The Break-Up Planner

advertisement

####################################

The Break-Up Planner

By: erinedipity

####################################

"Magbre-break din kayo!"

{ P R O L O G U E}

"So she's the girl who predicts couples's break-up day?"

"Yes! As in palaging tama ang hula niya! Kung pumalya man eh 2-5 days lang ang pagka-late! Pinaglihi ata kay Madam Auring 'yan eh!"

"Lahat ng makita niyang couples hinuhulaan niya ang break up! That's the reason why every couple in this campus avoids her!"

"Creepy and bitchy! Bakit ba siya ganun? Mesa demonyo ba siya? Kung siya kaya ang magkaroon ng boyfriend? Mahuhulaan niya ba kung kelan sila magbre-break?!"

A smile just suddenly formed as I stand in front of the mirror and eavesdrop on those people outside this comfort room.

Hindi ko naman alam na ikasisikat ko pala ang pagsasabi ng "Magbre-break din kayo!" eh. Hahaha!

Well, I'm just a typical 4th year student who really loves to predict the exact date of some couples's separation. It gives me leisure, thrill and it's just exciting for me to watch people who loved too much ended up being dumped.

Evil me? No! You don't know my effin' story so please, shut the fcuk up!

"She's a popular bitch! Nagtrending nga siya kagabi eh! She's the campus's BREAK-UP PLANNER!"

I came out from the comfort room with a smile planted bravely in my face. As I say, "Nagtrending?

Philippines o Worldwide?"

What's the reason behind that turned her into a monster, a break-up planner?

And..

What if the break-up planner fell into a serious relationship?

Can she predict when will it last?

___________________

I M P O R T A N T: Okay, baka sabihin niyo nagplaplagiarism ako. Lol hindi po. Ako po talaga author nito. Ako po 'yung dating catchingfyrre. Irerepost ko lang 'to. Yun lang po. Kung ayaw niyong maniwala, o 'di sigeeeeh :3

P.S. SUPER DAMI PONG MURA NITO KAYA PLSSSS KUNG AYAW NIYO PO NUN EH GOODBYE

BABY GOODBYE HEHEHE;; THANK YOU PO <3

####################################

{ TBUP -1: The Reason Why }

####################################

{ TBUP -1: The Reason Why }

Wednesday ngayon at free day namin. Ewan, siguro tamad na ang mga teachers namin. Kaya nandito kami ni best sa canteen, ako kumakain ng hersheys, siya nagbabasa ng pocket book.

"Ay best, tignan mo 'yung dalawa run sa sulok." Sambit ko sabay kalabit sa bespren kong nagbabasa ng pocket book.

Ibinaba niya 'yung libro niya at tumingin siya sa akin. "Saan?" Tanong niya.

"Paano mo makikita eh nakatingin ka sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Ayun oh." Sabay pihit ng ulo niya.

"Ano best, anong hula mo?" -Ako.

"Tss, huwag na. Ikaw lang naman mananalo eh." At bumalik ulit siya sa pagbabasa ng libro.

Hinablot ko 'yung libro sa kanya. "March! March sila magbre-break!"

"Akin na nga 'yan!" Kinuha niya 'yung libro sa kamay ko at nagbasa ulit. "April."

"Yan ang gusto ko sa'yo best eh!"

Hindi lang naman talaga ako ang Break-Up Planner sa school na ito eh, dalawa kami ng bestfriend kong si Carmeen, pero pinipilit ko lang siyang manghula para may thrill! May kapustahan! Mwhahaha!

Siguro tinatanong niyo kung bakit ako ganito nu? Ewan ko rin eh, ang weird-weird ko. Sabi nila pinaglihi raw ako kay Madam Auring. Pero yuck? Paano 'yun nangyari eh hindi naman naniniwala sa hula ang nanay ko.

My name is Athena Ericka Artemis and I'm the certified Break-Up Planner.

Dalawa ang pangalan ko but just call me Ericka, ayoko kasi nung Athena eh.

"ATHENAAAAAAAA! SI CHRON!!" Sigaw ni Carmeen papalapit sa table na kinaroroonan ko.

"Putik Carmeen! Di ba sabi ko sa'yo, Ericka? Ilang taon na tayong magkaklase?!"

"Eh kasi, mas maganda 'yung Athena eh. By the way, parating na si Chron!" Sabay hampas sa akin.

"So kailangan hampasin mo ako? Paki ko ba sa Chron na 'yan? Teka, may babae bang kasama?"

"Tignan mo 'yan! 'Yan ba ang walang pake ha Ericka?"

"So meron nga?"

"Wala."

Ex-boyfriend ko si Chron Epiales, siya lang naman ang Student Council President ng Destiny High.

Running for Valedictorian siya sa klase namin. Tama! Kaklase ko siya at ka-seatmate pa and that makes it more awkward dahil ex ko siya. Katunayan nga, kaka-break lang namin last year eh.

Bakit kami nag-break? Dahil sa hindi malamang dahilan.

*flashback*

Nakatayo kami ngayon sa roof top ng school. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakatitig sa kanya. Gulong-gulo ang isip ko at pilit tinatanong sa sarili ko kung paano kami umabot sa ganito.

"Wala namang problema sa'yo eh, sa akin meron." Sabi ni Chron habang nakayuko.

"Tumingin ka nga sa akin Chron! Ano ba talagang problema? Bakit ka nakikipag-break sa akin?!"

"Please, intindihin mo naman ako."

"Pinipilit ko! Pero kahit anong pag-intindi ang gawin ko wala pa rin! Hindi ko pa rin maisip kung bakit.

Ano ba talagang problema? Bakla ka ba?!"

"What?! What the hell are you saying?!"

"May iba ba?!"

"W-wala! Hindi na kasi kita mahal and to tell you frankly, I didn't love you."

*end of flashback*

Bigla ko na lang iniwan si Best sa canteen nang pumasok dun si Chron, tumakbo ako rito sa hagdan ng roof top. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano 'yung hindi ko naibigay. Ano bang kulang ko?

Shet, umiiyak na naman ako. Bakit ba hindi maubos-ubos 'tong luha ko para kay Chron?

Simula nung break-up na 'yun, naging ganito na ako. Mahilig na akong manghula ng break-ups. Pag minsan sakto, pag minsan late. Mga ilang weeks din naman, hindi naman 'yung 2-5 days na sinasabi nila! Eksaherada?!

Haays! Bitter na kung bitter! Yes, I even begged Chron to stay pero wala talaga eh.

So alam niyo na kung paano naging Break-Up Planner si Ericka? Tsk tsk.

Makaalis na nga sa place na 'to, palagi lang nitong pinapaalala kung gaano ako katanga.

***

Naglalakad ako sa corridor nang bigla kong makasalubong si Chron.

Hinarang niya ako at hinawakan sa braso. "Ano?!" Pagalit kong tanong.

"Pwede bang tigilan mo na ang pakikialam sa iba?"

"What did you say? Ako nakikialam? Eh wala nga akong pakialam sa paligid ko eh. How come na naging pakialamera ako?!" Pagalit kong sabi. Shems, ang gwapo niya pa rin! Lalo na pag seryoso!

"Bakit ba kasi kailangan mong manghula ng break-up ng iba? Andami ng naiinis sa'yo alam mo ba

'yun?" Hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko.

"Aray!" Agad niyang binitawan ang braso ko. "Wala akong paki sa sinasabi nila. Eh kesyo nga gusto ko eh! Tyaka kasalanan ko ba? Hindi ko naman sinabing mag-break sila eh! Hinulaan ko lang! Kaya pwede ba Chron, huwag mo na akong pagsabihan at magkunwaring concern ka sa akin, kasi hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo!"

Nag-walk out na ako. Grabe lungs, ang taray-taray ko! Pero wasak pa rin ang puso ko! Ang sakit-sakit pa rin! 'Yun ang first time na kakausapin namin ang isa't isa after ang break-up namin. Ang saklap pa dahil nag-away pa kami.

Punyeta lang Chron! Sana maisip mo kung anong pinakawalan mo gago ka!

Pramis ko sa'yo! Kapag nagka-girlfriend ka, sisiguraduhin kong makukuha ko ang exact date ng breakup ninyo! As in 'yung walang palya!

####################################

{ TBUP -2: That Effin' Day }

####################################

{ TBUP -2: That Effin' Day }

Supposed to be may graded recitation kami ngayon sa Trigonometry, sa kabutihang palad eh napostpone. May meeting daw kasi ang mga teachers. Buti na lang! Kung natuloy 'yun? Baka wala na akong kaluluwa ngayon! Tinakasan na 'ko dahil sa sobrang nerbyos.

Ayoko kasi ng Math. As in ayaw na ayaw na ayaw ko to the infinite power! >________<

Kaya ngayon, nakatunganga na lang kami rito. Buti nga walang teacher at nakakalipat ako ng upuan eh.

Duh? Alangan naman na mag-stay ako run sa original seating position ko eh 'di naging bato ako run dahil sa katabi ko 'yung ex ko?!

Ano kayang gagawin ko rito? Ang boring-boring oh! Si best naman kanina pa basa ng basa ng libro! Buti sana kung may natututunan siya dyan eh puro love story naman. Haaays!

"Best!" Sabi ko sabay kalabit kay Best.

"Oh? Problema mo? Istorbo ka ah =,=" Sabay irap ni Best sa akin at bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng libro.

Kinalabit ko ulit siya. "Eh best... cutting tayo!"

Agad niyang ibinaba 'yung libro niya. "Ano?!"

"Ay bingi lang? Eh kasi nabo-boring ako rito. Sige na! Please?" Tapos nag-pouty lips ako.

"Ano ako lalake? Hindi ako madadala ng pouty lips mo Ericka." Ang sungit ni Best! May dalaw ba siya ngayon?

"Ang sungit-sungit mo Best. Di mo na ako mahal!" Tapos umiwas ako ng tingin na animo'y nagtatampo.

"Tsss. Whatever Ericka! Sige na sige na, magcu-cutting na tayo." Sabi ni Best na halatang labag sa loob niya ang pagpayag sa kagustuhan ko. Mwhahaha!

"Tara na!" Tapos tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Biglang may humila ng bag ko at pagtingin ko eh 'yung gago kong ex lang pala na nakaupo sa original sitting position niya. Hinila ko 'yung bag ko papunta sa akin pero mas malakas siyang humila.

"Ano na naman?!" Pagalit na tanong ko sa kanya.

Kahit gustong-gusto ko siyang makausap kailangan hindi ako magpahalata na gusto ko pa rin siya.

Baka isipin niyang naghahabol ako sa kanya? No way!

Nakakunot 'yung noo niya. "Magcu-cutting ka?" Tanong niya sa akin.

"Paki mo?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Ako ang Student Council President dito, hindi ko hahayaang may isang estudyanteng mag-escape.

Kaya umupo ka na lang." Pag-uutos niya sa akin. Ano ako aso niya?

"Ayoko nga! Hindi kita tatay, hindi kita kuya at mas lalong hindi NA kita boyfriend! Let go of my bag!"

Tapos hinila ko na si Carmeen at umalis na kami sa room.

Naku! Ano pa bang gusto niya? Hindi pa ba siya nasiyahan nung nakipagbreak siya sa akin? Nakuha na niya ang kalayaan niya! Anong gusto niya? Aminin ko sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya? Well, asa siya! Dahil kahit kailan hinding-hindi ko siya hahabulin!

"Best, ang sweet niyo pa rin ni Chron nu?" Tanong ni Carmeen sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Anong sweet dun? Eh kung utusan ako para akong aso!" Sagot ko naman sabay irap.

"Concern lang 'yun sa'yo best. Syempre may pinagsamahan din naman kayo nu."

"Tsss. Wala akong paki! Panindigan niya yang pakikipagbreak niya sa akin!"

"Bitter! Ampalaya!" Pang-aasar sa akin ni Carmeen.

Aish! May guard pala. Paano kami makakaalis ni Carmeen dito?

"Oy best Carmeen. Paano 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Akong bahala!"

Naglakad kami palapit dun sa guard. At ayun... ginawa na ni Carmeen ang natutunan niya sa acting workshop niya.

"Manong guard, palabasin niyo na po kami! Kawawa naman 'tong kaibigan ko! Manganganak na ata!

Este... may appendicitis po ata siya! Please po! Palabasin niyo na kami!" Pakiusap ni Carmeen sa

Guard habang nakahawak sa braso ko.

"Uy best, ano 'to?" Bulong ko sa kanya.

"Umarte ka na lang kung gusto mong makapag-cutting!"

Kaya ayun umarte ako na parang masakit na masakit ang tyan ko. Ang talino talaga ng bestfriend ko!

"Di ba may clinic naman? Dun muna kayo dumiretso." Sabi nung Guard.

"Sarado po 'yung clinic! Wala po 'yung nurse!" Sabi ni Carmeen.

Eh totoo naman, palaging wala run 'yung nurse. Di na pumapasok simula nung hulaan ko 'yung breakup nila nung Principal naming biyudo. Siguro nagkatotoo 'yun? By the way...

"Manong, maawa na po kayo sa kaibigan ko! Tignan niyo oh, namimilipit na siya sa sakit!" Tapos kinurot ako ni Best sa tagiliran.

"ARAY! PUNYETA DE AMOR! Huhu! Ang sakeeeeeet!" Sigaw ko.

"Kita ninyo? Napapamura na lang siya dahil sa sakit! Kaya please naman po oh, payagan niyo na kami!

Gusto niyo bang mamatay ang kaibigan ko rito sa sobrang sakit ng tyan?! Wala kayong puso! Wala!

Dahil saging lang ang may puso! Saging lang!" Huh? Paano napunta sa saging ang usapan? May tama ata sa ulo si Best >______<

"Oo na sige na! Lumabas na kayo!"

Tapos ayun, pinalabas din kami nung guard. Effective din pala 'yung saging na 'yun kahet papano. Idol ko na 'to si Best! Whahaha!

Pumunta kami ni Best sa mall pero syempre bago 'yun eh nagpalit muna kami ng damit sa bahay nila.

Mamaya eh mahuli pa kaming nag-cutting. Mwhahaha!

Naglakad-lakad kami at nag-window shopping. Nang makaramdam na kami ng pagod at gutom eh kumain muna kami sa McDo pagkatapos nun eh tuloy na naman kami sa pagwi-window shopping.

"Best, pupunta muna akong CR ha?" Paalam sa akin ni Carmeen.

Kaya ito, hinihintay ko siya rito sa food court.

Aish! 20 minutes? Srsly?! Where on Earth is Carmeen Tan?! Grabe na 'yan ha?! Natabunan na ba siya ng CR? Matawagan nga.

Calling Best...

"Hoy Best! Nasaan ka na?! Sabi mo CR lang tapos ang tagal-tagal mo?! LBM ba 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Shunga! Hindi! Emergency best, umuwi ako sa bahay. Sorry talaga. Sige best, enjoy mo lang 'yang pagka-cutting mo. Ingat best! Love ya!"

Toot! Toot! Toot!

Srsly?! Binabaan niya ako ng phone? Ano bang nangyayari kay Carmeen at binabaan niya na lang ako ng phone? At anong emergency? Aish! Iniwan niya ako sa ere!

Anong gagawin ko rito ngayon?!

Teka...

Yung dalawang nasa harap ko, couples ba sila? Well, okay naman pala eh. Hindi ako mabo-bored. May pwede akong paglibangan dito.

So nakinig ako sa pag-uusap ng dalawang couples.

"Babe, I love you!" The boy said then he kissed the girl's cheeks.

"I love you too." Sabi ni girl. Err! How pathetic? >____<

"Ah babe, can you wait here for a second? CR lang ako." Sabi ni girl. Hindi pa nakaka-oo 'yung boy eh tumakbo na si girl.

Hmmm. Alam niyo kung bakit ako nakakapanghula ng break-up dates? Maybe because I know how to look at those people who are really in love. I know how to separate people who are in love and people who are just lying.

And based from what I've seen. Ang cold ni girl dun sa boy. Conclusion? The girl doesn't' really love that guy. Poor one.

Lumapit ako sa lalake at umupo sa tabi niya.

"Hoy Miss, umalis ka nga rito. May ka-date ako! Mamaya isipin niya kinakaliwa ko siya!" Sabi ni poor guy.

"Kinakaliwa? Oh please, shut it poor guy. Alam mo, alam ko kung kelan kayo magbre-break ng girlfriend mo." Sabi ko sa kanya sabay smile.

Natawa si guy at sinabing, "Ano ka manghuhula?"

"Parang ganun na rin."

"Tsss. Sige nga, kelan?"

"TODAY." I confidently answered his question.

"Miss? Are you drunk? Nalulong ka ba sa droga? Hindi mo ba kami nakita kanina? We're sweeter than candy, honey. So stop being a psychotic bitch in front of me. Hurry up and get lost!" Pagtataboy sa akin ni Guy.

Yuck? Sweeter than candy? In his face?! Can't he see? Hindi nga makatingin ng diretso sa kanya 'yung girlfriend niya eh!

Gwapo naman siya. Ewan lang kung bakit hindi siya mahal ng girlfriend niya. Kitang-kita sa mata eh.

Tumayo ako sa upuan ng table nila at bumalik sa table ko. I'll wait here as if like waiting for a movie.

Di kalaunan ay dumating na 'yung babae. Mukhang worried at nervous.

Umupo si girl. "Babe? Are you okay?" Tanong ni poor guy sa girlfriend niya.

"Babe, I'm sorry but... let's end this.

...I'm breaking up with you."

Sabi ko na sa kanya eh. Oh yeah! Gumagaling ata ako ngayon ah! Mwhahahaha! >:)))))))

####################################

{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }

####################################

{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }

Ang boring-boring-boring talaga!! I love Mathematics! I really love Mathematics! I love Mathematics forever!

Damn! I just CAN'T love Mathematics! Bakit pa kasi may ganung subject pa?! Bakit kapag bumili ka ba sa palengke ng gulay sasabihin mo bang:

"I will buy this for 2x2+ 3y=9"

Shet lang! Kung ganun din lang naman ang silbi ng Math eh hinding-hindi na ako bibili sa palengke!

Bakit ba kasi kailangan nito? Di naman ako kukuha ng Engineering! Hinding-hindi ako kukuha ng course na may kaugnayan sa Math nu!

"Okay class, bring out one whole sheet of paper. We'll have a surprise quiz." -Teacher.

Waaaaaaaaaah! Anong surprise quiz?! Wala akong naintindihan sa tinuro nila eh! Paano na ako? Ang layo-layo pa naman ni Best sa akin. Kanino ako kokopya?!!

Teka nga at maglalabas muna ako ng papel~

*bukas bag; hanap papel*

Kung mamalasin ka nga naman oh! Nakalimutan kong bumili ng papel! Aish! Bobo mo Ericka!!

Luminga-linga ako sa mga kaklase ko para humingi ng papel. Kaso naalala ko, bawal palang humingi ng papel. May rule kasi kami sa room na bawal maging "parasites". Parang bawal umasa sa iba, provide your own materials daw or kung hindi, wag ka ng mag-aral.

"Number one. What is the blah blah blah blah-------"

Lagot na! Paano ako?!!!!

"Oh ayan." Sabay abot sa akin ng one whole sheet of paper ng patago.

Ang nag-abot? 'Yung dakilang ex ko. Bakit Chron?! Bakit mo 'to ginagawa? Hindi mo ba alam na mas nai-in love ako sa mga ginagawa mo? Nahihirapan tuloy akong mag-move on! Pakshet ka!

"Salamat..." Pabulong kong sabi.

So ayun, nag-quiz kami. Solve dito, solve doon. Pero wala eh! Wala akong ma-solve dahil hindi ko naman talaga alam 'to. Kaya, wala akong naisagot! >________<

Pagkatapos nun eh may biglang pumasok sa kwarto namin. Isang lalakeng pamilyar sa akin. Tinitigan kong mabuti 'yung lalake. At confirm! Kilala ko siya!

Siya 'yung lalake sa food court na hinulaan ko ang break-up! Lagots! Anong ginagawa niya rito?

"Mister, you missed my class!" Sabin g teacher namin. What? Ibig sabihin kaklase namin 'to? Paano naman 'yun?

"I'm sorry Ma'am." Sabi nung lalake. Tapos napako ang tingin niya sa akin at tinignan ako ng masama.

Yikes >_______<

"Class, you have a new classmate. Mister, introduce yourself." -Teacher.

Nakatingin pa rin sa akin 'yung lalake. As in talagang kung nakakamatay lang ang tingin na 'yun eh baka nasa funeraria na ako.

"I'm Psyche." Wow kakaibang pangalan! Psyche? Psycho? Lol :)))))

Hindi niya sinabi 'yung apleyido niya tapos dahan-dahan siyang lumapit sa upuan ko at hinawakan ang cheeks ko. Anong ginagawa niya?! O_________O

"... and I'm your worst nightmare." Sabi niya sa akin tapos nag-smirk siya.

Naramdaman kong nag-goose bumps ako. As in talagang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan na parang nanunood ako ng horror movie.

Tapos 'yung mga kaklase ko naman nagsimula ng magbulungan. Aish! Kahihiyan! Bakit ka lumapit sa akin?!

"So I guess, Psyche is comfortable with you Miss Artemis. So Psyche, sit at the back of Miss Artemis.

And you," Sabay turo sa akin ni Teacher. "... be Psyche's tour guide in this school since he's a transferee. Do you understand?"

Natulala lang ako nung sinabi ng teacher ko 'yun. Pero 'di kalaunan eh natauhan din ako.

"Ah. Yes Ma'am!" Sabi ko.

Tapos ayun umupo na si Psyche sa likod ko. Tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin sa akin. Galit kaya siya? Aish, malamang? Sino ba namang hindi magagalit kung nakipagbreak sa'yo ang girlfriend mo. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya nung nakipag-break sa akin si Chron noon.

***

--Corridor.

Natapos na lahat ng klase namin sa umaga tapos free cut na naman namin mamayang hapon. May meeting na naman daw teachers tungkol sa ewan! Lewl, as if I care?

Ikinagulat ko nung bigla na lang akong tapikin ni Psyche sa likod.

"Hoy psychotic bitch!" Tawag niya sa akin. What?! Bitch? Gago 'to ah!

"Anong tawag mo sa akin?!" Pagalit na tanong ko sa kanya.

"Psychotic bitch?"

Sinampal ko siya ng malakas. Agad siyang napahawak sa pisngi niya.

"Problema mo?" Tanong niya.

"Eh gago ka pala eh! Sasabihan mo 'ko ng bitch tapos tatanungin mo 'ko kung anong problema ko?!"

"Kung tutuusin nga kulang pa 'yan dahil sa ginawa mo eh."

"Ano bang ginawa ko? Hinulaan ko break-up ninyo ng girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya sabay tingin ng masamang-masama.

"Sabihin mo nga sa akin kung paano mo nalaman 'yun?"

"Ewan. Hinulaan ko lang." Tapos nag-walkout na ako pero hinabol niya ako.

"Sandali nga! Di ba ikaw ang tour guide ko rito?" Aww! Oo nga pala. Sige na nga, total free cut naman :|

So ayun. No choice ako kundi i-tour siya rito sa campus. Nakakapagod, bukod sa salita ako ng salita, lakad pa ako ng lakad. Plus! Di pa siya nakikinig, like duh? Naka-earphones siya? Anong maririnig niya rito?

Dahil sa inis ko bigla kong hinablot ang earphone niya mula sa tenga niya.

"Hoy! Ano ba?! Bakit mo tinanggal?!" Pagalit na tanong niya sa akin habang nasa harap kami ng school clinic.

"Eh hindi mo naman naririnig 'yung mga sinasabi ko eh! Alam mo bang malaking sakripisyo 'tong ginagawa ko?! Pagod na pagod na 'ko eh!" Sabi ko. Drama much?

"Naririnig ko naman ah. Just continue." Sabi niya sabay balik ng earphone sa tenga niya.

Ano ba 'yan! Miss ko na si Best! Imbis na nakikipag-chikahan ako sa kanya eh ito ang inaatupag ko.

Ang malas-malas ko naman >_________<

So nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa harap na kami ng guidance office nang may mga babaeng lumapit sa amin -I mean sa kanya lang pala.

"Hi! Psyche? Ito para sa iyo, kakagawa ko lang niyan." -Girl #1. Sabay abot ng isang card.

"Ah. Hi? Anooo, para sa iyo!" Sabi naman ni Girl #2 na with matching papikit-pikit pa at inabot ang isang cupcake at card ulit.

"Ah thanks girls." Sabi ni Psyche tapos hinalikan 'yung dalawang girls sa cheeks. 'Yung dalawa naman halos maglupasay na sa kilig.

Wow ha! Wala pa siyang isang araw sa campus na 'to may mga fangirls na siya? Astig naman neto. Oh well, di ko sila masisisi. Gwapo rin naman kasi 'tong si Psyche, kaso nga lang. Di ko siya type. Loyal ako kay Chron :))))

Bigla siyang nagsalita. "Ito..." sabay abot sa akin nung cupcake na ibinigay nung babae kanina.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko.

"Subukan mong gawing cellphone baka gumana," Aba! Pilosopo 'to ah! "... Tsk tsk, utak naman!"

"Eh sorry naman daw ha? Sa akin na 'to?"

"Oo. Allergic ako sa chocolates eh." Sabi niya.

"Ah okay? Salamat?"

Sa wakas! After 10 years! De joke lang. Uhmmm after 1 hour and 30 minutes eh natapos na naming lubutin 'tong school. Pagod to the max!!

Umupo kami sa shed para magpahinga.

"Tumayo ka nga dyan! Bilhan mo 'ko ng tubig!" Utos niya sa akin. Aba?! Kung maka-utos parang Don ha! Kapal!

"Excuse me? Tour guide mo ako at hindi yaya! May paa ka at tinuro ko naman na 'yung canteen sa'yo

'di ba? Pumunta ka mag-isa mo!" Sabi ko sabay punas ng panyo sa mukha ko.

"Nakalimutan ko na eh..."

"Anak ng tokwa naman! Aish! >_______<" Sobrang inis.

***

"Sige na! Dami mong reklamo! Pumunta ka na kasi!" At tinulak-tulak niya ako para tumayo.

Putik naman! Oo! No choice na naman ako at napilitan na akong pumunta ng canteen. Tsk tsk, seriously, mukha na ba akong chimay? Duh?! Sa ganda kong ito? Tangina lang!

--Canteen.

Nasa counter na ako at nakabili na ng tubig, papalabas na sana ako nang habulin ako ni Best Carmeen.

"Best wait!!" Sigaw ni Carmeen habang papalapit sa akin.

"Oh? Problema mo?" Tanong ko.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

Hinila ako ni Best sa isang table at umupo kami run at dun niya sinabi ang balita niya.

"Si Chron-your love. May nakakita raw sa kanya sa harap ng gate ng Hope Academy. Para raw siyang may hinihintay!" -Best Carmeen.

Hope Academy? 'Yun ang school sa kabilang bayan. Siguro mag-jeep ka lang for 25 minutes at andun ka na. 'Yung school na 'yun ay for girls only. Ano naman kayang gagawin ni Chron dun? Ooops! Don't tell me?!

"May nililigawan si Chron 'dun?!" Napalakas ang tanong ko kay Best kaya napatingin ang iba sa akin.

"Naka-hood daw siya nun tapos may dalang bulaklak. Ibig sabihin, manliligaw nga siya." Oh noes!!

"Eh baka naman may dinadalaw lang? Baka may relative siya dun? Teacher or student or kahit ano!"

Pagpipilit ko. Ayokong maniwala! Ayokong maniwalang may papalit na sa dating pwesto ko kay Chron.

"Eh best, paano kapag may nililigawan nga siya run?" Tanong ni Best.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nalungkot. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Dati kasi panatag ako kasi single siya pero ngayon? Ngayon may nililigawan na siya! Hindi ko alam pero ang sakit-sakit sa kalooban.

Nasasaktan ako! Mahal na mahal ko pa rin si Chron!!

"Okay lang 'yun Best. Wala na akong pakialam sa kanya di ba? Ganun naman ang mag-ex eh."

Pinilit kong ngumiti pero bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Masakit talaga eh.

"Best, huwag ka ngang umiyak dyan! Nahihirapan ako sa'yo eh! Mag-move on ka na kasi!" Payo ni Best habang hinahagod ang likod ko.

"Move on? Ang daling sabihin pero ang hirap gawin Best!" Tapos pinagpatuloy ko ang pag-iyak T.T

--Psyche's Pov-

Full name? Psyche Epiales. Kapatid ko si Chron Epiales, check! Fraternal twins kasi kami kaya magkaklase kami. Nag-aaral ako dati sa Metal Academy, kaso after nung break up namin ng girlfriend ko napag-alaman ko na dito nag-aaral 'yung babaeng nakialam sa amin. 'Yung nanghula ng break-up namin.

Oo inaamin ko, nasaktan ako. Sayang kasi eh malapit na kaming mag 2 years tapos nakipag-break siya sa akin. Ewan ko kung bakit, hindi niya sinabi ang dahilan.

By the way, na-research ko dito. Si psychotic bitch daw ay binansagang break-up planner dahil sa kakaibang ability niyang makapag-predict ng break-up dates. Plus! Ex pala siya ni Chron? Small world right? Bakit kaya nakipagbreak sa kanya ang kapatid ko?

Pinuntahan ko si Chron sa library para kamustahin. Although hindi kami masyadong close dahil sa isang bagay na nangyari noon eh gusto kong makita ang reaksyon niya ngayong nandito na ako.

Nilapitan ko siya sa table habang nagbabasa siya ng isang libro tungkol sa Chemistry.

"Dude!" Sabay tapik ko sa likod niya.

"Wag ka ngang maingay dito Psyche! Library 'to!" Pabulong niyang sabi.

"So? Ah siya nga pala, ang ganda ng school niyo ah. Tyaka, 'yung Athena ba 'yun? Astig siya."

Agad na napatingin si Chron sa akin nung nabanggit ko ang pangalan ni Athena. Pero di kalaunan ay bumalik siya sa pagbabasa.

"Ex mo pala siya?" Tanong ko.

"Ano bang pakialam mo?" Masungit niyang tanong.

"Wala lang. Akala ko kasi gusto mo pa rin si Selene eh." Dagdag ko.

Hindi umimik si Chron at nag-concentrate lang sa pagbabasa. Tss, bookworm! Ignoring me eh? Wrong move!

"Kapatid mo 'ko pero hindi mo ako pinapansin, ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa akin?" Tanong ko ulit.

"Just leave me alone."

"Okay? Eh 'di si Athena na lang ang papakialaman ko." Then I smirked.

"Leave me alone Psyche, and leave her alone."

Ohhhh. May pakialam pa pala siya sa ex niya? Interesting huh? Ano ba talagang sanhi ng break-up nila? I'm so curious! And I don't believe that curiosity can kill a cat because curiosity is the path to knowledge >:))))

####################################

{ TBUP -4: It's a Deal! }

####################################

{ TBUP -4: It's a Deal! }

"Ang gwapo-gwapo ni Psyche nu?! Maaygaash!" -Girl 1.

"Ay oo! As in oh maaygaash! Super hot!" -Girl 2.

Seriously? Isang araw pang pumapasok 'yang Psyche na 'yan eh instant heartthrob na siya rito sa school. Agad-agad 'teh? 'Di naman ako tinatablan ng charms niya nu! Kay Chron Epiales pa rin ako!

Pero si Chron... mukhang may iba na. Bakit ganun? Bakit ang dali niyang maka-move on samantalang ako, nandito pa rin. Naiwan pa ring nagmamahal sa kanya.

Ay shet! Ang drama-drama ng umaga ko! >_________<

Makapasok na nga muna sa klase ko.

"Good morning!"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom eh agad akong binate ni instant heartthrob, si Psyche.

"Oh good morning." Sagot ko.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko pero bigla niya akong inakbayan.

"Ang tamlay mo ata ngayon ah."

"Gagu, alisin mo kamay mo!" Tapos tinanggal ko 'yung braso niya sa balikat ko.

Umupo na ako sa proper seat ko at napansin kong wala pa rin si Chron. Hmm? Dati naman hindi siya nali-late ah. Magsisimula na 'yung klase pero wala pa rin siya. Ano kayang nangyari sa kanya?

Biglang nilagay ni Psyche 'yung bag niya sa upuan ni Chron at umupo roon.

"Hoy, may nakaupo na dyan kaya bumalik ka na sa dati mong upuan!" Sabi ko sa kanya.

"Si Chron? Tsss, mukha atang hindi na siya papasok eh." Tapos inayos niya 'yung kwelyo niya.

"Kahit na! Gusto mo bang mamarkahan ng absent? Bumalik ka na sa upuan mo!" Tapos tinulak ko siya.

"Oo nga naman, bumalik ka na sa upuan mo."

Nagulat ako dahil biglang dumating si Chron at pinaalis si Psyche sa upuan niya. Si Psyche naman walang nagawa kundi umalis dun sa upuan.

Bakit ngayon lang si Chron? Tyaka medyo magulo pa 'yung buhok niya. Mukhang kakagising niya lang at nagmadaling pumunta sa school.

Wala pang ilang sandal ay dumating na 'yung English teacher namin. Oo nga pala, may quiz kami ngayon. Ire-ready ko na 'yung papel at ballpen ko.

***

--Quiz.

Habang nagqui-quiz kami eh hindi ko mapigilang tignan si Chron dahil sa palagi siyang nagkakamot ng ulo niya. May kuto ba siya? O sadyang hindi niya lang alam ang sagot? Pero imposible! Si Chron

Epiales? Running for valedictorian, hindi alam ang sagot sa isang 1-20 quiz sa English?! Napakaimposible nun ah!

"Exchange papers at your back." Hudyat ni Teacher para i-check na 'yung mga papers namin.

Si Psyche 'yung nasa likod ko kaya siya ang magche-check ng paper ko. Sana ayusin niya! Ayoko kasi nung makalat mag-check eh.

Pagkatapos naming mag-check ay ibinalik na namin 'yung papers ng isa't isa. Okay lang naman 'yung score ko, 15 out of 20. Kontento na ako rito. Nagpalinga-linga ako sa mga kaklase ko at okay naman

'yung mga score nila, parang halos lahat kami nakapasa.

Pero nang makita ko 'yung paper ni Chron... 10 out of 20.

Anong nangyari sa kanya? Bakit kalahati lang ang nakuha niya? Hindi naman ganito si Chron! May problema ba siya? O sadyang hindi lang talaga siya nakapag-aral kagabi?

Tumingin ako sa likuran ko pero mas shocking ang nakita ko.

"Psyche EPIALES?!"

Napalakas ako nang sabi 'run sa Epiales. Lahat ng kaklase ko napatingin sa akin pati teacher ko. Pero masisisi niyo ba ako? Eh ka-apleyido niya ex-boyfriend ko! Kaano-ano niya si Chron, aber?

"Miss Artemis, is there a problem with Psyche's last name?" Tanong ni Teacher.

Oo! Gusto kong malaman kung kaano-ano niya ang ex ko!

Pero syempre 'di ko 'yun nasabi.

"Nothing ma'am." Sagot ko.

Tapos tinignan ko ulit siya. "Hoy, magkikita tayo sa hallway mamaya!" Tapos nag-smirk lang siya.

***

--Lunchbreak|Corridor.

Agad akong lumapit kay Psyche.

"Hoy! Ipaliwanag mo nga sa akin kung paano ka naging Epiales!"

"Malamang anak ako ni Mr. and Mrs. Epiales. Hahaha!" Gaguhan ba?!

"Kaano-ano mo si Chron?!"

"Kapatid ko. I mean, kambal ko. Fraternal twins dre." Sagot niya sa akin.

So Fraternal Twins sila. Bakit hindi niya sinabi sa akin?! Bakit hindi sinabi ni Chron sa akin na may kapatid pala siya?! Aish, kaya naman pala instant heartthrob 'tong isang 'to eh. Kasi gwapo kapatid niya!

Hahaaay.

Papaalis na sana ako para mag-lunch kasama ni Best Carmeen nang tawagin niya ako.

"Tutal nandito ka na rin naman, tara mag-usap tayo sa stairs."

So ayun, sumunod ako sa kanya. Ewan ko kung bakit pero parang may nagtulak sa akin para sumunod sa kanya. Ano kayang sasabihin niya?

Umupo siya sa stair tapos umupo na rin ako.

"Mahal mo pa si Chron 'di ba?" Tanong niya.

Napalunok ako nang marinig ko ang tanong niya. Masyado na bang halatang head over heals pa rin ako kay Chron? Naku! Hindi ito maganda para sa reputasyon ko bilang isang break-up planner! Aish!

Bumaba na ako ng stairs handa na akong umalis pero sinundan niya ako. Nakasandal ako sa pader habang kinorner niya ako. Kinorner, meaning ako nakasandal sa pader habang nakakulong sa dalawang braso niya.

"Pa-paki m-mo?" Sagot ko habang nauutal. Ewan ba, saan nga ba ako nauutal? Sa pagsagot kung mahal ko pa si Chron o dahil ang lapit-lapit namin ni Psyche sa isa't isa?

"Magsabi ka na kasi ng totoo."

"Aish! Eh 'di sige! Oo, mahal ko pa siya. Pero uyy, huwag mong sasabihin sa kanya ha?!" Pakiusap ko sa kanya.

Inalis niya 'yung braso niya at ako naman nakahinga ng malakas. Pero bigla siyang tumawa ng malakas. Aish, takas ata sa mental =,=

"Tinatawa mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Kasi ang tanga mo! WHAHAHA!"

Eh gago pala ito eh! Mapang-insultong nilalang! >__<

"Gago ka pala eh!"

"Uyy easy lang. Tsk, kasi naman. Ang daming iba dyan tapos pinagtya-tyagaan mo pa 'yung kapatid kong may girlfriend na!"

Anong sinabi niya?!

GIRLFRIEND?! SI CHRON MAY GIRLFRIEND NA?!

Shet! Shet! Shet! Shet! T________________T

--Psyche's Pov-

Kasama ko ngayon si Break-Up Planner. Hahaha! Windang na windang? Tsss, totoo naman eh. May girlfriend na si Chron.

Kung sino 'yung girlfriend niya?

Si Selene Kai, nag-aaral sa Hope Academy isang all girls school. Mabait, maganda, matalino, mayaman. Lahat ng magagandang katangian hinakot na niya, kita niyo nga oh halos wala ng natira rito sa ex ni Chron. By the way... she's my ex-girlfriend.

Siya 'yung babaeng kasama ko nung hinulaan kami ni Athena tungkol sa break-up namin. Oh well, small world.

Matagal nang gusto ni Chron si Selene, 1st year pa lang ata kami type na niya si Selene eh, pero ako ang sinagot ni Selene. Siya rin ang babaeng dahilan kung bakit nag-away kami noon ni Chron.

Ngayon, naiinis ako, nagagalit ako kay Chron. Kaka-break lang namin ni Selene pero niligawan agad niya at ang mas masakit sinagot agad siya ni Selene. Pero ako? Inabot ata ako noon ng isang taon eh.

Alam mo 'yung masakit? Shet lang!

Pero dahil sa matapang ako at matalino, may naisip akong paraan at alam kong matutulungan ako ni

Athena.

I broke the silence, "May naisip akong paraan."

Nakatulala pa rin si Athena, mukhang anytime by now iiyak na siya. Maluha-luha na kasi 'yung mata niya eh. Haaay, karma niya siguro, hinulaan niya kasi kami ni Selene eh. Kung hindi niya ginawa 'yun eh

'di sana kami pa ni Selene at single pa si Chron.

So ayun nga, tama ako, umiyak na si break-up planner. Hahaha! Akala ko ba b*tch siya sa school na ito? Bakit parang ang weak naman ata niya?

Pinunasan niya ang mga mata niya ng hawak niyang panyo, "Ano naman 'yun?"

"Seduce my brother."

Tinignan niya ako ng masama at sinabing, "Ulol! Ano ako GRO? Anong seduce-seduce ka dyan! Tigilan mo nga ako! Dyan ka na, kakaen na ako!"

Expected ko na 'to sa kanya. Syempre babae siya at hindi madaling mag-seduce, lalo na sa katulad niyang hindi naman sexy. Haha! Tyaka hindi siya mukhang desperada para gawin 'yun, pero ako?

Desperado na akong mabawi si Selene.

"Akala ko ba mahal mo pa rin si Chron?"

"Oo, pero hindi ko gagawin 'yang paraan na sinasabi mo!"

"Alam mo, hindi naman as in seduction eh. Iba kasi 'yang iniisip mo. What I mean is, try to bring back all the memories that you've shared together. Make him feel guilty for letting you go, iparamdam mong malaki kang kawalan sa kanya. Make him feel that he really loves you."

Sigurado akong tatalab 'yun, I saw Chron's reaction in the library when I told him that I'm gonna bother his ex-girlfriend. Alam kong may pakialam pa rin siya sa babaeng ito. Which will help me to get Selene back.

"Bakit mo 'ko tinutulungan para bumalik sa akin si Chron?" Tanong niya. Oh well, sabi ko na nga ba magiging isang malaking question mark iyon sa kanya.

"Malalaman mo rin 'yun."

"I want him back."

"Then, let's have a deal. You'll do what I've said, and you'll get Chron back."

"Ano ba talagang mapapala mo rito?"

Okay! Ang kulit niya. So I guess, sasabihin ko na lang sa kanya. Wala naman sigurong masama. Total, kailangan ko naman talaga siya sa plano na 'to.

"His current girlfriend is my ex-girlfriend."

"Yung babaeng kasama mo sa food court noon?"

"Technically yes." At nang dahil sa'yo nawala siya sa akin >__< Ano bang kamalasan meron ang babaeng ito?

Silence...

"Then I guess, it's a deal?"

Nakipagkamay ako sa kanya. Blangko pa rin ang mukha niya, as in walang expression. Siguro shock pa siya dahil may girlfriend na ang ex niya.

Tumingin ako sa relo ko, "And I guess, we've missed the lunchbreak."

Tumingin siya sa relo niya at gulat na gulat siya. Dahil hindi siya nakakain ng lunch niya. Mwhahahaha!

"Ay gago! Gutom pa ako eh!! :3" Tapos nag-pout siya.

"You'll thank me for this, someday."

####################################

{ TBUP -5: I saw her }

####################################

{ TBUP -5: I saw her }

Ay grabe! Late na ako! I should run! Effin run!! Pucha naman eh! Kung bakit kasi nakalimutan kong ialarm 'yung cellphone ko! Buti na lang nag-almusal ako at may energy akong tumakbo ngayon.

Nasa tapat na ako ng building namin ng may makita akong nagkakagulo run sa stage. Nagsusuntukan.

Ano kayang meron?

Dahil sa kakatingin ko run sa stage eh hindi ko napansin ang isang babae at nabangga ko siya.

"Gomenasai." Sambit nung babae sabay yuko. Haponesa ba? Bat mukhang Koreana?

"Ah sorry din."

Tapos pumasok na ako run sa building namin. Hingal na hingal ako kaya medyo bumagal 'yung takbo ko at naging lakad na lang. Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang may marinig akong boses.

Boses ni Chron.

"Oh Selene, okay ka lang? Anong nangyari?" Tanong niya run sa babaeng nakabangga ko.

Shit! I just met his girlfriend!

Hindi ako pwedeng magkamali, Selene daw eh! Selene Kai! Pero bakit naman nandito 'yang impaktang

'yan? Bakit niya kasama si Chron eh class hours ngayon? Nag-cutting ba silang dalawa?

Aww. Bakit parang sumisikip 'yung dibdib ko? Bakit parang hindi ako makahinga? Bakit parang sinasakal 'yung puso ko? At geeez! Umagang-umaga, tumutulo 'yung luha ko?

Lumingon ako sa kanila, at 'yun. Nagtatawanan sila. Ang sweet-sweet nila. Bakit ang sakit-sakit? Bakit sa lahat na nga lang ng lugar na pwede silang mag-date eh dito pa sa school na ito? Kung saan pa makikita ko silang dalawa!

Pumasok ako sa room namin. Nadatnan ko 'yung mga kaklase kong nagchi-chismisan at kung ano-ano pang ginagawang kaguluhan. Dun ko napagtanto na wala pala kaming klase ngayon dahil free-cut namin.

Bullshit lang! Nagmadali pa ako wala rin pala akong mapapala! Bakit ba ang malas ko ngayon?! Bakit?!!

"Nakita mo sila?" Tanong sa akin ni Psyche na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

"Bakit ba sila nandito?" Naiiritang tanong ko.

"PDA siguro." Tapos nag-smirk na lang siya.

Tss, alam ko namang nasasaktan din 'to eh. Haay, pareho lang pala kami ng sitwasyon dito. Pareho lang kaming hindi maka-get over sa mga ex namin. Ang bitter pa naming dalawa to the point na gumawa pa kami ng deal para mapaghiwalay si Chron tyaka 'yung girlfriend niya.

Tumabi ako sa kinauupuan niya.

"Wala ba tayong gagawin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Di ba ikaw 'yung magse-seduce sa kapatid ko?"

Ay oo nga pala. Ano naman kasi 'yung word na ginamit niya! Seduce! Mukha naman akong pokpok sa word na 'yun. Aish, paano ko ba gagawin? Eh baka isipin nung Chron na 'yun na baliw pa rin ako sa kanya, kahit naman totoo ayokong ipahalata nu! Nakakahiya >_____<

"Hindi ko alam kung paano eh."

"Kaya mo 'yan." Tapos lumabas na siya ng room.

Lumapit ako kay Best Carmeen para mapagbuhusan ng sama ng loob. Pumunta kami sa canteen, dahil doon walang stress! Puro pagkain lang!

"Best! Punyeta lang! Nakita ko siya!!" Iyakan mode na naman.

"Sinong siya?"

"Yung girlfriend ni Chron."

"Ah 'yung Selene? Nakita ko na rin siya, ang ganda nga niya eh."

PUCHA! Oo na! Maganda na siya! Ipangalandakan ba naman sa mukha ko? Eh di siya na maganda!

Siya na mabait! Siya na ang girlfriend ni Chron! Punyetang 'yan >.<

"Hoy Carmeen, sinong bespren mo? Ako o 'yung Selene?" Sabay taas ng kilay ko.

"Ikaw."

"Best naman eh! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para makalimutan ko siya."

"Akala ko ba may 'deal' kayo ni Psyche?"

"Di ko alam kung paano 'yun best. Haay, ang ganda-ganda nung Selene eh. Mukhang desente tyaka mabait. Parang lahat na nasa kanya. Best ang perfect niya." Tapos umiyak na ako ng bonggangbongga!

"Best tahan na. Nakakahiya ka rito! Makaka-get over ka rin dyan. Tignan mo na lang 'yung mga nasa shed."

Tinuro ni Carmeen 'yung mga nasa shed. At bingo! Mga couples. Amff >______< Gaguhan ba?!

Tamang-tama bad trip ako ngayon. Sa inyo ko ibubuhos ang lahat ng galit ko!

"Yun next week. Tapos 'yun naman sa Thursday. 'Yun next month. Tapos 'yun bukas!" Sabi ko.

"Halimaw ka best!"

"Di naman. Monster lang, para sosyal." Tapos tumawa kami ni Best.

Kahit tumatawa ako, ang sakit-sakit pa rin ng loob ko nu. Mahal ko pa kasi si Chron. Kahit na isang taon na kaming break, mahal na mahal ko pa rin 'yun. Kita niyo nga ang bitter-bitter ko. Haaay >.<

Ohh. Speaking of 'break'.

Ano ba 'yung sinabi ko noon? 'Di ba sabi ko, kapag nakita ko sila ng girlfriend niya, huhulaan ko 'yung break-up nila at sisiguraduhin kong saktong-sakto 'yung date, as in walang palya!

Pero...

"Best!!! Uwaaaaaaaa!" Pagngawa ko sabay yakap sa kanya.

"Oh? Problema mo?"

"H-hindi k-ko... ma-ma..."

"Ano nga?!"

"Sandali lang naman! Umiiyak pa 'yung tao!" Tapos pinunasan ko ng kamay ko 'yung mga mata ko.

Ayokong makita nilang umiiyak si Break-Up Planner nu. No way!

"Eh sorry naman daw. Ano ba 'yun?"

"Hindi ko mahulaan 'yung break-up nila!! Uwaaaaaaaaaaa!"

Agad na tinakpan ni Best 'yung bibig ko, "Ericka naman! Nakakahiya kang kasama! Iiyak ka na nga lang para ka pang baby!"

"Best, anong gagawin ko?"

"Ano ka ba naman? Ikaw! Ikaw si Athena Ericka Artemis, ang break-up planner ng campus! Sigurado akong kaya mong hulaan ang break-up ng dalawang 'yun. Hello?! Andami mo na kayang nahulaan tapos lahat pa halos tama!"

"Pero best, wala mali sa kanila eh. Perpekto sila, perpekto 'yung relasyon nila. Kitang-kita ko."

"Ano?"

"Mahal nila 'yung isa't isa. As in, masaya sila. Yung saya ni Chron, nakita ko sa mga mata niya. Yung saya na hindi ko na kita nung kami pa."

***

Niyakap na lang ako ni Best. Umagang-umaga talaga ang drama ko eh. Ano bang meron sa Selene na

'yun na wala sa akin? Maganda rin naman ako ah, mabait din naman ako. Ano pa ba?

Nang dahil dyan sa Selene na 'yan, buong umaga akong wala sa katinuan. Hindi ako makapagsagot sa mga seat works at hindi ako nakikinig sa mga teachers ko. Si Chron din wala sa tabi ko, malamang busy sa babaeng 'yun. Na-paralyzed ata ako ngayon.

"Kanina ka pa tulala ah." Sabi ni Psyche.

"Bakit parang wala lang sa'yo?"

"Tss, may mangyayari ba kapag nagmukmok ako katulad ng ginagawa mo ngayon?"

Oo nga naman. Tama si Psyche. Hindi babalik sa akin si Chron kung nagmumukmok lang ako rito.

Dapat kong ipakita sa kanya na malakas ako, na masaya ako. Dapat ma-guilty siya na pinakawalan niya ako. Dapat magsisi siya.

Pero paano? Eh nakita ko... mahal niya 'yung Selene.

"Kumain ka na?"

"Ayoko. Wala akong gana."

Lumabas ako ng room at dinala ako ng mga paa ko sa stairs papunta sa rooftop. Dito kami nag-break ni

Chron eh. Palagi ako rito, lalo na kapag naalala ko siya. Ang emo-emo ko nga eh. Nakakaasar lang.

Kahit anong gawin ko, si Chron pa rin 'yung mahal ko. Lahat na sinubukan ko. Nagpaka-busy ako sa maraming bagay, naghanap ng iba... pero wala pa rin.

Maya-maya pa ay may narinig akong foot steps. Lumantad sa akin si Psyche, sinundan niya pala ako.

"Anong ginagawa mo-- "

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang dumilim ang paligid ko at nawalan na ako ng malay.

--Psyche's Pov-

Sinundan ko si Athena sa stairs ng rooftop. Dadamayan ko sana siya, alam ko kasi 'yung nararamdaman niya. Nararamdaman ko rin kasi 'yun. Kahit parang wala akong pakialam, ang totoo naiinis ako. Katulad ni Athena.

Nakita ko si Athena na nakaupo sa stairs at umiiyak. Tumayo siya.

"Anong ginagawa mo-- "

Bigla na lang bumagsak si Athena, buti na lang nasalo ko siya, kung hindi baka tumama na 'yung ulo niya sa semento at namatay.

"Hoy Athena, gumising ka nga! Ano bang nangyari sa'yo?"

Dumudugo 'yung ilong ni Athena na mas ikinatakot ko. Binuhat ko siya at dinala sa clinic.

"Nurse, nahimatay po siya tapos dumudugo 'yung ilong."

"Sige, ihiga mo na lang siya dyan, ako nang bahala sa kanya."

Lumabas ako ng clinic pagkababa k okay Athena. Ano bang nangyari sa kanya? Hmmm...

Oo nga pala, hindi siya kumain. Ang gaga naman nun. Sana okay lang siya.

Habang naghihintay ako sa labas ng clinic ay biglang dumating si Chron.

"Saan si Ericka?" Tanong niya.

Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Bakit ba siya ganyan? Akala ko ba may Selene na siya?

Bakit may pakialam pa rin siya kay Athena? Ano ba talagang meron?

"Nasa loob." Sagot ko.

Agad siyang pumasok sa loob ng clinic. Hindi na ako naghintay sa labas ng clinic, nandun naman na si

Chron eh. Naisip ko, nice timing naman pala, kasi iniwan ni Chron si Selene sa shed.

Agad ko siyang pinuntahan.

"Selene!" Tawag ko sa kanya tapos umupo ako sa tabi niya.

"Psyche... nasaan si Chron?" Hanggang dito ba naman si Chron pa rin ang hinahanap niya?

Pero anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang tumakbo si Chron sa clinic para tignan 'yung EX-girlfriend niya?

"Ah hindi ko siya nakita eh." Nagsinungaling ako.

Oo, sasabihin niyong tanga ako dahil sana sinabi ko nang kasama niya ang ex niya pero hindi. Bakit?

Hindi ko rin alam, siguro hindi ko lang kayang makitang ma-disapppoint si Selene. Gusto ko, si Selene mismo ang kumalas kay Chron.

"Ang ganda-ganda mo pa rin."

"Psyche, wala na tayo 'di ba? Napag-usapan na natin 'to." Tapos nginitian niya lang ako. 'Yung ngiti kung saan na-in love ako.

"Masama bang sabihin kong maganda ka?"

"Kamusta ka naman?"

"Eto, mahal ka pa rin." Napakamot ako sa ulo ko.

"Sorry ha?"

"Okay lang. Basta sabihin mo lang sa akin kung sinasaktan ka nung gago kong kapatid. Nandito lang ako."

Tapos nginitian niya ulit ako. Mahal ko pa rin talaga ang babaeng 'to. Mababawi ko pa siya 'di ba?

Babalik pa siya sa akin 'di ba? Magtatagumpay si Athena 'di ba?

Kami ni Athena, magkakaroon kami ng happy ending sa huli 'di ba? Makakasama namin 'yung mga taong mahal namin. Coz we deserve it.

***

Meanwhile...

"Ericka, okay ka lang?"

"Chron."

Napangiti na lang ako, nandito kasi si Chron sa tabi ko. Tell me, nananaginip ba ako? Kasama ko na ulit siya?

####################################

{ TBUP -6: Plan A }

####################################

{ TBUP -6: Plan A }

I'm still in our clinic's bed when I saw Chron. I am still dizzy and it was like the whole world is spinning very very fast!

"Chron." I said while in a state of doubt because of Chron's existence by my side.

"Thank God you're already awake! May masakit ba sa'yo? Anong meron? Tell me!"

Bakit para siyang nagpapanic? Bakit parang ikamamatay niya kung may masamang mangyari sa akin?

'Di ba nga wala na kami?

Oh God! Baka naman nasa dreamland pa ako? Pasimple kong kinurot 'yung braso ko pero nasasaktan ako, meaning nasa reality ako. Eh bakit kasama ko si Chron?

Gash! I'm a bigtime moron. 'Di ba ito ang gusto ko? Chron is concern and he cares for me. But the main question is why? Bakit niya 'to ginagawa eh wala na nga kami? Na-realize niya kaya na ako talaga 'yung mahal niya at hindi 'yung Selene na 'yun?

"Why are you here?" Natanong ko na lang.

--Chron's Pov-

Agad akong tumakbo papuntang clinic nang makita ko si Psyche tangan-tangan si Ericka na walang malay. Natakot talaga ako dahil baka kung anong nangyari kay Ericka. Ayoko siyang mapahamak at masaktan.

Oo alam ko nang sasabihin niyong sinaktan ko na siya nung nakipagbreak ako sa kanya pero for Pete's sake! I don't really love that girl! Si Selene na talaga ang mahal ko simula pa noong bata pa kami ni

Psyche. Kung hindi lang talaga ako na-torpe eh 'di sana hindi na umabot sa ganito na may ex akong umaasa sa akin.

But despite of her, being my ex, I still care for her. Syempre kasi kahit papano may pinagsamahan kami, kaibigan ko siya. At...

Her father commanded me to protect and take care of his daughter.

*flashback*

It was Saturday in the morning and someone called me. It was from an unregistered number so I picked it up to know who is calling.

"Hello?" I said.

"Chron? Chron Epiales?" The speaker asked. The speaker was a man.

"Yes, speaking. Who's this?"

"Ericka's father."

His father told me to go and meet him in a coffee shop, asap.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I'll go straight to the point. I love my daughter; I can't be with her because of some important matters so I can't monitor her even though I really want to. So, as her boyfriend, I want you to guard my daughter, keep her safe. I want you to take care of her."

Medyo na-confuse ako sa sinabi ng Daddy ni Ericka. Her Dad is wearing a suit, and it seems like he owns a bigtime company. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa akin siya nagpakilala at nagpakita at hindi sa sarili niyang anak. Ericka told me that his "oh-so-good-for-nothing" father left them while she's still in her Mother's tummy.

At ngayon? Dito siya magpapakita sa akin? Really? Why?

"And please, don't ever mention to her that you met me. Magpapakita naman ako sa kanya eh, I just need some time. But for now, please do me a favor."

*end of flashback*

So ayun, napa-oo na lang ako. Ayoko namang maging balasubas at tanggihan ang Daddy niya. Kaya eto ako ngayon, inaalagaan pa rin siya.

But believe me, there's no strings attached.

Naka-recover naman na siya kaya bumalik na kami sa klase namin. Pero umalis ako ulit to check for

Selene nang biglang dumating si Psyche.

"If you're going to check for your girlfriend, it's my pleasure to tell you that she already left." My brother said while smiling. A smile that is like saying that he won.

"Galit ba siya?"

"No. Buti na lang hindi ko sinabi sa kanya kung nasaan ka talaga kanina. Oh well, you owe me bigtime, brother." Tapos umupo na lang siya sa proper seat niya.

Bakit hindi niya sinabi kay Selene? 'Di ba mahal niya si Selene? He wants her back right? At kung nagkataon man na sinabi niya eh 'di baka nakuha na niya si Selene, instantly.

But why? Anong pina-plano ng kapatid ko?

--Psyche's Pov-

He's so lucky, I just saved his mother*cking ass from being dumped by her girlfriend. Let's say that I have a better plan. And that plan starts now.

"Magkakaroon tayo ng project, by two's ito kaya dapat maghanap na kayo ng partner niyo. Kailangan niyong mag-present ng report about blah blah blah blah blah." Sabi ni Teacher.

So lahat ng mga kaklase namin eh naghanap na kaagad ng mga partners nila. Agad kong sinipa 'yung upuan ni Athena para maisakatuparan na ang Plan A ko.

Agad siyang tumingin habang nakakunot ang noo, "Problema mo?"

Inilapit ko 'yung mukha ko at bumulong ako sa kanya, "Mag-volunteer kang partner ni Chron." Tapos ngitian ko siya.

Nung una eh parang nag-iisip pa siya pero 'di kalaunan ay kinalabit na niya si Chron.

"Ah Chron, pwede bang maging partner mo?" Nahihiya niyang tanong.

"Ah sige." Tapos balik na sa pangongopya ng notes si Chron.

Ayun! Galing mo Athena! Kaya nga gusto kita eh!

Aww. Gusto? Hindi 'yung inaakala niyong gusto ha! Malisyoso >__<

Pagkatapos ng klase namin eh nilapitan ko agad si Athena.

"Kelan kayo gagawa ng project?" Tanong ko sa kanya.

"Di pa namin napag-usapan eh."

"Sa Saturday? Punta ka sa bahay ha? Dun kayo gumawa ng project!"

"Parte ba 'to ng plano mo?"

"Yep. Thank you for being there to help me."

I leaned down and kiss her cheeks tapos iniwan ko na siya.

Habang gumagawa sila ng project, I will invite Selene to come with me somewhere. Hahaha!

--Ericka's Pov--

Saturday pala ngayon. Ngayon sana kami gagawa ng project ni Chron sa bahay nila pero hindi ko kayang bumangon. Masakit kasi 'yung ulo ko, plus sinisipon pa ako. May trangkaso ata ako eh. Bahala na, ite-text ko na lang si Chron na hindi ako matutuloy sa kanila.

FAST FORWARD.

Nasa kama pa rin ako, ni hindi na nga ako kumain eh. Wala rin si Mama rito, nasa opisina. Aish, gutom na ako pero hindi talaga kaya ng katawan kong bumangon. Hindi na nga ako nag-break fast at naglunch pati ba dinner hindi na rin? Aish, baka naman imbes na gumaling ako eh mamatay ako sa gutom neto?

Pipilitin ko na lang bumangon para makakain ako kahit konti.

Pumunta ako sa kitchen at nakahanap ako ng loaf bread, tingin ko pwede na 'to. Habang kumakain ako eh may bigla na lang kumatok sa pinto ng sobrang lakas. Alam mo 'yung kulang na lang sirain niya

'yung pinto?

Agad ko 'yung binuksan at nakita ko si Psyche, mukha siyang galit. Ah-oh.

"Good evening?" Patanong kong bati.

"Bakit hindi ka pumunta sa bahay kanina? Bakit hindi ka nakipagkita kay Chron?! Alam mo bang ilang oras akong naghintay sa mall?! Ano ka ba?!" Pagalit niyang sabi.

"Ano? Mall? Naghintay? Ano? Di ko maintindihan?"

"I was suppose to have a date with Selene habang busy kayo ni Chron pero anong ginawa mo?! Hindi ka pumunta sa bahay, kaya naman si Selene at si Chron ang nag-date! You suck Athena! You really suck!"

"Pwede ba? Sorry naman daw! Eh kesyo nga hindi kaya ng katawan ko eh. Hello nilalagnat po ako!"

Hinila ko 'yung kamay niya at inilagay sa nook o para iparamdam na may lagnat talaga ako.

Namilog at lumaki ang singkit niyang mata nang mahawakan ang noo ko.

"You're so f*ckin' hot!" A WHAT?! O___O

"Whut?"

"I mean, ang taas ng lagnat mo! You have to rest."

Pumasok siya sa bahay namin tapos binuhat ako ng parang newly wed bride. What the?! Matapos ba akong sigawan eh ito ang gagawin sa akin? Bipolar ba talaga ang mga lalaki?

--Psyche's Pov--

Nainis ako kay Athena dahil sa hindi ako sinipot ni Selene. Malamang, hindi siya pumunta sa bahay kaya sila ni Chron at Selene ang nag-date. Mukha tuloy akong tanga sa kakahintay sa kanya.

Kaya pumunta ako sa bahay nila Athena at 'dun nasigawan ko siya dahil sa inis ko pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilapat sa noo niya.

"You're so f*ckin' hot!"

Oh shit, what did I say? Oh yes, double meaning. She's hot, really. With her lose t-shit on and pajama?

Oh God yes she's so hot kahit simple lang ang suot niya! Pero Selene pa rin ako.

"Whut?"

"I mean, ang taas ng lagnat mo! You have to rest."

Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya. Na-guilty ako kasi pinagalitan ko siya without asking what's the reason behind it. May sakit pala siya.

Inihiga ko siya sa kama niya at kinumutan siya.

"Hindi pa ako tapos kumain Psyche." She said.

"Oh shit, I don't know how to cook!"

"Kunin mo na lang 'yung loaf bread dun sa lamesa. Kinakain ko 'yun nang bigla ka na lang dumating at sigawan ako." Tapos binaling niya 'yung tingin niya sa lamp shade niya at nag-pout.

"Okay, I'm sorry?"

Tapos lumabas ako at kinuha 'yung loaf bread. Bumalik ako sa kwarto niya at nakita ko naka-upo na siya sa kama. Binigay ko 'yung bread tapos kumain na siya.

"Sorry kung nasira ko 'yung date niyo ni Selene."

"No, it's okay."

"I failed you. I failed your Plan A." She said while eating the bread.

"Then we'll have Plan B. Kahit maubos pa ang lahat ng letters para sa plano natin, makuha lang natin ang happy ending na hinahangad natin." Then I smiled at her.

"Eww! You're so gay! You believe in happy endings? Hahaha!" She laughed.

I don't know but her laugh got me. It made me shiver. I felt like I'm staring a jolly angel. She's very pretty when she smiles. God, Chron? What came into your mind to dump a lovely angel like her?

"Just rest. May Plan B pa tayo."

She did what I said. She cover herself with her blanket and shut her eyes.

"Don't forget to lock the door when you leave." Those are her last words then she entered dreamland.

She's very lovely. Oh Chron, what on Earth you f*cking stupid jerk! >_____<

####################################

{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }

####################################

{ TBUP -7: May Crush Ako Kay Psyche? }

Ito na ata ang pinakamasayang araw sa tana ng buhay ko. Ang pinakahihintay ko, ang kasal namin ni

Chron :)

"Ikaw lalake, tinatanggap mo ba si Athena Ericka Artemis bilang iyong kabiyak panghabang buhay?"

Tanong ng Pari kay Chron.

"Yes Father." Nakangiting tugon ni Chron.

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Chron Epiales bilang iyong kabiyak panghabang buhay?"

"Op-"

"ITIGIL ANG KASAL!" May isang lalakeng sumigaw mula sa pinakadulo ng aisle. Agad ko itong nilingon

... at lumantad sa akin si Psyche. "Athena! Di ba ako 'yung mahal mo? DI BA?! SABIHIN MO!"

...

...

...

...

"WAAAAAAAAAAAAH!" Shet, panaginip lang pala. Pucha! Akala ko totoo na. Bangungot!!

Okay na eh! Ikakasal na 'ko kay Chron eh. Bakit may Psyche pang kasama? Aish! Panira! Kahit panaginip lang 'yun eh masaya pa rin naman kung hindi lang sana dumating 'yung Psyche na 'yun!

Oh, speaking of Psyche... 'di ba binantayan niya ako kagabi rito? Saan na siya? Tsss, malamang umuwi na! May pasok kaya ngayon!

AY SHET! OO! MAY PASOK NGAYON! LATE NA NAMAN AKO!! >______<

Tinignan ko 'yung wall clock ko na nakasabit sa wall namin, malamang? Wall clock nga 'di ba? Kdot.

9:00 AM naa?! Paano ako makakapasok? Aish!

Babangon na sana ako nang makita ko 'yung sticky note sa drawer ko. May nakasulat.

"Wag ka nang pumasok, magpahinga ka na lang dyan. Ingat!" -Psyche.

Okay? Si Psyche ang nagsulat? Sus, itong Psyche na 'to sobra nang nagiging mabait! Nagugustuhan ko tuloy siya.

Anong sinabi ko? Nagugustuhan? ERASE! Di ko siya magugustuhan, si Chron lang okay? Tyaka may deal pa kami eh. Tyaka, hindi ko siya type. Praaaaaaaaaamis!

Papasok na lang ako mamayang 12:00 noon. Half day lang :D

FAST FORWARD.

--12:30 noon.

Ayun, nasa school na 'ko. Sigurado ako nasa canteen si Best Carmeen at kumakain, mapuntahan nga.

Pagkapasok ko sa canteen ay natanaw ko kaagad si Best habang umiinom ng juice. Pumunta ako sa lamesa niya at umupo roon.

"Uyy best! Bat 'di ka pumasok kanina? Di mo tuloy naabutan 'yung announcement!" Sabi niya.

"Medyo masakit kasi 'yung ulo ko, pero okay naman na ako. Ano bang announcement 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"School Fest po."

"Ah. Saan ka in-assign?"

"Horror House po." Ohh. Kdot.

"Ako? Saan ako?" Sabay inom ko ng juice.

"Tanungin mo si Psyche, siya 'yung nag-ayos eh." Wala pang ilang minuto ay naibuga ko 'yung iniinom ko. Buti hindi sa mukha ni Carmeen xD

Agad na kumuha ng tissue si Carmeen, "Okay ka lang?"

"Oo." Sigurado ako, kung nasaan si Chron nandun din ako. Si Psyche pa?! Kulang na nga ata sabihin niya sa aking pikutin ko 'yung kapatid niya eh.

"Alam mo Best, ang weird niyo ni Psyche." Pagkasabi ni Carmeen nun eh biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet?

"Anong weird? Baka siya lang." Sheeet! Yung puso ko! May karerahan ng mga kabayo na nagaganap!

"Kasi, alam mo 'yun? Para kayong couples. At alam mo ba! Akala ng mga nasa campus kayo na ni

Psyche, kaya sila naman ang nanghuhula ng break-up niyo!"

BULLSHIT! Kami ni Psyche?! Couple?! Anak ng tinapa! Ni hindi nga ako nililigawan ng tao! Kung alam lang nilang lahat kung anong pinag-uusapan namin! Uso na talaga ang mga malisyosong tao sa mundo eh nu? Atyaka anong break-up? Eh hindi nga kami! Kaya mamuti sana ang mga mata nila sa kakaintay ng break-up na 'yan! Ampucha!

"Best, kayo ba?" Taee! Pati ba si Carmeen?!

"GAGA! Si Chron lang mahal ko..."

"Alam ko, baka kasi ginagawa mong panakip butas 'yung kapatid eh."

"Carmeen?! Hindi ako ganun at alam mo 'yan!"

Tumayo na ako at handa ng lumabas sa canteen ng hilain ako ni Carmeen. "Sorry na. Akala ko kasi..."

"Tsss. Okay na, wag mo lang ulitin."

"Pero wala ka ba talagang nararamdaman para kay Psyche? Kahit katiting lang?"

Napaisip ako sa tanong ni Carmeen. Wala nga ba talaga? Eh bakit... palagi ko na siyang naiisip? With matching pagbilis at paglakas pa ng tibok ng puso ko? Ano 'yun? Para saan 'yun?

"Ano kasee... wag kang maingay ha?" Nag-nod siya at inilapit sa akin ang mukha niya para mas lalo niyang marinig, "These past few days, palagi ko na siyang naiisip tapos... nagiging irregular 'yung heartbeat ko na parang... parang..."

"Parang may nagkakarerahang mga kabayo? Lumalakas na lang bigla at parang nagwawala 'yung puso mo?" Nag-nod na lang ako.

Napangiti nang malawak si Carmeen, "May crush ka kay Psyche!!"

"Ano? Ako? May crush? Kay Psyche?"

"Yup!" Tapos ngumiti ulit siya abot hanggang tenga. Anla? Problema nito?

...

"May crush ako kay Psyche?" Nalilito ko paring tanong.

...

...

...

...

"Anong crush?" Bigla na lang may sumulpot sa likuran ko at nagsalita, at! Kilala ko 'yung boses niya :O

Nilingon ko siya kaagad at tama ang hinala ko. Si Psyche nga!

Ay pucha! Si Psyche? Narinig kaya niya? Sheeeeeeet!

"Ha? Anong crush? Wala naman akong sinabing crush eh! Sabi ko rush! He-he." Palusot ko. Tapos tinignan ko ng 'wag-kang-maingay' look si Carmeen.

"Akala ko crush eh. Ehem, bakit ka pala pumasok? Di ba sabi ko sa'yo wag ka ng pumasok?" Tanong ni

Psyche.

"Gusto ko eh. Okay naman na ako. Tyaka bakit ba concern ka?" Ohhh, anong tinanong ko?

"Wala lang. Ayokong mawala 'yung alas ko." Tapos nag-smirk siya at inakbayan ako. Si Carmeen naman mukhang butiking kinikilig. Batuhin ko kaya 'to ng baso?!

Tinanggal ko 'yung pagkakaakbay niya sa akin, "Saan mo 'ko nilagay sa School Fest?" Agad kong tanong.

"Marriage booth." Nakangiti niyang sagot. Tapos binulungan niya ako, "Kasama si Chron." Tapos kumindat siya.

*lub.dub.lub.dub*

What was that?! Puso ko? Sheeet! Bakit parang ang bilis na naman? Bakit?! Ano ba talaga 'to?

"E-eh. Saan ka naman?" Tanong ko.

"Sa Horror House, 'di ba Carmeen?" Tapos nag-nod si Carmeen.

"May plano ka na naman?" -Ako.

"Syempre naman. Galingan mo na ha? Bye!" Tapos hinalikan niya ako sa cheeks.

*lub.dub.lub.dub*

PUCHA >_____< Kailangan ko na atang magpa-comfine dahil mukha atang may heart failure na ako!

Atyaka ito pa ang mas nakakapagtaka! Bakit parang ayaw ko nang gawin? Bakit parang ayaw ko nang makasama si Chron dun sa School Fest? Bakit parang... gusto ko na lang eh pumwesto sa tabi ni

Psyche.

WAAAAH! Anong nangyayari sa akin?! Di ba loyal ako kay Chron!? Di ba? :|

***

So ito, free cut sa unang subject namin sa hapon. Kaya bored ako. Tinitignan ko si Chron pero palihim, nagtetext kasi siya. As usual, katext niya 'yung girlfriend niyang mukhang anghel. Hmmmpf!

Nakakaasar! Yung babaeng 'yun anlakas sa swerte! Nakuha na nga si Chron tapos na-head over heals pa sa kanya si Psyche!

Habang tinitignan ko si Chron eh bigla na lang akong hinila patayo ni Psyche.

"Oh bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Escape tayo." Sagot ni Psyche.

Nanlaki 'yung mata ko, bakit naman kaya ako yayayaing mag-escape nito?

"May quiz tayo sa Chemistry shunga!" Sabi ko.

"Wala si Ma'am. May sakit. Halika na!" Tapos hinila na lang niya ako papalabas ng room.

Pero bago kami umalis eh nakita ko si Chron, ansama ng tingin. Nagseselos kaya? Ohh, ang assuming ko T_____T

Nakalabas na kami ng school ng walang kahirap-hirap. Di tulad noong nag-escape kami ni Carmeen na kailangan pa ng drama, si Psyche kinausap lang 'yung guard tapos pinalabas na kaagad. Ang lakas!

Pagkalabas namin ay sumakay na kaagad kami sa kotse niya. Owkay, so ang weird ng atmosphere?

"Anong sinabi mo run sa guard?" Tanong ko sa kanya.

"Sabi ko, masakit 'yung ulo ng girlfriend ko."

*lub.dub.lub.dub*

What?! Girlfriend? Girlfriend? That's... bullshit! Pero bakit bumalik na naman 'yung feeling na paglakas ng tibok ng puso ko? Ano ba! Ang weird-weird ko na :|

"Huuy! Nakakita ka ng multo? Tulala ka?" Tanong ni Psyche.

"Hindi. Wala. Kamusta na pala kayo ni Selene?"

"Wala. Ganun pa rin, friends. Umaasa pa rin na maghiwalay sila ni Chron."

"Oh. Saan pala tayo pupunta?"

"Iuuwi na kita. Mamaya mabinat ka pa. Tyaka ayokong um-absent ka na naman bukas. Plan B na 'yun eh."

"Uuwi? Okay." Napa-okay na lang ako. Wala rin naman akong magawa run sa school.

Ilang minute pa eh nakarating na rin kami sa bahay. Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Pinapasok ko rin siya, di naman ako bastos xD

"Salamat pala." Sabi ko.

"No problem." Tapos ngumiti lang siya.

Ang gwapo pala niya? Di niya kamukha si Chron eh nu? Mas pogi kasi si Chron. HAHAHAHA! :))))))))

"Stop staring at me!" Saway niya sa akin. Oh? Nakatingin pala ako sa kanya. Aish, kakahiya >_<

"Ah sorry." Tapos nayuko na lang ako. Oh my gaaahd! What's happening to me? Nahihiya ako?! Ako?

Na isang bitch? Shit!

--Psyche's Pov-

Iniuwi ko na si Athena sa bahay nila. Ayoko naman kasing hindi siya makapasok bukas nu! Mamaya mabinat siya at hindi ko na naman maituloy 'yung Plan B ko. Maiinis na ako niyan syempre!

Pero bago pa kami makaalis ng school eh ang weird na nang pakiramdam ko kay Athena. Nagsimula ito kagabi. Bago kasi ako umalis sa bahay nila eh pinagmasdan ko pa siya, pero sandal lang 'yun ha! 2 hours lang naman. He-he xD Pero wala na akong ibang ginawa! Yun lang! Pramis.

Eh kasi, ang ganda niya? Oo, ang ganda-ganda niya. Tapos kanina nung makita ko siya sa canteen eh parang tumalon sa saya 'yung puso ko. Ewan, kahit sinabi ko na run sa sticky note na wag siyang pumasok eh inaasahan ko pa rin na papasok siya, at 'yun nga ang ginawa niya. Matigas kasi ang ulo nun.

"Anong gusto mo? Juice?" Tanong niya.

"Tubig lang." Sagot ko.

Tapos nagtungo siya sa kitchen.

Kanina rin, sa classroom. Nakita ko siyang tinititigan si Chron. Ewan pero feeling ko naiinis ako. Parang gusto kong ibalibag si Chron at itapon sa Pasig River. Pero naisip ko, 'di ba ito naman ang gusto ko?

Ang magkabalikan si Chron at Athena tapos kami ni Selene? Pero bakit parang ayaw ko na?

Aish, ano bang iniisip ko? Siguro nga nagagandahan lang ako kay Athena. Crush maybe? Shit! I'm so gay >_____<

"Tubig mo." Tapos binigay niya sa akin 'yung isang baso ng tubig.

Umupo siya sa isang couch at nagtext. Naka-ponytail siya, kitang-kita 'yung maganda niyang mukha tapos 'yung mga mata niya, 'yung matangos niyang ilong at 'yung mapupula niyang mga labi.

Oh shit! Examining my brother's ex-girlfriend? What am I thinking?

"Stop staring at me!" Saway niya. Teka, linya ko 'yan ah?!

"Ah. Sorry." Nagpalit ata kami ng linya? Aish. Ano ba 'to?

"Di ka pa aalis?" Tanong niya.

"Tss. Oo na, aalis na ako." Hindi ko rin naman kasi kayang nandito ako eh. Baka mamaya malaman ko na lang sa sarili ko na gusto ko na siya. Paano na si Selene?

Tumayo ako sa at pumunta sa pinto. Pinihit ko 'yung doorknob. Nakalabas na ako ng bahay nila nang parang naramdaman ko na parang may naiwan ako sa loob.

...

...

...

...

Tinignan ko si Athena na nakatayo at hinihintay na makalabas ako ng gate niya. Nilakihan ko 'yung hakbang ko at...

...

Hinalikan ko siya sa cheeks. So ayun pala ang naiwan ko?

"Hoy! Ilang beses na 'yun ah. Bat ba halik ka ng halik sa pisngi?!" Naiinis na tanong nito.

"Wala lang, gusto ko lang." Tapos ngitian ko siya at nag-wave sa kanya.

Pinaandar ko na 'yung kotse at umalis na. Habang nagdra-drive ako ay mukha akong asong ulol na nakangiti. Pucha. Ano ba 'to?! Makapunta nga sa Hope Academy at mabisita si Selene :3

####################################

{ TBUP -8: She's your bride }

####################################

{ TBUP -8: She's your bride }

Eh? Sobra ko atang nagugustuhan ang aura ni Chron ngayon sa tabi ko? As in maaliwalas kasi eh! Ang gwapo-gwapo niya tapos ang hawt-hawt pa. Panay pa ang smile! Naks naman! Blooming ba siya dahil nakakuha siya ng kiss sa girlfriend niyang "anghel" daw o dahil sa kasama niya ako ngayon?!

Waah! Mas gusto ko ata 'yung pangalawang option xD

Naghihintay lang kami rito sa marriage booth ng mga gustong magpasakal... este magpakasal. Kaso, parang wala ata sila sa mood? Walang pumupunta rito eh. Ano kaya kung kami na lang ni Chron ang magpakasal? Sayang din 'yung isang araw nu!

May patakaran kasi rito sa marriage booth, kapag nagpakasal kayo eh dapat na mag-date kayo ng isang araw. As in dapat eh hindi kayo maghiwalay 'till the end of the day! Kaya parang gusto kong nakawin 'yung pinaglilistahan ng mga ikakasal kay Chron at isulat ng pagkalaki-laki 'yung pangalan naming dalawa.

Kaso, nag-iingat pa rin ako! Mamaya mahalata niyang head over heals pa rin ako sa kanya (kahit totoo naman). Dapat hindi ko ipahalata na gusto ko siyang itanan papuntang planetang Nemik para lang mailayo sa alien niyang girlfriend. Waaah! Ang gwapo talaga niya! <3 ___________<3

Napatingin siya sa akin! Shocks! Nakita niyang tinitignan ko siya O_____O

"Parang... alam ko na kung bakit walang pumupunta rito." Pahayag niya.

"A-ano namang dahilan?" Tanong ko.

"Kasi nandito ka." Sabi niya. Omo! Pinapaalis niya ako?! T.T

"HA?! Bakit naman ako?! Ano na naman bang kasalanan ko?!" Sige! Magalit ka sa kanya para 'di ka niya mahalata!

"Tsss. Break-up planner ka kasi. Kaya baka natatakot sila sa'yo." Siya.

"So?" Sabay taas ko ng kilay ko. Taray!

"Paano tayo rito?! Nakatunganga ng buong araw?!" Medyo tumaas na 'yung tono ng pananalita niya.

Aba! Tayo na lang magpakasal para masaya! xD

"As if I care? Tyaka kasalanan ko ba kung takot sila sa akin?!" Sagot ko sa kanya.

"Bakit ka pa kasi naging ganyan..." Pabulong niyang sabi. Pero syempre narinig ko.

"Naging ano?!"

"Naging break-up planner."

Owkay?! Hindi ba niya alam na siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito? Hindi ba niya alam na kaya ako naging bitter sa love ay dahil sa kanya?! Srsly Chron, nasaan ang utak mo? Or should I ask, nasaan ang puso mo? Ka-manhidan ba talaga pinapairal mo?! Puro kasi Selene ang inaatupag mo!

Puro Selene! Hindi mo man lang ako magawang kamustahin tapos magagalit ka sa akin kung bakit ako ganito?!

Damn shit! >_____<

Biglang dumating sila Psyche at Carmeen, "Oh? Bat ganyan mga mukha niyo?" Tanong ni Psyche.

"WALA!" Magkasabay na tugon naming dalawa ni Chron.

"Ohh. Nangangamoy LQ ah." Sabi ni Psyche.

"Bakit ka ba nandito?" Masungit na tanong ni Chron. Oo nga Psyche! Istorbo ka! Nagmo-moment kami ni Chron dito eh >.<

"Easy ka lang bro! Di naman ako nandito para manggulo sa date niyo ni Athena eh." Gago! Nanggugulo ka na nga eh! "In fact, tutulungan ko pa kayo!" Tapos nag-smile siya.

"Eto oh! ^______^" Si Carmeen sabay hila sa isang couple.

"Nalaman kasi nilang si break-up planner," Sabay tingin sa akin. "raw ang nandito sa booth kaya ayaw nilang pumunta kahit gustong-gusto nila! Kaya ito, hoy Athena!" -Psyche.

"Ano?!" Nakabusangot kong sagot sabay tayo.

"Ayan ah, mag-pramis ka sa kanila na kahit itong araw lang! Magpapahinga ka muna bilang si break-up planner. Bilis!" Sabi sa akin ni Psyche.

WHAT?! Paano ko naman ihihinto ang isang bagay na palagi ko nang ginagawa?! Like DUH!

Hinahanap-hanap na ng sistema ko ang panghuhula ng break-ups ng iba. Paano ko 'yun ihihinto?!

Sabihin niyo nga!? Para niyo na rin akong inutusang huwag huminga kahit isang araw lang!

"ANO?!" Pasigaw kong tanong.

Lumapit sa tabi ko si Psyche habang nakatingin ako sa kanya ng masama. Bigla niyang binuhat 'yung right hand ko na parang nagpapanatang makabayan.

"Ayan! Nagpramis na siya ha! Kaya, safe na ang marriage booth!!" Sigaw ni Psyche. "Wag kang magalala, magbubunga rin 'to." Bulong niya sa akin.

Sige! Go with the flow. Pwede ko naman silang hulaan ng break-up kahit sa isip ko lang 'di ba?

Mwhahahaha! *evil grin*

So nagsimula ng lumapit 'yung mga gustong magpakasal. Si Chron daw ang pari. Hahaha! Ang gwapo namang pari nito. Sayang kung naging totoo, baka itakas ko siya sa simbahan niyan! Hihi! Tapos ako naman 'yung taga-abot ng rings. Weee! Magbre-break 'din kayo next month! HAHAHA!

Tapos ayun, madami nang nagpapalista at kinakasal. Madami na rin akong nahuhulaang break-ups.

Waah! Ang saya naman pala neto xD

--Carmeen's Pov--

Yhieee :"">

Ang sweet-sweet naman nung mga nagpapakasal dun sa marriage booth! Sana ako rin! Wala kasi rito si ano eh. Hahaha! Basta! Secret muna :D

Pero parang kulang eh... dapat nandyan din si Ericka! Dapat kinakasal din siya! Hmmm... sino bang pwede?

*tingin tingin*

BOOM!

May nahanap na ako! Sino pa ba? Eh 'di 'yung bagong kras ni Ericka. Hihi ^________^

Teka, paano ba ako makakapaglista ng pangalan dun sa hawak ni Chron nang hindi nakikita ni Ericka?

Hmmm. Una, lalapit ako run kay Chron, tapos... tye-tyempuhan kong nagbibigay ng singsing si Ericka at iniisip ang break-up ng dalawang couple (akala niyo hindi ko alam?! Bespren ko kaya si Ericka! Alam ko iniisip nun!) tapos isusulat ko na!

Kaya naglakad na ako papunta sa booth. Nasa isang table sa likuran ni Chron 'yung listahan! May kinakasal kasi si Chron tapos si Ericka naman tinititigan si Chron. Tsk tsk. So mukha akong aso ngayon kasi gumagapang ako papunta sa table na 'yun. Pagkapunta ko run sa ilalim ng table, dahan-dahan kong inabot at kinuha 'yung listahan. Mabilis kong sinulat 'yung pangalan nila Ericka. Tapos ibinalik ko

'yung listahan sa ibabaw ng mesa. Saktong nagbibigay ng singsing si Ericka. HAHAHA! :))))

Good job Carmeen! xD

--Psyche's Pov--

Boring dito sa Horror House. Amf! Puro sigawan naman! Nakakarindi na ha! Maka-alis nga muna...

Teka, asan 'yung kasama ko rito? Yung Carmeen? Dapat andito 'yun bago ako umalis para naman may magbantay dito baka kasi-

"Psyche!" Ayun, dumating din.

"Oy Carmeen, dito ka muna ha? Sa CR lang ako." Paalam ko sa kanya.

"Okay! ^_______^" Aba? Makangiti naman 'to eh wagas na wagas!

Lumabas ako sa booth namin dahil bored na bored na ako. Napatingin ako sa booth nila Athena at

Chron. Owkay? Parang wala lang ah! Ang hina naman ng Athena na 'to. Tsk tsk. Mapuntahan nga at matulungan!

*lakad lakad lakad*

Hmmm... parang may naiisip akong mas magandang idea ah. Di ba, may policy ang marriage booth na kung sino man ang mga ikakasal dyan sa booth na 'yan eh dapat mag-date ng isang araw? Yung mismong sila lang dalawa? Mwhahahaha! Alam ko na! *evil grin*

Lumapit ako sa booth tapos kinuha ko 'yung listahan. Di naman ako pinapansin ni Chron kasi busy siya sa pagiging one-day-priest niya. Si Athena naman nakatingin lang. Kindatan ko nga.

*wink*

Umiwas ng tingin ang loko? Kdot.

Ayan, tapos na! Nasulat ko na. Hahahaha! Magdi-date si Athena at Chron tapos makikita ni Selene tapos magbre-break na sila! And they live happily ever after! MWHAHAHAHA! >:))))))))

--Chron's Pov--

Hirap magkasal! Ganito pala ang feeling maging pari. Haay! Kung hindi lang sana exam nila Selene ngayon eh baka dinala ko na siya ngayon dito. Eh 'di sana kami rin kinakasal ^_____^

Break muna sa pagiging pari. Kailangan kong magmeryenda. Wait lang... mukhang pagod na rin si

Ericka ah. Yayain ko kayang magmeryenda? Wala namang masama 'di ba? Kung yayayain mong kumain ang... ex mo? Aish. Bahala na.

"Ericka, tara sa canteen." Pagyayaya ko sa kanya. Ang awkward xD

"Ah si--"

"EHEM." Biglang dumating si Psyche. "Kasal niyo kaya muna sarili niyo bago kayo magdate." Kanina pa sabi ng sabi ng date 'tong gagong 'to ah! Basagin ko kaya bungo nito!

"Anong ikasal?" Tanong ko.

"Ito oh." Sabay pakita niya ng listahan. Kinuha ko 'yung listahan at nandun nga ang pangalan namin ni

Ericka.

"Psh. Didn't I tell you? May policy ang booth na 'to, na hindi pwedeng ikasal ang isang tao ng ilang beses?" Ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Psyche.

I turned the pages of the list at ipinakita ko sa kanya ang isang pahina, "I won't be Ericka's groom, because she's your bride." Then I smirked.

"WHAT?!" Ericka and Psyche said in unison.

Nakakatawa silang dalawa! Siguro, pwede na silang maging couples. Haaay! Psyche and Ericka, perfect for each other.

"So... should I begin with the ceremony?" Nawala tuloy 'yung pagod at gutom ko nang dahil sa kanilang dalawa!

Ang sama ng tingin ni Psyche, si Ericka naman ganun din. Tapos biglang hinablot ni Ericka 'yung listahan at tinignang maigi 'yung papel. Kinikilala niya ata kung kaninong penmanship.

"Shit Carmeen!" She said then she rolled her eyes.

"Si Carmeen ang nagsulat niyan?!" Tanong naman ni Psyche.

"Oo." -Ericka.

"Anak ng tokneneng!" Nasabi ni Psyche.

"Ano na?" Tanong ko.

"Sige! Kasal mo na! Shet. Asadssfsgrnnloiegw!" Ano sabi ni Psyche sa huli? Bat 'di ko naintindihan?

Hahaha! Itsura niya oh! Parang namatayan na gustong gumanti sa salarin! Oh well, sige na. Para makapag-meryenda na 'ko sa canteen.

Tinignan ko si Ericka, mukhang naiinis na kinikilig na ewan. Ano bang klaseng expression 'yan?

"Qwhpflshfsoeaohf blah blah blah." Yan! Kasal na sila. Pasensya naman, ganyan ako magkasal eh,

"You may now kiss the bride." Natatawa na ako. Saan kaya hahalikan ng kapatid ko si Ericka?

Oh teka, para ko namang pinapatuhog sa kapatid ko 'yung ex ko. Ang sama ko bang kapatid?

=______=

*TSUP*

Oh shit! Anak ng tipaklong na sabog! Hinalikan ni Psyche si Ericka!!! Sa... sa... sa...

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

LIPS?! O______________________________O

####################################

{ TBUP -9: This Day is Epic }

####################################

{ TBUP -9: This Day is Epic }

Kanina pa ako hinihila ni Psyche papuntang gate ng school. Ano bang tinira nito kagabi? Drugs?

Marijuana? Ecstacy? Oh sadyang nakalanghap lang siya ng usok galing sa tambutso? Eh bakit kasi ganito siya makahawak sa kamay ko! Ang higpit-higpit! Tyaka kanina, hinalikan niya ako sa labi!

Oh shet! Ngayon lang nag-register sa utak ko 'yun ah! Hinalikan niya ako sa... lips? O________O

Hutanghena! Ano reaksyon ni Chron?! Tekaaa! Babalik ako sa booth! Di ko nakita eh! Takte! >.<

"Pwede bang bitawan mo 'ko?!" Sigaw ko kay Psyche. Hindi niya ginawa 'yung sinabi ko, sa halip eh mas hinigpitan pa niya 'yung hawak niya sa akin. "ARAY! Sinabi nang bitawan mo 'ko eh!" Tapos hinila ko 'yung kamay ko. "Ano bang problema mo?!"

"Tangna naman kasi 'yang bestfriend mo! Ubod ng katangahan! Nang dahil sa kanya bulilyaso ulit 'tong

Plan B na 'to! Nung nagpaulan ata ang Diyos ng katangahan eh feel na feel niyang lumabas!"

Nanggagalaiting pahayag ni Psyche habang nanlilisik ang mga mata.

Nainis at nainsulto ako sa sinabi niya, syempre bestfriend ko si Carmeen! Kaya para maiganti ang bestfriend ko, sinampal ko ng full force si Psyche! Laitin niya nang lahat! Wag lang ang bestfriend ko!

"Wala kang karapatang sabihan ng ganun ang bestfriend ko! Wala siyang alam sa deal na 'to kaya pwede ba, itikom mo 'yang bibig mo at huwag mo siyang sisihin!" Sigaw ko kay Psyche.

Hinimas-himas ni Psyche 'yung pisngi niyang sinampal ko, "Tsss! Nakakainis kayong dalawa! Pareho kayong pathetic at useless!"

Sinampal ko ulit siya, "Eh gago ka pala eh! Ikaw nga ang nag-offer sa akin ng deal na 'to eh! Kung ikaw kaya kumilos para makuha 'yang Selene mo?! Ang bitter mong lalake ka! Pucha!"

"Kung makapagsalita ka parang hindi ka rin bitter ah?! Tyaka sinong nagsabing hindi ako kumikilos?!

Nagkataon lang talaga na tanga 'yang bestfriend mo!"

"Wag mo sabing sinasabihan ng tanga ang bestfriend ko eh!" Sinuntok ko naman siya ngayon!

Namumuro na eh!

"Shit! Athena! Aray!" Aba?! Mapapel 'tong gagong 'to ah! Tawagin ba naman akong Athena!

"Hoy! Wag mo nga akong matawag-tawag ng Athena! Di ka ganun ka-importante sa akin para tawagin mo 'ko sa pangalan kong iyon!" Sabi ko sa kanya.

"Yeah! Whatever. Nakakainis ka!" Ang bakla niya =__________=

"Bakit ka ba naiinis?! Nagagalit ka ba dahil hindi kami ni Chron ang nagpakasal? O nagagalit ka dahil ako 'yung napakasalan mo?" Umiwas siya ng tingin, "...wag kang mag-alala, kasal-kasalan lang 'yun.

Sisiguraduhin ko sa huli na kami ni Chron ang makikita mo sa totoong altar!" Pahayag ko tapos tumalikod na ako para umalis, pero nilingon ko ulit siya, "Kung gusto mo, huwag na nating ituloy 'yung pesteng date na 'yun. Hindi rin naman ako interesado!"

Teka, parang ano ah... parang nanghihinayang ako? Ewan, para kasing gusto kong ituloy 'yung date.

Para kasing gusto ko siyang makasama? Alam mo 'yun? Tulak ng bibig kabig ng dibdib?

Ay shet! Ano ba 'tong lumalabas-labas sa bibig ko. Muntanga tuloy ako! Tsk tsk.

So naglakad na ako papalayo sa kanya pero bigla akong nakaramdam ng kamay sa braso ko.

"Halika na..." Pagtingin ko, si Psyche lang pala. So tuloy ang date? Takte, excited ba ako?!

"Saan tayo pupunta?" Pa-inosente effect xD

"Date. Bopols ka talaga..."

"Gusto mo ulit lumanding sa mukha mo 'to?" Sabay pakita ng kamao ko sa kanya.

"Tsss... halika na!" Tapos hinila niya ulit ako papalabas ng gate.

***

Nasa loob kami ng kotse niya. Tahimik lang, concentrate siya sa pagmamaneho samantalang ako concentrate sa pagtingin sa mga dinadaanan namin.

Pansin ko lang, kada nasa sasakyan kami palaging awkward ang atmosphere namin. Ewan kung bakit?

Palitan na lang natin 'tong sasakyan mo Psyche! Panget ng atmosphere >_____<

"Sorry..." Mahina niyang sabi.

"Saan?" Tanong ko naman kahit alam ko ang dahilan. Hahaha!

"Alam mo bang, ayaw na ayaw ko sa lahat ang nag-sosorry? Bakit kailangan mo pang ipaulit sa akin?"

Medyo naiirita niyang tanong.

"Hindi ko naman pinapaulit sa'yo ah! Tinatanong ko lang naman kung bakit :3" Nag-pout ako :D

"Sorry sa mga nasabi kong masasama sa'yo at sa bestfriend mo." Kaya naman pala niya eh. Tsk tsk.

"Okay. Ikaw kasi eh, maghintay ka lang kasi. Makukuha mo rin ang gusto mo." Tapos kinindatan ko siya. Pero bakit parang ayaw ko na talagang gawin 'yung deal?

Minsan talaga nafe-feel ko na parang ayaw ko nang bumalik kay Chron. Pero ginagawa ko naman ang lahat para masabi ko pa rin sa sarili ko na si Chron pa rin. Simula kasi nung nagbreak kami, sinarado ko nang lahat ng bintana at pintuan sa puso ko. Sabi ko sa sarili ko, kung hindi rin lang si Chron ang mamahalin ko eh 'di mas mabuti pang huwag na lang akong magmahal.

Pero ngayon? Ngayon na may Psyche nang dumating sa buhay ko? Feeling ko unti-unti siyang humuhukay ng butas para makapasok sa puso ko.

Aish, ano ba 'to? Bakit ang corny ko?! Eww naman >_____<

"Andito na tayo..." Sabi niya tapos lumabas na siya ng kotse.

Binuksan ko 'yung pinto ng kotse at lumabas. Sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng mall. Haay, ano namang romantic sa loob ng mall na 'to? Amboring kaya rito! Hindi ito ang ideal date na gusto ko >_________<

Makapag-inarte at reklamo wagas? Buti nga dinate ka eh. -konsensya raw.

K! Ang piling ng konsensya ko! Makiki-ekstra pa rito. Leche!

"San mo gustong pumunta?" Kung kanina eh dragon siya, ngayon naman mukhang tupa. Ano ba talagang natira nitong Epiales na 'to?

"Kahit saan basta hindi boring." Sabi ko naman.

"Kain na lang tayo. Alam kong kanina mo pa pinipigilan ang pagka-PG mo."

"Yabang mo ah!" Matakaw lang naman ako, di ako PG >_____<

--Psyche's Pov--

"Psyche-iii baby!" Tawag niya sa akin, "Gusto ko nun oh! Masarap 'yun! Tapos dalawa run oh! Waaah!

'Yun pa! Ice cream!!" Sabi ko na nga ba, PG siya. Lahat na ata ng menu rito sa restaurant pinili niya.

"Tsss, yan ba ang hindi raw PG?" Pabulong kong sabi.

"Anong *chomp* sinasabi *chomp* mo?"

"Wala. Kain ka lang dyan." Kahit 'di ko naman sabihing kumain pa siya eh kakain pa rin talaga siya. PG nga eh. Tss, ayoko ng baboy na girlfriend.

Teka, sino bang nagsabing magiging girlfriend ko 'yang Ericka na 'yan? Nakuu, patay ako neto kay

Selene! Tsk tsk >____<

Kain pa rin siya ng kain. Teka, nakakatatlong baso na siya ng strawberry ice cream ah! Grabe pala 'tong babaeng 'to kumain. Parang wala ng bukas! Hindi ba siya pinapakain sa bahay nila? Hindi naman siya mataba, eh bat ang takaw niya? :O

"Hoy! Hinay-hinay lang! Ma-impatso ka eh!" Saway ko sa kanya.

"Eh kesyo mashuwarap weh!" Tapos subo pa rin siya ng subo. Teka nga lang, isang oras na kami rito sa restau pero kain pa rin siya ng kain. Anong klaseng tyan meron 'to?

After 10 million years, eto na. Kakalabas niya lang ng washroom at aalis na sana kami ng restau ng bigla siyang dumaing ng pagsakit ng tyan.

"Waaaaaaaah! Psyche-iiii!" Bat ba Psyche-ii ang tawag sakin neto? "Ansakit ng tyan ko!" Tapos nagpout pa siya. Ano ba 'yan, ang cute niya.

"Yan kase! Kain ka ng kain." Sabi ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya, "Tara, iuuwi na kita sa inyo. PG ka kasi."

"Eh masarap talaga eh! Pero waaaaaaaah! Ang sakit ng tyan ko :33" Pout ulit? Pag di ako nakatiis hahalikan ko 'yan!

"Tara na kasi."

Tapos lumabas na kami sa mall, inaalalayan ko siyang maglakad habang siya nakahawak sa tyan niya.

"Uyy tignan mo 'yung dalawang 'yun oh. Ang sweet naman nila. Inaalalayan niya 'yung buntis niyang misis." Narinig kong sabi ng isang babaeng 50+ years old na habang kasama 'yung asawa niya.

Buntis? Si Athena buntis? Misis? Si Athena misis ko? Ano bang pinagsasasabi nitong mga 'to?

"Oh my gosh! Ang gwapo nung lalake! Swerte naman ni girl at nalahian kaagad ni boy na pogi!" Sabi ng isang teenager kasama ang barkada niyang nagtitilian din.

Okay, we really need to get out of this place. Madudumi pag-iisip ng mga taong nandito.

Kaya isinakay ko na siya sa kotse para ihatid na sa kanila. Medyo maaga pa naman at hindi pa bumababa si Haring Araw pero masakit na 'yung tyan niya eh. Alangan naman na igala ko pa siya? So ayun, sinuotan ko siya ng seatbelt dahil parang hindi niya nakayang gumalaw sa sobrang sakit ng tyan

niya. Habang nilalagay ko 'yung seatbelt, nagkaroon ako ng chance para makita ang 'perpektong' hubog ng mukha niya. Mukha talaga siyang anghel na porcelain doll! Ganda nga niya eh.

"Baka naman gusto mo nang mag-drive para makauwi na ako?" Bigla siyang nagsalita. Di ko kasi namalayang ang lapit-lapit na pala namin sa isa't isa to the point na malapit ko nang maangkin ang labi niya. Takte! Parang gusto kong subukan!

Lumayo ka sa tukso Psyche! Magagalit si Selene sa'yo. Oh well, may pakialam ba siya? Aish. Ano ba

'tong nangyayari? >____<

"Ah sorry..." Sabi ko tapos bigla na lang akong humarap sa manibela at ini-start ang kotse.

Habang nagmamaneho ako, "Grabe Psyche-ii baby! Ang pula mo oh! Mukha kang kamatis!

HAHAHAHA!" Nagawa pa talaga niyang tumawa?! Nagblu-blush ba talaga ako? "Uwaaa! Tyan koooooo!" Complain niya.

"Tsss. Tawa ka kasi ng tawa eh."

"Eh mukha ka kasing kamatis. Gwapong kamatis! WHAHAHA!" Tss, at least gwapo 'di ba? "Psyche-ii baby, may sakit ka ba?" Tanong niya sa akin.

Agad ko namang kinapa 'yung leeg ko at dinadama kung may sinat ba ako, pero parang wala naman ah? "Wala naman ah, bakit?"

"Grabe, ang pula mo kasi! Uyyyy si Psyche-ii nagblu-blush!" Takte, di tuloy ako makatingin sa kanya!

"Wag ka ngang maingay! Baka mabangga tayo!" Saway ko sa kanya. Tapos narinig ko na lang 'yung tawa niya.

Ilang oras din akong nag-drive. Dumaan kasi ako sa long cut. Ewan ko kung bakit. Pagkatingin ko kay

Athena, mahimbing na 'yung tulog niya. Haaay. Di ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya. Hinawi ko 'yung ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya tyaka ko hinaplos 'yung pisngi niya.

Tapos napadpad yung mata ko sa labi niya, ewan ba! Namamagnet talaga ako netong labi niya.

Tulog naman siya 'di ba? Haay, wag! Hindi ko kayang manamantala ng tulog! Tyaka, ano ba? Si Selene pa rin ang mahal ko. Ayokong magtaksil!

Binuhat ko na lang siya at binuksan 'yung pinto nila. Grabe, mayaman ata sila kaya kahit hindi naka-lock

'yung bahay eh iniiwan lang? Nang-aakit ata ng mga akyat bahay =______=

Dinala ko siya sa room niya tapos inihiga ko na siya run. Makauwi na nga lang sa bahay... madami pa akong pla-planuhin para sa susunod. Sana naman hindi na epic fail lahat ng plano namin! Nakakainis na!

"Advance good night Athe-Ericka pala, sana hindi mo na sirain mga plano ko." Tapos hinalikan ko siya sa noo.

