UNITED STATES DEPARTMENT OF EDUCATION Dr. Marcia V

advertisement
UNITED STATES DEPARTMENT OF EDUCATION
OFFICE FOR CIV I L R I G HTS
32 OLD SLIP, 26TH FLOOR
NEW YORK .NEW YORK I0005
TIMOTHY C. J . BLANCHARD
DIRECTOR
NEW YORK OFFICE
Enero 30, 2015
Dr. Marcia V. Lyles
Superintendent
Jersey City Public Schools
346 Claremont Avenue
Jersey City, New Jersey 07305
Hinggil sa:
Num ng Kaso 02-13-5002
Mga Pampublikong Paaralan ng Jersey City
Mahal na Dr. Lyles:
Ang liham na ito ay nagpapaalam sa inyo tungkol sa resolusyon ng nakasaad sa itaas na compliance
review na pinasimulan ng U.S. Department of Education (Department), Office for Civil Rights
(OCR). Nasuri ng compliance review kung ang Jersey City School District (ang Distrito) a y
nagkakaloob ng patas na oportunidad para sa pag-aaral sa mga minority na
mag-aaral na nagmula sa ibang bansa, na mga English Language Learner (ELL).
Natasa rin ng pagrerepaso kung ang komunikasyon ng Distrito sa mga magulang na may limited
English proficient (LEP), ay nakakapagkaloob rin sila ng mga mahahalagang access sa impormasyon
na ibinibigay ng Distrito para sa mga magulang.
Pinasimulan ng OCR ang compliance review na ito sa ilalim ng Title VI ng Civil Rights Act of
1964 (Title VI), 42 U.S.C. § 2000d et seq., at ang regulasyon sa pagpapatupad nito na 34 C.F.R.
Part 100, na ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, o pinagmulang bansa sa
anumang programa o aktibidad na tumatanggap ng tulong na pinansiyal mula sa Departamento.
Ang Distrito ay isang tagapagtanggap ng tulong na pinansiyal mula sa Departamento. Samakatuwid,
ang OCR ay may awtoridad ayon sa hurisdiksyon na isagawa ang compliance review na ito sa ilalim
ng Title VI. Nagpapasalamat ang OCR sa ganap na pakikipagtulungan ng Distrito mula sa pasimula,
ang mga proactive na pagsisikap nito hanggang sa ngayon, at ang pananagutan na matugunan ang mga
natuklasan mula sa imbestigasyon.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, nakatuklas ang OCR ng mga dapat ikabahala hinggil sa
pagsunod sa mga pamantayan sa pagpapatupad ng Distrito sa programa nito para sa alternatibong
wika (alternative language program); pag-alis at pagbabantay sa mga mag-aaral ng ELL mula sa
altermative language program; pagtatasa sa ELL program nito; mga komunikasyon sa mga
magulang/tagapag-alaga na LEP; hindi pagsama ng mga ELL na mag-aaral mula sa ilng mga
specialized program; pagtatasa at pagtatalaga ng mga ELL na mag-aaral na may kapansanan; at
pagkakalob ng mga serbisyo ng ELL sa
Ang layuin ng Department of Education ay itaguyod ang pagtatagumpay ng mag-aaral at paghahanda para maging kompetitibo sa global na batayan sa
pamamagitan ng pag-aaruga ng kahusaya sa edukasyon at pagtitiyak ng patas na paraang makagamit ng mga programa at serbisyo.
Pahina
paraan na lubos na hindi mapapahiwalay. Ipinahayag ng Distrito ang interes nito sa paglulutas sa
mga ikinababahala sa pagsunod sa mga pamantayan na ito at anumang mga natitirang isyu nang wala
nang dagdag pang pag-iimbestiga. Alinsunod dito, noong Disyembre 22, 2014, pumasok sa isang
kasunduan bilang resolsyon ang OCR kasama ng Distrito, para malutas ang compliance review.
Background
Nasuri sa imbestigasyon ng OCR ang mga sumusunod na isyu: pagkikilala at pagtatasa sa mga magaaral ng ELL; pagpapatupad ng alternative language program; pagtatalaga ng mag-aaral ng ELL at
paglalahok sa alterative language program; mga kagamitan sa pagtuturo/pag-aaral; paglalagay ng mga
tauhan at pagpapahusay sa mga tauhan o staff; kriterya para sa pag-alis at pagbabantay; pagtatasa sa
programa; komunikasyon sa mga magulang o tagapag-alaga; mga specialized program; mga serbisyo
ng special education; mga pasilidad; at paghihiwalay. Nirepaso ng OCR ang mga dokumento na
ibinigay ng Distrito, at nag-tour sa Multilingual Intake Center ng Distrito. Nakipanayam rin ang OCR
sa mga opisyal ng Distrito at mga staff nito, kasama na ang mga guro ng ELL at mga paaralan sa
Distrito.
Ang Distrito ay may 38 na mga paaralan, na naglilingkod sa mga mag-aaral na mula Kindergarten
hanggang 12th grade. 1 Nang sinimulan ng OCR ang pagrerepaso na ito sa taon ng pasukan na 20122013, may naka-enroll sa Distrito na 27,990 mga mag-aaral sa 38 mga paaralan nito; 3,005 (11%)
white, 9,317 (33%) black, 10,608 (38%) Hispanic, 4,599 (16%) Asian, 105
(.4%) Native American, 185 (.7%) Pacific Islander, at 171 (.6%) na mula sa maraming
magkakaibang lahi.
Ang Distrito ay naghandog ng kumpleto o isang kombinasyon ng mga sumusunod na alternative
language program sa 20 ng 38 na mga paaralan nito: Bilingual Self-Contained; Bilingual PartTime;2 ESL; Port-of-Entry; at Dual Language. Ang mga mag-aaral ay karaniwang nakatalaga sa
kanilang paaralan ayon sa mahigpit na batayan ng tinitirahan. Kung ang isang mag-aaral ay nasa
programa ng ELL, ang patutunguhan na mas malaking paaralan (feeder school) na nagpapasya kung
aling paaralan ng ELL ang papasukan ng mag-aaral (hal., ang ilang mga feeder school ay nauugnay sa
ilang mga paaralan ng ELL). Ang Distrito ay nagkakaloob ng mga serbisyo ng transportasyon sa mga
mag-aaral na nalagay sa isang programa na nasa labas ng kanilang neighborhood na paaralan.
Sa taon ng pasukan na 201 1-2012, ang Distrito ay nagkaroon ng 27,146 mga mag-aaral na nakaenroll sa 20 na mga nakilalang paaralan, na kung saan ang 2,495 (halos 9%) ay nakilala bilang ELL.
Mula sa 2,495 na mga mag-aaral, 1,001 (halos 40%) ay naitalaga sa Bilingual Self-Contained o Dual
Language na mga programa, na available lang para sa mga mag-aaral na kinikilala na ang wikang
Espanyol ang kanilang pangunahing wika sa tahanan; 334 mga mag-aaral (halos 14%) ay naitalaga sa
Bilingual Part-time na mga programa, na available lang sa mga mag-aaral na kinikilala ang Arabic,
Hindi, Guarati, o Urdu bilang kanilang pangunahing wika
I
Ang mga paaralan na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod, na nakaayos ayon sa grade level: K-2"d grade (Anthony J . Infante Elementary School #31);
K-4th grade (Dr. Paul Rafalides School #33); K-5th grade (Frank R. Conwell School #3, Jotham W . Wakeman School #6, Charles E. Trefurt School # 8,
Cornelia F. Bradford School # 16, Public School #20, Rev. Dr. Ercel F. Webb School #22, Nicholas Copernicu s School #25, Gladys Nunery School #29,
Alexander D. Sullivan
1
1
School #30); K-6
grade (Ollie Cubreth, Jr. School # 14, Whitney M. Young, Jr. School # 15); K-8
grade (Dr.
Michael Conti School #5, Martin Luther King Jr. School # 1 1, Julia A. Barnes School # 12, Joseph H. Brcsinger School # 17, Mahatma Gandhi School #23,
Chaplain Charles Watters School #24, Alfred Zampella School #27, Christa McAuliffe School #28, Public School #34, Rafael de J. Cordero School #37, Dr.
Charles P. Def uccio School
1
#39, and Fred W. Martin School #4 1); K-9th grade (James F. Murray School #38); 6 h_gtl• grade (Frank R. Conwell
Middle School MS4, Franklin L. Williams School MS 7, Ezra L. Nolan School MS40, and Academy I MS School); 6th-12th grade (Bright Street Academy) ;
1
7'h-1 1 h grade (Infinity Institute); 9th-I th grade (William L. Dickinson High School, James J. Ferris High School, Liberty High School, Lincoln High School,
McNair Academic High School, at Henry Snyder High School).
2
Ito ay tinatawag rin na Bilingual Pull-Out.
Pahina
sa tahanan; at 1,160 na mga mag-aaral (halos 46%) ang naitalaga sa isang ESL na programa. Sa
taon ng pasukan na 2012 -2013, ang Distrito ay nagkaroon ng 27,990 mga mag-aaral na naka-enroll sa
20 na mga nakilalang paaralan, na kung saan ang 2,596 (halos 9%) ay nakilala bilang ELL na mga
mag-aaral. Mula sa 2,596 na mga mag-aaral, 926 (halos 36%) ang naitalaga sa Bilingual SelfContained o Dual Language na mga programa; 443 na mga mag-aaral (halos 17%) ang naitalaga sa
Bilingual Part-Time na mga programa; at 1,227 na mga mag-aaral (halos 47%) na naitalaga sa isang
ESL na programa.
Para sa mga taon ng pasukan na 201 1-2012 at 2012-2013, ang unang wika para sa halos 50% ng mga
ELL na mag-aaral para sa Espanyol; para sa 18%, ito ay Arabic; para sa 7%, ito ay Urdu; 5% para sa
Gujarati; at 3%, ito ay Hindi. Ang natitirang mga ELL na mag-aaral (halos 15%) ay nagsasalita ng isa
sa mga sumusunod bilang unang wika: Abkhaz, Afrikaans, Akan, Albanian, Amharic, Bengali,
Berber, Bisaya, Cantonese, Cebuano Chamorro, Creole, Dutch, Estonian, Farsi, French,
Georgian, Guarani, Hmong, Ilocano, Indonesian, Italian, Japanese, Kannada, Kashmiri, Korean,
Krio, Malayalam, Mandarin , Mandingo, Marathi, Nepali, Oriya, Panjabi, Papiamento, Pashto,
Polish, Portuguese, Russian, Sindhi, Slovak, Swahili, Swedish, Tagalog, Tamil, Telugu, Thai,
Turkish, Ukrainian, Vietnamese , at Wolof.
Magagamit na mga Legal na Pamantayan
Sa ilalim ng Title VI at ang mga ipinapatupad na regulasyon nito, ay ipinagbabawal ang
diskriminasyon batay sa lahi, kulay, o pinagmulang bansa ng mga taong nakakatanggap, kasama na
ang Distrito, ng pederal na tulong na pinansiyal mula sa Departamento. Ang Title VI na ipinapatupad
ng regulasyon sa 34 C.F.R. § 100.3(a) at (b)(i)-(ii) ay nakasaad na ang nakakatanggap ng pederal
na tulong na pinansiyal ay hindi maaari, nang tuwiran o sa pamamagitan ng naka-kontrata o iba pang
mga uri ng kaayusan, batay sa lahi, kulay, o pinagmulang bansa, na hindi isama ang mga tao na
makalahok mula sa mga programa nito, o magkaloob ng anumang serbisyo o benepisyo na iba o
ipinagkaloob sa ibang paraan mula doon sa ipinagkakaloob sa iba. Nakasaad sa Section I 00.3(b)(2) ,
na sa pagpapasya sa mga uri ng serbisyo o benepisyo na ipinagkakaloob ,ang mga nakakatanggap ay
hindi maaaring gumamit ng kriterya o paraan ng administrasyon na may epekto ng pagpapasailalim sa
mga indibiduwal sa diskriminasyon dahil lang sa kanilang lahi, kulay, o pinagmulang bansa.
Noong Enero 7,2015, bilang kaugnayan sa Civil Rights Division sa U.S. Department of Justice, ang
OCR ay nagpalabas ng Mahal na Kasamahan sa Trabaho na Liham na Pinamagatang, "English
Learner Students and Limited English Proficient Parents" (Memorandum noong Enero 2015) 3 Ang
gabay na ito ay nagkakaloob ng isang malawakang pananaw.
ng mga legal na obligasyon ng mga distrito ng paaralan sa mga mag-aaral ng ELL at mga magulang
na LEP sa ilalim ng mga civil rights law.
Kung saan ang kakulangan sa kakayahan na magsalita at makaunawa ng wikang Ingles ay hindi
nagsasama sa minority group na batay sa pinagmulang bansa na mga bata mula sa mabisang paglahok
sa programang pang-edukasyon na inihahandog ng distrito ng paaralan, ang distrito ay dapat na
magsagawa ng mga sang-ayon na hakbang para matuwid ang kakulangan sa wika para mabuksan ang
mga programa sa pagtuturo nito sa mga nasabing mag-aaral. Ang distrito ay dapat may mga
pamamaraan na nakatalaga para makilala at matasa ang mga mag-aaral na may pangunahing wika o
wika na ginagamit sa tahanan na hindi Ingles (primary or home language other than English o
PHLOTE) para matiyak na ng lahat ng minority batay sa wika na mag-aaral na hindi makalahok sa
regular na programa ng pag-aaral ay nakakatanggal ng mga alternatibong serbisyo sa wika. Sa
pangkalahatan, ang mga pamamaraan na ito ay dapat na
3
http: //www2.ed.gov /about/offices/ l ist/ocr/ letters/colleague-el-201 50 I .pdf. Tingnan ang mga patakaran ng OCR na
namamahala sa pakikitungo sa mga mag-aaral ng ELL, ay handang makuha sa http : // www .ed.gov/ ocr/ellresources
.html.
Pahina
may kasamang isang pagtatasa kung ang mga minority na batay sa pinagmulang bansa na mag-aaral
ay matatas na nakakapagsalita, nakaka-unawa, nagbabasa, at nagsusulat ng Ingles.
Hinihiling rin mula sa Mga Distrito na pumili ng isang matatag na teorya na pang-edukasyon para sa
kanilang mga programa para sa mga mag-aaral ng ELL na marahil ay makakatugon sa mga
pangangailangan sa edukasyon ng minority batay sa wika na mga mag-aaral sa mas mabisang paraan.
Dapat gamitin ng paaralan ang mga pamamalakad, mga pinagkuhanan ng impormasyon at tulong at
tauhan na napag-isipan nang mabuti para mapatupad ang teorya nito sa edukasyon. Ang mga paaralan
ay may dalawang responsibilidad na turuan ang mga mag-aaral ng wikang Ingles at makapagkaloob sa
kanila ng access sa kurikulum, kumuha ng mga hakbang para matiyak na ang mga mag-aaral ay hindi
makakaranas ng kakulangan sa pag-aaral. Dapat maipakita ng mga paaralan na ang kanilang mga
programa para sa mga mag-aaral ng ELL na ang matagumpay na pagtutugon sa mga responsibilidad
na ito, o baguhin ang mga ito kung kinakailagnan.
Sa sandaling ang mga mag-aaral ay naitalaga na sa isang alternatibong programa ng wika, kailangan
silang mapagkalooban ng mga serbisyo hangga't sila ay matatas na sa Ingles para makalahok nang
maayos sa isang regular na programa ng pag-aaral. Ang tumatanggap ay karaniwang may malawak
na latitude sa pagpapasya ng kriterya para sa mga umaalis na mag-aaral mula sa isang alternatibong
wika na programa, pero may ilang mga pamantayan na kailangang matugunan. Una sa lahat, ang
kriterya sa pag-alis ay dapat na batay sa mga may nilalayon na pamantayan, tulad ng mga
standardized test score, at dapat na mapapaliwanag ng distrito kung bakit ito nagpasya na ang mga
mag-aaral na nakakatugon sa mga nasabing pamantayan na iyon ay makakayanan na sumali ang
maayos sa isang regular na classroom. Ikalawa, hindi dapat alisin ang mga mag-aaral mula sa ELL
na programa hanggang sila ay nakakabasa, nakakasulat, at nakakaunawa ng Ingles nang sapat para
makalahok nang mainam sa programa ng tatanggap.
Ang ilang mga sanhi na dapat suriin para
makapagpasya kung ang dating mga mag-aaral ng ELL ay makakayanan na lumahok nang mainam sa
regular na programang pang-edukasyon ay kinabibilangan: (1) Kung sila ay nakakasabay sa kanilang
mga wala sa ELL na kasamahan sa regular na programa ng edukasyon; (2) kung kaya nilang sumali at
magtagupay sa lahat ng mga aspekto ng kurikulum ng paaralan nang hindi ginagamit ang pina-simple
na materyal sa wikang Ingles; at (3) kung ang kanilang pananatili sa grade at rate ng dropout ay
katulad nang kanilang mga wala sa ELL na kasamahan.
