GABAY NG GURO Populasyon at Pag-­‐unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood) Video 1 Konsepto ng Pag-­‐unlad (The Concept of Human Development) Layunin: 1. Maipakilala sa lahat ang nilalaman at kabuluhan ng serye ng video, 2. Maibahagi ang kahalagahan ng pag-­‐aaral ng kaugnayan ng populasyon, sekswaliti o sekswalidad, mapanagutang pagmamagulang at pag-­‐unlad, 3. Talakayin ang konsepto ng pag-­‐unlad ayon sa balangkas ni A. Sen, et al. Introduksyon: Bilang guro responsibilidad mong alamin ang tunay na kahulugan ng bawat isang paksa na tinatalakay sa kabuuan ng apat na video. Kinakailangang ang guro ay may malawak na pang-­‐ unawa at kaalaman sa populasyon, pag-­‐unlad, sekswaliti at mapanagutang pagmamagulang. Kinakailangang magkaroon ng baryasyon ang guro ng pamamaraan ng pagtalakay sa bawat paksa ayon sa pangangailangan ng iyong mag-­‐aaral. Ang lalim at lawak ng pagpapaliwanag ay nakabatay sa baitang o antas ng iyong tinuturuan. Upang higit na maunawaan ng mag-­‐aaral ang iyong ibinigay na mga kahulugan sa bawat isang paksa, magkaroon ng kasunod na aktibidad o gawain na maaring sumukat sa antas ng pag-­‐ unawa ng iyong mag-­‐aaral. Gawin itong isang kaiga-­‐igaya sa mga mag-­‐aaral upang higit na mabuksan ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng mga karadagan pang talakayan kaugnay ng mga paksa. Motibasyon: Maaring magpakita ang guro ng mga larawan sa powerpoint presentation o sa gamit ang tulong biswal mula sa ginupit na mga larawan sa magazine dyaryo ng mga sumusunod: • pagbabagong anyo ng isang tao mula sa pagiging sanggol, pagiging bata, pagdadalaga o pagbibinata, pagiging isang propesyunal at pagtanda; • pagdami ng populasyon ng isang lugar, mula sa kaunti hanggang sa paglaki nito ng bilang ( ang larawan ay maaaring suportahan ng isang chart); • atraksyon ng isang babae at lalaki sa isa’t isa ( ipaliwanag ang bagay na ito sa pinakamaayos na paraan upang hindi magkaroon ng maling interpretasyon ang mga mag-­‐aaral); at • epekto ng tamang pag-­‐aagwat sa pagkakaroon ng anak sa pag-­‐unlad ng isang pamilya (larawan ng dalawang pamilya, una ay may kaunting anak na nakaririwasa sa buhay ang ikalawa ay ang mayroong maraming anak na naghihikahos ang buhay: Ang mga ito ay maaring dagdagan pa o paunlarin pa ng guro para sa ikauunlad ng pag-­‐ unawa ng kanyang mag-­‐aaral. GAWAIN 1: Full human potential GABAY NA TANONG: Bakit mahalagang pag-­‐aralan ang ugnayan ng populasyon, sekswalidad, mapanagutang pagmamagulang at pag-­‐unlad? TANDAAN: Maging bukas sa lahat ng tugon o sagot ng mag-­‐aaral, maging mabilis ang isip sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon at mga paglilinaw mula sa mga isinagot ng mga mag-­‐aaral. Mula sa talakayan, buksan ang isip ng mag-­‐aaral sa tunay na kahulugan ng katagang full human potential. Itanong sa kanila kung ano ang pagkaunawa nila sa katagang ito. Gawing masigla ang talakayan. Muling bigyang linaw ang kanilang mga tugon. Magpakita ng larawan ng isang batang nakatingin sa kanyang hinaharap. Maaaring larawan ng isa sa iyong mag-­‐aaral ang gamitin o kaya ay prominenteng mag-­‐aaral na nagtapos sa iyong pinagtuturuan upang higit na makuha ang atensyon ng iyong mag-­‐aaral. Ibigay ang tunay na kahulugan ng full human potential, na ang ibig sabihin ay ang kakayahang makamit ng isang tao ang kanyang pinakamimithi sa buhay, magawa ang bagay na pinapangarap gawin na walang naisasakrispong mga bagay. Alamin ang antas ng pag-­‐unawa ng iyong mag-­‐aaral, itanong sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng paunlarin ang full human potential ng bawat isa? Bigyan ng limang minuto ang mag-­‐aaral upang magmuni sa kanilang tugon. Mula sa random na pagpili magkaroon ng pagtalakay mula sa limang mag-­‐aaral na maglalahad ng kanilang sagot sa harapan ng klase. GAWAIN 2: Pagyaman at Pag-­‐unlad Maaaring ipakita ang grapiko ng GNP (Gross National Product) at GDP (Gross Domestic Product) bilang batayan ng lumalagong ekonomiya na kadalasang nagiging batayan ng umuunlad na bansa. Sa isang maliit na pagtalakay, maaari namang gamitin ang larawan ng isang pamilyang may sariling tahanan, may ilang sasakyan, may maayos na hanapbuhay ang mga magulang at nakapag-­‐aaral ang mga anak bilang batayan ng pag-­‐unlad. GABAY NA TANONG Ang buwanang sahod o kita ba ang pangunahing batayan ng pag-­‐unlad ng isang indibidwal, pamilya o bansa? Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-­‐unlad? Bilang guro nararapat na malawak ang iyong kaalaman sa pagtalakay ng tunay na kahulugan at kaibahan ng pagyaman (economic growth) sa pag-­‐unlad (development). Ipaliwanag ng buong husay sa mag-­‐aaral na hindi masusukat ang pag-­‐unlad kung may mga bagay na naisasakripisyo o naisasaalang-­‐alang. Suportahan ang paliwanag na ito ng mga larawan na nagpapakita ng pagyabong ng ekonomiya ngunit naisasakripisyo ang kapaligiran. Halimbawa, mga subdibisyon sa gilid ng mga palayaan, malalaking gusali sa tabi o malapit sa estero, pagdami ng mga resort at malalaking subdibisyon sa isang bahagi ng bundok at iba pang katulad na larawan. GABAY NA TANONG May naiisip ba kayong indibidwal o pamilya na yumaman ngunit walang pag-­‐unlad na naganap? Sa isang indibidwal o isang pamilya may mga pagbabago o pagyaman na nagaganap ngunit walang ganap na pag-­‐unlad, isang halimbawa nito ang pagtungo ng isang ama o ina ng tahanan sa ibang bansa upang maghanapbuhay at sa kabila ng pagtaas ng halaga ng buwanang kita ang paghinto sa pag-­‐aaral ng mga anak na nagkukulang sa atensyon ng