####################################

{ TBUP -10: Flashbacks }

####################################

{ TBUP -10: Flashbacks }

--Chron's Pov--

Grabe talaga 'yung kapatid kong iyon. Pati ex-girlfriend ko pinapatos pa ata niya. Haay! Psyche will always be Psyche! Pero hanggang ngayon, shock pa rin ako! Alam mo 'yung feeling na hinalikan ng kapatid mo 'yung ex-girlfriend mo sa mismong harapan mo?!

Alam mo 'yun? Gusto kong ibalibag sa lamesa si Psyche? Aish! Ewan ko! Siguro naiinis lang ako kasi feeling ko pinaglalaruan ni Psyche si Ericka =_________=

Palagi namang ganun si Psyche eh. Mahilig paglaruan ang iba, lalo na ang feelings nila. 'Yun nga ang dahilan kung bakit kami nag-away.

Okay, let me take you to the old days...

//Flashback//

Si Selene, first year kami nung makilala ko siya. Kaklase ko kasi siya sa Zxcvbnm High School [ZHS] dati. Parehas kaming section one. Naging magka-seatmate kami dahilan para mas maging close kami sa isa't isa. Palagi kaming nagtatanungan about sa subjects namin. Nagsha-share din kami sa isa't isa ng secrets at problems namin. Parang best friends kumbaga, pero wala kaming tawagan na ganun.

Palagi rin kaming sabay kumain every lunch tapos palagi ko rin siyang kasama kapag nagmemeryenda. Talagang as in close na close kami. It's like we only know each other here in ZHS. Wala kaming pakialam sa iba though nagkakaroon na ng mga chismis about us na nagda-date daw kami, hindi namin pinansin 'yun. Because we're enjoying each other's company.

Isang araw nagising na lang ako na mahal ko na siya. Sinubukan kong pigilan 'yung nararamdaman ko para kay Selene dahil ayokong magbago kung ano man 'yung meron sa amin ngayon. Ayokong lumayo siya sa akin kapag sinabi ko sa kanyang mahal ko siya.

Kaya minabuti kong manahimik. Hanggang sa isang araw, mag-confess sa akin si Psyche na gusto niya si Selene. Section 3 kasi si Psyche noon kaya hindi niya kami kaklase.

"I really like Selene dude! Di ba section 1 ka? Eh 'di ibig sabihin kaklase mo siya?! Please Chron! Help me to get her! Please!" Pagmamakaawa sa akin ni Psyche habang gumagawa ako noon ng assignment.

Natakot ako sa sinabi ni Psyche. Kilala ko kasi siya eh. Alam kong kung ano ang gusto niya, nakukuha niya and eventually, he'll get Selene. Pero paano na ako? Mahal ko si Selene pero kapatid ko si

Psyche?

"Please? Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa'yo! Chron naman!

...Hindi mo naman gusto si Selene 'di ba?" Napatigil ako sa pagsusulat nang itanong sa akin ni Psyche

'yun.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pag sinabi kong oo, magagalit siya sa akin, magaaway kami at baka sabihin niya kay Selene 'yun tapos lalayuan ako ni Selene. Pero 'pag sinabi kong hindi? Kukunin ni Psyche sa akin si Selene.

Teka... hindi ko naman pagmamay-ari si Selene. At baka never ko na siyang magiging pagmamay-ari.

"H-hindi... H-hindi ko siya g-gusto." Sagot ko.

"Good! Then it's a deal? Tulungan mo 'ko sa kanya ha?"

Simula noon, palagi na naming kasama si Psyche sa lahat ng pupuntahan namin. Sa meryenda, lunch at sa pag-uwi. Mas mukha na nga akong chaperon dito eh. Sumusunod lang ng parang aso. Habang si

Psyche at Selene? Ang sweet-sweet nila. Mukha silang couple. Haaay =___=

Ganito ba talaga ang kapalaran ng isang torpe at mapagmahal na kapatid na katulad ko? Tsk tsk.

Kawawa naman ako >.<

Pero isang araw, hindi na ako nakatiis. Naglakas na ako ng loob na tanungin si Selene kung gusto niya talaga si Psyche.

"Augh. Selene... do you really like my brother?" Tanong ko sa kanya habang nasa library kami.

"Huh? Syempre naman gusto ko si Psyche!" Masayang sagot niya.

Ouch. Wala na talagang chance. Si Psyche na talaga ang gusto niya =_______= Okay, defeat accepted!

"Pero syempre, mas gusto pa rin kita Chron." Tapos ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "I really like you... I mean, I love you. Hindi ko alam pero, gusto kong itago sa sarili ko pero mahal talaga kita

Chron. Ikaw? Do you feel the same way too?"

SHET!! Mahal ako ni Selene! Mahal DIN ako ni Selene!! YES! Gusto kong magwala sa loob ng library pero hindi naman pwede kasi nga 'observe silence' pero kung wala kami sa place na 'to? Baka kanina pa ako nagtatatalon at nagsisisigaw! SHEEEEEEET! DREAM COME TRUE! THANK YOU LORD!

"Talaga?! Ano... I lo--" Biglang naputol ang sasabihin ko nang dumating si Psyche, "Oh Selene! Di mo lang sinabing nandito ka, kanina pa kita hinahanap eh."

Shet. May isa pa pala akong problema! Si Psyche! Paano na 'to? Kakalabanin ko 'yung kapatid ko?

Pero all this time, pinagbibigyan ko siya. Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang ako naman ang sumaya?

Shet talaga! Hindi ko na nakausap si Selene nun! At minalas pa talaga ako dahil nawala 'yung phone ko at grounded ako sa computer! Walang communication! Paano kung isipin niyang hindi ko rin siya gusto?

Eh 'di si Psyche ang pinatulan niya?! Tae talaga >_____<

Paano na ako?!

"Uyy Chron... tingin mo ba... may pag-asa ako kay Selene? Alam mo kasi, minsan lang akong naging ganito. Ito ang unang beses na ano... nagmahal ako. Alam mo 'yun? Mahal ko talaga si Selene dude. As in! Kaya, kung hindi niya ako sasagutin? Baka gumuho ang mundo ko! Pero I will never give up!

Gagawin ko ang lahat para maging kami! Kukulitin ko siya kahit ilang beses pa akong ma-busted. Kasi mahal ko siya."

Parang tinusok 'yung puso ko sa sinabi ni Psyche. Kilala ko ang kapatid ko, alam ko kung kailan siya seryoso sa isang bagay o tao at alam ko rin kung kailan siya nagloloko. At sa nakikita ko ngayon?

Nakikita kong mahal niya talaga si Selene.

Hindi naman ako selfish eh, mahal ko si Selene pero mahal ko rin ang kapatid ko. Sabi nga nila, blood is thicker than water. Pero paano naman ang kaligayahan ko?

"Bespren mo naman siya 'di ba? Convince her to love me! Kumbinsehin mo siya para sagutin niya na ako! Please? Di ba kapatid kita? You're my other half right?" SHET! >___<

Napalunok ako, "Okay, okay." Yan na lang ang naisagot ko.

Haay! Paalam na pag-ibig! Shet >.< Kaya ayun. Sinabi ko kay Selene na sagutin niya na si Psyche, kahit durog na durog na 'tong puso ko. Tangna! Sinabi ko rink ay Selene na hindi ko talaga siya gusto.

Kaya ayun, ang sakit sa puso ko lalo na nung nakita ko 'yung expression niya. Naiiyak siya T_____T

Tapos isang araw, sa corridor, nakita ko mismo na sinagot ni Selene si Psyche. Taee >_____<

"Selene, please? If you accept my love for you. I'm willing to do everything just to make you happy. I love you. You know that right? Please be my girl." Sabi ni Psyche habang hawak ang magkabilang pisngi ni Selene. Shet! Naiiyak na ako!

"I know, and yes... I'll be your girl." WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA T___________T

"YES!" Psyche exclaimed.

Habang masaya si Psyche ako naman naiwang duguan ang puso. Haay >_______< Tanggapin ang pagkatalo!

Kaya para maka-move on. Lumipat ako sa Destiny High. Ang babaw ko 'di ba? Tapos nabalitaan ko na lang na si Selene eh lumipat sa isang all girls school, sa Hope Academy. Si Psyche? Naiwan sa ZHS pero sila pa rin ni Selene.

Malungkot ako sa D-Hi hanggang sa isang araw makilala ko si Athena, si Ericka. Yun kasi ang una kong tawag kay Ericka eh. Tumigil lang ako sa pagtawag sa kanya nun nung nag-break kami.

Naaalala ko pa nung una kaming nagkita. Ang clumsy niya. Haha!

Nalaman ko kasi na may secret roof top sa school. Pupunta na sana ako nun nang makita ko si Athena sa hagdan, at dahil sa nagulat siya nung nakita niya ako eh na-out of balance siya at muntik nang mahulog sa sampung baitang na hagdan buti na nga lang nandun ako at nasalo ko siya.

"AHHHHHH!" Sigaw niya nung bumagsak siya sa mga bisig ko.

"Miss, hindi ka nahulog, huwag kang OA." Sabi ko sa kanya habang tinatakpan niya 'yung mukha niya.

Tinanggal niya 'yung kamay niya sa mukha niya, "Augh? Sorry, at thank you pala."

Shet lang dahil ang ganda niya. Porcelain doll ba? Natulala nga ako sa ganda niya eh, "Ah Mister

Savior, may balak ka pa bang ibaba ako?" Tanong niya. Ay oo nga pala! Buhat-buhat ko pa rin siya.

Ibinaba ko siya, "Sorry ha." Sabi ko.

"De okay lang. Thank you ha?" Tapos hinalikan niya ako sa cheeks tapos umalis na siya.

Nalaman ko, kaklase ko pala siya. Bubbly siya at sobrang active. Hyper palagi at parang palaging masaya. Napansin niyang wala akong mga kaibigan dito kaya kinaibigan niya ako. Para siyang si

Selene, sinasamahan ako kahit saan ako magpunta. Pwera na lang sa CR =______=

Ang bait-bait niya sa akin at palagi niya akong napapasaya. Pero isang araw, humarap siya sa akin nang nanginginig at naluluha.

"CHRONMAHALKITA!" Mabilis niyang sabi. Hindi ko naman naintindihan?

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko... MAHALKITA!" Di ko talaga maintindihan.

"Teka! Dahan-dahan kasi. Ano ba 'yun?"

"M-Mahal K-kita... C-Chron." Pagtatapat niya tapos naiyak na siya.

Gusto ko naman si Athena eh. Kaso... hindi katulad nung kay Selene na mahal talaga. Pero ang sama ko naman kung ire-reject ko si Athena 'di ba? Atyaka... buti pa siya, matapang. Kaya niyang sabihin sa taong mahal niya ang nararamdaman niya. Di katulad ko.

Niyakap ko siya, "Athena, salamat ha? Salamat at... mahal 'din kita." Tapos hinalikan ko 'yung forehead niya.

Alam kong maling gawing rebound si Athena, pero wala namang masama 'di ba? May narinig kasi ako.

In order to move on, you have to give a chance to someone to love you and to be love by you. Kaya 'yun ang ginawa ko. Nilagawan ko si Athena tapos naging kami.

Pero pinaglalaruan ata ako ng destiny? Bigla kasing nagparamdam si Selene. Bigla na lang siyang nagtext sa akin. Tapos 'yun, may communication na ulit kami. Nung una kamustahan lang tapos biglang...

From: Selene

|Mahal pa rin kita alam mo ba 'yun? Kahit kami na ni Psyche. Alam kong ikaw pa rin. Ikaw pa rin,

Chron.|

Hindi ko alam. Kapag sinagot ko kasi nang 'mahal din kita Selene' eh makokonsensya ako panigurado.

Lalo na at kami na ni Athena. Pero ewan. Ilang months naman na sila ni Psyche 'di ba? Pwede bang kunin ko na ngayon kung ano talaga 'yung akin?

To: Selene

|Selene. Alam ko medyo late na para sabihin ko 'to. Mahal din naman kita eh. Noon pa. Nagkataon lang talaga na kapatid ko 'yung karibal ko sa'yo. But I promise, babalikan kita. Promise ko na liligawan kita gaya ng plano ko noon. I love you.|

Bahala na si Batman. Mahal ko talaga si Selene eh. Nagpatuloy kami sa pagiging sweet sa isa't isa kahit sa text lang. Nagsasabihan kami ng 'I love you' kahit may karelasyon kami. Oo, alam naming mali

'yung ginagawa namin at nagmumukha kaming two timer. Pero humahanap lang talaga kami ng tyempo para makipagkalas sa mga karelasyon namin.

Hanggang sa isang araw, 'yun. Nakipag-break na ako kay Athena. Pero si Selene, inabot pa ng isang taon. Kasi raw naaawa talaga siya kay Psyche, at kahit isang taon man lang daw sana eh maibigay niya kay Psyche para naman no hard feelings. Kaya naghintay ako, mukha nga akong kabit sa relasyon nila eh. Pero tiniis ko 'yun kasi mahal ko si Selene. Tapos ayun na, sa wakas, nakipag-break na rin siya kay

Psyche.

Tapos nanligaw ako kay Selene. Isang araw lang ata? Sinagot kasi ako kaagad ^_______^

"Wala na akong pakialam sa masasagasaan natin Selene, gagawin ko na ngayon kung ano 'yung dapat kong ginawa noon." Sabi ko sa kanya tapos hinalikan ko siya sa noo.

Nagalit si Psyche pero wala na akong pakialam. Wala na kaming pakialam. As long as we're happy.

//End of Flashback//

"CHRON!" Tawag sa akin ni Selene mula sa 'di kalayuan habang nakaupo ako sa booth. Nakita ko siya tapos kumaway ako sa kanya. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you!"

Sabi niya sa akin.

"I miss you too. Kamusta pala ang exam?" Tanong ko sa kanya.

"Maayos naman. Pasado! Galing ng tutor ko eh." Tapos kumindat siya sa akin. Ako kasi 'yung tutor niya

:D

"Ganun? Asan na sweldo ko?"

"Kaya nga ako nandito 'di ba?" Tapos ngumiti siya. Aww! Ganda talaga :"">

"Tara na! Date na tayo!" Tapos hinila ko siya. Holding hands while walking, baby!

Alam mo 'yun? Ilang taon ko ring hinintay ito. Nagparaya na ako't lahat-lahat. Akala ko hopeless na.

Pero tignan niyo naman kami ngayon 'di ba? Tulad ng sabi ko sa kanya noon, wala na akong pakialam kung may masaktan man kami, ang mahalaga kasama ko siya at mahal namin ang isa't isa.

Err! Wait! Sina Psyche at Ericka 'yun ah? Anong meron? LQ? Bat ang sweet nila? Shet talaga. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko! I feel like a jealous bastard pero hindi naman? Ewan! Di lang siguro ako sanay na may Psyche at Ericka akong nakikita >_______<

Damn it! May Selene na ako for Pete's sake!

####################################

{ TBUP -11: Devastated }

####################################

{ TBUP -11: Devastated }

--Psyche's Pov--

Alam mo 'yung feeling na malaya ka? Malaya kang makakabisita, makikipag-usap at makakasama si

Selene? Bakit? Kasi wala rito si Chron! *evil laugh* Buti na lang eh meron siyang National Quiz Bee

Tournament sa Davao kaya kahit kailan ko gustuhin eh pwede kong makasama ang love of my life.

Hmmm, matawagan nga para mayaya ko na siyang makipag-date.

Calling Selene <3... [kita niyo, may heart pa 'yan ha!]

"Hello?" Boses ng anghel! Hutanghena! Ang sarap pakinggan!

"Selene? Busy ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? *cough* H-hindi na-- *cough* naman masyado. *cough cough*" Anong meron? Bat parang tumatahol si Selene?

"Okay ka lang? May ubo ka?"

"Oo eh. *cough* with matching high fever *cough cough* pa." May sakit si Selene! Kailangan niya ako panigurado!

"Ganun ba? Sige, hintayin mo 'ko dyan ha?" Tapos ibinaba ko na 'yung phone ko.

Agad akong pumunta sa drug store at bumili ng mga gamut para kay Selene. Tapos nag-drive na ako papunta sa bahay nila Selene. Augh! Nandyan na ako Selene my love!

Kumatok ako sa pinto nila tapos pumasok na ako. Alam ko namang wala siyang kasama rito sa malaking bahay nila eh. Palaging wala 'yung mga parents niya, parang si Athe-Erica lang. Teka, bat nasama rito 'yung babaeng 'yun?

Pagkapasok ko, nakita ko kaagad si Selene na balot na balot ng kumot sa sofa. Hala! Bakit nasa sofa ang mahal ko? Naku! Pinapabayaan talaga nila si Selene.

Hinawi ko 'yung buhok niya at nakapa ko 'yung noo niya na sobrang taas ng lagnat, "Selene! Ang taas ng lagnat mo!" Sabi ko sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata niya, "Augh. *cough* Psyche... bakit ka *cough* nandito?" Ang tamlay niya at ang putla ng complexion niya. Nakakaawa naman 'tong mahal ko.

"Shh. Magpahinga ka na dyan, aalagaan kita." Tapos hinalikan ko siya sa noo at binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Kawawa naman siya kung hahayaan ko siya run sa sofa!

"Thank you." Mahina niyang sabi.

Parang ano ah, deja vu? Kasi parang nangyari na sa akin 'to tyaka kay Athe-Ericka. Err? Bakit palagi na lang akong nagkakamali sa pangalan niya? Atyaka bakit ba ang arte niya? Gusto ko nga siyang tawaging Athena eh! Bad trip!

Teka nga, nasa loob ako ng bahay ni Selene. Inaalagaan ko si Selene. Kasama ko si Selene. Bakit palagi na lang napupunta ang isip k okay Athena? Sht naman. Sorry Selene my love. Pramis 'di ko na iisipin 'yung babaeng 'yun!

Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng pagkain. May nakita akong isang bowl ng sopas, siguro kay

Selene 'to? Sige, ito na lang. Para naman magkalaman 'yung tyan niya.

Pumasok ako sa kwarto niya, "Kumain ka muna para makainom ka ng gamot mo."

"Salamat." Tapos ngumiti siya. Haaay, ang ganda-ganda talaga niya. Siya pa rin si Selene. Si Selene na mahal ko.

Sinubuan ko siya at pagkatapos niyang kumain eh agad ko siyang pinainom ng gamot niya.

"Selene, inumin mo na 'to para gumaling ka na." Para makapag-date na tayo :)))))

Ininom niya 'yung gamot, "Salamat talaga ha?"

"Tsss, may utang kang date sa akin." Tapos kumindat ako sa kanya.

"Oo na, sabihin mo lang kung kailan." YES!! Pag gumaling na si Selene, magde-date kami! Wohoo!

Hindi maalis 'yung ngiti sa labi ko. Feeling ko hindi kami nag-break. Feeling ko kami pa rin. Haay, bakit kasi nag-break pa kami. Bakit kasi sumingit pa 'yang Chron na 'yan eh. Bad trip talaga! Eh 'di sana kami pa rin ni Selene ngayon. Sana masaya pa rin kami *sigh*

Tumagilid siya at tumalikod sa akin, siguro sinusubukan na niyang matulog. Pero nakita kong basa na

'yung damit niya. Nabasa siguro sa pawis si Selene. Anla! Alangan naman na pabayaan ko siyang ganyan? Baka naman magka-pulmonya siya at hindi matuloy ang date namin?!

Pero alangan naman na ako 'yung magpalit ng damit niya? Hello! Kahit gusto ko eh lalake pa rin ako.

Baka imbis na palitan ko siya ng damit eh hayaan ko na lang magsawa 'yung mata ko sa-

Sht! Huwag mong mamanyakin si Selene, Psyche! Tandaan mo, mahal mo 'yan! Mahal mo 'yan!

Pero anong gagawin ko? Hmmm... ano kaya kung papuntahin ko na lang si Athena rito? Siya na lang magpalit kay Selene? Di ba? Di ba?

Calling Athena...

"Anong kailangan mo?" Tanong niya.

"Sungit mo ah! Punta ka rito sa asdfghjkl~ bilisan mo!" Sabi ko sa kanya.

"Naknang! Makapag-utos ka wagas ah! Bahala ka sa buhay mo! Di ka marunong magsabi ng magic word." Sabi niya. Anong magic word naman? Abracadabra?

"Tsss. Wala akong panahon sa magic na 'yan! I need you to go here immediately!" Sigaw ko sa kanya.

"Tangna mo! Ayoko. Busy ako!"

"PLEASE?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Marunong ka pala eh. K." Tapos ibinaba niya na 'yung phone. Psh! Wow ha!

Magic word daw. Kelan pa naging magic word ang 'please'? Nakakapagpalabas ba 'yun ng kalapati, kuneho or ahas sa sombrero ng magician? Tsss.

Binantayan ko lang si Selene habang natutulog. Hinahaplos ko 'yung ulo niya. And now, I'm gazing at an angel. A perfect goddess na pwede nang ipalit kay Venus. Selene is one of a kind. That's why I love her.

Biglang kumalabog sa pinto at, "Augh. Sorry?" Iniluwa nun si Athena.

--Ericka's Pov--

Tatawag-tawag tapos ang sama-sama ng ugali! Siya na nga humihingi ng pabor eh. Lokong 'yun! Pero no choice, alam niyo namang sukdulan ako sa kabaitan eh. Kaya pumunta na lang ako run sa place na sinabi ni Psyche.

Kumatok ako ng malakas dun sa bahay tapos agad akong pumasok, si Psyche lang naman ang nandyan 'di ba? Nagpalinga-linga ako sa bahay, maganda siya. Pang-mayaman talaga. Tapos nakita ko si Psyche sa isang kwarto kasama ang isang... babae?!

Anla! Baka may ginawa siyang kababalaghan?! Or baka naman ni-rape niya 'yung babae?! Naku!

Idadamay pa niya ako sa kasalanan niya! Taee >______<

Aalis na sana ako nang makita niya ako, "Augh. Sorry?" Tapos nag-peace sign ako.

"Pwede bang pakipalitan ng damit si Selene?" Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi niya. Ano raw?! Si

Selene?! Si Selene 'yung ni-rape niya? Hala ka Psyche! Lagots ka kay Chron! Pero maganda rin 'yun nu? Para akin na si Chron? xD

"NI-RAPE MO SI SELENE?!" Bulalas ko.

Agad niyang tinakpan 'yung bibig ko, "Ano bang sinasabi mong ni-rape?! Sinamahan ko siya rito kasi may sakit siya. Kung ano-anong iniisip mo. Palitan mo na siya ng damit bago pa siya magka-pulmonya."

Tapos lumabas siya sa bahay.

Okay? So may sakit pala itong babaeng ito? O tapos? Bakit ko naman siya aalagaan? Eh siya ang dahilan kung bakit kami nag-break ni Chron?! Siya 'yung bagong girlfriend ni Chron! Siya ang kasama ni

Psyche! Siya 'yung nilalandi ni Psyche! Siya yung mahal ni Psyche! Siya 'yung-Sht! Anong sinasabi ko?

Paanong naging si Psyche?

Err! Di naman ako nagseselos sa nakita ko kanina 'di ba? Hindi naman ako nagseselos kasi inaalagaan siya ni Psyche 'di ba? Putik! >_______<

Pumunta ako sa kama ni Selene at ginising siya, "Uhmmm. Papalitan kita ng damit."

"Ha? Ikaw 'yung... palaging kasama ni Psyche 'di ba?" Ha? Psyche agad? Hindi ba pwedeng 'ikaw 'yung ex ni Chron 'di ba?' Ammf :/

"Ah oo. Saan ba 'yung mga damit mo?" Tanong ko sa kanya. Tapos tinuro niya 'yung aparador niya.

Pagbukas ko eh lumantad sa akin ang mga mamahalin niyang damit. Grabe naman! Ang yaman talaga nitong Selene na 'to. Ang gaganda ng mga damit niya! Mukhang imported lahat! Ano kaya kung kumuha ako rito at ibenta ko? Maygash :O

"Okay ka lang dyan?" Tanong sa akin ni Selene.

Agad namang bumalik 'yung kaluluwa ko sa akin, "Ah oo." Agad akong dumampot ng isang pink na tshirt na ang design ay cute na cute na puppy.

Binihisan ko siya. Woah. Ang sexy pala ni Selene? May curves, at 'yung-Teka, ito ba ang nagustuhan ni

Psyche at Chron sa kanya? Teka, sexy rin naman ako ah! Hmmpf >.<

Pagkatapos ko siyang bihisan, "Thank you ha." Tapos ngumiti siya sa akin, ngitian ko rin siya. Kaso, gusto ko talaga siyang tarayan! Pasalamat siya may sakit siya =_____=

Tapos pinapasok ko na sa loob si Psyche. Bat ganun? Mukha siyang tanga? Hahahaha!

"Salamat." Sabi niya.

"K. Aalis na ako."

Kinuha niya 'yung kamay ko, "Huwag, kailangan kita." Bat parang ang seryoso niya? Yung mga mata niya, parang ewan! Nakakaawa! Parang ang sincere niya kase.

*lub.dub.lub.dub.* --puso ko ba 'yan? At wagas mag-alburuto? Sht naman!

"H-Ha?"

"Pwede bang... bantayan mo muna si Selene? Aalis kasi ako eh, bibili ako ng pagkain para sa kanya."

ANAK NG PATING! Akala ko pa naman totoong kailangan niya ako! Yun pala kailangan niya ako para magbantay dito sa babaeng 'to! Tangna!

Err! Nakakainis ha! Ayoko! Taeng 'yan! Ayokong magbantay sa Selene na 'yan! Baka sa halip na gumaling siya eh baka ako pa ang kumitil sa buhay niya! Gagong Psyche 'to! =____=

"AYOKO! AALIS NA AKO!" Tapos lumabas na ako sa bahay. Pero sinundan niya ako.

Hinawakan niya ulit 'yung kamay ko, "Please?" Tapos nag-puppy eyes siya. Pucha! Ang cute niya >.<

"Tsss. Sandali lang 'yun ha?" Nakakainis =___=

"Thank you!" Tapos niyakap niya ako? :O

*lub.dub.lub.dub* --Tangna!

Ano ba 'to? What am I doing? Kanina galit ako at naiinis sa kanya pero sa isang yakap lang... nagiging ganito na ako? At hindi lang iyon! I found my self hugging him back. Sht! This is hell!

Humiwalay ako kay Psyche nang makabalik ako sa katinuan. Haay, matino pa ba talaga ako?

"Geh, kaw na bahala kay Selene ha? Painumin mo siya ng gamot after 2 hours!" Tapos nag-wave siya sa akin at sumakay sa kotse niya. Pinaandar niya ito at muling sumulyap sa akin at ngumiti. Pinanood ko na lang ang kotse niya habang papaalis.

Haay. Si Selene pa rin ang iniisip niya. Si Selene na lang palagi =___=

Bumalik ako sa loob ng bahay at sa loob ng kwarto ni Selene. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Feeling ko may hollow blocks na ibinabagsak sa akin, sa puso ko.

Lumabas ako sa kwarto ni Selene at pumunta sa sala. Makatulog nga muna rito sa sofa.

Isinuot ko 'yung headphone sa ulo ko at nakinig ng music at ipinikit ang mga mata ko.

***

"HOY! ATHENA ERICKA ARTEMIS!" Nagising ako dahil sa isang sigaw na ikinabulabog ko. Sabay hablot pa ng headphone sa ulo ko, "Hoy! Gumising ka nga dyan!"

Kinusot ko 'yung mata ko at iminulat ito, nakita ko si Psyche na galit na galit ang aura, "Problema mo ba?!" Tanong ko sa kanya sabay hikab.

"Ikaw ang problema ko! Ano bang bilin ko sa'yo bago ako umalis ha? Iniwan kita rito ng tanghali tapos madadatnan na lang kita ritong natutulog?!" Sermon niya sa akin.

"Eh anong gusto mong gawin ko?!" Pagalit na sigaw ko sa kanya.

"Binilin ko sa'yo 'yung gamot ni Selene! Pero anong ginawa mo?! Natulog ka lang!"

Oo nga nu? Oo nga pala! Yung gamot ni Selene! Nakalimutan ko! Pero ano bang karapatan niyang sigawan ako? Kesyo nga nakalimutan ko eh! Bwisit to! Siya na nga ang humingi ng pabor siya pa 'yung nagalit! Pasalamat nga siya pumunta ako rito eh!

"Sorry naman daw ha?! Tao lang kasi ako! Nakakalimot at inaantok din!"

Nanlisik 'yung mga mata niya, "Wala akong pake! Paano kung hindi gumaling agad si Selene?! Paano kung lumala 'yung lagnat niya?! Ano ka ba naman Athena!"

"Ang OA-OA mo naman! Para sabihin ko sa'yo, walang namamatay sa lagnat lang! At tyaka, responsibilidad ko ba 'yang Selene na 'yan ha?! Paki ko ba dyan?! Eh kahit mamatay 'yan hindi ako iiyak eh!"

Akma niya na akong sasampalin pero hindi niya naituloy. Bigla na lang nagwala ang mga luha ko at tumulo dahil sa ginawa ni Psyche. Hindi ko alam na nang dahil lang sa nakalimutan kong painumin ng gamot 'yung ex niya eh magagawa niya akong sampalin. Sht! Bakit ang sakit-sakit sa pakiramdam?!

Agad akong lumabas sa bahay nila Selene at tumakbo. Hindi ko mapigilan ang luha ko na parang ulan na ayaw papigil sa pagtulo. Tangina talaga! Pucha! Ang sakit-sakit sa pakiramdam!

Tanggap ko naman na mahalaga sa kanya si Selene eh. Pero 'yung pagtangkaan niya akong sampalin?

Bullsht na 'yan! Sinaktan na nga niya 'yung puso ko eh tapos sasaktan niya pa ako sa pisikal?

Tanginang 'yan! Sige! Aminin na lang! Oo! Naiinggit ako kay Selene kasi nakuha niya si Chron at naiinggit ako sa kanya kasi siya ang mahal ni Psyche! Pucha >___<

Mas naiyak ako because of the thought na naiinggit ako sa kanya dahil mahal siya ni Psyche. Ano ba

'to? Nagseselos ako? Hutanghena! Ayokong isipin! Ayokong ma-in love sa Psyche na 'yun! Ayoko!

***

The next day.

--Psyche's Pov--

Hindi ko naman sinasadya 'yung nagawa ko kay Athena eh. Nadala lang ako ng inis. Kabilin-bilinan ko kasi sa kanya eh tapos kinalimutan niya lang? Tapos nagsalita rin siya ng masama kay Selene na lalo kong ikinainis. Haay! Nakakainis ka Athena! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Alam ko namang kasalanan ko pero... may kasalanan din naman siya 'di ba? Doble pa nga ata ang kasalanan ko sa kanya eh. Hindi ko kasi siya nasundan kagabi. Hinayaan ko siyang umuwi mag-isa at hindi rin ako nag-sorry. I tried to call her pero nire-reject niya ang mga tawag ko. Siguro nga nasaktan ko talaga siya.

Ano kaya kung puntahan ko na lang siya run sa bahay nila? Hindi naman kasi maatim ng konsensya kong pabayaan siya sa ganung lagay eh. Gustong-gusto kong mag-sorry sa kanya.

Sige, bahala na. Pupuntahan ko na lang siya.

Nag-drive ako papunta sa bahay nila. Iniisip ko kung paano ako magso-sorry sa kanya. Anong sasabihin ko? Sorry Athena kasi muntik na kitang masampal? Sorry Athena kasi napagsalitaan kita ng masama? Sorry kahit ikaw naman talaga ang nauna? Haays! Ayaw na ayaw ko talagang mag-sorry

>_____<

Nakarating ako sa tapat ng pinto nila. Kakatok na ba ako? Tsk! Malamang? Alangan naman na magpaka-statwa ako rito? Arggh!

*tok tok tok*

Agad naman niyang binuksan ang pinto pero nakasimangot siya at namumugto pa 'yung mata niya. Tell me, iniyakan niya ba 'yung kagabi? Grabe naman kung ganun. Hindi naman ako ganun ka-importante at espesyal para iyakan niya ng isang buong gabi 'di ba?

"Athe-Ericka, sorry." Sabi ko sa kanya. Blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Okay." Sabi niya tapos isasara niya na sana 'yung pinto pero pinigil ko ito.

"Pinapatawad mo na ako?"

"Oo." Eh bakit blank expression pa rin?

"Sigurado ka?"

"Oo nga sabi eh! Ang kulit mo! Umalis ka na nga!" Masungit niyang pahayag. Nakumbinse ako na hindi pa talaga niya ako pinapatawad.

"Sorry na. Ano ba pang gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Umalis ka na lang."

"Sorry na please?" Sabay luhod. Tinaasan niya lang ako ng kilay at isasara na niya 'yung pinto pero pinigilan ko ulit, "Lumuhod na nga ako at lahat-lahat pero hindi mo pa rin ako pinapatawad?"

"Ano bang sinabi ko? Di ba 'oo'? Pinatawad na kita."

"Eh bat ang sungit mo?" -Ako.

"Eh bat ang kulit mo?" Naiirita niyang tanong.

Hinila ko siya papalabas ng bahay nila para hindi na niya maisara 'yung pinto, "Ano bang problema natin?" Tanong ko habang hawak pa rin ang magkabilang braso niya.

Nakita ko na lang na tumulo 'yung luha niya, "B-Bitawan mo na ako Psyche." Nanginginig 'yung boses niya.

"Ano bang problema?!" Pangungulit ko.

"Wala!" Sigaw niya sa akin habang patuloy ang pag-agos ng luha niya.

"Meron! Tell me, anong problema?!"

Nagpumiglas siya at agad na pumasok sa loob ng bahay nila at ni-lock ang pinto, "Umalis ka na!" Sigaw niya mula sa loob ng bahay nila.

"Lumabas ka nga dyan! Sabihin mo 'yung problema mo! Hoy! Hindi ka ba natatakot dyan sa loob?!"

"Natatakot? Hah! Mas natatakot akong mahulog sa'yo Psyche, dahil alam kong si Selene parin ang sasaluhin mo!" Narinig ko ang bawat pag-hikbi niya.

Anong sinabi niya?

"Natatakot? Hah! Mas natatakot akong mahulog sa'yo Psyche, dahil alam kong si Selene parin ang sasaluhin mo!"

Sht. Na-speechless ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung... hindi ko alam! Ano bang problema niya?

Ano bang dapat kong maramdaman?

Napahawak ako sa chest ko at naramdaman ang pagwawala ng puso ko... ang bilis ng tibok.

####################################

{ TBUP -12: F.O }

####################################

{ TBUP -12: F.O }

May sleep over nga pala ako sa bahay nila Carmeen ngayon. Wala lang, gusto ko lang ulit siyang makasama. Feeling ko kasi miss na miss na namin ang isa't isa. Kung sabagay, hindi na kami

masyadong nagkikita dahil... well, let's just say that I wasted some time for someone who's not worth it.

Damn you Psyche Epiales.

"Best, you okay? Kanina ka pa tulaley? Sinong iniisip mo? Si Chron o si Psyche?" Tanong sa akin ni

Carmeen habang kumakain ng popcorn.

Well, we're having a good time watching a horror movie. Dati nakatakip na 'yung mata ko 'pag ganito na ang palabas at sumisigaw na ako but this time? Wala akong pakialam sa pinapanood ko kahit puro duguan at takutan na. I can't stop thinking about him-oh not him exactly, 'yung foolish act na ginawa ko.

'Yung sinabi ko kay Psyche!

I sent Carmeen a death glare, "Tsss, bakit dalawa ang options? Hindi ba dapat si Chron lang?"

"But based from what you said recently --"

I cut her immediately, "Shut up and just enjoy that movie! Damn it!"

"Psh. Mainlab ka na lang kase kay Psyche!" Carmeen said while eating.

Napataas ang kilay ko, "WHAT?! Bakit ko 'yun gagawin, aber? Give me 1000 reasons!"

"Sobra naman 'yang 1000 mo! Pwede bang isa lang? Because I know, my reason is enough."

"Then spill it!" Paghahamon ko kay Carmeen.

"Because Chron has already a girlfriend, easy as one two three."

"Yeah right. May girlfriend na si Chron. So what? Hindi pa naman sila kasal. Kaya ko pa siyang makuha, pwede pa kaming magbalikan, pwede pa ulit niya akong mahalin. Easy as one two three." I answered, tama naman ako 'di ba?

Biglang nag-iba ang expression niya at parang nag-alinlangan, "Don't you think it's so cruel? Maninira ka ng relasyon? Hindi ka ba naniniwala sa karma?"

"The hell Carmeen! Hindi ako naninira ng relasyon. I'm trying not wrecking." I defended my self.

"What about Psyche?" She asked.

"What about him? That he's a total dumbass? Kung tutuusin I don't need him to get Chron back, we don't need each other." Sabi ko 'yan kay Carmeen. But there's something inside me -inside my heart that wanted to say 'no'. Something inside my heart whispering that I need him. Why? Why am I feeling this way?

"Liar." Carmeen said. Yes, she's right. I'm a liar, a great pretender.

All this time, I'm forcing myself not to fall in love with him -with Psyche. Inilalayo ko ang sarili ko sa kanya, ayoko siyang mahalin because... because I still believe that someday, babalik sa akin si Chron.

I don't wanna fall for him, I don't.

"I don't wanna love him Carmeen, I won't, I can't." I sighed.

"Why not?"

"Ayoko lang. Ayokong siya... natatakot ako." I'm scared, scared because I know he loves Selene and only Selene. Damn it! "Ayokong masaktan." Then suddenly, water fell from my left eye. I caught myself crying over... Psyche.

"Ericka, how can you prevent yourself from falling in love with your ex's brother when you already fell?"

Said she.

Nung sinabi ni Carmeen 'yun, para akong tinamaan ng kidlat. Para akong isang kriminal na napatawan ng guilty sa korte. Para akong magnanakaw na na-caught in the act. Parang totoo...

Totoo kaya?

Did I already fell in love with my ex's brother?

"Sa tingin mo, totoo kaya?" I asked Carmeen. Natatakot ako sa sagot niya. But I have to know the truth.

"Sa inaasal mo ngayon, oo. Ericka, learn to face the truth."

"Hindi Carmeen. I'll prove you, mali ka. Hindi ako in love kay Psyche at hinding-hindi ako mai-in love sa kanya. Nakay Chron pa rin ang puso ko, at wala akong balak bawiin 'yun." I said coldly. Si Chron pa rin ang mahal ko, alam ko 'yun. Mas kilala ko ang sarili ko kesa kahit kanino pa man.

"Tss, bat ka pa nagtanong?" Tapos inirapan niya ako, "But what if his brother snatched your heart from him?" Tanong sa akin ni Carmeen.

Oo nga, paano kung... pucha. Bakit ko iniisip? Kakasabi ko lang, hindi ako mai-in love kay Psyche!

"Tigilan na nga natin 'to! Why are you dissecting my love life like dissecting a poor frog, anyway?!"

Complain ko sa kanya, "How about yours?"

Nanlaki ang mga singkit na mata ni Carmeen sa tanong ko. Hmmm, I guess my bestfriend is hiding something, "Come on Carmeen Tan, spill the beans." Then I smirked.

"I'll be spilling nothing ATHENA." Psh! In-emphasize pa ang Athena huh?

"Psh. Come on! I know you're hiding something! May dine-date ka ng iba nu? Tell me who! Is he hot?

Damn it! TALK!" Utos ko sa kanya habang niyuyugyog siya.

"How can I talk when you're shaking me?! Hindi ako medicine syrup na kailangan mong i-shake well!

And for the record Miss Athena, I'm not dating someone so shut up!" Tapos inalis niya 'yung kamay ko sa shoulder niya. Tsss, I'm still not convinced!

Biglang nag-ring 'yung phone niya at dali-dali naman siyang lumabas ng bahay pagkakita sa screen ng phone niya. Ngayon, nakita ko talagang may tinatago siya. Kasi, bakit kailangan niyang lumabas? Eh kadalasan naman hindi siya lumalabas 'pag may kausap siya. But why now?

Ilang minutes ko siyang sinilip mula sa bintana ng kwarto niya and I found her laughing. Tsss. Gusto kong bumaba but I wanna hear it from her! I still trust her of course; she's my bestfriend since I was

Grade 3 at alam ko lahat ng sikreto niya at ganun 'din siya. Tinuturing ko siya bilang twin sister ko, at lahat ng sikreto niya kailangan kong malaman sa ayaw at sa gusto niya :3

Pagkatapos niyang makipag-usap sa phone eh umakyat na siya sa kwarto niya at tinaasan ko lang siya ng kilay. "Mind telling me something?"

"Ang kulit mo ATHENA ha? Sabi ko na sa'yong wala eh." Sabi niya habang naglalabas ng extra blanket from her cabinet.

"Eh sino 'yung kausap mo sa phone? May nalalaman ka pang patawa-tawa ha! Para ka ngang kinikilig na butiki -DAMN! I knew it! May lalake ka nga kaya ka kinikilig!" Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa kanya, niyugyog ko ulit siya, "Tell me! Sino?!"

Inalis niya 'yung mga kamay ko sa balikat niya, "Ano ba?! You're like a jealous boyfriend, for Pete's sake! Wala akong dine-date, okay?"

Nag-nod na lang ako, "Bakit wala kang dine-date?"

Napakunot ang noo niya sa tanong ko, "Seriously Miss ATHENA, anong tinira mo? Drugs? Kanina pinipilit mo akong sabihin kung sino ang dine-date ko pero ngayon tinatanong mo ako kung bakit hindi ako nakikipag-date? ANO BA TALAGA?!"

"Augh... Sorry. Ano kasi, iniisip ko lang kung hanggang ngayon... iniisip mo pa rin si... Elzid." Tapos napayuko na lang ako. Nalulungkot din kasi ako.

Si Elzid kasi 'yung ex ni Carmeen eh. Nag-break sila kasi may iba si Elzid. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila maglaplapan nung babae niya. Nung time na 'yun, ang saya-saya ni Best dahil sa boyfriend niya na unfortunately ay pinagtataksilan siya habang nakatalikod siya.

Ayokong sabihin kay Best kasi alam ko masasaktan siya. Pero naisip ko, mas masasaktan siya kapag pinatagal ko pa. Kaya I started saying what I saw with predicting their break-up. Akala niya joke ko lang

'yun but when she started crying, ayun sinabi ko na 'yung nakita ko.

At first she didn't listen, she didn't care, she didn't believe. Pero nakahanap ako ng tyempo at nakunan ko ng picture si Elzid with his other girl making out in the library. Pinakita ko kaagad 'yun kay Best. I know it broke her heart pero mas maganda nang nalaman niya ng mas maaga 'di ba?

She confronted Elzid about the picture. Pero ang walanghiya? Siya pa ang may ganang i-dump si

Carmeen and the worst? Sa harap ko pa! Kaya hindi na ako nagdalawang isip, I punched him as hard as I can even if I know it can never lessen the pain of Carmeen.

Ilang months ko siyang kinomfort. Ilang months naging tissue 'yung damit ko kada iiyak siya. But it doesn't matter, just to ease the pain. And si Elzid? Na-kicked out sa school. PDA is strongly prohibited inside our campus kaya pinakita ko 'yung picture sa Principal namin. Alam ko rin naman kasing, hindi makaka-move on si Carmeen hangga't nasa school 'yung ex niyang gago eh.

Umiwas ang tingin niya sa akin, "M-Matagal na kaming wala ni Elzid. Bakit ko pa siya iisipin?"

Nasasaktan pa rin siya, I know. I can see it in her eyes. Lahat ng sakit na nararamdaman niya nakakulong sa mata niya, but it's so easy to be seen and it's so painful to gaze.

"Because you loved him -or should I say, you still do." I put my right hand in her shoulder, "Akala ko naka-move on ka na, akala ko lang pala." Napayuko ulit ako, I can't stand to look at her eyes lalo nang alam kong nasasaktan pa siya kay Elzid after all these years.

"Huwag mo nang isipin 'yun Best. To naman, sleep over 'to at hindi iyakan. Halika na, matulog na tayo."

Pag-aaya niya sa akin tapos pumunta na siya sa kama. Well. She's smiling but I know she's dying inside. Dying for Elzid >.<

***

Humiga na rin ako sa kama, "Good night best friend. I love you." Then she smiled after saying those words to me. It made me happy.

"Good night too, best friend. I love you too." Nakatulog ako nang nakangiti nang dahil kay Best pero hindi ko alam na ito na pala ang huli.

"DAMN IT! HOW DARE YOU TO LIE TO ME?! ALAM MO BANG ILANG BESES KITANG

KINOMFORT?! ILANG BESES KITANG PINATAHAN NUNG UMIIYAK KA TAPOS ITO ANG IGAGANTI

MO SA AKIN?! YOU LIED CARMEEN! I HATE THE THOUGHT THAT YOU LIED FOR THAT

DUMBASS!" Sigaw ko sa kanya.

I don't care kung marinig nang mga magulang niya. I don't care! Because now, I only care for myself, for my feelings that Carmeen didn't mind. Yes, she lied! Nalaman kong lahat ngayong umaga lang. I don't hate her! But I hate what she did.

//FlashBack//

Nauna akong nagising kesa kay Best. Titignan ko sana 'yung oras sa phone ko pero lowbat. Wala rin naman kasing wall clock or kahit anong relo si Best dito sa kwarto niya (kaya nga siya nail-late eh) kaya hinagilap ko ang phone niya.

Yung oras lang naman talaga ang titignan ko but I accidentally opened one of her messages. The message? It was from an unexpected dumbass.

From Elzid <3:

|Good morning Honey! Did you saw me in your dreams? Because I saw your beautiful face in mine. Eat your breakfast Honey, I'll call you later! I love you :*|

Sa hindi inaasahang pagkakataon naluha ako. Mas una pa nga akong naluha kesa nagalit eh. I felt like I was betrayed by my own bestfriend. Bakit hindi niya sinabi? At bakit nakipagbalikan pa siya sa gagong

'to?! Nakalimutan niya na ba ang lahat ng sakit na pinaranas sa kanya nung hayop na 'yun?! Dahil kung oo, pwes ako hindi.

Galit ako. At 'pag sinabi kong galit ako. Galit talaga ako. I can even kill kung pwede lang. But I will never do it to my best friend. I love her, but anger is squeezing me right now allowing me to burst what I feel for Carmeen.

//End of Flash Back//

"S-Sorry, Ericka. Please understand. I-I love him. N-Nagbago na siya. Please!" Pakiusap niya sa akin habang umiiyak.

"I DON'T FVCKING CARE KUNG MAHAL MO SIYA! ALL I WANT IS YOU TO BE HONEST WITH ME!

BUT YOU DIDN'T! DAMN IT! WHY?!" Sumisigaw pa rin ako hanggang ngayon. Naiinis ako! Gusto ko siyang sampalin, sabunutan at sabihan ng 'tanga' but I can't. She's my best friend after all, my other half.

"Natakot ako sa'yo..."

"SHT! BAKIT KA MATATAKOT SA AKIN?! Hindi naman kita papatayin kung makipagbalikan ka man sa gagong 'yun eh! Ang sa akin lang, sana sinabi mo!" Tears began to fall from my eyes.

"You will not understand! You hate him, Ericka! Hindi mo siya gusto para sa akin..."

"WELL YES BECAUSE HE'S A BULLSHT!" Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya, "You don't need him. You don't deserve someone like him. You deserve better. This is not what you want right? He's not what you want." I tried to calm myself. Maayos pa namin 'to 'di ba?

"He's all I need, I want him. No other than him." She sobbed, "Natakot akong sabihin sa'yo dahil huhulaan mo ulit kami. You will tear us apart again, Ericka!"

I was shocked. Pain defeated anger in me. Yung sabihan ka ng best friend mo na takot siya sa'yo dahil baka hulaan mo ang break-up nila? Yung sabihin ng best friend mo na sisirain mo sila? Ano pa bang mas sasakit doon? Ano pa?! Fvck this tears won't stop falling!

"So... takot ka sa akin? Then why are you still with me?! Plastic ka rin ba?! Nagkukunwari ka lang bang gusto mo ako?! Nagkukunwari ka bang best friend mo 'ko?!" I'm crying a river, literally.

"N-No, of course not! Best friend kita. Hindi ako nagkunwari sa'yo, never. It's just that... natakot ako.

Sasabihin ko naman talaga sa'yo eh, tuma-timing lang ako." She explained.

"Oh wow! Perfect timing! I asked you last night if you are dating with someone and you strongly denied it, you said NONE! Tapos malalaman ko na lang? You should've said it last night. Yun na ang perfect timing eh!" Pinunasan ko 'yung mga luha ko gamit ang mga palad ko. I don't wanna be weak, even if in front of my best friend.

"S-Sorry..."

"Ano pang magagawa ng sorry mo? The damage is done. Tell me, kailan pa 'to?"

"Last month..."

"FVCK! Last month. Salamat Carmeen ha. Thanks for everything. Kaparehas ka lang din pala nila, ayaw mo rin sa akin." Ayokong aminin sa sarili kong ayaw ako ng best friend ko. But she already admitted it.

Takot siya sa akin, and the twin sister of fear is hate.

"No! Ericka! I love you! Best friend kita since Grade 3! Come on!" She begged.

"Yun na nga eh, best friend kita. Pero ultimo best friend ko, takot sa akin, ayaw sa akin." Huminga ako ng malalim at nagdesisyon, "Total ayaw mo naman sa akin, F.O na lang!"

"Anong F.O?" Tanong niya sa akin.

"Friendship Over." Parang waterfalls na nakawala ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. Ang sakit, mas masakit pa ito kesa sa pakikipagbreak. Pramis.

"WHAT? Ericka please!" Lumuhod siya sa harap ko. I wanna pull her up, hug her and forget this shit but the pain is reasonable and I just can't ignore it. "Don't do this."

"I just did."

Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas sa bahay nila ng umiiyak. Sumakay ako ng taxi at umuwi sa bahay namin, ayokong pumasok so I stayed in front of our gate. Umupo ako sa isang flat na bato and sobbed. Damn it! Ayoko ng ganitong feeling!

Suddenly, may nakita na lang akong kamay na nag-aabot ng panyo. I looked up and so... Chron?

"Please, don't cry because I can't fight my self not to hug you." Tapos hinila niya 'yung kamay ko, napatayo ako at agad niya akong niyakap.

Di ba dapat gumagaan na 'yung pakiramdam ko? Bakit parang mas naiiyak ako ngayon? Eto ang perfect timing, nandito si Chron kung kailan kailangan ko ng shoulder to cry on.

####################################

{ TBUP -13: My Girlfriend }

####################################

{ TBUP -13: My Girlfriend }

--Chron's POV--

Kasama ko si Selene ngayon sa bahay nila. Nung nalaman ko kasi na nagkasakit siya, umuwi ako kaagad kahit na gusto ko pang mag-stay sa Davao kasi maganda 'yung lugar. Mas pinili ko si Selene kesa sa Davao. Malamang, sino bang girlfriend ko?

"Sinabi ko na sa'yong alagaan mo 'yung sarili mo habang wala ako 'di ba? Nawala lang ako saglit tapos ito na! Selene naman, mamatay ako sa takot sa'yo eh." Sermon ko kay Selene na kanina pa ngiti ng ngiti kahit kanina pa ako nagagalit sa kanya. Haay, oo na! Hindi ko na ma-resist ang charms mo.

Ginagamit na naman kasi niya 'yung charms niya para patigilin ako sa kakasalita.

"Hindi ko naman pinabayaan ang sarili ko. Nagkataon lang na nadali ako ng sakit. Tyaka, lagnat lang naman 'yun." Tapos ngumiti ulit siya.

Napabuntong hininga na lang ako, "Sa susunod, please. Mag-dobleng ingat ka naman."

"Yes Sir!" She attentively answered. Tapos bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi at sinabing, "I love you!"

Napangiti na lang ako. Nakaka-alis kasi ng pagod 'tong si Selene eh, "I love you too."

"Chron!! Quality time, please?" Nag-puppy eyes siya. Nagpapaawa. Ang cute cute niya ngang tignan eh.

By the way, pinalitan na namin 'yung salitang 'date' ng quality time. Hahaha! Para raw unique.

"Sure. Saan?"

"Sa labas." Maiksi niyang sagot.

Nag-oo na lang kahit hindi ko alam kung saang labas. Kaya ito kami, naglalakad sa high way. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Sinundan ko lang si Selene.

"San ba tayo magqua-quality time?" Tanong ko sa kanya.

"Quality time na nga 'tong paglalakad natin eh." Sagot niya sabay ngiti.

Ah so sa daan kami magqua-quality time? Okay. Gets. Ibang klase talaga si Selene kahit kailan.

Napaka-kakaiba. One of a kind ika nga.

She broke the silence, "Naalala ko tuloy nung first year tayo. Totoy ka pa lang nun eh." Tumawa siya ng mahina, "Hindi ka pa madaldal tapos mukha ka pang nerdy."

"Pero hindi ako nerd ha!" Depensa ko sa sarili.

"Alam ko. Nung una nga kitang kausapin, crush na kita eh." Then she smiled. "Ang gwapo-gwapo mo kasi kahit mukha kang nerd. Hahaha!"

I hold her hand, "Nung kinausap mo ko nun? Muntik na ngang kumawala 'yung puso ko eh. Akala ko napigilan ko na 'yun pala hawak-hawak mo na." I winked at her.

"Corny huh? So parehas tayong na-love at first sight sa isa't isa? Grabe, akala ko hindi totoo 'yun." Sabi niya sabay iling.

"Akala ko rin hindi eh, until I found you. Sorry, kung ngayon lang." Napayuko ako. I feel sorry for my self.

"Anong ngayon lang?" Tanong niya.

"Ngayon lang kita niligawan, ngayon lang naging tayo."

"Ano ka ba, noon pa lang may tayo na. Alam mo 'yun 'di ba?" She cupped my right cheek, "Simula nung mahalin natin ang isa't isa, may tayo na."

I just smiled at her. Sa dinami-dami ba naman ng tragedies na dumaan sa pagmamahalan namin eh.

Lahat na humadlang pero look at us now! We're perfect for each other.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad while holding each other's hand. I don't know where is she taking me, but one thing is for sure, I can walk any miles as long as I am with her. She's my strength and I'm a weakling without her.

Hours past, we're still walking. Ewan ko pero imbes na mapagod eh mas lalo akong ginaganahang maglakad. Maybe because she's here with me.

"Pagod ka na ba?" I asked her.

"Hindi naman."

"Selene, I'll give you a piggy back ride. Come on!" Tapos pinasakay ko na siya sa likod ko at agad naman niya 'yung ginawa.

Hindi naman mabigat si Selene. Actually, tamang-tama lang kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pagkarga sa kanya. Kahit nakasakay siya sa likod ko siya pa rin ang nagle-lead sa daan. Saan kaya ako dadalhin ni Selene?

Ilang minutes pa ay nagpababa na sa akin si Selene. Sabi niya malapit na raw kami.

"Chron..." Tawag niya sa akin. But this time, her voice became cold. It's like she's sad?

"Why? Are you hungry? Baka nabinat ka? Halika iiuwi na kita." Hinawakan ko na 'yung kamay niya at hinihila ko na siya pero umayaw siya.

"N-No. P-Please. Listen t-to me first." Teary eyes? Augh, bakit? Anong nagawa ko?

"Are you gonna cry? Ano bang nagawa ko? May nasabi ba akong mali? I-I'm sorry..."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "No. Hindi. Chron, listen to me okay? And please, do understand."

Sinimulan na akong kabahan, mukhang hindi magiging maganda ang sasabihin niya. Natatakot ako.

Natatakot ako kahit hindi ko alam ang kinakatakutan ko. Sht.

"Chron mahal kita. Mahal na mahal kita. But I need to go..."

SHIT! Sabi ko na nga ba eh may mali! Hindi ko alam! I am now crying. Please Selene, tell me that you're joking! Please! Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan!

"W-What?! W-Why? A-Ano bang..."

"Listen to me first!" She cupped my cheeks, "I love you, I love you hold on to that. I need to go to Japan.

I need to study there. I promise, I will be back Chron. Please? Understand." We're both crying like there's no tomorrow.

Why?! Nag-aaral na nga siya sa Hope Academy tapos aalis pa siya? Bakit kailangan pa niyang umalis sa Pilipinas?! Bakit sa Japan pa?! Gusto kong magpasagasa sa mga sasakyang dumadaan pero hindi ko pwedeng iwan si Selene kahit alam kong ako 'yung iiwan niya.

"Babalik ako, okay? Take care of yourself. I love you so much. Hold on to that. I will never forget you, promise."

And for the last time, we shared a passionate kiss. Potek lang at ito na ang huli. Naiinis ako! Parang ayaw ko siyang paalisin. Pwede bang iposas ko na lang siya para hindi na siya makaalis? I don't wanna let her go. I can't!

"Chron I need to go." Tapos tumingin siya sa di kalayuan, tinignan ko 'yung tinitignan niya at fvck! Nasa tapat na kami ng airport. Kaya pala naglakad lang kami. Just to make the time longer. Pero wala rin eh!

Kahit gaano mo katagal i-extend, matatapos at matatapos rin. Aalis din siya.

"Selene. I love you so much that I can let you got, but I am not giving up. Mahal mo pa rin ako 'di ba?

Mahal pa rin kita kahit umalis ka. Kahit ilang dagat pa ang pagitan natin, I will still love you. Tayo pa rin

'di ba?"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin."I am sorry but this... this relationship must end too. Ayokong sayangin mo ang oras mo sa kakahintay sa akin. Sa kakakamusta sa akin. Sa pag-aalala sa akin at sa pagka-miss sa akin. Ayokong nasasaktan ka. Kaya let's break up. But it doesn't mean that I don't love you. I still do and I will, always..."

Akala ko aalis lang siya! Pero bakit kailangang makipag-break? Sht! Why?! Ang sakit sa pakiramdam, ang sakit sa puso. Ang sakit-sakit talaga <//3

Feeling ko sinasaksak 'yung puso ko. Sobrang sakit na parang gusto ko na lang mamatay kesa sa indain ang sakit na 'to.

I hugged her tightly. Ayoko na siyang bitawan. Kung pwede lang talaga, kung pwede lang dito na lang siya. Dito na lang siya, kayakap ko. "Feel free to love again Chron, hindi kita pipigilan. I'll just love you from a far."

"No. I will wait for you. Ikaw lang Selene. Hindi na ako magmamahal ng iba kung hindi lang naman ikaw." Pahayag ko while still hugging her.

"Don't. Don't wait for me for so long. Hindi mo kakayanin. I'm giving you my permission."

Kumakalas na siya sa pagkakayakap ko pero hindi ko siya binitawan at sa halip ay niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. I don't wanna release her. Magiging mahina ako kung wala siya. I can't live... without her.

"Please, don't go." Bulong ko sa kanya.

"I have to." Pagkasabi niya nun, kumalas na siya sa yakap ko. I hate it! Para ko siyang pinakawalan,

"Feel free to continue your unfinished business." She kissed me in my lips, "I love you."

At sa isang iglap, pumasok na siya sa airport. Wala ng Selene. Wala ng strength. Wala na...

####################################

{ TBUP -14: Crying Shoulder }

####################################

{ TBUP -14: Crying Shoulder }

Putek na luha 'to! Ayaw magtigil! Parang gusto pa ata nilang lumikha ng dam na kasing laki ng San

Roque dam ah? Hanep!

Pero ang sakit kasi eh! Bakit niya kailangang itago?

Nyeta! Tanong ako ng tanong eh alam ko sa sarili ko ang sagot. Syempre kasi takot siya sa akin! Ayaw niya sa akin. Grabe lang dahil ang tagal ko na siyang bespren. Lahat ng kaabnormalan ko sinasakyan niya. Magkasundo kami sa lahat ng bagay kahit puro barahan at katangahan ang halos alam namin.

Ayan! Mas lalo tuloy akong naiyak. Di ko kasi maiwasang isipin si Carmeen. Gusto kong makipagbati.

Gusto kong lumapit sa kanya tapos yakapin siya ng mahigpit tapos ibulong sa kanya na okay na ang lahat. Mukhang madali pero, mukha lang!

Nakakahiya eh. Takot siya sa akin, ayaw niya sa akin tapos lalapitan ko pa siya? Para ko naman atang pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya nun? Psh =____=

Akala ko pumupunta lang ako rito sa roof top 'pag naaalala ko si Chron 'yun pala pupunta rin ako rito dahil kay Carmeen. Hayup na roof top 'to. Nagiging makasaysayan na sa buhay ko, pucha.

Sige Ericka! Iyak lang ng iyak! Okay lang 'yan ke-"You okay?"

Familiar 'yung boses nung nagtanong sa akin. Pero syempre lilingonin ko pa rin siya para makita ko

'yung mukha niya. Malay niyo magkaparehas lang sila ng boses. Malay niyo gwaping 'to! Eh 'di tiba-tiba pa ako! Ahihi :"">

Putek, nilapitan lang ng lalake nakalimutan ng umiiyak? Sht. Sandali nga at matignan ang mukha...

O____________________O

"I know you didn't expect me to be here." Nakatingin siya sa malayo. Tinatanaw niya 'yung ibang mga buildings.

"Chron..." Oo! Siya nga! Ang gwapong-gwapo kong ex na mukhang hindi nakatulog, namumutla at naluluha? Anyareeee?

Tumayo naman ang gagang si ako at pinahid ang mga luha at uhog sa mukha ko (kahiya eh). Pinagpag ko 'yung pwetan ko. In short, inayos ko ang sarili ko.

He showed me a bitter or should I call it fake smile, "Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Huwag kang umiyak dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ka." Then he hugged me.

Chron? Srsly, wala ako sa mood landiin ka at kiligin. Langya, iniisip ko bespren ko! Pero 'yung yakap niya, nakakagaan ng pakiramdam. Feeling ko safe ako -Gaga! Umiiyak ka Ericka 'di ba?? Niyakap ka lang eh =____= Landi!

So kailan pa nauso sa akin kalabanin ang sarili ko? Muntanga lang dre?

"Ericka..." He called me. "Can I ask you a favor?"

Asus! Nagtaka naman ako sa tanong nito, "S-Sure, ano ba 'yun?" Ang chaka ng ko! Nagsisimula na akong kiligin, walang hiya!

Hinagod niya 'yung likuran ko, "Can you please hug me back? Cause I -I badly need it." He said in a most sincere and sad (?) tone.

Ano bang nangyayari kay Chron? Noon, nag-aaway pa kami. Pabitter-bitter effect pa nga ako sa kanya tapos ngayon naglalampungan -este nagyayakapin kami sa lugar kung saan kami nagbreak.

Anyareeee?

So wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. I hugged him back. Akala ko hindi ko na mararamdaman ulit pero... alam niyo 'yun? May spark.

"Thank you." He mumbled.

Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyayari sa kanya, kung anong meron. Pero 'di ba nga? Magex kami at hindi kami friends dahil pangit ang ending ng lab story namin kaya bakit ko pa tatanungin?

Anong karapatan kong malaman 'yun? Ayoko namang maging chismosa eh.

"Can we atleast stay in this position? I miss this." Akala mo naman ikaw lang ang nakakamiss! Ako rin kaya! Hindi lang yakap mo ang miss ko! Ikaw mismo! Chaka ka! Bumalik ka na sa akin =____=

"Is it okay to ask you your problem?" Ayan na! Sana naman sabihin niya para 'di ako mapahiya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa lapag, 'yung kinauupuan ko kanina? Anla! Baka nagalit? Baka chismosa na record ko sa kanya ngayon? Aigoo! Sabi ko na eh! Di ko na dapat tinanong!

Tumingin siya sa akin, "Do you really wanna know?" Nag-nod ako, "Then sit here." He tapped the portion beside him.

Agad naman akong umupo sa tabi niya at tumingin lang sa kanya habang sa mga gusali siya nakatingin. Ano ba Chron? Mas maganda ako sa mga buildings na 'yan! Dito ka sa akin tumingin!

"I broke up with my girlfriend -no, she was the one who ended our relationship." Yung boses niya habang sinasabi 'yun napakalungkot. Kulang na lang umiyak siya.

Pero anong sabi niya?!

BREAK NA SILA NI SELENE?!

Aba! Napakagandang balita! Tsk tsk! Noon ko pa hinahangad mangyari 'yan Chron! Bat ngayon niyo lang naisipang mabreak ha? Bakit ngayon lang? Wohoooo! Magpapa-party ako! I swear! Pag nalaman

'to ni Psyche, nakuuu! Magtatatalon 'yun sa tuwa! Bwahahaha!!

"Eh 'di magan-I mean, sorry." Potek! Muntik ko nang masabing maganda! Trololol. Maganda naman talaga eh. Napaka-good news :D

He smirked, "Mag-aaral na siya sa Japan. Akala ko, iiwan niya lang ako but she even ended our innocent relationship." He bitterly smiled, "Damn it." He whispered in the air.

"B-Bakit 'daw niya 'yun ginawa? Pwede naman kayong mag-LDR ah. Alam mo na, long distance." I grinned. Hindi ko na mapigilan eh! Nangingiti na ako. Victory is mine now, 'di ko nga lang naaninag bago pa man dumating. Sayang dapat nahulaan ko 'yung break-up nila eh! Kainis =_______=

"I suggested, she refused. She doesn't want me to waste my time waiting and caring for her..." Aba dapat lang! Langya! May utang na loob pa ata ako sa mukhang anghel na 'yun ah! "She wants me to continue my unfinished business -even though I have no single idea what crap is that."

Unfinished business? Ano naman 'yun? Ang hiwaga ni Selene ha! May nalalaman pang unfinished business! Pero in fairness, na-intriga ako run. Kung ano man 'yun, bahala na si batman na labas ang brief. Basta ang alam ko, BREAK NA SI SELENE AT CHRON! Kaya kailangan naming magpa-party ni

Psyche!

"You," Tumingin siya sa akin. Swear! Ang lungkot ng mata niya! Naku, Chron! Huwag kang mag-alala!

Papasayahin kita! "Why are you crying recently?" His eyebrows narrowed.

"Maliit na bagay lang." I answered.

"Kilala kita Ericka, hindi ka iiyak ng ganyan kung 'yun lang ang problema mo. Come on, tell me more about it."

Ex nga kitang talaga! Kabisado mo 'ko eh. "My bestfriend. She doesn't really like me. Takot nga siya sa akin eh." Naluluha ulit ako =,=

"Takot? Bakit naman? You have a goddess-like face, bakit siya matatakot sa'yo?" Kyaaaaa! Feeling ko tuloy nag-blush ako! Ansaveeeeh Chron! Goddess-like daw oh! Oh ha!

Pero bakit ka nakipag-break? Psh...

"Hindi lang naman mukha ang nakakatakot 'pag minsan eh. Kadalasan, ugali." Okay, back to normal na page-emote! Kayanin mo Ericka! Huwag kang kiligin! Litsi ka! >_______<

"Bakit kasi naging break-up planner ka pa eh. 'Yan tuloy." Makapagsalita parang hindi siya ang dahilan kung bat ako naging ganito ah! Gagong 'to =______=

Isa 'yan sa kinakainis ko kay Chron eh. Hinuhusgahan niya ako kahit hindi niya alam ang dahilan.

Atyaka, hindi niya talaga gets na siya ang dahilan? Seryoso? Manhid talaga?

"Psh." 'Yan lang naisagot ko. Wala ako sa mood makipagtalo. Kasi una, si Carmeen <//3 At pangalawa, break na kayo ni Selene.

"You'll get over it, I know. You're tough Ericka. Nakayanan mo nga akong pakawalan, ngayon pa kaya."

He said as he look up to the sky.

GAGO! DI PA AKO NAKAKA-GET OVER SA'YO TANDAAN MO 'YAN! BWISET 'TO! SOBRA SA

PAGKAMANHID!

Gusto kong sabihin sa kanyang hindi pa ako nakaka-move on sa kanya at paulanan siya ng malulutong na mura pero ni isa sa mga iniisip ko hindi lumabas sa bibig ko. Hindi ko kaya eh. Wag ngayon, duguan pa ang puso naming dalawa <//3

"Here," He tapped his shoulder, "You can lean in my shoulder. Cry as hard as you can. I'm willing to be your crying shoulder just to ease the pain. Ayokong nasasaktan ka. Pag nakikita kitang ganyan, dumudoble ang sakit na nararamdaman ko."

Feeling ko napaka-special ko kay Chron. Feeling ko pro-protektahan niya ako sa lahat ng bagay. Huli ko

'tong naramdaman nung kami pa, ngayon, feeling ko lahat nung naramdaman ko sa kanya nung kami pa unti-unting bumabalik.

Tanggapin ang katotoohanan...

Di pa talaga ako nakaka-move on sa kanya.

Isinandal ko 'yung ulo ko sa shoulder niya and I felt so relieved. "It's an awkward moment don't you think? We're both in the same place where we ended our relationship." Nasabi ko 'yan nang hindi nauutal o ano pa man. Ang tapang ko naman. Palakpak naman! xD

"I'm sorry."

"Tsss. Ilang beses mo na 'yang binanggit noong nagbreak tayo. Napatawad na kita." Di ko lang talaga matanggap na pinalitan mo 'ko ng anghel eh dyosa na ako!

Kuntento na ako noon na minamahal pa rin siya patago eh. Until one day ligawan niya 'yung Selene. Eh

'di mas naghimutok ako. Aish >___<

"Sabi ko sa'yo eh, matibay ka. Napatawad mo 'ko." Pero hindi pinakawalan! "Siguro, kung hindi ko nahanap 'tong secret roof top na 'to at hindi kita nasalo, hindi ko magagawang maging masaya rito sa

D-Hi. You know what, meeting you is one of the most greatest thing that ever happened in me here."

Aww :""> Nakakatunaw ng puso ang sinabi ni Chron. Shet, gusto kong maluha.

Nagfla-flashback sa utak ko 'yung araw na 'yun. 'Yung araw na magulat ako nang bigla akong nakakita ng lalaking paakyat sa roof top na 'to. Ako lang kasi ang may alam nito eh. Tapos bigla siyang magpapakita sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, baka patay na ako. Baka kasi nahulog na ako sa hagdan nun eh. Pero salamat sa kanya, salamat kasi sinalo niya ako.

Pero binitawan naman niya ang puso ko...

Tumulo ulit 'yung luha ko. Haay, genuine moment namin ni Chron 'yun eh. "Thank you."

"For what?" Tanong nito.

"For being my savior that time. For saving me... and my heart."

"Can I ask you a favor again? Please? Can I... Can I call you Athena again? Just for this moment only, please?" Pakiusap niya. Oo nga, siya lang ang tumatawag sa akin ng 'Athena'. Labis nga akong nasaktan nung 'Ericka' na ulit 'yung itawag niya sa akin. Sabi niya, 'di niya daw deserve tawagin ako sa pangalang 'yun.

"You can always call me Athena, anytime." I smiled. Kahit 'di niya makitang napangiti ako.

"Well okay -Athena, I will always protect you, I will always be your savior and you can always lean on any of my shoulders if you want to. Just allow me to call you Athena." Then he chuckled softly.

Ang saya. Feel ko bumalik na si Chron sa akin, feel na feel ko talaga! Sana ligawan niya na ulit ako para everybody ha-"OY ERICKA!"

Sino naman 'yung tumawag sa akin? Agad kong ibinangon ang ulo ko mula sa balikat ni Chron at sabay kaming napatingin sa direksyon nung tumawag sa akin.

Puteeeeeeek! SI PSYCHE >___________<

Hala! Baka kung anong sabihin niya! Baka magalit siya! Baka sabihin niya malandi ako! Na nangangaliwa ako! Na niloloko ko siya! Hala pa -SHIT. Ano bang sinasabi ko? Bat naman siya magagalit at bakit naman niya sasabihin 'yung mga bagay na 'yun? Ano ko ba siya? Baka nga matuwa pa 'yun eh. Psh.

When did I start caring for his damn feelings anyway? Di ko pa nakakalimutan 'yung ginawa niya sa akin dun sa bahay ni Selene nu! Gago 'yun!

PANIRA NG MOMENT!

--Psyche's Pov--

Kanina ko pa hinahanap si Athe-Ericka eh! Gusto ko ulit mag-apologize. Atyaka gusto ko rin klaruhin

'yung sinabi niya sa akin. Alam niyo na, baka mali lang ako ng rinig. Imposible naman kasing mainlab sa akin si Athena 'di ba? Kay Chron siya 'di ba?

So eto ako, mukhang asong ulol na kanina pa lakad ng lakad. Aish! Yung babaeng 'yun pinapasakit ang ulo ko. Napaka-lakwatsera! Kailan pa niya pinalitan si Dora aber?

Teka, si Carmeen 'yun! Bespren ni Athe-Ericka! Sht! Palagi na lang akong nagkakamali sa pangalan niya =______= Ericka! Ericka! Ericka!

Nilapitan ko 'yung bespren niya, "Uy, nakita mo ba si Athe-Ericka? Kanina ko pa siya hinahanap eh.

Pakisabi naman kung saan siya nagsususuot."

"H-Ha? A-Ano... h-hindi ko pa siya n-nakikita. S-Sorry." Tapos umalis na siya. Anong nangyari 'dun? Di ba dapat magkasama na 'yung dalawang 'yun? Tyaka bat parang buong gabing umiyak 'yun? Psh!

Hanapin ko na nga si Athe-Ericka. Fvck!

*lakad*

*lakad*

*lakad*

*lakad*

*lakad*

*lakad*

Alam ko na! Bat ngayon ko lang naisip?

Papunta na ako sa roof top. Alam ko namang nandun lang 'yun. Imposibleng hindi siya pumasok kasi nakita ko siyang pumasok ng gate ng school!

Paakyat na ako...

Tapos pagtingin ko -ANAK NG TUPANG PINATUBO!

Andito lang pala kasama ang kapatid ko. Nakakainis ha! Hanap ako ng hanap sa kanya tapos dito ko sa matatagpuang nakikipaglandian sa kapatid ko? Buset!

"OY ERICKA!" Sigaw ko sa kanya.

Shit ka Chron! Kinakaliwa mo si Selene! Isusumbong talaga kita! Walang hiya 'to! Gusto kong itulak dito si Chron eh! Gago eh =___= Manunulot na nga lang si Athena pa!

O_______________________O

Putik! ANO BANG PINAGSASASABI KO? Kumain naman ako ng agahan ah? Baka gutom lang ako ulit!

Lumingon na sila sa akin. Tapos si Chron tumayo. Gago ka Chron! Sinasabi ko sa'yo ipapaanod kita sa

Pasig River!

In-offer niya 'yung kamay niya kay Athena para tulungan siyang tumayo, "I guess I need to go. Thank you." Tapos ngumiti siya kay Athena, si Athena naman ngumiti 'rin. Putek! Hello?! NANDITO PO AKO!!!

Papalapit na sa akin si Chron tapos may inabot na sulat sa akin. Ano naman 'to? Sulat pamamaalam?

Suicide note? ABA MAGANDA 'YAN! Amff >______<

Si Athena naman mukhang aalis na rin, aba't nilagpasan lang ako eh! Ganun? Porket kasama niya si

Chron kanina hangin na lang ako? Ayus 'yun ah! BRAVO! Pakshet!

Hinila ko 'yung kamay niya at agad naman siyang napatingin, "Okay naman tayo... 'di ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, okay tayo. Ako lang ang hindi..." Binawi niya 'yung kamay niya at umalis na.

Ako? Naiwang tulala. Putrages! BAKA SILA NA ULIT?!

Pero 'di ba 'yun naman ang plano? Dapat nga akong magpa-party eh. Pero bat ganito?

Ah baka naman kasi hindi pa kami ni Selene! Aba dapat pareho kaming masaya nu! Dapat kung nakuha niya na ulit si Chron eh dapat makuha ko na ulit si Selene, 'di ba?

Amff! Kumukulo talaga ang dugo ko sa Chron na 'yun! >_________<

Teka, 'yung sulat! Mabasa nga 'tong love letter ni Selene sa akin! May nagalagay na "From Selene" eh.

Wohooo :D

O_________________________________O

####################################

{ TBUP -15: Back to Normal }

####################################

{ TBUP -15: Back to Normal }

"Pwedeng makiupo?" Tanong ni Carmeen sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama at bumalik sa paginom ng juice ko, "H-Hindi mo pa ako sinasagot."

"Hindi sa akin ang canteen kaya pwede kang umupo kung san mo gusto." Tapos inirapan ko siya.

Hindi sa ayaw ko siyang patawarin, gusto ko pero hindi pa ako handa. Sa totoo lang? Itong pagtataray ko sa kanya eh labag sa kalooban ko. Ang sakit-sakit para sa aking pagsalalitaan siya ng mga ganito.

Pero anong magagawa ko? Sinaktan niya ako eh, alangan naman na kalimutan ko lang iyon.

Bahala na kung kailan ko siya kakausapin ulit. Pwedeng bukas, sa makalawa, o pwedeng hindi na.

Umupo siya, "Mag-usap naman tayo oh. Please?" Pakiusap niya sa akin.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil baka hindi ko mapigilang mapaiyak, "Nag-uusap naman na tayo ah."

"Ericka, sorry na." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry na? Sa tingin mo ba Carmeen robot ako? Sana nga robot na lang ako para hindi ako nasaktan sa ginawa mo sa akin." Inalis ko 'yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya, "Huwag ngayon, please.

Huwag ngayon." Tumayo na ako at naglakad papalayo sa kanya.

Sabihin niyo ng matigas ang puso ko, hindi ko lang talaga kayang humarap sa kanya ngayon. Masakit pa eh.

--Carmeen's Pov--

Ayaw pa rin akong kausapin ni Best. Haaay, mapapatawad pa kaya niya ako? Miss na miss ko na siya.

Ilang beses ko na siyang tinetext pero no reply, tinatawagan ko rin siya pero palagi niyang nire-reject.

Ayaw na ba talaga niya sa akin?

Best friend ko siya simula nung grade three kami. Kahit nga sa Hope Academy talaga ako mag-aaral eh talagang umiyak ako ng dugo sa harapan ng mga magulang ko para lang payagan nila akong dito pumasok kasi nandito si Best.

Noong nag-break sila ni Chron, naging ganyan na si Best. Nagsimula na 'yang manghula ng break-ups.

Nagtataka nga ako kung paano niya 'yun nagagawa eh. Ang galing niya! Pero kung gaano siya kagaling, ganun din kagaling ang mga napapagbreak niyang i-hate siya. Lahat sila halos patayin si Best sa tingin. Lagi siyang sinisisi, eh palagi niya namang sinasabi, "Hindi ko naman sila inutusang magbreak, hinulaan ko lang." May punto nga naman si Best.

Nung mga sandaling iyon, hindi ko siya iniwan. Hindi ako natakot sa kanya kahit may boyfriend ako nung mga panahong iyon (si Elzid) alam ko naman kasing hindi niya kami huhulaan eh. Hanggang sa isang araw, hinulaan niya 'yung break-up namin, kesyo raw may ibang babae si Elzid. Well, totoo kaya nga kami nag-break ni Elzid nun eh.

Pero bumalik siya, niligawan niya ulit ako. Sabi niya na-temp lang daw siya run sa babae, ako naman daw talaga 'yung mahal niya. Everybody deserves second chances naman 'di ba? Kaya pinagbigyan ko siya. Pero si Best naman ang nawala, natakot kasi talaga ako sa kanya eh. Alam ko namang abot langit ang sama ng loob niya kay Elzid. Pero kahit kailan, never akong naging fake sa kanya. Never ko siyang inayawan. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko!

Kaya hindi ako susuko! Gagawin ko ang lahat para lang maibalik 'yung friendship namin ni Ericka! Alam kong kaya niya akong patawarin, ang tanong eh kung kailan.

Haaay...

--Chron's Pov--

Hindi pa rin tumatawag or sumasagot sa text ko si Selene. Seryoso talaga siya sa pakikipagbreak sa akin. Wala tuloy akong ganang pumasok ngayon,parang gusto kong bumalik ng bahay at humilata na lang dun maghapon kahit nasa harapan na ako ng gate.. =___=

Haay Selene, kung kailan okay na ang lahat tyaka ka aalis? Bakit? Ang tagal-tagal nating hinintay 'to tapos aalis ka na lang bigla. Nakakainis! Buti pa si Psyche nakasama ka ng isang taon, nayakap, nahalikan! Nakakainis talaga! Ako dapat 'yun eh...

Habang nasa hallway ako napansin ko si Ericka na nakatulala habang naglalakad. Isa pa itong babaeng

'to eh, ewan ko ba kung bakit sa tuwing makikita ko siya palaging gusto kong yakapin siya. Siguro kasi kailangan niya ng comfort at ganun din ako.

Lumapit ako sa kanya, "Good morning." Tapos nginitian ko siya.

"Good morning din." Napansin ko na lang na nalagpasan niya 'yung classroom namin.

"Uyy, 'dun 'yung classroom natin, remember?"

Kumunot 'yung noo niya, "Huh? Hindi mo ba alam? Wala tayong klase sa first period, naka-leave si

Ma'am, remember?" Tumango na lang ako tapos naglakad na ulit siya.

Ay oo nga pala. Hindi ko naalala. Napahiya ako run ah! Pero okay lang, kay Athena naman. Psh, makapasok na nga sa classroom. Dun ko na lang itutuloy ang pagtulog ko.

--Ericka's Pov--

Bangag ata si Chron? Psh, malamang sugatan ang puso kaya absent minded. Nakakawalang ganang manglandi ngayon, ewan ba =____= Teka, saan ba ako pupunta?

Oo nga pala, hahanapin ko si Psyche. Miss na miss ko na kas-Shet hindi ah! Hahanapin ko siya kase... kase... kase... ANO NGA BA?!

Hahanapin ko siya kasi kakamustahin ko siya! Yun eh! Amf >____<

Pero saan ko naman 'yun hahanapin? Hindi ko naman kasi alam kung saan siya tumatambay 'di ba?

Bwisit naman 'yun, kung nasan man siya.

Habang naglalakad ako eh parang may naririnig akong umiiyak, sinundan ko 'yung tunog at napadpad ako sa stairs ng roof top (makasaysayan talaga 'tong roof top na 'to eh!) at nakita ko si Psyche habang umiiyak?

At may hawak na sulat?

Anyare rito?

Lalapitan ko na sana siya pero, "Huwag kang lumapit kung tatawanan mo lang ako." Bigla niyang sinabi.

"Psh. Kung tatawanan kita eh 'di sana kanina pa." Tapos lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Iniangat niya 'yung ulo niya at tumingin sa akin, "Ano bang iniiyak mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Kung sasabihin ko ba sa'yo... may magbabago ba?" Tanong nito sa akin. Malamlam ang mga mata niya at para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kitang-kita sa kanyang nasasaktan siya. Ano ba kasing nangyari?

"I know that I can't change the fact that you are hurt, but maybe I could help." Napapa-english ako ng wala sa oras eh. Ano ba kasing problema nito?

Errr, alam ko na. Si Selene siguro. Kasi nga 'di ba, sabi ni Chron kahapon umalis si Selene? Baka naman iniiyakan niya 'yun?

Hindi ko talaga maiwasang mainggit kay Selene. Dala-dalawang lalake ang nagpapantasya sa kanya eh. Seryoso, ganun ba siya kaganda? Eh dyosa na ako! Dyosa na! Putakte talaga >.<

Hindi na sumagot si Psyche sa halip ay iniabot niya sa akin 'yung sulat na hawak niya. Agad ko naman

'yung kinuha at binuklat at tumambad sa akin ang,

Psyche,

First of all, I want to know your condition now. So, how are you? This is weird because I found my self missing you. Maybe because you're my friend and we spent so many days together and shared hundreds of memories. I know I'll be missing you more because I am now here, living in Japan.

My parents sent me here to study and help in their business.

Psyche, I know you loved me too much, and I'm really sorry for breaking up with you.

Alam kong alam mo na simula noon si Chron na talaga 'di ba? But you pushed your luck hoping that I'd love you in return, but once again... I'm sorry. I didn't. Hindi ko nagawang mahalin ka kahit naka-isang taon tayo. I know, this is painful pero sinabi ko na rin sa'yo para maintindihan mo at para makapagmove on ka na rin.

Thank you for being there, for making me happy and for loving me. Alam ko na hindi ko

'yun nasuklian at hindi ko 'yun natapatan, but I'm very thankful that God sent you from above to be my friend.

Please, take a good care of yourself. Wag mo na akong iisipin, ikwe-kwento, try your best to get me out of your head, stop loving me or in short, move on. Pinagdadasal ko na makahanap ka babaeng magmamahal sa'yo, napaka-swerte mo nga kasi may Ericka kang nandyan sa tabi mo eh.

Take care of her, okay?

I love you, my friend.

You friend,

Selene :)

Putek! Itong sulat na 'to? Crap! Pucha! Ang corny! Pwede naman niyang i-message sa facebook or itext.

Bat pa niya pinahirapan 'yung sarili niyang magsulat? Gaga naman nun. Oh well, Psyche, walang mangyayari kung iiyak lang siya =______=

Hinagod ko 'yung likod niya, "Okay lang 'yan, move on na lang kasi Psyche! Ano ka ba!"

Tinignan niya ako ng masama na ikinagulat ko, "Bakit ikaw? Nagmo-move on ka na ba?"

"Oo! Kahit papano, sinusubukan ko!"

"Psh. Nakita ko nga kayong dalawang naglalandian kahapon eh. Yun ba ang nagmo-move on?" Ano ba

Psyche! Wag ganyan tumingin, nagui-guilty ako T____T "Sa totoo lang, hindi naman ang mag-move on ang mahirap eh. Sa katunayan nga, nagagawa ko na. Ang mahirap? Tanggapin na nakipagrelasyon siya sa'yo ng halos isang taon pero hindi ka niya minahal. Alam mo ba 'yun?"

"Ah -Oo!" Nakakaawa si Psyche :(

"Pinagmukha niya akong tanga eh. Yun ang mahirap."

"Ano, huwag ka ng mag-alala. Makakalimot ka rin. Tutulungan kita!" Tapos ngitian ko siya.

Napangiti siya. SHET! NAPANGITI KO SIYAA?!

"For the last time Ericka, I want you to be happy kaya gagawin ko na lang 'to para maging masaya ka... kay Chron." Aww, so he doesn't want me to be happy with HIM instead? -Shit! What am I saying?

"H-Ha? A-Ano naman 'yan?" I'm puzzled. Ano kaya 'yun? Baka mamaya ano ah!

"Our last plan to get Chron back... for you." Napatingin siya sa sahig.

"So... what's the plan?" Tanong ko sa kanya.

Agad naman siyang lumapit at ibinulong sa akin ang plano niya.

--Psyche's Pov--

What hurts the most? The thought the you're not loved by the girl you gave your whole heart to but she made you believe that she did. Fvck! Ang sakit lang sa ego dahil nagmumukha akong tanga ng halos isang taon! Punyeta!

Kung nakipagbreak na lang siya sa akin noon at hindi na pinatagal ang lahat eh 'di sana walang nasasaktan ngayon. Eh 'di sana hindi ako nasasaktan! Kung sinabi niya na lang sana sa akin ng mas maaga na mahal niya si Chron, hindi naman ako magagalit eh, tatanggapin ko naman. Pero hindi eh... pinaniwala niya akong mahal niya rin ako.

At ako naman 'tong si tanga, naniwala ng sobra-sobra hanggang sa sobra-sobra ko na rin siyang minahal.

Pero okay lang naman eh. Okay lang na hindi na umalis na siya, okay lang na hindi na siya bumalik, okay lang na hindi na maging kami. Sumuko na ako. Pero ang hindi okay? Yung pagpapakatanga ko sa kanya.

But what else can I do? What is done is done. Wala na akong magagawa run. Siguro... tutulungan ko na lang si Ericka kay Chron...

Shit. Parang ayaw ko! Parang ayaw kong magbalikan sila!

Bwisit. Ayokong mapunta ulit siya kay Chron!

Pwede bang...

AKIN NA LANG SIYA?

Shit talaga! Ang bading ko! Pero ewan! Bahala na! Kung maging sila eh 'di okay! Pero sana... sana talaga. Sana hindi na!

Pucha! Ano bang nangyayari sa akin >______<

####################################

{ TBUP -16: Storage Room }

####################################

{ TBUP -16: Storage Room }

Ang tagal matapos nitong Chemistry Class namin! Di na ako makapaghintay sa plan ni Psyche eh!

Wushu! Ako na eksayted! Eh kasi naiisip ko, ngayon mas madali nang babalik sa akin si Chron kasi wala na 'yung mukhang anghel na si Selene. Kaya party party na!

"Okay, class dismiss." -Ma'am Chemistry.

YES!

Humarap ako kaagad sa likod ko kung saan nakaupo si Psyche. Ngumiti ako ng malawak sa kanya kasi nangako siyang tutulungan niya ako pagkatapos ng Chem class namin eh. Bakante kasi namin.

"Uyyy, Psyche! Ano na?!" Masigla at excited kong tanong sa kanya.

"Maghintay ka lang kasi." Sabi niya sa akin sabay irap.

Anla! Anong meron dito? Nagme-menopause? Bat ang tahimik niya at mukhang bored? Ang sungit pa!

Naku! Akala ko ba bati na kami? Ano 'tong inaasal nitong Psychotic na 'to?

Tatayo na sana ako upang kulitin si Psyche pero naalala kong katabi ko pala si Chron. Kaya Maria

Clara mode muna mga dre! Mahinhin epek para hindi ma-turn off.

Engk! Ngayon ko pa naisip eh break na kami! But don't worry! Babalik din siya sa akin pagkatapos nitong planong 'to :D

May pumasok na teacher na lalake, "May I borrow some students who can put these papers in the storage room?"

Nagsitayuan naman 'yung mga ibang kaklase ko tapos tumayo si Psyche. Hinila niya si Chron?

"Teka, bakit?" Nagtatakang tanong ni Chron.

"Magdadala tayo ng mga papel. Huwag kang maiwan dito." Psyche replied in a cold tone.

Nagmamaasim talaga si Psyche.

Tapos tumayo na si Chron at ngumiti sa akin. Binitawan ni Psyche 'yung kamay ng kapatid niya at naunang lumabas. Si Chron naman lumingon sa akin.

"Athena, huwag mo na akong iiyakan ulit ha?" Tanong niya sa akin tapos tumalikod na siya at lumabas ng room.

Hindi lang niya hinintay ang sagot ko? Atyaka bakit niya sinabi 'yun? Papaiyakin niya ba ako? Sa tuwa?

Mwhahaha! Magiging kami naman na ulit 'di ba?

Pero paano si Psyche? -Aish! Bakit naman ako mag-aalala sa nararamdaman niya? :3

At dahil bored ako eh lumabas ako para sundan sila Psyche. Nakita ko silang may dala-dalang mga papel at papunta sa storage room.

Nandun din si Best, tinitignan niya ako pero iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Haay, sa totoo lang gusto ko nang makipagbati sa kanya. Kaso hindi ko alam kung paano. Natatakot ako, nahihiya. Bahala na.

Umalis na 'yung ibang mga estudyante na inutusang magdala ng papel, ang natira na lang eh si Psyche at si Chron. Tinitignan ko lang sila nung una pero sumenyas si Psyche na lumapit daw ako.

Lumapit ako sa kanya at ayun siya, mukha pa ring bored at naiirita.

"Pumasok ka." Sabi niya sa akin habang hawak niya ang doorknob nung pinto ng storage room.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Basta pumasok ka na lang!" Masungit niyang tugon.

"Aba! Eh bat ang sungit mo?! Nagtatanong lang naman ako sa'yo ah! Ang sungit-sungit mo eh! Ano?

Meron ka bang dalaw ngayon? Tumalikod ka nga nang makita ko kung may tagos!" Sigaw ko sa kanya.

Inirapan niya ako tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at idinampi ang malalambot niyang labi sa labi ko at nasilayan ko ang pagpikit ng mga mapupungay niyang mata habang ginagawa iyon.

Shet! Hinahalikan ako ni Psyche?! Punyemas! Kinukuryente ata ako! Shet shet shet!

Sabi ng isip ko, humiwalay na ako pero ayaw naman ng katawan ko?! Bwisit ang landi ko naman sa lagay na 'to!

Pero ang sarap -Ay shet! Bawal pala sa loob ng campus ang PDA! Kaya agad ko siyang tinulak.

"Ang ingay mo kasi eh." Tapos nag-smirk siya at tinulak niya ako sa storage room at narinig ko na lang ang pag-lock niya sa pinto.

Hinawakan ko 'yung labi ko. Chine-check ko baka nalamog. Mwhahaha! -So nakatawa pa ako sa lagay na 'yun? Sa bagay, masarap.

Bwisit! Nangingiti tuloy ako! Mukha akong tanga!

Kalma lang Ericka! Kalma lang! Shunga-shunga ka talaga! Halik lang 'yun! Halik na masarap!

"Athena?" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses tapos lumingon ako sa kanya.

--Psyche's Pov--

Fvck! Kung pwede lang na hindi ko na ituloy 'yung pakshet na plan na 'yun eh! Ang bobo ko naman!

Ang bobo ko talaga! Sana hindi ko na lang naisip 'yung plan! Shit!

Kanina habang tinatalakan ako ni Ericka hindi ko mapigilang tumingin sa mapupula niyang labi. Feeling ko bakal ako at ang labi ni Ericka ang magnet! Pucha!

Kailan ko ba huling naangkin 'yung mga labi na 'yun? -Ah! Nung 'dun sa abnormal na wedding booth.

Pero pasalamat din ako run, nahalikan ko si Ericka eh xD

Grabe! Nawala 'yung pagka-bad trip ko kanina! Nakakainis kasi ang kulit-kulit ni Ericka tungkol sa plan eh. Halatang excited siya! Bwisit lang. At eto ako ngayon, nakikinig ng usapan nila ng ex niya.

Sht. Sana hindi sila magbalikan! Pag sila nagbalikan tatalon ako sa roof top! Bwisit!

Nakakaselos?

Err! Bat naman ako magseselos? Mahal ko ba siya? Psh, hindi naman.

Sandali nga't pakikinggan ko muna 'yung pinag-uusapan nung dalawa. Mamaya iba na eh!

--Ericka's Pov--

Nakuha ko na =____=

Ito 'yung plano ni Psychii-baby... --Wushu! Anong tinawag ko sa kanya? Ah nevermind.

So anong gagawin ko? Magkukunwaring nasarahan ng pinto?!

Kinatok ko ng malakas 'yung pinto, "Uwaaaaaa! Tulong! Na-lock kami!!!" Sigaw ko kahit alam ko naman na sinadya 'yun ni Psyche at nandyan siya sa labas at nakikinig.

Hmpf! Naalala ko tuloy 'yung kiss -Aish! Erase erase erase! Nasa iisa kayong kwarto ni Chron okay?!

Siya ang kasama mo!

"Huwag ka ng mag-effort sa pagsigaw at pagkatok dyan. Mapapagod ka lang." Wika ni Chron.

Humarap ako kay Chron at nakita ko siyang nakasalampak sa sahig. Parang wala siyang pakialam na na-lock kami? Great! Ibig sabihin, gusto niya akong makasama.

So umupo na rin ako sa sahig, "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

"Ah oo." Sagot ko naman.

Medyo malapit kami sa isa't isa pero okay lang naman :D

"Tayo lang dalawa rito kaya... I'll take this opportunity to tell you everything." Uwaaaa! Magtatapat na ata ulit sa akin si Chron! Shet shet shet!!!!!

"Okay." Yun lang ang naisagot ko. Pero deep inside nagwawala ako! xD

"Athena, sorry ha? Sorry kung hanggang ngayon pinapahirapan pa rin kita." Kahit wala akong idea sa sinasabi niya nakatulala lang ako sa kanya at nakikinig. "Sorry kung ginawa kitang... rebound."

Bullsht! Ako? Rebound niya? Nakaramdam ako ng maraming karayom na bigla-biglang tumusok sa puso ko. Maliliit ang mga karayom na 'yun pero dahil sa marami sila ramdam na ramdam ko ang sakit.

Bakit? Bakit ako naging rebound niya? <//3

"Lumipat ako ng D-Hi dahil gusto kong makalimutan si Selene dahil sila ni Psyche. Akala ko kapag lumipat ako makakalimutan ko siya. At akala ko," tumingin siya sa akin, "kapag nanligaw at nagkagirlfriend ako ng iba makakalimutan ko siya."

Unti-unti nang naiipon ang mga luha ko sa mata ko, ready to slide na sa pisngi ko. Sht bat ang sakit?

Akala ko noon, mas masakit ang makipagbreak siya sa akin ng walang dahilan, 'yun pala mas masakit ang makipag-relasyon sa akin kahit hindi niya ako mahal at rebound lang ako para sa kanya.

Ngayon, alam ko na ang naramdaman ni Psyche nung mga panahong nagpanggap si Selene na mahal niya ito. Putrages! Gago ka Chron!

"Sorry. Pero maniwala ka, pinilit ko 'yung sarili kong mahalin ka. Pero wala eh... si Selene pa rin. Alam kong nasaktan kita noon at mas nasaktan kita ngayon kaya humihingi ako ng patawad sa'yo." Tapos lumuhod siya. "Please Athena, sorry."

Tinitignan ko lang siya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Paano ko ba mapapatawad ang isang taong sobra akong sinaktan at patuloy pa rin akong sinasaktan?

Akala ko okay na eh. Akala ko mas magiging okay na. Akala ko magiging kami ulit. Akala ko mamahalin niya ulit ako. Pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Ni hindi niya nga ako nagawang mahalin eh.

Totoo nga sila, maraming namamatay sa maling akala. At isa ako run, namatay ang puso ko nang dahil sa akalang 'yan. Tangina!

"P-Paano k-kita mapapatawad?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na 'to para masabi ko ang mga salitang iyan. Dahil alam ng Diyos kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko hinihingi ang patawarin mo 'ko kaagad because I know that's very impossible. Take your time, but I'm telling you. I can wait forever for your forgiveness." Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at lumapit sa akin. "I'm very sorry." Hinalikan niya ako sa pisngi. "And please... stop plotting plans with my brother."

Nanlaki ang mga mata ko at nagulat ako sa sinabi ni Chron. Oh my god anong alam niya? Anong alam niya sa mga plano namin ni Psyche? Paano niya nalaman?

Nanatili ako sa pagkakawindang habang hinuhugot ni Chron ang susi para sa pinto ng storage room.

Inilabas niya ito at agad na sinusian ang pinto.

Dun ko naalala, President nga pala siya ng Student Government at may susi siya ng lahat ng kwarto sa

D-Hi except sa faculty room.

Nang makaalis na siya agad namang pumasok si Psyche wearing his 'concern look'.

"Ericka!" Tawag niya sa akin at dali-dali niya akong niyakap.

Doon mas bumuhos pa ang mga luha ko, "Ang sakit Psyche. Ang sakit-sakit."

--Psyche's Pov--

"Ang sakit Psyche. Ang sakit-sakit." Sabi niya habang umiiyak. Niyakap ko siya dahil alam kong kailangan niya 'to ngayon.

Naaawa ako sa kanya. Sa totoo lang kasi, ganito rin ang naramdaman ko. Para ngang pareho kami eh -

Meant to be kaya kami?

Ay bwisit! Nakuha ko pang isipin ang mga ganitong bagay samantalang nandito si Ericka na sobrang nasasaktan. Ano bang magagawa ko para mapasaya ko siya?

Hindi kasi ako sanay na ganito siya eh. Mas gusto ko 'yung bitch, nagger at ang pinaka-gusto ko eh

'yung Break-Up Planner na katauhan ni Ericka. Ayokong umiiyak siya at nakikitang weak.

"Weakling." Bulong ko sa kanya.

Tinulak niya ako ng full force, "Hoy! Sinong nagsabi sa'yong weakling ako ha?!" Pinahid niya 'yung luha niya sa pamamagitan ng mga palad niya, "Ako?!" Sabay turo niya sa sarili niya at bigla siyang tumayo,

"Si Athena Ericka Artemis weakling?! Eh gago ka pala eh! Hoy, para sabihin ko sa'yo hindi ako weakling! Matapang ako! Matapang ako!!" Sigaw niya sa akin habang dinuduro ako.

Niyakap ko ulit siya, "Ayos lang 'yan. Huwag kang magpanggap kung hindi mo kaya. Iiyak mo na lang

'yan."

Nung una eh tinutulak niya ako pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Pagkatapos, narinig ko na lang ulit siyang humikbi at umiyak. Poor Ericka, tsk tsk. Kung may magagawa lang sana ako.

Pakshet alam ko na!!

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya, "Dito ka lang okay? Huwag na huwag kang aalis dito."

Ipinatong ko 'yung palad ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niya. Although tinignan niya ako ng masama

:D

Dali-dali akong pumunta sa canteen at bumili ng ice cream. Sabi kasi nila effective 'to sa mga broken hearted eh kaya ito ang binili ko.

Patakbo akong bumalik sa storage room at nadatnan ko run si Ericka na nakaupo sa sahig.

"Kainin mo." Sabi ko sabay abot ng ice cream sa kanya.

"Ano 'yan?" Tinanong pa niya =_________=

"Lapis. Gamitin mo baka sakaling sumulat." Pamimilosopo ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama at hinablot 'yung ice cream, "Gago."

Umupo ako sa sahig at pinanood ko siya habang kumakain ng ice cream. Habang kumakain siya eh pinahid ko 'yung luha niya sa pisngi niya.

"Wala ba akong maririnig na salamat?" Pagbibiro ko.

"Salamat." Mahina niyang sabi.

Naisipan kong binatin 'yung pisngi niya. Ang kyut kyut niya kasi. Shet! Ang bakla ko na :O

"A-Aray!" Complain niya.

"Alam mo, bagay sa'yo ang nakangiti." Tapos nginitian ko siya.

"Talaga?" Tanong niya. Agad kong napansin ang nagkalat na ice cream sa pisngi niya. Grabe, ang kalat niyang kumain! Pati sa pisngi nalalakbay ng ice cream!

"May ice cream ka sa ano..." At dahil sa malapit 'yung pwesto nang nagkalat na ice cream sa labi niya eto na naman ako at nama-magnet! Shems xD

At ang susunod na pangyayari? Inalis ko 'yung nagkalat na ice cream sa pisngi niya gamit ang labi ko.

Or in short -hinalikan ko 'yung pisngi niya.

"Huy! Nakakadalawa ka na ah!" Saway niya sa akin.

Napangisi ako, "Excuse me, marami na kaya." Tapos ngumiti ako ng nakakaloko.

"Bwisit ka!"

"Alam kong masakit. But I'll promise that I will help you to move on. We'll move on, together." Sabi ko habang hawak ko ang kaliwang kamay niya.

Sabi ko sa inyo eh, sana akin na lang siya.

Pero hindi ko pa rin alam kung...

...mahal ko na ba siya.

Ano sa tingin niyo?

####################################

{ TBUP -17: Into the New World }

####################################

{ TBUP -17: Into the New World }

Nakakainis 'yung jeep na sinakyan ko!! Bwisit! Ang poorita ko na nga tapos hindi pa ibabalik 'yung sukli ko? Akala niya siya lang ang naghihirap?! Putangina!

"Bat lukot-lukot 'yang mukha mo?" Tanong agad ni Psyche sa akin na nakatayo sa harap ng pintuan ng classroom namin.

"Bwisit kasi 'yung jeep na sinakyan ko. Hindi man lang binigay 'yung sukli."

"Bat kasi hindi mo kinuha?" Sabi niya sabay akbay sa akin habang naglalakad ako papasok ng room.

"Eh kasi late na ako! Atyaka responsibilidad niyang ibalik 'yung sukli ko kahit hindi ko sabihin! Ano nang pinagkaiba niya sa magnanakaw?" OA na kung OA! Naiinis lang talaga ako ngayon!

"Easy lang..."

Paano ako magiging easy eh saying 'yun! Pera 'din 'yun nu! Pwede ko 'yung pangkaen! Tae talaga!

Atyaka napuyat pa ako kagabi para lang magawa 'yung homework namin sa Math 'yun pala bukas pa ipa-pass! Bwisit talaga! Palagi na lang akong malas sa buhay ko!

"Psyche, kayo na?" Tanong nung isang chismosa naming kaklase.

