Tomo XIV Bilang I • Agosto 2012 Opisyal na Pahayagan ng Federation of Free Workers (FFW-ITUC) • www.ffw.org.ph FFW panalo sa 2,500-laking unyon M ay 2,500 manggagawa ang naging bagong miyembro ng Federation of Free Workers (FFW) matapos na manalo sa isang katatapos na certification election ang ipinundar nitong unyon sa Redsystems Co., Inc. ng Coca Cola Bottlers, Inc. (CCBPI). Bunga ng tagumpay ng FFW sa Redsystems, umabot na sa 80,000 ang miyembro ng pederasyon na may collective bargaining agreement at sa 200,000 ang kabuuang kasapian nito sa pormal at di-pormal na sektor. “Ang pagkapanalo sa eleksiyon para sa sertipikasyon ng unyon ng FFW sa Redsystems ay isang malaking tagumpay hindi lamang para sa FFW kundi maging sa buong kilusang manggagawa sa bansa,” ayon kay FFW president Atty. Jose Sonny Matula. Ang Redsystems ay may operasyon sa buong bansa. Ang ilang unyon sa CCBPI ay miyembro din ng FFW. Ang bagong kabuuang miyembro ng FFW na may-CBA ay malaking bahagi ng di-aabot sa 250,000 manggagawa na may CBA sa buong bansa. Matatandaang matapos na mahalal na pangulo ng FFW ng National Convention noong nakaraang taon, inihayag ni Matula na ang pag-oorganisa ang pangunahing programa ng kanyang liderato. Magandang Bukas. Ipinahayag ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng FFW at kinatawan ng manggagawang Pilipino sa nakaraang International Labour Conference sa Geneva, na patuloy ang pagsisikap ng FFW na magpalawak ng kasapian. “Ang 90% ng ating lakas-paggawa ay walang unyon, kaya 90% ang ating oportunidad sa pagpupundar ng unyon at iba pang samahang manggagawa,” sabi ni Matula. Ang unyon sa Redsystems ay kasama sa mahigit 20 bagong unyon na naorganisa ng FFW sa loob ng nakaraang 12 buwan. Ang mga bagong unyon ng FFW ay nagpalaki sa kasapian nito nang mahigit 10,000 manggagawa. “Ilan sa mga bagong organisa ay ang rank and file employees at supervisors ng Universal Robina Corp.-Passi sa Iloilo at Johnson and Johnson Specialists, Inc. sa Kamaynilaan. Nakapag-organisa rin sa Dana Fresh Vege Agri, Inc. sa Sarangani, Philippines Aviation Security Services Corp. rank and file at supervisory at IRM Aviation Security Corp. sa paliparan ng Kamaynilaan, Greenstones Packaging Inc., Jasper at TCB Royale,” ayon kay Rodrigo Catindig, vice president ng FFW. Kasabay nito ang pag-oorganisa ng mga magsasaka sa Agusan, Surigao at Batangas. Ang Acpak Inc. sa Maynila, isang supplier ng Unilever, ay magdadaos ng Certification Election, anumang araw sa mga susunod na linggo. Muling hinihikayat ng pamunuan ng FFW ang suporta ng lahat para tiyakin ang tagumpay ng Acpak Employees Association-FFW. Sa isyung ito: • FFW kay PNoy: Sugpuin ang contractualization... p.2 • Hanay ng manggagawa, NAGKAISA... p.3 • FFW sa AFP: Igalang ang sariling manggagawa... p.3 • Mga ‘minero’ sa Agusan, nag-picket... p.4 • Dumaraming batang manggagawa, nakababahala... p.5 • Produksiyon ng e-vehicles, itinaguyod ng FFW... p.5 • Kwentong Lente ... p.6 • Pahayag ng Manggagawa sa Araw ng Paggawa sa Pagsasalo sa Malacañang... p.7 • Pahayag ng manggagawang Pilipino sa ILC: Darating ang magandang bukas... p.8 • Pagtatakip sa mga kaso vs workers’ rights, kinondena... p.9 • ILO C189: Bagong labor standard para sa mga kasambahay, niratipika na... p.10 • Patibayin ang Karapatang Mag-unyon at Kolektibong Kumilos ng mga Manggagawa... p.10 • Editoryal: Pag-oorganisa tungo sa malayang bukas... p.12 Ibasura ang kontraktwalisasyon. Sa isang pagkilos kasama ang ibang grupo ng manggagawa, nanawagan ang FFW na ibasura ang kontraktwalisasyon. FFW kay PNoy: Sugpuin ang contractualization M ariing muling binatikos ng mga manggagawa ang labor contractualization at hinimok si Pangulong Benigno C. Aquino na sugpuin ito nitong Araw ng Paggawa habang ang mga lider-manggagawa ay nakisalo sa Pangulo sa Malacanang. “Mahal na Pangulo, kami po ay nababahala sa laganap na kontraktwalisasyon ng paggawa,” pahayag ni Atty. Sonny Matula, national president ng Federation of Free Workers (FFW). Ang contractualization, paliwanag ni Matula, ay ang gawi ng mga may-ari ng kompanya na bigyan lamang ng limang buwang kontrata ang mga manggagawa nito upang makaiwas sa kanilang regularisasyon. Ang gawing ito ay isang tahasang pagbalewala sa karapatan ng mga manggagawa sa katiyakan sa trabaho na itinatakda ng Konstitusyon, ayon pa kay Matula. Kaso ng PAL atbp. Ang pangulo ng FFW ay nagpahayag ng pagkabahala sa naging desisyon ng Tanggapan ng Pangulo na katigan ang plano ng Philippine Airlines na ipakontrata sa labas ang ilang mga serbisyo nito. Sanhi ng hakbang na ito ng PAL, natanggal sa trabaho ang libu-libong empleyado nito. Pinansin ni Matula na pinayagan ang PAL na gawin ang ganito sa kabila ng pagmamalaki 2 ng kompanya mismo na malaki ang kinikita nito. Sa Mindanao naman, ang mga unyonista at regular na manggagawa sa San Roque Mining Company sa Tubay, Agusan del Norte ay sinibak ng kompanya at pinalitan ng 900 manggagawa mula sa Asiapro, isang manpower cooperative, sabi ni Matula. House Bill 4853 Binigyang-diin ni Matula na ang pagsasakontrata ng paggawa ay naging laganap na gawi ng mga may-ari ng kompanya upang makaiwas sa pagbibigay sa mga manggagawa ng pasahod at mga benepisyo na naaayon sa batas. Hinimok ng lider-manggagawa si Pangulong Aquino na tuldukan ang abusadong gawi ng mga may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng pagsulong sa House Bill 4853, ang Consolidated Version of the Security of Tenure Bill. “Kalsada sa daang matuwid” Samantala, nagpahayag din si Matula ng suporta para sa Philippine Labor and Employment Plan, ang plano ng Labor Department para sa paglikha ng isang milyong disente at produktibong trabaho sa bansa kada taon. Gayunman, ipinaalala ni Matula na kailangang pondohan ng gobyerno sa mga pagawaingbayan upang mapasigla ang paglika ng trabaho. FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 “Tila po kasi naging matumal ang buhos ng pondo habang tinatahak natin ang matuwid na daan,” pansin niya. “Sana ay hwag po nating kaligtaan na sa matuwid na daan, kailangan din nating gumawa ng mga daan, tulad ng farm-to-market roads, ng imprastraktura para sa patubig, ng mga pabahay para sa mahihirap, na sa proseso ay maglilikha rin ng trabaho,” dagdag ni Matula. Presyo ng bilihin, batas para sa mga kasambahay Hinimok din ni Matula ang Pangulo na iparepaso at paamyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at ang Oil Deregulation Law tungo sa pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Para naman sa mga kasambahay, isinulong ni Matula ang agarang ratipikasyon ng ILO Convention 189 on Decent Work for Domestic Workers at ang pagsasabatas ng Magna Carta of Domestic Workers. Nagpasalamat si Matula sa pagkakataong ibinigay ng Pangulo na makatalakayan ang mga kinatawan ng mga manggagawa at nagpahayag siya ng pag-asam na magpatuloy ang ganitong pag-uusap sa pagitan ng Pangulo at ng mga manggagawa. Karangalan naming ang matawag na “boss” ng Pangulo, sabi pa ni Matula. Hanay ng manggagawa, NAGKAISA I naasam na lalakas ang kapasidad ng mga mangagawang