4th ish PAENGBOY.indd

advertisement
The Varsitarian
Founded 1928
PAG-ASA. Nanaig ang kagandahan ng UST campus sa kabila ng kalamidad na
puminsala sa Kalakhang Maynila na nagdulot ng matinding pag-ulan at pagbaha
dalawang linggo na ang nakalilipas. kuha mula kay PAUL ALLYsoN r. QUIAMbAo
Kahandaan
sa kalamidad,
sinuri ng UST
NAGSILBING aral sa Unibersidad
ang pananalanta ng mga nakalipas na
bagyo na lubos na tumatak sa bawat
Tomasino.
Dalawang linggo na ang
nakalilipas nang magdulot ng ilang
araw na pagbaha at walang tigil na
pag-ulan sa Kalakhang Maynila
at karatig-probinsya ang hanging
habagat na maihahalintulad sa
pinsala ng bagyong Ondoy noong
taong 2009.
Ngunit dahil sa maagang
pagdeklara ng suspensyon ng klase,
hindi gaanong naramdaman sa
Unibersidad ang pananalantang ito.
“The Office of the Secretary
General has been very prompt to
announce suspension of classes,” ani
sa Varsitarian ni Evelyn Songco,
assistant to the rector for student
affairs.
“From the [typhoon] Ondoy,
we learned that we really have to
prepare and monitor the situation,”
aniya. “We have been doing that, but
we have to systematize our response
to crises like flashfloods,” ani Songco
na siya ring co-chair ng Crisis
Kalamidad PAHINA 5
‘Kontrasepsiyon ay korupsiyon’
‘Prayer Power Rally’
nanawagang
ibasura ang RH bill
Gamilla, ilang
dating opisyal,
kinasuhan ng
Faculty Union
Nina GERVIE KAY S. ESTELLA at DENISE
PAULINE P. PURUGGANAN
Ni BERNADETTE D. NICOLAS
PORMAL nang nagsampa ng
kasong kriminal ang mga kasapi
ng UST Faculty Union (USTFU)
laban sa tatlo nitong dating opisyal
at sa dalawa pang hinihinalang
kasabwat sa isyu ng nawawalang
P9.5 milyong pondo ng unyon.
Idinulog sa Manila City
Prosecutor’s Office noong Hulyo
13 ni Noel Asiones, vice president
for legal affairs ng USTFU, ang
reklamong qualified theft laban
sa dating pangulo ng unyon na si
Gil Gamilla, dating bise presidente
na si Gil Garcia, dating internal
auditor na si Raymundo Melegrito,
pangulo ng Saturn Resources,
Inc. na si Mario Villamor, at chief
financial officer ng Wise Capital
Investment and Trust Company,
Inc. (WISE CITCO) na si
Ramoncito Modesto.
“The first type [of complant]
involves seven counts of qualified
theft by all the respondents
(Gamilla, Garcia, Melegrito,
Villamor, and Modesto) of the
Union funds of USTFU in the total
amount of P9.5 million by giving
the money to respondent Mario
Villamor and their covering up of
their crime by trying to make it
appear that the taking of the union
money were legitimate investments
with an investment company
named ‘WISE CITCO,’” ayon
Gamilla PAHINA 14
mga nais pumasok sa hindi niya
pinangalang kapatiran ay push-ups
na umaabot sa bilang na dalawang
daan, pumpings, squat, at isang oras
na duck walk.
“Para kasi sa [a]min na hindi
naman accredited ng UST, kailangan
naming itago ang mga ginagawa
namin at siyempre, may takot din
sa ‘min na baka may masamang
mangyari sa mga magiging kagrupo
namin,” ani Robert.
Ang Office for Student Affairs
(OSA) at ang Student Organizations
Coordinating Council (SOCC)
ang nagbibigay ng pagkilala
SA KABILA ng malakas na ulan, nagtipuntipon ang libu-libong katao sa EDSA Shrine
noong Agosto 4 upang manawagan na
“ibasura” ang Reproductive Health (RH)
bill.
Sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio
Tagle sa “Prayer Power Rally versus the RH
bill” na nararapat kilatisin ng mga kongresista
ang mga agenda na nakapaloob sa panukalang
batas.
“Bawat batas ay umuukit ng kultura. Bawat
batas ay lumilikha ng mentalidad, humuhugis
ng kung ano ang itinuturing na pinapayagan at
hindi pinapayagan. Ang [panukalang] batas na
iyan ay hindi tamang batas,” ani Tagle.
Ipinaalala ni Tagle na ang pagsasabatas o
pagbabasura ng RH bill ay dapat pag-isipang
mabuti dahil maaapektuhan nito ang mga
susunod na henerasyon.
“Ano bang kultura ang sisimulan nitong RH
bill, na kahit tayo ay wala na, iyang kulturang
iyan, ay mananatili? Nakilatis na ba ninyo kung
karapat-dapat ang kulturang iyan na ipamana
sa susunod na henerasyon? Nakikiusap lang
naman po ako, kasi baka ang iniisip ninyong
solusyon ang siyang maging kapahamakan ng
kulturang Pilipino,” dagdag ni Tagle.
Labing-anim na diyosesis mula sa iba’t
ibang lugar sa bansa ang kasabay na nagsagawa
ng prayer rally para pigilan ang pagsasabatas
ng RH bill, ani Fr. Melvin Castro, kalihim ng
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines
(CBCP) Commission on Family and Life.
Ang prayer rally ay panawagan sa mga
kongresistang boboto sa kahihinatnan ng RH
bill.
Layon ng bill na pondohan ng
pamahalaan ng bilyun-bilyon ang pamimigay
Hazing PAHINA 14
Rh bill PAHINA 7
Libu-libong katao ang nakiisa sa pagkondena sa Reproductive Health bill sa isang natatanging pagtitipon na
ginanap sa harapan ng dambana ng Our Lady of Edsa noong Agosto 4.
kuha ni JoHN PAUL r. AUTor
NatatangingUlat
ANG UST ay kanlungan din ng mga
hindi kinikilalang “kapatiran.”
Ito
ang
napag-alaman
ng Varsitarian matapos ang
pagpaslang sa alumnus na si Marc
Andrei Marcos, na freshman sa San
Beda College of Law, dulot umano
ng hazing sa hindi kinikilalang
fraternity sa naturang paaralan.
Idineklarang patay si Marcos,
21, sa De La Salle University
Medical Center sa Dasmariñas,
Cavite noong Hulyo 30, limang
buwan matapos matagpuang patay
si Marvin Reglos, isa ring alumnus
at San Beda Law freshman, dahil din
sa hazing.
Si Marcos ay nagtapos ng
kursong Legal Management sa UST
nito lamang Marso, samantalang
nagtapos ng kursong Business
Administration si Reglos noong
‘Hazing,’ kinondena ng mga
fraternities sa Unibersidad
2010.
Ayon sa isang mag-aaral ng
Information Technology mula sa
Faculty of Engineering na nagpatago
sa pangalang “Robert,” may
ilang underground fraternities sa
UST, lalo na sa nasabing fakultad.
Aniya, hindi naman dumarating
sa puntong may kailangang magagaw-buhay upang maging kasapi
ang mga nais pumasok sa kapatiran.
“May mga physical exercises
lang kami na pinapagawa na sa
kanila, pero hindi naman namin sila
pinapalo ng baseball bat o paddle,
dahil alam naming hindi tama,”
aniya.
Kadalasang pinapagawa sa
For breaking news and digital copy, visit www.varsitarian.net
Check out the Varsitarian on your mobile phone at www.varsitarian.mobi
2 Balita
The Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Patnugot: Reden D. Madrid
Antala sa sahod, idinaing ng unyon
Nina BERNADETTE D. NICOLAS at NIKKA
LAVINIA G. VALENZUELA
INIREREKLAMO ng mga propesor ang
pagkaantala ng suweldo kahit na ito ay
natatanggap na sa pamamagitan ng automated
teller machine (ATM).
Sa isang panayam ng Varsitarian kay
Jose Ngo, UST Faculty Union (USTFU) vice
president for legal affairs at kasalukuyang
propesor sa AMV-College of Accountancy,
hindi umano tumupad ang Treasurer’s Office
sa napagkasunduan na dapat ay nasa ATM na
sa huling banking day ang suweldo kung ang
ikalabinlimang araw o katapusan ng buwan ay
natapat sa isang non-banking day.
Ayon sa Artikulo XVIII Seksyon 5 ng 20062011 Collective Bargaining Agreement (CBA),
ang suweldo ay ibibigay sa ikalabinlimang
araw at sa katapusan ng buwan. Ngunit kung
ito ay ipamamahagi sa pamamagitan ng tseke
at ang nakatakdang araw ng distribusyon ay
natapat sa isang non-banking day, ang tseke ay
dapat maibigay sa propesor nang hindi lalagpas
sa huling banking day.
Noong Enero, naglabas ng memorandum
si P. Manuel Roux, O.P., vice rector for
finance, na sa pamamagitan na ng ATM facility
ipamamahagi ang suweldo ng mga propesor ng
Unibersidad.
Ngunit ayon kay Ngo, hindi na nasunod
ang nasabing probisyon ng CBA nang maging
epektibo ang naturang memorandum.
“Lately, what happened is that the July
1 -15 salary was reflected in the ATM of the
faculty members only on Saturday, July 14,”
ani Ngo. “The problem is that these faculty
members would have bills to pay and they
would be affected.”
Iginiit pa niya na ang pangangasiwa
sa sistema ng pamamahagi ng suweldo ang
problema.
Para kay Gian Francisco, pangulo ng
faculty association ng College of Nursing, hindi
dapat ipagpatuloy ang ganitong pagkaantala,
bagkus umaga pa lang ng araw ng suwelduhan
ay maaari na itong matanggap.
Antala PAHINA 11
Committee of Peers,
kinasuhan ng libelo
Ni BERNADETTE D. NICOLAS
NAGHAIN ng kasong libelo ang mga dating
pinuno ng UST Faculty Union (USTFU)
laban sa Committee of Peers (CoP), dalawang
miyembro ng “Fidelity Group,” at sa isang
office staff/bookkeeper ng unyon dahil sa mga
“malisyosong” paratang at pagpapasiya sa ulat
ng CoP.
Isinumite nina Gil Garcia, dating bise
presidente at Raymundo Melegrito, dating
internal auditor ang reklamo sa tanggapan ng
Manila City Prosecutor’s Office noong Hunyo
18.
Ang CoP, na binuo noong Hulyo 16, 2010
upang siyasatin ang katotohanan sa ilegal na
paglabas ng pondo ng USTFU na nagkakahalaga
ng P9.5 milyon, ay pinamumunuan ni Rafael
Bautista ng College of Education, kasama
sina Apolinario Bobadilla (AMV-College of
Accountancy), Pablito Baybado, Jr. (Institute of
Religion), Jacinta Cruz (Faculty of Pharmacy),
at Fortunato Sevilla III (College of Science).
Kasama rin sa mga nireklamo ay sina dating
Sergeant-at-Arms Celso Nierra, dating direktor
Elizabeth Hashim Arenas at Samantha Lei
Bernal, dating empleyado ng unyon.
Sina Nierra at Arenas ay parehong kasapi
ng Fidelity Group na noon ay kinasuhan din ni
Gil Gamilla, dating presidente ng USTFU, dahil
sa pagpapalabas ng mga ulat at dokumento na
nagpaparatang ng “illegal disbursement” ng
pondo ng unyon sa isang property developer
noong 2006.
Ayon sa kopya ng complaint-affidavit nina
Garcia at Melegrito na nakuha ng Varsitarian:
“Apparently, respondents (Bautista, et al.)
made the above malicious imputation in their
report purposely to discredit and dishonor our
reputation, to tarnish our names and advance
their political agenda in supporting and
validating Atty. Ngo’s Findings-1, even if their
conclusions run counter to the evidence on
hand, and to substantiate speculations that Mr.
Garcia’s departure and Engr. Melegrito’s loss
in the ensuing USTFU election was likewise
right.”
Ayon kina Garcia at Melegrito, ilan sa
mga pagpapasiyang nakapaloob sa ulat ng CoP
Libelo PAHINA 12
Pamunuan ng Simbahayan
400 at ComDev, pinagbuklod
Ni MARIA LUISA A. MAMARADLO
Isang matamis na yapos ang sumalubong sa isa sa mga
Aeta na nakapagtapos sa high school sa pamamagitan ng
alternative learning system na inilunsad ng Office for Community
Development.
JoHN DANIeL J. HIrro
NATAPOS man ang pagdiriwang
ng ikaapat na siglo ng Unibersidad,
patuloy pa rin ang adhikain nito sa
pagtataguyod ng Simbahan, lipunan, at
pamilya.
Pinagbuklod ang tanggapan
ng UST Simbahayan 400, ang
Quadricentennial
Centerpiece
project, at ang Office for Community
Development (OCD) na tatawagin
na ngayong “UST Simbahayan
Community Development Office”
noong Agosto 1.
Ayon kay Marielyn Quintana,
dating tagapangasiwa ng UST
Simbahayan 400, ang pag-iisa ng
dalawang tanggapan ay isang hakbang
upang mapaigting ang pagkakakilanlan
ng mga Tomasino.
“Father
Rector
[Herminio
Dagohoy] has mentioned before [in his
speech during the Misa de Apertura]
that Simbahayan will be a focus of
his administration,” ani Quintana
na itinilagang direktor ng bagong
tanggapan. “He even mentioned that he
wanted to come up with research-based
community development projects.”
Kasalukuyang binabalangkas ng
UST Board of Trustees ang bagong
istruktura ng UST Simbahayan, aniya.
Idinagdag pa ni Quintana na ang
pagsasailalim ng National Service
Training Program (NSTP) ng UST
sa Simbahayan ay isang magandang
hakbang upang mapalawig ang
pagtulong ng Unibersidad lalo na sa
mga partner communities nito.
Samantala, nakapagtapos sa
high school ang pitong Aeta mula sa
Brgy. Malasa sa Bamban, Tarlac sa
pamamagitan ng alternative learning
system (ALS) o pag-aaral gamit lamang
ang radyo, isang programa ng OCD.
Ang ALS ay isa sa mga
proyektong pang-edukasyon ng UST
na naglalayong makapagpaaral at
makapagpatapos ng beneficiaries mula
sa kanilang mga partner communities—
matanda man o bata. Ito ay isinasagawa
sa pamamagitan ng radyo kung saan
ang mga guro ng Unibersidad ay
nakapagtuturo sa kanilang mga magaaral na nasa malalayong lugar.
Kauna-unahang Filipino-German
double degree program, inilunsad
Mecheline Zonia
Manalastas; 56
Ni CEZ MARIELA TERESA
G. VERZOSA
Ni DAPHNE J. MAGTURO
MAAARI
na
ngayong
makatanggap ng diploma mula sa
Europa ang mga Tomasino nang
hindi umaalis sa Pilipinas.
Nakipag-ugnayan ang College
of Commerce and Business
Administration sa International
University
of
Cooperative
Education (iUCE) ng Alemanya
upang buuin ang kauna-unahang
German-Filipino dual double
bachelor program sa bansa.
Ang
mga
mag-aaral
na mag-eenroll sa nasabing
programa ay makatatanggap ng
dalawang titulo: isang diploma
ng
Business
Administration
mula sa UST at isang diploma
naman ng International Business
Management mula sa iUCE.
Dalawang taon ang gugugulin
ng isang mag-aaral para sa
curriculum na inihanda ng UST,
samantalang tatlo’t kalahating
Usapang Uste
Ni ELORA JOSELLE F.
CANGCO
ALAM n'yo ba na nanguna ang
UST sa pagkakaroon ng hiwalay na
kagawaran para sa Filipino?
Bilang tugon sa itinatag na
Institute of National Language ng
Pamahalaang Komonwelt noong
1935, binuo ng Unibersidad ang
Department of National Language
noong 1941 sa ilalim ng Faculty
of Philosophy and Letters bilang
“Bachelor of Literature in National
Languages.” Makalipas ang ilang
buwan,
inilipat
ang
kagawaran
sa College of
Education
bilang
“Bachelor of Science
in Education Major in
Filipino.”
Ayon sa librong “The
University of Santo Tomas
in the 20th Century” ni
Josefina Lim-Pe, nilalayon
ng departamento
na ituro at
ipaunawa sa mga
taon naman ang gugugulin para
sa curriculum ng Alemanya at
pagsusulat ng thesis.
Humigit-kumulang 45 na magaaral ang planong tanggapin ng
kolehiyo para sa double bachelor
program, ani Ma. Soccoro Calara,
dekano ng College of Commerce
and Business Administration.
Sa kabuuan, nagkakahalaga
ng P793,200 ang lima at kalahating
taong kurso kung isasama ang isang
taong pananatili sa Alemanya.
Kung pipiliin ang pag-aaral sa
Pilipinas
lamang,
tinatayang
aabutin sa P575,200 ang matrikula.
Walang katiyakan
Sa kabila nito, walang
kasiguraduhan kung matatanggap
ang mga nagsipagtapos ng
programa sa iba’t ibang kompanya
sa Alemanya at ibang bansa.
“We
cannot
compel
the companies to accept the
graduates,” ani Calara. “[However,
German PAHINA 11
PUMANAW na ang propesor
at tagapangasiwa ng Office
for Admissions (OFAD) na
si Mecheline Zonia IntiaManalastas noong Agosto 12.
Siya ay 56 taong gulang.
Hiniling ni Manalastas na
manatiling lingid sa kaalaman
ng publiko ang tunay na sanhi
ng kaniyang karamdaman,
sinabi ng kaniyang pamilya sa
Varsitarian.
Bilang isang beteranong
opisyal ng UST, si Manalastas ay
nagsilbing executive assistant ng
Office of the Secretary General
mula 2006 hanggang 2007,
direktor ng UST Publishing
House mula 1999 hanggang
2006, direktor ng Purchasing
Office mula 1996 hanggang
1999, at coordinator ng Office
for Student Affairs mula 1990
hanggang 1996.
UST, nanguna sa pagtaguyod
ng Wikang Pambansa
Tomasino ang wastong paggamit
ng wikang pambansa. Isinaad
din sa aklat na ang pagsusulong
ng naturang kagawaran ay isang
paraan upang mapanatiling buhay
ang mayamang kultura ng Pilipinas.
Ipinahayag sa Varsitarian
noong 1957 ni Jose Villa
Panganiban—isang lengguwista’t
unang
tagapangulo
ng
Departamento
ng
Filipino
sa
Unibersidad—na
unang
nagbukas ang Unibersidad ng
mga klase sa wikang Filipino
noong 1937. (Si Panganiban din
ang itinuturing na tagapagtatag o
“Ama ng Varsitarian”
dahil pinangunahan niya
ang pagkakatatag ng
pahayagan
noong
1928.)
Sa pamumuno ni
Panganiban, dinaluhan ang
karamihan ng mga klase
ng mga dayuhang pari
at madre. Makalipas
ang
dalawang
taon, nahinto ang
pagtuturo
ng
Filipino
sa
Sa loob ng 24 na taon,
nagturo siya sa UST Graduate
School, College of Science,
at Institute of Religion. Si
Manalastas ay naging kasapi
rin ng scholarship committee,
permanent
committee
on
enrollment, at Simbahayan 400
committee ng Unibersidad.
Siya ay nagtapos sa UST ng
Doctor of Philosophy major in
Psychology, summa cum laude;
Master of Arts in Psychology,
meritissimus; at Masters in
Business Administration, cum
laude. Malapit na rin sana niyang
matapos ang kaniyang Master of
Arts in Theology sa Unibersidad
bago siya pumanaw.
Manalastas PAHINA 11
Nutrition, PT
pumangalawa
sa board exams
UST nang ipadala ng Unibersidad
si Panganiban sa Notre Dame
University sa United States of
America upang mag-aral.
Sa muling pagbubukas ng
Unibersidad noong Hulyo 1943
sa panahon ng Hapon, ang mga
mag-aaral na kumukuha ng mga
kursong pre-medicine at medisina
ay kinailangang kumuha ng mga
asignaturang nasa wikang Filipino.
Sa kaparehong taon din tinulungan
sa pamamahala ni Paz Latorena,
isang kuwentista’t propesor sa
Unibersidad, ang kababalik pa
lamang na si Panganiban mula sa
Amerika.
Ngunit pagdating ng 1947,
naging elective na lamang ang
pagkuha ng mga klase na nasa
wikang Filipino at ‘di kalauna’y
nabuwag na rin ang departamento.
Noong 1949, nagkaroon
ng
Master’s
Degree
ang
kursong “Wikang Pambansa.”
Nagkaroon naman ng “Batsilyer
sa Pamamahayag sa Tagalog” sa
Faculty of Philosophy and Letters
taong 1955.
HINIRANG muli na second topperforming school ang Unibersidad
matapos nitong mapanatili ang
mataas na marka sa nakaraang
nutritionist-dietitian at physical
therapist licensure exams.
Ayon sa datos ng Professional
Regulation Commission (PRC),
pumasa ang 93 na Tomasino mula
sa 99 na kumuha ng nutritionistdietitian exams na idinaos noong
Hulyo. Ito ay nangangahulugang
93.94-porsiyentong passing rate para
sa UST.
Nakamit ni Hannah Paulyn Co
ang unang puwesto matapos magtala
ng 87 porsiyento, samantalang
ang mga Tomasinong sina Patricia
Alyanna Cardoza (85.05 porsiyento)
at Kevin Carpio (84.95 porsiyento)
ang nakakuha ng ikatlo at ikaapat na
puwesto.
Kinilala rin na second topperforming school ang UST noong
nakaraang taon nang makapagtala
Usapang Uste PAHINA 8
UST PAHINA 5
Ni NIKKA LAVINIA
G. VALENZUELA
Patnugot: Lorenzo Luigi T. Gayya
IKA-19 NG AGOSTO 2012
The
Varsitarian Natatanging
Ulat 3
High-rise buildings sa paligid ng UST
Simbolo nga ba ng kaunlaran?
Nagdulot ng mabilis na pagbabago sa tanawin ng Beato Angelico Building mula 2007 (kaliwa) hanggang sa kasalukuyan (kanan) ang pagtatayo ng mga nagtatayugang gusali sa paligid ng Unibersidad.
Mga kuha mula kay PAUL ALLYsoN r. QUIAMbAo
Nina KRISTELLE ANN
A. BATCHELOR at ANDRE
ARNOLD T. SANTIAGO
SA PATULOY na pagsulpot
ng mga nagtataasang gusali sa
paligid ng UST, tila nagiging
“balon ng salapi” na lamang
ang Unibersidad para sa ilang
mga mamumuhunan sa distrito
ng Sampaloc.
Ngunit dapat nga bang
pinahintulutan
ang
mga
konstruksyong ito sa simula
pa lamang?
Nang muling maging
alkalde ng Maynila si Alfredo
Lim noong 2007, isinawalang
bahala niya ang Ordinance
No. 8119 na naglilimita sa
pag-unlad ng Lungsod upang
pangalagaan ang katatagan ng
lokalidad.
Aniya, sumasagisag ang
mga gusaling ito sa kaunlaran.
“Ayaw kong sundin iyon (ang
ordinansa). Kapag sinunod
natin
iyon,
mauunahan
ng ibang mga lungsod [sa
pag-unlad] ang Maynila na
kapitolyo ng Pilipinas” ani
Lim sa Varsitarian.
Idinagdag pa niya na
kailangang
sumabay
sa
modernisasyon ang Maynila
sa ibang mga karatig-lungsod
nito.
“Maaaring
magpatayo
ng
gusaling
aabot
ng
60 na palapag, ngunit
kinakailangang kumuha ng
special permit kung lalagpas
sa nabanggit na bilang ng
palapag,” ani Lim.
Nililimitahan
ng
ordinansa ang taas ng mga
gusali at ang dami ng palapag
na maaari nitong taglayin
batay sa floor area ratio
(FAR).
Makakalkula ang FAR sa
pamamagitan ng paghati ng
kabuuang palapag ng gusali
sa laki ng sukat ng lupa kung
saan ito itatayo. Sa kaso ng
university belt, apat lamang
ang FAR, kaya hindi maaaring
tumaas sa 19 na palapag ang
mga gusali sa bahaging ito ng
lungsod.
Ilan sa mga gusaling
humigit sa 19 na palapag
ay ang Richville Tower sa
sangandaan ng Lacson Avenue
at kalye ng Dapitan (24 na
palapag), at Pacific Grand
Tower 1 at 2 sa Dapitan na
may 20 at 24 na palapag.
Ang Torre de Santo Tomas
na kasalukuyang itinatayo
sa España Boulevard ay
inaasahang aabot ng 45 na
palapag.
Ngunit ayon kay Jocelyn
Dawis-Asuncion, konsehal ng
ikaanim na distrito ng Maynila,
walang karapatan ang alkalde
na buwagin ang ordinansa
dahil hindi ito kabilang sa
kaniyang tungkulin.
“Hanggang ngayon, ang
Ordinance 8119 ay isa pa
ring batas sa lungsod,” aniya.
“Dapat sundin ng mga
may-ari ng mga gusali ang
ordinansa dahil ginawa ito
upang malaman ang holding
capacity ng isang gusali lalo
na sa isang university cluster.”
Nakasaad din sa ordinansa
na 60 porsiyento lamang
ng kalupaan ang maaaring
sakupin upang mapanatili ang
sapat na espasiyo sa lungsod.
“Kapag dumami ang
mga tao, posibleng magdulot
ito ng maraming basura,
pangangailangan sa tubig
at kuryente, at dahil sa
konstruksyon,
mababara
ang mga agusan ng tubig at
magdudulot ito ng pagbaha,”
ani Asuncion.
Makapagdudulot
din
ang patuloy na pagtatayo ng
gusali sa paligid ng UST ng
pagsikip ng daloy ng trapiko
at pagkaantala ng trabaho, pati
sa paghahatid ng mga kalakal,
aniya.
Subalit taliwas ito sa
paniniwala ni Jose Siao Ling,
isang tanyag na Tomasinong
arkitekto.
“Makababawas
sa
trapiko ang pagtatayo ng mga
condominium sa lugar dahil
hindi na kailangang bumiyahe
ng mga mag-aaral papunta
sa unibersidad kung sila ay
maninirahan sa kalapit na
gusali,” ani Ling.
Idinagdag pa niya na
kailangang may sapat na tubig,
kuryente, at sewage system
ang mga gusaling ito.
Hindi tataas sa Main
Building
Ayon naman kay Rino
Fernandez, isang propesor
sa College of Architecture,
dapat isaalang-alang ng mga
may-ari ng mga nagtataasang
gusali ang cultural heritage ng
Unibersidad.
Idineklara ng National
Historical Commission of the
Philippines ang UST bilang
isang national historical
landmark noong Mayo 2011.
Iginiit din ni Josefin de
Alban, dekano ng Faculty of
Engineering, na hindi dapat
gawa nang gawa ng matatayog
na gusali sa paligid ng
Unibersidad.
“How you treat Sampaloc
is different from how you
treat
Divisoria,”
aniya.
Ipinaliwanag ni Enrique Sta.
Maria, arkitekto ng Facilities
Management
Office,
na
may “unwritten law” na
humahadlang sa pagtatayo ng
mga gusaling hihigit ang taas
sa UST Main Building.
“Bago magkaroon ng
nagtataasang gusali sa paligid
ng UST, may sistema ng
herarkiya sa mga ito,” aniya.
Dagdag pa ni Sta. Maria,
dapat kilalanin ang UST
bilang isang educational
landmark. Binanggit din
ni De Alban na marapat
magkaroon ng maliwanag
na zoning regulation kung
saan maaaring itayo ang mga
nagtataasang gusali.
“Dapat
lang
sana
mayroong mga lugar sa
Sampaloc na limitado kung
gaano kataas ang mga gusali,”
ani De Alban.
