“Hey.” Bati rin niya.

advertisement
Lovers Quarrel
by MayGoddess/MaiaMaiestas
Characters:
Prolouge
I’m Lauren Yana Eleazar, third year student sa Anderson High School. Parehong
parents ko ay working abroad kaya naiwan ako sa pangangalaga ng dalawa kong
kuya, sina kuya Yuri and kuya Yuan. I’m the only girl and ako rin ang bunso kaya
naman napaka-over protective ng mga kuya ko sakin, specially sa boys. I’m one of
the popular girls sa school. I’m one lang ha… meaning, madami kami. Kung irarank ko ang popularity ko sa school, maybe I’d be at number 5.
Best friend ko si Irish Nanquil. Popularity ni Irish, she’s at number 4. Yeah, mas
popular siya sakin, mas marami rin siyang naging suitors. Boyfriend niya ngayon si
Piero Seva, third year and one of the cutest boys ng school. So far 3 months na rin
sila. Goodluck na lang kay Piero, para kasing under siya eh. May pagkamataray kasi
si Irish eh, pero mabait naman talaga yan. Saka naiinggit nga ako sa kanya, mukha
kasing serious na siya kay Piero.
Ako naman, eto naglalaro pa rin. Never pa kasi akong nagkaroon ng serious
relationship, and lahat yun ay secret ko sa mga kuya ko. First boyfriend ko, wala
lang… napagtripan lang namin ni Irish na magboyfriend, tapos na-bore na ko kaya
nakipagbreak ako. Second boyfriend, we only lasted for two weeks, pareho kasi
naming hindi feel ang isa’t isa. Third boyfriend ko, eto medyo okay siya… Si Travez,
4th year na siya ngayon and isa siya sa mga crush ko. Siya lang naman ang
dreamboy ng lahat ng girls sa school. Gwapo, matalino, mabait, lahat na… kaso
nakipagbreak siya sakin. OUCH! Masakit pala? Kailangan daw kasi niyang ayusin
ang things between him and his ex-girlfriend Hillary.
Si Hillary, 4th year na din. Her rank? NUMBER 1. Ewan... Oo maganda siya pero
suplada. Kahit si Irish, walang masabi sa kanya. Sabagay, kahit yung mga kamember niya sa Dance Club, suplada eh. Hmmp… akala mo siya ang Queen. Eh
marami pa akong kakilala na mas maganda sa kanya. Like Ate Elaine, yung
girlfriend ni Kuya Yuri… mas maganda siya, mas elegante, at mas friendly pa. Siya
nga ang idol ko eh. Samantalang si Hillary… Hmmf!
HATER ba ko? Hinde naman, BITTER lang. Hahaha. Bahala na nga siya, wala naman
siyang role sa story na ito eh… Hahaha…
Then na-meet ko si Darius Villamor…
Chapetr One
You’re Breaking Up With Me?!
Darius Villamor, 3rd year din siya. He’s the ultimate playboy ng campus, paano
every month may bago siyang girlfriend. Pero okay na rin yun sakin… at least hindi
niya pinagsasabay-sabay, one by one nga lang.
Kami ang napiling Mr.and Ms. Anderson High nitong last Foundation Day. And after
the awarding, inask niya ako...
“Lauren Yana, can you be my girlfriend?”
Kulang yata yung line niya, dapat… ‘can you be my girlfriend FOR A MONTH?’ o diba
mas malinaw? Haha…
Teka papayag ba ako? Ang bilis naman… hindi man lang siya nanligaw, tanong na
agad. And he’s not my type, mas gusto ko kasi yung mga guys na decent-look…
parang si Travez, o kaya si Kuya Odrel (isa rin sa crush ko, friend siya ni Kuya Yuri).
Eh itong si Darius medyo maangas ang dating. Mayabang kasi siya pumorma tapos
naka-earrings pa, ewan ko ba ba’t di siya napapagalitan ng mga teachers namin…
Pero sabagay okay na rin yun, para may manlilibre sakin ng food, saka one month
lang naman eh… Sige na nga.
Nag-smile ako tapos nag-nod.
Napa-smile na rin siya. “Okay. From now on, you’re my girlfriend.”
First time kong magkaboyfriend na kapareho ko ng class. At ngayong bf ko na siya,
pinilit niya yung katabi ko na makipagpalit sa kanya ng seat, para magkatabi na
kami. Nakakatuwa nga siya katabi eh, pag kasi hindi niya gusto yung subject kung
ano-ano ang ginagawa niya. And pag kumakain kami ng kaming dalawa lang, ewan
ko kung bakit pero mas gusto niyang magkatabi kami kaysa magkaharap. And
sweet din siya. After ko siyang sagutin, kinabukasan binigyan niya ko ng bouquet of
roses. Then noong naka-one week na kami, chocolates naman. Noong second week,
a huge teddy bear naman. Tapos noong three weeks na kami, stuff toy ulit. And
KAHAPON, which is our monthsary, niregaluhan naman niya ko ng blouse. Ang cute
nga eh, at kahawig pa yung design ng sa suot niya.
Ang totoo hindi ko alam kung bakit pa eh samantalang naka-one month na kami.
Meaning wala na rin kami. At hindi ko rin alam kung bakit siya nakikipagkita sakin
NGAYON. Siguro makikipag-break na siya…
Pagpasok ko sa cafeteria, konti lang ang tao kaya nakita ko agad si Darius.
“Hi Yana.” Sabay hug pa niya sakin.
Sa lahat ng naging bf ko, hindi ako nagpapa-kiss. Hug lang. Or pwede rin ang kiss
pero sa cheeks lang.
“Hi.” Bakit kailangan pa niya kong i-hug. Samantalang pag-uusapan na namin ang
aming paghihiwalay.
Na-upo kami pareho. This time, hindi na siya nakatabi sakin. Magkaharap na kami.
Okay, siguro kasi magbe-break na nga kami.
Huminga siya ng malalim. “May importante akong sasabihin sayo Yana…”
Okay. Kailangan kong mag-smile. Baka isipin niya nasasaktan ako sa sasabihin niya.
Smile Yana. SMILE… ^_^
“… sa loob ng one month na naging girlfriend kita, naging masaya ako. At
first akala ko, you’re just like the other girls, pero noong lalo kitang
nakilala, nalaman kong iba ka…”
Smile… Aww… Aaminin ko masaya talagang makasama si Darius. Sa lahat ng
naging boyfriend ko, sa kanya ako naging pinaka-close. Oo naging close din ako
kay Travez, pero dahil crush ko siya, nagiingat pa rin ako… ayokong ma-turn off
siya sakin eh. Pero kay Darius, normal lang… hindi ko pinipigil ang pagtawa ng
malakas, okay lang pag may nagagawa akong kapalpakan. When I’m with him, I’m
just myself… just like when I’m with Irish.
“…I know I have a name in this campus. Siguro nga marami na akong
naging girlfriends. And I don’t know kung maniniwala ka sa sasabihin ko
pero, para sakin iba ka sa kanila. And…”
Teka nagba-blush ba siya?
“Sh*t… this is harder than I thought.” Bulong niya.
Ano bang problem niya, bakit ayaw na lang siya kong diretsohin.
“I don’t know how to explain myself to you pero-”
Bakit ba siya nag-eexplain? Hindi na niya kailangang gumawa ng reason kung bakit
siya makikipaghiwalay. Alam ko naman na one month lang ang relasyon namin eh…
Like duh! Everybody in the school knows it.
“Darius you don’t need to explain.” Putol ko sa sinasabi niya. “Let’s just
break-up.”
“What?”
“Break-up.” Ulit ko
“You’re breaking up with me?!” bakit parang di siya makapaniwala?
“Yes. Doon din naman ang punta ng usapan natin diba?”
“So you went here para makipaghiwalay?”
“Yes. I mean… No… Umm…” actually I went here dahil tinawagan niya ko pero
parang ganun na din “Yes. Naka one month na tayo diba? Yesterday is our
monthsary.”
“So?”
Sa look niya mukhang galit na siya
“One month relationship ka lang naman lagi diba? Meaning, end na rin
tayo.”
“THAT IS YOUR REASON KAYA KA NAKIKIPAGHIWALAY?!!!”
Wait, did he just yelled at me? Bakit niya ko sinisigawan? And bakit ba siya
nagagalit?
“Alam mo, hindi kita maintindihan! Bakit ka sumisiga-”
“Ikaw ang hindi ko maintindihan!” tumayo siya “BULLSH*T!” tapos ay umalis
na.
Naiwan ako sa cafeteria at napasandal na lang sa upuan. Ngayon lang ako nakipagbreak na sinigawan ako ng lalaki plus nag-walk out pa siya.
Napatingin ako sa paligid, nakatingin sakin yung ibang students. I’m sure narinig
nila yung usapan namin, or should I say sigawan namin. Tsss… makabalik na nga
sa room.
Pagpasok ko sa room, wala doon si Darius. Wala na rin ang bag niya. Siguro
nagcutting classes na siya.
“Yana!” nilapitan agad ako ni Irish kasunod si Piero “Is it true? Nakipag-break
ka kay Darius?”
TEKA!!! “Paano mo nalaman?” Ang bilis naman ng news.
“May na-receive akong text message kanikanina lang.” sabi ni Irish sabay
pinabasa pa niya sakin yung message.
“Oo. So?” anong big deal doon?
“I’m sure usap-usapan kayo ng school hanggang bukas.”
“Bakit naman? It’s not the first time na nakipag-break ako at lalong hindi
rin ito ang first time na nakipaghiwalay si Darius.”
“Yun na nga eh.” Sagot sakin ni Irish “Alam mo bang never pang may girl na
nakipaghiwalay kay Darius.”
“Ha?”
“Meaning siya ang nangiiwan sa girls, hindi girls ang nangiiwan sa kanya”
explain ni Piero.
“Talaga?” Ah, naiintindihan ko na ngayon “…kaya pala nagalit siya ng sinabi
kong nakikipagbreak ako sa kanya.”
“And never pang nakipag-break si Darius. Basta na lang hindi siya
nakikipagkita sa gf niya tapos bigla na lang siyang makikita na may bago
ng girl. Hindi na siya nakikipag-usap pa.”
“Wait. Wait. Wait. May hindi ko maintindihan? Bakit siya nakipagkita sakin
kanina? Tapos may ine-explain pa siya about sa relationship namin. Kaya
naman inunahan ko na siya.”
“Hahaha. Ikaw lang pala ang katapat ni Darius eh.” Tinawanan pa ako ni
Piero “I’m sure hindi yun makapaniwala sa ginawa mo. Poor Darius.”
“Ibig sabihin hindi makikipaghiwalay si Darius sakin kanina?”
Umiling si Irish. Ahhh! Bigla tuloy akong nahiya kay Darius. Ano ba yan!
“Alam mo Yana, it’s okay.” sabi sakin ni Irish. “Hindi naman kayo
nagseryosohan diba? Meaning, there’s no hard feelings. I’m sure hindi yun
nasaktan.”
“We couldn’t tell…” si Piero “Nasira mo pa rin ang reputation ni Darius.
Siguro galit na galit yun sayo… Remember yung ex-gf niya na sinabihan
siyang bakla in front of the class…”
Yeah, I remember that girl. Last year lang yun eh. Nagalit siya noong malaman
niya na ipinagpalit siya ni Darius sa ibang girl at dahil doon sinabihan niya si Dairus
ng bakla. Yung line pa nga niya eh… ‘I wonder, siguro kaya wala kang serious
girlfriend kasi hindi naman girls ang gusto mo. Kasi you’re a GAY!’. After nun,
lumipat ng ibang school yung girl. And ang balita, ibinilack-mail daw ni Dairus yung
girl para umalis ng Anderson High.
“Paano na yan Yana, lilipat ka rin ng school?” si Piero talaga, yun agad ang
naisip.
“Basta pag lumipat ka, sasama ako sayo. Bahala na si Piero kung
magpapaiwan siya dito.” Sinakyan pa ni Irish.
“Aba syempre sasama rin ako, di ko hahayaang mapahiwalay ako sa mahal
ko.” Sagot ni Piero tapos ay hahalik sana siya kay Irish.
“Slap gusto mo?” sagot ni Irish sa kanya.
“Nagbibiro lang naman ako eh. Hahaha.”
Hindi naman siguro yun dinamdam ni Darius. Like what Irish said, hindi naman siya
serious sakin, so hindi siya masasaktan.
Chapetr Two
Girlfriend mo na ulit ako!
Kinabukasan…
Magta-time na. Katabi ko sa right si Irish, tapos sa likod niya si Piero. Sa left ko,
bakante pa rin. Hindi pa siya dumadating.
Tumunog na ang bell. Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya. Lahat
nakasunod sa kanya ang tingin. Bigla siyang na-upo sa tabi ko. Tapos parang wala
lang…
“Sabi ko sayo wala lang yun sa kanya eh.” Bulong ni Irish.
“Mukha nga.” Bulong din Piero.
Oo nga. There’s nothing to worry about.
Natapos na ang ilan naming subjects, walang ibang ginawa si Darius kundi ang
maglaro ng phone niya habang nagka-klase kami kanina.
Nagpunta na ako sa cafeteria kasama sina Irish and Piero para kumain ng lunch.
Nakita naming papalapit si Darius sa table namin.
“Hey Darius!” bati ni Irish sa kanya.
Halos lahat sa loob ng cafeteria eh napatingin sa table namin. Medyo humina rin
ang ingay. Mga chismosa talaga oh…
“Hey.” Bati rin niya
“So? Ano na?” tanong ni Piero “Who’s the new girl?”
“What are you talking about?” sagot ni Darius
Hindi ba talaga na-gets ni Darius yung question ni Piero or ayaw niya lang sagutin?
“Your new girlfriend, who is it?” direct talagang tanong ni Irish.
“Guys. Si Yana pa rin ang girlfriend ko.” Tapos ay lumapit siya sakin at
inakbayan ako. Tapos ay hinalikan niya ko sa hair.
Teka hindi ko maintindihan… “Darius-”
“Pero I thought nag-break na kayo kahapon?” tanong ni Irish.
“Nah.” Nakasimle pa niyang sagot. “Misunderstanding lang yun. Alam ninyo
na, LOVERS QUARREL.” Talagang tumingin pa siya sakin ng eye-to-eye habang
sinasabi niyang Lovers Quarrel.
Napatingin sakin si Irish and Piero. Nag-shrug lang ako ng shoulders, hindi ko rin
kasi maintindihan eh.
“And kaya ako nagpunta dito kasi hihiramin ko muna siya for a minute.
May paguusapan lang kami. Okay lang ba?”
“O-kay…” sagot ni Irish. “Just take care of her.”
Tapos hinawakan ako ni Darius sa kamay. Pinapanood kami ng mga tao sa cafeteria
habang naglalakad. Mukha kaming magka-holding hands pero ang totoo, hinihila
niya ko… Help!... T_T
Nasa likod kami ng school building.
“Teka nga… ano bang sasabihin mo?” hinila ko yung kamay ko mula sa
pagkakahawak niya. “Bakit dito pa?”
“Dito tayo para wala ng iba pang makarinig at magkalat pa ng maling
balita tungkol sa atin.”
“So tungkol talaga ito sayo?”
Nag-nod siya. Tapos nakangiti pa, yung bang nang-aasar na ngiti.
“Okay ganito. Sorry. Hindi ko naman alam eh. Sorry kung nakipagbreak
ako sayo. Sorry if I ruined you reputation. Sorry. Okay na ba yon?”
“Sorry lang? Hindi yun ganoong kadali.”
“Psshhh. Eh ano ba? Ano, iba-black mail mo ko para umalis ako at lumipat
ng ibang school?”
“Bakit ko naman gagawin yun? Bakit naman kita paaalisin eh gusto ko nga
lagi kitang nasa tabi.”
“Alam mo diretsohin mo na nga lang ako.” Asar siya ha!…
“I just want you to remain as my girlfriend.”
Remain as her girlfriend?! O_o Bakit naman kaya?
“And if I don’t want to?”
“You don’t have a choice.”
WOW! Ang kapal! Sino ba siya sa akala niya? Is he the KING?
“Ayoko.” Tapos ay maglalakad na sana ako paalis pero hinawakan niya ko sa
shoulders tapos ay isinandal niya ko sa pader. “Let go of me!”
Binitawan naman niya ko pero lumapit naman siya sakin ng malapit na malapit. As
in close talaga. Yun bang pag gumalaw ako eh, mapapadikit ako sa kanya.
Okay, hindi naman sa nandidiri ako sa kanya kaso nakakakaba talaga yung
ganitong situation. Pang-tv kasi yung eksena eh. Yun bang mga part na kikiligin
ang mga televiewers. Pero NO, NO, NO. Hindi ako kinikilig ngayon, kinakabahan
lang. MAGKAIBA YUN!
“Ano ba Darius, lumayo-layo ka nga. Pag may nakakita satin, baka kung
ano pa ang isipin nila.”
“Mas maganda nga yun eh.” At nag-smile pa talaga siya.
I can’t believe this guy. Ginagawa niya ang lahat ng ito, all for his reputation? Daig
pa niya ang mga artista. Nakipagbreak lang ganito na, ano pa kaya kung binasted
ko siya.
“Kung makikipagbalikan ako sayo para lang ayusin ang pangalan mo, then
ayoko. Hindi ako magpapagamit sayo.” Hahaha… natutunan ko yung line na
yun kay Irish.
“Kung ganon eh di…” kinuha niya yung phone niya “siguro ise-send ko na
lang itong mga pictures natin kay Yuri at kay Yuan Eleazar.”
O.o Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang picture na sinasabi niya. Yung
picture namin na NAKAAKBAY SAKIN SI DARIUS AT INCHES LANG ANG PAGITAN
NG FACES NAMIN. Pero I swear hindi kami nag-kiss noon, nag-pose lang kami.
Oh my gosh!!! Papatayin ako nila kuya Yuri at kuya Yuan pag nakita nila to.
“Teka… nasaan ba yung number ni Yuri…. Ah eto… eto rin yung kay Yuan….
Hmmm, nasaan ba ang send dito…”
“Darius…” Paano niya ba nakuha ang numbers nila kuya!
“Ah eto pala…. Seeennndd…” No…no…no… ipe-press na ni Darius… no…
“Stop! Okay na! Pumapayag na ko! Girlfriend mo na ulit ako! Payag na ko!
Just don’t send it. Please. They’ll kill me pag nalaman nila na may
boyfriend ako.”
“Mabilis ka naman palang kausap eh.”
Sigh… buti hindi niya sinend.
“Oo nga pala, wag mo ng i-try na burahin ang mga pictures sa phone ko.
Marami akong copy nito. Soft copy or hard copy.”
Segurista din itong si Darius ah.
“Ano bang balak mo? Makikipagbalikan ka para ano? Para ikaw naman ang
makikipaghiwalay sakin?”
“Tsss. My life isn’t as boring as yours.”
“My life isn’t as boring as yours.” mimic ko sa sinabi niya. And sino namang
nagsabi sa kanya na boring ang life ko? Ang yabang talaga niya grabe… ngayon pa
lang lumalabas ang tunay niyang kulay. Hmmpp…
“May mas masaya akong naiisip kesa dun sa sinabi mo.” Tapos bigla siyang
nag-evil grin. Nakakainis!!
“Umamin ka nga! May gusto ka talaga sakin noh?”
“Hahaha! Nagpapatawa ka ba Yana? Ako magkakagusto sayo… Hahaha…”
ang yabang talaga… kung makatawa akala mo isa kong low-life creature. Pag
nalaman lang ng mga kuya ko na ginaganito ako ng lalaking ito, siguradong
susugudin nila to.
“Baka hindi mo alam Yana… never pa akong na-inlove.”
Oh? Pareho pala kami… No. No. No. Hindi kami pareho… Ako, hindi ko pa
nahahanap ang true love ko. Samantalang siya, wala siyang puso.
“Pero muntik na…” bulong niya.
“Ano?” ano daw ang sinabi niya?
“I hate girls na nangiiwan sa mga lalaki.” Ako ba ang pinariringgan niya?
“Lalaki ang may authority at hindi dapat hinahayaang babae ang
nagpapatakbo sa mga lalaki.”
“Alam mo, napakataas ng tingin mo sa sarili mo. Pag nagpatuloy kang
ganyan, hindi mo mahahanap ang partner mo.”
“Okay lang. Kaya nga nandyan ka eh.”
“Tsss. Ano ko panakip-butas?” Ang yabang talaga!
“Hinde. Ikaw ang girlfriend ko.”
Waahhhhhhhh! Ano ba… I wan’t to kill this guy! Pinaglalaruan niya yata ako eh…
Una magpapaka-evil tapos biglang magpapa-cool. Kung ako lang si Irish baka naslap ko na tong lalaking ito eh. Feeling niya ang gwapo-gwapo niya. Kainis talaga!
“Halika na, bumalik na tayo.” Hinawakan niya ulit yung hand ko at hinila ako
pabalik ng cafeteria.
Pagbalik namin, parang bigla na lang naglaho yung issue tungkol sa break-up
namin ni Darius. Akala nila nagkatampuhan lang kami at ngayon ay bati na kami.
At yun nga… ang aking masayang high school life, magsisimula ng masira dahil kay
Darius Villamor.
Chapter Three
Lovers Quarrel ba yan?
Kinuwento ko kagabi kina Irish and Piero yung naging usapan namin ni Darius.
Kabado nga ako eh, baka kasi marinig ako nila kuya. Si Piero tinawanan lang ako,
kakaiba daw ang style ni Darius. Ang totoo hindi ko na-gets yung sinabi ni Piero.
Sabi naman ni Irish, sakyan ko na lang daw muna si Darius kesa naman daw
isumbong niya ko. Eh ano pa nga bang magagawa ko.
Kinabukasan, kung anu-anong trip ang ginawa ni Darius.
Tulad noong Math subject namin. Medyo mahirap yung topic kaya nakikinig ako.
Tapos picturan ba naman ako ng picturan. Nakakainis! Hindi tuloy ako makapagconcentrate. At hindi pa siya nakuntento, i-send ba naman yung picture ko sa mga
classmate namin and may message pa na ‘ang talino ng girlfriend ko no…’
Sabi ni Irish, ang sweet naman daw ni Darius kahit nagpapanggap lang siya. Sabi
naman ni Piero, mukhang tinototoo daw ni Darius. Sa akin naman, nakakahiya!
Now my face is on every phone of my classmates. Buti sana kung naka-pose ako,
kaso stolen shot eh… Nakakainis talaga si Darius!
Tapos noong Science subject naman, may pupuntahan ang teacher namin kaya
iniwanan niya kami ng kokopyahin sa board. Mahabahaba rin yun kaya naman
nagsimula na akong kumopya. Tapos si Darius naman, pinagharap niya yung upuan
namin.
“Bakit ka nakatalikod sa board? Paano ka kokopya?” tanong ko sa kanya.
“Hindi naman ako kokopya eh. Tutulog ako.”
“Eh bakit iniharap mo pa yung armchair mo sakin?”
“Para ikaw ang mapanaginipan ko.”
“Wow. Ang sweet naman ni Darius.” Si Irish talaga, alam naman niya na
palabas lang ito lahat ni Darius eh.
“Alam mo sabagal ka lang eh. Bumalik ka na nga sa pwesto mo.” Kahit
nakatungo siya, ang hirap pa rin pag may nakaharang sa harapan ko.
“Hindi ako sabagal, inspirasyon mo ko.” Tapos ay umub-ob na siya at natulog.
“Awww.” Biro na naman ni Irish. “Alam mo ang sweet talaga ni Darius
sayo...”
“Bakit, si Piero ba?”
Nakisingit bigla si Piero. “Lagi naman eh, hindi ko lang alam kung napapansin
ni Irish.”
“Ayieeh…” nag-react din ang mga classmates namin na nakarinig.
“Narinig mo ba yung sinabi ng classmates natin Irish? Kiss daw.” Biro ni
Piero.
Nag-blush naman bigla si Irish… “Kiss ka dyan.” …at nabatukan tuloy si Piero.
Hahaha… feeling ko talaga gustong gusto na rin talaga ni Irish si Piero.
Recess na, gising na rin si Darius.
“Oh eto.” Inabutan niya ko ng 100 pesos.
“Ano to?”
“Pera.” Tsss…Pilosopo. “Bumili ka ng pagkain natin.”
Sabi ko na nga ba eh, pakitang tao lang yung pagiging gentleman niya dati.
“Napaka un-gentleman mo. Talagang ako pa ang bibili ng pagkain mo.”
“Pagkain natin. Ililibre na kita.”
“Kahit na, ako yung girl pero ako pa inuutusan mo.”
“Bakit? Ganun naman talaga ang role na lalaki’t babae diba? Kaming mga
lalaki ang nagtatrabaho at nagbibigay ng pera tapos kayong babae ang
namimili at nagluluto para sa asawa ninyo.”
“Hindi naman tayo mag-asawa eh.”
“Doon din naman ang punta natin.”
“Hay… ewan ko sayo. Dyan ka na nga!”
Kainis! Utusan na ba niya ko ngayon?! May mag-asawa pa siyang sinasabi… wala
akong balak magasawa ng tulad niya.
Pagdating sa canteen bumili na ako ng food. Tapos nakasalubong ko si Travez at
nagsabay na kami…
“Kamusta na?” bati niya.
“Okay naman.”
“Tulungan na kita.” Dinala niya yung ibang foods na hawak ko.
“Thanks.” Ang totoo parang wala na lang sakin na naging kami dati at hiniwalayan
niya ko, na parang ginamit niya lang ako. Kahit ganun, crush ko pa rin siya. “Ikaw
kamusta ka na? Kayo ni Hillary?”
“Okay naman… nakapag-usap na kami ni Hill.”
“So bati na kayo? Kayo na ulit?”
“Siguro bati na kami pero… kahit ako naguguluhan.”
“Bakit? Complicated ba?”
“Oo eh. May bago na siya.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Okay ka lang ba?” mukhang mahal na mahal niya pa rin si Hillary…
“Okay lang ako. Teka, kayo ni Darius kamusta na?”
“Si Darius?” Tsss… ayun binablack mail ako. Kung pwede lang sabihin ang totoo…
“Ayon mukhang tuwang tuwa naman siya sa pinaggagagawa niya.”
“Talaga? Bakit parang sa nakikita ko hindi naman siya natutuwa.” Sabi ni
Travez habang nakatingin sa third floor.
Napatingin ako sa tinitingnan niya. Si Darius pala, at mukhang galit siya. Ano na
naman ba ang problema niya?
“Travez maiwan muna kita ha.” Tapos kinuha ko na rin yung mga hawak ni
Travez.
Nagpaalam na ako kay Travez at nagpunta na ako sa room namin. Pagpasok ko,
naka-upo na si Darius sa pwesto niya tapos naka headset siya.
“Eto na yung pinabibili mo.” Inabot ko sa kanya yung food and drink.
Kinuha naman niya yung pagkain at kinain iyon. Kaso hindi man lang siya
nagpasalamat, hmmp… hindi na naman ako nagugulat dun. Ang pinagtataka ko,
hindi man lang niya ko kinakausap bigla. Tinopak ba siya bigla?
Nilapitan ko si Irish at tinanong ko siya “What’s his problem?”
“May nakita kasi siyang hindi magandang eksena kanina eh…”
“Ano?” may na-miss ba akong nangyari kanina?
“You really want to know?…” si Irish talaga…
“Wag na nga lang.”
Tumingin ako kay Darius, dedma pa rin siya.
“Bahala siya, kung ayaw kiya kong kausapin eh di wag.”
Natapos ang araw na hindi niya ko kinaki-usap. Okay lang naman, atleast tahimik
ang mundo ko. Bahala siya!
Kinabukasan wala ang teacher namin sa first subject kaya may vacant time kami.