Pilipino sa kolektibong pakikipagnegosasyon sa gobyerno at sa mga employer. Ito ay matapos magtagumpay ang may 40 grupo ng manggagawa na magbuklod, sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, sa ilalim ng isang bagong koalisyon na nakabatay sa isyu­—ang NAGKAISA. Ang bagong koalisyon ay binubuo ng malawak na bahagi ng kilusang paggawa sa bansa. Bukod sa Federation of Free Workers (FFW), kasama din sa koalisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Alliance of Progressive Labor (APL), Alliance of Filipino Workers (AFW), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Partido ng Manggagawa (PM) at Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN). Ang NAGKAISA ay inilunsad noong Abril ilang araw bago ang pandaigdigang Araw ng Paggawa sa pamamagitan ng isang press briefing ng mga grupong nagpundar nito. Ayon sa pahayag ng koalisyon sa araw ng paglunsad nito, kikilos ito nang todo tungo sa “pagbabalik ng karapatan ng mga manggagawang Pilipino—na nasa pormal o di-pormal na sektor man, pribado o publiko, at nasa loob man o labas ng bansa—para sa ganap na proteksyon at pagkakataong mabuhay nang marangal at may dignidad.” Ang apat nitong adbokasya, ayon pa sa unang pahayag nito, ay: • ang pagsasabatas ng Security of Tenure Bill o panuka--lang-batas para sa seguridad sa trabaho; • ang pagtutol sa patakaran ng deregulasyon at iba pang mga desisyon ng gobyerno na nagging sanhi ng paulit-ulit na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, pagkain, kuryente at iba pang pangunahing Manipesto. Ipinahayag ng mga lider manggagawam kabilang si FFW NVP Rod Catindig, ang manipesto ng Nagkaisa pangangailangan; para sa Araw ng Paggawa. • ang ratipikasyon sa International Labor Organization (ILO) Convention on Decent Work for Domestic Workers (ang naturang tratado ay na-ratipika na. Basahin ang balita sa pahina 10); at • ang pagpapatupad ng “disenteng” taas-sahod sa bawat rehiyon sa buong bansa. Ayon kay Atty. Jose Sonny G. Matula, president ng FFW, inaasahang dahil sa bagong pagkakaisa ng mga grupong manggagawa, hindi na sila madaling mapag-aaway-away. ”Bagkus, mas maisusulong na nila ang iisang posisyon sa mga isyung kinakaharap ng lahat ng manggagawa.” Dagdag pa ni Matula, dapat maging prayoridad ng mga grupong manggagawa ang tunay na mapalakas ang kakayahan ng mga manggagawa na kolektibong ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kapanakan. “Ibig sabihin nito, kailangang hindi lang mapatibay ang bagong pagkakaisa ng mga grupong manggagawa sa ilalim ng NAGKAISA kundi maorganisa din nila ang mas maraming manggagawa,” paliwanag ni Matula. “May 17 milyong manggagawang Pilipino na kailangang maorganisa. Sa 17 milyong ito, 1.6 milyon na ang sakop ng unyon, pero 212,000 lang ang may proteksiyon ng collective bargaining agreements (CBA),” ayon pa kay Matula. NAGKAISA! Nakibahagai ang FFW sa pagguhit ng kasaysayan nang makipagbuklod ito sa mahigit 40 labor federations, unyon at samahang manggagawa upang itatag ang NAGKAISA! FFW sa AFP: Igalang ang sariling manggagawa I galang ang karapatan ng mga manggagawa sa sariling bakuran. Ito ang naging hamon ng FFW sa hepe ng Armed Forces of the Philippines sa mismong okasyon ng paglagda sa “Guidelines on the Conduct of the DOLE, DILG, DND, DOJ, AFP & PNP Relative to the Exercise of the Workers’ Rights & Activities” sa Maynila noong Mayo 7, 2012. Ang Panuntunan sa Pagkilos ay inukit sa taguyod ng International Labor Organization upang maging gabay ng mga intrumento ng gobyerno, lalo na ng sandatahan at kapulisan, sa wastong pagkilos sa pagkakataon ng labor disputes o di pagkakasundo sa pagitan ng kapitalista at manggagawa. Bunsod ng military intervention Sa mensahe ni FFW president Jose Sonny Matula, inalala niya na ang pag-ukit ng Panun(ituloy sa pahina 4) FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 3 Mga ‘minero’ sa Agusan, nag-picket M ahigit 300 manggagawa ng San Roque Metals sa Tubay, Agusan del Norte ang nagwelga noong Abril matapos maraming buwan na binalewala ng pangasiwaan ang kanilang panukalang collective bargaining agreement (CBA). “Sa halip na tugunan ang panukalang CBA ng SR Metals Workers’ Union, sinibak ng kumpanya ang mga opisyal ng unyon,” ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW). Ang unyon ay kasanib sa FFW. “Ang mga ganitong pang-aabuso ng mga kompanya sa minahan ay dapat magtulak sa Aquino administration na pag-aralang maigi ang paglalabas ng mga patakaran sa minahan sa hinaharap,” sabi ni Matula. Naglabas na ng Executive Order and Malacanang na di kinonsulta sa mga mga manggagawa sa minahan. Sa tulong ng FFW, sapin-sapin ang mga kasong isinampa ng SR Metals Workers’ Union sa National Labor Relations Commission laban sa pangasiwaan. Kasama dito ang hindi pagsunod sa minimum (mula sa pahina 3 . . . FFW sa AFP) tunan ay nagsimula sa kahilingan ng kanyang grupo na magkaroon ng ganitong dokumento matapos itong magreklamo sa ILO dahil sa pakikialam ng militar sa certification election sa San Roque Metals Inc., sa Tubay, Agusan del Norte. “Layunin ng Panuntunan na patibayin ang karapatan ng mga manggagawa sa malayang pag-uunyon, kolektibong pakikipagtawaran at kolektibong pagkilos, kasama na ang pagwelga,” ayon sa pangulo ng FFW. Naihayag ni Matula ang hamon kay AFP chief of staff Hen. Jessie Dellosa, bunsod ng piket na isinagawa ng Armed Forces and Police Savings and Loans Association Inc. (AFPSLAI) Employees Association sa labas ng programa upang ilantad at iprotesta ang umano’y paninira sa unyon ng pangasiwaan ng AFPSLAI. “Sinusuportahan namin ang kanilang laban,” diin ng FFW president. Kontra-karapatan ng manggagawa Napag-alaman ni Matula na ang pamunuan ng unyon ay kinasuhan ng illegal strike ng 4 Welga sa Minahan. Isinigaw ng mga minero sa SR Metals sa Agusan na kailangang igalang ng mga mining companies ang karapatan ng manggagawa, kasama na ang pagsangguni nito sa anumang patakarang makakaapekto sa manggagawa at komunidad. wage, hindi paghuhulog ng kontribusyon sa SSS, at paglabag sa mga pamantayan sa paggawa. Kasama din sa mga atraso ng kumpanya ang union busting o pagsira sa unyon at pag-iwas sa pagreregular sa mga manggagawa nito. Ibinibigay ng SR Metals sa isang ‘manpower cooperative’ ang mga trabahong pang-regular at mga trabaho ng mga miyembro ng unyon. pangasiwaan dahil sa pagpiket habang oras ng pananghalian at paglabas ng notice of strike. Sinibak din sa trabaho ang mga ospiyal ng unyon, kahit pa ang unyon ay may 20 taon nang umiiral. “Batid ng isang makatwirang isip na ang mga hakbang na ito ay hindi maituturing na illegal strike,” aniya. Ang kaso ng AFPSLAI ay pinawalang saysay ng NLRC ngunit binaligtad ng Court of Appeals ang desisyon ng korte sa paggawa. Sa kasalukuyan ay may nakahaing mosyon para sa muling pagsaalang-alang sa kaso. Kamay ng mabuting ama Hinimok ni Matula si AFP Chief of Staff na gamitin ang kanyang kapangyarihan at impluwensiya, bilang “mabuting ama” ng AFPSLAI at ng AFP upang maareglo ang kaso. Ang hepe ng AFP ay siya ring Tagapangulo ng AFPSLAI. Ipinaalala ni