ANG Pag-ibayuhin ang mga taktikal na opensiba at pakikibakang

advertisement
ANG
Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas
Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
Tomo XLV Blg. 15
Agosto 7, 2014
www.philippinerevolution.net
Editoryal
Pag-ibayuhin ang mga taktikal
na opensiba at pakikibakang masa
para patalsikin si Aquino
I
sa sa pinakamalalaking rali nitong nagdaang apat na taon ang sumalubong sa "state of the nation address" (SONA) ni Benigno Aquino III sa pagbubukas ng reaksyunaryong Kongreso noong Hulyo
28. Ipinakita ng demonstrasyon ng mahigit 60,000 mamamayan sa
iba't ibang panig ng Pilipinas ang bagong antas ng paglaban sa rehimeng US-Aquino. Umalingawngaw sa buong bansa ang mga sigaw sa
lansangan: Patalsikin si Aquino!
Sinasalamin nito ang tuluytuloy na paglawak at pagsidhi ng
galit ng mamamayang Pilipino sa
kabulukan, korapsyon at pagsisinungaling, pagpapakapapet at
pagtataksil, pasismo at brutalidad ng rehimeng Aquino. Dumarami ngayon ang mga sektor na
handang kumilos laban sa nahihiwalay na rehimeng Aquino.
Nagbabadyang sumabog ang
bulkan ng galit ng sambayanang
Pilipino sa harap ng sumisidhi nilang kalagayan at pagtupad ni
Aquino ng lalong mapanalantang mga patakarang antimamamayan at makadayuhan.
S
a
harap ng
kinakaharap nit o n g
krisis sa pulitika, hilong-talilong
sa pagkakataranta ang naghaharing pangkating Aquino. Ilang
araw bago ang SONA, lumabas si
Aquino sa pambansang telebisyon at nagbuga ng sunud-sunod
na matatalim na salita laban sa
Korte Suprema at lahat ng iba
pang sektor na tumutuligsa sa
maanomalya niyang paggamit ng
kabang-bayan sa ilalim ng
DAP. Sinundan niya ito ng
panawagang
magsuot o magsabit ng anumang
bagay na dilaw sa paniniwala niyang tumatamasa siya ng malawak na suporta.
Taliwas sa layunin ni Aquino,
lalo pang nag-apoy ang galit ng
sambayanan laban sa kanyang
rehimen. Kaya gumamit na siya
ng ibang taktika para makakuha
ng awa at simpatya. Muli niyang
ginamit ang hungkag na islogan
ng "matuwid na daan" at "samasamang pag-angat." Muli siyang
sumukob sa anino ng kanyang
ama't ina na pinagmimistulang
mga santo. Kinabukasan, nagopensiba ang "Yellow Army" ng
mga Aquino at pinaugong ang
"isa pang termino" para lumikha
ng ilusyon ng malawak na suporta ng "silent majority" para kay
Aquino.
Walang kumakagat sa mga
taktikang ito ng manipulasyon ng
upinyong publiko. Bigo si Aquino
na bilugin pang lalo ang ulo ng
sambayanan at idiskaril ang pagsulong nila sa landas ng pakikibaka. Sa desperasyong humabi ng
ilusyon ng pagbabago at kaunlaran, kaliwa't kanang mga kasinungalingan ang sunud-sunod na
ipinutak ni Aquino: ang umano'y
mabilis na pagkilos upang sagipin
ang mga biktima ng Yolanda, ang
umano'y mga hakbangin upang
bigyan ng trabaho ang mamama-
yan, pag-unlad ng ekonomya at
pag-ahon sa kahirapan, ang
umano'y paglilinis ng gubyerno,
pagkamit ng kapayapaan, mas
mababang tantos ng kriminalidad
at iba pang mga paglulubid ng
buhangin.
Subalit sadyang manipis at
marupok ang hinahabing mga
ilusyon ni Aquino tungkol sa
pagbabago at pag-unlad. Napakalinaw sa sambayanang Pilipino
na ang pag-upo ni Aquino sa tronong nasa tuktok ng bulok na
burukrata-kapitalistang sistema
ay paggamit ng kabang-bayan at
pribilehiyo para sa pampulitikang kapakinabangan ng sariling
pangkatin, mga kaibigan, kamag-anak at kauri. Sa kabila ng
malawakang pagkundena sa sistemang pork barrel, muli na namang binababoy ni Aquino ang
badyet sa 2015 na nakadisenyong gamitin para sa pagpapalawig ng kapangyarihan ng kanyang pangkatin.
Ang kongkretong kundisyon
ng mamamayang Pilipino ang
nagtuturo sa kanila na dapat nilang bagtasin ang mahirap na daan ng pakikibaka para ipagtang-
gol at isulong ang kanilang pambansa at demokratikong mga
mithiin. Walang kapantay ngayon ang bilang ng wala at kulang
ang trabaho. Lugmok sa kahirapan ang mayorya ng mamamayan. Patuloy ang malawakang
problema ng kawalan at pangaagaw ng lupa. Malinaw sa sambayanan na malaking kasinungalingan ang "kaunlaran" ni Aquino
na ikinatutuwa lamang ng dayong malalaking bangko at kapitalista at kanilang mga kasabwat
na lokal na malalaking kapitalista.
Nagngingitngit sa galit ang
sambayanang nagmamahal sa
kalayaan dahil inilugmok ni Aquino sa putik ang pambansang kasarinlan ng Pilipinas. Rurok ng
pagkakapapet ni Aquino ang pagpirma niya sa bagong kasunduan
sa US (ang Enhanced Defense
Cooperation Agreement o EDCA)
na magbibigay-daan sa pagtatayo ng mga base militar ng US sa
iba't ibang panig ng bansa.
Pinananagot ng mamamayan
ang gubyernong US sa ibinibigay
nitong suporta militar sa rehimeng Aquino. Duguan ang kamay
Nilalaman
ANG
Taon XLV Blg. 15 Agosto 7, 2014
Ang Ang Bayan ay inilalabas sa
wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon, Waray at Ingles.
Maaari itong i-download mula sa
Philippine Revolution Web Central na
matatagpuan sa:
www.philippinerevolution.net
Tumatanggap ang Ang Bayan ng
mga kontribusyon sa anyo ng mga
artikulo at balita. Hinihikayat din ang
mga mambabasa na magpaabot ng
mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating pahayagan. Maaabot
kami sa pamamagitan ng email sa:
angbayan@yahoo.com
Editoryal: Paigtingin ang mga opensiba
at pakikibakang masa laban kay Aquino
1
Saan napunta ang DAP?
3
Ang pambababoy sa kaban ng bayan
4
“Pagtitipid,” bagong kurakot ni Aquino
4
Hatol ng bayan: Patalsikin si Aquino
5
10 aksyong militar sa Mindanao
6
4 na POW sa Caraga, pinalaya
6
11 sundalo, patay sa EV
8
Presyo ng mani, napataas sa Panay
8
Milisyang bayan sa SMR
9
Aktibistang magsasaka, pinatay sa ComVal
10
Syentista, nakapagpyansa
10
Death squad sa Rizal
11
Pribatisasyon sa LRT1
11
Mga protesta laban sa Israel
12
Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan
ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas
2
ni Aquino, ng AFP, PNP at mga
armadong pwersa ng estado sa
panunupil sa mamamayan at
pagtatanggol sa interes ng dayong mga kumpanya sa pagmimina at malalaking plantasyon.
Walang habas ang pamamaslang,
masaker, pagdukot at mga iligal
na pag-aresto, pananakot at
pang-aabuso. Para kay Aquino,
ang usapang pangkapayapaan ay
isa lamang malaking palabas.