Ligtas ba?
S a m a n t a l a ,
nagdadalawang-isip si John
Joseph Fernandez, dekano
ng College of Architecture,
ukol sa kaligtasan ng mga
nagtataasang gusali sa paligid
ng Unibersidad.
Aniya,
mahihirapang
lumikas
ang
mga
naninirahan
dito
sakaling
magkasunog
at
mahihirapan ang
mga awtoridad na
pangalagaan
a n g
seguridad ng mga tao sa dami
ng naglalabas-pasok sa gusali.
Kampante naman si Elton
Tan, chief operating officer
ng Pacific Grand Tower, na
ligtas ang mga naninirahan
sa kanilang condominium
dahil kumpleto umano ito sa
mga makabagong teknolohiya
tulad ng smoke detector
at closed circuit television
camera.
Ngunit inamin niyang
hindi pa nila napaghahandaan
ang sistema ng paglilikas
sakaling magkasunog.
“Sa ngayon, wala pa
kaming mga [konkretong]
plano ukol sa evacuation,” ani
Tan.
K a s a l u k u y a n g
iniimbestigahan ng mga
konsehal ng Maynila ang
mga tahasang lumalabag sa
naturang ordinansa, ayon
kay Asuncion.
“Balak
naming
magsampa
ng
kaso laban sa mga
developers
na
nakikipagsabuwatan sa
mga opisyales,”
aniya.
‘Kapag sinunod namin ang ordinansa,
mauunahan ng ibang lungsod ang
Maynila na kapitolyo ng Pilipinas’
-Alfredo Lim, alkalde ng Maynila
kuha ni JoHN DANIeL J. HIrro
DoH, P-Noy ipinuslit ang mala-rH bill na utos
Ni LORENZO LUIGI T. GAYYA
BINATIKOS ang ehekutibong sangay
ng pamahalaan ng ilang kritiko matapos
itong magpatupad ng patakarang
kapareho sa nakasaad sa Reproductive
Health (RH) bill, na kasalukuyang
pinagtatalunan sa Kongreso.
Si Pangulong Aquino III na
mismo, sa tulong ng Department
of Health (DOH), ang
gumawa
ng
hakbang upang
maipatupad
ang ilang mga
probisyong
nakapaloob
sa RH bill sa
pamamagitan
n
g
DOH Administrative Order (AO)
2012-0009 o “National Strategy
Toward Reducing Unmet Need for
Modern Family Planning as a Means to
Achieving Millennium Development
Goals (MDG) on Maternal Health,” na
pinagtibay noong Hunyo 27.
Agad
naman
naging
kontrobersyal ang nasabing mandato
dahil sa pagkakapareho nito sa RH bill.
Magkasamang ipalalaganap ang mga
natural at artipisyal na kontraseptibo.
Tutol ang Simbahan sa mga artipisyal
na pamamaraan ng kontrasepsyon
gaya ng pills, intrauterine devices, at
injectibles.
“Modern family planning (FP)
shall include among its methods
the following: pills; injectables/
DMPA (Depo-Provera or Depot
medroxyprogesterone
acetate);
condoms; intrauterine devices
(IUDs); natural family panning
(AO No. 132 s. 2004) including
lactational
amenorrhea
method
(LAM); bilateral tubal litigation
(BTL); vasectomy (AO No. 50-A s.
2011); and any other method deemed
to be safe and effective by the DOH,”
ayon sa nakasaad sa administrative
order.
Naniniwala si Nilo Divina, dekano
ng Faculty of Civil Law, na isa itong
mapanlinlang na pamamaraan upang
maipatupad ang mga alituntuning hindi
maaaring maisagawa nang buo gamit
ang RH bill.
“Nahihirapan kasi sila na maipasa
ang RH bill dahil hindi sila makakuha
ng sapat na bilang ng mga tagasuporta,”
ani Divina sa Varsitarian.
Aniya, kahit makalusot pa sa
mababang kapulungan ang RH bill,
mas mahihirapan ang mga tagasuporta
nito sa Senado.
“Hindi sila tiyak kung maipapasa
pa ang RH bill, kaya gumawa sila ng
administrative order,” ani Divina.
‘Hindi sila tiyak kung maipapasa pa ang
RH bill, kaya gumawa sila ng ganitong
administrative order’
-Nilo Divina, dekano ng
Faculty of Civil Law
kuha ni JoHN PAUL r. AUTor
Para naman kay Jo Imbong ng
Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines (CBCP) Legal Office, ang
pagpapatupad ng naturang alituntunin
ay insulto sa Kongreso na hindi pa
natatapos talakayin ang RH bill.
“Naiinip na ang mga ilan, dahil
ito na ang panlimang Kongresong
tumatalakay sa RH bill,” aniya sa
Varsitarian.
Naniniwala naman si Rene
Bullecer, tagapangasiwa ng Human
Life
International-Filipinas,
na
gumagawa na ng ganitong estratehiya
ang Malacañang at ang mga tagasugid
ng RH bill mula nang maluklok sa
pagkapangulo si Aquino.
“Mayroon na lamang pitong
buwan bago matapos ang ika-15 na
Kongreso sa Pebrero at nagiging
desperado na silang maipasa ang
RH bill, kaya gumagawa sila ng mga
alternatibong paraan,” ani Bullecer.
Subalit hindi na bago ang ganitong
kaparaanan ng mga tagasugid ng RH
bill, dagdag niya.
Nagawang maipasa ang mga
ordinansa ng reproductive health
sa humigit-kumulang 20 lungsod at
kabayanan sa buong bansa noong ika14 na Kongreso, ayon kay Bullecer.
Sa isang critique paper ng CBCP
Legal Office ukol sa DOH AO 20120009, sinipi ni Imbong ang isang
saliksik noong 1996 ni Propesor Lant
Pritchett ng Johns Hopkins School
of Hygiene and Public Health na
pinamagatang “No Need for Unmet
Need.”
Ayon kay Pritchett: “Although
there may be 215 million women who
want to delay or avoid pregnancy and
are not using contraception, that does
not mean that all of these women want
to use contraception.”
“In these cases, there is refusal,
hence, there is no ‘need’ to speak of,”
ani Imbong. “And yet, all cases of
non-use are routinely interpreted as
a gaping ‘need’ to justify a massive
family planning program such as this.”
Dinagdag
pa
niya
na
sumasalungat ang DOH sa mandato
nitong pangkalahatang pangkalusugan
sa
pagsusulong
ng
nasabing
administrative order dahil ang ibang
mga gamot at aparato ay napatunayan
nang nakasasama sa kalusugan ng mga
tao, lalo na sa mga kababaihan.
Sa isang pag-aaral ng World
Health Organization (WHO) noong
nakaraang taon, natuklasang ilan sa
mga kilalang birth control pills ay
carcinogenic o nakapagdudulot ng
kanser.
“DOH mocks its public trust
of protecting consumers against
hazardous substances,” ani Imbong.
Samantala, ang datos na
kadalasang ginagamit ng mga
nagsusulong ng RH bill kung
saan tinatayang 11 na mga ina ang
namamatay bawat araw dulot ng
komplikasyon sa panganganak ay
napatunayang hindi totoo ng WHO,
ayon sa saliksik nito na pinamagatang
“Trends in Maternal Mortality: 1990 to
2008.”
“Tumaas na ang kalidad ng
kalusugang maternal,” ani Eric
Mandato PAHINA 11
4 Opinyon The
Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Editoryal
Sino ang sasagip
sa Maynila?
SA PAGHAGUPIT ng habagat kamakailan, marami
ang nakaalala sa trahedyang idinulot ng bagyong
Ondoy noong 2009 kung kailan katumbas ng isang
buwang dami ng ulan ang ibinagsak sa loob lamang
ng anim na oras. Sa Unibersidad, matatandaan
na noo’y nagsanhi ang mapaminsalang bagyo ng
pagkakakulong ng halos 3,000 mag-aaral sa campus
at puminsala sa tinatayang kalahating milyong ariarian at imprastruktura ng UST.
Dahil sa karanasang ito, gumawa ng mga
hakbang at patakaran ang pamunuan ng Unibersidad
upang tugunan ang mga pagbabanta ng kalamidad.
Isa sa mga hakbang na ipinapatupad na ngayon ay
ang “two-hour rule” o ang sapilitang pagpapalikas
sa mga Tomasino na nasa loob ng campus dalawang
oras matapos ang anunsiyo ng kanselasyon ng klase
at pasok sa mga opisina. Ito ay upang maiwasang
maulit ang pagkakakulong ng mga mag-aaral at
empleyado sa UST.
Kung hindi naman kakayaning lisanin ng mga
Tomasino ang campus dahil sa mataas na pagbaha,
magsisilbing evacuation area ang Tan Yan Kee
Student Center.
Gayunpaman, masigasig man ang pamunuan
ng UST sa pagpapaunlad ng sarili nitong mga
alituntuning pangkaligtasan sa mga oras ng sakuna,
hindi naman nakikiayon sa kanila ang iba‘t ibang
salik sa paligid ng Unibersidad.
Taun-taon nang nararanasan ang pagbaha sa
Kamaynilaan tuwing tag-ulan, sa kabila ng taun-taon
ding pagpapataas ng mga kalsada’t pagpapaunlad
umano ng drainage system. Ramdam na ramdam ng
mga Manileño ang mga proyektong ito, hindi dahil
sa pagresolba ng mga ito sa problema ng pagbabaha,
kundi dahil sa dulot nitong paninikip sa daloy ng
trapiko sa maliliit na ngang kalsada ng Maynila.
Ang masama pa, habang pataas nang pataas ang
mga kalsada sa paligid ng UST, pababa naman nang
pababa ang bilang ng pagkakataong mapaunlad ang
edukasyon ng mga mag-aaral dahil sa pagkakaantala
ng mga klase dulot ng pagbaha.
Ngunit, kahit ano pa ang sabihin ng ilan,
pangunahin pa ring siyudad ng Pilipinas ang
Maynila—ang kinatatayuan ng UST—sa diwa
ng kasaysayan, ng pamahalaan, at maging ng
komersiyo kaya’t nararapat lamang na ayusin ang
pamamalakad dito. Hindi katanggap-tanggap na
sabihing bahaing lugar talaga ang Maynila at tumigil
na lang doon. Ang gobyernong magsasabi nang
ganoon ay mailalarawan lamang sa iisang salita:
palpak!
Ilang eksperto na ang nagpahiwatig na
depektibo ang urban planning sa Kamaynilaan.
Sa Sampaloc, kapuna-puna ang kabi-kabilang
pagpapatayo ng matatayog na gusali na unti-unting
sumisira sa tanawin sa lungsod. Hindi lang tanawin,
pinasisikip din ng mga tila kabuteng gusali ang
Editoryal PAHINA 5
The Varsitarian
Abuso sa pamamahayag
SA PERYODISMO, higit na
malaki ang pagkakaiba ng
balita sa opinyon. Ito marahil
ay dapat na masalamin hindi
lamang sa mga pahayagan
sa bansa kundi lalo na
sa lumalaking sakop ng
telebisyon at radyo.
Malaki na ang ipinagbago
ng
pamamaraan
ng
pamamahayag sa telebisyon sa
kasalukuyan. Kung mapupuna
ng manonood at bubusisiing
mabuti kung paano inihahatid
ng anchors ang mga balita,
ilan sa kanila ay pinaghahalo
ang balita sa personal nilang
kuro-kuro. Ito ay malayo sa
nakasanayang pamamahayag
kung saan ang anchor ay
tapat na nag-uulat ng mga
mahahalagang balita sa buong
araw.
Nakababahala na mismong
ang mga mamamahayag pa
ang nangunguna sa ganitong
maling kasanayan. Kung
tutuusin, sila ang may sapat
na kaalaman ukol sa malinaw
na pagkakaiba ng balita at
opinyon bilang bahagi ng
kanilang
pag-aaral
bago
sumabak sa kanilang napiling
larangan.
Ilan pa sa kanila ay labis
bumatikos sa pamahalaan
ngunit kung susuriin ang
kanilang
pinagmulan,
Nakababahala na
mismong ang mga
mamamahayag pa
ang nangunguna
sa ganitong maling
kasanayan.
nanggaling din sila sa
parehong posisyon. Bakit
hindi nila nagawa ang mga
“pagbabago” noong sila pa ang
nasa katungkulan?
Marapat lamang nating
ipagpalagay na ang telebisyon
at radyo ay ang kasangkapan
ng
sambayanan
upang
ipahayag nito ang kanilang
hinain sa pamahalaan, ngunit
hindi dapat ito ipagkalito sa
pagbabalita. Kung kaya’t may
mga programa sa telebisyon
at radyo na nakatuon sa mga
komentaryo upang magsilbing
tulay sa pagkakaiba ng opinyon
at balita.
May kakayahang hubugin
ng media ang opinyon ng masa.
Kaya’t anuman ang marinig
o mapanood ng mga tao mula
rito ay maaaring makaapekto
kung paano nila tinitingnan at
papanigan ang isang isyu.
Isang
malinaw
na
halimbawa nito ay ang
paglilitis kay Chief Justice
Renato Corona. Karamihan sa
mga Pilipino ang nagalit kay
Corona dulot ng negatibong
pagbabalita sa
kaniya sa
telebisyon. Lalo pa itong
pinaigting ng mga komentaryo
mula sa mga mamamahayag
kaya
kahit
ang
isang
ordinaryong Pilipino na hindi
naman malinaw sa kaniya ang
naturang isyu ay nagpapadala
na lamang sa agos ng emosyon
ng nakararami.
Hindi
dapat
maging
lingid sa kaalaman ng
bawat mamamahayag ang
kapangyarihang taglay ng
media.
Marapat
lamang
nilang alalahanin ang kanilang
limitasyon.
***
Tuwing
sasapit
ang
Agosto, ipinagdiriwang ang
Buwan ng Wika; ngunit dapat
natin tanungin sa ating mga
sarili kung naisasabuhay nga
ba natin ang ating pagkaPilipino sa pamamagitan ng
pagtangkilik sa ating sariling
wika.
Nakalulungkot isipin na
karamihan sa mga Pilipino
ang
hindi
magawang
maipagmalaki ang sariling
wika, bagkus ay gumagamit pa
ng mga banyagang wika upang
maipamalas ang higit nilang
kaangatan kaysa kapuwa nila
Pilipino.
Malinaw na nakasaad sa
Artikulo 14, Seksyon 3 ng
1987 Konstitusyon na “ang
wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang
nililinang ito ay dapat na
payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na wika
sa Pilipinas at iba pang mga
wika.”
Bukod sa mga layuning
isinasakatuparan ng Komisyon
sa Wikang Filipino upang
maitaguyod ang ating wika,
dapat magsimula ito sa ating
mga sarili.
Isang hamon ito sa bawat
Pilipino na paunlarin ang
sariling wika natin.
FOUNDED JAN. 16, 1928
Puso at paninindigan
RAFAEL L. ANTONIO
Punong Patnugot
BRYLLE B. TABORA
Tagapamahalang Patnugot
JAMES BRYAN J. AGUSTIN
Katuwang na Patnugot
REDEN D. MADRID Patnugot ng Balita
MARIA LUISA A. MAMARADLO Katulong na Patnugot ng Balita
JAN EDWARD B. BALLESTEROS Patnugot ng Palakasan
LORENZO LUIGI T. GAYYA Patnugot ng Natatanging Ulat
RODOLFO SERAFIN JEROME T. LOZADA Patnugot ng Tampok
JAN DOMINIC G. LEONES Patnugot ng Panitikan
MARIA ARRA L. PEREZ Patnugot ng Filipino
GERVIE KAY S. ESTELLA Patnugot ng Pintig
NIGEL BRYANT B. EVANGELISTA Patnugot ng Agham at Teknolohiya
MARIANNE S. LASTRA Patnugot ng Mulinyo
ANGELICA GABRIELLE O. NAVARRO Direktor ng Dibuho
SHERWIN MARION T. VARDELEON Patnugot ng Potograpiya
Balita Yuji Vincent B. Gonzales, Daphne J. Magturo, Bernadette D. Nicolas,
Nikka Lavinia G. Valenzuela, Cez Mariela Teresa G. Verzosa
Palakasan Hedrix Ar-ar C. Caballe, Alexis U. Cerado,
Jose Antonio R. Nisay, Carla Patricia S. Perez
Natatanging Ulat Kristelle Ann A. Batchelor, Andre Arnold T. Santiago
Tampok Alfredo N. Mendoza V, Catalina Ricci S. Madarang,
Juan Carlos D. Moreno
Panitikan Jon Christoffer R. Obice, Sarah Mae Jenna A. Ramos
Filipino Elora Joselle F. Cangco, Jonah Mary T. Mutuc
Pintig Denise Pauline P. Purugganan, Gracelyn A. Simon
Agham at Teknolohiya Altir Christian D. Bonganay, Giuliani Renz G. Paas
Mulinyo John Joseph G. Basijan, Romina Louise C. Cunanan
Dibuho Karel Daye B. Gascon, Ma. Aurora A. Gonzales,
Jhorlie Rikka M. Rabara
Potograpiya John Paul R. Autor, Jaime T. Campos, John Daniel J. Hirro
FELIPE F. SALVOSA II
Katuwang na Tagapayo
JOSELITO B. ZULUETA
Tagapayo
Letters/comments/suggestions/contributions are welcome in the
varsitarian. only letters with signatures will be entertained. original
manuscript contributions must be typewritten, double-spaced,
on regular bond paper, and should include a signed certification bearing the author’s name, address, year, and college. The
identity of a writer may be withheld upon request. The editors will
not be responsible for the loss of materials. Contributions must
be sent to THe vArsITArIAN office, rm. 105, Tan Yan kee student
Center bldg., University of santo Tomas, españa, Manila.
“UY, NAKATSAMBA na
naman ang UST mo, ha!,” bati
sa akin ng kapitbahay ko nang
minsang naglalakad ako pauwi
mula sa Unibersidad.
Sa sandaling iyon, hindi
ko nakuha ang gusto niyang
sabihin. Hindi ko alam kung
resulta ba ngboard exams ang
tinutukoy niya, o kung ano
man. Tumango lang ako sa
kagustuhang maputol agad ang
usapan dahil gusto ko na ring
makapagpahinga sa bahay.
Pagdating ko na lang sa
amin naalala ang kakapanalo pa
lang noon na Growling Tigers
kontra De La Salle University
sa una nilang pagtutunggali.
Puwedeng may kahalo
ngang suwerte ang pagkapanalo
ng UST dahil noong ikaapat na
quarter ng laban nagkaroon
na ng pagkakataon ang
La Salle na sungkitin ang
pagkapanalo nang maibuslo
ng kanilang point guard na si
LA Revilla ang isang layup.
Sa kasamaang-palad sa kanila,
hindi umabot sa oras ang dapat
sana ay game-winning basket
para sa mga Archers.
Pero masasabi pa rin
bang puro tsamba lang ang
Growling Tigers matapos
nitong selyuhan ang unang
round ng elimination ng UAAP
men’s basketball tangan ang
Sadyang mapalad ang
Tigers pero dahil ito
sa nag-aalab na mga
puso na nananatiling
palaban hanggang sa
mga huling minuto ng
bawat laban.
6-1 na kartada?
Hindi ito tsamba, period.
Napatunayan na ito ng
Tigers bago pa man matapos
ang unang round. Nanalo na
sila laban sapreseason favorite
National University (NU) at,
higit sa lahat, sa four-time
UAAP champion Ateneo de
Manila University.
Sa sagupaan nila ng
Blue Eagles, gumapang ang
Tigers mula sa 19 puntos
na pagkakabaon sa ikatlong
quarter upang makalusot sa
Ateneo sa isang makapigilhiningang laban, 71-70, at
maitala ang una nilang panalo
sa UAAP Season 75.
Sumunod
nilang
nakabanggaan ang Bulldogs sa
isang laban na tila walang pagasa ang Tigers na maipanalo.
Ngunit sa huling tatlong minuto
ng huling quarter, bumulusok
ang Tigers upang maungusan
ang National University.
Tuluyan
na
ngang
tinaguriang
lehitimong
comeback masters ang UST
matapos tuldukan ang unang
round ng eliminations sa isa
na namang dikit na laban
kontra Adamson University,
61-60. Kagaya ng mga nauna
nilang laro kontra Ateneo at
NU, umahon lamang ang UST
mula sa 11 puntos na abante ng
Falcons.
Tsamba pa rin ba ‘yon?
Sadyang mapalad ang
Tigers pero dahil ito sa
nag-aalab na mga puso na
nananatiling palaban hanggang
sa mga huling minuto ng bawat
laban.
Maaari ding may Divine
intervention.
Sabi nga ni Francis Ochoa,
na Assistant Sports Editor
ng Philippine Daily Inquirer
sa kaniyang artikulo sa the
Varsitarian Sports Magazine,
“God is a Thomasian,” nang
muling makuha ng UST ang
2006 UAAP title sampung
taon matapos ang historic
four-peat ng UST. Nabanggit
niyang isang “team of faith”
ang Tigers na punong-puno ng
puso.
Dagdag pa niya: “[UAAP
titles] are won inside the hearts
of the players battling it out for
every little inch of court space
just to get that tiny break that
would change the tide.”
Mauulit kaya ang 2006
season?
Hindi pa natin alam.
Malayo pa rin ang kongklusiyon
na magiging kampeon ang
Tigers ngayong taon. Ngunit
habang tangan ang 6-1 na
kartada sa pagtatapos ng unang
round, maaaring ipagpalagay
na mas malapit ang Tigers
ngayon sa tagumpay.
***
Sa
hindi
inaasahang
pagkakataon,
muli
kong
nakasalubong
ang
aking
kapitbahay, ngunit nag-iba na
ang ihip ng hangin.
“Pare, ang lakas talaga ng
UST, ha!”
IKA-19 NG AGOSTO 2012
Pamumulitika sa panahon ng sakuna
MAITUTURING
bang
kabutihan ang pagtulong kung
bakas na bakas naman ang
umaalingasaw na motibo sa
likod nito?
Ang tinutukoy ko ay
ang “pagpapabango” ng mga
oportunistang nabansagan pa
man ding public servants ilang
buwan bago ang halalan.
At
nakapagngingitngit
na sinamantala pa nila ang
paghagupit
ng
habagat
noong isang linggo, na
sanhi ng paghihinagpis ng
maraming Pilipino! Hindi sila
magkamayaw sa pamamahagi
ng relief goods at tulong
pinansiyal sa mga nasalanta,
na wala sanang kaso kung
hindi sa kabi-kabila nilang
media exposure sa telebisyon
at radyo.
Pansin n’yo bang tila
hasang-hasa sila sa mga
talumpati upang hikayatin
ang publiko na magpaabot
ng kanilang tulong? At
pagkatapos, ano? Tatatakan
nila ang tulong ng sibilyan
na ipinadaan sa kanila upang
palabasin na sa kanila galing
ang mga ito, tulad ng isang
Kalamidad
MULA PAHINA 1
Management Office (CMO).
Ani Joseph Badinas,
detachment commander ng
UST, ipinatupad ngayong
akademikong
taon
ang
two-hour rule o sa tuwing
pagdedeklara ng suspensyon
ng klase ay kinakailangang
lisanin ng mga Tomasino
ang Unibersidad sa loob ng
dalawang oras.
“Ine-encourage
kasi
naming umuwi [ang mga
mag-aaral] nang maaga,” ani
Badinas, na kasapi rin sa lupon
ng CMO.
Sakaling hindi kaagad
nakapag-abiso ng suspensyon
ang mga opisyal ng Unibersidad
at inabutan ng baha ang mga
Tomasino, may protocol na
kailangang dalhin sa Tan Yan
Kee Student Center ang mga
nai-stranded, aniya.
Dagdag pa ni Songco,
may “standing plan” din na
dapat tiyaking may nakaimbak
na emergency food ang
Editoryal
MULA PAHINA 4
espasyo sa Maynila. Ano ang
mali dito? Tila walang ibang
nasa isip ang mga nasa poder
kundi ang pagbibigay ng
permiso sa pagpapatayo ng mga
imprastruktura.
Halimbawa,
ang
tinutuligsang
pagpapatayo
ng flyover sa Lacson Avenue,
maigting ang paggiit ng
gobyerno sa pagsasakatuparan
sa planong ito samantalang
isinasantabi ang kinakailangang
pagtugon
sa
krisis
ng
pagbabaha. Sa halip na flyover
ang pagkagastusan, bakit hindi
na lang ang pagbubuo ng
isang flood control system ang
pagkaabalahan ng gobyerno?
Posible naman ito, kung
tutuusin. Sa Kuala Lumpur sa
bansang Malaysia, mayroon
silang SMART Tunnel o
Stormwater Management and
Eksibit
MULA PAHINA 10
Pransya.
Samantala, ipinahayag ng
“Citizens of the World” ang ‘di
matatawarang kontribusyon ng
UST sa kaalaman at karunungan,
katulad ng mga aklat na
napalimbag nito sa mga nagdaang
dantaon at paglahok nito sa mga
internasyonal na paligsahan at
Hindi kinakailangang
ibalandra ang
mukha at pangalan
upang kilalanin
ng taumbayan ang
kakayahang ninyong
mamuno.
patok na larawan sa Facebook
na nagpapakita ng relief
goods—pati plastik ng bigas ay
hindi pinalagpas!—na tadtad
ng sticker ng mukha ng isang
politiko?
Kamakailan din, kumalat
sa Facebook ang retratong
tarpaulin na may isang politiko
na tila inaangkin ang isang
programang pagtulong ng
Unibersidad sa nasasakupan
niya. Bukod sa eleksiyon sa
susunod na taon, ano pa ba
ang mayroon kaya laganap ang
kabaluktutan ng “serbisyong
pampubliko”? Nasaan na ba
ang Anti-Epal Bill?
Ang
nakalulungkot,
umaani pa rin ng simpatya
ang mga politikong ito.
Hindi naman sa tinututulan
ko ang pagtulong nila sa
kapuwa
Pilipino,
unanguna dahil tungkulin nila ito.
Ang tinutuligsa ko ay ang
mapanlinlang na pagtulong,
tulad ng pag-aangat ng sariling
bangko sa gitna ng trahedya
upang ipakilala ang sarili para
sa susunod na halalan.
Lalo
namang
dapat
ikondena ang mga gawain ng
ilang politiko na naisiwalat ng
mga investigative programs
kung saan ginagamit ang
nakalaang pondo para sa relief
operations ng pamahalaan
Unibersidad, ngunit hindi pa
natitiyak ang paglalagakan
nito.
Dalawang rubber boats
at isang military truck ang
nakaantabay sakaling may
pagbahang maganap, aniya.
Ani Badinas, mayroon
din ibinahaging two-way radio
sa bawat dekano at pinuno ng
mga kagawaran ng Unibersidad
ngayong taon upang mapanatili
ang komunikasyon sa oras ng
kalamidad.
Fernandez ang paglalagay ng
walkway na magdudugtong
sa mga gusali ng Unibersidad
na may slab sa itaas upang
malakaran ito sa panahon ng
pagbaha.
Maaari rin maglagay ng
cofferdam na halaw sa flood
control ng Singapore sa paligid
ng campus upang maibsan ang
pagpasok ng baha sa loob ng
campus, aniya.
“[They] are not solutions
but a [form of] adaptation dahil
wala tayong control sa baha,”
ani Fernandez.
Ngunit
inamin
ni
Fernandez
na
magiging
mahirap ang pagpapatupad ng
mga ipinanukalang solusyon
sapagkat
kinakailangang
iangkop ang mga disenyo sa
kabuuan ng landscape ng UST
at isaalang-alang ang pagiging
National Treasure nito.