Tumambay kami nila Irish at Piero sa may bench.
“Is that Darius?” sabi ni Irish habang naka-point pa.
Napatingin naman kami sa tinuturo ni Irish. Si Darius nga…
“Oh My! Sino kaya yung inaakbayan niyang girl?” sabi naman ni Irish.
“Ano naman kaya ang gustong palabasin ni Darius. Yesterday, buong
hapon niya kong hindi kinausap tapos ngayon bigla na lang may kaakbay
na siyang girl. Ang labo talaga niya!”
“May iba na siyang girl na kasama. Ibig bang sabihin… break na kayo?”
tanong ni Piero.
“Break na kami?! Paano na yung deal namin?! Bakit ba hindi man lang niya
ko kinausap para linawin ang lahat…” Asar talaga si Darius.
Nilapitan kami ni Darius.
“Oh hi, Darius. Who’s that girl?” mataray na tanong ni Irish.
Ako naman, NO COMMENT. Baka pag nagcomment ako, isipin pa niya affected ako.
Baka pag nagtanong ako, isipin pa siya interesado ako sa relationship nila. Baka
pag pinansin ko pa yung girl, isipin niya nagseselos ako. Eh HINDI naman! Wala
akong pakialam sa kanya! Mabuti pa ngang mag-break kami para free na ako! Kaya
No Comment lang ako. NO COMMENT okay?!
“Guys, this is Jenny.” Pakilala ni Darius sa GIRL NIYA. “Jenny, eto nga pala si
Irish. Eto naman si Piero. Tapos si Yana… girlfriend ko.”
Talagang GIRLFRIEND pa rin ang pakilala niya sakin?! Kung ganon sino yung girl na
INAAKBAYAN niya, KABET?! Hmmpp. >:|
“Hello po sa inyo.” Bati nung Jenny-girl, mukhang natakot siya kay Irish. Beh :P
“Una na rin po ako.”
“Sige bye.” Paalam ni Darius sa babae niya.
Ang SWEET ha!
Tapos umalis na yung girl. Naupo sa tabi ko si Darius at sakin naman umakbay.
Tinanggal ko naman yung kamay niya sa balikat ko.
“Oh… Bakit parang ang lamig mo sakin?” tanong niya na akala mo kung sinong
innocent.
“…” Hindi ko siya sinagot, nag-roll ako ng eyes sa kanya.
“Ano bang problema?”
“…” Ewan ko sa kanya!
“Nagseselos ka ba?”
Napatingin naman ako sa kanya sa gulat. Ano daw ang sabi niya? SELOS?! No Way!
“Lovers quarrel na naman ba yan?” tanong ni Piero.
“Alam mo Darius hindi ko gusto yung girl mo kanina…” Yes! Sige pagalitan
mo siya Irish… Hahaha, lagot ka ngayon sa bestfriend ko. “…Pero sa totoo lang
nakakainggit ang ka-cute-an ninyong dalawa ni bestfriend.”
Toinks!! Akala ko pa naman pagtatarayan niya si Darius, yun pala kikiligin lang.
“Lovers quarrel ka dyan.” Hindi naman kami lovers eh.
“Teka ka nga? Nagseselos ka ba dahil dun sa kanina?” sabi ni Darius.
“Duh! Bakit naman ako magseselos? Dahil dun sa girl na mukhang 1st year
na kasama mo kanina? Eh ano naman sakin, kung gusto mo sundan mo pa
siya eh. I’m not affected! Bakit ako magseselos?”
“Kung ganon okay lang sayo kung sumama ako sa ibang girls kahit ikaw
ang girlfriend ko?”
At sinong tinakot niya. Eh di sumama siya sa iba. Fake gf lang naman niya ko eh.
“Oo naman. Title lang naman natin ang pagiging magbfgf natin eh, wala
naman talaga tayong feelings for each other. Kahit ako, I can date other
guys.”
Tapos tumayo ako at umalis. Naiinis ako sa kanya! He forced me to be his girlfriend
para maayos ang reputation niya, sana naman nirerespect pa rin niya ko. Kahit
nagpapanggap lang kami, I’m not cheap para pumayag na mambabae siya habang
kami. Ang kapal talaga niya para tanungin pa ako. Hmmpp! Kung yun ang gusto
niya, eh di ako din.
Chapter FourFourHow to say 'I'M SORRY'…
ORRY'…
Nagklase na kami. Hindi ko pa rin pinapansin si Darius. Nagkaklase kami sa Science
at naglelecture ang aming teacher kaya nagta-take down kami ng notes.
“Ano daw yung huling sinabi ni ma’am?” tanong niya.
“…”
Obviously ako ang tinatanong niya, ako lang naman kasi ang katabi niya eh. Nasa
tabi kasi siya ng bintana.
Mayamaya…
“Ayaw sumulat ng ballpen ko, may extra ka ba?”
“…”
Mayamaya ulit…
“Oi… Yanaaa… Alam mo hindi mo rin ako matitiis eh… papansinin mo rin
ako.”
“Tsss…”
Eh di sige tingnan natin.
At mayamaya ulit…
“Mali yata yung naisulat ko, pakopya nga.”
“Akala ko ba ayaw sumulat ng ballpen niya.” Bulong ko sa sarili ko.
“Anong sabi mo? Sumagot ka ba? Kinausap mo na ba ko? Sabi ko na eh,
hindi mo talaga ko matitiis.”
Oh my gosh… Ang ingay niya… Ang kulit!
“Darius Villamor!” saway ng teacher namin sa kanya.
Hahaha! Beh! :P
“Buti nga sayo.” Bulong ko.
Tumahimik naman si Darius. Pero may kung ano siyang ginawa. Hinubad niya yung
polo niya tapos inilatag niya sa desk niya.
“Irish may pentel pen ka ba?”
Ano naman kaya ang gagawin niya sa pentelpen?
Binigyan naman ni Irish ng pentel pen si Darius. Hay nako, nakakadistract lang
itong si Darius, bahala na nga siya.
“Darius Villamor, why are you wearing t-shirt?! Where’s your polo?!”
Hahaha… napagalitan na naman siya ng teacher namin.
Isinuot naman ni Darius yung polo niya. Tapos biglang nag-react yung mga
classmates namin na nasa likod. Parang nagbulung-bulongan sila.
“Shhhh… class quiet!”
Eeehhh. Nakakatakot si ma’am. Galit na siya, nagpa-seatwork tuloy.
Natakot yata kaming lahat, biglang tumahimik. Pero si Darius pasaway talaga.
Habang naggagawa kami ng seatwork, ang tahimik ng klase… bigla ba naman
siyang kumanta…
♪”Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako wag sanang
magtampo. Sorry na.”♪
Napatingin ako kay Darius. Talagang sakin pa nakaharap habang kumakanta. Naku
baka mamaya madamay ako pag pinagalitan siya.
“Mr. Darius Villamor! Are you trying my patience?!”
“Hindi po ma’am.”
“Tumayo ka sa harapan facing the board. Hindi ka uupo hangga’t hindi
natatapos ang klase.”
Tumayo naman si Darius, at nakarinig na naman ako ng bulungan sa likod.
Nakatayo na si Darius sa harap.
“Face the board.” Sabi ni ma’am sa kanya.
Pagtalikod ni Darius. Lalong lumakas ang bulungan at nagpalakpakan pa. May nagwhistle pa nga.
May nakasulat kasi sa likod ng polo ni Darius… ‘Yana I’m Sorry. Pansinin mo na ko.
Please.’
“Ayieehh!” lahat yata ng classmates ko nag-react.
Ano ba naman itong si Darius. Sinulat pa ang name ko… Nakakahiya!!!
“Ang sweet naman.” Narinig kong sabi ni Irish.
“Sorry daw Yana!” sabi ni Piero.
“Oo nga, pansinin mo na.” sabi naman ng isa ko pang classmate.
“Class…” pinatahimik kami ni ma’am.
Teka ano naman to, bakit nakangiti na si ma’am. Kanina lang galit siya ah.
“Pati yata si ma’am kinikilig sa inyo ni Darius.” Bulong ni Irish.
Nagsalita si ma’am. “Yana, nag-apologize si Darius. May gusto ka bang
sabihin?”
Grabe! Hindi ko nakikita ang itsura ko, pero I swear… nagbu-BLUSH ako ngayon!
Isa pa itong si ma’am, hindi pa ako diniretso. Alam ko namang gusto lang niyang
marinig na tinatanggap ko yung sorry ni Darius.
At si Darius naman, kahit nakatalikod siya… I know, naka-EVIL smile siya ngayon.
Panalo na naman siya, kainis!… Kainis! Kainis! Kainis!
Tumayo ako “Darius…”
Humarap naman si Darius sakin. Ang galing niyang umarte, akala mo talaga
inosente siya.
“…I forgive you na.”
“Yes!” sabi niya.
“Ayiehh!” at nagpalakpakan pa ang classmates namin.
“Ang sweet!”
“Kiss!”
“Oo nga kiss naman.”
Ano ba naman itong mga classmates namin, hindi na nahiya kay ma’am.
“Class… class… may seatwork kayo.” Buti na lang at to the rescue si ma’am.
Isa lang ang masasabi ko… HAY!!!!!!!!!!!
Lunch na naman.
Alam kong ako ulit ang bibili ng food ni Master Darius kaya ako na ang magiinitiate
kesa naman utusan pa niya ko.
“Akin na.” sabi ko. Ibinuka ko ang kamay ko sa kanya para kunin ang pera. “Ano
ba ang gusto mong kainin?”
Pero sa halip na abutan ako ng pera eh, HINAWAKAN lang niya ng mahigpit ang
kamay ko.
“Ano ba yan, bitaw nga Darius.”
“Hindi na ikaw ang bibili. Magkasama na tayong kakain sa canteen pag
lunch.” Tapos ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay at hinila ako palabas.
“Wait nga Darius! My hand!” Hindi niya ko pinakikinggan. Palabas na kami ng
room kaya sumigaw na lang ako. “Irish, sa cafeteria tayo… padala ng things
ko.”
“Okay, susunod na lang kami ni Piero.” Sagot ni Irish.
Sa cafeteria…
Naiwan kami ni Irish sa table, parehong si Darius and Piero ang na-order ng food.
“I don’t understand him.” Sabi ko kay Irish.
“Si Darius? Bakit naman? I think he likes you…”
Napatingin ako kay Irish.
“…for real.” Dugtong pa niya.
“Irish naman… alam mo naman na nagpapanggap lang kami diba?”
“Then bakit pinilit niyang makipagbalikan ka sa kanya?”
“To fix his reputation. Sabi niya sakin, he hates girls na nangiiwan sa boys.
Boys lang ang may karapatang gumawa nun. That’s his principle.”
“Then bakit hindi pa rin siya nakikipaghiwalay sayo?”
“Kasi pinagkakatuwaan niya ko. Ibina-blackmail niya ko para sumunod ako
sa kanya.”
“Eh bakit kailangan pa niyang mag-effort para humingi lang ng sorry
sayo?”
“Ummm… To show off?” Ang totoo hindi ko rin alam eh.
“Alam mo bang nagseselos siya kay Travez?”
“What?” O_o “Hahaha… natawa naman ako dun Irish.”
“Kaya siya biglang tinopak kahapon kasi nakita niya kayong dalawa ni
Travez na magkasama.”
“Baka naman nagkataon lang na badtrip talaga siya…” Si Darius magseselos?
I don’t think so… Siya na ang nagsabi, never pa siya naiinlove. And inlove lang ang
nagseselos.
“And kaya rin niya ginamit yung Jenny-girl kanina para pagselosin ka din.”
“Yung girl na mukhang first year lang?”
“Oo. Tingin ko kinausap lang siya ni Darius eh. Wala sa itsura niya ang
lalaban sa higher years. Natakot nga siya noong pinagtarayan ko siya eh.”
“Oo nga napansin ko rin. Nakakatuwa din yung Jenny na yun.”
“Pero nagselos ka naman sa kanya? Ayieeh… Aminin…” Tukso ni Irish sakin.
“Hinde noh! Bakit naman? Alam mo naman na nagpapanggap lang kami
ngayon. Yung dati naman, nakikipaglaro lang naman ako sa kanya eh kaya
naging kami. Wala akong feelings for him.”
“Okay sabi mo eh…”
Tinigilan na ako ni Irish. Ano kaya ang naisipan niya at iniintriga kami ni Darius?
Pero natatawa talaga ako dun sa sinabi niyang nagseselos si Darius. Hahaha… I just
can’t imagine…
Natapos na naman ang isang araw… Sigh. Di tulad dati, hindi ako niyaya ni Darius
na lumabas this weekend. Well, di naman ako nageexpect eh… Okay na rin yun
para makabonding ko naman ang mga kuya ko. ^_^
Chapter Five
She’s My Girlfriend
Tapos na naman ang two-day-vacation… Lunes na naman… meaning back-to-school
na ulit.
Habang papasok ako, ang dami kong nakakasalubong…
“Hello Yana!” greet sakin ng isang girl. Third year din siya pero ibang section.
“Yana goodmorning!” isa namang guy na familiar yung face pero di ko kilala
personally.
“Hi Yana!” bati naman sakin ng isa kong schoolmate. HINDI KO SIYA KILALALA.
Sabi ko na sa inyo diba? I’m popular.
“Hi Yana, miss na kita eh.” Bati naman ng exbf ko, si Lemuel.
Si Lemuel ang first bf ko… and after kong makipaghiwalay sa kanya, naging friends
kami. Ang totoo mas naging close kami noong friends na lang kami eh.
Unlike Darius. Ewan ko ba sa kanya… -_-
Excited na akong makita ulit si Irish. Ano kayang chismis niya ngayon? Hahaha…
“Lauren Yana Eleazar!”
Kilala ko yung voice na yun ah. Lumingon ako sa likod. Sabi ko na eh…
“Irish!”
Tapos hinug namin ang isa’t isa. Ganun talaga, Monday eh… two days kaya kaming
hindi nagkita.
Pagpasok namin sa room, nandoon na si Piero. Namiss ko rin ang kakulitan niyan.
“Goodmorning mahal.” Bati ni Piero kay Irish.
“Goodmorning din hon.” Bati naman ni Irish.
“Yana, goodmoring din.” Bati naman niya sakin.
“Goodmorning din.” ^_^
Ang saya talaga ng batian sa umaga. Talagang mapapasmile ka…
Unfortunately, may isa pang bumati sakin.
:) -> >:|
“Goodmorning Yana, did you miss me?” si Darius.
Inirapan ko lang siya. Miss mo your face!
“Batiin mo naman si Darius, Yana. Alam mo bang kanina pa siya binabati
ng kung sino-sino pero ikaw lang ang una at nag-iisang binati niya.”
Kakampi na ba ni Darius si Piero? Hay nako, sige na nga…
“Goodmorning.”
So ayun, after ko siyang batiin wala na siyang ginawang kakaiba. Parang BEHAVE
nga siya ngayon eh. Hahaha… parang elementary lang kung maidescribe ko siya eh.
Tapos nag-klase ulit kami. Wala namang kakaiba maliban na lang yung inannounce
na malapit na daw ang Juniors Week. Isang week iyon na puro friendly games for
all third year students.
Tapos naglunch na, tapos nagklase na ulit. Mukhang matatapos ang araw na ito na
hindi kami nag-aaway ni Darius. Wow, if ever bagong record ito. Mula kasi ng
magkabalikan kami, lagi na yata kaming nag-aaway eh.
Uwian na. Halos lahat yata ng students ng Anderson High sabay-sabay ang uwi
ngayon. Magkakasama kami nila Darius, Irish at Piero sa paglalakad.
“Hi Darius!” sabay sabay pang bati ng tatlong sophomore girls na nadaan namin.
Yeah, I know those girls. Sikat din kasi yang mga yan… sikat sa kamalditahan.
At nagpapacute pa sila.
Tsss… Flirts.
“Hi girls.” Bati naman ni Darius.
Napatingin ako kay Darius. Pinatulan naman niya ang mga iyon. I can’t believe this
guy!
Napatingin din siya sakin. Siguro may nakita siya sa mukha ko kaya bigla siyang
napangiti.
“Binati ko lang sila. I can’t disappoint them.”
“Tsss…” Bakit ba siya nag-eexplain eh wala naman akong sinasabi. Hmmpp.
Hindi pa kami masyadong nakakalayo, nagchismisan agad yung tatlo.
“I thought break na sila.”
“Yeah. Di ba si Yana pa nga ang nakipag-break.”
“Talaga? Ang kapal naman niyang gawin iyon kay Darius.”
“Tama! Hay nako, akala mo kung sino siyang pretty.”
“Bakit kaya nakipagbalikan pa si Darius sa kanya?”
Wow. Grabe ha. Paano nila nagagawang pagchismisan ako eh wala pang 5 meters
ang layo ko sa kanila?!
Nakakainis sila pero hindi ako yung type ng tao na nagpapadala sa sinasabi ng iba.
Ang pinagwo-worry ko ay si Irish…
“Excuse me lang girls.” Sabi ko na nga ba babalikan niya ang mga iyon. “Tip
lang… mas maganda kayong tignan pag nakatikom ang bibig ninyo. So if
you have nothing good to say, just keep your mouth shut. Okay?”
Kahit ako napapanganga kay Irish. Alam ninyo ba yon? Mahinahon lang siyang
nagsasalita pero pinanglalakihan ka niya ng mata. Tapos lahat ng sinasabi niya eh
parang sinasampal niya sa face mo. Kahit ako natatakot kay Irish pag nagtataray
siya eh. Hahaha…
Peace Irish, love you… (^_^)V
Tapos bumalik na sa amin si Irish. “Let’s go guys.”
Oo nga pala, kaya kami magkakasama kasi pupunta kaming mall. Ititreat kami ni
Piero sa sine. Hahaha… Monday na Monday manonood agad kami sa sinehan. Okay
lang yun, wala naman kasi kaming assignment or quiz. Malapit na kasi ang Junior’s
Week tapos Christmas vacation na ang sunod kaya halos wala ng ginagawa.
Nasa sinehan na kami…
The boys want a horror movie, pero kami ni Irish, we want a love story. Kaya
naman sa huli nanood kami ng comedy movie. Oh diba wala sa pinagpilian.
Pagkalabas namin ng sinehan, hinila agad ako ni Darius papalayo.
“Ano ka ba Darius? Saan ba tayo pupunta? Naiwan natin sina Irish doon.”
“Kaya nga kita hinila eh, para naman makapagsolo yung dalawa.”
“Ha?”
Kung sabagay, minsan na lang din silang magkasama ng sila lang. Pag kasi nasa
school lagi akong nakabarkada sa kanilang dalawa. Maganda rin ito para
magkatime naman sila for each other. Kaya naman hindi na rin ako lumaban pa kay
Darius at sumunod na lang ako sa kanya.
“Teka saan tayo pupunta?”
Napatigil sandali si Darius at nag-isip.
“Kumain na lang tayo. Saan mo gusto?”
“Uhmm… saan ba?…” Ako naman ang nag-isip. “I think I want to
eat………sweets.”
“Okay.”
Wow. Ang bilis ah, pumayag agad? Ang bait niya talaga ngayong araw na ito.
Naalala ko tuloy noong unang naging kami, ganito siya kabait at ka-gentleman.
Pumasok kami sa isang cake & pastry shop.
“Goodmorning ma’am and sir.” Bati sa amin ni ate na magtitinda. “Ano pong
gusto ninyo?”
Mukhang masarap lahat ng cake dito ah. “Uhhmm… ano kayang flavor?”
“Pili lang po kayo ma’am. Kung gusto po ninyo may special cakes din po
kami para sa mga couples, sa mga magboyfriend-girlfriend.”
“Ah hindi po kami magboyfriend- girlfriend.”
Napaka-showbiz naman nitong si ate. Nakakita lang na lalaki at babae ang
magkasama, naisip na niya agad may relasyon.
“Ay ganun po ba? Sorry po.” Nagbow pa si ate habang nagsosorry.
“Ang totoo mag-asawa na kami.”
Napalingon na naman ako ng bigla kay Darius. Ano bang pinagsasasabi niya?! Baliw
talaga itong lalaking ito.
“Ah mag-asawa na po pala kayo..”
At naniwala naman si ate na magtitinda?!
Nakauniform pa man din kami. Baka iniisip niya napakatalandi ko at highschool pa
lang ako pero may asawa na. Nakakahiya!
“Naku hindi po. Hindi po talaga. Nagjo-joke lang po siya. Magclassmates
lang po talaga kami. Promise po hindi talaga.”
Todo todo tuloy ang pagtanggi ko. Syempre hindi naman talaga eh.
“Bakit…” hihirit pa ulit si Darius “…may magclassmates bang magka-holding
hands habang nasa mall?” At itinaas pa niya ang kamay namin.
Oo nga! Hindi ko na napansin na magkaholding hands pa rin kami mula kanina
noong hinila niya ako. Nagblush naman ako bigla.
“Yieehh…” biro sakin ni ate.
Sa hiya ko, hinila ko agad yung kamay ko. Pupunta na sana ako sa may table
namin pero may naalala akong sabihin kay ate kaya bumalik ako.
“Strawberry cake po yung akin at……… hindi po talaga kami.” Tapos naupo
na agad ako bago pa ako ipahiya ulit ni Darius.
“One strawberry cake and one chocolate cake.”
Si Darius na ang kumuha ng order ko, at syempre siya din ang nagbayad. Yun na
nga lang ang nakukuha ko sa fake relationship namin na ito eh… yung mga libre
niya saking food.
Habang kumakain kami, ayun nag-aaway na naman kami. Sinasabihan ko kasi siya
na tigilan ang pagpapakilala na gf niya ako. Hanggang school lang naman kasi ang
usapan namin. Mahirap na, baka kasi pag nakalabas pa yun eh umabot pa kina
kuya at malaman pa nila. Pero si Darius, hindi niya ako sineseryoso. Hanggang
nainis na ako at nagyaya na kong umuwi.
Uuwi na nga sana kami pero hindi pa kami nakakalabas ng mall noong biglang
nagring ang cellphone niya. Tapos nakailang bilin siya na wag ko daw siyang iiwan.
Tinakot pa ako na pag sinubukan ko daw, makararating daw yung picture namin sa
mga kuya ko. Ang tagal nga bago niya sinagot yung phone niya eh. Hay nako,
napakasegurista talaga…
Habang may kinakausap si Darius, ako naman eh nakatayo lang sa gilid at
nakasandal sa pader. Mayamaya may lumapit sakin na lalaki. High school din siya
pero hindi familiar yung school uniform niya sakin.
“Hi miss.”
Ano ba yan ako pa ang napagtripan. Badtrip pa naman ako. Syempre hindi ko siya
pinansin.
“Kung ganoon totoo nga. Magaganda talaga ang estudyante ng Anderson
High.”
Gusto ko sanang magthank you sa kanya kaso baka isipin niya interested akong
makipagchat sa kanya. Wag na lang.
“May kasama ka ba?”
May nakikita ba siyang kasama ko? Kaya nga niya ko nilapitan kasi mag-isa lang
ako. Duh!
“Yup. I’m with one annoying guy.” Sagot ko.
Natawa siya sa sinabi ko. Yung pa-cool na tawa. Siguro naman alam niyang siya
ang tinutukoy ko.
“Kung gusto mo pwede kitang samahan.”
“I’m not interested.”
“Hahaha… alam mo nakakatuwa ka. Wag kang mag-alala wala naman
akong masamang balak sayo eh.”
Pagtawanan ba ako. Napapadalas yata ang nakikilala kong lalaki na
pinagkakatuwaan ako.
Hay nako! Ang tagal naman kasi ni Darius eh! Nasaan na ba siya?!
“By the way, I’m Josh…” Tapos iniabot niya yung kamay niya.Tinignan ko lang
yun tapos siguro alam niyang wala akong balak makipag-shake hands kaya ibinaba
na rin niya. “… and you are?”
“She’s my girlfriend.”
Chapter
ChapterSix
terSix
Magkaaway na naman…
“She’s my girlfriend.” Napatingin kami pareho kay Darius. Lumapit siya sa amin.
“May problema ba?”
“Wala naman bro. Sige mauna na ko.” Tapos umalis na agad yung guy.
“I’m not your girlfriend okay. Tigilan mo na sabi ang pagpapakilala mo na
gf mo ko.”
“Ano bang masama doon, it’s part of our deal diba?”
“Ang usapan natin makikipagbalikan ako sayo para ayusin ang name mo sa
school. Nasa labas na tayo ng school, bakit kailangan pa nating
magpanggap?”
“Sino ba ang nagpapanggap? Alam mo ganito naman talaga ako eh. Kung
papaano mo ako nakilala, ganun talaga ako. Eh ikaw? Ikaw lang naman
ang nagbago eh.”
“Ano?”
“Hindi ko nga alam kung alin ang totoong Lauren Yana Eleazar eh. Yung
una ko bang nakilala o yung kasama ko ngayon. Sabihin mo…
nagpapanggap ka lang ba na isang sweet-girl dati o nagpapanggap kang
isang mean-girl ngayon?”
*SLAP*
Oh my gosh! I slapped him!
Kita kong nagulat siya sa ginawa ko, pero kahit ako nagulat din.
Okay. This is the first time na nanampal ako. Hindi ko talaga gawain ito pero sobra
na kasi yung sinabi ni Darius eh. Naginit talaga yung ears ko sa narinig ko. Sobrang
pagju-judge na yun!
“Alam mo yung sinasabi mo, pareho namang ako yun eh, depende lang yun
sa kaharap ko. Yung Sweet-Yana na nakakilala ng isang Player-But-NiceGuy, totoo naman yun eh. Pero noong malaman niyang ang lalaking iyon
pala is not only a Player but also a JERK, naging MEAN ako. Alam mo Mr.
Darius Villamor, hindi mo naman ako kilalang-kilala kaya wag mo kong ijudge.”
Tapos ay umalis ako at iniwan ko siya. Oo, nag-away na naman kami ngayon. At
siguradong bukas, makaaway pa rin kami.
Kinabukasan, pagpasok ko bumalik na sa tabi ko yung dati kong katabi. Si *toot*
(ayokong sabihin yung name niya) bumalik na din sa dati niyang upuan. Mabuti
naman kung ganon.
Ayun, buong araw kaming hindi naguusap o nagpapansinan man lang. Tinatanong
ako nila Irish at Piero pati na yung iba pa naming classmates pero change topic
agad ako. Hindi ako pwedeng magsabi kung hiwalay na kami o hindi, dahil nakablack mail pa rin ako. Bahala siya sa buhay niya! Basta ako, kung hindi niya ko
papansinin, eh di wag. Ako din, mas gusto ko nga yun eh.
Kinabukasan ganoon pa rin. Hahaha… Okay lang sakin. Balik lang sa dati kong
buhay. Walang makulit. Walang naggugulo. Walang nangpapahiya. Walang libreng
lunch. Hmmp. Eh ano naman? Mas okay nga eh. Mas peaceful ang life…
…
…
…
Kainis!!!!!
“Uy Yana okay ka lang ba?” tanong ni Irish. “Two days na kayong hindi
nagpapansinan ah.”
“Miss mo na siya no?” si Piero.
“Hinde noh. Never.”
“Ayan siya nakatayo sa likod mo oh.”
Mabilis naman akong napalingon sa likuran ko.
Teka, WALA naman eh. Pagtingin ko ulit kay Piero, halos mautas na siya sa pagpigil
sa tawa niya.
Pshhh… Pinagti-tripan lang pala ako nitong si Piero eh. Kainis, naloko niya ko.
“Akala ko ba hindi mo siya miss?”
“Hindi nga! Hmmp… Wala na kong pakialam sa kanya!”
“Narinig ko may bago na daw siyang girlfriend.”