Kami ni Psyche? Seriously? Mukha bang kami?

Tinignan ko ng masama 'yung babaeng nagtanong tapos inalis 'yung pagkakaakbay sa akin ni Psyche.

"Ha?" Kinamot ni Psyche 'yung batok niya, "Hehe. Hindi pa naman."

Ano?!

Ibinaling ko ang death glare ko kay Psyche, "Anong 'PA'?!"

"Ah -I mean, hindi. Hehe. Sige ha, upo na ako." Sabi niya run sa babae tapos pumunta na siya sa proper seat niya.

Masyadong assuming? Porket nakakuha ng pagkakataong lamugin ang labi ko kami na agad? Hindi ba pwedeng manligaw muna?!

Shit! Nakakainis namang epekto ni Psyche >_____<

Umupo na ako sa proper seat ko, tapos biglang pumasok si Chron at dali-daling umupo sa proper seat niya na katabi ko.

Haay, isa pa 'tong gagong 'to. Gawin daw ba akong rebound? Psh, bahala siya. Makakarma rin siya baling araw! Bwisit!!

Kinalabit ako ni Chron, "Athena..."

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Alam ko galit ka. Pero pwede bang ipakita ko sa'yo na nagsisisi talaga ako sa ginawa ko sa'yo?" Psh.

Asa naman 'tong isang 'to. Shet talaga!

"Sige, pano?" Pagbigyan! Wala namang mawawala eh. Basta ang sigurado ako, hindi na ako aasa sa kanya. Yung puso ko? Bato na para sa kanya!

"Spend your day with me." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko, "Anong sinasabi mo? Bat ko 'yun gagawin?"

"Let's be friends."

"Ulol! Friends ka dyan! Eh hindi pa nga kita pinapatawad eh." Tapos inirapan ko siya.

"Kaya nga spend your day with me 'di ba? I'll show you that I'm worthy of your forgiveness." Sincere niyang sabi.

Ano? Pagbibigyan ko ba? "Fine!"

Bahala na talaga si Batman, Superman -at sino pa bang superhero ang labas ang brief? Aish! Ano naman kayang pakulo ang gagawin nitong magiting kong ex?

Bwisit lang dahil matapos ng ginawa niya sa akin pumayag pa rin ako sa sinasabi niya. Subukan lang naman 'di ba? Malay mo magbago 'yung isip niya? Ligawan pa niya ako -shet at nagawa ko pang lumandi at umasa?

Leche!

Lumingon ako sa likod para tignan si Best kaso, absent ata siya ngayon? Haaay... kung nandito lang sana siya eh 'di sana hindi ganito ka-boring ang buhay ko. Hindi pa pala kami bati. Ano kayang nangyari sa kanya? Sana okay lang siya. Miss na miss ko na 'yung bespren kong 'yun T____T

--Psyche's Pov--

Stalking my brother and his ex-girlfriend.

Fvck! Bakit ko ba 'to ginagawa? Nagmumukha na akong tanga eh! Kanina hindi ako makapag-focus sa lessons namin nang dahil sa kakabantay sa kanilang dalawa. Mamaya kasi alam niyo na, baka may ibang mangyari.

Shet! Napra-praning na talaga ako.

Kagaya ngayon, sinundan ko sila rito sa roof top. Lunch break ngayon at talagang dito pa sila maglulunch?! Ipinanganak ba talagang shunga si Ericka? Pinaiyak na nga siya't lahat-lahat eh makikipag-date pa rin siya!

Ito namang si Chron namumuro na! Isa pa't masusuntok ko na talaga 'yan! Shit!

Talaga bang panonoorin ko lang silang dalawa habang naglalandian? Wala ba akong gagawin like hilain si Ericka paalis dito o itulak na lang si Chron dyan sa roof top? Kahit gusto ko naman eh hindi ko pwedeng gawin.

Mahirap ng mahuli! Mamaya sabihin nila stalker ako -Wait, 'yun naman talaga ang ginagawa ko ngayon

'di ba? Aish!

"Para sa'yo." Inabot ni Chron 'yung lunchbox kay Ericka.

Si Ericka naman kulang na lang mag-sparkle 'yung mata! Bwisit!

"Ginawa mo 'to?" Sabi niya sabay bukas nung lunchbox.

"Yup. Para sa'yo." Sabi naman ni Chron sabay ngiti. Tsss. Bugbugin kita dyan eh!

"Thank you." Tapos kumain na sila.

Habang kumakain sila, panay ang tinginan at ngitian. Bweset! Mga malalandi! Ang sarap guyudin ni

Ericka run at lamugin ang labi eh! -Anong sinabi ko?

Tss. Nakakainis! >_________<

--Ericka's Pov--

Nag-lunch kami ni Chron sa roof top. At talagang todo effort pa at pinagluto pa niya ako ng tempura!

Taray ha! Pero hindi! Ayoko na! Ayoko na sa kanya!

Buti may pampa-GV.

Wala kasing klase ngayong hapon. Kaya nagsisi-uwian na ang mga tao sa school. Pero ayoko pang umuwi eh! Boring sa bahay =_____=

Wala naman akong kasamang maglakwatsya kasi wala si Best at hindi pa kami bati :3

Si Psyche na lang kaya? Teka nga at matanong...

"Psyche!" Hinabol ko siya sa corridor.

Tumingin siya sa akin. Here we go again! Masungit na naman ang aura niya!

"Anong kailangan mo?" With matching taas pa ng kilay!

"Date -Ay este, gala tayo!" Then I grinned.

"Busy ako." Sagot niya. "Matapos mong gawing tissue paper 'yung damit ko kahapon dahil sa pag-iyak mo, makikita ko na lang kayo ni Chron? Wow ha."

"Binibigyan ko lang naman siya ng chance ha!" Depensa ko.

"Sinabi kong magpaliwanag ka?"

"Hindi. Pero sinasab-"

Hinalikan na naman ako ni Psyche! Pero smack lang. Aish! Nakakailan na siya! Palagi niya na lang akong hinahalikan! Tapos sasabihin na naman niya wala lang! Piangtri-tripan ba niya 'yung labi ko?!

"Umuwi ka na." Tapos tumalikod na siya sa akin.

"Matapos mo kong nakawan ng halik?! Bakit mo ba ginagawa 'yun palagi?!" Sigaw ko sa kanya.

Lumingon siya, "Sa susunod kasi, huwag kang pout ng pout. Iniisip ko tuloy na kailangan mo ng kiss."

Tapos naglakad na siya papalayo.

Ano ba 'yan. Palagi na lang siyang ganun.

Inilagay ko 'yung right hand ko sa left chest ko. Gash, ang lakas ng kabog. Palagi na lang nagiging abnormal 'yung heartbeat ko kapag nagpapa-cute at hinahalikan ako ni Psyche. Kahit na nagsusungit siya nagiging irregular din!

Ano bang sakit 'to? O________O

Na-feel ko na dati kay Chron 'to eh.

Huwag niyong sabihing...

"Athena!" Tawag sa akin ni Chron. "Mall?"

"Sure." Ayoko rin naman sa bahay kaya pumayag na rin ako.

So nag-drive siya tapos pumunta kami sa mall. So ano namang gagawin namin dito?

"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong niya.

"Lakad-lakad lang tayo." Sagot ko naman.

So ito kami. Naglalakad lang... ang boring.

Gusto ko nang umuwi.

Nami-miss ko na si Bespren. Tapos si Psyche...

Shet lungs!

--Psyche's Pov--

Hindi lang ako pumayag na sumama kay Ericka si Chron na ang kasama niya? Tanginang 'yan!

Eh bakit nga kasi hindi ako pumayag? Aish. Hindi ko rin alam eh. Inunahan ako ng kaba.

Kaya back to stalking ang drama ko ngayon. Shet! Ang bakla-bakla ko na!

Sinundan ko silang dalawa rito sa mall. So far, wala namang akbay or holding hands akong nakikita.

Dahil kapag 'yun ginawa ni Chron hinding-hindi na siyang makakauwi sa bahay ng masigla at masaya!

Naglalakad lang sila. Plain boring. Damn! Ako sana ang kasama ni Ericka dyan eh!

Teka san sila pupunta?

Ay shet! Lumingon si Ericka sa direksyon ko. Kaya ito ako, mukhang baklang nagtatago sa isang cart.

Shet! Nakita kaya niya ako?

"Psyche!" May tumatawag sa akin? Parang... malanding boses?

Lumingon naman ako agad at tumambad sa akin ang...

Woah! *witwew!* Napasipol ako ng wala sa oras.

Shet! Ang sexy niya!

"Naalala mo pa 'ko?" Then she winked at me. Damn it. Ang sexy niya!

"Scarlet? Scarlet Movida?"

"Yes Honey! Buti naman naalala mo pa ako!" Nag-pout siya. She's so cute and hot!

Nung nag-aaral pa ako sa Zxcvbnm High, kaklase ko siya. She's one of my flings. And she's the hottest among them! At hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago. Mas lalo pa nga siyang naging sexy eh.

"So, what are you doing here? May kasama ka ba?" Tanong niya sa akin.

"H-Ha? W-Wala!" Nauutal tuloy ako. Ganda kasi talaga nitong si Scarlet.

"So, mind if I join you? Namiss din kasi kita Psyche kahit papano." She giggled. Shet! She giggled very sexy!

Pero kapag sumama ako sa kanya? Paano ko mababantayan si Ericka? Baka may ibang mangyari sa kanila ni Chron! Langya naman kasi.

So ire-reject ko 'tong sexy na 'to?

Aish! Sige na nga. No choice, mas importante si Ericka eh.

"Ah Sor-"

Hinarangan niya 'yung bibig ko ng index finger niya.

"Shhh. Don't try to reject me Psyche." Lumapit siya sa tenga ko at binulungan ako, "I know you can't resist me."

Pigilan ko man ang sarili kong hindi tablan ng charms at ka-seksihan niya hindi ko magawa! At talagang hinihila na niya ako!

Sumulyap ako sa kinaroroonan nila Chron at Ericka pero wala na sila 'run. Damn it! Bahala na!

--Ericka's Pov--

Mas mabuti siguro kung umuwi na lang kami. Haaay...

Biglang nagsalita si Chron, "Siguro, kung hindi ako bumalik kay Selene at nakipag-break sa'yo, ano kayang kinahinatnan naten?"

Sus! Eh 'di syempre sana masaya tayong dalawa! Eh 'di sana malapit na tayong mag-2 years! Ang bobo mo kasi! Pinagpalit mo 'ko sa mukhang anghel eh dyosa na ako. Hmpf!

Ngumiti ako ng pilit, "Ewan ko. Masaya naman na tayo ngayon. Uwi na tayo, pagod na ako eh." Palusot ko kay Chron dahil ang totoo, bored na bored na ako!

"Sige, tara."

Tapos ayun, papunta na kaming exit nang may makita ako... kamukha ni Psyche?

Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ko 'yun mabuti at na-kompirma ko ngang si Psyche iyon.

Aba! Nagawa pang malandi ah! May kasamang babae eh na nakapulupot sa braso niya, well infairness, sexy 'yung babae. Psh... kaya pala ayaw niyang sumama sa akin kasi may iba siyang babae! Walang hiyang gago 'yun! Pucha!

"Si Psyche 'yun ah!" Sabay turo ko sa direksyon nila. "Nawala lang si Selene may nadagit na kaagad ang gago!"

Narinig ko na lang na tumatawa si Chron.

"Hahahaha!" Tignan mo 'to, mukhang tanga =___=

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang ko, "Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw. Gusto mo talaga ang kapatid ko. Hahaha!"

Gusto? Si Psyche?! Impossible! Naiinis lang talaga ako kasi sinamahan niya 'yung babaeng 'yun tapos ako tinanggihan niya! Bwisit lang!

####################################

{ TBUP -18: I'm... }

####################################

{ TBUP -18: I'm... }

--Psyche's Pov--

Magpapahatid lang pala sa bahay nila si Scarlet. Hinila-hila pa ako! Pero okay lang, at least nakapagkumustahan kami.

Pauwi na ako sa bahay at kung mamalasin eh baka mabangga pa ako dahil sa kakaisip ko kina Chron at Ericka. Anon a kayang nangyari sa kanila? Sila na kaya ulit?

Shit! Ayoko na silang isipin! Naiinis lang ako. Tyaka para akong tinutusok ng karayom sa dibdib. Ang sakit nga eh! Magpa-doktor kaya ako? Mukhang malaki na ang problema ko sa buhay ko =____=

***

--Hospital.

"Tita Coleen!" Tawag ko sa tita kong doctor.

"Oh? Hello Psyche!" Beso-beso rin, "Kamusta ka na?"

"Okay lang naman Tita. Hehe." Sagot ko.

"So... what brought you here?"

"Ah, wala naman po. Kinakamusta ko lang po kayo."

"Tss. Psyche? Alam kong hindi ka pupunta rito kung wala kang problema. Come on, spill it." Wika ni

Tita. Haaay... kilalang-kilala talaga ako nito.

Napakagat ako ng labi ng wala sa oras, "Dapat talaga Psychology ang kinuha niyong course." Tapos tumawa kaming dalawa.

Si Tita Coleen, kapatid ni Mommy. Actually, 23 years old lang siya. Accelerated eh. Galing nu? Heart surgeon siya. Palagi akong tumatambay dito noon nung sa Zxcvbnm pa ako nag-aaral. Malapit lang kasi rito 'yun. Palagi ko siyang sinasabihan ng problema ko, para ko nga siyang bespren eh.

Tumungo kami sa office niya. Hehe, sa amin pala 'tong hospital. Nakalimutan ko xD

"Have a seat." Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng table niya, "Go on. Talk."

"Magpapa-check up sana ako eh. Eh kasi... masakit 'yung dito ko oh." Tinuro ko 'yung left chest ko, kung nasaan 'yung puso ko.

"Huh? Bakit? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Tita Coleen.

"Masakit. It's like hundreds of needles are pricking my heart!" Sagot k okay Tita.

Natawa ng konti si Tita, "Why are you laughing? Nakakatawa bang marinig na may sakit ako?" I asked her.

"No. Pero nakakatawa ang pagiging inosente mo!" Then she laughed again.

Damn! "Inosente?"

"Walang heart disease ang may sintomas ng ganon, Psyche." She chuckled, "Oh baka naman..."

"What?!" I said with an irritated tone.

"May nakita ka bang something na nakakainis? Something na parang naiinggit ka. Or direct to the point

-something that made you jealous?"

"HUH?!" Jealous? Bakit ako magseselos? "Tita Coleen?! I've never been jealous in my entire life!"

Pahayag ko.

"Ohhh? You sure? Do I need to remind you? Chron loves Selene? Selene loves Chron? Pwede ba

Psyche?! Huwag kang mayabang!" Sabay irap ni Tita Coleen.

Yeah right. Noon 'yun. Noon nung mahal ko pa si Selene. But now? Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kapag nakikita ko sila ni Chron at Ericka.

Oo nagseselos ako noon kina Chron at Selene dahil syempre mahal ko si Selene -pero bakit ngayon?

Sige, let's assume that I'm jealous with Chron and Ericka. But the question is why would I be?

"Yeah right. I'm jealous." Even though I don't know why.

"Sinong nakita mo? Sina Chron at Selene na naman ba?"

"No. Wala na rito sa Pilipinas si Selene. She moved to Japan."

Biglang napangiti ng malawak si Tita, "TALAGA?! So who's the new girl of the Epiales brothers?"

Napatingin ako sa kanya ng 'what-the-fvck-look'.

"New girl?!" Ako.

"Palagi kasi kayong parehas ng nagugustuhang babae. No wonder, kambal talaga kayo."

"Tsss. She's not my girl."

"But you don't want her to be Chron's girl either?" Ngumiti ng nakakaloko si Tita Coleen. "So nakita mo silang magkasama, and you're jealous? Conclusion? Psyche, may sakit ka."

"W-What?!"

"Broken hearted." She smiled.

Tumayo na siya at inayos ang uniform niya. Papunta na siya sa pinto. Binuksan niya 'yun. Then I came back to my senses.

"Fvck?! Broken hearted? Damn why?!"

"Alam mo ang sagot Psyche. Ayaw mo lang aminin." Then she left.

Hindi ko naiintindihan =___________=

Dahil hindi ko naman naintindihan si Tita Coleen, umuwi na lang ako ng bahay. Iniisip ko pa rin pero hindi ko talaga maintindihan. Bwisit na broken hearted yan!

***

--Bahay (italized lines are phone conversations~)

Aish! Hindi ako makatulog! Iniisip ko 'yung sinabi ni Tita Coleen! At... iniisip ko si Ericka.

Sht! Fvck! Tangna! Ang bakla ko naman ata ngayon?!

Damn it Ericka! Why are you so beautiful?! I can't get you out of my head and I hate it! I can't stop thinking about your alluring brown eyes and your semi-crimson heart shaped lips!

Damn it Psyche! Why so gay?! >_______<

I'm staring at Ericka's digits in my phone. Should I call her? Fvck bahala na!

"Hello?" Damn! This angelic voice! "Hello?! Hoy Psyche! Magsalita ka! Tatawag-tawag ka tapos hindi ka magsasalita?! Yaman sa load ah!"

"Ericka." Hindi ako makapagsalita. Gusto ko 'yung boses niya lang ang naririnig ko!

"Ano? Anong sasabihin mo?! Bilis! Matutulog na 'ko eh."

"I..."

"Shet! Wala na bang ibibilis 'yan?!"

"I miss you!" Potek! Nasabi ko ba 'yun? Shit!

"Yun lang? Sige na! Matutulog na ako! Good night!"

Ita-tap ko na sana 'yung 'end call' pero sa halip na 'yun ang i-tap ko eh na-tap ko 'yung 'activate loud speaker'.

"I miss you too..."

*toot toot toot*

Talaga bang... sinabi niya 'yun? Did she really say 'I miss you'?! Fvck! I'm smiling like an idiot now!

--Ericka's Pov--

"I miss you!" -Psyche.

Shet Ericka! Maghulos-dili ka! Tama bang magpagulong-gulong sa kama habang mukhang tangang nakangiti?! Gash! Isang simpleng 'I miss you' lang 'yan! Paano pa kaya 'pag 'I love you' na?!

Tangina naman oh! Bakit ganyan ka Psyche?! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo?! Hirap na hirap na nga akong makatulog nang dahil sa kakaisip sa kanya tapos gaganituhin niya ako?!

Kanina nga galit na galit pa ako sa kanya dahil dun sa babaeng kasama niya tapos nasabihan lang ako ng 'I miss you' ngumiti na ako ng parang tanga?! Wow Ericka! Anong nangyayari sa'yo?!

Ano? Sasagutin ko ba siya? Aish!!

Bahala na lahat ng Avengers! "I miss you too!" Sabay baba ng phone.

Grabe naman 'tong puso ko! Nagwawala sa tuwa? Uwaaaaaaaa! Feeling ko sasabog na ako sa sobrang saya! Bwisit naman! Pero hindi ko alam kung bakit. Feel ko lang ngumiti-ngiti!

Sht! Kinikilig ba ako?! Kay Psyche? HALAAAAAAAA~!

Hindi na ulit ako makakatulog nito T________T

***

--Destiny High.

Nahihiya akong pumasok. Mukha kasi akong zombie rito eh. Ikaw ba naman matulog ng dalawang oras lang?! Walanghiya kasi 'yung Psyche na 'yun eh! Kung hindi raw ba siya nagtatatakbo sa utak ko eh 'di sana nakatulog ako -Shet! Ang korni ko na tuloy >______<

"Ericka!" May tumatawag sa akin?! Malamang! Shet! Di lang ako nakatulog ng sapat nawala na ang utak ko?

Lumingon ako at nakita ko ang isang dumbass. Isang bullshit. Lumapit siya sa akin habang nakatingin lang ako ng masama sa kanya at naka-cross arms.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.

"Psh. Stupid! Nag-uusap na tayo! Tanga!" Bwelta ko sa kanya.

"Patawarin mo na si Carmeen, please?" Tapos lumuhod siya.

"Wala akong pakialam kung lumuhod ka dyan o umiyak pa ng dugo. Ayoko sa'yo para sa best friend ko."

"Sa akin ka naman galit 'di ba?! Makipagkaibigan ka na ulit sa kanya."

"At sino ka para utusan ako? Wala ka namang kwenta eh." Serves him right.

"Alam ko ayaw mo sa akin p-"

"Oh yes! I don't like you because you're a bullshit. Now, get out of my sight. Get lost forever!" Tumalikod na ako sa kanya.

"Nagbago na ako. Natukso lang naman talaga ako eh. Please naman..."

"Sana noon mo 'yan sinabi. You even dumped my best friend! Fvck off Elzid! Damn you!"

Naglakad na ako papalayo sa kanya. Hinding-hindi ako makikinig sa gagong 'yun. Hindi niya deserve si

Carmeen. Hindi talaga...

Bad trip na tuloy ako! Punyetang Elzid 'yan! Nakakasira ng araw >___<

Pagpasok ko ng classroom, akala ko matatanggal na 'yung pagka-bad trip ko pero 'yun pala mas mabubwisit ako!

Look who's here! The great bitch, Scarlet Movida! Hah! Ano naman kayang masamang hangin ang nagdala sa witchy bitchy na 'to sa school ko? At sa tabi pa talaga ni Psyche ha?!

Wait -don't tell me siya 'yung kasama ni Psyche sa mall kahapon?!

What the fudge! He's dating that bitch?

Lumapit ako sa kanila, "Scarlet Movida, long time no see." I smirked.

Napatayo si malandi, "Ericka -the most popular bitch in D-Hi. The break-up planner." She gave me a sly smile.

Napatayo kaagad si Psyche, "Magkakilala kayo?!"

"Halata naman 'di ba?" Sagot ko sa kanya at ibinaling ko ulit ang tingin ko kay malandi. "Bakit ka nandito?" Tanong k okay Scarlet.

"Banned ba ako rito? Sa pagkakaalam ko naman, graduate na si Patrick."

Yeah right. Ex niya 'yung Patrick. Palagi kasi siya dati rito sa school dahil sa boypren niya 'yung varsity player na si Patrick. Palagi ko nga silang nakikitang naglalandian. Kaya napag-tripan ko silang hulaan ng break-up, at tumama ako! Mwhahahahaha!

"Bakit ka kasi pakalat-kalat sa classroom ko?"

"Binibisita ko lang naman ang ex-fling ko na mukhang babalikan ko." Sige! Ngiti pang bwisit ka!

Sasamain ka sa akin!

Tinignan ko ng masama si Psyche. Putangina lang dahil matapos niya akong pakiligin kagabi ito ang madadatnan ko?! Pagkatapos niya akong hindi patulugin?! Putangina talaga!! >___<

"Hah! Sige lang. Enjoy!" Umirap ako tapos umupo na ako sa proper seat ko.

Rinig na rinig ko 'yung mahahalay na tawa ni Scarlet sa likod. Shet! Bakit pa sila pumasok sa school na

'to?! Bakit hindi na lang sila dumiretso sa motel?!

Gash! Naririndi na ako ha! Ang landi nilang dalawa! =__________=

--Psyche's Pov--

Patay ako kay Ericka nito. Mukha na kasi siyang galit. Nagdadabog siya habang nilalabas 'yung libro niya eh. Si Scarlet naman nasa tabi ko pa rin, pinagtri-tripan ako =______=

Tumingin ng masama si Ericka tapos, "Pwede ba?! Sa motel niyo dalhin 'yang kalandian ninyo!

Putangina!" Tapos lumabas siya ng classroom.

Agad ko siyang sinundan. Hala! Naka-closed fist na siya. Patay! =_____=

"Ericka saglit!" Hinigit ko 'yung kamay niya.

"Oh ano?!" Galit niyang tanong.

"Bakit ka ba nagagalit?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako nagagalit. Naiirita lang ako sa inyong dalawa." Umirap ulit siya.

"Nagseselos ka?" Aish! Biglang lumabas sa bibig ko eh.

"Ako? Nagseselos? Ano bang karapatan kong magselos? Ano ba kita? Pagmamay-ari ba kita? Mahal ba kita?" Lumakad na siya papalayo.

Oo nga naman. Bakit siya magseselos eh hindi niya ako mahal. Pero ako... nagseselos ako sa kanila ni

Chron.

Ngayon siguro alam ko na kung bakit.

Because I'm...

...in love with the break-up planner.

####################################

{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }

####################################

{ TBUP -19: She's a Jelly Bean! }

Wooo! Kaya mo 'yan Ericka! Simple lang naman ang gagawin mo 'di ba? Lulunukin mo lang naman

'yung pride mo! Hindi naman mahirap lunukin ang pride -tsk, hindi rin! Basta dapat pagkapasok na pagkapasok mo sa classroom niyo, lalapitan mo siya tapos ibibigay mo 'to, okay? Fighting!!

Pumasok ako ng classroom at agad na iginala ang mga mata ko. Natagpuan ko ang pakay ko sa isang sulok habang nakikinig sa Ipod niya. Nung una, ayaw umabante ng mga paa ko dahil sa sobrang hiya at sa sobrang taas ng pride ko, pero kinaya ko 'yun dahil alam kong pag nagawa ko 'to magiging maayos na ang lahat.

Huminga ako ng malalim at marahan na lumapit sa kinaroroonan niya. Nakatingin ako sa sahig, hindi ko siya matignan sa mata eh. Masyado kasi akong guilty at nahihiya.

Ito na! Hingang malalim!

"Best I'm sorry!" Sigaw ko sa kanya habang inaabot ang home-made sandwhich pero nakayuko pa rin ako. Ako ang gumawa nun ha! Favorite kasi ni Best ito. Palagi niya akong inuutusang gumawa kapag nasa bahay siya.

"Best?" Inangat ko na 'yung ulo ko tapos nakita ko siyang nakangiti, "Best!!" Niyakap niya ako, "Sorry

'din! Sorry kasi hindi ko sinabi sa'yo. Huwag na tayong mag-aaway ulit ha? Kung hindi tatalon ako sa roof top!"

"Best naman, huwag sa roof top! Masyado nang makasaysayan 'yun para sa akin." Sabi ko naman.

Medyo naluha kaming dalawa. Worth it talaga kapag nilunok mo 'yung pride mo. Hindi ko na kasi talaga matiis si Carmeen eh. Masyado ko na siyang nami-miss kayak o 'to ginawa. Tyaka natauhan na rin ako.

Pero hindi ibig sabihin nun titigil na ako bilang isang Break-Up Planner! No way! Hangga't may mga couples na may hindi sincere relationship, huhulaan ko pa rin sila! Mwhahaha! -Shet, ang demonya ko xD

Umupo ako sa tabi ni Best, "Best pumayat ka. Mas nagmukha ka ng butiki." Komento ko sa kanya. Pero totoo! Pumayat talaga si Best, "Huwag mong sabihing pinapagod ka palagi nung Elzid na 'yun? Naku!

Ipapalapa ko 'yun kay Lolong sinasabi ko sa'yo!"

"Hanggang ngayon ba naman OA ka pa rin?" Psh, di naman ako OA. Inaalala ko lang siya! "Malaki na ang pinagbago ni Elzid."

Napaisip ako, "Sa bagay, nung isang araw nga naatim niyang lumuhod sa harapan ko eh. Akalain mo

'yun? Yung gago lumuhod sa dyosa?"

"Hahaha!" Humalakhak si Carmeen, "Ginawa niya 'yun? Tss... iba talaga ang dyosa eh nu? Dyosang iniwanan ng boypren?" Ngumiti ng nakakaloko si Carmeen.

Tinignan ko naman siya ng masama, "Excuse me? Na-realize lang siguro nang taong 'yun na hindi siya bagay sa dyosang katulad ko." Psh, damn you Chron!

"Tss... okay? Eh 'yung isa?" Tanong ni Carmeen.

"Anong isa?"

"Your Psyche-ii baby."

Aish! Naaalala ko na naman 'yung manwhore na 'yun! "Stop talking about that manwhore."

"Yung Scarlet ba? Balita ko dumadalas daw 'yun dito dahil kay Psyche? Palagi nga ata silang sabay umuwi eh."

Shet! Umiinit ang dugo ko! Tangina! "WHAT?!" Napatayo ako ng wala sa oras at napalakas ang boses.

Carmeen giggled, "Bakit? Anong problema 'dun?" Halatang pinipigilan niya ang tawa niya.

"Bwisit naman kasi! Hindi dapat nandito 'yung babaeng 'yun eh! Alam mo namang magkaaway kami 'di ba? Remember? Patrick? Varsity?"

"Ah 'yung ex niya. Pero Athena -" I cut her off.

"Fvck! Stop calling me Athena!"

"Okay okay. Pero Ericka, ibang lalake na ang pinag-aawayan niyo." Carmeen said calmly.

My eyebrows narrowed, "Huh?! Hoy! Hindi namin pinag-aawayan si Psyche ha! Bat naman ako makikipag-away ng dahil sa manwhore na 'yun?"

"Aish! Defensive! Iuntog na lang kaya kita sa pader nang matauhan ka eh nu? Ericka, hanggang kailan mo ba aaminin sa sarili mong inlab ka sa kapatid ng ex mo?" Carmeen.

In love nga ba talaga ako? Damn! I don't know! Basta naiinis lang ako sa presence ng Scarlet Movida na 'yun! Naiinis ako kapag nilalandi niya si Psyche! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

"Tss... see? Hindi ka makasagot kasi totoo." Pahayag ni Carmeen.

"H-Hindi ah." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Psh. Eh 'di i-deny mo lang ng i-deny hanggang sa mapagod ka! Basta ang alam ko, inlab ka kay

Psyche."

Hindi na lang ako sumagot. Nag-make face na lang ako. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin.

Basta hindi ako inlab kay Psyche! Bakit naman ako maiinlab sa kanya?! Wala namang kainlab-inlab sa kanya! Hindi ko siya type! Mas okay pa nga 'yung mga ex ko sa kanya eh, except kay Chron! Isa ring bwisit 'yun!

"Hi Ericka!!"

Putangina! Ang lakas ng apog na pumasok sa classroom ko eh nu? Bullsht! Sino 'yang bumati sa akin?

Sino pa eh 'di si Scarlet! Ang malandi =____= Sasapakin ko 'to eh!

"Ano na namang ginagawa mo rito?!"

"Bumibisita!" Masigla niyang sagot.

"Ah bumibisita..." Tumayo ako, "...ayaw ko kasi sa'yo kaya pwede bang umalis ka na rito?"

"Sa'yo 'yung school Ate? Wow ha!"

"Pucha! Huwag mo nga akong ma-Ate-Ate! Wala akong kapatid na linta!"

"Okay? If I know, nagseselos ka sa amin ni Psyche-ii baby! Ang ampalaya mo eh! Aminin mo na lang kasi na gusto mo siya para everybody happy na!"

"HOY! ANG LAKAS NG LOOB MONG TAWAGIN SI PSYCHE NANG GANUN HA! AKO LANG MAY

KARAPATANG TUMAWAG SA KANYA NG PSYCHE-II BABY! TANGINA MO!" Wala na! Nagwala na ako! Gago kasi 'tong Scarlet na 'to eh! Sa lahat na nga ng itatawag kay Psyche 'yung endearment ko pa!

-Ay shet! Hindi 'yun endearment ha! Wala lang 'yun! Putek!

--Chron's Pov--

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Psyche sa loob dalawang amazona ang nagsasabunutan at nagaaway. Tsk tsk... Ericka and Scarlet. Nasa labas pa lang kami naririnig ko na 'yung sigaw ni Ericka eh kaya hindi na ako nagtataka sa nakikita ko ngayon.

Si Psyche naman agad na umawat. So sinamahan ko na rin.

"Tigilan niyo nga 'yan!" Sabi ni Psyche.

Hinila ni Psyche si Scarlet tapos hinila naman namin ni Carmeen si Ericka. In fairness, ang ganda at ang sexy pa rin nitong si Scarlet kahit nasabunutan na at lahat-lahat. Ganun din si Ericka, parang leon nga lang.

"Sa susunod kasi Chron, huwag kang nagpapapasok ng hindi taga-Destiny High dito! Lalo na 'yang babaeng 'yan!" Dinuro-duro ni Ericka si Scarlet.

"Halika na nga!" Sabi ni Psyche kay Scarlet. Hinila niya ito papalabas sa classroom.

Yung reaction ni Psyche? Naiinis. Ewan ko kung kay Ericka or kay Scarlet. Pero alangan namang magalit siya rito kay Ericka eh halata namang type niya 'to? So kay Scarlet siya galit.

"Aba! Tignan mo nga naman 'yung gagong 'yun! Dun pa sa malantod sumama?! Ako kaya 'yung mas nasaktan dito! Bwisit!" Pahayag ni Ericka habang tinitignan sila Psyche at Scarlet papalabas ng room.

Dinala namin si Ericka sa clinic. Nilinisan namin 'yung mga kalmot niya sa braso tapos inayos namin siya. Pero hanggang ngayon nanlilisik pa rin 'yung mga mata niya. Para siyang may kinukulam eh.

Creepy! =____=

"Hoy Ericka! Tigilan mo nga 'yan! Umayos ka!" Saway sa kanya ni Carmeen. Napansin din siguro niya.

"Shit!! Nakakainis silang dalawa!!" Naka-closed fist si Ericka? Shet kailangan ko atang dumistansya baka masuntok ako neto >_____<

"Haay nako. Selos lang 'yan best." Sabi ni Carmeen habang dinadampian ng bulak na may alcohol

'yung sugat ni Ericka sa braso.

"A-Aray!" Ericka.

"Hehe. Sorry." Ngumiti si Carmeen tapos nag-peace sign.

Nagtext si Psyche at agad ko naman 'yung binasa.

"Sino naman 'yan?" Tanong ni Ericka.

"Si Psyche." Sagot ko.

"Anong sabi?"

"Sorry daw."

"Ano?! Sorry lang?! Matapos akong kalmutin ng babaeng pusa na 'yun tapos sorry lang? Hindi naman ata tama 'yun? Tapos magkasama pa sila? Wow ha! Putangina nilang dalawa!"

Tskt tsk. Gustong-gusto kong sawayin si Ericka sa pagmumura niya pero anong magagawa ko?

Nakakagaan daw ng pakiramdam ang pagmumura eh. Totoo ba?

"Nakakainis! Nagawa pa niyang sumama sa Scarlet na 'yun kesa sa akin! Pinili niya 'yun kesa sa akin?

Shit lang ha!"

Hindi ko mapigilang matawa. Halatang-halata na kasi. Gusto ni Ericka si Psyche at nagseselos siya sa kanila ni Scarlet. Ngayon ko lang nakitang naging ganito si Ericka. Nag-evolve sa leon!

"Bat ka tumatawa? Kailangan mong pumunta sa mental?" Tanong ni Ericka sa akin.

"Nakakatawa ka kasing magselos. Nage-evolve ka sa leon." Tapos humalakhak ulit ako.

"Ha-Ha-Ha. Selos your face!" Sarkastikong pahayag ni Ericka.

Nang matapos na namin siyang gamutin, iniwan muna namin siya sa clinic para makapagpahinga.

Haaay... tignan mo nga naman ang nagagawa ng selos. Tsk tsk.

--Psyche's Pov--

Gusto kong matuwa.

Sumasagi kasi sa isip ko na pinatulan ni Ericka si Scarlet kasi nagseselos siya sa amin. Shet! Gusto kong tumalon eh! Pero hindi naman ako sigurado -ayokong mag-assume.

Iniuwi ko na sa bahay nila si Scarlet. Although wala naman siyang masyadong galos kompara kay

Ericka eh pinayuhan ko na lang siyang magpahinga rito sa bahay nila.

"Bakit kasi punta ka ng punta sa school?" Tanong ko sa kanya.

"Psyche... gusto ko lang makita 'yung babaeng kinalolokohan mo ngayon. Masama ba 'yun? Tyaka namimiss kasi kita." She said in a seductive tone.

"Drop it Scarlet. Grab a sleep."

Aalis na sana ako ako nang magsalita muli si Scarlet na kasalukuyang nakahiga sa kama niya.

"Your girl..." Lumingon ako sa kanya, "...Ericka. She's tough." Napangiti si Scarlet.

"My girl?" Napailing na lang ako at napangisi, "Not yet."

Tuluyan na akong umalis sa bahay nila at nag-drive pabalik sa school. Kailangan ko pang i-check si

Ericka. Sigurado, galit 'yun =____=

Haaay... good luck sa'yo Psyche.

--Ericka's Pov--

"5:30 PM." Binasa ko 'yung digital clock.

Ay shet! Uwian na pala! Napasarap 'yung tulog ko. Buti naman hindi ako dinalaw nung manwhore na si

Psyche sa dreamland. Gago 'yun!

Kaya kinuha ko 'yung bag ko tapos inayos ang sarili ko sa salamin tapos binuksan ko na 'yung pinto ng clinic at lumantad sa akin ang isang halimaw... pinakagwapong halimaw =_____=

"Oh ano?" Bored na tanong ko sa kanya.

"Sorry..." Wika niya.

"Sorry lang? Yun na 'yun?"

"Then tell me what I should do to get you!" Napataas ang tono ng pananalita niya.

Ako naman natulala. Ano bang sinasabi niyang 'to get you'? Sabog ba siya? Pero 'yung puso ko! Putek ayaw kumalma! Nagwawala ulit! Shet!

"Ano bang sinasabi mo? Nag-drugs ka?" Tanong ko sa kanya. Dadaan na sana ako sa pinto pero sinarahan niya 'yun, "Umalis ka nga dyan! Uuwi na ako!"

"Please... tell me." Yung mukha niya mukhang nakakaawa. Para siyang tupa. Parang anytime by now pwede na siyang umiyak. Bwisit! Gusto ko tuloy siyang yakapin =______=

"Ano ka ba?! Tabi dyan sabi eh!" Tinutulak ko siya pero hindi ko kaya. Ang lakas niya eh. I wonder, may abs kaya siya? xD -Putek! Tumahimik ka nga malandi kong pag-iisip!

"Tell me... bakit ka nakipag-away? Bakit mo pinatulan si Scarlet?" Tanong niya.

"W-Wala! Trip ko lang. Tumabi ka na kasi!!"

"Hindi ka ba... nagselos man lang?" Naaawa talaga ko sa aura ng mukha niya ngayon! Feeling ko ang sakit-sakit sa kalooban niya 'yung mga tinatanong niya! T____T

Pero syempre, galit pa rin ako sa kanya, "Syempre... syempre hindi." Narinig ko 'yung boses ko, bat parang humihina? Aish! "B-Bakit naman ako magseselos?" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Okay..." Sambit niya.

Tapos tumabi na siya sa dadaanan ko. Sa tono pa lang nung pagsabi niya ng 'okay' halatang disappointed siya. Nakita ko rin sa mukha niya. Feeling ko nahihirapan siya. Ano ba 'yan!

Nakokonsensya ako! Gusto ko siyang balikan tapos yakapin! Bwisit!

Sorry...

Sorry kasi sinungaling ako T_____T

Nagseselos talaga ako -sige na! Aaminin ko na! Ayoko lang talagang ipahalata at sabihin. Natatakot ako... ewan!

####################################

{ TBUP -20: It's Now or Never }

####################################

{ TBUP -20: It's Now or Never }

"Pare! May bago raw chix sa D-High! Shet! Ang ganda at ang sexy! Sobrang hot!!"

Sus! Maka-describe naman 'tong lalakeng 'to mukhang natatae. Hot daw? Sino ba 'yun? Baka mas hot naman ako run? Tsss... late na naman 'yung teacher namin. Walang kwenta! Punyemas 'yan!

Napansin ko 'yung mga lalake sa classroom namin parang asong ulol. Kulang na lang maglaway sila eh.

Ano bang problema?

"Uyy, bakit muntanga kayo ngayong umaga? Anong meron?" Tanong ko sa kaklase kong nerd na mukhang manyak.

"Di mo alam? May bagong transferee sa D-High! Tae! Ang sexy niya!!" Sabi nung kaklase ko.

So okay? Yung transferee ang pinag-uusapan nila? Sino ba 'yun? Taeng 'yan! Parang may papalit na sa akin ah. May mas gaganda pa kaya kesa sa akin? Iharap niyo sa akin ng maipa-salvage ko na! Lol, de joke lang.

Ilang sandal pa lang ay pumasok na 'yung teacher naming late. Grabe ano pang maituturo niya sa natitirang 15 minutes niya? Sayang! Favorite subject ko pa naman 'tong English =____=

"Class, you have a new classmate." Pangbungad kaagad nung teacher namin. Lalake siya eh. Hindi man lang nag-good morning!

"Sir!" Nagtaas ng kamay 'yung kaklase kong lalake tapos tumayo siya, "We already saw her. And she's hot as hell!" Tapos nagtawanan na 'yung mga lalake kong kaklase. Well except kay Chron.

Ahem. Wala pa rin si Psyche? Baka nagkasakit? Anla! Na-love sick? Naalala ko tuloy nung kahapon.

Ang kawawa niya. Ang sinungaling ko kasi! Kataasan ng pride. Tsk tsk...

"Class, quiet!" Tumingin si Sir 'dun sa pinto, "Miss transferee, come in."

Ang tagal naman niyang maglakad. Nai-intriga na ako sa mukha niya eh! Di na ako makatiis makita kung mas maganda ba siya sa akin xD

So habang lahat kami nag-aabang eh pumasok na 'yung transferee daw. At muntik ko nang malaglag ang panga ko sa nakita ko.

Putangina! Nag-transfer sa D-High 'yung malandi!! Ay buset! Yan ba ang hot? Duh! Mas hot naman ako!

Mas maganda ako dyan! Malandi 'yan eh! Shet! >_________<

Tapos biglang pumasok si Psyche. Bigla ko tuloy naitaas ang kilay ko. Amf! So sabay sila? So sila na?

Shet! Sira na naman ang umaga ko! Palagi na lang sinisira ng malanding 'yan! Sasapakin ko 'yan!

"Hi Classmates! Scarlet Movida at your service!" Ngumiti siya tapos nag-flying kiss pa!

Aba! Ang landi talaga! Flying kick gusto niya? Yung mga lalake naman halos tunawin siya eh.

Nakatunganga lahat sa kanya! Amp! Kung alam niyo lang! Malandi 'yan eh!

"Mr. Epiales," Biglang napatingin si Chron kay Sir per okay Psyche nakatingin si Sir, "please take care of Miss Movida. You'll be her tour guide." Asa! Baka tour guide sa kalandian! Pucha! Eh alam naman na ata ng malanding 'yan ang lahat ng sulok ng D-High eh! Palagi kaya silang nagma-make out nung ex niya rito!

"Yes Sir." Sagot ni Psyche.

So okay lang sa kanya?! Shet!! May something talaga sa kanila eh! Nakakainis! Nakaka-bwiset! Parang gusto ko silang saksakin ng lapis! Lalo na 'yang Scarlet na 'yan!

"Ah, Athena -'yung lapis mo, putol na." Bulong ni Chron sa akin.

Tinignan ko 'yung lapis ko, ay oo nga putol na. Kawawa naman 'yung lapis ko! Napagbalingan ko ng kabwisitan nang dahil sa malanding 'yun!

Umupo na si Psyche sa likod ko tapos tumabi sa kanya si Scarlet. Pinipigilan ko 'yung sarili ko eh!

Gusto kong magwala! Gusto ko silang bugbugin dalawa! Aish! Nakakainis!

Putek! Shet! Pucha! Tangina! Bwiset! Pakshet! -ano pa bang mura ang hindi ko nababanggit?!

Dahil sa sobrang inis napatayo ako mula sa kinauupuan ko, "Any problem, Miss Artemis?" Tanong ni

Sir. -Ay Sir! Kung alam niyo lang kung anong problema ko! Amf!

"Sir, may I go out?"

"Why? Where are you going?" Ay puta! Isa pa 'tong magpapainit ng ulo ko eh! Hindi pa ba understood na pupunta ako ng rest room?! Gusto mong sumama?! Shet!

Huminga ako ng malalim para gumaan 'yung pakiramdam ko at hindi ako mag-evolve dito sa loob ng classroom, "CR Sir."

"Okay."

Bago ako lumabas eh tinignan ko muna si Scarlet. Nakangiti siya ng parang nang-aasar. Ang ganda niyang patayin pramis! Tinignan ko si Psyche pero blangko lang 'yung expression niya. Tss... eh 'di okay! Makalabas na nga!

Lumabas ako ng classroom. Ang totoo, hindi naman ako pupunta ng CR eh. Gusto ko lang talagang mag-walkout dahil punong-puno na ako. Feeling ko malapit na akong sumabog at mag-evolve sa pagiging leon. At pag nangyari 'yun, pagsisihin talaga nung malanding 'yun na lumipat siya rito sa D-

High.

Ano bang gusto niyang palabasin?! Kailangan ibalandra niya na nakuha niya si Psyche?! Eh gaga pala siya eh! Wala akong paki!

Haay... eto na naman ako! Nagsisinungaling. Aish! Bahala na! Pupunta na lang ako sa clinic. Matutulog na lang ako run kesa naman sa makikita ko silang dalawang naglalandian =____=

--Psyche's Pov--

Napa-buntong hininga na lang ako. Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit nagkakaganun si Ericka.

Simula nang sumama sa akin si Scarlet naging ganun na siya. Naging mainitin ang ulo. May dalaw kaya siya? Pero grabe naman! Two weeks na kaya =___=

Gusto kong isiping nagseselos siya pero pinipigilan ako ng isang parte ng utak ko. Syempre, bakit naman siya magseselos eh sabi niya hindi niya ako gusto. -Hindi nga ba talaga? Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Ericka. Haay...

Sabi niya magc-CR lang siya. Eh bat hanggang sa last period ng klase wala pa rin siya? Saan naman

'yung pumunta? Umuwi? Andito kaya 'yung bag niya! Pasalamat siya mabait ako at mahal ko siya kaya ko binubuhat. Tss...

Nung natapos 'yung last period, agad kong pinuntahan ang best friend niya.

"Si Ericka?" Tanong ko.

"Ewan ko sa babaeng 'yun. Baka inatake ng selos." Sagot ni Carmeen sabay irap.

"Selos?"

"Manhid lang dre? Nagseselos kaya siya sa inyo nung Scarlet. Sige ha, nandyan na sundo ko eh."

Tapos nagpaalam na si Carmeen.

Best friend na niya ang nagsabi -nagseselos siya. Pero sabi niya kahapon... hindi eh. Aish! Hindi ko na talaga siya maintindihan! Takte!

Naglakad-lakad ako sa campus para hanapin siya pero hindi ko siya makita. Baka naman umuwi na?

Ihahatid ko na lang siguro sa bahay nila.

Aish. Hindi ko naman gusto si Scarlet eh! Sadyang flirt lang siya. Ewan ba dun. Simula nung nagbreak sila nung boypren niya rito sa D-High noon naging ganun na siya. Mabait naman 'yun eh. Talagang medyo may grudge lang siya kay Ericka dahil sa pagiging 'break-up planner' niya.

'Pag naging kami, mahuhulaan niya rin kaya kung kailan kami magbre-break? -Ay leche! Bakit ko naman 'yun iniisip? Eh hindi ko pa nasasabi 'yung nararamdaman ko para sa kanya eh basted na kagad ako. Tangina naman oh!

"Dude!" Si Chron.

"Nakita mo ba si Ericka?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi eh."

"Tss... nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun! Kung hindi ko lang talaga siya mahal eh!" Bulalas ko.

Napangiti si Chron, "Talaga? Sabi ko na nga ba eh! Mahal mo siya!" Nakipag-apir pa sa akin ang gago.

Amputa =_____=

"Hindi naman ako mahal. Eh 'di basted din."

"Ang problema kasi sa'yo, hindi mo pa sinusubukan tumitiklop ka na! Huwag ganun, kambal. Gawin mong lahat para makuha mo siya kung talagang mahal mo siya. Hala sige, sundan mo na." Tinuro ni

Chron si Ericka sa quadrangle. Paalis na siya! "It's now or never." Bulong sa akin ni Chron.

Tama. It's now or never. Bakit ako susuko eh hindi pa ako lumalaban? Hindi pa naman ako talo 'di ba?

Taena! Susundan ko na!

Tumakbo ako sa quadrangle. At tinawag ko siya.

"Ericka!" Sigaw ko sa kanya. Mga limang hakbang na lang ang pagitan namin.

Lumingon siya tapos bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Fvck! Wala akong payong! Pero bago ko muna isipin 'yun kailangan ko munang masabi sa kanya. It's now or never!

"May payong ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko pinansin 'yung unang tanong niya, "I have another plan."

Kumunot na 'yung noo niya, "Another plan?! Akala ko ba ititigil na natin? Huwag mong sabihing mahal mo na ulit si Selene? Aba! Gawin mong mag-isa 'yang plano mo! Di ko na gusto si Chron!"

Tumalikod na siya. Sinundan ko siya at hinawakan ang braso niya. Damn! It's so hard to say! Huminga ako ng malalim. Kinakabahan talaga ako! Fvck! My heart is beating so loud, I hope this girl in front of me can hear it.

"Kung wala kang payong, bitawan mo na lang ako." Hinablot niya 'yung braso niya sa akin at naglakad ulit papalayo.

Damn! Take the risk Psyche! It's now or never!

"BE MY GIRLFRIEND!" Sigaw ko sa kanya.

Shit! Mas kinakabahan ako sa isasagot niya!

--Ericka's Pov--

"BE MY GIRLFRIEND!" Sigaw ni Psyche.

So nagdra-drama kami rito sa ilalim ng ulan ganun? Aish! Baka naman nabibingi ako? Gash! Nafe-feel ko ang puso ko! Daig pa ang kangaroo sa pagtalon tangina! Pero syempre huwag ipahalatang kinikilig ako, dapat i-maintain ang poise!

"Ano bang sinasabi mo? Gusto mong magpanggap tayo para magselos si Chron? Naku! Di na 'yan gagana! Masyado nang cliché 'yan! Wala ka na bang ibang plan? Anyways, wala naman akong pakialam kung meron pa, ayaw ko na-"

Bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko, naging kissing monster na naman si Psyche. At ito, nilalamog na naman ang labi ko. Gago talaga 'to, alam na alam kung paano ako mapapatahimik!

Nakapikit siya at halatang feel na feel niya ang paglamog sa labi ko samantalang ako nanlaki ang mata ko. Oo, ilang beses nang ginawa ni Psyche 'to pero iba ngayon eh. Nararamdaman ko ang sincerity, at nararamdaman ko rin na parang magkasundo ang heartbeat naming dalawa at sabay pa silang nagwawala! Oh my gash! Oh shet!

Tumigil siya sa paglamog sa labi ko at idinikit ang noo niya sa noo ko, nakatingin siya sa akin -mata sa mata.

"Hindi pa ako tapos. I said, be my girlfriend...

...for real."

Now tell me how to react! Or better -kill me now! 'Coz I can't stand this overflowing kilig!! Oh my putangina! Letche! Pakingshet!

####################################

{ TBUP -21: She's a Flirt }

####################################

{ TBUP -21: She's a Flirt }

--Chron's Pov--

Good job kapatid ko! Nakadali ka rin! Ang saya nilang panoorin sa quadrangle. Kahit basang-basa wala silang pakialam. Naghaharutan pa rin. Kung nandito kaya si Selene? Ganyan din kaya kami?

Haay... miss na miss ko na siya. Ni hindi nga siya nagrereply sa mga text ko, hindi siya sumasagot sa mga tawag ko pati sa mga e-mails ko wala rin. Kinalimutan na ba talaga niya ako? Kasi ako, hindi pa at hindi ko alam kung paano.

Habang naiinggit ako sa kapatid ko at sumusulyap mula sa bintanang ito nakita ko sa tabi ko si Scarlet.

Ano kayang say nito?

"Ang sweet nila nu?" Panimula ko.

"Tsss. That bitch doesn't deserve to be happy." Sabi ni Scarlet habang nakatingin ng masama kina

Psyche at Athena. Uh-oh.

"Missy," Inakbayan ko siya. "kung ako sa'yo, manglalandi na lang ako ng iba."

Inalis niya 'yung braso ko sa kanya and she gave me a death stare, "Hindi naman 'yung panglalandi ko kay Psyche ang problema eh. Wala kang alam kaya pwede ba, huwag mo na akong kausapin dahil hindi tayo close." Tapos umirap siya at umalis na.

Pero parang trip ko siyang sundan. Ewan ko kung bakit. Wala lang siguro talaga akong magawa sa buhay ko kaya ko 'to gagawin. Tyaka gusto ko rin siyang makilala ng husto. Nung nasa Zxcvbnm High pa ako palagi ko siyang nakikita pero hindi naman siya ganito dati. Hindi siya malandi, loner nga siya eh. Hindi ko nga alam kung bakit isang araw naging fling na siya ni Psyche.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Kung nakakamatay ang tingin ni Scarlet, siguro kanina pa ako nakahandusay dito. Tsk tsk...

"Oh? Sinusundan ba kita? Dito rin naman ang daan ko ah." Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

Umirap ulit siya tapos nagpatuloy na sa paglalakad. Nung malapit na siya sa gate natigilan siya saglit habang nakatingin kina Psyche at Athena. Ano bang problema niya? Hindi naman siya in love kay

Psyche para magselos ah?

Tumakbo ako papalapit sa kanya at binulungan siya,

"Manglandi ka na lang kasi ng iba para hindi ka naiinggit."

Nagulat siya at napalingon sa akin, "Aish! I hate you Chron! Nagger ka pa rin kahit kailan! Dyan ka na nga!"

Tapos tumakbo na siya papalabas ng gate at sumakay sa isang white car. Sundo niya? Dati naman wala siyang ganun ah? Psh, kahit itago pa niya ang tunay niyang ugali dati, lalabas pa rin 'yun.

Schoolmate ko siya dati, I know her.

The next day, medyo busy ako bilang President ng Student Council. Marami na kasing reports na napapabayaan ko na raw 'yung school kaya nag-skip ako ng mga klase ko at nag-stay sa room ng

Student Council. Kailangan ko pang mag-plan ng mga bagong pakulo para sa school.

Habang nagsusulat ako bigla kong nakita si Scarlet while passing the corridor habang may nakaakbay na lalake sa kanya. I think third year lang 'yung lalake. Then they kissed. Lumabas ako at sinundan sila.

Patay ka sa akin Scarlet! Bawal kaya ang PDA rito tsk tsk.

Tumambay sila sa library at sumakto pa talagang walang tao! Tapos nakita ko silang nagme-make out sa ilalim ng mesa. Shit! So I slammed my hands on the top of the table at nabulabog sila.

"Pres! What the hell?!" Sabi nung lalake na halatang bitin. Hindi ba nila alam ang rule?!

"You're asking me what the hell? Can you please fvck another girl outside the campus? PDA is strictly prohibited here, imposibleng hindi mo alam?" Sabi ko sa lalake.

Pasalamat nga siya nakakapagtimpi pa ako eh. Yung iba kasi kapag nahuhuli ko agad kong sinusuntok.

Pasalamat talaga siya at ayaw kong maalog ang utak ko ngayon.

"Sorry Pres." Tapos tumakbo na siya papaalis ng library. Tss, hintayin mo na ang suspension letter sa locker mo dude!

Si Scarlet naman nakatingin lang sa akin. Her looks are asking 'why-are-you-still-here'.

"Kita mo na? Iniwan ka lang dito." Sabi ko sa kanya.

"Because you interrupted us!" Tumayo siya, "Seriously, what the hell is your problem?!" Tanong niya sa akin.

"Wala naman. Kailangan lang kitang isama sa office para pangaralan." Tapos hinila ko na siya papalabas.

Nagpupumiglas siya, "Damn stop! Ano ba! Bitawan mo 'ko!" Sigaw niya.

Tumigil ako at humarap sa kanya pero hawak ko pa rin 'yung kamay niya, "Kung ibang tao ka, malamang binigyan na kita ng suspension letter, pasalamat ka schoolmate kita dati."

"Well excuse me, schoolmate mo pa rin ako ngayon." Sabi niya.

"Yeah right. Ibang ugali nga lang." Tapos ipinasok ko siya sa office room ng Student Council. "You'll stay here. Kailangan mong magtino."

"Tsss... sabi mo manglandi ako ng iba tapos nung ginawa ko ikinulong mo naman ako rito? Ano ba talaga?!"

Halatang naiinis na siya dahil sa sunod-sunod niyang death stare sa akin. Hawak niya rin 'yung wrist niya na kanina eh hawak ko. Namumula nga eh. Well I'm sorry. Hindi naman 'yung mangyayari kung hindi na siya nagpumiglas eh.

"Sinabi ko nga 'yun pero hindi ko sinabing manglandi ka ng iba sa school!" Bumalik ako sa mesa ko at nagsulat ulit.

Then I heard her chuckle. I lift my face to see her and I saw her smirk. Baliw na ba siya? Kanina halos kulamin niya ako sa tingin niya tapos ngayon ganyan ang expression niya? Do I need to call the mental hospital now?

"Baka naman..." Lumapit siya sa table ko at umupo run, "ikaw ang gusto mong landiin ko?"

Napa-facepalm na lang ako, "May sinabi ako? Please get off your sexy ass in my table. I have still some works to do." Pahayag ko.

She chuckled again, "Hindi mo naman sinabing gusto mo ako eh. Pinagalitan mo pa 'yung ka-make out ko sa library." She winked at me at traced my jawline.

Oo maganda at sexy si Scarlet. Pero hindi 'yun ang kailangan ko. I need Selene at hindi ako gagamit ng ibang tao para lang makalimutan siya. And as if namang makakalimutan ko si Selene. Imposible =____=

Salita lang siya ng salita with her flirty tone pero hindi ko siya pinapansin. Kailangan kong matapos 'tong mga papers na 'to para hindi na ako mag-skip sa mga susunod na klase.

"Nakikinig ka ba?!" Biglang sigaw ni Scarlet.

"Hindi." Sagot ko sa kanya habang nagsusulat pa rin.

"Aish! Can you at least lie?"

"No."

"I hate you!" Bumaba siya sa mesa ko at lumabas Student Council room.

Bahala siya dyan. Timatamad akong lumandi ngayon. Tinamad na ako simula nung umalis si Selene.

Pero sana talaga nandito siya. Sana wala pa siyang boypren sa Japan. Nakakainis! Hindi ko na tuloy alam 'tong susunod na isusulat ko. Hirap talaga 'pag walang inspirasyon.

--Scarlet's Pov--

Tss! Ang kapal talaga nung Chron na 'yun! Akala niya hindi ko alam na gusto niya siya 'yung landiin ko?

Shit lang siya! Gaad! Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa kanya?! Marami pang lalake ang nagkakandarapa sa ganda ko!

Aish! Hindi naman ako dating ganito eh. Hindi ako flirt, hindi ako easy to get, hindi nga ako ganito kaganda at ka-sexy noon eh. Nung mga freshman, sophomore years ko, loner ako. Wala akong masyadong kasa-kasama sa Zxcvbnm High. Palagi lang akong nasa sulok. In fact, may pagka-emo ako dati.

Then isang araw nilapitan ako ni Psyche. Siya ang pinaka-una kong kaibigan sa school ko dati. Sabi niya gusto niya raw akong maging kaibigan kasi hindi katulad ng mga babaeng kinakaibigan niya -akala gusto sila kaya ayun nafa-fall sa kanya, nami-misunderstood 'yung ginagawa niya.

Nung una ayaw ko kasi sabi nila heartbreaker si Psyche. Pero nung nagtagal naging close kami. Mahal ko 'yun si Psyche, pero hindi 'yung pagmamahal na parang 'lovers' talaga. Mahal ko siya kasi bespren ang turing ko sa kanya. Binago niya ako, sinamahan niya ako sa pagbi-build ng self-confidence ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

Nagkarun ako ng boypren noon, si Patrick. Varsity siya sa D-High dati pero graduate na siya ngayon.

Medyo minalas nga lang ng dumating 'yung Ericka na 'yun. Hulaan daw ba kami?! Ay hutanghena lang!

Nang dahil sa kanya nag-break kami ni Patrick. Pinagtalunan kasi namin 'yung hula nung babaeng 'yun eh.

Kaya nang nahalata kong gusto niya si Psyche, akala ko makakabawi na ako sa kanya. Kaya naisip kong gumanti sa kanya. Pinilit ko siyang pagselosin, pero iba ang nangyari. Mukhang naging sila na ata ni Psyche. Masaya naman ako para kay Psyche pero bitter pa rin ako sa Ericka na 'yun. Aish! Hindi niya deserve maging masaya!

Pero may magagawa pa ba ako? Yun na ang nangyayari eh. Move on na? Aish, total nag-move on na rin si Patrick =____=

"Pasalamat ka kinulong lang kita sa office, kung ibang tao ka siguradong suspended ka na or naglinis ng buong campus." Psh. Ito na naman si Chron! Sulpot ng sulpot ng parang kabute! Bad trip!

Lumingon ako sa kanya, "Bakit? Ano ba ako sa'yo?"

"H-Ha?" Yuck! Lalake tapos nagblu-blush? Seriously? Nakakatawa lang siya.

"Tss... aminin mo na kasing gusto mo 'ko. Di naman mahirap 'yun eh. Di ka naman torpe 'di ba?" Tapos nginitian ko siya.

"Hindi kita gusto Scarlet. Binabalaan lang kita dahil baka sa susunod teacher na ang makahuli sa'yo.

Bahala ka sa buhay mo." Tapos naglakad na siya papalayo.

Talagang bahala ako sa buhay ko! Alangan namang umasa ako sa kanya 'di ba? Sino ba siya sa buhay ko? At for the first time ha! Isang lalake tumanggi sa alindog ko? Woah! Nakaka-challenge dre!

Chron Epiales, ipinapangako ko sa'yo, kapag nahulog ka sa ganda ko, hindi ako mag-aatubiling tawanan ka. Be ready!

####################################

{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }

####################################

{ TBUP -22: Courting The Break-Up Planner }

"Uyy Ericka! Ano ba 'tong laman ng bag mo? Bato?! Bat ang bigat-bigat?!"

Yan si Psyche, nagrereklamo na naman. Grabe! Dalawang buwan pa lang siyang nanliligaw tapos panay ang reklamo? Napaka-demanding pa! Paano na kaya kapag kami na? Sus! Magpasalamat siya... ano... mahal ko siya. Shet!

"Nagrereklamo ka?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"H-Ha? Hindi ah! Hindi ako nagrereklamo! Bakit naman ako magrereklamo? Ang gaan-gaan kaya nitong bag mo! Kayang-kaya ko ng isang kamay!"

Pinipigilan kong tumawa sa inaasal ni Psyche. Under na under ang dating niya eh! Tyaka, magbubuhat lang ng bag hindi kaya? Sus! Kaya 'yun ni Psyche! Sabi niya nga sa akin mahal niya ako 'di ba? Aba!

Patunayan niya!

Nung nagtapat nga siya sa akin noon akala niya sasagutin ko na kaagad siya. Oh well, isang malaking

ASA! Ano ako easy to get? Kahit naman mahal ko na 'yan syempre dapat patunayan niya pa rin ang sarili niya sa akin. Malay ko ba, baka pinagtritripan niya lang ako? Kaya ligaw-ligaw muna Psyche!

Mwhahahaha!

"Uyy, kailan mo ba ako sasagutin?" Yan na naman 'yung tanong niya eh!

"Bakit? Nagmamadali ka?" Tanong ko sa kanya with matching pagtaas pa ng kilay.

"Hindi naman. Hindi na kasi ako makapaghintay isigaw sa buong mundo na girlfriend na kita." Tapos nag-wink pa siya.

Potek! Pigilan mo ang sarili mo Ericka! Inhale-exhale! Kalma lang! Shet! Putanginang Psyche 'yan! Bakit pinapakilig mo 'ko ng sobra-sobra?! Bakit kailangan mo akong torture-in ng ganito?! Anobey! Mamaya yakapin ko na lang siya rito bigla or mas worst mahalikan pa -ay wait, worst ba 'yun? Kyaaa!

Nagwawala ako sa kaloob-looban ko eh! Tangina!

"Aww. Ang cute mo namang mag-blush." Wika niya.

"Hoy! Hindi ah! Ano... uhmm... may sinat ako kaya ako namumula! Yun!" Nagpapasalamat ako sa palusot.com dahil sa walang kwentang palusot na 'to. Pero sana maniwala siya =___=

Aish! Maniwala ka na lang! Nakakahiya namang amining kinikilig ako nu!

"Talaga?" Lumapit siya sa akin. As in malapit na malapit! Tapos kinapa niya 'yung noo ko. Tapos bigla ko na lang naramdaman 'yung malalambot niyang labi sa noo ko. "Ayan, gagaling ka na." Ngumiti siya.

Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko napunta sa mukha ko. Tae lungs dahil feeling ko nasa cloud nine ako! Oo na! Kilig na kilig na ako! Kita mo na ang epekto mo sa akin ha, Psyche? Tsk tsk... masama sa kalusugan ang sobrang kilig? Dahil kung oo, pwede na akong maratay sa hospital bed!

"Uy Ericka, mala-late na tayo! Bilisan mo!" Sigaw niya sa akin. Shems! Ang layo na pala niya! At kanina pa pala ako nakatulala =_____=

"Ah oo." Tapos naglakad na ako palapit sa kanya.

2 months. 2 months na niya akong tinatratong prinsesa. 2 months na rin niya akong pinapahirapan... sa kilig. Lol. 2 months ko na rin siyang inaalipin at kinakawawa. Palagi ko siyang pinagbubuhat ng libro ko at ng bag ko. Hatid-sundo niya rin ako. Para nga siyang nag-apply na yaya ko instead of boyfriend ko eh. Ano kaya kung maging yaya ko na lang siya? Mwhahahaha!

"Ahem. Miss Artemis, daydreaming is not your subject right now. You can go out if you want." Potek!

Nahuli tuloy ako ng teacher ko! Pektusan ko 'tong matandang 'to eh.

"Sorry Ma'am." Nasabi ko na lang =____=

Unti-unti kong naramdaman ang hininga ni Psyche sa right ear ko.

"Yan kasi, isip ka ng isip sa akin. Napagalitan ka tuloy." Bulong niya.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang naka-smirk. Inirapan ko lang siya. Patay ka sa akin Psyche!

Dadalhin mo lahat-lahat ng gamit ko! Makikita mo! Pupunuin ko ng bato 'yung bag ko tapos papakarga ko sa'yo! Gagong 'to =_____=

Well, sa wakas natapos na rin ang isang araw na lesson namin. Next next week may exam. Who cares?

Ako magre-review? Fvck that! Ayoko nga! Sayang sa oras! Matutulog na lang ako!

Habang naglalakad ako papuntang locker ni Carmeen dahil sabay kami ngayong uuwi, pakshet dahil naglitawan ang mga manliligaw ko! Hindi lang naman si Psyche ang nanliligaw sa akin nu! Madami sila!

As in super dami! Maganda naman ako ah! Did I mention before na Dyosa ako? Lels. But seriously, bakit nandito sila? O_______O

"Ericka! Magkaliwanagan na lang tayo oh! Sino ba talaga sa amin ang pipiliin mo? Ilang taon na ba kaming nanliligaw sa'yo? Grabe naman 'yan!" Sabi nung isa. Teka, sang school 'to nag-aaral? Dinayo pa talaga ako ah! Charot!

Eh kasi, nang magsimulang manligaw ang mga 'yan eh nung kapanahunang kaka-break lang namin ni

Chron. Alangan naman na sagutin ko sila! Ano 'yun rebound? Huwag ganun dre! Pangit 'yun! Kaya pinabayaan ko lang sila, sabi ko magsasawa rin sila.

Hanggang sa dumating po si Psyche-ii baby at wala na! Nakalimutan kong may mga umaasa pa pala sa akin. Pero kasalanan ko bang kulang sila sa effort? Ngayon ko nga lang sila nakita eh! Tyaka imposibleng wala pang mga girlfriends 'tong mga 'to! Pustahan tayo -marami sa kanila pinagtri-tripan lang ako =______=

"Alam niyo kasi, sasabihin ko na ha?" Ngumiti ako ng sobrang lawak. Namnamin niyo na dahil ito na ang remembrance ko sa inyo, "BUSTED KAYONG LAHAT! KBYE!"

Tapos tumakbo ako sa corridor ng bonggang-bongga! Malay ko ba, paano kung kuyugin ako nung mga

'yun? Dali-dali akong nangtago sa isang malaking poste. Haay! Problem solved!

"Huy!"

"Shit!"

Pagtingin ko si Psyche lang pala. Tanginang 'yan ginulat ako! Kita na nga niyang hingal na hingal ako gugulatin pa ako! Anong gusto niya, mamatay ako dahil sa atake sa puso?

"Nakita ko 'yun." Pangiti-ngiti niyang sabi.

"Ang alin?"

"Binasted mo silang lahat kasi sasagutin mo na 'ko nu?"

Napa-cross arms ako, "Actually, binasted ko sila dahil ayoko sa kanila at hindi 'yun dahil sa'yo."

"Oh talaga? Sus! Alam ko namang gustong-gusto mo na akong sagutin eh. Huwag mo na kasing pigilan. Sige ka 'pag hindi mo pa 'ko sinagot baka mapunta ako sa iba." Then he grinned. Eff! Psyche!

Why so pogi?

"Ha-Ha." Sarkastiko kong tawa, "Gusto mo gawin ko rin sa'yo 'yung ginawa ko sa kanila?"

"Psh. Halika na nga. Iuuwi na kita sa inyo." Hinigit niya 'yung kamay ko.

"Uy teka! Sabay kami ni Carmeen uuwi eh!"

"Umuwi na siya. SInundo ni Elzid. Kaya tara na!"

Iniwan na naman ako ni Best? Well, kung sa bagay... kasama ko naman si Psyche. Hahahaha! She tang landi ko xD

Habang naglalakad kami, ngayon ko lang napansin 'yung gitara sa likuran ni Psyche. So nag-gigitara na rin siya? Bakit naman kaya?

"Hoy. Gitara mo 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Anong 'hoy'? May namimiss akong tawag mo sa akin eh. Asan na 'yung endearment mo sa akin?"

"Anong endearment?! Wala ah! Sagutin mo na lang kasi 'yung tanong ko!" Hindi ito ang tamang panahon para tawagin ko siyang Psyche-ii baby. Ako kasi ang kinikilig lels.

"Kakabili ko lang kahapon neto."

"Marunong ka?"

"Bibili ba ako kung hindi ako marunong?" Okay, pahiya ako run =___=

"Sabi ko nga."

After couple of minutes nakarating na kami sa bahay. Nagpaalam na rin siya. Kaya pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Mama nanunood ng TV. Nilagpasan ko lang siya tapos dumiretso na ako sa kwarto ko. Pahinga mode!

***

"Anak! Gumising ka nga dyan! May nambubulabog sa bahay natin!" Nagising ako dahil sa kakasigaw ni

Mama.

Anong sabi niya? Nambubulabog? Anla! Baka abu sayyaf! Anak ng lenggwa! Si Osama Bin Laden!

Shet! Omaygash! Baka ibala niya ako sa kanyon? OMO! OMO! OMO!

"Anak! Hindi mo ba naririnig 'yung kumakanta?" Tanong ni Mama, "Pag hindi mo 'yun hinarap, bubuhusan ko 'yun ng malamig na tubig! Sige ka!"

Kumakanta? Si Bin Laden kumakanta? Fvck! Ibang klaseng imagination na 'to Ericka! Sino ba 'yang kumakanta? O_O

So lumabas ako at pumunta sa veranda. Pagkasilip ko... ANAK NG TIPAKLONG! Si Psyche naggigitara't kumakanta?! Hanep ah! Ang galing pala niyang kumanta at maggitara? So ngayon alam ko na kung bakit may gitara siya sa likod niya kanina!

Shet! Ang tagal bago nag-process sa utak ko pero... OMO! Punyetek kinikilig ako! Yung puso ko nagsusuperbass sa saya! Tapos i-add mo pa 'yung ka-pogian niya ngayong gabi! Litaw na litaw pakshet!

Tapos... tapos... 'yung ngiti niya! Tae!!

♫

Did it hurt when you fell from huh-ea-heaven?

Did it hurt just to know I was right here uh-waiting

Did you know, do you know

It was love from the first time we touched

♫

Ako naman hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang shungaw ko lang dahil dalang-dala ako sa mga ngiti niya. Lord, sasagutin ko na ba siya? Uwaaaaaaaa! Ang saya-saya! Shet naman!

Tapos biglang lumabas si Mama habang may hawak na timba at binuhusan si Psyche ng tubig? FVCK!

Mama! Bakit mo 'yun ginawa?! Ine-enjoy ko pa eh! Grabe naman T_______T

"Ay anak! I'm sorry! Hindi ko naman alam na tinignan mo na pala! Hindi ko alam na kakilala mo! Sorry talaga anak." Tumingin siya kay Psyche na kasalukuyang inaayos ang damit niyang nabasa, "Naku ijo, pasensya ka na. Akala ko kasi ibang tao ka. Pasensya na talaga."

Ngumiti si Psyche kay Mama tapos, "Naku MAMA, okay lang po 'yun. Sorry po kung hindi muna ako nagpaalam sa inyo at agad akong pumasok sa gate ninyo."

Teka, tama ba 'yung narinig ko? Tinawag niyang 'Mama' si Mama? Magkapatid kami? Lels, malamang hindi! Tanginang utak 'yan Ericka nangangalawang! Takte! Kina-career ha Psyche? Gusto ko sana siyang tawanan ng malakas dahil sa ka-feelingan niya pero hindi ko magawa. Baka ungkatin pa ni

Mama at ma-hot seat na na naman ako sa kanya.

"Sige po Mama. Tutuloy na po ako. Total nakita ko naman na si Ericka. Sige po. Magandang gabi po."

Tapos lumabas na siya ng gate namin.

Okay? So ano ngayon Ericka? Bukod sa kilig, kilig at kilig -ano pang ibang nararamdaman mo sa katawan mo ngayon? Pakshet! Mahihirapan ata akong makatulog mamaya dahil sa ginawa ni Psyche!

Bumalik ako sa kwarto ko para namnamin ang kilig na nararamdaman ko ng biglang tumunog ang phone ko. May nagtext! Kaya binuksan ko 'yung message at...

From: Psyche-ii baby :) (Hoy! Huwag kayong maingay ha? Hindi pwedeng malaman ni Psyche na 'yan ang pangalan niya sa phone ko! Baka siya naman ang kiligin xD)

|Kita mo yung effort ko? Ganun kita kamahal Ericka. Handa naman akong maghintay kahit matagal eh.

Basta siguraduhin mo lang na sasagutin mo ko. Night na. Love you.|

Putangina! Mas lalo mo akong papahirapan Psyche! Mas lalo mo akong papahirapang matulog ngayon gabi! Uwaa! Sana naman hindi ako langgamin dito dahil sa sweetness niya! Shet! Psyche! Psyche! Ang sweet mo kaya mahal kita eh! Tanginang 'yan! Kailangan na kitang sagutin!

####################################

{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }

####################################

{ TBUP -23: He is Mr. Invincible }

--Scarlet's Pov--

Wala na namang klase, faculty meeting na naman kasi. Palagi na lang may meeting pero wala namang nangyayaring maganda sa school. Tsk tsk... ano bang klaseng school 'to? Close to 'walang kwenta'.

Kapag nagawa ko na talaga 'yung plano ko, pramis! Lilipat na ako ng school! Babalik na ako sa ZHS.

Amp!

Speaking of plano, alam niyo naman na 'yung plano ko 'di ba? Ise-seduce ko lang naman si Chron. Nachallenge lang talaga ako sa kanya. Akalain niyo ba naman?! Hindi tinablan ng ganda ko? What the hell! Kaya sisiguraduhin kong mahe-head over heels sa akin 'yung lalakeng 'yun.

Speaking of Chron, ayun siya oh. Nakaupo sa proper seat niya habang hawak 'yung cellphone niya at animo'y may tinatawagan. Yung ex niya na naman siguro na iniwan siya -iniwan na nga siya, hindi pa nagpaparamdam. Naku! Pustahan tayo may iba na 'yun! Tyaka 'di ba sabi nung Selene ata? Basta!

Sabi niya mamahalin niya pa rin si Chron kahit malayo na siya -like duuh! Ang corny naman nun

=_____= Nung kinu-kwento nga ni Psyche sa akin 'yun eh muntik na akong magsuka sa kakornihan.

Amputa nga eh.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Flirting mode -on!

Hinablot ko 'yung phone niya, "Hoy ibalik mo nga 'yan!"

"Tsss... Selene na naman? Psh." In-end ko 'yung call tapos dumiretso ako sa contacts niya. Dinelete ko

'yung number ni Selene at nilagay ko 'yung number ko. Mwhahaha!

"Anong ginagawa mo?!" Tanong niya.

Nginitian ko siya, "Ginagawa ang dapat."

Hinablot niya 'yung phone niya tapos nanlaki ang mata niya. Scroll siya ng scroll sa contacts niya.

Hinahanap niya siguro 'yung number ng ex niya. Hahaha!

"Damn! Anong ginawa mo?! Shit hindi ko pa naman memorize ang number ni Selene!" Bulalas niya.

"Kaya ka hindi maka-focus sa Student Council eh. Tsk tsk..."

Habang hinahanap niya pa rin 'yung number nung Selene biglang lumapit 'yung teacher na in charge sa

Student Council -Mrs. Perez ata pangalan nito?

Lumapit siya kay Chron, "President, alam mo na bang nag-transfer si Bernadette ng school?" Tanong nung teacher.

"Bernadette? Yung secretary ng Student Council? Bakit?! Kailangang-kailangan ko pa naman siya ngayon! Bakit ngayon pa siya umalis?!" Mukhang badtrip na badtrip si Chron ah. Malamang, sino bang hindi mababa-badtrip 'pag dinelete mo 'yung number ng mahal niya? Tss...

"Relax lang Pres, kaya ko nga sinabi sa'yo eh para makahanap ka kaagad ng kapalit niya. Ano? Meron ka bang naiisip na pwedeng pumalit kay Bernadette?" Tanong nung teacher.

Napa-facepalm si Chron, "Napaka-consistent ni Bernadette! Ang galing niya! Lahat ng pinapagawa ko sa kanya kinakaya niya. Napakalabong may pumalit na kasing galing niya!"

Hmmm? So naghahanap pala sila ng sexytary -lol I mean secretary. Madali lang naman 'yun 'di ba?

Magsusulat ka lang habang nakaupo sa table tapos ayun na! Feeling ko naman kaya ko 'yun eh. Kapag secretary na ako ni Chron, eh 'di mas mapapadali 'yung plano ko? Damn! I must take this!

"Ah Ma'am! Ako po! Pwede po akong maging secretary ni Chron!" Sabi ko sabay kapit sa braso ni

Chron.

"Really, Miss Movida? Kaya mo ba ang trabaho 'run?" Tanong ni teacher.

"Of course Ma'am! Tutulungan naman ako ni Pres 'di ba?" Sabay tingin kay Chron at wink. Hihi :"">

"So, wala ka na pa lang problema anak eh. Sige ha, late na ako sa faculty meeting." Sabi ni teacher kay

Chron tapos umalis na siya.

Nakatingin pa rin ng masama sa akin si Chron habang ako nginingitian lang siya. You'll fall for me hard, idiot! Mwhahahaha!

Dumiretso kami sa office ng Student Council. Tapos tinuro niya sa akin 'yung table ko at mga ibang gagawin ko. Tsk tsk... sabi ko na nga ba madali lang 'to eh. Puro sulat-sulat lang tapos fill-up ng form.

Sisiw!

So nagsimula na akong magsulat ng kung ano-ano habang siya nagbabasa ng mga files. Ang seryoso naman niya. Pero ang gwapo niya ngayong araw bat ganun? Siya 'yung tipo ng lalakeng unang kita mo pa lang makalaglag panty na eh. Plus! He has a body to die for! -Eff! Kung ano-ano ng sinasabi ko, pero seryoso... all in all, gwapo talaga 'tong isang Epiales na 'to.

"Miss Movida, may gusto kang sabihin? Kesa naman sa tinutunaw mo ako sa tingin hindi ba?"

Shet! Seryoso?! Nakatingin ako sa kanya?! Taena! Parang imbes na siya 'yung ma-seduce sa akin ako ata ang nase-seduce niya?! No! No! Hindi pwede! Siya dapat ang ma-head over heels sa'yo Scarlet!

Tandaan mo! Na-challenge ka sa kasungitan niya kaya mo 'to ginagawa!

"Tititigan mo na lang ba ako buong araw, Miss?"

"Shit! -I mean, no. Ano... Uhmm... Ah... Wala!" Sabay balik sa pagsusulat. Shet talaga! Bakit kasi katapat nung mesa ko 'yung mesa niya eh!

Habang nagsusulat ako nag-aayos siya ng files tapos ang ingay-ingay pa niya habang inaayos 'yung mga 'yun. Talagang as in binabalibag niya 'yung mga folders. Magdabog daw ba?! Hell!

"Secretary," Tawag niya sa akin. "ibigay mo nga 'to kay Sir Ferrer." Ano?!

"Pres, akala ko ba secretary ako? Paano ako naging utusan?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Secretary, alam mo bang isa ito sa mga trabaho ni Bernadette? Isa -"

"Pero hindi ako si Bernadette!" Bulalas ko.

"Pero secretary na kita. Remember? Nag-volunteer ka." Then he grinned. Eff!

"FINE!"

Naglakad ako papunta sa mesa ni Chron at kinuha 'yung mga folders. Lumabas ako ng office. Eff! Ang layo kaya nung room ni Sir Ferrer! Sa kabilang building pa 'yun eh! Alangan naman na maglakad ako run eh tirik na tirik ang araw! Shet! Ayokong matusta nu! Pero magagalit naman 'yung Presidente sa loob kung hindi ko 'to gagawin?! Shet talaga! >____< Hindi ko naman ine-expect na ganito siya kainvincible!

"Hi Scarlet! Mukha atang mabigat 'yang dala mo ah?" Tanong ng isang lalake -wait, siya 'yung nagyayang makipag-date sa akin ah? Hmmm... total maganda naman ako, bakit hindi ko gamitin? *evil grin*

"Ah oo nga eh. Ang sakit na nga ng mga kamay ko. Tapos kailangan ko pang dalhin 'to run sa kabilang building. Grabe! Ang hirap!" Paawa effect din para tumalab.

"Kawawa ka naman sweetcake," Yuck! Ang pakla ng endearment! Tangina! "amin na nga 'yan," Tapos kinuha niya 'yung mga folders. YES!! "saan ko ba 'to dadalhin?"

"Talaga? Dadalhin mo 'yan para sa akin?" Sabay himas sa braso niya.

"Naman! Basta para sa'yo." Then he winked at me. Psh, okay!

"Kay Sir Ferrer, kaya mo ba?"

"Oo naman. Basta may date mamayang uwian, ano? Payag ka?"

"Sure." I smiled sexily.

Tapos naglakad na siya papunta sa kabilang building. Hahaha! Uto-uto! Ni hindi ko nga alam pangalan niya eh. Maka-tawag ng sweetcake, like yuck! Ang baduy at purong kakornihan! Pero at least solve na ang problema ko. Iba talaga 'pag maganda eh nu? Makabalik na nga lang sa office.

Pagbukas na pagbukas ko ng office bigla akong hinila ni Chron, sinira niya 'yung pinto -sabay lock pa!

Fudge! Tapos isinandal niya ako sa pinto at kinorner niya ako gamit 'yung magkabilang braso niya.

Gets?

"Sweetcake pala ha." Seryoso 'yung mukha niya. Grabe! Imbes na matakot ako sa kanya nagwagwapuhan pa ako! Ang gwapo niya 'pag seryoso eh. Tapos ang lapit pa ng mukha niya sa akin kaya pak na pak! -Ay shete anong sinasabi ko?!

"Ang galing ko nu?" Tanong ko sa kanya sabay smirk.

"Tsss... hindi mo ginawa ang trabaho Miss Movida. Anong magaling 'dun? Sabihin mo nga?!" Omo!

Pinapagalitan niya ako. Pero keribels lang. Ang gwapo niya eh. Tapos saksakan ng pula 'yung lips niya!

Ini-invite ata akong halikan siya. Damn much! Napapa-lip bite tuloy ako ng wala sa oras.

"Huwag ka ngang mag-lip bite dyan! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong hindi mo 'ko maseseduce?!"

Ouch. Hindi ba talaga? Kahit kunti lang? Shet! Hindi ba talaga ako maganda para sa kanya? O talagang puro Selene na lang ang nakikita niya? Psh =______= Oo na! Hindi na kita kayang i-seduce pero ako naman 'yung nase-seduce mo! Iniisip ko tuloy, ganito rin ba siya magalit sa dati niyang secretary?

Talagang SUPER close?!

"Isa pang chance Miss Movida. Ihatid mo 'to kay Mrs. Aguilar, kapag hindi mo nagawa -maglilinis ka ng buong campus."

Sa wakas ay pinakawalan na rin niya ako! Tapos iniabot niya sa akin 'yung mga folders. Grabe! Sa kabilang building din si Mrs. Aguilar ah! Taeng 'yan! Aish! >__<

"Ano pang ginagawa mo dyan?"

"Oo na!"

Ito na ang huling beses na lalapit ako sa'yo Chron, tandaan mo 'yan! Bwiset ka!

--Chron's Pov--

Kung hindi niya lang kasi pinakaialam 'yung phone ko eh 'di sana hindi ko 'to ginagawa sa kanya.

Nakakainis kasi! Ano bang karapatan niyang pakialam 'yung phone ko?! Ano bang karapatan niyang burahin dun 'yung number ni Selene?!

Pagkatapos niyang lumabas ng office sinilip ko siya sa bintana baka kasi mag-utos na naman siya ng iba. So nakita ko na siyang naglalakad sa quadrangle papunta sa kabilang building ng bigla siyang matapilok.

Tsss... sino ba kasi nagsabi sa kanyang mag-heels siya ng sobrang taas? Mga babae talaga =___=

Pero syempre except si Selene! Ang simple nun eh.

Teka... hindi ata siya makatayo ah?! Fvck! -Lumabas ako ng office at tumakbo papalapit sa kanya.

"Bakit kasi naghe-heels ka ng ganyan kataas eh! Katangahan mo eh!" Sabi ko sa kanya habang binubuhat siya.

"Eh sino bang nagsabi sa'yong tulungan mo 'ko?! Tyaka huwag mo nga akong matawag-tawag na tanga! Hindi mo 'ko pinapakain ha!"

"Tumahimik ka na lang. Dadalhin kita sa clinic."

Itinakbo ko siya sa clinic pero putrages walang nurse?! Paano 'to?! Aish! Mukhang kailangan ko siyang dalhin sa ospital ah. Pahamak talaga 'to >______<

"Dadalhin kita sa ospital." Sabi ko sa kanya.

"Wag na. Ipapahinga ko na lang 'to." Masungit niyang tugon.

"Sorry..." Sabi ko sa kanya.

Agad siyang napatingin sa akin at... ngumiti?! Ganun na lang 'yun?

"Salamat na rin."

"Mas maganda ka pala kung hindi seductive 'yung ngiti mo. Simple lang..."

Napansin ko lang. Mas maganda siguro siya kung simple lang siya. Yung as in hindi sexy, hindi mataray

-simple lang. Ang ganda niya. Siguro, kung araw-araw siyang ganyang ngumiti eh baka makalimutan ko si Selene. Di ba?

####################################

{ TBUP -24: Puzzled }

####################################

{ TBUP -24: Puzzled }

--Scarlet's Pov--

"So ito 'yung tinatrabaho mo sa Student Council office?!" Tanong ko kay Chron na kasalukuyang tinitignan ang mga kaklase naming umaakyat sa bus.

"Oo. Di ba maganda? Bakit ayaw mong sumama? Tss... sorry pero sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka.

Secretary kaya kita." Tapos nag-smirk siya at bigla na lang niya akong binuhat at ipinasok sa bus.

Oh 'di ba ang sweet niya? Kung makabuhat para lang akong sako ng bigas?! Taenang 'yan! Sabi ko pa naman sa sarili ko na hindi na ako lalapit sa kanya pero ano ngayon?! Nganga! Nakalimutan ko, secretary niya nga pala ako at kailangan kong manatili sa tabi niya!

Ayoko na sanang ituloy 'yung plano ko kaso, parang ang ganda nung pagkakataon para bumitaw ako 'di ba? Pagtri-tripan ko lang naman siya eh. Yun lang, pramis!

Oo nga pala, pupunta kami ng resort. Buti nga napapayag ni Chron si Ma'am Perez eh! Sabi niya field trip daw! What the heck! Anong klaseng field trip ang pagpapasarap at pagswi-swimming? Tsk tsk... ang gandang i-impeach! Amf >_____<

Habang naka-upo ako sa tabi ng bintana, napatingin ako sa likod ko. Dun pala naka-upo ang dalawang maharot?! Psyche at Ericka? Taenang 'yan! Ngitian lang ang ginagawa pero para ng sasabog sa kilig

'yung dalawa! Sige na! Sila na! Sila na ang may bonggang love life! Bwiset! =_____=

"Tumabi ka nga!" Sabi sa akin ni Chron.

"Ay bwiset! Anong gusto mo, sa bintana na ako umupo?! Tyaka bakit ka ba nakikisiksik dito?! Dun ka sa ibang upuan! Dami pang bakante eh!" Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Alam mo kasi, secretary kita kaya dapat katabi kita. Kuha mo?" Tapos bigla na lang siyang sumandal sa balikat ko.

Eff! Huwag na huwag mo 'tong gagawin sa akin Chron! Please lang! Wala pa ako sa kondisyon para mainlab, paglalaruan pa kita eh! Bwiset naman! Ano bang nangyayari sa kanya? Isang araw, masungit siya at snob pero ngayon?! Why is he trolling with me?! Alter ego?! What the fudge!

"Hoy! Hoy! Alisin mo nga 'yang ulo mo!" Sabay tulak ng ulo niya mula sa balikat ko, "Hoy!" Sinilip ko siya pero nakapikit na 'yung mga mata niya. Ano 'to, tulog-tulugan?!

Pero ito naman ang gusto ko 'di ba? Ang ma-seduce siya at tawanan siya kapag nangyari 'yun? Ang paglaruan siya? Pero ano 'to? Bakit bigla na lang nagtatatalon ng parang putanginang kangaroo 'tong puso ko?! Hoy hoy hoy! Puso! Kumalma ka! Umayos ka dyan kung hindi... naku!

Hindi ko alam kung anong masamang ispirito ang sumanib sa akin at bigla ko na lang ipinatong ang kamay ko sa ulo niya. Shet! Mas lalo akong kinakabahan langya! Bakit ganito?!

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at alisin sa ulo niya tapos napabangon siya mula sa balikat ko. Inayos niya 'yung upo niya at naglabas ng libro, nagbasa na lang siya.

Putek! Ano 'to?! May saltik talaga sa ulo? Bakit ba bigla-bigla na lang siyang nag-iiba ng ugali?

--Chron's Pov--

Mag-focus ka Chron please lang! Tandaan mo -iniwan ka lang ni Selene, nakipag-break siya sa'yo pero mahal mo pa rin 'yun! At mahal ka pa rin niya... well sana. Shit! Hindi mo siya pwedeng kalimutan! Hindi ka pwedeng tumingin o pumorma ng ibang babae! Taena! Mukhang tumatalab na 'yung seduction ni

Scarlet, taeng 'yan! Hindi 'to pwedeng mangyari, hindi talaga!

Tsk tsk...

"Tapatin mo nga ako..." Biglang sabi ni Scarlet, "ikaw ba eh may saltik sa ulo? Bat muntanga ka?" Shit!

Pwede bang huwag mo muna akong kausapin?!

"Tss... snob! Baliw ka talaga! Bwiset ka!" Tapos humarap na siya sa bintana.

Sorry pero baka makalimutan ko si Selene kapag pinansin pa kita.

--Ericka's Pov--

"Kamusta naman ang pag-uwi sa bahay na mukhang basang sisiw?" Pang-aasar ko kay Psyche.

Mwhahaha!

"Tss... 'di mo na-appreciate 'yun? Imagine-in mo nga, sino pang lalake ang magpapabasa para lang sa'yo? Ericka, wala ka ng ibang makikitang katulad ko. Kaya kung ako sa'yo, sagutin mo na ako." Tapos kumindat siya. Natatawa talaga ko sa kanya kasi hanggang ngayon naaalala ko pa rin 'yung itsura niya nung binuhusan siya ni Mama ng tubig xD

"Nakakatawa ka nga eh. Sana ganun ka na lang palagi! Hahaha!" Ako.

"Kapag ba ganun ako palagi, sasagutin mo na ako?" Tanong niya.

"Psyche, kung nagmamadali ka at hindi mo na ako matagalan -naiintindihan ko, hanap ka na lang siguro ng iba." Sabay irap. Uwaa! Psyche! Huwag mong gagawin 'yung sinabi ko! Tangina! Ang kulit mo kase!

=____=

"Asa ka namang maghahanap pa ako ng iba. Ang layo na ng narating ko sa panliligaw sa'yo tapos ngayon pa ako bibitaw? Para ano? Para masulot ka ng iba? Ayoko ng ganun Ericka bebe." Wika niya.

Aww :""> Psyche! Feeling ko talaga kailangan na kitang sagutin, alam mo ba 'yun? Hindi ko lang kasi talaga alam kung paano ko sisimulan eh. Pero I swear, mahal ko na si Psyche. Kahit nagsusungit ako sa kanya. Kahit palagi ko siyang pinapahirapan -mahal ko 'yan.

"Nagustuhan mo 'yun? Ericka bebe?" Ngumiti siya ng sobrang lawak, doon pa lang ako bumalik sa senses ko. Anong tinawag niya sa akin?!

"A-Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Ericka bebe." Tapos bigla niya na lang kinurot 'yung magkabilang pisngi ko.

"Awww!" Tapos binitawan niya, "Gago ka talaga! Ang sakit-sakit kaya nun!" Sabi ko sabay himas ng pisngi ko.

"Oh? Masakit?!" Tanong niya na mukhang nag-aalala. "Teka..."

Bigla niyang hinalikan 'yung left cheek ko tapos sinunod niya 'yung right cheek ko. Natigilan siya tapos napatingin sa mga mata ko, eh sobrang lapit pa naman niya! Halos maduling na nga ako eh. Omo,

Psyche! Why so close! Di mo ba alam na nakaka-temp 'yung lips mo?! Pucha! Lalamugin ko 'yan!

At dahil sa makapal ang mukha ko at hindi ko alam kung naka-drugs ba ako ngayon -bigla ko na lang nilapat 'yung labi ko sa mapupula niyang labi. Shet! Ang landi ko ngayon! Bakit?!!

Nung humiwalay na ako, nakita ko na lang 'yung smirk niya. Tae! Aasarin na naman ako neto!

"Yun 'yung hinihintay ko Ericka bebe eh." Shet! >//< Mukha na siguro akong kamatis dito dahil sa hiya!

"E-Eh I-Ikaw kasi eh! " Tinutukso mo kase ako! =_______=

"Malayo pa tayo, tulog ka muna." Isinandal niya 'yung ulo ko sa balikat niya.

Ang sarap ng ganitong feeling. Yung alam mong may isang Psyche na nasa tabi mo tapos inaalagaan ka? Yung feeling na alam mong mahal na mahal ka niya? Abot langit ang saya pakshet! Sobrang swerte ma men! Ahihi :"">

At nang dahil sa kanya! Nagsimula akong maging corny! Bwiset! Mukha tuloy akong tanga rito. Pero alam niyo 'yun?! Ang hirap pigilan ng kilig! Sigurado naman akong alam niyo 'yun eh! Taena!

Pero ang tanong -hanggang kailan magiging ganito si Psyche? Alam niyo 'yun, di pa rin maalis sa akin

'yung isipin na baka magsawa siya bigla? Nakaka-tanga lang isipin. Pero sana hindi... kasi ewan ko na lang kung anong mangyayari kapag dumating 'yung araw na 'yun.

***

Sa wakas! Nakarating din kami rito sa resort. Ang ganda! Sariwang hangin tapos ang linis ng pool nila!

Ang tataas pa ng slides! Jeez =____= Nakaka-excite! Parang ang saya-saya nitong field trip na 'to!

Dumiretso na 'yung iba sa mga kwarto nila tapos 'yung iba naman sa banyo para magpalit ng isusuot nila para makapag-swimming na. Kaya pumunta na kami sa room namin ni Carmeen.

"Alam mo best, dumadalas ang landian niyo ni Psyche ah. Di mo pa ba sasagutin 'yun?" Tanong niya habang pumipili ng isusuot niya.

"Gusto ko na sana eh kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan at sasabihin sa kanya." Sagot ko.

"Eh. Kawawa naman 'yung tao. Hirap na hirap na sa'yo! Kaw talaga best!" Sabay hampas ng damit niya sa akin.

"Eh ikaw nga dyan eh! Di ka na sumasabay sa akin kasi palagi na lang si Elzid 'yung kasama mo!" Ganti ko sa kanya.

"Best, ninanamnam kase naman ang tamis ng pag-iibigan namin ni muffin..." Sabi niya at kulang na lang maging hugis puso 'yung mata ng bruha! Naku!

"Tangina! Anong sabi mo?! Muffin?! Pucha anong klaseng pangalan 'yun? Mwhahahaha!" Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa ng dahil sa sinabi niya.

"Ha-Ha. Sige lang ATHENA, tawanan mo lang kami. At least, sweet. Hihi." Tsss. Kdot =____=

Di ko na lang pinansin 'yung huling sinabi ni Carmeen at nagpatuloy sa paghahanap ng matinong damit.

Ano kayang isusuot ko? Ayoko ng masyadong revealing, maraming nagkalat na manyak sa paligid eh.

Kahit puro fourth year lang ang nandito sa resort hindi pa rin tayo nakakasiguradong safe nu! Mamaya bigla na lang akong halayin eh. Lol.

So pagkatapos naming magpalit ni Carmeen eh lumabas na kami. Naka-spaghetti strap at denim shorts lang ako. Sabi nila bawal daw 'yung denim pero paki nila? Maglagay na lang ulit sila ng tubig kung gusto nila! Nagbayad kaya ako rito!

Pumunta na kami sa pool at magswi-swimming na sana ako nang may biglang humila sa braso ko... si

Psyche! Bigla niya akong tinapisan ng twalya?! O___O

"Anong ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Yung suot mo kasi! Masyadong ano... ano... basta! Ayoko ng suot mo!" Sabi niya na halatang super bad trip.

Grabe naman! Ako na nga ata ang may pinaka-desenteng suot dito tapos ganyan pa siya mag-react?!

Taena! SUPER desente nung suot ko! Yung iba nga naka-2 piece eh! Putangina naman oh! Ang KJ!

"Tanga ka ba?! Tumingin ka nga sa paligid mo! Ako na ang may pinaka-desenteng damit dito Psyche utang na loob! Tumigil ka nga!" Sigaw ko sa kanya so lahat ng tao napatingin sa amin! Aish!

"Kahit na! Pwede ka namang mag-shirt ha! Bakit kailangang ganyan pa?! Di mo ba alam na pinagtitinginan ka ng mga lalake dito?!"

"Pinagtitinginan nila ako kase maganda ako! Ganun lang 'yun! Kung maka-react ka naman wagas!

Bakit? Boyfriend na ba kita?!"

Uh-oh! Below the belt na ata 'yung nasabi ko! Bigla kasing nag-iba 'yung aura niya lalo na 'yung mata niya. Para siyang nagagalit na nasasaktan. Lagot ka Ericka! Kakasabi ko lang kanina na ayaw kong magsawa siya pero parang nang dahil sa ginawa ko ngayon feeling ko malapit ng dumating 'yung kinakatakutan ko -ang magsawa siya. Aish! >___<

Hinablot niya 'yung twalya tapos tinapon niya sa gilid at nag-walkout. Nakita ko 'yung kamao niyang nakakuyom. Galit na siguro talaga siya. I'm sorry Psyche... ikaw kasi eh T_________T

Kaya wala na lang akong nagawa kundi ang mag-swimming. Bahala na. Hindi pa nga nagiging kami may LQ na kaagad. Tsk tsk...

***

--8:50 PM.

Hanggang sa kainan hindi kami nagpansinan ni Psyche. Hindi siya tumitingin sa akin, basta tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. Grabe nga eh, natiis niya akong hindi kausapin at tignan?! Wow! Pataasan ng pride ang labanan?! Eh 'di sige! Pataasan lang pala eh! Shet na 'yan! Mas mataas ang pride ko sa'yo

Epiales, tandaan mo 'yan!

Itutulog ko na lang sana 'yung problema namin ni Psyche nang bigla na lang akong nakatanggap ng text galing sa kanya.

From Psyche-ii baby:

|Meet me at the pool pls. Asap.|

Tsss! See! Sabi ko sa inyo mas mataas 'yung pride ko eh! Eh 'di siya rin ang bumigay! Asa naman akong matitiis ako nun 'di ba? Mahal ako ni Psyche 'di ba?

Kaya pumunta ako ng pool. Nagmasid-masid ako run pero wala pa si Psyche. Grabe! Sabi niya asap tapos siya 'tong late?! Bwiset lang?!

Habang inililibot ko 'yung mata ko sa paligid ay bigla na lang may nagtakip ng panyo sa bibig ko, nung una eh nagpumiglas ako pero hindi nagtagal ay nawalan na ako ng malay...

--Psyche's Pov--

Sino bang nagsabing kaya kong tiisin si Ericka? Syempre hindi! Paano ko matitiis 'yun eh mahal ko

'yun? Kahit naman ilang beses niya akong pagsalitaan ng masama hindi ko pa rin magagawang magalit sa kanya. Magtampo siguro pwede pa, pero magalit? No way! Kaya naman kaya kong ibaba 'tong pride na 'to para sa kanya eh -kasi mahal ko siya. Ganun lang kasimple 'yun.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nila Ericka -bumukas ang pinto at si Carmeen ang lumantad sa akin.

"Si Ericka, tulog na ba? Kailangan ko siyang makausap eh." Wika ko.

"Huh? Akala ko ba kasama mo?" Ipinakita ni Carmeen 'yung text ko (?) sa phone ni Ericka.

"Fvck! Hindi sa akin galing 'to! Hindi ako nag-send ng ganito sa kanya!" Bulalas ko.

Shit! Kaya pala nawawala 'yung phone ko! May nagnakaw! At talagang ginamit pa niya para lokohin si

Ericka?! Pag napahamak si Ericka at nahanap ko 'yung taong gumawa nito babangasan ko talaga 'yung gagong 'yun! Puta! Baka kung ano nang ginawa niya sa babaeng mahal ko!

"Hanapin natin si Best!" Pagyayaya ni Carmeen. Tss... kahit hindi mo sabihin, hahanapin ko talaga siya.

Tumungo kami ni Carmeen sa pool at nadatnan namin si Ericka na lumulutang sa pool na walang malay. Putangina! Anong ginawa nila sa kanya!

Agad akong lumusong at inahon siya.

"Mouth to mouth resuscitation, Psyche!" Sigaw ni Carmeen.

Agad ko naman 'yung ginawa. Ginawa ko 'yun hanggang sa magising si Ericka at umubo ng may kasamang tubig. Fvck! Anong ginawa nila sa kanya!

Tumingin siya sa akin, "Psyche..." Mahina niyang sabi.

"Shit! Anong ginawa nila sa'yo! Sabihin mo!"

"W-Wala..." Sagot niya.

"Dalhin na natin siya sa room namin Psyche. Kailangan niyang magpahinga." Wika ni Carmeen.

Dinala namin siya sa room nila at inihiga siya run. Gusto kong tanungin kung anong nangyari sa kanya pero agad-agad siyang nakatulog. Putangina lang! Sino bang gumawa nun?! Damn it! Pag nalaman ko talaga... mapapatay ko 'yun!

***

Kinabukasan, nag-byahe na kami pabalik sa mga bahay namin. Katabi ko si Ericka ngayon at balak ko nang tanungin kung anong nangyari kagabi.

"SIgurado ka ba talagang walang ibang nangyari kagabi?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang siya sa may bintana.

"Hinahanap kita tapos bigla na lang may nagtakip ng panyo sa bibig ko. Malakas siya -pero sigurado akong babae 'yun. Makinis kasi 'yung balat niya eh." Ericka.