Matula na karamihan sa mga empleyado ng AFPSLAI, kasama ang mga sinibak sa trabaho, ay mga anak din o kaanak ng mga sundalo, aktibo o retirado. Ipinaala niya rin na malapit na ang pasukan at ang karamihan ng mga tinanggal sa tra- FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 baho ay walang pantustos para sa kanilang mga anak. “Tinutulungan natin ang mga NPA at MILF sa bundok para magbago at gumanda ang buhay. Hindi ba natin dapat tulungan din ang ating mga kababayang kapit-bahay lang natin?” sabi pa ni Matula. Hindi papel lamang Nanawagan si Matula sa AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno na igalang sa lahat ng pagkakataon ang mga prinsipyo ng malayang pag-uunyon ng mga manggagawa na siyang buod, aniya, ng nilagdaan nilang Panuntunan. “Mananatiling papel lamang ang nilagdaan natin kung hindi natin ito isasabuhay,” sabi niya. Ibinahagi niya na dahil sa malalim na pagkilala ng FFW sa kalayaang mag-unyon ng mga manggagawa, ang mga kawani ng FFW ay may unyon at may CBA. Ang probisyon para sa malayang paguunyon ng mga manggagawa ay inilagay sa Konstitusyon hindi para maging palamuti lamang kundi para isabuhay nating lahat sa lahat ng pagkakataon. Produksiyon ng e-vehicles, itinaguyod ng FFW Batang Malaya. Umawit at sumayaw ang mga bata sa saliw ng awiting “Batang Malaya,” ang bagong theme song at “brand” ng kampanya laban sa child labor na inilunsad noong World Day Against Child Labor noong Hunyo. T Dumaraming batang manggagawa, nakababahala N agpahayag ng pagkabahala ang Federation of Free Workers (FFW) sa dumaraming bilang mga batang manggagawa sa bansa. Ayon sa National Statistics Office (NSO), mula sa 2.4 milyon noong 2001 ay umakyat na sa 3 milyon sa ngayon ang bilang nga mga batang Pilipino na nasa mapanganib na trabaho. Sa kabuuan ang bilang ng mga batang manggagawa sa bansa ay umabot na sa 5 milyon mula sa 4.2 milyon. “Dahil dito, kailangan nating lalong pag-ibayuhin ang ating mga pagsisikap na maiahon sa maagang paggawa ang mga bata, lalo na sa mga delikadong trabaho,” ayon kay Julius Cainglet, assistant vice president ng FFW. Inilabas ng NSO ang estadistika noong Hunyo 26 sa okasyon ng paggunita sa World Day Against Child Labor sa Pasig. Batay ang mga ito sa pagsisiyasat na isinagawa ng ahensiya noong nakaraang taon. Lumabas din sa pagsisiyasat na ito na ang karamihan ng mga batang manggagawa (55.4%) ay nasa mga trabahong-bukid. Isa sa bawat sampung manggagawa naman ang nagtatrabaho sa lansangan o sa karagatan. Tugon sa child labor Noong 2007, inilunsad ng National Child Labor Committee (NCLC) ang Philippine Program Against Child Labor, isang multi-sectoral master plan para wakasan hanggang 2016 ang mga malalang anyo ng child labor sa bansa. Ang FFW ay miyembro ng NCLC. Tumutulong ito sa pangangasiwa sa Child Labor Knowledge Sharing System (CLKSS) na nangangalap at nangangalaga sa lahat ng impormasyon ukol sa mga batang manggagawa sa Pilipinas. Bisitahin ang www.clkss.org.ph “Kailangan ang higit na pakikilahok ng mga unyon sa pagtugon sa pagkakaroon ng mga batang manggagawa. Ang mga manggagawa na karamiha’y nabibilang sa mahirap ang pinakamainam na hukbong panlaban sa child labor dahil nauunawaan nila ito,” ayon kay Cainglet. Ang mga unyon ay magiging mabisang mata sa kanilang mga kompanya at pamayanan upang mamonitor ang pagkakaroon ng batang manggagawa, dagdag ng opisyal ng FFW. “Makakatulong din sila sa pagpapalaganap ng kamalayan sa kanilang mga kasama sa trabaho at kapwa magulang ukol sa child labor.” “Natural na lider ang mga unyonista. Nakikinig sa kanila ang kanilang mga katrabaho at mga kapitbahay. Kaya magiging epektibo silang tagapagsalita laban sa kasamaan ng maagang pagpapatrabaho sa mga bata, lalo na sa mga mapanganib na trabaho,” panukala ni Cainglet. Ayon sa lider-manggagawa, ang mga unyon ay maaaring mag-aktibo sa mga child labor committees sa kanilang lungsod, munisipyo, probinsiya at rehiyon. Ang FFW ay nagsasagawa ng isang Action Program sa lalawigan ng Quezon at Bukidnon upang makatuwang ang mga unyon sa pagsugpo sa child labor. Ito ay suportado ng International Labor Organization - International Programme on the Elimination of Child Labor. ugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at hakbang sa paglikha ng “green jobs.” Ito ang mga pangunahing dahilan kung kaya nanawagan ang Federation of Free Workers (FFW) na itaguyod ng gobyerno ang produksiyon ng electric vehicles o mga sasakyang pinatatakbo ng kuryente. Ang produksiyon ng e-vehicles ay magiging malaking tulong sa paglikha ng trabaho sa bansa, lalo na iyong tinatawag na green jobs, paliwanag ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng FFW. Green jobs ang tawag sa mga trabahong nakakatulong magpababa sa masamang epekto sa kapaligiran, nagdadagdag-solusyon sa climate change at nagbibigay ng kabuhayan at iba pang benepisyo sa mga manggagawa at komunidad. Ang FFW ay sumusuporta sa programa ng Department of Energy at Climate Change Commission na nagtataguyod sa paglikha at pagpapalaganap ng mga alternatibong paraan ng pagpapatakbo ng mga pampublikong sasakyan. Bahagi rin ang FFW sa Green Jobs and Green Business Asia Projects ng International Labor Organization. E-tricycles Ang programa ay nasa proseso ngayon ng pag-aaral sa laki ng potensyal maglikha trabaho mula sa produksiyon at paggamit ng e-tricycles. Bukod sa paglikha ng trabaho, ang paggamit ng etricycles ay inaasahang makapagpapalaki ng kita ng tricycle drivers dahil hindi na ito gagamit ng krudo at makakabawas sa pagbubuga ng greenhouse gas na siyang pangunahing sanhi ng climate change. Ang e-trycle ay dinisenyo para patakbuhin ng bateryang lithium ion, katulad ng mga bateryang gamit sa laptop at cellphone. Kayang tumakbo ng ganitong tricycle ng hanggang 80 kilometro kada karga ng baterya. Ang Asian Development Bank ay magpapautang ng US$ 500 milyon para sa pagpapakilala ng e-tricycle. Sa ilalim ng pilot project na ito, may 100,000 e-tricycles ang ipalalabas sa mga pangunahing lungsod sa bansa. Mukhang may hinaharap ang E-vehicle Program. Nasimulan na ang e-tricycle pilot project sa Mandaluyong at Taguig. Nauna rito ang paglulunsad ng e-jeeps sa Makati. Isang malaking kompanya naman ng bus ang nangako na magpapagawa at susubok gumamit ng e-buses. FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 5 Kwentong Lente: Mga kaganapang sinipat upang mailarawan Women’s Day 2012: Pinangunahan ni FFW Women’s Network President Sonia Balgos ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa FFW, tampok ang panawagang: “Pantay na sahod anuman ang kasarian, Katuwang ang lahat sa kaunlaran.” CDO Medical Mission: Sinusuri ni FFW VP for Mindanao at San Pedro Hospital Employees Union-FFW President Aida Brillante ang isang pasyente sa FFW Medical Mission para sa mga nasalanta ng baha sa kasagsagan ng Bagyong Sendong sa CDO. EXCLUSIVE BREASTFEEDING SA ILOILO: Nakiisa sina FFW VP for Visayas and CPU Rank and File Labor Union President Amy Campos at FFW Deputy VP Nicnic Gerson sa pagtataguyod ng exclusive breastfeeding in the workplace, kasama ang mga advocates sa pamumuno ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog. PANUNUMPA: Binabati si Alkalde Jessie Concepcion ng Mariveles si MICO Employees Union-FFW President Meng Guevarra matapos pasumpain sa tungkulin ng pinuno ng lungsod ang mga lider ng unyon. Operation Tuli: Ilang batang lalaki ang inihatid sa pagbibinata ng FFW Davao matapos ang matagumpay na Operation Tuli. TIPC Meeting: Kabilang ang FFW sa mga pulong ng TIPC na tumalakay sa kinahihinatnan ng Labor ang Employment Plan, 2011-2016. Kasama sa larawan sina DOLE Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz at FFW President Sonny Matula. 