ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 5 Marso 7, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Pakikibaka ng aping kababaihan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino a okasyon ng ika-102 pagdiriwang ng Internasyunal na Araw ng S Kababaihang Anakpawis, sinasaluduhan ng Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryong kilusan ang kababaihang Pilipino na nakikibaka para sa pambansang demokrasya bilang mga aktibista, Pulang kumander at mandirigma at komunista. Mapagpasya ang malawakang pagkilos ng kababaihan sa paglalansag sa kasalukuyang malapyudal at malakolonyal na sistema at sa pagbubuo ng sosyalistang lipunan. Kalahati ng lipunang Pilipino ay kababaihan. Pinapasan nila ang pinakamasasahol at pinakabrutal na katangian ng reaksyunaryong lipunan at estado. Patung-patong ang pagsasamantala at pang-aapi sa kanila—bilang bahagi ng uring anakpawis, bilang mamamayang pinaghaharian ng papet na reaksyunaryong mga rehimen, at bilang tagapagluwal ng bagong henerasyon sa loob ng di pantay na mga relasyong mag-asawa at pamilya. Taliwas sa ipinagmamayabang ng rehimeng US-Aquino, lalong tumitindi ang aping kalagayan ng kababaihan sa ilalim nito. Pinasasahol ng rehimen ang mga programa at patakarang deka-dekada nang nagdulot ng pinsala sa masang anakpawis, laluna sa kababaihan. Hindi lamang ipinagpatuloy ni Aquino ang mga maka-imperyalistang patakaran ng estado, hinigitan pa niya ang pagpapakatuta ng naunang mga papet na pre- sidente. Nananatiling malaki ang agwat ng partisipasyon ng kababaihan sa lakas-paggawa. Kalahati lamang ng kababaihan ang kabilang sa pwersa sa paggawa, kumpara sa 80% ng kalalakihan. Yaong may trabaho ay nasa mga sektor kung saan pinakamababa ang sahod at masasahol ang mga kundisyon sa paggawa. Isa rito ang sektor ng serbisyo kung saan lampas kalahati o 68% ay kababaihan at mayorya (85%) ay mga kontraktwal. Mas maliit ang arawang sahod ng mga babae kumpara sa mga lalaki. Sa kalagayang nakapako ang minimum na sahod at naaagnas ang tunay na halaga nito dulot ng impla- Sa isyung ito... Oplan Bayanihan binibigo sa Central Negros 7 Armadong panunupil sa Sabah, kinundena 9 Mga biktima ng Pablo, siningil ang DSWD 11 syon, doble-doble ang nahuhuthot na tubo ng mga kapitalista mula sa kanila. Patuloy na inilalako ng rehimeng US-Aquino ang pangingibang-bansa bilang solusyon sa kawalang trabaho ng kababaihan. Ayon sa mga grupo ng kababaihang nagtatanggol sa kanilang mga karapatan, pito sa sampung migranteng babae ay nasa pribadong serbisyo, ang sektor na kinikilalang pinakabulnerable sa pang-aabuso. Masahol pa, dumarami ngayon ang mga migranteng kababaihang bata at kabataan (edad 15 hanggang 24) na lumalabas sa bansa at namamasukan bilang mga katulong sa mga pribadong tahanan. Tulad ng mga magsasakang lalaki, sinasamantala at inaapi ang mga magsasakang babae bunga ng kawalan ng lupa. Pinapasan nila ang napakataas na gastos sa produksyon sa kapirasong mga lupang inuupahan nila. Umaabot sa `56,000 kada ektarya ang gastos sa pagtatanim ng palay sa isang ektaryang lupa. Halos hindi nababawi ng mga magsasaka ang halagang ito dahil sa pambabarat ng mga komersyante sa kanilang produkto. Binibili lamang ng mga komersyante ang palay nang `12-14 kada kilo, samantalang nasa `30 kada kilo pataas na ang presyo ng bigas sa pamilihan. Dinaranas ng kababaihang anakpawis ang pinakamasasahol na epekto ng malawakang pangangamkam ng lupa, pandarambong ng likas na yaman at pangwawasak sa kapaligiran ng mga dayuhang kumpanya at kanilang lokal na mga kasosyo. Sa panahon ng mga sakunang idinulot ng malalakas na bagyo at pagguho ng lupa, umaabot sa 85% ng mga napipilitang lumagi sa mga sentro ng mga ebakwasyon ay kababaihan at mga bata. Dito, dumaranas sila ng gutom, sakit at malnutrisyon. Bulnerable sila sa panggigipit, pang-aapi at karahasan ng estado oras na panindigan nila ang kanilang mga ka- Nilalaman ANG Editoryal: Ang pakikibaka ng aping kababaihan Taon XLIV Blg. 5 Marso 7, 2013 Ang Ang Bayan ay inilalabas sa wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon, Waray at Ingles. Maaari itong i-download mula sa Philippine Revolution Web Central na matatagpuan sa: www.philippinerevolution.net Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga kontribusyon sa anyo ng mga artikulo at balita. Hinihikayat din ang mga mambabasa na magpaabot ng mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating pahayagan. Maaabot kami sa pamamagitan ng email sa: angbayan@yahoo.com sa ilalim ng rehimeng US-Aquino 1 Mga bayarin, muling tataas 3 Mga Higaonon, pinalalayas 5 Suportahan ang mga manggagawa ng FPPI 6 Oplan Bayanihan, binibigo sa Central Negros 7 Alyado ng Dole-Stanfilco, dinisarmahan 8 Tumutugis na mga sundalo, binigwasan 8 Armadong panunupil sa mga Pilipino sa Sabah, kinundena Sabwatang Aquino-Cojuangco at DAR 10 Mga biktima ng bagyong Pablo, siningil ang DSWD 11 Pambibiktima sa mga sibilyan 12 Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas 2 9 rapatan. Dagdag sa kawalan ng sapat na rekurso at trabaho, nasasadlak ang maraming kababaihan sa matinding gutom at kahirapan dulot ng maka-imperyalistang mga patakaran ng liberalisasyon, pribatisasyon, denasyunalisasyon at deregulasyon ng magkakasunod na rehimen. Dahil sa malawakang pribatisasyon ng mga ospital at komersyalisasyon ng sistema ng mga paaralan, naipagkakait sa kanila ang batayang mga serbisyo sa kalusugan at edukasyon. Umaabot sa 12 babae ang namamatay sa panganganak kada araw dahil sa kawalan nila ng akses sa atensyong medikal. Hungkag ang bukambibig ng rehimeng Aquino na pinangangalagaan nito ang kalusugan at karapatan ng kababaihan sa reproduksyon sa harap ng todotodong pagsasapribado nito sa mga pampublikong ospital at pagkaltas nito sa badyet para sa mga serbisyong medikal. Bilang tagapamahala ng tahanan, direktang tinatamaan ang kababaihan ng sunud-sunod na pagtaas ng singil sa mga pampublikong utilidad. Malaking bahagi ng kita ng pamilya ay nilalamon ng tuluy-tuloy na pagtaas ng pamasahe, upa sa bahay at mga singil sa kuryente at tubig. Marami sa pinakamahihirap na pamilya ay walang maayos na tirahan. Napipilitan silang