Now Should Be Forever Written by Kharu435 of Wattpad (kharu435@yahoo.com) @October 2011-January 2012 “Could now really last forever?” All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional. Note that the names of the characters, time, place and events are story bound. Thank you. ^__^ (This story is the sequel of Love Team. Pero kung hindi niyo man po mabasa yun, okay lang kasi hindi naman sa characters ng Love Team umiikot ang story na ‘to. But I hope you could also check it out. Now, enjoy! To God be the glory!) [PROLOGUE] Maiksi lang ang buhay. Ganyan ang palaging sinasabi ng marami. Sa sobrang iksi, hindi mo na namamalayan ang paglipas ng oras. That's why you have to spend the rest of your life with your loved ones. You should be busy making yourself happy. Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala sa mundo. Pero paano kung malaman mo na kung kailan ang araw na yun? Your days are NUMBERED. Ni hindi mo pa nga nararanasang magmahal at mahalin. You're HOPELESS. But what if love comes.. In the most unexpected time and way? Just when you thought everything would be over for you, It just turned out to be the beginning of the life you've always been dreaming of. But the question is.. Could NOW really last FOREVER? (Credits to the pictures below. For imaginary purposes only. ^___^) Israel “Popoy” Marques Ace Gabriel Navaza Christian Lim Ryan Louie Reyes Dexter Sanchez Enzo Limuel Chu Kurt de Leon *black, bold fonts- EXTRAS Kimberly Joyce Tiangco Shayne Jimenez Ciara Mae Clemente Ezra Marques [Chapter 1] “Pinsan, Room 435 ha? Bilisan mo!!” Pasigaw na sabi ng pinsan ko. ”Oo! Malapit na ako! Hintayin niyo ako jan!” “Eh ‘tol! May pupuntahan din kaming mahalaga! Bilisan mo na lang! Sorry Poy!” ”ANO?? EH SINONG MAGBABANTA-----” Binaba niya ang telepono. Sh*t! Kumaripas na ako ng takbo papunta sa pinaka-malapit na ospital. Ano ba kasi yung pupuntahan nila at mas importante pa ba yun sa nangyayari ngayon?? Naiinis din ako sa sarili ko, mas inuna ko pa ang barkada ko kaysa kay Mama! Naka-rating ako sa ospital at nagmadali ako papasok. ”Ah Sir! Saan po kayo?” Tanong ng nurse. Crap! Nagmamadali ako! “Room 435!” Tatakbo na sana ako nang mag-tanong siya ulit. Bwisit!! ”Kaanu-ano niyo po pala ang nandoon? Kada-dala lang po kasi ng pasyente na yun eh.” ”Siya ang pinaka-mahalagang babae sa buhay ko.” Iniwan ko na siya bago pa ulit magtanong. Ang daldal na nurse! Pati parang kinikilig pa siya. Ano kaya yun? Kailangan pa bang tanungin kung ano ko ang nandun? Kung may common sense siya, alam niyang nanay ko yun! Isang mid-40s na babae, alangan namang kapatid ko? Tsk. Takte! Ang bagal ng elevator! Kung pwede ko lang suntukin ’to, ginawa ko na eh. Tumakbo na ako sa hagdanan, kailangan kong magmadali!! Habang umaakyat ako, parang ang bagal ng oras. Naiisip ko lahat ng pinagdaanan namin ng nanay ko. Siya na lang ang natitirang magulang ko. Iniwan kami ng tatay ko noon. Wala na kaming balita sa mga kamag-anak naming sa kanya, kaya yung mga kamag-anak ko lang kay Mama ang kilala ko. Wala na rin akong balak na maghabol sa tatay ko. Kaya naming dalawa ng nanay ko. Kaya hindi ka pwedeng mawala Mama! Konti na lang, malapit na ako! Isang floor na lang ang aakyatin ko. ”Room.. Haaaaaah! 435!” Hingal na hingal ako sa harap ng pinto. Takte. Kinakabahan ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang naka-higa sa kama at naka-talukbong ng kumot. Nakita kong humihinga pa siya. ”Pinakaba mo ’ko Ma.. Sorry.” Umupo ako sa tabi niya. ”Bakit ang payat mo yata ni Mama? Hindi ka na ba nakakakain ng ayos Ma? Napapabayaan ka nila Christian? Humanda yung mga yun sa’kin pag-uwi ko.” Nakita ko rin yung kamay ni Mama, ang puti ah? ”Mukhang hindi ka na rin nakaka-labas ng bahay Ma.. Pangako, pag naka-labas ka na dito, ipapasyal kita kahit saan mo gusto, kaya pagaling ka ha?” Hinalikan ko ang noo niya. Teka nga, nakaka-hinga pa ba ’to nang maayos? Nakatalukbong eh. Dahan-dahan, tinanggal ko yung kumot. ......... TEKA??!!! HINDI ITO ANG NANAY KO AH??? Masyado ’tong sexy at maganda para maging nanay ko! Hehe. Buti hindi ako naririnig ni Mama. Patay! Magigising na siya!! Unti-unti.. Iminulat niya ang mata niya. O___O “AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!! TRESPASSEEEEEEEEEEEEERRRRR!!! RAPIIIIIIIIIIIIIISSSSSSST!! NURSEEEEEEEEEEEE!! HE-------“ “Shhhht!! Miss! Wag kang mag-iskandalo!! Hindi—“ “AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! TULONG!!!!!” Tinakpan ko na ang bibig niya. “Miss.. Wag kang maingay..” “Hmmmmmmmmmmmff!! Huhuh!!! MMMMMMMMMMmmmmmmmmmmmmm!!” Takte! Bakit yun ang sinabi ko! Mas lalo akong nagmukhang rapist! Anak ng pating naman oh! ”Miss, listen. Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo, but promise me na hindi ka na mag-iiskandalo, okay? Wala akong gagawin sayo. Ako ang biktima rito. =__=” Humanda kayo sa’kin Christian. Malalagutan ko kayo ng hininga. Tumango siya. ”Nagkamali ako ng pasok ng room. Ay hindi pala, pinag-tripan lang ako ng mga pinsan ko. Sabi nila, nandito daw ang nanay ko! Sh*t.. Akala ko totoo na!” She giggled. ”Don’t cuss.. Haha!” ”Ow. Sorry.” Napansin kong mukhang malungkot siya. Gusto ko siya biglang... Samahan.. ”Bakit pala mag-isa ka?” Tanong ko. ”Wala namang naga-aksaya ng panahon para asikasuhin ako eh..” ”Pamilya mo?” ”Busy silang lahat.. *sigh* Palagi naman eh..” ”Eh.. Ano bang.. Sakit mo?” Pansin ko kasi masyado siyang maputla. ”Ha?? Ahh.. A-ano!! Wala!! Nakakatawa kasi ano... D-diarrhea lang!” Nahihiya niyang sagot. Hindi naman nakakatawa yun ah? Pfft.. Hmmm.. Pff. Sabi nang.. Haha! Hindi sabi nakakatawa eh! Wag kang tumawa Popoy.. Bastos ka! Haha!! ”Oh, hindi naman pala grabe talaga eh. Dehydration lang ang pwede mong makuha. Eh ang nanay ko, may sakit sa puso kaya talagang dapat puntahan agad.” Pigil ko ang tawa ko. ”Siguro nga.. Kasi hindi naman ako importante.” ”Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.. Syempre, kung malala ka.. Aasikasuhin ka nila..” May binulong siya pero hindi ko narinig. ”Ako nga pala si Popoy.” Ang pormal yata nun. Yak. ”Popoy? Haha! Sounds weird. I’m Kim.” Pangalan ko? Weird? Aba, aba, aba. “Hoy, anong weird??” “Hey! Chiill! I mean, you look uhmm… cool! Astig, tapos pangalan mo Popoy? Haha!!” Tumawa siya. Nawala yung inis ko nung tumawa siya. Eh? Maya-maya, tumatawa na rin ako kasama niya. Ano bang klaseng babae ‘to? Kahit may diarrhea, maganda pa rin. Sana pala lahat ng may diarrhea kamukha niya. Haha!! Ack. Ang bastos ko naman +___+ [Chapter 2] **Kim’s POV** I never thought I would enjoy a stranger’s company. Sandali pa lang kaming nagkaka-usap pero sobrang komportable na akong kausap siya, though wala akong alam sa kanya bukod sa pangalan niyang weird. ^___^ Eh kung ganito nga naman ka-good looking ang stranger, why not? Haha! ”Poy, may tanong ako.” ”Ano?” ”Popoy ba talaga ang pangalan mo?” Duda kasi talaga ako. Haha! ”Hindi.” I knew it!! ”Eh anong tunay mong pangalan? Full name na.” “Israel Marques.” Eh?? “Israel?? Popoy? Ang lapit ha?? Saan naman nahugot yung Popoy?” Kung makapagreact ako, kala mo close talaga kami eh no. Haha! Namula siya bigla. OmO ”Dali naaaaaaaaa!! Sabihin mo na!!!” I’m dead curious! Haha! ”Wag na. Nakaka-hiya..” “Pfft. Mas nakakahiya pa ba sa pag-sabi kong may diarhhea ako?” Crap, inulit ko na naman. He sighed. ”Kasi, nung bata ako.. Paborito ko daw yung.. Yung Popoye the sailorman..” SERIOUSLY??? “O-oh?? T-tapos??” Grabe na!!! Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang pigilin ang tawa ko. I don’t want to offend him. Haha! Mas mukha pa siyang constipated kesa sa’kin! XD “Ayun.. Palagi ko daw.. Kinakanta yung kanta nun.. Tapos.. Imbis na Popoye… Popoy ang sinasabi ko.. Kaya yun ang tinawag nila sa’kin..” Mahina niyang sabi. I even heard him cuss. Haha!! It’s really funny! Kung pwede lang humiga sa sahig kakatawa ginawa ko na. But he look so cute while blushing!! Kanina lang mukha siyang astig at cool, ngayon.... No comment haha! “Hindi ka ba tatawa? Hindi mo ako tatawanan?” Tanong niya. Naku, kung alam mo lang. XD ”There’s nothing wrong with uhmm.. Popoy. Cute naman eh! Haha!” Nag-blush ulit siya. Haha!! “Eh ikaw, full name mo?” Tanong niya. “Ah, Kimberly Joyce Tiangco.” “Tiangco?” “Yup ^___^” “Tiangco?? As in.. Masakit ang TIANGCO??!! PUHAHAHAHAHAA!!!” He’s laughing like there’s no tomorrow. =____= Pagkatapos kong pigilan ang tawa ko kanina, eto lang? “Hey!! Wag mong babuyin ang last name ko! Bwisit ka!” “S-Sorry!! Haha! Hindi na, hindi na talaga.. ahaha!” Pinakalma niya ang sarili niya. ”Hmpf.” ”Sorry na, haha! Nga pala, kelan ka raw makakalabas?” ”Hindi ko pa alam eh.. Wala pang update ang doctor ko.” ”Eh gaano katagal ka na ba rito?” ”Magwa-one week na siguro..” ”Ang tagal mo na pala? Kaya pala ang putla mo na.” Aww.. Maputla na ba talaga ako? T___T ”Edi ang tagal mo nang absent?” Tanong niya. ”Obvious ba?” ”Sabi ko nga. Haha! Anong year mo? Saang school?” ”Senior, Eastmead High..” ”Oh? Pareho tayo!! Section mo?” Pareho kami? Bakit di ko siya nakikita?? ”IV-2, ikaw? Ang galing!!” ”Aww. IV-4 ako eh.” Kaya pala, hindi naman ako gala sa campus. Tumingin siya sa orasan. ”Hey, Kimmy. Tanghali na pala, Kailangan ko nang umuwi, baka nandun na si Mama. Uhh.. Bibisitahin na lang kita rito kapag may time ako, para hindi ka naman lonely. I had a great time. Salamat.” We shaked hands and he headed to the door. “Uhmm.. Kim?” “Yes?” “Tawag ka ng nurse kapag sumakit yung TIYANMO ha?? HAHAHAAHA!!!” Tumakbo siya palabas. LALAKING YON?? UGH!! Bakit ko kasi sinabing may diarrhea ako! Napangiti na lang ako nung ma-realize kong mag-isa na lang ulit ako sa kwarto. Ilang linggo na ko rito, pero ito pa lang ang pangalawang beses na may bumisita sa’kin. Una, nung hinatid ako rito pagkatapos kong mag-collapse sa school. Bilang lang din ang mga ka-close ko sa school. Tapos busy ang lahat doon palagi.. No one has their time for me. Pero si Popoy, ni hindi ako kilala.. Within an hour, he became one of those few persons who knows me.. The other side of me.. The real me. Siguro, kapag nagkita kami sa school, maninibago siya sa ugaling ipapakita ko. Pero mukhang matatagalan pa ako rito eh. *sigh* Till then, I’m looking forward to seeing him again. [Chapter 3] **Popoy’s POV** Naka-ngiti-- Ay. Nakatawa pala. Nakatawa akong lumabas sa room 435. Sinong maga-akalang mage-enjoy ako ng todo na kausapin ang isang babae na ngayon ko lang nakilala? Masaya siyang kausap at kwela rin. Hindi siya maarte at hindi rin pa-cute katulad ng iba. Hindi mo mahahalatang may sakit siya. Kung tutuusin, diarrhea lang nga naman kasi ang sakit niya. Pero siguro mahina rin ang resistensiya niya. Kapag ako kasi, nagkaka-diarrhea, banyo lang ang katapat. Pumasok sa isip ko yung nurse kanina. Kaya pala parang kinikilig yun kanina? Crap. Nasabi ko pa yung cheesy line na yun sa kanya. Malay ko bang hindi naman pala nanay ko ang nandun? At hindi porke’t nag-enjoy ako kasama ng taong nasa kwartong yun eh maliligtas na ang mga pinsan kong ulol. Humanda sila pag-uwi ko. Alam kong nagta-tago na yung mga yun ngayon. Ganun naman sila eh. +__+ Buwan-buwan may bago silang plano para pagtripan ako. Malala nga lang talaga yung ngayon. ’Wag lang silang papahuli sa’kin. Tinext ko si Mama kung nasaan siya, nasa bahay pala nung bestfriend niya. Hahayaan ko na lang siyang mag-enjoy dun, ayaw kong makita niya ang madugong kahihinatnan ng mga pinsan ko, lalong lalo na si Christian, siya ang pinaka-ulol samin. Tinext ko rin si Christian na hindi ko naman usually ginagawa. To: ‘Insan Prepare to die. Nakanaman!! Lambot na ang tuhod niyan panigurado. Haha! Kahit naman mag-tago sila, pare-pareho lang kami ng pinapasukan, kaya makikita’t makikita ko sila. Yun nga lang, sa Lunes pa. Sabado lang ngayon eh. Maya-maya, tumunog yung cellphone ko. Tumatawag si Kurt, tropa ko. ”Oh, P’re, napatawag ka?” “’Tol, busy ka?” Kapag nag-tatanong siya kung busy ako, ibig sabihin may problema. “Bakit?” “May riot eh.” “Saan? Sino sa tropa ang napasama?” ”Sa 3rd street. May mga trespassers kasi galing sa kabilang grupo, nagka-taong napadaan doon sina Dex at Louie. Kahit pa kayang-kaya naman nila ang mga ga**** yun, masyado silang marami kaya dehado sina Dex..” ”Sakto, malapit na ako dyan. Susunod pa ba kayo?” ”Tss. ’Di na, kaya mo na yan tsong.” ”Tamad ka talaga. Haha! Sige” Binaba na niya yung telepono. Si Kurt ang nakaka-alam ng lahat ng nangyayari sa mga teritoryo namin, kapag may gulo, ire-report niya kaagad sa’kin. Ako ang boss eh. Haha! Pero tropa ko silang lahat. Buong kalye ng village namin eh teritoryo namin. Twenty-four streets lahat-lahat. At kung inaakala niyo na salot ang turing sa’min ng mga naka-tira rito, maling-mali kayo. Parang mga superhero kami rito. Yung mga gang lang naman sa ibang village ang mahilig manggulo. Armado sila palagi kaya hindi kaya ng mga tanod. Sa amin na sila pinapaubaya. May access din kami sa mga CCTV cameras sa buong village at obviously, si Kurt ang may hawak nun. Barkada rin namin pati mga guards dito. Hindi rin kami yung tipo ng gang na hithit dito, tungga doon. Hindi kami cheap. Game na game lang kami sa bakbakan. Yun lang. Anak mayaman kaming lahat eh. Gwapo pa. B’D Pagka-liko ko sa 3rd street, nakita ko kaagad sila. May konting galos na sina Dex at Louie, mga sampu na ang bagsak sa kalaban at may sampu pang natitira. ”Mga tsong! Pagod na kayo. Ako na dyan.” Sabi ko. ”Poy!! Sige, amoy pawis na kami. May date pa kami!” Sabi ni Dex. Tinapik nila ang balikat ko at umalis na. Hindi sila duwag, alam lang nila na hindi ako mahihirapan dito. Kaya nga leader ako eh. ”Oh, sino naman ’tong mayabang na ’to?” Sabi nung isang matangkad. Tss. Mukang Frankenstein. ”Akala niya siguro kaya niya tayo. Eh yung dalawa niya ngang kakampi hindi tayo kinaya eh. Siya pa kaya na mag-isa lang?” Aba, minamaliit ako ah. Nag-bang sign ako sa CCTV camera sa may light post. Alam kong nanunuod si Kurt doon. Nayabangan yata sa inasal ko yung mga kalaban at nag-simula silang sumugod. Nauna yung pinakamaliit. Ano ’to, by height? ”Yaaaaaaaaaahhhhhhh!!!” Sinubukan niya akong suntukin. ”Ay teka, yung sintas ng sapatos ko natanggal.” Yumuko ako at inayos yung pagkakabuhol ng sintas ko. Dahil dun, natisod yung susuntok sa’kin at naka-iwas ako. Boring. =___= Inis na inis yung bugok at sinubukan ulit akong suntukin pero tumagilid ako at nakaiwas ako sa kanya. ”Yan lang ba? *yaaaawn*” ”Aba’t bastos ka ah? BOYS! Sugod!” Nagsabay-sabay na sila. Hay. Kahit gawin niyo ‘yan, wala kayong mapapala. Susuntok sila, iiwas ako at sisipain sila. Kapag natumba na, tatapak-tapakan ko pa. Kapag makulit, sinisikmuraan ko na. Takte, ang gagabok nila. =__= ”Oh, sino pa? Dali. Maliligo pa ako.” Nag-takbuhan sila palayo. Tsk. Mga duwag. Nagulat na lang ako nang lumabas lahat ng tao sa mga bahay nila magpalakpakan. Aba nga naman, heroes’ welcome! Haha! ”Sige po..” Sabi ko at nag-lakad na pabalik sa bahay. Pag-uwi ko sa bahay, wala pang tao. Mukhang nagtatago nga yung mga pinsan ko, hindi sila naka-tambay eh. Dapat lang. Naligo ako at nagbihis. Ano kayang gagawin ko? Matutulog na lang sana ako nang maalala ko bigla ang dapat kong gawin. TAKTE. MAY TATLONG PROJECT PA NGA PALA AKONG GAGAWIN!! [Chapter 4] **Kim’s POV** Nagising ako nang may kumakatok sa pintuan. Nurse siguro. Haaaaay! Magdadalawang linggo na akong confined, and I’m fine already! Tumataba na nga yata ako kasi masyado silang segurista sa pagpapa-kain sa’kin, at hindi naman ako nakakapag-exercise masyado. “Pasok po.” Sagot ko sa kumakatok. “Anak!!!” I gasped. “Mommy??!!” Tumakbo papunta sa’kin si Mommy. “Kyaaaaaaah!! I missed you baby, Sorry ngayon lang ako naka-dalaw ah? Alam mo namang busy sa work si Mommy. Inaalagaan ka ba nila nang maayos dito?” Baby daw, 16 na kaya ako! Haha! “Yup Mom, tumataba na nga ako oh!!” “Haha! Okay lang yan! You’re still beautiful, mana ka sa’kin eh!” Yeah! Mana talaga ako sa Mommy ko. Kung titingnan nga parang kapatid ko lang siya. Hindi naman siya nagpapaayos ng mukha. Kyaaaah! Sana ganun din ako paglaki ko. Hoho! “Haha! Eh, si Dad po pala?” “Eh? Kanina lang katabi ko siya ah?” Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Daddy na mukhang haggard na haggard. ”Oh my gosh Siopee, what happened to you???” Siopee at Siomee ang tawagan nina Mommy at Daddy. Hindi nila sinasabi kung bakit huhu.. Pero sabi ng mga kaibigan nila, nakaka-inlove daw talaga ang love story nila. ”Kanina lang naka-sunod ako sa’yo, eh bigla na lang may humila sa’kin at pinagkaguluhan na ako.” Ang gwapo mo kasi Dad. Haha! ”Tsk. Kawawa ka naman. Haha!” Sabi ni Mommy. Ang saya naman, family day kami! Haha! Solong anak lang ako kaya sa akin lahat ang attention nila. Ayaw na nila akong sundan, kasi mahirap mag-buntis si Mommy. Mabuti na nga lang at naka-survive kaming dalawa ni Mommy non. Ay! May kuya pala ako, si Kuya Sio-Sio. Yung stuffed toy na binigay daw ni Daddy kay Mommy noon. They’re one weird couple, aren’t they? At tungkol sa mga nasabi ko na hindi ako mahalaga sa kanila at palagi akong magisa, well.. Nagda-drama lang ako nun. Malungkot kaya masyado ang mag-isa sa hospital! Busy palagi sina Mommy at Daddy sa trabaho nila. Pero naiintindihan ko naman, immature lang talaga ako at times. ”Nga pala anak, may good news kami sayo!” Sabi ni Mommy. “Really? Spill it Mom!” “We’re going home!! Because you’ve been a good girl, makakalabas ka na! Kaya dali, mag-bihis ka na, ininvite namin ang mga close friends mo, maghahanda tayo ng konting celebration para sa’yo..” “Talaga!! Kyaaaaaaah!! I’m really happy!!” Sa wakas!! After two weeks, hello real world na ulit ako!! Promise iwasan ko na talaga na maospital ulit, though hindi ko alam kung maiiwasan ko nga yun. Ayoko na sa hospital! I hate needles! Ayoko rin na nagaalala silang lahat sa’kin. Ingat na ingat pa naman sila sa’kin. Kaya nga lahat ng gusto ko binibigay nila. Only child nga ako kaya gusto nila masaya ako palagi. Si Mommy naman, ang bilis umiyak sa tuwing magfe-faint ako! I’m not that close to dying! Okay pa ako, nakakapang-bully pa nga ako eh! Oops. My bad. Haha! They allow me in everything I want to do pero syempre, yung mga safe na bagay lang naman at yung hindi bad influence. Hindi pa naman ako pinag-babawalan sa strenuous activities kaya pati yung mga activities na hindi karaniwang ginagawa ng typical girls eh pinapasok ko. My parents are proud of me! Nakakatuwa rin na hinayaan nila akong matuto ng self-defense. Kaya ni minsan, hindi ako nagalaw ng mga nag-tangkang gumalaw sa’kin. They faced my fist and the heels of my feet instead. ^______^ Ang astig kaya! Pati nga yung bestfriend ko naiinlove sa moves ko. Haha! Joke. Marami pang bagay-bagay tungkol sa sarili ko na hindi alam ng marami. Well, lalabas at lalabas din yon. For now, e-enjoyin ko muna ang feedom ko!! Horraaaaaaay!! [Chapter 5] **Kim’s POV** “Kyaaaaaaaaaah!! Fresh air!!” Sabi ko habang nagi-inat pa. Grabe! Hindi ko akalaing mami-miss ko nang ganito ang outside world! Pauwi na kami sa bahay. Tutal, Sabado pa lang naman ngayon, makakapag-party pa kami the whole night and then bukas, gigimik naman kami ng friends ko. Kailangan ko rin silang maka-usap tungkol sa mga lessons na na-miss ko nung wala ako. Siguradong madami-dami akong hahabulin!! ”Mom, Sino ba mga tinawagan niyo para sa mini party?” ”Syempre yung mga friends mo, tapos nag-invite na rin kami ng ilang mga kaibigan namin ni Daddy mo.” ”Ah.. Okay!” Malayo-layo rin ang hospital sa bahay. Hindi ko rin maintindihan pero feeling ko pagod na pagod ako, eh nakahiga lang naman ako sa loob ng dalawang linggo. Nakakapagod mag-isa. Chos. Haha! ”Mommy, Daddy, makaka-pasok na ba ako sa Monday?” ”Uhuh. Sabi ni Dra. Mijares pwede na raw, as long as you’ll not force yourself. You should avoid stress and unhealthy food.” Sabi ni Mommy. Aww.. “AND, Sorry but no gimiks and hanging-out for a week, okay? Kailangang makapag-pahinga ka para mabawi mo ang lakas mo. Do you get me?” Sabi ni Daddy habang nagd-drive. “Can I use my motorcycle?” “No.” Sabi ni Daddy. >O< “The car, then?” “I’m sorry sweetie but no.. Dito ka muna sa bahay..” Si Mommy. >O< *sigh* “Okay, I understand..” Aww. Akala ko pa naman makka-gimik na kami ng BFFs ko bukas. Well, okay na rin siguro ang party mamaya. Marami pa namang time para sa gimiks eh. Mahal ko rin ang sarili ko no! Hindi ako pwedeng mag-pabaya. Maya-maya, tumigil na ang kotse and at last!! We’re hooooome! Nakikita ko na yung mga maids na naga-ayos ng garden. Waaaaaw, mukhang masaya! Bumaba na kami ng kotse at sinalubong ako ng mahigpiiiiiiiiiiiiiiiit na yakap ni Aling Maria, yung head maid namin. ”M-manaang! Mahigpit na masyado! Haha!” ”Naku! Na-miss kitang bata ka! Halika, pasok na po tayo, Sir, Ma’am. Nakahanda na po ang garden at may mga bisita na rin.” ”Sige, Thank you Manang.” Pumasok na kami at doon, kinuyog naman ako ng bestfriend ko at ng mga pinsan ko. Waaaaaaaa! Na-miss ko sila! Haha! ”Bruhaaaaaaa! Na-miss ka namin! Haha!!” – Shayne. Bestfriend ko. ”Girls, hinay-hinay lang ah, kalalabas lang niyan!” Sigaw ni Daddy. Nag-diretso kami sa picnic garden pagkatapos naming kumuha ng mga pagkain. Waaaaaa, sa wakas.. Hindi menu sa ospital. Haha! ”Girl, ang boring siguro ng stay mo dun ’no?” ”Supeeeeeeer! Tatlong beses nga lang akong nabisita eh!” ”Tatlo? E ang pagka-kaalam ko, dalawang beses lang dumalaw ang parents mo sayo. Sino yung isa pa?” Bigla kong na-alala si Popoy. Napa-ngiti ako bigla. ”Whoa whoa!! What’s with the smile?? SHARE!!” ”Wag ka nga! Wala yun. Haha!” ”Aba, nagsi-sikreto ka na ha?” Kinulit ako nang kinulit ni Shayne at wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya ang nangyari the other day. ”EEEEEEEEEEEEEH?? AS IN MEGA GWAPO? MADAYA KAAAAAA!!” Ouch. Tenga ko +__+ ”Ano ba! Wag kang sumigaw! Eh kasalanan ko bang may gwapong magkamali ng pasok ng room? Haha!!” “Ewan!! Ang gulo mo naman eh, kasing gulo ng apelyido mo! Kukuha muna ako ng barbeque! Amp!” Iniwan ako ni Shayne at pumunta siya sa table. Baliw talaga. Bakit nga pala niya nasabi na magulo ang apelyido ko? Well, magulo naman talaga. I’m Kimberly Joyce Tiangco, only daughter of Mr. Paolo and Mrs. Yna Valenzuela. See? Sila, Valenzuela while Tiangco naman ako. Magulo kasi. Pero biological parents ko talaga sila. Delikado kasi talagang mag-buntis si Mommy kaya hindi na ako nasundan. Noong maipanganak niya ako, ilang araw siyang hindi magising, or buwan daw ata? Grabe nga eh, sobrang depressed daw nun si Daddy. Sa sobrang paga-asikaso ni Dad kay Mom, hindi niya ako maalagaan ng ayos kasi malayo yung mga kamag-anak namin. Wala siyang ibang matakbuhan kundi sina Tita Sandi at Tito Cedrick, yung bestfriends nila. Iniwan nila ako dun. Hindi pa ako nabibinyagan. Dahil hindi nila ako maasikaso, sina Tita Sandi ang nagpa-binyag sa’kin at sa kanila ako for one year. Pinasunod nila ako sa apelyido ni Tito Ced since karapatan daw nila yun at wala pa rin silang anak nun. Tinuring nila akong anak nila kahit na nasa poder na ulit ako nina Mommy. Hanggang ngayon, hindi nila binabago ang last name ko biglang pagtanaw na rin ng utang na loob kina Tito. Wala namang problema pagdating sa mga papeles at data tungkol sakin kasi settled na lahat yun. Ang gulo, alam ko. Haha. Pero sobrang proud ako sa surname na dala-dala ko. Kaya ang sarap umbagan nung lalaking tinawanan nang wagas ang last name ko +__+ ”Na-picturan mo ba siya?” Tanong ni Shayne pagka-balik niya. ”Duuuh. Wala akong dalang Cellphone sa hospital at lalong walang camera. Saan ko naman gagamitin yun diba?” “Okay, eh nahingi mo ba ang number?” “Ano ako, desperada?!” I rolled my eyes. “Eh pangalan? Natanong mo?” Putek. Mas curious pa kesa sa’kin. >__< “Israel.. P-Popoy.. Marques.” Muntik na naman akong mapa-halakhak nung banggitin ko yung Popoy. Hoho!! O______O --- Mukha ni Shayne. “Nang-yari sa’yo?!” Bigla na lang natulala. “SERYOSO KA BA??” “Mukha ba akong nag-bibiro?” “TALAGANG SI ISRAEL MARQUES ANG NAKA-USAP MO??” “OO NGA!!! Wag kang sumigaw!!” “Sorry naman! Grabeeeee!! Ang swerte mooooo!!” “Ha?” “You’ve had a LOOOOOOOOOOONG conversation with Israel Marques, sikat yun sa village namin at lalong-lalo na sa school! Trending topic siya lagi sa forums ng school natin, lagi lang kayong naghahabulan sa hot list ng personalities sa campus. DUUUUH, palibhasa yung profile mo lang ang tinitingnan mo!!” Teka? Popoy… O___O POPOY MARQUES?? Bakit hindi ko kaagad na-recognize yung pangalan niya? Shame on me!! ”Oh, na-realize mo na?” ”Oo, ngayon ko lang na-realize!!” Napa-tulala na lang ako. Siya pala yung Popoy na sikat a school, sa forums and sa websites. Palaging sinasabi ni Shayne na nahahabol na ng isang “Popoy” ang rank ko sa hot list ng school. Kung minsan, tie kami. Can’t blame them. He’s a hottie >__< Bakit kasi di ko siya kilala? Kapwa ko sikat di ko kilala. Argh. Haha! ”Eeh!! Edi close na kayo? Tapos papasok ka na sa Monday?” ”Malay ba natin kung isnabero pala yun sa personal?” ”Well, madalas cold yung aura niya at palaging naka-sunod sa kanya yung barkada at mga pinsan niyang umaapaaaaaaaw sa coolness at kagwapuhan. Pero malay mo? Nabiktima rin siya ng beauty mo?” ”Sino bang hindi? Haha!! Joke!” ”Whatever. Basta! Kapag close kayo, ihingi mo ko ng number ah? ^__^” ”Dream on, Shayne.” “Daya!! Kahit mga pinsan na lang niya! Haha!” “Ikaw, isa ka pang Landirella eh..” “Mana ako sa’yo eh.” Nag-chikahan lang kaming dalawa. Pero napa-isip ako. Ano nga kayang mangya-yari kapag nag-kita kami sa campus? Mabait pa rin kaya siya? Kilala pa niya kaya ako? Aba, siguro naman. Hard to forget ako eh. Haha! Joke ulit. Israel ”Popoy” Marques. I’ll remember that name. ^__^ [Chapter 6] **Popoy’s POV** ”Alis na ko, Ma.” Hinalikan ko si Mama sa pisngi tapos lumabas na ng bahay. ”Ingat ka.” Sagot ni Mama. Lunes ngayon, may pasok na naman. Putek, akala ko hindi ko matatapos yung tatlong project na dapat kong gawin! Mabuti na lang natapos ko lahat. Hindi pa nagpa-pakita sina Christian sa’kin ah, masyado yatang natakot? Hindi ko tuloy makutusan. +___+ Si Kim kaya, papasok na? Hindi ko pa ulit siya nabibisita. Kumusta na kaya siya? Siguro naman naka-labas na yun? Ibang klaseng diarrhea naman yun kung hanggang ngayon confined pa rin siya. Binabati ako ng lahat ng maka-salubong ko habang palabas ako ng village. Kilala naman nila akong lahat eh. Parang wala tuloy pinagka-iba yung mga eksena sa school at eksena dito sa village kapag dadaan ako. Kilala rin naman ako sa campus. Palagi akong nakakahabol sa rank 1 sa top list of personalities ng campus. Hindi ko lang ma-alala kung sino yung palagi kong kadikit sa laban. Hindi ko pa yata siya nakikita eh. ”’Tol! Lalim ng iniisip mo! Anong meron?” Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Kurt. ”Uy ’tol! Musta na?” Nag-high five kami. ”Okay naman, balik skwela na haha!” ”Eh yung iba, bakit ’di mo kasama?” Tanong ko. ”Eh ayaw nila eh. Mga KJ.” ”Talaga naman haha! Tara na.” Dalawa lang kami ni Kurt na pumasok ngayon pero parang andito pa rin lahat dahil sa lakas ng sigawan. Kaway lang kami ng kaway. Astig. Haha! ”Tayo talaga palagi ang sentro ng atensyon no?” Mayabang na tanong ni Kurt. ”Syempre, katabi mo ’ko eh.” ”Kapal mo P’re, Haha!” Nung nasa kalagitnaan na kami ng mga tao, biglang silang natahimik, lalo na ang mga lalaki. Nakita ko silang lahat na nag-WOW nang mahina. ”Bakit kaya ang ganda niya?” ”Oo nga! Ang puti at ang kinis pa!” ”Waaaaaa! Ang cool talaga tingnan ni Kim! Idol ko talaga siya!” ”Ako rin! Kung pwede lang maki-feeling close naku! Gagawin ko talaga!” ”Aww, parang bagay tuloy sila ni Israel.” ”Oo nga no?!” Usap-usapan ng mga tsismosa. Hanep, Saludo ako sa accuracy ng informations nila. Pero teka, sino nga ba yung sinasabi nila? Napa-lingon ako sa main gate ng campus, nakakita ako ng dyosa O__O Ay hindi, normal na batchmate ko lang pala! Ang lakas naman ng dating nito. Naka-shades pa siya nung pumasok sa campus. Mukhang sikat din ah.. Naka-tingin siya sa’kin habang naglalakad. Naka-tingin nga ba sakin? ’Di ko sigurado naka-shades eh. Nung maka-lapit na sya, nagsalita siya. ”Hello Mr. Marques.” ”Ho-hoy! Bakit kilala mo ako?!” Stalker ba ‘to? “Somebody told me. And DUUUUUUUH, sikat ka sa Campus, paanong hindi kita makikilala?” Nakapa-mewang pa siya. Aba, parang maldita yata ’to ah? “DUUUH ka rin! Eh ikaw ba sikat ka? Hindi rin kita kilala eh.” She gasped. Ay, nagulat? Slowly, she removed her eyeglasses. Naka-tungo lang siya naparang may tinatago. O______O ”I-ikaw????!!!!” “Yup. Me, Myself and I. ^___________^” Sagot niya habang naka-ngiti. “Buti naka-labas ka na! Kumusta na pakiramdam mo?” ”Okay na ko, salamat pala sa pag-dalaw mo, Popoy.” ”Wala yun, balak pa nga sana kitang dalawin kung hindi ko pa nalaman ngayon na nakalabas ka na pala.” ”Aww! Thanks!” Noon ko lang napansin na naka-tingin pala sa’min lahat. Nagtataka siguro kung bakit magkakilala na kami ni Kim. ”By the way, this is my bestfriend, Shayne. Shayne, this is-----“ “ISRAEL!! I KNOW!!” Pinutol nung si Shayne ang sinasabi ni Kim. Siniringan siya ni Kim at natahimik si Shayne. Ang taray yata ni Kim ngayon? ”Gosh! Have some manners, Shayne!” She rolled her eyes. Bakit gaun, hindi siya maarte tingnan? “Sorry, Okay? Haha!” Nakipag-kamay siya. Pinakilala ko rin sila sa barkada ko, sa ngayon, si Kurt, Dexter at Louie pa lang ang napakilala ko. ”Uhm, so girls, sabay-sabay na tayong pumasok?” hirit ni Louie. “Sure, papasok na rin naman kami eh.” Sabi ni Kim. Takang-taka yung mga naka-paligid sa’min kung bakit magkakasabay kami ngayon. Hindi naman kasi namin ginagawa ’to dati. Iba talaga ang aura ni Kim ngayon kung ikukumpara sa ugali niya nung nasa ospital kami. May split personality kaya yun? O baka naman may dalaw? Ano siya? Good Girl Gone Bad? [Chapter 7] **Kim’s POV** Sabay-sabay pumasok sa campus ang barkada ni Popoy at kami ni Shayne. Ang cool! Haha! “So, paano nga pala kayo nagka-kilala ng Campus Famous na si Kimberly JoyceTiangco?” Tanong ni Louie kay Popoy. “Napaka-unexpected nga ng pagkaka-kilala namin eh. Haha!” Ngumisi sa’kin si Popoy. Argh! Iniisip niya pa rin siguro yung diarrhea issue! “Bakit naman?” Tanong ni Dex. Bakit ang gu-gwapo nila haha! ”Napag-tripan na naman ako nina Christian eh. Ayun, sinabi nila nasa ospital daw nanay ko. Mga ulol na yun! Tapos, si Kim yung nakita ko sa loob.” ”Na-ospital ka??” Dex and Louie. ”Ah... Uh-huh..” ”Buti magaling ka na!” Sabay nilang sabi. Nagka-tinginan kami ni Shayne. I gave her a weak smile. “Kaso paano yan, kapag naging close na tayo edi delikado sina Kim niyan?” Tanong ni Dex kay Popoy. Delikado? “Huh? Bakit?” Tanong ni Shayne. “Habulin kami ng away.” – Louie. “Bakit? Gang ba kayo? O basagulero?” I asked them. “Sort of a gang, pero hindi kami ang naghahamon ng away. Lagi dapat kaming alerto tsaka, mahirap mapalapit sa’min. Baka maging target lang kayo ng mga kalaban.” Paliwanag ni Popoy. Eh? ”Yeah! Di ba nakwento ko sayo na sikat sa village sina Israel? Kasi gang nga sila at teritoryo nila ang buong village.. Bantay namin sila!” Bulong sa’kin ni Shayne. ”Pero hindi kami natatakot, lalo na at leader namin si Popoy, di ba ’tol?” Nag-high five sila. Teka, leader? ”LEADER??!!” I exclaimed. ”Oo, bakit? Halata naman di ba?” Sabi ni Popoy. Yabang. ”Hahaha!! Leader niyo? Ito?” Tinuro ko siya. ”Leader niyo ’tong Mama’s------AAAAAAAAAAAAH!!” Naputol yung sasabihin ko. Kiniliti niya ako sa tagiliran. Weakness ko yun! >___< Sasabihin ko pa dapat na Mama’s boy siya eh >3< Eh cute kaya! Haha! Joke! Haha! Mama’s boy tapos gang leader? Aba! Bago yan! Haha! “Problema mo?! Bigla-bigla kang nangingiliti??!!” lumapit siya sa tenga ko. ”Diarrhea Girl.” He smirked. O___O Bakit hindi ko naisip na may pang-black mail din siya sakin. T__T Sa dami naman kasi ng sakit bakit diarrhea pa! Huhu. ”Hey, hey, meron ba kaming hindi alam?” Tanong ni Louie. ”W-wala ah!!” Sigaw ko. Wala naman talaga! ”Eh bakit nags-stammer ka?” Sabi ni Shayne. Huhu! Traydor! ”Anong nags-stammer? H-hindi ah! Tsaka wala naman talagang dapat sabihin eh!” ”You know what? I smell something fishy here.” Sabi ni Shayne. Amp. Paa mo lang yun Shayne. “Oo nga, may dapat ba kaming malaman, Poy?” Sabi ni Dex. Akala niyo lang meron pero wala! Ngumisi lang si Popoy. Waaaaaaaaa! Mas lalo silang mang-iintriga niyan! ”Bakit ang close niyo kaagad? Kayo ba?” O___________O ”WHAT???!!!” Sabay kami. Nagkatinginan kami, tapos sabay ding umiwas ng tingin. Argh! I hate awkward moments! “AYeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!” --- Shayne. “Nakanang! Bilis mo Poy! Haha!” –Dex “Nadali mo tsong! Haha!” --- Louie. Argh! Sinabi nang hindi eh. Ni hindi ko pa nga siya kilala masyado! Alam niyo yung mabilis? >____< Nauna na maglakad si Popoy at hindi na lumingon. Sumunod na sina Dex at Louie. Ay, nahiya ata masyado. Haha! O baka naman nagalit siya? Napikon? Para yun lang? Affected much huh. “Girl, nice one! Haha!” Shayne teased. “Shut up! Hindi nga sabi kami, gosh! Halos isang lingo pa lang kaming magka-kilala no!” ”Uso yan ’te! Wala nang ligaw-ligaw! Haha!” ”Baliw! Basta, hindi no.” ”Ayeeeee.. Kinikilig ka naman no! Ang gwapo niya kaya! Parehas pa kayong sikat, mapapag-tanggol ka niya! I mean, hindi mo man lang ba siya crush?” ”Ewan ko sa’yo..” Sabi ko at tinuloy na ang paglalakad. Bakit kasi ipipilit di ba? Hay. [Chapter 8] **Kim’s POV** ”Hi Kim!” ”Good Morning Kim! Na-miss ka namin!” ”Ohayo!” Bati ng mga classmates ko. “Good Morning din!” Umupo na ako sa upuan ko, tapos nag-lapitan din yung mga close friends ko. Tatlo lang naman kami eh, Ako, Si Shayne at si Ciara. I told you, bilang lang ang mga ka-close ko. Yung iba, acquaintances lang. Silang dalawa yung sinasabihan ko talaga ng secrets. Mahirap din kapag sikat ka. Kasi, isang back-stab lang sayo, sira kaagad lahat-lahat tungkol sa’yo. Pero hindi ko naman masyadong pine-pressure ang sarili ko. Nagka-taon lang na si Shayne at si Ciara lang ang nagpaka-totoo sa’kin. Karamihan kasi, plastic. They want my popularity. Didikit lang sila para sumikat din sila. So what kung hindi ako kasing-bait nila? Kung magpapaka-plastic pa ako, anong mapapala ko? Gusto kong maging totoo. I don’t need to pretend to be someone who’s not me. Kung hindi nila kayang maki-ride sa ugali ko, then go! Tapos binoboto pa rin naman nila ako sa top personalities ng campus. Ugh. Dapat kasi, kinikilala muna ang isang tao bago magsabi ng kung anu-ano. Naka-away ko pa nga sina Shayne at Ciara noon. Pero dahil din sun kaya naging bestfriends ko sila. ”Waaaaaaaaaaaa!! Ang tagal mong nawala girl! Wala akong kalandian! Na-miss kita ng sagad!” Niyakap ako nang mahigpit si Ciara. ”Aww, Aww! Kalalabas ko nga lang eh, pwedeng pahingahin mo ako? Haha! I missed you too lukaret ka.” Nag-group hug kami. “So, kumusta naman? Okay ka na ba talaga? Kinabahan ako nung nahimatay ka! Mamatay-matay na akos a kaba nun!” ”O.A. ka Ciara ha. Haha! Okay na ako, see? I’m back to my old self. Hindi ko pa nga lang magagawa yung mga bagay na ginagawa ko dati. Kailanan ng rest.” “Aw, di tayo makakapag-stroll!” Ciara pouted. Okay, siya na magaling mag-pout. Haha! “Pero Cia! Alam mo ba kung anong latest?” Ayan na naman ang radar ni Shayne. Hay. ”’Ano Ano Ano Ano??” Excited na sagot ni Ciara. ”Dumalaw si Israek Marques kay Kim sa ospital! AHHHHHHHHHHH!” Sabay silang umirit. Nakuuuuuuuuuu! Kapag kami na-detention dito +____+ ”Waaaaaaaa!! Are they in a relationship?” “Malapit na----“ Binatukan ko si Shayne. “May sinabi ba akong ganun? Tigilan niyo nga ako! “Bakit ba? He’s so good-looking kaya! Pati yung group of friends niya!” Sabi ni Ciara. Argh, mga avid fan oh. Tapos ayun, nagsalita na sila ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Puro