Pag-angkop sa situwasyon
Ayon kay John Joseph
Fernandez, dekano ng College
of Architecture, hindi na
mapipigilan ang pagbaha sa
Maynila dahil ito ay below
sea level, kaya nagdudulot
ito kaagad ng pagbaha sa
paligid ng Unibersidad kahit sa
simpleng pag-ulan.
Dagdag pa niya, ang
pagpapataas ng mga kalsada sa
paligid ng UST ay maituturing
na
“band-aid
solutions”
sapagkat hindi pangmatagalan
ang solusyong idinudulot nito.
Iminungkahi
rin
ni
Road Tunnel na nagsisilbing
lagusan ng tubig-baha. Sa
Pilipinas naman, matatagpuan
ang ang isang cistern sa Fort
Bonifacio
upang
maging
pansamantalang
imbakan
ng tubig para maiwasan ang
pagbaha.
Sa mga ganitong layunin,
tila walang konkretong blue
print ang Department of Public
Works and Highways DPWH
upang matugunan ang taunang
pinsala ng pagbabaha.
Bakas din ang kakulangan
ng political will ng pamahalaan
upang disiplinahin ang mga
mamamayan ukol sa tamang
pagtatapon ng basura, na
pangunahin namang dahilan
ng pagbabara ng mga estero at
kanal.
Tunay na walang may
kagustuhan
na
mangyari
nang paulit-ulit ang delubyo.
Ngunit isisisi na lang ba natin
sa kalikasan ang mga dulot ng
sakunang tayo-tayo rin ang
gumagawa?
pang-akademiyang ugnayan, at
pagtatag ng mga kapisanan ng
alumni sa iba’t ibang panig ng
mundo, habang ipinamalas naman
ng “Custodian of Heritage” ang
mga kontribusyon ng Unibersidad
sa pagpapaunlad at pagpapayaman
ng kulturang Pilipinas.
Kurador ng eksibisyon si
Regalado Trota-Jose, arkibista ng
UST at komisyoner ng National
Commission for Culture and the
Arts.
Walang kawala
Samantala,
hindi
rin
nakaligtas ang UST Hospital sa
pinsalang iniwan ng ilang araw
na pagbaha at pag-ulan.
Gayunpaman,
hindi
UST
MULA PAHINA 2
ito ng 93.24 porsiyentong passing
rate (69 na pumasa mula sa
74 na kumuha ng pagsusulit)
habang dalawang Tomasino ang
napabilang sa Top 10.
Nanatili
naman
ang
University of the PhilippinesLos Baños bilang top-performing
school matapos makakuha ng
100 porsiyentong passing rate,
samantalang ang Polytechnic
University of the Philippines-Sta.
Mesa pa rin ang pinangalanang
third top-performing school.
Bahagya namang tumaas
ang national passing rate sa 67.08
porsiyento o 601 ng 896 ang
nakapasa sa pagsusulit mula sa
66.97 porsiyento o 507 ng 757
ang nakapasa noong nakaraang
taon.
Samantala, nagkamit ng
mas mataas na passing rate ang
UST sa nakaraang physical
therapist
licensure
exams
habang dalawang Tomasino
ang napabilang sa Top 10 list of
passers.
Nagtala ang Unibersidad
ng 88.76 porsiyento passing rate
o 79 pumasa sa 89 na kumuha
ng pagsusulit. Mataas ito sa
86.08 porsiyento, o 68 sa 79 ang
pumasa noong nakaraang taon.
Nasungkit
ni
Maxine
Therese Redulla ang ikaanim na
puwesto matapos makakuha ng
88.35 porsiyento, habang nakuha
sa pagtulong, ngunit kalakip
naman ng mga relief goods ang
pangalan ng politiko.
Tunay na katangi-tangi
ang kagandahan ng “utang na
loob” ng mga Pilipino, ngunit
dapat suriin ng taumbayan
kung sino ang nararapat na
paglaanan nito.
Huwag sana nating
hayaan na gahasain at dungisan
ng mga mapagsamantalang
public servant ang busilak na
katangiang ito ng mga Filipino.
Para naman sa mga
politiko, hindi kinakailangang
ibalandra ang mukha at
pangalan upang kilalanin ng
taumbayan ang kakayahang
ninyong
mamuno.
Hindi
ba’t ang tunay na pagtulong,
gaano man kaliit o kalaki, ay
hindi nag-aasam ng anumang
kapalit?
Ngunit, hindi naman ito
gawain ng lahat ng politiko sa
bansa. Mayroon din namang
iba na tumutulong sa kapuwa
na hindi naghahangad ng
anumang kapalit. Sila ang mga
taong bukal sa kalooban ang
pagbabahagi ng kung ano ang
mayroon sila.
totoo ang ibinalita ng ilan sa
media na umabot umano ang
tubig sa ikalawang palapag
ng UST Clinical Division
(o UST charity hospital).
Umabot lamang sa kisame
ang baha sa basement ng
Clinical Division—kung saan
matatagpuan
ang
opisina
ng General Services at
ang morgue—samantalang
hanggang tuhod naman ang
naging baha sa unang palapag
ng Pay Division, kung saan
matatagpuan ang emergency
room.
Dahil dito, sinabi ni
Fernandez na itataas ng 5.5
metro ang service floor ng
bagong extension building ng
ospital at magkakaroon din ng
bridgeway na mag-uugnay sa
dalawang gusali nito.
Patataasan
din
ang
palapag ng Pay Division at
Clinical Division pagkatapos
ng konstruksyon ng Extension
Building sa susunod na
taon, aniya. Nikka Lavinia
G. Valenzuela at Cez
Mariela
Teresa
G.
Verzosa
naman ang ikawalong pwesto ni
Lemuel Lim (83.75 porsiyento).
Noong nakaraang taon,
apat na puwesto sa top 10 list of
passers ang nakuha ng UST.
Muling
itinuring
na
top-performing school ang
Pamantasan ng Lungsod ng
Maynila (PLM) kahit bahagyang
bumaba ang passing rate nito
sa 97.26 porsiyento sa 100
porsiyento noong nakaraang taon.
Tumaas
naman
ang
national passing rate ngayong
taon matapos magtala ng 53.05
porsiyento (469 sa 884) mula sa
51.4 na porsiyento (506 sa 984)
noong 2011 PT board exams.
Tumaas din ang passing
rate ng UST sa occupational
therapy licensure exams na
idinaos ngayong Agosto matapos
magtala ng 60.53 porsiyento (23
sa 38) mula sa 58.82 porsiyento
ng nakaraang taon o 31 sa 51
na kumuha ng pagsusulit ang
nakapasa.
Bahagya namang bumaba
ang national passing rate matapos
magkamit ng 43.75 porsiyento
o 49 sa 112 ang nakapasa sa
pagsusulit.
Wala namang kinilalang
topnotcher at top-performing
school ang PRC ngayong taon.
Upang mapabilang sa
listahan ng mga top performing
schools,
kinakailangang
makapagtala ang isang paaralan
ng 80 porsiyentong passing rate
o higit pa at ang mga bilang ng
kukuha ng pagsusulit ay hindi
dapat bumaba sa 50.
The
Varsitarian Opinyon
5
Ligaya sa wika
NANG nakaraang linggo, nabasa ko
ang akdang The Happiness Project
ni Gretchen Rubin, isang aklat na
nagsusulong sa kahalagahan ng
personal na kaligayahan.
Para kay Rubin, maaaring
mabansagan siyang “makasarili”
o “mababaw,” ngunit aniya,
ang pagbibigay ng kasiyahan sa
sarili ay isang gawi na madalas
nating nakaliligtaan—dahil nga
nangangamba tayo sa maaaring
sabihin ng iba.
Ayon pa sa manunulat, ang
pagkakaroon ng personal na kaligayahan ay isang malaking
instrumento sa pagbibigay saya sa ating kapuwa. Madalas
sabihin, “You cannot give what you do not have,” at sabi pa
nga, “When you smile, the world smiles with you.”
Sa panahong tila naglipana ang mga “emo” at “BV”
(bad vibes), nakahanap si Rubin ng kaligayahan—na maaari
nating maramdaman, at ipamahagi sa lipunan.
“Give positive reviews,” aniya. Napakatalim ng wika. Sa
isang iglap, kaya nitong makapagpasaya o makapagpaluha—
depende sa gamit ng salita, o sa paraan ng pananalita.
Halimbawa na lamang ay ang ipinagdiriwang ngayon na
“Buwan ng Wika.” Tiyak, may mga komentaryo na naman
mula sa kung sinu-sino: “Buwan ng Wika na naman—lagi na
lang ganito, lagi na lang ito ang paksa tuwing Agosto” o ‘di
kaya’y “Buwan ng Wika na naman—tara na’t pahalagahan
natin ang wika; isang buwan lang naman ‘to sa isang taon.
Sa halip na negatibo ang gawing komento, hindi ba’t mas
kaaya-ayang marinig ang “Buwan ng Wika na naman—ano
kaya’ng bago nating matututunan tungkol sa ating wika?”
o ‘di kaya’y “Buwan ng Wika na naman—ang natatanging
buwan ng pagdiriwang sa wikang araw-araw nating
pinahahalagahan.”
Biniyayaan tayo ng wika, kaya’t sana’y sa bawat
pagbukas ng ating bibig, kabutihan ang masambit. Sana’y sa
Sana’y sa bawat pagbukas
ng ating bibig, wala tayong
makapaninirang masasabi’t
matutuwa ang sinumang ating
patungkulan sa ating mga
winiwika.
bawat pagbukas ng ating bibig, wala tayong makapaninirang
masasabi't matutuwa ang sinumang ating patungkulan sa
ating mga winiwika. At kapag dumating ang pagkakataong
alam nating makasasakit ang ating bibitawang salita, ‘wag
na muna tayong magsalita—saka na lamang, kapag hindi na
makapananakit ang matabil nating dila.
Para sa mga taong ginagamit lamang ang wika upang
pumuna at manlibak ng kapuwa, isang ngiti lamang ang
pinakamagandang tugon para sa kanila; isang ngiting
nagsasabing, “masaya ako, at sana’y madama mo rin ito.”
At para naman sa mga taong ginagamit ang wika upang
makapagpalaganap ng kasiyahan—katulad mo? Isang ngiti
rin ang pinakamagandang tugon para sa kanila; isang ngiting
may sambit na, “Halika’t ‘wag tayong titigil hangga’t makita
nating nakangiti ang buong mundo.”
Ang wika ay may buhay. Kaya nitong pumunta sa iba’t
ibang lugar; kaya nitong magbunyag ng lihim. Kaya nitong
magpatahimik. Kaya’t kung hindi tayo titigil sa paggamit
nito, malamang ay patuloy pa itong yumabong.
Ang wika’y nariyan lamang—naghihintay na ating
mahawakan at maibahagi sa iba.
Tulad ng personal na kaligayahan.
Maligayang Buwan ng Wika!
Ebanghelismo
MULA PAHINA 12
Samantala, sinabi ni P.
Socrates Mesiona, executive
secretary
ng
Episcopal
Commission on Missions, na
inilabas ng CBCP ang pastoral
letter alinsunod sa deklarasyon
ni Pope Benedict XVI ng
taong 2012 bilang “taon ng
pananampalataya.”
Sinabi rin niya na ang
bagong
ebanghelismo
ay
pangunahing inilunsad para sa
mga taga-Europa na dumaranas
ng post-Christian era.
Idinagdag pa niya na
posibleng mapabilang sa mga
plano ng CBCP ang paggamit ng
media bilang bagong paraan ng
ebanghelismo sa mga kabataan.
Ani Palma, may siyam na
prayoridad ang Simbahan para
sa bagong ebanghelismo bago
ang taon ng Jubilee sa 2021:
Integral Faith Formation sa
taong 2013, the Laity (2014),
the Poor (2015), the Eucharist
and of the Family (2016), the
Parish as a Communion of
Communities (2017), the Clergy
and Religious (2018), the Youth
(2019), Ecumenism and InterReligious Dialogue (2020) at
ang “Missio ad gentes (2021)—
isang natatanging bokasyon
na naglalayong bigyan ng
consecrated na buhay ang mga
kasapi ng Simbahan.”
“Sa
panahong
ito,
bibigyang-halaga natin isaisa ang mga dimensyong
ito
ng
pananampalataya,
ebanghelismo, at paglilingkod,”
ani Palma. “Bilang natanggap
natin ang pananampalataya
500 taon na ang nakalilipas,
ninanais natin na sa taong 2021
ay maging isang tunay tayong
mapagpahayong Simbahan.”
Ibinigay ni Palma ang
apat na pangunahing gawain
para matupad ang tungkulin ng
bagong ebanghelismo: ‘Missio
ad gentes’ na ayon kay Mesiona
ay ang pangunahing misyon ng
Simbahan, ang pagpapahayag
ng Salita ng Diyos sa mga
mahihirap, pag-abot sa mga
nawalan ng pananampalataya
at sa mga umalis sa Simbahang
Katoliko patungo sa ibang
relihiyon, at ang pagbuo ng
Katolikong pamumuhay sa
lahat ng mga kabataan.
6 Tampok
The Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Patnugot: Rodolfo Serafin Jerome T. Lozada
Geloy Concepcion
Retrato bilang dokumentaryo
Nina ALFREDO N. MENDOZA V at JUAN
CARLOS D. MORENO
MGA
LARAWANG
sumasalamin
sa
paghihirap at pag-asa—ito ang kumakatawan
sa natatanging sining ng Tomasinong potograpo
na si Geloy Concepcion.
Si Concepcion ang pinakabatang nakasali
sa ikapitong “Angkor Photo Workshop” sa Siem
Reap, Cambodia para sa grupong mayroong
gulang na 30 pababa noong Nobyembre 2011.
Ang nasabing workshop ay pinangungunahan
ng mga tanyag at batikang potograpo sa iba't
ibang panig ng mundo tulad nina Patrick de
Noirmont, Olivier Nilsson, Antoine d’Agata, at
Paula Bronstein.
Itong nakaraang Mayo lamang ay
nakapagtanghal si Concepcion ng kaniyang
obra na “Salamat 2011” sa Month of
Photography Ring na ginanap sa Cube Ricoh
Gallery sa Tokyo, Japan. Katatapos lamang
niya ng kursong Advertising sa Unibersidad
noong nakaraang Marso.
Malikhaing retrato ng beteranong
boksingero sa kaniyag pag-eensayo;
nakaaantig na ensayo ng Philippine
Dragon Boat Team; isang eksena sa
pagtatanghal ng senakulo sa Pampanga;
si Concepcion; at kapayapaan sa look ng
Maynila (paikot). Mga retrato mula kay
GeLoY CoNCePCIoN
Sa pamamagitan ng retrato
Hindi potograpiya ang unang kinahiligan
ni Concepcion noong bata pa lamang siya. Sa
katunayan, ginusto niyang maging cartoonist at
sa kalaunan, maging tattoo artist.
“Mahilig na talaga akong mag-drawing
mula pa noong bata pa ako,” ani Concepcion.
“Nakita ko ang sarili ko na kahit ano na lang,
punks kumbaga.”
Mula sa munting pangarap na ito, pinili ni
Concepcion na mag-aral ng kolehiyo sa College
of Fine Arts and Design sa kursong Advertising
Arts kung saan nahubog siya ng potograpiya.
Hindi tulad ng mga kasabayan niya sa
Unibersidad, nakahiligan ni Concepcion ang
documentary photography.
“Nagdesisyon ako na maging documentary
photographer nang maramdaman ko ang
saya kasama ng pagod at panganib ng mga
pinupuntahan kong lugar,” ani Concepcion.
“Gusto kong magkuwento ng mga istorya na
hindi kadalasang napapansin ng mga tao.”
“Gusto ko magkuwento pero hindi ako
magaling magsalita at magsulat, kaya pinili
ko magkuwento sa pamamagitan ng litrato,”
dagdag pa niya.
Masasalamin ang mga hangarin ni
Concepcion sa kaniyang mga kinukuhanang
tauhan kagaya ng mga senior citizens sa
Golden Acres, mga matatandang boksingero na
lugmok sa kahirapan at ang papasikat pa lang
na Philippine Dragon Boat Team.
Dahil sa mga paksang kaniyang
kinukuhanan, napag-isipan ni Concepcion na
kailangang mas maraming tao ang makakita ng
kaniyang mga larawan.
Kitang-kita sa mga black-and-white na
retratong kuha ni Concepcion ang imahe ng
paghihirap at pagsusumikap.
“Gusto kong maikuwento ang mga istorya
ng paghihirap at pag-asa para maipakita ang
katapangan para masabing maganda ang
buhay,” aniya.
Sa ngayon, isang resident artist si
Concepcion sa Casa San Miguel sa Zambales
kung saan nagtuturo siya ng sining sa mga
batang anak ng mga magsasaka at mangingisda
para maibahagi ang kaniyang mga natutunan.
Libreng art
Maliban sa pagkuha ng retrato, isa ring
graffiti artist si Concepcion. Siya ang naging
kinatawan ng bansa noong 2011 sa Wall Lords
International Graffiti Competition na ginanap
sa Taiwan.
“Ginagawa ko ang graffiti para sa mga
tao at gusto ko ‘yung konsepto na libre lang
itong makita ng lahat na hindi na kailangang
magbayad sa mga gallery at museum. Ganiyan
naman talaga ang art—libre,” ani Concepcion.
“Ang pinakamagandang magagawa sa
mga natutunan at matututunan pa ay ang gawin
ang mga ito, kaya gusto kong magturo lalo
na sa mga taong hindi kayang pumasok sa art
school.”
Ayon sa kaniya, kung hindi dahil sa walang
sawa niyang pagsusumikap at pagtitiwala
sa Maykapal, hindi niya makakamtan ang
husay na mayroon siya ngayon sa larangan ng
potograpiya.
“Sa buhay kasi, gawin mo lang ang
makapagpapasaya sa iyo, huwag kang gagawa
ng bagay na ikatutuwa lang ng iba,” ani
Concepcion. “Isa sa mga inspirasyon ko ay
si Hesus at palagi akong nagdarasal. Laging
magdasal para laging masaya.”
Pamilya De Alban
Ginintuang dugong
Tomasino
ANG DUGONG Tomasino na
dumadaloy sa pamilya De Alban ay
patunay ng angking kagalingan ng
bawat miyembro nito.
Walo sa pamilyang De Alban,
kabilang ang kasalukuyang dekano
ng Faculty of Engineering na si
Atty. Engr. Josefin de Alban, Jr., ang
nagsipagtapos mula sa Faculty of
Civil Law.
Sa dami ng abogado sa
pamilya De Alban—lahat ay mga
Tomasino—isa ang pamilya nila sa
may pinakamaraming abogadong
magkakamag-anak mula sa iisang
unibersidad sa Pilipinas.
Dahil na rin sa dedikasyon sa
larangang ito, nakapagpatayo na sila
ng sariling opisina, ang De Alban
Law Office, sa lungsod ng Quezon.
Nagbabahagi din sila ng
serbisyo para sa mga Pilipino sa
iba’t ibang institusyon sa bansa tulad
ng National Power Corporation
(Napocor) at National Bureau of
Investigation (NBI).
Hanggang sa kasalukuyan,
ipinagmamalaki nila ang mga itinuro
ng Unibersidad sa kanila na hindi
nila kailanman maaalis sa kanilang
buhay bilang isang pamilya at mga
mamamayan ng bansa.
Mula sa yapak ng ama
Ang estado ng pamilya ang
naging inspirasyon ng nasirang si
Atty. Josefin De Alban, Sr., ama ng
dekanong si Engr. Josefin, Jr., kaya
kaniyang ninais na maitama ang
sistema sa bansa upang makamtan
ng mga mahihirap na tulad nila
ang
pagkakapantay-pantay
na
pagbabahagi ng serbisyo sa mga
Pilipino. Sila'y nakatira noon sa
isang payak na tahanan sa bayan ng
Tumauini, Isabela at hindi naging
madali ang pagpapaaral sa kaniyang
mga anak.
Ang nakatatandang Josefin ay
nagtapos ng Associate in Arts sa UST
noong 1928. Sa probinsya ng Isabela
rin niya nakilala ang kaniyang asawa
na si Esteria Bautista Siccuan,
isang guro ng Home Economics
na nagtapos sa Philippine Normal
School.
Sa pagsunod sa yapak ng
kanilang ama, ang walong anak ay
nagsipagtapos sa Faculty of Civil
Law.
Hindi man ito itinakda sa
kanilang pamilya, naging likas na sa
kanila ang mag-aral sa UST.
Ani Engr. Josefin, Jr., ang
tanging paghihigpit sa kanila ng
kanilang magulang ay ang paghimok
sa kanila upang ipagpatuloy ang
naiwan ng kanilang pamilya. Ang
kanilang ina ay isang topnotcher
ng edukasyon sa Philippine Normal
School habang ang ama naman nila
ay dating alkalde ng kanilang bayan.
“Wala namang pressure ngunit
gusto ng aming ina na magkaroon
man lamang kami ng panlaban kaya
ibig niyang makuha ang best namin,”
ani Engr. Josefin, Jr. “Kaya noong
maging alkalde ang ama namin,
Ang mga magulang na De Alban; ang magkakapatid kasama ang kanilang amang si Josefin Sr. (gitna); ang angkan
noong Quadricentennial anniversary ng Unibersidad. Mga retrato mula kay JosefIN De ALbAN, Jr.
tumakbo rin kami sa mga student
body councils para mag-excel kami
sa leadership.”
Dagdag pa niya, hindi rin
sila napilitang magkakapatid na
kumuha ng abogasya o mag-aral sa
Unibersidad.
“Dahil sa mga aksyon nila,
nakita ko ang kahalagahan ng rule of
law, ang disiplina sa pang-araw-araw
at ang due process, at ang pagbibigaydiin sa supremacy of divine law over
human law,” ani De Alban.
Hindi rin naiiwasan ang mga
problemang kanilang kinakaharap
sa pamilya tulad ng hindi
pagkakaunawaan at inggitan sa isa’t
isa.
“Bilang Thomasians, niresolba
namin ang mga problema sa
isang masiglang pakikipagtalo. Sa
pamamagitan nito, naibabahagi
namin ang mga ideya namin sa isa’t
isa,” sabi ng nakababatang De Alban.
Pundasyon ng isang Tomasino
Malabo ang kapalaran ng
mga De Alban noong sila ay
nagsisimula pa lamang sa kanilang
pakikipagsapalaran sa Unibersidad.
Bilang isang pamilya na
tubong Isabela, ang mag-asawang
abogado na si De Alban, Sr. at ang
guro na si Gng. Esteria De Alban ay
nagpapadala ng pera sa kanilang mga
anak sa Maynila upang maitaguyod
lamang ang kanilang pag-aaral.
Ang matinding paniniwala sa
Diyos ng kanilang mga magulang ang
nagtulak sa kanila upang pagtibayin
ang relasyon sa isa't isa.
“Ang aking ama at ina ay mga
balwarte ng pag-asa, katapangan,
at
pananampalataya.
Kanilang
parating binibigyang-diin na walang
makatatalo sa dasal at paniniwala sa
Diyos,” aniya.
Maliban sa abogasya, hinubog
ng pinakamatandang Unibersidad
sa Asya ang kanilang pangalan na
maging isa sa mga nangunguna sa
larangan ng medisina at pagiging
inhinyero. Ang asawa ni Atty. Emilio,
kapatid ni Engr. Josefin, Jr., na si
Dra. Amy Rose De Alban, ay pinuno
ng laboratoryo sa National Center
for Mental Health, habang dating
tagapamahala naman ng Napocor
ang kaniyang nakatatandang kapatid
na si Atty. Orlando Jose.
Si Atty. Roberto De Alban,
nakatatandang kapatid ni Engr.
Josefin, Jr., ang sumulat ng “Rules of
Engagement” na inilimbag ng NBI.
Naitayo
ng
dalawang
nakatatandang kapatid ni Josefin,
Jr., sina Atty. Isaac De Alban at Atty.
Emilio, ang Josefin de Alban Law
Office na nagsilbing simbolo ng
tagumpay ng kanilang pamilya noong
Oktubre 16, 1981. Nabendisyunan ito
ng dating rektor at regent ng Faculty
of Civil Law na si P. Fredrick Fermin,
O.P.
Bilang simbolo ng kanilang
pagkakabuklod-buklod,
simula
noong March 25, 1933, isang
tradisyon sa pamilya De Alban na
ang toga ni De Alban Sr. ang bukod
tanging isusuot ng lahat ng miyembro
ng pamilya kahit hanggang sa mga
kaapu-apuhan.
Para sa pamilya De Alban, ang
kanilang ama ay isang huwaran na
Tomasino.
“Si De Alban Sr. ay isang
matapat at pinakamatulungin sa
nangangailangan. Kahit kailanman
ay hindi niya nilamangan ang
kapuwa niya,” ani ng dekano.
Ipinayo rin ng dekano sa mga
mag-aaral na nararapat lamang
silang maglaan ng oras sa kanikanilang pamilya at magsikap upang
pagtibayan ang kanilang samahan.
“Ang pamilya ay dapat
makibahagi sa mga problema na
miyembro nito upang masolusyunan
ang mga bagay tulad ng isyu pangmoral, pang-relihiyon, pang-lokal,”
ani Engr. Josefin, Jr. CATALINA
rICCI s. MADArANG
Patnugot: Sherwin Marion T. Vardeleon
IKA-19 NG AGOSTO 2012
The
Varsitarian Perspektiba
7
'Prayer Power Rally'
nanawagang ibasura
ang RH bill
Mga kuha ni JOHN PAUL R. AUTOR
mula pahina 1
ng kontraseptibo sa buong bansa,
at hikayatin ang mga Pilipino na
magkaroon lamang ng dalawang
anak upang umano’y lumago ang
ekonomiya ng bansa.
Sinabi pa ni Tagle na hindi
nararapat na pagtalunan ang buhay ng
bata dahil hindi ito isang problema,
kung hindi isang “kayamanan ng
bawat pamilya.”
“Ito ang kultura ng Pilipino─
kultura ng pagpapahalaga sa bata.
Alam natin na ang kailangan ng bata ay
ang pagmamahal, pag-aaruga, tamang
edukasyon, kalusugan, at mapayapang
kapaligiran. Bakit ba hindi nalang
ibigay?” ani Tagle.
Kabataan, pagpapala mula sa Diyos
Samantala, nagbigay naman ng
mensahe para sa mga kabataan ang
arsobispo ng Lingayen-Dagupan,
Socrates Villegas, na binasa ng dating
Ambassador to Vatican Henrietta de
Villa.
“If our rallies and exchange of
words hurt you, please forgive us your
elders. It is surely not our intention to
cause you distress or to lead you to get
discouraged,” ani Villegas. “Maybe
our fault is that we have not clarified
to you earlier that we are not fighting
to win over the other. This quarrel is
not for us. It is for you. I am standing
to defend you. We are fighting error
because we might be misled.”
Binigyang-diin din ni Villegas na
ang kontraseptibo ay nakapipinsala
ng kaluluwa. Kinondena niya si
Pangulong Benigno Aquino III sa
pagsuporta sa RH bill sa kaniyang
ikatlong State of the Nation Address
(SONA) kamakailan.
“You heard when candidate, now
President Noynoy Aquino, during
his campaign, say 'walang corrupt,
walang mahirap.' He was elected in
a landslide victory because he spoke
what we carried in our hearts,” aniya.
“Contraception is corruption. The
use of government money, taxpayers’
money, to give out contraceptive pills
is corruption.”
Idinagdag pa ni Villegas na ang
mga bata ay biyaya ng Diyos at ang
pagsasagawa ng birth control ay
nangangahulugan na ang pagdami ng
bata ang pinag-uugatan ng kahirapan.
“If more babies are the cause
of poverty, are we now saying kung
walang anak, walang mahirap? We
can have more classrooms, more food,
more jobs if we would be less corrupt.
