Love Team “Could a FANTASY ever turn into a REALITY?” Written by Kharu435 of Wattpad @2011 (kharu435@yahoo.com) All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional, note that the names of characters, time, place and events are story bound. Thank you. ^__^ Picture Gallery: (Main Characters only) Paolo Valenzuela Hanna Erika Montero Prances Romina Ilao Lindsay Guillo Yuya Mazehara < Introduction > Gusto kita, ay hindi. Gustong-gusto kita.. Palagi kong iniisip kung.. Sa mga panahong wala kang ginagawa.. Naiisip mo rin kaya ako? O sa mga pagkakataong hindi tayo nagkikita.. Nami-miss mo rin kaya ako? Araw-araw, tinititigan kita ng matagal kahit nasa malayo ako.. Umaasang kahit isang segundong sulyap lang.. Masuklian yung ilang oras kong paghihintay.. Ganun rin ba ang nararamdaman mo? Hindi naman ako mahirap mahalin.. Pero bakit ganun? Sa pagsabi ko ng nararamdaman ko para sayo.. ”Salamat” lang ang naisagot mo? *tears falling* *CLAPS* ”CUT!! Nice one Yna! Sige mag-sisimula na ang klase. Bukas ganitong oras pa rin okay? And please Yna, sabihin mo kay Paolo na umattend ng rehearsals. Hindi pwede ang VIP treatment dito.” “Okay sir..” Psh.. Nakaka-pagod. *yaaaaaaaawns* Inaantok pa ko.. Kasi naman, 8 AM pa ang klase namin pero kailangan 6 AM nandito na ‘ko kasi palagi kaming may rehearsals sa drama club. Bakit ba kasi since first year ako eh sa’kin na lagi binibigay ang major roles.. At napaka-unfaaaaaaaaaaaiiiiiir!!! >O< Napaka-aga ko at sumusunod ako sa lahat ng bilin ng adviser ng club, pagkatapos yung “partner” ko since first year eh ang siiiiiiiipag-siiiiiiiiiiipag umattend ng rehearsals. Talk about sarcasm huh. Para akong ewan kanina na nagco-confess sa taong wala naman sa harap ko. Well mas gusto ko na yun kesa naman nasa harap ko yung Paolo Valenzuela na yun habang sinasabi ko yung mga kakornihang yun. Grrr.. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi siya pumapalya sa performances despite his laziness. I soooooooo hate that guy kahit gaano pa siya ka-gwapo at kahit pa ilang tao sa buong universe ang mag-sabing bagay na bagay daw kami. Kung hindi lang sa drama club, hinding-hindi ko talaga lalapitan yun.. Kaso, dahil nga inaalagaan namin ang ”image” namin as ‘love team’ of the century, (eeew) kailangan mag-pretend na okay kami sa harap ng students. Wag niyo nang itanong kung paano kami kapag kami lang, please? Perfect “couple material” daw kaming dalawa at the best love team ng drama club. Hindi pa ba sila nagsasawa sa mga mukha namin na apat na taon na nilang nakikita sa stage?? At tokwa, puro love stories pa ang pinapa-act sa’min. +_______+ Gosh I’m really talkative. Prances Romina Ilao here. Yna for short, and I promise to give a good punch to anyone who thinks that my name is boyish. Haha!! Just joking. Ewan ko lang kung masabihan niyo ako ng boyish kapag nakita niyo pag-mumukha ko. ^_____^ And their story starts here- [ Scene 1 ] “Hi Prances!!” “Hi Ate Yna!!” “Good Morning Yna!!” "Waaaa!! Ang ganda mo Ate!" Ganyan palagi ang simula ng araw ko sa school. Natutuwa ako kasi madami akong kaibigan dito, Hindi sa pagmamayabang, kilala ako ng lahat.. ^O^ “Good Morning din sa inyo!” “Ate! Napanood ko yung practice mo kanina, ang galling mo talaga!” Sabi nung isang third year. “Oh? Salamat!! Sige magsisimula na klase natin, baka ma-late tayo.. Salamat ulit!” “Sayang lang wala si Kuya Paolo no?” =___= Paolo. Grr. “Oo nga eh, parang hindi na kayo nasanay dun? Palagi naman yung late eh..” – Ako “Ayee.. Kilala niyo na talaga ang isa’t-isa.. kinikilig ako! Sige Ate!” Ugh. Tatlong taon ko nang ginagawa ‘to, Hindiiii pa rin ako masanay-sanay. Tatlong taon na akong nagku-kunwari na gusto ko talaga si Paolo.. Utos yun sa’ming dalawa.. Para mapangalagaan yung image at yung chemistry naming sa stage. Chemistry. Eew. Pinch me!! Akala kasi talaga nila inlove kami sa isa’t-isa!! Yan ang hirap kapag magaling kang umarte eh! Di bale, last year na naman ‘to.. After this, I’m free. ^O^ Hindi ko rin alam kung bakit inis na inis ako sa siopao na yun. Basta nagising na lang ako isang araw na ginagawa ko nang target sa dart at pinapakalmot sa laga kong pusa yung picture niya. “Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong ni Sandra. Bestfriend ko. ^^ Yung kaisa-isang tao sa school na may alam nang totoong nangyayari sa’min ni Siopao. Bakit nga pala Siopao? XDD Kasi, Paolo nga ang pangalan niya. Tapos, ang hilaw-hilaaaaaaaaaw ng balat niya. I mean, hindi normal para sa weather ng Pilipinas. May lahi kasi. Yung buhok pa niya medyo, ay hindi pala medyo! Blonde siya, tapos medyo kulot. Don't get me wrong, araw-araw ko siyang pinagtitiisan kaya malamang, saulado ko na pagmu-mukha niya. Well, maputi rin naman ako. Pero ibang level siya! Okay, so much for that Siopao. =_= “Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan?” Sabi ko kay Sandi. “Haha! Ano bang ginawa sa’yo ni Paolo para kamuhian mo siya ng ganyan? Eh halos araw-araw mag-kasama naman kayo ah!” “Ah ewan! Change topic! Basta I hate him! Period! Napaka-antipatiko. Grr.” “Ewan ko sa’yo. Haha!” --“Aaaaaaaaaaahh!! Si Paolooooooo!!” “Hi Kuya Paolo!!!” Psh. Speaking of Siopao. >O< “Uyy, nakit hindi ka umattend ng practice kanina? Mag-isa lang si Yna oh..” Nagtanong ka pa? +__+ Pumasok na siya at lumapit sa’kin. “Oh? Sorry Yna.. Na-lungkot ka raw nung wala ako? Na-traffic ako eh. Na-miss din kita Di bale, libre na lang kita ng lunch ^____^” Ngiting-ngiti pa siya jan… Kumindat pa!! Sarap umbagan oh! Kinikilabutan ako! Syempre dahil nasa public kami, kunwari magka-sundong magka-sundo kami. Nakaka-pagod na. =_________= "Talaga? Yay! Excited na ako!!" Na mawala ka sa buhay ko. =__= Hindi ako salbahe, hindi ko lang talaga siya gusto. At hinding-hindi ko siya magugustuhan. Itaga niyo pa sa semento. [Scene 2 ] "And CUT!! Good. Paolo, mabuti naman at naisipan mo nang umattend ng practice ngayon? 'Di ba sabi ko ayoko nang nale-late? Sa apat na taong ako ang adviser niyo sa drama club, dapat alam mo na yan." Go Sir!! Gisahin at i-steam niyo na 'yang Siopao na 'yan! "Ah, Sir, hindi niya naman po sinasadya eh.. Na-traffic lang po si Paolo.." Painosente kong sabi kay Sir, yung adviser ng drama club. Binelatan ko pa si Siopao ng palihim. =P Alam na alam ko na takbo ng mga ganitong scenes eh.. For sure, ganito ang mga posiblen sabihin ni Sir: A. "Wag mo siyang pag-takpan Yna! Mali ang ginawa niya!" B. " Warning na sa'yo 'to Valenzuela, next time, aalisin na kita sa main cast at mawawalan ka ng extra grades!!" or worst.. or should I say.. the BEST. XDD C. "TANGGAL KA NA SA DRAMA CLUB!! GET OUT!!" Yay! Eto na Eto na Eto na Eto na Eto na Eto n-----"Oh? Well, dapat matuto ka nang maging responsable at punctual Paolo. Huwag nang uulitin okay? Dismissed." YUN LANG??!! WALA MAN LANG SERMON!?? "Salamat sa page-explain para sa'kin, Yna." Naka-ngiti siya ng mapang-asar. The nerve! I gave him a sarcastic smile. "No problem" "Ikaw ha, siguro. Excited ka lang na matapos na ang rehearsals at masolo mo ako habang papasok sa klase.. Sana sinasabi mo na lang sa'kin.." Anong kabalbalan ang sinasabi ng Siopao na 'to??!! "HOY SIOPAO! ASSUMING KA HA? Mas makapal pa yata sa script natin 'yang pagmu-mukha mo! Pasalamat ka good vibes si Sir kanina! At ano?? Gusto kong masolo ka? Hah! MAG-ISA KA!!" Sabay irap at talikod ko sa kanya. Kaso, pag-lingon ko sa pintuan.. O____________O Uh-oh.. >____< "Uhmmm.. Di ba sila si Yna at Paolo, yung sikat na love team ng drama club?" "Oo!! Nag-aaway sila? Oh no!" "Naku, sayang naman. Ayoko nang manood sa drama club kung mawawala sila.." Bulung-bulungan nung mga students na nakakita sa'min.. Uh-oh. ACTIVATE: SELF-DESTRUCT BUTTON!! Self-destruct, kasi sa gagawin ko, parang pina-sabog ko na rin ang sarili ko. =____= Hinarap ko siya.. "Mag-isa ka.. Mag-isa ka lang sa buhay ko.." Iflashed my sweetest smile. Naman. Babayaran niya 'to. >O< Nakita kong nanlaki yung mata niya. *hampas noo* Na-misinterpret pa ata! STUPIIIIIIIID. Nginuso ko yung mga tao sa likuran ko. Mukhang na=gets naman niya. "A-ah!! I know.. Ikaw rin naman Siomai eh, mag-isa ka rin lang para sa'kin.. Tara na!" Sabay akbay niya sa'kin. S-S-S-S-SIOMAI????? "Sabi ko sa inyo hindi sila nag-aaway eh!" "At ang cute ng tawagan nila! Siopao at Siomai! Eeeeeeeeeeehh!!" Tapos umalis na sila. He smirked then left. Cute? Eeeeeeeeeeew!!!! Kanilang-kanila na!!! In the first place, hindi ko na pala dapat ginawa 'yun. TT>TT ********************************** [ Scene 3 ] **PAOLO'S POV** "Mag-isa ka.. Mag-isa ka lang sa buhay ko.. ^__________________^" O___________O A-anong sabi niya??! A-Ako lang??! Bigla siyang ngumuso.. Yung parang may tinuturo sa likod niya..? Nung tumingin ako.. May tao pala. Pantae oh.!! Akala ko pa naman……. Psh. Palabas lang pala ulit. Na-dali ako dun ah! =______= ”A-ah!! I know! Ikaw rin naman Siomai eh, mag-isa ka lang para sa’kin. Tara na!” Tapos inakbayan ko siya pababa ng stage. Woo!!! Kala niya siya lang ha? Siopao siya nang Siopao. Siomai ka ngayon. Haha!! Para bagay tayo. B’DD Tuwang-tuwa yung mga naka-kita sa’min kanina. Akala nila, okay kami. Akala nila, gusto namin ang isa’t-isa. Kaso, yun nga. AKALA LANG NILA YUN. Psh. =____= Ano bang ka-ayaw-ayaw sa’kin at kahit kelan hindi ako na-gustuhan ng babaeng ’to? Alam ko, wala sa itsura ko at HINDI BAGAY sa itsura ko ang mga ganitong kabaklaan. Yun bang sinasabing ’Love at First Sight’? Akala ko rin hindi totoo eh. Eh anong magagawa ko? Takteng mata ’to. Hindi marunong mamili ng tititigan. =___= **flashback** (Drama Club Auditions, Freshmen Year) Tsk. =____= Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-punta rito. Ni wala nga akong hilig sa pag-arte. Pinilit lang ako nung teacher namin. Anong gusto nilang gawin ko? Umiyak? Mag-lupasay? Magbaliw-baliwan? O yung walang kamatayang ’Inay! Inay! Bakit niyo po ako iniwan!?” Putek. Kung ganyan lang, uuwi na ‘ko. Wala namang magandang nangya-yari dito sa------”Sir! Sorry I’m *breathe* late!” May pumasok na babae, first year din. Hinihingal siya. “It’s okay. Take your seat.” = Tumingin-tingin siya sa paligid. Tapos, tumingin siya sa direksyon ko. Ngumiti siya habang nag-lalakad papalapit sa’kin. Ano ’to? Nananaginip ba ’ko?? Bakit parang biglang nag-slowmo lahat? Tapos parang kumikinang ang buong paligid? Sa puntong yun,, gustong-gusto ko nang i-taktak ang ulo ko sa lamesa para matauhan ako. Baka may sita na eh. =____= ”Tol, kinakausap ka..” Kinulbit ako nung katabi ko. ”H-ha??” ”Uhm.. Sabi ko.. Kung pwedeng umupo sa tabi mo..?” Tinuro nung babae yung upuan sa tabi ko. ”A-ah? Sige lang!” ”Thanks!” Ngumiti siya at umupo na sa tabi ko. ’Di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nagka-stiff neck na yata ako. ”Ilao, Prances Romina.” Tawag nung nago-audition. “Ako po!!” Tumayo yung katabi ko. Prances pala ang pangalan niya.... ”Introduce yourself then act.” Nag-punta siya sa unahan. ”Hi! ”I’m Prances Romina Ilao. Just call me Yna. I’m a freshman, 13 years old” Tapos nag-simula na siyang umarte. Walanjo. Ang galing! Hindi kulang, hindi O.A. <3___<3 ”In. Next” ...... ”Tol, bingi ka ba? Ikaw bna sunod.” ”VALENZUELA, PAOLO!” ”A-Ako po!!” Lintek na titig yan. ”Uhm.. I’m Paolo Valenzuele, Freshman, 13 years old.” Naka-tingin silang lahat. Pati yung babae.. Pasok na siya.. Kailangan.. G-galingan ko.. @__@ Nung natapos ako, pumalakpak sila.. ”In. Next please.” Whoa? Hindi nga? Huwahaha!! May ibubuga pala ako!! Yung sunod, by partner. Ang kapartner eh yung katabi. I-ibig sabihin........ ”Partner tayo Paolo!! Galingan natin!” Ngumiti na naman siya. Huwaaaw. ”Eto ang ia-act niyo Paolo ang Yna, re-rape-in ni boy si girl. Start.” Anak ng… Tama bang ipagawa yun sa first year students?Are they insane? Pag-tingin k okay Yna, naka-ngiti pa siya. ”Kaya natin ’to!” Desperada na ba ’to?? Tsaka, masaya pa siya na re-rape-in ko siya? Di ba dapat ako ang masaya? ?____? Umupo ako sa sulok tapso kunwari dadaan siya tapos mangya-yari ang ’malagim’ kong plano. Nag-simula na siya... Hinatak ko siya at inihiga sa props na lamesa.. Yak. Ang sagwa! Yung mukha niya.. Takot na takot.. Emote talaga. Pfft. Teka.. N-natatawa ako.. Anong sunod kong gagawin K-kailangang.. pfft... ppigilan.. Papalapit na ako sa leeg niya.. kaya lang.. ”HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Miss.. Ano.. Hahahaha!!!” Hindi ko na napigilan.. Tumatawa ako habang naka-turo sa kanya.. Patay! Eh sa natatawa talaga ako eh! XDD Natawa na rin yung audience. ”Aargh!! Bakit ka tumatawa?!!” Bulong niya sa’kin. ”Eh.. K-kasi.. Haaha!!” Tinulak niya ako saka pinagha-hampas.. ”Sinisira mo ang audition ko!! I hate you!! Aaaah!! Pinahiya mo ako!!” Ayoko na sayo!!” Maluha-luha at mahina niyang sabi. Hala!! Patay!! Sinandal ko siya sa pader. Umiiyak na siya eh, kailangan seryosohin ko na rin ’to. Natahimik lahat. ”Miss, ayaw mo? Baka gusto mong dumanak ang dugo rito??” Seryoso at medyo galit kong sabi. Nagulat siya, tapos.. Biglang humagulhol ng malakas? Ano na namang ginawa ko??!! ”STOP!” Sigaw nung teacher, tapos nakita namin.. “Good. Very good.” Nakatayo silang lahat. O_O “Pst.. Tingnan mo oh… Pasok tayo..” Sabi ko kay Yna, kaso pag-lingon ko.. NANLILISIK ANG MATA NIYA SA’KIN. ?___? ”I hate you.” Tapos humarap siya sa audience, nag-vow at umupo malayo sa tabi ko. Simula nun, kami na ang naging lead actors ng drama club, at simula din noon, ang inti na palagi ng dugo niya sa’kin. **end of flashback** Ano bang ginawa ko? Pasok naman kami ah? Wala naming dahilan para kainisan niya ako ng ganito. Di ba?? ~___~ [ Scene 4 ] **YNA’S POV** “Aha!! Ahahaha!! Haha!! Grabe!! Siomai ka na pala ngayon ha! Panis Hahaha!!” Tinatawanan ako ni Sandi =_____= “Sige, tumawa ka! Kapag ikaw hinika at na-stroke, hinding-hindi kita tutulungan! Mangisay ka diyan bahala ka!” “To naman!! Masyadong pikon! Eh sa haveeii talaga yung Siomai niya eh!! Taob yung siopao mo! Haha!!” “Aargh!! Kainis ka! Stop that!” “Okay. Okay. Titigil na.” Tumigil siya pero halatang nagi-pigil pa ng tawa. Ugh. I really hate you Paolo Valenzuela!! Kahit kailan hindi kita magu-gustuhan! “Pero seryoso..” Aba, tumigil na pala siya sa pag-tawa. ~__~ “Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Paolo? Araw-araw naman mag-kasama kayo… Hindi ka ba nahi-hirapan?” Napa-isip naman ako dun.. Bakit nga ba ayaw na ayaw ko sa kanya? Kung tutuusin, mababaw lang naman yung pinag-simulan ng inis ko sa kanya. Ewan basta inis ako sa kanya.. Siguro, parang ‘love’ lang yan. Habang tumatagal, lalong tumitindi o lumalaki yung nararamdaman mo sa isang tao.. Kahit hindi mo namamalayan, kahit hindi mo kagustuhan. KAYA GALIT AKO SA KANYA. TAPOS ANG USAPAN. Waaaaaaaaa!! Parang ang salbahe ko na tuloy >O< Sa kanya lang ako asar ah, kaya sa iba mabait naman ako. “Hmm.. Ewan! Hindi naman. Sanay na ‘ko eh.” Sinagot ko na yung tanong niya, naghi-hintay talaga siya ng sagot eh. “Ganun? Baka naman……. Excuse mo lang ‘yan.. Kasi ang totoo… Gusto mo talaga siya??” O______________O “What? Alam mo ba ang sinasabi mo? Ikaw na nga ang may sabi, araw-araw magkasama kami pero hindi ko talaga siya nagu-gustuhan. And I’ve been like that for three long years!!! Tingin mo posible yang sinasabi mo? NEVER.” “Psh. Oo na. Defensive mo. Basta, sabi mo ‘yan ha. Walang bawian.” Then she smirked. Aba!! “O-of course!! Kailan ba ako bumali ng promise?” “Baka ngayon pa lang..” She said. “Sandra??” “Just joking. ^_____^” “Pwede ba tigilan mo na pangi-intriga sa’min? Have mercy =___=” “Haha!! We’ll see!!” Kainis namaaaaaan. Hindi ko naman talaga siya gusto eh! In fact ni hindi ko nga siya kaibigan. At ga-graduate ako ng hindi siya pino-problema. Got it? ^________^ ********************************************************************* [ Scene 5 ] **YNA’S POV** ”Paolo and Yna, iiwan ko muna kayo okay? Mag-practice lang kayo. Matagal pa ang time.” ”YesSir..” Sagot namin ni Siopao. Tsk! Maiiwan na naman ako kasama nito!! ”Oo nga pala, aayusin ko na yung venue ng auditions para sa club, kayo na ang mago-oraganize at magha-handle nun, since Seniors na kayo. Okay?” Oo nga pala!! Seniors lagi ang nagha-handle ng auditions.. >O< ”Okay Sir.. Eh kelan po ba ang auditions?” ”Siguro by this Saturday. Sige na. Mag-practice kayo okay?” Tapos umalis na si Sir. Iniwan na naman ako kasama tong unwanted creature sa tabi ko. ”Oh? Tayo na lang ulit dito Siomai..” ”Stop calling me Siomai!! Huwag kang gaya-gaya Siopao ka!!!” Nakakainiiiiiiiiiiiiisssssssss! ”Unfair yun hoy! Ikaw Siopao ang tawag mo sa’kin tapos ako walang tawag sa’yo? Wag ka nang umangal. Gusto mo naman eh.” Ano daw?? Ang yaaaaaaaaaaaabaaaaaaaaaaang!! ”Ang yabang mo!! Mapa-hiya ka sana sa auditions sa Saturday!!! Bleeeeeeeeeehhh!!!” ”Parang yung nang-yari sa’yo??” He smirked. Aaargh!! Bakit pina-alala niya pa! ”Argh!! Nakaka-inis ka talaga!! I hate you!! Ikaw ang dahilan noon!!” ”Eh dapat nga magpa-salamat ka pa.. Kung ’di ko ginawa yun, hindi tayo makakapasok dito.” ”Eh!! Kahit na! Basta! I still hate you! Argh!! Mag-practice na nga tayo! Mamaya mapagalitan p ako ni Sir dahil sayo.” ”Okay Siomai. Sabi mo eh.” Ugh. Titiisin ko na namang magsabi ng mga nakaka-sukang lines sa harap ng kumag na ’to. Eeeeeeeeew talaga!! Kahit gaano pa siya kagaling kapag umaarte kami, eeeew pa rin talaga. Ang haba naman kasi ng play na gagawin namin by February. Ngayon, August pa lang pero sinisimulan na namin ang rehearsals. WOW lang talaga. Kaso, LOVE STORY NA NAMAN. Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang, ang role ko ay papatayin yung leading man ko? Please? =____= Hindi pa namin masimulan yung ibang part ng play kasi kulang pa ng cast, kaya kailangan talaga ng auditions. ”I still can’t believe this night is over.” Binitawan niya yung line habang.. Err.. Hawak niya kamay ko. WALANG MALISYA TO AH! Syempre kahit ayaw ko sa kanya, we need to be professional. ”Yeah.. Me too. Goodnight.” Tapos kunwari.. KUNWARI LANG HA! Kiniss niya ako sa forehead. Ang scene kasi nun, inihatid niya ako sa bahay pagka-tapos ng ’date’ namin. Buti na lang hindi totoo ’to. +____+ Paglabas namin ng room, nandun yung mga palaging nanonood sa practice namin. Yay!! Nakita nila yung.... >O< ”Waaaaaaaaa!! Nakaka-kilig yung scenes niyo kanina!!!!” ”Ahehe!! Thanks! Pero nakaka-hiya naman sa inyo, araw-araw nakatayo kayo dito.. Hintayin niyo na lang ang showing.. Kaso matagal pa yun..” Sabi ko sa kanila. ”Naku! Okay lang yun! Ang ganda niyo kasing panoorin, ang galing at may chemistry talaga!!” ”Syempre naman! Bagay kami nitong Siomai ko eh.. B’D” EPAL NAMAN ’TONG KATABI KO. ”SIOMAI??!!” sabay-sabay na tanong nung mga tao. Ugh. Mapapaslang na kita Paolo Valenzuela. I swear. ”Ahehe.. Uy, una na kami ah? Tara na Siopao.” Tapos hinilla ko siya. ”See? Sumasakay ka naman sa Siopao-Siomai tandem natin eh. Haha!” ”Sakay mo mukha mo! Yah!!” Sa sobrang inis ko, tinapakan ko ng malakas yung paa niya. Edi namiulipit siya ngayon!! Naka-heels ata ako!! ”Bleeeeeeeeeeeeeeeehhh!!” Binelatan ko siya sabay takbo sa room . Haha!! Nakita niyo ba yung itsura niya?? Priceless. Haha!!! ”Oh! Saya mo ah!” --- Sandi. ”haha!! Sana nakita mo yung mukha ni.. haha!! Ni Siopao!” ”Oh, akala ko ba binibwisit ka niya?” ”Ha??” ”Eh tingnan mo nga yang sarili mo, mukha ka nang losyang kakatawa pero hindi mo napapansin. Kita mo kung gaano ka napapatawa ni Paolo? Uyyyyy...” – Sandi. ”Ha!! A-anong siya!!! Tumwatawa ako kasi.. kasi naka-anti ako sa kanya! Yun lang yun! Utak mo Sandi ha. That thought is senseless. Psh.” ”Whatever Yna.” Totoo naman di ba? Pinasaya ako ng sarili ko. I LOVE MYSELF!! HAHA!!! Pinasaya ako ng sarili ko, hindi ni Paolo. -********************************* [ Scene 6 ] >_____________< I'm really exhausted. Nakaka-pagod mag-ayos ng venue ng auditions!! Tapos itong Siopao na 'to.. Pasarap sa buhay! Yung mga lower years pa ang katulong ko!!! "Hay natapos din!!" Sabay-sabay kaming napa-upo sa sahig.. "Ano ba yan Ate Yna... Hindi pa nagsi-simula ang auditions haggard na tayo. Haha!!" -- Camille, junior lang yan. =)) "Oo nga eh!! Ang sama na siguro ng itsura ko mamaya sa auditions.. Nakaka-hiya naman! Haha!!" "Naku ate wag kang mag-alala, maganda ka pa rin naman ehh.. Uyyy.. Haha!!" "Hmpf! Bola ka ha! Haha!!" "Tsaka, maganda ka naman lagi sa paningin ko eh.." EEEEENGK.. EPAL ALERT. EPAL ALERT! "Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!" Sigawan nung mga tao sa room. "Kung tinutulungan mo na lang kaya kami Siopao ka ha?" "Ano pang itu-tulong? Tapos na kaya kayo. Haha!! Tayo ka na jan. Magsi-simula na.." Tapos ginulo niya yung buhok ko.. "DUG.DUG...DUG.DUG" O____________O Hep Hep!! Kala niyo heartbeat ko yan no?? Nope. That's a big NO-NO!!!! XDDD "Tigilan mo nga ako Camille!! Dug-Dug ka ng dug-dug jan!!" "Ahehe!! Pikon ka naman eh. Ganun kasi sa mga naba-basa kong stories!!" "Pwes, hindi sa storyang 'to kaya manahimik ka!" "Guys, the auditions would start in a minute. May mga naka=pila na sa labas.." Sabi ni Sir. Eto na!! Sana maraming maka-pasok na magagaling ngayon. Kasi nga, Seniors na kami.. Graduating na.. Kailangan, may mga pumalit na sa'min.. Pati nga ata yung mga dating members na na inactive eh isasalang sa auditions.. Mami-miss ko ang drama club.. TT>TT Pero syempre, may exception yun. Alam niyo na. He's the only exception. =____= After a minute, nag-start na nga ang auditions.. ANG DAMING TAO!!! From first year up to fourth year, meron.. Nakaka-tuwa naman.. Pumunta na kami ni Siopao sa unahan. "Hello everyone! I'm Prances, just call me Yna.." "I'm Paolo. Galingan niyong lahat ah? At gagalingan din namin ni Yna ang paghahandle sa auditions." Hmpf. Ka-plastican nito. +_____+ With that, nag-start na ang auditions. Si Sir, nanunood at nagju-judge, while kaming seniors naman ang nagha-handle ng auditionees. Yung mga lower years, taga-assist kung may mga tanong ang auditionees. Madami namang magagaling..pero syempre, meron ding mga.. hmm.. alam niyo na. XD Ang I never expected na may gagamit pa ng line na "Inay!! Inay!!" Tawa much lang kami haha!! Ang audition kasi this year eh nahahati sa 3 stages.. Monologue, By partner at yung group. Ayoko na langmag-bigay ng 'rape' role. Puh-leeeeaaase lang. Huwag. >O< Pero sa lahat ng auditionees, one girl caught my attention. Ang cute niya! Pag-pasok pa lang niya, iba na yung aura eh.. Gusto ko siyang iuwi!! >O< "Hello!! I'm Hanna Erika Montero. Junior Student. Gagalingan ko po!" Ayeeee.. Ang cute niya talaga!! "Okay, start." Signal ko sa kanya. Sh---She's.. She's really crying!! Hindi siya yung usual audition piece.. Parang matagal na siyang umaarte!! She's awesome! Mukhang may magma-mana na ng trono ko! "Stop." Teka? Bakit ako ang nag-sabi ng stop ngayon? Dapat si Paolo ah! Nung tiningnan ko yung katabi ko. =____= Naka-titig palasa unahan, kay Hanna. Hmpf. Manyak! *CLAPS* lahat pumalakpak. As in!! Madaming magagaling pero angat talaga siya! "Thank you po! Hehe!!" Sabay pahid niya ng luha niya. As expected, siya pa rin ang nanguna sa listahan sa lahat ng stages. Grabe talaga, parang ako lang nung first year. Sayang at ngayong third year lang siya nagaudition!! Nag-uwian na yung iba, madami kaming members ngayon!! Ang saya!! "Hey Hanna!!" Tinawag ko siya, pa-alis na siya eh. "Hi po Ate Yna!!!" "Ang galing mo ah! Welcome to the family!! Dapat dati ka pa sumali!!" "Ahehe! Thanks, transferee po kasi ako.." "Hey! drop the 'po', i'm just a year ahead of you. Haha!!" "Ay!! Sorry Ate, sana maging friends tayo!" "Sure!! Ang cute mo!!" Sabay kurot ko sa pisngi niya. "Oy,Oya.. Baka ma-punit pisngi niyan. Welcome nga pala!" Sabi nung Siopao/Dakilang epal. Maka-ngiti naman 'to?? Ngiting aso!! If I know, nagpapa-cute lang 'tong manyak na 'to!! M-A-N-Y-A-K!!! "Salamat po! Sige, una na 'ko, See yah!" Tapos umalis na siya. "Oh ano Siopao? gumana ba yung pagpapa-cute mo? Wawa ka naman haha!!! Byeeeeeee!!" Iniwan ko sa siya. Kala niya siguro uubra kay Hanna yun! Buti nga sa kanya! Napaka-manyak kasi. Siopao na nga, Epal pa at ngayon, Manyak! Child Abuse! Grrrrr. Kaka-init ng ulo. "Tenga mo, umuusok na. Don't be jealous Siomai ko. Haha!!!" Aba't----?? "HOY!! KAPAL MO TALAGA!!! MADAPA KA SANA!!" Sinusundan niya pala ako??? NAPAKA-EPAL NIYA TALAGAAAAAAAAAA!!! *********************************** [ Scene 7 ] **YNA'S POV** It's official!!! Oh, wag malisyosa. =___= Official na ang mga natanggap na auditionees, members na sila ng drama club!! Yay!! Ang dami namin this year! For sure hindi naman mawawala sa limelight ang drama club pag-alis namin. TT>TT At syempre, pasok si Hanna!! Nag-top siya sa list!! Err, wala akong favoritism okay? Magaling lang talaga siya, tsaka siya pa lang yung nakaka-usap ko. Eh kung i-congratulate ko kaya lahat ng naka-pasok sa club? Gawain ko naman yung every year eh! Buti may room numbers lahat ng nasa list ngayon! Uunahin ko si Hanna. Eek! Ang cute talaga niya, yung cute na pang-dalaga type. *O* Room 314, here I come!! Ngiting-ngiti pa ako nung papunta ako sa room nila, kaso, pag-liko ko sa corridor na papunta sa room 314.. Naunahan na pala ako nung manyak at malanding Siopao. Eeek!! Layuan mo ang cute na si Hanna!! Napa-takbo ako bigla nung nakita kong nagta-tawanan sila. Sumingit ako sa kanilang dalawa. Aba!! Masyado silang close ha!! Dapat ako yun!! Yung ka-close ni Hanna! "Uhm!! Hello Hanna!! Haha!!" --- Ako "Uy!! Hello Ate Yna!!" -- Hanna. Ang cuuuuuute.. "Congratulations ha?? Pasok ka na!! Magaling ka talaga!! Ituring mo kaming mga Ate at KUYA mo ha?? ^___^" Inemphasize ko talaga yung word na KUYA. Ang walangyang Siopao na 'to? Child Abuse! >______< "Waa! Salamat Ate Yna!! Salamat Kuya Pao!!" Err.. Kuya Pao? For sure siya ang may sabi na tawagin siya ni Hanna na ganyan. Eew lang ha.. Ang landing lalaki oh!! "Uhmm.. Paolo, tawag ka nga pala ni Sir. Urgent daw." Kailangang ilayo sa panganib si Hanna! "Oh? Bakit daw?" "Eh!! Basta puntahan mo na lang! Wag ka nang matanong Siopao!" "Tss. Sige. Bye Hanna.." Pssh.. Pawiin ko ngiti mo eh, kasama ng maliligayang araw mong malandi ka. =____= "Ayy, sayang umalis na si Kuya Pao.. Ang bait pa naman niya!" Oh hindeeeeee!! nahy-hypnotize na siya nung manyak na yun!! "Naku! Wag kang palo-loko sa pagmu-mukha nun!! Baka may pagna-nasa yun sayo! Balita ko nga ilang beses na siyang nagka-kulani sa mata dahil sa kaharotan niya!!" Oooops.. Mukhang O.A. yata ako.. Baka matakot na si Hanna! Haha!! "Pero joke lang yung sa kulani part. Haha!! Basta!! Wag kang masyadong makipagclose dun!!" "Ha? E di'ba, close friends kayo? Bakit parang... Ayaw mo sa kanya??" Patay. >_< "Eeh.. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya no! Syempre, Close kami. Ahaha!! Pinoproteksyonan lang kita.. Kasi ano.. haha!! Kasi ang cute-cute mo!! Oh sige, magtatime na.. See you around Hanna!!!" Whew.. Mabu-buking pa.. Muntik na!!! At yung "Syempre, Close kami"-part?? Ugh. I feel like vomitting haha!! Nakakapag-init lang ng ulo kapag nakikita kong nilalapitan ni Siopao yung si Hanna. Nung mga past members naman ng drama club hindi niya ginaganyan ah? May hidden desire talaga 'to kay Hanna. Hindi pwede! Ayokong mapunta siya sa kanya!! Ayokong mabahiran ang ka-inosentehan ni Hanna!!' OA ba ako? Eh sa gusto ko ma-preserve ang cuteness ni Hanna eh. Kahit pa dalaga na siya, I won't let it. Pwede siguro sa ibang lalaki, basta wag lang kay Siopao. Pero paano kapag na-inlove na nga rin si Hanna kay Paolo? Anong gagawin ko? Hindi pwede yun! P-paano yung image namin ni Paolo as love team di'be? baka mawalan na ng 'chemistry' (eeew) na sinasabi nila. Maru-ruin na yung inalagaan namin for three years. Eh paano kapag si Hanna na lang yung gawing ka-love team ni Paolo? Err. Di ba maraming nagsa-sabi? Hindi na nila susuportahan ang drama club kung hindi rin lang kami ni Siopao ang cast. Di ba? Di ba?? Eh? Ano bang pinagsasasabi ko? Huwag niyo na lang akong pansinin!! Ang concern ko lang naman dito eh yung kapakanan ni Hanna!! Basta!! Ayoko nang mag-explain!! No more questions!! Hindi ako pakielamere at lalong hindi rin ako epal, Basta ayoko! *breathe* Basta... Ayoko.. Tapos. ********************************** [ Scene 8 ] **PAOLO'S POV** *grins* Ang saya ng auditions ngayon ah? *grins* Ang dami kong nalalaman. *smirks* Pati, may mga pwede na ngang pumalit sa'min ni Siomai. Pero, mas natutuwa ako kay Yna. *smirks* Nakita ko sila ni Hanna na nag-uusap, kinukurot niya yung pisngi. Tss.. Kawawang bata. =__= "Ay!! Sorry Ate, sana maging friends tayo!" Sabi ni Hanna. "Sure!! Ang cute mo!!" Kinurot ulit ni Yna pisngi niya. Sana ako na lang yun. =___= "Oy,Oya.. Baka ma-punit pisngi niyan. Welcome nga pala!" Sumingit ako sa kanila at nakipag-kamay kay Hanna. Magaling siya ah. "Salamat po! Sige, una na 'ko, See yah!" Tapos umalis na siya. "Oh ano Siopao? gumana ba yung pagpapa-cute mo? Wawa ka naman haha!!! Byeeeeeee!!" Pagka-sabi nun ni Yna, iniwan niya ako.. Ano yun?? Ako? Nagpapacute kay Hanna? Eh sa kanya lang naman ak----- Teka nga muna.... *smirks* Sinundan ko siya at nakita kong padabog siyang nag-lalakad sa corridor. Cute oh. B'D Tumakbo ako para mahabol ko siya.. "Tenga mo, umuusok na. Don't be jealous Siomai ko. Haha!!!" Bulong ko sa kanya, tapos kumaripas na ako ng takbo. Sasabog na siya in 1....2....3... "HOY!! KAPAL MO TALAGA!!! MADAPA KA SANA!!" Haha!! KABOOOOOOOOM!!! XDD Hindi talaga nakaka-sawang asarin 'tong babaeng 'to. Pikon masyado eh. Haha!! --- Kinabukasan, natanggap na namin yung list ng mga naka-pasok sa club. Syempre, kasama si Hanna. Nag-top pa nga eh. At dahil mabait na bata naman siya at sinabi niyang bagay daw kami ni Yna, icocongratulate ko siya, pupuntahan ko sa room. Room.. 314. Sakto, pag-pasok ko sa room nila, nasalubong ko siya. "Uy!! Kuya Paolo!! Good Morning!! ^_____^" "Yowh! Congratulations ah?" Pinat ko yung ulo niya. "Ahhi.. Salamat Kuya Pao!!" Pao? Hayaan na. "Galingan mo ah? Sigurado magiging sikat ka rin tapos ikaw na magmamana ng trono namin pagka-graduate namin.." "Naku!! Hindi naman Kuya!! Sobrang galing niyo kaya!" Nagta-tawanan lang kami. Para siyang yung kapatid ko. "Uhm!! Hello Hanna!! Haha!!" Nagulat ako nung biglang sumingit si Yna sa pagitan namin. Tsk. =____= "Uy!! Hello Ate Yna!!" -- Hanna. Ang cuuuuuute.. "Congratulations ha?? Pasok ka na!! Magaling ka talaga!! Ituring mo kaming mga Ate at KUYA mo ha?? ^___^" Eardrums ko. =___= Kailangan talagang ilalakas at itatapat sa tenga ko yung word na KUYA?? Tsk. Babaeng 'to. Kung di ko lang 'to...... "Waa! Salamat Ate Yna!! Salamat Kuya Pao!!" Ngumiti lang ako. Oh? Bakit biglang nag-iba aura nitong katabi ko?? "Uhmm.. Paolo, tawag ka nga pala ni Sir. Urgent daw." Eh?? Kami-meet lang namin ni Sir ah??? "Oh? Bakit daw?" "Eh!! Basta puntahan mo na lang! Wag ka nang matanong Siopao!" Nakakapag-duda na 'tong babaeng 'to ah. Ang pagkaka-alam ko kasi, aalis si Sir at buong araw siyang mawawala. Sinabi niya yun sa'kin kaninang umaga pagka-tapos nung practice namin. Ano yun? May Dopple-ganger (tama ba spelling?XD) si Sir?? "Tss. Sige. Bye Hanna.." Wala talaga akong tiwala sa sinabi ni Yna kanina. Kaya, tumago ako sandali sa likod ng pader. "Ayy, sayang umalis na si Kuya Pao.. Ang bait pa naman niya!" Sabi ni Hanna. Syempre mabait ako!! Yang kausap mo lang ang ayaw maniwala. Psh. "Naku! Wag kang palo-loko sa pagmu-mukha nun!! Baka may pagna-nasa yun sayo! Balita ko nga ilang beses na siyang nagka-kulani sa mata dahil sa kaharotan niya!!" Sabi ko sa'yo eh. Maninira. =___= Teka?? ANONG KULANI ANG PINAGSASASABI NITO?? "Pero joke lang yung sa kulani part. Haha!! Basta!! Wag kang masyadong makipagclose dun!!" "Ha? E di'ba, close friends kayo? Bakit parang... Ayaw mo sa kanya??" Tsk. Ibubuking pa oh. Takte naman. It hurts you know? "Eeh.. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya no! Syempre, Close kami. Ahaha!! Pinoproteksyonan lang kita.. Kasi ano.. haha!! Kasi ang cute-cute mo!! Oh sige, magtatime na.. See you around Hanna!!!" Syempre, Close kami..... Syempre, Close kami..... Syempre, Close kami..... Ayeee.. Close daw kami haha!! Napa-ngiti naman ako dun. Tsk. Nagma-mulfunction na facial muscles ko dahil sa babaeng 'to eh. Parang kanina lang, =__= ganito tapos biglang ^____^ ->>> ^O^ Eh bakit ba kasi niya ako sinisiraan kay Hanna? Ganun ba siya kamuhi sa'kin? Bakit feeling ko inilalayo niya si Hanna sa'kin? Tsaka, ayaw na ayaw niyang magustuhan ako ni Hanna? At bakit nau-utal siya? At bakit namumula siya at natataranta?? At baki------Teka nga muna ulit.. Is she... JEALOUS?? *smirks* ********************************** [ Scene 9 ] **YNA’S POV** May meeting ngayon ang club. Mukhang maga-assign na ata ng roles si Sir. And I have a strong feeling na makukuha ni Hann yung isa pang main role, hindi pa lang ako sure kung anong role yun. Basta ang alam ko, may kulang pa na isang babae at isang lalaki na lead roles. Buti nga matagal pa lalabas yung isang lalaki, wala pa kasi kaming mapili para sa role nay un.. Kailangan daw kasi Fourth year din. Eh wala naman masyadong fourth year na lalaki na natanggap.. At anong klaseng cast ba kami? Hindi pa naming alam ang buong plot ng story. Tragedy kaya? ^O^ Para daw may thrill sabi ni Sir, by scenes ang binibigay niyang script. Psh.. Sigurahin lang nilang magigng killer ako sa ending at brutal kong papaslangin ang ka-love team ko. =)) Malapit na ako sa club room. Himala yata? Hindi ako sinabayan ni Siopao papunta sa room. Dati palagi siyang naghi-hntay sa may pinto ah ? Well, care ko ba? Mas mabuti nga ‘to eh.. Bubuksan ko na yung pinto.. “Hello people!!! ^_______^” Naka-ngiti kong bati sa lahat ng tao sa loob. Lahat sila, naka-tingin din sa’kin,.. Maliban sa dalawang taong busing-busy mag-tawanan. Sina Hanna at Paolo. Ganun? Close agad? Umupo ako sa unahan. Dati, nasa likod kami ni Paolo at wala siyang gagawin kundi bwisitin ako buong session. So? Edi ngayon free ako.Tahimik. ^_^ “Oy Ate Yna!! Problema mo?? Mag-isa ka yata ngayon? Asan yung Siopao mo?” Sunod-sunod na tanon sa’kin ni Camille. “Isa-isa lang Camz.. Problema ko? Wala. Mag-isa ako? Obviously, Yes. Asan yung Siopao? Hayun may kaharutan.” Err.. Tama ba yung word ko? Kaharutan? Haha! “Asus.. Eh bakit galit ka ‘te??” “Galit ? Haha !! Hindi ah.. ” ”Weh ?? Jelly ka lang eh…” ”Tss. Utak mo ah. Okay lang yun, swan a ‘ko sa mukha niya! Haha!” Wala nga si Sandra, pumalit naman ‘tong si Camille. Pag-untugin ko sila eh. ”Si Ate nagse-seloooooooooos !! Haha !!” ”Tse ! Manahimik ka nga !!!” Kayamot. >___< ”Eh bakit naka-simangot ka? Ate naman.. Ayaw pang mag-share.. *pout*” Wala! ‘Di uubra sa’kin ‘yang pout mo!! ”Wala.. Hindi ka ba nagsa-sawa sa ngiti ko? Haha !! Wala talaga promise..” ”Tss.. Sino ba kasi yung katabi ni Kuya ?Parang anmg flirt naman. Tingnan mo nga, kung makapag-pacute kay Kuya Paolo !!” Napa-tingin tuloy ako sa kanila. Nagpi-picture sila. Pfft. ”Si Hanna yun. Ano ka ba? M-mabait yun..” Bakit parang naga-alangan ako nung sinabi ko yun? Mabait naman talaga si Hanna ah? ”Paano mo na-siguro? Eh sa auditions mo lang yun nakilala. Malay mo ? Kaya nakikipag-close kasi may gusto siya kay Kuya..” ”H-hindi naman siguro..” Sinabi pa nga niyang bagay kami ni Paolo di ba ? ”Ah basta !! Hindi ako tiwala sa kanya ! Tingnan mo nga ??!! Imbis na ikaw ang kasama ni Kuya, siya ang ina-asikaso niya! Baka mamaya, magulat ka na lang, si Hanna na ang bida sa play! I’m just concerned with you Ate.. Ayokong masaktan ka sa huli..” Ako?? Masasaktan? Bakit naman?? Nag-simula na ang meeting and Hanna, as expected, got the other main role. Buong meeting, hindi ako kinausap ni Paolo. Ang nakaka-inis pa, ang lakas-lakas ng tawanan nila. Hindi ako maka-concentrate! ”Oh sige Paolo, text-text na lang mamaya! Byeeeeeeeeee!!” They exchanged smiles before parting ways. Hah!! Gandang view. ~___~ Naka-tingin pa rin siya kay Hanna habang papalayo ito. Tsk. Manyak. ”Excuse me, hindi ginawa ang pintong ‘to para harangan mo lang.” Tumabi siya kaya dumaan ako. Tsk. Nakuha lan number ni Hanna na-tulala na. At si Hanna, Pao lang ang tawag sa kanya? Walang Kuya? Ano yun? M.U. na sila ? Hindi ba nila iniisip na kapag nakita ng ibang students ang ‘flirting’ nila, makaka-sira yun sa’min ? Pero yun naman ang gusto ko di ba ?? Kung magiging sila, makakawala na ako.. Magiging Malaya na ako at.. Masaya?? ********************************* [ Scene 10 ] **YNA'S POV** Maaga ulit kami ngayon kasi may rehearsals.. Kaso, masyado yata akong maaga. 5:30 pa lang, 6AM pa ang start. Excited much? Haha!! Wala, trip ko lang. AKo na nga ang nag-prepare ng baon ko kasi tulog pa si Mama. Diretso na ako sa school. Baka may tao na eh.. tsaka, maaga naman palagi si Siopao eh.. Natakot kay Sir. =P After 10 mins. asa school na 'ko. Binati ko sina Manong guard at Manong janitor.. "Nasa loob na sila 'neng.." Wow may tao na nga!!! Sila?? Medyo naka-bukas yung pintuan sa club room.. Kaya sumilip ako.. Pag-silip ko.. *BA-DUMP* Magka-yakap sila... Sina Hanna at Paolo.. Hindi ko alam kung bakit basta napa-takbo na lang ako ng mabilis.. Hindi ko napansin, nasa school garden na pala ako.. Bakit?? Bakit ka nagpapa-dala sa kanya Hanna?? >O< At bakit.. Parang may mabigat sa lalamunan ko? TSaka sa dibdib ko?? Nagb-blur din yung paningin ko.. Umupo ako dun sa may mini pond.. May nakapa akong bato... "UHMPF!!!! *bato* Ang landi-landiiiii!!! *bato* Napaka-PDA!!!!! *bato* Child abuse!! Arghhhhh!!! *bato* MAy napulot akong tabla na medium-sized. Haha!! Eh sa yun ang tingin ko sa size niya eh. Balak ko sanang suntukin at baliin kagaya nung sa mga Martial Arts training pero sorry, hindi ako trying hard. Alam kong hindi ko kaya yun. +___+ Kaya with all my might, tinapon ko siya ng malakas sa kung saan. "AAAAAAAAAW!!!" Nyeh?? Uh-oh... MUkhang may nadamay na sibilyan!!! >O< Pumunta ako sa pinanggalingan ng sigaw.. Napunta ako sa lugar na madaming halaman na nakaharang. Tsk. Kailangan pang hawiin na parang kurtina para maka-daan? Haha!! May nakita akong naka-higa.. Lalaki. O__O "U-uhmmm.. Okay ka lang?" Malamang Yna. Naka-lupasay na nga sa lupa eh. =___= "Uhhhhhhhhh.." Ungot niya. Hala!!! "M-may masakit ba??" "M-my head.. Uhh.." Hala!!! Bull's eye ata ako... >O< "M-may tumama ba sa'yo na parang.. uhh.. kahoy??" "Teka..." Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa'kin. O//////O "Ikaw ba yung bumato sa'kin??" "Ha?? H-hindi ah!!! Yung ano yun.. Uhh.. Yung kanto sa la---e-esteee.. Yung lasing sa kantoo!! Tama!! Haha!!" "Ow? Kaya pala may hawak ka pang tabla diyan sa kabilang kamay mo. Inagaw mo sa kanya??" Patay. Buking. >O< "Eeeeeeeh!! Sorry naman!!! Nagla-labas lang ako ng galit!! Malay ko bang nandyan ka? Tsaka, sa dami ng tatambayan mo sa ganitong oras dito pa!!!" Ako na nga ang naka-sakit ako pa galit. Sama. XDD "Wait.." Inangat niya yung chin ko at inilapit sa mukha niya.. He's..... Hot? O///O Kuya yung dugo mo umaagos >___O "You're.. Yna Ilao of drama club, right?" "Y-yes.. Uhmm.. Gusto mo samahan kita sa clinic? Your right cheek is.. bleeding." "Nah.. Just give me your hanky." Binigay ko panyo ko. "Ang isang Yna na palaging naka-ngiti? Galit? Bago yan ah.." Sabi niya habang pinupunasan ng panyo ko yung dugo niya. Panyo kooooooo T>T "Of course. Tingin mo sa'kin, Robot?" "Haha!! Just kidding. Sorry." "Tss. Ako nga dapat mag-sorry." "Alam mo? Wala sa itsura ko pero, since first year pa lang, gusto ko ang makapasok sa drama club. Kaso, palagi akong may scheduled appointments kapag auditions.." Sa gwapo niyang 'to? Tanggap siya kaagad. XD "Alam ko na kung paano ako makaka-bawi sayo!!" YEAAAAAAH!! "Paano?" "May kulang pa kaming isang character sa play, Pwede kitang i-recommend!!" "Huh? E di'ba tapos na ang auditions?" "Tss. Problema ba yun? Edi mag-audition ka ulit!! Tara na!!!" Hinila ko siya. "Name mo nga pala??" Hawak ko kamay niya. Yay! XDD "Yuya.. Mazehara.." Yuya?? "Japanese??" "Half.." Kaya pala siya...... >//////< "Kaya pala ganyan mata mo! Haha!!" "Haha!! Hey! Don't you find my name weird? Yuya?" "Naaah.. For me it's cute!! Haha!!!" Nag-kwentuhan lang kami habang papunta sa room. May experience na naman pala siya sa pag-arte in public kaya for sure tanggap na siya! Pag-pasok namin, biglang tumahimik. 6:10 na pala. >O< "Why are you late Yna? At sino yang kasama mo?" -- Sir. "Uhmm.. Sir I'm sorry!! Nga po pala, may ire-recommend po ako na interesado sa role na hiahanap natin!!" Hinila ko si Yuya. "Meet Yuya Mazehara!! May experience na po siya at passion niya din ang acting ^____^" "Good Yna. Isasalang natin siya sa auditiong ngayon." --- Sir. Nag-high five kami ni Yuya. YEEEES!!! May friend na naman ako. ^O^ Si Hanna naman, hayun at kinaka-usap si Paolo habang tumatawa. Si Siopao, mukhang lipad ang isip. Pfft. Bastos. +___+ Pero, nakatulala siya eh.. Err.. Sa akin.. Problema niya? Asikasuhin niya Hanna niya. Tsss. [ Scene 12 ] **YNA’S POV** (Epalog’s note: Pansin niyo? Wala na masyadong POV si Paolo? Wala na. Tinanggalan ko na siya ng karapatan. Malandi masyado eh. ~___~ XDDD) Ganun pa rin. Hindi na nagpapansinan kapag hindi naman kailangan. Magu-usap lang kami kapag magde-deliver ng lines. Ano bang nangya-yari? Galit ba sila sa’kin? I mean.. I kinda miss them.. HIM.. Okay!! Wag malisyosa!! Nami-miss ko lang yung company ni Hanna at Paolo. Sila lang dalawa ang palaging mag-kasama. Iwanan sa ere, ganun? Si Yuu ang palagi kong kasama kapag may club meeting.. Hindi na nga kami masyadong pinag-uusapan sa school though, may mga naririnig akong ”Anti-Hanna Club”. Si Hanna kasi, hindi namamansin. Si Paolo lang palagi ang pinapakielaman niya. Err. Madali pa naman akong mairita kapag hindi ako pinapansin. Sobra. Parang konti na lang, mag-iinit na talaga ang dugo ko sa batang----- ay. Ka-edad nga lang pala namin siya. +__+ Mag-isa ako sa garden. Wala si Yuu eh, may gagawin sila ng classmates niya. Si Sandi naman eh may tinatapos na homework. Yung iba ko kasing classmates may kanya-kanyang barkada.. Loner ako. >O< Maya-maya, may tumabi sa’kin. “Hey!! Long time no see.” Siya. Matutuwa ba ako o mabu-bugnot? =___= “Uy Hanna!! Musta??” Rude naman kung iisnabin ko siya di’ba? Siya na nga ang nag-initiate ng usapan eh. ”Doing very good!! I’m really enjoying Pao’s company. ^___^” Eh? Bakit parang biglang uminit ang ulo ko dun.? ”Oh? Good for you.” – Englishan pala gusto mo ah.. “Hmm.. Tell me, aren’t you jealous? I mean.. You’re couples right?” Err. Alam mo palang couple kami, ganyan ka pa sa kanya. Ay, hindi nga pala kami couple. ~_~ “No, we’re not. Akala ko close na kayo ni Paolo? Hindi ba niya sinabi sa’yo na hindi kami? How rude.” Umact siya na parang nagulat. Yes, alam kong ACT lang. ”Oh? So...... It means.. He’s free..?” Ay Hinde, hinde.!! Kasasabi ko nga lang na hindi kami eh diba? Do I need to repeat myself? Psh. Sarap barahin XDD ”Sort of.” ”Oh!!! Kaya pala, look oh, he gave me this..” Pinakita niya yung wrist niya, may nakasuot na…. Cute bracelet.. I want one.. *Q* “Pao gave me this yesterday. Now I know why he’s sweet!! Maybe he likes me haha!!!” Tapos parang kinikilig siya. Aba. +___+ “Really? He’s so nice! Naalala ko tuloy ito..” Pinakita ko sa kanya yung necklace ko... Nakatago siya lagi sa blouse ko. Ayokong may makakita. Pero since pasikatan pala ’to, isusupalpal ko sa mukha niya to. XDD ”What a nice necklace! Where have you bought that?” Tanong niya habang naka-titig sa necklace ko. ”I don’t know. Paolo gave this to me.” Nawala yung ngiti niya. BASAG KA NGAYON!!! Hahaha!!! ”Wow he’s so generous and.. friendly. Hey! Gotta go, see yah Yna.” Umalis na siya. Bracelet vs. Neclace!! Ano ha? XDDD Ooops, wag mag-isip ng kung ano. Bigay niya talaga ‘to sa’kin, kaya nga tinatago ko para hindi niya Makita na arawaraw suot ko ‘to. Ewan, basta ayoko na hinuhubad ‘to. Masyado siguro akong nagandahan. ^________^ Binigay niya ‘to nung Christmas. Ako kasi nabunot niya. Haha!! XDD ---**HANNA’S POV** (See? Walang PAOLO’S POV. XDD) Nakakainiiiiiis!!! Talbog ang bracelet ko sa necklace niya ah?!! Akala ko pa naman ang bongga-bongga na ng gift ni Pao sa’kin.. Di bale, I still have Pao beside me naman eh. He’s very nice to me. Palagi niya akong sinasamahan kahit maga-ibang year kami. Marami ngang nag-tataka sa school kung bakit ako ang palaging kasama ni Pao at si Yuya naman ang kasama ni Yna. Well, dapat masanay na sila, matagal nilang makikita ang ganitong eksena. Marami ring naiinis sa’kin, alam ko. Kasi pinaghi-hiwalay ko ang inseparable ’love team of the century’. Hah!! Inseparable daw? If that’s so, then why am I able to separate them? Ibig sabihin, hindi pa ganoon ka-lakas ang bond nila. Hindi pa ganoon ka-tibay ang relationship nila. I don’t care about the gossips and rumors spreading about me. Nothing ang No one could stop me, ‘Cause I still have a mission to be accomplished. ^_____^ **************************************************************************************** [ Scene 13 ] **YNA’S POV** “Eh akala ko ba naiinis ka sa kanya? Bakit ngayon naka-simangot ka kasi hindi ka niya kasama? Ang labo mo ah.” Kausap ko si Sandi ngayon. Sinabi ko lang sa kanya na naiinis ako kasi iba ang inaasikaso ni Paolo, hindi yung play namin. I mean, parang hindi siya professional! ”Basta! Naiinis ako! Hindi siya marunong mag-prioritize!” Tama ako diba? “Eh ano bang ipinuputok ng butsi mo? Palagi mong sinasabi sa’kin na ayaw mo siyang maka-sama ’di ba? And now, nangya-yari na yung gusto mo. Baka naman nagse-selos ka lang!” Ako? Magse-selos? Hah! Patawa siya ha. Napa-tayo ako. This is sooooooooooo pointless. Bumibigat lang ang dibdib ko dahil dito. ”Eh hindi naman Ganun yun eh!! Ang concern ko lang, napapabayaan na niya ang mga bagay na dapat ginagawa niya! Yung mga bagay na mas importante kesa sa pakikipag-flirt niya! He should be aware of that! He doesn’t seem to care about the club, the play, the people around him and he doesn’t care about------“ “You???” She continued my sentence. “What?! May sinabi ba akong ganun??” ”Wala dear. But your eyes, it explains everything.” Then she wiped something on my cheeks.. Hinipo ko yung pisngi ko. ”See? Stop denying Yna. I’m your bestfriend! Hindi ba pwedeng sabihin mo sa’kin lahat yan?” ”Ha?? Ano bang sasabihin ko??” At bakit ako umiiyak?? “Tsk. Nasa-saktan ka!! Nasa-saktan ka kasi nagse-selos ka!! Nagse-selos ka dahil si Hanna ang palaging kasama ni Paolo at hindi ikaw!! Nami-miss mo yung samahan niyo ni Paolo before!!” ”Hah! Saan mo naman nakuha yang sinasabi mo ha? Wala nang kwenta ’tong topic natin eh! Tama na!!” Aalis na sana ako para magpa-hangin pero pinigilan niya ako. ”NO PRANCES!! WE HAVE TO TALK!!” Nagulat ako kasi minsan lang sumigaw si Sandra. ”Bakit ba hirap na hirap kang aminin sa sarili mo na MAHAL MO SI PAOLO ha?? Iiyak ka ba ng ganyan ng dahil lang sa hindi ka niya kasama kung wala kang nararamdaman sa kanya? Sa tingin mo masasaktan ka ng ganyan kung hindi ka nagse-selos? Gosh Yna!! Since when did you became so naive!!??” Napa-tulala lang ako sa sinabi niya. Ako... Mahal?? Si Paolo?? ”I.....don’t... think so..” Yan lang ang nasagot ko. ”Tss. Ang hiraaaaaaaap mo!!! Alam mo, mas masasaktan ka kung itatago mo yan. Ganito ha? Read this book. Hindi ako magpa-pakita sa’yo hanggang di mo yan tapos, nagta-tampo ako sa’yo eh. You’ll surely find answers to your problems. Bye.” Tiningnan ko yung book na binigay niya.. Actually, parang booklet lang siya eh. Manipis lang. “How to know you’re Inlove by Kharu435” Binasa ko nang mahina yung title. Tsk. Title pa lang alam ko nang kalokohan lang ‘to. Sooooo baduy. Pero, mukhang nag-tampo talaga si Sandra.. Kailangan bumawi ako. Nakita mo, Paolo? Dahil sa’yo… Nagka-galit pa kami ng bestfriend ko. Samantalang ikaw, nagpapaka-saya kasama ng Hanna mo. Nag-punta ako sa garden para mag-basa ng booklet. Binuklat ko siya. 15 guide questions that would help you know if you’re in love: Tss.. You’re happy everytime you see him. Nah, Nagiging angry bird kaya ako kapag nakikita ko siya! Agree? His presence makes you feel secured. Hmm.. Kapag gabi na, may rehearsals pa rin, feeling ko safe ako kasi.. kasama ko siya.. Well.. It’s normal naman siguro ’di ba? Kasi may kasama akong lalaki kaya feel ko safe ako. ^__^ You don’t care even if you look silly laughing at his jokes. Teka.. Nang-yari na ba ’to sa’kin?? O________O His smile brightens your day. Okay, medy baduy na yun. Isang malaking X. Even without a reason, you’re smiling when you’re with this person or even if you’re just thinking of him. ‘Di ba parang baliw naman yun? And speaking of baliw, Naalala ko yung mga jokes ni Paolo dati. Kahit na nag-susungit ako, lalabas ako saglit, kunwari magc-cr. Pero ang totoo, ang gagawin ko lang naman pagka-labas ko ng room eh tatawa ng tatawa. I look freaky. Tapos yung funny faces niya kapag ma-drama yung lines ko, palagi tuloy akong natatawa at napapagalitan ni Sir. Wala talagang modo yun. Haha!!! Natatawa tuloy ako dito.. Wait.. Wait.. Ano nga ulit yung question No.5?? 5. Even without a reason, you’re smiling when you’re with this person or even if you’re just thinking of him. Shocks. Ng—Ngumiti ba ak-ko?? Natapos ko na ang first page. Teka, may naka-sulat pala sa ilalim ng question No. 5.. Hindi ko napansin ’to ah? (Note:If your answer to this questions, specifically to question no.5 is YES, then, you surely like the person.) Haaaaaaaaaaaaaaaa?? G-ganun ba yun?? EH!! Kalma lang. LIKE pa lang naman daw eh. LIKE. O//////////////////O ********************************************************************** [ Scene 14 ] **SANDI’S POV** Hihi... Ahihihi!!! Hey! Ang pangit naman ng simula ng first ever POV ko. Parang baliw lang. Well, natatawa lang talaga ako sa bestfriend ko. Particularly sa mga reactions niya sa mga naka-sulat sa libro na binigay ko sa kanya.. Effective yun! Subok ko na kaya yun. >/////< Pina-panood ko siya, nagta-tago ako sa isang puno. Parang at first she was bored =___= then after a while she’s ~__~ tapos ganito O____O Haha!! And then she’s like THIS O/////////O!!!! My plan is sooooooooooooooooooooo working!! ^O^ Oooops. Hindi pa ako pwedeng mag-salita kahit sobrang gusto ko nang i-spoil kayo sa kwento. Haha!! Syempre, kunwari tampo ako kay Yna para ma-urge siya na basahin talaga yung book. Kasi naman!! Since first year ko pa napa-pansin na may gusto talaga sila sa isa’t-isa pero silang dalawa mismo hindi nila alam yun!! Si Yna, masyadong nagfo-focus sa pagka-inis niya kay Paolo. Si Paolo naman, ke gwapo-gwapong lalaki, isa pa ring torpe!! Sarap pag-untugin!! Kaya para sa happy ending ng BFF ko, I have to be a match-maker. Masyado na akong naya-yamot sa dami ng pasikot-sikot ng love story nila. Like DUUUUUUUUUUUUUUUUH?? College na kami next year! They have to level-up na!! Aba!! May time table ata ang author ng story nito at may quota siya kung kelan dapat matapos ‘to!! Haha! And Hanna? She’s not a problem. Yuya? He’s not a problem either. Just watch, ay rather... Just read and learn. ^_________^ Nung natapos ni Yna ang first page, sinara niya yung book. Siguro nagsi-simula na niyang ma-realize yung mga bagay na naka-lagay sa libro. Haha!! Maya-maya, umalis na siya.. Teka.. Anong oras na ba?? *tingin sa wristwatch* Takte!!! 15 mins. na lang pala at magta-time na!!!! Takboooo!! ’Di pa ko nakaka-bili ng snacks ko. T>T Pag-dating ko sa cafeteria, ang dami pa ring naka-pila, akala ko wala na masyadong tao. T^T Habang naka-pila ako, siguro mga nasa pang-seven ako sa pila.. May mga second year na pa-simpleng sumingit. ABA???? KALA NILA HINDI KO SILA KITA AH??? Mabait ako pero kapag nainis ako sobrang nagta-transform talaga ako!!!! At bilang President ng Student Council, I have the rights and I have the duty to do this!!!! *PAUNAWA, ANG MGA SUSUNOD NA EKSENA AY NANGANGAILANGAN NG PATNUBAY NG MAGULANG* ”Uhm Excuse me??? Alam niyo ba ang salitang pila? Hindi lang kayo ang malapit nang ma-late kaya pwede pumila kayo ng tama? Proud na proud pa kayo at nakasingit kayo ah?? Mga mukha na nga kayong singit, singit pa kayo ng singit!!!!! ” AAaaaaaaaaaargh.. Sumabog na talaga ako. Sorry po huhu.. Nagulat sila at mukhang napa-hiya. >O< ”S-sorry Ms. Sandra..” ”No. It’s okay, basta wag niyo na lang uulitin ha? Sorry din nasigawan ko kayo. Mainit lang talaga ulo ko eh.” ”Aaaaah, chill ka lang Ate! Haha!! Sige dun na kami sa likod..” Pumunta na sila sa likod ng pila. Lahat ng tao naka-ngiti sa’kin. Waaaaaaaw. Di sila natakot. ^O^ Ganyan naman ako, madaling kumalma. ^___^ Pagka-tapos kong bumili ng sandwich, Umakyat na kaagad ako. Buti hindi ako nalate. Naka-tingin sa’kin si Yna. Syempre, in character dapat ako. Aba!! Hindi lang ako nag-audition sa drama club pero marunong ako umarte ha! Nilampasan ko siya at umupo ako sa likuran. Sa likod ni Paolo to be exact. Nginitian ako ni Paolo, syempre nginitian ko rin siya. Yung ngitiang yun, may ibig sabihin. Sa amin na lang muna yun ni Paolo. Sorry Yna, but I have to keep secrets from you hanggang sa mag-tagumpay ang plano. ^______^ [ Scene 15 ] **YNA'S POV** "Ma, I'm home.." "Oh? How's school?" "Fine? I guess." Tapos nagtuloy-tuloy na ako sa kwarto ko. Takteng booklet yan. Nakaka-praning ang mga naka-sulat dun! Yup, Natapos ko na ang first 10 guide questions. Nagtataka nga rin ako, bakit natawag pang quetions eh wala namang question mark? PSh. Nevermind na lang. =__= Ano ka'nyo ang mga nabasa ko? 6. Your day would not be complete without him; Even just a glimpse of him would make your day. 7. His emotions or mood swings affects you. 8. You treasure everything that he gave you. Aray. Dapat ba akong matamaan sa number 8? 9. You want him on your side most of the time. 10. You feel jealous or hurt if you see him with other girls. Ouch. Jealous or hurt? Ewan. Gulong sa kaliwaaaaaaaa, NA!!! Pihit sa kanaaaaaaaaaaan, NA!!! Tikas pahingaaaaaaaaaaa, NA!!! Sabay kain, NA!! (Okay, Mcdo na yun. XDDD) Poootek. Kahit anong pilit kong matulog, hindi talaga sumusunod ang mata ko. Samantalang dati, mapa-dapo lang sa kama ang likod ko tulog na ako. Abnormal!! Napa-hawak ako sa leeg ko. Dun sa bagay na suot-suot ko simula nung binigay niya sa akin 'yun. Since Second year. "8. You treasure everything that he gave you." Napa-mulat ako sa naisip ko. Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Sobrang naiinis ako sa kanya.. Pero itong kaisa-isang bagay na binigay niya sa akin, hindi ko mai-tapon tapon.. Ni hindi ko nga ito pinahiram sa iba... Hindi kumpleto ang pagkatao ko kapag hindi ko 'to suot.. Parang ganun ang feeling. Nami-miss ko na talaga siya. Inaamin ko na. "9. You want him on your side most of the time. 10. You feel jealous or hurt if you see him with other girls." Oo, gusto ko ako palagi ang kasama niya. Ayokong may pinapansin siyang iba higit sa akin. Nasasaktan ako kapag kasama niya si Hanna. Pero hindi pa naman lahat ng question eh nasasagot ko ng 'YES' eh.. Hindi ko pa naman siguro maco-conclude na... Mahal ko nga talaga siya.. Nata-takot ako.. Nata-takot na akong ituloy ang pagba-basa sa booklet.. Paano kung mapatunayan ko nga na mahal ko siya sa mga susunod na mababasa ko? Ayokong malaman.. Ayokong masaktan... Nata-takot akong masaktan.. Kahit na ngayon pa lang, nasasaktan na ako. ************************************************************************************* [ Scene 16 ] **YNA’S POV** Another day. Na-realize ko, hindi pa naman pala ganoon katagal simula nung huling nag-kausap kami ng maayos si Paolo.. Yung mga panahong Siopao pa ang tawag ko sa kanya.. ISANG BUWAN PA LANG NAMAN. Nami-miss ko siya? Hindi ah!. Nasanay na rin siguro ako na wala siya. May boyfriend na nga ako ngayon eh, Salamt sa kanya at na-kalimutan ko ang lahat ng sakit. Of course!! JOKE LANG YUN. SANA NGA TOTOO NA LANG EH. Sobrang palagi ko siyang iniisip. Hindi ko na itinuloy ang pag-babasa nung last five questions sa booklet. I don’t think I still need that. Inamin ko na sa sarili ko. 1 week ago na. And with that, Nagka-bati na kami ni Sandra. ^__^ **FLASH-BACK** “Sis??” Kinausap ko siya pagkatapos nung gabing na-realize ko ang lahat-lahat. “…..” Naman.. Galit pa rin siya? ”Sis.. Uyy Sandi.. Usap tayo.. Miss na kita..” “…..” *sigh..* “Mahal ko siya.” At aba ang loka!! Biglang humarap sa’kin wth a big, wide smile!!! “TALAGA?? WALANG BAWIAN?? MASAGASAAN KA MAN NG SASAKYAN??” ”Gags. Bakit ako? ’Di ba dapat ikaw? Haha!!” ”Goooooooooosh!! I missed you Yna!!” Niyakap niya ako. So, kailangan talaga aamin ako para lang magka-bati kami? =___= ”So? What’s our plan?” Anong plan pinagsasasabi neto? “Plan??” “Duuuuuuhh.. Plan to get Paolo back!!” “Ehh? He was never mine.. So why would I take him BACK?” “Tsk!! Hirap talaga kapag nai-inlove eh! Nagiging ma-drama! Hindi pwede yan! Matapos kong pag-hirapan na mapa-amin ka, susuko ka lang? NO_NO_NO!!” ”Eh? Anong plano mo?” ”Basta! Leave it to me!” Kinakabahan ako kapag sinasabi niyang siya na ang bahala sa isang sitwasyon. Usually kasi, pumapalpak or nagiging O.A. ang mga plano niya. Help me. T__T **end** Fortunately, wala pa naming naba-banggit si Sandi tungkol sa plans. Whew. Pero inaamin ko, I’m really looking forward to.. uhm.. getting him back.. beside me.. “Sis! Si Yuya oh!” Napa-tingin ako sa tinuro ni Sandi. ”Yuuuuuuuuuuuuuuu!!” Kinawayan ko siya. Ang gwapong nilalang naman nito. Tumakbo siya papunta sa’min. All eyes na naman ang tao sa amin. ”Musta?” – Yuu. ”Ayos!!” – Ako. ”Ay guys, maiwan ko muna kayo ha? I’ve got things to do. Haha!!” “Bye Ms. President..” – Yuu. “Sabay tayo pauwi ha?” –Ako “Sure. ^__^” Tapos naiwan na ulit kami ni Yuu. ”Uhm.. Yna..” ”Hmm?” ”Ano kasi eh.. Di ba mamaya.. May dance test sa P.E.??” O______O D-d-dance t-test?? Goolaysailalimngtulaaaay!! Nakalimutan ko!!!! “A-ah.. O-oo.. Bakit??” I stammered. “Kailangan kasi ng ka-partner dun eh..” Oo nga pala!! Narinig kong sinabi ni Ma’am Santos yun.. Nung isang buwan pa.. Ang alam ko nga, si Paolo dapat ang ka-partner ko.. H-he promised me.. ”Ah, oo nga eh.. Sheeeeesh... Buti may ka-partner nap ala ako at alam ko ang steps!!” Dapat nga ba akong matuwa at ka-partner ko siya? Baka kasi.. Magkailangan lang kami dun. Hindi na ako sanay na kausap ko siya eh. ”Aah.. Ganun ba? Sige.. Akala ko kasi wala ka pang ka-partner..” ”Teka!!?? Wala ka pa bang partner??” ”Wala pa.. I was planning to ask you to be my partner pero mukhang naunahan na ako nung crush mo.” “CRUSH??!!” P-paano niya nalaman yun?? Ganun ba ako ka-obvious?? “Yeah. Don’t worry, pwede naman ako dun sa solo test. Sige alis na ako, mukhang kailangan mag-usap kayo ng partner mo.” Tinulak niya ako, pero yung marahan lang. Naka-twist yung leeg ko sa kanya kaya hindi ko alam kung sino yung naka-bangga ko nang mahina pagka-tulak sa’kin ni Yuu. Pag-harap ko.. O//////O ”P-paolo??” ”Yowh.” ”Ah.. Hehe.. Anong.. Ginagawa mo dito??” “Edi kinakausap ka.” “Err.. I know right? Eh bakit pala?” “Tss. Aren’t you my partner for the dance test?” N-Na-alala niya? At hindi niya niyaya si Hanna? Ang.. Ang sarap magta-talon. Shocks!! ”Y-yeah!! Haha! Alam mo pa ba ang steps? Hindi na tayo nakakapag-practice eh..” ”Saulado ko no, araw-araw yata kaming nagpa-practice ni Hanna!” Nag-pose pa siya ng mayabang. Ayun pala eh, araw-araw, si Hanna ang ka-partner niya. Hindi uubra kahit pa ako ang ka-partner niya mamaya. ”Aah.. Wow.. Hehe.. Buti pala napa-practice din ako ni Yuu.. Uhmm... Sige! Una na ako.. Magsi-simula na klase natin.. Sunod ka rin ah?” Kumaway ako sa kanya tapos nag-lakad palayo. Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko yung mga sinabi ko.. yung pinapractice ako ni Yuu.. Maybe because I’m jealous? Pero ang sama ko. Ginagamit ko ang bestfriend ko para lang kay Paolo.. Gusto ko pa sanang tingnan ang reaksyon niya.. Pero natatakot ako na baka sa paglingon ko, wala akong makitang emosyon sa kanya. Tsaka, parang wala lang sa kanya na isang buwan kaming hindi nag-usap bukod sa rehearsals eh. Mabuti pa si Hanna. Nice, I can’t help my self from envying her. ****************************************************************************************\ [ Scene 17 ] **YNA’S POV** (Dance Test, Gymnasium) Nags-stretching na kami, nagwa-warn up na rin para hindi mabigla ang mucles sa pagsa-sayaw mamaya. Dalawang sayaw kasi yun, Isang ballroom at isang modern. Good thing I can dance. Haha! Hiwa-hiwalay ang lalaki at babae ngayon. Alangan naming mag-bihis kami sabaysabay? Haha!! “Hey girl!! Galingan mo ah? Ayeeeeeee.. Improving na kayo ni *tooot* Haha!!” “Baliw haha!! Ikaw nga jan eh. Ka-partner mo si *Anooooo*” “Shhhhhht! Daldal mo! Haha! Tara na, baka maubusan tayo ng upuan..” Palabas na kami ng dressing room tapos naka-salubong namin si Hanna. ”Goodluck Yna.” Naka-smile sya at inabot an kamay ko. “Thanks. Break a leg.” Sagot ko sa kanya. “Sana mag-enjoy ka kasama ng partner mo.” Nakita kong nag-smirk siya ng konti. ”Problema nun?” Tanong ko kay Sandi. ”Dunno..” Nag-shrug lang siya. Pfft. Nevermind na lang. Mage-enjoy naman talaga ako kasama ng partner ko eh. Lumabas kami, ewan pero kusang umiikot ang mata ko, parang kusa niyang hinahanap si Paolo. Abnormal. Haha! Matapos kong maduling kakahanap, nakita ko na siyang pumasok sa entrance. Eeeek!! Kuminang ang paligid! He looks gorgeous kahit simpleng polo at pants lang ang suot niya. >////< Nagka-salubong sila ni Hanna pero nag-kawayan at nag-ngitian sila. ”Hey! You look good.” Sabi niya pagka-lapit niya sa’kin. Tabi kami sa upuan. "Thanks. Same goes for you.” Ngumiti lang siya pag-katapos humarap na sa stage, umakyat na kasi yung MC sa stage. Sosyal ng P.E. test namin no? Parang bonggang program haha!! “I missed you..” Bulong yan pero rinig ko. Parang sinadya niyang marinig ko talaga yun. Napa-tingin ako sa kanya, kaso.. Naka-tingin din pala siya sa’kin. Automatically, iniiwas namin yung tingin namin sa isa’t-isa. Siya, naka-tingin sa taas at sumi-sipol pa.. Ako naman, naka-tungo kasi feeling ko parang ang kapal na ng blush-on ko ngayon. >//////////////< ”Ah.. Musta naman??” Tanong niya ulit. ”Okay lang, ikaw?” Ugh. Walang patutunguhan ang usapang ‘to. Kumbaga sa text, manghi-hingi na ng topic yung katext mo kung ganito lang ang usapan niyo. Haha!! "Okay lang rin..” See? Ganyang-ganyan ang sagot eh! Haha! ”Uhmm.. Musta kayo ni Hanna?” Gags. Nag-tanong pa ako? Kapag sinabi ba niyang ”Ayun, masaya kami..” Sino ang lugi? ”Doing fine, she’s nice.” Sige, patay malisya na lang. “Oh.. Mabait naman siya eh.” Ata? ”Eh kayo ni Yuya?” ”Ha??” ”Palagi kayong magkasama eh. Kayo na ba? Nililigawan ka niya?” Whoa whoa.. Easy lang dude. ”HA? He’s a good friend of mine..” “Aaaaah..” Then he smiled. Nakaka-panibago.. Hindi kami naga-asaran.. ”Siomai......” Kasasabi ko lang na hindi kami nag-aasaran di ba? ”Hmm? Siopao??” Edi gantihan natin. Takte. Kinikilig ako. ”Eeeeeeeeeeekk!!” Naka-rinig ako ng matinis at mahinang.. parang irit sa likod namin.. Nung lumingon ako, nagulat ako.. AS IN NAGULAT TALAGA kasi nagsa-sabunutan yung mga babae sa likod namin. Nung nakita nilang naka-tingin ako, tumawa lang sila. ”Ahehe.. Wag niyo kaming pansinin.. eeek!” Binalik ko ang tingin ko sa unahan pero naka-focus ang tenga ko sa likuran. Haha!! UmOo na lang kayo! ”Waaaaaa!! Siopao-Siomai is baaaack!! Eeeeeekk!!” Bulong ni girl 1 “Gooooosh!! Gusto kong tumili!! Partners pa sila oh!” “At ang sweeeeeeet nila mag-usap! Waaaaaaaa!!” Wag ganyan mga ‘te.. baka pati ako makapanabunot ditto sa sobrang kilig.. Pero alam niyo kung anong mas ikinagulat ko nung lumingon ako kanina?? Naka-patong yung kamay ni Paolo sa sandalan ng upuan ko. Which means, nakaakbay siya sa’kin the whole time. >/////////< *********************************************************************** [ Scene 18 ] **YNA’S POV** “A magnificent morning ladies and gentlemen!! Welcome to the annual Dance Competition! To start the program, may I request everyone to stand for the opening prayer.” –MC Magsi-simula na ang program, whew. Sana magawa namin ‘to ng maayos kahit hindi kami nakapag-practice. Tumayo na kami at nagsimula na yung prayer. Syempre tinigilan ko muna ang pagi-isip sa posisyon ng kamay nitong katabi ko kanina, kailangan Pray tayo ng maayos. Pagka-tapos nun, kumanta naman ng National Anthem. Parang program talaga haha!! “Okay!! Are you ready??” Tanong ng MC. “YEEEEAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!” Sigaw ng audience. Yay!! Nae-excite naman ako! Nag-drawlots kami para malaman naming kung anong number namin . “Ako na..” Tumayo siya at pumunta sa teacher-in-charge. At kelan pa siya naging gentleman? Kung dati kasi, itutulak pa ako nun para lang ako ang bumunot kasi tinatamad siya. Sabay-sabay na bumunot yung representatives. 30 na magka-partner lahat-lahat. Damiiiiiii.. Si Hanna nakita ko number 13. Psh. Friday the 13th. XDD Nakita kong ngumiti si Paolo. Tumingin siya sa’kin “Siomaaaaaiii kooooooooooooo!!!” O///////O Hindi ba pwedeng Yna na lang kapag isisigaw niya?? “YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!” See? Sa sobrang lakas kasi nung sigaw niya, nag-echo pa yun at narinig ng lahat. >////////< Itinaas niya yung number namin. Number…. 16. Wow? Kaya ba siya ngumiti kanina? Kung yun nga ang dahilan.. Edi ibig sabihin, naa-alala rin niya? 16 ang date kung kelan una kaming nag-kita.. Nung auditions ng drama club.. June 16.. Nag-thumbs up ako sa kanya, tapos tumakbo na siya pabalik sa’kin. “Ang ganda ng number natin no? 16. Pagkatapos ng kalahati. Matagal pa tayo!! Haha!” Sabi niya. Yun lang ba ang dahilan kaya siya ngumiti kanina? Sabagay, hindi naman talaga ganun ka-importante ang araw na yun para matandaan niya. Sinungitan ko pa nga siya nun eh. “Ayos yan, makakapag-prepare pa tayo..” Yan na lang ang nasabi ko. Di dapat magpa-apekto, ang mahalaga, okay na kami. Nag-simula na ang contest. Buti talaga matagal pa kami! Kaso, ang ga-galing, halos lahat magagaling! Baka mai-kumpara kaming dalawa.. Mainit pa naman kami sa mata ng tao >///< “Contestant number 11!!!” Hala!! Ang lapit na namin!!! Kailangan mag-ready na! “Paolo, malapit na----“ Hindi ko na nai-tuloy ang sasabihin ko nung mapansin kong may tinititigan si Paolo. Naka-kunot pa nga kilay niya eh. Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya. There, I saw Hanna. Mukhang nata-taranta siya at nagpa-panic. Ano kayang nang-yari? Malapit na siya ah? “Gusto mo puntahan natin?” Shocks. Tawagin niyo na aong martir. Kasi martir talaga yata ako. “Tara” Mabilis siyang tumayo at naglakad panuta sa kabilang side ng gym. Ang bilis niya… “Hanna, may probema ba?” Tanong ni Paolo. He sound so concern…. “O-oo eh..” Sagot ni Hanna. “Ano ba nang-yari?” – Paolo. “Ano kasi.. Yung partner ko..” – Hanna. Nakaka-OP naman.. “Oh? Anong nang-yari?” --- Paolo. “May sakit daw siya..” Maluha-luhang sabi ni Hanna. “Ha? Eh paano ka makakapag-sayaw??” “Hindi ko rin alam..” Umiiyak sa siya. TSk. Dahil lang dun?? “Shhh.. Wag ka nang umiyak..” Niyakap niya si Hanna. May kung anong kumirot sa dibdib ko… He looked into my eyes with a pleading look.. “Yna..” “H-ha??” -- Ako “Pao.. Paano na yan? Ang laking kawalan nito *sob* sa grades ko kapag nagkataon..” Umiiyak na si Hanna. “Don’t worry… I’ll be your partner.” *** [ Scene 19 ] </3 “Don’t worry… I’ll be your partner.” **YNA’S POV** I was taken aback with his last sentence. It’s like he didn’t even bother to think about my feelings. Is he that concerned to that girl? I don’t really get him.. Darn! It’s painful!! “H-ha? Wag na! Hindi na lang ako *sob* sasali.. Si Yna na ang ka-partner mo eh!” Nice one Hanna. What a great pretender. ”No, I insist.” ”But Pao, how about-----” ”Sige na, maghintay ka na sa backstage. Susunod ako.. I’ll just talk with Yna.” Tumango lang si Hanna. Tss. Pakipot. ”Yna..” ”What was that? Deciding without thinking??” Thinking about my feelings?? “Yna.. Please don’t be selfish..” “Selfish?? Hah!! Ako pa ngayon?? You were with her for more than one month!! Have you heard any complaints from me?? Pinigilan ko ba ang pagiging makasarili mo? NIYO?? And then now that I’ve realized how selfless I am, ipinapa-mukha mo sa’kin na madamot ako?! Hah!! I AM YOUR PARTNER! MALAPIT NA TAYO KAYA BAWAL NANG MAG-PALIT!!” Oo, alam kong O.A. na. Pero kapag hindi ko ‘to isinigaw, mapapa-iyak ako. Baliktad ba? Eh sa ganun ako eh. I need to release my anger. “Sorry..” GUILTY MUCH?? Yan lang ang kaya niyang sabihin?? “Yan lang ba masasabi mo??” ”Contestant No 12!!” Tawag ng MC. “Sige Yna. Susunod na ako kay Hanna. Sunod na siya eh.” Akmang tatalikod na siya sa akin. This is unfair =( ”P-paano ako.. Huh?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. ”Look Prances, you have many friends. Madami ka pang pwedeng maka-partner bukod sa’kin.. Andyan si.. Y-yuya.. Eh si Hanna? Wala. Madaming may ayaw sa kanya. Ako lang ang maaasahan niya ngayon. Sana maintindihan mo.” Iniwan niya ako. Hindi ako maka-galaw. My eyes are getting watery. Sige lang. Sanay naman akong iniiwan mo ‘ko. Akalako pa naman, maayos na ang lahat at tuloy-tuloy na. We should never look forward to something especially if we are never really certain about it. **Sandi’s POV** Kitang-kita ko. I saw everything. Bakit nagka-ganun?? Ang buong akala ko, nag-work out nang maayos ang plano! But what happened? Bakit iniwan ni Paolo si Yna? Sumama pa siya kay Hanna? Si Hanna naman, umiiyak!! Ano bang nang-yari? Bwisit naman oh! Umiiyak tuloy ang bestfriend ko! Iniwan ko muna yung ka-partner ko at tumakbo sa bestfriend ko na hanggang ngayon, naka-tayo pa rin at hindi gumagalaw. ”Yna!!!” Hindi siya lumingon. ”Huy! Halika na! Malapit ka nang mag-perform oh!” ”I’m not performing anymore..” She said bitterly. “Ha???” ”Nakita mo naman siba? Wala na akong ka-partner.” ”Tsk. Ano bang nang-yari? Baka naman emergency? I’m sure he didn’t mean to---” “SIGE LANG!! Ipag-tanggol mo siya! Can’t you see it? He chose that Hanna over me!! Ibig sabihin, mas pinahahalagahan niya yung babaeng yun kaysa sa’kin!! Ayoko na! I give up! Pagod na ako!!” Hindi! Hindi pwede.. Paolo naman kasi!!! ”I’ll talk to Paolo for you!! S-sayang rin ang grades mo dito!” “Nah. I’ll just talk with Yuu instead. Siya naman palagi ang nandito para sa akin eh.” *hampas noo* Sinasabi ko na nga ba eh! Tsk!! ARGHHH!! Bulilyaso ang perfect plan ko! Kanina ayos na ayos na sila ah?? Di-nial ko ang number ni Paolo. ”Hello.” ”Hello Paolo! Anong nang-yari ha?? Bakit umiiyak si Yna??” ”U-umiiyak siya?” ”Of course you numskull! Bakit mo ba siya iniwan? Ayos na kayo kanina ah?!!” Galit na ako. ”May sakit yung partner ni Hanna.. Wala siyang makaka-partner kaya..” ”Kaya iniwan mo si Yna? You left the one you love for her????!!” “Intindihin niyo na lang Sandra, ako lang ang kaibigan ni Hanna na maaasahan niya..” ”*sigh* Bahala ka Paolo, sana lang hindi mo pagsi-sihan ’tong ginawa mo. I already did my part, and I did it successfully. Ikaw na ang bahalang mag-ayos ng gulong ginawa mo. Alam mo kung paano magalit si Yna. Bye.” Hindi niyo kasi alam kung paano magalit si Yna. Ilang libong Sorry kaya ang kailangan niya this time? I thought I have the best persons for my plans. Tsk. My plan is totally ruined. ********************************************************************* [ Scene 20 ] **PAOLO’S POV** “S-sorry..” Nasa backstage kami ni Hanna. Malapit na kami eh. ”Wala yun. Wag mong sisihin ang sarili mo.” “Kahit na! Nang dahil sa’kin, nasira ang plano. Nagalit pa sa’yo si Yna..” ”Maiintindihan naman niya yun.. Siguro..” ”Eh paano kung hindi? Tsk!! Kasalanan ko talaga! Ayos na sana kayo kung hindi lang ako umepal..” ”Don’t blame your self.. Palagi ka namang nandyan para sa’kin eh, Tama lang na suklian ko yun.” ”Pero sobra naman yata yan.. Don’t worry.. Tutulungan kita..” ”Ha? Paano?” ”Basta! Ako na ang bahala..” ”Sasabihin mo sa kanya ang totoo?” Tanong ko sa kanya. ”Oo sana?” ”NO! Baka mabigla siya... Ako na ang bahala. Basta, i-sancel na lang siguro natin from now on yung unang plano. Masyado na ring madami ang mga anti’s mo. It’s time to clean your image up..” “T-talaga? Thanks.. Alam kong after our performance.. Mas dadami sila.” “Sshhh.. Maayos natin ‘to. I promise to get you out of this situation.” Pagka-tapos, tinawag na kami. I’m ready to face the consequences of my actions. Hintay lang Yna. **YNA’S POV** Iwanan pala sa ere huh? Then I can do better. “Yna! Ano? Kakausapin pa ba natin si Paolo?” Tanong ni Sandi, kumalma na kasi ako. ”Nah. I’ll talk with Yuu instead. Siya naman yung nakakasama ko sa mga gantong pagkaka-taon eh.” Ngumiti ako at lumabas ng gym. Alam kong ang pangit tingnan kasi parang ginagamit ko lang si Yuu. Pero hindi, true friend siya at matatakbuhan ko talaga sa ganitong mga pagkakataon. Nung nasa gate ako ng gym, saktong papasok pa lang siya. ”Yuu!!” Tinawag ko siya. ”Uy! You look good! Hindi ka pa magpe-perform?” ”Uhm.. Malapit na..” ”Oh, bakit lumabas ka pa?” ”Ah, ano kasi.. Nakapag-register ka na ba sa solo test?” ”Actually papunta na ako dun eh..” “NO!! I’ll be your partner instead ^____^” “Ha? Eh ‘di ba si-----“ ”Wala, wala akong ka-partner. So please, ikaw na lang..” Pinutol ko na yung sasabihin niya. I.JUST.DONT.WANT.TO.HEAR.HIS.NAME. ”HA? Eh akala ko----” ”Eeeeh basta! Haha! Partner tayo. Pwede naman DAW mag-palit kapag hindi pa turn eh.” Hinila ko siya. Ako na bitter. +__+ Pagka-upo namin sa seats namin, nasa stage na yung dalawa. Nag-katinginan kami. Nagtitigan kami hanggang nag-simula na ang music nila. Their moves and routines were great. It was great because most of them were OUR steps. Yung mga steps namin ni Paolo. Iniba lang ng konti yung iba at dinagdagan. HAH!! Sabi nga niya ’di ba? Palagi silang nagpa-practice ni Hanna. Grabe. Practice makes perfect. “Yuu. Remember the steps that we made?” “Alin? Yung mga ‘experiments’ natin?” “Yup?” “We’ll do it.” “HAH?? Are you sure? I mean.. Biruan lang natin yun di ba??” “Basta gagawin natin.. Kita mo ba yung dalawang nasa stage? Halos kapareho ng routines na pina-practice natin! We have to spice it up.” “Ha? O-okay. Sabi mo eh.” Wala akong paki-alam kung masyado silang mabigatan sa ipapakita namin. Masama akong ini-imbyerna eh. ”Thank you po.” Sabi ni Hanna sa mic.Maka-ngiti naman ’to??? ”Awesome performance from our 13th contestant!! Now may we have on stage contestant number 14!!!” Tawag ng MC. Sunod na kami. “Yuu, tara na sa backstage.” ”Planning for revenge, eh?” Tanong ni Yuu habang nagla-lakad kami papunta sa backstage. ”Ha?? Paano....” ”Obvious sa mukha mo.. Tsaka kung paano mo sila tingnan. Parang masusunog na lang sila bigla..” ”Haha!! You know me too well Yuu.. Salamat at kinonsinte mo pa rin ang kabaliwan ko..” ”Hindi naman sa kinokunsinte.. Hindi lang talaga fair ang ginawa ni Valenzuela sayo. Galingan natin partner. Nandito ako.” Inakbayan niya ako. Swerte ko sa kaibigang ’to. Buti pala nabato ko siya noon ^____^ Narinig naming may mga nagpalakpakan na. Which means, kami na. ”Game??” Tanong niya. ”GAME!!!” Sigaw ko at hinila na siya sa stage. -[ Scene 21 ] **YNA’S POV** Nag-start na ang music. The moment na maka-akyat kami ng stage, tiningnan ko agad siya. Yung look na, ”Magsisisi ka sa ginawa mo.” LOLS. Nakakatakot yata yun. Nakita ko rin ang pagbubulong-bulungan ng mga tao. May narinig pa nga ako sa backstage na ”Grrrrr!! Di ba ayos kanina sina Yna at Paolo? Bakit si Hanna na naman ang partner ni Paolo at pumasok naman si Yna na kasama si Yuya??” Galit yung nag-sabi nyan.. Siguro yung nasa likod namin kanina. Well, that’s life. Deal with it. The first sets of routines were so-so. Warm-up pa lang kumbaga. Halos katulad ng steps nina Paolo. Pero pagdating sa gitna, climax na. Gagawin na namin yung ’experiments’ namin. Experiments kasi simpleng steps lang sila, tapos iniba at dinagdagan naming para tumaas ang level of difficulty. Haha! Instant choreographer kaming dalawa! Isinasali rin naming yung mga nakikita namin sa ballroom competitions. Nakaya naman namin, na-perfect naming siya kahit biruan lang. Nakaka-pagod. Tinotodo ko talaga, parang dito ko nilalabas ang galit ko ngayong araw.. At ramdam ko na tinotodo rin ni Yuu. In character talaga siya at halatang pursigidong manalo, yet wala kang makikitang kahit konting kaba sa kanya. Nakakadala.. Pati tuloy ako, parang ine-enjoy na lang ang dance. ”You okay?” He managed to say nung bumagal ng konti ang tempo ng sayaw kahit hinihingal kami pareho. “Of course *breathe* baka ikaw nga, pagod ka na. Tagaktak na pawis mo oh. Haha!!” Natatawa naman ako, hinihingal kami at nagsasayaw pero nagu-usap kami. ”Ako pala ha??” Hinawakan niya ang bewang ko, hinila palapit sa kanya, AS IN MALAPIT HA, then inihiga niya ng konti. Gets? ”Gusto mo ganito muna pwesto natin??” Sabi niya habang tinitingnan ako ng nakakatuaw. Naman!! Sa liit ng mata niya, nakaka-tingin pa siya ng ganun? I blushed. Noon ko lang napansin na tapos na pala ang sayaw at yun ang final position namin. Kaya pala antagal naming naka-ganun. Nakaka-hiya >//////< Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. ”Whoa that was a stunning performance!!! Thank you pair no. 15!! Now, we’ll have a short break.” --- MC Haha! Stunning ang samin, awesome lang ang sa kanila. *smirks* Bumaba kami sa stage. ”Grabe!! Hindi ko inaasahan yung huling ginawa mo ah!!” Sabay bato ko ng tubig kay Yuu. “Hah! Inasar mo ko eh. Haha!” ”Ang pawis natin!” Sobrang wet look nga eh. Lalo siyang nagmukhang HOOOOOT. ”Oo nga eh, buti pa mag-shower na muna tayo, mag-kita na lang tayo mamaya para sa awarding..” ”Okay Yuu! Tara na!” Papalabas na sana kami ng gym, kaso may humarang sa’min. ”Uhm.. Excuse me?? Naka-harang kayo.” Sinabi ko sa kanilang dalawa. Talagang hanggang dito magkasama eh no? ”Usap tayo.” He said. ”Dude, pagod pa si Yna. Mabuti kayo, nakapag-palit na. Just let Yna-----” ”WAG KANG MAKIELAM. YNA, LET’S TALK.” ”Pwede ba? Nag-usap na tayo kanina di ba? Let me rest. Tara Yuu.” Hahawakan ko n asana ang kamay ni Yuu kaso hinawakan naman ni Paolo ang kamay ko. ”Ano ba?!!” ”Hindi ka aalis, unless we talk.” “SINABI NANG AYOKO EH! WHY WON’T YOU JUST TALK WITH YOUR GIRLFRIEND HUH?” Nakita kong tumiklop ang mga daliri ni Hanna. Yung parang manununtok. Ano? Nagagalit siya? Tinawag ko na nga siyang GIRLFRIEND di ba?? ”Yna, halika na. Wag na tayong---” ”Paolo ayaw nga niya eh!” Inawat siya ni Yuu. ”Sinabi nang wag kang makialam eh!!” ”Aaaaaaaaaah!!” Sumigaw yung mga tao sa paligid. ”STOP IT!! Ano bang problema mo Paolo??” Sinuntok niya si Yuu. Lalapitan ko na sana si Yuu pero nakatayo kaagad siya at ginantihan si Paolo. Nagsu-suntukan na sila!! *SLAP* ”Sinabi nang TAMA NA EH!! ANO BA KAYO!!!” Pumagitna ako.. At sinampal si Paolo. Natahimik ang lahat. Ang daming naka-kita sa gulo.. ”Yuu tara na. Sa clinic tayo.” Hinila ko ulit si Yuu. Alam ko, masakit yung pagkaka-sampal ko. Pero mas masakit na alam kong sa huli, ako pa rin naman ang talo. Di ba?? **HANNA’S POV** ”A-ayos ka lang ba?” Inalalayan ko siyang tumayo. ”Yeah. Hina niya naman sumuntok eh.” Nakapag-yabang pa siya ha? ”Eh yung sampal ni Yna? Kumusta naman yun??” Natahimik siya. Sabi ko na eh. ”Tara sa clinic?” ”Wag!! Andun sila eh.” ”Eh saan tayo? Paano yang sugat mo??” Dumudugo eh. ”Bili na lang tayo ng band aid tapos sa garden tayo.” ”Ah.. Okay..” ”Tingnan mo siya? Nakaka-ngiti pa siya pagkatapos ng ginawa niya!” ”Oo nga, nang-agaw na nga ng partner, pinaga-away pa niya! She’s such a b*****” Ayoko…. Ayokong marinig.. “Hey.. Hayaan mo na lang sila. Wala silang alam.” Tumango na lang ako. Si Pao talaga, parang kuya ko.. Nami-miss ko tuloy ang mga kuya ko sa Japan. Ako lang kasi ang nandito sa Philippines, ako at ang Mom ko. Yup, kuya. Hindi boyfriend, at lalong hindi NILALANDI. Gusto ko lang siyang tulungan kay Yna.. Alam kong mahal na mahal niya si Yna eh.. That’s why pumayag ako sa plan ni Sandra kahit alam kong madaming maiinis sa akin. Sanay naman ako eh. Madami na akong haters worldwide. Kahit wala naman akong ginawang masama. Tss. Enough of the dramas. Ano nga ba ang ‘Plan’ namin? **flashback** “Hey Hanna!!” Lumingon ako at nakita ko ang bestfriend ni Yna na si Sandra. ”Uy! Bakit?” ”You’re pretty and you’re very good in acting! Congratulations!” “Wow!! Thanks Miss President!!” “But.. Can you do me a BIG favour? Actually, not only for me.. But for Yna and Paolo.. Tutal close na naman kayo..” “Oh, the lovebirds? Sure! Gusto ko pang mas maging close sila eh!” “Pwede bang.. agawin mo si Paolo??” “HAAA??!! O__o” “No, no! Haha!! Ibig kong sabihin, pagse-selosin natin si Yna. Para naman marealize niya kung anong feelings niya kay Paolo!! Naiinip na ko sa kanila eh!!” ”Wow!! Exciting! Sige game ako!!” “But I’m warning you, sikat sa buong campus ang dalwang yan.. You might have some antis or haters..” “Uhm.. it’s okay. Sanay ako.” “But don’t worry!! Aalagaan ka namin..” **end** Ayun nga. Kaya hindi ako kontrabida rito. Kaso... Mukhang ako pa ang sumira lalo sa relasyon nilang dalawa. I have to fix this. Ibabalik ko lahat sa normal! *********************************************************************************************** [ Scene 22 ] **YNA’S POV** ”Uhm.. Yuu?” Kinakausap ko siya kahit naka-pikit siya. Nasa clinic kami. Dumugo kasi yung labi niya sa pagkaka-suntok sa kanya. Ano ba yan! Feeling ko ako palagi ang dahilan kaya nasisira yung mukha niya... ”Oh?” Minulat niya yung isa niyang mata. ”Sorry..” ”Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ikaw ang sumuntok sa’kin..” ”Hindi nga ako, pero parang ako pa rin ang may kasalanan kaya ka nagka-ganyan.. Sorry..” ”Wala yun.. It’s for you anyway.” …………………… “You like him, right?” Nagsalita siya after a minute of silence. “H-huh?” “Paolo.. You like him..” “Hah.. Am I that obvious?” “Nah.. Not really. Ngayon-ngayon ko lang din napansin.” “Nakakahiya naman. Haha!” “Bakit hindi mo na lang siya kausapin? I think.. He likes you as well..” “Ako?? Gusto nun? Nakuuu!! Kulang na lang magka-palit sila ng mukha nung Hanna niya. Magsama sila forever.. Kung gusto nila..” ”But you’re hurting..” Umupo na siya. “Eh anong magagawa ko? Kung gagawin kong big deal ang lahat.. Maaapektuhan lahat.. Yung pag-arte ko, yung pag-aaral ko.. Yung emotions ko. Ayokong aksayahin ang panahon ko sa pagmumukmok para sa kanya. If he doesn’t like me, let him be. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.” “You’re one strong girl. Eh paano nga kapag gusto ka rin niya?” Kulit naman ni Yuu >O< ”Hindi ko alam. I’m in the process of moving on.. Ayoko ng feeling ng nasasaktan.” “Nai-iyak mo na ba yan?” ”Ha?” Nalilito ako sa tanong niya. Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero imbis na sagot ang makuha ko.. Hinila niya ako at niyakap. ”Iiyak mo muna. It will help..” Sabi niya habang hinahagod ang buhok ko. Wala talaga sa isip ko na iiyakan ko ang lalaking yun.. Pero hindi ko rin napigilan.. Kahit ayaw ko, napa-iyak ako sa dibdib ni Yuu. It felt great. ”Let me help you.. to heal your wounded heart.” --**HANNA’S POV** Umuwi na si Pao. Masyadong malaki yata yung gulong nangyari kanina.. Lahat ng tingin ng tao nasa amin. Hindi na yata niya kinaya yung pressure. Ako naman, nasa garden lang. Nagi-isip isip. Tama pa ba yung pinasok ko? I thought I was going to help them.. Pero bakit mukhang ako ang naka-sira? May paraan pa ba para maibalik ko ang lahat sa normal? Habang malalim ang iniisip ko, nag-ring ang phone ko. ”Hello, Hany?” Hay. Mas lalo akong nagi-guilty sa boses na narinig ko sa kabilang linya. ”Sandi..” ”Oh? What’s with the sad tone?” “Sorry..” “Tss.. It’s okay. Nangyari na eh. Ayusin na lang natin ‘to..” “Paano? Kasalanan ko talaga ‘to..” ”Sshh.. It wasn’t entirely your fault! In fact I know you did your best in playing your part. Sorry din sa mga nasabi ko kanina.. uminit lang talaga ang ulo ko nung nakita kong umiiyak si Yna.” ”Okay lang. I deserve it. Kung hindi na lang sana ako umiyak, hindi sana maaawa si Paolo sa’kin.” ”Hay.. Ganito, aayusin natin ito okay?” “Okay. I promise to do everything to bring them back together!” “Good. Mag-plano tayo ulit. Kita tayo sa Student’s Council’s Office pagkatapos ng program, that would be… Twenty minutes from now, ‘kay? Bye.” “Bye.” Twenty minutes pa akong maghi-hintay.. Nagi-guilty talaga ako. Sana maayos na lahat.. Ayokong masira ang relasyon nilang dalawa, paano na ang love team ng drama club at yung mga fans nila? Tatanggapin ko lahat ng insulto.. Basta maayos ko lang yung gulong pinasukan ko.. ----********************************************************************************************** ( This is the boys’ chapter. XD ) [ Scene 23 ] **YUYA’S POV** I don’t have any intention of taking her away from Paolo, kahit na gusto ko si Yna, nung una pa lang kaming nagka-kilala. Wala talaga. Alam ko namang wala akong laban sa kanya eh. But I never had an idea that I could fall for a girl who threw stones on my face. But seeing her in pain? It kills me. ”Let me help you.. to heal your wounded heart.” Kaya nga hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang yun. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ’to. Kaso, ngayon pa niya ako natulugan. Tsk tsk tsk. Napa-ngiti na lang ako nang makita kong tahimik siyang natutulog. Binuhat ko siya at inihiga sa kama. I kissed her forehead, leaned close to her ears and whispered something. “Okay lang kahit hindi mo narinig. Maybe it’s not yet time. Sugar dreams.” Kinumutan ko siya at iniwan na sa clinic. Kailangan niya ng pahinga. Kung ako si Paolo, I’ll treasure Yna. Hindi ko siya hahayaan masaktan nang dahil sa akin. Kung hindi nga lang masyadong mahal ni Yna si Paolo, matagal ko na siyang kinuha. But I can’t. Ayokong pwersahan siyang kuhanin. We’ll get there. -**PAOLO’S POV** ”The number you have dialled is temporarily unavailable. Please try your call later.” Tsk. Damn!! Bakit ayaw mong sagutin Yna? Sobra ka bang nagalit sa akin? Argh! Malamang Paolo Oo. Bwisit naman. Ayos na sana kami eh! Konting-konti na lang!! Sino ba yung partner ni Hanna na nang-indian sa kanya?? Subukan niyang magpakita sa’kin uumbagan ko rin siya. Ano kayang nang-yari nung nagpunta sa clinic si Yna at Yuya? Argh. Yung hapon na yun? Napapansin kong palagi siyang kasama ni Yna ah! May HD ata yung hapon na yun kay Yna eh. Sa tabas ng mukha nun? Mukhang madami nang pinaiyak na babae. Subukan niyang targetin si Yna, tuluyan na niyang hindi maii-mulat yung mga mata niya. Gabi na nung naka-rating ako sa bahay. Tsk. Yna, kausapin mo naman ako. Nag-bukas ako ng PC at nag-online. Madalas kasi ganitong oras, online siya. Pero mukhang hindi ngayon. Tiningnan ko ang profile niya, kagaya pa rin ng kahapon ang feeds na nandoon. Oo, araw-araw kong tinitingnan ang profile niya. AAAAAAAAAAAH. Mababaliw na ako kakaisip sa mga pwedeng nangyari at sa mga pwede pang mangyari. Kailangan masabi ko na sayo lahat. I can’t afford to loose you now. I badly miss her. Yung masungit niyang mukha at yung mga sentences niyang parang laging nasa menopausal period. Kapag kasi nagde-deliver kami ng lines sa rehearsals, alam kong hindi na natural kagaya ng dati. There’s this wall that blocks the bond between us. Yung pagtawag nita sa’kin ng Siopao, at kung anu-ano pang nakaka-bwisit na panga-asar.. Pag sa kanya kasi galing, parang compliment pa rin. I love it when she wants all my attention. I love it when she’s jealous and angry. Kaso ngayon, mukhang napa-sobra ata. Ayokong maunahan ako ng iba. Gusto ko ako lang Yna. **************************************************************************************** [ Scene 24 ] **YNA’S POV** “Yna.. Yna..” Sino yun? Naman.. Maaga pa.. Ayoko pang pumasok Ma— ”Yna, tapos na ang program, uwian na kanina pa.. Umuwi ka na rin.” Boses ni Nurse Jenny yun ah? Yung nurse sa clinic? Napa-bangon ako bigla. ”Teka, bakit po ako ang naka-higa dito? Eh di ba si Yuya ang binabantayan ko dito?” ”Kanina pa siya naka-alis, pinahabiin ka sa’kin, pagod ka raw at kailangan ng pahinga. Bilib nga ako sa pagka-gentleman nun eh. Dapat nga siya ang nagpapahinga diyan kasi marami siyang galos sa katawan.” ”May sinabi po ba siya bago umalis?” Nakakahiya kay Yuu.. “Hmm.. Wala naman. Kayo ha, ang sweet ninyong mag-boyfriend. Gusto ko ang team up ninyo ni Paolo pero mukhang nagkakalabuan na kayo eh. Okay din naman si Yu---” ”Ay Nurse Jenny sige una na ako. Baka gabihin pa ako pauwi eh. Hehe...” Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ni Nurse Jenny. Chismakers din pala siya eh. Hayyy. Narinig ko na naman ang forbidden name. +___+ ”Sige. Ingat.” ”Ah.. Sige Salamat po.” Inayos ko ang sarili ko at umalis na. Shocks. Dalawang oras pala akong naka-tulog sa clinic! Hindi man lang ako ginising ni Yuu. Tawagan ko kaya siya? Makapag-Thank you man lang. Ida-dial ko na sana ang number niya kaso nakita kong may text pala siya. From: Yuu :] Una na ko ah. Ingat pauwi. Pahinga ka.. Psh. Si Yuu talaga. Alam ko namang mas masakit ang katawan niya ngayon. Tapos may missed calls na puro galing kay.. Err. Nagla-lakad lang ako pauwi nang mag-isa. May importante daw na meetng si Sandi sa SC’s Room. Hirap kapag President ka eh. Habang nagla-lakad ako, hindi ko mapigilang maisip si Yuu at kung anong nangyari sa clinic. Para kasing may kakaiba akong naramdaman.. Or narinig habang tulog ako? Hindi ko tuloy malaman kung nananaginip ako or what. Yuu is a very gentle guy. Kahit minsan, hindi niya ako na-offend sa mga sinasabi niya.. Hindi pa niya ako nasasaktan.. Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya. Hindi niya ako iniiwan.. Aside from Sandi, siya yung palagi ko talagang maaasahan.. Would it be rude if I’ll fall for him instead? **HANNA’S POV** Katatapos lang ng program at papunta na ako sa SC’s Office. Phew. *knocks* Pagbukas ko ng pinto, nandun na si Sandi. ”Hello Hany” Bati niya. ”Ah.. Hello.” I still feel awkward. “Upo tayo..” Umupo kami sa tapat ng bintana. ”May naisip ka na bang plano?” Tanong sa akin ni Sandi. ”Meron sana.. Kaso naisip ko na kung kakausapin natin sila para mag-meet sila at mag-usap privately, tingin ko hindi papayag si Yna..” ”I agree. Knowing Yna, hindi talaga.” ”Tsaka, baka hindi na sila magpansinan.. Lalo na at nasaktan ni Paolo si Yuya..” Nakita ko yun eh.. ”Ayun! Isa pa! Si Yuya.. What if.. What if Yna.. falls for Yuya?” NAsabi ko na lang. “No! Hindi pwede! I mean, alam kong hindi pa kaya ni Yna yun.. Kailangan mahiwalay din natin si Yna kay Yuya sa araw ng plano natin.” ”So ibig sabihin..” ”Ibig sabihin?” She’s waiting for my answer. “Ibig sabihin either wag nating ipaalam at isorpresa na lang sa kanila ang plano, or..” “Or ano? Wag mo ‘kong bitinin Hanna!” “Or pwersahan natin silang ipag-meet.. Privately..” “Oh…. Oh.. OH!!!” Mukhang na-gets kaagad ni Sandi ang gusto kong iparating. ”Got me?” ”Of course. Haha! Gusto ko yang idea na yan!!” Buong maghapon, nag-plano lang kami. Hayyyy plano na naman. I hope I won’t ruin it this time. - -- [ Scene 25 ] **YNA’S POV** Another day. Hay. Ano naman kayang mangyayari sa araw na ‘to? Nung gumising ako, I already had this weird feeling. Yun bang feeling mo may mangyayaring hindi mo inaasahan sooner or later? Baka paranoid lang ako dala pa rin ng mga nangyari this week. Nung malapit na ako sa gate ng campus, nakita kong nagu-usap sina Sandi at Hanna. Ano naman kayang pagu-usapan nila? Close sila? Psh. Nung nakita ako ni Sandi, kinawayan niya si Hanna at tumakbo papunta sa’kin. I even saw Hanna smiled at me. Pero hindi yung sarcastic. ”Morning Yna!” She said while smiling WIDELY. “Err.. What’s with the smile? Tsaka bakit kausap mo yun?” “Ah, wala.. Tungkol lang sa Student council matters.. You know? Haha! Tara na!” Auditor nga pala ng Student Council si Hanna. So? Patalon-talon pa si Sandi habang papasok kami. Seriously, Anong meron? ?___? “Hoy! Ano bang meron, bakit ang hyper mo ata??” Curious na talaga ako. ”Wala nga! May nase-sense lang akong magandang mangya-yari ngayon araw. Haha!” ”Nyah.. Magka-baliktad ang vision natin sa araw na ’to. Ako kasi parang feeling ko.. Something weird is soing to happen.” ”Anong weird? I mean, wala yan! Haha! Tara na!” Hinila na niya ako papasok sa building. Ang weird pati na rin mga tao sa paligid. Naka-rating kami sa classroom namin. ”Sandi, anong oras na?” ”6:50 na.. Bakit?” ”Ten minutes na lang before time ah.. Bakit wala pa si Yuu?” ”Eh! Hayaan mo na! Malaki na yun! Haha!” ”I know right? Haha! Hindi lang ako sanay, maaga naman palagi yun ’di ba?” ”Malay mo nagsawa na! Hayaan mo na siya, for a change. Haha!” “Hoy Sandra, bakit feeling ko ayaw mong dumating siya ngayon?” “Eh? Praning ka lang Sis. Haha!” Dumating si Mam. Asaan kaya si Yuu? Dumaan ang buong araw, absent yata si Yuu. Hay, last period na namin.. “Yna, Pwedeng favor?” “Anong favor naman?” “Marami lang talaga akong gagawin.. Pwede bang paki-kuha naman nito sa SC Office? Pleeeeease?” Nagpa-awa pa. =__= ”Okay. Pasalamat ka walang rehearsals ngayon.” “O sige, Salamat! Yay!!” Kinuha ko yung papel, naka-sulat dun yung files na dapat kong kunin. Hay, kelan pa ako naging alalay? At saan naman niya gagamitin ang mga records na ’to? Eh. Malay ko bas a mga ginagawa ng Student Council. Kukunin ko na lang para matapos na. Haha! Bumaba ako papunta sa SC Office. Naka-salubong ko pa nga si Hanna at mukhang nagma-madali siya. Bakit palagi ko siyang nakikita ngayong araw? At hindi niya kasama si... Nevermind. Pumasok ako sa SC Office. WOW. Ang organized naman dito! Hindi ako mahihirapang mag-hanap! Nagbu-buklat ako nang may narinig akong weird na kaluskos. Take note: WEIRD na naman. “May tao ba dyan?” Tanong ko kahit kinakabahan ako. Walang sumagot. Phew. Paranoid lang siguro talaga ako. Lalala~ Nasa kabilang side na ako ng drawers nang marinig ko ulit yung tunog.. yung parang may pinupukpok na bakal? Ano ba yun.. Hapon na eh.. Konti na lang ang tao.. CREEPY. “Hey!! Sino ba yan??” Naiinis na ako.. At natatakot. Pinag-patuloy ko ang pagha-hanap kahit na natatakot na ako. Nagulat na lang ako na halos matanggal ang puso ko sa dibdib ko nang marinig ko na sumara ng MALAKAS yung pinto. OhMy!! Ayokong lumingon!!! *kriiiiiing—kriiiiiiiiing* My cellphone rang. It’s Sandra!! “Hello Sandi!!!” “Yna!! Sorry! I forgot to tell you, sira yung door knob ng pintuan dyan sa SC Office. Be sure not to close it okay? Bye Sweetie.” SERIOUSLY?? Dahan-dahan akong lumingon. O_________O --- - -- [ Scene 26 ] **Sandra’s POV** “Do you get me?” “I so do!! Haha!! I think magwo-work ang plano this time! I’m excited!” Tuwang tuwa si Hanna sa bagong plano naming. This would SURELY work. Nagamit ko ang knowledge ko tungkol kina Yna at paolo. Muhahaha.. “Akong bahala sa mga Student Council members, ikaw kay Paolo. Ako na rin bahala kay Yna.” “Okay!” Mabilis na umalis si Hanna para ‘iinform’ si Paolo. Pero syempre, dapat kaming dalawa lang ang makaka-alam ng plano. May pinakuha akong ‘files’ kay Yna sa SC Office. Kailangan ko naman talaga yun. So parang multi-purpose talaga ang planong ‘to. At isa pa, pareho kaming magbe-benefit. Bwahahaha.. Nasa security room ako. Nandito lahat ng monitors ng hidden cameras na naka-kalat sa school. Astig no? haha! Makikita ko ang bawat galaw ng mga tao sa plano ko. “Hanna, start.” Signal ko yun na sisimulan na naming ang plano. Pinasira k okay Hanna ang door knob. Yung tipong kapag sumara siya eh mala-lock na lang bigla? Ewan ko nga kung bakit marunong si Hanna nun eh. Nagpupu-pukpok siya dun ng ilang beses.. nakikita kong natatakot si yna sa tunog ng door knob. “May tao ba dyan??” Sigaw ni Yna. LOLS. Wala Yna, WALA. 20 mins. Nang naghahanap si Yna, malapit na siya sa drawer na pinaglagyan ko nun. It’s time. I dialled her number. “Hello Sandi!!!” Nase-sense kong takot na takot na siya. Buwahaha.. “Yna!! Sorry! I forgot to tell you, sira yung door knob ng pintuan dyan sa SC Office. Be sure not to close it okay? Bye Sweetie.” Waaaaaaa!! Binu-bully ko ang bestfriend ko. Di, pasasalamatan din niya ako pagkatapos nito. Haha!! Tinawagan ko ulit si Hanna. “Pakisabi na kay Paolo pumunta na sa SC Office. Sabihin mo, kunin niya yung plan para sa school play niyo.” “Okay!! Gandang palusot ah. Haha!” Maya-maya, nakita ko nang naglalakad sa corridor si Paolo. “Hanna, HIDE!!” Natatwa ako! Para kaming Spies na naka-undercover. Haha!! Mabilis na nag-tago si Hanna sa likod ng bukas na pintuan ng SC Office. “Kapag naka-pasok na siya, alam mo na ang gagawin mo Hany.” “Sure Commander.” I saw her grinned. Naku!! May similarities talaga ang personalities naming ni Hany! Naka-pasok si Paolo and BLAG!!! “Good work Hany. Punta ka na ditto. You shouldn’t miss the show.” “YAY!!! Im coming!!” Ini-off ko na yung monitors ng ibang areas ng school. Focus lang dun sa hidden camera sa SC Room. SC President ako kaya pwede kong gamitin lahat ‘to. “How is it going?” Dumating na si Hany. “Watch.” Kitang-kita sa monitor ang pagka-gulat ni Yna nang Makita niya si Paolo, ganun din si Paolo. “Laksan mo sis..” Request ni Hanna. “Okay, haha!! Paki-kuha nung popcorn ang softdrinks sa bag ko. Thanks” Hindi kami handa no? XD “P-Paolo?? ANONG ginagawa mo dito?” Sabi ni Yna. “May pinakuha si Sandra, yung plan sa school play natin.” “HA?? Eh may pinakuha rin siya sa’kin eh, bakit hindi na lang din niya sa’kin pinakuha? ARGH!! Now we’re locked in here!” “Sorry. Hindi ko naman alam eh.” Kalmadong sabi ni Paolo. Naman!! This is your chance Paolo!! “Oh, anong gagawin natin ngayon? Kailangan maka-labas tayo! Kakaunti na ang tao ngayon! Paano na yan.. Ayokong mag-stay ng mas matagal dito..” Tumakbo si Yna sa pintuan. ”MAY TAO PO DITO!! TULONG!! PAKI-BUKSAN PO YUNG PINTO!!!” Walang makakarinig.. Sinigurado kong walang makaka-interrupt sa plano ko. One random fact about Yna. Ayaw na ayaw niya sa madilim. Hindi naman talaga yung dilim ang kinatatakutan niya eh, kundi yung mga pumapasok sa isip niya kapag madilim. Doon siya sobrang natatakot. Napagod na si Yna kakasigaw. Lumuhod na lang siya sa sahig, at tumingin sa bintana. ”Ang dilim na.. Paano na yan.. D-dito tayo.. Magpapa-lipas ng gabi?” Basag na boses niya. ”Sssshhh.. Kasama mo ako. Hindi kita iiwan. Promise.” **YNA’S POV** ”Sssshhh.. Kasama mo ako. Hindi kita iiwan. Promise.” Sinabi niya yun tapos niyakap ako. Oo, galit ako sa kanya at malaki pa rin ang sama ng loob ko sa kanya. Pero somehow.. I felt safe and secured nung niyakap niya ako.. Parang saglit na nawala lahat ng fears ko. I hate it. Pero wala akong magagawa. Makikita niya ang weak side ko ngayon.. ”P-Promise?” “Yup. Tsaka malay mo, may dumaan naman. Basta, makaka-uwi rin tayo.” Madilim na talaga.. mga 7PM na siguro.. Nalowbat ko yung cellphone ko eh.. Si Paolo naman, never nagdala ng cellphone sa school. “Nagugutom ka?” Tanong niya. “Hindi naman..” Kumain kami ni Sandi bago ako mapunta rito. Speaking of Sandi, mag-uusap kami pagkatapos nito. ~__~ Naramdaman ko na lang bigla na lumalamig na.. Napa-hawak ako sa braso ko. Ugh! Wala nang pag-asa! I hugged my knees. Gusto kong umiyak. Maya-maya, may naramdaman akong naka-patong sa’kin. Kumot? “Suot mo na yang blazer ko. May polo naman ako sa loob.” “Ah.. Thanks.” Silence. Ugh. Gusto ko sana ng kausap para wala akong maisip na kung anu-ano. Pero paano ko siya kakausapin? May wall na kasi sa pagitan namin.. ”Uhh.. k-kumusta?” He initiated the conversation. “Ah..? Okay lang. hehe. Ikaw?” Parang text lang. =___= “Hindi masyado.” “Oh? Bakit naman?” I heard him chuckle. “Wala.. Basta.” Tahimik ulit.. “Si Yuya? Musta? Sorry pala sa inasal ko. Gusto lang naman kitang maka-usap nun eh.” Maka-usap? ”Oh. Nagu-usap na tayo.” Sagot ko. ”Galit ka ba sa’kin?” Pfft. Anong tanong ba yun. ”Medyo.” ”Bakit?” Bakit? Hala! Anong sasabihin ko? Kasi si Hanna palagi ang kasama niya at nagseselos ako? Tsaka kasi sinaktan niya si Yuya? ”N-nevermind.” ”Daya.” Ako pa pala madaya?? ”That’s life.” ”Pwede bang.. bumalik na tayo sa normal?” Tanong niya ulit. ”N-normal?” Maang-maangan ako kahit alam ko naman kung ano yun. ”Y-yung dati.. Okay tayo.. Magkaibigan..” “Para ano pa? Tsk.” Ayoko nito! Nagiging bitter ako. ”Because I.. I miss you.” “Hah! Di ba mababaw naman yata yan? Lahat ng tao na dadaan sa buhay mo, pwede mawala. Hindi palagi makakasama mo sila. Nandyan naman si Hanna, kaya na niyang punuin lahat yun.” Miss mo lang pala ako eh. ”Hindi mo naiintindihan Yna!” ”Anong hindi ko naiintindihan? Hindi ko kailangang intindihin kasi kitang-kita ko na!!” ”Hindi mo kasi alam kung anong totoo!!” Tumataas na rin ang boses niya ”Kasi hindi ko na rin alam kung anong paniniwalaan ko!! Ilang beses mo na ba ako iniwang naka-bitin sa ere? Ha? Ilang beses mo akong napaniwala sa mga sinasabi mo?” ”Yna.. Lahat naman yun.. totoo eh..” “Ewan!! Hindi ko alam.. Hindi ko na alam..” ”Yna..” ”Yun lang ba sasabihin mo? I’d rather sleep.” Kahit takot na takot pa rin ako at uneasy. ”Wag.” ”Hah! Sino ka para pigilan ako? Matutulog ako kung gusto ko.” ”Kasi. May katabi ka dyan. Baka madaganan mo siya kapag natulog ka.” Tumayo lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Sinong katabi eh kami lang dalawa rito? ”Ano bang sinasabi mo dyan ha?!!” Ayoko nang ganoong biro. ”Alam mo kasi dati, may estudyante na binubully rito hanggang sa namatay siya. Tuwing gabi, bumabalik siya at----” ”TUMIGIL KA NA!!!” Sa sobrang takot ko, na-pasigaw na ako. Feeling ko nga umiiyak na ako. Buti madilim, hindi niya nakikita. ”Teka, Umiiyak ka ba?” ”Hindi!! I just hate you! Wag ka nang mag-salita!! Itigil mo yang *sob* sinasabi mo!!” Hindi ko rin napigilan ang pag-hikbi ko. ”Sorry.. I was.. Joking.. Gusto ko kasing mag-usap lang tayo.. Ayokong tulugan mo ako ng hindi tayo nagkaka-ayos. Gusto ko pa marinig ang boses mo..” DugDug. “Yna.. Makinig ka munang mabuti.” ”O-okay..” ”Yung tungkol sa amin ni Hanna, wala yun.. Mag-kaibigan lang kami.” ”Eh bakit ka nagpapaliwanag? Nanay mo ba ako.” ”Makinig ka muna kasi!! Kaya lang kami palagi mag-kasama at kaya lumayo ako sa’yo noon.. Kasi..” Tsk nambibitin! ”Kasi?” ”Uyy.. Curious..” ”Takte ka! Tutulugan kita?!!” ”Joke lang haha.. Kasi.. Ano.. Gusto kong.. Ano..” ”ANO!?” ”Gusto kong mag-selos ka.” ”WHAT?! Kapal mo ah! Ako? Magse-selos? Bakit naman? Tsk. You’re hopeless.” “Effective naman.” Mayabang tone. “A-anong effective? Ha!! Kapaaaaaaaaaal!” “Eh bakit ka nagagalit noon? Tsaka umiiwas ka sa’min?” ”I hate you both.” Nanahimik siya. ”Yna..” “ANO NA NAMAN??” “Bati na tayo.. Dali na..” Sabi niyang parang bata. Amp! Pa-cute! ”Pa-cute ka pa. Mukha mo. Bahala ka dyan. Tutulog na ako.” ”Eh paano yung kata---” ”AT WALA AKONG PAKI-ALAM KUNG MAY KATABI MAN AKO RITO! BASTA TUTULOG AKO, TAPOS!!!” Pero syempre, Joke lang yun. Ayoko na lang talagang i-bring out yung topic na yun, kaya mananahimik ako at magku-kunwaring tulog. Hindi ko talaga kayang matulog sa lugar na ‘to. “Yna.” Tinawag niya ako pero hindi ako sumagot. “Hay.” Huminga siya. Sumuko na? Tss. Matagal kaming nanahimik. Whew. This will be a long, quiet night. “Alam mo kasi.. Argh!! Paano ko ba sasabihin eh tulog ka? Tsk. Bahala na nga. Whew.” Tingnan mo ’to. Parang sira. ”Gusto ko mag-selos ka.. Sumasaya ako kapag nagagalit ka kasi si Hanna palagi ang kasama ko at kapag gusto mong ikaw lang ang kasama ko.. Ayoko kapag kasama mo si.. Si Yuya. N-nagse-selos ako. Gusto ko, ako rin lang ang kasama mo..” DuguDug. ”Hindi ako mapakali kapag hindi tayo magkasama. Tapos, parang ang ayoko nang matapos yung mga araw na magkasama tayo. Ganun ka rin ba Yna?” N-nate-tense ako!! ”Yna.. Kung hindi mo pa alam.. Ugh!! Kung hindi mo nararamdaman.. G-gusto kita..M-mahal ata?? Basta!! Matagal na..” DUGUDUG.. A-ano? Seryoso ba siya? G-gusto niya rin ako? Mahal?? O____O Anong gagawin ko? Sasagot ba ako o hindi? Eh hindi naman siya nagta-tanong ah? Ugh! He’s confessing!! Kaso nahihiya ako.. Sobrang awkward.. Wag na lang kaya? Aaaah! *kshksh...kshksh..* Teka.. Ano yung kumakaluskos sa tabi ko.. Ayoko ng sound na yun.. Maya-maya.. May naramdaman akong weird. Maliit. Mabalahibo at medyo mataba. WAG MONG SABIHING!!!??? O__O DAGAAAAAAAAAAAAA!! IT’S SO FLUFFY I’M GONNA DIE!! AAAAAAAAAAHHHHHHHHH! “Yna I—“ “AAAAAAAAAAAAH!!!! DAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!” Bakit daga? Bakit ngayon ka pa nang-goodtime? Nahuli tuloy ako!! Anong mangyayari? Waaaaaaaa!! ----**************************************************************************************** [ Scene 27 ] **YNA’S POV** “Yna, I l-----“ “AAAAAAAAAAAAH!!!! DAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!” Umirit si Yna at tumayo. “G-gising ka?” Patay! Buking ako.. TT_TT ”H-hindi ah! May daga lang talaga sa tabi ko. Hehehe!!” ”Ang galing mo naman at kahit tulog ka alam mong daga yun?” Tumayo siya at lumapit sa’kin. Ang liwanang kasi ng buwan, kita niya pa rin kung nasaan ako.. Waaa!! ”Eh m-madali namang malaman kaag daga yun eh diba?” Sabi ko habang lumalakad pa-atras.. Siya naman humahakbang palapit.. Nakakatakot! ”Hindi ako naniniwala.” Seryosong sabi niya hanggang sa.. Maisandal niya ako sa pader. >O< ”P-Paolo..” ”Narinig mo lahat, ’di ba?” ”P-Paolo.. Sorry---” ”Tapos hindi ka man lang sumagot?”Hindi siya maka-gaaw kasi stucked na siya sa pader dahil naka-harang ako. ”Eh .. Kasi ano---” Talagang hindi ako pinapatapos?? ”Hinayaan mo akong magsalita kahit akala ko tulog ka? Taking advantage huh?” Lumalapit siya at magdikit na ang noo namin. ”Naman eh! Hindi naman sa ganun, nahihiya lang a-----” ”No need to explain. Ang mahalaga, alam mo na ngayon.” Sinabi niya habang nakayakap siya sa’kin..... ”T-totoo ba yun, Paolo?” “Kasasabi ko lang eh. Malinaw mo yung narinig kasi TAHIMIK kanina nung sinabi ko yun.” Hindi ko alam ang sasabihin.. ”Eh si Hanna? Totoo bang—” ”Wala yun. Basta, MA-HAL KI-TA. Ayos na?” Inemphasize niya bawat syllable ng MAHAL KITA. Ayt!! Baduy at korni talaga.. Pero ang saya ng feeling. “Ikaw din..” “Oh? Edi umamin ka rin. Tss.” Bumitaw siya sa pagkaka-yakap at hinalikan ako sa noo. Oh em.. Tunay na ba ’to?? ”Siomai..” Kahit papaano, namiss ko rin na may tumatawag sa akin ng ganun. ”Oh?” ”Wala, na-miss ko lang na tawagin kang ganun.” Hinawakan niya ang kamay ko. *pshhh...pshhh* ”Siops, ano yun?” Tanong ko sa kanya.” ”Anong tinawag mo sa’kin?” >/////< ”W-wala! Sabi ko ano yung tunog na yun? ’Di ba ganun kapag nags-start up ang speakers sa school?” “Oo nga Sioms eh. Di ba may speaker din dito” “Calling the lovebirds inside the SC Office, please proceed to the security room now. Hahahaha!!” Teka, boses ni Sandi yun ah? Alam niyang nandito kami? HUWAIIIIT!! Security room? Iniikot ko ang tingin ko at GOTCHA!!! Naka-on ang Hidden camera sa SC Office! Humarap ako dun at nag-salita. ”Hoy!! PLANADO BA ’TO? HUMANDA KAYO SA’KIN!!!” Tatakbo na ako papunta doon!!! Bukas na yung pinto. Creeeepyyy. ”Teka!” Sigaw ni Paolo. ”Oh? Bakit?” Lumapit siya sa’kin at hinawakan ulit ang kamay ko. ”You should not leave you’re valuables unattended.” He said with a sweet smile. Gosh. Since when have I fallen too deep with him? **SANDI’S POV** “WAAAAAAAAAAAA!! AAAAAAAAAAAAAAAAH!!!” Sigaw kami ng sigaw ni Hanna sa Security Room. “IT WORKED! IT WORKED! IT WORKED! WAAAAAAAAAAAAA!!” Cheer ni Hanna. “Oo nga!! Ang galing natin!! Apppppppiiiiiiir!!!” Tuwang-tuwa talaga kami. Lalo na nang pumasok sa room yung dalawa. HOLDING.HANDS. “AAAAAAAAAAAAAAAaHhhhhhhhhhhhhhh!!!” Umirit kami ni Hanna habang nagyayakapan pa. Oh eeeeeeeeem haha! Nag-blush si Yna at si Paolo naman kinamot ang batok niya. How cute! ”Oh ano? Aren’t we brilliant?” Tanong ko sa kanila at nag-high five kami ni Paolo. Buti pala at padaan na rin si manong janitor sa may SC room kanina para mag-linis, sabi ko paki-buksan muna tapos palabasin niya muna sina Paolo. Naka-lusot naman eh. Haha! ”Oh eto.” Inabot ko sa kanila ang dalawang tickets. ”Para saan ’to?” Tanong ni Yna habang tinitingnang mabuti ang ticket. ”Para sa date niyo bukas. Enjoy!! Tara na Hanna!!” Hinila ko si Hanna at iniwan ang lovebirds doon. Waaaaaaaaa!! I’m Cupid’s sister! Hohoho.. **YNA’S POV** ”Cruise ship ticket??” Ang sosyal naman nito! Tahimik lang si Paolo. “Huy, Ano sa tingin mo? Punta tayo? Bukas na ‘to, Saturday.” “Sunduin kita sa inyo bukas.. Tapos. Date tayo ah?” Tumango na lang ako. Hindi talaga ako maka-pagsalita! Hinatid niya ako sa amin kasi gabi na, eh hindi naman ako nagco-commute masyado. ”Sige, bukas na lang ulit.Pahinga ka ah?” He kissed my forehead, again. “Kay, Ingat!” Binitawan niya ang kamay ko at kumaway na siya sa akin. Waaaaaaaaaaa! Hindi ko talaga akalaing mangya-yari pala ’to sa amin sa totoong buhay.. Scene lang ’to doon sa play namin pero eto! Nangya-yari na! First “REAL” Date namin bukas! Waaaaaaaaaaaaaaaaa!! ----- [Scene 28] **YNA’S POV** “MAMA!! Maganda na ba ‘ko?” Lakas-loob kong tanong kay Mama. Kinakabahan ako! ”Palagi