2 Bangkay ng 49 pulis, nagkalat sa palayan P.2 TAON XLIII Blg. 58 Martes, Enero 27, 2015 Photo by Manny Llanes R10.00 Mayor Junjun Binay ARREST JUNJUN Mayor Binay: Wala akong kalaban-laban Istorya sa P.2 Binantaan ang Binasted, 3 magkakapatid, tiyo ng granada, nagtangkang patay sa sunog arestado P.2 magbigti P.5 Pahina 2 Aktor, nawalan Andi at Jake, nagkabalikan na naman P.9 MJ Lastimosa, Marc at Rovilson, bigo sa Miss hosts ng ‘Asia’s Got Universe P.8 Talent’ P.10 P.11 Korean, dinukot sa P.5 Sibugay ng ningning sa P.9 P.9 nilipatang network Scavenger, P.2 nagbigti sa puno ng narra NALAGASAN Idiniskarga mula sa isang police van, nagtulung-tuong ang mga operatiba ng Philippine National Police sa pagbuhat sa bangkay ng kanilang kabaro na kabilang sa 49 na miyembro ng Special Action Force na napatay sa engkuwentro sa puwersa ng Moro Islamic Liberation Front sa Bgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, noong Linggo. REUTERS Jake Cuenca, pumoporma sa ex-GF na Jake Ejercito? P.9 2 martes, enero 27, 2015 Mayor Binay, 5 iba pa, ipinaaresto ng Blue Ribbon Ni LEONEL ABASOLA Ipinaaresto na ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) si Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at limang iba pa dahil sa patuloy na hindi pagdalo ng mga ito sa mga pagdinig ng lupon hinggil sa kontrobersiyal na Makati City Hall Building 2 at iba pang umano’y mga katiwalian sa siyudad. Ayon kay Senator Teofisto “TG” Guingona III, chairman ng Blue Ribbon Committee, binigyan nila ng sapat na pagkakataon ang mga naturang opisyal pero isa lang ang tumalima sa inilabas nilang subpoena kaya sinampahan na nila ng contempt ang grupo ni Binay. Agad na inatasan ni Guingona ang Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSA) na isilbi ang detention order laban kay Mayor Binay. Tanging si Prof. Tomas Lopez ang nakaligtas sa mga ipinaaresto matapos na lumiham ito sa komite at nangako na dadalo na sa pagdinig sa Pebrero 2. Sa paglilinaw ni Sen. Antonio Trillanes IV, sinabi naman ni Blue Ribbon Sub-committee Chairman Sen. Aquilino Pimentel III na sakaling hindi dumalo si Lopez sa susunod na pagdinig ay ipaaaresto na rin nila ito. Si Lopez ang presidente ng University of Makati (UMAK), na iniimbestigahan din ng lupon dahil sa umano’y overpricing ng gusali, at board member ng Pag-IBIG Fund. Kabilang din sa mga ipinadarakip sina Eduviges “Ebeng” Baloloy, Marjorie de Veyra, Atty. Eleno Mendoza, Engineer Line dela Peña, at Bernadette Portallano. Nauna nang sinabi ng kampo ni Mayor Binay na igagalang nila ang anumang pasya ng Senado hinggil sa patuloy niyang pagtanggi na dumalo sa mga pagdinig. Mayor Binay: Wala akong kalaban-laban Handa si Makati City Mayor Junjun Binay na magpakulong bilang tugon sa desisyon ng Senate Blue Ribbon Committee na ipaaresto siya, kasama ang anim pang opisyal ng lungsod, sa hindi pagsipot sa pagdinig sa umano’y overpriced Makati City Hall Parking Building 2. Sa harap ng kanyang mga tagasuporta, sinabi ni Mayor Binay na hihintayin niya sa city hall ang Senate Sergeant of Arms at boluntaryo siyang sasama sa opisyal bilang pagtalima sa detain order na ipinalabas ng Senado. Nilinaw ng alkalde na magpapakulong siya dahil mali na, aniya, ang ginagawa ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Sen. TJ Guingona, at sub-committee nina Senators Koko Pimentel, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV. “Batid ko po na ako ay isang mayor lamang kung ihahambing sa malalaki at makapangyarihang senador ng Senate Blue Ribbon sub-committee,” pahayag ni Binay, “at kahit minsan ay hindi ko po inisip na kalabanin ang Senado.” “Ngunit napansin ko po na ang katotohanang gusto nilang paniwalaan at panigan ay ‘yun galing sa mga nagaakusa sa amin na walang ebidensiya,” pahayag ng alkalde. Bukas ang kampo Binay sa pagdulog sa korte, partikular sa Korte Suprema, upang iapela ang desisyon at maghain ng motion for reconsideration. Umapela ng dasal ang pamilya Binay sa mga residente ng Makati at sa sambayanang Pilipino at umaasa sa pagpapasya ng publiko at hukuman sa tamang panahon. Bella Gamotea Bangkay ng 49 na pulis, nagkalat sa palayan Ipinaabot ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kanyang taimtim na pakikiramay sa kaanak ng mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na nasawi sa sagupaan noong Linggo sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao. Umabot na sa 49 na miyembro ng PNP-SAF, kabilang ang pitong opisyal, ang namatay sa pakikipagbakbakan sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) bunga ng umano’y pagtatangkang ihain ang warrant of arrest laban kay Zulkifi bin Hir, alyas “Marwan”, na isang Malaysian bomb expert, at kasamahan nitong si Basit Usman, na may patong sa ulo na US$5 million at US$1 million. Sinabi ni Chief Supt. Getulio Pacua Napenas, director ng PNP-SAF, na bandang 11:00 ng umaga ay umabot na sa 21 bangkay ang narerekober habang patuloy pang pinaghahanap ang iba pang bangkay. Ayon sa ulat, karamihan sa mga napatay na pulis ay hindi lang pinagtataga kundi pinugutan pa. Apat naman sa panig ng MILF ang nasawi sa bakbakan. Samantala, mariing nanindigan ang pamunuan ng PNP na wala silang nilabag sa isinagawang operasyon ng PNP-SAF. Ito ang tugon ng PNP sa alegasyon ni MILF Peace Panel Chairman Mohager Iqbal, na nagsabing paglabag sa ceasefire agreement ang ginawang pagsalakay ng mga pulis sa sinasabing kuta ng mga rebelde sa Barangay Pidsandawan. Giit ni Napenas, batid nilang may umiiral na peace talks ang gobyerno sa MILF kaya nakipag-coordinate sila sa grupo bago ilunsad ang nasabing operasyon. Dakong 3:00 ng umaga nitong Linggo nang sumalakay ang may 100 miyembro ng PNP-SAF, na binunot sa mga police unit mula sa Manila, CARAGA at Zamboanga bilang reinforcement sa operasyon sa Mamasapano. Dakong 5:00 na ng hapon nang matapos ang bakbakan na sinasabing apat sa mga nasawing pulis ay mga opisyal at isa rito ay si Senior Insp. Garry Erana, 28, na itinuturing na “baron” ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2009 Baron. Beth Camia Nagbanta sa tiyuhin gamit ang granada, arestado Arestado ang isang 27-anyos na lalaki matapos pagbantaan ang kanyang tiyuhin na pasasabugin ito gamit ang isang granada sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Ayon sa pulisya, ito ay matapos makipagtalo ang suspek na si Lester Torres sa kanyang ina na si Analiza sa kanilang bahay sa Solis Street sa Barangay 164, Zone 14, Tondo, dakong 9:30 ng gabi noong Linggo. Nang tangkain ni Rogel Gonzales, tiyuhin ni Lester, na mamagitan sa pagtatalo ng mag-ina ay ikinagalit ito ng suspek na biglang bumunot ng granada. Habang hawak ang safety pin, binantaan ni Lester si Rogel na pasasabugin niya ang granada kapag hindi tumigil sa pakikialam ang kanyang tiyuhin. Agad na humingi ng tulong si Gonzales sa mga opisyal ng barangay, sa pamumuno ni Chairperson Angelita de los Reyes, upang pakalmahin si Torres. Matapos ang ilang oras na pakikipagnegosasyon ni Reyes, sumuko si Torres sa awtoridad kasama ang kanyang granada. Nabawi rin sa suspek ang dalawang patalim na kanyang itinago sa mga labada. Rachel Joyce E. Burce balita Ni Jun Ramirez HABANG NASA LAMAY ANG MGA MAGULANG 3 magkakapatid, natusta sa sunog sa Cagayan Ni Freddie G. Lazaro BUGUEY, Cagayan – Patay ang tatlong batang magkakapatid matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay San Lorenzo, Buguey, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Buguey Police, ang mga biktima sa mga pangalang lamang “Ashley,” 10-anyos; “Elvin”, 7; at “Mark,” 6, pawang residente ng Bgy. San Lorenzo, Buguey. Iniwan ang tatlong magkakapatid ng kanilang magulang dahil nakipaglamay ang mga ito sa isang burol sa kapitbahay. Suspetsa ng pulisya na posibleng may naiwang nagbabagang kahoy sa kusina ng bahay ng mga biktima ay ito ang pinagmulan ng sunog. Hindi rin matiyak ng awtoridad kung ikinandado ng magulang ng mga biktima sa bahay kaya hindi nakalabas ang mga ito. Ex-Rep. Syjuco, pinakakasuhan sa ghost purchase ng cell phones Ex-Rep. Judy Syjuco Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng kasong graft laban kay dating Iloilo Congresswoman Judy Syjuco at ilang opisyal ng Department of Transportation and Communication (DoTC) kaugnay ng umano’y “ghost purchase” ng P6.2-milyon halaga ng cell phone noong 2004. Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na inirekomenda ng mga imbestigador ang paghahain ng kaso laban kay Syjuco at sa kanyang mga kasamahan matapos makakalap ng sapat na ebidensiya na sangkot ang mga ito sa anomalya sa pagbili ng 1,582 unit ng Nokia cell phone. Kabilang sa mga kakasuhan sina DoTC Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Domingo Reyes Jr.; BAC ViceChairman Elmer Soneja; mga director ng BAC na sina Rebecca Cacatian at Ildefonso Patdu Jr.; mga legal officer na sina Geronimo Quintos at Director Venancio Santidad; Marcelo Desiderio Jr., DoTC inspector; Danilo Dela Rosa, technical inspector; at isang private respondent na si Domingo Samuel Jonathan Ng, may-ari ng West Island Beverages Distributor (West Island). Sinabi ni Morales na nagpalabas si Syjuco ng pondo ng gobyerno upang mabayaran si Ng bagamat walang nangyaring bidding. Bigo rin, aniya, ang West Island na magpakita ng certificate of exclusivity. Bukod dito, hindi rin ito awtorisadong supplier ng cell phone dahil ito ay distributor lamang ng Smart Value Credits. Ayon kay Morales, wala ring natanggap na cell phone ang lokal na pamahalaan ng Iloilo dahil wala ni isang unit ang nai-deliver ng West Island. Umamin din si Ng na natanggap niya ang P5.9 milyon bilang kabayaran habang nakasaad sa disbursement voucher na ang mga cell phone ay gagamitin ng tanggapan ni Syjuco. Jun Ramirez Scavenger, nagbigti sa puno ng narra Isang 29-anyos na scavenger ang nagpagkamatay sa pagbibigti sa isang puno ng narra sa Paco, Maynila nitong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktima na si Noel Berongoy, residente ng 14 Cristobal Street, Paco. Batay sa report ni Detective Mario Asilo, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 6:45 ng gabi nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa puno sa Quirino Extension, malapit sa Paz Street, sa Paco. Huling nakita ng ilang kabataan na buhay ang biktima na ‘tila aburido habang nagpapabalik-balik sa lugar hanggang sa nakita na lang ito na nakabigti sa puno gamit ang isang electrical wire. Inaalam na ng pulisya ang tunay na dahilan sa pagpapatiwakal. Mary Ann Santiago 3 balita martes, enero 27, 2015 Dagdag Balita Wanted na magkapatid, arestado Sa kulungan bumagsak ang magkapatid na lalaki na umano’y No. 6 sa listahan ng mga wanted kaugnay sa pagbebenta ng shabu, matapos silang madakip ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/ Sr. Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela Police, paglabag sa RA 9165 (illigal possession of dangerous drugs) ang kinakaharap na kaso ng magkapatid na Larry at Gerry Guache, mga residente ng Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nasabing lungsod. Sa panayam kay Chief Inspector Allan R. Ruba, head ng Station Anti-Illegal DrugsSpecial Operation Task Group (SAID-SOTG), bandang 4:30 ng hapon ng magsagawa sila ng anti–illegal drug operation sa nasabing lugar. Nakuha sa mga suspek ang limang gramo ng shabu. Orly L. Barcala Healthy carinderia, hinikayat sa Marikina Pinaalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina, sa pamamagitan ng Nutrition Section ng City Health Office, ang mga may-ari ng karinderya at mobile vendors na hangga’t maari ay iwasan ang mamantekang pagkain at imbes ay masustansiyang putahe ang ihahain at panatilihin ang kalinisan. “Batid natin na ang mga Pilipino ay likas na mahilig kumain, ngunit kasabay ng pagkonsumo ng maraming pagkain ay mga sakit tulad ng obesity, sakit sa puso at iba pa. Kung kaya naman tayo rito sa Marikina, nais nating bigyang paalala ang mga residente na kumain nang sapat at masustansyang pagkain upang makaiwas sa anumang sakit. Iwasan din ang sobrang dami ng sangkap o pampalasang nakasasama sa kalusugan,” payo ni Dr. Alberto Herrera. Namahagi ang CHO ng recipe book, information materials, tissue box at apron para maipatupad ang nabanggit na panuntunan. Mac Cabreros 2 pusher, huli sa buy-bust sa mall Dalawang miyembro ng big time drug syndicate ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police makaraang makumpiskahan ng P 1 milyon halaga ng shabu sa anti–illegal drug operation sa isang mall sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang mga hinihinalang tulak ng iligal na droga na sina Alvin Rodrigo at Mark Joseph Mercado, pawang nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan sa Lungsod Quezon. Base sa report, dakong 5:00 ng hapon kamakalawa nang maaresto sa buy-bust operation ng mga operatiba ng PNP-AIDSOTF sina Rodrigo at Mercado sa loob ng SM City Fairview mall sa Barangay Pasong Putik, Quezon City. Nakuha sa kanila ang kalahating kilo (500 gramo) ng shabu na may street value na P1 milyon at P900,000 marked money. Jun Fabon APEC opening, binulabog ng protesta Ni FRANCO G. REGALA CLARK FREEPORT, Pampanga –Naging mapayapa ang pagbubukas ng dalawag linggong APEC-First Senior Officials’ Meeting and Related Meeting (SOM1) kahit na may ilang nagprotesta sa labas ng mga venue, sinabi ng Police Regional Office (PRO3) noong Lunes. Sinabi ni Chief Supt. Ronald Santos, PRO3 officer-in-charge, na may iilang mga rallyista ang nagtipon sa bakuran ng Clark para magdaos ng kilos protesta noong Lunes ngunit napanatili ng mga awtoridad ang maximum tolerance upang matiyak ang mapayapang protesta. “The protest actions were expected and we are exercising maximum tolerance for the entire summit to ensure peace,’’ ani Santos. Karamihan sa mga nagprotesta ay ang mga tindera na ang mga puweto ay giniba ng Clark Development Corporation (CDC) upang palawakin ang lugar. Tiniyak ni Santos na walang nasaktan at naging maayos ang protesta. Idinagdag ng PRO3 OIC na nagtalaga sila ng mga puwersa mula sa Regional Public Safety Battalion (RPSB3), Nueva Ecija at Tarlac Police Provincial Offices sa Clark-Subic upang matiyak ang maximum police presence. Upang matiyak na walang magiging aberya sa mga pagpupulong, sinabi ni Santos na magpupulong araw-araw ang Site Task Group “Clark-Subic” upang siguraduhing “no single detail is being overlooked.’’ Ang mga delegado ng APEC-SOM1 ay magdadaos ng pagpulong dito hanggang sa Pebrero 7 upang talakayin ang mga usapin sa regional development and economic policies, at iba pa. PAPUGAY SA MGA BAYANI Naka-half mast ang bandila ng Pilipinas sa harapan ng National Head Quarters Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon City bilang papugay sa 43 miyembro ng PNP-Special Action Force na namatay sa engkuwentro sa mga tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo, Enero 25, 2015. VALERIA SORRENTI Appointment ni Duque, labag sa konstitusyon -SC Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang Executive Order na inisyu ni dating Pangulong Gloria Arroyo na nagtatalaga kay Civil Service Chair Francisco Duque bilang ex-officio member ng Board of Directors/ Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS), Philhealth, Employees Compensation Commission (ECC) at Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Fund. Ang posisyon na ibinigay kay Duque ay may kinalaman sa kanyang panunungkulan bilang chairman ng CSC. Sa desisyon na sinulat ni Associate Justice Lucas Bersamin, partikular nitong idineklara na unconstitutional ang Executive Order No. 864 na inisyu ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong Pebrero 22, 2010. Ayon sa Korte Suprema, labag ang kautusan sa Sections 1 and 2 ng Article 9-A ng Saligang Batas, probisyon tungkol sa Constitutional Commission. Sa ilalim ng dalawang probisyon, ang CSC bilang isang Constitutional Commission ay dapat na maging independent at sinumang miyembro ng Constitutional Commission ay dapat walang hawak na ibang tanggapan o propesyon na makakaapekto sa kanyang tungkulin. Nag-ugat ang kasong ito sa inihaing petisyon ni Dennis A.B. Funa dahil sa paniwalang nilalabag ng EO 864 ang independence ng CSC. Nilinaw naman ng Korte Suprema na ang lahat ng opisyal na hakbang ni Duque bilang Director o Trustee ng mga nabanggit na GOCC ay valid o may bisa. Ito umano ay para maprotektahan ang integridad ng pakikipagtransaksyon ng publiko sa mga nasabing ahensya. Beth Camia De Lima sa NBI agents: Hinaing ‘wag sa media agad Pinayuhan kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nataasang magbantay sa 19 na high profile inmates na nakapiit sa detention cell na iparating sa kanilang direktor ang kanilang mga hinanaing sa halip na ilabas ito agad sa media. Ang pahayag ay ginawa ni de Lima matapos maiulat na ilang NBI agents na nagbabantay sa mga inmates ay nagkakasakit na dahil sa mas mahabang oras na duty kasunod na rin ng mas mahigpit na seguridad na ibinibigay sa mga inmates. “I don’t understand kung bakit publicly airing yung mga hinanakit nila kaagad yung mga hinaing nila, andali namang iresolve nung mga ganyan for as long as nakakarating sa kinauukulan,” paliwanag ni de Lima. Aniya, wala pa siyang impormasyon sa ngayon na may nagrereklamo sa NBI, gayunpaman kung may mga ganito umanong insidente ay mainam na maresolba sa pamamagitan din ng pakikipag-usap kay NBI Director Virgilio Mendez. Beth Camia Daigdig Japan, hinihimay ang IS video TOKYO (AP) — Nakipag-ugnayan ang Japan noong Lunes sa Jordan at iba pang mga bansa upang sagipin ang isang bihag ng grupong Islamic State. “We all have one unchanged goal and we will absolutely not give up until the end. And with that faith, we will try our utmost to reach that goal. That’s how it is,” sinabi ni Yasuhide Nakayama, Japanese deputy foreign minister na ipinadala sa Amman, Jordan, upang tugunan ang krisis. Sa Tokyo naman, sinabi ni government spokesman Yoshihide Suga na pinagaaralan pa ng mga mamamahayag ang video na ipinaskil sa online na nagsasabing pinugutan na ang isa sa mga bihag na si Haruna Yukawa. Nasa crisis mode ang gobyerno simula nang sabihin ng Islamic State group sa isang online video noong Enero 20 na hawak nito ang dalawang Japanese hostage at nagbantang papatayin sa loob ng 72 oras kapag hindi nagbayad ng $200 million. Pumaso ang deadline noong Biyernes. Nakasentro ngayon ang atensiyon sa pagsagip kay Kenji Goto, 47, journalist, na ipinakita sa video, na hawak ang litrato ni Yukawa. Kasabay ng litrato ang recording ng isang boses na nagpapakilalang si Goto, sinabing hindi na humihingi ng ransom ang mga dumukot sa kanya kundi nais na ng prisoner exchange. ‘Lizard Squad’ hackers, inatake ang Malaysia Airlines KUALA LUMPUR (AFP)—Sinabotahe ang Malaysia Airlines website noong Lunes ng mga hacker na sinasabing may kaugnayan sa Islamic State jihadists at nagpailalang kabilang sa “Lizard Squad.” Ang front page ng website ay pinalitan ng imahe ng isang tuxedo-wearing lizard, at mababasang “Hacked by LIZARD SQUAD — OFFICIAL CYBER CALIPHATE”. Mayroon din itong headline na “404 – Plane Not Found”, isang pagtukoy sa misteryosong paglaho ng flight MH370 ng airlines sakay ang 239 katao noong nakaraang taon. Ayon sa ulat ng media ang ibang bersyon ng takeover sa ilang rehiyon ay may mga katagang “ISIS will prevail”. Ang Lizard Squad ang grupo ng hackers na sumabotahe sa Sony PlayStation Network at Microsoft’s Xbox Live network noong nakaraang buwan. Tsipras, wagi sa Greek election ATHENS (Reuters) – Nangako si Greek leftist leader Alexis Tsipras noong Linggo na tapos na ang limang taon ng pagtitipid, “humiliation and suffering” na ipinataw ng international creditors makaraang magwagi ang kanyang Syriza party sa snap election noong Linggo. Sa mahigit 99 porsiyentong nabilang na boto, nakuha ng Syriza ang 149 puwesto sa 300-seat parliament, sa 36.3 porsiyento ng mga boto, lamang ng 8.5 puntos sa conservative New Democracy party ni Prime Minister Antonis Samaras. 4 martes, enero 27, 2015 balita KASUNOD NG ENGKUWENTO NG MILF SA SAF Pagdinig sa BBL Law, sinuspinde Ni LEONEL ABASOLA Sinuspinde ni Senator Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng pag-uusap at pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL) kasunod ng pamamaslang sa 30 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNPSAF) sa bayan ng Mansapang sa Maguindanao nitong Linggo. Ayon kay Marcos, hanggang hindi nagkakaroon ng linaw kung anong grupo ang nakasagupa ng SAF ay hindi muna magkakaroon ng pagdinig ang Senado sa panukala. Una nang napaulat na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nag-ambush sa mga kasapi ng PNP-SAF, katuwang pa umano ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). “I decided to suspend indefinitely all discussions and hearings related to the passage of the Bangsamoro Basic Law until this is clarified. We cannot in conscience, proceed with these hearings while a cloud of serious doubt hangs over the security situation in the south. A peace agreement cannot be legislated under the threat of such extreme violence. Violence has no room in a civilized society,” ani Marcos. Inaasahang magiging ganap na batas ang BBL ngayong taon para mabigyang-daan naman ang kapayapaan sa Mindanao. Isinusulong ang pagpapatibay sa BBL para sa pagtatatag ng bagong rehiyon sa bisa ng kasunduang pangkapayapaan ng gobyerno sa MILF. Kinondena ni Marcos ang huling karahasan at ang paggamit ng MILF ng dahas para ikanlong ang mga terorista. Magsisilbi sana ng warrant of arrest ang SAF laban sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin Hir, sa Barangay Tukanalipao at kay Basit Usman nang sumiklab ang engkuwentro. Katwiran naman ni Von Al Haq, vice chairman for military affairs ng MILF, walang koordinasyon sa kanila ang SAF at malinaw na isa itong paglabag sa peace agreement. SUSPENDIDO Nagdidiskusyon sina Senators Miriam Defensor-Santiago at Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagdinig ng Senado sa usaping konstitusyunal ng Senate Bill No. 2408 o Bangsamoro Basic Law. TONY PIONILLA Punong Ehekutibo ng isang chairman matapos mag-adjourn ang Kongreso sa Marso. Naniniwala ang paretirong Comelec chairman na susundin ng Malacañang ang tradisyon sa Comelec na pagtatalaga ng isang senior official sa puwesto, pahayag ni Brillantes. Kung siya ang tatanungin, ang pambato ni Brillantes sa posisyon ay si Commissioner Christian Robert Lim bilang pinaka-senior sa apat na commissioner. “Kasama ko na siya noon pang 2010 at alam na niya ang background ng mga gawain dito. Ang tatlong iba ay mga bagito pa,” ayon kay Brillantes. Inaasahan ni Brillantes na kanilang tatalakayin ang isyu sa posibleng pagtatalaga ng acting chairman sa huling en banc session bukas, Enero 28. Magreretiro rin sa serbisyo sa Pebrero 2 sina Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph kaya ang maiiwan sa en banc ay apat na commissioner na kinabibilangan nina Li, Al Parreno, Luie Guia at Arthur Lim. At dahil apat na lang ang matitirang commissioner, sinabi ni Brillantes na dapat din nilang talakayin ang bubuo ng dalawang division ng Comelec. Leslie Ann G. Aquino Tulong sa OFWs ni King Abdullah, pinahalagahan ng Palasyo Malaking tulong ang naipagkaloob sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East ni King Abdullah, ang yumaong hari ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Ito ang nakapaloob sa pahayag ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa pakikiramay ng gobyerno ng Pilipinas sa mga naulila ng hari. Inihalimbawa ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte ang naging tulong ng yumao para sa kapakanan ng mga OFW, kabilang ang pagbibigay ng clemency sa ilang Si Alighieri Enero 27, 1302 nang ipinatapon ang makata at pulitikong si Dante Alighieri (1265-1321) mula sa Florence sa loob ng dalawang taon, matapos siyang kasuhan sa pagbebenta ng political posts. Inatasan din siyang magmulta ng 5,000 lire, at pinagbawalan nang maglingkod sa gobyerno habang buhay. Nabalitaan ito ni Dante habang siya ay nasa Siena. Bago naparusahan, ipinag-utos ni Dante ang pagpapatapon sa kanyang mga kaaway sa pulitika, at inakda ang “The Divine Comedy” upang protektahan ang kanyang pamilya sa mga pag-atake mula sa iba’t ibang bayan. Nagmula si Dante sa isang simple at disenteng pamilya. Binatilyo siya nang magsimulang magsulat ng mga tula, at nagsilbing inspirasyon niya ang mga kilalang makata. Mula 1302, ilang lungsod at kastilyo ang naglaan ng matutuluyan para sa kanya. Noong 1310, idineklara ni Dante ang pagdating ng tagapagligtas, sa isang liham na para sa mga Italyano. Taong 1321 nang masawi siya sa Ravenna dahil sa malaria. MMDA, may 3 kondisyon sa EDSA rehabilitation work Acting chairman para sa Comelec, posible—Brillantes Bunsod ng nakaambang pagreretiro ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa Pebrero 2, dapat mamili sa isa sa apat na nakaupong commissioner ng poll body kung sino ang tatayong acting chairman habang hinihintay ang mapupusuan ni Pangulong Benigno S. Aquino III bilang kapalit ni Brillantes. “Hindi natin inaasahan na magtalaga agad ang Pangulo ng chairman. Una rito, hindi niya maaaring gawin iyon habang may sesyon ang Kongreso,” pahayag ni Brillantes. Aniya, posibleng magtalaga ang Balitang Cute Pinoy na nahatulan ng bitay. Sinasabing mismong ang hari pa ng Saudi ang nagbigay ng blood money sa kaso naman ng OFW na si Rodelio Celestino Lanuza upang mailigtas ito sa parusang kamatayan. Naging malaking tulong din ang ginawa ni King Abdullah upang maisaayos ang status ng ilang manggagawang Pinoy na ilegal na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Sa ilalim umano ni King Abdullah nabuo ng gobyerno ng Pilipinas at Saudi ang Standard Employment Contract na gumagabay sa mga kontrata ng mga Pinoy domestic worker, na sinundan ng paglagda sa kasunduan sa domestic worker recruitment. Layunin ng kasunduan na mabigyan ng proteksiyon ang mga Filipino household service worker sa kaharian ng Saudi. Ang nasabing makasaysayang okasyon ay hindi maaaring makalimutan ng gobyerno ng Pilipinas sa kabila ng pagpanaw ng hari ng Saudi Arabia, ayon kay Valte. Beth Camia Naglatag ng tatlong kondisyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng P3.74-bilyon rehabilitasyon ng 23kilometrong EDSA upang hindi maperhuwisyo ang mga motorista sakaling ipatupad na ang proyekto sa summer season. Nangunguna sa mga kondisyon ang pagbabalangkas ng epektibong traffic management plan na dapat munang aprubahan ng ahensiya, ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), planong simulan ang proyekto sa first quarter ng 2015. Iginiit ni Carlos ang pagkakaroon ng konsultasyon sa mga stakeholder na maaapektuhan ng proyekto, na ibinitin ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong 2013 dahil sa reklamo maging sa ibang ahensiya ng gobyerno. “Kailangan nating pulsuhan ang mga stakeholder—motorista, operator ng pampublikong sasakyan, at pinakaimportante, mga commuter,” sinabi ni Carlos sa panayam ng radyo DzBB. Ikatlo, sinabi ni Carlos na dapat maghanda rin ng rerouting plan upang magabayan ang mga motorista sa pagiwas sa trapiko. “Hindi lang mahalaga ang traffic simulation. Dapat iprisinta ang mga plano sa DPWH at aprubahan ng MMDA bago sila (kontratista) bigyan ng kaukulang permit,” dagdag ni Carlos. Ginawang halimbawa ng opisyal ang planong ipatupad ang pagkukumpuni ng Dario Bridge sa EDSA, Quezon City noong Marso 2014. “Maganda ang koordinasyon sa proyekto, hindi apektado ang daloy ng sasakyan. Ito ang model na gusto naming makita para sa rehabilitasyon ng EDSA,” ani Carlos. Matatandaan na nagtayo ng isang temporary bridge ang DPWH bunsod ng pagsasara ng ilang lane ng Dario Bridge upang