mga magulang. Maaring mag-­‐isip ng iba pang halimbawa upang mapaunlad ng higit ang pag-­‐unawa ng mag-­‐ aaral sa paksang tinatalakay. Magpakita ng mga larawan ng kilalang dalubhasa na nag-­‐aral at bumuo ng mga bagong kaisipan at pananaw kaugnay ng pag-­‐unlad nitong huling dekada (maaaring hanapin sa mga website ang larawan nina Dr. Amartya Sen, Martha Nussbaum, Sudhir Anand at James Foster). Ipaliwanag ang balangkas ng batayan ng makabagong kahulugan ng pag-­‐unlad na higit pa sa batayan ng pag-­‐unlad ng isang ekonomiya. Ayon sa mga dalubhasang nabanggit, ang pag-­‐unlad ay nakabatay sa kalidad ng buhay (quality of life) at ang kalayaang magpasya (freedom of choice) na may kaugnayan sa buhay ng isang indibidwal. Bigyang linaw din na ang kakayahan at kalayaan ng isang idibidwal ay nakaaapekto sa kalidad ng buhay na siya ring batayan ng pag-­‐unlad. Ipakita ang larwan ni Dr. Alejandro Herrin, isang ekonomista at eksperto sa populasyon at pag-­‐ unlad na naggawa ng pag-­‐aaral na susog sa mga isinulat ni Dr. Amartya Sen, ang una ay naniniwalang malaki ang nagagawa ng kalayaan at kakayahan upang maging maunlad ang Pilipinas at bawat Pilipino. Mga Kalayaan: Kalayaan mula sa maagang kamatayan Kalayaan mula sa mga karamdamang maiiwasan Kalayaan mula sa panganib Mga Kakayahan: Kakayahang mabuhay hanggang sa katandaan Kakayahang mapangalagaan ang kalusugan, kabilang ang reproductive health Kakayahang magkaroon ng sapat at masustansiyang pagkain Kakayahang magpahayag ng mga iniisip at nararamdaman Kakayahang magkaroon ng kaalaman at galing, wasto at dekalidad na edukasyon Kakayahang maging ligtas sa sakuna Kakayahang maging produktibo Kakayahang gumawa at maging masaya sa trabaho Kakayahang maranasan ang magandang kapaligiran at kalikasan Kakayahang makisalamuha sa mga kaibigan, pamilya at iba pang miyembro ng pamayanan Kakayahang maglakbay upang mabuksan ang oportunidad sa ibang bansa Kakayahang magkaanak at magpalaki ng anak Ipaunawa na sa makabagong konsepto ng pag-­‐unlad, hindi sapat na nakakaraos lang ang isang tao, pamilya o kumunidad. Ang mataas na kalidad ng buhay ay hindi lamang matutukoy sa mga kakayahan sa agham at matimatika kundi ang pagkakaroon ng malawak na pang-­‐unawa sa sining ng buhay, pananampalataya at kaluluwa. GAWAIN 3: Pangkatang Pag-­‐uulat GABAY NA TANONG Matapos mong malaman ang makabagong konsepto ng pag-­‐unlad, ano ang pumasok sa iyong isipan at damdamin? (Gawin ito sa pamamagitan ng malayang talakayan) Matapos ito, pangkatin ang mag-­‐aaral, gamit ang kartolina at panulat. Ibigay ang panuntunan: Magbigay ng limang halimbawa ng pagyaman ngunit walang pag-­‐unlad, sa isang indibidwal, mag-­‐anak at pamayanan (halimbawa ng economic growth ngunit walang development). Bigyan ng limang minuto ang bawat pangkat, ipaulat sa klase ang kanilang sagot. GAWAIN 4: Pagtataya ng Kaalaman Upang higit na maunawaan ang konsepto ng kakayahan at kalayaan at ang relasyon nito sa pagkakamit ng full human potential balikang muli ang tinalakay na kakayahan at kalayaan ngunit sa pagkakataong ito ay sa pabaligtad na paraan. Halimbawa, matatamo ba ng isang indibidwal ang full human potential kung ito ay: namatay nang maaga? Nagkasakit? Di nakapag-­‐ aral? Atbp. Magpakita ng larawan ng mga indibidwal, pamilya at pamayanan na nagkamit nang ganap na pag-­‐unlad upang higit na mabigyan ng malinaw na makabagong konsepto o pananaw sa tunay na kahulugan ng pag-­‐unlad. Maaring masukat ng guro ang kaalamang natamo ng mag-­‐aaral sa pagtalakay ng paksa sa pamamagitan ng ilang mga gawain na iaatas sa kanila. Magbigay ng panuntunan para sa mga gawain. Halimbawa: 1. Pinoy henyo – laro na ang tinatalakay ay ang pagbabagong nagaganap sa isang tao mula sa panahon ng pagiging sanggol hanggang sa pagbuo niya ng pamilya 2. Gumawa ng Tableau mula sa tema na naaayon sa mga paksang tinakalay 3. Sumulat ng awit na tumatalakay sa paksang pinag-­‐aralan gamit ang makabagong konsepto ng pag-­‐unlad 4. Maggawa ng isang jingle o commercial na may katulad na pagtalakay sa makabagong konsepto ng pag-­‐unlad Matapos ang mga gawain. Ipaliwanag sa mag-­‐aaral ang kahalagahan ng pag-­‐aaral na isinagawa. Buksan ang isip ng mag-­‐aaral na ito ay mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng mataas na antas ng pag-­‐iisip at pagtanggap na kaantabay sa pag-­‐unlad ng pag-­‐unawa ng isang indibidwal. Sa pag-­‐aaral ng paksa mahuhubog ang isang indibidwal na may : • Mataas na antas ng pag-­‐iisip; • Kritikal na pag-­‐iisip; • Matibay na pagpapasya; • Mahusay na pakikipag-­‐ugnayan sa kapwa; • Kakayahang emosyunal; • Mahusay na pakikisalamuha sa pamayanan,paaralan; • Kakayahang makipamuhay sa kanyang komunidad; GABAY NG GURO Populasyon at Pag-­‐unlad, Sekwalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood) Video 2 Populasyon at Pag-­‐unlad (Population and Development) Layunin: 1. Talakayin ang kaugnayan ng populasyon at pag-­‐unlad 2. Maipakita ang epekto ng pagdami ng bilang ng populasyon sa pag-­‐unlad Motibasyon: Pahapyaw na balikan ang unang paksang tinalakay, ang konsepto ng pag-­‐unlad. Magpakita ng mga larawan na nagpapamalas ng pagkakamit ng full human potential gaya ng batang propesyunal, atleta, artista (musikero, pintor, iskultor atbp), eksplorador at iba pa. Buksan ang bagong paksang tatalakayin sa pamamagitan ng isang awit ni Gary Granada na “Bahay,”maaring matagpuan sa Youtube ang video ng awit na ito. Matapos iparinig ang awit at ipakita ang video nito, tanungin ang mag-­‐aaral : GABAY NA TANONG: 1. Ano ang kanilang naramdaman at ano ang mga bagay na kanilang naisip matapos na ito ay marinig at mapanood? 