naman anak. I’m happy for you. I-kumusta mo kami kay Paolo ha? Dalaga ka na!!” Tuwang-tuwa si Mama. ”Basta ia-update mo kami kung saan kayo pumupunta ha? Uwi agad pagkatapos. Eto budget mo, konti lang yan. Hayaan mong si Paolo ang magbayad ng iba para sa’yo. Haha!” Sabi ni Papa. Kilala nila si Paolo since first year kami, at noon pa nila akala na may something na sa amin, kaya trusted na raw nila si Paolo though ngayon pa lang ako nag-paalam na may ’date’ kami. *beep-beep* 2 New messages Huh? ”From: Sandi Good morning pretty! Good luck and enjoy your date! Balitaan mo kami ah? XD” Binuksan ko na yung isa pa. ”From: Hany Hi Yna! Enjoy kayo ni Pao ha? Ingat :]]” Tingnan mo ’tong dalawa, pareho lang ang laman ng text haha! Ayy! Bati na nga pala kami ni Hanna. To: Sandi;Hany Thanks. Haha! Pareho lang ang reply ko sa kanilang dalawa. Tumingin ako sa orasan. Hala! Malapit na! Bakit kasi hindi siya naglo-load.. TT>TT ”MAMA!! PAPA!! Sigurado ba kayong ayos ang itsura ko??” ”Oo nga sabi anak.” – Papa. ”ANAK! AYEE!! Andyan na yung gwapo mong boyfriend sa labas! Labas ka na!” Inabot ni Mama sakin yung purse ko tapos tinulak na ako palabas. WAW. Tinataboy ang anak. ”Enjoy!” Sabi pa niya. Tumingin ako sa gate. Shocks Gwapo!! >//////< ”Ah.. Good Morning!” Binati ko siya. “Saan tayo?” Nag-simula na kaming mag-lakad. Tuigil siya sa paglalakad, humarap sa’kin at nilahad ang kamay niya. Ano hinihingi nito? Pamasahe? ”May hinihingi ka ba?” Tanong ko. ”Wala, may pinapakuha ako.” ”Ano? Saan?” ”Nandito, sa palad ko. Hindi mo siya makikita kung hindi mo hahawakan.” ”Weh? May ganun ba?” ”OO! Eto nga oh, dali na. Gift ko yan sa’yo.” Pinatong ko yung kamay ko sa palad niya, nagpa-uto ako sa invisible gift niya. Pagbigyan na, gwapo naman siya ngayon eh. ^O^ ”Oh, See? Wala naman eh!” Natatawa kong sabi. ”Meron kaya.” Sinara niya yung kamay niya at hindi na binitawan ang kamay ko habang nagla-lakad kami. Pssh.. ”Hoy. Style mo ah?” Ang lamboooot ng kamay. Baliktad ata kami *O* ”Wag ka nang umangal! Gusto mo naman eh. Haha!” ”Mukha mo!” ”Inlab sa’yo.” Mayabang niyang sabi. Grr. Haha! ”Tss. Dapat lang.” Papalabas na kami ng subdivision. Bakit ganun, nung siya ang kasama ko, ang bilis lang lakarin? ”Saan tayo? Mamaya pang gabi yung naka-lagay sa ticket na binigay ni Sandi ’di ba?” Naga-antay na kami ng bus. ”Punta na tayo ng Batangas ngayon para ’di tayo ma-traffic, dun na tayo mag-hintay hanggang 8PM.” ”Okay.” Naka-para na ng bus si Paolo. Ang cute naman, magkasama kaming magco-commute. ^__^ ”Siops, dun tayo sa gitna ha? Nahihilo ako kapag nasa unahan eh.” ”Sure. Dun ka sa may dulo para ’di ka mahilo sa byahe.” Dun niya ’ko pinaupo sa dulo. Ganun pala yun? Haha! Dalawang oras din ang byahe, mga 10AM na kami makakarating dun. Ang dami pang time para mag-gala! Buti dala ko cam ko. After 5 mins.... *yaaaaaaaaawwwwwwwwwwwnssssssss* Napa-hikab ako. ”Sioms, inaantok ka?” ”Hmm.. Medyo..” Hindi ako naka-tulog kagabi eh. Haha! ”Tulog ka muna. Gisingin na lang kita kapag malapit na tayo.” ”Okay.” Pumikit ako at sumandal sa bintana, grabe inaantok ako----”Tsk. Hindi ginawa ang bintana para sandalan lang. Para saan pa ang balikat ko ’di ba?” Inilipat niya yung ulo ko sa balikat niya. O/////o Naman! Makaka-tulog ba ako nito?? **PAOLO’S POV** Himbing ng tulog ni Yna oh. Hindi rin kaya siya naka-tulog? Ako kasi hindi eh. Haha! Mangyari ba naman sa’yo yung nang-yari sa’min eh. Pero masaya ako at ayos na kami. Mabuti na rin at tinutulungan kami nina Sandra. May sorpresa ako mamaya. Nasa Laguna na kami. Malayu-layo pang byahe ’to. Si Yna di man lang gumagalaw. Parang mantika naman ’to. Maya-maya, nag-stop over yung bus. CR Break daw. Astig men. Haha! Pumasok yung mga tindero’t tindera sa bus. Kung anu-anong tinitindang pag-kain. Tss. Baka mag-suka ako kapag kumain ako niyan sa byahe. May pumasok na nagti-tinda ng mga stuffed toys, keychains at kung anu-ano pa. Tumigil siya sa gilid ko at may nakita ako. ”Manong magkano ’to?” ”250 yan iho.” ”Kunin ko po.” Binigay sa’kin ni Manong yung stuffed toy na binili ko. Hindi naman yung mukhang mumurahin syempre. Siguradong matutuwa si Sleeping Siomy dito. Haha! Tumuloy na yung byahe. Maya maya pa, nasa Batangas na kami. “Psst. Yna. Gising na. Bababa na tayo.” Nag-inat pa siya bago tumayo. “Oh, hawakan mo ulit yung invisible gift.” Inilapit ko ang kamay ko sa kanya. ”Tss. Sira.” Hinawakan niya. Sisira-sira pa, hahawak din pala. Sa park muna kami pumunta para mag-pahinga ng konti. Nga pala! Yung binili ko sa bus haha! ”Yna, may regalo ako sa’yo.’ “Oh? Kanina invisible gift, Ano naman ngayon? Lumilipad na?” “Ayaw mo yata eh.” Pinakita ko yung ballot sa kanya. ”Ay! Ay! Patingin! Haha!” ”Oh.” Binigay ko sa kanya, Binuksan niya at napa-ngiti siya. Yun! SCORE! XDD ”Waaaaaaaaaw! Ang cute! Ka-mukha nung daga sa SC Office! Haha! Salamat! Kelan mo ’to binili?” “Kanina, may dumaan sa bus.” ”Ay? Sayang di ko nakita.” ”Hayaan mo na. Ingatan mo yan. Baby natin yan.” ”BABY????!!!” Gulat na gulat. Nyeh. ”Oo. Pangalan niya, Sio-Sio.” ”Sio-Sio? Ang cuuuuuuuuuuute mo!! Mana sa’kin! Haha!” Niyakap niya yung stuffed toy. Di, mas cute ka Yna. B’DD “Tara, kain tayo.. magt-twelve na eh. Saan mo gusto?” “Hmm.. Dun! Shakeys tayo!” “Tara.” Hinawakan ko ulit ang kamay niya. Woooo! Nakaka-ilan na ko oh. Haha! ”Good morning Sir, Ma’am!” Bati ng waiter na akala mo nagpapa-cute kay Yna. ”Ma’am, ia-asisst ko na po kayo, sa table no.-----“ “Kami na hahanap. Salamat.” Iniwas ko si Yna at nilayo. Sa taas kami. Tsk. Poporma pa eh nakita nangang may kasama si Yna. Pagdating namin sa taas umupo kami sa may bintana. Naka-ngiti siya. ”Oh? Bakit naka-ngiti ka dyan? You look weird.” ”Ayeeeeeee... Selos ka no?” ”Anong—Selos ka dyan! Dyan ka muna o-order ako!” Umalis ako at nagmadaling bumaba sa counter. Anong selos? Di ah. **YNA’S POV** Ang cute pala mag-selos ni Paolo, nakaka-inlab! Haha! ”Sio-Sio, tingnan mo, nagse-selos si Daddy. Haha!” Kinakausap ko na pati si Sio-Sio sa sobrang kilig. *O* Maya maya, dumating na si Paolo na may dalang Chicken at Mojo Jojo. Yuuuuuuuuum. Haha! “Oh, mainit pa yan ah.” Sabi niya. Ayeeee.. Concerned. XDD Umalis siya saglit at kumuha ng…. High chair? ”Oh? Anong gagawin mo dyan? Dyan ka uupo?” Sabi ko na nagpipigil ng tawa. Imagine si Paolo, ang laking lalaki uupo sa high chair? XDDD “Tungaw. Si Sio-Sio ang uupo rito. Halika baby.” Binuhat niya si Sio-Sio at nilagay sa high chair. Pfft. Ano ‘to, bahay-bahayan? “Para kang sira haha! Subuan natin si Sio-Sio, baka gutom na siya. Haha!” ”Hindi, busog pa yan. Kaka-gerber lang niyan sa bus. Kain tayo Mommy.” Gerber? Mommy? Hala. Haha! “Baby Sio-Sio, gusto mo subuan ni Daddy si Mommy? Gusto mo? Oh sige! Haha!” Kinakausap ni Paolo si Sio-Sio. *hampas noo* sira na ulo ng Siopao ko. Nyuhuhun. Sinubuan niya nga ako. Me, feeling hopeless, nagpa-subo na lang ako. ”Eh gusto mo ba si Mommy naman ang mag-subo kay Daddy? Gusto mo rin? Good boy! Haha!” Tingnan mo ‘to. Tanong niya, sagot niya. Baliw. “Eh gusto mo ikiss ni Mommy si Daddy sa---“ “WAG MO NGANG TURUAN NG KALOKOHAN ANG ANAK NATIN!!!!” Baliw na ’to eh! Natahimik. Ooops. Napa-lakas yata. >O< ”HAHAHAHAHHAHAHA!!” Natawa na lang kami pareho. Para kaming sira dito haha! Masaya ang lundh naming dalawa, kaso dahil sa pagla-landi namin eh natapos kami magwa-1PM na. ”Mall muna tayo?” Yaya niya. ”Sige!” Pumasok nga kami sa mall. Unang stop? Arcade. ^O^ Nilaro ko yung pinupukpok. Yung pinupukpok mo yung lumalabas sa mga butas? ”Yna, pataasan tayo? Ano?” ”Sure. Haha!” Madalas ko yata ’to nilalaro! ”Ang matalo may utang na kiss.” ”Eeeeeeeeh??” ”Bakit, suko ka?” Hamon niya. ”H-hindi ah! Tara na!” Nag-insert ako ng token. *labas* *PUKPOK**labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *PUKPOK* *labas**labas* *labas* *PUKPOK* “Araaaaaaaaaaay! Haha!! Ang saya! 50 points! Beat that!!” “Siya naman ang humawak ng pamukpok. Pumikit siya at huminga ng malalim. Sus. Ang drama naman nito. Haha! Nung bbwelo na siya, sumigaw siya. ”PARA SA KIIIIIIIIIIIIS! YAAAAAAAAAAAAAAAA!!” Ay baliw. *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* *labas* *PUKPOK* Waaaaaaaa. Napukpok niya lahat. T>T ”Oh? Ano ka ngayon? Ha? Ha? Ha?” ”OO NA!! IKAW NA PANALO!” ”Talaga!” Sabay kiss sa cheeks ko. Waaaaaa. Nag-try pa kami ng ibang games. Paolo- 6 kisses Yna- 1 kiss Daya. Huhu. Kawawa naman pisngi ko. Nung sumunod, nag-shopping kami, nagtingin ng CD’s at pasalubong, kumain ng ice cream, waffle at kung ano mang madaanan namin. Ang takaw ko ngayon haha! Gastos niya eh. ;P 5PM na. “Yna, punta na tayo sa beach.” ”Yay! Sige tara!” Sa beach kasi yung cruise ship trip namin. Excited na ko!!!! We packed up our bags, iniwan namin yun sa entance ng mall eh. Nandun yung extrang mga damit ko, baka mabasa eh. Tsaka, baka sosyal ang venue tapos nakajeans and shirt lang ako. Nyaha. I’m sure this night would be memorable. - - -********************************************************************* [Scene 29] **YNA’S POV** ”Nagugutom ka?” Tanong niya ”Nyeh, kakakain lang natin eh..” ”Okay. Eh si Sio-Sio?” ”Natutulog sa loob ng bag.” Natatawa kong sagot. ”Ayan, makakapag-solo tayo. Haha!” He smirked. Nag-libot kami sa buong lugar. Ang ganda talaga! Ang fresh at ang presko ng hangin. Medyo isolated nga lang kami kasi balot na balot kami compared sa mga naka-two piece at shorts na mga turista. ”Hoy. Mata mo.” Kung saan-saan nakatitig ’to eh. +___+ ”Para sa’yo.” Sabi niya habang naka-tingin sa’kin. ”Tigilan mo nga ako! Bumabawi ka lang kasi nahuli kitang naka-tingin sa mga nakatwo piece eh!” Kasalanan ko ba kung hindi ganun kalakas ang loob ko para magsuot ng ganun? Eh siya nga naka-jeans pa. Kumusta naman yun? ”Wag ka nang mag-selos Mommy. May Sio-Sio naman tayo eh.” “Tse.” Nagpatuloy kami sa paglalakad. Dumidilim na rin. ”Ganda siguro dito kapag gabi no?” Sabi ko habang naka-tingin sa mga ilaw. ”Kasi nandito ka.” ”Ikaw kanina ka pa ha?!” Inakbayan niya ako. ”Gumiginaw na, naka-shorts ka lang. Baka lamigin ka niyan..” ”Hindi yan! Yung iba nga naka-bathing suit lang eh! Tsaka hindi naman tayo maliligo sa dagat ’di ba?” Nag-libot pa kami at madami na kaming nabili. Bumalik kami sa kwarto at iniwan ang gamit namin, 7:30 PM na kasi. Dapat nga magpapalit pa ’ko ng damit, kaso wag na raw sabi niya. ”Mage-eight PM na oh.. Baka masikip na dun.” Naga-alala ako eh.. Baka marami ring sasakay dun bukod sa’min. ”Hindi yan, bilisan na lang natin.” Hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami pabalik. ”Kahit naman hindi matuloy yung sa cruise ship..” Bigla siyang nag-salita. ”Hindi ako manghi-hinayang sa effort ng pagbyahe natin ng malayo. Ikaw naman ang kasama ko eh.” That made me blush.. and feel great. “Ako rin. Oh, Ayun na!” Naka-daong na sa seashore yung ship, akala ko nga malaki talaga siya, pero mas malaki lang pala ng konti sa yacht. Pero engrande talaga ang itsura.. May mga petals pang naka-kalat oh. Sasakay na kami, ”Shall we?” Nilagay ni Paolo ang kamay ko sa braso niya. ’Ba yan! Parang ikakasal! Pag-pasok namin, automatic na nag-play yung romantic music through violin. “Good morning Miss Yna, Mr. Paolo. Enjoy.” Sabi nung mukhang butler. Spell S.O.S.Y.A.L “Siops! Bakit kilala niya tayo?” Bulong ko kay Paolo. ”Aba ewan ko, baka sikat hanggang dito ang love team natin.” Wow ha, sinagot nita ang tanong ko. Dinala kami ni Mr. Butler sa dulo ng yacht, yung parang balcony. Yung sa titanic? LOL. Pero nagtataka ako, bakit parang kami lang ang tao? ”Di ko namalayan na may table for two pala na naka-set sa gitna. Ganda… “Uhm.. Kuya, can I ask you a question?” Sabi ko pagka-upo naming. ”Anything Ma’am.” ”Nagtataka lang ako, I thought this is a public event. How come kami lang ang tano rito?” He looked puzzled. “Ah, Ma’am? This is exclusive.. For you and Mr. Valenzuela. Please excuse me, I’ll get your food.” Parang may binulong siya kay Paolo. “May alam ka dito?” Tanong ko sa kanya. ”Aba malay, tanong mo si Sandra.” Pfft. Ignorante. =___= On second thought. Okay din pala kasi solo namin ang view. Umaandar na kami, palibot daw ito sa resort. Ang ganda tingnan nung mag ilaw! Mild lang ang alon kaya smooth ang byahe namin. Excited na ako sa kung anumang mangyayari this night! **PAOLO’S POV** ”Sir, pineprepare na po namin ang mga kailangan. I’ll just report to you as soon as we finish the preparations.” Bulong sa’kin ni Florence, yung butler. Tumango lang ako sa kanya. “May alam ka dito?” Tanong ni Yna ”Aba malay, tanong mo si Sandra.” Mga 20 mins. Na sigurong umaandar yung yacht. Tuwang-tuwa si Yna. Napapangiti na lang ako habang tinititigan ko siya. Gusto ko palagi ko siyang nakikitang nakangiti. Maya-maya, napansin niyang nakatitig ako sa kanya. Napa-tungo siya. ”Uhm.. CR lang ako ah?” Umalis siya at pumasok. Pagka-pasok niya, lumapit sa’kin si Florence. ”Sir, okay na po, signal niyo na lang ang kulang.” Hinahanda niya ang pagkain. ”Thanks.” Bumalik si Yna at nag-simula na kaming kumain. ”Ang ganda rito! Unforgettable talaga!” Nanganga-lahati na kami sa pagkain. ’May igaganda pa yan Sioms,” With my snap, tumigil ang yacht. “Bakit tumigil?” She sounds worried. “Just wait and see.” After 3 minutes, may mga maliliit na ilaw na sa paligid namin. The Fireflies’ lane. **YNA’S POV** Wow!! Hindi ko na alam kung ilang beses kong nasabi ang salitang WOW sa araw na ‘to! Andaming fireflies! ”This is the fireflies’ lane. One of our famous spots in the resort.” Paliwanag ni Kuya Florence. Minutes later, nawala na rin sila. ”Wow.. Sayang nawala na..” Sabi ko. ”We’re not done yet.” Sabi ni Paolo, biglang nagliwanag ang langit. FIREWORKS!!! “Ang ganda!!” “Nagustuhan mo?” “Ano bang tanong yan, of course I did!” Sobra-sobra na nga to para sa first date eh. ”Uhm.. Yna..” ”Hmm?” Nag-fade na yung fireworks. ”Nasabi ko na sayo sa SC Office na.. Uhh... Mahal kita ’di ba?” I just nodded. ”Gusto kong patunayan yun sa’yo.” “Paolo, you just did.” “No, hindi pa ako kuntento. Now if you’ll let me..” Lumuhod siya sa harap ko. O/////O ”No pretentions.. No acts.. Can I court you?” He’s waiting for my response with sincerity. “Makakatanggi pa ba ako?” He stood up, kissed my forehead ang hugged me tight. I would never forget this night. **************************************************************************************** [ Scene 30 ] **YNA’S POV** “Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! Tingnan niyo! Sabay silang pumasok!!” “First time ‘to!! WAAAA! They really look good together!!” “Nakakakilig!! Excited na ako sa play nila!!” ”Sila na talaga waaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!” I felt awkward upon hearing the students’ conversations. “Uy.. Kaya ko na, ako na magdadala ng bag ko..” Sinundo niya kasi ako sa’min. ”A-YO-KO. Bleeeeeeeeeeeh..” Tinakbuhan niya ako. ”PAOLO!!! YUNG BAG KO HOY!!!” No choice kundi habulin siya!!! Nung naabutan ko siya, nasa tapat na kami ng room. Nakakapagod!! ”Huy!! S-sama mo!! Yung... Yung bag ko!! P-pinagod mo ko!!!” Hindi niya ako sinagot, instead, hinawakan niya ang kamay ko habnag papasok kai sa classroom. Uh-oh.. Prepare your eardrums for.......... ”YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!” Buong klase, sa pamumuno ni Sandra. >//////< ”Kayo ha! Nag-weekend lang, ganyan na kayo!!” Tukso nila. Umupo na kami. Naka-feel lang ako ng uneasiness nung dumaan si Yuu sa harap ng classroom namin without even looking at me. Parang.. Err… Ewan! “Ano ‘tol? Naka-score ka??” Tanong ng kabarkada ni Paolo sa kanya. ”Three points ’tol!!! Muhahaha!!” Anong points sinasabi nito?? Naramdaman ko na lang na may umiisod na silya sa tabi ko. Alam na. ”WAAAA!! Bestfriend! Anong nangyari! Ayeeeeee! Ang sweet na nila!” “Oo na! Ano kasi…” Kinuwento ko sa kanya lahat. Nasa gitna pa kami ni Sandra ng brutal na paraan ng pagpapakita ng pagka-kilig nang tinawag ako ni Paolo. ”YNA!!” ”Bakit??” ”Si baby Sio-Sio, kumusta na?” ”Ah, si Baby? Iniwan ko sa bahay na natu---------” Noon ko lang na-realize na nasa classroom nga pala kami. Narinig nila >O< 5,4,3,2,1.......... ”AYEEEEEEEEEEEEEEEEEEIIIIIIIIIII!!!!!!” Nagsisigawan ang lahat. Dahil sa hiya, umubob na lang ako sa desk ko. Hay. ---Nung breaktime, kasabay ko si Sandra. Nung lunch, kasabay ko si Paolo. Waaaaaaaa.. Palagi na lang may sumisigaw. ”Masanay ka na, matagal pa yan..” Sabi ni Paolo. ”Uy Paolo!! Pinapatawag ka ni Coach! May general meeting daw!” Sigaw ni Lester, team mate ni Paolo sa Basketball Team. ”Ganun?” Humarap siya sa’kin. ” Sige Susunod na!!!” Umuna na si Lester. ”Uy, kita na lang tayo sa rehearsals mamaya ha? Bye.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko at tumakbo papunta sa dinaanan ni Lester. Napa-tulala ako sa ginawa niya. ”YEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!” Sabi ko nga eh, dapat masanay na ako. In the end, I still found myself smiling while touching the place where he kissed me. ******************************************************** [ Scene 31 ] **YUYA’S POV** “Waaah! Bagay talaga sila!” “They look perfect together!” “Mas naging sweet pa sila ngayon!” Ang ingay na naman ng mga naka-tambay sa may club room kung saan nagrerehearse ang drama club. I didn’t bother to look inside. Alam ko na naman kung ano ang nangyayari, base pa lang sa mga naririnig ko. Dumiretso ako papasok ng campus. Wala naman akong kailangang i-rehearse ngayon. At ayoko pa rin ng pumunta doon sa ngayon. Unfair, alam ko. Umiiwas ako. Kay Yna, Kay Paolo at sa lahat. Ayokong maapektuhan sila ng mababaw na dahilan ng pag-iwas ko sa kanila, lalo na si Yna. Simple lang naman eh. Nagse-selos ako. Talong-talo na ako eh, alam ko naman. Masyado nang napalapit si Yna sa’kin. Kailangan ko munang dumistansya. Masaya na siya eh. Sobra. Sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya. Si Paolo talaga ang mahal niya. Nililigawan na siya ni Paolo, kalat na yan sa buong campus. Saan pa nga ba mauuwi yun? Kaya mabuti na yung ngayon pa lang eh iwasan ko na siya. Susubukan kong kalimutan ang lahat.. Kahit pati pagka-kaibigan namin.. Maging masaya lang siya. Ayokong ako ang maka-sira sa kanila. Her smile just means alot to me. Hindi ko kayang maging maka-sarili sa ngayon. But if someday, I would find her crying because of him.. I swear I’d do anything to take her, and make her love me instead. **YNA’S POV** “Curtains down.” Nagpalakpakan ang mga tao na nanunood sa’min. Kakatapos pa lang ng rehearsals namin. Waaahh! Na-miss kong mag-rehearse kasama siya.. ng walang ilangan ^__^ ”That was a good take, keep it up! Mabuti naman at bumalik na ang gana niyo sa stage. You may go to your classes.” Sabi ni Sir at umalis na siya ulit. Kyaaah!! Malapit na kaming mangalahati sa play! “Uyyyy!! Galing nun ah! Ayeeee!” Tinutukso kami ni Hanna. “Hanna stop that! Haha!” “Stop that daw.. Asus.. Haha! Sige mags-start na klase namin.” Kumaway siya at tumakbo palayo. “Mabuti naman bati na kayo ni Hanna, close na nga kayo eh. Nakakapag-selos.” ”EH?? Sinasabi mo?” ”Wala. Tara na.” Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nag-buhat. Nung papalabas kami, nandun na naman ang tuksuhan at sigawan ng mga students. Nakaka-hiya >////< Si Paolo naman nagmamayabang pa. Gulaaay.. Nakita kong papasok na ng campus si Yuu. Wala siyang scene na ire-rehearse ngayon kaya hindi na siya umattend. Bakit hindi na niya ako kinakausap at binibisita sa room? Nami-miss ko na siya.. Dati naman palagi niya pa akong dinadalaw sa classroom, tapos ngayon ni hindi niya ako tinetext. Bestfriend ko siya, kaya sobrang nami-miss ko yung bonding namin. Siguro dapat kausapin ko na rin siya. ”Hoy. Lalim ng iniisip ah? Katabi mo lang ako oh, ’di mo na ako kailangang isipin.” Hinampas ko ang braso niya ng mahina. ”Sumusobra na ’yang kayabangan mo ah? Bigheaded. Pfft.” Nag-tuloy na ulit kami sa campus habang magka-holding hands. Ano ba ’to, taking advantage? Nanliligaw pa lang siya, kung maka-hawak naman ‘to ng kamay. Hindi ko na lang pinapakialaman. Kalandian oh. Haha! Masaya lang ako at nababawi namin yung mga araw na hindi kami magkasama at ’It’s Complicated’ pa ang status namin. Ganun na ang daily routine namin ni Paolo. He’ll pick me up at house, we’ll go to school together, he’ll carry my bag for me and he’ll hold my hand. At sa tingin ko, ‘yan yata ang daily routine na hinding-hindi ko pagsa-sawaan. LOL. I’m being corny. It’s your fault, bigheaded white bread. >O< ************************************************************************** [Scene 32] **YNA’S POV** Nagpa-practice pa kami pero malapit nang matapos ang time. “The rest, pwede na kayong umuwi. Paolo and Yna, isang pasada pa. Kailangang maperfect natin ang scene na yan ngayon.” Sir firmly said. Kyaaa!! Maiiwan kami.. “Okay Sir!” Sabi namin ni Paolo. Yung editorial board ng school paper naming ang nag-sulat ng script nito, kaya teenage love story talaga ang dating. We composed ourselves and started playing the scene. He placed his hand in my forehead, and then covered my eyes. “Tell me, what can you see?” Sinimulan na niya ang dialogue niya. “Nothing.. It’s too dark!” Sagot ko. Inalis na niya ang kamay niya sa noo ko, base sa naka-sulat sa script. ”Sige, ngayon, ikaw naman ang mag-takip sa mata ko.” ”Ha? Okay..” Ginawa ko nga, tinakpan ko rin ang mata niya katulad ng ginawa niya sa’kin kanina. ”Wanna know what I see?” Tanong niya. “Hmm.. Okay. What can you see?” “Nothing.” “See? Pareho lang tayo ng nakikita Tristan..” Tristan ang pangalan ng character niya, Ryza naman ang sa’kin. Tinanggal ko na ang kamay ko sa mga mata niya, at tinitigan niya ako. Ayon pa rin sa script. ”Ngayon, itanong mo kung anong nakikita ko.” Tanong niya. Ayoko ng part na ‘to >O< “A-ano?” Wag mong sagutiiiiiiiin! Pwede? >///////< “Ang buong buhay ko.” BOOOOOOOM! Something exploded inside me. Kahit pa line lang yan sa script, lakas pa rin ng impact sa’kin. “CUT!! Nice one lovebirds. Osiya, uwi na.” Si Sir, nakisali pa sa asaran. T3T Syempre, hindi pa rin nawawala yung mga estudyante na nagsasabunutan sa labas ng room. Waa.. Mamaya muna kami lalabas ni Paolo, palilipasin muna namin para maayos kaming makalabas. Nag-antay pa kami na magsawa yung mga students sa labas sa kakasubaybay sa ginagawa namin sa loob. Sabi ko kasi kay Paolo eh, wag namang hawakan ang kamay ko lagi. Maya-maya, nawala na yung iritan sa labas, safe na!! ^O^ ”Oy Ryza, tara na.” ”Opo..” Kukunin na niya sana ulit ang bag ko kasi ihahatid niya ako, nang biglang may pumalakpak sa may pintuan. ”You’re so good in acting!! You’ve improved!!” A pretty girl was standing in front of us. Sino ba ang pinupuri niya? Ah, baka kami pareho. “Ah, Thank----“ Pinutol niya ang sagot ko, at tumakbo papunta sa katabi ko. “I missed you badly, Paolo!!” Then she hugged him. O______O Excuse me? May tao dito?? Napa-taas ang kilay ko. Napansin yun ni Paolo at nag-gesture na parang wala siyang alam sa pangyayari, at na parang hopeless siya sa sobrang higpit ng yakap nung babae. Tss, baka nasasarapan lang siya? Pwede namang itulak na niya ah? DUUUUH. Lalaki siya, pwedeng-pwede niyang pigilan yung babae if he wanted to. At sino ba ‘tong inrimitidang ‘to na basta na lang pumapasok sa room at naninira ng moment? I haven’t seen her before.. Transferee? Tss. Like I care? Napaka-unmannered niya! “Ahemm.” I cleared my throat, trying to get their attention. “Oh? I’m sorry, you’re with someone pala Paolo. I just missed you!!” Nagpa-cute pa siya. Tsk! “Hi! I’m Lindsay.” She extended her hand. Uhm.. Maybe she’s just.. friendly? “Ah! I’m Yna.” Nag-shake hands kami. “I can see you’re also good in acting, nasasabyan mo si Paolo.” “Ah? Hehe.. Salamat.” Tipid kong sagot. Sino ba talaga ’to? Bumaling siya ulit kay Paolo. ”Paolo!!! Ang tagal nating hindi nagkita, madami tayong pagk-kwentuhan! Tara, let’s go out!!” Yaya niya. Aba’t??? Tiningnan ko si Paolo na parang sinasabing ”Sino yan at bakit ka niya niyayaya?” ”Ah, Lindsay, pwede next time na lang kasi---“ “You’re rude! Dapat ikaw ang nagpakilala sa’kin sa friend mo! Hinintay mo pa na iintroduce ko ang sarili ko sa kanya!” Pinutol niya ang sinasabi ni Paolo. Tsk. Maganda yan ’te. Tumingin naman sa’kin si Paolo ng seryoso at kalmado, parang ina-assure niya na okay ang lahat, and that he can handle it. ”Okay, okay! Yna, she’s Lindsay, she’s my--------“ Again, she cut Paolo’s sentence by saying something that made my jaw to drop, and my blood to boil. “I’m his girlfriend ^_________^” ********************************************************** [ Scene 33 ] **YNA’S POV** A-Ano daw? G-girlfriend?! Ni Paolo? Sino?!! Nagkakalokohan yata tayo dito ah?? ”Pardon?” I asked, hoping to hear a different statement. ”Aww.. Are you deaf or something my dear? I believe I’ve said it loud and clear enough.. Or is it just because you cannot understand my statements? Anyway, because I’m too nice, I’ll repeat it for you. I am HIS GIRLFRIEND” She hugged Paolo’s arms. Is she insulting me? I hate this feeling. Ayaw na ayaw ko yung feeling na parang wala akong masabi o hindi ako makalaban sa isang taong nagsasabi ng kung anu-ano sa’kin lalo na kung alam ko na pwede naman akong maka-sagot. Tiningnan ko si Paolo, mukha siyang naiinis. “Oh! We really have to go, we still have a date. So, if you don’t mind uhh.. What’s your name again?” She asked. Uggggghhhh! Konti na lang. Koooonting-konti na lang magla-landing na ang palad ko sa mukha nito. ”You’ve heard my name for two times already. Got Alzheimer’s eh?” Nakita kong natawa si Paolo habang pinipilit tanggalin ang sawa este yung kamay na nakapulupot sa braso niya. Gumalaw naman ang kilay nung bruha. “And besides, I don’t give my name to distrustful people.” With that, nilampasan ko sila at nagtuloy-tuloy papunta sa pinto. Wala na akong pakialam. Bahala sila! Panira ng araw! Grr. ”Yna!!” Sigaw ni Paolo. Tumigil ako pero hindi ako lumingon. ”Wait!” “Tsk. Hayaan mo na yung girl na yun! Didn’t you promised that you would only be mine? C’mon! I know you missed me, too! Don’t be shy!” Spell L-A-N-D-I huh. ONLY BE HERS?? WHAT THE FISH??!! Nalalabuan talaga ako sa ‘girlfriend’ issue. Though alam ko na mas dapat kong marinig ang side ni Paolo kesa sa statements ng Lindsay na yun, umalis pa rin ako at iniwanan silang dalawa. Naiinis ako! Yung feeling na ikaw yung nililigawan tapos biglang susulpot yung girlfriend kuno ng suitor mo? It sucks! Teka.. Nahihilo yata ako. Sumisigaw pa rin si Paolo kahit na nakalabas na ako ng gym. Bahala siya. Nung nasa may gate na ako, bigla kng naramdaman ang pag-bigat ng dibdib ko at ang pagb-blur ng paningin ko. O ano Yna? Bakit ka naman naiiyak? Hindi ko mapigilang isipin kung ano na kayang nangyayari sa loob. Bakit hindi pa sumusunod sa’kin si Paolo? Sumuko na siya at nag-give way sa kalandian ng babaeng yun? Arghhh! Naka-tayo lang ako sa may gate. Stupid feet! Ayaw gumalaw! Wala naman tayong hinihintay kaya humakbang na kayo!! Biglang may kumaripas ng lakad sa tabi ko at nilampasan ako. Lakad pa lang niya, kilala ko na kung sino siya. Miss ko na siya.. ”Yuu..” I whispered kahit feling ko hinang-hina na ako, but I’m sure narinig pa niya yun. Yet.. He ignored me. Hindi ko na napigilan, mas lalo pa akng naiyak nun. Feeling ko nga humahagulgol na ako. I feel so helpless. Mas lalo pa yata akong nahilo. Ugh! May narinig akong tumatakbo pero busy ako sa pag-iyak. Crap! I look like a lost child! “Tsk. Nakaka-inis ka. Panira sa diskarte.” Inakay niya ako patayo at sabay kaming nag-lakad. - **YUYA’S POV** Tsk. Overtime na naman ang last period teacher namin. Kaya ayoko na itong subject na ‘to ang nahuhuli eh. Lumabas na ako ng room. Umuna na ako kasi may gimik pa ang barkada, wala naman ako sa mood na sumama. Nagiging KJ na ako. =__= Pagka-labas ko ng campus, nakita kong lumabas si Yna sa clubroom. Bakit badtrip yata siya? Hinayaan ko muna siyang makalabas sa gate bago ako lumabas. Hindi pa rin ako handang harapin siya. Kaso paglabas ko sa gate, nandun pa rin siya. Naman oh. Umiiwas na nga ako eh. Bahala na!!! Binilisan ko ang paglalakad at nilampasan ko siya. Gustuhin ko mang tumigil at kausapin siya, hindi pwede. Mga nakaka-limang hakbang na ako nung narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. ”I’m sorry, Yna.” Binulong ko habang naglalakad. *sobs* Eh? Wag mong sabihing umiiyak siya? Maya-maya, may narinid akong humahagulgol sa likod ko. Siya nga yun, nakaluhod at parang bata na umiiyak. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit sa kanya. Mukhang may problema siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Napangiti na lang ako at lumuhod sa harap niya. “Tsk. Nakaka-inis ka. Panira sa diskarte.” Inakay ko siya dahil parang nanghihina siya. Patay tayo nito. Sira na diskarte ko. ”G-galit ka b-ba?” Sabi niya habang umiiyak. Hassle. ’Di ko pa naman dala sasakyan ko ngayon. Nagla-lakad tuloy kami. ”Hindi.” ”Eh b-bakit mo.. ako iniiwasan?” ”Hindi ah. Busy lang.” ”G-ganun?” She smiled but I can see pain in her eyes. “Alam.. mo? Na-miss k-kita..” Tsk. Ayokong marinig. ”Bakit naman?” ”K-kasi.. wala na akong bestfried na gwapo. Yung kakampi ko sa lahat ng oras..” She’s speaking like a child. Paano ko ba siya maiiwasan kung ganito siya? Gusto kong kalimutan na siya, masaya naman siya kay Paolo eh. ”Alam mo *sob* malungkot ako n-ngayon.. Uhh.” Habang tumatagal kami sa paglalakad, naramdama n kong bumibigat yata siya at nahihirapan na ako sa simpleng pagalalay sa kanya. ”Uhh. Yna, okay ka lang ba?” ”S-si Paolo, ayun! May kayakap nang iba.. Yung magandang intrimitida? Ahaha! Ako? Okay? H-haha! Oo namaaaaaaan!” Teka, may natira ba ’tong si Yna? ”Hey Yna, tama na. Malapit na tayo sa inyo.” ”Nooooo! I don’t want to go home yet! I want.. to be happy..” Malungkot ang tono niya. “Aren’t you happy with.. Paolo?” Lakas ng loob kong magtanong. +__+ ”I was happy.. Very happy” Sabi ko nga, talo ako. “before..” Bulong niya. “Huh? Bakit? Ano bang nangyari Yna?” Wooo. Nawawala na ang pinaghirapan kong cold perconality. Tsk. “Nothing.. I just want to… be hap---py..” Bigla siyang nanghina at babagsak na siguro siya sa lupa kung hindi ko siya hawak. ”Yna! Hey! Wake up!!” Hinawakan ko ang mukha niya. Ang init niya! “Yna? Tsk! Ang taas ng lagnat mo!” Binuhat ko na siya para mas mabilis at mas maayos ko siyang madala sa bahay nila. Buti na lang malapit na kami. Ano bang nangyari Yna? Sinaktan ka ba niya? Sana lang hindi. Dahil hindi ko pa nakakalimutan ang pangako ko noon sa sarili ko. ---[Scene 34] **PAOLO’S POV** “Tsk. Hayaan mo na yung girl na yun! Didn’t you promised that you would only be mine? C’mon! I know you missed me, too! Don’t be shy!” Putek. Ano bang sinasabi ng lintang ‘to? Nung lumingon ako, nawala na si Yna. Tinatawag ko ang pangalan niya pero hindi na yata niya ako naririnig ”Ugh!! Let go of me! Ah Crap!!” “Paolo deaaaaar!! Wag ka nang pakipoooooot! Haha!” She said as if we’re just playing! Crap! Yung nanay ng anak ko naka-alis na!! “Ano ba talagang kailangan mo ha?!!” ”I just missed you! That’s why I flew to the Philippines and searched for you. I easily found you!! See? We’re really meant to be!!” Akmang yayakapin niya pa ako pero lumayo ako. Kinikilabutan ako sa babaeng ‘to. “Look Lindsay, nagsayang ka lang ng pamasahe. Umuwi ka na.” Tinalikuran ko siya. ”PAOLO!! YOU”RE SO RUDE!!” Nag-iba ang tono niya at mukhang seryoso na siya. “I’m not. You’re just too hardheaded.” “Hindi mo ba naisip na sobra-sobrang effort na ang ginawa ko para lang masundan ka? I like you very much! And I want you to be with me! ONLY WITH ME!!!” She shouted. Pwes, ganun din kalaki ang effort na ginawa ko makalayo lang sa’yo. +___+ “I’m sorry. Noon ko pa sinabi sa’yo, kapatid lang ang turing ko sa’yo! Bumalik ka na lang sa States Lindsay.” Maiyak-iyak na siya sa sinabi ko. Sa States kami nagkakilala ni Lindsay, a year ago.. Mabait siya, kaso na-obssess yata sa’kin. Pero kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Naging ka-partner ko rin siya sa mga theater plays noon. Magaling din siya at professional. Kaso, kinailangan ko nang bumalik sa Pilipinas kasi malapit na ulit ang pasukan. Sinabi niya na magkikita raw ulit kami. Hindi ko naman inakalang seryoso pala siya nun. ”I promise, you’ll eat everything you’ve said!! That Yna? She’s no match with me!! I SWEAR!! YOU”LL FORGET HER, AND I”LL GET YOU!!!” “Whatever.” Yan lang ang sinabi ko dahil nagmamadali na ako. Kailangan mahabol ko si Yna! Siguro nakauwi na siya. Sumakay ako ng jeep para mabilis. Pagka-baba ko ng jeep, napatigil ako sa gate nila. Nakita ko sa malayo na naglalakad si Yuya. Posible kayang galing siya rito?? Hindi.. Baka napadaan lang. Nag-doorbell ako. Lumabas yung kasambahay nila. ”Ah, Sir kayo pala.” ”Manang, si Yna po?” ”Ah, tulog po siya. Bawal istorbohin.” “Sige na po, sandali lang, kailangan ko lang po talaga siyang maka-usap.” ”Naku iho, ipagpa-bukas mo na lang yan. Mataas ang lagnat niya at ayaw ng mga magulang niya na maiistorbo ang pahinga niya. Umuwi na lang po kayo Sir.” ”PO?? May lagnat siya? Kailan pa??” ”Kanina po pag-uwi niya, may lagnat na siya. Mabuti na nga lang at naihatid siya nung kaibigan niya, pagdating niya rito buhat-buhat na niya si Yna kasi nahimatay daw siya sa daan. Baka bukas hindimuna siya papasok. Sige na, madami pang gawain sa loob eh.” Sinara ni Manang ang gate at naiwan akong nakatulala sa labas. Bakit kanina okay naman siya ah? Kasalanan ko yata. CRAP!!. Humanda kang linta ka! Bukas, kakausapin kita Yna. Aayusin natin ’to. *********************************************************************************************** [Scene 35] **YNA’S POV** *kriiiiiiiiiing*--*kriiiiiiiiiing* Pinilit kong abutin at patayin ang alarm clock ko. HALA!! 1 HOUR LATE NA AKO SA KLASE!!! Ugh! Sakit ng ulo ko! Hindi naman ako uminom kahapon ah? Ang sakit talaga! Pati katawan ko masakit din. Hindi ako makatayo! Ano bang nangyari? Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi nang pumasok si Manang sa kwarto ko. ”Iha! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ko nai-off ang alatm mo, naistorbo tuloy ang tulog mo.” ”Teka Manang, ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng buong katawan ko?” ”May trangkaso ka Yna. Wala ka bang ma-alala?” Tinatrangkaso na pala ako nang hindi ko alam? Ah!! Kaya pala ako nahihilo kahapon nung.. Nung kausap ko sina Paolo at.. =(( ”Ahh.. Opo. Eh teka, ’di ko po maalala na naka-uwi ako kahapon ah?” ”Ah! Hinatid ka nung kaibigan mong gwapo. Buhat-buhat ka niya nung dinala ka dito. Nahimatay ka raw sa daan eh. Mabuti at maagap siya.” ”PO??!! T-teka..” SI YUYA!! KASAMA KO NGA PALA SIYA KAHAPON!! Nakakahiya naman, binuhat pa niya ako. Ano bang nang-yari? Hindi ko ma-alala huhu. ”Nagugutom ka na? Dadalhin ko na ang almusal mo dito pati na rin ang gamot mo ha? Ibinili ka na nina Mam kagabi, alalang-alala sila sa’yo.” ”Ah.. Sorry po sa abala. Sige po salamat.” Hinipo ni Manang ang leeg at noo ko bago siya umalis. ”Bumaba na ang lagnat mo. Sige babalik ako.” Humiga na lang ulit ako kasi nahihilo pa rin ako ng konti. Hay. At least ayos na kami ni Yuya. Yata? Eh kami kaya ni Paolo, kelan magiging ayos? Yung as in.. Ayos. Bumalik na ulit si Manang. “Oo nga pala Yna, pumunta rito kahapon yung boyfriend mo. Si Paolo?” EH?? “T-totoo po?” “Oo, tuog ka nun, hindi na kita ginising.” “Ano pong sabi niya?” “Kailangan ka raw niyang maka-usap.. Sabi ko, ngayon na lang siya sabihin. Malamang pupunta yun mamayang uwian.” ”PO?? Ah.. Sige bahala na siya.” ”Nag-away ba kayo?” ”Ah.. Parang po..” Close kami ni Manang eh. ^_____^ ”Oh? Bakit naman? Nakikita ko naman sa mukha niya kahapon an mahal ka talaga niya.” ”May hindi lang po siguro kami naiintindihan sa isa’t-isa.” ”Naku, dapat unawain niyo ang isa’t-isa. Sayang naman ang pagmamahal niyo sa isa’t-isa kung walang tiwala. Mahalaga talaga na may tiwala kayo sa isa’t-isa. Kausapin mo siya ha? Para magka-ayos kayo.” Payo ni Manang na parang alam niya ang lahat. Psychic ka ba Manang? x___x ”Opo. Salamat!” Nung bandang tanghali, parang instant na nawala yung lagnat ko. Pero hindi pa rin pwedeng lumbas, baka ma-binat ako eh. Bored na bored ako sa bahay. Higa, Upo, nood TV, kain o tulog lang ang nagagawa ko. Na-miss ko ang lessons ngayon araw pati na rin ang rehearsals. Hayyyy. Labasan na ngayon sa school. Sayang ang isang araw! Teka, labasan na nila? Patay!! Pupunta nga pala si Paolo sa bahay!! Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Nagbi-bihis na ako nung kumatok si Manang. ”Yna, nandyan si Paolo sa labas, papapasukin ko na ha? Mamamalengke lang ako.” ”Opo, Ingat Manang!” Hala, iiwan ako ni Manang mag-isa. Huhu. Lumabas na ako sa banyo, nag-suklay at nag-ayos. Nung palabas na ako ng kwarto, nakita ko si Sio-Sio. ”Cheer Mommy up, okay?” Para talaga akong ewan kasi palagi kong kinakausap si Sio-Sio. Nakita ko siya sa may sala. Napatayo siya nung makita niya ako. Tumakbo siya palapit sa’kin.. at niyakap ako. ”Yna..! Sorry! Sorry sa nangyari kahapon! O-okay ka na ba? May sakit ka pa?” hinipo niya ang noo ko. ”Wala na.” iniiwasan ko munang maging expressive. Binabasa ko pa siya. ”Yung tungkol kay Lindsay....” Ina-antay ko siyang mag-slalita. Umupo kami. Mga dalawang ruler ang pagitan. ”Ano?” Mataray kong sabi. ”Wag mong intindihin yun.. Sinabi ko na naman sa kanya yung tungkol sa atin eh.” ”Sino ba kasi yun?” ”Nakilala ko sa States last year. Naka-partner ko rin sa plays noon.” ”Eh bakit sinasabi niyang girlfriend mo siya?” ”Siya lang ang nagi-isip nun!! Ni hindi ko nga siya niligawan o naging crush man lang eh!!!” pasigaw niyang sagot. Defensive naman nito. ”Eh ano yung sinasabi niyang ’you are hers’??” Kakareerin ko talaga ang pagiinterrogate sa malanding to. ”Crap.” Narinig kong bulong niya. Psh. Crap crap niya mukha niya. ”Line lang yun sa play na ginawa namin dati! Alam mo yun? Yung pinapangako ng lalaki na he’ll be with the girl forever? Hindi ko naman ginustong sabihin yun, I was just being professional! At isa pa, paano ko masasabi ang mga kalokohang yun sa kanya kung since first year eh ikaw ang------- WALA! Basta hindi totoo ang sinasabi niya!!” Since first year eh ako ang ano?? Hindi niya tinuloy ang sinasabi niya. ” Since first year eh ako ang ano?? Huh?” Tanong ko. “Wala nga.” “Sabihin mo na kasi! Nagka-bibig ka pa!!” ”Wala nga sabi!” Naiinis na siya habang namumula. Alam ko na naman kung anong ibig niyang sabihin nun eh! Gusto ko lang na manggaling sa kanya! ”Okay, sabi mo eh.” Tumayo ako at naglakad ng mabagal papunta sa kwarto. ”Hoy!” Hindi ako lumingon. ”Hoyy! Bumalik ka nga! Hindi pa tauo tapos magusap!” I shrugged. ”Tsk.” Sabi niya. Aww.. Sumuko na. =(( Nasa may pinto na ako ng kwarto ko--“HOY!! NANAY NG ANAK KO!!!” O////////O What did he call me?! Napalingon ako at nakita ko siyang hinihingal sa tabi ko. Medyo mahaba rin kasi ang hallway papunta sa kwarto ko. ”Anong s-sinabi mo????!!!” ”Since first year.. ano..” Pweh. Akala ko didiretsuhin na. Hindi pa rin pala, ang simple lang naman sabihin na, since first year, ikaw na ang crush ko. Psh. Such a pathetic creature =___= “Wag pilitin. Go home. Apology Accepted.” Pinihit ko na ang door knob pero hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan na mabuksan ko ang pinto. ”Since the day I was born, you were the one destined for me to love.” ---************************************************************************************************ [ Scene 36 ] **YNA’S POV** “’Di ba dapat eto muna?” Tanong niya. Tsk. Maalam pa sa’kin eh. ”Hindi! Eto muna! Mas tama ako, sanay na ako dito no!! Wag kang magmarunong, ako ang babae!” ”Eh yun ang napapanuod ko sa TV eh!” ”Pwes, mali ang TV niyo! Oh, eto na lang, haluin mo.” Binigay ko sa kanya yung bowl ng mixture. Tutal maaga ang labas ngayon, 3:30 PM pa lang. Hindi pa umuuwi si Paolo. Bored kami kaya napag-kasunduan naming mag-luto ng pancakes para sa merienda. Eh iginigiit niya yung method ng pagluluto na nakita niya sa TV. Ang simple-simple lang mag-luto ng pancakes, pinapa-komplikado pa niya. +___+ Nagka-ayos na nga pala kami. Salamat sa makabagbag-damdaming linya niya kanina. Medyo sinira ko nga lang yung moment kasi halos napa-higa na ako sa sahig kakatawa. ”Oh, tapos na.” Inabot niya sakin yung bowl na hinalo niya, flour and eggs. “Good. Hmm!! Bangooooo!” Nakaka-adik talaga ang amoy ng pancakes.. Waaaaa “WOW!! BILOG NA BILOG!!” Halos mabitawan ko na yung hawak ko. Bigla biglang sumisigaw!! “Ang mangyan mo naman Paolo! Normal lang na maging bilog yan! Ano pang alam mo sa mundo ha??!” Enjoy na enjoy siyang panuorin ako habang nagluluto. Nakaka-conscious! After 5 mins, luto na. Ang bangoooooooooooooooo!!!! Kumuha kami ng tig-isang tinidor, pinalamig ng konti yung pancakes at kumain na. ”Wow.. Ang sarap! Lasang cake!” ”Malamang. Haha!” Natutuwa ako kasi nasasarapan siya. Tumayo siya. ”Oh, bakit?” ”Hindi pwedeng hindi matikman ni Sio-Sio ang luto ng Mommy niya!!” Tatakbo na dapat siya sa kwarto ko pero hinihit ko siya sa polo niya. ”HEP HEP!! Ikaw, nawi-wirdohan na ako sayo ha! Kumain ka na lang! Kakakain lang ni Sio-Sio ng pusa kanina!” ”Ganun?” Kinuha niya lahat ng natitirang pancakes. Swapang!! Dalawa pa lang nakakain ko huhu.. ”Papasok ka na bukas Sioms?” Tanong niya. Huhu. Pancakes ko... ”Oo, wala na akong lagnat eh.” ”Sunduin kita?” Psh. Nagpaalam pa. Haha! ”Okay!” Kinain ko na ulit yung pancakes ko. Baka kunin niya pati ito. Huhu. ”Yna.” Bigla siyang nag-salita. ”Ano?” ”I love you” *eeeeeeeeeenggkkkk* Bumukas ang pinto. O////////O “M-MOMMY?!? DADDY??!” Napa-tayo ako. Pag naro-wrong timing ka nga naman oh!! For sure narinig nila yung kakornihan ni Paolo! Ang tahimik. Huhu.. ”KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!” Nag-sisigaw at nagta-talon sina Mommy at Manang. Si Daddy naman, pinapat ang balikat ni Paolo. Isolated ako. HUHU!! Sa bahay na nag-dinner si Paolo kasi mapilit sina Daddy. Close na kagad sila. Waaaa. ”See? Kasal na lang ang kulang Mommy. Hahaha!” Bulong niya sa’kin. ”Tumahimik ka! Nasa harap tayo ng pagkain!” Sana, palaging ganito. ^O^ ---[ Scene 37 ] **YNA’S POV** Morning! Have a great start this morning! Have a great start this morniiiiiiiiing!! Lalala~~ Masaya ang gising ko. Ang saya ng feeling eh! Ngayon hindi na talaga ako magpapa-apekto sa Lindsay na yun! Bakit kaya wala pa si Paolo? Susunduin niya raw ako eh.. *bzzt-bzzt* 1 New Message From: Daddy Siops Mommy Sioms, di pala kta masusundo. Sorry. Urgent lang at pinatawag ako ni Sir. Agahan mo na rin, bka may meeting eh. Ingat. Aww.. Di niya ako masusundo. Wag magagalit! Tandaan ang sabi ni Manang, tiwala!!! Masaya akong nagla-lakad papuntang school nang may sumabay sa’kin. ”Good Morning!” Bati niya. “YUU!!!! WAAAAA!!” Na-miss ko siya! “Oh? Easy lang haha!” Ngayon na lang ulit kami magsasabay papasok sa school! Ang saya naman ng araw na ’to!! “Kumusta ka naman?” Tanong niya. “Ayos naman! Magaling na magaling na ako!” “Are you.. Happy?” “Ha? Oo naman! Haha!” Sagot ko kahit na medyo nalito ako sa tanong niya nay un. ”Just keep in mind that.. I’ll always be here.. okay?” “Okay.. Salamat!” Weird, but sweet. ^O^ Nagk-kwentuhan kami ni Yuu habang nasa daan, like what we used to do. Tapos nakasalubong naming si Sandra sa gate. “Uy! Yna! Bakit ka absent kahapoooon! Huhu!!” Niyakap niya ako. “Sorry! Nagka-trankaso ako eh! Hehe!” “Ow! Okay ka na ba?” “Yup!” “O sige, may gagawin pa ako, Yuya keep an eye on her. Bye!” Ampf. Ginawa akong bata haha!! “A-attend ka ng rehearsals ngayon?” Tanong ko kay Yuu. “Gusto mo ba umattend ako?” “Syempre namaaaan! Nami-miss ka na kaya naming! Nababawasan ang mga gwapo sa club! Haha!!” Nasa may pintuan na ako ng clubroom. Nauna ako kay Yuu kasi excited ako haha! I opened the door. Yay! Ini-imagine ko na na babatiin ako ni Paolo pagka-pasok na pagka-pasok ko pa lang sa room. But that’s what I thought. Instead, I’ve seen the opposite. This may probably be the most heart-breaking scene I could ever see. Napa-takip ako ng bibig ko. Eto ba? Eto ba yung urgent meeting na sinasabi niya? He should have said, URGENT KISSING!! Gustong-gusto kong ilabas ang galit ko. Pero wag na, baka maistorbo ko sila. Nagulat na lang ako ng itinulak at sinampal ni Lindsay si Paolo. I-ibig sabihin? ”How dare you Paolo!!!” Tumakbo palabas ng club room si Lindsay. Hindi ako makapag-salita, at hindi ako maka-paniwala sa nakita ko. Lahat ng ng bagay may exceptions. Yung tiwala na sinasabi ni Manang.. Tingin niyo, dapat ko pa ring ibigay kay Paolo? ”Yna! It’s not what you think---“ I slapped him when he tried to reach for my face. “Tama na!! I’ve seen enough!!” Hinila ako pa-alis ni Yuu. Sobra na. Sobra na yung sakit Paolo eh. =(( ************************************* [ Scene 38 ] **YNA’S POV** Papalayo na kami ng club room. Hindi ko yata kaya yung tensyon. Parang mabibinat ako kahit magaling na ako. Humihikbi ako habang akay ako ni Yuya palayo. Nag-flash back sa isip ko yung pagkaka-sampal ni Lindsay kay Paolo after they’ve kissed. It was a solid and real slap. Bakit kaya? Ibig bang sabihin nun, Paolo insisted the kiss? Kaya na-sampal ni Lindsay si Paolo? Can I say that she is the victim here? Ugh! I don’t know what to believe anymore!! I hate how the scene flashes very clearly into my mind. Nagsisisi ako na tinitigan ko pa yung eksenang yun. Hindi ako maka-galaw nun eh. Hindi umiimik si Yuu. Na-shock din siguro. Sa di kalayuan, I heard someone sobbing. It was her. Unconsciously, nilapitan ko siya. ”I don’t trust her.” Yuu whispered. “Yah. Me too. I just.. I just think I know how she’s feeling.” Nilapitan ko siya at niyakap. I don’t know why. “Yna, I’m sorry.. Nabigla lang ako.. kaya.. nasampal ko siya..” She said while sobbing. She’s crying too hard. First kiss niya siguro yun. “It’s not your fault. H-he insisted it.. Didn’t he?” She nodded. May kung anong kumirot sa dibdib ko nung tumango siya. ”Could you.. Uhmm.. Could you tell me the whole story?” I asked. I’m very desperate to know the TRUTH behind that scene. Tingin ko naman sa itsura niya, magsasabi na sana siya ng totoo. ”Actually, maagang pumasok si Paolo.. Nauna siya sa’kin.” She wiped her tears, then continued. “Hindi ko na siya pinansin nun kasi nga, alam ko naman na m-may something na sa inyo eh.. I-I’m willing to give way for the both of you. Nag-paalam ako na pupunta ako sa rest room, nung palabas na ako, hinarangan n-niya yung dadaanan ko..” Tumigil siya at tumingin sa’kin. ”G-go on..” I wanted to hear everything, though it might kill me. “Nakiki-usap na ako na umalis siya because I was trying to avoid him. Pinilit kong umalis para maka-iwas sa tension but instead, he pinned me against the wall and.. and.. *sob* and he kissed me.. roughly *sob*” She cried harder. Gosh. I can’t believe this. Hati ang isip ko eh.. A part of me says that she’s lying.. But a part of me says she’s telling the truth. Hindi ko na alam. She looked so sincere. Pero bakit naman gagawin yun ni Paolo? Didn’t he promise me that he would love me? JUST ME? Hinahagod ko ang likod ni Lindsay. Napa-tingin ako sa langit.. Hah! How ironic could this be? Kasama ko ngayon ang kaaway ko at kinocomfort ko pa when in fact, I think I’m the one who needs comfort here. - **PAOLO’S POV** D*mn!! Nakaka-bwisit! Wala akong magawa habang nilalason ng babaeng yun ang isip ni Yna! Argh!! I looked at my hand, it’s bleeding. Sinusuntok ko na pala ang pader dahil sa galit ko. Hindi ko akalaing magagawa ni Lindsay yun. How evil could she be? *flashback* Ang aga namang meeting nito, hindi ko tuloy nasundo si Yna. Tsk. Pagkatapos nung meeting, dumiretso ako sa club room. Dito ko na hihintayin si Yna. “Good Morning Paolo!!!” Psh. Yung linta na naman. “You want to drink?” Alok niya. Drink? Seriously? “Drink? Hah. Lindsay, we’re inside the school. That’s prohibited.” Inilayo ko ang mga beer. “Then let’s play instead ^__^” “Nah. I’d rather sleep and wait till Yna gets here.” Tinakpan ko ng libro ang mukha ko. “HEY!! HEY!! Yna is coming!! With Yuya!!” Sigaw niya habang naka-dungaw sa pintuan. Napatayo kaagad ako at napatakbo. Pero hindi natuloy ang balak ko, hinila ako ni Lindsay, sumandal siya sa pader. ”What’s with you? Sasalubungin ko si Yna.” Lalayo na sana ako.. Kaso hinatak niya ako at hinalikan. Aba’t---- Desperada ba ’to?? Crap!! Baka makita kami!! Bibitaw na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Sa hindi ko malamang dahilan, sinampal ako at itinulak ni Lindsay. Wala ako sa sarili nun kaya hindi kaagad ako nakapag-react. Dapat ako ang tumulak sa kanya ah??! I saw Yna in tears. Masama rin ang tingin ni Yuya. ”Yna! It’s not what you think---“ I tried reaching her face but she slapped me. Yung galing sa kanya, sampung beses na mas malakas ang impact kumpara nung kay Lindsay. “Tama na!! I’ve seen enough!!” Hinila rin siya ni Yuya paalis. Lint*k naman oh! *end* Ano bang problema nung Lindsay na yun? Ganun niya ba ka-gusto na pag-hiwalayin kami ni Yna? Natatakot ako. Natatakot ako na baka tuluyang nasira yung tiwala ni Yna sa’kin. Mahal ko siya, I can’t afford to loose her now. Kapag nang-yari yun, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. ************************************************************************************************ [ Scene 39 ] **YNA’S POV** Tahimik kaming nagla-lakad ni Yuu. Papunta saan? Hindi ko rin alam. I’ve decided not to attend classes today. Wala rin namang papasok sa utak ko kung ganito ako eh. “Yuu, pwede ka naming bumalik eh. You don’t need to accompany me.” “You don’t need or you don’t want?” He asked, putting emphasis on the word WANT. “Huh?” “Gusto mong mapag-isa diba?” “Yes.” Syempre gusto ko. Alam niya pala, bakit sumama pa siya? “But I won’t let you.” “Bakit naman?” Hindi na siya sumagot. Ang tahimik naming dalawa. Sumusunod lang ako kug saan siya pumupunta. Naa-alala ko tuloy, kapag sabay kaming naglalakad ni Paolo kapag hinahatid niya ako. Argh! Siya pa rin ang iniisip ko kahit nasasaktan lang ako! Hindi pa rin talaga mag-sink in sa utak ko na ginawa niya yun. Para saan ba? Akala ko, hindi niya gusto si Lindsay> Then para saan yung kiss? Ano yun, rehearsals? Tsk. Nasaktan niya kaming pareho ni Lindsay! Though I hate that girl, pareho pa rin kaming babae! Mahalaga ang.. first kiss.. I felt something wiping my cheeks. Natauhan ako at nakita si Yuu na pinapahid ang mga LUHA ko. Ni hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. ”Hindi siya dapat iniiyakan.” ”Eh hindi ko.. mapigilan eh..” Niyakap niya ako. Ngayon ko lang napansin, nasa isang tree house pala kami. Sa sobrang pagi-isip ko, hindi ko man lang namalayan na umakyat na pala kami sa puno. ”Shh. Sige, iiyak mo muna. Treat my shirt as your tissue.” And so I did. Ilang minuto rin siguro akong humahagulhol habang nakayakap kay Yuu. He was just listening. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ko habang umiiyak. Geez. Never kong inexpect na iiyak ako nang dahil sa love, nang dahil sa isang heartbreak. I thought I was.. strong enough. I just love him too much, almost certainly. **YUYA’S POV** Crap. Ang sakit sa pusong pakinggan ng pag-iyak niya. She’s crying like there’s no tomorrow! Kung sana.. Ako ang mahal mo.. Hindi ka siguro iiyak ng ganito. Alam kong dapat kinocomfort ko lang siya sa ganitong sitwasyon, but I can’t help to think about the opportunity. Ayokong mag-take advantage kay Yna. Ayokong makuha ko siya nang dahil lang dito. I just love her too much, na kahit sarili ko niloloko ko na. “T-thanks.” Nagsalita siya pagkatapos ng matagal na pag-iyak. “You okay?” “A bit.” Halata pa rin sa boses niya ang sobrang pag-iyak. ”Masakit pala masyado Yuu.” She hugged her knees. ”Akala ko noon, pagkatapos ng heartbreak, you’ll forget, you’ll move on and that’s it! Pero ngayon.. Alam ko na kung bakit sobrang.. sobrang madrama ang mga kaibigan ko kapag nahaheartbroken sila. You’ll never really know a thing unless you’ve experienced it. Haha!!” “Don’t.. smile.” She frowned. “Naiinis na rin ako sa talent ko.. Nakakaya ko pa ring ngumiti, when deep inside I’m close to dying. Galing no?” “Tigilan mo na Yna..” “ANG ALIN BA? CAN’T YOU SEE THAT I’M HURTING TOO MUCH? TOO MUCH THAT THE ONLY WAY I COULD STAY OKAY IS BY FOOLING MYSELF? BAKIT HINDI MO MAINTINDIHAN YUN? Please.. Let me be happy..” Umiiyak na naman siya. ”Couldn’t you just.. forget him?” I bluntly asked. “I wish I could..” “Then.. Could you let me help you?” Nagulat siya sa tanong ko. “H-how?” “Just give me a chance.. to make you happy.” “Pero bakit? I’m just your friend. You don’t have to do big things for me.” “It’s because I love you.” Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. “Yuu.. I f you’re saying all of these out of sympathy, please…. Stop. Hindi mo ko kailangang kaawaan. Your mere presence is enough for me.” “NO! I’m telling you the truth! Since the day we’ve met, I’ve loved you!!” Natulala siya. “I’ve heard that line several times already..” Mahina niyang sabi. “And to make it worse, I’ve hears it from HIM” She whispered. “Yna, magkaiba kami. HINDI ako si Paolo. I’ve witnessed your heartbreaks. I love you.” Tiningnan ko siya sa mata. Unintentionally, I kissed her and.. She allowed me. Ayoko sanang i-take advantage ang sakit na naraamdaman niya, but I just can’t help myself. Masyado ko na yata siyang mahal.. To the point that I am willing to be a ‘rebound’. ------********************************************************************************************* [ Scene 40 ] **YNA’s POV** I can’t remember what I was thinking the day when I said yes to Yuu. I even allowed him to court and kiss me. Out of pity for myself, perhaps? Ganun ko na ba kinaka-awaan ang sarili ko? I knew I let him kiss me for revenge. You can’t blame me, I felt like I was really cheated. Ginawa ko rin kung anong ginawa niya sa akin. That was my first kiss. Pero sa mga oras na yun, kahit konti... I felt happy. I felt loved and protected. Hanggang ngayon, I know he’s trying his best to make me forget about Paolo. How I wish I could help myself too.. Hindi kaya.. That scene was God’s way of getting me away from the wrong person? Baka.. hindi talaga kami para sa isa’t-isa ni Paolo.. Masakit mang isipin pero.. Baka ganun nga yun. Baka si Yuu talaga ang para sa’kin. I think, it’s okay if I would give him a chance. Two weeks na rin ang nakalipas simula nung pumayag ako kay Yuu. Hinahatid niya ako, sinusundo na supposed to be eh IBA ang gumagawa. Kilala na rin siya nina Mama, nagulat nga sila na iba na ang kasama ko nun eh. “Malapit na rin ang play natin ah?” Tanong ni Yuu habang papasok kami ng campus. ”Oo nga eh, kyaaaaah!!” It’s January already.Kalagitnaan na nga eh. Mabilis no? Kasisimula lang ng December nung nagka-galit kami ni Paolo. I spend Christmas and New Year with my heart broken. That’s why I thank Yuu for trying to pick the pieces of my heart up and putting them back to place. Ilang beses siyang nag-attempt na kausapin ako, lalo na during rehearsals. Mahirap siyang iwasan. Mahal ko siya eh. Lahat ginagawa ko para hindi niya ako maka-usap, sa klase o kahit saan. Wala na akong pakialam sa sinasabi ng mga fans club ng love team naming dalawa. Mas nasasaktan ako sa tuwing sasabihin nila na ”Sayang, bagay talaga sila eh.” Ayoko siyang kausapin kasi alam kong mahina ako pagdating sa kanya. Takot na akong maasktan ulit. I’m dead tired of his promises. Kapag rehearsals, sinusunod ko lang lahat ng naka-lagay sa script. Mahirap talaga kapag may sweet and mushy lines kasi naiilan akong mag-deliver, lalo na kapag kailangan kong tumingin sa mga mata niya. Madalas na rin akong napapagalitan ni Sir dahil hindi ko madeliver ang lines ko like I used to do. Si Paolo kasi, nasasabi niya with full feelings ang bawat linya na. Edi siya na, Idol ko siya. Pero recently, mild na lang yung paghahabol niya sa’kin. Nag-sawa na siguro at napagod. Naiinis ako kasi, nalungkot ako nung napansin kong hindi na niya ganoon ka-gusto na magka-ayos kami. Ugh. Madalas ko na rin naman silang nakikitang magkasama ni Lindsay and I guess their getting along well, yata? Hindi ko kasi mabasa yung expressions ni Paolo tuwing magkasama sila.. It’s like he’s not happy. Ayan na naman ako. Umaasa pa rin. Bakit ba hindi ko siya mabura?? I’m being unfair with Yuu. He’s doing his best pero ako, hindi pa rin maka-get over. Sandali pa lang naman kaming nagkasama ni Paolo pero ganito kalaki ang impact niya sa’kin. I want to love Yuu. Gustong-gusto kong suklian yung pagmamahal niya. Well, alam kong mahal ko na rin naman siya eh, I’m sure of that. Napapa-ngiti niya ako at napapatawa ng wagas. Gusto na rin siya ng pamilya ko. He’s sweet, gentle and understanding. He kept his promises. Mahal ko siya, pero siguro.. Mas mahal ko pa rin si Paolo. Pero sigurado akong konti na lang ang lamang nun! Siguro mga 5% na lang! Bakit kasi umaasa pa rin ako. Kahit dahil lang sa mga simpleng getures ni Paolo, parang bumabalik ang feelings ko instanly. I hate how my heart skips a beat everytime I see him. Ayoko nang umasa!! “Hey? Yna?” “E-eh? Sorry.. I was just.. uhh.. Remembering my lines. Ahehe.. ^______^” See how unfair am I? =( Sabay kaming pumasok sa club room. Kailangan naming mag-report kay Sir every morning para alam niya kung sino ang makaka-attend ng rehearsals after classes. As usual, sa amin naka-tingin lahat. And when I say ‘lahat’, it means kasama SIYA. Ayan na naman yung tingin niya.. yung tingin na parang nagsasabing, “Nagseselos ako, lumayo ka sa kanya.” At yung tingin niyang parang may binabalak. DugDug, says my heart. I looked away. “Great, kumpleto na ang attendance. You may proceed to your classes.” Hinatid ako ni Yuu sa room. Ang gwapo ng taga-hatid ko. ^___^ ”Bye” He poked my nose. ”Byeeee. See yah.” Pumasok na ako sa room. Kasunod ko siya. Umupo siya sa tabi ko, nagpalit kasi ng sitting arrangement and luckily, siya ang napunta sa tabi ko. =___= Naka-tingin na naman siya sa’kin pagkaupo niya, yung tingin na nagpapakita ng determinatiion niya na magka-ayos kami. Araw-araw yan. LOL. Kailan pa ako naging eye reader? Kaya palagi akong naka-tingin sa bintana eh. Ayoko siyang makita, pag sa harap kasi ako tumingin, kita ko pa rin siya sa gilid ng mata ko. MAPEH na. Health kami ngayon, topic naming ang emotional health. Nagkaroon kami ng group activity. We’re having a debate!! ^O^ Two groups lang, since even ang number ng girls at boys, Girls vs. Boys ang laban. TOPIC: Who is more emotional, girls or boys? What a question. Brrt. +___+ Nag-start ang debate. Sa boys nagsimula, naglabas na sila ng agenda nila. “Good Morning. Para sa amin, mas emotional talaga ang mga babae. They are more expressive. Mas madali silang magdamdam kumpara sa mga lalaki. Mas madali silang umiyak, yet madali ring tumawa. Kaya nasasabihan din sila ng ’maarte’ kasi minsan nagiging emosyonal na sila masyado.” Sabi ng isang kaklase kong lalaki, si RJ. Anong maarte? +___+ Turn naman naming mag-sabi ng agenda. Tumayo si Sandi. Patay kayo ngayon. ~O~ ”Ehermh. Para sa amin naman, guys can be MORE emotional than girls. Maaaring mas expressive nga kami, but that’s normal. This is my point. Hindi nga siguro kayo madalas umiyak, but you guys are often soooooooooo moody! We can’t get you! Minsan, bigla na lang mag-susungit, hindi naman kayo nagp-PMS. AND, Kapag galit kayo, what do you do? MAkipag-away at makipag-suntukan, right? Ibig sabihin, mas emosyonal kayo. You often think that the way to settle an argument is to FIGHT!!” “Your one minute is over Ms. De Ocampo.” Awat ng teacher. Naman haha! Nagiinit pa lang si Sandi eh. Time naman para magkontrahan kami tungkol sa mga agenda na sinabi ng magkabilang panig. Take note, PANIG. XD Tumayo si Paolo. Naka-tingin.. sa’kin. ”Sinabi niyo nga na moody kami. Pero palagi ba yun? Kayo rin naman, you often have A BIG WAVE of moodswings kahit wala kayong period.” Talagang parang wala lang nung sinabi niyang ‘period’. Manyak. He continued. “We’re guys. Alam naman naming na pwede talagang daanin sa usapan eh.” “WHOOOOOOOOOOAAAAAA!!! EDI INAMIN MO RIN!!” Sigaw ng mga girls. Haha! Nabutasan sila. Nakita kong kinukuyog na ng mga biys si Paolo, akala ata nila natatlo na sila. ”BUT!! Syempre umaasa kaming mga lalaki sa force namin. We use our strength in everything. Kaya madalas, nauuwi sa sakitan ang asaran. Pero kalian ba kayo nakakita ng lalaki na nagda-drama at nagsasabi ng kung anu-ano habang umiiyak? O kaya naman, umiyak dahil sa.. heartbreaks? Hindi kami naglalabas ng sobrasobrang emosyon, kami ang nagko-comfort sa inyong mga babae.” Napatayo ako sa sinabi niya. ”NOT ALWAYS!!” Ooops. He smirked. ”Because you’re not letting us.” He said calmly. ”STOP IT!! YOU’RE HITTING BELOW THE BELT!! You’re being too personal! Hindi mo ba naiisip yun??” Ngayon ko lang ulit siya nakausap ng may kinalaman sa issue. Natahimik ang atmosphere sa classroom. We we’re all waiting fir his answer. YES, I, too, was waiting for his answer. Kahit si Ma’am hindi nagsasalita oh. But instead, he threw a line that hit me big time. I hate it. “Paano ako makakapag-isip kung ikaw lang ang palaging iniisip ko?” **************** [ Scene 41] **YNA’S POV** Nakakainis! Bakit ba ganun siya umasta? Kung maka-banat siya, parang wala lang? Ugh! Naiinis ako! Badtrip tuloy ako ngayong araw. Wala naman akong period pero feeling ko nagp-PMS ako. ~____~ “Oy!! Bakit ba ang pangit ng mukha mo ngayon ha?” Tanong ni Sandi, nasa cafeteria kami. ”Alam mo na. =__=” ”Ahk. Affected much ka naman eh. Para mawala ang badtrip mo, eto na lang!” Inilapit niya sa’kin ang phone niya. ”Ano ’to? Binibigay mo na sa’kin phone mo? O___O” “Gagee. Kausapin mo yung nasa kabilang linya. =__=” “Err. Linawin mo kasi haha!” Nilapit ko sa tenga ko yung phone. ”Hello?” ”HELLO YNA!! AAAAH!!” O___O GOSH!! I MISS HER SO MUCH!! “GOOOOOSHH! HANNA!! I MISS YOU!!” “HAHA! I MISS YOU MORE SIS! Wag na tayong sumigaw, we look so ewan. Haha! Kumusta naman?” “Eto… Uhm okay, I guess?” “Err. Dahil na naman kay Paolo? At diyan sa Lindsay na yan? Nakuuu!! Antayin niyo lang akong makauwi diyan talaga. ARGGGGHHH!” ”Chill girl, mas galit ka pa sa’kin haha!” ”Eh kasi naman no!! Nung umalis ako dyan, okay na okay pa kayo. Tapos ngayon ganito na? Nasaan na yung pinaghirapan namin ni Sandi??” Tumango-tango si Sandi. Naka-loud speaker kasi kami. ”Eh, hayaan mo na! I’m okay with Yuu na rin..” ”Uhmm.. Mahal mo na ba.. siya?” Tanong niya. ”Maybe?” ”Ugh. Yes or no lang darling!! Ah basta, dapat magka-ayos kayo ni Paolo! Alam kong yng mahaderang Lindsay na yun ang may kasalanan. Basta!!!” ”Okay sige na sige na. Mahal ang tawag galing jan ah! Bye na, Miss you!!” I ended the call. Ayokong humaba pa ang usapan namin dun, kahit na sobrang miss ko na si Hanna. Naging sobrang close na kasi kami eh bago siya umalis. Nasa Japan siya, doon siya nag-Christmas at New Year kasama ang family niya at extended pa rin ang bakasyon niya hanggang ngayon. Hindi niya sinasabi kung kelan siya uuwi. Nagme-make up classes na lang siya roon para hindi mapagiwanan. Nami-miss ko ang kalokahan nilang dalawa ni Sandi sa tuwing magkkasama kami. Hayy.. ”AAAAAAAH!! BAKIT MO INEND ANG CALL! KAKAUSAPIN KO PA SIYA!!! HUHU....” Oooops. Phone nga pala ’to ni Sandi.. ”Eh.. Tawagan mo na lang sya ulit!! Haha!” ”DUUUH? Ang mahal kaya, wala akong load. =3=” She pouted. ”Hehe. Hayaan mo na lang!” Pagkatapos nun, bumalik na kami sa classroom. Naiilang pa rin ako dahil sa debate kanina. Argh. I hate it. Umupo ako, he smirked at me. What the fish was that for??? “Tss.” Yan lang ang nasabi ko. Ayoko pa rin siyang kausapin. Naririnig ko na yun pa rin ang bukambibig ng mga classmates ko. Kahit nagka-klase, kwentuhan ng kwentuhan tungkol sa binitawang pick-up line nitong katabi ko kaninang debate. Ugh. Sana lang nakikita nila na naririnig ko sila no? Nung matapos ang klase, dumiretso na ako sa club room. Ganun palagi ako, nagmamadali para hindi ko siya makasabay. ”Good Afternoon Sir.” Nakita ko kaagad si Sir pagkapasok ko sa room. ”Good Afternoon. Mukhang nagkakaayos na kayo ni Paolo ah? Kayo na ulit ang trending topic ngayon.” Tingnan mo si Sir. Ang bilis maka-sagap ng tsismis. Nginitian ko lang si Sir at umupo na ako. Minutes later, dumating na rin ang ibang members. Si Yuu dumating din, kaso hindi kami magkasama sa rehearsals. Ibang scene kasi ang nire-rehearse niya. Si Paolo lang ang kasama ko. =( Hindi na kami masyadong haggard sa pagpa-practice kahit malapit na ang play. Hindi rin kami magka-cramming during the last days kasi two parts na lang ang kulang at tapos na namin ang buong play. Kapag natapos na namin, ipe-prepare na lang namin ang mga kakailanganin, costume fitting at isang dress rehearsal tapos rest na. Dumating si Paolo at nag-start na akming mag-practice. Ugh! Naa-alala ko yung line na sinabi niya kanina! Para-paraan eh! As usual, naiilang ako. Pero mas naiilang ako ngayon kasi parang may iba sa kanya. Parang sobrang tagos lahat ng sinasabi niya. Lalo na, dun sa line na kailangan niyang sabihing, ”I would never let you go.” He already did, right? Medyo ayoko nga ng plot ng story eh. Masyadong romance, hindi bagay sa mga bida. Nung una, gustong-gusto ko. Dream role ko siya para sa aming dalawa. Sa script, we had a happy ending. But that happy ending is just a fantasy. It could not turn into a reality. **************************************************************************************** [ Scene 42 ] **YNA’S POV** *beep-beep* 1 New Message From: Yuu :] Yna, hindi muna kita mahahatid ah? May aasikasuhin lang. Ingat pauwi. <3 Napa-ngiti na lang ako sa text niya. Siya lang kasi ang lalaking kilala ko na naglalagay ng heart icon sa text niya. Haha! Aww.. Miss ko na siya kaagad. ^____^ Nagla-lakad ako sa corridor nung may narinig akong nagu-usap, pero mas mukhang naga-away ata? ”Why can’t you just be mine!!!!??” Teka, kilala ko yung boses na yun ah? “Because I’m already owned. I’m out of order.” P-pati yung boses na yun! K-kilala ko! O___O Pero ano kayang pinagu-usapan nila? I thought their getting along well? Bakit nagaaway ulit sila? Tapos ano yung “I’m alredy owned” at ‘Out of order’ na sinasabi ni Paolo? May bago na kaagad siya? “Bakit ba hindi mo ako magustuhan ha!!??” “Because you’re not her.” “UGH!! I’m way better than her!” “Still, you’re not her.” “AAAAAAAAAHH! WHAT DO YOU WANT ME TO DO?????” “Go back in States.” She gasped. “Pinapa-alis mo ako??” “Sort of.” “O___O *gasp* I HATE YOU!! WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!” Nagdabog si Lindsay. Paki ko ba? Maka-alis na. Masamang makinig sa usapan ng may usapan Yna! Hahakbang pa lang ako nang mabunggo ko si Lindsay. She’s crying..? ”L-lindsay? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Hah. Yeah, pretend that you idn’t hear anything. Lalala~ “Like you care you flirt!!!” “E-eh? Ano na naman bang problema mo ha? Why are you calling me a flirt all of a sudden?” “Eh totoo naman eh! You want all the guys’ attention!! Feeling mo naman pinakamaganda ka na! I loathe you!! Ugh!!” She tried to slap me but I caught her hand. Problema nito??! “Teka, teka nga!!! Di ba ayos na tayo? Bakit ginaganyan mo na naman ako ha??” “KASI KASALANAN MO LAHAT!! AAAAAAH!” Sinubukan niya ulit akong sampalin. Ngayon, dalawang kamay na niya ang hawak ko. “ANO BANG KASALANAN KO?? NAKUHA MO NA NGA SIYA SA’KIN DIBA?? ANO PANG GUSTO MO???” ”AKALA MO LANG YUN!! NAKUHA KO SIYA PHYSICALLY< PERO IKAW PA RIN ANG PALAGI NIYANG INIISIP!! Bakit ba ikaw na lang parati ang bukambibig niya ha?? Ano bang meron sa’yo na wala sa’kin? Eh anlaking lamang ko naman sa’yo no!!” She’s crying. Pambihira. Umiiyak na nga, mahadera pa rin. =___= ”Hindi kita maintindihan!!” ”YOU’RE STUPID!! GINAWA KO NA LAHAT PARA MAGALIT KA SA KANYA AT MAAGAW KO SIYA SA’YO, PERO HINDI KO PA RIN SIYA MAKUHA!! NAKAKABWISIT KA! AAAAAHGGGH!!” “”I-ibig sabihin----“ “OO!! AKO ANG HUMALIK SA KANYA! GET IT?? HAHA!! HE’s the only thing in my life that I can’t get! AT DAHIL YUN SAYO!! I HATE YOU!! BUT!!! Nlamangan pa rin kita, I kissed him before you. Bleeeeeeeh!! Get lost!!!” Nag-loser sign siya at umalis ng padabog. What the fish was that?? I-ibig sabihin????????? **SANDI’S POV** “FOR REAL?? GANUN TALAGA ANG SINABI NIYA? WAHAHAHAHAHAHA!!” Sabi ko with matching hampas sa lamesa. Ini-imagine ko pa lang ang itsura nung Lindsay nay un, mamatay-matay na ako kakatawa. LOL. “Ugh! Nalilito na ako! What would I do!!!!!!” Inu-untog ni Yna sa lamesa yung ulo niya. Hala? Baka maging autistic din to. “Follow your heart.” “EEEH! Gasgas nay an! It’s not helping!” “Nanggaling na sa kanya yun eh, kaya sure ako na totoo yung mga sinabi niya. See? Kung pinakinggan mo lang ang side ni Paolo noon, hindi ka aabot sa ganito ngayon.” Ako sabay subo ng fries. ”Oo na.. Wag mong ipamukha.. Pero.. Naguguluhan talaga ako.. Kung totoo nga yun.. Paano na? Anong gagawin ko?” ”Madali lang, makipag-ayos ka, at nang maging maayos ang paglaki ni Sio-Sio. Aba! Bilang ninang niya, tungkulin kong pangalagaan ang bata!” Kinarrer talaga namin si Sio-Sio. XD ”Eh, paano si Yuu?” ”Mahal mo na ba talaga siya?” ”Yes....?” Hmm. Te, may question mark te?? “Eh.. Si Paolo, Mahal mo pa?” Hindi maka-sagot.. Tss. “Silence means YES..” “Eh kasi, h----“ “YES or No lang Yna..” “Ganito nga kas-----“ “YES or No” “Ngayon kas---“ “YES or No” “Sandi! Makinig ka mu---“ “YES or No” “OO NA! BWISIT! HINDI MO KO PINAPAKINGGAN!!” “Haha!! I’m such a clever girl. Edi okay na kayo? Yey! Mabuhay ang mga magulang si Sio-Sio!!!!!!!!!!!!!!” “But I don’t want to hurt Yuu.” Mabait naman talaga si Yuya. He’s taking good care of Yna and I trust him. Pero.. Alam ko naman kung sino talaga ang nagma-mahalan eh.. At alam kong alam niya rin yun. ”Yna, trust me.. he’ll understand.” ”Mahal ko naman talaga siya eh..” ”Pero mas mahal mo si Paolo?” ”Ewan.. Hindi ko na alam..” Umubob siya. ”Sis... Mas makakasakit ka kung paaasahin mo siya kahit alam mong hindi mo kayang ibalik ng buo yung binibigay niya sa’yo.. Kaya habang maaga, tigilan mo na.” Nai-iyak na si Yna. ”Eh paano kung hindi naman pala ako yung tinitukoy ni Paolo? Akala lang ni Lindsay ako yun?” ”GOSH. Ang slow mo ’te.” ”I’m not!! I’m just thinking about the possibilities!!!!!” ”Tse!! Basta! Mahal mo siya at mahal ka niya. TAPOS. Oh? Ano pa bang prolema dun?” Natahimik lang siya at hindi na sumagot. Bastusan +___+ Hayyy! Napaka-simple lang naman ng mga bagay-bagay sa buhay eh. Bakit kailangang palagin na lang gawing komplikado? Nakaka-pagod na maging matchmaker ha. Ni ako nga wala pang love story. +3+ ************************************************* [ Scene 43 ] **YNA’S POV** Aaaaaaaah!! Sasabog na ang ulo ko! Naguguluhan ako! Totoo kaya yung mga sinabi ni Lindsay? Totoo ba yung mga narinig ko kay Paolo? At kung totoo nga yun, anong gagawin ko? Anong gagawin niya? At paano si Yuu? AAAH! Nakaka-buwang!! Baka naman masyado lang akong Assuming? *untog ulo* Papasok na ako sa classroom ngayon. Hayy. Napaka-irregular ng schedule ng rehearsals namin, parang period lang. Pfft. kahapon meron, tapos ngayon wala. Eh parang kailan lang sinabi nilang everyday ‘to. Pero mabuti na rin yun, maiiwasan ko siya. Pagkarating ko sa may pintuan, GREAT. Katabi ko nga pala siya. Ayoko na. Magda-drop out na lang ako. =___= Tahimik at mabagal akong lumapit sa upuan ko at maingat na umupo, trying not to make any sound. Natutulog yata siya. Muhahaha. Tulog ka lang ^O^ *sigh* Mukhang tulog nga. Hay.. Hanggang kailan ba ako iiwas? Hanggang kailan ako MAKAKAIWAS? Kailan ko kaya sila mahaharap? Kahit kay Yuu nahihiya rin ako. Feeling ko kasi nagiging unfair na talaga ako sa kanya. He’s giving his best and I’m aware na simula nung sabihin sa’kin ni Lindsay yun, palagi na lang lipad ang isip ko. Hindi na ako maka-ride ng maayos sa mga trip niya at nagiging KJ na rin ako. Sana hindi ko siya nasasaktan.. ”Sis... Mas makakasakit ka kung paaasahin mo siya kahit alam mong hindi mo kayang ibalik ng buo yung binibigay niya sa’yo.. Kaya habang maaga, tigilan mo na.” Hayy.. Sa lahat ng sinabi ni Sandi, ’yan ang pinakatumatak sa’kin. Nagpapa-ulit-ulit yan sa utak ko. She has a point anyway. ”Hayy..” Napa-buntong hininga ako. “Lahat ng narinig mo noon, totoo.” Nagulat ako nang mag-salita bigla yung katabi ko. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. ”Ha?” Maang-maangan. =[ ”Yung nag-aaway kami ni Lindsay. Totoo yun” ”A-alin?” Nakita niya ako? O//////O ”Ikaw yung tinutukoy ko noon.” “A-ano bang.. sinasabi mo?” Sige lang, ang galing mo Yna. </3 “Tsk. Nasayo na kung maniniwala ka o hindi. Basta ang alam ko, mahal kita.” He whispered. Pero yung sinabi niya, lalo na yung last line.. Parang mas dumadagundong na nagpe-play back sa isipan ko. Na-guilty naman ako. Bakit ba hindi ko masagot yun nang maayos? Simple lang naman ang sinasabi niya, in fact he’s being so honest with me. Looks like I pissed him off. Sabagay, kung ikaw ba naman yung lalaking naglakasloob na mag-confess for the NTH TIME, tapos magmamaang-maangan lang yung girl, mag-iinit talaga ang dugo mo. Hay!! Minsan talaga hindi ako marunong dumiskarte eh!! I looked at Sandi, she shrugged. =__= Dumating na ang first period teacher namin pero hindi pa rin siya bumabalik. Cutting eh? Kasalanan ko yata. Walang pumapasok sa utak ko na kahit ano. Sabagay, trigonometry class kami ngayon. May iniisip man ako o wala, wala pa rin talagang papasok sa utak ko. Mas grabe nga lang ngayon. *O* Second period, English. Wala pa rin Paolo na dumating. Break time. Ugh!! Can’t take this anymore!! Tumayo ako, lalabas na ako. Gotta find him. ”Yna!!” Tumakbo papunta sa’kin si Sandi, galing siya sa fields. ”Saan ka?” Natataranta siya. Hmm? ”May hahanapin lang.” ”I-importante ba talaga ’yan?” ”O-Oo eh..” ”Pwes kalimutan mo muna yan! Halika dali!!!” Kinaladkad niya ako. Tingnan mo ’to. Tinanong pa ako kung importante yung hahanapin ko, kakaladkarin din pala ako. Bastusan. Pero paano si Paolo? Argh!! Ayaw yata ni ’Ka Destiny eh. ”Maria Sandra, siguraduhin mo lang na importante yan.” ”OO NGA!! IKAW SIGURADO ANG DAHILAN NITO!!” Mas lalo niya akong kinaladkad, masyado siyang nagmamadali. Naka-rating kami sa fields, may mga estudyanteng nagku-kumpulan. NICE. ”PRRRRRRRRRRRRRRRRRTTTTTTTTTTT!!!!!!” Pumito nang malakas si Sandi. Nakanang. Parang wala ako sa tabi niya ah? ”Si Yna!” Sigaw nung isang student. Automatic na nag-give way sila sa’kin. Doon, nakita kong parehong naka-higa si Paolo at Yuu, puro galos at pasa at parang kakatapos lang makipag-away kasi hinihingal pa sila. ”WHAT.THE.FISH.HAPPENED.HERE????!!!!!” It’s not a pleasing sight!!! ”He-hehe.. Ikaw pala.. Y-yna..” Naka-ngiting sabi ni Paolo. Amp. Magwo-walk out tapis ganito? “U-uy..” Naka-ngiti ring sabi ni Yuu. “Wag niyo nga akong ngitian!! Ano bang nangyari? Don’t tell me nagbugbugan kayo??” Wala akong nakuhang sagot. “SUMAGOT KAYO!!” Nakapikit lang sila at walang sumasagot. OH EEEEEHMM!! “H-hoy!! Gumising nga kayo!!” “Nawalan na sila pareho ng malay!!!” Sigaw nung isang lalaki. Uh-oh.. Panic mode. ”H-ha??!! Hala!! P-paano yan? Dalhin niyo sila sa ano.. sa clinic!!!” Lalapit na sana ako. Kaso, saan ako pupunta? Kanino ako sasama? @//////////@ ****************************************************************************** [ Scene 44 ] **YNA’S POV** May mga nag-buhat na sa kanilang dalawa. Kaso, maghihiwalay sila ng daan. O___O Ek! Dalawa nga pala ang clinic dito! Tamang pag-hiwalayin muna sila, baka magbugbugan daw ulit kapag magkasama sa isang clinic eh. Eh paano yan? Saan ako pupunta? Waaaa. ”WAAAAAAIT!!” Sigaw ni Sandi. Ako dapat sisigaw nun ah? Napa-tigil yung mga umaalalay kina Paolo at Yuu. ”Kayong dalawa, pag-tulungan niyo nang dalhin si Yuya sa clinic 2. Iwan niyo na samin si Paolo.” Nagtaka kami sa sinabi niya. Seryoso? ”Sigurado ka Ms. President? Kaya niyo ba siya?” Tanong nung naka-alalay kay Paolo. “Yes. Kaya sige, amin na.” Maka-asta naman ‘to. Pag yan hindi natin nakaya, magsaksak ka na Sandi. Iniwan nga sa amin si Paolo. Nung una, mabigat pero nung tumagal parang gumaan na siya. Naka-akbay yng dalawa niyang kamay sa balikat namin ni Sandi. Alangang buhatin ko siya ng bride style? Gross. Nang makarating kami sa Clinic 1... ”Uy, sige, maiwan ko na kayo.” Sabi ni Sandi. ”ANOOOOOOOO?? IIWAN MO AKO RITO??” ”Uhuh.” ”E-eh!! Ayoko! Balik tayo sa klase!!” Ayokong maiwan dito! Nakaka-tense!! ”DUUUUUUUUH. Sino ang magpa-paalam para sa inyong dalawa? Wala kayong passes? Ako na ang magsasabi sa mga teachers natin para hindi na kayo hanapin at ma-excuse na kayo. At para hindi na rin kayo maistorbo. Byeeeeee.” Then she zoomed away. Ay! Para-paraan talaga si Sandi. Tsk. Si Yuu kaya? Baka magalit siya sa’kin. Ang hirap naman ng ganito! Napatingin ako sa natutulog na Paolo. May konting pasa siya sa mukha, may konting dugo rin sa lower lip niya. Tsk. Bakit kasi sila nag-away? Teka, nag-away ba talaga sila? Waaa. Bakit ba ako nagi-guilty >__< At bakit wala pa ring pumupuntang nurse dito? Sinong magaayos kay Paolo? Kumunot yung noo niya at nagsalubong ang kilay niya.. Parang nasasaktan siya. Kumikirot kaya mga sugat niya? Malamang. Pati siguro katawan niya sumasakit na rin. Ugh! Bakit ba ang dali kong maawa sa mga ganitong tao. Pumunta na ako sa medicine cabinet at kumuha ng ointments, cotton, alcohol at towels. Hay. Instant nurse ako. “I’m just doing the right thing. Don’t assume anything.” Sabi ko as if naririnig niya ako. Nilagyan ko muna ng ointment yung sugat sa lower lip niya. Ang lambot naman ng lips nito. Nagli-lip gloss kaya ‘to? UGH!! WRONG THOUGHTS!! Tama na, I’m done with the lips! Nilagyan ko na rin ng ointment yung iba pa niyang galos at sugat. Nagpa-gulong gulong ba ’tong mga ‘to? Sayang balat niyo mga tsong, ang kikinis niyo pa naman. Waaa. I sound so manyak. Teka, madumi polo niya. Baka nagabukan rin ang loob ng katawan niya. ”NO FISHIN’ WAY.” I mumbled. Tama na yung ginawa ko!! Ayoko na ako pa ang gagawa nun sa kanya! Asan na ba yung nurse na yun? Tatayo na sana ako para hanapin ang nurse nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. ”Ako na.” He chuckled. ”W-WAG MONG SABIHING KANINA KA PANG GISING???!!!” ”Sort of.” Tumawa siya ng mahina. ”Ugh! I hate you! Kelan ka pa naging one-liner ha? Bahala ka dyan!” ”Dito ka lang.” ”At bakit?!” ”Can we talk?” Ume-english na naman ’tong kanong ‘to. ”We are already talking Mr. Genius.” “Yna, I l-----“ “STOP! I don’t wanna hear it… now.” “Okay. Ganito na lang.” He sighed. “I’ll give you time. You think, I’ll wait. I’ve told you before, I want to prove myself to you.” “For what?” “For your love.” I gave it to you, but you blew it away. =[[ “I don’t know..” “Just please.. Don’t give me the cold treatment. It’s killing me” Hindi ako maka-sagot sa sinasabi niya. Niyakap niya ako. “And for the sake….. Of our son.” O////////O Napa-bitaw ako sa sinabi niya. “TSE!!! NURSE! HEAL THAT JERK! HE’S INSANE!!” I said then stormed out of the room. Ang romantic na sana ng ambiance, sinira pa niya. Bastos. +____= **************************************************************************************** [ Scene 45 ] **YNA’S POV** Napapasarap yata yung Siopao na ’yun sa clinic ah? Second to the last subject na namin ’to. Baka umuwi na. Amp. Tamad. “Oy, daanan mo kaya sa clinic yung pasyente mo?” Si Sandi, nanga-asar na naman. +__+ ”Wala akong pasyenteng galing sa Mental. Curse you.” ”Haha!! Sabi mo eh! Tara na!” Naglakad na kami papalabas. Habang nagla-lakad, hinarang kami ni Yuu. ”Ah.. Yuu?” May mga pasa rin siya at sugat. Waaa. Dahil na naman ba sa’kin? *O* ”Come with me” There’s a world out there that we should see? Haha! Agh!! Dapat serious!! He pulled my wrist. “Hey!! S-saan tayo pupunta?” “We’ll just talk. Trust me.” Kahit hindi mo naman sabihin, I trust you, Yuu. Sumenyas na lang ako kay Sandi na umuna na siya. Narinig ko pa ngang binulong niya, ”Ang haba talaga ng hair ng bestfriend ko.” Tss. Baliw +___+V Dinala ako ni Yuu sa school garden.. Yung lugar na una kaming nagkita. ”Anong.. pag-uusapan natin?” ”You know that I love you, don’t you?” Nabigla ako, he said it direct to the point! I nodded slowly. “But do you love me too?” Hindi agad ako maka-sagot. Ang bigat sa dibdib.. “Haha.. You don’t.. right?” He let out a fake laugh. “Yuu.. I’m.. I’m sorry…” “Don’t be. It’s not your fault if.. you can’t love me back.” He smiled. Wag ka nang ngumiti Yuu.. Mas lalo akong nahihirapan.. “But I loved you! Believe me!” “Shhhh.. I know..” I smiled. “You loved me, as a friend.. Or kung mas humigit man sa kaibigan.. You loved me, but not as much as you love Paolo. Kasalanan ko rin eh..” Umupo siya. “I’m sorry..” “Wag kang mag-sorry.. It’s my fault.. I loved you too much.. Too much, to the point that I expected to get something in return from you, kahit na alam kong mahal mo pa rin siya. Akala ko, pwede kitang maturuang mahalin ako.. I thought I was succeeding. Pero ngayong bumabalik na ulit siya.. Alam kong.. siya at siya pa rin ang pipiliin mo at sa huli.. maiiwan pa rin ako..” Naman eh.. Naiiyak ako.. ”S-Sorry.. Akala ko rin.. Kaya kitang m-mahalin.. More than I loved HIM.. I hate myself for that..” ”Shh. Wala ka namang kasalan Yna.. And because I love you..” “I’m willing to let you go..” Nagulat ako sa sinabi niya. How am I supposed to react? “I’m willing to give you to your happiness, which is Paolo. Alam kong sa kanya ka mas magiging masaya. Kahit pa napapangiti at napapatawa kita, hinding-hindi ko mapapantayan yung saya na