Malinaw sa sambayanan na
walang pinag-iba ang rehimeng
Aquino sa mga nagdaang rehimen sa pagtupad nito ng saligang
mga patakaran sa ekonomya, pangangayupapa sa imperyalismong US at panunupil sa bayan.
Buo ang loob ng sambayanan na
wakasan ang paghahari ng rehimeng US-Aquino at isulong ang
kanilang pambansa at demokratikong pakikibaka.
Kumakalat ang malawak na
kilusang protesta sa mga kampus, pabrika, komunidad, mga
palengke, upisina, simbahan at
iba pang lugar para patalsikin
ang rehimeng Aquino. Kumakalat
ang panawagan para sa pagsasakdal o impeachment ni Aquino
at nagbabantang bumulwak sa
malaking kilusang masa ng daanlibong nagmamartsa sa lansangan.
Lubos na sinusuportahan ng
Partido Komunista ng Pilipinas
(PKP) ang pagpapaigting ng mga
pakikibakang bayan para patalsikin ang rehimeng US-Aquino. Kasabay ng pagpapalakas ng kilusang masa sa kalunsuran, inaatasan ng PKP ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) na paigtingin
ang armadong pakikibaka sa buong bansa. Dapat patuloy na
agawin at hawakan ng BHB ang
inisyatiba sa paglulunsad ng paparaming taktikal na opensiba laban sa armadong pwersa ng estado upang pahinain ito at bigyang-inspirasyon at ibayong
bwelo ang kilusang masa para
patalsikin si Aquino.
~
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
Saan napunta ang DAP
ni Aquino?
S
aan inilaan ni Benigno Aquino III ang kanyang P144 bilyong
pondong pork barrel na tinaguriang Disbursement Acceleration Program (DAP)? Sino ang nakinabang dito? Sa pag-aaral
sa listahan na inilabas ng Department of Budget and Management
(DBM), makikita na ang DAP ay ginamit ni Aquino bilang malaking
pondo para palakasin ang kanyang pampulitikang kapangyarihan bilang padrino ng mga senador, kongresista at mga lokal na upisyal.
Umabot sa P17.3 bilyon ang
inilaan sa mga “proyektong hiniling ng mga kongresista, lokal na
upisyal at mga ahensya ng gubyerno” na katulad ng pinopondohan ng PDAF. May mga inilabas na kwestyunableng pondong
“lump sum” (o pondong inilalabas na walang malinaw na detalye kung saan gagamitin) tulad
ng inilaan para sa “iba't ibang
proyektong pang-imprastruktura,” “iba't ibang prayoridad” at
mga katulad na kategorya.
Kabilang dito ang P2 bilyong
inilaan sa unang distrito ng Tarlac, prubinsya ng mga Aquino at
Cojuangco, para pondohan ang
“paggawa at pag-aayos ng mga
kalsada,” bukod pa sa P80 milyon na inilaan sa pag-aayos ng
Subic-Clark-Tarlac Expressway
na dumadaan sa Hacienda Luisita. Katulad ito ng padron noong
panahon ng diktadurang Marcos
kung saan malaking pondo ang
inilaan sa mga proyektong pangimprastruktura sa Ilocos Norte,
prubinsya ng mga Marcos.
Nabunyag din na ginamit ni
Aquino ang pondong DAP para
gamitin sa labis na kompensasyon sa Hacienda Luisita. Natukoy na naglaan ng P5.4 bilyon ng
pondong DAP sa Department of
Agrarian Reform kung saan ang
P471.5 milyon ay ginamit para
bayaran ang mga Cojuangco para sa Hacienda Luisita Inc.
(HLI). Ang kabayarang ito ay labis nang P167 milyon sa itinakdang balwasyon ng Korte SupreANG BAYAN Agosto 7, 2014
ma. Ibinayad ito sa pamilyang
Cojuangco-Aquino kahit hindi pa
naipapamahagi ang mga titulo
sa lupa.
Dagdag pa sa inilaan sa Tarlac, tinatayang lagpas sa P14
bilyon na pondong DAP ang inilabas ni Aquino ilang buwan bago ang eleksyong 2013 para sa
mga kalsada, iba't ibang proyektong imprastruktura, “tulong”
sa lokal na gubyerno at para sa
“counterinsurgency.” Ang pinakamalalaking bahagi nito ay napunta sa Iloilo (P66.2 milyon),
Cebu (P55.3 milyon), Northern
Samar (P50 milyon), Batangas
(P30 milyon) at Davao City (P20
milyon). Bagamat napakaliit, kabilang ang Batanes (prubinsya ni
Florencio "Butch" Abad) sa nakatanggap ng malaking bahagi
(P11.2 milyon) ng pang-eleksyong pondong DAP.
Isang bugso rin ng pondong
DAP ang inilabas noong katapusan ng 2011 hanggang 2012
at napunta
sa mga senador na
bumoto para hatulang
maysala
ang dating
punong
mahistrado ng Korte
Suprema na
si Renato Corona. Nakatanggap
ng P50-P100 milyong pondong DAP ang
mahihigpit na kaalyado ni Aquino sa Senado na sina Franklin
Drilon, Antonio Trillanes, Francis "Chiz" Escudero, Alan Peter
Cayetano, Teofisto Guingona
III, Sergio Osmeña III, Edgardo
Angara at Francis Pangilinan.
Tinatayang umabot sa P13 bilyon mula sa pondong DAP ang
inilabas ni Aquino para tiyakin
ang pagpapatalsik kay Corona.
Nakinabang din nang husto
ang malalaking dayuhang negosyante at kumprador sa paglalaan ni Aquino ng DAP sa mga proyektong mapupunta sa kontrol
ng mga kapitalista. Kabilang dito ang inilaang P450 milyon na
pondong DAP para sa anti-mamamayan at mapanirang proyektong Jalaur River Multipurpose Project Phase II sa Calinog, Iloilo na inilabas sa ngalan
ni Senador Drilon.
Sa pamamagitan din ng DAP,
nagawa ni Aquino na paburan
ang dayuhang kumpanyang Marubeni at Tokyo Electric Company na nasa likod ng Team
Energy na siyang nagpapatakbo
ng power plant sa Pagbilao,
Quezon. Ang utang na buwis ng
Team Energy na P6.1 bilyon sa
lokal na gubyerno ng Quezon ay
“pinatawad” ni Aquino. Binigyan
na lamang niya ng P1.5 bilyong
pondo ang Quezon bilang kapalit, kabilang ang P750 milyon
mula sa pondong DAP.
Umabot naman sa P30
bilyon ng pondong DAP
ang inilaan ni Aquino sa
Bangko Sentral ng Pilipinas. Tinatayang malaking bahagi nito ay
pinakinabangan ng malalaking bangko at malalaking kumpanya.
Wala pa sa 1% ng halagang ito ang inilaan
sa pagpapautang sa
mga negosyong maliliit at
katamtaman ang laki (small
and medium-scale enterprises).
~
3
Ang pambababoy ni Aquino
sa kabang-bayan
B
uhay na buhay ang sistemang pork barrel sa badyet ni Aquino
para sa 2015. Malaking bahagi nito ay nakatuon sa pagpapalakas ng makinaryang pampulitika ng pangkating Aquino para
sa eleksyong 2016. Napakalaking bahagi ng badyet na ito ay “lump
sum” o walang nakasaad na detalye na maaaring ilaan sa iba't ibang
mga gastusin na walang paunang pagpapatibay ng Kongreso. Madali ring maililihis ang gayong pondo sa mga bogus na proyekto
para magamit ang pera bilang panggastos sa eleksyon.