“What?!” O_O Medyo napataas pa yung voice ko. “May bago na agad siya?!”
“Joke lang!” sabi ni Piero na halata namang nagpipigil pa rin ng tawa.
Nakakainis talaga, naloko na naman niya ko!
“Oh, akala ko ba wala ka ng pakialam sa kanya? Eh bakit ganyan kung
makareact ka sasinabi ni Piero?” pati ba naman itong bestfriend ko?
“Nagulat lang ako kasi… ano… diba… kasi diba may deal kami? Oo, tama.
Yung deal nga namin ang iniisip ko. Yun lang yun.”
“Yun lang ba talaga?”
Yun lang ba talaga? Oo naman! Yun lang. Period. Hay nako, makapagaral na nga
lang!
Mamamaya may dumating ng teacher…
Mag-aral at kalimutan ang lahat.
“Yana…” may tumatawag sa tabi ko.
Magconcentrate sa pag-aaral.
“Yana…”
Concentrate.
“Yana…”
Ano ba yan ang kulit!
“Yana, yung pan-”
Hindi ko na natiis kaya naman nilingon ko na siya…
“Darius wag ka ngang makulit.”
Pagtingin ko sa tabi ko, pareho kaming natigilan.
Natigilan siya dahil nagulat siya sa sinabi ko. Ako naman eh natigilan dahil hindi
pala si Darius ang katabi ko.
BLLUUUSSSSHHHHH…… Oh… My… Gosh… I forgot na lumipat na nga pala si Darius
ng seat. Ano ba yan nakakahiya!!!!!!!!!!
Paano kasi, nasanay na ako na si Darius ang nangungulit sakin ng ganun. Kasi
naman eh, bakit niya ba paulit-ulit akong tinatawag?!
“Yana, yung panyo mo nalaglag.” Sabi nung katabi ko.
Pagtingin ko sa sahig, nandun nga ang handkerchief ko kaya pinulot ko agad. Tapos
ay tinalikuran ko siya. Pahiya na naman ako eh.
Paglingon ko sa kabilang side ko…
“Okay lang yun sis. Ako lang ang nakarinig.” Tapos ay tinawanan pa ko ni Irish.
Ahhh!!! Narinig pa pala ni Irish yung pagkakamali ko. Nakakahiya talaga!
Lunch. Cafeteria…
Naiwan kami ni Irish sa table habang na-kuha si Piero ng food namin.
“Lauren Yana, umamin ka nga? May feelings ka na ba for Darius?”
Sabi ko na nga ba eh… Uusisain ako ni Irish dahil dun sa kanina.
“Wala.”
“Sure ka ba?”
“Of course. Bakit naman? Ano namang magugustuhan ko sa kanya?”
“He’s gwapo.”
“But not my type.”
“He’s generous.”
“He’s not! He’s just a spoiled-rich-kid.”
“He is sweet.”
“Nah… He’s just a good actor.”
“He likes you.”
“I don’t think so. He’s just playing with me.”
“You like him?”
“NO.”
“But you miss him?”
Napatingin naman ako kay Irish.
“Alam mo Irish nagkamali lang ako kanina okay? Ang kulit kasi nung
katabi ko eh… And pag naiisip ko yung word na makulit eh kadugtong na
nun yung pangalan ni Darius kaya ayun… natawag ko siyang Darius.”
“Your explanation…” nagisip pa sandali si Irish “…is unacceptable.”
“Irish?!”
“Yana… iba ang sinasabi mo sa nakikita ko sayo. You know the saying
right? Action speaks louder than words.”
“Ha?”
“Alam mo nagagalit ka lang sa kanya kasi sa kanya ka lang nakaexperience ng ganyang treatment. Nasanay ka kasi na yung mga kuya mo
pati yung iba mong naging boyfriends eh prinsesa ka kung ituring. Siya
lang ang mean sayo. Pero aminin mo, namiss mo rin yung kakulitan niya
diba?”
“No comment.”
“Hahaha… Tingin ko kasi, being mean is his way of being sweet.”
Ano daw????? Mean pero sweet?
“Pareho lang naman kayo ni Darius eh. Pareho ninyong alam ang
nararamdaman ninyo. Ayaw nyo lang tanggapin sa sarili nyo kasi afraid
kayong masaktan. Kaya naman naging okay na sa inyo na parang naglalaro
lang kayo.”
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Irish.
ChapterSeven
How to say ‘I MISS YOU’
Buong gabi kong inisip yung sinabi sakin ni Irish, pero syempre hindi naman ako
nagpuyat… ayokong magka-eyebags noh. Ewan ko ba pero naguguluhan ako eh.
Siguro nga she’s right. Pero maybe she’s wrong pa rin. Kasi naman si Darius eh…
waahhh!!! Ang gulo-gulo-gulo. Kainis!
Papasok na ako ng classroom pero bago yun dadaan muna ako sa corridor kung
saan nakatambay ang ilan kong classmates kasama na dun si Irish, si Piero and si
*toot*.
Nakita kong napansin niya ang pagdating ko kaya naman napatingin siya sakin. Ako
naman kunyari hindi ko siya nakikita. Dirediretso lang sa paglakad.
Ano ba yon? May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba ang buhok ko? Kainis! Bakit ba
siya nakatitig?
Kahit kasi hindi ko siya tinitignan ng direct, alam kong tinititigan niya ko. Bakit ba
kasi?
Ahhh!!! Hindi ko na ma-take ang titig niya sakin. Ano bang binabalak niya?
Nakakairita ha!
Kaya naman bago ako pumasok sa pinto, tumigil muna ako sa harapan niya.
Tumingin din ako sa kanya. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa eyes ko kaya
parang nagkaroon kami ng staring game.
Bigla siya nagsalita…
“Why are you staring at me?”
Nanlaki pa ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang tumititig sa
kanya?! Grabe ang kapal!
Tapos nag-smile siya ng pa-cool. “Na-miss mo ko noh?”
What!? I missed him!? Oh my god! NEVER! In the first place, siya ang na-unang
tumitig sakin at mas matagal din niya kong tinitigan.
“Ayyieeh!” biro ng ilan naming kaklase na nasa corridor din.
Sabi ko na nga ba eh, nagpapasikat lang siya. Then, hindi ko siya uurungan.
Nag-smile ako ng sweet sa kanya.
“Pwede ba, WAG KA ngang GUMAWA ng PARAAN para KAUSAPIN KITA.”
Tapos nag-smile ulit ako.
“Woah!” nagreact ulit yung mga kaklase namin “Ano Darius, taob ka pala kay
Yana eh.” Tinawanan pa siya nung iba.
Tapos nilampasan ko na siya. Hahaha!!! Buti nga sa kanya, pahiya siya ngayon.
Papasok na sana ko sa room pero bigla na lang humarang si Darius sa pinto. Wow.
Ang bilis niya ha…
Inantay ko kung may sasabihin siya pero tinitingnan lang niya ko. Ako naman eh
naiinip na.
“Ano?”
“We’re not yet done.”
Tsss… sabi ko na nga ba. Di talaga siya papatalo.
“Excuse me, papasok na kasi ako.”
“Bawiin mo muna ang sinabi mo.”
“Ano?”
“Aminin mo na kasi na miss mo na ko.”
Ang kapal talaga. “What’s your problem ba?”
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi.”
“Eh di wag. Hindi na lang ako papasok.”
Akala niya ha. Pag dating ng teacher namin, makakapasok din naman ako.
“Sinabi mo yan ha.”
Tapos bigla niyang isinarado yung door ng biglaan.
DUUGG!
“Ouch!” sabay hawak ko sa right hand ko.
Bigla din naman agad binuksan ni Darius yung pinto.
“Ano yun? Bakit? Nasaktan ba kita? Naipit ka? Anong nangyari?”
Pagkakita niya sakin, hinawakan agad niya yung right hand ko at tinignan ito.
Alalang-ala siya.
“Patingin nga! Masakit ba? Dalhin na kita sa clinic, ipacheck natin itong
kamay mo. Ano?”
“Joke lang.” sagot ko sa kanya with a plain expression -_Tapos ipinakita ko na my hand is perfectly fine. Totoo, nagjo-joke lang ako.
Hahaha… napaniwala ko siya. Nag-alala talaga siya sakin. Grabe, dirediretso siya sa
pagsasalita tapos medyo taranta pa.
Tapos ayun, speechless siya. Natigilan nga yata eh, kaya naman pumasok na ko sa
loob.
Alam kong nadagdagan na naman ang kasalanan ko kay Darius, pero anong
magagawa ko, siya naman ang nagsimula eh. Saka okay na rin yung nakakaganti
ako minsan. Maranasan naman niya yung pakiramdam ko pag napapahiya ako. :P
Tapos ayun nga buong araw na naman kaming hindi nagpansinan. Si Irish and
Piero naman tinatawanan lang ako.
“Astig talaga yung ginawa mo kanina. Akala ko naipit ka talaga ng pinto
eh.” Sabi ni Piero.
“Ang galing ko bang umarte?” pa-sweet na tanong ko.
“Oo kaya. Ang galing mo.” Puri pa niya lalo.
“Oh akin na yung bayad mo.” Tapos ibinuka ko yung hand ko sa kanya.
“Bayad saan?”
“Nakapanood ka ng libreng entertainment kanina dahil sakin kaya akin na
yung bayad mo. Aba, sa sinehan ba nakakapanood ka ng libre?”
“Sus. Gusto mo lang magpalibre eh. Sige na nga, ano bang gusto mo?”
“Shake. Chocolate flavor. Thanks Piero.”
“Oo na. Ikaw hon?”
“Same na din.” Sagot ni Irish
“O sige, bale tatlong shake.” Tapos ay bumili na nga si Piero.
“Hay nako Yana, may atraso ka na naman kay Darius. Di pa nga kayo
nagkaka-ayos nadagdagan na naman ang away ninyo.” Sabi ni Irish.
“Nandoon ka naman kanina diba? Nakita mo na siya ang nagsimula. Ang
gulo nga niya eh. Ano na naman kaya ang naisipan niya?”
“Alin yung kanina? Noong kinausap ka niya?”
“Oo. Nauna siyang tumitig tapos sasabihin niya ‘why are you staring at
me?’ tapos sinabi pa niyang namimiss ko na daw siya? Grabe talaga!”
“Hahaha…” natawa si Irish “I think, that‘s his way of saying ‘I miss you’.”
“I don’t think so and if ganun nga… ang weird naman ng way niya.”
“Nami-miss ka na nun Yana. Ikaw, miss mo na rin si Darius diba?”
“Ayan ka na naman Irish eh.”
Kinabukasan… Friday na… Yes!
“Class, next week na ang Junior’s Week. May Saturday and Sunday kayo
para magprepare ng things ninyo. Ayoko ng may mala-late sa inyo sa
opening ceremony sa Monday okay?” Paliwanag ng homeroom adviser namin.
“Yes, ma’am.”
“Oo nga pala. Ididivide lahat ng third year students into five teams. Kaya
naman maghihiwahiwalay ang ilan sa inyo sa klase na ito at makakagrupo
ang mga taga other sections kaya naman kung gusto ninyong manalo ang
team ninyo… makicooperate kayo.”
Tapos ay nag-explain pa si ma’am ng ilang things about dun sa Junior’s Week
namin. Sinabi na rin niya kung anong team and sinu-sino ang mga kamembers
namin.
“Sa Red Team, ang members ay sina… (name, name, name, name, name,
and so on). Sa Green Team ay sina… (name, name, name, name and so on).
Sa Blue Team naman ay sina Piero Seva…” Blue team si Piero? Hay nako,
panalo na ang blue team “… (name, name, name…) and Irish Nanquil…”
Ha?! Last na tinawag ang name ni Irish sa blue team, ibig sabihin hindi kami
magka-team? Ang daya naman oh… wala akong makakasama sa pagtakas sa mga
games. Buti sila ni Piero magkasama…
“Sa White Team naman, Lauren Yana Eleazar…” Kawawa naman ang white
team, wala silang mapapala sa akin pagdating sa mga games. Bahala na ang mga
kamembers ko dyan. “…and ang last member ninyo… Darius Villamor.”
O.o WHHAATTT?! ANO DAW?! Magkasama kami sa isang team ng lalaking iyon?
Medyo natigilan ako dun. Di ko na rin masyadong naintindihan yung sinasabi ni
ma’am.
Blah. Blah. Blah. Blah. Blah… Basta, I can’t imagine na magkagroup kami. Ang
pupose kasi ng Junior’s Week na ito ay teamwork and cooperation. Pero sa case
namin ni Darius eh… is that possible? Eh lagi nga kaming nag-aaway.
“Irish magka-group kami ni Darius!”
“So?”
“Irish magka-group kami… Ayoko…”
“Bakit naman?”
“Eh kasi… eh kasi…” Bakit nga ba? Basta ayoko siyang makasama sa team!
“Eh kasi ano?” ulit ni Irish “…eh kasi affected ka.”
“Ha? Anong affected? Hindi ah… Bakit naman… Hindi ako affected, I’m
just-”
“Ummm.” Ipinoint pa ni Irish yung index finger niya sa bibig ko. “Ang dami mo
na agad nasabi, SIGN yan na AFFECTED ka nga.”
“…” napatahimik naman ako bigla.
ChapterEight
Bonding with my EXEX-BF
[sched: 5 days – Juniors Week, then Christmas party, then vacation]
Okay. Monday na. Ibig sabihin, simula na rin ng Juniors Week. Kainis! Nandito na
nga kami sa paggaganapan ng JWeek eh. Pagaari din itong place na ito ng mga
Anderson… ang yaman talaga ng mayari ng school namin.
Ewan ko ba kung anong lugar ito, mukha namang gubat. Pero sabi ng mga teachers
namin eh safe naman daw, wala naman daw wild animals dito. Meron pa kaming
tinutuluyan na cabin dito pero parang lagayan lang naman yun ng mga gamit
namin. Eh kasi uuwi rin naman kami pag-hapon na eh, babalik na lang kinabukasan
para sa other activities pa.
Opening ceremony na. Nakagroup kami by teams.
Sigh……
Bakit ganun, lahat yata ng naging kateam ko eh puro hindi ko masyadong kaclose?
Hmmm… teka si Lemuel ba yun?
“Lemuel?”
Napalingon siya sakin.
“Uy Yana.” Nagsmile agad siya ng makita ako. “Teka, white team ka rin?”
Nag-nod ako.
“Eh magka-team pala tayo eh.”
“Really?” magkateam pala kami?! Thank you po Lord! At last may makaka-usap
na rin ako.
Oo nga pala… siya si Lemuel, siya lang naman ang first boyfriend ko. Siya yung
nakipagbreak ako kasi nagsawa nako… Ang bad ko noh? PERO kahit ganun hindi
siya nagalit sakin. Di tulad ni Darius… hmmff. Third year din siya pero magkaiba
kami ng section, at ngayon nga ay magkateam kami… Yehey!
After ng opening ceremony, nagsimula na nga ang ilang games. Kapag tinatanong
ako ng leader namin at ng mga kateam ko kung gusto kong sumali sa mga laro, isa
lang ang sagot ko sa kanila…
“Pass muna ako, sa next game na lang…” tapos dinudugtungan ko na lang ng
kunga anu-anong reasons.
Si Irish ganun din, hindi rin siya sumasali… pero nakikita ko siyang nagche-cheer
for Piero kaya hinayaan ko na muna.
Sa ngayon, kay Lemuel muna ako makikipag-bonding…
“Teka, ang alam ko ka-team din natin si Darius ah… ba’t parang di ko siya
nakikita?” tanong niya.
“Ewan ko sa kanya. Hayaan mo na nga yun.”
Kung ayaw niyang magparamdam, eh di wag!
“Okay lang ba na ako ang kasama mo ngayon? I mean, hindi ba magagalit
si Darius?”
“Okay lang yun noh! Saka hindi na yun magagalit pa, kasi he’s already mad
at me na.”
Tapos ngumibit ako.
“LQ? Napapadalas yata na naririnig ko na LQ kayo. Tunay ba yon?”
“Ewan ko ba sa kanya! Siya lang naman ang nagsisimula lagi ng ayaw
eh…”
Nakangibit na ko, tapos nagpout pa ako.
“Eh ba’t para kang batang nagmumukmok diyan? Hahaha…”
Tawanan daw ba ako?
“Sa wakas! Si Lauren Yana Eleazar, ang isa sa pinakamagandang babae na
hinahangaan at pinapangarap ng mga lalaki sa Anderson High… sa wakas
at nakaramdam na rin siya.”
Ano daw? Nakaramdam na ako? Ng Ano?... Teka may itinatago bang sama ng loob
sakin itong si Lemuel?
“Nakaramdam ng ano? Anong sinasabi mo Lemuel?”
“Ayiieeh… Wag mo ng itanggi… Inlove ka na…”
Nag-blush naman ako bigla.
“Anong inlove?! Hinde ah!”
“Sus! Hindi daw, eh bakit ka namumula?”
“Hindi naman ah…” Kasi naman, bakit nga ba ako nagbu-blush? Kainis naman
oh!
“Kilala kita Yana… kahit noong tayo pa, alam ko nang hindi ka seryoso sa
relasyon natin. Pero naiintindihan naman kita eh, siguro kasi wala ka
talagang nararamdaman para sakin. Pero ngayon kitang kita ko sayo oh…”
Tapos bigla niyang pinisil yung nose ko.
“Ahhh…uuucchh..”
Dati na niya itong ginagawa sakin pag nagbibiruan kami, pero medyo masakit pa
rin yun pisil niya ngayon eh.
“Uuyyy… may gusto siya kay Darius…”
“No, I’m not!”
“Mukhang hindi mo pa rin inaamin sa sarili mo yang nararamdaman mo
ah… Pero bilang exboyfriend mo, ako na ang nagsasabi sayo… INLOVE KA
NA!”
Tinakpan ko naman agad yung mouth ni Lemuel. Isigaw daw ba naman na inlove
ako kay Darius!!!
“Sshhh… baka may makarinig sayo… mapabalita pa yang sinasabi mo.”
“MMmmMmmmmMMMMmmmMmMM…”
“Ano?”
“MmmmMMMmMMmmmMmmmmm…”
Tapos itinuro niya yung kamay ko…
Ay! Oo nga pala, tinatakpan ko pala yung bibig niya kaya hindi ko maintindihan ang
sinasabi niya… Oopps… Sorry, I forgot. Tinanggal ko naman agad ang kamay ko sa
bibig niya.
Huminga siya ng malalim. “Huuh! Akala ko mamamatay na ako, pati ilong ko
natakpan mo na rin eh.”
“Sorry… Peace tayo Lemuel.” Nag-peace sign pa ako sa fingers.
Mayamaya lumapit samin yung leader namin.
“Lemuel, Yana… Next game ay ‘Dance on Paper’. Required kasi na 3 pairs
ang kasali per team, eh one pair pa lang ang meron tayo. Baka sana gusto
nyong sumali.”
“Naku pass muna ako, sa next game na lang…” sagot ko agad.
“Magpapass ka na naman Yana?” sabi sakin ni Lemuel.
Talaga naman itong si Lemuel, ibinubuking pa ako!
“Pasensya na leader, ayaw ni Yana eh… Yung iba bang members ng team
natin?”
“Pagod na rin kasi sila sa mga naunang games kaya ayaw na rin sumali ng
iba…” paliwanag ng leader namin.
“Sige sasali na ako.” presinta ni Lemuel. “Ikaw Yana?”
Napatingin sakin yung leader namin. Napatingin din naman ako kay leader na
parang medyo ikinagulat niya.
“Kung ayaw mo Yana okay lang, hindi naman kita pinipilit eh.
Nagbabakasakali lang ako, baka kasi gusto mo eh. Pero kung ayaw mo
talaga, okay lang. Pwede naman akong maghanap ng iba eh…”
Ano naman yun? Wala pa naman akong sinasabi eh. Medyo weird din pala tong
leader namin. Taga ibang section din kasi siya eh, kaya hindi ko siya masyadong
kilala.
“Hinde okay lang. Basta si Lemuel ang partner ko ha?”
“Oo naman. Salamat talaga Yana ha? Salamat ulit.”
Tapos ay umalis na siya para maghanap ng isa pang pair na makakasama namin sa
game na ‘Dance on Paper’ (Ang old na ng game na to…).
“Hindi siya masyadong familiar sakin.” Sabi ko kay Lemuel.
“Sino, yung leader natin? Kasection ko siya.”
“Oh? Ba’t ganon? Ang weird niya, wala pa naman akong sinasabi pero nageexplain na agad siya.”
“Ganun talaga, maluwag yun pagdating sayo… Crush ka nun eh.”
“Eh?!” Napatingin naman ako bigla kay Lemuel.
Kaya pala tinatanggap niya lahat ng excuses ko eh…
Pumunta na kami sa game na sinalihan namin. Inexplain samin kung paano laruin
ang game…
Simple lang ito. May music na tutugtog tapos ay magsasayaw kayo ng pareho ng
partner mo. Pagtumigil ang music, kailangang tumungtong ng magpartner sa
nakalatag ng newspaper at dapat ay hindi lalampas ang mga paa ninyo sa dyaryo.
Tapos ay co-count ng 1-10 at kung sino man ang lumampas sa dyaryo ang any part
ng katawan, out na sila ng partner niya. Bawat round ay ipino-fold ang dyaryo sa
kalahati at kung sino ang maiiwan ay ang team na panalo. Kailangan lang may
coordination kayo ng partner mo.
After i-explain ng game, tinawag na ang tigtatlong pairs ng bawat team.
“Mga players ng white team…” tinawag na kami ng gamemaster.
Nagpunta na kami ni Lemuel sa gitna.
“Yana galingan mo! Kaya mo yan bestfriend!” Cheer sakin ni Irish at Piero.
“Go Yana!” may mga iba na rin na nagche-cheer sakin. Pati mga taga ibang team.
“Iba talaga pag sikat, wala ng team-team pa. Basta sinusuportahan ka
nila.” Biro sakin ni Lemuel.
“Hahaha… hinde noh, si Irish ang sikat. Tapos nagcheer siya sakin, kaya
yung mga tagahanga niya, sinuportahan na rin ako.”
“Naks! Humble… Eh pareho lang naman kayo ni Irish na sikat eh.”
“Hahahaha…”
“Ehem!”
Napatingin naman kami sa nag-ehem na nasa tabi lang namin.
O_O Teka…
ChapterNine
ChapterNineterNinePartners 1/2
“Uy pare, kasali ka rin pala?” tanong ni Lemuel kay Darius.
As in oo, si Darius talaga. Kahit ako di makapaniwala na sasali sa ganitong laro si
Darius.
“Pwede namang sumali kahit sino diba? Basta may ka-partner.”
Napatingin naman ako sa tinutukoy niyang kapartner.
O.o
WHAT? Isa ulit kagulat-gulat. Si Angel kasi ang partner niya… eh patay na patay si
Angel kay Darius eh. Ang alam ko nga elementary pa lang sila, crush na ni Angel si
Darius. Magclassmates daw kasi sila mula pa noong elem, pero ngayon highschool
eh hiwalay na sila ng section (kasection ko si Darius diba…). Yung ang nariririnig ko
kaya ‘daw’ lang.
Pero kung ngayon ko titingnan si Angel mukhang totoo nga. Kita kong masayang
masaya siyang makapartner si Darius.
“Galingan ninyo ng GIRLFRIEND ko ha.” Sabi niya kay Lemuel.
Ano naman kayang meaning ni Darius dun?
“Let’s start the game. Music!” sabi ng gamemaster.
Tapos sumayaw na kami, yung parang nagpaparty lang.
Napatingin ako kina Darius…
Aba’t talagang abot tenga ang ngiti ng dalawa! Huh! Bagay nga sila!
Sino kaya ang nagyaya sa kanila na sumali sa game na ito? Malabong si Darius ang
magyaya, walang yung hilig dito eh. Siguro si Angel… tama, si Angel nga. Pero
bakit kaya pumayag si Darius? Ummm… baka naman pinilit lang rin siya ng leader
namin.
“Music STOP!”
Pero kahit naman pilitin siya eh… kung ayaw niya, ayaw niya talaga.
“Yana!”
Kung ganoon…
“Yana! Nag-stop na ang tugtog.”
Ay oo nga.
Agad naman akong tumungtong sa dyaryo.
Sigh. Muntik na yon…
“Okay pasok lahat sa second round. Fold your newspapers.” Sabi ng
gamemaster.
“Hindi pa ba ako sapat?” bulong sakin ni Lemeul.
“Ha?” anong sinasabi niya?
“Ako nga ang kasama mo, pero siya pa rin ang iniisip mo.”
Ah gets ko na. Talagang feel na feel pa ni Lemuel ang pag-arte.
“Crazy.” Tapos medyo pinalo ko siya sa shoulders niya.
“Hahaha… galingan mo naman kasi. Baka matalo pa tayo ng dahil sayo.”
At nagyabang pa!
“Beh!” :P
“Hahaha…”
“Music!” sigaw ng gamemaster.
Hahaha… talagang kumekembot pa si Lemuel. Syempre papatalo ba naman ako,
iilan lang ang nakakaalam pero may talent talaga ako sa dancing. Hahaha…
“Music stop!”
Tumungtong agad kami ni Lemuel sa newspapaer.
“1 pair sa blue, 1 pair sa red at 2 pairs sa yellow… OUT NA! Sa mga natira,
next round na… fold your papers!”
“Magaling ka palang sumayaw eh, bat di ka sumasali sa dance club?”
tanong sakin ni Lemuel.
“Ikaw din naman ah, ang galing mo ngang kumembot eh. Hahaha…”
“Sus! Pwera biro, magaling ka nga Yana… ba’t di ka sumali…”
“Ayoko sa mga members ng dance club eh, mga suplada. Saka nandun si
Hillary eh…” Nasabi ko na to dati diba… si Hillary.
“Hater ka na rin ni Hillary? Bakit, gawa ni Travez?”
Wow. Nakiki-chismis din pala itong si Lemuel…
“Hindi naman ako hater…” hindi naman talaga eh… “…baka lang kasi
matalbugan niya yung beauty ko eh pag nagsama kami.” Biro ko.
“Hahaha… wag kang mag-alala mas maganda ka para sakin.”
“Music!” sigaw ng gamemaster.
Kinabahan naman ako bigla dun sa sinabi ni Lemuel. Kung tutuusin wala naman
talaga kaming naging problema ni Lemuel dati eh. Talaga lang mas magaan sa
feeling ko pag kasama ko siya as a friend kesa as a boyfriend. Pero siya kaya?
Hindi ko naman talaga alam ang nararamdaman niya eh. Ang alam ko, after namin
maghiwalay hindi na ulit siya nagka-gf. Possible kaya na… may gusto pa rin siya
sakin?
HAHAHA… Ano ba itong pinagii-isip ko! Masyado naman akong feeling magada.
“Hahaha!”
Napatingin naman ako sa nagtatawanan… na sina Darius at Angel.
>:/
Ano naman kaya ang ibinubulong ni Darius na to kay Angel at tuwang-tuwa siya?
*may sinabi si Darius kay Angel*
“Hahaha…” at talagang kinikilig pa si girl!
*may sinabi ulit si Darius* Sinusubukan kong basahin ang buka ng bibig niya pero
hindi ko talaga maintindihan.
“Hahaha… ang kulit mo naman Darius eh…” sagot ni girl.
What the!!! At FLIRTY pa yung pagkakasabi niya!
“Kainis!” bulong ko.
“Music stop!”
Tumungtong na kami sa newspaper. Medyo maliit na yung paper kaya medyo close
na kami ni Lemuel. Hawak na nga niya ako sa shoulders eh para hindi kami ma-out
of balance. Eto na rin yung round na nagsisimula nang kiligin ang mga nanonood
naming kaeskwela at nagsisimula na rin silang magtuksuhan…
“Steady ka lang Yana para hindi tayo ma-out.” Sabi sakin ni Lemuel.