madaanan ng mga motorista. Anna Liza Villas-Alavaren R360-M transaksiyon ng Philippine Navy, kinuwestiyon ng CoA May naaamoy na iregularidad ang Commission on Audit (CoA) sa mga transaksiyon ng Philippine Navy na umabot sa P340 milyon, kabilang ang kuwestiyonableng pagbili ng kagamitan at air and sea assets ng hukbo. Base sa 2013 annual audit report ng PN disbursements, duda rin ang CoA sa kinahinatnan ng R262.5-milyong pondo na dapat itutustos sa rehabilitasyon ng mga barko, eroplano at kagamitan ng Navy command. “Cash advances totalling P340,407,490.54 granted to Special Disbursing Officers were mostly used for the procurement of goods and services thru over the counter purchase contrary to the provisions of COA Circular 97-002 dated February 10, 1997 and pertinent provisions of RA 9184,” saad sa audit report. Nadiskubre rin ng mga state auditor ang kinaugalian ng PN na maglabas ng buwanang cash advance sa mga special disbursing officer upang matugunan ang kanilang operational requirements. Karamihan sa mga ginastusan ay mga regular na gamit at serbisyo para sa regular na operasyon ng Navy. Kabilang sa malalaking pinagkagastusan ang supplies, na pinaglaanan ng P113.8 milyon; representation expenses, P26.89 milyon; training expenses, P156.7 milyon; at iba pang supplies at expenses, P30 milyon. Sinabi ng CoA na dapat munang idinaan ang pagbili ng mga supply sa competitive bidding, gaya ng nakasaad sa RA 9184 o Government Procurement Reform Act upang matiyak na hindi maaargabyado ang gobyerno sa mga transaksiyon. Ben F. Rosario 5 balita martes, enero 27, 2015 Binasted, nagtangkang magbigti LUCBAN, Quezon – Gumamit ng alambre sa pagbibigti ang isang kawani ng gobyerno matapos siyang makipag-inuman sa kanyang kaibigan sa birthday ng babaeng bumasted sa kanya sa Barangay Ayuti sa bayang ito noong Linggo ng gabi. Ayon kay Lucban Police Chief Insp. Reynaldo Kasilag, dahil sa maagap na pagresponde ng mga kaibigan ay nailigtas ang buhay ng 26-anyos na binata na nagtangkang magbigti. Bandang 11:20 ng gabi nitong Linggo nang mamataan ng dalagang bumasted sa biktima ang pagbibigti ng huli sa ikalawang palapag ng apartment at agad siyang nakatawag ng saklolo. Danny J. Estacio Korean, dinukot sa Sibugay; 4 na kasamahan niya, nakatakas Ni FER TABOY Isang negosyanteng Korean ang dinukot habang nakatakas naman ang apat na kasama niya, kabilang sa mga ito ang kanyang asawa, mula sa kamay ng hindi nakilalang kidnapper sa Barangay Surabay sa RT Lim, Zamboanga Sibugay, noong Linggo ng gabi. Sa report ng RT Lim Police ay kinilala ang biktimang si Nou Sung Hong, 72, negosyante, ng Bgy. Surabay, ng nasabing bayan. Sinabi ng pulisya na dakong 9:30 ng gabi nang pinasok ng may 10 armadong lalaki ang bahay ng biktima. Mabilis na naigapos ang mga paa at kamay ng negosyante, gayundin ng kanyang asawang si Hong Nwiseong Lee, at sina Gobui Hong, Gesouk Park at Kim Joeng Beom. Nanghalay ng dalagita, arestado PIITAN Iniinspeksiyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Zamboanga City Jail nitong Linggo bilang bahagi ng paghahanda sa pagpapaluwag ng mga piitan sa bansa. Nasa Zamboanga City Jail ang mga high-risk inmate. GIL NARTEA/ Malacañang Photo Bureau ANTIPOLO CITY - Kalaboso ang isang 46-anyos na lalaki matapos siyang ireklamo ng panggagahasa sa isang 17-anyos na dalaga sa taniman ng munggo sa Barangay Calawis, Antipolo City, Rizal. Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, inaresto si Dolphy Villoren, may asawa, ng Sitio Apia, Bgy. Calwis, Antipolo City, sa panghahalay sa dalagitang kanyang kabarangay. Lumitaw sa imbestigasyon ni PO1 Rubu Guadalupe na dakong 4:00 ng hapon at namimitas ang dalagita ng munggo sa kanilang taniman nang biglang lumapit si Villoren at niyakap at tinakot ang biktima hanggang sa halayin sa mismong taniman. Clemen Bautista Davao Oriental, nilindol Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon. Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dakong 8:17 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig. Naitala ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig sa 15 kilometro sa timog-kanluran ng Governor Generoso, Davao Oriental. Aabot naman sa 24 na kilometro ang lalim ng pagyanig na tectonic ang pinagmulan. Rommel P. Tabbad Ilang bayan sa Pampanga, may brownout Mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa mga bayan ng Apalit, San Simon, Macabebe, Minalin, Masantol at Sto. Tomas sa Pampanga bukas, Enero 28, mula 12:00 ng tanghali hanggang 2:00 ng hapon. Ayon kay Ernest Lorenz Vidal, ng Central Luzon Corporate Communications and Public Affairs Office, ang brownout ay bunsod ng pag-aayos sa Mexico-PIMU 69KV Line. Leandro Alborote Nabatid na isinakay ang mga biktima sa isang mini van pero mapalad na nakatakas ang apat makaraang magsitalon sa sasakyan. Agad na nakapagsumbong sa pulisya ang mga nakatakas na biktima at naisagawa ng pulisya ang follow-up operaton hanggang sa matagpuan ang van sa Sitio Limono sa Barangay Roxas, pero wala roon ang negosyante. 50 sentimos, bawas-pasahe sa Ilocos, CAR, Western Visayas Nararamdaman na ang epekto ng patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na mga buwan kaya naman tatlong rehiyon ang inaasahang magpapatupad ng bawaspasahe sa jeepney. Ito ay makaraang ihayag nitong Linggo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-apruba sa 50 sentimos na bawas-pasahe sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Western Visayas. Sinabi ni Atty. Winston Ginez, LTFRB chairman, na ang desisyon ay resulta ng magkakasunod na public consultation sa tatlong nabanggit na rehiyon ngayong buwan. Kaya mula sa P8.50 minimum na pasahe sa Ilocos Region ay nasa P8 na lang ito, habang P7.50 na lang ang dating P8 na pasahe sa Cordillera. Samantala, P7 na lang ang dating P7.50 na minimum na pasahe sa Western Visayas. Gayunman, ayon kay Ginez, saklaw lang ng bawas-pasahe ang unang apat na kilometro sa Ilocos Region at Cordillera, habang unang limang kilometro naman ng biyahe sa Western Visayas. Ang pasahe sa susunod na kilometro sa Ilocos at Cordillera ay nasa P1.40 pa rin, habang P1.15 naman sa Western Visayas. Paiiralin pa rin ang 20 porsiyentong diskuwento sa pasahe para sa mga estudyante, senior citizen at may kapansanan, ayon kay Ginez. Aaron B. Recuenco PAGPAPASALAMAT SA ‘SUPER MALASAKIT’ Pope Francis, ‘superpope’ ng Tabon-Tabon, Leyte Ni Leslie Ann G. Aquino HALA BIRA, ILOILO! Sa saliw ng malakas na tugtog ng tambol, ginagawa ng mga street dancer ang katutubong sayaw ng mga Ati (Aeta) bilang pagbibigay-pugay kay Santo Niño sa 2015 Dinagyang Festival sa Iloilo City nitong Linggo. TARA YAP Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan (SB) ng TabonTabon, Leyte na nagtaguri kay Pope Francis bilang “Superpope.” Inakda ni SB Member Nestor Abrematea ang resolusyon na nagpapahayag ng paghanga sa Santo Papa na hindi ininda ang bagyong ‘Amang’ para maidaos ang misa kasama ang mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ nitong Enero 17. Matatandaang sa kabila ng walang tigil na ulan at malakas na hanging dulot ng Amang ay bumisita at nagmisa pa rin ang Papa sa Tacloban City at sa Palo nang araw na iyon. Napahanga rin si Fr. Eliseo “Bong” Loreto, chief vicar ng St. Anthony of Padua Parish sa Tabon-Tabon, sa tinawag niyang “super malasakit” na ipinamalas ng Santo Papa. Kabilang ang nasabing simbahan ng Tabon-Tabon sa mga istrukturang matinding sinalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013. Samantala, nagpasa rin ng resolusyon ang Sangguniang Panlungsod ng Tacloban, sa pangunguna ni Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin, na nagpapahayag ng labis na pasasalamat kay Pope Francis sa pagbisita nito sa Tacloban. “Ito ang paraan ng pasasalamat ng city government sa inspirasyong idinulot ni Pope Francis sa mga biktima ng Yolanda at sa ligaya at comfort na ibinigay niya sa mga patuloy na nagluluksa,” ani Yaokasin. Sinabi ni Yaokasin na magpapadala siya ng kopya ng resolusyon sa Vatican sa pamamagitan ni Papal Nuncio Archbishop Giuseppe Pinto at ni Palo Archbishop John Du. 6 Opinyon martes, enero 27, 2015 balita EDITORIAL BULONG AT SIGAW Ric Valmonte GIBAIN ANG SK M AGHAHALALAN na naman sana ang Sangguniang Kabataan (SK) kung hindi ipinagpaliban ng ating mga mambabatas. May panukalang batas na nakabimbin daw na kailangang maipasa muna dahil naglalayon ito na malunasan ang hindi magandang naranasan ng bayan sa SK. Hindi mo malalapatan ng lunas ang kasamaang sumira na sa SK, anumang pagbabago ang gawin dito. Kung mahal natin ang kabataan, na siyang inihabalin ni Pope Francis na dapat nating gawin sa kanila, gibain na ang SK. Hindi naman eleksyon ng kabataan ang nangyayari kundi eleksyon ng matatanda. Ginagawa lang nilang robot ang kabataan sa kanilang pamamaraan. Hindi bale sana kung matino, malinis at parehas ang eleksiyong itinuturo nila sa kabataan. Ang problema, ang masamang aspeto ng pulitika natin ang ipinagagawa nila, pandaraya, panlalamang at paninirang puri. Malalaswa pa nga gaya nang dadalhin nila ang kabataan sa bahay-aliwan. Paraan ito ng pamimili ng boto, bukod sa lantarang pagbibigay ng pera. Kaya, ang natalo ay hindi matanggap ang kanilang pagkatalo. Kapag ang naglaban ay magkamaganak, mahahati na ang kanilang angkan at panahon na lang ang magpapahilom ng napakalalim na sugat na iniwan ng SK election. Kaya tulad ng ibang mga eleksiyon na pinaiimbabawan ng mga trapo o tradisyonal politicians, ang ibinubunga ng mga nahahalal na kabataan ay hindi iyong pinapangarap na mangyari ng batas sa kanila. Ang layunin ng batas ay ihanda sila sa responsibilidad bilang mga lider at pangkaraniwang mamamayan sa ikatitino ng ating pamayanan. Paano mangyayari ito sa ating kabataan, eh mandaya at manlamang ang kanilang natututuhan dahil ang mga ito ang itinuturo at ipinagagawa sa kanila ng mga nakatatanda para magwagi sa halalan. Ang batas ay may inilaan na pondo para matanganan ng mga opisyal ng SK at magastos sa pagganap nila ng tungkulin. Bukod sa hindi maganda ito dahil ikinakalat natin ang salaping dapat ay handang magamit sa pangunahing pangangailangan ng bayan, sa iba napupunta. Dahil kaakibat ng itinuro sa kanilang masamang pamamaraan ng pagkuha ng boto ay ang masamang paraan kung paano nila gagastusin ang perang na sa kanilang kapangyarihan. Pangunahin na nga dito ay ang paggamit ng salapi para mabawi ang nagastos nila sa kanilang kandidatura. May eskwelahan, simbahan at komunidad na pwedeng maghanda sa kabataan para maging responsableng mamamayan at lider. Hindi sila nawawalan ng ehemplo tulad ni Kristel Padasas. M DSWD, PINAGSAMA-SAMA ANG STREET FAMILIES ATAPOS isailalim ng Russia sa kapangyariyan ang Ukraine mula sa Ottoman Empire, naglakbay si Empress Catherine II patungong Crimea noong 1787. Ang gobernador, si Grigory Potemkin, ay nagtayo ng huwad na mobile villages sa baybayin ng ilog ng Dnieper upang mapaniwala ang empress at kasamang grupo nitong mga ambasador na marami nang progreso ang natamo roon. Sa ngayon ang terminong “Potemkin Village” ay nangangahulugan ng huwad na konstruksiyon, literal man o hindi, upang itago ang hindi kaaya-ayang situwasyon. Ang pagsasama-sama ba ng may 11,000 maralitang pamilya na walang tirahan at ang paglalakbay ng mga ito lulan ng 14 na bus patungo sa isang resort sa Batangas upang alisin sila sa mga lansangan ng Maynila sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis ay isang pagsisikap na itago ang isang hindi kaaya-ayang situwasyon? O iyon ba, tulad ng sinasabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nataon lang na alisin ang mga palaboy sa mga lansangan noong Enero 14-19 habang nasa bansa ang Papa? Unang lumabas sa British na peryodikong Daily Mail ang artikulo tungkol sa pagsasama-samang ito ng mga batang lansangan at inilipat sa ibang lugar “in a cynical drive to smarten up the Philippines” upang maging mas presentable ang bansa sa Papa. Agad namang pinasinungalingan ito ng Malacañang at DSWD, na ito ay isang proyekto ng pamahalaan upang pagkalooban ang mga pamilyang walang tirahan ng libreng accommodations sa labas ng Maynila. Bahagi ng oryentasyon, ayon kay DSWD Secretary Soliman, ay “to familiarize themselves with a room with a door and toilets”. Dagdag pa ng Malacañang na dinala ang naturang mga pamilya sa isang resort sa Batangas para sa isang pagsusuri upang maging bahagi sila ng Conditional Cash Transfer (CCT) program. Kalaunan, ang mga pamilya ang nagsabi mismo na mabuti ang kanilang kalagayan sa unang dalawa o tatlong araw, ngunit lumala ang situwasyon hanggang sa puntong nagkaroon ng gulo at may kumuha pa ng mga kutsilyo, at kinailangan pa ang pulisya upang ibalik ang kaayusan. Maraming bata ang nagsabi na na-enjoy nila ang mga palaro at ang paglunoy sa swimming pool, at sinabi naman ng isang lalaking vendor ng novelty items sa Roxas Blvd. na wala siyang kinita sa mga araw na dumating ang Papa. Dahil sa insidente, nanawagan ang ilang kongresista upang ipa-audit ang pondo ng CCT na nagkakahalaga ng P62 bilyon ngayong taon. Bukod sa tila paggamit nito upang itago ang hindi kaayaayang situwasyon ng mga batang lansangan mula sa Papa, ang ideya ng ganitong uri ng ayuda na bilyunbilyong piso ang halaga ay kinuwestiyon. Ang ilan sa mga paliwanag ng Malacañang at DSWD ay mahina – tulad ng nanunuyong pahayag ni Secretary Soliman na nais lamang ng DSWD na sanayin ang street families sa paggamit ng mga silid at palikuran. At sa pahayag na dinala sila sa resort sa Batangas upang pag-aralan ang posibleng pagkabilang nila sa CCT program, hindi nangangailangan iyon ng isang linggong pananatili sa isang resort. Walang duda na may ilang opisyal ang nagtatangka ng isang Potemkin solution dito upang itago ang hindi kaaya-ayang katotohanan na ang mga lansangan ng Metro Manila ay puno ng maralitang mamamayan na walang mga tahanan. Ngunit kung