Ang badyet ng rehimeng
Aquino para sa 2015 ay aabot sa
P2.606 trilyon, mas malaki nang
mahigit 15% (P341 bilyon) kumpara sa badyet ng 2014. Subalit
67% lamang nito (o P1.739 trilyon) ang nakadetalye sa General
Appropriations Act of 2015 (batas sa badyet) na isasalang sa
pagsusuri at pagpapatibay ng
Kongreso.
Mahigit P800 bilyon ang hindi na dadaan sa Kongreso, kabilang ang P372.863 bilyon na awtomatikong nakalaan para bayaran ang interes sa utang ng gubyerno. Hindi rin isasalang sa
Kongreso ang mga pondong hawak ni Aquino, kabilang ang
P378 bilyong Presidential Special Purpose Fund at ang P123
bilyong Unprogrammed Expenditures. Naglaan din ng P389 bilyon para sa Internal Revenue
Allotment (IRA).
Aabot sa P21 bilyon ng kabuuang P25 bilyong pinondohan sa
ilalim ng PDAF noong 2014 ang
ipinasok sa badyet ni Aquino sa
2015. Ang mga ito ay kinansela
matapos ideklara ng Korte Suprema na iligal ang PDAF. Kabilang sa mga pondong PDAF sa
bagong badyet ni Aquino ang
P7.26 bilyon sa ilalim ng DPWH,
ang P4.1 bilyon sa DSWD at
P1.03 bilyon sa TESDA.
Pork barrel din o pondo para
matiyak ni Aquino ang katapatang pampulitika ng mga lokal
na upisyal ang aabot sa P20.9
bilyon na inilaan sa mga proyek4
to ng mga lokal
na gubyerno na
tinukoy sa pamamagitan ng
tinaguring
Bottom-UpBudgeting
(BUB). Bukod
dito, may haha-
wakan din si Aquino na P2.9 bilyong LGU Support Fund na walang malinaw na detalye.
Lumaki nang mahigit 30%
ang badyet ng DSWD dahil sa laki ng idinagdag sa pondong para
sa Pantawid Pamilyang Pilipino,
ang dambuhalang maanomalyang programa ng pamumudmod
ng pera, na
ipinagmamalaki ni
Aquino na
solusyon sa
kahirapan.
Ang pondong
ito ay karaniwang ginagamit
ng mga lokal na pulitiko para tiyaking makuha ang boto ng mga
tumatanggap nito.
~
“Pagtitipid,” bagong kurakot ni Aquino
S
a ilalim ng rehimeng Aquino, ang dating magandang asal na
“pagtitipid” ay naging maruming sistema ng pangungurakot
sa kabang-yaman ng bayan. Sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program (DAP), itinulak ni Aquino ang “pagtitipid” upang
arbitraryong kaltasin ang pondo para sa ilang proyekto o programa para mailaan ito sa mga proyekto ng mga pinapaburang
pulitiko o negosyante.
Ang sistemang ito ng paglilihis ni Aquino ng pondong “natipid” sa ilalim ng DAP ay idineklarang iligal ng Korte Suprema.
Ang gayong iligal na paglilihis ng pondo ang isa sa mga batayan
ng isinampang kasong “impeachment” o pagsasakdal kay Aquino.
Kaya naman sinalubong ng mariing pagtuligsa ng isang malawak na koalisyon ang ipinapanukala ni Aquino na pagbabago
sa kahulugan ng “savings” o pagtitipid sa bagong badyet para sa
2015. Dati, ituturing lamang na “natipid” ang natirang pondo sa
katapusan ng taon o kaya pagkatapos makumpleto ang proyektong pinaglaanan nito. Ang nais ni Aquino, ituring na “natipid”
ang pondo kahit hindi pa nasisimulan ang proyekto o programang pinaglaanan nito at kahit sa gitna pa lamang ng taon.
Anang People's Initiative Against Pork Barrel, ang bagong
depinisyon ni Aquino ng pondong “natipid” ay paraan para ikutan ang naunang desisyon ng Korte Suprema laban sa DAP. Kung
mailusot man ito, pawawalansaysay nito ang kapangyarihan ng
Kongreso na pagpasyahan ang paglalaan ng kabang-bayan at bibigyang-daan ang pagbubuo ng malaking pork barrel na nasa
poder ng presidente.
~
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
Hatol ng bayan:
Patalsikin si Aquino
U
mabot sa 60,000 ang lumahok sa mga kilos-protesta sa iba't
ibang panig ng bansa kasabay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Benigno C. Aquino III noong Hulyo
28. Nagsagawa sila ng kani-kanilang bersyon ng SONA ng bayan para
isiwalat ang tunay na kalagayan ng Pilipinas.
Ang kilos-protesta ngayong
taon ay kinatangian ng bagong
antas ng galit—salamin ng ngitngit ng mamamayan sa nabulgar
na paggamit ni Aquino sa kabang-bayan para sa panunuhol
at korapsyon. Lalo pang nagpuyos ang galit ng mamamayan kay
Aquino nang tuluy-tuloy pa nitong depensahan ang Disbursement Acceleration Program
(DAP) matapos ito ideklarang
iligal ng Korte Suprema. Ang
nagkakaisang sigaw ng mga demonstrador na “Patalsikin si
Aquino!” ay umalingawngaw sa
buong bansa.
Sa Metro Manila, umabot sa
30,000 ang nagmartsa sa Commonwealth Ave. patungong Batasang Pambansa sa Quezon
City, ayon sa Bagong Alyansang
Makabayan (BAYAN) na siyang
namuno sa pagkilos. Kabilang sa
mga demonstrador ang ilanlibong magsasaka mula sa Central
Luzon at Southern Tagalog na
ilang araw na nagmartsa patungong Maynila.
Pinigilan ang martsa halos
dalawang kilometro pa ang layo
sa Batasang Pambansa. Nagtalaga ng 10,000 pulis at 400 sundalo na nakatayo sa likod ng susun-suson na barikada ng mga
sementado at bakal na harang
na pinaikutan ng alambreng tinik at mga higanteng container
van. Binalutan din ng alambreng
tinik ang gitna ng haywey upang
pigilang makatawid ang mga raliyista. Habang nagtatalumpati
si Aquino, binomba ng tubig ang
mga raliyista, na ikinagalit maANG BAYAN Agosto 7, 2014
ging ng nabiktima ring upisyal
ng Commission on Human Rights
(CHR) na itinalagang sumubaybay sa pagkilos.
Sa loob ng Batasang Pambansa, nagprotesta rin ang mga
mambabatas ng blokeng Makabayan sa pamamagitan ng pagsuot ng kulay peach (mapusyaw
na kulay rosas) na simbulo ng
impeachment laban kay Aquino.
Bago magtalumpati si Aquino,
lumabas sila sa Batasan bilang
simbulo ng pagtutol sa mga kasinungalingan ni Aquino at patuloy na pagdedepensa sa DAP.
Sa Davao City, 6,000 raliyista
ang magkakasabay na nagprotesta sa iba't ibang upisina ng
pamahalaan bago magtipon sa
Freedom Park at magmartsa patungong Rizal Park para sa “SONA sa Katawhan.” Nanawagan
sila na makibaka laban sa kahirapan, korapsyon, pasismo at pandarambong ng imperyalistang
US. Nagkaroon din ng kaparehong mga martsa-rali sa mga
syudad ng Cagayan de Oro, Malaybalay, Iligan at Zamboanga.
