Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Artikulo ERIHIYA, RETABLO, AT MGA BANAL NA HIYAS: MGA PILING YAMANG BAYAN NG SILANG, CAVITE NA MAY KAUGNAYAN SA PANANAMPALATAYA SA PANAHON NG MGA HESWITA NOONG 1599-1768 Phillip N. A. L. Medina Departamento ng Aralin sa Sining University of the Philippines - Diliman Abstrak Mula sa mga pangkasaysayang datos na naglalahad ng pagdating, pagtaguyod, at paglisan ng mga Heswita, sasalaminin ng artikulong ito ang mga maaaring mahugot na yamang bayan. Tinatangkilik ang mga yamang bayan kung naglalaman ang mga ito ng mga katangian, kalinangan, karunungan, at kamalayan ng isang bayan. Ang mga pag-uugnay sa kasaysayan, sining, at antropolohiyang pagbasa ang siyang magiging daan upang makabuo ang pag-aaral na ito ng isang imbentaryo ng mga yamang bayan ng Silang, Cavite sa panahong 1599-1768. Ang buod ng pagdating ay gugunita sa simula ng pagsakop ng mga Heswitang Espanyol. Hahanap ang pag-aaral na ito ng mga halagahing masasabing taal mula sa mga katangian ng mga katutubong Silang. Ibabatay ang pagsusuri sa dinamiko ng malawak na katutubong teolohiya at gayundin sa mga limitadong datos hinggil sa sinaunang bayan at mga tao nito. Mula rito, tatangkilikin ang pag-aaral ng isang yamang bayan na nakasandig sa isang kamalayang basal. Magbubunsod naman ang pagtaguyod ng pananampalatayang Katolisismo ng panahon ng pagsupil sa mga katutubong kapamaraanan at karunungan. Makikita ang puntong pagpapalit-pagpipilit ng mga Kanluraning modelo sa pagbuo ng isang kolonyang pamayanan at maging sa pagtaguyod ng misyon ng mga Heswita sa ngalan ng ebanghelisasyon gamit ang mga instrumento ng pananakop. Mula ang yamang bayan na nabuo sa panahong ito sa tunggalian ng mga kamalayan at paglalagom ng mga karunungan at halagahin na makikita sa kolonyal na sining. Panghuli, ang panahon ng paglisan ay tutuon sa mga nag-aanib-puwersang katutubo at kolonyal. Sa loob ng halos dalawang daang taon ng pagkakalagi ng mga Heswita sa Silang, hahanap ang pag-aaral na ito ng mga yamang bayan na nagsanib mula sa mga karanasan ng nakakataas sa lipunan at maging ng 60 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 pangkaraniwang tao. Dito makikita ang mga yamang bayan na binuo ng mga magkakahiwalay ngunit magkakaugnay na kamalayang Pilipino bunga ng pagtangkilik sa Katolisismo na may pagtatangi pa rin sa mas malawak na Pilipinong ispiritwalidad. Ang erihiya, retablo, at mga banal na hiyas ay itatampok upang mabigyan ng kulay ang bahaging ito ng kasaysayan ng bayan na may pagtatanto sa pinagbabago at nagbabagong kamalayan. Bunsod ng pag-inog ng panahon sa hudyat ng pagsakop at pagsupil, sa pagtangkang pagpapalit-pagpipilit, at bunga ng pagyapos at pag-aanib ng mga puwersang katutubo at kolonyal, nagluluwal ang kamalayang Pilipino ng isang malawak at dinamikong ispiritwalidad na siya ring huhubog sa mga itataguring yamang bayan ng mga taga-Silang. Ang bayan ng Silang ay isa sa matatandang bayan sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Cavite. Ayon sa ilang tala ng kasaysayan, nagmula umano ang ngalan ng bayan sa kinalalagyan nito sa bahaging silangan. Kung ito ang pagbabatayan, interesanteng tanungin kung sino ang nagpapatungkol sa Silang bilang nasa silangan, kung sino sila, saan sila naroroon, at kung bakit sila naroroon upang patungkulan ang Silang ay totoong na nasa silangan (sariling diin). Subalit mas mainam kung ibabatay ang ngalan ng bayan sa matandang gamit ng salitang “silang.” Ayon kay Isagani Medina sa kanyang kumprehensibong pagsasaliksik sa mga pinagmulan ng ngalan ng mga bayan at baryo sa Cavite, 1 nangangahulugan itong “dumaan sa pagitan ng dalawang matataas na bagay gaya ng pagitan ng mga halayhay ng kabundukan” (Medina 2001, 25). Mahihinuha sa matandang kapamaraanan ng pagpapangalan sa isang lugar ang halaga ng kapaligiran na ginagawalan o nararanasan. Masasabing umiinog ang katutubong pananaw sa likas na kapaligiran na nakikita, at pati na rin, di nakikita. Ito ang nagiging batayan sa relasyon ng lahat ng bagay: ang pinanggagalingan ng buhay, kabuhayan, kaligtasan, kamatayan, at maging ang pag-unawa sa kabilang buhay. Naniniwala ang mga katutubong Pilipino sa Diyos (o mga diyos), sa puwersa ng kalikasan, at sa kahalagahan ng kapaligiran at gamit nito sa buhay. Makakatulong sa pag-unawa ng Pilipinong ispiritwalidad ang Retablo ng Paniniwala ni Prospero Covar.2 Ayon sa katutubong teolohiya, nakaluklok sa kalangitan ang isang Infinito Dios, ang lumikha at pinagmulan ng lahat. Siya ang naghahari sa sanlibutan at may tatlong persona na binubuo ng Dios Ama, Dios Anak, at Dios Ina (Covar 1988a). Maibabatay sa paniniwalang ito ang diskurso ng buhay, relasyon, at ispiritwalidad ng mga katutubong Pilipino. Bunga ang lahat ng mga kaganapan sa mundo ng pag-uusap at kasunduan ng tatlong persona. Kaalinsabay nito ang paniniwala sa kaluluwa. Ang tatlong persona ay may kaluluwa, gayundin ang mga tao. Maaaring humiwalay ito pansamantala tulad ng espiritu ng tatlong persona o kaya nama’y lubusang humiwalay sa katawan gaya ng pagyao ng tao. May kakayahang sumapi ang mga kaluluwa ng tatlong persona, tao, at 61 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 maging espiritu ng kalikasan sa mapipili nitong sapian. Ang akto ng pagsapi ay siyang pakikipagtalastasan ng tao sa katutubong Diyos. Ito rin ang daan upang makuha ng mga babaylan o katalonan ang mensahe, kagustuhan, pagpapahintulot, pagbibigay-babala, at utos ng nakakataas o nasa paligid. Mula rin sa retablo ng paniniwala makikita ang pagunawa sa istruktura ng pamilyang Pilipino.3 Ang ama, ina, at anak ang pangkaraniwang bumubuo sa isang pamilya (Covar 1988b, 17) at sila rin ang pundasyong bahagi ng isang lipunan. Sa pagdating ng mga Espanyol, ginamit ang pananampalataya at salita ng Diyos sa pananakop. Sa akda ni Vicente Rafael na Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society Under the Early Spanish Rule (1988, 87), isinagawa ang layuning ebanghelisasyon para sa pagpapalaki ng sakop ng kahariang Espanya gamit ang pagyapos at pag-anib sa dalang relihiyon. Sa puwersang kolonyal, isang “obligasyon” na maipakalat ang “Salita ng Diyos” at isa itong lehitimong instrumento ng pagpapalawak. Interesante ang pamagat ng akda ni Rafael sapagkat masasalamin dito ang motibo ng kolonyalismo: ang pagsakop at pagsupil kung isasalin ang salitang “contracting.” Makikita ang mga ito sa mga katutubong karanasan sa pagtangkilik, paghalo o pag-iwas sa mga paniniwalang dala ng mga Espanyol. Sa pagsasakatuparan ng layuning pagsakop-pagsupil, ipinatupad ang sistemang reduccion. Ugat sa salitang reducir, sinuri ni Rafael (1988, 90-91)ang kahulugan nito bilang pagtitipon sa mga katutubo sa isang lugar upang mapaghati-hati, maunawaan, mabantayan, at mailagay sa estado ng pagsunod. Sa paggamit nito, makikitang nais ng kolonyang puwersa na maitaguyod ang isang antas ng paghihiwalay kung ano ang mga Espanyol na isang Kristyano at kung ano ang Tagalog na kailangang supilin. Una pa man, kinilala na rin ni John Leddy Phelan ang estratehiyang ito ng mga Espanyol. Sa kanyang The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and Filipino Responses, 1565-1700 (1959, 44-47), tinukoy ang sistemang reduccion bilang paglilipat ng tirahan ng mga katutubo sa loob ng isang mapapamahalaang yunit o kaya’y sa ilalim ng kampanaryo (“under the bell”) upang makapagmasid sa paligid. Hinimok ng mga Espanyol na manirahan sa cabeccera ang mga katutubo at manatili sa ilalim ng isang visita o kapilya ng mga pari. Mula sa ideyang reduccion, operatibong naisakatuparan ito gamit ang sistemang cabeccera-visita at ito ang simula ng pagkakabuo ng isang kolonyang misyon. Batay rin kay Phelan, mas nakahimok sa mga Pilipino ang mga Kristyanong ritwal4 sa pagdiriwang ng simbahan (Phelan 1959, 75). Mas hinimay-himay ito sa akda ni Rafael. Sa ganitong proseso, isasagawa ng kolonyang puwersa ang pagpapalit-pagpipilit gamit ang kolonyal na ritwal, tanda, at istruktura ng paniniwala. Sa pagkakabuo ng isang konstraktong kolonyal, itataguyod si Kristo bilang kinatawan ng Diyos na siyang lumikha ng lahat. Siya ang rurok at tanda (sign) ng Diyos Ama (Rafael 1988, 92). At ang pagkilala sa tanging tunay na tanda ng Diyos ang siyang pagkilala sa pananampalataya. Ang Diyos 62 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo ang bumubuo sa Diyos na may tatlong persona. Isinagawa ang mga banal na ritwal o mga sakramento ng mga paring Espanyol bilang pagpupugay sa tanda ng Diyos. Dito, itinuturing ang mga pari bilang tagapamagitan ni Kristo. Sang-ayon kay Rafael, bumuo ang ebanghelisasyong kolonyal ng isang dinamikong paggalaw sa tanda at diskurso ng mga sumasagawa nito (Rafael 1988, 91). Inilahad ito mula sa pagbibigay ng sakramento bilang isang prosesong pag-anib at ang pagsali sa sakramentong ritwal ang siyang tampok sa pagyapos sa pananampalatayang kolonyal na isinasagawa ng mga pari. Kikilalanin ng tatanggap nito ang pagkokomunyon bilang simbolikong pagyapos sa pananampalataya at maging ang pagkukumpisal bilang pagpapahayag at pagkilala sa pananampalataya—dalawang bagay na mahalaga sa pananampalataya. Kung naitaguyod ang pagsakop sa kalupaan, hindi naman naging lubos na matagumpay ang pagsupil. Ang tunggalian sa pagpapalit-pagpipilit ng istrukturang kolonyal sa nakagisnang katutubong teolohiya ay nagbunga ng isang pagsasanib na masasalamin sa mga gamit, simbolismo, sining, at ritwal ng Pilipinong Katolisismo at gayundin bilang kabuuan sa kamalayang Pilipino. Sa kabilang panig, maaaring sabihing walang tunggaliang naganap kundi isa itong paglalagom ng magkaibang kultura na dinamikong gumagalaw sa loob ng isang komunidad. Iinog ang pagtalakay sa tatlong bahagi ng kasaysayan ng mga Heswita: ang pagdating, pagtaguyod, at paglisan, partikular na sa karanasan sa bayan ng Silang. Kaalinsabay sa paglalahad ng kasaysayan, susuriin at lalapatan ang mga datos ng iba’t ibang pananaw mula sa sining, arkitektura, panitikan, at antropolohiya upang makapag-angat ng mga yamang bayan na maaaring tangkilikin sa napapaloob na panahon. Magsisimula ang pagpaksa sa pagdating ng mga Heswita taong 1599 kung saan gagamitin ang mga pangkasaysayang akda ni Pedro Chirino sa Relacion de las Islas Filipinas (1604) mula sa mga pagsasalin nina Emma Blair at James Robertson, Horacio dela Costa, at Jose Arcilla. Kaalinsabay nito, ilalapat ang pag-aaral hinggil sa erihiya, isang pampanitikang pagtingin sa matatandang kasabihan sa Silang batay sa akda ni Rosella Moya-Torecampo sa Sibling Bondings and other Value Structures in the Erihiya of Silang, Cavite (2007). Layunin ng bahaging ito na maitampok bilang isang posibleng yamang bayan ang erihiya na binubuo ng mga katutubong karunungan. May malaking potensyal ang erihiya bilang isang batis ng katutubong kamalayan sa Silang bago pa dumating ang mga Espanyol at magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin. Ikalawang tampok sa pag-aaral na ito ang pagtalakay sa pagtaguyod ng mga Heswita sa pananampalatayang Katolisismo sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga retablo taong 1663 sa simbahang itinayo bago ang taong 1640. Gamit ang akda ni Rene Javellana na Wood and Stone: The Jesuit Art and Architecture in the Philippines (1991), detalyadong susuriin 63 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 ang pangunahing retablo bilang yamang bayan ng Silang gamit ang lente ng mabusising paglalahad ng sining pangkasaysayan at arkitektura. Patutungkulan din sa bahaging ito kung papaano ginamit bilang kasangkapang kolonyal ang mga retablo sa pagyabong ng kamalayan na may akmang pagpapalit-pagpipilit at pag-aanib sa matatandang karunungan at mga kinagisnan. Bilang panghuli, susuriin ang panahon ng paglisan ng mga Heswita taong 1768. Sa pagalis ng mga Heswita, isinagawa ang imbentaryo ng mga ari-arian ng residencia at simbahan na naglalaman ng mga banal na gamit pangsimbahan, mga santo, alahas ng patron o patrona, at iba pang makarelihiyosong sining. Mula sa dokumentong Temporalidades ng Pambansang Artsibo, nakasaad ang mga imbentaryong ito at hahanap ng mga panibagong yamang bayan na masasalamin at siyang itatampok bilang produkto ng paglalagom ng kamalayang katutubo at kolonyal. ANG PAGSUSURI SA YAMANG BAYAN SA PANAHON NG PAGDATING, PAGTAGUYOD, AT PAGLISAN Sa paglalahad ng mga kasaysayang tampok, hahanap ang pag-aaral na ito ng mga yamang bayan para sa Silang. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nagbabagong halagahin at dinamikong kamalayang bayan. Ang mga batis ng karunungan, pangaral, at gayundin ng mga babala ay nagsasanib sa mga panibagong sanggunian ng buhay dala ng pag-inog ng panahon. Mula sa pagtingin sa malawakang karanasan at bisa ng katutubong teolohiya hanggang sa pagyapos at pag-anib sa Katolikong pananampalataya, ang paghahalo ng kolonyal at katutubong kultura ay matatawag nating lahat na mga yamang bayan. Partikular sa Silang, ang erihiya, retablo, at mga banal na hiyas ang siyang kakatawan sa mga yamang bayan na huhugutin mula sa pangkasaysayang limitasyon ng pag-aaral na ito. Mula sa rebyung pre-kolonyal sa Silang, makikita na sa pagkakawatak-watak ng mga katutubo, may makikitang nibel ng kalinangan. Gayong hiwa-hiwalay ang pamayanan, mababakas sa mga tala ni Chirino sa Relacion de las Islas Filipinas (1581-1606, 1604) ang pamumuhay agrikultural, pamamahala, at ispiritwalidad sa loob ng pagpasok ng dantaon 17. Kung uunawain ang mga sinaunang Silangueño batay sa katutubong pananaw, mga tao silang nabuhay sa biyaya ng kalikasan at may mga istrukturang sosyal sa pagitan ng mga tao, tao sa ibang bukid, tao sa kapaligiran, at tao sa Diyos. Mula sa mga relasyong ito papaimbabaw ang isang katutubong kamalayan mula sa Silang. Huhugutin mula sa pagsusuri ni Moya-Torrecampo (2007) ang erihiya bilang isang kabuuan ng matatandang halagahing-gabay sa buhay ng tao. Mula rito, masasalamin sa erihiya ang katangian nitong tila may pinag-ugatan mula sa katutubong kamalayan. 64 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Sinabi sa pag-aaral na ito na hango ang erihiya sa wikang Espanyol na ang katumbas ay “heresy” o kamalayang taliwas sa paniniwalang Katoliko. Dahil dito, nadadama sa erihiya ang isang katutubong kaugalian na nais supilin. Sa pagpapalawig ng kahulugan nito, ang erihiya ay hindi alamat, sabing-sambahayan, mahika, pamahiin, bulong o simpleng katutubong karunungan, sa halip, ito ang kumbinasyon ng lahat-lahat (MoyaTorrecampo 2007, 45). Mula sa kanyang pagbibigay-pakahulugan, masasabing ang porma ng mga mensahe nito sa kasalukuyan ay maaaring “binago ng” at “pinagsanib sa” kolonyal na relihiyon upang maging katanggap-tanggap sa nagbabago o “pilit na binabagong” kamalayan (sariling diin). Kabuuan din ito ng mga halagahing kamalayan na tinatampok ang siklo ng buhay ng tao simula kapanganakan, kamatayan, at magpahanggang kabilang buhay (Moya-Torrecampo 2007, 50). Bilang paninimdim sa mga pagpapahalagang umiinog sa pamilya, kapatiran, kaibigan, kaanakan sa kapwa at sarili, at maging relasyon ng tao sa hindi nilalang o mga espiritu, lilitaw sa erihiya ang isang katutubong pananaw. Mula sa pag-aaral bilang isang sining sa wika kaalinsabay sa pagkakabuo nito dala ng hudyat ng pagsakop, maitatangkilik ng unang pagsusuring ito ang erihiya bilang isang yamang bayan na may katutubong pinag-uugatan. Ang ikalawang pagsusuri ay iinog sa kalagitnaan ng dantaon 17. Nilikha sa kaganapan at imahe ng Panginoon, ang mga tao ay binigyan ng kakayahang makapaglikha hanggang sa maaaring ipahintulot ng Maykapal. Ginamit ng Kapisanan ni Hesus (Society of Jesus) ang sining bilang malaking bahagi ng ebanghelisasyon. Ayon kay Gauvin Bailey sa kanyang artikulo na nakapaloob sa The Jesuits: Culture, Science and the Arts: 1540-1773; Volume 1 (1999), mahalaga sa mga Heswita ang sining biswal sa misyon. Halos lahat ng mga misyonaryo sa Kapisanan ni Hesus ay gumagamit ng mga larawan upang maisagawa ang ebanghelisasyon, tulad na lang ni Francis Xavier na may dalang isang maletang puno ng larawan, lilok, at libro papuntang India, Timog Silangang Asya, at Japan (Bailey 1999, 38). Ating mahihinuha na masusing pinag-aralan ng mga misyonero ang kapangyarihan ng larawan upang malampasan ang problema sa wika. Naging mahahalagang daan ang komunikasyon sa arkitektura at makarelihiyosong sining upang malaganap ang Salita ng Diyos at maikampanya ang Katolikong paniniwala. Susuriin sa bahaging ito ang mga naging instrumento ng pananakop. Nasa estilong barok ang halos lahat ng retablo sa Pilipinas. Ito ang moda ng disenyo na dala ng mga Espanyol sa panahon ng kalagitnaan ng dantaon 17. Gamit ang retablo sa pagpapakilala ng kolonyal na paniniwala at debosyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa pati na rin sa ibang bahagi ng mundo tulad ng Latin Amerika. Dito sa bansa, maraming simbahan ang naipatayo ng mga orden na nagsilbing mga banal na sisidlan ng mararangyang ukit sa kahoy na pininturahan o di kaya’y binalutan ng ginto. Sumasalamin ang mga relihiyosong lilok sa mithiin ng kolonyang puwersa na nag-aakit na yumapos at umanib sa mga katutubo. Hindi iba sa paningin ng ating mga ninuno ang mga taong gawa sa lilok. Sa panahon ng pagtataguyod ng mga Espanyol ng misyon, unti65 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 unting sinira ang mga katutubong imahe na gawa sa kahoy. Kung kaya’t sa pagkawala nito, mananatili ang mataas na interes ng mga katutubo sa relihiyosong lilok na ipinapakilala ng mga Espanyol. Mula sa pagkakalikha ng mga Kanluraning sining, mula sa simpleng kahoy at bato, naglalang ng mabibigat na halagahing ispiritwal na siyang hahalo sa kamalayang Pilipino at nagluwal ng mga pagbabago sa halagahing panlipunan. Ipinakilala ng mga paring Heswita sa mga taga-Silang ang Diyos sa Kaitaasan, kanyang anak na si Kristo na nagpakasakit sa krus, at ang Espiritu Santo sa anyong liwanag o puting ibon. Ito ang bumubuo sa Santisima Trinidad ng Katolisismo. Gayundin, inilapit ng mga Heswita sa puso ng mga katutubo ang ehemplo ng tunay na Kristyanong pagkamasunurin, sa imahe ni Maria, Ina ng Diyos Anak at itinangi sa lahat ng babae bilang pinagpala. May mga binuong “kulto” ang mga Heswita para kay Maria (Bargellini 1999, 684) na kadalasang makikita sa mga simbahan ng nasabing orden at sa isinasagawang malalim na debosyon dito. Gayundin, ibinahagi rin ng mga Heswita ang litanya ng mga santo upang maging mga instrumento sa pagtuturo sa mga halagahing Katoliko, pamantayan ng buhay, at modelo ng Kristyanong pananampalataya sa ilalim ng kolonyang misyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga halagahing ito ay niyapos ng kaisipan at umanib sa kamalayan at pangangailangan ng mga indio at pati na rin ng pangkat ng principales. Ang mga principales ng bayan na siyang malalapit sa simbahan ay minulat sa pontensya ng tanda at sakramento ng Katolikong paniniwala. Dito, tinangkilik ang bisa ng mga langis, benindisyong tubig at kandila, mga santo, istampita, iskapularyo, rosaryo, at ilan pang bagay na ginagamit sa dasal at seremonya ng pagdiriwang ng simbahan. May pag-aanib ding naganap sa mga pangkaraniwang tao. Ayon kay Rafael (1988, 84), may mga “kontradiksyon” nga lamang sa pagsasalin bunsod ng kakulangan sa tamang pagsasalin ng kolonyang katekismo. Ang indio na hindi lubusang nauunawaan ang pagsasalin ay naganib ng mga konseptong hindi kaiba sa kinagisnang paniniwala. Maaaring mula sa katutubong teolohiya nabuhay ang isang asimilasyon ng mga kaparehong konsepto. Dahil dito, lumikha ang mga pangkaraniwang tao ng bagay na banal na makikita sa paniniwala at pagdedebosyon tulad ng kumplikadong sistema ng anting-anting. Ang mga nakakataas naman sa lipunan na mulat sa Kanluraning gamit pangrelihiyon ay gumawa at tinangkilik ang mamahaling relikaryo, mga santo na gawa sa garing o ivory na binalutan ng ginto, pilak, at diamante. Maaaring pansarili o pampamilyang gamit ito subalit may kakayahan din silang magbigay pa ng mga “binanal” na hiyas sa simbahan bilang donasyon at nagpapakita ng kanilang katayuan sa buhay. Sa kahit anong antas ng lipunan makikita ang debosyon ng pagtatago at pagbabahagi ng mga banal at binanal sa hiyas lalo na kung ginagamit ito sa pagdiriwang. Inilahad ni Reynaldo Ileto ang ilang kapamaraanan sa “paggawa”5 ng mga banal na hiyas sa kanyang akdang Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 (1979, 29-30) kung papaano maaaring pira-pirasuhin at ibahagi ang mga gamit sa ritwal ng simbahan, mga sulat-papel 66 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 na orasyon, at paggawa ng mga engkantasyon lalo na kung gagawin ito sa panahon ng Mahal na Araw. Dito mag-uugat ang ikatlong pagsusuri kung saan sa diskurso ng pagsakop at pagsupil, pagpapalit-pagpipilit, pagyapos, at pag-anib, magluluwal ng dalawang nibel ng pagtingin ng mga Pilipino sa mga banal na hiyas na siyang mga instrumento ng dinamikong kamalayang ispiritwalidad. Ang paglalahad sa mga hiyas na ito ang tampok na yamang bayan ng ikatlong yugto. Sasalaminin gamit ang imbentaryo ng Temporalidades ang kakayahan ng mga taga-Silang na makapag-ambag sa banal na hiyas ng residencia at gayundin tatalakayin ang kakayanan ng pangkariwang mamamayan na lumikha ng sariling bersyon ng mga banal na hiyas. ANG PAGDATING TAONG 1599 AT ANG ERIHIYA BILANG BASAL NA YAMANG BAYAN Nagmula sa mga salaysay ni Chirino, isang Heswita, ang mga pinakaunang tala ng kasaysayan ng Silang. Nilalaman nito ang mga mahahabang kabatiran hinggil sa panlipunang istruktura at sistema ng paniniwala ng mga katutubo. Kanya ring sinalaysay ang mga pinagdaanan ng kanyang mga kasamahan sa misyon at mga pagsubok na hinarap. Isang taon bago pumasok ang dantaon 17, dumating ang mga Heswita sa bulubunduking gawing timog ng Maynila. Binagtas ng mga misyonero paakyat ang isang mataas na lugar sa pagitan ng mga halayhay ng kabundukan. Mula sa pagsasalin nina Blair at Robertson sa jorno-datos ni Chirino, makikita natin ang unang impresyon ng Heswitang Espanyol sa Silang: This new field of Silan was assigned to the Society of Jesus from the year 1599, as the people of those villages, among whom were some Christians, were without a priest to minister to them, although they were but a day’s journey from Manila. There are five villages, which contain about one thousand five hundred inhabitants, besides the many other people who, as is their custom, are separated and dispersed through the country districts, in their cultivated lands. These villages are in the tingues, as they call them, of Cavite, among some mountains; the climate there is very moderate, and in no season of the year is there excessive heat—rather, the mountains render it cooler. The people are simple, tractable, and well inclined toward all good things (Chirino 1604, 191) (sariling diin). Bago pa man dumating ang Heswita sa Silang, napasailalim na ito sa mga Pransiskano mahigit sampung taon na ang nakakaraan taong 1585 (Huerta 1865, 559). Sa kadahilanang hindi kinayang pamunuan ang bayan, nilisan ang Silang noong 1598.6 Ang encomenderong si Kapt. Diego Jorge de Villalobos 7 ang humiling sa Heswitang Rektor sa Maynila na ipadala ang Kapisanan sa Silang upang maipagpatuloy ang misyon (Arcilla 67 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 2010, 191). Sina Padre Diego Sanchez at Padre Diego de Santiago ang paunang ipinadala sa Silang. Sumunod ang mga paring sina Luis Gomez, Francisco Almerici, Chirino, at Leonardo Scelsi (Unabia 2000, 168) sa pagpapatibay ng misyon at pagtatala ng mga kaganapan sa bayan. Noong 1611, naging permanenteng misyon ang Silang. Taong 1690, naging residencia ito kung saan kapanalig ang mga teritoryo na sa ngayon ay mga bayan ng Indang, Ternate, at Maragondon. Mula sa mga luwal na bayang ito ipinanganak pa ang ilan sa karatig-bayan na ating nalalaman sa ngayon. Ginalugad ng mga Heswita ang bahaging ito ng kabundukan. Makikita sa salaysay na tila ikinatuwa ng mga Espanyol ang malamig na klima ng lugar kumpara sa Maynila. Malaki ang estima sa dami ng mga naninirahan gayong pulu-pulutong ang mga tirahan sa hiwahiwalay na lupaing sinasaka ng mga angkan. Mula rito, may simpleng lipunan ang sinaunang Silang na umiikot sa buhay agrikultura. Mataba ang lupain sa lugar na ito dahil malapit ito sa bulkan sa dulo ng gulod at halayhay. Sa mga akdang Heswita, pinapangunahan ng positibong pagtingin sa mga katutubo—simple at masunurin ayon kay Chirino. Maihahalintulad din dito ang mga salaysay ni Diego de Bobadilla (1640) sa mga Tagalog na pinansin ni Rafael (1988, 84), na tila “kontradiksyon” ang mga susunod nilang mga tala sa napaunang positibong perspektibo. Partikular sa Silang, pinasok pa ng mga Heswita ang mga kaloob-loobang bukid at gubat kung saan nakita ang ilan pang nayong pinaninirahan ng mga katutubong nagsasaka. Kaagad napansin ng mga Heswita ang pagiging mapamahiin ng mga tao rito at ito ang naging paraan upang ipakilala ang bagong paniniwala. Dahil sa likas na mapamahiin ang mga katutubong taga-Silang, naging matagumpay na naipasok sa isip na ang hindi pagdalo sa banal na misa ay may matinding malas na kapalit. Through the teaching and good example of those fathers they abandoned some of their evil practices, and applied themselves to the Christian customs with good will and pleasure; and many (for there were no Christians among them) received holy baptism… Not only do they attend their own mass and sermon on Sundays (never missing one of these services), but on Saturdays they go to hear that in honor of our Lady, which is said for them with as much solemnity as that on Sundays. They were greatly encouraged in the observance of these masses and feasts by the following incident which occurred at that time: A woman, who was very eager to finish the weaving of a piece of cloth, sat down at her loom one Sunday to work thereon; afterward, upon returning to her task, she found the cloth all eaten away by moths. She herself made this known, with the full knowledge that it had been a chastisement and penalty for that offense of hers (Chirino 1604, 192) (sariling diin). 