Tapos nagstart ng magcount backwards ng one-to-ten.
“Lemuel ang swerte mo!” sigaw ng isa naming kaklase na nanonood. “Sana ako
na lang ang kayakap ni Yana ngayon!”
“Ayiiehh!”
“BALIW!” sagot ni Lemuel sa kanila.
“Yana wag masyadong close! Nandiyan ang boyfriend mo!” tukso sakin ni
Piero.
Napatingin naman ako kay Darius.
>:/
Yung hands ni Darius… nakahawak sa waist ni Angel.
Hindi ba masyado naman yata silang close sa isa’t isa…
Yung eyes niya… natingin kay Angel.
Bakit ganun siyang tumingin, parang may interest?
“THREE!... TWO!... ONE!... ZERO!... One pair ng blue, one pair ng green at
two pairs ng white team na lang ang natitira. Next round na, fold your
papers.”
“Game lang to Yana, wag mong seryosohin ha…”
“I know. This is just a game. Alam ko yun, okay?”
“Weh? Eh bakit kulang na lang paghiwalayin mo silang dalawa sa selos
mo?”
Napatingin bigla ako kay Lemuel.
“Hindi ako nagseselos noh!”
“Madaling sabihin… pero kung makakunot naman ang kilay mo…” sabay
poke niya sa forehead ko.
Saka ko lang napansin na nakakunot nga ang kilay ko. Oo nga noh?
Nag-smile naman ako bigla. Yung sweet innocent smile ba…
“Oh see?” sabi ko sa kanya.
ChapterTen
ChapterTen
Partners 2/2
“Music!”
Tumugtog na ulit. Maraming natanggal sa previous round kaya four pairs na lang
kaming naglalaban. Isa sa blue team, isa sa greean team, tapos dalawang pairs pa
mula sa team namin na white.
“Akala ko ba hindi ka nagseselos, eh bakit hindi mo maalis ang tingin mo
sa kanya.”
“Hindi nga sabi eh… Tsss…”
Tumingin ako kay Darius… tapos kay Angel… tapos kay Darius ulit.
“Ang ganda ba niya at halos hindi na siya maalis ang eyes sa kanya?”
“Maganda naman si Angel ah…” sagot ni Lemuel.
“I’m not asking you okay?”
“Ang sungit…” Bulong niya pero narinig ko pa rin. Di ko na lang pinansin.
Nakatingin pa rin ako dun sa dalawa…
“Abot tenga pa talaga ang ngiti niya ha…”
“Baka masaya lang talaga siya ngayon.” Sagot ni Lemuel.
“At kailangan talaga magkaholding hands sila?”
“Baka naman inaalalayan lang niya…”
“Inaalalayan? Ang SWEET ha!” sarcastic kong sabi
“Music stop!”
Tumungtong naman agad si Lemuel sa dyaryo. Kaso masyado ng maliit yung space
kaya hindi na ako kasya. Kaya binuhat na lang niya ko habang siya yung nakatayo
sa dyaryo… yung buhat prinsesa ba.
“AYIEEH!” at syempre todo ang tili at tuksuhan na naman ng mga nanonood
samin.
Pero ang maganda naman dun eh nakapasok kami sa next round. Green team lang
ang natanggal, naiwan pa rin ang blue at dalawang white.
“Musicc!!!”
“One foot na lang ang kasya sa dyaryo na to…” sabi ni Lemuel.
“Ganito… pag tumigil yung music, itutungtong ko yung kanang paa ko sa
dyaryo tapos tungtungan mo yung paa ko ng kaliwang paa mo.”
“Tatapakan ko yung right foot mo?” baka masaktan siya?
“Oo. Hindi kasi ako magaling magbalanse ng iisang paa ang gamit eh…
baka pag binuhat kita, maout-of-balance ako, mahulog ka pa…”
“Eh di ba mahirap magbalance pag ganun?”
“I-try lang natin.”
“Okay.”
Need din pala ang strategy sa ganitong game?
Tapos ewan ko ba… kahit anong gawin ko, di ko pa rin maiwasang hindi tumingin sa
kanilang dalawa…
May ibinulong si Darius kay Angel. Tapos parang biglang nagslow-motion ang lahat.
Parang ang tagal ng bawat kilos nilang dalawa. Ang tagal ng paglalapit nila sa isa’t
isa. Tapos biglang may naramdaman akong masakit sa dibdib ko. Ang hirap iexplain pero basta, parang may something inside me na mabigat sa pakiramdam…
na masakit.
Bakit ba ganun si Darius? Ano ba talagang gusto niya sakin? Bakit ba talaga siya
nakipagbalikan sakin? Bakit sumasama siya sa ibang girl? Bakit gusto niya lagi
akong inisin? Sinasadya niya ba yon? Is this his way para magantihan ako?
And bakit ba ako? Bakit ba lagi na lang akong affected? And bakit ako
nakakaramdam ng pain ngayon?
Hinawakan ako ni Lemuel sa shoulder. Pareho kaming napatigil at nakatayo lang.
“Tama na Yana…”
Napatingin ako kay Lemuel.
“…wag mo na silang tingnan. Alam kong kaya mo yan ginagawa dahil
nilalabanan mo yang nararamdaman mo. Pero wala ka ng magagawa Yana,
nandyan na yan. Lalo mo yang nilalabanan, lalo ka lang masasaktan.”
“Hindi-” itatanggi ko sana yung sinabi niya pero noong makita kong serious siya,
natigilan ako.
“Alam ko ang feeling… Ang makita ang mahal mo na may ibang tinitignan.
Masakit talaga yan.”
Napatungo ako.
“Yun nga lang, matagal ko ng nararamdaman yung akin kaya sanay na ako
sa sakit. Pero ikaw…” huminga siya ng malalim “…hindi ko alam kung paano
mapapagaan yang nararamdaman mo… pero handa akong tulungan ka sa
kahit anong paraan. Pero sa ngayon ang magagawa ko lang ay ang
samahan ka.”
Naiiyak tuloy ako sa sinabi ni Lemuel. Kasi naman ehhh… Pero syempre pinipigilan
ko.
“Music STOP!”
At ginawa nga namin ang nasa plano. Kahit papaano nakakabalance naman kami,
pero close na close na talaga ang position namin ni Lemuel.
“10!......... 9!.........”
Ang hirap magbalance… Paano kaya ang ginawa ng iba?
At syempre hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, napatingin na naman ako
kina Darius…
…na sana ay hindi ko na lang nakita.
Pareho lang naman kami ng strategy na ginawa… yun nga lang sa kanila eh, halos
nakayakap na talaga si Angel sa kanya.
“8!......... 7!......... 6!.........”
Matagal pa ba to? Bakit ganoon, parang ang bagal naman ng bilang nila? Hanggang
kelan pa silang ganyan?
“Yana…” bulong sakin ni Lemuel.
Pagharap ko sa kanya, hinawakan niya ako sa head ko tapos ay inilapit niya ko sa
dibdib niya.
“Ahhhh-yeeeee!!!”
Biglang naghiyawan ang mga girls. Kahit naman ako, kinilig din dun sa ginawa
sakin ni Lemuel eh.
“5!......... 4!.........”
Kaso nga lang, medyo naka-distract sa kanya yung hiyawan ng ibang girls kaya naout of balance siya kasama ako at natumba kami.
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!.......” DUUGGG!
“Yana, Lemuel okay lang kayo?”
“Yana are you okay?” tanong agad sakin ni Irish.
“Okay lang ako.” Di naman ako nasaktan eh, kay Lemuel kasi ako bumagsak.
Ewan ko lang siya…
“Okay lang din ako.” sagot niya.
Biglang may naghiyawan.
“YEHEY!!!”
“The dance on paper winner is TEAM BLUE!” sabi ng gamemaster
“YAHOOO!!! HOORAY!!! BLUE TEAM! BLUE TEAM! BLUE TEAM!”
Panalo ang blue? Ibig sabihin, na-out din sina Darius?
Pagtingin ko sa paligid, wala na si Darius.
Saan naman kaya siya nagpunta?
Chapter Eleven
Inlove Inlove Na Ko!!???
Ko!!???
Day two na ng Junior’s Week. Walang masyadong games ngayon, naghahanda kasi
bawat team para sa Mr and Ms Junior. Si Irish at Piero ang panlaban ng blue team.
Sa amin naman na white team, kinukuha akong panlaban. Pero syempre dahil alam
ko na ang secret ng leader namin, sinabi ko na lang sa kanya na ayaw ko at
pumayag agad siya. Pero yung teammates ko makulit talaga kaya inireason ko na
lang na may title pa rin ako na Ms. Anderson High noong Foundation Day, baka
isipin ng iba na unfair. And bigyan naman nila ng chance ang iba diba?
Ayun may nahanap naman sila. Sa boys naman, naririnig ko kinausap din nila si
Darius, pero mukhang hindi pumayag kaya si Lemuel tuloy ang panlaban.
Mamayang hapon na ang laban kaya medyo busy ang lahat…
“Irish may time ka ba?”
“Sure Yana, may 30 minutes break kami ngayon from rehearsal eh.”
Humanap kami ni Irish ng place na walang masyadong tao tsaka medyo tahimik.
“HINDI KO NA TALAGA ALAM… NAGUGULUHAN NA AKO.”
With matching hawak ko pa ulo ko. Naguguluhan na kasi talaga ako eh.
Napatingin lang sakin si Irish na parang nagtatanong ng ‘anong nangyayari sayo?’.
“Irish…”
Yung tono ko pa eh parang batang nakikiusap sa mommy niya na ibili siya ng
laruan. Yung parang iiyak na hindi naman, ah basta ganun.
Tinawanan niya muna ako.
“Ahahaha… Si Darius yan ano?”
Nag-nod ako. “Um-um…”
“Ano ba ang nangyari kasi?”
“Eh kasi si Lemuel eh…”
Tapos ay ikinuwento ko nga kay Irish yung pagkikita namin ni Lemuel kahapon,
tapos yung pagtutukso-tukso niya sakin hanggang sa pagsali namin sa game, tapos
noong makita namin si Darius na may kasamang ibang girl. At tapos yung mga
bigla ko na lang naramdaman saka yung mga huling sinabi sakin ni Lemuel.
“Hahahaha…. Hahaha….”
Tawanan daw ba ako? Bestfriend ko ba talaga to? Hindi ko tuloy alam kung tama
bang ishinare ko pa sa kanya to eh.
“Thanks to Lemuel! Siya lang pala ang magmumulat sayo sa tunay mong
nararamdaman eh…”
“So ano na?”
“Ikaw ba ano sa tingin mo?”
“Irish naman eh… kaya ko nga sinabi sayo eh kasi gulung-gulo na ako.”
“Yana… wala naman kasing ibang makakasagot niyan eh kundi ikaw din.”
Nag-sigh ako. Tapos tumingin ako kay Irish.
Nag-aabang lang siya sa sasabihin ko.
“I think…
I’m…
falling for Darius na.”
Yeah right. Ako na rin ang nagsabi diba, INLOVE LANG ANG NAGSESELOS. And
after kong ma-realize lahat ng nangyari kahapon, aaminin ko na… Nagseselos Nga
Ako… meaning INLOVE na nga ako kay DARIUS.
I’m inlove and I’m so so Dead. Waahhhh!!!
“Oh, nafigure out mo na pala yan sa sarili mo eh. Ano pang problema?”
“SIYA. He is the problem.”
“Si Darius? Bakit siya?”
“He hates me. Galit siya sakin dahil dun sa ginawa ko sa kanya.
Nakipagbalikan siya, hindi lang para ayusin ang name niya kundi, para
gantihan ako. Kaya nga ganito niya ako kung i-treat eh.”
“Ha?”
“Irish… Ano bang gagawin ko? Mai-inlove na nga lang ako, sa lalaki pa na
number one enemy ko.”
“You’re not enemies okay? Diba sabi ko, I think he likes you.”
“Yeah right.” medyo sarcastic kong sagot “And I have no idea kung paano mo
nasasabi yan.”
“Yana, diba nasabi ko na rin yan sayo dati. You both like each other, ang
problem lang pareho din kayong takot masaktan kaya walang umaamin.
Just tell him na gusto mo na talaga siya… for real.”
“No! I can’t. Wala akong enough courage para gawin yun.”
“Eh anong balak mo?”
“Dunno. Siguro tulad lang ng dati. Kunyari wala lang.”
Biglang may nag-announce.
“Sa lahat ng candidates for Mr and Ms Junior AHS, magproceed sa stage
para sa general rehearsal. Sa lahat ng candidates for Mr and Ms Junior,
magproceed na sa stage para sa general rehearsal…”
“Oh paano Yana, tinatawag na kami.”
“Okay lang Irish. Thanks for the time ha.”
“Anu ka ba… That’s what bestfriends are for.”
Tapos nag-hug kami.
At bago siya umalis, kung ano-ano pang binilin niya.
“Ganito Yana, subukan mo rin na makipag-bati na sa kanya… and iwasan
mong gumawa ng mga bagay na ikagagalit niya, umiwas ka muna sa ibang
boys. At tandaan mo to, hanggang kaya mo pa… i-try mong wag makipagaway sa kanya. Sige, bye Yana…”
“Buh-bye.”
Paano yun? Makikipagbati ako? Kaya ko ba? Eh tuwing mag-uusap kami lalo lang
lumalala ang away eh.
Mr & Ms Junior AHS na…
Kinuha ko lang yung digicam ko sa cabin tapos manonood na ako. Naglalakad ako
ng may narinig akong sumutsot galing dun sa nadaanan kong room.
“Pssst!”
Medyo nagmamadali ako kaya nakalampas ako. Pero syempre bumalik ako at
sumilip dun sa kwarto. Pagsilip ko…
…si Darius pala.
Inirapan ko muna siya tapos ay aalis na sana ako…
“Hoy!”
Tinignan ko siya ng masama.
Lumapit naman siya sakin.
“Bakit ba?! Tsaka may name ako noh, wag mo kong tawaging ‘HOY’. And
hindi mo ba alam na bastos manutsot? Kainis!”
Kainis siya ha! Ilang araw niya kong hindi pinapansin tapos bigla na lang niya kong
tatawagin ngayon tapos ‘hoy’ pa ang pinangtawag.
“Hindi ka man lang ba magso-sorry sakin?” sabi niya.
“At bakit naman?”
Sorry ka dyan?! Sa dami ng ginawa niya sakin, ako pa ngayon ang magsosorry?
NAKAKAINIS talaga! Bakit ba siya pa ang nagustuhan ko?!
“Sa tingin mo tama yung ginawa mo kahapon?...”
Kahapon? Anong ginawa ko kahapon?
“…Tama bang nakipagpartner ka sa Lemuel na yon kahit alam ng lahat na
ako ang boyfriend mo? At hindi lang yun, EX mo pa siya!”
Teka, kinakausap niya ba ako ngayon para pagalitan lang?
“Ano namang problema dun? Magkaibigan naman kami ni Lemuel eh.”
“Para sayo OO, pero sa kanya HINDI! Eh may gusto-”
Bigla siyang natigilan.
“Anong sabi mo?”
“Wala...”
Bakit ganun? Mukhang may itinatago siya sakin?
“…Pero hindi mo man lang ba ako inisip? Kung gusto mong sumali eh di
sana ako ang kinuha mong partner.”
“DUH!!! Ilang araw mo kong hindi pinapansin tapos ine-expect mong
makikipag-partner ako sayo? And hindi ko naman talaga gustong sumali
dun sa game na yon, napilitan lang ako…
…AND!! Bakit Ka Ba Nagagalit Sakin? Eh Ikaw Din Naman Ah… MAY IBA KA
RIN NAMANG KAPARTNER…
…Tama bang nakipagpartner ka sa ANGEL na yon kahit alam ng lahat na
ako ang girlfriend mo? And hindi lang yon, alam ng lahat na patay na patay
siya sayo!”
Mukhang nagulat siya dahil binalik ko sa kanya yung sinabi niya. Kahit naman ako
eh nagulat din dun sa sinabi ko, basta na lang lumabas sa bibig ko eh.
Tapos biglang nagbago yung expression ng face niya. Yung parang nahihiya na
pinipigilan niyang huwag mahalata.
Tapos umiwas siya ng tingin…
“Ginawa ko lang yun para pagselosin ka.”
After ko ma-absorb yung sinabi niya… yung naging expression niya kanina, biglang
naging ganun din ang expression ko. Kahit hindi siya nakatingin sakin, iniiwas ko pa
rin yung tingin ko sa kanya.
Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Lumakas bigla yung heartbeat ko, at feeling ko ang pula pula na ng face ko.
Napaka straightforward naman kasi nung sinabi niya eh. Saka bakit niya sasabihin
yun? Bakit niya ko pagseselosin? Wala naman siyang mapapala dun eh, unless…
…nagseSELOS din siya samin ni LEMUEL! Kaya niya ba ko pinapagalitan ngayon?
Pareho kaming natahimik bigla. Buti na lang at biglang may tumugtog dahil
magsisimula na ang program for Mr & Ms Junior.
“Saan ka pupunta ngayon?” tanong niya.
Hindi pa rin kami nagtitinginan.
“Manonood ako ng program. Kasali si Irish eh…”
Hindi na siya sumagot.
Anong ibig sabihin nun? Since wala naman siyang sinabi eh nagsimula na ulit ako
maglakad palabas ng cabin. Tapos sumunod lang siya sakin.
Pagdating namin, ipinapakilala na ang mga candidate for Ms Junior…
Katabi ko siya. Masaya ako at okay na kami.
Hindi talaga kami nakapag-usap ng matino ni Darius. Hindi kami nag-sorihan, hindi
rin kami nag-bati. Pero yung kinakausap na ulit niya ko, yung pinapansin na ulit
niya ko… okay na sakin yun.
O_o ?? OHHH-EMMM-GEEE!!! Inlove na nga yata talaga ako sa lalaking ito.
Chapter TwelveTwelveHate that I Love You
Kahit bati na kami, it doesn’t mean na balik na ulit kami sa dati. Kung pwede lang
iiwasan ko muna siya. Paano ba naman kapag katabi ko siya, tulad ngayon, ang
BILIS ng BEAT ng HEART KO! Para akong kinakabahan na ewan… Baka mamaya
magka heart-attack pa ko.
I know na! Sasamantalahin ko na maraming ang tao para makalayo ako sa kanya.
*Peek*
Good, nasa stage ang atensyon niya. Lilipat na ako ng pwesto…
Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe.
Okay na siguro dito. Malayo na naman siguro ako sa kanya.
Paglingon ko…
O_o
Bakit nasa likod ko siya?! Sumunod siya sakin? Ano ba yan!
Hay nako! Bakit ba siya sumunod? Nilalayuan ko nga siya tapos sumunod naman.
Hmmp!
Eto, one more try…
Peek……… Okay, NOW NA.
Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe. Tiptoe.
“Yana! Saan ka pupunta?”
Natigilan naman ako bigla.
Hayy! Nahuli na naman niya ko. Kainis.
“Bakit ba paalis-alis ka?”
Eh kasi nilalayuan kita!
Hay nako. Yun ang gusto kong isagot sa kanya. Pero syempre hindi ko yun gagawin.
Baka mabuking pa niya ko no, mahirap na.
Okay Yana, dapat natural lang.
Lumingon ako sa kanya at sinagot ko siya.
“Eh bakit ka ba kasi sumusunod?”
“Eh kasi nga umaalis ka. Saan ka ba talaga pupunta?”
Ano daw? Sinagot niya ba yung tanong ko? Eh parang ibinalik lang niya yung una
niyang tanong eh…
“Naghahanap lang ako ng magandang pwesto. Pipicturan ko kasi si Irish.”
dahilan ko.
“Eh di sa unahan tayo.” Sabi niya sabay grab niya sa right hand ko at hinila niya
ko pa-una.
“Teka Darius… Wait lang…”
Bakit ba kasi ganito? Hinawakan lang naman niya yung kamay ko pero bakit ang
bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Dati naman hindi eh…
Ang hirap naman. Siguro ganito talaga ang feeling pag inamin mo na sa self mo na
gusto mo talaga yung isang tao, magbabago na ang lahat sa pagitan ninyo.
“…Darius bitiwan mo na yung hand ko. Hindi mo naman ako kelangang
hilahin eh.”
Pero mukhang hindi niya pinakikinggan ang sinasabi ko hanggang nasa front row
na nga kami. Saka lang niya ako binitawan.
“O yan. Magpicture ka na.”
“Psshhh.” Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh di ang magtake na nga lang ng
pics.
Kahit kelan talaga, sarili lang niya ang pinakikinggan niya.
“…Our next candidate for Ms Junior AHS, from BLUE TEAM… Ms Irish
Nanquil!”
Biglang lumakas ang sigawan. Halos lahat nagche-cheer kay Irish. Syempre,
pinakamaganda kaya ang bestfriend ko sa kanilang lahat.
“Go Irish!”
“Nakakatamad namang panoorin ang labanan na yan.”
“Bakit naman?”
“Kahit naman sinong tanungin mo eh, kahit ibang team pa yan, si Irish ang
sasabihin nilang panalo.”
Sabagay, may point si Darius dun.
“Eh may boys pa naman ah.”
“Sus! Kahit naman sinong manalo sa lalaki eh, partida na sa kanila yun
dahil hindi ako kasali.”
“Ang yabang!” Wala man lang ba siyang kahit konting ka-humble-an.
“Kasi may ipagyayabang naman.”
Por que may itsura siya at sikat at nanalo siyang Mr Anderson High noong
Foundation day, ganun na siyang magsalita. Hmmpp!
“And now, the candidate for Mr Junior AHS. From BLUE… Mr Piero Seva!”
“Waahhhh!!!”
Grabe ang tilian ng mga girls. Paano kasi, si Piero na eh. Cute and charming naman
kasi si Piero kaya maraming nagkaka-crush sa kanya. Oops! Don’t get me wrong ha.
Hindi ako kasali sa ‘maraming’ yun. Friend lang tingin ko kay Piero at hindi ko siya
type at lalong hindi ako ahas. Kay bestfriend ko na siya eh.
At eto pa, kung inaakala ninyong normal student lang si Peiro na makulit at tagalibre ko ng food… then NO. Siya po ang lead guitarist ng school band kaya medyo
sikat din siya.
“Oh paano ba yan? Ang lakas ng impact ni Piero sa audience. Ano nga ulit
yung sinasabi mo kanina Darius?”
Hahaha… Nagyayabang pa kanina ha, ngayon… Eat your words.
“Sa tingin ko panalo na nga si Piero…”
Oh see? Eh di kinain mo rin yung yabang mo kanina. Hahaha… *Evil Laugh*
“…mabuti na lang hindi ako kasali, at nagka pag-asa siya. Kung sumali kasi
ako, siguradong irereserba ng mga girls ang tilian at sigawan nila para
sakin.”
Toinks!
Mataas lang ba talaga ang self confidence niya o mayabang lang talaga? Grabe,
baka kanina ko pa siya nabatukan eh, kung di ko lang siya…… Mmmm…!
“…Our next candidate for Mr Junior AHS, from WHITE TEAM… Mr Lemuel
De Guzman!”
Si Lemuel na… “Go Lemuel! Go! Galingan mo Lemuel!”
“Tsss… akala ko ba suportado mo si Piero. Bakit nagche-cheer ka sa
Lemuel na yan?”
Ano na namang problema nitong lalaking ito?
“Baka hindi mo alam, ka-team kaya natin siya.”
“Porke’t kateam mo, ipagsisigawan mo na ang pangalan niya.”
“Ano?” Hindi ko alam kung tama yung pagkakarinig ko sa sinabi niya.
“Ang sabi ko, akala mo kung sino kang maka-white samantalang
sinusuportahan mo si Irish kanina kahit ibang team naman siya.”
“Syempre noh, ibang case yung kay Irish. Si Irish kasi bestfriend ko so
wala akong paki sa team-team na yan.”
“Sus! Kaibigan mo rin naman si Piero ah, bakit mas suportado ka sa
Lemuel na yan.”
“Sinusuportahan ko si Piero, ganun din si Lemuel. Hindi naman
ipinagbabawal ng batas na suportahan ko sila both ah?”
“Ang sabihin mo balimbing ka lang.”
O_o ANO?? Ako balimbing? Huh! Bakit ba hindi niya maintindihan? Anong masama
sa pagsuporta sa dalawa kong kaibigan?
“What’s your problem ba? Akala ko ba hindi ka interested sa laban na to.
Eh bakit masyado mong sineseryoso kung sinong sinusuportahan ko?”
“Masasayang lang kasi ang effort mo sa pagsigaw-sigaw dyan. Hindi
naman mananalo yan eh.”
“Alam mo kahit naman ako eh, expected ko na si Irish at Piero ang
mananalo. Pero kahit ganun, I have to support Lemuel pa rin.”
“…” No response.
“Bahala ka nga sa buhay mo.” Hmmp!
Talent portion na. By pairs ang performance nila. May mga sumayaw, may kumanta,
may nag-acting, merong combination ng tatlo at kung ano-ano pa. Si Lemuel at
yung partner niya nagsayaw. Si Irish at Piero naman eh kakanta…
Oo nga pala, magaling kumanta si Irish kaso parang ako, hindi rin siya mahilig
magjoin sa mga club.
“JUNIORS! OKAY PA BA KAYO?!” sigaw ni Piero.
“Oo!”
Talaga si Piero sanay na sanay eh. Parang concert lang ah.
“Itong kakantahin namin ay idine-dedicate namin sa dalawang taong
malapit sa amin ni Piero.” Sabi ni Irish.
“Ayieeh!”
Tapos ay tumugtog na sila. Wait, I know this song…
That's how much I love you
That's how much I need you
And I can't stand you
Must everything you do make me wanna smile
Can I not like you for awhile? (No....)
But you won't let me
You upset me girl
And then you kiss my lips
All of a sudden I forget (that I was upset)
Can't remember what you did
But I hate it...
You know exactly what to do
So that I can't stay mad at you
For too long that's wrong
But I hate it...
You know exactly how to touch
So that I don't want to fuss.. and fight no more
Said I despise that I adore you
And I hate how much I love you boy (yeah...)
I can't stand how much I need you (I need you...)
And I hate how much I love you boy (oh whoa..)
But I just can't let you go
And I hate that I love you so (oh..)
You completely know the power that you have
The only one makes me laugh
Said it's not fair
How you take advantage of the fact
That I... love you beyond the reason why
And it just ain't right
And I hate how much I love you girl
I can't stand how much I need you (yeah..)
And I hate how much I love you girl
But I just can't let you go
But I hate that I love you so
One of these days maybe your magic won't affect me
And your kiss won't make me weak
But no one in this world knows me the way you know me
So you'll probably always have a spell on me...
Yeah... Oh...
That's how much I love you (as much as I need you)
That's how much I need you (oh..)
That's how much I love you (oh..)
As much as I need you
And I hate that I love you so
And I hate how much I love you boy
I can't stand how much I need you (can't stand how much I need you)
And I hate how much I love you boy (girl)
But I just can't let you go (but I just can't let you go no..)
And I hate that I love you so
And I hate that I love you so.. so...
Si Irish talaga, kantahin ba naman ang ‘Hate That I Love You’. Pinatatamaan ba
ako? At samin pa talaga ni Darius dinedicate. Sayang nga lang at ako lang ang
nakaka-appreciate, itong si Darius eh parang walang paki-alam.
Okay, awarding na…
“Our Mr & Ms Junior AHS is…” -host
*drumrolls habang binubuksan ang envelope*
“…hmm, iisang team ang pinanggalingan nila. Our Mr & Ms Junior AHS
is…”
*drumrolls*
“… Mr PIERO SEVA and Ms IRISH NANQUIL of team Blue!”