Send out the corrupt officials, not the
babies,” ani Villegas. “You are not
the problem. You are our blessing.
The problem is the corruption of your
elders. We, your elders, must change
so your future can be brighter.”
Sinabi rin niya na kahit marami
na sa mga kabataan ang hindi na
naniniwala sa mga turo ng Simbahan,
patuloy pa rin ang paglaban nito sa
contraception dahil ito ay “pro-child”
at “pro-mother.” Patuloy din ito sa
pagpapaalala sa mga Filipino values,
Isang lalaki ang nagpahiwatig ng
kahalagahan ng buhay gamit ang
karatula; nagsuot ng anti-RH bill pins
ang mga nakilahok sa pagtitipon
upang ipakita ang pagkondena sa
panukalang batas; nakiisa ang mga
Tomasinong mag-aaral sa prayer rally
na ginanap sa Edsa Shrine; hinimok ni
P. Melvin Castro ng Catholic Bishops'
Conference of the Philippines ang mga
dumalo sa prayer rally na manindigan
para sa buhay; taimtim na nagdarasal
ang mga madre sa ikatatagumpay ng
kanilang adhikain; isang dibuho ang
itinaas ng babae na sumisimbolo sa
aborsyon (paikot mula kaliwa).
mga kautusan ng Diyos, at pamantayan
ng mabuting karakter.
Pagpatay sa pinanggagalingan ng
buhay
Ang bansang Thailand na isang
“condom country” ay mayroon sa
kasalukuyan na 1.3 milyong kaso
ng Acquired
Immunodeficiency
Syndrome (AIDS), kung kaya’t
masasabi
na
walang
“perfect
contraceptive,” ani Dr. Eleanor
Payabyab, obstetrician-gynecologist
na kinatawan ng grupong Doctors for
Life.
“Hindi dapat isabatas ang bagay
na ginagawang pribado sa kuwarto.
Ilang doktor ang gumagamit ng
contraceptive pills at naka-IUD
(intrauterine device)?” ani Payabyab.
Ipinaliwanag ni Payabyab na
kahit ang paggamit ng condom ay
hindi tiyak na paraan upang makaiwas
sa mga Sexual Transmitted Diseases
(STD) at AIDS.
Tinukoy niya ang mga pahayag
ni C.M. Roland, isang siyentipiko
mula sa Washington, USA at eksperto
sa goma, na ang mga condom ay may
butas na 5 to 70 micra, ang AIDS virus
ay .1 micra lamang at ang sperm ay
may laking 50 micra.
“Ang pinakamaliit na butas ng
condom ay fifty times the size of the
AIDS virus. Nag-umpisa po ang ibang
bansa nang ganito, legalisasyon ng
contraception. Nakita nilang maraming
palpak. Ni-legalize ang abortion,
ngayon euthanasia,” sabi ni Payabyab.
Maling turo at paraan ng ‘sex
education’
Samantala, ayon kay Dr. Lucile
Montes, eksperto sa Family Medicine,
ang Simbahan ay pumapayag na
bigyan ang mga kabataan ng sex
education, ngunit nararapat na gawin
ito sa tamang edad, tamang paraan, at
tamang mensahe.
“Ang classroom sex education
na isinasabatas ng RH bill ay mali.
Base sa totoong layunin ng bill na
ito, madaling hulaan na ang magiging
paksa nito ay population control,
paggamit ng kontraseptibo, at ang
tinatawag na reproductive health
rights, na unti-unting inaalis ang
mabuting impluwensya ng magulang
sa kanilang mga anak,” ani Montes.
Ipinaliwanag din ni Montes na
sa pagsusuri niya ng lesson plans
ng Department of Education, ang
reproductive health rights na isinasaad
ng RH bill ay “nagbibigay pahintulot
sa mga kabataan na humingi ng
kontraseptibo ng walang pakialam ang
magulang.”
“Ang sex education na itinutulak
ng RH bill ay hindi ituturo ang dangal
ng tao bilang imahe ng Diyos; hindi
ituturo nito na banal ang sex; hindi
ituturo nito ang kakayahan ng tao na
pagtagumpayin ang gawaing sekswal,”
ani Montes. “Ituturo lang nito kung
papaano umiwas sa pagbubuntis at
umiwas sa pagkakaroon ng STD
tuwing nagtatalik.”
Ang mga bansang matagal nang
nagpapatupad ng konsepto ng RH
bill ay mayroon ngayong laganap na
“sex crimes, premarital sex, STD, at
abortion.”
“Ang magiging epekto ng sex
education ng RH bill ay ang pagsira
ng pinakamahalagang asal ng ating
kultura. Unti-unti, ang ating mga
kabataan at ang mga sumusunod na
henerasyon ay ihahanda nilang maging
bukas ang isipan sa mga turo na mali,”
ani Montes. “Iibahin nila ang pagiisip; iibahin nila ang values; sisipain
nila ang kultura na makapamilya.
'Wag po tayong pumayag na sirain ng
sex education ang mga kabataan, ang
moralidad ng ating bansa.”
Kulay pula ang suot ng karamihan
sa mga dumalo sa prayer rally bilang
simbolo ng buhay at ang “pag-ibig
ng Diyos,” ani Fr. Anton Pascual,
presidente ng Radyo Veritas.
Nagmisa ang arsobispo ng
Antipolo, Gabriel Reyes, bago natapos
ang pagtitipon bandang ikapito ng
gabi.
Sa
kaniyang
homilya,
ipinaliwanag ni Obispo Teodoro
Bacani, isa sa mga bumalangkas
ng kasalukuyang ginagamit na
Konstitusyon noong 1987, kung
bakit “abortifacient” ang ilang
kontraseptibong ipamamahagi sa
ilalim ng panukalang batas.
Ang pills ay may kemikal na
kayang magpalaglag ng “fertilized
ovum,” aniya. Ang ovum ay tao na at
hindi “dugo” lamang gaya ng kaisipan
ng mga pabor sa RH bill, dagdag pa
niya.
Kabilang sa mga dumalo sina
Senate President Juan Ponce Enrile,
Senate Majority Leader Vicente Sotto
III, Sen. Gregorio Honasan, Rep.
Mitos Magsaysay, at si Lito Atienza,
dating alkalde ng Maynila.
8
Patnugot: Maria Arra L. Perez
‘ Eat Bulaga!’
T
patok sa Indonesia
ANG NATURAL na tuwa’t saya ng madlang Pilipino ay umabot
na sa kalapit bansang Indonesia.
Ito ay matapos mabili ng Indonesia ang prangkisa ng
pinakamahabang noon-time variety show sa Pilipinas at, ayon sa
Guinness World Book of Records, sa buong mundo—ang Eat
Bulaga!
Sa website ng Surya Citri Televisi (SCTV) Indonesia—ang
television network na bumili sa format rights ng Eat Bulaga—ang
pagkakatatag ng Eat Bulaga Indonesia ay may garantiyang tuwa at
pag-asa para sa mga mamamayan nito, katulad din ng orihinal na
Eat Bulaga.
Dahil dito, unti-unti nang nakikilala ng buong mundo ang
tatak ng sayang Pilipino.
Ang 33-taong programa’y kilala sa buong bansa dahil sa
pagbibigay-saya sa mga Pilipino sa pamamagitan ng interactive
show o ang direktang pamamahagi ng katuwaan at tulong sa mga
mahihirap na Pilipino.
Bantog ang mga segments nito na nagpapamalas ng katuwaan
sa mga Pilipino mula sa mga maliliit o simpleng bagay, katulad ng
mga pang-araw-araw na talakayan ng hosts ng Eat Bulaga.
Ayon sa Director of Programming ng SCTV na si Harsiwi
Achmad, inabot ang buong production team ng pitong taon upang
buuin ang Eat Bulaga Indonesia.
“I tried to find contact to the Philippines and I met Mr. Antonio
Tuviera, who is very kind to me,” ani Achmad sa programang
“Kapuso Mo, Jessica Soho.”
Pinapangunahan nina Vic Sotto, Joey de Leon, at Tito Sotto
ang mga “dabarkads,” o ang mga hosts ng programa. Ang bersyon
ng programa sa Indonesia nama’y mayroon ding mga dabarkads na
tinatawag nilang “bolagang” sa wikang Bahasa, ang pambansang
wika ng Indonesia—“magkakaibigan” sa wikang Filipino.
Ayon sa Pilipinong nakabase sa Jakarta na si Jerry Guzman,
marketing creative adviser ng SCTV, nagkaroon ng internasyonal
na bersyon ang Eat Bulaga dahil “madali itong pumatok sa masa.”
“This [Eat Bulaga Indonesia] is a crowning glory of
Philippine television. Madaling maka-relate ang mga tao rito sa
saya na binibigay ng Eat Bulaga,” ani Guzman, na nagsilbing
tulay sa pagitan ng SCTV at pamunuan ng Eat Bulaga upang
maisakatuparan ang usapan sa pagbili ng format rights ng programa.
Ayon pa kay Guzman, maraming pagkakapareho ang mga
mamamayan at kultura ng Pilipinas at Indonesia kaya agad
natanggap ng mga taga-Indonesia ang konspeto ng Eat Bulaga.
Ayon naman kay Antonio Tuviera, chief executive officer at
may-ari ng TAPE, Inc., ang producer ng Eat Bulaga, magsisilbi sa
pamunuan ng programa na inspirasyon upang lalong pagbutihin
ang trabaho.
“Noong una, akala lang nami’y isasalin sa [wikang] Bahasa
ang programa, tapos noong sinabi ng SCTV na gusto na nilang
bilhin nga ang franchise, doon na kami natuwa at medyo hindi
makapaniwala,” ani Tuviera.
Ang Tomasinong si Tuviera ay kumuha ng kursong
Usapang Uste
MULA PAHINA 2
Ibinalik ni Antonia Villanueva ang Department
of National Languages bilang Department of
Filipino sa Unibersidad noong 1967. Ilan sa mga
asignaturang itinuro ay Grammar and Composition,
Advanced Pilipino Grammar, at Survey of
Appreciative Study of Filipino Literature.
Pero noong dekada ’70, unti-unting nawala
ang departamento at naisanib ito sa “Department of
Languages.”
Mula nang buhaying muli ang Departamento
ng Filipino sa Unibersidad noong 2009, mas
pinalawak pa ng kagawaran ang relasyon nito sa
Unibersidad at sa iba’t ibang institusyon.
Ayon kay Roberto Ampil, tagapangulo ng
Departamento ng Filipino, patuloy na kinikilala ang
naturang sangay sa loob at labas ng Unibersidad.
“Ginawaran ang departamento [ng Filipino]
ng pagkilala mula sa Komisyon ng Wikang
Pambansa dahil sa masigasig na pagsasagawa
ng mga proyekto sa pagiintelekwalisa ng wikang
Filipino,” ani Ampil.
Sa kasalukuyan, maraming programang nais
ipatupad ang departamento, tulad ng paggamit ng
media upang mas lalo pang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga Tomasino.
“Pangunahin sa aking balak ay magkaroon
ng sariling journal at website ang departamento.
Ikalawa, ang masigasig na programa ng
pananaliksik at publikasyon,” ani Ampil.
Para kay Ampil, may ilan mang kinakaharap
na suliranin ang departamento, partikular na
ang usaping pinansyal, hindi pa rin ito naging
balakid upang makilala ang sangay sa iba’t ibang
institusyon.
“May ilang imbitasyon din sa mga fakultad
mula sa iba’t ibang unibersidad upang maging
tagapagsalita,” ani Ampil. “Dagdag pa ang ilang
publikasyon na kinuha ang serbisyo ng fakultad
upang magsulat ng textbooks. Tanda ito ng untiunting pagkilala ng departamento.”
Tomasino siya
Alam niyo ba na isang Tomasino ang isa sa
mga unang tagapagsulong ng modernong disenyo
ng mga gusali sa Pilipinas?
Si Carlos Arguellas, nagtapos ng Bachelor
of Architecture sa Unibersidad noong 1939,
ang nagdisenyo ng gusali ng Philam Life
headquarters at Manila Hilton (ngayo’y Holiday
Architecture,
ngunit
hindi niya ito tinapos
sapagkat mas nahilig siya
sa larangan ng entertainment.
Bantog ang mga segment ng
Eat Bulaga, tulad ng “Pinoy Henyo” na binansagang
“pambansang laro ng bayan.” Sa Eat Bulaga Indonesia,
ang parteng ito’y tinawag na “Indonesian Pintar” (Indonesian
Genius).
Ang tanging pagkakaiba ng orihinal na programa sa
bersyong Bahasa ay ang oras ng pagpapalabas nito. Sa
Pilipinas, idinadaos ang Eat Bulaga sa tanghaling tapat
hanggang ikalawa at kalahati ng hapon. Samantala,
tuwing ikaapat ng hapon hanggang ikalima at
kalahati naman ipinapalabas ang Eat Bulaga
Indonesia, bilang pagsunod at pagrespeto sa
pinakamalaking relihiyon sa Indonesia, ang Islam.
Ang tanghaling tapat ay oras ng pagdarasal para sa
mga Muslim.
Ang studio sa Jakarta ay mayroon ding kunwaring
tindahan na siyang tambayan ng mga bolagang at
entablado sa gitna ng mga manonood.
Ang kinagigiliwang remote segment nito na “All
for Juan, Juan for All! Bayanihan of the Pipol” ay
dumarayo sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas upang
magbahagi ng mga premyo.
Sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo
Ballesteros, mga hosts sa naturang segment, ay
kinagigiliwan na rin sa Indonesia matapos ipinakilala
ng SCTV ang mga segment hosts na sila Ramzi,
Narzi, at Leo Consul. Dumarayo rin ang tatlo sa mga
kasuluk-sulukan ng Jakarta at iba pang parte
ng Indonesia upang mamigay ng mga
papremyo. Si Consul, na nagtapos sa
University of the PhilippinesBaguio, ay ang kaisa-isang
Pilipinong host ng Eat
Bulaga Indonesia.
Ang
Eat
Bulaga
ang
kauna-unahang
Philippine
television
show
na
nagkaroon
ng
international
franchise.
Ang
programang ito’y
nagsimula noong
1979 sa dating
istayon na RPN9.
reDeN D. MADrID
Inn) na matatagpuan sa United Nations
Avenue, Philippine National Bank sa Escolta,
Development Bank of the Philippines, Allied
Bank, at Solid Bank na makikita naman sa Makati.
Sa isang taon na pagiging reserve officer sa
Philippine Army, nagdesisyon si Arguellas noong
1940 na lumipad patungong United States of
America (USA) upang kumuha muli ng kurso ng
arkitektura sa Massachusetts International School
of Technology, isa sa mga pangunahing paaralan sa
buong mundo. Taong 1941 siya nagtapos.
Naudlot ang pagkuha niya ng master’s
program sa arkitektura dahil nagsimula na ang
ikalawang pandaigdigang digmaan. Naging tank
commander siya sa Nevada, USA at ‘di kalaunan
ay naging intelligence officer sa Australia.
Taong 1946 nang makuha niya ang master’s
degree sa arkitektura. Bandang 1950s ay nagtrabaho
siya sa Welton Beckett and Associates, isa sa mga
pinakamalaking architectural firm sa USA noong
1950s.
Naging dekano rin siya ng College of
Architecture noong 1954 sa Unibersidad.
Siya ay kilala rin sa pagplano at pagdisenyo
ng Philam Life Homes sa Quezon City, ang
kauna-unahang “gated community” sa Pilipinas.
Ang subdibisyon na ito ay unang nagkaroon ng
bakod, central park, clubhouse, at higit sa lahat
ay residential design na naaayon sa model unit ng
isang bahay.
Dahil sa kaniyang mga makabagong disenyo,
ginawaran siya bilang Pambansang Alagad ng
Sining sa Arkitektura. Naging honorary fellow rin
siya sa American Institute of Architecture at naging
aktibo sa Philippine Institute of Architecture.
Si Arguellas ay pumanaw sa edad na 85 noong
2008.
Tomasalitaan:
Balunglugod(png)—kayabangan;
kahambugan
Hal.: Ang kaniyang balunglugod ang dahilan
kung bakit wala siyang kaibigan sa klase.
Mga Sanggunian:
Alcazaren, P. (2008, August 26). Requiem for
the Master Architect. Retrieved August 14, 2012,
from philstar.com: http://www.philstar.com/article.
aspx?articleid=82439
Lico, G. (n.d.). National Commission for
the Culture and the Arts. Retrieved August 14,
2012, from ncaa.gov.ph: http://www.ncca.gov.ph/
about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.
php?igm=1&i=108
FILIP
F
ATLONG araw idinaos sa Pilipinas
ang
“Ikatlong
Pandaigdigang
Komperensiya ng Filipino Bilang
Wikang Global” na itinuturing na kaunaunahan sa kasaysayan ng bansa.
Sa temang “Ang Wika at Kulturang
Filipino: Iba’t Ibang Isyu at Hamon ng
Siglo 21,” idinaos ang komperensiya
noong Agosto 3, 4, at 5 sa College of Saint
Benilde (CSB) International Conference
Center and Hotel na dinaluhan ng mga
entusiyastiko sa wikang Filipino.
Ayon kay Ruth Elynia Mabanglo,
tagapagtatag ng Global Council for the
Advancement of the Filipino Language
and Culture (Glocafil) at tagapamahala
ng komperensiya, intelektwalisado na
ang wikang Filipino.
“Itinatag ang komperensiya noong
2008,” ani Mabanglo. “Ninasa naming
itanghal ang pagkaglobal ng pambansang
wika upang hindi ito balewalain.”
Sa unang araw, nagkaroon ng
parallel workshops kung saan nagbahagi
ng kaalaman sina Cynthia Ning, Michael
Coroza, at Mabanglo.
Binigyang-diin ni Coroza na
mahahalagang salik ang ritmo, sukat, at
tugma sa pagsusulat ng isang tula.
“Hindi totoo na mas madaling
magsulat ng tulang mayroong malayang
taludturan. Paano ka lalaya kung hindi ka
nakakulong?” ani Coroza.
Samantala,
nakasentro
sa
edukasyong pang-intelektuwal at wikang
Filipino ang workshop ni Mabanglo.
“Change how the brain works,” ani
Mabanglo. “Namihasa na kasi ang utak
natin na maging negatibo. Imbes na nagiimbita ka ng tao [sa pagsasabing] ‘Ayaw
mo nito,’ ang dapat ay ‘Gusto mo bang
kumain?’”
Sa pagtatapos ng unang araw,
nagkaroon ng pangkalahatang pulong
na
pinamunuuan
nina
Yolanda
Quijano, undersecretary ng Department
of Education (DepEd), Catherine
Castañeda, pinuno ng Commission on
Higher Education (CHED), Isagani Cruz,
governor ng National Book Development
Board, at Mary Grace Ampil-Tirona,
undersecretary at executive director ng
Commission on Filipinos Overseas.
Tinalakay
ng
lupon
ang
kasalukuyang kalagayan ng wikang
Filipino sa Pilipinas, partikular ang
naipatupad na Mother Tongue-BasedMultilingual Education (MTB-MLE).
Ibinahagi ni Marivic Maluyo, isa
sa mga dumalo sa komperensiya, ang
kaniyang karanasan bilang propesor ng
Filipino, ngunit nagpasiyang tumungo
ng France upang magtrabaho bilang
domestic helper.
Para kay Maluyo, nararapat na mas
Tamp
paigt
mga
ng pa
yung
S
dome
nagtu
sa isa
A
ginug
na
komp
ng ib
pamb
na u
sa m
Progr
at K
Pagtu
at “E
at Pa
I
ng F
and L
panan
Prom
sa Hi
Daig
A
dalub
ng
kinal
mags
“
na s
taong
kaniy
maki
ani A
ng w
na ka
Sona, daang matuwid, di
Ni JONAH MARY T. MUTUC
SA KANIYANG ikatlong State of the Nation
Address (Sona) noong Hulyo 23, hindi nabigo
si Benigno “P-Noy” Aquino III na iparating at
mas ipaunawa sa karaniwang Pilipino ang mga
hangarin niya.
Sa paggamit niya ng wikang pambansa,
nagawang pagtibayin ni P-Noy ang Artikulo
XIV Seksyon 6 ng Saligang Batas na nagsasaad
na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon.”
Iba’t iba ang naging pagtanggap ng mga
tao sa kabuuang nilalaman ng Sona ni P-Noy—
mayroong natuwa’t nagkaroon ng pag-asa at
mayroon din namang nadismaya’t nawalan ng
kompiyansa sa pamahalaan.
Ngunit sa pagsusuri naman ng paggamit ni
P-Noy sa wikang Filipino, ilan sa kaniyang mga
binanggit na salita ay nasa wikang Ingles.
Marami sa mga salitang Ingles na
binitawan ni P-Noy ay mga pangalan ng mga
sangay ng pamahalaan—Department of Health,
Commission on Higher Education, Technical
Education and Skills Development Authority,
at iba pa.
Panigurado, kung bibigyang-pansin ay
maisasalin mula sa Ingles ang lahat ng mga
sangay at kagawaran ng pamahalaan upang
mas mapagtitibay ang paglinang sa wikang
pambansa.
Ang pangalan ng bawat departamento ay
naglalarawan sa uri ng trabaho’t serbisyong
kanilang inihahandog kaya’t mahalagang
naiintindihan ng mga karaniwang Pilipino ang
bawat katawagan.
Mahalagang isalin sa tamang paraan ang
mga departamento ng bansa upang maidulog
sa karaniwang tao kung anong sangay ng
pamahalaan ang dapat lapitan para sa kanilang
mga pangangailangan, higit pa rito ang mga
suliraning dapat masolusyunan.
Isa pang grupo ng mga salitang Ingles
sa talumpati ni P-Noy ay ang mga programa
sa bansa—No Balance Billing Policy,
Comprehensive
Agrarian
R e f o r m
Program,
PerformanceB a s e d
Incentives,
at
iba
pa.
Tunay kayang
naiintindihan ng
mga Pilipino ang mga programang ito?
Magaganda ang mga paliwanag ng
Pangulo, ngunit ‘di lahat ay may kakayahang
maintindihan ang kaniyang mga sinabi.
Paano ikukuwento ng isang karaniwang tao
ang elevated North Luzon Expressway-South
Luzon Expressway (NLEX-SLEX) connector
sa kaniyang kapitbahay? Sasabihin lamang nito
na magiging magaan at mabilis na ang biyahe
mula hilagang bahagi ng Luzon patungong
timog sapagkat hindi nabigyang paliwanag ang
salitang “elevated” at maaaring magdulot ito
ng maling pananaw sa nagtatanong. Nariyan pa
ang mga posisyon sa gobyernong nasa wikang
Ingles ding inilahad ng Pangulo—senate
president, secretary, regional director, chief of
police, governor, at iba pa.
Nagbabago ba ang antas ng posisyon ng
isang tao sa pagsasalin ng tawag sa kaniya?
Itinuturing natin ang anumang saling-
Ingles
wikang
magand
helper
sa kan
kawang
Ka
katagan
matern
Kung 'di tayo makag
purong Filipinong ta
kakayanin kaya ng
makapagpatuloy sa tuw
asa mu
pamban
anyong
isinusu
Sa
ang wi
din an
payak
natin, u
wikang
Ku
Filipino
makapa
kapalit
Filipino
naiintin
wikang
Sa
bokabu
sa wika
PINO
Filipino bilang komunikasyong global
The
Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Ni JONAH MARY T. MUTUC
pok sa tatlong araw na komperensiya ang mga Tomasinong sina Eros atalia, Imelda de Castro, at Michael Coroza. Mga kuha nina JoHN PAUL r. AUTor at JoNAH MArY T. MUTUC
tingin ang pinansiyal na suporta sa
propesor. “Guminhawa ang buhay
amilya ko pero hinahanap ko pa rin’
g passion ko.”
Sa
kasalukuyan,
nananatiling
estic helper si Maluyo sa France at
uturo ng online ng wikang Filipino
ang German.
Ang huling bahagi ng araw ay
gol para sa parallel presentations—
kauna-unahan ding ginawa sa
perensiya—ng mga pananaliksik
ba’t ibang mga haligi ng wikang
bansa. Tinalakay ang mga paksa
umiikot sa temang “Filipino Para
mga Bata: Isang Pantag-araw na
ramang Nagpapayaman ng Wika
Kultura,” “Bisa ng Filipino sa
uturo o Pagpapalaganap ng Wika,”
Estratehiya sa Pagtuturo, at Pagtataya
agtuturo.”
Ibinahagi ni Eros Atalia, propesor
Filipino sa UST Faculty of Arts
Letters, ang produkto ng kaniyang
naliksik na “Ang Mentalese at
minence ng Wikang Filipino Para
igit na Pag-unawa sa Pangmalas sa
gdig ng mga Filipino.”
Ayon kay Atalia, natuklasan ng mga
bhasa na ang mga tao’y nagtataglay
“FOXP2” gene na mayroong
laman sa kakayanan nating
salita.
“Sinasabi ni [Joseph] Greenberg
sa tindi ng pangangailangan ng
g mabuhay at makiayon sa
yang kapaligiran, napipilitan siyang
isalamuha sa kaniyang kapuwa,”
Atalia. “Resulta nito, kinakailangan
wika upang magkaroon ng common
atawagan sa common na mga bagay.
Nananahan kasi sa wika ang kabuuang
karanasan, kahulugan, at identidad ng
mga nagsasalita nito.”
Filipino sa labas ng bansa
Mula sa 198 ay naging 219 ang
naitalang dumalo sa ikalawang araw ng
komperensiya na agad nagsimula sa mga
parallel presentations na may mga tema
namang “Filipino sa Japan,” “Ideolohiya
at Midyang Popular”, at “Filipino sa
Loob at Labas ng bansa.”
Tumuon sa kalagayan at hamon sa
wikang Filipino sa labas ng bansa ang
ikalawang pangkalahatang pulong.
Ipinirisinta naman ni Imelda de
Castro, propesor ng Filipino sa Faculty
of Arts and Letters, ang kaniyang saliksik
na “Kasarian sa Pagsasalin ng Piling mga
Tula ni Ophelia Alcantara-Dimalanta.”
Ayon kay De Castro, isang malaking
bagay na kalalakihan ang nagsalin ng
mga tula ni Dimalanta.
“Hindi mahihiwalay si Dimalanta sa
kaniyang mga paksa bilang babae,” ani
De Castro. “Ang resulta ng dagundong
ng pagsasalin ay hindi lamang umiikot
sa pag-unawa kay Dimalanta sa ilalim
ng mga bagong kaliwanagan, bagkus sa
kapangyarihang taglay ng kasarian sa
larangan ng literatura sa Pilipinas.”
Isa namang propesor ng Filipino
sa UST College of Commerce ang
nagbahagi ng kaniyang saliksik na
“Panitikang Nagmamadali sa Siglong
Robotiko: Ang Pedagohikal na Potensiyal
ng mga Tulang Dagli.”
ilang tuwid
bilang magara kumpara kung ito’y nasa
g pambansa. Hindi ito iba sa ideolohiyang
ndang trabaho ang pagiging domestic
ngunit hindi magkapareho ang tingin
nila ng mga katulong na kung tutuusi’y
gis lamang nila ang antas.
apansin-pansin din ang iba pang mga
ng Ingles na catastrophic disease,
nal mortality ratio, Hamilton class cutter,
bullet
station
assembly,
at
indirect jobs.