68 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Sinamantala ng misyon ang pagkakataong ito upang unti-unting ipasok ang ritwal at dogma ng Katolisismo sa mga katutubo. Parang nagawang katatakutan ang hindi pagdalo sa misa at pagdiriwang ng sakramento. Maaaring naiwan lamang ng babaeng naghahabi ang tela sa labas ng tahanan kung kaya’t nasira o pinutakte ito ng insekto. Subalit nagawa ng mga paring Espanyol na bumuo ng isang pananahilang relasyon upang iugnay ang hindi pagsunod sa kamalasang maaaring matamo o kaya nama’y ang pagkagalit ng Diyos na Espanyol. Maging ang isang katalonan na tagapag-alaga ng katutubong karunungan ay nagawang himuking maging isang katekista. Isa ito sa mga rurok ng pananakop, ang pag-ayon at pag-anib ng isang lokal na lider ng ispiritwalidad. Ang pagkakataong maging ang isang katalonan ay naging tagapagbigay ng Mabuting Balita ni Kristo ay napakagandang bunga ng kolonyal na ebanghelisasyon. Si Diego Magsanga,8 sinasabing isang bulag na katalonan kasama ng kanyang asawa na isang hilot, ay nagpabinyag sa bagong pananampalataya (De la Costa 1961, 203). Kung papaano naging matagumpay si Diego Magsanga sa pag-unawa ng Katolisismo gayong bulag siya at hindi nakakaunawa ng Latin at Espanyol ay hindi natin malalaman, subalit sa tala ni Chirino, sinabing naging matagumpay ang pag-alyado ng dating katalonan sa mga Heswita at maaaring naging gabay ito sa ilan upang tangkilikin ang bagong paniniwala. To assist us in instructing the large number of catechumens in those villages, and in teaching the doctrine to the innumerable children who assemble at the mission from all the settlements, our Lord provided for that work an Indian blind in body but truly enlightened of soul, who, with great faith, charity, and love for the things of God, instructs those who wish to be baptized, catechizing them morning and night in the church. He is so expert in the catechism that none of us could excel him therein… Consequently, they come from his charge marvelously well instructed; and, although he is blind, he is so watchful over the large number of catechumens in his charge, that he notes if even one person is absent, and reports it to the father. The first time when he received communion, which was on the feast of our Lady, he displayed such profound respect and reverence that his body trembled while receiving the holy sacrament, and so great devotion that the sight of it inspired that emotion in others… This man deserves all the greater credit for what he is doing, for having gone from one extreme to another; formerly he was one of the heathen priests, whom they here call catalones, and now he has become a preacher of our holy faith. This he relates, while uttering fervent thanks and exalting the great favors and benefits which God has bestowed upon him (Chirino 1604, 192-193) (sariling diin). Ginamit ang katutubong pananaw sa pag-ibig, kabutihang loob, at kawanggawa—o mga unibersal na paniniwala sa kahit anong Pananampalataya kung kaya’t madaling naunawaan ng mga katutubo ang bagong konspetong ito. Binanggit sa pagsasalin mula 69 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 kay Chirino ang mga katagang “love for the things of God” kung saan maaari nating isandig sa basal na pag-unawa sa pagrespeto sa lahat ng Likha ng Lumikha. Mababasa sa pariralang ito ang katutubong teolohiya; lalo na kung tutuunan ng pansin ang pagrespeto sa Diyos na lumikha at gayundin sa bagabag sa mga bagay sa kapaligiran na may kaluluwang sumasapi. Dala-dala ni Diego Magsanga ang matandang karunungang ito sa kanyang kamalayan subalit niyapos pa rin niya ang sakramento ng komunyon. Sa puntong ito, tila sinaniban at yumanig pa ang katawan ni Magsanga sa pagtanggap ng ostya. Isang bagay na karaniwang ginagawang moda ng komunikasyon ng mga katalonan tuwing nakikipag-usap sa (mga) Diyos o kaluluwa. Hindi naman ito minasama ng mga paring Heswita, sa halip, ginamit nila ito sa kapakinabangan. Ang katalonan na naging katekista ay isinabuhay at isinagawa ang doktrina ng Kristyanismo. Tila naging madalian ang yugto ng pagsakop at pagpapalit-pagpipilit dahil sa isang alyadong ito, ngunit hindi. Binanggit sa tala na isa lamang si Magsanga sa mga “heathen priests” na lumalaban; ngunit sino ang iba pang katalonang ito? Nasasaan sila sa yugto ng komunyon ni Magsanga? Sa isang kakatwang pagbasa, maaari kayang ang pagyanig ng katawan ni Magsanga ay hindi dahil naramdaman niya ang yapos ng Diyos na Espanyol, sa halip ay nangilabot sa lasa ng ostya at alak, sa paggunita ng pinasukang buhay, at pagtalikod sa mga kasamahang katalonan? Mas pinasidhi ng mga Heswita sa mga katutubong taga-Silang ang kamalayan na ang mga kamalasan, salot, at panganib sa labas ay dulot ng demonyo na siyang naghahasik ng sakit at kamatayan sa kanayunan. Sa talang-salin kay Chirino, sinabing binaybay ng mga Heswita sa loob ng maraming taon ang kabukiran, tumawid sa mga malalim na ilog, at umakyat sa mga katarikan. Gamit ang armas ng pananampalataya—mga dasal, bendisyon sa may sakit, at pagbibinyag, unti-unting naakit ang mga lokal na tao na magpasailalim. Tila sinasabing magiging ligtas ang buhay kung susunod na lilipat ng tirahan sa cabecerra. Base sa talang sulat ni Padre Gregorio Lopez na kalakip sa datos ni Chirino: Early in my stay there, the people told me that in Caibabayan was a catalonan, or priestess; and in order to cut the thread of evil and to gain a knowledge of those distant fields and peoples, I went thither, desiring to act toward them as a father rather than as a judge; and the Lord, who is the true Father of all, fulfilled my desire. Finding no present evil, but only the report of past things, I sought to reestablish the reputation of the person whom they defamed. I found in one of the most distant fields, an old man about seventy years of age, who was crippled and had been sick for days. I baptized him, giving him the name of Ignacio, and invited many others who had not even been baptized—encouraging in them the desire for so great a good, helping them to learn what was necessary, to which they commonly give attention. Word was sent from one to another among those mountains and 70 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 plantations, and those people followed me about with tokens of love and offered to entertain me. Afterward were baptized there many persons of all ages—children, youths, and old men. A few days ago I was informed that in the villages of Malabag, Balete, and Dinglas there were many sick persons who needed help. I set out in the morning… when I arrived there and saw the needy condition of the people; I changed my plan, for I found in Malabag many sick persons. After I had cared for them I heard the confessions of many who were infirm and old, and those who wished to guard against the malady which was attacking many of them... I passed on to Balete and found that it had become a hospital. I went through all the houses to hear confessions, but could not finish them on that day; so I continued this task on the following day, and then went to Dinglas, where I found the same needs. All, both the sick and those in health, were greatly consoled by my visit; and finally I returned to Silang in the night… The great activity and solicitude of the father, who is my companion, was of great value to me in this as in all other matters; and the coming of the father rector and Father Diego Sanchez, who assisted us here until Lent, was most valuable, adding more energy and ability to our forces, and consoling and encouraging those people with suitable instruction (Chirino 1604, 195-196) (sariling diin). Mapaghihinuha natin dito ang pagpupursigi ng mga Heswita na bisitahin ang kapaligiran ng Silang. May mga nagbabala tungkol sa isang katalonan sa Caibabayan at nagsabing kung malalampasan niya ito ay malalaman siya ang nasa sa ibayo. Tila may siraang nagaganap sa pagitan ng mga katutubong binyagan at di-binyagan. Sino pa ba naman ang magsasabi nito sa paring Heswita kundi ang mga taga-Silang din? Maaaring dala ang tensyong ito ng nagaganap na malawakang sakit noong panahong iyon. Maaaring iniisip ng mga katutubong nabinyagan na mauubos ang biyaya at proteksyong sinasabi ng mga Espanyol kung dadami sila. Subalit sa kamalayang Kristyanismo, ang biyaya ng Diyos ay di nauubos. May mga nayon na ng Caibabayan, Balite, Dinglas, at Malabag bago pa man naitatag ang lahat ng kanayunan sa ilalim ng iisang pueblo de Silan (tingnan ang mapa sa sunod na pahina). Subalit dito rin sa mga nayon na ito makikita ang peste, sakit, at kahirapan ayon sa mga Heswita. Nagbibigay-impresyon lamang ito na tila binibigyang-diin na nasa “labas” ng kolonyal na bayan namumutawi at naglalagi ang mga demonyo at kamalasan. Kaalinsabay ng pananaw na ito, tanging ang pag-angkla sa Espanyol na pamumuhay at paniniwala ang sasawata sa sakit at malas at siyang sasagip sa mga katutubo. Kung kaya’t ang mga naninirahan sa kanayunan ay hihimuking dumulog sa kapilya upang dumalo sa mga banal na sakramento. 71 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 MAPA Caibabayan, Balite, Dinglas, at Malabag Isang rekonstrusyon ng mapa upang makita ang layo ng mga baryong nabanggit sa tala ni Chirino. Hango ang mapa sa PBS 2001-2011. Matinding nakatimo sa lokal na pag-iisip ang pananahilang relasyon sa kalagayan ng buhay ng tao, kabuhayan nito, at kalikasang ginagalawan. Dito ipinako ng mga misyonero ang pansin. Magagamit ang pagiging mapamahiin ng mga katutubo. Madaling maipapasok ang bagong paniniwala kung makikita ng katutubo ang kabuluhan nito sa pang-araw-araw na buhay. Sa pagkakaparis na ito, maaaring madaling napaniwala ang isang katalonan upang yapusin ang katekismo. At kung ang pinuno ng katutubong karunungan sa katauhan ng katalonan ay kanilang napasunod, marami ang mahihimok nito. Ito ang naging susi sa pagbabagong-loob ng mga katutubo. Ginamit ng mga paring Heswita ang kumbinasyon ng sosyal at pulitikal na pamamaraan upang magdulot ng pagsasanib ng taal at dayuhang paniniwala. Subalit hindi ito nagawa sa madaliang panahon. Mula sa tensyon ng pagsakop at pagsupil, unti-unting isinasagawa ang pagpapalit-pagpipilit sa kamalayan. Magandang balikan ang kaninang inilahad na sulat 72 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 ni Padre Lopez na mukhang madaliang isang araw lamang ang malawakang paghimok sa pagbibinyag, subalit dumaan din ang ilang taon sa kanyang pamamalagi sa visita ng Silang. Tinatayang ilang dekada rin ang lumipas para makapagpatayo ang Heswita ng simbahan; halos 45 taon din ang lilipas bago pa maitayo ang matibay na istrukturang bato na nakikita natin sa ngayon. Hindi naging madali at mabilis ang proseso ng pagsakop, pagsupil, at pagyapos sa Katolikong paniniwala. Ilang dekada rin ang tunggalian. Ito rin ang “kontradiksyon” na tinutukoy ni Rafael. Makikita ang tunggalian sa pagitan ng kolonyal na puwersa at mga katutubo, at maaari rin sa pagitan ng kapwa katutubo. Dito, naganap ang pagsakop sa kalupaan, sa pagpapalaganap ng misyon, sa pagtatayo ng cabecerra at visita, sa paglilipat ng tirahan ng mga katutubo, at sa pagtataguyod ng mga residencia at naglalakihang simbahang bato; subalit may mga bagay na nanatili, lalo na sa kamalayan, na di masusupil. Ang Erihiya. Pauna nang binanggit na may mga bagay na nanatili sa kamalayan kahit na mapasailalim ito sa isang masidhing layunin na masakop at masupil. Totoong naging malaki ang implewensya ng mga Espanyol sa kamalayang Pilipino at kung minsan ay mahirap nang ungkatin ang pagkakatutubo lalo na ng mga Tagalog. Gamit ang isang sosyolohiyang pananaliksik sa panitikan na akda ni Moya-Torrecampo (2007, 36-77), ang masalimuot na istruktura at pinagmulan ng sama-samang pamahiin, paniniwala, at kamalayang lokal sa bayan ng Silang ay tinawag na erihiya. Sa kanyang pag-aaral, tinuunan niya ng pansin ang leksikong pagkakaiba-iba nito bilang isang makatang sining sa wika. Laman ng sining na ito ang maraming katutubong karunungang minamanamana at ipinapasang-bibig. Nabanggit rin ni Moya-Torrecampo (2007, 45) na hango ang erihiya sa wikang Espanyol na ang katumbas ay “heresy.” Mga kamalayan itong taliwas sa paniniwalang Katoliko at maaaring isang katutubong kaugalian na nais supilin. Sa kanyang pagpapalawig, ang kahulugan ng erihiya, sinabing kumbinasyon ng lahat-lahat: alamat, sabing-sambahayan, mahika, pamahiin, bulong, at iba pa. Tinatampok sa mga mensahe ng erihiya ang siklo ng buhay ng tao, at ayon kay Moya-Torrecampo (2007, 50), tungkol ito sa kapanganakan, kamatayan, at magpasakabilang buhay. Subalit base sa mga listahan ng erihiya ng Silang, mas mapapalawig ito kung hihimayin natin ang tatlong nibel ng siklo hindi lamang sa pag-ugnay sa pansariling kapakanan. Ang