Sa mga pagkakataon na kung saan ang mga magulang ay tumanggi na i-enroll ang kanilang mga anak
sa isang ELL na programa, dapat ipagbigay-alam ng distrito ng paaralan sa mga magulang layunin at
mga benepisyo ng programa ng ELL sa isang wika na nauunawaan nila; at kung ang mag-aaral na
piniling umalis mula sa mga serbisyo ng ELL ay hindi makagawa ayon sa grade level nang hindi
tumatanggap ng mga serbisyo ng ELL, dapat ay pana-panahon na ipaalala ng distrito ng paaralan sa
magulang na ang mag-aaral ay nanatiling karapat-dapat para sa nasabing mga serbisyo. Dapat rin
magkaloob ang mga distrito ng paaralan ng mga serbisyio sa wika sa mga mag-aaral na ang mga
magulang ay tumanggi o piniling umalis mula sa programa ng ELL sa pamamagitan ng pagbabantay
sa pagsulong sa pag-aaral ng mag-aaral at pagkakaloob ng iba pang mga uri ng serbisyo para
magbigay suporta sa wika para sa nasabig mga mag-aaral.
Inaasahan mula sa mga distrito na ipatupad ang kanilang mga programa sa mabisang paraan, nang
may angkop na staff (mga guro at tulong), na may sapat na mga mapagkukuhanan ng impormasyon at
tulong (panturo at kagamitan). Ang pagiging angkop ng staff ay napapahiwatig sa pamamagitan ng
kanilang pagsasanay, mga kuwalipikasyon, at karanasan ay umaalinsunod sa mga kahilingan ng
programa.
Dapat tiyakin ng mga distrito ng paaralan na ang mga magulang ng mga minority batay sa wika na
hindi matatas sa wikang Ingles ay nakakatanggap ng mainam na access sa parehong impormasyon sa
pagpasok sa paaralan at iba pang mga impormasyon na may kaugnayan sa paaralan, na
ipinagkakaloob sa mga magulang na matatas sa wikang Ingles sa isang paraan at uri na kanilang
mauunawaan, tulad ng pagbibigay ng libreng interpreter at/o pagsasalin-wika na serbisyo. Ang mga
Pahina
distrito ng paaralan ay may pananagutan na angkop na bigyang impormasyon ang mga magulang na
mula sa grupo ng minority batay sa pinagmulang bansa na ipinapaalam sa iba ring mga magulang.
Ang nasabing abiso, para maturing na angkop, ay maaaring ipagkaloob sa isang wika maliban sa
Ingles.
Maliban kung ang specialized na programa ay hinihiling ang pagiging matatas sa Ingles, ang
tatanggap ay dapat matiyak na ang mga pamamaraan ng pagtatasa at pagbibigay ng pagsusulit ay
hindi nagpapahiwalay sa mga ELL na mag-aaral batay sa kanilang limitasyon sa kaalaman sa wikang
Ingles. Ang mga pagsusuit na ginagamit para piliin ang mg mag-aaral para sa mga specialized
program ay hindi dapat ang uri na ang limitadong katatasan sa Ingles ng mag-aaral ay makakahadlang
sa mag-aaral na maging kuwalipikado para sa isang programa na kung saan ang mag-aaral ay dapat
maging kuwapilikado.
Hindi maaaring magtalaga ang distrito ng paaralan sa mga mag-aaral ng mga special education
program batay sa kriterya na mainam na sumusukat at tumatasa sa kakayahang sa wikang Ingles.
Alinsunod dito, ang distrito ng paaralan ay dapat kumuha ayon sa mga pamantayan at pamamaraan
para sa pagtatasa at pagtatalaga ng mga minority batay sa wika na mag-aaral na maaasahan para
makilala ang mga kahinaan sa edukasyon ng mga mag-aaral, kaysa sa kakayahan sa kahusayan sa
wikang Ingles ng mga mag-aaral. Dagdag pa dito, ang mga distrito ng paaralan ay hindi maaaring
magpanatili ng ‘walang dobleng serbisyo’ o pamamalakad para sa mga mag-aaral ng ELL na may
kapansanan.
Kung ang isang mag-aaral ng ELL na may kapansanan ay kailangan ang parehong
alternatibong serbisyo sa wika at mga serbisyo para sa espesyal na edukasyon, ang mag-aaral ay dapat
bigya ng parehong uri ng mga serbisyo.
Bilang panghuli, sa pagi-imbestiga kung ang mga mag-aaral ng ELL ay hinihiwalay, sinusuri ng OCR
kung ipinalabas ng distrito ang napili nitong programa sa pinakakaunting nagpapahiwalay na paraan
na umaalinsod sa pagtatamo ng natakdang layunin nito at kung ang antas ng paghihiwalay sa
programa ay kinakailangan para matamo ang mga layunin sa edukasyon ng programa.
Mga katotohanan at Pagsusuri
A. Pagkikilala at Pagtatasa
Ang mga distrito ay dapat magsagawa ng mga sumasang-ayon na hakbang para makatugon sa mga
hadlang sa wika ng mga mag-aaral na natuturing na minorit batay sa pinagmulang bansa na pumipigi s
mga mag-aaral ng ELL mula sa mabisang paglahok sa programa ng distrito.
Dapat may mga
pamamaraan ang distrito na nakatalaga para makilala at matasa ang mga mag-aaral ng PHLOTE para
matiyak na ang lahat ng mga mag-aaral na natuturing na minority batay sa wika, na hindi magawang
makalahok nang mainam sa regular na programa ng pag-aaral ay nakakatanggap ng mga alternatibong
serbisyo sa wika. Karaniwan, ang mga pamamaraan na ito ay dapat may kasamang isang pagtatasa
kung ang mga minority na batay sa pinagmulang bansa na mag-aaral ay matatas na nakakapagsalita,
nakaka-unawa, nagbabasa, at nagsusulat ng Ingles.
Pagkikilala:
Ang nakasulat na patakaran at mga pamamaraan ng Distrito para makilala ang mga PHLOTE na magaaral ay nakatakda sa Patakaran nito sa 6142.2: Ang English as a Second Language/Bilingual
Programs at sa Multilingual Intake Center Handbook (MIC Handbook) ng Distrito (mga
Patakaran). Alinsunod sa Mga Patakaran, gumagamit ang Distrito ng Home Language Survey (HLS)
para makilala ang PHLOTE na mga mag-aaral.
Pahina
Ipinahayag ng Distrito na bago ang enrollment, ang mga administrator sa mga registration site ng
paaralan ng Distrito o ang mga staff sa MIC ay mangangasiwa ng anim na tanong na HLS5 sa
magulang/tagapag-alaga ng bawat bagong
mag-aaral na pumapasok sa Distrito. Ang mga dokumentasyon na ipinagkakaloob, gayunman, ay
hindi nagpapahiwatig na ang mga administrator ng paaralan, maliban sa intake staff ng MIC, ay
nangasiwa ng HLS sa mga magulang/tagapag-alaga; lalo na, wala sa mga dokumentasyon ang
nagpahiwatig na ang mga administrator o staff sa mga registration site ng paaralan ng Distrito ang
nangasiwa ng HLS sa magulang/tagapag-alaga ng mga bagong mag-aaral na pumapasok sa Distrito.
Dagdag pa dito, nakasaad sa Mga Patakaran na ang principal/itinalaga ng paaralan ay hinihiling na
tanungin sa bawat magulang/tagapag-alaga kung ang wika maliban sa English ay wikang sinasalita sa
tahanan; ang mga magulang/tagapag-alaga ay kailangan lang sulatan ang HLS kung ang sagot nila ay
sang-ayon sa mga tanong nito; gayunman, tila may pagsasalungat sa nakasaad na pamamalakad ng
Distrito na hilingin mula sa mga magulang/tagapag-alaga ng lahat ng mga bagong mag-aaral na
pumapasok sa Distrito para makumpleto ang HLS. Ayon sa Distrito, kung ang magulang/tagapagalaga ay umiikot sa “katutubong wika" sa apat o higit pang mga katanungan sa HLS, inirerekumenda
ang mag-aaral sa MIC para masuri at matasa. Hindi nakasaad sa Mga Patakaran ang nasabing
kahilingan.
Ipinahayag rin ng Distrito na kinikilala rin nito at inirerekumenda sa MIC para masuri at matasa:
(a) ang mga mag-aaral na mula sa ibang bansa; (b) ang mga mag-aaral na nagsasalita ng wika
maliban sa Ingles;
(c) ang mga mag-aaral sa ilalim ng special education na nangangailangan ng pagsasalin-wika at
pagtatasa ng mga rekord sa paaralan; at (d) ang mga nalipat (transfer) na mag-aaral mula sa ibang mga
distrito na walang mga bilingual o ESL na programa ,at iyong mga pangangailangan sa katatasan sa
Ingles ay kailangang mapagpasyahan. Ipinagbigay-alam ng mga administrator ng Distrito sa OCR na
ang mag-aaral ay maaari rin irekumenda sa MIC para masuri at matasa kung ang mga guro o iba pang
mga miyembro ng staff ay iniisip na ang mag-aaral ay may kahirapan sa pagbabasa, pagsusulat,
pagsasalita, at pag-uunawa ng Ingles sa kanilang classroom.
Assessment (pagsusuri):
Sa sandaling nakilala ng Distrito ang isang PHLOTE na mag-aaral, siya ay pinapadala sa MIC para
masuri (assessment) at matasa (evaluation). Ang MIC ay kasalukuyang may ilang mga miyembro ng
staff, kasama na ang mga indibiduwal na may sertipiko sa bilingual at/o ESL na edukasyon; ,6
repasuhin ang mga medikal na dokumentasyon, at repasuhin ang pang-akademikong dokumentasyon
tulad ng mga naunang transcript. Kapag pumapasok sa MIC, ang mga magulang/tagapag-alaga at
mga-aaral
ay nakikipagkita mula sa isang miyembro ng staff ng MIC para mag-sumite at irepaso ang
nagpapakilalang dokumentasyon. Pagkatapos noon, binibigyan ng pagsusulit ng staff ng MIC ang
bawat mag-aaral para matasa ang kanyang kahusayan sa Ingles at mapagpasyahan ang pagtatalaga sa
mag-aaral. Sa mga taon ng pasukan na 201 1-2012 at 2012-2013, ang mga guro ng MIC ay nangasiwa
ng IDEA Proficiency Test (IPT); isang tatlong bahagi na malawakang assessment test na sumusukat sa
binibigkas (oral), pagbabasa (reading), at pagsusulat (writing) na kahusayan, at pati na rin ang mga
kakayahan sa pakikinig at pag-uunawa. Ayon sa
4
Ang mga tanong na ito ay: "( I ) Aling wika ang unang natutunan ng inyong anak na salitain?; (2) Aling wika ang giangamit ninyo (magulang/tagapag-alaga)
para magsalita sa [sic] mag-aaral? (3) Anong wika ang madalas na ginagamit ng inyog anak sa pakikipag-usap sa kaniyang mga magulang/tagapag-alaga?: (4)
Anong wika ang madalas na ginagamit ng inyong anak sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kapatid?; (5) Anong wika ang madalas ng ginagamit ng inyong anak
sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kamag-anak? [at] (6) Anong wika ang madalas na ginagamit ng inyong anak sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan?"
5
Ang HLS ay nakasalin-wika sa Espanyol, Tagalog, Arabic, Gujarati, Urdu, Vietnamese, Bengali , Mandarin, Hindi,
Creole, French , at Ingles. Ipinahayag ng staff ng Distrito na kung ang magulang/mag-aaral ay nagsasalita ng ibang wika, isasalin-wika sa pamamagitan ng pagsasalita
ng Distrito ang HLS para sa kaniya sa MIC.
6
Alinsunod sa Aklat-gabay ng MIC, bilang karagdagan sa Ingles, ang mga guro ng MIC ay marunong sa Arabic, Espanyol, Tagalog,
French, Haitian and French Creole, Greek, Gujarati, Hindi, Swahili, at Urdu. Kung ang isang magulang/tagapag-alaga at mag-aaral ay nagsasalita ng ibang wika,
sila ay inirerekumenda sa isang tagalabas na tagabigay-serbisyo (provider) para isalin-wika ang kanilang dokumentasyon sa naaangkop na wika.
Pahina
Distrito, ang IPT ay isang pagsusulit na naaprubahan ng New Jersey Department of Education
7
(NJDOE) at nabuo ng Educational IDEAS, Inc.
Ipinahayag ng Distrito na ang miyembro ng staff ng MIC ay agad na bibigyan agad ng mga score sa
pagsusulit ng IPT. Ang mag-aaral ay dapat pumasa sa lahat ng tatlong mga seksyon (pagbabasa,
pagsusulat at oral) para maturing na marunong sa Ingles. Ang mga mag-aaral na bumagsak sa kahit
man lang isa sa tatlong parte ng IPT ay karapat-dapat para sa programa ng alternatibong wika sa
Distrito. Ayon sa Distrito, ang staff ng MIC ay pormal na nasayan para mangasiwa ng mga pagsusulit
ng IPT, magbigay ng score sa mga pagsusulit, at ipaliwanag ang mga resulta para sa layunin ng
pagtatalaga.
Inulat rin ng Distrito na ang staff ng MIC ay mangangasiwa sa isang karagdagang quarterly na
assessment lang sa mga nagsasalita na katutubong Espanyol,8 sa katutubong wika ng mag-aaral.
Ipinagbigay-alam ng staff ng Distrito sa OCR na
ang mga nagsasalita na katutubong Espanyol ang ang kukuha ng karagdagang quarterly assessment na
ito " batay sa nakaraang pamamalakad at karagdagang kakulangan ng angkop na bilang ng mga taong
nagtatrabaho.” Ang isinaad ng Distrito na layunin para sa quarterly assessment ay para sukatin ang
katatasan ng mag-aaral sa Espanyol at mapagpasyahan ang angkop na pagtatalaga para sa nasabing
mga mag-aaral.
Nakasaad sa dokumentasyon na ipinagkaloob ng Distrito, at sa pagbisita sa site ng OCR sa
nakumpirma na MIC, na ang Distrito ay may mga pamamalakad para matasa ang karunungan sa wika
ng mga mag-aaral ng PHLOTE. Tiyak na dito, naipakita sa dokumentasyon na nirepaso na sa
pagpapasya kug ang mag-aaral ng PHLOTE ay ELL, natasa ng Distrito ng kaniyang kakayahan na
magsalita, magbasa, magsulat, at maunawaan ang wikang Ingles.
Bago ang pagtatapos ng imbestigasyon ng OCR sa pagkikilala at pagtatasa ng Distrito sa mga magaaral ng PHLOYE, nagpahiwatig ng interes ang Distrito sa paglulutas ng repaso alinsunod sa Seksyon
302 ng Case Processing Manual (CPM) ng OCR. Hindi nagsagawa ang OCR ng pagpapasya sa
pagsusunod sa mga alituntunin (compliance) sa ilalim ng Title VI kung ang kasalukuyang mga
patakaran at pamamaraan ng Distrito ay angkop para makilala at angkop na masuri ang lahat ng mga
mag-aaral ng PHLOTE na maaaring hindi magawang lumahok sa makabuluhang paraan sa isang
regular na programa ng pag-aaral nang walang mga serbisyo ng pantulong sa wika. Gayunman,
naitala ng OCR na ang mga pamamalakad ng Distrito ay maaari lang magkulang sa pagkikilala ng
mga PHLOTE na mag-aaral sa pamamagitan ng hindi pangangasiwa ng HLS nang ganoong kalawak
tulad nang nilayon ng mga patakaran at pamamaraan nito at sa pamamagitan ng dagdag na paghihiling
ng apat o higit pang mga sang-ayon na kasagutan sa HLS.
Tulad nang nailarawan nang mas
detalyado sa ibaba, ang Kasunduan na nilagdaan ng Distrito ay tumutugon sa mga ikinababahala na
ito, kasama na ang paghihiling ng isang pagsusuri kung ang magulang/tagapag-alaga ay sumagot nang
sumasang-ayon sa isang tanong.
B. Pagpapatupad ng Programa para sa Alternatibong Wika
Ang mga programa para sa alternatibong wika at pamamalakad na ipinapatupad ng distrito ay dapat
mabisa at makatuwiran na mabuo para matamo ang layunin sa edukasyon ng inako na teorya ng
distrito. Ikokonsidera ng OCR ang dalawang pangkalahatang area kapag tinatasa ang programa para
sa alternatibong wika ng distrito para matiyak ang pagsusunod sa Title VI: (1) kung may
pangangailangan mula sa distrito na magkaloob ng mga serbisyo ng alternatibong wika sa mga magaaral ng LEP; at (2) kung ang programa ng distrito ay marahil na nakakatugon sa mga
pangangailangan sa edukasyon ng mga mag-aaral na natuturing na minority dahil sa wika sa mas
mabisang paraan. Ang mga Distrito ay nananatili ng isang katig
7
Ipinagbigay-alam ng Distrito sa OCR na magkakabisa sa taon ng pasukan na 2014-2015, pinalitan nito ang mga pagsusulit ng IPT at naging "World Class
Instructional Design and Assessment" (WIDA) Model Measure of Developing English Language para masuri ang karunungan sa wika ng mga pre-kindergarten sa
kabuuan ng mga nasa 12th grade na mag-aaral. Natiyak ng OCR na ang pagsusuri na ito ay sumusukat sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat na mga
kakayahan.