"Hindi lahat ng makinis ang balat eh babae. Malay mo sadyang maalaga lang sa katawan 'yung lalake.

Buti na lang wala siyang ibang ginawa sa'yo."

"Yeah. Salamat." Ngumiti siya sa akin.

"Sorry nga pala. Kasi kung hindi dahil sa kapabayaan ko, hindi nila magagamit 'yung phone ko para iset up ka. Eh 'di sana hindi ka napahamak."

Ngumiti ulit siya at hinawakan ang kamay ko, "Okay lang. Wala kang kasalanan. Tuso lang talaga 'yung gumawa nun sa akin. Wala naman akong ibang kilalang pwedeng gumawa nun sa akin eh. Walang galit sa akin Psyche. Pramis!"

"Alam ko. Pero siguro... napagtripan ka lang. Basta -simula ngayon, hindi na kita hahayaang mag-isa.

Hindi na kita papabayaan. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag nawala ka.

Baka mapatay ko 'yung sarili ko."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" Saway niya.

"Tyaka, kung hindi naman ako nag-over react dun sa suot mo eh 'di hindi tayo magkakatampuhan. Hindi ka na dapat pumunta sa pool."

"Okay na 'yun, pasalamat na lang tayo walang ibang nangyari."

Tahimik lang kami habang nakasakay sa bus. Pero hindi pa rin matahimik 'yung utak ko sa pagtatanong kung sinong pwedeng gumawa nun kay Ericka. Kung sino man siya... siguraduhin niyang magaling siyang magtago dahil hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kapag nalaman ko kung sino siya.

####################################

{ TBUP -25: Payback }

####################################

{ TBUP -25: Payback }

Isang araw na ang nakakalipas simula nung may mangyaring masama sa akin sa resort. Hindi ko lubos maisip na may ganung taong kayang gawin 'yun sa akin. Hindi ko lubos maisip kung sino 'yun. Kung sino man siya, tiyak malaki ang galit niya sa akin. Pero ano bang kasalanan ko?! Wala naman 'di ba?

Wala naman akong napatay? O baka naman 'yung mga na-busted ko?! Hutanghena! Ibabala ko sa kanyon 'yung mga 'yun!

Papasok na sana ako ng classroom namin ng matanaw ko sa corridor si Scarlet habang hawak ang phone ni Psyche.

Shet! Siya ba?! Siya ba ang gumawa nun sa akin?! Tangina! Nagseselos siya sa amin ni Psyche?!

Ganun siya ka-desperada at kaya niya akong patayin?! What the fudge!

Nilapitan ko siya.

"Hoy! Punyeta ka! Ikaw 'yung nag-send nung text sa akin nu?! Ikaw 'yung nag-set up sa akin! Ikaw 'yung muntik ng pumatay sa akin!" Sigaw ko sa kanya.

Napakunot siya ng noo, "Boba! Wala akong alam sa sinasabi mo!" Nilagpasan niya ako pero hinila ko

'yung dulo ng buhok niya, "Aray! Ano ba! Bitawan mo nga 'yan! Aray!"

"Kung wala kang alam, bakit nasa'yo ang phone ni Psyche?!"

"Nakita ko 'to sa ilalim ng upuan ni Psyche sa bus! Ibabalik ko lang! Baliw ka ba?!" Napabitaw ako sa buhok niya. Agad naman niya itong inayos.

"Totoo ba?"

"Pucha! Oo nga eh! Ang kulit mo rin eh nu?! Bakit naman kita pagtatangkaan?! Anong mapapala ko run? Tsss..." Tuluyan na siyang pumasok sa classroom.

Kung hindi siya... sino?!

Dumiretso muna ako sa locker ko para kunin 'yung mga libro ko pero imbes na libro ang makita ko, puro sulat na pangungutya, mura at pang-iinsulto. Nag-vandalize sila sa locker ko?! Shit! Ano bang kailangan nila?! Sino ba sila?!

"Ericka! Nakita mo na ba 'yung CR ng girls?! Ang daming vandals tungkol sa'yo!" Sabi nung isang kaklase ko.

Pumunta ako sa CR at totoo nga... puro vandals na katulad ng mga nasa locker ko. Puro insulto at mura rin. Sumikip ang dibdib ko sa mga nakita ko. Hindi ko ine-expect na may taong labis ang galit sa akin.

Pero naisip ko -duwag siya. Dahil kung matapang siya, haharapin niya ako at hindi niya idadaan sa vandalism ang galit niya sa akin. Putangina niya! Makikita niya talaga!

Pumasok ako sa isa sa mga cubicles pero bigla na lang may bumuhos na magkahalong tubig at arina sa akin. Napatingala ako at nakita ko na lang 'yung nakasabit na timba sa tapat ko. Bullshit! Plinano niyang maigi 'to! Pero paano?! At sino?!

Dahil sa inis ko ay napasigaw na lang ako.

"PUTANGINA! KUNG GALIT KA SA AKIN HARAPIN MO 'KO! HUWAG MONG IDAAN SA ISANG

TIMBA NG TUBIG AT ARINA ANG PAGTATAPANG-TAPANGAN MO! GAGO KA! KUNG SINO KA

MAN, MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO! PAG NALAMAN KO KUNG SINO KA -IBABALA KITA SA

KANYON! NARINIG MO BA?! BWISET KA!" Sigaw ko.

Bigla na lang may sulat na isiningit sa ilalim ng pinto ng cubicle. Pinulot ko iyon at agad na lumabas para makita kung sinong naglagay nun. Nakita ko 'yung isang babae na second year ata? Parang familiar siya eh, o kaya kamukha niya lang? Hinabol ko siya at hinigit ang braso.

"Ikaw ba ang naglagay neto?!" Tanong ko sa kanya sabay pakita ng sulat.

"O-Opo." Sagot niya.

"Ikaw ang may gawa nito sa akin?!"

"H-Hindi po... wala po akong alam. Hindi ko nga po kayo kilala eh. Nilagay lang po 'yan sa locker ko, kasama nitong note." Pinakita niya sa akin 'yung white sticky note na may nakasulat na, 'Slip the letter in the last cubicle'

"S-Sige po, m-may klase pa po ako." Tapos nag-walkout na 'yung babae.

Fvck! Sino ba?! Binuksan ko 'yung sulat at mas naguluhan ako sa nabasa ko...

"It's payback time, Missy."

####################################

{ TBUP -26: Answer Key }

####################################

{ TBUP -26: Answer Key }

Break muna sa paghahanap nung mga haters ko. Exam kasi namin ngayon, at unfortunately hindi ako nag-review. Sino ba kasing boba ang magre-review?! Walang kwenta 'yan! Stock knowledge lang mga dre! Ako pa! Matalino kaya ako. Mwhahaha! Sa ngayon, kakain mun ako!

"Hoy best! Ano, kilala mo na ba 'yung hater mo?" Tanong ni Carmeen sabay upo.

"Kung kilala ko na siya -sana may pinaglalamayan na sa D-High ngayon." Kalmado kong sagot sabay kagat sa chicken sandwhich ko.

"Eh, nagreview ka na ba?"

"Ako? Kailan pa ako nag-review?! Best naman! Parang 'di ka na nasanay sa akin!"

"Ay oo nga -sanay na sanay na ako lalo na 'pag pinapakita mo 'yung test paper mong may malaking bilog sa bandang itaas. Tsk tsk..." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Best.

Tyaka na lang ako magse-seryoso sa pag-aaral, kapag college na. Para solb 'di ba? Hehe.

Tatambay na sana kami ni Best sa classroom para manggulo ng mga nerds na nagre-review nang bigla akong tawagin ni Nurse Kim -wow! Himala pumasok siya?!

"Pakidala naman 'to sa faculty room, please? Yan 'yung listahan ng mga gamot na dapat bilhin sa clinic.

Sige ha. Salamat!" Tapos nag-wave siya at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Best at halatang gulat kami sa inasal ni Nurse Kim.

"Blooming si Nurse Kim." Sabi ni Carmeen.

"Baka may bago ng love life?"

"Siguro nga. Tara na, samahan na kita sa faculty room." Sabi ni Carmeen.

So pumanhik kami sa hagdan at nagtungo sa faculty room. Habang naglalakad kami eh bigla na lang may bumunggo sa aking babae na halos matakpan na ang buong mukha niya ng mahaba niyang buhok. Muntik na nga akong matakot eh, mukhang sadako dre! Pero agad naman siyang nag-sorry kaso sobrang hina ng boses niya. Hindi ko na lang pinansin at tumuloy na ako sa faculty room at nilapag 'yung listahan.

Pagkatapos nun dumiretso na kami sa classroom namin. Tamang-tama nga eh kasi magsisimula na

'yung exam. Kakaiba 'tong exam ngayon kasi -puro math lang. Bwiset nga eh. Sabi nila konsiderasyon na raw 'to kasi alam nilang mahirap 'yung math. Next week na lang 'yung exam sa buong subject. Math lang daw muna.

At dahil wala talaga akong alam sa math, habang 'yung mga kaklase ko eh halos maubusan na ng hiningi sa kaka-solb eh ako nakamasid lang. Wala naman akong makopyahan dahil 'yung teacher ko nasa harap ko! Kaya nagkunwari akong nagso-solb, pero ang totoo nagdra-drawing lang ako at naglelettering xD

Nung matapos 'yung exam, ang linis ng test paper ko -ultimong pangalan ko 'di ko sinulat. As in walang bahid ng ballpen! Nagtataka nga si Ma'am eh, pero wala akong paki, kesyo 'di ko nga alam 'di ba? Kaya eto ako ngayon, may nakuha na namang panibagong itlog. Lol.

Bigla ko na lang narinig 'yung kaklase ko na nasa kabilang side, alam niyo 'yun? Yung upuan ko, tapos

'yung aisle tapos 'yung upuan niya -gets? xD Nasilip ko 'yung test paper niya at naka-10 out of 50 lang siya. So ngumawa na siya niyan? Ako nga zero pero NR lang eh! Tsss... at dahil walang naaawa sa kanya, iniabot ko na lang 'yung panyo ko.

"Ma'am!" Tawag nung isang kaklase ko na nasa bandang last row.

Tumingin ako sa kanya at itinuturo niya 'yung bulsa ko. Tinignan ko 'yung bulsa ko at may naka-usling papel. Binuksan ko 'yun...

PAKINGSHET! ANONG GINAGAWA NG ANSWER KEY DITO?! AY NAKANANG POTA!

Lumapit sa akin 'yung teacher ko at hinablot 'yung answer key sa akin. Shet!

"To the office! NOW!" Sigaw nung teacher.

Ako? Wala lang, nakatingin lang sa kanya. Shocked pa rin pero nung nanlisik na 'yung mga mata niya eh nagsimula na akong gumalaw at pumunta sa Principal's Office.

"Anong ginagawa ng answer key sa bulsa mo Miss Artemis?!" Tanong ni Principal.

"Aba malay ko?! Baka nagkakape, tanungin niyo na lang siya." Pilosopo kong sagot.

"Pilosopo ka ah!"

"Hehe. Buti alam ninyo. Thank you!" Sabay ngiti.

"Kung ayaw mong ma-expelled, sagutin mo ang tanong ko."

"Eh hindi ko nga alam eh! Hindi ko 'yun kinuha Sir! Ni hindi ko nga nasagutan 'yung test ko eh! Kung ginamit ko 'yun at alam kong nasa bulsan ko iyon eh 'di sana perfect ko 'yung exam! Pero hindi eh!

Bopols naman oh!" Sagot ko. Inaakusahan nila ako ng cheating? Bakit 'di nila tignan 'yung papel ko?!

Pucha!

"Paano napunta 'yun sa'yo?"

"Baka nag-tricycle papunta sa bulsa ko?"

Napabuntong hininga si Principal at halatang hinahabaan ang pasensya nito, "Sagutin mo ako ng maayos Miss Artemis, please lang."

"Hindi ko nga alam! Yung bulsa ng palda ko, panyo lang ang laman nung umalis ako ng bahay! Hindi ko naman alam na may lintek na answer key dun eh! At pramis! Hindi ko 'yun nilagay o ninakaw sa faculty room! Pramis Sir! Cross my heart! Mamatay ka man!"

"Sht!" Hahahaha! Nagmura si Sir oh! Lol, "Pero bago ka pumunta sa room ninyo eh pumunta ka ng faculty room. Baka naman kinuha mo run?"

"Putangina! Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko kinuha?! Ni hindi ko nga nakita 'yang mga answer key na 'yan sa faculty room eh!" Sagot ko. Taeng 'yan!

"Calm down Miss Artemis! Parang hindi ka babae kung magmura ka ah! And come to think of it, nasa harap ka ng Principal ng school mo!" Sabi niya sa akin.

"And so? May pinipili na pa lang kasarian ang pagmumura? Wow ha, ngayon ko lang nalaman!" Sabay irap ko.

"Hindi kita ie-expelled, but you're suspended for 1 week. Kailangan mo ring maglinis ng buong campus ngayong araw. Understood?"

Ay bwiset! Wala akong kasalanan pero maglilinis pa ako?! Okay na 'yung suspension sa akin eh! Hindi na ako papalag 'dun pero 'yung paglilinis ng buong campus?! Takte! Sunugin ko pa 'tong buong school eh! Shet!

Lumabas na ako ng office, tatakas ako! Hindi ako maglilinis! Psh! Asa naman 'yung panot na 'yun na mapaglilinis niya ako! NEKNEK NIYA!

Paglabas ko eh nakita ko si Psyche na nagvavandal ng pintuan at walls ng Principal's office. Anyareee

'dito?!

"Anong ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Vandalism?" Sagot niya.

"Shunga ka ba?! Gusto mong ma-expelled?! Principal's office kaya 'to!"

"Sus! Expelled, expelled! Kung ikaw nga cheating ang kaso, suspended lang ng 1 week eh! Vandalism pa kaya?"

"Bakit mo nga kase ginagawa 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Suspended ka ng 1 week 'di ba?" Tumango ako, "Ginawa ko 'to para ma-suspend din ako. Para magde-date na lang tayo ng isang linggo, saya nun nu?" Ngumiti siya tapos pumasok sa Principal's office.

What the?! Baliw na ba si Psyche?! Baliw na ba siya?! Baliw na ba siya sa akin?! Lels. Mwhahaha!

Hindi ko naman ine-expect na ganun siya. Pero natutuwa ako kahit papano -kahit naiinis ako kasi pinaglilinis ako ng buong campus. Amf =________=

Lumabas si Psyche nang tuwang-tuwa.

"Suspended ka?" Tanong ko sa kanya.

"1 week bebe! 1 week! Atin ang isang linggo Ericka!" Tapos binuhat niya ako.

Ang autistic talaga neto! HAHAHA! Sige, dun ko na lang siya sasagutin sa isang linggong date namin.

Mwhahahaha! Worth it naman pala 'to :D

####################################

{ TBUP -27: Kidnap My Heart }

####################################

{ TBUP -27: Kidnap My Heart }

1 week akong suspended kaya nandito ako sa bahay, nood-nood lang din ng TV. Ang boring nga eh, bad trip! Ang masaya lang sa pagiging suspended ko eh 'yung hindi ako maagang gigising para pumasok, pero all in all? Ang boring! Wala pa akong mahulaang mga couples! Kaasar =_____=

Ano kaya kung pumasok ako nu? Tapos sa clinic ako mag-stay or sa canteen? Di naman ako mahuhuli nung principal 'di ba? Aish! Wala na talaga akong magawa sa buhay ko! Laslas? Lol, de joke lang.

Si Mama naman naglalaba. Ay parang ang sama ko naman kasi hindi ko siya tinutulungan! Pero... tamad ako eh! >________<

*beep beep!* Cellphone ko, tumunog. May nag-text!

So binuksan ko 'yung message sa phone ko. Ay oo nga pala! Di ba sabi ni Psyche magde-date kami?

So asan 'yung date? Tengene, yung na lang ang pag-asa ko para hindi ako mamatay sa boredom eh!

From: Psyche-ii baby :)

|Labas ka sa bahay niyo. Bilis!|

Ito na ba 'yung date? Takte, bigla akong kinilig. Wooo! Oo nga pala, plano ko na siyang sagutin ngayong week, depende sa kakalabasan ng date kung maganda pero kung hindi eh 'di busted! De joke lang... nasa akin na nga papakawalan ko pa? The hell, no way!

Agad akong pumwesto sa harap ng salamin at nagsuklay. Nag-ayos ayos din ng konti. Konting lipstick, blush on at kung ano-anong make-up. Nagpalit din ako ng damit ko. Jeans lang, gray loose shirt at sky blue doll shoes. Okay na 'to.

Lumabas na ako sa gate namin, pagkalabas ko naman wala naman akong nakitang Psyche sa paligid, wala ring kotse. Ako ba pinaglololoko nung gagong 'yun? Nag-ayos pa naman ako ng bonggang-bongga para sa kanya tapos paghihintayin niya ako?!

"Anak ng pu-"

Bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko at unti-unti na lamang akong nawalan ng malay...

--Psyche's Pov--

Aish! Ang tagal magising ni Ericka =____= Ilang oras na ba siyang natutulog? Dalawa? Tatlong oras?

Grabe! Ang dami ko pang gustong puntahan kasama siya tapos puro tulog ang ginagawa niya? No!

Kailangan na niyang magising.

Kaya pinisil-pisil ko 'yung magkabilang pisngi niya.

"Hmmmm..." Sabay alis niya sa kamay ko pero nakapikit pa rin.

"Gising ka na, marami pa tayong gagawin." Bulong ko sa kanya.

"Mmm... maya na." Pilit pa rin niyang tinatanggal 'yung kamay ko.

At dahil trip ko siya ngayon, mas nilakasan ko pa 'yung pagpisil sa pisngi niya. Ewan ko lang kung hindi siya magising. Tsk tsk...

"ARAY!" Sigaw niya. At sa wakas! Dumilat na rin siya!

"Bakit ba istorbo ka?! Kita mong ang sarap-sarap ng tulog ko eh." Umayos siya ng upo sa kama.

Kinusot-kusot niya 'yung mata niya at bigla na lang iyong nanlaki nang maigala niya 'yung mga mata niya sa kwarto. Hehe. Expected ko na 'to.

"Taena! Saan mo 'ko dinala?!" Tanong nito.

"Aklan?" Sagot ko.

"AKLAN?! TEKA! ANG LAYO NUN AH?! PAANO?! BAKIT?! PAANO SI MAMA?!" Natatarantang tanong nito.

"Relax." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, "Una sa lahat, pinaalam na kita sa Mama mo, kumuha na ako ng damit mo at hiniram ko 'yung private chopper ng Tito ko para makapunta tayo rito."

Paliwanag ko sa kanya.

Natulala siya, "Pero... gabi na?"

"Yup! Don't worry, mas maganda ang Bora kapag gabi." Then I smiled at her.

"WHAT THE?! Tayo lang... dalawa? Dito?" Para siyang namutla habang tinatanong iyon.

"Well, kahit gustuhin ko mang tayo lang dalawa... sinama ko 'yung maid namin."

"Pero... teka! Ikaw 'yung nagtakip ng bibig ko?!"

"Oo."

Bigla na lamang niya akong pinaghahampas ng unan. Problema nito?!

"Walanghiya ka! Natakot kaya ako nun! Akala ko, kidnapper na! Tapos ikaw lang pala! Bad trip ka! I hate youuuuuuuuuu~!" Sigaw niya sa akin habang hinahampas ako ng mga unan.

Hinawakan ko ng mahigpit 'yung dalawang kamay niya, "Ano ka ba! Ginawa ko lang naman 'yun para isurprise ka eh."

Umirap siya, "Tsss... so ganyan ka pala manligaw? Nangingidnap?"

Natawa ako sa sinabi niya, "Yep, maybe? 'Cause I'm planning to kidnap your heart tonight, darling."

Sabay halik sa pisngi niya.

At unti-unti kong nakita ang page-evolve niya sa pagiging isang kamatis. Hahaha! I just made her blush!

--Ericka's Pov--

"Yep, maybe? 'Cause I'm planning to kidnap your heart tonight, darling." With matching kiss sa cheek!

What the hell! Pigilan niyo ako! Pigilan niyo akong halayin 'tong lalake sa harap ko! Tanginaaaaaaaaa~!

Yung puso ko ayaw nang kumalma! Parang gusto nang lumabas! Ano ba Psyche! Matagal mo nang nakidnap 'tong puso ko ulol ka! Pinipigilan ko talaga 'yung kilig ko pero nakita ko si Psyche na parang nangiti ng bonggang-bongga habang nakatingin sa akin! Uwaaa! Baka nakita niyang nagblu-blush ako?!

Taena, ang landi-landi ko na sa lagay na 'to eh!

"You're beautiful." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

Chos! Matagal ko nang alam na maganda ako nu! Dyosa nga eh! Pero bakit ganun? Pag si Psyche

'yung nagsabi parang ang saya? I mean -ang saya-saya! Feeling ko totoong-totoo at walang halong pange-echos! Para tuloy akong nakikinig ng drums kasi 'yung puso ko ang lakas ng tambol! Nakuha pang mag-superbass! Lol.

Ay pero wait, anong gagawin namin dito sa Aklan? Gagawa ng...? Taena, ang dumi ng utak ko

>_________<

"Kaen na tayo." Sabi sa akin ni Psyche sabay hawak pa sa kamay ko.

Damn! Tigil-tigilan mo 'ko Psyche, parang awa mo na! Pakalmahin mo naman 'tong puso ko please?

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag pinagpatuloy pa niya 'to eh! Maya-maya bumulagta na lang ako rito nang dahil sa heart attack! Oh my gosh!

"Okay." Yun na lang ang nagawa kong maisagot eh. Tsk tsk...

So ayun, kumakain lang kami. Ako? Eto medyo natu-tulala dahil hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.

Nagpla-plano na ako kung paano ko pa magagawang itago 'yung kilig na nararamdaman ko eh. Pero bakit ko nga ba itatago 'yung kilig kung alam ko namang hindi ko kaya? Aish! Ang hirap ng ganito!

"Masarap ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango na lamang ako at nanatili sa pagkain.

"May nadala ka nab a rito?" Tanong ko sa kanya.

"Yep." Ouch! Tengene, inaasahan ko pa naman ako 'yung una eh! Saklap dre! "Si Selene, kaso hindi niya nagustuhan kaya umuwi kami kaagad."

"Ahhh..."

Ang chaka nung Selene na 'yun ha! Ang ganda kaya ng Aklan at isama mo pa ang Boracay! Tapos inayawan lang niya?! Echoserang froglet! Siguro hindi 'yung lugar ang ayaw niya, siguro 'yung tao? Tsk tsk... nga naman. Pag hindi mo talaga mahal at wala kang ka-amor amor dun sa taong nasa paligid mo eh halos ipagtabuyan mo na lang sila =______=

"So bakit nga tayo nandito?" Tanong ko.

"Wala lang..."

"Wala lang?! Ang layo-layo kaya ng Aklan! Tapos dinala mo ako rito, dahil wala lang?! Tell me, SABOG

KA BA?!"

Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin, "Ayaw mo 'yun? Malaya mong magagawa ang matagal mo nang inaaasam na gawin sa akin." Sabi niya tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

Seryoso ka ba Psyche? Binibigyan mo na ako ng permisong galawin ka? Halayin ka? What the?!

Nakakainis naman 'tong pinag-iiisip ko! Walanghiyang utak! Di ko na keri 'to!

"So manyak ka na ngayon?" Ako.

"Gusto mo ng sample?" Omaygash! Yan na naman 'yung nakakaloko niyang ngiti!

Hindi na lang ako sumagot at sa halip ay binuhat ko na 'yung pinggan ko papuntang kusina para hugasan. Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Psyche sa bewang ko. Binigyan niya ako ng isang mainit-init na backhug! Gaaash!

"Bakit ganun? Ang lapit-lapit mo na sa akin pero bakit parang wala pa rin? Ang cold mo pa rin sa akin."

For the first time, naramdaman ko ang matinding lungkot kay Psyche. Yung way ng pagsabi niya parang ang bigat-bigat ng pinapasan niya eh. Parang kahit nakangiti siya kanina, ang lungkot-lungkot niya pa rin. Bakit? Dahil sa nararamdaman niyang cold ako sa kanya? Dahil feeling niya hindi tumatalab sa akin

'yung mga ginagawa niya? Bakit? Kasi hindi ko pinapakitang kinikilig ako?

Damn! Kung alam niya lang kung bakit! Ayoko lang kasing maging simpleng babae na basta-basta na lang ipapakitang kinikilig sila eh. Nakakaumay kaya 'yung mga ganun! Tyaka kahit naman hindi ko sabihin -sobrang naa-appreciate ko 'yung mga ginagawa niya eh. Hindi lang talaga ako showy sa mga nararamdaman ko.

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng mabilisang halik.

"Isipin mo na lang bonus 'yun." Sambit ko.

Nagpatuloy ako sa paghuhugas ng pinagkainan ko habang nakangiti. Sana naman kahit papaano naibsan ko 'yung lungkot na nararamdaman niya.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan inaya na ako ni Psyche lumabas para makita ang beach sa gabi. Kahit excited ako eh naramdaman ko nang inaantok na ako kaya pinili kong ipagpabukas 'yun pero siya? Nagpupumilit =______=

"Sige na please? Mas maganda ang Bora 'pag gabi, pramis!" Excited niyang sabi sa akin.

"Papasyal tayo tapos mapapagod ako?" Mataray kong tanong.

"Eh 'di papasanin na lang kita habang pumapasyal tayo!"

"Totoo?" Tumango si Psyche, "Sige na nga. Basta, pasanin mo 'ko ha?"

At 'yun na nga. Mula run sa resthouse nila hanggang sa makarating kami ng beach eh nakapasan ako sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam. Bukod sa hindi ako napapagod, kinikilig pa ako! Hahaha! Bakit ba ang swerte ko kay Psyche? But again, ito na naman 'yung tanong eh...

...hanggang kailan naman kaya 'to?

Nakakatakot isipin na baka bukas o sa makalawa bigla na lang magbago si Psyche sa akin. Baka sa susunod, wala ng ganito. Hindi na siya sweet, hindi niya na ako pagtygaan... baka sa susunod magsawa siya tapos iwanan niya na lang ako. Nakakainis!

"Ang bigat mo pala! Tsk tsk... baka maging baboy ka na niyan?" Sabi ni Psyche.

"What the?! Ibaba mo 'ko rito, gago! Ang sarap-sarap ng pinapakain mo sa'kin tas sasabihin mong mabigat ako?! Baka naman sinasadya mo 'yun para kapag tumaba ako eh wala ng magkagusto sa akin?"

"Pwede rin. Pero okay lang, ako ang magmamahal sa'yo kahit maging baboy ka pa." Tapos ibinaba niya ako. Umupo kami sa tabing dagat.

"Bwisit ka." Sabay irap.

"Ang sarap mong asarin, bebe." Tapos kinurot niya ako sa pisngi.

"Aray! Gago ka talaga!"

"Pero alam mo kung anong pinakamasarap?" Tinignan ko siya at waw ang seryoso ng fes! "Ang mahalin ka."

Watdapak! Kyaaa~! Siguro kung careless ako at hindi nagpipigil ng kilig eh baka kanina pa ako nalunod dito! Baka kanina pa ako nagtatalon at baka kanina pa ako naihi sa suot ko! Taena Psyche! Ang sweetsweet mo! Pucha! Gusto kong sumigaw!

At dahil mahirap magtago ng ngiti eh hindi ko na napigilan ang ngumiti pero syempre umiwas ako ng tingin. Dyahe kaya!

Ay teka, babawi ako xD

"Psyche!" Tumingin ito sa akin, "Mahal na mahal..." Unti-unti kong nakita 'yung ngiti sa labi niya kaya naisipan ko munang pagtripan siya :)))))

"...ang gasolina sa Pilipinas! Hahahahaha!" Tapos tumawa ako ng bonggang-bongga.

"Tsss..." Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Psyche. Napabaling na lamang siya ng tingin sa dagat.

"Pero syempre... mas mahal na mahal kita." Hindi kasi niya ako pinapatapos =_______=

Agad siyang napatingin sa akin at ngumiti, yung halos mapunit na 'yung labi niya sa ngiting meron siya ngayon. Hahahaha! Ang gwapo ni Psyche :""> At ang sweet ng atmosphere! Samahan mo pa ng setting! Taena, pwede nang pang-star cinema!

"So sinasagot mo na ako niyan?"

"Tsss... hindi pa! Excited."

"Aww, eh kelan?"

"Ewan ko?" Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya at tumakbo na pabalik ng resthouse. Hintay hintay muna Psyche. Malapit na!

***

The next day, niyayaya ko nang umuwi si Psyche sa Manila. Bad trip kasi pinapauwi na ako ni Mama

T__________T Nage-enjoy pa sana ako ngayon eh kaso sabi ni Mama... miss na niya ako, de joke lang, sabi niya wala raw magbabantay sa bahay kasi may importante siyang pupuntahan mamayang gabi kaya kailangan nandun na ako bago pa siya makaalis ng bahay.

"Psyche... uwi na tayo please? Magagalit na si Mama."

"Sa isang kondisyon..." Tapos napangisi ito.

"Anong kondisyon na naman 'yan?"

"Wala... sige uwi na tayo." Tapos kinuha niya na 'yung mga bag namin.

"Uyy ano ba 'yun?" Tanong ko habang sinusundan siya papuntang chopper.

"Huwag na. Ayaw kitang pilitin. Maghihintay naman ako eh." Wait, nagtatampo ba siya?

"Ano ba kasi 'yun?!" Pagpipilit ko sa kanya.

Pero hindi niya ako kinibo dahil patuloy lang siya sa pag-aayos ng mga bag sa loob ng chopper. The hell! Ayoko ng ganito! Ayoko ng nagtatampo sa akin si Psyche! Hindi pa nga nagiging kami may LQ na?! Paano na kaya kung naging kami? Nang dahil lang sa hindi niya sinabi 'yung gusto niya kaya magaaway na kami?! Tengene ano ba?!

"Hoy kibuin mo nga ako! Ano bang gusto mo?"

"Kalimutan mo na. Sige, tawagan ko lang 'yung piloto nito."

Kinuha niya 'yung cellphone niya sa bulsa niya pero agad ko itong hinablot at agad na nilapat ang labi ko sa labi niya. Ayaw niyang sabihin eh daanin sa dahas! Tangina okay nang masabihang malandi huwag lang mawala si Psyche! Taena, ayokong nag-aaway kami eh. Hindi ako sanay makita siyang nagtatampo or what!

"Hindi ako uuwi sa Manila hangga't hindi mo sinasabi sa akin 'yung gusto mo." Sabi ko sa kanya.

"Gusto ko sanang... gusto ko sanang maging tayo na eh. Pero okay lang! Hindi mo naman kailangang magmadali! Hindi kita pinipilit! Kayak o pa namang maghintay eh..." Ayan na naman 'yung malungkot niyang tono ng pananalita. Agad tuloy ako nakapagpakawala ng buntong hininga.

"Psyche... Oo na."

"Yeah oo, hindi ko kailangang magmadali. Hehe." At napakamot na lamang ito sa batok habang tumatawa ng pilit.

"Sabi ko -oo na! Sinasagot na kita! Ang slow mo!"

Nanlaki ang mata niya sa narinig, "ANO?!"

"Shunga sabi ko oo na! Tayo na! Okay na ba 'yun ha, Psyche-ii baby?"

"Sigurado ka? As in?! Baka naman napilitan ka lang or nakulitan ka lang sa akin... o baka na-"

"Pag nagsalita ka pa, babawiin ko 'yun!"

"Thank you!" At hinalikan ulit niya ako, "Tara uwi na tayo sa Manila! Magdo-door to door ako sa mga kakilala natin para lang sabihing tayo na!"

At ayun, umuwi kami ng Manila ng muntanga. Muntanga dahil sa kilig! Uwaaa~! Kami na ni Psyche!

Kami na talaga! So pagkatapos nito, ngayong kami na, ano naman kayang susunod na mangyayari?

Alam ko, marami kaming makakaharap na problema at obstacles gaya ng napapanood ko sa TV at nababasa sa mga libro pero sana kayanin namin. Para tuloy-tuloy na sa kasalan.

Ay tangina, kakasagot ko pa nga lang kasal na kaagad? Hindi naman halatang excited ako 'di ba?

=_______=

"Psyche!" Tawag ko sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay, "Mas mahal ka rito," sabay turo ko sa puso ko, "kesa sa gasolina!"

"Tsss... Mas mahal rin kita kahit sa ano pa man! Pumasok ka na sa loob, baka kidnapin pa ulit kita!"

Haaay... Psyche, hanggang kailan ka magiging ganito? Hanggang kailan ako magiging masaya?

Hanggang kailan tayo tatagal?

####################################

{ TBUP -28: Thank you }

####################################

{ TBUP -28: Thank you }

--Scarlet's POV--

Damn! Bad trip talaga 'tong Chron na 'to! Anong oras na ba?! Quarter to 8 na! At anong ginagawa namin? Tumatapos pa rin ng mga papers para sa Organization! Bad trip na! Gusto ko ng umuwi at magpahinga pero ayaw pa rin akong pauwiin nitong gagong 'to. Watdapak! Nakakainis na eh! Kanina pa kami rito pero tambak pa rin ang gawain! Bwisit >________<

"Hoy! Anong oras ba tayo uuwi?! Hindi ka ba aware na malapit ng mag-8?!" Tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagsusulat.

"Ang dami-dami pang trabaho. Hindi pa pwedeng umuwi." Seryoso niyang tugon.

"Eh paano naman ako?! Gabing-gabi na kaya!"

"Eh 'di ihahatid kita. Kailangan nating tapusin 'to."

Ihahatid niya ako? Di ba ginagawa lang 'yun ng mga nagliligawan or magboypren at girlpren? Aish!

Nakakainis! These past few days palagi na lang kaming magkasama ni Chron -palagi niyang rason kasi raw secretary niya ako kaya dapat kung nasaan siya nandun din ako. What the hell 'di ba?! Ano 'yun yaya na ang dating ko?! Walanjo! Super duper mega ultra BAD TRIP!

Ilang sandal pa ay biglang kumatok si Manong Janitor.

"Mr at Miss, kailangan niyo nang lumabas sa campus. Ilo-lock ko na kasi 'tong room at 'yung buong school para na rin makauwi na ako."

Oh yes! Makakauwi na ako sa wakas! Maraming salamat Manong! Maraming salamat because you saved me from this monster! Takte, kung hindi pa siguro dumating si Manong janitor eh baka mga alas dose na kami makakauwi. Yes! I'm free!

"Sige po Manong, bigyan niyo na lang kami ng 5 minutes para mahakot 'tong mga trabaho namin."

Tapos tumango si Manong janitor.

Ay wait... MAHAKOT?! Di ba dapat iiwan dito 'yan?! Damn parang hindi maganda ang kutob ko rito ah...

"Di ba dapat iwanan natin?"

"Hindi NATIN pwedeng iwanan 'to." NATIN?! What the hell? What do you mean?! "Itutuloy natin 'to sa bahay namin. Kailangan ko na talagang matapos 'to. Lagot na ako kay Mrs. Perez 'pag hindi ko pa natapos 'to. Baka tanggalin niya ako sa Student Council."

Paawa epek? Wala! Hindi uubra sa akin 'yan! Takte kailangan ko ng umuwi, okay? Kailangan ko pang gumawa ng assignment ko sa Chemistry at 800 words na essay! Kung para sa kanya, madali yun, pwes sa akin hindi!

"So sasama pa ako sa bahay niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot niya habang sinusuot 'yung bag niya.

"Ano?! Ayoko nga! Uuwi na ako! Bahala ka sa buhay mo! Tapusin mong lahat 'yan! Basta ako, uuwi na!"

Agad kong kinuha 'yung bag ko at tumakbo papalapit sa door knob nang bigla siyang nagsalita...

"Iiwan mo ako?"

Alam niyo 'yung tono na parang nagpapaawa ng bonggang-bongga?! Yung parang batang ayaw mong isama sa lakad mo kaya nagpapaawa ng parang aso?

Relax lang Scarlet. Inhale, exhale! Huwag kang maaawa! Pakialam mo ba kung hindi niya matapos

'tong mga gagawin niya? Pakialam mo ba kung matanggal siya sa Student Council? Pakialam mo ba kung malungkot siya at -Damn! Malulungkot siya!

Yaaaa! Hindi ko na alam ang gagawin ko! >______________<

Lumingon ako sa kanya at 'yung aura niya! Gash nakakaawa! Pagod na pagod na ewan! Puteeek!

"Oo na! Akin na nga 'yan!" Tapos kinuha ko 'yung hawak niyang mga papel. Yung kalahati lang ng pile syempre.

Naglalakad lang kaming dalawa papalabas ng school eh hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Sigurado ako, super stressed na siya at feel na feel ko ang pagod niya. Hindi ko alam pero kapag naiisip ko 'yung dapat na gagawin ko mamaya, 'yung pagtakas sa kanya eh nakokonsensya ako. Siguro kung iniwan ko siya baka mamatay siya sa sobrang pagod.

Haays, kelan ba ako nagkaroon ng simpatya sa taong 'to? Wala lang naman siya sa akin 'di ba?

Kakilala ko lang siya, kaklase ko lang siya, 'yun lang naman 'di ba? Ni hindi ko nga siya kaibigan eh.

Hindi ko ine-expect, walking distance lang pala 'tong bahay nila Chron.

"Tatawid na tayo." Sabi niya.

Ano raw? Tatawid? Bakit tatawid pa? Anong...?!

Buset hindi ko alam tumawid!! Shit!

"Bakit tatawid pa?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Kasi, 'yun na po 'yung bahay namin." Sabat turo niya sa bahay nila na nasa tapat na namin kaso kailangan pang tumawid.

Nauna na siyang naglakad at tumawid pero ako para pa ring nasemento sa kinatatayuan ako. Damn!

Hindi ko alam tumawid! Takot akong tumawid! Tapos ang dami-dami pang sasakyang dumadaan!

Paano kapag namatay ako?! Paano kung nabundol ako katulad ni -

"Hoy bilisan mo nga!" Utos niya sa akin.

Sht nanginginig na ako. Naaalala ko na naman 'yung nangyari sa kanya. Nabundol siya nung tumawid siya...

Hindi... ayoko... ayokong tumawid... Sht.

--Chron's Pov--

Nakatawid na ako mula sa kabilang side ng kalsada pero si Scarlet hindi pa rin sumunod. Akala ko ba ayaw niyang magabihan? Eh bakit ayaw niya pang sumunod? May sira talaga 'tong babeng 'to kahit kailan.

Pilit ko siyang tinitignan kasi wala namang ilaw dun sa kinatatayuan niya kaya medyo hindi ko siya makita. Ano bang nangyayari 'dun?

"Akala ko ba ayaw mong magabihan?!" Sigaw ko sa kanya.

Pasalamat na lang ako at maraming sasakyan ngayon at 'yun ang nagsisilbing ilaw sa mga daan kaya medyo naaninag ko siya ng konti. Andun lang siya, nakatayo na animo'y nanigas at nakatingin sa daan.

Iling siya ng iling at mukhang kinakabahan.

What the hell is happening to her?!

Hindi na ako nakatiis at tumawid ulit ako papunta sa kanya.

Teka, bat naman umiiyak 'tong babaeng 'to? Anong ginawa ko?! Aish! Hindi niya naman dapat piltiin kung ayaw niyang mag-stay sa bahay namin at tulungan ako sa mga trabaho ko eh. Bakit kailangan niya pang umiyak? Akala ko ba matapang 'to? Nang dahil lang sa late na siyang makakauwi kaya siya umiiyak? Wow lang =________=

"Bakit ka ba umiiyak?!" Hinawakan ko 'yung braso niya, "Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na. Huwag

'yung dinadramahan mo pa 'ko rito."

Hindi siya umimik sa halip ay mas humagulgol pa siya. Ano ba talagang nangyayari? Takas ba siya ng mental? Ayaw na ayaw ko pa naman ng mga babaeng umiiyak. Tsk tsk...

Kaya no choice ako kundi ang yakapin siya. Hinaplos haplos ko 'yung buhok niya at hinagod ang likod niya.

Hindi ko alam kung anong klaseng yakap 'tong ginagawa ko sa kanya pero nagdulot 'to ng unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya, and I was amazed -when she hugged me back. Para akong na-ground nang ginawa niya 'yun. Parang may kung anong kuryenteng dumaan sa katawan ko, feeling ko tuloy isa na akong conductor. Tsss... science.

Naririnig ko pa rin ang bawat hagulgol niya. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magtanong kung bakit dahil bigla akong... kinabahan? Bakit?

"B-Bakit?" Nauutal kong tanong.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ko 'yung mukha niya gamit ng kamay ko.

Kinakabahan siya at nanginginig. Bakit? Ano bang meron?

Akala ko dati, marami na akong alam sa kanya, akala ko kilala ko na siya pero hindi pa pala. Hindi pa pala talaga. Bigla tuloy akong naging interesado sa buhay niya -sa kanya.

Paano ko nga ba makikilala ng husto ang isang katulad mo? Ha, Miss seductress?

Hinawakan ko ang kanang kamay niya, humakbang na ako pero hindi pa rin siya gumalaw nanginginig pa rin siya.

"Tumawid na tayo." Sabi ko.

Umiling lang siya. Takot na takot siya. Hindi kaya... hindi niya alam tumawid? Hindi kaya... takot siyang tumawid? Siguro kung hindi lang siya umiiyak ngayon eh baka kanina ko pa siya tinawanan -sino ba kasing mag-aakalang ang isang katulad niyang matapang eh takot palang tumawid? Pero iba ang sitwasyon ngayon, umiiyak siya at natatakot, parang mali naman sigurong tawanan siya hindi ba?

"Takot ka?"

Lalo ko pang hinigpitan 'yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Andito lang ako, hindi naman kita iiwanan eh. Hindi ka naman mabubundol 'dun. Pramis. Please, pwede na ba tayong tumawid?"

Kahit nanginginig siya nakita kong pinipilit niyang humakbang. Napangiti ako ng kaunti dahil dun.

Inalalayan ko siya. Pinatigil ko nga lahat ng sasakyan para sa kanya. Para lang makatawid siya. At after a couples of minute eh nagawa naming makatawid. Hindi na rin siya gaanong nanginginig gaya nung kanina.

Ano na kayang nararamdaman niya?

"Ayos ka lang?" Tanong ko rito.

"Salamat." Tugon nito.

Kahit simpleng 'salamat' lang 'yun parang big deal para sa akin eh. Bigla kasi akong napangiti nang dahil dun. Alam ko kasing kahit papaano may natulungan ako.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Oo nga pala, wala rito si Psyche. Ewan dun, porket suspended eh basta-basta na lang naglalayas. Kaya ako lang ang nasa bahay tapos 'yung mga maids.

Pumasok kami sa study room at doon ipinagpatuloy ang mga gawain namin.

At salamat sa Diyos ay bumalik na siya sa dati. *sigh*

"Oy oy, basta ihatid mo 'ko ha! Pag hindi mo 'ko hinatid pagkakalat ko sa buong student body na bakla ka!" Sigaw niya sa akin habang nagsusulat.

"Tss... para namang maniniwala sila sa'yo."

Napatigil siya sa pagsusulat at, "Sa ganda kong 'to hindi sila maniniwala sa akin?! Like duh!

Impossible!"

"Hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganda." Seryoso kong tugon.

"Psh. Talaga lang ha? Saan ang kwarto mo?" Tanong nito.

"Huh?"

"Sagutin mo na lang!"

"Yung katabi nitong study room. Yun ang kwarto ko."

"Tss! Sige, dyan ka lang ha?" Tapos tumayo siya at lumabas ng study room.

Ano na naman kayang gagawin nito?

--Scarlet's Pov--

Hindi daw nadadaan sa ganda ang lahat? What the?! Tignan ko lang kung hindi ka madaan sa ganda

Chron. Mwhahaha! *evil grin*

Pero sa totoo lang, takot talaga akong tumawid kanina. May phobia kasi ako run, simula kasi nung maaksidente siya eh natakot na akong tumawid. Kaya nga lagi akong may sundo eh, first time ko nga ulit maglakad papuntang ibang lugar nang wala 'yung sundo ko.

Mukha tuloy akong tangang umiiyak kanina. Sigurado pinagtatawanan na ako nung Chron na 'yun ngayon! Bwiset =______=

Pumasok ako sa kwarto niya at tumambad sa akin ang malaki niyang kama na puting-puti ang bed sheet! Waw! Kasya kaya kaming dalawa dyan? At magiging puti pa kaya 'yan kapag natulog kaming dalawa dyan? Lels -WHAT THE HELL?! Erase! Erase!

Pero ang ganda ng kwarto niya. Ang aliwalas lang tignan. Napatingin ako sa mga picture frames sa isang lamesa na katabi ng kama niya. Puro pictures niya kasama ang isang babaeng mahaba ang buhok na maputi na... oh sige na nga! Maganda -pero syempre mas maganda pa rin ako!

Ito kaya 'yung Selene? Tsss... mas maganda pa talaga ako. Di sila bagay -mukhang anghel 'to eh siya ubod sa kasamaan.

Napadpad ang tingin ko sa closet niya at agad ko iyong binuksan.

Mwhahaha! Tignan ko lang kung hindi nadadaan sa ganda ang lahat, Chron. Tignan ko lang talaga.

*smirk*

--Chron's Pov--

Ang tagal naman nung babaeng 'yun. Akala ko ba gusto na niyang umuwi eh bakit ang tagal-tagal niya sa kwarto ko? Anong ginagawa niya 'run? Ang dami pa kaya niyang trabaho rito! Takte baka hindi namin matapos ng isang gabi 'to!

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko nang biglang bumukas 'yung pinto at pumasok si Scarlet na nakasuot ng white polo ko na ginagamit ko sa school...

WHAT THE FUDGE?! Si Scarlet sinuot 'yung white polo ko? Seriously?! As in 'yun lang talaga 'yung suot niya! Walang palda, walang shorts! As in 'yung polo ko lang talaga kasi nga mahaba naman 'yun.

Taena, anong ginagawa niya?!

"H-Hoy! B-Bakit m-mo suot 'yan?! Hubarin m-mo nga 'yan!" Sht nauutal na ako!

Ngumisi siya, "Talaga? Gusto mong hubarin ko 'to? As in... ngayon na?" Tanong niya habang nakangiti ng mapanuksong ngiti! Sht seductress talaga 'to!

Pinagpapawisan na ako ng malamig. Sht, bat ang init?! Tangina may aircon naman dito sa study room ah?! Sht, sht, sht! Ayokong tumayo sa kinuupuan ko kasi baka makita niya 'yung ano... 'yung ano...

'yung reaction ng katawan ko sa ginagawa niya! Sht!

Ayokong magkasala! Tangina!

"Lumabas ka nga! Magpalit ka ng disenteng damit, please lang." Mahinahon kong pakiusap sa kanya.

"Ayoko nga." Ngumisi pa rin siya habang papalapit sa akin.

"Please, please lang lumabas ka na! Papauwiin na kita basta lumabas ka lang at magpalit ng damit.

Please."

"Tsss... kaya nga gagawin ko na 'yung trabaho ko 'di ba?" Papalapit siya ng papalapit. Damn! Isipin mo na lang si Selene! Isipin mong baka masaktan siya kapag hindi mo napigilan 'yung sarili mo! "Akala ko ba... hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganda?"

"Sht, lumabas ka na!"

"Bakit? Naa-arouse ka ba?!" Tanong nito sa akin.

Taena, bakit ba niya ginagawa 'to sa akin? Ako na nga 'yung tumulong sa kanya kanina nung hindi siya makatawid tapos ganito pa 'yung isusukli niya sa akin?! Bakit ba ang hilig-hilig niyang paglaruan ako?

Paglaruan ang mga lalake? Tangina lang dahil kahit naiinis ako sa kanya hindi pa rin maiwasan ng katawan kong mag-react sa pinaggagagawa niya!

At dahil sa sobrang inis ko at pagpipigil eh nasigawan ko siya.

"PUTANGINA! LUMABAS KA NA! OO, NANALO KA NA! NAPAGLARUAN MO NA AKO KAYA PWEDE

BANG LUMABAS KA NA DITO AT MAGSUOT NG MATINONG DAMIT AT BAKA KUNG ANO PANG

MAGAWA KO SA'YO!"

Panandalian siyang nagulat pero agad naman itong napalitan ng isa muling mapanuksong ngiti.

"Idiot, may cycling ako sa loob."

Agad siyang lumapit sa kinauupuan ko at pinitik ang nook o. Sht talaga 'to!

"Ang libog mo Pres." Tyaka siya lumabas ng study room nang humahalakhak na parang tanga.

Sht ang hilig niya talagang pag-tripan ako! Nakakainis =__________=

***

Ilang oras din ang ginugol namin para matapos 'tong tambak na trabaho. Natambakan na kasi ako nang dahil sa hindi na ako naging active, nawala ako sa sistema simula nung maging kami ni Selene, pero kahit ganun hindi ko siya sinisisi at hindi ako nanghihinayang. Plus, umalis pa si Bernadette kaya naging tambak din ang trabaho ng secretary.

Alas dose na nung natapos namin 'yung mga gawain. Kumain kami saglit ni Scarlet tapos nagpahinga ng konti. Ihahatid ko pa pala siya, pero paano ko siya ihahatid eh ang lakas-lakas ng ulan at ang taas ng tubig sa daan? Baha eh! Alangan naman na lumusong kami dyan?!

"Ang lakas ng ulan." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko."

"Hindi kita maihahatid."

"ANO?! Eh paano ako?! Papatayin ako ng mga magulang ko kapag hindi ako nakauwi!"

"Eh anong gusto mong gawin ko? Lumangoy ako sa tubig ulan para lang maihatid ka? Aba! Neknek mo!" Sagot ko sa kanya.

"Walangya ka! Ikaw ang nagsama sa akin dito tapos nag-promise ka na ihahatid mo 'ko tapos hindi mo tutuparin?! Gusto mong mabalatan ng buhay, ha?! Taena, ihatid mo ko!" Bulalas niya.

"Eh ang lakas nga ng ulan eh! Baha pa! Paano kita ihahatid?! Tyaka wala ng sasakyan sa labas! Wala rin dito 'yung kotse namin kasi ginamit ni Mommy at ni Daddy kaya huwag kang mag-inarte dyan!" Sabi ko sa kanya.

"Eh anong gagawin ko?!"

"Dito ka na muna mag-stay. Dun ka na lang sa kwarto ko at dun naman ako sa kwarto ni Psyche. Total, parang wala namang balak umuwi nung kapatid kong iyon." Sabi ko sa kanya.

Inirapan niya ako at napaupo na lang sa sofa. Kinalikot niya 'yung cellphone niya at nagtext.

"Sht, low bat!" Sigaw niya. "Pahiram ng cellphone mo!"

Dali-dali ko namang nilabas 'yung phone ko mula sa bulsa ko at inihagis sa kanya.

"Tangina, nag-cellphone ka pa wala namang load! Buset!" At napa-face palm na lamang ito.

Anong magagawa ko eh wala naman na akong tinatawagan at tinetext? Wala naman na si Selene kaya bakit pa ako magpapa-load? Aksaya lang 'yan sa pera =_______=

"Paano ako uuwi niyan?!" Pasigaw niya ulit na tanong.

"Dito ka na lang kasi matulog! Bakit ba ang kulit ng lahi mo?!"

"Eh... ayoko eh."

"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita gagapangin eh. I-lock mo pa 'yung pinto ng kwarto ko kung gusto mo."

"Malay ko ba kung may susi ka!"

Nilabas ko 'yung susi ng bahay at ng mga kwarto sa bulsa ko at inilagay ko sa kamay niya. Ang kulit eh.

Para namang gagapangin ko siya. Wag lang talaga niyang uulitin 'yung ginawa niya kanina sa study room dahil baka hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at maging instant rapist ako. Tsk tsk. Deep sht.

"Matulog ka na run." Utos ko sa kanya.

"K. Night." At naglakad na siya papunta sa kwarto ko.

Unti-unti na akong nakaramdam ng antok kung kaya'y tumungo na ako sa kwarto ni Psyche kaso -sht naka-lock! Na kay Psyche ang duplicate at na kay Scarlet naman 'yung mga susi. Paano na 'yan?

Mukhang tulog na 'yung babae sa kwarto ko? Ayoko naman siyang katukin or gisingin, baka sabihin niya ginagapang ko siya =_______=

Aish. No choice, sa sofa ako matutulog.

--Scarlet's Pov--

Nagising ako ng mga alas singko ng umaga. Dali-dali akong naghilamos sa CR sa kwarto ni Chron at inayos ang sarili ko. Uuwi pa pala ako sa bahay! Damn, may klase pa kami mamaya! Sht talaga!

Binuksan ko 'yung pinto at tumambad sa akin ang animo'y isang maamong tupang si Chron na natutulog sa sofa. Bakit dito siya natulog? Sabi niya sa kwarto ni Psyche? Shunga talaga 'to kahit kailan.

Inilabas ko 'yung sticky note na nasa bag ko. Buti na lang lagi ko 'yung dala. Sinulatan ko 'yun at idinikit sa noo ni Chron. Hahaha! Bahala na siya dyan. Ciao~!

--Chron's Pov--

Nagising na ako nang wala na si Scarlet sa kwarto ko. Tinanong ko kay Manang kung nasaan siya pero hindi raw nila alam. Baka naman umuwi na siya? Tsss... 'di man lang nagsabi at nagpasalamat. Ibang klase talaga =_____=

Dumiretso ako sa kwarto ko at wow ha, hindi man lang tiniklop 'yung kumot at inayos ang kama! Ibang klase!

Pumasok ako sa CR para maligo nang mapansin ko ang isang pink na sticky note na nakadikit sa noo ko. Taena talaga! Pinagtripan na naman ako nung babaeng 'yun!

Tinanggal ko 'yung sticky note at binasa ang nakasulat doon...

Pervert,

Thank you ha?

Magtha-thank you na nga tinawag pa akong pervert. Damn! Siya naman ang may kasalanan! Babae talagang 'yun. Napaka! Aish!

Ibang klase ka talaga Scarlet Movida. Ibang klase...

####################################

{ TBUP -29: January, Please be Good to me }

####################################

{ TBUP -29: January, Please be Good to me }

--Ericka's Pov--

Wow, ang bilis ng panahon. Akalain niyo 'yun? January na? Dalawang buwan na lang makaka-graduate na kami sa high school.

At akalain mo 'yun? Limang buwan na kami ni Psyche? Hindi ko rin inaakalang magtatagal kami eh.

Kasi naman... ang dami niyang fangirls! Akala ko nga dati wala kasi wala naman akong nakikitang sumusunod sa kanya kaso maling-mali ako! Ang dami nila. Yung iba, boto sa akin pero karamihan?

Kulang na lang sipain ako papuntang planetang Neptune!

Pero asa silang lahat! Ako ang gerlpren! Ako ang may karapatan sa kanya! Magmula sa ulo niya hanggang sa kuko niya sa paa! Sa puso, utak, balun-balunan, atay, large and small intestine, esopaghus, pancreas, kidney etcetera! Sa akin lang si Psyche, AKIN!

Nandito nga pala kami ng gaga kong bespren sa canteen. Oh well, saan pa ba kami tatambay sa tuwing walang klase? Syempre, dito! Patay gutom eh, pagpasensyahan :3

"Bespren, alam mo 'yung dalawang nakapila run sa cashier, hindi na aabot ng March 'yan! Bago pa mag-graduation break na 'yang dalawang 'yan! Siguro... mga second week of February!" Bulalas ko habang nakatingin doon sa dalawang taong nakatayo at naghaharutan kahit nagbabayad sila ng pagkain nila =_____=

"Hindi papaabutin ng prom? Saklap ah!" Sabi naman ni Carmeen.

"Tsss... obvious na obvious namang hindi seryoso 'yung lalake. Kasi kung seryoso 'yan, siya ang magbabayad nung pagkain ni girlash! Tignan mo nga oh, pinagbabayad nung gago 'yung babae!"

Kumunot ang noo ni best at tinignang maigi 'yung couple na hinuhulaan namin ng break-up. Sinusuri niya siguro kung talagang si girlash ang nagbabayad. Eh siya naman talaga eh! Taena naman 'yung lalake! Hindi gentleman! La kwenta! Sarap bigwasan!

Buti pa si Psyche! Si Psyche, si Psyche na mahal na mahal ng diwa ko! xD

"Ay oo nga nu. Langyang lalake 'yan. Walang kwenta." Sabi ni Best.

Tumingin ako sa katabing table namin, "Ayy eto gagita, sa Sabado wala na 'to! Nagkakalabuan na eh!"

Napatingin 'yung couple sa amin ng masama -ay sa akin lang pala. Okay lang naman kahit marinig nila, so what? Ang dami ko nang hinulaan na talagang pinupuntahan ko pa kung nasaan man sila. Wala lang, kumbaga sa weather forcaster ako 'yung tagapagbalita kung kailan hahagupit ang bagyong nagngangalang 'break-up' sa relasyon nila.

Tinapik ako sa braso ni Carmeen, "Gaga! Tinitignan ka ng masama! Tunggak ka talaga, katabi lang natin 'yan oh!" Bulong nito sa akin.

"Yaan mo, totoo naman eh. Di ako papalya. Kelan ba ako pumalya? Tsss..." Ngumisi ako at sumipsip sa juice ko.

Nakita ko na lang sa peripheral vision ko ang biglang pagtayo nung girlash sa katabi naming table at pumunta sa harapan ko. Nakapamaywang ito at nakataas ang kilay. Galit na galit ang aura niya mga 'te!

"Hanggang kailan ka ba mangingialam?!" Sigaw niya.

So 'yung mga tao sa buong canteen eh napatingin sa direksyon namin. Taena gusto niya bang mapahiya?! Pwes ako, ayaw ko!

Tuloy-tuloy lang ako sa pagsipsip ng juice ko habang siya eh pinipigilan lang ata ang sarili para hindi ako makalmot o masabunutan. Like duh, bakit ba siya magpipigil eh nasa harap ko na siya? Hindi porket hindi ako gumagalaw eh wala akong pakialam, hihintayin kong siya ang maunang sumugod tyaka ko siya tatadyakan ng bonggang-bongga! Aba, idol ko kaya si Vice Ganda!

"Ano bang nagawa naming masama sa'yo para makialam ka sa relasyon namin?! Wala naman 'di ba?!

Hindi ka naman bitter, may boypren ka naman! Eh bakit hindi mo na lang ituon dun ang pansin mo kesa sa pinapansin mo kaming wala namang ginagawang mali sa'yo!" Sabi nung girlash na umuusok na ang ilong sa galit.

Pinunasan ko ng tissue 'yung bibig ko at tumayo. Ngumisi ako.

"Tapos ka na sa sermon mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sht ka-"

Sasampalin na sana niya ako pero nahigit ko 'yung kamay niya. Akala niya magagasgasan niya ang pes ko? Taena hindi pwede! Magde-date pa kami ni Psyche tapos gagasgasan niya lang 'to?! Hutanghena, buti sana kung hindi ako maganda! Kaso my gaaad! Dyosa po ako! DYO-SA!

"Hindi ko naman sinabing mag-break kayo eh. Hinulaan ko lang, kayo ang bahala kung gagawin niyong totoo." Pahayag ko.

"Mesa-demonyo ka talaga!" Sigaw niya habang pilit binabawi 'yung kamay niyang hawak ko ng mahigpit.

"Tsss... ASA!"

Binitawan ko 'yung kamay niya at agad naman niya 'yung hinimas dahil sa sakit. Kinuha ko 'yung bag ko sa table at naglakad na paalis ng canteen kasama si Carmeen.

Ay tae, nanunood lang si Carmeen? Tsk tsk...

"Bakit hindi mo 'ko pinagtanggol 'dun?!" Complain ko kay Carmeen.

"Shunge, paano kita ipagtatanggol eh kayang-kaya mo naman 'yun? Kahit nga ata sampu sila eh kaya mo pa rin." Tugon nito habang nakatingin sa cellphone.

"Sampu?!" Bulalas ko, "Anong tingin mo sa akin si HULK?!"

"Hehe. Pwede rin. Pwede ring si Captain America, Thor, Iron Man, Bla-"

"Taena."

"Uyy, bawas-bawasan mo na kasi 'yang panghuhula. Baka mamaya niyan, ikaw ang mapagtripan ng tadhana at magbreak pa kayo ng Fafa Psyche mo." Si Carmeen.

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya, "What the fudge?! Bawas-bawasan? Eh 'di para mo na ring sinabing bawas-bawasan ko ang paghinga ko! Atyaka te, ako?! Hihiwalayan ni Psyche?!

Another -what the fudge! Di 'yan mangyayari." Pahayag ko.

"Confident na confident ang peg ha! Katigasan ng tae mo 'te! Bahala ka sa buhay mo! Basta ako, sinasabi ko lang 'yung pwedeng gawin ng KARMA sa'yo."

Napailing na lamang ako ng ulo, "Hah! Karma? The hell, bahala na kung dumating 'yun. Basta ako magpapakasaya sa buhay ko."

Karma? Bahala na. Kung sakaling dumating 'yun at ako ang mapagtripan eh 'di let it be. Tikman na lang ang sakit ng ibibigay nun sa akin. Basta hindi ako papayag na 'yung relasyon namin ni Psyche 'yung punteryahin niya. Ang dami-dami ko nang pinagdaanang masasakit sa buhay ko, ngayon lang ulit ako magiging masaya ng ganito kaya gagawin ko ang lahat manatili lang 'to sa akin.

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit hindi ko mapigilang hindi manghula ng mga relationships eh.

Basta kapag may nakita akong hindi seryosong couple automatic na sa aking hulaan sila. Yun lang naman talaga eh, kapag alam kong lokohan lang 'yung relasyon dun lang ako nanghuhula. Hindi ko pinapakialaman 'yung mga seryoso talaga, kasi hindi ko sila kayang hulaan.

Naalala niyo pa 'yung kay Chron at Selene dati? Yung rason kung bakit hindi ko sila mahulaan? Kasi hindi ko kaya. Kasi masaya sila -kasi seryoso sila sa isa't isa. Ganun lang 'yun. Kung si Superman eh

Kryptonite ang kahinaan ng powers ako naman eh 'yung pagiging 'sincere' ng isang relasyon.

--Scarlet's Pov--

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit simula nung nakitulog ako kina Chron eh hindi ko na siya matanggal sa utak ko! Taena nga eh! Sarap gawing isaw nung utak ko bwiset lang! Sabi ako ng sabi na ako 'yung magse-seduce pero bakit ganito?! Ako 'yung nase-seduce?! Ako 'yung nadadali?!

Katulad ngayon, hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko sa Student Council kasi naman! Ang hirap tanggihan ng charms ni Chron. Ang sarap lang titigan pakshet! Madami naman na akong naencounter na mga lalake eh, mas gwapo pa nga sa kanya! Kaso 'yung puso ko... hindi naman ganito kaabnormal sa iba pero bakit sa kanya? Bakit sa kanya feeling ko mahuhulog na 'yung puso ko dahil sa lakas ng tibok? Pati kapag kasama ko siya hindi ko mapigilang mapangiti.

Taena ano ba?! Naiinlab na ba ako sa tarantadong 'to?! Pucha naman! Kahit ayaw ko hindi ko naman mapipigilan 'di ba? Kahit ayaw kong mahulog sa kanya, mahuhulog at mahuhulog pa rin ako. Maiinlab at maiinlab pa rin ako sa kanya! Given na 'yan 'di ba? Kumbaga sa mga storya, napaka-cliché na. Pero tangina lang dahil hindi man lang ako nag-effort pigilan 'yung nararamdaman ko!

"Oyy, kunin mo nga run 'yung mga files last year." Utos niya sa akin habang nakatingin sa isang mataas na cabinet.

Tumayo ako, "Ikaw 'yung lalake tapos ako 'yung kukuha? Punyeta, aware ka naman siguro na mas matangkad ka sa akin at mas abot mo 'yun 'di ba?"

"Daming satsat. Kitang nagsusulat ako eh. Tyaka anong gamit ng upuan? Tungtungan mo kaya."

"Bwiset!" Himutok ko sa kanya.

Kinuha ko 'yung upuan ko at inayos sa tapat nung cabinet. Tinungtungan ko 'yun at binuksan 'yung cabinet at kinuha 'yung mga old files. Kung bakit kasi napaka-gentleman ng Presidente namin 'di ba?

Tsss... take note of the sarcastic tone.

"Oh ayan na!" Inaabot ko sa kanya 'yung files habang nakatungtung pa ako sa upuan ko.

Agad naman siyang tumayo at hinablot 'yun sa akin.

"Put-"

Sht! Muntik na akong mahulog! Kung bakit kasi hinablot ba 'di ba?! Pwede naman niyang kunin sa akin ng matino! Taena talagang tao 'to. Minsan tuloy iniisip ko kung sinong matinong tao ang magkakagusto sa tarantadong 'to. Kaso ayun nga, hindi ako matinong tao kaya alam na! Psh.

Nakatingin siya sa akin ng parang concern na concern. Aish! Kung concern siya eh 'di sana hindi niya hinablot 'yung mga files!

"Concern ka?" Tanong ko sa kanya sabay baba sa upuan.

He looked away, "O-Of c-course! Sino na lang ang uutusan ko kapag nahulog ka at nagka-injury?"

Potek. Ang pagiging secretary ko pa rin ang inaalala niya -or should I say ang pagiging YAYA ko sa kanya. Buset lang! Buset talaga poreber! Paano ba talaga ako nagkagusto sa taenang 'to?

Ay sht. Inamin sa sariling gusto ko siya?! Sht. Hindi! Crush lang muna! Crush lang! Konting-konting crush lang!

Bumalik na ako sa table ko at nagligpit. Uuwi na ako!

Ay teka, biruin ko kaya ulit 'tong perv na 'to? Mwhahahaha!

"Magre-resign na ako." Malungkot kong sabi sa kanya.

Agad siyang napatingin sa akin na animo'y gulat na gulat, "Anong sabi mo?"

"Ay bingi-bingihan ang peg?! Sabi ko magre-resign na ako!" Hahahahaha!

Napatayo siya, "Ha?! Bakit?!"

"Palagi mo na lang kasi akong inuutusan. Nakakainis na eh =_________="

"Malamang! Secretary kita!"

"Eh ayoko nun eh. Kaya magre-resign na ako."

Naglakad ako papalayo papunta sa pinto ng bigla niyang hawakan ang pulso ko.

Ay sht! Para akong kinuryente sa hawak niya. Bigla ring nag-superbass ang puso ko. As in talagang

BOOM na BOOM! Sht lungs. Nakakakaba pala 'tong ganito? Yung feeling na hawak ka niya? Yung para kang sini-silya elektrika dahil sa kuryenteng dumadaloy sa katawan mo nang dahil sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at ayun na naman 'yung mga mata niyang nangungusap at nagmamakaawa.

Once again, gagamitin niya na naman ba ulit 'to sa akin? Damn!

"Huwag... please..." Sambit nito.

"Bakit? Bukod ba sa pagiging secretary mo -ano pang kailangan mo sa akin?" Matapang kong tanong.

Unti-unti niyang binitawan 'yung kamay ko at tinignan ako sa mga mata. Ako naman, parang nalungkot dahil sa pagbitaw niya sa kamay ko. Sht! This is not happening! Really!

"Tsss... nagbibiro lang ako Perv Pres." At naglakad ako ng mabilis palabas ng room.

"Kahit kailan talaga... kakaiba ka." Narinig ko na lamang na sinabi niya nang makalabas ako sa room.

Natatakot ako. Natatakot ako sa sagot niya -or baka hindi siya sumagot. Nandito na kasi ako sa stage kung saan nagsisimula na akong mag-assume eh. Nagsisimula na akong mag-assume na nagsisimula na rin siyang magkagusto sa akin katulad ng nararamdaman ko. Sht lang dahil nakalimutan kong may

Selene siya... may Selene siya.

--Ericka's Pov--

"E-ri-cka. Mahal na mahal kita!" Sabi sa akin ni Psyche habang pinipisil-pisil 'yung kamay ko na kasalukyan niyang hawak.

Buti na lang wala na kami sa school at nasa daan na kami pauwi. Bawal kasi talaga sa school ang PDA

=________=

"Ilang beses mo na 'yang sinabi ngayong araw?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm? Hindi ko na alam."

"Tsss. Ako alam ko! Yun ang ika-29 mong mahal na mahal kita!"

Seryoso. Kanina simula nung umaga sa text niya may ganun, hanggang sa sunduin niya ako sa bahay, pagpasok namin sa school, sa school mismo at ngayon na ihahatid niya ako pauwi! Puro 'mahal na mahal kita'. Araw-araw ngang ganun eh. Kapag wala na kaming mapag-usapan 'yun na 'yung sasabihin niya.

Ang sweet nga eh :""> Imbes na mainis ako kinikilig ako. Taena ang swerte ko!

"Eh 'di gawin nating 30! Kaya... mahal na mahal kita!" Tapos ngumiti siya ng sobrang lawak.

"Ganun din ako."

"Hmmm... kanina pala! Sabi ng mga kaklase natin nakipag-away ka raw sa canteen? Totoo ba 'yun?"

Tanong niya.

"Tsss... wala 'yun. Yaan mo na, kayang-kaya ko 'yun."

"Ikaw talaga! Alam mo namang mahal na mahal kita tapos papabayaan kita? Sa susunod, kung may kaaway ka hanapin mo lang ako. Huwag 'yung basta-basta ka na lang sumusugod. Paano kapag nilamon ka ng buhay nun?"

In fairness, protective na may paka-OA 'tong boypren ko. Tsk tsk... ibang klase Psyche ah!

"Hindi naman ako nasaktan eh! Hayaan mo, sa susunod sa'yo na ako tatakbo."

"Good." At ayun, holding hands while walking ang drama naming dalawa, "Siyanga pala. Sumali ako sa isang dance troupe!" Masiglang kwento ni Psyche.

"Oh. Good. Maganda 'yan. So, kailan ko mapapanood 'yung mga practice mo?" Tanong ko sa kanya.

"Mga bukas siguro. Hehe. Pero baka maging busy ako nun, kaya kung hindi man kita makasama ng mas madalas, pasensya na."

"Okay lang 'yun. Iintindihin ko na lang."

"Salamat!" Sabi nito sabay halik sa pisngi ko na nagdulot naman sa akin ng kilig. Sht ang landi ko!

Sabi nila, kapag inulit-ulit mo raw ang isang salita, baka mawala 'yung meaning nun para sa'yo. Basta!

Ewan kung saan ko 'yung napulot -baka sa tumblr? Basta.

Pero hindi naman 'yun totoo 'di ba? Kahit ilang beses ulitin ni Psyche na mahal na mahal niya ako... hindi mawawala 'yun 'di ba?

Hindi naman pagtri-tripan ng karma 'yung relasyon namin 'di ba?

"Sige una na ako Ericka. Ingat ka ha? I love you!"

"Ingat ka rin. I love you..."

Ganito pa rin kaming dalawa palagi 'di ba?

####################################

{ TBUP -30: Doubts }

####################################

{ TBUP -30: Doubts }

--Ericka's Pov--

Nakalipas ang ilang weeks simula nung ibalita sa akin ni Psyche 'yung pagsali niya sa isang dance troup dun sa school namin. Nung mga unang weeks and days okay naman, palagi niya akong iniimbitahang manood pero nang dahil na siguro sa wala akong kasamang manood kasi busy si

Carmeen sa boyfriend niya eh hindi ako natutuloy. Mga tatlong beses nga lang ata ako nakapanood ng practice nila. Well, Psyche is good in dancing and you can see how dedicated he is. Passion niya siguro ang pagsayaw noon pa lang. Parang ako lang, passion ang pagiging break-up planner. Mwhahaha!

And weeks passed, we're in the last week of January nang tumigil na si Psyche sa pag-imbita sa akin sa mga practice nila. Noon kasi kahit alam niyang hindi ako pupunta tinetext niya pa rin ako, pero ngayon wala na. At oo, sa text na lang kami nag-uusap. Ewan ko ba dahil nagiging busy na talaga siya dyan sa dance troup niya. He even ditched his classes para sa mga practices nila. Ako naman, walang panahon

para makausap siya. Palagi siyang nasa gym or kung hindi naman sa gym sa place ng mga kabarkada niya. Kaya sobrang madalang -I mean, hindi na talaga kami nag-uusap. Hindi niya na rin ako hinahatidsundo sa bahay namin. Siguro last na hinatid niya ako eh nagmamadali pa siya nun. Sht lang.

Palagi ko siyang tinetext pero walang reply, pati sa tawag wala rin. Well... busy na talaga siguro siya.

But what the hell?! I'm his girlfriend for Pete's sake! Kailangan niya akong bigyan ng oras! Kahit 10 minutes man lang! Pero wala eh! Wala talaga! Two weeks without communication? I can really smell something fishy!

Tinanong ko rin si Chron tungkol sa kapatid niya pero hindi naman daw niya alam kung anong nangyayari kay Psyche. Late na raw kasi siyang dumadating sa bahay nila at hindi na rin sila naguusap.

What's happening to him?!

Ngayon, lunch break. Usually sabay kaming kumakain sa canteen pero ngayon? Wow ha, parang hindi niya ako girlfriend! Nasa kabilang table lang siya kasama na naman 'yung mga ka-group niya at kumakain. As in katabing-katabi lang ng table namin ni Carmeen 'yung table nila but he didn't dare to look at me! What the fudge!

Gusto ko na sanang puntahan siya sa lamesa nila para makausap kung ano na ba talagang nangyayari sa amin pero pinigilan ako ni Carmeen.

"Let go of my hand Carmeen!"

"Calm down ATHENA. Huwag ka na ulit gumawa ng gulo rito!" Sabi ni Carmeen habang hawak ang kamay ko ng sobrang higpit para hindi ako makalapit sa table nila Psyche.

"Sht naman! Hindi ako manggugulo! Kakausapin ko lang siya! Di ba ang isang relasyon dapat may communication? Communication is the most important in a relationship at ikaw na rin mismo ang nagsabi nun, but look at us now Carmeen! Look at us now! Parang wala na kami eh!" I said.

Gabi-gabi kong iniisip kung ano bang nangyayari kay Psyche at kahit konting oras man lang eh hindi niya maibigay sa akin. Hindi naman siya ganito noon 'di ba? He's so in love with me to the point that he can't even breath without seeing me or hearing my voice! But now? Don't tell me that love is now fading away?! Damn it, it's unacceptable.

Gabi-gabi rin akong hindi pinapatulog ng mga 'what ifs' sa utak ko. What if hindi na nga niya ako mahal?

What if may iba na siya? Well, fvck that second what if! Hindi ko ata makakaya kapag nalaman kong may pumalit na KAAGAD sa akin. Taena, ang bilis naman niyang nakahanap 'di ba?! So no, I won't believe that!

And I trust Psyche. Alam kong hindi niya magagawang mangaliwa. Hindi niya kaya -hindi niya gagawin.

"Athena-"

"What the hell! Stop calling me Athena!"

"Okay! Ericka, hindi lang naman sa'yo umiikot ang mundo ni Psyche. Maraming taong nakapaligid sa kanyang nagpapasaya sa kanya. It's not always you." Sabi sa akin ni Carmeen.

"Pero grabe naman 'yan Best! Sobra naman na ata 'yang mundo ni Psyche na parang nakalimutan na niya akong isama! Girlfriend niya ako Carmeen! Girlfriend niya ako! Bakit ni isang hi or hello man lang hindi niya maibigay sa akin?! Look, nasa iisang school kami, nasa iisang classroom pero ano 'to? Bakit hindi niya ako kinakausap? Bakit hindi niya ako tinitignan?"

Mangiyak-ngiyak na ako habang kausap si Carmeen sa canteen. Sht naman kasi. Daig pa namin ang hindi magkakilala! Buti pa nga 'yung hindi magkakilala eh, kahit papaano nagngingitian! Pero kami ni

Psyche?! Kahit isang sulyap lang wala eh! Kahit aksidenteng tingin, WALA! Putanginang 'yan! Sumali lang siya sa dance troup nakalimutan na niyang may girlfriend siyang dapat asikasuhin?!

"Siguro, ikaw dapat 'yung mag-effort."

"I hate it Carmeen. I hate seeing him happy without me. Para na siyang ibang tao. Noon, kahit kakahatid niya lang sa akin sa bahay namin, tatwagan niya na kaagad ako or itetext ng I love you or I miss you.

Pero ngayon... ngayon... sht! Where on earth is the Psyche Epiales I fell in love with?!" Bulalas ko sa harap ni Carmeen.

"Malay mo, busy lang talaga siya. Ngayon lang siguro ulit siya nagkaroon ng mga kaibigan tulad nila,"

Sabay tingin ni Carmeen sa mga taong kasama ni Psyche, "malay mo ikaw 'yung hinihintay niyang mageffort at kausapin siya."

"Palagi ko siyang tinetext at tinatawagan pero hindi niya sinasagot! Effort 'yun best! Effort 'yun! Anong gusto niya sumunod ako sa kanya ng parang aso?! Para ano?! Pagtawanan nung mga kasama niya?!

What the hell, no!"

"That's not the point Ericka! Ang punto rito eh 'yung ikaw 'yung gagawa ng paraan para makasama mo siya, para bumalik 'yung dating Psyche na sinasabi mo."

"That's exactly what I'm about to do before you grabbed my hand and stopped me!" Pagpro-protesta ko kay Carmeen.

"Because I know you! Alam kong gagawa ka ng gulo run. Hindi lang naman 'yun 'yung effort na sinasabi ko eh. Alam mo, si Psyche marami ng effort sa relasyon ninyo. Parang siya nga 'yung mag-isang bumuo nun eh, and now it's your turn. Hindi sapat 'yung text at tawag best. Hindi rin makakabuti kung basta ka na lang susugod dun sa mesa nila at hihilain si Psyche. Ang effort na sinasabi ko eh 'yung ikaw, lunukin mo 'yung pride mo, pumunta ka sa bahay nila or anywhere that Psyche can be seen and talk to him -

PEACEFULLY, CALMLY! Hindi 'yang inuuna mo 'yang reklamo mo. Sa tingin mo, kapag reklamo kaagad 'yung sinalubong mo kay Psyche, anong mangyayari? Mag-aaway lang kayo." Sermon sa akin ni Best.

Alam kong mataas ang pride ko, pero nakaya ko namang ibaba at lunukin 'yun nung nagka-problema kami ni Best. Kaya ko namang gawin ulit 'yun ngayon kay Psyche eh but I don't know where to start.

Nasanay na kasi akong palaging si Psyche 'yung gumagawa ng move. Nasanay akong siya 'yung gumagawa ng paraan para makausap at makasama ako. Sana naman kasi kung napagod na siyang palagi na lang siya ang nage-effort sana dinahan-dahan niya! Hindi 'yung biglaan na lang siyang hindi magpaparamdam at aasta na parang break na kami!

And honestly, hindi ko talaga alam 'yung effort na sinasabi ni best.

"Hindi mo naman ipapahiya 'yung sarili mo eh. Hindi ka naman pagtatawanan nung mga kasama niya na parang asong sunod ng sunod kay Psyche kasi nga girlfriend ka niya! It's your right to talk to him.

Bakit ka mahihiya?" Tanong ni Best sa akin.

"Hindi sa nahihiya ako! Like duh, hindi ko alam mahiya!"

"Then go to the gym and talk to him after class hours."

"Fine!"

Ilang minuto pa kaming nag-stay ni Best sa canteen nang tumayo na sila Psyche at umalis. So ganunganun na lang talaga? Hindi lang ba talaga niya ako titignan? Sa pagkakaalam ko naman eh wala akong nagawang masama para magkaganun siya. Wala naman akong sinabi na hindi niya nagustuhan.

Wala akong ginawa! Pero bakit niya ginagawa sa akin 'to? Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito?

Don't tell me karma is now having it's way to our relationship? Sht that.

***

Last subject na namin ngayon. Kahit alam kong wala na naman sa klase si Psyche, hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatingin sa upuan na nasa likuran ko. Yung upuan kung saan kadalasang nakapwesto si Psyche. Taena lungs dahil nami-miss ko na 'yung makulit at sweet na mga ginagawa niya.

"Okay, class dismissed."

Sht yes! Tapos na! Sht sigurado ba talaga akong pupunta ako sa gym para kausapin si Psyche? Itext ko na lang kaya? Eh kasi! What the eff -oo na! Nahihiya na ako! Bullsht naman kasee >_____<

Kaya in the end tinext ko na lang si Psyche at himala ah! Ang bilis ng reply! Sabi niya hintayin ko na lang raw siya sa gate kaya pumunta naman talaga ako kaagad doon.

Mga 15 minutes din siguro akong naghintay dun nang matanaw ko si Psyche na may kargang babae...

PUTANGINA BAKIT MAY KARGANG BABAE?!

"Sorry Ericka kung hindi ako makakasabay ngayon, na-sprain kasi si Irish."

Tapos ayun na, nagmamadali na silang lumabas ng gate at ako naiwang tulaley.

Wala man lang bang 'ingat ka may multo dun', 'I love you' o kahit simpleng 'ba-bye'. Putrages, kahit isa run wala eh! Mas gusto pa niyang sabihin at banggitin sa harap ko pa talaga 'yung pangalan nung babaeng nakakapit sa kanya ng parang unggoy! Tangina Psyche! Tangina talaga!

Gusto ko silang batuhin ng malalaking bato! Lalo na si Psyche para matauhan ang loko! Sht lang

Psyche! MAY GIRLFRIEND KA RITONG NAGHIHINTAY SA'YO PERO INUNA MO PA 'YAN!

Like duh! Hindi lang naman siya ang tao sa buong school -hindi lang siya ang tao sa buong mundo para dalhin 'yung babaeng 'yun sa kung saan mang lupalop ng mundo! Pwera na lang kung espesyal talaga

'yun! -FVCK! Baka espesyal nga?! Sht talaga! >________<

Bakit ganun? Bakit bigla na lang akong naluha sa nakita ko? Bakit bigla akong nasaktan? Taena naman kasi. Sinong hindi magseselos dun?! Sabihin niyo nga?! Puteeeek talaga! Ang sarap nilang pataying dalawa! Sht! Sht! Sht!

"Oy best! Bat ka umiiyak dyan? Akala ko ba magsasabay kayo ni Psyche? Asan siya?" Sht Carmeen!

Hindi pa ba obvious?!

Hinawakan ako ni best sa magkabilang balikat at, "Wait... don't tell me break na kayo?!" Sinimulan niya akong yugyugin, "Uyy best sumagot ka nga! Break na ba kayo?! Hoy! Ano ba!"

"Sht! Hindi pa kami break... hindi pa... sana..."

At ayun na, hindi ko na na-control 'yung sarili ko at napaupo na lang ako sa tapat ng gate. Wala akong paki kung semento 'yung kinauupuan ko o kung maraming taong nakakakita sa akin. Wala talaga akong pakialam! Ang mahalaga mailabas ko 'tong nararamdaman ko. Itong sakit...

"Best ano bang nangyari?" Tanong sa akin ni Carmeen.

So I told her what happened. I told her that Psyche can't be with me because of that Irish girl.

Grabe talaga! Minsan na nga lang ulit kami mag-uusap ni Psyche ganun pa! Taena!

"Irish ba kamo? Yung... cheerleader na sumama sa dance troupe?" Tanong ni Carmeen.

"Yeah. Irish whatever. I have no single idea who the hell she is." Sagot ko.

"I saw her with Psyche, kanina sa corridor. Naglalakad siya at parang wala namang mali sa kanya. Then nung pagkalabas nila sa building natin bigla na lang siyang binuhat ni Psyche." Kwento ni Carmeen.

Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Carmeen. Para akong sinaksak ng patalikod. Punyeta ang sakit!

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Halos magdugo na ang lower lip ko dahil sa pagkagat ko rito at nagmistulang fountain na 'yung mata ko dahil sa hindi matigil na mga luha.

Ibig sabihin...

"H-Hindi talaga na-sprain 'yung Irish?"

What happened to Psyche? What happened to us? Bakit bigla na lang siyang nagbago? Bakit bigla na lang siya... nawala? Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit niya ginagawa 'to?

BAKIT HINDI NA LANG SIYA MAKIPAGHIWALAY PARA MINSANANG SAKIT NA LANG ANG

MARAMDAMAN KO?!

####################################

{ TBUP -31: Teary, February }

####################################

{ TBUP -31: Teary, February }

--Ericka's Pov--

Sumapit ang February pero hindi ko pa rin kinakausap si Psyche. Walang tawag, walang text. Sa school? Wala rin. Kung natitiis niyang hindi ako pansinin kahit wala naman akong ginawa sa kanyang mali eh 'di syempre ako kaya ko rin. Pero bakit ganun? Oo nakakaya ko pero para naman akong arawaraw na tinutusukan ng karayom? And when I say karayom -milyong-milyong karayom. Tawagin niyo nang OA pero sinasabi ko sa inyo, wala pa 'yang description na 'yan para i-describe kung gaano kasakit at kahirap ang hindi siya kausapin, ang ituring siyang hangin. Daig pa nga namin ang nasa LDR (Long

Distance Relationship) eh! Mabuti pa nga 'yung mga nasa LDR eh kasi sila nagtatawagan, ipinaparamdam ang pangungilala at pagka-miss nila sa isa't isa. Pero kami ni Psyche? WALA!

NGANGA!

Tangina talaga lalo na kapag nakikita ko siya kasama nung Irish. Oo, hindi ko pa rin tinatanong kung anong silbi nung babaeng 'yun sa buhay niya. Ang alam ko lang -kasama niya sa troupe. Pero 'pag minsan nakakarinig ako ng mga chismis. Mga chismis na parang mas gugustuhin ko pang basagin

'yung sarili kong eardrums kesa marinig ang mga 'yun.

Yung Irish? Girlfriend daw ni Psyche.

What the fvck 'di ba? Kung ikaw, habang umiihi ka sa cubicle at narinig mo 'yung mga putanginang babaeng matutulis ang dila habang pinag-uusapan 'yung boyfriend mo na may iba na raw -anong mararamdaman mo? Anong gagawin mo?

Siguro kung isa akong babae sa sine o teleserye matagal ko nang sinugod 'yung Irish na 'yun or si

Psyche at pinagtatalakan sila with matching iyak-iyak pa pero hindi... sinasabi ko sa inyo, iba ako. I'd rather investigate and observe. Hindi ako basta-basta susugod sa isang gyera kung wala akong kumpletong armas na sure na sure akong tatapos sa laban.

Biglang dumating si Carmeen at umupo sa tabi ko -kung hinahanap niyo si Chron, ewan? Baka nakikipaglandian kay Scarlet.

"Best! Prom na next week! The me is so excited! Alam mo ba, idi-ditch daw ni Elzid 'yung sarili niyang prom para lang makapunta sa akin? Oh 'di ba, bonggacious!" Masayang-masayang ibinalita sa akin ni

Carmeen.

Gusto ko man siyang barahin bilang simbolo ng pagkatuwa ko, (oo ganun talaga ako sa bestfriend ko.) eh hindi ko magawa. Kasi una sa lahat, wala ako sa mood, masakit 'yung puso ko at pangalawa naiinggit ako. Buti pa nga si Elzid na buong akala ko eh puro katarantaduhan lang ang alam eh kayang i-sacrifice 'yung sariling prom para lang sa bestfriend ko pero si Psyche... pucha si Psyche, tuluyan na ata akong ipinagpalit sa dance troupe >_______<

Oh baka naman hindi talaga sa dance troupe kundi sa... babae?

Putek na pag-iisip 'yan oh! Wala pa akong kongkretong ebidensya, okay? Hindi pa confirm 'yan.

Pero paano kung ganun nga talaga? Paano kung nakahanap na siya ng iba? Kung hindi na ako? Ano namang gagawin ko?

Bullsht, parang hindi ko talaga kayang isipin at i-imagine ang sarili ko habang nagmo-move on kay

Psyche! Kung 'yung kay Chron nga mahabang panahon kong binuno paano pa kaya 'tong kay Psyche na sobra ko na ring minahal? Baka magpakamatay na lang ako? Putek bakit ko naman 'yun gagawin?!

Lalake lang 'yan =_______=

Lalakeng mahal ko. Sht!

"Hoy Athena, nakikinig ka ba?" Tanong ni Carmeen.

Tinignan ko siya ng masama. Tawagin daw ba akong Athena? Bad trip na nga ako papalalain pa niya?!

Bwesit lang!

"Ay sorry, Ericka pala."

"Psh." Inirapan ko lang siya.

"Hindi pa ba talaga kayo nag-uusap ni Psyche?" Tanong nito.

Ibinaling ko muli ang tingin ko sa kanya, "Sa tingin mo ba ganito pa rin ang itsura ko kung nakapag-usap na kami ni Psyche?"

"Ayy..." Napakamot siya sa sintido niya, "Sabi ko nga! High blood mo ah!"

"Kung high blood ako eh 'di sana kanina pa kita sinisigawan. Ganun ang high blood Carmeen."

"Tsss. Oo na! Pero kausapin mo na kaya si Psyche? Alam mo 'yun baka hinihintay ka lang niya." Sabi nito sa akin.

"Hinihintay?" Natawa ako ng mahina, "Bullsht. Ang sabihin mo busy siya. Kung mahal niya ako, hindi niya ako titiisin ng ganito katagal." Komento ko.

"So convinced ka na talagang hindi ka na niya mahal?"

Napatingin ako sa kanya. Oo nga nu? Tangina bakit ngayon ko lang naisip? At oo nga nu, paano kung ganun nga? Paano kung hindi niya na talaga ako mahal?! Sht! Sht! Sht! Ayokong isipin! Aurrrrrrrrrggh!

>_______<

Napatayo ako, "Pupuntahan ko siya!"

Napatayo rin si Carmeen, "Sama ako!"

"De! Dito ka lang! Aayusin ko na 'tong gulo namin ni Psyche. Magkakaalaman na 'to!"

Dali-dali akong lumabas nang classroom at tumungo sa gym. Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ng gym eh huminga ako ng malalim. Kung ano man 'yung magiging resulta ng pag-uusap namin, sisiguraduhin kong kami pa rin hanggang sa huli. Kami pa rin, hindi kami magbre-break itaga niyo 'yan sa Mount Pinatubo!

Matapang kong binuksan 'yung pinto ng gym at confirm andun si Psyche...

...may kahalikang babae.

Putanginaaaaaaaaaaaaaaaaa! Bullsht! Gusto kong sumabog sa sobrang inis! Gusto ko silang paulanan ng bala! Gusto ko silang... gusto ko silang patayin! Putaaaaa!

Naikuyom ko na lamang ang magkabilang kamao ko dahil sa galit. Yung buong-buo 'yung tiwala mo tapos makikita mo lang ganito? Yung handa ka nang lunukin 'yung pride mo kahit kasing-tigas 'yun ng bato tapos ganito? Yung tipong handa ka ng ibaba lahat-lahat. Yung tipong andito ka na para lumuhod sa harapan niya para ibalik kung ano 'yung meron sa inyo dati, 'yung tipong ikaw na babae eh lalakasan ang loob mo para tanungin siya kung may date na siya sa prom?!

Tapos ito?! Ito 'yung bubungad sa'yo?! Ito 'yung makikita mo?!

Eh bullsht pala silang dalawa eh!

Kung kanina eh karayom lang ngayon... bilyong-bilyong pako na ang pilit ibinabaon sa puso ko.

Samahan mo pa ng hagupit ng martilyo. Oh 'di ba dobleng sakit? At ako naman 'tong si tanga, parang enjoy na enjoy pa ako sa nakikita kong live show nila. Eto nga oh, naluluha na ako sa tuwa!

Putanginang tuwang 'yan! Putangina talaga!

Ang sakit! Sht! >_________<

Bigla silang tumigil at napatingin sa akin.

"Oh? Bakit kayo tumigil? Sayang, ang mahal pa naman ng binayad ko rito para lang mapanood kayo.

Tuloy niyo lang, audience ako."

I gave them a fake smile. Pero kahit peke 'yun, still ngiti pa rin 'yun. Tibay ko nga eh. Umiiyak at nasasaktan na nga ako't lahat-lahat nakuha ko pang ngumiti. Astig ko nu? :> Tsss!

Tumayo 'yung babae at lumapit sa akin. Binigyan niya lang ako ng mapanuksong ngiti at smirk bago siya lumabas ng gym. Puteek Ericka! Nasaan ang tapang mo?! Bakit hindi mo hinila 'yung buhok nung babaeng 'yun at binigwasan?! Taena talaga! Hindi ko ine-expect na mase-semento ako!

Nakaka-shock. Daig ko pa ang nakakita ng alien or multo. Wow talaga. Wow na wow.

"Ganda nun ah. Irish pangalan nun 'di ba? Ganda!" Sarkastiko kong sabi.

Pero si Psyche? Kung akala niyong para rin siyang mga leading man sa isang sine o teleserye na kapag nahuli ay agad-agad na magpapaliwanag na animo'y santo pwes mali kayo ng akala. Hindi ganun si Psyche. Ibang Psyche ang kaharap ko ngayon... iba na.

Napangisi siya, "Ano nang susunod mong gagawin?" Tanong nito sa akin habang nakangisi.

Mas lalo akong naiyak sa inasal ni Psyche. Bakit ganito? Nasaan na 'yung Psyche na nakilala ko? Yung

Psyche na minahal ko?! Nasaan na? Bakit parang iba na siya? Sabihin niyo nga! Na-possess ba siya ng demonyo?! Taena sana nga ganun na lang. Hindi ko kasi makakaya kapag nalaman kung kusa niya talaga ginawa 'yun.

"Bakit mo 'yun ginawa? Wala naman akong nagawa para-"

"Oo nga eh! Yun na nga! Wala kang ginawa! Wala kang ginawa para sa akin! Alam mo ba 'yung pakiramdam na parang ako na lang 'yung nasa relasyon natin? Na parang ako na lang 'yung gustong manatili run?! Yung ako na lang palagi 'yung nage-effort para sa ating dalawa?! Mahirap Ericka!

Mahirap! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko kada-magkasama tayo? Na kahit anong lambing

'yung gawin ko sa'yo, kahit anong amo wala pa rin! Para ka pa ring leon na hindi makapitan! Hindi ko maintindihan kung bakit ka ganun! Pero pinilit kong intindihin ka! Pinilit ko! Lahat ginawa ko para sa'yo!

At alam mo rin ba kung ano 'yung pakiramdam na wala ka sa tabi ko para masandalan ko?! Yung mga panahon na iniimbita kita sa mga practice namin?! Nasaan ka nun?! Yung mga panahon na gustonggusto kong makita mo 'yung bawat sayaw ko na ginagawa ko kasi inspired ako sa'yo, wala ka! Lahat

'yun, lahat ng effort ako ang gumawa kaya nagtagal tayo ng limang buwan! Sabihin mo -anong ginawa mo? Anong naging parte mo sa limang buwang pagsasama natin?!"

Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak. Oo, na naman. Wala na naman akong nagawa.

Upon hearing those words from Psyche, 'yung puso ko na nung dati eh wasak na wasak na, ngayon parang mas lalo pang nadurog. Kumbaga sa paminta, 'yung puso ko durog, pinong-pino. Wala nang itinira.

Bakit? Ganun ba talaga ako kawalang kwenta bilang isang girlfriend? Wala ba talaga akong nagawang maganda para sa kanya? Wala ba talaga akong naitulong sa limang buwan na 'to?Ang sakit, sobrang sakit.

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko rito.

"Sinabi? Tao ka naman 'di ba?! May nararamdaman ka! Hindi ka manhid! Malang naman siguro mararamdaman mo 'yun 'di ba? Nung mga panahong tumigil ako sa pag-iimbita sa'yo sa mga practice namin, gusto kong makita kung may gagawin ka! Kung may sasabihin ka! Kung gagawa ka ng effort para man lang masilip or makita ako! Pero wala! Ano 'yun dinaan mo 'ko sa text? Bakit Ericka, niligawan ba kita sa text?! Sa text ba nabuo 'tong relasyon na 'to? Di ba hindi?! Bibigay na sana ako eh! Hindi na sana ako magpapa-hard to get kasi mahal kita at hindi ko kayang tiisin ka! Kaso nga lang, dumating si

Irish. Si Irish na pumuno ng mga efforts na gusto ko eh ikaw 'yung gumawa. Kung tutuusin nga parang siya pa 'yung mas girlfriend ko eh. Kasi buti pa siya -nage-effort para makasama ako. Ikaw? Anong mga kaya kong gawin para makasama ako?"

Ano nga ba? Wala. Wala na naman. Bakit ba kasi ang useless ko? Bakit kasi hindi ako naging mabuting girlfriend para sa kanya? Bakit parang tinake for granted ko siya? Bakit? Bakit ang tanga mo ha,

Ericka?!

Ito na ba 'yung karmang sinasabi ni best? Ito na ba 'yung ganti ng bawat magkasintahang pinakialaman ko at hinulaan? Ito na ba? Wow ha, ang cheap! Ang cheap! Ito lang kaya nila? Tangina, kaya ko ulit silang hulaan mga gago sila!

Sht that karma >_________<

"Siguro nga wala. Wala na naman. Dyan ka talaga magaling Ericka -sa wala." Pagkasabi niya nun ay agad-agad na siyang naglakad papalabas sa gym.

At dahil sa tanga ako at masokista, hinabol ko siya.

"Bakit hindi mo na lang dineretsong nagsawa ka na? Bakit hindi mo na lang sabihing mahina ka nagpadali ka sa temptasyon." Sabi ko sa kanya habang nakatalikod siya.

Tumawa siya ng mahina at humarap sa akin, "Oo nagsawa ako. Pero minahal kita at alam mo 'yan.

Siguro nga, pwede kong pagsisihan 'tong ginawa ko sa'yo ngayon -pero sana, dumating din 'yung pagkakataong magsisi ka dahil may pagkukulang ka rin... alam mo 'yan." Nagsimula na ulit siyang maglakad papalayo sa akin.

Sumigaw ako, "True love doesn't easily fade easily... unless it's a lie."

Lumingon siya sa akin at ngumisi, "Then, I therefore conclude, it's not true love."

So I guess it's over?Hah! At least naka-limang buwan. Pwede na 'yun! Yung mga hinulaan ko nga noon eh, isang buwan lang. May tatlong araw nga lang eh. Mas maswerte pa rin ako sa kanila.

Oo iiyak ako, lulubos-lubusin ko na ngayon dahil pagkatapos nito, babalik na ako sa normal. Masakit ngayon pero gaya nung nag-break kami ni Chron, makakaraos ulit ako. Makaka-move on ulit ako.

Tsss... walang kwenta.

Minabuti kong tumungo sa roof top, angroof top na kadalasan kong tinatakbuhan kapag may problema ako.

Habang paakyat ako ng roof top, narinig ko na lamang ang palitan ng diskusyon ng mga babae. Sumilip ako sa kanila at nakita ko run sina -Nurse Kim, 'yung babaeng nag-abot sa akin ng note dati, 'yung mukhang sadako na bumunggo sa akin nung araw ng exam ko at iba pang mga babae... mga babaeng hinulaan ko... kasama si Irish.

"Wala pa lang kwenta 'yung mga pinaggagawa natin kay Athena eh! Nagsayang lang tayo ng arina nun!

Kayang-kaya naman pala ni Irish mag-isa 'yung trabaho." Wika ni Nurse Kim.

"Oo nga eh! Hindi ko talaga ine-expect na ganun kadaling matatapos 'yung relasyon nila. Hahaha!

Kawawang Athena!" Sabi ni Sadako girl.

"So, tapos na tayo sa kanya. Kanya-kanyang buhay na? Total wala na sila ni Psyche, siya na lang ang ipapalit ko kay Rob." Sabi ni Irish.

Sht! So plinano nilang lahat 'to?! Sila 'yung gumawa sa akin nung mga pangbu-bully?! Wow! May Anti-

Athena Club pala ako rito eh! Sht lang! Pero in fairness, namangha ako sa sarili ko. Ang dami ko pa lang bitter na nahulaan sa tana ng buhay ko?Wow lungs.

Umakyat ako sa roof top dala-dala ang isang pekeng ngiti. Ipapakita kong matibay ako -ipapakita kong hindi sila nanalo. Ipapakita kong wala silang nasira sa akin.

Pumalakpak ako.

"Galing. Sobrang galing lang. Hindi ko alam, may Anti-Athena FANS club pala ako?" Diniinan ko ang pagkakabigkas sa 'fans'

"Btch. Wala ng Psyche sa likuran mo, ano pang kakapitan mo? Ano pang ipagmamalaki mo?" Sabi ni

Irish. Punyeta maghintay ka lang at mapapatay talaga kita!

"Sinong nagsabing kailangan ko ng Psyche para magmalaki sa inyo? Sinong nagsabing hindi ko kayang tumayo sa sarili kong mga paa ng walang lalake?" Ngumisi ako, "Kawawa naman kayo, kailangan pa ng mga kasama para masira ang isang tao -take note, isa lang!" Then I chuckled.

"Sige lang. Pilitan mong maging masaya kahit sa loob-loob mo gusto mo nang tumalon sa roof top na

'to. Go! Hindi ka namin pipigilan! We hate you btch. And it's a pleasure for me to be the reason why your boyfriend dumped you -ah! Correction, EX-BOYFRIEND."

Isa-isa na silang nagsilakad at nilagpasan ako papaalis ng roof top. The btches are good, yeah. Really really good! Fvck all of them!

Nahuli si Irish.

"Bye btch, too bad for your reputation as a break-up planner. Hindi mo nahulaan ang break-up ninyo.

Hah! Pumupurol ka na ata?" Pagkatapos nun ay sumunod na siya sa mga kasama niya.

Naiwan akong nakatayo at lumuluha. Tama sila, nagpapanggap akong malakas kahit alam ko sa sarili kong sobra na akong nasasaktan. At oo, hindi ko nga nahulaan... ang galing. Yung iba kaya kong hulaan pero ang sarili ko? I never saw it coming... never.

Tsss, anyare? Hah! Ang tanga mo talaga Ericka!

Napatingin na lang ako sa mga ulap...

"You're right Psyche, you are really my worst nightmare."

--Chron's Pov--

Sht! Hayup na Psyche 'yun! Akala ko pa naman seryoso na siya kay Athena! Bakit niya ginawa 'yun?!

Tangina mapapatay ko 'yung kapatid kong iyon eh!

Kanina pa ako nag-aabang dito sa harap ng gate namin para sa pagdating ng tarantado kong kapatid.

Sisiguraduhin kong bibigyan ko siya ng home welcoming na hinding-hindi niya makakalimutan!

Ilang saglit pa ay sa wakas, dumating na rin ang gago.

Agad ko siyang sinuntok at napa-subsub naman siya sa semento.

"Tangina mo Psyche! Akala ko ba seryoso ka sa kanya?! Bakit mo niloko?!"

Tatayo na sana siya pero agad ko ulit siyang sinuntok. Sinuntok ko siya ng ilang ulit pero nagawa pa rin niyang tumayo at ngumisi.

"Akala mo naman kung sino kang magaling. Eh ikaw nga ang tagal mong pinagmukhang tanga!" Sigaw nito sa akin.

Oo, nagsinungaling ako kay Athena pero... iba ang sitwasyon ngayon! Iba ako kay Psyche! At kung tutuusin, mas masakit 'yung ginawa nitong hayop na 'to kay Athena!

"Ano bang nangyayari sa'yo?!" Tanong ko sa kanya.

Pinunasan niya ang labi niyang may dugo, "Nagsawa kasi ako eh. Alam mo 'yun? Yaan mo na 'yun tol, makakaraos din 'yun."

Mas kumulo ang dugo ko sa mga binitawan niyang salita kaya sinuntok ko siya ng mas triple pa sa lakas ng suntok ko sa kanya kanina.

"Minahal ka nung tao Psyche! Pero ginago mo!" Sinuntok ko pa ulit siya.