2. Ano ang ugnayan ng populasyon at pag-­‐unlad? 3. Papaanong naapektuhan ng paglaki ng populasyon ang pag-­‐unlad ng mga tao? Matapos ang malayang pagbibigay ng kanilang mga tugon, ang guro ay magbibigay input kaugnay ng populasyon at pag-­‐unlad. Magpakita ng dayagram ng pagbabago ng populasyon ng isang lugar, maglahad ng mga posibleng dahilan nito, halimbawa ang paglipat ng tirahan ng isang pamilya dahil sa trabaho, edukasyon at iba pa. GAWAIN 1: Bigyang Liwanag Pangkatin ang mag-­‐aaral sa apat na grupo, bawat pangkat ay magsusulat ng mga dahilan kung papaano nakaaapekto ang populasyon sa mga sumusunod: Pangkat 1 Pangkat 2 Ekonomiya Likas na yaman at kapaligiran Pangkat 3 Pangkat 4 Kalusugan Pagpapayabong ng yamang pantao (human capital formation) Mula sa mga sagot ng bawat pangkat, payabungin pa ng guro ang paliwanag kaugnay ng mga nabanggit na paksa. Maging malikhain sa pagpapakita ng mga tulong biswal upang higit na maunawaan ng mag-­‐aaral ang paksang tinatalakay. Halimbawa sa pagdami ng populasyon, ang bilang ng panganganak, kamatayan, pag-­‐alis at pagdayo ng mga tao. Ipaalala sa mag-­‐aaral na kapag lumalaki ang populasyon, nagkakaroon ito ng epekto sa maraming bagay. GAWAIN 2: Likas na Yaman ng Buhay Magpakita ng mga larawan ng likas na yaman gaya ng bundok, gubat, dagat, lawa, ilog, sakahan. Itanong sa mag-­‐aaral kung anu-­‐ano ang mga epektong nakikita nila sa araw-­‐araw na pagbabagong naganap sa mga nabanggit na likas na yaman. Ano ang maaring maging epekto ng paglaki ng populasyon dito? Maging handa ka at malawak ang pang-­‐unawa sa mga posibleng sagot o tugon ng mag-­‐aaral. Magbigay pa ng karagdagang input kaugnay ng tinalakay na paksa upang higit na matamo ng mag-­‐aaral ang kaalaman sa mga bagay na ito. TAKDANG GAWAIN: Mangalap ng sagot mula sa miyembro ng pamayanan (maaaring pari, madre, doktor, guro, pulitiko atbp) gamit ang sumusunod na mga tanong: 1. Sa tingin po ninyo, paano naaapektuhan ng populasyon ang likas na yaman at ang kapaligiran? 2. Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa ng kung papaano naaapektuhan ng populasyon ang likas na yaman at kapaligiran? 3. Sang-­‐ayon ka ba sa kasabihang, “ A man/woman is the master of the universe?” Patunayan. Mula sa mga sagot ng mag-­‐aaral sa takdang gawain, magbigay ng malinaw na talakayan kaugnay nito. Talakayin ng guro ang mga epektong dulot ng populasyon sa likas na yaman. Iugnay ang epektong dulot ng urbanisasyon sa pagkakaroon ng maruming kapaligiran at mahinang kalusugan. (Iminumungkahi ang paghanap ng mga sagot ng mga eksperto sa larangang ito, maaring mula sa internet o interbyu. Maglaan ang guro ng sapat na panahon ukol dito.) GAWAIN 3: Patunay ng Pag-­‐unlad Magpakita ng larawan ng isang itinatayong gusali sa gitna ng isang dating sakahan o ng isang umuunlad nang lungsod mula sa dating maliit na bayan. Itanong sa mag-­‐aaral kung anu-­‐ano ang kanilang napapansin sa mga larawan. Matapos marinig ang iba’t ibang persepsyon mula sa mag-­‐aaral, muli silang bigyan ng isang palaisipan. “Ano ang epekto ng lumalaking populasyon sa ekonomiya ng isang bayan o bansa?” Upang maging malawak ang kanilang maibigay na ideya, gawin ito sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kuro-­‐ kuro sa bawat pangkat. (Ang pangkat ay maaaring binubuo ng 5-­‐7 kasapi, bigyan sila ng limang minuto sa pagpapalitan ng kuro-­‐kuro at limang minuto rin upang iulat sa klase ang kanilang napagkuran). Bilang guro nararapat lamang na magbigay ka ng paglalahat kaugnay sa mga sagot ng iyong mag-­‐aaral. Ipaunawa sa mag-­‐aaral ang epektong dulot ng lumalaking populasyon sa ekonomiya ng bansa. Maaaring higit na maraming negatibong epekto na mailahad kaya nga kinakailangang mahusay na mabalanse ng guro ang mabuti at masamang epekto ng bilang ng populasyon sa ekonomiya. Upang sukatin ang antas ng kaalamang natamo ng mag-­‐aaral, bigyan sila ng panibagong palaisipan. Itanong ito: Totoo nga bang kapag lumalaki ang kita ng isang bansa ay maituturing na umuunlad ito? Gawin ito sa pamamagitan ng malayang talakayan. Matapos ang ilang minutong pagpapalitan ng sagot, bigyang hinuha ng guro ang paksa. Suportahan ang iyong paglilinaw sa pamamagitan ng mga halimbawa: Serye ng pagbabagong nagaganap mula sa nagsisimulang pamilya. Bagong anak na magulang (may 3 ng anak na nakapaligid dito) Tatay na kinukuha ang naipon sa alkansya na nagpapakita ng nag-­‐aalalang mukha Nakatapos na ang mga anak at masaya ang pamilya Propesyunal na ang anak at nag-­‐aabot ng pera sa magulang Paganahin ang kritikal na pag-­‐iisip ng mag-­‐aaral, ibigay ang tanong na: Papaano naman kung nabaligtad ang sitwasyon sa ipinakitang larawan, ano kaya ang magiging epekto nito? Sa inyong palagay, may pag-­‐unlad bang magaganap sa pamilya? Bigyang paglilinaw na ayon sa mga tinalakay, ang pagtaas ng tinatawag na Gross National Product (GNP) at Gross Domestic Prodect (GDP) ay nangangahulugan ng tunay na pag-­‐unlad. Magpakita ng grapikong representasyon ng GNP at GDP. GAWAIN 4: Magtanong at Magsaliksik Magpakita ng isang patalastas ng isang gatas na pambata at isang batang dumalaw sa dentista o doktor. GABAY NA TANONG (matapos mapanood ang patalastas): 1. Anu-­‐ano ang inyong napansin mula sa pinanood na patalastas? 