ang insidenteng ito ang magpapakilos sa gobyerno upang harapin ang problema ng kahirapan at magkaroon ng matibay at gumaganang solusyon, magagamit ito sa tamang paraan. balita martes, enero 27, 2015 GINTONG BUTIL Opinyon SENTIDO KOMUN KAILANGAN MO RING BUMABA NABAHIRAN Sis. VVP Celo Lagmay N OONG dalagita pa ako sa maliit na isla ng Dumaguete na aking sinilangan, mayroon akong karanasang hindi ko kailanman malilimutan. Nagkaroon ako ng pagkakataong umakyat ng bundok sa pagsama ko sa aking mga kuya. Habang nagtatayo sila ng aming sisilungan, umakyat pa ako sa mas mataas na bahagi ng bundok na hindi naman kalayuan sa kanila. Doon, wala akong narinig ni anumang ingay. Sariwa at malamig na hangin ang aking nalanghap at waring napakalapit ng aking mukha sa kulay asul na kalangitan. Nahiga ako sa damuhan at pinagmasdan ko ang kalangitan. Nakita ko ang mga ulap na waring naglalayag sa kulay asul na karagatan, at sa mura kong isip, lumikha iyon ng mga hugis. Doon sumagi sa aking gunita ang mapagmahal na Diyos. Nakatira nga ba Siya roon sa kalawakang aking minamasdan? Paslit pa nga ako noon upang isipin ang kaluwalhatian ng Diyos sa Kanyang kaharian. Ngunit ang nadama kong pag-iisa sa tuktok ng bundok, na malayo sa ingay ng madla, iyon ang isang pagkakataon na makasama ang Dakilang Diyos. Sa mga sandaling iyon, parang ayaw ko nang umalis sa aking kinaroroonan. Nilabanan ko ang pagsunod sa tawag ng aking kuya at ginusto ko pa yatang painitin ang ulo niya kaysa bumaba ako mula sa tuktok ng bundok. Maaalala mo rin sa Mabuting Aklat ang parehong reaksiyon ni Pedro nang makita niya ang pagbabagong-anyo ni Jesus mula sa tuktok ng bundok. Hindi ako magtataka kung bakit gusto niyang manatili roon. Gayong mas kagila-gilalas ang naranasan ni Pedro sa tuktok ng bundok kaysa akin, alam kong dapat akong tumugon sa tawag ng aking kuya. Tulad ni Pedro, kailangan kong bumaba mula sa bundok at magbalik sa lambak nang may bagong sigla, may bagong pag-asa. Minsan, narinig kong sinabi ng isang pari sa kanyang sermon, na wala aniyang kahulugan ang bundok kung wala ang mga lambak at kailangan nating magbalik sa realidad matapos makaranas tayo ng kagila-gilalas na karanasan. Kung pagod ka na sa paghahanapbuhay, sinasabi marahil ng Panginoon sa iyo na “Halika, magpahinga ka muna”. Ngunit kung nasa tuktok ka ng bundok, huwag kang manatili roon. Nais kumilos ng Diyos sa pamamagitan mo para sa iyong kapwa. B AGAMAT maaaring nakakukulili na, hindi dapat palalampasin ang nagbigaydungis sa maalab na pagsalubong kay Pope Francis. Dahil sa paghahangad na maikubli sa pansin ng ating panauhin, inipon ang mamaralitang pamilya kasama ang street children at dinala sa isang marangyang resort sa Batangas. Totoo na hindi maitatago ang kahirapan, pero bakit ito ay itinago sa panahon ng pagbisita ng Papa? Walang kagatul-gatol ang pahayag ng isa sa mga pinagbuhay-marangya sa Batangas: Para kaming ikinubli sa Papa. May matuwid ang naturang street children. Hindi ba sila ang sinadya ni Pope Francis dito? Lalo na nga ang mga biktima ng kalamidad, tulad ng mga sinalanta ng super-typhoon sa Visayas. Maaaring malayo sa plano ng Papa, pero marami ang naniniwala na malayo sa kanyang hinagap na masaksihan ang ilang sektor ng sambayanan ng sinasabing manhid sa pagdamay sa mga nagdarahop, lalo na ang ilang lingkod ng bayan na nangungulimbat ng biyaya na dapat tinatamasa ng mga dukha. Hindi ba paulit-ulit niyang sinasabi: Tutulan at lipulin ang katiwalian? Hindi lamang miminsang pilit itinago ang karalitaan. Nang minsang tayo ay dinalaw ng isa pang Papa, pinaganda ang mga ruta na kanyang binagtas. Maliwanag na ikinukubli sa kanyang paningin ang naglipanang mga pulubi at ang mga barung-barong na nakatirik sa mga sidewalk at estero. Isa itong malaking pagkukunwari. Hindi na sana dapat pang mabahiran ang makasaysayan, banal at maalab na pagtanggap sa kanya. SANDALI LANG PANGARAP NA NATUPAD Heb 10:1-10 ● Slm 40 ● Mc 3:31-35 Dumating ang ina ni Jesus at ang kanyang mga kapatid; nakatayo sila sa labas at ipinatawag siya. Nakaupo si Jesus at napapaligiran ng mga tao nang may magsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; hinahanap ka nila.” At sinabi ni Jesus: “Sino ang aking ina at mga kapatid?” At pagtingin niya sa mga nakaupo sa paligid niya ay kanyang sinabi: “Narito ang aking ina at mga kapatid. Mga kapatid ko at ina rin ang sumusunod sa kalooban ng Diyos.” PAGSASADIWA Sino ang aking ina at mga kapatid? ● Ginamit lamang ni Jesus ang tagpong ito para ituro ang isang katotohanan – na “Blood is not thicker than water”. Sa mata ng Diyos, lahat ay magkakapamilya, subalit may iisang kailangan – ang gawin ang kalooban ng Diyos. Kapamilya ka kapag ginagawa mo ang kalooban ng Diyos. At ano nga ba ang pangunahing kalooban ng Diyos? Ang magmahalan tayo. Kaya tama ngang sabihin na kapamilya ka kung gagawin mo ang kalooban ng Diyos, dahil pagmamahalan ang naguugnay sa mga magkakapamilya; at nakabatay ang pagmamahalang ito sa pag-ibig ng Diyos, isang pagibig na handang magpatawad at mangalaga. Pumili ka ng isang tao na naglilingkod sa iyo, ang guwardiya ninyo o kasambahay at bigyan mo siya ng isang bagay na sa tingin mo kailangan niya. Ito ang kongkretong paggawa ng kalooban ng Diyos. “ S I M B A H AY 2 0 1 5 ” S T. PAULS Philippines, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 895-9701; FAX: 895-7328; Email: books@ stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph. NEWSKOPO WALANG SILBI Vivi Patron Eddie Damian ARITO ang ikatlong bahagi ng ating paksa tungkol sa mga palatandaan na nagtatagumpay ka na sa buhay. Ipagpatuloy natin... ● Malaya mong nagagawa ang iyong hilig. – Hindi ka tuod. Hindi ka estatwa. At lalong hindi ka rin ka kanal na hindi na dumadaloy ang tubig. Alam mong mayroon kang maiaambag sa daigdig. May taglay kang talento at galing. Sapagkat alam mo ang iyong kakayahan, gumagawa ka ng paran upang lalo kang maging mahusay sa larangang iyong nakahiligan. ● Mayroong mga bagay na iyong pinananabikan. – Kung wala kang pinananabikan sa iyong buhay, unti-unti nang namamatay ang iyong loob. Ang matatagumpay na tao ay lumilikha ng kanilang aasintahin – bagay na kanilang gusto o nakahiligang gawin. Hinahayaan nilang pangunahan ng pananabik ang kanilang buhay. ● May mga pangarap kang natupad. – Kahit bahagi na ng buhay ang kabiguan, hindi ka bumitiw sa iyong mga goal at mga pangarap hanggang hindi mo ito natutupad. Sapagkat nakatikim ka ng tagumpay, hindi ka titigil hanggang makamit mo pa ang mas maraming tagumpay. ● May malasakit ka sa iba. – Ang taong walang malasakit ay katulad ng isang bangkay. Katumbas ng pagmamalasakit ang paghahasik ng pag-ibig at positibog enerhiya sa daigdig. Alam ito ng matatagumpay na tao. Mahal nila ang kanilang kapwa na parang kapamilya. ● Handa kang magmahal. - Ang pag-ibig ay pakikipagsapalaran, at kung minsan, nakakatakot. Ngunit kailangan nating umibig, at ang nakakatakot lang ay ang tanggihan ang iniaalok nating pagmamahal. Kung bukas ang iyong puso para magmahal at handa kang mahalin ng iba, nagtagumpay ka na. ● Wala kang pakialam kung ano ang iniisip ng iba. – Alam mong hindi mo mapasasaya ang lahat ng tao. Alam mo rin na ang mga pamantayang ginagamit ang mga lipunan para husgahan ang mga tao ay hindi makatotohanan. Kaya manatiling totoo sa iyong sarili at tuparin ang iyong mga responsibilidad. Tatapusin bukas. MAHIGIT 30 ● Nagkaroon kamakalawa ng sagupaan ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF, isang breakaway group ng MILF na tumatanggi sa prosesong pangkapayapaan) sa Maguindanao. Kinumpirma ng mga lokal na awtoridad na mahigit 30 pulis ng SAF ang namatay habang lima naman ang nalagas sa BIFF. Mas marami kung gayon ang puwersa ng BIFF. Kasunod ito ng pambobombang naganap sa lungsod ng Zamboanga gamit ang isang car bomb kung saan dalawa katao ang namatay at 54 ang sugatan ngunit wala namang umako ng krimen. Magpahanggang ngayon, sinisikap ng mga awtoridad na bawiin sa lugar ang bangkay ng mga pulis. May nakapag-ulat na isang tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic Armed Forces, walong pulis ang nabihag ng BIFF. Misyon kasi ng SAF na hanapin ang bomb experts na nagngangalang Zulkifli bin Hir mula Malaysia at isang nagngangalang Basit Usman. Iniulat na nasukol ang mga pulis bunga na rin ng kakapusan ng bala at armas. Hindi na matatapos ang ganitong situwasyon sa bahaging iyon ng Mindanao hanggang hindi nareresolba ang problema sa katiwalian ng ating mga opisyal. Magtataka ka rin na sa dinamirami ng mga pagsasanay na sinuong ng ating sandatahang lakas, pati na ang pagbili ng mamahalin at magagarang armas, hindi nagawang ipagtanggol ng mga namatay ang kanilang sarili. Bakit matagumpay ang katiting na BIFF na magsagawa ng opensiba? Dapat napaghandaan ng SAF ang worst scenario. *** CHICKEN ● Ang manok ay natural na matatakutin. Kahit kaluskos lang ng kung anong bagay na malapit rito, agad itong umiiwas dahil takot nga. Sa American slang, ‘chicken’ ang tawag sa isang taong duwag; at ito ito ang inilarawan ni Top Rank chief executive Bob Arum kay undefeated American boxer Floyd Mayweather na nambibitin ng kumpirmasyon nito sa nalalapit na laban nito sa ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Giit ni Arum na pumayag na sila sa lahat ng kondisyon ni Mang Floyd ngunit naghahanap lamang ito ng maidadahilan para hindi matuloy ang basagan ng mukha nina Pacman sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. Ani Arum, wala namang ibang dapat sisihin kung bakit hindi matuluytuloy ang sagupaan kundi si Mang Floyd. “Mayweather is not a boxer,” ani Arum, “because he’s a chicken”. Tama rin naman dahil puro putak na lang ang narinig natin kay Mang Floyd. N MABUTING BALITA 7 INTERESADO KAMING BUMILI NG CORNER LAND NA MAY GUSALI SA METRO MANILA AT SA MGA PROBINSIYA NA ANGKOP PARA SA MANILA BULLETIN BRANCHES, MAGPADALA LAMANG NG INYONG OFFER SA MANILA BULLETIN, P.O. BOX 769, MANILA 8 balita martes, enero 27, 2015 DINDO M. BALARES, EDITOR Showbiz atbp. Miss Colombia, itinanghal na Miss Universe 2015 S MISS UNIVERSE 2015 Si Miss Colombia Paulina Vega ang kinoronahan bilang bagong Miss Universe sa 63rd annual pageant sa Miami, Florida nitong Linggo, Enero 25, 2015. AP/WILFREDO LEE Ni TESSA DISTOR at AP nagtanghal ang mga singer na sina Nick Jonas at Prince Royce. Nagsilbing mga hurado sina Kristin Cavallari, Emilio Estefan, Nina Garcia, DeSean Jackson, William Levy, Manny Pacquiao, Louise Roe at Lisa Vanderpump. Matapos ang pageant, nagpaskil ng balita 9 BRET JACKSON, NAKAKAINTRIGA ANG POST MJ LASTIMOSA, ‘DI PUMASOK SA TOP 5 I Miss Colombia Paulina Vega ang kinoronahang 2015 Miss Universe, sa 63rd annual pageant na ginanap sa Florida International University sa Doral City, Florida, kahapon. Si Miss USA Nia Sanchez, 24, ang first runner-up. Sinundan siya ni Miss Ukraine Diana Harkusha. Si Miss Netherlands Yasmin Verheijen ang nasa ikatlong puwesto. At fourth runner-up naman si Miss Jamaica Kaci Fennell. Tinalo ni Vega ang 87 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sinabi ni Vega, 22, estudyante ng business administration mula sa Barranquilla, Colombia, na ang mga patimpalak bago ang Miss Universe ang una niyang sinalihan. Sinabi rin niya na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Colombia matapos ang kanyang reign. “It will be a dream come true to represent the woman of today. A woman that not only cares about being beautiful and being glamorous, but also cares about being a professional, intelligent, hard-working person,” sabi ni Vega nitong unang bahagi ng linggo nang talakayin ang papel ng magwawagi sa pageant ngayong taon. Samantala, si Sanchez ay may fourth-degree black belt sa Tae Kwon Do at nilibot ang bansa para turuan nito ang mga bata. Nagpahayag siya na mahalaga ang kakayahan ng kababaihan na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga krimen. “It’s just something that’s so prevalent in our society and why not empower women to take control of a dangerous situation into their own hand,” ani said. Si Miss Nigeria Queen Celestine ang nanalong Miss Congeniality; si Miss Puerto Rico Gabriela Berrios ay Miss Photogenic; at si Miss Indonesia Elvira Devinamira, ang nag-uwi ng Best in National Costume Award. Ang pambato ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa ay nakapasok sa final 10 kasama sina Miss Venezuela Migbelis Lynette Castellanos, Miss Spain Desire Cordero, Miss ArgentinaValentina Ferrer, at Miss Australia Tegan Martin. Ang Today Show personality na si Natalie Morales ang host ng show. Si Miss Colombia ay kinorohanan ni outgoing Miss Universe, Gabriela Isler ng Venezuela. Kabilang sa mga martes, enero 27, 2015 mensahe si MJ sa kanyang Instagram at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya. “So proud to be a Filipino! Man, cant express how grateful I am to everyone! Im filled with love right now! Love you all! Godbless us! Mabuhay!” saad ni MJ. Andi at Jake, nagkabalikan na naman M UKHANG hindi nga kayang i-resist ni Andi Eigenmann si Jake Ejercito dahil nagkabalikan na raw sila at magkasama sila sa Singapore, sabi ng mga taong malapit sa dalawa. Naalala namin tuloy si Bret Jackson na kamakailan lang ay nagpahayag pa na hindi na raw magkakabalikan sina Andi at Jake dahil iyon daw ang sabi ng aktres. Bukod dito ay okay ang relasyon nila ni Andi maski na hindi pa sila officially on pero masaya sila kapag magkasama sila bukod pa na sabay nilang sinalubong ang Bagong Taon. Sabi ito ni Bret sa presscon ng bagong programa ng TV5 na Trippin’ In Love or Fallin’ In Love episode ng Wattpad nang tanungin namin tungkol sa plano ni Jake na pakikipagbalikan kay N Ni REGGEE BONOAN Andi at Jake Andi. “I think that people get that misinterpreted,” sabi ni Bret. “I don’t think he’ll say that he has a plan to get back with her, he actually need or fear the things he said. I don’t think he has a plan to get back with her. And if he does, it’s up to Andi in the end, di ba? Its’ up to her, it doesn’t matter kung may plano ka (Jake), it doesn’t mean you’re going to get back together.” Pero heto, marami ang nagulat sa post ni Bret sa kanyang Twitter account noong Sabado ng gabi na, “Liar Liar Pants On Fire at Cheater Cheater Pumpkin Eater.” Sino kaya ang sinasabihan ni Bret ng ganito? Eksena kaya ito sa Wattpad episode nila ni Eula Caballero na may titulong Trippin’ In Love or Fallin’ In Love dahil nag-post din siya ng tungkol sa taping? Sabi pa ng mga kaibigan nina Jake at Andi, hindi sila nagpakuha ng litrato na magkasama na naka-post, pero iisa naman ang background ng litrato nila kaya kumpirmadong magkasama talaga sila. Galing sa relasyon kay Jake, papunta sa isa pang Jake? AKITANG magkasama sa Valkyrie Club sa Bonifacio Global City, Taguig si Jake Cuenca at ang ex-girlfriend ni Jake Ejercito na si KC del Rosario. Matatandaang si KC ang dahilan kaya nagwawala kamakailan si Andi Eigenmann at nagpahayag na hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. Pero kamakailan lang ay naghiwalay na sina Jake Ejercito at KC at nagpahayag ang binata na babalikan niya si Andi. At dahil nakitang nagka- clubbing sina Jake Cuenta at KC ay may obserbasyon ang netizens, ‘mahilig pala sa Jake si KC, ang haba ng hair niya, huh.’ Nagtanong kami sa kaibigan nina Jake Cuenca at KC kung sila na. “Nope! They’ve been friends, ‘tagal na. ‘Tagal na namin nakakasama si Jake (Cuenca) and he already posted photos with KC before pa.” Sabinaminnabakakasingayon lang binigyan ng kahulugan ang pagsasama nina Jake Cuenca at KC kasi nga single na ang dalaga. “Puwede,” tipid na sabi ng kaibigan ng dalawa. P e r o knowing Jake Cuenca (kailangang buuin ang pangalan para hindi malito ang readers) kapag parati n i y a n g kasama ang Jake isang babae ay nade-develop kaagad siya kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay nililigawan o girlfriend na niya si KC del Rosario. Reggee Bonoan Mahusay na aktor, inalat sa nilipatang network S IMULA nang lumipat sa ibang TV network ang mahusay na aktor ay nawalan na siya ng endorsements at sponsorship maski na may regular shows siya sa nilipatan niya.Nagtataka naman kami kung bakit nawala, eh, network lang naman ang naiba sa mahusay na aktor kaya nag-usisa kami, at nalaman namin na ibinase sa survey ng ad agency. Kuwento sa amin ng mayari ng clothing apparel na nag-i-sponsor sa mahusay na aktor, “Mahina kasi ang bago (TV network), mas malakas ang dati.” “Nu’ng kinuha namin siya bilang endorser, hindi naman siya masyadong nakatulong sa sales, but since may regular shows siya sa (TV network), hinabol na lang namin ang mileage, pero nitong lumipat na siya sa kabilang network, siguro hindi na namin siya kailangan kasi hindi ganu’n kalakas ang mileage, maski sa ibang bansa hindi napapanood ang mga show, kilala lang ng mga tao sa ibang bansa ‘yung mga lumang artista. Hindi ko naman puwedeng damitan ‘yung mga lumang artista. We cater young stars, not the old ones.” Naawa kaming bigla sa mahusay na aktor dahil kaya nga siya lumipat sa ibang network ay para mapansin siya kasi kokonti lang ang artista ng nilipatang network kumpara sa pinanggalingan, pero ang ending nawalan pa tuloy siya ng sponsorships at TVC. --Reggee Bonoan 8 balita martes, enero 27, 2015 DINDO M. BALARES, EDITOR Showbiz atbp. Miss Colombia, itinanghal na Miss Universe 2015 S MISS UNIVERSE 2015 Si Miss Colombia Paulina Vega ang kinoronahan bilang bagong Miss Universe sa 63rd annual pageant sa Miami, Florida nitong Linggo, Enero 25, 2015. AP/WILFREDO LEE Ni TESSA DISTOR at AP nagtanghal ang mga singer na sina Nick Jonas at Prince Royce. Nagsilbing mga hurado sina Kristin Cavallari, Emilio Estefan, Nina Garcia, DeSean Jackson, William Levy, Manny Pacquiao, Louise Roe at Lisa Vanderpump. Matapos ang pageant, nagpaskil ng balita 9 BRET JACKSON, NAKAKAINTRIGA ANG POST MJ LASTIMOSA, ‘DI PUMASOK SA TOP 5 I Miss Colombia Paulina Vega ang kinoronahang 2015 Miss Universe, sa 63rd annual pageant na ginanap sa Florida International University sa Doral City, Florida, kahapon. Si Miss USA Nia Sanchez, 24, ang first runner-up. Sinundan siya ni Miss Ukraine Diana Harkusha. Si Miss Netherlands Yasmin Verheijen ang nasa ikatlong puwesto. At fourth runner-up naman si Miss Jamaica Kaci Fennell. Tinalo ni Vega ang 87 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sinabi ni Vega, 22, estudyante ng business administration mula sa Barranquilla, Colombia, na ang mga patimpalak bago ang Miss Universe ang una niyang sinalihan. Sinabi rin niya na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Colombia matapos ang kanyang reign. “It will be a dream come true to represent the woman of today. A woman that not only cares about being beautiful and being glamorous, but also cares about being a professional, intelligent, hard-working person,” sabi ni Vega nitong unang bahagi ng linggo nang talakayin ang papel ng magwawagi sa pageant ngayong taon. Samantala, si Sanchez ay may fourth-degree black belt sa Tae Kwon Do at nilibot ang bansa para turuan nito ang mga bata. Nagpahayag siya na mahalaga ang kakayahan ng kababaihan na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga krimen. “It’s just something that’s so prevalent in our society and why not empower women to take control of a dangerous situation into their own hand,” ani said. Si Miss Nigeria Queen Celestine ang nanalong Miss Congeniality; si Miss Puerto Rico Gabriela Berrios ay Miss Photogenic; at si Miss Indonesia Elvira Devinamira, ang nag-uwi ng Best in National Costume Award. Ang pambato ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa ay nakapasok sa final 10 kasama sina Miss Venezuela Migbelis Lynette Castellanos, Miss Spain Desire Cordero, Miss ArgentinaValentina Ferrer, at Miss Australia Tegan Martin. Ang Today Show personality na si Natalie Morales ang host ng show. Si Miss Colombia ay kinorohanan ni outgoing Miss Universe, Gabriela Isler ng Venezuela. Kabilang sa mga martes, enero 27, 2015 mensahe si MJ sa kanyang Instagram at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya. “So proud to be a Filipino! Man, cant express how grateful I am to everyone! Im filled with love right now! Love you all! Godbless us! Mabuhay!” saad ni MJ. Andi at Jake, nagkabalikan na naman M UKHANG hindi nga kayang i-resist ni Andi Eigenmann si Jake Ejercito dahil nagkabalikan na raw sila at magkasama sila sa Singapore, sabi ng mga taong malapit sa dalawa. Naalala namin tuloy si Bret Jackson na kamakailan lang ay nagpahayag pa na hindi na raw magkakabalikan sina Andi at Jake dahil iyon daw ang sabi ng aktres. Bukod dito ay okay ang relasyon nila ni Andi maski na hindi pa sila officially on pero masaya sila kapag magkasama sila bukod pa na sabay nilang sinalubong ang Bagong Taon. Sabi ito ni Bret sa presscon ng bagong programa ng TV5 na Trippin’ In Love or Fallin’ In Love episode ng Wattpad nang tanungin namin tungkol sa plano ni Jake na pakikipagbalikan kay N Ni REGGEE BONOAN Andi at Jake Andi. “I think that people get that misinterpreted,” sabi ni Bret. “I don’t think he’ll say that he has a plan to get back with her, he actually need or fear the things he said. I don’t think he has a plan to get back with her. And if he does, it’s up to Andi in the end, di ba? Its’ up to her, it doesn’t matter kung may plano ka (Jake), it doesn’t mean you’re going to get back together.” Pero heto, marami ang nagulat sa post ni Bret sa kanyang Twitter account noong Sabado ng gabi na, “Liar Liar Pants On Fire at Cheater Cheater Pumpkin Eater.” Sino kaya ang sinasabihan ni Bret ng ganito? Eksena kaya ito sa Wattpad episode nila ni Eula Caballero na may titulong Trippin’ In Love or Fallin’ In Love dahil nag-post din siya ng tungkol sa taping? Sabi pa ng mga kaibigan nina Jake at Andi, hindi sila nagpakuha ng litrato na magkasama na naka-post, pero iisa naman ang background ng litrato nila kaya kumpirmadong magkasama talaga sila. Galing sa relasyon kay Jake, papunta sa isa pang Jake? AKITANG magkasama sa Valkyrie Club sa Bonifacio Global City, Taguig si Jake Cuenca at ang ex-girlfriend ni Jake Ejercito na si KC del Rosario. Matatandaang si KC ang dahilan kaya nagwawala kamakailan si Andi Eigenmann at nagpahayag na hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. Pero kamakailan lang ay naghiwalay na sina Jake Ejercito at KC at nagpahayag ang binata na babalikan niya si Andi. At dahil nakitang nagka- clubbing sina Jake Cuenta at KC ay may obserbasyon ang netizens, ‘mahilig pala sa Jake si KC, ang haba ng hair niya, huh.’ Nagtanong kami sa kaibigan nina Jake Cuenca at KC kung sila na. “Nope! They’ve been friends, ‘tagal na. ‘Tagal na namin nakakasama si Jake (Cuenca) and he already posted photos with KC before pa.” Sabinaminnabakakasingayon lang binigyan ng kahulugan ang pagsasama nina Jake Cuenca at KC kasi nga single na ang dalaga. “Puwede,” tipid na sabi ng kaibigan ng dalawa. P e r o knowing Jake Cuenca (kailangang buuin ang pangalan para hindi malito ang readers) kapag parati n i y a n g kasama ang Jake isang babae ay nade-develop kaagad siya kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay nililigawan o girlfriend na niya si KC del Rosario. Reggee Bonoan Mahusay na aktor, inalat sa nilipatang network S IMULA nang lumipat sa ibang TV network ang mahusay na aktor ay nawalan na siya ng endorsements at sponsorship maski na may regular shows siya sa nilipatan niya.Nagtataka naman kami kung bakit nawala, eh, network lang naman ang naiba sa mahusay na aktor kaya nag-usisa kami, at nalaman namin na ibinase sa survey ng ad agency. Kuwento sa amin ng mayari ng clothing apparel na nag-i-sponsor sa mahusay na aktor, “Mahina kasi ang bago (TV network), mas malakas ang dati.” “Nu’ng kinuha namin siya bilang endorser, hindi naman siya masyadong nakatulong sa sales, but since may regular shows siya sa (TV network), hinabol na lang namin ang mileage, pero nitong lumipat na siya sa kabilang network, siguro hindi na namin siya kailangan kasi hindi ganu’n kalakas ang mileage, maski sa ibang bansa hindi napapanood ang mga show, kilala lang ng mga tao sa ibang bansa ‘yung mga lumang artista. Hindi ko naman puwedeng damitan ‘yung mga lumang artista. We cater young stars, not the old ones.” Naawa kaming bigla sa mahusay na aktor dahil kaya nga siya lumipat sa ibang network ay para mapansin siya kasi kokonti lang ang artista ng nilipatang network kumpara sa pinanggalingan, pero ang ending nawalan pa tuloy siya ng sponsorships at TVC. --Reggee Bonoan 10 Showbiz martes, enero 27, 2015 balita Marc Nelson at Rovilson Fernandez, magiging hosts ng ‘Asia’s Got Talent’ I Ni James Christian Makalintal, trainee SA sa pinakabagong aabangan ngayon sa Asya ang Asia’s Got Talent. Ang Asia’s Got Talent ay bersiyon ng regional franchise ng Got Talent na binubuo ng iba’t ibang bansang may sariling prangkisa ng naturang show na nagpapamalas sa kakayahan ng bawat contestant sa pagkanta, pagsayaw, magicians, komedyante at iba’t ibang klase pa ng pagtatanghal. Walang pinipiling edad ang nasabing talent competition dahil gaano ka man katanda o kabata basta’t may talento kang ipapakita ay maaari kang sumali. Ipapalabas ang Asia’s Got Talent sa Marso ng 2015 sa halos 20 bansa sa Asya. Ang Asia’s Got Talent ay sixtythird-version ng franchise. Matapos itong mabili ng AXN Asia ay agad namang inilabas ng AXN ang ilan sa mga kilalang tao na magiging bahagi ng palabas bilang judges kasama ang award-winning composer and music producer na si David Foster, ang dating miyembro ng Spice Girls na si Melanie C, Indonesian singer na si Anggun at ang nagbabalik na miyembro ng F4, ang Taiwanese-American singer-actor na si Vanness Wu. Malaking karangalan naman para sa ating bansa ang balita na dalawa sa kilalang celebrity hunks, host at models ang magiging parte ng Asia’s Got Talent bilang hosts. Hindi maitago ang Marc at Rovilson kasama ang ‘Asia’s Got Talent’ judges excitement ng dalawa nang malaman nila na sila ang napili ng AXN Asia na maging host matapos ang matagumpay nilang laban sa Amazing Race sa ikalawang puwesto. Ito ay sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez. Naging parte ang dalawang celebrity hunks at bestfriends ng Amazing Race Asia na umabot sa ikalawang puwesto at naging malaking ring balita dahil sa matagumpay at maayos na pagrerepresenta sa bansa. Nitong Enero 24, 2015 nalaman ng dalawa na sila ang magsisilbing host ng nasabing patimpalak at agad naman itong tinanggap at ipinagpasalamat. Ayon sa post ni Marc Nelson sa kanyang Instagram account: @ marcnelson, “At long long last the secret is out! Sorry to keep you all in the dark for so long, but I’m very happy to announce that my good buddy Rovilson and I are the hosts of the Biggest Talent Show in the World... Asia’s Got Talent! woohoo!! We just wrapped judges auditions and they were awesome! So privileged to be working alongside our amazing judges Melanie C, Van Ness Wu, Anggun and David Foster. It’s going to be epic.” SUNDAN sa p. 11 Xian Lim, kakabugin ang ibang actors sa bagong proyekto H INDI man diretsahang naipaliwanang ni Xian Lim ang pagkatanggal niya sa Bridges, inamin naman niya na nang mabasa niya ang script ng naturang ABS-CBN project ay agad niyang naisip na mas bagay kay Paulo Avelino ang role na unang inialok kay John Lloyd Cruz pero napunta nga sa kanya. “Nang mabasa ko ang script, eh, mas bagay talaga kay Paulo ang role. Good thing naman, eh, ibinalik ng Dos ang tambalang KimXi,” paiwas na sagot ni Kian sa ipinatawag na prescon ng Paddington. Nawala man sa kanya ang Bridges ay marami naman ang nagsasabi na higit na bongga ang kapalit na proyekto niya tulad nga ng Paddington. Mas kakabugin niya ang ilan sa mga kapwa niya aktor sa Dos sa first project niya sa taong ito. Siya lang naman ang napiling official voice sa pelikula ng sikat na sikat na bear mula sa United Kingdon, huh! Ang naturang proyekto ay produced ni David Heyman na siya ring producer ng Harry Potter at siya ring pumili kay Xian. Kaya sa pagpapalabas ng Paddington dito sa Pilipinas ay ang boses ni Xian ang maririnig. “Nakaka-enjoy. A different experience. Iba ‘yung pakiramdam,” excited na pahayag ng actor. Ayon pa sa actor, first time na gagamitin ang boses niya sa animated character pero with flying colors ay nagawa niya. “When they presented the project to me, they asked if I would rather have a British accent or an American accent. We just added a touch of British. “May coach provided and nagulat ang coach. Akala niya nakapag-dub na ako ng maraming beses dahil madali kong nasundan, it takes a bit of practice rin,” sabi ni Xian. Mapapanood sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang pelikulang Paddington simula sa February 11. Ang Captive Cinema ang local distributor nito. Hindi nag-audition si Xian. Nakita siya ng local distributor at ipina-approve sa producer ng pelikula at wala silang naging objection sa boses ng aktor. Si Xian ang mas ginusto ng producer kaysa dalawang kilala at kasamahang aktor ng Dos na talagang nangarap na masungkit ang naturang proyekto. 