Popoy at Kim lang ang naririnig ko. Argh. ”Okay lang yan! Malay mo, magka-love life ka na ngayon Kim! Haha!” “Sige, ipa-mukha niyo pa sa’kin. Bwisit.” Kailangan talaga sasabihin pa yun eh. So what kung never pa akong nagka-boyfriend or ka-M.U. man lang? Hindi naman ako mamamatay kapag hindi ako nagka-roon nun. Tapos sabi nila, ang boring daw ng high school life ko. Well, hindi naman ah! Commitment lang naman yun ah, pwede kang magmahal kahit hindi kayo commited sa isa’t-isa! Yun nga lang, kahit M.U. wala akong experience. Seriously, hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon wala pa. Hindi naman sa pagyayabang pero ako na nga ang pinaka-maganda sa campus, top pa sa hottest personalities sa campus. Yet, no one dared to court me or at least confess to me. Siguro natatakot sila sa’kin? O dahil sa sobrang kasikatan ko, they only see me as an inspiration, a person to be admired. Minsan nga hini-hiling ko n asana ordinaryo na lang ako. Gosh, kahit naman ganito ako, gusto ko pa ring maranasan ma-inlove habang maaga pa! Nakaka-O.P. kaya kapag napapaligiran ka ng may mga love life, tapos ikaw, loner! I feel greatly isolated! Lalo na kapag may dates sina Ciara at Shayne tapos hindi nila ako masasamahan, It sucks bigtime! “Basta! I can feel it!! Haha! Kami na ang founder ng fans club niyo! Kim + Popoy = KimPoy! Haha!! Parang tumblr lang!” “Whatever. Sumasakit ang ulo ko sa inyo.” Umubob ako sa desk. Hay! Mas loka-loka pa sa’kin ’tong mga ’to. Ano daw? KimPoy? Argh. Cute! Ay este, baduy pala. >____________< [Chapter 9] **Kim’s POV** Breaktime at kami lang ulit tatlo nina Ciara at Shayne. What’s New? Sina Popoy kaya? Nandito rin? “Uy, may hinahanap siya! Sino kaya!” Nagpaparinig si Shayne +__+ “Tigilan niyo nga ako.” “Eh bakit nangha-haba yang leeg mo ha? Uyy.. Nami-miss niya. Haha! Dapat kasi kinuha mo na yung number! Edi sana may kasabay tayong MGA sikat at gwapo tuwing breaktime!” – Shayne. “Edi sana kayo yung humingi dib a? Bakit ako gagamitin niyo? Psh.” “Eh syempre, kayo yung close! Wag kang maduga!” Binatukan ko lang sila. Pagkatapos nun, iniwan nila ako sa lamesa at pumunta na sila sa counter. Ay, di man lang tinanong kung anong gusto ko. Bastusan. ”Hay.” I sighed. ”Uh, Pwede maki-share miss?” Tumingala ako at napa-ngiti. “Baliw haha! Syempre naman! Ang dami-saming upuan oh!” “Thanks miss, haha! Yak, di bagay sa’kin ang pormal.” “Buti alam mo. Kadiri kaya. Haha!” ”Kumusta naman? Balita ko na-ospital ka ah? Wala tuloy yung maganda kong kakwentuhan.” ”Hmp. Bolero, haha! Baka wala yung tulay mo kay Shayne kaya mo ’ko na-miss. Ikaw Christian ha, kala mo maloloko mo ’ko? Haha! Okay na ako! Malakas pa oh.” ”Wala akong takas sayo eh. Haha! Buti naman okay ka na!” Yan nga pala si Christian Lim. Ang gwapo kong close friend. Haha! Muntik ko na nga rin maging crush yan kung hindi lang siya umamin na may gusto siya kay Shayne. Haba ng hair oh, sarap sabunutan. Haha! Well, Hindi naman ako bitter. Nakita kong pabalik na ng table sina Shayne. “Chris.. Andyan na siya. Uyyyy..” He blushed. Ahihi! Cute :”> Halatang inayos niya yung sarili niya. Waaaaaah! Panigurado hindi ‘to nakalapit kay Shayne nung wala ako. Torpe eh. =___= “Ah, He----“ Naputol yung pagbati niya, may sumigaw kasi eh. “HOY CHRISTIAN! NAHANAP DIN KITANG WALANG HIYA KA!!!” Sigaw ng isang lalaki. Teka, familiar yung boses niya ah? ”Sh*t. Haha!” Sabi ni Christian. He cussed >__< “Uhm, Kim, Ciara and..” Slowmotion ang pag-tingin niya kay Shayne. Ay, gumaganun? “Shayne, Ihave to go. There’s a monster after me.” He continued. Monster? Tapos nun, nagta-takbo na siya kung saan. Hala? Ambilis ah? ”HOOOOOOOOOOY! NASAAN KA??!!” Si.. Si POPOY??!! Natahimik lahat sa canteen. Naka-titig lang sa kanya. Yung mga lalaki, nagulat. Yung mga babae, err. Kinikilig. ”Popoy?” Tawag ko. ”Uhhh.. Ah! Kim! Hehe.” Nagulat siyang makita ako. ”May kaaway ka?” ”Wala, nakita ko lang yung pinsan ko na nang-trip sa’kin. Yung nag-sabing nasa ospital ang nanay ko? Kaso nakawala eh.” ”Teka, sino ba yun?” Sabi ko habang humihigop ng juice. ”Yung ulol na Christian na yun. Grr.” Inis niyang sabi. “Ha? SI CHRISTIAN LIM???” “Oo, bakit? Kilala mo? Nang dahil sa kanya, nakagawa ako ng malaking kalokohan nung araw na yun.” Medyo na-hurt naman ako sa sinabi niya. Bakit kaya? Kalokohan lang ba para sa kanya na nagka-kilala kami? :[[ ”A-ah, kaibigan ko yun eh. Pinsan mo siya?” ”Oo.” Aww. No wonder gwapo siya. >//////< “Ang galing, small world!” “Oo nga eh, akalain mo, pinsan ko ang dahilan kaya nagka-kilala tayo?” ”Yup! Haha! Loko pala yun eh.” ”Oo nga, pero okay lang. Atleast nagka-kilala tayo. Sige, Una na ’ko ah?” Pi-nat niya yung ulo ko at umalis na. I really find such actions cute. >//////< Napa-ngiti ako at tinuloy ang pagkain ko. ”Abot tenga ang ngiti...” – Shayne ”Tse. ^_____^” O___O Lumaki ang mata nina Shayne at Ciara. ”Oh, bakit?” Tanong ko. ”Shocks! Ginamit mo ang famous ’Tse’ mo habang naka-ngiti? It’s a M.I.R.A.C.L.E.!!!!” “Ugh. Babaw. Mga baliw!” Inasar lang nila ako nang inasar. Napansin kong naka-tingin sa’kin ang mga tao. Again, What’s New? XD ”Nakita mo ba yung ginawa ni Popoy kay Kim? Ang cuuuuute!” ”Oo nga! Para silang nasa Koreanovela!” ”Kaso, paano na yan kapag naging sila?” ”Ay, oo nga! Magiging taken na si Popoy!” Tapos nag-drama pa sila. +___+ Teka, ibig sabihin wala pang girlfriend si Popoy? ^____^ Ay, haha! Wala, curious lang ako kung bakit. I mean, he might be the best-looking and coolest guy in campus. Tapos wala siyang GF? Maybe he’s waiting for me? JOKE. Haha! Lumalandi on the floor na naman ako. But seriously, I really wonder why. Gusto ko sanang itanong pero tingin ko wala pa ako sa lugar. We’re not that close yet. Besides, napaka-misteryoso niyang tao. Though open naman siya, parang ang dami niya pa ring tinatagong sikreto. Mas lalo tuloy siyang nagiging interesting. Siguro nakaka-dagdag din yun sa coolness niya? Ugh! I still want to know him more. [Chapter 10] **Popoy’s POV** Masyado yatang cheesy yung ginawa ko? Hinipo ko yung ulo niya na parang bata? Eh ano bang cheesy dun? Para ngang bata eh, di ba? ”Pst! Bossing!” Lumingon ako sa taas. Pa-akyat na ako sa rooftop. Tinatawag ako ni Dex. Tumakbo na ako pa-akyat. ”Oh, bakit?” Tanong ko sa kanila. Nandito sina Dex, Louie, Kurt, Dennis at Enzo. Bihira kaming tumambay sa rooftop eh. Anong problema ng mga ’to? At madamidami kami ngayon ah? “Wala, masama bang humingi ng quality time kasama mo? Haha!” Sabi ni Enzo. ”Yak. Ang bading mo!” Sagot ko. Umupo ako sa railings. ”Nga pala ’tol, may kasama pa kami.” Sabi ni Kurt. ”Ha? Sino?” ”Hoy ugok. Labas na diyan, naihi ka na yata sa salwal mo! Haha!” Nag-tawanan sila. Aba, mukhang alam ko na kung sino. May lumabas na naka-tungong lalaki galing sa bodega. May maliit kasing bodega rito sa rooftop. ”Yowh! Peace men!” Naka-ngising sabi nung bugok. “Anong peace? HA? ANAK KA NG PATING! LUMAPIT KA!!!” Kukuyugin ko na sana siya pero inawat ako ng barkada. ”Wag niyo ’kong pigilan! Tuturuan ko ng leksiyon yan!!” ”’Tol naman! Have mercy on me! Parang ’di tayo mag-pinsan niyan eh!” “Anong pinsan-pinsan? Ilang beses mo na akong pinag-tripan ha?” Nagha-habulan na kami ni Christian. Nakanang. May lahing kabayo ’to eh. ”Tol naman, sorry na kasi! Hindi ka na nasanay! At tsaka..” ”Atsaka ano??!!” Hinihingal pa ako kakatakbo. ”Dahil naman sa pangti-trip namin sa’yo, naka-kilala ka ng magandang chic.” Sabi niya habang tinataas-baba yung kilay niya. ”Anong chic ’yang sinasabi mo??” Perwisyo lang ang nai-bigay ng kalokohan nila sa’kin! Paano kung magka-totoo yun? Wag na silang magpapakita sa’kin! ”Edi si Kim!! Close na nga kayo eh! Hindi ka umiimik!!!” Sigaw niya. Teka, si Kim??? Nanlaki ang mata nina Dennis at Enzo. Hindi pa nga pala nila nakikita na magkasama kami kanina nina Kim na pumasok. ”Walangya pare, Si Kimberly Joyce Tiangco ba yan?” Tanong nila. ”Naman! Wala nang iba!!!” Sabi ni Christian. Anak ng =__= ”Aba! Napaka-tinik mo naman ’tol! Pati yung pinaka-sikat na babae sa campus, nasulot mo? Waaaaaaaaaaaaaw!” ”Mga ulol! Anong na-sulot? Walang boyfriend yun!” Wala nga ba? “Aba! Paano mo nalaman? Stalker ka na ngayon boss? Haha!” Sigaw ni Enzo. ”Mga tungaw! Kung meron edi dapat kalat na sa campus yun! Sikat nga eh!” Napa-isip naman sila sa sinabi ko. ”Eh pare..” Inakbayan nila ako. Takte naman. Ambibigat! ”ANO!!?” ”Dapat magpa-salamat ka sa’kin diba?” Sabi ni Christian. ”At bakit naman? Bugok ka. Akala ko mamatay-matay na nanay ko nun!” ”Oh? Nakita mo naman ang WanTruLab mo!!!” Tapos humiwalay sila sa’kin. Nagharap sina Kurt at Christian at ... Pffft. Bakit ambading ng kilos ni Christian? “HOY! Anong ginagawa niyo? Nakakadiri ha.” “Parang ganito oh, Ehe-ehurmh.” Sabi ni Christian. ”Oo nga, pero okay lang. Atleast nagka-kilala tayo. Sige, Una na ’ko ah?” Pagkatapos pinat ni Kurt ang ulo ni Christian, at humagalpak silang lahat ng tawa. ANAK NG. NAKITA NILA YON???? [Chapter 11] **Kim’s POV** “Kyaaaaaaaaaaaaaah!!! Really Mom? Ang saya!! Haha!!” Napa-talon ako sa tuwa at niyakap at ki-niss si Mike. ”Just be careful okay? Bawal ka pa ring mapagod ng sobra, pinag-bibigyan ka lang namin.” Sabi ni Mom. Niyakap ko sina Mommy at Daddy. “Thank you po!” “Sige, mag-stroll ka na kung gusto mo. I know you missed Mike. Just be sure to be back at 3PM okay?” “Yay! Sure thing Mom!” Sinuot ko yung helmet ko at sumakay kay Mike. Ay! Meet Mike, my big bike. Haha! Kala niyo kung sino ‘no? Violet siya, fave color ko tapos may prints. Cool nga daw eh. XD Gosh!! Sibrang na-miss ko mag-stroll gamit si Mike! Three weeks ko na siyang ‘di nahahawakan Waaaaaaaaaa! Bawal ako lumayo ng sobra kasi limited lang naman ang kaya ng student’s license ko. Sa ngayon, sa buong subdivision pa lang ang naaabot ko. Pero minsan kapag pasaway talaga, nakakalabas ako. ;P Saturday ngayon kaya easy-easy lang ako. Nahabol ko na rin naman lahat ng lessons kaya okay na ako. Saan naman ako pupunta? 12PM pa lang, 3PM pa ang uwi ko. Sa mall? Naaah. Sa Park? Naaah. Ano namang gagawin ko dun. Psh. Sa arcades? Ayaw ko rin! Loner ako today eh. Bigla kong naisip yung mga bagay na madalas kong ginagawa bago ako ma-confine. Gusto ko ulit gawin. Good girl na naman ako eh! *Q* Gun Shooting or Car racing? O Archery studio kaya? Kyaaaaah, isa lang dapat! Ang hirap mamili! Ampf. Sige, Car Racing muna. Na-miss ko eh! Nasimulan ko na naman sa motorcycling kaya okay din yun! Connected! Muhaha! Tinext ko kina Mommy na pupunta ako sa Car Racing camp sa loob ng village. Weeeeeeeeeeeh! Na-miss ko ‘to! 5mins. lang at nandoon na ako. Pi-nark ko muna si Mike tapos pumasok na ako. Kumusta naman yun? Outfit na outfit ako, naka-skinny jeans tapos Fit na shirt. Syempre, nag-motor ako eh. Ang pangit tingnan kapag hindi naka-pants. Haha! ”Kim?” May tumawag sa’kin sa likod. ”Sir Gilbert!!!” Yumakap ako kay Sir. Siya yung nag-turo sa’kin magcar-racing. ”Oh, kumusta na? Mabuti naka-labas ka na! Walang buhay ’tong camp nung nawala ka eh! Gumanda ka pa yata lalo ah?” ”Sir naman, na-ospital na nga, gumanda pa? Bolero po talaga kayo. Haha! Ah Sir, pwede pong.....” ”Sure, halika.” Alam na kaagad ni Sir. Gusto ko na ulit sumakay sa kotse. Haha! Feeling hindi menore de edad. XP ”Okay ka na?” Tanong ni Sir nung naka-sakay na ako. ”Watch me, Sir.” Sabay suot ko ng helmet, Safety First! “Buckle up, Kimmy!!” Sabi ni Sir. Inayos ko yung seatbelt ko, pagka-tapos may nagwagay-way na nung flag. Sign na aandar na ako. SPEED UP!! HIYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! Shocks! Itong feeling na ‘to? Na-miss ko ng sobra! Yung parang lumilipad sa sobrang bilis ng takbo! Hindi ko pwedeng patakbuhin ng ganito si Mike eh. Mapapa-galitan ako. GOOOOOOOOAAAAAAAAL!! LOL. Ginawang soccer haha! Nag-drift ako sa huling turning point ang BOOOOOOOOM! Grand finale haha! Bumaba ako at nagtanggal ng helmet. Waaaaaaaw. Ang sarap ng feeling! Parang ang lakas-lakas ko! “Wow Kim! Mas bumilis ka pa ah??!” Inakbayan ako ni Sir. ”Talaga Sir? Wow!!! Bagong record!!” ”Talagang ikaw ang best student ko rito! Talo mo pa yung mga lalaking car racers ko. Haha!!” “Sir wag ganyan! Baka marinig ka nila! Haha! Sige po, una na ako, magli-libot lang po ako.” ”Sure, Ingat!” Akalain mo yun, naka-isang oras pala ako dun? Piapalakpakan ako ng mga tao sa loob ng camp habang palabas ako. Eek! Wag ganyan! Nakakahiya! XD Saan naman ako pupunta ngayon? Sa Park na nga lang! Na-pagod din ako dun haha! Bibili na lang ako ng ube Ice Cream. Yeah!! Palapit na ako sa tindahan. Aaaag. I’m craving! XP “Miss, gusto mo ng ube ice cream?” Napa-tingin ako sa nag-salita. “Christian? Uy!!! Bakit nandito ka??” “Trip ko lang gumala. Haha! Dala mo pala motor mo. Ako rin eh.” ”Oh? Stroll tayo!” ”Ubusin mo muna yan haha!” Taga-kabilang village si Christian, pati si Shayne. Siguro palihim na silang nagki-kita? Haha! Pagka-ubos ko, ”Ikaw, hindi mo sinasabi na kilala mo na pala yung pinsan ko.” ”Pinsan?” Sino nga bang pinsan niya? ”Tss. Ulyanin. Si POPOY?” ”Ah.. AAAAH!!! OO NGA PALA! Lately ko lang naman nalaman na mag-pinsan pala kayo no!” ”Tsk. Pareho kayo, nagli-lihim na kayo sa’kin.” Sabi niya sabay pout. Ugh. Cute. ;P ”Naman eh! Eh ano ba kung hindi ko nasabi? As if super big deal nun.” Sabi ko na lang. “Big deal talaga yun.” “At bakit naman?” “As his cousin, I have the rights to meet his first love interest.” May sinabi siya pero mahina lang. “ANOOOOO??” “WALA!! MAHULI PANGET!!!” Tumakbo siya papunta sa motor. UGH!! “HOY!! BUMALIK KAAA!!” Hinabol ko siya pero in the end, nag-stroll lang kami at hindi niya sinabi yung hindi ko narinig. Basta parang may narinig akong ‘love’ eh. O baka bingi lang talaga ako? >___< [Chapter 12] **Kim’s POV** Nakakatamad naman ang araw na ‘to! Kahapon, nakapag-enjoy ako lalo na at nag-bonding naman kami ni Christian. Kaso, ngayon eh Sunday. Kaninang umaga, nag-simba kami nina Mommy tapos umalis na sila kasi may aasikasuhin sila sa acting worshop nila sa Laguna Area. Wala akong magawa sa bahay! Pwede naman akong lumabas kaso wala na akong maisip na puntahan. Wala rin akong kasama, hindi ko ma-contact sina Shayne at Ciara eh. Eh kung puntahan ko na lang kaya sila? Tutal iisang village lang naman ang tinitirhan nila at sa pagkaka-alam ko doon din si Christian. TAMA! Nag-bihis ako at kinuha yung helmet ko. Gagamitin ko na lang ulit si Mike, since sa kabilang village lang naman sila. Hassle kapag bike gagamitin ko no! Baka mapagod ako masyado. ”Manang? Punta lang po ako kina Shayne at Ciara. Paki-sabi na lang po kina Daddy kapag tumawag sila. Iiwan ko po ang cellphone ko para wala akong malaglag kapag sumaklay ako kay Mike. Bye!” ”Ingat Kim!” Sigaw ni Manang Maria. Umangkas na ako kay Mike at nag-stroll na papunta sa kabilang village. Mga 5 mins. lang gamit si Mike, nandun na ako sa main gate nila. Kapag lakad mga 10 mins. siguro. Nag-salute lang ako kay Kuya Guard. Kilala na naman nila ako kasi madalas kong bisitahin sina Shayne dito. Sa tuwing hindi ko kasi sila ma-contact, dumidiretso na ako rito. Maganda rin yung village nila. Konti lang naman ang pagka-kaiba kung ikukumpara sa village namin. Kaso sabi nina Shayne madalas daw magka-roon ng away dito, kaya hindi ako nagpapa-abot ng gabi rito. Anong oras na ba? 4PM. Okay pa naman siguro. Uuwi na lang ako before 6. Maliwanag pa yun dito. Dalawang streets na lang ang lilikuan ko at pagkatapos, nandun na ako! Magkapitbahay lang sila Shayne at Ciara eh. Butipa sila. Ako, ISOLATED. TT__TT Isang street na lang! Haha! Dapat pala nag-pants na lang ako! Naka-short lang ako. Huhu. Ano bang pumasok sa isip ko? Maya-maya, lalamig na. >__< Isang liko na lang at Charaaaaaan! Nandito na ako! Sa mga oras na ’to, malamang nagk-kwentuhan yung dalawa sa bahay nina Shayne. Doon na ako di-diretso. Nag-doorbell ako, lumabas yung kasambahay nila. ”Uy Kim! Hinahanap mo sina Shayne? Wala sila eh.. May pinuntahan silang reunion ng pamilya nila. Si Ciara naman, isinama ni Shayne.” ”Ay ganun? Sige po, uwi na lang ako. Bye!” Andaya!!! Hindi man lang nag-sabi! Huhu. Anong gagawin ko ngayon? Tutunganga? Ayoko namang pagurin masyado si Mike! Sige na nga. Uwi na lang ako. Hay. Na-start ko na yung makina nung may tumawag sa’kin. “Kimmy!!!” Lumingon ako at napa-ngiti. “Christian!!” Pina-andar ko ng mabagal si Mike, medyo malayo kasi siya sa’kin. ”Oh, bakit ka nandito? May reunion na pinuntahan sina Shayne ah?” ”Oo na!! Buti ikaw alam mo, eh ako, HINDI! Kaya nga nag-punta pa ’ko dito. Palakpakan mo naman ako sa effort ko. Psh.” Sarcastic mode. ”Oh sige, palakpak ako, mga one. *clap*” Pumalakpak siya ng isang beses. =___= ”PILOSOPO!” Sabay batok ko sa kanya nang mahina. ”Hoy, pikon ka naman eh!! Haha!” Tumatawa siya tapos nag-ring bigla yung cellphone niya. Naging seryoso yung mukha niya, anong meron? Hindi ko ma-gets yung usapan nila eh. ”Sige, papunta na ako.” Saryoso niyang sabi. ”Uhh, Chris? May problema?” He smiled sweetly. “Wala, ah, dun ka na dumaan sa shortcut ah? Alam mo naman yun ’di ba?” Nakakatunaw naman yung ngiti niya! Swerte ni Shayne! Haha! ”Ah, sige! Bakit?” ”Mag-gagabi na kasi. Dun ka na para mabilis. Sige, Ingat!” Nag-diretso na siya paalis. Sige na nga, susundin ko na lang siya. Pero bakit kaya? Siya kasi ang nagsasabi na mas safe daw dumaan dun sa hindi shortcut. Eh bakit ngayon ganito? Nung medyo naka-layo na siya, tumigil ako. I’M DEAD CURIOUS!! Makulit ako kaya bumalik ako. Doon ako dadaan sa longcut. Natatakot ako sa shortcut eh. Haha! Tsaka, maliwanag pa naman. Mabagal lang ang patakbo ko para hindi niya agad makita at marinig. Nung maka-liko ako, wala na siya. Ambilis! Diretso na lang ako sa bahay. Habang nagmo-motor ako, akarinig ako ng mga ingay sa may bakanteng lote. Parang may nag-aaway yata? May nagsi-sigawan eh. Hala! Babae kaya yung mga yun? HINDI! Boses lalaki eh. Kailangan pa kaya nila ng tulong? Pwede naman akong tumulong kaso, hindi ko ba maaapakan ang ego nila kapag tumulong ako at ako pa na babae ang magliligtas sa kanila? Eh kahit na! Paano kapag nabu-bully na pala sila! I gotta do something! Pinark ko nang maayos si Mike sa kanto. Hinubad ko muna yung helmet ko syempre. Dahan-dahan, lumapit ako sa bakanteng lote. May lumang building don, dun galing yung ingay. May mga naririnig akong bakal na naghahampasan, suntukan at sigawan. Hala!! Lumapit pa ako hanggang sa naka-silip na ako sa bintana. Teka? Riot ba ’to? Andami nila eh!! But HEEEEY! Kung ganito naman ang klase ng riot, kahit manuod na lang ako okay na. *drools* Ang g-gwapo nila, bakit nila sinisira nang ganyan ang mga mukha nila? Hindi ko tuloy alam kung kanino ako kakampi. Haha!! Nawi-wili ako sa panu-nood, until I saw familiar faces. Si Dex yun ah?? Pati si Louie!!! Si Enzo, ayun! Naka-sipa siya! Si Kurt naman, pa-cool na umiiwas lang. Nung mapatingin ako sa right side, SI CHRISTIAAN??!! Napa-tingin naman ako sa may upper part at napa-nganga sa nakita ko. Nasa action movie ba ako?? May dalawang HOT guy na nagla-laban sa parang balcony. Walang kahit anong weapons, katawan lang ang gamit nila. COOOOOOOOOOL!! Umilag yung isang lalaki, at nakita ko ang mukha niya. TEKA?? SI POPOY YUN AH???! Napa-takip na ako ng bibig nun. Bakit nandito sila? Doon ko na-alala yung sinabi ni Shayne na sikat sina Popoy dito sa village nila. Hindi kaya dahil yun dito?? GANG BA TALAGA SILA?? I THOUGHT THEY WERE JOKING!! WHAT THE FISH?! Anim lang sila, yung kalaban nila eh mga nasa twenty yata. Ang daya! Ambush ba ’to?? Mga kalahati na yata ang napa-tumba nila, at nakikita kong pagod na sila. Oh Em!! Si Popoy lang yata yung walang kapaguran! Ngayon kumbinsido na akong gang leader nga siya >__< Waaaaaah! Muntik nang bumagsak si Dex! Siya ang pinakamalapit sa posisyon ko. I gotta help!! Haha!! Sa wakas, magagamit ko na ulit ang killer moves ko!! *breathe in, breathe out* ”YAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” Sinipa ko yung pinto para mabuksan ko. Nata-himik ang lahat, parang natigil sa ginagawa nila. Stunned? XD Ano yun? Pumasok lang ako, tapos na ang away? Haha! ”WOW PARE!! GANDA!!” Sigaw nung isang kaaway nila Popoy. Amp! Gwapo nga manyakis naman! ”KIM!! DIBA SABI KO UMALIS KA NA??!!” Sabi Christian. ”KIM, TUMAKBO KA NA! HINDI KA DAPAT NANDITO!!” Sabi ni Popoy. ”Sorry boys, but you don’t know me that much.” Sabi ko. “Miss, let’s get out of here. I’m going to take you to somewhere you’ve never been before.” Kinilabutan ako sa sinabi nung isang guy. Ugh! Hahawakan niya ako, pero hinawakan ko yung braso niya at pinilipit yon, papunta sa likod niya. Para mas masaya, Tinulak ko pa ng tuhod ko yung likod niya hanggang sa napa-sigaw na siya sa sakit. ”Eh sa Emergency room, naka-punta ka na?” I whispered. Nung binitawan ko siya, tumakbo siya sa labas. +__+ Mga tatlo pa siguro ang nag-attempt na hawakan ako. They all ended up lying on the floor. >:D Pinagpag ko yung kamay ko at yung damit ko. Nun ko na-realize na si Popoy na lang pala ang nakikipag-laban. Ang tagal!! Siguro leader din yung kalaban niya? Susuntukin na siya!! Naka-ilag si Popoy at maga-uppercut sana siya pero na-block din siya nung kalaban niya. Basta ang astig ng itsura nila. tapos nun, nag-ngitian sila. Or Smirk yata? And then nag-shake hands. Ay? “Draw.” Sabay nilang sabi. Draw? Tabla lang sila? Nagulat na lang ako nang tumalon sa bintana yung kalaban ni Popoy at pag-tingin ko, nasa labas na siya, papalayo na. COOOOOOOL. Nagsi-lapitan sila sa’kin. ”WHOA KIM!! ANG COOL MO!!” Enzo. ”Hindi mo sinabi na magaling ka pala!!” Christian. ’Mukhang may Queen na tayo ah? Haha!” Dex. ”Oo nga, dapat pala kasali ka! Haha!” Louie. ”Tsk. Let’s go.” Tinalikuran kami ni Popoy at nauna na siya sa pag-lalakad. Hindi man lang ako babatiin o pupurihin sa ginawa ko? Argh. ”Hayaan mo na, pagod lang yun” Sabi ni Christian. Hindi talaga ako kinausap ni Popoy, hanggang sa maka-labas na kami. Ugh! Ano bang problema niya? Tinulungan ko na nga sila eh! Ang sama kaya sa feeling nung pangi-isnab niya!! Di ko siya ma-gets. Ang gulo niya!!! [Chapter 13] **Kim’s POV** Nai-inis talaga ako!! Argh! Ano yun? Sudden MOOD SWING? Tsk! Sila na nga itong tinulungan, siya pa nagalit. Wala naman akong nagawang nakasama sa grupo nila ah? Don’t tell me naapakan ko ang pride niya kasi naka-talo ako ng tatlo sa mga kalaban nila? Napaka-babaw naman niya kung ganun nga ang dahilan! Parang nung isang araw lang, okay kami! Nagtatawanan at nagba-bonding pa. Tapos ngayon, isnaban? Ganun? Buti pa yung mga ka-grupo niya, kasundong-kasundo ko. Ang g-gwapo nilang lahat! Napapa-libutan ako haha! Pero ayun nga. Grabe ha. Nakaka-badtrip lang. Pero weird eh. Nasa school na kami at hindi niya talaga ako pinapansin. Kahit tingnan man lang o kahit sulyap lang, WALA. Parang hindi niya ako kilala! Hindi na ako naniniwalang mood swing yan. Wala naman akong ginawa na pwedeng ika-galit niya ah? Oh baka nga dahil na-apakan ko yung ego niya nung isang araw? Ugh. I don’t think he’s that sensitive either. Weird, kasi napapansin ko na habang dumadaan ang mga araw, unti-unti.. Nafi-feel ko na iniiwasan na rin yata ako ng iba pang kasamahan ni Popoy. O baka praning lang ako? Hindi eh, kung dati nga, sila pa ang maghahanap sa’kin para lang masabayan ako kapag breaktime namin, o kaya pag umuuwi. Ngayon, okay na sa kanila yung simpleng ngitian lang kapag nagki-kita kami. Kapag mag-aattempt ako na kausapin at samahan sila, parang bigla na lang sila mawawala sa paningin ko. What the fish is happening? Ang hirap kaya nung feeling na, napa-lapit ka na sa kanila at nasanay ka na sa presence nila, tapos bigla kang iiwan na naka-bitin sa ere? It sucks BIGTIME!! ”Yung kilay mo, magdi-dikit na.” Biglang may nag-salita sa likod ko. Napa-hipo ako sa bandang noo ko. OO, naka-kunot nga. As in. ”Tsk. Paki mo.” Dala ng pagka-badtrip ko, ayan ang nai-sagot ko. Binabalik ko lang yung pangi-isnab niyo sa’kin! Amp! ”Sungit naman nito. Anong meron?” Umupo siya sa tabi ko. ”Wala. AS IN WALA. Iwanan mo nga ako Christian at high blood ako ngayon!!!” ”Eh bakit ba kasi?” Naka-ngiti niyang tanong. Ugh. ”Wag mo nang itanong!!” Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. ”Uy, Sorry na. Sorry kung hindi na kami madalas na nakaka-sama sa’yo. Basta Sorry. Busy lang kami sa.. Ano.. May mga bagay na inaasikaso yung gang namin. Busy kami at mas magiging busy pa panigurado. Hindi ka na namin masasamahan..” Sincere at seryoso niyang sabi. Psh. Lame excuse! “Eh ano naman? Nakita niyo na naman na kaya ko ang sarili ko di’ba? I love your company! Rnjoy ako kasama kayo! Kahit isama niyo ako sa mga riot niyo, game ako!” Proud na proud ako sa pagkaka-sabi ko niyan. He sighed. ”Kim, Hindi mo naiintindihan. You won’t understand. Basta mas mabuti kung sasanayin mo na muna ang sarili mo na wala kami. Bumalik ka sa dati, na sina Shayne at Ciara lang ang malapit sa’yo. Tingnan mo, napapabayaan mo na sila..” Napa-lingon ako sa tinitingnan niya. Nasa kabilang table sina Shayne at Ciara, nakatitig sa’kin at nung nakita nila na tumingin ako sa kanila, umiwas sila ng tingin. ”Eh kaso----” Naputol yung sasabihin ko. ”Hindi na kami pwedeng lumapit sa’yo, kasi nga marami kaming inaasikaso at hindi namin kaya na maki-sabay sa’yo. Just live your life the way you used to live it, okay? Bye.” Tinapik niya yung balikat ko at umalis na. Yun? Ganun lang yun? Parang sinabi na rin niya na kalimutan ko ang pagka-kaibigan naming at lahat-lahat ng pinag-samahan namin! Hindi ba nila alam na nakaka-iyak din naman yung sinabi niya? Tagos eh! Naramdaman ko na lang na may humahagod sa likod ko. ”Girl.. You okay?” Napayakap ako sa kanilang dalawa. Ang saya ko, nandito ulit sila.. Nandito PA RIN sila.. ”Girls, I’m sorry. I missed you!!” Nag-group hug kaming tatlo. Tama si Christian. Napadalas ang pagsama ko sa kanila sa loob ng ilang linggo. Napabayaan ko na yung tunay kong bestfriends. Sabay-sabay kami papalabas ng campus, kagaya pa rin ng dati. Nag-beso kami bago umalis. Naghiwa-hiwalay na kami since sa kabilang village silang dalawa at ako naman, mas malapit ang village na tinitirhan kesa sa kanila. Nilalakad ko lang. Bawal naman dalhin si Mike kasi below 18 pa ako. Mabigat ang pakiramdam ko habang nag-lalakad. Hindi ko alam kung bakit. Yung pakiramdam na, parang may sumusunod sayo at parang palaging may nagmamatyag sa bawat galaw mo? It’s giving me the creeps. Syempre, kahit marunong ako ng self-defense, babae pa rin ako. Tinatablan pa rin ako ng takot at kaba kahit paano. Binilisan ko na lang ang pagla-lakad. Nagulat na lang ako nang bigla akong may naramdamang humawak sa may binti ko, muntik na akong mapa-sigaw sa gulat. Nung lumingon ako, phew! Aso lang pala. Ang cool niyang aso! Para siyang yung aso sa Underdog na movie. Mukhang ready to fight palagi haha! Pero maamo siya sa’kin. Ang cool talaga! Pero mukhang may owner siya, may nametag siya eh. Popo.Yan yung pangalan niya, nakasulat sa nametag niya, naka-ukit sa collar. Agad naman siyang umupo nung binanggit ko ang pangalan niya. WOW! ”Bkit ka naman nandito? Ihahatid mo ’ko?” Lumuhod ako para ma-pat ko nang ayos yung ulo niya. ”Aw! Aw!” tumahol siya na parang agree siya sa sinabi ko. ”Ganun? Okay! Basta kapag hindi mo na alam ang daan pauwi, sa amin ka muna ha? Haha!” Tapos umalis na kami ni Popo. Ugh may naa-alala ako sa pangalan niya. Nakakapag-taka lang kasi palaging arang ready to fight si Popo. Animal Instinct? Naka-rating naman ako sa bahay, safely. Pagkabukas ko ng gate, bubuhatin ko sana si Popo, papakainin ko ^O^ “Oh, paano na Po--- Huh? Popo? Asan ka doggie!!??” Nawala bigla. Ay? Kasunod ko lang yun ah?? May nakita ako biglang papel sa harap ng bahay. Pinulot ko at binasa, baka sulat ’to. Kinabahan ako, kinilabutan at natakot din ng konti sa nabasa ko. ”Be careful. Always watch your back.” [Chapter 14] **Kim’s POV** Was that a death threat or something? I mean, I haven’t done any wrong in the past few months! Hindi ko rin naman ma-siguro kung death threat nga ba yun, kasi pwede ring kakampi ko ang nag-sulat nun at pinapayuhan ako na mag-ingat. Mag-ingat naman para saan? Wala naman akong ka-away! So, parang death threat pa rin yun kung ganun. Ugh! Nakaka-takot na ha! Kahapon ko pa tinititigan yung sulat. Hindi ko kilala yung handwriting. Saan at kanino kaya talaga ’to galing? Sa klase ng sulat, mukhang pang-lalaki ’to eh. Dahil sa sulat na ’yun, na-praning na ata ako. Palagi kong iniisip na may nagmamasid sa akin, kahit nasa bahay lang naman ako. Pero para maka-siguro, sige. Mag-iingat na rin ako. Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko. Someone texted me. See how paranoid I am? Ugh. From: 09994039680 Wag ka nang lalabas ng bahay niyo kpag hndi naman importante ang lakad mo, kay? Maka-utos naman ’to? Sino ba to? Death threat again?? To: 09994039680 Who you? Sinend ko. I’m annoyed. From: 09994039680 It’s not important. Bsta wag ka na lalabas. Txt mo ko kpag kailangan mo tlagang lumabas. Kung lalabas ka nmn, use your motorbike instead. It’s safer. This person is really, REALLY GETTING INTO MY NERVES!! Sino ba siya? Nanay ko? To: 09994039680 You know what? I’m so not going to follow u. I don’t even know you! Malay ko ba kung may msama kang blak sakn? My cellhone beeped again. From: 09994039680 The hell? You don’t know me? Seriously? =___= To: 09994039680 Duuuuuuuh? Kailangan pa-ultUlt? I DON’T KNOW U!! Tigilan mo na ako! From: 09994039680 Fine! If I’ll tell you who I am, would you follow me? Aba, aba! To: 09994039680 Sure. Kdot pala dapat. Haha! Sino kaya talaga ’to? He’s a mystery. Ugh! Ako pa ang tatanungin kung kilala ko siya +__+ My cellphone beeped. Oh em! Eto na! From: 09994039680 Okay, just always be alert and follow my ORDERS. Putek naman. Masyadong pa-suspense! Baka mamaya kung sino lang ‘to, pakipot pa!! Naiinis na talaga ako! Again, my cellphone beeped. From: 09994039680 Popoy to. Geh. O____________O Eh?????? Gosh! Si Popoy ba talaga yun!! How did he got my number!!?? Waaaaaaaaaah!! Siya pala yun, sana nung una pa lang nagpa-kilala na siya!! UGH. Bakit nung nalaman kong siya pala yun, kinilig ako bigla? XD Uyy, Concerned siya sa’kin. ^__________^ Pero bakit? [Chapter 15] **Popoy’s POV** ”Natawagan niyo na ba si Christian?” Tanong ko ky Dex. Nasa tapat na kami ng meeting place. “Oo. Papunta na siya.” Sumagot si Enzo. Siya ang taga-contact ng tropa eh. Maya-maya, nakita na naming parating si Christian. ”Natagalan ka yata?” Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nale-late eh. ”Sorry, nakita ko kasi si Kim eh.” ”N-nandito siya?” Tanong ko. ”Oo, pero wag kang mag-alala, pina-alis ko na siya. Sa 23rd street ko siya pinadaan. Naka-motor naman siya kaya mas safe siya.” Motor? Marunong pala siyang mag-motor? She is a mystery. ”Good. Ngayon, pasok na tayo.” Sabay-sabay kaming anim na pumasok sa lumang building na nasa pinakadulong kalye ng teritoryo namin. Our lips all formed a smirk. Ma-aksyon na naman ang hapon na ‘to! Sinipa ko yung pintuan. May mga ulol kasing nang-hamon sa’min. Ang angas kasi ng mga ‘to eh, lalo na yung leader nila. Ang lakas ng loob nilang kalabanin kami sa teritoryo namin. ”Oh, nasaan kayo!?” Sigaw ni Kurt. Isa-isang naglabasan ang mga kalaban namin. Nice, Ang dami nila. Ganun ba kaduwag yung leader nila? ”Hah! Andami niyo ah. Prepared masyado.” Sabi ni Louie. ”Baka masyadong takot P’re” Sabi ni Dex sabay high-five kay Louie. Mga loko talaga ’tong mga ’to. Nakita kong nag-panting yung tenga ng mga kalaban namin. Napikon yata. 1. 2. 3. Nag-simula na. Pweh, ang hihina. Kaya na nina Dex yan. ”Mga tsong, punta ako sa taas.” Nag-bang sign lang sila sa’kin. Alam nilang nai-inip ako sa mga kalaban dito, aakyat ako at hahanapin ang leader, one-on-one kami. Pag-akyat ko sa may balcony nung lumang building, may nakita akong lalaki na naka-dungaw sa bintana, Naka-tingin sa baba. Ang weird naman ng parteng ’to ng building. Puro sketches ng naka-talikod na babe. Parang pamilyar sa’kin ’to ah? ”Oh, nauna ka na pala sa kanila. Anong klaseng leader ka? Iniiwan sa ere ang mga kasama niya?” Medyo nainis ako sa sinabi niya. ”It’s because I trust them. Alam kong kaya nila yung mga ugok mong galamay.” “Bring it on.” Sabi niya. Natahimik kami. Walang gumagalaw, walang sumusugod. Nagpapakiramdaman kami. Natauhan lang kami nung may malakas na kumalampag, pintuan yata? Kasaabay nun ang isang matinis na sigaw. Ang lakas eh. Matindi na siguro ang aksyon sa ibaba. Yun ang nag-silbing signal naming dalawa. Sabay kaming sumugod. Aaminin ko, magaling siya. Pinaka-magaling na siguro sa mga naka-laban ko? Hindi pa kami nagkaka-tamaan. Kapag susuntok siya, iilag ako at susubukan siyang suntukin galing sa ilalim pero mapipigilan niya ako at makaka-iwas siya. Pareho lang kami nang ginagawa. Nagiinit pa lang ako pero napansin kong tahimik na sa baba. Tapos na ba sila? ”WOW PARE!! GANDA!!” Rinig kong sinigaw nung isang kalaban. Ano yun? ”KIM!! DIBA SABI KO UMALIS KA NA??!!” Sigaw yun ni Christian. Teka? Si Kim? Nandito?? Npa-takbo kaagad ako at dumungaw sa ibaba, nakita kong nadun nga siya. Sumunod sa’kin yung kalaban ko. Di ko alam ang pangalan. ”KIM, TUMAKBO KA NA! HINDI KA DAPAT NANDITO!!” Sigaw ko. ”Sorry boys, but you don’t know me that much.” Sabi ni Kim. ~_~ “Miss, let’s get out of here. I’m going to take you to somewhere you’ve never been before.” Sabi nung isang lalaki. Putek. Sinubukan niyang hawakan si Kim, pero hinawakan naman ni Kim ang braso nung lalaki at ipinilipit ito papunta sa likod niya. Napa-sigaw sa sakit yung lalaki at nakita kong may binulong si Kim sa lalaki. She was smirking. Nung binitawan niya yung lalakii, tumakbo yun palabas. She’s.... Cool. Madaming nag-attempt pero natalo silang lahat ni Kim. Hanep na babae!! Medyo nawala ako sa focus at muntik na akong matamaan, buti naka-ilag ako. Mabilis ko siyang binawian pero napigilan niya pa rin ako. Natigilan kami. I smirked. Inabot ko ang kamay ko sa kanya. We shaked hands. “Draw.” Sabay kaming nagsabi nun. Bago tuluyang bumitaw yung lalaki, bumulong siya. ”I’ll get that gorgeous girl from you. Till then.” Tapos tumalon siya sa bintana. Sana una mukha niya. Nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. Di ko alam kung bakit. ”WHOA KIM!! ANG COOL MO!!” Enzo. ”Hindi mo sinabi na magaling ka pala!!” Christian. ’Mukhang may Queen na tayo ah? Haha!” Dex. ”Oo nga, dapat pala kasali ka! Haha!” Louie. Binati nilang lahat si Kim. Naiinis ako. Na-badtrip ako bigla. ”Tsk. Let’s go.” Nauna na akong mag-lakad sa kanila. ”Hayaan mo na, pagod lang yun” Narinig kong sinabi ni Christian kay Kim yun. Tama, pagod nga lang siguro ako. Sa sobrang pagod ko, gusto kong hablutin ang mukha nung kalaban ko kanina. [Chapter 16] **Popoy’s POV** Nung araw na yon, tahimik lang ako habang hinahatid naming si Kim sa bahay nila. Sa kabilang village pala sila naka-tira, hindi na sakop ng teritoryo namin. Malalim ang iniisip ko, wala ako sa mood na maki-celebrate kasi maayos naman ang kinalabasan ng laban namin. Si Kim, alam kong naiinis na. ”’Tol, ba’t ang tahimik mo naman?” Tanong ni Christian. ”Wala. Tapos na ba kayo?” Nasa harap na kami ng bahay nina Kim, mga ten minutes na siguro. ”Nagmamadali ka?” ”Basta, may pag-uusapan tayo.” Tumango si Christian. “Mga ‘dre, may meeting daw sabi ni bossing. Kim, una na kami. Ingat ka.” “Okay, ingat din kayo. See you!” Nag-kawayan sila, ako? Wala sa mood. Nung makarating kami sa warehouse na meeting place ng tropa, Tahimik lang kami. ”Ehem. Grabe no? Ang cool ni Kim!” Biglang sabi ni Christian. “Yeah! She’s one of a kind!” Sabi ni Enzo. “Akala ko dehado siya kanina, pero kabaligtaran pala! Idol!” Sabi ni Louie. ”Nakaka-inlab. Wiwit!!!” Sigaw ni Dex. +____+ “Dazzling.” Sabi ni Kurt habang tumatango-tango pa. Dazzling? Ngayon ko lang narinig kay Kurt yan. ”Magsi-tahimik nga kayo.” Saway ko. ”Psh. Oo na, hindi naman namin siya aawayin sa’yo!” Bwelta ni Chris sabay tawa. ”Shaddap =__=” Sabi ko. ”Bakit kasi nagka-ganyan ka bigla? Aren’t you happy that she’cool? I mean, pwede rin natin siyang makasama sa mga laban!!” ”Baliw ka ba? Eh paano kung masaktan siya? Kahit ganon siya, babae pa rin siya!” I insisted. ”Pare naman, hindi mo ba nakita yung ginawa niya kanina? That was awesome! Walang gawa yung mga kalaban sa fighting skills niya!” Sabat ni Louie. ”Hindi sa lahat ng pagkakataon eh ganun kahina ang mga kalaban natin, tandaan niyo yan. If you really care for her, maiintindihan niyo ’ko!” ”Eh ano bang gusto mong palabasin ha?! Teka nga, bakit masyado ka yatang concerned? Gusto mo na talaga siya no?” Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. The heck? He’s diverting the topic!! ”W-wag niyo ngang ibahin ang topic!” Sabi ko. Ngumis silang lima. “Well, Well, Well. I think the boss is now…. INLOVE” Sabi ni Kurt. Anak ng. “Ano bang sinasabi niyo ha? Wag nyo ngang ilayo ang usapan natin!” ”Ayos lang yan! Alam naman naming gusto mo siya eh.” Sabi ni Dex. Heto na naman tayo. ”Shut up!” ”All you have to do is accept it Popoy!” “Maga-alala ka ba ng ganyan sa kanya kung hindi mo siya gusto? Ngayon ka lang namin nakita na sobrang mag-alala sa isang babae!” Natahimik ako sa sinabi ni Kurt. Makes sense eh? ”Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin! Basta ang sabi ko, stop thinking of involving her in our fights.” “Ano bang gusto mong gawin namin?” – Christian. “Hindi maganda ang pakiramdam ko. Yung leader nung gang na huli nating nakalaban, pinagbabantaan niya si Kim. Naga-alala lang ako na kapag nakita niya pang kasama natin si Kim, maniniwala siya na malapit nga si Kim sa’tin. Alam niyo na ang pwedeng mang-yari.” Mukhang na-tauhan yung lima sa sinabi ko. ”Tama si Popoy. It is our responsibility to protect her now. Kaibigan natin siya.” “Anong plano mo ‘Poy?” “Lalayuan natin siya.” [Chapter 17] **Popoy’s POV** Gaya nga ng utos ko, nilayuan ng buong tropa si Kim. Alam kong nahihirapan sila. KAMI. Pero alam kong mas okay na gawin namin ’to, kesa mapamahak si Kim kung maraming makakakita na madalas namin siyang kasama. Lalo na sa mga nalaman namin. Naka-hanap ng access sa village nina Kim si Kurt. On patrol kami palagi. Masyadong natakot ang tropa sa pagba-banta nung leader na huli naming naka-away. Doon ko nalaman kung sino yung naka-laban namin. Ace Gabriel Navaza. Yan ang pangalan nung lalaking ka-one-on-one ko noon. Hindi pala siya leader nung mahinang gang na humamon sa’min. Lumalabas na napadaan lang siya don, naghahanap ng aksyon. Parang timang lang. Pero leader talaga siya ng gang. Nung gang na mortal na kaaway ng tropa namin. Yung grupo sa kabilang village. In short, teritoryo nila yung village kung saan naka-tira si Kim. Dahil dun, mas naalarma kami. Paano kapag nag-kita si Kim at Yung g**ong Ace nay un? Edi patay na? Nag-simula na kaming gumawa ng mga paraan para ma-protektahan si Kim nug isang araw. Yung una kong ginawa, pina-dala ko kay Sushi, yung aso ng kapatid ni Christian, yung note na sinulat ko para kay Kim. Hindi ko alam kung maniniwala siya sa kabaduyang yun pero wala na akonmg maisip na ibang paraan. Nahihiya akong sabihin ng personal. Iniiwasan nga namin siya diba? ”Be careful. Always watch your back.” Yan ang sinulat ko. Tapos kahapon, tinext ko siya. Ewan pero natuwa ako nung naka-text ko siya. Natatawa ako kasi pikon siya, akala niya niloloko ko siya. Hiningi ko pa yung number niya dun sa dalawa niyang bestfriend na ka-village namin pero syempre, sabi ko wag nilang sasabihin kay Kim na hiningi ko yun. Kailangan ko lang kasi talaga. Nung nagpa-kilala ako, hindi na siya nag-reply. Galit siguro siya sa’kin kasi ini-isnab ko siya. Pero mas ayos na yun para makapag-focus ako sa tropa at para hindi na rin siya mapa-sama sa mga gulo. Sana lang sundin niya yng sinabi ko na wag siyang masyadong lalabas ng bahay nila. Hindi ko nga sigurado kung minamatyagan na siya ni Ace at nung gang niya. Ano bang kailangan nila kay Kim? Mahirap kung mahahanap nila si Kim. Wala siyang kawala kasi teritoryo nina Ace yung village nila. Marami silang sources dun. Sana Kim, makinig ka naman. She’s smart. Alam niya naman siguro kung sino sa mga taong nakakasalamuha niya sa village nila araw-araw ang mapagkaka-tiwalaan niya. Kahit papaano naman, siguro tatatak din sa isip niya yung mga warning ko. She knows how to fight anyway. She’s awesome at it. Totoo naman yung sinasabi nina Christian eh. She’s cool. Pero kahit na, hindi ko maalis sa isip ko na baka isang araw, mabalitaan na lang namin na hawak na siya ng mga kaaway. Babae pa rin siya. Kung pwede nga lang sana na araw-araw, mababantayan ko siya eh. Pero ayokong sumugal. Marami nang gang ang naghahanap ng butas para mapa-tumba kami. Alam kong kapag nakita nila na pinoprotektahan at malapit sa’kin este, sa’min pala si Kim, baka ipang-blackmail pa nila yun sa’min. Dehado siya. Mas okay na yung malayo siya sa’min kesa mapahamak siya kasama namin. Takte, ang drama ko. [Chapter 18] **Kim’s POV** Things are getting weirder and weirder. Feel ko lang haha. Wala na talaga. As in wala nang pansinan sa’min ni Popoy and company. It’s so annoying! Bakit ba ganun? Tapos ang lakas ng loob ng popoy nay an na kunin ang number ko at mag-text sa’kin ng kung anu-ano?? Siya rin siguro yung nagpapadala ng mga note sa’kin? I absolutely don’t get him! Hindi ko malaman kung naga-alala ba siya o baliw na talaga siya. Tuwing umaga, magse-send siya sa’kin ng ”Be careful” Dapat ba akong kiligin o kilabutan? Sarap i-taktak!! Nagla-lakad ako pauwi sa village namin. Tuwing ganito, napapa-lingon ako sa village nina Shayne. Ang saya naman, andun silang lahat. Talagang ako lang ang napahiwalay. Naka-rating ako sa park sa village namin at naupo sa bench. Sa sobrang galit ko, sinisipa ko ang kung ano mang mapa-dapo sa paa ko. Well, puro bato yun. Naka-harap ako sa gubat kaya alam kong wala akong matatamaan. ”Angry eh? Try this.” May kamay na nag-abot sa’kin ng coffee-in-can. “Thanks.” Inabot ko na rin kahit bad mood ako. Pero dahil nga bad mood ako, hindi ko nililingon yung tao at tuloy-tuloy kong tinungga yung kape. Nerbyosa na ako. +__+ ”Bakit bad mood ka yata Miss?” His voice was so gentle, it tickled my ears. Dahil don, napa-lingon ako only to see… His gentle face. Napaka-peaceful ng ngiti niya and I can’t deny tat he’s really attractive. Maybe not as handsome as Popoy, but he’s hot >/////<. Pero tingin ko nakita ko na siya. Yata? He’s familiar. Baka kamukha lang niya yung mga korean na napapanuod ko sa TV “Wala. Don’t mind me.” Tinapon ko na yung lata sa basurahan sa tabi ko. Napalingon ulit ako sa guy. Tumabi na siya sa’kin ngayon. Dun ko napansin na may scar siya sa lower neck niya. Sayang, ang kinis pa naman at ang puti! Yung tipong pangvampire movies? Muhaha. But it made him look even hotter. Ano ba yan, ang manyak ko na. “Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon? Did the coffee work?” He asked. Ngayon humarap na siya, I could fully see his features. >//////< “Yeah, I guess so. Thanks!” I smiled at him. Yung kape ba talaga o yung nag-bigay ng kape? Shocks haha! ”Can I know your name Miss?” ”Ah, I’m Kim. Kimberly Joyce Tiangco. You are?” He reached for my hand and kissed it, making me blush. “I’m Ace. Ace Gabriel Navaza. Just call me A.G. A pleasure to meet you.” [Chapter 19] **Kim’s POV** A.G. Kyaaaaaaaah! I can’t get his face out of my mind. Ang gwapo niya! He’s cool, kahit na mukhang adik-adik yung blonde hair niya, it suits him very well! Mas lalo siyang nag-mukhang Korean superstar haha! Pero nakaka-inis lang, sa tuwing busy ako sa pagpa-pantasya sa mukha ni A.G., sumisingit bigla yung mukha nung bugnuting si Popoy. Panira. “Oh, so here’s where you live? Nice meeting you again.” Sabi ni A.G. Nasa tapat na kami ng bahay. See? Kahit magkasama kami, pinagpa-pantasyahan ko pa rin siya haha! ”Yup! Thanks sa pag-hatid ah? I think I also needed that.” I smiled at him. “Bakit naman?” Tanong niya. “Ah, basta. Pinag-iingat kasi ako ng.. Uhh. Ng mga friends ko. You know? Iba na ang panahon ngayon” Yeah right. Baka sabihin niya ang weird ko. “Well, tama naman sila. A beautiful lady should always be careful. Till next time, Kim” He waved and left. Ako lang ba, o nag-smirk siya? Pero hindi yung devilish smirk. Ang bait pa rin niya tingnan. Kung nai-hatid niya ako, ibig sabihin ka-village ko lang siya. Nasa park siya eh. Wow!! New friend haha! At Ayee, beautiful daw ako ^___^ Masaya akong pumasok sa bahay. Lalala~ Pagka-sara ko ng gate, tumunog yung cellphone ko. “New message from Popoy-e” Ayos ba yung name niya sa phonebook ko? Haha! Trip ko lagyan ng E sa dulo. Popoye. XD From: Popoy-e Haven’t I told you not to talk to strangers? Ang angas nito ah? At paano niya nalaman na nakipag-usap ako sa new friend ngayon? May mga hinire ba siyang stalker? To: Popoy-e Get lost! How’d you know I’ve got a new FRIEND? Strangers niya mukha niya! Ang gwapo na nga, ang bait pa nung si A.G!! Masyado siyang judgemental! Hinatid pa nga ako oh?! From: Popoy-e Whatever. Kung cno man yan, siguraduhin mong mapagkakatiwalaan. Take care. Ayan na naman yang Take care na yan. It’s annoying!! But sweet :”> **Popoy’s POV** From: Diarrhea-girl Get lost! How’d you know I’ve got a new FRIEND? Naman! Ang kulit! Hindi ba niya ma-realize na ginagawa naming lahat para maprotektahan siya? Kanina lang, may nag-report sa’kin na nakita raw niya na may kasama na lalaki si Kim, parang kakakilala lang daw nila sa park. Sinabihan ko na siyang mag-ingat eh! Paano kung gang member pala yun? O kaya spy na gusto siyang gamitin laban sa’min? Or worse, paano kung si Ace pala yun? To: Diarrhea-girl Whatever. Kung cno man yan, siguraduhin mong mapagkakatiwalaan. Take care. Maya-maya, nag-reply na rin siya. From: Diarrhea-girl In your face! Ano ba kcng problema? I’m telling you, he looks and he is nice. Madaming plastic ngayon no! To: Diarrhea-girl Okay, just tell me his name. Sana hindi Ace. From: Diarrhea-girl He’s A.G... Wag na wag mo siyang ppa-abangan sa lbas ng village. He’s my friend now. G2G. :] Tingnan mo ‘to, tataray-taray tapos palagi naming may smiley. It’s silly, right? Nagi-isnaban kami pero palagi kaming magka-text. Ito na yung means of communication naming dalawa. Pero hindi alam ng tropa na nakaka-text ko siya. Napaka-likot kasi ng imahinasyon ng mga ulol nay un. But somehow, I feel happy everytime I receive replies from her. Buti lagi siyang may load. Feeling ko, hindi nawawala yung pinag-samahan namin. Kahit paano, nagsasara yung gap sa’min. Di ko ma-explain yung feeling. Minsan kahit puyat na ako, ite-text ko pa rin siya. O kaya, kahit katatapos lang ng isang riot. Weird. Kaso, kapag sa personal, kailangan talagang iwasan ko siya. Aaminin ko, nakakamiss din yung kakulitan niya. She’s so close.... Yet so far. [Chapter 20] **Popoy’s POV** ”Oo!! Tapos alam mo ba? Nag-bike pa kami!! Sinamahan niya rin ako sa car racing camp and I didn’t expected him to be that good!! Nag-punta rin kami sa Archery club sa village, nalamangan niya lang ako ng isang shot. Sayang hindi ka namin kavillage ’Poy!!” She is making funny gestures while narrating what happened in the weekends. Parang sobrang saya niya. =____= “Yeah, whatever.” Nag-W sign lang ako sa kanya at tinuloy ang paglalaro ng PSP. Takte, ‘di ako maka-concentrate! “Hmp! Sungit naman nito!” Tapos nag-punta na siya kina Chrisitian at doon naman nag-kwento ng nang-yari nung weekends. Nakaka-rindi na! Na-rinig ko pang sinabi ni Christian, “Tama na nga! Magse-selos na kami niyan eh!” I gave in. Matapos ang halos dalawang buwan, nag-deklara na ako ng ceasefire. Tuwang-tuwa naman yung mga ugok kasi miss na miss na raw nila talaga si Kim. Nung na-realize ko na baka nga hanggang salita lang yung si... Ace nga ba? Ah oo. Kasi wala namang nangya-yari kay Kim eh. Walang nananakit sa kanya. Tinakot nga lang siguro ako. Natuwa lang ako kasi halos mangiyak-ngiyak na si Kim nung nag-punta kami sa kanya at sinabing okay na kami. Niyakap niya nga kaming lahat. Aaminin ko, sobrang masaya rin ako. Crap, I missed her so much! Hindi na ako natatakot sa banta nung Ace na yun. Kung may gagawin siya, edi gawin niya! Kami ang makaka-harap niya kapag nagka-taon. Kampante na rin naman ako kasi nalaman kong hindi nagkakalayo ang grupo naming sa grupo nila, hindi rin sila mahilig sa mga riot. Kaso, naiinis nga lang ako. Simula last week, wala na siyang ibang bukambibig kundi yun---- Yung A.G. Nakakapag-usok na ng ilong! Fine, by the way she reacts, he might be nice and friendly pero kung mag-kwento siya parang patay na patay siya sa kung sino mang kumag yun! Parang sila lang ang tao sa mundo ah? Hindi ba niya nahahalata na naba-badtrip ako? Wala akong ibang isasagot kundi “Ah” “Oh?” “Weh” “Okay” at “Whatever”. Ni hindi pa ga naming nakikita kung sino yung A.G. na yun, kapag daw kasi yayayain niya eh palaging busy. Naku! Duwag lang siya! Baka mas gwapo pa yung tuhod ko sa kanya ah! Konti na lang, konting konti na lang at mauubos na ang pasensya ko sa kaka-kwento niya. Basta nagi-init ang ulo ko. Kasama nga namin siya araw-araw, lumilipad naman kung saan ang utak niya! Maya-maya, papunta na ulit sa akin si Kim. Hindi ko siya pinansin at nag=laro lang ako ng Tekken sa PSP. Kung magk-kwento na naman siya, isasalpak ko sa tenga ko yung headset at itotodo ang volume. Bastusan na kung bastusan. Uh Crap. ”Uy..” ”Oh ano? Nilayasan ka ng mga kausap mo ’no?” Nakita ko kasing lumabas ng clubhouse sina Christian. Kami na lang dalawa rito. Tumango siya at nag-pout. Yeah I know, she looks d*mn cute. Wag na niyang ipamukha. “Galit ba kayo sa’kin?” “Hindi.” I plainly answered. “Nabo-bore na kayong ka-usap ako? Iiwanan niyo na ulit ako?” ”.....” ”Huy Popoy! Sumagot ka!” ”It depends.” Sabi ko. ”On what?” “Kung titigilan mo na ang kaka-kwento ng tungkol sa A.G. na yan. Nari-rindi na kami!” She froze. **Kim’s POV** “Kung titigilan mo na ang kaka-kwento ng tungkol sa A.G. na yan. Nari-rindi na kami!” I froze at tumigil sandali para mag-isip. Ina-absorb ko pa yung sinabi niya eh. ”H-Huh?” Pa-inosenteng sagot ko but deep inside, I’m laughing (evil laugh) so hard! >:’] “Tsk. Just stop talking about him! Last week ka pang ganyan! Kasama ka nga naming pero yung utak mo naman palaging lipad! Parang wala rin! Got it?” ”Eh bakit naman? He’s my friend!” Natutuwa ako na kinikilig haha! By his reactions, I can say that he;s jealous. Feeler ako eh. Haha! Hindi lang alam ni Popoy kung gaano ako kasaya ngayon kasi kasama ko na ulit sina Popoy and company. Miss na miss ko na sila no! Halos maiyak na ako nung lumapit sila sa’kin. Halos mayakap ko na si Popoy nun. Ina-amin ko naman eh, kahit na hindi kami ganun ka-close, siya ang pinakana-miss ko. I don’t know exactly the reason? Maybe because I like him. :”> Gusto ko pa tuloy siyang inisin! Para mukhang nagse-selos siya! Napaka-hirap niya kasing basahin! ”Aren’t we also your friends??!!” Nagulat ako at natigil sa mga iniisip kong kalokohan. He scolded me. “Y-Yes.. Kaibigan ko kayo..” “Yun naman pala eh! Are you numb or what? You keep on telling stories about that jerk!! Ganyan ka na ba ka-patay sa lalaking yun? Edi sa kanya ka na lang sumama!!” Binagsak niya yung PSP sa lamesa at nag-tuloy-tuloy palabas leaving me with my eyes wide open. Napa-sobra na ba ako? I... I thought it was working.. Well, it worked Kim. It really did :[ Napa-hampas na lang ako sa nook o. Ano ba ’tong ginawa ko! Nagalit ko na yata si Popoy.. Sa totoo lang, O.A. naman talaga ang pagk-kwento ko sa kanila eh, lalo na kay Popoy. Pero hindi ko naman inakala na magiing ganito pala.. Umuwi ako mag-isa. Malungkot at malalim ang iniisip. Hindi ko alam na ganun pala siya ka-sensitive.. Kasalanan ko naman talaga eh. Nagka-ayos na nga kami, ako naman ang nagla-layo ulit sa amin. Hindi ko nakita si A.G. ngayong araw. Mabuti naman. Gusto ko munang mag-isip. Kailangan mag-sorry ako sa kanila.. Nakaka-inis naman kasi! Bakit nga ba naging ganun ako? Akala nga yata nila may gusto ako kay A.G. Well siguro crush ko siya, pero kaibigan ko lang naman siya.. Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Popoy, ”Ganyan ka na ba ka-patay sa lalaking yun? Edi sa kanya ka na lang sumama!!” Tinataboy niya na ako huh!! Ay, mali! I should not let my pride take over me. Kasalanan ko naman talaga eh. Kahit na masyado akong nasktan dun! Parang sinabihan niya na rin ako ng ’flirt’ sa tono ng pananalita niya! Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko.. [Chapter 21] **Popoy’s POV** Pagka-uwi ko, dumapa agad ako sa kama. Ugh! Nasigawan ko tuloy siya! Putek naman. Baka magalit sa’kin yun! Pero sobra na kasi siya eh. Maybe she should learn her lesson. “Nak, aren’t you hungry? May merienda rito.” Sabi ng Nanay ko. “Hindi na Ma. Wala akong gana.” Dumapa ulit ako at nag-lagay ng earphones sa tenga. Narinig kong bumukas ang pinto. Tss. Si Mama talaga, ang kulit! Siguradong kukulitin ako nito kung anong problema ko. Bakit kasi sinabi kong wala akong gana? Pwede namang sabihin ko na busog pa ako? Ugh. ”Speak, Israel.” Sabi ko nga, wala akong magagawa kundi mag-kwento kay Mama. Liliwanagin ko lang, hindi ako Mama’s boy ha. Mahal lang talaga namin ni Mama ang isa’t-isa. Kaming dalawa na lang kaya pinipilit naming wag magka-roon ng gap sa’ming dalawa. Bale, siya na rin ang tumatayong Tatay sa’kin. ”Ang sensitive mo pala Anak. Haha!” Natatawang sabi ni Mama. +___+ ”Wag mo nga akong pag-tawanan Ma! Eh sa na-rindi na ako eh!” ”Chill! Joke lang haha! Sana sinabi mo na lang na nagse-selos ka para hindi na humaba yung kwento mo.” Napa-tigil ako sa sinabi ni Mama. Ano daaw?! ”HAAA?!!” ”Ikaw, nagse-selos.” Sabay higop ni Mama sa juice. Kung maka-arte si Mama, parang hindi 45 years old. Sabagay, bata naman siyang tingnan. Hindi niya pinapabayaan ang katawan at sarili niya. Tuwang-tuwa yan kapag natatanong siya na ”Ate po ba kayo ni Popoy?”. Baliw =__= ”HINDI AH!! ASA MEN!” ”OOOOOH.. Defensive ang baby ko! Haha!” “I’m not a baby and I’m not jealous! Crap!” “Really? Kaya pala nagalit ka at nasigawan mo siya sa simpleng bagay lang na ginawa niya? I bet she’s really pretty huh?” “Of course Ma she’s pre------ I MEAN NO!! MALI KA NG INIISIP MA! It’s just that. Uhmm, nakaka-rindi lang talaga! Kami ng barkada ko ang kasama niya tapos yun palagi ang bukambibig niya. Hindi ka ba maiinis dun?” Natawa si Maam dun. Putek na ’yan. ”Maganda naman pala eh!! Umamin ka na kasi!! Para sasabihin lang eh. Paano ba kayo nagka-kilala niyan? What’s her name again?” ”Kim. Kasi Ma, siya yung sinasabi ko na na-meet ko sa ospital. ”Oh.. Oooh.. OHH!!! HAHA!! SIYA YUNG DIARRHEA GIRL? AHOHOHOHO!!” ”What’s so funny Ma?” ”Nothing, aahk! Kinikilig akooo! Haha! Maybe you’re destined for each other. Like that idea, kiddo?” “Destined? Pweh!” “Sabihin mo na lang kasi na gusto mo siya!” Tumabi siya sa’kin. ”Hindi ka naman mamamatay kapag sinabi mo yun sa’kin eh. Ako ang pinaka-nakakakilala sa’yo Popoy..” Seryoso na siya. ”Hindi.....” Tinaasan niya ako ng kilay. Putek pinapawisan ako!! ”Hindi ko alam” Tinuloy ko na lang ang sinabi ko. Hindi siya satisfied sa sagot ko. ”Nakaka-inis naman eh! Di bale, mare-realize mo rin yan. Ahohoho!!” Nasa kala- gitnaan si Mama ng pag-tawa ng may kumatok sa’min. ”Tita ganda?? Andyan po ba si Popoy?” Yung mga ugok nandito na. Palagi nilang binobola si Mama! Kaya lumalaki ulo nito eh. ”Yes dears, pasok na kayo! Kukuha ko kayo ng meryenda.” Umupo kami sa garden. ”Oh, bakit?” Tanong ko. ”Meron ka ’tol?” Tanong ni Christian. Nak ng. ”Ungas. Bakit nga kayo napunta rito?” ”May ire-report kami..” Sabi ni Kurt. ”Good or bad?” Tanong ko. “’Di namin sigurado pero para sa’yo, siguro bad news.” Sabi ni Enzo. Tumango lang yung iba. ”Ano ba yun?” Huminga sila ng malalim. ”Ace Gabriel Navaza.” Sabay-sabay sila. “What about him??” “For short, A.G.” [Chapter 22] **Kim’s POV** Hay!! Nakaka-sakit na talaga ng ulo ang pag-iisip! Mag-hapon kong iniisip kung anong gagawin ko para magka-ayos na kami nina Popoy. Grr. Andito na naman ako sa park, nagmu-muni-muni. ”Tsk! Kainis!” Sinipa ko naman yung tansan sa harap ko. ”Hey, kawawa yung tansan! Oh eto na lang, Coke. Bukas na yan. Hehe.” Hay, bakit sa tuwing mabigat ang pakiramdam ko, dumadating siya? ”Thanks.” Nginitian ko siya tapos uminom ako. “Ano na namang problema? Ang hilig mong manipa ng mga walang kamalay-malay na bagay ha.” ”Eh Kasi naman, depressed ako! Anong gusto mo? Buti nga yan eh, para hindi ako maka-sakit ng tao. Brutal masyado.” Tumawa siya ng mahina. ”Tungkol ba sa mga kaibigan mo?” ”Right A.G.! You’re a psychic.” “Eh yun lang naman kasi palagi ang problema mo eh.” “Tingin mo anong dapat kong gawin? Nag-tampo sila kasi… Basta! ’Di ko alam ang gagawin ko..” Ngumiti na naman siya. Hay. Hindi siya nauubusan! Lalong pumo-pogi ’to eh. ”Just apologize. Yung maayos.. Just follow what your heart says.” “A.G., ang lalim ah.” Kahit naman hindi ko nage-gets madalas ‘tong taong ‘to, madali niya pa ring napapa-gaan ang loob ko. He is a good friend! Tingin ko nga, kung magkaka-kilala lang sila ng barkada ni Popoy, magkaka-sundo talaga sila! Tahimik lang si A.G., pero kengkoy din at mapagkaka-tiwalaan, actually, madami silang similarities! Meron ding “gangster aura” si A.G., pero by his looks, I mean, except sa blonde hair niya, hindi talaga siya mukhang gangster. Good boy masyado itsura niya.. Di bale, kapag naayos na, ipapakilala ko na talaga si A.G. kina Popoy. I’m sure they will be best buds! Can’t wait! ^O^ **Ace’s POV** “Basta! Kapag naayos ko na, promise ipapakilala kita! Baka nga maging magbestfriends pa kayo eh! Haha! That would be awesome!” Sumuntok pa siya sa hangin. She’s funny. “We’ll see.” I grinned secretly. Tingin niya ba talaga magiging bestfriends kami nina ‘Rael’ or should I say, Popoy, kapag nag-kita kami? Baka riot. Marami nga siguro kaming pagkaka-tulad. He’s a leader, I’m a leader. Halos magkasing-lakas lang ang grupo naming. Pero dahil hindi pa naman nagkakalaban ang mga grupo naming, hindi pa kami nagkaka-sukatan. Hinatid ko lang si Kim sa bahay nila pagka-tapos tumuloy na ako sa hideout ng grupo namin dito sa village. Isa rin lang siyang abandonadong building pero nililinis naman ito palagi. I don’t know why Rael’s group is so threatened by my presence.. Lalo na nung sinabi kong interesado ako kay Kim. Dude, it’s not like I’m going to kill her. Dapat pa nga nila akong pasalamatan kasi tinutulungan ko pa sila. Palagi rin akong naka-bantay kay Kim. Alam ko kung anong ginagawa niya pero syempre, kapag nasa labas lang siya ng bahay. I’m not into invading others’ privacy. Kinaibigan ko si Kim, and I succeeded. Yun lang naman ang intensiyon ko, wala nang iba. Matagal ko na siyang nakikita sa village na binabantayan naming pero hindi ko siya nilalapitan dahil delikadong magkaroon ng koneksyon sa amin ang mga ordinaryong tao. Pero pagkatapos nung araw ng laban naming ni Rael sa village nila, I’ve seen her true side. She could fight for herself. Natalo pa nga niya yung mga tauhan nung kalaban nila eh. Hayup. Mas lalo akong naging interesado sa katauhan ni Kim. Kinaibigan ko siya at ngayon nga, nakakapag-open na siya. Alam ko na rin kung bakit sobrang pino-protektahan siya ng grupo ni Rael. Natatawa na lang ako dahil iniisip nilang ginagamit ko si Kim laban sa kanila. Sinasakyan ko na lang, I’m enjoying it, lalo na kapag nakikita kong umuusok na ang tenga ni Rael kapag nababalitaan niyang madalas kong kasama si Kim, especially nung nalaman niyang ako si A.G. na palaging bukambibig ni Kim. Pero wala talaga akong balak na masama, wala akong dalang problema sa kanila. But if Rael is attracted to Kim, Then I can’t promise that I would be a good friend. >:) [Chapter 23] **Popoy’s POV** “Ano?! Sigurado ba kayo dyan?” Tumango lang sila. Seryoso sila. ”Naloko na.” ”Anong balak mong gawin?” Tanong ni Kurt. ”Kailangan nating balaan si Kim. Wala siyang kaalam-alam na kaaway natin ang kinakaibigan niya!” Kahit hindi naman talaga yata namin kaaway. Pero kahit na! ”Paano? Eh mukhang close na sila eh. Baka hindi siya maniwala satin!” Sabi ni Christian. Oo nga.. ”Nasa kanya na yun kung sino ang pipiliin niya. Basta ang mahalaga, mailayo natin siya sa lalaking yun! Langya, umaatake habang naka-talikod tayo! Pambihira naman oh!!” Napa-hampas ako sa lamesa sa inis ko. ”Chill bro. Eh paano kung, hindi naman talaga masama yung si Ace? I mean, wala naman siyang ginagawa kay Kim di ba? Masaya pa nga daw siyang kasama eh.” Singit ni Enzo. ”At tsaka, hindi naman talaga ka-away ng grupo natin yung sina Ace. Hindi nila tayo nire-resbakan. Siguro pwede namang hayaan na lang muna natin?” Sabi ni Louie. Ano? Pabayaan? Baliw na ba sila? “Naririnig niyo ba yang pinagsasasabi niyo? Aren’t you thinking about Kim’s safety?” “Tol naman, syempre we want her safe! Pero ang sinasabi naming, matagal na ring kinu-kwento ni Kim si Ace sa’tin. Wala namang nangya-yaring masama so far. I think Ace is also trying to protect Kim! Tandaan mo Popoy, teritoryo ng grupo ni Ace ang village ni Kim..” Christian explained. ”Oo nga, atsaka kung iniisip mo naman na ginagamit nila si Kim para pang-blackmail sa’tin, dapat dati pa nila ginawa at hindi na pinatagal, since huling-huli na ni Ace ang loob ni Kim.” Sabi naman ni Dex. AT talagang lahat sila eh taliwas sa’kin? Hindi naman kasi nila nararamdaman yung nararamdaman ko! Pakiramdam ko, hindi talaga mapagkaka-tiwalaan yung Ace na yun! ”Basta hindi maganda ang kutob ko sa lalaking yun! C’mon. We’ll go to Kim’s place.” “Pare.. Isipin mo munang mabuti..” “Ano pa bang iisipin ko? Baka may masamang motibo yung si Ace!” ”POPOY ano ba!! Praning ka lang eh!! Natatakot ka ba sa sinabi ni Ace sa’yo nung laban natin sa lumang warehouse?!!” Sinigawan ako ni Christian. Natigilan ako. N-narinig niya yun? Mukhang si Christian lang ang may alam nun. Mukhang nalilito rin sina Enzo eh. ”H-hindi ah.. Naga-alala lang talaga ako kay Kim.” Pambihira naman! “Talaga lang ha?” Lumapit sa’kin si Christian at bumulong. “Aminin mo na kasi. You’re into her. ”Lumayo ka nga sa’kin!!” Tinulak ko siya, tumawa lang siya. “WHAT NOW??!!” Sinigawan ko siya. “Walang pupunta kay Kim. We’ll have a boys’ talk. Guys, i-gapos niyo si Bossing. Punta tayo sa clubhouse. I’ll go get some drinks.” Agad namang pumunta sa’kin yung apat at hinawakan ako, kinaladkad pala. ”Putek naman! Bitawan niyo ako! Ano bang gagawin niyo ha? Pag ako naka-wala may bukol kayo sa’kin!!” Tumawa lang sila at tiluloy ang paghila sa’kin. Bakit ba hindi ako makawala ngayon? Argh. Weak. Habang kinakaladkad ako, paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang sinabi ni Ace noon. Such an annoyance. Nagi-init ang dugo ko. ”I’ll get that gorgeous girl from you. Till then.” [Chapter 24] **Christian’s POV** Haha! Itsura ni Popoy!!! Panalo oh!! Atleast now, Under ko si Boss. Muhahah!!! Joke, peace kami ni pinsan eh. Naiinip na kasi ako. Halatang-halata na nga, ayaw pang umamin. ’Di ko malaman kung manhid o torpe ba ’to. Ang tapang-tapang sa laban, tapos pag-dating sa babae, TORPE? Gross, dude! Kanina, nagwa-wala pa siya, ngayon naka-tungo lang siya habang naglalakad kami papuntang tambayan. Baka nahy-hypnotize sa kinakanta ko sa daan? Kanina pa kasi ako kumakanta ng ”I will get that gorgeous girl! Get that gorgeous girl from youuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!!!!!! Lalala!!” Tamang pang-asar lang haha! Hindi naman niya ako sinasaktan eh. Muhaha. Sina Enzo, Dex at Louie naman eh tanong ng tanong kung ano daw yung narinig ko. Ini-isnab ko lang. Mukhang si Kurt naman eh alam na kung anong pagu-usapan namin. Syempre, kahit naman mga gang leaders kami, mahalaga rin para samin yung pagka-kaibigan namin no. Walang sikreto. Tinutulungan pa namin si Popoy kay Kim. Haha! Napaka-pakipot naman ng lalaking ’to. Halata namang interesado rin sa kanya si Kim. How silly. Mahal nila ang isa’t-isa pero sila lang dalawa ang may hindi alam nun. Buti pa kami ni Shayne. Wahahah! Naka-rating na kami sa clubhouse. Pina-una ko si Popoy. ”After you, Boss. Haha!” Nag-gesture pa ko na pinapa-pasok ko siya. ”Yeah right.” Sabi niya tapos pumasok din. Shungit. “Oh, ano bang plano niyo? Let’s get this over with!! Wala ako sa mood!” Reklamo ng mahal na hari. “Inom tayo. Hehe.” Nilapag ko sa lamesa yung binili kong beer. Payag naman si Tita ganda eh. Basta hindi kami magkaka-hang over bukas. Haha! ”Tss.” Pa-tss-tss pa si Boss, iinom din naman pala. Hayyy Uminom siya ng isang bote, straight. Oooooh.. There goes another bottle.. And another one.. Naka-tunganga lang kami habang iniinom niya yung pangatlong bote niya. Kukuha pa sana siya pero pinigilan ko na. Tama na yun. Maduga na siya haha! ”Hep hep, tama na! Amin na ’to!” Inagaw ko yung case. Tigi-isang bote lang kami, siya tatlo. Ayos yaaaan! At least mawawala siya ng konti sa wisyo. Wahaha! ”Bakit mo inagaw? Kakaladkarin niyo ko dito para uminom tapos pipigilan niyo ’ko?” Tanong niya pero mahinahon. Ayos to pag lumalasing eh. Kumakalma haha! Tatlong bote lang nainom niya, wala pa siya masyadong tama. ”Okay, I’ll get straight to the point. Popoy..” Sabi ko. “What?” “I think..” “You think what?” “I think I’m….” “You think you’re what!!?? Crap Christian!! I though you’re going straight to the point?” “Ahehe! Oo na eto na to na.. What I’m saying is.. I think I like Kim..” Nung sinabi ko yun, natahimik ang lahat. “What did you say?” “I like Kim.” “Was that a joke?” “No, it wasn’t. I’m also planning to court her.” Tumayo si Popoy at sinuntok ang pader sa tabi niya. Tsk! Tumayo sina Kurt at inawat si Popoy. “Bakit hindi mo sinabi kaagad ha??!!” Sigaw niya. “Hindi pa naman natatagalan yun eh..” Sabi ko at tumungo. Tumungo ako kasi natatawa ako. Kailangang pigilan!! Uwahaha! ”Pambihira naman oh!! Christian!!” ”EH ANO BANG KINAKA-GALIT MO HA??!” Napatayona rin ako. ”Eh ganyan ka pala eh!! Pinsan pa naman kita!! Akala ko ba kay Shayne ka? SA LAHAT NAMAN NG BABAE, BAKIT SI KIM PA?? HA??” Yah, we’re getting there. Wohooooo! Mahal ko si Shayne baby no! Haha! Ini-on ko yung recorder ko. “BAKIT? ANO NAMAN KUNG SI KIM? HA??!!” ”SA LAHAT NAMAN NG MAGUGUSTUHAN MO, BAKIT YUNG BABAENG MAHAL KO PA????!!!!” Sinigaw niya yun ng sobrang lakas. Sa sobrang lakas, hindi niya narinig yung tunog ng recorder ko. Sa sobrang lakas, natahimik lahat, at napa-ngiti kaming magba-barkada.