2. Sa tingin ninyo, may epekto ba ang paglaki ng populasyon sa kalusugan at sa serbisyong tulad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan? Maraming posibleng maging sagot ang mag-­‐aaral. Maging bukas at malawak ang isip sa pagtanggap ng mga ito. Magbigay linaw sa ilang sagot na di lubos ang ideya. Magdagdag ng input ang guro kaugnay sa paksang tinatalakay. TAKDANG GAWAIN: Maglaan ng panahon ang bawat pangkat upang mag-­‐ interbyu at mangalap ng tugon mula sa kanilang pamayanan gamit ang sumusunod na gabay na tanong: Pangkat 1. Ano po ang kinakailangang pagkagastusan ng isang pamilya ukol sa kalusugan? Sinu-­‐sino po ang nangangailangan nito, ang mga bata lang po ba? Pangkat 2. Magkano po ang tamang halaga na inilalaan ng isang pamilya para sa maayos na kalusugan? Mula sa pag-­‐uulat ng mag-­‐aaral, magdaragdag ang guro ng input kaugnay sa karaniwang pagtustos ng isang pamilyang Pilipino sa kanilang kalusugan at kung ano ba ang nararapat na halagang ilalaan dito. Mag research ang guro kaugnay ng mga nabanggit. Pangkat 3. Natutustusan po ba ng ordinaryo o mahirap na pamilyang Pilipino ang kanilang pangangailangang pangkalusugan (healthcare)? Magkano lang po ang ginagasta ng ordinaryong pamilyang Pilipino sa healthcare? Pangkat 4. Ano po ang resulta ng kakulangan sa budget para sa healthcare? Ipaliwanag ng guro kung papaano ang isang pamilyang Pilipino ay hindi nakapaglalaan ng sapat na halaga para sa kalusugan ay nagreresulta ng pagkakaroon ng malnutrisyon, pagkakasakit o ang pagkamatay nang maaga. Ibigay naman ang sumusunod na tanong bilang takdang aralin, matapos ang ginawang pagtalakay kaugnay ng healthcare. 1. Ano ang ibig sabihin ng human capital formation o pagpapayabong ng yamang pantao? 2. Paano ito napapayabong? GAWAIN 5: Pangangailangan, Pananagutan Magpakita ng larawan ng nagbabagong anyo ng tao, mula sa pagiging bata hanggang sa panahon ng pagiging propesyunal, kung saan ipakikita ang iba’t ibang talento na natutunan ng tao o developed skills. Bigyang tuon sa pagpapaliwanag na makakamit lamang ang kabuuan ng pagpapayabong ng yamang pantao kung may sapat na suporta sa kalusugan, pagkain, edukasyon, skills training at paglalakbay upang makahanap ng mas magandang kabuhayan. Ipaliwanag din na ang human capital formation ay isang panghabambuhay na proseso. Lahat ay nangangailangan nito maging ang matatanda man. PANGKATANG GAWAIN (Pag-­‐uulat sa iba’t ibang paraan) Pagbabalita. Anu-­‐ano po ba ang mahalagang suporta na kailangan sa larangan ng edukasyon, nutrisyon at kalusugan upang mapayabong nang husto ang yamang pantao? Pagsasadula. Ano sa tingin ninyo ang magiging epekto sa bansa kung hindi natutugunan ang edukasyon, nutrisyon at kalusugan ng mamamayan? Talk Show. Gaano po kahalaga ang edukasyon para sa personal at pambansang pag-­‐unlad? Bigyang linaw po ang inyong sagot. Magbigay input ang guro bilang paglalahat sa tinalakay na mga ulat ng bawat pangkat. Maaaring ipakita ng guro ang sagot sa interview ng mga guro sa video 2, mas epektibong magbigay ng mga input mula sa mga eksperto sa bawat larangan. Upang higit pang linangin ang pag-­‐iisip ng mag-­‐aaral, ibigay ang sumusunod na tanong. Gawin itong malayang talakayan. 1. Kung ikaw ay maluklok sa ating bansa bilang isa sa may mataas ng katungkulan:, (halimbawa: Pangulo, Senador, Kongresista, Obispo, atbp) “ano ang serbisyong maaari mong ibigay sa mga kabataan upang sila ay maging malusog at produktibo, para makatulong sa pagpapaunlad ng lipunan? 2. Sinu-­‐sino ang mga taong nakaimpluwensya sa inyong mga pananaw at pag-­‐uugali? 3. Kung makikita ninyo ang inyong sarili dalawampung taon mula ngayon,sino ngayon ang magkakaroon ng pinakamatinding epekto sa inyong buhay? Bakit? 4. Sa inyong palagay ano ang mga patakaran ng pamahalaan ang hindi nakatutulong sa pangangalaga sa kapaligiran at pagpapayabong ng yamang pantao? Ano ang maipapanukala mong mas tamang gawin kaugnay nito? TANDAAN: Sa pagtalakay ng araling ito, dapat maipakita, maituro at maipaunawa ng guro ang tungkulin ng tao sa kanyang sarili, kapwa at sa kapaligiran upang mapanatili ang ganap at balanseng pag-­‐ unlad para sa susunod na henerasyon. GABAY NG GURO Populasyon at Pag-unlad, Sekswalidad at Mapanagutang Pagmamagulang (Population and Development, Sexuality and Responsible Parenthood) Video 3 Sekswalidad, Mapanagutang Pagmamagulang at Pag-unlad (Sexuality, Resposible Parenthood and Development) Layunin 1. Talakayin kung paano ang sekswaliti ay nakaaapekto sa paglaki ng populasyon. 2. Talakayin ang kahalagahan ng malusog na sekswaliti sa pag-unlad ng tao. 3. Mapahalagahan ang mabuting naidudulot ng mapanagutang pagmamagulang bilang kontribusyon ng indibidwal sa pagtaas ng antas at kalidad ng buhay, pag-unlad ng pamayanan at ng bayan. Motibasyon: Magpakita ng picture presentation ng pag-unlad, populasyon pag-unlad at sa huling slide ay ang mga salitang “sekswaliti at mapanagutang pagmamagulang populasyon pagunlad”. Lapatan ng awit ang picture presentation MOTHER NATURE NEEDS US- Environmental Song w/lyrics ... GABAY NA TANONG 1. Ano ang kaugnayan ng sekswaliti at mapanagutang pagmamagulang sa populasyon? 