6 FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 Solidarity: Mabuhay! ang bati ng mga pinuno ng FFW sa mga panauhin mula sa Solidarity Center na nangakong ipagpapatuloy ang suporta sa Asian Labor Network on IFIs (ALNI), isang network ng mga unyon na nagtataguyod ng karapatan ng manggagawa sa lahat ng proyekto at programa ng mga institusyong tulad ng World Bank at Asian Development Bank. Ito ay pinamumunuan ng FFW. Pahayag ng Manggagawa sa Araw ng Paggawa sa Pagsasalo sa Malacañang ­— Atty. Sonny Matula, Pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) – NAGKAISA! Y di magbigay ng karampatang benepisyo. Ito ang ang pipigil sa ibang kompanya na magsisante our excellency, kami pong manggagawa ay nais isukli ng employer na gahaman sa lahat ng ng mga empleyado sa ngalan ng “management nababahala sa laganap na kontraktwalisasyon lakas paggawa at pagmamalasakit na ibinuhos prerogative”? ito po ang nasasaksihan naming ng paggawa—ang nakasanayang limang buwang ng manggagawa para sa kompanya. walang pakundangang pagbabalewala sa karapakontrata upang makaiwas sa regularisasyon Kaya’t upang wakasan ang salot na ito sa tan sa katiyakan sa trabaho at sa karapatang ang employers at ang tahasang pagbalewala sa manggagawa, hinihikayat naming ang mahal mag-organisa. karapatan sa katiyakan sa trabaho na itinakda ng na Pangulo na i-certify bilang urgent ang House Di lingid sa ating kaalaman na ang mga ating Konstitusyon. Bill 4853, ang Consolidated Version ng Security trabaho ng mga pinuno at kasapi ng Unyon ang Nasa likod ninyo kami sa pagpapatupad of Tenure Bill para sa manggagawa sa pribado, unang tinatamaan sa ganitong iskema. Di ba’t ang ng Labor and Employment Plan (LEP). Ito ang maging ang kahalintulad na panukalang batas LEP at PDP mismo ang karapat-dapat na unang nagbibigay buhay sa Philippine Development Plan para sa manggagawa sa pampublikong sektor. Ito magsusulong ng marangal na trabaho? (PDP), lalo na sa panawagan nitong masaklaw rin ang pipigil sa Job Orders na nagpapahintulot Kamakailan ay nagulat kami sa walang takot na pag-unlad, na walang ibang ibig ipahiwatig sa pamahalaan na huwag bigyan ng panlipunang na pagyurak ng Hoffen Industries sa Cavite, sa kundi kaunlaran na may kaakibat na paglikha ng proteksyon ang mga kontraktwal na manggagawa karapatang pantao at karapatan sa paggawa marangal na trabaho. Isang milyong trabaho kada nito. ng kanilang mga masisipag na manggagawa. taon ang ating target. Bagamat ang kaso ng PAL ay nasa Kailangan po ng pump priming Court of Appeals na, at sa ilang panahon sa imprastuktura upang maglikha ng ay magiging ganap na ang pagpalit ng trabaho. Tila naging matumal po ang pamamahala nito, hinihiling namin sa buhos ng pondo habang tinatahak Tanggapan ng Pangulo na gamitin ang natin ang matuwid na daan. residual powers nito at magbigay daan Sana ay hwag po nating kaligtaan sa Unyon at Management na muling na sa matuwid na daan, kailangan natpag-usapan ang mga alternatibo sa ing gumawa ng farm-to-market roads, kasalukuyang gusot. ng imprastraktura para sa patubig, ng At upang maiwasan ang pang-aabuso mga pabahay para sa mahihirap, na sa sa “management prerogative” ng mga proseso ay maglilikha rin ng trabaho. nagmamayari, hinihiling namin sa mahal Maari rin tayong lumikha ng trabaho na Pangulo na linawin na ang “managekung bibigyan natin ng pansin ang mga ment ang prerogative” ay hindi maaring gawaing may kinalaman sa climate gamitin upang i-outsource o i-contract change adaptation and mitigation, na Bilang kinatawan ng manggagawa, ipinahayag ni Atty. Sonny out ang mga trabahong ginagampanan ng kung tawagin natin ay green jobs. mga unyonista. Handa po kaming tumulong sa Matula kay Pangulong Benigno S. Aquino III noong Araw ng PagMariing kahilingan po namin sa PNoy gawaing ito, lalo na sa pagbubuo ng gawa sa Malacanang, ang lumalaganap na paglabag sa karapatan ng manggagawa sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon. Administration na maging tagapagtanggol isang makabayang industrial plan sa ng karapatan ng manggagawa mag-unyon. mga darating na araw. Isang sangkap Bigyan sana nito ng dagdag na proteksyon ang Pinatawag ng kompanya ang isang libo at limang nito ang mababang halaga ng kuryente at langis manggagawa laban sa pagtanggal sa trabaho, daang empleyado nito sa kantina. Doon, sila ay na kailangan upang umarangkada ang industriya. diskriminasyon at pananakot kapag sila ay nagtinakot at sapilitang pinapayag na tumanggap ng Mahalaga pong repasuhin at amyendahan ang pasya nang mag-unyon. separation pay. Ang kantina ay naging bilanggo. Electric Power Industry Reform Act o EPIRA at Sinasariwa rin namin ang panawagan na Mula ika-anim ng gabi hanggang ika-dalawa ng ang Oil Deregulation Law, na magpapababa sa agad po ninyong i-ratipika ang ILO Convention umaga, walang pinauwi at pinalaya hangga’t di halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. 189 hinggil sa Marangal na Trabaho para sa pumapayag magpabayad. Martes Santo hangYour Excellency, lubos po kaming nakikiraDomestic Workers. Mahal na Pangulo, una na gang Miyerkules Santo pa man din po nang may sa libo-libong manggagawa ng Philippine po ninyong ipinangako ito noong isang taon. mangyari ito. May Unyon doon ang mga mangAirlines, na nawalan ng regular ng trabaho Maipasa na rin agad sana ang Magna Carta on gagawa. Nag-ooperate pa rin ang kompanyang matapos magpasya ang Office of the President Domestic Workers ng Kongreso. ito. Sa Mindanao naman, sapilitang tinanggal na isaisantabi ang apela ng PAL Employees Ito po ang buod ng mga kahilingan ng mangang mga unyonista na gumagampan ng regular Association na pigilan ang outsourcing ng mga gagawa para sa dakilang araw na ito. na gawain sa San Roque Metals Mining Company serbisyo ng PAL. Pangamba namin na lalo itong Subalit marami pa po kaming nais talakayin sa Tubay, Agusan Del Norte, kapalit ng siyam magpapalaganap ng kontraktwalisasyon. sa inyo. Kung kaya’t nawa’y magpatuloy ang na raang mga kontraktwal na manggagawa ng PAL mismo ang nag-ulat na bilyon-bilyon ganitong pagkakataon upang kami ay marinig Asiapro Cooperative, na tig-li-limang buwan ang kinita nito sa kabila ng matinding kompetininyo. Buong pagkukumbaba po na pinanghalamang mamamasukan. syon sa lokal at pandaigdigang airline industry. hawakan namin ang karangalan na matawag na Kontraktwalisasyon ang kasangkapan upang Kung ang mga negosyong kumikita, tulad ng “boss” ninyo! makaiwas sa pag-re-regular ng manggagawa. PAL, ay pahihintulutang basta-basta na lang Maligayang Araw ng Paggawa! Ginagamit ito upang di magbayad nang tama at magtanggal ng mga manggagawa nito, ano pa FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 7 Pahayag ng manggagawang Pilipino sa ILC: Darating ang magandang bukas Ni Atty. Jose Sonny G. Matula Pambansang Pangulo, Federation of Free Workers (FFW), kasapi ng International Trade Union Confederation (ITUC) at ITUC-Asia Pacific; Delegado ng Manggagawang Pilipino sa ika-101 Sesyon ng International Labour Conference sa Geneva, Switzerland, 11 Hunyo 2012 A ng mga manggagawang Pilipino ay nangangarap at nagsisikap para sa mas magandang bukas. Naniniwala kami na ang bukas ay para sa aming mga kabataan. Ngunit kung walang trabaho ang aming mga kabataan, o kung palarin mang magkatrabaho ay trabahong wala namang katiyakan, anong klaseng kinabukasan ang puwede nilang asamin? Nang hadlangan ng Employers’ Group sa Committe of Application of Standards ang pagsisiyasat sa mga kaso ng paglabag sa pamantayan ng paggawa sa batas at sa gawi, ipinabatid ng lupon na pabor ito na matanggalan ng kapangyarihan ang mga manggagawa. Pinayagan nito na hindi papanagutin ang limang bansa at iba pa na may kaso ng paglabag sa pandaigdigang pamantayan ng paggawa, lalo na ang kalayaan sa pag-oorganisa at kolektibong pakikipagnegosasyon. (*) Tila ba isinusulong ng Employers’ Group ang pananaw na ang karapatang magwelga—na nasasaad sa Convention 87—ay hindi kasama sa karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa. Mawalang-galang na po, ngunit ang delegasyon ng mga manggagawang Pilipino, kasama ang buong kilusang manggagawa sa Pilipinas, ay hindi sang-ayon sa ganitong pananaw. Kaisa po namin sa aming pananaw ang International Trade Union Confederation (ITUC) at ang mga unyon sa buong mundo. Matagal na pong tanggap ng lahat na, sa ilalim ng Convention 87, kasama sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon ang kambal na karapatan sa (1) kolektibong pakikipagnegosasyon at (2) payapang sama-samang pagkilos, kasama na ang pagwewelga. Ang mga mabunying miyembro ng Committee of Experts ay hindi po nagbigay ng bagong interpretasyon sa Convention 87 o lumabis sa kanilang kapangyarihan. Pinagtibay lang po ng mga dalubhasa ang mga prinsipyong matagal nang tanggap ng lahat. Batay sa pagsisiyasat, ang mga prinsipyong nabanggit ay pinagtibay ng mga saligang-batas, mga batas sa paggawa at mga desisyon ng korte sa karamihan ng mga bansang nabibilang sa ILO. Kawalan ng trabaho sa hanay ng kabataan. Ang Pilipinas ay hindi ligtas sa ganitong kondisyon, sa kabila ng pag-angat ng bansa sa ekonomiya nitong mga nakaraang ilang taon. Kalahati ng mga walang trabaho sa aming bansa ay kabataan, edad 15-24. Dahil sa kakapusan ng oportunidad sa bansa, ang marami sa aming mga kabataang manggagawa ay napipilitang maghanap ng trabaho sa ibang bansa kung saan sila ay nagiging mga dayong manggagawa na kapos sa proteksiyon. Marami sa mga manggagawang Pilipinong ito sa ibang bansa ay kababaihan. Kawalan ng katiyakan sa trabaho at pag-uunyon. Sa Pilipinas at sa buong mundo, ang malaking bilang ng trabaho ay nagiging mabuway. Dahil dito, nagiging lubhang mahirap at mabuway din ang pag-uunyon. 8 FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 Sa ika-101 sesyon ng International Labour Conference ay isiniwalat ng FFW kung paanong ang konsepto ng kooperatiba ay binabaluktot at ginagamit sa pagtibag sa katiyakan sa paggawa at pag-uunyon. Nakalulungkot na ang konsepto ng kooperatiba ay binabaluktot at ginagamit sa pagtibag sa katiyakan sa paggawa at pag-uunyon. Nagsulputan ang mga pekeng “manpower cooperatives” at ang mga miyembro nito ay ginagamit pamalit sa mga regular na manggagawa at miyembro ng unyon. Gayundin, umaabot sa 90 porsiyento ng mga petisyon para sa cetification election ang tinututulan ng mga employer hanggang sa Korte Suprema. Lumiliit na sakop ng CBA. Pahina ang pag-uunyon sa Pilipinas. Noong 2005, may 500,000 manggagawa pa ang sakop ng collective bargaining agreement (CBA). Sa ngayon, mas kaunti pa sa 250,000 ang manggagawang may proteksiyon ng CBA. Kumakatawan sila sa wala pang isang porsiyento ng mga sahuran sa bansa. Tugon ng kilusang manggagawa: pagsusulong ng katarungang panlipunan. Sa harap ng hamon ng kasalukuyang mga kondisyon ng paggawa sa aming bansa, isinusulong namin ang isang Social Protection Floor o batayang panlipunang proteksiyon para sa mga manggagawa sa ilalim ng Philippine Labor and Employment Plan for 2011-2016. Ito ang nagsisilbing gabay namin sa aming pagsisikap na tiyakin ang marangal na trabaho para sa lahat. Hinihimok din namin ang gobyerno na palawakin ang aming social security sytem tungo sa pagkakaroon ng unemployment insurance o pagbibigay ng tiyak na suporta sa mga mawawalan ng trabaho. Gayundin, sinusuportahan namin ang panukala ng Building and Wood Workers International (BWI) na isama ang mga usapin ng mga dayong manggagawa sa mga tatalakayin sa ika-102 sesyon ng International Labor Conference. Nananawagan din kami para sa pagtutulungan sa pagitan ng mga unyon sa mga bansang pinanggagalingan at sa mga bansang destinasyon ng mga migrant worker para sa kanilang proteksiyon. Malawak na pagkakaisa. Mayroon ding magandang balita mula sa aming bansa—ang mga unyon ay may bagong pagkakaisa sa harap ng mga hamon sa aming hanay. Sa kabila ng aming pagkakaiba, nagawa ng malawak na bahagi ng aming hanay ang magsama-sama upang ipundar ang NAGKAISA! (United). Kasama sa bagong alyansang ito ang mga pangunahing unyon sa pribado at pampublikong sektor. Kasama dito ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), sa ilalim ng pamumuno ni Brother Democrito Mendoza, ang aming Federation of Free Workers, ang grupong SENTRO na kinabibilangan ng Alliance of Progressive Labor, at higit sa 40 iba pang unyon at samahan ng manggagawa. Tripartismo at mga reporma. Sa ilalim ng Aquino Administration, buhay at lumalawak ang tripartismo, ang pagtutuwangan ng gobyerno, sektor ng employer at kilusang paggawa. Ang National Tripartite Industrial Peace Council ay naging modelo sa pagtatag ng kahalintulad ng pormasyon sa antas ng rehiyon, probinsya at lungsod at sa lumalaking bilang ng industriya. Kaugnay nito, patuloy ang tripartite na pagsisiyasat sa aming Labor Code upang matiyak na naaayon ito sa mga ratipikadong ILO Conventions. Kasama sa inisyatibang ito ang pagsasanay, sa tulong ng ILO, sa mga may-tungkuling magpatupad ng Batas Paggawa para sa pag-angat ng kanilang kapasidad. Maraming reporma ang kasalukuyang isinasagawa. Ngunit kailangan ang patuloy na gabay at tulong teknikal mula sa ILO upang matiyak na ang pag-uusig at paghatol sa mga nakabinbin na kaso ng paglabag sa mga karapatang pang-unyon ay umusad nang simbilis ng ibang insyatiba tungo sa ganap na pagpapatupad ng ILO Conventions 87 at 98, sa batas at sa gawi. Kailangan din ng mga matapang na inisyatiba para matugunan ang mga sanhing-ugat ng pagpatay sa mga unyonista. Ayon sa mga ulat, umunti ngunit patuloy