Sa Kabisayaan, tinatayang
umabot sa mahigit 19,000
ang lumahok sa
mga kilos-
protesta laban sa rehimeng
Aquino. Sa Roxas City, Capiz,
10,000 ang nagmartsa, kabilang
ang mga biktima ng Yolanda at
kumundena sa kapabayaan ng
rehimeng Aquino sa mga biktima
ng kalamidad. Umabot naman sa
7,500 ang nagmartsa sa Iloilo
City patungong Freedom Grandstand kung saan ginanap ang kanilang programa. Nagmartsa
mula sa Banga tungong Kalibo,
Aklan ang 2,000 raliyista. Sa
Bacolod City, mahigit 1,000 ang
lumahok, na kinabilangan ng
300 kawani ng Bacolod Hall of
Justice na pawang nakasuot ng
itim. Nagkaroon din ng kilosprotesta sa Cebu City at Tacloban City.
Naglunsad din ng mga kilosprotesta sa Baguio, Vigan, Laoag at La Union.
Sa labas ng bansa, naglunsad din ng kasabayang kilosprotesta ang mga Pilipino sa
Hongkong, South Korea, Saudi
Arabia, Australia, Canada, New
Zealand, Italy at New York,
USA. Pinakatampok ang pagkilos
ng mahigit 1,000 migrante sa
Hongkong.
Lumahok naman ang 400 detenidong pulitikal sa buong bansa
sa pag-aayuno noong Hulyo 2528 upang igiit ang kanilang kagyat na pagpapalaya. Nagrali naman sa harapan ng Camp Crame
sa Quezon City ang KARAPATAN
at Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) noong umaga ng Hulyo 28
5
upang batikusin ang di makatarungang pagtrato sa mga
detenidong pulitikal at hilingin
na ikulong ang lahat ng may
pananagutan sa pork barrel
scam.
Noong Hulyo 26, nagsabit
ng mga telang peach sa labas
ng
Malacañang
ang
#ScrapThePork
Alliance,
Anakbayan-Manila at GABRIELA-NCR. Noong Hulyo 24,
isinagawa ng grupong KAPEDERASYON ang “Rampaglilitis,” isang palabas ng iba't
ibang kasuotang protesta ng
mga lesbian, gay, bisexual at
transgender (LGBT) upang tuligsain ang rehimeng Aquino
sa patataksil sa bayan, pagnanakaw, pagkaltas ng pondong pang-edukasyon at kawalang hakbang para sa proteksyon ng mga LGBT.
Ilang minuto bago ang SONA, inaresto ng mga pulis sina
Dr. Ma. Luisa Garcia, 46, at
Rosita Labarez, 57, mga upisyal ng Controlled Economic
Zone Federation, Inc. Sila ang
namuno sa protesta ng mga
residente ng Barangay Holy
Spirit sa harapan ng Sandiganbayan sa Commonwealth
Avenue kung saan dumaan
ang presidential convoy. Nagprotesta sila laban sa nakatakdang pagbebenta ng 13ektaryang residensyal na lupain na kinatitirikan ng kanilang mga bahay.
Samantala, ginamitan ng
pulis ng taser gun si Rodel Torotol at ang kanyang 12 anyos
na anak, habang nakaparada
ang dyip ng mag-ama malapit
sa Batasang Pambansa. Sinita
siya ng pulis at nang tumanggi
siyang ibigay ang kanyang lisensya, ginamitan kaagad ng
dahas. May hanggang 50,000
boltahe ang taser gun, isang
sandatang pangkuryente para
pansamantalang paralisahin
ang isang tao.
~
6
10 aksyong militar, inilunsad
sa Mindanao
S
ampung askyong militar ang matagumpay na inilunsad ng mga
Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa apat
na prubinsya ng Mindanao sa gitna na mas pinaigting na opensibang militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Hulyo.
Dinulutan ng BHB ng 38 kaswalti ang AFP, kabilang ang
isang tinyente at isang korporal.
Samantala, ligtas na nakaatras
ang mga Pulang mandirigma sa
lahat ng naganap na labanan.
Nakasamsam din ang BHB ng
malalakas na armas, kabilang
ang isang M60 machine gun at
isang M79 grenade launcher.
Sa Davao del Norte. Isang
M60 machine gun, isang Cobra
M16, apat na military pack, apat
na cellphone, 500 bala ng M60
at 300 bala ng K3 machine gun
ang nakumpiska ng mga Pulang
mandirigma ng Comval-North
Davao-South Agusan Subregional Command ng BHB nang tambangan nila ang nagpapatrulyang mga tropa ng 60th IB sa
Sityo Kapatagan, Barangay Gupitan, Kapalong nitong Hulyo
29. Dalawang sundalo ang napatay at anim na iba pa ang nasugatan.
Sa Bukidnon. Tatlong armas
ang nakumpiska ng mga Pulang
gerilya, sampung sundalo ang
napatay at apat na iba pa ang
nasugatan sa operasyong harasment noong
Hulyo 22-24.
Siyam na
elemento
ng 68th
IB ang
napatay at
t a t long
iba pa ang
nasugatan nang
tamba-
ngan sila ng mga Pulang mandirigma ng South-Central Bukidnon Subregional Command
(SCBSC) sa Barangay Cawayan,
Quezon nitong Hulyo 24, ganap
na alas-2:10 ng hapon. Nasamsam ang isang M16 at isang M79
grenade launcher, dalawang military pack at iba pang gamit-militar.
Galing sa operasyong kombat sa bayan ng San Fernando at
pabalik na sa kanilang kampo
ang mga pagod na pasista nang
ambusin sila ng mga Pulang gerilya. Pinasabugan muna ng
command detonated-explosive
(CDX) bago paulanan ng bala ng
isang platun ng BHB ang 26 na
tropa ng AFP. Tumagal nang 40
minuto ang labanan.
Isang araw bago ito, isang
korporal ng 8th IB ang napatay
at isa pang sundalo ang nasugatan nang harasin ng isang yunit
ng Eastern Misamis OrientalNortheastern Bukidnon Subregional Command ng BHB habang
nagpapatrulya sa Km. 30, Barangay Calabugao, Impasug-ong. Matapos ito,
magkahiwalay na hinaras
ng dalawang tim
ng BHB ang
detatsment ng
8th IB sa
mga barangay ng
Hagpa at
Calabugao sa
naturang bayan
nitong Hulyo 24 at
25.
Noong Hulyo
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
22, giniba ng mga Pulang gerilya
ang isang boom spray truck ng
Sumifru Pineapple Plantation sa
Barangay Maynaga, Cabanglasan, ganap na alas-11:40 ng
umaga. Kinumpiska rin nila ang
isang KG9 machine pistol. Ito na
ang ikatlong pagparusa ng rebolusyonaryong kilusan sa Sumifru
sa prubinsya ngayong taon.
Noong araw ding iyon, nagtamo ng di pa malamang bilang
ng kaswalti ang isang kolum ng
mahigit 50 tropa ng 104th Division Reconnaissance Company
nang pasabugan sila ng CDX at
paulanan ng bala ng isang yunit
ng BHB bandang alas-11:30 ng
umaga sa Barangay Sta. Filomena, karatig barangay ng Cawayan sa Quezon.
Samantala, pinarusahan ng
isang yunit ng SCBSC ang isang
elemento ng CAFGU sa Barangay Canangahan, Cabanglasan,
Bukidnon noong Hulyo 18. Isang
kal .38 pistola ang nakumpiska
ng mga gerilya. Noong 2009, isinurender ng paramilitar ang dalawang M16 na ipinatago sa
kanya ng BHB at pumaloob siya
sa CAFGU. Mula noon ay aktibo
na niyang tinutugis ang BHB at
pinapasurender at binabantaan
ang mga residente na huwag sumuporta sa rebolusyonaryong
kilusan.
Sa Davao Occidental. Tatlong sundalo ng 73rd IB ang napatay, kabilang si Lt. Gary Magburan at dalawang iba pa ang
malubhang nasugatan nang pasabugan ng CDX ang sinasakyan
nilang trak-militar na KM450 ng
isang sapper team ng BHB sa
Sityo Kitolali, Barangay Kelalag,
Malita noong Hulyo 16.