2. Anu-ano naman ang kaugnayan ng sekswaliti, mapanagutang pagmamagulang at populasyon sa pag-unlad? GAWAIN 1: Paghahawan ng Sagabal sa Pag-unawa Mahalagang bigyang linaw ng guro ang mga salitang gagamitin sa talakayan, upang maiwasan ang pagkakaroon ng maling kahulugan o interpretasyon ng mag-aaral dito. Populasyon - tumutukoy sa bilang ng tao sa isang lugar o pamayanan. Sa pagtalakay nito, inuugnay ang pag-aanak, pagkamatay at paglipat ng tirahan ng isang tao o ng isang pamilya. Sa pagtalakay ng aralin, ituon ang talakayan sa wastong pananaw at pag-uugali tungkol sa pagaanak. Sapagkat ang pag-aanak ay resulta ng kaugaliang sekswal, at ang ugaling sekswal ng tao ay naiimpluwensyahan ng kaalaman at pag-unawa sa sariling sekswalidad, pananaw ng pamilya, simbahan at lipunan. Ang kahalagahan ng wastong kaalaman o pag-uugali hinggil sa seks ay maaaring makamit sa pamamagitan ng edukasyon, higit sa mga kabataan. Ito ang simula ng wastong hakbang upang makagawa sila ng tamang desisyon tungkol sa seks. Maiiwasan ng tamang edukasyon ang masamang ugali kaugnay ng seks o ang kapusukan na maaaring magdulot ng hindi magandang bunga gaya ng maagang pagbubuntis (early pregnancy), pagpapalaglag (abortion), at pagkahawa ng mga sakit tulad ng STD (sexually transmitted disease) at HIV-AIDS, (human immunodeficiency virus- acquired immune deficiency syndrome) at iba pa. Bilang guro, tungkulin mong bigyang linaw ang kahulugan ng sekswalidad nang higit pa sa karaniwang interpretsyon ng karamihan na ito ay tumutukoy sa ari o sex organ at sa pakikipagtalik o sexual intercourse. Sapagkat ang sekswalidad ay lumilitaw sa ating balat, buhok, boses, istruktura ng buto at laman, laki at bigat ng isang tao. Ang takbo ng pag-iisip, mga damdamin, pangungusap at pagkilos ng isang lalaki o babae. Sa makatuwid, lahat ng aspeto ng pagkatao ng isang indibidwal ay saklaw ng sekswalidad. Sekswalidad – ang pwersa ng kalikasan na nag-uudyok sa mga tao na maakit sa isa’t isa. Itinuturing ito na pinakamalakas na pwersa ng kalikasan sa sanlibutan. Ito ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang buhay ng iba’t ibang uri ng nilalang sa mundo. Sekswalidad din ang dahilan kung bakit nagagandahan o nagugwapuhan ang tao sa kapwa niya o sexually attractive persons sa Ingles at ito rin ang dahilan kung bakit nagpapaganda o nagpapapogi ang isang tao. Magpakita ng larawan ng iba’t ibang klase ng tao na may kaakit-akit na pangangatawan o yung tinatawag na “oozing with sex appeal.” Tanungin ang mag-aaral matapos nilang makita ang mga larawan, ano ang inyong naramdaman o naging perspektibo sa mga ipinakitang larawan? Magkakaroon ng iba’t ibang tugon ang mag-aaral kaya marapat na maging handa ang guro sa mga posibleng tugon nila. Bigyang linaw ang mga tugon na di nila lubos na naipahayag ang ibig sabihin. Sa huli’y bigyang diin ng guro na ang sekswalidad ay ang kabuuan ng pagkalalaki at pagkababae. Iba ito sa simpleng salitang “sex” sapagkat ang sex ay nakabatay lang sa uri ng ari o sexual organ. At iba rin ito sa “gender” na ang ibig sabihin ay ang ideya ng tao hinggil sa mga gampanin at dapat na maging sosyokultural na ekspektasyon ng isang lalaki o isang babae. Magpakita ng mga larawan na susuporta sa iyong mga paliwanag. Sa uri ng ari, magpakita ng mga larawang ginagamit sa medesina, upang higit na malinawan ang kahulugan ng sexual organ. Gayundin ang mga halimbawa ng gender, na masasabing nagbabago depende sa lugar at panahon. Halimbawang larawan ng mga sumusunod ang iyong ipakita bilang malinaw na patunay sa iyong paliwanag: 1. 2. 3. 4. Magandang babaeng namimintana (noon ay hindi maganda, ngayon ay ok lang); Pulis na lalaki (noon)at Pulis na babae (ngayon); Lalaking nakapalda (ilang lugar sa Mindanao); at Babaeng pari o Pandita (ilang lugar ng Moro sa Mindanao) GAWAIN 2: Sekswalidad: Gawaing Panghabambuhay Magparinig ng tugtuging sexy o erotic maaaring magkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang magaaral kaugnay nito. Siguraduhing handa ka upang maalis ang maling interpretasyon na iyon sa kanila. Magpakita ng larawan ng babae at lalaki na magaganda ang hubog na katawan o sexy. Ipaunawa sa mag-aaral na ang sekswalidad ay hindi lamang tungkol sa pisikal na anyo ng isang tao. Saklaw nito ang emosyunal na aspeto ng pagkatao. Kaya’t kadalasan, ang pagkaakit ay kakambal ng pagmamahal. Magpakita muli ng larawan o video ng mag-asawa na nagyayakapan na may kasamang emosyon. Bigyang diin ng guro na kapag ang tao ay nakipag-seks, nagkakaroon ito ng epektong emosyunal at sikolihikal sa kapareha. Apektado ng sistema ng pag-unawa, pagtuklas, at pagtugon ng isang indibidwal, kaya nga masasabing ang sekswalidad ay isang gawaing panghabang-buhay. GAWAIN 3: Wastong pananaw o pag-uugali tungkol sa sekswalidad Magpakita ng larawan ng timbangan na simbolo ng pagkakapantay-pantay at hustisya. Pagkatapos ay magpakita naman ng larawan ng isang babae at isang lalaki. Ipaunawa ang pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Kung saan sa idyolohiyang ito, nagmula ang pananaw at pag-uugali ay hindi naiiba sa pakikipagkapwatao-tao. Bilang guro, ipaliwanag na kung naniniwala tayo na ang lahat ng tao ay pantay-pantay, normal lang na ang ating karelasyon ay bibigyan natin ng paggalang, katumbas na tugon sa kanyang pangangailangan at ibinibigay sa atin, at pananagutan sa anumang epekto o resulta ng ating relasyon. Halimbawa: paggalang, katumbas na pagtugon, pananagutan. Paggalang – pagbibigay halaga sa opinyon, kagustuhan at damdamin ng iyong karelasyon. Katumbas na pagtugon- ang prinsipyong ito ay ang pagtugon na katumbas na ibinibigay sayo na ligaya ng iyong kapareha, kailangang bigyan mo rin sya ng pagmamahal at ligaya. Ganon din ang katumbas na tiwala, pag-aaruga, oras at pagmamalasakit. Responsibilidad o pananagutan – ang pakikipagrelasyon ay nakaaapekto sa aspetong intelektwal, emosyunal at sikolohikal ng isang tao,; tanda ng wastong pananaw at pag-uugali sa pakikipagrelasyon ang pagiging responsible o pagkakaroon ng pananagutan sa mga epekto o resulta ng ating mga ginagawa. Halimbawa: kung ang pakikipagrelasyon ay