilapat
ang mga alituntunin ng internasyunal na makataong batas upang
mapangalagaan ang populasyong sibilyan at mga indibidwal na
sibilyan, gayundin ang mga taong hindi tuwirang kalahok o tumigil na
sa paglahok sa armadong labanan, kabilang ang mga taong pinagkaitan
ng kanilang kalayaan sa mga dahilang may kaugnayan sa armadong
tunggalian; (k) upang magtayo ng mga epektibong mekanismo at
hakbang upang ipatupad, i-monitor, i-beripika at tiyakin ang pagtalima
sa mga probisyon ng Kasunduang ito; at, (d) upang mailatag ang daan
para sa mga kumprehensibong kasunduan hinggil sa mga reporma sa
ekonomya, lipunan at pulitika na titiyak sa pagtamo ng makatarungan
at pangmatagalang kapayapaan.
Artikulo 3
Ang mga Partido ay kailangang itaguyod, pangalagaan at palaganapin
ang buong saklaw ng karapatang pantao, kabilang ang mga
karapatang sibil, pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at
pangkultura. Sa pagtalima sa gayong obligasyon, karampatang
konsiderasyon ang ibibigay sa kani-kanyang mga pampulitikang
prinsipyo at sirkumstansya ng mga Partido.
Artikulo 4
Nagkakaunawaan na ang unibersal na aplikableng mga prinsipyo at
istandard ng karapatang pantao at internasyunal na makataong batas
na lubos na isinaalang-alang sa Kasunduang ito ay kinabibilangan ng
mga prinsipyong nasa mga instrumentong nilagdaan ng Pilipinas at
8
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
ipinapalagay na kapwa aplikable at katanggap-tanggap sa kapwa
Partido.
Artikulo 5
Ang Kasunduang ito ay aplikable sa lahat ng mga nagaganap na kaso
ng mga paglabag sa karapatang pantao at mga alituntunin ng
internasyunal na makataong batas na ginawa laban sa mga tao, pamilya
at grupo na kabilang o may kaugnayan sa alinman sa mga Partido at sa
lahat ng sibilyan at mga taong hindi tuwirang kalahok sa labanan,
kasama na ang mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan sa mga
dahilang may kinalaman sa armadong tunggalian. Aplikable rin ito sa
lahat ng mga taong apektado ng armadong tunggalian, nang walang
anumang pagtatangi ayon sa kanilang kasarian, lahi, wika, relihiyon o
paniniwala, opinyon sa pulitika o iba pang opinyon, pambansa, etniko
o panlipunang pinagmulan, edad, katayuan sa ekonomya, ari-arian,
estado sibil, kapanganakan o anumang katulad na kundisyon o
katayuan.
IKATLONG BAHAGI
PAGGALANG SA KARAPATANG PANTAO
Artikulo 1
Sa pagpapatupad ng kanilang likas na mga karapatan, ang mga Partido
ay tatalima at sinasaklawan ng mga prinsipyo at alituntunin na
nakapaloob sa mga internasyunal na instrumento sa karapatang
pantao.
Artikulo 2
Ang Kasunduang ito ay naglalayong harapin, remedyuhan at iwasan
ang mga pinakamalalang paglabag sa mga karapatang pantao na
kaugnay ng mga karapatang sibil at pampulitika, gayundin para
itaguyod, pangalagaan at palaganapin ang buong saklaw ng mga
karapatang pantao at mga saligang kalayaan, kabilang:
1. Ang karapatan sa pagpapasya sa sarili ng bansang Pilipino na may
bisang ang mamamayan ang siyang dapat na lubos at malayang magpasya
sa kanilang katayuan sa pulitika, isulong ang kanilang kaunlaran sa
ekonomya, lipunan at kultura, at gamitin ang kanilang likas na yaman at
mga rekurso para sa sariling kapakanan at benepisyo tungo sa tunay na
pambansang kalayaan, demokrasya, katarungang panlipunan at kaunlaran.
9
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
2. Ang likas at di maipagkakait na karapatan ng mamamayan na itayo
ang isang makatarungan, demokratiko at mapayapang lipunan,
magpatupad ng mga epektibong hakbang paniyak laban sa, at para
labanan ang paniniil at tiranya na gaya ng sa nakaraang rehimeng
diktadura.
3. Ang karapatan ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya na
humanap ng katarungan sa mga paglabag sa karapatang pantao,
kabilang ang sapat na kumpensasyon o indemnipikasyon, restitusyon
at rehabilitasyon, at mga epektibong parusa at mga garantiya laban sa
paulit-ulit at kawalan ng pananagutan.
4. Ang karapatan para mabuhay, laluna laban sa mga agarang
pagpatay (pagsalbeyds), imboluntaryong pagkawala, masaker at
walang-pakundangang pambobomba sa mga komunidad, at ang
karapatang hindi mapasailalim sa mga kampanya ng pang-uupat ng
karahasan laban sa sarili.
5. Ang karapatan para maging malaya, laluna laban sa walang
batayan at walang katwirang pang-aaresto at detensyon at para
epektibong magamit ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus.