Patungo ang mga sundalo sa
Barangay Demolok para tugisin
ang mga Pulang gerilya na umaresto sa isang ahenteng paniktik
ng militar na taga-Barangay Pinalpalan, Malita noong Hulyo
15.
Sa Misamis Oriental. Lima
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
4 POW sa CARAGA, pinalaya na
P
inalaya nitong Hulyo 29 ang apat na pulis na binihag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang salakayin ng mga Pulang
mandirigma ang istasyon ng pulisya sa Alegria, Surigao del Norte noong Hulyo 10. Pinalaya sila sa gitna ng limang-araw na tigil-putukan na idineklara ng National Democratic Front-Northeastern Mindanao Region at Gubyerno ng Pilipinas (GPH) mula
Hulyo 27 hanggang Agosto 1.
Nilagdaan ni Ka Luis Jalandoni, tagapangulo ng NDFP Negotiating Panel ang papeles ng pagpapalaya sa apat na bihag na sina PO3 Vic Calubag Concon, PO1 Rey O’niel Morales, PO1 Joen
B. Zabala and PO1 Edito Roquino.
Unang tinanggap ang apat na bihag ng digma ni dating DAR
Sec. Hernani Braganza mula sa Custodial Unit ng BHB sa isang
mabundok na barangay ng Kitcharao, Surigao del Norte. Si Braganza ang kumatawan sa upisina ni DILG Secretary Mar Roxas.
Naroon din sina Regional Peace and Order Council Chairman at
Butuan City Mayor Jun Amante, Agusan del Norte Gov. Angel
Amante, League of Philippine Board Members President Myrna
Romarate, Bacuag Mayor Shiela Mae Cebedo, Kitcharao Mayor
Aristotle Montante at mga konsehal ng Surigao City.
Matapos ipasa ng Custodial Unit ng BHB ang mga bihag sa
Third Party Facilitators na sina Rev. Bishop Rhee Timbang, Fr.
Ramada at iba pang grupong simbahan, ipinresenta sila sa mga
upisyal ng GPH na sina Sec. Mar Roxas, DND Sec. Voltaire
Gazmin, OPAPP Sec. Teresita Deles at PNP Chief Alan Purisima,
na naghihintay sa sentro ng Kitcharao.
Sa pahayag noong Agosto 1 ni Ka Oris, tagapagsalita ng NDFMindanao, pinasalamatan niya ang Third Party Facilitators na lubusang nagtrabaho at matiyagang nakipag-ugnayan para makabuo ng isang kasunduan sa pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng NDF at ng GPH. Pinasalamatan din niya sina Roxas, PNP
at AFP sa kanilang pagtalima sa limang-araw na tigil-putukan. ~
ang napatay na tropa ng 58th IB
at limang iba pa ang nasugatan
sa apat na aksyong militar na
sunud-sunod na inilunsad ng
mga Pulang mandirigma ng Eastern Misamis Oriental-Northeastern Bukidnon Subregional
Command ng BHB noong unang
linggo ng Hulyo.
Dalawang sundalo ang napatay at dalawang iba pa ang nasugatan nang harasin ng BHB
habang nagpapatrulya sa Sityo
Kapatagan, Barangay Umagos,
Lagonglong noong Hulyo 4, bandang alas-5 ng umaga.
Pagkalipas ng tatlong oras,
isa pang elemento ng nasabing
batalyon ang napatay at tatlong
iba pa ang nasugatan nang harasin ng isang tim ng BHB sa Barangay Kibanban, Balingasag.
Isang araw bago ito, isang
sundalo ang kumpirmadong napatay nang harasin ng isang yunit ng BHB ang isang kolum ng
58th IB sa Sityo Kapatagan.
Noong Hulyo 1, isa ring sundalo ang napatay sa operasyong
haras ng mga Pulang mandirigma laban sa nagpapatrulyang
yunit ng 58th IB sa Sityo Pugahan, Barangay Bunal sa bayan
ng Salay.
~
7
AFP, 11 ang kaswalti sa EV
N
agtamo ng 11 kaswalti ang Armed Forces of the Philippines
(AFP) sa mga aksyong militar ng Bagong Hukbong Bayan
(BHB) sa Eastern Visayas mula Hunyo 17 hanggang Agosto 2.
Nitong Agosto 1, pinarusahan ng isang “special operations
group” ng BHB si Jojo “Jerson”
Rafales sa bayan ng Calbiga, Samar. Bukod sa pagiging elemento ng CAFGU, nagbubuo si Rafales ng mga lambat-paniktik sa
mga bayan ng Calbiga, Pinabacdao at Basey. Sangkot siya sa
pagpatay sa lider-aktibistang si
Rodolfo Dagumay Basada sa Pi-
nabacdao noong Hunyo 29 at bigong pagpatay kay Ariel Dacallos sa Calbiga noong Hulyo 31.
Nakumpiska kay Rafales ang
isang pistolang kal .45.
Limang sundalo naman ang
napatay nang harasin ng mga
Pulang mandirigma nitong Agosto 2 ang 21 sundalo ng 87th IB
na nag-ooperasyon sa tabing ng
“peace and development” sa Ba-
rangay Magdawat, Pinabacdao.
Bago ito, noong Hulyo 11 ay napatay din ang isang sundalo ng
87th IB nang isnaypin sila ng
BHB habang nag-ooperasyon sa
parehong barangay.
Sa prubinsya ng Leyte, limang sundalo ang napatay at
anim ang nasugatan nang biguin
ng isang platun ng Mt. Amandewin Command ang tangkang
pagkubkob sa kanila ng 19th IB
noong Hunyo 17. Pansamantala
noong nakahimpil sa Barangay
Hugpa, Ormoc City ang BHB.
Walang kaswalti sa panig ng
mga Pulang mandirigma sa 50minutong labanan.
~
Presyo ng produktong mani, napataas sa Panay
M
atagumpay na napataas ang presyo ng produktong mani ng mga magsasaka sa katimugang bahagi ng Iloilo sa Panay. Ayon sa isyung Mayo-Hunyo ng Daba-Daba, rebolusyonaryong pahayagang masa sa Panay, napataas ito mula P35 kada kilo tungong P37 kada kilo at nabenepisyuhan
ang 200 pamilyang magsasaka.
Matagal nang problema ng mga magsasaka sa
mga barangay ng mga bayan ng Igbaras, Tubungan
at Leon sa Iloilo ang napakababang presyo ng kanilang mga produkto, kabilang ang mani. Napapako sa
P35 bawat kilo ang presyo nito laluna tuwing anihan. Pinalalala pa ito ng mapagsamantalang sistema
ng pabinhi na “piniluan” o doblehan. Sa sistemang
ito, umuutang ang isang magsasaka sa “financier”
ng P65 kada kilo ng binhing mani at binabayaran niya ito ng P130 kada kilo sa panahon ng anihan.
Karaniwang
nakakaani
ang isang magsasaka ng limang sako sa isang sakong
binhing mani na may balat pa.
Ang limang sakong mani ay
humigit-kumulang 200 kilo.
Kung susumahin, P7,000 ang
halaga ng limang sako ng mani sa presyong P35 kada kilo.
Pero kapag ibinabawas na rito
ang gastos sa binhi, pag-aararo at iba pang paghahanda sa
lupa, pagtatanim, pag-ani,
8
pagkain at iba pa, lugi palagi ang magsasaka.