nagbunga ng pagbubuntis, kinakailangang panagutan ang pagkakaroon ng anak. Kinkailangang handa sa mga ganitong bagay ang magkarelasyon. Pananagutang pinansyal at emosyunal na bahagi ng pundasyon ng pagpapamilya. GABAY NA TANONG Base sa ating mga tinalakay, may mga nakita ba kayo sa inyong pamayanan o sa inyong napanood sa pelikula at telebisyon na mga halimbawa ng pagkakapantay-pantay o di pagkakapantay-pantay sa isang relasyong sekswal? Tandaan kapag sinabi nating relasyong sekswal, ito ay yung magkarelasyong young adult, elderly, gay, lesbian, multiracial. Gawin itong isang malayang talakayan. GAWAIN 4: Pagbibinata at pagdadalaga, sekswaliti at mapusok na damdamin Magpakita ng mga video clip o larawan ng pagakakasunud-sunod nito: teen-ager na nagliligawan, nagkagustuhan, nagseks , nabuntis, nagkaron ng komplikasyon sa panganganak at namatay. Mula sa pagkakasunod-sunod ng sitwasyong ipinakita sa larawan, bigyang daan ang talakayan kaugnay ng pagbabagong nagaganap sa isang nagbibinata o nagdadalaga. Ang panahon ng kanilang kritikal na buhay kung saan marami silang nais gawin at patunayan sa kanilang sarili. Ang paniniwalang kaya na nila ang lahat ng bagay ngunit hindi ang kahandaan sa pagharap dito. Mahalagang bagay na matutunan ng mga kabataan na bagamat natural na parte ng buhay ng tao ang sekswaliti o sekswalidad, maaari din itong magdulot ng panganib o kapahamakan sa pag-unlad ng isang tao. Suportahan ng mga video interviews o mga larawan ang iyong paliwanag hinggil dito at sa pagiging mapusok ng mga kabataan, maaring gumamit ng : early sexual relationships, unwanted pregnancies, reproductive health problems, infection (STD’s and HIV), at violence. Kung saan lahat ito ay bunga ng hindi kahandaan at kakulangan sa wastong edukasyon. GAWAIN 5: Papaano nakaaapekto ang mapusok na damdamin sa kabuuan ng pag-unlad ng isang indibidwal? (How do risky behaviour affect human capital formation?) GABAY NA TANONG Ano sa tingin ninyo ang maaaring maging epekto ng maling kaugaliang sekswal sa populasyon at pag-unlad? Gawin itong isang malayang talakayan. Matapos ang ilang minutong inilaan ditto, magpakita ng larawan o video clip teenage couple na nag-aalaga ng anak. Ipaliwanag ang mga maaaring masamang maidulot nito sa ina dahil sa kanyang kabataan at hindi kahandaan ng katawan. Maari siyang magkasakit o mamatay. Dahil din sa kakulangan ng wastong edukasyon ukol dito, maaaring magkasunod-sunod ang panganganak at di magkaroon ng tamang agwat sa pagbubuntis. Kapag hindi naplano nang wasto ang pamilya, maaring magdulot ng sikolohikal na epekto sa ina o ang tinatawag na postnatal syndrome o postpartumdepression Kung saan ang lahat ng ito ay may malaking epekto sa pagkamit ng human capital formation. GAWAIN 6: Mapanagutang pagmamagulang : Salik na nakatutulong sa mataas na kalidad ng buhay at masaganang pamayanan at bansa GABAY NA TANONG 1. Ano ang ibig sabihin ng mapanagutang pagmamagulang? 2. Gaano kalaki ang epekto nito sa magiging pag-unlad ng isang tao? Mapanagutang pagmamagulang – ang kagustuhan at kakayahan ng mga magulang na tugunan ang pangangailangan at pangarap ng pamilya at mga anak. Magkatuwang dito ang ama at ina, at kabilang dito ang pagdedisisyon sa bilang o agwat ng pag-aanak. Ito ay nakabatay sa kanilang kakayahang itaguyod ang kanilang pamilya. Kabilang dito ang kaalaman at kahandaan ng mag-asawa sa kanilang tungkulin bilang mga magulang tulad ng: pag-aaruga sa kalusugan at pagmamahal, pagdidisiplina, pagtuturo ng wastong asal, edukasyon, pagiging mabuting mamamayan, paggamit ng salapi at spiritual formation o pangangalaga at pagpapatibay ng kaluluwa. Magpakita ng commercial na nagpapakita pag-aaruga habang sanggol pa, kasunod ang nasa teenage years o yung growth gap years, pagsuporta sa edukasyon hanggang makatapos ng pagaaral, at sa huli ay yung isa ng propesyunal at nagtatrabaho na ang anak. (Iwasan ang pag endorse sa mga produkto, ipakita lamang ang temang tinatalakay nito, ang pag-aaruga). Ipaliwanag ng guro kung gaano kahalaga ang suporta o pagtupad ng magulang sa kanilang reponsibilidad sa kanilang mga anak upang mahubog ang mga ito sa pagiging ganap na tao. Upang malinang pa ang kaalaman ng mag-aaral, pangkatin sila sa dalawa. Sa loob ng limang minuto, hayaan silang magbigay ng posibleng paraan upang maging mas madaling harapin ng mga kabataan ang mga pagbabagong kanilang nararanasan. Pagkatapos ay hayaan naman silang magbigay ng mga panukala kung paanong pabubutihin ang buhay ng mga tao sa mundo at kung paano maiiwasan o wakasan ang masamang nangyayari sa mundo. Kwentong Kartero HUMAN SEXUALITY AND RESPONSIBLE PARENTHOOD ESSENTIAL UNDERSTANDING: Responsible parenthood stresses the will and the responsibility of the parents to respond to the needs and aspirations of their family and children to ensure the best quality of life for everyone. ESSENTIAL QUESTION: What is responsible parenthood? Why is responsible parenthood important? LEARNING COMPETENCIES: Making decisions on marriage and responsible parenthood I. OBJECTIVES: At the end of the lesson, the student shall be able to: A. Describe what responsible parenthood is and analyze the relationship between responsible parenting and responsible parenthood; B. Rationalize responsible parenthood. II. SUMMARY OF EPISODE Divina's teenage nephew and his young girlfriend wanted to get married. Popo's Uncle Pedring devised a plan that lead to the young lovers' realization that marriage is a commitment with corresponding responsibilities and consequences, and