bitiwan ang ibang batayang pangangailangan tulad ng edukasyon. Sa maraming pagkakataon, kailangan nilang higpitan ang konsumo ng pagkain. Maraming ina ang halos hindi na kumakain para bigyang-prayoridad ang kanilang mga anak. Dinaranas ng kababaihan ANG BAYAN Marso 7, 2013 ang pinakabrutal na mga anyo ng karahasan ng lipunan at estado. Umabot sa 5,180 kaso ng panggagahasa ang naitala ng mga ahensya ng estado noong nakaraang taon. Pito sa bawat sampu sa kasong ito ay isinagawa laban sa mga bata. Sistematikong tinatarget ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino ang kababaihan at mga bata sa brutal na kampanya nito laban sa lumalabang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Noong 2012, labinlimang babae at 12 bata ang pinaslang ng mga sundalo ng AFP habang nag-ooperasyong militar. Bahagi rin ng mga operasyong militar ang sekswal na karahasan at pagsasamantala sa kababaihan. Sampung kaso ng panggagahasa at gang rape ng mga elemento ng reaksyunaryong hukbo ang naitala noong 2012. Tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan na pakilusin ang paparaming kababaihan para sa kanilang mga karapatan at kagalingan at para sa pambansang demokrasya. Hindi sapat na mabigyan sila ng limitadong mga karapatan sa loob ng kasalukuyang sistema. Dapat igiit ang kanilang karapatan para sa makatarungang sahod at disenteng trabaho, para sa pantay na pagturing sa lipunan at sa loob ng pamilya, at para sa kanilang kagalingan bilang mga ina. Ang paglaya ng kababaihan ay nakasalalay sa kanilang paglahok sa malawak na kilusang masa para sa rebolusyonaryong pagbabago. Sa kabilang panig, nakasalalay ang tagumpay ng pambansademokratikong rebolusyon sa lawak ng paglahok dito ng kababaihan, laluna ng kababaihan sa kanayunan kung saan inilulunsad ang armadong rebolusyon. Lalong mahalaga ang kanilang paglahok at pamumuno sa rebolusyonaryong praktika, lalupa't sa mga lugar ding ito pinakamalakas ang impluwensya ng kulturang pyudal at tradisyong kontra-kababaihan. Dapat tiyakin na ang pag-unlad ng rebolusyon ay nakapanghihikayat sa paglahok ng mas marami pang kababaihan. Dapat isagawa ang malawak na kampanya sa edukasyon sa kanilang hanay para itaas ang kanilang kakayahan at kamulatan at hikayatin silang gumampan ng paparami at papasaklaw na mga tungkulin at gawain para sa pagsusulong ng rebolusyon tungo sa mas mataas na antas. Dapat tuluy-tuloy silang ihanda para sa mas masaklaw pang partisipasyon sa pagbubuo ng bagong lipunan. Ang pakikibaka ng kababaihan para sa kanilang paglaya ay nakakawing sa layunin ng Partido at pambansa-demokratikong kilusan na agawin ang kapangyarihan ng estado at itatag ang diktadura ng proletaryo na siyang makapagpapatupad ng tunay na mga pagbabagong magtitiyak sa kanilang mga karapatan at sa pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa batas at sa praktika, sa loob ng mga pamilya, sa estado at sa lipunan. ~ Sunud-sunod na pagtaas ng mga singilin akatakda ang sabay-sabay na pagtataas ng mga singilin sa mga susunod na buwan. Muling idinidiin ng nakatakdang pagtaas ng singil sa kuryente, tubig at pamasahe na ang programa ng liberalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon at denasyunalisasyon na ipinatupad ng magkakasunod na rehimen mula pa noong dekada 1980 ay mabigat na pasanin sa mamamayang Pilipino. Anti-mamamayan at makadayuhan ang kasalukuyang rehimeng US-Aquino sa ginagawa nitong pagpapatuloy at pagtatanggol sa mga patakarang ito. N Ngayong Marso, tataas ang singil sa kuryente nang 19 sentimo/kWh. Katumbas ito ng karagdagang `39 para sa karaniwang pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan. Anang Meralco, dapat daw nitong itaas ang singil sa kuryente dahil dapat nitong bayaran ang mahigit ANG BAYAN Marso 7, 2013 `53 bilyong stranded costs ng mga pribadong kumpanya ng enerhiya o independent power producers (IPP) na pinagkukunan nito ng kuryente. Sa aktwal, ang “stranded costs” ay utang ng mga IPP na ginamit para sa pagtatayo at pagmamantine ng mga planta. Alinsunod sa manomalyang mga kontratang pinasok ng rehimeng US-Ramos noong dekada 1990, ang mga utang na ito ay inaako ng reaksyunaryong estado at ipinapapasan sa mamamayan sa anyo ng pampublikong utang o sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagtataas sa singil sa kuryente. Ipinababalikat ito sa mga konsyumer ng Meralco at iba pang electric cooperative sa anyo ng “universal charge”. Sa pamamagitan nito, natitiyak na tuluy-tuloy ang tubo ng mga pribadong kumpanya kahit pa magtaas-baba ang gastos sa produksyon ng kuryente, magbago ang palitan ng piso laban sa dolyar, maluma ang kanilang mga planta at teknolohiya at kahit malugi ang mga pribadong kumpanya dahil sa mga maling 3 desisyon sa pamumuhunan. Nito namang Pebrero ay tumaas na ang singil sa serbisyo sa tubig. Itinaas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at Maynilad ang kanilang singil nang hanggang `1.47 kada metro-kubiko o `22 para sa karaniwang pamilyang kumokonsumo ng 30 metro-kubiko kada buwan. Bunga ito ng probisyong “automatic adjustment” na nagpapahintulot sa awtomatikong pagtaas ng singil sa harap ng pagtaas ng implasyon at mga pagbabago sa palitan ng dolyar laban sa piso. Ngayong Marso, inianunsyo ng Department of Transportation and Communications na matutuloy na ang pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT ngayong taon. Mula sa maksimum na `15 kada pasahero nitong nakaraang pitong taon, itataas hanggang `60 na ang pamasahe rito. Idinadahilan ng rehimeng US-Aquino ang pagtaas ng gastos sa pagmamantine ng sistema ng tren at pagbawas ng subsidyo para rito. Gayunpaman, ang “subsidyo” ng estado ay hindi kailanman ginamit para sa aktwal na pagpapatakbo ng sistema ng tren o sa pagmamantine nito. Sa halip, ipinambayad ito sa mga utang ng Metro Rail Transit Corp.