Page
ang obligasyon para lutasin ang “mga kakulangang pang-akademiko” na ipinagpapatuloy ng mga
minority batay sa wika na mag-aaral sa mga programa na pansamantalang pinagdidiinan na matuto ng
wikang Ingles kaysa sa ibang mga subject.
Ang Distrito ay nagkakaloob ng mga sumusunod na programa para sa alternatibong wika para sa mga
mag-aaral ng ELL, depende sa salitang wika ng mag-aaral at grade level: (i) Bilingual Instruction
(Self-Contained) na huwaran;
(ii) Bilingual Instruction (Part-Time) na huwaran; (iii) huwaran sa pagtuturo ng ESL (kasama na
ang ESL-Lamang, High Intensity ESL, at Sheltered English na Pagtuturo) ; (iv) Dual Language
Program na huwaran; at
(v) Port-of-Entry na huwaran.
(i)
Bilingual Instruction (Self-Contained Spanish/English)
Ang Bilingual Instruction Self-Contained na programa ay isang full-time na programa na
nagkakaloob sa mga katutubong Espanyol na mag-aaral ng pagtuturo sa kanilang katutubong wika sa
walo (para sa 2011-2012) at pito (para sa 2012-2013) na naitalaga ng Distrito na mga magnet school
(libreng pampublikong elementaryo o sekundaryang piling paaralan). - Hindi inihahandog ng Distrito
ang programa na ito sa mga mag-aaral ng ELL na ang katutubong wika ay isang wika maliban sa
Espanyol.
Mga Elementary at Middle School
Ang Distrito ay nagpatupad ng tatlong antas na sistema para sa pag-uuri ng mga ELL na mag-aaral
batay sa kanilang mga antas ng karunungan sa wikang Ingles, kasunod ang unang pagpapasa ng
Distrito na kailangan ng mag-aaral ang mga serbisyo sa wika. Sinusuri ng Distrito ang antas ng
karunungan sa wikang Ingles ng ELL na mag-aaral gamit ang indibiduwa na mga score ng magaaral sa pamamagitan ng Assessing Comprehension and Communication in English State-toState for English Language Learners (ACCESS) na pagsusulit na binuo ng
"World Class Instructional Design and Assessment" (WIDA), at nilalayon para suriin ang
karunungan sa wikang Ingles para sa mga mag-aaral sa pagitan ng Kindergarten at 12th grade.
Ang ACCESS na pagsusulit
sinusukat ang karunungan sa wika sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat; at
pinapangasiwaan ng Distrito ang pagsusulit sa lahat ng mga mag-aaral ng ELL sa mga buwan ng
Marso o Abril ng taon ng pasukan. Depende sa mga score ng mga mag-aaral, itinatalaga ng Distrito
ang mga mag-aaral sa isa sa tatlong mga antas para sa susunod na taon ng pasukan: Antas A Entering/Beginning/Developing
(Pagpasok/Pagsisimula/Paghuhubog);
Antas
B
Beginning/Developing/Expanding (Pagsisiula/Paghuhubog/Pagpapalawak); o Antas C
- Developing/Expanding/Bridging (Paghuhubog/Pagpapalawak/Pag-uugnay). Pagkatapos ay
nagtatalaga ng isang homeroom para sa mga mag-aaral na eksklusibong naglalaman ng iba pang mga
mag-aaral sa Bilingual Self-Contained na programa na nasa katulad na antas. Ang Distrito ay
nagpatupad ng isang transitional program na tinuturo sa katutubong wika, na sa umpisa ng taon, ay
binubuo ng pagtuturo sa wikang Espanyol para sa 80% ng araw ng pasok sa paaraan; ang kalagitnaan
ng taon ay binubuo ng 50% na pagtuturo sa Espanyol; at sa katapusan ng taon, 20% ng pagtuturo sa
Espanyol.
Ang mga mag-aaral sa elementary at middle school sa Bilingual Self-Contained na programa ay
makakatanggap ng pagtuturo na bilingual sa lahat ng mga subject; kasama na ang Language Arts
(Sining ng Wika), Math(Matematika), Science(Agham), at Social Studies(Araling Panlipunan). Ang
lahat ng mga ‘special’, ang katawagan ng Distrito para sa mga klase tulad ng Drama (Drama), Art
(Sining), Music (Musika), at Physical Education (Pisikal na Edukasyon) ay tinuturo lang sa wikang
Ingles. Ang mga mag-aaral ay makakatanggap rin ng 45 minuto ng ESL na pagtuturo araw-araw.
Page
Ipinag-alam ng staff ng Distrito sa OCR na ang mga mag-aaral sa elementary at middle school sa
Bilingual Self-Contained na programa ay hindi kumukuha ng anumang mga klase sa populasyon ng
general education, at hindi rin sila nauugnay sa populasyon ng general education maliban na lang sa
mga after school na programa, mga pagpupulong, o tanghalian.
Ipinahayag ng Distrito na ang Bilingual Self-Contained na mga klase ay may parehong kurikulum at
bilis tulad ng general education na mga klase, sa kaibahan na ang mga materyal at pagtuturo ay
maaaring ituro sa wikang Espanyol. Ipinahayag ng mga opisyal ng Distrito na ang Bilingual SelfContained na kurikulum ay nakahanap sa kurikulum ng Distrito, na batay sa New Jersey Core
Curriculum Content Standards na itinakda g NDOE.
Ang lahat ng mga guro ng ELL na nakapanayam ay gumamit ng ilang uri ng pinag-ibang pagtuturo
(hal. pagpapangkat ayon sa karunungan); at kung ang mga mag-aaral ay nagpakita ng pag-unlad sa
karunungan sa wika, ang mga mag-aaral na ito ay maaaring lumipat ng mga level/antas sa tagal ng
taon ng pasukan. Maraming mga guro ng ELL sa Distrito ang nagmungkahi na ang tatlong antas na
sistema ay hindi parating ginagamit para sa lahat ng mga klase. Habang kinilala ng ilang mga guro
ang paggamit sa sistema na ito, ipinagbigay-alam ng iba sa OCR na sila ay nakagawa ng sarili nilang
sistema na kinasasangkutan ng dalawang antas, o isang sistema na sumunod sa mga pamantayan/antas
na ginamit ng
WIDA.9
Ipinagbigay-alam rin ng mga guro ng ELL sa OCR na hindi nila magawang makumpleto ang
kurikulum sa katapusan ng taon ng pasukan; at ang mga mag-aaral sa Bilingual Self-Contained na
programa ay tumatanggap ng kahit man lang 20-25 na mas kaunting mga minuto ng pagtuturo kada
araw kaysa sa mga mag-aaral na wala sa ELL. Ipinaliwanag ng mga guro na ito ay nangyayari dahil
ang mga bilingual na mag-aaral ay hinahatid ng bus mula sa iba’t ibang parte ng lungsod at madalas ay
hindi dumarating sa klase bago sumapit ang oras na 8:40 a.m. at dapat na umalis sa klase ng 2:30 p.m.
para maabot ang kanilang mga bus; habang, ang mga hindi ELL na mag-aaral na karaniwang hindi
naka-bus, ay nagsisimula sa oras na 8:20 a.m. at hindi natatapos ang klase hanggang 2:55 p.m.
Mga High School
Ipinaalam ng Distrito sa OCR na sa high school, ang Bilingual Self-Contained na pagtuturo ay
limitado sa Language Arts, Math, Social Studies, at Science. Ang mga mag-aaral ay tumatanggap rin
ng 90 minuto ng "High Intensity (Matindi) na ESL, na tinatalakay sa ibaba. Dagdag pa dito, ang mga
mag-aaral sa 9th grade ay maaari rin kumuha ng “Newcomers Academy” na programa, na isang
opsyonal na makukuhang klase na sinasabay sa ESL na nagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa kultura
ng America. Ipinaalam ng staff ng Distrito sa OCR na maliban sa bilang ng mga bilingual na klase na
inihahandog at ang pinaraming oras para sa ESL, ang programang ito ay katulad ng Bilingual SelfContained na programa para sa elementary at middle school na mga mag-aaral.
(ii)
Bilingual na Pagtuturo (Part-Time) -Bili11gual Pull-out o Push-In
Ang Distrito ay naghahandog ng Bilingual na Part-Time na pagtuturo sa mga mag-aaral na ang
katutubong wika ay Arabic, Gujarati, Hindi, o Urdu sa walo (para sa taon na 2011-12 at 2012-13) na
10
naitalaga ng Distrito na magnet school.
9
Napagpasyahan ng OCR na ang WIDA "English Language Development Standards” para sa mga grade ng Kindergarten hanggang 12 ay may kasama na
total na limang mga pamantayan, kasama na ang "Entering (Pumapasok)," "Emerging (Umuunlad),""Developing (Nahuhubog)," "Expanding (Lumalawak)
,"and "Bridging (Nauugnay)."
10
Ipinag-alam ng mga opisyal ng Distrito sa OCR na makalipas ang mga katutubong Espanyol na nagsasalita, ang mga nagsasalita ng mga wikang ito ay
kumakatawan sa pinakamataas na populasyon ng mga ELL na mag-aaral sa Distrito.
Page
Mga Elementary at Middle School
Ang Distrito ay nagkakaloob ng elementary at middle school na Bilingual Part-Time na mag-aaral na
ang pagtuturo ay bilingual sa Language Arts at Math lang. Sila ay makakatanggap rin ng 45 minuto
ng ESL na pagtuturo araw-araw, pero hindi kasama ang mga mag-aaral sa kindergarten, na
makakakuha lang ng 30 minuto ng ESL na pagtuturo araw-araw. Depende sa mga score sa ACCESS
ng mag-aaral, ang mag-aaral ay inilalagay sa isa sa tatlong mga antas na natalakay sa itaas, at
itinatalaga sa isang ESL na homeroom kasama ng iba pang mga mag-aaral sa bilingual part-time na
programa na nasa katulad na antas. Ang mga mag-aaral na ito ay sumasali sa kanilang naitalagang
homeroom sa "specials”, tulad ng drama, art, music, at physical education, na tinuturo sa wikang
Ingles lang.
Nakumpirma ng staff ng Distrito na ang pagtuturo ng Bilingual Part-Time ay hindi ipinagkakaloob sa
social studies o science. Para sa mga subject na ito, ang mga mag-aaral ng ELL ay pumapasok sa
regular na klase at natututo sa pamamagitan ng paggamit ng “protektadong paraan ng pagtuturo"
na estratehiya; o Bilingual push-in o pull-out na huwaran. 11 Ipinahayag ng Distrito na ang
kurikulum at bilis ng mga klase ng Bilingual Part-Time ay pareho lang sa general
education na mga klase; gayunman, ang mga materyal at pagtuturo ay maaaring ituro sa Arabic, Urdu,
Hindi o Gujarati, o isang kombinasyon ng mga wikang ito. Nakahanay rin ang kurikulum sa
kurikulum ng Distrito, na batay sa New Jersey Core Curriculum Content Standards na itinakda ng
NJDOE. Gayunman, ang mga guro, ay nagpahayag ng pagkabahala na karaniwan, hindi nila
magawang makumpleto ang kurikulum sa katapusan ng taon ng pasukan; at hanggang sa taon ng
pasukan na 2013-14, ang part-time bilingual na pagtuturo ng math ay winakasan sa paaralan.
Mga High School
Ipinaalam ng Distrito sa OCR na hindi ito naghahandog ng Bilingual Part-Time na mga programa sa
mga high school nito. Sa lugar nito, ang mga mag-aaral ay nakakatanggap ng protektadong pagtuturo,
tulad nang inilarawan sa itaas, at high intensity (matindi) na serbisyo ng ESL, tulad nang inilalarawan
sa ibaba.
(iii)
High Intensity ESL na Pagtuturo
Tulad nang unang naitala, ang Distrito ay nagtuturo ng ESL sa lahat ng mga Bilingual Self-Contained
at Bilingual Part-Time na mag-aaral. Ang iba pang mga ELL na mag-aaral sa Distrito ay
nakakatanggap ng "High Intensity ESL" sa natalaga ng Distrito na mga magnet school. Ang
“Bilingual Reconstructuring Plan” ng Distrito para sa taon ng pasukan na 2012-2013 na tinukoy sa
programang ito bilang isang “pang-araw araw na pampaunlad na ikalawang wika na programa ng
hanggang dalawang period ng pagtuturo batay sa mga pangangailangan ng mag-aaral.” Ipinaliwanag
ng Distrito na ang programa na ito ay nagkakaloob
12
sa mga mag-aaral ng ELL ng 90 minuto ng High Intensity na pagtuturo ng ESL araw-araw.
Mga Elementary at Middle School
Ang Bilingual/ESL na Tatlong Taon na Program Plan ng Distrito para sa Mga Taon ng Pasukan na
2011-2012 hanggang 2013-2014 (ang Program Plan) ay nagsasabing ang mga mag-aaral sa
elementary at middle school sa High Intensity ESL na programa ay tatanggap ng 45 minuto ng
pagtuturo sa karunungan sa wika at dagdag na 45 minuto ng pagtuturo sa "language arts development"
na kasama sa mga paksa ng area." Ipinagbigay-alam ng Distrito sa OCR na ang 45 minuto na
“pagtuturo ng karunungan sa wika" ay kinasasangkutan ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng ELL kung
paano makakaintindi at makakapagsalita ng Ingles. Sa paghahambing dito, ang 45 minuto na
“language arts development” ay kinabibilangan ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng kakayahan sa
pagbabasa at pagsusulat, tulad ng bokabolaryo sa Ingles sa pamamagitan ng mga flash cards o
Page
pagtuturo ng pagbabasa sa pamamagitan ng mga kuwento na batay sa paksa. Ang kurikulum na ito ay
nakahanap sa New Jersey Core Curriculum Content Standards,na itinakda ng NJ DOE, at mga
pamantayan ng WIDA.
11
Sa isang protektadong pagtuturo, ang mga mag-aaral ay tinuturuan ng mga konsepto sa pamamagitan ng paggamit ng mga huwaran. Halimbawa, ang isang
guro ay maaaring ipakita sa mag-aaral ang isang partikular na bagay tulad ng libro o isang mansanas para mas maipaliwanag ang isang konsepto. Sa Bilingual push-in
na huwaran, ang mga guro ng ESL ay nagpupunta sa classroom para makatrabaho ang mga natalagang mga mag-aaral ng ELL sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila
ng dagdag na suporta. Sa Bilingual pull-out na huwaran, ang mga guro ng ESL ay katrabaho ang mga natalagang mag-aaral ng ELL para makapagkaloob ng dagdag na
pagtuturo sa labas ng classroom.
12
Ang mga mag-aaral sa kindergarten ay makakatanggap ng 60 minuto ng High Intensity na pagtuturo ng ESL.
Pahina
Ipinaalam ng staff ng Distrito sa OCR na ang mga guro ng ESL ay gumagamit ng inibang pagtuturo
bata sa antas ng mag-aaral para matiyak na ang mga mag-aaral ay natututo ng angkop na antas ng
karunungan sa Ingles. Ayon sa sampol na kurikulum na nirepaso ng OCR, na may petsang Agosto 27,
2013, ang layunin ng High Intensity ESL na programa ay para “gamitin ang mga kakayahan at
estratehiya na natutunan sa loob na apat na domain ng pag-aaral ng wika (pakikinig, pagsasalita,
pagbabasa, at pagsusulat).” Ipinahiwatig ng Distrito na sanhi ng kakulangan sa mga guro, hindi nito
matitiyak na ang mga guro ng ESL ay makakapagsalita sa katutubong wika ng mag-aaral; ngunit para
sa mga lubos na karaniwang mga sinasalitang wika sa Distrito, tulad ng Espanyol, Hindi, Gujarati,
Arabic, at Tagalog, ang guro ng ESL ay karaniwang nagsasalita ng katutubong wika ng mga magaaral ng ESL na kaniyang tinuturuan. Hindi hinihiling ng Distrito na ang guro ng ESL ay matatas na
nakakapagsalita, nagbabasa, nagsusulat, o nakakaunawa sa katutubong wika. Sa halip, ang guro ng
ESL na hindi nagsasalita ng wika ay hinihiling na masanay sa isang protektadong paraan ng
pagtuturo. Maliban sa dalawang period ng pagtuturo ng ESL, ang mga mag-aaral ng ELL sa High
Intensity na ESL na programa ay kukuhanin ang natitirang
bahagi ng kanilang klase kasama ang mga mag-aaral na wala sa ELL. Ang mga klaseng ito ay
tinuturuan ng mga monolingual na guro na nasanay at nagkakaloob ng protektado na paraan ng
pagtuturo para sa mga kursong ito. 13 Nang may paggalang sa pagbibigay
ng Distrito ng High Intensity ESL na pagtuturo, nagpahayag ng pagkabahala ang mga guro sa mga
pagkaaantala sa pagtuturo ng High Intensity na ESL dahil sa kakulangan ng staff ng ESL at hindi
sapat na bilang ng mga guro ng ESL; at kakulangan ng kakayahan na makumpleto ang kurikulum sa
katapusan ng taon ng pasukan dahil sa pagsusulit ng estado, hindi magandang lagay ng panahon, at
mga bakasyon sa paaralan.