"Ano bang magagawa ko?! Tapos na eh! Nangyari na! Kaya pwede ba tumahimik ka na at tigilan mo na ako?! Kung makapagsalita ka kasi parang ikaw ang pinaka-dakilang ex sa buong mundo! Na parang ikaw 'yung the one that got away kung tawagin! Eh isa ka ring nanggago sa kanya eh! So ano ngayon?!

Magmamalinisan na lang tayo rito?!"

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Psyche. Siguro nga, may mali rin ako. May kasalanan din ako kay

Athena na kung tutuusin eh hindi kapata-patawad. Tangina kasi 'tong kapatid ko! Akala ko maasahan ko sa pag-aalaga kay Athena 'yun pala isang pang gago! Sht talaga! Sarap patayin kahit sarili ko pang kapatid!

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Psyche pero isa lang ang alam ko -minahal siya ni Athena pero ginago niya.

Nakakatawa. Isinumpa ata ang mga Epiales para saktan si Athena. Psh =__________= Tangina lang talaga.

Mahala rin naman sa akin si Athena kahit papaano. May pinagsamahan din kami, minahal ko rin naman siya kahit papaano bilang kaibigan. Naging mabuti siya sa akin kaya masakit din para sa aking makita siyang nagdudusa... NA NAMAN ng dahil ulit sa isang Epiales. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin ni Athena pero gusto kong makatulong kahit papaano -para lang sa sakit na binigay ko sa kanya noon.

Baka malagot ako neto sa tatay ni Athena. Nangako pa naman akong aalagaan ko 'yun. Sht! Sht ka

Psyche!

####################################

{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }

####################################

{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }

--Ericka's Pov--

Well, tuloy pa rin ang buhay. Pumapasok pa rin naman ako at nakikihalubilo sa mga kaklase ko pagkatapos ng break-up namin ni Psyche -wow, ang sakit lang pakinggan. Kung noon natutuwa ako kapag binabanggit ko 'yang'break-up' lalo na sa mga hinuhulaan ko, ngayon eh iba. Masakit, sobra.

Ngayon ko lang nalaman -mas masakit pala kapag sa'yo na nangyari.

Pero wala, tuloy pa rin ang buhay kahit ganun. Ano pa bang magagawa ko? Alangan namang lumuhod ako sa harapan niya at magmakaawang balikan niya ako? Tsss... asa. Minsan ko ng nilunok 'yung pride ko pero nauwi lang sa wala tapos gagawin ko ulit? Para ano? Para masayang lang ulit? Taena, wag na.

Hindi lang naman siya ang lalake sa buong planeta 'di ba? Tyaka hindi ko na rin masyadong nakikita si

Psyche sa school... buti naman.

Napangisi ako. Naalala ko kasi si Chron. Si Chron na akala ko eh susuklian din 'yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya -oo nga, Epiales 'din siya. Taray lang dahil pareho silang Epiales -parehong manloloko. Chos! Ang bitter ko! Yaan na lang, ganun talaga eh. Pero in fairness ha! Nung kay Chron sobrang ampalaya ko talaga pero ngayon? Wow improving ka na Ericka! Congrats! Tsss...

Pero aaminin ko... masakit pa rin. Syempre. Iniiyak ko na lang 'to 'pag gabi tapos naglalagay na lang ako ng eyeliner at mascara para hindi naman masyadong halata 'tong mata kong maga. Pasalamat na lang ako sa mga umimbento ng cosmetics na 'yun.

Aish, prom na nga pala mamaya. Ang bilis eh nu? Syempre pupunta ako, kahit wala akong date, so what? Kailan nga ba ng date sa prom? Requirement ba 'yun para makapagsayaw ka? Tyaka gusto ko ring ipakita run sa mga Anti-Athena Fans Club na wala silang nasira sa akin, na buong-buo pa rin ako, na kahit kunin nila sa akin si Psyche -ako pa rin si Ericka.

Lumapit ako kay Mama habang nanunood ng TV, umupo sa tabi niya sa sofa.

Sumandal ako sa balikat niya, "Mama, epic fail na naman."

"Yaan mo na anak. Makakahanap ka rin ng the one mo." Sabi ni Mama.

Unexpected nga eh. Kasi nung araw na nag-break kami ni Psyche kay Mama agad ako tumakbo.

Umiyak ako habang yakap-yakap niya. Kahit alam niyang may pasok siya kinabukasan eh nagpuyat siya para lang i-comfort ako. Huli na nga nung mapagtanto kong hindi pala kami masyadong close ng

Mama ko tapos bigla na lang akong magkwe-kwento at magsusumbong sa kanya. Pero bilang Mama ko, wala 'yun sa kanya. Inalagaan niya ako, pinayuhan. Kaya gagawin ko talaga ang lahat para makabawi kay Mama ngayon.

"May date ka sa prom?" Tanong ni Mama.

"Date? Seryoso ba kayo? Kaka-break nga lang tapos date? Eh sinong ide-date ko run? Anino ko?"

Sarkastiko kong sagot kay Mama.

"Gusto mo... bigyan kita?" Tanong ni Mama sabay pakita sa akin ng nakakaloko niyang ngiti.

O_______O

"Kelan pa kayo naging tagapagbigay ng boylet?!" Nabigla kong sambit.

Kinutusan niya ako ng mahina, "Gaga, tinatanong ko lang naman. Alam mo kasi, may kilala akong pwedeng mong isama sa prom para naman hindi ka mukhang kawawa."

"Mama, kaya ko 'yun. Hindi ko kailangan ng lalake para makapunta sa prom. Ipinanganak akong walang lalake sa tabi ko kaya kakayanin ko." Oo. Wala kasi si Papa nung iniluwal ako ni Mama =_______=

"Osya, maligo ka na't para maayusan na kita."

Kaya tumayo na ako mula sa sofa at dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ng mga ritwal ko sa paliligo eh nagtapis na ako ng tuwalya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng banyo namin at tumambad ang mukha ng bespren kong retarded habang nakangiti.

Nilagpasan ko lang siya, "Hindi ka man lang nagulat?!" Tanong nito sa akin.

"Heh. Last year prom kasi nandito ka rin kaya what else is new pa ba?"

"Eh kasi ang ganda ko 'pag Mama mo ang nagme-makeup sa akin eh! Hihi."

Nagbihis lang ako ng maluwag na shirt at shorts tapos lumabas na sa kwarto ko at tumungo sa kwarto ni Mama. Doon daw kasi gaganapin ang make-up session. At ayun si bespren, nauna pang inayusan ng sarili kong ina. Nanay mo 'teh? Feel na feel? Hahaha!

Oh 'di ba? Ang tatag ko! Akalain mo 'yun nakakatawa na ako? Haaay... mabilis ka na talagang nagiimprove Ericka. Binabati kita.

At dahil sa bored ako nanunood muna ako ng TV. Ilang saglit pa ay tinawag na ako ni Mama kasi ako na raw 'yung susunod na aayusan. So ayun, pinatay ko na 'yung TV at pumunta na kina Mama.

Pagdating ko run eh 'yung bespren ko na -ahem -maganda, sus! Eh nakangiti ng sobrang lapad sa akin.

"Tita, pagandahin niyo lalo si Ericka para makita nung gagong Psyche kung anong pinakawalan niya!"

Sabi ni Carmeen na kitang-kita ko ang reaksyon sa salamin.

Inirapan ko lang siya. =________=

"Oo naman! Naku, sigurado akong bukas na bukas may mga lalake nang nakapila sa labas ng bahay namin at handang manligaw dito sa anak ko!" Sabi naman ni Mama.

Seriously Mama? Pinapatulan niyo ang kabaliwan ni Carmeen? Oh well, magkasundo naman talaga kasi silang dalawa sa panga-alaska sa akin eh. Kulang na lang sila na 'yung maging mag-ina. Tsk tsk...

"Pero seryoso best, ayaw mo na talagang makipagbalikan kay Psyche?" Tanong nito sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako. Gusto ko pa ba?

Syempre mahal ko pa eh 'di oo. Sino ba namang may ayaw? Pero kasi... hindi ko alam kung anong dapat kung gawin para bumalik siya. I mean, alam ko kaso hindi ko alam kung babalik siya. Tyaka kung maging kami man ulit, hindi ko maipapangako 'yung 'efforts' na hinahanap niya sa akin. Hindi ako masyadong showy ng nararamdaman ko, ewan kung bakit. Basta. Tapos 'di ba sabi nila, kung nagawa na niya noon eh 'di pwede niyang gawin ulit? I mean, 'yung panloloko? Baka ulitin niya eh 'di masasaktan na naman ako. Kaya siguro parang huwag na lang.

Ipapahinga ko muna 'tong puso ko.

"Ayoko na." Sagot ko.

"Pero paano kung bumalik?" Tanong naman ni Mama habang inaayos 'yung buhok ko.

"Eh 'di bahala na."

Yeah. Bahala na.

Pagkatapos ng make-up session eh pumunta na ako sa kwarto para isuot 'yung red cocktail dress ko.

Kami ni Mama pumili nito eh. Ang cute cute talaga! =3= Tapos isinuot ko na rin 'yung black stiletto ko.

Tumingin ako sa salamin at inayos-ayos ang sarili ko. Haaay... paano kaya nagawang pakawalan ni

Psyche ang ganito kagandang dyosa? Lels, makababa na nga at makaalis na.

Pagkababa ko eh si Best Carmeen agad-agad akong hinatak at niyakap. Pucha, ano ba 'to?!

"Uwaaaaa! Best! Ang ganda-ganda mo! Kyaaaaaaaaaaaa! Siguro 'pag lalake ako, ikaw ang unang-una at huling-huli kong isasayaw sa prom!" Bulalas niya.

"Kaso hindi ka lalake. Tara na nga!" At kinuha ko na'yung maliit kong bag at lumabas sa gate. "Teka, saan si Elzid?"

"Sabi ko kasi sa kanya mauna na siya at huwag na tayong hintayin."

"Eh! Akala ko pa naman may masasakyan na tayo kaagad! Nakakainis ka!" Sabi ko sa kanya.

"Syempre joke lang 'yun." Sabay ngisi niya at tingin ng u-mad-look. "Ayun na 'yung kotse niya oh!"

Tapos ayun, dun kami sumakay sa kotse ni Elzid. Syempre ako sa likod samantalang 'yung dalawa eh naglalampungan sa harap. Kinakabahan nga ako kasi baka bigla kaming maaksidente! Taena talaga nitong dalawang 'to!

At sa awa naman ng Diyos, nakarating kami ng hotel ng buhay at kumpleto ang katawan at lamangloob! Akala ko kasi eh tuluyan na kaming maaksidente nang dahil sa landian nilang dalawa.

So, sayawan lang ng sayawan tapos ako nakaupo lang. Forever alone mode: ON! Aish! Wala ba talagang magsasayaw sa akin? Seriously? Dyosa naman ako ah! Tengene, puro sila may ka-partner

<//3 Ako lang ata ang wala! Wrong timing naman kasi 'yung break-up namin ni Psyche 'di ba?

Nakipaghiwalay na lang sana siya pagkatapos nitong prom para hindi naman ako kawawa rito! Chos!

Nyahahaha! Jk lang =____=

Kaya ito ako ngayon, painom-inom lang ng tubig habang nakaupo at nakatanaw sa mga sumasayaw.

Gustuhin ko mang hindi mainggit eh naiinggit talaga ako!

Samahan mo pa ng impaktang pagmumukha ni Irish na naka-smirk sa akin! Puteeek! Ang yabang talaga! Sarap bangasan eh! Putcha! Inirapan ko na lang. Sayang ganda ko kung makikipagrambulan ako sa kanya. Buti siya walang mawawala kasi pangit na talaga siya, eh paano naman ako? Dyosa ako kaya baka masira ang beauty ko!

Mawawalan na sana ako ng pag-asa nung lumapit sa akin si Psyche at inilahad ang palad nito sa akin.

Teka...

Niyayaya akong sumayaw ng ex ko? Ayus ah!

"Please?" Sabi niya sa akin.

At dahil sa ayaw ko namang magmukhang kawawa eh tinanggap ko na rin. Gusto ko ring ipakita na hindi ako bitter sa kanya! Sus! Never nu!

Kaya ayun, nung pagkatayo ko eh saktong pinalitan 'yung kanta ng 'Don't Let Me Go' ng The Click Five.

Dyahe, nanadya ata 'to =____= Sakto eh! Pucha!

So no choice kung hindi sumayaw. Grabe! Parang ilang taong hindi kami nagkayakap ng ganito kalapit!

Grabe, miss ko na 'yung ganito T^T Yung feeling na ang sarap niyang kasama at kayakap? Pakshet!

Naluluha ako! Pwede bang kahit minsan, kahit ngayon lang ulit, isipin kong kami pa rin? Sht. Hindi na napigilan ang luha, ayan na! Bumagsak na!

"I'm sorry."

Tama ba ang narinig ko?! Nagso-sorry siya?! Oh sht, nagkakaroon ng pag-asa! Pero sana nga. Sht, sana nga bumalik na sa akin si Psyche. Oh gosh!

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya, "You can still be happy without me, right?"

Putanginaaaaa! Akala ko 'yun na eh! Akala ko sasabihin niya na 'yung magic words na 'I still love you' pero pucha isang malaking paasa at ako naman isang malaki asyumera!

Akala ko, babalik na sa dati ang lahat pero nakalimutan ko nga pala -masyado nang komplikado.

"O-Oo n-naman." Though nanginginig 'yung boses ko dahil nga sa umiiyak ako, pinipilit ko pa ring maging jolly 'yung boses ko.

"You can still love another. Makakalimutan mo naman ako... kaagad 'di ba?"

"Akala mo naman ang dali-dali!" Matigas kong sagot sa kanya.

Napatawa siya ng mahina, "Oo, madali lang 'yan."

Alam mo 'yung feeling na gusto mo siyang patayin dahil sa inis?! Pero hindi mo pwedeng gawin kasi maraming taong nakapaligid sa inyo at... dahil mahal mo siya.

Madali siguro para sa kanya kasi ang bilis niyang nakahanap ng bago pero paano ako?! Paano ako?!

Naramdaman kong kakalas na sana siya sa pagkakayakap pero hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya. Please Psyche, konting panahon pa... please...

"Don't let me go..." Nasabi ko na lamang.

"If I don't then I'll just end up hurting you. Ayoko na ulit masaktan ka ng dahil sa akin -hindi kaya ng konsensya ko. I can't hurt you once again, Ericka."

At ayun nga. Bumitaw na siya at naglakad na naman papalayo sa akin. Naiwan ulit ako nang luhaan.

Ang sabi ko magpapaka-tatag na ako pero ang hirap pala nun. Mas mahirap pa sa inaasahan ko.

Dobleng sakit, dobleng hirap... oh well gawin mo nang triple!

***

Ngayon... hindi ko na alam kung paano pa ako makaka-move on. Hindi ko na alam. Pasalamat nga ako noon kay Psyche dahil kung hindi nang dahil sa kanya eh siguro amplaya pa rin ako kay Chron.

Pero ngayon? Sino na naman bang darating para hilumin 'tong puso ko?

11:00 PM na. Isang oras na lang aalis na ako. Grabe, sa isang buong gabi isa lang ang nagsayaw sa akin? At talagang 'yung ex ko pa? At talagang nasaktan pa ako! Taena talaga! Parang pinagsisisihan ko na tuloy na pumunta pa ako rito >______<

Nagpalinga-linga lang ako sa paligid ng makuha ng isang matangkad na lalakeng naka-maskara 'yung atensyon ko. Well 'yung maskara niya eh 'yung sa bandang mata lang ang natatakpan at exposed ang labi niya -oh em! Ang mapupulang labi niya! O____O

Ay teka, manlandi raw ba?

Eh pero bakit nakamaskara? Tyaka parang may hinahanap siya eh! Pero in fairness, gwapo siya!

Pramis, gwapo talaga! Siguro kung hindi sawi at duguan ang puso ko ngayon eh kanina ko pa ibinalandra 'yung sarili ko sa kanya pero hindi eh. Tinitignan ko lang siya ng biglang magtama ang mga mata naming dalawa.

Ano 'to titigan competition? Pero ang ganda ng mga mata niya! Yung para kang yelo na tinutunaw ngay? Grabe lungs! As in nakatitig pa rin siya sa akin na parang kinikilala niya ako.

At err~ biglang tumugtog 'yung Enchanted ni Taylor Swift.

There I was again tonight, forcing laughter, faking smiles~ Same old, tired place lonely place~ Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy~ Vanished when I saw your face~

Nakatitig lang siya sa akin tapos nakita ko na lang na papalapit na pala siya sa direksyon ko! Omo, sino ba 'to? Kiala ko ba?

Your eyes whispered, "Have we met?" across the room, your silhouette~ Starts to make its way to me~

The playful conversation starts, counter all your quick remarks~ Like passing notes in secrecy~

Is it just me or talagang tumutugma 'yung mga kasalukuyang linya ng kanta sa ginagawa nung lalakeng naka-maskara? Grabe, ano 'to pa-mysterious epek? Tsss... korni ah.

Nakatingin pa rin siya sa akin, na parang hindi niya tinitignan 'yung dinadaanan niya basta naka-focus lang siya sa akin.

And it was enchanting to meet you~ All I can say is I was enchanted to meet you~ This night is sparkling, don't you let it go~ I'm wonder-struck, blushing all the way home~ I'll spend forever wondering if you knew~ I was enchanted to meet you~

Nang makarating na siya sa harapan ko eh tinignan niya ako ng parang bored-look. Na parang nadisappoint siya sa nakita niya ngay! Taena sino ba 'to?

Pero bago ko pa man matanong kung sino siya eh hinila na niya ako sa dance floor.

Pucha ano 'to sapilitang pagsasayaw?! O________O

"Hoy sino ka ba?! Bat mo ba 'ko hinila rito?" Tanong ko sa kanya.

Pero wala naman siyang sinabi. Baka naman bingi? Or pipe? Anla! May kapansanan si manong! Chos!

"Hoy! Di mo ba sasabihin pangalan mo? Pwede ba! Bitawan mo na 'yung kamay ko kung hindi mo sasabihin!" Nagpupumiglas na ako pero ang higpit ng hawak niya sa kamay at bewang ko!

>_________<

Please don't be in love with someone else~ Please don't have somebody waiting on you~ Please don't be in love with someone else~ Please don't have somebody waiting on you~

Ay ang ganda ng lines na 'yan! Pero ewan ko ba kung bakit may lalakeng nagsasayaw sa akin na hindi ko naman kilala at wala pa nga atang balak magpakilala sa akin. Pero kung sino man siya, salamat kasi siya ang last dance ko. Kahit hindi ko siya kilala. Kaya sige, go with the flow.

Please don't be in love with someone else~ Please don't have somebody waiting on you~

Nang matapos 'yung kanta eh binitawan niya na ako. Pero nagkatitigan kami. Yung mga mata niya... sobrang... parang walang kaemo-emosyon. Para akong nakikipagtitigan sa pigurin na 'di nagalaw!

Cold as ice -'yun ang pinakadabes na description sa mga matang meron siya.

Pero bakit? At bakit niya ako sinayaw? Sino ba siya? Kilala ko ba siya? Bakit siya naka-maskara? Bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan niya.

Bigla na lamang siyang umalis...

"Uyy teka-"

Wala. Huli na, nakalabas na siya ng room na 'to. Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin alam kung sino 'yung last dance ko. Tsk tsk... cold. Basta cold! Ganun siya... ganun ang mga mata niya.

--Carmeen's Pov--

Kausap ko si Psyche ngayon sa labas ng hotel. Sinadya ko talaga siyang kausapin tungkol kay Athena.

Hindi kasi ako sanay na makita ulit siyang ganun, malungkot.

"Anong nangyari sa'yo Psyche?" Tanong ko rito.

Nakayuko lang siya, "Hindi ko rin alam eh. Nangyari na lang."

"Ganun ba talaga kadaling itapon para sa'yo si Athena?"

Napatingin siya sa akin, "Sinong nagsabi sa'yong tinapon ko siya?"

"Eh bakit mo sinaktan?!" I'm starting to lose my temper. Sht!

Matagal ko na kasing gustong itanong 'to kay Psyche pero pinipigilan ako ni Athena, pero total naman na nakauwi na siya eh ito na siguro ang tamang panahon para maka-face to face ko 'tong si Psyche.

"May mga bagay na basta-basta na lang nagagawa ng tao kahit ayaw nila." Sagot nito.

"So hindi mo gustong saktan siya?! Pero bakit ka nambabae?! Tangina mo rin eh nu!"

"I was desperate to caught her attention. Akala ko kasi wala akong halaga sa kanya -'yung mga ginagawa ko. She's like a lion who can't be easily tamed -who can't be tamed by no one." Naramdaman ko ang guilt sa tono ng pananalita niya.

"Bakit hindi mo tiniis? Akala ko ba mahal mo?"

"It just happened. Bigla na lang pumasok sa isip ko na ayoko na. Pagod na ako. Ayoko na siyang mahalin. Nahihirapan na ako eh."

Sht! Parang gusto ko na talagang patayin 'tong gagong 'to eh! Konti na lang talaga! Sht >__________<

"Ang selfish mo. Akala mo ikaw lang ang nahihirapan? Inisip mo ba si Athena? Yung mararamdaman niya?! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan 'yung bespren ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Alam ko. Hinanda ko na 'yung sarili ko run. Pero wala na eh. Bigla na lang nag-fade away. Isang araw, paggising ko -wala na. Hindi ko alam kung bakit. Basta na lang nangyari."

Agad ko siyang sinampal ng ubod ng lakas. Kung tutuusin, kulang pa 'to eh. Kulang pa! Sa lahat-lahat ng sakit na natanggap ng bespren ko nang dahil sa kanya siguro kulang ang isang milyong sampal mula sa akin. Sana, masaktan din siya tulad ng nangyari sa bespren ko. Sana maramdaman niya rin kung ano 'yung pinaramdam niya sa kaibigan ko.

Sana karmahin siya ng bonggang-bongga!

"Panindigan mo 'yang sinabi mo. Huwag mo nang lalapitan ang bestfriend ko!"

Pagkasabi ko noon ay bumalik na ako sa loob.

Ayokong masira ang gabi ko nang dahil sa walang kwentang tao. Magsisisi rin naman sa huli 'yang gagong 'yan eh. Sigurado ako.

####################################

{ TBUP -33: NEW ERA }

####################################

{ TBUP -33: NEW ERA }

--Psyche's Pov--

Augh. March na pala, tapos na ang graduation. Bakasyon na ang aatupagin namin. Back to boring life na naman. Tss...

Kamusta na kaya si Ericka? Saan kaya 'yun magbabakasyon?

Huling kita ko kasi sa kanya eh nung napadaan ako sa tapat ng bahay nila. Sakto ngang nagbabalot sila ng mga damit eh. Wala lang, nginitian niya lang ako. Pero alam ko naman sa sarili kong peke lang 'yung ngiting 'yun.

Sino ba namang babae ang ngingiti sa'yo ng ganun sa kabila ng ginawa mong katarantaduhan? At sa tipo ni Ericka, hindi siya ganun. Kapag sinaktan mo siya at sinira ang tiwala, baka kahit iligtas mo ang buhay niya ng ilang beses eh siguro papasalamatan ka pero hindi ka ngingitian.

Ang tapang talaga ng babaeng 'yun. Leon talaga eh.

Wala talaga akong magawa sa buhay ko. Tawagan ko na lang kaya si Irish? Tutal, wala akong magawa eh 'di dalhin ko na lang siya sa Boracay.

Sa place kung saan naging kami ni Ericka...

Putangina nu? Ako 'yung nakipagbreak pero hindi maalis sa isip ko. Ewan ba, gusto kong magsisi pero sorry... matagal ko nang nagawa.

Gusto niyo bang makarinig ng trivia? Lol. Pero gusto niyo bang makarinig ng kwento? I mean -sikreto?

Sige.

"Sht mahal ko pa eh."

Napabuntong hininga na lamang ako sa katotohanang 'yung babaeng pinakawalan at ginagago ko, mahal ko pa. Ang tanga ko eh nu?

Totoo, nagsawa ako, napagod ako sa kaka-effort at naghanap ako ng iba. Testing lang baka sakaling mahanap ko 'yung effort na hinahanap ko kay Ericka -at unfortunately eh nahanap ko nga sa isang Irish

Ventura. Palagi kasi siyang nandyan kapag namomroblema ako kay Ericka. Kapag nalulungkot ako kasi hindi man lang niya makamusta 'yung practice ko or ako. Hindi niya man lang masabing mahal niya 'ko pampagaan lang ng loob ko.

Akala ko nga eh hindi ko na mahal. Feeling ko kasi masaya na ako kay Irish pero nung nawala siya?

Tangina masakit pala? Na-caught in the act ako eh 'di panindigan. Sabi ko sa sarili ko, kapag wala siyang ginawa para manatili ako or bumalik sa kanya kakalimutan ko na talaga siya.

Pero ayun nga, may ginawa siya. Ilang beses niya akong hinabol, she even told me to hold on to her.

Sabi ko sa sarili ko, 'wow effort 'to' pero nung naalala ko 'yung itsura niya nung nakita niya kami ni Irish sa gym? Nung naalala kong sobra ko siyang nasaktan? Nakonsensya ako. Natakot ako na baka isang araw, kapag naging kami ulit eh magawa ko na naman 'yung katarantaduhang 'yun sa kanya.

Lalake ako, nadadala, mahina, natutukso. At ang katulad ko eh hindi nababagay sa isang Athena Ericka

Artemis na kapag nagmahal ay bigay todo. Kahit hindi niya ipahalatang natutuwa siya, kahit hindi niya ipakitang kinikilig siya alam ko sa loob-loob niyang mahal niya ako.

Pero anong ginawa ko? Nang dahil lang sa pesteng effort na 'yan kinalimutan ko kung ano 'yung meron kami. Nang dahil sa nakakasawang ako lang palagi 'yung naghihirap sa relasyon namin eh nakalimutan ko kung paano niya ako pinasaya -kung gaano ko siya kamahal.

Hindi naman effort 'yung minahal ko sa kanya 'di ba? Siya mismo.

Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. At oo, nagsisisi ako kasi pinakawalan ko siya. Pero bahala na, ayoko nang bumalik. Nasaktan ko na eh. Nasira ko na.

Kung ikaw, makasira ka ng isang monoblock, 'yung upuan ngay? Gugustuhin mo pa rin bang upuan

'yun kahit alam mong bibigay na? Na kahit pilitin mo pang ayusin, still may lamat na -maraming tendency na masira mo ulit.

Kaya papabayaan ko na lang. Ayoko nang masira ulit, ayoko nang masaktan ko ulit.

Di bale nang ako 'yung maghirap at magsisi, huwag lang siya. Huwag niya lang pagsisihan na ako 'yung minahal niya.

Calling Irish...

("Hello?") -Irish.

"Will you think twice if I told you I want do date you now?"

--Ericka's Pov--

Oyy mga utaw! Omegesh! -ay sht, salitang alien =_______=

By the way, may balita ako sa inyo~!!

Si Mama! Si Mama! Si Mama!

May fiancé! De seryoso ako! Meron talaga! Grabe nga eh, akala ko nagbibiro lang siya! Pinagtawanan ko pa nga eh! Pero totoo! Nandito nga kami ngayon sa kotse nung fiancé ni Mama eh! Ihahatid kami sa

Oriental Mindoro kasi nga may rest house 'yung boypren ni Mama run at inimbitahan kaming magbakasyon dun kaya ito kami, byahe ang peg.

Pero grabe talaga! Di ko ine-expect na si Mama may lablayp tapos ako duguan ang puso?! Waw, naunahan pa talaga ako ng Inay ko?! Gravity! Unbelibabel! xD

"Mama, malayo pa ba?" Tanong ko sa kanya habang nakikipag-text sa fiancé niya.

"Malapit na." Sagot ni Mama.

Tipid sumagot sa akin kasi nga busy sa boylet niya =_______= Huhu, inggit ako kay Mama. May lablayp siya eh! Ako wala! Pero seryoso, 'di ko talaga ine-expect. Napapansin ko lang kada-umaalis at umuuwi ng bahay si Mama eh blooming siya, at hindi na ako halos makasunod sa kompyuter kasi palagi siyang may ka-chat sa pesbuk tapos palagi niya rin akong inuutusang magpa-load sa tindahan kahit kakagising ko pa lang!

Omo! Ibig sabihin -lahat ng iyon ay dahil sa kanyang fiancé? At hindi ko talaga nalaman kaagad? Aish!

Si Mama kasi hindi nagshe-share T^T

So dahil bored ako naglaro na lang ako ng text twist sa phone ko. Nung nagsimula na akong ma-bored at magsawa -err! Magsawa... naalala ko na naman siya. Sht! Ako na! Ako na ang hindi maka-move on!

Pero pramis ko talaga, ngayong bakasyon magmo-move on akong mag-isa! No boys allowed ang drama ko ngayon! Chos!

Eh dahil nga sa wala ng thrill 'yung text twist eh natulog ako.

Ilang minutes pa lang 'yung tinutulog ko eh ginising na ako ni Mama. Tae kung kailan matutulog ako tyaka na kami darating?! O______O

Oh well, dahil mahal ko ang Mama ko kahit may fiancé siya eh hindi na ako tumutol. Kailangan niya ring maging masaya nu! Deserve niya 'yun :)

Kaya bumaba na kami sa kotse at nasa tapat na kami ngayon ng rest house ng pyansey (fiancé) ni

Mama. Namangha naman ako dahil oh well, ang laki ng bahay! I mean rest house! Grabe hindi ko sukat akalaing (uy tagalog ang drama ko ngayon ah!) may magsasayang ng pera para lang sa isang rest house na ganito kalaki! At take note, rest house lang! Bahay bakasyunan! Meaning eh hindi palaging natitirahan! Grabe lang.

Tapos 'yung lugar! Napaka-refreshing! Tamang-tama sa isang brokenhearted na katulad ko na nagbabalak mag-move on! Chos! Me ganon? xD Tae ang hyper ko ngayon =________=

Ay teka, ini-imagine ko kasi 'yung peslaks nung pyansey ni Mama. Baka naman panot 'yun at malaki ang tyan? Or balbas sarado? Or sobrang taba? Or sobrang payat? Baka naman pangit at waley ang peslaks at dinaan lang si Mama sa pera?! Omo! Ericka magtigil ka! Hindi ganun ang Mama mo gaga ka!

>__________<

So ilang sandali pa ay may lumabas na lalakeng naka-suit at may necktie na gold. Tapos parang si

Brad Pitt lang ang dating! Ang pogi! Bakit ganun, bakit ang gwapo nito? Sino ba 'to?

Lumapit siya kay Mama at... O____O

"Hi Hon!" Bati niya kay Mama sabay kiss at...

...oh sht, PBB TEENS?! Naghalikan sa harap ko eh! Take note -with tongue! EWW!

"Hello Honey!" Sabi naman ni Mama.

So... siya?! Siya ang pyansey ng mudrakels ko?! Gravity talaga ang gwapo! Pramis, ilang taon na ba

'to? Bakit parang ang bata? Baka naman kasuhan si Mama ng child abuse dito ha! Or baka naman benta sa kanila 'yung line na 'Age doesn't matter'? Taray ha! 42 na si Mama eh, ilang taon na kaya 'to?

Hinigit ni Mama 'yung bewang ko palapit sa kanya, "Ito nga pala 'yung anak ko, si Athena."

Grabe! Tinawag akong Athena ni Mama! Eh ayaw ko pa naman nun! Taena hindi kasi ako makapalag kasi baka sabihin nitong piyansey ni Mama na bastos ako at walang values education kaya bahala na

=__________=

"H-Hi po." Bati ko sa kanya.

"Oh iha, tara sa loob nandun din 'yung anak ko eh." Sabi nung yummy na pyansey ni Mama.

Yummy nga eh! Paki niyo ba?! Di ko naman aagawan 'yung Mama ko! Di kasi benta sa akin 'yung age doesn't chu chu chu na linya eh. Gusto ko 'yung ka-age ko :D

So habang papasok na kami sa loob ng mala-palasyong resthouse eh hindi ko alam kung sinong demonyo ang sumanib sa akin at may naitanong akong bagay. (baka naman si Cifer Capulet ng My

Guardian is Fresh From Hell at Cifer! Lead Me to Hell ang demonyong sumapi sa akin? Ay chos!

Gwapong demonyo nun! Pak na pak! xD )

"Ilang taon na po kayo?" Yan ang tanong ko.

"Ah? Ako?" Ay de! Siya, siya! Amp! "44 na ako ineng."

Punyeta bakit parang gusto kong tumawa? Eh kasi! Nyahahaha! Hindi halata! Parang jino-joke time niya ako sa edad niya eh! Kasi mukha talaga siyang bata pramis! Ang ganda pa ng katawan niya tapos... basta! Gwapo siya! Grabe panalo pala 'tong magiging future tatay ko :"">

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay eh -nalaglag ang panga ko! Taena pakipulot naman! Lels.

Grabe ang elegante tapos ang ganda! Lahat ng bagay parang puro mamahalin! Ang yaman talaga!

O______O

Rest house pa lang 'to, pano kaya 'yung totoong bahay nila?! GRABE LUNGS! Naka-jackpot kami ni

Mama! Hohohoho!

Taena mukha na akong pera =________= Pakitignan nga, kamukha ko na ba si Rizal? Yung nasa piso ngay! :)))))))))

"Manang, pakidala naman 'yung mga gamit nila sa kwarto nila." Utos ni future fader sa tatlong maids.

Agad-agad naman nilang kinuha 'yung bagahe namin tapos pumanhik na sila sa hagdan.

"Uhmmm, kumain na tayo. Tamang-tama may inihanda kami para sa inyo." Sabi ni future pader habang nakapulupot 'yung isang kamay sa bewang ni Mama. Wow PDA much!

"Sige po Tito-"

"Severino or just call me Sev."

Wow bagets! Sev?! Gandang namesung!

So dumiretso na kami sa hapag-kainan nila. Grabe lang 'yung lamesa kasi ang haba at punong-puno ng mga masasarap na pagkaen! Grabe parang pyesta! Sht, parang feel kong magpaka-busog at magpakapiggy piggy oink oink ngayon ah!

Habang busy ako sa mga pagkaen sa harap ko eh hindi ko napansin na nakaupo na pala sila Mama at

Tito Sev na magkatabi tapos si Tito Sev... may katabing lalake na naka-cross arms at nakatingin sa opposite side, 'yung hindi niya tinitignan sina Tito Sev ngay? Basta! Sa kabila siya naka-tingin.

"Oh iha, halika na." Sabi ni Tito Sev.

Kaya umupo na ako. So ganito ang setting namin...

Mama | Tito Sev | Unknown

________________________

| | | | | | | Ako | | | | | | | | |

So forever alone ang drama ko rito?! Ako lang kasi mag-isa rito sa isang helera eh! Lahat sila nasa kabila T^T K, kung ayaw nilang tabihan ang dyosang katulad ko eh 'di lalapang na lang ako!

Pero bago ko pa magawa iyon...

"Ah! Siya nga pala Athena," Oh sht that name, "nakalimutan kong ipakilala sa'yo ang anak ko... uhm..."

Ay may anak din? So ibig sabihin may kapatid na ako ngayon?

Hinawakan niya sa balikat 'yung anak niya tapos tumingin naman sa akin ng sobrang sama 'yung anak niya! Na kulang na lang patayin niya ako dahil sa titig niya. Eh? Anak niya 'yung hindi namamansin at hindi tumitingin sa side nila? Grabe anak pala niya 'yun? Kala ko mamaw eh =__= K, korni.

Pero wait lungs! Teka... 'yung mga mata niya... 'yung mga mata niya...

Teka san ko nga ba nakita ang dalawang pares ng matang iyan?

Yung ano... ice... 'yung cold? Cold eyes? Saan nga ba?

Tumingin na ulit siya sa opposite side pero ako pilit ko pa ring sinisilip 'yung mata niya kasi gusto ko talagang alalahanin kung saan ko 'yun nakita. Hmm? Saan nga ba?

After a couple of seconds dahil wala pa naman akong memory gap... naalala ko na! Hindi ako pwedeng magkamali...

"IKAW 'YUN?!" Bulalas ko with matching patayo-tayo epek pa.

Si Mama naman ang wide ng ngiti. Teka... anong meron? Bat makahulugan ang ngiti ni Mama?

####################################

{ TBUP -34: Trial }

####################################

{ TBUP -34: Trial }

PromNight//

--Scarlet's Pov--

Sht naman 'to! Pasensya na kung unang basa niyo pa lang eh mura na kaagad ang ipinangbungad ko sa inyo. Paano ba naman?! Hindi ako makasayaw nang dahil sa bullsht na President Perv na 'to!

Nakakainis! Kung bakit kasi nakialam pa si Ma'am Perez sa escorts eh! I-partner ba naman ako kay

Chron? Taena kasi tradition daw 'yun, dapat 'yung President eh partner 'yung Secretary -eh putanginang tradition pala 'yan eh!

Kaya ito ako ngayon, nakaupo, nagdurusa, nag-aayos ng catering services at nagbabantay sa mga sumasayaw, ganun din si Chron with matching pa-chika chika epek pa sa mga teachers! Bwiset na

Student Council Organization 'to! Sana pala hindi na ako nagpresentang maging secretary! Masasayang lang pala ang ganda ko ngayong gabi nang dahil dito! Eh 'di sana nag-pajama na lang akong pumunta rito! Bwiset talaga!

Marami pa namang naghahangad maisayaw ako T^T Aish!

Umupo na lamang ako at pinagmasdan ang mga estudyanteng nage-enjoy sa pagsasayaw nila. Buti pa sila enjoy! Eh ako? Puro trabaho! La kwentang prom 'to!

"Naiinggit ka?" Tss, sino pa ba eh 'di si President Perv na kakantyawan na naman ako!

Napatingin ako sa kanya ng masama, "Sinong hindi mainggit eh habang sila nagsasaya ako trabaho pa rin?!" Bulalas ko.

Napangisi siya, "Eh 'di naiinggit ka nga? Akalain mo 'yun? May inggit ka rin pa lang nararamdaman dyan sa katawan mo?" Tapos tumawa siya.

Aba! Bwset talaga 'to! Nagawa pa akong asarin! Naiinis na nga ako't lahat-lahat tatawanan pa ako!

Bigwasan ko kaya 'to ng bonggang-bongga?!

Pero in fairness... aminin na natin! Gwapo siya sa white suit niya. Alam mo 'yung pormal na hindi pormal? Basta! Ganun 'yung itsura niya! Para siyang dadalo sa prom na makikipagrambulan. Lol. Pero totoo, ang gwapo niya ngayon.

Pero eh! Naiinis pa rin ako sa kanya sa tuwing makikita ko 'yung mga sumasayaw run sa harap! Taena lungs!

"At least inggit! Eh ikaw? Kalibugan ang nararamdaman sa katawan!" Sabi ko sa kanya sabay belat.

"Uist! Huwag ka ngang maingay!" Saway nito sa akin.

"Ayaw mong malaman nila na ang Pres-" Agad na niyang tinakpan 'yung bibig ko.

Nang pinakawalan na niya 'yung bibig ko eh hinampas-hampas ko siya. Taena lungs! Nagulo kasi 'yung lipstick ko! Bad treeeeeeeep! >____<

"Aray! Aww! Para lipstick lang eh!" Sabi nito sa akin.

"Alam mo bang nakalimutan ko 'yung lipstick ko sa bahay?! Paano ako nito?!" Sigaw ko sa kanya.

Wala akong pakialam kung may makarinig, basta naiinis ako sa kanya!

"Tsk! Teka nga!" Tapos hinawakan niya ako sa magkabilang wrist. "Aayusin ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "May lipstick kang dala?! OMG! Sabi ko na nga ba-"

"Wag ka nang maingay! Wala akong dalang lipstick at hindi ako bakla. Aayusin ko lang."

Tapos lumapit siya sa akin. As in malapit! Tapos nagkatitigan kami sa mata at bigla na lang niyang idinampi ang...

...kamay niya sa labi ko! Yung thumb ngay? :>

Mwhahahahaha! Akala niyo kung ano na! Nasa prom lang halik agad?!

PBB TEENS?! xD

So ayun, inayos niya 'yung nagkalat na lipstick ko sa bibig ko gamit 'yung kamay niya. Bakit ang lambot ng kamay niya? Feel na feel ko sa lips ko eh! Parang ang sarap i-kiss! Nyahahaha!

Pagkatapos nun eh naging awkward ang atmosphere. A sudden silence came. Nakakahiya pala 'yun?

Habang feel na feel ko ang kanyang kamay sa labi ko eh hindi ko namalayang nahihiya na pala siya?

Sht, oo nga pala. May Selene siya =______=

May naalala ako sa Selene! Alam niyo kasi, nung bata ako may vitamins ako. Alam niyo 'yung Ascorbic

Acid Ceelin? Yun 'yung vitamins ko. Hehehe, wala lang naalala ko lang kasi katunog ng pangalan ni

Seleen. Hahaha! Pabayaan niyo na ako, nililibang ko lang 'yung sarili ko. Kaya makitawa na lang kayo.

Napatingin ulit ako sa mga nagsasayawan, "Makipagsayaw ka na." Sabi niya.

Agad akong napatingin sa kanya, "TALAGA?!" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Oo." Maikli niyang sagot.

Yes! Magdiwang! Sisiguraduhin kong akin ang dancefloor ngayon! Lahat ng lalake sa place na ito ay mag-uunahang alukin ako ng sayaw! Mwhahahaha! Ako ata ang pinakamaganda rito! Tsk!

So rarampa na sana ako sa dancefloor ng bigla akong hinila ni President Perv =_______= Wait! Don't tell me joke lang 'yun? Don't tell me nagbago kaagad ang isip niya?! Oh fvck! Pinaasa ang beauty ko?!

Bad trip! >______<

"Akala ko ba pwede na?!" Irita kong tanong.

"Pwede na nga..." Still nakahawak pa rin siya sa braso ko.

"Oh eh 'di bitawan mo na ako! Marami pang naghihintay sa ganda ko nu!" Sabay flip hair xD

"Pwede ka ng makipagsayaw... sa akin LANG." At talagang pinagdiinan ang lang?!

At bakit sa kanya LANG?! Ano 'to ha?! Pagmamay-ari na niya ako?! Inaangkin, inaangkin?!

Kulang na lang pumick-up ako sa kanya ng:

Ako: China ka ba?

Siya: Bakit?

Ako: Pati kasi ako, inaangkin mo na.

Punyeta ang korni 'di ba? Pero syempre sa imagination ko lang 'yan! :))))) Pero seryoso, bakit nga?!

Ano na namang kasalanan ko?! Taena naman!

"Bakit na naman ba?!"

"Ako nag escort mo." Sagot nito.

"And so? Wala namang patakaran na 'yung escort lang dapat ang magsayaw ah! Shunga ka?!"

"Eh gusto ko eh! Tyaka, cha-chansingan ka lang ng mga 'yan! Tignan mo nga 'yang suot mo! Parang hindi na pang-prom! Para na ngang pang-club eh." Sabi niya sabay tingin sa kabilang side.

And so? Pakialam niya sa suot ko? Eh ang ganda kaya! Lahat kaya ng nakakita sa akin pinuri ako!

Tyaka anong pang-club?! Kapal naman niya! Wala pa akong nakitang nagtratrabaho sa club na nakaganito! >_________< Pero hindi ako nagpupunta sa club ha! Kikita ko lang sa TV xD

"Tsk! Hayaan mo na nga kasi ako!" Pilit kong inaalis 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero ang higpit eh T^T

"Ayoko! Ako lang ang magsasayaw sa'yo, maliwanag? Safe ka sa akin."

"Sus! Safe daw! Eh kung hindi mo pa binigay sa akin 'yung susi ng kwarto mo eh baka nagapang mo na ako nung nasa bahay mo 'ko!"

Napailing siya at dali-daling pumunta sa stage at kinuha ang mic. Pero syempre dahil hawak niya ang kamay ko eh kinaladkad niya ako ng bonggang-bongga! Putrages! >______<

"Gusto ko lang sabihing wala pong pwedeng magsayaw sa kanya. Kapag may nakita akong lumapit or nag-alok sa kanya -automatic, bago mag-graduate kailangan niyang linisin ang buong campus ng isang linggo." Tapos bumaba siya ng stage at kinakaladkad pa rin ako.

Bwiset! Ano naman 'yun?! Yung mga estudyante nag-ayee pa! Ayee-in ko 'yung mga pagmumukha nila eh! Sht talaga! Ano bang problema nito! Pagkatapos ng announcement niya eh pinapalitan niya 'yung tugtog tapos hinila ako sa dance floor. Putek!

Kaya no choice, sige, sayaw sayaw na lang =_______= Bad trip kasi. Bakit kasi nagkaganito 'to?

Pakisilip nga sa labas kung bilog ang buwan at baka nau-ulol na 'tong kasayaw ko.

"Hindi ka ba masaya?" Tanong nito sa akin.

"Punyeta, paano ako sasaya eh ikaw lang ang magsasayaw sa akin?!"

"So ayaw mo?"

"Kung gusto ko eh 'di sana nakangiti ako ngayon!"

"Tsss... pino-protektahan lang kita."

Pino-protektahan?! Joke ba 'yun? Tatawa na ba ako?! Sht, protektahan your face!

"Kung ano-ano kasing pumapasok sa kokote mo. Muntanga ka." Sabi ko.

"Ayus lang maging mukhang tanga huwag lang ma-konsensya kapag na-harass ka." Sabi naman nito.

Superman ang peg mo ngayon? Tsk. Di benta =__=

"Bakit ka naman mako-konsensya?!"

"Kasi ako ang escort mo. Ayokong mabastos ka. Baka mamaya masisi pa ako ng mga magulang mo."

"Bahala ka nga!"

Kaya ayun. Buong gabi siya lang ang nagsayaw sa akin! Talagang naniwala 'yung mga lalake na may punishment ang pagsayaw sa akin? Taena talagang Chron 'yun! Sarap bigwasan!

Limang kanta nga lang nasayaw ko eh! Kasama siya =_____= Tapos ngayon, siya pa ang kasama kong uuwi! Bwiset kasi. Sinabi na pala niya sa driver ko na siya ang maghahatid sa akin T^T

"Tara na?" Yaya nito sa akin. Taena talaga.

So ayun, lumabas kami ng hotel para umuwi na. Nagtataka nga ako eh, san kotse niya? O___O

"San kotse mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Wala. Maglalakad tayo."

"ANO?!" Sigaw ko sa kanya. "Paglalakarin mo 'ko eh nakaganito ako?!" Sabay tingin sa suot ko.

"Eh 'di papasanin kita."

"Shunga! Ganito nga ang suot ko tapos papasanin mo 'ko?!"

Hinubad niya 'yung sapatos niya, so naka-medyas na lang siya tapos yumuko siya at tinaggal 'yung isa kong heels.

"H-Hoy! B-bakit mo ba tinatanggal 'yan?!" Tanong ko.

Nang matanggal niya na 'yung dalawang pares eh isinuot niya sa akin 'yung sapatos niya. Nababaliw na ba siya?

"Suotin mo 'yan para hindi ka na magreklamo habang naglalakad tayo."

"HA?!" Sigaw ko.

"Tsss... bingi ka?"

No choice na naman ako kundi maglakad gamit ang sapatos ni Chron. Bakit ba ang hilig niyang mangunder?! At ako naman mahilig magpa-under! Letse talaga. Hindi ko kasi magawang suwayin siya ewan kung bakit. Siguro kina-karir ko na talaga 'tong pagiging secretary niya. Amff >______<

Habang naglalakad...

"Saan ka papasok sa college?" Panimula nito.

"Sa university." Pilosopo kong sagot.

"Ako sa UP." Sabi niya. Ay tinatanong ko dre?! Pero eh kasi, sa UP din ako.

"Magu-UPCAT review ka?" Tanong ko naman.

"Di ko na kailangan nun." Wow, payabangan ba dre? "Saan ba bahay niyo?"

"Malayo pa." Sabi ko naman.

So lakad lakad lang. Wala ngang matinong topic eh. Pero nabaling 'yung tingin ko sa paa niyang medyas lang ang suot. Nakakaya niya? Grabe, ang tibay ha. Pero bakit nga kasi siya biglaang naging ganito? I mean, naging protective? Aish. Para tuloy siyang 'yung ex ko dati. Err, bakit ba siya nagiging ganyan?

Ayoko eh. Ayoko siyang ganyan.

Baka mahulog ako =____= Kawawa naman ako kung hindi niya masasalo!

Habang naglalakad kami at nag-iisip ako syempre dahil may utak ako eh may biglang tumawag sa kanya.

"Hello?" -Chron.

Tinitignan ko 'yung expression niya, from bored to -teka bat biglang ngumiti na parang ulol?

Tumingin ako sa kalangitan, hindi naman full moon? Bat 'tong isang 'to nababaliw?

"Totoo?! Sht! Sabi ko na nga ba eh! Miss na rin kita Selene!"

Kaya pala siya masaya... kasi kausap 'yung ex-girlfriend niyang parang hindi naman niya ex. Ah basta!

Psh. Buti naisipang tumawag niyan. Nakakaasar, imbes na makauwi na ako eh nakikipagkwentuhan pa sa selpon 'tong isa. Sarap tadyakan eh! Ngiti pa ng ngiti! Punyeta! >___<

"Ha? Oo, kamusta?"

Nag-make face na lang ako habang kausap niya 'yung Selene. Hmp! Ascorbic Acid! -Teka, bakit ako kay Selene naiinis? Di ba dapat kay Chron?! ARRRRGGGHHH! Gusto ko na kasing umuwi eh!

"Yeah. I love you too." Tapos binulsa na niya 'yung phone niya.

At ayun, nakangiti. Nakakairita nga eh! Nakakainis! Basta! Sht, nakaka-bad trip 'yung ngiti niya pramis!

"Ah dito na ako. Dyan naman na 'yung bahay namin." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Ayaw ko kasi siyang makasama eh! Nakakainis para siyang asong ulol na nakangiti! Ayoko nun eh!

Nabwi-bwiset ako!

"Akala ko ba malayo pa?" Tanong niya.

"Joke ko lang iyon. Sige na! Umalis ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Okay." Sabi niya sabay ngiti at ayun, naglakad na papalayo.

Hmpf! Hindi man lang nag ba-bye or nagsabi ng 'ingat'. Sht! Nakausap lang 'yung gerlpren na nangiwan sa kanya sa ere =______= Bad trip talaga!

So ayun, dumireto ako sa 7eleven store at bumili ng slurpee, pampakalma. Tinawagan ko 'yung driver ko na sunduin ako rito. Malayo pa kasi talaga 'yung bahay namin. Ayoko lang talagang makasama 'yung taenang hayop na mukhang tanga na 'yun.

Basta! Naasar ako! Naiinis ako! Lalo na nung nakita ko siyang ngumiti nung nakausap niya 'yung

Selene! Sht talaga!

Oh 'di sila na! Sila na ang masaya! =________=

####################################

{ TBUP -35: Mr. Novocaine }

####################################

{ TBUP -35: Mr. Novocaine }

--Ericka's Pov--

"IKAW 'YUN?!" Bulalas ko with matching patayo-tayo epek xD

Hindi pa rin maalis 'yung 'makahulugang' ngiti ni Mama sa labi niya. Ewan ba, anong meron? Tapos si

Tito Sev naman naguguluhan na rin ata at nakakunot na ang noo. Yung lalakeng may cold eyes naman eh nakatingin pa rin sa kabilang side, ano 'to? Bingi-bingihan?!

"Siya ang alin?" Tanong ni Tito Sev sa akin.

Biglang sumabat si Mama, "Ummm... pinakiusapan ko kasi 'yang anak mo na kung pwede eh puntahan

'yung anak ko sa prom niya. Hehe, hindi ko naman alam na papayag siya eh." Tumingin si Mama dun sa may cold eyes, "Salamat iho, ha?" Pero NR pa rin si cold eyes.

"Ah oo, alam ko iyon. Nabanggit sa akin nitong anak ko. So, nagkita na pala kayo run? So I guess, hindi ko na kailangan ng introduction?" Tanong ni Tito Sev.

"E-Eh, hindi ko pa rin po kasi alam 'yung pangalan niya eh." Napakamot ako sa sintido ko.

"Ah sige." Hinawakan ulit ni Tito Sev 'yung lalake at... "Siya ang nag-iisang anak ko sa dati kong asawa," Pagkasabi ni Tito Sev nung 'dati kong asawa' eh nakita kong na-ikuyom ni cold eyes 'yung kamao niyang nakapatong sa mesa, "Colosseus Zico Zarte."

"Pfft -HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ko 'yan xD

Eh kasi hindi ko na napigilan 'yung tawa ko. Sht ang pangit ng pangalan niya! Colosseus daw oh! Lol, ang pangit talaga! Parang sina-unang pangalan! Pang-lolo! Nyahahaha! :))))

Nung matapos ako sa kakatawa ko eh nakita ko isa-isa 'yung mga reaksyon nila. Si Mama nanlaki ang mata, si Tito Sev nakakunot ang noo at si cold eyes -este Colosseus, hahahaha! Eh nakatingin sa akin ng masama! At OMG! Yung cold eyes niya parang ano... sht! Brrr~! Nakaka-goosebumps! Feeling ko pinapanood ako ni Sadako! O_________O Nakakatakot kasi eh!

"Hehe. Sorry po." Sabi ko sabay peace sign. Lels.

So ayun, kumain na kami. Lapang lang ng lapang at walang pakialam sa paligid. Magpapakababoy ako ngayon! Total masarap ang pagkain. Hahaha! Yum, yum, yum! Delicioso! (Dora style xD)

Kain lang ng kain hanggang sa-

Oh fvck! Bigla akong nabulunan! Taena! Tubig!!

"T-t-tub-bi-gg" Sabi ko habang hawak 'yung leeg ko.

Natataranta naman iniabot ni Tito Sev 'yung tubig nung Colosseus sa akin at agad ko 'yung ininom.

Uwaaa! Akala ko mamatay na ako nang dahil sa pitso ng manok eh! Buti na lang may tubig si Colo-sht, speaking of Colosseus, nakatitig na naman siya sa akin ng masama! Palipat-lipat sa akin tapos sa tubig niya! Taena parang pinagsisisihan ko tuloy na nabilaukan ako! Huhu T^T Pati tubig lang eh!

Ay wait-! Baka hindi lang basta-basta tubig 'yun?! Baka...

...NANINIWALA SIYA SA INDIRECT KISS?!

Pero putrages naman nun. Kalalakeng tao maniniwala sa indirect kiss 'di ba? Naiinis siguro siya sa akin kasi tinawanan ko 'yung pangalan niyang baduy. Mwhahaha! Colosseus! YUCK! :))))

Pagkatapos naming kumain eh dumiretso kami ni Mama sa kwarto namin at doon chumika.

"Mama, nakadali ka! Jackpot!" Pabulong kong biro kay Mama na ngayon eh inaayos 'yung damit namin sa aparador.

"Huwag ka ngang ganyan anak."

"Pero Mama! Hindi mo naman sinabi na siya pala 'yung gusto mong ipa-date sa akin." Sabi ko sabay pout >3<

"Eh sabi mo huwag na eh 'di hindi ko na sinabi. Tyaka hindi ko naman alam na pupunta pala 'yung si

Zico." Sabi ni Mama.

"Pero bat ganun 'yung mata niya Ma?" Tanong ko.

"Aba malay ko. Ang ganda nga eh. Pero aminin mo anak, gwapo siya 'di ba?"

Ah... siguro? Eh kasi! Yung mata niya ang cold-cold! Kung makatitig siya eh para akong isasahog sa halo-halo dahil nga yelo siya. Amf >____< Pero bakit kaya ganun 'yung mga mata niya? Palagi kayang ganun 'yun? Inborn kaya? Nakaka-curious naman! Gusto ko tuloy siyang tanungin. Hehe. Makiki-feeling close xD

"Pwede na." Sagot ko.

"Sus! Di ka pa kasi nakaka-move on!"

Ayan na naman! Pinaalala na naman ni Mama eh! Bad trip talaga! Nakakalimutan ko na eh tapos biglang isisingit sa usapan?! Bushet! Taena 'yun ah!

"Heh! Tumigil ka nga Mama! Alam ko may lablayp ka." Sabay irap ko sa kanya at cross arms.

"Ay siya nga pala, mamasyal kami mamaya ng Tito Sev mo sa Puerto Galera. Maiwan muna kayo ni

Zico rito, kailangan naming mag-bonding eh." Ay sht!

Alam niyo ba 'yung reaksyon ni Mama? Yung parang teenager na kinikilig ngay?! Yung with matching hawak-hawak pa sa pisngi na namumula na parang mansanas at ngisay-ngisay na parang naepilepsy?! Ganun mismo si Mama ngayon. Tsss... kinikilig =____= Siguro kung kapatid ko lang si

Mama eh kanina ko pa binigwasan dahil sa kalandian. Pero dahil sa Mama ko siya eh hindi ko 'yun magagawa.

"Hindi pwedeng sumama? Gusto ko rin pumasyal dun!" Sabi ko naman.

"Kakasabi ko lang ng magbo-bonding KAMI eh!" Diniinan niya 'yung KAMI. Amff >____< "Di ka pwedeng sumama. Tyaka nandito naman si Zico."

"Eh Mama! Nakakatakot nga kasi siya!" Pagmamaktol ko.

Si Mama naman nanlaki ang mata, "Gaga!" Sabay batok sa akin, ouch! "Akala ko ba btch ka sa school niyo? Eh bakit pati kay Zico lang eh tumitiklop ka na?!"

Galing! Si Mama talaga ang tumawag sa akin ng btch eh nu? Minsan talaga pinagdududahan ko na kung sino talaga ang anak niya sa amin ni Carmeen eh! Parehas kasi ng ugali si Carmeen at si Mama

T^T Baka naman ampon ako? Chos! Kung ano-anong dumadapo sa brain cells ko!

"Yung tingin niya kasi eh!" Pagdadahilan ko.

"Sus! Pasalamat ka nga tinitignan ka ng isang Colosseus Zico Zarte eh! Heartthrob kaya 'yun sa pinapasukan niya." Sabi ni Mama.

"And so?" With matching taas ng isang kilay, "Yun heartthrob?! Ang cold kaya ng eyes niya."

"Heh! Ewan ko sa'yo! Basta maiwan kayo ni Zico rito." Hindi ko tinignan si Mama at umaktong maldita,

"At oyy! Maging mabait ka! Magigng kapatid mo na 'yun! Kaya dapat, maging close kayo sa isa't isa.

Ayokong inaaway mo siya, maldita ka pa naman."

Wow ha! Ako pa talaga ang maldita?! Eh siya nga kung makatingin parang papatayin ako eh! Tapos ako pa ang maldita?! Ako pa ang mang-aaway?! Wow naman Mama T^T Mahal mo talaga ako eh nu?

Tapos ayun, lumabas na si Mama at si Tito Sev. Lumabas naman ako sa kwarto at dumireto sa sala nila, sinaksak ko 'yung TV at nanuod. Malamang, ano pa bang gagawin ko sa TV? Alangan namang kainin ko? Di naman 'yun masarap eh =_______=

[A/N: So kung masarap eh titirahin mo?]

Aba syempre! Kung masarap! Nyehehe :3

Ang pangit naman ng mga palabas sa TV. Puro ka-dramahan at ka-kornihan! Sarap kutusan nung mga bida! Paiyak-iyak pa eh mukha namang tarantado! Sht talaga bat ang bitter ko na naman? Wala naman akong kinaing ampalaya run sa hapag kanina ah? Tsk.

So palipat-lipat lang ako ng channel nang makita ko si Colosseus na nakasandal sa pader at tinitignan ako ng masama with his mala-yelong mata. Amf >______< Goosebumps na naman asusual!

Napatingin ako sa kanya pero sandali lang! Eh kasi, 'yung mata talaga niya eh hindi ko matagalan! T^T

"Ayoko sa'yo." Panimula niya.

Yung boses niya as in buong-buo na talagang masisindak ka? Siguro kung may sakit ako sa puso baka kanina pa ako nanigas dito! Taena kasi, bat ba ganito 'to? Pinaglihi siguro siya sa halo-halo ng nanay niya tapos 'yung nanay niya eh tumira ng tumira ng maraming yelo kaya naging ganyan siya =_____= K, korni.

At ayaw niya raw sa akin ha! Eh 'di mas lalong ayaw ko sa kanya! At heller?! Dyosa kaya 'tong inaayawan niya! Jusko walang taste! Palibhasa puro ice ang mata! xD

"Bakit, sinabi ko bang gusto kita?" Pagtataray ko sa kanya with matching taas kilay. Maldita mode: ON!

Ay tekaaaaaa~! Sabi ni Mama magpakabait daw ako kasi magiging kafated ko na raw ito! Tsk! Sige na nga, total para naman sa ikasasaya ni Mama -hindi ko na 'to aawayin. Sige, para kay Mama na lang!

Para naman makabawi ako sa kanya!

Maldito mode: OFF T^T

"Hehehe. Joke lang 'yun ha!" Sabi ko tapos tumayo ako at pinat 'yung shoulder niya, "Magiging kafated na kita. Kuya-"

"Shut up." Sabi niya.

Sht! Goosebumps na naman! With matching malamig na hangin pa! Taena talaga 'to! Alam mo 'yung kalmado 'yung pagkakasabi niya pero feeling mo kailangan mo nang magtago kasi baka ibala ka na lang niya bigla sa kanyon at baka tumalsik ka sa Mindanao?! Sht naman!

Ano bang problema nito?!

"Ayoko sa'yo. Sa inyo ng nanay mo." Sabi niya sa akin.

Sht! Gusto ko na siyang sagutin eh! Pero si Mama... T^T Para kay Mama! Habaan mo ang pasensya mo Ericka, kaya mo 'yan! Huwag kang magagalit! Huwag na huwag mo siyang mumurahin, sisigawan o tatadyakan!

"Hehehe. Okay lang 'yun. Gusto ka naman namin eh." Sabi ko sa kanya kahit sa kaloob-looban ko eh gusto ko nang magsuka sa sinasabi at inaasal ko. Like duh! Hindi ako mabait! Btch nga raw ako eh!

Tapos ngayon para akong tupa? Watdapak!

"Ayaw kitang maging kapatid. Ayoko siyang maging Step-mom. Ayoko sa inyong dalawa. Ayokong pumasok kayo sa pamilya namin ng Daddy ko." Waw, pinakamahabang sinabi niya! Ilang words 'yun?

Pero taena talaga! Habaan mo pa ang pasensya mo Ericka! Isipin mo na lang ang ngiti ni Mama kapag nalaman niyang close na kayo ng future kafated mong cold eyed bastard! Sht! Ngiti lang Ericka! Ngiti lang!

"Hehe. Ano bang sinasabi mo Colosseus? Ma-"

"Don't call me that name. I hate it." Sabi nito sa akin.

Ay may napansin ako! Nyehehehe. Ayaw niya ng Colosseus 'di ba? Eh first name niya 'yun, samantalang ako eh ayoko ng Athena at first name ko rin 'yun! Hehe, wala lang parehas lang kaming may ayaw sa first name namin :D

Baka true love? O____________O

Ay nampotek! Mangangarap na nga lang ako ng true love sa may ganito pang mata! Atyaka take note!

Sa magiging pyutyur kafated ko pa! Yak, incest 'di ba?! Ewww >_________<

"Ayy, eh 'di sorry! Pwedeng magkamali?" Ngiti pa rin Ericka!! "Pagsisilbihan kita, ipaglalaba, ipagluluto!

Hehe, ganun ako kabait bilang pyutyur kafated mo!"

"I don't need you." Balik ulit siya sa tipid niyang mga salita. Kulang na lang sagutin niya ako ng 'K' eh.

Parang text lang.

"Hehe. Pe-"

Bigla na lamang niya akong isinandal sa pader na sinasandalan niya kanina. At kahit iniiwasan kong mapatingin sa mata niyang kasing lamig ng yelo eh hindi ko nagawa! Nakatitig kasi talaga siya sa akin ng bonggang-bongga! Huhuhuhu! Ayoko pa pong matunaw!! T^T

Ikinulong niya ako sa bisig niya, (ay me ganun? Lalim ko naman makatagalog!) tapos tinignan niya ulit ako ng masama. Na-korner niya nga ako 'di ba? Amf.

Pero napagmasdan ko 'yung itsura niya! Yun lang ang maganda rito sa ginagawa niya sa akin ngayon.

Hehehe. Bukod sa mata niyang parang yelo eh ang ganda pala ng pilik mata niya? :""> Tapos, ang tangos pa ng ilong niya! Parang ilong lang ni Tito Sev! Hehe, malamang anak niya 'di ba? Tapos 'yung lips niya na pinagnanasahan -ahem! (Nadulas ako! xD) yung labi niyang sobrang pula eh mamasamasa pa! Sht lungs talaga! Kaakit-akit siya! Feeling ko tuloy hindi ako nagdadaan sa broken-hearted stage ngayon kasi ang aga kong lumalandi!

At chos! Sa pyutyur kafated ko pa! Tsk tsk, Ericka -ang usapan ay pahabaan ng pasensya, hindi pahabaan ng kalandian! >_____<

"A-Ano bang ginagawa mo?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Give up. Tell your mother to give up. Let my father go. Leave him." Sabi nito sa akin.

Ayoko nga! Kay Tito Sev masaya si Mama! Sa katunayan nga, ngayon lang kami naging close ni Mama nang dahil sa lablayp niya eh! Ngayon ko lang nakita si Mama na blooming at masaya! Noon kasi palagi siyang pagod sa trabaho pero ngayon masaya siya at nakukuha pang makipagkulitan sa akin! At nagpapasalamat ako kay Tito Sev dahil pinapasaya niya si Mama ngayon! Sigurado naman akong napapasaya rin ni Mama si Tito Sev kaya walang dahilan para maghiwalay sila! Wala!

"Ayoko! Hindi ako susuko, hindi kami susuko ni Mama! Hindi isusuko ni Mama si Tito Sev!" Determinado kong sagot.

"Then...

What if I'm gonna rape you tonight? Will you give up?" Sht! Cold eyes!

####################################

{ TBUP -36: Call Him Colosseus }

####################################

{ TBUP -36: Call Him Colosseus }

--Zico's Pov--

"Sus! Rape, rape ka dyan! Ikaw kaya halayin ko?" Sabi ni... teka ano na nga bang pangalan nito?

Alena? Elena? Antena?

Napabalikwas ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Akala ko pa naman eh matatakot na siya at magsusumbong sa Mama niya tyaka aalis na sila rito at iiwan kami ni Daddy pero hindi eh. Mukhang magiging mahirap na naman 'to...

Hindi ako titigil hangga't hindi naca-cancel ang kasal ni Daddy sa nanay nitong babaeng 'to. Hindi ako papayag na habang si Mommy eh nagdudusa sa States eh si Daddy nagpapakasaya kasama ng iba... ayoko. Hindi pwede.

--Ericka's Pov--

Hala! Natakot ata sa sinagot ko! Eh kasi naman, rape, rape daw? Eh hindi niya nga ako matignan ng maayos tapos rape? Eh hindi naman siya mukhang manyak at uhaw sa tawag ng laman kaya bakit ako masisindak sa kanya?

Mas nakakatakot pa nga 'yung mata niya eh T^T Wish ko lang sana hindi ko mapaglihian 'yang ganyang mata jusko!

Ay teka, bakit lihi kaagad? Buntis, buntis? Walanghiyang utak 'yan Ericka! Puro katangahan ang alam!

Tsk tsk..

Pero bakit nga ba ayaw niya akong maging kapatid at ayaw niya kay Mama?

"Bakit ba... ayaw mo sa amin Mama?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin ng sobrang sama pero ako ibinaling na lang ang tingin ko sa buhok niya.

Eh kasi! Alangan naman na sa mata ko siya tignan eh 'di nasindak na naman ako! Punyeta lang dahil may kinatatakutan na ako ngayon?! Waw ha!

"Kapag ba sinabi ko sa'yo ang dahilan aalis na kayo?" Tanong nito sa akin na parang nangbabanta.

Shet po! Feeling ko anytime eh papatayin na ako nitong magiging pyutyur kapatid ko! Pero err! Ericka!

Lumaban ka! Huwag na huwag mong hahayaang masira ang kasiyahan nila Mama at Tito Sev nang dahil lang sa cold eyed brat na 'to!

Kung kailangan kong magpa-alila sa kanya gagawin ko -matanggap niya lang kami ni Mama T^T

"Eh. Kasi... masaya naman ang Daddy mo ka-"

"Wala akong pake." Bakit pati 'yung boses niya parang nagiging cold na rin? Alam mo 'yung parang boses na talagang titiklop ka? Aish! "Ang gusto ko lang, umalis kayo ng Mama mo rito. Iwanan niyo na kami."

Okay, below the belt na si Manong! Taenang 'to! Anong akala niya sa akin takot sa kanya?! (Well oo, sa mata niya) Asa siya! Ako yata si Ericka! Isang mura ko lang sa kanya sigurado akong tatakbo na siya sa ilalim ng palda ng nanay niya! Walang hiyang 'to! Ang kulit ng lahi! Sinabi ko nang hindi kami aalis ni

Mama kasi nga mahal nila ang isa't isa ni Tito Sev eh!

Nako pigilan niyo 'ko bibigwasan ko na 'to!

Pero teka, 'pag siya inaway ko, lagot ako kay Mama. Magiging parte na rin ako ng break-up nila ni Tito

Sev kung sakaling itutuloy ko 'tong pang-aaway sa gagong 'to.

Sht titiisin ko na lang ulit! Bahala na!

"Hehehe. Pramis, lahat ng iuutos mo susundin ko! Basta, gagawin ko ang lahat para magustuhan mo kami ni Mama!" Determinado kong sabi sa kanya.

Mas lalong lumalim ang tingin niya sa akin, para ngang tumatagos na eh. (chos! Korni!) Bigla ko na lang napansin ang pag-iiba ng aura niya nang dahil sa isang ngising ipinakita nito sa akin. Nag-smirk siya na parang may masama siyang balak sa akin.

Oh sht, mali ba ang sinabi kong gagawin ko ang lahat ng utos niya?! Putrages baka ibenta ako sa

Amerikano?! Sa Hapon? Si Intsek?! Baka ibenta ang mga organs ko at gawing sinabawan sa karenderya?! O baka naman ipasok ako sa club?! O baka...

...gusto niya akong gawing sex slave?!

Puchaaaaaaaa~! Kung anong naiisip ko! Taena kasi, sabog ba ako? Hindi naman ako nagdru-drugs ah!

Sht naman! Nagsisimula na akong kabahan eh! >________<

"Lahat-lahat gagawin mo?" Tanong nito sa akin habang nakangisi pa rin.

Kung ano man ang maging kapalaran ko, kayo na ang bahala! Taena! Hindi pa nga ako lubusang nakaka-move on eh mamatay na ako?!

Heh! Lintek talagang pag-iisip 'to! Puro ka-abnormalan ang alam! Teka nga't alamin natin ang plano nitong pyutyur kapatid ko.

"O-Oo n-naman." Sagot ko sabay ngiti. Pilit na ngiti.

"Alam mo bang maglinis ng bahay?" Tanong nito sa akin kaya agad naman akong tumango kahit ang totoo... never pa akong naglinis ng bahay namin. "Eh magluto?" Tumango ulit ako kahit sa totoo lang eh kahit kanin eh hindi ko alam lutuin. Hanggang noodles lang ako. Yung nasa cup ngay? Yung lalagyan lang ng mainit na tubig? xD

Hah! Yun pala ang ipapagawa niya sa akin? Akala ko pa naman mas malala na eh. Pero err... paano maglinis? Paano magluto? Sht, ano ba 'tong pinasok ko T^T Baka mamaya pumalpak ako rito tapos kainin na lang niya ako ng buhay!

"B-bakit ako pa ang gagawa eh may maids naman kayo?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ulit ako ng masama with his cold eyes, "Akala ko ba lahat gagawin mo?"

K, sabi ko nga =________=

Tinawag niyang lahat 'yung maids at agad naman silang nagsulputan sa harap namin. Lima silang maids dito sa bahay. Wow 'di ba? Bigatin talaga 'tong nabingwit ni Mama! Galing!

"Lahat kayo, mag-hotel muna kayo at bukas na bumalik." Sabi ni Colosseus.

Hotel? Bakit niya papaalisin 'tong mga maid?! Ay sht, nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig sa mga ginagawa nitong Colosseus na 'to ah!

Nagtanong 'yung isang maid na medyo bata-bata pa, "Pero Sir, bakit-"

"Wala nang tanong. Umalis na kayo." Tapos nilapag niya sa mesa 'yung dalawang credit cards niya at pumunta ng kitchen.

Agad naman iyong dinampot nung isang maid, 'yung pinakamatanda ata?

Pero wow lang ha, ang dami naman niyang cards! Talagang pinahiram pa niya! Ang yaman talaga ng mga Zarte! Pag kasal na kaya sina Tito Sev at Mama, ilan kaya ang matatanggap kong credit card mula kay Tito? Hehe, eksayted na akong maging mayaman :3

Tumalikod na 'yung ilang maids at papunta na sana sa mga kwarto nila pero minabuti kong magtanong

'dun sa pinakamatanda sa kanila.

Nilapitan ko ito at tinanong.

"Bakit po ang sama ng amo niyo?" Tanong ko sa kanya. Eh totoo naman eh, masama siya.

"Ah si Zico ba kamo?" Tumango ako, "Ganun na talaga 'yun. Sanay na kami."

At tuluyan ng umalis ang mga maids. Pagkaalis nila eh sinundan ko na 'yung future kapatid ko sa kitchen. Nadatnan ko siyang nakaupo at naka-cross arms at nakatingin sa akin ng malamig, malamang malamig 'yung mata niya =____= K, korni.

"Maglinis ka na." Matipid na sabi nito.

Ako? Ako? Maglilinis?

Ay de, siya, siya!

Taena hindi ko alam maglinis! Huhuhu, magwalis lang ang alam ko nu! Tyaka 'yung mga pagpunaspunas lang. Yun lang! Hehehe, 'di ba ganun lang naman ang paglilinis? Easy lang! Kaya mo 'yan Ericka!

Para sa Mama mo! Para sa mga credit cards! Lels xD

So kinuha ko na 'yung walis tingting sa bodega at nagwalis sa kitchen, laking gulat ko naman ng batuhin ako ng pamunas ng aking 'napakabait at napaka-gentleman' na future kapatid. Tsss... note the sarcasm there.

Bushet, ano na naman ba?! Di pa nga ako tapos magwalis tapos pagpupunasin na ako kaagad?!

"Teka lang naman, 'di pa ako tapos magwalis!" Okay, medyo tumaas na 'yung tono ng boses ko rito. Oh well, kalma lang!

"Tanga ka ba? Bakit walis tingting ang gagamitin mo rito eh wood flooring 'to?" Sabi niya sa akin.

Asusual, kasing lamig pa rin ng yelo 'yung mga mata niya =______= Di ko na nga lang tinitignan eh.

Pero anla! Baka nahalata na niyang hindi ako marunong maglinis?! Baka palayasin niya ulit kami ni

Mama rito at maging villain sa relasyon nila Mama at Tito Sev! Omegesh, hindi ako makakapayag!

Kailangang galingan ko pa sa paglilinis!

Huhuhuhu, malay ko bang hindi walis tingting ang ginagamit sa pagwawalis sa loob ng bahay? Eh hindi naman ako naglilinis sa bahay namin eh T^T

So bumalik ulit ako ng bodega at kumuha ng walis tambo. Sana naman tama na 'tong nakuha kong pangwalis 'di ba? Ayoko namang masabihan ulit ng 'tanga' =______=

Siguro kung hindi lang talaga ako mabait na anak na nagnanais maging masaya ang Mama nila eh baka kanina ko pa nilibing ng buhay 'tong kasama ko sa bahay! Nakaka-sht na eh! Tangina lungs sarap kutusan!

"Pagkatapos mo dyan, magluto ka ng hapunan." Sabi nito sa akin.

Hapunan? Magluto? Ay pechay! Hindi ko alam magluto! Taena, baka gusto naman nilang masunog ko itong palasyo nila? Pero... aish! Susubukan ko na lang talaga! Pramis! :/

After 123456789 years eh natapos na rin akong magwalis. Hehehe. Nilagay ko lang sa silong ng mga upuan 'yung mga alikabok na nawalis ko. Di ko naman alam kung saan ko 'yun ilalagay eh :)))))

So tumungo ulit ako sa kitchen. Si Colosseus? Malay ko, baka nakaisip ng bright idea at napagpasiyahang ibaon ang sarili niya ng buhay =_______=

Di ba dapat kanin muna ang iluluto ko? Hehe, paano nga ba magluto ng kanin?

Sinindihan ko 'yung stove nila. Kumuha ako ng frying pan at nilagyan 'yun ng tubig tyaka ko isinunod ang mantika. Pagkatapos nun eh kumuha ako ng apat na salop ng bigas at inihulog ko na sa frying pan.

Binudburan ko ng asin 'yun at dahil nakakita ako ng patis ay nilagyan ko ng kaunti, isama mo na rin ang bagoong! Hehehe. Binantayan ko ng maigi baka kasi masunog ko 'tong bahay nila, sayang naman ang ganda 'di ba?

After 123456789 minutes eh napansin kong brown na 'yung kanin -oh 'di ba? Hindi na bigas kasi luto na siya. Hehehe. Nagtataka nga ako eh, bakit brown 'tong kanin nila? Di ba dapat puti? Oh well, malay ko ba kung imported 'tong bigas nila at nagiging brown ang kulay 'pag niluto. Hehe.

Nilagay ko sa bowl 'yung kanin at sinimulan ko nang maghanap ng maiuulam ng aking pyutyur kafated.

At dahil wala akong alam iluto, nakakita ako ng lata ng cornbeef. Binuksan ko 'yun gamit ang abrelata.

Malamang alangan naman na ngatngatin ko para mabuksan ko? Pagkatapos nun eh nilagay ko ulit sa frying pan at nilagyan ng tubig :D

Nang medyo luto na kasi red na red na ang kulay eh inilagay ko na sa isang bowl at inihain sa mesa.

Nako! Sigurado akong magugustuhan na ako ng future kapatid ko! Sigurado akong hindi na niya kami papaalisin ni Mama rito! Hehehe, pers taym kong magluto pero baka naman masarap na 'to? :>

"Andito na 'yung hapunan mo! Hehehehe." Tawag ko sa kanya habang inaayos ang kubyertos.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang bumaba mula sa taas at dumiretso sa kitchen. Nakatingin siya sa mesa at agad na naupo. Mwhehehehe :"">

"Ano 'to?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga niluto ko.

"Pagkain mo. Hehe." Sabi ko.

"Sht!" Lumingon siya sa akin at ayun na naman ang kanyang death stare! "Alam mo ba talagang magluto? Tignan mo nga 'tong ginawa mo! Sa tingin mo ba makakain ko 'to? Tsss... pathetic." Sabay walk out.

So ganun? Anong nangyari? Hindi pa nga niya natitikman hinusgahan na niya! Pucha naman 'yun! Sabi nga nila "Don't judge a book by it's cover." Pero anong ginawa niya?! Hindi niya ba alam na ito ang first time kong magluluto tapos lalaitin niya lang?! Tangina nun ah! >_______<

Tinikman ko 'yung mga niluto ko at...

SHT.

Tama ang naging desisyon niyang hindi tikman ang niluto ko. Putek ang pangit ng lasa! T^T

Niligpit ko na 'yung mga ginamit ko sa kusina tyaka ako dumiretso sa sala kung nasaan si Colosseus. At asusual, naka-cross arms na naman siya at tinignan lang ako ng masama. Cold eyes! Brrr~!

Goosebumps na naman!

"Ano pa bang iuutos mo?" Tanong ko sa kanya.

Bigla na naman siyang ngumisi at pumanhik sa kwarto niya. Pagbalik niya eh may dala na siyang kulungan ng ahas and when I say kulungan ng ahas well, talagang may ahas sa loob!

Fvck! Ang laki at ang taba nung ahas! Uwaaaa! Huwag niyang sabihing ipapakain niya ako dyan?!

Huhuhuhu, hindi ako ginawa para ipakain lang sa ahas nu! Taena, sht!

Pinagpapawisan na ako ng malamig, "A-Anong g-gawin k-ko d-dyan? H-he-he."

Grabe talaga 'yung ahas! Uwaaaaaaa! Ahas! Sht, parang gusto kong kumaripas ng takbo eh! Taena baka bigla na lang makawala 'yan tapos lunukin ako! Sheeeeeeeeeeeeeeet!

Binuksan niya 'yung kulungan nung ahas at inilabas 'yung ahas. Napalunok na lamang ako dahil sa kaba.

Put@! Hindi naman ganun kasama 'tong magiging kapatid ko para ipakain ako sa ahas 'di ba? Di ba?

Uwaaaaaa! Parang awa niyo na! Bata pa ako! Marami pa akong pangarap sa buhay at higit sa lahat...

HINDI PA AKO NAKAKA-MOVE ON! Ayoko pang lapangin ng ahas na 'yan!

"Hawakan mo." Sabi niya sa akin. Ano?!

Inilalapit niya 'yung ahas sa akin samantalang ako eh paatras ng paatras. Putek! Please lang huwag mong ilapit sa akin! Sht! Sht! Sht!!

Bigla niyang kinuha 'yung kamay ko at pinahawak 'yung ahas sa akin. Sht! Kasing lamig ng mata niya

'yung ahas! Puteeeeeek! Uwaaaaaaaa! Ahas! Sht talaga 'to!

Kalaunan ay hindi ko alam kung paano 'ko nagawang hawakan ng bongga-bongga 'yung ahas! As in ako na lang 'yung humahawak sa kanya pero syempre napikit ako! Kasi naman.... Natatakot ako!

Sumilip ako kay Colosseus pero hindi naman siya nakangiti ng parang demonyo, sa halip eh nakatingin lang siya sa akin with his cold eyes.

Putek pwede ko na bang bitawan?!

Ibabalik ko na sana kay Colosseus 'yung ahas ng bigla iyong gumalaw-

"AY SHET!" Bulalas ko nang maihulog ko 'yung ahas.

Hindi ko namalayang nakayakap na pala ako sa aking cold eyed future kafated.

Ano?

Nakayakap?

Putrages! Parang pinagsisisihan kong hinulog ko 'yung ahas! Para kasi mas tutuklawin pa ako nitong lalakeng 'to dahil sa inis kesa run sa ahas eh! Yung mata niya kasi eh! Nakatingin ng masama sa akin!

Huhuhuhuhu T^T

Pero wait lang... nakayakap ako 'di ba? Hanggang ngayon...?

Nagkatinginan kami at omegesh. Ang landi naman ng dating ko rito! Agad akong napabitaw ako sa kanya at napalayo.

Agad naman siyang kumilos at hinuli 'yung ahas, "Pinapasabi nung ahas na ayaw niya sa'yo."

Sus! Ikaw naman 'yung may ayaw sa akin eh! Putrages talaga 'to!

"Mas lalong ayaw ko sa kanya!" Pasigaw kong sagot.

Lumabas ako ng bahay nila ng padabog at naglakad ng naglakad. Ewan ko kung bakit ako naglalakad at umalis 'dun sa bahay? Ewan. Awkward kasi? Ewan!

Naglakad lang ako ng naglakad ng mapadpad ako sa white sand beach. Puerto Galera? Putek ang lapit lang pala nito?! Tapos... tapos... hindi lang ako sinama ni Mama? Bwesit T^T Nagkanda-leche leche tuloy ang gabi ko nang dahil sa lalakeng 'yun!

Napatingin ako sa dagat na banayad ang alon. May naalala na naman ako...

White sand beach...

Aklan...

Palawan...

Psyche...

Sht! Naalala ko na naman 'yung araw na dinala or should I say kinidnap ako ni Psyche at dinala sa

Aklan. Yung araw na sinagot ko siya. Yung mga panahon na mahal na mahal pa niya ako at hindi pa siya nagsasawa sa akin.

Nagpakawala na lamang ako ng isang mabigat na buntong hininga.

Saan ba ako nagkamali? Sa effort? Tsss...

Hindi ko napansing tumutulo na naman pala 'yung luha ko nang dahil sa mga munting alaalang iyon -oo munting alaala pero ang laki ng sugat na iniwan sa puso ko. Taena talaga, akala ko siya na eh! Akala ko si Psyche na 'yung "The one" 'yun pala... hindi. Mali ako.

"Kaya ayokong magkarun ng kapatid eh. Ayokong mag-alaga ng uhugin." Sabay tapon sa akin ng face towel.

Haa? Nandito pala 'tong pyutyur kafated kong puro torture ang ibinigay sa akin =_________= In fairness, ang bilis naman niyang nakasunod sa akin. Binigyan niya pa ako ng face towel! Sus, pwede na rin pala 'tong maging kapatid.

"Salamat!" Sigaw ko sa kanya habang papalayo siya sa akin.

Haaay...

Colosseus Zico Zarte, sino ka ba talaga?

Ipampupunas ko na sana sa mga luha ko 'yung dimpo na binigay niya, pero na-realize 'kong ito pala

'yung ginamit ko kaninang pang-trapo sa mga pigurin at kung saan-saan pang may alikabok.

Bushet ka Colosseus! Akala ko pa naman concern ka na sa pyutyur kafated mo! >_____________<

####################################

{ TBUP -37: Hating Him }

####################################

{ TBUP -37: Hating Him }

--Ericka's Pov--

Well, pagkatapos kong mag-emote emote dun sa Puerto Galera eh napagpasiyahan kong umuwi na sa bahay ni future kapatid. Hehe, may naiisip kasi akong kalokohan -este, kasiyahan xD

Aasarin ko lang naman 'tong future kafated ko, 'yun naman ang kadalasang nilalaro ng magkapatid hindi ba? Mwhahahahaha! :)))))

So pumasok ako sa loob ng mala-palasyo nilang bahay, nadatnan ko siyang nanunood ng TV sa sala habang nakaupo sa sofa. Bakit ganun? Kahit nanunood lang siya cold pa rin 'yung eyes niya? Pinaglihi siguro talaga sa yelo 'to eh nu?

Tumabi ako sa kanya sa sofa, inaasahan ko eh bibigyan niya ako ng 'cold death glare' pero lumabas na no reaction siya! NR? Ano ako hangin? Kinalabit ko siya, napatingin siya saglit sa akin pero bumalik ulit sa panonood ng TV. Ano ba 'yan, parang wala lang? Kinalabit ko ulit siya. Pagkatapos nun eh sa wakas! Tinignan niya na rin ako ng masama! Lels, anong nakakatuwa run ha Ericka?

Ngumiti ako ng sobrang lawak at...

"Colosseus! Hihi." Tawag ko sa kanya.

Di ba? Ayaw niyang tawagin siyang Colosseus? Oh well, tatawagin ko siya run! Ito na lang 'yung igaganti ko sa kanya total hindi ko naman siya pwedeng bigwasan o murahin man lang. Haaay... kawawang ako :/

Tinignan niya ako ng suuuuuuuuuper sama! Yung tingin na akala mo eh ikaw 'yung yelo tapos siya

'yung tutunaw sa'yo? Pero syempre galit 'yung aura niya. Nyehehehehe, maasar ka na!!

"Colosseus! Colosseus! Colosseus!" Sabi ko sabay tawa ng malakas.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niyang patawag sa ganung pangalan eh, syempre kasi pangit at maka-luma 'yung pangalan niya. Mwhahahahaha! Pero pramis, ang pangit talaga! Mas pangit pa sa Athena! Siguro madalas din siyang pagtawanan sa klase nila eh nu? Ang pangit kasi talaga! Sakit sa tenga! Eww~!

Inulit-ulit ko 'yung Colosseus habang tumatawa at siya? Oh well, parang batang paslit na binu-bully at hanggang tingin lang ang magawa. Hindi makalaban kasi lampa! Lol, pero seryoso, kaya niya kaya akong sapakin? Eh kasi nga 'di ba, ayaw niya sa akin tapos baka mamaya bigla na lang lumanding sa beautiful peslaks ko ang kanyang kamao!

Pero hehe, ang sarap niyang asarin eh! Pramis! Mukha na talaga siyang galit!

"SHUT UP!" Sigaw nito.

In fairness, ang ganda ng boses ni future kafated. Buong-buo! Lalaking-lalaki! Pero errr, galit na siya.

Hehehe. Congrats Ericka! Nainis mo si Prince Colosseus! Nyahahaha! -Teka, san nanggaling 'yung

Prince? Mwhahahaha!

"Co-lo-sseus! NYAHAHAHAHA!" Pang-iinis ko sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla siya tumayo so automatic napatayo rin ako. Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit to the point na ang kanyang labi ay napapagpantasiyahan -este, nasisilayan ko na naman.

Palapit siya ng palapit habang ako naman eh palayo ng palayo. So dahil ang otor nitong istorya ko eh mahilig sa cliché, napasandal ako sa pader at nasa harapan ko na naman siya. Suuuuuuuuuuuper close!

Hehe, ang bango niya :""> Ay sht. Bubugbugin ka na nga tapos ganyan ka pa? PBB TEENS lang ha

Ericka?

Nagkatinginan kami sa mata -malamang, alangan namang sa buhok? K, korni =_________=

"Colosseus-"

"I said shut up!" Sigaw muli niya sa akin.

Bat ganun? Kanina parang naiinis lang siya tapos ngayon parang galit na galit na siya? Bukod sa pangit ang pangalan niya, ano pang meron sa pangalang Colosseus at agad-agad nagalit si future kafated?

"Quit calling me that name!" Singhal nito sa akin.

Parang siyang tigre at ako ay isang maliit na nilalang na nangahas pumasok sa gubat niya. Take note gubat NIYA. Ay teka, kung tigre siya, leon naman ako ah?! Putrages anong nangyayari sa'yo Ericka?!

Parang sa kanya lang takot ka na? At sa mata niya lang talaga! Chenes naman! Kelan pa naging takot ang leon?

"Colosseus." Tawag ko muli sa kanya.

Lion mode: ON! Kala neto! Makikipagmatigasan ako! Alam niya bang halos malaglag 'yung puso ko sa kaba nung pinahawak niya 'yung ahas sa akin?! Alam niya bang halos matakasan ako ng kaluluwa dahil sa takot?! Alam niya ba kung gaano kahirap magtimpi sa pinaggagagawa niya sa akin?! Alam niya bang mahirap tiisin ang galit at inis?! Taena neto! Papatulan ko na talaga 'to!

Kahit gaano pa kalamig ang tingin niya, kahit gaano pa katalim 'yun, wala na akong pake.

Nakakagasgas sa ego masindak nang dahil lang sa isang lalake, at sa magiging kapatid ko pa!

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

"Ano bang meron sa Colosseus ha? Colosseus." Then I smirked. Well, I can smell victory :>

Biglang nawala ang pagkakangisi ko nang suntukin niya ang pader sa gilid ko. Yung mismong pader kung saan ako nakasandal. Yung pader na katabing-katabi ng ulo ko! Oh sht! Baka naman talaga sa mukha niya ako susuntukin?! Talagang naiwas lang at napunta sa pader?! Fvck! Kaya pala akong suntukin ng magiging kapatid ko?!

Sadista 'to mga daaaay!

Nakaramdam na naman ako ng kaba nang makita kong nakatingin siya ng matalim sa akin, napadpad ang mata ko sa kamay niyang halos mabaon na sa pader -dumudugo! Dumudugo 'yung kamay niya!

Hindi ko alam pero bigla ko na lang hinawakan 'yung kamay niyang duguan at tinignan ito ng parang concern na concern. Siguro dahil kahit papaano magiging kapatid ko na rin naman siya.

Hinila ko siya sa sofa at pinaupo run. Hindi ko muna inintindi kung galit man kami sa isa't isa, ang tanging inaalala ko eh 'yung sugat sa kamay niya.

"Saan ba 'yung first aid-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang nakita ko ang mga mata niya -punong-puno ng sakit. Hindi dahil sa sugat kundi iba pa. Sakit na kinikimkim niya sa loob niya pero nagre-reflect sa mga mata niya.

Bakit? Anong meron?

"Sa puting cabinet sa banyo." Sagot nito habang nakatingin sa TV.

Hah! Nagawa pa niyang manood! Nagkanda-sugat sugat na nga siya nagagawa niya pa rin? Seriously, hindi pa siya nasaktan? Robot ba siya? Bakal? Tsss!

Dali-dali akong tumayo at tumungo sa banyo, nakita ko ang isang puting cabinet kung saan nakalagay ang first aid kit. Kinuha ko iyon at bumalik sa sala kung saan nakaupo pa rin si Colosseus habang nanunood.

Wala ba siyang balak asikasuhin 'yung sarili niya bago siya manood?

Kinuha ko 'yung kamay niya at nilagyan iyon ng alcohol. Nilinis ko ang mga dugo sa sugat nito. Siya?

No reaction, poker face pa rin. Basta nakatingin lang siya sa sugat niya.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya.

Mahirap mang sabihin 'yun, eh ako naman talaga ang may kasalanan so dapat lang. Dapat lang talaga akong humingi ng tawad sa kanya.

Pagkatapos kong linisin ang sugat niya ay binendahan ko na ito. Itinabi ko ang first aid kit sa mesa at nakinuod na rin. Wala kaming pansinan, basta nuod-nuod lang.

Teka, pangit naman netong pinapanuod niya. Puro barilan! Tsss. Kinuha ko 'yung remote na nakapatong lang sa mesa at nilipat ang channel nito. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Colosseus. Hah! Pangit pinapanood mo eh 'di sorry ka.

Nilipat ko 'yung channel sa HBO. Yes! Horror! Masaya 'to! Hehehehe~ ang ganda ni Shomba lels xD

"Sht!"

Narinig ko ang isang malutong na mura mula kay Colosseus nang matapos kong ilipat 'yung channel.

Napatingin ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa screen at kulang na lang eh takpan niya 'yung dalawang mata niya.

What the fvck?! Takot siya? HAHAHAHAHA! Taena, gusto ko siyang tawanan ng bonggang-bongga eh!

Sht talaga! Hindi ko ine-expect na takot siya sa horror! Yak bading! :)))))

Sayang gwapo pa naman =_______=

"Takot ka?" Natatawa kong tanong.

Binigyan muli niya ako ng death stare, "Ibalik mo run." Utos nito sa akin.

"Ayoko nga! Ganda-ganda ni Shomba eh!" Sabi ko sabay halakhak.

"Ilipat mo!" Inaagaw niya sa akin 'yung remote pero nilayo ko 'yun sa kanya.

"Ano ba 'yan Colosseus, bading ka pala? Parang horror lang eh!"

"Sht!"

"Hahahaha! Bading ka po!" Kantyaw ko sa kanya.

Hindi pa man gumagaling 'yung kamaong binendahan ko sa kanya eh agad na naman niya itong itinaas at inambahan ako ng suntok. Ganyan ba talaga siya sa lahat ng babae? Bading ba talaga siya? Haay nakuu, sayang itey! Dumadami na talaga ang populasyon ng mga gwapong baluktot! Errr

>___________<

Siguro kaya ayaw niya sa akin kasi mas maganda ako sa kanya?! OMO! Inggit pala 'to sa akin eh!

Paano ba naman, dyosa kasi ako. Nyehehehe.

"Ops! Inuuna mo na naman 'yang kabadingan mo eh! Tignan mo, papatulan mo talaga ako!" Sabi ko kanya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamao niya at ngumisi -teka, ngumisi? Ay sht bakit?! Nakakainis kasi!

Kada ngumi-ngisi itong future kafated ko eh nagkakaroon ako ng series of unfortunate events!

Uwaaaaaaa~! Ano na naman bang gagawin nito sa akin? This time ba ipapalunok na niya ako sa alaga niyang anaconda? Taenaaa~!

"B-Ba-kit k-ka ngumi-ngisi?" Tanong ko rito.

"Gusto mo akong..."

Palapit siya ng palapit sa akin, ako naman pahiga ng pahiga sa sofa, OMAYGAAAAAAASH! PBB

TEENS NA ITEY!

"...matikman?"

Pwede bang sumagot ng 'oo'? :)))))))))

####################################

{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }

####################################

{ TBUP 37: Hating Him *Part 2* }

--Ericka's Pov--

"Gusto mo akong matikman?"

Kahit kaakit-akit -este gwapo siya *ahem* eh syempre magiging kapatid ko na siya! Kaya bakit ko naman siya titikman? Pagkain ba siya? Ayy hindi pala 'yun 'yung ultimate question kundi...

...MASARAP BA SIYA?

Lol ay sht. Bat ganito ang pag-iisip ko?! Bakit nagiging manyak na ako?! Kailan pa na-pollute ang aking innocent mind?! Gash! K, enough with the drama! Bat kasi 'tong future kafated ko eh hindi ko maintindihan! Kapag minsan sobrang sungit, 'pag minsan naman parang tanga lang! Ano ba talaga?!

So dahil ang lapit-lapit niya, eh hindi ko maiwasang tignan ang lips niya. Pulang-pula talaga eh! Punongpuno ng dugo!

So hahalikan ba niya ako? Gagahasain? Ano?!

Taena! Taena talaga! May naalala ako T^T Naalala ko kasi si Psyche, 'yung labi ni Psyche. Pucha namimiss ko na naman siya! Kahit anong gawin ko para hindi ko siya maalala or maisip hindi ko pa rin magawa! Palagi pa rin siyang sumasaglit sa isip ko! At dahil nga sa labi ni Colosseus naalala ko na naman 'yung kissing scene ni Psyche kasama 'yung Irish. Put@ naman oh! Sa lahat-lahat na nga lang ng maaalala 'yung kissing scene pa nila! Hindi ba pwedeng 'yung kissing scene namin?! Sht!

Nang maalala ko ulit 'yung sakit na naramdaman ko nang nasaksihan ko iyon eh hindi ko alam kung bakit ko biglang naitulak si Colosseus ng sobrang lakas! Bigla nga siyang nahulog sa sofa eh, buti na lang naitukod niya 'yung kamay niya. Sht! Bakit ang sakit pa rin sa puso?! >_____<

"Sht." Sambit muli ni Colosseus sabay tayo at akyat sa hagdan.

Ako naman eh biglang natauhan sa ginawa kong katangahan sa kanya. Bakit ko ba 'yung naitulak?!

Taena talaga wala na naman ako sa tamang pag-iisip! Bruhang Irish at gagong Psyche kasi sumiksik pa sa isip ko! Si Colosseus tuloy napag-diskitahan ko. Kung bakit naman kasi ang lapit-lapit nung pyutyur kafated ko sa akin 'di ba? Hindi ba siya aware na baka siya ang gahasain ko? Chos!

Pumanhik din ako sa taas para tanungin siya kung ayos lang siya. Syempre baka maging kontrabida na naman 'yun eh! Tyaka may sugat pa siya sa kamay eh. So pasimple akong dumaan sa tapat ng kwarto niya, at maswerte naman akong may naiwan siyang siwang sa pinto niya. Ay yuck bat parang ang manyak ng dating ko? Ako 'yung naninilip eh! xD

Sinilip -ang pangit talaga nung term ko! Para talaga akong pervert >____< Yaan na nga, so ayun sumilip ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang iniikot-ikot 'yung kamay niyang naitukod niya kanina nung tinulak ko siya. Bat parang ngumingiwi siya? Nasaktan kaya siya? Napilayan 'yung kamay? O____O

Pagkatapos niyang gawin 'yun eh inumpisahan na niyang mag-unbutton ng polo niya. Ay taena! Ganap na akong manyakis sa lagay nito eh! Magbibihis na nga sisilipin ko pa?! Hindi na 'to PBB TEENS eh!

PORN na 'to! P-O-R-N!

Ay teka, bat parang nahihirapan siyang magtanggal? Tas parang nasasaktan siya kapag ginagalaw niya

'yung kamay niya? Baka talagang napilay 'yun?

Kaya agad na akong pumasok sa kwarto niya. Nang makita niya ako eh wala, no reaction ulit. Nakatitig na naman sa akin 'yung cold eyes niya. Hindi ba siya magugulat kasi pumasok ako sa kwarto niya?

Tsss... weird talaga nito.

"Anong nangyari dyan?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa kaliwang kamay niyang walang benda pero may pilay.

"Tss..." Sabay irap sa akin.

Okay? Anong klaseng sagot 'yun?

Nagpatuloy pa rin siya sa pagtanggal ng butones niya at hindi ako pinansin, para ngang wala ako sa kwarto niya eh! Feeling ba talaga niya hangin ako? Ganun ba talaga niya kami inaayawan ni Mama?!

Ganun ba kami hindi katanggap-tanggap para sa kanya?! Bullsht nakakainis na ah!

Lumapit ako sa kanya at itinuloy ang unbuttoning ng polo niya. Feeling ko kasi kasalanan ko na naman kung bakit napilay siya! Oh well, oo kasalanan ko talaga! Eh kasi naman! Kasalanan niya rin naman kasi, paano ba naman ang lapit-lapit niya sa akin! At take note! Tinatanong pa kung gusto ko siyang tikman! Aba syempre! -ay mali, syempre magugulat ka rin naman kasi nga magiging kapatid mo na siya tapos ganun siya sa'yo? Ano 'to incest? Naku, hindi 'yun pwede sa akin!

Pero imposible namang magustuhan ako nitong taong 'to. Sobrang imposible! Ayaw niya nga sa akin tapos maiinlab pa?! Haaay naku, parang tanga lang =__________=

So ayun, habang ina-unbotton ko ang kanyang polo eh napadpad 'yung mata ko sa mga teddy bears sa kama niya. Ilang sandali pa ay...

"Pfft -HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Natawa ulit ako. Putek! Lalake ba talaga 'to?! Seryoso?! Taena may lalake bang naglalagay ng teddy bears sa kama niya? And take note -hindi lang basta teddy BEAR, kundi teddy BEARS! With 's'ibig sabihin, plural! Madaming teddy bears! Sht lang talaga 'tong future kapatid ko! Myembro talaga ng pederasyon! Hahahaha!

Nang matapos na akong tumawa eh napansin kong nakatingin lang siya sa akin pero masama na naman 'yung tingin niya! Nakakatuwa kasi talaga eh! Taena ilang beses ko na ba siyang tinatawanan?

Nyahahaha!

"Bading ka ba talaga?" Tanong ko rito.

Pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang ng sobrang sama sa akin. Hahaha! Silence means yes na ba? xD

Ilang saglit pa ay napukaw ang atensyon ko ng isang putting teddy bear na may kulay pink sa tenga at paa. May hawak itong pink na unan. Ang... cute? Oo, ang cute nga! Taena para akong bata na gustong makuha 'yung bear na 'yun eh!

"Co-este, Zico." Tawag ko sa kanya.

Tumingin lang ito sa akin.

"Gusto ko 'yun." Sabay nguso ko run sa bear na sobrang cute!

Tumingin siya sa direksyon ng teddy bear at bumalik ang tingin sa akin. Sana pumayag siya! Ahihi :"">

"Ayoko." Matipid nitong sagot.

"Parang teddy bear lang ipagdadamot?! Bading ka talaga eh nu!" Bulalas ko sa kanya.

"Pakialam mo?" Psh >____<

"Bading." Asar ko sa kanya sabay irap.

Pero kasi! Ang cute talaga nung teddy bear T______T

"Lalake ako. Huwag mo nang hintaying patunayan ko pa sa'yo."

"Eh bakit may teddy bears ka?! Tapos bakit takot ka rin sa horror?! Tapos bakit nalaban ka sa babae?!"

"Bahala ka."

"Eh, gusto ko talaga 'yun eh!" Pagpupumilit ko sa kanya.

Tinignan niya ulit ako with his 'cold death glare'. Okay, stop na. Kahit umiyak ako ng dugo alam kung hindi niya ibibigay. Taena lang, ang damot! Putek lamunin niya 'yang mga teddy bears niya! Bahala siya sa buhay niya! >______<

Pinagpatuloy ko ang pagbukas ng butones ng damit niya pero padabog. Nakakainsi kasi!

"Baka mapunit." Sabi nito.

"Pakialam mo?" Ibinalik ko sa kanya 'yung isinagot niya sa akin dati with matching taray epek pa!

"Damit ko 'yan, tanga."