Sabi ko na nga ba eh sila ang mananalo.
“Oh paano ba yan panalo ako.” biglang sabi sakin ni Darius.
“Ha?”
“Nanalo si Piero, ibig sabihin panalo ako.”
“Teka wala naman tayong pustahan ah, bakit ka naman mananalo?”
“Basta. Panalo ako kaya may utang ka sakin. Pero wag kang mag-alala
hindi muna kita sisingilin.”
“Pero wala naman tayong-”
“Ganun talaga. Una na ako ha, wag mong kakalimutan.” Tapos ay umalis na
siya.
Wow. So nagka-utang pa ako ngayon? Ang daya, wala naman kaming pustahan eh.
Bahala na nga si Darius, babatiin ko na lang sila Irish at Piero.
Chapter Thirteen
Pag Di Ka Tumahimik, Hahalikan Kita!
Day 3 ng Junior’s week.
Pagdating na pagdating ko, ang bungad agad sakin ni Lemuel ay…
“Yana kasali ka sa treasure hunting.”
“What?!” Kadadating ko lang tapos kasali na agad ako?
“Hahaha… wag ka ng magtanong pa. Nagbunutan kanina at isa ka sa
nabunot…” Tapos lumapit siya sakin para bumulong “…Pero wag kang magalala kasali rin naman si Darius mo eh.”
Napatingin ako kay Darius at ang sama niyang tumingin. Siguro ayaw din niyang
sumali at napilitan lang.
How to play this game? Simple lang, para lang itong normal na treasure hunting na
kung sinong unang team na makahanap ng treasure ay sila ang panalo. Ang twist
lang… yung MAP namin ay puzzle na kailangan munang mabuo. And ang mga
puzzle pieces ay magkakahiwalay. Pero may binigay namang clues kung saan
matatagpuan ang bawat piece. So paunahan lang talagang makabuo ng puzzle at
makahanap ng treasure.
Ang strategy ng team namin, sa halip na sama-sama kami at iisa-isahin naming
hanapin ang bawat puzzle piece, by-partner kami at maghihiwalay sa paghahanap.
Para daw mas mabilis at mauna kami.
“Guys eto yung mga magkakasama… si Tina and James, tapos si Mark and
Stella, then si Third and si Dianne…” sabi ng leader namin habang inaassign
ang mga magkakapartner “…tapos ay sina Darius and Lauren.”
“Uy…” kulbit sakin ni Lemuel “…partner daw kayo ni Darius.”
“Kami?...” Ay oo nga! Darius and Lauren pala yung sinabi ng leader namin.
Nasanay na kasi ako ng Yana ang tawag sakin ng classmates ko. Ang SLOW ko eh…
“…Teka si Darius ang partner ko?!”
“Oo… Kayo naman diba, kaya pinagpartner ko na kayo.” Sagot ng leader
namin.
Magrereact pa sana ako pero naalala ko na yun nga pala ang alam ng lahat. Kaya
hinayaan ko na lang.
Bakit kaya ganun? Kung kelan ko siya gustong iwasan saka naman kami
pinagsasama ng tadhana.
Ang nasa clue na binigay samin… ‘Matatagpuan ang iyong hinahanap sa lugar na
mataas at kita mo ang lahat.’
“Ano kayang ibig sabihin nito?”
“Ewan. Basta maglakad na lang tayo, siguradong makakarating din tayo
dyan.”
“Okay.”
Nauuna sakin maglakad si Darius. Siguro ayaw niya talaga kong makasabay? Ang
sakit naman nun. Pero okay na rin yung ganito… pag kasi katabi ko siya parang
sasabog yung dibdib ko eh.
Mayamaya…
“Malayo pa ba? Gaano pa ba tayo katagal maglalakad?”
“Ewan.”
Ewan?! Grabe, nakakapagod kayang maglakad… buti pa siya parang okay lang.
Mayamaya ulit…
“Tama ba tong dinadaanan natin? Kanina pa tayo naglalakad pero bakit
hindi na tayo nakarating sa pupuntahan natin… Dito ba talaga?”
“Hindi ko rin alam.”
Hindi naman pala niya alam pero dirediretso pa rin siya sa paglakad. Hayy… pagod
na ako… nauuhaw na rin ako… MALAYO PA BAAAA?
Mayamaya pa ulit…
Lakad. Lakad. Lakad. Dugg!
“Oopps!”
Nabunggo pa tuloy ako sa likod ni Darius.
“Bakit ka ba tumigil?”
“May dalawang daan…” sagot niya habang nakaturo pa. “…dito tayo sa
kaliwa.”
“Sure ka ba? Bakit sa kaliwa?”
“Gusto ko eh.”
“Anong gusto mo lang? Baka mamaya maligaw pa tayo. Di ba sabi nga,
always keep right…”
“Sino namang nagsabi?”
“Ah…eh…” teka sino nga ba? Saan ko ba yun narinig? “…ah basta.”
“Di mo naman pala alam eh. Kanino ka nagtitiwala, sa hindi mo kilala o
sakin?”
“Umm?…” Dapat ko ba siyang sundin? Kung tutuusin pareho lang naman kaming
nanghuhula eh…
“Basta dito ako dadaan.” Tapos ay dumeretso na nga siya sa kaliwa.
“Uy teka sigurado ka ba dyan?”
Hindi siya sumagot.
Ayaw ko namang humiwalay o magpaiwan dito. Mas mahirap mag-isa noh!
Makasunod na nga lang…
“Teka lang Darius. Wait!”
At mayamaya pa…
“Darius.”
“…”
“Darius…”
“…”
“Dariuusss…”
“Ho?” sagot niya habang dirediretso pa rin sa paglakad.
“Darius naman eh!!”
Lumingon na siya sakin. “Bakit ba?”
“Napapagod na ko…”
“Ako din.”
“Mag-rest muna tayo kahit saglit lang.”
“Sayang ang oras kung titigil pa tayo.” Tapos ay naglakad na ulit siya.
Sumunod rin naman ako.
Waahh… Feeling ko dehydrated na ako. Nauubusan na rin ako ng energy. At higit sa
lahat… “…ang sakit na ng paa ko! Darius, hindi ko na talaga kaya.”
Tumigil na ako sa paglakad at na-upo na ako sa lupa. Wala na akong paki kung
madumihan ako, pagod na talaga ko eh.
Humarap sakin si Darius.
“Wag ka na ngang umarte dyan.”
Umarte?! Ang sakit sa tenga pakinggan ng sinabi niya. Siguro nga medyo maarte
ako pero yung ngayon eh hindi ako umaarte. Na-upo na nga ako sa lupa kahit
madumihan ako eh dahil masakit na ang paa ko tapos sasabihan niya ako ng
umaarte?
“Hindi ako umaarte noh! Talagang masa-”
“Pag hindi ka tumayo, iiwanan kita dyan.”
“Iiwanan mo ko?” Hindi talaga siya gentleman kahit kelan!
“Oo.”
“EH DI IWAN MO KO! Hmmp!”
“Hayy! Talaga naman oh.” bulong niya
Tapos tumalikod siya sakin.
Teka! Iiwanan Niya Talaga Ako?!
Tapos ay na-upo siya habang nakatalikod sakin. “Halika na…”
“Ha?” Teka medyo naguguluhan ako…
“…Kung hindi mo na talaga kaya, bubuhatin na lang kita sa likod ko. Sige
na…”
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Aaminin ko, kinilig ako bigla sa ginawa
niya. Okay lang sa kanya na magpiggy-back-ride ako sa kanya… ang SWEET kaya!
Nakaka-BLUSH eh!!!
Pero HINDI PWEDE!!! Kapag kasi binuhat niya ko, siguradong lalong lalakas ang
tibok ng puso ko at mahahalata niya yun. Ayoko nga!
“Umm… sure ka?... baka hindi mo ko kayanin.”
“Hindi ka naman mukhang mabigat eh… Saka malakas ako noh, kita mo
naman sa mga muscles ko diba?”
Sus! Talagang nagyabang pa eh… “Pero diba pagod ka na rin?”
“Hindi pa ako pagod. Pero nangangalay na ako sa pwesto ko, sumakay ka
na kasi.”
“Bakit ka ba namimilit? Gusto mo lang akong chansingan eh…”
Napatingin siya sakin.
Oopps… mukhang hindi niya gusto yung sinabi ko ah… Sorry…
“…Wag na kasi Darius. Magpahinga na lang tayo kahit sandali lang. Kahit
konting konting konting KONTING oras lang. Please…”
Pinagbigyan naman niya kong magpahinga kami. Mukha naman kasing pagod na
rin siya. Pagkatapos ay nagsimula na ulit kaming maglakad papuntang ewan.
Mayamaya… Medyo kinakabahan na ako sa dinadaanan namin. Medyo iba na kasi
yung lugar eh. Kumakapal na rin yung mga puno, tapos yung tunog niya eh parang
nasa forest na kami…
“Where are we na ba? Naliligaw na yata tayo eh. Anong lugar na ba to?
Nakakainis, bakit ba kasi napasali pa ako sa game na to! Wait nga Darius…
parang iba na tong dinadaanan natin ah. Kasalanan mo to eh, sabi ko kasi
sa sayo right tayo dumaan pero pinilit mo na sa left. Ayan naliligaw na
tuloy tayo. Dapat talaga sinunod ko yung instinct ko eh. Nakakainis
talaga!”
“Ang ingay mo.” Sabi niya tapos ay humarap siya sakin. Mukhang naiinis na rin
siya. “Alam mo pag di ka tumahimik, hahalikan kita!”
“Ano?! Hahalikan mo ko?! Huh! Diyan ka naman magaling eh, sa pananakot.
Lagi mo na lang idinadaan ang lahat sa pananakot. Pero ang totoo wala ka
naman talagang kayang gawin. Puro salita ka lang pero hindi mo naman
talaga kaya. Kanina sabi mo iiwan mo ko pero hindi mo naman magawa,
tapos-”
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sakin.
O_O Hhhh… “I’ll STOP Na!”
Mabilis kong sabi. Pati yata paghinga ko, pinigilan ko eh.
Tumigil siya sa paglapit, pero inches na lang ang pagitan ng faces namin.
“Tatahimik na ako.” tapos ay itinikom ko yung mouth ko. “Mmm!”
Lumayo naman siya sakin.
“Sayang, akala ko may reason na ako para mahalikan ka eh.” Cool niyang
sabi tapos ay tumalikod na siya at nagsimula na ulit maglakad.
Ako naman eh natigilan.
Grabeeee!!!!! Ang lakas ng naging kabog sa dibdib ko. As in talaga! Ikaw ba naman
ang lapitan ng lalaking gusto mo… ng GANUNG KA-CLOSE!
Hay nako… Is he teasing me? Ang hirap na nga ng situation ko tapos ganyan pa
siya. Nakakainis talaga siya kahit kelan!
Sa paglalakad namin ay umabot kami sa isang ilog.
“Dead end na.” sabi niya.
“Sabi ko na nga ba eh. Mali talaga yung nilikuan natin kanina. Dapat talaga
sa right tayo dumaan eh. Now it’s too late, naliligaw na tayo. Bakit ba kasi
iniwan ko pa yung cellphone ko sa bag eh? Dapat sana kanina pa ako
tumawag sa teammates natin or sa mga teachers para sabihing naliligaw
tayo.”
“Gusto mo palang tumawag? Dala ko yung akin eh.” Sabay kuha nya ng
phone niya sa bulsa.
“Bakit hindi mo sinabi?”
“Hindi ka naman nagtatanong eh.”
Lumapit ako sa kanya. “Akin na nga yan…” sabay agaw ko sa phone niya
“…tatawag ako sa kung sino man na makakahelp sa atin.”
“Teka!” pinipilit niyang agawin sakin “…hindi mo pwedeng basta gamitin
yan.”
Tapos ayun, pinag-aagawan nga namin yung phone niya.
“Bakit ba? Hihiramin ko lang sandali, ang damot mo naman.”
“Hindi nga pwede. Wag ka bastang pipindot dyan, baka kung anong
mabuksan mo!”
“Hindi naman ako pakielamera. Makikitawag lang.”
“Eh di ako na ang tatawag. Akin na yang phone ko.”
At sa pagpigil ko sa kanyang makuha ang phone niya, naitulak ko siya
UNINTENTIONALLY at nahulog siya water.
“DARIUS!”
Pagkalaglag niya ay nakaangat naman agad siya, pero…
“Tulong! …Hindi ako maruno-! …lumangoy! Tulo-!”
OMG! NALULUNOD SI DARIUS!!! Paano yan, hindi rin naman ako magaling
lumangoy?!
Hindi ko alam ang gagawin ko. Agad ko na lang ibinaba yung phone ni Darius tapos
ay lumapit ako sa may tabi ng ilog at inextend ko yung kamay hanggang sa
makakaya ko.
“Darius humawak ka sa kamay ko.”
Inabot naman niya yung kamay niya sakin and thank God at nakahawak na siya
sakin.
Okay, hihilahin ko na siya…
One. Two. Three. PULL.
PULLL!!
Teka bakit ganun? Bakit parang… PARANG AKO YUNG NAHIHILA? Teka…
“AAHHH!!!”
*SPLASH!!*
At nahulog rin ako sa tubig.
What the heck! Basang basa ako!
Teka may napansin ako… eh hanggang dibdib ko lang itong tubig eh. Bakit si
Darius…
Pagtingin ko sa kanya, nakangiti lang siya sakin.
“Nakakainis ka Darius! Niloko mo ko! At higit sa lahat, hinila mo pa ako!
Basang basa na tuloy ako… Nakakainis ka talaga!”
“Alangan namang ako lang ang mabasa? Dapat syempre ikaw rin. Saka
ikaw naman ang naunang manulak ah?”
“Hindi ko yun sinadya! Kainis ka talaga Darius! Kainis! Kainis! Kainis! Ayaw
ko na talaga, magpapasundo na ako!”
Aahon na sana ako, wala naman kasi akong balak magtagal sa tubig na to eh…
Yuck! Kadiri kaya… who knows if malinis ba ang tubig na nagfo-flow sa ilog na to…
Tumalikod na ako kay Darius para nga umahon na sana at kunin ang phone niya
para makatawag na rin ako ng tutulong samin… Pero hindi pa ako nakakaalis sa
pwesto ko ay hinila na agad niya ko…
“Teka saan ka pupunta?”
…at paghila niya ay nadala naman agad ako at napalapit ako sa kanya ng malapit
na malapit at magkaharap pa talaga kami.
Pareho kaming nagulat kaya medyo nagkaroon kami ng titigan scene.
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Grabeee! Ang lapit ng face niya sakin! Tapos, tinititigan niya pa ko sa mata… Hindi
ko to kayaaa!!!
Iniiwas ko agad yung tingin ko sa kanya.
“Bakit ba?! Bitawan mo nga ako.” pagalit ko kunyaring sabi.
But the truth is… KABADONG-KABADO ako.
“Hindi kita bibitawan hanggang hindi ka nangangakong hindi mo
hahawakan ang cellphone ko.” Sabi niya habang pinipilit niyang iharap ang
mukha niya sakin.
Ako naman eh todo iwas at layo pa rin. “Oo na, hindi ko na hahawakan ang cp
mo! Ikaw na lang ang tumawag ng tutulong sa atin!”
Hinding hindi ko na talaga hahawakan yung cellphone niya basta bitawan na niya
ko. Promise!
Tapos yun nga… siya na ang tumawag sa mga teachers namin at humingi ng tulong.
Buti na lang may signal noh? Hindi naman kasi totally forest talaga itong lugar na
to eh…
Sandali lang naman at nakita na agad nila kami. Ang dami nga nilang tanong eh.
Pati si Irish eh worried na worried sakin.
Natapos na rin pala yung game. At kahit hindi namin nahanap yung puzzle piece na
naka-assign samin ni Darius, eh namanage pa rin ng team namin na mahanap yung
treasure. Hindi nga lang sila ang na-una kaya hindi pa rin panalo.
Chapter Fourteen
Unlucky Day
Waaaahhhhhhh!!! Late nako!!!
“Wag ka kasing mataranta. Lalo ka lang magtatagal niyan.” Sabi ni kuya Yuri.
“Late na late na ko eh… Sabi ko kasi kay Kuya Yuan gisingin ako eh…”
“Hahaha… kay Yuan ka pa nagpagising eh mamayang tanghali pa ang
pagmulat nun. Hahaha…”
“NOooo!!!” sigaw ko.
“Bakit?!” gulat na tanong sakin ni kuya Yuri.
Ipinakita ko sa kanya yung cp ko.
“Look. Two bars na lang ang batt ng cp ko. Nakalimutan kong i-charge
kagabi. Kainis talaga oh! Siguradong hindi na to aabot ng hapon.”
Ano ba ang nangyayari sakin?! Pagod na pagod kasi ako kahapon eh kaya naman
pagdating ko, nakatulog agad ako. Di ko tuloy na-set yung alarm ko at di ko rin
nacharge yung phone ko. Kainis!
“Makigamit ka na lang ng cellphone kay Irish kung may gusto kang sabihin
samin.”
“Ganun na nga lang. Sige kuya Yuri, buh-bye.”
“Sige. Uy, Lauren magingat ka ha.” Pahabol na bilin sakin ni Kuya Yuri habang
papalabas ako ng bahay.
Junior’s Week: Day4…
Tulad nga ng inaasahan… late na nga ako…
“Uy, good morning best…” bati sakin ni Irish. “…teka, okay ka lang ba?”
“Morning ‘rish… Oo okay lang ako. Late na kasi ako nagising kaya medyo
haggard-look ako ngayon.”
“Okay lang yan. Di lang naman ikaw ang late eh… si Darius nga kanina ko
pa rin hindi nakikita.”
“Eh?”
“Oo, tinatanong nga kayong dalawa ng leader nyo sakin eh. Bakit nga ba?
Siguro may nangyari kahapon noh?! Ayieeh…”
“Irish talaga. Wala noh!”
Bakit ba ang lakas ng pakiramdam ni Irish. Ang galing niyang maka-kutob.
“Yana…” nilapitan ako ng leader namin. “Kanina pa kita hinahanap. Eto yung
attendance sheet, mag-sign ka na…”
Tapos pumirma na nga ako sa attendance namin.
“Si Darius ba absent?” tanong niya sakin.
“Di ko alam.”
“Siya na lang ang di nakakapirma eh, kanina ko pa rin siya hindi nakikita.
Sige mauna na ko.” Tapos ay umalis na siya.
“Feeling ko absent nga si Darius.” Sabi bigla ni Irish.
“Bakit naman siya aabsent?”
“Ayieehh… Concern…”
Sinimangutan ko lang siya.
“Eh kung tawagan mo kaya siya Yana.”
Tatawagan ko siya?
Eh lowbat yung cp ko eh… Pero sandali lang naman siguro yun. O sige na nga.
Pero paano kung nandito naman pala siya, eh di pahiya pa ako. Wag na nga lang.
Pero paano kung absent talaga siya? Siguradong may reason siya. Di naman siya
pala-absent eh.
LAUREN YANA ANO BA TALAGA?
Okay, final na to… Tatawagan ko na siya.
*Calling Darius-sungit…*
Parang ang tagal niyang sumagot…
“Hello.” – Darius on phone
Bakit parang kakaiba yung boses niya?
“Umm… hello… Darius ikaw ba yan?”
“Oo- *cough* *cough* …ehem… sino ba to?”
“Si Yana to. Ummm…ano… kasi…” ano ba yan, itatanong ko lang kung absent
ba siya tapos hindi ko pa magawa! “ano lang… tinatanong ng leader natin
kung papasok ka daw ba?”
“…” –Darius on phone
Natahimik saglit sa kabilang line.
“Darius?”
“Hindi…” talagang may kakaiba sa voice niya. “…hindi muna ako pa- *cough*
*cough* *cough* …papasok ngayon. Hindi maganda ang pakira-”
*Call ended.*
“Hello??” bakit naputol? “Hello?? Darius?”
“Anong nangyari?” tanong ni Irish.
“Nawala siya bigla eh…”
“Try mo ulit i-contact.”
“Sige.”
*Calling Darius-sungit…*
“Wala eh… Operator na lang yung nasagot.”
Ano yun nawalan siya ng signal? O kaya dead-batt na yung cellphone niya? O kaya
ayaw niya talagang sagutin? Hindi naman siguro yung last.
“Ano bang sinabi niya sayo?” tanong ni Irish.
“Hindi daw siya papasok.”
“Bakit daw?”
“Di na nga niya nasabi eh, nawala na siya bigla. Pero may kakaiba sa
kanya eh. Yung voice niya parang paos na ewan. Tapos parang ang weakweak ng pagsasalita niya.”
“Baka naman inaantok lang. Malay mo natutulog pala siya tapos bagong
gising lang.”
“Hindi eh… Iba yung feeling ko eh… Ewan ko ba.”
“Alam mo Yana, puntahan mo na lang siya para hindi ka nanghuhula dyan
at nangangamba…” sabi sakin ni Irish “… wow, did I just say
‘nangangamba’? Ang lalim nun ah.”
“Pupuntahan ko siya? Ayoko nga.” Nakakahiya kayang pumunta sa bahay ng
lalaki. Saka kahit Junior’s Week ngayon, considered pa rin na pasok kami. Tatakas
ako? Bad yun eh!
“Yana… Gusto mo bang pilitin pa kita.”
Natakot naman ako kay Irish kaya naman…
TADA!
…nandito na tuloy ako sa harap ng bahay nila Darius.
Bakit nga ba ako nandito? Hayy! Makikipagtalo pa ba ako sa sarili ko? Makapagdoorbell na nga.
*Press*
Ano kayang sasabihin ko sa kanya pag tinanong niya ba’t nandito ko? Waahh!
Dapat pala inisip ko muna bago ako nagdoorbell!
Ganito na lang, sasabihin ko na pinapapasok siya ng leader namin at di siya
pwedeng umabsent kung hindi reasonable ang dahilan niya. Okay ganun na nga
lang.
Teka, bakit kaya ang tagal? Isa pa nga.
*Press*
Lalalalalalala~
Wala pa rin?
*Press* *Press* *Press*
Wala bang tao dito? Makakatok na nga.
*Knock* *Knock* *Knock*
Biglang bumukas ng slight yung door. Siguro hindi lapat yung pagkakasara kaya
bumukas noong kumatok ako.
Pumasok ako sa loob. “Darius? Helloo…”
Wow. Ang laki naman ng house ng mga Villamor. Akala ko malaki lang tingnan sa
labas, yun pala malaki talaga kahit sa loob.
Ano ba yan, trespassing tong ginagawa ko eh. Buti na lang wala pa akong 18, hindi
pa ako makukulong. Pero wag nyo kong gagayahin ha. May pagkapasaway lang
talaga ako eh…
*cough* *cough* *cough*
Huh?
Sinundan ko yung pinanggagalingan ng tunog. Hanggang sa napapasok ako sa
isang room. Tapos ay nakita kong nakahiga si Darius sa kama at parang ginaw na
ginaw siya. Siya rin yung nagco-cough.
“Darius?” nilapitan ko naman agad siya.
Hinawakan ko siya sa forehead niya.
“Oh my gosh! Darius ang init mo.”
Naghanap agad ako ng medicine kit. Pumasok ako sa C.R. nila and buti na lang at
meron doon.
Ichineck ko yung temperature niya at ang taas ng fever niya. Nilagyan ko siya ng
wet towel sa ulo niya tapos ay nagpunta ako sa kitchen at nagluto ako ng lugaw.
Tapos ay pinakain ko siya at saka pinainom ng medicine. Tapos hinayaan ko na ulit
siyang matulog at magpahinga.
Hayy… Kaya pala ganun ang voice niya eh… May cough siya tapos may fever pa.
Siguro dahil yun sa nangyari kahapon, kasi natulak ko siya sa river. Nakokonsensya
tuloy ako, yung pagkakasakit niya ngayon is all my fault.
Teka, bakit nga pala mag-isa lang siya dito? Nasaan ang parents niya? O kaya mga
maids… Sa laki nitong house na to, impossible na walang maid dito. Mag-isa lang
ba siya? Teka… Ibig sabihin hindi ko siya pwedeng iwan hanggang hindi siya
nagiging better, walang ibang magaasikaso sa kanya.
Mukhang magiging nurse ako ngayon ah…
Fastforward.
Almost 4pm na…. Siguradong malapit na rin maguuwian ang mga classmates
namin…
Ichineck ko ulit yung temperature ni Darius, hindi pa rin nagbabago, which means
hindi pa rin ako pwedeng umalis.
Fastforward.
Naku past 6:00 na…. dapat nasa bahay na ko eh. Pero hindi pa rin nag-ookay si
Darius eh, paano ba yan? Tumawag kaya ako sa bahay para sabihing male-late ako
ng uwi.
Kinuha ko yung cp ko…
Oh shocks! My battery is dead. Paano ako tatawag?
Hmmm… Yung cellphone kaya ni Darius? No. NO. Nagpromise ako na never ko na
yung hahawakan. Right, I made a promise.
…Pero emergency naman ito eh. Siguro naman mafo-forgive niya ko. Teka, nasaan
ba yung cp niya? Ah eto pala sa side table.
What?! Dead-batt din! Kaya pala naputol yung usapan namin kanina eh… Malas.
I know! Sa landline na lang… Wait! Wait! Wait! Wait! Hindi pa rin pala naaayos
yung landline sa bahay. At kung sa cellphone naman ako tatawag, hindi rin pwede.
CELLNUMBER KO LANG ANG SAULO KO EH.
Ahhh… Think Yana… Think…
INTERNET! Tama! Online lagi si kuya Yuan pag hapon.
“Darius pagamit ng PC…” bulong ko kay Darius. Ewan ko kung narinig niya,
basta nagpaalam ako, importanteng macontact ko sila kuya.
At binuksan ko na nga yung computer ni Darius…
What The Heck! Unlucky day ko ba to? Una, late ako nagising. Pangalawa, hindi ko
nacharge yung cp ko. Pangatlo, na-stuck ako dito kay Darius. Tapos, hindi ako
makatawag kina kuya. At yung huling pag-asa ko, nawala pa.
Ang arte naman kasi nitong si Darius! May papassword-password pang nalalaman!
Kainis!
Itry ko kayang manghula… Itinype ko yung D-A-R-I-U-S …kaso mali eh. Eh kung VI-L-L-A-M-O-R …mali pa rin. Try ko kaya yung fullname niya… D-A-R-I-U-S-V-I-L-LA-M-O-R …okay mali pa rin. Ang hirap ah!
Tiningnan ko yung HINT, ang hint niya ay ‘ELY’. Anong ELY? Banda ba yun? Name
ng singer? …Or artista? Baka naman character sa isang game? Arrggg…. Ano ba
yang ELY na yan! Ang kontrabida naman niya sakin.
Chapter Fifteen
Sharing of Secrets
Mage-eight thrity na. Siguradong pagagalitan na ako nila kuya pag-uwi. Ano ba
yan… Eh kung iwan ko na kaya si Darius? Hindi pa siya totally magaling pero atleast
medyo bumaba na yung fever niya.
Napatingin ako kay Darius…
Pero hindi ko siya kayang iwan sa ganyang condition.
Lumapit ako sa kay Darius tapos ay naupo ako sa sahig sa tabi ng kama niya.
Tinignan ko siya ng malapitan.
“Ngayon ko lang napansin, kahit pala maangas yung look mo… may cute
side ka rin pala…”
Hahahaha… mabibingi na kasi ako sa katahimikan eh kaya nagsasalita na ko magisa. Di naman siguro ako naririnig ni Darius.