11 balita MARTes, enero 27, 2015 Buhok ni Lincoln, Banta sa mga Muslim sa US, tumindi dahil sa ‘American Sniper’ naisubasta ng $25,000 W ASHINGTON (AFP) – Tumitindi ang banta sa mga Muslim sa Amerika kasunod ng pagpapalabas ng pelikulang American Sniper, saad sa liham ng isang American-Arab organization sa direktor ng pelikula na si Clint Eastwood at sa bida nitong si Bradley Cooper. Sa open letters na inilabas sa unang bahagi ng linggong ito, sinabi ng AmericanArab Anti-Discrimination Committee (ADC) na tumaas ang bilang ng mararahas na pagbabanta sa mga Muslim dahil sa pelikula, na kuwento ng isang Amerikanong sniper noong Iraq war. “A majority of the violent marc nelson . . . mula sa pahina 10 Halos hindi naman makapaniwala si Rovilson Fernandez na makakasama niya ang ilan sa pinakamagagaling sa kanilang mga larangan, at ayon sa kanya, “It’s Happening. I’m proud and honored to be co-hosting with my bro @marcnelson, the “Biggest Talent Show in the World” Asia’s Got Talent. We are blessed to have onboard as judges, @melaniecmusic,@_________ ___v____________ ,@anggun_cipta & the legendary@officialdfoster! Such a dynamic and absolutely entertaining team to watch! Dozens of countries represented and mind-boggling acts that will tug at all your emotions. Trust me. THANK YOU to all who helped us get here. We are forever grateful(Serena we did it!) “Asia’s Got Talent... The Biggest Talent Show In The World!” Coming soon,” ani Rovilson. Noong nakaraang taon pa nag- threats we have seen over the past few days are (a) result of how Arab and Muslims are depicted in American Sniper,” saad sa liham ng ADC. Sinabi ng grupo na tumanggap ito ng daan-daang mararahas na mensahe mula sa mga nanood ng pelikula, karamihan sa mga ito ay sa pamamagitan ng social media. Ipinabatid na ng ADC sa Federal Bureau of Investigation (FBI) at sa lokal na pulisya ang mga pagbabanta at hiniling kina Clint at Bradley na kondenahin ang mararahas na salitang ginamit ng filmgoers laban sa mga Muslim. “Your visibility, influence, and connection to the film would be a tremendous force in drawing attention to and lessening the serious dangers facing the respective communities,” saad pa sa liham na pirmado ng presidente ng ADC na si Samer Khalaf. Ipinalabas ngayong Enero, ang American Sniper ay batay sa tunay na kuwento ng Amerikanong sundalo na si Chris Kyle na lumaban sa digmaan sa Iraq. Umani ng anim na Oscar nominations ang pelikula at nagbunsod ng debate sa Amerika kaugnay ng pagsalakay sa Iraq at sa pagsasalarawan sa mga beterano sa popular culture. umpisa ang auditions para sa Asia’s Got Talent at ilan rin sa nakatawag pansin ay ang audtition ni Rodfil Obeso mula sa YouTube sensation duo na Moymoy Palaboy. Ang talent show na ito ay napapanood sa mga bansa sa Asya na unang pagpapalabas nito tulad ng Singapore, Pilipinas, Korea, Thailand, Vietnam, Indonesia, at India pati na rin sa Canada at China. Ang nasabing Got Talent franchise ay binuo ni Simon Cowell ng SYCOtv Company at Fremantle Media. MADALI SAGOT KAHAPON D ALLAS (AP) – Isang koleksiyon ng memorabilia ni Abraham Lincoln, na kinabibilangan ng ilang hibla ng buhok ng pinaslang na presidente, ang naibenta ng mahigit $800,000 sa isang subasta sa Dallas nitong Linggo. Umabot sa $803,889 (P35.4 milyon) ang bid para sa koleksiyon ni Donald P. Dow, at doble ito sa inasahan, ayon kay Eric Bradley, tagapagsalita ng Heritage Auctions na nakabase sa Dallas. Sinabi ni Greg Dow na ang kanyang ama, na pumanaw limang taon na ang nakalilipas, ay labis na nahumaling sa mga insidente ng pagpatay sa mga pangulo ng bansa. Ang ilang hibla ng buhok, na kinuha ni Surgeon General Joseph K. Barnes ilang minuto makaraang mabaril si Lincoln ni John Wilkes Booth, ay naibenta ng $25,000 (P1.1 milyon). Ang liham ni Booth noong 1861 para sa isang kaibigan na pinagyayabangan niya ng kanyang career at kahalagahan bilang aktor ay nabenta ng $30,000 (P1.32 milyon). “The public was so disgusted by Booth’s atrocity that most all letters, signatures and documents mentioning him were destroyed after Lincoln’s death, making any that survive 150 years later exceedingly rare and valuable,” sabi ni Don Ackerman, Consignment Director for Historical Americana ng Heritage Auctions. “The Dow Collection gave us a unique perspective of the assassination and I doubt we’ll ever see a grouping like this outside of a museum setting.” 12 Libangan (Ika-91 labas) A no bang nangyari at hinuli ka ng mga pulis?” Tanong ni Mang Teroy kay Aurelio na punong-puno ng pangamba at pag-aalala. “Tiyo Teroy, hindi ko ho malaman kung bakit ako ang napagbintangang nagnakaw ng mga mahahalagang bagay at kasangkapan sa paaralan. Ngunit huwag kayong maniwala, hindi ko magagawa ang krimeng ibinibintang sa akin!” Mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Aurelio. “Naniniwala akong isang napakalaking pagkakamali ang pagturo sa iyong salarin. Alam kong hindi mo magagawa ang krimeng ibinibintang!” Sagot ni Mang Teroy na damang-dama sa tinig ang malaking awa sa pamangkin. “Tiyak na may tao o mga taong may “ ESTELLA DEL MUNDO’S HUL martes, enero 27, 2015 lihim na galit sa iyong gusto kang ipakulong sa kasong gawa ng iba at sa ibinintang sa iyo.” Dagdag ni Mang Teroy na minsan pa, ipinahayag ang hindi paniniwala sa krimeng ibinibintang sa pamangkin. “Wala ho akong nakagalit sa unibersidad. At kung may kaugnayan sa trabaho ko ang kasong ito lalong malabo dahil ginagampanan ko ng wasto at tama!” Sagot ni Aurelio. “Kaya ho, litong-lito ako kung bakit nangyari ang ganito sa akin!” “Wala ho akong maisip na dahilan. . .” Dagdag niyang tuluyang napahagulhol ng iyak. “Kayo na ho ang bahalang magparating kina itay at inay sa nangyari sa akin!” Nang makauwi sa bahay, masinsinang kinausap ni Mang Teroy ang asawang si Aling Liway sa problemang kinakaharap ng pamangkin. At tulad niya, hindi rin makapaniwala ang asawa sa krimeng ibinibintang kay Aurelio kaya labis ang pagtataka at kung anu-anong hinala ang nabuo sa isip. May matibay na batayan ang paniniwala ni Aling Liway na walang kasalanan ang pamangkin ng asawa dahil halos limang taon na itong naninirahan sa kanilang bahay wala siyang nabalitaan o nalamang ginawang labag sa batas. Hindi ito nakikisama o nakikipagbarkada sa mga tambay sa kanilang lugar na walang magawa sa buhay kaya madalas nasasabit sa away at iba pang paglabag sa batas. Tuwina, matapos ang trabaho at pasok sa unibersidad bilang working student, umuuwi si Aurelio at hindi na lumalabas upang magtambay. At matapos tumulong sa iba’t-ibang gawaing bahay, inaasikaso naman ang pag-aaral sa pagnanais matapos ang kursong pinag-aaralan magiging kasangkapan upang matupad ang mga pangarap sa buhay. “Baka may nakaaway siya sa unibersidad?” Tanong ni Aling Liway na punong-puno ng pagkabahala. “Malabo ang bagay na ‘yan. . .” Sagot ni Mang Teroy. “Alam naman nating hindi palaaway si Aurelio at walang gustong gawin sa buhay kung hindi makatapos ng pag-aaral!” “O, baka may naiinggit sa kaniya at nais siyang palitan sa trabaho!” Wika uli ni Aling Liway na tumutulong sa asawang makakuha ng kasagutan sa nangyari kay Aurelio. “Lalong malabo ang anggulong ‘yan. . .” Paliwanag ni Mang Teroy. “Hindi masasabing malaking biyayang kaiinggitan ang pagiging working student niya sa unibersidad dahil pinagpapaguran niya ito!” “Kung gayon, sino ang tao o mga taong may kagagawan ng kasong kakaharapin ng pamangkin mong gawa-gawa at walang katotohanan?” Tanong ni Aling Liway na tulad ng asawa, hindi makapaniwala sa nangyari kay Aurelio. “Wala akong maisip na taong puwedeng paghinalaan sa naganap na ito kay Aurelio.” Sagot ni Mang Teroy. “Pero tiyak, malalaman din natin ang tao o mga taong nasa likod ng pangyayaring ito sa darating na panahon!” “Paano natin ipapaalam kay Damian at Gonding ang nangyari sa kanilang anak?” Wika ni Aling Liway na tinutukoy ang ama at ina ni Aurelio. “Kailangan nilang malaman sa Palaisipan ni Nonie V. Nicasio SCOPE balita R.V. VILLANUEVA lalong madaling panahon ang nangyari upang matulungan si Aurelio?” “Kung sa sulat, aabutin ng mahigit isang Linggo bago nila malaman ang nangyari kay Aurelio. Kung sa telegrama, tiyak na maghahanap sila ng karagdagang paliwanag!” Paliwanag ni Mang Teroy. “Anong plano mo?” Tanong ni Aling Liway. “Uuwi ako sa probinsya. . .” Sagot ni Mang Teroy. “Personal kong ibabalita kina Damian at Gonding ang nangyari kay Aurelio!” (Itutuloy) ni Boy A. Silverio ARIES [Mar 21 - Apr 19] Ipagmalaki mo ang iyong work at maging proactive sa iyong decisions. Be sure na makukuha mo ang iyong gusto. TAURUS [Apr 20 - May 20] Bigyan mo ng emphasis ang mga magagawa mo for others at maaalis ang mga balakid sa iyong daraanan. Sagot Kahapon Sosyalan GEMINI [May 21 - Jun 21] Makatutulong ang pagkukuwento mo sa iba ng iyong goals dahil magsisikap kang marating iyon the soonest. CANCER [Jun 22 - Jul 22] Protektahan mo ang iyong personal connection sa iyong significant someone. Puwede na ang changes na gusto mo. LEO [Jul 23 - Aug 22] Huwag mahiyang magtanong. Alisin ang confusion upang maging malinaw ang gagawin mong decision. VIRGO [Aug 23 - Sep 22] While bata pa ang taon, it’s wiser na gumawa ng savings plan. By the end of the year, malaki ang iyong protection. LIBRA [Sep 23 - Oct 22] It’s a good day para mag-isip ng unique way to handle any difficult situation. Yes, may solution ang problema mo. SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] Mag-ingat sa iyong reactions. Hayaan mong gabayan ka ng iyong intuition. Huwag ituloy ng plan kung may duda ka. SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21] Isang mabilis na maneuver ang makatutulong sa iyong makakuha ng prime position. Surprise your superiors. CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19] Mag-focus ka sa iyong goals, hindi sa ginagawa ng iyong mga kasama. Huwag aksayahin ang oras sa pag-aalala. AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18] Gawin mo na ang changes na based sa iyong feeling. Mayroon kang magandang idea na kailangan nag i-expand. PISCES [Jan 20 - Feb 18] Upang hindi ka maabala in this cycle, better na gawin mong tama ang isang endeavor the first time around. PAHALANG pinaigsi 29. Din 1. Baho 31. Tawag sa 4. Peste sa bahay kapatid na 7. Ano babae 8. Panali 32. Termino sa sa sugat boksing 11. Daglat ng 34. Binti ng Illinois hayop 12. Tawag sa 35. Anunsiyo banal 36. Ahas na 14. Dukha nanglilingkis 15. Ngalan ng 37. Pinausukanglalaki isda 16. Hulapi 17. Paos PABABA 21. Tawag sa guro 23. Brand ng gatas 1. Nasyon ng sanggol 2. Dati 24. Saklob 3. Instrumentong 26. Simbolo ng musikal pilak 4. Katutubo 27. Palangga, 5. Likido sa LAMAN LUPA katawan 6. Peste 9. Uri ng dugo 10. Uncle ng Kano 13. Angat 16. Propyedad 18. Pantukoy 19. Los Angeles 20. Amoy ng sunog na sinaing 22. Ingay ng daga 24. Puga 25. Paaralan ng militar 26. Wari 28. Daras 30. Saka 31. Uri ng prutas 33. Tulang pamuri 34. Samahan sa paaralan PAHALANG 24. Oo sa Kapampangan 25. University of Wales 26. Halimbawa, ikli 28. Wika 30. Bagyo 32. Bubungan 33. Handaan 35. Pelikulang “Mister __” 36. Talim, bakal 37. Putok ng baril 7. Lalaking artista 8. Tangkad 1. Rangya 9. Sara 4. Unat ng lukot 10. Mikhail ng chess 9. Gapos 12. Sapal ng tubo 10. Balak 18. Nakaw 11. Itulak 19. Isilya 13. Dagta (sa trapiko) 14. Magkapatid na 21. Sungayang halos sabay salagubang isinilang 22. Sira ang 15. Marami ng el pagkain 16. Magkasunod 25. Bayarin na letra sa 26. Impis Abakada PABABA 27. Partisyon 17. Sabaw ng sa sinehan sinaing 1. Danas 28. Madaliang 18. Kalookan Institute 2. Putahe pag-alis ‘pag 20. Sinumpong ng 3. Pansamantalang inulit sakit tahi 29. Tago ng pera 23. Chemical 4. B sa Abakada 31. Tawag-knight symbol ng 5. Pantukoy 34. Magkasunod Arsenic 6. Atungal (x 2) na letra ni Roni Santiago Belated happy 11th Wedding Anniversary to Kris & Faye who celebrated last January 26, 2015. We hope that your strong, sweet and soothing bond of togetherness and its freshness will continue ‘til eternity. Greetings from Tsitin & Tintsi. To all those willing to text a lonely guy like me, usap tayo. Kelangan ko ng kausap. I’m Ian, 35, nurse. I need someone to talk to, 30-40 years old. – 0933-7120775 Hanap ako ng ka-text, girl, 22 years old pataas. Kahit single mom okay lang. Mark nga pala from Ilocos Sur. – 0936-3866120 Hi. Si John Lawrence po ako, 23, tagaValenzuela. Sa lahat ng bigo, tara move on na tayo. Basta 18-30 years old. Salamat sa makakapansin, sana i-text n’yo ako. – 09091366426 Naghahanap ako ng text mate. Karen