Ay oo nga nu? Sht, tanga ka na ngayon Ericka ha?!

Teka nga, bakit ang tagal kong mag-unbotton?! Anong klaseng butones ba 'tong mga 'to at ang hirap tanggalin?! Bwiset lang! Nasa pang-apat na butones pa lang ako eh pito 'to lahat! :<

Hehehe~ ano ba 'to. Wala man lang abs. Yak >_________<

"Bading ka talaga eh nu? Bat wala kang abs? Si Hulk nga meron, bat ikaw wala?" Tanong ko sa kanya.

Umirap ulit siya, "Eh 'di dun ka sa Hulk mo."

So gusto niya magka-lablayp kami ni Hulk?! Yuck lang! Gago talaga 'tong future kapatid ko! Adik! Adik!

Adik! >___________<

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-alis sa butones niya nang biglang...

"Athena, anak?" -Mama.

"Zico?!" -Tito Sev.

Oh sht, dito na ata dapat sabihin ang famous line na 'IT'S NOT WHAT YOU THINK!'

####################################

{ TBUP -38: Colosseus & Athena }

####################################

{ TBUP -38: Colosseus & Athena }

--Ericka's Pov--

"Anong ibig sabihin nito?!" Sabay na tanong nila Mama at Tito Sev.

Waw sabayang pagbigkas ba itey? Choric speech? Chos! Nung una eh nagtaka ako kung bakit 'yun ang tinanong sa akin mudrakels at ni pyutyur pudrakels pero nang tumingin ako kay Colosseus eh doon ko na na-realize na nasa masagwa pala kaming posisyon.

Ang aking walang kamuwang-muwang at inosenteng mukha ay lumabas na manyakis at uhaw sa laman. Taena ako pa kasi ang nag-uunbotton! Parang... err? Yuck lang talaga kung makitid ang pagiisip mo. Baka nga isipin pa nila Mama na hinahalay ko 'tong pyutyur kafated ko. Kahit naman mukha siyang kahalay-halay eh hindi ko 'yun gagawin.

Hindi masarap ang pini-pwersa, dapat dahan-dahan :"">

Putrages kung ano-anong lumalabas sa bibig ko! Paki-tape nga! Bullsht lang.

Ay teka, I need to explain pa pala *sigh*

"Hi!" Sabi ko with matching kaway pa.

"B-Bakit-" Pinutol ko kaagad 'yung itatanong ni Mama.

"Ops!" Sabi ko sabay pwesto ng palad ko sa harap nila, 'yung parang nagsasabi ng "stop" ngay? "Wala po kaming ginagawang masama! Tinutulungan ko lang siyang magbihis kasi nga po," Itinaas ko 'yung kamay ni Colosseus na naka-benda, "dahil sa katangahan niya eh pinagtripan niya po 'yung pader, ginawang punching bag." Ngumisi ako at tumingin sa nanlilisik na mga mata ni pyutyur kafated, "At ito po," Sunod kong itinaas 'yung kamay niyang may pilay, "dahil ulit sa katangahan niya eh naitukod niya nang maitulak ko siya kasi-" Napatigil ako.

"Kasi?" Tanong ni Tito Sev.

Sasabihin ko bang ang lapit-lapit niya sa akin kanina? Sasabihin ko bang may free taste si Colosseus kanina? Free taste mismo ng katawan niya? Sasabihin ko ba 'yun?! Eh 'di baka mas lalo silang mag-isip ng masama! Tyaka baka isipin nila na sinungaling ako at talagang may plano nga akong halayin siya bago pa sila dumating! Omegesh! Kailangan mong mag-isip Ericka! Ito ang tamang panahon para magpaka-Jimmy Neutron ka!

Isip! Isip! Isip! Isiiiiiiiiiiiiiiip!

BRAIN BLAST! -lol xD

"Eh kasi po, tinulak ko po siya kasi nagtatago po siya sa likod ko kasi takot siya sa horror! Kanina po kasi eh hinahanggan ko ang kagandahan ni Shomba tapos bigla siyang natakot. Hindi naman

nakakatakot ang kagandahan ni Shomba 'di ba po?" Sabi ko sabay ngiti ng sobrang lawak. Hehe, sana maniwala sila. *cross-finger*

"Ahhh~" Sabi nila Mama at Tito Sev.

"Ganun naman pala eh. Sige tapusin mo na 'yan at magsitulog na tayong lahat." Sabi ni Tito Sev tapos lumabas na sila ni Mama sa kwarto ni Colosseus.

Agad naman akong nakahinga ng maluwag at animo'y nabunutan ng tinik sa dibdib. Haays! Akala ko ide-demanda na ako ng rape ni Tito Sev eh! Taena muntik ko nang masabing may free taste kanina!

Pareho kaming lagot kung nagkataon. Sht lungs! Buti na lang at sinapian ako ni Jimmy Neutron kanina.

Hoooo!

Napabaling ako ng tingin kay Colosseus na nakatingin din sa akin ng masama. Ayan na naman 'yung

'cold death glare' niya. Gwapo sana siya kaso ayun nga, masungit tapos bading. Eww >_________<

"Idiot." Sabi niya sa akin tapos sinubukan niya na ulit tanggalin 'yung mga natitirang butones ng polo niya.

Oo na! Alam ko namang idiot ako pero bat kailangang ipamukha?! Kailangang sabihin?! Putangines!

Below the belt na talaga 'tong gagong 'to! Pero bakit hindi ko siya magawang labanan? Bakit isang tingin pa lang niya tiklop na ako?! Di ba nga leon ang pinakamalakas sa gubat? Bakit isang tigre lang napapaamo na ang leon na tulad ko?

Oh well, siguro nga. In some aspects, (wow bago 'yun ah!) malakas din ang tigre... kahit papaano.

Lumapit ulit ako sa kanya at ako na ang tumapos sa mga natitirang butones niya. Nang matapos ko 'yun ay tumalikod siya sa akin at kumuha ng damit niyang pampalit. Matutulog na siya? Kaya niya bang magdamit ulit?

"Kaya mo ba?" Tanong ko rito. Waw, concern na concern ang dating ko mga Atey!

"Ano sa tingin mo?" Tanong nito sa akin pabalik. Psh =______=

"Wow ha. Kailan pa naging sagot ang isang tanong? Amfff~ Amin na nga 'yan!" Hinablot ko 'yung t-shirt sa kamay niya.

Sinuot ko 'yung sa kanya. Pagkatapos nun eh napatingina ko sa pants niya. Napalunok ako. Pati ba

'yung ano... papalitan ko?

"Tss. Lumabas ka na." Sambit nito.

Agad na naman akong nakahinga ng maluwag. Aish! Akala ko pati 'yung sa suot niya sa baba eh ako ang magpapalit! Napaka-taenang feeling naman kung ako pa ang gagawa nun! Syempre kahit naman sabihin kong bading siya, eh lalake pa rin siya, babae ako. Eh baka ano... baka magka-anuhan 'di ba?

Malay natin =______=

Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto namin ni Mama. Si Mama, nagpapagpag ng kama niya, ako naman agad na nag-dive sa kama ko na parang pagod na pagod.

"Nakakapagod ba 'yung unbuttoning session mo?" Tanong ni Mama.

Parang gusto kong sumigaw dahil sa inis. Iba kasi ang naiisip ko. Taena ang laswa ng pag-iisip ko!

Uwaaaaaaaa! Pwede bang iuntog niyo na lang ako sa pader kesa sa ganito ang mga naiisip ko?!

Inosente pa naman ako 'di ba?! >_______<

"Mama naman!"

"Bakit? Nagtatanong lang eh." Depensa ni Mama.

Umupo ako sa kama at ginulo-gulo ang buhok ko. Mababaliw na ata ako. Baka pers taym in the history of the Philippines eh magkaron ng baliw na bida si otor.

"Ano ba talagang nangyari?" Usisa ni Mama.

Nanlaki naman ang mata ko. Huwag niyong sabihing hindi siya naniwala sa palusot ko kanina?! Antae na!

"W-Wala ah!" Nabubulol kong sagot.

"Sus. Makapag-deny parang hindi mo 'ko Nanay ah! Sabihin mo na! Ikaw ba eh ginahasa 'yung future kapatid mo?"

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sunod na tanong ni Mama. Mama?! Talaga bang naniniwala kang may sala ako?! Hindi ko naman magagawang gahasain 'yun nu! Grabe naman T^T

"Oy Ma hindi ah! Grabe ka naman mang-bintang!" Pagkakaila ko.

"Malay ko ba kung sinuko mo na ang-"

"Mama! Bata pa ako. Tyaka kayo na rin ang nagsabi, future kapatid ko po siya. Kaya pwede ba?" Sabi ko sabay irap.

"K, fine! Sabi mo eh. Parang binibiro lang kita eh. Ang haggard kasi ng mukha mo."

"Bwisit kasi 'yang Colosseus na 'yan! Alam mo ba Mama, ayaw-"

Teka, sasabihin ko bang ayaw siya ni Colosseus para sa Daddy niya? Sasabihin ko bang gusto niya kaming paalisin dito? Sasabihin ko bang gusto niyang mapaghiwalay si Mama at Tito Sev? Baka mamaya damdamin ni Mama tyaka mapagpasiyahang makipaghiwalay sa taong nagpapasaya sa kanya. Padalos-dalos pa naman si Mama kung kumilos 'pag minsan.

Yung pagiging padalos-dalos niya nga ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng Tatay kong walang kwenta eh =____=

Pero 'pag sinabi ko... anong pwedeng maging epekto nun sa Mama ko? Grabe, ayoko na ulit makita siyang nalulungkot. Tulad ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya siya. Kaya siguro hindi niya naman dapat malaman 'yung gusto ni Colosseus 'di ba? Kaya ko pa naman sigurong amuhin 'yung tigreng 'yun 'di ba? Leon naman ako. Oo, kaya ko pa. Kakayanin para kay Mama.

"Anong ayaw?"

"Ahehe. Ayaw niya nung luto ko. Hehe." Sagot ko na lang.

"Ahh. Eh hindi ka naman talaga marunong magluto 'di ba? Huwag mong sabihing pinakain mo siya ng luto mo?! Walanjo ka anak! Baka mamatay na 'yun mamaya!"

=___________=

Grabe naman si Mama. Alam ko namang hindi ako marunong sa kusina pero hindi naman nakakamatay

'yung luto ko.

"Mama naman eh." Sabi ko sabay pout.

Lumapit sa akin si Mama at umupo sa tabi ko. Niyakap niya ako. Ang yakap na kahit sino eh walang makakapantay. Yung yakap na kung saan pakiramdam mo safe ka. Pakiramdam mo, special ka. Yakap ni Mama.

Niyakap ko siya pabalik. Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak kasi hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon at kayakap siya. Ngayon nga lang ulit kami magkakayap sa loob ng maraming taon.

Sobra kasi kaming busy sa kanya-kanya naming buhay. Grabe, buti na lang may Tito Sev na dumating sa buhay ni Mama.

"Anak, binibiro lang kita. Mahal ka naman ni Mama eh. Andito lang ako. Kahit sobrang bigat niyang pinagdadaanan mo, nandito lang ako. Sasamahan kitang pasanin 'yang sakit na nararamdaman mo.

Wag ka lang mahiyang mag-share." Mama.

At ayun na. Ito na, naluha na ako ng bonggang-bongga. Ang swerte ko sa Nanay ko. Ang swerte ko kasi meron akong katulad niya. Na kahit iniwan na ako ng iba, alam kong ang Mama ko palagi pa ring nandyan para sa akin. Yung Mama ko na naghirap magluwal sa akin. Yung Mama ko na mahal na mahal ako, at mahal na mahal ko rin.

Thank You Lord kasi meron akong Mama na ganito. Salamat talaga T^T

"Mama. Mahal na mahal kita!" Yun na lang 'yung nasabi ko. Sobrang naiiyak na kasi ako eh.

Kung alam lang nung Colosseus na 'yun kung gaano kabait at mapagmahal na Mama si Mama Stella ko, baka magdalawang isip siya at gustuhing makihati sa Mama ko. Tss... kung alam niya lang.

--Zico's Pov--

Napasara ako ng kamao ko kahit hindi pa ito masyadong magaling at sugat-sugat pa.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong makinig sa usapan nilang mag-ina. Kung bakit kapag naguusap sila at nagsasama eh hindi ko maiwasang mainggit.

Bakit hindi ganun si Mommy sa akin? Ginawa ko naman ang lahat. Oo palagi niya akong kausap at sinasabihang mahal niya ako, pero bakit hindi ko maramdaman? Bakit hindi ko maramdaman katulad ni

Athena?

Ano ba talagang meron sa kanila?

Bakit... ang swerte niya?

--Ericka's Pov--

Alas otso na ng umaga ng magising kami ni Mama. Agad kaming naghilamos at nag-toothbrush tyaka bumaba para kumain ng almusal. Pagkababa namin eh nakita na naman sina Tito Sev na nagbabasa ng dyaryo at si Colosseus na naka-cross arms pa rin at nakatingin lang sa tasa ng kape niya.

"Oh, good morning Hon!" Bati ni Tito Sev kay Mama tapos tumayo ito at hinalikan si Mama sa labi. In fairiness, hindi na with tongue. "Good morning din, Ericka." Yes, mabuti naman at hindi na Athena ang tawag sa akin.

"Good morning din po." Bati ko sabay ngiti.

"Come on, let's eat." Aya sa amin ni Tito Sev.

Umupo ako sa tabi ni Mama at kumain ng tinapay. Kumuha rin ako ng hotdog at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalapang nang mapansin kong hindi kumakain ang aking future kafated. Oh, what's wrong?

Tinignan ko siya pero sa ibang direksyon sa nakatingin. Parang nung una lang kaming nagkita.

May bread namang nakalagay sa plato niya pero hindi niya ginagalaw. May porridge din sa tabi pero hindi niya rin ginagalaw. Anong gusto niyang galawin? Pucha, parang ang laswa ng tanong ko.

=______=

"Ah Ericka -kasi, hindi makakain ang anak ko." Sabi ni Tito Sev.

Agad akong napatingin sa kanya, "Bakit po?"

"Eh 'yung kamay niya kasi eh."

Ay oo nga. Yung kamay niyang pilay, at 'yung isa may sugat. All because of me, because of my fault. So anong gagawin ko?

"Ah, ganun po ba." Humigop ako sa tasa ng kape na nasa gilid ko.

"Pwede bang... subuan mo siya?" Tito Sev.

Muntik ko nang maibuga kay Colosseus 'yung kape na nasa bibig ko. Katapat ko kasi siya. Ano raw sabi ni Tito Sev? Subuan? Taena ano ako yaya? Ano siya grade 1? Prep? Kinder? Pucha laki-laki na niyan eh!

"Ano po?" Tanong ko ulit. Baka kasi nagkamali ako ng dinig.

"Kung pwede raw bang subuan mo siya."

"Raw?"

"Oo, suggest kasi nang mga maids 'yun. Tutal ayaw naman niyang magpasubo sa mga maids kaya baka ikaw na lang kung pwede."

So? Ano ako ngayon? Nganga? As in literal na NGANGA! Susubuan ko siya? Buset, bakit ko naman

'yun gagawin?! Ah oo nga pala, kasalanan ko kasi kung bakit hind siya makakain.

Sige, fine!

Tumayo ako at lumipat ng upuan sa tabi ni Colosseus. Tumingin siya sa akin with his cold eyes. Ako naman, kinuha 'yung porridge sa tabi niya at hinalo-halo 'yun. Ano ba 'to, baby? Bakit porridge?

Isusubo ko na sa kanya 'yung isang kutsara ng porridge nang bigla siyang magsalita.

"Ayoko niyan."

Waw ha! Choosy ka pa?! Anong ipapalamon ko sa'yo?!

"Eh anong gusto mo?" Mahinahon kong tanong kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan.

Itinuro niya 'yung pancake na nasa lamesa. Agad ko naman 'yung kinuha at in-slice gamit ang tinidor.

Tinusok ko 'yung isang bahagi nung cupcake at itinapat sa bibig niya. Agad naman niya 'yung kinain.

Aish! Bat parang ang akward? Alam mo 'yun? Para kaming couple na nagsusubuan? Fvck, bakit ko ba iniisip 'yun? >_____<

So nagpatuloy kami sa ganung gawain nang biglang magpaalam si Tito Sev at Mama.

"Ah Ericka at Zico, aalis kami ni Stella. May aasikasuhin lang kami. Kaya Zico, anak, pwede bang ipasyal mo rin si Ericka rito sa lugar? Para naman hindi siya ma-bore. Ilibot mo lang naman siya. Sige ha, aasahan kita. Bye!" Si Tito Sev.

"Bye rin anak at Zico!" Masiglang sabi ni Mama.

Agad naman akong tumingin kay Zico para sa reaksyon nito pero wala pa rin. Poker face pa rin siyang nakatingin kina Mama at Tito Sev. Poker face, idol ata si Lady Gaga =_______=

Nang makaalis na sina Tito Sev at Mama eh nag-transform na ako.

"Taena, hindi mo pa ba talaga kayang kumain ng mag-isa?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi ba obvious?"

Sht talaga! Imbes na makakain ako ng maayos, eto ako sinusubuan ang mahal na prinsipe! Puchang gala talaga oh! >_____< Gutom pa ako eh!

"Busog ka naman na 'di ba? Pwedeng kumain muna ako?"

"Do what you want."

Parang hangin akong kumuha ng pagkain at inilagay 'yun sa bunganga ko. Sobrang gutom na gutom pa kasi talaga ako. Isa pang dahilan ang presensya ni Tito Sev kaya hindi ako makakain ng bonggangbongga kasi gusto kong maging mahinhin sa harap niya. Baka isipin kasi nun na hindi ako tinuturuan ng magandang asal ng Mama ko. Baka ma-turn off kay Mama eh.

So patuloy lang ako sa pagkain nang magsalita si Colosseus.

"Bilis. May pupuntahan tayo."

Napatingin ako sa kanya habang nilalantakan ang pancakes, "Gagala tayo?"

"Alam mo naman na tapos magtatanong pa." Masungit nitong sabi.

"Sungit mo. Bading!"

At tuloy pa rin ako sa pagkain. Pagkatapos nun eh sinabihan na akong magbihis ni future kafated kasi nga raw tutuparin niya 'yung sinabi ng Daddy niya. Yung ililibot daw ako rito. Aish. Gusto ko lang naman sanang magpahinga buong araw at makipag-chikahan over the telephone kay Carmeen pero nakakahiya naman kung hindi ako sasama 'di ba?

Kaya pagkatapos kong magbihis eh bumaba na agad ako. Lumabas kami ng bahay at naglakad-lakad.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Na-pipe na ata 'tong kasama ko kasi 'di nasalita eh. Lakad lang ng lakad. Ang boring! =______=

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa pupuntahan."

"Pucha! Huwag mo nga akong pilosopohin!" Saway ko sa kanya.

"At huwag mo rin akong murahin." Sabi nito.

Natahimik na lang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napunta na lang kami sa Puerto Galera. Tapos naglakad-lakad sa shore. Kung pwede ko nga lang hilain dito si Best Carmeen eh 'di ginawa ko na! Miss ko na rin kasi 'yung gagang 'yun. Wala akong masabihan dito eh! Ang boring pa ng kasama ko! Asar lungs >______<

Ilang saglit pa ay nakaisip na rin ako ng topic. Alam kong hindi kakagat sa topic si Colosseus kasi nga, cold siya pero wala na talaga akong magawa sa buhay eh! Gusto ko lang ng kausap kaya bahala na kung mainis siya or masabihan ulit ako ng tanga. Batong-bato na talaga ako!

"May lablayp ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin pero hindi naman masama. Cold lang. Tapos tumingin ulit siya sa dagat.

"Ano sa tingin mo?"

Aish! Sabi ko na nga ba walang kwentang kausap 'to eh! Bakit ba ang hilig niyang sagutin 'yung tanong ko ng tanong din?! Nakakainis na ah! >______<

"Meron?" Patanong kong sagot.

"Tsss... You know what, love is your greatest rival in a race called life. If you keep on looking at it behind you, in the end of the day you'll be the loser. It will surpass you, it will defeat the hell out of you." Sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

Ano raw? Paki-translate? Anong konek nun sa tanong ko? Pero sa pagkakasabi niya, parang ang bitter niya. Bat ganun? May pinagdadaanan? Na-busted? Naiwan ng minamahal? Kinaliwa? Ano ngay?

Anong ginawa ng 'love' para magkaganito ang isang Colosseus Zico Zarte?

####################################

{ TBUP -39: Us }

####################################

{ TBUP -39: Us }

--Ericka's Pov--

At dahil bored na bored ako eh humingi ako kay Mama ng pera para lang mapasunod dito sa Mindoro para lang makipagchikahan sa akin. Ang boring-boring kasi! Kung tatawagan ko naman eh bitin lagi ang usapan. Gusto ko kasi 'yung personal talaga tapos nahahampas-hampas ko xD

Kaya tinawagan ko na siya tapos nagpadala na ako ng perang pamasahe niya papunta rito. Ang gaga naman basta libre eh nasama. Kaya ilang oras pa ay nakarating na rin si Carmeen dito.

Agad ko siyang pinagbuksan. At kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti at ang mata niyang kumikislapkislap sa tuwa. Ito na, ito na ang reunion of the universe xD

"BESPREEEEEEEEEEEEEEEEN~!" Sabay naming sambit sabay yakap sa isa't isa.

"Ay bespren para na tayong teletubbies." Sabi ni Carmeen.

"Di ah, parang barney." Tugon ko naman habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Paborito mo talaga 'yung ubeng dino na 'yun nu?"

"Di ah. Ikaw nga kamukha mo na 'yung mga teletubbies mo eh."

Tapos sabay kaming tumawa. Ganito talaga kami ni Carmeen. Nagbabarahan pero puro kakornihan ang alam. Pagkatapos naming magkayakapan eh naupo na kaming dalawa sa sofa. Wala pa naman sina Mama at Tito Sev, asusual may lakad na naman.

"Oh, kamusta naman ang beautiful city of Mindoro?" Tanond nito sa akin.

"Shunga! City ka dyan! Ilublob kaya kita? Province itey, gaga!"

"Ayy oo nga. Eh 'di, kamusta naman ang beautiful province of Mindoro?"

"Wala. Boring nga eh. Kaya nga kita tinawagan."

Bigla namang kumunot ang noo niya at hinampas ako.

"Walanjo ka! Pinasunod mo 'ko rito para lang maging entertainer mo?!" Bulalas nito sa akin.

"Hehehe. Ano pa nga ba?"

"Ano ako, clown mo?!"Sigaw nito sa akin.

"Kind a?" Tyaka ako tumawa. Kakatawa kasi talaga 'tong expression ni Carmeen xD

"Grabe." Napayuko siya, "Akala ko pa naman miss mo na akey."

"Sus! Kadramahan mo! Kamusta Maynila?" Tanong ko sa kanya.

"Maynila raw! Bat 'di mo na lang diretsahin? Gusto mo lang namang malaman kung kamusta na si

Psyche." Sabay irap nito sa akin.

Oo, 'yun na nga. Hindi ko naman ikakaila eh. Gusto kong malaman kung natututawa ba siya, kung masaya siya sa naging desisyon niyang pang-gagago sa akin. Gusto kong malaman kung gaano siya ka-okay habang wala ako. Kung gaano siya kasaya na wala ako.

Kung nami-miss niya ba ako...

Kasi ako oo, palagi nga eh.

Napatahimik ako sa sinabi ni Carmeen.

"Haaay~ Wala si Psyche. Nagbakasyon sa rest house nila sa Bora. Kasama 'yung babae niya."

Parang pinagsisisihan kong tinanong ko kung kamusta ang Maynila. Bigla na naman kasi akong nakaramdam ng sakit . Nakaramdam ng lungkot. Sht. Naiiyak na naman ako eh! Kahit gabi-gabi ko nang iniiyakan 'yun eh hindi pa rin maubos-ubos 'tong lintek na luhang 'to. Bakit ganun? Mas masaya siya talaga run sa ipinalit niya sa akin? Waw lang ha. Waw talaga.

Ang sakit <//3 T^T

"Oy, oy best! Huwag ka ngang umiyak! Walang hiya. Sayang pamasahe ko kung iiyak ka lang!" Saway sa akin ni Carmeen.

"Gaga. Ako naman nagbayad ng pamasahe mo." Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang mata ko.

"Eh oo nga. So, kamusta ang iyong future brother na ikine-kwento mo sa akin sa text at tawag?" Tanong nito sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.

Kapag nag-uusap kasi kami sa phone ni Carmeen, text man or call eh hindi mawala sa topic si

Colosseus at 'yung pagmamaltrato niya sa akin >_______<

Binida ko rin 'yung tungkol sa prom tapos 'yung mga mata ni Colosseus. Basta! Lahat ng tungkol sa kanya binida ko rito sa bespren kong gaga.

"Eh 'yun. Muntanga pa rin." Sagot ko. "Ewan ko ba kung bakit g-"

Napatigil ako sa sasabihin ko nang makita kong nakanganga si Carmeen at naglalaway. Oo, seryoso ako! Naglalaway talaga siya ng parang asong ulol! Yak nga eh, baka may rabbies na 'to? Oh sht. Pinoke ko 'yung braso niya pero tulaley pa rin siya. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko si

Colosseus habang naglalakad pataas sa hagdan ng walang damit pang-itaas.

Ay puchaa! Walang galang! Iparada raw ba ang sarili rito sa harapan?! Anobey! Baka mamaya gahasain -este, lapain na lang siya nitong bespren ko! Taena ang sarap niyang batuhin ng flower vase eh!

Nang makapunta na siya sa kwarto niya eh agad kong binatukan si Carmeen nang matauhan.

"A-Aray! Punyeta naman Ericka! Ang ganda ng view eh!" Siya pa ang galit?! Oh wow!

"Tunggak! Wala na ang view!"

Tumingin ulit siya sa hagdan para ikompirma at ayun nakumbinse na siya. Tumingin ulit siya sa akin nang parang tuwang-tuwa at eksayted na eksayted. Aish >_______<

"Omegesh!!" Sabi niya sabay yugyog sa akin, "Bakit hindi mo sinabing ang gwapo-gwapo at ang hot hot niya?! As in PASONG-PASO!"

Halos magtatalon na nga si Carmeen habang sinasabi 'yun eh. Siguro kung pwede lang niyang ibato sa akin ang planetang Mars eh kanina pa niya ginawa nang dahil sa kalandian. As in talagang 'yung mata niya naging heart shape tapos ngiti siya ng ngiti na parang tanga. Punyetek, ano ba 'tong bespren ko?

Tao ba 'to? O________O

"Gash best! Ang gwapo niyaaaaaaaaa~! Feeling ko gusto ko nang makipagbreak kay Elzid pagkatapos ng nakita ko!!"

Binatukan ko siya ng bonggang-bongga. Gaga kasi! Nakakita lang ng gwapo makikipagbreak na sa boypren?! Sarap ihagis sa Neptune nito eh =_______=

"Manahimik ka nga!" Ako.

"Ehhh~ Ericka!! Taena talaga ang pogi niya! Pwede ko na ba siyang gahasain?"

Binatukan ko siya ng bonggang-bongga. Aba't nagpaalam pa sa akin?! Kung ako nga hindi ko nagawa siya pa kaya?! Ang walanghiya! Sarap i-record ng sinasabi niya tapos ipadala kay Elzid 'yung audio eh.

Grabehan talaga! Ewan ko lang kung makita ko pa siyang buo sa pasukan!

"Umayos ka nga! May boypren ka, ulol!" Paalala ko sa kanya.

"Bat kasi ang gwapo nun?" Tanong nito with matching pakilig-kilig epek pa.

"Gwapo nga bading naman."

"Hoy! Di 'yun bading! Alam kong tumingin kung bading or hindi nu!"

"Wushu. Ewan! Ano ba! Pumunta ka rito para sa akin at para hindi sa magiging kapatid ko kaya umayos ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Okay." Sabi nito sabay pout.

Ayan tuloy. Nakalimutan ko na 'yung sasabihin ko dapat sa kanya. Nakakainis naman kasi 'yung

Colosseus na 'yun! Ibalandra raw ba ang sarili rito?! Anong akala niya rito, fashion show?!

Magbabalandra na nga ng katawan 'yung wala pang abs. La kwenta =________=

"Best, gusto ko nang umuwi ng Maynila." Sambit ko.

"Ang sabihin mo gusto mo na ulit makita si Psyche! Ogags ka rin nu? Niloko ka na nga, ginago't sinaktan, lahat-lahat pero gusto mo pa rin?! Seriously best, SHUNGA KA?"

Alam mo 'yung feeling na gusto mo nang kumuha ng kutsilyo at pagsasaksakin 'yung nasa tabi mo dahil sa inis pero hindi mo magawa kasi nga bespren mo siya? Nakakainis eh! Alam ko sanay kaming magbarahan pero... aish! Nakakainis talaga ngayon! Wala namang akong dalaw pero naiinis ako!

Naiinis ako kapag binabanggit 'yung pangalan ni Psyche! Kapag naiisip kong masaya siya kasama ng iba! Punyeta, MASAKIT EH!

"Hindi ka pa nakaka-move on, alam ko pero dapat naman subukan mo! Hindi sa lahat ng panahon eh ang pagmo-move on eh kapag may nahanap ka nang bago. Hindi sa lahat ng panahon, ang pagmomove on parang 'yung nangyari sa inyo ni Chron. Ericka, hindi sa lahat ng panahon may sasalo diyan sa sugatan mong puso. Matuto kang mag-move on mag-isa!" Sermon ni Carmeen sa akin.

Tama siya. Alam ko namang hindi na ulit magiging kasingdali nung dati eh. Hindi ko naman kailangan ng ibang tao para makalimot at maka-move on -ang problema lang, hindi ko sinusubukan. Ano bang dapat kong gawin para kalimutan si Psyche? Iuntog sa pader 'yung ulo ko para magka-amnesia ako?

Pucha buti sana kung hindi masakit >________<

"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh." Ako.

"Tsss. Maka-12:51 ang peg mo best ah!"

"Ewan! Ikaw ba, kamusta ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ehh~ eto, masaya pa rin. Nyehehehe. Ang gwapo ni Elzid ngay! Ahyieee~"

Buti pa talaga si bespren may lablayp. Feeling ko nga nagsisisi na ako sa panghuhusgang ginawa ko noon kay Elzid eh. Kasi nga akala ko full-time gago na siya 'yun pala maayos pa nila ni Carmeen. Ibang klase ang nagagawa ng second chance eh nu?

Sana kami rin ni Psyche may second chance... aish!

Kahit gustong-gusto kong lumimot pero kahit saan ako pumunta may nagpapaalala sa kanya!

Nakakaasar!

"Pero ang gwapo ng future kafated mo 'teh! Gash! Siguro kung hindi mo lang magiging future kapatid

'yun baka nag-set na ako ng blind date sa inyong dalawa! Bagay kayo best, pramis!"

Pucha, kung anu-anong sinasabi. Magiging kapatid ko na nga tapos bagay pa kami?! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi benta sa akin ang incest?! Sht talaga, immoral kaya 'yun =_______= Tyaka ang

sungit-sungit nung Colosseus na 'yun eh! Bading pa! Paano ko naman 'yun magugustuhan? Ampucha, magiging kapatid ko na eh!

"Manahimik ka nga! Pasakan kita ng mansanas sa bibig eh."

"Sus! To naman ginawa pa akong lechon baboy. Ang seksi ko na kaya!"

"K, whatever." =__________=

--Chron's Pov--

Alas-dose na nung tawagan ako ng isang bartender para sunduin si Scarlet sa bar. Ako raw kasi 'yung nasa speed dial #1 niya kaya ako 'yung tinawagan. Nung una nagtataka ako kung bakit siya nasa bar tapos sinabi na lang sa akin na sobrang lasing na lasing na siya kaya hindi na siya makatayo at makauwing mag-isa. Wala naman daw siyang kasamang iba kaya tinawagan na lang ako.

Nung una, oo nagalit ako. Sino ba namang matinong babae ang maglalasing sa bar nang mag-isa?!

Tanga ba siya? Paano kung may nangyaring masama sa kanya?! Paano kapag na-rape siya, na-kidnap or napatay?! Punyeta naman oh! Pinag-alala niya ako nang doble!

Tyaka ko na lang naisip -si Scarlet pala 'yun, kakaibang babae =______=

Agad akong pumunta sa bar na 'yun at natagpuan ko siyang nakasubsob sa counter habang hawak ang isang baso ng alak. Tulog na nga siya nang mailabas ko siya sa bar at isakay sa kotse.

Dahil hindi ko naman alam kung saan siya nakatira eh inuwi ko na lang siya sa bahay namin. Tyaka pinapalitan siya ng damit sa mga maids para naman hindi siya magkasakit.

Naiinis ako! Ilang lalake na kaya ang nakahawak sa kanya? Ilang lalake na kaya ang nakasayaw niya sa bar na 'yun?! Punyeta hindi talaga nag-iisip 'tong babaeng 'to. Aish!

Naupo ako sa kama habang pinagmamasdan siyang matulog. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

"Huwag ka na ulit pupunta ng bar nang walang kasama." Sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig kasi nga tulog siya.

Pero laking gulat ko na lamang nang magsalita siya. At mas ikinagulat ko ang mga lumabas sa bibig niya...

"Chron..." Sambit nito.

Ewan ko. Natuwa ako. Ewan! Natuwa ako kasi 'yung pangalan ko ang lumabas sa bibig niya. Yung pangalan ko 'yung tinawag niya. Hindi ko alam pero tumalon 'yung puso ko sa tuwa. Buti na lang hindi ibang pangalan. Hindi pangalan nang mga lalakeng nakahalikan niya o ano pa man.

Hindi ko alam kung bakit... hindi ko alam...

Hinalikan ko siya sa noo.

Agad akong napatingin sa mga litrato namin ni Selene sa mesa. Mga masasayang litrato naming dalawa. Kaming dalawa...

"Hindi pwede 'to." Nasabi ko na lamang.

Agad akong lumabas ng kwarto at natulog sa sofa.

Si Selene pa rin naman... 'di ba?

####################################

{ TBUP -40: Icy Ego }

####################################

{ TBUP -40: Icy Ego }

--Ericka's Pov--

Nagpaalam sina Tito Sev at Mama sa amin na aalis daw sila papuntang Canada. Isasama raw ni Tito

Sev si Mama sa isang business trip. Magsasara lang daw ng ilang deals si Tito Sev para wala nang sagabal sa preparasyon nang kasal nila.

Kaya eto ako ngayon, naiwan na naman kasama ang future kapatid ko na kung makatingin ng masama at malamig eh wagas!

Ano na naman kayang kawalanghiyaang dadanasin ko sa kanya? Aish!

Nagising kasi ako na masakit 'yung ulo ko. Medyo inuubo at sinisipon din. Nahamugan ata ako kagabi eh. Ang tagal ko kasing naglakad-lakad sa tabing dagat kagabi. Siguro nga nahamugan ako. Ang bigatbigat ng ulo ko tapos ang sakit-sakit pa. Uminom na ako ng gamot pero still, medyo nahihilo pa rin ako.

Damn much!

Lumabas ako ng kwarto namin para uminom ng tubig, unfortunately eh nakita ko na naman 'yung pyutyur kafated ko habang naka-cross arms at nanunood ng TV. Parang wala lang. Muntanga pa rin

=____=

Dumiretso ako sa kitchen at uminom ng tubig. Paakyat na sana ulit ako nang kwarto ko para matulog ulit nang tawagin ako ni cold eyed bastard. So no choice ako kundi tumingin sa kanya.

"Oh ano?" Naiirita kong tanong.

"Maglinis ka na." Sambit nito habang nakatingin pa rin sa TV.

"ANO?!" Bulalas ko.

Napatingin siya sa akin ng masama, "You deaf?"

Napairap na lang ako sa kanya. At kahit ang sakit-sakit ng ulo ko. Kahit ang sakit-sakit ng buong katawan ko eh minabuti ko na lang kumuha ng panglinis at linisin ang bahay. Kesa naman sa mag-away pa kami 'di ba? Wala pa naman ako sa mood makipag-away. Nakakainis ang sakit ng ulo ko, nahihilo pa ako! Taeness >.<

--Zico's Pov--

Bat parang ang putla niya? Ang kupad niya ring kumilos. Damn, ang ganda niyang batuhin ng basahan eh!

Narinig ko rin ang pag-ubo niya. Tsss, may sakit ba siya? Or nagsasakit-sakitan lang? Akala niya siguro madadala ako sa mga ginagawa niyang kaartehan. Pero sorry siya, she can't fool me.

"Bilisan mo." Utos ko sa kanya.

Slowpoke mode pa rin siya. Baka may sakit talaga? Patigilin na lang kaya?

Oh no, hindi ko siya pwedeng kaawaan. Baka masanay siya. Baka i-take advantage niya. Hindi pwede. I have to maintain my cold treatment to this girl, para umalis na sila ng Mama niya rito. Para hiwalayan na niya si Daddy.

Pagkatapos ng isa't kalahating oras eh natapos na siyang mag-linis. Tinawag ko ulit siya kasi gusto ko siyang utusan. I want her to give up. I want her to hate me, to hate my father. I want her to regret that her mother met my father.

"Hoy." Tawag ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin pero makupad talaga siya. Hindi naman siya nagblu-blush pero ang pula-pula niya.

"Bumili ka sa convenient store."

"Ng?" Tanong nito sa akin.

"Kahit ano."

"Haa?! Anong kahit ano?!" Ayun, sabi ko na nga ba nagkukunwari lang siyang may sakit, pero ang totoo

-wala.

"I said kahit ano."

"May nabibili bang kahit ano sa convenient store?!"

"Malay mo meron."

I can see her fist, nakakuyom ito at nanginginig. Akala niya hindi ko siya kaya just because she can cuss and talk shts in front of me? Just because she can pull some barbaric acts in front of me? Tsss...

Hindi na siya nagsalita at lumabas na sa pinto. Serves her right.

Ilang oras din akong naghintay sa pagbabalik niya pero bakit parang ang tagal niya? Malapit lang ang convenient store dito pero bakit wala pa siya? Nagliwaliw? Nilayasan ako? Psh, how pathetic. It's one of those one hundred reasons I hate about that girl. I hate her, and her mother. I want them both out of our lives.

Napagdesisyonan kong lumabas pero laking gulat ko nang makita ko siyang nakahandusay sa tapat ng pinto. So this is the reason why she didn't come back?! Nag-collapse siya? Maybe because she's sick, really sick.

Bubuhatin ko na sana siya nang maisip kong baka umaarte na naman siya. Sinipa ko ng mahina 'yung paa niya pero hindi siya nagalaw.

No girl, you can't fool me. Never.

I step back and return inside our house. I slammed the door.

Pero paano kung... totoo ngang...? Sht, another walking disaster.

Hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko ulit ang pinto, binuhat ko siya at ipinasok sa bahay.

Pinahiga ko siya sa sofa. I feel her forehead, ang taas ng lagnat niya. Damn, may sakit talaga siya!

Gumalaw siya ng kaunti pero alam kong napakahina niya para tumayo at dumiretso sa kama niya.

Tatayo na sana ako para kumuha ng unan, kumot at gamot nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Psyche..." She said.

Psyche? Who the hell is that? Boyfriend niya? Psh. May pumapatol pa pala sa ganitong babae?

Babaeng walang manners at napaka-unlady like kung magsalita =______=

"Please... don't... let me go..." She murmured.

Is she having a nightmare? A nightmare with her boyfriend? Baka iniisip niya ako 'yung boyfriend niya?

Tsss... idiot. She really is an idiot.

Umupo na lang ako sa sofa, inihiga ko 'yung ulo niya sa lap ko. Bahala na. She won't recognize it right?

She won't take advantage of it right? Hindi naman niya siguro iisiping hindi na ako naiinis sa kanya.

Because I still do, and forever I will.

Gusto kong pigilan 'yung kamay ko mula sa paghawak sa buhok niya but yeah, I failed. I stroked her hair with my bare hand. In some ways, I can see her with this girl sleeping on my lap.

Marami silang pagkakapareho, that's why I hate this girl because she keeps on reminding me the girl I loved from the past. Damn it.

"So much in common..." I whispered.

####################################

{ TBUP -41: Pictures }

####################################

{ TBUP -41: Pictures }

--Ericka's Pov--

Ano bang nangyari kagabi? Ang naaalala ko lang eh pinapabili ako ng 'kahit ano' sa convenient store ni future kapatid kaso... ah? Hindi ko na alam ang nangyari. Pagkagising ko may stiff neck na ako tapos nasa sofa ako. Tinanong ko sa mga maids pero hindi raw nila alam.

Weird? Bahala na.

Aish! Ang sakit ng leeg ko! Medyo okay naman na ako at bumaba na 'yung lagnat ko kaso problema ko naman ngayon 'tong leeg ko. Haaay, ano bang gamot dito?

"Sht! Sht! Sht!"

Napatingin ako sa direksyon nung nagmumura, tapos nakita ko si Colosseus habang sumisilong sa ilalim ng mesa. May hinahanap ata? Bat parang galit siya? Kulang na lang kasi ibalibag niya 'yung mga upuan at mesa eh.

*BLAG!* --Ayan, binalibag na nga.

Hmp, bahala siya dyan. Naiihi na ako eh!

So pumasok ako sa banyo at umihi. Lalabas na sana ako nang may nakita akong peksyur sa flooring ng banyo. Litrato ng babae? Sino ba 'to? Pinulot ko na lamang 'yun at inilagay sa bulsa ko. Tapos lumabas na ako ng banyo at pumunta ng kusina para uminom. Nandun pa rin si Colosseus habang aligaga sa paghahanap ng kung ano man 'yun. Para siyang tanga =_____=

Habang umiinom ako eh bigla siyang lumapit sa akin...

"Hoy! May nakita ka bang... ano... 'yung-"

"Ano?" Tanong ko.

"Aish! Wala! Nevermind. Pathetic!"

Tapos bigla na lang siyang lumabas ng bahay with matching balibag pa ng pinto.

Okay? Siya na nga ang nagtatanong, siya pa ang galit? Sinabihan pa akong pathetic?! Wow ha! Wow talaga! Tangina nun ah! >______<

Lumapit ako kay Manang kasi curious ako kung ano 'yung hinahanap nung future kapatid ko.

"Manang, anong hinahanap nun?" Tanong ko sa kanya.

"Litrato ng girlfriend ni Sir." Tugon ni Manang habang pinapadaan 'yung feather duster sa mga pigurin.

"May girlfriend 'yun?" Nagtataka kong tanong.

"Sabi niya kasi litrato ng babae eh, 'di baka girlfriend niya."

Napaisip ako, "Ganun? May pumapatol pa pala sa ganung ugali?"

Like, wow lungs? Paano niya natitiis 'yung cold stare ni Colosseus? Yung pagiging masungit niya? Yung pagiging abnormal niya? Parang... err? Sinong makakatiis 'dun? Oo, gwapo siya kaso napaka-epic fail sa ugali! Sinong magtitiis 'dun? Sabihin niyo nga!

Naaawa tuloy ako sa babae, baka battered girlfriend siya ngay? Malay niyo ang sama-sama ni

Colosseus sa kanya. Ewan lang, kasi naman ang pangit ng ugali niya =________= Paano kaya nanligaw 'yun? Paano kaya siya nakakuha ng girlfriend? Baka pinilit niya lang?

Lol, kung ano-anong pumapasok sa kukote ko eh.

At ilang sandali pa...

"Ahh!" Sigaw ko.

Baka 'yung litratong napulot ko sa CR 'yung hinahanap niya? Grabe-bels! Ang ganda nun ah! Yun?

Papatol kay Colosseus? Mukhang anghel eh! Mukhang mabait tapos napaka-angelic ng mukha! Parang hindi kapani-paniwalang pumatol kay Colosseus! Like duh?

Ay naku, nakaka-intriga!!

"Manang, kwento ka naman tungkol sa mga Zarte oh! Sige naaa~!" Pakiusap ko.

Tumingin si Manang sa akin, "Oh sige, ano bang gusto mong malaman?" Waw game na game si

Manang!

Umupo kami sa sofa kung saan ako nagising na may stiff neck.

"Kahit ano po, basta tungkol sa kanila." Sabi ko naman.

"Sige. Ahem. Alam mo bang pang-apat na girlfriend na ni Sir Sev ang Mama mo?"

Watdapak?! Palikero much?! Pang-apat?! Wow lungs! *Q* Pero okay lang naman, gwapo naman si Tito

Sev ah? Hindi ka siya mukhang 40's eh! Mukha siyang 20's lang. Kaya ang swerte ni Mama sa kanya.

Mabait na nga, matalino, gwapo at higit sa lahat, mayaman pa! Oh 'di ba package deal? :))))

"Talaga po?!"

"Oo. Naghiwalay kasi sila nung dati niyang asawa kasi masyadong gastusera. Lahat ng luho gustong masunod. Lahat gustong bilhin kahit hindi naman kailangan. Umabot nga ng sampung milyon 'yung dating asawa ni Sir sa isang credit card lang eh!" Kwento ni Manang.

Ano raw?! Sampung milyon?! Taenaaaaa~! Ang grabe naman gumastos nun! Anong binibili nun, bahay?! Grabe talaga 'yun! Tyaka, kung sampung milyon -ibig sabihin sobrang yaman pa ni Tito Sev?!

As in super duper mega ultra YAMAN?! Wow!! Jackpot talaga kami ni Mama! Mwhahaha ^_________^

"Grabe naman po 'yun!" Komento ko.

"Grabe talaga! Sampung taon si Zico nun naghiwalay sila. Dati nga ang hilig-hilig ngumiti ng alaga kong

'yun. Pero simula nung naghiwalay 'yung mga magulang niya naging ganun na siya."

"Pati 'yung mata niya?"

"Oo, naging kasing lamig ng yelo."

Ahhh~ ganun pala 'yun? So hindi naman pala inborn 'yung mga mata niyang 'yun? At 'yun pala ang dahilan? Hmmm... okay? So ibig sabihin, pwede pang bumalik sa dati 'yung mata niya? Nyahahaha!

Ano kayang itsura ni Colosseus 'pag hindi cold as ice 'yung mga mata niya? Napapaisip tuloy ako nang wala sa oras =______=

"At alam mo ba, laging honor student si Zico simula nung maghiwalay ang mga magulang niya. Paborito niyang subject ang Physics at Trigonometry! Sa pag-aaral niya kasi ibinuhos lahat ng sama ng loob niya."

Ayy? Ang weird? Dapat kasi nag-rebelde siya 'di ba? Pero hindi eh! Nag-aral pa siya ng bonggangbongga! Paano niya kaya nagawa 'yun? At favourite niya pa 'yung dalawang subject na ayaw na ayaw ko! Siya na! Siya na magaling! >_________<

"Gusto mo bang makakita ng picture ni Zico nung grumaduate siya ng high school? Yun kasi 'yung huling picture niya na nakangiti siya. Yun kasi ang huling beses na nagsama 'yung magulang niya kahit hiwalay na sila para lang sa graduation niya."

Naglabas si Manang ng isang litrato. Don't tell me palagi niyang dala 'yan? Lol ha!

"Nakita ko lang 'to kanina sa ilalim ng kama ni Zico!"

Ibinigay niya 'yung litrato sa akin. Agad ko naman 'yung nakita at...

Oh sht! Si Zico -este, Colosseus ba 'to?! Pakshet ang gwapo! Kung ganito lang sana siya palagi at nakangiti eh baka nainlab na ako sa kanya! Ay erase-erase! Magiging kapatid ko pala siya! Pero oh gash. Heartthrob nga! Grabe lungs! Uber-uber sa kapogian! :"">

"Ericka, punasan ang laway iha! Tumatagas!"

Fvck meron nga! Hindi niya naman ako masisisi 'di ba? Oh sht lungs! Ang gwapo talaga niya!

Grabityyyy! Ganun pala talaga siya kagwapo kapag nakangiti?

"Ayy! Sige na, may niluluto pala ako! Sige, maiwan na kita rito!" Pagmamadali ni Manang.

"Ah teka-"

Tumakbo na si Manang.

Teka, ano namang gagawin ko rito sa picture? Sige, sa susunod ko na lang ibabalik.

"Ano 'yan?"

Err >___< Si Colosseus andito na. Buti sana kung nakangiti siya pero hindi eh! Masungit mode na naman siya tapos cold death stare. Pero nilingon ko pa rin siya... OH FVCK! Pucha! Ang sakit ng leeg ko!

Taena nakalimutan ko may stiff neck pala ako! Tangina!

"Shet!!" Bulalas ko.

"Tsss... idiot." Sabi niya sabay lakad papunta sa hagdan.

Sana ngumiti na lang ulit siya katulad ng nandito sa picture niya dati. Amf!

Agad akong pumunta sa kwarto ko at umupo sa kama ko. Nilabas ko 'yung picture nung girlfriend 'daw' ni Colosseus tapos 'yung picture niya. Pinagtabi ko 'yun. Hmmm? Maganda at isang gwapo?

"Baka nga girlfriend niya? Bagay sila eh." Napag-isip-isip ko.

####################################

{ TBUP -42: Huh? }

####################################

{ TBUP -42: Huh? }

--Ericka's Pov--

Breakfast! Yumyum! Parang fiesta na naman ang aura ng bahay kasi ang dami-dami na namang pagkain! Hala, baka tuluyan na akong maging baboy nito? Pero yaan na! Masamang i-ignore ang pagkain! Ie-enjoy ko na lang kesa naman mag-diet 'di ba? :3

Masarap kayang kumain.

Ay oo nga pala, dumating na si Mama at Tito Sev, eto nga oh nagsusubuan sa harap namin ni future kapatid. Speaking of future kapatid, naalala ko naman 'yung litrato niya habang nakangiti! Kapag naaalala ko 'yun nangingiti na rin ako pero kapag titingin naman ako sa kanya natatakot ulit ako. Bakit kasi hindi na lang siya ngumiti ng ngumiti 'di ba?

Ay huwag na lang pala :3 Baka mainlab ako sa kanya. Magiging kapatid ko pa man 'din siya!

"Oh Ericka, nakapag-bonding na ba kayo ni Zico habang wala kami ng Mama mo?" Tanong ni Tito Sev sa akin.

Gusto ko sana siyang sagutin ng, "Oo, nakapag-bonding na kami sa bangayan, takutan, murahan at kabalbalan!" Di ba? Hindi naman kasi matino 'tong anak ni Tito Sev eh. Parang kailangan nang i-confine sa mental! Amff >___<

"Ah opo!" Sagot ko na lamang.

Konting kasinungalingan lang naman 'di ba? Tyaka hindi naman aangal si Colosseus. Naka-cross arms nga lang siya at nakatingin sa kabilang side. Wapakels =_______= Autistic talaga 'to. Pero err, gwapo kaso sablay talaga sa ugali! At naalala ko na naman 'yung gerlpren niya 'raw'. Bagay sila, kaso... nagtataka talaga ako kung pano niya naging girlfriend 'yun O.o

"Mabuti naman at close na kayo." Wika ni Tito Sev.

Haaay~ kung alam niyo lang ang totoo. Close nga kami, close doors sa isa't isa.

Kakain na nga lang ako. Sayang naman 'tong lasagna na hinanda pa-

"Tito!!"

Pucha! Maka-tito naman wagas! Sino kaya 'yung dumating?

So tumingin ako kung saan nanggaling 'yung boses ng lalake na maka-tawag ng 'Tito' eh wagas.

Pagkatingin ko eh... oh well? Bumaba po ba si Adonis? Kailan pa? Bakit hindi nagpasabi nang nasundo ko siya sa airport?

Pero seryoso... ang gwapo nito ah! Tapos... ohhh~ HOT PA! Sino ba 'to?

Tumayo si Tito Sev, sinalubong niya 'yung lalake tapos pinat niya 'yung shoulders nun.

"Napadalaw ka ata ah! Saan ang mga magulang mo? Bakit hindi mo sila sinama?" Tanong ni Tito Sev

'dun sa lalakeng sizzling hot.

Ang tagal nakasagot nung lalake kasi... nakatingin siya sa akin? Tama ba? Or naduduling na talaga ako? Yung tingin niya para akong hinuhubaran eh! Pakshet, nagsitaasan ang mga balahibo ko! Brrr~!

Si Colosseus naman nakatingin na rin 'dun sa lalake. Kaano-ano kaya nila 'to?

"Ah, alam niyo naman si Mommy at Daddy, business na naman." Sagot nung lalake pero hindi siya nakatingin kay Tito Sev kundi sa akin. Chos lang?

"Ganun ba? Oh sige, tara't sumalo ka sa amin."

Bumalik si Tito Sev sa upuan niya tapos umupo naman sa tabi ni Colosseus 'yung lalake habang nakatingin pa rin sa akin. Ano ba 'to?

So ganito ang set-up namin.

Yung lalake|Colosseus

Tito Sev---------------------------------------

Mama| Ako

Ganyan ang set-up namin. So nagpatuloy ako sa pagkain ko nang ipakilala ni Tito Sev sa amin 'yung lalake.

"Ah Ericka, ito nga pala si Qaz, pamangkin ko bale pinsan ni Zico."

Okay? Pamangkin pala. Okay, gwapo. Ang gwapo ng mga Zarte nu? Kampo ng mga gwapo! Siguro nung nagpaulan ng kagwapuhan ang Panginoon eh feel na feel nilang i-display ang mga sarili nila sa labas? Kekeke~

Yung lalake naman -este si Qaz, nakatingin sa akin. Nakangiti ng... nakakaloko? What the fudge! Siguro kung wala siyang itsura baka pinagbintangan ko na 'tong rapist! Bat kasi ganyan makatingin eh! Parang rereypin ako! :3

O baka naman nagfe-feeling na naman ako? Naku, juice ko! Sa istoryang 'to ang dami ko nang lalake nu! Simulan kay Chron, Psyche (ouch T^T), Colosseus tapos Qaz? May darating pa ba? May mga magiging lalake pa ba ako? Grabe ha, inuulan ako ng mga gwapo :3

But kidding aside, kakain muna ako. Kailangan kong magpalakas!

"Hell..o, Ericka." Sabi ni Qaz.

Anong 'hell-o'? Nagkataon lang ba talagang nahuli 'yung 'o' or talagang gusto niyang i-implement 'yung

'hell'? Weird-o! Amff >_____<

Nginitian ko lang siya tapos sumubo ulit ako. Ang sarap talaga!

Kasagsagan ng pagnanam ko sa lasagnan nang mahulog ni Qaz 'yung kutsara niya. Agad siyang yumuko at pinulot iyon sa ilalim ng mesa. Nang maiangat niya na 'yung sarili niya eh nakatingin na naman siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

Tangina nakakailang na ah!!

"Nice legs, sweetheart." Sabi nito.

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Put@! Ako ba 'yung sinabihan niya nun? Malamang! Nakashort kasi ako, si Mama naman naka-maong -may pupuntahan na naman ata kasi sila ni Tito Sev. Pero watdapak! Ang manyak nito ah! Tyaka pucha anong klaseng endearment 'yun? Sweetheart?! Tangina lungs!

Tinignan ko siya nang masakit pero nakakaloko pa rin 'yung ngiti niya with matching kagat labi pa! Oh fvck, oo na gwapo ka na pero bakit ang halay mo?!

"Ah, eh, Ericka! Pagpasensyahan mo na 'tong pamangkin 'kong ito ha? Mahilig lang talaga siya sa mga babae." Pagrarason ni Tito Sev.

What the fudge?! Anong klaseng rason 'yun? Kinahihiligan ba ang mga babae?! I mean, ang pangbababae?! Anong akala niyo sa amin, mga laro sa PC? Sa cellphone? Putangina ah! Ano 'yun 'pag nagsawa ka sa isa, magpapalit ka? Mahilig sa babae? PUCHA!

Mga lalake talaga parang tanga lang! Katulad ni Psyche. Shet! >___________<

"Yeah, remember how girls ditched you because of my existence, huh Zico?" Sabi niya kay Colosseus.

Si Colosseus naman tinignan lang siya tapos humigop ng kape. No reaction na naman, pokerface lang.

Haaay! Ang weird nilang mag-pinsan pramis!

"Ah Qaz! Bakit hindi kayo pumasyal ni Zico rito sa lugar? Matagal na rin kayong hindi nagkasama ah!"

Suggestion ni Tito Sev dun kay pervert :3

"Tsss, Tito, simula nung bata ako si Zico na ang kasama ko. Nakakasawa!" Tapos tumingin ito sa akin,

"Well, I want her to be with me for the rest of the day."

Punyetek! AYOKO NGA! Baka mamaya reypin lang ako nito! Baka mamaya mabuntis ako nang wala sa oras! Kahit pogi siya 'di ako sasama nu! Ayoko! Hindi papayag ang diwa ko! >________<

"Ayo-"

Bigla na lang akong siniko ni Mama at tinignan nang 'sumama-ka-kundi-patay-ka-sakin-look'. Kaya no choice ang drama ko ngayon kundi sumama rito sa taong 'to. Haaay... Mama? Sigurado ka bang mahal mo 'ko?! T^T

"Okaaay..." Sagot ko na lang.

Bwiset! Buti sana kung matinong tao 'tong makakasama ko!

Pagkatapos naming kumain eh agad niya akong hinila palabas ng bahay. Buti nga hindi ako kinidnap eh! Pucha, ayoko talaga siyang kasama!

Laking gulat ko na lang nang makita kong naka-intertwine na 'yung fingers ko sa kanya. Putek ano 'to holding hands while walking?! PDA?! Pinaparada ang kalandian?!

Nagpumiglas ako pero ang lakas niya lungs! Nakangiti siya ako naman kulang na lang sabitan ng kaldero 'yung nguso ko sa sobrang haba :3

"Fvck!" Pagmumura ko.

"Hey, don't turn me on!" Saway nito sa akin sabay ngiti ng nakaloko.

Punyeta! May plano ba talaga 'tong reypin ako?! Aish!

"You're... tantalizing." Wika nito habang nakatingin sa akin.

"Hah! Tantalizing your face!"

"Alam mo bang... wala pang nakakatanggi sa mukhang 'to?"

"Anong mukha? Mukhang rapist?" =________=

Tumawa siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"I like you!" Bulalas nito.

"Tsss... like I care." Sabay irap ko.

"Woah! First time kong ma-busted alam mo 'yun?"

Napatingin ako sa kanya, "Ma-busted? Nanligaw ka ba?"

"Nanligaw? Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi. Hindi ako joker at mas lalong hindi ako clown para magpatawa."

Dumadalas ang pang-iinit ng ulo ko eh. Paano ba naman, ilang weeks na akong hindi nakakapanghula ng... you know, break-ups. Kasi naman! Parang walang couples dito! Putek nagtago ata! Baka alam nilang nandito ako? Hah! *smirk*

"I don't know how to court a girl. I just say that I like them, then boom! We're officially dating." Pahayag nito sa akin.

Paki ko? Yan kasi ang mahirap sa mga babae eh! Easy to get! Lalo na kapag gwapo 'yung lalake.

Porket gwapo akala na nila matino pero manloloko rin pala! Mga babae kasi masyadong assuming :3

Haay nako.

"Ayaw mo ba sa akin?" Diretsahang tanong nito.

"Oo." Sagot ko.

"Psh. Hindi ka lang ba nagwa-gwapuhan sa akin?"

"Gwapo ka. Pero hindi ibig sabihin nun gusto na kita. Minsan, hindi nakukuha sa mukha ang tiwala."

"Okay, I surrender. But I assure you! One of these days, you'll beg in front of me to court you."

Pagmamayabang nito.

Yeah. Dream all you want! Dream high, gago! >____< Kay yabang-yabang na nilalang ng planetang

Earth! Sarap bigwasan! =____=

Nakarating kami sa Puerto Galera. Di ko naman kasi alam kung saan ko 'to dadalhin eh. Umupo kami sa shore at pinagmasdan ang kalmadong dagat.

"Kailan ang kasal nila Tito at ng Mama mo?" Out of the blue niyang tanong.

"Malay ko, hindi pa sila nakapag-decide."

"So, magiging kapatid mo na si Zico?" He asked.

"Oo..."

"Mag-ingat ka run."

Naintriga ako sa sinabi niya kaya tinanong ko kung bakit.

"Bakit naman?"

"You don't know him yet. You don't know what lies behind those cold eyes of him." Sabi nito habang nakatingin sa dagat.

Ano nga ba? Ilang araw na rin akong naiintriga tungkol kay Colosseus. Parang gusto ko pang makilala siya ng lubos. Siguro kasi kakaiba siya sa lahat ng lalakeng naka-encounter ko. Kakaiba 'yung mata niya, 'yung ugali niya. Lahat-lahat! One of a kind ika nga nila. Pero ano nga bang tinatago ng cold eyes niya?

"Ano bang... meron sa kanya?" Tanong ko.

"Alam mo bang tatlong beses nang na-cancel ang kasal ni Tito Sev?"

Tatlong beses? Ay saglit, naalala ko 'yung kwento ni Manang na pang-apat na girlfriend na ni Tito Sev si

Mama. Ibig sabihin, may tatlo siyang ex-girlfriends... at lahat 'yun eh pinangakuan niya ng kasal? Ibig sabihin, dapat kasal na si Tito Sev? Pero bat na-cancel? O_______O

"Bat na-cancel?" Tanong ko rito.

"Dahil kay Zico."

Kay Zico?! As in?! Ganun talaga siya kalakas para mapigilan ang kasal nang tatlong beses?! Ibig sabihin... baka magawa niya rin kina Mama at Tito Sev?! Pucha hindi pwede! Hindi ko siya hahayaan!

Hindi ako papayag na mapaghiwalay niya si Mama at Tito Sev! Dadaan muna siya sa wonderful kabaong ko bago niya mapigilan ang fairytale ng Mama ko!!

"Palagi siyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal." Pagpapatuloy ni Qaz.

"Anong mga paraan?"

"Mahilig kasi si Tito Sev sa mga babaeng single parent. Gusto kasi niyang may masaka si Zico na magiging kapatid niya kaya 'yung tatlong ex niyang 'yun eh pawing may mga anak."

"Tapos?"

"Kapag lalake 'yung anak nung babae, binu-bully ni Zico. Binubugbog niya. Talagang hindi siya titigil hangga't hindi namamatay 'yung lalake. Sa paraang 'yun, magmamakaawa 'yung lalake sa Mama niya na huwag nang ituloy 'yung kasal kasi nga ayaw niyang maging kapatid si Zico. Walang magagawa

'yung nanay kasi nga, kawawa na 'yung anak niya." Kwento ni Qaz.

OH SHET! Seryoso?! Ganun si Zico?! Pucha! Parang mas natakot ako bigla sa kanya ah! Pero paano naman 'pag babae? Binubugbog niya rin? Fvck! Pinalahi ata ni Pacquiao si Zico?! O_________O

"Eh paano 'pag babae 'yung anak?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin. Yung mukha niya, seryosong-seryoso.

"Pinapaibig niya."

Sht! Pinapaibig? As in?! Kayang gawin ni Colosseus 'yun?! Kaya niyang magpaibig? Yung ganung ugali kaya 'yun?! Pucha! Akala ko pa naman 'no space for new lablayp' ang drama ni pyutyur kafated! Mali pala ako!

Sht!

"Kapag, napaibig na niya 'yung babae. Automatic, ipagpipilitan nung babae na ayaw niyang magpakasal

'yung nanay niya sa tatay ni Zico... kasi ayaw niyang maging magkapatid sila. Kasi nga, mahal niya na si Zico."

"Sht." Napamura na lamang ako sa kwento ni Qaz. Hindi pa rin ako makapaniwala!

"Sa tatlong ex ni Tito Sev, dalawa run ay may anak na lalake, at 'yung isa... babae ang anak. Siya ang panghuling girlfriend ni Tito Sev bago ang Mama mo."

"Pinaibig din ba niya 'yung babae?" Tanong ko.

"Oo. Pero alam mo kung anong nakakatawa?" Tanong nito sa akin, umiling ako. "Na-in love din siya run sa babae."

Naiinlab pala siya? I mean, okay? Akala ko kasinungalingan lang! Yun pala, nainlab 'din siya run sa babae? Grabe, para akong nakikinig ng kwentong barbero rito ah! :33

"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko.

"Nag-"

"QAZ..."

Napalingon kami kung saan nanggaling 'yung tawag nang pangalan ni Qaz. Napatingin kami sa dereksyon ni Colosseus. Paparating na siya at nakatingin pa rin sa amin 'yung cold eyes niya.

Napatayo kami ni Qaz mula sa pagkaka-upo.

"Tawag ka ni Daddy." Sabi ni Colosseus.

"Sige, sunod na ako."

"Ngayon na raw."

Napatingin sa akin si Qaz at bumalik na naman 'yung ngiti niyang nakakaloko tyaka ako hinalikan sa pisngi. Amfff >______<

"Goodbye sweetheart!" Tapos tumakbo na siya papalayo.

Naiwan ako kasama si Colosseus. Err... awkward?

"Mag-ingat ka sa kanya." Wika nito sa akin tyaka na siya tumalikod at naglakad papalayo.

HUH? Sabi ni Qaz, mag-ingat ako kay Colosseus, sabi naman ni Colosseus mag-ingat ako kay Qaz.

Seryoso, pinaglalaruan ba nila ako?!

Pero parang mas dapat nga akong mag-ingat kay Colosseus. Kung sakaling gawin niya sa akin 'yung ginawa niya run sa anak na babae nung ex ni Tito Sev, anong gagawin ko? Paano kapag naniwala ako sa kanya?

Aish, hindi na siguro 'di ba? Ngayon pang alam ko na kung anong pwede niyang gawin. Imposible nang maniwala pa akong mahal niya ako kung sakaling paibigin nga niya ako. Tss...

Hindi niya ako mauuto. Hindi niya ako mapapaniwala. Hindi niya masisira ang relasyon ni Mama at Tito

Sev.

Pero may tanong pa rin ako eh...

Anong nangyari run sa babaeng pina-ibig ni Colosseus? Anong nangyari sa kanila?

####################################

{ TBUP -43: Or Else }

####################################

{ TBUP -43: Or Else }

--Ericka's Pov--

Naiwan pa rin ako sa Puerto Galera. Gusto ko pang magpahangin eh. Iniisip ko pa rin 'yung kwento ni

Qaz. Feeling ko kasi kailangan ko talagang layuan si Colosseus. Feeling ko napaka-delikado niya.

Iniisip ko rin kung paano ko pro-protektahan si Mama -si Mama atyaka 'yung kasal niya -'yung kaligayahan niya. Hindi ako pwedeng magpatalo kay Colosseus. Masaya si Mama kay Tito Sev. Yun lang.

Biglang bumalik si Qaz. Napatayo ako.

"Augh. Pinapatawag na ako ni Daddy sa Manila." Wika nito sa akin. Yung mukha niya parang nalulungkot.

"Ah okay..."

"Hmmm..." Bigla itong ngumiti, "I'll see you in Manila, sweetheart! I'll make you fall in love with me when you get there!" Tapos bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi. Well, at least hindi sa labi =______=

Nag-wave na siya as a sign of goodbye tapos tumakbo na siya papalayo. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa impormasyong binigay niya. Baka kung hindi niya sinabi 'yun sa akin baka madali na rin ako ng magiging kapatid ko.

Salamat...

Tumingin ako sa dagat at nagpakawala ng isang buntong hininga. Napagpasyahan kong bumalik na lang sa bahay namin. Bahala na... at least may alam na ako tungkol sa magiging kapatid ko.

Posible kayang gawin niya sa akin 'yun?

Pagkabalik ko sa bahay, nadatnan ko si Mama tapos si Tito Sev sa sala habang nanunood ng TV.

Napakinggan ko nga 'yung kakornihan nilang dalawa eh =____=

"Ano na bang nangyayari sa drama na 'to?" Tanong ni Tito Sev kay Mama na kasalukuyang nakasandal

'yung ulo sa balikat ni Tito Sev.

"Aba malay ko. Hindi ko naman sinusubaybayan 'yan eh. Ikaw lang..." Sagot naman ni Mama.

Biglang nangiti si Tito Sev ng sobrang lawak, "Ako lang ang sinusubaybayan mo?"

"Oo."

Tapos ayan na. Walang humpay na halikan at yakapan na. Mag-make out session daw ba sa sala?! Tsk tsk... dagsain sana kayo ng mga daga at langgam! Ang sweet-sweet na nga, ang keso-keso pa! Korni pa! Amff~

Sige na! Ako na bitter! >_________<

Umiling na lang ako at pumanhik sa hagdan. Nakita ko si Colosseus na akmang papasok na sana sa kwarto nito. BInilisan ko ang paglalakad. Kokomprontahin ko na lang si Colosseus. Itatanong ko kung ano ba talagang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakasal ang Daddy niya sa Mama ko. Gusto kong malaman ang dahilan -gusto kong malaman kung dapat ba akong maniwala sa mga sinabi ni Qaz.

Kailangan kong malaman...

Isasara na sana niya 'yung pinto pero agad ko itong pinigilan.

Nakatitig lang ako sa cold eyes niya. Hindi ko nga alam eh, kaya ko na pa lang tumagal sa mga tingin niya. Ayus 'yun ah.

"Mag-usap... tayo." Sabi ko.

"Ayoko." Sinasara niya na 'yung pinto pero pinipigilan ko pa rin. Bad trip ang lakas niya!

"Please?"

"Ayoko."

Sinara na niya 'yung pinto. Aish! Nakakainis! Pag mas lalong ipinagkakait sa akin ang isang bagay mas lalo akong nagkaka-interes para makuha 'yun! Ikinuyom ko ang kamao ko. Tangina wala akong pakialam, gusto ko lang malaman 'yung totoo!

Kinalabog ko 'yung pinto niya ng sobrang lakas. Hindi naman maririnig nila Mama at Tito Sev 'to 'di ba?

Busy sila sa baba, nagme-make out.

Nagpatuloy ako sa pagkalabog sa pinto niya. Mas nilakasan ko pa 'yun. Pucha, buksan mo na!

Bigla niyang binuksan ang pinto.

"Ano bang problema mo?!" Tanong nito sa akin.

"Gusto kong malaman 'yung totoo."

Bigla niya na lamang akong hinila sa loob ng kwarto niya, pagkasara niya ng pinto ay agad-agad niya akong isinandal doon at ayun nga, na-korner niya na naman ako.

Ang lapit na naman niya sa akin. Pucha. Ericka, umayos ka! Hindi ka pwedeng magpatalo sa kanya.

Isipin mo 'yung sinabi sa'yo ni Qaz!

"Ano?" Tanong nito.

"Bakit ayaw mong maging asawa ni Tito Sev ang Mama ko?"

"Tsss..."

Tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Sinundan ko siya, "Hoy! Sagutin mo ang tanong ko!"

Pero imbes na sumagot siya, kumuha lang siya ng tuwalya sa aparador niya.

"Hoy!"

Sinusundan ko pa rin siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng banyo niya.

Humarap ito sa akin.

"Sasama ka?" Tanong nito.

Sht. Maliligo pala siya =______= Tangina talaga! Bakit ba ayaw niya na lang sabihin?! Pinapahirapan niya ako eh! Haays!

Napaupo ako sa kama niya. Napatingin ulit ako run sa teddy bear na nagustuhan ko. Kinuha ko 'yun at niyakap. Ang kyut kyut talaga! Nung bata kasi ako puro Barbie lang alam kong laruin eh. Pero ang kyut kyut talaga nitong mga teddy bears na nandito! Ano kayang koneksyon nila kay Colosseus?

Buti sana kung kasing-bait, kasing-kyut at kasing-inosente ng teddy bear na 'to 'yung magiging kapatid ko. Eh 'di sana ebribadi hapi =_______=

Nahiga lang ako sa kama habang yakap 'yung teddy bear. Ano kayang mangyayari bukas? Matutuloy kaya ang kasal ni Mama?

Napaupo ako nang lumabas si Colosseus sa banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Pucha, kahit naman wala siyang abs eh lalaki pa rin siya! Taena talaga neto. Parang gusto ko nang maniwala talaga kay Qaz! Sht, sht sht! Sine-seduce ba niya ako?

Ibinaling ko na lang 'yung tingin ko sa teddy bear.

"Umalis ka na." Utos nito sa akin.

"A-Ano... sabihin mo muna kung bakit ayaw mo kay Mama."

Put@! Nakaka-ulol! >________< Hindi ako makatingin ng diretso eh!

"Get out!"

"A-Ayoko..."

"Get out or else..."

Naglakas ako ng loob na tignan siya. Pero fvck! Nakakainis! Nakaka-ulol talaga. Bakit kasi hindi muna siya nagbihis 'di ba?! Kesa naman pinaparada niya 'tong katawan niya sa harap ko! Tapos ang lapit-lapit na naman niya sa akin!

Sht! Ilayo niyo 'ko sa temptasyon! Putangina!

"O-Or e-else w-what?" Taena!

Nag-smirk siya. Mas kinabahan ako. Pinapasma na 'yung kamay ko eh!

"I will take your 'first' here."

Sht anong first?! Anong first?! First... first...

Yung ano? Yung...

Tangina! Ayoko na rito!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto niya. Bakit parang takot na takot ang drama ko?! Pucha naalala ko si

Qaz. Mag-pinsan nga talaga sila. Parehong may tinatagong kamanyakan >______<

--Zico's Pov--

Tsss... Idiot.

Magbibihis na sana ako nang biglang tumunog 'yung phone ko.

Kinuha ko iyon at ina-accept ang tawag.

("Zico.")

"Mommy..."

####################################

{ TBUP -44: Selfish }

####################################

{ TBUP -44: Selfish }

--Zico's Pov--

"Mommy..."

Nakaramdam ako nang tuwa sa pagtawag ni Mommy sa akin. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap at walang komunikasyon. Kahit alam kong tumatawag lang siya kapag may kailangan siya -still, masaya pa rin ako.

("How are you, son?")

Napangiti ako. Si Mommy, si Mommy na lang ang nakakapagpasaya at nakakpagpangiti sa akin ng ganito.

"Doing great. Kayo Mommy? Kamusta?" I asked.

("Well, I miss you. But... how about our plan, Zico?")

As expected from my Mother. Alam kong itatanong niya 'to. Oo, matagal na naming plinano ni Mama 'to.

Napagkasunduan naming tutulungan namin ang isa't isa para hindi makapagpakasal si Daddy sa iba.

Para maayos pa ni Mommy kung anong meron sa kanila ni Daddy. Mahal na mahal ni Mommy si Daddy pero wala lang pakialam si Daddy dun. Ang iniisip niya, mahal lang siya ni Mommy dahil sa pera niya.

Pero mali siya. Maling-mali siya. Mahal siya ng Mommy ko. Higit pa sa buhay niya.

"Ginagawa ko ang lahat Mommy." I answered.

("I'm sorry. I'm sorry if you're facing that alone. Alam mo namang ayaw akong makita ng Daddy mo 'di ba? Alam mo naman 'yung nangyari nung huli akong nagpakita sa kanya.")

Yeah. Muntik nang mapatay ni Daddy si Mommy. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Daddy sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sukdulan na lang ang pagkamuhi niya sa Mommy ko. Kahit minsan ba, hindi niya ito minahal? Kahit... para lang sa akin?

"Okay lang Mommy, I understand. Just take care."

("Thank you, Zico. So, ano nang nangyayari kay Athena?")

Napakagat ako sa lower lip ko. Athena... Athena is a girl. A girl that reminds me of her. How can I accomplish the plan? Mabuti sana kung lalake 'yung anak nung bagong mapapangasawa ni Daddy.

Mas magiging madali sana kung lalake dahil anytime pwede ko siyang takutin, bugbugin or whatever.

But no... she's a girl.

And when It's a girl... I have to make her believe that I love her. And that's a sht.

"Mommy, I can't."

Hindi ko na pwedeng ulitin 'yung pagkakamali ko noon. Hindi ko na pwedeng gawin sa kanya 'yung ginawa ko noon. Ayoko nang magkamali. Ayoko nang manakit.

Ayoko nang magmahal...

Ibang klaseng babae si Athena. And so with her, kaya nga nakikita ko siya kay Athena eh. And that makes it harder for me to proceed to the plan.

("Why not? Huwag mong sabihing nakokonsensya ka pa rin sa ginawa mo noon? Zico, she's just a part of your past. Wala na siya. Matagal na siyang wala.")

"Oo nga wala na siya. But the memories... the feelings. It's still here. I still love her."

Narinig ko ang marahas na buntong hininga nang Mommy ko. Sigurado ako sesermonan niya na naman ako. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang gawin. Hindi ko na kayang gawin ulit!

("Okay, I understand. Alam ko namang ginawa mo lang 'yun dahil may gusto ka rin sa kanya hindi ba?

But now, you can't do it with that Athena girl. Okay, I understand.")

Tama si Mommy. Nagawa ko lang paibigin siya dahil minahal ko na rin siya. It made it more realistic.

Oo, napaghiwalay ko nga si Daddy at 'yung Mommy niya pero... natalo pa rin ako. Nagsisi ako -kasi minahal ko siya.

"Mommy? Galit ka ba?"

("Oh no, of course not. Naiintindihan kita. I can't force you Zico. You're just my son after all. Okay, I have to sleep. Take care, I love you.")

"Take care, Mommy..."

Ibinaba ko na 'yung phone. Nagbihis na ako pero iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko.

Sumusuko na ba si Mommy? Pero bakit? Bakit parang ang bilis niyang sumuko? At bakit ngayon lang?

Ang dami na naming ginawa para mapigilan si Daddy sa pag-aasawa niya pero bakit ngayon pa sumuko si Mommy? Nang dahil lang sa isang planong hindi ko magawa... titigil na siya? Hindi ko lubos maisip, hindi ko matanggap na ang Mommy ko sumuko. Paano na kami? Kami naman talaga ang totoong pamilya ni Daddy 'di ba? Nang dahil lang ba sa sumuko si Mommy hahayaan ko nang mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan namin?

Hindi.

Gusto kong mabuo ang pamilya ko...

Lumabas ako nang kwarto ko at nahagip ng mata ko si Athena habang naglalakad papuntang kwarto nila. Naglakad ako papunta sa kanya at agad na hinigit ang kamay niya.

"Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako! Bakit mo ba ako hinihila?!" Sigaw nito sa akin.

Umasta ako na parang wala akong naririnig at pinagpatuloy ko ang pagbaba mula sa hagdan habang kinakaladkad si Athena. I can't let them win. No...

Nakita ko si Daddy habang nakatayo sa sala, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa amin.

Pumwesto kami sa harap ni Daddy.

Tinignan ko sa mata si Athena pero nagulat ako. Yung mga mata niya... katulad na katulad ng mga matang nasilayan ko dati sa kanya. Bakit ba marami silang pagkakatulad? Bakit pa lagi na lang pinapaalala ni Athena sa akin ang nakaraan?!

"Zico..." Bumalik ako sa katinuaan nang magasalita si Daddy.

Tumingin ako sa kay Daddy at ngumisi.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ka pwedeng magpakasal sa Mama niya." Sagot ko.

Nakakunot pa rin ang noo nito, "Bakit hindi?"

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Athena at humarap ako sa kanya at mariin siyang hinalikan. Wala na akong ibang alam na paraan. Wala na...

Nagpupumiglas siya pero nagpatuloy ako sa paghalik sa kanya.

"What the hell Zico?! Ano ba 'to?!" Sigaw sa amin ni Daddy.

Doon na ako tumigil sa paghalik kay Athena.

"Can't you see? Nagmamahalan kami. Can't you just sacrifice your wedding for us? Bakit hindi na lang kami ang magpakasal? By the way, may nangyari na sa amin, so I think I should take the responsibility of our baby." Sabay hawak ko sa tyan ni Athena.

Geez. I'm sorry. Yeah, I'm sorry. Hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin ko. I just want my family back.

"Teka, Tito! Hindi po 'yun totoo! Tito!" Angal ni Athena.

"Don't worry. I don't believe him. See you at my study room, Colosseus Zico Zarte."

Umalis na si Daddy. Alam ko, nainis ko na naman siya. Alam ko rin namang aangal si Athena eh.

Nawala lang talaga ako sa katinuan. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.

Tinignan ako ni Athena nang masama at bigla akong sinampal. Masakit, pero mas masakit 'pag hindi nabuo 'yung pamilya ko.

"Ang selfish mo!" Bulalas nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa study room. But in my mind, I'm begging for her forgiveness for the 10th time.

Pumasok ako sa study room at nakita ko si Daddy habang umiinom ng whisky at nakatalikod. Ihahanda ko na 'yung sarili ko. Papagalitan na naman ako nito. Tsk tsk...

"Daddy..."

Ibinaba niya 'yung baso niya sa lamesa at humarap sa akin. Agad niya akong sinuntok ng ubod ng lakas. Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko kung kaya'y agad ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.

"Ano na naman bang katarantaduhan 'to ha, Zico?!" Sigaw ni Daddy.

Wala namang makakarinig nito eh. Sound proof kasi 'tong study room para hindi maka-istorbo kung gustong magbasa ni Daddy or may tinatapos siyang trabaho.

"Just like the old times." I said while smirking.

"Hanggang kailan mo ba gagawin 'to ha?! Kailan ka ba titigil sa pagiging selfish mo?!"

"Selfish? Tss... look who's talking! You're calling me selfish when you filed a divorce with my mother without thinking about me? Hindi mo inisip kung ano 'yung mararamdaman ko! Now, between the two of us, who's selfish?"

Ngayon ko lang nasabi sa Daddy ko 'to. Matagal ko nang kinikimkim sa loob ko ang galit ko sa kanya.

Pero ngayon, wala nang dahilan para makipaglokohan ako sa kanya at hindi sabihin kung anong nararamdaman ko. Siya, siya ang totoong selfish at hindi ako. Hindi ako...

"Ano? Hindi ka makasagot kasi totoo. Sarili mo lang ang iniisip mo." Pagpapatuloy ko.

"Gusto mong malaman ang totoo?" He asked.

Ano pa bang totoo ang dapat kong malaman?

"Anong totoo?" Tanong ko.

"Ang totoo kung bakit ayaw na ayaw ko sa Nanay mo."

"Sige, bakit nga ba?"

Naikuyom ko ang kamao ko. Papakinggan ko siya, pero hindi magbabago ang pananaw ko. Ang paniniwala kong siya ang selfish dito at hindi ako, hindi kami ni Mommy.

"Niloko niya ako. Sinabi niyang buntis siya noon para pakasalan ko siya. Pero nalaman kong hindi siya buntis, tyaka na lang siya nabuntis nung napakasalan ko na siya. That's why I hate her. I hate her to death."

Wala akong pakialam sa sinabi ni Daddy. Alam kong ginawa ni Mommy 'yun dahil mahal niya si Daddy.

Tama, ginawa ni Mommy 'yun dahil mahal niya si Daddy. Wala pa rin siyang kasalanan... nagmahal lang siya.

Ngumisi na lamang ako at iniwan si Daddy sa study room. Wala akong pakialam. Wala na akong pakialam.

Hanggang dito na lang siguro 'yung magagawa ko. Sumuko na si Mommy eh. Tsss... bahala na

=_______=

--Ericka's Pov--

Tangina nung Colosseus na 'yun ah! Anong akala niya sa akin patibong sa Ama niya?! Sht talaga!

Nilapastangan niya ang labi ko! Ang inosente kong labi! Nilapastangan niya! Punyetik 'yun! Hindi ko man lang na-enjoy! Ang harsh kasi! xD

Pero seryoso! Nakakainis! Walang hiya talaga 'yung Colosseus na 'yun! Sabi ko na nga ba eh! Tama si

Qaz! Dapat hindi ko na siya lapitan poreber! Nakakaasar talaga 'yun!

Tapos sinabi sa amin ni Tito Sev na kung pwede eh umuwi na lang muna kami sa Maynila. Humingi na rin siya ng pasensya sa ginawa ni Colosseus. Kaya ito, magsisimula na kaming magbalot ng gamit ni

Mama.

Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung ginawa ni Colosseus. Kahit naman ano eh... halik pa rin 'yun! Bwesit talaga! >_______<

"Mama, bweset 'yun." Kwento ko kay Mama.

"Kaya nga pagpasensyahan mo na 'di ba? Tyaka uuwi naman na tayo." Wika ni Mama.

"Mama, sorry ha. Sorry kasi nasira ko 'yung bakasyon mo."

"Yaan mo na, wala kang kasalanan dun."

Kahit sabihin ni Mama na okay lang, nakikita ko pa rin malungkot siya kasi iiwan namin si Tito Sev dito.

Haaay... mahal talaga niya si Tito Sev. Napaisip tuloy ako, ganito rin kaya si Mama sa Tatay ko noon?

Minahal din kaya niya ng sobra-sobra?

Aish, bakit ko ba iniisip 'yung oh-so-good-for-nothing kong Ama? Psh. Isa rin 'yung walang kwenta eh tangina.

Pinagpasyahan kong magpahangin muna sa labas at maglakad-lakad. Well, saan pa ba ako pupunta kundi sa Puerto Galera? Kung saan tahimik ang tubig. Pero nadatnan ko si Colosseus dun, nakaupo, mag-isa.

Di ba nga sabi ko lalayuan ko na siya? Pero ang abnormal ko lang kasi lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Ewan ba, feeling ko kasi, hindi siya dapat mag-isa. Naaawa ako...

"Gusto mo talagang sagutin ko 'yung tanong mo?" Panimula nito sa akin.

Anong tanong?

Bigla ko na lang naalala 'yung tanong ko sa kanya nung nasa kwarto kami -ay yak ang pangit ng term.

'Nasa kwarto kami' -fvck ang pangit talaga. Pero yaan na. So ayun, 'yun nga. Lol xD

"Bakit nga ba?"

"Gusto ko lang namang mabuo 'yung pamilya ko eh. Gusto ko lang maging masaya si Mommy.

Ginagawa ko lang 'yung makakaya ko para sa kanya. Kasi mahal ko siya..."

Habang sinasabi niya 'yun, bakit parang ang sakit-sakit ng pakiramdam niya? Bakit parang... sobrasobra 'yung dinadala niya? Paano kung mali ako? Paano kung... hindi naman talaga siya ganun kaselfish? Paano kung... mahal niya lang talaga 'yung pamilya niya?

Colosseus...

Mali ba ako?

"Selfish na pala ako sa lagay na 'yun." Napangisi siya, "Hindi ko alam."

Kinuha ko 'yung litrato ng babaeng napulot ko dati sa CR, kinuha ko 'yung kamay niya at ipinatong doon ang litratong 'yun. Alam ko, sa kanya 'yun. Alam ko... kailangan niya 'yun ngayon.

Tumayo na ako.

"Hindi ka naman pala ganun ka-selfish tulad ng inaakala ko. Siguro nga, mahal mo lang talaga ang

Mommy mo..."

Nakatingin lang siya sa picture, 'yung mga mata niya -malamig pa rin, pero alam ko, nasasaktan.

Napabuntong hininga ako at tumalikod na. Siguro nga naaawa ako sa kanya, pero hindi ko siya pagbibigyan. Mahal ko rin ang Mama ko, hindi ko pwedeng sirain ang kasiyahan niya.

Mahal ni Colosseus ang Mommy niya, mahal ko rin ang Mama ko. Patas lang kami...

Nagsimula na akong maglakad papalayo nang bigla siyang sumigaw sa akin,

"Athena!"

Putangina! Sinong nagsabi sa kanyang pwede niya akong tawaging Athena ha?! Bullsht talaga 'yun!

Natuwa na ako sa kanya eh! Tapos bigla niya akong tatawagin sa pangalang ayaw na ayaw ko?!

Lumingon ako sa kanya at tinignan siya ng ubod ng sama.

"Lasang strawberry..."

Lasang strawberry? Anong lasang...?

Oh sht!

Bigla kong kinapa 'yung labi kong nilapastangan niya kanina. Fvck! Nang-aasar ba siya?!

>___________<

####################################

{TBUP -45: Karma + Meenie }

####################################

{TBUP -45: Karma + Meenie }

--Ericka's Pov--

So nakauwi na kami ni Mama sa Manila. Natapos na rin kaming mag-ayus at magbalik nung mga damit sa aparador kaya eto ako ngayon, hinihintay ang gaga kong bespren sa mall. Alangan naman kasi na magmukmok ako sa bahay 'di ba? Eh 'di nabulok ang ganda ko run? Psh.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Grabe 5:45 na! Ang usapan namin ay 4:30! Gaga talaga 'yung

Carmeen na 'yun! Paghintayin ba naman ako ng isang oras mahigit?! Ta-

"BESSHHHHHH~!"

Speaking of the devil wearing a prada =_______= Nandito na ang gagang pinaghintay ako ng isang oras mahigit! Alam niyo bang palagi na lang niya akong pinaghihintay kapag may pupuntahan kami?!

Nakakainis na ah!

Lumapit siya sa akin at pinoke 'yung braso ko habang naka-cross arms ako. Oh well, na-adapt ko na ata

'tong cross arms na 'to kay future kapatid. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya, tampo mode muna ako.

"Oyy besh. What's happening?" Psh, what's happening your face!

Hindi ko pa rin siya sinagot. Bahala siya dyan, pinaghintay niya ako eh >_________<

"Hoy besh! Huwag mo ngang ini-ignore 'tong beauty ko! Alam ko namang miss na miss mo na ang

Dyosang nasa gilid mo kaya pwede ba, kausapin mo na ako!" Sabi nito sa akin.

Miss ka dyan! Whatever Carmeen! Pinaghintay mo pa rin ako! Tss! Nakikita ko siya sa peripheral vision ko at naka-pout siya. Psh, para namang gagana sa akin 'yan eh hindi naman siya kyut. Yuck Carmeen!

"Ah! Uyy~ besh. Tignan mo 'yung nasa bench oh! Magka-holding hands, nagtatawanan, naghaharutan naglalandian. Alam ko, besh... gusto mo 'yan! Alam ko besh, kating-kati na 'yang dila mong mang-hula.

Kapag hindi mo pa ako pinansin... ako ang mang-"

"Putangina sa Sabado break na 'yan!" Sigaw ko sabay turo run sa couples na nakaupo sa bench.

Shet! Nagtatampo pa ako kay Carmeen eh! Alam talaga niya ang kahinaan ko! Ang tagal-tagal ko na kasing hindi nakakapanghula eh. Kaya ito, uhaw na uhaw ang diwa ko! Walang hiya! Nasira tuloy 'yung pagtatampo mode ko! Taena talaga T^T

"Ayan besh, eh 'di pinansin mo rin ako! Mwhahahaha!"

Tinignan ko lang siya ng masama habang nagsasaya siya na parang tumama sa lotto. Nakakainis, hindi ko talaga matiis 'tong gagang 'to.

"Oy, oy! Bakit ganyan ka makatingin?!" Tanong nito sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Paki mo? Matapos mo akong paghintayin ng-"

"Eh sorry na! Hihi, napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Elzid sa phone eh. Nekekelig ako Atey!"

Punyeta =_____= Ito na naman 'yung expression niyang parang tanga. Eh 'di siya na ang kinikilig! At ako na ang bitter. Amfff >_______<

"So bakit nga pala kayo nauwi kaagad ni Tita Stella?" Tanong niya.

"Eh kasi, may abnormal sa Mindoro." Sagot ko sa kanya.

"OH?! May abnormal dun? Ikaw kaya ang abnormal dun!"

Taena. Agad ko siyang binatukan. Hayaan niyo na, ganito talaga kami ni Carmeen. Mahal namin ang isa't isa kaya nagsasakitan kami. That's life! :)))))

"Aray ha! Makabatok wagas? Eh, sino bang abnoy 'dun bukod sa'yo?"

Tinignan ko na lang siya ng masama tyaka sinagot 'yung tanong niya.

"Si Colosseus kasi, abnormal."

"Abnormal? Yung poging 'yun abnormal? Paano mo naman nasabi? Baka naman hinawaan mo ng kaabnormalan mo?" Bwiset talaga 'to! =_____=

"Tunggak! Hinalikan niya ako!" Bulalas ko.

"Hinalikan lang naman pala eh -PUT@ ANONG SINABI MO?!"

Biglang nag-iba 'yung expression ng mukha niya. Kung dati eh parang tanga lang, mas naging parang tanga talaga. Lels, ang gulo ko nu? Pagpasensyahan niyo na, naliligaw pa ang diwa ko =_____=

Nanlaki 'yung mga mata niya tapos sinimulan akong yugyugin. Pucha! Gamot ba ako para i-shake well niya?!

"Anong pakiramdam besh?! Masarap ba?! Ilang minuto? French kiss ba? Torrid? With tongue? Naka-

2nd base na ba? O homerun?! Sabihin mo besh! WAG KANG MADAMOT!" Wika nito sa akin habang niyuyugyog pa rin ako.

"Wag mo 'kong niyuyugyog! Isa -bibigwasan na kita!"

Tapos tumigil siya pero 'yung mata niya parang nagi-sparkle. Ewan ko! Parang ang saya-saya niya na ewan. Para siyang tanga! Gusto ko n asana siyang gulpihin nang dahil sa mga sinasabi at tinatanong niya pero err-bespren ko 'to eh! Mahal ko 'to kahit muntanga! Haaay... kailan ko kaya siya maipapasok sa mental hospital? =____=

"So ano nga? I-kwento mo!!"

So no choice ako kundi i-kwento sa kanya ang nangyari. Pero hindi ko kwenento 'yung tungkol sa mga ginagawa ni Colosseus sa mga future kapatid niya dati. Wala lang, parang ayaw ko lang i-kwento.

Sinabi ko lang kay besh na hinalikan niya ako kasi gusto niyang hindi na ituloy ng Daddy niya 'yung kasal. Yun lang. Tyaka as if namang may pakialam si Carmeen dito. Eh ang gusto niya lang, gwapo gazing =_____=

"Ganun? Sayang. Akala ko pa naman may lablayp ka na." Malungkot niyang sabi.

"Ogags! Magiging kapatid ko 'yun tapos lalandiin ko? Sabog ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Eh, hindi naman kayo blood related 'di ba? Magkaiba ang gumawa sa inyo! Kaya kung tutuusin, pwedeng maging kayo."

"Hindi nga pwede kasi magiging kapatid ko na siya! Ang immoral naman nun!"

Tyaka, hindi ako naniniwalang pwedeng maging kami. Iniisip ko pa rin 'yung sinabi ni Qaz sa akin. Kung magugustuhan ko man siya, hinding-hindi ko sasabihin sa kanya 'yun. Kasi baka gamitin niya 'yun para hindi matuloy 'yung kasal ni Mama at Tito Sev. Tyaka parang ang imposible namang magkagusto ako run. Hindi ko naman 'yun type -tyaka, given na, magiging kapatid ko siya.

Pagkatapos ng chismisan namin eh nag-ikot na kami sa mall. Dahil sa wala naman kaming mabiling kung ano-ano eh kumain na lang kami. Pagkatapos namin eh nag-ikot ikot ulit kami, just to kill the time.

Papunta sana kaming sinehan para tignan 'yung palabas nang may makasalubong kaming GAGO AT

PUT@.

Or in short -Psyche at Irish.

Oh great! Just great! As in harapan? Face to face? Psh. Nagkatinginan lang kami. Si Psyche, wala pa ring pinagbago. Gwapo pa rin at higit sa lahat -GAGO pa rin. Talagang sila na ni Irish ha? Wow lungs, hindi ako bitter pero...

...PUNYETA BUKAS BREAK NA SILA! Pramis!

Tinignan ko si Irish -nakangisi ito na parang sinasabing 'Ano ka ngayon? Nganga?' Psh, ngumisi lang siya ng ngumisi. Wala akong pakialam.

Bago kami umalis ni Carmeen, ngitian ko silang dalawa ng isang ngiting hinding-hindi nila makakalimutan. Isang ngiting pang-anghel kahit demonyita ang kaharap nila. Tinignan ko si Psyche sa mata -and yes, he's avoiding my stares. Bakit? Nakokonsensya na ba siya? Or nagsisisi kasi isang linta ang pinili niya?

Hah! Dapat lang!

Ginuyod ko na si Carmeen at hindi na ako lumingon sa likod. Gustong-gusto kong lumingon para makita

'yung reaksyon niya -ni Psyche. Kung malulungkot ba siya or wala lang. Pinigilan ko lang lumingon, ayokong isipin nung Irish na 'yun na naiinggit ako -na may pakialam pa rin ako. Magpakasaya lang sila.

Wala akong pakialam.

Hindi na ako iiyak, sawang-sawa na ako.

"Augh, besh? You okay?" Tanong ni Carmeen sa akin.

Humarap ako sa kanya at ngumiti, "Of course. Why not?"

"Augh, besh? Bakit mo sila ngitian ng ganun?"

That smile. It means everything to me. Because that smile cost all the strength I got.

"Wala lang. Trip ko lang." I answered.

"Naka... move-on ka na? Agad?"

"Nope."

"Eh bakit -"

"Let karma kill them, Carmeen. I know it's on my side now." I said then I smiled, again.

Na-bored na kami sa mall kung kaya'y napagpasiyahan na naming umuwi. Pero bago pa kami makarating sa exit ay may isang pamilyar na mukha akong natanaw sa 'di kalayuan habang nakikipagflirt sa isang sales lady.

Hah, Qaz Zarte~

Hindi ko na sana siya papansinin pero oh well, unfortunately eh nakita niya ako at tinawag pa! Amfff

>______< Lalandiin na naman ako neto eh!

"Hi sweetheart!" Bati nito sa akin.

Inirapan ko lang siya.

Hinahanap ko si Carmeen pero bigla siyang nawala. Baka nag-CR lang?

"Nandito ka na pala sa Manila! Hindi ka man lang nagpasabi! Na-miss mo 'ko kaagad 'no?"

Umirap muli ako, "Ang kapal ng mukha mo."

"Ouch! Don't be so harsh! So, let's have a date?"

"Date? Ayoko, may kasama ako." Sagot ko sa kanya.

"Woah! You have a boyfriend? It's okay, I can steal you away from him." Then he winked at me.

Agad namang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Eh kesyo nga ayaw ko sa style ni Qaz eh! Wala lang,ayoko sa mga playboy! Pagpye-pyestahan ka lang tyaka ka itatapon 'pag may bago na sila. And I don't like it.

"Wala akong boyfriend. Bestfriend ko ang kasama ko." Sabi ko.

"So, where is your bestfriend?"

"Ewan ko." Bigla ko namang naalala 'yung naputol naming pag-uusap tungkol dun sa girlash ni

Colosseus, "Siya nga pala, ano na nga bang nangyari run sa girlfriend ni Colosseus?"

"Augh? I really don't know. Ang alam ko lang, nagtagal sila ng dalawang taon. Tapos bigla na lang nawala 'yung babae pati 'yung Mommy niya. That's it."

So ganun, ganun lang? Iniwan si future kapatid ng ganun-ganun na lang? Ayyy~ kawawa naman. Kaya pala ganun ka-cold and aura niya. Iniwan ng minamahal, wasak at duguan ang puso. Tsk tsk...

"BESH!"

Narinig ko si Carmeen at agad akong lumingon sa kanya. Pero para naman siyang na-semento. Hindi maka-galaw, naka-nga nga at nanlaki ang mata. Tinitignan niya si Qaz? Pero bakit? Ah alam ko na!

Baka sasabihin na naman niyang gwapo. Alam niyo naman 'tong gagang 'to, mahilig sa pogi. Tsk tsk...

"Hey Meenie!" Sabi ni Qaz kay Carmeen.

Meenie? Anong Meenie? Meenie the pooh? Meenie mouse? Pucha, kilala ni Qaz si Carmeen? Anong meron? O__________O

"The first..." Sambit lang ni Carmeen habang nakatingin kay Qaz.

Tinignan ko si Qaz at naka-smirk lang ito.

Okay, nao-OP ako. Bakit ganun? Anong meron?! What's happening? Twitter ba itey? Tangina bakit wala akong alam? Nagtititigan lang sila eh! Hinila ko na si Carmeen sa exit kahit tulaley pa rin siya.

Kailangan niyang mag-explain.

"Besh, si the first!" Wika nito sa akin.

"Anong the first?"

"The first LOVE!" Sigaw nito sa akin.

WHAT?! SI QAZ 'YUNG FIRST LOVE NI CARMEEN NA KINI-KWENTO NIYA SA AKIN NOON?!

Watdapak! Kaya pala natulala ang gaga!

"Siya 'yung sinasabi mong pers lab mo nung Grade 6 ka?!" O__________O

"Oo besh! Omaygash! Ang gwapo niya pa rin!!" Ayan na, lumandi na ang gaga!

"Siya 'yun lalakeng binigyan mo na sulat pero hindi lang binasa 'yun at agad na tinapon sa trashcan?!"

Tanong ko.

"Oo besh siya 'yun! Ayy leche! Pinaalala mo ang masakit na nakaraan ko sa kanya! Magco-confess na sana ako sa kanya eh! Pero hindi man lang niya binuksan 'yung sulat! Tapos tinawag niya pa akong

'Meenie'!"Bulalas nito sa akin sabay pout.

"Tsss... yaan mo na 'yun! May Elzid ka na eh!"

"Psh. Oo nga! Pero besh, ang gwapo niya na ngayon! Sobra!"

"Playboy naman. Pinsan ni Colosseus 'yun."

"Talaga? Hehehe, hindi mo sinabi kaagad! Zarte pala aplyedio ni Zico!"

Hanggang sa pag-uwi namin nakangiti lang si Carmeen. Sinasariwa niya siguro 'yung puppy love niya.

Psh, korni huh. Pero err? Kung walang halaga kay Qaz si Carmeen -bakit naaalala niya pa 'yun?

Lalong-lalo na 'yung 'Meenie'? Di ba? It makes sense.

--Qaz's Pov--

Meenie, Meenie...

... miney moe? Aish!

Bakit ko ba iniisip si Meenie? Matagal ko na rin siyang hindi nakita. Pero nandito pa rin 'yung sulat niya sa akin. Psh, Meenie...

I hope to see you AGAIN.

####################################

{ TBUP -46: Feeling Superman? }

####################################

{ TBUP -46: Feeling Superman? }

--Ericka's Pov--

So pagkatapos naming mag-lakwatsya ni Carmeen eh dumiretso na ako sa bahay. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto eh nakita ko kaagad si Mama na nakasimangot habang nakaupo sa sofa.

Ah alam ko na.

Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa tabi niya at sinimulan siyang kausapin.

"Mama, ang pangit ng lipstick mo." Komento ko sa kanya.

"Ganun ba." Walang buhay na sagot ni Mama.

Usually kapag pinapansin ko 'yung make-up niya eh tatakbo agad siya sa kwarto niya at titignan sa salamin 'yung mukha niya. Maalaga kasi talaga si Mama pagdating sa mukha't katawan niya. Sexy nga siya eh, para ngang mas sexy pa siya sa akin =______=

"Miss mo na siya, Ma?" Tanong ko kay Mama.

Alam ko naman kasing miss na niya si Tito Sev eh. Kahit buong gabi or araw silang magkatext at nagtatawagan at kung minsan eh nagkikita sa webcam eh halata pa rin sa mukha ni Mama na miss na niya si Tito Sev. Grabe, inlab na inlab ang Mudra ko. Buti pa talaga siya, may lablayp!

Sumimangot si Mama tapos, "Gusto kong bumalik ng Mindoro eh. Anak, miss na miss ko na talaga siya!" Pag-aalboroto ni Mama.

Para nga siyang kinder na hindi nabilhan ng doll eh. Ang cute ni Mama mag-pout :3

"Okay lang 'yan Ma, andito naman ako eh!" Tyaka ko siya niyakap.

"Eh gusto ko si Sevy eh~!" Whuut? O_______O 'Sevy'? Korni ni Mama =_____=

"Tss! Mama! Andito naman ako ah! Nagseselos na ako!"

"Haaay~" Buntong hininga ni Mama.

Nanuod na lang kami ng TV ni Mama. Maggagabi na kasi at pareho pa kaming hindi makatulog. Si

Mama, kasi miss niya na nga si Tito Sev at ako-Oo nga, bakit hindi ako makatulog? Ah, oo nga pala iniisip ko kasi 'yung si Zico tapos 'yung naging gerlpren niya. Ano kayang nangyari sa kanila?