“Hay…” napatingin ako sa ears niya “Teka? Hindi ka na pala nage-earring?”
Naaalala ko kasi noong unang naging kami, napansin ko agad na may hikaw pala
siya. Pero okay lang, bagay naman sa kanya eh… Kelan niya pa kaya yun hindi
sinusuot?
Napabuntong hininga ako.
“Darius naririnig mo ba ako?”
Malamang hindi, tulog ka eh… Pero sana nga hindi.
“May ise-share akong secret sayo… Remember noong nakasali tayo sa
game na dance on paper? Alam mo bang after nun, pagdating ko sa bahay
eh umiyak ako… You know why? Kasi inis na inis ako sa isang lalaki. And
take note, siya ang unang guy na iniyakan ko. Well, noong una mabait
naman siya eh. Tapos bigla na lang siyang naging masungit, naging bossy,
tapos gustong gusto niyang iniinis ako. Lagi nga kaming nagaaway eh.
Pero aaminin ko, sweet rin naman siya. Ewan ko ba, ang gulo-gulo niya.
Pero alam mo ba kung bakit lalo akong naiinis sa kanya? Kasi kahit ganun
siya……… gusto ko siya. At kaya ako umiyak kasi, nasasaktan ako sa
ginagawa niya…”
Napabuntong hininga ulit ako. “Ang hirap palang magmahal…”
Tumahimik ako sandali.
“Ikaw ba Darius, may mahal ka na ba?”
“Syempre naman.” Biglang sumagot si Darius at tumingin sakin.
O.o Nagulat naman ako.
“Ha? Ah… Kelan ka pa nagising? Naririnig mo ko?”
“Ngayon ngayon lang.”
Ngayon ngayon lang? Siguro naman hindi niya narinig yung mga una kong sinabi.
Saka marinig man niya yun, wala naman akong name na sinabi kaya okay lang.
Safe pa rin.
Naupo siya at tumingin siya sa orasan. “Gabi na ah… 9:00 na. Hindi ka pa ba
uuwi?”
“Ha? Eh… Hindi ka pa kasi magaling kaya hindi kita maiwan.”
“Okay na naman ako eh-”
“Okay? Eh hindi pa nga nagnonormal yung temperature mo eh.”
“Konting lagnat na lang to. Saka kaya ko na ang sarili ko. Di ba sabi ko
malakas ako- *cough* *cough* -Excuse me.”
“Weh? May sinasabi ka ba? Hmmm?” Malakas daw pero nau-ubo naman.
“Sus. Ang yabang mo na ngayon ah.”
“Hindi noh. Buti nga concern pa ako sayo eh.” Oops.
Tumingin siya sakin na parang nanloloko.
“Ang sabihin mo, gusto mo lang akong panoorin habang natutulog.”
“Ang kapal ha? Wala pa rin talagang tatalo sa kayabangan mo Darius.”
“Eh ano? Gwapo naman.”
“Gwapo ka dyan. Beh!” sabay dila ko sa kanya. :P “…oo nga pala, pahiram
naman ng charger. Dead-batt na yung phone ko eh.”
“Teka lang kukunin ko-” tatayo pa sana si Darius pero pinigilan ko na siya.
Himala? Ang bait niya yata bigla. Pero syempre mas mabait ako…
“Ay hindi, ako na lang. Saan ba?”
“Dyan lang sa kabilang kwarto. Nasa table lang. Pag wala, nasa mga
drawer.”
“Okay.”
Pagpasok ko sa kabilang kwarto, may isang table doon na maraming drawer.
Siguro ito na nga. Naghanap ako sa mga drawer at nakita ko naman. Pero may isa
pang nakakuha ng attention ko.
Isang family picture na may 3 members. Kamukhang kamukha ni Darius yung
batang lalaki. Yung isang lalaki naman, I’m sure dad to ni Darius. Nakikita ko kasi
yung dad niya pag parents meeting sa school. At yung babae… I guess mom to ni
Darius. Hula ko lang, di ko pa naman kasi nakikita yung mom niya eh.
“Bakit ang tagal mo?”
Nalingon ako sa likod ko.
“Nagulat naman ako sayo Darius.”
“Ang tagal mo kasi eh kaya sinundan na kita.”
“Eh kasi nakita ko tong picture eh… Ikaw ba to noong bata ka?”
“Wala yan. Akin na nga.” Kinuha sakin ni Darius yung picture at ibinalik sa
drawer.
Nagpunta kami sa living room. Doon ko na kasi ichinarge yung phone ko.Bakit kaya
bigla siyang naging serious? At ang tahimik pa. Ang awkward tuloy…
“Bakit nga pala mag-isa ka lang?”
Tanong ko sa kanya. Wala lang, usisera lang
“Nagleave yung katulong namin eh, sa Sunday pa ang balik niya.”
“Ah… eh parents mo?”
“Sa Manila nakatira si dad, dun din kasi siya nagtatrabaho. Weekends lang
siya pumupunta dito para i-check ako.”
“Eh yung mom mo?”
Napatingin siya sakin. Oops. Wrong question ba yun?
“Ah! Sorry.” Napatungo na lang ako.
Tumahimik na naman kami…
“Hindi dito nakatira ang ina ko…”
Napatingin ulit ako kay Darius kasi bigla siyang nagsalita.
“…At hindi ko rin alam kung saan na siya nakatira. 9 years old ako noong
iniwan niya kami…”
Iniwan? Patay na ba ang mom ni Darius?
“…sumama siya sa ibang lalaki at iniwan si dad.”
SUMAMA YUNG MOM NIYA SA IBANG GUY?
Kaya pala kita sa itsura ngayon ni Darius na galit siya sa mama niya.
“Dad loved and trusted her. Pero siya pala ang hindi naging loyal, sinaktan
niya lang si dad.”
Hindi ko alam na may ganito palang problema si Darius. Minsan na akong
nagtampo kina ma at pa kasi iniiwan nila kami para magwork abroad. Yun pala mas
mahirap ang situation ng family ni Darius.
“Sorry ha… Hindi ko na yun dapat tinanong…”
“Ngayon alam mo na…”
“Ha?”
“Alam mo na ang reason kung bakit hindi ako tumatagal sa isang relasyon.
Kasi nangako ako na hindi ako magtitiwala sa mga babae. Dahil ayaw kong
mangyari sakin ang nangyari kay Dad.”
“AH! Kaya pala! Kaya pala galit na galit ka sakin noong hiniwalayan kita.
Kasi feeling mo ginawa ko sayo yung nangyari dad mo…” malinaw na sakin
“…pero, kung hindi ka nagtitiwala sa girls… bakit mo to sinabi sakin?”
“Kasi ngayon iba na.”
“Iba na ang?” Anong naiba sa ngayon?
“Wala.” Talagang ayaw sabihin? “…Baka pwede na yung cellphone mo.”
“Ay oo nga pala.”
Pagbukas ko ng phone ko. Ang daming missedcalls at textmessages. Puro galing
kina kuya Yuri at kuya Yuan. Meron ding kay Irish at Piero.
Naku lagot ako nito kina kuya paguwi. Pati na kay Irish, siguradong pinagtakpan
niya pa ako. Hindi naman niya sasabihing nandito ako kina Darius kasi alam niya
pagagalitan ako. Ano ba yan… I’m so so DEAD.
“Uy Darius, uuwi na ako. Gabi na rin kasi eh…”
“Teka ihahatid na kita.”
“Naku wag na. May sakit ka pa eh. Isang sakay lang naman ako eh, kaya
ko to.”
“Sigurado ka?”
“Oo. Sige bye…” paalam ko sa kanya habang papalabas na ako ng door.
“Wait!” bigla niyang grab sa hand ko.
Ang tagal naming nakatigil sa may pinto. Magsasalita na sana ako pero nauna na
siya.
“Thanks Yana.” Sincere niyang sabi.
Blush. Blush. Blush.
“Wala yun. Magpagaling ka ha. Bye.”
Alam nyo ba yung feeling na kikiligin na sana ako KASO mas nangingibabaw sakin
yung kaba kasi siguradong patay ako sa mga kuya ko? Nakakakaba lalo eh… T^T
Chapter Sixteen
Grounded?!
Grounded?!
Mage-eleven na ako nakadating sa bahay. Pagpasok ko ng pinto, parehong
nagaantay sakin sa living room ang mga kuya ko. Ang seryoso nila… ang scary…
consequence
Okay… Breathe in. Breathe out. Uunahan ko na agad sila ng sorry…
“Kuya-” -Yana
“Bakit ngayon ka lang?” –Yuan
Oh no! Naunahan ako ni kuya Yuan. Siguradong mahabang sermon ang aabutin ko
nito.
“Saan ka galing? Kanina pa ang uwian ninyo ah. Bakit hindi ka tumawag o
magtext man lang na may pupuntahan ka. Tumatawag kami pero hindi ka
namin macontact. Hindi mo man lang ba naisip na nag-aalala kami sayo?”
–Yuan
“Hindi siya makakasagot sa tawag at text natin kasi siguradong patay na
ang cellphone niya…” –Yuri
“Oo nga… Tapos hindi agad ako nakapagcharge kasi-” -Yana
“Pero hindi yun dahilan para gabihin ka ng uwi. Sabihin mo nga Lauren,
saan ka ba nagpunta? Bakit si Irish tinanong namin pero hindi niya daw
alam? Inabot ka pa ng ganitong kagabi.” –Yuri
“Eh-” -Yana
“Teka nga, saan ka ba talaga galing Lauren?” –Yuan
“Sa… sa bahay ng kaibigan ko.” –Yana
Sana naman wag na silang magtanong pa kasi pag nalaman nila siguradong lalo
akong patay.
“Sinong kaibigan? Bakit hindi alam ni Irish, diba’t bestfriend mo siya?” –
Yuan
“Ha? Eh… Ano…” -Yana
“Sino?” –Yuri
Okay pinagtutulungan na nila ako pareho, no-use ang made-up stories… I have to
tell the truth.
“Kina Darius…” -Yana
“Darius? Lalaki? Si Piero lang ang kilala kong kaibigan mong lalaki ah.” Yuan
“Saka nagpunta ka sa bahay ng lalaki at inabot ka ng ganitong kagabi?” Yuri
“No, kuya. Wag kang mag-isip ng masama. Ganito kasi yun… hinahanap
kasi siya ng leader namin kaya pinuntahan ko siya tapos pagdating ko sa
kanila, mag-isa lang siya at ang taas ng lagnat niya. So ayun, inasikaso ko
pa. And promise… naghanap talaga ako ng way para macontact kayo kaso
wala eh…” –Yana
Natahimik sila pareho. Hindi ko alam kung naniniwala ba sila o hindi. Pero totoo
naman yun eh… diba?
“…At saka… ako rin kasi ang may fault eh kung bakit siya nagkasakit.
Tinulak ko kasi siya sa may ilog kahapon. Kaya nakokonsensya ako…” Yana
“Sino ba si Darius?” –Yuri
“Ha?” –Yana
NAKU ETO NA NGA!!! Alam ko na ang sunod niyang itatanong.
“Boyfriend mo ba siya Lauren?” –Yuri
“H-hinde!... I mean…ewan… Umm…siguro… yata?” –Yana
Kahit ako hindi pa rin sure sa status ng relationship namin eh…
“May BOYFRIEND KA na LAUREN?! …At ITINATAGO MO pa SAMIN!” –Yuan
Ouuuccch. Ang sakit sa tenga ng sigaw ni kuya Yuan.
“Hindi naman ako serious sa pagbo-boyfriend ko kuya. And parang hindi
nga kami eh…” -Yana
“Alam ko naman eh.” -Yuri
Napatingin kami pareho kay kuya Yuri. (O.o)?! (O.o)?!
“ALAM MO?!” sabay pa kami ni kuya Yuan
“Bakit hindi mo sinasabi?” -Yuan
“Oo alam ko. Pero alam ko rin naman na hindi serious si Lauren eh kaya
hinayaan ko na lang. Saka gusto ko rin na siya ang magsabi sa atin.” medyo
natatawa pa si kuya Yuri habang sinasabi niya.
Ibig sabihin alam pala ni kuya Yuri?! Nakakainis! Hirap na hirap pa naman akong
magdahilan sa kanya dati pag lalabas ako ng weekends. Yun pala alam niya.
Hmmp!
Pero thank you na rin. Kung kanina kasi serious kami, ngayon medyo magaan na sa
feeling dahil natawa na si sila.
“Pero hindi yun ang case. Ang pinaguusapan natin ay ang hindi mo
pagpapaalam, ang paguwi mo ng gabi at yung hindi mo man lang naisip na
nagaalala kami sayo. Plus ang pagboboyfriend mo ng pasikreto…” –Yuri
“Tama!” -Yuan
“Pero naexplain ko naman sa inyo yung nangyari diba?” –Yana
“Oo nga. Pero para hindi na ma-ulit ang ganitong pangyayari, kailangan
mong maparusahan.” –Yuri
“Parusa?! Anong parusa?” –Yana
“Luluhod ka sa munggo habang habang sinasabi na hindi mo na uulitin ang
ginawa mo NG PAULIT-ULIT.” –Yuan
“Napaka-traditional naman… uso pa ba yun? Saka, diba masakit yun?” –
Yana
“Baliw ka talaga Yuan. Wag kang makinig dyan… hindi naman iyon.” –Yuri
“Eh ano?” -Yana
“Lilinisin mo ang kwarto ko sa loob ng one week.” –Yuan
“Beh! :P Wag na noh! Luluhod na lang ako sa munggo kesa dun. Ang kalatkalat ng room mo eh.” –Yana
“Wag kang mag-alala Lauren, hindi rin iyon. At kung ganoon nga, kwarto
ko muna syempre bago yung kay Yuan.” –Yuri
“Kuya Yuri naman eh…” –Yana
“Hahaha… alam mo talaga Lauren kung ano? Grounded ka ng one
month...” –Yuan
“GROUNDED?!” -Yana
“Oo! Dito ka lang sa bahay. And no computer, no cellphone, no internet, no
t.v., no cable, no xbox, no wii, no psp, no allowance, no-” -Yuan
“Teka kuya Yuri… di ba parang over naman yung sinasabi ni kuya Yuan?” –
Yana
“Oo nga. Niloloko ka lang naman niya eh… Grounded ka nga pero hindi
naman ipinagbabawal sayo na gumamit ng mga yun.” –Yuri
“Hay…” nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko ganoon talaga eh…
“Kakailanganin mo ang yun dahil pupunta tayong Canada...” –Yuri
Canada? Ah okay… Dun ulit kami mag-spend ng Christmas and new year.
“…bukas.” Dugtong ni kuya Yuri
“Bukas?!” sabay na naman kami ni kuya Yuan. Hindi rin yata niya alam.
“Bakit bukas agad?” –Yuan
“Wala ka namang problema dun Yuan, bakasyon ka na simula kahapon
diba?” –Yuri
“Eh paano ako? Last day pa bukas ng Junior’s Week namin. Tapos sa isang
araw pa ang Christmas party namin…” –Yana
Buti silang collage, maaga ang Christmas vacation…
“Lauren hindi ibig sabihin na nakapagpaliwanag ka eh okay na samin. Alam
mong nagkamali ka pa rin. Hindi naman pwedeng hayaan ka lang namin.” Yuri
“Pero hindi man lang ako nakapagpaalam kay Irish at… at… Piero…” –Yana
Pati na rin ay Darius…
“You’re going with us o sasabihin ko ang lahat ng nangyari kay Dad…” –
Yuri
Hindi na ako nagsalita pa. Naiintindihan ko rin naman kasi si kuya Yuri eh… Siya
ang panganay and responsibilidad niya kami. Alam kong bukod sa pinaparusahan
niya ko, inilalayo rin niya ako kay Darius. Saka kung sasabihin niya kina mama at
papa yung ginawa ko, siguradong ganun din ang gagawin nila. Pasusunurin din nila
ko agad sa Canada at baka may dagdag parusa pa.
“Nakausap ko na ang school mo at okay na sa kanila. Sabihan mo na lang
si Irish.” Sabi ni kuya Yuri tapos ay umakyat na siya sa room niya.
“Tara nang mag-ayos ng gamit.” nakangiting sabi sakin ni kuya Yuan. “Etong
si kuya pabigla-bigla. Kanina pa kami magkasama, ngayon lang sinabi
sakin…”
“Hahaha…” Si kuya Yuan talaga, napansin niya sigurong nalungkot ako kaya
pinapatawa niya ko “…para daw may kadamay akong puyat.”
“Tss… magkaka-eyebags ako nito eh…” –Yuan
“Oo nga. Panget ka na nga, lalo ka pang papanget.” Tukso ko sa kanya
“Makasabi ka naman ng panget… Eh magkamukha lang naman tayo.” -Yuan
“Uy hinde ah! Mas maganda naman ako sayo.” –Yana
“Natural! Hindi naman ako magada eh… Gwapo ako. GWAPO.” –Yuan
“Tss… Mayabang… PANGET!”
Chapter SeventeenSeventeen- Canada
Canada
Tapos ayun nga, nagpunta kami sa Toronto, Canada. Dito kasi nagwowork ang
parents namin as engineers. Since hindi nila maiwan ang work nila dito, kami na
lang ang nagpupunta sa kanila every vacation(Christmas/NewYear/Summer).
Bumili na rin sila ng bahay dito sa isang compound na halos mga Filipino rin ang
nakatira. Okay na rin… at least hindi nakaka-nose bleed makipagusap sa neighbors.
Pagdating namin, excited pa ako. Ikaw ba naman ang mapalayo sa magulang mo
ng ilang months? Tapos nagkikita lang kayo at nagkakamustahan trough Skype…
Kakamiss kaya! And the best talaga ang pagspend ng Christmas pag buo ang family.
Pero habang tumatagal, hindi ko maiwasang mamiss ang mga friends ko… and
syempre… yung one specific person. Buti pa si Irish nakakausap ko sa net.
Nagsorry pa nga siya sakin kasi daw lalo pa daw akong napahamak kasi di niya
sinabing alam niyang kina Darius ako nagpunta. Sa akin naman eh okay lang yun,
alam ko naman na pinagtatakpan niya lang ako. Tapos ayun, kamustahan lang
kami saka bigayan ng update sa isa’t isa.
Si Piero naman pati yung other kong classmates, nakaka-chat ko sa Facebook.
(Kakatuwa nga eh… Ang advantage ng sikat… lahat ng status and updates mo sa
Facebook, eh ang daming LIKES! Ang DISadvantage lang… ang dami rin ng
notifications, ang GULO tuloy!) Pero kay Darius…… WALA!
Kahit araw sa Philippines pero gabi dito sa Canada, everyday kong ichinecheck
kung online siya, pero kahit yung status niya eh hindi nagbabago. Di yata siya nagoopen ng fb eh… Di man lang yata ako naalala ng lalaking yun! Kainis! Dumaan ang
Christmas at New Year pero di man lang ako binati. Kainis talaga siya! Tapos
dumaan din ang monthsary namin, wala din!
Siguro kasi wala naman talagang dapat i-celebrate. Siguro kasi wala lang talaga
yung relationship namin for him. Hayy… Eto naman kasing heart ko eh, mai-inlove
na nga lang… sa WRONG PERSON pa. Ang dami ko namang crush, ba’t hindi na
lang sa isa sa kanila? Tatlo naman yung exboyfriends ko, ba’t sa kanya lang ako
nagkakaganito? And ang DAMI-DAMI namang may gusto sakin pero BAKIT SIYA
PA?
Haayy… Tama na nga! Let’s stop the drama. Ganito yata talaga ang buhay…
Kung si Kenji nga grabe ang sakit na naranasan ng mawala si Athena… Pati si
Courtney kay Kean… Tapos si Iexsha ang daming hirap na pinagdaanan bago sila
mag katuluyan ni Aidan.
Part na ng life ang pain. Kaya ano nga bang magagawa ko? Eh di wala! Kaya Move
On. MOVE ON.
Wala kaming ibang ginawa dito kundi magpunta sa iba-ibang lugar, magpicturetaking, kumain ng mga food na ngayon lang namin nakita at yun lang paulit-ulit.
And since wala namang masyadong importanteng nangyari, magbibigay nalang ako
ng additional information…
Si kuya Yuri Eleazar…
Siya ang panganay sa amin. Gwapo. Matalino. Responsible. Loving and caring.
Maraming girls ang nagkakagusto kay kuya pero si Elaine Howell lang ang mahal
niya. Hanggang ngayon nga pinapatunayan pa rin niya ang sarili niya sa dad ni ate
Elaine eh, mayaman kasi ang family nila ate Elaine. Friend din ni kuya Yuri yung
cousin ni ate Elaine na si kuya Odrel Lorenzo, yung first crush ko.
(Sa story ni Odrel Lorenzo… read HE IS MY BOYFRIEND)
Si kuya Yuan Eleazar…
Siya naman yung sumunod kay kuya Yuri. Gwapo DAW siya, matalino DAW siya at
makulit. Yung makulit lang yata ang totoo eh. Maraming nagsasabi na
magkamukha daw kami… beh:P NOT AGREE! Maganda naman ako noh. Girlfriend
niya? Ewan.
Tapos ang sumunod na ay si Lauren Yana Eleazar, ako. Ako ang only girl at ang
bunso. Kung mapapansin ninyo, puro letter ‘Y’ ang simula ng names namin… Yuri,
Yuan, Yana. Luckily dalawa yung name ko. Kaya naman sa bahay eh ‘Lauren’ ang
tawag nila sakin para maiba naman daw.
Ano ba yan… Ang random na ng sinasabi ko. Fast forward na nga!
Chapter Eighteen
Balikan Na!
At laaassssssstttt!!!
January na. Back to school na. Ngayon lang ako na-excite na pumasok. At ang
maganda pag unang pasok galing sa vacation… eh walang nagka-klase. So okay
lang din na ma-late. Late nga ako ngayon eh…
Grabeee… I miss my friends. I miss my bestfriend. I miss my… boy-friend?
Boyfriend pa rin ba? Hindi man lang siya nagparamdam sakin noong bakasyon.
“Oi.”
Paglingon ko… “Piero!”
HUG. HUG. HUG.
“Sayang, namiss mo yung Christmas party. Ang saya pa naman.”
“Oo nga eh… Pati nga yung last day ng Juniors week eh… sino nga palang
nanalo?”
“Syepre kami. Blue team.” Sagot niya with matching pagtaas pa ng kamay.
“Ah…” sabi ko na nga ba eh, sila ang mananalo “…teka ba’t di mo kasama si
Irish? Di mo siya sinundo?”
“Sinundo. Nandoon na siya sa room. Pupunta lang ako sa canteen.”
“Ah.”
“Oh paano, may bibilihin pa ako eh. Mauna ka na sa room.”
“Okay.”
Pagpasok ko sa room, konti lang ang tao. Naabutan kong magkasama si Irish at
Darius, parang may pinauusapan sila. Pero ng mapansin nila ako, bigla silang
tumigil sa pag-uusap.
“Yana!” lumapit siya sakin tapos ay hinug ako “I miss you!”
Hinug ko din siya. “Ikaw din.”
“Aalis na ako.” biglang sabi ni Darius kay Irish.
“Teka si Ya-”
May sinasabi pa si Irish pero nagpaalam na agad si Darius.
“Sige…” tapos ay naglakad siya papalabas ng room.
Bakit siya ganun? Ilang weeks kaming hindi nagkita tapos wala man lang ‘hi’ or
‘hello’ or ‘kamusta ka na?’. Hindi man as girlfriend, kahit as friend man lang, or as
classmate… sana batiin niya naman ako. Ako lang ba ang nakamiss sa kanya? Siya
hindi? Kainis naman oh!
Kung ayaw niyang mamansin, ako na lang.
“Darius!”
Lumingon siya sakin. Nagtinginan lang kami…
Ano? Wala man lang ba siyang sasabihin? Ilang weeks siyang hindi nagparamdam
tapos ngayon wala pa rin?
Wala siyang sinabi tapos ay dumeretso na siya papalabas ng room.
“Wag mo ng pansinin yun.” Sabi sakin ni Irish
“Oo nga! Bahala siya! Kung ayaw niya, eh di wag! Hmmf!”
Na-upo na kami ni Irish sa seats namin.
“Teka Yana, ano? How’s Canada? Kamusta na sina tito at tita?”
“Okay naman, ganun pa din.”
“Di pa rin sila uuwi here sa Philippines? Baka naman yumaman na kayo
niyan? Hahaha…”
Biro niya sakin, pero napansin yata ni Irish na hindi ako nakikitawa sa kanya.
“Masyado ka namang serious girl… Baka naman masyado mong iniisip
yung kanina kay Darius…”
Napatingin ako kay Irish.
“Oh baka mamaya umiyak ka pa dyan.” Biro niya ulit
Tapos bigla na lang naramdaman kong napupuno na ng luha ang mga mata ko.
Tapos nagsimula na silang tumulo kaya bigla ko na lang tinakpan ang face ko ng
mga kamay ko habang nakatungo.
“Oh Yana… Umiiyak ka nga? Binibiro lang kita…”
Hindi ako sumagot. Ayaw tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ano bang
nangyayari sakin? Nakakahiya pero ayaw talagang tumigil ehh. T_T
“Uy… Yana… Bakit?” kino-comfort na ako ni Irish pero lalo lang akong naiiyak.
“…” Umiling ako habang nakayuko pa rin.
“Uy… girl… Di ako sanay ng ganyan ka eh…”
“Bakit ba siya ganun? Noong huling nagkita kami, okay naman kami eh…
Tapos hindi na man lang siya nagparamdam sakin noong bakasyon. Tapos
ngayon wala pa rin. Hindi man lang niya ko pinansin. Galit ba siya sakin?
Bakit ba?”
“Hindi Yana, wala lang yun. May pinaghahandaan lang kasi siya kaya
ganun. Hindi siya galit sayo, trust me.” Tapos ay bumulong pa siya “Ang
bagal naman kasi ni Darius eh.”
“Ang gulo-gulo niya kasi eh…”
“Tama na yan Yana. Mamaya mahalata pa ng iba nating classmates na
umiiyak ka, isue pa yan.”
“Nakakainis siya… Naiinis ako sa kanya!...”
“Kung naiinis ka, bakit ka umiiyak?”
Pinunasan ko yung luha ko tapos ay tumuwid na ako ng upo.
“Hindi ko nga rin alam eh… Basta hindi ko na lang mapigilang mapaiyak.”
Sagot ko habang nagpupunas pa rin ng luha.
“Na-miss mo lang siya ng very very much. Wag kang mag-alala best, hindi
matatapos ang araw na to na hindi ka niya kinakausap. PROMISE.”
Hindi ko alam pero after kong umiyak, buong araw na akong walang gana. Hindi rin
ako masyadong kinakausap ni Irish about dun. First time niya rin kasi akong
nakitang BIGLANG UMIYAK ng dahil sa lalaki. Ang di niya alam, second time ko na
itong umiyak ng dahil sa iISANG lalaki.
Uwian na… Magkasabay si Irish at si Piero habang naglalakad tapos ay kasunod nila
ako sa likod.
Mayamaya bigla silang tumigil… Pagtingin ko, nakatayo sa harap namin si Darius.
Nakatingin din siya sakin. Naiinis pa rin ako sa kanya kaya inirapan ko siya tapos ay
iniwasan ko ng tingin.
“Hay nako, kayong dalawa…” kami ni Darius ang tinutukoy ni Irish “…ayusin
nyo na yan ha…”
Lumapit sakin si Darius pero hindi ko pa rin siya tinitignan.
“Hoy.”
Hoy?! Nasabi ko na sa kanya dati na wag akong tatawagin ng ‘hoy’, ang kulit talaga.
Kainis!