Joy Santos here. – 0933-5830832 Good day! I’m Joan Bolivar from Bacolod City. I’m looking for male text mate, ‘yung mabait at hindi sinungaling at siyempre ‘yung mapagkakatiwalaan. – 0949-6457014 Hi there! I’m Kaira Pilares, 12 years old. I’m looking for a text mate, boy or girl, basta 12 years old pataas at ‘yung mabait lang, ha? Text lang kayo sa 0946-9056978. “Two things are infinite: the universe and human stupidity; and I’m not sure about the the universe.” —Albert Einstein “I have the simplest tastes. I am always satisfied with the best.” —Oscar Wilde “How can a woman be expected to be happy with a man who insists on treating her as if she were a perfectly normal human being.” —Oscar Wilde “A woman in love can’t be reasonable-or she probably wouldn’t be in love.” —Mae West Libu-libong guro na mawawalan ng trabaho, ipinaglaban ng KWF Ni MEL ALJON A. MONTESA, trainee Naniniwala ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ang hakbang ng Commission on Higher Education (CHEd) na pag-alis sa mga subject na may kaugnayan sa Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad ay hindi magiging makatarungan sa kapakanan ng mga guro sa tersiyarya. Ipinipilit ng komisyon na dapat isaalang-alang ng CHEd ang karapatan ng mga gurong mawawalan ng trabaho, at itaguyod ang wikang Filipino sa mga nasa kolehiyo. Nagpadala na ng liham ang National Artist at Tagapangulo ng komisyon na si Virgilio S. Almario noong Disyembre kay CHEd Commissioner Patricia B. Licuanan kaugnay ng usapin. Laman ng liham ni Almario ang mga tanong tungkol sa mga nakahandang hakbang ng CHED para “tupdin ang mandato ng 1987 Konstitusyon na mapalaganap ang wikang Filipino at maipagamit ito bilang wikang panturo sa mga kolehiyo at unibersidad” at sinabing “pakinggang mabuti ng inyong Komisyon ang kasalukuyang karaingan ng mga guro sa Filipino at ang nakikinitang masamang epekto ng CMO No. 20 sa buhay ng libolibong guro.” Ito ang naging hakbangin ng KWF makaraang maglabas ng pahayag ang CHEd noong Nobyembre 27, 2014 na maninindigan ito sa pagpapatupad ng CHEd Memorandum Order No. 20, series of 2013. Ang naging hakbang ng komisyon ay bunsod ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa, partikular ang Kto12, na naglalayong isama ang mga general education subject sa kurikulum ng senior high school. Bagamat nagbukas ito ng pagkakataon para baguhin ng CHED ang kasalukuyang general education curriculum, ang memo na ito naman ang magiging dahilan sa pagkawala ng trabaho ng libo-libong guro sa kolehiyo at unibersidad simula 2016 dahil sa pagkakatanggal ng mga subject na itinuturo. Ayon kay Almario, noon pa man ay nagsisikap na ang KWF na magsimula ng isang talakayan kasama ang CHEd tungkol sa Filipino sa kolehiyo at inaasahang masisimulan na ito. 14 Sports martes, enero 27, 2015 2019 FIBA BASKETBALL WORLD CUP FIBA Evaluation Commission team, dumating na sa bansa Dumating sa bansa ang tatlo-kataong FIBA Evaluation Commission team na magsasagawa ng inspeksiyon sa mga venue at magdedesisyon sa kapasidad ng bansa na makapaghost ng 2019 FIBA Basketball World Cup. Magkahiwalay na lumapag ng Pilipinas mula sa kanilang flights ang tatlong miyembro ng FIBA Evaluation Commission, ayon kay SBP Executive Director Sonny Barrios, na sina sports director Lubo Kotleba, director general for media and marketing Frank Leenders at events director Predrag Bogosavljev. Darating din si Patrick Bauman ang secretary-general ng FIBA sa Huwebes para kausapin ang tatlo hinggil sa kanilang evaluation at posibleng magsagawa pa sila ng courtesy call kay President Benigno Aquino III. Naging punong-abala na sa nakaraang 2013 FIBA Asia Championship at muling magiging host ng 2015 SEABA Under 16 tournament, ang qualifier para sa FIBA Asia U16 Championship, nag-bid ang bansa para mapasakamay ang FIBA World Championship kung saan ay makakatunggali nila ang China, Turkey, Qatar, at pinagsamang grupo na mula sa Germany at France. Ang FIBA Evaluation Commission ay magsasagawa ng inspeksiyon sa may 55,000-sitting capacity na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan at Smart Araneta Coliseum ngayong umaga. Posible din silang bumisita sa EDSA Shangri-La at Sofitel na potensiyal na gawing event hotels bago bumisita sa Mall of Asia Arena, ang pinagdausan ng FIBA Asia Championship kung saan ay makakaranas sila ng Filipino fan reaction sa laro para sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup sa tapatan ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco. Magtutungo din ang grupo sa Cebu bukas na sakay ng private jet ni SBP president at Smart/PLDT chairman Manny V. Pangilinan para naman sa inspeksiyon ng itatayong sports facility ng SM Group doon. Matapos ang panaghalian, babalik sila sa Manila upang saksihan ang gagawin namang presentasyon sa Solaire Hotel bago ang kanilang private dinner kasama ng top SBP executives sa pangunguna ni Pangilinan. Mayroon ding dinner na magaganap at inihanda ni Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario para kay Baumann sa Huwebes. Huling idinaos sa bansa ang FIBA World Championship noong 1978, kung saan ay ginanap ang mga laro sa Araneta Coliseum at Rizal Memorial Coliseum na dito ay nagkampeon ang koponan ng Yugoslavia, sa pamumuno ni Drazen Dalipagic, kontra sa dating Soviet Union via overtime sa finals, 82-81. Ang lahat ng final bids ay isusumite sa Abril 30 sa FIBA Central Board na siyang bubusisi at mag-aaral sa lahat ng mga proposal bago desisyunan ang pagpili sa mananalong bid sa kanilang pulong sa Hunyo. Marivic Awitan Ronda Pilipinas, susuyurin ang mga batang siklista Susuyurin ng Ronda Pilipinas 2015 na iprinisinta ng LBC ang 17 rehiyon sa Pilipinas sa paghahanap ng mga bagong talento na hangad gawing kampeon na tulad nina Reimon Lapaza at Mark Galedo upang mapalakas ang pambansang koponan na isabak sa internasyonal na mga torneo. Sinabi ni Ronda Pilipinas Executive Project Director Moe Chulani na target nilang maibigay sa mga lokal na siklista ang pambihirang tsansa na makapaghanap-buhay, maliban sa oportunidad na maging miyembro ng national team, taunang karera na suportado ng LBC at itinataguyod din ng major sponsor na MVP Sports Foundation. Ang edisyon ng karera ay halos ng mga miyembro ng kasalukuyang national team na sina Galedo, Ronald Oranza, Rustom Lim at George Oconer kung saan ay pawang produkto sila ng Ronda Pilipinas na siyang pinakamalaki at pinakamayamang karera sa Pilipinas at Asya kung saan ay may basbas ito ng PhilCycling. “We want Ronda to be a vehicle for our Filipino cyclists especially the Ni Angie Oredo young and talented ones while giving them a chance to make a living,” sinabi ni Chulani. “But of course, the main goal is to help the country harness these young talents and train them to be world-class international competitors.” Kaya naman sa unang pagkakataon, sa nakalipas na limang edisyon ng karera ay nagdesisyon ang Ronda organizers na magsagawa ng qualifying leg sa Luzon, Visayas at Mindanao na magsisimula sa Mindanao qualifying round sa Pebrero 8 at 9 sa Butuan City, Cagayan de Oro, Tubod sa Lanao del Norte at Dipolog. Mula sa Dipolog, tutulak ang Ronda caravan patungong Negros para sa Visayas qualifying leg simula Pebrero 11 at 12 sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod bago bumalik sa Norte para sa eliminasyon sa Luzon sa Pebrero 15 at 16 na gaganapain sa Antipolo City at Tarlac City. Mahigit 100 riders ang papasok sa tatlong qualifying races para makasikad sa championship round sa Luzon kung saan ay makakasama nila ang seeded na sina 2014 Ronda Pilipinas champion na si Lapaza ng Butuan City at Galedo at Ronald Oranza na Asian Cycling Championship-bound national team at ang siyam kataong composite na European team na binubuo ng Danish cyclists para pag-agawan ang top purse na P1 milyon mula sa LBC. Hangad naman ni Ronda administration director Jack Yabut ang malaking pangangailangan para hikayatin ang mga bata ngunit puno ng talento na Junior riders na may edad 17 hanggang 18 upang makalahok. “We’re trying to lure young talents particularly the 17-18 age group. Of course, if they join, they will have their own specific rules to protect them. Overall, we want to unearth the talent out there,” sinabi ni Yabut sa karera na iprinisinta ng LBC at suportado MVP Sports Foundation kasama ang Maynilad, NLEX, Standard Insurance, Petron, Greenfield City, Viking Rent A Car at Radio1 Solutions at sanctioned ng PhilCycling na pinamumunuan ni Tagaytay City Congressman Abraham “Bambol” Tolentino. UP, nagsolo pa rin sa liderato Nakapuwersa ang University of Philippines (UP) ng 2-2 draw kontra sa Ateneo de Manila University (ADMU) upang manatiling nasa liderato ng ikalawang round ng UAAP Season 77 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Football Field. Nakasilip ng break ang Fighting Maroons matapos maka-goal ang kanilang striker na si Jin Montemayor sa 56th minute na nagbigay sa kanila sa 2-1 kalamangan. Nakuha namang tumabla ng Blue Eagles may 4 na minuto ang nakalipas sa pamamagitan ni Emilio Acosta. Una nang nakaiskor ang Ateneo sa pamamagitan ni Wilson Montemayor sa drilling 18th minute bago nakatabla ang UP kasunod ang goal ni Jose Anton Yatco, makalipas ang 2 minuto. Sa FEU-Diliman pitch, tumapos din sa draw ang laban ng defending champion Far Eastern University (FEU) at De La Salle sa iskor na 1-1. james . . . mula sa pahina 16 BINUKSAN noong Sabado ni Filsports Basketball Association (FBA) Commissioner Vince Hizon ang 1st conference ng liga sa pagitan ng Malolos Mighty Bulsu at Pampanga Foton Tornadoes sa Malolos Sports Gym. Dumalo sa opening ceremonies sina Senator Sonny Angara, dating Ginebra star Robert “Dodot” Jaworski, SBP’s Bernie Atienza, Malolos Mayor Christian Natividad, Marikina Mayor Del de Guzman, FBA president Robert Sombillo at league operations head LJ Serrrano para sa non-professional league grassroots program ng Malolos. balita ’I want him to miss tonight’s game too,’’ sabi ni Brooks na natatawa bago ang opening tip. ‘’I want every advantage I can get. He’s not missing it, is he?’’ Ang matchup sa pagitan ng dalawang MVP ng NBA, at mga koponang inaasahang maglalaban para sa titulo, ay mayroong playoff-like vibe. Naglaro sa unang pagkakataon na wala ang reigning MVP na si Paolo Bugas na hindi na makababalik hanggang matapos ang season dahil sa tinamong ACL injury, nakalamang ang Tamaraws makaraang ma-foul si Jess Melliza sa loob ng box at nakaiskor sa pamamagitan ng spot kick sa 84th minute. Nakuha namang tumabla ng Green Booters sa 89th minute kasunod ang goal ni Chuckie Uy. Dahil sa panalo, mayroon na ngayong natipong 17 puntos ang UP, angat ng 1 puntos sa pumapangalawang La Salle habang pumangatlo ang Ateneo na may 15 puntos. Sa iba pang laro, nagtapos din sa 1-1 draw ang laban ng National University (NU) at University of the East (UE) sa Moro Lorenzo Football Field habang nanaig naman ang University of Santo Tomas (UST) kontra sa Adamson, 4-1. Tabla sa ngayon ang NU at ang UE na may 14 puntos para sa ikaapat na puwesto, ngunit angat ang una sa goal difference habang nakatipon naman ang UST ng 9 puntos para umangat sa 5th spot. Samantala, sa women`s division, tinalo ng FEU ang UST, 1-0, habang nauwi ang laban ng Ateneo at La Salle sa scoreless draw. Sa pagbubukas naman ng aksiyon sa juniors division, inilampaso ng defending champion FEU-Diliman ang UST, 10-0, habang nakaungos naman ang La Salle-Zobel laban sa Ateneo, 3-2. Marivic Awitan Ang dalawang koponan ay naglaro na tila wala nang bukas. Mayroon ding highlight-reel worthy dunks, hard fouls, at trash talking. Si Waiters ay binulyawan nang siya ay pumasok bilang sub sa first quarter. Hindi nagustuhan ng fans ng Cavs ang kanyang mga naging komento kamakailan na hindi niya gaanong nahahawakan ang bola nang siya ay nasa Cleveland pa. ‘’I didn’t pay any mind to that,’’ ani Waiters, na niyakap si James pagkatapos ng laro. ‘’It is what it is. Boos, no boos. I can’t focus on that kind of stuff.’’ Resulta ng ibang laro: Miami 96, Chicago 84 Atlanta 112, Minnesota 100 New Orleans 109, Dallas 106 Indiana 106, Orlando 99 LA Clippers 120, Phoenix 101 Toronto 114, Detroit 110 Washington 117, Denver 115 (OT) Golden State 114, Boston 111 Standings: UP 17 pts., DLSU 16, ADMU 15, FEU 14, NU 14, UST 9, UE 3, AdU 0. Sports 15 balita martes, enero 27, 2015 PVF Executive Board, iniluklok Hindi umano nakatataas ang ipinapatupad na batas sa bansa ng Philippine Olympic Committee (POC). Ito ang nagkakaisang sinabi ng mga miyembro ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na nagsidalo at isinagawa ang pinakaaasam na lehitimong eleksiyon noong Linggo ng hapon sa Alano Hall sa Philippine Navy Golf Club kahit na walang representante ang POC. Nahalal ang siyam na katao na bubuo sa Executive Board mula sa dumalong 42 mga miyembro sa unang general assembly ng asosasyon sapul noong 2010 na inaasahang ookupahan naman ang iba’t ibang komisyon na napag-usapan sa pagpupulong bago isinagawa ang eleksiyon. Muling nakasama sa ibinotong opisyales si Edgardo Cantada, na una nang iniluklok bilang PVF Chairman sa unang pagpupulong noong Enero 7, sa nine-man board na dinaluhan ng mga personahe na mula sa dating dalawang nag-aagawang paksiyon sa volleyball. Pagbobotohan naman ng mga inihalal sa board ang kanilang magiging opisyal na posisyon bilang bagong opisyales ng asosasyon na bubuuin ng presidente, chairman, at secretary general. Nahalal din sa PVF board na magsisilbi sa loob ng dalawang taon (2015-16) ang iniupo noon na PVF president na si Karl Chan, dating PAVA president Victorico Chavez, Roger Banzuela, Ricky Palou at dating national team member at broadcaster Mozzy Ravena. Nakasama din sa board, na muling magsasagawa ng kanilang eleksiyon sa Disyembre 2016, ang sports journalist na si Al Mendoza, Arnel Hajan at si Mariano Diet See. Nakuha ni Chan ang pinakamalaking bilang ng boto na 42, kasunod si Cantada (41), ikatlo si Banzuela (41), ikaapat si Palou (38), ikalima si Chavez (36), ikaanim si Hajan (35), ikapito si Mendoza (34), ikawalo si See (33) at ikasiyam si Ravena (23). Itinuloy ng PVF ang kanilang eleksiyon kahit na walang opisyal ng POC na mag-oobserba na isang requirement para sa lahat ng national sports association’s na miyembro ng natatanging Angie Oredo Puso, naging puhunan ni Rieta Puso. Ito ang naging bentahe para sa nakamit na tagumpay ng University of Perpetual Help ni coach Sandy Rieta sa katatapos na 90th NCAA juniors volleyball tournament kung saan ay winalis nila ang Lyceum para maangkin ang titulo sa FilOil FLying V Arena sa San Juan City. ``Wala akong maisip na salita kung paano idi-described ‘yung nagawa namin kundi, puso,” ayon kay Rieta kasunod ng kanilang 25-15, 25-23, 2519 panalo sa Game Two laban sa Junior Pirates. Dahil sa panalo, naputol na rin ang kanilang dinaanang apat na taong pagka-uhaw sa titulo. Bukod dito, nakamit din nila ang ikapitong pangkalahatang kampeonato sa juniors division upang pumangalawa sa San Sebastian College (SSC) na mayroong 15. At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tagumpay nilang maibangon ang kanilang unibersidad mula sa kabiguang nalasap ng kanilang men`s at women`s team na kapwa nabigong ipagtanggol ang kanilang mag titulo. Marivic Awitan cycling . . . mula sa pahina 16 ex-champion na si Paquito Rivas at mga dating tanyag at mahuhusay na siklista na sina Juancho Ramores at Cornelio Baylon na kapwa nagsimula sa kanilang pagiging siklista sa Palarong Pambansa noong nasa high school pa lamang sila mula dekada 70’s hanggang 80’s. Nangako naman sina Danao City Administrator Oscar “Boying” Rodriguez, ang PhilCycling Technical Commission head, na hikayatin nila ang kanyang mga kababayan sa Cebu na suportahan ang kampanya na maibalik ang cycling sa Palaro kasabay ang paglikha ng mountain bike program na angkop sa mga kabataang nasa elementarya at high school. Bahagi sa kalendaryo ng Palaro ang cycling noon bago ito natigil ng apat na taon mula noong 1984 hanggang 1987 sanhi sa nangyaring EDSA revolution. Ngunit nang ibalik ang Palaro noong 1988, nawala ito sa hanay ng mga regular event sa Lucena City. Marivic Awitan “Cycling is no longer just a sport or a hobby or a form of physical fitness—it is an advocacy to help save the environment,” pahayag ni Tolentino. Gagawin ng PhilCycling ang kanilang representations sa mga bagay na nabanggit kina Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro at Assistant Secretary Tonisito Umali na siya ring Palarong Pambansa Secretary General. “The campaign to use the bicycle, practically every day—as a mode of transportation to and from the work place and schools—has gone global and almost every country in the world is one in promoting the bicycle to help halt global warming,” pahayag naman ni Lina. Nagsimula ang kanilang adhikain na maibalik ang cycling sa Palaro kay dating Tour champion Modesto Bonzo ng Pangasinan na sinuportahan naman ng kanyang kapwa 6TH LE TOUR DE FILIPINAS 2015 Mga banyagang koponan, darating na sa Biyernes Darating ang lahat ng 13 foreign squads, 11 continental at dalawang national teams, sa Biyernes salawang araw bago isagawa ang ika-6 edisyon ng Le Tour de Filipinas na papadyak sa scenic at challenging roads sa Bataan sa kapital ng Balanga. Unang darating para sumabak sa karera na iprinisinta ng Air21 at copresented ng MVP Sports Foundation at Smart ay ang Navitas Satalyst Racing Team ng Australia, susundan ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team ng Iran, ang CCN Cycling Team ng Brunei, ang Kazakshtan National Team at ang Team Novo Nordisk ng US, ang unang professional cycling team na kinabibilangan ng mga siklista na mayroong Type 1 Diabetes. Ang iba pang koponan ay ang Taiwan’s RTS Santic Racing Team at Attaque Team Gusto, Thailand’s Singha Infinite Cycling Team, Indonesia’s Pegasus Continental Cycling Team, Malaysia’s Terengganu Cycling Team, Japan’s Bridgestone Anchor Cycling Team, Iran’s Tabriz Petrochemical Team at ang Uzbekistan National Team na magsisidaratingan din sa nasabing araw. Makikipagsabayan sila kontra sa local squads na 7-Eleven-Road Bike Philippines at ang PhilCycling’s National Team sa Pebrero 1 hanggang 4 sa UCI Asia Tour race na kaakibat ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon bilang major sponsors. Ang mga koponan ay dadalhin bago ang unang bugso ng karera sa Balanga sa Biyernes. Ang cyclists ay magkakaroon ng isang araw na pagsasanay sa Sabado kung saan ang organizing Ube Media ay magsasagawa ng Team Managers meeting na pangungunahan ni Le Tour organizer Donna Lina at UCI International Commissaire Peter Tomlinson ng Australia. Papadyak ang Le Tour bilang kicks off ng UCI’s Asia Tour 2015 calendar at magmamarka sa ika-60 taon ng multistage road racing sa bansa. Magsisimula ang karera sa Pebrero 1 kung saan ay babaybay sa 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One, sususndan ng 153.75-km Balanga-Iba (Zambales) Stage Two, 149.34-km IbaLingayen (Pangasinan) Stage Three at ang 101-km Lingayen-Baguio City Stage Four. WVL 19th Season, umarangkada na Taglay ang pinakamalaking roster ng players na binuo sa volleyball league, dadalhin ng BEST Center Women’s Volleyball League (WVL) ang kanilang ika-19 season sa mas maigting na labanan. Mahigit sa 800 players mula sa 71 koponan ang sasabak sa WVL, dinala ang event bilang isa sa pinakamalaking youth volleyball tournaments sa bansa. Nasa ilalim ng pamumuno ni league commissioner Florentino “Kid” Santos, ang interschool tournament ay aarangkada sa developmental at competitive matches sa Metro Manila para sa mga kabataang volleyball players na may edad 9 hanggang 16 na mula Enero hanggang marso. Bilang recipient ng prestihiyosong Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame Award, ang WVL ang magkakaroon ng 13 schools na sasabak sa 13-Under Developmental Division, 7 sa 13-Under Competitive Division, 29 sa 17-Under Developmental Division at 22 sa 17-Under Competitive Division. Noong nakaraang taon, tinanghal na kampeon ang Hope Christian High School at Colegio de San Agustin, Makati sa 17Under at 13-Under Competitive Divisions, ayon sa pagkakasunod. Muling magbabalik sa liga upang idepensa ang kanilang mga korona ay ang 13-Under Developmental Division champions na Escuela de Sophia of Caloocan, Inc. at 17-Under Development Division na La Consolacion College. Gumabay para sa 19th season ng BEST Center’s WVL ay si Chris Sports Marketing Manager Arleen Lindo, Milo Sports Executive Robbie De Vera, BEST Center President coach Nicanor Jorge, at FEU Women’s volleyball players Charmaine Simborio, Bernadeth Pons at Genevieve Casugod. Pinasinayaan din ng star players, na mula sa Far Eastern University (FEU) Women’s Volleyball Team, Lady Tamaraws, ang season opening sa pangunguna nina Genevieve Casugod, Bernadeth Pons at Charmaine Simburio sa Xavier School Gym sa San Juan City kung saan ay inilahad din nila ang mensahe ng encouragement sa players, officials, at spectators. Para sa karagdagang impormasyon sa BEST Center Women’s Volleyball League, bumisita lamang sa BEST Center Inc. Facebook page www.facebook.com/pages/ BEST-Center-Sports-Inc o tumawag sa BEST Center Hotline, 411-6260 at 372-3066. Nasa ika-36-taong selebrasyon sa pakakaloob ng basketball legends, ang Best Center ay ang pioneer scientific sports clinic sa bansa at napagkalooban ng Olympism Award ng Philippine Olympic Committee (POC), at iniluklok na Hall of Fame ng Philippine Sportswriters Association (PSA). INILUNSAD nina (mula kaliwa) Chris Sports Marketing Manager Arleen Lindo, Milo Sports Executive Robbie De Vera, BEST Center President coach Nicanor Jorge, FEU Women’s Volleyball players Genevieve Casugod, Bernadeth Pons at Charmaine Simburio ang pagbubukas ng Best Center 19th Season ng Women’s Volleyball League. Cycling event sa Palaro, isusulong ng PhilCycling DENNIS R. IÑIGO, EDITOR Taglay ang inspirasyon hindi lamang sa pagiging competitive sa kanilang sport at malaking naitutulong sa pagsalba sa kalikasan, isusulong ng pamunuan ng PhilCycling ang pagbabalik ng event na cycling sa taunang Palarong Pambansa sa sususnod na taon. Sa isang resolusyon na nabuo sa kanilang nakaraang board meeting, kaalinsabay sa pagsisimula ng ASEAN Mountain Bike Cup Series sa Danao City, Cebu noong nakaraang Sabado, napagkasunduan ng PhilCycling, sa pangunguna nina chairman Bert Lina at president Abraham “Bambol” Tolentino, na kailangang suportahan ng Palarong Pambansa ang kanilang grassroots development program na naglalayong makatuklas ng mga kabataang talento at mga potensiyal na maging miyembro ng national team. Ngunit hindi lamang sa aspetong iyon nakatuon ang layunin ng PhilCycling kundi maging sa iba pang bagay na nagagawa at naitutulong ng cycling sa mga mahiligin sa pagbibisikleta. 16 SUNDAN sa p. 15 martes, enero 27, 2015 balita BABANGON 2015 PBA COMMISSIONER’S CUP ‘Run-and-gun’ ng Gin Kings, muling tututukan Ni Marivic Awitan Mga laro ngayon: (MOA Arena) 4:15 p.m. Kia Motors vs. Globalport 7 p.m. Meralco vs. Barangay Ginebra Maagang masusubukan kung epektibo ba para sa tropa ng pinakapopular na ballclub ng liga, ang Barangay Ginebra San Miguel ang istilong `run-and -gun` na ibinalik ng kanilang balik-head coach na si Ato Agustin sa pagsalang nila ngayong gabi sa pagbubukas ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City. Matatandaan na nangapa nang husto ang Kings at nahirapang mag-adjust sa `triangle offense` na itinuro sa kanila ng dating head coach na si Jeff Cariaso na naging susi upang hilingin ng mga player ang pagpapalit dito at pagbabalik ni Agustin. Sa pangunguna ng import na si Michael Dunigan, umaasa ang supporters ng Kings na aangat ngayon ang kanilang koponan lalo pa at nangako si Agustin na sisikapin nilang i-maximize ang talento, diskarte at bilis ng kanilang mga guard na sina LA Tenorio, Mark Caguioa, Josh Urbiztondo at Chris Ellis upang maibigay nila nang husto sa kanilang twin-tower na sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter ang matinding laban. Para naman sa tropa ni coach Norman Black na naunahan ng Kings sa pagkuha sa serbisyo ni Dunigan, ipaparada nila ang import na si Joshua Davis na dating kakampi ng NBA star na si Khawi Leonard sa US NCAA. Magtutuos ang dalawang koponan sa tampok na laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang pambungad na salpukan sa pagitan ng Kia Carnival at ng Globalport sa ganap na alas-4:15 ng hapon. Inaasahang mabibigyan ngayon ng atensiyon at panahon ng kanilang playing coach na si Manny Pacquiao, at sa pamumuno ng 7-foot-3 import na si Peter John Ramos, ang koponan upang maiangat ang kanilang performance mula sa pagtatapos na ika-11 sa nakaraang Philippine Cup. Para naman sa kanilang katunggaling Globalport na gagabayan pa rin ng interim coach na si Eric Gonzales, ipaparada nila ang dating North Carolina State standout at 23-anyos na NBA D-League veteran na si CJ Leslie. Samantala, muling mamimigay ang PBA bilang kanilang pasasalamat sa naging pagtangkilik ng fans sa nakaraang Philippine Cup ng mga libreng tiket para sa general admission section ng MOA Arena, bago magsimula ang laro. PILIT nilusutan ni LeBron James ng Cleveland Cavaliers ang depensa ni Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder sa kanilang naging laro kahapon sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio. Bill Baptist/ NBAE via Getty Images James, nagtala ng 34 puntos sa Cavs CLEVELAND (AP)– Ang sold-out arena ay napuno ng 20,000 fans na suot ang kulay gintong mga T-shirt. Mayroong national TV audience, dalawang high-profile teams at All-Stars na nasa loob ng court. Tila isang laro sa playoffs ang nangyari ngayong Enero. Naglaro si LeBron James na tila Hunyo na. Umiskor si James ng 34 puntos, kabilang ang unang walo sa fourth quarter kung saan ay tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Oklahoma City Thunder, 108-98, kahapon para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo. Gumawa si James ng isang pares ng 3-pointer at isang fade-away jumper upang bigyan ang Cavs ng 91-80 abante. Pagkatapos nito, isinubo ng four-time MVP kay Kevin Love ang bola para naman sa isang 3-pointer sa huling 3:38 na tuluyung nagdispatsa sa Thunder. Matapos maging scoreless sa third quarter, gumawa si James ng 12 sa fourth upang mapanatili ang momentum ng Cavs. ‘’We’re a confident bunch,’’ sinabi ni James. ‘’But for us, we’re a humble bunch. It’s one game versus a very experienced team, a very talented team, a very good team that’s been together for a while. It shows that we can match up with some of the high-caliber teams.’’ Nagdagdag si Love ng 19 puntos at 13 rebounds, habang nag-ambag si Kyrie Irving ng 21 at 14 ang nagmula kay J.R. Smith para sa 4-0 rekord ng Cavs sa kanilang bakuran. Ang reserve na si Tristan Thompson ay humakot ng 16 rebounds. Naglista si Kevin Durant ng 32 kasama ang siyam na assists habang 22 puntos ang ibinigay ni Russell Westbrook para sa Thunder, na 3-2 sa kanilang pinakamahabang road trip ngayong season. Si Dion Waiters, na nakuha mula sa Cleveland sa isang three-way trade nitong buwan, ay nagdagdag ng 14, ngunit nagkasya lamang ang Thunder sa 39 porsiyento at hindi nakakuha ng malalaking shots nang kanilang kinailangan. ‘’We were a couple of possessions away from really turning the game to a different outcome,’’ lahad ni Thunder coach Scott Brooks. ‘’Give them credit. They’re playing good basketball right now and they have three great players.’’ Hindi naglaro si James sa huling laro ng Cleveland sa Oklahoma City noong Disyembre 11 dahil sa sore left knee, at umasa si Brooks na hindi niya muling makikita ang No. 23. SUNDAN sa p. 14