6. Ang indibidwal at kolektibong karapatan ng mamamayan at ng
mga komunidad na maging ligtas at panatag sa kanilang sariling
pagkatao, tahanan, papeles, at mga epekto laban sa mga di makatwirang
paghahalughog at kumpiskasyon at para sa mga epektibong paniyak
sa mga karapatang ito laban sa anumang iligal na operasyon ng mga
ahensya ng GRP.
7. Ang karapatang hindi mapasailalim sa pisikal at mental tortyur,
solitaryong pagkakakulong, panggagahasa at abusong sekswal, at iba
pang hindi makatao, malupit at nakaaabang pagtrato, detensyon at
pagpaparusa.
8. Ang karapatang hindi mapasailalim sa imboluntaryong
paninilbihan o paggampan ng pwersahan o sapilitang paggawa.
9. Ang karapatan para sa substantibo at nasa tuntuning
makatarungang proseso, ang ipagpalagay na inosente hangga’t hindi
napapatunayang nagkasala at laban sa pagdadawit sa sarili.
10
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
10. Ang karapatan para sa pantay na proteksyon ng batas at laban sa
anumang anyo ng diskriminasyon batay sa lahi, etnidad, kasarian,
paniniwala, edad, pisikal na kalagayan o estado sibil at laban sa
anumang pang-uupat sa gayong diskriminasyon.
11. Ang karapatan sa kalayaan sa pag-iisip at pagpapahayag,
kalayaan ng konsensya, pampulitika at panrelihiyong mga paniniwala
at kaugalian at ang karapatang hindi maparusahan o managot sa
pagpapatupad ng mga karapatang ito.
12. Ang karapatan sa malayang pagsasalita, pamamahayag,
asosasyon at pagtitipon, at paghahabol ng katarungan para sa mga
karaingan.
13. Ang karapatan sa pribadong komunikasyon at
pakikipagtalastasan, laluna laban sa pagharang, pang-uumit at
pagbubukas ng mga sulat at pagsasagawa ng iligal na paniniktik at
pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng elektronik at iba
pang paraan.
14. Ang karapatan sa malayang pagpili ng tirahan, paggalaw at
pagbibyahe sa loob at labas ng bansa, paghiling ng asaylum,
pangingibang bayan at pagkadistyero, at laban sa mga restriksyon sa
pagbibyahe sa mga dahilan o layuning pulitikal.
15. Ang karapatan na hindi mapasailalim sa mga pwersahang
ebakwasyon, blokeyo sa pagkain at iba pang anyo ng blokeyo sa
ekonomya at walang habas na pambobomba, panganganyon, istraping,
pagpapaputok ng baril at ang paggamit ng mga mina.
16. Ang karapatan para sa impormasyon sa mga bagay na may usaping
publiko at pagiging bukas ng mga rekord, dokumento at papeles ukol sa
mga akto, transaksyon o desisyon ng mga taong nasa awtoridad.
17. Ang karapatan para sa unibersal na pagboto nang walang
pagtatangi sa kasarian, lahi, hanapbuhay, pinagmulan sa lipunan,
ari-arian, estado, edukasyon, paninindigang pang-ideolohiya at
pampulitika at paniniwalang panrelihiyon.
18. Ang karapatang magkaroon ng sariling ari-arian at mga kagamitan
sa produksyon at pangkonsumo na nakuha sa pamamagitan ng
11
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
reporma sa lupa, matapat na trabaho at pagnenegosyo, kasanayan,
pagkamaimbento at intelektwal na merito at paggamit ng mga
kagamitang ito para sa kabutihan ng lahat.
19. Ang karapatan para sa kapaki-pakinabang na empleyo, makataong
kundisyon sa trabaho at pamumuhay, kabuhayan at seguridad sa
trabaho, pagtrabaho at pantay na sahod, pagbubuo ng mga unyon,
pagwewelga at paglahok sa mga proseso ng pagbubuo ng mga
patakaran at desisyon na nakakaapekto sa kanilang mga karapatan at
interes, at ang karapatang hindi mapagkaitan ng mga karapatang ito
dahil sa nasyunalidad, paniniwala, katayuang minorya, kasarian o
piniling kasarian, o katayuang sibil.
20. Ang karapatan para sa unibersal at libreng elementarya at
sekondaryong edukasyon, at mapakinabangan ang mga batayang
serbisyo at pangangalagang pangkalusugan.
21. Ang karapatan para malayang makalahok sa siyentipikong
pananaliksik, imbensyong teknolohikal, pampanitikan at makasining
na likha at iba pang adhikaing pangkultura.
22. Ang karapatan sa pag-aasawa at pagbubuo ng pamilya, at pagtiyak
sa komunikasyon at reyunyon ng pamilya.
23. Ang pantay na karapatan ng kababaihan sa lahat ng larangan ng
gawain at lahat ng saklaw ng pulitika, ekonomya, kultura, panlipunan
at domestik na pamumuhay at sa kanilang emansipasyon.
24. Ang karapatan ng mga bata at ng mga may kapansanan sa
proteksyon, pag-aalaga at tahanan, laluna laban sa abusong pisikal at
mental, prostitusyon, droga, sapilitang paggawa, kawalan ng tirahan,
at iba pang katulad na anyo ng pang-aapi at pagsasamantala.
