Kwento ni Heidz - https://www.facebook.com/pages/Heidz/270677219638978 Sinipi ni Anjustin - https://www.facebook.com/pages/Anjustin/160344317388250 Inedit ni Mharliz - https://www.facebook.com/BabyCheenie x-x-x Karapatang Pag-aari © 2012, Tagalog Online Pocketbook Lahat ng karapatan ay reserbado. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin, sa anumang anyo o paraan ng walang pahintulot sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa amin. Ang ebook na ito ay obra ng mga manunulat na nagsulat nito. Ang Tagalog Online Pocketbook ay hindi ginarantiya ang kawastuhan ng mga bawat nakasulat dito at hindi tumatanggap ng anumang panagutan para sa anumang resulta ng paggamit nito. Kung may pagkakahalintulad man sa pangalan, lugar, bagay, pangyayari o anuman sa tunay na buhay ay pahindi ito sinasadya dahil ang mga ito ay pawang kathang isip lamang. Para sa karagdagang impormasyon, alamin ang mga sumusunod na detalye sa ibaba. • • • • • • Website Email Facebook Join Us Like Us Follow Us http://www.tagalogonlinepocketbook.com support@tagalogonlinepocketbook.com http://facebook.com/tagalogonlinepocketbook http://facebook.com/groups/tagalogonlinepocketbook http://facebook.com/topreader http://twitter.com/topocketbook “Kung sa paningin mo lagi kitang pinagdidiskitahan, I’m sorry for that… But, didn’t you notice na nagpapansin lang naman ako? Hindi mo kasi ako pinagtutuunan ng pansin. Kaya nga pinili ko na lang na asarin ka, na awayin ka. Kahit paano sa paraang iyon, nagagawa mo kong pansinin.” - Neil TEASER KUNG dati’y masahol pa sa aso’t pusa ang turingan nina Neil at Trish sa isa’t isa, ngayon dinaig pa nila ang mga love birds sa ka-sweet-an. Si Trish ang nagpabago at nagbigay ng liwanag sa buhay ni Neil. Ang buong akala niya, hindi na niya matatagpuan ang babaeng binuo niya sa kanyang panaginip. Pero mistulang naawa sa kanya ang langit para sa isang iglap ay makilala niya si Trish. Maayos na sana ang lahat kaya lang isang nakakabiglang balita ang ipinaalam nito sa kanya. Pupunta ito ng Paris para sa isang training upang mapalawak pa ang kaalaman nito sa fashion designing. Mahal niya ito kaya wala siyang nagawa kundi ang suportahan ito. Magagawa ba nilang panindigan ang pagmamahalan ng isa’t isa kahit malayo ang agwat nilang dalawa? Mapapatunayan ba nila na walang mahirap sa dalawang pusong nagmamahalan? AUTHOR’S PAGE For years, nagawa ko ring matapos ang pag-edit ng kuwento nina Trish at Neil. Pagpasensiyahan n’yo na kung basta-baasta ko na lang itong tinanggal sa TOP Wordpress, sa kadahilanang may mga bahagi ng kuwento akong kinakailangang ayusin. Nawa magustuhan ninyo ang revision. Sana nagawa kong mabigyan pa ito ng twist at mga nakakakilig na eksena. Ang No Matter What ay sequel sa aking kuwentong A Voice Beyond The Silence. Doon unang nailahad ang namuong pag-iibigan nina Trish at Neil. Hindi ko naman talaga dapat sila gagawan ng istorya ngunit nang dahil may mga nag-request sa akin, naging hamon iyon sa akin kaya heto’t nagawa ko itong buuin. Kaya kung may mga mapansin man kayong loopholes, please bear with me. Pasensiya na talaga. Kukuhanin ko na rin po ang opportunity na ito para pasalamatan ang mga sumubaybay ng kakaibang kuwento ng pag-ibig nina Mich at Vince. Sana sa pagkakataong ito naman, saluhan n’yo pa rin akong saluhan sa biyahe ng pag-iibigan nina Trish at Neil. “DISTANCE NEVER SEPARATES TWO HEARTS THAT REALLY CARE.” Magagawa kaya itong patunayan ng ating mga bida? Tara’t ating tuklasin ;) CHAPTER ONE “BEST, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” Nilingon ni Trish si Michelle―ang matalik niyang kaibigan. Ito rin ang financier niya para maipatayo ang ever dream boutique niya na ngayo’y kilala sa buong nayon ng Batangas maging sa iba pang panig ng Pilipinas. Nakapagpatayo na rin kasi sila ng mga branches sa iba’t ibang lugar. She smiled sweetly. “Hindi lang sigurado. Siguradong-sigurado na!” They were talking about the opportunity given to her by one of the greatest fashion company in Paris. Isa siya sa mga delegado ng Pilipinas na maipapadala sa nasabing bansa para mas mapaglinang pa ang kanilang talento, as a fashion designer. Opportunity knocks once. So, why not gamble the chance, right?” Ibinaba ni Michelle ang bagong catalogue ng MAGIC FIT COUTURE― ang hina-handle nilang boutique. “Mukhang wala na nga talagang atrasan ang plano mo. Parang kulang na nga lang, eh, lumipad ka ngayon patungong Paris.” She let out a short laugh. “Halata ba masyado ang excitement ko? Hindi ko kasi inaasahang makakatanggap ako ng notice galing Paris para imbitahan sa isang free training. At consolation pa na makakasama ko ang iba pang nagsisigalingang fashion designer sa iba’t ibang panig ng mundo. Flattered ako to the highest level!” “Masayang-masaya ako para sa iyo, Trish. At last, matutupad mo na ang pangarap mo.” Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagguhit ng lungkot sa mga mata nito. Tinabihan niya ito. “Sis, huwag ka ngang malungkot diyan. Eight months lang naman akong mawawala. Sa tingin ko naman hindi iyon katagalan.” “Eight months is equivalent to more than two-hundred forty days. Hindi iyon biro, ‘no? Maraming maaaring mangyari at magbago. At, mami-miss ka talaga namin ni Nadja,” tukoy nito sa batang inampon nito, na napamahal na rin sa kanya. “…lalong-lalo na si Neil. Napag-usapan na rin lang natin siya, nasabi mo na ba sa kanya?” “Kinuwenta mo talaga best, ha?” pagpapagaan niya sa usapan. She took a deep breath, bago sinagot ang huling sinabi nito. “To be honest, hindi ko pa nababanggit sa kanya, eh.” Napapalatak ito. “‘Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Two weeks from now, flight mo na ‘di ba? Huwag mong sabihing, one day before your flight mo pa balak ipaalam sa kanya ang tungkol sa pagpunta mo sa Paris?” “Grabe naman iyon, Mich. Eh, ‘di riot ‘yon kapag nagkataon. Tiyak na magagalit sa akin si Neil.” “And what do you expect to be his reaction, ang magtatalon sa tuwa? Dati ko pa sinabi sa iyo na ipaalam mo na kay Neil iyan, eh. Talagang malalagay kayo sa alanganing sitwasyon. Pag-aawayan n’yo pa iyan.” Napabuntong-hininga siya. “Best naman, huwag mo naman akong takutin. Siguro naman, maiintindihan ako ni Neil ‘di ba? Alam ko namang big deal din ang walong buwan pero mabilis naman lilipas ang araw at nasisiguro kong magugulat pa kayo kapag nakabalik na ko. Wala naman ding dapat ipag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko.” “I know that. Pero, hindi mo pa rin kasi maiaalis sa amin ang hindi mag-alala. Ang sa akin lang Trish, sabihin mo na ngayon kay Neil ang plano mong pag-alis. One more thing, keep in touch with us, okay?” “I’ll make sure of that.” “Ngayon makikita ang tatag ng relasyon ninyo ni Neil.” “Kung talagang mahal niya ko, hindi magiging hadlang ang distansya sa aming dalawa. Sa totoo lang, ayoko rin namang malayo sa inyo kaya lang hindi ko naman ding kayang palagpasin ang pagkakataong ito. Panahon na para mas mapatunayan ko pa sa iba ang kakayahan ko.” Pinaloob nito ang mga kamay niya sa mga kamay nito. “Nauunawaan kita. I wish you all the luck, best.” “Thank you. Si Neil na lang talaga ang kinakailangan kong komprontahin para maging maayos na ang lahat sa pag-alis ko―” “Aalis ka?” Napalingon si Trish sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata niya nang mabungaran ang nobyo. Napakagat-labi siya. Anak ng tipaklong, as in ngayon na ba niya sasabihin dito ang lahat? “Oo nga, Trish. Saan ka naman pupunta?” segunda pa ng asawa ng best friend niya, si Vince. Lihim siyang napabuga ng hangin. “Ha? Hindi―I mean―yes. Luluwas ako sa Maynila bukas para bisitahin ang branch ng MFC doon. Mamimili na rin ako ng tela,” pagpapalusot niya. Maraming salamat naman at naki-coordinate naman ang utak niya sa pagkakataong iyon. Mamaya na lamang siya kukuha ng tiyempo para ipaalam sa nobyo ang lahat-lahat. “Akala ko pa naman kung ano na,” ani nobyo. “Please excuse me, guys. Tutulungan ko lang sa paghahanda ng pagkain si Manang Elsa,” pagpapasintabi ni Michelle. “Samahan na kita, best.” sunod naman niya para makaiwas pasumandali sa tensiyong lumukob sa kanyang dibdib. TRISH clasped her hands. Sa tanang-buhay niya, ngayon lamang siya kinabahan nang ganoon. She was known with her cool personality, pero ngayon, nagbabadya ang takot sa dibdib niya sa maaaring maging reaksyon ng nobyo sa sasabihin niya. Napapitlag siya nang maramdaman ang pagyakap ng nobyo mula sa kanyang likuran. Napapikit siya nang humampas sa mukha niya ang malamig na hangin. Pinakiramdaman niya ang sarili sa loob ng mga bisig nito. Masarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal sa iyo ng lubos. Masaya siyang pinapasok niya sa kanyang puso ang katulad ni Neil Ruiz. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya. Bumalangkas ang laksa-laksang kilabot sa buong pagkatao niya. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa batok niya. “Love, ano ba ang pag-uusapan natin. May problema ba?” Narinig niya ang paghalik ng alon sa dalampasigan. Huminga siya nang malalim. “Neil, two weeks from now…Ahm, tutulak na ko patungong Paris.” Biglang kumalas ito ng yakap sa kanya. Mas lalong naging abnormal ang tibok ng kanyang puso. “What did you say? Ano’ng ibig sabihin nang sinabi mo? Bakit kailangan mong magpunta ng Paris?” Pakiwari niya nangangalog na ang mga tuhod niya. “I-I’m just one of the luckiest fashion designers na naimbitahan para magkaroon ng pagsasanay sa Paris.” Lumigid ito sa harapan niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol diyan? Tell me, kailan mo pa nakuha ang abisong iyan? Huwag mong sabihing ngayon lang?” sarkastikong sabi nito. Sinalubong niya ang malamig nitong tingin. “Last month.” Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito. “A month ago? Trish, bakit ngayon mo lang naisipang sabihin sa akin ang lahat? ‘Tapos, two weeks na lang pala aalis ka na. You’re unfair!” tumaas ang timbre ng boses nito “Neil, can you please calm down? Kaya nga, ipinapaalam ko sa iyo ngayon habang may oras pa, eh. At saka, eight months lang naman ‘yong training eh.” “Paano naman ako hihinahon? At, eight months ‘lang’, ha? Ang masakit pa, mukhang ako na lang ang hindi nakakaalam, eh. At sa tingin ko, ako talaga ang huli mong sinabihan. Bakit Trish, ano ba talaga ko sa iyo? May halaga ba talaga ko sa ‘yo?” “How dare you to say that!” Sumungaw ang butil ng luha sa mga mata niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagtalo sila nang ganoong katindi. Na umabot pa sa puntong pagdudahan siya nito. “Neil, I am trying to explain everything and talk to you in a nice way, but you’re making the situation more complicated. Wala kang karapatang husgahan ang pagmamahal ko sa iyo, Neil. Kung ganyang mainit pa ang ulo mo, sa ibang araw na lang tayo mag-usap.” Iyon lang at tumalikod na siya. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa kinaroroonan ng kotse niya, humulagpos na ang luha sa kanyang pisngi. Parang nilalapirot ang puso niya dahil wala man lang yatang balak itong habulin siya. Inaamin naman niya ang pagkakamali niya, eh. Oo, ito nga ang huli niyang pinagsabihan pero dahil kinakailangan niyang mag-ipon ng lakas para maipaliwanag nang mabuti rito ang lahat. Hindi naman niya ito gustong saktan. At hindi naman niya inaasahang ang ganoong reaksiyon ng nobyo. Masakit na husgahan nito ang pagmamahal niya para rito. Isusuksok na lamang niya ang susi sa kotse nang may pumigil sa kanya. Si Neil. Nagitla siya nang yakapin siya nito. Oh, how she loved being wrapped within his arms. Walang duda na mami-miss niya ito oras na nasa Paris na siya. “Please don’t leave…” Sa pagkakataong iyon para bang gusto nang bumigay ng puso niya at sabihin dito na hindi na siya aalis. Na dito na lang siya sa Pilipinas. Pero, hindi niya basta mabibitiwan ang pangarap niya. Hindi na siya puwedeng umatras pa sa gitna ng laban. Bahagyang inilayo niya ang sarili rito. “Love… Look at me, Neil.” aniya na sinapo ang mukha nito. Then, their eyes met. Shucks, umiiyak na rin ito. Tinatagan niya ang sarili. “‘Di ba, hindi naman lingid sa iyo ang pangarap ko? Sana maintindihan mo ko kung kinakailangan kong umalis.” “Paano tayo? Paano kung…” “Kung ano? Kung makahanap ako ng iba? Gano’n na ba talaga ang tingin mo sa akin o baka naman ikaw ang hindi makakatiis? Kung ganoon lang din pala, mabuti pang mag-break na tayo!” sabi niya saka marahas na kumalas dito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng kotse nang hilahin nito ang braso niya. “Trish, hindi ko mapapayagan ang gusto mo. Hindi ko basta na lang kayang itapon ang pinagsamahan natin.” She breathed harshly. “Eh, ano ang gusto mong gawin ko Neil? Saan mo ko gustong lumugar?” Ito naman ang bumuntong-hininga. “Kung…Kung iyan ang makakapagpasaya sa iyo. Kung iyan ang magiging tulay para mapagbuti mo pa ang craft mo, pumapayag na ko. Patawarin mo ko kung naging makitid ang utak ko. Nabigla lang naman kasi ako. Nasaktan ako kasi ilang araw na lang aalis ka na. Kung alam ko lang, sana mas nagtuon pa ako ng maraming oras sa iyo.” Nahaplos ang puso niya sa ipinahayag nito. Idinantay niya ang palad sa kaliwang pisngi nito. “I’m sorry, too. Pero, hindi naman ibig sabihin na ikaw ang huli kong sinabihan ay wala ka nang halaga sa akin. Ika nga, last but not the least. Mahal na mahal kita, Neil.” “Mas mahal kita,” anito at pagkuwa’y hinapit nito ang kanyang baywang. Nagpaubaya siya nang angkinin nito ang kanyang mga labi sa isang masuyong halik. Pakiramdam niya, pumasok na naman siya sa ibang dimensiyon ng mundo. Nakakawala ng ulirat ang tamis na hatid ng halik nito. HABANG palapit ng palapit ang araw ng pag-alis ni Trish, mas lalo naman silang napapalapit ni Neil sa isa’t isa. Hatid-sundo siya nito sa trabaho, ultimo sa pagkain ng lunch ay magkasabay din sila. Pakiramdam niya, idinuduyan siya sa alapaap sa atensiyong inilalaan sa kanya ng nobyo. Sa lahat ng mga naka-relasyon niya, ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong special treatment. Kung tutuusin, naiilang siya sa inaakto nito sa kanya dahil hindi siya sanay nang binebeybi. Ngunit, pinabayaan na lamang niya ito. Alam naman niyang nagsusulit lamang ito ng panahon. Para ngang hindi na siya babalik, eh. Gaya ng mga istoryang nabasa niya sa mga pocketbooks, nagsimula sila ni Neil bilang mortal na magkaaway. Daig pa nga nila ang aso’t pusa kung magbangayan. Pero, totoo nga yata ang kasabihang: “the more you hate, the more you love.” Kasabay nang malimit nilang pagtatalo sa mga bagay-bagay, hindi nila namamalayang unti-unti na ring umuusbong ang pag-ibig sa kanilang mga puso. Sa simbahan unang pinagtagpo ang kanilang mga landas, sina Michelle at Vince ang naging tulay para makilala nila ang isa’t isa. O mas tamang sabihing ang Diyos ang naging daan para magtagpo ang kanilang daan, maging ang kanilang mga puso. Isinandal niya ang ulo sa executive chair na kinauupuan. Sa pagpikit niya ng mga mata, nanariwa ang isang hindi malilimutang alaala sa kanyang isipan. Abala siya sa pagdidisenyo ng gown nang gambalain siya ng ingay ng kanyang cell phone. Naiiritang inabot niya ang gadyet at walang ganang pinindot ang call button. Ayaw na ayaw niya kasi ang iniistorbo ang konsentrasyon niya. “Ms. Sungit, puwede bang puntahan mo naman ako rito sa bahay?” bungad sa kanya ng isang pamilyar na boses. Napahawak siya sa sintido. Pinagsisisihan niyang hindi niya muna tiningnan kung sino ang tumatawag. Mas lalo lamang nasayang ang oras niya. “Hoy Mr. Neil Ruiz, alam mo ba kung gaano kahalaga ang bawat segundo ko? At saka, sino ka naman para puntahan kita diyan sa inyo? Ano na naman ang inaarte mo diyan?” “Wala akong panahong makipaghuntahan sa ‘yo. Masama kasi ang pakiramdam ko kaya kung puwede lang sana…bigyan mo ko ng pabor. Nagbakasyon kasi ang maid, eh.” anito. Nagsalubong ang kiiay niya. Tila nagsasabi naman ito ng totoo base sa tono ng boses nito. Pero, maniniwala ba siya? Paano kung patibong lang iyon? “Uminom ka na ba ng gamot? Ano ba ang nararamdaman mo?” For the first time, nagkaroon siya ng pag-aalala para rito. “Just please come. As soon as possible. I will wait for you.” Nais pa sana niyang magprotesta ngunit naputol na ang linya. She clenched her teeth in anger. “Nakakainis kang bakulaw ka! Bahala ka sa buhay mo,” aniya na nakatapat sa bibig ang cell phone na para bang aabot pa ang mga sinabi sa pandinig ng binata. “Hoy best, sino’ng kaaway mo diyan?”pukaw sa kanya ni Michelle. “Nakakaasar kasi ang bakulaw na ‘yon, eh. Papuntahin daw ba ko sa bahay niya? Ano ko, hilo? Mamuti na ang mga mata niya sa kahihintay. Hindi ako darating.” “Bakit naman pinapapunta ka ro’n?” “He’s not feeling well ‘daw’. Malay ko ba kung may pinaplanong masama sa akin ‘yon? Naku, hinding-hindi ako magpapa-uto sa kanya!” “Teka nga, huminahon ka nga diyan. Eh, paano naman kung nagsasabi ng totoo ‘yong tao? I know you treat each other as mortal enemies, pero wala ka man lang bang nararamdamang pag-aalala?” “Bhezzie, hindi iyon mamamatay nang ganoon lang. Matagal mamatay ang masamang damo. At saka, nag-iingat lang naman ako. Hindi pag-aalala ang nararamdaman ko, nakaka-sense ako na may binabalak na kung ano ang bakulaw na ‘yon.” “Ikaw din, kargo de konsensiya mo rin kung may mangyaring masama kay Neil. Matanong lang kita best, bakit ba ganoon na lang ang pagka-imbiyerna mo kay Neil. Eh, bakit kay Vince hindi ka nagkakaganyan?” “Uy best, huwag mo kong pagselosan diyan, ‘no? Obvious naman kasing magkaiba ng ugali si Vince at si Neil. Ewan ko ba kung paano naging mag-best friend ang dalawang iyon.” “What I mean sa sinabi ko, eh, hindi naman kaya may lihim kang pagtingin kay Neil. Aba, ika nga, kung sino pa ang siyang kinaiinisan mo, siya pa ang lalaking nakatakda para sa iyo.” “Best, kumain ka na ba? Haler, si Neil ang kabaligtaran ng lalaking tipo ko, ‘no? Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking walang ibang inatupag kundi ang sirain ang araw ko.” “Watch out your words, best. Baka dumating ang araw na kainin mo lahat ng sinabi mo. O siya, iwanan na muna kita riyan. May big client tayong naghihintay sa labas.” Bago pa ito lumabas, bumulong pa ito sa kanya. “Pag-isipan mo ang sinabi ko, Trish.” Tila alingawngaw na nagpaulit-ulit sa kanya ang mga paalala ng kaibigan. CHAPTER TWO HINDI malaman ni Trish kung ano ang pumasok sa kukote niya at ngayo’y binabagtas niya ang daan papunta sa bahay ni Neil. Parang kanina lang, halos ipagduldulan niya kay Michelle na hindi siya magpupunta roon pero heto at ngayon pa lamang ay kinakain na niya ang mga sinabi niya. Kung hindi lamang talaga siya sinusundot ng konsensiya niya, hindi niya maiisipang tingnan ang kalagayan ng bakulaw na iyon. Kalabit ba ng konsensiya o ng puso, ani intrimiridang boses sa isang bahagi ng kanyang isip. Ikiniling niya ang ulo at pagdaka’y pinalis sa isipan ang pagkastigo sa kanya ng tinig na iyon. ‘Bakulaw’, ang nakasanayan niyang itawag dito. Hindi dahil sa hitsura nito kundi dahil sa pag-uugali nito. Sa totoo lang, ito ang tipo ng lalaki na lapitin ng mga babae. Big exemption siya sa mga iyon. Hindi naman siya ang klase ng taong tumitingin sa panlabas na aspeto ng isang tao. Hindi na baleng mukhang bakulaw, basta may mabuting kalooban at totoong tao. Naisip niya, tama ang kaibigang si Mich. Baka dumating ang araw na siya mismo ang kumain ng mga sinabi niya. Mabait din naman si Neil, in some ways, nakita na rin niya ang pagiging gentleman nito. Minsan ngang nasaksihan niya nang bigyan nito ng pagkain ang batang namamalimos dito. She was touched. Siguro, hindi lang talaga sila magkasundo sa ilang bagay. At hindi niya alam kung magkakaroon pa ng pag-asa para magtagpo ang mga ugali nila. Pinatay na niya ang makina at saka umibis ng sasakyan. Makailang ulit siyang nag-doorbell ngunit wala namang nagbubukas ng pinto. Silly her, wala nga pala ang kasambahay nito. Eh, paano siya ngayon makakapasok doon? Napasandal siya sa gate at napakislot siya nang maramdamang gumalaw iyon. Kamuntikan na siyang masalubsob. Nakabukas naman pala ang gate! Anak ng tipaklong, maghanda-handa talaga si Neil sa kanya. Walang excuse-excuse sa kanya. Wala siyang pakialam kung may sakit ito. Inihakbang niya ang paa sa loob ng marangyang bahay nito. Tila walang katao-tao sa bahay at napakadilim pa sa paligid. Napailing-iling siya. Magsi-switch na lang ng ilaw, hindi pa nagawa. Kahinaan pa naman din niya ang dilim. Naghihinala na talaga siya. Mukhang pinaglalaruan siya ni Neil Ruiz! Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad hanggang sa may matanaw siyang liwanag sa may bandang pool side area. Imbes na tumuloy sa loob ng kabahayan, pinili niyang dumiretso sa pumukaw ng atensiyon niya. Unti-unti siyang lumapit doon. Napatulala siya sa bumuglaw sa paningin niya. May naka-set na table sa isang gilid. It was in a candlelight setting. With matching bouquet of flowers atop the table! It was absolutely romantic! Mas tama yatang sabihing napaka-romantic nang nakaisip niyon. Napasinghap siya nang igala niya ang mga mata sa may pool. Nakakalatan iyon ng mga talulot ng rosas. She walked towards the pool. Hindi na niya pinigilan pa ang sarili. Yumukod siya at saka ibinaba ang kamay sa tubig. Napatingin pa muna siya sa repleksiyon sa tubig bago muling tumayo. Bigla ay may mga kamay na pumiring sa kanyang mga mata. Napatili siya at dahil sa pagpupumiglas niya, pareho silang nahulog sa tubig. Napakapit siya sa batok na lalaking…Natigilan siya nang mabuglawan ang mukha ni Neil. Matagal na nagtama ang kanilang mga mata. Nangusap. Bakit ganoon? Parang hindi niya makuhang ialis ang tingin dito. Pakiramdam niya napasailalim siya sa isang matinding spell. At ang puso niya, wari ba hinahabol ng sampung kabayo sa sobrang bilis ng pintig niyon. Ilang minuto pa ay binuhat na siya nito paahon sa tubig. Nanatiling tikom ang bibig niya. Laksa-laksang kilabot ang bumalangkas sa bawat sulok ng kanyang pagkatao. Kinakailangan niyang huminga ng malalim dahil tila naninikip na ang kanyang dibdib. She cleared her throat. “Hoy bakulaw, may pa-I’m-not-feeling-well ka pang nalalaman diyan. Eh, ‘ayan at ang lakas-lakas mo. Buwisit ka, niloko mo lang ako! At tingnan mo ang ginawa mo, binasa mo pa ko.” “Sweetheart, relax lang okay? Pumasok ka muna sa loob nang makapagpalit ka. Ikaw naman kasi, masyado kang nagpa-panic. Malay ko bang takot ka pala sa multo.” “Hindi sa multo! Sa bakulaw na gaya mo! Alam mo, pikang-pika na talaga kong ingudngod ang pagmumuka mo sa semento,” nanggagalaiting sabi niya. Kung tutuusin, hindi naman sa sinabi nito siya nagkakaganoon, naiinis siya sa bumabalot na hindi niya maipaliwanag sa dibdib niya. So strange feeling. “Ouch!” Talagang napahawak pa ito sa dibdib. “Magagawa mo talagang masira ang guwapong mukhang ito? Naku, baka magsisi ka. Nag-iisa lang yata ang tulad ko sa mundo, ‘no?” Napalunok naman siya. Gosh, he was…Oh my, he was devilishly handsome! Ikiniling niya ang ulo at saka pinalis sa isipan ang naisip. Nag-apuhap siya ng ibang sasabihin. “Hoy, tama na nga iyang drama mo diyan. Baka matuyuan ako rito at ako pa ang magkasakit!” NAGTAKA si Trish nang abutan siya ng dress ni Neil. Diyata’t napaghandaan nito ang nangyari? Nang tanungin naman niya ito tungkol doon, sinabi lang nito na regalo nito iyon sa kanya. Nang titigan niya ang dress tila pamilyar sa kanya iyon. Eh pa’no, ito ang dress na binili nito nang nakaraang araw sa boutique niya. Para ba talaga sa kanya iyon? At bakit naman siya reregaluhan nito, hindi naman niya birthday ah? Malay mo naman peace offering ‘di ba? sabat ng kanyang konsensiya. Napapitlag siya nang magsaliita si Neil. “Tutal naman nandito ka na, can you be my date?” Hindi man lang nito hiningi ang sagot niya. Basta na lamang siyang hinila nito hanggang sa makarating sila sa pool side. Pambihira, nagtanong pa ito kung hindi rin naman pala kukunin ang opinyon niya. Oh well, dahil kumakalam na ang tiyan niya, hindi na rin siya tumutol pa. Habang kumakain, bumalot ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya gusto ang ganoong uri ng katahimikan. Nakakaramdam siya ng tensiyon at sa buong buhay niya, ngayon lamang siya nagkaganoon. At sa lalaki pang iyon! Huminga siya nang malalim at nag-isip nang ie-entrang usapan. Hindi siya makakatagal sa katahimikang iyon. Kaya, babasagin na niya iyon. “You know what, Neil. I never thought na may pagka-romantic ka pala. And I wonder…ako ba talaga ang dapat na nandito? Siguro, may ka-date ka kaya lang in-indian ka, ‘no?” Napapalatak siya. “Kasi naman, malas lang talaga ng babaeng magmamahal sa iyo.” “That was another bull’s eye! Ms. Sungit, may puso pa rin naman ako. Ganoon na ba talaga ang tingin mo sa akin para hindi ka maniwalang ikaw ang talagang inimbitahan ko? Tinawagan pa nga kita, ‘di ba?” Tumango-tango siya. “Now I know. Kaya sinabi mong masama ang pakiramdam mo ay para masigurong pupunta