Hindi naman ako naging ka-ganito ka-chismosa, pero err~ nakaka-curious kasi. Ewan, parang ang ganda lang malaman. Haaay....

Kasagsagan ng panunood namin ni Mama, nakasandal ako sa balikat niya nang bigla na lang kaming makarinig ng kalabog sa pinto. Agad kaming napatingin sa pinto at bigla na lang itong bumukas at iniluwa ang tatlong lalake na may suot na mask, 'yung pang magnanakaw ngay? May malalaki silang katawan. Tapos may hawak silang patalim-

FVCK! PATALIM! PUCHA AKYAT BAHAY!!

Napakapit ako nang maigi sa Mama ko nang lumapit 'yung isang magnanakaw tapos tinutukan kami ng patalim ni Mama.

"Subukan niyo lang gumalaw kung hindi, patay kayo!" Pagbabanta nung isa.

Hindi ako makapagsalita. Nakaka-shock lang. Ito pala ang disadvantage ng walang kapitbahay. Punyeta gusto kong sumigaw eh! Pero baka naman diretso sa lalamunan ko 'yung patalim na nakatutok sa amin kung ginawa ko 'yun!

Nagsimula nang maghanap 'yung dalawang magnanak sa bahay namin. Naghahanap siguro ng mananakaw niya.

Oh well, anong makukuha niya eh mahirap lang kami?!

Sht! Sht! Gustong-gusto kong mag-isip ng paraan para makatakas pero wala eh! Nablo-block ng takot

'yung utak ko! Peste! Paano kapag pinatay kami ni Mama rito?! Pot@! Ako na lang , huwag lang si

Mama! Fvck!

Nagpatuloy sa paghaluhog 'yung dalawa, nasa taas na ata sila ng bahay namin at sinusuyod ang magkabila naming kwarto ni Mama.

Naiiyak na ako! Hindi ko alam kung ito na ang huli kong paghinga sa planetang Earth! At gash! Saan kaya ako mapupunta? Sa langit o impyerno? Taena, nangarap pa ako sa langit eh ang sama-sama ko namang tao =____=

Si Mama hindi rin makapagsalita, nakayakap lang siya sa akin na animo'y pino-protektahan ako.

Nakatingin lang ako sa patalim na nakatutok sa amin ni Mama. Nang biglang naagaw ng pinto ang atensyon ko -ah mali, hindi 'yung pinto. Si Zico.

PUNYETAAAAAA! SI ZICO!! Sht sht sht! Tulungan mo kami tangina!

Gusto kong isigaw 'yun pero mukhang hindi naman na kailangan -agad siyang tumakbo papalapit dun sa lalakeng tumutok sa amin ng patalim at sinuntok siya. Pinipilit agawin ni Zico 'yung patalim dun sa lalake nang biglang lumabas 'yung mga magnanakaw at agad na bumaba. Pinagtulungan nilang lahat si

Zico! Sht, 3 vs 1! UNFAIR!

Ang buong akala ko eh sasama rin sa huling hantungan itong si Zico pero hindi -taena pinalahi ba siya ni Bruce Lee? Ano bang ginagawa niya? Basta, nilabanan niya lang 'yung mga magnanakaw.

Nung tumaob na 'yung tatlo sa sahig, nanghihina at naagaw na ni Zico 'yung mga patalim eh tumingin siya sa akin gamit 'yung cold eyes niya. Sht, nagsitaasan ulit 'yung mga balahibo ko tyaka ko lang nagets 'yung ibig sabihin nung tingin niyang 'yun.

Kailangan kong tumawag ng pulis!

Tumawag kami ni Mama sa pulis at ilang minuto pa ay nagsidatingan na sila kaagad. Dinampot nila

'yung mga magnanakaw at agad nang umalis.

Naupo kaming tatlo sa kitchen at ipinaghanda ni Mama si Zico ng maiinom.

Ohh -ngayon ko lang na-realize. Tinatawag ko pala siyang 'Zico' sa isipan ko? Di ba dapat -Colosseus?

Amff >______<

Nagsalita si Mama, "Nako Zico! Mabuti na lang dumating ka! Kung hindi eh baka namatay na kami nitong anak ko! Maraming salamat talaga! Utang namin sa'yo ang pangalawang buhay namin! Salamat!"

Tapos bigla na lang niyakap ni Mama si Zico.

Yung mga mata ni Zico, parang nagulat tapos naging malungkot.

Weird?

--Zico's Pov--

Pinapunta ako ni Daddy sa bahay nila Athena para kamustahin sila at para ibalita 'yung tungkol sa paglipat nila sa bahay. Tss... makakasama ko na naman 'tong mga annoying na 'to sa bahay. And this time -it might be forever. Damn it.

Naabutan ko silang ganun 'yung sitwasyon, at first, nagdalawang isip ako kung tutulungan ko sila. But when I saw Athena's eyes, they're like begging for me to help her, to save her.

And sht, I just can't turn my back on her.

Simula nung huli naming pag-uusap sa Mindoro, sa Puerto Galera, simula nang ibigay niya 'yung litrato sa akin -I feel like I owe her. I owe her something that I really don't know. I can't figure out, but I owe her.

Maybe because of the picture? Maybe because she easily forgave me?

Kung ganun nga, siguro talagang may utang na loob ako sa kanya. And I hate it. I hate it when I owe someone specially now-that it's her.

Nagulat din ako nang bigla akong yakapin ng Mama niya. Oo, nagpasalamat siya, ang OA nga eh. But

I'm not expecting for that hug. Para saan ba 'yun? Niligtas ko lang naman sila eh? Anyone can and will do the same act.

Pero bakit ganun? Nung niyakap ako ng Mama niya, bigla ko na lang naikumpara si Mommy sa kanya.

Marami na akong nagawa para kay Mommy, ilang beses ko na siyang napasaya. Pero hindi pa naging ganun 'yung reaksyon niya. Konting 'salamat' lang tapos, tapos na. Yun na 'yun.

Pero bakit ganito?

Ngayon lang ako napasalamatan ng ganito ng isang tao. Ngayon lang...

--Ericka's Pov--

Pagkatapos ng mahabang pasasalamat ni Mama kay Zico -errr! Erase! Colosseus dapat!

Ahem, ayun inutusan pa akong ihatid 'tong future kapatid ko sa sakayan ng bus since wala raw siyang dalang sasakyan at nag-commute lang din siya.

Pero grabe lang, hindi ko ine-expect na ililigtas niya kami. Kasi nga 'di ba, galit siya sa amin? Ayaw niya sa amin. Eh 'di baka mas gugustuhin niya na lang na mamatay kami para matapos na 'yung problema niya 'di ba? Pero hindi... niligtas niya kami kahit alam niyang baka hindi na ulit mabuo 'yung pamilya niya nang dahil sa amin.

Naglalakad kami nang may madaanan kaming 7-eleven store.

"Uyy, pwede bang bumili muna? Nauuhaw na ako eh." Pagpapaalam ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng isang cold stare tapos, "Bakit ka nagpapaalam sa akin?"

Okay =_____= Sabi ko nga! Muntik ko nang makalimutan! Yelo pa rin pala siya.

Haay nako Ericka, hindi porket niligtas kayo eh magugustuhan na kayo kaagad niyan. Galit pa rin 'yan sa inyo, nu. Amfff >___<

Padabog akong pumasok ng 7-eleven. Di ko alam na sumunod pala siya. Hindi ko na lang pinansin.

Pumunta ako run sa malaking ref kung saan nakalagay 'yung mga drinks. Kumuha ako ng isang C2 tapos binayaran ko na sa cashier.

Lumabas na ako kaagad pagkatapos kong makuha 'yung sukli ng pera ko. Habang nasa labas ako eh inaayos ko 'yung pera ko sa wallet ko nang biglang magsalita si Zi-Colosseus. Ahem~

"Why are you keeping that picture?"

Tumingin ako run sa tinitignan niya.

Sht, 'yung kaisa-isang picture niyang nakangiti!

####################################

{ TBUP -47: Strangers }

####################################

{ TBUP -47: Strangers }

--Ericka's Pov--

"Why are you keeping that picture?"

Grabiti Ericka! Pucha mag-isip ka! Tangina! Ano na lang ang iisipin niya sa'yo?! Na pinagnanasahan mo araw-araw, gabi-gabi 'yung picture niya?! Na minamanyak mo siya sa isipan mo?! Fvck! Hindi pwede

'yun! Baka mamaya isipin niyang may gusto pa ako sa kanya! Yaaaaaaak~!

Kinamot ko 'yung sintido ko. Tapos pabalik-balik 'yung tingin ko sa kanya tapos sa sahig. Grabe, ngayon ko lang nalaman -mas gwapo pala siya kesa sa sahig? Sht, kung ano-ano nang naiisip kong katangahan.

"A-Ano... K-kasi... Si Manang! Tama si Manang! Pinatago niya sa akin 'to. Hehehe. Ibibigay ko na sana pero nakalimutan ko." Tapos ngumiti ako ng pilit. Tsk tsk, courtesy of palusot.com? :D

Sana bumenta! Sana bumenta! Baka sa isip-isip niya eh nandidiri na siya sa akin. Baka isipin niya isa ako sa mga fangirls niya! Yak, no way! Atyaka baka pinagtatawanan na pala niya ako sa isipan niya!

Shoot my men! Sana bumenta!

Hinihintay ko 'yung sagot niya pero umiwas na siya ng tingin tapos nag-hintay na lang ng bus. Punyeta, no reaction?! Tsss... sige, mas mabuti na 'yun kesa sa magtanong-tanong pa siya. Baka na-convince ko siya? Haay... sana nga.

So nag-abang na rin ako ng bus. Grabe ang tagal naman? Maggagabi na eh! Mamaya ma-rape pa ako sa daan eh! Sayang naman 'yung perlas ng silanganan ko kung sa talahiban lang ako gagahasain! xD

Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko na lang binuksan 'yung wallet ko at hinugot 'yung litrato ni Colosseus.

"Eto, kunin mo na." Sabay abot ko sa kanya nung picture.

Tinignan niya lang ako sa pamamagitan ng cold eyes niya. Akala ko dati talagang mao-overcome ko na

'yung takot na nararamdaman ko kapag tumitingin ako sa cold eyes niya pero hindi pa pala -kasi ngayon, kinakabahan na naman ako. Nakakatakot kasi talaga 'yung mga mata niya. Sobrang lamig.

"Hindi ko kailangan 'yan."

Tapos dumating na 'yung bus at umakyat na siya sa loob. Grabiti, hindi man lang siya nagbuh-bye or tumingin man lang? Amff! Aba't bakit ko naman 'yun ine-expect mula sa kanya? Psh. Taong yelo! Bad trip >___<

Uuwi na sana ako nang biglang pagka-lingon ko eh napatingin na lang ako sa isang lalakeng nakatayo sa harapan ko. Mukhang malungkot, mukhang pagod.

Mukhang gago.

Psyche.

At dahil nga hindi ako bitter eh nagawa kong ngumiti sa harapan niya. Oh yes, that's life. Natutunan ko kasing wala akong mapapala sa pagiging bitter. Kita niyo naman 'yung nangyari sa pagiging bitter ko kay Chron dati 'di ba? Wala lang ding nangyari. Naging okay lang 'din naman kami sa huli. Kaya ito na lang, smile. Let him know that I'm better off without him :>

"Hi!" Panimula kong bati.

Oh 'di ba? Improving! Ako pa 'yung unang nag-hi! Mwhahaha! :))))

"Ericka..." Sambit niya.

Ang ine-expect ko eh magiging masaya ako kasi muli niyang tinawag ang pangalan ko. Ngayon lang ulit pagkatapos ng ilang months. Pero hindi eh, parang... wala lang? Ericka, 'yun lang. Siguro nga at sana nga, nagfa-fade na talaga.

"May kailangan ka?" Tanong ko rito with matching ngiti pa rin.

"Boyfriend mo ba... 'yung kasama mo kanina?"

Hindi ko alam kung paano ko pa napigilang humalakhak sa sinabi niya. Pero waw lang, congrats sa akin kasi hindi ko pa nagawang tawanan siya pero deep inside, gustong-gusto ko nang gawin 'yun. Tangina, si Colosseus daw boypren ko?! In my dreams! -ay mali, YAAAK! Mwhahahaha! Kung alam niya lang na magiging kapatid ko na 'yung pinagseselosan niya.

Ay oh?! Nagseselos siya?! Akala ko ba may linta -este, Irish na siya? Asuuus~ Whuut happened?!

HAHAHAHA! :))))

Nakaramdam ako ng saya, 'yung saya na parang ikaw 'yung nanalo? Grabiti, ang sarap! Tyaka gusto ko sana siyang pag-tripan at sabihing boypren ko nga si Colosseus pero baka mamaya eh malaman ni

Colosseus at ibala ako sa canyon kaya huwag na lang.

"Hindi." Tapos ngumiti pa rin ako.

Tapos bigla siyang napabuntong hininga. Na parang kanina pa niya pinipigilang huminga. Parang relieved ngay? Waw relieved? Hah! Bakit naman kaya ganun? Grabe gustong-gusto kong tumawa eh!

Tangina! Nakaka-ulol 'yung itsura niya!

"Eh 'di pwede pa pala ta-" Napatigil siya nang makita niya ang smirk ko.

'Pwede pa pala tayo'? Yun ba ang sasabihin niya? Oh well, sorry pero wala na akong balak makipagbalikan sa kanya. Bakit? Kasi minsan ko nang hiningi 'yun. Remember nung prom? Nung binulong ko sa kanyang 'don't let me go'? It indicates that I still want him. Pero anong ginawa niya?

Umayaw siya. Simula noon, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Binigyan ko na siya ng chance para piliin ako pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon babalik siya sa akin? Ano ako tanga?

Psh. Putangina, pero hindi.

Nung nag-break kami. Mas naging matatag ako. At mas naging masaya ako kasama si best at si Mama.

Kaya wala na akong pakialam sa kanya. Bahala na sila ng Irish niya. Total, siya naman 'yung pinili niya

'di ba?

So be it!

"Ayoko." Sabi ko sa kanya.

Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha niya. Aba dapat lang! Ganyang-ganyan 'din ang reaksyon ko at naramdaman ko nung prom. Nung hindi niya ako pinili. Hindi ako nakipagbalikan hindi dahil gusto ko siyang gantihan -kundi dahil 'yun 'yung nararamdaman ko ngayon.

Ayoko na. Pagod na ako. Sawa na ako.

Nilagpasan ko na siya pero bigla ulit akong humarap sa kanya though nasa likod na niya ako.

"Sa susunod na magkita ulit tayo," Humarap ito sa akin, "...ituring na lang natin ang isa't isa na hindi magkakilala. Strangers, Psyche."

Namnamin niya na ang pagbigkas ko sa pangalan niya. Dahil ito na marahil ang huling beses na maririnig niya 'yun mula sa akin.

####################################

{ TBUP -48: Strawberry Cake }

####################################

{ TBUP -48: Strawberry Cake }

--Ericka's Pov--

Nauwi na ako sa bahay. Putek! Bad trip talaga 'yung Psyche na 'yun! Akala niya kung sinong gwapo teka, gwapo naman talaga siya. Mas lalo nga siyang gumwapo eh! Ayy teka, galit ako sa kanya, okay?!

So ayun, hindi pa nga siya nagso-sorry tapos makikipagbalikan na kaagad?! Anong akala niya sa akin timang?! Well, timang his face! Kagaguhan! >___________<

Makatulog na nga lang! Basta ang alam ko, ako ang nanalo! Ako ang nagwagi!

So ano ka ngayon lintang Irish? :P

--Scarlet's Pov--

Inhale, exhale? Uso ba 'yun? Like duh! Matapang ako! Kahit ano kaya kong gawin! Kahit pa ang manligaw -este, magtapat.

Amputa lang! Tinatablan pa pala ako ng 'love'? Shet ha! Di ko namalayan! Pero kasi, ewan ko!

Paggising ko bigla ko na lang siyang naisip, bigla ko na lang siyang naalala. Tapos na-realize kong nakangiti na pala ako!

Lintek, na-inlab na nga ako kay Chron =_______=

Yun na 'yung bagay na kinakatakot ko eh! Ilang beses ko nang sinubukang lumayo pero ano ako ngayon? NGANGA! Kasi ngayon, hindi ko na mapigilan 'yung sarili kong mahalin siya kahit alam ko naman sa sarili ko na may iba siyang mahal. Na kahit sobrang layo nung girlfriend niya sa kanya, loyal pa rin siya. Na kahit ilang beses ko siyang i-seduce, iba pa rin 'yung laman ng puso't isipan niya.

Selene pa rin.

Pero anong ginagawa ko sa tapat ng gate nila? Sabihin niyo nga?!

Ah oo nga pala, magtatapat.

Ewan, hindi ko rin alam kung bakit ko 'yun gagawin. Siguro nga matapang lang talaga ako para gawin

'to. Oh sige, sabihin na lang din nating... oo, nagbabakasakali ako. UMAASA AKO.

Paano kung pagkatapos kong magtapat eh ma-realize niya na ako na 'yung mahal niya at hindi na 'yung

Selene 'di ba? Paano kung mainlab 'din siya sa akin? Or paano kung matagal na pala niya akong gusto pero na-torpe lang siya. Haaay... sana nga tama ako.

Hindi naman ako 'yung klase ng babaeng masyadong assuming eh. Pag ayaw sa'kin eh 'di ayaw.

Titigilan ko na lang kaagad. Pero sabi nga nila, wala namang mawawala kung susubukan kong sabihin sa kanya 'yung nararamdaman ko 'di ba?

Umaasa lang ako.

Nag-doorbell na ako sa gate nila. Agad naman akong pinagbuksan ng maid nila. Pinatuloy ako sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa.

"Sandali lang Ma'am, tatawagin lang namin si Sir Chron." Sabi nung maid. Nag-nod na lang ako.

Kung kanina eh taas noo akong pumasok sa pamamahay nila. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Grabe, tinatablan din ako nun? Biglang namawis 'yung mga kamay ko. Hindi naman ako pasmado ah?

At higit sa lahat -bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang pababa sa hagdan.

Scarlet! Mag-isip ka! Sigurado ka ba talagang sasabihin mo na sa kanya? Hindi ba parang ang aga naman? Aish! Hindi! I have to push my luck! I have to take the risk! Malay niyo, mahal niya ako?

Think positive 'di ba nga?

Nang makababa na siya eh nginitian niya ako at umupo rin sa sofa. Tangina ang gwapo niya ah!

"May kailangan ka?" Tanong nito sa akin.

Napansin ko nabaling 'yung tingin niya sa box na dala ko tapos bumalik 'yung tingin niya sa akin. Ayy oo nga pala! May dala akong pagkaen :33

Binuhat ko 'yung box tapos iniabot sa kanya.

"Para sa akin?" Tanong nito.

"Ayy hindi, hindi! Para sa vase mo 'yan!" Pamimilosopo kong sagot. Sa totoo lang winawala ko lang

'yung kaba ko eh.

"Tsss... kakaiba ka talaga." Oo, kakaiba ako kasi sigurado akong ako ang unang babaeng magbibigay sa'yo ng cake bago mag-confess ng love :33

Kinuha niya 'yung box at binuksan 'yun. Napangiti siya nang makita niya 'yung laman.

"Wow strawberry cake!" Sabi nito.

"Hehehehe~ ginawa ko 'yan." Sabi ko naman.

Eh totoo naman ah! Ginawa ko 'yung cake! In fact, pinaghirapan ko 'yun. Kung bakit ko ginawa?

Syempre thanks offering kasi inalagaan niya ako nung nalasing ako sa isang bar. Kaya eto na lang

'yung pambawi. Masarap naman 'yung cake, tinikman ko pa nga sa bahay 'yan eh =_______=

Pero pucha! Isang btch gumagawa ng cake?! Grabe lang ha. Ang galing ko namang btch! :33

"Salamat." Tapos ngumiti siya ng bigay todo.

Puchaaaaaaaaa~! I-check niyo nga 'yung puso ko kung sumabog na or sasabog pa lang! Taena ang gwapo niya! Punyeta! Nung una parang wala lang eh, pero bat ngayon pakiramdam ko siya na ang pinaka-gwapo? Yuccck! Kay korni ko naman >________<

Sige na, magtatapat na ako? Hah!

"Ano, may sasabihin pala ako..." Panimula ko.

"Ano 'yun?" Tanong nito sa akin.

Ilang sandali pa ay na-realize ko na lang na nasa sahig na pala 'yung tingin ko at wala na sa kanya.

Punyeta kinakabahan ako! Ano bang gagawin ko?! Ano bang sasabihin ko?!

"Ayus ka lang?" Tanong niya sa akin.

Tapos... tapos... tapos...

!!!!

Put@!! Hinawakan niya 'yung chin ko tapos iniangat 'yun. Grabe, anlapit niya ngay sa akin?! Pucha!

Ayoko ng ganito! Btch ako 'di ba?! Bat parang kinikilig ang peg ko ngayon?! Bakitt?! >_____________<

Pigilan niyo ako, gagahasain ko 'to!

De jk lang =_________=

"Ano..." Iniwas ko 'yung tingin ko sa kanya.

"Anong ano?"

"Mahal ko..." Putek hindi ko masabi!

"Mahal mo ang alin? Sino?"

"Yung cake?"

PUNYETA EPIC FAIL! BAKIT CAKE ANG NASABI KO?!! Anong koneksyon ng cake?! Yung cake ba ay si Chron?! Uwaaaaaa mali!!

Natawa ng bahagya si Chron. "Mahal mo pala 'yung cake?"

"Pero mas mahal ko 'yung pinagbigyan ko..."

Sana na-gets niya. Hindi ko nga kasi ata kayang sabihin ng diretso na, 'Mahal Kita' eh. Parang ewan!

Nabubulol ako na parang nagiging tanga!

Biglang nag-iba 'yung expression ng mukha niya. Para siyang naguguluhan sa sinabi ko. Don't tell me turtle siya? Slow? Taenaaaa!!

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ah ano-"

"Mahal mo ako?"

UWAAAAA! NA-GETS NIYA! SHEEEET!! NA-GETS NIYA!

Ano? Magpapa-party na ba ako? O ide-deretso ko na 'yung sarili ko sa kabaong dahil sa sobrang kahihiyan?

"Alam mo naman 'di ba?" Wika nito.

Oo, alam kong may Selene ka. Pero break naman na kayo 'di ba?! Iniwan ka niya! Ako ang nandito sa harapan mo! Ako ang kasama mo! Hindi ba pwedeng kalimutan mo na siya at ako na lang?

Please?

Waw, grabe alam ko pa palang sabihin 'yang salitang 'please' na 'yan? Gulat ako ah!

"Mahal ko siya. Mahal ko si Se-"

"Tama na."

Ayokong ituloy pa niya 'yung sasabihin niya. Ayokong ituloy pa niya 'yung pagbi-bidang mahal niya si

Selene. Kasi sa simula't sapul pa lang, bago ako pumunta sa bahay nila alam ko nang mahal pa rin niya si Selene.

Pero hindi naman masamang umasa 'di ba?

Hindi naman masamang subukan 'di ba?

Expected ko na 'to. Pero anong magagawa ko? Dahil sa sobrang katapangan ko, nasaktan ako. Pero at least, wala na akong itatago 'di ba? Hindi ako katulad ng ibang babae sa ibang storya na kikimkimin na lang 'yung nararamdaman niya para sa taong mahal niya. Angresulta? Naagaw ng iba.

Pero ako? Hindi ko pa man nasasabi, naagaw na siya. -Ah mali, hindi naman siya naging akin 'di ba? In fact, ako pa nga 'yung umaagaw ngayon eh.

Hindi ko alam pero kaya ko pa palang maramdaman 'to? Kaya ko pa palang sabihing -MASAKIT?

Malang, kasi tao ako. At nasasaktan ako.

Kawawa ka Scarlet, wala ka na namang lablayp. Balik sa pa-make out make out session ka na naman!

Haaaay...

"I'm sorry." Sambit nito.

At hindi ko alam -kaya ko pa palang umiyak? Dahil ngayon, purong luha ang umaagos sa mukha ko.

Ang pangit ko na siguro? Naka-make up pa man 'din ako tapos umiiyak ako.

Pasensya na -masakit eh <//3

"Hah! Okay lang, alam ko naman eh." Pinilit kong maging matatag. Kasi nga 'di ba? Btch ako?

Tumayo na ako. Wala na akong nakikitang dahilan para manatili pa rito. Nasabi ko naman na 'yung gusto kong sabihin. At nasabi niya na rin 'yung dapat niyang sabihin. Kaya, aalis na lang ako. Babalik na lang ulit ako sa dating Scarlet, 'yung btch ngay?

Nagsimula na akong maglakad papalayo nang marinig ko muli ang tinig niya...

"Bakit ako?" Tanong niya sa akin.

Mas lalong tumindi ang emosyon ko. Mas lalo akong naiyak.

"Ewan ko?" Sagot ko habang nakatalikod, "Ang tanga ng puso ko 'nu?" Napangisi ako at tuluyan ng umalis sa pamamahay nila.

Matapang ako 'di ba? Kaya kong lahat. Btch ako eh.

Pero kahit ganun...

Ako pa rin si Scarlet.

Tao ako.

Nagmamahal.

Nasasaktan.

Sinong nagsabing pang-kontrabida lang ang mga btch?

--Chron's Pov--

Napatingin na lamang ako sa strawberry cake na iniwan ni Scarlet sa akin. Kung gaano katamis ang cake na 'to, ganun naman kapait ang pag-reject ko sa kanya.

Nabaling ang tingin ko sa litrato ni Selene.

Mahal ko pa rin siya 'di ba?

Siya pa rin naman 'di ba?

Pero bakit nagi-guilty ako?

Bakit parang pati ako nasasaktan?

Bakit parang buong puso ko hindi sang-ayon sa ginawa ko?

Bakit pakiramdam ko -nasaktan ko ang isang babae...

...babaeng mahal ko?

####################################

{ TBUP -49: Paracetamol }

####################################

{ TBUP -49: Paracetamol }

--Ericka's Pov--

So nagbabalot na kame ni Madaraka (Mother) ng mga damit namin. Ngayon na kasi ang schedule ng paglipat namin ng bahay. Lilipat na kami sa mansion ng mga Zarte! Si Mama kase makikipag-PBB

Teens na nang tuluyan kay Tito Sev. Magli-live in na? Psh. Eh kase, excited na raw sila sa kasal nila kahit wala pang date eh =____=

Si Mama ang bongga ng lablayp!

So ito ako, sinisilid na 'yung mga bra't panty sa maleta. Kailangan magkasya sa tatlong maleta 'tong mga abubot ko nu! Mahirap na baka may maiwanan ako! Sabi kase ni Mama balak niya nang ibenta

'tong tinitirahan namin, pati 'yung lupa.

Habang zini-zipper ko na 'yung maleta ko, biglang pumasok sa kwarto si Madaraka ko.

"Ayus na ba 'yan 'nak?" Tanong nito sa akin.

"Syempre naman Mama! Ako pa!" Sagot ko sabay posing ng 'pogi sign' :D

"Handa ka na bang iwan si Raffy?" O_______O

Raffy? Sino si Raffy? Boypren ko ba 'yun? Ka-MU? Ex? Sino 'yung Raffy? Nagka-amnesia ba ako't nakalimutan ko kung sino si Raffy? At bakit ko naman siya iiwanan? Kami ba? Boypren ko ba 'yun?

Raffy who? O.o

"Sinong Raffy?" Tanong ko kay Mama.

"Ito." Sabay turo ni Mama sa bubong.

Bubong? May pangalan ang bubong? Ayy tekaaa~ 'yung bahay! Grabiti ngayon ko lang nalaman may pangalan pala 'yung bahay namin?! Pero bakit naman Raffy?! Lalake pala 'yung bahay namin? Akalain mo 'yun may kasarian! Asteeeg ah! :)))

"Grabiti Mama, halos labing-pitong taon na akong nabubuhat sa mundong Earth at nakatira rito pero ngayon ko lang nalaman na may pangalan 'yung bahay naten?"

"Ngayon ko lang pinangalanan. Naisip ko lang kanina."

Sa tono ng pananalita ni Mama na-realize kong malungkot siya. Oo nga makakasama niya si Tito Sev sa lilipatan namin pero ibang-iba pa rin 'yung pakiramdam na iiwanan mo na ng tuluyan 'yung bahay na ikaw mismo ang nagpundar. Na ultimong dugo't pawis mo inilaan mo para lang mabili 'to tapos iiwanan mo lang.

Medyo nakakalungkot din.

Ako, dito rin ako lumaki kay Raffy eh. Taong bahay kasi ako kaya palagi lang akong nasa loob ng bahay. Di ako nalabas kasi naiinis ako sa mga kalaro ko. Puro mga uhugin tapos ipupunas pa sa akin!

Eww >_______< Kaya hindi ako nalabas nung bata ako.

Mamimiss ko rin si Raffy T^T

"Tara na." Aya sa akin ni Mama.

Hinila namin 'yung maleta namin papalabas ng bahay namin. Nang makalabas na kami eh para sa huling sulyap eh nilibot namin sa pamamagitan ng tingin 'yung buong bahay. Grabiti Raffy, iiwanan na talaga kita't ipagpapalit sa mansion? Haaay... sorry ha? Alam ko namang minahal mo rin kami Raffy eh, pero kailangan na talaga nating maghiwalay.

Gusto ko pang magbuhay prinsesa :3

Nang dumating na 'yung sasakyan ni Tito Sev na susundo sa amin eh nakita kong nagpahid ng konting luha si Mama tyaka sumakay. Grabiti, buh-bye na talaga Raffy. Ingatan mo ang sarili mo ha? Huwag kang papagutom.

PS: MAGKALABLAYP KA, HUWAG MO 'KONG GAYAHIN xD

Sht pati bahay kinakausap ko na? Pasok niyo na 'ko sa mental, tara!

Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang mapati ngin kay Mama. Nalulungkot talaga siya eh. Wala naman akong magawa para mapasasya siya. Haaay~ si Tito Sev na lang bahala sa kanya pagdating namin dun sa mansion.

Sige i-fast forward na natin! Andito na kami sa mansion! Omegesh! Ang laki! Mas malaki pa run sa rest house sa Mindoro! Sht, ang sarap sigurong tumira dyan! Agad kaming pinapasok nung mga maid.

Pagkapasok ko, put@ pwedeng mahimatay?! Hindi ko kayo ine-echos pero uwaaa! Yung mga kasangkapan sobrang mahal! May iba pang made of gold, silver tapos diamonds! Punyeta anong klaseng bahay 'to?! Bahay pa ba 'to o palasyo?! Tangina ang galing talagang bumingwit ni Mama! Ang yaman eh! :3

Habang manghang-mangha ako hindi ko napansing nasa gilid ko na pala sina Mama at Tito Sev. Fvck, with tongue ulit ang kissing scene?! Err! Censored please! Bata pa ang diwa ko! :33

"Tuwa ka naman."

"Ay kabute from Mount Pinatubo!!" Punyeta, may balak ba siyang patayin ako sa takot?!

"Kabute?"

"Kabute, 'di mo alam 'yun? Yuck, weak!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Tsss..." Sabay irap sa akin. Ang bading talaga!

Bat naman kase bigla na lang nasulpot 'tong si pyutyur kafated? Parang kabute lang eh. Pero errr, naalala ko 'yung nakita niya 'yung peksyur niya sa wallet ko. Iniisip ko tuloy kung ano nang iniisip niya tungkol sa akin ngayon. Baka iniisip niya deads na deads ako sa kanya. Like duuuh?! Magpapantasya na nga lang si Colosseus pa! Eh magiging kapatid ko na nga eh!

"Uyy, dito na kami titira!" Balita ko sa kanya. Wala akong maisip na topic eh =______=

"Alam ko, ako pa nga nagsabi sa inyo eh."

Ay oo nga nu? Siya pala 'yung nagbalita sa amin! Tangina napahiya ako run ah!

"Hehehe. Oo nga pala."

"Tss... bird brain."

Hindi ko na lang siya pinansin. Lumapit na lang ako kina Mama. Wala lang, na-realize ko lang na wala ako sa mood makipag-landian -ay mali, makipag-away kay Colosseus. Tinatamad ako =______= Chos!

Eh! Basta, ayoko siyang awayin ngayon.

Lalapit na sana ako kina Mama nang makita ko 'yung hawak ni Tito Sev...

Cellphone...

PUTANGINA NAKALIMUTAN KO CELLPHONE KO KAY RAFFY!!

Sht! Sht! Sht! Blackberry pa naman 'yun! Kahit naman gusto ko nang magka-Iphone eh hindi ko naman pwedeng hayaan na lang mabulok dun sa lumang bahay namin 'yung cellphone ko! May mahahalaga kayang nandun! Andun 'yung mga quotes na pinasa sa akin eh! Uwaaaaaa! >________<

"Nak, okay ka lang? Bat mukha kang natatae?" Tanong ni Mama.

"Mama... babalik ako kay Raffy!" Sabi ko.

"Ha? Bakit? Ayaw mo ba rito? Di ba napag-usapan na naten na-"

"Mama, hindi 'yun! Naiwan ko cellphone ko run eh!"

At dahil sa ayaw na ayaw kong nahihiwalay sa aking mahal na cellphone kahit puro GM lang ang natatanggap ko run eh kinuha ko talaga 'yung susi ng bahay namin para lang makuha ko 'yun sa loob.

Inalok ako ni Tito Sev na magpahatid dun pero umayaw ako. Nakakahiya kayang magpahatid! Kakalipat ko lang sa kanila tapos magbubuhay prinsesa na kagad ako? Grabe naman 'di ba? Bukas na lang! xD

Nag-taxi lang ako papunta sa lumang bahay naming nagngangalang si Raffy~

Nang makarating na ako sa tapat ng bahay namin, agad kong hinugot 'yung wallet ko sa bulsa ko at ito na ang climax! Tangina ang swerte ko lang dahil nasama sa paghugot ko ng wallet ko 'yung susi! At tamang-tama pang tumalsik 'yung susi sa drainage! Tangina lang talaga! Sht!

Ano ngayong ipangbubukas ko sa bahay namin?! Paano ko makukuha 'yung cellphone ko?!!

Punyeta bakit ang malas ko?! >__________<

Naglakad ako papunta sa tapat ng bahay namin. Nasa labas ako ng gate kasi nga wala akong susi, nahulog sa kanal. Sht.

Ano ngayong gagawin ko? NGANGA na lang?

Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-stay sa tapat ng bahay namin pero nalulungkot talaga ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng lungkot, ngayon ko lang na-realize na mamimiss ko nga talaga 'tong bahay na

'to. Dito ako lumaki eh, dito ako nagkaisip. Dito ako nagkaron ng lahat-lahat. Dito, kay Raffy. Gusto kong umiyak pero bat 'di ako makaiyak? Lels. Ang abnoy ko ngay~

Magga-gabi na pala. Napatingin ako sa relo ko, alasais na pala? Kailangan ko kaya balak tumayo rito at umuwi? Haaaay~ parang ayaw kong iwanan si Raffy eh.

Aalis na sana ako nang bigla na lang bumagsak ang malakas na ulan. May bagyo ba? Bakit bigla-bigla na lang umulan?! Ang lakas pa! Iniangat ko 'yung kanang kamay ko at hinayaang umagos 'yung ulan sa kamay kong iyon. Di ko namalayang wala pala akong payong, basa na ako. Congrats Ericka =______=

Nung bata ako, hangang-hanga ako sa ulan pero nang tumagal at nagkaron na ako ng pag-iisip eh nainis na ako sa ulan. Bullsht kase, tamad kasi akong magdala ng payong noon kaya palagi akong nababasa nang ulan. Sobrang kompyansa ko kasing hindi ako magkakasakit. Ang yabang ko lungs.

So eto ako, basang-basa sa ulan at walang masisilungan. Psh, mukha naman akong kawawa sa lagay na 'to! Yuck! Pero paano ako uuwi?! O_______O Wala pa namang dumadaang taxi! Baka natakot sa ulan?! Sht, so dito na ako matutulog sa labas ng dati naming bahay? Waw lang talaga!

Nag-aalala na ang diwa ko nang biglang may lumitaw na itim na van. Hala baka kidnapper?! Tinignan ko lang 'yun ay laking gulat ko naman nang huminto iyon sa tapat ko. Binuksan nito 'yung bintana at lumitaw si Adonis! -este si Colosseus pala. Shemay lang,a ng pogi ni pyutyur kafated!

"Ang tanga talaga." Sabi nito sa akin.

Pero imbes na mag-react ako at sigaw-sigawan siya ng bonggang-bongga dahil sa sinabi niya eh nakatanga lang akong nakatingin sa kanya. Pero syempre hindi sa cold eyes niya! Sa lips lang! Eh kase, tinatanong ng buong diwa at kalamnan ko kung anong ginagawa niya rito! Sinusundo ako?

Grabiti, bakit naman niya ako susunduin?

Eh bakit nga siya nandito?

"Sasakay ka ba? Para alam ko na kung aalis na ako." Walang emosyon niyang tanong.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanang pinapasakay niya ako ng van niya.

ANOOO?! PINAPASAKAY AKO?

Bakit? Aish! Tama na nga muna 'yang mga tanong! Sasakay muna ako bago pa ako magkasakit nu!

Binubuksan ko na 'yung pinto nung van sa harap pero naka-lock. Punyeta pinapasakay ako tapos nakalock ang pinto?! Adik lang?!

"Sabi mo papasakayin mo 'ko?!" Naiinis kong tanong sa kanya.

Taena kase basang-basa na ako! >_________<

"Psh, dun ka sa likod. Ayaw kitang katabi."

Waw ang arte mo tsong! Ano ako may ketong?! Gagong 'to! Akala naman niya gusto ko siyang katabi!

Nakakainis ha!

So no choice, binuksan ko 'yung pinto ng van sa likod at pumasok. Haaay! Sa wakas naman at nakasilong din! Weee~!

"Ang tanga." Sabi ni Colosseus.

Tinignan ko siya ng masama sa rear-view pero hindi siya nakatingin. Ayy nako, para namang hindi na ako nasanay sa kanya 'di ba? Amff!

"Bakit ba kase sinundo mo pa 'ko?" Tanong ko.

"Asa. Hindi kita sinundo. Inutusan lang ako."

"Pero at least ginawa mo pa rin." Sagot ko sa kanya.

"Oo, ang tanga mo kase."

Hah! Ako pa talaga ang tanga?! Bwisit talaga 'to! Ang feeling feeling lang! >___< Pero in fairness, sinundo niya ako :D

Putek anong klaseng ngiti 'yun?! Bat ako nangingiti?! Pigilan mo Ericka, ang boba mo! Pinapasakay ka lang niyan para magawa niya 'yung plano niya! Remember 'yung sinabi sa'yo ni Qaz? Tsk tsk... huwag kang padadala Ericka! Huwag!

Tahimik lang kami buong byahe pero bigla na lang siyang nagsalita at nag-abot ng isang banig ng gamot.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya nang maiabot na niya 'yung banig ng gamot.

"Tanga, basahin mo." Ayan! Basahin mo kase Ericka! Tangina na-tanga na naman ako! Gago talaga 'to!

So binasa ko 'yung gamot. Paracetamol? Aanhin ko 'to?

"Anong gagawin ko rito?"

"Gawin mong sabon kung gusto mo."

"Ha-ha." Sarkastiko kong tawa. Putek pinalahi ni Vice Ganda 'tong isang 'to eh! "Sa akin talaga 'to?

Waw ha, concern ka pala sa akin?"

"Asa."

"Uyyy! Concern sa akin! Talagang binilhan mo pa ako ng gamot ha! Ang sweet naman ng pyutyur kafated ko!" Pang-aasar ko sa kanya :33

Iinisin ko na lang siya para may magawa naman ako. Ang boring niyang kasama eh :3 La kwenta bad trip!

"Psh. Bakit naman kita bibilhan ng gamot?"

"Kasi concern ka sa akin?" Sabay ngiti ko at tingin sa rear-view mirror. Hahaha! Cold eyes, eh?

"Wala akong pake sa'yo."

"Ows?"

"Palagi kong dala 'yan."

"Weh?"

"Shut up." Nag-goosebumps ako ah! O______O

Tapos nasa tapat na kami ng bahay nila. Pinagbuksan kami ng mga maids tapos pinasok na niya 'yung van at pumasok na sa loob ng mansion nila matapos mai-park 'yun.

Susunod na rin sa ako nang makita ko 'yung papel sa sahig ng van. Maliit ng papel lang. Parang... resibo?

Inatake ako ng curiosity kaya agad ko 'yung pinulot. At oo nga, resibo!

...ng gamot?

At waw ha, 'yung date eh parehas ngayon! So ibig sabihin ngayon lang 'tong resibong 'to? Hmmm?

Paracetamol? Agad ko namang tinignan 'yung banig ng gamot na binigay sa akin ni Colosseus, pareho?

Ibig sabihin...

Binili niya talaga 'yung gamot para sa akin? ^__________^

Putangina, bakit ako ngumingiti?! Baka pinapasakay niya lang ako! Baka pinapa-fall para nang sa ganun eh hindi matuloy 'yung kasal nila Mama at Tito Sev! Hindi! Huwag kang maniniwala Ericka!

Huwag! Huwag kang ngingiti!

Binulsa ko 'yung resibo at pumasok na sa loob ng bahay. Pumunta ako kaagad kay Manang at nagtanong :3

"Manang, palagi bang nagdadala si Colosseus ng gamot? Like, paracetamol ganun?" Tanong ko habang naghuhugas ng pinggan si Manang na nagbigay din sa akin ng peksyur ni Colosseus sa akin noon nang nakangiti.

"Ah si Zico ba kamo? Eh ayaw na ayaw kaya nun ng gamot. Pag may sakit nga siya tubig at pahinga lang ang gamot niya. Ayaw na ayaw niya ng mga tabletas o capsules kaya imposibleng magdala 'yun palagi. Bakit ba, iha?"

^______________^

Walang hiyang ngiti 'to! Ayaw tumigil! Uwaaa! Huwag ka kasing ngumiti Ericka! Mukha kang tanga eh!

Malay mo nga ginagamit ka lang, niloloko 'di ba? Aish!

"Iha? Bakit ka nakangiti?"

"Ah wala lang po. Sige po salamat po."

Tapos pumanhik na ako sa kwarto ko. May sarili na kasi akong kwarto rito. Naupo ako sa kama ko at...

^________^ Ngiti na naman?

Sht, sht, sht! Di ko alam pero nangingiti talaga ako! Totoo, concern talaga sa akin si pyutyur kafated?

Totoo kaya? Shemay! Let it be na nga lang! Sige, ngingiti na lang ako kasi hindi ko na talaga mapigilang ngumiti!!

Yaaa Ericka! Pigilan mo! Isipin mo na lang 'yung sinabi sa'yo ni Qaz!!

Pero tangina, hindi ko mapigilan! Nakangiti talaga ako ngayon!

####################################

{ TBUP -50: Sushi }

####################################

{ TBUP -50: Sushi }

--Ericka's Pov--

Party?

Magpapa-party kasi si Tito Sev. Bakit? Celebration daw ng paglipat namin tapos engagement party nila ni Mama. Odiba bonggacious? Kaya pala nagmamaasim na naman 'tong si pyutyur kafated eh.

Walanghiya sinusumpong ng mood swings? But I don't care. Basta masaya si Mama, wala akong pakialam sa kanya.

Pero nalulungkot kaya siya? Kasi nga 'di ba, gusto niyang mabuo 'yung pamilya niya tapos ngayon... wala na... ngayon... baka hindi na matuloy. Kasi ikakasal na talaga sila ni Mama at Tito Sev.

Pero bakit ko naman ipagpapalit 'yung kasiyahan ng Mama ko para lang sa kasiyahan niya?

Minsan, kailangan mong maging selfish, hindi para sa sarili mo pero para sa taong mahal mo.

Teka nga't makapag-ready na lang. Kailangan ko pang pagandahin 'yung sarili ko. Kahit naman dyosa na ako eh dapat mas maging dyosa pa ako. Malay niyo makahanap ako ng papables :"">

--Zico's Pov--

Psh. Hindi ako sanay manahimik na lang sa isang tabi. Nasanay na akong may ginagawa para hindi matuloy 'yung kasal ni Daddy kaya labis akong naninibago ngayon. Nakakainis! Hindi ko maiwasang isipin si Mommy. Hindi ko maiwasang isipin na habang nagsasaya si Daddy kasama ang iba si

Mommy... nahihirapan... nasasaktan.

Bakit kasi bigla na lang sumuko si Mommy. Pwede pa naman kaming mag-isip ng iba pang paraan para hindi matuloy 'yung kasal ah! Nang dahil lang ba sa hindi ko kayang gawin 'yung dati susuko na siya?

Hindi. Kailangan kong makausap si Mommy.

Naka-ilang rings ang phone ni Mommy tyaka niya 'yun sinagot. Nakalimutan ko, umagang-umaga sa

America malamang eh naistorbo ko ang tulog ni Mommy.

("Zico?") Si Mommy.

"Mommy... you sure? Susuko ka na ba talaga?" Agad kong tanong sa kanya.

("Yes. Susuko na tayo. Ang dami ko nang nagawa anak, and I think it's about time to give up. Ayoko nang habulin ang Daddy mo. Hindi nga matutuloy ang kasal, pero hindi na siya babalik sa akin. Hindi niya pa rin ako mamahalin.")

Bakas ang lungkot sa boses ni Mommy. Napapaisip tuloy ako kung ilang beses siyang umiiyak sa isang araw. Kung gaano siya nasasaktan. Kung gaano siya nalulungkot. Naiinis ako. Ayokong nasasaktan si

Mommy. Gusto ko, masaya siya.

"We can still do something." Sabi ko.

("No Zico, we can't. Tama na. Besides, marami ka nang isinakripisyo para sa akin. Para maging masaya ako. Bakit hindi naman ang sarili mo ang pagtuunan mo?")

Yeah. Kahit 'yung babaeng mahal ko, isinakripisyo ko para lang kay Mommy. But I don't regret anything.

Naging masaya si Mommy. Lahat gagawin ko, maging masaya lang siya.

Kahit hindi na lang ako...

...kahit si Mommy lang.

("Bakit hindi mo siya hanapin? Or... maghanap ka ng bago? Zico, you need someone.")

"Mom..."

("I'm hanging up now. I need to go to work.")

"May trabaho na kayo?" Gulat kong tanong.

("Oo naman, hindi naman ako pwedeng umasa na lang sa mga perang pinapadala mo. Sige na, take care Zico. I love you...")

Binaba niya na ang telepono.

Is she serious?

About giving up?

Pero kung patuloy ko siyang pipiliting kunin si Daddy, baka mas lalo lang siyang masaktan. I've seen her cry a river because of my father. And I can't let that happen again.

So, yeah... give up?

And find her? No, siya ang nang-iwan sa akin. She left without telling me any single sigh. Why would I chase her?

--Ericka's Pov--

Augh. Ang bilis ng oras mga dre! Kanina 1:00 pa lang, ngayon 7:00 na. Ibig sabihin, party na. Naririnig ko na kasi ang mga busina sa labas ng bahay eh. Mga businang galing sa sasakyan ng mga Zarte. Sabi ni Mama halos lahat dawn g buong angkan ng mga Zarte nandito! Ano kayang itsura nilang lahat?

Magaganda? Gwapo? Hottie?

Sht, malamang naman! Si Tito Sev, gwapo! Si Colosseus, gwapo. Si Qaz, hot! Paano pa kaya 'yung ibang mga Zarte 'di ba? Iniisi p ko nga eh, may pangit bang Zarte?

Well, we will see :)

Bumaba na ako mula sa kwarto ko. Ako na nag-make up sa sarili ko. Busy kase si Mama. Di ko pa nga siya nakikita eh. Siguro masyado siyang nagpre-prepare. Malamang engagement party. Dapat super bonggacious siya 'run 'di ba? Grabiti, sa wakas, ikakasal na si Mama!

Yung oh-so-good-for-nothing ko kasing ama eh hindi siya pinakasalan. Binuntis lang tapos, BOOM!

Nawala ng parang bula ng surf =____=

Pagkababa ko sa hagdan agad kong nakita ang isang gwapong-gwapong si Colosseus. Nakatingin siya sa akin pero cold pa rin 'yung mata niya. Waw ha! Di man lang ba siya nagandahan sa akin?! DYOSA

KAYA AKO! Grabiti, baka nga bading siya?! Amff >_<

Super mega ultra sayang!

Nang makababa na ako eh agad niya akong inirapan. Woah! Baka nainggit sa dyosa kong mukha ang gaguu? Hah! Dapat kase magladlad na siya para makapagsuot na rin siya ng mga ganito! :))))

"Ang ganda ko nu?" Tanong ko sa kanya habang natatawa.

Tinignan niya lang ako with his cold eyes tapos iniwas ang tingin sa akin.

Anyaree?

"Mukha ka nang tao."

Ano raw?!!!

So nung hindi ako nakaganito, hindi ako mukhang tao?!

Watdapak! Ano ako, mukhang unggoy?! Punyetik lang! Sa ganda kong 'to mukha akong unggoy?! Like duh! Super layo naman ng peslaks ko kay Kingkong nu! Dyosa kaya ako! DYOSA! >__________<

Nauna na siyang lumabas sa may garden tapos sumunod na lang ako. Pagkalabas ko sa garden eh...

OH MY FCKING WOW! O_______O

Totoo nga! Walang Zarte na panget! Like WOW MUCH! Lahat sila pinaglihi kina Adonis at Venus!

Tapos ang sosyal pa ng dating nila! Grabeeee Ericka! Huminga ka!!

Nako kung andito lang si Carmeen baka ibinalandra na niya ang sarili niya dahil sa dami ng papables!

Tangina hindi kasi ako makalandi! Nakakahiya kaya =_________=

"Goddess!"

Speaking of Carmeen... andito na ang 'the first' kuno ni Carmeen.

Si Qaz.

"Augh. Hi..." Walang gana kong bati sa kanya.

Eh kase alam ko namang lalandiin lang ako neto eh! Napaisip tuloy ulit ako...

...lahat kaya ng mga Zarte malandi at may tinatagong kamanyakan? xD

Sht Ericka, umayos ka!

"Sabi ko na nga ba eh, dapat talaga kitang paibigin. Sa ganda mong 'yan, kung magiging girlfriend kita lahat ng girlfriends ko ngayon ibre-break ko."

What the fvck! Lahat ng girlfriends ha?! AS IN WITH 'S'! Plural form! Punyeta ang playboy! Mga playboy dapat ihagis sa ilog Pasig at ipakain sa buwaya eh! Tongue in a moo po! >____<

Ano kaya nagustuhan ni besh dito? Eh puro kalandian ang nasa utak!

"Yuck Oppa, why so panget?!" Huh? O.o

Out of nowhere eh biglang may lumitaw na kutong lupa -ay mali! Bata pala =________= At wait! Kuya raw?! Ibig sabihin kapatid ni Qaz 'yang kyut na bata?!

Like wow! Pati batang Zarte hindi rin pala papahuli sa kagandahan! Sht, parang manika ngay! Parang ang ganda tuloy niyang isilid sa isang Barbie house at i-pad lock 'dun poreber! xD

"Augh Sushi! Dun ka nga kay Zico!" Suway ni Qaz 'dun sa batang babae.

"Andwae!! I must guard you! You filthy manwhore!" Omaygash!

[andwae means 'no' in Korean.]

Ang liit-liit lang niya tapos diretso mag-english?! Parang mga tatlong taon lang ata eh? Di ba dapat 'yung mga ganito edad eh bulol-bulol pa?! Pero bakit siya diretso ng magsalita?! Grabiti, ang sosyal!

Tinakpan ni Qaz 'yung bibig nung batang babae na tinawag niyang Sushi. Di ba pagkaen 'yun?

"Yaaa Oppa! Get off me!" Tapos tinulak ni Shushi raw 'yung kamay ni Qaz.

"Uhmmm, Ericka, sorry ha? Pasensya ka na rito sa kutong lupa na 'to. Sarap tirisin eh nu?"

Nag-nod na lang ako tapos ngumiti. Ang kyot kasi nilang mag-kuya! Para silang mga bata :3 Well, 'yung isa bata talaga =_______=

Tapos biglang tinawag ni Zico si Qaz. May naghahanap ata sa kanya? Kaya ito, naiwan ako kasama

'yung sosyal na bata.

"Hii!!" Masiglang-masiglang bati sa akin nung bata.

"Hello."

"What's your name, milady?" O.o

"Ericka." Ang tipid kong sumagot. Ganun talaga ako sa bata eh.

"Mmmm! Sushi-imnida!" Sabay bow ng 90 degrees.

Teka nga, Koreana ba 'to?

"Koreana ka ba?" Tanong ko.

"Aniyo. But I grew up in Korea because of a business trip!"

"Ahh..."

Sinenyasan niya akong yumuko at lumapit sa kanya.

"Ericka-unnie, kyeoptaaa!" Tapos bigla na lang niyang kinurot 'yung magkabilang pisngi ko.

[kyeopta means 'cute' in Korean.]

Anak ng! Sht, masakit 'yun ah! Itatapon ko rin 'to sa Ilog Pasig!! >_______< Tangina, may blush on na nga ako tapos madadagdagan pa 'yung pagkapula ng mukha ko nang dahil sa batang 'to! Put@!

Aish! Habaan mo ang pasensya mo Ericka! Bata lang 'yan! Huwag mong sasaktan! Huwag mong mumurahin! Huwag mong tatadyakan! Huwag mong bibigwasan!

Hinimas-himas ko na lang 'yung pisngi kong kinurot niya tapos naglakad. Maglilibot na lang ako sa garden. Mao-OP lang ako run eh. Tapos 'to namang si liit sumunod din. Amff~

"Ilang taon ka na?" Tanong ko sa kanya.

Tapos pinakita niya 'yung apat niyang daliri sa akin. Meaning, 4 years old lang siya. Okay?

"Bat 'di ka bulol?" Tanong ko muli.

"Mmm, dunno? Ericka-unnie yaa, are you one of Oppa's girlfriends?" Oppa? Si Qaz?

"Hindi. Di ko type Kuya mo. Babaero." =________=

"Ne! He's a manwhore so don't go near him, okay?"

Tumango na lang ako. Tapos naupo na lang kami sa may bench sa harap ng isang fountain. May fountain pala rito? Ang ganda ah! Bongga-bels! xD

"You know what, I really like Zico Oppa!" Sabi ni Sushi. "I want to become his girlfriend..." Tapos bigla siyang nag-pout.

Augh, ang cute niya! Parang gusto ko ring pisilin 'yung mapupula niyang pisngi! Kung ganito siguro kapatid ko baka mas marami pa 'tong manliligaw kesa sa akin!

"But unfortunately, he's my cousin." Tapos pout ulet, "But I don't worry! I just like him because he's sooooo~ handsome! And his eyes! OMO! They're like the moon in the sky! Silvery, cold, ROMANTIC!"

Sht, lasing ba ako talagang may hugis puso sa mata ni Sushi?

TInignan ko na lang 'yung fountain. Tapos bigla akong napatingin sa buwan. Para ba talagang mata ni

Zico 'yun? Parang hindi naman. Bunga lang siguro ng imagination ng batang 'to. Taena, bat ba ako nagpapaniwala sa mga bata?! >____<

"You," Napatingin ako kay Sushi, "what do you like about Zico-Oppa?" Tanong niya habang nakangiti.

Gusto ko kay Zico? Ano nga ba? Hmm? Ang sungit niya eh, 'yung mata pa niya nakakatakot. Pero... gwapo siya... tapos kahapon lang, binilhan niya ako ng gamot. Sinundo pa niya ako.

Ano nga bang gusto ko kay Zico?

"Little Sushi."

Bigla akong natauhan at napatingin sa direksyon nung nagsalita. Si Zico! Paano niya kami natuntun dito?

"Kyaaaa Zico-Oppa! Sarang~~!!" Tapos tumakbo si Sushi at yumakap sa baywang ni Zico. Taena para silang mag-ama :))))

"Go back to the party." Malamig na utos sa akin si Zico.

Napatayo ako at nagsimulang maglakad papalapit sa kanila ni Sushi nang bigla niyang ibato sa akin

'yung coat niya.

Anong gagawin ko rito? O______O

"Anong gagawin ko rito?"

"Kainin mo."

Putangina, masarap ba 'to?! De jk lang, bakit ko naman kakainin 'to?!

Ay gago, gamitin ang utak Ericka! Malamang coat 'yan! Sinusuot! Amff~!

Ay wait-lalu, bat naman niya 'to ipapasuot sa akin?

"Bakit?" Tanong ko.

"Para magmukha kang tao. Mukha ka kasing unggoy na binalatan..." Tapos umiwas siya ng tingin.

Unggoy na binalatan?! Black tube dress lang naman 'tong suot ko ah! Anong unggoy na binalatan?! At watdapakyuu much! Hindi ako unggoy! DYOSA AKO! DYOSAAAAA!

"Omo! Ericka-Unnie ya and Zico-Oppa so sweet! Kyeopta! You two are perfect for each other! Kyaaa!"

Si Sushi.

Bigla naman siyang tinignan ni Zico nang masama pero nakangiti pa rin siya. Tapos bigla siyang binuhat ni Zico na parang sako ng bigas. Grabe lungs? Tapos nagsimula nang maglakad papalayo.

"Kyaaaaaaaaaaa! Zico-Oppa is carrying me like a princess! Yaa saranghae oppa!" Natuwa pa siya? O.o

At ako naman... naiwan dito. Tulaley?

Napatingin ako sa buwan...

Silvery, cold... romantic?

####################################

{ TBUP -51: Enrolled }

####################################

{ TBUP -51: Enrolled }

--Ericka's Pov--

Tangina. Tangina lang talaga. Pasensya na kung mura kaagad ang nabasa niyo. Pero sigurado naman ako -mapapamura rin kayo kapag nalaman niyong isang week na lang! Isang week na lang papasok na

ulit ako. Putrages lang! Ayoko pang pumasok eh! Hindi ko pa nasusulit 'yung bakasyon ko tapos next week -pasukan na?! What the hell 'di ba?

Kaya ito kami, kakatapos lang magpa-enroll. Grabiti, first year college na ako. Mahirap kayang maging college? Ano bang ginagawa run?

May mga gwapong lalake kaya?

Sht, Ericka, mag-aaral ka, hindi ka mangingisda at bibingwit ng pogi rito =_______=

Kasama ko kasi si Carmeen kaya nahahawa ako sa kalandian niya. Tsk tsk.

"Oyy Meenie, whatcha doin'?" Tanong ko sa kanya sabay kulbit.

"Teka teh! May pogi- ARAY!" Sinapok ko nga =______= Gwapo gazing na naman kase ginagawa eh may boypren siya!

"Gagu ka ba? Di ba may boypren ka? Bat ka lumalandi?" Tanong ko sa kanya.

At ang bobita tinaasan pa ako ng kilay! "And so? Cool-off kami 'teh. Yaan mo~"

At sinapok ko ulit siya. Boba! Cool-off lang lumalandi na kaagad?! Di ba pangangaliwa pa rin 'yun?

Tangina, kami nga ni Psyche walang cool-off, cool-off pero nagawang mamangka sa pangalawang ilog eh! Punyeta eh nu? Kaya isinusumpa ko 'yang pangangaliwang 'yan!

Mamatay na lahat ng two timer ampota!

"Boba-bels ka! Bago ka lumandi, i-break mo muna! Huwag 'yang kakaliwain mo!" Pangaral ko kay

Carmeen.

"Ingay niyo." O_______o

Oo nga, nakalimutan kong sabihin sa inyo, kasama pala namin si pyutyur kafated. Dito rin kasi siya nagpa-enroll. Kasi... third year college na sana siya sa Austen University pero pinalipat siya ni Tito Sev.

Gusto niya raw kasi magkasama kami nitong si Colosseus sa iisang university para mabantayan namin ang isa't isa.

So in short, body guard ko siya, body guard niya ako. Ang kapal 'nu? =________=

Eh ewan lang dito sa Colosseus na 'to. Naiirita na nga ako kasi ang daming natingin sa kagwapuhan niya. Ewan ko kung kilala niya pero err, halos lahat ata ng madaanan namin tumitingin sa kanya. Mapababae man o lalake -in short, bading. Guys! Alam ko namang gwapo ang pyutyur kafated ko pero pwede bang huwag niyo namang tunawin?! >______<

"Oy gags, ano pa lang course mo?" Tanong ni Carmeen sa akin.

"MassCom besh. Ikaw?"

"Tourism. Ayus daw dun eh, walang math."

Oo nga, ayus. Walang math! Eh kase, gusto kong mag-mass communication eh. Gusto kong maging reporter. Ewan lang, para naman maging makabuluhan ang buhay ko.

Si Colosseus kaya? Anong course neto? O.o

"Bading, anong course mo?" Tanong ko sa kanya.

Nasa gitna kasi ako ni Carmeen at Colosseus.

Tumingin siya sa akin ng masama. Bakit? May nasabi ba akong mali? Tapos 'di niya ako pinansin at naglakad ulit siya. Anyare?

"Ogags ka besh, tawagin mo ba namang bading eh 'di nagalit sa'yo!" Si Carmeen.

Ay oo nga. Hehehe, pasensya naman. Di ko kase makalimutan 'yung teddy bears niya sa kwarto niya tapos 'yung pagiging matatakutin niya sa horror movies.

Tapos 'yung unbuttoning session namin...

Oh, putrages, scratch that! >______<

So ayun, sinundan ko si Colosseus, si Carmeen kase lumiko. Maglilibot daw siya. Sabi niya sumama ako pero ayaw ko nga. Gusto kong kasama si Colosseus -I mean, tinatamad akong maglibot :3 Kaya hinabol ko na lang si pyutyur kafated.

"Oyy, ambilis maglakad?! May date?!" Sabi ko sa kanya.

Eh inirapan niya lang ako. Bakit ba ang bading niya?!

"Ano nga kase course mo?" Tanong ko.

"Chemical Engineering." Matipid niyang sagot.

Chem. Eng? Di ba puro math 'yun? Taena nakakabobong course 'yun ah! Pero na curious ako. Gaano kaya kagaling sa numbers si Colosseus?

So ayun. Naglakad lang kami ng naglakad. Di pa rin natapos 'yung pagtingin-tingin nung mga babae sa kanya. Di ba siya naiirita?! Kasi ako kanina pa naiinis! Pag ako napuno, isa-isa kong babatuhin lahat ng titingin kay Colosseus dito!

Ay taena, para namang pinagdadamot ko sa ganung lagay si Colosseus. Ano ko siya, boypren? Yuck

>________<

"Kuya, kuya, girlfriend mo ba?"

Ayun na. Ito na nga ba sinasabi ko eh. May babaeng naka-make up na kasing kapal ng mukha niya na lumapit sa amin. Tapos tinanong 'yun kay Colosseus. Hindi ko na sana papansinin pero alam niyo na ako... curious. Curious sa isasagot ni pyutyur kafated. Asaness naman akong sasagot siya na girlfriend niya ako nu? Pero like, duh! Hindi ko naman pinangarap =______=

Tumingin sa akin si Colosseus tapos...

"Hindi." Sagot niya run sa girlash. Kdot!

Hindi ako nainis sa sagot ni Colosseus, kasi bakit nga naman ako maiinis? Nainis ako run sa hirit nung babae!

"Ayy, buti na lang po. Hehe. Di po kayo bagay eh."

Oh 'di ba! Sarap bigwasan all over the fes! Kung hindi lang masamang kumatay ng baboy -este tao kanina ko pa 'to tinadtad ng pinong-pino! Anong ibig niyang sabihin sa hindi kami bagay, ha?! Panget ako tapos si Colosseus gwapo?! O panget si Colosseus tapos ako DYOSA?! Ay parang mas bet ko

'yung pangalawa ah! :)))

Pero bwisit 'to talaga 'to! >_______<

"At sino sa tingin mo ang bagay sa akin, ikaw?" Woah! Tanong ni Colosseus oh!

Tapos medyo nag-blush 'yung babae at nagpa-kyut. PAKYU-t! >___________<

"Sa tingin niyo po? Hihi, pwede po :"">" With matching ngiti pa! Ngiting aso naman!

Oh noes! Colosseus, don't tell me pumapatol ka sa mga ganyang breed?! Na-clone ata sa unggoy 'yan eh! Putrages!

"Psh. Pathetic..." Tapos dinaanan niya lang 'yung babae tapos naglakad na.

Mwhahahaha! Colosseus, IDOL! Akala ko papatol na siya sa ganung mga mukha eh! Yung itsura nung babae? Mukhang dinaanan ng trak, times 2! Lol. Put@ imba! xD

Lumingin ako 'run sa babae tapos bineletan siya. Mwhahaha! Akala niya ha! Dyosa kasi ako, gwapo si

Colosseus kaya bagay kami! OHA! -Potek anong sinasabi kong bagay kami?! Joke lang 'yun ha!

Tumawa kayo bilis! Taena, lutang isip ko =_________=

Agad na lang akong sumunod kay Colosseus.

"Akala ko papatol ka na sa mga ganung mukha eh! Mwhahahaha!" Sabi ko sa kanya.

"Tss... ikaw nga 'di ko pinatulan, 'yun pa kaya. "

Putanginaaaaaaaaaaa~! Akala ko pa naman kakampi ko 'tong pyutyur kafated ko! Nakalimutan kong nagmamaasim pa rin pala 'to sa akin! Sht, basag ako! T^T

So tumahimik na lang ako...

"Nung nasa bus na ako, may lalake kang kasama." Pahayag niya sa akin.

Agad naman akong napatingin sa kanya. Lalakeng kasama? Ahh -'yung gago! Si Psyche =____= Nakita niya 'yun? OYY STALKER! Lol, de seryoso na. Bat naman bigla siyang naging interesado?

*Q*

Baka kras niya si Psyche?!

"Ah 'yun..." Naisagot ko na lang.

"Boyfriend mo?" Tanong nito sa akin.

Tama ang hinala ko! Kras niya si Psyche! OMEGESH! *Q*

Pero naalala ko si Psyche, 'di ba tinanong niya rin kung boyfriend ko si Colosseus? Lels, si Psyche alam ko nagselos 'yun eh. Eh si Colosseus? Selos 'din kaya? Waw bongga ha! Yung buhok ko abot na ng edsa! :)))

"Ex ko." Sagot ko sa kanya.

"Ah. Ang bata mo pa."

Bata?! Heller! Dalaga na po aketch! Amff >______<

"Kung makapagsalita naman 'to lolong-lolo ang dating ah! Ikaw nga, P-ni-BB teens mo 'yung magiging kafated mo sana noon!"

Bigla siyang napatingin sa akin ng masama -as in sobrang sama! Tapos naramdaman ko na 'yung balahibo kong nagsitaasan! Taena, nakakamatay ba ang tingin?! Kasi kung oo baka kanina pa ako pinaglalamayan dito! Taena, ang daldal ko kase!

"Sinong nagsabi?" Tanong niya with his cold eyes and cold voice! Brrr~!!

"S-Si Qaz!" Sagot ko.

"Ang daldal..."

Hala baka mag-away sila ni Qaz?! Ayy -and so? Eh 'di magpatayan sila. Pake ko? xD Tyaka totoo naman ATA eh! Ginurlpren niya 'yung magiging kapatid niya sana noon! Eto na naman ako! Nacucurious! Ano kayang nangyare sa kanya? Paano niya kaya P-ni-BB teens 'yung babae? O.o

"Akala ko DYOSA ka, chismosa pala." -Colosseus sabay lakad ng malayo!

Omo! Galit na siya nun? Pero totoo naman ako ah! Dyosa ako :33 Di ba pwedeng pagsabayin ang pagiging dyosa at chismosa?

--Zico's Pov--

Psh. Matutuwa na sana ako sa kanya. Sinisimulan ko na kasi silang tanggapin sa pamilya namin, kahit paunti-unti kasi nga nag-give up na si Mommy pero... damn! Bakit kailangan pa niyang ipaaalala sa akin

'yung maling nagawa ko?

Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa aking minahal ko 'yung magiging kapatid ko sana... dati?

***

--Meanwhile.

--Carmeen's Pov--

Naglilibot ako sa buong University. Humahanap ng gwapo? Hindi ah. Eching ko lang 'yun. Di ko naman magagawang kaliwain si Elzid! Mahal ko 'yun nu! Mahal na mahal <3 Inaaliw ko lang 'yung sarili ko.

Nag-away kasi kami ni Elzid sa phone kagabi. Ewan ko. Bigla na lang uminit 'yung ulo ko kasi sa ibang school siya mag-aaral. Pero kani-kanina lang na-realize ko na dapat hindi ko siya sinasakal... kasi baka ulitin niya 'yung ginawa niya noon. Yung pakikipag-relasyon sa iba. Baka magsawa rin siya sa akin gaya ni Psyche kay Ericka.

Kaya magsosorry na lang ako mamaya...

Ako naman may sala eh T^T

Mahal na mahal ko talaga si Elzid kah-

"Hey Meenie..."

Woah!~ kahit... kahit andito sa harapan ko si Qaz? *Gulp* O______________O

####################################

{ TBUP -52: Hey Meenie }

####################################

{ TBUP -52: Hey Meenie }

--Carmeen's Pov--

"Hey Meenie..."

Ay sht! Lumundag si heart-lalu nang bumungad sa akin ang napaka-poging mukha ni da pers!

Omegesh! Nung Grade 6 pa 'yung huli naming pagkikita eh! Magkaklase kasi kami nun. Tapos ang pogi-pogi niya nun kahit totoy pa kaya na-fall agad ako! Ayy mali, kras lang pala 'yun tapos nung nagtagal eh naging lab na. Kaya siya ang pers lab ko. Korne nu? xD

Pero uwaaaaaaaaa! Ang poge niya!! Inhale, exhale! Kumalma ka Carmeen! Ipakita mong hindi ka naapektuhan ng kagwapuhan niya! Gaga ka may boypren kaaa!

"H-Hello." Bati ko sa kanya sabay kaway ng kamay ko.

"Buti na lang nagkita ulit tayo." Sabi niya tapos nag-smirk.

One word to describe da pers: HOT!

Shet! Bakit napaka-gwapo niya ngayon?! Bakit mas lalo siyang pumogee? :"">

Aish! Shatap Carmeen! May boypren ka sabi eh! Gaga 'to! xD

Hahaaay! Nababaliw na ata ako! Pati sarili ko kinakausap ko. Ganun ba talaga ang epekto ni Qaz sa akin? Nakakabaliw pala siya? :))))

"Kamusta?" Tanong nito sa akin habang papalapit siya.

Omegesh! Lalapet siya?! For real?! Kyaaaaaaaaaaa~! ^___________^

Punyeta! Huwag ka kasing kiligin Carmeen! Sabin g may boypren ka eh! :33 Saan ba kasi si Ericka para mapigilan niya 'tong kalandiang nararamdaman ko ngayon! Wrong timing naman 'yung paghihiwalay namin ng gagang 'yun! Ampf!

"A-Ayus lang naman. Hehehe. Ikaw?" Sht, nauutal ako :3

Imbes na sumagot siya eh nag-smirk ulit siya! Ano ba 'yan! Ang hot hot niya talaga kahit kailan! Tapos... tapos... tapos...

May nilabas siyang sulat?!

Tekaaa~ 'yun 'yung sulat na binigay ko sa kanya nung Grade 6 kami! Yung magco-confess sana ako sa kanya! Akala ko ba... tinapon na niya 'yan? Bakit... bakit nasa kanya pa rin?! Don't tell me tinago niya

'yun?! Hindi niya talaga tinapon?! Eh bakit nung nakita ko tinapon niya talaga?! Paanong...?!

"B-Bakit nasa-"

"I wanna hear your confession, Meenie."

Ano raw? Confession? Bakit pa? Para saan?! Eh basahin niya na lang kasi 'yung sulat! Nahihiya na ako eh! -Uyy bago 'yun ah, may hiya pa pala ako?! De seryoso, aish! Ayoko nga! Baka pinagtri-tripan lang ako neto. Sabi nga ni Ericka playboy na 'to eh :33 Baka gusto niya lang akong isali sa mga collection niya ng mga babae. Huwag na lang!

Di bale nang walang boypren, huwag lang maging laruan!

Buti nga 'yung boypren ko ngayon eh, honest na tapos loyal. Hihi, swerte ko talaga kay Elzid babes :"">

Ayy teka mga 'teh! Nasa harap ko pala si da pers!

"Para san pa?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi ulit siya, "'Coz I'm interested?"

Interested?! 'YUN LANG?! Gagu sabi ko na nga ba pinagtri-tripan lang ako nito eh! Buti na lang 'di ako naniwala kaagad! Syempre kasi hindi naman na ako katulad ng dati. Hindi ko na siya mahal. Hindi ko na siya gusto. Gwapo lang siya, physical attraction na lang 'yung nararamdaman ko kasi nga... may Elzid na ako :)

"Yun lang?!" Pasigaw kong tanong.

"Yep? Why?" Parang walang kamuwang-muwang niyang tanong. Ang gago lang.

"Ayoko nga! May boypren na 'ko nu!" Wika ko.

Napatawa siya, "And so? May mga girlfriends din ako."

WOW LANG HA! WOW LANG TALAGA! KAGAGUHAN!

May girlfriends daw oh! Talagang may 's', ibig sabihin marami! Tama nga si besh, palikero nga 'tong si da pers! Hay nako, 'di bale ng hindi gwapo basta stick to one! Pero itong si Qaz?! Tangina much?! Oo na, gwapo siya pero grabihan! Inamin niya talagang marami siyang girlfriend?! Gago lang talaga! Gago!

Nakakainis! Akala ko pa naman nagbago na siya 'yun pala ganun pa rin. Gago pa rin. Once a gago, always a gago. Tapos haharap siya sa akin tapos uutusan akong mag-confess ulit sa kanya?! Grabiti mga dre! Gago talaga!

Magwa-walkout na sana ako dahil sa inis pero bigla siyang nagsalita ng ikinagulat ko.

"Okay! I kept this letter because I want to know, why is it you I can't forget."

Napangiti ako ng mapait.

Ano na namang pakulo 'to? Talaga bang determinado siyang isama ako sa mga 'girlfriends' niya? Ano ako tanga? Tyaka may boyfriend nga kasi ako! Ang kulit naman ng lahi nitong gagong 'to! Amff >____<

"May boyfriend ako." Sabi ko tapos lumakad na ako papalayo.

Hindi ko kailangan ng ganung klase ng lalake sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng lalakeng pinagsasabay ang mga babae, pinaglalaruan, niloloko, ginagago.

Kontento na ako kay Elzid. Loyal ako, dahil mahal ko siya.

--Ericka's Pov--

Mwhahahaha! Yun sa susunod na buwan magbre-break! Yun, next week! Yun next Monday! Yun naman sa susunod na Sabado! Oh yeah! Ang dami pa lang couples na pwedeng hulaan dito eh! Bakit hindi ko kaagad nakita?!

Ay by the ways, hina-hunting ko pala 'yung mahal kong bespren. Nasaan ba 'yun? Uuwi na kami eh! Si

Colosseus kasi bigla akong iniwan :3 Wala tuloy akong kasamang umuwi kaya hinahanap ko si

Carmeen. Saan kaya nagsususuot ang gagang 'yun? Grabiti mukha na akong Dora the explorer dito eh!

Ay teka! Si Swiper -ay mali! Si Qaz pala! Bakit naman nakatayo siya run mag-isa habang may hawak na papel at nakayuko? Bat para siyang binagsakan ng langit at lupa? Ayy teka~ bumabagsak ba ang lupa?

=____=

Teka nga't mapuntahan...

"Hoy! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya sabay kulbit sa balikat niya.

Tumingin ito sa akin. Bat parang ang lungkot ng mata niya? Ano 'to na-busted?! Psh, nagpapatawa ba kayo?! Si Qaz maba-busted?! Tyaka iiyak at malulungkot?! Lol, parang imposible! Nilalaruan lang nito mga babae eh! Bat naman siya malulungkot?

"Tell me, sinong mas gwapo sa amin ng boyfriend niya?" Tanong ni Qaz.

Boyfriend nino?

"Boyfriend ni?"

"Meenie..."

Ah! Boyfriend ni Carmeen! Si Elzid? Bakit daw? Bakit tinatanong? Ano bang nangyayari?! Nakita niya kaya sila ni Carmeen na magkasama? Tapos nagselos? WOAH! Nagseselos pala si Qaz? O______O

"Ah si Elzid! Hmmm... ewan ko? Pareho naman kayong gwapo ah! Bakit ba?"

"Tss... I really like her. Sabi niya may boyfriend siya, bakit may girlfriends din naman ako ah! Eh 'di patas lang kami!"

Tanginang lalake! Anong gusto niya idagdag 'yung bespren ko sa mga babae niya?! Gago 'to ah! Sarap sapatusin! May nalalaman pang like, like, like daw eh may mga girlfriends din pala! At anong gusto niyang gawin ni Carmeen?! Mangaliwa rin katulad niya?! Eh pucha pala 'to eh! Nakuuu! Buti good vibes ako ngayon kasi nakapanghula ako, kung hindi baka kanina ko pa 'to binigwasan!

"Like, like ka dyan! Break mo muna mga girlfriends mo bago mo i-like bespren ko, gago ka!" Sabi ko sa kanya.

"Tutulungan mo ba ako sa kanya? Kakampi ka ba sa akin?"

"Tutulungan and kakampihan your face! Hindi ako si Carmeen para gawin 'yun. Dahil kahit tulungan at kampihan kita, sa huli, si Carmeen pa rin ang magdedesisyon."

Tama naman 'di ba? Kahit anong sabihin ko kay Carmeen, kahit anong pagdidikta ang gawin ko, syempre may sarili siyang utak at may sarili siyang puso na siyang magpapasya. At pipiliin niya syempre 'yung tinitibok ng puso niya 'di ba? At sa pagkakaalam ko... si Elzid talaga ang mahal ng bespren ko.

Hindi kasi kami naniniwala sa 'First love never dies.' Kasi kung talagang gugustuhin mong kalimutan ang pers lab na 'yan, magagawa mo. Tyaka ano pang panama ni pers lab kung tinapatan na ni true love

'di ba?

"Damn it! Meenie is an exception!" Exception? The only exception? Lol.

Umalis na rin si Qaz pagkasabi niya ng mga katagang 'yun.

Haaay... tutulungan kita kung maipapakita mong mas deserving ka kesa kay Elzid. Tsk tsk...

####################################

{ TBUP -53: Long Night }

####################################

{ TBUP -53: Long Night }

--Psyche's Pov--

"...strangers, Psyche."

"...strangers"

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Ericka. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin 'yun sa utak ko, sa puso ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Sabi ko sa sarili ko dati hindi ko na siya hahabulin pero nang makita ko siya noon sa mall? Nung nakita ko 'yung ngiti niya -alam ko kaagad na peke 'yun. Alam ko kaagad na nagpapanggap siya... na nasasaktan pa rin siya... na mahal pa rin niya ako.

Akala ko rin dati sumuko na ako pero iba talaga 'pag gusto ng puso mong sundan siya. Iba talaga kapag inutusan ka ng puso mong bawiin siya ulit. -Ah teka mali, 'bawiin'? Kanino naman? May nagmamay-ari na ba sa kanya? Wala pa naman 'di ba? Ako pa rin naman... 'di ba?

Sana...

Hindi ko rin kasi makalimutan 'yung lalakeng nakita ko sa sakayan nung bus nung isang gabi. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong may mali -may mali sa pagitan nilang dalawa. Oo, aamin kong nagseselos ako. Sino ba namang hindi magseselos kapag nakita mo 'yung babaeng mahal mo habang may kasamang iba 'di ba? Kahit sabihin niyang 'wala lang' 'yung lalakeng 'yun, ayokong maniwala.

Mamaya nililigawan na pala siya nung lalakeng 'yun?

Taena gwapo pa naman! Pero syempre... mas gwapo ako!

Alam ko namang naging gago ako eh, alam kong nasaktan ko si Ericka, alam kong tarantado ako pero pinagsisihan ko 'yun. Pinagsisisihan kong humanap ako ng iba, pinagsisisihan kong binaliwala ko si

Ericka, pinagsisisihan kong nakipaghiwalay ako sa kanya at pinagsisisihan kong hindi ko siya kaagad hinabol pabalik sa akin.

Pero hindi pa naman huli ang lahat 'di ba?

Hindi pa naman huli ang lahat para sa akin... para sa amin...

Kaya eto na nga, napagpasiyahan ko na liligawan ko ulit si Ericka. Babalikan ko siya. Paiibigin ko ulit siya. Babalik kami sa dati, babalik kami sa mga panahong masaya kami -kaming dalawa lang. At ipinapangako kong kapag binigyan niya ulit ako ng isa pang chance -magbabago na ako, hindi na ako magpapakagago. Mamahalin ko na lang siya ng mamahalin, tama, ganun na lang.

Babawiin ko siya sa kung sino mang may ari sa kanya ngayon.

--Ericka's Pov--

Aish! Bakit ba ako nagbabasa ng libro?! Di ko naman hilig 'to ah! Tangina itatapon ko 'to! Pucha, sino ba kasing nagsabing magbasa ako 'di ba? Eh kasi naman, tanginang boredom 'yan! Bakit kasi wala na naman si Mama?! Palagi na lang eh! Date, date, date! Puro date! Di ba sila nagsasawa ni Tito Sev sa pagdi-date?!

Buti pa ang kalendaryo at si Mama -may date! Eh ako? NGANGA! Pakshet!

Uyy ang korne ko na >____<

*creek* --sound epek 'yan! Kunwari may tunog 'yung pagbukas ng pinto xD

Augh? Lumabas si Colosseus sa kanyang kwarto! So ano na naman bang gagawin niya sa akin?!

Porket wala si Mama at Tito Sev to-torture-in na naman niya ako?! Oh please!

HUWAG PO! HUWAG PO KOYAAA! HUWAG POOOOO~!

Tangina, gagahasain ba niya ako?! Alam ko namang kahalay-halay ang DYOSA kong mukha at katawan pero sa tingin ko naman eh hindi ako magagawang pagsamantahalan ni Colosseus. Bakit? Eh bading eh! Anong mahihita ko dyan?! Amff =________=

Ayy teka, bakit papalapit si Koya? -Ay wait lang, kailangan ko namang sanayin ang sarili kong tawagin siyang 'kuya'? Eh kasee~ feeling ko 'di bagay! Sa unang tingin kasi parang magkasing edad lang talaga kami pero kung tatanungin mo kaming dalawa, eh third year college na siya samantalang ako freshman pa lang. Oh 'di ba? Kaya no need sa pagtawag sa kanya ng 'kuya', 'di ko peg eh.

So 'yun nga, bigla siyang lumapit sa akin tapos... tapos... sinuotan ako ng beats?!

ANYAREEEE?!

Pwede bang kurutin niyo ako ng bonggang-bongga para magising ako sa bangungot na 'to?! At pwede bang pakisampal si otor kasi baka na-typographical error lang siya?! Hindi ako maniniwalang susuotan ako ng beats ni Colosseus nu! Over my dead gorgeous DYOSA body! Like DUH?! Baka suotan ako ng tali sa leeg pwede pa pero... beats?! HELLER?!

Teka nga Ericka! Bakit ka ba nagiging OA eh BEATS lang 'yan! Maging OA ka kapag singsing na ang isinuot sa'yo ni Colosseus nu! >____<

"B-Bakit...?" Eh kase tulaley ako sa ginawa ni pyutyur kafated kaya ganyan lang nasabi ko =______=

Ang cold cold pa rin nung mata niya pero parang gusto kong maniwala na nagiging mabait na siya sa akin! Pero bakit? Bakit siya magiging mabait sa akin? O___O

*dug.dug.dug.dug.dug*

Holy sht! Don't tell me puso ko 'yun?! Don't tell me... tumitibok 'yun?! -Malamang buhay ako kaya tumitibok pero... oh fvck! Bakit mabilis?! Bakit nga ang bilis?! De seryoso, bakit tumitibok 'yung puso ko ng ganito kabilis?!

Ay shet! Magtino ka Ericka! Gaga ka!

Napalunok na lang ako ng dumako sa mapupula niyang leps (lips xD) ang mata ko. Shaks! Ang pula nga :""">

Teka nga! Bat ba kasi ang lapit-lapit na naman niya sa akin?!

"Gamitin mo 'yan para makapag-concentrate ka." Sabi niya sa akin.

Tapos... tapos... tapos... pinatong niya 'yung kaliwang kamay niya sa ulo ko!! He patted my head!

Shemay! Sinasapian ba si Colosseus?! Sabihin niyo nga sa akin?! Anong nangyayari sa kanya?!

Mamatay na ba siya kaya nagiging mabait na siya sa akin?! Putaaaaaaaaaaa~!

Kumalma ka Ericka! Hindi mo ba naaalala 'yung sinabi ni Qaz sa'yo? Baka tactics niya lang 'to para mainlab ka sa kanya at hindi matuloy ang kasal ni Mama at Tito Sev! Kaya umayos ka Ericka! Hindi 'to totoo! Palabas lang ni Colosseus 'to, okay?! Hindi siya mabait! Hindi siya tunay na mabait! Joke niya lang 'to! Tumawa ka bilis! HAHAHAHA -tangina mababaliw na ako >_______<

Yung puso ko! Ganun pa rin! Hindi pa rin mapakali! Bakit ba ayaw tumigil ng puso ko?! -Aww ang gaga ko, 'pag tumigil eh 'di automatic patay na ako! Ang autistic ko talaga!

Pero gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa 'to!

Una, sinundo niya ako. Pangalawa, binilhan niya ako ng gamot. Pangatlo, tinanong niya kung anong relasyon namin ni Psyche at ngayon! Ngayon sinuotan niya ako ng beats!

Parang noon lang ang sungit-sungit niya sa akin, naiinis siya, galit siya. Ayaw niya sa amin ni Mama, pinapalayas niya nga kami eh. Pero bakit ngayon...? Biglang nagbago?

Tama... baka tactics niya lang talaga 'to para mainlab ako sa kanya... para hindi matuloy ang kasal nila

Mama at Tito Sev.

Psh! ASA siyang mahuhulog ako sa patibong niya! Laro ang gusto niya? Sige! Pagbibigyan ko siya pero sisiguraduhin kong sa larong 'to, hindi ako ang matatalo.

Hindi ako ang mahuhulog sa kanya.

--Zico's Pov--

Damn! Kailan pa siya nagsimulang maging cute sa paningin ko? Oh hell... hindi naman ako naka-drugs ah? Pero bakit ganun?

She's so cute when she's clueless!

Aish! Stop it Zico! You just owe her that's why you're doing this, right?

Tama, tumatanaw lang ako ng utang na loob. Pero hanggang kailan? Matagal-tagal na rin nang damayan niya ako sa Puerto Galera noon ng hindi niya namamalayan. Wala siyang alam na ang pagpunta niya run at pag-stay sa tabi ko kahit nagkasala ako sa kanya ay isang form ng 'pagdamay'.

Simula nung ibigay niya 'yung picture sa akin, simula nung sabihin niyang hindi naman daw ako kasing selfish katulad ng iniisip niya dati -naging magaan na 'yung pakiramdam ko sa kanya. For the first time kasi, may isang taong nakaintindi sa akin. May isang taong nakakita na hindi naman talaga ako selfish katulad ng inaakala ng lahat.

At si Athena 'yun.

Wala akong balak maging close pa sa kanya... but just by seeing her! It's like she has a gravitational pull that causes me to get close to her more even if I really don't have an intention!

Paanong nangyaring bigla na lang naging ganito 'yung pakiramdam ko kapag andyan siya?

What the hell... is she a witch?

--Ericka's Pov--

Wala pa si Mama? Grabiti, hating gabi na ah! Pero bakit ako, gising pa? Hindi ko rin maintindihan eh.

Simula kasi kanina 'di na ako nakatulog. At take note! Nakasuot pa rin sa akin 'yung beats ni Colosseus.

Kahit walang tugtog, sinusuot ko pa rin. Ewan?

Kasi nung sinubukan kong tanggalin kanina sa ulo ko at tinignan ko 'yung beats eh hindi na naman mapakali ang hinayupak kong puso! Kaya sinuot ko na lang ulit! Kapag nakikita ko kasi 'tong beats na

'to naalala kong sinuot 'to mismo sa akin ng pyutyur kafated ko! At magsisimula ulit mag-dokidokidok

'tong puso ko. Pakshet lang 'di ba?

Haaay! Oo na! Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa pyutyur kafated ko! Shet!

Naglakas ako ng loob na tanggalin 'yung beats, pinikit ko 'yung mata ko para 'di ko makita tapos nilapag ko sa kama ko at tumakbo sa labas ng kwarto. Nagugutom ako eh :3

Pumunta ako ng kitchen at... PUNYETA! Bakit andito rin si Colosseus?! Talaga bang hindi niya ako papatulugin nang dahil sa mabilis na pagtibok ng heartlalu ko? Gaguhan lang?!

So no choice. Pumwesto ako sa mesa. Bakit ba?! Alangan naman na kumaripas ulit ako ng takbo nang dahil lang nandito siya? Eh gutom ako! Kaya hayaan na!

"Mas lalo kang hindi makakatulog niyan." Sabi ko sa kanya.

Eh kasi humihigop siya ng kape. Sino ba namang matinong tao ang magkakape sa ganitong oras lalo na't antok na antok na siya?! Di ba? Si Colosseus lang! At para sabihin ko sa inyo, hindi siya matino :3

"Paki mo."

Great! Just great! Gagong 'to! Matapos akong pakiligin -tangina, mali 'yung na-type ni otor! Di ako kinilig okay?! Re-phrase! Matapos niyang patalunin ang puso ko ng bonggang-bongga babalik na naman siya sa pagiging taong yelo niya?! Ano 'to, ha?! Ano 'to?!

"Ayaw mo 'yun, concern ako sa'yo!" Sabi ko.

"Ayoko."

Kdot! Ayaw eh 'di huwag :3 Bwesit!

So nagtimpla na lang ako ng hot chocolate milk para makatulog ako. Weee~ Samantalang umiinom ako ng chocolate milk ko, hindi maiwasan ng mata kong tignan si Colosseus. Grabiti, ang perkpekto pala niya? Tignan mo oh! The nose is so tangos! And the lips is so red, full of blood! -Augh, para naman akong vampire sa comment ko tungkol sa lips niya! Pero yaan na! Okay, and the eyes! Omegesh -the eyes!

I really don't like his eyes =________=

Eh kasi, ang cold. Siguro 'yung mata niya lang ang pinaka-ayaw ko sa mukha niya. Pero all in all,

GWAPO.

Teka nga, aantukin ba ako kapag dinescribe ko siya sa inyo? Amff!

"Magkwento ka nga!" Sabi ko sa kanya.

"Ikaw muna." Uyy at least hindi siya umayaw! Ibig sabihin, gusto niyang makipag-chismisan!

Mwehehehe~

"Uhmmm... alam mo ba, niloko ako ng boypren ko?" Sabi ko sa kanya with matching ngiti.

Bakit ba? Di na ako bitter ngayon nu! I'm very glad to say na -NAKA-MOVE ON NA AKO. ITAGA NIYO

'YAN SA MOUNT PINATUBO!

Nung una mukhang mahirap pero kung gugustuhin mong maka-move on, kakayanin mo. Parang ang dali 'di ba? Hindi rin, medyo matagal-tagal 'din ang tatlong buwan nu. Tatlong buwan na pagmo-move on? Nako, 'yung ibang story nga isang araw or dalawa pa lang naka-move on na eh!

Ano 'yun, PBB TEENS? Psh.~

"Bakit parang masaya ka pa?" Tanong niya sa akin.

"Masaya ako kasi naka-move on na ako. Kaya 'di na 'ko bitter." Sagot ko sabay higop sa chocolate milk.

Tsarap!

"Yun ba 'yung kasama mo nung sumakay na 'ko ng bus?"

"Ayy oo! Ang gwapo nu? Pero tangina lang! Isa ring gago amputa!"

Bat para akong lasing habang nagkwe-kwento? Nakakalasing ba ang chocolate milk? O____O Kelan pa?

"He doesn't deserve you."

Ewan ko. Hindi ko alam. Nababaliw na ako. Bukas na bukas, ako na mismo ang magpapasok sa sarili ko sa mental hospital.

Tangina bat ako nangiti nung sinabi niyang, "He doesn't deserve you."? What's the meaning of this, huh?! Anong kangiti-ngiti dyan ha Ericka?!

Umayos ka sabi! Tactics niya lang 'yan! Huwag kang padadala!

"Ikaw naman magkwento!" Nilabas ko 'yung peksyur niya na nakangiti.

Eh kasi. Di ko naman alam na nasa bulsa ko pala :3 Baka naglakad papuntang bulsa ko? K, korni.

=________=

Nilapag ko 'yung peksyur sa mesa.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.

Nakita ko ang galit sa mata ni Zico. Nalaman kong may magandang maidudulot 'yung pagtingin ko sa mata niya. Dahil ngayon, alam ko na na sa tuwing titingin ako sa mata niya -makikita ko ang nararamdaman niya. Eto pala ang gateway ng mga emosyon ng isang Colosseus Zico Zarte -ang mga mata niya.

"Bakit mo gustong malaman?" Tanong nito.

"Para patas tayo. Nagkwento ako, kaya dapat ikaw rin!"

"I loved her. Happy with that?"

Muli't muli, nakita ko na naman 'yung lungkot sa mata niya. Talagang nagre-reflect sa mata niya 'yung mga emosyon niya! Kahit madalas eh pokerface lang siya, sa mata talaga makikita 'yung totoong nararamdaman niya! Wow, asteeg si pyutyur kafated!

"Yung her ba... 'yung future kapatid mo sana... noon? Yung... na-kwento ni Qaz?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Uminom lang ulit siya ng kape niya. Silence means yes 'di ba?

Naka-move on na kaya siya?

Para kasing hindi... 'yung mga mata niya kasi... nalulungkot.

"Bakit hindi ka na lang magmahal ulit?" Suggestion ko.

Ay teka! Napipikit na 'yung mata ko! Grabiti, epektib talaga 'yung chocolate milk kapag inaatake ako ng insomnia! Gusto ko ng matulog!! =3=

"Because there's no one like her... no one like- asdfghjkl."

Putek! Ano 'yung huling sinabi ni Zico? Naantok na 'ko eh. I feel so dizzy... 'di ko na narinig.

Aww, goodbye world. Meme na ako :33

--Zico's Pov--

"Because there's no one like her... no one like- YANNA."

Pagkabanggit ko nang pangalan ni Yanna bigla na lang bumagsak 'yung ulo ni Athena sa mesa. Knock out? Psh, nakatulog na.

Somehow, she's so tough. Imagine, her ex-boyfriend cheated on her but she remained resilient.

Saan kaya kumukuha ng lakas 'tong babaeng 'to? Gusto kong malaman -paano siya naka-move on.

I wanna know, so I could try. So I could forget Yanna.

Tinapos ko lang 'yung kape ko tapos binuhat ko na si Athena papunta sa kwarto niya so she can sleep very well. Hindi naman siya magiging komportable sa upuan 'di ba? Inihiga ko na siya sa kama niya at kinumutan siya. I found my beats on her bed, I picked it up and put it in a table inside her room. After that, I took the last look -last look on her face before I vanished beside her.

####################################

{ TBUP -54: East Velvet University }

####################################

{ TBUP -54: East Velvet University }

--Ericka's Pov--

*Ring! Ring! Ring!*

Sino bang putanginang naka-imbento ng alarm clock?! Letcheeeeeeeeee~! Papasok na ako!! Papasok na ulit ako! Gaguuu, college na ako!! Parang kagabi lang, humihigop pa ako ng chocolate milk ah!

Tapos, kausap ko ba si pyutyur kafated tungkol sa lablayp niya -ayy putaaa~!

Yung lablayp niya! Di ba may sinabi siya?! Di ba sabi niya, "there's no one like asdfghjkl" Sht! Bakit kasi nakatulog ako kaagad?! Bakeeeeeet?! Eh 'di sana alam ko na 'yung namesung ng girlash ni Colosseus!

Amfff! >______<

Teka nga, bat ba gusto kong malaman?

Eh kase nga, curious ako.

Curious George -'yung unggoy ngay? xD Taena, hindi ako unggoy ha! =_____=

So nagpre-prepare na ako para sa pagpasok ko sa university. Naligo, kumain, nagpaganda -kahit obviously dyosa na ako. At ayun, ready na! Ayokong ma-late. Tyaka sabay daw kami ni Colosseus eh.

Sabi ni Tito Sev at Mama. Kakauwi lang nila kagabi! Halatang ang saya-saya ng date nila ngay!

Hanggang sa bahay harutan pa rin! Haaay nako!

...

...

...

Ang gwapo ni Colosseus.

Ayy shet! Baket kasi pinaparada niya 'yung mukha niya sa harap ko 'di ba?! Oo nga, ano ba kasing ginagawa niya sa harap ko?

"Bilisan mo." Walang emosyon niyang sabi.

Poker face? Idol si Lady Gaga?

"Yes Sir!" Sagot ko naman.

Tumalikod na siya pero bigla kong naalala 'yung conversation namin kagabi kaya naisipan kong itanong.

Malay niyo, ulitin niya 'di ba? Kasi kung nakakamatay lang ang curiosity eh baka kanina pa ako tigok!

"Hoy!" Tawag ko sa kanya.

Hindi naman ako nag-aalala na baka magising si Mama at Tito Sev kasi sigurado akong tulog pa 'yun or kung gising man sila baka naghaharutan pa rin =_______=

By the way, lumingon si Colosseus! Grabiti, bat ang gwapo niya ngayon? :"">

"Anong pangalan nung gerlpren mo dati?" Tanong ko.

"Tsss... Bakit kasi excited kang matulog." Tapos tumalikod na siya at naglakad papalabas ng bahay.

"Hooooy! Kasalanan ko bang inaantok na ako?! Hoy! Zico naman kase! Hoy!"

Amfff. Zico na nga ang itinawag ko sa kanya 'di pa rin lumingon ang loko. Gago ba siya?! Yaan na nga, pwede ko naman tanungin ulit. Pagdasal na lang nating sabihin niya ulit.

So lumabas na rin ako ng bahay at dumiretso sa garage kung saan nakaparada 'yung kotse ni

Colosseus. Taray, may kotse siya! Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?

Pagkatapos nun binuksan ko na 'yung pinto sa backseat pero biglang bumusina ng malakas si pyutyur kafated.

"AYY PUTA!" Nasabi ko dahil sa pagkagulat. Tsk tsk. "Ano bang problema mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Sinong nagsabing dyan ka sasakay?" Siya.

Hah?! Anong ibig niyang sabihin, hindi niya ako papasabayin sa kanya?! Saan ako sasakay?! Huwag niyang sabihing pagco-commute-in niya ang dyosa kong mukha at katawan?!

WHAT THE HELL COLOSSEUS!

Akala ko ba oh-so-nice na ang treatment mo sa akin?!

"Hoy! Ayokong mag-commute! Sasabay ako sa ayaw at sa gusto mo!" Sabi ko sabay bukas nung pinto sa backseat at pumasok na ako run.

Nung nakasakay na ako nakatingin lang sa akin si Colosseus ng masama. Omegesh. Ano na naman bang ginawa kong mali?! Parang sasabay lang eh! Galit ba siya kasi tinulugan ko siya kagabi?! Eh sorry naman! Kasalanan ko bang effective talaga 'yung chocolate milk pampatulog?!

"Oh ano? Drive na! Ma-late pa 'ko eh!" Utos ko sa kanya habang naka-cross arms.

"Ano ako driver mo?"

"Eh anong gusto mo? Ako ang mag-drive? Ulol ka ba? Gusto mong mamatay ng wala sa oras?"

"Tanga. Dito ka sa harap umupo." Wika ni Colosseus sabay tingin sa ibang direksyon.

O______O Anyaree pows? Bakit naman ako run uupo eh sabi niya nga sa akin noon ayaw niya akong katabi? Anong nangyayari Colosseus? Bakit bigla ka na lang nagiging ganyan? Adik ka ba?

Lumabas na lang ako ng backseat tapos naupo sa tabi ni Colosseus. Spell akward: K-A-M-I.

"Sana palagi ka na lang ganyan." Out of the blue kong sabi sabay ngiti.

"Tsss..."

Tahimik lang kami habang nagbya-byahe papuntang school. Cold ambiance. Pero keri lang. At least katabi ko siya :""> Hohoho. Eh kase! Huwag maingay! Sasakalin ko magkakalat nito!

KRAS KO NA ATA SI PYUTYUR KAFATED :"">

Tsii! Shhh lang ah?! Bat kasi ampogi niya 'di ba? Kras ko lang siya kasi pogi siya, okay? Yun lang!

Tyaka aware naman ako sa fact na magiging kapatid ko na siya kaya malabong mas lumalim 'yung pagkagusto ko sa kanya. Pramis! Malabo talaga! Kaya kontento na ako sa pa-kras kras lang.

Tyaka sabi ni Carmeen, mas marami raw gwapo sa college kaya baka mas marami akong maging kras dun! Nyahahahaha! >:)))) Boy hunting, gwapo gazing -CHECK!

"Mukha kang tanga."

Mukhang tanga?! -Ay sht, nakangiti pala ako! Baka akala niya abnormal ako >.<

Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na kami sa University. Dito ako pinasok kasi nga lagpak ako sa

UP. Di ako nakapasa! Hindi kasi ako nag-review. Ano pa bang aasahan ninyo sa isang Ericka Artemis

'di ba? Kaya ito, napunta sa pangalawa sa pinaka-mahal na school sa buong Pilipinas! Lels, totoo!

Pramis! Una kasi 'yung Austen, 'yung dating school ni Colosseus ngay?

Ayun, naghiwalay na rin kami ni Colosseus -ng landas. Hihihi :D Tinext ko na si Carmeen para makapag-chika pa kami. Mamaya-maya pa naman kasi 'yung pasok ko kaya baka may time pa kaming makapag-gwapo gazing xD

Bang! Ayun ang gaga! Nag-aayus ng buhok!

"Hi Besh!" Bati niya sa akin.

"Hi Gagita!"

"Alam mo ba besh, may nakita ako rito sa East Velvet!" Sabi sa akin ni Carmeen.

"Oh talaga? Couples ba?!" Biglang nag-sparkle 'yung mata ko. Eh kasi, may mahuhulaan na naman ako! Yahoooo~!

"Mmmm... 'di eh."

Kung kanina 'yung expression ko eh ganito: ^___________^ Bumagsak na sa pagiging ganito:

=__________=

Akala ko kasi couples na T^T Akala ko makakapanghula na ako eh! Bad trip talaga! I hate it~!

"Eh ano?!" Pagalit kong tanong.

"Hoy! Mukha mo parang dinaanan ng tren! Si Scarlet nakita ko, gaga!"

Scarlet? Pakialam ko 'run? Close ba kami? Taena si Scarlet lang pala eh! Ano bang pakialam ko sa babaitang 'yun?! Tyaka 'di ko pa nakakalimutan 'yung grudge niya sa akin! Alam kong irita pa rin 'yun sa dyosa kong mukha at hindi niya matanggap na mas maganda ako sa kanya. Amff! Kaya all in all:

WAPAKELS!

"Siya lang pala. Yaan mo na 'yun." Sabi ko.

"Tanga may kasamang lalake! Nakikipaglampungan!"

"Oh tapos? Alangan namang istorbohin natin? Halika na! Bumingwit na tayo ng papa!"

"Ehh! Halika kasi!"

Tapos hinila na ako ni Carmeen hanggang sa napunta kami sa harap ng isang kwarto. Ewan, bakante ata. Kasi walang tao -except na lang sa dalawang nagma-make out. Amff >__< Make out queen talaga

'tong si Scarlet! Hanggang dito ba naman dinadala pa rin ang kalibugan?! Tyaka bakit ba ako dinala ni

Carmeen dito?! Manunood? Audience? Yak! Kung ito lang din naman ang papanoorin ko eh 'di wag na lang!

"Umalis na tayo rito! Hoy ikaw Carmeen, kung gusto mong manood ng porn huwag 'yung live! Gaga ka talaga!" Hinihila ko na si Carmeen pero ayaw pa rin niyang umalis.