25. Ang mga umiiral na karapatan ng mga komunidad ng minorya sa
Pilipinas para sa awtonomya, para sa kanilang mga lupaing ninuno at
likas na yaman sa mga lupaing ito, para makalahok at makakuha ng
benepisyo mula sa positibong pagkilos, sa kanilang partisipasyon at
representasyon sa buhay at mga institusyong pang-ekonomya,
pampulitika at panlipunan at para sa pag-unlad sa kultura at lahatang
panig na pag-unlad.
12
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
Artikulo 3
Kinukondena ng mga Partido ang lahat ng paglabag at pang-aabuso sa
mga karapatang pantao. Pinupuri nila ang mga nagsasampa ng kaso
o reklamo sa lahat ng matagumpay na pagdinig ukol sa mga karapatang
pantao. Hinihikayat nila ang lahat ng mga biktima ng mga paglabag at
pang-aabuso ng mga karapatang pantao o ang kanilang mga kamaganak na lumitaw para maghapag ng kanilang mga reklamo at ebidensya.
Artikulo 4
Ang mga taong may pananagutan sa mga paglabag at pang-aabuso sa
mga karapatang pantao ay ipasasailalim sa imbestigasyon at kung
sapat ang ebidensya, sa prosekusyon at paglilitis. Ang mga biktima o
ang kanilang mga kamag-anak ay pagkakalooban ng bayad-pinsala.
Lahat ng kinakailangang hakbang ay gagawin para alisin ang mga
kundisyong nagbubunsod sa mga paglabag at pang-aabuso ng mga
karapatang pantao at para mabigyan ng katarungan at bayad-pinsala
ang mga biktima.
Artikulo 5
Sa pamamagitan nito, iginagalang at sinusuportahan ng mga Partido
ang mga karapatan ng mga biktima ng mga paglabag sa karapatang
pantao sa panahon ng rehimeng Marcos, nang may pagsasaalang-alang
sa pinal na husga ng United States Federal Court System sa Human
Rights Litigation Against Marcos; sa Resolusyon ng Senado Blg. 1640;
Desisyon ng Korte Suprema ng Swiso ng 10 Disyembre 1997; at mga
pertinenteng probisyon ng U.N. Covenant on Civil and Political Rights
at ang 1984 U.N. Convention Against Torture.
Kung magkaroon man ng setelment, ang GRP kasama ang mga
awtorisadong kinatawan ng mga biktima ay gagawa ng kasulatan na
para ipatupad ang Artikulong ito at gagabay sa katuparan ng hinihingi
ng mga nasabing biktima, kaugnay ng halaga at paraan ng
kumpensasyon, na siyang magiging pinakatuwiran at pinakamabilis
na paraan para sa bawat biktima o tagapagmana alinsunod sa kaugnay
na mga desisyon ng Korte Suprema ng Swiso.
Kung sakaling may setelment sa labas ng hurisdiksyon ng U.S., lahat o
mayorya ng mga nasabing biktima ay magtatakda ng kanilang
representasyon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng abugado (power
of attorney).
13
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
Artikulo 6
Ang GRP ay kailangang tumalima sa doktrina nito na inilatag sa
Mamamayan vs. Hernandez (99 Phil. 515, Hulyo 18, 1956), na lalong
pinalawig pa sa Mamamayan vs. Geronimo (100 Phil. 90, Oktubre 13,
1956), at kailangang agad na repasuhin ang mga kaso ng lahat ng mga
bilanggo o mga detenido na nakasuhan, nakulong o nasintensyahan
taliwas sa doktrinang ito, at kailangang kaagad silang palalayain.
Artikulo 7
Ang GRP ay kailangang kumilos para sa kagyat na pagpapawalambisa
sa anumang nananatiling mapaniil na batas, dikreto at iba pang utosehekutibo at para sa layuning ito, ay kailangang agad na repasuhin ,
kabilang sa maraming iba pa, ang mga sumusunod: General Order 66
at 67 (na nag-aawtorisa sa mga tsekpoynt at paghahalughog nang
walang warrant); Presidential Decree 1866 na inamyendahan (na
nagpapahintulot sa pagsasampa ng kaso ng iligal na pag-iingat ng
baril kaugnay ng mga kasong pulitikal); Presidential Decree 169 na
inamyendahan (na nag-oobliga sa mga doktor na iulat ang mga kaso
ng mga pasyenteng may tama ng bala ng baril sa pulisya/militar);
Batas Pambansa 880 (na naglilimita at kumukontrol sa karapatan sa
malayang pagtitipon); Executive Order 129 (na nag-aawtorisa sa
demolisyon ng mga komunidad ng mga maralitang lunsod); Executive
Order 264 (na nagliligalisa sa Civilian Armed Forces Geographical
Units); Executive Order 272 (na nagpapahaba sa pinahihintulutang
tagal ng detensyon); Memorandum Circular 139 (na nagpapahintulot
sa imposisyon ng mga blokeyo ng pagkain); at Administrative Order
No. 308 (na nagtatatag ng pambansang sistema ng identipikasyon).