Mga High School
Ipinagbigay-alam ng Distrito sa OCR na ang lahat ng mga mag-aaral sa high school ay tumatanggap
ng 90 minuto ng High Intensity ESL sa high school.14 Dagdag pa dito, ang mga mag-aaral sa 9th grade
ay maaaring kumuha ng "Newcomers Academy" na programa, na isang maaring piliin na course na
sinasabay sa ESL na nagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa
kultura ng America.
(iv)
Dual Language (Dalawang Wika )na Programa
Ang Distrito ay naghahandog ng Dual Language na programa para sa mga mag-aaral ng elementary
school para sa mga katutubong Espanyol o katutubong nagsasalita ng Ingles sa natalaga ng Distrito na
mga magnet school. Ang programang ito ay inihahandog lang sa Pre-kindergarten hanggang sa 5th
grade na mga mag-aaral. Ang programang ito ay gumagamit ng parehong Ingles at Espanyol na
pagtuturo sa mga mag-aaral ng ELL at marunong sa Ingles na mga mag-aaral sa parehong classroom.
Inaasahan na ang mga mag-aaral sa klaseng ito ay magiging bilingual sa Ingles at Espanyol sa huli.
Ipinahiwatig ng Distrito na ang mga katutubong nagsasalita ng Ingles na mga mag-aaral ay napili para
sa Dual Language na programa sa pamamagitan ng isang lottery system. Ang mga katutubong
Espanyol na nagsasalitang mag-aaral ay maaaring piliin na pumasok sa isang Dual Language na
programa sa halip na Bilingual Self-Contained na Espanyol sa MIC; ang demand sa mga katutubong
Espanyol na nagsasalita ay mababa ay hindi kailangan ang lottery.
Sinabi rin ng Distrito na ang kurikulum para sa Dual Language na programa ay pareho sa general
education na mga klase. Ito ay nakahanay rin sa kurikulum ng Distrito, na batay sa New Jersey Core
Curriculum Content Standards na itinakda g NDOE. Ipinahiwatig ng Distrito na ang mga mag-aaral sa
Dual Language na programa ay sama-samang dinadaluhan ang lahat ng kanilang mga klase; kasama
na ang Language
13
Natuklasan ng OCR na ang Distrito ay nagbigay ng pagsasanay sa protektadong pagtuturo sa monolingual na staff na nakatalaga sa mga homeroom ng ESL noong
Abril 15-17, 2013; Abril 22-24, 2013; at Hunyo 3-5, 2013. Sinanay ng Distrito ang total na 91 na mga monolingual na guro sa pamamagitan ng protektadong pagtuturo.
1
Ang Program Plan at mga guro ng ELL ay nagsabing ang mga high school ELL na mag-aaral ay nakakatanggal ng 80 minuto ng ESL araw-araw.
Pahina
Arts, Math, Science, Social Studies, at "specials," tulad ng Art, Music, at Physical Education.
Kinilala ng Distrito na ang mga mag-aaral sa programang ito ay hindi kumukuha ng anumang mga
klase kasama ang general education na populasyon, at hindi inuugna ang general education na
populasyon maliban kung may after school na programa, isang pagpupulong o tanghalian.
(v)
Port-of-Entry na Programa
Ang Distrito ay naghahandog ng Port-of-Entry na Programa sa dalawang (para sa mga taong 20112012 at 2012-2013) na natalaga ng Distrito na mga magnet school sa mga katutubong Espanyol na
nagsasalitang mag-aaral na napagpasyahan sa MIC na "lampas na sa takdang edad pero kulang sa
edukasyon. “Ang Port-of-Entry na programa ay karaniwang inihahandog sa mga mag-aaral na
pumapasok sa Distrito mula sa ibang bansa na ang antas ng edukasyon ay mas mababa kaysa sa antas
para sa edad ng mag-aaral (halimbawa, ang isang 13 taong gulang na mag-aaral na nagbabasa at
nagsusulat sa 3rd grade na antas).
Ipinaalam ng Distrito sa OCR na ang mga mag-aaral na nasa Port-of-Entry na programa ay gumagamit
ng parehong kurikulum tulad ng mga mag-aaral sa Bilingual Self-Contained na programa.
Ipinahayag ng staff ng Distrito na ang mga guro ay nagturo at nagpaliwanag ng mga materyal sa mga
mag-aaral na ito ayon sa kanilang sariling antas ng pag-uunawa. Kabilang sa programa ang Language
Arts, Math, Science at Social Studies; at ang mga mag-aaral ay minsan sinasama sa Bilingual SelfContained na programa para sa “specials”. Natala ng staff ng Distrito na, inaasahan, ang mga magaaral na ito ay mananatili sa Port-of-Entry na programa sa loob ng dalawang taon lang at lilipat sa
isang bilingual na programa.
Ang ilang mga staff ng Distrito na nakapanayam ng OCR ay nagsabing ang ilang mga bilingual na
self-contained na mag-aaral ay higit na mas mababa sa antas ng grade at dapat na ilagay sa Port-ofEntry na programa ng Distrito; gayunman, hindi sila nalagay dahil itinatalaga lang ng Distrito ang mga
mag-aaral sa Port-of-Entry na programa kung sila ay may mga rekord na nagpapahiwatig na ang mga
mag-aaral ay hindi pumasok sa paaralan sa kanilang dayuhang bansa. Kung walang nakitang ganoong
rekord, hindi inilalagay ng Distrito ang mga mag-aaral sa Port-of-Entry na programa, kahit na ito ay
mapapakinabangan. Bilang karagdagan, ang Port-of-Entry na programa ay hindi inihahandog sa high
school level. Bago makumpleto ang imbestigasyon kung sapat na nakilala ng Distrito ang mga magaaral para sa Port-of-Entry na programa, sumasang-ayon ang Distrito na lutasin ang pagrerepaso sa
pagsunod sa pamantaan nang walang karagdagang pagi-imbestiga.
Natiyak ng OCR na ang Distrito ay nakapili ng mga alternatibong wika na programa (hal. Bilingual,
ESL, at Dual Language) na kinikilala na matatag ng mga eksperto sa larangan, at nakalikha ng mga
pamamalakad at pamamaraan (pormal at di pormal) para mapatupad ang alternatibong wika na
programa nito. Bago magpasya kung ang Distrito ay patuloy na nagkakaloob ng mga serbisyo ng ESL
sa lahat ng mga mag-aaral na naitalaga, sa mga alternatibong wika na programa ng Distrito, sumangayon ang Distrito na lutasin ang pagrepaso sa pagsunod sa pamantayan nang walang karagdagang
imbestigasyon. Lubos pang napagpasyahan ng OCR na ang staff ng Distrito ay hindi nakakumpleto
sa inutos ng New Jersey para sa kurikulum para sa katapusan ng taon ng pasukan sa mga mag-aaral ng
ELL; at, ang oras ng pagtuturo sa klase para sa mga mag-aaral ng ELL ay hindi katumbas ng pagtuturo
sa oras ng klase para sa mga mag-aaral na wala sa ELL sa ilang mga kaso. Ipinahayag rin ng Distrito
ang mga ikinababahala nit tungkol sa mga pagkakaantala ng Distrito sa pagkakaloob ng High Intensity
ESL na pagtuturo sanhi ng kakulangan sa bilang na staff ng ESL at mga guro; at tungkol sa pagtatapos
ng bilingual math na pagtuturo sa Part-Time Bilingual na Programa sa pagsisimula ng taon ng pasukan
2013-2014. Dagdag pa dito, sinabi rin ng Distrito ang mga ikinababahala nito na ang Port-of-Entry na
mga mag-aaral ay hindi wastong nakilala, at samakatuwid ay hindi nakakatanggap ng angkop na mga
serbisyo ng ESL. Naitala rin ng OCR na noong 2011, inulat ng Distrito sa U.S. Department of
Education , sa pamamagitan ng Civil Rights Data Collection (CRDC) ng OCR; na 2,654 mga magaaral ang nakilala ng ELL, pero 2,060 (77.6%) lang ng mga mag-aaral ng ELL ang naka-enroll sa
Pahina
ELL na mga programa, 594 (22.4%) ELL na mga mag-aaral ang hindi nakakatanggap ng alternatibong
wika na serbisyo. Ang mga dahilan para dito ay hindi malinaw; gayunman, babantayan ng OCR ang
pagpapatupad ng kasunduan ng resolusyon para matiyak na ang mga mag-aaral ng ELL ay naka-enroll
sa mga alternatibong wika na programa, o iyong mga pinili na umais ay binibigyan ng angkop na
serbisyo ng suporta para sa wika.
Bago ang pagtatapos ng imbestigasyon ng OCR sa pagpapatupad ng Distrito sa alternatibo nitong
programa para sa wika, nagpahiwatig ng interes ang Distrito sa paglulutas ng repaso alinsunod sa
Seksyon 302 ng CPM ng OCR. Samakatuwid, hindi nakapagpasya sa pagsunod sa pamantayan ang
OCR kung ang lahat ng mga mag-aaral na nangangailangan ng mga serbisyo ng ELL ay
nakakatanggap ng mga nasabing serbisyo.
C. Pagtatalaga sa Mag-aaral at Paglahok sa Alternatibong Wika na Programa
Kung saan ang kakulangan sa kakayahan na magsalita at makaunawa ng wikang Ingles ay hindi
nagsasama sa minority group na batay sa pinagmulang bansa na mga bata mula sa mabisang paglahok
sa programang pang-edukasyon na inihahandog ng distrito ng paaralan, ang distrito ay dapat na
magsagawa ng mga sang-ayon na hakbang para matuwid ang kakulangan sa wika para mabuksan ang
mga programa sa pagtuturo nito sa mga nasabing mag-aaral. Kung piliin alisin ng mga magulang ang
kanilang mga anak mula sa isang ELL na programa o partikular na serbisyo ng ELL, mapapanatili ng
mga bata ang kanilang katayuan bilang mga mag-aaral ng ELL, at ang distrito ng paaralan ay
nananatiling may obligasyon na gumawa ng “mga sumasang-ayon na hakbang" na hinihiling ng Title
VI para mapagkaloob sa mga mag-aaral ng ELL na ito ang access sa mga programang pangedukasyon. Sa mga pangyayari kung saan ang mga magulang ay tumatanggi na i-enroll ang kanilang
mga anak sa programa ng ELL, ang distrito ng paaralan ay dapat na sabihin sa mga magulang ang
layunin at mga benepisyo ng programa ng ELL sa isang wika na kanilang nauunawaan; at kung ang
mag-aaral na piniling umalis mula sa mga serbisyo ng ELL ay hindi magawang makaganap ayon sa
antas ng grade nang hindi tumatanggap ng mga serbisyo ng ELL, dapat ay pana-panahon na ipaalala ng
distrito ng paaralan sa magulang na ang mag-aaral ay nananatiling karapat-dapat para sa nasabing mga
serbisyo. Kailangan rin batayan ng mga distrito ng paaralan ang pagsulong sa pag-aaral ng mga magaaral na ang mga magulang a tumanggi o pumili na umalis mula sa programa ng ELL at magkaloob ng
iba pang serbisyo ng suporta sa wika para sa nasabing mga mag-aaral.
Sa sandaling nakumpleto na ng Distrito ang pagsusuri na inilarawan sa itaas, ang Distrito ay
naghahandog sa mga pasyente/tagapag-alaga ng opsyon na ilagay ang kanilang mag-aaral sa isang
alternatibong wika na programa. Ipinagbigay-alam ng Distrito sa OCR na ang mga magulang/tagapagalaga ay dapat lumagda sa isang consent form (form ng pahintulot) na nakasulat sa kanilang
katutubong wika bago maaaring makadalo ang mga mag-aaral sa ELL na programa ng Distrito. Kung
sumang-ayon ang magulang/tagapag-alaga, ang staff ng MIC ay ilalagay ang mag-aaral sa isang
paaralan na pinakamalapit sa natalagang neighborhood ng mag-aaral na naghahandog ng ELL na
programa na alinsunod sa mga pangangailangan sa pag-aaral ng ELL ng mag-aaral.
Ipinaliwanag rin ng Distrito na maaaring bawiin ng mga magulang/tagapag-alaga o maaari nilang
"piliin na umalis" mula sa mga serbisyo ng alternatibong wika sa pamamagitan ng pagtangging
lumagda sa consent form, at nang sa gayon , ang mag-aaral ay itatalaga sa kaniyang paaralan na
malapit sa tirahan. Ipinahayag ng Distrito na kung tumnaggi ang isang magulang na magbigay
pahintulot, ang isang contact na guro ng ESL sa feeder school ng paaralan ay di pormal na
magsasagawa ng isang follow-up sa magulang kung tila, makalipas ang ikalawang panahon ng
pagbibigay ng marka o grade, ang mag-aaral ay hindi nagtatagumpay sa classroom.
Sa taon ng pasukan na 2011-2012, ang mga magulang/tagapag-alaga ng 20 mga mag-aaral na
napaniwalaang mga ELL na mag-aaral ng MIC ( halos 2% ng mga mag-aaral na natasa ng MIC)
ay tumanggi sa mga serbisyo ng ESL/Bilingual. Natuklasan ng OCR na para sa taon ng pasukan
na 2012-2013, ang mga magulang/tagapag-alaga ng 20 mga mag-aaral na napaniwalaang mga
ELL na mag-aaral ng MIC ( halos 2.5% ng mga mag-aaral na natasa ng MIC) ay tumanggi sa mga
Pahina
serbisyo ng ESL/Bilingual. Hindi nagbigay ng anumang dokumentasyon ang Distrito ng isang pormal
o di pormal na proseso at/o pamamaraan sa pagbabantay sa pagsulong sa pag-aaral ng mga magulang
na ang mga magulang ay tumanggo o piniling umalis mula sa programa ng ELL at nagkakaloob ng iba
pang uri ng serbisyo bilang pansuporta sa wika para sa nasabing mga mag-aaral.
Bago ang pagtatapos ng imbestigasyon ng OCR sa pagtatalaga ng mga mag-aaral ng Distrito sa
alternatibo nitong programa para sa wika, nagpahiwatig ng interes ang Distrito sa paglulutas ng repaso
alinsunod sa Seksyon 302 ng CPM ng OCR. Samakatuwid, ang OCR ay hindi nagsagawa ng isang
pagpapasya sa pagsunod sa patakaran kung ang Distrito ay may angkop na proseso para subaybayan
at magkaloob ng mga serbisyo sa mga mag-aara na ang mga magulang/tagapag-alaga ay “piniling
umalis” mula sa mga serbisyo ng ELL.
D. Mga Materyal at Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Ang pagiging angkop ng mga pinagkukuhanan ng impormasyon at tulong ng nasasapanahon na
handang makuha ang mga hinihiling na kagamitan at materyal sa pagtuturo. Ang limitadong
pinagkukuhanan ng pananalapi ay hindi nagbibigay katuwiran sa kabiguan na magkaloob ng mga
angkop na mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong. Isinasaalang-alang ng OCR ang saklaw
kung saan ang isang partikular na solusyon ay hihilingin na ang isang distrito ay kumuha sa iba
ng mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong mula sa iba pang kinakailangan na dulugan at
serbisyo na pang-edukasyon.
Ipinahayag ng Distrito na ang mga materyal sa pagtuturo ng Distrito na ginamit para sa mga programa
nito ng ELL ay kinabibilangan pero hindi limitado sa mga textbook, mga karagdagang materyales,
teknolohiya (tulad ng mga tablet, laptop, mga interactive na white board, at software), at mga
diksyonaryo. Natuklasan ng OCR na ang kurikulum ng ESL ay naa-update isang beses kada limang
taon sa pamamagitan ng isang komite ng mga guro at administrator ng ESL. 15 Ayon sa Distrito,
tinitiyak ng grupo na ito na ang mga bagong materyal ay nakahanay sa mga pamantayan ng
Common Core at New Jersey; at bagong-bago o bagong nalikhang mga materyal; at naaangkop
sa mga pamantayan ng WIDA. Ipinahayag nila na ang mga materyal ay huling nabili noong 2010.