erihiya ay tumutugon din sa sariling kapanganakan at maging sa pag-aanak ng kapamilya o ng iba, sa kaligtasan ng sarili, asawa, pamilya, at kapwa, punto ng sariling kamatayan o kamatayan ng kapamilya at ng iba, at pati na rin sa mga pabiling mensahe kung hahantong sa kabilang buhay at gayundin sa mga taong maiiwanan ng yumao. Sa mas pinalawak na sakop ng mensahe ng erihiya maiiugnay ang sinasabi ni Moya-Torrecampo (2007, 50) na isa rin itong paninimdim sa mga pagpapahalagang umiinog sa pamilya, kapatiran, kaibigan, kaangkan, at maging relasyon ng tao sa hindi nilalang o mga espiritu. Mga halimbawa sa pag-aaral ng erihiya: 73 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ayon sa matatanda, huwag magtuturo, baka ka manuno. Ay ang sabi ng matatanda, kakain ng matatamis ang bagong kasal pagnagpang-akyat na sa kabahayan. Ay nakow, ayon sa matatanda, huwag kang magpanuro sa pulo kapag kagat na ang dilim nang ganyan (Moya-Torrecampo 2007, 48). Ang erihiya ay sumusunod sa isang huwaran o porma ng pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon kay Moya-Torrecampo (2007, 49). Kadalasan, may panimulang pormula ito ng magalang parunggit sa nakakatanda at kasunod nito ang pagsasabi ng erihiya na maaaring may positibong-utos na panimula tulad ng “kailangan ang…” o “dapat…” at susundan ng mensaheng dapat banggitin. Maaari rin itong may negatibong panimula na nagbibigay-babala, tulad ng “huwag…” o “bawal ang…” kasunod ang mensaheng nais iparating. Ang porma ng erihiya bilang mga pariralang patula ay isang buhay na sining. Makikita dito ang pagbibigay-galang sa nakakatanda at maging ang paggamit at pagsunod dito ay nagpapalagay ng halagahing paggalang sa salinlahi—isang pagpapahalaga na binuo, iningatan, at ibinabahagi. Kapansin-pansin din sa mga piniling halimbawa mula kay Moya-Torrecampo (2007, 48) ang dinamiko ng sarili at paggalang sa kapaligiran. Ang pagturo sa paligid ay itinatalagang isang kalapastanganan sa kalikasan. Nagsasabi ito ng isang kamalayang taal na may mga bagay sa paligid na di nakikita at maaaring makapanipyaho sa simpleng pagtuturo sa mga ito. Masasalamin dito ang kapangyarihan ng kalikasan sa ating katutubong teolohiya kung saan sumasakatawan ng kaluluwa sa paligid ang mga puwersang maaaring sumapi, humadlang o gumabay sa mga tao. Binigyaang diin ng pag-aaral ni Moya-Torrecampo (2007, 51) ang panganganak or paganak bilang pangunahing paksa ng erihiya sa kamalayang Silang. Simula pagbubuntis, pagluluwal, at magpahanggang sa paglaki ng bata, may mga pangaral ang erihiya na gumabagay sa mga magulang batay na rin sa payo ng mga nakakatanda. Ilan sa mga halimbawa mula sa pag-aaral ni Moya-Torrecampo: Sa pagpapangalan: Bago pangalanan ang anak, ikonsulta muna sa maniningin ang napiling “alan.” Sa pangangalaga: Huwag na huwag babati ng bata kapag ika’y galing sa arawan (Moya-Torrecampo 2007, 51). Mga karagdagang halimbawa na magpahanggang ngayon ay ginagawa: Sa pagbubuntis: Dapat ingatan ang paglilihi at kakanin at baka sa bata ito masalin. 74 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Sa panganganak: Dapat na ipabuhos-tubig agad ang bata bago binyagan para maging malakas at ligtas. Sa panganganak: Huwag agad paliliguan ang nanganak kung hindi siya ay hahangin at mabebenat. Sa pagpapalaki: Dilaan o lawayan mo ang bata, baka iyong nabati. Sa pagpapalaki: Huwag hayaang matulog ang bata kapantay ng mga nakakatanda at baka siya ay mapariwara. Sa pagpapalaki: Kailangang bulungan ang mga batang natutulog, hipan din ng hangin upang sila ay maging masunurin. Gayundin, tinatali ang erihiya sa mga paniniwalang may kinalaman sa buhay-pamilya. May ilang halimbawa na hindi lamang tila pangaral subalit may halo ring mahika. Mula sa salitang kaputol (ng pusod), ginagamit ito ngayon sa kolokyal na pananalitang utol. May erihiya ring tila “nagbibigay-reseta” sa kung ano ang nararapat na gawin upang makamtan ang ninanais: Sa isang pamilya, ang pusod ng bawat batang inianak ay kinukuha’t isinasabit sa ibabaw ng kalanan at pinauusukan hanggang sa matuyo. Kapag ang pinakahuling anak ay nariyan na’t buo na ang magkakapatid, iyong mga pusod ng magkakapatid ay iniihaw at dinidikdik na parang pulbos at saka ibinubudbod sa lugaw. Siyang ipinakakain ito sa magkakapatid. ’Di nila dapat malaman kung ano ang nasa nilugaw (Moya-Torrecampo, 2007, 52). Ang kaugaliang ito ay naglalayong magbigkis sa mga magkakapatid. Pinutol mula sa iisang pusod, pinagsasanib ngayon sa pamamagitan ng pagkanin nito. Nakapangingilabot, subalit tila hindi ito kaiba sa komunyon ng Katolikong paniniwala kung saan nagsasalo-salo ang mga Kristyano sa representanteng dugo at laman ni Kristo. Mula sa ritwal ng pagkanin, maiisip natin ang ilang panlipunang kasanayan kung saan pinag-iisa ang loob ng mga katropa sa pag-inom ng mga kaibigan sa iisang baso; gayundin ang pagsasalo sa plato at baso ng mga bagong kasal; at ang pagtitibay ng samahan ng angkan at kapamilya sa pagsasalo sa isang hapag ng handaan magpahanggang sa pagsasalo sa plato at baso kung kinulang sa kubyertos. Bilang kabuuan, makikita rin ang erihiya sa kabuuan ng ugali at kamalayang Pilipino. May matatandang karunungan sa ibang pang bahagi ng kapuluan na masasalaming katulad ng erihiya ng Silang. Pagtangkilik sa Erihiya bilang Yamang Bayan. Sa paglalagom ng unang yugto, ang pagtangkilik sa erihiya bilang isang yamang bayan ay dahil sa tatlong puntos. Una, 75 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 nagawa ni Moya-Torrecampo (2007, 36-77) na tukuyin ito bilang isang makasining na pinagsama-samang karunungan at gabay angkin ang isang patulang talata. Dahil dito, naituturing itong isang yamang bayan sa wika ng mga taga-Silang. Subalit may mas pumapailanlang pa rito. Mula sining, ang erihiya ay isang repleksyon ng nakaraan at isang kamalayang basal sa mga taga-Silang bilang batis ng katutubong karunungan at kamalayan. Kung babalikan ang yugto ng pagsakop at pagsupil, isang halimbawa ang erihiya ng isang kamalayang hindi nasupil. Maaaring ang mga babaylan at katalonan na hindi nabinyagan ang siyang nagpatuloy ng karunungang ito. Tandaan na isa lamang si Magsanga sa tila madaming pang pinunong ispiritwal ang nakaengkwentro ng mga Heswita. Makikita sa erihiya ang elemento ng pagkakatutubo: ang buhay na nakasandig sa kalikasan, pagkakaroon ng magkakaugnay na relasyong sosyal sa pagitan ng tao, pamilya, kapwa, nakikita at di nakikitang kalikasan, at sa Diyos. Ito ang mga relasyong pumapaimbabaw sa katutubong kamalayan. Kung babalikan ang mga tala ni Chirino (1604, 191-193) sa likas na pagkamapamahiin ng mga taga-Silang, dahil kaya rito nagkaroon ng pagkakataon na ang isang matandang karunungan ay nanatiling buhay at nagpasalin-salin? Maaari. At gayundin tandaan na may mga katutubong katalonan maliban kay Diego Magsanga ang di-nagpasakop at nagtago sa kabundukan ng kanayunan, marahil isa rin itong kadahilanan kung bakit ang erihiya ay nanatiling buhay at naipamana. Ikatlo at panghuli, sa katangiang mapagsalin-salin ito sa bibig, gumagabay ang erihiya sa sinauna at kasalukuyang panlipunang relasyon sa Silang. Isa itong buhay na yamang bayan na may kakayahang magturo o magsambit ng panganib bilang babala sa kapwa. Ito ay may kapangyarihang mangaral bilang mga pabaon sa mga susunod na henerasyon. Kung mapagsasama-sama at maikakategorya lamang ang lahat ng erihiya, isa itong napakagandang pagkakataon upang makuha ng buong-buo ang katutubong kamalayan bilang yamang bayan ng Silang. ANG PAGTAGUYOD NOONG TAONG 1663 AT ANG MGA RETABLO BILANG YAMANG KOLONYAL Ang simbahang bato ng Silang ay itinayo bago magkalagitnaan ng dantaon 17. Bago nito, nakapagpatayo ang mga Pransiskano ng kapilyang kahoy pati na rin ng isang maliit na paaralan. Sa paglipat ng parokya sa ilalim ng mga Heswita at gayundin ng lokasyon nito, pinalaki ang sinabing paaralan subalit nasunog ito taong 1603.9 Hindi sigurado ang tamang taon kung kailan nagawa ang simbahang bato. Sa mga datos ng Pictorial Records and Traces of the Society of Jesus in the Philippines and Guam Prior to 1768, nasusulat na tinatayang itinayo ni Fr. Juan de Salazar ang simbahan sa ngayon at natapos ito bago ang 76 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 taong 1645 (Repetti 1938, 166). Kanyang nahinuha ito mula sa mga tala ni Pedro Murillo Velarde. In 1640, an indio of Silang named Andres found a box containing an image of the blessed of the Blessed Virgin in the mountains of Silang. A friend who saw the image was enraptured by its beauty asked if he could have the image, and Andres without any hesitation gave it to him. The image became very popular among the Indios who had recourse to it in moments of need. A tabernacle was built for the image and the people would gather around it daily to pray the rosary. On 30 January 1643, the Indio left on a journey forgetting a vow inherited from his ancestors to keep Fridays scared. On returning home he found the tabernacle empty. Repentant and distraught he searched for the image and found it… he begged for forgiveness and returned home. Nine times the image disappeared and was found again… he sought the advice of a Jesuit rector… [and] ordered the congregantes to make vigil… brought to the church, accompanied by a festive procession of dancing, music and other manifestations of joy. The image was placed on the retablo of the gospel side. Devotion to the Virgin increased so that the image received gifts of jewelry, a gold crown, a vesture of chased silver and other ornaments— votive offerings to the Virgin (Javellana 1991, 204). Mula sa salaysay na ito, makikita natin na may nakatayo nang simbahan taong 1643. Gayundin, nasimulan na o maaaring tapos na rin ang retablo sa kaliwang bahagi batay sa salaysay ng pagdadambana ng tabernakulo ng poon. Ang eksaktong petsa na napapaloob sa tala ay disperas mismo ng kasalukuyang kapistahan ng bayan. Magpahanggang ngayon, tatlong araw itong ipinagdiriwang sa loob ng ika-1 hanggang ika-3 ng Pebrero. Itinangi ang simbahan sa Birhen ng Candelaria o sa Puripikasyon ng Ina kung kailan ang mismong petsa ng kapistahan ay ika-2 ng Pebrero. Malaki at matatag ang buong istruktura subalit walang ornamentasyon na kilala sa magarbong estilo ng Heswita. Kumpara sa ibang likha ni Padre Salazar sa Antipolo at Taytay, walang rangya ang panlabas na estilo na tipikal sa isang gusaling barok. Batay sa akda ni Javellana, “Silang’s façade is simple…lacks grace [as] the façade is low and squat. Like its exterior, Silang’s interior is simple. No ornaments on the pilasters, windows placed high along the walls” (Javellana 1991, 58). Kung itatanong bakit hindi na nagawang lagyan ng palamuti ang labas ng simbahan ay sapagkat namatay na si Padre Salazar taong 1645 na siyang nangangasiwa rito. Tinatayang noong naging provincial si Salazar, kanyang naipagawa ang mga simbahan sa Antipolo, Taytay, at Silang. Subalit kung ano ang ikinasimple ng disenyo nito sa labas, ang siya namang ikinarangya ng loob nito. 77 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Katulad ng ilang simbahan sa bansa, ang gawaing polo y servicio ang kapamaraanan sa pagtatayo ng misyong simbahan. Sa Silang, inasahan ang mga kalalakihan na maglaan ng panahon sa pagtratrabaho para sa gawaing simbahan sa loob ng isang taon. Gayundin ang mga kababaihan at mga bata ay inasahang tutulong sa pagbubuhat ng mga durog na bato (Unabia 2000, 169). Maaari rin namang may mga kasamahang manggagawang Tsino ang napasali sa paggawa sa simbahan ng Silang sapagkat sinasabing mas may kaalaman ang mga ito na magtayo ng gusali gamit ang bato samantalang eksperto naman ang mga Pilipino sa gawaing kahoy at kawayan (Lico 2008, 134). Kadalasan ang mga kolonyal na simbahan ay hubog sa krus na Latin kung saan ang dalawang malaking bulwagan ay magkrurus sa porma. Tinatawag na transept ang pahalang na mas maliit ang haba kumpara sa padiretsong nave. Tinatawag na apse ang puntong pinagsangahan ng dalawang bahaging ito. Ang natapos na simbahan ay gawa sa bato: may makapal na haligi at dingding. Matataas ang malalaking bintana sa harap at gilid na animo’y nasa ikalawang palapag. Malaki rin ang pintuan ng simbahan na yari sa kahoy. May palapad na pedimento ang tuktok ng gusali, di gaanong kataasan, at may dalawang pinyal na parang sibat sa magkabilang gilid. May apat na palapag ang kampanaryo na may maliliit na bintana na kadikit ng gusali. Kuwadrado ang unang palapag samantalang ang ikalawa, ikatlo, at ika-apat na palapag ay may walong gilid o oktagonal. Mula sa katalogo ni Javellana (1991, 204),10 makikita ang mga pagbabago sa simbahan, taong 1880 nasira ang ika-apat na palapag at makalipas mahigit ng isang daang taon, noong 1989, naibalik ito sa dati nitong taas. Napalitan ng tisa ang dating kahoy na sahig noong 1937. Noong 1950, nasunog ang kisame at pinalitan ito ng panibagong kisame isang metro ang layo mula sa orihinal. Binibigyang-pansin ng pag-aaral na ito ang