(MRTC), ang konsorsyum ng mga pribadong kumpanya na binuo para sa paglalatag ng imprastruktura at operasyon ng sistema ng tren sa ilalim ng programang build-operatetransfer (BOT) ng rehimeng Ramos. Kabilang dito ang Ayala Land Inc, Fil-Estate Management Inc. at ang kanilang mga dayuhang kasosyo nila tulad ng Sumimoto Corporation at Mitsubishi Heavy Industries Inc. Ilan sa pinagkakautangan ng MRTC ang Export-Import Bank, Sumimoto Bank at Bank of the Philippine Islands (BPI), mga bangkong pag-aari ng mga pamilya o kumpanyang nakapaloob din sa MTRC. Halimbawa nito ang kaso ng Ayala Land Inc. at BPI na parehong pag-aari ng pamilyang Ayala at ng Sumimoto Corporation at Sumimoto Bank na parehong kumpanya ng Sumimoto Group ng Japan. Ang mga patakaran ng pribatisasyon na nagtitiyak sa limpak-limpak na tubo ng mga kapitalista ay balak na higitan pa ni Aquino sa pagkukumahog nitong akitin ang mga dayong mamumuhunan sa programang Public-Private Partnership (PPP). Inilalako ngayon ni Aquino ang probisyong “top-up subsidy” bilang bahagi ng `60 bilyong kontratang build-operate-transfer para sa paglalatag ng ekstensyon ng LRT-1. Proteksyon ito ng mga dayuhang mamumuhunan laban sa mga banta ng regulasyon (o pagkontrol ng estado sa mga singilin tulad ng pamasahe). Titiyakin nito ang 15% kita ng mga kapitalista sa susunod na 15 taon kahit sa mga pagkakataong hindi maitaas, mapigilan o ideklara ng anumang korte na iligal ang pagtaas ng singil sa pamasahe. Matindi ang pagbabangayan ng mga pinapaborang negosyante, kamag-anak at kaibigan ng pangkating Aquino para makopo ang kontrata. Kabilang dito ang pamilyang Ayala at grupong kinakatawan ni Manuel Pangilinan, mga burukrata-kapitalistang humuhuthot na ng dambuhalang kita mula sa pribatisasyon at deregulasyon ng kuryente at tubig. Nakikipag-agawan din si Eduardo “Danding” Cojuangco, ang pamilyang Ang at ang kani-kanilang dayuhang mga kasosyo. Ang LRT 1 ang isa sa pinakamalalaking proyekto sa ilalim ng PPP ng rehimeng US-Aquino. ~ Pagpapalayas ng mga plantasyong oil palm sa mga Higaonon landaan nang pamilyang Higaonon ang pinalayas ng rehimeng Aquino sa kanilang mga bukid at tahanan mula nang pumasok ang plantasyong oil palm ng A. Brown Company, Inc. (ABCI) sa Opol, Misamis Oriental. Dahil dito, dumaranas ng matinding pang-aapi at pandarahas ang mga minoryang Higaonon na nagtutulak sa kanilang igiit ang pagpapalayas ng plantasyon sa kanilang lupang ninuno. Ang mga Higaonon ay isa sa 18 tribong Lumad sa Mindanao. Naninirahan sila sa kabundukan ng Misamis Oriental, Bukidnon, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Lanao del Norte at sa isla ng Camiguin. Matagal nang kinakamkam ang lupain ng mga Lumad na Higaonon. Inangkin ang kanilang lupa ng magtotroso na si Vicente Paras noong dekada 1960. Noong 1991, nakuha niya ang karagdagang 532 ektaryang “lupang pampubliko” sa pakikipagkutsabahan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). I 4 Sa kanilang pagpupunyagi, nagawa ng mga Higaonon na igiit ang pagkilala sa kanilang lupang ninuno noong 2002. Iginawad sa kanila ng DENR ang kasunduang Community-Based Forest Management (CBFM) kung saan ginarantiyahan ang pangmatagalan nilang pananatili sa lupain, basta't akuin nila ang pananagutang magtanim ng kahoy sa mga nakalbong kagubatan. Pagsapit ng 2005, ang Barangay Tingalan at Bagocboc ANG BAYAN Marso 7, 2013 ay mauunlad nang sakahan. Gayunman, hindi nagtagal ay tinalikuran ng DENR ang pangako sa mga katutubo nang tulungan nitong pumasok ang mga subsidyaryo ng ABCI, ang Nakeen Development Corp. at A. Brown Energy Dev., Inc. (ABERDI). Nagsimulang magdaos ng mga pulong ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) kasama ang A. Brown at kasapi ng mga organisasyong binuo ng DENR. Sinundan pa ito ng mga maniobra para mailusot ang pangangamkam ng mga lupain ng Higaonon. Nagsimula noong 2010 ang operasyon ng 2,000-ektaryang plantasyong oil palm ng ABCI sa Opol. Ito ay ekspansyon ng ABCI mula sa 800-ektaryang plan- tasyon nito sa Dalirig, Manolo Fortich at Kalabugao, Impasugong, kapwa sa Bukidnon. Pagaari ito ng mga Pilipino-Amerikanong sina Walter A. Brown at Annabelle Brown. Saklaw ng negosyo nito ang paglikha ng enerhiya, pagmimina, quarrying at real estate. Ang Nakeen at ABERDI ay mga subsidyaryo ng ABCI na siyang nag-oopereyt ng plantasyon at palm oil mill. Mula nang magsimula ang plantasyon ng oil palm sa Opol, gutom at paglapastangan sa kanilang mga karapatan ang dinaranas ng mga Higaonon. “Bilang mga katutubo, may karapatan kami sa lupa, ngunit tuluy-tuloy na ipinagkakait ito sa amin,” ani Rubenson Batuto, isang Higaonon na ang angkan ay nakatira na sa Barangay Tingalan, Opol bago pa dumating ang mga Kastila. Mula nang magsimula ang operasyon ng plantasyon, dumami na ang mga residente ng Opol na nagkakaubo't sipon, nagkakaroon ng sakit sa balat, nagtatae at dinadapuan ng iba pang mga sakit. Lumala ito mula nang magsimulang gumamit ng mga pestisidyo ang plantasyon. Gumagamit ng mga agrokemikal na carbofuran (Furadan) at glyphosate ang kumpanya. Ang Furadan ay uri ng pestisidyong matagal nang ipinagbawal sa US. Ang herbisidyo naman na glyphosate ay nakalalason din sa tao at mga hayop. Dagdag pa, unti-unti na ring namamatay ang mga tanim nisundan sa pahiha 6... Ang industriya ng palm oil sa Pilipinas ng mga plantasyon ng oil palm ay kabilang sa pinakamalalaki sa Pilipinas. Umaabot sa 54,448 ektarya ang kasalukuyang natatamnan ng oil palm sa bansa. May nakalaan nang 304,000 ektaryang lupa ang Southern Philippines Development Authority (SPDA) para sa ekspansyon ng plantasyon ng oil palm. Mula sa kasalukuyang anim na molinohan ng palm oil, target na paabutin ito sa 17. Nang dumalaw sa bansa noong Disyembre ang mga mamumuhunang Malaysian, tiniyak nilang mayroon silang `23 bilyong puhunan para magbukas ng mga plantasyon ng oil palm sa Liguasan Marsh. Ang Liguasan Marsh, isang tinaguriang pinangangalagaang pook o protected area ay ibinukas ng rehimeng Aquino sa mga dayuhang mamumuhunan. Patuloy na lumalaki ang pamilihan ng palm oil sa loob at labas ng Pilipinas. Bukod sa gamit sa pagluluto, mahalagang sangkap ito sa industriya ng pagkain, gamot, kosmetiko, at mga produktong agro-kemikal. Pinoproseso rin ito bilang bio-diesel. Malaki ang ganansya sa oil palm dahil maliit lamang ang pangangapital dito at tatlong taon lang ang kailangan bago ito magsi- A ANG BAYAN Marso 7, 2013 mulang mamunga. Dalawang beses bawat buwan itong inaani at tumatagal nang 22-25 taon ang produktibidad