Sa sandaling magkabisa ang Kasunduang ito, ang GRP ay kailangang,
hangga’t maisasagawa, hindi magbabatay sa mga mapaniil na batas,
dikreto at utos na ito para ikutan o salungatin ang mga probisyon ng
Kasunduang ito.
Artikulo 8
Ang GRP ay kailangang repasuhin ang umiiral na batas sa pag-aaresto
nang walang warrant (Umil vs. Ramos), mga tsekpoynt (Valmonte vs.
De Villa), mga saturation drives (Guazon vs. De Villa), paghahalughog
nang walang warrant (Posadas vs. Court of Appeals), kriminalisasyon
ng mga opensang pulitikal (Baylosis vs. Chavez), pagiging walang
saysay ng remedyo ng habeas corpus kapag naisampa na ang kaso
(Ilagan vs. Ponce-Enrile), at iba pang katulad na kaso, at kailangang
14
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
kagyat na kumilos para sa pagpapatupad ng mga angkop na remedyo
na umaayon sa mga layunin ng Artikulong ito at ng naunang Artikulo.
Sa sandaling magkabisa ang Kasunduang ito, ang GRP ay kailangang,
hangga’t maisasagawa, hindi magbabatay sa mga desisyong ito para
ikutan o salungatin ang mga probisyon ng Kasunduang ito.
Artikulo 9
Ang mga Partido ay kailangang gumawa ng mga kongkretong hakbang
para pangalagaan ang buhay, kabuhayan at ari-arian ng mamamayan
laban sa mga panghihimasok mula sa pagmimina, real estate,
pagtotroso, turismo at iba pang katulad na proyekto o programa.
Artikulo 10
Ang mga Partido ay kailangang itaguyod ang mga saligang karapatang
kolektibo at indibidwal ng mga manggagawa, magbubukid,
mamamalakaya, maralitang lunsod, manggagawang migrante, etnikong
minorya, kababaihan, kabataan, mga bata at iba pang mamamayan at
gagawa ng mga kongkretong hakbang para mahinto at maiwasan ang
mga paglabag sa mga karapatang pantao, tiyaking ang mga
napatunayang nagkasala sa mga paglabag ay mapaparusahan, at
maipatupad ang indemnipikasyon, rehabilitasyon at restitusyon ng
mga biktima.
Artikulo 11
Ang GRP ay kailangang igalang ang mga saligang karapatang
ginagarantiyahan ng Internasyunal na Kumbensyon ng Paggawa ukol
sa Kalayaan sa Asosasyon at Proteksyon sa Karapatang Mag-organisa
(International Labor Convention on Freedom of Association and
Protection of the Right to Organize) at mga pamantayan na itinakda ng
Internasyunal na Organisasyon ng Paggawa (International Labor
Organization) kaugnay ng katiyakan sa trabaho, sahod at kundisyon
sa pamumuhay, karapatan sa pag-uunyon at medikal at sosyal na
seguro ng lahat ng manggagawa, karapatan ng kababaihang
manggagawa para sa benepisyo sa panganganak at laban sa
diskriminasyon kumpara sa kalalakihang manggagawa, karapatan
laban sa pagtatrabaho ng mga bata, at ang karapatan ng mga
manggagawang migrante sa labas ng bansa alinsunod sa Internasyunal
na Kasunduan ukol sa mga Karapatan ng mga Migranteng Manggagawa
at Miyembro ng kanilang Pamilya (International Covenant on the Rights
of Migrant Workers and the Members of their Families).
15
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
Artikulo 12
Ang GRP ay kailangang igalang ang mga karapatan ng mga
magbubukid na manatili at magmay-ari ng lupang sinasaka sa
pamamagitan ng reporma sa lupa, mga karapatang ancestral ng mga
katutubong mamamayan sa mga lugar na tinukoy na pag-aaring publiko
at ang kanilang karapatan laban sa diskriminasyon sa lahi at etnidad,
ang karapatan ng mga maralitang naghohomsted o mga settler at ng
mga katutubong mamamayan sa mga lugar na pag-aaring publiko kung
saan sila naninirahan at nagtatrabaho at ang karapatan ng mga
maralitang mamamalakaya na mangisda sa mga karagatan ng Pilipinas.
Ang GRP ay kailangang agad na repasuhin ang mga batas at iba pang
kautusan nito na may kinalaman sa mga karapatang nabanggit sa
Artikulong ito at sa naunang Artikulo at kikilos para sa kagyat na
pagpapawalambisa ng mga napatunayang lumalabag sa mga
nasabing karapatan.
Artikulo 13
Itataguyod at ipatutupad ng mga Partido ang mga kampanya ng pagaaral sa mga karapatang pantao, reporma sa lupa, mas mataas na
produksyon, kalusugan at sanitasyon, at iba pa na may panlipunang
benepisyo sa mamamayan. Bibigyan nila ng pinakamalaking atensyon
ang reporma sa lupa bilang pangunahing hakbang para matamo ang
demokrasya at katarungang panlipunan.