| At sa sobrang lakas, hindi niya namalayang nasa pintuan na pala yung babaeng tinutukoy niya. >:D Then, he threw up. Inom ng inom eh. Waha!! [Chapter 25] **Kim’s POV** Ha! I can hardly breathe! Kapag ako talaga nagka-komplikasyon lagot ka sa’kin Popoy! Para lang makapag-sorry ako kahit bawal sa’kin mapagod tumatakbo pa rin ako. Eh sino ba naman kasi may sabing tumakbo ako di ba? Haha! Bagalan ko na nga, tutal malapit na rin ako sa clubhouse. Ibababa ko na ang pride ko at hihingi ng sorry. After all, kasalanan ko naman kasi masyado akong KSP noon. Hay, nakakahiya. This.Is.It. Nasa harap na ako ng clubhouse. “BAKIT? ANO NAMAN KUNG SI KIM? HA??!!” Teka, si Christian yun ah? Bakit sumisigaw siya? Nag-aaway ba sila? Sinong ka-away niya? At bakit narinig ko yung pangalan ko? Napa-takbo ako papunta sa pintuan. Nung binuksan ko, nakita kong hawak-hawak nina Kurt, Enzo, Dex at Louie si Popoy. Parang inaawat, tapos mukhang galit sila ni Christian. Waaaaa! Bakit naga-away silang mag-pinsan! ”SA LAHAT NAMAN NG MAGUGUSTUHAN MO, BAKIT YUNG BABAENG MAHAL KO PA????!!!!” Nagulat ako sa sobrang lakas na sigaw ni Popoy. Halos mabingi ako sa narinig ko. Ayaw mag-sink in!! My jaw dropped open. Nung makita ako ni Popoy, tumakbo siya papunta sa CR. Narinig ko na lang na parang sumusuka siya. ”Oh, Hi Kim! Haha!” Sabi ni Christian. Hindi pa rin ako makapag-salita sa narinig ko. Ano daw yun? First girl what?? O_O ”Uyyyyy! Haha!” Lahat sila pinat yung ulo ko ng pa-ulit ulit. Err. Aso ako? Aso? Tapos tumakbo na sila palabas. ”KIM!! PAKI-ALAGAAN MUNA SI POPOY HA!! NAGSU-SUKA OH! BABAY!!” Sigaw ni Christian tapos tumakbo na yung lima. Say what?? Kahit wala akong maintindihan sa mga nangya-yari, pumasok ako sa loob at pumunta sa CR. Nakita ko si Popoy na naghi-hilamos sa lababo. Hinahampas niya pa yung noo niya.. ”Sh*t!!” He whispered. “Uhh..” Sabi ko. Nung nakita niya ako, napa-tungo siya. Is it just me? O.. nakita ko talagang kulay red ang mukha niya? Lumapit ako sa kanya. “Don’t!! Dyan ka lang!!” Sabi ni Popoy. Teka? Parang naka-inom yata to ah. Pero hindi naman yung super lasing na. ”Anong dito lang ako? These are my feet! I sould use them whenever I want to!” Lumapit nga ako sa kanya. “Tsk. Kulit!” “Bakit ba ha? Wala naman akong sakit no!! Baka ikaw! Tingnan mo nga itsura mo!!” Namumula kasi pati tenga niya. Yung pinsan ko, namumula ng ganito kapag may lagnat. Sabi nina Christian alagaan ko daw muna si Popoy. Siguro kasi nga may sakit siya. Namumula talaga siya eh. Umupo siya sa sahig, kaya ako naman nag-couch. Hinipo ko yung noo niya tapos hinipo ko rin ang noo ko. ”Okay naman ah, wala ka namang lagnat..” Sabi ko. ”Ah, sige.. Kukuha lang ako ng bimpo ha..” Ang awkward masyado ng atmosphere eh.. Di siya nagsa-salita.. Pati hindi ma-alis sa isip ko yung sinabi niya kanina. Baka naman dahil lang yun sa kalasingan.. :”< ”Wait..” Hinawakan niya ang dulo ng shirt ko. ”L-let’s talk.” ”Baka gusto mo, uhmm.. Sa Living room tayo?” Ang ganda naman kasi, sa banyo kami nagu-usap. >_< ”We’re just going to talk.” Sabi ko nga eh. Sumandal ako sa lababo sa tabi niya. ”Uhmm.. So?” Grabe! Nakakahiya na talaga! ”Uhh.. Yung.. Yung narinig mo kanina.. Uhh.. Ow crap!” He said while he’s brushing his hands through his hair. Ang wet look naman niya eh. Ugh. Natawa na lang ako, “Ow crap!” daw. Haha! “What about it?” “Uhhh.. you know. Uhm.. Lasing lang ako kanina kaya---“ “Yah I knew it. Lasing ka lang kaya nasabi mo yun. Sorry, o sige. Kukuha na ako ng towel.” Okay, that one hurts. Sasabihin niyang mahal niya ako tapos sasabihin niya ngayon na dala lang yun ng kalasingan. Nakaka-inis!! ”Hey wait!!” Tumayo na siya at hinawakan naman ang kamay ko. ”Now what??!!!” Galit na ako! “Medyo naka-inom ako kanina kaya—” ”I’m sick of these. I’m going.” I dont wanna hear those excuses!! “HEY!! Listen to me first!! Hindi mo ako pinapatapos!!!” He succeeded in stopping me. Niyakap niya ako galing sa likod. Ugh! Paano ako makaka-alis ng ganito di ba? ”Medyo naka-inom ako kanina kaya napa-lakas yung pag-sabi ko. I was planning for a private confession.. I’m sorry if I ruined it. But atleast, Nasabi ko na.. Atleast, alam mo na..” Sabi niya habang naka-patong yung ulo niya sa right shoulder ko. A-Anong sasabihin ko? Waaa! >__< Mga 1 minute na siguro kami sa ganoong posisyon. Wala pa ring nagsa-salita. I know I feel the same way. Ayaw lang talagang lumabas ng mga salita sa bibig ko. Eh ano bang sasabihin ko? He’s not asking for answers! “Gusto mo bang ulitin ko yung sinabi ko kanina?” Hindi ako maka-sagot. He chuckled. “Look, I don’t know much about confessing.. Pero katulad nga ng sinabi ko kanina.. You’re the first girl I’ve learned to love.. Well aside from my Mother. Haha!” “Mama’s boy ka talaga. Haha!” Humarap ako sa kanya kaya magka-yakap na kami ngayon. >///////< I guess he got the message. ”I’ll court you, okay?” Tanong ba yun? Parang nagpa-alam lang siya na bibili sa tindahan eh. Haha! ”And what kind of scene is this??” Nagulat kami at napa-hiwalay. May isang babae na naka-tayo sa harap namin, smiling. Kamukha ni Popoy!! Ate niya? ”Ma!!! Bakit ka naman nandito!!!??” MAMA??? O__O ”Haha! These are my feet, I could go wherever I want.” Sabi nung babae. Wow, Pareho kami mag-isip? “Oh, you must be Kim? I’m Ezra. Popoy’s Mom. Welcome to the family!! Haha!” Then she gave me a hug. Instant “Meet-the-Mother” scene!! Waaaaaaaa! But seriously, I never thought he could be this romantic. >////////< [Chapter 26] **Kim’s POV** New Message Received From: Popoy :”> Good morning. Take care. Now that’s a great thing to start a morning! Waaaaaa, ang sarap pala sa feeling nung pag-gising mo, yung pangalan ng taong gusto mo ang makikita mo sa messages mo. Kahit na araw-araw niyang ginagawa yan, hindi ako nagsasawa. At kahit na walang kahit anong nakaka-kilig at cheesy sa text na yun, napa-ngiti talaga ako, and besides, akala niyo lang wala! Haha! Nakita niyo yung ’Take care’ ? Ang sweet kaya nun! Haha! Sabi rin sa’kin ni Popoy, Para na rin daw niya akong sinabihan ng ”I love you” sa tuwing sinasabihan niya ako ng takecare. Kasi, Katulad daw ng I love you, eight letters din ang take care. Weird but sweet haha! It’s been three months since he began courting me, and four months since we met each other. Ang bilis-bilis ng panahon! But I never regretted any of those days. Simula nung nakilala ko si Popoy at minahal ko siya, nagka-roon ulit ako ng pag-asa sa buhay at nabago ang mga paniniwala ko.. Parang, nabuhayan ulit ako ng loob. Naging mas malakas ako at naging willing ulit na mag-take ng risks sa buhay.. Nang walang takot.. Syempre, nandun din ang mga magulang ko pero iba siya eh. On the other hand, nagi-guilty rin ako.. At natatakot. Hindi ko maiwasang maisip kung, magta-tagal kaya ’to? Hanggang kelan kaya ’to? Paulit-ulit kong pinagpe-pray na sana, noon ko pa nakilala si Popoy, para mas matagal ko na siyang naka-sama. Argh! Ano ba yan, napaka-drama ko naman! Nagiging praning at O.A. lang siguro ako. Stop it, Kim. Magta-tagal kayo ni Popoy. You’ll finish high school and college together, get a stable job, get married, build a family and be together forever. Hay, daydreaming.. Bumaba na ako sa kitchen para kumain ng breakfast. Hinihintay na ako nina Mommy at Daddy, nagha-handa naman ng lamesa si Manang. “Good morning Kim!” Bati nilang tatlo. Ang cute, sabay-sabay. Bwaha. “Good Morning!” Tapos umupo na ako. Hawak ko nga pala ang cellphone ko. Haha! Ite-text ko siya. To: Popoy :”> Hey! Good morning. Kain na! Take care too. Chusera! Parang nag-I love you too lang ako. Haha! “Uy, ano yan? Bakit naka-ngiti ka habang hawak ang cellphone mo ha?” Nagulat ako kay Mama. ”Mukhang alam ko na Siomee.” Tapos tiningnan nila ako ng parang nanga-asar. ”Stop that! Kain na tayo! Haha!” Halata bang umiiwas sa topic? XD ”Aba anak, matagal-tagal ka na ring nililigawan ni Popoy ah,” Tanong ni Daddy habang kumukuha ng tinapay at nilagay sa plato ko. ”Oo nga, Mukhang love ka talaga niya! Di mo pa sasagutin? Haha!” Sabi naman ni Mommy tapos nilagyan naman ng ham yung tinapay ko. Haha! Para akong baby ano ba yan. ”Naman! Mas excited pa kayo sa’kin!!” ”Eh kasi naman, wag mo nang pag-hintayin iha..” Isa pa si Manang oh. ”Basta.. Malapit na po..” Tapos nagsi-sigaw si Manang at si Mommy. Umiling naman kami pareho ni Daddy. ”Basta, siguraduhin ang bawat kilos anak ha? Ayaw naming masasaktan ka.” ”Yes, Dad.” Natahimik kami nun. Ayt? Bakit kaya? Nung matapos na kami, naka-tingin lang sila sa’kin. ”Uhhh, bakit po?” ”Uhm. Anak, gusto sana namin ng Daddy mo na, pumunta tayo kay Dra. Estrella mamaya after lunch.” Eh? Bakit kaya? Si Dra. Estrella ang personal doctor ko. Mabait yun! ”Uhm.. Bakit? I’m doing good Mom.” “Yeah, nakikita naman naming yun anak. Lalo na simula nung nakilala mo si Popoy.. Ang amin lang eh, para ma-monitor na rin natin ulit ang kondisyon mo. Four months na rin naman since huli tayong nag-punta kay Dra..” May point si Mommy. Kaso... Natatakot ako. Paano akapg nag-punta kami dun.. Malaman namin na lumala pala ang kondisyon niya? No, hindi ako dapat maging nega. Hindi naman ako nakaka-ramdam ng kakaiba eh. I’m feeling great! ”Natatakot ka? Don’t be.” Hinimas ni Dad ang likod ko. ”You’ll be fine. And if you want, we can do something while it’s early!” “N-No Mom.. Kapag nagpa-check up tayo at okay naman ang lahat, wala tayong dapat ipag-alala. Di ba? I’ll be fine, don’t worry…” Niyakap nila ako at umakyat na ako sa kwarto. Tinext ko si Popoy. Gusto ko siya bigla maka-sama. Ma-aga pa naman, after lunch pa yung appointment namin sa hospital. Ngayon lang ako natakot nang ganito tungkol sa kalagayan ko. Dati naman kasi, wala akong paki. Tanggap ko kung ano man ang mangyayari sa’kin. Pero ngayong nandito si Popoy, sobrang hirap na ng sitwasyon. Bakit ba masyado akong nagi-isip? It’s not like I’m dying! Hindi no! Hindi.. Hindi pa pwede.. [Chapter 27] **Popoy’s POV** Ganito pala ang feeling kapag inlove ano? Parang lumulutang. Bwaha. Pagka-gising, habang kumakain, habang nanunood ng TV, habang nagdo-dota, habang nagka-klase, bago matulog at pagka-gising ulit, iniisp ko siya. Overdosed na nga yata ako kay Kim eh. Haha! Tatlong buwan na rin akong nanliligaw at sinusuportahan ako ng tropa at nanay ko. Botong-boto naman si Mama sa kanya eh. Hindi ako nagsasawa sa paghi-hintay sa kanya. Kaya ko naman mag-hintay, kahit sa graduation niya pa ako sagutin. Pero pwede ring ngayong Pasko na, malapit na rin naman. Haha. Masarap pala sa paki-ramdam. Minsan nga kahit may ka-away kami eh nakangiti lang ako. Bangag. Dahil din kay Kim, Hindi na ako masyadong warfreak. Natuto akong mag-kontrol. Kapag may trespasser na lang tsaka kami napapa-away. Di naman niya ako pinagbabawalan kasi alam niya raw kung gaano kasarap ang pakiramdam ng nakaka-sapak. Astig haha! Kanina lang, nag-text siya. Pasyal daw kami. Di naman ’to nagyayaya dati eh. Kaya pumayag na ako. Sinundo ko siya sa may gate ng village nila. Baka makita ko pa si Ace eh. ”Uy!” Kinulbit niya ako. ”Uuuuuuuy” Tapos nag-high five kami. ”Saan tayo?” Tanong ko habang nagla-lakad kami papunta sa motor ko. ”Hmmm..” Nagi-isip siya habang sinusuot yung helmet niya. ”Gusto mo bang.. mag-CAR RACING??” ”Huh?” ”CAR RACING!” Naka-ngiti siya nang todo. ”Marunong ka?” Tanong ko. Meron pa bang hindi alam ’tong babaeng ’to? ”Naman! Magyayayaba ako kung hindi? Tara dali! Ang matalo dun mangli-libre sa school bukas! Haha!” ”Haha. Trip mo ah.” Umangkas na kami sa motor ko tapos tinuturo niya yung daan. Nagpa-kahirap pa ako eh sa loob lang pala ng village nila yung car racing camp. Konting drive lang, nandun na kami. Bumaba siya at tumakbo papunta sa loob. ”Kim!! Antagal mo ulit hindi nag-punta rito ah!!” May sumalubong sa kanya, mukhang yung may ari nito. ”Yes Sir Gilbert! Nakaka-miss! Busy sa school eh, nga pala! May kasama ako!” Tapos hinila niya ako. ”Si Popoy po! Magra-race kami.” ”Ooooh.. Sandali lang. Antay na kayo sa field. Ipapa-handa ko ang kotse niyo.” Hinila ulit ako ni Kim. Excited ’to masyado ah? ”Mabilis ka ba mag-drive?” Tanong niya. ”Bakit, ikaw ba?” ”Try me. Haha!” Naka-rating na kami sa field at sumakay na sa mga kotse. ”Paki-lagay ng seatbelts!!” Sigaw ni Sir Gilbert. Pumwesto na yung babae na may hawak ng flag na magiging signal na simula na. Hmm, mukhang makaka-libre ako ng lunch bukas. Bwahahaa. ”Handa mo na pera mo..” Sabi ko kay Kim habang naka-dungaw sa bintana. ”Haha! Baka ikaw! Mauubos ko yan!” Nag-bilang na yung babae at.. “GO!!!” Pagka-wagayway nung flag, humarurot na kaming dalawa. Aba, ako ang pinaka-mabilis mag-drive sa tropa pero hindi ako maka-layo kay Kim!! Malapit na kami sa unang turning point. Hmm, kailangan ng malakas na binti para dito. Siguro lalamang na ako, kailangan ng drift dito eh. ako yung malapit sa wall kaya ako ang unang nag-drift. Humarurot ako. At akala ko naiwan ko na siya, seconds later, kadikit ko na naman siya. Tumingin ako sa kanya at binelatan niya lang ako. ”Ah, ganun ah?” Mas binilisan ko pa, ang diin na ng tapak ko, nanggi-gigil na ako! Haha! Kung sa highway to, nahuli na kaming dalawa. Nung maka-tatlong turning point na kami, nakita ko na yung finish line. At as expected, naka-rating kamisa finish line nang sabay. Walang labis, walang kulang. Bumaba na kami. I enjoyed that. “Galing natin.” Kinuskos ko yung ulo siya. Nung nagla-lakad kami palabas, tahimik lang siya. Bakit hindi siya madaldal ngayon? ”Uhhh, may problema ka Kim?” ”Ah? Wala ah.. Naisip ko lang.. Sana ganun din tayo..” Ngumiti siya....? ”Katulad ng alin?” Parang ang lungkot niya.. ”Nung mga kotse kanina.. Sana tayo rin... Magka-sama hanggang sa finish line..” [Chapter 28] **Kim’s POV** Pagka-tapos naming sa racing camp, sinabi k okay Popoy na umuwi na lang kami. Magla-lunch na rin kasi at may appointment pa nga kami after lunch. Tahimik lang kami, ay ako pala. Palagi naman siyang nago-open ng topic pero tahimik lang akong naka-hawak sa kanya habang nasa motor kami, hanggang sa maka-rating na kami sa gate ng village. ”Oh, sige dito na ko. Thanks!” Binigay ko sa kanya yung helmet ko tapos tumakbo na ako papunta sa loob. Hay, di ko na alam ang ginagawa ko.. Di ko na lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Hiningal nga ako eh. Takbo ako nang takbo, wala namang humahabol sa’kin. Sobrang pakiramdam ko napagod ako kahit na hindi naman ganun kalayo ang natakbo ko. Pasaway. ”Oh, Kim! Bakit naman pawis na pawis ka? Masama sayong mapagod! Pumasok ka na at naka-handa na ang tanghalian sa loob.” Inalalayan ako ni Manang papunta sa loob. Nag-bihis ulit ako ng damit, tapos nag-diretso na sa dining room. Pagka-tapos kasi nito diretso na kami kay Dra. Estrella. ~Popoye the sailorman..~ Tumingin sa’kin sina Mommy, Daddy at Manang. Nakakahiya! Ang weird kasi ng ringing tone ko!! >_____< ”Uhmm.. Hehe, Excuse me lang po.” Umalis ako sa kitchen at nag-punta sa may pintuan para sagutin yung tawag. Alam ko na kung sino. Sa kanya lang naman naka- assign yung ring tone na yun eh., ”Hello Popoye---- Este, Popoy?” Ooops. ”Uhh. Hehe! Nasa inyo ka na?” ”Yup!” ”Kumain ka na ha, ah, sige..” ”Ah, okay, thanks!” ”Uhmm.. Kim?” ”Yeah?” ”Okay ka lang ba talaga? You know if you have problems you could----” “Of course I am. Wag kang mag-alala, Okay? Mood swings lang yung kanina..” “Buti naman. Oh sige, Take care!” ~toot~ *sigh* I think I lied again. Nagi-guilty na ako… Bumalik na ako sa dining room at nag-simula na kaming kumain. ”Si Popoy?” ”Opo..” ”Ang cute ng ringing tone ha. Haha!” Inasar ako ni Mommy. Tahimik... ”Mom.. Dad.. Magiging ayos naman ako di ba? I mean, ayos na naman ako ’di ba?” ”Of course anak..” Hinimas ni Mommy ang buhok ko. ”Nothing’s wrong with you.” Dad kissed my forehead. Pagka-tapos naming kumain at mag-ayos, tumulak na kami papunta sa St. Luke’s. Pag-pasok namin, naamoy ko kaagad yung amoy ng ospital. Somehow, I hated this smell. Parang yung pakiramdam na naka-ratay lang ako sa hospital bed sa loob ng ilang lingo, bumabalik. Dumating na kami sa tapat ng kwarto ni Dra. Estrella. As usual, sinalubong niya kami ng ngiti. ”Oh, upo kayo Mr. and Mrs. Valenzuela” Umupo sina Mommy at Daddy. “And Kim! You look a lot better! Have a seat.” Nginitian ko lang siya. Sa tingin ko naman tama yung sinabi nya. Kung ikukumpara ako nung na-confine ako dito, ang payat at ang putla ko noon. Umupo na si Dra. “So, bakit pala kayo bumalik? May mga nararamdaman ka bang mali, Kim?” Umiling ako. ”Uhm, wala po doctora. Gusto lang po naming ipa-check up si Kim since four months na rin naman nung huli siyang maka-punta sa inyo. Gusto naming malaman ang kondisyon niya.” Sabi ni Mommy. ”Well, may mga nararamdaman ka bang hindi maganda recently, Kim?” ”Wala po..” ”Nade-dehydrate or nagkaka-diarrhea ka pa ba lately?” ”Hindi na po, the last time was four months ago.” ”Hmm, then I can’t see anything wrong, pero para maging kampante kayo, Ib-blood test at Ipapa-xray ko na rin si Kim..” “Thank you, Dra. Estrella.” Tumayo sina Mommy at Daddy at iniwan na kami ni Dra. Na-punta kami sa blood testing area. Kukuhanan nila ako ng dugo. Napa-pikit ako nung tumusok sa’kin yung karayom. I hate this. ”Doc, okay naman po ako ’di ba? I’m not dying… am I?” She giggled. “Of course not, not by this time. Malusog ka pa. I can see now na sinusunod mo na yung mga pinapayo ko sayo. Nakikita kong kumakain ka na ng tama at umiiwas sa gulo. May paki-alam ka na sa sarili mo..” ”Mas pinapagalagahan ko na po ang bawat oras ng buhay ko ngayon Doc.. I don’t think I can afford to loose everything now.. Lalo na po at ngayon pa lang po ako naging ganito kasaya...” “I see.. You’re inlove, aren’t you?” Nanlaki yung mata ko. “Haha! Naku, alam mo bang isa ang love sa mga nagiging factor kaya nakaka-survive ang isang pasyente kahit na konti na lang ang chance na mabuhay ito? Ngayon pa lang, kino-congratulate na kita. That’s a good start.” Napa-ngiti ako dun. Nagkaka-roon ako ng pag-asa. “Since nai-isip mo na rin ang mga ganyang bagay, why don’t you start getting therapies now?” “N-no Doc! I mean, not now.. Okay pa ako.. I’d stick to watchful waiting.. Sana po maintindihan niyo na gusto ko pa ring mamuhay ng normal.. I promise, mas aalagaan ko nap o ang sarili ko ngayon, hindi ko hahayaan na matalo ako ng sakit ko. I’ll start therapires kapag talagang di ko na kaya.. Magpapa-check up rin po ako every three months.. Hindi naman ‘to lalala kapag inalagaan ko ang sarili ko. Baka mnga mawala na lang to nang di ko namamalayan di ba Doc?” Hinawakan ni Doc ang balikat ko. ”Ikaw ang bahala.. Ako na rin ang magsa-sabi sa magulang mo nyan.” Habang hinihintay namin ang results ng blood tests, nag-punta naman kami sa X-ray area. Chest X-ray ang gagawin sa’kin. After an hour, pumasok na sina Mom at Dad, kakausapin na kami ni Doc tungkol sa results. ”Kumusta po?” May bakas ng paga-alala at lungkot sa boses nina Mommy. ”Hmm, according to her blood test, she still has a higher level of white blood cells compared to her red blood cells and platelets. But don’t worry, hindi naman lumala. In fact, mas nag-improve pa ang condition niya kumpara noon.” We all felt relieved. Dinala naman kami sa X-ray area at pinakita samin yung film. Sa unang tingin, mukhang normal na dibdib lang yun. Nandun yung puso ko, normal na tumitibok.. Para sa mga taong mahal ko.. ”This..” May tinuro si Doc gamit ang pen niya. ”This lymph node is still swolen pero lumiit na siya. Hindi lang halata pero lumiit siya. Kung ipagpa-patuloy mo lang ang pagkain ng tama at pag-iwas sa gulo, there’s a big possibility that you won’t be needing therapies, Kim.” Niyakap ako nina Daddy. “But still, hindi natin malalaman kung anong pwedeng mang-yari after some time. Sa ilang maling kilos, pwedeng lumala yan.” “Okay po, thanks Doc.” Lumabas na kami nina Mommy. Masaya kami, lalo na at bumubuti na ang kondisyon ko. Masaya ako kasi nadadagdagan yung pag-asa ko na pwede pa ring maging panghabambuhay yung kwento namin ni Popoy. Yet, nagi-guilty pa rin ako. Hindi ko pa rin masabi sa kanya kung anong meron. I’m selfish. Parang ipina-pasok ko siya sa isang sitwayon na anytime pwede siyang mawalan at masaktan. Yun ang ayokong mang-yari kaya talagang aalagaan ko ang sarili ko. Hindi lang para sa’kin kundi para sa mga taong mahal ko. [Chapter 29] **Popoy’s POV** Monday. Makikita ko na naman si Kim, susunduin ko na naman siya sa may gate ng village nila. Kung ano man yung nararamdaman kong kakaiba sa kanya, kinalimutan ko na yun. Ayokong mag-away kami dahil lang sa ka-praningan ko. ”Good Morning!” Bati niya, habang naka-ngiti. ”Morning! Tara na!” Nag-lakad na muna kami. ”Malapit na ang Pasko ah? Anong balak mo?” Tanong niya. ”Hmmm, gusto mo celebrate tayo?” “Hah? EH paano si Tita Ezra? Sinong kasama siya sa Pasko?” ”Sino bang may sabing iiwan natin siya? Ang ibig kong sabihin, sama-sama na lang tayo, para magka-kilala rin ang magulang mo at nanay ko..” ”Wow! Mukhang maganda yan! Sige! Pati na rin sa New year! Haha!” Hindi ko ugali ang mag-plano ng gawain para sa mga araw na dadaan. Pero kung si Kim ang kasama ko sa mga araw na yun, gusto ko palaging mapapasaya ko siya.. Naka-rating kami sa campus at pinagti-tinginan kami ng lahat. Syempre, King and Queen of Eastmead High, together? What a sight. Akala yata nila dati mag-karibal kami ni Kim. Syempre sinalubong naman kami ng barkada naming dalawa. Nagiging extended na yung barkada namin oh. “Guys! December 11 na, sa Friday Christmas Party na. Anong plano niyo?” Tanong ni Christian. “Eh kung mag-outing tayo? Oh kaya mag-celebrate ng sama-sama?” Ano ba yan, may plano na kami ni Kim eh. Mukhang ‘di kami pmakakapag-solo. Bwaha. “Pwede namang sabay-sabay tayo mag-celebrate di ba? Para masaya! Dalhin niyo na rin ang families niyo!” SI Kim naman, sumang-ayon pa. Whew. ”Pwede naman eh, di ba Popoy?” She smiled at me. Ugh. My weakness. “Yeah right, whatever.” “Hooraaaay!! Ay, one more thing.” “Oh, ano?” “Can…. Ace also come?” Natahimik kami. “I mean hey? He’s also my friend at ka-village pa! It would be rude if I won’t let him join.. Isa pa, gangster din siya! Dapat mag-kasundo kayo!!” She pouted. Another weakness. UGH!! ”Ah OO NA!! Bahala ka! Ikaw na mag-organize ng party na yan! Nung una tayo lang tapos buong barangay na yata! Sige, una na ako sa room!” Hinalikan ko siya sa noo at umalis na ako. Kala ko maso-solo ko siya +___+ **Kim’s POV** ”Did you see that? Hahaha!!” Nagsi-sigaw sila pagka-alis ng tropa ni Popoy. ”Magsi-tigil nga kayo! Kayo talagang dalawa..” ”Haha! Gusto ka niyang masolo! You must have been his top priority. Yeeeee!” “Yeah, Whatever girls. Tara na!” Naha-hawa na ako sa “Yeah-whatever-syndrome” waaaaaaaaa. “But girl, ano nga pala nang-yari sa check up mo? Are you fine?” “Yup, mas bumuti raw ako, kahit paano nag-increase ang production ko ng red blood cells.. Kapag inayos ko pa, baka magka-tsansa na hindi na ako maga-undergo ng kahit anong therapy.” ”Wooow good news yan!! Masaya kami!!” Niyakap nila ako. ”Thanks, sana nga..” “Eh, wala kang planong sabihin kay Popoy yan?” ”Wala.. Wala pa.. Ayoko siyang masakal. Ayokong masakal siya sa’kin kasi lagi niyang iisipin na may sakit ako. At ayoko ring itali ang sarili ko..” ”Basta sana, maging okay rin ang lahat.” ”Of course! Malakas yata ang Kim natin! Haah!” ”Nire-resetahan ka ba ng gamot?” ”Hmm, hindi naman. Vitamins lang.” ”Ang galing.. Parang hindi mabigat na sakit yang dinadala mo ah, pa-vitaminsvitamins ka lang.” ”Syempre naman! Mas gusto ko ang normal na buhay.” ”Pero paano kung dumating yung araw na.... Malaman ni Popoy?” ”Hindi niya malalaman yun.. T-tsaka.. Hindi naman ako mukhang maysakit kaya hindi niya.. Pagsu-suspetsahan yun.. Unless you’ll tell him.” ”NO! Ayaw naming sa amin manggaling yun.” Sabi ni Ciara. ”Wag mo na ngang isipin yun! For sure di niya malalaman yun!” Nag-klase na kami pagka-tapos nun Pero nung sinabi ni Shayne yun, para akong binuhusan ng nagye-yelong tubig. The fact na hindi naman talaga imposible na malaman ni Popoy ang secret ko kapag hindi ko inalagaan ang sarili ko at naospital ako uli, natakot talaga ako. Ayokong malaman ni Popoy. Dalawa lang yun eh, kakaawaan niya ako o kamumuhian niya ako. And between the two, wala akong gutsong mang-yari. I couldn’t consider those as choices. [Chapter 30] **Kim’s POV** “Maaaaaaaa! Dali na!! Fourth year na naman ako, pleeeeeease?” Tumalikod si Mommy. Namaaaaaaan! “No. Baka kung ano pa ang mang-yari sa’yo dun.” ”Naman, kasama ko po sina Shayne at Ciara at pati sina Popoy!!” ”Ayuuuuuuun! Kaya pala gustong-gusto mong sumama kasi nandun si Popoy ano?” Mom smirked. ”Eeeeeeh! Hindi lang naman yun, syempre, bonding time na rin yun para sa’min.. Tsaka.. Gusto ko silang maka-sama.. Gusto kong mag-saya kasama nila..” Naramdaman ko na lang ang kamay ni Mommy na yumayakap sa’kin. ”Shh.. Bini-biro lang naman kita eh.. Of course you could go. Alam mo namang gusto lang naming yung ika-sasaya mo. Basta magi-ingat ka dun ha? Kakausapin namin si Popoy, dalhin mo siya rito for dinner. Okay?” ”Mm-kay!” I nodded happily. ”At tsaka Mom, naka-limutan ko. Kasama nga pala kayo ni Daddy. Haha! Kung free po kayo, dadating din kasi ang parents nila.. Tsaka para magka-kilala na rin mo kayo ni Tita Ezra, yung Mama ni Popoy..” ”Naku! Di mo agad sinabi! Naglokohan pa tayo. Haha! O sige, papuntahin mo si popoy mamayan dinner ha? Gusto ko na siyang makita nang malapitaaaaaan!” ”Ehe-ehurmh. Sige anak, pasok na.” Sumingity si Daddy nung sumigaw si Mommy. Hala? XD ”Sige, pasok na. Ingat!” Humalik ako sa pisngi ni Mommy at Daddy tapos umalis na papuntang school. Naku! Hindi ko pa pala naya-yaya si Ace… Bukas na lang. Gusto ko kasi na magkakilala rin naman sila ng maayos. Ang saya! Makaka-punta na ako sa outing namin! Next weekend na yun.. The day after tomorrow eh Christmas Party. May 1 week preparation pa kami. Si Christian at Shayne ang bahala sa place. Excited na ako! Tumatalon-talon pa ako nung papasok ako sa school. Lahat na rin ng students na nada-daanan ko nginingitian ko. Since kilala naman nila ako, ngini-ngitian din nila ako, pero nakikita ko na may gulat at frustration sa mga ngiti nila. Nevermind ^__^ ”Good Morning!!” Binati ko ulit yung dalawang third years na naka-salubong ko. “Ah,, Good Morning Kim! Hehe!” Narinig ko yung bulungan ng mga estudyante.. “Si Kim ba talaga yun? Bakit binabati niya tayo?” “Ewan. Baka GV lang?” (Good Vibes) “Hindi na siya nangi-isnab!!” ”Mas lalo siyang gumanda!!” Kitams? Good mood naman talaga ako. Nakaka-lungkot lang na karamihan ng mga tao, naa-appreciate ka lang kapag may mabuti kang ginagawa, at dapat kapansinpansin yun para kilalanin ka nila. Pero konting pagka-kamali mo lang, mabilis na masisira ang karakter mo sa harap ng tao. Napag-isip isip ko rin na sinabi ni Dra. na mas makaka-buti kung iiwas na lang ako sa gulo. In that way, mapapa-haba pa ang buhay ko. Ganun ko SIYA kamahal. Kahit mahirap, gagawin ko.. Makasama ko lang siya nang mas matagal. Okay. No more fighting. No more Bullying. No more unnecessary actions. Kahit na parang hindi na ako yun. Pero syempre, yung mga bagay na naka-hiligan ko na, hindi ko nay un ma-aalis. Kasiyahan ko rin yung mga yun eh. Pagka-pasok ko sa room, nakita ko kaagad siya sa may pinto, naka-talikod. Likod pa lang niya, kilalang-kilala ko na. Dahan-dahan akong pumunta sa likod niya para di niya ako marinig. Nakita pa nga ako nina Shayne eh pero sumenyas ako na wag silang maingay. Tinakpan ko yung mata niya. Putek! Kailangan ko pang tumiad nang bongga para lang ma-abot ko yung mata niya. Bakit ba ako nagpapaka-hirap eh alam ko namang alam niya rin kung sino ako? =__= ”Sino ako? Hihi..” Nagtanong pa ako. Brrrrt. ”Uhhh.. BUKO??” Ano daw??? BUKO?? Was that even a name??!! O baka naman pet name? ENDEARMENT??!!! “WHO THE FISH IS BUKO???!!!??” Napa-sigaw ako. Natahimik lahat ng mga kaklase ko. Napa-bitaw na rin ako sa mata niya at magka-harap na kami. ”Ikaw ha? Sino yung buko? ANG BADUY NG TAWAGAN NIYO KUNG SINO MAN YUN HA??!!” Tinulak-tulak ko siya. Naman! No more fighting nga eh!! Bigla na lang siyang tumawa. Eh? ”HOY!! Bakit ka tumatawa ha? Siguro nanga-ngaliwa ka ano? Hindi pa nga nagiging tayo, mat third party na kaagad? Excited??!” Mas lalo naman siyang natawa nun. “Bahala ka.” Nilampasan ko siya at nag-lakad na. “We-wait. Haha!” Hinawakan niya ako sa braso, tiningnan ko lang siya ng masama. ”Si Buko kasi....” Mas lalo ko siyang tinngnan ng masama. ”Hey! Makinig ka muna! Ikaw si Buko.” ”Ha? Ano?” Ako? ”Ikaw si Buko.” ”At paano naman naging ako yun? Tss.” ”Ikaw ang buko. Short for...” Tumigil siya. Lahat kami naghi-hintay ng sagot niya. “Short for BUhay KO..” Then he grinned. Ako naman napa-nganga lang. Pantae +__+ Nagsigawan ang mga kaklase ko, pasimuno sina Shayne at Ciara. Pati nga tropa ni Popoy, nandun na rin pala. ”BALIW. Hala sige! Balik sa classroom mo! Magta-time na!” Tinataboy ko siya. Namumula na ako eh. Tumatawa lang siya habang papa-alis. ”Hayy. Sira ulo.” Bulong ko na lang habang papa-upo ako. ”Kilig ka naman. Amp!!” Kinurit nila ako sa magka-bilang tagiliran ko. Too bad, wala akong kiliti don. Bwaha. ”Uy nga pala, sama kayo next weekend ah? Pinayagan na ako eh! Haha!” Nanlaki ang mata nina Ciara at Shayne. ”PI-NA-YA-GAN KA??!!” ”Uh-huh!” ”WAAAAAAAAW. Anong nangyari??” ”Sinabi ko na kasama kayo tsaka sina Popoy, kaso, kaka-usapin daw nila si Popoy mamaya pag-uwi..” ”Ay! Meet the parents! Haha!” ”Baliw. Magkikita-kita rin naman sila sa outing. Kayo, kasama parents niyo?” Pareho silang umiling. ”Aww. Okay lang yan.. At least kasama naman ang parents namin nina Popoy..” “Huh? Hindi ba sinabi sayo nina Christian? Parents niyo lang ni Popo yang makakapunta..” TEKA? Bakit feeling ko nase-set up ako? Waaaaaaaa. Nag-klase lang kami. Double period ang Physics kaya nag-perform lang kami ng experiment sa lab. Breaktime na. Nag-unite na naman ang barkada ni Popoy at kaming tatlo. Grabe, ang lakas naman ng barkada namin haha! ”Uhh, Popoy, may gagawin ka after class?” Nasa unahan kaming dalawa kaya di naman kami naririnig. ”Wala. Bakit?” ”Ahh.. Ini-imbita ka nina Mommy sa dinner eh.” Natigilan siya tapos tinuro ang sarili niya. ”A-Ako?” Sabi niya. ”Hindi, baka ako. =__=” ”Haha! Barado si Bossing!!” Bulong ni Christian. Langyang ’to, nakikinig pala. Nabatukan lang siya ni Popoy. ”Eh bakit daw? Biglaan yan ah.. Pero sige. Punta ako.” ”Okay!” Mabilis lang na lumipas ang oras, lalo na at puro activities ngayong araw. Grabe. Ina-asar pa kami ng lahat nung pa-uwi kami, kasi nga mag-kasama kami. AS IN LAHAT HA. Kalat na sa campus eh. Pati mga teachers, nakiki-sawsaw. Pero mabait na ako, kaya smile na lang. ”Ready ka na?” Tanong ko kay Popoy nung nasa gate na kami. Pinapawisan siya! ”Ha? Syempre naman! Hindi ako kinakabahan ha!” ”Oo nga. Sinabi ko bang kinakabahan ka? Pfft.” Binuksan ko na yung gate. ”Manang, sina Mommy?” ”Ah, nasa dining room na. Pasok kayo..” Bumulong pa si Manang na ang gwapo raw ng NOBYO ko. ”Mom, Dad! Good evening!” Nag-bless ako. “Oh, nasan na si Popoy?” Pumunta ako sa may pinto tapos hinila siya pa-loob. Mukhang na-starstruck si Mommy pati yung ibang kasambahay namin. >__< ”Good evening po.” Sabi ni Popoy. Uy! Magalang! Haha! ”Good evening, upo ka.” Sabi ni Daddy. Ganito rin kaya si Daddy noon? Haha! Isa-isa nang hinatid nina Manang ang mga pag-kain. Nung nandun na, nag-pray kami tapos nag-kwentuhan na habang kumakain. ”Ah! Ikaw pala yung kinu-kwento ni Kim na unexpected visitor sa hospital? Haha! Ang galing naman!” Sabi ni Mommy. ”Opo. Nagulat pa nga po ako kasi sobrang putla ni Kim nun.. Pero maganda pa rin. ^__^” Nambola pa ’to. Pero sa totoo lang, hindi ako komportable sa ganitong topic. Paano kung madulas sina Mommy? Edi patay na? Sasabihin ko rin naman eh.. Pero hindi pa ngayon.. ”Basta, Popoy, aalagaan mo yang anak namin ha? Iningatan namin yan. Ayaw kong masasaktan yan. She can’t be so stressed and hurt.” PATAY na. ”Po? Ba----” Tumunog yung cellphone ni Popoy. Si Tita Ezra! Waaa. Savior! Mabilis lang yung pag-uusap. Okay lang yata narinig ko. Abnormal >O< ”Uhm, Sir, Ma’am. Uuwi na po ako, pero pina-pangako ko po sa inyo na aalagaan ko si Kim. Buhay ko po siya. Kapag pinabayaan ko siya, para na rin po akong nagpapakamatay. Sige po.” Tapos ki-niss na niya ako sa noo at umalis. Sobrang tahimik lang. Mga 10 mins. siguro. ”WAAAAAAAAAAAAAAA!!! MAY LOVE STORY NA RIN ANG ANAK NATIN! HAHA!!” Nagsi-sigaw sina Mommy at Daddy. Ay, Adik. [Chapter 31] **Kim’s POV** Friday, Christmas Party. “Merry Christmas!!” Puro ganyan ang naririnig ko. I really love Christmas! Masyadong masaya yung atmosphere.. Kapag nga naglalakad ako mag-isa kapag gabi, nawawala yung takot ko kapag nakaka-rinig ako ng Christmas song na tumutugtog. Nakaka-wala ng stress eh. Syempre, binilhan ko ng regalo lahat ng friends ko pati sina Christian, aba! Marami na rin naman kaming pinag-samahan! Pero si Popoy, hindi ko binilhan. Pero may regalo pa rin ako sa kanya :”> Pagka-rating ko sa room, binati ako ng lahat. Mas maganda pala yung paki-ramdam kapag mabait ka na.. Nawawala na yung plasticity nila. ”Merry Christmas Kim!!” “Merry Christmas din!!” Tapos nag-bigayan kami ng regalo. Excited eh haha! “Yung boys? Nakita niyo na?” Hindi ko pa sila nakikita eh.. ”Hindi ko pa nakikita si Christian eh..” ”Oo nga.. Pati si Kurt wala pa rin..” Sabi ni Ciara habang lumilingon-lingon pa. TEKAAAAA. Natahimik kami. ”Ooooooops..” Bulong ni Ciara. ”Hoy Ciara! May hindi ba kami alam dito?” ”Eeeeeeeh!! Edi ngayon alam niyo na! Asar! Nadulas ako.. *pout*” “ABA!! Luma-love life ka na rin! DI mo man lang sinabi kaagad..” ”Eh, Christmas gift ko yun haha! Tsaka, hindi naman kami no!” ”Asus! Dun din yan pupunta!!!” Bilib din ako kay Kurt eh. Napaka-mysterious talaga! Pinopormahan na pala yung kaibigan namin hindi pa namin alam. Pwede pa si Louie at si Dex, malandi kasi yung dalawang yun tapos si Enzo ang alam ko may girlfriends yun.. pero si Kurt? Never thought haha! Dumating na yung adviser namin at nag-simula na kami. Ano ba yan, Hindi ko pa nakikita si Popoy.. Gusto ko sana ako ang unang babati sa kanya sa school.. Nag-bigayan na ng regalo. Nakaka-tuwa kasi marami ring nag-regalo sa’kin. Last year na rin daw kasi. ”Oh? Bakit ganyan mukha mo? Christmas na Christmas!!” Biglang sumulpot yung dalawang bruha. “Nagtanong pa kayo..” “Hay naku! Halika na nga!!” Hinila ako ni Shayne. ”Teka? Saan tayo pupunta??” ”Edi sa room ng BUKO mo!! Para hindi naman sambakol yang mukha mo!” Napangiti na lang ako roon. Kanina ko poa rin gustong pumunta sa room nila kaso nahihiya ako.. Pag-dating namin sa room nila, nagli-linis na rin sila. Nandun sina Christian... ”Uy Chris! Yung boss niyo?” Sabi ni Shayne. “Hoy wag ka namang ganyan. Ipinapa-mukha mo naman na mga side kick lang kami eh!!” ”Haha! Eh sa ganun naman talaga eh! Anyway, asan nga? You see, malungkot na yung BUKOOOOO niya.” “Eh teka, hindi niyo ban aka-salubong? Kaka-alis lang ah?” ”Umalis?? Saan daw pumunta? Hindi man lang nag-paalam sa’kin..” Nakaka-badtrip naman eh! ”Hindi nya sinabi eh.. Di bale, try naming tawagan ha? Sige itatapon lang namin ’tong kalat.” Umalis silang lima. Padabog naman akong lumabas. ”Hey Kim!! Wait!!”. “Baka naman may emergency lang!” “Kahit na! Kaninang umaga ni hindi man lang siya nag-text para bumati. Tapos ni hindi man lang siya nag-punta sa classroom! Mabuti na lang pala talaga at hindi ko siya binilhan ng regalo!!” Grrrr. ”Hindi mo siya binilhan? Bakit?” ”Eh kasi iba ang balak kong i-regalo sa kanya..” ”Wait.. Ibig sabihin.. You’re supposed to???” “Yeah.. Sasagutin ko na dapat siya..” Nag-blush ako nun. ”Pero ngayon, wala!! Sinira niya yung mood! Nakaka-inis! Tara na umuwi!” Bipolar na ako. T__T Bago kami dumiretso, pumunta muna kami sa lockers. Kukuha ako ng ibang gamit since mawawala kami sa Christmas Vacation, baka may naiwan ako dun eh. Pagka-bukas ko, may nakita akong envelope na kulay purple. Wala naman akong inilalagay na ganito dito ah?? “Oy ano yan!! Secret Admirer? Hoy super haba na ng hair mo nyan ah.” “Loka. Wala ngang heart eh. Baka death threat ‘to.” Sabi ko na lang. Binuksan ko. “See you at the clubhouse, Coconut” Napa-ngiti na lang ako. ”Anong sabi??” Sabay nilang tanong. ”Tara sa Clubhouse!!!” Hinila ko na silang dalawa. [Chapter 32] **Kim’s POV** ”Hey Kim! Not so fast!! Baka ma-detach na yung kamay naming ni Ciara!!” ”Ahehe! Sorry! Tara na, malapit na naman tayo..” Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Nae-excite ako! Nagi-guilty tuloy ako sa mga sinabi ko tungkol kay Popoy. Pero ano kayang meron sa clubhouse? Nagdi-dilim na. Hapon kasi ang Party eh. Nung nasa tapat na kami ng clubhouse, napa-nganga na lang kami. ”Teka, asan yung clubhouse? Yan ba yun?” ”Ibang-iba ang itsura!!” Napuno kasi ng Christmas lights yung clubhouse tapos may mga Decors din. Nag-iba rin yung pintura. Parang nung isang araw hindi pa ganito ‘to ah? Pumasok kami. Pagpasok naming.. *POP!!!!!* “MERRY CHRISTMAS GIRLS!!!” May pumutok na party poppers paska-bukas naming ng pinto. Binati kami ng sabay-sabay nina Christian, Enzo, Kurt, Dex at Louie. “TEKA!! Kala namin nasa school pa kayo?” ”Kanina yun. Haha!” Lumingon-lingon ako. Wala ung taong ine-expect ko na una kong makikita pagkabukas ko ng pinto. ”O siya girls, kain muna tayo. Nandito ang specialty ni Tita Ezra!!” Tapos nakita namin yung mga naka-hain. Nakaka-takam! Haa! Naku. Bahala ka na Popoy. Kakain na lang kami. Kala ko pa naman.. Pagka-kain ko, nagpa-alam ako na magpa-pahangin lang. Lumabas ako papunta sa mini playground sa likod ng clubhouse. Ang cute, pati rito Christmas na Christmas.. Kulang na lang snow.. I sighed. Kumanta na lang ako para malibang ko sarili ko. Hay. Nakaka-inis ka talaga Popoy. Pero sigurado ako na sa kanya galing yung sulat kanina eh.. Oh baka pinagti-tripan lang nila ako. Hay. ”Hohoho!!! Bakit ka malungkot Miss??” May malaking boses na nag-salita sa likod ko. Hala, minumulto ako ni Santa >____< Dahan-dahan, sinubukan kong lumingon.. Pero wala namang tao sa likod ko. Halaaaaaaaaaaaaaaaaa! Pag-lingon ko ulit sa harap ko, may kung anong tumusok sa pisngi ko. Pero hindi naman matalas. Parang daliri? ”Gotcha.” Sabi niya. ”Sama mo!!” Hinampas ko siya sa braso. ”Aray! Masakit ha! Ikaw na nga ang sinurprise ikaw pa galit. Ang laki kaya ng effort ko para pa-gandahina ng clubhouse!!” ”Ikaw may gawa ng lahat ng ’to? Para sa’kin?” ”Yeah. Narinig ko kasi noon, sabi mo mukha talagang pang-gangster lang yung clubhouse. Kaya ayan.” He grinned. Tapos nilahad niya yung kamay niya sa’kin. “Asking me to dance? Eh wala namang tugtog no!” Pagka-sabi ko non, bigla namang tumugtog yung fave song ko.. A Twist in my Story by Secondhand Serenade.. Tinanggap ko yung kamay ni Popoy. “Galing mo.” Sabi ko habang sinasandal ko yung ulo ko sa dibdib siya. “Slow down, the world isn’t watching us breakdown It’s safe to say we are alone now.. We’re alone now..” “Syempre. Para sa’yo eh. Hehe..” “Not a whisper, the only noise is the receiver I’m counting the seconds until you break the silence So please just break the silence..” Dun ko lang na-realize na sumasabay na pala sa kanta si Popoy.. ”So you see, This world doesn’t matter to me I give up al I have just to breathe The same air as you till the day that I die, I can’t take my eyes of you..” Kinanta niya ng full of feeling lalo na yung last line. Yeah, Till the day that I die.. Popoy.. Nagpa-tuloy yung kanta.. Tahimik lang kaming nagsa-sayaw.. We don’t need to day anything.. ”Say what’s that sound it’s my heartbeat It’s getting much louder My heartbeat, it’s stronger than ever..” Tama na yung naririnig naming malakas na tibok ng puso namin para ipa-alam sa isa’t-isa yung nararamdaman namin.. ”Thanks.. Merry Christmas Popoy..” “No problem.. Kahit na wala kang gift sa’kin.. Okay lang. Mahal pa rin kita..” Huminga ako nang malalim. ”I love you, too, Popoy..” Bigla niya akong binitawan at inalog-alog. “Anong sinabi mo????” “Secret. Walang ulitan. Haha!” I grinned. “Ibig sabihin ba?” “Ayaw mo?” “Syempre gusto!! Haha! YEAAAAAAAH!!” Sumuntok siya sa hangin tapos hinalikan yung buhok ko at niyakap ako. “Salamat sa regalo Lord..” Bulong niya. Salamat nga po, Lord at binigay niyo sa’kin si Popoy.. akala ko po talaga wala nang buhay yung natitira ko pang panahon.. Pero dumating siya.. This might be the best gift.. Pero pwede po bang humiling ng isa pa?? Can I be with this man until my last breathe? [Chapter 33] **Popoy’s POV** December 16, yan ang araw na naging kami. 8 days na rin kaming dalawa. Nasakto nga sa Simbang Gabi, kaya nagsi-simba kami ng pamilya naming kapag madaling araw. Bukas naman yung outing. Tapos sa isang araw, Pasko na. Ganun pala ang paki-ramdam. Parang ayoko na gusto ko nang matapos yung gabing yun.. Ayoko kasi sobrang saya namin.. Parang gusto kong tumigil na lang ang oras para ganun lang kami kasaya palagi.. Gusto ko naman, kasi gusto ko pang dagdagan yung mga panahon na masaya kami.. Hindi lang sa oras na yun. Gusto ko siyang pasayahin.. Hinding-hindi ko siya sasaktan.. Mahal na mahal ko si Kim. Malaki na rin ang nagawa niya sa’kin.. Hindi na ako naghahanap ng gulo.. (Ako ang hinahanap ngayon) Mas nalayo ako sa bisyo. Siya na yung mismong bisyo ko.. Sulit na sulit yung halos apat na buwan na pangli-ligaw ko sa kaniya. Kung tutuusin, kulang pa yun eh. Hindi ako magsa-sawang patunayan kung gaano ko siya ka-mahal. Okay. Baduy na. Tuwang-tuwa yung nanay ko sa nangyari. Nanalo raw ang manok niya =___= Masaya rin daw ang mga magulang ni Kim. Mabuti naman, walang kumo-kontra. Nung gabi rin kasi na yun, nag-punta ako sa bahay nina Kim para sabihin namin sa mga magulang niya na kami na talaga. Kung tutuusin wala namang masyadong nag-bago sa’ming dalawa. Mas naging open lang kami at ngayon, mas alam ko na kung saan ko ilu-lugar ang sarili ko. I’m her temporary boyfriend, future PERMANENT husband, bodyguard, bestfriend and protector. Hindi ko na rin kailangang matakot kay Ace. Bwahaha. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. To: BuKo Oy. Gising na. I love you. Takte. Ako ba nag-text nun? Haha! Ayos din pala eh, hindi ko na kailangang gumamit ng code para sa I love you. Direct to the point na! Nag-reply din siya after 5 mins. Mukhang kagi-gising lang.. From: BuKo I’m awake! Good Morning! I love you too. Tra sa mall, bili tayo ng dadalhin sa outing :] Ba, himala. Good mood. B’D To: BuKo Sure. Sunduin kta. Ligo ka ah. Haha! Binitawan ko ang cellphone ko at tumakbo sa banyo. **Kim’s POV** Hayyyy!! Ganda ng gising ko! Teka, palagi naman eh. Since last week pa ^____^ Una kong ginawa, tiningnan ko ang cellphone ko. Lagi naman eh. May text message nga. Whooo. From: <3 Poy Oy. Gising na. I love you. Tell me. Kung ganyan palagi ang message na bubungad sayo, hindi ba gaganda ang mood mo? XD Kahit na Hino-hoy niya ako, okay lang. To: <3 Poy I’m awake! Good Morning! I love you too. Tra sa mall, bili tayo ng dadalhin sa outing :] Ako nga pala ang inutusan nina Mommy para dun. Si Mommy na raw ang bahalang mag-prepare ng food, pupunta kami sa bahay nina Popoy.. Dun sila magp-prepare ni Tita Ezra. Close nga kaagad sila eh! Kaso nga lang OP palagi si Daddy. Sayang walang asawa si Tita Ezra. Ang ganda pa kaya niya! Parang college students lang sila ni Mommy. :D From: <3 Poy Sure. Sunduin kta. Ligo ka ah. Haha! Aba’t ang abnong ’to. Ang bango ko kaya palagi! Haha! Ang kulit! Naligo ako, kumain ng breakfast at nag-ayos na. Hinihintay ko si Popoy, susunduin niya raw ako eh. Magmo-motor siguro kami.. “Kim! Nandito na si Popoy! Kita na lang tayo sa bahay nila mamaya okay? Ingat kayo. Yung list nasa’yo na diba?” ”Yes Mom. Bye!” Lumabas na ako ng bahay. There I saw my striking boyfriend. Nung naging kami mas lalo yata siyang gumwapo.. >__< ”Morning!” He kissed my forehead. Dun lang, haha! Aba wala pa kaming first kiss no. “Tara!” Binigay niya yung helmet ko tapos kumapit na ako sa bewang niya. Bangooooooooooo. Habang nasa byahe kami, tahimik lang. Paminsan-minsan, magjo-joke siya. Pero okay na akong naka-yakap sa likod niya. Mabuti na lang 18 na siya, hindi kami mahuhuli kahit na nagd-drive siya. Ako 17 pa lang kaya hindi ako makapag-drive sa labas ng village. After 15 mins. nasa mall na kami. ”Let’s go” He offered his hand. Holding hands, we went inside the mall. Aaaaaaah! Dati nasa imagination ko lang ‘to! Of course everyone is looking this way. Mag-kasama kami eh. May ilang mga schoolmates din kaming nasa-salubong, ngumingiti sila kapag nakikita kami, lalo na yung mga kamay namin. Si Popoy deadma lang pero ako syempre flattered haha! Diretso kaming department store. Since 10 AM pa lang, hindi pa kami gutom. “Uhh, Poy kuha ka rin ng condensed milk dyan.. Hahanap ako ng pasta..” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako ulit. ”Ayoko. Dito ka lang. Sabay tayong hahanap.” Sus! Possesive haha! I saw him grinned. Baliw ‘to. Natutuwa lang ako, para kaming mag-asawa. Kulang na lang baby. AAAAAAAh! Too early >__< Sa di kalayuan, may couple din na namimili. “Hon, eto kaya, pwede na?” “Yup Hon! Tara bayadan natin.” Naka-tingin doon si Popoy. ”Huy. Tinitingnan mo?” ”Gusto ko rin non.” “Ng alin? Nung binili nila?” ”Hindi” ”Eh ng alin?” ”Ng tawagan.” ”HAA??” ”Gusto ko rin may tawagan tayo.” “Eh? Di pa okay sayo yung Kim at Poy? Para KimPoy??” “Yeah Right. Whatever. Basta gusto ko.” FACEPALM. “Okay, okay! Eh ano ngayon ang gusto mo?” “Di ko alam eh..” Sabay kamot sa batok. Ay patay ka. Ako pa magi-isip eh hindi naman ako magaling dito. Pasimple, nag-lakad ako. Tinuloy ko na lang ang pamimili habang nag-iisip. Hon? No. Bebe? EEEW. Baby? Yuck. Hubby? Common. AAAAAAAAAGH. Ano ba???? Hindi ko napansin na nasa counter na pala kami. Hala ka? Siya na pala nagtu-tulak nung cart. Inabot ko yung credit card sa cashier. Syempre hindi naman masyadong madami yun, naka-motor lang kami no. Pagka-tapos naming bayaran, umorder kami ng pizza tapos lumabas na. Naghihintay na kasi sina Mommy kina Popoy eh. ”Ano, may naisip ka na?” Tinanong ko siya. Umiling siya. Hayy. Napaka-hirap naman nito >___< Umalis na kami. Naka-yakap lang ulit ako sa likod niya. I heard him whispered something. “Ano?” Tanong ko. “Bridey.” “HAA?” “BRIDEY. Ikaw si Bridey, ako si Groomy. Para ikakasal na tayo.” Err. Okay, sounds baduy.. Pero kinilig ako. Agh, parang bata si Popoy! Haha! Parang Wifey at Hubby lang din yun eh. “Just promise me, you’ll marry me someday, okay?” He said, his heart thumping loudly. [Chapter 34] **Kim’s POV** Tadaaaaaaa!! It’s the big day! Outing na namin! Ang saya! Maaga kaming gumising. Magkikita-kita pa kami eh. Van namin ang gagamitin para kasya kami lahat. First stop, kina Popoy. Nandun yung foods eh. Naku, kagabi nga nagla-laway na ako sa pine-prepare nina Mommy. Si Ace naman eh sa meeting place na raw pupunta. Ayaw niya sumabay eh nasa iisang village lang naman kami. ”Ezra dear! We’re here!!” Maka-dear naman si Mommy. Haha! Napa-tawa na lang kami ni Daddy. ”Just a minute Yna!” Sigaw ni Tita Ezra. Tapos lumabas na si Popoy. Gosh! Nakapolo siya, kita yung tshirt niya sa ilalim, tapos denim shorts. Ako naman naka-dress lang at shorts para presko. Kiniss niya ako sa noo tapos nag-high five sila ni Daddy. Natutuwa lang ako, feeling ko natutulungan ko si Popoy para ma-feel niya ulit kung pano magka-roon ng ama. Tinulungan nila si Tita Ezra sa pagda-dala ng foods. Waaaaah, naa-amoy ko pa rin yung baked mac. Diretso kami sa meeting place. Kumpleto na dun, pati si Ace! Agh. Ang g-gwapo nila sa beach attire! Haha! Same as my girls, they’re dazzling. Isa-isa na sila sumakay. Sina Mommy, Daddy at Tita Ezra sa unahan. Ako naman at si Popoy sa second row. Ayaw niya magpa-tabi kahit may dalawa pang pwede >__< Sina Christian, Shayne, Kurt at Ciara naman sa third row. Sina Enzo, Dex, Louie at Ace sa likod. Sana hindi nila awayin si Ace >O< Dahil ina-antok pa ako, naka-tulog ako. Hindi nga comfortable yung posisyon ko kaya pina-higa ako ni Popoy at ini-unan sa lap niya. Okay din pala na kami lang doon. Haha! Kahit maingay sila, I fell into a deep sleep. ”KIM!! WAKE UP!! We’re here!!” tumingin ako sa relo ko, past 9 na pala. Si Popoy naka-tulog din. ”Hey, Groomy. Wake up!” Tinapik ko siya sa pisngi. “Kiss muna.” Sabi niya, halatang ina-antok pa. ”Tse. Bahala ka, iiwanan kita?” ”Haha, Oo eto na nga..” Lumabas kami tapos pumunta na kami sa entrance. Grabe, excited na ako sa beach!! Pag-pasok namin, WOW. White sand, Clear, blue sea.. Medyo nagku-kulay turquoise pa nga sa sobrang linaw.. Maganda rin yung init, hindi masakit sa balat.. Nag-sunblock na naman kami sa kotse eh. ”WOW!! This place is great, Shayne and Christian! Galing!” Proud na proud naman yung dalawa. Mabilis nawala lahat kasi lumusong na kaagad sa tubig. Humiwalay muna si Popoy kasi nagba-bonding sila ng tropa niya at kami rin ng bestfriends ko. Natuwa talaga ako nung nag-high five sila ni Ace at narinig ko pa na sinabi ni Popoy ”Hey Bro.” Grabe! Sobrang natuwa ako!! Sabi ko na nga ba at bagay silang magba-barkada! Maya-maya lang, naga-asaran na sila hanggang sa hawakan nilang lahat si Christian sa kamay at paa at itinapon sa tubig. Ang saya nila panoorin!! ”Hala!! Kawawa naman si Chris!! Waaaaaaa!!” Sigaw ni Shayne. ”OA mo! Haha! GO KURT!!” Sabi naman ni Ciara. Mga loka haha! ”Ang saya nila panoorin no?” Sabi ko. ”Oo nga eh.. Parang hindi sila gangsters..” Natawa na lang kami, tapos lumusong na rin sa tubig. Iniwan namin sina Mommy sa picnic area. Nag-sasabuyan lang kami ng tubig tapos naki-Sali na samin yung mga boys. Grabe ang ha-hyper nila! Ilang minuto lang, napagod na ako. Ang bilis naman, kainis. Umupo ako sa buhanginan at pina-nood na lang sila. ”Pagod ka na kaagad?” Tumabi si Ace sa’kin. ”Oo nga eh, haha! Buti pa sila ang ha-hyper!! Mukhang napagod ako sa byahe..” ”Sa byahe ba talaga o dahil.. may mali sa’yo?” ”Ha? Anong sinasabi mo Ace?” ”Gaano mo katagal itatago sa kanila yan? Lalo na kay Popoy?” ”A-ano bang tinutukoy mo?!” Tanong ko, umaasa na hindi niya sasabihin ang inaasahan ko. Hindi nga siya nag-salita. Pero may kinuha siya sa bag niya. ”This.” Tapos pinakita niya sa’kin yung isang papel.. Paanong napunta sa kanya yung document na ’to?? I looked at him with astonishment and sadness.. Bigla niya akong niyakap at napa-iyak na lang ako.. I’m so careless. Nai-hulog ko siguro kung saan.. I’m just thankful na hindi si Popoy ang nakakuha noon.. Yung bagay na ayokong makita at malaman ng kahit sino.. Lalo na ng mga kaibigan ko.. “Name: Kimberly Joyce Tiangco Age: 17 Birthdate: October 12, 1994 Blood Type: O Diagnosed to have: Chronic Lymphocytic Leukemia (CLL) ……..” [Chapter 35] **Ace’s POV** MASAKIT makita na nasasaktan siya. Alam kong kung gaano kasakit para sa aming mga kaibigan niya yung sitwasyon niya, triple yung sakit nun para sa kanya. Siya yung may dala-dala nung sakit na yun.. She carries the stress, the pain and the fear of dying. Hindi basta-basta ang leukemia.. Nagulat talaga ako nung nabasa ko yung document nay un. Nalaglag niya habang papasok siya sa village. Kung titingnan siya, parang napaka-sigla niya.. Sobrang saya at walang pinoproblema. Isa rin yung sakit siya sa mga dahilan kaya hindi ko na siya ipinag-laban. She’s happy with him. Kahit na wala sa utak ko ang pag-suko at pag-paparaya, yung puso ko naman yung nagpu-pumilit na mas isipin ko yung kasiyahan niya. Lintek, may puso pala ako. Hindi ko alam kung may taning na ba siya. Sa tingin ko naman, wala pa. Hindi pa naman ganun ka-grabe ang nasa records niya eh. She haven’t gone through any therapies yet. Ako lang pala, bukod sa pamilya niya at mga kaibigan niyang babae ang nakakaalam ng tungkol sa sakit niya. Paki-ramdam ko tuloy, responsable na rin ako sa kanya. Mas lalo ko siyang dapat protektahan ngayon.. Mas lalo kong dapat isipin yung kapakanan niya, yung kasiyahan niya, bago yung sa akin. I MUST forget about rivalry for now. Malaki ang panalo ni Rael---- Popoy pala. Humiwalay siya sa pagkaka-yakap niya sa’kin. Seeing her in tears makes me wanna blow up. Sa lahat ng tatamaan ng sakit, siya talaga? She put on a weak smile. Pilit. ”Uhm.. Ace.. I hope you won’t tell anyone about this..” “Why wouldn’t I?” Sumama yung expression ng mukha niya. “Kapag nalaman nila ‘to.. Mag-iiba ang lahat.. Tingin ko, hindi na natin maii-balik yung ganitong mga pangya-yari kapag nalaman nila yung sitwasyon ko.” Tuloytuloy lang yung pag-tulo ng luha niya. Tumalikod siya sa dagat.. Siguro para hindi siya makita nung iba na umiiyak. ”Look Ace, I want to live a normal life. I want to be normal. Gusto kong mamuhay na hindi ina-alala na anytime pwedeng lumala yung sakit ko.. Ayokong maging mabait lang sa’kin yung mga tao sa paligid ko nang dahil lang sa sakit ko. I hate plasticity. At higit sa lahat.. Ayokong masaktan si Popoy.. Ngayon pa lang kami nagsisimula, Ace… Please...” Yeah right. She loves him that much. “Shh. Stop crying. Ganito na lang. I’ll keep your secret. I’ll never tell anyone. But promise me, you will take care of yourself. You won’t be showing any symptoms. Wag mong hahayaang lumala yang sakit mo.. Kasi kapag may nang-yari sa’yo.. Tatanungin nila ako.. I won’t be lying by that time.” She nodded. ”Thanks, Ace.. And I promise.. Gagaling ako. You see, I’m strong! Nag-improve pa nga raw yung condition ko nung last check-up namin. Wag ka masyado mag-alala.. I’m not dying yet..” “Not YET.” Diin ko. “Kaw naman. Parang gusto mo na akong ma-una kaagad eh..” ”Gusto ko lang na aminin mo sa sarili mo na hindi basta-basta yang sakit mo. Simula ngayon, makikinig ka sa’kin. Ako ang magiging Kuya mo, okay?” Kuya? Yeah Right. Her eyes widened. ”TALAGA??!” She seemed excited. Oh well. “Uh-huh.” I nodded. “WEEEEEEEEEEEH!! MAY KUYA NA ‘KO!! HAHA!! Thanks Ace! I’ve always dreamed of having a big brother.. Uhm.. A real one! Yung kuya ko kasi sa bahay eh yung stuffed toy na binigay ni Daddy kay Mommy nung ka-edad lang natin sila. Si Kuya Sio-Sio” “Ang weird niyo.” “Tse. Haha!! But really, thanks!” Ngumiti siya, this time. Totoo yun. Masaya ako kasi sa simpleng bagay na yun, Napa-ngiti ko siya. I have to start studying how to be a big bro. =__= ~ **Kim’s POV** Para akong sira.. Iyak ako ng iyak, tapos simpleng sabi lang ni Ace na Kuya ko na raw siya , sobrang sumaya ka-agad ako.. Kapag talaga nasa dehadong sitwasyon ka, kahit mga simpleng bagay, mapapa-saya ka.. Sobrang na-appreciate ko yung paga-alala ni Ace. Naramdaman ko ulit na hindi pala talaga ako nagi-isa.. Nagka-roon na naman ako ng kakampi.. Although, nagi-guilty talaga ako kasi si Ace, alam na niya.. Pero yung boyfriend ko, hindi pa.. Paano na lang kung bigla akong mawala nang hindi niya pa rin alam? Masasaktan ko siya.. Maiiwan ko siya.. Kawawa naman siya kapag ganun.. Parang ang sama ko tuloy.. Pero hindi ko talaga kaya eh.. Hindi ko pa kaya.. Hindi ko pa kayang sirain yung relasyon na ngayon pa lang namin binu-buo.. We can work with this together, Yes.. But I don’t want to stress him out.. Kapag nalaman niya na may leukemia ang girlfriend niya, masyado siyang malulungkot.. Ayokong ubusin niya yung panahon niya para lang sa’kin, para asikasuhin ako at para gumaling ako. Ayoko siyang ma-tali sa’kin.. Kung pwede nga lang, lalayo na ako sa kanya eh.. Pero kapag ginawa ko yun, para na rin akong nag-pakamatay.. Alam ko naman na selfish din ako.. Ayokong kapag sinabi ko, matakot siya at iwanan niya ako.. For once, let me be happy.. Kung ano man ang mangya-yari sa’kin, gusto kong maranasan yung saya nang may espesyal na tao ka sa buhay mo. It’s a heavenly feeling.. Katulad na katulad ng kinu-kwento ni Mommy sa’kin nung ganito pa sila ni Daddy. Ang pagka-kaiba lang, ako may sakit. Si Mommy wala. Ang saya siguro nun.. Pero hindi ako dapat maging mahina. Kailangan lumaban ako.. Kailangan kong ingatan ang sarili ko, para sa kanilang lahat.. Gusto ko pa silang maka-sama hanggang sa makapag-tapos ako.. Hanggang sa tumanda na kami ni Popoy.. Ngayon ko lang nalaman ang kahalagahan ng buhay ko. Noon, bina-balewala ko lang.. This thing, should be kept until the right time comes.. **Popoy’s POV** “Hala ka ‘tol, nau-unahan ka na ni Pareng Ace!! Haha!!” ”Mga ulol. Tumigil nga kayo.” Inaasar nila ako kasi nakita namin na niyakap ni Ace si Kim. Hindi naman ako naka-ramdam ng galit. I trust my girl. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa’kin. Isa pa, napag-usapan na namin ang tungkol sa kanila ni Ace. Nagiging maayos na rin ang pakiki-tungo ko sa kanya. Nagu-usap lang sila at mukhang seryoso. I suddenly felt the urge to come closer.. Nung napansin nilang papalapit ako, ngumiti sila. Tumayo si Ace at lumapit sa’kin. “Goodluck ‘tol.” Tinapik niya ako sa balikat. Para saan naman? “Uy!” Tinapik niya yung upuan sa tabi niya. “Bakit nandito ka? Pagod?” Inihilig niya yung ulo siya sa balikat ko. ”Yup. Sobra..” Half-spoken, half-whispered. ”Gusto mo hatid na kita sa cottage?” “Hmm.. Wag na. Panoorin ko na lang kayo.. Balik ka na dun.. Natatalo na yung team niyo oh..” Naka-tingin siya sa barkada namin na nag-lalaro ng beach volleyball. ”Okay lang, panalo na naman ako dito sa tabi mo eh.” Pinalo niya ako sa braso ko, tapos yumakap siya bigla sa’kin. ”OO na. Magaling ka eh..” I hugged her back. Sana palaging ganito.. Ay hindi pala. PROMISE, palagi tayong ganito Kim. Pangako yan. [Chapter 36] **Kim’s POV** Time flies so fast.. Parang nung isang araw lang, first month pa lang namin ni Popoy.. Lumipas ang Pasko at New Year, at ito yung pinaka-masayang Pasko at Bagong Taon na dumaan sa buhay ko.. Kasama ko siya, marami na akong kaibigan.. Walang araw na hindi niya pinaramdam sa’kin na mahal niya ako.. Kahit ‘di niya sabihin, alam ko.. At dahil din doon.. I learned to love him even more every other day.. Akala ko todo na yung pagma-mahal ko sa kanya.. May ito-todo pa pala.. Parang aapaw na? Wala na akong mapag-lagyan.. Masayang-masaya talaga ako.. Sobrang thankful na binigyan pa ako ni Lord ng pagkakataong sumaya.. ng sobra-sobra.. Kaya nga ngayon, mas natutunan ko nang pahalagahan yung mga oras na kasama ko sila.. Kung pwede lang na bawat galaw nila kukuhanan ko ng video para lang maitreasure yun.. Kung pwede lang sanang burahin nang biglaan ang sakit ko.. Para hindi na ako nagiisip nang ganito.. Bakit ko ba kasi masyadong iniisip ’to? Wala namang mali sa’kin.. Pero paki-ramdam ko pwede akong mawala anytime.. Lately nagiging sobrang ma-drama na ako. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko eh. Minsan tuloy nawi-weirdohan na si Popoy sa’kin, kesyo minsan masyado akong sweet o maingay o makulit.. Ganito lang siguro talaga ang feeling kapag alam mong nasa gitna ka na lang.. Mahirap mag-panggap na okay lang talaga ako, lalo na at madalas na naming makasama si Ace.. Parang sa tuwing sasabihin ni Popoy na mahal niya ako, mas lalo akong nahihirapang kumuha ng tyempo na sabihin sa kanya.. Mas lalo akong nagi-guilty.. Kaya wala akong magagawa kundi alagaan nang mabuti ang sarili ko.. ”Uyy.. Sa isang araw na ulit monthsarry natin..” Sabi niya. Naka-tambay kami sa school garden.. ”Oo nga eh.. Nakaka-tuwa..” ”Parang kelan mo lang ako sinagot no? Haha!” ”Kilig ka na naman, haha! Pero Poy, salamat ha? Napagtya-tyagaan mo ’ko..” ”Drama naman netooooooo” Piningot niya ilong ko.. >__< March 16 na sa isang araw... 3rd monthsarry na namin. Hindi pa kami nagkaka-LQ, konting tampuhan lang tapos kapag hapon magba-bati rin kami.. Hindi namin hinahayaan na dumaan ang isang araw na hindi kami magka-kabati.. Mahal na mahal ko ’tong lokong ’to.. ’Di ko rin alam kung bakit.. Basta!! Yung pakiramdam ko, parang gusto kong ipag-sigawaaaaaaaaan sa mundo kung gaano ko kamahal si Popoy Marques, kung gaano ako ka-swerte sa kanya, at kung gaano ako nagpa-pasalamat na naging boyfriend ko siya. Nakaka-tuwa rin, kada monthsarry naming iba-iba ang pakulo niya.. Nung 1st monthsarry namin, gumawa siya ng website naming dalawa, nandun lahat ng nangyari sa’min since nagka-kilala kami.. NA-surpesa talaga ako kasi wala siyang naka-ligtaang pang-yayari, atsaka, ini-announce niya sa buong campus ang website na yun.. Pinost sa school forums at sa social sites.. Nakakahiya pero kinilig talaga ako.. Pinagpuyatan niya yung pagco-construct ng website.. So far, naka 13,000 members na yun.. Adik >__< Nung second monthsarry naman namin eh sobraaaang sweet since two days after Valentine’s yun.. Yung transformed clubhouse namin, mas ini-level up pa niya. Wala naman kaming Prom sa school eh, Grad Ball lang kaya eto na lang daw prom namin... Bagong pintura uli, tapos pinuno niya ng mga bagay na may kinalaman sa Valentine’s at sa amin.. Tapos, cosplay naman ang theme.. Hindi ko mai-paliwanag pero ang ganda ng combination ng concept.. Pwede na siyang event organiser >O< May mga pictures din kami sa ding-ding.. syempre, kasabwat doon ang buong barkada. All out support talaga.. Ini-isip ko nga kung ngayon ano naman. Pero okay lang din kung wala muna, kasi baka sa anniversarry namin wala na siyang ma-isip. Haha! Basta magkasama kami, okay na yun! ”Tahimik mo. Anong gusto mong gawin sa 16?” ”Ako pa tinanong mo, eh ikaw naman ang nagpa-plano palagi eh.” ”Edi syempre para may konting participation ka naman this time. Haha!” “Tse. Haha! Okay lang naman kasi kahit saan eh..” “Kahit sa tabi-tabi lang?” He asked, parang gulat. “Oo? Bakit parang gulat ka? Haha! Baka sa kaka-gawa mo ng mga ganyang pakulo eh sa anniversarry natin wala ka nang maisip..” ”E-eh.. Akala ko kasi, mas gusto ng mga girlfriend na palaging may surprise kapag monthsarries. Natakot ako na baka magalit ka sa’kin tapos….” “Tss. Eto naman! Hindi naman lahat syempre.. Araw-araw naman mag-kasama tayo no. Sobra-sobra na yun..” Pinitik ko siya sa noo hihi. ”Oy. Aabot tayo ng anniversarry ah? Kahit college na tayo. Lapit na nun..” ”Oo naman! Basta ba hindi ka mamba-babae kapag college na tayo! Or else you’ll meet my fist!” Tinaas ko yung kamao ko. Naks. Haha! “Yes Boss!” Then niyakap niya ako ng mahigpit! As in nanggi-gigil siya! he kissed my cheek. Hinawakan niya kamay ko tapos umuwi na kami. Ganun lang naman kami araw-araw eh.. Nasanay na rin kami sa atensyon na nakukuha namin kapag nagla-lakaad kami, at mukhang nasanay na rin sa’min yung mga tao sa school. Napag-desisyunan na namin kung saan kaming university papasok sa college. Hindi ko na nga lang pipiliin yung mga course na makaka-stress sa’kin.. No choice ako.. Kahit gusto ko, hindi ko kakayanin.. Sobrang nagi-ingat ako ngayon.. Ayokong kahit simpleng sintomas eh lumabas sa’kin.. It may cost everything to me.. Hindi ko pa rin nakaka-limutan yung promise ko kay Ace.. Malakas pa naman sabi ako! Hindi ko kailangan ng mga chemotherapies. Simpleng gamot lang okay na ako. NI hindi na nga ako pinapa-tawag ni Dra. Eh... pero syempre every three months dapat magpapa-check up ako.. Yung huli kong check up, a week ago, ganun pa rin naman ang condition ko. Maganda raw talaga sa’kin ang may lovelife. Etsusera si Dra. Haha!! Masaya kaming dalawa.. Yun ang mahalaga. Kumakain na ako ng gulay! Hindi na ako nagpu-puyat.. Hindi na ako nakikipahaway.. Nage-exercise ako at hindi ko ini-stress ang sarili ko.. Gabi-gabi rin nagda-dasal ako.. Lahat yan ginagawa ko.. Kasi etong nangyayari sa’kin ngayon, ayokong mawala. As much as possible, inaayos ko na talaga ang lifestyle ko.. Papatunayan ko na.. Etong nararamdaman namin ngayon, hinding-hindi masisira ng kahit na sino… O kahit na ano.. Kahit sakit pa yan. Kung umabot man sa sitwasyong yun, Hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi ako malayo sa kanya.. Hahanapin ko yung daan pabalik sa kanya. [Chapter 37] **Kim’s POV** “GroomyPoy! Ang OA mo na ha!” He brushed his hand through his hair. “Aaaaargh. Kailangan galingan ko!! Kailangang maka-pasa ako! Kailangang mag-aral ako!! Kailangang—” ”Oh pleeeeeease! NAKIKINIG KA BA SA’KIN?!” Dun lang siya na-tauhan. ”Ugh. Sorry. Takte nakaka-stress. Screw those examinations =___=” Di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Kasi naman, stress na stress siya sa exams namin ngayon. Tapos na yung final exams namin at hindi pa namin nakikita ang results. Tapos ngayon naman, nandito kami sa venue ng exams, UPCAT. Yun ang first choice namin ni Popoy. Late na nga kami nag-exams.. Yung mga classmate naming eh December pa. Eh since sabi niya matalino ako, maning-mani lang sa’kin yun. Eh siya, sobrang stressed. Ang laki nga ng eyebags niya eh! But then it was really touching. Gustong-gusto niyang maka-pasa para di kami magka-hiwalay. Naku! Na-tyempo pang March 16 ngayon, 3rd monthsarry namin. Grabe, enjoy ’to haha! First time niyang stressed sa monthsarry namin! Tinawag na kami nung naga-assist. ”You ready?” I asked him. “Hell yeah.” Napatawa ako. Intense naman! Napaka-desperado haha! Umupo na kami sa designated seats naming. Nasa likod ko lang siya. Halatang stressed siya, he’s massaging the bridge of his nose. Yun ang sign. “Popoy.” Tinawag ko siya. “Happy Monthsarry. Good luck!” Then tumalikod na ako. Nanlaki ang mga mata niya, then the exams started. Tama kaya yung ginawa ko? Baka kasi lalo siyang na-stress dun. Alam ko kasing naka-limutan niya na monthsarry namin ngayon, maybe because of too much stress. Nai-intindihan ko naman eh. Masyado na siyang maraming efforts nung mga nakaraang monthsarries namin. It’s time for his break. English was easy, it was my forte. So-so lang ang Science.. Yung Filipino naman okay lang din.. Math went SURPRISINGLY okay.. Lahat naman ng exams okay lang. Di ko alam kung madali ba o talagang natandaan ko lang lahat ng lessons namin? Natapos ang exams. Si Popoy kaya? Okay na? ”Hey, you okay?” Itinayo ko siya. Naka-simangot siya. ”Oh bakit naman buraot ka dyan?” Bigla niya akong niyakap. ”I’m sorry..” He whispered. ”Shh. Ano ka ba! Okay lang yun! You see, mag-kasama pa rin naman tayo ngayon diba? Tara na. Bawal ang PDA, asa classroom pa rin tayo. Haha!” Medyo relieved na rin ako, akala ko kasi hindi niya na-sagutan yung exams. ”Mas okay kaya ’to! Hindi scripted! Haha!” I said as I licked my ice cream. Dirty ice cream ‘to! MAs masarap pa nga yung ganito kesa sa branded. “Iba ka. Haha! Gala muna tayo! Maaga pa naman!” Inalalayan niya akong bumaba. Antaas kasi nung inuupuan namin. Yung wall na katabi ng dagat? Haha, ganda ng view! Nag-gala nga kami. Kung saan-saan kami nag-punta! Sobrang random haha! Kapag nagu-gutom kami, bibili lang kami sa kung kaninong vendor na makaka-salubong namin. Hindi niya binibitawan yung kamay ko. Picture lang ako ng picture, karamihan hindi siya naka-tingin. But he still looks great kahit anong angle. Haha! “Hoy nakaka-rami ka na. Baka titigan mo yan gabi-gabi ah.” ”Yabang mo! I’m just making memories..” Natigilan ako sa nasabi ko. ”O-of our 3rd monthsarry. Hehe. Syempre dagdag sa photo album natin. Teehee. Tutal nakapagdinner na tayo, uwi na tayo!” Hinila ko siya sa parking lot, andun yung kotse niya. Tsk. Madudulas na dila ko.. ”Thank you..” Biglang sinabi niya nung maka-andar kami. ”Hmm? Haha! You’re welcome. Weird mo.” ”Akala ko magagalit ka.. Masyado akong na-carried away sa exams.. Gustong-gusto kong mai-pasa yun para hindi tayo magka-hiwalay eh.. Hindi ko naisip na monthsarry nga pala natin ngayon. Di bale, babawi ako sa’yo..” ”Popoy?” ”Yeah?” The exact time na lumingon siya, our lips met. Smack lang ah! NAtulala siya. >:]] “Shut up. I love you. ^___^” Tapos pinasok ko ung earphones sa tenga ko. Lalala~ Nakaka-hiya kaya yung ginawa ko! Ang awkward! Ako yung nag-first move para sa first kiss! OO FIRST KISS NAMIN YUN. >___< Seconds later, I found him smiling. Pag minamalas ka nga naman, ngayon pa traffic! 7PM na, gagabihin kami neto.. Di umuusad eh! Ang dilim na T__T Napa-pansin kong hindi mapa-kali si Popoy. ”Uy, okay ka lang?” Tumingin siya sa bintana. ”Yeah.” ”Eh bakit parang di ka mapa-kali?” He’s sweating! Dahil ba sa traffic? ”Wala, wala ’to.” ”Tumingin ka nga sa’kin!! Kanina ka pa umiiwas eh!” Parang nagda-dalawang isip siya, tapos tumingin sa’kin na parang nagma-makaawang ewan. Problema nito? HE bit his lower lip na parang naiinis. At dun napansin kong nakatitig siya.... sa lips ko. Uh-oh. Dahil ba sa kiss?? O__O ”Y-you mean????” Tanong ko. Naku. Huhu. “Nah.. Nevermind. Sorry.” Ginawa niya ulit yung hobby niya kapag nas-stress siya. Hala, nakaka-guilty naman! Totoo nga yata yung sinabi nila na kapag hinalikan mo yung taong mahal mo, hahanap-hanapin mo na yun. Waaaaaaaaa. Tahimik lang, mga busina lang ang naririnig namin. Sa lagay na ’to, mukhang mamaya pa uusad ang traffic. Yung nasa unahan nga namin nag-patay muna ng makina.. Ang tahimiiiiiiiiik! Nakaka-konsensya naman huhu.. Pagbigyan ko na kaya siya? Monthsarry naman namin. Ako naman yung may kasalanan eh waaaaaaaaa. Pero kung siya naman.. Hindi ako natatakot. I trust him.. “Popoy---“ “Don’t talk.. N-not now, matulog ka muna. Paki-takpan ng gas mask yang bibig mo. Argh..” Mukha siyang constipated. Napatawa ako ng malakas. HAHAHAHAHA. Grabe lang ha! Desididong mag-pigil!! Di naman siya pinagbabawalan haha!! Hawak ko na yung tiyan ko sa kakatawa nung maramdaman ko yung hininga niya sa pisngi ko.. Uhhhh.. Pag-harap ko.. Magka-dikit na yung ilong namin. He’s getting closer.... closer.. Closer until our lips was locked. Tiningnan ko muna kung umuusad na yung traffic with one eye, tapos nung ma-assure kong hindi pa rin, pinikit ko na yung mata ko.. Letting myself fall into his charm. Seconds later, his lips were moving. Hindi ko alam pero para siyang dance lesson na madali kong natutunan at nasabayan. Such a good kisser! Narinig kong tinanggal niya yung seatbelt niya, siguro para mas makapag-lean siya ng maayos. Napatawa ako ng mahina dahil dun.. “Happy monthsarry, Bridey..” HE whispered then continued the kiss. Good thing he wasn’t doing a French kiss! Ayoko nun.. Maybe napa-kiramdaman niyang it’s my first time doing this kaya hindi niya ginagawa yun.. he’s lips were just moving rhythmically, nothing more. I enjoyed the sensation. Kaya mahal ko ‘to eh, sensitive pagdating sa feelings ko. Kaso, first kiss niya kaya ako? Parang experienced na siya >___< Minulat ko ulit ang mata ko to check the road. Ganun pa rin, patay ang makina nung nasa unahan. The clock says 7:15.. We started kissing 7:13. Gaaaaaaah. Bakit ko ino-orasan? Haha! I brushed my hand through his hair. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko ang at the same time sumisikip yung dibdib ko. Parang sasabog! Hinawakan niya na rin yung pisngi ko, down to my hair.. The kiss was gentle and passionate.. Alam kong lalaki siya and he has his needs.. Alam kong pwedeng ngayong oras na ‘to eh nagpi-pigil lang siya.. Na-touch ako na wala talaga siyang ginagawang nakaka-bastos.. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, deepening his kisses.. Ang hirap namang posisyon nito! After a while, he broke the kiss and kissed my forehead. Mukhang tapos na. Time check, 7:17PM. Gaaaaaaaah. That kiss lasted for FOUR MINUTES??? Kaya pala hirap akong huminga pagka-tapos. Maya-maya, nagtatawanan na lang kami pareho. “But seriously, Thank you Kim. I love you..” He let out a very sincere look. “Thanks din. For respecting me.” Pagka-sabi ko nun, umandar na yung kotse sa unahan. Aba? Parang pina-tapos lang kami sa kissing scene namin ah? Waaaaaa. Sana walang naka-kita. >///////< Naka-rating kami sa bahay by 9PM. Balik na sa dati, walang awkward moment. Binati rin kaming dalawa nina Mommy at Daddy ng Happy Monthsarry. Sayang di ko makikita si Tita Ezra ngayon. “Oh sige Kim, pasok na kami ng Dad mo, sunod ka na lang. Goodnight Popoy.” Nag-slight bow lang si Popoy. ”Oh, ingat pa-uwi ha? Pa-kumusta kay Tita Ezra.. Goodnight!” tatalikod na sana ako pero hinila niya ako at binigyan ng smack tapos mabilis na tumakbo papasok sa kotse. Humarurot naman saiya pa-alis. ”Oy! Nakaka-rami ka na!!” Nung nawala na siya, napa-ngiti ako at napa-hawak sa labi ko. How I love that guy. ^________^ [Chapter 38] **Popoy’s POV** Tambay sa auditorium. Yeah men haha! March 18. General Practice ng graduation ngayon. Bukas, ayun na. ang bilis yata ng oras ah? Simula nung nakilala ko si Kim parang ang bilis na lang lumipas ng araw. Baduy =__= Pero masaya ako, alam ko namang pagka-tapos nito eh magka-kasama pa rin kami ni Kim. Alam kong pasa yung exam ko sa UP no! Business course ang kukunin ko. Interesado naman ako sa business ni Mama sa London eh. Tapos pag nag-tapos na kami, magpa-pakasal kami ni Kim, tapos magba-bakasyon sa London. Aaaaaaagh. Nakaka-adik. At mantakin mong Valedictorian pa yung girlfriend ko? Ako naman 3rd honourable mention. ABA. Proud na proud na nanay ko dyan! Pinagbutihan ko talaga para hindi naman masabi na hindi ko deserve si Kim. ”Tol!!” Lumapit sa’kin ang buong tropa saka si Ace. ”Oh bakit?” ”Congrats ulit ha? Uma-asenso ah? Honorable mention ka na!!” ”Syempre naman. Haha!” ”Tapos sa isang araw, Grad ball naman. Ready na kayo?” Oo nga pala! Sa isang araw na ang grad ball. Buti na lang naka-bili na ko ng isu-suot. Ayaw sabihin ni Kim ang kulay ng gown niya, gusto ko sana terno kami. Surprise daw. Nyeh. ”Eh kayo ba, Dex at Louie, may mga date na??” “Aba syempre naman!! Di ba napa-kilala ko na si Mae?” Sabi ni Dex. Akalain mo bang makaka-hanap pa pala yan ng babaeng seseryosohin niya? ”Ah mga p’re, paano ba muna man-ligaw?” ”ANO?!” Sigaw naming lahat. ”Hehe, nagta-tanong lang mga tsong.. Alam niyo kasi, may transferee sa section namin.. Grabe mga ’tol. Natulala ako pag-pasok niya. Nakalimutan ko pangalan ng lahat ng mga babaeng nangf-flirt sa’kin.” Nakatulala pa siya habang sinasabi yan. What the fish? Haha! ”Ah! Si Kara Jacinto? Ayos nga yun, cute haha!” Inakbayan naman siya ni Christian. “Alam mo d’re, simple lang yan. Maging honest at sincere ka.. Wag ka nang maging playboy!!” Tama nga naman. Eh mukhang mahihirapan ‘tong si Louie dun! Haha! Natigilan lang kami nung umakyat na sa stage si Kim. Speech na niya. Lahat nakatingin sa kanya.. Para bang lahat hinahangaan siya. She really is someone to look up to. Maraming beses na tumitingin siya sa’kin kapag nagsa-salita siya. Kasunod nun palagi ang pambabatok ng mga ulol kong katabi. ”Rael, pwedeng mag-usap tayo?” Tumayo si Ace. ”Pare, Popoy na lang. Hindi na naman kita ka-away eh.” Pumunta kami sa likod ng auditorium. Ano kayang sasabihin nito? ”Mahal mo naman talaga si Kim, di ba?” Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi kaya hanggang ngayon, gusto pa rin niya si Kim? ”Syempre naman.” ”Ako rin eh..” Tumingin siya sa’kin. ”Teka pare, nagka-kalokohan ba tayo rito?!” ”Whoa, easy dude. Inaamin ko lang sayo, ayoko nang nagli-lihim sa kaibigan..” Parang nagda-dalwang isip siya sa sinabi niya. ”Mahal ko si Kim.. that’s why I gave her up to you. Alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Ayoko ngang magmukhang ulol na humahabol sa isang babaeng ni hindi nga ako nagustuhan.” Nag-tawanan kaming dalawa. ”Magpa-paalam nga pala ako.” Bigla niyang sinabi. ”Ha? Bakit? Aalis ka?” ”Yup. Gotta go back to Korea. Dun na ako magta-tapos.” “Bakit biglaan yata yan?” “Nung isang araw ko lang napag-desisyunan eh.” “Sigurado ka na? Malu-lungkot si Kim..” “Kaya nga sayo ako unang nag-paalam. Gusto kong pasayahin mo siya kapag nalungkot siya sa pag-alis ko. Wag mo siyang pababayaan and always keep an eye on her. DEAL?” Inabot niya yung kamay niya. “DEAL. Pag-balik mo dapat may asawa ka na ah.” We both grinned. Pagbalik namin, nagka-kagulo na yung mga tao sa gym. o-o-o-o-o **Kim’s POV** Nasa gitna ako ng paged-deliver ng speech nung makita kong umalis sina Popoy at Ace, papunta sa likod ng auditorium Kinabahan ako. Ano kayang pagu-usapan nila? Baka naman sasabihin na ni Ace kay Popoy? Nag-promise siya!! I’ve been doing great! Hindi talaga ako nagka-kasakit. Dapat gawin niya rin yung part niya! Pero hindi naman siguro di ba? Graduation na bukas.. Wag naman Ace.. Napapaluha ako kapag naiisip kong malalaman na ni Popoy yung tinatago ko. ”And as we take the last step of our high school lives, we… We should… Uhh..” Aray! Nahihilo ako bigla.. “Kim? Kim are you okay?” Sigaw nung teacher sa kabilang side ng stage. “Yes.. Yes Ma’am. Nahilo lang po ako. Ang init kasi eh.” Ang init nga, pinagpapawisan ako.. Tumayo ulit ako ng diretso. I attempted to continue my speech but I failed. Next thing I know, everything was spinning. “Kim!! Kim!! Hey!” Hindi ko na alam kung sino yung mga nasa paligid ko o kung ano yung mga sinasabi nila.. Popoy.. Asan ka?? “Tumabi kayo!!!” Naramdaman ko na lang na buhat-buhat ako, then everything was black. [Chapter 39] **Kim’s POV** Nung nagising ako, na-realize kong nasa clinic na pala ako. I was expecting to see my boyfriend beside me but instead, I saw Ace. “San si Popoy?” “Tumatawag sa parents mo..” “A-ace.. Ano bang pinag-usapan niyo kanina?” “Nothing, really. It’s a guy thing.” “Hindi mo sinabi sa kanya yung sakit ko?” “Nope.. Hindi PA.” Diniinan niya yung ‘PA’ “Paano yan.. I broke down. Sasabihin mo na ba sa kanya?” Please.. Wag.. ”That would be good.” There you go. Yun na ang sign ng pagtatapos ng maliligayang araw ko.. “But then I won’t tell him.