ng bawat puno. Pinakamainam ang produksyon ng oil palm sa mga bansang may klimang tropikal, tulad ng Malaysia, Indonesia, Thailand at Pilipinas. Sa kasalukuyan, 90% ng lahat ng palm oil ay nagmumula sa Indonesia, Malaysia at Thailand. Bagamat may mga itinayo nang plantasyon ng oil palm sa Pilipinas noon pang dekada 1950, nito na lamang nagdaang dekada naging agresibo ang pagpapalawak ng mga plantasyon ng oil palm sa bansa. Kabalintunaan ang pinalalabas ng gubyerno na ang mga plantasyon ng oil palm ay bahagi ng reforestation at mahusay sa kalikasan. Dahil saklaw nito ang malalawak na plantasyon, sumisira ito sa ekolohiya ng lupa at nagbibigay-daan sa pagdami ng mga peste, kaya kailangan itong gamitan ng pestisidyo, herbisidyo at iba pang agrokemikal. Nagreresulta ito sa pagkamatay ng maraming uri ng hayop at halaman, pagwasak ng suplay ng tubig sa ilalim ng lupa (groundwater) at ng mga lamang dagat, pagka-uk-ok ng lupa (erosion), at pagkakalason ng mga sapa at ilog. ~ 5 mula sa pahina 5....Pagpapalayas lang niyog at saging, na siyang tangi nilang pinagkukunan ng kabuhayan. Dumaranas ng pandarahas ang mga minoryang Higaonon sa kamay ng mga tauhan ng ABCI at gubyernong Aquino. Noong Marso 10, 2011, walong katutubong magkakasamang lumabas para manguha ng kawayan ang hinarang ng mga gwardya. Ang mga ito ay sina Edwin Baranggot, Jemar Armilla, Fausto Magpulong, Raul Magpulong, Jose Paborada, Dante Paborada at Ruel Tagupa. Lahat sila ay mga myembro ng Pangalasag, ang organisasyon na itinayo ng mga Higaonon para labanan ang pangangamkan sa kanilang lupa ng ABCI. Makalipas ang isang oras, dumating ang mga gwardya ng A. Brown at mga elemento ng National Bureau of Investigation. Dalawa sa mga Higaonon (sina Baranggot at Armilla) ang dinampot at ikinulong nang dalawang linggo sa Misamis Oriental Provincial Jail. Isinailalim sila sa interogasyon at tortyur. Sugatan naman si Jose Paborada sa pamamaril ng mga gwardya. Noong Oktubre 12, 2012, pinaslang ng nakamotorsiklong kalalakihan si Gilbert Paborada, tagapangulo ng Pangalasag. Mula pa 2011 pinagbabantaan ng ABCI si Paborada na papatayin kung hindi ititigil ng Pangalasag ang pagtutol sa plantasyon. Tuluy-tuloy ang iba't ibang kaso ng harasment laban sa mga Higaonon. Kabilang dito ang mga kaso ng panununog ng bahay at paninira ng pananim para palitan ng mga oil palm. Sa harap ng dinaranas nilang pang-aapi, mariin ang panawagan ng mga Higaonon na kagyat nang lisanin ng ABCI ang Opol. Hinihingi nilang itigil ang lahat ng anyo ng paglabag sa karapatang-tao at igalang ang karapatan ng mga Lumad sa kanilang lupang ninuno at bigyan ng bayad-pinsala ang mga biktima. Nananawagan silang itigil ang paglapastangan sa mga lugar na sagrado sa mga Higaonon, linisin at isailalim sa rehabilitasyon ang mga lugar na kontaminado ng mga nakalalasong kemikal mula sa plantasyon at bigyan ng kagyat na tulong pangekonomya ang mga magsasaka. ~ Suportahan ang laban ng mga manggagawa ng FPPI oong Enero, tuso at iligal na sinesante ng maneydsment ng Filipinas Palmoil Plantation Inc. (FPPI) ang 293 manggagawang lumahok sa welga ng unyon ng planta. Umabot sa 1,000 manggagawa, kasama ang kanilang mga pamilya ang nagwelga noong Nobyembre 18, 2012 dahil sa di makatarungang pagtrato sa kanila ng maneydsment ng FPPI at iligal na pagpapatalsik sa 293 kaswal na manggagawa. Itinigil nila ang welga ilang araw matapos akuin ng Kalihim ng DOLE ang hurisdiksyon sa welga noong Enero 18. Napilitan ang DOLE-Caraga na magsagawa ng inspeksyon noong Oktubre 2012 at mag-interbyu ng mahigit 200 manggagawa. Nalantad dito ang lansakang paglapastangan ng FPPI sa mga pamantayan sa paggawa—ang mas mababa sa minimum na pasahod at ang kawalan ng SSS ng mga manggagawa. Inirekomenda na dapat mabigyan ng danyos-perwisyos ang mga manggagawa nang hindi bababa sa `9 milyon. Matagal nang hinihiling ng FPPI Worker's Union sa maneydsment na ipatupad nito ang mga pamantayan sa paggawa kabilang ang pagtataas ng sahod, regularisasyon ng mga manggagawang lima hanggang 30 taon nang nagtatrabaho sa kumpanya at pagbibigay ng mga nararapat na benepisyo. Noong 2010, napilitan silang magwelga matapos tumanggi ang maneydsment na tuparin ang Col- N 6 lective Bargaining Agreement (CBA) na nabuo noong 2008. Tumirik naman ang negosasyon sa CBA noong 2011 bunga ng pagmamatigas ng maneydsment. Tinatakot din ang mga manggagawa. Pinagbantaan at ginipit sila ng Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) at mga tauhan ng kumpanya. Noong Disyembre 13, alas-10 ng gabi, nagpaputok ng baril ang mga elemeto ng SCAA, ilang metro lamang mula sa piketlayn para takutin ang mga manggagawa. Isa lamang ito sa maraming insidente ng harasment sa mga manggagawa. Napilitan ang mga manggagawa na muling magwelga noong Nobyembre 2012 matapos ipatupad ng FPPI ang malawakang tanggalan sa mga manggagawang tumangging bawiin ang mga ibinigay nilang testimonya sa DOLE. Sa mahigit 200, lalabing-isa lamang ang nakumbinsi nilang pumirma sa pangakong makapagpapatuloy sa trabaho bilang kaswal at tatanggap ng `3,000. Malinaw ang diskriminasyon at paglabag sa mga karapatan ng 293 manggagawa. Hindi lamang sila pinagkaitan ng tamang pasahod at benepisyo na angkop sa mga regular na mga manggagawa at kasapi ng unyon. Pinagkaitan din sila ng seguridad sa trabaho at batayang karapatan para mabuhay. Maging ang kanilang mga anak ay napupwersang magtrabaho sa plantasyon sa murang edad. Halos 25% ng mga manggagawa ng FPPI ay mga bata. ~ ANG BAYAN Marso 7, 2013 Oplan Bayanihan, binibigo ng BHB sa Central Negros inasubalian ng armadong rebolusyonaryong kilusan sa Central Negros ang pagmamayabang ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army na madudurog na nito ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros. Ito ay sa kabila ng pandudumog ng mga pwersa ng 302nd at 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, Scout Rangers at Philippine National Police (PNP). P Sa mahigit isang taong pagsulong ng larangang gerilya mula 2012 hanggang sa maagang bahagi ng 2013, lumaki nang 40% ang kasapian ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP). Lumaki rin nang 20-25% ang