IKAAPAT NA BAHAGI
PAGGALANG SA INTERNASYUNAL
NA MAKATAONG BATAS
Artikulo 1
Sa pagpapatupad ng kanilang likas na mga karapatan, ang mga
Partidong nasasangkot sa armadong tunggalian ay tatalima at
sinasaklawan ng mga katanggap-tanggap sa pangkalahatan na mga
prinsipyo at alituntunin ng internasyunal na makataong batas.
Artikulo 2
Ang mga prinsipyo at alituntunin na ito ay aplikable sa mga
sumusunod:
1. mga sibilyan o mga taong hindi aktibong kalahok sa labanan;
16
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
2. mga kasapi ng mga armadong pwersang sumuko na o nagbaba na
ng kanilang armas;
3. mga nalagay sa katayuang hors de combat (wala na sa katayuang
lumaban) dahil sa sakit, sugat o anumang kadahilanan;
4. mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan sa mga dahilang may
kaugnayan sa armadong tunggalian; at,
5. mga kamag-anak at awtorisadong kinatawan ng mga taong
nabanggit sa itaas.
Artikulo 3
Ang mga sumusunod na akto ay ipinagbabawal at mananatiling
bawal kahit kailan at kahit saan kaugnay ng mga taong nabanggit
sa Artikulo 2:
1. karahasan sa buhay at pagkatao, partikular ang pagpatay o
pagpinsala, pagpapailalim sa pisikal at mental tortyur, mutilasyon,
mabigat na pagpaparusa, malupit at mapang-abang pagtrato at lahat
ng akto ng karahasan at paghihiganti, kasama na ang pagkuha ng
hostage at iba pang akto laban sa pisikal na kagalingan, dignidad,
paniniwalang pampulitika at iba pang karapatang pantao;
2. pagpapakargo ng pananagutan sa sinuman sa aktong hindi naman
niya ginawa at pagpaparusa sa sinuman nang hindi tumatalima sa
lahat ng rekisito ng makatarungang proseso;
3. pag-oobliga sa mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan sa mga
dahilang may kaugnayan sa armadong tunggalian na magbigay ng
impormasyon maliban sa kanilang identidad;
4. desekrasyon o hindi paggalang sa mga labi ng mga namatay sa
proseso ng armadong tunggalian o habang nakabilanggo, at hindi
pagtupad sa tungkuling kaagad na ibigay ang mga labi ng namatay sa
kanilang pamilya o bigyan sila ng disenteng libing;
5. hindi pag-uulat sa identidad, personal na kalagayan at
sirkumstansya ng isang taong pinagkaitan ng kanyang kalayaan sa
mga dahilang may kaugnayan sa armadong tunggalian sa mga Partido
para magampanan nila ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad
17
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
sa ilalim ng Kasunduang ito at sa ilalim ng internasyunal na makataong
batas;
6. hindi pagkilala sa karapatan ng kamag-anak at mga awtorisadong
kinatawan ng isang taong pinagkaitan ng kanyang kalayaan sa mga
dahilang may kaugnayan sa armadong tunggalian na alamin kung
ang tao ay nasa pangangalaga o nakakulong, ang mga dahilan ng
pagkakakulong, sa anong mga sirkumstansya ang taong nasa
pangangalaga ay nakakulong, at tuwirang humiling o sa pamamagitan
ng mga intermedyaryong katanggap-tanggap sa magkabilang panig,
para sa maayos at kagyat niyang paglaya;
7. mga gawi na nagdudulot o nagpapahintulot sa sapilitang
ebakwasyon o sapilitang rekonsentrasyon ng mga sibilyan, maliban
kung ito ay kinakailangan dahil sa seguridad ng mga sibilyang
nasasangkot o dahil sa di-maiiwasang mga kadahilanang militar; ang
paglitaw at pagdami sa loob ng bansa ng mga pamilya at komunidad
na napalayas mula sa kanilang lugar, at ang pagkawasak ng mga buhay
at ari-arian ng populasyong sibilyan;
8. pagmimintina, pagsuporta at pagpapahintulot sa mga grupong
paramilitar tulad ng mga armadong grupong relihiyoso-panatiko, mga
grupong vigilante, mga pribadong armadong grupo ng mga negosyante,
ng mga panginoong maylupa at mga pulitiko, at ng mga pribadong
ahensya sa seguridad na ginagamit sa mga gusot sa lupa at paggawa
at sa mga panghihimasok na tinutukoy sa Artikulo 9, Ikatlong Bahagi
ng Kasunduang ito; at,
9. pagpapahintulot sa paglahok ng sibilyan o mga sibilyang opisyal
sa mga operasyong militar sa larangan at kampanyang militar.
Artikulo 4
Ang mga prinsipyo at alituntunin ng internasyunal na makataong batas
ay ipatutupad rin at mangangalaga sa mga karapatan ng mga tao,
entidad o bagay na sangkot o apektado sa alinman sa mga kaso o
sitwasyong binabanggit sa mga sumusunod.