Sinabi ng Distrito sa OCR na ang mga materyal ng ELL na ginamit ay sapat na para mapatupad ang
programa; hindi ito nakatanggap ng anumang mga reklamo mula sa mga magulang tungkol sa mga
materyal; ang bawat mag-aaral ay nakakatanggap ng libro, na mauuwi niya; at ang classroom na
ginamit para sa mga programa ng ELL ay sapat ang laki at bilang, ay hindi ginagamit kasama ng iba.
Naisaad rin ng Distrito na ang mga mag-aaral sa Bilingual Self-Contained na programa ng Distrito ay
karaniwang nakakatanggap ng parehong mga materyal na ipinagkaloob sa katumbas na mga hindi
ELL na klase, pero nakakatanggap rin ng isang version ng mga materyal na nakasalin-wika sa
Espanyol. Dagdag pa dito, ang mga mag-aaral na ito ay nakakatanggap ng mga dagdag na materyal na
nakasulat sa ibang antas ng karunungan, na nagpapahintulot para sa
inibang pagtuturo sa mga mag-aaral. 16 Sinabi rin ng Distrito na ang mga mag-aaral sa Bilingual
Self-Contained na programa ay may access sa mga tablet para sa pagsasalin-wika, mga interactive na
whiteboard, at laptop.
Ang mga mag-aaral sa Bilingual Part-Time ay nakakatanggap ng parehong mga materyal sa pagtuturo
na natatanggap ng ibang mga mag-aaral; ang mga ito ay nakasulat sa Ingles. Ang mga mag-aaral na
ito ay gumagamit ng pandagdag na materyal para bigyang suporta ang pagtuturo na ito, na nakasulat
rin sa Ingles. Ang mga mag-aaral sa Bilingual Part-Time ay walang anumang materyal sa pag-aaral na
nasalin-wika sa kanilang katutubong wika. Ipinahayag ng staff ng Distrito na ang Distrito ay
naghahandog sa mga mag-aaral na ito ng mga diksyonaryo para maaari nilang hanapin ang
bokabolaryo nang mag-isa. Dagdag pa dito, ang mga bilingual na guro ay nagsasalin-wika sa
pamamagitan ng pagbibigkas ng materyal para sa kanila. Sinabi rin ng Distrito na ang mga magaaral na ito ay may access rin sa mga tablet para sa pagsasalin-wika, mga interactive whiteboard, at
mga laptop. Ang mga mag-aaral ng ESL sa Kindergarten sa pamamagitan ng 5th grade ay
tumatanggap gn mga textbook at workbook gamit ang "On Our Way to English” ng Rigby.
Pahina
Nirepaso ng OCR ang sample ng mga materyal na ito at nakumpirma na ang mga ito ay sinasama
ang mga leksyon sa pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita, at pag-uunawa ng wikang Ingles. Ang mga
mag-aaral ng ESL sa mga grade na 6 hanggang 12 ay tumatanggap ng mga textbook at workbook
mula sa "Milestones” ng Heinle Cenegage Learning. Nirepraso rin ng OCR ang sample ng mga
materyal na ito at nakumpirma na ang mga ito ay sinasama sa mga leksyon sa pagbabasa, pagsusulat,
pagsasalita, at pag-uunawa ng wikang Ingles.
Sinabi ng staff ng Distrito sa OCR na nasiyahan sila sa mga binigay na materyales, pero may ilang mga
ikinababahala: hindi sila binigyan ng sapat na bilang ng mga kopya ng text o iba pang mga libro at
materyales; ang mga textbook ay hindi sapat na mapanghamon; ang kalidad ng ilang mga materyales
ay iba at mas luma kaysa sa mga materyales na ipinagkaloob sa ilang mga subject sa mga hindi ELL na
mag-aaral; ang ilang mga textbook at dulugan na ibinigay sa mga hindi ELL na klase ay hindi ibinigay
sa mga bilingual na klase; at ang mga bilingual na textbook ay hindi nasapanahon. Dagdag pa dito, ang
hindi maaasahang impormasyon mula sa staff ng Distrito ay nagsasabing ang pamamaraa para
makakuha ng mga laptop, computer at tablet ay hindi sapat na malinaw.
Ang nirepaso ng katibayan ng OCR ay nagpahiwatig na ang Distrito ay nagkakaloob ng mga sapat na
dulugan at materyales, kasama na ang angkop na mga materyal sa pagtuturo, at teknolohiya, sa mga
mag-aaral ng ELL sa ilang mga klase at ilang mga staff na kinilala ang mga ikinababahala hinggil sa
kalidad at dami ng mga materyales at teknolohiya para sa pagtuturo. Bago ang pagtatapos ng
imbestigasyon ng OCR sa pagiging angkop ng mga materyales at dulugan na ipinagkakaloob ng
Distrito sa mga mag-aaral ng ELL, ipinahiwatig ng Distrito ang interes nito sa paglulutas ng repaso
alinsunod sa Seksyon 302 ng CPM ng OCR. Samakatuwid, hindi nagpasya ang OCR sa pagpapasya sa
pagsunod sa patakaran hinggil sa pagiging angkop ng mga materyales at dulugan ng Distrito para sa
mga mag-aaral ng ELL.
E. Staffing at Pagpapaunlad ng Staff
Ang mga distrito ng paaralan ay may obligasyon na magkaloob ng staff na kinakailangan para
mapatupad ang kanilang napiling programa nang maayos sa loob ng isang makatuwirang takdang
panahon. Kapag nakapagtatag na ng mga pormal na kuwalipikasyon at kapag karaniwang hilingin ng
distrito ng paaralan mula sa mga guro nito sa ibang mga subject na tumugon sa mga pormal na
kahilingan, kailangan kumuha anng distrito ng mga kuwalipikadong guro para makapagturo ng
alternatibong mga serbisyo sa wika sa mga mag-aaral ng ELL o hilingin na ang mga guro ay may mga
staff na nagtatrabaho patungo sa pagtatamo ng mga nasabing pormal na kuwalipikasyon.
Dagdag dito, dapat ay may sapat na bilang na mga magagamit na guro para matiyak ang mabisang
pagpapatupad ng napiling programa para sa pagpapahusay ng wikang Ingles ng Distrito. Ang support
staff ng alternatibong wika na programa ay dapat na kuwalipikado rin para sa mga tungkulin sa
pagbibigay suporta sa edukasyon na kanilang gagampanan sa programa ng pagpapahusay ng wikang
Ingles ng distrito. Dapat ay mayroon silang kahit man lang kakayahan sa wikang Ingles at katutubong
wika na angkop sa itinalaga sa kanila at hindi para sa pagtuturo na tungkulin sa isang alternatibong
programa. Ang mga nagtuturo na staff na may sertipiko at na-endorso ay dapat malapit at angkop na
mamahala sa support staff. Kailangang tiyakin ng mga distrito ng paaralan na ang mga administrator
na nagtatasa sa staff ng ELL ay angkop ang pagsasanay para mainam na matasa kung ang mga guro ng
ELL ay sapat ang pagiging handa para makapagturo na matitiyak na ang huwaran ng programa ng
ELL ay matagumpay na natatamo ang mga layuning pang-edukasyon nito.
15
Sinabi ng Distrito sa OCR na ang prosesong ito ay gumagaya sa prosesong ginagamit para mapagpasyahan ang
kurikulum para sa mga klase na hindi ELL.
16
Walang nakita ang OCR na iba pang pandagdag na materyal para sa mga subject maliban sa Language Arts.
Pahina
Nai-ulat ng Distrito na habang taon ng pasukan na 2011- 2012, 60 mga guro ng ELL ang nagturo ng
Bilingual Self-Contained na klase, 15 mga ELL na guro ang nagturo ng Bilingula Part-Time na klase,
64 na mga ELL na guro ang nagturo ng ESL na klase, at 28 mga indibiduwal ang naglingkod bilang
mga katulong ng guro (teacher aide)/assistant. 17
Nirepaso sa publiko ng OCR ang available na data hinggil sa pangkalahatang general education na
ratio ng guro at mag-aaral, sa bawat isang paaralan sa Distrito para sa taon ng pasukan na 2011-2012.
Natuklasan ng OCR na ang mga ratio ng guro at mag-aaral ng Bilingual Self-Contained, Bilingual
Part-Time, at/o ESL na (mga) programa ay humigit sa pangkalahatang ratio ng guro at mag-aaral para
sa general education, ng higit sa 10 mga mag-aaral kada guro sa 12 mga paaralan ng Distrito.
Sa taon ng pasukan ng 2012-2013, naulat ng Distrito na 65 mga guro ng ELL ang nagturo ng
Bilingual Self-Contained na klase, 17 mga ELL na guro ang nagturo ng Bilingula Part-Time na klase,
69 na mga ELL na guro ang nagturo ng ESL na klase, at 29 mga indibiduwal ang naglingkod bilang
mga katulong ng guro (teacher aide)/assistant. Ang OCR ay hindi nakakuha ng pangkalahatang ratio
ng guro at mag-aaral para sa general education para sa taon ng pasukan na 2012-2013; gayunman,
naitala ng OCR na 10 mga paaralan ang may ratio para sa guro-mag-aaral na higit sa 1:22 sa mga
alternatibong wika na programa nito.
Hinihiling ng NJDOE mula sa mga indibiduwal na matugunan ang ilang mga kahilingan para
magkaroon ng sertipiko na maging bilingual at/o ESL. Kabilang dito ang pagpasa sa isang binibigkas
(oral) na pagsusulit (tulad ng Oral Proficiency Interview (OPI)) at isang written proficiency test,
pagtatamo ng bachelor’s degree at New Jersey instructional certificate, at pagkukumpleto ng
minimum na 24 oras na pag-aaral sa basic na mga pedagogical na kakayahan na inihahandog sa
pamamagitan ng naaprubahan ng estado na tagabigay-serbisiyo (provider) o sa pamamagitan ng
naaprubahan na coursework sa isang kolehiyo na naaprubahan ng estado ng New Jersey.
Sinabi ng Distrito sa OCR na hindi ito kumukuha ng mga guro ng ELL maliban kung sila ay nakapasa
sa isang OPI. 18 Kung ang mga guro ay nakapasa sa isang OPI pero wala pang sertipiko, maaari
silang kuhanin ng Distrito bilang
mga guro ng ELL,sa kundisyon na ang mga guro ay mangako na kumuha ng minimum na anim na
credit kada taon para sa coursework na hinihiling para makakuha ng sertipiko, tulad nang hinihiling
ng NJDOE. Tapos ay may tatlong taon ang mga guro para makumpleto ang kanilang bilingual at/o
ESL na certification. Sa panahong ito, maaari silang magturo ng mga bilingual o mga ESL na klase;
naitala ng Distrito na ang mga walang sertipiko na guro ay karaniwang tinuturuan ng mas sanay na
mga guro sa panahong ito. Naisaad ng Distrito na naitatag nito ang nasabing pamamalakad
bilang paraan ng pagtutugon sa kakulangan sa mga guro. 19 Sinabi rin ng Distrito sa OCR na sa
buwan ng Abril 2013, ito ay nakipag-partner sa New Jersey University para maparami ang pangkat
nito ng
17
Sa Program Plan nito, inulat ng Distrito na may 78 bilingual certified, 65 ESL certified, at 36 bilingual/ESL certified na mga guro sa umpisa ng taon ng pasukan na
2011-2012. Ang impormasyon na nirepaso ng OCR ay nagpapahiwatig na ang ilan sa mga guro na nabilang na mga guro ng ELL sa Program Plan ay mga World
Language high school teach sa katotohanan. Ang mga gurong ito ay hindi mga ELL na guro, dahil ang World Langugage program ay hindii bahagi ng ELL na
programa ng Distrito.
18 Ang assessment (pasusuri) na ito ay naisip ng American Council on the Teaching of Foreign Languages at sinusukat nito
ang nagagamit na kakayahan sa pananalita. Ayon sa "Bilingual/Bicultural Education Certificate of Eligibil ity (Endorsement Code 1480) ng New Jersey,CE.pdf
na
nalathala
at
"English
as
a
Second
Language
Certificate
of
Eligibility
(Endorsement
Code:
1475),
na
nalathala
sa
http://www.state.nj.us/education/educatos/license/endorsements/1475CE.pdf, hinihiling ng estado ang “katibayan ng pagpasa sa oral at nakasulat na mga pagsusulit sa
karunungan (proficiency) OP & WPT)." Makikitang ni wala sa dokumentong nakasaad na hinihiling ng New Jersey ang katibayan ng kakayahan sa pagbabasa at
pagsusulat.
19
Tulad nang paunang naisaad, nasabi ng Distrito na sanhi ng kakulangan sa mga guro, hindi nito matitiyak na ang mga ESL na guro
ay makakapagsalita sa katutubong wika ng mag-aaral, kahit na para sa mga karaniwang ginagamit na wika sa Distrito, tulad ng Espanyol, Hindi, Gujarati, Arabic at
Tagalog, ang nagtuturo ng ESL ay karaniwang magsasalita sa katutubong wika ng mga mag-aaral ng ESL na kaniyang tinuturuan. Hindi hinihiling ng Distrito na ang
guro ng ESL ay matatas na nakakapagsalita, nagbabasa, nagsusulat, o nakakaunawa sa katutubong wika. Sa halip, ang ESL na guro na hindi nagsasalita ng wika ay
hinihiling na masanay sa isang protektadong pagtuturo.
Pahina
mga guro. Ang mga gurong ito ay tatanggap ng bilingual certification o ESL certification.
Sumang-ayon ang Distrito na bigyang pondo ang 33 credits para sa 29 mga guro na kukuha ng programa
na ito. Bilang pagsasaalang-alang sa mga assistant ng guro at mga aide (katulong ng guro), natutunan ng
OCR na hindi nila kailangan ng certification para makapagtrabaho sa loob ng Distrito. Naipahayag ng
Distrito na ang mga aide/assistant ay karaniwang matatas sa ikalawang wika; gayunman, hindi binibigyan
ng eksaminasyon ng Distrito ang mga ito para sa katatasan sa ibang mga wika. Ang parehong mga ELL na
guro at mga assistant/aide ay dapat pa rin makatugon sa parehong kriterya tulad ng mga guro/aide/assistan
para sa katumbas na hindi
20
ELL na mga klase.
Walang nahanap na impormasyon ang OCR na nagpapahiwatig na ang Distrito ay nagsagawa ng anumang
mga pagsasanay ng ELL sa taon ng pasukan na 2011-2012. Natuklasan ng OCR na ang staff ng ELL sa
Distrito ay nakataggap ng mga sumusunod na pagsasanay sa taon ng pasukan na 2012-2013. (a)
pagsasanay sa mga pagbabago sa ACCESS na eksaminasyon noong Disyembre 17, 2012;
(b) "Improving Quality of Instruction: Professional Development Program for Teachers of
English Language Learners," na pumalit sa ilang mga Sabado sa pagitan ng Abril at Hunyo 2013; (c)
attendance sa "New Jersey Teachers of English to Speakers of Other Languages/New Jersey
Bilingual Ed ucators Spring Conference" para sa 10 mga ELL na guro noong Mayo 29 at 30, 2013;
(d) "Job Embedded Coachi ng for Bilingual Teachi ng" noong Mayo at Hunyo 2013; at (e)
"Common Core Standards and ELLs: Teaching to Reading and Text Complexity in the ESL
Classroom" noong Hunyo 3, 2013.
Ayon sa Distrito, ang mga guro ng ELL ay natasa ayon sa pagganap gamit ang parehong kriterya na
ginamit para tasahin ang mga hindi ELL na guro; tiyak na dito, ang Principal at/o Assistant Principal ay
nag-oobserba sa guro sa classroom at tinatasa ang kanilang pag-unlad sa propesyon, pagpaplano at
paghahanda, komunikasyon sa mga mag-aaral, at pagtuturo. Nailahad ng Distrito na minsan ay tinatasa
rin nito ang mga guro ng ELL sa classroom. Sinabi ng Distrito na ang mga Principal at Assistant
Principal ay hinihiling na kumuha ng parehong pagsasanay tulad ng mga staff ng ELL; umaalinsunod dito,
sila ay sinasanay para maghanap ng tiyak na ESL at mga bilingual na estratehiya. Gayunman, sa isang
pagrerepaso ng mga pagsasanay na inihandog sa taon ng pasukan na 2012-2013, hindi nakasaad na ang
mga Principal o Assitant Principal ay dumalo sa mga pagpupulong.
Natuklasan ng OCR na hindi lahat ng mga guro ng ELL sa Distrito ay may sertipiko ng ESL at/o may
bilingual na edukasyon; at, sa katibayan na nirepaso ng OCR, ipinahiwatig na ang Distrito ay hindi
nagtatasa sa mga walang sertipiko na guro sa kanilang karunungan sa pagbabasa at pagsusulat ng wika.