Pero aaminin ko, medyo natuwa ako sa simpleng pagka-usap niya sakin. Pero
MEDYO lang.
“Tumingin ka nga sakin.”
New year na pero bossy pa rin siya. Mabuti pa pag may sakit siya, bumabait.
Tumingin naman ako sa kanya… pero para irapan siya. After ko siya irapan eh
iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya.
“Tss… Halika nga.”
Nagulat na lang ako ng bigla niyang ginrab yung hand ko at hinila ako.
“Bitawan mo nga ako! Ano ba?! Darius!”
Pero ganun pa rin siya, parang walang naririnig. Hay nako, sayang lang ang boses
ko.
“Saan mo ba ako dadalhin? Ano ba?! Bitaw nga! DARIUS ANO BA?!”
Binitawan naman niya ko. At kung saan niya ako hinila? Sa rooftop. (Ang bilis ano?
Nasa rooftop agad… Basta! :P )
“Bakit mo ba ako hinila dito?”
Tinalikuran niya ako tapos ay lumapit siya sa may railings tapos ay nakatingin siya
sa baba (sa school ground).
Ano? Hindi na naman siya magsasalita? Ano ba talaga?!
“Kung wala kang sasabihin aalis na ako…”
Tumalikod na rin ako. Aba! Aalis talaga ko at iiwanan ko siya dito!
“Sandali nga!” pigil niya sakin.
Ano, siya pa ang galit? Hmmf!
Tumigil naman ako at humarap sa kanya. This time nakaharap na siya sakin.
“Haay… Alam mo naman na hindi ako sanay sa ganito eh…”
“Ha?” Ano bang sinasabi niya? Hindi sanay saan?
“Pwede bang antayin mo na muna ako magsalita.”
Yun na nga ang ginagawa ko diba? “Ano ba kasi yun? Sabihin mo na.”
“Ayoko na.” serious niyang sabi.
“Ano?”
“Ayoko na. Itigil na natin ito…”
Bigla naman akong natigilan.
Ayaw na niya? Itigil na namin? Nakikipaghiwalay na siya? Bakit? Dahil nagsasawa
na siya? Alam ko naman na simula pa lang, laro lang itong relationship namin for
him eh… Dapat nga matuwa pa ako. At last, I’m free na diba? Pero… kasi… kasi…
Ano ba yan… Naiiyak na naman ako. Bakit ba lagi niya ako pinapaiyak? T^T
Tumungo ako para di niya mahalata na teary eyes na ako.
Please wag… Oo masakit, pero wag ka munang tutulo. Kahit mamaya na lang pag
nasa bahay na ako… o kaya pag wala na si Darius… o kaya pag nakatalikod na siya
sakin… o kaya pag hindi na siya nakatingin sakin… Please, ayokong umiyak sa
harap niya.
“Can we make this relationship for real?”
“huh?” napatingin naman ako sa kanya kahit teary-eyes pa ako.
“Itigil na natin itong kalokohan ko. Let’s forget the deal…”
Wait. Wait. Wait. Wait. Tama ba ang naririnig ko? Gawing real ang relationship
namin? Like real boyfriend and girlfriend?
“…I won’t send those pictures sa mga kuya mo, actually I don’t have their
numbers naman eh. Hindi mo na kailangang mag-act, kahit hindi mo
naman talaga ginagawa-”
“WAIT! Ano yung sinabi mo?!”
“Hindi mo talaga ginagawa… Sabi ko dati magiging girlfriend kita pero
wala ka namang ibang ginawa kundi kontrahin lang ako-”
“NO! Hindi yan. Yung before that.”
“Uh… I won’t send the pictures…”
“Uh-huh…”
“…and wala naman talaga kong cell numbers ng mga kuya mo.”
“YOU DON’T HAVE THEIR NUMBERS?!”
“Oo.” At talagang cool pa siyang umoo
“Ibig sabihin… all this time natatakot ako sa isang bagay na hindi mo
naman pala magagawa? Eeeeeeehhh… Nakakainis ka!”
Yung blackmail na yun nga lang ang reason kung bakit ako pumayag na mag-act na
girlfriend niya ulit. Na reason kung bakit ko siya laging kasama. Na reason kung
bakit ako nagkagusto sa kanya. Na reason kung bakit ako nasasaktan. Na reason
kung bakit ako na-iyak. Then suddenly malalaman ko na hindi naman pala possible
yun! Waaaaahhh… Gusto kong mabaliw!
“Tsss… Sabi ko diba antayin mo muna akong magsalita…”
Tapos nagpatuloy na nga siya…
“Tulad ng sinasabi ko… gawin na nating totoo ang lahat. I want a serious
relationship... And first time ko itong sasabihin…” huminga siya ng malalim
“… I-”
“Teka PAUSE!”
Nag-pause naman siya. Wow. Napasunod ko siya?
“For real? Serious relationship? You mean…” ^___^ grabe ang smile ko, di ko
mapigilan eh “…may gusto ka sakin?”
Bigla siyang namula. 0///0
Grabe! Gusto kong matawa! Si Darius the great, nagbu-blush!
“Tsss… Ano bang tanong yan? Slow ka ba o ano?”
“Slow? Ako, slow? Baka ikaw, hindi mo nga masabi sakin ng diretso eh…
Ang slow mo.”
“Huh!... Common sense na yun. Do I need to spell it out?”
“Beh!” :P dinilaan ko lang siya. Ang slow naman talaga niya eh. Di man lang
marunong magtapat! Hahaha…
Ang saya ko bigla noh? Sabihin ba naman sayo ng lalaking gusto mo na gusto ka
rin niya … Anong feeling?
^___________^
“Manligaw ka kaya muna…”
“Ha?”
Syempre, kahit gusto ko rin siya… makaganti muna sa pinaggagawa niya sakin.
Mahirapan naman siya kahit konti lang.
“Sus. Para saan pa? May gusto ka rin naman sakin eh…”
Ako naman ang biglang nag-blush. 0///0
“Ang kapal! At sino namang nagsabi sayo?”
Bigla siyang nagsmile. Yung pilyong ngiti.
“Akala mo ba hindi ko alam?...”
Alam ang ano?
“…Narinig ko lahat ng sinabi mo sakin noong may sakit ako. Nagshare ka
sakin ng secret diba?”
O.M.G. Naririnig niya pala ako? O.o
“H-hindi naman ikaw yung tinutukoy ko dun eh…”
“Talaga? Eh sino?” lumapit siya sakin
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Eto na naman, lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. 0///0
“Gusto mo ulitin ko pa yung sinabi mo…” palapit pa rin siya ng palapit
“…naririnig mo ba ako?…”
Mula simula alam niya? Nakakahiya… Bakit hindi niya sinabi? Kainis talaga siya!
“…alam mo bang umiyak ako… inis na inis kasi ako sa isang lalaki… siya
nga ang unang lalaking iniyakan ko…”
Talagang feel na feel pa niya! Pati tono ko ginaya!
Nasa harapan ko na siya, tumigil na siya sa paglapit at nag-pause sa sandali.
“…ang gulo-gulo kasi niya. Pero kaya ako naiinis sa kanya kasi kahit ganun
siya…”
Nag-lean siya ng konti saka nagsalita… “…GUSTO KO SIYA.”
Ang galing talagang mang-tease ni Darius. Effective eh… nakakainis!
“…ang hirap palang magmahal…”
At talagang ipinagpatuloy pa?!
“…Ikaw ba, may mahal ka na ba?”
Itinulak ko naman siya “Lumayo ka nga!”
Masyado na kasi kaming malapit sa isa’t isa.
“Hahaha… Bakit? Kulang ba? Dagdagan natin-”
“Che! Tumigil ka na nga.” Itinulak ko ulit siya. “Oo na… oo na… ikaw na nga
yun. Happy?”
Nagsmile siya. Hmpp! Pa-cute pa eehhh…
“So tayo na?... And this time, totoo na.”
Umiling ako.
“Hindi ako sure. Nalaman kasi nila kuya yung tungkol sayo. Na… boyfriend
kita… Saka, na sa inyo ako galing kaya ginabi ako ng uwi… Magagalit yung
mga yun pag-”
“Kakausapin ko sila.”
“Ha?”
“Basta.”
Tapos ay ginrab niya ulit yung hand ko at hinila niya ulit ako.
Kung saan kami pupunta?...
…sa bahay namin.
Chapter Nineteen
Meet the Eleazar Brothers
Bakit hindi ako pwedeng pumasok?
Nandoon kasi sila sa family room nag-uusap. (Mukha lang din yung living room,
minsan ang tawag eh entertainment room. Basta ganon…)
Usapang lalaki daw?! Ako naman yung pag-uusapan nila ah, pero bawal akong
makijoin? Ang daDAMOT!
Bahala sila, kung ayaw nila kong papasukin… makikinig na lang ako sa usapan nila.
Right ko naman yun eh…
Binuksan ko yung pinto ng konting-konti lang. Dapat yung hindi nila halata. Tapos
saka ako sumilip at nakinig sa usapan nila…
“Gusto mo daw kaming kausapin?” -Yuri
Mukhang serious silang tatlo ah…
“I want to ask for your permission para maging girlfriend si Yana.” –Darius
“Humihingi ka ng permission para maging official kayo? Pero hindi ka
naman humingi na permission samin noong niligawan mo siya.” –Yuan
Hmmf… *pout* Kuya Yuan talaga sinabi pa yun. Eh di naman yan nanligaw sakin eh.
Paano yan hihingi ng permission sa inyo?
“Seryoso ka ba sa kapatid ko?” –Yuri
“Oo.” -Darius
“Madami ka ng naging girlfriend diba? At isang buwan lang ang itinatagal
nila.” –Yuan
Nagresearch ba si kuya Yuan tungkol kay Darius?
“Inaamin ko… Isa talaga kong player… Pero dati yun.” –Darius
“Madaling sabihin yan pero mahirap patunayan.” parang naghahamon na sabi
ni kuya Yuan
Minsan lang magseryoso yang si kuya Yuan at pag serious yan…nakakatakot.
“Hindi ko alam kung paano kayo magtitiwala sakin pero isa lang ang
sasabihin ko. Seryoso ako kay Yana at totoo yun.” –Darius
Naku, mukhang hindi gusto ni Darius ang tono ni kuya Yuan ah… madali pa namang
maasar yan.
“Siguraduhin mo lang, dahil oras na saktan mo siya… ako ang
makakaharap mo.” –Yuan
“Then I assure you, I WON’T.” -Darius
Uh-ohh.. I smell war. Kuya Yuri, awatin mo sila daliii…
“Diba sabi mo seryoso ka kay Lauren at hindi mo siya sasaktan…” –Yuri
Hayy… Buti naman nakisingit na si kuya Yuri.
“… eh paano kung siya ang hindi seryoso sayo?” –Yuri
Si kuya Yuri talaga! *pout*
Silence…
Parang bigla akong kinabahan… Pati ako nacu-curious sa isasagot ni Darius.
“Wala akong gagawin… Hindi ko siya pipilitin, at hindi rin ako magagalit sa
kanya…” sagot ni Darius
Hmmp! Liar! Samantalang noong nakipagbreak ako sa kanya dati… nagalit siya
sakin at pinilit pa niyang makipagbalikan ako sa kanya.
“…dahil nagtitiwala ako kay Yana at alam kong hindi siya ganun.” Dugtong
pa niya
Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya… Nagtitiwala siya sakin.
“Talaga?” sumingit na naman si kuya Yuan “Alam mo bang maraming crush si
Lauren…”
Si kuya Yuan talaga sinabi pa yun!
“Crush lang naman yun eh… Normal lang naman sa tao ang magka-crush.”
Cool na sagot ni Darius
“Eh paano kung manligaw sa kanya yung crush niya.” –Yuan
“Kung tunay na lalaki siya, hindi siya manliligaw sa isang babae na may
boyfriend na.” -Darius
“Eh paano kung wala siyang pakialam SAYO at sa relasyon mo kay
Lauren.” -Yuan
“Puwes haharapin ko siya.” –Darius
“Anong magagawa ng pagharap mo kung kaming pamilya ni Lauren ay mas
gusto siya para sa kapatid namin.” –Yuan
“Ipaglalaban ko si Yana.” –Darius
“Eh paano kung ilayo namin si Lauren sayo?” –Yuan
Ano ba yan! May ganun pa talagang mga tanong? Parang sa movie at sa t.v. lang
naman nangyayari yun eh… Saka nahihirapan ako sa kay Darius at kay kuya,
parang dalawang tao yung pinauusapan nila… Lauren at Yana. Eh pareho lang
namang ako yung pero magkaiba pa ng tawag.
“Susundan ko kayo at hahanapin ko siya.” –Darius
“Eh paano kung-” –Yuan
“Tama na nga yan Yuan.” Awat ni kuya Yuri sa kanila
“Bakit? Nagtatanong lang naman ako eh…” –Yuan
“Lumalayo ka na kasi eh…” –Yuri
“Lumalayo? Talagang ilalayo ko si Lauren sa lalaking yan pag niloko niya
ang kapatid ko.” –Yuan
Wow ang sweet naman ni kuya Yuan. Kaso parang medyo nag-aala kontrabida na
siya eh…
“Oo na… siguradong na-touch na si Lauren sa mga sinabi mo… diba
Lauren?” –Yuri
Huh? Tinatanong niya ko? Meaning alam ni kuya Yuri na nakikinig kao sa kanila?
Nakakahiya naman… Ang lakas talaga ng pakiramdam niya!
“Sige na… Pumasok ka na nga Lauren… Baka nahihirapan kang makinig
dyan.” –Yuri
Nanukso pa talaga si kuya. Pumasok na nga ako sa loob.
“Umamin ka nga kuya Yuri, may powers ka ba? Bakit ang lakas ng
pakiramdam mo?” –Yana
“Hahaha… wala akong powers… hindi ka lang talaga magaling magtago.” –
Yuri
“Hmmp.” –Yana
Naupo ako sa tabi ni Darius.
“So ano? Kelan ang kasal?” –Yuri
“KASAL?!” sabay-sabay kaming tatlo… ako, si Darius at si kuya Yuan
“Hahaha… Joke lang… Ganyan kasi ang biro sakin ng dad ni Elaine eh
noong first time akong humarap sa parents niya. Hahaha…” –Yuri
“Hahaha… nakakatawa kuya.” Sarcastic na sabi ni kuya Yuan
Ba’t kaya ganun? Parang hindi yata magkasundo si kuya Yuan at Darius.
“Okay na sakin. Pumapayag na ako.” –Yuri
“Agad?!” –Yuan
Tama… hindi nga gusto ni kuya Yuan si Darius…
“Oo. Nasabi ko na rin kasi kay dad yung tungkol sa kanya…” –Yuri
“Sinabi mo kay dad?!” –Yana
Kelan pa sinabi ni kuya Yuri? Ba’t hindi ko alam? Bakit parang hindi naman ako
kinausap ni daddy about dun?
“Oo, sinabi ko. Basta daw minsan kailangan humarap si Darius kay Dad.”
Paliwanag ni kuya Yuri “Oo nga pala tinatanong ni dad kung ang pangalan
daw ba ng father mo ay Arthur Villamor?”
“Oo… Arthur Reyes Villamor.” –Darius
“Ah, eh di siya nga yung kinukwento ni dad. Magkakilala pala yung mga
tatay natin eh… mukhang magiging okay ka naman pala sa tatay namin.” –
Yuri
“Ganun? Sige, minsan tatanungin ko rin ang dad ko.” –Darius
Kung si kuya Yuan mukhang ayaw si Darius, mukhang si kuya Yuri makakasundo
naman niya. Haay nako… parehas talaga kami ni kuya Yuan.
“Darius…” serious na ulit si kuya Yuri “Nagtitiwala ako sa sinabi mo kanina.
Pero tulad ng sinabi ni Yuan, oras na saktan at paiyakin mo si Lauren …
dalawa kami na makakaharap mo.”
“Wag kayong mag-alala, makakaasa kayo.” Serious din na sagot ni Darius
Mayamaya… hindi ko alam kung paano, pero… Mula sa topic tungkol sakin, untiunting na-shift yung topic sa computer games… at nagtapos at nagkasundo silang
tatlo sa game na DOTA.
Haay nako… Di ako makarelate… Buti na lang at natapos na din yung usapan.
Hinatid ko si Darius sa may gate ng bahay namin.
Lalabas na sana siya pero bigla siya tumigil at humarap sakin… Parang may gusto
siyang sabihin na ewan…
“Ahmm… Hindi ko nga pala nasabi sayo kanina… a.. a-ano eh… I… I-”
“Ano ba yun?” putol ko sa sinasabi niya
“Tsss… wala! Bukas na lang.”
“Hmmp. Sige, bye.” Tapos ay tinalikuran ko na siya.
“Sus. Nag-goodbye ka pa. Alam ko namang lagi akong nasa panaginip mo.”
Tsss… Ang yabang talaga.
Napaharap ulit ako sa kanya. “Oo. Kaya pala lagi akong binabangungot.”
“Hahaha… Sige, matulog ka na. Magkita na lang tayo sa panaginip mo.”
“Beh!” :P
Haay nako… Bakit nga ba ulit ako nagkagusto sa lalaking yun?
Papasok na ako sa loob ng bahay… Pagopen ko ng door, nakaabang pala si kuya
Yuan.
“Kuya?”
“Kayo ba talaga?” parang nagtatakang tanong niya
“Ha?”
“Ang weird ninyo…”
“Anong weird? Saka bakit ka nasa may pintuan?”
“Binabantayan ko lang ang mokong na yun. Baka nakawan ka pa ng halik
bago umalis.”
“Kuya Yuan talaga… mga iniisip. Tara na ngang pumasok.”
“Pero ang pinagtataka ko, bakit hindi?”
“Bahala ka nga dyan…”
Chapter Twenty
Okay Na… nga ba?
Oh diba… matapos ang araw na nagtapat siya sakin at kina-usap niya ang mga
brothers ko, okay na kami… As in okay na okay. Official na kami.
Ilang weeks na rin kaming okay… Yung relationship namin eh parang tulad lang
noong unang naging kami… ang pinag-iba lang, mas totoo na kami ngayon. Pero
minsan hindi pa rin naiiwasan ang asaran.
Pero parang tama nga si Irish sa sinabi niya dati… Way yun Darius ng pagiging
sweet. Kasi naaalala ko din na sinabi ni Piero na kakaiba daw ang style ni Darius.
And I think ganun nga siya… at tingin ko rin, yun ang talaga ang nagustuhan ko sa
kanya.
Okay na naman eh…
Pero nitong mga huling araw parang may napansin akong kakaiba… Parang untiunti siyang nawawalan ng time sa akin. Parang nagiging busy siya… And kung busy
nga siya, ano naman ang pinagkaka-busy-han niya?
Tapos minsan pa nahuli ko siyang may kausap na girl. Noong una wala lang naman
sakin eh… Pero three times ko na siyang nakikita with that same girl eh…
Hindi ko naman siya makausap kasi nga diba, bigla na lang siyang nawawala.
Ano ba yun???
“Uy girl, bat ba ganyan ang look mo ngayon?” tanong sakin ni Irish
“Naiinis kasi ako kay Darius eh…”
“Naiinis? Magte-three months na kayo ah… LQ pa rin?”
“Yun na nga Irish eh… Magte-three months na. Noong unang month na
naging kami, okay nga pero pareho naman kaming hindi serious. Tapos
noong second month namin, lagi naman kaming nag-aaway. Tapos ngayon
akala ko okay na kami… kaso bigla bigla na lang nag-iiba si Darius.”
“Nag-iiba? Nag-iiba in what way?”
“Hindi mo ba nano-notice Irish… laging last minute kung pumasok si
Darius. Tapos pag break or recess or lunch lagi siyang nagpapaalam na
hindi sasabay sa atin. Pag uwian na, lagi na lang niya tayong pinapa-una.
Tapos nakita ko pa siyang may kausap na girl noong isang araw-”
“So you mean, nagseselos ka?”
“…” speechless naman ako bigla
“See? Hahaha…” tawanan daw ba ako?
“Three times ko na kasi silang nakitang magkausap. And talagang may
kakaiba kay Darius, it’s like… he’s hiding something from me.”
“You’re just freaking Yana…”
“Hindi eh…”
“Eh diba nagbago na si Darius… Pare-pareho naman nating
mapapatunayan yan. Alam mo, mag-usap na lang kayo… Kausapin mo
siya…”
“Eh paano ko nga yun gagawin? Eh bigla-bigla na nga lang siyang
nawawala… laging busy.”
“Alam mo Yana pwede naman eh… Pero sa pagkakakilala ko sayo, HINDI
KA MAGTA-TRY… sasarilinin mo na lang… aantayin mo na lang na siya ang
lumapit sayo.”
“Eh kasi naman-” Wait!… anong sinabi ni Irish? Ah! I have an idea na! “Oo nga!”
“Ha? Anong ‘oo nga?’” nagtatakang tanong ni Irish
“Ang galing mo talaga Irish!”
“What? Ano ba yun Yana?”
“Alam ko na ang gagawin ko.”
“Kakausapin mo na si Daruis?”
Umiling ako. “I’ll make him jelous.”
“What?! Pagseselosin mo siya?!”
Wow. Minsan lang to ah… ang magulat si Irish sa idea ko… Madalas kasi alam na
niya ang iniisip ko eh.
“Oo. Diba ikaw na rin ang nagsabi… hindi ako nag-aaproach, nag-aantay
na lang ako na si Darius ang lumapit sakin…”
“Yeah… ganun ka nga…”
“Pero hindi ba matigas din si Darius… hindi rin siya lalapit sakin…
MALIBAN NA LANG kung punong-puno na siya, tulad dati… At para
mangyari yun, kailangan ko ulit siyang pagselosin.” Paliwanag ko
“I think that’s not a good idea. Si Darius po ang pinaguusapan natin. Si
Darius na boyfriend mo.”
“Hindi ko naman ako magiging two-timer eh… It’s not like lolokohin ko
siya or whatever… pagseselosin ko lang. Magkaiba yun.”
“Naku girl… Serious ka ba dyan? Kasi ako hindi eh…”
“Oo naman.”
Kinabukasan…
Nakaupo kami ni Irish sa may bench malapit sa gate… Dito talaga kami tumambay
para maraming students…
“Hi Irish… Hi Yana…” Ang dami ngang bumabati sa amin eh… karamihan di ko
kilala. Pero okay nga eh… marami akong pwedeng pamilian. Mwahahaha… Si Darius
na lang ang inaantay namin…
“Omygoshgirl nandyanasiya.” pabulong at mabilis na sabi ni Irish tapos ay
inilabas niya yung phone niya at nagtetext kunyari.
WoW. Parang ang dating eh ‘i-do-not-know-this-girl-sitting-beside-me’. Ganun ba
talaga kaayaw ni Irish sa plan ko?
Pero mamaya ko na poproblemahin yan… Papalapit na si Darius at kailangan ko na
ng isang guy!
“Can I borrow you for a second?” sabi ko sa isang passer-by na nilapitan ko.
Hindi ko alam kung nagulat ko ba siya o hindi lang siya makapaniwalang nilapitan
ko siya. Medyo natulala pa siya eh…
At dahil ang tagal niyang sumagot at malapit na samin si Darius… nakipag-link na
agad ako ng arms sa kanya tapos ay sinabayan ko siya sa paglalakad. Dumaan pa
nga kami sa harapan ni Darius eh, pero syempre hindi naman ganun kalapit sa
kanya.
Nararamdaman kong nakatingin sakin si Darius. Pero kunyari may tinitignan ako sa
malayo kaya hindi ko siya nakikita. Beh! :P
Noong alam kong malayo na kami ng hinila kong passer-by kay Darius, humiwalay
agad ako sa kanya. Syempre baka mag-assume pa siya ng kung ano, at saka baka
madami pang makakita sa amin… bagong news na naman yan.
“Thanks.” Pasalamat ko agad dun sa lalaki
“L-lauren Yana E-eleazar…? a-ano…” bakit ba parang di siya makapaniwala?
Ang weird ng guy na to…
“Naku, thanks. Thanks. Thanks talaga. Wala lang yung kanina ha…
kalimutan mo na… Sige, bye.” Aalis na sana ako ng bigla akong may maalala
“Oo nga pala… if ever may mangyari, na wag naman sana… pero if ever
lang naman, pinapauna ko na ang sorry ko ha. Sorry talaga… and thank
you ulit.”
Tapos ay iniwan ko na siya.
Pagkatapos ng ginawa ko, I expect na haharapin niya ko at kakausapin. Ipinrepare
ko na nga ang sarili ko sa galit niya eh, pero hindi. Natapos ang araw na ganun pa
rin siya… busy-busyhan.
Kaya naman kinbukasan…
Nasa may cafeteria kami ni Irish.
“Irish…”
“Hmm?”
“Parang di naman nagselos si Darius sa ginawa ko kahapon eh.”
“Oh?”
“Hindi man lang niya ako kinausap about dun sa ginawa ko. Hindi man lang
siya nagalit sakin.”
“Baka busy lang talaga siya sis.”
“Baka naman wala lang talaga sa kanya…” di ko talaga mapigilan ang sarili ko
na magisip ng mga ganitong bagay “…baka naman ayaw na niya sakin. Siguro
kaya lagi siyang umaalis tsaka kaya hindi nagseselos eh kasi may iba na
siyang gusto.”
“Yana wag ka ngang magsalita ng ganyan.”
“Alam mo ba Irish… simula noong maging kami, never pa niyang sinabi
sakin na ‘mahal kita’ o kaya ‘I love you’…”
Medyo natawa pa si Irish “Bakit ikaw, sinabihan mo na ba siya?”
“Hindi din.”
“Eh yun naman pala eh…”
“Eh bakit kasi hindi man lang siya nagrereact? Hindi ba makatotohanan
yung ginawa ko kahapon?”
“Baka naman hindi niya lang nakita or napansin yung pag eksena mo
kahapon.”
Oo nga noh… baka nga hindi niya nakita… medyo malayo din kasi kami sa kanya eh
plus ang dami pang estudyante. Baka nga hindi niya kami napansin…
Mayamaya pumasok si Lemuel sa cafeteria at mag-isa lang siya. Bumili siya ng food
tapos ay pumuwesto siya sa table na hindi kalayuan sa amin. Perfect!
Aha! “I have better idea!”
“Ano na naman ang naisip mo Yana?” tanong sakin ni Irish
Sakto namang dumating si Piero kasama si Darius… parang naguusap pa nga silang
dalawa eh.
“Ayan na pala sil-” May sinasabi pa si Irish pero lumipat agad ako sa table ni
Lemuel. “-Yana saan ka pupunta?”
“Hi Lemuel…”
“Uy Yana… long time no see…”
“Pwedeng makishare?”
“Oo naman.”
Tapos ay naupo na ako. At sa tabi pa talaga ni Lemuel. Tinignan ko si Darius at
ngayon sure na sure akong nakatingin siya sakin.
“Teka magisa ka lang? Nasaan si Darius pati sina Irish at Piero?”
Titingin pa sana si Lemuel sa paligid pero pinigilan ko agad siya.
“Hindi muna ako sumabay sa kanila.” Mabilis kong sagot
“ah… teka nagmiryenda ka na ba?”
“Hindi pa nga eh… pero hindi pa naman ako masyadong gutom.”
“Teka ibibili kita… anong gusto mo? Treat ko.”
“Naku wag na… if okay lang sayo, makikishare na lang ako sa fries mo.
Okay lang ba?”
“Oo naman.”
Tapos ayun, todo-todo smile ako habang nakikishare kay Lemuel.
Tapos ng mapansin kong parang lalapit sa amin si Darius bigla akong napatayo.
“Bibili lang ako ng drinks.”
Pagbalik ko sa table ni Lemuel napansin kong wala na si Darius. Si Irish at Piero na
lang ang nandoon.