nabibigay niya sa’yo.. I can also feel his sincerity.. But don’t worry.. I’ll still be your boy bestfriend.. I’ll always be.” He kissed my forehead and left. Hindi ko maintindihan ang feeling. Para akong relieved at nabunutan ng tinik sa dibdib.. Masaya, gumaan ang pakiramdam ko.. Pero nandun yung sadness.. at guilt.. Alam kong marami na siyang nagawa para sa’kin pero ako.. Ni isa mukhang wala pa.. Puro pagka-sira lang ng mukha niya ang nadudulot ko. Ngayong okay na ang lahat sa’min ni Yuu.. Anong sunod kong gagawin? -- -- -[Drama Club Room] Wala pa rin si Paolo. Ano ba yun? Baka umuwi na nga. Wala rin si Yuu.. Hindi tuloy kami makapagusap.. I’ve decided to face everything.. No more hiding. No more hide and seek. No more pretentions. Gusto ko nang i-clear ang lahat para matapos na but unfortunately, wala siya. Pero siguro, okay na rin ‘to para napapag-isipan ko siya ng mabuti. “Main cast, Please come here. Susukatan na kayo.” Sabi ni Sir. Ayon nga sa schedule, wala ng rehearsals ngayon. Natapos na naming lahat. Baka sinadyang umabsent ng damuhong yun kasi tinatamad siya. Pumunta na kami sa unahan, nandun ang mga tailor, designers at kung sino-sino pa. ”Oh you’re the leading lady! Asan ang leading man mo?” Tanong nung isang magandang middle-aged tailor-moon. AY, tailor pala. XD “Ah, absent po eh. Masakit po yata ang tiyan.” Hohoho. Siraan natin siya. BPP ”Oh?? Pity on him.” Tapos sinukatan na ako. Waaa! Ano kayang itsura ng damit namin? May pahka-opera type kasi siya, tapos may mga times na naka-gown pa kami at napaka-formal ng itsuera. Kyaaaa.. Old-fashioned haha~! ”Okay, you’re done.” Sabi ni Tita Ganda. Oha? Close kami. ”Yung mga tapos nang masukatan, you may go home.” – Sir. Mag-isa akong uuwi ngayon, wala si Yuu at Sandi. Kyaa. Nasabi ko na bang mga 1 week na lang at play na namin? Ang bilis. >__< Nagla-lakad ako ng tahimik, As in. Ang naririnig ko lang eh tunog ng takong ko. But it didn’t last long. Habang tumatagal, feeling ko may sumusunod sa’kin, I can see shadows and hear footsteps na biglang mawawala kapag lilingon ako. Naman!! Ang lapit-lapit na ng bahay naming nakakaranas pa ako ng ganito? And lucky me!! Walang ibang tao. >O< Bilis ang lakad Yna, BILIS!!! Bumilis din yung footsteps. Hindi kaya footsteps ko lang yung naririnig ko? Haha! Paliko na ako sa huling kanto nang may biglang humablot sa’kin at tinapan ang bibig ko. ”Ahmfffffffffffffffffffffffffffffff!!!!!!” Help me!! Tulong!!! **************************************************************************************** [ Scene 46 ] **YNA’S POV** “Hmmmmmfff!! Thhndmjgklngn nhkjsyoo kmmmm!!!” Aaaaah!! Tulungan niyo ‘ko!! Gusto kong sumigaw pero natatakpan nga yung bibig ko.. >___< “Shhh!! Wag ka ngang magulo!!” Ay pantae. +___+ “Aray!!!” Binatukan ko siya ng malakas. ”Ano bang ginagawa mo ha?? Bakit may ganyan ka pang trip??? Alam mo bang halos atakihin na ako sa puso sa ginawa mo?!!!” Sigaw ko. ”Gusto lang kitang sorpresahin..” Sabi niya na parang bata, pagkatapos ngumiti. DuguDug. Napa-talikod ako sa kanya, nagulat din ako sa biglang pagtibok ng mabilis at malakas ng puso ko eh. Argh. Heto na naman ako, naga-attempt na tumakas sa awkward na sitwasyon. Sinabi ko ba kaninang I’m ready to face everything? ”Oh, tatalikuran mo na naman ako?” tanong niya. Napatigil ako sa paglalakad. I bit my lower lip and faced him. Whew. “Bakit ba?” Mahinahon kong tanong. “Kumusta?” Toinks. Kung nasa anime lang ‘tong eksenang ‘to, malamang natumba na ako, una ulo. Napaka-connected kasi ng tanong niya. =____= “Ano bang klaseng tanong ‘yan? Yan lang ba ang itatanong mo?” “Masama bang mangumusta? Parang ang tagal nating hindi nagkita eh..” Sumandal siya sa pader. Anong matagal? Eh kanina lang kasama niya ako sa clinic. Abnormal. ”Oh sige, para sumaya ka naman, ayos lang ako. Okay na?” ”Eh tayo? Kelan magiging okay?” Nabigla na naman ako sa tanong niya. ”Ha? O-okay naman tayo ah?.... di ba?” weh? ”Sabi mo eh.” He shrugged then walked ahead of me. Ay? Bahay niya? Teka, ihahatid niya ba ako? “Hoy! Bakit papunta ka dyan?” “Edi papunta sa bahay niyo.” “Ha?! Bakit? Anong gagawin mo?” “Nami-miss ko na sina Mama at Papa, pati si Manang.” Sabi niya at nilagay sa likod ng ulo niya yung mga kamay niya. Napaka-FC talaga nito. Kinareer ang pagtawag ng Mama at Papa sa mga magulang ko. ”Tss.” Yan na lang ang nasabi ko. ”Pati, nami-miss ko na ang anak natin...” He winked. Arghhh! May custody na si Sio-Sio! Sa akin na naka-sunod ang last name niya! LOL. Naka-liko na kami sa huling kanto. Natatanaw ko na nga yung bahay namin oh. “Ready ka na sa play? Next week nay un ah.” Siya ulit ang nag-initiate ng usapan. Good Boy. ^__^ “Uhuh.” Sabay tango ko pa. “Excited ka, may dress rehearsals pa tayo.” “Gaano ka-ready?” “Ever Ready. Haha!!” I joked. Tinitigan niya lang ako. “Yeah I know, it’s corny, Okay? Don’t look at me like that. I hate you.” Tumawa siya. O, edi bumenta yung joke ko. Haha! “Be sure you are. Hindi mo alam kung anong pwedeng mang-yari.” Sinabi niya yun pagkatapos lumiko na pabalik at naglakad palayo. Tingnan mo yun? Akala ko bibisita siya? ”Hoy!! Akala ko ba papasok ka??” Ngumiti na naman siya. Ugh. ”Okay lang, hinatid lang kita. Makakasama ko rin naman kayo nang matagal one of these days. Baka nga araw-araw na ulit. Bye.” Ano daw yun? Tsaka, nagbabanta ba siya kanina? Wala naman siguro siyang gagawing hindi kanais-nais sa play.. ’Di ba? **************************************************************************************** [ Scene 47 ] **YNA’S POV** “Oh my!! You’re so pretty Yna!! The dress, I mean all of them looks good on you!! Ang sarap mong damitan!! You’re like a doll!!” Niyakap pa ako ni Tita Ganda. Waaaaa!! Too much flattery >///////< ”Eeeeeh.. Tita hindi naman po, haha!” “I’m telling the truth! Nags-standout ka talaga!” Niyakap niya ulit ako. Nakita ko naman sa pintuan ng club room si Lindsay, she’s making faces. “Akala mo naman totoo lahat ng papuring yun. Uto-uto.” Bulong niya. Hoy! Narinig ko yun ah!! Akala ko nawala na siya sa mundong ‘to. Nag-reborn pa pala =___= ”We’ll start in 10 mins.” Sabi ni Sir. ”Ooooooh.. Malapit na kayong mag-start but your I can see Romeo is not yet here..” Sabi ni tita habang lumilingon-lingon pa. “Maybe because I don’t really have a Romeo.” Bitter naman. Haha! “Haha! Every girl has, believe me. And speaking of which.. Iiwan ko muna kayo Juliet..” Iniwan nga ako ni Titan a English ng English. “Hayy..” Napaupo ako. Nasaan na kaya yung Siopao na yun? Sayang ang effort ng mga tao rito kung hindi siya sisipot. ”Miss, mag-isa ka yata.” May umupo sa tabi ko. Sa pabango pa lang niya, alam kong siya yun. Ang lakas nito magspray ng pabango eh. Ginagawang body spray =__= “Oh, mabuti naman at naisipan mo pang uma-------“ Natigilan ako nang mapa-lingon ako sa kanya. O//////O He looks striking in his suit. Ay! Bakit kailangang ganito ang costumes!! Napatawa siya. OH EM!! Ang obvious yata ng reaction ko!! Naka-nganga pa yata ako!! Nakakahiya! “Mabuti naman u-umattend ka pa!” Pinilit kong i-compose ang sarili ko., “Syempre, I don’t wanna miss any scene… Especially the stunning lady beside me.” He looked at me sincerely. Ayt. Walang ganyanan! “Tss.” Nginitian ko na lang siya. “Hey lovebirds! We’ll start in a minute!” Sigaw ni Tita habang tumatawa. Pfft. Nagkatinginan kami at sabay ding napaiwas. AWKWAAAAARD. Ang ganda tingnan ng lahat ng cast ngayon, naka-costumes kasi lahat. Ang gwapo rin ni Yuu!! Nagngingitian na kami kapag nagkikita, pero hindi pa kami nakakapag-usap. Ramdam ko pa rin yung gap sa amin ni Yuu. Alam ko namang hindi madaling ibalik lahat sa normal.. Nasaktan ko siya eh.. Pero umaasa pa rin ako na magkaka-ayos ulit kami ni Yuu. Si Hanna naman, pinayagan na na hindi umattend nitong dress rehearsal.. Tapos na kasi ang mga scenes niya, parang isusuot na lang niya yung costumes niya sa play tapos aarte. Magaling naman siya eh. Actually, mas feel ko nga ngayong naka-costume kami. Parang mas in character ako. Haha! Ang ganda kasi tingnan! Tsaka, hindi na rin ako masyadong naiilang kay Paolo. Kahit papano, nabawasan na yung awkwardness.. Pwera na lang kung may manga-asar sa’min. Nakakatawang isipin, na kung dati, may aasar sa’min.. Wala akong mararamdaman.. Sasakyan ko lang at magpa-panggap na sweet kami ni Paolo, and he’ll do the same. Pero iba ngayon. Ibang-iba na. Naiilang na kami, Natuto na kaming mahiya sa isa’tisa.. Pero mas naramdaman namin yung pagpapahalaga sa isa’t-isa at yung respeto. Kyaaaah. Ang lalim! Ano nga ba kami ni Paolo ngayon? It’s complicated? Madaming tumatakbo sa isip ko habang nagde-deliver kami ng scenes. Mabuti nga at natrain kami na kahit may iba kaming iniisip eh lalabas pa rin ng maayos sa bibig namin ang bawat lines sa script. Diretso siyang tumitingin sa’kin.. Yung tingin na tagos. His lines were so convincing. Kahit ako na kapartner lang niya at alam kong nasa script lang yung mga sinasabi niya, nakukumbinsi niya. Paano pa kaya ang audience? Ngayon-ngayon ko lang talaga naamin sa sarilim ko na magaling talaga siya sa pag-arte. >___< Ngayon ko lang naisip namafe-february na.. Malapit na rin kaming grumaduate.. Mami-miss ko talaga ang lahat.. Ang dami-daming nangyrai sa last year ko sa high school.. Nai-iyak tuloy ako. Mabuti na lang at nasa script din na medyo malu-luha ako. Parang lahat ng firsts ko, ngayon nang-yari eh. First love, first hug, first holding hands, first “I love you”, pati na rin first kiss >3<. Pag nalaman kaya ni Paolo na hindi na siya ang first kiss ko, anong magiging reaction niya? Eh bakit ko ba iniisip? Waaah.. Nag-vow na kami. Tapos na!! Nagising lang ako sa mga thoughts ko nang marinig ko ang palakpakan ng mga tao. Yung buong staff, students, officers at si Sir.. lahat sila masaya. Lahat kami masaya at proud kasi nakumpleto namin ng maayos ang play na ‘to.. Pinaghirapan talaga namin at pinagpaguran, yet we enjoyed a lot. Sulit lahat ng pagod, puyat at stress na naranasan naming dahil dito. It’s worth it. “Ano ba yan, naiiyak ako..” Nasabi ko bigla. Pagkasabi ko nun, May nagpunas kaagad ng mga luha ko. “Iyakin.” Then he hugged me. Mas lalo akong naiyak. Ano pa ba ang nakakamiss? Ayun oh. >/////////< **************************************************************************************** [ Scene 48 ] **YNA’S POV** Waaaaaaa.! Ang lapit na nang performance! Hindi naman ako kinakabahan pero, may kutob lang akong may kakaibang mangyayari. I don’t know if it’s good or bad. Saturday na ngayon, sa Monday, performance na. Hayyy. Aasikasuhin na lang namin ang graduation. Waaaaaaaaaaa! Mami-miss ko ‘to! Naka-chat ko na rin si Hanna, pupunta naman daw siya sa play. Eh, nami-miss ko na siya! Hindi naman siya tumatawag. May isa pa akong nami-miss.. Si Yuu. >__< Lumabas muna ako ng bahay at naglakad-lakad. Malalim ang iniisip ko, nagpapadala lang ako sa mga paa ko. Okay lang, saulo ko naman ang lugar kaya hindi ako maliligaw. Nakakita ako ng mukhang peaceful na lugar. Ewan ko kung bakit ang emo ko ngayon. Haha! Umupo ako sa damuhan. Umaga pa ngayon, masarap pa ang simoy ng hangin.. Pumikit ako at humiga. Nag-hum na rin ako ng konti. Sana pala dinala ko gitara ko! ”Yna?” Napatigil ako sa pagha-hum nang may tumawag sa’kin. Pag-mulat ko, isang maputing gwapong lalaki na naka-jacket at jogging pants ang naka-ngiti sa’kin. ”Yuu..” I said with a smile. ”Paborito kong lugar to ah, ikaw din?” Tanong niya at umupo sa tabi ko. Waaaa! Bati na ba kami? “Hindi naman haha! Napadaan lang ako.. Nagandahan ako kaya ayun!” “Ang peaceful kasi rito.. Dito ako nagpapalipas ng oras madalas eh..” “Oo nga, ang sarap pa ng hangin!” Tinaas ko pa yung kamay ko. “Musta ka na pala?” He asked. “Okay naman, ikaw? Handa ka na ba sa play?” “Eh ikaw dapat ang mag-handa sa play, ikaw kaya ang leading lady.. Tapos si labidabs mo ang leading man. Ayyeeeee..” Napatulala ako sa sinabi niya. Pffft. “HAHAHAHAHAHAHA!!!!” Napatawa ako nang hindi oras! “H-hoy!! Bakit ka tumatawa ah?!” >/////~ “Eh kasi.. hindi.. hindi bagay sayo yung sinabi mo!! Ang astig-astig n gating mo tapos, “Ayyeee?” What the fish Yuya? Haha!!” Waaaa! Feeling ko ang bad ko na, para na akong baliw! “Na-miss ko yang hagalpak mo. Haha!” He chuckled. What a word? Hagalpak? XD “Ikaw din, na-miss ko yung kakornihan mo.” Nag-ngitian kami. ”Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!” ”OH?? Bakit ka sumisigaw??!!” “YUU!!” “ANO?!” “Are we cool? I mean, Bati na ba tayo? Have you forgiven me already?” *kitty eyes* “Hindi.” Ouch. Akala ko okay na kami ni BestGuyFriend. Na-lungkot ako. “Haha! Hindi, kasi hindi naman ako nagalit sayo, at wala ka ring kasalanan. Kaya bakit kita papatawarin? Kaw naman oh. Common Sense Yna.” Iiling-iling pa siya niyan. And there! Bati na nga kami! ^O^ Yun na yata ang pinaka-nakaka-touch na pambabarang narinig ko sa buong buhay ko. T3T ______________________________________________________ ************************************************************************************** [ Scene 49 ] **YNA’S POV** “Ayusin niyo yung curtains..” “Yung mga upuan? Kumpleto na ba?” ”Yung sound system, paki-double check naman..” ”Yung mga costumes ilagay na ng maayos sa dressing rooms!” “Yes, Sir!” “Dumating na ba yung mga make-up artists?” “Yung cast? Kumpleto na ba?” Lakad doon, lakad dito. Tanong doon, tanong dito. Ako ang nahihilo eh. “Sobrang busy ngayon ano?” Aba, dumating nap ala si Siopao. Kala ko mangi-indian na naman eh. ”Malamang. Play na mamaya no, baka hindi mo alam.” Tama, mamayang hapon na yung play. Uwaaaaa! Kaya sobrang chinecheck namin kung nasa ayos na ang lahat para mamaya. ”Ready ka na?” Tanong niya. Nung isang araw niya pa paulit-ulit na tinatanong yan. Hay. ”OO NGA SABI EH.” ”Haha! Chiiiil. Naninigurado lang.” ”Guys, be sure ready kayo mamaya ha? Huwag na munang gagawa ng mga kakaibang bagay para walang aberya mamaya. Haha!” Announcement nung assistant ni Sir. Ano bang magagawang kakaiba ngayon? Puro booths lang naman ang nasa labas. Sisiguraduhin kong mage-enjoy ako ngayong araw!! “Saan mo balak pumunta ngayon?” Tanong niya ulit. “Hmmm. Magli-libot lang sa campus.. Magti-tingin ng booths..” “Samahan na kita?” “Uhh.. Sige.” Wala naman kasi akong kasama. Syempre, busy na naman ang SC President na si Sandi. Wala pa si Hanna. Waaaaaa!! Bakit kaya! >O< Habang naglalakad kami, napadaan sa harap namin si Lindsay. Tumingin siya sa’kin at ngumiti. Bakit kinutuban ako bigla ng masama nung ngumiti siya? Kinabahan ako bigla! Wala naman siguro siyang magagawang masama no? ”Huy! Tulala ka diyan?” He snapped. ”E-eh? Wala, may naisip lang. Hehe..” ”Natakot ka sa ngiti ng malditang ’yun?” ”Paano mo nalaman?” ”Eh kahit ako tumindig balahibo ko eh. Haha!” ”Tss. Bading mo. Haha!” Ganyan na lang ang normal na conversation naming dalawa. Ewan kung may nagimprove ba.. Basta hindi na ako naiilang, pero hindi pa rin buo ang loob ko sa kanya.. Hindi na rin naman niya ino-open yung issue saming dalawa eh, pero nararamdaman ko yung sincerity ng paghihintay niya. Gusto ko lang talaga na, kapag binigyan ko siya ng isa pang chance eh kapag sigurado na ako sa feelings ko at sa feelings niya. Ayoko na ulit ma-heartbroken no! Magaganda ang booths ngayon, may mga ilang ngayon lang naitayo. ”Tounge-twister booth??” Anong klaseng booth yan? Pero interesting *O* “Wanna try?” Sabi ni Paolo. “Game!” Tumakbo kami sa booth. “Uy, Siopao at Siomai! Magt-try kayo?” Tanong nung tao sa booth. Nyeh? Kailangan ganun ang tawag? “Uhh.. Yeah?” Sagot ko. “Okay! Mabuti naman, pang-couple na game kasi ‘to.” Sabi niya. Nyak? Kelan pa? “Ano ba ang mechanics?” Tanong ni Paolo. Tingnan mo, excited much. Sarap batukan +___+ “Simple lang naman. Bubunot kayong dalawa ng tounge-twisters sa papel na yan. Syempre, kailangang masabi niyo nang tama yan, nang limang beses na tuloytuloy.” “At kapag nagkamali kami?” “Kapag may isang nagkamali, Yang upuang inuupuan niyo, lalapit nang lalapit sa isa’t-isa hanggang sa magka-dikit kayo. Alam niyo na naman siguro kung anong mangyayari dun.” Aba? High-tech! Ang galing! On second thought, hindi pala. Haha! Mahina ako sa tounge-twisters!! Natural na twisted na yung dila ko eh! “Pwede back-out?” Tanong ko. “Then you’ll pay.” Patay, wala akong wallet, nasa bag ko sa taas. >O< Tumingin ako kay Paolo. Tumango siya. AYOS!!! MAKAKAAIS NA AKO!! “Maglalaro kami.” “ANOOOOOOOOOOO???!” “Naiwan ko rin wallet ko.” Pambihira! Bumunot na siya. Waaaaaaa~! Sana madali lang!! Pinakita niya yung papel. Waaaaaaa!! Maikli lang!! Kaya to! Haha! ”Ilapit mo sa’kin, di ko mabasa..” Binigay niya yung papel. ”Madali lang pala eh. Nakakapagpabagabag.” Dirediretso niyang sabi. *lunok* ”O-oh sige, balik ka na.” umupo na siya. Waaaaaaaa~! Di bale!! Mabilis naman niyang nasasabi, kaya upuan ko lang ang gagalaw, kapag naka-limang ulit na baka hindi pa kami nagdidikit. YEAH!! ”Yna, you first.” ”O-okay..” Whew. ”Nakaka... N-na... Nakakapag.. Nakakapag---” ”OOOPS!! Mali ka na dun!” Gumalaw na ang upuan ko. Ang daya!! Hindi pa ako tapos! ”Second try.” Utos niya. ”Nakaka—NAKAKAPAGBAGABABAG!!!” ”EEEEEEEEENGK!!” Gumalaw ulit yung silya. Waaaa! ”NAKAKAPAGPABABAGAB!!!!” ”MALIIIIIIIII!! AND DALI LANG NIYAN! EEEEEEEEENK!” Umusud ulit. Uwaaaaa!!! Last two na! ”Nakakapagpabagababag!!” ”ANONG BABAG? EEEEEENGK!! MALI ULIT! ONE LAST CHANCE MO NA!” Waaaaaaaaa! Kailangang itama ko na to! “Na.. Nakaka.. NA-KA-KA-PAG-PA-GA-BA-BAG!!! YEEEEEEEES!! TAMA NA AKO!! WAHOOOOOOOOOO!!” “EEEEEEEEENGK!” Nag-buzzer. ULIT?? >______< Umusod ulit yung upuan. OmO. Ang lapit na namin, halos magkadikit na yung tuhod namin. Huhu... Turn na ni Paolo. Ha!! No worries!! Matatama naman yan ni Paolo kaya for sure makakaalis na kami. GO GO GO! FTW!! ”Nakakapagbagabagab.” Walang kalatoy-latoy niyang sabi. TAKTE. “ANO BA YAN?? BAKIT KANINA SINASABIHAN MO PA AKO NA NAPAKADALI LANG NIYAN EH IKAW RIN PALA MAGKAKAMA----“ Hindi ko na naituloy ang paghi-histerya ko, kasi umusod na yung upuan niya. His face.. is close to mine.. ”Next. Hihihi!!” Kinikilig na sabi nung bantay,. ARGHHH! “Nakaka-----“ “Members of drama club, please proceed to the club room” Sabi ni Sir sa speaker. OYAAAAAAAAH!! Saved by the speaker! Haha! “OOooops. Sorry, tawag na kami. ^__^” I jumped off my seat. Belat! Papunta na ulit kaming club room. “Hoy! Bwisit ka! Bakit nagkamali ka doon?” “Ewan. Nagbuhol yung dila ko eh. Haha!” Tumakbo na siya papasok. Weird. --- Pagpasok naming, inayusan na kami. Waaaa, ang daming make-ups and accessories.. Magagamit ba lahat ‘to? Pero nae-excite ako! At last, makikita na naming yung bunga ng hirap naming!! *kriiiiiiiiiiiiing--* “Hello?” “Yna! HUHUHU!!” “Hello, Hanna! Bakit?” “Hindi pala ako makaka-act sa stage ngayon..” Malungkot ang tono niya. ”HA?! BAKIT??” ”Nagkaproblema lang.. Sorry talaga! But promise, babawi ako.. Bye!” She ended the call. Ano ba yan! Hindi siya makakapunta, miss ko na siya eh! Medyo nalungkot ako dahil dun.. Pero dahil dapat maging professional, pinilit ko pa ring mag-internalize. Mabuti at may mga alternate members kami na pwedeng pumalit kay Hanna. Magagaling naman sila eh, pero saying si Hann. T__T ”Performance will start in a minute!” Announcement ni Sir. Ayy!! After a minute, nag-start na nga ang performance.. Syempre, magsisimula sa pagkakakilala naming ni Tristan, yung character ni Paolo sa play. Nag-start na ang narrator. Cue ko na yun! Pumasok ako at kunwari nakatingin sa langit. “TINGIN SA BABA MO!!!” Nagulat ako nang may biglang sumigaw kaya napatingin nga ako sa baba. Bakit may balat ng saging ditto? Kung hindi ko to nakita, malamang nadulas na ako! Salamat audience. T_T Then, papasok si Paolo sa eksena at kunwari eh mapapatungo naman ako. Ayt, nahiya? Haha! Nalampasan na ako ni Paolo, at ako, kunwari kinikilig habang naka-tungo. ”TINGIN SA TAAS MO!!!” Napatingin na naman ako sa sinabi nung audience. B-Babagsak yung timbang may petals!! Ang daming petals nun, hindi maganda ang effect kapag nabuhusan ako!! Umiwas ako nang pasimple para hindi halata sa audience. Dahil may malaking fan sa area na yun, naging effect tuloy na may lumilipad-lipad na mga petals sa hangin. Nagpatuloy ang mga weird na pangyayari kahit lumampas na kami sa kalagitnaan ng play. Nagtataka na nga kaming lahat pero kailangang hindi maapektuhan ang acting namin. Teka, ang galing ng mata nung audience na yun ah? Palagi niyang sinasabi ang dapat gawin. Ang bait naman nun! Bakit parang sinasadya yung mga yun? Weird. +___+ **HANNA’S POV** Waaaaaaaaah!! Sayang ang role ko, hindi ako makaka-act sa stage! Pero okay lang, may Mission kami ni Sandi eh haha! Namiss ko to!!! Kakauwi ko lang kahapon, hindi ko sinabi kay Yna para surprise. ”UGH!! YOU MEAN UGLY GIRLS!! LET ME GO!!! KAILANGAN KO PANG SIRAIN ANG PLAY NILA! AAAAAAAAAH!!!!” Ang ingay naman pala ng babaeng ‘to! Ang sarap busalan! “And who are you calling ugly, huh?” Sagot ni Sandi habang hinihimas yung latigo niya. Haha! “Ang mean? Sino kaya ang mean sa atin?” Lumapit ako sa kanya at napaurong naman siya. Takot pala ’to eh! ”Sandi, is she the one who stole Paolo’s first kiss from Yna? I mean, she’s such a weakling! Eeew.” Akala ko naman, may thrill ‘tong Lindsay na ‘to. Eh nung ginapos nga naming at kinaladkad papunta rito sa bodega, walang labang eh. ++__++ ”HEY!! I’m NOT A WEAKLING! GET ME OUT OF THIS DISGUSTING PLACE! IT’S SO MABAHO!!” Arte. +___+ “Wag kang maarte! Mas mabaho ka pa sa mga yan!” ”HEEEEEE! NO!! HELP ME! THESE GIRLS ARE SO JEALOUS WITH ME!! THEY WANT MY BEAUTY!! HELP MEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!” Too bad, Walang tao rito. “Sandi, isa pa. Papasakan ko ng sapatos ang bibig nitong maarte na ‘to!!” ”Naku wag na girl, maga-aksaya ka lang ng force at energy sa babaeng yan.” ”AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!” Umiyak siya ng malakas. UGH!! SPOILED BRAT!! ”Hayaan mo na yan, AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!” ”ARGH!! Eh bakit pati ikaw umiirit ha Sandi?” ”Malapit na sa last scene yung play nina Yna!! Hayaan mo na si Lindsay! Yung mini soldiers na lang natin ang bahala sa kanya!!” ”M-Mini Soldiers??” Takot na takot niyang tanong. ”Yeah, you know those tiny creatures crawling in dirty places? I’ll name some for you.. Cockroaches and mice. Enjoy kayo! Bye!!!” Hinatak na ako ni Sandi. Haha! Baliw talaga ‘to. Nagtitili si Lindsay sa loob. Arte! Actually, wala naman talagang crawling creatures dun. Malinis kaya ang mga facilities dito! Nalilinis yun ni Manong tuwing umaga. Maarte lang talaga yung si Lindsay. Tumatakbo kami papunta sa loob. Nung nakapasok kami.. O_________O Ayan ang mukha ng lahat. Anong meron? --**YNA’S POV** We’re down to the last scene! Yay!! Pero eto na yung pinaka-romantic at full of feelings na scene. Kyaaaaaaaa. May kiss pa nga dapat ‘to, pero tinuruan kami kung paano mag-fake. Nakakailang nga lang yung posisyon. “Tristan.. Ang ganda ng langit ngayon! Andaming stars!” He would answer, “Yes, it really is..”. Ganyan ang technique ko kapag performances, pati lines ng kausap ko, sinasaulo ko. “Yes.. pero yung pinaka-magandang star, nasa tabi ko..” Napa-tingin ako sa kanya. Anong---? ”Ah.. ehehe.. Thanks..” Bakit naiba yung line niya? Nakalimutan niya ba? Ngayon lang siya nakalimot ng lines ah? “But you know, I have something to tell you..” Ayun! Tama na yung line na sinabi niya! Baka nga nalimutan niya lang yung isa. ”Spill it.” Sabi ko. Yung sunod na scene, luluhod siya at magpo-propose. Couple na kasi kami rito. Pero imbis na lumuhod siya, tumayo lang siya at tinitigan ako. Seriously, anong meron? Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa may unahan ng stage. Mabuti naman at nakaka-ride pa ang audience sa mga ginagawa niya, pero nakikita kong nalilito na yung may mga hawak ng script. Dinidiktahan si Paolo pero hindi siya nakikinig. ”Paolo! Bakit malai ang mga ginagawa mo??” Bulong ko nang pasimple. Hindi siya sumagot at inakbayan niya ako, at again, wala yun sa script. Bakit naman ngayon ka pa nagloko kung kelan patapos na? Magpo-propose ka na lang and then maga-”I do” ako at tapos na! “Gusto kong malaman mo, at nang lahat ng tao sa lugar na ‘to ngayon..” Okay, that was really OUT OF THE SCRIPT!! Paolo naman, na-mental blocked ka ba? I glared at him. Narinig kong umeepekto naman sa audience yung mga adlib niya kaya sige, sasakyan ko. In character pa rin naman siya eh. “Na mahal na mahal kita..” He looked deeply into my eyes. Nadala naman ako. Okay, this is just part of the play. Adlib niya ang yan, SWEAR. “Yna.” Did he just… mentioned my name?? WALA NA TALAGA YAN SA SCRIPT!! O___O *gasp* ganyan kaming lahat, maliban sa kanya. What the?? He kissed my hand and looked at me, sincerely. ”I love you.. Yna.. Just like how Tristan loves you..” Uhhh.. Paolo, baka hindi mo naaalalang may lapel tayo.. Broadcasted ang mga sinasabi mo.. >/////< Hindi ako makasagot. Alam kong totoo na lahat ng sinasabi niya ngayon, pero nasa state-of-shock pa ako. Hindi ako makapag-salita! Pati ang audience, tahimik! “SHE LOVES YOU!! SHE LOVES YOU TOO!!” Napa-tingin kami sa sumigaw. O____O Si Hanna!! “HANNA!!!” Tatakbo n asana ako pababa, I missed her! But then… “We’re not finished yet, Juliet.” WOW, rhyme. “YEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!” Nabuhayan ang audience, pati mga kasamahan naming sa club, nakangiti na rin nang pang-asar sa’min, ay teka, sa’kin lang pala. “SASAGOT NA YAN! SASAGOT NA YAN!!” Sigaw nila. Shoooooocksss! Pressure kaya!! “Hindi ka pa rin ba kuntento sa sinabi ko? O sige, itotodo ko na ang mga bala ko.” Sabi niya. B-bala??!! *kshhhhhhhhhhhh-kshhhhhhhsshhh* Pamilyar yung tunog na yun ah?? “Mic test..” Sabi niya, then he cleared his throat. WAIT!! DON’T TELL ME??!!! “This is Paolo Valenzuela. I just want to tell everybody that I love Miss Yna Ilao so much. Thank you.” O//////////////O YUNG SPEAKERS SA BUONG CAMPUS, GINAMIT NIYA!!!!!! O_______O Ganyan lang ako. ”Hindi ka pa rin kumbinsido? O sige----” ”HINDI!! OKAY NA YAN!!” Sigaw ko. Nakakahiya na! ”You mean...??” ”Oo na!!” ”Sabihin mo muna.” ”Ang alin?” ”Yung tamang sagot.” ”I LOVE YOU!! DALI NA!!” sigaw ni Hanna. ABa?? “Uulitin mo lang yung sinabi niya oh.” Panunukso ni Paolo. UGH! It’s killing me. ”Okay.” Inhale, Exhale. Humuhugot ako ng lakas ng loob! “Paolo Valenzuela, I lo----“ O////////O ”I love you more.” He said, after stealing a smack from me. Y-yung.. First kis namin.. THAT WAS SUPPOSED TO BE A FAKE ONE!! O////////O Nag-sara na ang kurtina. That ended the complicated twists in our love story. This time, wala nang pagpapanggap.. It’s the “REAL” thing. Hindi na lang kami basta love team. Madami man kaming pinagdaanan, sa huli… Naayos pa rin naman. SI Lindsay, bumalik na sa States pagkatapos nang dinanas niya kina Hanna at Sandi, siya pala lahat ang may pakana ng mga weird na bagay na nangyayari during the play. Si Yuu naman, masaya na rin siya, though wala pa siyang love life. Masaya siya para sa’min. These were all part of my dreams. My FANTASIES, which now turned into a REALITY. *** Love Team @2011. ****************************************************************************************