Ang katibayan na nirepaso ng OCR ay hindi rin nagpapakita na ang Distrito ay regular na nagtatasa sa
pagganap ng mga guro sa classroom ng isang indibiduwal na sanay sa paraan ng pagtuturo ng ESL at/o
bilngual; o na ang mga guro ng ESL ay nasanay bago ang taon ng pasukan na 2012-2013.
Bago ang pagtatapos ng imbestigasyon ng OCR sa pagkuha ng mga staff at pagpapaunlad nang
isinasaalang-alang ang mga programa ng Distrito para sa ELL, ipinahiwatig ng Distrito ang interes nito sa
paglulutas ng repaso alinsunod sa Seksyon 302 ng CPM ng OCR. Sa gayon, hindi nakapagpasya ang
OCR hinggil sa pagsunod sa patakaran kung ang Distrito ay nakapagbigay ng sapat na kuwalipikadong
mga stafff para mapatupad ang mga ELL na programa nito, kasama na ang angkop na pagtatasa sa mga
kuwalipikasyon ng guro, karunungan sa pagbabasa/pagsusulat ng wika at pagganap sa classroom;
pagsasanay sa staff ng ELL; at pagtatalaga ng sapat na bilang ng staff sa mga programa ng ELL ng
Distrito.
20
Sinabi ng ilang mga guro na nakapanayam ng OCR na wala silang mga aide o assistant na nakatalaga na makatrabaho nila sa kanilang mga klase.
Pahina
F. Kriterya sa Pag-alis at Pagbabantay
Sa sandaling ang mga mag-aaral ay nalagay na sa isang alternatibong wika na programa, kailangan
sila mapaglingkuran hanggang sapat na ang karunungan nila sa Ingles para mainam na makalahok sa
regular na programa ng edukasyon . Ang kriterya sa mga aalis na mag-aaral mula sa alternatibong
wika na programa ay dapat batay sa isang may layunin na mga pamantayan, tulad ng mga
standardized test score, at dapat na mapapaliwanag ng distrito kung bakit ito nagpasya na ang mga
mag-aaral na nakakatugon sa mga nasabing pamantayan na iyon ay makakayanan na sumali ang
maayos sa isang regular na classroom. Dagdag pa dito, hindi dapat alisin ang mga mag-aaral mula sa
ELL na programa hanggang sila ay nakakabasa, nakakasulat, at nakakaunawa ng Ingles nang sapat
para makalahok nang mainam sa programa ng tatanggap. Ang ilang mga dahilan na dapat suriin sa
pagpapasa kung ang dating mga mag-aaral ng ELL ay hindi makakalahok nang mainam sa regular na
programa ng edukasyon ay kinabibilangan ng: (1) Kung sila ay nakakasabay sa kanilang mga wala sa
ELL na kasamahan sa regular na programa ng edukasyon; (2) kung kaya nilang sumali at magtagupay
sa lahat ng mga aspekto ng kurikulum ng paaralan nang hindi ginagamit ang pina-simple na materyal
sa wikang Ingles; at (3) kung ang kanilang pananatili sa grade at rate ng dropout ay katulad nang
kanilang mga wala sa ELL na kasamahan.
Sa isang kalakip sa dalawang liham na sinulat sa lahat ng mga principal ng elementary, middle at high
school na may petsang Abril 29, 2013, ang Associate Superintendent ay nagbalangkas ng proseso ung
saan ang mga mag-aaral ay maaaring umalis mula sa ELL na programa ng Distrito.
Ayon sa
dokumentong ito, ang mga guro sa ESL, bilingual, at/o monolingual ng mag-aaral ay dapat muna
sumang-ayon sa pagiging angkop ng pag-alis ng nasabing mag-aaral mula sa programa ng ELL.
Tapos ay rerepasuhin ang rekumendasyon na ito ng principal ng paaralan at ipapasa mga Supervisor
ng Bilingual/ESL/World Language na Programa, na rerepasuhin ang impormasyon at gagawa ng
panghuling pasya sa pagkakaloob o pagtatanggi sa rekumendasyon na umalis. Kung maipagkaloob,
sasabihin ng Distrito sa mga magulang ng mag-aaral ang tungkol sa desisyon sa sariling wika ng mga
magulang. Maaaring hamunin ng mga magulang ang pasya na ito sa pamamagitan ng pagsasampa ng
apela sa administration ng Distrito.
Ang Distrito ay nagkaloob sa OCR ng "Group Profile[s] of Students Recommended for Exiting
Bilingual and ESL Services." Ayon sa dokumentong ito, nirerepaso ng Distrito ang sumusunod na
kriterya bago umalis ang mga mag-aaral ng elementary o middle school mula sa mga alternatibong
wika na programa: (a) ang edad/petsa ng pagpasok ng mag-aaral; (b) ang mga rekumendasyon
ng guro ; (c) ang ACCESS score ng mag-aaral;21 (d) ang Reading DORA Lexile level ng
22
mag-aaral;
(e) ang "Reading Street" na pagtatasa ng mag-aaral 23 (hal. ang may estratehiyang
pamamagitan, ayon sa antas, o advanced); (f) ang grade sa report card ng mag-aaral para sa pagbabasa
sa Ingles para sa ikatlong panahon ng pagbibigay ng marka o grade; at, (g) kung ang mag-aaral ay
makakasulong sa susunod na grade. Para sa mga mag-aaral ng high school, nirerepaso ng Distrito
ang mga sumusunod bago mapaalis ang mga mag-aaral: a) ang edad/petsa ng pagpasok ng mag24
aaral; (b) Ang Z ESL level ng mag-aaral sa Ingles;
(c)
ang mga rekumendasyon ng guro; at (d) ang grade sa report card ng mag-aaral hanggang sa
buwan ng Abril.
21
Ipinagbigay-alam ng Distrito sa OCR na ang mga mag-aaral ay dapat magkaroon ng score na 4.5 o mas mataas pa sa kaniyang pagsusulit para makaalis sa
22
programa.
Sinabi ng Distrito na ang eksaminasyon na ito ay sumusukat sa kaalaman ng mag-aaral sa Ingles at ang kaniyang karunungan sa wika. Ang mga
mag-aaral ng Bilingual Self-Contained ay kumukuha ng eksaminasyon na ito sa parehong Ingles at Espanyol, habang ang iba pang mga mag-aaral ng ELL ay
kinukuha ito sa wikang Ingles lang. Dapat maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pag-uunawa sa ayon o higit pa sa grade leve para makaalis sa
3
programa. Sinabi ng Distrito na ang pagsusulit na ito ay inihahandog lang sa mga mag-aaral na nasa Kindergarten hanggang 5th grade, at binibigay tuwing
makalipas ang bawat unit para masukat ang pag-unlad sa wika; ang mga pagtatasa sa mag-aaral ay nirerepaso pagkatapos ng ikatlong panahon ng pagbibigay ng
2
marka o grade. Sinabi ng Distrito sa OCR na ang rating na ito ay nagpapahiwatig sa antas sa ESL ng mag-aaral. Ang Level I ang pinakamababang antas at ang
Level 4 ang pinaka-advanced. Ang guro sa ESL ng mag-aaral para sa middle school ay nagrerekumenda ng isang level bago ang high school, at
tapos ay karniwang sumusulong ng isang level kada taon ang mag-aaral.
Pahina
Ang Staff ng Distrito ay nagsabi sa OCR na pinalawak ng Distrito ang kriterya para sa high school
para sa taong 2014-2015 para mapasama ang score sa ACCESS ng mag-aaral at Reading DORA
Lexile level.25
Maraming guro ang nagkumpirma na inirekumenda nila ang mga mag-aaral na
maalis nang umaalinsunod sa kriterya na inilarawan sa itaas.
Ipinaalam ng Distrito sa OCR na para sa mga mag-aaral ng elementary at middle school, napasyahan
na ang pinakamahalagang kriterya, ayon sa kahalagahan, ay ang score sa ACCESS ng mag-aaral; ang
kanilang Reading DORA Lexile na level; ang kanilang mga grade; kung sila ay na-promote sa
susunod na grade level; at ang dami ng taon na nasa programa sila. Natala ng staff ng Distrito na
kahit na ang score sa ACCESS ang pinakamahalaga, kailangang repasuhin ng Distrito ang mga score
para sa mga pagsusulit na nakuha bago ang taon ng pasukan, dahil ang Distrito ay dapat na magpasya
sa pag-alis sa katapusan ng taon ng pasukan at ang mga score para sa pagsusulit na ACCESS sa Abril
o Mayo kung hindi makukuha hanggang sa katapusan ng Hulyo. Dinagdag pa ng Distrito na sa
sandaling matanggap ng Distrito ang mga score sa Hulyo, rerepasuhin ng Distrito ang rekumendasyon
ng bawat mag-aaral para makita kung ang pasya sa pag-alis ay dapat baguhin. Sinabi ng Distrito na
ang mga mag-aaral ay maaaring maalis mula sa programa sa Setyembre ng susunod na taon. Ang
proseso sa pagrerepaso ng Distrito ay hindi natakda o wala sa kasulatan; sa halip ay nirerepaso nito
ang mga rekumendasyon sa isang di pormal na paraan.
Hinggil sa dami ng mga taon na nasa programa ang mag-aaral, nakasaad sa Program Plan na ang mga
mag-aaral ay hindi maaaring manatili sa programa ng ELL ng higit sa limang taon, kahit na naturing
na sila ay handa na para sa mga monolingual na klase. Sinabi ng Distrito sa OCR na hinihiling ng
estado ng New Jersey na hindi ito tatagal ng higit sa limang taon para makaalis ang isang mag-aaral
mula sa ELL na programa. Sa kabila ng Program Plan, isinaysay ng Distrito na hindi nito
awtomatikong aalisin ang isang mag-aaral mula sa programa makalipas ang limang taon; tatasahin pa
rin ng Distrito kung angkop ang pag-aalis. Kung natuklasan na hindi ito angkop, pananatilihin ng
Distrito ang mag-aaral sa programa pero maaaring muling tingnan kung paano ipinapatupad ang
programa para sa mag-aaral. Maaari rin magpasya ang Distrito na alisin ang mag-aaral
mula sa bilingual na programa pero mapanatili ang pagtuturo ng ESL.26 Kinilala ng Distrito na
kasalukuyan itong walang nakatalagang programa para mabantayan ang mga mag-aaral sa sandaling
sila ay umalis mula sa ELL na programa. 27 Alinsunod dito, napagpasyahan ng OCR na ang Distrito
ay walang impormasyong ipinagkaloob para mapakita kung ang mga naunang kalahok sa programa
ng ELL ay nalalampasan ang kanilang mga kahirapan sa wika nang wasto at sapat para mainam na
makalahok sa mga programa ang tumanggap ng serbisyo.
Batay sa itaas,napasyahan ng OCR na ang may layunin na kriterya sa pagsusuri na ginamit para sa
aalis na elementary at middle school na mga mag-aaral ng ELL mula sa programa ay batay sa, bilang
bahagi, mga score sa ACCESS na natamo ng mag-aaral sa loob ng isang taon bago ang pagtatasa sa
pag-alis. Dagdag dito, hindi rin nakakita ng katibayan ang OCR na nagpapatunay na ang mga repaso
ng Distrito o isinasaalang-alang ang mga pinakahuling score sa ACCESS
25
Ang mga guro sa high school ay nagsabi na ang guro ng ESL ay may responsibilidad para irekumenda ang mga mag-aaral
na umalis. Ang rekumendasyon ay pinapasa sa principal upang maaprubahan, at kasunod ay pinapasa sa Distrito para
mapagpasyahan. Sinabi nila na ang kriterya na ginamit ay karaniwang alinsunod sa kriteryang nakasaad sa itaas;
gayunman, natala nila na maaari rin nilang isama ang isang pagrerepaso sa score ng mag-aaral sa High School
Proficiency Assessment (HSPA) na binigay ng Marso habang junior year ng mag-aaral at ang pagsusulit na ACCESS.
26
Sinabi ng staff ng Distrito sa OCR na ang mga magulang ay hinihiling minsan na ang kanilang anak ay manatili sa
programa ng ELL kahit na
pakiramdam ng Distrito na angkop na ang pag-alis, dahil ang mga magnet school kung saan natatagpuan ang mga programa
ng ELL ay madalas na nakikita na nakapagkakaloob ng mas mabuting edukasyon kaysa sa ibang mga paaralan sa Distrito.
Sinabi ng staff ng Distrito sa OCR na may mga pangyayari kung saan pinahintulutan ng Distrito ang mga mag-aaral na
manatili sa programa ayon sa kahilingan ng magulang, kahit na nakitang karapat-dapat sila na lumabas sa programa.
27
Ang ilang mga guro ng ELL na nakapanayam ng OCR ay nagsabing di pormal nilang nababantayan ang mga mag-aaral;
gayunman, nakumpirmi nila na walang pormal na programa sa pagbabantay na naitalaga ang Distrito.
para sa mag-aaral, na naulat na halos dalawang buwan makalipas ang nagawang rekumendasyon na
umalis ang bawat mag-aaral. Ang nakasulat na kriterya ng Distrito para sa mga mag-aaral ng ELL na
nasa high school ay tila hindi nakakapagkaloob para sa anumang mga nilalayong pagsusukat para sa
kakayahang makabasa, makapagsulat at makaunawa ang mag-aaral ng Ingles; ang lahat ng mga
hakbang ay mula sa rekumendasyon ng guro ng ESL, ang pangkalahatang mga grade, at taon sa
programa. At, walang pahiwatig sa katibayan na ang Distrito ay nakabuo ng isang proseso sa pagalis na sapat para matiyak na ang mga guro ay gumagamit ng maayos at hindi pabago-bagong kriterya
para sa bawat mag-aaral sa pagsasagawa ng kanilang pasya sa kanilang pag-alis.
Alinsundo dito,
natiyak ng OCR na may sapat na katibayan para masabing ang Distrito ay lumalabad sa regulasyon sa
pagpapatupad ng Title VI, dahil ang Distrito ay hindi pa nakakabuo ng kriterya sa pag-alis na batay sa
may nilalayong pamantayan, tulad ng mga standardized na score sa pagsusulit; at, hindi pa napakita
ng Distrito na ang mga mag-aaral ay nakakaalis lang mula sa programa ng ELL kapag sila ay
nakakapagbasa, nakakapagsulat, at nakakaunawa na ng Inlges nang sapat para mainam na makalahok
sa programa ng tatanggap.
Ang OCR ay hindi nagsagawa ng mga pasya sa pagsunod sa patakaran kung ang ginamit na kriterya
para sa mga aalis na mag-aaral ay walang pabago-bago na ipinatupad at angkop o kung ang kabiguan
ng Distrito na mabantayan ang mga mag-aaral kung sino ang nakakaalis mula sa programa ng ELL ay
lumalabag sa regulasyon sa pagpapatupad ng Title VI, dahil bago ang pagtatapos ng imbestigasyon ng
OCR, sinabi ng Distrito ang interes nito sa paglulutas ng mga natitirang isyu na ito alinsunod sa
Section 302 ng OCR's CPM. Gayunman, napagpasyahan ng OCR na may sapat na katibayan para
masabing ang Distrito ay hindi nakabuo o nakapagpatupad ng isang proseso o pamamaraan para sa
pagbabantay sa mga mag-aaral na naka-alis mula sa programa ng ELL; ang kabiguan ng Distrito na
bantayan ang mga mag-aaral na nakaalis mula sa ELL na programa ay nakakasali sa isang
pagkabahala sa pagsunod sa patakaran.
G. Pagtatasa sa Programa
Hinihiling mula sa mga tumatanggap ng serbisyo na baguhin ang kanilang programa kung
napatunayan na nabigo sila makalipas ang isang tunay na pagsubok; at ang mga karagdagang
pagtatasa na sa isang praktikal na paggawa, ang mga tumatanggap ay hindi makasunod sa kahilingan
na ito nang wala ang pana-panahong pagtatasa sa kanilang mga programa. Kung ang tumatanggap ay
hindi pana-panahong natatasa o nababago ang mga programa nito, tulad nang naaangkop, ito ay
lumalabag sa mga regulasyon ng Title VI maliban kung nagtagumpay ang programa nito. Karaniwan,
ang “tagumpay” ay nasusukat kung natatamo ng programa ang partikular na mga layunin nito na
natatag para sa tumatanggap para sa programa nang walang hindi kinakailangan na paghihiwalay.
Kung ang tumatanggap ay walang partikular na natatag na layunin, ang programa ay nagtagumpay
kung ang mga kalahok dito ay nalampasanang kanilang mga kahirapan sa wika nang sapat at mainam
na nakalalahok sa mga programa ng tumatanggap.