Kung para
sa masa ang
Sona,
pangmasang salita ba
ang mga ito? O
ang tanging para
sa masa ay pagula sa mungkahing paggamit ng wikang
ansa bilang kasangkapan upang magg kaisa ang lahat sa tuwid na landas na
ulong ng Pangulo?
a patuloy na pagsusumikap na mapalawak
ikang Filipino, sana’y mabigyang pansin
ng usapin sa pagsasalin. Dahil sa mga
na katagang Ingles na nakasanayan na
unti-unting nabubura ang kahalagahan ng
g pambansa.
ung ‘di tayo makagagawa ng purong
ong talumpati, kayanin kaya ng bansang
pagpatuloy sa tuwid na daan? At ano ang
t ng bawat tulong at ng bawat salitang
ong nababaon sa diksiyunaryo dahil mas
ndihan na natin ang mga katagang nasa
g Ingles?
ana’y hindi dumating ang panahong ang
ularyong Filipino ay mas naiintindihan pa
ang banyaga.
gagawa ng
alumpati,
bansang
wid na daan?
“Ang umuusbong na makabagong
porma ng panitikan, ang mga panitikang
dagli ay lunsaran sa pagpapatampok ng
pedagohikal na potensiyal,” ani Jonathan
Vergara Geronimo.
Sinundan ang parallel presentations
ng pagpapangkat sa mga dumalo upang
mapagdiskusiyunan ang mga usaping
nais nilang bigyang pansin at ilapit
sa paghahanda ng mga resolusyong
idudulong sa pamahalaan.
Sa pagtatapos ng gabi, nagkaroon
ng isang programang pang-kultural sa
pangunguna ng Linangan sa Imahen,
Retorika at Anyo (Lira).
Papel ng guro
Samantala, umabot sa 223 ang
bilang ng mga dumalo sa ikatlong araw
ng komperensiya.
Bumungad sa huling araw ang
parallel presentations—“Lingguwistika
at Sosyo-Lingguwistika,” “Dekada
’70: Ilang Pagtanaw, Filipino sa Antas
Tersiyarya/Gradwado,
PagsasalingWika,” at “Eupemismo at Alusyong
Sekswal sa Wika.”
Isa ring propesor ng Filipino sa
UST College of Commerce, nagbahagi
si Amur Mayor ng kaniyang saliksik na
“Doon o Dito, Ganoon o Ganito: Isang
Paggalugad sa Pananaw ng Guro Hinggil
sa Kaniyang Papel sa Pagtuturo ng
Akademikong Wikang Filipino sa Antas
Tersiyarya.”
Ayon kay Mayor, apat ang
kinikilalang tungkulin ng mga gurong-
kalahok (sa kaniyang pananaliksik)—
pragmatiko, ideyalistiko, sentimental, at
personal.
“Bagama’t totoo na ang mga
tungkuling ito ay pinaninindigan ng mga
kalahok na mabisang pamamaraan nila,
hindi maikakaila na hindi nito nasasapol
ang mga pamamaraang kinakailangan
upang malinang ang mga akademikong
wika ng mga mag-aaral,” ani Mayor.
Ang
ikatlong
pangkalahatang
pulong sa paksang “Ang Tungkulin ng
Media sa Pagpapalaganap ng wikang
Filipino bilang Pamnbansa o Global
na Wika” ay niluklukan ng panauhing
pandangal na si Nicanor Tiongson,
professor emeritus sa Film Institue of
the College of Mass Communication ng
University of the Philippines.
“Sana ay makatulong ang media
upang maipalaganap ‘yung mga bagong
kaalaman tungkol sa ating wika.
Halimbawa na lang ‘yung nailimbag
umano na librong tumatalakay
sa tamang pagbabaybay, hindi
alam ng marami ito. Sana
maipalaganap sa tulong ng
media [‘yung mga ganitong
bagay,]” ani Maluyo.
Sa tatlong araw ng
komperensiya, naibahagi sa mga
dumalo ang tatlong workshops,
tatlong pangkalahatang pulong, at 60
na pananaliksik.
Nagtapos
ang
komperensiya
sa pagbabasa ng mga resolusyong
tumatalakay sa mga pangangailangang
9
idinulog noong ikalawang araw.
Nagkaroon ng ilang minutong
palitan ng mga salita ukol sa
magkakaibang
pananaw
nang
magtalakay ng isang resolusyong hindi
kabilang sa mga napagkasunduang
tatalakayin.
Sa huli, nagkasundo at nagpirmahan
ng apat na resolusyon: (1) resolusyong
humihiling sa DepEd, CHED, at iba
pang ahensiya ng pamahalaan na
itaguyod ang ganap na Filipinisasyon ng
lahat ng opisyal na kalatas, dokumento,
korespondensiya, deliberasiyon, at iba
pa; (2) resolusyong nagpapahayag ng
kahilingan sa Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), DepEd, at CHED
na bumuo ng akademiya ng wikang
Filipino upang magsilbing tanod-wika sa
gamit ng Filipino sa midya, edukasyon
at iba pang mahahalagang larangan at
upang magtakda ng istandardisadong
ortograpiya; (3) resolusyon na humihiling
sa pambansang gobyerno, National
Commission for Culture and the Arts
(NCCA), KWF, DepEd, CHED, NBN4,
ABS-CBN2, GMA7, TV5 at iba pang
istasyon ng telebisyon na pagtulungtulungan ang pagbabalik o produksiyon
ng mga programang nagtataguyod ng
wika at kulturang Filipino sa primetime;
at (4) resoluyong nagpapahayag ng
kahilingan sa pambansang gobyerno,
DepEd, at CHED na pagsumikapang
maipantay sa pamantayang global
ang teaching load, suweldo, at mga
benepisyo ng guro sa bansa.
Ipinahayag ni Mabanglo na
idudulong nila sa gobyerno ang apat na
mga resolusyon.
Nakatakdang ganapin muli sa
Hawaii ang ikaapat na pandaigdigang
komperensiya
sa
2014.
Wikang kinagisnan at ‘K to 12’
Ni ELORA JOSELLE F. CANGCO
mamamayan ng Pilipinas,” aniya.
SA PAGLULUNSAD ng programang K
to 12 sa mga paaralan noong nakaraang
Hunyo, nilalayon din ng bagong
kurikulum na turuan ang mga mag-aaral
gamit ang kanilang katutubong wika.
Ayon kay Jose Laderas Santos,
delegado ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), ang paggamit ng
Mother Tongue Based Multi-Lingual
Education (MTB-MLE) bilang medium
of instruction ay makatutulong sa mga
mag-aaral na maintindihan ang mga
itinuturo sa kanila gamit ang kanilang
kinagisnang wika.
“Malaki ang magiging tulong
ng paggamit ng panrehiyong wika sa
[pagtuturo sa mga] paaralan dahil mas
maiintindihan at maisasapuso ng mga
mag-aaral ang kanilang mga natutunan,”
ani Santos.
Tampok sa bagong kurikulum ang
MTB-MLE, kung saan gagamitin muna
sa pagtuturo ang wikang kinagisnan
mula Kinder hanggang ikatlong baitang.
Sa ikaapat na baitang, inaahasang
matibay na ang pundasyon ng mga
mag-aaral sa kanilang katutubong wika
at maari nang turuan ng iba pang wika.
Kabilang sa mga wikang gagamitin
sa pagtuturo ay ang wikang Bikolano,
Cebuano, Chavacano, Hiligaynon,
Iloko,
Kapampangan,
Maranao,
Maguindanaoan,
Pangasinense,
Tagalog, Tausug, at Waray.
Sa ika-75 na anibersaryo ng
KWF ngayong Agosto, inilunsad ng
KWF ang temang “Tatag ng Wikang
Filipino: Lakas ng Pagka-Pilipinas”
upang himukin ang mga Pilipino na
paghusayin ang pag-aaral ng kanilang
wikang pambansa.
“Kapag ganap na pinaghusay
ng isang Pilipino ang kaniyang wika,
ganap ding magiging mahusay siyang
Pagsusulong sa multilingualism
Ayon naman kay Roberto Ampil,
tagapangulo ng Departamento ng
Filipino sa Unibersidad, ang paggamit
ng regional language bilang medium
of instruction ay makatutulong hindi
lamang para mabilis na maunawaan
ng mga mag-aaral ang mga itinuturo
sa klase, kundi para mapanatili rin ang
pagkakakilanlan ng mga kabataan sa
kanilang kinagisnan.
“Maraming Pilipinong mag-aaral
ang nagsisimula ng kanilang pag-aaral
sa isang wikang hindi nila sinasalita o
nauunawaan. Sa ganitong kalagayan,
sinasabing ang mga katutubong
wika ng mga mag-aaral ang tanging
makapagbibigay ng patuloy na ugnayan
sa personal na pagkakakilanlan
na nagtataglay ng etniko at isang
pambansang dimensiyon,” ani Ampil.
Ayon naman kay Abdon Balde,
Jr., tagapangulo ng Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas (Umpil),
hindi ganap na naging epektibo ang
bilingguwal na edukasyon dahil ang
Filipino at Ingles ay itinuturing pang
mga banyagang wika sa maraming
rehiyon sa Pilipinas.
“Ibig sabihin nito, halimbawa,
ang isang batang lumaki sa Bikol ay
kailangang mag-aral ng English at
Filipino para maintindihan ang sinabi ng
guro na nagtuturo gamit ang bilingual
medium of instruction,” ani Balde sa
Varsitarian.
Ayon naman kay Imelda de
Castro, propesor ng Filipino at dating
tagapangulo ng Departamento ng
Filipino, tuluyang napawalang-bisa
ang pagsunod sa bilingguwal na
programa dahil maliban sa hindi ito
seryosong naipatupad ng pamahalaan,
hindi nagamit nang wasto ang wikang
Filipino.
“Kapag naubusan ng Ingles,
magshi-shift sa Filipino o kaya’y
kapag naubusan ng Filipino ay lilipat
sa Ingles,” ani De Castro. “Hindi
dapat ito mangyari. Dapat ay tapusin
muna bago lumipat sa panibagong
konsepto (paggamit ng isang wika)
upang mabalanse ang paggamit sa
lengguwahe.”
Aniya, hindi dapat isawalang
bahala ng mga paaralan ang paggamit
ng MTB-MLE hanggang sa makita ang
kalalabasan nito.
Ayon naman kay Romulo Baquiran,
Jr., tagapangulo ng Filipinas Institute of
Translation, ang multilingualism bilang
medium of instruction ay matagal nang
ginagamit sa pagtuturo.
“Ito ang kondisyon, opisyal man
o ‘di opisyal na ipahayag,” sabi ni
Baquiran. “Maaaring sabihing Ingles
puro tayo, ngunit maririnig sa kampus
ang [wikang] Filipino. O kaya’y isulong
ang Filipino pero marami ang gagamit
ng Ingles.”
Dahil karamihan ng mga
administrador ay may kaalaman
naman sa kolonyal na sistema ng
edukasyon, paliwanang ni Baquiran,
hindi maitatangging Ingles ang kanilang
maging prioridad sa pang-akademiyang
situwasyon.
“May mga mahuhusay na
intelektuwal na Filipino sa pangunahing
wika,” aniya. “Sa mga elitistang
unibersidad tulad ng [University of
the Philippines] UP, UST, Ateneo [de
Manila University], at [De] La Salle
[University], mayroong malalakas na
programa sa Filipino. Pero hindi nga
lamang masyadong excited ang estado
na i-promote ang Filipino kahit mahusay
dito ang Pangulong [Aquino].”
Ayon kay Santos, hindi na
maiiwasan ang paggamit ng mga magaaral ng kanilang katutubong wika sa
loob ng paaralan.
“Matuto
m a n
siya ng wikang
banyaga,
ang
wikang
kinagisnan pa rin ang gagamitin niya sa
kaniyang pag-iisip at pakikipagsapalaran
sa lipunan,” ani Santos.
Wikang Filipino sa UST
Bilang Tagalog ang ginagamit
na panrehiyong wika ng Unibersidad,
naniniwala si De Castro na nananatiling
buhay pa rin ito sa mga mag-aaral na
Tomasino.
“Wala
namang
masyadong
problema sa Unibersidad tungkol sa
kung ano ang gagamiting medium of
instruction. Naiibigay naman ng mga
estudyante sa kanilang mga guro kung
ano ang kailangang gamitin,” aniya.
Sa muling pagkakatatag ng
Departamento ng Filipino taong 2009,
naniniwala si Ampil na “papalapit
na sa rurok” ang wikang Filipino sa
Unibersidad.
“Sa ikatlong taon ng Departamento
ng Filipino ay marami nang nangyari.
Unti-unti ay lumalawak at patuloy
na lumalakas ang kampanya sa
pagsasagawa ng mga pananaliksik sa
iba’t ibang seminars at kumperensiya,”
ani Ampil.
Sinabi naman ni De Castro na
kailangang maging language-competent
sa wikang Filipino at Ingles ang mga
mag-aaral ngunit dapat itong mabalanse.
“Kung saan talaga natututo ang
mga mag-aaral ay ibigay natin. Bakit
naman ang mga top universities sa Asya
ay hindi nagpupumilit mag-Ingles?”
Sinabi ni Santos na ang KWF
ay tinatangkilik pa rin ang pagkatuto
ng mga banyagang wika hangga’t sa
nababalanse pa rin ang paggamit ng
wikang Filipino.
“Hindi sumasalungat ang KWF sa
pagkatuto ng iba’t ibang wika dahil ang
mga ito ay kailangan din nila,” aniya.
10 Mulinyo
The Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Patnugot: Marianne S. Lastra
Cinemalaya 8: Pelikula ng katotohanan
BILANG patunay sa kaniyang tema
na Full Force, humigit kumulang
na 60,000 katao ang kabuuang
nanood, o mas higit sa 58,000 na
nanood noong nakaraang taon, ng
ikawalong Cinemalaya Independent
Film Festival na ginanap sa Cultural
Center of the Philippines, Greenbelt
3, at Trinoma noong Hulyo 20-29.
Kapansin-pansin
din
ang
pagdami ng mga tinaguriang
mainstream artists sa taong ito,
katulad nina Iza Calzado, Janice de
Belen, Agot Isidro, Judy Ann Santos,
Eddie Garcia at iba pa.
Humakot ng mga parangal ang
Diablo ni Mes de Guzman sa New
Breed Category, ang timpalak para
sa mga bagong direktor. Ito’y tungkol
kay Nana Lusing, isang matandang
biyuda na hindi makatulog dahil
sa isang anino na nagpapakita
sa kaniya tuwing gabi. Tanging
kasama lamang niya ay ang
lumang radyo na nagsisilbing
paalala sa yumaong asawa.
Nakamit ng Diablo
ang parangal para sa
pinakamahusay
na
pelikula. Tinanggap ni De
Guzman ang parangal sa
direksiyon, samantalang
ang
gumanap
na
Nana Lusing na si
Ama
Quiambao
ay
pinarangalang
pinakamahusay
sa
pagganap.
Nakuha
rin nito ang parangal
sa sinematograpiya at
ang Network for AsiaPacifc Cinema (Netpac)
Award, na binigay ng isang
internasyonal na organisasyon
bilang pagkilala sa mga
independent films sa Asya.
Nagkamit ng Special Jury Prize
ang Requieme! ni Loy Arcenas.
Isinulat ni Rody Vera, tungkol ito
sa magkakasangang istorya: ang
pagpupunyagi ni Swanie (Shamaine
Buencamino) at ng kaniyang pamilya
na mapauwi ang bangkay ng kanilang
kamag-anak na inakusahang pumatay
ng isang sikat na personalidad sa
Amerika, at ang pagtulong ni Joanna
(Anthony Falcon), isang bakla na
busilak ang puso, para maiburol ang
kapitbahay na pumanaw.
Pinarangalan si Kristoffer King
ng pinakamahusay na pangunahing
aktor para sa Oros ni Paul Sta. Ana.
Gumanap siya bilang si Makoy, isang
kasero sa isang saklaan na gumagamit
ng bangkay upang maisagawa ang
ilegal na gawain.
Mula naman sa Santa Niña ni
Emmanuel Quindo Palo ang nagwagi
ng pinakamahusay na pangalawang
aktres na si Anita Linda. Ito’y
tungkol kay Paulino Mungcal (Coco
Martin) at ang pumanaw na anak na
si Marikit, na higit na sampung taon
nang patay ngunit ang labi’y hindi
naaagnas. Kalauna’y pinaniniwalaang
nakagagaling ang mga labi.
Pinarangalan ang Intoy Syokoy
ng Kalye Marino para sa disenyong
pamproduksiyon (Benjamin Pauyo)
nito at sa mahusay na pagganap ng
ikalawang aktor (Joross Gamboa).
Hango sa maikling kuwento ni Eros
Atalia, propesor ng Faculty of Arts
and Letters, at sa ilalim ng direksiyon
ni Lem Lorca, sinundan ng pelikula si
Intoy, isang maninisid ng tahong na
napaibig sa kaniyang kaibigan na si
Doray.
Nakamit ng The Animals ni Gino
Santos ang parangal sa editing (Rona
delos Reyes at John Wong) habang
napanalunan ng Ang Nawawala ni
Maria Jamora ang parangal sa musika
at Audience Choice. Pawang tungkol
sa mga nakaririwasang mga kabataan
ang dalawang pelikula.
Umani rin ng parangal ang
Aparisyon ni Vincent Sandoval (Best
Sound, Teresa Barrozo) na tungkol
sa tahimik na buhay ng mga madre
sa isang kulob na kumbento noong
panahon ng Martial Law hanggang sa
may karahasang nangyari kay Sister
Lourdes (Jodi Sta. Maria).
Batikang direktor
Sa
kategoryang
Director’s
Showcase, na patimpalak para sa
mga batikang direktor, pinarangalan
ang Posas ni Lawrence Fajardo
bilang pinakamahusay na pelikula.
Nakamit naman ni Art Acuña ang
pinakamahusay na pangalawang aktor
para sa kaniyang pagganap bilang
pulis na siyang nakahuli kay Jess,
isang kilalang magnanakaw sa paligid
ng simbahan sa Quiapo.
Binigyan ng standing ovation
si Eddie Garcia matapos siyang
gawaran ng pinakamahusay na aktor
para sa kaniyang pagganap bilang
isang baklang retirado na naghihintay
ng kaniyang kamatayan kasama ang
isang inampong asong lansangan sa
pelikulang Bwakaw. Ginawaran din
ang pelikula ng Audience Choice at
ng Netpac Award.
Pinangalanan si Raymond Red
bilang pinakamahusay na direktor
para sa Kamera Obskura, isang blackand-white film tungkol kay Juan (Pen
Medina) na nakakulong sa madilim na
piitan. Nakikita lamang niya ang labas
sa pamamagitan ng isang maliit na
butas sa pader. Nakuha rin ng pelikula
ang parangal sa musika.
Binigay ng hurado sa ensembliya
ng mga aktres ng pelikulang Mga
Mumunting Lihim—sina Judy Ann
Santos, Iza Calzado, Janice de Belen,
at Agot Isidro—ang parangal para sa
pinakamahusay na pagganap.
Tinuturing na isang women’s
film, umiikot ang Mumunting Lihim,
na siyang unang indie film ni Jose
Javier Reyes, sa isang barkada ng
kababaihan at paano nabago ang lahat
nang mamatay si Marie (Santos).
Nakamit din nito ang parangal para sa
dulang pampelikula (Reyes) at editing
(Vanessa de Leon).
Nakamit ng Kalayaan, ang
pelikula ni Adolfo Alix, Jr. tungkol
Captive ni Brillante Mendoza
Pagdukot sa mga Burnham, isinapelikula
Ni JOHN JOSEPH G. BASIJAN
ng Abu Sayyaf na sa kabila ng matapang at tila batong damdamin
ay marunong din naman silang makihalubilo at makipagtawanan
sa Kristiyano.
MULING binuhay ang masalimuot na pangyayari noong 2001
Nakapupukaw ng damdamin ang isang batang rebelde na
nang dinukot ng Abu Sayyaf ang mahigit 20 na mga lokal at bagaman hindi nakapag-aral ay nagpakita kay Therese ng malasakit
dayuhang turista sa Palawan sa bagong pelikula ni Brillante at kabutihan.
Mendoza, ang Captive.
Nagwakas ang pelikula sa tangkang pagsagip sa apat na
Naging senyal ang pagdukot ng lumalalang problema ng natitirang bihag, kasama si Therese.
terorismong global at lalo pang umiinit na tensiyon sa bansa sa
Ayon kay Mendoza, na nagtapos ng kursong Advertising Arts
pagitan ng mga Kristiyano at Muslim,
sa dating College of Architecture
lalo pa’t kasama sa mga dinukot ang
and Fine Arts noong 1982, nais
mag-asawang misyonerong Protestante
niyang ipakita ang dalawang panig
na sina Martin at Gracia Burnham.
ng pangyayari nang hindi umiiral
Ang sinapit ng mga Burnham ang
ang pansariling ideolohiya.
naging pokus ng pelikula ni Mendoza
Kinunan nila ang pelikula
na pinangungunahan ng Pranses na
ayon sa pagkakasunud-sunod
aktres na si Isabelle Huppert na kilala
ng mga pangyayari upang
sa pelikulang La Pianiste (2001) at sa
maramdaman ng mga artista ang
dalawang beses na paggawad sa kaniya
hirap at takot na naranasan ng mga
bilang pinakamahusay na aktres sa
bihag sa tunay na buhay. Bagaman
Cannes Film Festival (1978, 2001).
hindi pumunta ang mga artista
Gumanap si Huppert bilang
at buong tripulante ng pelikula
Therese, isang kathang-isip na karakter
sa mga lugar kung saan mismo
halaw kay Gracia Burnham na nagsulat
nangyari ang mga pagbihag,
ng libro tungkol sa pagkakabihag
sinubukan naman nilang maging
nila. Sinundan ang paglalakbay niya
makatotohanan ang disenyong
kasama ang iba pang mga bihag mula
pamproduksiyon para na rin
sa kanilang pagkakadukot sa Dos
sumalamin sa mga lugar na
Palmas Resort sa Palawan hanggang sa
tunay na pinangyarihan ng mga
kanilang mahigit isang taon na paggala
insidente.
at pagtatago sa mga masukal na gubat
Isang halimbawa ay ang
ng Basilan.
bangkang ginamit ng mga rebelde
Sinubok ang mga bihag ng
upang dalhin ang mga bihag mula
eksena
sa
pelikulang
"Captive"
na sa Palawan. Hinalaw ang disenyo
kalikasan, mga paminsan-minsang Ilang
pinangungunahan ni Isabelle Huppert na gumanap
engkuwentro ng mga terorista laban sa bilang Therese, isang halaw na karakter mula sa ng bangka mula sa totoong ginamit
mga militar, at pati na ng sabaya o ang aklat ni Gracia Burnham na dating nabihag ng Abu ng mga rebelde sa paglalakbay sa
sapilitang pagpapakasal ng mga babaeng Sayyaf noong 2001. Mga retrato mula sa produksyon dagat.
ng Captive
bihag sa mga lider ng rebelde.
Kabilang din sina Sid Lucero,
Ipinakita rin ang paglalapastangan
Angel Aquino, Raymond Bagatsing, Rustica Carpio, at Mercedes
ng mga Abu Sayyaf sa Kristiyanismo, gaya ng pagtapon ng mga Cabral sa mga artistang nagsipagganap.
Bibliya sa karagatan at paghampas ng baril sa rebulto ng Birheng
Kasama ang Captive sa mga patimpalak na kategorya sa
Maria.
nakaraang ika-62 Berlin International Film Festival sa Germany.
Sinama sa pelikula ang magic realism, o ang paghahalo ng
Ang Captive ay isang pelikula na hindi madaling malilimutan
mga elementong pantastiko sa totoong buhay, nang magpakita kay ng mga manonood dahil sa mga kapani-paniwala at nakabibiglang
Therese ang sarimanok, ang alamat na ibon mula sa mga Maranao pagkakatulad nito sa panahon ngayon lalo pa’t hindi pa rin natatapos
ng Mindandao, sa mga oras na nawawalan na ang mga bihag ng ang gulo sa Mindanao. Ayon kay Mendoza, tungkol ang Captive sa
pag-asa na makalalaya pa sila.
“pagliligtas ng sarili, ng buhay sa harap ng mga paghihirap at sa
Subalit ipinakita rin ang makataong aspeto ng mga miyembro mga situwasyong mahirap kontrolin.”
sa Spratlys, ang mga parangal para
sa
disenyong
pamproduksiyon,
sinematograpiya, at tunog.
Maiikling pelikula
Sa patimpalak sa maikling
pelikula, itinanyag ang Victor ni
Jarell Serencio na pinakamahusay na
pelikula. Kinuwestiyon nito ang gawi
ng mga penitente tuwing Semana
Santa na pagpapapako sa krus.
Natanggap naman ng Manenaya
ni Richard Legaspi ang Special Jury
Prize. Ito’y tungkol sa isang balo
na naghahanap ng hustisya para
sa asawang napaslang sa alitang
politikal.
Si Sheron Dayoc ang itinanghal
na pinakamahusay na direktor para sa
kaniyang As He Sleeps, na umiikot sa
isang babae at ang kaniyang seksuwal
na pangangailangan na hindi
matugunan ng paralitikong asawa.
Natanggap ng Ruweda ni Hannah
Espia ang Audience Choice. Ito’y
tungkol sa isang lasing na lalaki na
nakapulot ng mamahaling singsing
habang siya ay pauwi.
Nakamit ng Ang Paghihintay sa
Bulong ni Sigrid Andrea Bernardo ang
parangal para sa sinematograpiya.
Ani Nestor Jardin, tagapamahala
ng Cinemalaya Foundation, Inc.,
nais ng komite na sa mga susunod na
pagtitipon ay madagdagan pa ang mga
sinehan para sa pagtatanghal ng mga
pelikula na kasali sa pista.
Sinabi naman ni Bienvenido
Lumbera,
Pambansang
Alagad
ng Sining sa Literatura at hurado
ng Cinemalaya ngayong taon, na
makitid ang mundong nasasalamin
sa komersiyal na mga pelikula.
Idinagdag niya na mas makatotohanan
ang paglalahad ng realidad sa
pelikulang malaya. JoHN JosePH
G. bAsIJAN, roMINA LoUIse
C. CUNANAN, CHrIsToPHer
b. eNrIQUez, MArIA ArrA L.
Perez, brYLLe b. TAborA, at
NIkkA LAvINIA G. vALeNzUeLA
Eksibit sa Unesco Paris
ng UST, itinanghal sa Museum
of Arts & Sciences
Nina CHRISTOPHER B. ENRIQUEZ at CEZ MARIELA
TERESA G. VERZOSA
BILANG pagsalubong sa mga bagong mag-aaral ng Unibersidad,
isang eksibit ang itinanghal sa UST Museum of Arts and Sciences
noong Hunyo 7-30 tungkol sa kasaysayan ng 401-taon ng
Unibersidad.
Pinamagatang 400 Years and Counting, layon ng eksibisyon na
ipamahagi ang kahusayan ng Unibersidad. Hango ito sa eksibisyon
sa tanggapan ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural
Organization (Unesco) sa Paris noong Setyembre 21-23 nang
nakaraang taon kasabay ng pagdiriwang ng ikaapat na siglo ng UST.
Itinampok dito ang kultura, pamana, at kasaysayan ng Unibersidad
pati na rin ang kontribusyon nito sa iba’t ibang larangan gaya ng
agham, panitikan, at medisina.
May apat na bahagi ang eksibisyon kung saan itinampok ang
Unibersidad bilang “Vanguard of Culture,” “Witness to History,”
“Citizens of the World,” at “Custodian of Heritage.”
Ipinakita sa Vanguard ang anyo ng Arch of the Centuries na
nakapatong sa isang pedestal na may inskriptong baybayin na
nangangahulugang “400 taon.”