ako rito. Takot ka sigurong ma-reject ko ang invitation mo, ‘no?” napangising sabi niya. “And it worked naman, right?” Napalabi siya. Oo nga naman, kumagat siya sa pain nito. She rolled her eyes at him. “Whatever! Pero, curious pa rin ako kung bakit mo ko in-invite for a date.” Napapailing siya. “There’s no need to ask na pala. Sigurado naman akong gusto mo na naman akong asarin.” “Sort of,” he said. “Pero may mas malalim pang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Gusto mo bang malaman kung ano ‘yon?” Sinalubong niya ang mga mata nito. “Bakit nga ba Mr. Neil Ruiz? Bakit nga ba ako ang hilig mong pagdiskitahan?” Ibinaba nito ang kubyertos na hawak. Napabuntong-hininga. “I am doing all of these…because of you. Kung sa paningin mo lagi kitang pinagdidiskitahan, I’m sorry for that… But, didn’t you notice na nagpapansin lang naman ako? Hindi mo kasi ako pinagtutuunan ng pansin. Kaya nga pinili ko na lang na asarin ka, na awayin ka. Kahit paano sa paraang iyon, nagagawa mo kong pansinin.” Sumimsim siya ng tubig. Hindi niya mapaniwalaan na maririnig niya ang mga katagang iyon kay Neil. Bakit ba hindi niya naisip na kulang ito sa pansin―este―may iba ng kahulugan ang pang-aasar nito sa kanya? “Alam kong mahirap paniwalaan ang sinabi ko lalo na kung pagbabasehan mo ang mga inaasta ko sa iyo. But please believe me. I love you, Trish. Hindi ko kayang ipaliwanag kung paano nagsimula, eh. Maybe, I love you before I met you.” Nanginginig ang mga kamay na ibinaba niya ang kopita. “Paano mangyayaring mahal mo na ko bago pa tayo nagkakilala? What do you mean?” “Posible ang sinabi ko, Trish. Mula pa noon, pinapangarap ko na ang babaeng katulad mo. Iyon bang palaban, mataray, at hindi basta-basta nagpapadala sa kaguwapuhan ng isang lalaki. I thank God that I’ve finally found that kind of woman. Ikaw ang katuparan sa pangarap ko, Trish. Sa iyo ko natagpuan ang hinahanap ko sa isang babae.” Dinaig pa niya ang mga kandilang nasa mesang iyon. Pakiramdam niya isa siyang mitsa na unti-unting nauupos. “A-Are you really sure? Baka naman nagkakamali ka lang sa nararamdaman mo sa kagustuhan mong matagpuan ang babaeng mamahalin mo. Paano mo iibigin ang gaya kong puro pagtataray ang ginawa sa ‘yo?” “Hindi kailanman nagkakamali ang puso, Trish. Mahal kita, iyon ang totoo. Bigyan mo sana ako ng pagkakataong patunayan ‘yon. Can you be my girlfriend?” “Ha?” tanging nasabi niya. Hindi talaga niya malaman kung ano ang isasagot sa mga rebelasyong isiniwalat nito. Posible nga bang pag-ibig din ang hindi niya mapangalanang damdamin para sa binata? “Gusto kong maging parte ka ng buhay ko. Puwede rin ba ‘kong maging parte ng buhay mo?” anito at mataman siyang tinitigan nito. She blew out a breath. “Neil, who would have thought na sa kabila pala ng pang-aasar mo sa akin, may iba pala iyong kahulugan. Ang manhid ko pala. To be honest, I don’t know what to answer. Naguguluhan pa kasi ako. Kindly give me time to think over?” “Handa akong maghintay, Trish. Kung ano ang magiging sagot mo, tatanggapin ko. Masaya na ako na kahit paano nailabas ko ang matagal ko nang nararamdaman sa iyo.” Isang kiming ngiti na lamang ang naibalik niyang tugon. Ibang-ibang Neil ang kausap niya ngayon. Seryoso at punung-puno ng emosyon ang mga mapupungay nitong mata. Handa na nga ba niyang aminin sa sariling may ibang kahulugan ang nararamdaman niya para rito? Na iyon ay… pag-ibig? NANATILING nakapikit ang mga mata ni Trish sa alaalang buhay na buhay sa puso’t isip niya. At alam niyang habambuhay iyong kikintal sa kanyang puso. Si Neil ang lalaking nagpatotoong maaaring magkahulugan ang loob ng dalawang taong higit pa sa aso’t pusa ang samahan. Napangiti siya, lalo pang lumapad ang ngiti niya nang maramdaman niya ang banayad na paghilot ng kung sino sa kanyang sintido. Marahil, si Michelle iyon. “Best, ang sarap sa pakiramdam. Salamat!” Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng halik sa kanyang labi. Oh, she was mistaken. Si Neil pala iyon. “Masarap pala, ha? Eh, ito masarap ba?” anito at saka ikinulong ang kanyang mukha sa maiinit nitong palad. At unti-unti, dahan-dahan, nitong sinakop ang kanyang mga labi. It was the sweetest lips she had ever tasted. So mild. So sweet. Kiniskis pa nito ang ilong sa kanya nang maghinang ang kanilang mga labi. “So what’s the feeling, my love?” Nanggigigil na pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. “So…tamis! Ikaw ha, hindi ka marunong kumatok. Hindi por que boyfriend kita, basta-basta ka na lang papasok dito. Hala sige, bumalik ka ro’n at kumatok ka,” natatawang utos niya. “Do I really need to do that? What if ang purpose ko, eh, sorpresahin ka? Siyempre, wala ng surprise effect kung kakatok ako, ‘di ba?” “Naku, lulusot pa. At bakit mo naman ako sosorpresahin? May okasyon ba?” Lumabi ito at pagkuwa’y lumayo sa kanya. “Nakakatampo ha? Nakalimutan mo na kung ano ang mayroon sa araw na ‘to? It hurts. Hindi kaya dumating naman ang araw na makalimutan mo ko?” Tumayo siya at niyakap ito mula sa likuran. “Love, huwag ka ngang magtampo agad diyan. Para nagbibiro lang naman ako. Paano ko naman makakalimutan ang first anniversary natin? At saka, ano ka ba? Hindi ‘ata madaling malimutan ang isang katulad mo. You already leave an indelible mark in my heart. Mahirap ‘yong mabura.” Pumihit ito paharap sa kanya. “Ang sweet naman ng mahal ko. Kaya naman, mahal na mahal kita, eh!” sinserong pahayag nito. “Halika, mag-celebrate tayo.” “Saan?” Hindi ito sumagot, hinila lang siya nito. Bagaman inaatake ng kyuryosidad, nanahimik lamang siya sa buong durasyon ng biyahe. Hindi niya akalaing si Neil ang tipo ng lalaking mahilig sa mga sorpresa. Mami-miss talaga niya ito kapag tumulak na siya ng Paris. Sa haba ng biyahe, nahimbing na siya sa tulog at nahulog sa mundo ng panaginip. “Yes, Neil. I love you, too! Hindi ko alam kung paano ie-explain sa iyo pero napagtanto kong espesyal ka rito sa puso ko. Kung sakali bang bibigyan kita ng pagkakataon, maipapangako mo bang hindi mo ko sasaktan?” “I can’t promise you that, Trish…” “Then―” “Hindi pa naman ako tapos, eh. No matter what happens I will try my best not to hurt you. Hindi naman kasi natin hawak ang kapalaran natin, Trish. If and only if masaktan kita, sana pag-usapan muna natin ang problema. Basta ang maipapangako ko sa ngayon, I will make you happy and make you feel special. And of course, ibibigay ko sa iyo ang buong puso ko. Mamahalin kita ng totoo…” Ngumiti siya. “Hinding-hindi ko pagsisisihan ang desisyon kong ito. Nakahanda na kong papasukin ka sa buhay ko, higit lalo sa puso ko…” “Thank you, love.” “Love?” ulit niya sa sinabi nito. “Isn’t that a sweet endearment?” Tumango-tango siya. “I love it and I love you, Neil.” “And I love you more…” Napapikit siya nang unti-unting ibaba nito ang mukha sa kanya. Ilang segundo pa ay naramdaman niya ang paglalapat ng kanilang mga labi. Nangingilala. At lipos ng pagmamahal… GIGISINGIN na sana ni Neil ang nobya nang may maulinigan siyang may sinasabi ito. “I love you, Neil...” Napangiti siya. Maingat siyang lumapit dito at saka hinagkan ang bunbunan nito. When he met Trish, his world turned up-side-down. From being a womanizer, he became a one-woman-man. Yes, he dated woman here and there sa paghahangad niyang matagpuan ang babaeng pinapangarap niya. Ang pag-ibig ay kusang lumalapit. Dumarating sa hindi inaasahang panahon. Ang plain na pagbabakasyon niya lang sana sa Batangas ay nauwi sa puntong pinili na lang niyang lumagi sa lugar. Malaki ang pagpapasalamat niya sa kaibigang si Vince na yumaya sa kanyang magbakasyon doon. Nakilala niya si Trish Villegas at pakiramdam niya nagkaroon ng patutunguhan ang sala-salabat niyang buhay. Ito ang nagdala sa kanya ng liwanag, kahit nga ang gabi niya ay tila nagiging umaga. Ganoon siguro talaga kapag in-love. Ibinaling niya ang tingin sa nahihimbing pa ring dalaga at pagkuwa’y ginising na ito. Sa isang amusement park niya ito dinala. Sumakay sila sa lahat ng rides. Mapa-bata man o hindi ay hindi nila pinalampas. Hindi niya binitiwan ang mga kamay nito sa lahat nang puntahan nila. Hindi naman siguro masama kung damhin niya ang init ng mga palad nito. Matagal-tagal din itong mawawala at siguradong mami-miss talaga niya ito. Kung puwede lang sana na samahan niya ito ay gagawin niya, kaya lang ayaw naman niyang isipin ni Trish na masyado siyang praning. Nag-enjoy din sila sa pagkain sa mga turo-turo. Ang lahat ng ginagawa niya ngayon ay kay Trish lamang niya naranasan. Kaiba talaga ito sa mga babaeng nakasagupa niya. Simple at konserbatibo. Malambing at mababaw ang kaligayahan. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya. Hindi na talaga maikakaila pa ang lalim ng pagmamahal niya para kay Trish. He’s truly, madly, deeply in-love with Trish Villegas! CHAPTER THREE NASA rooftop sila ng restaurant na pagmamay-ari ng asawa ng best friend niya, na best friend naman ni Neil. Kita mo nga naman, sila-sila din ang nagkatuluyan. Si Neil na rin kaya ang talagang makakasama niya hanggang sa huli? Ito na nga ba ang sasabihan niya ng kanyang matamis na “I do”? Sino nga ba ang mag-aakalang from cat and dog, ngayon eh daig pa nila ang mga love birds sa ka-sweet-an. No’ng una, hindi niya naiwasang magkaroon ng second-thought sa patutunguhan ng relasyon nilang dalawa. Pero, napawi ang lahat ng takot at pag-aalinlangan niya dahil sa bawat araw na lumilipas, mas lalong nahuhulog ang loob niya sa binata. She could not help but fall in love with him over and over again. Nakayapos si Neil mula sa kanyang likuran. Samantalang siya, iniyakap naman ang mga braso sa bisig ng nobyo. As if…she was meant to be there all along. Wala na yatang mas sasarap pa sa feeling na nagmamahal ka at may taong minamahal ka naman ng taos. “Sana lagi tayong ganito,” naisatinig niya. “I swear to God that I will make you happy for the rest of your life.” tagus-tagusang sagot nito sa kanya. Mahinang napatawa siya. “Parang sure na sure ka na ako na ang makakatuluyan mo, ha?” “Wala namang imposible sa taong desperado, ‘di ba? Aba, iyong iba nga nagagawang pumatay sa ngalan ng pag-ibig. Pero para sa akin, hindi na iyon tinatawag na pag-ibig. Kasi ang totoong nagmamahal, pipiliing maging masaya ang taong mahal niya kahit siya pa ang masaktan.” Pumihit siya paharap dito. Napangiti siya nang makita ang kaseryosohan sa hitsura nito. “Kailan ka pa nagpaka-makata? Ganyan ba talaga ang resulta ng taong nagmamahal? But, I agree with you. To love is to risk. Katulad na lang nang pagpapaubaya mo sa akin na pumunta ng Paris.” He placed his hands gently against her cheeks. “I want to give you all the happiness. Ayos lang naman sa akin kung aabutin mo muna ang pangarap mo at kapag nagawa mo nang abutin, saka mo na lang ako lingunin. Nandito lang naman ako at maghihintay sa ‘yo…lagi.” She took a deep breath secretly. Pakiramdam niya, gusto nang humulagpos ng luha sa mga mata niya. “I am so lucky to have you, Neil. Thank you for all the understanding. Sana makabawi ako sa lahat nang ibinibigay mo sa akin.” “Gusto mong bumawi? Hmm… Paano kung mag-propose ako sa iyo ngayon, will you say yes?” “Tanungin mo muna ko bago ko sagutin ang tanong mo.” Pagkasabi niyon, natigagal siya nang lumuhod ito sa harapan niya. Hindi niya inaasahang seryoso talaga ito. Halatang preparado ito dahil may hinugot itong velvet box mula sa bulsa nito. Nang buksan nito ang maliit na kahita, bumulaga sa kanya ang isang diamond ring. She swallowed several times. “All my life, wala akong ginawa kundi hanapin ang babaeng mamahalin ko. Not until, kusang lumapit sa akin ang hinahanap ko. I met you in an unexpected time, sa mga panahong hindi na ko umaasang mahahanap ko pa ang babaeng gusto ko. “The way you raise your eyebrows, para sa akin it means “hello.” The rolling of your eyes, it seems asking me if I’m doing fine. And your shout, it’s actually music in my ears… I know, ikaw na ang babaeng gusto kong iharap sa altar.” Huminga ito nang malalim. “Can you be my wife and be with me for the rest of my life?” Tears sprang from her eyes. “To be honest Neil, I am not yet ready to settle down. Alam mo namang may pagkaloka-loka ako pagdating sa pag-handle ko sa buhay ko. Once na makasal ako, I know na marami nang responsibilidad ang kakaharapin ko kaya―” “Naiintindihan ko kung tatanggihan mo ang proposal ko. If you’re not yet ready, I am willing to wait ‘till the right time comes.” Niyukod niya ito. “Simula nang bigyan kita ng chance na iparamdam sa akin kung gaano mo ko kamahal, nagbago ka na. You showed me the other side of you. Being so sweet, caring and loving… Ang buong akala ko, wala nang mas seseryoso pa sa mga naging previous relationship ko. Akala ko, hindi na ko magmamahal uli na aabot sa puntong ibibigay ko ang one-hundred percent na pagmamahal ko. Thank you for coming into my life and made me feel what really love is… “You don’t have to wait, Neil. I accept your proposal. Yes, I am willing to grow old with you!” Nagitla siya nang sumigaw ito nang napakalakas at buhatin siya. Nagpaikot-ikot sila at kasabay niyon ang pagdiriwang ng kalangitan. Manghang napatingin siya sa mga fireworks. Then suddenly, he pulled her closer to his chest. She closed her eyes as he landed a kiss on her lips, pouring love, hope and happiness… “AYOKO nga! Kung ayaw mo akong ihatid, maraming tricycle diyan na puwede kong sakyan,” ani Trish sa nobyo. Ang gusto kasi nito ay sa bahay na nito siya magpalipas ng gabi. “Sige na naman, malalim na ang gabi. Baka mapa’no ka pa sa daan. Hindi ko naman puwedeng pabayaan ang fiancée ko. At saka, wala akong tiwala sa mga tricycle driver diyan sa kanto,” katwiran pa ni Neil. “Bakit ba kasi hindi mo na lang ako idiretso sa amin. Ilang metro na lang naman, eh. Huwag ka nang makulit.” “Pagod na kasi ako, eh. Hindi ka ba naaawa sa akin?” Umiling-iling siya. Hahatakin na sana niya ang lock ng kotse nang may marinig siyang paglagitik. Bumaling siya ng tingin dito. Hawak nito ang control at ini-lock nito ang kotse. “Hoy Neil Ruiz, hindi naman kaya sa iyo ako dapat matakot at hindi sa mga tricycle driver? Isa, ibaba mo na ko.” Inihimpil nito sa isang tabi ang sasakyan pero hindi naman nito tinanggal ang pagkaka-lock ng kotse. “Last favor ko na talaga ito, love. Please, ngayon lang naman ito. Pagbigyan mo na ko, anniversary naman natin, eh.” Napapakamot siya sa ulo. “You will behave?” Tumango-tango ito na parang bata. “Love, wala akong balak na rape-in ka. Ako yata ang sine-seduce mo, ‘no?” Hinampas niya ang balikat nito. Maagap naman itong humingi ng “sorry” sa kanya. “Pumayag ka na kasi… Three days from now, aalis ka na. Ang tagal-tagal nating hindi magkakasama. Masama bang umamot ako ng oras sa iyo ngayon?” Napangiti na siya. “Naku, huwag mo na kong dramahan diyan. Sige na, payag na ko. Just promise na magbe-behave ka lang, ha?” “Opo…” Pinagbigyan niya ito dahil malaki ang tiwala niya kay Neil. Tama naman ito na matagal-tagal din silang hindi magkakasama kaya hindi na rin niya nagawang makatanggi. Malaki naman ang bahay ni Neil na may tatlong bedrooms kaya walang magiging aberya. Ipinanatag niya ang sarili sa malambot na kama. Pinakatitigan niya ang singsing na simbolo na engaged na siya kay Neil. Alam niyang wala syiang pagsisisihan sa naging desisyon niyang tanggapin ang alok ng nobyo. Sigurado na siya sa nadarama para rito. Ito ang lalaking nararapat na makatanggap ng matamis niyang “I do.” Handa na sana siyang ipikit ang mga mata nang walang anu-ano’y may narinig siyang katok sa silid na inookupa niya. Kinuha niya ang nakasukbit na roba sa aparador at saka iyon isinuot. Si Neil ang tumambad sa mga mata niya pagkabukas ng pinto. “Hello love.” Umigkas ang isa niyang kilay. “Yes? What can I do for you? Akala ko ba pagod ka na, eh, ano pa ang ginagawa mo rito? Magpahinga ka na, matutulog na rin ako.” “Tabi tayo…” Saglit siyang hindi nakahuma sa sinabi nito at pagkuwa’y pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “So much demanding, ha? ‘Di ba, nangako kang magbe-behave?” “Hindi kasi ako makatulog, eh.” “What are you trying to say? Parang hindi ka natutulog na hindi ako kasama, ah? Love, kung ikaw hindi makatulog, ako inaantok na. Huwag mong sabihing ihehele pa kita?” “Last na talaga ito. Promise,” pangungulit pa rin nito. Nakikinita niyang hindi siya tatantanan nito kaya mabuting sumuko na lang siya, kaysa ang mapuyat siya. “O siya, matigil ka lang. Dinaig mo pa si Nadja, ah? Pero… may nakapagitang unan at magkatalikuran tayo, okay?” “Ang gara naman…” “You choose, matutulog ka na kasama ko o sa kuwarto mo na lang? Oh well, pabor sa akin iyon. Akala mo, makakalusot ka, ha?” pilyang ngumiti siya. “O, ano na?” “Okay, payag na ‘kong may asungot na nakapagitan,” anito saka napalabi. NAGMULAT ng mga mata si Trish nang maramdaman ang kung anong mabigat sa parteng tiyan niya. Tila wala ring silbi ang nakapagitang unan sa kanilang dalawa. Hayun at nakayakap na ang isang bisig ng nobyo sa kanya. Sa halip na tanggalin ang braso nito, humarap pa siya sa direksiyon nito at pinanawa sa mga mata ang mukha ng nobyo. She traced his eyes, nose and lips. She rested her forehead against him. “Sobrang mami-miss kita, Neil.” “I will miss you more,” balik-sagot ni Neil na gumulat sa kanya. Napabalikwas tuloy siya ng bangon. Hindi niya inaasahan na gising na rin pala ito. Sumunod din itong bumangon sa kanya. “Love, so sorry kung nagulat kita. Hindi naman masamang sagutin ko ang sinabi mo, ‘di ba?” Umiling lamang siya at pagkatapos, katahimikan na ang bumalot sa pagitan nila. Pakiramdam niya nahigit niya ang hininga nang hapitin siya palapit ni Neil. Tila ba tumagos ang init ng mga palad nito sa lahat ng sulok ng katawan niya. Sandaling nangusap ang mga mata nila bago nito inilapat ang mga labi sa kanya. She returned the kiss with equal intensity. Until, both of them started to lose themselves to that burning desire… Pagkaraan nang mapusok na pangyayaring iyon, naihilig na lamang niya ang ulo sa balikat ng nobyo. Ang tanging naririnig niya ay ang salitan nilang paghinga. Hinding-hindi niya pinagsisisihan na isinuko niya rito ang sarili. Iniyakap niya ang mga braso sa katawan nito at pagdaka’y tiningala ito. “Bakit ang tahimik mo?” basag niya sa katahimikan. “Hmm… I just felt…I’m really sorry kung hindi ako tumupad sa promise ko.” Dahan-dahan siyang bumangon. Nakagat niya ang labi dahil ramdam pa niya ang sakit sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. She inhaled deeply. Ipinaloob niya ang mukha nito sa mga kamay niya. “Neil, wala akong pinagsisisihan sa nangyari. Kung tutol pala ko, eh, ‘di sana pinigilan na kita, ‘di ba? Mahal na mahal kita…” He lifted a finger and traced her nose. “Thank you for trusting me, love. Mahal na mahal din kita at ipinapangako kong mamahalin pa kita lalo.” he paused. “By the way, pagkabalik mo rito, gusto kong makasal na tayo agad.” “Ha? Paano naman ‘yong mga preparations?” “I will settle everything. Nandiyan naman sina Vince at Mich para tulungan ako, eh. Basta after eight months, bumalik ka na agad dito, ha? Don’t worry, bibigyan pa kita ng isang buwang pahinga bago ang wedding natin.” “Ay, hindi ako makakatulong sa mga preparations? Gusto ko pa naman sana na ako mismo ang magde-design ng gown ko,” she mouthed. “Huwag na, maha-hassle ka lang. Just leave it all to me, okay? Pabayaan mo nang ako ang umasikaso ng lahat. I just want you to be happy. Sisiguraduhin kong hahanga ang lahat sa kasal natin. I am sure that you will become the most beautiful bride in the world!” Yumapos na lamang siya rito sa kawalan ng sasabihin. “I love you so much, Neil!” sa huli’y namutawi sa kanyang labi. “NAUNAHAN na kami nina Mich at Vince na magpakasal at ‘eto mukhang mas mauuna pa kayo ni Neil na magpakasal sa amin, ha?” Tiningala ni Trish ang kapatid at saka napangiti. “Ate Diane, bakit naman kasi pinostpone n’yo pa ni Kuya Chris ang kasal ninyo? Baka naman ate may itinatago ka sa akin, ah? May problema ba kayo?” “Ha? Ah, eh, ano ba’ng pinagsasasabi mo diyan? We’re very fine. Medyo busy lang kasi ako sa pagha-handle sa mga talents ko.” Isang talent manager ang kapatid niya at minsan nga, sumagi sa isip niya na mag-artista ngunit wala, eh. Malayo iyon sa pangarap niya kaya hanggang sa panaginip na lamang iyon mangyayari. “Are you really sure, ate? Dapat yata ikaw ang paalalahanan ko ngayong aalis ako. Huwag ka masyadong magpaka-workaholic at baka magkasakit ka pa sa ginagawa mo.” “Alam mo, hindi mo na dapat ako inaalala. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. At saka, naisipan lang naman naming ipagpaliban muna ang kasal dahil nagbigay daan kami kina Michelle at Vince. ‘Tapos, aalis ka pa. Eh, ayoko lang naman na ikakasal ako na wala ka rito sa Pilipinas.” Napabuga siya ng hangin. “So…I am the reason pala kung bakit n’yo ikanansel ang kasal. Ate, I’m sorry. Pakiramdam ko napaka-selfish ko.” She closed the distance between them. “Little sis, please don’t think that you are the main reason. Alam mo namang ikaw na lang ang pamilya ko kaya gusto kong masaksihan mo ang pinakamahalagang araw sa buhay ko.” She breathed heavily. “Aamin na rin ako, nagkakaroon kami nang hindi pagkakaintindihan ni Chris kaya nag-decide akong iurong ang kasal. Gusto kong mag-isip.” “Ako ba ang dahilan ng pag-aaway ninyo?” “Of course, not! It just that… Hay naku, huwag mo na ngang isipin pa ang problema namin. Malalaki na kami at kami ang dapat na lumutas ng gusot namin. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano diyan, okay?” “Promise me na aayusin ninyo ang problema n’yo ate, ha?” Tumango-tango ito. “And promise me na iingatan mo ang sarili mo sa Paris, okay? Kakain ka at matutulog sa tamang oras. Huwag mong papagurin ang sarili mo.” “I will…” aniya at yumapos sa kapatid. “Anyway, congratulations sa inyong dalawa ni Neil. From the very beginning, ramdam ko nang may “something” sa inyong dalawa at hindi nga ako nagkamali. Alam kong aalagaan ka niya at mamahalin ng totoo.” “At mamahalin ko rin siya ng totoo…” CHAPTER FOUR BIYERNES. Ito na ang nakatakdang araw ng pag-alis ni Trish. Humaplos ang lungkot sa kanyang dibdib. Kahit pa sandali lamang ang walong buwan, aminado pa rin siyang mangungulila siya sa mga minamahal niya. Pero kailangan niyang magpakatatag para sa sariling pangarap. Sandali lang naman, pagkatapos niyon ay ikakasal na siya kay Neil. Bago pa nga siya umalis, pinaghandaan pa siya nina Michelle ng isang despedida party. Hindi niya inaasahang may isinasagawa palang plano ang mga ito at involved din si Neil. Napakagaling talagang magtago ng mga iyon. “Mag-iingat ka doon best, ha?” bilin ni Michelle. She nodded her head. “Ikaw rin aalagaan mo ang sarili mo.” Huminto siya at saka bumaling sa asawa nito. “Vince, huwag mong pababayaan si Mich, ah? Kundi alam mo na ang mangyayari sa ‘yo pagbalik ko rito.” “Makakaasa ka, Trish. O Neil, bakit ang tahimik mo diyan? Wala man lang bang goodbye kiss diyan?” pagsiko ni Vince sa kanyang nobyo. “Ha? Hindi kaya…” Tinapunan niya muna ito ng tingin bago tawirin ang distansyang nakapagitan sa kanila. Napansin niya rin ang pananhimik nito kanina sa buong durasyon ng biyahe. Ginagap niya ang mga kamay nito. “Love, we’re done with this, ‘di ba? Trust me, hindi mo mamamalayan ang walong buwang daraan. Tatawag naman ako palagi,” sabi niya at pagkaraa’y ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga kamay hanggang sa mapayakap siya rito. Kumalas naman ang nobyo sa kanyang yakap at saka masuyong hinagkan ang kanyang mga labi. Halik na punung-puno ng pagmamahal na maaari niyang baunin sa kanyang pag-alis. “I love you, Trish,” anito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Hihintayin ko ang pagbabalik mo.” Ikiniskis niya ang ilong sa ilong nito. “Salamat sa pabaong alaala, my love.” Pagkatapos, humarap na siya kina Michelle, Nadja, Vince at Ate Diane niya. “O siya, I have to go. Baka maiwanan pa ko ng eroplano. Mami-miss ko kayong lahat. I love you all!” Bago tumuloy ay sumulyap pa siya sa mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang lungkot na bumalatay sa kanilang mga mukha. “Don’t be sad… Smile!” pahabol niyang sabi sa mga ito. Pagkatalikod niya, humabol pa ng yakap sa kanya si Neil. Napalunok siya at sinupil niya ang sariling mapaiyak. Kailangan niyang magpakatatag. Huminga siya ng malalim. “Neil, you need to be strong. I need to go. I love you… Bye.” Tinanggal niya ang mga bisig nitong nakapulupot sa kanyang baywang at saka mabilis na nagtatakbo. Nang makapasok ng eroplano, doon pa lamang niya hinayaang bumagsak ang kanyang mga luha. Mula sa bag ay kinuha niya ang kanyang journal. Doon nakatala ang mga petsang hinding-hindi niya malilimutan sa buong buhay niya. Humanap siya ng ballpen at saka muling nagsulat doon. Dear Diary, Kapag pala gusto mong abutin ang pangarap mo, may mga kinakailangan ka palang isakripisyo. Minsan o kaya naman kadalasan may dapat kang bitiwan. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay iiwanan mo na sila, kapag naabot mo na ang pangarap mo, maaari mo nang balikan ang naiwan mo. Iyon ay kung nandiyan pa rin siya at naghihintay sa iyo… Nagtitiwala ako kay Neil at kipkip ko sa puso ko ang pagmamahal niya. I never thought that I would love again. And this time, it’s a love that I know, will last until forever. I love you, Neil… Trish Isinara niya ang munting kuwaderno at handa na sanang ilagay sa loob ng bag nang may dalawang sobreng malaglag mula roon. Ipinagtaka niya kung paano iyon natungo sa journal niya. Si Michelle at ang ate lang naman niya ang nakakaalam ng journal niyang iyon, eh. Tiningnan niya kung kanino galing ang mga sulat na iyon. Nagsalubong ang kilay niya nang mapag-alamang kina Mich at Neil iyon nanggaling. Una niyang binasa ang kay Michelle. To my dearest friend on earth, Nagulat ka ba? Hindi ko naman talagang intensyong sumulat pero nandito na ko kaya lulubusin ko na rin. Gusto kitang batiin at sana maabot mo na talaga ang matagal mo ng pangarap. Of all the places in the world, alam kong pangarap mong makarating ng Paris at hindi lingid sa akin na gusto mong maging isang tanyag na fashion designer sa buong mundo. Ito lang ang tandaan mo, para sa aming lahat ikaw na ang pinakamagaling sa lahat ng magagaling na designer… Kung saan ka magiging masaya, lagi lang akong nakasuporta sa iyo. Don’t worry, gaya ng dati hindi pa rin sumagi sa isip ko na basahin ang journal mo… Ipinasuyo lang kasi talaga sa akin ni Neil ang letter niya for you… Kilig to the bones, ‘di ba? Alam kong dadalhin mo ito dahil this is one of your valuable things kaya dito ko naisipang iipit ang sulat namin. Ayaw kasi ng pinakamamahal mo na iabot ng personal, gusto pang may surprise effect… hehe. Napahaba na yata… Sige na… Just always take care and don’t forget to pray… I love you, friend! Von voyage! Your loving friend, Mich. Bumalisbis muli ang luha sa kanyang mga mata. Lagi na lamang siyang sinosorpresa ng mga ito. Napadako ang mga mata niya sa sulat ni Neil, napagpasyahan niyang mamaya na iyon basahin. Parang ngayon pa lang nami-miss na niya ang mga taong iniwan niya. “Miss, are you okay?” pukaw sa kanya ng isang boses. Nag-angat siya ng paningin. At hindi nga siya nagkamali ng pagkakarinig sa tono ng boses nito. Masamang manghusga pero sa pagpilantik pa lamang ng mga daliri nito, alam na niyang isa itong… binabae. Bahagyang nakaramdam siya nang panghihinayang para rito. Bakit kadalasan sa guwapo ay nababakla? She heaved a sigh then smiled. “I’m okay.” Tumango lamang ito at pagkuwa’y umupo sa tabi niya. Ito pala ang magiging ka-seat in niya sa biyahe. Napapitlag pa siya nang mag-extend ito ng kamay sa kanya. “I’m Maycee nga pala.” “So you’re really a gay?” Huli na para bawiin niya ang sinabi. “No offense meant,” dagdag pa niya at saka nag-peace sign. Napakatabil talaga ng dila niya kahit kailan! “Yeah… May masama ba? This is who I am, eh,” cool na sagot nito. “Ano nga palang pangalan mo, ganda? Bakasyon lang ba ang habol mo sa Paris?” “Well, there’s nothing wrong with it. Wala ka namang ipinagkaiba sa amin. Tao ka pa rin na dapat na respetuhin ng iba. Wala naman sa akin iyon. Anyways, I’m Trish. Hindi lang pagbabakasyon ang habol ko sa Paris. In fact, it’s for a training and―” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang umentra na ito sa usapan. “So, ikaw pala ang magiging kasangga ko. Ikaw ang isa pang representative ng Philippines? I am very pleased to meet you. ‘Di ba, ikaw ‘yong may-ari ng MFC?” Nagulantang siya sa ipinahayag nito. Hindi lang pala niya ito basta seatmate. Regular niya itong makikita at makakasama sa mga training lesson. “Ang suwerte natin, ‘no? Na-excite tuloy ako lalo. It’s nice meeting you, Maycee.” “Oh yeah! Go for the goal!” masayang turan nito. “So, it means na ikaw ang kasama ko sa apartment. Magiging komportable na ko ngayon. Wala naman palang magiging problema at nakikinita kong mae-enjoy ko ang company mo.” “Sows, talagang mag-eenjoy kang kasama ako, ‘no! Basta, dapat isa sa atin ang makasungkit ng titulo. If it’s not me, dapat lang na ikaw ang makakuha no’n.” Pagkatapos kasi ng kanilang training, magsasagawa ng isang paligsahan. Nangislap ang kanyang mga mata at pagdaka’y nakipag-high five siya sa bagong kakilala. “BIENVENUE Paris!” anang Trish pagkababa ng eroplano. “Let’s get ready to fight!” hiyaw naman ni Maycee. Tuwang-tuwa siya rito, hindi siya nagkamali na makakasundo niya ito. Wala sa bokabularyo nito ang salitang “katahimikan”. Panay ang kuwento nito at napakakuwelang kasama. Lalo siyang nakakaramdam ng excitement sa kahaharapin nila bukas. Napatigil sila sa paglalakad nang may biglang sumalubong sa kanilang isang babae. “Bonjour madame. Bonjour monsieur. Are you Trish Villegas and Michael Soriano?” “Oui,” magkasabay nilang tugon. Oui is a French word means yes. “Enchanté. We are assigned to welcome every nominee that will be given special training under our management. Congratulations to the both of you. There’s a car waiting for you outside,” she point out the car. “It will bring you on your assigned apartment. Enjoy being here madame, monsieur.” “Merci,” magkasabay nilang sagot at pagkatapos ay tinungo nila ang kotseng itinuro nito. “In fairness, organisado ang lahat. So amazing! Hindi lang ‘yon, kinabisado pa talaga ng company ang mga mukha natin. Mapapasubo tayo sa Inglesan. Nose bleed itech!” saad ni Maycee. “Hindi lang ‘ka mo sa Inglesan pati French language! Kaya nga puspusan kong pinag-aralan ang lengguwahe nila, eh,” tugon naman niya. Ikinumpas nito ang kamay. “Correct ka diyan! Sumakit nga ulo ko, eh, pati dila ko nagkandapili-pilipit na. Ahay!” “Oo nga hindi biro ang pag-aralan ang language nila. Hindi naman kasi puwedeng kabisado mo lang ang translation, dapat pati pronunciation alam mo,” wika niya. Napasinghap siya nang makapasok sila sa magsisilbing tirahan nila sa loob ng walong buwan. Kung bubusisiin mo iyon, hindi masasabing paupahan lamang iyon. Kumpleto ang mga kasangkapan simula sa malalambot na sofa, flat TV at fully air-conditioned din! Wala rin silang problema pagdating sa pagkain dahil puno na ng laman ang refrigerator. May two bedrooms roon na sadyang may komportableng kama. Hindi na niya napigilan pa ang sariling damhin ang lambot ng higaan. Saglit siyang naidlip. Mayamaya ay narinig siyang katok sa inookupang silid. “Tok! Tok! Tok!” katok ni Maycee na talagang may sound effect pa. Bumangon siya mula sa pagkakahiga. “Entré,” pagpapatuloy niya rito. “Kumusta? Pagod ka na ba? Ayaw mo bang matikman ang luto ko?” untag nito sa kanya pagkapasok. “Really? Nagluto ka? Paniguradong masarap iyan.” “Ako pa! Ready na nga ang dinner kaya bumangon ka na diyan,” yaya nito. Hindi niya akalain na magaling magluto si Maycee. Talagang maaasahan niya ito, wala na yata siyang kailangan pang alalahanin. Pagkaraang makakain ay nagkakuwentuhan na naman sila. Hindi yata mauubusan ng kuwento at tawa itong si Maycee. Aliw na aliw siya sa pagsasalaysay nito lalo na sa mga ekspresiyon ng mukha nito. Wagi si ate, with feelings ang pagkukuwento! “Teka lang, may napapansin ako. Bakit ako lang yata ang palaging nagkukuwento? Wala ka man lang bang ise-share sa akin?” anito. “Bakit, pagod ka na ba?” tanong niya. “Ay, hindi ko knows ang salitang pagod. Unfair naman kasi kung wala akong makalap na impormasyon sa iyo, ‘no! Gusto ko, kuwentuhan mo ko tungkol sa lablyf mo. For sure may jowa ka na sa ganda mong iyan.” Sandaling tumahimik ito at napahalukipkip. “Teka nga pala, bakit hindi ka napasok sa modelling career? Tayo ka nga then turn around.” Para makontento ang bagong kaibigan ay tumalima naman siya sa sinabi nito. Rumampa siya sa harap nito na animo’y isang totoong modelo. “Perfect!” napapapalakpak pang papuri nito sa kanya. Napapakamot siya sa ulo. “Nagkakalokohan na lang tayo, eh. To answer your question, magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na minsang sumagi sa isip ko na maging modelo. Pero, iba talaga ang gusto ng puso ko, eh. Mas gusto kong ako ang gagawa ng mga dress and gowns na susuotin ng mga models.” Tumango naman ito. “Sabagay, may point ka do’n, ‘day! Oh wait, naliligaw na ang usapan. Ano, may boyfie ka na ba? Huwag kang magsisinungaling kung ayaw mong magaya kay Pinnochio.” Itinaas niya ang dalawang kamay. “Opo, may boyfriend na ako madame.” “Hindi na nakapagtataka iyan. Dali kuwentuhan mo ko tungkol sa inyo. Guwapo iyon malamang. Pakilala mo naman ako.” “Manigas ka! Baka agawin mo pa iyon sa ‘kin!” Tumikwas ang labi nito. Nagulat pa siya nang biglang hablutin nito ang kamay niya. “Engagement ring iyan, ‘di ba?” “Yup.” matipid niyang sagot. Nabigla na naman siya nang magtatalon ito na may kasama pang tili. “Hoy Maycee para kang aning! Dinaig mo pa si Neil no’ng sabihin kong I will marry him,” naiiling ngunit natatawang turan niya sa kaibigan. “Ang cheesy! Eh, sa kinikilig ako, bakit ba? Nakakatuwa naman, ikakasal na pala kayo. Walang limutan, ah? Dapat invited ako.” “Sa excitement mong iyan, dinaig mo pa ko. Siyempre naman invited ka. Puwede ba namang hindi?” “Yes, magkakaroon ako ng chance na masilayan ang Fafa mo. Ano nga ang name ni boyfie?” sabik na tanong nito. “Neil.” “Papalicious ang name ng fiancé mo. Jusko, excited na kong ma-meet siya. Wala ka bang picture diyan. Nai-imagine ko na ang hitsura niya…So hot!” Napangiwi siya, sabay bato ng throw pillow sa pagmumukha nito. “Baklita, fiance ko na kaya huwag mo nang pagnasahan. Ikaw rin naman, you’ve got a nice name! Very masculine name… Michael pala, ha?” “It hurts you know,” pag-iinarte pa nito. “Naku, subukan mo lang akong tawaging Michael, naku lang! Nakakairita kaya sa pandinig! At anong masculine ka diyan? Lalaki lang ako sa hitsura pero sa puso, babaeng-babae ako!” he sneered. Natawa siya nang malakas. Buong akala niya ay matatakasan na niya ang pang-ookray nito sa love life niya pero nagkakamali siya. Inabot nito ang hair brush sa isang tabi at itinapat sa bibig nito. “Miss Trish Villegas, paano naman kayo nagkakilala ng groom-to-be mo?” Nagkibit siya ng balikat. Wala na siyang nagawa kundi sagutin na lamang ang mga tanong nito sa kanya. Pakiramdam niya dinaig pa niya ang nasa isang beauty contest―ay mali―na-hot seat siya! MATAPOS ang mahabang panggagalugad ni Maycee sa buhay pag-ibig niya, sa wakas ay naisipan din nitong pagpahinagahin siya. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at ipipikit na lamang sana niya ang mga mata nang maalalang basahin ang sulat ni Neil para sa kanya. Nang buksan niya ang envelope ay napag-alaman niyang hindi lang pala iyon basta sulat lang. Kalakip din niyon ang mga pictures nila noon sa amusement park. To my lovely bride-to-be, From this moment as long as I live I will love you, I promise you this There is nothing I wouldn't give From this moment on You're the reason I believe in love And you're the answer to my prrayers from up above All we need is just the two of us My dreams came true because of you Ang two stanza na ‘yan ay galing sa lyrics ng From This Moment, and I dedicate this song for you, lalong-lalo na ang parteng iyan ng kanta. I love you so much, Ms. Trish Villegas! Kung tatanungin mo kung bakit ko naisipang sumulat, ang totoo niyan, eh, kahit ako hindi kayang sagutin ang bagay na ‘yan. I just can’t help but to write down what I truly feel at this moment in time. Actually, until now hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ko. I never thought that I would totally be crazy sa pagmamahal sa iyo. Nakilala ako bilang playboy, dating woman here and there. Nakaukit kasi sa puso ko ang sinabi sa akin ng Mommy ko, na lahat daw tayo ay may kani-kanyang soulmate. That’s the reason kung bakit nakikipag-date ako kung kani-kaninong babae. And I thank God that I’ve finally met my match! Sabihin mo nang over-acting ako pero pakiramdam ko nakalutang talaga ako sa lupa sa tuwing kasama kita. Ang korny ko ‘no? But that’s true… I don’t know if what I’ve done for you was already enough to proved how much I love you… Palagi kong tinatanong ang sarili ko if I really deserve your love. Ikaw, ano ba sa tingin mo? Ikaw na ang mag-judge… I admit na hindi naman talaga ako totally agree sa desisyon mo. You already know that from the very start, right? Ayoko lang talagang tumutol pa kasi diyan ka magiging masaya. Mahal kita kaya susuportahan kita. Kung tutuusin, puwede naman kitang dalhin diyan anytime you want. At para sa akin, you’re the best among the best fashion designers in the world. I adore you for being so dedicated in your work. Do your best and make it to the top, love… Si Neil Ruiz ba ito? Masyado na yata akong naging madrama. Paano, see you soon… Just make sure na hindi mo papagurin ang katawan mo. I will wait for you. I love you more than forever… You mean everything to me Trish Villegas. I love you so much! Your love, Neil Ruiz “You decorated my life Neil… Je vous aime,” aniya at saka dinampian ng halik ang sulat. CHAPTER FIVE FIRST DAY OF TRAINING. Iyon ang simula ng pakikipagsapalaran nila sa mundo na kanilang pinapangarap. Iba’t ibang tao ang makakasalamuha nila mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Nariyan ang mga taga- Amerika, Espanya, London, Korea, France at iba pa. At siyempre, pahuhuli ba naman sila na pambato ng Pilipinas? Dahil iyon ang first meeting nila, binigyan sila ng pagkakataon ng management na magkakilanlan ang bawat isa sa kanila. “Hola! De donde eres?” tanong ng isang babae sa kanila. That is a Spanish word which means, “Where are you from?” “Buenos dias! Yo soy de Philippines,” masiglang sagot ni Trish. “Help me God, hindi ko na kayang i-handle ang mga tao rito. Buti ka pa, naiintindihan mo sila,” napapakamot sa ulong komento ni Maycee. Bumulong siya sa kaibigan. “Ano ka ba, may hangganan din ako, ‘no! Basics lang naman ang mga pinag-aralan ko.” “Ah, you’re from the Philippines. Mi nombre es Adrianna. Mucho gusto,” pagpapakilala ng kausap. “Akala ko pa naman magtutuloy-tuloy na ang pag-iingles niya. Pigilan mo ko Trish baka bigla na lang akong mag-back out dito. Dumudugo na talaga ang ilong ko,” with actions na sabi ni Maycee. “Manahimik ka kaya muna diyan. Nagpapakilala iyong tao, oh,” mahinang saad niya at saka binalingan muli ang babae. “Igualmente. I’m Trish and he’s Michael.” “Hep! Hep! Hep! Just call me Maycee,” sawata nito sa sinabi niya. Napangiti naman ang kaharap. “Como estas?” “Jusko! Kayo na nga lang ang mag-usap diyang dalawa! Nao-OP na talaga ko, hindi ko na kayo maintindihan.” komento pa nito. “Muy bien Cassie. Por favor, can you please speak in English so that my beloved friend may able to follow our conversation,” pakiusap niya. “No problem.” “Iyon naman pala, eh! Muchias gracias.” turan ni Maycee. Napapailing na napapangiti si Trish. Kung kailang puwede nang mag-ingles saka naman ito nag-espanyol. Ang gulo talaga! “You really are something, Maycee!” Marami pa silang mga nakasalamuha bukod kay Adrianna. Pawang lahat naman ay madaling i-approach. They were all friendly. Mas nakalalamang ang bilang ng babae na naroroon kaysa lalaki. Natural lang naman iyon dahil mas marami talagang babaeng designer. Pagkatapos ng orientation, nagsimula na ang totoong laban. The instructor briefly discussed the fashion history then proceeds on the next topic. Binigyan din sila nito ng mga tips pagdating sa field na tinatahak nila. Sa araw ring iyon, hinati-hati sila sa grupo. Ang siste, magkakasama pa rin ang magkaka-uri―ang ibig sabihin―kasama pa rin niya si Maycee kaya lang mahahaluan sila ng ibang grupo. Sakto namang napasama ang mga taga-Spain sa kanila pati na rin ang mga taga-London. At least, wala nang masyadong problema dahil ka-vibes na nila si Adrianna. Bawat grupo ay may naka-tokang lesson, mayroon sa men’s wear, women’s wear, children’s wear, beach wear, theatre costume wear, wedding dresses at iba pa. Nag-draw lots sila at ang talagang nabunot pa nila ay wedding dresses. Nananadya lang? Kumbaga ang bawat grupo ay may kani-kanyang tagapagsanay pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi nila matutunan ang ibang suit. Magiging round robin ang sistema. Maaaring sa susunod ang pag-aaralan naman nila ay women’s wear, depende iyon sa kung ano ang mabubunot nila. “Au revoir. See you tomorrow,” masayang pamamaalam ng instructor nila. “SISTERETS! ‘Eto ba si Neil, the love of your life.” Mula sa binabasang notes ay ibinaling ni Trish ang tingin kay Maycee. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hawak nito ang mga pictures na kabibigay lamang sa kanya ni Neil. Napahumindig siya at saka inagaw dito ang mga litrato. “Pakielamera ka talaga! Saan mo nakuha ‘to?” “Sows, kung saan-saan mo kinakalat pagkatapos magagalit ka diyan! At saka, wala namang masama kung i-share mo ang kaguwapuhan ng loviedobs mo. Grabe, makalaglag panty ang hitsura ni Papa Neil! Ang guwapo!” anito na nagpangalumbaba pa at kinagat-kagat ang labi. Inihampas niya ang notebook na hawak sa ulo nito. “Hoy baklita, tantanan mo na ang groom ko, ha? Not available na siya. Mag-umpisa ka nang maghanap ng ibang pagnanasahan mo.” “Ito naman ang damot! Hindi ko naman sinabing aagawin ko, ‘di ba? Makiki-share lang! Chos! ‘Di ba, siya ‘yong tumawag no’ng isang araw? Parinig naman ng boses. Ikaw naman ang tumawag sa kanya, mas sweet iyon.” “Over sa demanding, ha? Ayoko nga, ‘no! Kaya nga hindi ako ang unang tumatawag, dahil baka busy ‘yong tao. Ayokong makaabala.” “Bruha, ang taong mahal mo ay hindi kailanman nagiging istorbo, ‘no! Sa iyo na nga nanggaling na siya ang laging unang tumatawag, try mo naman kayang mag-effort. Malay mo, mas gumaan at ma-inspire pa siya sa pagtatrabaho, ‘di ba?” “Naku, nangonsensiya pa siya! If I know naman, ikaw ang makikinabang kapag tinawagan ko siya dahil gusto mong marinig ang boses ni Neil. O siya, para matahimk ka na sa kakaputak diyan, tatawagan ko na po.” Inabot niya sa mesita ang cell phone at saka dinayal ang numero ng nobyo. Panay lamang ang ring sa kabilang linya. Tama nga yata ang hinala niyang maraming ginagawa si Neil. “Ano na?” untag ni Maycee. Sumenyas siya rito na maghintay. Ilang ulit niyang sinubukang i-dial ang numero nito kaya lang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Susuko na sana siya nang biglang maulinigan ang tinig ng nobyo. “Trish? I’m sorry, love. Nasa conference meeting kasi ako kanina kaya hindi ko namalayan na tumatawag ka pala. Miss mo na ko, ‘no?” “Hindi.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Eh, kung hindi pala iyon ang dahilan. Bakit napatawag ka? Anong oras na ba diyan? Hindi ka ba makatulog?” Tumawa siya nang mahina. “Hinay-hinay lang sa tanong, love. Baka mabulunan ako. Huwag kang mag-alala diyan, maya-maya makakatulog din ako. Mabalik tayo sa miss kita. Hindi lang naman kasi kita miss. Miss na miss na miss na kita.” “Napaka-sweet talaga ng mahal ko. Kung maipapasok ko lang ang mga braso ko sa kapirasong gadyet na ‘to para lang mayakap kita, ginawa ko na. I miss you so much!” Napangiti siya. Sa kabilang banda nama’y kilig na kilig sa kanila si Maycee. Naririnig rin nito ang pag-uusap nila dahil naka-loud speaker ang cell phone niya. “Aray naman,” aniya nang bigla siyang itulak ng katabi. Agad naman iyong nag-peace sign. Napapailing na lamang siya. “What happened?” nag-aalalang tanong naman ng nobyo. “Ha? Ah, eh, wala ‘yon. Iyong roommate ko, grabe kung kiligin.” Tumawa ito. “Gano’n na pala tayo ka-sweet, ‘no? Even Mich and Vince, hindi sila makapaniwala na magiging ganito tayo. ‘Nga pala, may copy na ko nang magiging wedding invitation natin. Pi-picture-an ko tapos ise-send ko sa ‘yo mamaya.” “Wow! Na-excite naman ako. I’m sorry Neil kung…kung wala ako diyan para tulungan ka sa mga preparations.” “Hey, I already told you na ako na ang bahala sa lahat, ‘di ba? There’s nothing to say sorry. One more thing, bukod sa ate mo, kina Mich at Vince, katuwang ko rin sina Nancy at Patrick sa pagpa-plan ng kasal natin.” Sina Nancy at Patrick ang mga high school batchmate nila ni Michelle. At katulad ng istorya nila ni Neil, nagsimula rin sa pag-aasaran ang kuwento ng dalawa. Paglipas nga ng ilang taon ay nagsangga ang mga landas ng mga ito at doon nalinaw ang damdamin nila para sa isa’t isa. Tila naulit sa kanila ang istorya ng dalawa, may pagkakaiba nga lamang. “And guess what? Two months pregnant na si Nancy. May bago na naman akong chikiting na paiiyakin. Joke!” anito. “Parang gusto ko na rin tuloy magkaroon ng baby,” dugtong nito sa mahinang boses. Mahina man iyon ay umabot pa rin iyon sa kanyang pandinig. “Pakilakasan nga po.” “May sinabi ba ko? Ang sinabi ko lang naman, eh, masaya ako para sa kanila. Malay mo, sina Mich at Vince na pala ang kasunod, ‘di ba?” Napangiti na lamang siya at inignora ang narinig dito kanina. “Oo nga, para naman magkaroon na ng kalaro si Nadja. Kasi naman iyang kaibigan mo, masyadong busy sa career. May restaurant na, may company pa. Hay naku, dapat siguro bigyan ng second honeymoon ang dalawang iyon.” “What a marvellous idea! Pag-iisipan ko ‘yang sinabi mo. Hay, nainggit naman ako bigla. Sobrang miss na talaga kita. Sana mag-February na para makasama na kita ulit.” “Konting tiis lang, ha? And by the way, pakisabi naman kina Nancy na masayang-masaya ako para sa kanila.” “No problem. Love, gusto ko pa sanang makakuwentuhan ka kaya lang I badly need to go. May client akong kailangan i-meet. Tatawag na lang ako ulit. Always take care. I love you so much!” “I love you, more! Oh wait! Huwag ka masyadong magpapagod, ha?” “How sweet! Of course, basta sabi mo.” “O sige na at baka ma-late ka pa sa lakad mo.” “Bye.” Ngayong nakausap niya ang nobyo, pakiramdam siya nadagdagan siya ng lakas para mas maging matatag sa mga susunod na araw. Kontentong pinatay niya ang cell phone at kasabay niyon ay ang pagkurot naman ni Maycee sa tagiliran niya. “Baklita, kanina ka pa, ha?” “Sorry talaga, ganda. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Eh, kung kokontrolin ko ang kilig ko baka kung ano ang mangyari sa akin, ‘no! Ang sweet n’yo naman. Daig ko pa ang nanonood ng pelikula. At naku naman, napaka-ganda ng boses ni Fafa Neil! He has a sexy baritone voice!” “Maganda nga, pero huwag na huwag mong pakakantahin kung ayaw mong magkaroon ng delubyo nang wala sa oras!” “BRO, NAGPAPAKASUBSOB ka na naman sa trabaho. Take it easy, Neil. Baka naman pagdating ni Trish sa hospital ka niya puntahan. Magkakasakit ka sa ginagawa mo.” Ibinaba ni Neil ang hawak na ballpen at saka napatingin kay Vince. “Teka nga, ‘di ba ikaw ang nagpapagawa ng report na ito sa akin?” “Bakit sinabi ko bang urgent na ‘yan? May bukas pa at may susunod pang araw. Please don’t take advantage of your work para lang kahit paano, eh, malimutan mo ang pangungulila mo kay Trish.” “Oh, you do get my point naman pala, eh. P’re, if I won’t turn my attention into something, baka mabaliw ako sa kaiisip kay Trish.” “Hindi ka nga mababaliw, mao-overfatigue ka naman sa laging pag-oovertime mo sa trabaho. Eh, dinaig mo pa ako ah? Kulang na nga lang yata, eh, dito ka na matulog.” “Puwede ba?” Umiling-iling ito. “At kinagat mo naman ang sinabi ko! Pinapapaalalahanan lang kita, Bro. Kung ayaw mong isumbong kita kay Trish, ayusin mo ang buhay mo.” “Vince, matagal nang nakaayos ang buhay ko. Simula nang makilala ko si Trish, nagkaroon ng saysay ang buhay ko. P’re, huwag mo ko masyadong alalahanin. Minsan lang akong magseryoso sa trabaho kaya pagbigyan mo na lang ako, okay?” “Bahala ka nga. By the way, ano na nga pala ang balita kay Trish?” “She’s doing good. Sa akin mo pa talaga tinanong, ‘no? Parang hindi ka nakakakalap ng updates kay Mich, ha?” “Mas maganda kasi kung sa iyo ko itatanong para mas feel ko. Lalo na kapag nakikita ko ang ekspresyon ng mukha mo.” “Ewan ko sa ‘yo! Ikaw naman ngayon ang iintrigahin ko. Wala pa bang balita kay Mich?” “Gaya naman ng ano?” kunot-noong tanong nito. “Hindi pa rin ba siya buntis?” deretsahan niyang tanong. Sandaling natigilan ito. “I thought, kung ano na. Oh well, hindi pa eh. Huwag kang mag-alala, kung buntis man si Mich, ikaw ang una kong sasabihan. At saka, hindi naman kami nagmamadali. For now, focus muna kami sa pag-aalaga kay Nadja.” “Isa ka pa kasing tutok masyado sa business. Dapat siguro, mag-honeymoon ulit kayo para naman magkaroon na ng kapatid si Nadja.” Tumawa ito. “Hindi na ‘yon kailangan, ‘no? Kung darating, eh, ‘di darating. And we will be thankful kung darating man ang araw na iyon. It’s really a big blessing.” Napatayo siya sa kinauupuang executive chair. “Parang ang sarap maging daddy. Parang ang sarap nang may tumatawag sa ‘yong daddy…” Vince patted his shoulder. “Tama ka, masarap maging isang ama. Masarap sa feeling na may tumatawag sa iyong ‘daddy’. Don’t tell me, gusto mo na ring maging Daddy? Hmm. Malapit na rin namang mangyari iyon, eh.” He took a deep breath. “Ang tagal-tagal pa ng anim na buwan, pare. Oo nga at lagi kaming nagkakatawagan. pero iba pa rin ‘yong kasama mo siya, nakikita, nayayakap, nahahagkan. I’ve longing for her…” “Ganyan talaga kapag nagmamahal, may kasamang pagsasakripisyo. Konting tiis lang. Pasasaan din naman at sa simbahan din ang tuloy ninyong dalawa.” “Paano kung si Mich ang nasa sitwasyon ni Trish, ano ang gagawin mo?” “It will never happen,” kontra agad nito. “Paano nga lang, eh, hindi ko naman sinabing mangyayari. Maka-react!” “Ah, basta! Hindi iyon mangyayari. Sinisiguro ko ‘yan!” Natawa na lamang siya sa naging reaksyon ng kaibigan at pagkuwa’y napatingin sa larawan ni Trish na nasa ibabaw ng kanyang table. Kinuha niya iyon at saka dinampian ng halik. “Hindi na ko makapaghintay na makita ka, my love…” MAGDADALAWANG-BUWAN na rin magmula nang tumulak sila patungong Paris. Sa loob ng maraming araw, natitiyak namang nadagdagan ang mga kaalaman niya tungkol sa fashion designing. Kahit drawing techniques ay itinuro rin sa kanila. Hindi matatawaran ang saya niya sa bawat natututunan niya sa bawat araw. Malaking tulong iyon para mapaunlad pa niya ang pagpapatakbo sa Magic Fit Couture. Hindi naman pulos training ang inatupag nila, may mga pagkakataong tino-tour sila sa mga landmarks sa Paris. Take note, sagot din iyon ng kompanya at may sarili rin silang tour guide. Wala talagang nasasayang na oras sa pamamalagi nila sa naturang lugar. Kinuha niya ang sketch pad sa ibabaw ng kama at ipinagpatuloy ang dino-drawing na wedding dress. Iyon sana ang dream dress na gusto niyang suotin sa mismong kasal niya. Pero, ayos lang naman kung hindi mabibigyang katuparan iyon dahil alam naman niyang hindi hahayaan ni Neil na hindi siya magmukhang reyna sa araw ng kasal nila. I am sure that you will become the most beautiful bride in the world!