Noong Marso 2013, kumuha ang Distrito ng isang panlabas na consultant para tasahin ang programa
ng ELL ng Distrito. Ang pagtatasa ng consultant ay nagsisilbi bilang isang "pangangailangan ng
assessment o pagsusuri" na nilalayon para mapagpasyahan ang mga pangangailangan ng staff ng ELL
na kabilang sa isang propesyonal na development program. Nakonsidera rin nito kung paano
mapagpapatuloy ng Distrito na makatugon sa propesyonal na pagpapaunlad na mga pangangailangan
ng mga guro at administrator sa ESL/bilingual, na may layunin na mapahusay ang pagganap sa pagaaral ng ELL. Natuklasan ng OCR na nirepaso ng consultant ang mg resulta ng mag-aaral ng ELL sa
New Jersey Assessment of Skills and Knowledge Exam (NJASK) para sa wika at karunungan
sa pagbabasa at pagsusulat, math, at science at pinaghambing ito sa mga average ng estado at sa
District Factor Group (DFG).28 Ang consultant ay nagbigay ng mga rekumendasyon bagay sa
dalawang mga layunin na binalangkas ng Distrito: (a) "para makalikha ng oportunidad para sa lahat
ng mga mag-aaral na makatugon sa
28
Lumikha ang estado ng New Jersey ng DFGs para sa layunin ng pagkukumpara sa pagganap ng mga mag-aaral sa mga pagtatasa sa buong estado na katulad ng
ibang nasa parehong demograpiko ng mga distrito ng paaralan. Tinukoy ito ng consultant bilang ang “Demographic Factor Group."
Pahina
mataas na kalidad na mga pamantayan sa edukasyon;” at (b) pagpapahusay sa kalidad ng pagtuturo sa
pamamagitan ng pagpapaunlad sa propesyon na makakatulong sa mga mag-aaral na matugunan ang
mahihirap na pamantayan sa pag-aaral." Nagbigay ng ilang mga rekumendasyon ang consultant para
sa Distrito, kasama na ang pagpaparami ng pagsasanay sa guro; pagkakaloob ng suporta para sa
pagtuturo sa anyo ng mga katibayan na nakikita sa trabaho at coaching sa pagtuturo; at pagkakaloob
ng "naka-target na teknikal na tulong sa pagbubuo ng isang malawakang" ELL na programa sa buong
Distrito.
Sinabi ng Distrito na makalipas na matanggap ang ulat, sinundan nito ang lahat ng mga
rekumendasyon ng consultant, pero hindi nagbigay ng tiyak na data ang Distrito sa OCR na
nagbibigay dokumentasyon sa pagpapatupad ng mga rekumendasyon. Sinabi ng Distrito sa OCR na
hindi natasa ng Distrito ang ELL na programa nito bago sumapit ang Marso 2013. At, hindi rin
nakatagpo ng katibayan ang OCR na nagsasabing ang Distrito ay may anumang pormal o nakasulat na
mga patakaran o pamamalakad na nag-uutos na tatasahin ng Distrio ang ELL na programa nito panapanahon.
Batay sa imbestigasyn nito, natiyak ng OCR na may sapat na katibayan para masabing ang Distrito ay
hindi tinatasa pana-panahon ang ELL na programa nito. At, nagbigay ang Distrito ng kulang na
dokumentasyon para mapakita na ang programa nito ay matagumpay; hal., na ang mga kasali dito ay
nalalampasan ang kanilang kahirapan nang maayos at sapat para mainam na makalahok sa mga
programa ng tumatanggap ng serbisyo. Alinsunod pa dito, natiyak ng OCR na ang Distrito ay
lumalabag sa regulasyon sa pagpapatupad ng Title VI.
H. Pakikipag-ugnayan sa Magulang
Dapat ay hustong maipagbigay-alam ng mga distrito ng paaralan sa mga magulang na mula sa
minority group batay sa pinagmulang bansa ang impormasyon na tinatawag ang pansin ng iba pang
mga magulang, at ang nasabing abiso ay maaaring ibigay sa wikang maliban sa Ingles upang maging
sapat. Sa mga antas ng paaralan at distrito, ang mahalagang impormasyon na ito ay kinabibilangan
pero hindi limitado sa impormasyon hinggil sa mga programa na pantulong sa wika, mga espesyal na
edukasyon at mga nauugnay na serbisyo dito, Individual Education Program na mga pagpupulong
para sa mga may kapansanan na mag-aaral, mga pamamaraan sa paghahain ng karaingan, mga abiso
ng nondiscriminasyon, mga patakaran at pamamalakad sa pagdidisiplina sa mag-aaral,
pagpaparehistro at enrollment, mga report card, mga kahilingan ng pahintulot ng magulang para sa
paglahok ng mag-aaral sa mga aktibidad ng mag-aaral sa distrito o paaralan, mga pagpupulong ng
magulang at guro, mga aklat gabay sa magulang, mga gifted and talented na programa, mga magnet at
charter school, at iba pang mga paaralan at programa na mapipili.
Ang mga distrito ng paaralan ay dapat bumuo at magpatupad ng isang proseso sa pagpapasya kung
ang mga magulang ay LEP at kung ano ang kanilang mga pangangailangan sa wika. Dapat gawin ang
proseso para makilala ang lahat ng mga LEP na magulang, kasama na ang mga magulang o tagapagalaga ng mga bata na marunong ng Ingles at mga magulang at tagapag-alaga na ang pangunahing wika
ay hindi karaniwan sa distrito. Dapat magkaloob ang mga distrito ng paaralan ng tulong sa mga LEP
na magulang sa mabisang paraan na may angkop at marunong na staff - o angkop at marunong na
mga panlabas na dulugan.
Sinabi ng Distrito sa OCR na ang Distrito ay kasalukuyang walang sistemang nakatalaga para
makilala ang mga LEP na magulang. Natuklasan ng OCR na ang HLS ay may kasamang isang
tanong para sa mga magulang: “Anong wika
Pahina
ang inyong (mga magulang/tagapag-alaga) ginagamit para kausapin ang mag-aaral?"29 Gayunman,
hindi sinabi ng Distrito na ang tanong/survey na ito ay pormal at patuloy na ginagamit para kilalanin
ang mga LEP na magulang. At, ang tanong mismo ay hindi tunay na kumikilala sa mga LEP na
magulang, dahil nagbibigay ito ng bukas na posibilidad na ang magulang/tagapag-alaga ay maaari
ring nagsasalita ng matatas na Ingles. Sinabi rin ng Distrito na walang pormal na proseso na
nakatalaga hinggil sa mga serbisyo ng interpreter sa labas ng MIC. Sinabi ng staff ng Distrito na ang
mg guro ng ELL ay maaaring makatulong para magpaliwanag para sa magulang hindi walang
magagamit nito. Kung hindi, susubukan ng staff ng paaralan na humanap ng iba pang mag-aaral na
maaaring nagsasalita ng wika. Hindi nagkaloob ng impormasyon ang Distrito sa OCR na
nagpapahiwatig na tinitiyak nito na ang mga interpreter at translator ay may sertipiko o may
kakayahan na magkaloob ng mga serbisyo ng interpretation at pagsasalin-wika, at may angkop na
pagsasanay, sa tungkulin ng isang interpreter at tagapagsalin-wika; ang mga etika sa interpretation at
pagsasalin-wika; at ang pangangailanga para mapanatili ang pagiging kompidensyal.
Sinabi ng Distrito na ito ay nagkakaloob ng mga dokumento na may kaugnayan sa paaralan sa
wikang Ingles at Espanyol, kasama na ang kodigo sa pag-uugali; mga patakaran sa gawaing-bahay;
mga aklat-gabay sa mag-aaral; at mga patakaran sa promotion. Nakasaad na ang mga dokumentong
ito ay hindi nakasalin-wika sa iba pang wika. Nakumpirma ng OCR na ang ilang mga dokumento ay
nakasalin-wika sa Espanyol, bukod pa sa ibang mga wika; tulad ng mga liham mula sa mga
administrator sa mga magulang, mga brochure, mga patalastas para sa "Bilingual Parents Advisory
Council" at isang 2013-2014 Pre-Kindergarten na Programa. Gayunman, hindi napakita sa katibayan
na ang Kodigo sa Pag-uugali, mga patakaran sa gawaing-bahay, mga aklat-gabay ng mag-aaral, at/o
mga patakaran sa promotion ay nasalin-wika sa Espanyol. Ang indibiduwal na mga guro ay nag-ulat
na kung sila ay marunong sa katutubong wika ng magulang/tagapag-alaga, sila minsan ay nagsasalinwika ng mga ulat ng pagsulong o mga report card para sa mga magulang/tagapag-alaga; pero ito ay
ganap na pasya ng bawat guro.
Natuklasan ng OCR na ang Distrito ay walang pormal na programa na nakatalaga para kilalanin ang
mga magulang/tagapag-alaga ng LEP; nagkakaloob ng mga interpreter para sa mga
magulang/tagapag-alaga ng LEP; nagkakaloob ng mga dokumento na nakasalin-wika para sa mga
magulang ng LEP na ang katutubong wika ay hindi Espanyol; at patuloy na nagkakaloob ng mga
pagsasalin-wika sa Espanyol ng mga dokumento. Batay sa imbestigasyon nito, napagpasyahan ng
OCR na may sapat na katibayan para mapagtibayan na ang kabiguan ng Distrito na makapagkaloob
at mapatupad ang isang programa para makapagkaloo ng mga angko na serbisyo at dokumento sa
mga magulang/tagapag-alaga ng LEP na bumubuo sa isang paglalabag sa regulasyon na
nagpapatupad ng Title VI.
I. Specialized (Nagdadalubhasa) na Programa
Ang hindi pagsasama ng mga mag-aaral ng ELL mula sa mga specialized (nagdadalubhasa) na
programa ay maaaring magkaroon ng epekto sa hindi pagsama sa mga mag-aaral mula sa mga
programa ng tatanggap batay sa pinagmulang bansa, sa paglalabag ng 34 C.F.R. § I 00.3(b)(2),
maliban kung ang hindi pagsama ay mapapangatuwiran ng edukasyon ng mga pangangailangan ng
isang partikular na mag-aaral o ng likas ng mga specialized (nagdadalubhasa) na programa. Ang mga
mag-aaral ng ELL ay hindi maaaring hindi isama ayon sa pagkakauri mula sa gifted/talented o iba
pang mga specialized (nagdadalubhasa) na programa. Kung ang tatanggap ng serbisyo ay may
proseso ng pagtutuklas at pagkikilala sa mga gifter/talented na mga mag-aaral, dapat rin nitong
mahanap at makilala ang mga gifter/talented na ELL na mag-aaral na maaaring makinabang mula sa
programa.
29 Ang HLS ay nakasalin-­‐wika sa Espanyol, Tagalog, Arabic, Gujarati, Urdu, Vietnamese, Bengali , Mandarin, Hindi, Creole, French at Ingles. Ipinahayag ng staff ng Distrito na kung ang magulang/mag-aaral ay nagsasalita ng ibang wika,
isasalin-wika sa pamamagitan ng pagsasalita ng Distrito ang HLS para sa kaniya sa MIC.
Pahina
Ang Distrito ay naghahandog ng isang gifter at talented na programa para sa mga mag-aaral sa
elementary at high school sa pamamagitan ng “Honors, Opportunity, Potential, Enrichment o HOPE”
(Paggawad, Oportunidad, Potensyal, Pagpapayaman) na Simulain; isang Acceleration and
Enrichment Program (AEP) para sa mga mag-aaral sa middle school, at Advanced Placement na
mga kurso para sa mga mag-aaral sa high school. Sinabi ng Distrito sa OCR na para sa taon ng
pasukan na 2013-2014, binuksan ng Distrito ang isang Bilingual Self-Contained HOPE Initiative
para sa katutubong Espanyol na nagsasalitang mga mag-aaral sa isang middle school sa
Distrito. Sinabi ng Distrito na lahat ng mga mag-aaral sa Bilingual Self Contained na kuwalipikkado
para sa gifted at talented ay inilalagay sa programang ito. Dagdag pa ng Distrito na ang mga magaaral sa ELL ay maaaring rin magtungo sa mga klase ng HOPE; gayunman, ang mga mag-aaral na
bahagi ng Bilingual Part-time na Programa ay hindi maaaring kumuha ng mga klase ng HOPE, at
wala nang iba pang paraang makagamit ng gifted at talented na mga programa. Dagdag dito, hindi
nakatuklas ang OCR ng anumang katibayan na nagpapahiwatig na ang mga bilingual na mag-aaral
ay maaaring pumasok sa AEP na programa.
Sinabi ng Distrito na ang mga mag-aaral sa high school ng ELL ay maaaring sumulong sa mga kurso
para sa Advanced Placement (Advanced na Pagtatalaga), at sumasailalim sa parehong kriterya para
matanggap sa mga klaseng to tulad ng lahat ng iba pang mga mag-aaral. Ipinagbigay-alam ng mga
guro ng high school sa OCR, gayunman ,na ang mga mag-aaral ay hindi sumasali sa anumang mga
Advanced Placement na Kurso, ngunit hindi kasali ang AP Spanish; ito ay dahil ang kanilang
karunungan sa Ingles ay wala sa sapat na mataas na antas para sa nasabing paglahok. Naisaad ng staff
ng Distrito na sila ay naniniwala na ang mga mag-aaral ay dapat na umalis mula sa programa ng ELL
para makakuha ng Advanced Placement na mga klase; at ang mga mag-aaral ng ELL ay hindi dapat
tanggihan ng oportunidad para kumuha ng isang AP na klase, pero mahihirapan silang magtagumpay.
Bata sa imbestigasyon nito, na napagpasyahan ng OCR na may sapat na katibayan para masabing
hindi sinasama ng Distrito ang ilang mga mag-aaral ng ELL mula sa mga specialized
(nagdadalubhasa) na mga programa; at ang hindi pagsama ng Distrito ng mga mag-aaral ng ELL mula
sa mga specialized (nagdadalubhasa) na programa ay bumubuo sa isang paglalabag sa regulasyon ng
pagpapatupad ng Title VI.
J. Mga Serbisyo ng Espesyal na Edukasyon
Sa tinagal ng imbestigayon ng OCR, naitala rin ng OCR ang mga ikinababahala hinggil sa pagbibiga
ng mga serbisyo ng espesyal na edukasyon sa mga mag-aaral ng ELL.30 Hindi maaaring magtalaga
ang distrito ng paaralan sa mga mag-aaral ng espesyal na edukasyon na programa batay sa
kriterya na mahalagang makakasukat at makakapagtasa sa kakayahan sa wikang Ingles.
Alinsunod dito, dapat gamitin ng distrito ng paaralan ang mga pamantayan at pamamaraan para
sa
pagtatasa at pagtatalaga ng mga mag-aaral na natuturing na minority batay sa wika na maaasahang
makikilala ang mga kahinaan sa edukasyon ng mag-aaral, kaysa sa karunungan sa Ingles ng magaaral. Dagdag pa dito, ang mga distrito ng paaralan ay hindi maaaring magpanatili ng ‘walang
dobleng serbisyo’ o pamamalakad para sa mga mag-aaral ng ELL na may kapansanan. Kung ang
isang mag-aaral ng ELL na may kahinaan ay kailangan ng parehong mga serbisyo ng alternatibong
wika at espesyal na edukasyon, dapat ay mabigyan ng parehong uri ng serbisiyo ang mag-aaral.
30
Seksyon 504 ngRehabilitation Act of 1973 (Section 504), 29 U.S.C. § 794, at ang pagpapatupad na regulasyon nito sa 34 C.F.R. Part I 04 ay nagbabawal sa
diskriminasyon batay sa kahinaan sa mga programa o aktibidad na pinamamahalaan ng mga tumatanggap ng tulong na pinansiyal ng Pederal, at ng Title II ng the
Americans with Disabilities Act of 1990 (Title II), 42 U.S.C. § 12131 et seq., at ang pagpapatupad na regulasyon nito sa 28 C.F.R. Part 35 na nagbabawal sa
diskriminasyon batay sa kahinaan ng mga pampublikong entidad. Ang magagamit na mga pamantayan sa pagpapasya sa pagsunod sa Seksyon 504 ay naitakda sa
pagpapatupad na regulasyon sa 34 C.F.R. §§ I 04.33-104.36. Ang Seksyon I 04.33 ay nagkakaloob, sa may kaugnayang bahagi, na ang tumatanggap ay may
pananagutan sa pagkakaloob ng libre at angkop na pampublikong edukasyon( free and appropriate public education o FAPE) sa mga kuwalipikadong tao na may
kahinaan. Inuutos sa Seksyon I 04.34 ang mga pamantayan para sa pagtuturo sa mga mag-aaral na ma kapansanan o kahinaan sa mga walang kahinaan na mag-aaral sa
sukdulang saklaw na angkop sa mga pangangailangan ng mag-aaral na may kapansanan o kahinaan. At, ang regulason sa 34C.F.R. § I 04.35 (a)-(c) ay nagtatakda ng
mga tiyak na pamamaraan na ginawa para matiyak ang angkop na pag-uuri at pagtatalaga at ang regulasyon sa 34 C.F.R. § I 04.36 na nag-aatas ng kaugnay na mga
pag-iingat sa pamamaraan. Ang naaangkop na Title II na pamamahalang kundisyon ay nakatakda sa 28 C.F.R. § 35.130, at karaniwang napapaliwanag kasabay ng
mga kundisyon ng Seksyon 504 na nabanggit sa itaas.