lakas-tauhan ng BHB. Nakapagpaunlad ng malaking bilang ng mga aktibista dahil sa 35-40% paglaki ng baseng masa, ayon kay Ka JB Regalado, tagapagsalita ng Leonardo Panaligan Command (LPC) ng Central Negros Front Operations Command ng BHB. Matagumpay na nakalunsad ng mga operasyong militar ang BHB sa ilalim ng LPC mula Disyembre 2012 hanggang huling bahagi ng Enero 2013 laban sa Philippine Army, PNP, mga paramilitar na aktibo sa mga operasyong “counter-insurgency," mga aset-paniktik militar at kontra-rebolusyonaryong masasamang elemento (KRME) sa lokalidad. Sa mga aksyong militar na ito, nakasamsam ang BHB ng 12 armas na may iba’t ibang kalibre. Kinabibilangan ito ng apat na M16, isang M203 grenade launcher, isang submachine gun, isang karbin, isang shotgun, dalawang kal .45 pistola, isang kal .38 pistola at isang kal .357 rebolber, mga magasin at mga bala. Nakakumpiska rin ang BHB ng mga kagamitang militar tulad ng handheld radio, night vision goggles at tatlong cellphone. ANG BAYAN Marso 7, 2013 Sa mga labanang ito, 11 ang napatay sa kaaway—apat na sundalo ng 11th IB, isa sa PNP, isang aset-paniktik ng 11th IB, dalawang armadong barangay tanod at tatlong elemento ng Barangay Patrol Action Team (BPAT). Mahigit walo naman ang nasugatan—dalawa sa Philippine Army, dalawa sa PNP at dalawa rin sa KRME. Binatikos din ni Ka JB Regalado ang pagpapakilos ng AFP sa balangkas ng Oplan Bayanihan sa ilang Social Democrat, Popular Democrat at kleriko-pasista na kabilang sa Church and Military Action Group tulad nina Fr. Rolex Nueva at Jack Pamine. Aktibong naglalako ang mga ito ng linyang “dapat sumuko na ang BHB sa kinikilalang awtoridad" habang nagbubulag-bulagan naman sila sa laganap na mga kaso ng pang-aabuso sa karapatang-tao ng mga “Peace and Development Team" ng militar at pulisya. ~ 2 POW, pinalaya sa Compostela Valley inalaya ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dalawang bihag ng digma o POW (prisoner of war) sa isang liblib na baryo sa Laak, Compostela Valley noong Pebrero 21. Inaresto ang dalawa sa isang tsekpoynt ng BHB sa Barangay Mangloy, Laak noong Enero 17. Pagkatapos palayain sina SPO1 Ruel Pasion ng Philippine National Police at Pfc Jezreel Colanggo ng 60th IB ng Philippine Army, sila ay ipinaubaya ng Compostela Valley-North Davao-South Agusan Sub-Regional Command ng BHB sa organisasyong Sowing Seeds of Peace. Kasunod nito, isinakay naman sila ni Vice Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City sa isang helikopter para ihatid sa kani-kanyang panrehiyong himpilan. Ayon sa rebolusyonaryong hukumang bayan na siyang nag-utos sa BHB na palayain ang dalawa, walang sapat na ebidensya na nagkasala sina Pasion at Colanggo sa sambayanang Pilipino at rebolusyonaryong kilusan. Ang pagpapalaya sa dalawang bihag ng digma ay paborableng tugon sa hiling ng kanilang mga pamilya at sa pinag-isang pagsisikap ng mga tagpagtaguyod ng kapayapaan tulad ng Sowing Seeds for Peace at naaayon sa Geneva Conventions at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). ~ P 7 Kasabwat ng DolefilStanfilco, dinisarmahan ng BHB inisarmahan ng mga Pulang mandirigma ng Front 72-BHB ang mga armadong tauhan ng pusakal na Baclid Brothers sa Sityo Lacobe, Barangay Malabuan, Makilala, North Cotabato noong Pebrero 23. Ang magkapatid na sina Toks at Teding Baclid ay mga elemento ng CAFGU sa ilalim ng 38th IB ng Philippine Army at kasabwat ng Dolefil-Stanfilco. Ayon sa mga panimulang ulat, nakasamsam ang BHB mula sa mga tauhan ng Baclid Brothers ng isang M79 grenade launcher, dalawang kal .38 rebolber, walong home-made na pistolang Uzi at limang home-made na pistolang Ingram. Ipinahayag din ni Ka Efren, tagapagsalita ng NDF-Far South Mindanao Region, na ikinatutuwa ng mga magsasaka sa nasabing lugar ang pagkabawi sa lupaing kinamkam noon ng Baclid Brothers. Noong 2004 ay inarmasan ang Baclid Brothers ni dating Gov. Manny Piñol ng North Cotabato at ng 38th IB upang palayasin ang 60 pamilyang magsasaka sa Sityo Lacobe at kamkamin ang 178 ektaryang produktibong lupain na tinatamnan ng mga puno ng goma. Kasabay ito ng matinding operasyong kombat ng 602nd Brigade sa lugar upang pangalagaan ang mabilis na pagpapalawak ng mga plantasyon ng pang-eksport na saging ng Dolefil-Stanfilco. Itinayo ang mga detatsment ng CAFGU sa mga estratehikong barangay na nakapaligid sa plantasyon ng Dolefil-Stanfilco, kabilang ang Barangay Malabuan. Kalaunan, kinamkam din ng Baclid Brothers ang 600 ektarya mula sa mga katabing barangay ng Bato at Villa Flores. Dahil sa karamihan sa mga inagawan ng lupa ay mga magsasakang benepisyaryo ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program, nagsampa sila ng reklamo sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB). Ngunit ibinasura ito nitong Enero sa walang basehan at mapanlinlang na dahilang wala umanong umiiral na isyung agraryo dahil wala raw umiiral na relasyong kasamá-panginoong maylupa. ~ D 8 Sa Bukidnon Tumutugis na mga sundalo, binigwasan unud-sunod na labanan ang naganap sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ng Mt. Kitanglad Sub-Regional Command sa Bukidnon makaraan ang matagumpay na pagsalakay ng BHB sa malalaking kumpanya ng Del Monte at Dole noong Pebrero 19. Sinalubong ng mga putok ng mga Pulang mandirigma ang tumutugis sa kanila na mga tropa ng 403rd IBde noong Pebrero 23 sa Licoan, bayan ng Sumilao, Bukidnon. Isang korporal ang nasugatan sa unang labanang ito. Noong Marso 2, dalawang sundalo ang nabuwal nang malapitang paputukan ng isang yunit ng BHB ang pito-kataong scouting team ng 403rd IBde sa Mt. Nanluyaw, na bahagi ng kabundukan ng Mt. Kitanglad. Sinamantala ng mga Pulang mandirigma ang makapal na hamog sa paligid para makakuha ng bentahe sa labanan. Nahirapang makuha ng sumasaklolong helikopter ng militar ang kanilang mga kaswalti dahil sa kakapalan ng hamog at ulap. Pagkalipas ng dalawang araw, Marso 4, muling hinaras ng mga gerilya ang mga sundalong tumutugis sa kanila. Samantala, pinasabugan ng command-detonated explosives o CDX ng mga Pulang mandirigma ng 1st Pulang Bagani Company-BHB ang tinaguriang “Palparan Battalion” na 69th IB habang nagpapatrulya