ang mga kaso ng karahasan laban sa mga lider unyon. Patuloy ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Pilipinas at sa buong mundo para sa katarungang panlipunan. Nakahanda ang mga manggagawa na pamunuan ang laban na ito at ang pandaigdigang pamantayan sa paggawa ng ILO ay nagsisilbing gabay namin sa aming pagkilos. Mabuhay ang Manggagawang Pilipino! Mabuhay ang mga manggagawa sa buong daigdig! Pagpalain nawa tayo ng Diyos. [*] Nakahain para sa pagsisiyasat ang mga kaso ng karahasan laban sa mga unyonista sa Colombia, Guatemala at Swaziland, pero hindi naniniwala ang mga employer na dapat talakayin man lang ang isyu. Ang mga manggagawa sa Egypt ay nasa gitna rin ng pakikibaka para sa kanilang batayang karapatan para sa disenteng trabaho, ngunit mukhang ang mga employer sa bansa ay panig sa sandatahan at sa mga pundamentalistang pwersa sa bansa na kapwa nagnanais pagkaitan ng boses ang mga manggagawa. Ang mga delegado ng employers sa International Labor Conference ay tumanggi din na payagang pag-usapan ang pagtanggal ng karapatan para sa kolektibong pakikipagnegosasyon ng mga manggagawa sa Greece at Spain. Pagtatakip sa mga kaso vs workers’ rights, kinondena K inondena ng mga unyon sa buong mundo ang employers’ groups sa ika-101 Sesyon ng International Labor Conference sa Geneva, Switzerland nitong Hunyo. Ang mga unyon ay umalma matapos hadlangan ng International Organization of Employers (IOE) ang pagtalakay sa mga pinakamalalang kaso ng paglabag sa karapatan ng manggagawa sa iba’t ibang panig ng daigdig. “Iniwasan ng mga may-ari ng kompanya ang pandaigdigang pagsiyasat sa mga pinakamitinding kaso ng pag-abuso sa mga manggagawa. Ang pagsiyasat na ito ay maaari sanang makapagligtas sa buhay ng mga apektadong manggagawa,” ayon kay Sharan Burrow, secretary general ng International Trade Union Conference (ITUC), ang pinakamalaking pandaigdigang grupo ng mga unyon at kumakatawan sa milyun-milyong manggagawa sa buong mundo. Simula 1926, taun-taong tinatalakay sa pandaigdigang pagtitipon ang mga kaso ng paglabag sa karapatan ng manggagawa, ngunit ngayong taon ay tumanggi ang IOE na pag-usapan ang anumang kaso. Kasama sa mga kasong tatalakayin sana ngayong taon ang: Pagpaslang sa 29 unyonista sa Colombia; Kampanya ng karahasan laban sa kilusang-manggagawa sa Guatemala at Swaziland; Pagkatig ng employer sa militar at mga pundamentalistang puwersa na nagkakait ng boses sa mga manggagawa sa Egypt; at Pag-alis sa karapatan para sa kolektibong pakikipagnegosasyon ng mga manggagawa sa Greece at Spain. “Isang peligrosong laro ang ginawang ito ng IOE, kahit may ilang indibidwal na employer na handang makipagtalakayan ukol sa mga karapatan ng manggagawa,” dagdag ni Burrow. “Sinisira ng employers’ group ang isa sa mga pinakaepektibong mekanismo para sa karapatang pantao sa mundo. Maaring makatulong ito sa ilang miyembro nito, ngunit kukunsintihin nito at maaring palalain pa ang karahasan laban sa manggagawa,” ayon pa sa opisyal ng ITUC. Kasama sa mga kagyat na kumondena sa ginawa ng IOE sa Geneva ang Federation of Free Workers (FFW), miyembro ng ITUC. Ayon kay FFW president Jose Sonny Matula, ang kinatawan ng mga manggagawang Pilipino sa pagtitipon ng ILO ngayong taon, diniskaril ng grupo ng mga employer ang isang establisado nang proseso batay sa maling paniniwala na ang karapatan ng manggagawa na magwelga ay banta sa ganid na mga negosyante. “Hindi na maaring kuwestiyunin pa ng mga employer ang napagtibay na ng mga batas at ng mahabang panahon nang nakagawian. Sa Pilipinas, tinitiyak ng Konstitusyon ang kalayaan ng mamamayan na magtatag ng mga samahan at kakambal ng kalayaang ito ang karapatan sa kolektibong pakikipagnegosasyon at karapatan sa kolektibong pagkilos, kasama ang magwelga,” paliwanag ni Matula. FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 9 ILO C189: Bagong labor standard para sa mga kasam A ng mga kasambahay ay mga manggagawa rin at may mga karapatang katulad ng sa iba pang manggagawa. Pinagtibay ng Pilipinas ang prinsipyong ito matapos aprubahan ng buong Senado ang ratipikasyon ng International Labor Organization Convention 189 hinggil sa Marangal na Trabaho para sa mga Domestic Workers noong Agosto 6. Inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang Resolution No. 816 na nagpapatibay sa ratipikasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa ILO C189 noong Mayo 18. Sa batas ng Pilipinas, kinakailangang pagtibayin ng Senado ang anumang pandaigdigang tratado na niratipika ng Pangulo ng bansa bago ito magkabisa. Ang Pilipinas ang ikalawang miyembro ng ILO na nagratipika sa C189, pagkatapos ng Uruguay. Dahil may dalawa nang ratipikasyon, magiging epektibo na ang bagong pandaigdigang standard, isang taon matapos masumite sa ILO sa Geneva ng Pilipinas ang ratipikasyon. layaan ng mga kasambahay mula sa mala-aliping pagtrato sa kanila ng kanilang mga employer at lipunan. Maihahalintulad ito sa deklarasyon ni Abraham Lincoln ng kalayaan ng mga negro mula sa pagka-alipin,” pahayag ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers. Bunsod ng ratipikasyon, tatamasahin na ng may 3,4 milyong kasambahay na Pilipino sa loob at labas ng bansa ang mga karapatang tinatamasa ng ibang manggagawa, tulad ng makatwirang oras ng trabaho, lingguhang pahinga, tamang pasahod at mga benepisyo, proteksiyon laban sa pang-aabuso, malinaw na impormasyon ukol sa mga kondisyon sa paggawa at kalayaang sumapi o magbuo ng organisasyon. Noong 2010, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, ang Pilipinas ay nagpadala ng mahigit 154,000 kasambahay, na karamiha’y kababaihan, sa Gitnang Silangang, Europa, Hong Kong at Singapore. Umaabot sa 45 porsiyento ng mga overseas Filipino workers ay mga kasambahay. Makasaysayang deklarasyon Minamatyagan ng buong mundo “Ang ratipikasyon ng Senado sa C.189 ay makasaysayan dahil isa itong deklarasyon ng ka- Ang Pilipinas ay minamatyagan ng buong mundo matapos nitong matagumpay na pamunuan noong 2010 at 2011 ang International Labor Conference Committee on Domestic Workers na nagbunga sa pag-apruba ng lahat ng dumalong bansa sa ILO C189 noong Hunyo 16, 2011. Kasunod nito, nangako ang Pilipinas na magiging isa sa mga unang bansa na magraratipika sa bagong-takdang pamantayan sa paggawa. Naunahan ng Uruguay ang Pilipinas sa ratipikasyon, ngunit ito pa rin ang nangunguna sa Asya. “Mahigit 60 taon mula ng mapagtibay ang Universal Declaration of Human Rights at mahigit 80 taon mula nang magkabisa ang ILO Convention on Forced Labor, mababanaag na rin ng mga kasambahay ang umaga,” ayon kay Matula ng FFW na kaanib sa International Trade Union Confederation (ITUC). Ang FFW ay aktibong miyembro ng Philippine Technical Working Group on the Promotion of Decent Work for Domestic Workers na siyang namuno sa kampanya para sa ratipikasyon ng ILO C.189. Kasama sa DomWork TWG ang mga unyon, mga grupo ng mga kasambahay, NGOs para sa mga migrante, ang DOLE at pati mga grupo ng employers. Patibayin ang Karapatang Mag-unyon at Kolektibon I sang karangalan na makasama kayo ngayong