Kaugnay nito, nag-organisa ang mga magsasaka ng kooperatiba sa naturang lugar. Ilang beses
silang nakipagdayalogo sa lokal na gubyerno, sa kinatawan ng Department of Trade and Industry
(DTI) at sa komite sa agrikultura ng mga munisipalidad. Nagpaikot ng mga nilagdaang petisyon ang
mga magsasaka na naggugumiit na pataasin ang
presyo ng kanilang produktong agrikultural at bigyan sila ng ayuda. Bunga nito, nagbigay ng kapital
sa binhi ang ilang lokal na gubyerno.
Bilang kooperatiba, nakaipon ang mga magsasaka ng 15 toneladang mani (15,000 kilo). Iginiit
nila sa lokal na negosyante na bilhin ang kanilang
produktong mani sa mas mataas na presyo. Dahil
bultuhan nilang naibenta ang kanilang produktong
mani, matagumpay nilang napataas nang dalawang piso bawat
kilo ang presyo nito.
Samantala, iniulat din ng
Daba-Daba na sa bayan ng
Cuartero sa Capiz, napababa ng
mga magsasaka ang bayad sa
sasakyang pinagkakargahan ng
kanilang produktong mais. Mula
70 sentimo bawat kilo ng mais,
napababa ang singil sa 50 sentimo bawat kilo. Nakinabang dito
ang mahigit 100 pamilyang
magsasaka mula sa dalawang
barangay.
~
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
Milisyang Bayan sa SMR:
Lumalakas, lumalawak
N
itong unang hati ng 2014, maraming matagumpay na aksyong
militar ang nailunsad ng mga Pulang mandirigma ng Bagong
Hukbong Bayan (BHB) sa Southern Mindanao Region (SMR) sa
harap ng mas pinaigting na kampanyang militar ng Armed Forces of
the Philippines (AFP). Nasa likod ng bawat matagumpay na aksyong
militar ang suporta ng masa at higit sa lahat, ang partisipasyon ng
kanilang armadong pwersa sa lokalidad—ang milisyang bayan (MB).
Sa isang malilim na lugar sa
gitna ng bukirin sa bulubunduking bahagi ng SMR, isa-isang
nagsidatingan isang umaga ang
mga magsasaka na karamihan
ay kalalakihan. Pawisan pa ngunit nakangiti silang bumati at
bitbit nila ang baon nilang pananghalian na nasa lunch box at
binalot na dahon ng saging. Mga
taumbaryo ang dumating para
sa pagtatayo ng pangalawang
platun ng MB sa kanilang baryo.
Patuloy nilang itinatayo ang
MB kahit napaliligiran ang lugar
ng mga seksyon at platun ng
berdugong mga elemento ng AFP
na naglulunsad ng Peace and
Development Outreach Program
(PDOP) sa ilalim ng Oplan Bayanihan (OPB). May isa pa ngang
dumalong myembro ng BHB na
nagmula sa ibang larangang gerilya ang nagtanong kung ligtas
ba ang pinagdadausang lugar.
Sinagot siya ng "oo" at napansin
niya na parang balewala lamang
sa mga nagtitipon ang maraming
kaaway sa paligid dahil nananalig sila sa masa. Matatag ang
baseng masa sa lugar, kahit
nasa di kalayuan ang nakahimpil na pasistang kaaway
dahil nananatili itong bulag at bingi sa presensya ng rebolusyonaryong kilusang masa.
Layunin ng mga
sundalo na wasakin
ang pagkakaisa ng mamamayan sa baryo,
kaya nagkokonsolida at
ANG BAYAN agosto 7, 2014
nagpaplano ang taumbaryo kung
papaano ipagtatanggol at ipaglalaban ang kanilang interes.
Isang paraan ang pagtatayo ng
MB. Ganito ang karaniwang takbo sa mga lugar na kinikilusan
ng BHB na kadalasan ay umaabot na sa laking-batalyon ang
MB bawat bayan. Kung maaktohan sila ng militar sa lugar na pinagdadausan, handa rin sila sa
lahat ng klase ng pakikipaglaban
at paraan batay sa kanilang kapasidad at kongkretong kalagayan. Ganitong kahalaga ang papel ng MB sa buong bansa.
Sa proseso ng pagtatayo, pinalalim ang pagtatalakay hinggil
sa katangian ng MB. Dito naiwasto ang matagal-tagal na ring
maling pagsapol na ang MB ay
hindi bahagi ng BHB. Nang malaman ng mga nagsitipong taumbaryo na ang MB ay bahagi rin
ng BHB, tuwang-tuwa sila. Inilinaw na apat ang tipo ng
BHB sa saligan: ang
pwersang regular na gerilyang
makilos, ang sandatahang yunit
pampropaganda, ang yunit partisano at ang milisyang bayan.
Ang kaibhan lamang ng MB sa
unang tatlong tipo ay mga partaymer sila. Nag-iibayo ang kasigasigan ng mga myembro ng
MB kapag nabibigyan agad sila
ng pagsasanay-militar at nakakalahok sa mga aksyong militar.
Bago gumabi ay natapos ang
pulong nang walang naging
problema sa kabila ng pagkilos
ng kaaway. Mapapansin na matapos ang pagtatayo ng platun
at paglilinawan ng mga punto ay
nag-ibayo ang pagtitiwala sa sarili ng bawat milisya at lalong
humigpit ang pakikiisa nila sa
mga pultaym na kasapi ng BHB.
Ipinagmalaki nilang matawag na
sentro-de-grabidad sa hanay ng
masa at gulugod ng rebolusyonaryong kilusang masa.
~
Halaw sa isyung Mayo 2014 ng Pasa Bilis, rebolusyonaryong pahayagang masa
ng Southern Mindanao Region
9
Aktibistang magsasaka,
pinaslang sa ComVal
I
sang aktibista at isang sibilyan ang pinatay ng mga pwersa ng militar sa Compostela Valley at Iloilo, habang tatlong sibilyan ang
iligal nilang inaresto sa Bukidnon nitong huling dalawang linggo
ng Hulyo.
Compostela Valley. Pinaslang noong Hulyo 19 ang aktibistang magsasakang si Gregorio
Galacio, residente ng Barangay
Kahayag, New Bataan. Ang biktima ay pinagbabaril sa kanyang
bahay bandang alas-3:45 ng madaling araw ng mga lalaking pawang naka-bonnet, itim na Tshirt at fatigue na shorts. Isa sa
kanila ay kilalang impormer ng
militar. Si Galacio ay nagtamo
ng walong tama ng bala, na agaran niyang ikinamatay.
Bago ito ay ilang ulit na ipinatawag at ininteroga ng 66th IB si
Galacio sa barangay hall, na inookupa na ng militar mula 2013.
Naging aktibo sa demokratikong kilusan sina Galacio at ang
iba pa niyang kapamilya nang
paslangin ng mga elemento ng
28th IB noong 2007 ang anak ni
Galacio na si Grecil. Para pagtakpan ang kanilang pagkakasala ay pinaratangan ng mga
sundalo na batang mandirigma
ng Bagong Hukbong Bayan
(BHB) ang 9-anyos na si Grecil.
Naglagay pa ng M16 ang mga
sundalo sa tabi ng kanyang
bangkay at nilitratuhan ito. Binawi ng militar ang kanilang pahayag nang mapatunayan sa imbestigasyon na puro kasinungalingan ang kanilang paratang.
Lumisan muna sa barangay
ang pamilya ni Galacio dahil sa
panggigipit sa kanila ng militar.
Subalit binalikan nila ang kanilang kabuhayan noong 2010.
Noong una ay nakapamuhay sila
nang tahimik pero sinimulan muli silang gipitin ng militar noong
isang taon.
Iloilo. Pinatay ng militar si
10
Gerardo Larbo, isang 38-taong
gulang na magsasakang tagaBarangay Mayang, Tubungan
noong Hulyo 17. May tama ng
bala sa ulo ang biktima.