buong istruktura at kapaligiran ng simbahan. Mapapansin na itinayo ang buong gusali sa isang mataas na bahagi ng lupa. Mula rito, mauunawaan sa lugar at disenyo ng gusali ang ilang konsiderasyon o pangangailangan nito. Una ay suriin ang kalidad ng pagkakagawa. Ang makakapal na dingding na yari sa bato ay posibleng pananggalang sa mga tulisanes galing bundok. Ang mga solidong bato ay siguradong nagbigay proteksyon sa loob ng simbahan at sa mga yamang tinatago rito. Nagbibigay rin ng proteksyon ang mataas na lokasyon nito at gayundin maliliit at matataas na bintana. Maihahalintulad sa isang kastilyong midyibal ang buong konstruksyon gayong panahon na ng barok sa estilo sa Kanluran. Ikalawa ay ang taktikal na aspeto sa pagpapakita ng kapangyarihan. Mapapansin na ang simbahan ang pinakamalaking gusali sa buong lugar. Ito ay simbolo ng rangya at kapangyarihan. Gayundin, tanging ang mataas na kampanaryo ang magbibigay-bista sa karatig-lugar upang malaman ang mga posibleng paparating o pangmasid sa mga kabahayan sa paligid. Nakapagtaguyod ang mga Espanyol na Heswita ng isang matatag na simbahan sa Silang at napagtibay ang pagbuo ng isang kolonyal na komunidad. Sinasabing matagumpay ang misyon sa bayang ito sapagkat iniangat sa estado ng residencia ang Silang. Sa 78 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 pagpapatibay nito, nangalaga at sumasakop ang simbahan sa bulubundukin ng Indang, sa mga tabing-dagat na pamayanan ng Maragondon at Ternate, at pati na rin sa isla ng Marinduque kung saan pinapamahalaan ang misyon ng Boac, Gasan, at Sta. Cruz sa ilalim ng residencia. Isa rin sa masasabing katagumpayan ng misyon ang pagkakayari sa tatlong malalaking retablong kahoy sa loob ng simbahan ng Silang na ilan sa pinakamagandang modelo ng retablong barok sa Pilipinas. Ang Retablong Barok. Sa malawak na pag-aaral ni Bailey, isang kilalang iskolar sa Heswitang Sining, pinatungkulan niya ang estilong ito bilang napakamalikhain na tila ang mga kahoy at bato ay nagmistulang mga burdadong disenyo (Bailey 2010, 1). Sa kanyang pag-aaral sa mga simbahan ng Latin Amerika, kanyang nabanggit ang mahahalagang pagaaral ng disenyong ito sa Pilipinas. Nagbigay-pugay si Bailey sa dalawang iskolar ng bansa sa pag-aaral ng Heswitang arkitektura at kolonyal na simbahang arkitektura, sina Javellana at Regalado Trota Jose (Bailey 1999, 59). Ang akda ni Jose na Simbahan: Chruch Art in Colonial Philippines 1565-1898 (1992) ay nagbibigay ng mayamang depinisyon at terminolohiya. Kanyang binanggit na ang mga lilok na santos ay maaaring tawaging de bulto o nakatayo, de gonze o lilok na nagagalaw ang kamay, paa at ulo, at ang de bastidor o lilok na may piramidal o konikal na dibuhong katawan subalit may detalyadong ulo at kamay. Para sa mga altar at retablo ang naglalakihang lilok sa simbahan, kadalasang gawa ito sa kahoy o maaari ring sa bato. Ang mas mamahaling lilok na gawa sa garing o ivory ay para sa mas maliliit na rebulto o maaaring sa mas maliliit pang bahagi ng santo tulad ng mukha o rostros at mga kamay na may kahoy na katawan. Ang mga lilok na panglabas ng simbahan ay hindi kasing detalyado ng mga lilok na gamit panloob. Gayundin, mas ginagamit ang bato sa mga panlabas na lilok at kahoy o garing naman sa mga panloob. Kadalasan ito ay makukulay. Sa mas mararangyang simbahan, ang mga laylayan ng damit ng santo ay binabalutan ng ginto gamit ang kapamaraanang estofado upang lumitaw na tila tela ang damit. Makikitaan ng mas maraming detalye tulad ng kuko, ngipin, guhit ng mata, at kahit pilikmata ang mas maliliit na lilok na yari sa kahoy o garing. Ginagamitan ng brutsa na gawa sa buhok ng pusa ang mukha ng mga santong lilok upang makuha ang realismo ng kulay na tinatawag na encarnacion. Para sa mata, gumagamit ng bubog upang maging mas makatotohanan ang paningin ng santo. Ginagamitan naman ng buhok ng pusa ang pilikmata nito. Ang caballeros ang magsisilbing buhok ng santo na yari sa buhok ng tao, tinintang hibla ng abaka o kaya nama’y pinya (Jose 1992, 120-126). Mula sa mga salitang Latin na retro at table, inilalagay sa likod ng altar ang mga grupo ng lilok na santong gawa sa kahoy. Ang sining ng retablo ay ang pagsasaayos at pagkakapatong-patong ng mga santong kahoy na pinapalamutian ng iba’t ibang elemento ng disenyong barok bilang mga banal na sisidlan ng mga nito. Makikita ang sinabing estilo sa halos lahat ng simbahan sa kapuluan lalo na kung ginawa ito noong dantaon 17. 79 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ginamit ang mga retablo bilang instrumento sa pagpapakilala sa mga kuwento, akda, tanda, at sakramento ng Kristyanismo. Mula sa mga Kanluraning modelo, nagpagawa ang mga paring Espanyol ng naglalakihang lilok at ukit upang mapalamutian ang loob ng tahanan ng Diyos at upang magamit din sa katekismo. Malaking ambag ang mga retablo sa malawakang kolonyal na pagsakop gamit ang ebanghelisasyon. Makulay na larawan din ng bagong paniniwala ang mga retablo. Ang matatayog na lilok na ito ang kumakatawan sa buhay-huwaran na kailangang tularan ng mga Kristyano. Sa mga titingin, di mapipigilang itaas ang ulo upang tingnan ang mensahe nito na waring tumingala sa langit. Sa kanyang akdang Jesuit Devotions and Retablos in New Spain, pinaksa ni Clara Bargellini (1999, 684) ang mga Marian-based cult na kadalasang makikita sa estilong Heswita ng mga retablo. Sa pag-aaral na ito, tatlo ang kanyang nakilalang imahen ng birhen: ang Birhen ng Loreto, ang Birhen ng Dolorosa, at ang Birhen ng Liwanag. Bilang pagpapatunay, mababakas ang mga imaheng ito sa tala ng Temporalidades. Ngunit sa pista ng Presentasyon, itinangi ang retablo ng Silang, kung titingnan ang mga kasaysayang aklat ng mga Heswita, kinikilala rin ito bilang pista ng puripikasyon ng Mahal na Ina simula pa noong 1601 kung saan naganap ang maraming pagbibinyag sa bayan (Arcilla 2010, 192-196). Binubuo ng tatlong bahagi ang mga retablo ng Silang: ang dalawang magkabilang gilidaltar sa transepts ng simbahan at ang altar-mayor sa gitna nito. Batay sa malawakang pag-aaral ni Javellana, kanyang binigyang-deskripsyon ang dalawang gilid na mga altar or colaterales ng simbahan ng Silang: …the altars at the transepts are mirror image of each other. Both are triplestoried. All employ relieves except at the central niche of the second story. First and second stories contain three sections each, the third a single section. Both utilized fluted Ionic columns for the first story and Corinthian columns for the second and third. The central niche is surmounted by a triangular pediment where stands a putto with a shield. Pineapple finials flank the crowning pediment and above the second story on either side stand putti in the attitude as the higher one. A cascade of volutes and bunches of fruits resembling papayas link the third story of the retablo to the lower ones. These end in volutes reminiscent of coiled millipedes. Volutes flank the first and second stories. Again coiled millipede-like designs appear at the first story. Angel faces jut out of the center of the second. Horizontals are divided by repetitive bands of flora, angel faces in front view, and crenalations resembling acanthus leaves (Javellana 1991, 116). 80 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Inihahandog sa mga santo ang dalawang retablong ito. Ang retablo sa kaliwa ay kumakatawan sa mga babaeng santo at ilang santo ng Bagong Tipan, gayundin, ang mga martir na nagbuwis ng buhay alang-alang sa pananampalataya. Ang nasa kanan naman ay ang kalipunan ng santo at mga pinagpipitagan ng mga Heswita. Nagpapakita rin ng mga tanda ng pagkasanto ang mga relihiyosong simbolismo sa mga ukit. Maipapalagay na na mga “pinalawig na tanda” ang mga santo. Iisa lamang ang tanda at iyon ay si Kristo subalit may ilang nilalang na naging mga ehemplo ng tunay na Kristyanong pagsunod at pagdadakila sa pananampalataya sa katauhan ng mga Santong Katoliko. Ito ang dahilan kung bakit napipili ang ilang tao upang mailagay sa mga banal na ukit ng retablo. Mula sa paglalahad ni Javellana (1991, 116), makikita sa mga lilok ang mga lokal na halaman, mga prutas, at ang mga volutes o paikot na disenyo at “millipedes” sa itaas at ibabang bahagi ng retablo bilang mga suportang elemento. Mapapalawig pa ang interpretasyon kung ihahalintulad ang kurba nito sa tila pag-agos ng tubig mula sa karatig-ilog ng simbahan, ang Rio Tibagan o Ilog Bayan sa ngayon. Isa ring pagbasa ay maaaring repleksyon ng isang matabang lupa ang mga presensya ng mga "millipedes" o mga bulate sa disenyo. Tandaang nakatuon sa pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng Silang. Subalit ang ipinapakita sa disenyo ng pinyal sa retablo ay dalawang anghel na may kalasag (na may simbolong hindi pa mawari kung araw o bituin) ang nakatungtong sa nasabing mga mala-bulateng elemento. Mababasa rito ang mensahe ng katagumpayan ng kalangitan, ang anghel na sundalo, laban sa simbolo ng kamunduhan, ang ahas, na siyang tumukso kina Adan at Eba. Isang pagbasang halaw sa Kristyanong paniniwala. Isa ring posibilidad ngunit nangangailangan pa ng masusing pagtitibay ay naaayon naman sa matandang mitolohiya. Maaari ring iugnay ang disenyo ng ahas sa paniniwala ng mga Tagalog at Kapampangan sa “laho” o ang isang malaking ahas sa kalangitan na kumakain ng araw o buwan sa panahon ng eklipse. Pinaniniwalaan ng katutubong karunungan ang angkin nitong kapangyarihan. Nakasaad sa pag-aaral ni Dante Ambrosio (2009), isang batikang historyador at kilala sa larangan ng katutubong astronomiya, ang pagkilala sa isang mala-diyos na ahas sa langit. Batay sa kanyang pag-aral, may mga sinaunang tala sina Fr. Francisco de San Antonio (1620), Fr. Tomas Ortiz (simula ng 1700), Fr. Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar (kalagitnaan ng 1800), at pangkasalukuyan, ang antropologong Olandes na si Antoon Postma noong 1997, hinggil sa mga katutubong pagkilala sa laho at kakayahan nitong lumunok ng araw o buwan. Kung iuugnay ang disenyo ng retablo sa isang diyos na ahas ng katutubong paniniwala, waring sinasabi pa rin nitong napasailalim ng anghel na may kalasag ng araw, isang Kanluraning kapangyarihan, ang katutubong hari ng langit, na kinakatawan naman ng laho. Ngunit kung ipagpapatuloy pa ang isang mapaglarong pagtingin sa mga nakapulupot na suporta sa retablo, tila nagsasabi naman ang katutubong naglilok na naririto pa rin at nagbabantay ang laho sa magkabilang-gilid. 81 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Maliban sa mga detalyeng nabanggit, higit na tutuunan ng pansin ang pinakatampok ng nilalaman ng altar mayor. Ito ang nagsisilbing materyal ng katesismo mahigit apat-nadaang taon na ang nakakaraan. Ito rin ay ang pinakamalaki at pinakamataas kumpara sa dalawang retablong kaninang inilalahad. Taglay ng altar mayor si Hesus sa buhay ni Maria o kung sa dagliang pagtingin, isang paglalahad ng buhay ni Maria gamit ang mga misteryo ng Santo Rosaryo. Ang mga bahagi ay binubuo ng tatlong palapag at salit-salit na mga nitso ng rebulto at mga kuwadro ng mababaw na ukit o relief. Ang marikit at masalimuot na disenyong barok ay binigyang lahad ni Fr. Javellana sa kanyang aklat. …The same divisions into verticals and horizontals found at side altars are repeated. But instead of fluted Corinthians, garlanded Corinthians and solomonicas separate the different members of the retablo… of three stories, the lower two being divided into seven sections of alternating niches, relieves, niches… similar to the top most division. The whole ensemble ends in a split semicircular pediment which displays the Jesus colophon. Again, lush tropical foliage links the floors together. Garlands of fruits and flowers cascade from pediment to second story, fruits peer out of split triangular pediments that serve as bases of the vase-like finials of the second story. Decorative motifs found at the transept altars are repeated: foliage, angel heads, acanthus crenelations, cartouches, and empty rectangles… (Javellana 1991, 117). Kung higit pang susuriin ang tatlong altar, mapapansin ang palagiang paggamit ng mga numerong tatlo, pito, at labindalawa. Ito ay mga bilang na kalimitang tinataguriang sagrado ng numerolohiyang banal o sacred numerology. Ang banal na pagbibilang ay makikita sa maraming Kanluranin at Silanganing kultura na bunga ng iba’t ibang kamalayan. Banal ang trayad sa nakaparaming matatandang kultura bunga ng nagbabago at naghahalong relihiyon at kulto. Sa Katolisismo, ang paggamit ng bilang tatlo ay tanda ng Santisima Trinidad. Makikita ang paggamit ng bilang tatlo sa mga retablo sa maraming pagkakataon: may tatlong altar sa simbahan ng Silang at may tigatlong palapag ang mga ito; may tatlong pedimento na binubuo ng tatlong gilid at tatlong sulok sa detalyeng pang-arkitektura sa loob ng tatlong altar; may dimensyon ng perspektibo ang mga gilid-altar na nagbibigay-ilusyon na tila tatlong patong ang komposisyon ng retablo paharap; may tatlong mago na bumisita sa kapanganakan ni Hesus; tigatlong angel sa mga kuwadrong-ukit nina San Francisco Javier, San Francisco Borgia, Stanislaw Kotska sa kanang gilid-altar; tigatlong anghel sa gilid ni Hesus na may sinag ng tatlong potencias sa ibabaw ng sinag ng areola; tigatlong angel sa gilid ni Santa Helena sa kuwadrong-ukit ng kaliwang gilid-altar; tatlong angel ang nagdadala sa Birhen sa dalawang kuwadrong-ukit na makikita sa Koronasyon at Kotska; tatlong anghel na pinyal, dalawa sa gilid at isa sa tutok ng pedimento ng ikatlong palapag ng mga gilid-altar; at tatlong persona na binubuo nina Paul Miki at mga kasama sa tutok na kuwadrong-ukit ng kanang gilid-altar. 