Tampok din ang mga larangan kung saan nangunguna ang
Unibersidad tulad ng sining, panitikan, agham, relihiyon, edukasyon,
at komunikasyon. Nabanggit din ang pagkakatatag ng Varsitarian
noong 1928 na luminang sa ilan sa mga Pambansang Alagad ng
Sining tulad nina Bienvenido Lumbera, F. Sionil Jose, at J. Elizalde
Navarro.
Ang “Witness to History” ay isang time line mula noong
panahon ng mga Espanyol hanggang sa pagdiriwang ng
Quadricentennial ng Unibersidad noong 2011. May anyo dito ng
isang libro na nakagapos sa katad na naglalaman ng Foundation Act
at plakang Lumina Pandit na pinanday ni Tony Noel sa Thiebaut sa
Eksibit PAHINA 5
Patnugot: Jan Dominic G. Leones
IKA-19 NG AGOSTO 2012
The
Varsitarian Panitikan
11
Rizalpabeto nina Vim Nadera at Elmer Borlongan
sa arte at letra
BILANG pagbibigay-pugay sa ika-150
anibersaryo ng kaarawan ng pambansang
bayaning si Jose Rizal, inihandog ng makata na
si Vim Nadera at ng tanyag na pintor na si Elmer
Borlongan ang isang eksibit na naglayong
maisalarawan ang katauhan ng isang man of
letters.
Tampok ng mga tula ang mga mahahalagang
tao at pangyayari sa buhay ni Rizal, habang
binihisan ni Borlongan ang 28 na letra ng wikang
Pilipino. At dahil sa pagsasama ng dalawang uri
ng sining—panitikan at pagpipinta—nailuwal
ang Rizalpabeto.
Isinalaysay ni Nadera, isang Tomasino
at premyadong makata at manunulat, ang
talambuhay ni Rizal sa pamamagitan ng mga
tanaga, awit, korido, at akrostiko.
Itinampok din sa Rizalpabeto ang ilang
talakayin ukol sa buhay ni Rizal gaya ng
kaniyang nobelang Tagalog na Makamisa, ang
Antala
MULA PAHINA 2
“Minsan ang nangyayari ay
hatinggabi o bago mag-hatinggabi pa
ito (suweldo) madedeposito,” aniya.
May mga pagkakataon din na
makukuha lamang ang naantalang
suweldo matapos ang labinlimang
araw, ani Jenalyn Francisco, propesor
sa Faculty of Arts and Letters.
“‘Pag sinabing delayed [ang
salary] ng June 15, understood na
ang salary mo na ‘nun is June 30 so
kailangan may savings ka,” aniya.
Nakaaapekto rin ang nasabing
problema sa paglaki ng buwis na
ibinabawas sa suweldo na kanilang
natatanggap, dagdag pa ni Francisco.
“Dahil sa nagipun-ipon ‘yung
salary mo, ‘yung tax mo ay malaki
kasi ang pagko-compute ng tax ay
ayon sa kung ano ang natanggap
[mong suweldo] that time,” aniya.
Sinabi ni Ngo na dapat agahan
ng Unibersidad ang distribusyon ng
suweldo upang maiwasan din ang
problema tulad ng pag-o-offline ng
ATM.
“They should have put the money
there earlier rather than wait for the
very last day,” ani Ngo. “They should
have allotted time to the faculty
members and the system should be
faculty-friendly and always consider
existing realities of ATMs.”
Rh bill
MULA PAHINA 3
Manalang, pangulo ng Pro-Life
Filipinas. “Masyadong pinagtutuunan
ng pansin ng DOH ang isa sa mga
pinaka hindi importanteng problema
ng mga babae.”
Ang DOH na mismo ang nagsabi
na sakit sa puso ang nangungunang
sanhi ng pagkamatay ng mga
kababaihan, batay sa datos noong
2005.
Ayon kay Imbong, kailangang
pagtuunan
ang
tunay
na
pangangailangan ng mga kababihan sa
kanilang pagbubuntis at kaligtasan sa
panganganak.
MDG goals nga ba?
Iginiit naman ni Bullecer na
ginagamit lamang palusot ng mga
pagbili niya ng isang loteng lupain sa Sabah, at
maging ang kontrobersiyal na paksa tungkol kay
Dolores, ang anak ni Vicente Abad kay Josephine
Bracken na ‘di umano’y tunay na anak ni Rizal.
Isinalarawan din ni Nadera ang ilang mga
prominenteng tao sa buhay ni Rizal gaya nina
Francisca, Gomburza, Josephine, Paciano, at
inang si Teodora Alonzo.
Kasama rin dito ang mga pook na may
kaugnayan sa kaniyang buhay tulad ng
Bagumbayan, Calamba, Dapitan, Hong Kong, at
Sabah, hanggang sa mga higit na komplikadong
tema gaya ng kaniyang kamatayan at ang
kondisyon ng Pilipinas matapos ang kaniyang
pagpanaw.
Sa istilo na ginamit ni Nadera upang
ipahayag ang mga pangyayari sa buhay ng bayani,
nabigyang linaw ang misteryosong buhay ni
Rizal. Nagsilbing tulong din sa mga mambabasa
ang mga iginuhit na larawan ni Borlongan upang
Sinang-ayunan ito ni Rene Tadle,
internal vice president ng USTFU, at
nagsabing dapat maging “consistent”
sa pagbibigay ng suweldo—ATM
man o tseke—dahil mahirap ito para
sa mga miyembro ng fakultad na may
mga agarang babayaran.
“The point is if 15th [day] falls
on a non-banking day, it should be
given earlier. [UST officials] should
be consistent with what is provided
for [in the CBA] because that’s the
spirit of agreement,” aniya.
Subalit
naniniwala
naman
si Tadle na matutugunan ito
kaagad ng pamunuan lalo na ni P.
Herminio Dagohoy, O.P., Rektor ng
Unibersidad.
“I trust in the sensitivity of
the Father Rector and [Fr.Roux]
that they can really attend to this
problem,” aniya.
Tumanggi namang magbigay
ng pahayag si Roux sa Varsitarian
ngunit ayon naman kay Wilma Orate,
payroll supervisor, “ay wala namang
pagkaantala sa suweldo.”
Noong
nakaraang
Enero,
nagpadala ng letter of complaint
si Tadle sa tanggapan ni UST
Comptroller Diomedes Yadao ukol
sa nasabing isyu kalakip na rin ang
pagkakaantala ng 13th month pay ng
mga propesor.
Sinagot naman ito ni Roux, sa
pagsabing tutugunan ang problema sa
pamamagitan ng paggamit ng ATM
facility sa pagbibigay ng suweldo.
tagasuporta ng RH bill ang mga layunin
ng Millennium Development Goals ng
United Nations upang ipatupad ang
administrative order.
Isa sa mga layunin ng MDG na
paunlarin ang kalidad ng maternal na
pangkalusugan. Nakasaad sa MDG
Goal 5 na dapat mabawasan ng tatlongkapat ang maternal mortality ratio, at
magkaroon ng universal access sa
reproductive health sa pagsapit ng
taong 2015.
Ngunit para kay Imbong, ang
MDG goals ay mananatili lamang na
isang suhestiyon.
“Is the Philippines, a sovereign
state, obliged to work out its
mechanisms if in doing so, national
interest—women’s health, family
strength, integrity of the marital bond,
personal privacy, human capital, right
to life, religious liberty, common good
will be compromised and trampled
upon?” aniya. “Clearly not.”
lalong mabigyan ng konkretong pagsasalarawan
ang mga tula ni Nadera.
Upang mas tangkilikin ng mga kabataan
ang kinagisnang mga istorya ng nakalipas,
ginamit nina Borlongan at Nadera ang istilo
na tinatawag na “Araliw”—ang pagsasanib ng
“aral” at “aliw.”
Lalo pang naging kapanapanabik ang araliw
dahil sa paggamit ni Borlongan ng makabagong
teknolohiya. Kung dati’y pintura at canvas
ang ginagamit ng isang pintor upang lumikha
ng larawan, iPad ang midyum na ginamit niya
upang bumuo ng obra na nababagay sa kritikal
na panlasa ng makabagong henerasyon. Sa
ganitong paraan, hindi lamang ang kabataan ang
naipakilala sa nakaraan, naipakilala rin si Rizal
sa kasalukuyan.
Isinalibro
Inilunsad kamakailan ang aklat ng eksibit
German
MULA PAHINA 2
what] we can assure is, [the program]
can [provide] what the industry
needs.”
Ayon kay Holger Manzke, bise
presidente ng German-Philippine
Chamber of Commerce and Industry,
hindi pa sapat ang edukasyon sa
Pilipinas sa larangan ng komersyo.
“The industry is complaining
of the education’s insufficient
integration of the industry [as]
the education system [here] is not
really having enough practice,” ani
Manzke sa orientation ng programa
na ginanap noong Agosto 16-17 sa
Thomas Aquinas Research Complex
Auditorium.
“Students should not only learn
theories in the school but also have
a good introduction to the work that
will they will later do in the company,”
aniya.
Ayon kay Dean Eduardo Ong,
tagapangasiwa ng edukasyon ng
Philippine Chamber of Commerce
and Industry, hindi natutugunan ng
Manalastas
MULA PAHINA 2
Sa kabila ng pagiging istrikto sa
trabaho, si Manalastas—kilala sa tawag
na “Ma’am Mitch”—ay inilarawan
ng kaniyang mga kawani bilang
isang malambing na tagapangasiwa.
Itinuring na rin siyang “guardian.”
“She’s a very strong person pero
sa likod noon ay isang sweet, caring, at
very supportive na boss. She’s also very
fair and just—she expects a lot from
your work pero ‘pag na-delay ‘yung
benefits mo, ipaglalaban niya talaga
Genetic
MULA PAHINA 13
Ayon naman kay Ramos,
ang human genome ay may
humigit kumulang tatlong bilyong
nucleobases, o ang molecules na
bumubuo sa DNA ng tao, na hindi
pa rin tiyak na natutukoy ng mga
eksperto hanggang sa ngayon. Ang
sa galeriya ng Center for Art, New Ventures, and
Sustainable Development (Canvas) sa Quezon
City noong Hulyo 20.
Para kay Nadera, ang bago sa libro ay ang
pagsasaletra ni Borlongan sa mga bagay na
nauukol kay Rizal, kaayon sa estilong artes y
letras noong panahon ng Kastila kung kailan
namayagpag ang pintor na si Jose Honorato
Lozano.
“Naging mabisa pang paggamit ni
Borlongan ang iPad sapagkat ‘in’ ito sa
kasalukuyang henerasyon,” ani Nadera.
“Sa paggawa nito, nagpugay siya hindi
lamang kay Rizal kundi pati na rin kina Jose
Honorato Lozano, sa kaniyang paggamit ng
letras y figuras, at kay Steve Jobs sa kaniyang
paggamit ng iPad,” ani Nadera. “Biswal ngayon
ang lengguwahe ng henerasyong ito. Kaya akma
ang ginawa ni Elmer.” Jon Christoffer R.
Obice at Sarah Mae Jenna A. Ramos
ilang mga unibersidad sa Pilipinas ang
pangangailangan ng industriya.
“[There is a lack of] immersion
of students to the industry, which
universities are not giving much
emphasis [on],” ani Ong sa
Varsitarian. “Trainings [should be]
in-depth and not just [devoted on]
clerical responsibilities.”
Ayon naman kay Nona Ricafort,
commissioner ng Commission on
Higher Education, ang kakulangan
sa mga pagsasanay ng mga magaaral ay maaaring maiugnay sa
paraan ng pagtuturo ng kurso sa mga
unibersidad.
“Ayon sa analysis [na isinagawa
ng komisyon], karamihan ng mga
course heavily relies on theories,”
ani Ricafort. “[But] this one (dual
study program) will be both heavy
on application and theories, which
is attuned to the demand of the
international market.”
Ang
dalawang
araw
na
orientation ay dinaluhan ni Eric
Swehla, pangulo ng iUCE; Clarita
Carillo, UST vice rector for academic
affairs and research; at mga kinatawan
ng iba’t ibang kumpanya sa Pilipinas
at sa Alemanya.
Kalbo
MULA PAHINA 15
nabigla dahil may nakapagsabi na
rin sa akin na talagang nagpapakalbo
kapag makapasok ka [sa line-up
ng Tigers]. Ngayon, mas lalo kong
naramdaman na Tiger na talaga ako,”
ani Garrido.
“Bagong buhok, bagong hamon”
naman ang ibig sabihin ng tradisyong
ito sa nagbabalik na si Aljon Mariano
na nagpagupit din ng ganitong estilo
ng buhok sa unang pagkakataon.
“Ang sabi ni coach (Jarencio),
ito ang identity namin. Iniisip ko na
lang na ‘pag nag-papakalbo na kami,
season na, mag-focus na, at dapat
maging handa na kami,” aniya.
Naging matagumpay si Mariano
sa kaniyang pagbabalik taglay ang 21
puntos at 13 rebounds nang manalo
noong Hulyo 19 ang UST kontra
Ateneo, 72-71, na siyang nagpatuldok
sa 12-game losing streak sa loob ng
halos limang taon.
‘yun,” ani Steve Moore, marketing
assistant ng OFAD. “She’s more than
a boss to us, she’s also a very loving
mother.”
Isang taon siyang nakipaglaban
sa kaniyang karamdaman ngunit sa
kabila nito ay hindi pa rin siya tumigil
sa paglilingkod sa Unibersidad,
dagdag ni Moore.
Ang mga labi ni Ma’am Mitch
ay ibinurol sa Arlington Memorial
Chapels sa Sta. Mesa, Manila at
inihimlay sa Manila North Cemetery
noong Agosto 17. Isang Banal na
Misa rin ang idinaos para sa kaniya, na
pinagunahan ni P. Herminio Dagohoy,
O.P., Rektor ng Unibersidad.
‘Kalbong Tomasino’
Bagaman naging katangi-tangi
na ang Tigers sa pagsisimula ng
kanilang kampanyang pagpapakalbo
sa nakaraang anim na taon, hindi
naman mawawaring ang Yellow
Jackets (YJ), ang opisyal na pep
squad ng Unibersidad, ang unang
nagkaroon ng pagkakakilanlan bilang
kalbong Tomasino.
Ayon kay Donn Alicante,
pangulo ng YJ noong 2006, matagal
nang tradisyon sa kanilang grupo
ang pagpapakalbo na nagsimula pa
noong dekada ‘90. Tulad ng Tigers,
“pagkakaisa” at “pagkakatulad”
ang sinisimbolo nito sa kanilang
samahan.
“Ito ang bagay na nagpapaiba sa
amin sa ibang pep squads sa UAAP,”
ani Alicante.
pagtukoy sa kumpletong sequence
ng genes ng mga Homo sapiens ay
maaaring magbigay ng iba’t ibang
impormasyong makatutulong sa
pag-unlad ng kaalaman sa biology,
antropolohiya, at maging sa medisina.
Ang mga nucleobases ay mga
molecules na bumubuo sa DNA ng
mga tao.
Upang tugunan ang suliraning ito
ng mga biologist, isang proyektong
naglalayong tukuyin ang kumpletong
sequence ng genome ng mga tao ang
pinangunahan ng National Institute of
Health ng Amerika na tinatawag na
Human Genome Project.
“In 2001, the draft of the entire
human genome was presented to the
public and the annotated sequence
(the properly analyzed DNA sequence)
was finished in 2003,” ani Ramos.
Sinabi rin niya na ang aplikasyon
ng proyektong ito sa pag-aaral ng
antropolohiya ay maaaring maging
gabay sa pagtuklas ng pinagmulan ng
iba’t ibang uri ng populasyon.
12 Pintig
The Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Patnugot: Gervie Kay S. Estella
Tunay na reporma ang kailangan
‘Responsible parenthood’ hindi sagot sa edukasyon
Ni GRACELYN A. SIMON
PINABULAANAN ng mga dalubhasa
ang pahayag ng Pangulong Benigno
“P-Noy” Aquino III sa kaniyang
ikatlong State of the Nation Address
(Sona) noong Hulyo 23 na responsible
parenthood
ang
solusyon
sa
problemang pang-edukasyon ng bansa.
“Maaari nating ireporma ang
edukasyon nang hindi kinokontrol
ang populasyon,” ani Carlos Manapat,
propesor ng Economics sa Faculty of
Arts and Letters.
Samantala, sinabi naman ni Dr.
Ma. Salve Olalia, direktor ng UST
Health Service, na magkakaroon
lamang ng pagbabago sa edukasyon
kung mabibigyan ng sapat na pondo
ang mga pangangailangan ng mga
mag-aaral.
“Ang tunay na reporma sa
edukasyon ay dapat itutok sa mga
sumusunod: pagtaas ng suweldo ng
mga guro, pagsuporta sa kanilang
masteral at doctoral studies, pagtustos
ng mga aklat at iba pang teaching
aids, pagpapatayo ng mga matitibay at
maaayos na mga gusali ng
paaralan, at pagbibigay
ng scholarships sa
mga nararapat na
mag-aaral,”
ani
Olalia.
Ipinangako
ni Aquino sa
kaniyang
SONA na matutugunan ng pamahalaan
ang kakulangan ng aklat at upuan sa
mga paaralan bago matapos ang taong
ito.
“Sana nga po, ngayong paubos
na ang backlog sa edukasyon, sikapin
nating huwag uling magka-backlog
dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin
ko po, responsible parenthood ang
sagot dito,” ani Aquino.
Ayon kay Dr. Edna Monzon,
pangulo ng Catholic Physicians’ Guild
of the Philippines, ang Reproductive
Health (RH) bill ay katumbas ng
Responsible Parenthood bill.
“Nung
binanggit
[ni
Aquino] ‘yun sa SONA, sinabi
niya na ang ineendorso niya ay
ang responsible parenthood. [Ito ay]
nangangahulugan na hindi niya alam na
ang panukalang batas na iyon ay ang
RH bill,” ani Monzon. “Maliwanag
sa sinabi ni Risa HontiverosBaraquel at ni Pia Cayetano na
ang
Responsible
Parenthood
bill na binanggit ni P-Noy ay ang RH
bill.”
Idinagdag ni Olalia na pinalitan
ang tawag sa RH bill upang ito ay
maging katanggap-tanggap sa mga
tumututol dito.
Habang ang Simbahan ay
laban sa RH bill, patuloy nitong
pinanghahawakan ang isinasaad
ng encyclical na Humanae Vitae
(Of Human Life) na mula kay Pope
Paul VI ukol sa pagpapahalaga
sa buhay ng isang tao. Ito ay
kumokondena sa artipisyal
na birth control sapagkat
nilalabag nito ang batas ng
moralidad.
Samantala, sinabi ni P. Dave
Clay, assistant executive secretary ng
Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines-Episcopal Commission on
Family and Life, na ang paninindigan
ng Simbahan laban sa RH bill ay
naaayon
sa pag-aaral ng mga
dalubhasa sa edukasyon, ekonomiya,
at kalusugan.
“Nagkakamali sila kung sinasabi
nila na walang kaugnayan ang
ekonomiya sa pananampalataya,”
ani Clay. “Hindi kami naniniwala [na
makatutulong sa bansa ang] RH bill.
Hindi mabuti ang maidudulot nito
sa bansa, kung kaya kinakausap at
ipinakikita namin sa mga kongresista
ang mga nangyayari, ngunit ayaw
nilang makinig.”
Idinagdag pa ni Clay na ang
malaking bilang ng mga kabataan,
kapag nabigyan ng tamang edukasyon,
ay ang makapagpapatatag ng
ekonomiya ng bansa at ang pagdami
ng kabataan sa mga silid-aralan ay
hindi nangangahulugang ang bansa ay
“overpopulated.”
Kahalagahan ng populasyon sa
ekonomiya
Malaki rin ang maitutulong ng
populasyon sa pag-unlad ng Pilipinas,
ani Olalia.
“Pilit kasi nilang isinisisi ang
pagdami ng mga isinisilang na Pilipino
sa paghihirap ng bayan. Ang tao ay
human resource—malakas na puwersa
kapag nabigyan ng angkop na suporta
sa pangangailangan,” ani Olalia.
Sinabi naman ni Manapat na
ang mga kabataang may 0 hanggang
21 taong gulang ay nasa dependency
stage pa lamang, ngunit pagdating nila
sa edad 21 pataas ay maaari na silang
makapaghanapbuhay, at makapagbigay
ng malaking kontribusyon sa net factor
income ng bansa.
“Sila ang tanging dahilan kung
bakit mayroon tayong positibong
Gross National Product (GNP). Kung
kukulangin tayo sa populasyon,
imposible na magkaroon tayo ng
positive GNP,” ani Manapat. “Hindi
masosolusyunan ang kahirapan sa
pagpapaalis ng mga mahihirap dahil
mayroon pa ring kahirapan kahit na
‘Ngayong paubos na ang backlog sa
edukasyon, sikapin nating huwag
uling magka-backlog dahil sa
dami ng estudyante. Sa tingin ko
po, responsible parenthood ang
sagot dito’
- Pangulong Aquino III
kakaunti ang populasyon.”
Ipinaliwanag ni Monzon na
kasalukuyang nakararanas ng mga
problemang pang-ekonomiya ang mga
bansang may laganap na birth control.
“Buksan n’yo ang inyong
mga
mata
at
tingnan
ang
nangyayari sa Amerika at sa
Europa na nag-population control
noong araw pa. Ngayon wala na silang
masyadong mga kabataan at mas
marami na [ang] matatanda kung
kaya dumaranas sila ng economic
recession,” ani Monzon.
Para kay Olalia, katiwalian ng
ilang opisyal sa pamahalaan ang pinaguugatan ng kahirapan sa bansa, at hindi
ang malaking bilang ng populasyon.
“Ang RH bill ay hindi sagot sa
mga problemang pangkalusugan at
kahirapan. Lahat ng probisyon ng bill
na ito na nasa batas na natin—katulad
ng maternal and child health—
ay kailangan lang pondohan ng
gobyerno,” ani Olalia. “Ang problema,
walang pondo dahil nawawala sa
corrupt practices ng ilang mga
nasa katungkulan sa pamahalaan na
naliligaw ng landas.”
Ani Monzon, hindi
ang bilang ng anak ang
kailangang pagtuunan ng
pansin ng pamahalaan,
kung
hindi
ang
pagbibigay sa mga
magulang ng trabaho o
mapagkakakitaan.
‘Maaari nating ireporma ang
edukasyon nang hindi
kinokontrol ang populasyon’
- Carlos Manapat, propesor ng
Economics
kuha ni JAIMe T. CAMPos
Website para kay Calungsod, inilunsad
Ni DENISE PAULINE
P. PURUGGANAN
ISANDAANG araw bago ang
kanonisasyon ni Beato Pedro
Calungsod sa Oktubre 21,
naglunsad ang Simbahan ng
isang website upang alalahanin at
gawing huwaran ng mga kabataan
ang kaniyang buhay.
Sa
pamamagitan
ng
proyektong The Big Move:
100 Days to the Canonization
of Blessed Pedro Calungsod,
inilunsad ng Arsobispo ng
Maynila Luis Antonio Tagle at
ng National Commission on the
Canonization of Blessed Pedro
Calungsod, ang website na www.
sanpedrocalungsod.com sa First
Catholic Social Summit sa lungsod
ng Marikina noong Hulyo 14.
Makikita sa website ang mga
balita, feature articles, blogs, at
mga multimedia materials tulad ng
mga larawan, videos, at podcasts
tungkol kay Calungsod. Kabilang
din ang isang countdown clock
na naglalahad ng mga natitirang
sandali bago ang kaniyang
kanonisasyon.
Sa
pinadalang mensahe sa Varsitarian,
sinabi ni Nirva Delacruz, isa
sa mga bumuo ng website, na
kinakailangang gumamit ng isang
portal na magpapakita ng pagunlad sa pagpapalaganap ng buhay
ni Calungsod.
“We need to move with the
times. We need to stop preaching to
the choir and start bringing relevant
example to all people. The Internet
helps us to do that,” ani Delacruz,
kasapi ng grupong Youth Pinoy.
Ang Youth Pinoy ay isang
online na komunidad ng mga
kabataang Katoliko na nakatuon sa
ebanghelismo at value-formation.
Matatagpuan din sa website
ang links sa Facebook fan
page
(www.facebook.com/
FilipinoSaintPedroCalungsod)
at
Twitter
account
(www.
twitter.com/@SPCalungsod)
na
naglalaman ng mga balita ukol sa
Pilipinong beato.
Ayon sa website, ipinanganak
si Calungsod sa Cebu noong
1655. Siya ay 14 na taong gulang
nang mapiling makasama ng mga
Heswitang pari sa kanilang misyon
sa Isla ng Ladrones, tinatawag na
ngayong Isla ng Marianas.
Nagtungo rin si Calungsod
at si Diego Luis de San Vitores
sa Guam upang binyagan
ang mga katutubong
Chamorro at naging
mga Katoliko sila. Sa
kabila ng dinanas nilang
hirap ay nakapagbinyag
pa rin sila ng maraming
mamamayan.
Nagpunta
sila
Calungsod at San Vitores
Calungsod
PAHINA 14
retrato mula sa GooGLe IMAGes
‘Bagong ebanghelismo’ para sa nawawalan
ng pananampalataya, isinusulong ng Simbahan
Ni DENISE PAULINE P. PURUGGANAN
BILANG paghahanda sa ika-500 taong anibersaryo ng
Katolisismo sa bansa sa darating na Marso 16, 2021, ang
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay
naglabas ng isang pastoral letter na tumatalakay sa “panahon
ng bagong ebanghelismo.”
“Ang bagong ebanghelismo ay higit nararapat sa mga
taong nawalan na ng pananampalataya, at sa mga nagmula sa
mga Simbahan sa mga tradisyunal na bansang Katoliko, lalo
na sa Kanluran,” ani Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo
ng CBCP, sa kaniyang pastoral letter noong Hulyo 18.
Binuo ni Pope Benedict XVI ang isang pontifical
council sa bisa ng motu proprio, Ubicumque et semper, upang
maipalaganap ang bagong ebanghelismo. Ayon sa Santo
Papa, tungkulin ng Simbahan na ipalaganap nang palagian
at kahit saan man ang mga Mabuting Balita ni Hesukristo.
Naniniwala rin siyang magiging Kristiyano ang mga nasyon
kung saan laganap ang sekularisasyon.
Libelo
MULA PAHINA 2
tungkol sa pagsisiyasat sa nawawalang pondo ng unyon ay
naglalaman umano ng “faulty thinking.”
“The CoP report made against me, Mr. Garcia, the
following malicious conclusions culled from its findings
of facts that were not based on evidence and some were
simply faulty thinking,” ayon sa complaint-affidavit nina
Garcia at Melegrito. “Concerning Engr. Melegrito, the CoP
made conclusions against him that are partly not based on
evidence and partly based on faulty and wishful thinking.”
Tumanggi naman na magbigay ng pahayag sina Garcia
at Melegrito ukol dito dahil sa sub judice rule na nagsasaad
na maaari silang masipi “for contempt for discussing the
merits of the case while it is pending.”
Dagdag din ng complaint-affidavit nina Garcia: “The
one-two punch of respondents, Arenas and Nierra is for the
purpose of supporting the CoP and Atty.[Jose] Ngo’s theory
that Mr. Garcia supplied or produced the certificates of
placement, which is a blatant lie.”
Itinanggi naman nila Nierra na sinusuportahan nila ang
Bilang pagdiriwang ng panahon ng bagong
ebanghelismo,
tinalakay ni Palma ang ilang
makasaysayang pangyayari simula nang dumating ang
Katolisismo sa bansa, kasama na ang unang Banal na
Misa sa Isla ng Limasawa, at ang pagpapabinyag ni Rajah
Humabon at ng kaniyang asawang si Harsa Amihan noong
1521. Sa parehong taon, ibinigay ni Ferdinand Magellan
kay Rajah Humabon ang Santo Niño de Cebu—ang
pinaniniwalaang pinakamatandang imahen ng relihiyong
Katoliko sa bansa.