should not be rushed. This episode also highlights the three elements of population growth and migration. III. SUGGESTED ACTIVITIES A. Pre-­‐viewing Activity 1. Anyone? Encourage the students to do the following: • • • • • • • • • • • Sit on chairs and form a circle – one chair per person. One acts as a leader who calls out a description of anyone whose task is to mention one of the changes that happens to an adolescent. If the description applies to anyone sitting in the circle, that one stands and everyone rushes to exchange chairs. The person in the middle tries to reach a chair before everyone else has exchanged places. The one who answers to the description is now in charge of mentioning another change that happens in an adolescent. Repeat the process. Nobody can take the chair on his immediate right of left. After 10 minutes, reflect on the following points: Is it difficult for you to let others know that you are experiencing those changes that were called out? Why or why not? What do these changes say about you? Do you know anyone your age who does not experience such changes? What do think does this imply? Make them share their thoughts with others. (For AP, Health, English Grades 6 & 7) B. While Viewing Activity 1. Before asking the students to watch the video, instruct them to take note of the following tasks: • Copy the chart as shown below and fill out the first three columns as you watch the video. IMPORTANT IDEAS I WANT TO IMAGES FORMED REASONS IDEAS REMEMBER • Write down the important ideas that are presented. • List all ideas/ key words they want to remember. • Use their imagination to create images or pictures about economic development. • Leave the last column blank and fill it out after watching the video. v Make them share their work with others. (For Grades 7, 8, 9 & 10) v Present the video to the class. C. Post Viewing Activity 1. IMPORTANT? Ask the students to reflect on the video. Make them use the following questions as guides: • What important aspects about life are depicted in the video? • What did you feel while watching the video? Why? 2. Look intently at this word: R e s p o n s i b i l i t y • Relate the word to the video. • Find a partner and talk about this. • Point out what ideas pop up as they see and hear the word responsibility. • Talk about why taking responsibility is important and how important it is. • Share their ideas with the class. (For English, ESP Health, AP Grades 9 & 10) IV.VALUES INTEGRATION Cooperation commitment maturity harmonious relationship respect for differences sense of responsibility ACCEPT / REJECT Ask the students to form small groups of five and read the following statements in turns. “Human relation is the art of getting along well with other people.” “Faulty human relationships are responsible for many problems and unpleasant situations in life.” “Each one has the capacity to see oneself objectively specially in making relationship with other people.” “Adolescents can also minimize sensitivity to disturbing conditions in everyday conflicts and lessen tension in their relationships to people outside themselves.” Make them reflect on the meaning of each pronouncement and decide which are acceptable / unacceptable for them. Plot their entries in a T Chart, and then share their findings to other groups. Kwentong Kartero POPULATION AND DEVELOPMENT INTERCONNECTION ESSENTIAL UNDERSTANDING: Human capital investments are necessary to achieve human development. However, human capital investments are only possible with economic development. ESSENTIAL QUESTION: How does capital investment relate to economic growth and development? LEARNING COMPETENCY: Economic growth and development lead to human development. Human development leads to economic growth and development. I. OBJECTIVES: At the end of the lesson, the students will be able to: A. Determine how population composition and growth affect the formation of human capital investments; B. Analyze the beneficial and adverse effects of age-­‐structural transition on economic development; C. Examine the effects of economic development on human capital investments; II SUMMARY OF EPISODE The video episode presents the interconnection between population and development. It emphasizes that investments in human capital are necessary to achieve human development. However, human capital investments are only possible with economic development. III. SUGGESTED ACTIVITIES A. Pre-­‐viewing Activity: 1. ONE SPECIAL THING Have the students pair up and share one thing they feel strongly about economic growth and development. Let them discuss for five minutes, and then allow them to share their ideas with another pair for another five minutes. Ask them to report to the class. (For AP Grades 7 & 8) B. While Viewing Activity: 1. Before asking the students to watch the video, instruct them to take note of the following tasks: • Copy the chart as shown and fill out the first three columns of the chart as you watch the video clip. IMPORTANT IDEAS IDEAS I WANT TO REMEMBER IMAGES FORMED • List all ideas/ key words you want to remember. • Use your imagination to create images or pictures about economic development. • Leave the last column blank and fill it out after watching the video. Ask them to share their work with others. (For Grades 7, 8, 9 & 10) v REASONS Present the video to the class. C. Post Viewing Activity: 1. INSTANT RECALL Lead the students to focus their attention on the entries in their charts. If they haven’t completed