82 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Makikita naman ang bilang pito sa kabuuang bilang ng mga ukit at rebulto ng tig-gilid na mga retablo. Ito rin ang bilang ng mga santo at kuwadrong-ukit sa bawat nibel ng retablo mayor. May pitong tauhang bisita ang Mesiya sa kanyang kapanganakan. Sa kabuuang bilang, may labimpitong santo, santa, at eksenang pananampalataya ang bumubuo sa tatlong retablo ng Silang. Panghuli, makikita ang labindalawa sa bilang ng bituin sa areola ng patrona at maging sa ilang santo at tig-labingdalawang bunga ng bulaklak na umaapaw sa pedimento ng retablo. Maaaring sabihin na ang bunga lang ang pagbibilang sa komposisyon ng pagbubuo ng simetri o pagkakabalanse sa disenyo. Subalit may ilang mga skolar ang nagtatangkang bigyang-pakahulugan ito. Si Athanasius Kircher (16021680) ay isang Heswitang Aleman na nagpakadalubhasa sa matematika at pilosopiya. Isa siya sa mga nagtangkang hanapin ang ugat ng nag-iisang kabihasnan noong panahon ng banyuhay or Renaissance. Isa sa kanyang mga pag-aaral ay nakatuon sa mga sinaunang sibilisasyon tulad ng Ehipto at Babilonya. Kinilala niya ang halaga ng mga bilang at ng banal na pagsusukat at siyang ginagamit sa pangkasalukuyang pag-aaral ng sacred geometry sa pagkakalikha ng mundo. Kahit hindi niya direktang tinalakay ang banal na pagbibilang sa kanyang mga akda, makikita naman ito base sa kanyang mga pakahulugan, teorya, at salaysay mula sa matatandang Kanluraning pag-aaral sa sining at agham na sinusuportahan mismo ni Santo Papa Alexander VII (Fidlen 2004, 66). Naglalaman ang anim na kuwadradong ukit ng buhay ni Maria buhat sa mga dasal ng Santo Rosaryo. Kasama rin ng salaysay na biswal ang paglalahad ng buhay ni Hesus sa piling ng kanyang Ina. Sa unang palapag mula sa kanan, naroroon ang rebulto ng ebanghelistang si San Pablo, ang kuwadro ng “Ang Pagbisita,” si San Joaquin (ama ng Ina), nitso ng Patrona, si Santa Ana (ina ng Ina), ang kuwadro ng “Ang Panunuluyan,” at ang rebulto ng ebanghelistang si Santiago. Sa ikalawang palapag mula kanan naman makikita ang rebulto ng tila Heswita na santo (posibleng si Aloysius Gonzaga), kuwadro ng “Ang mga Mago,” si San Jose (ang asawa ng Ina), ang kuwadro ng “Ang Presentasyon sa Templo,” si San Juan Bautista (ang pinsan ni Hesus), ang kuwadro ng “Ang Koronasyon,” at panghuli, isa pang santo na maaaring si San Isidro (ang magsasaka). Sa tutok ng retablo nakalagay ang kuwadro ng Santo Nino de Ternate at napapagitnaan ng dalawang santong Heswita na maaaring sina San Ignacio at San Francisco Javier. Higit na kapansin-pansin sa retablo mayor ang hagiograpia ng buhay ni Maria sa isang malikhaing lilok gayong kasabay na ipinapakita nito ang esensya ni Hesus. Makikita rito ang pagkakabuo ng pamilya ni Hesus (kasama sina San Jose at Maria, at maging ang pinsan San Juan Bautista) at gayundin ang pamilya ni Maria (kasama sina San Joaquin at Sta. Anna). Mga tanda ito ng pagkakabuo ng pamilyang sagrado at maging ng matandang teolohiya ukol sa pamilya. Mapapansin din ang paglagay sa dalawang rebulto ng santo ng ebanghelisasyon, sina San Pablo at Santiago na nagbibigay-paalala sa mga Heswita ng misyong-magpalaganap sa bayan. 83 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Sa mga susunod na pagtalakay sa mga retablo, iisa-isahin ang mga naganap na pag-aanib ng Kanluranin, Silangan, at lokal na tipo ng disenyo sa loob ng retablo. Bibigyangpaliwanag ang bawat bahagi ng anim na kuwadro upang maitangi ito na isang makasining na halimbawa ng yamang bayan. Nagpapakita ito ng halaga bilang isang banal na gamit at gayon din bilang isang patunay ng isang pinaghahalong kamalayan. Ang Pagbisita. Nakalagay sa unang palapag ang kuwadro mula sa kanan ng altar mayor. Nagpapakita ang ukit ng dalawang pigura: si Maria at ang Angel Gabriel. Suot ang kanyang bughaw-pula-puting damit, taimtim na nakikinig si Maria sa anghel na may suot na puti. Ang puting kalapati ang ikatlong presensya sa ibabaw ng liwanag at bumubukang mga ulap na kumakatawan sa Espiritu Santo. Pinuna ni Javellana (1991, 117) ang kasangkapan ng bahay sa loob ng komposisyong ito na tila mukhang kulambo ang yari sa kurtina sa likod. Kapuna-puna sa pag-aaral na ito ang mga ulap sa tipong Tsino, bilog-bilog na umiikot sa puting kalapati. Hindi pa nakikita sa ukit si Hesus na nasa sinapupunan, sa halip ang respresentasyon ng paghawak ni Maria sa kanyang tiyan ang tanda ng pagdating ni Hesus sa kanyang buhay. Tama ang pagkakaukit sa mga tupi ng damit subalit may ilang problema sa proposyon partikular na sa laki ng paa. Ang Panunuluyan. Nasa unang palapag, unang kuwadro mula sa kaliwa. Nakadamit bughaw at pula si Maria na may puting belo, ang tipikal niyang kasuotang kulay na makikita sa lahat ng kuwadro. Tangan sa kanyang lapag at sapo-sapo ng kanyang belo ang Mesiyang si Kristo na napapaligiran ng pitong bisita. Maliban sa mga pastol na nakamasid sa bandang likod, mapapansin ang isang babae sa ukit ay tila nakatapis na nagbibigay ng lokal na panamdam sa ukit. Hindi Kanluraning tipo ang mga hayop sa paligid gaya ng tupa at asno, sa halip, may guya at maliit na kalabaw sa harap ng komposisyon. Gayundin, may kakaibang asong pitbull sa gawing kanan at kinakagat ang espada na di pa malaman kung ano ang ibig sabihin (Belmonte 1990, 39). Si San Jose ang imaheng nakakayumanggi na may dalang lampara. Mapapansing may suot siyang sumbrero na parang sa magsasaka. Muli makikita ang malapad na paa sa ibabang bahagi. 84 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ang mga Mago. Nakalagay sa ikalawang palapag, unang kuwadra sa kanan ng altar mayor. Ang komposisyon ay muling nakasentro kay Hesus na sanggol at Maria. Napapaligiran sila ng tatlong mago mula Silangan. Sa halip na sakay ng kamelyo na tradisyunal na representasyon, ang mga gamit nila ay lulan ng mga kabayo. Maaaring ginamit ang hayop na ito sapagkat walang pagkakakilanlan ang mga katutubo kung kamelyo ang gagamitin o kaya naman di mawari ang gumawang Indio o Tsino kung papaano iuukit ang hayop na may mahabang leeg. Kung tala ang gumabay sa mga mago upang mahanap ang kinaroroonan ng Mesiyas, sa komposisyong ito, liwanag ng araw ang nakaukit. Waring representasyon pa rin ng isang tala o kometa dahil sa tatlong guhit na pumapailanlang sa kanang bahagi nito. Pansinin na tila nabighani si San Jose sa rangya na dala-dala ng mga kabayo (Belmonte 1990, 49). Ang Presentasyon sa Templo. Nasa ikalawang palapag, gitnang kuwadro ng retablo mayor. Binubuo ang makulay na komposisyong ito ng walong tauhan na pumapaligid sa sanggol. Kahit pa nakasaad sa Bibliya na may edad na si Hesus nang dinala sa templo, sanggol pa rin siya sa komposisyong ito. Hindi si Maria ang may tangan sa sanggol kundi ang matandang Simeon. May dalang kalapati bilang alay ang dalawang tauhan sa harap. Kung babalikan ang tradisyon, ang kalapati ang pinakamababang uri ng alay sa templo. Nagpapakita ito ng abang kalagayan na pinagmulan ng Mesiyas. Subalit kalapati rin ang simbolo ng pagiging banal kung saan nakalipad sa taas ang Espiritu Santo sa loob ng liwanag na tila araw. Dahil sanggol ang pagsasalarawan kay Kristo, pansinin na may tila kuna sa loob ng templo at nasa gitna ng komposisyon. 85 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ang Koronasyon. Nakalagay sa ikalawang palapag, unang ukit mula sa kaliwa ng retablo mayor. Suot pa rin ang kulay na representasyon kay Maria, binubuhat siya ng limang kerubin paakyat ng langit. Si Hesus na nabuhay magmuli ay suot ang pulang balabal ng gloria at kulay ng mga hari. Kapiling niya ang Diyos Ama na balbas-sarado na nakasuot ng dilaw at tila ginto, nakakoronang tulad ng Santo Papa o mitre ng mga obispo. Parehong may hawak ng bughaw na bilog na kumakatawan sa mundo. Upang mabuo ang imahe ng Santisima Trinidad, isang puting kalapati ang bumaba sa langit buhat sa isang liwanag sa korona ng Mahal na Birhen. Interesante rin na buo ang Santisima Trinidad ng katutubong teolohiya: Diyos Ama, Diyos Anak, at kinoronahang Diyos Ina. Pansinin ang estilo ng ulap sa komposisyon gayundin sa ilang kuwadro na ukit. Tipikal na Tsino ito na siyang mga maaaring naging kasamahang manggagawa sa proyektong gumawa ng mga retablo. Subalit pansinin din na hindi singkit ang mga tauhan sa lahat ng lilok. Sa malamang, mahigpit na binabantayan ng mga Espanyol ang pagyari sa mga imahe subalit pinapahintulutan na baguhin ang ilan sa mga elemento ng komposisyon upang maging malapit ito sa gumagawa at sa mga “tutunganga” rito. Ang Santo Niño de Ternate. Nasa tuktok o ikatlong palapag na napapagitnaan nina San Ignacio at San Javier. Ang kuwadrang-ukit na ito ang makakapagsabi kung kailan nagawa ang mga retablo. Sinasabi sa aklat ni Javellana (1991, 116) na ang “Niño” ang makakapagsabi kung kailan natapos ang 86 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 mga retablo. Taong 1663 dumating ang binyagan mula Merdekas dala ang Poon. Inilagak sila sa isang bahagi malapit sa Maragondon at tinangi na “bagong” Ternate. Masasabi ng pag-aaral na ito na ang paglagak ng dalawang santong Heswita sa tuktok ng retablo altar mayor ay may pulitikal na dahilan. Sa tuktok makikita ang mga pinagpipitagang Heswitang santo na tila sinasabing pinakamalapit sila sa Diyos o isang paraan ng pagdadakila. Tulad ng pagpapakita sa kuwadrong-ukit nina Paul Miki at mga kasama na pinaslang sa Japan, dinakila sila ng orden dahil sa katapangan at pagpapatuloy ng misyon. Dahil dito, kinilala ang kadakilaan at banal na pagtanggap sa misyon sa mismong rurok na kuwadrong-ukit sa retablo. Sa pagkakataong ito, ang retablo, sa pagpapakita ng mga pangyayari at politika ng pagpoposisyon nito, ay maihahalintulad sa isang pahayagan na naglalahad ng kasaysayan batay sa mga halagahing Heswita. Sa ibaba ng ukit ng altar mayor ay ang imahe ng Immaculada Concepcion sa loob ng isang puting medalyong suot ang bughaw at puting kasuotan. Ito naman ang naging patrona ng Maragondon. Isa itong halimbawa na nagpapakita sa mga ukit ng relasyon ng Silang sa kanyang mga luwal na karatig-bayan. Si Magdalena na patrona ng Amadeo ay nasa itaas na bahagi ng kaliwang retablo, gayundin din sa San Antonio na dating patron ng isang karatig-bayan. Naging tila isang lathalain o pahayagang pangkasaysayan ang mga ukit sa kahoy. Dahil sa pagsusuring ito, masasabing nakapag-ambag pa ang retablo ng iba pang kapakinabangan maliban sa ebanghelisasyon. Naglalaman ang mga pangunahing kuwadro ng retablo mayor ng pagsasanib ng Kanluranin at lokal na elemento. Isinagawa ito upang higit na maging mas malapit ang bagong paniniwala sa mga katutubo. Gayundin ang presensya ng mga santong de bulto na maaaring dumulog sa mga kahilingan ng mga tao tulad ni Santa Ana, nasa unang palapag na patron ng kapanganakan at pagmimina o si San Isidro na patron ng mga magsasaka. Dahil sa ganitong pagkakataon, isang yamang bayan ang ikonograpiya ng retablo na naglalaman ng hitik na hitik sa simbolismo ng Katolikong paniniwala. Kaalinsabay nito, mababakas pa rin ang katutubong teolohiya sa katauhan ni Maria bilang isang malaking puwersa sa mga likhang lilok at representante ng tila babaeng diyos. Pagtangkilik sa Retablo bilang Yamang Bayan. Ang akto ng pagsakop at pagsupil ay hindi gaanong naging malakas sa pagbuo ng mga retablo at sa halip isang asimilasyon ang naganap. Humantong ang pagpapalit-pagpipilit ng mga kolonyal na ideya sa isang epektibong pag-aanib ng katutubong elemento at Kanluraning disenyo. Tinawag itong mestizo ni Bailey kung saan paghahalong kultural at pagsasanib ng katutubo at Kanluranin dahil sa isang eksperimento ng mga Heswita sa pagsasanib ng mga kultura para sa kapakinabangan sa ebanghelisasyon (Bailey 2010, 21). Mula sa pag-aaral na ito, hindi lang eksperimento ito kundi taktika. Subalit masasabi pa ring Pilipino ang mga ito sapagkat napapaloob dito ang pinaglagom na kamalayang taal at mga halagahin ng isang dinamikong lipunan. Sa puntong ito, maaaring hindi mananakop ang estilong Heswita kundi niyapos ang bagong kulturang kinahaharap at nagluluwal ng mas makulay at mas 87 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 marikit na kasaysayan at sining. Sa pagsasanib ng kolonyal at pre-kolonyal, Kanluran at Silangan, Espanyol at katutubo, makikita ang