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Talaga??” “Yup. Napag-isip isip kong hindi dapat ako ang mag-sabi nun sa kanya. Ikaw yun Kim. Hindi na dapat ako maki-alam since aalis na rin naman ako..” ”A-ano? Aalis ka??” ”Yeah.” ”Saan ka naman pupunta??” Iiwan niya ko??!! ”Babalik na ako sa Korea. Dun na ako magka-college. Nandun naman ang pamilya ko eh..” Kung nandun ang pamilya niya.. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan.. ”Kelan alis mo..?” Naiiyak na ’ko.. ”A week pagkatapos ng Graduation..” ”Ang lapit na... Mawawalan na naman ako ng Kuya..” ”Hindi pa no. OA mo Dongsaeng.” Pinisil niya yung cheeks ko.. Dongsaeng is the Korean term for a younger sibling. Nakaka-asar naman eh.. Mami-miss ko nang sobra si Ace! ”Pero tingin mo, bakit ka nahimatay kanina?” ”Hindi ko rin alam eh.. Basta bigla na lang akong naka-ramdam ng pagod at panghihina kahit na wala naman akong ginagawa..” ”Hindi kaya dahil sa....” ”No!! No, hindi naman siguro.. Kasi mainit nga kanina.. Baka dahil lang dun..” Natahimik kaming dalawa.. Bakit nga ba ako nahimatay? Biglang dumating si Popoy.. ”Hey Bridey! Okay ka na ba? May masakit ba? Nahihilo ka pa? Gusto mo ng tubig? Or iuuwi na lang kita? Pwede ka na naman daw umuwi sabi ni Ma’am eh..” Sunodsunod niyang sabi. Natawa na lang kami ni Ace nun. ”Easy dude.. Haha!” Napa-kamot sa ulo si Popoy.. Yan.. Yan mismo ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman ni Popoy eh.. Nahimatay nga lang ako eh sobrang nagpa-panic na siya.. Eh paano pa kapag nalaman niyang may leukemia ako? Edi suicidal na siya? ”Okay lang ako Poy.. Anong sabi nina Mommy?” “Ah, sabi nila kung gusto mo nang umuwi, iuwi na kita. Ano gusto mo na ba?” ”Ah.. Sige, uwi na ako..” Maga-ayos pa ako ng gagamitin bukas, pati ngayon namin kukunin yung pinagawa naming gown para sa Grad Ball.. Umaga kasi ang graduation, tapos sa gabi yung Grad Ball. Kaya super mapapagod kami bukas for sure. ”Okay, sige Ace, hatid ko muna ’to..” Tumango lang si Ace at pumunta na kami sa kotse ni Popoy. Tahimik ako buong byahe.. ”Okay ka lang talaga?” ”Yeah..” Pinilit kong ngumiti. Ilang minuto lang nasa bahay na kami. ”Thanks Groomy.. Ingat ka ha? I love you.” Kiniss ko siya sa cheeks. Niyakap niya naman ako. ”I love you more. Basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako ha? Graduation na natin bukas. I’m so proud of you Bridey. Kita tayo bukas..” Kiniss niya ako sa lips tapos bumalik na siya sa kotse. Nung maka-alis siya, napa-buntong hininga na lang ako. Hay, back to reality. ”Mom, Dad, Manang! Andito na ko!” ”Oh Kim! Anong nang-yari sayo? Sabi ni Popoy nahimatay ka raw?” tumakbo agad si Manang sa’kin, tapos bumaba na rin sina Daddy. ”Okay ka lang Kim?” Salubong ni Daddy. ”Nahihilo ka pa?” Tanong ni Mommy. Lahat silang mukhang nag-alala talaga. ”YEAH! I’m fine.. Tingnan niyo nga!? Okay lang po talaga. Nainitan lang ako kasi hindi kami sa covered court nag-practice kanina. Bukas naman po eh sa auditorium na kaya for sure di na yun mau-ulit. Akyat na po ako.” Iniwan ko na sila dun. See? Lahat sila nagpa-panic dahil sa’kin. Ayoko nang ganun. Alam ko sa sarili ko na malakas ako. Kaya ko ang sarili ko. Pero dahil sa sakit na to, tingin nila sa’kin mahina. Weak and fragile. Crap. Malakas nga siguro ako, ilang tao na ba ang napa-tumba ko? Pero sa labang ’to, mukhang ako ang dehado. [Chapter 40] **Kim’s POV** ”Kiiiiiiim! This is your big day! G-graduate ka na!!” Yan ang bungad sakin ng mga tao sa bahay. What a great start! Haha! Ang bilis talaga ng panahon, Graduation na namin! Batch 2011. Waaaaaaaah! But this year, might be my most treasured one. Kumain kami ng breakfast, nag-bihis ako ng uniform. Mami-miss ko ‘tong cute naming uniform!! Yung long sleeved top, above the knee-skirt at yung blazer!! Pinatungan ko na siya ng toga. Waaaaaaaah! Mukha na talaga akong g-graduate! ”Gosh, g-graduate ka na talaga baby!!” Nag-hug kami nina Daddy at Mommy. ”Proud na proud kami sa’yo anak!” Inayusan na ako ni Mommy ng buhok. Yung tama lang para sa cap ko. Hindi na muna namin bo-bonggahan since aayusan pa naman ulit ko mamaya for the Grad Ball. Kyaaaaaaaah, excited na ako! ”Err, 6:45AM na! Alis na tayo, tawagin ko lang si Daddy mo ha, punta ka na sa car!” Pumunta na nga ako sa kotse. 7AM-12NN yung Graduation ceremony namin, tapos 5PM-12PM yung Grad Ball. Mas mahaba pa yung Ball kesa sa Ceremony. Haha! Nakuha na namin ni Mommy yung gown kahapon. Ang ganda ganda! Mukha namang babagay nga sakin since pinagawa talaga yun ni Mommy. Dapat daw eh ako ang pinaka-maganda. Haha! Hindi ko sinabi kay Popoy yung itsura ng gown ko para surprise syempre! Masyadong cheesy kung magte-terno kami. Pero syempre, fave color ko yung gown. Violet. Haha! Nag-hire pa talaga ng makeup artist si Mommy para mamaya. Grabe lang, di naman ako lalaban ng pageant! Maya-maya, bumaba na rin sina Mommy. Si Daddy talaga iyakin!! Halata mong teary-eyed pa siya, kaya naman kiniss ko siya sa cheek. ”Thanks for everything Dad, para sa inyo ’tong award ko ^__^” Tapos umalis na kami ng bahay. Ang saya, kumpleto ulit kami sa graduation ko! Pag-dating naming eh prepared na lahat. From the stage to the seats. Linibot ko yung tingin ko sa campus.. Mami-miss ko ‘to! “Okay, we are about to start. You may all take your designated seats.” Sabi nung emcee. Si Popoy kaya nasaan? By surname kasi ang arrangement ng chairs eh. Marques siya, Tiangco naman ako. Ang layo niya! “Kim, tumawag si Ezra, sabi niya male-late raw sila nina Popoy, nagkaemergency lang. Don’t worry too much..” Ngumiti na lang ako. Sana ma-abot nila yung speech ko… Isa-isa na ring nagdatingan ang barkada, nag-yakapan kami at nag-batian. Grabe, imagine? Natapos namin ang madugong senior year? >__< Si Popoy na lang talaga ang kulang! Nag-prayer na tapos kumanta ng National Anthem, then Opening remarks, dance number, speech then dance number ulit. Nae-enjoy ko naman since good mood ako. Siguro importante lang talaga yung pinuntahan nina Popoy. Kasama naman niya si Tita Ezra eh. Napag-isipan kong itext siya. To: Groomy<3 Pst! Ingat kayo ah? Sana maka-habol ka sa speech ko :3 Talagang nagpa-cute pa sa text haha! Special kaya yung speech ko kasi sinama ko talaga lahat ng gusto kong pasalamatan! 10AM Marami nang nakapag-speech, nakapag-salita na rin yung guest speaker namin. Nakaka-inspire yung mga kwento niya, mamo-motivate ka talaga na mag-igi pagkagraduate mo. Pagka-tapos nun eh may nag-play na slideshow na compilation ng pics ng batch 2011. Grabe!! Nakaka-iyak!! Nagtabi-tabi na nga kami ng barkada kasi nakaka-touch since may mga pics din kami doon. 11AM Isang oras na lang! Nakapag-speech na yung Salutatorian, which means ako na. Nginitian ko sina Mommy. Umakyat ako sa stage, lahat naka-tingin. Whew! ”To our Dear principal, Mrs. Ligaya Cristobal, To my dear teachers, loving parents and to my fellow students, a pleasant evening..” Nag-pause ako, nakita kong chinicheer ako nina Shayne, pero hindi ko makita yung taong hinahanap ko. Hay.. Impromptu yung speech ko. Pwedeng magtagalog kung gusto ko. Mas gusto nung adviser ko na from the heart at hindi scripted eh.. “People say that Graduation is the happiest and saddest part of our high school lives. Of course it is. Masaya kasi tapos na yung paghi-hirap natin bilang high school students.. Malungkot, because of the fact that hindi na tayo ang magkakasama next year. Hindi ko rin po expected na ako ang magde-deliver ng ganitong speech sa harap niyo ngayon. Parang kailan lang nung una akong pumasok dito.. I was such an innocent, naive and cute girl back then.. With nothing else in mind but to study hard and make my parents proud. Since I’m the only child, I loved them the most. Lahat naman tayo eh utang sa mga magulang natin kung anuman ang katayuan natin ngayon. We owe them a lot, kaya pinangako ko talaga sa sarili ko na magpapaka-buti ako at ia-alay ko sa kanila lahat. I know I wasn’t a very good girl. In my first three years in this university, I don’t have many friends. I only have two.” Tumingin ako kina Shayne at Ciara. “Isnabera ako, hindi approachable at hindi rin friendly. In fact I was close to being a bully. Haha! My deepest apologies to those who became my victims. Peace na tayo ah? Nag-bago na ako, for the better.. Lalo na nung nag-simulang lumaki ang circle of friends ko, at nagka-roon na rin ako ng ‘Special Someone’” Nag-ayeee naman yung audience. Haha! “Unfortunately, mukhang wala pa siya ngayon.. Anyway, I want to thank my Dad, Mom, Hindi ko makukuha ‘tong achievement na ‘to kundi dahil sa inyo.. You were my inspiration.. Of course I would like to thank God, for surrounding me with wonderful people.. Sa barkada ko, Shayne, Ciara, Kurt, Enzo, Christian, Louie, Dex, Ace and of course, Popoy.. Kung nasaan ka man. So, Congratulations to our batch! College students na tayo! May Godbless us all, Good evening!” Tapos bumaba na ako sa stage. Grabe! Parang chumika lang ako dun. Napaka-informal haha! ”Waaaaaaaah! Nakaka-iyak naman yung speech mo Kim!” Sabi ni Ciara. ”Nyek? Haha! Hindi ko nga feel eh..” ”Asus? Kasi wala dito si Popoy!” Ngumiti na lang ako. Hay, Popoy.. Asan ka na ba? Magbi-bigay na lang ng diploma tapos tapos na yung program. Hay.. ”Guys, CR lang ako ha?” Umalis muna ako doon. Nami-miss ko lang si Popoy kapag naiisip kong wala siya kapag tatanggap kami ng dimploma. Hayy. Hindi ko na pinapakinggan yung mga ina-announce ng teachers.. Malapit na ako sa pintuan ng auditorium nang may biglang tumawag sa pangalan ko. ”And where do you think you’re going, Ms. Valedictorian?” Naka-mic siya. Masaya akong lumingon, alam kong siya yun!! ”Sorry I was late. Mali kasi yung nai-deliver na suit sa bahay namin kanina, kailangan naming pumunta sa shop na binilhan namin para may maisuot akong matino sa Grad Ball. Sorry Bridey.” Sinabi niya yun SA MIC. Kaya nag-hiyawan yung mga tao. ”Bago natin tanggapin ang mga diploma at medals natin, I would like to take 5mins. of your time. I just wanted to prove something to someone.” He winked at me. Err. Ano yun? Lumabas sa stage yung barkada at inabutan si Popoy ng gitara. Teka, ano ’to??? Nag-hiyawan na yung mga tao. Wag mong sabihing kakanta siya? Marunong ba siya? Tapos mag-gigitara pa! First time ever to!! Naiwan na siyang mag-isa. He started strumming.. O__O Okay, marunong nga siya. *Hero by Sterling Knight—Playing* “Yeah… Yeah..” O__O THIS GUY REALLY KNOWS HOW TO SURPRISE ME. “I’m no Superman, I can’t take your hand And fly you anywhere you wanna go, yeah..” O___O OH.MY.GOSH!!! Kung nakaka-matay ang pagka-kilig, patay na ako kanina pa!!! OHMYGOSH lang talaga!! ”I can reach your mind, Like a billboard sign And tell you everything you wanna hear, but I’ll be your hero..” Tumingin na siya sa’kin dun sa line na yun. OmO. I didn’t expect him to be a great singer. Grabe talaga!! Gusto kong umirit! Yung mga babae sa tabi ko irit na irit na!! ”’Coz’ I, I could be everything you need If you’re the one for me, Like gravity I’ll be unstoppable.. I, Yeah I believe in destiny I maybe an ordinary guy with heart and soul But if you’re the one for me, Then I’ll be your hero.. Oh.. I’ll be your hero, yeah.. I’ll be your hero.. yeah..” Nung nasa bridge na, tumayo siya at bumaba sa stage, habang nag-gigitara. “So incredible, Some kind of miracle That when it’s meant to be I’ll become a hero, Oh So I’ll wait, wait, wait, wait for you…. Oh Yeah.. I’ll be your hero.. yeah..” Nama-mangha talaga ako sa kanya!! This time, nasa harap ko na siya.. ”’Coz’ I, I could be everything you need If you’re the one for me, Like gravity I’ll be unstoppable.. I, Yeah I believe in destiny I maybe an ordinary guy with heart and soul But if you’re the one for me, I’ll be your hero.. yeah.. I’ll be your hero.. yeah.. I’ll be your hero.. Hero..” Binaba niya yung gitara niya, tapos lumuhod at hinalikan yung kamay ko. O__O ”Happy Graduation, Bridey. Reserved ka na para sa’kin mamaya sa Ball ha?” Sumunod non ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Grabe, gusto kong maiyak! That made my Graduation Day a blast!! [Chapter 41] **Kim’s POV** Grabe. Hindi pa rin ako maka-get over sa nang-yari kaninang graduation ceremony! Feeling ko nasa ball na ako kanina eh. Haha! ”Okay, I’m done with your hair!!” Sabi ni Ate Apple. Make-up Artist. “Wow! Thanks Ate!” Ang galing niya mag-ayos! May naka-ipit na parang malaking bun tapos may mga mahahabang curls na naka-laylay. Parang ready-to-be-crowned hairdo naman to! HAha! “Make-up naman. Sisiguraduhin kong hindi mo makikilala ang sarili mo! Haha! Harap ka sakin..” Pinatalikod niya ako sa salamin. Naka-bathrobe pa ako, para hindi madumihan yung gown ko. Waaaaaaaaa! Sana maisuot ko nang hindi nagugulo ang buhok ko. Ano kayang itsura ni Popoy? Haha! Eh kahit ano namang suot niya, gwapo siya eh! Lalo na habang kumakanta! Kung hindi lang bawal nag-laway na ko dun haha! I’m so blessed to have him. Thank you Lord! Kaso, mas lalo naman akong nagi-guilty! Aagh! Erase, di ko muna iisipin yun. Magpapakasaya naman muna ako! After 30 mins. natapos na sa mukha ko si Ate Apple. Haharap na sana ako sa salamin pero pinigilan niya ’ko. Surprise daw, kapag nai-suot ko na yung gown, tsaka ko daw tingnan. Dumiretso ako sa walk-in-closet ko. ”Ate Apple! Patulong naman!” Agad namang pumunta sa’kin si Ate Apple. Medyo may kahabaan din kasi ‘tong gown ko. Violet siya, halter. Wala siya masyadong designs pero ang ganda ng pagkakagawa!! Grabe. Nakaka-konsensya ang gastos! Once in a lifetime lang daw kasi ’to sabi nina Mommy. Pagka-suot ko, lumabas na ako. “Ate Apple, Okay lang?” I asked, nervously. “OH.MY.GOSH.” Tumakbo siya palabas ng kwarto. Hala!! Hindi ba bagay? T__T “Look!!!” Narinig kong sabi ni Ate Apple, nakita ko sila sa pintuan na naka-tingin sa’kin. O___O Yan silang lahat. ”OH MY!! ANG GANDA NG ANAK KO!!” Tumakbo sa’kin sina Mommy at Daddy. ”Ang galing mo talaga Apple!” Sabi ni Mommy. Hinarap naman sakin ni Ate Apple yung full-sized mirror ko. And BOOM!! May isang di kilalang babae na nakaharap sakin. Takte, ako pala yun. O_O Natauhan lang ako nung ,may bumusina sa labas. ”OHMY!! Andyan na yung prince mo Kim!!” Bigla akong kinabahan.. Waaaaaaa! ”Baba ka na dali!” Inalalayan ako nina Mommy sa pagbaba. Ang taas pa naman ng heels ko! ”Tita Yna!! Tito Paolo!!” Narinig kong sigaw ni Popoy, nasa sala na siya. Kami palabas pa lang ng pintuan ko. Uh-oh, panic mode!! ”Tita!! Asan po... si.. K-Ki—mm.....” Putol-putol niyang sinabi nung nakita niya ako. Natatawa naman ako sa reaction niya!! Na-tauhan siya nung umubo si Daddy. ”A-ah, una na po kami ha? Tara Kim. Alalayan na kita ^_^” Hinawakan niya yung kamay ko.. Kinikilig-kilig pa si Mommy nun. Haha! ”Akala ko, ikaw na ang pinaka-maganda. Yun pala, may iga-ganda ka pa. Gaano ka ba talaga ka-ganda ha?!! Dadami ka-agaw ko niyan eh..” Bulong niya sakin. >////< ”Tange. Wala kang magiging ka-agaw since hindi naman ako nagpapa-agaw. ^__^” Kiniss ko siya sa cheek. Nasabi ko na bang SUPER ULTRA MEGA GALACTIC HANDSOME/HOT si Popoy ngayon? Naka-black suit siya tapos red na polo sa loob. Pagdating namin sa baba eh nandun pala sa baba si Tita Ezra. Napa-takip siya ng bibig tapos lumapit sa’kin. ”GRABE!! Pilipinas ba ’to? Haha! Bagay na bagay kayo!!” “Hihi.. Thank you po..” Sabi ko. “Sige Ma, una na kami ha. Balik po kami by 12..” ”Enjoy kayo!!” Sumakay na kami sa kotse ni Popoy. ”Uy, Thank you nga pala ha.” Sabi ko nang hindi tumitingin. ”Saan?” ”Dun sa kanta. Loko ka, di mo sinasabing magaling ka pala..” Nag-blush naman siya. Ahihi!! ”Talaga? Buti nagustuhan mo. Inaral ko talagang tugtugin at kantahin yun para sayo. Unang beses ko yun eh..” Grabe. Sobrang na-touch ako.. ”Thank you. I love you ^__^” Mas nag-blush pa siya. Kyaaaaaaaah! Since malapit lang yung venue ng ball, nakarating kami agad. Pinag-buksan ako ng pintuan ni Popoy, tapos humawak ako sa arm niya. Nakaka-conscious! Lahat naka-tingin sa’min.. ”Wag kang mahiya. They admire you kaya sila tumitingin.” MAs lalo akong napatungo.. Tinaas naman ni Popoy ang chin ko. Err! Pag-pasok namin, madami ng batchmates namin ang nadon. Kami na lang ang wala sa barkada. Masaya at nakaka-flatter kasi puro compliments naman ang naririnig ko so far.. ”Okay!! Since nandito na ang most popular couple ng Eastmead High, we may start the party! Yung mga gustong mag-sayaw, the floor is yours now. Grab the opportunity! Enjoy the night!!” Sabi nung MC. Seriously, kami na lang pala ang hinihintay? At ano daw? Most popular? >/////< “Oh, ako first dance mo ah? Pati second, third, fourth, fifth, sixth, sev---“ Binatukan ko na, baka hindi tumigil eh. “May balak ka bang pag-pahingahin ako o pakainin man lang? At isa pa, yung mga barkada natin, hindi ko isasayaw? Masyado kang possessive babe. Haha! Of course, First and last kita. Para meaningful..” “Oo na. Hmpf. Oh, tara!” Ini-offer niya yung kamay niya. Syempre, tatanggi pa ba ako? Ang unang kanta? If you’re not the one by Daniel Bedingfield. Nakaka-inlove! Haha! Naka-yakap ako kay Popoy habang nagsasayaw kami. Buti naka-heels na ko. Di kailangang tumiad haha! Maya-maya, sumasabay na si Popoy sa kanta. Gaaaaah. Wag ganyan! Mas lalo akong nai-inlove! ”If you’re not the one then why do I dream of you, as my WIFE..” In-emphasize talaga yung wife. Haha! Napatawa naman ako dun.. “I love you.. Oh, sayaw ka muna sa iba. Pag nagutom ka, andun lang ako sa table ah. Sayaw ko na rin sina Shayne.” Kiniss niya ko sa noo tapos umalis na siya.. Naghihintay si Christian. ”Cruuuuuuuuuuuuush! Haha! Ang sweet niyo ni Boss ah?” Bati niya. ”Kala mo di ko kayo kita ni Shayne? Haha! Matching colors kayo ah! Red and Blue?” Nag-blush naman siya. Uso na ba sa boys ang nagb-blush? Haha! After 1min., si Dex naman ang nakipag-ayaw sa’kin. Tigwa-1 minute silang lima. Haha! Mga baliw, pinagpasa-pasahan ako. XD Yung huli, si Ace naman. Ang gwapo niya!! ”Congrats sa inyo. Happy Graduation..” Ngumiti siya. Naman! Mami-miss ko talaga siya! Biglang nag-iba ang tugtog.. I Believe by Jimmy Bondoc. Puro fave ko ah? Tahimik lang kaming nagsa-sayaw.. “Lakas naman mag-patama ng mga kanta dito oh.” Bulong niya. Napa-tawa na lang ako dun. Alam ko naman ang ibig sabihin niya eh. Pero best guy friend ko siya, kaya walang malisya.. ”Alam mo, mami-miss talaga kita..” Sabi ko sa kanya.. ”Yup. Ikaw din..” ”DI ka na ba babalik?” ”Babalik. After six or seven years siguro..” ”Ngyeaaaaaaaah? Gurang na tayo nun. Huhu.” Pinat niya yung ulo ko. He leaned forward, then whispered something.. Which surprised me.. “Nevermind that. Just enjoy the night. I was just joking..” Tapos hinatid niya ako sa table namin, nakikipag-sayaw pa si Popoy kay Ciara. Napa-tulala ako sa sinabi niya. Uuuuugh. Bumalik na si Popoy sa table, tapos siya na nag-serve ng pagkain ko. Andami naman niyang kinuha! Di ko kaya to. ”Dami naman neto!!” ”Syempre, Para sayo! Ubusin mo ah?” ”Tss. Kulit mo! Haha!” So no choice, pinilit kong ubusin yung pagkain. At pagka-ubos ko, feeling ko anytime puputok talaga yung gown ko. “Busog ka na?” “SOBRA.” Tumawa siya. “Seniors batch 2011, we are about to announce our King and Queen of the night!!” Naghiyawan lahat. “Siguro naman alam niyo nang lahat kung sino?” Sabi nung emcee. Weird, kasi tumingin lahat sa direksyon namin. ”None other than, Mr. Israel Marques and Ms. Kimberly Joyce Tiangco! Please join us here on stage..” NAgulat ako! Umakyat na kami sa stage matapos ipagtulakan ng barkada naming. Kinoronohan ako tapos binigyan kami pareho ng sash. Eeeeek! ”Baba kayo sweethearts.. Sasayaw kayo. It’s 10 mins. before midnight!!” Bumaba naman nga kami ni Popoy. Tinapatan kami ng spotlight tapos nag-play na yung music. Waaaaaa! Too much attention!! Nag-play naman yung kanta ng Secondhand Serenade.. Fall for You. “Kitams? Ako talaga ang naka-takdang maging first and last dance mo. Wala kang takas!” Hinampas ko siya ng mahina. Sinabayan na naman niya yung kanta. Err! Catch me! “You’re impossible to find.. I never thought I could fall even deeper for you, Kim. I love you.. So much that my heart could burst anytime. Hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka Kim. Araw-araw, mas minamahal pa kita eh. Nakaka-adik ka.” Feeling ko sobrang nag-blush ako sa sinabi niya, at hindi talaga ako naka-sagot! I was left speechless! At dahil din sa sinabi niyang yun, na-realize ko na.. He deserves better. Pagka-tapos na pagka-tapos naming magsayaw, nilaitan ko si Ace at bumulong ako sa kanya. ”I’m going to accept your offer.” Nagulat siya, pero… Nakapag-decide na ako. [Chapter 42] **Popoy’s POV** =__= Kaka-bato sa bahay! Magda-dalawang linggo na kaming bakasyon. Nami-miss ko asawa ko =__= Pati sina Tita Yna at Tito Paolo, hindi na ako nakaka-balita. Para namang ang layolayo ng village nila oh! Aba oo nga no? Bakit ba hindi ko pinupuntahan? Kahit wala si Kim dun, atleast madadalaw ko magulang niya B’D Nag-paalam si Kim sa’kin nung Grad Ball. Mawawala raw siya ng mga ilang linggo kasi maga-out of town daw sila nung mga pinsan niya. Hindi raw niya ako macocontact habang nandun sila. Kung siguro di siya nag-paalam, suicidal na ’ko. Haha. Kaya pala mukha siyang malungkot nung pauwi kami. ”Ma! Punta ako kina Tita Yna. Sama ka?” ”Naku, hindi na. May aasikasuhin lang ako sa ospital..” ”Oh bakit? May masakit na naman sayo? Sumisikip na naman ba dibdib mo?” ”Haha! Naku, ang OA mo ha. May aasikasuhin lang akong papers. Hindi naman ako ooperahan dun ano! Sige, pumunta ka na dun. I-kumusta mo na lang ako kina Mare.” ”Geh.” Takte. Kinabahan naman ako, kala ko may sakit na naman. I can say she’s close to being fragile. Bawal siya sa fatty foods, stress, bawal din siya magpa-opera o magdonate ng kahit ano sa organs niya kasi delikado sa kanya. Baka hindi kayanin ng puso niya yung pressure. Nag-bihis na ko. Doon sa bahay nina Kim, atleast mas mararamdaman ko naman yung presence niya. Lalakarin ko na lang. Habang nagla-lakad ako, parang may mabigat sa loob ko. Di ko alam. Dapat di na ’ko uminom ng kape kanina. Mga ilang minuto lang naka-rating na ako. Nung kumatok ako, si Manang kaagad ang nag-bukas. ”Oh Popoy! Na-dalaw ka? Nasa loob sina Sir Paolo. Pasok ka!” Ang bait talaga ni Manang kahit kelan. ”Sir! Ma’am! Andito po si Popoy!” Sigaw ni Manang sa kusina. Kumakain pa pala sila. Haha. ”Oh Popoy! Kumusta na! Kain ka!” Pina-upo nila ako. Nakakahiya namang tumanggi. B’DD ”Ayos naman po ako. Kayo po? Kinukumusta rin kayo ni Mama.” ”Ayos din naman kami! Nami-miss lang yung only girl namin haha! Miss ko na rin Mama mo! Sabihin mo shopping naman kami minsan!” ”Haha! Sige po..” Pinag-handa ako ni Manang ng carbonara. Tahimik lang kaming kumakain. Nung matapos kami, nagtanong na ako. ”Kumusta na po si Kim?” ”Naku. Ayos naman daw siya doon. Pasensya na kung masyado mo siyang nami-miss ha? Ang layo-layo naman kasi niya ngayon..” Nalungkot bigla si Tita Yna. ”Okay lang po.. Sana hindi pa masyadong malamig doon sa Baguio ngayon..” Natahimik silang lahat at napa-tingin sa’kin. ”Bakit po?” Tanong ko. Parang ang wirdo ko tingnan ah. ”Ah.. S-sinong nasa Baguio?” Tita Yna stammered. ”Ah, Si Kim po? Di po ba may out of town sila ng mga pinsan niya sa Baguio? Nagpaalam po siya sa’kin nung Grad Ball.. Ilang lingo daw po siya dun..” Nag-tinginan sina Tita Yna at Tito Paolo. Narinig ko pang bulong ni Tito Paolo, “Ano bang iniisip ng anak natin?” “May problema po ba?” Tanong ko. “Popoy.. Wala sa Baguio si Kim..” Para siyang naga-apologize sa tono niya. “Po? Eh nasan po siya?” “She’s in Korea.. Doon na siya mag-aaral..” Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nung marinig ko yun. **Ace’s POV** ”Ayun pa! Ang ganda dun oh!!” Tuwang-tuwa siya sa mga buildings dito sa Korea. Pinat ko lang ang ulo niya. ”Nami-miss mo siya no?” NAwala yung ngiti niya. “S-syempre naman.. Pero nandito na ‘ko.. Kailangang panindigan ko ‘to..” “Sigurado ka na ba? Bukas pa naman tayo mage-enroll. Pwede ka pang bumalik. Ikaw naman kasi, nagbi-biro lang ako nun! Tinotoo mo!” ”Kasi.. Mas makaka-buti kay Popoy kung kakalimutan niya muna ako. He deserves to be happy forever. Now with some dying woman.” “You’re NOT dying. Tandaan mo yan. Arasso?” [Alright?] “Err. Okay.” “Bakit kasi ayaw mong magpa-therapy?” “Ayoko! No way! Hindi pa naman ako grabe no! At tsaka…. Kung magpapa-opera man ako.. Gusto ko sa Pilipinas na lang.. Mas safe ang pakiramdam ko roon..” ”Basta sabihin mo lang kapag nag-bago na ang isip mo..” ”Pero Oppa.. Miss na miss ko na talaga siya..” ”Oh sige.. Let’s make a deal.” I offered. ”Deal...?” ”Kung mapa-pasa mo ang first year mo sa college dito sa Korea with high marks, ibig sabihin nun by that time focused ka na at may disiplina. Pwede ka nang bumalik sa Pilipinas at harapin lahat. Kung hindi mo kaya, habambuhay ka nang magiging ganyan. Mahina ang loob at iniwan ang taong mahal niya...” ”Hmm. I’d rather take that as a challenge. Game ako.” “Dapat lang humanda ka sa mga pagba-bagong mada-datnan mo pag-balik mo dun. For sure, nasaktan mo ng sobra si Popoy. He might even be cursing me now.” “Sorry.. Nasira ko pa yung kabu-buo niyo pa lang na friendship. Para sa kanya rin naman kasi ‘to eh.. Tsaka, kasalanan ko ‘to. Dapat, ako rin ang maghanap ng solusyon sa tamang panahon. You shouldn’t be involved.” Ayos, nagma-mature na siya. “Okay. Good luck!” She smiled. Sana lang pwede ako na ang magpa-galing sa kanya eh. Kahit na sinabi niyang hindi pa naman malala ang leukemia niya, naga-alala pa rin ako. Marami na akong nakilala na hindi malala ang leukemia pero na-dehado rin sila sa huli. Incurable ang Chronic Leukemia. Hindi ka man nakikitaan ng sintomas ngayon, pwedeng ilang buwan lang.. Naka-ratay ka na sa kama. Ayokong mang-yari sa kanya yun. Habang nandito ako, babantayan ko siya nang mabuti. Tutulungan ko rin siyang maging malakas at matatag para sa kanila ni Popoy. Hindi na rin naman kasi ako umaasa na magkaka-pag-asa kami. Kahit na ako lang ang kasama niya dito sa Korea.. Her heart is not with me. She left it with him. [Chapter 43] **Popoy’s POV** Ganyanan pala ha. Iwanan pala sa ere, Kim. At ikaw naman Ace, g*go ka rin eh! Akala ko ba tanggap mo na na talo ka? Biglang ita-tanan mo girlfriend ko? Kung hindi ka rin naman g*go talaga eh!! Akala ko kaibigan kita!! Sige, mag-sama kayong dalawa. Mga walang hiya. ”’Tol naman, tama na yan! Nakaka-rami ka na!!” Inagaw sa’kin ni Kurt yung bote ng beer. Pang-lima ko na. ”Wag mo nga akong paki-alaman! Ilagay mo naman yung sarili mo sa posisyon ko!!! F*ck!!!” ”Hindi naman maii-balik ng pag-inom mo ng beer si Kim eh! Maniwala ka bro, mahal na mahal ka nun!!” ”Mahal?? #@%&@!! Ganyan na pala ang pagma-mahal ngayon ha? Iwanan? G*guhan?” ”Alamin mo muna yung side niya! Baka naman may dahilan talaga siya!!” ”Wala na!! Alam ko na eh! Malinaw na mas pinili niya si Navaza kesa sakin! Magsama silang dalawa! Kahit bumalik pa sila, wala akong paki-alam! Baka nga naghahoneymoon na silang dalawa dun eh!” Nai-bato ko yung bote at nabasag yun sa pader. ”Tsk. Bahala ka ’tol. Ayusin mo nga sarili mo.” Iniwan ako ni Kurt. Sige, ganyan naman eh. Iwanan. Ang sakit pala, grabe. Walang panama sa lahat ng suntok na natanggap ko sa mga laban namin. Ngayon lang ako nagmahal.. Sobra-sobra pa. Sinuko ko lahat para sa kanya. Tapos eto lang? Ano yun, lahat ng pinakita niya sa’kin ka-plastikan lang? Na kapag naka-harap ako, mahal niya ’ko? Tapos pag-talikod ko, si Ace naman ang mahal niya? B**tch!! Pagsi-sisihan niyo rin ang ginawa niyo sa’kin. Wag na kayong bumalik. Itago niyo sa bato. Ito na ang una at huling beses na magma-mahal ako. Ayoko na. Kung babalik man siya, hindi niya na ako makikilala. Likewise, hindi ko na rin siya kilala. **Kurt’s POV** ”Ano ’Tol? Naka-usap mo?” Pabulong na tanong ni Christian. ”Wala eh. Lasing na. Binato pa sa pader yung bote.” “Hayaan na muna natin. Nasaktan ng sobra yan panigurado.” Sabi ni Dex. “Hanggang kailan? Baka mamaya sa mental na natin dalawin ’yan!” Sabi naman ni Louie. ”Hindi naman siguro. Matatag naman ang loob niya. Nasapul lang talaga nina Kim at Ace yung weakness niya.” “Hindi ko rin talaga maintindihan si Kim eh.. Bakit niya kaya ginawa yun?” - Louie ”Hindi ko nga rin ma-isip. Palagi naman niyang sinasabi na mahal niya si Popoy.. I don’t think na si Ace din ang nag-pumilit..” -Dex ”Alam niyo, nag-simula lang maging weird ang mga bagay pagka-tapos nung Grad. Ball..” -Christian ”Oo nga!” ”Alam ko na! Tanungin natin sina Ciara at Shayne.. Baka may alam sila!” - Enzo Nagka-roon kami ng idea. Kung meron mang pinagsa-sabihan ng mga sikreto si Kim, sina Ciara at Shayne yun. Sana lang sabihin din nila sa’kin. Sobrang naguguluhan na kaming lahat eh. Hindi rin namin masisisi si Popoy. Sobra ang naging pagba-bago sa sarili niya simula nung naging sila ni Kim eh. Mukhang ngayon, back to zero uli siya. Ano ba kasing pumasok sa isip mo, Kim? Nakarating kami sa bahay nina Shayne at saktong nandoon din si Ciara. ”Kurt!” ”Ciara.” Niyakap niya ako. Grad Ball pa nung huli kaming nagkita. ”Shaaaaayne!!” Sigaw ni Christian. ”Christian!!” Nag-yakap din sila. Pfft. Gaya-gaya. “Eh-ehermh.” Umubo si Dex. “Baka nakaka-limutan niyo kung anong pinunta natin dito?” Sabi ni Enzo. ”Tsk. ’Di makapg-intay. Dun kayo sa kwarto! Intayin lang namin kayo rito.” Sabi ni Louie tapos umupo silang tatlo sa sofa. ”Mga ugok! Tara, may pagu-usapan tayo.” Sabi ko. Umupo na kami. Kaming lima sa mahabang sofa tapos katapat namin sina Ciara at Shayne. Mukhang sila lang dito ah. ”Ano ba’ng pagu-usapan natin?” – Shayne. ”Alam niyo naman siguro yung nang-yari kay Kim, di ba?” They both nodded. ”May sinabi ba siya sa inyo?” Nag-tinginan silang dalawa tapos biglang bumalik sa kwarto si Shayne. Nung bumalik si Shayne, may hawak siyang envelope. ”Oh, basahin niyo.” Binuksan namin yung sulat. Galing kay Kim….. “Guys… Sorry.. Sorry kung umalis ako nang walang paalam. Don’t worry, safe naman ako kasi kasama ko si Ace Oppa. Inaalagaan niya akong mabuti.. Miss na miss ko na kayo.. Lalo na si Popoy. Nasa Korea kami. Dito muna ako maga-aral, hindi naman ako magta-tagal dito eh.. Babalik din ako.. One year? Surprise na lang kung kelan.. May kelangan lang akong gawin.. Pero please wag niyong sasabihin kay Popoy kung ano mang malalaman niyo rito. Umalis ako para sa kanya.. Basta! Hindi ko dapat sabihin sa sulat. Paki-bantayan na lang siya. Alam ko galit na siya sa’kin.. Basta, babawi ako.. Ingat kayo, Godbless. -Kim” Lahat kami tahimik pagka-tapos naming basahin yung sulat. Malinaw naman na hindi itinakas ni Ace si Kim, at ramdam namin na mahal talaga ni Kim si Popoy. Kung ano man ang dahilan niya, kailangan mag-tiwala na lang kami. Let’s just wait and see what could happen in a year. [Chaper 44] **Popoy’s POV** ”Ano? Lalaban pa kayo? Ha? Ha? Ha? Tayo!! Ano? HA??!!” Pa-ulit ulit si Louie. ”Ugok. OA ka na. Tara na, dadating na prof natin.” Nag-pagpag na kami ng uniform tapos dumiretso na sa university. Sa UP kaming lahat naga-aral. Second year college na kami ngayon, kasisimula lang ng second week. Katatapos lang namin sa isang riot. Naging active na ulit ang gang namin this year since wala na naman akong priorities bukod sa Mama ko, pag-aaral at ang grupo namin. Hindi naman naa-abala ang paga-aral ko eh. At akalain niyong lahat kami naka-pasa sa UP? Engineering kinuha ko kaya five years ako sa college. Si Christian naman Archi. Si Dex, dinala ang pagka-adik sa computer. ComSci siya. Si Louie naman, nag-Nursing. Ang walangyang yun. Haha! Si Enzo at Kurt, Law. Buti nga nagkaka-oras pa sila sa’min. Mabigat yung course nila eh, kaya naiintindihan namin kung hindi sila nakakarating. Mas seryoso na kami sa mga bagay-bagay ngayon at siguro mas nag-mature na rin. Oo, nag-mature si Christian kahit papaano. Going strong pa rin si Christian at Shayne. Sina Ciara at Kurt naman magf-five months na. Lahat sila may mga girlfriend. Ako, sinabi ko na. Tama na ang isang beses akong naloko. Tama na yung ilang buwan akong naging lasenggo. KJ na kung KJ. Wala na akong interes dun ngayon. Si Mama naman, okay lang. Minsan sumisikip ang dibdib pero bihira na. Mukhang ina-alagaan niya nang mabuti sarili niya. Nakaka-inis lang kasi palagi siyang may ginagawa na nagpapa-alala sakin kay Kim. Minsan kinu-kumusta niya sa’kin. O kaya ipa-pakita yung pictures namin dati. Tinapon ko na yun pero pinulot niya pa rin. Nakaka-inis. Wala na rin akong communication sa magulang ni Kim. Hindi ako nagpu-punta sa village nila. Hindi ko sila kinukumusta.. Basta.. Simula nung nalaman kong iniwan ako ni Kim, lumayo na rin ang loob ko sa kanila.. Kahit na wala naman silang kasalanan.. Wala naman akong galit sa kanila eh. Kung magki-kita man kami, edi okay lang. Hindi ko siya naka-limutan pero yung pagmamahal ko? Napalitan na ng sama ng loob.Kung ano man ako ngayon, siya ang may kasalanan nito. Sila nung lalaki niya. ”Sige ’tol. Kita tayo mamaya.” Humiwalay na sila. Kami lang ni Christian ang pareho ng building. ”Iba subject ko ngayon ’tol. Kita tayo mamaya. Mang-libre ka. Haha!” Tumakbo na siya sa kabilang hallway. Nag-lakad lang ako papunta sa room ko. Malaki naman sa UP eh. Parang dati sabay kaming nag-exam dito.. Teka. Bakit bigla na namang napasok sa isip ko yun? Dati naman wala na yun ah? Ugh. Si Mama kasi. Pumasok ako sa room. Usual scene, maingay. Akala ko nga noon iba na ang environment pag college. Yun pala halos pareho lang. ”Yo, Bro!” Bati ni Sue. Kaibigan ko rin. ”Uy.” ”Alam mo ba kung bakit maingay ngayon?” ”Lagi naman kayong maingay eh.” ”Ulol. Basta!” ”Oh, bakit nga?” ”Kasi, may bago tayong magiging kaklase! Dapat daw last week pa siya papasok eh nagka-problema kaya this week na lang.” “Oh, tapos?” “Chick daw pare. WHOOOOOOOO!” Nag-sigawan lahat ng lalaki. “Haha! Mga g*go. Babae lang yan.” Pagka-sabi ko nun, pumasok na yung prof namin. Lahat sila, sumilip sa pintuan. Ina-abangan siguro kung may papasok na “chick” “Oh prof!! Asan na yung new student!!” “Haha! Kala niyo kasama ko na? Hindi pa ngayon eh. Siguro bukas pa.” Sabi ni Prof. ”Aaaaaaaaaaaww.” Sabay-sabay ang mga loko. Mga ’to talaga. Basta babae hindi papa-huli. Ano bang meron? Eh babae lang yun. Ang dami namang babae sa block namin. Parang mga sira. ”Gayahin niyo si Mr. Marques, tahimik lang! Ganyan ang type ng mga babae ngayon!” Sabi ni Prof. Jerry. Mas nakaka-ride siya sa’min kasi 27 pa lang naman siya. Lahat sila tumahimik at ginaya yung posisyon ko. Nakapatong yung dalawa kong siko sa sandalan ng upuan ko, naka-sandal din ako. Napa-tawa na lang ako. ”Trust me, maganda yung bagong student. Nakita ko. Tapos ganito!!” Pinakita ni Prof yung shape ng katawan ng babae. Sumipol naman si Sue. Tsk. Mga manyak. Humanda na lang kung sino man yung babae na yun. We’ll see kung pwede siyang pag-laruan. [Chapter 45] (She’s… Back?) **Popoy’s POV** Ang aga naming na-dismiss ah! Tumawag ang tropa, magmeet daw kami ngayon. Ayos, walang riot ngayon eh. 2PM pa lang. Magpa-party kami ngayon sa clubhouse, sabay-sabay kaming nadismiss eh. Bihira yun. Kami na-dismiss kasi hindi na dumating yung prof namin, sila