1. Ang mga taong wala sa katayuang lumaban (hors de combat) at ang
mga hindi tuwirang kalahok sa labanan ay may karapatang igalang
ang kanilang buhay, dignidad, mga karapatang pantao, mga
paniniwalang pampulitika, at moral at pisikal na integridad, at
18
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
pangangalagaan sa lahat ng sirkumstansya at makataong itatrato nang
walang pagtatangi batay sa lahi, kulay, paniniwala, kasarian,
kapanganakan, katayuang panlipunan o anumang katulad na
pamantayan.
2. Ang mga sugatan at may sakit ay titipunin at aalagaan ng partido
sa armadong tunggalian na nangangalaga o may responsibilidad sa
kanila.
3. Ang mga nyutral na tao o entidad at tauhang medikal, kabilang ang
mga tauhan ng makatao at/o organisasyong medikal tulad ng
International Committee of the Red Cross (ICRC), ay pangangalagaan
at igagalang. Ang mga establisimyento, pasilidad, sasakyan at
kagamitan ng mga tao, entidad at organisasyong ito; mga bagay na
may sagisag na krus na pula (red cross) at ang watawat ng mapayapang
intensyon; at mga istorikong monumento, mga bagay na pangkultura
at mga lugar ng pagsamba ay pangangalagaan rin.
4. Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan
at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay
hindi dapat atakihin. Sila ay pangangalagaan rin laban sa walanghabas na pambobomba mula sa himpapawid, istraping, panganganyon,
pagmomortar, panununog, pambubuldoser at iba pang katulad na anyo
ng pagwasak sa mga buhay at ari-arian, sa paggamit ng mga
pampasabog gayundin ang pag-imbak nito sa malapit o mismo sa
kinalalagyan ng mga sibilyan, at sa paggamit ng mga sandatang kemikal
at bayolohikal.
5. Ang mga sibilyan ay may karapatang igiit ang angkop na mga
aksyong pandisiplina laban sa mga pang-aabusong lumilitaw mula sa
di pagtalima ng mga Partido sa armadong tunggalian sa mga prinsipyo
at alituntunin ng internasyunal na makataong batas.
6. Lahat ng taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan sa mga dahilang
may kaugnayan sa armadong tunggalian ay makataong itatrato,
bibigyan ng sapat na pagkain at inuming tubig, pagkakalooban ng
mga panananggalang (safeguards) kaugnay ng kalusugan at kalinisan,
at ilagay sa ligtas na lugar. Sapat na impormasyon ang ibibigay ukol
sa mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayan. Batay sa makatao at
iba pang makatwirang batayan, ang mga taong nabanggit na
pinagkaitan ng kalayaan ay ikokonsidera para sa ligtas na paglaya.
19
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
7. Ang ICRC at iba pang makatao at/o medikal na entidad ay
pahihintulutan at tutulungan para magawa nilang mangalaga sa mga
maysakit at sugatan at para maipatupad nila ang kanilang makataong
misyon at mga aktibidad.
8. Ang mga tauhan at pasilidad ng mga eskwelahan, ang propesyong
medikal, mga institusyong relihiyoso at mga lugar ng pagsamba, mga
boluntaryong sentro ng ebakwasyon, mga programa at proyektong
panaklolo at pangkaunlaran ay hindi maaaring maging target ng
anumang atake. Gagarantiyahan ang kaligtasan ng mga tauhan ng
mga nasabing entidad.
9. Ang lahat ng posibleng hakbang ay gagawin, nang walang antala,
para hanapin at tipunin ang mga sugatan, may sakit at nawawalang
mga tao at pangalagaan sila mula sa anumang pananakit at masamang
pagtrato, tiyakin ang sapat na pag-aalaga sa kanila at para hanapin
ang mga namatay, iwasan ang pagkaagnas at mutilasyon at mailibing
nang may paggalang.
Artikulo 5
Kinokondena ng mga Partido ang lahat ng mga paglabag sa mga
alituntunin ng internasyunal na makataong batas. Hinihikayat nila
ang lahat ng mga biktima ng mga nasabing paglabag o ang kanilang
mga kamag-anak na lumitaw at maghapag ng kanilang mga reklamo at
ebidensya.
Artikulo 6
Ang mga taong may pananagutan sa mga paglabag sa mga alituntunin
ng internasyunal na makataong batas ay ipasasailalim sa
imbestigasyon at, kung may sapat na ebidensya, sa prosekusyon at
paglilitis. Ang mga biktima o ang kanilang mga naiwan ay
pagkakalooban ng bayad-pinsala. Lahat ng kinakailangang hakbang
ay gagawin para alisin ang mga kundisyong nagbubunsod sa naturang
mga paglabag at para mabigyan ng katarungan at makapagbayadpinsala sa mga biktima.
Artikulo 7
Rerepasuhin at gagawa ng hakbang ang GRP para baguhin ang mga
patakaran, batas, programa, proyekto, kampanya at gawain na nagdulot
o nagpahintulot ng sapilitang ebakwasyon at rekonsentrasyon ng mga
sibilyan, ng paglitaw at pagdami sa loob ng bansa ng mga pamilya at
20
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
komunidad na napalayas sa kanilang lugar at ang pagkawasak ng
mga buhay at ari-arian ng sibilyang populasyon.