isang malaking bakas ng pagka-unibersal ng pananampalatayang Katoliko. ANG PAGLISAN TAONG 1768 AT MGA BANAL NA HIYAS NG DINAMIKONG ISPIRITWALIDAD Ang simula ng pagtataguyod sa simbahan ng Silang ay nababalutan rin ng mga mito at kababalaghan. Isa sa mga kilalang mito at kuwentong bayan ang mirakulo at misteryo ng Mahal na Birhen na nakasaad sa mga tala ni Murillo. Simula noon at magpahanggang ngayon, laging iniiwanan na sa kaliwang retablo ang imahe ng Birhen maliban pa sa isang imahe na naroroon na sa sentral na nitso ng altar mayor. Ito ay bilang paggunita sa alamat upang hindi na umalis ang Mahal na Ina. Isa ring kuwentong bayan na nabubuhay ang imahe tuwing sasapit ang sakuna at peste sa ani. Tuwing gabi, makikita ng taumbayan ang isang babaeng di-kilala na umiikot at nagbibigay-limos at pagkain sa mga tao. Kinaumagahan, mapapansin ng mga pari ang maruming laylayan ng damit ng birhen. Papalitan ito araw-araw subalit laging marumi kinaumagahan. Kumalat ang balitang ito sa kabayanan hanggang sa baryo. Sa pagkakagamit sa mga kuwento at alamat upang mas mapasidhi ang interes ng mga katutubo sa kolonyang paniniwala, naganap ang pagyapos sa kaisipan at pag-anib sa kamalayan at pangangailangan ng mga indio at pati na rin ng pangkat principales. Tinangkilik na sagrado ng mga taga-bayan ng Silang ang mga gamit-simbahan. Mula sa mga retablo, mga santo, at mga gamit nito tulad ng alahas at bestido, mga banal na ginintuan o pinilakang mga sisidlan, mga krusipiho, langis, agua bendita, mga kandila, bulalak ng karosa at higit sa lahat ng banal, ang ostya, mga gamit ang mga ito na ipinahahayag ang Tanda at mga sakramento ng paniniwalang Katoliko. Ito rin ang mga banal na hiyas na iipon at pinag-iingatan sa loob ng mahabang panahon. Mula sa imbentaryo ng Temporalidades noong 1768, isinasaad nito ang mga yamang simbahan na naipundar at naitago ng mga Heswita sa loob ng mahigit isang daang taong pamamalagi sa Pilipinas. Sa mga dokumentong Jurisdiccion de Cavite ng Temporalidades leg 6 numero 26, makikita ang iba’t ibang pag-aari ng mga Heswita sa lalawigan. Nilagyan ang imbentaryo ng gradong primera, segunda, at terserang klase. Ang Pueblo de Silan ay may tala sa ilalim ng segunda at tersera: One image of Our Lady a cuarta y media vara in height with face and wooden hands dressed up completely in silver wrought, with imperial crown of gold inlaid with various ordinary stones and supported on both sides by two small angels and a small golden face made with inlaid gold filigrees and adorned 88 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 with various ordinary stones, and fine pearls, and on both ends a golden pendant, four pieces each, with a two-string necklace of pearls and on the hands are two two-string bracelets of fine pearls. One hallow cross of silver a cuarta vara in height. Two small faces and two knives of silver, one big and one small of the Virgin of Sorrrows. One image of Our Lady with face and ivory hands two tercia varas in height, with crown and a small face of silver, adorned with various ordinary stones, a pair of golden hoes embossed with ordinary stones, with fine pearls; a fine two-string gold chain in antique workmanship of more than one cuarta vara in length, and four bands of ordinary stones enclosed in gold (PNA 1768, 6:26, 20:28).11 Mga Dokumento ng Temporalidades tungkol sa Silang. Mula sa Philippine National Archives. Masasalamin sa imbentaryo ang tatlong imahe ni Maria na iba’t iba ang materyal at pagkakagawa. Nagpapatunay lamang ito ng isang matinding debosyon sa Birhen na pinansin ng ibang iskolar bilang “kulto.”12 Nagpapakita rin ito ng kakayanan ng Silang na makabuo ng mga banal na hiyas para sa simbahan. Nagsasabi itong may mataas na antas ng pamumuhay ang bayan upang makapag-ambag ng ganitong uri ng yamang simbahan. Kung babalikan ang tala ni Murillo na sinulat ni William Charles Repetti sa pagsisimula ng simbahan sa Silang, mababakas dito ang ilang gamit na nauna nang naihandog para sa 89 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 simbahan, tulad ng Birhen na may mga alahas na ginto at damit na yari sa pilak. Bunga ang dumaraming alahas ng Poon ng pagtangkilik ng mga nakakataas sa lipunan. Nagpapakita ang pagdodonasyon ng ginto, pilak, at perlas ng katayuan sa pamumuhay. Sa malamang, ang mga principales ng bayan at maging ang mga Espanyol na encomenderong humahawak dito ang siyang pinagmumulan ng mga ito. Ang mga Banal na Hiyas. Laman ng simbahan ang mga banal na hiyas ng bayan. Subalit ang yamang simbahan ay nabuo mula sa higit-isang katangian ng pagiging banal na hiyas. Kung susuriin, tila may dalawang kategorya pang nagmumula rito. May mga banal na hiyas na “banal na” sa simula pa lang. Mga dala o gawa ito ng mismong kaparian upang maisagawa nila ang katekismo at pagdiriwang ng sakramento. Maaaring pumasok sa kategoryang ito ang ostya, bendidong langis at tubig, mga krus, at maging ang mga retablo at mga santo na ginawa para sa simbahan. Sa kabilang banda, may mga yamang simbahan na naging mga banal na hiyas dahil “binanal” ang mga ito. Ang akto ng pagbibigay ng alahas, bestido, ginto, at pilak mula sa mga kamay ng tao patungo sa sisidlan ng simbahan ay mas nagpapalawig ng katangian ng mga banal na hiyas. Hindi banal ang mga ito sa simula subalit naging mga banal sa pagkakaloob ng basbas ng mga kaparian. Kung iisipin ng simbahan na may monopolyo at angking kapangyarihan ang mga pari sa pagbabanal ng gamit at yamang simbahan, tila hindi. Ang mga pangkaraniwang tao o indio ay may kakayahan ding makapag-ambag sa mga banal na hiyas ng dinamikong Pilipinong ispiritwalidad. Sa kamalayan ng indio naganap ang mas pinaigting na pagsasanib ng katutubo at kolonyang halagahin. Dahil hindi lubos ang pagsasalin ng Katolikong kamalayan, pinagsasanib ang iba’t ibang halagahin o di kaya’y di naiba sa simula pa lang subalit may nibel ng asimilasyon na naganap. Mula sa mga paggawa, pagsunod sa matatandang karunungan, at pagsulat-pagbigkas ng mga enkantasyon, makikita na hindi tuluyang nasakop at nasupil ang kamalayang katutubo. Kadalasan pa nga’y nakakahanap ng ugnay ang mga pangkaraniwang tao upang maisakatuparan ang mga katutubong paniniwala gamit ang proseso ng Kristyanong pagdiriwang. Kung nakapag-ambag ng mga banal na at binanal na hiyas para sa yamang simbahan ang mga taga-sunod nito, nakapag-ambag naman ng mga yamang pang-ispiritwalidad ang pangkaraniwang tao (tingnan ang hanayan sa sunod na pahina). 90 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 HANAYAN 1 Pagkategorya sa mga Niluwal na Banal na Hiyas Mga Banal na Hiyas sa Kabuuan Yamang Simbahan Yamang Pang-ispiritwalidad Banal-na na hiyas Banal-na-at-binanal-pa na hiyas Binanal na hiyas (may basbas) Binanal na hiyas (indirektong basbas o wala) Mula sa paghahanay ng pagkategorya ng mga banal na hiyas, makikita na nakapag-ambag ang mga katutubo ng mga yamang pang-ispiritwalidad sa dalawang kapamaraanan. Unang kapamaraanan, may mga banal nang gamit pangsimbahan ang kinukuha, ipinamamahagi pagkatapos ng pagdiriwang, at itinatangkilik. Kadalasan ito ay mga kandila, sisidlan, telang damit ng poon na hinahati at pinamimigay. Ito ang mga banal-na at binanal-pang mga hiyas ng pangkaraniwang mga tao. Tinataguriang mga biyaya, “paswerte” ang mga bagay na ito o kaya nama’y bilang mga anting-anting na nagsisilbing mga pananggalang sa mga kamalasan at kasamaan sa paligid. Ito marahil ang bunga ang pinagbabagong kamalayan. Una, ang pagkatakot sa labas—naglipana sa labas ng bayan at nagtatago sa dilim ng kagubatan ang masasamang elemento at tanging sa pagsunod sa Kristyanong sakramento at pagtanggap ng mga tanda kahit makuntento sa isang kurot lang nito ay makakapagligtas sa mga tiyak na kapahamakan. At pangalawa, ang akto ng pagbabahagi ay taal din sa katutubong panlipunan kung saan nagsasalo-salo ang lahat sa biyaya ng kalikasan. Pangalawang kapamaraanan, may mga akto rin ng mismong paggawa ng sariling mga binanal na hiyas na hindi na nangangailangan pa ng direktang pagbabasbas ng kaparian. Binigyang-pansin ito ni Ileto sa kanyang pag-aaral. May mga bagay na nililikha ang mga pangkaraniwang tao lalo na kung panahon ng sagradong araw o sa punto ng Mahal na Araw. Ang mga binanal na hiyas ng mga pangkaraniwang tao ay umiikot sa mga sulat at inilarawang orasyon sa papel, mga enkantasyon sa mga nililok na mga amulet, at maging pagkuha ng nakikita at di-nakikitang bagay-paswerte sa kalikasan. Maaaring maikategorya ang mga ito sa mas malaki pang pag-aaral ng anting-anting. Sa bayan ng Silang makikita ang lahat ng mga kategoryang ito ng banal na hiyas. Mula sa imbentaryo ng Temporalidades, inilahad ang mga yamang simbahan noong 1768 patungkol sa birhen. Maging ang mga naglalakihang retablo gawa noong 1643-1663 at lahat ng mga santo nito ay bahagi ng mga banal-na na hiyas. Sa paglisan ng mga Heswita, hindi na natin malalaman kung saan na napunta ang mga nakatala sa imbentaryo. Sa paglipas ng panahon, sa pagdating ng rebolusyon, at sa pagpalit ng mga kaparian, untiunti nang nawala ang mga ito. Tanging ang retablo na lang ang naiwan. 91 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ang Nuestra Senora de Candelaria, retablo ng altar mayor, Bayan ng Silang, Cavite. Sa taunang pagpapalit ng kanyang damit, kinaugalian dati na pira-pirasuhin ito. Sa ngayon, itinatago ng mga pamilyang nag-bigay ang damit ng poon. Tanging mga bulaklak at mga binasbasang kandila nila ang kinukuha ng mga deboto tuwing kapistahan. Ang kasalukuyang patrona sa Silang na nakalagak sa unang palapag, sentrong nitso ng retablo ng altar mayor, ang Nuestra Señora de Candelaria, ay matituturing na pangkasalukuyang banal na hiyas ng yamang simbahan. Isa itong santo de bastidor na may detalyadong ulo at kamay at nakadamit verdugado o hoopskirt. Kalimitang hiwalay ang damit sa buong rebulto. Ang pinakamalaking bahagi nito ay ang saya at manto. Parehong materyal ang ginagamit sa tapa-pecho o blusa na kadalasan ay seda, satin o velvet na burdado ng hilo de oro o plata o mga ginto at pilak na sinulid. Ang damit ay lalo pang pinarikit ng lantejuelas o spangles o galones at galoncitos o tirintas ng mga laso at enkahe (lace). May mga alahas na pilak ito na tubog sa ginto na may mga diamante at puting sapiro. Sa kanyang ulo nagniningning ang aureola na gawa sa parehong materyal at may mamahaling bato at inilawan ng kuryente. Sa kanyang kaliwang kamay tangan ang batang Hesus na nakadamit ng kaparehong materyal tulad ng sa Mahal na Ina. Gawa sa garing ang mga ulo at kamay nito. May maliit ding koronang ginto ang batang si Hesus. 92 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Ang kasalukuyang mamahaling kasuotan nito ay bigay ng mga debotong pamilya ng bayan. May ilan pang ang tingin sa pagpapakaloob ng mga regalo sa simbahan ay nagbibigay-daan sa biyaya at pagpapala. Tuwing kapistahan, pinapalitan ng damit ang Birhen at may ilan pang nagbibigay ng mga alahas dito. Isa itong pagpapakita ng pagaambag ng mga binanal na hiyas. Isang kakaibang tradisyon din sa Silang na sa pagkakatapos ng pista, pinipiraso-piraso ang manto upang ipamahagi. Dati itong tradisyon na hindi na ginagawa ngayon. Ang damit na pinasusuot sa Birhen ay itinatago na ngayon ng pamilyang nagbigay nito. Kasama ng mga pinirasong tela, kinukuha rin ang mga bulaklak ng carosa. Ito ang mga banal-na at binanal-pang mga hiyas na tinatago ng mga tao. At ang pinakatampok sa pagdiriwang ng kapistahan ay ang pagbabasbas ng mga kandila. Naniniwala ang mga deboto na sa oras ng kadiliman na katapusan ng mundo, tanging ang mga kandilang ito ang magbibigay-liwanag. Kada-pista ang pagbebendisyon ng kandila. May ilan pang matatandang albularyo sa mga barrio ng Silang na nananatiling buhay ang matandang paggagamot. Ang pagrereseta ng langis na ipapahid; paglagay ng pirapirasong papel sa likod, dibdib, noo, at batok; pagbibigay ng mga dahon na pakukuluan o dudurugin upang inumin o ipahid ay ilan sa karaniwang ginagawa. Ibinibigay ang mga ito kasama ng dasal ng Ama Namin, pagrorosaryo o kaya nama’y may dasal ng orasyon sa Tagalog o Latin. N ananatiling buhay ang mga yamang pang-ispiritwalidad na ito sa mga paggawa sa kanayunan. Maging ang mga tagabayan na di mawari ang sakit ay pumupunta pa rin sa mga manggagamot at manghihilot. PAGLALAGOM: TUNGGALIAN AT PAG-AANIB Pagdating, Pagtaguyod, at Paglisan… sa tatlong bahagi na ito mahuhukay ang mga yamang bayan ng Silang sa loob ng ika-17 hanggang ika-18 siglo gamit ang mga datos pangkasaysayan. Napapalooban ang mga panahong ito ng maraming diskurso sa pagsakop at pagsupil, pagpapalit-pagpipilit, at pagyapos at pag-aanib ng mga nagtutunggaliang puwersa na nagpapabago at nagpapalagom sa dinamikong kamalayan partikular sa Silang. Sa paglalapat ng iba't ibang panunuri sa larangan ng sining pangkasaysayan at panlipunang antropolohiya, mas napapalitaw ang mga karunungan, kamalayan, at halagahing naitatampok bilang mga yamang