sa Purok Tubod, Barangay Lumiad, Paquibato District, Davao City noong Pebrero 12. Dalawang sundalo ang napatay at lima ang nasugatan. Ang aksyong militar na ito ay pagparusa sa matinding kalupitan ng naturang batalyon. ~ S 83rd IB, inambus sa Catanduanes atlong sundalo ang napatay nang ambusin ng isang yunit sa ilalim ng Nerissa San Juan Command ng BHB ang mga elemento ng 83rd IB sa Barangay Bislig, San Andres, Catanduanes bandang alas-7 ng gabi noong Pebrero 20. Ayon sa NDF-Bicol Information Office, nakasakay sa dalawang siksbay ang mga sundalo para maglunsad ng operasyong kombat nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma. Isang sundalo lamang ang inamin ng militar na nasugatan sa aksyong militar na ito. ~ T ANG BAYAN Marso 7, 2013 Armadong panunupil sa mga Pilipino sa Sabah, kinundena ariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang armadong pagsupil ng militar ng Malaysia at ang pag-endorso rito ng rehimeng US-Aquino laban sa armadong grupo ng Sultanate of Sulu sa Lahud District. Ang pagtungo ng grupo ng Sultanate of Sulu sa Sabah ay bahagi ng kanilang pagdidiin ng pag-angkin ng Pilipinas sa teritoryo. Kinukundena ng iba't ibang sektor ang pagbabalewala ni Aquino sa pagangkin na ito sa Sabah. M Sa isang piket-rali nitong Marso 5 sa Malaysian Embassy sa Makati, tinuligsa si Benigno Aquino III sa pag-eendorso niya sa pang-aatake ng mga pulis at militar ng Malaysia sa mga Pilipino roon. Binatikos si Aquino ng mga kinatawan ng mga Muslim mula sa Sulu, Philippine Council for Islam and Democracy at Moro Christian Peoples Alliance, mga partidong Katribu, Migrante at Bayan Muna at Bagong Alyansang Makabayan. Umaabot na sa 19 na Pilipino ang napapatay mula nang supi- Tindig ng PKP sa isyu ng Sabah atid ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang paggigiit ng Sultanato ng Sulu sa ngalan ng mamamayang Pilipino na angkinin ang Sabah. Batay sa ligal at makasaysayang basehan, ang rehiyon ay dating sakop ng teritoryo ng North Borneo at ibinigay sa sultanato ng Sulu noong ika-16 na siglo at kalaunan ay nirentahan ng British North Borneo Company. Noong 1963, naging myembro ito ng Federation of Malaysia. Sa harap ng pagtanggi ng gubyerno ng Pilipinas na igiit ang pag-angkin sa Sabah, maaaring makipagtulungan ang mga demokratiko at patriyotikong pwersa sa mga Pilipinong umaangkin sa Sabah upang matalakay ito sa iba't ibang pampulitika at diplomatikong larangan, kabilang ang pagpepetisyon sa pandaigdigang hukuman. Maaari ring magtulungan para mapatingkad ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga inaaping Pilipinong manggagawa at manggagawang bukid sa Sabah. Kaalinsabay nito, dapat hikayatin ang mga naggigiit ng pagangkin sa Sabah na makiisa sa mamamayang Pilipino sa paggigiit ng independyenteng patakarang panlabas at ng karapatan ng Pilipinas sa pagpapasya sa sarili kung saan ang pinakamahahalagang salik ay ang teritoryal na integridad at ang soberanya ng mamamayan. Pangunahin nilang igigiit ang pagtatapos sa dayuhang panghihimasok-militar, partikular ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement at RP-US Mutual Defense Treaty na nagpapahintulot ng permanenteng presensya ng mga tropang militar ng US, rotational na pagdaong ng mga barko de gera ng US at paggamit ng mga eroplanong pandigma at drones ng US sa kahanginan ng Pilipinas. ~ B ANG BAYAN Marso 7, 2013 lin ng mga pwersang panseguridad ng Malaysia ang tinaguriang “Royal Army" ni Sultan Jamalul Kiram III ng Sultanato ng Sulu noong Marso 1. Walong pulis na Malaysian na rin ang napapaslang sa tuluy-tuloy na mga labanan hanggang Marso 5. Gumamit pa ang Malaysia ng dalawang jet na naghulog ng mga bomba sa baryo ng Tanduao. Sa baybaying lugar na ito unang dumating noong Pebrero 9 ang mahigit 200-kataong armadong grupo ng Sultanato para igiit ang pag-angkin sa Sabah. Ikinagalit ng mga tauhan ni Kiram hindi lamang ang pagkapasibo ni Aquino sa usapin ng Sabah, kundi ang tahasan niyang panawagan sa kanila na sumuko sa pwersang militar ng Malaysia at bantang pagsasampa ng kaso laban sa kanila oras na makabalik sila sa Pilipinas. Lalo lamang nitong pinag-alab ang determinasyon ng mga tauhan ni Kiram na itulak ang armadong paglaban. Masahol pa, inutil ang rehimeng Aquino na magtanggol sa mga Pilipinong malaon nang naninirahan sa Sabah na ginigipit na rin ngayon ng Malaysia. Sa pinakahuling tala, may 800,000 Pilipinong naninirahan doon 9 (mahigit sa 20% ng populasyon ng Sabah). Karamihan sa kanila ay mga di-dokumentado na napadpad sa Sabah para maghanap ng trabaho at makatakas sa mabangis na mga kampanyang militar laban sa nakikibakang mamamayang Moro. Bunga ng pagwawalambahala ng gubyernong Aquino sa interes ng mamamayang Pilipino, magpapatuloy ang malupit na pagtugis ng gubyernong Ma- laysian sa mga overseas contract worker (OCW), na ang karahiman ay mga Pilipinang Muslim. Matagal nang ginigipit ng estadong Malaysian ang mga Pilipino sa Sabah. Bunsod ito ng pagtangging kilalanin ang lehitimong pag-angkin ng Sultanato ng Sulu, at ng Pilipinas sa Sabah at ang karapatan ng mga Pilipinong malaon nang nakatira sa kanilang lupang ninuno. ~ Nagpapatuloy na sabwatan at maniobra ng pamilyang Cojuangco-Aquino at DAR aglunsad ng kilos-protesta ang mga magbubukid at iba pang progresibong organisasyon sa harapan ng Metro Town Mall, sa Barangay Sto. Cristo, Tarlac City, noong Marso 3 para tutulan ang inilabas na dinoktor na listahan ng 6,212 benepisyaryong manggagawang bukid ng Hacienda Luisita. N Kabilang sa pinalobong listahan ang mga “loyalista ng pamilyang Cojuangco” na sina Windsor Andaya (isang HLI supervisor), Noel Mallari, Julio Suniga, Eldie Pingol, HLI engineer Rizalino Sotto at Edgardo Aguas, Barangay Kapitan ng Central, sa loob ng Hacienda Luisita. Ang mga ito ay nakipagtunggali para sa pagpapatuloy ng kontra-magsasaka na iskemang stock distribution option (SDO), at mahigpit na tumututol sa pamamahagi ng lupa, ani Randall Echanis, deputy secretary ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ayon pa kay Echanis, may isinumite silang petisyon para alisin ang anim sa listahan. Pero itinatanggi ni Gil de los