“Sa harap ng katotohanan na bilyong tao ng panahong
ito ang nabuhay at hindi tunay na natagpuan si Hesus, at
hindi nakapakinig ng Kaniyang Salita, tayo ay hinahamong
tuparin ang layunin ng bagong ebanghelismo,” ani Palma.
Idinagdag ni Palma na nilalayon ng Simbahan na
gumamit ng mga “bagong pamamaraan para sa mas
epektibong pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.”
Ebanghelismo PAHINA 5
ulat ng CoP at ang hiwalay na ulat ni Ngo.
“Wala naman kaming malice dyan,” aniya. “If it is
libel, there was malice and there was a publication so
paano naman kami magiging in charge sa publication na
‘yung result ng interview ng CoP is a confidential thing.”
Tumanggi rin magbigay ng pahayag ang pinuno
ng CoP na si Bautista upang maiwasan ang legal
complications, samantalng sinusubukan pang kunin ng
Varsitarian ang pahayag nila Bernal.
Matatandaang noong Marso 21 ng nakaraang taon,
ibinasura ang reklamong libelo ni Gamilla sa Quezon
City Prosecutor’s Office laban sa siyam na dating opisyal
ng unyon dahil sa “lack of probable cause.” Inapila ito ni
Gamilla sa Department of Justice.
Tumanggi rin si Gamilla na magbigay ng pahayag sa
Varsitarian dahil na rin sa sub judice rule.
Noong Enero 2010, inakusahan ng Fidelity Group
sina Gamilla at Garcia ng illegal disbursement sa property
developer ng Saturn Resources, Inc., na naging dahilan
ng pagrereklamo ng libelo ni Gamilla.
Samantala, naghain naman ng reklamo si Gamilla
sa Quezon City Prosecutor’s Office laban kay Mario
Villamor, pangulo ng Saturn Resources, Inc. noong Peb.
17, 2009.
Patnugot: Nigel Bryant B. Evangelista
IKA-19 NG AGOSTO 2012
The
Varsitarian Agham
‘Genetic mapping’: Saan
nga ba nagmula ang Pinoy?
Ni GIULIANI RENZ G. PAAS
SAAN nga ba talaga nagmula
ang lahing Pinoy?
Sa pagdating ng iba’t
ibang grupo ng mga taong
namalagi sa Pilipinas ilang
libong taon na ang nakararaan,
naging mas kumplikado ang
paglutas sa palaispan kung
saan nanggaling ang mga
ninuno ng mga kasalukuyang
Pilipino. Ngunit ayon sa isang
dalubhasa, makasisiguro ang
lahat ng mga Pilipino, maging
ang ibang populasyon sa
buong daigdig, na kabilang sila
sa mga “mestizo” dahil sa iisa
nilang pinagmulan.
Ito ang kinumpirma ng
Espanyol na biologist na si
Antonio
Gonzalez-Martin
sa
isang
kumperensyang
pinamagatang Todos Somos
Mestizos (We Are All Mixed)
noong Hulyo 24 na ginanap sa
Instituto Cervantes de Manila.
Layon ng talakayan na
ipaliwanag ang pag-aaral ni
Gonzalez-Martin na nakatuon
sa pagtuklas ng iba’t ibang
katangiang makikita hindi
lamang sa pisikal na anyo,
ngunit pati na rin sa genes ng
mga Pilipino.
Nais din ni GonzalezMartin na liwanagin ang
maling konsepto ng “lahi”—
isang salitang nagdudulot ng
diskriminasyon sa pagitan ng
mga tao sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
Sa kaniyang pag-aaral
na pinamagatang Topogenetic
Atlas of the Philippines,
kaniyang pinangunahan ang
paggawa ng genetic map ng
Pilipinas. Ayon pa sa biologist
na isa ring propesor sa
Universidad Complutense de
Madrid sa Espanya, ang isang
kumpletong genetic map ay
makapagbibigay-linaw kung
saan nagmula ang ating mga
ninuno, kabilang na rin ang
kanilang genetic mix.
Sa genetic mix makikita
ang mga pisikal, maging ang
mga genetic na katangian,
ng mga Pilipino na may
pagkakahalintulad sa genes
ng mga taong naninirahan sa
mga kalapit-bansa sa TimogSilangang Asya.
Ayon kay GonzalezMartin,
ang
pag-usbong
ng populasyon ng mga
Homo sapiens ay nagsimula
sa kontinente ng Aprika
mga 200,000 taon na ang
nakalilipas.
“What we find in Africa
back then is a small group of
people. Isolated populations
also existed, while the rest of
the continent is uninhabited,”
aniya.
Makaraan ang ilang libong
taon, ang mga taong kabilang
sa sinaunang populasyong ito
ay naglakbay mula Aprika
patungo sa iba’t ibang bahagi
ng mundo. Sinasabing kasabay
ng migrasyon ng 120,000
taon na ang nakakaraan ang
pagkakaroon ng unti-unting
pagbabago sa genes ng mga
tao.
“Some of the population
moved around the world
by going in the direction of
Southeast Asia first, then to
Australia. Some also went to
Papua New Guinea, Europe,
and to America. During this
period, slight genetic variations
within these population,” ani
Gonzalez-Martin.
Nasundan
ang
pangyayaring ito ng marami
pang serye ng migrasyon,
hanggang
maglakbay ang
populasyon ng mga Homo
sapiens sa bansang Taiwan
patungong Pilipinas.
“So 6,000 to 8,000 years
ago, the rice [fields] started
to be cultivated and there was
a demographic expansion
wherein more people came to
the Philippines from Taiwan.
These populations became
genetically different,” aniya.
Idinagdag pa ni Gonzalez-
Martin na may panibagong
populasyon ng mga tao ang
naglakbay sa bansa mula
Malaysia. Patuloy ang naging
pagdating ng mga imigrante,
tulad ng mga Tsino at Hapon,
na lalo itong nakaimpluwensya
sa paghahalu-halo ng mga
populasyon.
Genetics bilang tulay sa
nakaraan
Ang
pag-aaral
ni
Gonzalez-Martin ay nakabatay
hindi lamang sa pagsusuri
ng mga fossils mula sa iba’t
ibang bahagi ng bansa, bagkus
kasama na rin ang pagkuha ng
deoxyribonucleic acid (DNA)
samples mula sa laway ng iba’t
ibang tao sa Pilipinas.
Ang
DNA
ang
nagtataglay ng iba’t ibang
genetic
instructions
na
nakakaimpluwensya sa mga
anyo ng bawat organismo
at nangangasiwa sa mga
katangiang maaaring manahin
ng isang supling mula sa
kaniyang mga magulang.
Ipinaliwanag ni GonzalezMartin na isang mahalagang
batayan ng ebolusyon ang
fossils ngunit genetics pa
rin ang makapagsasabi at
makapagbibigay ng tiyak na
detalye kung paano nagkaroon
ng ebolusyon at paghahalo
ng populasyon sa pagitan ng
mga unang taong nanirahan sa
bansa.
“We use genetics because
it’s actually based on basic
[scientific] principles. Cells are
easier to observe because they
have the same composition,”
aniya.
Sa cells ng tao makikita
ang mga genes na nagtataglay
ng DNA. Sa pag-aaral na ito,
sinuri ni Gonzalez-Martin ang
mitochondrial DNA, isang uri
ng DNA na makikita lamang sa
cell ng babae.
Ayon naman kay John
Donnie Ramos, assistant dean
ng College of Science, madalas
ginagamit ang mitochondrial
DNA dahil ito ay mas “stable”
sa pagdaan ng maraming
henerasyon kumpara sa ibang
uri ng DNA na nagkakaroon
ng samu’t saring paghahalo sa
pagitan ng genetic material ng
mga magulang.
“When the sperm cell and
the egg cell unite, it’s only the
genetic material of the sperm
cell that enters the egg through
the cytoplasm,” ani Ramos, na
isa ring propesor ng biology
sa College of Science. “Its
implication in genetics is that
the genetic material present
in the mitochondria [of the
mother] is never combined
with a genetic material of the
father.”
Idinagdag
pa
niya,
walang bagong impormasyong
nadagdag sa genetic material
ng mitochondrial DNA na
maaaring makaimpluwensya
sa pagbabago ng katangian ng
genes.
“It is something unique to
the parents [and] to the lineage
of a [particular] person.
It is a pure DNA sequence
coming from way back to an
organism’s origin which makes
it useful in studying taxonomy
and evolution,” ani Ramos.
Samantala, batay naman
sa mga paunang resulta ng
pag-aaral ni Gonzalez-Martin
sa mga samples ng laway na
sinuri, makikitang mayroong
malaking
porsiyento
ng
pagkakahawig ang genes
ng mga Taiwanese at mga
Pilipino, habang ang genes
naman ng mga Malaysian ay
nagtataglay lamang ng maliit
na porsiyento.
Ayon pa kay GonzalezMartin, sa kasalukuyan ay
wala pa ring nakikitang mga
patunay na makapagsasabing
naimpluwensyahan ng mga
Europeo ang genes ng mga
Pilipino, ngunit mayroon pa
at Teknolohiya 13
ring posibilidad na makahanap
ang biologist ng relasyon sa
genes ng dalawang populasyon
matapos niyang pag-aralan ang
paternal lineage.
‘Mestizo’ tayong lahat
Binigyang-diin
ni
Gonzalez-Martin na hindi
kinikilala sa biology ang
konsepto ng “lahi” sapagkat
nagmula ang lahat ng tao sa
iisang species at ito ang Homo
sapiens, ang itinuturing na
pinakamataas na uri ng hayop.
Ang mga nasuring DNA
samples ay nagtataglay lamang
ng kaunting mga pagkakaiba na
makapagsasabi ng pinagmulan
sa bawat populasyon ng tao at
hindi sapat ang mga ito upang
sabihing magkakaiba ang
bawat lahi ng mga tao.
“We are basically a
species which are always
mixed. The genetic differences
between the races are not
so many and we distinguish
races because of political and
social point of view but from a
biological point of view, these
differences are not really big,”
ani Gonzalez-Martin.
Nilinaw din ni GonzalezMartin na ang lahat ng tao ay
maaaring matawag na mestizo
sapagkat ang mga katangian
ng DNA na sumasalamin
sa pisikal na anyo ay buhat
ng
pagkakahalu-halo
at
interaksyon ng iba’t ibang
populasyon ng mga sinaunang
tao.
“There
are
slight
differences that allow us to
look at our history but they are
not that big to classify humans
according to the race,” aniya.
Sa
pag-usbong
ng
makabagong
teknolohiyang
makatutukoy sa anyo ng
genes ng mga tao, mas naging
madali para sa mga siyentipiko
ang pagsasagawa ng mga
kaukulang hakbang sa pagalam ng kaugnayan ng iba’t
ibang populasyon ng tao sa
bawat isa. Sa pagsusuri ni
Gonzalez-Martin sa genome
ng tao, kaniyang nadiskubre
ang mga populasyong may
magkakahawig na genes.
Genetic PAHINA 11
Ibinahagi ni Antonio Gonzalez-Martin, isang Espanyol na "biologist,"
ang kaniyang pag-aaral tungkol sa maaaring pinagmulan ng lahing
Pilipino.
kuha ni JAIMe T. CAMPos
Madalas na pag-inom ng ‘energy drinks,’ delikado para sa katawan
Ni ALTIR CHRISTIAN D. BONGANAY
IPAGBABAWAL din kaya ang pagbebenta ng
energy drinks sa Pilipinas?
Sikat man ang mga ito sa mga mag-aaral
bilang pantanggal ng antok habang nag-aaral,
nagbabala ang mga eksperto na ang labis na
pagkonsumo ng energy drinks ay makasasama sa
kalusugan.
Ang energy drinks ay mga inuming
nakapagdadagdag ng pisikal na lakas at
nakatutulong na gawing mas listo ang isipan.
Ayon sa isang pag-aaral na inilathala
ng Royal College of Psychiatrists, direktang
naaapektuhan ng energy drinks ang central
nervous system (CNS) at cardiac muscles ng
ating katawan.
Ang CNS ay responsable sa pagsasamasama ng mga impormasyon na ipinapadala ng
iba’t ibang parte ng katawan at nagtutugma
ng mga gawa at kilos ng tao, samantalang ang
cardiac muscles naman ang responsable sa
pagtibok ng puso.
Bagaman ang mga inuming ito ay
nagbibigay ng mga nabanggit na pansamantalang
epekto, may mga pananaliksik na naglalahad
na ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring
magdulot ng pinsala sa kalusugan.
Ayon sa isang pananaliksik ng University
of North Texas (UNT), hindi lamang pagtaas ng
presyon ang posibleng maging epekto ng labis na
pag-inom nito dahil maaari rin itong magdulot
ng sakit ng ulo, mabilis na pagtibok ng puso,
pagsusuka, at insomnia—isang kondisyon kung
saan nahihirapan sa pagtulog ang isang tao.
Ang mga karamdamang ito ay maaaring
epekto ng labis na pagkonsumo ng caffeine na
siyang pagunahing sangkap ng energy drinks.
Ang caffeine ay isang mapait na chemical
compound na nagsisilbing stimulant na
pansamantalang nagpapalakas ng katawan at
isipan. Ito ay karaniwang natatagpuan sa buto ng
kape at dahon ng tsaa.
Isinasaad din sa pag-aaral na ang dami ng
mga inumin na kinokonsumo sa isang araw ng
isang tao ay dapat mas mababa sa 300 miligramo
o katumbas ng tatlong tasa ng kape.
Base sa mga datos ng naturang pag-aaral,
mayroong mga energy drinks na doble ng sa
kape ang dami ng caffeine, bagaman mayroon
din namang sapat lamang ang dami.
Masamang kombinasyon
Sinang-ayunan ni Cristina Sagum,
tagapangulo ng Department of Nutrition and
Dietetics ng College of Education, ang mga pagaaral na maaaring magdulot ng “alta-presyon”
ang labis na pag-inom ng energy drinks.
“Hindi maganda sa katawan ng
tao kapag sumobra ang pag-inom,
lalo na para sa mga [atleta]
dahil ang mismong laro
ay nakapagpapabilis
na ng heart rate, higit
pa kung sasamahan ito
ng pag-inom ng energy
drink,” aniya.
Idinagdag pa niya na
hindi rin makabubuti sa
katawan ang pagkonsumo
ng energy drinks bilang
sports drink.
“Hindi maganda dahil
ito (energy drink) ay may
dehydrating effect. Hinihila nito ang electrolytes
mula sa katawan ng tao,” ani Sagum.
Binigyang-linaw din niya ang pagkakaiba
ng energy drinks sa sports drinks sa pamamagitan
ng pagtukoy ng mga pangunahing sangkap ng
bawat isa.
“Ang pangunahing sangkap ng mga energy
drinks ay caffeine na nagsisilbing energy booster
dahil pinapanatili nitong gising at listo ang taong
uminom nito,” ani Sagum. “Samantala, ang
sports drink naman ay iniinom ng mga taong
aktibo sa pampalakasan.”
Naaapektuhan ng electrolytes, mineral
sa dugo ng tao, ang antas at dami ng tubig sa
katawan. Labis na pagpapawis ang kadalasang
sanhi ng pagkawala nito.
Nagbabala rin si Sagum na hindi magandang
pagsabayin ang pag-inom ng energy drink at alak.
“Magkasalungat ang epekto ng dalawang
inuming ito. Ang mga alak ay nagsisilbing
depressant, samantalang stimulant naman
ang ganap ng energy drinks,” aniya.
Pinabababa at pinababagal ng
mga depressants ang takbo ng
isipan at katawan ng taong
uminom nito, habang
kabaligtaran
naman
ang ginagawa ng isang
stimulant.
Ayon
sa
Office
of Alcohol and Drug
Education ng University
of Notre Dame, ang
kombinasyon ng alak at
caffeine ay nagdudulot ng
hindi pagkaramdam ng pagod,
kaya naman may posibilidad na ang
taong umiinom ay lumagpas sa ligtas na lebel at
dami ng alkohol na maaaring ikonsumo.
Nilinaw din ni Sagum na ang mga energy
drinks ay nakapagdadagdag lamang ng pisikal
na lakas at hindi maituturing na isang dietary
supplement.
“Ibinibigay ng dietary supplements ang mga
kulang na sustansiya sa mga kinakain ng isang
tao. Hindi ito (energy drink) maaaring maging
supplement kung wala ito ng mga sustansiya na
kailangan ng katawan ng tao,” aniya.
Dahil sa ilang pananaliksik kung saan
napag-alaman na negatibong naaapektuhan ang
konsentrasyon ng mga mag-aaral sa klase, may
ilang mga paaralan sa England at Mexico ang
nagsulong na ipagbawal ang pagbebenta ng mga
inuming ito sa mga mag-aaral. May ilang energy
drinks na rin ang ipinagbawal sa Germany,
France, Norway, Uruguay, at Denmark.
Sa Pilipinas, may isang tatak ng energy
drink ang ipinagbawal dahil sa hinalang nagiging
sanhi ito ng pagkabaog ng mga lalaki.
Samantala, sinabi ni Sagum na uminom
lamang nito kapag kailangan, bagaman maaari
namang makuha ang mga benepisyo na ninanais
sa pamamagitan ng malusog na sistema ng
pamumuhay.
“Kailangan magkaroon ng balanse sa
pagkain. Ito ay naglalaman ng mga pagkain na
mayaman sa protina, tulad ng kanin at karne.
Kailangan din ito sabayan ng pagkain ng prutas
at gulay pati ng pag-inom ng maraming tubig,”
aniya.
Kasama ng tamang nutrisyon, inirekomenda
rin ng UNT ang pagtulog sa tamang oras at pageehersisyo bilang ilan sa mga natural na paraan
upang palakasin ang katawan.
14 Buhay Tomasino
The Varsitarian IKA-19 NG AGOSTO 2012
Patnugot: Angelica Gabrielle O. Navarro
Hala! Baha na naman sa Uste! Tulungan n'yo namang makauwi nang ligtas si Tomas U. Santos. Umusad
sa bawat kuwadrado gamit ang pamato. Ang numerong lilitaw sa dice ang bilang ng igagalaw mo. Ingat!
Gamilla
MULA PAHINA 1
sa kopya ng complaint-affidavit na
nakalap ng Varsitarian.
Iginigiit din ng USTFU na
nagsagawa umano sina Garcia at
Melegrito ng illegal appropriations
ng pondo bilang bahagi ng kanilang
personal loans, na walang permiso
mula sa mga miyembro ng unyon.
“The second type [of the
complaint] is the illegal appropriation
of respondent Dr. Gamilla of the
Union funds in the total amount of
P1,393,509.20 as his personal loans
without the knowledge or permission
of the union with the indispensable
participation of the other respondent
officers Mr. Gil Garcia and Engr.
Melegrito,” dagdag pa sa complaintaffidavit.
Ayon pa sa reklamo, walang
karapatan ang panig ni Gamilla na
aprubahan ang pagbibigay ng pera
kay Villamor.
“While the records show some
of the amounts have been paid, the
point is that respondents Dr. Gamilla,
Gil Garcia and Engr. Melegrito had
no authority to allow the release of
these amounts for the personal benefit
of respondent Dr. Gil Gamilla,” ayon
sa complaint-affidavit. “Clearly,
the release of money was only made
possible because of their positions in
the USTFU.”
Pinirmahan din umano ni
Modesto ang mga kopya ng placement
certificates na hinihinalang nagmula
sa WISE CITCO.
“These certificates were never
officially received by USTFU. They
don’t bear the stamp of USTFU to
indicate that they go through the
official process,” ayon sa complaint-
Calungsod
MULA PAHINA 12
sa Tumon, Guam upang ipagpatuloy
ang kanilang misyon. Gayunman,
sinugod sila ng ama ng isa sa mga
batang kanilang bininyagan noong
Abril 2, 1672, dahil sa paniniwala
na ang mga Chamorrong nabinyagan
ay mamamatay. Ang ideyang
ito ay nagmula sa isang Tsinong
mangangalakal na nagngangalang
affidavit.
Ani Asiones sa Varsitarian,
mahirap na desisyon ang pagsampa ng
kasong kriminal laban kay Gamilla.
“The Board tried hard and
exhausted all possible amicable and
intra-union mechanisms to forge an
amicable settlement but to no avail,”
aniya. “We believe that this would be
fair to Dr. Gamilla because he would
be given the opportunity to formally
refute the allegations against him.”
“This matter has divided and
weakened the Union and we hope that
with the intervention of an impartial
court, the truth would come out
and this would usher in the healing
process for the Union and put closure
to this issue,” dagdag niya.
Ayon naman kay Jose Ngo, Jr.,
bagong halal na board director ng
unyon, mas mabigat ang nasabing kaso
kaysa simpleng theft o pagnanakaw
lamang.
“They have to undergo the
due process of being [under]
rehabilitation, para i-improve ‘yung
character nila as individuals,” ani
Ngo. “Iyon naman ang purpose ng
correctional, para baguhin ‘yung
pagkatao mo at hindi ka na uulit [sa
pagkakamali mo],” ani Ngo.
May
mas
mabigat
na
karampatang parusa ang qualified
theft kumpara sa simpleng kaso ng
pagnanakaw lamang, ayon sa Revised
Penal Code (RPC).
Samantala, ayon kay Reynaldo
Reyes, USTFU vice president for
grievance and complaints, ang
kasong isinampa laban kina Gamilla
ay magiging “daan sa pagkamit
ng hustisya at maitama ang mga
kaguluhang naganap sa unyon.”
“Let us not look at [the case filed]
as a form of vengeance but rather
simply justice, and justice is good for
all,” ani Reyes.
Sinabi rin ni Emerito Gonzales,
dating board director ng unyon, na
“wala nang balakid” para magsampa
ng kaso ang unyon laban kay Gamilla
sapagkat hindi na siya ang pangulo ng
unyon.
Si Gonzales ay kabilang sa
dating Fidelity Group na kinasuhan
ni Gamilla dahil sa pagpapalabas
umano ng mga ulat at dokumento na
nagparatang ng illegal disbursement
ng pondo ng unyon sa isang property
developer noong 2006.
Matatandaang inakusahan ng
ilang miyembro ng Fidelity Group
si Gamilla ng “impropriety” noong
Enero 2010 dahil sa paglalabas
ng pondo ng walang pahintulot
sa mga miyembro ng USTFU. Ito
ang nagbunsod sa pagbuo ng isang
lupon na tinawag na Committee of
Peers (CoP) na nagsiyasat sa buong
anomalya sa pagkawala ng pondo.
Napag-alaman ng CoP noong
nakaraang taon na inaprubahan ni
Gamilla ang mga kuwestiyonableng
check vouchers habang si Garcia
naman ay pumirma sa lahat ng tsekeng
ibinigay kay Villamor na property
developer ng Saturn Resources,
Inc.—na kinontratang magtayo ng
condominium units para sa mga
kasapi ng fakultad.
Samantala, si Melegrito ay
nagkasala rin umano dahil sa
kapabayaang siyasatin ang mga
mahahalagang dokumento “before
attesting on the propriety of the
check vouchers,” “failure to report
transactions of the board,” and “lack
of objectivity in the exercise of his
function,” ayon sa CoP report.
Sinusubukan
pa
rin
ng
Varsitarian na kuhanan ng pahayag
sina Modesto at Villamor.
Tumanggi namang magbigay
ng pahayag sina Gamilla, Garcia, at
Melegrito ukol sa kaso.
sa mga university-wide at lokal na
organisasyon sa UST, kabilang na ang
mga fraternities.
Tanging ang Alpa Phi Omega
(APO)-Pi Chapter ang kinikilalang
University-wide fraternity sa UST.
Mayroon ding mga local-based
fraternities sa Faculty of Medicine
and Surgery at Faculty of Civil Law na
kinikilala ng pamunuan ng UST.
Kinumpirma ni Benjamin Zoilo
Ravanera, pangulo ng SOCC, ang mga
lihim na fraternities sa UST, ngunit
hindi naman daw nagsasagawa ang
mga ito ng hazing.
“After all, we, as a real
brotherhood, want to help each other.
We are not killers,” ani Ravanera, na
siya ring vice president for external
affairs ng APO-Pi Chapter.
Hindi umano gagawin ng
mga “authentic fraternities” ang
pagpaslang sa mga magiging kasapi
nito, aniya.
“What they did to Andrei [Marcos]
was very barbaric. There was nothing
correct in that matter,” ani Ravanera.
Ayon naman sa isa pang magaaral sa Engineering na nagpakilalang
kasapi ng Tau Gamma Phi na may
underground chapter umano sa UST,
mayroong mga initiation rites ang
kapatiran.
“Oo, pinapalo namin ang mga
lalaki, habang ang mga babae,
sinasampal, pero binabantayan naming
mga officers ‘yung master initiator para
hindi siya sumobra sa mga gagawin
niyang initiation,” ani ng hindi
nagpapangalang mag-aaral.
Dagdag pa niya, mayroon ding mga
unrecognized fraternities sa College
of Architecture, ngunit iginiit niyang
Choco.
Ayon sa mga ulat, posibleng
nagtagumpay sana si Calungsod sa
pagtakas, ngunit pinili niyang manatili
at mamatay kasama si San Vitores.
“Si Beato Pedro Calungsod
ay naging isang kabataan na totoo
at tapat na kaibigan. Nagkaroon
siya ng pagkakataong makatakas,
ngunit pinili niyang makasama ang
kaniyang kaibigang Heswitang pari,”
ani Delacruz. “Nagpapakita [siya] ng
isang magandang pag-uugali sa mga
kabataan na mayroong mababaw na
pag-unawa sa pagkakaibigan.”
Tigers
Growling Tigers, upang makuha ang
kalamangan sa unang quarter, 19-13.
MULA PAHINA 16
Cabrera at Etrone upang tuluyan nang
makuha ang kalamangan mula sa
Growling Tigers, 33-26, at kontrolin
ang laro hanggang sa mga unang
minuto ng huling quarter.
Sinimulan ng UST ang tunggalian
sa mainit na opensa, sa pangunguna
nina Abdul at Louie Vigil na nagtala
ng magkasamang 11 sa 19 puntos ng
Hazing
MULA PAHINA 1
Box Scores:
UST 61 - Abdul 18, Mariano 12,
Fortuna 12, Bautista 8, Vigil 6, Lo 3,
Ferrer 2, Pe 0, Daquioag 0, Afuang 0
Adamson 60 - Camson 19,
Brondial 15, Etrone 10, Cabrera 10,
Montecarlo 6, Rios 0, Petilos 0, Julkipli
0, Cruz 0, Cabigas 0, Abrigo 0
Quarter scores: 19-13, 26-33, 47-50,
61-60
kailangan ito upang “magtulungan.”
“Marami
kasing
mga
kinakailangan ang bawat mag-aaral dito
sa Architecture, katulad ng mga gamit
para sa pag-aaral. Sa grupo namin,
iyon ang ginagawa namin—tulungan
talaga,” sabi ng isang mag-aaral mula sa
Architecture, na nagpakilalang kaanib
umano ng “Samahang Ilocano.”
“Inaamin ko, may mga kaunting
paluan na nagaganap sa grupo namin,
pero sa amin na lang sa Archi iyon.
Wala kaming plano na [magtatag] ng
parang ‘branch’ sa ibang colleges sa
UST,” aniya.
Ang “Samahang Ilocano,” aniya,
ay kilala sa buong bansa, ngunit minsan
ay napagkakamalang “gangster” dahil
umano sa mga maling impresyon ng
mga tao sa grupo nila.
Maaaring lumahok
Sa Faculty of Civil Law, hindi
ipinagbabawal ang paglahok sa mga
fraternities at sororities, hangga’t ang
mga ito ay kinikilala ng Unibersidad.