Ayon kay Consolacion Larbo,
ina ng biktima, umalis sa kanilang bahay si Gerardo noong
umaga ng Hulyo 17 para pumunta sa kanilang bukirin at anihin
ang kanilang tanim na mais.
Mga alas-3:45 ng hapon, narinig
ni Consolacion sa radyo na may
naganap na labanan sa pagitan
ng mga sundalo ng 82nd IB at ng
BHB sa lugar ng kanilang bukirin, at limang sundalo ang nasugatan.
Pupuntahan sana ni Consolacion ang kanilang bukirin para
alamin ang kalagayan ni Gerardo, pero hindi siya pinayagan ng
militar. Kinabukasan, Hulyo 18,
nabalitaan na lamang niya na
patay na si Gerardo.
Bukidnon. Tatlong sibilyan
ang iligal na inaresto noong Hul-
yo 22 sa Bukidnon, at dalawa sa
kanila ay nakadetine pa rin
hanggang ngayon. Sina Melvin
Anggumao, 20 anyos; Joeffrey
Ganancia, 18 anyos, at isa pang
di pinangalanang menor de edad
ang basta na lamang dinampot
ng pulisya at inakusahang may
kinalaman sa matagumpay na
reyd ng BHB sa Sumifru Pineapple Plantation sa parehong bayan noong araw ding iyon. Silang lahat ay mga residente ng
Sityo Maynaga, Barangay Iba,
Cabanglasan. Kinumpiskahan
din sila ng mga cellphone at motorsiklo.
Nagpunta sa pulisya ang mga
kamag-anak at kapitbahay ng
mga biktima at mga upisyal ng
barangay para magpatunay na
inosente ang mga biktima sa paratang na arson (panununog),
pero hindi pa rin sila pinalalaya.
Samantala, dalawa pang sibilyan ang sinampahan ng gawagawang kasong pagpatay kaugnay ng ambus ng BHB kay Mayor
Mario Okinlay ng Impasug-ong
noong Hulyo 2. Sina Joven Yanggo, 31 anyos; Efren Yanggo, 29
anyos; at Ryan Daluniag ay basta rin lang inaresto para masabi
ng militar at pulisya na may nararating ang kanilang imbestiga~
syon.
Syentista, nakapagpyansa
PANSAMANTALANG nakalaya ang isang syentistang iligal na inaresto habang nananaliksik sa Davao Oriental. Nakalaya si Kim
Gargar noong Agosto 1 matapos bayaran ng kanyang pamilya at
mga kaibigan ang P210,000 pyansang ipinataw sa kanya ng korte.
Sampung buwang nakadetine si Gargar bunga ng isinampa sa
kanya ng militar na kasong illegal possession of explosives, frustrated murder at paglabag sa gun ban.
Iligal na inaresto ng militar si Gargar sa Cateel, Davao Oriental noong Oktubre 1, 2013 habang nag-ooperasyon ang 67th IB
laban sa Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Aliwagwag, Cateel.
Nasa lugar noon si Gargar para manaliksik para sa isang organisasyong tumutulong sa mga biktima ng bagyong Pablo.
Si Gargar ay isang syentista at propesor mula sa University of
~
the Philippines-Diliman.
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
Death squad sa
Rodriguez, Rizal
T
atlong aktibista mula sa
maralitang lunsod ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa housing resettlement sa
Southville, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Hulyo 10. Ang mga biktima na sina
Nathaniel Bacolod, 19 anyos;
Junmer Paraon, 22 anyos; at tiyahin nilang si Susan Mamaril,
50 anyos, ay pinaslang ng mga
elemento ng death squad na pinatatakbo ng militar at lokal na
gubyerno ng Rodriguez.
Dalawang araw bago ang
pamamaslang, dinukot din ng
mga pinaghihinalang elemento
ng naturang death squad ang
anak ni Mamaril na si Michael.
Ilang oras siyang ininterogeyt
at pinaratangan ng 20 gawa-gawang mga krimen bago pakawalan. Nasa bahay din noon si
Michael nang mangyari ang pamamaril pero nakaligtas siya.
Sina Bacolod at Paraon ay
parehong myembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap
(KADAMAY) habang si Mamaril
ay lokal na lider ng GABRIELA.
Kilala si Bacolod bilang lider-kabataan sa komunidad. Si Mamaril naman ay naging aktibo sa
laban ng komunidad para sa
mga serbisyong panlipunan tulad ng kuryente.
Apat na taon na ang nakalilipas mula nang sapilitan silang
palipatin sa Southville matapos
wasakin ang dati nilang mga tirahan sa San Juan City, pero
hindi pa rin sila nakakabitan ng
sariling linya ng kuryente. Sa
halip, pinagagamit sila ng kuryente at sinisingil sila ng napakatataas na halaga ng Baque
Development Corp., ang kumpanyang nagtayo ng Southville.
Pag-aari ito ng mga asawa ng
mga upisyal-militar.
~
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
Pribatisasyon ng LRT 1,
batbat ng anomalya
M
alaking disbentahe sa mamamayan ang tuluyang pagsasapribado ng proyektong pagdudugtong ng Light Rail Transit (LRT Line 1) patungo sa Cavite. Dambuhalang ganansya naman ang tiyak na makukuha ng Metro Pacific Investments
Corp. (MPIC) at Ayala Corporation. Ang LRT-1 ang pinakamalaking
proyekto ng rehimeng Aquino sa ilalim ng programang PublicPrivate Partnership (PPP).
Ang P65-bilyong kontrata
sa LRT-1 Extension ay ibinigay
ng rehimeng Aquino sa grupo
ng MPIC (na may 55% ng kapital), Ayala (35%) at Macquire
Infrastructure Holdings Corp.
ng Australia (10%) na siyang
solong nagsumite ng panukalang kontrata. Ang MPIC ay pinamumunuan ng malaking
kumprador na si Manny V. Pangilinan at may kapital ng grupong Salim ng Indonesia. Kilala
bilang pinakamalalaking kontribyutor sa pondong pangeleksyon ni Aquino noong 2010
si Pangilinan at ang mga Ayala.
Sa ilalim ng kasunduan sa
konsesyon (na tatagal nang 32
hanggang 50 taon), hindi lang
konstruksyon ng bagong linya
patungong Cavite ang ibinibigay sa grupong MPIC-Ayala
kundi maging ang pribatisasyon ng buong operasyon ng
LRT 1 mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran,
Pasay City.
Ibinibigay din sa MPICAyala ang kapangyarihang awtomatiko at
regular na
itaas
ang
pamasahe sa tren. Simula
Agosto, tataas na ang maksimum na pasahe mula P20 tungong P32. Bukod dito, kaagad
na ipatutupad ang 5% pagtataas sa pasahe oras na makumpleto ang konstruksyon ng linya hanggang Cavite. Itinakda
rin ang 10% pagtataas ng pasahe kada dalawang taon bukod
pa sa dagdag pasahe kada apat
na taon base sa implasyon.
Sa ilalim ng kontrata, bibigyan ng rehimeng Aquino ng P5
bilyong subsidyo ang grupong
MVP-Ayala. Ililibre rin ng rehimen ang grupong MVP-Ayala
sa tinatayang P64 bilyong buwis. Sasagutin din ng rehimeng
Aquino ang P35-bilyong gastusin para sa dadaanang lupa,
dagdag na mga bagon, pagpapaunlad ng dating depot o paradahan ng mga bagon at pagtatayo ng satellite depot.