umaga sa paglagda sa Panuntunan sa Pagkilos ng mga ahensiya ng gobyerno patungkol sa Freedom of Association ng mga manggagawa, lalo sa patakaran at alituntunin para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagkakataong di nagkakasundo ang kapitalista at mga manggagawa o may nangyayaring labor disputes. Ang layunin ng Panuntunang ito ay para patibayin ang pagkilala sa Kalayaan na mag-organisa ng unyon at sa karapatang kolektibong makipagtawaran o collective bargaining negotiation ng mga manggagawa sa mga may-ari ng mga paggawaan o tanggapan. Nagagalak ang aking mga kasamahan sa Federation of Free Workers (FFW) sapagkat sa tulong ng tripartite partners at ng International Labor Organization (ILO) ay nabuo na natin ang Panuntunang ito. Aktibong kalahok at saksi ang mga pinuno ng samahang manggagawa at mga employer sa prosesong pinagdaanan natin. Noong isang taon ay inireklamo ng FFW sa ILO at sa TIPC ang pakikialam ng militar sa certification election sa San Roque Metals Inc., sa Tubay, Agusan del Norte. Ang CE ay isang 10 gawain ng manggagawa na di dapat pakialaman ng employer at lalo’t higit ng militar at kapulisan. Bunsod nito ay aming hiningi na magkaroon ng AFP Guidelines on Labor Disputes. Nirekomenda rin ito ng ILO Mission upang maitaguyod ang pagrespeto sa Freedom of Association (FOA) sa Pilipinas. Isa sa pinakaimportanteng talata nito ay ang pagkilala na ang FOA ay pawang karapatan ng manggagawa.Gayunpaman, mas mahalaga sa palagay ko na bigyan natin ng diin ang karapatan sa pag-oorganisa ng manggagawa. Sabi nga ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, “those who have less in life must have more in law.” Lumagda na po ang Pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Panuntunang ito. Ito ay makasaysayang hakbang tungo sa ganap pagkilala na ang karapatang mag-organisa ng unyon, asosasyon at societies ay pinoprotektahan ng ating kasalukuyang Saligang Batas, maging ng mga nakalipas pang Konstitusyon noong 1899, 1935 at 1973. Samakatuwid, bago pa maipasa ang ILO Convention 87 noong 1948, at ang ILO Convetion 98 sa kasunod na taon, na kapwa hinggil sa FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 FOA, kinilala na ito ng ating Saligang Batas ng 1899 at 1935. Nauna pa tayo sa ILO sa pagkilala sa karapatang mag-organisa ng manggagawa. Maraming ma-dramang kwento sa tunay na buhay ang probisyong ito. Una, may mainit na debate sina Claro M. Recto at Jose P. Laurel sa 1934 Constitutional Convention bago ito ipinasa sa plenaryo ng naturang Kumbensyon. Ikalawa, maraming kasapi ng FFW ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinaglalaban nila ito. Yung aming mga lider sa University of San Agustin Employees Union sa Iloilo ay tinanggal ng mga pari bago pa man naging final and executory ang desisyon ng Court of Appeals sa kanilang sinasabing illegal strike, na bahagi ng kanilang pag exercise ng kanilang karapatang mag-organisa at magsagawa ng sama-samang pagkilos. Pangatlo, mayroon ding kompanya tulad ng Interphil Laboratories sa Laguna, na ang presidente ay alumnus ng nasabi ring University, na maski na may final and executory decision na ang Korte Suprema sa isang illegal strike-- dahil sa kanyang generosity sa mga manggagawa at mbahay, niratipika na “Sa pagkilala na ang mga prinsipyo ng marangal na trabaho ay nakapaloob sa gawaing pantahanan, sa wakas ay nagiging tapat ang Pilipinas at ang mundo sa kalikasan nito. Ang karapatan sa paggawa at marangal na trabaho ay hindi nauukol sa ilang uri lang ng manggagawa kundi sa lahat ng manggagawa,” dagdag ni Matula. Ang FFW ay patuloy na nagkakampanya, kasama ang DomWork TWG para sa pagkakaroon ng bansa ng batas para sa mga kasambahay. Proteksiyon laban sa pang-aabuso Mula nang bumilis ang pagdami ng mga manggagawang lumalabas ng bansa noong 1990s, ang Pilipinas ay patuloy na nakatatanggap ng mga ulat ukol sa pang-aabuso sa mga Pilipinong kasambahay sa ibang bansa. Patuloy din ang ilegal na pagpupuslit ng mga Pilipino patungo sa ibang bansa, lalo na ng kababaihan at mga bata, at ang pang-aabuso sa marami sa kanila. Lumala pa ang sitwasyon ng mga kasambahay na kababaihang Pilipino sa mga bansa sa Middle East na may digmaan. Bayani. Si Bonita Baran, ang domestic worker na inabuso ng kanyang amo, ay dinumog ng mga reporter habang kinakapanayam nina Senador Loren Legarda at Senador Jinggoy Estrada matapos ang pagdinig ng Senado ukol sa kanyang kaso. Sa loob ng bansa, ang mga kasambahay ay hindi rin ligtas sa pang-aabuso at pagmamalupit. Mahigit isang lingo lang ang nakaraan, nagbigay ng privilege speech sa Senado si Sen. Jinggoy Estrada, ang tagapangulo ng Senate Committee on Labor, kasabay ng pagpapakilala niya sa isang ng Kumilos ng mga Manggagawa pagkilala niya sa Freedom of Association--wala siyang ni isang opisyal ng unyon na tinanggal. Take note, ito ay sa kabila ng utos ng Korte Suprema na maaaring tanggalin na ang mga opisyal ng unyon. Ang probisyon ng Freedom of Association ay hindi inilagay sa Konstitusyon para gawing palamuti lamang. Kaya sa Federation of Free Workers, kinikilala namin ang karapatang ito. Ang aming mga kawani ay may unyon at may CBA with FFW. May unyon kami sa loob ng aming unyon! Kaya sa puntong ito, buong paggalang kong hinahamon ang liderato ng AFP na kilalanin ang unyon ng mga manggagawa sa Armed Forces and Police Savings and Loans Association Inc. (AFPSLAI). Batid ko na ang AFPSLAI ay hiwalay sa AFP, ngunit ang AFP Chief of Staff ang siya ring Chair ng AFPSLAI. May 20 taon na’ng kinakatawan ng AFPSLAI Employees Association (AEA) ang mga manggagawa ng APFSLAI. Ngunit nitong nakaraang dalawang taon, may mga hakbang ang pangasiwaan ng AFPSLAI para sirain ang unyon. Sa isang makatwirang isip, ang pagbibigay ng notice of strike at pagpiket habang panangha- kasambahay na paulit-ulit na pinagmalupitan ng kanyang amo. Si Bonita Boran ay namasukan bilang kasambahay nang bata pa siya noong 2006. (ituloy sa pahina 12) Ni Atty. Sonny Matula, Pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) lian ay hindi matatawag na illegal strike! Gayunman, ang mga pinuno ng unyon ay kinasuhan ng pangasiwaan ng AFPSLAI. Ang kaso ay pinawalang-saysay ng NLRC ngunit ang desisyong ito ay binaligtad ng CA. At ngayon, may mosyon ang unyon para tingnang muli ng korte ang kaso. Malapit na ang muling pagbubukas ng mga iskwela. Ang mga anak ng mga pinuno ng unyon ay nagdurusa dahil sa pagsira ng pangasiwaan sa unyon. Marami sa mga bata ay walang pambayad ng tuition o pambili ng gamit sa iskwelahan. Ang mga magulang kasi nila ay sinibak sa trabaho dahil sa umano’y pamumuno nila ng illegal strike. Nakarating sa aking kaalaman na ang ilan sa mga sinibak na opisyal ng unyon ay mga kamag-anak din ng mga opisyal ng military na nasa aktibong serbisyo.Tinutulungan natin ang mga NPA at MILF sa bundok para magbago at gumanda ang buhay. Hindi ba natin dapat tulungan rin ang ating mga kababayang kapitbahay lang natin? Buong galang pong hinihimok ng FFW ang Chief of Staff na bigyang-pansin ang isyung ito sa paggawa. Bilang chairman ng