― naalala niyang sabi ni Neil sa kanya. Sinulyapan niya ang engagement ring na suot at saka mulling ibinalik ang atensiyon sa papel na hawak. Ilang beses na ikinurap niya ang mga mata, nanlalabo ang mga mata niya. She tilted her head, left and right. Hapo na siguro talaga ang katawan niya. Tumindig siya at napagpasiyahang magtimpla ng mainit na gatas. Nang makalabas ng silid ay napahigpit ang hawak niya sa seradura ng pinto. Pakiramdam niya matutumba na siya. Napapitlag siya nang bumukas ang pinto ng katapat na silid. “Oh, ano’ng nangyayari sa ‘yo? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?” ani Maycee at inilalayan siya. “Wala ito, medyo nahilo lang ako. Pagod lang siguro ‘to.” “Anong wala ka diyan? Alam mo, ang dapat sa iyo ay magpahinga. Mabuti na lang at rest day natin ngayon. Hala sige, pumasok ka muna sa kuwarto mo at ipagluluto kita ng soup.” “Merci,” naitugon na lamang niya. Papasok na sana siya ng silid nang may maramdamang siyang bikig sa lalamunan at tila ba naghuhuramentado na iyong kumawala sa bibig niya. Nagmamadali siyang pumasok sa CR ng kuwarto niya. Sinundan naman siya roon ni Maycee at hinagod-hagod ang likuran niya. Nang matapos ang kalbaryo niya ay nanlalatang napaupo siya sa gilid ng kama. Napahawak siya sa dibdib at saka binuksan ang unang butones ng suot na blouse. Nagsisikip ang daluyan ng hangin niya. Nagsisimula na rin siyang pagpawisan nang malagkit. Nag-aalalang tinabihan siya ni Maycee. Napatingin siya rito. “Hoy, don’t give me a bad look, ah? Ayos lang ako. Siguro, nausog mo ko.” “Bruha, hindi ako nakakausog, ‘no! At saka, anong ayos ka diyan? Eh, kulang na lang pati lamang-loob mo, iluwa mo na pagkatapos ayos lang? Ay jusmiyo ka!” Nagpaypay ito sa pamamagitan ng kamay. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” “Itutulog ko na lang ito, girl. Huwag kang masyadong mapraning diyan. Ako nga hindi nag-react masyado, kaya huwag kang OA diyan. Wala akong malalang sakit,” pagkokompirma niya. “Hay naku, hindi ko puwedeng palagpasin iyan. Nitong mga nakaraang araw ko pa napapansin ang pagiging malamya mo. Madalas kang mahilo at no’ng minsang magluto ako ng paborito mong kare-kare, ang sabi mo ang baho.” anito at pagkuwa’y napatikhim. “Hi-Hindi naman kaya…buntis ka?” CHAPTER SIX PARANG batingaw na kumalembang sa utak ni Trish ang kutob na sinabi ni Maycee sa kanya. Hindi imposibleng tama ang hinala nito. Then the memory came rushing down her mind, that very intimate moment she shared with Neil. Paano kung nagdadalang-tao nga siya? Napahawak siya sa kanyang puson. Makakayanan ba niya ang bagong pagsubok na iyon ngayong nasa gitna siya ng pakikibaka sa pag-abot sa pangarap? “Tell me honestly, may nangyari na ba sa inyo ni Fafa Neil? Huwag kang matakot na magsabi ng totoo dahil hndi naman kita huhusgahan. Eh, sa nagmamahalan kayo at alam ko namang handa na kayo parehong sa magiging consequence. After all, malapit na rin naman kayong ikasal.” Humugot siya nang malalim na hininga. Idinaan niya sa French ang sagot niya, “Oui.” “Eh, ‘di hindi nga malabong tama ang hinala ko. Dito ka lang, ha? Bibili lang ako ng pregnancy test kit diyan sa malapit na drug store.” Ginagap niya ang kamay nito. “Maraming salamat, Maycee.” Napangiti siya. “Naku, baka ikaw pa ang mapagkamalang buntis niyan, ah?” “Tse! Kung puwede lang sana,” sakay naman nito sa biro niya. Nang makaalis si Maycee, halo-halong emosyon ang naghari sa kanyang dibdib. Kung ano man ang magiging resulta ay nakahanda siyang tanggapin iyon. Ang iniisip niya lang ay ang magiging kalagayan ng baby nila ni Neil sa sinapupunan niya lalo pa ngayong pabigat ng pabigat ang training nila. Lakad doon at lakad dito ang drama nila. Magiging delikado iyon para sa baby. Ang isa pang inaalala niya ay kung paano niya iyon ibabalita kay Neil. Alam niyang mag-aalala iyon sa kanya at baka pauwiin pa siya nito sa Pilipinas kapag nagkataon. Pagkalipas ng ilang minuto, agad na nakabalik si Maycee at dala-dala na nga nito ang kit na magiging susi para malaman nila kung tama nga ang suspetsa nila. Sunud-sunod siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago pumasok ng banyo. Napasinghap siya nang makita ang resulta. “Hoy babae, ang tagal mo naman ‘ata diyan. Ano na, may resulta na ba? Huwag mong sabihing invalid. Naku, sasampalin kita. Hoy, buhay ka pa ba diyan?” Kinalampag pa nito ang pinto. “Huwag kang atat diyan. ‘Eto na palabas na ko.” Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga. Gusto niyang maging masaya pero ang daming umuukilkil na katanungan sa isipan niya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad hinablot ni Maycee sa kanya ang pregnancy test. Namilog ang mga mata nito nang matitigan ang naging resulta. Saglit itong napipilan pero di naglipat-saglit ay nag-ingay na ito. Halos matulig ang tainga niya sa lakas ng tili nito. Kung hindi pa niya ito hampasin sa balikat ay hindi pa ito matitigil. “Baklita, dinaig mo ako sa sobrang excitement mo diyan, ha?” “Pasensiya naman, sisterets. Confirmed! Buntis ka nga! Bongga, magiging Mommy ka na!” Bigla ay natigilan ito at sinapo ang mukha niya. “Bruha, bakit parang ako lang nagsasaya rito? Ba’t ganyan ang hilatsa ng mukha mo? Huwag mong sabihing hindi mo gusto ang resulta? Ginawa n’yo ‘tapos pagsisisihan mo?” Tinanggal niya ang mga kamay nitong pumaloob sa mukha niya. “Maycee, wala akong ni katiting na pagsisising nararamdaman. Masaya naman ako na magiging mother na ko, kaya lang inaalala ko ang sitwasyon ko. Alam mo namang tumitindi ang mga activities natin, ‘di ba? Delikado iyon para kay baby. Hmm… Saka, hindi kaya ma-disqualified ako?” paliwanag niya na napahawak pa sa sinapupunan. Nasapo nito ang noo saka napailing-iling. “Ay pakbet!” Nagsalubong ang kilay niya. “Pakbet?” “Oh my gulay, with kalabasa, sitaw, talong! Paano ang gagawin mo ngayon? Pero, hindi ko iniisip ang competition bruha! Hindi ka naman siguro nila basta i-eetsapuwera dahil lang sa buntis ka, ‘no! Ang iniisip ko rin, eh, baka mapa’no kayo ni baby. And one more thing, dapat mo nang ipaalam ‘yan kay Fafa Neil sa lalong madaling panahon.” “May chance nga siguro na hindi ako ma-disqualified pero may chance naman na mapahamak ang baby ko. At isa pang pero, hindi ko kayang i-give up ang pangarap ko. Tungkol naman kay Neil, sasabihin ko naman talaga sa kanya kaya lang, hindi muna sa ngayon.” “Sister, wala kang dapat i-give up. So, paano ka? Ngayong wala si Neil sa tabi mo, bahala ka na sa buhay mo!” Napalabi siya. “Gano’n?” “Oo gano’n nga!” “Akala ko ba friends tayo?” Tumawa ito nang bongga. “Ay, emotera pala talaga ang mga buntis. Ano ka ba naman? Magagawa ko ba namang pabayaan ang sisterets ko? Siyempre, I will always be here for you, anytime, anywhere! That’s what friends are for, ‘di ba?” Napayakap siya rito. “Thank you so much, Maycee! You really are a true friend. Kaya naman, love na love kita, eh!” “Achiche, ang drama ha? Saka ka na magpasalamat kapag naging maayos na ang lahat. Ay naku, hindi puwedeng hindi malaman ng loviedobs ‘yan. Good news ‘ata iyan, ‘no!” “Opo.” HALOS paliparin na ni Neil ang pinapaandar na sasakyan para lang makaabot sa call time ng trabaho. Na-late siya nang gising kaya heto’t madaling-madali tuloy siya. Napuyat kasi siya sa kaaasikaso ng mga dokumento na kailangan para sa nalalapit na kasal nila ni Trish. Hindi na niya alintana kung over speed na ang pagpapatakbo niya, basta kailangan niyang makarating ng kompanya sa takdang oras. Maayos na sana ang lahat nang may isang babaeng biglang tumawid ng daan. Mabuti na lang at agad siyang nakapag-menor. Hindi rin naman niya nahagip ang dalaga. Gayunman, umibis pa rin siya ng sasakyan para sitahin ito. “Miss, magpapakamatay ka ba?” “Hoy mister, ikaw pa ngayon ang may ganang manita, eh, ikaw nga itong basta-basta na lang kung magpatakbo diyan. Kaskasero! And FYI, nasa pedestrian lane po ako,” asik nito sa kanya. Saglit siyang natameme sa sinabi nito pero agad din naman siyang nakabawi. “Miss, nasa pedestrian lane ka man, kailangan mo pa ring tingnan ang dinaraanan mo. Paano na lang kung hindi katulad ko ang driver na mabilis na natapakan ang preno? Eh, ‘di nakaratay ka na sa hospital ngayon. And for your information din, ngayon lang ako nagpatakbo nang ganoong kabilis. May hinahabol lang po kasi akong appointment.” Sinagot lamang siya nito nang matalim na tingin. “Whoa! Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro ako pa ngayon ang nakahandusay dito. Anyway, I don’t owe an explanation to you naman, eh. And Miss, puwede bang tumabi ka na muna dahil talagang nagmamadali na ko.” “Hindi mo na ko kailangang utusan dahil talagang tatabi ako at baka mamaya, eh, mamatay pa ko ng wala sa oras!” “Mabuti nga’t walang nangyari sa iyo, eh,” bulong niya habang papasok ng kotse. Narinig pa niya ang paghihisterya nito nang pasibarin niya ang sasakyan. Para ngang gusto pa siya nitong habulin at butasin ang gulong niya, eh. Napatingin siya sa rearview mirror at napailing na lamang. Dahil sa insidenteng iyon, hindi naiwasang bumalik sa kanya ang mga alaala kung saan una niyang nakabanggaan si Trish. Ganoon na ganoon din ito sa kanya noon. Kung tutuusin nga, mas matindi pa ang maaanghang na salita na natanggap niya rito kaysa sa nakaengkuwentrong babae kanina. Diyata’t ito lang ang babaeng nakilala niya na mas lalo pang lumulutang ang ganda kapag nagagalit. Hay, baliw na nga yata siya sa pagmamahal kay Trish. He really couldn’t wait to see her. Pagka-park ng kotse ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Huli na talaga siya sa board meeting nila. Lagot na siya kay Vince nito. Papasok na siya ng entrance nang may makasabay siya. Nagkaroon nang impact ang pagbabanggaan ng mga balikat nila. Tumilapon din ang mga papers na hawak niya. Kung kailan nga naman siya nagmamadali ay saka pa siya lalong nadisgrasya. Ang malas naman ng araw na ‘yon! Wala na siyang pagpipilian kundi isa-isang pulutin ang mga report papers. Hindi na siya nag-abala kung sino ang nakabungguan niya, pero sa sulok ng mga mata niya nakita niya ang pagtulong nito sa pagkuha ng mga papel. Nang mag-angat siya ng tingin ay magkasabay na nagtama ang mga mata nila at pareho silang napipilan. “Ikaw na naman?!” magkapanabay nilang wika. “Oh, it’s nice to see you again, Miss Scary,” sabi pa niya. “And I’m wondering kung ano ang ginagawa mo rito? Hinabol mo talaga ko?” “Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sabihing hinabol kita, ‘no! Hindi na sana ako nagulat kung talagang in-intensiyon kong sundan ka rito. And one fact, employee po ako rito.” Kumunot ang noo niya. “You’re an employee here? Bakit ngayon lang kita nakita rito?” Ito naman ang napakunot ang noo. “Bakit, sino ka ba?” Sasagutin na sana niya ito nang biglang may sumalubong na babae. “Yna, ano pa ba ang ginagawa mo diyan?” At pagkuwa’y tumingin ito sa kanya at tila nahiya. “Sir, kayo po pala. Good morning po.” Si Shiela ang bumati sa kanya, ang sekretarya ni Vince. Ngumiti siya at saka gumanti ng pabati. Nagtataka namang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ng babae na Zerina pala ang pangalan. “You called him, what?” naisatinig ng babae. “Naku po, Yna. Siya ang VP ng V-Lee Company.” Bumaling uli si Shiela sa kanya. “Sir, pasensiya na po. Bago lang po kasi siya rito.” Iyon naman pala ang dahilan kaya ngayon lamang niya ito napansin sa kompanya. “It’s okay, Shiela. By the way, ano nga pala ang ginagawa mo rito? ‘Di ba may board meeting?” “Actually po, pinapasundo na kayo sa akin ni Sir Vince. Hindi raw po puwedeng magsimula ang meeting ng wala kayo.” Napapakamot siya sa ulo. “Ah okay, I have to go.” Iyon lang at mabilis na niyang tinungo ang elevator. Pero bago siya tuluyang makapasok ng elevator ay sinulyapan pa niya ng tingin si Yna na hanggang ngayon ay tila tulala pa rin sa nalaman. Naiiling na nangingiti na lamang siya. TRISH breathed heavily before she dialled Neil’s number. Napagkasunduan nila ni Maycee na ngayon na isisiwalat sa nobyo ang totoong kalagayan niya, pero talagang duda siya sa kalalabasan ng pag-uusap nila ng nobyo. Nakakakutob siya na baka pauwiin na siya nito. Hindi naman niya puwedeng gawin iyon, ngayon pa kung kailang kaunti na lang at isasagawa na ang competition. Nai-report na rin nila ang case niya sa management at hindi naman ito naging big deal sa mga ito. Sa katunayan, ini-refer pa siya ng mga ito sa isang Filipino OB-Gyne na naka-destino sa lugar. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pagsagot sa kabilang linya. Siya ang unang nagsalita. “Hello love. Kumusta ka na?” “Na-surprise naman ako na tumawag ka, love. Wala kang dapat ipag-alala sa akin, maayos naman ako. And still praying na sana February na para magkasama na tayo. Eh, ikaw ba? Nakakain ka na ba? Nakakatulog ka naman ba sa oras?” Bahagyang tumawa siya sa sinabi nito, subalit mas nangingibabaw pa rin talaga ang pangamba sa dibdib niya. Kapag ganoon ang concern sa kanya ni Neil, mas lalo lang niyang ipinag-aalala ang magiging reaksyon nito sa sasabihin niya. Ewan, hindi niya maintindihan ang sarili kung ano ba ang dapat niyang ipag-alala. Mas matimbang pa ba ang pangarap niya kaysa sa kalagayan ng bata sa sinapupunan niya? “Alam mo, oras-oras nag-aalala ako para sa iyo. Halos mabaliw nga ko sa kakaisip kung maayos ka ba diyan, eh. You’re so far at ‘di garantisado sa akin kung nasusubaybayan kayo ng maayos ng management. I just can’t stop worrying about you, lalo pa’t hindi naman kita nakikita. Miski si Mich wala sa tabi mo. Wala tuloy akong mapagbilinan sa ‘yo.” Pinakalma niya ang sarili. “Neil, mapagkakatiwalaan ang kasama ko sa apartment. In fact, lagi siyang nandiyan para alagaan ako. She’s a kind-hearted person, so lovable and caring.” Napatingin pa siya kay Maycee na tila nasiyahan naman sa paggamit niya ng “she” sa pagsasalarawan dito. “I so much miss you. Hindi ba talaga puwedeng kahit isang araw lang ay umuwi ka muna rito. I just want to hug and kiss you. O kaya naman, gusto mo ako na lang pumunta diyan?” “I told you the policy, ‘di ba? Mahigpit ang mga regulations ng management. At saka, three months na lang naman ‘di ba? I know and for sure, it’s worth waiting naman, love.” “Alam ko naman iyon, eh, kaya lang, ang dami pa ring araw na bibilangin ang three months. Alam mo, kulang na lang pumunta ako ng airport at doon na ko matulog at hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo.” Napapitlag siya nang kalabitin siya ni Maycee. Sinenyasan siya nitong sabihin na sa nobyo ang balita. She’s almost five months pregnant. She bit her lower lip. She’s not yet decided kung dapat na nga ba niyang sabihin dito. Paano kung sumugod nga iyon bigla roon at pauuwiin na siya sa sobrang pag-aalala nito sa kanya? Kaya na ba niyang isuko ang pangarap niya? Mas mahalaga pa ba sa iyo ang pangarap mo kaysa sa magiging anak ninyo? My goodness, kailangan ba niyang mamili? “Love, are you still there?” untag sa kanya ng nobyo. “Ha? Oo naman. May kung ano lang akong naalala.” “May problema ba?” Bumuntong-hininga siya. “I have something to tell you, Neil.” “Is there anything wrong?” Luminga muna siya kay Maycee bago sagutin ang tanong ng nobyo. “Ah, eh, I just want to say that…that...” Muli siyang humugot ng hangin. “That I love you so much Neil. Thank you for all the care and concerns.” Ito naman ang napabuntong-hininga. “Tinakot mo naman ako, love. Akala ko naman kung ano ‘yong sasabihin mo. Of course, mahal na mahal na mahal din kita. Kahit maraming araw pa ang daraan sa loob ng tatlong buwan, pipilitin kong magpakatatag. Hihintayin ko ang pagbabalik mo.” Kung ano naman ang ikinaluwag ng kalooban ni Neil, ang siya namang ikinabagsak ng mga balikat ni Maycee. Mangani-nganing sabunutan siya nito. “Love, ang mabuti pa, magpahinga ka na. You need to have enough rest dahil alam ko namang mas lalong bumibigat ang mga activities ninyo.” “Ayaw mo na ba ‘kong makausap?” Tumawa ito. “Gustung-gusto kitang makausap, makita, mayakap… Kaya lang, iniisip ko rin naman na pagod ka. Kung alam mo lang, hindi ko na nga gustong ibaba ang cell phone para lang maya’t maya kong ma-monitor ang kalagayan mo, eh. Kaya lang, mapupuyat ka naman. I won’t let it happen, of course.” “Salamat, Neil. Hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat sa lahat ng concerns, efforts at pagmamahal na ipinapadama mo sa akin. I love you again and again and again.” “Ang sarap naman no’n. And I love you, the most. Sige na, take a rest. Ba-bye.” “Bye.” Pagkababa niya ng cell phone, sumalakay sa dibdib niya ang kakaibang kahungkagan. She felt somewhat guilt. Agad naman din siyang kinompronta ni Maycee. She failed again. Pang-ilang beses na niyang sinubukang sabihin kay Neil ang tungkol sa pagdadalang-tao niya pero hindi niya magawa. Parang naulit lang ang nangyari noong mga panahong hindi niya masabi kay Neil ang tungkol sa paglipad niya patungo roon sa Paris. But this time, mas mabigat ang sitwasyon. “Trish Villegas! Bakit hindi mo naman nasabi? Ano ba talaga ng tumatakbo sa isip mong babaita ka?! Hanggang kailan mo balak itago kay Neil ang tungkol diyan,” sabay nguso nito sa tiyan niya. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. “Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, Maycee. Eh kasi naman… Napansin mo naman siguro ang pag-aalala niya ‘di ba? Sigurado akong pauuwiin ako no’n.” “Ay jusmiyo! Naloloka ako sa ‘yo, sister! Nai-stress na rin ako, ha? Paano mo naman agad nalaman na pauuwiin ka nga ni Neil? Ni hindi mo pa nga nasusubukang sabihin sa kanya? Kailan ka pa naduwag?” “Ewan ko, basta nakukutuban ko na. Women’s instinct ika nga.” “Eh, ano ba talaga ang balak mo sa buhay mo, ‘day? Alam ko namang kino-consider mo ang training natin kaya hindi mo masabi-sabi kay Fafa ang real situation mo. But come to think of it, kapag hindi mo sinabi iyan agad sa loviedobs mo, baka pagmulan pa ‘yan nang pagtatalo n’yo. Haler, five months preggy ka na!” Inirolyo pa nito ang mga mata. “Ikaw na nga ang may sabi, baka pagmulan lang ng pag-aaway namin ‘to. Alam ko namang mabubugbog ako ng sermon no’n, eh.” “Talagang mauulanan ka ng sermon at dadagdagan ko pa! Bruhilda, aba’y mag-isip ka nga! Lahat ng preparations sa kasal ninyo ay settle na. At ito pa, kabuwanan mo pa ‘yon! Sa tingin mo ba makakapagmartsa ka ng maayos sa lagay mo na ‘yon?” “Problema ba iyon? Puwede naman iyon, ah?” “Gaga! Paano kung mapaanak kang bigla? Mapipigilan mo ba ang paglabas ng baby mo? Baka nga sasagot ka na lang ng “I do”, eh, maudlot pa!” “Kakaiba talaga tumakbo ang imagination mo.” “Hoy, nagsalita ang hindi. Mas malala ka pa nga kung mag-imagine sa akin, eh. Aba, ikaw nga alam na agad ang magiging reaksiyon ni Fafa Neil, eh. At saka, ipinapaalalahanan lang kita sa mga posibleng mangyari.” She blew out a breath. “Okay na, sige na. Pag-iisipan ko na po.” “Aba, bilis-bilisan mong magisip-isp!” CHAPTER SEVEN “JUSKO ‘day! Ano ba namang kamalasan ang dumadapo sa iyo, Trish Villegas! Saan naman matutungo ang cell phone mo? Baka naman na-misplace mo lang.” Naisuklay ni Trish ang mga daliri sa buhok. “Hinanap ko na talaga kung saan-saan pero wala talaga, eh. Feeling ko, nahulog ko nga talaga sa taxi. Sa lahat naman nang puwedeng mawala, bakit iyon pa?” “Siguro may balat ka sa puwet. Kung bakit ba naman kasi hindi mo iniingatan ang mga gamit mo.” “Wala akong balat sa puwet, ‘no! Baka ikaw meron,” aniya na binuntutan ng pagak na tawa. “Sige, tumawa ka pa diyan! Ang laki na nga ng problema mo, sister, nagagawa mo pang tumawa?” Ang maliit na aparatong iyon ang nagsisilbing daan para patuloy ang pakikipag-komunikasyon niya sa mga mahal niya lalo na kay Neil. Kung ngayong wala na ito, paano niya mako-contact ang mga ito? Paano pa niya masasabi ang tungkol sa baby kay Neil? Kung tutuusin, puwede naman siyang makigamit ng cell phone ni Maycee. Ang malaking problema nga lang, wala ni isa siyang kabisadong contact number. Hindi niya kasi nakaugalian ang magsa-ulo ng mga ganoon, kahit nga iyong number niya, nalilito pa siya, eh. “Kung sinunod mo lang sana ako noon pa na sabihin na agad kay Neil ang tungkol sa baby ninyo, eh, ‘di sana wala na tayong problema ngayon kahit pa nawala iyang cell phone mo.” “Okay. I admit it! It’s all my fault. Eh, ano pa ang magagawa ko? Nangyari na, eh.” Lumapit ito sa kanya saka pinisil ang kanyang kamay. “I’m sorry if it seemed that I am blaming you from what happened. Kung hindi ba naman kasi matigas ang ulo mo, eh. Inaalala ko lang talaga kayo ng magiging inaanak ko.” “You don’t have to say sorry, sis. Hindi ka naman kasi talaga nagkulang ng paalala sa akin. Kung bakit ba naman kasi ang gulo ng utak ko at mas inuna ko pa ang magpakaduwag, eh.” “Tama na ang sisihan. Kailangan nating mag-isip ng paraan kung paano kayo magkakausap ni Neil. Hmm. Hindi mo ba talaga tanda ang number ni loviedobs mo? Kahit sino, kahit ate mo, si Mich o kaya…si Vince ba ‘yon?” Tumango siya. “Yeah, si Vince nga. Pero sister, wala talaga akong alam, eh. I hate memorizing numbers. Ang masaklap pa, naiwan ko pa ‘yong list of contact numbers sa bahay.” “I-email mo na lang kaya?” “Eerr, na-hacked ang account ko at hindi pa ako gumagawa ng bagong account.” Hinilot-hilot nito ang sintido. “Ay buhay, dinaig pa ng virus ang kamalasang dumapo sa iyo, ah? Kalat kung saan-saan. Okay, facebook naman siguro meron ka, ‘di ba?” Napangiwi siya sabay ng pag-iling ng ulo. “I hate social networking sites. Mayroon akong facebook dati pero I deactivated my account dahil may nakaaway ako at isinumpa ko na hinding-hindi na ko magpapaka-adik sa mga gano’n.” Napanganga ito. “O-M-G! Ikaw lang naman siguro ang walang fb account, ‘no? Baka naman sina Mich, ang ate mo o kaya si Fafa meron naman siguro.” Napaupo siya sa couch. “Sad to say, anti-social networking sites din ang mga iyon. Ang hindi ko lang alam, eh, kung si Neil ay may account sa fb. Sa ka-busy-han ba naman no’n sa trabaho, makukuha pa ba niyang mag-fb?” Umatungal ito pero walang luha. “Please help me, God. Mga taong-bundok ba kayo? Haler, bidang-bida kaya ang fb at twitter sa buong mundo. Ngayon lang ‘ata ako naka-encounter ng taong hindi napapasama sa pagkahumaling sa mga social networks.” “Oh ‘ayan at least, naka-meet ka na ng mga taong against sa SNS.” “Sumasakit ang ulo ko. Ano na ang gagawin natin? Ang maghintay ng milagro na may magbalik ng cell phone mo? Asa pa tayo! Paano na? How? How? How de carabao?” Tumabi na rin ito ng upo sa kanya. “You need to talk with Neil. Kailangan mong masabi sa kanyang you need to call-off the wedding.” Nasapo niya ang noo. Oo, kinakailangan niyang ipa-postpone ang wedding dahil sa maselang pagbubuntis niya at sa posibilidad na ang itinakdang araw ng kasal nila ang magiging araw ng kapanganakan ng baby nila. Bakit ba ngayon pa nangyari ang lahat ng iyon? Kasalanan niya ‘to, eh! Itinakip niya ang mga kamay sa mukha saka napahikbi. Umisod naman ang katabi palapit sa kanya saka siya inalo. “Sisterets, huwag ka nang umiyak. Sige ka, pati si baby malulungkot niyan. Gusto mo bang mukhang pinaglihi sa problema ang magiging anak ninyo ni Fafa Neil?” “Tama ka kasi, eh. Dapat noon pa sinabi ko na. Sana noon pa nasolusyunan na ‘to agad. Wala talagang dapat sisihin kundi ako.” “Ssh. Sinabi ko naman sa iyo na wala nang dapat na sisihin pa sa nangyayari. Kung ano man ang nasabi ko kanina, dala lang iyon ng pag-aalala. Ganito na lang, subukan mong i-email kahit sino sa kanila through my account.” “E-mail address naman ang problema, sis. Pero don’t worry, medyo tanda ko ang e-mail add ni Mich. Marami kasing chechebureche ang e-mail ni ate at ni Neil.” “Hay jusme, akala ko naman magkakaproblema na naman tayo. Oh, what are we waiting for? Nasaan ba ang laptop mo?” Iminuwestra niya rito ang kinalalagyan ng kanyang laptop at pagkaraang buksan nito ang gadyet, isinagawa na nila ang plano. Nag-email siya agad kay Michelle tungkol sa pagkawala ng cell phone niya. Saka na niya sasabihin dito ang tungkol sa baby. Siguro naman, sa pagkakataong iyon, hahayaan niyang si Neil ang unang makaalam ng tungkol doon. Ayaw niyang masabihan uli ng… Naipilig niya ang ulo nang maalala ang matinding pag-aaway nila ng nobyo. At sa tingin ko, ako talaga ang huli mong sinabihan. Bakit Trish, ano ba talaga ko sa iyo? May halaga ba talaga ko sa ‘yo? Hindi na niya ulit iyon hahayaang mangyari… MAGDAMAG nilang hinintay ni Maycee ang magiging sagot ni Michelle sa mensahe niya ngunit lumipas na ang ilang araw hanggang sa maging isang linggo ay hindi pa rin ito sumasagot. Bihira naman kasi itong humarap sa desktop at kutingtingin ang e-mail nito. Sinubukan din nilang hagilapin sa mundo ng facebook kung may account si Neil o kaya naman si Vince pero wala namang naga-appear na pangalang ganoon doon. Oh my, what we gonna do next? “Ay, kabayo ni Adan! Trish, lumabas ka diyan dali!” Napahumindig siya nang marinig ang pagtili ni Maycee. Napapailing siya. “Ano na naman kaya ang problema ng isang ito?” Lumabas siya ng kuwarto at sinalubong ang naghihisteryang kaibigan. “Hoy baklita, para kang nanalo sa lotto, ha? Ano ang good news?” Imbes na sagutin ang tanong niya, kinuha nito ang palad niya at saka inilapag doon ang isang kapirasong papel. May mga numero na nakalagay doon, mas tama yatang sabihing cell phone number iyon. At kanino naman? “Sisterets, sa sobrang katarantahan nating dalawa, nagkaroon na ‘ata ako ng memory gap para hindi ko maalala na naisulat ko nga pala ang contact number ni Neil. Yes, matatawagan mo na rin siya sa wakas!” Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ng kaibigan. Pakiramdam niya may kung anong umikot sa tiyan niya na sa wari niya’y nakikisaya ang magiging baby nila ni Neil sa nararamdaman niya. Walang atubiling iniabot sa kanya ni Maycee ang cell phone nito at dinayal naman niya agad ang numero ng nobyo. Ang kasiyahang iyon ay tila pansamantala lang. Walang sumasagot sa kabilang linya ni hindi nga rin nagri-ring, eh. Tatlong “toot” lang ang naririnig niya at pagkatapos no’n, putol na ang linya. Sinubukan niya ulit i-dial ngunit ganoon at ganoon pa rin ang nangyari hanggang sa may parang kidlat na dumaan sa isip niya. Love, buti na lang at sinagot mo ang tawag ko. Sorry ha? Naisipan ko kasing magpalit ng number. Masyado nang maraming excess baggage do’n sa isa kong sim, eh. Nanlulumong ibinalik niya kay Maycee ang cell phone. “Wala rin pala iyang silbi, sis. Nagpalit na nga pala siya ng number.” Lumungkot ang hitsura nito. “Akala ko pa naman, magkakausap na kayo. Hindi pa rin pala. Prayers na lang siguro talaga ang pag-asa natin. Ipanalangin na lang natin na maintindihan ka ni Neil once na makabalik na tayo ng ‘Pinas.” “Mukhang may isa pang pahabol na solusyon,” aniya. “‘Ayun naman pala, eh. Tara na at gawin na natin. Ay teka, ano nga pala ang naisip mong last ace?” “By means of sending letters…” “Sulat? Naku lang, kapag iyan hindi pa naging wagi, ewan ko na lang! Teka nga, siguro naman ngayon tanda mo ang address ng tirahan ng loviedobs mo.” Bahagyang kinutusan nito ang sarili. “Ay shungeks. Sabagay, hindi ka naman magsa-suggest kung hindi ka tiyak.” “Let’s just try, wait and see.” NAPAHIGPIT ang hawak ni Neil sa kanyang cell phone. Kung kaya nga lamang niyang kuyumusin iyon ay ginawa niya na at free naman siyang ibato iyon kaya nga lamang ay nagtitimpi pa rin siya. Kanina pa panay ang dial niya sa numero ng nobya pero palaging napuputol ang linya. Correction, two months ka nang try ng try na tawagan ang sweetheart mo, ‘no! kastigo naman ng kanyang konsensiya. Dinampot niya ang ballpen sa isang tabi at doon na lamang ibinunton ang inis niya. Ibinato niya iyon sa direksiyon ng pintuan at sakto namang bumukas ang pinto. Suwerteng hindi natamaan ang pumasok na si Vince. “Bro, easy lang!” “P’re, how could I stay calm at this moment? It’s been two months na wala akong nare-receive na tawag o kahit text man lang na galing kay Trish. Nag-aalala na ko. Sa susunod na buwan na supposedly ang balik niya pero bakit ganito? It’s killing me into hell!” Umupo na ito sa katapat na upuan ng mesa niya. “Hindi lang naman ikaw ang hindi nakaka-receive ng kahit na ano kay Trish. Pati sina Mich at Ate Diane ay walang contact sa kanya. Baka naman kasi busy lang ‘yong tao at nagpe-prepare for the competition. ‘Di ba, next month na iyon at iyon ang closing ng training program nila?” “I know she’s busy pero kahit sana single text lang maka-receive ako sa kanya. She doesn’t know how worried I am each day at halos ikabaliw ko na kaiisip kung ayos lang ba siya…” “‘Sabi ko na nga ba’t mas malala ka pa kung mag-alala kay Mich, eh. Ito na lang ang isipin mo, bro. Hindi naman gagawa ng isang hakbang si Trish without any valid reason. Kaysa mag-isip ka ng kung anu-ano, isaksak mo na lang sa isip mo na one time tatawag din sa iyo si Trish.” Kasabay ng sinabi ng kaibigan ang pagtunog ng cell phone niya. Halos mapahumindig siya. Nagmamadaling sinagot niya ang tawag, without looking who’s the caller. “Trish? Opps, Yna ikaw pala. I’m sorry. Ha? Oo sige, sabay na tayong mag-lunch. Magkita na lang tayo sa katapat na restaurant.” Nang matapos ang pakikipag-usap niya sa dalaga ay agad na pinasalubungan siya ni Vince nang mapang-usig na tingin. “Bro, mukhang napapadalas naman ‘ata ang pagkain ninyo ni Yna na magkasama. Umamin ka nga, ano si Yna sa iyo?” “Kaibigan,” matipid niyang sagot. He smirked. “Kaibigan? O comforter? Papaalalahanan lang kita Neil, huwag kang humanap ng comfort kay Yna. I know from the very beginning that you two became friends because Yna somewhat has same personality as Trish. Saka, hindi ba sobra-sobrang effort naman ‘ata ang ibinibigay mo kay Yna? “Una sinuyo mo siya para maging magkaibigan kayo, ngayon naman lagi kayong sabay kumain. Baka nalilimutan mong kalat sa kompanya ang tungkol sa nalalapit mong pagpapakasal? Hindi magandang tingnan na you’re with someone else while at the same time, you’re preparing for your wedding.” Nasapo niya ang ulo. Naiintindihan naman niya ang punto ng kaibigan. Tama rin ito. Sa tuwing makikita niya si Yna, pakiramdam niya kasama niya si Trish. And it wasn’t good to compare Trish to Yna and Yna to Trish. May pagkakaiba rin namang katangian ang dalawa. Hinarap niya si Vince. “P’re, wala namang malisya ang namamagitan sa amin ni Yna. We’re just friends.” Pinagkadiinan niya ang huling salitang nabanggit. “Oh yeah, kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. Eh siya, sino ka naman para kay Yna ha? Bro, hindi mo ba naisip na puwedeng mahulog sa iyo ang loob no’ng tao? Hindi mo naman siguro gustong makasakit ng damdamin ng ibang tao kaya kung puwede lang gumising ka Neil. Layu-layuan mo na si Yna! It’s unfair fo Yna at lalong unfair kay Trish ‘yan.” “Vince, I know your point but I just couldn’t rid off Yna.” “Ha? Bakit naman hindi?” “Kung basta ko na lang siyang lalayuan, masasaktan ko rin siya.” Dumukwang ito at tinapik ang balikat niya. “Bro, hindi ko sinabing layuan mo nang agad-agad. Puwede namang dumistansiya ka lang. Huwag mo siyang i-treat na special dahil habang ginagawa mo iyon, mas lalong magkakaroon ng posibilidad na umasa ‘yong tao na may katugon ang nararamdaman niya sa iyo. Isa lang iyan, kung talagang mahal mo si Trish, iiwas ka sa gulo. Mamaya niyan, maging tsismis pa iyan at umabot pa kay Trish. Alam mo namang may pakpak ang balita. Maraming tsimoso’t tsismosa sa tabi-tabi.” Pumipintig ang sintido niya. Hindi lamang si Trish ang inaalala niya ngayon, dumagdag pa si Yna na matagal nang gumugulo sa isip niya. Kinakailangan na nga niyang magtayo ng pader sa pagitan nila ng babae. “By the way, bibigyan kita ng copy ng bagong project na gagawin natin. Somewhere in Pangasinan, may abandoned resort doon at naisipan kong bilhin iyon at ipa-renovate ang area.” “Brilliant idea. P’re, kung may matanggap ng update si Mich tungkol kay Trish, pakisabihan naman ako. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya.” “Of course. Tatawag na lang ako sa ‘yo o kaya magte-text.” Pagkalabas ni Vince sa opisina niya, agad siyang nilukob ng lungkot. Isinandal niya ang ulo sa kinauupuan. Pakiramdam niya sasabog na ang ulo niya sa dami nang nagsusumiksik na tanong sa isipan niya. Paano kung nakahanap na ng iba si Trish, ‘yong mas deserving kaysa sa kanya? Paano kung talagang hindi na ito bumalik? Bakit, sa tingin mo ba hindi ka deserving? So, isusuko mo na lang ba ng gano’n-gano’n na lang ang pagmamahal mo sa kanya? buwelta naman ng kanyang konsensiya. Hindi naman iyon ang point, eh. Paano kung biglang ma-realize ni Trish na hindi na pala niya ko mahal? May magagawa pa ba ko para diktahan ang puso niya para mahalin niya ko uli kung may iba na palang kapalit sa puso niya? Don’t be coward, Neil! After all your sacrifices, ipauubaya mo na lang ba sa iba si Trish? Ganoon na lang ba? Hindi mo man lang ba ipaglalaban ang tunay na nararamdaman mo? Ang mga katagang iyon ang bumuhay sa lob niya. Hindi iyon ang panahon para magpakaduwag siya. Hindi iyon ang oras para magduda siya kay Trish. No matter what happens, he wouldn’t postpone the wedding. At wala nang kahit ano o sino na makakahadlang pa sa pagmamahal niya para kay Trish. CHAPTER EIGHT “FELICITATIONS Trish Villegas!” “Je suis vraiment reconnaissant,” nakangiting tugon naman ni Trish at pagkuwa’y inabot ang trophy at cash prize. She can’t contain her happiness at that moment. Pagkatapos ng anim na buwang pagsasanay, isang buwang preparasyon para sa kompetisyon at isang buwan na pakikipagtagisan ng galing, hayun at nagbunga ang lahat ng pawis na ibinuwis niya. Tinanghal siya bilang kampeon sa naganap na paligsahan. Out of a hundred fashion designers―take note, salang-sala ang mga nabigyan ng chance na nagkaroon ng ganoong opportunity―but despite that, she made it up to top three. Hindi lamang siya ang napasok sa last challenge, kasama pati na rin si Maycee. Napatunayan nila na iba ang kalibre ng mga Pinoy. Pero sa totoo lang, gusto na sana niyang mag-back out. Hindi niya kasi gugustuhing makakompetensiya ang taong rason kung bakit hanggang ngayon ay patuloy siyang lumalaban sa mga pagsubok na dumaraan sa buhay niya. Sa maikling panahon, ipinakita nitong isa itong totoong kaibigan.Kung kailan namang handa na siyang magparaya ay saka naman siya nito tinutulan. Buhay na buhay pa sa alaala niya ang mga salitang binitiwan nito sa kanya. Sisterets, kapag inaabot mo ang pangarap mo. darating at darating talaga sa puntong maaaring makalaban mo ang taong malapit sa iyo. Hopefully you get my point here, hindi naman puwedeng kung kailang nasa laban ka na saka ka pa susuko. Hindi nga ba’t iyon ang dahilan kung bakit hindi mo masabi-sabi kay Neil na magkaka-baby na kayo? Dahil ayaw mong pigilan ka niyang maabot ang pangarap mo. Bakit ka nga ba nagtiis na malayo sa mga mahal mo? Hindi ba’t para abutin ang dream mo? Kung ano man ang mangyayari sa atin, it will be a friendly competition. Ang panalo mo ay panalo ko. Ang panalo ko ay panalo mo. Pakiwari niya, tunay na niya talagang kapatid si Maycee. Katulad din ni Michelle, ito ang nagiging konsensiya niya at gumagabay sa kanya. Oh yes, aminado siyang may pagka-easy-go-lucky-girl siya pagdating sa pagha-handle ng buhay niya, but not now. Malapit na siyang maging Mommy. Hindi naging madali sa kanya ang first at second trimester ng pagbubuntis niya dahil talagang naging maselan ang sitwasyon niya. At ngayong nasa huling trimester na siya, mas lalong umiigting ang pananakit ng likuran niya at medyo nahihirapan na talaga siya sa paglalakad. Masuwerte siya dahil hindi siya pinabayaan ng management. At suwerte rin talaga ang hatid sa kanya ng pagdating ni baby sa buhay niya. Iyon ang first baby nila ni Neil kaya espesyal na espesyal sa kanya ang dinadala niya. Gumawa pa nga siya ng scrapbook at doon niya idinidikit ang mga litratong ibinibigay sa kanya ng doctor niya sa tuwing may check-up siya. Sabik na sabik na siyang lumabas ang baby. Sa katunayan, hindi niya inalam ang kasarian ng magiging baby nila para naman may surprise effect. Whether her baby is a girl or a boy, it doesn’t matter to her. Basta ang mahalaga, buhay at malusog ang baby niya. Sa mga pagkakataong nami-miss niya si Neil, kinukuha lamang niya ang kanyang journal at binabalikan ang mga alaalang pinagsaluhan nila. Kung tutuusin, halos makabisado na rin niya ang sulat na ibinigay sa kanya ng nobyo dahil gabi-gabi niya iyong binabasa. Ilang buwan na rin silang walang komunikasyon nito, ni hindi nga niya alam kung natatanggap nito ang mga sulat na ipinapadala niya kada linggo. Gayunman, umaasa pa rin siyang nababasa nito ang mga iyon. At sa pagbabalik niya, sisiguraduhin niyang pupunan niya ang mga naging pagkukulang niya kay Neil. Ipinapangako niya iyon. Nang makababa ng stage, agad siyang sinalubong ng yakap ni Maycee. “Sis, baka naman mapipi ang tiyan ko. Baka mapaanak ako ng wala sa oras, sige ka,” natatawang sabi niya. Aligagang niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya at saka dumistansiya. “Sorry naman po. To the extreme level kasi ang happiness ko for you! Congratulations!” Muli ay niyapos siya nito. “Baklita! Panalo mo rin kaya ito, remember? Ang panalo ko ay panalo mo, so congratulations to us!” Naglapitan din sa kanya ang mga naging kasamahan. Kinamayan siya ng mga ito at binati. Pagkatapos ay nagkaroon sila nang munting salu-salo. Bagama’t hapong-hapo na ang pakiramdam ni Trish, tila ba may naka-reserba pa rin siyang lakas. Hanggang sa makauwi sila ay tila nakalutang pa rin siya sa alapaap. Kaya lang, may espasyo pa rin sa isang sulok ng puso niya. Pakiramdam niya may kulang pa rin. Sana makasama na niya si Neil. “What’s your plan sis?” naitanong ni Maycee sa kanya nang makapasok na sila ng apartment. “To go back where I belong,” maikli ngunit malamang sagot niya. Sunud-sunod itong napailing. “Baka nakakalimutan mo ang sinabi sa iyo ni Doctor Alvarez? Uulitin ko para maalala mo, kabilin-bilinan niya na hindi tayo puwedeng bumiyahe pauwi ng Pilipinas dahil delikado raw iyon para sa ‘yo. Mas makabubuti kung….kung dumito tayo hanggang makapanganak ka.” “Hindi ko naman nakakalimutan iyon, sis. Pero hindi ako makakampante hangga’t hindi ko nakakausap si Neil. He needs to know about the baby. I want to see him. Gusto kong nasa tabi ko siya kapag nanganak ako. Pagmulat ng mga mata ko, siya ang una kong gustong makita.” “Nauunawaan naman kita, eh. Kung ako lang din naman ang masusunod, gusto ko nang magkita kami ni Fafa Neil―este―magkita kayong dalawa. Kaya lang kasi, mahirap makipagsapalaran. Buhay ninyo ni baby ang nakataya rito.” “Maycee, sige na. Umuwi na tayo. Marami na kong pangakong hindi natupad. Marami na kong atraso kay Neil. Ni wala na nga akong kamalay-malay sa nangyayari ro’n, eh. Hindi pa rin nagre-reply si Michelle sa lahat ng e-mail ko at wala rin akong nakukuhang sagot sa mga sulat ko kay Neil…” “Sister, hindi kasi talaga puwede ang gusto mo. Ang inaalala ko lang naman ay ang kaligtasan ninyo ni baby. Jusko, kargo de konsensiya ko kung may mangyaring masama sa inyong dalawa.” “Ano ang gusto mong gawin ko, Maycee? Ang hintayin ang araw kung kailan tayo puwedeng makabalik ng Pilipinas? Pagkatapos ano? Hanggang sa madurog ko ang puso ng lalaking tanging minahal ko ng ganito? Hindi ko kayang tumunganga lang dito, Maycee. What if they are still expecting that I will be there on the wedding? Ayokong paasahin si Neil. At lalong hindi ko kakayanin kung magalit siya sa akin. Ayoko siyang mawala sa akin...” Napahagulhol na siya. Dinaluhan naman siya nito. “Ay jusmiyo! Nagmukha pa ‘ata akong kontrabida. Uy sister, tumahan ka na diyan. Wala akong balak gampanan ang role na evil mother na pinaghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Eh kasi naman, nalilito na rin ako kung saan ako lulugar.” “Pagbigyan mo na ko, sis. Gustung-gusto ko na siyang makita. I am longing for his voice, his care, his sweetnes, his love… Please Maycee, umuwi na tayo ng Pilipinas.” Huminga ito ng malalim. “Hay naku, oo na sige na. Tama na ang ngalngal diyan. Kung hindi ka lang talaga malakas sa akin,hindi ko mapapayagan ang gusto mo. Pero in one condition, kailangan pa rin nating makausap si Doctor Alvarez. Baka may mai-reseta pa siyang gamot sa ‘yo bago man lang tayo tumulak pauwi.” “Thank you so much Maycee!” “TRISH!!!” Tila nayanig ang buong simbahan sa pagsigaw na iyon ni Neil. Walang kaabog-abog na pinagsisisira niya ang mga pinaghirapan nilang idisenyo sa simbahan para sana sa kasal nila ni Trish. Kahit pa hindi nakarating ang nobya sa takdang araw na dapat ay nasa Pilipinas na ito ay pinagpatuloy pa rin niya ang pagmudmod ng mga wedding invitation. Umaasa kasi siyang darating si Trish at sosorpresahin siya sa mismong kasal nila, kaya tinuloy pa rin niya ang kasal. Kaso lang nagkamali pala siya. Ni anino nito ay hindi niya nakita. “Trish, bakit mo nagawa sa akin ‘to? Ano ba ang naging kasalanan ko? Saan ba ako nagkulang? Minahal naman kita ng totoo, ‘di ba? Bakit hindi ka dumating? Bakit Trish? Bakit?!” Muli siyang nagpalahaw ng iyak na kung sinuman ang makakarinig ay matitighaw ang damdamin. Humakbang siya palapit sa tabernakulo at doo’y napasalampak. Ilang segundo pa ay may naramdaman siyang mga kamay sa balikat niya. Si Vince. Tiningala niya ito. “Bakit gano’n, Vince? Ito na ba ang parusa sa akin sa mga pinaiyak kong babae noon? Kapag ba talaga nagmamahal, kailangang masaktan? Akala ko nahanap ko na ang babaeng makakapagpasaya sa akin pero bakit imbes na maging masaya ko, halos magkandapira-piraso ang puso ko ngayon? “Pare, kinontrol ko ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat para maging tapat sa kanya. Nang mga panahon muntik na kong madala sa tukso, nagawa ko pa ring umiwas para sa kanya. Tell me Vince, ano pa ba ang hindi ko nagawa? Ano pa ba’ng kulang ko?” Bahagyang pinisil nito ang balikat niya. “Neil, alam natin kung gaano kalaki ang pagsasakripisyo mo para mabigyan ng magandang kasal si Trish. Wala kang naging kulang. Wala…” “Kung wala naman pala akong pagkukulang, bakit wala siya rito? Pinaasa niya lang ako, p’re. Ako naman itong si tanga na umasa na makikita ko siyang maglalakad sa aisle. I am so stupid! Sino ba naman kasing matinong lalaki ang magtutuloy ng kasal gayong wala naman ang bride niya? Ako lang! Ang laki kong tanga!” isinuntok niya ang kamao sa lupa. “Ang sakit-sakit!” “Tito Neil, huwag na po kayong u-umiyak…” Napahinto lamang si Neil nang marinig ang boses ng batang si Nadja. He faked a smile, at pagkuwa’y hinila niya ito palapit sa kanya. “I-I’m sorry baby, ha? I’m so sorry kung nagkakaganito si Tito. Magpunta ka na muna kay Mommy ‘tapos uwi na kayo, ha? Susunod na lang si Tito, okay ba ‘yon?” “Ayoko po Tito. Dito lang po ako.” Agad namang sumaklolo si Vince. “Baby hayaan mo na muna si Tito. Sige na ako ng bahala sa kanya. Sumama ka na kay Mommy.” Wala namang nagawa ang bata kundi ang tumalima sa utos ng ama nito. Bago tuluyang lumabas ang mga ito ay napasulyap pa siya sa mga ito. Napatingin sa kanya si Michelle, mga tinging nakikisimpatya sa nararamdaman niya. “Pare, may oras pa ‘di ba? Baka… Baka naman na-late lang siya,” umaasa pa ring sabi niya. Tinapik-tapik siya nito. “Neil, you have to be strong. I think, kailangan mo na ring magpahinga. Kanina pa tayo naghihintay dito pero parang malabo na talagang dumating pa siya…” “Ang hirap nang ganito, Vince. Naghintay ako ng siyam na buwan. Pilit kong inunawa ang sitwasyon niya. Binalewala ko ang hindi niya pagpaparamdam sa akin. Ito lang ba ang makukuha ko pagkatapos ng lahat ng pagtitiis ko? Hindi pa ba sapat, hindi ko pa ba naiparamdam sa kanya kung gaano ka-totoo na mahal ko siya?” napasigok siya. “Ba-Bakit kailangang mangyari sa akin ‘to?” “Baka naman―” Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ay agad na siyang sumabad. “Baka ano? Baka may nangyaring hindi maganda? Na may dahilan kung bakit ‘di niya ko sinipot o sadyang kinalimutan na niyang araw ng kasal namin ngayon katulad ng paglimot niyang may naghihintay sa kanya dito?” “Neil, alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo. Alam mo namang napagdaanan ko rin iyan, ‘di ba?” Tukoy nito sa nakaraan nito kung saan hindi ito sinipot ng dating nobya nito sa kasal. “Pero, alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Time will come at malalaman natin ang talagang nangyari. Si Trish lang ang makakasagot ng mga katanungan mo Neil. Let’s still wait…” “Maghihintay na naman para saan? Para mas lalo lang akong masaktan dahil ang totoo ay may iba na siyang lalaki roon. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ko sa kanya after all what happened! Pagod na rin yata ang puso ko, Vince. Suko na ko…” Matamlay siyang tumayo at saka pinuntahan ang pari. “Father, I’m sorry for what I’ve done… ‘Di ko po sinasadyang manggulo rito.” “Hijo, bukas lang lagi ang simbahan at hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Naiintindihan kita at mas lalong naiintindihan ka Niya.” pahayag nito na tumingin pa sa imahe ni Kristo saka muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Neil, hijo, ang lahat ng bagay sa mundo ay pawang may dahilan. Ang bahaging ito ng iyong buhay ay hindi nangangahulugang ito na ang wakas. Bagkus, ito palang ang magiging simula. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa, labanan mo ang galit sa puso mo. Alam kong may rason si Trish kung bakit hindi niya nagawang makarating,” pagbibigay-linaw nito sa kanya. Gustuhin man niyang namnamin ang mga sinabi sa kanya ng pari ay hindi niya iyon magawa dahil litong-lito ang isip at puso niya sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya, hindi na niya alam kung saan pa maniniwala at kung saan pa lulugar. Paano na nga ba niya haharapin ang bukas? PATULOY ang pag-agos ng mga luha sa magkabilang pisngi ni Trish. Magmula pa kanina, wala na siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. At pakiramdam niya, hindi na yata titila pa ang pagbalong ng luha sa mga mata niya. Three weeks ago, nakaplano na ang pagbalik nila sa Pilipinas. Kaya lang, may hindi inaasahang aberyang nangyari kaya hindi natuloy ang alis nila. Biglang nanakit ang tiyan niya at hinimatay pa siya. Iyon ang naging sanhi para mas lalong hindi sila makabalik ng bansang sinilangan. “Trish naman, tumahan ka na. Kanina ka pa―ay jusme kahapon ka pa pala ganyan. Kung hindi mo inaalala ang sarili mo, aber, alalahanin mo naman ang magiging baby mo. Hindi lang ikaw ang umiiyak, pati siya nakikisimpatya sa nararamdaman mo.” “Maycee, bakit gano’n? Wala ba kong karapatang lumigaya? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Dapat…dapat naglalakad ako sa aisle ngayon. Dapat kasal na ko kay Neil. Pero, bakit ngayon parang ang hirap na no’n abutin? Ito ba ang kapalit nang pagkakaabot ko sa pangarap ko?” Tinabihan siya nito at saka sinuklay-suklay ang buhok niya. “Sister, don’t say that. ‘Di ba ang sabi nga, may purpose ang lahat ng mga nangyayari. Baka…baka may mas magandang plano si God para sa inyo ni Fafa Neil. At saka ano ka ba? Kung hindi mo siya maabot ngayon, maaari mo iyon maabot sa ibang araw… Hindi pa lang siguro ngayon ang oras.” “Sis, ang inaalala ko lang naman, eh, ‘yong mararamdaman ni Neil. Ayoko siyang masaktan at ayokong mag-isip siya ng kung ano. Paano kung isipin niyang…isipin niyang hindi ko na siya mahal?” “Bakit naman mangyayari ‘yon? Kung talagang mahal ka niya, uunawain at uunawain ka niya. Ramdam ko naman din kung gaano ka niya kamahal, eh. And one more thing, nagpapadala ka naman ng mga sulat sa kanya, ah? Ang dapat na iniisip mo ngayon ay ang kalagayan ninyo ni baby.” “Oo, nagpapadala ako ng sulat pero bakit wala man lang bumabalik sa ‘king sagot? Natatakot ako Maycee. Siya ang bukod tanging minahal ko nang ganito. Ayokong dumating sa point na mawala siya sa ‘kin…” “Je comprends. Ang sa akin lang, sa ngayon ipanatag mo muna ang sarili mo, okay? Makakasama sa iyo ‘yan, eh,” anito at pagkuwa’y niyakap siya. “Me-Maycee… ang sakit!” “Exagged masyado, ha? Para namang ang higpit ng pagkakayakap ko,” saad nito na may pahampas-hampas effect pa sa balikat niya. “Lukring ka Maycee! Ang sakit ng tiyan ko! Aahh!” “Ayy! Ang laki ko talagang ewan!” sigaw nito na binatukan pa ang sarili at hindi na magkanda-ugaga kung ano ang dapat na gawin. “Manganganak na yata ako! Maycee ano ba!” Tulirong-tuliro si Maycee, hindi nito malaman ang gagawin. Hindi naman niya inaasahan na mapapaaga ang panganganak niya. Pumutok na ang panubigan niya. Walang naging choice si Maycee kundi ang buhatin siya hanggang sa ibaba ng building. Sa hitsura nito, magmumukha itong asawa talaga niya. Nang makababa ay agad naman itong nakatawag ng taxi. “Grabe! Na-keri kong buhatin ka! Hindi pa naman dapat ngayon ang due date ng panganganak mo, ha? I told you, mauudlot talaga ang kasal ninyo ni Fafa Neil. Tingnan mo nga, oh, ‘di ka pa nakakasagot ng “I do” ay mapapairi ka na!” “Tama na nga ang daldal mo diyan! Hindi ko na kaya! Aah!” inda pa rin niya. “Konting tiis na lang okay? Hindi ko kaya magpaanak, noh! Hindi ka puwedeng sa taxi manganak, sister,” pahayag nito at saka bumaling sa driver. “Dépêchez-vous!” CHAPTER NINE Five months later… MAHIGIT isang taon man ang lumipas, tila wala pa ring pagbabago sa Pilipinas. Iginala ni Trish ang mga mata sa paligid at pagkuwa’y sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Kay tagal niyang inasam na makabalik na ng bansang sinilangan at sa wakas, natupad na rin ang munting kahilingan niya. Magkikita na sila ni Neil. Mabubuo na ang pamilya nila. Kipkip pa rin niya sa puso ang pag-asang pakikinggan ni Neil ang paliwanag niya. “Finally, we’re here!” bulalas naman ng kasamang si Maycee. “Je m'ennuie vraiment d'être ici dans les Philippines! Tingnan mo si baby Neil, oh. Mukhang ang saya-saya niya. Excited na ba ang baby na makita ang daddy?” Ibinaling ni Trish ang tingin sa hawak na sanggol at saka nilaro-laro ang kamay nito. Ang features ng mukha nito ay kaparehong-kapareho ng kay Neil. Kapag ngingiti ito, mas lalo niyang naaalala ang ama nito. Nagkaroon ng limang buwang extension ang pamamalagi nila sa Paris. Iyon kasi ang payo ng kanyang doctor. Nais man niyang makabalik na ng Pilipinas agad-agad, pinili pa rin niyang manatili sa Paris alang-alang sa ikabubuti ni baby. Kahit malungkot man ay agad iyong napapawi tuwing pagmamasdan niya ang anak nila ni Neil. It’s a baby boy. Nakasanayan na nga ni Maycee na tawagin itong baby Neil alinsunod sa pangalan ng ama nito gayong Frank Liam ang ipinangalan niya. She named him Frank because she gave birth at France. “Saan ang deretso natin?” tanong ni Maycee. “Mag-check in muna siguro tayo sa hotel bago tayo tumuloy bumiyahe ng Batangas. Magpahinga muna tayo. Baka kasi kung mapa’no naman si baby. Hindi pa nga siya nabibinyagan kung saan-saan na nakakagala.” Pinisil nito ang ilong ng sanggol. “Oo nga naman. Ang batang ‘to, kung saan-saan na nakakarating. Naku, paglaki mo, mahilig ka siguro mag-adventure.” Pagkaraan ay sa kanya naman ito bumaling. “Ay, tama ka sisterets. Mag-hotel muna tayo. Une excellente idée! Para na rin magkapag-boys hunting muna ko.” Napapailing na lamang siya. “Ikaw talaga! In fairness, talagang nasanay ka na sa French, ah? Balik na lang kaya ulit tayo?” “Papayag ka ba? ‘Yon ang isang malaking tanong! Ikaw nga itong atat na atat nang umuwi dito, ‘di ba?” “Correcte!” sagot niya. “Kita mo nga nakigaya ka na rin. Hayaan mo na lang kasi ako para talagang halata na galing tayo sa ibang bansa.” “Ewan ko sa ‘yo!” Nang makahanap ng hotel na tutuluyan nila ay naisipan niyang bisitahin ang laman ng mga maleta niya. Parang kahapon lang, nag-iimpake siya para sa paghahanda sa pagpupunta ng Paris, ngayon nakabalik na siya. Sariwa pa sa alaala niya ang sinabi sa kanya ni Michelle na hindi biro ang walong buwan. Tama nga ito, hindi naging madali ang takbo ng buhay niya sa loob ng mga buwang iyon. Hayun pa nga at nadagdagan pa ng limang buwan ang pag-stay nila sa Paris. Kamusta na na kaya ang mga taong naiwan niya rito? “Sister, ano ‘yon?” pukaw ni Maycee sa naglalakbay niyang diwa. Ininguso pa nito ang sinasabi. May card na nalaglag mula sa maleta. Kunot-noong inabot niya ang bagay na iyon at namangha siya nang malamang isa iyong calling card. Namilog pa lalo ang mga mata niya nang malaman niyang calling card iyon ng kompanya ni Vince. Ibig bang sabihin, all along ay dala pala niya iyon? She ran her fingers through her hair. Anak ng tipaklong, oh! “Oh, bakit? Ano ba’ng meron diyan?” anito at ibinaba ang kalong na bata sa kama. Lumapit ito sa kanya saka hinablot sa kamay niya ang calling card. “Vince Lee? Hmm, this sounds familiar. Siya ba ‘yong naikukuwento mong asawa ni Mich?” Sunud-sunod na pagtango ang isinagot niya. “Pakbet na buhay ‘yan oh! Bakit ngayon lang ito nagpakita kung kailang nandito na tayo sa ‘Pinas? Anak ng tinapa, hindi mo ba alam na dala mo ‘to sister?” She breathed harshly. “Hindi ko alam, eh. Nakasingit lang siguro iyan sa mga gamit ko at hindi ko namalayang dala-dala ko ‘yan. Grabe, kung alam ko lang, eh ‘di sana hindi tayo ganito. Hindi tayo cluless sa mga nangyayari.” “Sisterets, wala na tayong magagawa at hindi na rin naman natin kayang ibalik ang kahapon. But it’s not yet too late para mai-ayos ang lahat at maitama ang mali. Ang mabuti pa, subukan mong tawagan ‘yan ngayon. Para naman hindi ka nangangapa kapag bumalik ka na ng Batangas.” “Hoy baklita, hindi lang naman ako mag-isa ang babalik do’n, ‘no! May kargo na ko at kasama ka. Kailangan ba talagang tawagan ko na agad? Eh, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula.” “Marami! Maraming-marami kang ipaliliwanag sa kanya, sister. ‘Tsaka, si Vince pa lang naman ang kakausapin mo, hindi pa si Neil. OA masyado, ah?” Umingos siya. “Okay ako na ang OA. Palibhasa kasi wala kang ganitong kabigat na problema. Ikaw kaya ang lumagay sa sitwasyon ko. Tingnan natin kung hindi ka ma-paranoid.” “Alam mo, tama na ang satsat. Tawagan mo na dali!” Nagpatianod na lamang siya at natagpuan ang sariling dinadayal ang numero na nasa calling card. Huminga muna siya nang malalim bago pindutin ang call button. Ilang segundo pa ay may narinig na siyang boses sa kabilang linya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. “Good afternoon! This is V-Lee Corporation. President’s secretary speaking. What can I do for you?” “Good afternoon, Miss. May I speak to Mr. Vince Lee?” “Yes Ma’am he’s in. May I say who’s calling, please?” “Please inform him that…that this is Trish Villegas.” “Do you mind holding Ma’am? I am just going to direct the call to Mr. Vince Lee.” “It’s fine,” aniya at saka sumulyap kay Maycee. Tila ba nakikinita niya ang magiging reaksyon ni Vince. Pagkalipas ba naman ng mahigit isang taon ay bigla siyang lilitaw na lang. Diyos ko, sana wala pa ring nagbabago, kagaya nang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko para kay Neil… “TRISH? Ikaw nga ba ‘yan?” Napakislot pa si Trish nang marinig ang tinig na iyon sa kabilang linya. “Vince, si Trish nga ito.” “Ikaw nga, akala ko namali ako nang pagkakarinig sa sekretarya ko. Kumusta ka na ba? At bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” walang patlang na sabi nito. Saglit siyang natigilan. Hindi ba talaga nakakarating ang mga sulat niya sa mga ito? Sa iisang address lamang kasi niya ibinabagsak ang mga sulat niya para sa mga ito. Kalakip ng sulat niya kay Neil ay doon na rin niya inilalagay ang mga sulat niya para sa Ate Diane niya at kay Mich. Pero, bakit parang walang alam si Vince? Siya yata ang dapat na magtanong kung ano ang nangyayari. “Trish?” untag sa kabilang linya. “Ha? Ah, eh, Vince. Wala bang natatanggap na sulat si Mich? Ang daming nangyari, Vince. How’s there? How’s Neil?” “Anong sulat? Wala kaming natatanggap na sulat. Pero tama ka, Trish. It’s a very long story but to cut the story short, maayos-ayos na naman si Neil but I know deep inside him he’s still aching. You know what? Kahit na hindi ka nagpakita a month before the wedding ay tinuloy pa rin niya kung ano ang naging plano. Ganoon siya ka-determinado sa ‘yo. He’s also thinking kasi na you would come and surprised him that day…” Ibig sabihin…Nakagat niya ang pang-ibabang labi at unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang mga pisngi. “Vince, I am so sorry. Hindi ko alam na mangyayari ang lahat ng ito. Hi-Hindi ko sinasadya. Hiindi ito ang gusto kong mangyari.” Narinig niya ang paghugot nito ng hininga. “Naniniwala pa rin ako sa ‘yo, Trish. Alam kong may mabigat kang rason kung bakit ngayon ka lang lumitaw pagkatapos ng mahigit isang taon.” “Vince, hindi ako gagawa ng isang desisyon na walang mabigat na dahilan. Hmm, puwede ba kong humingi ng pabor, Vince?” “What’s that?” “Gusto ko sanang marinig ang boses niya pero kung puwede lang huwag mong sabihing ako ang tumawag. One more thing, puwede bang ilihim mo muna sa iba na nakausap mo na ko especially to Michelle and Neil?” “You can count on me, Trish. Okay, I will transfer the call…” “Thank you so much, Vince.” Pilit niyang kinontrol ang pagsilakbo ng kanyang emosyon. Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari. Malaking palaisipan sa kanya kung saan natungo ang mga sulat na ipinapadala niya? Ang ibig sabihin lang no’n, hindi lang siya ang clueless sa mga nangyayari sa mga ito, maging ang mga ito ay walang nalalaman sa kanya. At si Neil…Labis niyang pinasakitan ang damdamin nito. Itinuloy din pala nito ang kasal. May mukha pa ba siyang maihaharap dito pagkatapos ng mga nangyari? Nanumbalik ang huwisyo niya nang marinig ang baritonong boses sa kabilang linya. “Hello?” Tinutop niya ang sariling bibig upang hindi kumawala ang hikbi niya. Gustuhin man niyang umusal ng anumang salita ay hindi naman niya magawa. Baka imbes na salita ang lumabas mula sa bibig niya, eh, hagulhol ang kumawala roon. At hindi rin naman niya alam kung saan siya magsisimula sa pagpapaliwanag. “Hello? Hello… Who’s this?” Ang sarap pa rin sa pandinig ang boses nito. Kamuntikan nang malaglag ang cell phone niyang hawak nang biglang umiyak si Baby Frank. Patay! Napapakamot siya sa ulo. Wala siyang naging choice kundi ang putulin na ang linya. GANOON na lamang ang pagtataka ni Neil nang mga oras na iyon. He felt something different and there’s something wrong. Ang sabi sa kanya ni Vince, it’s an important client to deal with, pero bakit hindi naman ito sumasagot at pinatayan pa siya ng telepono? At pagkatapos pa, nakarinig siya ng iyak ng sanggol? Very weird. Tumayo siya sa kinauupuan at saka nagmamadaling pinuntahan ang opisina ng kaibigan. “Bro, nakausap mo ba?” tanong ni Vince sa kanya ngunit ang atensiyon ay nakatuon pa rin sa mga papeles na pinipirmahan nito. “Hindi pare. And why do you need to transfer the call? It’s an important client, ‘di ba? Bakit hindi na lang ikaw ang kumausap?” “Nakapag-usap na kami bago ko pa i-transfer ang tawag sa ‘yo. He just wanted to know who’s the VP of V-Lee Company. Masama ba?” “If that’s so, bakit binabaan ako ng phone?” “Gano’n ba? Baka naman napangitan sa boses mo,” pagbibiro nito. “Kita mo ‘to! Ayos mo nga ang sagot mo! At isa pa, nasa bahay ba ‘yong client kasi may narinig pa kong iyak ng bata, eh. Bago bang investor ‘yon?” “Yes. Oh well, kamusta ka naman Neil?” paglilihis nito sa usapan. Nagsalubong ang kilay niya sa naging tanong nito. Napatawa siya. “Ano raw? Parang hindi tayo nagkikita araw-araw, ah? Kailangan talagang kumustahin ako, eh, samantalang nasa harapan mo na ko?” “You know that I am not just referring about your physical and mentally status. Ang concern ko, eh, emotionally stable ka na rin ba? After what happened, ngayon lang ulit ako naglakas ng loob na buksan ang topic na ito.” Sandaling napipilan siya ngunit hindi niya hinayaang ipahalata sa kaibigan ang sumalakay na hapdi sa puso niya. “Once the case was already closed, mananatili na iyong sarado, p’re. One year is enough to forget everything that happened. I am living a new life,” seryosong sabi niya. Nagkibit lamang ito ng balikat. “Pero bro, hindi ba’t puwede pa rin namang buksan ang isang kaso lalo na kung mali naman pala ang naging imbestigasyon sa nangyari.” “What are you trying to imply, Vince?” Umiling lamang ito. “Wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko, ikaw lang ang nagbibigay ng kahulugan. Okay, last na. What if, biruin ka ng pagkakataon? I mean, paano kung mag-krus ang landas ninyo ni Trish? What will be your reaction?” Kinakailangan niyang humugot ng hangin. Umantak ang sugat sa puso niya pagkarinig ng pangalang iyon. Subalit hindi na niya muling hahayaang mabuhay ang sakit na iyon. Hindi na. “Do I know her?” may halong sarkasmong sabi niya. “Neil, just answer that then I’ll stop.” “Mukha ngang wala ka talagang balak tumigil, eh. Okay, I will let you know my answer. Gaya ng sinabi ko kanina, sapat na ang nakalipas na isang taon para magawa kong bumangon sa nakaraan ko. Wala nang magiging impact pa sa akin kung sakali mang magkita kami ulit.” “Hindi ka ba interesadong malaman ang totoong nangyari?” Marahas siyang napabuga ng hangin. “Oo, interesado ako pero noon ‘yon, iba na ngayon. Hindi ko na kailangan pang malaman kung ano ang dahilan niya. Sapat na sigurong rason ang hindi niya pagsipot sa kasal.” Nag-angat na ito ng tingin. “Ibig bang sabihin, in-love ka na talaga kay Zerina?” “Why not? Lahat naman ng qualities na hinahanap ko sa isang babae ay taglay niya. It’s not bad to enter again into a relationship. I’m single as well as she’s single too…” He shook his head frantically. “Are you crazy? That’s impossible! Alam nating dalawa ang real score sa inyong dalawa ni Zerina mula pa sa simula. You’re not serious with her at kung mahal mo man siya iyon ay dahil may pagkakahawig sila ni―” “Enough! Magkaiba ang noon sa ngayon, p’re. Of course, I’m serious with Zerina!” Iyon lang at tinalikuran na niya ito. Dumeretso siya sa desk ni Sarah at saka ito niyayang kumain. CHAPTER TEN “IKAW na ba ‘yan Trish?” Nginitian muna ni Trish ang kasambahay bago nagpalinga-linga sa paligid. Kung ano ang ayos ng kabahayan no’ng umalis siya, ganoon pa rin niya iyon dinatnan ngayon. Nagsalimbayan sa isip niya ang mga alaala sa apat na sulok ng bahay na iyon. Huminga siya nang malalim at saka muling ibinalik ang tingin sa babaeng itinuring na niyang ina. “Manang, may pinagbago ba ang hitsura ko? Huwag po kayong mag-alala, ako talaga si Trish Villegas. Hindi ako isang multo at lalong hindi isang impostor,” hinalinhan pa niya ng pagtawa ang sinabi. “Naku, ikaw nga ang alaga ko!” Yumakap na ito sa kanya. Ipinaloob pa nito ang mukha niya sa mga kamay nito. “Anak naman, sobra mo kaming pinag-alala. Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyo. Kumusta ka naman? Bakit ngayon ka lang nauwi? At saka may nagbago naman sa hitsura mo. Mas sumeksi at gumanda ka pa ngayon.” Napatawa siya ulit. “Iyan ang gusto ko sa inyo Manang, eh. Alam na alam n’yo pa rin ang kiliti ko. Huwag kayong mag-alala, may pasalubong ako sa inyo!” “‘Nak, baka akalain mo nambobola ako, ha? Totoo talagang mas blooming ka ngayon. Mas pumuti rin ang kutis mo. Eh, siya nga pala, sino naman pala siya? Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa kanya?” Ramdam niya ang pang-uusig sa boses at mga tingin ni Manang Ising. Gusto niyang matawa dahil pakiramdam niya pinaghihinalaan nitong may relasyon sila ni Maycee at lalo pa siyang binigyan nito nang nananantiyang tingin nang makita ang buhat-buhat na sanggol ni Maycee. Oh well, hindi niya masisisi ang kung sinuman kung mapaghinalaan sila. Isa pa, hindi naman halata sa hitsura ni Maycee na may itinatago itong malaking pasabog. Kung lalaki lang ito, paniguradong, babae pa ang pipila rito. Aba, guwapo ito at tsinito. Nang hindi pa siya nagsalita ay ang matanda na mismo ang lumapit kina Maycee at pinisil-pisil nito ang maliliit na kamay ng sanggol. Napangiti siya sa tanawing iyon. Si Neil, ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalamang may anak na sila? “‘Nak, ang ganda-ganda naman niya.” Hindi na niya napigilan ang mapabunghalit ng tawa, samantalang napanganga naman si Maycee. “Excuse me po, ha? Lalaki po siya, hindi babae. Igagaya n’yo pa siya sa akin, ha? No way! Magiging hunk ‘ata ang batang ito, ‘no! At saka tingnan mo naman po ang hitsura niya, manang-mana sa kaguwapuhan ng ama.” Natutop naman ng matanda ang sariling bibig. “Pasensiya naman. Tama ka nga, guwapo siya. Ikaw ba ang ama? Trish, nag-asawa ka na pala?” That was another laugh trip. Tuluyan nang namula si Maycee. “Jusmiyo, wala pa ho sa isip ko ang pag-aasawa! Wala pa nga akong naha-hunting, eh. At saka, saang anggulo naman kami naging magkamukha nitong batang ire? Trish, halika nga rito at ikaw ang magpaliwnag. Jusko, naloloka ako.” Nilapitan niya ito at saka hinawakan ang magkabilang balikat ng matanda. “Manang, wala pa po akong asawa―” “Ay susmarya kang bata ka, nagpadisgrasya ka?” Tumawa siya ng pagak. “Manang, hinay-hinay lang po, okay? Hindi po ako nagkaroon ng ka-relasyon sa Paris. Alam n’yo naman po kung gaano ko kamahal si Neil, ‘di ba po?” Lumalim ang gatla sa noo nito. “Sinasabi mo bang…Diyos ko, ibig bang sabihin nagbuntis ka sa Paris? Iyon din ang dahilan mo, tama ba? At si Neil ang ama ng cute na batang ‘to?” Sunud-sunod siyang napatango. Lihim siyang bumuntong-hininga at kunwa’y pinasilay ang isang ngiti sa labi. “Manang, the best talaga kayo. Tama ang lahat ng sinabi ninyo.” Pilit niyang pinasigla ang boses kahit pa sa kabila niyon ay gustong-gusto na niyang yakapin ang matanda at mag-iiiyak dito. Pagkatapos niyang makausap si Vince, walang kaabog-abog na umalis na sila ng hotel para makabalik agad ng Batangas. “Anak, bakit hindi mo agad ipinaalam sa amin ito? Bakit kailangang umabot pa sa puntong magkasakitan kayo pare-pareho?” “Manang, mahaba pong istorya eh. Sa loob na po natin pag-usapan,” aniya. “Oo nga po pala, siya po pala si Maycee. Siya ang naging kasa-kasama ko at naging katulong ko no’ng mga oras na nasa bingit na ko nang pagsuko sa buhay.” Yumukod naman si Maycee at saka inabot ang kamay ng matanda. Magalang itong nagmano. “O ha! Hindi po ako asawa ni Trish, ah? Huwag na huwag n’yo po akong mapagkakamalang lalaki, babae po ako sa puso!” “Hay naku, ikaw talagang bata ka… O siya, maraming salamat sa pagtulong mo sa alaga ko. Halika na kayo sa loob. Alam kong malayo pa ang biniyahe ninyo…” PAGKATAPOS ng one-on-one talk ni Trish kay Manang Ising, sinunod naman niyang kausapin ang ate Diane niya. Pero bago pa man niya makuhang isalaysay dito ang mga nangyari, ilang minuto pa siyang umiyak sa mga bisig nito. Talagang na-miss na niya ang mga tao roon. Hindi niya inaasahang makalipas ang isang taon ay ganoong eksena ang babadha sa pag-uwi niya. Umuukilkil pa rin sa utak niya ang mga nalaman niya kay Vince. Manunumbalik pa ba ang dating “sila” ni Neil? Kagaya ng nasabi ni Vince sa kanya, wala raw talagang natatanggap na sulat ang mga ito na galing sa kanya. Gulung-gulo na siya. Kung gayon, saan napupunta ang mga sulat na ipinapadala niya? Hay, hindi na iyon ang mahalaga ngayon, ang mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ay kung paano niya maipapaliwanag kay Neil ang lahat. “Ate, sa tingin mo kaya maiintindihan din ako ni Neil?” Diane took her face. “Alam kong masakit ang pinagdaanan ni Neil. Saksi ako no’ng mga panahong…he’s hopeless. Kahit pa siguro isang taon ang nagdaan, may natitira pa rin naman siguro siyang pagmamahal para sa ‘yo. Hindi pa naman huli para maiayos sa tama ang lahat.” “Pa-Paano pala kung wala na kong babalikan sa kanya? Paano kung…kung may mahal na siyang iba?” Halos hindi lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon. Isipin pa lamang niya ay parang pinipilipit na ang puso niya. “Sis, hangga’t hindi pa kayo nagkakausap, hindi mo pa malalaman ang sagot. Kung talagang mahal mo ang isang tao at nararamdaman mong may pagmamahal pa siya para sa ‘yo, walang rason para hindi mo ipaglaban ang pag-ibig at kaligayahan mo. Kung wala na talaga siyang nararamdaman, doon ka na sumuko. Isipin mo, may anak kayo. Makakaya mo bang ipagkait sa anak mo ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya?” “Natatakot ako ate. Alam kong galit siya sa akin at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang galit niya. Mas ikinatatakot ko kapag nalaman kong hindi na niya ko mahal. Kapag nangyari ‘yon, gustuhin ko mang mabuo ang pamilya ko, hindi na puwedeng mangyari.” “You are not the “Trish” that I’ve known before. ‘Yong kilala kong Trish ay iyong palaban, matapang, positive mag-isip. Sis, uulitin ko. Hindi mo pa malalaman ang sagot hangga’t hindi pa kayo nagkakaharap. You need to be strong. Okay, kahit hindi na para sa sarili mo, kahit para na lang kay Frank,” wika nito. “Salamat ate,” tanging nasabi niya at pagdaka’y yumapos sa kapatid. Tama ang ate niya, hindi iyon ang oras para pairalin niya ang kahinaan niya. Kailangan niya si Neil. Hindi, mas kailangan ito ng anak nila. Dapat na niyang paghandaan ang pagsasanggang muli ng mga landas nila. Kumalas siya sa yakap ng kapatid nang makarinig nang sunud-sunod na pag-doorbell. Siya na ang nagpresintang harapin ang bisita. Nang buksan niya ang gate, saglit siyang napatda sa kinatatayuan nang mapagsino ang nasa harapan niya. Tila hinahamon talaga siya ng kanyang kapalaran dahil matapos niyang makausap ang Ate Diane niya, hayun at sunod naman niyang makakaharap ang best friend niya. “Best!” Ito ang unang nakahuma sa pagkagulat. “Na-miss kita. Mabuti naman at nandito ka na. What happened to you? At saka bakit ngayon ka lang dumating?” Napanakaw siya ng buntong-hininga. Iisa ang mga tanong ng mga ito sa kanya. Bakit ngayon lang siya dumating? Imbes na sagutin ang tanong nito ay iginiya niya ito papasok sa bahay. Wala siyang imik hanggang sa makarating sila ng receiving room. Naabutan nilang karga-karga ng Ate Diane niya ang baby niya. Manghang lumapit si Michelle sa ate niya. Mahilig ito sa mga bata kaya ganoon na lang ang nabasa niyang kasabikan sa mga mata nito. “Ate, pabuhat naman ako. Ay wait, kanino namang anak ‘to?” “Mine,” maagap niyang sagot. Parang naparalisa ito nang marinig ang sinabi niya. Inaasahan na niya ang magiging reaksyon nito. Inihakbang niya ang mga paa palapit dito at nang mahimasmasan na ang kaibigan, doon pa lamang niya naipaliwanag ang lahat. Si Neil na lamang ang huling natitira. Dapat yata’y nag-record na siya. Tutal naman, iisa din naman ang nagiging paliwanag niya sa mga ito. Kaya lang,nakikinita niyang iba ang kaso kay Neil. Kailangan ng isang masinsinang pag-uusap sa pagitan nilang dalawa… NANG SUMUNOD na araw, napagpasyahan ni Trish na ipasyal ang anak sa park na madalas nilang puntahan noon ni Neil. At kasabay ng mga dahong iniihip ng hangin ay nagsiliparan din sa kanyang gunita ang mga sandaling nagkukulitan sila ni Neil. Eksakto kung saan nakatulos ang mga paa niya nangyari ang pagtugon niya sa pag-ibig ni Neil sa kanya. “No matter what happens I will try my best not to hurt you. Hindi naman kasi natin hawak ang kapalaran natin, Trish. If and only if masaktan kita, sana pag-usapan muna natin ang problema. “Basta ang maipapangako ko sa ngayon, I will make you happy and make you feel special. And of course, ibibigay ko sa iyo ang buong puso ko. Mamahalin kita ng totoo…” Napakislot pa siya nang bumagsak ang mainit na likido sa magkabilang pisngi niya. Naibalik naman niya ang tingin sa anak nang bahagyang mahila nito ang buhok niya. Tila ba ang “gesture” na iyon ay nagsasabing tumahan na siya. Dagli niyang pinahid ang luha at pagkaraa’y kinintalan ng halik ang bunbunan nito. Dinutdot niya ang ilong ng sanggol. “Alam mo ba, ikaw ang dahilan kung bakit nagpapakatatag si Mommy. Mahal na mahal kita, Frank.” Napangiti siya nang ngumiti ito. Bigla na namang gumuhit ang imahe ni Neil sa isipan niya. “Ang guwapo-guwapo ng baby ko. Kamukhang-kamukha ng daddy,” sambit pa niya. “Miss, is this yours?” ani isang baritonong boses at inilahad sa tapat niya ang isang panyo. Magsasalita na sana siya kaya nga lamang pakiramdam niya umurong na ang dila niya nang mapagsino ang lalaking nasa harapan niya. Nagsimulang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. Nakisabay pa sa pagwawala ng puso niya ang pagwewelga ng mga internal organs niya sa katawan. Makalipas ang mahigit labing-dalawang buwang hindi pagkikita, ngayon, malayang-malaya na niyang pagmasdan ang mukha ng lalaking patuloy na nagpapakabog ng dibdib niya. Ang lalaki na pipiliin pa rin niyang makasama habambuhay… Sa kabilang banda, napansin niya ang pagkatigagal sa hitsura ni Neil ngunit hindi katulad ng rumerehistrong kasabikan sa mga mata niya ang pakahulugan ng mga titig nito sa kanya. Hindi maitatago roon ang magkahalong sakit at galit. Napalunok siya at lalong naging abnormal ang ritmo ng kanyang puso. “So…huli na naman pala ko sa balita, ‘no? Nagbalik ka na pala. Kumusta naman ang walong buwang training mo sa Paris na nauwi ng isang taon?” puno ng pait na basag nito sa namagitang katahimikan sa kanila. “Neil…” tanging namutawi sa labi niya, kasabay ng pagbalong ng luha sa mga mata niya. “Don’t I deserve a hug and a kiss?” he asked then moved a little closer to her. Pakiramdam niya lumukso ang puso niya nang hawakan nito si Frank at laru-laruin ang mga daliri nito. Napatawa naman nito ang baby niya. Baby ninyo, pagtatama naman ng isang tinig sa kanyang isip. Napapitlag siya nang magsalita itong muli. “Natuloy pala ang kasal mo, ‘no? Why didn’t you invite me?” Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay animo punyal na sumasaksak sa puso niya. Napakasakit. Kumibot ang labi niya para kontrahin ang sinabi nito ngunit wala namang nanulas na anumang salita mula sa mga labi niya. Paano ba niya maipagtatanggol ang sarili? Nagsimula na ring mangatog ang mga tuhod niya. Mula sa bata ay idinako nito ang mga mata sa kanya. Lumalagos hanggang sa kaloob-kalooban niya ang paraan ng titig nito sa kanya. Hindi niya matagalan ang mga nagpupuyos na titig nito kaya inilihis niya ang tingin sa ibang bagay. “More than a year ago, dito sa mismong lugar na ito ako sinagot ng babaeng kauna-unahan kong sineryoso at minahal… I felt somewhat like I am floating in the air during that magical moment of my life. Oh well, magical nga, 'di ba? Sa fairy tale lang nangyayari… After a year, ‘eto siya sa harapan ko para kompirmahing ang nangyari sa nakaraan ay isa lamang panaginip…” Lalong nanagana ang luha sa mga mata niya. “Neil, nagkakamali ka sa iniisip mo―” “Oh yeah, nagkamali nga ako ng isipin kong you’re the woman I’ve wanted to be with until forever… Maling-mali ako. Anyway, huwag na nating isipin pa iyon. We’re living a different life now. May pamilya ka na at may girlfriend na ko. ‘Nga pala, malapit ko na rin siyang yayaing magpakasal. Huwag kang mawawala, ah?” Mariing kinagat niya ang pang-ibabang labi. Parang dindikdik na bawang ang puso niya nang mga oras na iyon. Kung may hihigit pa sa salitang “masakit” ay iyon na ang nararamdaman niya ng mga puntong iyon. Sumisigid ang sakit hindi lamang sa dibdib niya kundi sa lahat ng sulok ng katawan niya. Mayamaya pa ay may humahangos na babae na tinutumbok ang direksyon nila. Gusto na niyang mapasalampak sa lupa nang makitang humalik ito kay Neil. Agad na pinahid niya ang mga luha. “Honey, pasensiya na kung na-late ako. Ahm, do you know her?” tukoy ng babae sa kanya. “No, hindi ko siya kilala. Ngayon lang kami nagkita. Inabot ko lang ‘yong panyong nahulog niya. So, let’s go,” maagap namang sagot ni Neil. Tumangu-tango naman ang babae. Samantalang siya, she just faked a smile to the two persons in front of her. No, hindi ko siya kilala. Ngayon lang kami nagkita. Parang martilyo na pumupukpok sa ulo niya ang mga katagang iyong sinabi ni Neil. “We got to go, Miss,” ani babae at ilang sandali pa ay para itong mga bulang nawala sa paningin niya. Nanlalatang napaupo siya sa bench na nandoon at pinakawalan na ang hikbing kanina pa niya sinusupil. “Baby, hindi na ko love ng daddy mo…” CHAPTER ELEVEN NANG SA TINGIN ni Trish ay ubos na at tapos na ang pagbukal ng luha sa kanyang mga mata, napagpasyahan niyang bumisita sa kanyang boutique. Dati, ang plano niya, pagkabalik niya’y magkakaroon sila ng pulong ng mga employee niya at saka siya magsasagawa ng isang seminar para maibahagi rin niya ang mga natutunan sa mga ito. Pero, pagkatapos ng mga nangyari sa kanya, mukhang hindi pa niya iyon kayang maisakatuparan. Hangga’t hindi niya naaayos ang buhay niya ay hindi niya alam kung magagawa na ba niyang magtrabaho. “Good morning, Ma’am. Let’s start the magic and fulfill your dream dress, welcome to Magic Fit Couture!” Hindi niya napigilan ang mapangiti. Nakasuot siya ng sunglasses kaya hindi siya nito namukhaan. Idagdag pa na may karga siyang bata. “Good morning to you, Charmaine. Ipagpatuloy mo ‘yang masiglang pag-entertain sa mga customers, ha?” Napakunot-noo ang kaharap. Tiningnan siya nitong maigi. Nang tanggalin niya ang salaming tumatakip sa mga mata niya, doon na siya nito nakilala. Nagkukumahog itong lumapit pa sa kanya at nang akmang yayakapin siya nito ay pinigilan niya ito. “Sorry po. Welcome back, Ma’am! Ang sabi n’yo po, eight months lang po kayo mawawala pero lumipas na ang isang taon, eh, wala pa rin po kayo. Na-miss po namin kayo.” “Nagkaroon kasi nang kaunting pagbabago sa schedule, eh,” palusot na lamang niya. “I think, kahit naman wala ako rito. You can still manage the shop very well.” “Ay naku po, kung wala po marahil si Ma’am Mich para i-guide kami, eh, baka malugi ang shop natin.” Maang na napatingin siya rito. “Biro lang po. Ang cute naman po ng baby na hawak n’yo. Baby po ninyo?” “Yup.” maikling sagot niya. “Wow! Congratulations po, Ma’am. Napaka-guwapo niya. Naku, pipilahan iyan ng mga babae paglaki niya.” “Hoy, bata pa ang anak ko para sa mga ganyang topic, ‘no?” “Bakit naman po hindi n’yo kami in-invite sa kasal ninyo? Kasama n’yo po ba ang daddy niya sa pag-uwi rito?” Ikiniling niya ang ulo. Mukhang nalimutan niyang iintrigahin siya nito tungkol sa bagay na iyon. Ano nga ba ang dapat niyang isagot? Base sa mga ipinakita sa kanya ni Neil kanina, dapat pa bang malaman nito ang tungkol sa anak nila? Napanakaw siya ng buntong-hininga. Mabuti na lamang at dumating si Michelle. “Best, napadalaw ka? Huwag mong sabihing babalik ka na sa pagtatrabaho ulit?” salubong ng matalik na kaibigan sa kanya. “Hindi pa muna sa ngayon. Pinasyal ko kasi si baby kaya dumaan na rin kami rito. ‘Tsaka, I don’t think na magagawa kong makapagtrabaho kung ganitong… Ahm, puwede bang sa office na tayo mag-usap, Mich?” Tumango ito at saka bumaling sa empleyada. “Cha-Cha, ikaw muna ang bahala rito, ah? Eestemahin ko lang ang ating boss.” Napatawa siya. “Uy best, boss ka rin kaya dito.” Nagkatawanan sila at pagkuwa’y tumuloy na sila sa opisina ng boutique shop. Pagkapasok na pagkapasok ay agad siyang kinompronta ng kaibigan. Kilala nito ang bawat pilantik ng pagkatao niya kaya naman napansin agad nito na may “something” na nangyari. Bago niya ikuwento rito ang naganap kanina sa pagitan nila ni Neil ay inihele muna niya ang anak. Nang makatiyak na nakatulog na ito ay maingat na ibinaba niya ito sa sofa na nandoon. Lumapit naman si Michelle sa bata at banayad na hinagod ang noo nito. “Kamukhang-kamukha talaga niya si Neil.” “Mag-anak ka na kasi, bhezzie. Sana babae para mai-arrange natin ang kasal nila.” Manghang napatingin ito sa kanya. “Chos lang. Malay mo naman, sila pala ang magka-in love-an ‘di ba?” “Ang advance mo talaga mag-isip. Alam mo, ang mabuti pa, ikuwento mo na lang sa akin kung ano ang nangyari. Kahit hindi ka magsalita, I know there’s something you want to burst out.” Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ng pagbagsak ng mga luha niya. Naging hikbi hanggang sa maging hagulhol. Tinabihan siya ni Michelle at saka dinala sa balikat nito. Ibinulalas na niya ang sakit sa dibdib niya. Pero bakit ganoon? Imbes na gumaan ang pakiramdam niya, mas lalo pang naninikip ang dibdib niya? Sobrang sakit. Hinagod-hagod ni Michelle ang likuran niya. “Best, ano ba ang talagang nangyari? Magkakaganyan ka lang kung…kung nagkita na kayo ni Neil. Iyon ba ang dahilan?” sapantaha nito. Bahagyang inilayo niya ang sarili rito. “Ta-Tama ka, Mich. Nagkita na kami. Akala ko handa na ko pero…pero hindi pa rin pala. Nagkausap kami. Galit na galit siya sa akin best. Ang sakit-sakit…” Pinisil nito ang kamay niya. “Eh, naipaliwanag mo naman ba ang nangyari sa ‘yo? Nasabi mo ba ang tungkol sa baby ninyo?” Umiling siya. “Best, hi-hindi na niya ko mahal. Malapit na rin siyang ikasal.” Muli siyang nagpalahaw ng iyak. Parang may kamay na pumipilipit sa puso niya. Hindi na niya kaya… “Ibig sabihin, hindi mo sinabi kay Neil ang totoo?” “Hindi ko magawang makapagsalita best, eh. Ni tingnan ang mga mata niya ng deretso, hindi ko kaya. Masakit tanggapin na…na hindi na niya ko mahal. Na may mahal na siyang iba. Na…Na ikakasal na siya. Ang sakit!” Napasigok siya. “Trish…” “There’s no any reason para malaman pa niya ang tungkol kay Frank. Alam mo best, ang pinakamasakit pa, nakaharap ko ‘yong girl at dineny ni Neil na kilala niya ko sa harap ng babaeng pakakasalan niya. They seemed perfectly fit for each other… There’s the spark and love, of course. Kung... If only I know na wala na pala kong babalikan dito, sana pala hindi na ko umuwi…” “Don’t say that, Trish. Paano naman ako, kami na nagmamahal pa sa ‘yo at naghihintay sa pagbabalik mo? Trish, hindi ka nag-iisa. Nandito pa kami at handang saluhan ka sa mga pagsubok na pinagdaraanan mo. Hmm, don’t you think it’s unfair for Neil? Siya pa rin ang ama ni Frank. May karapatan siyang malaman ‘yon.” “Best, kailangan kong mabuhay ng wala si Neil sa tabi ko. I should move on. At kapag nalaman pa ni Neil ang tungkol kay Frank, eh, ‘di posibleng dalaw-dalawin niya ang anak namin. Hindi ko kaya, Mich. I know I sound selfished, pero lalo ko kasing hindi makukuhang makapag-move on. Sa tuwing makikita ko siya at lalo pa kapag dumating ang araw na kasal na siya sa iba, sobra-sobra akong masasaktan. Ngayon pa lang, unti-unti nang namamatay ang puso ko. Just please help me, Mich.” Huminga ito nang malalim. “Hindi ko alam kung iyan ba ang tamang desisyon pero sige, susuportahan kita.” “Maraming salamat,” aniya at yumakap muli sa kaibigan. I’m sorry baby. Mapatawad mo sana ang Mommy sa desisyon niya. Pero kahit wala ang Daddy, pinapangako kong pupunan ko ang posisyon niya sa buhay mo. Mahal na mahal kita... PAULIT-ULIT na sumusundot sa balintataw ni Neil ang naging paghaharap nila ni Trish kanina. God knows how much he wanted to hold her back in his arms. Pero, imbes na gawin iyon, iba ang nangyari. Bitterness welled inside his heart. Sumabog ang poot at galit na matagal niyang inalagaan sa dibdib niya. Aminado naman siyang kahit anong pilit niyang makalimutan ang mga nangyari ilang buwan na ang nakakaraan, patuloy pa rin siyang ginagambala niyon hanggang sa kanyang pagtulog. Parang kailan lang nang tanungin siya ni Vince kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling magsangga ang landas nilang muli ng dating nobya, hayun nga at nangyari ang hindi inaasahan. Dating nobya? gagad ng isip niya. Hindi naman naging pormal ang paghihiwalay nila, ha? Although, nagkaroon na nang tuldok ang lahat sa pagitan nila kanina. May pamilya na ito. Iyon ang mas lalong bumuhay ng galit sa puso niya. Nang mga panahong umaasa siyang magbabalik pa ito, iyon pala, may iba ng lalaki sa buhay nito. Bakit ganoon? Bakit parang siya pa rin ang naging miserable sa huli? Kailan pa ba siya nakauwi? Just this month or six months ago? Tinago lang ba niya sa ‘kin dahil may iba na siyang pinaglalaanan ng pagmamahal? naitanong niya sa sarili. Ano ba ang wala siya para piliin nito ang lalaking iyon kaysa sa kanya? Ang daming tanong sa isipan niya. Mabibigyan pa nga ba iyon ng kasagutan? Ang sabi niya, oras na ang isang kaso ay nakasara na, hindi na kinakailangan pang buksan iyon. Siguro nga, nagkamali talaga siya. Hindi pa pala si Trish Villegas ang katapat niya. Buong akala pa naman din niya, nagtagpuan na niya ang babaeng magpapasigla ng buhay niya. Isa palang malaking kamalian iyon… He was just an adopted child. Isang babae ang nagmagandang-loob na ampunin siya. Ang sabi ng Mama Mirasol niya, iniwan lamang siya ng totoong mga magulang niya sa pintuan ng bahay nito. Hulog daw siya ng mga anghel para rito. Hindi ito nag-asawa at uminog ang mundo nito sa kanya. Pakiramdam niya, nawalan ng saysay ang buhay niya nang mamatay ito sanhi ng breast cancer. Ang tumayong ina niya, ang nagmulat sa kanya na ang bawat isa sa atin ay may nakatakdang soulmate. It was actually weird, dahil wala namang naging asawa ang Mama niya. Pero, ayon dito natagpuan nito ang soulmate nito sa pamamagitan niya… Sunud-sunod siyang napabuntong-hininga bago tinungga ang alak na hawak. Nanunuot ang init na hatid ng alcohol hanggang sa kaibuturan niya. Wari niya, para bang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kirot na nararamdaman niya sa kaloob-looban niya. Hanggang kailan ba ipagkakait sa kanya ang maging masaya? At kung totoo ngang nagagawang hilumin ng panahon ang sugat sa puso ng isang tao, pero bakit sa kanya, habang umuusad ang araw ay nararamdaman niyang mas lumalalim pa ang sugat doon? Why do I still love you Trish? IPINASYAL ni Trish si Maycee sa nayon nila kasama siyempre ang baby niya. Gusto niya kasing makalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Neil nang nakaraang araw. Gusto na niyang simulan ang pagtanggap na hindi na maaaring maibalik pa ang dating “sila” ni Neil. After all, mukhang masaya na rin ito sa buhay nito. Ayaw na niyang guluhin pa ang buhay nito. Paninindigan na lamang niya ang kung ano ang iniisip sa kanya ni Neil. Pero ito lang ang nasisiguro niya, si Neil na ang huling lalaking mamahalin niya. Pababa na sana sila ng kotse nang may pamilyar na bulto siyang natanaw sa restaurant kung saan sana sila kakain. Talaga bang sinusubok na siya ng pagkakataon? Ang lalaking hindi n asana niya nais pang makita ay hayun at nasa hindi kalayuan lang. Kasama pa ang bagong babae sa buhay nito. Pakiramdam niya nahahati ang puso niya. “Sister, wala ka bang balak bumaba? Akala ko ba gutom ka na?” “Ha? Ano kasi, ahm, puwede bang sa iba na tayo kumain? Hindi nga pala masarap ang specialty nila dito.” Napanganga ito. “Ano? Eh, kanina lang binibida mo sa akin kung gaano kasarap ang mga luto nila, pagkatapos ngayon sasabihin mong hindi masarap? Ako ba’y pinaglololoko mo, aber?” “Ah, eh, hindi naman kita niloloko. Ano kasi…” She arched a brow at her. Nakahalukipkip na rin ito, habang ang mga daliri’y tinatapik-tapik sa braso. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga. “Na-nandiyan si Neil sa loob, kaya sa iba na lang tayo kumain. Please…” “Oh really? Where?” Inilinga-linga pa nito ang ulo. Napailing-iling muna siya bago itinuro rito ang dalawa. Napasinghap siya sa bumungad sa mga mata niya. Sinubuan ng babae si Neil. Sinuntok ni Maycee ang kamao nito sa isang palad nito. “Halika na. Ano pa ang hinihintay mo diyan? Susungalngalin ko ang pagmumukha ng babaeng ‘yan. Mang-aagaw siya!” “Hoy baklita, hindi natin siya kilala kaya wala tayong karapatan mambintang. At saka, wala namang alam ‘yong tao sa buong nangyari. Mabuti pa, umalis na lang tayo. Napag-usapan na natin na wala na kong balak pang sabihin ang tungkol kay Frank sa kanya, ‘di ba?” “Naku, wapakels kung walang alam ang babaeng ‘yan tungkol sa inyo. At saka, magtigil ka nga diyan. Tutuloy tayo. Kung gusto mo siyang kalimutan, puwes, simulan mo na ngayon. Umayos ka Trish Villegas at baka ikaw ang mabangasan ko diyan.” Lumabi siya at pagkuwa’y may pumitik sa isipan niya. “Okay, sige tutuloy tayo. Pero―” “‘Ayan na naman ‘yang ‘pero’ mo, eh.” “Makinig ka muna kasi.” Nang manahimik ito ay nagpatuloy siya. “Diyan tayo kakain basta aakto kang asawa ko.” “What?! Ako, magiging asawa mo? Nalulukring ka na ba? Ayoko nga! Manigas ka!” “S'il vous plait, Maycee. Sige na naman, ngayon lang naman ‘to. Intindihin mo naman sana ‘ko. Tutal naman din, ang nasa isip niya eh may asawa na ko kaya paninindigan ko na lang.” “Sa lahat naman ng pagpapanggapin mong asawa mo, eh, ako pa? Eh, hindi naman ikaw ang gusto ko. Si Fafa Neil ang like ko, ‘no!” Mahinang kinutusan niya ito sa ulo. “Ikaw, panay ka pa rin Fafa Neil diyan. Okay sige, ipaaampon na kita sa kanya,” kunwa’y naghihinampong sabi niya. “Ay drinamahan ako. Okay, I’ll do what you want. Kung hindi lang kita kaibigan, naku! Pero ito lang ang sasabihin ko sa ‘yo, mula sa simula na sinabi mo sa akin na hindi mo na ipapaalam kay Fafa Neil ang tungkol kay baby Frank, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sang-ayon sa desisyon mo.” “Thank you Maycee… I love you!” “Achiche! Tigilan mo nga ko, bruha ka!” “Oh wait, watch your voice!” paalala niya. “Okay.” tugon nito sa pang-lalaking boses. “Perfect!” Dalawang table lamang ang layo ng kinapupuwestuhan nila Neil mula sa may entrance ng restaurant. Kaya naman nang pumasok sila ay takaw pansin sila sa mga ito. Sadyang nagtama ang mga mata nila ni Neil pero kagaya ng una nilang pag-eengkuwentro, siya ang unang bumawi ng tingin. Nakikiayon naman sa kanila ang pagkakataon dahil bakante ang table na nasa unahan ng mga ito. Doon sila mismo umupo. Natutuwa naman siya dahil ginagampanan ni Maycee ang role nito bilang “asawa” niya. Sa katunayan, pinaghila pa siya nito ng upuan, sabay bulong ng, “Ang guwapo pala ni Fafa Neil sa personal.” Nabigla siya at natapakan ang paa nito. Mabuti na lamang at hindi nito ininda iyon. Oorder na sana sila nang biglang humarap sa kanila ang babaeng kasama ni Neil. Pareho silang napipilan ni Maycee. “‘Di ba, ikaw ‘yong girl sa park? Nagnakaw siya nang buntong-hininga bago ito sagutin. “Ako nga.” “’Sabi ko na nga ba, eh. May two chairs pa naman dito. Puwede bang saluhan n’yo na kami dito?” “Zerina, ano ka ba?” narinig niyang pagtutol ni Neil. “Honey, mas marami mas masaya, ‘di ba?” anito at pagdaka’y muling bumaling sa kanila. “Dito na kayo.” Bago pa man siya makasagot dito ay naunahan na siya ni Maycee. Akala pa man din niya ay tatanggihan niya ito ngunit nagulantang siya ng sabihin nitong… “No problem. It’s a pleasure to us.” Nang maglahad ng kamay si Maycee para alalayan siya, wala na siyang nagawa kundi tanggapin iyon at harapin muli si Neil. Tama lang naman siguro ang pagpapaunlak ni Maycee sa paanyaya ng nobya ni Neil. Tutal, gusto naman niyang ipabatid dito na tama ang hinala nitong may “asawa” na siya… CHAPTER TWELVE “I’M YNA nga pla. Thanks for accepting my offer.” Sapagkat may karga siyang bata, hindi na siya nag-abala pang makipagkamay rito. Sa totoo lang, malaking pabor sa kanya iyon kasi talagang nakakramdam na siya ng uneasiness. Unti-unti nang gumagapang ang tensiyon sa vital organs niya. Si Maycee ang tumanggap ng kamay ni Yna. “I’m Michael but you can call me ‘Mike’ for short. I’m Trish husband.” Lihim siyang napabuga ng hangin sa tagpong iyon. Akala pa naman din niya, magkakabukingan na. Baka kasi imbes na ‘Mike ‘ for short, ‘Maycee’ pa ang mabanggit nito. In fairness, kinakrir ng baklita ang pag-arte. Bahagyang napakislot siya nang si Neil naman ang maglahad ng kamay. “It’s nice meeting you two together.” Naramdaman niya ang pagdiin nito sa mga salitang sinabi. “I’m Neil, Yna’s boyfiend.” Kiming ngumiti na lamang siya, sabay sabi, “Masaya rin kaming makilala kayo.” Pagkaraan ay tumawag na ng waiter si Maycee. Nang mai-serve na ang order nila ay sadya pang inasikaso siya ng kuno asawa niya. Parang totoo lang, ah? Nabigla pa siya nang subuan pa talaga siya nito. Kamuntikan pa siyang mabulunan sa ginawa nito. “Ang sweet nila honey, ‘no?” ani Yna. “Hmm, I wonder kung bagong kasal pa lang kayo? Ang cute ng baby n’yo.” “Y-Yeah,” naisagot niya. Napasulyap siya kay Neil. Mabuti na lamang at nasa kinakain nito ang tingin. Bagaman napansin niya ang blangkong ekspresyon nito. mas lalong namuo sa isip niya na talagang hindi na siya ang babaeng laman ng puso nito kundi ang babaeng kausap niya. “May balak na rin ba kayong magpakasal?” entrada ni Maycee. “Soon,” maagap na sagot ni Neil na sadya pang hinuli ang mga mata niya. Para siyang nauupos na kandila sa paraang ng titig nito sa kanya. Bahagyang itiningala niya ang ulo dahil nararamdaman na niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. “Congratulations in advance! Paano nga pala kayo nagkakilala?” patuloy ni Maycee. Napatingin din siya rito. Siniko naman siya nito na para bang sinasabing magpigil siya ng emosyon niya. Alam naman niyang tinatanong iyon ni Maycee para na rin sa kaalaman niya. Siguro, para magising na rin siya sa katotohanan. Mabining tumawa ang babae. “Hmm, paano nga ba? Sa totoo lang, hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ‘yon ng buhay ko. Muntik lang naman niya kong masagasaan.” “Uy, hindi ko ‘yon sinasadya, ‘no? May kasalanan ka rin naman. Alam mo nang may rumaragasang kotse ay sumige ka pa rin sa pagtawid.” si Neil. “Ako na naman ang sinisi mo. Ikaw itong kaskasero kung magmaneho. Ipapaalala ko lang na nasa pedestrian lane ako kaya ikaw ang dapat na mag-give way, ‘no!” “Hindi rin, ikaw pa rin ang may kasalanan.” “Ewan ko sa ‘yo!” My goodness, grabe na ang pagpipigil niyang maiyak. Tila ba nakikita niya sa mga ito ang samahan nila noon. Ngayon, iba na ang babaeng kabiruan nito. Unti-unting napipiraso nang pinong-pino ang puso niya sa nasasaksihan. “Sorry ha? Ang kulit kasi ng isang ito, eh.” hinging paumanhin ni Yna. “Wait, kayo naman ang mag-share.” Her mind went blank. Sinipa niya nang bahagya ang paa ni Maycee bilang senyas na ito na ang sumalo ng tanong ng kaharap. At ito na nga ang tumugon. “When I met Trish, I think that was the most memorable day of my life. Katabi ko siya sa plane na papuntang Paris. Masaya siyang kasama. She’s the type of woman with a sense of humor. Hindi boring kasama. Until, malaman namin na pareho pala ang sadya namin sa Paris. Pareho kaming delegado ng Pilipinas na ipanadala roon for a special training, as a fashion designer. That’s it. By coincidence or must I say it’s a destiny…” “How nice! Agree ako sa huli mong sinabi. Destiny nga iyon,” ani Yna. Kahit siya napabilib sa istoryang sinabi ni Maycee. Actually, gusto na niyang tumayo at pumalakpak nang bonggang-bongga. Nang lingunin niya si Neil, hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagdidilim ng mukha nito. “Ang bilis mo pare, ha? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo kung may boyfriend dito sa Pilipinas si Trish before you make a move?” sabad naman ni Neil sa nananantiyang tono. “Neil, that’s not a proper question,” pigil naman ni Yna sa lalaki. Hindi niya inaasahang ibinatong tanong ni Neil. Pinisil niya ang kamay ni Maycee. Sa pagakkataong iyon, siya ang sasagot sa tanong nito. “It’s okay, Yna. Wala namang mali sa itinanong ni Neil, eh. To answer your question Neil. Wala akong naiwang nobyo dito sa Pilipinas.” Pigil-pigil niya ang pag-alpas ng kanyang luha. Ibinabalik lang din naman niya rito kung paano siya nito idineny sa harap ni Yna noon. “You don’t have to worry. Wala kami ni Mike sa kinatatayuan namin kung mayroon man akong kinokonsiderang “boyfriend”. At kung mayroon man akong naiwang boyfriend sakali. Baka nga, nakalimutan na rin ako no’n, eh. It’s possible right? Dahil…dahil maraming maaaring mangyari sa maraming araw na dumaraan. And maybe by this time, he’s dealing with another girl. Eh, ‘di kung sakaling umasa ako sa lalaking iniwan ko, baka ako ang umuwi ng luhaan…” Hindi nakalampas sa kanya ang paghigpit ng hawak ni Neil sa basong nasa kamay nito. Lumipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang apat hanggang sa putulin iyon ni Maycee. “Yna, Neil, I think we need to go. May appointment pa kasi akong aasikasuhin. Please excuse us.” “Ganoon ba? Hopefully, hindi ito ang huli nating pagkikita. Thank you pala ulit sa pagpapaunlak ng invitation ko. Ingat kayo.” “P’re, mauna na kami. I am looking forward for your relationship. Imbitahan n’yo na lang kami sa kasal, ha?” “Of course,” tanging sabi lamang ni Neil ngunit hindi man lang nag-abala tingnan sila. “Ba-bye baby,” pahabol pa ni Yna. “TAPATIN mo nga ako Neil. Minahal mo ba talaga ko o hanggang ngayon isa pa ring kaibigan ang tingin mo sa ‘kin? Panakip-butas lang ba ko?” “Don’t you dare say that, Yna!” napalakas na sabi ni Neil. Hindi niya kasi inaasahang kokomprontahin siya nang ganoon ng nobya. Ilang araw na rin ang nakakalipas magmula ng nangyaring engkuwentro sa restaurant. At simula no’n, lalong nang gumulo ang isip niya. “Sagutin mo ang tanong ko, Neil.” Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. “Sino ba ang nagsabi sa ‘yo niyan? Hanggang ngayon ba pinagdududahan mo pa rin ang pagmamahal ko sa ‘yo?” “Ano sa tingin mo ang sagot sa tanong mo, Neil? Alam mo, sa ilang buwang relasyon natin, ni hindi mo nakuhang mag-‘I love you’ sa akin.” “Hindi iyon ang basehan ng pagmamahal, Yna.” She smirked. “Eh, ano ba ang ‘pagmamahal’ para sa iyo, Neil Ruiz?! I know you’re doing anything to love me back pero hindi naman ako tanga para hindi ko maramdaman na hindi mo magagawang higitan pa sa isang ‘kaibigan’ ang pagmamahal mo para sa akin.” “Hindi totoo ‘yang sinasabi mo.” Marahas itong tumayo. “Admit it, Neil! You’re still in love with your ex-fiancée! Huwag mo na kong gawin lalong tanga, Neil. Alam kong minahal mo ko dahil may pagkakahawig kami. Niligawan mo ko para malimutan mo siya! Rebound lang ako sa ‘yo!” “Stop it, Yna!” “I won’t stop! Tell me Neil, si Trish ba na na-meet natin sa park at ‘yong nakausap natin sa restaurant the last time, siya rin ba ang ex-fiancée mo?” Maang na napatingin siya sa nobya. “How―” “So, tama pala talaga ang kutob ko.” anito. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at saka siya ginawaran nang malakas na sampal. “Hindi ako manhid Neil! Malamang, naramdaman ko na there’s something between the two of you. Your actions confirmed it! How can you do this to me? Bakit sinabi mong hindi mo siya kilala?” Ginagap niya ang mga kamay nito. “I-I’m so sorry, Yna. Pero hindi ko naman intensyon na gawin kang panakip-butas. You’re special to me but…” “But not as special as Trish,” pagpapatuloy nito sa dapat sana’y sasabihin niya. “Alam mo, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako sumugal sa relasyon na ‘to, gayong sa una pa lang alam ko namang dehado ako. Sinunod ko ang puso ko kasi umaasa akong makakalimutan mo siya. Umaasa akong mababaling ang pagtingin mo sa akin. Pero hindi pa rin pala!” He exhaled harshly. “Sa maniwala ka man o sa hindi, minahal kita Yna. Hindi ko sinabi ang tungkol sa naging pagtutuos namin ni Trish dahil ayoko nang guluhin pa ang isip mo. Matagal na kaming tapos ni Trish. May pamilya na rin siya. Huwag na nating guluhin ang mga sarili natin.” Umiling-iling ito. “Neil, naririnig mo ba ang sarili mo? So, ang gusto mo, eh, mabuhay tayo sa kasinungalingan? Magpatuloy ang relasyon natin na parang walang nangyari? How can we do that, Neil? Huwag na nating pahirapan ang sarili natin. Alam ko namang kahit kailan ay hindi ko matutumbasan si Trish sa puso mo. At kahit kailan, hindi mo rin ako makukuhang mahalin nang mas higit pa sa isang “kaibigan”.” “Yna…” “We’re break!” deklara nito. Nang tatangkain niyang hilahin ang braso nito, agad siyang binantaan nito. Napayukyok na lamang siya sa bench na nandoon. Pesteng pag-ibig, dapat pa ba niyang maramdaman iyon? Bakit kailangang patuloy niyang mahalin ang babaeng hindi na maaaring mapasakanya pa? “Shit!” Naisuntok niya ang kamao sa upuan. “SISTERETS, ano na naman iyang drama mo? Bakit nag-iimpake ka? Saan ang outing natin? Mag-oovernight swimming ba tayo?” Tumabingi ang labi ni Trish sa sunud-sunod na tanong ni Maycee. pagkatapos ay nagpakawala ng hangin. “Babalik na kami ng Paris.” Napalunok siya at Natigagal ito sa narinig. “What did you say?” “We don’t have any reason para mag-stay pa kami ni baby dito, eh. Hindi makakatulong sa akin kung mag-i-stay ako sa lugar na ‘to. Hindi lalong magiging madali para sa akin ang makalimot. Patuloy lang akong masasaktan at mahihirapan. Ayoko na ring maabutan pa ang kasal nila Neil.” “Baka naman nabibigla ka lang Trish. Kauuwi mo pa lang natin, ha? Nangako ka sa akin na ito-tour mo pa ko sa Fantasy World,” tukoy nito sa isa sa mga tourist spot na matatagpuan sa Lemery, Batangas. Maihahalintulad ito sa Disney Land, ang pagkakaiba nga lamang ay walang rides doon. “May membership card din naman si Mich do’n, eh. Ibibilin ko na lang sa kanya na mamasyal kayo ro’n. Final na ang desisyon ko, Maycee. We need to leave as soonest as possible. After all, may opportunity pa namang naghihintay sa akin sa Paris.” “But, how’s your boutique? ‘Ayan ka na naman, nagdedesisyon ka agad-agad. Hindi mo muna kinonsulta ang mga tao rito. Paniguradong mabibigla at malulungkot ang mga ‘yon sa gagawin mong ‘yan.” “No’ng bisitahin ko ang MFC, sa tingin ko naman, kahit wala ako, magagawa pa rin no’ng makatayo. Magaling sa pagpapaikot ng pera si Michelle. I know she can manage. Sa kanya naman talaga ang MFC, eh. At saka, magbabakasyon rin naman kami rito every year.” “Eh, pa’no naman ako? Eh, ‘di tapos na rin ang misyon ko rito. Siguro babalik na lang ako ng Manila, after a week.” “Sister, marami kang naitulong sa akin. Ang sabi mo, wala ka ng pamilya sa Maynila, ‘di ba? You can stay here. Masyado ka nang maraming naitulong sa akin. Ang pagtira mo rito ay kulang pa bilang kabayaran ng lahat ng nagawa mo sa akin.” “Bruha, I am not asking anything in return, ‘no!” “You really have a golden heart, sis. At saka you deserve that. Malapit ka na rin naman sa mga tao rito. And na-recommend na kita kay Mich. Starting tomorrow, you can start working at MFC. Good luck!” Napanganga ito. “Really? Thank you, sisterets!” Napayakap na ito sa kanya at pagkuwa’y tila may naalala ito para kumalas agad sa kanya. “Sino nga pala ang titingin sa inyo do’n?” “Isasama ko si Manang Ising. Huwag ka nang mag-alala diyan.” “Sister, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Mami-miss ka namin. Hmm, wala ka na ba talagang balak sabihin kay Fafa Neil ang totoo? Paano na ‘yan kung magtanong si Frank someday about his Dad?” “Ikaw ang ituturo kong ama niya!” aniya na binuntutan pa ng tawa. “Saltik ka talaga, Trish! Hindi nga, seryoso kasi…” Huminga siya nang malalim. “Ikaw ang mag-estima ng sarili mong tanong Maycee. Sa tingin mo, ano ang mangyayayari kung sabihin ko kay Neil ang totoo? Magkakagulo lang, ‘di ba? Masisira ko pa ang relasyon nila ni Zerina. Nagmahal din ako kaya alam ko kung ano maaaring maramdaman ni Zerina kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Neil. Tama na ‘yong ganito. Tahimik…” “Ewan ko sa ‘yo, Trish Villegas! Naisip ko lang kasi, paano kung sakaling sabihin mo ang tungkol kay baby Frank, malay mo manumbalik ang dating “kayo” ni Fafa Neil.” “Mahirap na kasing makipagsapalaran, Maycee. Baka sa huli, ako lang ang masaktan. Mas mabuti kung itutuon ko na lang ang lahat ng pagmamahal ko kay baby…” “Ikaw ang bahala. Pero hindi mo naman madidiktahan ang kapalaran mo. Malay mo, nasa Paris pala true love mo.” “‘Ayan ka na naman. Alam mo, wala na kong ibang mamahalin kundi si Neil. And I think, siya na ang huling lalaking mamahalin ko. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ko na naiisip ulit na pumasok sa relasyon.” “Kalurkey ka, sister! Tama na nga ang drama. Teka, kailan pala ang alis.” “Bukas na.” “What?!” Naiiling na napapangiti na lamang siya. Pagkaraa’y ibinaling na niya ang atensiyon sa pag-eempake ng mga gamit nila. CHAPTER THIRTEEN PAPASOK na sana si Neil ng kanyang kotse kung hindi lang siya pinigilan ng isang matandang babae. Hindi ito pamilyar sa kanya kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya kung ano ang kailangan nito sa kanya. Maglalabas na sana siya ng pera nang pigilan siya nito. “Iho, hindi ko kailangan ‘yan. May itatanong lang sana ako. Ikaw ba ‘yong nakatira diyan?” sabi nito, sabay nguso ng bahay niya. Napatango-tango siya. “Bakit po? Ano po’ng kailangan nila?” “May kilala ka bang Neil Ruiz?” “Ako po si Neil Ruiz. May maitutulong po ba ako sa inyo?” “Hay sa wakas, nahanap din kita!” ani matanda at pagkatapos ay inabot nito ang palad niya. Isang paperbag ang inabot nito sa kanya. “Mga sulat ang laman niyan. Galing pa nga ‘atang Paris. Pasensiya ka na at nabuksan ko na ‘yong isang sulat. Kauuwi ko lang galing ng Cavite. At pag-uwi ko natagpuan ko ‘yang nakaimbak sa mail box ng bahay. Nagkamali siya ng address na nailagay. Ala eh, no’ng isang taon pa halos iyong mga sulat na ‘yan. Sa tingin ko importante ang lahat ng laman niyan.” Nilukob nang hindi niya mawaring emosyon ang dibdib niya. Iisa lamang ang nakatanim sa isip niya na maaaring magpadala ng mga iyon. “Ahm, marami pong salamat. Gusto n’yo ho bang tumuloy muna?” “Hindi na iho.” Napapitlag siya nang kuhanin nito ang palad niya. Tiningnan nito ang guhit ng palad niya na wari ba’y binabasa. “Tapos na ang unos sa buhay mo, iho. Huwag ka nang mag-alinlangan. Sundin mo ang tinitibok ng puso mo…” Iyon lamang at tumalikod na ito. Sandali siyang natulala at pagkatapos ay sumakay na siyang muli sa kotse niya. Binuksan niya ang paperbag. Gusto niyang malula sa dami ng sobre na nakalagay ro’n. Hindi niya malaman kung saan magsisimula. Mabuti na lamang at may bukas ng isang sulat kaya iyon na lamang ang napili niyang basahin. Pakiramdam niya tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makompirma ngang kay Trish galing ang mga iyon. “Oh!” bulalas niya nang may makitang naka-attach na pregnancy ultrasound photo sa sulat. Lalo siyang na-curious kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pang basahin ang nilalaman niyon. À mon amour, How are you Neil? Hopefully you’re doing good as I am. Sorry love kung hindi ako nakakatawag o hindi mo ko ma-contact. I’ve lost my phone (burara kasi eh!) I did my best para ma-contact ko kayo kaya lang nag-iba ka na nga pala ng number. Si Mich naman, hindi sumasagot sa mga e-mail ko. Ito na lang ‘yong last alas na naisip ko. Ang sulatan ka. Napapailing siya. Last alas pala, ha? Eh, palpak naman ang address! Muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa. I know, nagulat ka sa bumungad na ultrasound picture sa ‘yo. But that’s a real picture ng baby sa loob ng womb ng isang ina. And that baby is mine. Mali pala, baby natin ang nasa picture na ‘yan. Oo Neil, I’m already six months pregnant. Ops, bawal ang magalit, ha? I’m really sorry kung ngayon ko lang nagawang aminin sa ‘yo. Natatakot kasi ako na mag-alala ka sa akin masyado. And at the same time, pursigido akong maabot ang pangarap ko. I’m not saying na makakahadlang ka, okay? Ayoko lang na mag-isip ka masyado sa kalagayan ko. Don’t worry, magaling mag-alaga ang co-partner ko rito sa apartment. Sana naging masaya ka sa binalita ko. Magiging daddy ka na! Congrats to us! By the way baka hindi ko magawang makauwi ng February even sa wedding natin but I will do my best para makaabot. If in case, pa-postpone mo na lang muna ‘yong wedding. My OB-Gyne advised me to stay muna rito sa Paris hanggang sa makapanganak ako. Just wait for me Neil. I’ll be there soon together with our son… Behave ka lang, okay? I love you so much! Mag-ingat ka diyan palagi. Huwag magpapagod… PS. Dito ko na rin pala sinilid ‘yong letter ko para kina Ate Diane at Mich. Ikaw na ang bahalang magbigay. Please let me know kung na-receive mo ‘tong letter. Nandito na rin ang contact number ng friend ko. Votre amour. Naisuntok niya ang kamao sa manibela nang matapos niya iyong basahin. Pinagsisisihan niya ang mga salitang binitiwan niya rito. Pinagsisisihan niya iyong mga panahong sumuko siya. Hindi naman pala si Trish ang unang bumitiw sa kanila, kundi siya. Siya ang sumira ng lahat. Siya ang sumira ng relasyon nila. Walang pag-aatubiling in-start niya ang makina at saka iyon pinaharurot. Kailangan niyang makausap si Trish. Kailangan niyang itama ang mga pagkakamali niya. Kailangan siya ng mag-ina niya. Teka, sino pala iyong Michael na pinakilala nito sa kanila? Bahala na. Ang importante ay magkaharap sila. Nang makarating sa destinasyon ay agad siyang umibis ng sasakyan. Si Mike ang nagbukas ng pinto. Agad niya itong kinuwelyuhan. “Ikaw, sino ka bang talaga?!” Itinaas naman nito ang dalawang kamay. “P’re. Ang lahat ng bagay ay madadaan sa mabuting usapan. Chill! Ano ba ang problema mo?” “Tell me about these!” asik niya at saka ibinalandra rito ang mga sulat sa kanya ni Trish. “Sino ka bang talaga sa buhay ni Trish, ha?” “Teka nga lang! Bakit ba ako ang tinatanong mo tungkol dito? Ano pa ang gusto mong malaman bukod sa sulat iyan ni Trish? Bakit hindi mo na lang kaya basahin? At para naman matahimik ka, I am Michael Soriano a.k.a. Maycee,” anito sa matining na boses. Napangiwi siya. Pambihira, isa palang kalahi ni Eba ang pinakilala sa kanila ni Trish. “Hoy girl, kung nabasa ko na ang lahat ng nilalaman ng sulat na ‘to, eh, ‘di sana hindi ko na tinanong ‘di ba? Eh, ngayon ko nga lang nahawakan ‘to, eh.” Kumunot ang noo nito. “Ha? Ngayon lang? Paano naman ‘yon nangyari? Huwag mong sabihing ngayon lang dumating ang lahat ng sulat na ‘yan? Pambihirang buhay ‘yan, oh!” “Paano naman kasi makakarating sa akin ang mga sulat na ito kung hindi naman tama ang address na inilagay ng kaibigan mo. Ikaw ba ‘yong sinasabi niyang kasama sa apartment?” “Yes, my highness,” sagot nito na yumukod pa sa kanya. “May pagkasa-engot talaga si Trish, ‘no? Bakit ba hindi na lang niya rito sa mismong tinitirhan niya ibinagsak ang sulat kung hindi naman pala siya sure sa address ng bahay ko.” “Eh, malay naman ng kaibigan ko. Confident eh. Alam mo, kay Trish mo dapat pinapaliwanag iyan. Hindi sa akin, ‘no!” “Nasaan nga pala siya?” Bigla ay tinutop nito ang sariling bibig. Muli niyang kinuwelyuhan ito. “Nasaan si Trish at anak ko? Umayos ka ng sagot mo, ha?” “Wala na sila dito. Siguro, nasa airpot na sila sa mga oras na ‘to.” “Airport?” ulit niya sa sinabi nito. “Oo, Fafa Neil. Nag-decide kasi ang babaita na bumalik na ng Paris. Naku dali, baka maabutan mo pa sila.” Walang sabi-sabi na binitiwan niya ito at nagdudumaling sumakay ng kotse. Narinig pa niya ang pagtili nito. “Go, Fafa Neil! Sana mahabol mo si Sister!” Oo, kinakailangan niyang maabutan sina Trish. Hindi niya hahayaang mawala ito. Hindi na siya makakapayag na umalis na lang ito basta-basta na hindi ipinaglalaban ang karapatan nito sa kanya. Sa natuklasan niya, parang humampas ang alon sa dibdib niya at binura ng alon ang lahat ng galit at poot na nandoon. Diyos ko, patawarin N’yo po ako sa nagawa ko. Sana bigyan N’yo pa rin po ako ng pagkakataong makasama ang mag-ina ko. Hindi ko po makakayang mawala sila sa akin… HUMAHANGOS na tinakbo ni Neil ang main entrance papasok ng airport, kaya lang nagkaroon pa ng aberya. Hindi siya pinapayagang makapasok sa loob. “Kuya, nakikiusap na po ako. Kailangan ko lang talagang maabutan ang mag-ina ko. Nagmamakaawa na po ako sa inyo. “ “Sir, hindi po talaga puwede. Nasa regulations po iyon at saka baka mapatalsik po ako. Pasensiya na po.” “Kuya, kung kinakailangang kunin n’yo ang wallet ko o kahit na ano, ibibigay ko. Kailangan ko lang po talagang makausap ang babaeng matagal ko nang hinangad na makasama. Kuya, kung alam mo lang, kadarating lang nila dito pero aalis na naman sila. Ni hindi man lang kami nagkaayos. Mas inuna ko kasi ang galit ko sa pag-aakalang may iba na siyang mahal. Nagmamakaawa na ko kuya.” Napaluhod na siya. “Kasi po…” napapakamot sa ulong sabi nito. “Kinakailangan ko lang po talaga silang maabutan. Ako na po ang bahala sa inyo kung mapapagalitan man kayo. Ako na po ang aako ng parusa. Pagbigyan n’yo lang po ako, please…” “Tumayo ka na diyan, bata. Sige na. Baka hindi mo pa sila maabutan.” “Maraming salamat po!” aniya na napayakap pa talaga sa security guard. Pagkapasalamat kay manong ay agad na siyang dumiretso papasok at nagtanong kung nakaalis na ang eroplanong papunta ng Paris. “Sir, na-late na po kayo ng dating. Nag-take off na po ‘yong plane.” Daig pa niya ang nabagsakan ng tone-toneladang bakal sa narinig. Nanlalatang nagpasalamat siya at saka napaupo sa upuang nandoon. Naitakip niya ang mga palad sa mukha. Bukod sa Mama Mirasol niya, si Trish lamang ang babaeng nakapagpaiyak sa kanya. Bakit ganoon? Mali naman yata ang hula sa kanya ng matanda. Ganoon ba talaga kataas ang pangarap niya? “Trish, kailangan kita. Please come back… I’m really sorry…” Bahagyang napakislot siya nang may kumalabit sa kanya at pagkuwa’y naglahad iyon ng panyo sa kanya. Hindi na siya nahiyang kunin iyon. Ni hindi nga siya nag-abalang tingalain man lang kung sino ang nagmalasakit sa kanya. Naramdaman lamang niya na tinabihan siya nito sa pag-upo. “Ito ‘yong second time na nakita kitang umiyak, bakulaw.” ani isang tinig na nagpa-angat ng ulo niya. Bagaman patuloy ang pag-agos ng luha sa magkabilang pisngi, nagawa na niyang ngumiti. Wala siyang maapuhap na salita ngayong nasa harapan niya ang taong pinapanalangin niyang bumalik. “So…natauhan ka na?” Imbes na sagutin ang tanong nito ay hinapit niya ito palapit sa kanya saka ito niyakap nang mahigpit. Oh God, kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong maikulong niya itong muli sa mga bisig niya. Ang sarap pa rin sa pakiramdam ang init na hatid niyon sa kanya. Unti-unti nang nagkakaroon ng buhay ang puso niya, unti-unti ng bumabalik ang masiglang ritmo niyon. Umaawit ang puso niya. At tila dinuduyan siya sa alapaap. “NEIL…I can’t breathe. Papatayin mo na ba ko?” Pagkarinig niyon ay saka pa lamang ito kumalas ng yakap sa kanya. He caressed her cheeks after. “Isang taon man ang lumipas o kahit siguro ilang taon pa, my love for you will never fade away. Utusan ko man ang puso kong magmahal ng iba ay hindi ko pa rin kayang turuan iyon na mahalin ang taong ‘yon. Kasi, nakareserba lang para sa ‘yo ang puso ko. Iisa lang ang laging hahanapin nito at ikaw ‘yon, Trish. Mahal na mahal kita, Ms. Trish Villegas. You’re my dream come true… “Patawarin mo ko kung hindi kita binigyan ng chance na makapagpaliwanag. Patawarin mo ko sa mga masasakit na salitang sinabi ko. Patawarin mo ko kung sumuko ‘ko agad. Kasi naman ikaw, bakit nagkamali ka pa sa address ng bahay ko?” “Ha?” “Mabuti na lang, matiyaga ‘yong matanda at hinanap pa talaga ko. Yeah, sa iba mo ipinadala ‘yong mga letters. Huwag mo nang intindihin ‘yon. Babasahin ko ‘yon lahat mamaya.” “Engeng ko talaga!” Natawa siya at napakamot sa ulo. At pagkuwa’y sumeryoso ang mukha. “ Alam mo Neil, dati ang pangarap ko lang, eh, ang maging tanyag na fashion designer. Ngayon, you are part of my dreams…Kayo ng anak natin. Hindi ako tumuloy umalis ngayon dahil bigla kong naisip ang pangako ko na pupunan ko lahat ng pagkukulang ko sa ‘yo once na makabalik ako. Naging mahina ako at inisip ko ang sarili ko lang. Hindi ang kapakanan ni Frank. Then I realized, I should fight. Mahal kita Neil, kaya ang sabi ko, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang ulit sa akin.” Ginagap nito ang mga kamay niya at saka iyon dinala sa mga labi nito. “Wala ka nang kailangang gawin pa. Kahit kailan, hindi ako nawala sa ‘yo. Mahal na mahal na mahal kita.” “Pa-Paano pala si Yna?” “Break na kami. Sana matagpuan niya ang lalaking mas deserving sa pagmamahal niya. Hmm, Trish…” anito at saka lumuhod sa harapan niya. “I want to ask you this, again. Will you marry me?” Her eyes moistened, pero sa kabila niyon ay hindi maalis ang ngiti sa labi niya. Sunud-sunod niyang itinango ang ulo. “Yes Neil, I will be your bride! From this moment, I do swear to God that I will give anything and everything to you. ‘Will always be there, at sasamahan ka sa biyahe ng buhay mo. I love you, Neil!” Napayakap siya rito at pagkatapos, unti-unti nitong inilapit ang mukha sa mukha niya. Buong suyo, puno ng pagmamahal, pangungulila, pag-aalala ang halik na pinagsaluhan nila. That kiss sealed their promises with each other… Nang maghinang ang kanilang mga labi, doon pa lamang nila namalayan ang mga taong masayang pinapanood ang hindi malilimutang parteng iyon ng buhay nila. Pinasalubungan sila ng mga ito ng masigabong palakpakan. Lumapit sa kanila si Manang Ising bitbit ang isang sanggol. Napalapit na rin si Neil sa matanda. “Is he our son?” “Yup! Ang sabi nila, kamukha mo daw.” “Bakit may ‘daw’ pa? Totoo naman, ah? Damn me, dahil inisip kong anak mo ito sa ibang lalaki. Kaya naman pala, I felt something different no’ng nilaro ko siya no’n sa park. At kaya naman pala napaka-cute niya dahil namana ang charm ng daddy…” Napapailing na lamang siya sa tinuran ng lalaking pinakamamahal niya. Mayamaya pa ay napuno ng tawanan ang buong lugar. Alam niyang iyon na ang magiging simula ng pagbuo nilang muli ng mga maliligayang alaala kasama ang magiging mga anak nila… EPILOGUE SINIPAT ni Trish ang sarili sa harapan ng full-length mirror. Napangiti siya sa sariling repleksiyon. Totoo na talaga ito. Sa wakas! Matutuloy na rin ang pinakaaasam niya. Ang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Dadalhin na niya ang apelyidong “Ruiz”. Hindi niya hinayaang ipahawak sa iba ang pag-aasikaso ng kasal nila ni Neil. Sa pagkakataong iyon, siya mismo ang nag-ayos ng lahat― sa venue, ang susuotin ng buong entourage niya, ang reception at siyempre obra niya mismo ang suot na wedding dress. Ang Ate Diane niya ang maid of honor samantalang si Patrick naman ang kinuha ni Neil bilang bestman. Dapat sana’y si Vince ang kukunin nito, kaya lang ito at si Michelle na ang wedding singer nila kaya hindi na pupuwede. Inabot niya ang pumpon ng rosas na nasa ibabaw ng side table. Perfect! Sa ayos niya, para na talaga siyang kabilang sa mga Disney Princesses. Isang puting V-neckline gown ang suot niya. The V-neckline blends into a wrapped bodice with light beading. Three organza roses adorn the left hip with soft folds of fabric. Ang pinakalaylayan ng gown ay napapalamutian naman ng maliliit na organza roses na may mga maliliit na brilyante. At ang kukumpleto ay ang wreath na nasa ibabaw ng kanyang ulo. Sa wreath na iyon idinugtong ang kanyang belo. Siya rin ang nag-apply ng make-up sa sarili. Fine glitter had been clusted along her cheeks and eyelids. Nakalugay lamang ang lampas-balikat niyang buhok na kinulot. That’s it, hindi pa man siya naglalakad ng aisle ay nararamdaman na niyang parang nakalutang ang mga paa niya sa hangin. Pagkatapos, lumabas na siya ng silid at binagtas ang daan patungo sa sasakyang maghahatid sa kanya sa simbahan. Kabi-kabila ang pagrigodon ng kanyang puso. Mix emotions engulfed her. Sa samu’t saring emosyon na naglulutangan sa dibdib niya, mas nangingibabaw pa rin ang kaligayahang nadarama niya. Napawi lamang ang ngiti sa labi niya nang biglang huminto ang sasakyan. “Kuya, may problema ba?” Iyon pa lamang yata ang kauna-unahang mga katagang namutawi sa labi niya ng araw na iyon. “Ma’am, ah, eh, nasiraan po tayo.” Napapakamot pa sa ulong sabi nito. Anak ng tipaklong, ngayon pa ba masisira ang araw niya? No! Hindi niya hahayaang sirain niyon ang pinakahihintay niyang sandali ng buhay niya. Nagmamadaling bumaba siya ng kotse. Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa may isang kalesang paparating sa direksiyon nila. Hinarang niya iyon. “Manong, nakakahiya man po pero puwede po bang makisabay na rin po ako sa inyo? Kailangan ko lang po talagang dumating sa takdang oras. Nasiraan po kasi kami, eh.” “Ala eh, walang problema iha. Bakit ngayon pa kayo nasiraan?” tanong nito. Bumaba ito para alalayan siya sa pagsakay. “Sinusubok lang po siguro ako ng langit,” naisagot na lamang niya. “Maraming salamat po pala sa inyo.” “Naku, saka ka na magpasalamat kapag nakarating na tayo sa patutunguhan natin.” Isang payak na ngiti ang iginanti niya. Habang tinatahak ang daan papunta ng simbahan, lahat ng taong nadaraanan nila ay napapatingin sa kanya. Hindi na lamang niya iyon pinapansin. Pakiramdam nga niya nakasakay siya sa napakagarang karwahe at siya si Cinderella ng mga oras na iyon. Malapit na sila sa simbahan at tanaw na tanaw niya ang mga taong tila natataranta. Napapangiti siya. Akala siguro ng mga ito mauulit ang nangyari dati. Aba, siya na mismo ang hindi makakapayag na mangyari uli iyon. Pagkarating doon ay nagsilapitan agad sa kanya ang mga importanteng tao sa buhay niya. “Ay jusmiyo kang bruha ka―este―magandang prinsesa pala. Tinakot mo kami! Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyo. At saka ano iyang pakulo mo, ha? Nasaan ‘yong bridal car mo?” si Maycee. “Mamaya ko na ipapaliwanag,” aniya at pagkuwa’y nilingon ang tumulong sa kanya. “Salamat po ulit. Hulog po kayo ng langit.” “O siya, simulan na ang seremonya!” sigaw pa ni Maycee. HABANG UNTI-UNTING inihahakbang ang mga paa sa mahabang red carpet, unti-unti ring lumalabo ang paningin ni Trish sa mga taong nakapaligid sa kanya― maliban sa lalaking malapit sa altar. Ang lalaking natitiyak niyang magdudulot ng kaligayahan sa puso niya hanggang sa huling sandali ng buhay niya. Ang lalaking pinakamamahal niya… Damang-dama niya ang malamyos na himig nina Michelle at Vince. Tila umaawit ang mga anghel at sumasayaw naman sa saliw ng musika ang mga paru-paro sa paligid. Oo, literal na may nagliliparang paru-paro sa loob ng simbahan. This was perfect wedding she had ever wished for! From this moment I have been blessed I live only for your happiness And for your love I'd give my last breath From this moment on I give my hand to you with all my heart Can't wait to live my life with you Can't wait to start You and I will never be apart My dreams came true because of you Nang abutin niya ang kamay ni Neil, pumitlag ang puso niya nang dampian nito ng halik ang kamay niyang nakadaop sa palad nito. Nang bumulong ito sa kanyang tainga wari ba’y sa mismong tiyan niya na nag-ikutan ang mga paru-paro. “You’re the most beautiful bride I have ever seen…” Hanggang sa magsimula ang seremonya, tila ba lumilipad ang isip niya. She was swept away by the moment. “You may now kiss the bride,” sabi ng pari. Doon pa lamang yata nabuhay ang isip niya. Hinarap siya ni Neil at saka dahan-dahang iniangat ang tumatabing belo sa kanyang mukha. Bago nito angkinin ang kanyang mga labi ay may kung anong pinunasan ito sa kanyang pisngi. Oh my, hilam na pala ng luha ang mga mata niya. “I love you, Trish Villegas Ruiz...” Pagkatapos ng mga mala-mahikang katagang iyon ay unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. For a split of second, naglapat na ang kanilang mga labi. The sweetest lips she had ever tasted in her entire life… ***WAKAS***