Ayon kay Mark Arthur Catabona,
pangulo ng Civil Law Student Council,
hindi matitiyak ng fakultad ang hazing
sa mga fraternities at sororities.
Noong nakaraang taon, lumikha
ng manifesto of non-violence ang
fakultad na ang mga pinuno ng mga
fraternity at sorority ay magiging
responsable sakaling may mapahamak
o may mangyaring hindi maganda.
Ani
Catabona,
malayang
nakalalahok ang mga mag-aaral
ng fakultad sa mga kinikilalang
kapatiran—taliwas sa San Beda kung
saan ipinagbabawal ang pagsali sa
mga ito—dahil ilan sa mga ito ay
nagsasagawa ng outreach programs
upang makatulong sa komunidad.
“Ayaw
naman
naming
i-discourage ‘yung mga fraternities
at sororities dahil naii-stereotype sila.
May mga ilan namang samahan na may
cause, may iba namang nagbibigay ng
legal mission,” ani Catabona.
Upang kilalanin bilang fraternity
o sorority, kinakailangang magpasa
ng by-laws, listahan ng opisyal, at
sumunod sa mga alituntunin ng OSA,
kabilang na ang representasyon sa team
building ng SOCC.
Idineklara
ang
“Week
of
Lamentation” sa UST noong Hulyo
30 hanggang Agosto 4 matapos ang
pagkamatay ni Marcos. Nagpamahagi
ang Central Student Council ng itim na
laso na sumisimbolo sa pagkondena sa
nasabing krimen. reDeN D. MADrID
at NIkkA LAvINIA G. vALeNzUeLA
IKA-19 NG AGOSTO 2012
Patnugot: Jan Edward B. Ballesteros
The
Varsitarian Palakasan
15
Cubs, wagi sa Falcons
Ni ALEXIS U. CERADO
TINAPOS ng UST Tiger Cubs ang
kanilang kampanya sa unang round
ng elimination ng UAAP junior’s
basketball sa pamamagitan ng isang
matamis na panalo kontra Adamson
University Baby Falcons, 80-69, sa
San Juan Arena noong Agosto 17.
Naitala rin ng koponan ang
kanilang ikatlong sunod na panalo
upang umangat sa 5-2 na kartada at
masungkit ang ikatlong puwesto.
Malayo ito sa kanilang naging 3-4
record noong nakaraang taon matapos
ng pitong laban.
Nangunguna pa rin ang Season
74 finalists Far Easter University Baby
Tamaraws at National University
Bullpups na parehong walang talo sa
anim nilang laban.
Nagpasiklab ng double-double
performance si Alvin Ungria para
sa UST tangan ang 21 puntos at
17 rebounds. Namayagpag rin ang
rookie na si Paulo Corre mula sa
bench matapos mangolekta ng 18
puntos at dalawang steals.
Pumukol naman sina Alwin
Margallo at Reinier Quinga ng
pinagsamang 30 puntos at 15 boards
para sa Adamson na nasadlak sa 1-6
na kartada.
Sa pagsisimula ng huling
quarter, nagpakawala ng magkasunod
na baskets si Ungria upang makalayo
ang UST, 60-51.
Ngunit panandaliang naging
marupok ang depensa ng Tiger Cubs
na nagbigay ng pagkakataon sa Baby
Falcons na makadikit, 68-63.
Umukit ng magkakasunod na
anim na puntos ang España dribblers
sa pangunguna nina Ungria at big
man Alvin Baetiong na nagpalawig
ng kalamangan ng Tiger Cubs, 74-63.
“Medyo nahirapan kami dahil
exam week nga, puyat sila pero kahit
na ganun, na-limit pa rin namin ang
outside shooting ng Adamson,” ani
coach Allan Ascue.
Agad namang lumayo ang UST
sa ikalawang quarter nang makabuslo
ng dalawang fastbreak layups si
Corre, 32-26.
Sinubukang maipantay ng Baby
Falcons ang laban nang makaukit
sila ng 11-5 rally sa pagbubukas ng
ikatlong quarter sa pangunguna ni
Margallo, 37-all.
Pinagharian din ng Tiger Cubs
ang rebounding nang makapagtala
sila ng 58 rebounds, kabilang ang
SPORTSFLASH
Dating Olympian, naiuwi
ang titulo sa Bolo Cup
NAKAMIT ng dating Olympian na si Jethro
“The Jet” Dionisio ang kampeonato sa ika-12
Demetrio “Bolo” Tuason Cup na ginanap sa Arms
Corporation of the Philippines shooting range sa
Marikina noong Hulyo 12 hanggang 15.
Ang nasabing kompetisyon na itinakdang
“Level 3” na laro ng International Practical
Shooting Confederation at ng Philippine Practical
Shooting Association ay nilahukan ng hindi
bababa sa 500 na manlalaro. Mapapabilang
ang mga nanalo sa Philippine Team na sasabak
sa Australasia 2013 Championships sa New
Zealand.
“Isa ang Bolo Cup sa mga pinakamahihirap
na nasalihan ko, marami ang mga target na
gumagalaw at ang aking mga kalaban ay kapuwa
magagaling din,” ani Dionisio na nagtapos ng
kursong Ekonomiko sa UST.
Pinarangalan si Dionisio ng Gun Games
Magazine bilang “pinakamabilis na steel shooter
sa buong kasaysayan” matapos maiuwi ang anim
niyang sunud-sunod na mga titulo sa dalawang
magkaibang paligsahan.
Si Dionisio lamang ang kaisa-isang nonAmerican shooter na nakapasok sa “elite
circle of world-class shooting champions”
na kinabibilangan nina Rob Leatham, Jerry
Barnhart, Doug Koenig, Micky Fowler, at John
Pride. HeDrIX Ar-Ar C. CAbALLe
RP Frisbee team, ikapito sa
World championships
NASUNGKIT ng pambansang koponan ng
Pilipinas ang ikapitong puwesto sa Frisbee mixed
division laban sa 15 bansang nagtagisan ng galing
sa World Ultimate and Guts Championship ng
World Flying Disc Federation na ginanap sa
Sakai, Japan mula Hulyo 7 hanggang 14.
Pinataob ng Smart TV5 Pilipinas ang
koponang mula sa France, 17-10.
“Sinamantala namin ang marami nilang
pagkakamali sa pamamagitan ng pag-iskor sa
aming goal,” ani Tin Garcia, ang pangulo at team
captain ng España United, ang opisyal na Frisbee
team ng UST.
Tinalo ng mixed team ng Pilipinas ang mga
pangkat mula sa Russia (14-11), South Africa
(17-3), at France (17-9), bago makarating sa
quarterfinals kontra Germany, kung saan sila’y
naungusan, 14-17, bunsod ng mahinang opensa.
Samantala, umuwi namang luhaan ang open
team (all men) matapos mabaon sa ika-16 na
puwesto sa kanilang dibisyon na nilahukan ng 19
na bansa. Kabilang sa open team ang alumnus na
si John Regencia.
“Ang strategy [ng Pilipinas] ay magpadala
ng malakas na mixed team at average-performing
na open team dahil mas malaki ang pag-asa nating
manalo sa mixed division,” ani Garcia.
Nagkamit lamang ng isang panalo ang
open team kontra sa koponan mula sa Mexico,
17-12, sa kanilang unang paghaharap. CArLA
PATrICIA s. Perez
23 offensive boards, kontra sa 38 ng
Baby Falcons.
Sa kanilang naunang laro, hindi
rin nagpaawat ang Tiger Cubs laban
sa De La Salle Zobel Junior Archers,
78-71, noong Agosto 14 sa San Juan
Arena.
Muling
pinangunahan
ni
Ungria ang UST pagkaraan niyang
tumikada ng 17 puntos, anim na
rebounds at limang steals. Umukit
din ng sariling pangalan si Jan Mayor
matapos magtala ng 13 puntos para sa
koponan.
“Determinado kaming ipanalo
ang bawat laban. Dapat pa naming
sipagan ang depensa, at ipagpatuloy
lang kung ano ang laro namin,”ani
Ascue.
Box Scores:
UST 80 - Ungria 21, Corre 18,
Mayor 7, Baetiong 7, Soriano 6,
Borje 6, Martin 5, Bahia 5, Abuyen 5.
Adamson 69 - Margallo 16,
Quinga 14, Ylagan 9, Fernandez 8,
Asistio 8, Pacturan 6, Pangaibat 5,
Solomon 3, Javier 1, Oebanda 0,
Munsayac 0, Madrid 0, Barroga 0
Quarter Scores: 20-16, 36-31, 5649, 80-69
Hindi magawang pigilan ng Adamson Baby Falcons ang bagsik ni Cubs Forward
Alvin Ungria.
kuha ni JAIMe T. CAMPos
Pagpapakalbo ng Growling Tigers, Tiger Jins,
kampeon sa
sagisag ng pagsasakripisyo
Ni ALEXIS U. CERADO
NAKAPAGTATAKA ba kung bakit kalbo ang
lahat ng miyembro ng Growling Tigers?
Higit sa tinaguriang fashion statement,
may ‘di hamak na mas malalim na kahulugan
ang itinuturing na tradisyong ito.
Taun-taong bumubungad sa mga
manonood ng UAAP ang kalbong gupit ng
mga Tigers sa pagsisimula ng laro nito tuwing
buwan ng Hulyo. At sa ika-75 taon ng bantog
na liga, ibinahagi ni coach Pido Jarencio sa
Varsitarian na higit pa sa kanilang pisikal na
kaanyuan ang kahalagahan ng kaugaliang ito.
Ayon kay Jarencio, ang kanilang
pagpapakalbo
ay
sumisimbolo
sa
“pagsasakripisyo” sa pagkamit ng iisang
hangarin sa tuwing sasapit ang UAAP.
Sinimulan nila itong gawin sa unang taon ni
Jarencio bilang coach ng UST noong 2006.
“Maliit lang naman ang bagay na hiningi
ko sa kanila [nung panahon
n
a
iyon], at ‘di ko naman
inasahan na sasama sila
[sa pagpapakalbo],” ani
Jarencio. “Tiningnan ko
lang talaga kung sino ang
handang magsakripisyo
sa kanila.”
Sa taon ding iyon
nagbunga ang kanilang
sakripisyo nang masungkit
nila ang kampeonato higit
isang dekada matapos
nilang maghari sa UAAP
basketball sa tinaguriang
“four-peat era” mula taong
1993 hanggang 1997.
Mas naging matamis ang tagumpay para
sa Tigers nang makatungtong sila sa finals at
maiuwi ang tropeyo laban sa Ateneo de Manila
University, sa kabila ng 6-6 kartadang naitala
nila noong elimination round. Pinadapa ng
UST ang Ateneo sa kanilang ikatlong laban sa
iskor na 76-74.
“Sa tradisyon na ‘to makikita ang
pagkakaisa ng koponan,” ani Jarencio. “Iisa
lang ang gusto naming mangyari, at iisa lang
and direksyon na gusto naming puntahan.”
Tatak ng tigre
Para sa forward ng Tigers na si Carmelo
Afuang, sa UST lamang niya naranasang
magpakalbo.
“Nanibago ako sa una lalo na pagkatapos
maligo, dahil ang una kong inaayos ay ang
buhok ko. Pero hindi ka naman dapat maiba,
bilang pakikisama na rin sa team,” ani Afuang.
Hindi naman bago para sa rookie na
si
Janrey
Garrido
na
makitang kalbo
ang
mga
Tigers, dahil
noon pa man
ay inaabangan
na ng 18-taong
gulang
na
point guard ang
bawat laro ng
UST sa UAAP.
“ H i n d i
naman
ako
Kalbo
PAHINA 11
TKD nationals
Ni JOSE ANTONIO R. NISAY
MATAGUMPAY na naiuwi ng Tiger Jins ang
kampeonato habang nasungkit naman ng Lady
Jins ang ikalawa at ikatlong puwesto sa 35th
Smart Taekwondo Nationals sa Makati Coliseum
noong Hulyo 28-29.
Nagtapos naman ang junior team ng
Unibersidad sa ikalawang puwesto sa nasabing
kategorya.
Kahit maagang napatalsik sa kompetisyon
ang UST White at UST Black ng men’s division,
hindi nagpatinag ang UST Gold na umarangkada
tungo sa kampeonato. Binubuo ang koponan nina
Prince Marcos, Paulo Darilag, Paul Romero,
Ernest Mendoza, Christian Al de la Cruz, Ronnel
Avenido, at Rodolfo Reyes. Naipanalo ng pangkat
ang huling dalawang laban sa finals upang mabura
ang 2-1 na kalamangan ng koponan ng San Beda
Red para makamit ang gintong medalya.
“This is already the UAAP form of our
players,” ani coach Dindo Simpao na hinirang na
best coach.
Sa laro ng women’s, pumangalawa naman ang
UST Black na binubuo nina Korina Paladin, Faye
Eranso, Marynel Niango, Arianne Asegurado,
Jovilou Meguillo, Yuei Murillo, at Claudette
Rosales, laban sa Delta White na binubuo ng
mga manlalaro mula sa De La Salle University at
College of St. Benilde, na tinaguriang kampeon.
Samantala, nasungkit naman ng UST Gold
na binubuo nina Abigail Cham, Monica Reyes,
Jade Zafra, Bianca Go, Jane Narra, Kristelle
Salmon, at Aleksa Alferez ang ikatlong puwesto.
Malditas, kinapos kontra La Salle booters, 1-6
Ni CARLA PATRICIA S. PEREZ
TILA hindi pumabor sa Malditas,
ang pambansang koponan sa
women’s football, ang lagay ng
panahon matapos silang padapain
ng De La Salle University, 1-6,
sa kanilang exhibition game sa
Bonifacio Global City Artificial
Turf noong Hulyo 29.
Ngunit sa kabila ng malakas na ulan
at mas matatangkad na kalaban,
nagawa pa ring makipagtagisan
ng lakas ng Malditas laban sa
mga kalalakihan.
“Mas lamang sila kasi mga
lalaki [sila]. Pero ‘di ibig
sabihing ‘di namin kayang
makipagsabayan sa kanila,” ani
Marice Magdolot, ang hinirang
na UAAP Most Valuable
Player noong nakaraang taon at
miyembro ng Malditas. “Naging
factor din ‘yung panahon kasi
madulas ‘yung field tsaka minsan
mahirap i-anticipate ‘yung galaw
ng bola.”
Naibuslo ni Fil-Am defender
Heather Cooke ang kaisa-isang
goal para sa Malditas sa ika-26 na
minuto ng ikalawang yugto matapos
ang gitgitan sa loob ng penalty
box. Nagawang maipasa
kay Cooke, na nasa
gawing kanan, ang
bola at mabilis na
nai-strike naman
nito papunta sa
kaliwang dulo
ng goal at hindi
na nagawang
maharang pa ng
goalkeeper ng La Salle.
Ngunit sadyang nangibabaw
ang La Salle sa tunggalian
nang makapuntos si Josh
Poe sa ika-21 minuto ng laban
matapos maiwan ang kaniyang
bantay at magpakawala ng isang
diretso at malakas na sipa mula sa
gitna na hindi na nagawang pigilan
n
i
Malditas goalkeeper
Inna
Palacios.
Nagpaulan ng 33
attempts ang La
Salle sa kabuuan
ng laban, anim
sa mga ito ay
matagumpay
na naibuslo nina
Nate Alquiros,
Carl
Amisola,
Don Rabaya, at
Poe. Samantala, ang
Malditas
naman
ay
nakapagbunsod
lamang ng siyam na
attempts.
Kasalukuyang naghahanda ang
koponan sa nalalapit na ASEAN
Football Federation Women’s
Championship mula Setyembre 1322 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Bukod kina Magdolot at Clemente,
kabilang din sa Malditas si
Aisa Mondero at alumni
na sina Louella Amamio,
Jowe-ann Barruga, at
Prescilla Rubio.
kuha ni JoHN PAUL
r. AUTor
Palakasan
IKA-19 NG AGOSTO 2012
The Varsitarian
Nina HEDRIX AR-AR C. CABALLE at CARLA PATRICIA S. PEREZ
PINATUNAYAN ng Tigers ang kanilang kalibre bilang title contender
matapos matakasan ang Adamson University, 61-60, at manguna sa unang
round ng eliminations sa UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum
noong Agosto 19.
Ito ang ikaanim na sunod na
panalo ng UST na tangan ngayon ang
maringal na 6-1 na kartada patungo sa
second round. Huli silang nakapagtala
ng limang sunod na panalo noong 2003.
“Mas magiging mahirap ang
second round para sa amin,
pero naka-recover na si
Jeric Teng at sakto lang
ang kaniyang pagbabalik,”
ani coach Pido Jarencio, na
itinuring na “buenas” ang
pagkapanalo.
Inagaw ng UST ang
kalamangan sa nalalabing
51 segundo ng laro matapos
maibuslo ni Karim Abdul
ang isang lay-in sa kabila
ng mahigpit na depensa ng
Adamson. Nakagawa si Abdul ng 18
puntos at 12 boards upang pangunahan
ang Growling Tigers, katulong sina
Jeric Fortuna at Aljon Mariano na
kapuwa nag-ambag ng 12 puntos.
Nagtala naman si Eric Camson ng 19
puntos at 10 rebounds para sa Falcons.
Naunang maidikit ni Kevin Ferrer
ang kalamangan sa pamamagitan ng
isang putback mula sa namintis na tres
ni Clark Bautista, 56-60. Sinundan ito
ng isang go-ahead three-point shot
ni Fortuna na lalong nagtapyas sa
kalamangan ng Adamson,
59-60, sa nalalabing 1:24
minuto ng laban.
Nagpaulan ng sunudsunod na puntos si Mariano
sa ikatlong quarter ng
laro at nag-ambag ng 12
sa 21 kabuuang puntos
ng UST upang ibaba
ang kalamangan sa tatlo,
47-50, sa pagtatapos ng
nasabing yugto.
Nagsimulang
rumatsada sa opensa ang Falcons
sa ikalawang yugto ng laban nang
makatira mula sa labas si Allen Etrone
upang maitabla ang laro, 24-24. Sunod
namang tumikada sa tres sina Roider
Tigers PAHINA 14
PALABAN. Hindi bumigay ang UST Growling Tigers matapos malamangan ng hanggang 11 puntos ng Adamson University
upang maiukit ang kanilang ikaanim na sunod na panalo sa unang round ng UAAP.
kuha ni JoHN PAUL r. AUTor
Bakit nga ba walang Tomasino sa Olympics? UST Cagebelles,
Nina HEDRIX AR-AR C. CABALLE at CARLA PATRICIA S. PEREZ
NAGING kasing-ilap
ng gintong medalya
para sa Pilipinas ang kawalan ng Tomasinong
kinatawan sa nagdaang London Olympics.
Malayo ito sa mga nakaraang paligsahan
kung saan hindi lamang sumabak ang mga
Tomasino bagkus ay nag-uuwi pa ng karangalan
sa bansa.
Maaalalang taong 2008 nang ipinamalas ni
Tshomlee Go, dating Tiger jin at 2003 UAAP
Most Valuable Player, ang kaniyang natatanging
husay sa taekwondo nang mapataob ang
katunggaling si Ryan Carneli mula sa Australia,
1-0, sa men’s 58-kg ng Beijing Olympics. Nauna
nang lumahok si Go sa 2004 Athens Olympics
kung saan napatumba rin niya si Juan Antonio
Ramos ng Espanya. Nagtapos si Go sa ika-11 na
puwesto sa parehong paligsahan.
Kasama ni Go nang taong iyon si Donald
Geisler na kapuwa niya Tiger Jin at pambato
ng bansa sa lightweight division. Inilampaso
ni Geisler ang mga kinatawan mula sa Turkey
at Tunisia na naglagak sa kaniya sa ikapitong
puwesto, ilang baitang na mas mataas sa
kaniyang ika-11 na puwesto noong 2000 Sydney
Olympics kung saan tinalo niya ang pambato ng
nasabing bansa.
Gayundin ang kapalarang sinapit ni Jethro
Dionisio, kinatawan ng bansa sa shooting noong
2004 Olympics, na nagkamit ng ika-32 na
puwesto laban sa 390 na ibang kalahok.
Nilinaw naman ni P. Ermito De Sagon,
O.P., direktor ng Institute of Physical Education
and Athletics (IPEA), na ang kawalan ng
Tomasinong kinatawan sa London Olympics
ngayong taon ay hindi dulot ng pagbaba ng
kalidad ng mga manlalaro ng UST, kung hindi
sanhi ng “kakulangan sa training at matagalang
paghahanda.”
“Ilang buwan lang tayong naghahanda para
sa Olympics, ‘di tulad ng ibang mga bansa na
walo o higit pang taon ang preparasyon,” ani De
Sagon.
Dagdag pa niya, ang kakulangan sa moral
at pinansyal na suporta mula sa pamahalaan
ay isa rin sa mga dahilan kung bakit lalabingisa lamang ang miyembro ng delegasyon ng
Pilipinas.
“Marami sa ating mga atleta ang
sumasailalim sa private training, sa tulong
ng kani-kanilang mga magulang, sapagkat
masyadong maliit ang budget at allowance na
ibinibigay ng gobyerno,” ani De Sagon.
Noong 2008, 15 delegado ang ipinadala
ng Pilipinas sa Beijing Olympics, kung saan isa
rito ay Tomasino. Samantala, apat na Tomasino
naman ang napabilang sa 16 na atletang
Pilipinong nakipagtagisan sa 2004 Athens
Olympics.
Ngayon at sa hinaharap
Ani De Sagon, bigo man ang ating mga
atleta sa pagkamit ng medalya sa katatapos na
Olympics, mayroon pa namang pag-asa sa ibang
larangan partikular sa individual sports.
“Sa archery, billiards, at boxing, maaaring
may laban tayo,” ani De Sagon. “Sa team
sports tulad ng basketball, mahihirapan tayong
makipagsabayan.”
Dagdag pa niya, nakabase sa kalibre ng
mga atletang ipadadala sa susunod na Olympics
na gaganapin sa Rio de Janeiro sa Brazil sa
taong 2016 ang katuparan ng pagkamit sa
pinakamimithing gintong medalya, ngunit iginiit
niyang “nasa paghahanda pa rin ang susi sa
tagumpay.”
“Tumataas ang antas ng kompetisyon.
Hindi tayo maaaring manalo kung hindi
tayo makapaghahanda nang maraming taon.
Mahalaga ring makatuklas ng talento mula sa
grassroots,” ani De Sagon.
Shuttlers, umaasa pa ring makapasok sa Final 4
Ni JOSE ANTONIO R. NISAY
MATAPOS manaig sa kanilang
huling dalawang laban, kapuwa
kinapos ang UST Male at Female
Shuttlers sa magkahiwalay nilang
laban sa UAAP badminton sa
Rizal Memorial Sports Complex
Badminton Hall noong Agosto 19.
Hindi na naisalba ng Male
Shuttlers ang kanilang laban
kontra De La Salle University,
2-3, habang tinambakan naman
ng Far Eastern University (FEU)
ang Female Shuttlers, 1-4.
Ngunit hindi naging sapat
ang pagkatalo upang mawalan
ng pag-asa si coach Noli Cajefe
na makakapasok sa Final Four
ang Male (3-1) at Female (2-2)
Shuttlers, na may tig-dalawang
laban pa sa elimination round.
“Lumalaban pa rin kami para
sa Final Four kasi hindi muna
namin iniisip ‘yung kampeonato,”
ani Cajefe. “Pero
so far,
kumpara last year mas maganda
ang performance ngayon both ng
men’s at women’s.”
Nabaon nang maaga ang
Male Shuttlers sa La Salle
matapos malugmok sa straightset na pagkatalo sina RJ Ormilla
kay Kenneth Monterubio ng La
Salle, 17-21, 16-21, at si Alcaed
Sebanal kay Ronel Estanistao, 1621, 16-21.
Sa unang doubles match,
nasungkit nina Salvador Kapunan
at Ormilla ang panalo laban
kina Carlo Cayuman at Gerald
Sibayan, 21-17, 18-21, 21-15.
Pero
tuluyan
nang
sinelyuhan ng La Salle ang laban
matapos padapain nila Lance
Bautisa at Rodel Estanislao sina
Benjude Cajefe at Paul Pantig,
13-21,9-21.
Nakasungkit
ang
Male
Shuttlers ng isa pang panalo nang
maungusan ni Kapunan si KC
Clarito sa tatlong kapana-panabik
na sets, 21-13, 17-21, 21-15.
Sa laro ng women’s, bigo sa
una at ikalawang singles matches
ang UST sa FEU nang masugpo
si Anna Barredo ni Katherine
Magono, 19-21, 20-22, at si
Elaine Villanueva ni
Jennifer Cayetano,
16-21, 13-21.
N g u n i t
dumilim na ang
pag-asa para sa
UST matapos
ipanalo
nina
J e n n i f e r
Cayetano at
Katherine
Magono ng
FEU ang
kanilang
l a b a n
kontra
sa
magkapatid
na Malou at
Kristin
Gaspar, 11-
21, 18-21, sa second doubles.
Tuluyan nang sinunggaban ni
Michal del Daquilla a n g
panalo ng FEU
nang mahabol ang
one-set victory ni
Steffi
Aquino,
21-16,
13-21,
13-21.
“Sa ngayon
Final Four lang
muna talaga,
malaking
achievement
na,”
ani
Cajefe.
nahulog sa 2-5
na kartada
Ni JOSE ANTONIO R. NISAY
LUMAGAPAK sa ikaanim na puwesto sa
standings ang UST Tigresses matapos silang
hiyain ng De La Salle University, 53-77, para
sa kanilang ikatlong sunod na talo sa first round
ng UAAP women’s basketball sa San Juan
Arena noong Agosto 17.
Isang taon matapos silang magtala ng
perpektong 7-0 na record sa first round,
bumulusok sa 2-5 na kartada ang koponan
na huling nagwagi kontra University of the
East, 87-62. Mula noon, kinapos na sila laban
sa Ateneo de Manila University, 52-70, at
National University (NU), 52-59.
Pinangunahan ni Maica Cortes ang
cagebelles matapos siyang magtala ng 15
puntos at 25 rebounds, habang nag-ambag
naman sina Kristine Siapoc at Lore Rivera ng
11 at 10 puntos bawat isa. Namayani para sa
La Salle si Aracelie Abaca na umiskor ng 19
at nangolekta ng anim na rebounds at limang
assists.
Tuluyan nang dumistansya ang La Salle
sa ikatlong kanto kung saan nagpaulan sila ng
kombinasyon ng mid-range at long-range shots
na tinuldukan ng tres ni Hannah Virterbo upang
pamagain ang lamang sa 44-63, nang may 1:03
pang natitira.
Matapos
madiskaril
ang
kanilang
opensa bunsod
ng malaking
kalamangan
at pinaigting
na
depensa
ng Lady Archers,
nagposte lamang
ng siyam na puntos ang Tigresses sa huling
quarter kung saan nagpasiklab ng 15 puntos
ang La Salle upang ilibing ang UST nang
tuluyan, 53-77.
Nagtala lamang ng 26.8 porsiyentong
field goal sa 19-71 shooting ang Tigresses
at nagmintis ng 17 mula sa 28 na attempts sa
free throw line. Natambakan din ang UST sa
kategorya ng assists, 8-25, sa pagtatapos ng
unang round.
Sa simula ng second quarter, nakalapit
ang UST, 18-21, nang pumasok ang mid-range
jumpshot ni Kim Reyes nang may 9:32 minuto
pang nalalabi. Ngunit nagsimula na rin mag-init
ang La Salle matapos atakihin ang malambot na
depensa ng Tigresses na nagpalobo sa kanilang
kalamangan sa 11, 29-40.
Download