AFPSLAI, gamitin po sana ninyo ang inyong kapangyarihan at impluwensiya para resolbahin ito. Ang mga manggagawa po ay nakikiusap na bilang mabuting ama kapwa ng AFP at ng AFPSLAI ay makatulong kayo tungo sa maayos na pag-areglo sa hidwaang ito sa pagitan ng pangasiwaan at unyon ng AFPSLAI. Ang unyon po ng AFPSLAI ay kasalukyang nagsasagawa ng piket sa ibaba. Sumusuporta kami sa kanilang ipinaglalaban. Ang Panuntunan na ating nilagdaan ay mananatiling papel lamang kung hindi natin ito isasabuhay. Malaya nating ipinahayag at ipinangako na atin itong ipatutupad, kasama ang lahat ng prinsipyong kinakatawan nito. Simulan na natin ang pagpapatupad nito at ang sinumpaan nating tungkulin na itataguyod at ipagtatanggol ang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas sa lahat ng pagkakataon. Mabuhay ang manggagawang Pilipino! Mabuhay ang karapatang mag-organisa! Mabuhay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 11 (mula sa pahina 10 . . . ILO C189) Di nagtagal ay nagsimula ang pagmamalupit sa kanya. Pinapalo siya ng walis at binabato ng pinggan tuwing may hindi magustuhan sa kanya ang kanyang amo. Sa kalaunan, ang patuloy na pananakit sa kanya ay nagpabagal sa kanya, na lalo namang ikinainis sa kanya ng kanyang amo. Pinalantsa nito at sinuntok ang kanyang mukha, na kanyang ikinabulag sa kaliwang mata, ikinalagas ng ilang ngipin at ikinapasa ng pisngi. Nakaranas din siyang pagtatadyakan, saksakin ng gunting at sakalin. Ilang linggo pa lang ang nakaraan nang makaipon siya ng lakas ng loob para tumakas sa kanyang amo at humingi ng proteksiyon sa Senado. Samantala, ibinunyag naman ni Sen. Loren Legarda, ang may-akda ng Senate Resolution 816 na nagpapatibay sa ratipikasyon ng ILO C189, na sa Cebu, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development, 80 porsiyento ng mga napaulat na biktima ng panggagahasa, tangkang panggagahasa at iba pang pang-aabusong seksuwal ay mga batang kasambahay. Ang mga kalunus-lunos na kwentong ito ay nagbigay ng ibayong dahilan sa Senado na iratipika ang ILO C189 at udyukan ang Mababang Kapulungan na ipasa na ang Panukalang Batas para sa mga Kasambahay. Ang katulad nitong panukalang-batas sa Senado ay naipasa na may dalawang taon na ang nakaraan. Ang Pilipinas ay tinitingnan ng maraming bansa sa pangunguna sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga kasambahay. Ilang pandaigdigan at pangrehiyon na pagtitipon ukol sa domestic work at migration—sa pagtataguyod man ng gobyerno o ng civil society—ang ginanap sa bansa. Ang mga programa, inisyatiba at patakaran ng Pilipinas ay tinutularan ng maraming bansa. Ang Free Workers ay ang opisyal na pahayagan ng Federation of Free Workers (FFW), kasapi ng International Trade Union Confederation (ITUC) at ilang global union federations. Anumang komento o liham para sa editor ay maaring ipadala sa: Patnugot, Free Workers, FFW Bldg. 1943 Taft Avenue Malate 1004 Manila, Philippines. Telepono: (63 2) 521.9435/ 64. Telefax: (63 2) 400.6656. email: dabigdyul@ gmail.com; www.ffw.org.ph Patnugutan: Julius Cainglet, Punong Patnugot, Manunulat; Sonny Matula, FFW President, Manunulat; Agapito Lugay, Kontributor; Juliet Palabon, Tagapamahala ng Sirkulasyon Maaaring sumipi nang buo o ng ilang bahagi sa mga artikulo sa pahayagang ito sa kondisyong bibigyan ng pagkilala ang Free Workers o ang mga sumulat nito sa anumang pagsasaliksik o paglilimbag na hindi binabaluktot ang pahayag o paninindigan ng Free Workers o ng FFW 12 FREE WORKERS • TOMO XIV BLG. 1 EDITORYAL Pag-oorganisa tungo sa malayang bukas A ng isang malayang bukas ay para sa mga manggagawa. Ito ang paniniwala nating mga unyonista. Kaya nga wala tayong humpay at hinawa sa pagtataya, madalas ng pansariling bukas at maging ng ating buhay. Ang Federation of Free Workers ay 1950 pa ipinundar ng mga nauna sa atin ngunit aktibo pa hanggang ngayon. Malakas ang hatak ng ating pangarap na malayang bukas para sa lahat ng manggagawa. Ngunit nananatiling napakalayo natin sa aating pangarap. Sa 17 milyong manggagawang Pilipinong sahuran, 1.6 milyon lamang ang may unyon at hindi aabot sa 250,000 ang may collective bargaining agreement. Ibig sabihin, wala pang isa sa bawat 100 manggagawang sahuran ang may unyon. At isa lamang sa bawat 100 manggagawang may-unyon ang sakop ng CBA. Kaya nga, marapat lang ang diin ng kasalukuyang liderato ng FFW sa pagoorganisa bilang pangunahin nitong programa. Maganda ang konklusyon ni FFW president Atty. Jose Sonny Matula: “May 90% ng mga manggagawa sa bansa ang walang unyon o samahan. Kaya 90% ang ating oportunidad sa pag-oorganisa.” Maraming hadlang sa pag-oorganisa ng manggagawa sa bansa. Pinakamalaki sa kasalukuyan ang talamak na kontraktwalisasyon o pag-iwas sa regularisasyon ng manggagawa. Pero nariyan din ang usad-pagong na pagdedesisyon ukol sa pagkilala sa mga unyon at pagresolba sa mga kaso ng kontra-unyong gawain ng mga kapitalista. Nariyan din kung minsan ang paggamit ng kapitalista sa mga elemento ng sandatahan o kapulisan laban sa mga manggagawa. At huwag kalimutan, napakalaking hamon ang mag-organisa ng mga manggagawa sa gitna ng dagat ng mga walang trabaho na handang kumapit sa patalim. Isama pa natin ang lumalaking bilang ng underemployed na patuloy na naghahanap ng dagdag sa kita kung kaya’t walang panahon sa pag-uunyon. Sa harap ng mga hadlang na ito, walang maliit na tagumpay sa mga unyonista. Bawat tagumpay sa pag-oorganisa at pagtatanggol sa kalayaan ng manggagawa na mag-unyon at kolektibong makipagtawaran at kumilos, kasama na ang magwelga kung kailangan, ay mahalaga. Kaya nga, ipinagbubunyi natin ang pagkapanalo ng FFW sa certification election sa Redsystems Co., Inc. ng CCBPI, na may mahigit 2,500 kawani. Ikinagagalak din nating pansinin na sa nakaraang 12 buwan, mahigit 20 bagong unyon o mahigit 10,000 manggagawa ang na-organisa ng FFW. Huwag tayong tumigil sa pagsisikap mag-organisa. Ibuhos nawa muli ng mga lokal, trade federations, staff at volunteers ng FFW ang suporta sa mga susunod na C.E. tulad ng sa Acpak Incorporated nitong darating na mga araw. Tagumpay rin ang pagpapahigpit natin ng ating ugnayan sa mga kapatid natin sa paggawa sa ibang pederasyon at sa ibayong dagat. Higit na lumawak din ang ating impluwensiya sa pamamagitan ng pamumuno at pagiging aktibong bahagi ng maraming kampanya, tulad ng sa pagpapatibay sa karapatang mag-organisa, pagtataguyod ng katiyakan sa trabaho, AFP at PNP Guidelines, marangal na trabaho para sa domestic workers, pagwakas sa child labor, pagtataguyod ng exclusive breastfeeding, pagtugon sa climate change at pagpapalaganap ng green jobs at marami pang iba. Naging epektibo tayong tagapagsalita ng uring manggagawa. Harinawang ang mga tagumpay na ito sa panloob at panlabas na usapin ng FFW ay magsilbing tungtungan natin upang mas marami pa tayong ma-organisa at mas marami pa tayong makasama sa pakikibaka upang magpanday ng mas malaya at mas magandang bukas para sa lahat ng manggagawa. Mag-organisa ng Unyon! Mag-donate sa FFW Organizing Fund! Makipag-ugnayan kina Juliet, Lani at Gladys sa 521-9435/64