ewan. ”Mga Bro!! Namiss ko ’tong clubhouse moments natin! Nung isang buwan pa tayo huling nakapag-party dito ah!” Sabi ni Louie pagka-pasok niya. “Tsaka kaya nga pala ako nag-plano, kasi may sasabihin ako..” Sabi ni Christian. Siya kasi ang nagpa-tawag sa’ming lahat. ”Ano yun? Baka kalokohan na naman yan ha.” Sabi ko. ”Hindi! Guys, seryoso ’to..” Lumapit naman kaming lahat sa kanya. ”Tuloy mo..” ”Kasi kanina, hindi ko sigurado pero.. may nakita akong babae..” ”Takte naman, babae lang pala!!!” Sabat ni Enzo ”HEP!! Patapusin niyo muna ako!! Yung babae, pamilyar siya eh.. Maputi, mga hanggang balikat ni Popoy, sexy..” ”Oh tapos?” ”She looks like.. alot like.. Kim..” Mabagal na sabi ni Christian. “Seryoso??!!” Gulat na gulat sila. ”Oo!! Nakita ko siya sa building namin. Naka-ID siya! Mukhang bago pa siya kasi wala siyang kasama tsaka mukhang naliligaw siya kanina. Hindi ko siya malapitan.. Pero malakas ang kutob ko, siya talaga yun!” Natahimik kaming lahat. “Tss. Nonsense.” Tumayo ako. Aalis na ‘ko, wala nang kwentang usapan ‘to. Eh nasa Korea kaya yung babaeng yun! “Oh, Poy!! Saan ka naman pupunta?” ”Aalis na ’ko dito. Walang kwenta yang topic niyo.. Alam niyo namang nagpapakasarap yun saKorea kasama yung lalaki niya ‘di ba?? Wag niyo na siyang hanapin. Imagination mo lang ‘yan Christian.” “Eh paano kung siya nga yun?” “IMPOSIBLE! Kung nasan man siya ngayon, masaya siya dun! Kasama nung Ace na yun! Wag na siyang magkaka-maling umuwi dahil wala na siyang uuwian dito. Tsaka para saan pa at babalik siya? Tss.” ”’Tol naman.. Bitter ka eh.” ”Shut up!! Wag niyo ngang babanggitin ang pangalan niya. Wala na siyang lugar dito.” Papalapit na ako sa pinto pero bago ko pa mabuksan, bumukas na yun.. There.. I saw her.. smiling at me. ”Ang sakit mo namang mag-salita.” Then she stormed inside the room. [Chapter 46] **Kim’s POV** I’m.. Totally.. BACK!!! Umuwi ako sa Pilipinas two weeks ago. Eksaktong start of classes ng college, eh marami pa akong inayos kaya second week na ako naka-pasok. Grabe, excited na kong makita sila! It’s been more than a year! Sana nga lang may balikan pa ako. Kahit sina Shayne di ko pa napupuntahan eh.. Si Ace, naiwan sa Korea. Doon na siya magta-tapos with his girlfriend Yoo Min. Natupad ko naman yung deal naming eh. Ang tataas ng grades ko haha! Pero sobrang naga-alala si Ace sa’kin.. Pati ako, sa condition ko. Sa loob ng isang taon at ilang buwan.. Hindi ako nakapag-pa check-up para sa leukemia ko.. Natatakot na rin ako.. What if.. Pag nagpa-check up ako, malaman ko na lang na malapit na pala yung oras ko? This past few months, ilang beses akong nag-breakdown.. Fatigue, Lagi akong pagod, tapos madalas akong nagkaka-pasa kahit na wala namang bumubugbog sa’kin.. Naglo-loose rin ako ng weight kahit na hindi na ako nage-exercise. Ang sexy ko na masyado. Naka-schedule ang check-up ko next week. Kung anuman ang results, tatanggapin ko.. Kasalanan ko naman eh.. At tsaka sa isang taon na malayo ako sa lahat.. Nabuo na yung loob ko. Magpapa-gamot na ako at magpapa-therapy kung kailangan.. Na-realize ko na gusto ko pang mabuhay.. Gusto ko pa silang makasama nang matagal.. First day ko sa UP ngayon. Grabe! Naligaw pa ako, tsaka parang nakita ko si Christian.. Grabe ang matured na ng itsura niya! Haha! Ngayon, nandito ako sa tapat ng clubhouse. Mukhang nasa loob sila. Hindi ko alam kung dapat akong pumasok. Ang tagal kong nawala tapos bigla akong susulpot? Pero sinabi ko na naman lahat sa sulat ko eh.. Si Popoy kaya? Anong reaksyon? Lumapit ako sa pinto.. Hawak ko na yung doorknob, napihit ko nang konti kaya narinig ko yung usapan nila. ”She looks like.. alot like.. Kim..” Boses ni Christian yun! “Seryoso??!!” Gulat na gulat sila. Hihi! ”Oo!! Nakita ko siya sa building namin. Naka-ID siya! Mukhang bago pa siya kasi wala siyang kasama tsaka mukhang naliligaw siya kanina. Hindi ko siya malapitan.. Pero malakas ang kutob ko, siya talaga yun!” Natahimik lahat. “Tss. Nonsense.” Boses ni... Popoy.. “Oh, Poy!! Saan ka naman pupunta?” ”Aalis na ’ko dito. Walang kwenta yang topic niyo.. Alam niyo namang nagpapakasarap yun saKorea kasama yung lalaki niya ‘di ba?? Wag niyo na siyang hanapin. Imagination mo lang ‘yan Christian.” Lalaki ko?? What the? “Eh paano kung siya nga yun?” “IMPOSIBLE! Kung nasan man siya ngayon, masaya siya dun! Kasama nung Ace na yun! Wag na siyang magkaka-maling umuwi dahil wala na siyang uuwian dito. Tsaka para saan pa at babalik siya? Tss.” ”’Tol naman.. Bitter ka eh.” ”Shut up!! Wag niyo ngang babanggitin ang pangalan niya. Wala na siyang lugar dito.” Hay.. As expected.. Galit na galit siya. Kasalanan ko naman eh.. Ngumiti ako at binuksan ang pinto. ”Ang sakit mo namang mag-salita.” Sinabi ko habang naka-ngiti, pero sobrang nasaktan ako sa mga narinig ko.. Wala namang nag-bago eh.. Mahal na mahal ko pa rin siya.. ”KIIIIIIIIIIIIIIIIIM!!!” Niyakap nila akong lahat. Syempre, si popoy naka-harap pa rin sa pinto. ”Hey guys!! I missed you so much!!” “Ikaw rin! Grabe, mas lalo kang gumanda!!” “Ang puti mo!” “Ang seksi mo pa!!” “Tama na! Nangbo-bola na kayo!” Nagta-tawanan kami. Grabe. Parang walang nangyari! Sana.. ganun din si Popoy.. Kinuha niya yung bag niya. Mukhang aalis na siya. Galit talaga siya.. Wala na yung spark sa mata niya.. Parang walang emosyon yung mata niya nung nakita niya ko.. ”Oh, ’Tol! Bakit naman aalis ka na? Alam mo dyan ka na lang tapos bibili kami ng pagkain. Nakakahiya kadadating lang ulit ni Kim! I-entertain mo muna!” Tinutulak nila pabalik sa couch si Popoy. Ang kulit.. Hindi pa rin sila nagbabago.. ”What the? Tigilan niyo nga ako!” ”Wala upo ka na dyan sige babay!!” Tapos tumakbo na sila palabas.. Naiwan kaming dalawa ni Popoy. Long awkward silence.. ”Uhm... K-kumusta?” Sabi ko. ”Tss. Kumusta pala ha? Sino ka ba?” Ouch. “Ah.. Hehe.. Engineering pala kinuha mo ‘no? I thought nung nag-exam tayo sa UP sabi mo BusinessAd ka..” “PWede ba?? Wag na tayong mag-plastikan dito? Ano ba talagang motibo mo at bumalik ka pa? Ayos na naman eh!!” Napa-tayo na siya.. ”P-Popoy.. Hindi naman ako nakikipag-plastikan eh.. Bumalik ako.. Para sa’yo.. I Lo--” ”Sh*T Kim!! Iniwan mo ’ko sa ere sa loob ng mahigit isang taon, at mas pinili mo yung Ace na yun! Tapos ngayon babalik ka dito dala yang ‘Sorry’ at ‘I love you’ mo? Ano ‘to, lokohan???” “Popoy naman eh!! Hindi mo naiintindihan! Pwede bang makipag-usap ka naman ng mahinahon? Wag kang bastos!!” Umupo siya, at mukhang kumalma na. “So, What’s up with you?” Kalmado niyang sabi. “Alam mo, nung umalis kayo, nakuha ni Ace lahat-lahat sa’kin. Buong buhay ko, Kim. Now, I’m asking you one thing. Sa tagal niyong magkasama sa Korea.. Have Ace already taken your virginity in a year’s time? Tutal yun na lang naman ang natitira sa’yo, Bit-----“ I slapped him very hard. Yung tipong lahat ng sama ng loob ko na naipon sa isang buong taon, nilabas ko. ”Ganyan ka na pala ngayon ha Popoy? Sumusobra ka na!!!” ”Haha! So, nasaktan ka? Buti hindi mo pa pala nasusuko lahat sa kanya? At pwede ba? Wag mo ’kong sermonan na parang may pakialam ka sa’kin. Kung ano man ang nakikita mo sa’kin ngayon, sisihin mo sarili mo.” With that, he left me. Speechless. Ganun ba talaga ako kamali sa mga naging desisyon ko? Oh God.. [Chapter 47] **Popoy’s POV** Sinampal niya ‘ko. Pinaka-malakas na sampal na natanggap ko galing sa isang babae. Siguro nga.. Napa-sobra ako sa pananalita ko at nasaktan ko siya. Pero kung tutuusin, tama lang yun sa ginawa niya. Bakit? Iniwan na siya nung lalaki niya kaya bumabalik siya sa’kin, hoping that I will be her dog again? Hah! Pagka-labas ko sa pintuan ng clubhouse, nandun pala ang buong tropa. Hindi sila umalis, nakinig lang sila sa usapan namin. ”Tol.. Sobra naman yata yung mga sinabi mo..” ”Umuwi siya para sa’yo..” ”Dapat mag-sorry ka.. Mag-paliwanag ka..” ”Tss. Ako pa ngayon? Eh siya yung may lakas ng loob na bumalik dito pagkatapos ng kalandian niya eh!! Hayaan niyo siya!!” ”Pare tama na! Nilalamon ka na ng galit mo eh!!” ”Wala kayong pakialam! Wala kayo sa posisyon ko! Kaya pwede ba, wag niyo akong pangunahan? Sh*t!” Iniwan ko silang lahat kahit na pinipigilan nila ako. Bakit ba parang kamping-kampi sila sa babaeng yun? Ako na nga yung kaibigan nilang gin*go eh. Gustong-gusto nila na magka-ayos kami. Pagka-uwi ko sa bahay, diretso ako sa garden dala lahat ng beer sa ref namin. ”Oh, umiinom ka na naman Popoy? Napapadalas ka na ah!” Pinipilit agawin ni Mama yung supot ng beer. ”Hayaan mo na ako, Ma.” ”Anong hayaan? Hayaan na mamatay kakainom? Ano ba! Hindi ka naman marunong uminom dati ah? Akin na yan!” ”Dati yun Ma!! Bakit ba lahat kayo palagi akong ikinukumpara sa kung ano ako dati ha?? Start living in the present!!” Sa galit ko, nai-tumba ko yung upuan at sa kwarto ko dinala lahat nung beer. Ni-lock ko yung kwarto at sumalampak ako sa kama. Nakaka-badtrip naman oh! Bakit kasi bumalik pa siya! Sunod-sunod ang inom ko, nakaka-ubos na ako ng limang bote. Wala akong pakialam kung magka-hangover ako bukas. Ayos yun, hindi ko kailangang pumasok kahit Biyernes pa bukas at makita yung mga mukha nila. Napa-lingon ako sa side table. TAKTE naman Mama!! Ilang beses ko ba kailangang basagin yung picture frame na ’to? Palaging bumabalik sa side table!! Iba-bato ko sana ulit sa pader yung picture frame pero natigilan ako nung nakita ko yung mga mukha sa picture na yun. Kasama ko siya. Kailan nga ba ako huling ngumiti nang ganito? Kung hindi mo ’ko iniwan, hindi sana ako miserable ngayon.. Magi-isang oras na ako sa pag-inom nung nag-ring yung cellphone ko, binasa ko yung text. From: Christian ‘Tol. Pag-isipan mong mbuti. Alam nming galit ka sa knya, pero please.. Ayaw kong pagcchan mo sa huli. Ayusin mo yung sa inyo ni Kim.. Please. Pumunta ka. Pagsisisihan ko? Ha! Matagal na akong nag-sisi at nahulog ako sa kanya! Pumunta? Saan naman? Tss. Maya-maya may nag-text ulit. Unregistered number. From: +639478902465 Please Popoy.. Let me explain everything. Ssabhin ko sayo lahat.. Usap tayo please.. Sa Sunday .. punta ka sa playground sa likod ng clubhouse.. I’ll wait. **Kim’s POV** “Don’t worry.. Pupunta siya.. Magkaka-ayos din kayo..” Kino-comfort ako nina Shayne at Ciara. Sobrang nagulat sila nung dumalaw ako. “Sana nga.. Miss na miss ko na siya eh..” Nag-pahid na ako ng luha. Ang laki-laki talaga ng pinag-bago ni Popoy.. Itsura at ugali.. Konting-konti na lang, ibang tao na talaga siya.. Pero naiintindihan ko naman eh.. He has this badboy hairstyle.. Metal chains.. May ilang studs na rin siya na mahahalata mo lang sa malapitan.. May butas din yung left ear niya. Parang laging handa sa laban.. Ngayon.. He definitely looks like a gangster.. Tapos, hindi na siya yung mabait, maalaga, sweet at gentle na boyfriend ko dati.. Kung babalik tayo sa nakaraan, hinding hindi niya masasabi yung mga bagay na ganun.. Yung sobrang sakit at tagos sa puso.. Kunsabagay, ako naman talaga ang may kasalanan.. Kung hindi ako umalis, hindi siya magkaka-ganito. Pero kung hindi naman ako umalis, hindi ko mare-realize yung mga bagay-bagay.. Hindi ako magma-mature at hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na lumaban na talaga sa sakit ko.. Sa Sunday na yung check-up ko.. After nun, makikipag-kita ako kay Popoy. Kung ano man ang results, sasabihin ko rin sa kanya.. Ayoko nang magtago.. Ramdam ko naman na malaki ang naging epekto ng isang taong walang check-ups at medications sakin. Mahirap mamuhay sa Korea lalo na kapag may sakit ka.. Lumalabas na rin yung mga symptoms na dati hindi ko naman nararamdaman.. Para tuloy akong nagpakamatay sa ginawa ko.. Syempre, natatakot pa rin ako sa mga malalaman ko.. Pero willing na ako sa mga magiging kapalit. Kung hindi man ako mabuhay ng mahaba, atleast lumaban ako.. Hindi ako nawala sa mundo nang hindi man lang nags-strive para mabuhay. Sana lang pagka-tapos nito, maintindihan na ni Popoy ang lahat. Sana mapag-isipan niya na rin ’to.. Miss na miss ko na siya.. [Chapter 48] **Kim’s POV** Sunday. “Anak, gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa kung ano mang maririnig mo kay Dra. Okay?” ”Sure, Dad. Matagal na akong nakapag-prepare.. Besides.. Eto yung desisyon ko eh..” ”Nag-mature ka na talaga, Kim..” Mom hugged me. ”Just be strong..” Pumasok na kami sa kotse, papunta na kami sa hospital. Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Siguro pare-pareho kami ng ini-isip.. Kung ano na kaya ang lagay ko ngayon.. Mukha naman akong healthy sa labas eh.. Pero ramdam ko, may hindi na tama sa katawan ko.. Naka-rating na kami sa hospital after 30. mins. ”Dra. Estrella!!” Nag-beso sina Mommy at Dra. Nagulat si Dra. Nung makita niya ako. ”KIIM!! Oh my gosh! Saan ka ba napunta? Mahigit isang taon kang hindi pumunta rito!! Naku ikaw na bata ka!!” ”Sorry, Dra.. Nag-punta po ako sa Korea. Doon ako nag-aral for a year.” ”Eh bakit hindi ka nag-sabi? Hindi ka man lang nag-baon ng medicines mo!! Natatakot na akong i-test ka ngayon!” Mangiyak-ngiyak na si Dra. Napamahal na kasi siya sakin.. Simula bata ako siya na yung doctor ko.. ”Sorry po.. Handa na naman po ako sa kung anumang kapalit nung mga ginawa ko eh.. I’m willing to do therapies..” Ngumiti ako at nakita kong ngumiti rin siya. “Talaga? At last!!! Halika na, start na tayo..” Kumaway ako kina Daddy. Nakikita kong malungkot talaga sila.. Kaya ayaw ko nito eh.. masyadong naga-alala yung mga mahal ko sa buhay.. ”Ano bang naisip mo at umalis ka nang biglaan ha?” Sabi ni Dra. Habang hinahanda niya yung mga gagamitin sa blood test. ”May kailangan lang po akong pag-isipan.. Privately..” “Tsk. Naku.. Basta, gagawin natin lahat ng magagawa natin ha? May mga treatment na naman na makakapag-pagaling sayo..” Nginitian ko lang si Dra. Natapos kami sa blood test.. Kinabahan ako.. Nakita kong hindi ngumingiti si Dra. eh dati palagi siyang naka-ngiti.. ”Kim, Tell me..” ”Po?” ”Nakaka-ramdam ka ba ng symtoms? Honest answer.” Kinilabutan ako sa tono ng pananalita ni Dra. ”O-opo? Nagka-karoon po ako ng pasa kahit wala namang nananakit sakin.. Nightsweats.. Fatigue..” Tumayo si Dra., pero pa-balik na siya kina Mommy. ”Dra., kumusta po? Okay lang po ba ako? Bakit pabalik na tayo kina Mommy?” Hindi sumasagot si Dra. Kinakabahan na ako.. Nung makarating kami sa inu-upuan nina Mommy, napatayo sila. ”Kumusta Dra.?” Umiling si Dra.. Oh no.. ”Worse. Really really worse.” [Chapter 49] **Popoy’s POV** Sunday afternoon. Pupunta ba ako? Alam kong naghi-hintay na si Kim sa likod ng clubhouse sa mga oras na ’to.. Takot na akong maloko, nadala na ako eh. Pero may parte ng sarili ko na nagpu-pumilit pumunta.. Lalong lalo na ang tropa. Pati nga nanay ko pinagtu-tulakan ako eh.. ”Popoy naman.. Pumunta ka na.. Hindi ka na naawa? Hapon na.. Ang sabi niya tanghali nandun na siya.. Isipin mo na lang yung mga pinag-samahan niyong dalawa.. Hayaan mo siyang mag-paliwanag..” Giit ni Mama. Paano yun? Eh kapag iniisip ko yung pinag-samahan naming dalawa, ang nai-isip ko yung pangi-iwan niya sa’kin.. ”Mama.. Mahirap naman yan eh. Nakakatakot nang mag-tiwala..” Tinabihan ako ni Mama. ”Alam kong mahal mo pa rin siya.. At alam ko ring mahal ka niya.. Eh anong problema? Ayusin mo na ang lahat, hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari.. Tsaka Poy.. W-wag kang tumulad sa Daddy mo..” Natigilan ako sa sinabi ni Mama. Sa sobrang pagma-matigas ko.. Nilamon na ako ng galit ko para kay Kim.. Hindi ko namamalayan.. Nagiging katulad na ako nung pinaka-ayaw kong tao.. Iniwan ni Daddy si Mama kasi raw hindi siya nagtiwala.. Hindi niya pinaniwalaan na anak niya ako, kaya iniwan niya kami.. ”Tama ka, Ma. I’m sorry for being stupid. Pupunta na ako.” Ngumiti si Mama, at para akong nabunutan ng tinik. I’m sorry for being dumb, Kim. Wait for me. **Kim’s POV** Malapit nang lumubog ang araw.. Pupunta pa kaya siya? Kanina pa akong tanghali rito.. Pagka-galing naming hospital, dumiretso ako rito.. Para makapag-liwaliw, makapag-isip at pakalmahin ang sarili ko.. Please Popoy.. I badly need you.. ”Kim!! Lumalamig na! Are you sure ayaw mo pang pumasok?” Inabutan ako ng jacket ni Shayne. Nasa loob sila ng clubhouse.. Ayokong pumasok. I promised to wait here.. “Hindi, sige. Thanks.. Hihintayin ko si Popoy..” Tumango na lang siya at iniwan ako. She looks so worried. Alam na rin nila ang kondisyon ko. Ayoko nang mag-lihim.. Natuto na ako.. ”Popoy.. Nasan ka na ba?” Pumikit na lang ako at niyakap ang jacket ko habang nags-swing.. Maya-maya.. Naramdaman kong gumagalaw yung swing sa tabi ko.. My heart pounds.. Alam kong siya na yun.. ”Buti naman dumating ka..” Nginitian ko siya. ”Y-yeah.. Sorry kung nag-hintay ka..” Naka-tungo lang siya. ”S-so... Anong sasabihin mo?” Good thing he’s interested! Huminga ako nang malalim. “Handa na akong sabihin sa’yo.. lahat..” Kumunot yung noo niya, tapos tumango. ”Sisimulan ko sa pag-alis ko..” Napa-tungo ulit siya. ”Hindi naman ako umalis para iwan ka.. Hindi rin para piliin si Ace.. Kapatid lang talaga ang turingan namin.. In fact may girlfriend si Ace sa Korea.. Siya yung naging bestfriend ko roon...” Tahimik lang na nakikinig si Popoy, mukhang gusto niya akong pakinggan. ”Umalis ako, kasi gusto ko ring subukang mamuhay nang malayo sa inyo.. Sa’yo..” ”Bakit?” ”P-para malaman ko yung feeling.. Oh kung kaya ko ba.. Haha! Unfortunately, hindi ko kinaya.. Nag-promise ako na after a year, uuwi ako para bumalik.. Kahit na hindi ako sigurado kung ay babalikan pa ako.. Natuwa nga ako nung mabalitaan kong hindi ka na ulit nagkaroon ng girlfriend pagka-alis ko.. Ang selfish ko ‘no? Masyado kasi kitang mahal..” Napa-hikbi ako.. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.. Ang nakaka-bigat pa sa loob.. Hindi niya ako niyayakap o kino-comfort kagaya nung ginagawa niya dati.. ”Pagbalik ko, akala ko madali na.. Yun pala, m-mahirap.. Kasi halos hindi na kita kilala.. Pero okay lang, naiintindihan ko.. K-kasalanan ko eh..” I took my deepest breath. ”Lastly.. Gusto kong malaman kung kakayanin ba natin ang malayo sa isa’t-isa.. Kasi.. M-may sakit ako..” Napa-pikit ako pagka-sabi ko nun.. I never knew it would be this hard.. And painful. “H-ha? Anong sakit?” Hindi ko na maintindihan ang tono ng pananalita niya. ”L-leukemia.. C-Chronic Leukemia.. No proven cure.. Pero may mga therapies.. Nung umalis ako, okay na ako.. Halos wala na.. Kaso, sa loob ng isang taon na walang gamot at check-up.. Mukhang lumala.. Ng s-sobra..” Napa-tayo siya. “Are you that stupid? ALAM MO PALANG MAY GANYANG SAKIT KA TAPOS UMALIS KA PA??!!! Akala mo ba, sa pag-alis mong yun, napa-gaan mo ang loob ko? Akala mo na hindi na ako nasasaktan ngayong nalaman kong may leukemia ka? D*mn Kim!! Ano ba ako para sa’yo? Hindi ba BOYFRIEND mo ’ko? Wala ka bang tiwala sa’kin???” ”No Popoy! Hindi yun... Ayoko lang na matali ka sa’kin!! Gusto ko, kung mawawala man ako, kakayanin mo pa rin!! Kahit masakit, gusto ko maging masaya ka pa rin!! masyado kitang mahal at masyado na rin akong nasasaktan!!!” Pareho kaming naka-tayo at nagsi-sigawan.. Habang umiiyak.. Pinunasan ko yung pisngi niya. ”See? Umiiyak ka na nang dahil sa’kin.. Ayokong maging ganyan ka.. Ayokong maawa ka sa’kin at in the end, maaawa ka na rin lang sa sarili mo..” Hinawakan niya yung kamay ko na nasa pisngi niya.. Kung alam niya lang kung gaano ko na-miss yung init ng kamay niya.. ”Sana sinabi mo na dati pa, Kim.. Ang dami nating na-aksayang oras..” Basag na rin ang boses niya.. Kapag nakikita ko siyang ganito.. Nanghihina talaga ako.. Napa-luhod na lang ako sa sobrang kaka-iyak.. Darn painful!! ”S-Sorry Popoy.. Sorry.. Sorry Talaga..” *sobs* ”Ssssshh..” Niyakap niya ako.. Mas lalo akong napa-iyak.. “Kung alam mo lang k-kung gaano ko na-miss ‘tong yakap mo! I’m sorry Groomy.. I love y-you.. S-Sana wag ka nang magalit.. P-please..” Kumalas siya sa yakap at tumayo.. Tinalikuran niya ako.. No.. Please…. Tumayo na rin ako at nag-punas ng luha.. Mukhang hindi pa siya handang magpatawad.. Okay.. I understand.. ”S-sige.. Uwi ka n-na..” Tumalikod na ako papunta sa clubhouse.. Pero pinigilan ako ... Ng pag-yakap niya sa’kin galing sa likod.. ”Where are you going? Nag-punas lang ako ng luha ko. Ang pangit eh. I missed you.. I love you, Bridey.. Pangako, kasama mo akong lalaban sa sakit mo. We’ll do everything.. Babawiin natin lahat ng nawalang oras sa’tin..” ”H-hindi ka galit?” ”Naman, okay na yun. Mahal kita eh. Di kita natiis. Bwisit.” Humarap ako, we hugged for a long time. Dear God, thank you. [Chapter 50] **Kim’s POV** Sabi nila, Life starts at high school. Hmm, babaguhin ko yun. ^__^ Since hindi na rin naman kami high school, mas okay para sa’kin yung… Life starts when you know how to love and be loved, to trust and be trusted and to forgive and be forgiven. Haha! Pag-bigyan na, inspired eh. Isang linggo na simula nung gabing magka-ayos kami ni Popoy. Gravity!! Miss na miss ko siya! Halos hindi na nga naming bitawan ang isa’t-isa eh. Masyadong PDA. Bwaha. Alam na rin sa buong school yung tungkol sa’min. Malay ko bang hanggang college pala eh sikat sila. Kalat na tuloy ang love story naming dalawa. Kahit na hindi kami pareho ng course at iisang subject lang ang magka-klase kami, sinisiguro pa rin namin na may oras kami sa isa’t-isa. Sai nga niya, babawiin namin yung mga nasayang na oras. Haha! Ang cheesy niya eh. Kami ulit, at yun pa rin ang same date ng monthsarry namin. December 16. Haha! Wala naman kasi kaming closure no! Hindi kami nag-break at hindi rin kami nagkaroon ng affairs habang magka-layo kami.. So tingin ko ayos lang na ituloy na lang naming yun.. Ibig sabihin, 1 year and 7 months na kami… NGAYON!!! July 16. Hoho! Sayang lang at hindi kami nakapag-celebrate ng anniversary naming. Nyuhun. Eh Monday ngayon, di pwede mag-date. Haha! Okay lang, basta magka-sama kami. Bihis na ’ko, susunduin niya raw ako eh. Nagulat nga sina Mommy at Daddy nung nalaman nila na kami pa pala. Haha! Maya-maya, narinig ko na yung tunog ng kotse niya. Lumabas na ’ko. ”Mom, Dad! Alis na po kami!” ”’Mm-kay! Happy monthsarry!” Binati kami ni Mommy. Sumakay na ako, naka-titig lang siya sa’kin. Nginitian ko siya. ”Oh ano? Titigan tayo?” Tumawa siya ng mahina, tapos kiniss ako sa cheeks. ”Happy monthsarry, Bridey.” “Uh-hmm! Happy monthsarry, Groomy.” Tapos nag-drive na siya. Nakaka-gulat lang na pag-dating namin sa campus, binabati kami ng halos lahat ng maka-salubong namin!! Kahit teachers or janitors or guards! Nakakatuwa!! ”Happy monthsarry sa inyo! Mahal na mahal ka niyang katabi mo!” Lahat halos ganyan ang sinasabi. Tumitingin ako kay Popoy pero naka-ngiti lang siya tapos naka-akbay sa’kin. Mukhang may kinalaman siya. Sweet. :”> Nakarating na kami sa hallway, maghi-hiwalay na kami galing dun.. Ibang building eh. ”Oha? Daming bumati sa’yo no?” ”Oo nga eh! Bakit ba kinuntsaba mo lahat!?” ”Haha! Nabisto mo pala! Naisip ko kasi, sa haba ng panahon na hindi tayo magkasama, ang daming beses na hindi kita nasabihan ng Happy monthsarry at kahit I love you.. So para maka-bawi.. Lahat ng tao sa campus gusto kong batiin ka.. Matumbasan man lang yung dami ng salitang hindi ko nasabi sayo nung magkahiwalay tayo..” Napa-titig lang ako sa kanya. Sobrang touched ako sa ginawa niya.. ”Thank you.. I love you too.. To infinity, and beyond..” I tiptoed, wrapped my arms around him and gave him a smack. Parang sa isang bagay lang, nabawi na niya lahat ng nawala sa’ming dalawa.. Gosh! Mahal na mahal ko talaga siya! To infinity and beyond! ^____^ [Chapter 51] **Popoy’s POV** Masaya ako kasi napapasaya ko siya.. Nung 19th monthsarry namin, sobrang natuwa siya sa ginawa ko. Syempre, hindi naman natapos doon. Nung uwian, nag-dinner pa kami, mag-kasama pamilya namin. Namiss daw ni Mama si Tita Yna. Ayun, may sariling mundo na naman sila. Naaawa na nga ako kay Tito Paolo eh. Palaging walang kausap. Haha! Nags-stargazing kami ni Kim ngayon.. ”Popoy..” Sabi niya habang naka-pikit at naka-sandal sa dibdib ko. ”Yeah?” ”’Di ka ba napapagod? Sa paga-alaga sa’kin at pagpa-pasaya? Sabihin mo lang...” ”Tss. Ano ka ba. Syempre hindi. Kahit maghapon pa kitang asikasuhin, ’di ako mapapagod..” Ilang beses nang nag-collapse si Kim habang nasa campus kami o kaya kapag nagpparty kami sa clubhouse. Kung hindi lang siya mapilit at kundi lang siya sumasaya ng sobra kasama ang barkada, hindi ko na siya isasama sa mga gimik namin. Dalawang buwan na rin simula nung nagka-ayos kami. Hanggang ngayon, hindi ako makuntento sa mga ginagawa ko para sa kanya.. Naa-adik ako sa mga ngiti niya, it makes me want to wish for more. Siya yung nagbi-bigay ng lakas sa’kin eh. At sana ako rin ang nagbi-bigay nun sa kanya. ”Hindi nga? Sabihin mo lang kapag pagod ka na ah?” She smiled faintly.. Nararamdaman ko naman eh.. Hindi ako manhid at ayokong magtanga-tangahan kahit alam kong hindi biro sakit ng girlfriend ko. Ramdam kong unti-unti, nanghihina siya. Mas maputla siya, pumapayat din kahit ang takaw-takaw na niya. ”Hindi nga sabi... Kulit mo..” Pinisil ko ilong niya. ”Kapag nabilang mo na lahat ng stars na nandyan sa langit, dun lang siguro ako mapapagod.” ”Eh loko ka pala.. ’Di ko nga mabilang buhok ko, yan pa kaya?” ”Oh, yun pala eh. Kaya hindi nga ako mapapagod. To infinity and beyond nga. Haha!” “Hmp. Manggagaya!” Tumawa kami. “Kim..” “Uh-huh?” “Hindi mo pa ba planong.. Magpa-chemo??” Natahimik. Umiling siya.. “Ayoko muna..” She faintly whispered. Nagagalit ako.. Nagagalit ako kapag naiisip kong unti-unti.. Kinukuha na siya nung sakit niya sakin.. “Bakit naman? Akala ko ready ka na?” ”Oo nga.. Pero mas gusto kong kasama kita..” ”Kasama naman kita kahit nandun ka eh..” ”Kita mo? Napapagod ka na nga.. Tinataboy mo na ko..” Nag-pout siya. ”Yan ka na naman oh.. Syempre, gusto ko gumaling ka na.. A-ayokong....” ”Shhhh. Wag ka maingay..” Tinapat niya daliri niya sa bibig ko. ”Pinipilit din naman ako nina Mommy eh.. Pati si Doc.. Kasi alam mo naman nung huling check up ko diba?” Kasama ako nung huling check-up niya. Nakita ko kung gaano kaseryoso yung pinagda-daanan ng taong mahal ko. Kumikirot yung dibdib ko kapag naa-alala ko. Bwisit. ”G-give me... 1 week.. Naka-schedule na yung therapy ko dun.. Pina-ayos ko na kay Doc. Naisip ko na rin naman yan eh.. Bigyan niyo lang ako ng one week Para maenjoy ko yung panahon kasama kayo.. Please?” “*sigh* O-okay.. Basta pagkatapos ng one week, diretso tayo sa hospital okay? Habang nandun ka, hindi muna ako papasok sa school.” “Tsk! OA mo! Pumasok ka pa rin! Maa-abala studies mo!” ”EH anong gusto mo? Hayaan kita doon? Tsaka, hindi rin ako makakapag-isip nang maayos kapag alam kong nasa ospital ka!!” ”Tss. Kaw naman, magtiwala ka sa girlfriend mo. Malakas yata ako! Kakayanin ko yun para sayo, para sating dalwa. Promise yan.” ”Sigurado ka?” ”Of course. Mahal kita eh!” ”Siguraduhin mo lang na babalik ka nang masigla..” ”Pero.. k-kung sakali... Kung sakaling mag-fail yung gagawin.. At m-mawala ako.. Anong gagawin mo?” Napa-yakap na siya sa’kin. ”Siguro.. Wala..” Hinampas niya ako. ”Aray! Ano ka ba.. Wala.. Wala siguro, kasi susunod ako sayo kaagad.. Kahit saang mundo pa ’yan..” She nodded. ”Thanks.. Tulog muna ako ha? I love you.” I kissed her head. “I love you too. Sweetdreams.” Nakita kong himbing na siya.. Ang gandang tingnan kapag ganito kapayapa yung mukha niya. Pero kapag ganito, natatakot ako na baka sa sobrang himbing at payapa ng tulog niya.. Hindi na siya magising pa.. Kharu’s Corner: Pssssssst!! Gusto ko pong mag-apologize sa chapter 50-51, may mga pagkakamali po dun haha! Kung hindi niyo napansin, okay lang kahit di niyo na po balikan, numbers lang po yun..! Na-edit ko na. XDD Sorry po ulit, bangag ako T___T Maliit lang naman talaga yung mistake pero hindi talaga ako matahimik habang nagkaklase.XD Godbless!.^___^ ******************************************************************** **Kim’s POV** [Chapter 52] 7 days. Humingi akong 7 days para magpaka-saya, bago ako magpa-chemo. Today is the third day. Syempre, hindi naman ganoon kadali kahit pa sabihing ready na ako. Paano kung hindi pala magamot nun yung sakit ko? Mas malala na ’to kumpara noon.. Gusto ko naman na maraming mabaong memories kahit anong mangyari... Pampalakas din yun ng loob! Nung sinabi ko nga kina Mommy na hindi muna ako magpapa-gamot, Medyo nagalit sila.. hindi rin naman nila ako masisisi, kaya pumayag sila.. Naiintindihan nila.. Pero syempre, regular ang check up ko at pag-inom ng gamot. Hindi kaya ako ma-over dose? Ang dami eh. Haha. Sa clubhouse lang naman kami nagsasaya. Naiintindihan ko kung pinagba-bawalan na nila akong sumama sa malalayong hang-outs.. Bawal na ko mapagod. Hay. Feeling ko nanghihina ako.. Pakiramdam ko rin, ako pa yung nagiging KJ kahit hindi ko naman gusto. Syempre, para hindi ako mainggit, hindi na rin sila pumupunta sa ibang lugar para gumimick. Katatapos lang ng klase namin ngayon. As usual, sa clubhouse ulit kami.. Astig kasi mas lumaki na nga yung clubhouse namin.. Nadagdagan na rin yung rooms tsaka mga pwedeng gawin. May music room na nga rin eh. Feeling banda raw sila. Nandito ang buong barkada, pati sina Shayne at Ciara.. Nararamdaman ko talaga yung suporta nila.. Tsaka alam kong hangga’t kaya nila, iiwasan nila yung topic tungkol sa sakit ko. ”Oh, guys! Anong plano niyo ngayon? Iba naman! Haha!” Tanong ni Ciara. ”Jamming tayo!!” Sabi ni Christian habang nagg-gesture ng gitara. ”Weh? Feeling bandista talaga!!” Sabi naman ni Shayne sa kanya.. Nag-pout naman si Christian. Ayee. Ayan na naman silang dalawa. ”Sige, Tara!” Pumayag ako, since gusto ko rin silang makitang tumugtog. ”Pero lagyan natin ng twist!” Sabi ni Ciara. “Anong twist naman ‘yan?” Sabi ni Kurt, HH sila ni CIara. Hoho. ”Isa-isa tayong magpe-perform. Haha! Bawal KJ!” Lahat naman pumayag sa plano ni Ciara. ”Drawlots ah!!” Narinig kong nag-’tsk’ si Popoy. Haha! Nagbunutan na kami, yung order, Christian, Louie, Kurt, Ciara, Shayne, Ako tapos si Popoy. Wala si Enzo at Dexter, sayang!! Busy studies nila. Pagkatapos magreklamo ni Christian kung bakit siya ang una, nagsimula na kami. Kinuha na ni Chris yung gitara. *claps* Nag-ehem siya tapos nag-strum na siya ng gitara, habang naka-tingin kay Shayne. Ayeeh haha! ”I looked at her and have to smile, As we go drivin’ for a while Looking nowhere in the open window of my car and..” Nag-wink pa siya kay Shayne. Cute!! Feel na feel ni Chris ang pagtugtg all through out! Haha! Nung last line, lumapit siya kay Shayne. Gumaganon haha! “And I’ve got all that I need, right here in the Passengers seat….” Tapos kumiss siya sa cheeks ni Shayne. Halata namang kinikilig ang loka! Si Louie naman, guitar din. Nag-strum siya.. ”And now I concede, on the night of this fifteenth song Of melancholy, of melancholy.. And now I will repeat in ths fourth line That I love you, That I love you..” Sayang lang at din naming kasama yung gf ni Louie. May konting LQ daw sila.. Eh siya pa lang ang alam kong sineryoso talaga ni Louie.. Kaya siguro Broken Sonnet ang pinili niyang kanta.. Lalo na yung nasa last line! Awts! ”Still, I see.. The tears from your eyes..” Maybe I’m just not the one for you..” Tinapik lang ng boys yung balikat ni Louie. Nakaka-panibago, ang tahimik niya.. Si Kurt na. ”Go Babe!!” Sabi ni Ciara. Haha! Sa piano siya pumwesto. Wow! At gosh, nung nagsimula siya, Fave song ko rin!! Pakiramdam ko tuloy tribute na naman nila sa’kin ’to.. Nakaka-inlove talaga yung piano intro nung kanta.. “It’s her hair and her eyes today That just simply take me away And the feeling that I’m falling further inlove makes me shiver, But in a good way.” Halos mapisa na yung braso ko sa higpit ng kapit ni Ciara. Grabe naman ’to kiligin! Haha! ”Cause I love her with all that I am, And my voice shakes along with my hand And she’s all that I see and she’s all that I need And I’m out of my league once again..” PROMISE. Lahat sila magagaling kumanta. Ngayon ko lang na-discover. T__T Si Ciara na! Guitar kami nina Shayne eh. Parehong old songs ang trip nila ni Kurt ah, pero sobrang gusto ko yung mga kinanta nila.. ”I wanna tell you, baby That you’re the one I’m thinkin’ of..” Yung titigan nila ni Kurt? Ay grabe. Haha. ”That I think I’m fallin’, Maybe I’m fallin’ for you.. Yeah, I think I’m fallin’ Baby I’m fallin’ for you..” Fallin’ daw, eh sila na nga. Waha. Tapos, si Shayne naman! Saming tatlo, siya ang pinaka-magaling sa gitara.. Plucking yung ginagawa niya oh, Till they take my heart away ng MYMP.. “Cause I will love you, Till they take my heart away… Believe, I’m here to stay Cause I will love you, till they take my heart away.. oooh..” Tinginan sila ni Chris. Uma-arte pa ngang kinikilig si Chris. Hyper! HAHA! At tadaaaaaaaaa! Ako na! First time nila akong maririnig. >////< Nag-strum na rin ako ng gitara.. Syempre para kay Popoy yung kanta ko. Kaka-aral ko pa lang nito.. Pagka-rinig ko, nagustuhan ko talaga Haha! Ours ni Taylor Swift.. “’Cause my heart is yours..” Kanya lang. ^____^ ”So don’t you worry you’re pretty little mind, People throw rocks on things that shine And that makes love look hard..” Napapangiti si Popoy kahit tinutukso na siya. Aweee. “And this love is ours..” Nung natapos ako, niyakap niya ‘ko, tapos inabot ko naman sa kanya yung gitara. Siguro ang galing-galing na niya mag-gitara.. Nung graduation ko pa siya huling narinig eh.. He strummed a familiar song.. What you mean to me.. ”Can’t blame you, for thinkin’ That you never really knew me at all.. I tried to deny you But nothin’ ever made me feel so wrong..” Tagos sakin yung kinakanta niya.. Para bang, sinasabi niya yun at hindi kinakanta.. Lalo na nung chorus.. ”Here I am with all my heart I hope you’ll understand.. I know I let you down, But I’m never gonna make that mistake again.. You brought me closer to who I really am, Come take my hand, I want the world to see, What you mean to me.. What you mean to me” Halo-halo yung nababasa ko sa mga mata niya eh.. Masaya, Malungkot.. Nagaalala.. Alam kong ako dahilan ng mga yun.. ”Just know that I’m sorry I never wanted to make you feel so small” Na-alala ko nung kadadating ko pa lang, sobra niya akong minamaliit! Kahit.. Kahit virginity ko kine-kwestyon niya.. Aw! Nung nasa last chorus na siya, binitawan niya yung gitara, tapos lumapit siya sa’kin.. “Come take my hand, I want the world to see, What you mean to me..” Sobrang na-touch ako!! “Hindi ka ba tapos sa pagso-sorry? Tss…” Sabi ko sa kanya, nginitian lang ako. “GROUP HUG!!!” Sigaw ni Chris. Kaya ayun, nag-hug kami.. Hindi ko alam kung kakayanin ko lahat kapag nawala sila.. Again, Dear God, Thank you po. **Kim’s POV** [Chapter 53] Huling araw ng pagsa-saya. Bukas, sasabak na ako. Hay. Bless me, Lord.. Sunday ngayon, kaya napagkasunduan namin ng pamilya ko na magsisimba kami, tsaka family day. Eh nasurprise naman ako, kasama pala namin si Popoy at si Tita Ezra. Habang nasa simbahan kami, ramdam ko na buong-buo talaga ang pamilya ko.. Masaya kasi sama-sama kaming nandito kaharap si God.. Pinagda-dasal ko talaga na may magandang effect yung chemo ko bukas.. Sigurado akong yun din ang pinagda-dasal ng lahat.. Hindi naman kasi talaga maiiwasang maisip yung mga negative possibilities di ba? Yun na lang ang magagawa eh, magdasal.. Pagka-tapos namin sa simbahan, nag-lunch kami.. Tapos namasyal sa mall. Syempre, hindi pwede masyadong mapagod.. Masaya rin yung lunch namin kasi ang dami namin sa table! First time, madalas kasi tatlo lang talaga kami. Haha! ”Kim, we’ll be leaving you and Popoy. Aasikasuhin pa naming yung gagawin bukas.. Gustong sumama ni Tita Ezra mo. Popoy, kaw na bahala kay Kim okay?” Sabi ni Daddy. “Sige po, Tito.” Tapos umalis na sila, naiwan kami sa may food court. “Well, another “US” time!!!” Sabi ko, tapos inakbayan ako ni Popoy. Hanggang 8PM curfew namin. Nag-libot lang kami sa mall. Lahat ng madaanan naming food stalls, binibilhan namin (ko). Nag-arcades din kami. Talo ako huhu. Kung madami lang siguro kaming pera, magkaka-yayaan pa kaming mag-computer games. Haha! ”Saan mo gusto mag-dinner?” Tinanong ako ni Popoy. Ayaw na naming lumabas ng mall para kumain, wala kaming dalang kotse. Haha! Kumain na lang kami sa Gerry’s. Nung maka-upo kami sa table, tahimik lang siya. ”Gagalingan mo bukas ah..” ”Para naman akong lalaban sa contest niyan..” Tiningnan niya ako ng seryoso.. ”Okay, gets ko.. Syempre naman, magiging malakas ako.. Kahit na hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.. Lalaban pa rin ako.. Iisipin ko lang sina Mommy at Daddy, yung barkada, si Tita Ezra, tapos ikaw.. Sigurado mawawala na ang takot ko. Magp-pray din ako ng napaka-raming beses..” ”Good. Just.. Just promise me.. Hindi ka papatalo..” ”Syempre!” Pinilit kong maging masaya yung tono ng boses ko at ngumiti ako kahit masakit na yung lalamunan ko sa pag-pigil ng iyak ko. Ngumiti siya, pero alam kong sobra-sobra ang paga-alala niya.. Ang hirap-hirap magpanggap na malakas ka sa harap ng taong mahal mo.. Busy siyang pini-picturan ako habang kumakain.. ”Musta na nga pala si Ace?” Nagulat ako sa tanong niya. ”H-hindi ka na galit sa kanya?” ”Para saan pa? Eh nasa akin ka na. Bwaha.” “Baliw. Haha! Okay naman siya, masaya love life nun, oy!” “Haha! Bakit, mas masaya naman yung sa’kin eh. Di ba?” “Tss. Tama na nga! Nami-miss ko lang siya..” “Ganun? Kasama mo na nga yung boyfriend mo, may nami-miss ka pang iba..” “Drama mo!!” Binato ko siya ng tissue. “Haha! Siguro dapat bisitahin natin siya sa Korea kapag may oras tayo..” Natulala ako sa sinabi niya. “Ano??” “Ay, bingi.” “TSE!! Ang ibig kong sabihin, seryoso ka?” “Ayaw mo yata eh.” “Aba syempre gusto ko!! Promise yan ah? Naku! Matutuwa yun!” “Pero dapat, pagaling ka muna.. Para wala ng limitations ang pwede mong gawin.. Oks?” Pinat niya yung ulo ko. “Mm-kay!” “Good girl. I love you.” Tapos pinunasan niya yung dumi sa pisngi ko. “I love you, too.” I smiled sweetly. Lord, pwedeng humiling ulit? Don’t take me away from him.. Or at least not now.. Siguro, mga after 50 years na lang! 70 years? O baka pwedeng wag na lang Lord.. Hindi ko po yata kakayanin kapag nahiwalay ako sa kanya. I love him very much.. He’s my weakness.. But he’s also my strength.. [Chapter 54] **Popoy’s POV** Lunes ngayon.. Ngayon ang araw ng therapy ni Kim.. Hindi ko natupad yung pangako ko. Hindi ko kaya eh, kaya nag-absent ako sa klase.. Kailangang nandito ako para sa kanya.. Nung makarating ako, nasa loob na si Dra. Estrella. Nasa labas naman sina Tita at Tito. Ina-antay lang namin na lumabas si Dra. ”Tito, kung pwede naman po pala, bakit hindi na lang sa bahay niyo pinaturukan si Kim?” Narinig ko kasing pwedeng sa bahay lang gawin yung therapy. ”Mas gusto namin yung sigurado.. Para kung magka-problema man, nandito na siya sa ospital..” Pagkatapos naming magusap, lumabas na si Dra. ”Kumusta po?” Napatayo kaming lahat. ”She’s sleeping.. rest period na ito para sa kanya.. Syempre kailangan pa rin nating gawin ulit ang chemo after the resting period.. Pwede niyo na siyang tingnan.. Wag niyo na lang siyang pagurin, pero ngayon, sumama muna kayo sa’kin.. Popoy, sumama ka na rin. We’ll talk about her condition.” Pumasok kami sa office niya. “Alam naman natin na hindi na biro ang leukemia niya.. Hindi halata sa katawan niya kasi alam kong lumalaban siya..” Naisip ko yung mga panahong naka-ngiti si Kim.. Lahat ba yun.. Pagpa-panggap lang? ”Maraming pwedeng side effects ang chemotherapy para sa kanya.. pwedeng hair loss, vomitting, wag din kayo magtataka kung madali siyang magkapasa at pumayat.. Pwede kasing mawalan siya ng gana sa pagkain.. Be sure na healthy ang mga kinakain niya.. Mas mabilis din siyang mapapagod ngayon..” Tumingin sakin si Doc. ”Popoy, alam kong mas madalas kang kasama ni Kim. You should be responsible for her. Siguraduhin mong okay ang pagkain niya at ang intake ng gamot niya..” “Kailan po kaya ang sunod na therapy?” Tanong ni Tita Yna. “Titingnan ko pa kung anong mangyayari sa unang therapy niya.. Pwede kasing gumanda o lumala ang sitwasyon niya.. Ngayon, kung lumala.. Mas mabuting wag na nating ituloy ang chemotherapy..” “Eh ano nang gagawin natin? Paano pa siya gagaling?” Maluha-luha na si Tita. ”May isa pa tayong choice, pero mahirap.. Pasalamat tayo at nagagawa na ang ganitong treatment sa ospital na ‘to.. But our problem.. Is searching for a donor.. Kakailanganin natin ng bone marrow transplant..” “Hindi po ba delikado yan?” Sabi ni Tito. “Indeed, it is. Pero kailangan. Pinangako ko sa anak niyo na gagawin ko lahat.. Masyadong kritikal pero para ko na ring anak si Kim.. Don’t worry, hindi pa naman tayo sigurado eh..” Tumayo na ako at nag-paalam na babalik na sa kwarto ni Kim. Masyado nang mabigat ang loob ko. Pag-pasok ko, narinig kong umiiyak siya. Nagulat ako nung makita kong may hawak siyang gunting.. At andaming naka-kalat na buhok sa sahig.. ”Sh*t” Bulong ko, napatakbo ako sa tabi niya. ”KIM!! Ano bang ginagawa mo ha???!!!” Humarap siya sa’kin.. Kanina pa siguro siya umiiyak.. Yung buhok niya na dating abot sa bewang niya, halos umabot na lang sa leeg ngayon.. Napa-yakap ako sa kanya. Masakit. Masakit na makita siyang ganito.. ”M-mawawala rin naman... yung buhok k-ko di ba? K-kaya.. Mas mab-mabuti siguro kung.. ako na ang p-pumutol dito..” Napa-tingin siya sa mahahabang buhok na naka-kalat sa sahig.. Napahagulgol na siya.. ”Alam m-mo bang d-dalawang taon kkong inala—gaan yung b-buhok k-ko? Tapos.. Tapos ngayon.. Wala na!!” ”Ano ka ba.. Tama na.. Kahit ano pang itsura ng buhok mo.. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa buong mundo..” Pinipilit kong itago yung pag-iyak ko.. Takte. ”N-Natatakot ako.. Paki-ramdam k-ko, lahat kayo... na pinahahalagahan ko, mawawala * rin sakin.. Ayoko Popoy..” ”Shhh.. Tama na yan Kim! Gagaling ka! Tapos na yung first step! Di ba sabi mo lalaban ka? M-magkasama tayo Kim.. Please..” Magkasabay na kaming umiiyak ngayon.. Ilang minuto rin kaming magka-yakap, pinapakalma ang isa’t-isa.. ”Wag mo nang gagawin ulit yun ah.. Papatayin mo ’ko sa takot..” Pinitik ko ng mahina yung noo niya. Ngumiti siya.. Maliit na ngiti.. Masyado na rin yata siyang pagod para ngumiti.. ”Sorry.. Tara, tulog tayo.. Napagod ako bigla eh..” ”Sige, pahinga ka lang.. Babantayan kita.. Sweetdreams..” Hinalikan ko yung noo niya. Kung alam ko lang na ganito pala kahirap.. Ang bigat sa dibdib! Gustong-gusto ko nang sumabog.. Ayos naman kami dati ah? Bakit kaya naging ganito? Napa-tingin ako sa maliit na altar sa harap namin.. Kahit na wala ako sa simbahan.. Napaluhod ako sa harap ng altar.. Nagsimula na naman tumulo yung mga luha ko. Mukha na siguro akong uhuging bata rito. ”Lord.. Paki-gising po si Kim mamaya ah. Don’t let her fall to a very deep sleep. Gusto ko pa siyang mayakap at makitang naka-ngiti. Pangako, babantayan ko siya araw-araw, oras-oras.. Wag niyo lang po siyang kunin sa’kin…. Nagma-makaawa po ako..” **Popoy’s POV** [Chapter 55] Ang hirap pala ng sitwasyon kapag hindi mo sigurado ang pwedeng mangyari sa taong mahal mo. Naka dalawang chemo na si Kim.. At hindi kami kuntento sa resulta.. Ayokong isipin pero ganun ang napapansin namin.. Nung una inisip naming na side effects lang yun.. Kaso, ngayon parang sumosobra na eh. Nangangayayat na talaga siya, ang putla-putla niya.. Tinest daw siya ni Dra. Kahapon at ngayon niya sinasabi kina Tito Paolo ang resulta.. Hinihintay ko lang sila, mukhang natatagalan sila.. Bi-weekly ang schedule ng chemo niya.. Hindi na siya nakakapasok. Ako naman, dahil pinangako ko, pumapasok ako pero pagkatapos ng klase, pumupunta kaagad ako sa ospital. Madalas sumasama ang buong barkada.. Kaso busy na ngayon.. Ako dito ko na dinadala yung mga gawain ko sa school. May mga araw na dito na ako natutulog. Ang sabi ni Dra., binabaan niya yung dosage ng gamut na binibigay nila kay Kim.. Di ko alam kung bakit. Sa ngayon, binabantayan ko si Kim habang natutulog. Kinakausap ni Dra. Sina Tito at Tita.. Kinakabahan ako, naisipan kong dumaan muna sa chapel. Lumuhod ako tapos nag-simula nang mag-dasal.. “Lord, lumalapit po uli ako sa inyo. Kung anuman po ang pinagda-daanan ni Kim, alam kong nahihirapan siya… Gamitin niyo na po ako para gumaan ang dalahin niya.. Gusto ko pa po siyang maka-sama nang matagal..” Alam kong sobrang madrama na ako ngayon.. Takte, pakiramdam ko ang babaw na ng luha ko. Tuwing nakikita ko si Kim, bigla na lang may tutulo sa mata ko. Habang nagda-dasal ako, nag-text sa’kin si Tito na bumalik na ako.. Mukhang tapos na silang mag-usap.. Nakita ko si Tito Paolo na nakatayo sa labas ng kwarto ni Kim.. Naka-tungo.. “Tito?” Napa-tingin siya sa’kin.. At nakita kong umiiyak siya. “Pumasok ka na sa loob..” “Ano po bang nangyari?” Umiling lang siya. “Sabihin mo kay Tita Yna mo, magpapa-hangin lang ako.. Sumunod na lang siya kung gusto niya..” Umalis na siya. Alam kong tinatago niya lang yung lungkot sa tono ng pananalita niya. Pagka-pasok ko, nakita ko si Tita Yna na hinahaplos yung buhok ni Kim habang tulog siya.. Mugtong-mugto ang mata ni Tita.. Tinatakpan niya ng isang kamay niya yung bibig niya.. Siguro para hindi marinig yung mga hikbi niya. “Tita..” Hinawakan ko siya sa balikat.. Napatayo si Tita at napayakap sa’kin.. Napaiyak na siya.. “Bakit naman nagkaganito, Popoy..” Hindi ako maka-sagot.. Natatakot akong aminin sa sarili ko na alam ko na ang ibig sabihin ng mga nangyayari.. Naalimpungatan si Kim, narinig niya ata yung pag-iyak ni Tita. “M-Mommy? Okay lang kayo?” Mahina niyang sabi.. Kitang-kita yung pamumutla ng labi niya.. Pasimpleng pinahid ni Tita Yna yung luha niya. “O-Oo okay lang ako.. Susunod ang ako sa Daddy mo ha? ‘Poy ikaw na bahala..” Hinalikan ni Tita sa noo si Kim tapos lumakad na palabas.. Naiwan kami ni Kim.. tahimik.. “Lumala ‘no?” Naka-ngiti niyang sabi. Umupo ako sa tabi niya. Hindi ako maka-imik.. Inabot niya yung suklay niya tapos ginamit niya yun.. Kumirot ang dibdib ko nung nakita ko yung reaksyon niya nung nakita niyang maraming buhok na sumasama sa suklay niya.. Tumingin siya sakin.. Sabay tulo ng luha niya. ”D-dapat pala, kinalbo ko na yung sarili ko.. Para hindi na ganito kasakit ’no? Bwisit..” Napaiyak na siya.. “Shhh. Wag ka na mag-salita. Just stay with me.. Forever. Naiintindihan mo?” Tumango siya, niyakap niya ako.. Sobrang higpit.. Sana magawa mong kumapit sakin nang ganyan kahigpit habambuhay, Kim. Maya-maya, naka-tulog ulit siya. Lumabas ako at nakita kong nakaupo sa labas sina Tita at Tito. ”Popoy, mag-usap tayo..” Sabi ni Tito. Mukhang hindi pa makapag-salita nang maayos si Tita Yna. ”Ano po bang sabi ni Dra.?” ”Hindi maganda.. Hindi talaga.. The chemotherapy failed.. In fact, it made her case worse.. May mga ganung pangyayari raw talaga sabi ni Dra.. Pero bakit kailangan kay Kim pa?” Napa-yakap si Tita Yna kay Tito Paolo.. Napatulala ako sa sinabi niya.. K-kung hindi pwede ang chemotherapy.. Ano nang panghahawakan namin? ”P-pero sabi nga ni Dra., may isa pa tayong option..” Nagkaroon ako ng kahit konting pag-asa nung narinig ko yun.. ”Yung.. Transplant po ba?” Tanong ko. ”Oo.. Masyadong kritikal yun.. Pero gagawin natin lahat para kay Kim.. Pumayag kami.. Ang unang-una nating kailangang gawin.. Ay humanap ng donor na magma-match ang bone marrow tissues kay Kim..” “Wala po ba silang ganun dito?” “Wala, kasi bihira lang ang nagdo-donate at naga-avail ng ganung operation.. Napaka-rare ng gumagawa ng ganun dito sa Pilipinas.. And we should make sure that the bone marrow is healthy.. Pwede raw mamatay si Kim kung may complication ang makuha natin..” Natahimik kami. Humarap si Tito Paolo kay Tita Yna. ”Sioms, punta ka na lang muna sa chapel.. Pag-dasal mo si Kim.. I’ll talk with Popoy. Okay? Tawagan mo na rin sina Sandra at Cedric para malaman nila ang sitwasyon ni Kim.. Siguro makakatulong kay Kim kung makikita niya ulit sila..” Tumango si Tita Yna tapos umalis na.. Sana maabot pa namin ni Kim ang ganoong edad nang mag-kasama.. ”May isa pa tayong malaking problema..” ”A-ano po yun..?” ”Namana ni Kim sa Mama niya yung pagka-mahina niya sa operations.. Kaya nga hindi na namin nasundan si Kim, kasi mahina talaga ang katawan ni Yna sa mga operasyon.. Since critical ang gagawing operation kay Kim, natatakot kami na.. hindi na siya magising kahit successful na mai-lagay sa kanya yung nai-donate sa kanya.. Pero naniniwala akong malakas ang anak ko.. May tiwala ako sa kanya.. Kaya sana, tulungan mo kaming patatagin ang loob niya.. Alam kong ikaw ang pinaka-mahalagang tao ngayon para sa anak ko..” ”Makaka-asa po kayo, Tito..” ”Sige, susundan ko asawa ko.. Paki-bantayan si Kim..” Umalis na si Tito. Pareho pala si Kim at ang Mama ko.. Mahina ang katawan sa operasyon.. Bakit naman ganun? Yung dalawang pinakamahahalagang babae sa buhay ko.. Ilang dangkal lang layo sa danger zones nila. Tumabi ako kay Kim at humiga sa tabi niya. Masakit Lord. Masakit na. [Chapter 56] **Popoy’s POV** Pagod. Puyat. Sakit ng Katawan. Stress. Yan ang nakukuha ko sa ilang linggong pabalik-balik ako sa school, bahay at ospital. Pero kapag nakikita kong masaya siya, nawawala lahat ’yan.. Matagal na siyang hindi nakakapasok.. Baka kapag nagtagal pa ’to, mag-repeat na siya ng sem.. Ang bilis ng panahon.. Kung wala lang siguro siyang sakit, masaya siguro kaming nagde-date ngayon.. 20th monthsarry namin at hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate ‘to.. Oo masaya ako at kasama ko pa rin siya ngayon.. Pero masakit pa rin kapag nakikita kong halos wala na siyang buhok.. Kahit itinigil na yung chemo niya, andun pa rin yung side effect na yun.. Pero kahit wala na siyang buhok, walang magbabago.. Mahal na mahal ko pa rin siya.. Mas lalo pang minamahal sa bawat araw na dumadaan. Nawawalan ako ng oras sa barkada pero naiintindihan nila.. Yung gang.. Sinuko ko na yung trono ko kay Kurt.. Natatakot akong iwan si Kim eh. Hanggang ngayon, wala pa kaming nakukuhang donor.. Ganun ba kahirap na makahanap nun? Kung pwede lang sanang ako na lang, kaso hindi kami match ni Kim.. Mas advisable daw kung galing sa kapatid, pero wala namang kapatid si Kim.. Di ko na alam.. Mababaliw na ’ko.. ”Sige Popoy, papayagan kita.. Pero wag mo siyang papagurin ng sobra! Kailangan 8PM maibalik mo na siya dito.” Sabi ni Dra. Estrella. ”Sige po, Salamat!” Binaba ko na yung telepono. Pinag-paalam ko si Kim kay Dra.. Gusto kong ilabas naman si Kim sa ospital ngayong monthsarry namin. Matagal na siyang di nakakalabas.. Aalagaan ko naman siya eh.. Pagka-tapos nga ng klase ko, dumiretso na ako sa ospital. Nakita kong naka-bihis na siya.. Kitang-kita mo na lumuwag ang mga damit niya.. ”Uy, ganda mo ah.” Ngumiti ako. ”Hmp. Bola! Happy Monthsarry!” Kiniss niya ako sa pisngi. “Happy monthsarry. Mahal kita.” Hinalikan ko siya sa noo. “Magw-wheelchair ka?” Sumama yung tingin niya sakin. “Ano ako, pilay!?” “Haha! Kaw naman, edi wag! Tara na, kapit ka lang sakin ah?” Tapos humawak nga siya sakin. Nag-suot pa siya ng sumbrero.. Para raw hindi makita yung sitwasyon niya. Kung noon, wala siyang kahit anong make-up, ngayon nag-lagay siya ng konti tsaka nag lip-gloss.. Masyado raw siyang maputla. Nag-punta muna kami sa mall. Kumain, namili ng kung anu-ano. Pinipilit ko siyang pasayahin. Gusto kong kahit ngayon lang, mawala sa isip niya na may sakit siya.. Nung 5PM na, umalis na kami. Nag-drive na ako papunta sa isang garden restaurant.. Ngayon ko nga lang nakita to eh.. Konti pa ang nakaka-alam kaya may privacy kami.. ”May ganito pala rito?” Sabi niya. “Bago lang. Ngayon ko nga lang na-discover eh.” “Galing! Ang ganda!” Yung pwesto namin yung nasa may garden.. Pina-reserve ko.. “Buti nagustuhan mo.. Happy monthsarry.. Kain ka na.. Damihan mo ah! Puro rasyon sa ospital ang nakakain mo!” Syempre yung okay sa kanya yung inorder ko. ”Syempre naman!” Walang umiimik samin habang kumakain. Halatang na-miss niya yung ordinaryong pagkain lang. Pleas Lord. Let me stay with her forever.. ”Haaaay Sarap!” Sabi niya pagkatyapos kumain. Tumugtog naman yung slow song.. ”Sayaw tayo..” Inabot niya naman yung kamay ko. *song plays* ”Tired of feeling all by myself.. Being so different from everyone else.. Somehow you knew, I needed your help.. Be my friend forever..” Sumasayaw kami sa garden.. Kami lang dalawa.. Parang may sarili kaming mundo. Ipagpapalit ko ang kahit anong bagay na meron ako para sa pagkakataong ganito na kasama ko siya.. “I never found my star in the night Feeling my dream was far from my sight You came along and I saw the light We’ll be friends forever..” Habang tahimik kaming nagsasayaw.. Napa-dasal na naman ako.. Siya lang ang nakapag-pabago sakin, Lord. Binigay niyo na siya sa’kin eh.. Pwede po bang ’wag niyo na muna siyang bawiin? ”I can’t face the thought of you leaving So take me along, I swear I’ll be strong..” O kaya.. kung kukunin niyo man siya.. Isama niyo na ako.. Kaya ko iyang alagaan kahit nasaan pa kami.. ”If you take me wherever you go, I wanna learn the things that you know Now that you make me believe..” “Kim.. Promise mo na magiging malakas ka ah?” Hindi siya sumagpot, pero ramdam kong tumango siya. Nakasandal siya sa dibdib ko.. ”I want you to take me Cause I long to be Able to see the things that you see.. Know that that whatever you do.. I’ll follow you.” “Ikaw din Popoy ah.. Promise mo na.. Kahit anong mangyari, magiging malakas ka.. Para satin.. Para sa sarili mo..” Ayokong sumagot. Alam ko naman ang pinapahiwatig niya.. ”Somebody must have sent you to me What do ‘I have you’ could possibly mean All I can give is my guarantee We’ll be friends, forever. I can’t face the thought of you leaving So take me along, I swear I’ll be strong..” Nagpatuloy kami sa pagsa-sayaw.. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin eh.. umuurong dila ko. “If you take me wherever you go, I wanna learn the things that you know Now that you make me believe.. I want you to take me Cause I long to be Able to see the things that you see.. Know that that whatever you do.. I’ll follow..” Maya-maya, narinig kong humihikbi na siya.. Umiiyak na naman siya. Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi siya dapat umiyak ngayon.. ”Oh, bakit na naman?” ”Bakit ba ’yan yung pinili mong kanta? Kainis naman eh..” ”Eh sa yan ang gusto kong sabihin eh..” ”Eh paano kung.. Paano kung mawala nga ako.. You’ll follow? Tsk.” ”Seryoso ako..” Sabi ko. ”Teach me more in each passing hour By your side, I know I would cover Is it true that you have the power to capture this moment in time..” “Wag mo namang sirain ang buhay mo para sa’kin ‘Poy.. Kapag tumigil na ang buhay ko, Hindi ibig sabihin nun titigil na rin ang buhay mo.. M-magkahiwalay ang puso natin.. Tumitibok ang puso mo dahil buhay ka.. Hindi dahil buhay ako..” “Anong gusto mong gawin ko? Mawawala ka na.. Ano pang silbi?” “Maawa ka naman sa Mama mo! Pati sa kinabukasan mo! Malayo pa ang mararating mo.. ’Wag mong itapon dahil lang sa’kin. W-willing naman akong mag-hintay sa’yo.. doon..” Takte. Masyado nang masakit Kim. Tama na. “Take me wherever you go, I wanna learn the things that you know Now that you make me believe.. I want you to take me Cause I long to be Able to see the things that you see.. Know that that whatever you do.. I’ll follow you..” “Basta tandaan mo Kim, mahal na mahal kita.. Kahit ano pang mangyari, ikaw lang ang minamahal at mamahalin ko ng ganito.. If I would love any other woman after you.. It would be our daughter..” “O-okay.. Sabi mo ‘yan ah? Mumultuhin kita pag sumuway ka..” “Wag ka ngang mag-biro ng ganyan..” ”Know that whatever you do, I’ll follow you..” “Hindi mo man ako Makita kapag hinahanap mo ko.. Pikit ka lang!! Makikita mo, naka-ngiti ako sa’yo. I love you.” Sabi niya nung matapos ang kanta. Tiningnan ko yung mga mata niya. Pinipilit maging masaya kahit sobrang nasasaktan na rin siya.. ”Ayoko.. Ayokong pumikit.. Baka pag pumikit ako, mawala ka na lang bigla sa paningin ko. Stay here..” I held her face.. Isang bagay na gusto kong gawin habang buhay.. Naisip ko, sana ganito lagi.. Now should be Forever.. “I love you..” Then we kissed. [Chapter 57] **Popoy’s POV** Tinawag kami ni Dra. sa office niya. May sasabihin daw siya. Sana good news na. Pagka-pasok na pagka-pasok naming nina Tito Paolo, binigla kami ng isang magandang balita. ”We have a donor.” Naka-ngiting sabi ni Dra. ”Talaga po? Sino po? Gusto kong mag-pasalamat ng personal!” Sabi ni Tito. ”Unfortunately, ayaw niyang magpa-kilala. Ka-edad ni Mrs. Valenzuela yung donor..” Napa-tingin kami kay Tita Yna, kitang-kita na nagkaroon ulit siya ng pag-asa. ”Sa isang nurse siya nag-sabi at sinabi niya na kay Kim nga raw siya magdo-donate.. Ang sabi lang niya, gusto niyang sabay silang operahan ni Kim, at sa parehong kwarto rin. Yun nga lang, ayaw niyang magpakilala unless tapos na ang operation.. Tinest namin at ka-match naman siya..” ”Salamat talaga sa Diyos.. Ngayon, may pag-asa na talaga!” Sabi ni Tita Yna. ”Pero problema pa rin natin yung operation. Sana kayanin ni Kim ang operation. Habang ongoing ang operation, parehong nasa critical stage ang donor at recipient. All you can do is pray. Next week, gagawin na natin ang operation. Aayusin lang naming yung papers. Excuse me.” Umalis na si Dra. Naiwan kaming naka-ngiti. Kahit papaano, may donor na. Kailangan mo lang maging matatag Kim. Pag-uwi ko, ibinalita ko kaagad sa barkada yun. Tuwang-tuwa sila at pinangako nila na nandun sila sa araw ng operasyon. Aantayin namin hanggang sa matapos ang operasyon. Pati pala si Ace, alam na rin ang sitwasyon ni Kim. Gusto niya ngang pumunta rito pero sabi ni Kim, kami na raw ang dadalaw pagka-gumaling na siya. Lakas ng fighting spirit ng bride ko. Dumating si Mama, niyakap ko kaagad siya. ”Oh, masaya ka yata ha?” Tanong niya. ”Sobra, Ma. May donor na si Kim! May pag-asa nang makaka-ligtas siya!!” Napa-ngiti si Mama.. Pero parang.. may mali sa kanya eh.. ”Ma, saan ka ba galing?” ”Ah, wala. Namili lang ng konti. Boring dito sa bahay natin. Haha! Sige, akyat na ’ko. Napagod ako eh.” ”Ma naman kasi. Alam mong bawal ka mag-pagod. Akala mo kasit teenager ka na walang sakit.” ”Yeah right Anak. Haha! Okay lang ako no! Asahan mong hanggang next week eh magiging busy ako. Sige..” Tapos umakyat na si Mama. Buti na lang hindi sakitin ngayon si Mama. Kundi, mababaliw na ko kapag yung dalawang babae sa buhay ko parehong naka-ratay sa kama. Na-alala ko, si Mama ang pumipilit sa’kin na balikan ko si Kim. Totoo nga yatang mother knows best. Kung di dahil kay Mama, hindi ako makikipag-bati kay Kim, hindi ko malalaman na may sakt siya at hindi ko siya makakasama sa pinaka-malaking pagsubok sa buhay niya. Pweh. Baduy ko. Basta, masaya ako ngayon. Mukhang pinapakinggan naman ang mga dasal ko. Masyado nang loaded ang utak ko sa mga nangyayari. Gusto ko naman maging masaya ulit kami nang walang iniisip at ina-alalang problema. Sana magtuloy-tuloy na. [Chapter 58] **Popoy’s POV** “Basta pagka-tapos ng operation, diretso tayong Korea!!!” ”Lul! Paano mga klase natin?” ”Tsaka pagpahingahin muna natin si Kim no!!” ”He! Mga KJ!!” Maingay ngayon sa hospital room ni Kim. Nandito ang buong barkada, sumusuporta para sa laban ni Kim mamaya.. Kahit papaano, nakikita kong ngumingiti si Kim.. Kailangang-kailangan ko yung mga ngiti niyang yun para magpatuloy ako sa buhay ko.. Mamaya-maya, kukunin na siya at dadalhin sa operating room.. Gagawin na ang transplant.. Kasama niya sa isang kwarto ang isang tao na hindi naman namin kilala. Pero kahit ganoon, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.. Kung sino man siya, siya na siguro ang sagot ni Lord sa mga dasal namin.. Kahit na alam niyang kritikal silang dalawa ni Kim, willing pa rin siyang maging donor. Naisip ko na naman yung mga posibilidad.. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.. Kahit hindi niya sabihin, alam kong pinapalakas niya ang loob ko.. Para bang sinasabi niya na, ”Wag kang sumimangot! Kakayanin ko ’to..” Hinalikan ko siya sa noo. Pagkatapos nun, pumasok na si Dra., kasama sina Tita Yna at Tito Paolo, tapos kasama na rin sina Tita Sandra at Tito Cedric, yung mga tumayong magulang ni Kim nung bata pa siya. Sa kanila nakuha ni Kim yung last name niya. Natahimik lahat nung pumasok sila. ”Kim..” Alam kong sa puntong ’yon, kailangan ko munang bitawan si Kim.. At ipaubaya siya sa Diyos at kay Dra. Hinalikan ko siya ulit, huling beses bago siya pumasok sa O.R. ”Be Strong. Mahal kita.” Sabi ko, hinigpitan niya ulit ang hawak sa kamay ko. Yun na lang ang kaya niya, hindi siya makapag-salita. ”Pwede kayong sumama sa’min hanggang sa labas ng Operating Room, pero hindi kayo pwedeng pumasok.” Sabi ni Dra. Kumapit naman ako sa kama ni Kim habang papunta kami sa O.R.. Naka-tingin lang ako sa mukha niya habang natutulog siya. Lumaban ka Kim.. Nakarating na kami sa pintuan. ”Gagawin ko lahat. Ipagdasal niyo na lang kami ha? Nasa loob na ang donor. Sabay silang ooperahan.” Ngumiti si Dra. Umupo kaming lahat habang tinitingnang unti-unting pinapasok si Kim sa Operating Room. It’s now or never. Tahimik kaming lahat habang iniintay lang sila. Hindi namin alam kung kelan matatapos.. Yung mga magulang ni Kim, kasama yung mga umampon sa kanya noon, pabalikbalik sa chapel. Hindi sila mapakali. Ang barkada naman, dinadamayan lang ako. Palakad-lakad sila sa harap ko. Alam kong lahat kami pressured sa nangyayari. Ako naman, hindi ako makaalis sa inu-upuan ko. Naka-tungo lang ako, nagda-dasal. Ayokong umalis dito.. Ayokong mawala kahit isang segundo sa paningin ko si Kim. Kumusta na kaya siya dun? Sana naman lumalaban siya. Lord, samahan niyo siya.. Bakit kasi bawal pumasok dun? Hindi naman ako manggugulo sa kanila ah? Gusto kong makita si Kim.. Gusto ko siyang hawakan para maramdaman niya na nasa tabi niya ako palagi.. ”Popoy, tama na ’yan. Malakas si Kim, kaya niya ’yan.” Sabi ni Christian. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. ”Sensya ’tol. Mahirap eh. Pamatay.” Sabi ko, tapos natahimik ulit kami. Ang tagal ng oras... Parang bawat minuto, nagigng oras.. Kailan ba sila matatapos? Takte naman! ”Mga ’tol... lalabas si Dra.!!!” Napatayo kami sa sinabi ni Christian, siya yung nakadungaw sa bintana. Nakita naming nagmamadali si Dra. ”Doc Kumusta------” ”Sorry, Popoy.. Calm down okay? We’re doing everything we can..” ”Eh ano nga po ba kasing nangyayari??” ”Parehong 50/50 ang donor at si Kim.. Excuse me kailangan kong magmadali.” Tapos tumakbo na si Dra. kasunod yung ibang nurse. Hindi ako makagalaw sa narinig ko.. 50/50? Yung donor at si Kim? Ano ba naman ‘yan? Nag-simula na ring mag-dasal ang mga kasama ko, tapos dumating na sina Tita Yna. Mukhang naka-salubong din nila si Dra. ”No, ayokong mawala ang kaisa-isa nating anak Paolo..!” Umiiyak si Tita Yna, pinapa-kalma siya ni Tito. ”Shh! Lumalaban siya. We should do our parts. Kailangan maging malakas tayo para sa kanya.” Sabi ni Tito. Kim naman, ’wag kang ganyan! Maya-maya, nakikita naming pabalik na yung mga nurse at si Dra. ”Dra.!! Ano na po bang nangyayari? Please, iligtas niyo si KIM!!” Napaluhod na si Tita Yna. “Please, kumalma kayong lahat. Ipagdasal niyo na lang siya. Ginagawa na naming ang lahat. Intayin niyo lang kami.” Paano ba kami kakalma kung ganito ang sitwasyon? D*mn!! Tumakbo ako papasok sa pinto. Pag naka-pasok na ako, makikita ko yung pinto papunta sa O.R. ”POPOY!!” Tinatawag nila akong lahat. Wag niyo kong pigilan, ako ang magpapalaks kay Kim! Papalapit na ako sa pinto, hawak ko na yung doorknob. Kim!! ”Popoy! Bumalik ka doon! Wala kang maitutulong kung magkakaganyan ka!!” Hiwakan na ako nung dalawang nurse sa braso ko. ”BITAWAN NIYO AKO!! PAPASOK AKO SA LOOB!!! KAILANGAN AKO NI KIM!!!” Nagpupumiglas ako pero nadagdagan pa yung kumakapit sa’kin. Bwisit naman!!! ”Kung manggugulo ka, lalo lang lalala ang sitwasyon!!! Tama na!!” Sinisigawan na ako ni Dra. Maya-maya, dumating na rin sina Christian at pinipigilan na rin ako.. Kahit anong pagpupumiglas ko, hindi ako maka-alis. ”ANO BA?!! BITAWAN NIYO SABI AKO!! KIM!! LUMABAN KA!! KAILANGAN AKO NI KIM! HAYAAN NIYO AKONG PUMASOK DOON!! Nagmamaka-awa na ako, utang na loob.. Papasukin niyo ako!! OPEN that door!!!” Sinisipa ko na yung pintuan, pero wala pa rin. Nagdidilim na ang paningin ko, wala na akong pakialam sa paligid ko. Hindi ko na rin marinig nang malinaw ang mga sinisigaw nila sa’kin. Ang alam ko lang, kailangan ako ni Kim. Kailangang maka-punta ako sa kanya. Kailangan ko siya... ”Parang awa niyo na... Kim..” Naramdaman kong may yumakap sa’kin. ”Tama na, Poy,, Lumalaban si Kim, alam ko ’yan.. Pag nakita ka niyang ganyan, lalo siyang manghihina.. p-please.. Balik na tayo doon.. Tara na.. Tandaan mo lang na mahal na mahal ka ni Kim..” Sabi ni Tita Yna. Kahit papaano, napa-kalma ako noon. Kim.. Wag mo kong iiwan.. Hindi ko kakayanin.. Napa-upo ako sa sahig.. Hawak ang ulo ko.. Pinapahid ang luha ko. Bakit ko pa nga ba pinupunasan? Hindi rin naman titigil ’to. Ikaw lang ang makakapagpa-tigil nito, Kim.. Kaya please.. Tumayo ka na dyan.. Wag mo na akong pahirapan.. Naka-ilang oras pa na nasa loob si Kim, at walang umiimik sa amin. Hindi ko alam kung anong nangyayari.. Maya-maya, lumabas na si Dra., mahinahon, hindi katulad kanina na nagmamadali. Dahan-dahan akong napatayo.. “Tapos na kami.. Ginawa namin lahat..” Halong tuwa at lungkot yung tono ni Dra. Ano bang ibig sabihin niya? ”Sige Popoy, i-ikaw na ang mauna..” Sabi ni Tito. Dahan-dahan, naglakad ako papasok sa kwarto. Nakakasalubong ko yung mga nurse na palabas ng O.R.. Napapa-tungo sila tuwing makakasalubong ako. Mababaliw na ako! Bakit ganyan sila? L*nt*k Dahan-dahan, lumapit ako sa kwarto. Naramdaman ko ang pag-hawak ni Dra. sa balikat ko.. ”I’m sorry.. I’m really, really Sorry, Popoy..” Kasabay ng pag-bukas ng pintuan ay ang pag-patak ng mga luha ko, at pag-guho ng mundo ko. [EPILOGUE] Umihip ulit ang malakas na hangin, napahawak ako sa puntod niya.. “Miss na kita.. Sobra..” Sabi ko habang inaayos ang mga dala kong bulaklak. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa loob ko ang pagkawala niya.. Sa huling pagkaka-taon sa taong ’to, tinitigan ko ang puntod niya.. Pinapigilan ko yung pag-tulo ng mga luha ko. Lalo na kapag naa-alala ko yung sulat na iniwan niya bago siya mawala.. ”Popoy, ’Wag ka magagalit sa ginawa ko ha? Mahal na mahal kita.. Masakit sa akin na iwan ang kaisa-isa kong anak na nagbi-binata pa lang, pero mas masakit sa’kin yung makita kang nahihirapan at nasasaktan ng sobra. Naisip ko noon, kung pwede lang na ako na lang ang mawala, wag na si Kim. Pero pwede naman talaga. Nung nalaman ko na kailangan ni Kim ng donor, nagpa-test kaagad ako. Nung sinabi na magka-match kami ng tissues, pumayag kaagad ako. Kung papalaring mabuhay si Kim, mas mahaba pa ang pagsasamahan niyo.. Madami na tayong napag-samahan.. Tsaka, malayo pa ang mararating ni Kim.. Magiging masaya ka hanggang sa pagtanda niyo. Kaya ’wag na ’wag kayong magb-break ha? I’m watching you, kids. Sabi ko kay Dra., ibigay ’to kapag naging maayos ang operasyon. Kaya siguro ngayon, kahit papaano sasaya ka na, anak. Masakit lang sa una, wala na ang maganda mong Mama. Tandaan mo lang na mahal na mahal kita, kahit na iniwan tayo ng Papa mo. Tingnan mo lang si Kim, makikita mo rin ako sa kanya. P.S. Ikumusta mo ako sa mga magiging apo ko ha? I love you, anak. Ezra Marques.” Tumulo ulit ang luha ko sa mismong pangalan ni Mama na naka-ukit sa puntod niya. Medyo nabawasan na pero mabigat pa rin sa dibdib kapag naa-alala ko. Binigay niya yung sulat kay Dra. Nung matapos ang operasyon, nalaman nina Dra. na siya pala ang nanay ko, kaya abot-abot ang pagso-sorry nila sa’kin. Ang nanay ko kasi, ang daming alam na pakulo. Pero hindi dapat malungkot. Ginawa niya yun para sa’kin, para sa’min ni Kim. Aalagaan ko si Kim, sa ganun parang si Mama na rin ang ina-alagaan ko. ”Sorry.. Sorry talaga ulit sa nangyari..” Nakikita ko pa rin ang guilt sa mga mata ni Kim. Anim na taon na simula nung operasyon at balik na sa normal ang lahat.. Mahaba na ulit ang buhok ni Kim at bumalik na yung dati niyang katawan.. Halos walang naiba.. Pero syempre, may mga bagay pa rin na nabago.. Katulad ng last name ni Kim. Siya na ngayon si Mrs. Kimberly Joyce T. Marques. Kinasal kami dalawang taon pagka-tapos gumraduate at nung maka-hanap na ako ng maayos na trabaho. Maayos na ang buhay namin, may sarili kaming bahay, kotse. Naging maayos ang takbo ng lahat, kahit na syempre, hindi maiiwasan ang mga tampuhan. Pero hindi ko pinapalipas ang isang araw nang hindi kami nagkaka-ayos. ”Ano ka ba, okay na yun. Ang mahalaga, buhay ka at masaya na tayong dalawa. Alam ko rin na kung nasaan man si Mama, masaya na siya para sa atin..” Ngumiti siya, yung ngiting nakapag-palakas ng loob ko nung mga panahong wala na akong makapitan. ”Promise.. Hindi ko sasayangin yung cnhance na binigay ni Mama Ezra.. Okay! Tara na..” Sumakay na kami sa kotse. Binagalan ko lang ang pagd-drive, hindi pa naman ako mahuhuli.. Gusto kong lubusin yung mga oras habang magkasama kami.. Maya-maya, magkakahiwalay na naman kami.. Nagk-kentuhan kami ng kung anu-ano habang nasa byahe. Isa’t-kalahating oras din ang byahe papuntang airport. Alam kong mabigat sa loob ni Kim tuwing iiwan ko siya at pupunta sa ibang lugar para sa mga trabaho ko. Marami na akong nagawang buildings, tulay at lahat ng mga ginagawa ng engineer. Utang ko sa trabaho ko yung magandang buhay na nabibigay ko sa asawa ko. Naiintindihan naman niya. Kaya lalo ko siyang minamahal eh. Kahit kasal na kami, hindi nabawasan yun.. Nadadagdagan pa nga eh. Pitong buwan ang kontrata ko sa London ngayon. Matagal-tagal din. Hindi naman ganoon kahirap eh. Mahal namin ang isa’t-isa, tiwala lang talaga. Katulad sa araw-araw, mabilis lang na lumilipas ang oras kapag siya ang kasama ko. Ngayon, nasa airport na kami. Umupo lang kami ng konti, tapos tinawag na yung flight ko. ”Oh, pano ba yan? Aalis na naman ang gwapo mong asawa. Magi-ingat ka ha? Yung kotse dalhin mo na pauwi. Kapag may kailangan ka, tawag ka kaagad. Nandyan naman si Manang. At, tandaan mong malalaman ko kapag may iba kang dine-date.” ”OPO.” She grinned. Tinawag ulit ang flight ko. ”Sige, kailangan ko na pumunta dun. I love you, Wife.” Hinalikan ko siya sa labi. Huling beses sa pitong buwan na dadaan. =___= Paalis na ako pero hinawakan niya ako. ”Teka lang!” May kinuha siya sa bag niya. ”Eto, surprise ko sa’yo. Buksan mo sa eroplano ha? I love you, too. Sige na, Shoo na.” ”Tingnan mo, tinataboy mo pa ako. May date ka pagka-tapos nito ano?” “Eeeeh!! Pasok ka na! Baka mag-bago isip ko, hindi na kita paalisin..” We both grinned. Pumasok na ako sa eroplano at nakita kong palabas na siya ng airport. Napa-hinga ako nang malalim. Mami-miss ko siya. Nag-text pa nga siya bago ako maka-akyat eh, From: Wifey Yung surprise ko!! Ano kaya ‘to? Dahan-dahan, binuksan ko yung kahon. Simple lang na kahon yun na may nakataling ribbon. May maliit na bagay na naka-balot sa papel doon, maganda yung pagkaka-balot, tapos may naka-kapit na note: ”Hihintayin ka namin. :”>” Napa-ngiti na lang ako. Ang asawa ko talaga. Siguro regalo nila ng buong barkada. Pero nagulat ako, natuwa, naiyak at napa-ngiti ng sobra sa nakita ko sa loob. Parang gusto kong bumaba sa eroplano at halikan siya ulit. Pregnancy test na may dalawang guhit. Hinihintay nga nila ako. Ng asawa ko, at nang magiging anak ko. ~Fin~ Finished: January 10, 2012. 9:15 PM.