Artikulo 8
Ipagpapatuloy ng GRP ang pagrerepaso ng patakaran o gawain nito
ng pagbubuo, pagmimintina, pagsuporta o pagpapahintulot sa mga
pwersang paramilitar tulad ng Civilian Armed Forces Geographical
Units (CAFGUs) at Civilian Volunteers’ Organizations (CVOs) o
anupamang katulad na grupo.
Artikulo 9
Ang mga pamilya at komunidad sa loob ng bansa na pinalayas sa
kanilang lugar ay may karapatang bumalik sa mga lugar ng kanilang
paninirahan at kabuhayan, igiit ang lahat ng posibleng tulong na
kailangan para makabalik sila sa kanilang normal na pamumuhay at
mabayaran sa mga pinsalang natamo dahil sa pagkasugat o
pagkamatay.
Artikulo 10
Ang mga Partido ay magbibigay ng espesyal na atensyon sa kababaihan
at mga bata para tiyakin ang kanilang pisikal at moral na integridad.
Ang mga bata ay hindi pahihintulutang lumahok sa mga labanan.
Artikulo 11
Ang mga organisasyong medikal, relihiyoso at makatao at ang kanilang
mga tauhan ay hindi dapat gagampan ng ibang tungkuling
makasasama sa alinman sa mga Partido. Hindi rin sila maaaring
piliting gumampan ng mga tungkuling hindi umaayon sa kanilang
mga makataong tungkulin. Sa kahit anong sirkumstansya ay hindi
maaaring parusahan ang sinumang nagpatupad ng mga aktibidad
medikal alinsunod sa mga prinsipyo ng etikang medikal, kahit
sinupaman ang nakikinabang sa mga nasabing aktibidad medikal.
Artikulo 12
Ang sibilyang populasyon ay may karapatang mapangalagaan laban
sa mga panganib at banta na nagmumula sa pagkakaroon ng mga
kampong militar sa mga sentrong urban at iba pang matataong lugar.
Artikulo 13
Kinikilala ng mga Partido ang karapatan ng mamamayan na igiit ang
pagbabawas sa mga gastusing militar at ang mga natipid mula sa
21
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
gayong pagbabawas ay italaga para sa kaunlarang panlipunan, pangekonomya at pangkultura na siyang bibigyan ng pinakamataas na
prayoridad.
Artikulo 14
Itataguyod at ipapatupad ng mga Partido ang mga kampanyang
edukasyon sa internasyunal na makataong batas, laluna sa mga taong
lumalahok sa armadong tunggalian at sa mga lugar na apektado ng
nasabing tunggalian.
IKALIMANG BAHAGI
JOINT MONITORING COMMITTEE
Artikulo 1
Ang mga Partido ay magbubuo ng Joint Monitoring Committee na siyang
magmomonitor sa pagpapatupad ng Kasunduang ito.
Artikulo 2
Ang Komite ay bubuuin ng tatlong kasapi na pipiliin ng GRP Panel at
tatlong kasapi na pipiliin ng NDFP Panel. Ang bawat Partido ay
hihirang ng tigalawang kinatawan mula sa mga organisasyon ng
karapatang pantao na uupo sa komite bilang mga tagamasid at
naglilingkod ayon sa kasiyahan ng Partidong humirang sa kanila. Ang
Komite ay magkakaroon ng mga kapwa-tagapangulo na magsisilbing
pangunahing kinatawan ng mga Partido at gagampan bilang
tagapagdaloy ng mga pulong.
Artikulo 3
Ang mga kapwa-tagapangulo ay tatanggap ng mga reklamo ng mga
paglabag sa mga karapatang pantao at internasyunal na makataong
batas at lahat ng kaukulang impormasyon at magsasagawa ng mga
kahilingan o rekomendasyon para sa pagpapatupad ng Kasunduang
ito. Matapos sang-ayunan sa pamamagitan ng konsensus, ang Komite
ay hihiling na imbestigahan ang reklamo ng kaukulang Partido at
gagawa ng mga rekomendasyon. Sa pamamagitan ng konsensus,
gagawa ang Komite ng mga ulat at rekomendasyon ukol sa kanyang
gawain sa mga Partido.
Ang mga pulong ng Komite ay kada-tatlong buwan at mas madalas pa
kung kinakailangan ayon sa mapapagpasiyahan ng mga kapwa-
22
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
tagapangulo dahil sa isang kagyat na usapin o reklamo. Ang mga
pulong ay idadaos sa Pilipinas o saan mang lugar na pagkakasunduan
ng mga Partido.
Artikulo 4
Ang mga kasapi ng Komite at ang mga tagamasid ay may karapatan sa
mga garantiya sa kaligtasan at imyuniti na nakasaad sa
Pinagkaisahang Kasunduan sa mga Garantiya sa Kaligtasan at Imyuniti
(Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees).
Artikulo 5
Ang Komite ay magbubuo ng joint secretariat na magbibigay ng
suportang teknikal at administratibo. Ang bawat Partido ay
maghihirang ng magkatumbas na bilang ng magiging kasapi ng joint
secretariat na manunungkulan ayon sa kasiyahan ng humirang na
Partido.