Pahina
Ipinagbigay-alam ng Distrito sa OCR na pinagpapasyahan muna nito ang pagiging karapat-dapat
sa ELL; tapos kung angkop, inirerekumenda ang mag-aaral na iyon sa isang Komite para sa
Espesyal na Edukasyon upang matasa. Sinabi ng staff ng Distrito sa OCR na binibigyan ng
eksaminasyon ng MIC ang mga mag-aaral para sa pagiging karapat-dapat sa ELL bago ang
pagtatasa sa kapansanan ng mag-aaral. Sinabi rin ng staff ng Distrito na may mga mag-aaral na
kailangan ang mga serbisyo ng espesyal na edukasyon sa programa ng ELL pero hindi
nakakatanggap ng mga ito. Sinabi ng staff ng Distrito na kung ang isang mag-aaral ay
natuklasang karapat-dapat para sa espesyal na edukasyon, hindi siya maaaring kumuha ng
bilingual na mga klase; samakatuwid, ang mga magulang ay minsang nag-aatubili na mapatasa
ang mga mag-aaral para sa espesyal na edukasyon, dahil mas pinipili nilang makatanggap ng mga
serbisyo ng ELL ang mga mag-aaral.
Batay sa imbestigasyon nito, napagpasyahan ng OCR na may sapat na katibayan para masabing
ang Distrito ay lumalabag sa regulasyon sa pagpapatupad ng Title VI, dahila ng Distrito ay hindi
nakatiyak na kung ang isang mag-aaral ng ELL na may kahinaan o kapansanan ay
nangangailangan ng parehong alternatibong wika na mga serbisyo at espesyal na edukasyon na
serbisyo, binibigyan ang mag-aaral ng parehong uri ng mga serbisyo.
K. Mga Pasilidad at Paghihiwalay
S pagi-imbestiga kung ang mga mag-aaral ng ELL ay hinihiwalay, sinusuri ng OCR kung
ipinalabas ng distrito ang napili nitong programa sa pinakakaunting nagpapahiwalay na paraan na
umaalinsod sa pagtatamo ng natakdang layunin nito at kung ang antas ng paghihiwalay sa
programa ay kinakailangan para matamo ang mga layunin sa edukasyon ng programa.
Bilang paggalang sa mga pasilidad, napakita sa pamamagitan ng mga panayam sa mga saksi na
ang mga classroom ng ELL ay pareho sa mga classroom ng general education; gayunan, hindi
nakumpleto ng OCR ang imbestigasyon nito sa mga pasilidad ng Distrito, at hindi nakapagpasya
kung ang Distrito ay nagkakaloob ng mapaghahambing na mga pasilidad sa ELL at mga wala sa
ELL na mag-aaral.
Hinggil naman sa paghihiwalay, tulad nang naunang natalakay, ang mga mag-aaral sa elementary
at middle school sa Bilingual Self-Contained at Port-of-Entry na programa ay kinukuha ang lahat
ng kanilang mga klase kasama ang mga mag-aaral sa kanilang mga programa, kahit na para sa
mga "specials" tulad ng Drama, Art, Music, at Physical Education, dahil ang mga ito ay kasama sa
homeroom ng mag-aaral (hal., ang bilingula na self contained na classroom). Sinabi ng Distrito sa
OCR na ang mga mag-aaral sa programang ito ay hindi kumukuha ng anumang mga klase kasama
ang general education na populasyon, at hindi inuugna ang general education na populasyon
maliban kung may after school na programa, isang pagpupulong o tanghalian. Lubos pang sinabi
ng Distrito sa OCR na ito ay ginagamit sa mga mag-aaral para sa bawat antas ng programa,
kasama na ang mga nasa Antas C na mag-aaral na naghahanda para sa pag-alis sa programa.
Natuklasan ng OCr na ang iba pang mga programa ng ELL sa Distrito, kasama na ang Bilingual
part-Time na programa, ang ESL na programa, ang Dual Language na Programa, at lahat ng mga
ELL na programa sa high school, ay hindi naghihiwalay sa mga mag-aaral ng ELL sa parehong
paraan tulad ng Bilingual Self-Contained at Port-of-Entry na mga programa ng Distrito; ang mga
mag-aaral sa programang ito ay kumukuha ng mga klase na may mga monolingual na mag-aaral.
Batay sa imbestigasyon nito, napagpasyahan ng Ocr na may sapat na katibayan para masabing ang
Distrito ay hindi isinasagawa ang Bilingual Self-Contained na programa nito sa lower at middle
school na mga Bilingual Self-Contained na mga programa sa pinaka hindi nakapaghihiwalay na
paraan na maaari; at ang Distrito ay lumalabag sa regulasyon sa pagpapatupad ng Title VI.
Pahina
Konklusyon
Tulad nang nakasaad sa itaas, sa kurso ng imbestigasyon, natuklasan ng OCR na ang Distrito ay
hindi sumusunod sa regulasyon sa pagpapatupad ng VI sa 34 C.F.R. § l 00.3(a) at (b)(i)-(ii)
hinggil sa pagpapatupad ng Distrito sa alternatibong wika na programa nito; ang pag-alis at
pagbabantay sa mga mag-aaral ng ELL; ang pagtatasa sa ELL na programa nito; komunikasyon sa
mga magulang/tagapag-alaga ng LEP; hindi pagsama sa mga mag-aaral ng ELL mula sa ilang
mga nagdadalubhasang mga programa; pagtatasa at pagtatalaga sa mga mag-aaral ng ELL na may
kapansanan o kahinaan; at pagkakaloob ng mga serbisyo ng ELL sa pinaka hindi
nakapaghihiwalay na paraan hangga't maaari. Lalo na, ang pagtuturo habang oras ng klase sa mga
mag-aaral ng ELL ay hindi katumbas ng pagtuturo sa oras ng klase para sa mga wala sa ELL na
mag-aaral sa ilang mga kaso; ang Distrito ay hindi nakagawa ng kriterya sa pag-alis para sa mga
mag-aaral sa high school na batay sa may layunin na mga pamantayan, tulad ng mga standardized
na score sa pagsusulit; at, hindi napakita ng Distrito na ang mga mag-aaral ay makakaalis lang
mula sa programa ng ELL kapag sila ay nakakabasa, nakakasulat, at nakakaunawa ng Ingles nang
husto para mainam na makalahok sa programa ng Distrito. Natiyak rin ng OCR na ang Distrito ay
hindi pana-panahong nagtatasa sa ELL na programa nito at hindi nabantayan ang mga umaalis sa
ELL na mag-aaral. At, nagbigay ang Distrito ng kulang na dokumentasyon para mapakita na ang
programa nito ay matagumpay; hal., na ang mga kasali dito ay nalalampasan ang kanilang
kahirapan nang maayos at sapat para mainam na makalahok sa mga programa ng Distrito. Natiyak
rin ng OCR na hindi sinasama ng Distrito ang ilang mga mag-aaral ng ELL mula sa ilang mga
nagdadalubhasang mas mataas na pag-aaral na programa; at hindi natiyak kung ang isang ELL na
mag-aaral na may kahinaan o kapansanan ay kailangan ang parehong alternatibong wika na mga
serbisyo at espesyal na edukasyon na serbisyo, ang mag-aaral ay binibigyan ng parehong uri ng
mga serbisyo. Bilang pagsasaalang-alang sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang/tagapag-alaga
ng LEP, ang Distrito ay walang pormal na programang nakatakda para makilala ang mga
magulang/tagapag-alaga ng LEP; nagkakaloob ng mga interpreter para sa mga magulang/tagapagalaga ng LEP; nagkakaloob ng mga nakasaling-wika na dokumento para sa mga magulang ng
LEP na ang katutubong wika ay hindi Espanyol; at hindi patuloy na nakakapagbigay ng
pagsasalin-wika sa Espanyol ng mga dokumento.
Sa mga bahagi kung saan ang OCR ay hindi nakapagpasya kung nakakasunod sa Title VI,
nakapagtala pa rin ang OCR ng mga ikinababahala; kasama na ang posibleng kulang sa pagkikila
ng mga mag-aaral ng ELL bilang resulta ng kasalukuyang pagkikilala ng Distrito at mga
patakaran at pamamalakad sa pagsusuri, at mabisang pagpapatupad ng mga alternatibong wika na
programa nito. Natala ng OCR ang mga kakulangan sa staff, ang pagtatapos ng pagtuturo ng math
sa Part-Time Bilingual na Programa, mga kahirapan na nasabi ng staff sa pagkukumpleto ng
nautos ng estado na kurikulum sa katapusan ng taon ng pasukan, ang kakulangan ng proseso para
masubaybayan at makapagkaloob ng mga serbisyo sa mga mag-aaral na "pumiling umalis" mula
sa mga serbisyo ng ELL. Nakatuklas rin ang OCR ng katibayan na ang mga dulugan na nailaan
para sa mga mag-aaral ng ELL ay hindi maaaring maipamahagi nang patuloy sa lahat ng mga
mag-aaral ng ELL, at ang ilang mga staff ng Distrito ay nagsabing sila ay hindi nasiyahan sa dami
at kalidad ng mga dulugan na ito. Nakilala rin ng OCR ang mga ikinababahala hinggil sa mga
kuwalipikason at pagtatasa sa pagganap ng mga guro ng ELL.
Bago matapos ang imbestigasyon sa natitirang mga bahagi ng pagrerepasong ito, ipinahaag ng
Distrito ang interes nito na lutasin ang lahat ng nakitang ikinababahala sa pagsunod at anumang
mga natitirang isyu nang walang karagdagang imbestigasyon. Alinsunod dito, noong Disyembre
22, 2014, pumasok sa isang kasunduan bilang resolsyon ang OCR kasama ng Distrito, para
malutas ang compliance review. Ang kasunduan para sa resolusyon ay hihilingin mula sa Distrito
na:
Pahina
• Tiyakin na ang bawat PHLOTE na mag-aaral ay makikilala at matatasa ng
Distrito, kasama na ang mga mag-aaral mula sa kaunting saklaw na grupo sa
wika;
• Mabisang mapatupad ang isang malawakaang alternatibong wika na programa
at subaybayan ang paglahok at pagganap ng mga mag-aaral sa programa;
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
Magkaloob ng mga serbisyo para sa wikang Ingles at pagtuturo nito sa lahat ng mga
mag-aaral ng ELL sa lahat ng mga kapaligiran ng edukasyon, kasama ang espesyal na
edukasyon;
Tiyakin na ang lahat ng mga mag-aaral ng ELL ay tumatanggap ng alternatibong wika
na serbisyo hangga’t ang mga mag-aaral ay nakakatugon sa mga kriterya ng Distrito
para umalis sa alteranatibong wika na programa;
Magbigay ng abiso sa pagtatalaga para sa bawat ELL na mag-aaral at ang mga
benepisyo na nakuha mula sa pagsali sa alternatibong wika na programa para sa bawat
ELL na magulang/tagapag-alaga ng mag-aaral sa isang wika na mauunawaan ng mga
magulang ng LEP.
Bantayan ng mga distrito ng paaralan ang pagsulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral na
ang mga magulang a tumanggi o pumili na umalis mula sa alternatibong wika na
programa at magkaloob ng iba pang serbisyo ng suporta sa wika para sa nasabing mga
mag-aaral;
Magkaroon ng sapat na bilang ng mga may sertipiko at sanay na ESL at/o bilingual na
guro para mapatupad ang napiling alternatibong wika na programa;
Bumuo at ipatupad ang isang pamamaraan para matiyak na ang pagganap sa classroom
ng ESL/bilingual na guro ay matatasa ng isang tao na may kaalaman sa mga paraan ng
pagtuturo ng ESL/bilingual;
Magkaloob ng pagsasanay sa paraan ng pagtuturo sa alternatibong wika na programa
nito sa lahat ng mga indibiduwal para tasahin ang pagganap sa classroom ng mga
ESL/bilingual na guro;
Magkaloob ng mga materal sa pagtuturo, na angkop sa kurikulum, at mapaghahambing
sa kalidad, pagiging handang magamit, at grade level sa mga materyal na ibinibigay
para sa pagtuturo ng mga wala sa ELL na mag-aaral, para mabisang mapatupad ang
napiling alternatibong wika na serbisyo na huwaran para sa pagtuturo sa mga mag-aaral
ng ELL;
Kilalanin at ilarawan ang kriterya na gagamitin nito para matiyak kung kailan natamo
ng isang ELL na mag-aaral ang sapat na karunungan sa Ingles para makalabas sa
alternatibong wika na programa; at para masubaybayan ang umalis na ELL na mga
mag-aaral para matiyak na ang mga mag-aaral ay nakakalahook nang mainam sa
programa ng Distrito;
Gumawa at magpatupad ng isang pamamaraan para masukat ang pagiging mabisa ng
alternatibong wika na programa nito;
Tiyakin na ang mga mag-aaral ng ELL o ang napaghinalaang may kahinaan ay angkop
na natatasa, naitatalaga, at nabibigyan ng angkop na espesyal na edukasyon o mga
nauugnay na pantulong, at pati na rin serbisyo para sa alternatibong wika;
Baguhin at ipatupad ang mga patakaran at pamamaraan nito para matiyak na ang mga
magulang ng LEP ay wastong nabibigyang abiso, sa isang wika na nauunawaan ng mga
magulang, sa mga aktibidad sa paaralan at iba pang impormasyon at paksa na tinatawag
ang pansin ng iba pang mga magulang.
Tiyakin na ang mga mag-aaral ng ELL ay may patas na oportunidad para makasali sa
gifter at talented, Advanced Placement, o iba pang specialized (nagdadalubhasang)
programa;
Tiyakin na ipinapatupad nito ang ELL na programa sa pinakakaunting
Pahina
•
nakapagpapahiwalay na paraan na alinsunod sa pagtatamo ng mga nasaad na (mga)
layunin nito; at
Magsagawa ng isa o higit pang mga pagpupulong ng mga magulang, sa wikang
nauunawaan ng mga magulang, para mabigyan ang mga magulang sa Distrito ng
impormasyon hinggil sa alternatibong wika na programa; kasama na ang pagkikilala at
pagtatasa ng mga mag-aaral, alternatibong wika na serbisyo, kriterya sa pag-alis, at
pagbabantay.
Ang bago o mga binagong patakaran at pamamalakad na ginawa ng Disttrito ay kailangan ang
pagrerepaso ng OCR at aprubasyon nito sa ilalim ng Kasunduan. Babantayan ng OCR ang
pagpapatupad ng Kasunduan. Kung mabigo ang Distrito na mapatupad ang Kasunduan, maaaring
pasimulan ng OCR ang isang administratibong pagpapatupad o paglilitis sa hukom para mapatupad ang
mga partikular na tuntunin at obligasyon sa ilalim ng Kasunduan. Bago simulan ang administratibong
pagpapatupad (34 C.F.R. §§ I 00.9, I 00.10), o paglilitis sa hukom para mapatupad ang Kasunduan, ang
OCR ay magbibigay sa Distrito ng nakasulat na abiso ng nasabing paglabag at minimum na
animnapung (60) araw na batay sa kalendaryo para lutasin ang nasabing paglalabag.)
Ang liham na ito ay nagtatakda sa pasya ng OCR sa isang indibiduwal na kaso ng OCR. Ang liham na ito
ay hindi isang pormal na pahayag ng patakaran ng OCR at dapat ay hindi asahan, pag-sipian, o ituring na
gayon. Ang pormal na patakaran na mga pahayag ng OCR ay naaprubahan ng ganap na awtorisadong
opisya na OCR at ginawang handang makita ng publiko.
Sa ilalim ng Freedom of Information Act, maaaring kailangan na ipalabas ang liham na ito at kaugnay na
mga sulatan at mga rekord kung hilingin. Sa kaganapan na ang OCR ay makatanggap ng nasabing
kahilingan, hahangarin nitong protektahan, sa saklaw na ipinagkakaloob ng Batas, ang mga personal na
nagpapakilalang impormasyon, na kung maipalabas, ay maaaring asahan na maging sanhi ng pagsalakay sa
personal na privacy.
Salamat sa kooperasyon na ipinakita ninyo at ng inyong staff para lutasin ang pagrerepaso sa
pagsunod sa patakaran. Kung mayroon kayong anumang katanungan, mangyari lang makipagugnayan kay Jane Tobey Momo, Senior Compliance Team Attorney, sa (646) 428-3763 o
jane.momo@ed.gov; o Nadja Allen Gill, Compliance
Team Leader, sa (646) 428-3801 o
nadja.r.allen.gill@ed.gov.
Sumasainyo,
Timothy C.J. Blanchard ·
Nakalakip
kopya:
Hope Blackburn , Esq.
Download