Samantala, labis na nangangamba ang mga empleyado ng
LRT sa posibilidad na maalis sa
trabaho ang iba sa kanila at
mawalan ng mga benepisyo. ~
11
Pandaigdigang protesta
laban sa pananalakay
ng Israel sa Palestine
M
ilyun-milyong mamamayan sa iba't ibang sulok ng daigdig
ang naglunsad ng mga kilos-protesta nitong nagdaang dalawang linggo at nanawagang wakasan ang gerang agresyon ng Israel laban sa mamamayan ng Palestine sa Gaza City.
Umabot na sa 1,800 Palestino ang napapatay sa halos isang
buwan nang walang habas na
pambobomba ng Israel na nagsimula noong Hulyo 8. Halos
70% ng mga napatay ay mga sibilyan, kabilang ang mahigit
400 bata at halos 100 matatanda. Umaabot na sa 10,000 ang
nasusugatan, kabilang ang mahigit 3,000 bata. Nawalan ng
mga bahay ang mahigit 250,000
katao na karamihan ngayo'y sumusukob sa mga eskwelahang
pinatatakbo ng United Nations
Relief and Works Agency.
Mahigit nang 136 eskwelahan at 26 na ospital ang nawawasak o nasisira sa pambobomba. Binomba ng Israel ang
mga gusaling sibilyan, sistema
sa tubig, mga kalsada at iba
pang imprastruktura, maging
ang nag-iisang planta ng
kuryente sa Gaza.
Kaliwa't kanang mga demonstrasyon ang inilunsad noong Hulyo 25, o International
Quds Day, ang itinakdang pandaigdigang araw ng pakikiisa sa
pakikibaka ng mamamayang Palestino. Ilang milyon ang nagrali
sa Tehran
12
City at mahigit 770 syudad at
bayan ng Iran upang kundenahin ang Israel. Nagrali rin ang
100,000 sa United Kingdom at
may malalaking demonstrasyon
din sa Germany, Syria, Pakistan
at India.
Bago ito, umabot na sa mahigit 400 kilos-protesta ang
nailulunsad sa iba't ibang bansa. Karamihan ng mga pagkilos
na ito ay sa mga bansang sumusuporta sa gera ng Israel, kabilang ang US, Canada, United
Kingdom, Ireland, Australia,
France, Italy at Germany. Sa
US, may inilunsad na kilos-protesta sa 46 sa 50 estado, kabilang ang pinakamalawak na mga
aksyong-protestang inilunsad
sa mga syudad ng Los Angeles,
San Francisco, Sacramento,
New
York at Washington
DC.
Umabot naman sa
mahigit
40 aksyong-protesta ang inilunsad sa iba't ibang syudad sa
United Kingdom, laluna sa Ireland at Scotland. Sa kabila ng
pagbabawal ng gubyerno ng
France, 52 kilos-protesta ang
inilunsad sa Paris, Bordeaux,
Lyons, Toulouse, Nice at iba
pang mga syudad. Sa Germany,
inilunsad ang 25 kilos-protesta
sa Berlin, Bonn at iba pa. Inilunsad naman ang 22 kilos-protesta sa Toronto at iba pang
syudad ng Canada.
May mga kilos-protesta rin
sa mga bansang Italy, Spain,
Sweden, Belgium, Switzerland,
The Netherlands, Norway,
Greece, Cyprus, Finland, Denmark, Serbia, Austria, Hungary,
Turkey, Bahrain, Kuwait, Lebanon, Pakistan, India, Sri Lanka,
South Africa, Malta, Morocco,
Tunisia, Australia, New Zealand, Hongkong, Chile, Brazil,
Argentina, Bolivia, Colombia at
Costa Rica.
Mayorya o 62 sa 94 bansang
kasapi ng United Nations ang
kumundena at bumatikos sa Israel. Ang sumusuporta lang sa
Israel ay ang mga bansang US,
UK, Germany, Canada, Australia, France at ilang kliyenteng
estado ng US tulad ng Pilipinas, Colombia, Costa Rica
at Georgia.
Sa Pilipinas, naglunsad ng martsa sa
Mendiola ang mga
myembro ng progresibong
organisasyon
noong Hulyo 17 para
ipakita ang kanilang
pakikiisa sa mamamayang
Palestino. ~
ANG BAYAN Agosto 7, 2014
ANG
Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas
Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo
Tomo XLV Blg. 15
Agosto 7, 2014
www.philippinerevolution.net
Editoryal
Pag-ibayuhin ang mga taktikal
na opensiba at pakikibakang masa
para patalsikin si Aquino
I
sa sa pinakamalalaking rali nitong nagdaang apat na taon ang sumalubong sa "state of the nation address" (SONA) ni Benigno Aquino III sa pagbubukas ng reaksyunaryong Kongreso noong Hulyo
28. Ipinakita ng demonstrasyon ng mahigit 60,000 mamamayan sa
iba't ibang panig ng Pilipinas ang bagong antas ng paglaban sa rehimeng US-Aquino. Umalingawngaw sa buong bansa ang mga sigaw sa
lansangan: Patalsikin si Aquino!
Sinasalamin nito ang tuluytuloy na paglawak at pagsidhi ng
galit ng mamamayang Pilipino sa
kabulukan, korapsyon at pagsisinungaling, pagpapakapapet at
pagtataksil, pasismo at brutalidad ng rehimeng Aquino. Dumarami ngayon ang mga sektor na
handang kumilos laban sa nahihiwalay na rehimeng Aquino.
Nagbabadyang sumabog ang
bulkan ng galit ng sambayanang
Pilipino sa harap ng sumisidhi nilang kalagayan at pagtupad ni
Aquino ng lalong mapanalantang mga patakarang antimamamayan at makadayuhan.
S
a
harap ng
kinakaharap nit o n g
krisis sa pulitika, hilong-talilong
sa pagkakataranta ang naghaharing pangkating Aquino. Ilang
araw bago ang SONA, lumabas si
Aquino sa pambansang telebisyon at nagbuga ng sunud-sunod
na matatalim na salita laban sa
Korte Suprema at lahat ng iba
pang sektor na tumutuligsa sa
maanomalya niyang paggamit ng
kabang-bayan sa ilalim ng
DAP. Sinundan niya ito ng
panawagang
magsuot o magsabit ng anumang
bagay na dilaw sa paniniwala niyang tumatamasa siya ng malawak na suporta.
Taliwas sa layunin ni Aquino,
lalo pang nag-apoy ang galit ng
sambayanan laban sa kanyang
rehimen. Kaya gumamit na siya
ng ibang taktika para makakuha
ng awa at simpatya. Muli niyang
ginamit ang hungkag na islogan
ng "matuwid na daan" at "samasamang pag-angat." Muli siyang
sumukob sa anino ng kanyang
ama't ina na pinagmimistulang
mga santo. Kinabukasan, nagopensiba ang "Yellow Army" ng
mga Aquino at pinaugong ang
"isa pang termino" para lumikha
ng ilusyon ng malawak na suporta ng "silent majority" para kay
Aquino.
Walang kumakagat sa mga
taktikang ito ng manipulasyon ng
upinyong publiko. Bigo si Aquino
na bilugin pang lalo ang ulo ng
sambayanan at idiskaril ang pagsulong nila sa landas ng pakikibaka. Sa desperasyong humabi ng
ilusyon ng pagbabago at kaunlaran, kaliwa't kanang mga kasinungalingan ang sunud-sunod na
ipinutak ni Aquino: ang umano'y
mabilis na pagkilos upang sagipin
ang mga biktima ng Yolanda, ang
umano'y mga hakbangin upang
bigyan ng trabaho ang mamama-
Mga tuntunin sa paglilimbag
1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas
mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o
naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.
2. Pag-print sa istensil:
a) Sa print dialog, i-check ang Print as image
b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size
k) I-click ang Properties
d) I-click ang Advanced
e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling
d) Ituloy ang pag-print
3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang
problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa
angbayan@yahoo.com
Download