“Eto yung sayo…” inabot ko kay Lemuel yung inumin niya.
Saan na kaya siya nagpunta?
“Si Darius ba ang hinahanap mo?” tanong ni Lemuel sakin “Umalis na siya.”
“H-ha? Hindi ah… Hindi ko siya hinahanap. H-hindi ko nga alam na nandito
pala siya eh…”
“Asussss… LQ na naman ba kayo? Hindi ko alam kung ano talaga nangyari
sa inyo ni Darius. Pero sa nakita ko ngayon, may problema na naman
kayo.”
“Siya lang naman talaga ang may problem eh…”
“Mukha namang gusto na niyang ayusin yung problema ninyo eh… Kaso
nilayuan mo siya… tulad kanina. Noong nakita mong papalapit na siya,
bigla kang tumayo at umalis.”
“Alam mo?” Napansin pala ni Lemuel yun?
“Aware kasi ako pag tungkol sayo.”
O_o
Natigilan naman ako sa sinabi ni Lemuel. Aware siya… pag tungkol sakin. Anong
ibig sabihin niya?
“Hahaha…” bigla siyang napatawa na parang joke yung sinabi niya “…wag mo
ng pagka-isipan yung sinabi ko… Ang isipin mo, paano makikipag-ayos sa
Darius mong seloso.”
Yun naman ang ginagawa ko ngayon ah… Paano ba dapat?
Chapter Twenty One
Lovers Quarrel na naman…
Pagkatapos nun, kinausap ako ni Piero at Irish.
“Buti pa si Lemuel napansin yung ginagawa ko. Si Darius kaya?”
“Naku Lauren Yana… kung hindi lang kita bestfriend baka nabatukan na
kita…” sagot sakin ni Irish “…hindi pa ba halata? Kaya nga nagwalk-out si
Darius eh… kasi affected siya.”
“Nagalit kaya siya?”
“Medyo sumobra ka na kasi girl eh…”
“Ang totoo bago kami pumunta sa cafeteria, kinausap ko si Darius…” sabi ni
Piero “…kaya daw siya busy lately kasi may inaasikaso siyang business.
Sabi niya parang may maliit na project daw siya at medyo confidential
kaya ganun.”
Business? Maliit na project? Kung sabagay, nasabi nga niya sakin na minsan daw
tinuturuan na rin siya ng dad niya na makipagnegotiate sa maliliit na business…
“You mean…”
…kaya lang siya busy lately ay dahil lang doon?
“Meaning… you’re acting too exaggerated tungkol sa isang maliit na
bagay… and now, cause na yan ng away.” Sagot ni Irish “If I were you,
magsosorry na ako kay Darius bago pa lalong lumala at maging away yan.”
Ahhh-no ba yann… so mali talaga yung mga ginawa ko?…
Math class…
Eeeehhh, katakot… Yung teacher pa namin ay terror. Ayaw niya ng maingay. Gusto
niya attentive lahat sa nilelecture niya.
“Gusto sana kitang kausapin…” bulong sakin ni Darius
Napatingin naman ako sa kanya… Kinakausap niya ko? Binalik ko ulit ang tingin ko
sa board.
“Ow?” pasupladang sagot ko pero deep inside napapa-smile talaga ako.
At last kinausap na niya ko. Di naman pala nasayang yung effort ko eh.
“…Pero nakita kong may kasama kang iba.”
Ayieeh… Selos na siyaaaa…
“Talaga?… Sino namang kasama ko?” pasuplada effect pa rin ako
“Shhh… Class quiet.” Saway ng teacher namin.
“Hindi ako sigurado pero mukhang close na close kayo.” Sagot niya
“Nakikipagusap lang ako…”
“Huh! Nakikipagusap? Tungkol naman sa ano?”
“Shhh… I said quiet!” saway ulit ng teacher
“That’s my own business… Bakit ikaw may sariling business ka rin naman
na pinagkakaabalahan ah.” Sagot ko
“Business? Ano namang business yan at kailangan mga lalaki pa ang
kaharap mo?”
Napatingin naman ako kay Darius. Nakatingin din siya sakin at halatang hindi
maganda ang mood niya.
“Bakit… ano rin ba ang business mo at kailangang babae pa ang kaharap
mo?”
“Iba yung sa akin… at saka wag mo ngang ibalik sa akin ang tanong!”
Pak! Pak!
Pinalo na ng teacher namin yung table niya. Ibig sabihin galit na siya. Ewan ko ba
bakit ang lakas ng pandinig ng teacher namin… eh nagbubulungan lang naman
kami ni Darius.
Nagsalita ulit si Darius “…sabihin mo nga, busy ka ba sa pakikipag-date sa
ibang lalaki?…”
THAT’S IT!
Yun lang naman ang inaantay ko eh… Ang i-approach niya ko at umamin siya. Sa
kanya na mismo nanggaling… nagseselos nga talaga siya! Wahahaha…
Okay enough na. Alam ko naman na mali talaga yung ginawa ko eh… And I need to
say na my sorry… Tama na rin itong pagsusuplada effect ko…
Breath in. Breath out. Okay, Yana… kaya mo to…
“Oo inaamin ko…” oh yan… inamin ko na ha… “…ginawa ko talaga yung mga
yun on purpose…”
Napatingin siya sakin na parang di siya makapaniwalang inaamin ko.
“…pero hindi ko intention ang lokohin ka or ipagpalit ka…”
Medyo napangiti siya sa sinabi ko pero agad niyang ibinalik yung galit niyang
expression.
“Ikaw din naman ah… hindi ko rin naman gusto pag secretly, nakikipagkita
ka or nakikipagusap ka sa ibang girl…”
“WHAT?!” mukhang lalo siyang nagalit. Medyo napalakas pa nga yung sabi niya.
Pati yung teacher namin eh napatingin sa kanya ng masama.
“Yes, Mr. Villamor?” sabi ng teacher namin habang nakapamewang pa…
Yumuko lang si Darius.
Noong nagpatuloy na sa pagtuturo yung teacher namin, nagsalita na ulit ako…
“Sorry na…”
Tumingin siya sakin sandali tapos ay umiwas na siya ng tingin. Aba’t siya na
ngayon ang nagsusuplado ha!
“I know… mali ako… Alam ko rin na hindi mo yun gusto. I just… I just
want to tease you lang naman ng konting-konti lang. Binibiro lang kita…”
“Sa tingin mo Yana nakakatuwa?”
Hayy… ang hirap namang mag-sorry sa kanya…
“Wag ka namang masyadong serious… I’m just playing…”
“PLAYING?! Laro pa rin? Kelan ka ba magiging serious?!” napataas na naman
yung boses niya.
O.o Naku, mukhang mali yung word na nagamit ko… Mali yung naging intindi ni
Darius sa sinabi ko… Lalo tuloy siyang nagalit…
“No, hi-” mage-explain pa sana ako pero nagalit na talaga yung teacher namin.
“DARIUS VILLAMOR, out of this room! Now!”
Tapos ay lumabas na nga si Darius ng room namin ng galit sa akin.
Hindi na rin pumasok si Darius sa mga sumunod pa naming subjects. Siguro umuwi
na siya kasi nabad-trip sakin.
Di ko naman sinasadya ehhh… T.T
Noong sumunod na araw, hindi kami nagpapansinan. Gusto ko man, pero hindi ko
alam kung paano.
“Tingnan mo Yana… Anong nangyari ngayon? I warned you diba… na hindi
yun magandang idea… Napasok ka lang tuloy sa gulo…”
“Irish… wag mo na kong sermonan… Alam ko yun. Mali na nga ako diba…
Hindi ko naman ineexpect na magagalit siya ng ganun eh…”
“Ano ka ba? Alam mo namang seloso yung boyfriend mo eh… Lalo na
pagdating sa mga exbf mo.”
Tumungo lang ako tapos nag-pout.
“Mag-sorry ka na kasi ng maayos…”
“Sinubukan ko na nga diba? Ginawa ko na…”
“Oh? Talaga? Pagsosorry ba ang tawag mo dun? Eh nakipag-argue ka pa
nga sa kanya kahit alam mong mali ka naman eh…”
“Eh may mali din naman siya ah…”
“Oh see? Ayan ka na naman…”
Nag-sigh ako.
“Third monthsary ninyo bukas diba?” tanong sakin ni Irish
“Oo.”
“Dapat maayos nyo na yan. Mag-usap kayo mamayang uwian… Magkita
kayo… yung kayo lang.”
“Paano kung hindi siya pumunta?”
“Kakausapin namin siya ni Piero, ipapaliwanag namin yung side mo, kung
bakit mo talaga ginawa yun. Pero yung rest… ikaw na ang mag-explain sa
kanya. Okay?”
Uwian na… Nandito ako ngayon sa park sa tabi ng school. 4:00 pm yung sabi sakin
ni Irish… 3:50 pm pa lang sa watch ko… maaga pa…
4:00 pm na… kinakabahan na ako… pupunta kaya siya?
4:15 na wala pa rin siya… hindi kaya siya pupunta o male-late lang?
4:38 na… wala pa rin siya?! Okay 5 minutes pa… pag di siya dumating, aalis na ako.
4:45 pm na, mag-iisang oras na kong nag-iintay dito… at mukhang hindi talaga siya
darating. Kaya naman nagdesisyon akong umuwi na.
Mukhang hindi magiging okay ang monthsary namin bukas…
Pagdating ko sa bahay, dumeretso agad ako sa room ko. And guess what?
Umiyak na naman ako. :’(
Chapter Twenty Two
SURPRISE!
Hindi na ako nage-expect na magiging special ang day na ito… kasi nga magkaaway
kami ni Darius ngayong monthsary namin. Pero ang pinagtataka ko lang eh…
parang ang weird ng mga tao sa paligid ko.
Una si Irish… hindi man lang niya ko tinanong kung anong nagyari sa pag-aantay
ko kahapon. Eh normally manghihingi agad yan ng update sakin. Pero ngayon kahit
ako na ang nag-oopen ng topic, bigla na lang niyang binabago…
Si Piero ganun din… ang tipid nyang magsalita pag kausap ako. Para ngang hindi rin
siya masyadong nakikipagkwentuhan sakin ngayon eh…
Ano bang meron? Bakit kung kelan ko kailangan ng friends na dadamay at magcocomfort sakin, bigla na lang silang naging ganyan… Di ko tuloy maiwasang
magtampo. Lalo lang tuloy akong nalulungkot. :(
Uwian na. Nagaayos na ako ng things ko ng…
“Yana…” lumapit sakin si Irish “…favor naman, padala naman nito sa club
room ng banda nila Piero, importante lang. Hindi ko kasi madadala kasi
pinapatawag ako sa office eh…”
“Sa office? bakit?”
May mali bang ginawa si Irish? Bakit siya pinapatawag sa office?
“…Ahahaha… Wala… Bibigyan lang yata ako ng award para sa pagiging
matulungin ko slash pagiging mabuting friend slash pagiging matalino
slash pagiging magandang girlfriend ni Piero at kung ano-ano pang slash.
Something like that.”
????????
“Ha? Puro slash lang naintindihan ko eh. Serious ka ba?”
“Hahaha… wag mo ng masyadong isipin yun. Basta padala niyan.
Kailangan na yan ngayon. As in now na.” tapos ay itinulak niya ko palabas ng
classroom namin “So go na. Go. GO. GO!”
Ano bang nangyayari kay Irish? Saka ano ba tong pinadadala niya sa sakin?
Pagdating ko sa clubroom nila Piero…
*sign: Anderson High School Band
…WALA NAMANG TAO.
Nagkamali lang ba si Irish? O pinagtitripan lang ako nilang dalawa ni Piero?
Since wala ngang tao, ipinatong ko na lang yung pinapadala ni Irish dun sa isang
table tapos ay lumabas na ako.
Aalis na sana ko pero…
Biglang may narinig akong music. Yung music na walang lyrics, yung puro tugtog
lang… Pero infairness, sweet yung music ha… And nanggagaling yun sa kabilang
room, Robotics club.
Nakapagtataka naman… ang alam ko eh bakante yang club room na yan kasi
gumraduate na lahat ng members last year. Bakit kaya nakabukas yung pinto?
At syempre dahil likas akong usisera, hindi lang ako sumilip… pumasok pa ako sa
loob. At nagulat ako sa nakita ko…
Ang daming teddy bears!!! May malaki, may maliit, may color white, pink, light
brown, dark brown, iba-iba at ang dami! Nakasandal yung mga bears sa wall…
parang naging border sila ng room. Tapos may mga white and pink floating ballons
pa sa ceiling. And sa isang side ng room ay may projector screen kung saan may
slideshow ng pictures… KO? Teka… ba’t ang dami kong pictures dyan? Ang dami
pang stolen shots…
Sa sahig naman ay may malalaking LETTER BLOCKS (malalaki ha…) na nakaayos
ng ‘HAPPY MONTHSARY’. At sa isang side naman ng room ay…… nakatayo si Darius
na may hawak na boquet of roses.
Kung ide-describe ko yung place… hindi romantic ang una kong masasabi, kundi…
CUTEEEE!!!! >.< Di ko naman favorite ang pink pero ang cute talaga!!!
“Yana… Happy Monthsary.” Sabi niya tapos ay lumapit siya sakin at inabot yung
roses.
Kinuha ko naman.
“A-a…” sa sobrang dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam kung saan
magsisimula. Babatiin ko ba siya? O mag-sosorry ako… O magtatanong?
Nag-smile siya.
“Hindi ka na galit?” tanong ko
“Nasabi na sakin kahapon nila Irish at Piero ang nangyari.”
Nasabi na nila? Okay… ako naman ngayon ang mag-eexplain ng rest…
“Sorry ha…” sincere kong sabi “I thought kasi… nawawalan ka na kasi time
sakin eh… Tapos nakikita ko pang nakikipag-meet ka dun isang girl kaya
ayun…”
“Kaya ako naging busy lately kasi gusto kitang isurprise. At yung babaeng
tinutukoy mo… sa kanya ako nagpatulong na magprepare nito, ganito kasi
yung family business nila.”
Ah… so yun pala. Nakakahiya, nagseselos ako sa maling dahilan… >_<
“Saka yung tungkol sa nasabi ko sayo noong isang araw… hindi naman
talaga yun ang ibig kong sabihin eh… Nagsosorry na nga ako sayo pero
nagalit ka naman.”
“Okay na… Kasalanan ko rin naman yun eh… Kung bakit ka nag-act na
ganun. Itinago ko kasi sayo yung plano ko. Teka… Pero kung sinabi ko
naman sayo, hindi na magiging surprise diba?”
Hahaha… Sabagay, may point siya dun ha!
“Pero alam mo Darius, na-surprise talaga ako. Specially dun sa slideshow
ng pictures ko.” Sabi ko habang nakaturo pa “Saan galing yang mga yan? Kay
Irish ba?”
“Hinde noh. Collection ko yan. Mga kuha ko yan mismo.”
“Kuha mo? Ba’t di ko alam?”
“Hahaha… magaling akong magtago eh. Kaya ayaw kong ipahiram sayo
dati ang cellphone ko, kasi baka makita mo yung mga pictures mo…
burahin mo pa.”
“Oh?” Talaga? Kaya pala eh…
“Pati nga sa computer ko eh, may mga pictures ka din dun. Pero syempre
alam kong safe yun kasi may password.”
“Oo nga! Nakakainis yung password mo sa pc mo, ang hirap hulaan. Yung
hint mo ELY. Ano ba yun, favorite mong singer? Ely Buendia?”
“Haha…” tinawanan pa talaga ko “…hinde ah! Ang dali nga lang nun eh…
Initials kaya yun ng name mo. Eleazar, Lauren Yana. ELY.”
Huh? Oo nga noh. Hindi ko yun naisip, nauna kasi yung apelyido ko eh…
“Nakakainis ka! Yun lang pala yun pinahirapan mo pa ko! Alam mo bang
dahil dun, nahuli tuloy ako at napagalitan pa ko nila kuya.”
Bigla niya kong niyakap.
Nagulat naman ako at natigilan.
“Ang totoo in some ways, okay na rin sakin yung nangyari. Noon kasing
malaman ko kay Irish na inilayo ka sakin ng mga kuya mo, noon lang ako
nagkalakas ng loob na sabihin at aminin sayo ang tunay kong
nararamdaman. Pati na rin ang pagharap sa mga kapatid mo.”
“Darius…” Hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ko,
kundi dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Naghiwalay na kami pagkatapos ay may inilabas siyang gift from his pocket.
“Akala ko dati muntik na akong na-inlove… pero hindi pala yung
napipigilan… Mula ng makilala kita, nagbago ako… ginusto kong magbago.
Sorry if until now may mga nagagawa akong hindi mo gusto, kung
nasasaktan kita. But I’m trying to be better……”
Si Darius ba talaga ang nagsasabi ng mga ito?
Totoo naman eh, kahit ako mapapatunayan kong malaki na nga ang pinagbago niya.
Pero hindi lang naman siya… kahit ako nagbago ako noong makilala ko siya.
“…Thanks for coming into my life Yana.”
Ini-abot niya sakin yung gift.
Grabe na talaga. Surprise to diba?… Gulat na gulat na ko! Ang lakas na nga ng
tibok ng puso ko eh… Kanina lang ang lungkot lungkot ko tapos ngayon ang sayasaya ko na. Baka mamaya atakihin na ako sa puso nito.
“Teka alam ba ni Irish at ni Piero yung tungkol dito?”
“Ha? Oo… Sinabi ko sa kanila kahapon.”
Alam nila?! Kaya pala sila ganun eh!
“Ahh… Nakakainis kayong tatlo, pinagka-isahan nyo ko!” Sabay pinag-cross
ko yung arms ko.
“Hindi ka naman namin pinagkaisahan, we just wanna surprise you.”
“Hmmp! Lalo ka na! Umiyak kaya ako kagabi kasi akala ko galit ka sakin.
Tapos kaya pala ganun kasi may plano pala kang ganito!”
“Umiyak ka?” parang nagulat siya na nakonsensya.
Bigla siyang lumuhod sa harap ko.
“Sorry Yana… Patawarin mo na ako oh…”
Wow. Ang sincere naman ng sorry niya, lumuhod pa. Siguro kasi nagpromise siya
sa mga kuya ko na hindi niya ko paiiyakin.
Pero…
“No.” tapos ay inirapan ko siya “Hindi ko tinatanggap yung sorry mo. Naiinis
pa rin ako sayo.”
“Bakit?”
“Kung alam mo na pala yung side ko kahapon, bakit hindi ka pumunta sa
park? Alam mo bang one-hour akong nag-antay sayo…”
“Pumunta ako, kaso nalate ako. At pagdating ko dun, wala ka na. Pero
pumunta ako. Swear!” Sagot niya.
Okay, naniniwala naman ako eh.
“Sige na Yana, tanggapin mo na to oh…” inabot niya ulit yung gift “…saka
yung sorry ko.”
“Ayoko pa rin.”
“Bakit na naman?”
Tumingin ako sa kanya. Nakaluhod pa rin siya. Tapos ay iniwasan ko siya ng tingin.
“This is our third monthsary na… pero… pero… hanggang ngayon never mo
pa rin akong sinasabihan ng ‘I love you’ or ‘mahal kita’.”
“Ha?… Ilang beses ko kayang sinubuk-”
“Tatanggapin ko lang ang sorry mo kung pupunta ka ngayon sa school
ground and isisigaw mo dun na mahal mo ko.”
“WHAT?!” Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“Kung ayaw mo eh di-”
Bigla siya tumayo at naglakad palabas.
Eh?! Gagawin nga niya?! Hahaha…
Childish ba yung gusto ko? Ang totoo gusto ko lang namang sabihin niya yun eh…
pero hindi naman kailangang sa sumigaw pa siya sa school ground. Nakakahiya
kaya… ang daming estudyante. Gusto ko lang malaman kung gagawin niya nga. At
mukhang gagawin naman niya so okay na yun. ^_^
Sinundan ko naman siya, halos nasa school ground na rin kami. Noong nasa likuran
na niya ko, nagdahan-dahan ako, chance ko naman para mang-surprise. Hahaha…
Okay, pagcount ko ng three gugulatin ko siya.
One…
Two…
Thr…
“BOO!”
O.O
“Ahh!” sigaw ko at napa-upo pa ako sa damuhan.
Naunahan niya ko sa panggugulat ah… Paano kasi niya nalamang nasa likuran niya
ko?
“Ba’t mo ko ginulat?!” nakahawak pa ako sa dibdib ko habang nakaupo pa rin sa
damuhan. Nagulat kasi talaga ako eh.
“Huh! Ganti ko yan sayo. Pinapahirapan mo pa kasi ako eh.” Tapos ibinato
niya sakin yung gift niya. Pero hindi naman malakas, parang hinagis niya lang sakin
“Beh!” :P Tapos ay nag-cross arms siya.
Aba’t nandila pa siya! Kung kanina ako yung nagiinarte, ngayon siya naman.
Ganon? Itinatapon mo pala to ha! Sige…
Kinuha ko naman yung gift niya at tumayo ako.
“Itinatapon mo pala to ha…” sabi ko tapos ay umarte ako na kunyari ay
itatapon ko sa malayo yung gift niya. Nakita kong nagulat kaya alam kong pipigilan
niya ko.
At syempre pinigilan niya ko. “Ops, ops, ops. Anong gagawin mo? Wag mong
itatapon yan.” Lumapit siya sakin at itinaas yung kamay niya para pigilan ako.
“Bakit itinapon mo nga ito sakin eh.”
“Eh kasi para naman sayo yan.”
Tapos ayun para kaming nag-aagawan dun sa regalo. Pinagtitinginan na nga kami
eh.
“Pero itinapon mo pa rin.” Sabi ko
“Hindi nga sabi eh… akin na nga.” Tapos ay naagaw niya sakin yung gift at
tumakbo siya palayo sakin.
Hinabol ko naman siya. Para tuloy kami ngayong naghahabulan sa ground.
“Akin na yan Darius.”
“Hahaha… Hindi pwede. Pag binigay ko to sayo, itatapon mo lang.”
“Sabi mo akin yan. Akin na…!”
“Oo nga! Pero habulin mo muna ako.” tumakbo siya sa gitna ng school ground.
Tapos ay tumigil siya. Bigla siyang sumigaw.
“LAUREN YANA ELEAZAR!!!”
Malapit na ako sa kanya pero bigla akong napatigil. Pati yung ibang mga
estudyante napatingin din sa kanya.
“MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA YANA!!”
Teka… Sinabi niya… Sinigaw niya… Ginawa nga niya yung sinabi ko!… SINABI
NIYANG MAHAL NIYA KO!!!
Tumakbo ako papalapit sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit na yakap.
“Kung alam ko lang na yayakapin mo ko ng ganyang kahigpit kapag sinabi
kong mahal kita, eh di sana dati pa akong naglakas loob. Pauulit-ulitin ko
pa… Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya.
“Baliw. Kaya lang ako yumakap sayo kasi nahihiya ako sa schoolmates
natin kasi pinagsigawan mo pa yung name ko…” Biro ko sa kanya
“Gusto mo ulitin ko pa eh…”
Sisigaw pa sana ulit siya pero tinakpan ko yung mouth niya. “Wag na noh! Okay
na.” Tapos ay tinanggal ko na yung kamay ko.
“I love you Yana.”
Nagsmile naman ako “I love you too Darius.”
Epilouge
EpilougePagkatapos ng eksena namin sa gitna ng school bumalik na kami sa club room na
pinaayos niya.
Doon binigay niya sakin yung gift niya… isang necklace. Siya pa ang nagsuot sakin.
Pagkatapos ay niyaya niya kong kumain sa labas. Inayos lang namin yung gamit
namin tapos ay aalis na kami.
Pero noong palabas na kami ng room…
“Since ginawa ko naman yung gusto mo, pwede bang ako naman ang
magrequest?” tanong ni Darius
“Sure, ano ba yun?”
Bigla niyang inilapit yung mukha niya sakin. Tapos tumingin siya sa lips ko.
Nag-blush naman ako bigla. Alam ko na ang tinutukoy niya.
“Hindi pwede noh! Nasa loob tayo ng school. Bawal yan.”
“Pshhh.” Lumayo naman siya at halatang disappointed siya.
“Hmmp! Sige na nga… pero sa cheeks lang ha…” napipilitang sabi ko
SMILE naman agad siya eh!
“Tss… Kayo talagang mga boys…” sabi ko pero nakangiti lang siya sakin..
^________^ ..as in ngiting-ngiti talaga
Lumapit ako sa kanya…
Ikikiss ko na siya sa cheeks…
…pero noong malapit na malapit na yung lips ko sa cheeks niya…
…bigla niyang itinurn yung face niya at humarap sakin! Kaya tuloy…
TADA!!! O.o NA-KISS KO SIYA SA LIPS!
At dahil na-shock ako at FIRST KISS ko yun sa LIPS, lumayo ako agad at todo todo
blush pa ko. Siya naman, tuwang tuwa.
Noong naka get over na ko,
“NAKAKAINIS KA!” sabay palo ko sa shoulder niya
“Hahaha… bakit?!” pa innocent pa niyang tanong
“Eeehhh! Kainis ka talaga!”
“Bakit ba?” sabi niya habang natatawa pa
Sinimangutan ko lang siya.
Kaya pala siya ngiting ngiti kanina eh… may pinaplano pala siyang ganun! Hmmf!
“First kiss mo ko no?” parang nanunukso niyang sabi
“Madaya ka kasi!”
“YES! Sabi ko na eh! At least diba, kahit hindi ako ang first boyfriend mo,
ako naman ang first kiss mo.”
Ganun?
“Bakit ako din ba ang first kiss mo?”
“Ha… eh… hinde.”
“Hmmp!” sabay irap ko pa sa kanya
“Pero sayo ang pinakagusto ko.” Tapos ay tinitigan niya ko ng eye-to-eye.
At syempre hindi naman ako magpapadaan sa ganun ganun niya.
“Tara na nga.” Tapos ay lumabas na ko ng room.
Tamporurot lang ako kunyari. Pero syempre alam kong alam niyang hindi ako
serious sa pagtatampo ko.
Sumunod naman siya sakin palabas…
“Yana!”
“Ano na naman?” humarap ako sa kanya ng nakasimangot pa rin
“I love you.”
At ewan ko ba… KINILIG naman ako. Bigla na lang tuloy akong napa-smile sa
kanya.
“BOLERO ka!” sigaw ko sa kanya tapos ay tumakbo ako.
“Mahal kita!” sagot niya. Tumakbo na rin siya at hinabol ako.
♥♥♥
Lalalalala~
Ang saya ko noh? Eh kasi masaya talaga pag may love ka na love ka rin. Oo
madalas pa rin kaming nag-aasara ni Darius, pero part na yun ng kulitan at pasweetan namin. Siguro nga hanggang ngayon may mga nagagawa pa rin siya na
hindi ko gusto. Kahit naman ako may mga nagagawa din na hindi niya gusto. Pero
wala na naman kaming magagawa dun eh, tao lang naman kami… we can’t be
perfect. Ang mahalaga, naaayos namin yung mga yun at tanggap namin ang mga
kamalian namin.
Hindi na naman maiiwasan ang LQ sa mga relationships eh, lalo na sa tulad namin
na young couple. Basta ang importante, iniintindi natin ang isa’t isa. And one more
thing, mas maganda kung magiging honest tayo sa feelings natin. Maging serious
naman, hindi yung puro laro. Kasi sa huli, tayo lang din naman ang masasaktan.
Sabi nga dun sa isang fave kong movie… ‘Love is not something to be played with’.
(quote from Love Julinsee)
So ayun… The end na… ♥
Thanks to all readers… and Buh-bye nah!!
The End
Download