Reyes, kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR), na nakatanggap sila ng ganoong petisyon. Layunin ng ganitong pakana na sakali mang hindi maiwasan ang distribusyon, may nakatanim nang mga tao ang mga Cojuangco-Aquino sa hanay ng mga lehitimong benepisyaryo para makatulong sa muling pag10 angkin ng asyenda sa hinaharap. Mariing kinundena rin ng mga progresibong magsasaka ang sinabi ng DAR na oobligahin nilang pumirma ng promissory note ang mga benepisyaryong manggagawang bukid bago nila ipamahagi ang lupa. Nais nilang ipitin ang mga benepisyaryo sa mga kundisyon ng pagbabayad sa lupa, para magkaroon ng dagdag na puwang sa pagbawi nito. Muling igigiit ng KMP ang panawagan para sa libreng pamamahagi ng Hacienda Luisita, sa batayang matagal nang bayad ang mga manggagawang bukid dahil sa dugo at pawis na ibinuhos nila sa pagtatrabaho sa lupa. Limampu't limang taon na ring nakapagpayaman ang mga Cojuangco-Aquino sa pamamagitan ng iligal na pagkontrol sa asyenda. ~ Xstrata-SMI, binigyang-lisensya ni Aquino indi na mapasusubalian ang tunay na layunin ng Executive Order (EO) 79 at ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) na kontrolado ng gabinete ni Benigno Aquino III. Sa pinakauna nitong mayor na desisyon, pinagkalooban nito ng Environmental Clearance Certificate (ECC) ang operasyon ng dambuhalang Xstrata-Sagittarius Mines Inc. (SMI) sa Tampakan, South Cotabato. Tahasan itong nagbulag-bulagan sa mapangwasak na epekto ng open-pit mining na gagawin ng Xstrata-SMI at bumalewala sa mahigpit na pagtutol dito ng mamamayan. Ginamit ng MICC ang kapangyarihan nitong gumawa ng pinal na desisyon hinggil sa lahat ng aplikasyon sa pagmiminang dumadaan sa DENR at mga ahensya nito para sagasaan ang Environment Code of South Cotabato na nagbabawal sa open-pit mining. Pagdusta rin ito sa alaala ng mga naging biktima ng pandarahas ng Xstrata-SMI, tulad ng pamilyang Capion na may apat nang myembrong pinapaslang ng mga militar na bayaran ng dambuhalang minahan. Sa kabilang banda, pagpabor ito sa tiyuhin ni Aquino na si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. na may mga sapi sa SMI. ~ H ANG BAYAN Marso 7, 2013 Mga biktima ng bagyong Pablo, tagumpay sa pagsingil sa DSWD atapos ang tatlong araw ng pagbabarikada sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office sa Southern Mindanao, matagumpay na naigiit ng mga biktima ng bagyong Pablo ang kanilang kahilingan hinggil sa pamamahagi sa kanila ng relief goods. M Ang gitgitan noong Pebrero 26 at ilang oras na negosasyon kinabukasan ay nagbunga ng isang pirmadong kasunduan kung saan 10,000 sako ng bigas ang ipamamahagi ng DSWD sa mga biktima at ipagpapatuloy ang relief operations hanggang Hunyo imbes na hanggang Marso 9 na lamang. Pumayag din ang DSWD na mamahagi sa kagyat ng 100 sako ng bigas sa mga biktima pag-uwi nila sa kani-kanilang mga komunidad. Magtatakda rin ng sistema para maberipika ang dami ng tulong na ipinamamahagi at matiyak ang kagyat na pagpapadala nito. Ang sistema ay isasaayos ng Barug Katawhan (Bayan Manindigan), DSWD, mga lokal na gubyerno at ng Balsa Mindanao. Nakasaad din sa kasunduan na hindi maggagantihan ang Barug Katawhan, lokal na pulisya at ang DSWD. Ang kasunduan ang kinahantungan ng maigting na pakikibaka ng mga biktima. Noong Pebrero 26, nilusob ng mahigit 5,000 biktima ang upisina ng DSWD sa Davao City. Pinasok nila ang upisina at kinuha ang mga nakatagong pagkain na matagal nang hindi ibinibigay ng ahensya sa mga nasalanta ng bagyo. Sinabayan din ito ng kilos-protesta ng mga progresibong grupo sa upisina ng DSWD sa Quezon City. Ayon sa Barug Katawhan, ang pagkilos nila sa DSWD ay organisadong pagkuha ng relief. ANG BAYAN Marso 7, 2013 Anila, patuloy na nagugutom ang mga nasalanta ng bagyo noong Disyembre at wala nang kabuhayan subalit hindi pa rin sila nakatatanggap ng lubusang tulong mula sa gubyerno. Binatikos din nila si DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman dahil hindi niya tinupad ang kanilang kasunduan noong Enero 15 na ibigay ang nalalabing mga 10,000 sako ng bigas at iba pang tulong. Haharapin naman ng mga lider ng Barug Katawhan ang kasong isasampa sa kanila ni Soliman dahil sa paglusob sa kanilang upisina. Subalit hinamon din nila ang pulisya na imbestigahan din ang ilang upisyal ng DSWD na sangkot sa korapsyon. Kabilang dito ang pagbebenta at pagtatago ng mga relief goods, sobrang pagpepresyo sa mga bunkhouse (pansamantalang tirahan ng mga nasalanta), at pagdaraos ng kampanya sa eleksyon kapag nagbibigay ng tulong. Kinundena rin nila ang paggigiit ng DWSD na ibigay ang listahan ng mga biktima at sinabing gagamitin lamang ito ng mga sundalo sa kanilang mga operasyong militar para palalain ang mga paglabag sa karapatang-tao. ~ Lider ng mga biktima ng kalamidad, pinaslang sang lokal na lider ng mga biktima ng bagyong Pablo ang walang awang pinaslang isang araw matapos ianunsyo ni DSWD Secretary Corazon "Dinky" Soliman na sasampahan ng mga kasong kriminal ang mga lider ng Barug Katawhan dahil sa kanilang pagpoprotesta sa upisina ng ahensya. Pinagbabaril ng mga salaring sakay ng motorsiklo bandang alas-6 ng gabi ng Marso 3 sa Baganga, Davao Oriental si Cristina Jose matapos siya dumalo sa pulong ng konsehong barangay ng Binondo, Baganga. Si Jose ay konsehal din ng naturang barangay. Kasama noon ni Jose ang kanyang menor de edad na anak at pamangkin. Ang pagpaslang kay Jose ay isinagawa ilang araw lamang matapos niya isiwalat ang harasment ng militar sa kanya at iba pang biktima dahil sa kanilang paglahok sa mga protesta sa Da~ vao City laban sa DSWD. I 11 Pambibiktima sa mga sibilyan Mga panloloob, ikinabahala ng mga aktibista aliwas sa pag-aasta ng rehimeng Aquino na itinataguyod nito ang karapatang-tao, tuluy-tuloy pa ring binibiktima ang mga sibilyan ng militar at iba pang pwersang panseguridad. Sa Sorsogon, tahasang pinangalanan at pinagbintangan noong Pebrero 17 ni Lt. Col. Teody Toribio, hepe ng 31st IB ang halos 50 sibilyan sa Barcelona, Sorsogon na umano'y mga tauhan o di kaya'y nagpapatuloy ng mga gerilya ng Bagong Hukbong Bayan. Ginawa ito ni Toribio sa kanyang lingguhang programa sa radyong Padaba