bayan. Gaya ng pagkilala natin sa sining, mas nagiging makulay ang ating pagsilip at pagtanggap sa nakalipas kung titingnan ito gamit ang mga lente ng iba’t ibang panunuri. Mula sa erihiya nababakas ang mga katutubong pananaw ng sinaunang lipunan. Ang mga mala-patulang mensahe nito ay gumagabay sa panlipunang relasyon. Isa itong buhay na sining (sariling diin) na taglay ng wika at mababakas ang matatandang karunungan, mga alamat, kasabihan, at maging mahika upang magbigay-payo o babala sa mga naniniwala 93 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 rito. Mula sa simpleng pamumuhay at pagkamapamahiin ng mga tao na nakita ni Chirino sa pagdating ng mga Heswita sa Silang, mapagtatanto na nakasandig pala ang erihiya sa masalimuot na mga katutubong halagahin na umiikot sa katutubong pananaw sa sarili, pamilya, kapwa, kalikasan, at Diyos. Binibigyang-pahalaga ng pag-aaral na ito na isang yamang bayan ang erihiya na hindi nasupil ng mga banyagang mananakop kahit pa dumaan ito sa punto ng pagsakop sa simula ng dantaon 17 at maging sa akto ng pagpapalit-pagpipilit sa kabuuan ng dantaon 17-18. Magpahanggang ngayon, buhay na buhay ito sa kamalayang Silangueño. Sa paglalahad ng retablo masasalamin ang pagtataguyod ng panibago at pinagbagong kamalayan. Ginamit ito sa pagsakop at pagsupil ng mga Espanyol laban sa mga katutubong pananaw. Kasama ng retablo bilang mga instrumento ng ebanghelisasyon ang pagtatayo ng simbahan at paglilipat sa mga katutubo sa loob ng kolonyal na pamayanan. Sa ilalim ng kampanaryo ipinakilala ng mga Espanyol ang Tanda at sakramento ng paniniwala. Gamit ang pagkamapamahiin ng mga katutubo, naisagawa ang misyon na mapalapit ang mga ito sa ilalim ng pamahahalang kolonyal. Sa kabilang banda, ang paggamit ng mga Heswita ng pag-aanib at asimilasyon sa mga sining-ukit ay repleksyon na tila sila ang nasakop at yumapos sa katutubong kaisipan. Ang paggamit ng mga tipong taal sa kamalayang Tagalog ang siya ring gamit sa pananakop. Ang mga retablo sa gayon ay yamang bayan na bunga ng isang kamalayang mapangsakop subalit hindi mapangsupil sa halip ay mapanghalo. Gaya ng makikita sa erihiya, masasalamin sa retablo ang dinamikong Pilipinong ispiritwalidad. Ang malawak na Pilipinong ispiritwalidad ay nagpapakita ng pag-aanib-puwersa bunga ng tangkang pagsakop at pagsupil, pagpapalit-pagpipilit, at pagyapos at pag-aanib ng kolonyal na imperatibo sa katutubong kamalayan. Nagluwal ito ng dalawang kategorya ng banal na hiyas, ang yaman simbahan at yamang ispiritwalidad. Nahahati pa sa tig-dalawang katangian ang dalawang kategoryang ito. Maituturing din ang lahat ng mga ito bilang yamang bayan ng Silang bunsod ng nagbabago at dinamikong pananaw sa pananampalataya. Mula sa mga datos ng Temporalidades taong 1768 at paglalahad ni Murillo noong 1640, makikita ang mga imbentaryong gamit na yamang simbahan. Pinahalagahan at pinag-ingatan ang mga ito na binubuo ng mga banal-na at mga binanal na hiyas gamit ang pagbabasbas. Sa bahaging ito makikita ang relasyon ng simbahan, kaparian, at mga principales na nagpayabong sa yamang simbahan. Nakapagambag ng mga yamang pang-ispiritwalidad ang mga pangkaraniwang taong may lalang ng pinag-anib na katutubong kamalayan at kurot ng pagpapalit-pagpipilit na katekismo. 94 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 HANAYAN 2 Balangkas ng Paglalagom sa Pagkakabuo ng Yamang Bayan ng Silang mula sa Malawak na Pilipinong Ispiritwalidad Panahon Kaganapan Pagdating 1599 Pagsakop at Pagsupil Pagtaguyod 1600-1767 PagpapalitPagpipilit Paglisan 1768 Pagyapos at Pag-aanib Mula sa Tunggalian ng Kamalayang Katutubo at Kanluranin Di-nasupil Nasakop at Napalit Pagpipilit na Pagyapos Pag-aanib Yamang Bayan + Erihiya + Retablo: Mga Santo at mga Tanda + Banal na Hiyas bilang Yamang Simbahan: > banal-na na hiyas > binanal na hiyas na may basbas + Banal na Hiyas bilang Yamang Pang-Ispiritwalidad: > banal-na-atbinanal pa na hiyas > binanal na hiyas na walang basbas Mula sa mga banal-na-at-binanal-pang mga hiyas, ang mga ito ay bunga ng pagsunod at paglaban sa di-lubusang maunawaang Espanyol na pananampalataya. Subalit sa lakas ng basal na kamalayan, nakapagluwal pa ang pangkaraniwang mga tao ng mga binanal na mga hiyas na binasbasan hindi ng pari kundi ng magkahalong matatandang karunungan at paggalang sa kalikasan at (mga) Diyos. Masasabing yamang bayan ng Silang ang lahat ng ito mula sa napakalawak na pagtingin at kamalayan sa Pilipinong ispiritwalidad. Ang erihiya, retablo, at mga banal na hiyas, lahat ay mga yamang bayan na namumutawi sa lokal na kamalayan. Bunga ng kamalayan at karunungang di-nasupil, nagyapos at naghalo. Mababakas dito ang mga nagbabagong panahon sa loob ng pagsakop at pagsupil, pagpapalit-pagpipilit, at pagyapos at pag-aanib ng mga puwersang katutubo at kolonyal. Isang makulay at masalimuot na pagtatagpo sa panahon ng pagdating at paglisan ng mga Heswita sa bayan ng Silang. 95 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Talahuli 1 Hango sa akda ni Isagani Medina na Ang Kabite sa Gunita: Essays on Cavite and the Philippine Revolution (2001) ang matandang ngalan ng Silang. Sa hinaba-haba ng panahon, naniniwala ang mga taga-Silang na mula sa salitang “silangan” ang ngalan ng bayan. Gaya ng lungsod ng Tagaytay, mula sa salitang “halayhay” ang ngalan nito at hindi sa “taga-itay” nakaraniwang pinaniniwalaan. Galing ang mga salin sa Tagalog ni Medina sa Espanyol na Vocabulario de Lengua Tagala (1754) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar. 2 Unang inilahad ni Prospero Covar (1988a) ang konsepto ng Retablo ng Paniniwala sa isang sanaysay para sa “Pansariling Likha” (Art in Private Spaces) sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. 3 Mula sa papel ni Covar (1988b) ukol sa kapahayagan ng iba’t ibang paniniwalang Pilipino na binasa sa Conference on Popular Culture sa Department of Filipino and Social Anthropology, Ateneo de Manila University noong Nobyembre 18, 1988. 4 Makikita rin ito sa mga pagbasa nina Horacio de la Costa (1961, 369-370) at William Summer (1999,659679) kung saan nasalik ang mga gawa nina Gauvin Bailey (1999, 38-89) at Clara Bargellini (1999, 680-696) na ginamit sa pag-aaral na ito. 5 Mula kay Reynaldo Ileto (1979, 29-33) sa kanyang pagsalaysay sa diskurso ng loob at kapangyarihan at mga kapamaraanan na makamit ito. Ang paggawa o paraan sa pagkuha ng gamit na may kinalaman sa ritwal ng Mahal na Araw ay isa sa tinalakay ni Ileto lalo na kung sa panahon ng Biyenes Santo ito isasagawa at itatangi sa Araw ng Pagkabuhay. 6 Mula sa pangalawang salik sa katalogo ng mga simbahan at misyon ni Rene Javellana (1991, 203) batay sa primerang salik na akda ni De la Costa (1961, 203). 7 Si Kapitan Diego Jorge de Villabos ay encomenderong ipinanganak sa Portugal at ipinagkatiwala ang kanyang encomienda sa mga Heswita. Mula sa salin ni Jose Arcilla S.J. ng mga tala ni Pedro Chirino (15811606) ng “Kapitolo 8: Ang Residencia ng Silang” na susundan ng “Kapitolo 9: Ang Misyon ng Silang.” 8 Maliban sa tala ni De la Costa (1961, 203), makikita rin ang pagpapaliwanag sa katauhan at ambag ni Diego Magsanga sa salin ni Arcilla kay Chirino (1581-1606, 194). 9 Ika-30 Agosto 1603, nasunog ang simbahan at paaralan ng mga Heswita sa Silang na nakasaad sa salin ni Arcilla kay Chirino (1581-1606, 311). 10 Sa kasalukyan, muling nilinis ang mga retablo sa pagsisimula ng dantaon 21. Sa pagtanggal ng barnis at mga natuyong dumi mula sa kandila, lumitaw ang orihinal na kulay nito na tila-pastel. Mula sa dating kulay na tila-ginintuan, ang mga retablo ng Silang ay waring namutla pagkatapos ng pagkalinis (personal na opinyon). Ito rin ang panahon kung saan nawala ang rebulto ni San Pablo. Tanging ito lamang ang replika at nanantiling orihinal ang buong bahagi ng retablo. 11 Salin sa Ingles ng bahagi ng Temporalidades (1768, leg 6 numero 26, inekis 20:27) na isinagawa ni Michael Francisco ng Cavite Studies Center batay sa personal na hiling at kopya noong 2007. 12 Binanggit ang mga puna hinggil sa “kulto” sa akda ni Bargellini (1999, 6 at 20). Sanggunian Ambrosio, Dante. 2009. Eclipse and the Snake in the Sky: Bakunawa and Laho. Philippine Daily Inquirer, Pebrero 8, http://goo.gl/bcFg3 (nakuha noong Enero 7, 2013). 96 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Bailey, Gauvin. 1999. Le Style Jesuit N’existe Pas: Jesuit Corporate Culture and Visual Arts. Nasa The Jesuits: Culture, Science, and the Arts: 1540-1773; Volume 1, mga pat. John O’Mally, Gauvin Bailey, Steven Harris, at T. Frank Kennedy, 38-89. Canada: University of Toronto Press. Bailey, Gauvin. 2010. The Andean Hybird Baroque: Convergent Cultures in the Churches of Colonial Peru. Indiana, USA: University of Notre Dame Press. Bargellini, Clara. 1999. Jesuit Devotions and Retablos in New Spain. Nasa The Jesuits: Culture, Science, and the Arts: 1540-1773; Volume 1, mga pat. John O’Mally, Gauvin Bailey, Steven Harris, at T. Frank Kennedy, 680-696. Canada: University of Toronto Press. Belmonte, Charles. 1990. Aba Ginoong Maria: The Virgin Mary in Philippine Art. Manila: Aba Ginoong Maria Foundation, Inc. Bobadilla, Diego de. 1640. Relation of the Philippine Islands. Nasa The Philippine Islands, 1493-1898; Volume XXIX, mga pat. at tsln. Emma Helen Blair at James Alexander Robertson, 277-311. Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909. Chirino, Pedro. 1581-1606. Historia dela Provincia de Filipinas dela Compania de Jesus. Nasa History of the Philippine Province of the Society of Jesus; Volume 2, tsln. Jose Arcilla at pat. Jaime Gorriz Abella, 191-314. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2010. Chirino, Pedro. 1604. Relation of the Philippine Islands. Nasa The Philippine Islands, 1493-1898; Volume XIII, mga pat. at tsln. Emma Helen Blair at James Alexander Robertson, 27-217. Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909. Covar, Prospero R. 1988a. Retablo ng Paniniwala, Tatlong Sanaysay. Papel na mula sa “Pansariling Likha” (Art in Private Spaces), Contemporrary Art Museum of the Philippines, Cultural Center of the Philippines, Pasay City, Philippines. Covar, Prospero R. 1988b. Kapahayagan ng Iba’t Ibang Paniniwalang Pilipino, Tatlong Sanaysay. Papel na binasa sa Conference on Popular Culture, Nobyembre 18, Department of Filipino and Social Anthropology, Ateneo de Manila University, Quezon City, Philippines. De la Costa, Horacio. 1961. The Jesuits in the Philippines 1581-1768. Massachusettes: Harvard University Press. 97 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Fidlen, Paula. 2004. Athanasius Kircher: The Last Man Who Knew Everything. New York: Routledge. Huerta, Felix. 1865. Estado Geografico, Topografico, Estadistico, Historico-religioso dela Apostolica Provincial de San Gregorio Magno. Ikalawang edisyon. Binondo: Imprenta de M. Sanchez. Ileto, Reynaldo. 1979. Pasyon at Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. Javellana, Rene. 1991. Wood & Stone for God's Greater Glory: Jesuit Art & Architecture in the Philippines. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. Jose, Regalado Trota. 1992. Simbahan: Church Art in Colonial Philippines 1565-1898. Makati City: Ayala Foundation, Inc. Lico, Gerardo. 2008. Arkitekturang Pilipino: A History of Architecture and Urbanism in the Philippines. Quezon City: University of the Philippines Press. Medina, Isagani. 2001. Ang Kabite sa Gunita: Essays on Cavite and the Philippine Revolution. Quezon City: University of the Philippines Press. Moya-Torrecampo, Rosella. 2007. Sibling Bondings and other Value Structures in the Erihiya of Silang, Cavite. Social Science Diliman 4, blg. 1-2: 36-77. Pamahalaang Bayan ng Silang (PBS). 2001-2011. Socio-Economic and Political Profile (SEPP). Dokumento, Pamahalaang Bayan ng Silang, Cavite. Phelan, John Leddy. 1959. The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and Filipino Responses, 1565-1700. Madison: University of Wisconsin Press. Philippine National Archives (PNA). 1768. Temporalidades. National Archives, Manila, Philippines. Dokumento, Philippine Rafael, Vicente, 1988. Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society under the Early Spanish Rule. Durham: Duke University Press. Repetti, William Charles. 1938. Pictorial Records and Traces of the Society of Jesus in the Philippines and Guam Prior to 1768. Manila: W.T. 98 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas Saliksik E-Journal Tomo 2, Bilang 1 | Setyembre 2013 Summer, William. 1999. The Jesuits in Manila, 1581-1621: The Role of Music in Rite, Rituals and Spectacles. Nasa The Jesuits: Culture, Science, and the Arts: 1540-1773; Volume 1, mga pat. John O’Mally, Gauvin Bailey, Steven Harris, at T. Frank Kennedy, 659-679. Canada: University of Toronto Press. Unabia, Teresita. 2000. Silang: Kasaysayan at Pananampalataya. Dasmarinas, Cavite: De La Salle University. 99 MEDINA: Erihiya, Retablo, at mga Banal na Hiyas