Artikulo 6
Ang Komite ay itatayo sa sandaling magkabisa ang Kasunduang ito at
patuloy na mananatili hanggang sa lusawin ng alinmang Partido sa
pamamagitan ng pagpapadala sa kabilang Partido ng isang nakasulat
na abisong paglusaw na magkakabisa tatlumpung araw mula opisyal
itong matanggap.
Ang paglusaw ng Komite ay hindi
mangangahulugan ng pagbitaw sa mga karapatan at tungkulin ng
alinmang Partido alinsunod sa Kasunduang ito at alinsunod sa mga
prinsipyo at alituntunin ng mga karapatang pantao at internasyunal
na makataong batas.
IKAANIM NA BAHAGI
MGA PINAL NA PROBISYON
Artikulo 1
Ang mga Partido ay patuloy na gagampan ng magkahiwalay na
tungkulin at responsibilidad sa pagtataguyod, pangangalaga at
pagpapalaganap ng mga karapatang pantao at mga alituntunin ng
internasyunal na makataong batas alinsunod sa kani-kanyang mga
pampulitikang prinsipyo, organisasyon at sirkumstansya hanggang
sa tuluyan na nilang makamit ang pinal na resolusyon ng armadong
tunggalian.
23
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
Artikulo 2
Kinikilala ng mga Partido ang kaangkupan ng mga prinsipyo ng
karapatang pantao at mga alituntunin ng internasyunal na makataong
batas at ang tuluyang bisa ng mga obligasyong nagmumula sa mga
prinsipyong ito.
Artikulo 3
Walang alinman sa mga probisyon ng Kasunduang ito o di kaya sa
aplikasyon nito ang makakaapekto sa pampulitika at ligal na katayuan
ng mga Partido alinsunod sa Pinagkaisahang Deklarasyon sa The
Hague. Sa kalaunan, ang Kasunduang ito ay mapapasailalim sa mga
Kumprehensibong Kasunduan sa mga Reporma sa Pulitika at
Konstitusyon at sa Pagtatapos ng mga Hostilidad at Disposisyon ng
mga Pwersa. Ang anumang pagtukoy sa mga tratadong nilagdaan ng
GRP at sa mga batas at ligal na proseso nito sa Kasunduang ito ay
hindi makakasira sa anumang paraan sa pampulitika at pangorganisasyong integridad ng NDFP.
Artikulo 4
Maaaring repasuhin ng mga Partido ang mga probisyon ng Kasunduang
ito sa pana-panahon para matukoy ang pangangailangang gumawa
ng suplementong kasunduan o isaayos ang mga probisyon nito kung
hinihingi ng kalagayan.
Artikulo 5
Ang Kasunduang ito ay lalagdaan ng mga Panel sa Negosasyon at
magkakabisa sa sandaling pagtibayin ng kani-kanyang Prinsipal.
24
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
SA HARAP NG MGA SAKSI, kami ay lumalagda sa Kasunduang ito
ngayong ika-16 ng Marso 1998 sa The Hague, The Netherlands.
PARA SA
GUBYERNO NG REPUBLIKA
NG PILIPINAS
PARA SA
PAMBANSA DEMOKRATIKONG
PRENTE NG PILIPINAS
Nina:
Nina:
(sgd.) LUIS G. JALANDONI
(sgd.) Amb. HOWARD Q. DEE
Tagapangulo, GRP Negotiating Panel Tagapangulo, NDFP Negotiating Panel
(sgd.) FIDEL V. AGCAOILI
Kagawad
(sgd.) Rep. JOSE V. YAP
Kagawad
(sgd.) Sec. SILVESTRE H. BELLO III (sgd.) CONI K. LEDESMA
Kagawad
Kagawad
(sgd.) Atty. RENE V. SARMIENTO
Kagawad
(sgd.) ASTERIO B. PALIMA
Kagawad
(sgd.) Ms. ZENAIDA H. PAWID
Kagawad
(sgd.) JOJO S. MAGDIWANG
Kagawad
MGA TESTIGO:
(sgd.) Hon. JOSE C. DE VENECIA
Speaker, House of Representatives
GRP
(sgd.) JOSE MA. SISON
Chief Political Consultant
NDFP Negotiating Panel
(sgd.) Usec. A. WILFREDO CLEMENTE
DECS, GRP
(sgd.) ANTONIO L. ZUMEL
Senior Adviser
(sgd.) Ms. MA. CARLA L. MUNSAYAC
Executive Director
GRP Negotiating Panel Secretariat
(sgd.) ROMEO T. CAPULONG
General Counsel
NDFP Negotiating Panel
25
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
COMPREHENSIVE AGREEMENT ON RESPECT FOR
HUMAN RIGHTS AND INTERNATIONAL
HUMANITARIAN LAW BETWEEN THE
GOVERNMENT OF THE REPUBLIC OF THE
PHILIPPINES AND THE NATIONAL DEMOCRATIC
FRONT OF THE PHILIPPINES
March 16, 1998
26
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
27
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
28
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
29
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
30
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
31
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
32
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
33
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
34
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
35
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
36
CARHRIHL IN FILIPINO AND ENGLISH
37
N D F P H U M A N R I G H T S M O N I TO R I N G C O M M I T T E E
38
Download