FM sa Sorsogon City. Pinangangambahan ng mga pinangalanan na markado na sila bilang mga target ng pamamaslang ng militar. Sa Aklan, pinaslang ng isang security guard si Dexter Condez, tagapagsalita ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) noong Pebrero 22 ng gabi sa Barangay Manoc-Manoc, isla ng Boracay, Malay, Aklan. Pauwi mula sa isang pulong ng mga lider ng tribo at mga madre ng Daughters of Charity of St. Vincent de Paul si Condez nang pagbabarilin siya ni Daniel Celestino, security guard ng Crown Regency Resort and Convention Center. Pinamumunuan ni Condez ang laban ng mga katutubong Ati para maangkin ang 2.1 ektarya ng kabuuang mahigit 1,000 ektaryang isla ng Boracay. Pero mariin itong tinututulan ng tatlong malalaking kumpanya, kabilang ang Crown Regency Resort. Sa Kalinga, binaril at napatay noong Pebrero 1 ng isang sundalo si Abe Tinggangay ng Buscalan, Butbut, Kalinga. Ang salarin ay si Pfc. Ringold Gomez ng 21st IB. Nabangga ng humahagibis na siksbay ng militar ang motorsiklo na sinasakyan nina Tinggangay at Edwin Daligdig. Sakay ng siksbay ang mga sundalo ng 21st IB na nagsasagawa ng operasyong militar sa bayan ng Tinglayan. Nasugatan si Daligdig at isinugod sa Kalinga Hospital. Sumunod sa ospital si Tinggangay para alamin ang kalagayan ng kanyang kasama. Nang nasa upisina ng doktor si Tinggangay, pinasok siya ng sundalong si Gomez at binaril siya sa paa. Bunsod nito, nagsitakbuhan ang mga tao sa loob ng ospital. Samantala, naubusan ng dugo si Tinggangay at kalaunan ay namatay. ~ abindalawang kaso na ng mga panloloob sa mga upisina ng mga aktibista ang naitatala ng KARAPATAN at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) mula Marso 2012 hanggang ikalawang linggo ng Pebrero ngayong taon. Anila, ang mga panloloob ay hindi mga pangkaraniwang nakawan lamang kundi bahagi ng mga operasyong militar ng AFP laban sa mga organisasyong binabansagan nilang mga prente ng Partido Komunista ng Pilipinas. Pinangangambahan nila na pasakalye ang lahat ng ito sa pinaplanong pang-aatake sa mga kritiko ng gubyerno. Ilan sa mga nilooban ang upisina ng pederasyong ANGLO sa Kamias Road, Quezon City (Pebrero 21); BAYAN-NCR sa Cubao, Quezon City (Pebrero 14); upisina ng Salinlahi Alliance for Children's Concerns at Parents Alternative, Inc. sa Project 3, Quezon City (Enero 13); Health Alliance for Democracy sa E. Rodriguez, Quezon City (Disyembre 25); at Gabriela Women's Party (GWP) sa Tandang Sora, Quezon City (Hunyo 16). Sa halos lahat ng kaso, ang mga ninakaw ay mga bagay na naglalaman ng datos, tulad ng mga flash disk, hard drive, laptop, cellphone at kamera. ~ T 12 L President Hugo Chavez ng Venezuela, pumanaw na umanaw nitong Marso 5 si Pres. Hugo Chavez ng Venezuela sa edad na 58 anyos dahil sa sakit na kanser. Nagpahayag ng pakikiramay ang Partido Komunista ng Pilipinas sa mamamayan ng Valenzuela at kinilala ang kanyang pamanang anti-imperyalista. Nitong nakaraang mahigit 14 na taon, si Chavez ay dalawang beses na nahalal bilang presidente ng Venezuela. Sa kanyang pamumuno, binaklas ng Venezuela ang dayuhang kontrol sa industriya ng langis at isinabansa ito. Ang malaking yaman na nakuha mula rito ay ginamit sa pagpapahusay ng mga serbisyong panlipunan at signipikanteng napababa ang tantos ng karalitaan. Sa pakikipagtulungan sa Cuba, pinamunuan ni Chavez ang pagbubuo ng pagkakaisa ng mga bansa sa Latin America at Caribbean laban sa "globalisasyon" ng "malayang pamilihan" ng imperyalismong US. ~ P ANG BAYAN Marso 7, 2013 ANG Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Tomo XLIV Blg. 5 Marso 7, 2013 www.philippinerevolution.net Editoryal Pakikibaka ng aping kababaihan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino a okasyon ng ika-102 pagdiriwang ng Internasyunal na Araw ng S Kababaihang Anakpawis, sinasaluduhan ng Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryong kilusan ang kababaihang Pilipino na nakikibaka para sa pambansang demokrasya bilang mga aktibista, Pulang kumander at mandirigma at komunista. Mapagpasya ang malawakang pagkilos ng kababaihan sa paglalansag sa kasalukuyang malapyudal at malakolonyal na sistema at sa pagbubuo ng sosyalistang lipunan. Kalahati ng lipunang Pilipino ay kababaihan. Pinapasan nila ang pinakamasasahol at pinakabrutal na katangian ng reaksyunaryong lipunan at estado. Patung-patong ang pagsasamantala at pang-aapi sa kanila—bilang bahagi ng uring anakpawis, bilang mamamayang pinaghaharian ng papet na reaksyunaryong mga rehimen, at bilang tagapagluwal ng bagong henerasyon sa loob ng di pantay na mga relasyong mag-asawa at pamilya. Taliwas sa ipinagmamayabang ng rehimeng US-Aquino, lalong tumitindi ang aping kalagayan ng kababaihan sa ilalim nito. Pinasasahol ng rehimen ang mga programa at patakarang deka-dekada nang nagdulot ng pinsala sa masang anakpawis, laluna sa kababaihan. Hindi lamang ipinagpatuloy ni Aquino ang mga maka-imperyalistang patakaran ng estado, hinigitan pa niya ang pagpapakatuta ng naunang mga papet na pre- sidente. Nananatiling malaki ang agwat ng partisipasyon ng kababaihan sa lakas-paggawa. Kalahati lamang ng kababaihan ang kabilang sa pwersa sa paggawa, kumpara sa 80% ng kalalakihan. Yaong may trabaho ay nasa mga sektor kung saan pinakamababa ang sahod at masasahol ang mga kundisyon sa paggawa. Isa rito ang sektor ng serbisyo kung saan lampas kalahati o 68% ay kababaihan at mayorya (85%) ay mga kontraktwal. Mas maliit ang arawang sahod ng mga babae kumpara sa mga lalaki. Sa kalagayang nakapako ang minimum na sahod at naaagnas ang tunay na halaga nito dulot ng impla- Sa isyung ito... Oplan Bayanihan binibigo sa Central Negros 7 Armadong panunupil sa Sabah, kinundena 9 Mga biktima ng Pablo, siningil ang DSWD 11 Mga tuntunin sa paglilimbag 1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil. 2. Pag-print sa istensil: a) Sa print dialog, i-check ang Print as image b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size k) I-click ang Properties d) I-click ang Advanced e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling d) Ituloy ang pag-print 3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa angbayan@yahoo.com