their entries, allow them to do so for 10 minutes. Let them share their ideas with their partners then ask them to report to class. IV. VALUES INTEGRATION Awareness, Sense of Responsibility, Cooperation, Stewardship, Productivity Have the students review everything they learned/ created/ worked on from this episode. Ask them to select one that they consider to be very significant. Lead them to explain how it influenced their understanding of the importance of developing awareness, sense of responsibility, cooperation, stewardship and productivity in line with economic development and human development. WHAT WILL I DO? Have the students consider the following situations. • to be free from preventable diseases, or reduced morbidity; • to be free from premature death, or reduced mortality; • to be well-­‐ nourished or have an improved nutritional status; • to be able to communicate ideas and feelings, or increase literacy; • to be free from physical harm, or increase security; Make them choose one, and ask them to turn their ideas into a skit. Remember to highlight the importance of practicing awareness, sense of responsibility, cooperation, stewardship, and productivity (For English & AP Grades 7, 8, 9 & 10) Kwentong Kartero POPULATION DYNAMICS ESSENTIAL UNDERSTANDING: A country’s population growth, as reflected in its demographic and age-­‐structural transitions, affects its economic growth and development. This is because demographic and age-­‐structural transitions depend on basic characteristics of a population (age and sex), young population, old population, working age population, population aging, child dependency ratio, old dependency ratio, and favourable effects of working-­‐ age population. ESSENTIAL QUESTIONS: Why is a country’s population growth considered important to its economic development? How can we resolve a problem that has something to do with small or big population growth? LEARNING COMPETENCY: Population growth is important to a country’s economic development. I. OBJECTIVES: At the end of the lesson, the student should be able to: A. Describe how births, deaths and migration affect population growth; B. Illustrate the concept of population dynamics ; C. Distinguish out-­‐migrants from in-­‐migrants; D. Recognize and state the impact of out-­‐migrants and in-­‐migrants to a country’s economic growth and development. II. SUMMARY OF EPISODE Population dynamics is the focus of this video episode. It starts by highlighting the three elements of population growth -­‐ births, deaths and migration. The two kinds of migration – in and out-­‐migration and a clarification on how to determine population growth are presented. The episode also illustrates the features of the projected trend in age structure from 2000 to 2040. III. SUGGESTED ACTIVITIES A. Pre-­‐viewing Activity: 1. CHARADE (What’s going on?) Invite the students to form three big groups where members take turns in getting a slip of paper from a jar and read the focus word or phrase (birth, death, migration, population) written on it. After which, the member of the first group to draw the paper from the jar will describe the focus word or phrase through action/ pantomime. The first member of the other two groups to guess the focus word or phrase right or correctly will get a corresponding score for his/ her group, and he/ she or his/ her groupmate will have the chance to draw another paper from the jar before he/ she mimes or acts it out for others to guess. Allow this to continue until all the focus words or phrases have been described. The group with the highest score wins. B. While Viewing Activity: 1. Before asking the students to watch the prepared video, instruct them to take note of the following tasks: • • Copy and fill out the first three columns of the following chart with: IMPORTANT IDEAS IDEAS YOU WANT TO REMEMBER IMAGES FORMED REASONS As you watch the video, jot down the important ideas that are presented. • • • List all ideas/ key words you want to remember. Use your imagination to create images or pictures about population. Leave the last column blank and fill it out after watching the video. Make them share their work with others. (For Grades 7, 8, 9 & 10) C. Post Viewing Activity: 1. Remind the students to continue filling out the last column of the chart. 2. Instruct them to take the category headings and list them in a ranking ladder (same as the one shown below). The most important should be written at the top of the ladder, while the least important is at the bottom. Make them compare their ladders. 3. D. Ask the students to choose two or more ideas presented in the video that they think young people like them should do. Let them give reasons for their choices. Have them write a paragraph to explain their choices. (For AP, ESP Grades 7,8 & 9) VALUES INTEGRATION Openness, Acceptance, and Sense of Responsibility Have the students review everything they learned/ created/ worked on from this episode. Ask them to select one that they consider to be very significant. Lead them to explain how it influenced their understanding of the importance of developing openness, acceptance and sense of responsibility in line with population growth and economic development. STRATEGY Make the students list strategies or ways to prevent and control births, deaths migration and population. Have them plot their entries in the appropriate columns of the following table. (For AP Grades 8, 9 & 10) What will I think of What will I say What will I do