"Besh, naaawa ako sa kanya."

Tapos bigla na lang pumasok sa kwarto si Carmeen tapos hinila si Scarlet O______O Hala ka besh!

"Ano bang problema mo?! Pinapakialaman ba kita?!" Sigaw ni Scarlet.

Ano bang nakakaawa sa babaeng 'to? Eh ang sungit-sungit!

Pumasok na rin ako sa loob. Hindi naman ako pwedeng manood na lang at hayaang si besh ang pagbuntunan ng galit nitong bruhang 'to!

"Bakit kasi dito kayo naglalampungan eh alam niyong University 'to! Boba ka ba?!" Bulalas ko.

"Hah! Nandito pala ang break-up planner na walang love life? Psh."

Gaga 'to ah! Ipangalandakan ba namang wala akong lablayp?! Paki ba niya?! Makakakuha rin ako nu!

Taenang 'to! Sarap kutusan!

Teka 'yung lalake bigla na lang lumabas. Hindi man lang nagpaalam? Well, by the way...

"So? At least hindi nakikipag-make out kung kani-kanino!"

"Besh, sama na lang natin siya..." Pakiusap ni Carmeen.

ANO RAW?! PUTANGINA BAKIT KO SIYA ISASAMA?! CLOSE BA KAMI?!

"Ayoko nga!" Augh, sabay naming sabi ni Scarlet ¬___________¬

"Eh dyosa naman tayong tatlo 'di ba? Eh 'di dapat lang na magsama-sama ang mga dyosa!" Sabay ngiti pa ni Carmeen.

"Oh? Dyosa ka? Di ko knows!" Sabi ko kay Carmeen.

"Gagu ka besh! Ehh~ isama na natin siya!"

Tumingin ako kay Scarlet. Naka-cross arms lang siya at nakataas ang isang kilay. Taray-taray mo ha!

Tapos binaling ko ulit 'yung tingin ko kay Carmeen. Naka-pout ang loka.

Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya sa amin 'di ba? Tyaka ang tagal-tagal na nung issue namin. Hmmpf! Yaan na nga!

"Ang tanong, sasama ba siya?" Tanong ko.

"Ayoko." Sabi ni Scarlet.

"Eh 'di huwag! Di kita pinipilit! Halika na nga Carmeen! Sinasayang niya laway natin eh!" Tapos hinila ko na si Carmeen papalabas.

"Tekaaa~ baka broken hearted siya?"

"Paki ko? Eh ayaw nga niya eh! Anong magagawa ko? Lumuhod sa harapan niya para lang sumama siya sa atin?! Oh sht Carmeen, I won't do that!"

Biglang lumabas si Scarlet sa kwarto.

"On the second thought, hindi naman siguro masamang sumama sa inyo 'di ba?" Tapos nag-smirk siya.

Ewan ko kung matutuwa ako o hindi. Ngayon, tatlo na kaming maggwa-gwapo gazing =_____=

"Buti na lang walang mga Epiales dito nu?" Sabi ko.

"Well, sht happened!" Bulalas ni Scarlet.

Dahil pagtingin ko sa kaliwa ko...

"Fvck! Psyche and Chron!"

####################################

{ TBUP -55: If you ever come back }

####################################

{ TBUP -55: If you ever come back }

--Ericka's Pov--

Tae! Akala ko ba sa UP mag-aaral ang dalawang Epiales? Well, wala namang kaso sa akin kung dito mag-aaral si Chron pero si Psyche! -Tangina naman, bakit pati si Psyche?! Hindi dahil sa hindi pa ako naka-move on kaya ayaw ko siyang mag-aral dito, ang sa akin lang -EX KO SIYA! At napaka-akward naman kung nasa iisa kaming University 'di ba?

Oo, si Chron ex ko rin at magkaklase pa kami pero iba si Psyche eh! Iba siya dahil oo, minahal ko siya ng sobra. Iba siya dahil mas gwapo siya kaysa sa kuya niya (chos!). Iba siya dahil NILOKO NIYA AKO!

And for that? Well, putangina mong Psyche Epiales ka!

Nung una nakatingin lang kami sa kanila. Nakatingin ako kay Psyche habang papalapit sila. Though hindi nila kami makita kasi nasa sulok kami eh bigla na lang tumama sa akin 'yung tingin ni Psyche.

Pucha!

RUN DEVIL RUN!

Teka, 'di ako kumakanta ng Run Devil Run ng SNSD dahil literal na tumatakbo ako talaga ako! Pakshet!

Bakit kailangan niyang dito mag-aral?! Tahimik na ang buhay ko, naka-move on na ako! I repeat, NAKA-

MOVE ON NA AKO! At ayaw ko siyang makita hindi dahil affected pa rin ako sa kanya kundi dahil ayokong guluhin niya ulit ako. Ayoko nang magkaron pa ng kahit anong koneksyon sa kanya kasi sawang-sawa na ako. Ayoko nang makausap siya kasi 'yung pagtataksil niya lang ang naaalala ko!

Ayoko nang ligawan niya ulit ako -dahil baka mahulog na naman ako sa kanya.

At anong kasunod? Lolokohin lang din niya ako.

Hindi kasi ako naniniwala run sa second chance eklabu. Oo dati naniniwala ako pero simula nang lokohin ako ni Psyche, ayoko na.

Kapag binigyan mo kasi ng second chance ang isang tao parang binibigyan mo rin siya ng isa pang pagkakataon para saktan ka ulit. Oo, aayusin niya 'yung gulong iniwan niya pero gagawa at gagawa ulit siya ng isa pang bagay na ikasasakit ng damdamin mo. Bakit? Nagawa niya na nung una ang saktan ka, hindi malabong gawin niya ulit. Sometimes, people do bad things towards the person who loves them just to prove that they're very special to be forgiven. In tagalog, gumagawa ng kasalanan ang mga tao sa mga taong nagmamahal sa kanila, para lang mapatunayan at para lang maipagmayabang na masyado silang espesyal sa taong 'yun para makamit 'yung kapatawaran.

Kaya ayoko na. Ayoko na kay Psyche.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ang gaga ko ba? Bakit ako tumatakbo?! Zombie ba si Psyche? Lels, gwapong zombie? Teka nga kasi! Bakit ako tatakbo? Hindi ako takot kay Psyche ha! Kaya aish! Bakit ako tatakbo?

Back to normal! Hayaan mo siyang magsawang habulin ka Ericka! Hayaan mo siyang maramdaman

'yung sakit na pinaramdam niya sa'yo. Hayaan mo siyang masaktan nang hindi dahil sa kagagawan mo, kundi dahil sa sarili niyang kapabayaan. Hindi ako maghihiganti, bakit pa? Baby karma will take care of it! ;)

So naglakad-lakad lang ako. Ewan ko lang kung nasaan na ako, sa lawak kasi ng University na 'to hindi ko pa masyadong kabisado. Pagtingin ko sa relo ko eh saktong alas otso na ng umaga. Nagtungo na ako sa building ko. First subject, Media and Politics!

--Scarlet's Pov--

Ah sht. Hindi ko alam kung malas ba talaga ako o talagang si Carmeen at Ericka ang nagdala ng malas sa buhay ko? Hindi ko rin alam kung tama talaga 'yung desisyon kong sumama sa dalawang 'yun eh.

Mukha namang wala akong mapapalang matino. Tangina lang! Naiinis kasi ako dahil wala akong kaibigan dito sa Univeristy na 'to at silang dalawa lang ang kilala ko kaya no choice kundi sumama sa kanila. Di bale, kapag may nahanap na akong ibang kaibigan iiwan ko na lang sila.

Well, ano ba kasing klaseng mala sang kumapit sa akin?! Nakakagago naman kasi! Sabi ni Chron sa

UP siya! Eh anong ginagawa nilang magkapatid dito?!

Teka nga, baka naman namamasyal lang 'di ba?

At teka lang, bakit kumaripas ng takbo 'yung si Ericka?

Natakot kay Psyche? Tsss... sa bagay, kung ganun ang ex ko, gago at manloloko, matatakot talaga ako. Psh.

Hindi ko na lang siya pinansin, nagpaalam na rin ako kay Carmeen. Sabi ko may klase ako pero babalikan ko lang talaga 'yung naudlot kong make out session. Sabi ko naman kasi sa inyo 'di ba?

Babalik na lang ako sa dati. Ang pagiging make out queen. Wala naman kasi akong napala kay Chron.

At talagang wala akong mapapala kasi nga si Selene ang mahal niya.

Imagine, malayo na nga si Selene, nakipag-break na nga sa kanya, hindi na nga siya tinatawagan o tinetext pero siya pa rin ang mahal. Sabi nila madaling masira ang relasyong 'LDR'. Katunayan nga, mas madali kasi wala na talaga silang relasyon, pero bakit ganun? Kahit wala silang relasyon, bakit mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa?

Bakit mahal pa rin ni Chron si Selene? <//3

Hayaan na. Tatanggapin ko na lang na wala talaga akong mapapala. Ganito naman talaga ako eh.

Madaling sumuko sa lahat ng bagay.

--Ericka's Pov--

Yiiz! Tapos na ang klase! Masaya pero boring, lalo na kung lahat ng kaklase mo sa iba't ibang subject eh poker face. Parang si Colosseus lang.

Speaking of Colosseus, bakit parang hindi ko pa nakikita ang kagwapuhan niya? I mean, nasa iisa kaming University pero bakit hindi pa nagkru-krus ang landas namin?

Malamang baka busy siya. Ganun naman daw kasi 'yun. Sabi ni Manang, ayaw na ayaw ni Colosseus ang nagi-skip ng klase. Umulan man daw o umaraw, pumapasok siya. Grabiti, magpakasal na lang kaya sila ng University niya! >____<

Pero sabi niya, susunduin niya raw ako sa building na 'to. Kasi nga sabay kaming nauwi. Kaya hintayin ko na lang. May klase rin kasi si besh at hindi siya sasabay sa akin. Susunduin kasi siya ng kanyang ever-loving-boyfriend na si Elzid. Hahaha! Naalala ko tuloy 'yung mukha ni Qaz nung ni-reject siya ni

Carmeen. Muntanga lang. Kamusta na kaya 'yun? Dito kaya 'yun nag-aaral?

Yaan na nga.

Tinatanaw ko lahat ng pwede kong tanawin para makakita ng couples pero -ano bang klaseng lugar

'to?! Bakit walang couples?! Walang lovers?! Ganito ba lahat ng tao rito?! Seryoso sa pag-aaral at walang panahon sa love? Aish naman! Kating-kati pa naman akong manghula! Nung enrollment marami naman ah! Huwag nilang sabihin nag-break silang lahat nung hinulaan ko sila?

Oh well, what else do you expect from the break-up planner 'di ba?

Teka ang yabang ko! Sht xD

Iginagala ko pa rin ang mata ko nang mapatingin ako sa isang lalakeng nakatayo sa 'di kalayuan habang nakatingin sa akin. Punyeta si Psyche 'yun ah! Bakit naman siya nakatingin sa akin?! YAAAY

STALKER AMPUTA!

So dito talaga siya nag-aaral?! Uwaaaaaa~! I don't wanna live in this world anymore! -Teka nga, ang OA ko. Mamaya magkatototoo at mamatay na ako mamaya.

Amff! Act natural Ericka! Wala lang 'yan! Hindi si Psyche 'yan! Picture niya lang 'yan! Lels, ang korni ko talaga >____<

Naglakad-lakad na lang ako sa corridor. Pero tumitingin-tingin ako sa likod ko. Pucha pano kapag sumunod si Psyche ngay?! Mamaya kidnapin ulit ako nun! So lakad-lakad lang. Act normal kahit sa loob-loob mo eh gusto mo nang umuwi.

"Ericka."

"AYY GAGO FROM MOUNT PINATUBO!" Sht, sht, sht! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Paano siya nakapunta sa harapan ko?!

"Mag-usap tayo." Wika niya.

Okay, compose yourself Ericka. MATARAY MODE: ON!

"Nag-uusap na tayo, bopols!" Sabi ko with matching taas ng kilay at crossed arms.

"Please..."

Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo!

Naglakad ako ng mabilis. As in nilakihan ko 'yung hakbang ko papalabas ng building pero bago pa man ako makalabas eh bigla niyang hinigit 'yung pulso ko.

"Makinig ka muna kasi!" Sabi niya.

"Eh ayoko nga eh! Bakit ako makikinig sa katulad mo?! Sino ka ba?!"

"Ako ang mahal mo..."

Wow ha! Proud ka tsong! Pero sorry ka na lang kasi hindi na ikaw ang mahal ko! Kahit buksan mo 'tong puso ko, wala kang makikitang pangalan mo! Mas gugustuhin ko pang maging bokya sa lablayp kesa sa maging ikaw ulit ang lablayp ko! Ayoko na! Ayoko na sa two timer at manloloko!

"Wow ha! Mahal your face! Di kita mahal, gago ka!" Tapos tumalikod na ako pero hinawakan niya ulit

'yung pulso ko, "ANO BA?!" Pasigaw kong tanong.

"Hindi ba pwedeng magsimula na lang tayo ulit? Hindi ba pwedeng mahalin mo na lang ulit ako?" Psh.

Kakornihan mo oh! Yak!

"Magsimula, huh? Matapos mo akong lokohin? Matapos mo akong gaguhin? Matapos mo 'kong pagsalitaan ng kung ano-anong bagay! Matapos mong palabasin na wala akong ginawa para mag-work

'yung relasyon natin? Matapos mo akong talikuran nung prom? Matapos mong gawin lahat ng 'yun, ang lakas-lakas ng loob mong pumunta sa harap ko at sabihin 'yan?! Sinong ginagago mo, AKO?! Pwes, hindi na ako maniniwala!"

Tumalikod na ako sa kanya. Naglakad papalayo. Tangina niya! Mahalin? Minsan ko na siyang minahal pero anong ginawa niya? Napakagago niya lang talaga! Hindi ako masama, talagang deserve niya lang lahat-lahat ng 'to! Deserve niyang makatanggap ng ganung mga salita ang matrato ng ganun!

Sinundan pa rin niya ako. Bahala siya.

"Liligawan ulit kita! Papatunayan ko ulti sa'yong ako lang ang karapatdapat mong mahalin at wala ng iba! Ako lang, Ericka. Ako lang!" Sigaw niya.

Yeah whatever. Kahit sumigaw ka ng sumigaw dyan, hindi na ako maniniwala. Kahit umiyak ka ng dugo, wala ka nang mahihita sa akin. Marami ka ng ginawang nagpabago ng nararamdaman ko para sa'yo.

Natuto na akong mag-move on. At kapag sinabi kong ayoko na, ayoko na talaga. May isang salita ako at lahat 'yun tinutupad ko.

"Eh 'di gawin mo! Pero huwag na huwag mong aasahang babalik pa 'ko sa'yo. Minsan ko nang hiniling sa'yo 'yun eh, pero tinalikuran mo ako. Kaya bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Wala akong pakialam."

Bwiset ka kasi Colosseus! Bakit kasi ang tagal mong sunduin ako! Ito tuloy! Kinakausap na naman ako ng ex ko! Wish ko lang talaga! Wish ko lang dumating na si Colosseus dahil gustong-gusto ko nang umuwi!

Uwaaaaaaaaa! Ilayo niyo na ako sa gago!!

Ilang sandali pa, hinawakan niya ulit ang pulso ko. Di ako tumigin sa kanya. Ayoko.

"Ericka... please nam-"

*PEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!*

Yes! Busina ng kotse ni pyutyur kafated! Andito na siya! Yes! Makakalayo na ako sa gago! Mabuhay

Pilipinas! Mabuhaaaaaay~!

Agad akong sumakay sa front seat ng kotse ni pyutyur kafated. Tinignan ko si Psyche sa huling pagkakataon at binelatan siya. HAHAHAHAHA!

Serves him right!

####################################

{ TBUP -56: Owe }

####################################

{ TBUP -56: Owe }

--Ericka's Pov--

POV ko na naman? Baka magsawa 'yung mga tao nyan! Hala! Pero sa bagay, ako nga naman ang bida. Mwehehehe :3

By the way, high way, tawa pa rin ako ng tawa rito sa loob ng kotse ni pyutyur kafated. Hindi ko mapigilan eh. Hindi ako pinapansin ni Colosseus pero alam ko sa loob-loob niya eh ilang beses na niya akong tinawag na 'baliw'. Napaka-epic fail kasi nung mukha ni Psyche eh! Sht! Ang galing mo talaga

Ericka! Kaya ka gumaganda lalo eh! xD -Anong konek? :)))))

"Ang ingay mo." Komento ni Colosseus.

Yun lang naman ang hinihintay ko eh! Eh 'di sinaway niya rin ako! Hihihi!

"Wala lang. Masama bang matuwa? Hahahahaha!"

"Tsss... mukha kang tanga."

"Alam ko! At least masaya! Mwhahahaha!"

Kung pwede lang akong magpa-party sa buong Pilipinas dahil sa tuwa eh kanina ko pa ginawa.

Tangina! Panalo eh! Panalo ako!

Ay teka! Naalala kong late pala si Colosseus ng pagsundo sa akin! Hayuup din 'to eh! Kung maaga lang sana siya eh 'di sana 'di na ako nakausap nung gago! Bwisit lang =_____=

"Bakit ba ang tagal mo kanina?" Tanong ko.

"Mukhang nage-enjoy ka eh." Nage-enjoy?!

Ibig sabihin... nandun na siya kanina pa?! At talagang nanuod pa ang loko?! Pucha! Ilang beses kong pinagdasal na dumating na siya 'yun pala pinapanood niya ako habang hinihila-hila nung Psyche na

'yun?! Watdapak! I HATE YOUUUUUUUUUUUUU~!!

"Sht! Nakakainis ka, alam mo ba 'yun?!"

"Hindi."

Aish! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko naging kras 'to! Kung bakit... arggh! Akala ko okay na kami eh! Yun pala hindi ko siya maaasahan sa oras ng pangangailangan?! Paano na lang kung kinidnap ako nung Psyche na 'yun? Hindi pa rin siya darating?

Pero on the second thought...

Dumating siya. Dumating siya nung hinila ulit ako nung gago. At least dumating pa rin siya 'di ba? Pero naman eh! Sana naman inagahan niya! At sana naman hindi na siya nanuod pa! Anong akala niya sa amin teleserye?! Nakakaasar lang! >___________<

"Pwede bang maging mabait ka na lang ulit?" Sabi ko.

"Ulit?" Confused niyang tanong. "Kelan ba ako naging mabait sa'yo?" Poker face na naman?!

Psh! Oo nga pala. Cold, cold pa rin siya. Palagi na lang ganito! Kada-magpapa-cute ako -ay teka mali, di ako nagpapa-cute ha! Ahem! Kada-tatanungin ko siya ng mga ganitong bagay nagiging cold siya!

Ano ba! Palagi rin siyang may mood swings! Daig pa niya ang naglilihi at nagme-menopause eh! Pero

'pag minsan naman nakakainlab 'yung pagiging caring niya!

Alam mo 'yun? Pag minsan hindi mo na siya maintindihan?! Hindi mo na ma-predict 'yung susunod niyang ikikilos o gagawin?! Nakakabobo lang!

Pero teka nga! Bakit niya ba ginagawa 'yung mga kabaitang 'yun 'pag minsan? Gusto kong itanong, gusto kong malaman eh. Wait lang, tanong natin!

"Bakit mo ba ginagawa 'yung... mga 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo." Concentrate pa rin siya sa pagdra-drive.

"Yun, 'yung binilhan mo 'ko ng gamot. Yung binigay mo sa akin 'yung coat mo. Yung pag-akyat mo sa akin sa kwarto nung isang gabi?"

Paano ko nalaman na siya ang nag-akyat sa akin sa kwarto nun? Eh kasi, sinabi ni Manang sa akin.

Gising daw kasi siya nun kasi naiihi siya at kailangan niyang pumunta sa CR at nakita niya raw si

Colosseus na buhat-buhat ako paaakyat sa stairs. Oh 'di ba ang sweet -este, ang galing?

At tyaka may hindi pa ako nasama! Yung unang-unang encounter ko sa kanya. Dun sa prom. Di ba?

Kahit ayaw na ayaw niya kay Mama pumunta pa rin siya!

Alam ko namang mabait si Colosseus eh. Hindi ko lang alam kung bakit pinipigilan niyang ilabas 'yung tunay na siya.

"Utang na loob lang 'yun." Sagot niya.

Utang na loob? Paano naman siya nagkarun ng utang na loob sa akin, aber? Wala naman akong matandaan na may ginawa akong maganda para sa kanya. Hindi ko naman siya ginawan ng assignment? Di ko naman siya pinagluto? Di naman ako naglaba ng damit niya? Pero anong utang na loob 'yun ngay? O________O

"I owe you. That's just it. Don't ever think that I have something for you." Something?

Alam ko namang wala! Tyaka 'di ko naman pinapangarap na magkaron! Kasi nga -MAGIGING

KAPATID KO NA SIYA. Kaya kahit kras ko siya, kontento na ako run. Hindi ko na gugustuhin pang lumalim kung ano mang meron kami ngayon. Okay na ako sa ganito. Tyaka napakalabong maging kami, like duh?

"Alam ko! Pero ano namang utang na loob 'yan ha Colosseus?"

Tumingin siya sa akin -ng masama. Naramdaman ko na naman 'yung pagtaas ng mga balahibo ko. Sht, tinawag ko pala siya sa pangalang pinakaayaw niya! Eh sorry naman daw! Nakalimutan ko eh! Tyaka sanay na akong tawagin siyang Colosseus. Kaya...

Niga saranghaneun naneun sorry i'm a bad girl~!

Lels, wala lang. Pinalitan ko lang 'yung lyrics nung Bad Boy ng Bigbang :"""> Kras ko kasi si G Dragon.

Hindi na si TOP, kasi marami na akong kaagaw sa kagwapuhan niya! Mwehehehehe :3

Anyways...

"Nung binalik mo sa akin 'yung picture."

Oh. So 'yun pala 'yun? Binalik ko lang 'yung picture tapos utang na loob na para sa kanya? Hindi ba pwedeng daanin niya na lang sa salamat at para tapos na? Pero in fairness ha, kung hindi dahil sa utang na loob na 'yan hindi ko makikitang lovable pala 'tong future kapatid ko.

Teka nga! Anong lovable?! Like duh! Teka nga! Kung ano-anong sinasabi ko eh. Tahimik na nga lang ako.

Nakarating na rin kami ng bahay sa wakas. At as usual, wala si Mama at Tito Sev. Landian mode na naman sila sa iba't ibang lugar. Yaan na nga, pagbigyan ang mga matatanda.

Papasok na sana ako ng kwarto ko para magpahinga dahil sobrang stressed na ako sa kagaguhan ni

Psyche nang bigla akong tawagin nang aking future kapatid. At alam niyo kung anong tinawag niya sa akin?

"Athena..."

Punyeta lang 'di ba?! Ang tagal-tagal ko na ring nandito sa bahay eh! Palagi ko nang sinasabi sa kanilang lahat na huwag na huwag nila akong tatawagin sa pangalang 'yan dahil magiging leon talaga ako! Tangina! Kay pangit-pangit na pangalan eh! Tyaka si Chron lang tumatawag sa akin niyan, pero sinabi ko na rin na itigil na niya kasi naiirita talaga ako. Ewan ba. Ayaw ko talaga ng pangalang 'yan.

Sabi kasi ni Mama... 'yung oh-so-good-for-nothing kong tatay ang nagbigay sa akin ng pangalang 'yan.

Kaya, err! Ayoko! Ayoko ng Athena! Buset!

Anyways...

"Ericka kasi itawag mo sa akin! Ano ba naman 'yan, Colosseus!"

OOPS! Natawag ko rin siya sa pangalang ayaw na ayaw niya. Grabiti lang, pareho kami. Baka naman siya ang nawawala kong kambal? Lol, kung ano-anong iniisip ko eh :)))))

"May rules para sa'yo..."

RULES?! Ano na namang kabadingan 'yang rules na 'yan? Bakit ngayon ko lang 'yan narinig?!

"Anong rules?" Tanong ko.

"Bawal kang umuwi ng late, bawal hindi sumabay sa pagpasok at pag-uwi, bawal lumabas ng walang kasama o ng walang pahintulot ko, bawal mag-boyfriend-"

"Putangina ano bang kalokohan 'yan?!"

"At bawal kang lumandi."

ANO?! WATDAPAK WITH THOSE STUPID RULES?!

Ano 'yang bawal lumandi?! Mapipigilan niyo ba ang 'landi hormones' ko?! At what the hell?! Sinong gumawa ng mga rules na 'yan?! Tangina may saltik ata 'yan eh! Sht! Ang dami-daming alam! Si Mama nga 'di ako binabawalan sa mga ganyang bagay eh!

Sino ba kasing Poncio Pilato ang gumawa ng mga 'yan?!

"Ano bang sinasabi mo dyan?! Sinong nag-uutos niyan?!"

"Ako." Walang kaemo-emosyon niyang sagot.

Gago 'to ah! Sinong nagsabing pwede niya akong utusan ng mga ganyan?! Sinong nagsabi sa kanyang pwede niya akong pigilan sa mga gusto kong gawin?! Anong kalokohan ba 'to?! Punyeta!

"Ano bang pumasok sa kokote mo at sinasabi mo 'yan sa akin?!" Pagalit kong tanong.

Ayaw na ayaw ko kasi 'yung pinipigilan ako sa mga gusto kong gawin. Nung na-grounded nga ako nung second year high school eh nagdabog ako nang nagdabog, sinagot-sagot ko si Mama tapos tumakastakas ako. Kasi ako 'yung klase ng taong hindi pako-kontrol sa kahit kanino! Kaya bakit niya 'ko ginagawan ng rules?!

"Mawawala ng ilang weeks si Daddy at ang Mama mo, binilin ka nila sa akin." Cold pa rin 'yung mata niya. Parang wala siyang pake.

"Hah! Pero hindi nila sinabing gumawa ka ng rules 'di ba? Tumahimik ka nga! Di ko 'yan susundin!"

Tapos umakyat na ako sa kwarto ko.

Di ako ginawa ng mga magulang ko para lang kontrolin ng kung sino-sino. Fvck those rules! Bahala siya sa buhay niya. Kung ganun siya dati sa mga magiging kapatid niya sana -well, ibahin niya ako.

The next day, hindi ako sumabay sa kanya sa pagkain. Talagang inagahan ko kasi naiinis ako sa kanya.

Control freak pala siya eh! Buset! Kaya siguro iniwan ng gerlpren niya =_______=

Di 'rin ako sumabay sa kanya sa pagpasok. Bahala siya dyan. Andun din 'yun sa rules kuno niya eh.

Balak ko ring hindi sumabay sa kanya sa pag-uwi. Bahala siya dyan. Wa ako pakels sa kanya!

***

--Fast Forward | Dismissal.

Hindi ako dumaan sa main gate ng University. Di rin ako dumaan sa building ni Colosseus para 'di niya ako makita. Ayoko siyang kasabay. Na-bad trip ako eh! Akala ko okay na kami 'yun pala control freak ang loko! Hmmpf! >____<

Papasyal muna ako!

--Zico's Pov--

Damn! Nasaan ba 'yung babaeng 'yun?! Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng building nila pero wala siya! Pasado alasais na pero hindi pa rin siya lumalabas! Parang wala na ngang tao sa loob ng building nila eh.

Saan ba siya?!

Minabuti ko nang pumasok sa building nila para hanapin si Athena.

Tama nga ang hinala ko. Wala siya rito! Psh. Baka kasama nung bespren niya?

Inikot ko 'yung buong University pero wala siya. Hindi ko siya nahanap! Patay! Baka na-kidnap siya? O baka naman sinadya niya talagang lumabas ng maaaga at hindi makisabay sa akin?

Alam ko namang nainis siya run sa rules na sinabi ko kagabi pero para 'rin naman sa kanya 'yun eh.

Hindi naman ako gagawa ng mga bagay na ikasasama niya. Dahil nagbago na ako. Di na ako 'yung dating Zico na nagpapahamak ng magiging kapatid para lang hindi matuloy 'yung kasal ni Daddy. Iba na ako.

Hinanap ko siya kung saan-saan. Pabalik-balik ako ng bahay para i-check kung nakauwi na siya pero wala pa rin siya run. Taena wala kasi akong number niya eh!

Nag-aalala na ako! Oo, nag-aalala ako. Kahit naman papano mahalaga siya sa akin kasi magiging kapatid ko na siya. Tyaka binilin siya sa akin ng Mama niya. And I have to admit na sobrang bait ng

Mama niya kaya hindi ko matanggihan.

And I still owe her.

Paikot-ikot lang ako dito sa daan. Alas otso na ng gabi pero 'di ko pa rin siya mahanap. Paano na lang kung may mangyaring masama sa babaeng 'yun? May pagkatanga pa naman 'yun!

Bumaba na ako ng kotse para pumunta sa mga eskinita. Hinanap ko siya run pero wala akong nakita.

Pumunta ulit ako sa kabilang eskinita at may natagpuan akong isang babaeng nakaupo at nakayuko habang yakap-yakap ang hita niya. Gets niyo ba? Basta ganun. Yung buhok niya, blonde rin parang kay

Athena. Papalapit na ako nang marinig ko 'yung iyak nung babae.

Boses ni Athena!

Siya nga 'to! Sht! Anong ginagawa nito rito?!

Lumapit ako sa kanya at lumevel sa kanya. Hinaplos ko 'yung buhok niya hanggang sa tumingin na siya sa akin. Sht, si Athena nga. Bakit ba siya nandito? Bakit ba siya umiiyak? Na-rape ba siya? Pero mukhang okay naman 'yung damit niya ah? Anong nangyari?

Patuloy siya sa pag-iyak. Bukas ko na lang siya tatanungin.

Niyakap ko siya :3 Ang awkward. Pero bahala na. Umiiyak eh.

"N-Natatakot a-ako..." Sambit niya. Tapos mas hinigpitan niya pa 'yung yakap niya sa akin.

"Shhh. Andito na 'ko. I'm sorry..."

Ano ba kasing pinaggagagawa mo sa sarili mo, ha Athena?

--Ericka's Pov--

"Shhh. Andito na 'ko. I'm sorry..."

Tapos bigla ko na lang naramdaman 'yung malambot niyang labi sa noo ko. Watdapak?! dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Puso ko! Mabilis na naman ang tibok! Punyetaaaaaaa~! Na-hold up na nga ako't lahat-lahat nagawa ko pang lumandi?!

Oo, tama ang nabasa ninyo. Na-hold up ako. Buset kasi! Sasakay na sana ako ng bus nang bigla akong hilain sa eskinita at hold up-in! Binigay ko na lang sa kanila 'yung wallet kong may laman na 100 pesos.

Yun lang naman laman ng wallet ko. Tyaka wala 'yung cellphone ko, nasa bahay naiwan ko. Kaya 'yun lang binigay ko. Buti nga hindi ako pinatay o ni-rape!

Pero nakakapagtaka lang ha! Sa ganda kong 'to, hindi ako ni-rape?! Heller! DYOSA kaya ako!

Sht, hindi ko naman gustong ma-rape! Nagtataka lang! Baka naman bading garci 'yung hold upper ko?

Yaan na nga! At least safe na ako at makakauwi na ako kasi andito na si Colosseus! \*Q*/

Ay teka, umiiyak pala ako! Natatakot kasi ako nab aka hindi na makauwi T^T Wala akong pamasahe eh!

Si Colosseus! Siya lahat may kasalanan neto! Kung hindi niya lang sinabi-sabi sa akin 'yang mga rules na 'yan eh 'di sana hindi ko maiisipang hindi sumabay sa kanya! :33

"Uwi na tayo." Sabi niya habang yakap pa rin ako.

Though ayaw ko pa kasi nga nakayap ako sa kanya at amoy na amoy ko ang pabango niya :"""> Hihi, ano bang perfume ginagamit niya? Nakakaadik ngay! Uwaaaaa *Q* --AHEM! Kailangan na naming umuwi, nauuwi na rin ako! Gusto ko ng matulog!

Haaay... ang landi ko talaga! Pati pyutyur kafated ko nilalandi ko! Magtigil ka nga Ericka! Maria Clara ka, gaga! :)))))

So ayun, nauwi na rin kami sa wakas. Diretso ako kaagad sa kwarto ko at bagsak ako kaagad sa kama ko. Haaay! Pagod na pagod na ako eh! Gusto ko nang matulog kaagad pero bigla akong ginutom kaya lumabas ako ng kwarto.

Pagbukas ko nang pinto at paghakbang ko eh tamang-tamang nadulas pa ako! Wow talaga! Ang swerte ng araw ko 'nu? Na-hold up na nga ako, pagod, tapos madudulas pa! Aish! >___<

Pero teka, may naapakan kasi ako kaya ako nadulas, ano ba 'yun?

Tinignan ko 'yung nasa paanan ko...

WOW TEDDY BEAR! *Q*

Eto 'yung nasa kwarto ni Colosseus eh! Pero... pero hindi ito 'yung hinihingi ko sa kanya! =3=

Di bale, cute naman 'tong isang 'to. Hihi. Si pyutyur kafated kaya ang naglagay neto dito? Inamoy ko

'yung teddy bear, sht! Kaamoy na kaamoy ni Colosseus ah! Nakakaadik ang bango! :""">

Uwaa! Ang cute talaga neto! Siguro peace offering niya sa akin. Hahaha!

Dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Yung puso ko talaga ayaw paawat eh 'nu? Yaan na nga, at least may teddy bear akong kaamoy ni

Colosseus! :)

Ano kayang ipapangalan ko rito?

####################################

{ TBUP -57: Irregular }

####################################

{ TBUP -57: Irregular }

--Ericka's Pov--

Ano 'to? Ano 'tong nababasa ko sa pesbuk ha? Ano 'tong mga 'to?! WHAT'S THE MEANING OF

DIIIIZ?!

Ano ba 'tong PsyRicka at Zicka na 'to? Pagkaen ba 'yang mga 'yan? Lugar? Hayop? Peg ko na sana

'yung PsyRicka eh. Kaso... katunog ng pangalan ng gago kong ex kaya huwag na lang. Yung Zicka naman, hmmm? Parang Zico lang. Che! Ayoko rin nun! Colosseus kasi tawag ko kay pyutyur kafated :3

Wow! Ito ang gusto ko! ZICOLE? Bago 'to ah! Ito ba 'yung ultimate labtem ng taon? Lels. Bakit parang pinagsamang pangalan ni otor at ni Zico? Anyways, maganda 'yun ah! Feel na feel ko!

Dahil sa curiosity ko, sinearch ko 'yung namesungness ni Colosseus. Kaso walang lumabas na results.

Ayy? Walang pesbuk ang aking pyutyur kafated? Taga-bundok ata siya? Hmpf! Sayang magpre-pren request sana aketch.

Anyways, hindi ko pa rin maintindihan 'yung ugali niya. Nung isang araw, ang bait-bait niya kasi nga binigyan niya ako ng cute na cute na teddy bear na nagngangalang Nini, (a/n: nickname ni otor xD) pero bakit ngayon?! Ano na namang nangyari? Balik refrigerator -este, balik sa pagiging cold? Ang sungitsungit na naman kasi niya eh. Di namamansin tapos makatingin para akong papatayin.

Ganun ba talaga 'yun? Baka pwede ng ipasok sa mental? Aish!

At hindi ko rin maintindihan kung bakit nagdo-doki-doki-dok ang aking heartlalu sa pinaggagagawa niya!

Pero alam ko naman sa sarili ko na kras ko lang 'yun. KRAS lang! Wala ng kung ano-ano pa. Kasi naman, magiging kapatid ko na siya. Kaya excuse me people of the Philippines! Pero hindi ako immoral para i-practice ang incest! Ewww =______=

Pero alam niyo ba, naisip ko rin eh. Naitanong ko rin sa utak ko... paano kung hindi kami magiging magkapatid? Paano kung hindi talaga magpapakasal 'yung mga magulang namin. Magugustuhan ko kaya siya ng bonggang-bongga? Siguro... oo? Kung hindi lang siya bipolar.

Pero paano rin kung totoo 'yung mga sinabi sa akin ni Qaz dati? Yung tactics something like that? Gusto kong maniwala sa sinabi ni Qaz pero hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit feeling ko mali siya!

Kasi sa mga nakikita ko kay Colosseus ngayon, parang ang layo ng mga sinabi ni Qaz eh! Mabait naman si Colosseus, bipolar nga lang talaga siya. Pero parang ang imposible namang gawin niya 'yung pagpapaibig chu chu.

Siguro dati nagawa niya? Pero ngayon? Sabi niya kasi 'di ba? Sumuko na sila ng Mommy niya.

Tanggap na niya 'yung kung anong meron kina Tito Sev at Mama? Kaya ewan... feeling ko talaga hindi na magagawa ni Colosseus sa akin 'yung mga ginawa niya dati sa mga magiging kapatid niya sana.

Augh! Saglit nga lang. May pasok pala ako! Kahit dalawang subject lang, papasok pa rin ako. Kahit may gago sa University, papasok pa rin ako! Syempre andun si besh eh tapos sige... isama niyo na rin 'yung bruhang Scarlet =_____=

Kaya bumaba na ako sa kwarto ko matapos makapagmuni-muni. Hinanap ko sa buong paligid ng bahay pero wala akong Colosseus na nakita. Saang ref naman kaya 'yun sumiksik? -Lels, korne! :)))))

Lumabas na ako ng bahay. Pagkarating ko sa garage, tadaaaaa~! Andun si Colosseus. Animoy model ng bench na nakasandal sa kotse. Witwew! HOT! -Este, COLD! Ahem. Pigilan mo ang iyong sarili

Ericka! Huwag mong landiin ang pagkaing nasa harapan mo! -Watdapak! Pagkaen?! O___O

So ayun, nakatingin lang siya sa akin pero ang sungit ng tingin niya. Kabadingan na naman eh! Amf!

Parang feeling ko naiinggit talaga siya sa dyosa kong mukha at katawan! Hmmp! Inggitero! YAAAAK!

Inirapan ko lang siya tapos nagpatuloy sa paglalakad nang bigla akong natisod sa isang maliit na bato!

PUTANGINA! TATANGA-TANGA KASI 'YUNG BATO! HAHARANG-HARANG! =_______= Ahuhuhu

T^T Ansakit tuloy sa paa! Bad trip! Ang ganda na ng lakad ko eh! DYOSANG-DYOSA na eh! Tapos biglang may epal na baton a titisod sa dyosa?! Watdapakingshet 'di ba?!

"HAHAHAHAHAHA!"

Sht?! Sino 'yun? Tao ba 'yun? Hayup? Dwende?! Tanginaa nae-engkanto ba ako?! Sino 'yung tumatawa?! Punyetaaaaaa~!

Bigla akong kinilabutan. Pagka-angat ko kasi ng ulo ko... WHAT THE FUDGE?! IT'S A MIRACLE!

TUMATAWA SI PYUTYUR KAFATED?!

What's the meaning of diiiz , huh?! Marunong pala siyang tumawa? AS IN?! Grabe as in, hawak-hawak niya na 'yung tyan niya dahil sa sobrang kakatawa. Maluha-luha na rin eh. Fuuuuudge! Tumawa nga siya pero ako naman 'yung pinagtawanan niya! >_____<

"Marunong ka pa lang tumawa?" Para akong manghang-mangha sa nasaksihan ko eh. Talagang as in

*Q* ang reaksyon ng feslaks ko!

Agad-agad siyang bumalik sa normal. And when I say normal -'yung pokerface na Colosseus =______=

Bakit kaya ang bilis niyang magpalit ng emosyon? Parang kanina lang halos gumulong na siya sa kakatawa ah!

"Saang ref ka ba pinaglihi?" Tanong ko sa kanya.

"Huh?"

Kasi. Ang cold niya. Baka kasi bukas na bukas ng ref 'yung Nanay niya habang pinagbubuntis siya.

Anyways, lumapit ako sa kanya. Hindi pa rin maka-get over ang buong kaluluwa ko sa nakita ko. Yung tumawa siya ngay? Grabiti, parang hindi totoo! Kasi imagine-in mo naman! Isang Colosseus Zico Zarte?

Taong yelo? TATAWA? What the fudge! So 'yun, lumapit ako sa kanya at idinampi 'yung kamay ko sa noo niya at leeg. Malay niyo nilalagnat siya kaya natawa! Grabe, baka may sakit lang siya 'di ba?

Agad niyang hinawakan 'yung kamay ko...

HINAWAKAN...

'YUNG KAMAY KO?

Fuuuuuuudge! Ano 'yun? Nakuryente ako! Nung hinawakan ako ni Colosseus alam ko nakunryente ako!

Feeling ko bigla akong naging conductor at dinaluyan ng kuryente! Sht, ilang boltahe ba 'yun? Human charger ba si Colosseus?! Robot ba siya?! Fvck! Anong nangyayari sa akin! Paki-check nga, tao ba pa ba ako? O DYOSA na? xD

Agad kong hinablot 'yung kamay ko. Why you make hawak-hawak my hands, huh?!

Eh pagkatapos nun, walang kibuan sa loob ng kotse. Nakarating kami sa school, agad naman kaming naghiwalay ng landas. Ako naman papasok na sana sa building ko ng biglang may humigit sa pulso ko.

Tangina, sino pa bang gago ang gagawa nun?! Ang punyetang si Psyche lang naman!

"May klase ako!" Sigaw ko sa kanya.

Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin, "Wala ka pang klase. Mamayang 11 pa ang klase mo."

Wow, memorize niya schedule ko mga 'teh! Stalker talaga amputa! Ako nga kailangan ko pang tumigin sa schedule ko para makita kung kailan next class ko tapos siya minemorize lang?! Amfff >___< Still not impressed!

"O tapos? Bitaw na kasi!" Pilit kong hinuhugot 'yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan!

"Pag binitawan ko ba 'to makikipag-usap ka na sa akin ng mahinahon?"

"Malamang hindi. Ayoko nga!" Sagot ko sa kanya.

"Alam ko. Kaya ko nga ginagawa 'to eh. Pakinggan mo muna kasi ako!"

"Eh ano pa bang magagawa ko eh ayaw mo 'kong bitawan?"

Hayaan na. Na-caught off guard na ako eh. Pakikinggan ko na lang siya, pasalamat siya may tenga ako! Pero huwag siyang umasang maniniwala ako.

"Mahal pa kita eh." Blah, blah, blah! "Hindi ko lang talaga alam kung anong kagaguhan ang naisip ko't pinakawalan pa kita." Buti alam mo! Saksakan ka kasi ng tanga! "Pero mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit mo 'ko tina-trato ng ganito pero sana naman bigyan mo pa 'ko ng isa pang chance para patunayan ulit sa'yo 'yung sarili ko. Para patunayang ako pa rin

'yung mahal mo at mamahalin mo."

Aurggh! Pwede bang magsuka?! Feeling niya kasi kapag sinabi niya 'yang mga katarantaduhang 'yan babalik na ako sa kanya! Oh well, manigas siya! Feeling niya ang dali-daling kalimutan lahat 'yun?

Tapos ang gusto pa niya magsimula ulit kami na parang walang nangyari? Eh gago pala siya eh! Iuntog niya muna 'yung ulo ko nang sa ganun eh magka-amnesia ako at makalimutan ko lahat ng ginawa niyang kagaguhan! Hindi 'yung pupunta-punta siya sa harap ko't magsasalita ng mga walang kwentang bagay!

"Tapos ka na? Wala ka ng sasabihin?" Tanong ko sa kanya with my bored look.

"Ericka-"

"Gaguu, feeling mo madaling magbigay ng second chance? Well, pakyuu!" Tapos hinablot ko 'yung kamay ko at naglakad ng mabilis papalayo sa kanya.

Though naramdaman ko na sumusunod siya, hindi ko na lang pinansin. La akong mapapala dyan. La kwentang tao eh. Hindi ko na siya pinapansin pero bigla na naman niya akong hinigit. Putangina lang ha!

Humarap ako sa kanya, "Ano ba! Putangina naman Psyche! Kailan ka ba titigil?! Punong-puno na ako eh! Sawang-sawa na ako! Kung ikaw nagsawa noon sa kaka-effort ako ngayon, nagsawa na sa pangungulit mo! Tigilan mo na lang kasi! Sinasabi ko sa'yo, wala ka ng mapapala sa akin. Naka-move on na ako! Masaya na ako! Masaya ng wala ka! Kaya pwede ba?! " Sigaw ko sa kanya.

Wala akong paki sa mga taong natingin sa amin. Paki nila? Eh 'di humanap din sila ng taong masisigawan nila!

"Ple-"

"Punyeta! Ayoko na Psyche! Ayoko na sa'yo! Hindi na kita mahal! Tigilan mo na ako! Mawala ka na lang

ULIT!"

This time, tumakbo na ako para hindi na niya ako mahabol. Pero narinig ko ang sigaw niya.

"Dahil ba may Zico ka na?!"

Sht! Kailangan bang isama niya rito si Colosseus?! Ni wala ngang pakialam sa akin 'yun tapos isasama niya rito?! Aish! Nakakainis na siya ha!

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko pabalik at tumakbo na ulit ako.

Takbo lang ako ng takbo sa corridor. Wala naman nagsabing bawal eh kaya tumakbo ako. Tumatakbo ako ng biglang may humila sa akin papasok sa isang bakanteng kwarto. Pucha sino na naman ba 'to?!

Nang mahila niya ako ay nagka-untugan pa kami ARAY LANG! ANG TIGAS NG ULO NIYA! >______<

Hinimas-himas ko 'yung noo kong nauntog at pagtingin ko O_________O Si Colosseus! Ang lapit na naman niyaaaa! *Q*

"Mag-cutting tayo." Sabi niya.

ANO?! Cutting?! Totoo ba 'to?! Si Colosseus Zico Zarte nagyayayang mag-cutting?! ANYAREEEE?!

Um-oo na lang ako. Wala pa naman kaming klase kaya pumunta lang kami sa Manila Bay. Naupo kami run sa isang bench. At dahil wala pang sunset, walang magandang view pero... okay na rin 'yung tubig.

Nakaka-relax ng pakiramdam. Nakakadaling makalimot sa nangyari kani-kanina lang. Haaay... sarap ng hangin.

"Gagawin mo rin ba sa akin 'yung ginawa mo sa girlfriend mo dati? Paiibigin mo rin ba ako para hindi matuloy 'yung kasal ni Mama at Tito Sev?" Naglakas ako ng loob na itanong 'yan. Ewan lang. Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko. Isa 'yan sa mga gustong-gusto kong malaman mula sa kanya. Para na rin hindi nalilito-lito 'tong isip at... puso ko? O.o

Matagal ko siyang tinignan pero nakatingin naman siya sa tubig. At sa wakas, tumingin din siya sa akin.

Cold pa rin 'yung mata niya tapos pokerface pa rin :3

"Hindi."

Kahit ang onti ng sagot niya. Kahit sobrang tipid, pakiramdam ko sincere. Pakiramdam ko totoo at walang bahid ng pagsisinungaling. Nakatingin ako mismo sa mga mata niya ng sinabi niya 'yun. Cold nga, pero totoo. Oo, 'yun ngang sigurong sagot niya ang totoo.

"Ganun talaga. Isang araw, sumuko na lang bigla si Mommy, kaya sumuko na rin ako. Ayoko nang maging katulad ng dati. Nagsisimula na ako ulit eh." Sabi pa niya habang nakatingin sa bay.

At ewan ko. Ang asyumera at pilingera ko lang dahil nagtanong ulit ako. Ito ang tinanong ko o...

"Sa pagsisimula mo... kasama ba ako run?"

Tyaka ko na lang na-realize na walang kwenta 'yung tanong ko. Hindi nga kami close ni Colosseus tapos tatanung-tanong ako ng mga ganyan! Ako rin pala, nonsense eh! Amff~!

Pero ano kayang sagot niya? Nakaka-curious naman!

Naghintay ako ng sagot niya. Actually, okay lang kung 'hindi' eh kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag sinagot niya 'yun ng 'oo'. Pero sino ba namang may ayaw ng 'oo'?

Pero imbes na 'hindi' at 'oo' ang isagot niya. Mas pinagulo niya lang ang pag-iisip ko. At mas pinalundag niya lang ang puso ko.

Sinagot niya kasi ako ng isang ngiti.

Ngiti.

Ang unang ngiti ng isang Colosseus Zico Zarte sa isang Athena Ericka Artemis.

####################################

{ TBUP -58: Lab }

####################################

{ TBUP -58: Lab }

--Scarlet's Pov--

Bitch. Whore. Hoe. Prosti. Pakawala.

Augh! Their looks tell it all! Alam ko namang lahat sila 'yun ang tingin sa akin eh. Sa mga tingin pa lang nila habang dumadaan ako eh masasabi ko nang ayaw na ayaw nila sa akin. Bakit? Siguro kasi maganda ako at ang dami-daming mga bruha ang naiinggit sa akin! Ganun lang 'yun! End of story!

Naglalakad lang ako papunta sa next class ko. Kung anong course ko? Ah accountancy lang naman.

Minamani ko lang naman ang Math. Hahahaha!

Papasok na sana ako sa room namin dahil baka ma-late ako nang biglang may yumakap sa baywang ko. Aba? Sino naman 'to?

"Hi babe. Wanna continue?" Bulong niya sa tenga ko.

Sino naman kaya 'tong ulol na 'to?

Lumingon ako para tignan kung sino siya, at ayun. Eto pala 'yung naka-make out ko na 'nabitin kuno' nung dumating 'yung dalawang 'dyosa daw'. Speaking of dyosa, alam niyo bang sinama nila ako sa kagagahan nilang dalawa? Ako naman, ewan ko kung anong pumasok sa isip ko't sumama rin ako. Eh andun pa naman 'yung mayabang na si Ericka! Hindi ko pa rin makakalimutan 'yung ginawa niya sa akin

'nu!

Sabi nga nila, forgive but don't forget. Tyaka aminin man natin o hindi, talagang mahirap makalimot.

Speaking of makalimot... si Chron. Langya naalala ko na naman siya! Kakasabi ko nga lang 'di ba?

Mahirap makalimot! And to think na dito pa talaga siya nag-aaral! Kaya nga pinili ko rito kahit nakapasa talaga ako sa UP eh! Kasi alam kong doon mag-aaral si Chron pero bakit na naman kaya nandito siya?!

Para mas pahirapan akong makalimot?! What the hell!

O para tuksuhin akong habulin siya?

Oh come on! Hindi ko 'yun gagawin!

"Hey! You okay?"

Augh! Nakatulala pala ako. Bwisit kasi mga naiisip ko eh!

"Yeah. Ano nga pa lang sinasabi mo?" Tanong ko.

Napabuntong-hininga siya, "Nevermind. I guess, you're not in the mood. Geh, I'll go ahead." Tapos umalis na siya.

Okay? For sure, hahanap 'yun ng bagong babae! Maniwala kayo! Pero, nakalimutan ko na pangalan nun eh! Hmmpf, bahala na nga! Papasok muna ako sa klase ko. Mahirap na baka may mamiss ako!

--Chron's Pov--

Sabi nila maliit lang ang mundo? Eh bakit hindi ko pa nakikita 'yung gusto kong makita?

Ahem.

I mean, hindi ko pa nakikita si Scarlet. Ilang weeks na ako sa University na 'to pero hindi ko pa talaga siya nakikita. Actually, hindi naman talaga ako pumapasok dito. Sa UP talaga, kaso eto nga. Pabalikbalik ako rito para... para... teka, ano nga ba?

Ewan ko rin. Pabalik-balik lang ako simula nung nalaman kong dito nag-aaral 'yung babaeng binusted ko. Tss... kapal ko talaga. Pinangalandakan ko pang binusted ko siya eh parang ako 'yung na-busted sa ginawa ko sa kanya eh! Nakakainis! Hindi kasi siya maalis sa isipan ko. Feeling ko nasasayangan ako na nagsisisi nung ni-reject ko siya.

Tama, baka gusto ko lang mag-sorry kaya ako nandito 'di ba?

Ni hindi ko nga alam kung anong course niya kaya hindi ko alam kung saang building ako pupunta. Ibaiba kasi building ng mga course dito. Kaya ang laki-laki nitong East Velvet University eh. Pero balita ko mas malaki 'yung Austen triple daw sa laki nitong Univeristy na 'to eh.

Napili kong pumunta sa building ng BS in Accountancy. Ang hirap lang talaga maghanap 'pag hapon, kasi saktong dismissal eh. Pero alangan naman na sa class hours ako pumunta eh may klase din ako nun?

Kaya 'yun, ang daming nagsisilabasang estudyante pero nakasingit naman ako at nakapasok sa building nila. Nilibot ko 'yung first floor tapos nung hindi ko nakita 'yung gusto kong makita... ahem... eh pumanhik ako sa second floor. Puno na kasi 'yung elevator kaya naghagdan na lang ako.

Nang makarating na ako sa second floor... wow! Sa wakas! Nahanap ko rin siya! Nakatayo siya sa harap ng isang room na animo'y may hinihintay.

Tangina, may hinihintay?! Sino?!

Pagkaraan ng ilang segundo eh may lumabas na lalake run sa room tapos agad na hinalikan si Scarlet.

WHAT THE FVCK?! Meron na kaagad siyang iba?! Kaka-confess niya lang sa aking mahal niya ako nung nakaraang buwan tapos meron na kaagad?! Ano 'yun lokohan lang?!

Naiinis ako. Naikuyom ko 'yung kamao ko. Gusto kong bangasan 'yung lakake na halata namang mas angat ang kagwapuhan ko. Pero ano namang magagawa ko eh ni-reject ko nga si Scarlet? Alangan naman na puntahan ko run tapos guyudin ko!

Fvck! TAMA! GUGUYUDIN KO! Hindi naman tamang makahanap siya kaagad! Hindi ako naniniwala!

Agad akong naglakad papalapit sa kanila. Tangina bakit kasi dito pa sila naglalaplapan?! Hinigit ko yung kamay ni Scarlet na nakapulupot dun sa lalake at hinila siya. Pero nagbago ang isip ko.

*BOOOOGSH!*

Pinatikim ko muna ng kamao ko 'yung lalake. Tarantado eh!

"Fvck! What the hell dude?!" Sabi sa akin nung lalake habang hawak 'yung pisngi niya sinuntok ko.

"Gago ka! Girlfriend ko 'to!" Sigaw ko sa kanya tapos hinila ko na si Scarlet papalayo run sa lalake.

Ewan ko kung saan ko dadalhin si Scarlet para makapag-usap kami. Hindi ko talaga alam! Pero mas lalong hindi ko alam kung bakit wala siyang imik. Kaya huminto ako saglit at tinignan siya. Fvck, bakit ang sama ng tingin niya sa akin?!

"Bakit-"

Hindi ko na tinuloy 'yung sasabihin ko dahil nakakita na ako ng lugar na pwede kaming mag-usap na kami lang dalawa. Tama! Sa Lab!

Hinila ko ulit siya run sa lab at agad na sinara 'yung pinto.

Masama pa rin 'yung tingin niya sa akin.

"Ano bang ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Tanga ka pala eh!" Sigaw niya, "Ikaw nga 'yung nanuntok at bigla na lang manghihila tapos itatanong mo sa akin kung anong ginagawa ko?!"

"Bakit ka ba nakikipaglaplapan dun?!"

"Paki mo ba?! Eh hindi nga kita kaano-ano tapos sinabi mo boypren kita?!"

"Aish! Di ba sabi mo mahal mo 'ko?! Bakit bigla ka na lang naging ganyan?!"

Napangisi siya, "Hindi porket sinabi ko sa'yong mahal kita hindi ko na 'yun kayang gawin. Tyaka, nakalimutan mo na ba? Ni-reject mo kaya ako."

Napahinto ako. Napatingin na lamang ako sa mga mata niya. Ang seryoso niya, ang sama pa ng tingin sa akin. Augh!

--Scarlet's Pov--

Kasarapan na ng pagme-make out namin eh! Tapos bigla na lang akong hihilain kung saan-saan nitong si Chron?! Tyaka bakit ba siya nandito sa building namin?!

"Bakit ka ba nandito?!" Tanong ko sa kanya habang nandito kami sa lab.

"Ewan ko! Hindi ko alam!"

"Eh tanga ka pala eh! Aalis na ako! Dyan ka na!" Aalis na sana ako pero ayun nga, napigilan ulit ako!

"Bitter ka pa rin sa'kin nu?"

Wow ha! Tangina neto! Ako?! Bitter sa kanya?! Wow lang! Ang kapal talaga! Hindi ako bitter nu! Hindi ako magiging bitter nang dahil lang sa kanya! Eww!

Akala niya gusto ko 'tong nangyayari ngayon?! On the process na kaya ako ng pagmo-move on! Like duh! Aish! Nakakainis! Ang kapal lang talaga ng mukha niya para akusahan akong bitter sa kanya! Ang hangin! Pramis!

"Bitter? Ako? Sa'yo?" Napangisi ulit ako, "Bakit? Natikman mo na ba ako?" I said, seductively.

Mwhahahaha!

Nakatingin lang siya sa akin tapos, "Hindi. I mean, hindi pa."

Tapos... bigla niya na lang akong hinalikan! Sht! Nagkatikiman na nga! Tanginaaaaaaa! Anong nangyayari?! Anong nangyayari rito?! Bakit... bakit bigla na lang tumitikim -I mean, nanghahalik?!

>_____<

Che! Ang arte ko naman. Eh, oo na! Masarap :3 Pero ehh! Nakakagulat naman eh!

Dug.dug.dug.dug.

Yung puso ko tuloy ayaw nang paawat!

"Ano bang-"

"Shhh." Tapos nilagay niya 'yung hintuturo niya sa labi ko. Pwede bang 'yung labi niya na lang ulit 'yung ilagay niya sa labi ko? xD

Sabi ko kanina 'di na ako bibigay eh! Sabi ko kanina magpapa-hard to get ako pero ano 'to?! Bakit hindi ko mapigilan 'yung puso ko?! Bakit nagwawala?! Uwaaaaaa!

Magmo-move on na ako eh! Magmo-move on na! Pero... aish! Di ko na-take!

"Listen, carefully." Bulong niya, "I'm in LAB with you... and I'm in love with you."

Oh damn it! Tell me I'm dreaming!

####################################

{ TBUP -59: Warning }

####################################

{ TBUP -59: Warning }

--Ericka's Pov--

Nakaka-stress! Alam niyo bang ilang gabi na akong hindi pinapatulog ng ngiti ni pyutyur kafated? I mean, UWAAAAAAAA! Gabi-gabi ko 'yung naiisip at napapanaginipan! Hindi ako sanay na ngumiti siya eh! Pero aminin na natin! Ang gwapo niya! At wala akong magawa para pigilan 'tong kalandiang nararamdaman ko sa katawan ko! Pucha!

Katulad ngayon, papasok na naman kami! Makakasama ko na naman siya sa iisang sasakyan!

Makakatabi ko siya! Kaming dalawa na naman! Anubey! Hindi na nga ako makatingin sa kanya ng

diretso tapos ang awkward-awkward palagi ng atmosphere namin eh! Atyaka ito pa! Hindi ko na siya matarayan kasi nga... augh! NAIILANG AKO!

Tangina naman 'to. Ang OA ko na =________=

Parang nginitian lang ako tapos feeling ko katapusan na ng Earth. Augh! I hate it!

"Ano bang ginagawa mo. Papadyak-padyak ka pa ng paa." Napaka-monotonous na sabi ni Colosseus.

Hindi ko pa ba naikwe-kwento sa inyo? Bumalik ulit siya sa dati. Cold ulit siya. Taong yelo. Taong predyider. Amf! Bakit ba kasi napaka-bipolar neto? Ano kayang problema niya? Walang katapusan

'yang tanong ko eh! Paulit-ulit na lang >____<

"Nagdadabog ako, hindi pumapadyak!" Sagot ko sa kanya sabay irap.

"Bilisan mo na dyan."

Aba?! Bakit naman bigla niya 'yung sinabi eh ako nga 'yung naghintay sa kanya ng ilang oras dito?!

Grabiti! Ibang klase ka Colosseus! Pramis! Ibang-iba!

So ayun, ang buong akala ko lalabas na talaga siya pero... pinatt niya 'yung ulo ko.

Dug.dug.dug.dug.dug.

Salamat Colosseus ha! Salamat talaga ng bonggang-bongga! Nananahimik 'yung puso ko eh! Tapos bigla mo na lang gagawin 'yan?! Eto tuloy, nag-aalburuto na naman! Nakakaasar! Dadaan na nga lang hahawakan pa 'yung ulo ko! PAPATIBUKIN PA 'YUNG PUSO KO NG BONGGACIOUS! Ammfff!

>______<

Susunod na sana ako sa garage para makaalis na kami ni Colosseus papuntang school nang bigla akong tawagin ni Mama. Oh? Bakit kaya? Lumapit ako kaagad sa kanya.

"Ma, bakit? Bibigyan mo ba ako ng dagdag baon?" Tanong ko sabay ngisi.

Tapos bigla niya akong pinektusan. Aray! "Anong dagdag baon? Gaga ka! Tipirin mo 'yan!"

Huhuhuhu T^T Ang pinaka-ayaw kong salitang marinig mula kay Mama. Ang salitang 'tipirin' Omegesh!

Whyyy?! Eh halos lahat ng pera ko nagagastos ko sa pagkain! Sa ice cream, sa cake, sa cookies, sa shake, mamahaling kape, at turo-turo! Paano na ako kung titipirin ko ang baon ko?! Paano na ako mabubusog?! Paano kapag nangayayat ako?! Uwaa! Hindi! Hindi maari! Magtatampo ang sambayanang bulate sa tyan ko!

"Eh! Mama!" Sabi ko sabay pout :3

"Kamusta ba ang college ha anak?"

Ano? Tinawag niya ako para lang itanong 'yan?! Mama naman! Male-late na akoo! T^T

"Ano, okay lang naman. Madaming gwapo!" Malandi kong sagot.

Totoo naman eh. Hindi nga nagsasawa ang mga mata namin ni Carmeen sa paggwa-gwapo gazing at paghahanap ng papables na may abs :""> Kaso nga lang... 'yung iba baklush. Tangina lang >___< Ang gwapo-gwapo tapos pagkakurap mo may ka-holding hands na ring isang gwapo! Ay shet!

"Ahh. May boypren ka na?" Ano bang nangyayari kay Mama at nagiging imbestigador? O.o

"Mama, wala pa! Syempre mag-aaral muna ako. Lalandi lang ako pero hindi pa ako magbo-boypren!"

"Ahh. Akala ko kasi meron na eh." Sabay kamot ng sintido ni Mama.

"Pero alam mo Ma, kras ko si Colosseus." Walang kaartehan kong sabi kay Mama.

Bakit ba? Kras lang naman 'di ba? Tyaka hindi naman masama kung sasabihin ko kay Mama! Close kaya kami ni Mama! Maiintindihan niya naman ako! Siya pa nga dati 'yung naguu-udyok sa akin eh!

Kaya alam ko namang, hindi magagalit 'tong si Mama. And after all? KRAS LANG NAMAN!

"Sus! Sabi ko sa'yo ang gwapo eh! Di naniwala ka rin!" Kitams? Mas malandi pa si Mama sa akin.

Ngayon alam niyo na kung saan ako nagmana ng 'kalandian hormones'. "Pero 'nak, ingat-ingat din ha?

Kasi alam mo 'yang mga kras-kras na 'yan?" Tumango ako, "Dyan nagsisimula ang lahat. Tyaka... alam mo naman 'di ba? Magiging kapatid mo na siya kaya. Wina-warning-an na kita. Kras lang ha?"

Hay nako. Kahit hindi naman sabihin sa akin ni Mama 'yan eh alam ko naman ang limitasyon ko.

Hinding-hindi ko 'yan kakalimutan! Kahit magunaw ang Earth, at kahit ilang beses ngumiti si Colosseus eh hinding-hindi ko makakalimutang ikakasal ang mga magulang namin. Hindi ko kakalimutang magiging kapatid ko siya. Tsk! Kaya no need na 'yang mga warning-warning na 'yan nu!

"Mama, kung binigyan mo na lang ako ng dagdag baon eh 'di ebribadi hapi!" Sabi ko.

At muli, binatukan ako ng aking sariling ina. Haay nako. Child abuse? Battered child? Lol.

"Huwag ka kasing kain ng kain! Puro ka pagkain eh! Tignan mo, ang taba-taba mo na!" Sabi ni Mama sabay pindot-pindot sa tyan ko.

OMEGESH! Totoo?! Totoo kayang ang taba-taba ko naaaaaaa?! Putaaaaa! Hindi maaari! Hindi ako makakapayag! Hindi ako pwedeng tumaba! Mawawala ang aking mala-DYOSANG katawan! Oh no! No waaaaaaaaaaaaay! >_______<

"Talaga Mama?! Mataba na ako?!"

"Hay nako. Oo! Kaya pumasok ka na run! Huwag kang kain ng kain ha?"

At nakita ko 'yung orasan ko. Omegesh! 7:30 na! Late na ako!! Tanginetch!!

Kumaripas ako gn takbo sa kotse ni Colosseus. At ayun nga, buti na lang ang bilis magmaneho ng aking pyutyur kafated dahil kung hindi baka hindi ko na naabutan 'yung quiz namin! Woooo!

***

--Fast Forward | 9:17 AM.

Ayun. Vacant ng 2 hours! Yiiz! Kasama ko rin si besh. Nasaan kami? Oh well, somewhere over the rainbow! De jk lang :))))) Sht, korni alert! Korni alert! xD

Ahem, andito kami sa isang bench. Kumakain siya ng chippy samantalang ako naghahanap ng mahuhulaan. Akala ko wala na naman akong mahahanap pero... hmm... mukhang sine-swerte ata ako ngayon? May nakikita kasi akong magka-holding hands eh! Gaaaash! Ampogi nung lalake!

Mwhahahaha! Pero nevermind. Huhulaan ko muna sila!

"Besh! Sa Thursday wala na 'yan!" Sabi ko kay besh sabay turo dun sa couple na naglalakad na magkaholding hands.

"Sorry besh. Kumakain ako. Busy~~!" Sabi ng gaga.

Tumingin ako sa kanya. Tinignan ko siya ng sobrang sama. Hindi dahil sa isinagot niya sa akin at sa ayaw niyang makipagpustahan. Kundi dahil sa...

WALANG HIYANG GAGA! INIINGGIT AKO SA KINAKAIN NIYA!

Sinabi ko kasi 'yung sinabi ni Mama na tumataba ako kaya sinabi ko sa kanya na hindi muna ako magkakakain masyado. Pero bwiset lang! Tinutukso niya ako! Ang dami-dami niyang dalang pagkain o!

Dati naman kuripot 'yan at palaging sa akin nagpapalibre ng mga nilalamon niya pero nayon! Aba! Kung makakain wagas! Tangina maging baboy ka sana Carmeen!

"Ilayo mo nga 'yan sa akin!" Mataray kong sabi sa kanya.

"Mwhahaha! Kumain ka na kasi! Ang sarap kaya! Nyehehehehehe~" Gaga >_____<

Inirapan ko na lang siya. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya! Hinding-hindi ako maaakit niyang pagkain mo Carmeen! NEVER!

"Oyy besh!" Kinalabit ako ni Carmeen pero 'di ko siya pinansin. Hmmpf!

"Besh! Tignan mo!" Sabi niya sabay yugyog sa akin.

So ako naman, curious eh tinignan 'yung inginunguso niya. At nakita ko...

PUTANGINA. ANONG. GINAGAWA. NILA.

Bakit may pahawak-hawak sa balikat?! Bakit may pangiti-ngiti na parang aso?! Bakit may pahaploshaplos sa braso?! Ano 'to?! PBB TEENS?! Mga walanjong babae! Mga pakawala sa lansangan ng East

Velvet! Walang hiya! Anong ginagawa nila kasama si pyutyur kafated?! Anong ginagawa nilaaaaaa?!

"Oyy besh. Huwag kang mag-transform dito bilang si the hulk ha?"

Tinignan ko ng sobrang sama si Carmeen. Tangina kasi!

"Che! Parang jino-joke ka lang eh!"

Ibinalik ko ang tingin ko sa direksyon ng mga walanjong babae at si pyutyur kafated. Aba! Bakit ba siya nakikipag-usap sa mga 'yan?! Bakit ba siya LUMALANDI dyan?! Teka nga! Teka nga! May naalala ako!

Di ba sabi niya, bawal lumandi?! Bawal DAW akong lumandi? Eh bakit siya pwede?! Aba! Aba!

UNFAIR! Teka nga't mapuntahan!

Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan nila. Tsk tsk... tawanan pa? Kagaguhan! Dali-dali akong naglakad na parang galing sa Mount Olympus at dumaan sa harapan nila. At... nagparinig!

MWHAHAHAHA! :))))

"Tsk tsk... kawawa naman ang bansang Pilipinas. Puno na nga ng polusyon at basura... inuulan pa ng mga U.M.O! Unidentified malalanding object! Ewwww~!" Sabi ko habang nagha-hair flip. Hah! Ganda ko lang!

Nakita ko lang silang nakatingin sa DYOSA kong mukha habang nakapulupot sa pyutyur kafated ko.

Aba! Gusto mo 'yan ha! Gusto mo talaga 'yan?! SIGE! Kaylandi mo ring gagu ka! May pa-rule rule ka pang nalalaman na bawal lumandi tapos ikaw pwede?! Hay nako! Di pwede!

Hinigit ko si Colosseus mula sa mga lintang nakadikit sa kanya.

"Excuse me! Kukunin lang ng DYOSA ang MAGIGING KAPATID niya!" Sabi ko run sa mga linta tapos hinila ko na si Colosseus papalayo.

Tinignan ko siya ng masama pero grabiti! NR lang?! >___________< No reaction at all?!

"Ang unfair mo! Ako 'di pwedeng lumandi tapos ikaw? Pwede?! Aba! Colosseus ha! Di 'yan pwede!"

Sabi ko sa kanya habang naka-cross arms.

At ang loko! Nag-cross arms din at ngumisi! Jusmiyooooo! Pwede bang ngumiti na lang siya?! xD

Lumapit siya sa akin at pinatt ulit 'yung ulo ko! Automatic naman 'yung puso ko nag-doki-doki-dok!

Auuuurgh!

"Kaklase ko sila sa Austen dati. Bumisita lang." Bulong niya tapos naglakad na papalayo.

Agad akong lumingon at paglingon ko, aba! NAKANGITI ANG GAGO! Tanginang 'yan ang pogi!

Aish! Hinay-hinay Ericka! Kras lang 'yan 'di ba?! Di ba?!

--Third Person's Pov--

//Narration.

Tuluyan ng naglakad papalayo si Zico para pumunta sa susunod niyang klase. Hindi maialis sa kanya ang tuwa dahil sa nakita niyang reaksyon ni Athena. Natutuwa siya dahil mukha raw timang si Athena lalo na nang nagparinig ito sa mga dati niyang kaklase sa Austen.

Naglalakad na sa corridor si Zico patungo sa kanyang room nang bigla niyang makita ang lalakeng 'ex' daw ng kanyang magiging kapatid na si Athena.

Napakunot siya ng noo.

Anong ginagawa niya rito?

Tanong ni Zico sa isipan nito. At natatandaan niyang ang pangalan ng lalakeng nakatayo sa harapan niya ngayon ay Psyche.

"Colosseus Zico Zarte, pwede ba kitang makausap?" Wika ni Psyche kay Zico.

Napangisi na lamang si Zico sa narinig.

####################################

{ TBUP -60: DOTA }

####################################

{ TBUP -60: DOTA }

--Psyche's Pov--

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong pumatay ng tao sa nakikita ko? Si Ericka?

Namumula? Sa harapan nung Zico? Tangina ha! Ano bang nangyayari sa pagitan nilang dalawa?!

Gusto kong malaman... may dapat ba talaga akong ipagselos sa kanilang dalawa? Huli na ba ako? Si

Zico na ba ang pumalit sa pwesto ko sa puso ni Ericka? Siya na ba?

Saktong papunta sa building kung nasaan ako si Zico. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinarap ko siya sa corridor. Kailangan sa kanya mismo manggaling. Ayaw sabihin ni Ericka kung anong meron sa kanila eh, 'di sa kanya ko na lang itatanong. Hindi naman siguro itatanggi ni Zico kung mahal niya nga talaga si Ericka 'di ba?

Hinarangan ko siya,

"Colosseus Zico Zarte, pwede ba kitang makausap?" Tanong ko rito.

Ngumisi siya. Tangina, hindi ko talaga alam kung bakit ang init ng ulo ko sa gagong 'to! Siguro nga kasi nakikita ko silang dalawa ni Zico palaging magkasama. Minsan nga sabay pa sila eh. Ayun sa mga chismis, tangina ang bading ko na! Naniniwala na ako sa chismis eh! Pero nevermind, ayun sa mga naririnig ko sa tabi-tabi, eh magiging magkapatid daw silang dalawa ni Ericka. So ayun, medyo nabawasan 'yung pangamba ko na magiging sila. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na palagi silang magkasama. Tapos pag minsan sweet pa sila. Di kaya magka-develop-an 'yung dalawa lalo na't hindi sila blood related?

Aish! Nakakaselos lang talaga! Bad trip!

"Stalker ka ba? Di kita kilala." Tapos nilagpasan niya lang ako.

Tangina! Stalker daw ako?! Ang gago lang! Sino naman siya para i-stalk ko?! Anong akala niya sa akin bading na may gusto sa kanya?! Tangina mas gwapo kaya ako sa kanya! Pucha 'to! >_____<

Bubugbugin ko 'to eh!

Pinigilan ko siya sa paglalakad. Hinawakan ko 'yung balikat niya at agad naman siyang napatingin sa akin.

"Mag-usap tayo." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko. Hindi kita kilala." At nagpatuloy na siya sa paglalakad papalayo.

Punyeta! Napupuno na ako ah! Bakit ba ayaw niyang makipag-usap sa akin?! Susubukan ko lang naman siya eh! Naisip ko kasi, na kapag diretsahan kong tinanong kung anong papel niya sa buhay ni

Ericka eh baka iba lang 'yung sabihin niya. Kaya nakaisip ako ng technique para 'mahuli' siya.

"Magpustahan tayo."

Saglit siyang napatigil sa sinabi ko. Sa wakas, nakuha ko rin ang atensyon mong gago ka.

"One on one sa Dota." Sambit ko, "Kapag nanalo ako, tutulungan mo 'ko kay Ericka." Napangisi siya ulit siya, "Kapag nanalo ka, hahayaan ko na kayong dalawa..."

Wala pa ring emosyon 'yung mga mata niya. Ano bang klaseng tao 'to? Tao pa ba 'to? Ngayon lang ako nakakita ng matang meron siya. Napaka-cold. Err! No wonder, mas gwapo talaga ako! Tsk tsk...

"Ano 'to? Si Athena ang pinagpupustahan?" Wika niya.

Tangina! Ganun ba talaga sila ka-close para tawagin niyang 'Athena' si Ericka?! Eh ako nga halos isumpa niya ako noon kapag tinatawag ko siyang Athena eh! Bakit siya?! Bakit ang dali-dali lang sa kanyang tawagin si Ericka sa ganung pangalan?! Putrages talaga! Nilalamon ako ng selos eh! Sht!

"Oo. Ano? Payag ka?"

"Ayoko. Hindi ko ipupusta ang isang bagay na walang halaga sa akin."

Napangiti ako ng wala sa oras. Oo, taliwas sa dapat na naging reaksyon ko ngayon. Dahil ito talaga ang inaasahan ko. Ito talaga ang plano ko. Ngayon, masasabi ko nang nahuli ko na si Zico. Nahuli ko na kung anong papel niya sa buhay ni Ericka. Nahuli ko na kung sino talaga siya.

Nahuli ko na kung bakit dapat talaga akong magselos sa kanilang dalawa.

--Ericka's Pov--

Walang hiyaa! Erase! Erase! Erase! Bakit ba ako isip ng isip dun sa ngiti ni Colosseus?! Bakit pakiramdam ko siya na ang pinaka-gwapong nilalang sa buong Earth?! Aurrgh! Hindi tuloy ako makapag-concentrate dito sa topic namin ngayon! Nakakaasar! Baka mamaya wala na naman akong maisagot sa quiz kasi hindi ako nakikinig! Bwiseeeeeeeeeeeeeeet! >______<

Ganito ba talaga ang kras? Amff! Andugas lang!

Natapos na 'yung huling subject namin. Nagsilabasan na ang lahat ng estudyante sa corridor. Ako 'yung pinakahuling lumabas kasi nagde-daydream pa ako. Putangina naman kasi. Ka-daydream daydream naman kasi 'yung kagwapuhan ni Colosseus 'di ba? Di ba?

So pagkalabas ko... ayun, nakakita ulit ako ng gwapo.

Augh! Psyche! Kailan ka kaya magsasawa ulit sa kakahabol sa akin?! Kailan kaya ulit?! =_______=

"Ano?!" Naiirita kong tanong.

Sa totoo lang kasi. Pagod na pagod na rin naman akong tarayan siya. Kasi wala lang din namang nangyayari eh. Kaso, ang kulit-kulit niya! At ayaw na ayaw ko sa mga makukulit! Kaya bwiset na bwiset ako sa kanya ngayon! Lalo na kapag sinasabi niyang mahal pa raw niya ako. Asus! Kagaguhan! >.<

"Ganun na ba kadali para sa'yo ang itapon lahat-lahat ng alaala natin?"

Hala? Anyare? Bat biglang nagdrama ang lolo mo? Psh! Kalokohan ba 'to?! Sa tono niya kasi, parang ang pinapalabas niya ako 'yung may kasalanan kung bat kami naghiwalay. Kung bakit ako nagiging ganito sa kanya ngayon. Kasalanan ko?! Ako 'yung nagloko at nakipaglaplapan sa iba kahit may gerlpren ako dre?! Ayus ka rin eh nu! Ayus na ayus ka talagang gago ka!

Napangiti ako ng mapait, "Sino bang nauna? Sino bang nagloko sa ating dalawa? At oo, madali lang.

Sobrang dali! Dahil kung ikaw, nagawa mo, pwes ako magagawa ko rin." Sabi ko sa kanya.

"Gumaganti ka ba? Kung gumaganti ka, pwede bang tigilan mo na? Nakaganti ka na eh. Nasaktan mo na ako. Nasasaktan mo na ako." Pahayag niya.

"Hindi ako gumaganti Psyche. Ayaw ko na talaga. Kasi wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa'yo. Galit na lang talaga."

Sino bang nagsabing gumaganti ako sa kanya? Hindi ko gawain ang gumanti. Hindi ko gawain ang panoorin ang iba habang naghihirap sila. Hindi ako ganun kasama. Oo, tinarantado ako ni Psyche, pero hinding-hindi ko magagawang gumanti. Bakit pa ako gaganti kung alam kong andyan si baby karma?

Kung alam kung mas magaling magtrabaho si baby karma kesa sa akin, 'di ba?

Haaay... pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang talagang umuwi.

"Alam mo ba, nakausap ko si Zico." Sabi ni Psyche. Halata na, sa mga mata niya lalo na sa pananalita niyang nasasaktan siya. Sorry Psyche pero ikaw naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng 'to.

"O tapos?"

"Hinamon ko siya sa Dota. Sabi ko, kapag nanalo ako, tutulungan niya ako para bumalik ka sa akin. Pag nanalo naman siya, hahayaan na kita. Pinilit ko siyang ipusta ka," Ipusta ako?! Pinagpupustahan na lang pala ang GANDA ko?! "pero tumanggi siya."

Hah! Colosseus! Mahal talaga ako nung pyutyur kafated kong 'yun! Di ako kayang traydorin at ibigay kung kani-kanino eh! Wushu! THAT'S MY BROTHER! :))))

Shet nangingiti na naman ako eh!

"Alam mo ba kung bakit?" Dagdag ni Psyche. "Mahalaga ka para sa kanya. Dahil hindi ka niya kayang ipusta. Hindi ka niya kayang mawala."

Para akong nasemento sa sinabi ni Psyche. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapagtaray. Ang lakas ng tibok ng puso ko nung sinabi sa akin ni Psyche na hindi raw ako kayang mawala ni Colosseus. Though, ang daming tanong na 'bakit' sa utak ko. Still, mas angat 'yung puso ko na ayaw magpatalo sa sobrang lakas ng tibok. Sa sobrang bilis na parang may mga kabayong nagkakarerahan sa loob.

Colosseus, bakit mo 'to ginagawa? I mean, paano?

"Ngayon, alam ko na kung sino 'yung tunay kong karibal. Alam ko na kung anong dapat kung gawin.

Tandaan mo Ericka, kahit sino pang magmahal sa'yo, hinding-hindi nila kayang tapatan 'yung

porsyentong sakop mo rito sa puso ko. Hindi ako susuko. Sisiguraduhin kong PsyRicka pa rin hanggang sa huli."

At naglakad na si Psyche papalayo.

Wala akong pakialam sa sinabi ni Psyche. In fact, hindi 'yung ang na-absorb ng utak ko sa pag-uusap namin. Hindi 'yun ang iniisip ko ngayon. Hindi 'yun, hindi si Psyche.

Kundi ang magiging kapatid ko.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Hindi malinaw sa akin pero isa lang ang gusto kong gawin.

Gusto kong makita si Colosseus.

Gusto kong siguruhin kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong malaman, kung totoo nga. Kung totoo ngang mahalaga ako para sa kanya. Ewan, siguro curious nga lang talaga ako. Pero iba eh. Iba talaga. Kung ano man 'tong nararamdaman ko para kay Colosseus, ayoko munang magpadalos-dalos, gusto kong makasigurado. Gusto kong malaman kung totoo.

Naglakad ako papalabas ng building namin papunta sa parking lot ng East Velvet nang lutang pa rin ang isip. Kaya nga ang bagal-bagal kong maglakad eh. Sht naman 'to. Para na akong pagong!

Nang makarating ako sa parking lot, nakita ko kaagad si Colosseus na nakasandal sa kotse. Nakatingin siya sa ibang side tapos bigla siyang napatingin sa akin.

Ang gwapo niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagsimulang tumakbo papunta sa kanya.

"Ang tagal mo a-"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil bigla ko na lang siyang niyakap. Hindi ko alam. Ang landi ko lang siguro. Pero ewan! Gulong-gulo na 'yung isip ko tungkol sa kung ano ba 'tong nararamdaman ko para sa magiging kapatid ko eh. Kailangan ko lang talagang malaman kung ano 'to. Kailangangkailangan ko lang talaga.

Ilang minuto kaming tahimik at nanatili sa ganung posisyon. Yakap ko siya, hawak niya ang braso ko.

Hinihintay ko siyang itulak ako pero iba ang ginawa niya. Iba rin ang lumabas sa bibig niya.

At nang dahil 'dun, mas lalo pang naguluhan 'tong puso ko kung ano nga ba talaga si Colosseus Zico

Zarte sa buhay ko.

"Athena. " Bulong niya sa akin, "What are you doing... you're making me want you more."

####################################

{ TBUP -61: Hindrance }

####################################

{ TBUP -61: Hindrance }

--Ericka's Pov--

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

"What are you doing... you're making me want you more."

Ano bang kalokohan 'to?! Bakit paulit-ulit na lang?! Unli ba?! Unli?! Uwaaa!

Bumangon ako mula sa kama ko at humarap sa salamin. Tanginang mukha 'yan! Mukha na akong mamaw eh! Gulo-gulo 'yung buhok tapos ang laki-laki pa ng eyebags ko! Pucha naman kasi Colosseus!

Sa lahat ng lang ng sasabihin mo, bakit 'yun pa?! Bakit 'yun pa?! Gulong-gulo na rin tuloy pati utak ko.

Hindi ako nakatulog kagabi, nasira 'yung unan ko kasi hinahagis-hagis at inihahampas-hampas ko ng paulit-ulit. Walang hiya! Baka susunod ko ng puntahan e mental?! Tsk tsk...

Tinignan ko si Nini, 'yung teddy bear na binigay ni Colosseus sa akin. Haay nako! Isa pa 'yan! Isa pa

'yang nakakadagdag sa pagkabaliw ko! Kinuha ko 'yun at akmang ibabato ko na sana nang bigla kong napansin na parang kawawa naman si Nini kung ihahagis ko lang 'di ba? Simbolo pa naman 'to ng kabaitan ni pyutyur kafated. Kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Ay pucha. YAKAP?! Naalala ko na naman eh!! Naalala ko na namang may 'yakap scene' kami ni

Colosseus! UWAAAAAA! Mababaliw na ata ako! Grabiti, niyakap lang ako feeling ko katapusan na ng mundo?!

Pero naman eh! Hindi lang basta yakap 'yun! Hindi lang basta SIMPLENG yakap kasi may kasamang,

"What are you doing... you're making me want you more." Di ba?! Ano ba kasing ibig sabihin niya run?!

Ano ba kasing putanginang rason kung bakit niya sinabi 'yun?!

Para mainlab ako sa kanya? Para hindi matuloy ang kasal ni Mama at Tito Sev?! Ano ba naman 'yan! Di ba sabi niya titigilan na niya?! Di ba sabi niya tanggap na niya kami ni Mama?! Aish! Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko! >______<

"Hoy! Ano bang problema mo't kagabi ka pa aligaga dyan?!" Hala! Si Mama! *Q*

Paano 'pag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Colosseus?! -Ayy teka, ang laswa.

Malaswa nga ba talaga o ako lang talaga ang nag-iisip na malaswa? Lol. Mwhahaha! :))))))))))

Anyways, bigla-bigla namang pumapasok si Mama sa kwarto ko! Grabihan naman!

"Wala!" Sabay pout :3 "May hindi lang ako makalimutan."

"Si Psyche?"

Psyche?! Ni hindi nga sumasagi sa isip ko 'yun eh!

Tinignan ko ng masama si Mama, "Mama?! Hindi siya! Nu ka ba!"

Umupo si Mama sa kama ko, "Eh ano? O sino?"

Sasabihin ko ba kay Mama na may nangyari -shet, ang laswa talaga niyang 'may nangyari chu chu' na

'yan! Kasoooo, ayoko kasing naglilihim kay Mama. Lalo pa ngayon na close na close na kami. Ayokong may sikreto akong hindi sinasabi sa kanya. Syempre, close kami ni Mama. Mahal ko siya. At bukod sa kahit kanino, siya lang ang nakakaintindi sa akin. Kaya... gusto ko talagang i-kwento ng bonggangbongga kay Mama!

Kaso natatakot naman ako. Haaay =________=

"Wala Ma. Iniisip ko lang 'yung studies ko." Sagot ko. She tang sinungaling ko!

"Ah..."

Sabi nila, madali raw ang magsinungaling lalo na kung kailangang-kailangan mo talaga. Pero aish! Kay

Mama kasi ako nagsisinungaling kaya ang hirap. Haay! Bahala na! Bahala na talaga!

"Mama," tawag ko sa kanya, "paano kapag nainlab ako kay Colosseus?"

Tapos bigla na lang nanlaki 'yung mata ni Mama. Aish! Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na lang sinabi eh! Nakakainis! Pero ano pang magagawa ko? Nasabi ko na? Tyaka tanong lang naman eh! Tanong lang naman!! Hindi ko naman sinabi na inlab talaga ako sa pyutyur kafated ko! >______<

"Anak! Ano ka ba! Di ba sabi ko sa'yo, magiging kapatid mo 'yun? Ericka naman! Kung anu-anong pumapasok sa utak mo!" Hala *Q* Si Mama nagalit!

"Parang nagtatanong lang eh! Di ko naman sinabing inlab ako sa kanya!" Pagtataray ko.

"Bahala ka nga! Kung anu-anong iniisip mo." Tapos lumabas si Mama ng kwarto.

Okay? Anyareee? Galit si Mama? Sa bagay, sino ba namang hindi magagalit sa ganung tanong.

Wushu! Feeling ko tuloy ang bobo ko. Bakit kasi tinanong-tanong ko pa 'yun?

Eh sa bagay! Ano ba naman kasing masama sa isang tanong?! Tyaka... parang nagtatanong lang eh.

Di ko naman sinabing totoo :3

--Mama Stella's Pov--

Haru jsuko! Kung anu-anong pumapasok sa kokote ng anak ko! Ewan ko ba kung joke lang 'yun o totoo

'yung tanong niya. Pero grabihan! Nakakakaba! Walang hiyang bata 'yun! Sinabihan ko na nga, winarningan ko na ng bonggang-bongga! Putrageeees!

Ano? Kailangan ko na bang ilayo si Ericka kay Zico? Kasi, medyo napapansin ko na rin ang closeness nila eh. Hindi naman sa ayaw kong maging close sila, sa katunayan nga eh 'yun ang gusto ko dahil nga magiging magkapatid na sila kaso... nang dahil dun sa lintek na tanong ni Ericka eh kinakabahan na ako at baka maging totoo 'yung sinabi niya.

Paano nga kasi kapag nainlab 'yung anak ko sa magiging kapatid niya?!

Aish! Hindi ko talaga lubusang maisip! Nakooo, kung mangyayari man iyon, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko! >_____<

Pero...

...hindi naman sila blood related 'di ba?

Pilit kong inaalis sa utak ko 'yung tanong ng walanghiya kong anak, lumabas ako ng kwarto at sakto.

Ayun ang gwapong-gwapo kong magiging anak-anakan. Si Zico.

Nilapitan ko siya,

"Anak, kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ko sa kanya.

Grabihan, ang gwapo talaga nitong si Zico kahit kailan. Gwapo, matalino, mayaman -mmmm, mabait?

Nako, sige pwede na rin. Siguro kung hindi lang talaga sila magiging magkapatid ng anak ko baka nireto ko na siya kay Ericka! Kung ako nga ang tatanungin mo eh sasabihin ko talagang bagay sila. Kaso nga lang, ayun nga, magiging magkapatid ang dalawang yagit kaya medyo sablay.

"Okay lang." Ang tipid sumagot ng batang 'to talaga. Si Sev naman hindi ganyan ah?

"Ah, ikaw ba eh may nagugustuhan na?"

Bigla siyang napatingin sa akin. Blangko 'yung mukha, kasing lamig ng yelo ang tingin. Pero aynako, ang kagwapuhan? Pamatay talaga!

"Oo." Mabilis niyang sagot.

Nakooo! Ang swerte-swerte naman nung gusto ni Zico! Grabihan, ang pogi kaya nitong magiging pyutyur junakis ko! Atyaka mapagmahal at sweet ang tatay niya kaya baka namana rin ni Zico 'di ba?

Jusko! Kung sino man 'yung babaeng 'yun, kung sino man talaga siya! Ang swerte-swerte niya! Tanga na lang talaga ang magpapakawala sa isang Colosseus Zico Zarte!

"Talaga?! Sino?!" Eksayted kong tanong.

Nagtaka lang ako. Kasi bigla siyang napangisi sa akin.

"Kung sasabihin ko sa'yo, kaya mo kayang maging hindrance sa kasiyahan niya?" Wika nito.

Nakatulala lang ako. Hindi ko maintindihan kung anong sabi ni Zico eh. Or... ayoko lang talaga sigurong intindihin. Ako kasi 'yung tipo ng tao na madaling maka-intindi. Madaling maka-gets ng mga bagaybagay.

Posible kayang? Putrages Zico. Putrages Ericka. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?!

Nakangisi pa rin siya hanggang sa makalabas na siya ng bahay. Ako, naiwang tulala. Ina-absorb ko pa rin kung anong sinabi ni Zico though alam ko naman sa sarili ko na naintindihan ko na. Alam ko na, ayoko lang talagang aminin.

Pinili kong pumasok sa kwarto ni Ericka. Nadatnan ko siya habang yakap-yakap ang isang teddy bear na kung hindi ako nagkakamali ay minsan ko nang nakita sa kwarto ni Zico.

Mas lalo tuloy akong kinabahan. Jusko, ano bang nangyayari?

Huminga ako ng malalim at nagtanong sa anak ko,

"May gusto ka ba kay Zico?"

Simpleng tanong lang Ericka. Simpleng sagot lang din ang kailangan ko. Simple, pero totoo.

####################################

{ TBUP -62: Design }

####################################

{ TBUP -62: Design }

--Ericka's Pov--

"May gusto ka ba kay Zico?" Tanong ni Mama sa akin.

Ano raw? Ako? May gusto? Kay Zico? Kay Colosseus? Talaga bang dinibdib ni Mama 'yung tanong ko?! Waw lang ha! Tanong nga lang 'yun eh! Ang linaw ng pagkakasabi ko!! Tanong lang 'yun! Buti sana kung sinabi kong, 'Uy Mama inlab ako kay Colosseus.' Pero hindi eh! TANONG LANG KASI

'YUN!!

Bakit ba hindi maka-get over si Mama at talagang itinanong pa niya sa akin 'yan! Kagaguhan naman eh!

"WALA AH!!" Sagot ko.

Alangan naman na sabihin kong meron eh wala naman talaga?

Weh? Wala nga ba talaga?

Ay sht. Ano 'yun? Konsensya ko ba 'yun?! Tangina ha! Pero ewan ko! Ang alam ko, wala talaga! Atyaka magiging magkapatid na kami! Paano ko kaya magugustuhan ang isang taong alam kong magiging kapamilya ko na?! Like duuh! MAMA NAMAN EH! Hindi makaintindi ng tanong >______<

"Sigurado?"

Aish!! Napupuno na ako! Sinabi ko na ngang wala eh! Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala si Mama na wala talaga akong gusto kay Colosseus?! Mag-boypren ako ng iba?! Well then, fine with me! Pero syempre hahanap muna ako ng matino 'nu! Langya nemen eh!

"Mama kasi huwag mong dibdibin 'yung tinanong ko sa'yo! Tanong lang 'yun at hindi ko sinabing totoo!"

Sabi ko.

Tyaka kung totoo man, kung sakali na may gusto nga ako kay Colosseus, hay nako, sa tingin niyo sasabihin ko kay Mama?! Ano ako epal? Tanga? Psh! Ayokong saktan si Mama! Ayokong umepal sa labtim nila ni Tito Sev! Ayokong kapag sinabi kong meron nga (kung sakali) eh magparaya siya para sa akin. Ayokong isakripisyo niya 'yung sarili niyang kaligayahan para lang sa akin! Kasi kung meron mang mas deserve sumaya rito, si Mama 'yun at wala ng iba!

"Okay," napabuntong-hininga si Mama, "akala ko kasi..."

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Hinagod ko 'yung likuran niya.

"Mama, alam mo kasi, mataas ang standards ko sa mga lalake! Si Colosseus?! Ayna! Hindi ata pasado

'yun sa akin eh! Bukod sa masungit na ang bipolar pa! Mama naman! Sa tingin niyo ba gugustuhin kong magkagusto sa mga ganung klase ng tao?" Sabi ko kay Mama.

"Eh kasi naman. Malay ko ba kung gusto mo na pala siya. Eh alam mo namang magiging kapatid mo na

'yun." Pahayag ni Mama.

"Alam ko 'yun Ma. Hindi ko 'yun kakalimutan."

So ayun, ayus na kami ni Mama. Haaay! Muntik na kaming mag-away nang dahil lang sa walang kwentang tanong na 'yun. Langhiya sabi ko na nga ba dapat hindi ko na lang tinanong eh! Nonsense naman tapos pinakaba pa si Mama! Putek lang ang boba ko kasi! Aiiish!

Lumabas ako ng kwarto ko. Pagkalabas ko, ayun, nakita ko na naman ang gwapong-gwapo kong pyutyur kafated na pinaghinalaan ni Mama na bago kong lablayp.

Shet lang, gwapo niya :"">

Feeling ko tuloy, kumakabog ulit 'yung dibdib ko. Nagsu-superbass ulit. Ang lakas, ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko si Colosseus. Feeling ko... feeling ko mawawalan ako ng hininga.

So ayun, nagkatinginan lang kami. Yung tingin niya, cold ulit. Psh, titigan competition ba itey?!

HAHAHAHA!

Pero wait lungs! Ayoko namang mag-alala ulit si Mama. Siguro... kailangan ako 'yung dumestansya kay pyutyur kafated para hindi naman na maghinala 'yung Madaraka ko. Ayokong isipin ulit ni Mama na pinagpapantasyahan ko ng bonggang-bongga ang magiging kapatid ko. Kaya siguro... ako muna 'yung magiging 'cold' sa kanya.

Tama, ganun na lang.

Haaay, wala naman talaga akong gusto sa kanya 'di ba?

***

//The next day | East Velvet University | 8:16 AM.

Nakakasawa pa lang kasama si Carmeen at Scarlet? Tangina ngayon ko lang nalaman! Tangina ang ingay nilang dalawa ha! Para silang unggoy sa zoo na hindi nabigyan ng saging! Pucha lang puro daldalan, chismisan! Seryoso, pwede bang pakiabot sa akin 'yung scatch tape at ako na mismo ang tatapos sa ingay nilang dalawa?!

Palibhasa, parehong may lablayp! Punyeta lang, si Carmeen may Elzid. Si Scarlet... aish! Si Scarlet may Chron na! Putek akala ko hindi na siya papatulan ni Chron kasi nga inlab kay Selene eh! Bakit ngayon? Parang sila na?

Tangina talaga! Napag-iiwanan na ba ako? Ako na lang walang boypren dito eh! Sheeeeeeet! Sige na!

Kayo na may boypren! Saksak niyo sa ngalangala niyo! Lels, shet ang bitter ko! >_____<

Pero pramis, hinding-hindi ako magbo-boypren para lang makibagay o makiuso sa iba.

Makikipagrelasyon ako kapag handa na 'yung puso ko. Kapag sigurado na akong mahal ko 'yung taong

'yun. Kung sino man siya. Amfff.

"Tahimik mo ah!" Sabi ni Carmeen sabay tapik sa balikat ko. Punyeta masakit ha!

"Oo nga eh, loveless kasi." Mataray na sabi ni Scarlet.

Sige na! Kayo na! Kayo na talaga may lablayp! Kayo na mayabang! Kayo na madaldal! Kayo na!!

At ako na! AKO NA BITTER! =____=

Tinignan ko sila ng matalim, "Ang feeling niyo! Porket may mga boypren kayo?! Sus! Maraming pumipila para sa DYOSA kong mukha 'nu! Ayoko lang talaga ng commitment ngayon!" Wika ko.

"WEH?" Sabay nilang sabi.

Tangina, choric speech ba?! Sabayang pagbigkas?! Kailangan pareho ang sasabihin?! Aish!

"Manahimik nga kayo!" Saway ko sa kanilang dalawa.

Ayun, nagsitawanan ang dalawang gagita. Sige, pagtawanan niyo lang ako. Makikita niyo talaga! Pag ako nagka-boypren araw-araw, oras-oras, minu-minuto at segu-segundo ko 'yung ipangangalandakan sa pagmumukha nilang dalawa! Anak ng lenggwa!

"Yung Zico," Napatingin ako kaagad kay Scarlet nang mabanggit niya ang pangalan ni pyutyur kafated.

Speaking of Zico -este Colosseus, alam niyo bang hindi ko siya pinapansin ngayon? Kasi nga 'di ba, dumidistansya ang inyong lingkod na Dyosa sa kanya kasi nga baka maghinala na naman si Mama.

Mamaya kung ano na namang pumasok sa isip nung Madaraka kong 'yun at tanungin niya na naman ako ng kung ano-ano. Kaya distansya muna.

Kanina nga eh, sinasabay na niya ako sa kotse niya. Take note! Siya talaga ang nag-alok! Pero tumanggi ako, kasi nga 'di ba? Distansya. Kaya kahit late na talaga ako nagtyaga akong mag-commute para lang makapunta sa University.

Pero sayang din, minsan na nga lang mag-alok si pyutyur kadated na kasing lamig ng yelo tapos hindi ko lang pinansin.

Aish! Hindi Ericka, tama lang 'yung ginawa mo! Para sa Mama mo 'yun!!

"Ang gwapo nun ah." Sabi ni Scarlet.

"Alam ko." Sabi ko with matching taas pa ng kilay.

"Patulan mo na lang kaya! Sabi mo nga 'di ba, DYOSA ka tapos siya gwapo eh 'di bagay kayo."

Wushu! Kami ni Colosseus, BAGAY?! Anak ng lenggwa! Comedy ba ang trip ni Scarlet? Joke ba 'yun?

Tatawa na ba ako?

"Joke ba 'yun?" Tanong ko.

"Gaga! Seryoso ako!"

"Psh. Bugok ka rin 'nu? Magiging kapatid ko na nga eh! Adik ka ba?" Pahayag ko.

"Oo nga naman Scarlet! Gagita ka talaga! Naalog ata utak mo run sa lab eh!" Sabat ni Carmeen.

Tapos si Scarlet bigla namang namula. Tangina mukhang kamatis! Hahahaha! Saan ka pa nakakita ng btch na nagblu-blush? Mwhahaha! Only in the Philippines! :))))))

"Che! Tumigil nga kayo!" Saway niya. "Alam ko namang magiging magkapatid na kayo pero..."

"Ay pa-suspense 'teh? Ano 'to cliffhanger? Nambibitin ang peg? Kung ikaw kaya ibitin ko?!" Wika ko sa kanya.

"Sandali lang naman! Para may thrill!" Sabi niya. Augh! Thrill your face Scarlet!

"EH ANO NGA?!" Ayuuun, kami naman ang nagsabay ng sinabi ni Carmeen xD

So ayun, seryoso na ulit siya, "Pero kung hindi kayo magiging magkapatid, papatusin mo ba?"

Napaisip naman daw ako sa tanong na 'yan.

Oo nga naman, paano naman kaya kung hindi kami magiging magkapatid... Hmmmm? Siguro, oo.

Tyaka, hindi naman mahirap mahalin ang isang Colosseus Zico Zarte! Kailangan mo lang talagang pagtyagaan ang bipolar disorder niya! Pero kung tutuusin, package deal na talaga si Colosseus.

Kumbaga sa ulam, kompletos rikados na! xD

Gwapo, mayaman, mabait? AH BASTA! Yun na 'yun!

"Eh, siguro. Pero magiging magkapatid talaga kami eh. Kaya, semplang! Di talaga pwede." Wika ko sabay iling :D

"Psh. Di naman kayo blood related." Sabat ni Carmeen.

"Kahit na. Parang mas magiging maganda kung magkapatid lang kami tapos 'yung mga magulang na lang namin 'yung nagmamahalan." Sagot ko with matching ngiti :"">

Tama naman ako 'di ba?

So ayun, pumunta na kami sa kanya-kanya naming klase pagkatapos ng kung anu-anong topic na pinag-usapan. Ako, medyo wala sa mood mag-aral. Ewan ko ba, feeling ko hindi kumpleto 'yung araw ko na hindi ko kinakausap si Colosseus. Feeling ko kulang kapag hindi kami nag-away man lang o nagtarayan.

Nakakamiss din pala 'yung pagiging bipolar ni pyutyur kafated.

Lumipas ang isang araw na wala akong ibang inisip kundi si Colosseus. Absent minded ako sa klase ko.

Absent minded ako kahit saan! Pati nga paglalakad ko papauwi eh sobrang bagal eh.

Kasi nga, iniisip ko si Colosseus.

Ewan ko. Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit.

Although hindi naman siya karapatdapat isipin, hindi ko lang talaga mapigilan!

Naglalakad lang ako papalabas ng building namin, nang makalabas na ako eh bigla na lang bumilis

'yung tibok ng puso ko -nakita ko kasi siya. Si Colosseus.

Augh? Anong ginagawa nito rito? Malamang sinusundo ako, pero ayoko talaga siyang makasama. Kasi nga distansya. Kaya magco-commute ako. Bahala siya dyan.

Nagkatinginan lang kami saglit tapos nilagpasan ko na siya pero ang ikinagulat ko...

Bigla na lang niya akong niyakap sa likod!

Putangina! Ito na eh! Ito na 'yung mga panahong dapat pinipigilan kong kiligin! Ito 'yung mga panahong dapat tinatarayan ko siya! Ito 'yung mga panahon na dapat nag-aaway na kami! Pero bakit ganito? Ano na namang ginagawa mo ha Colosseus? Bakit mo na naman pinapabilis ang tibok ng puso ko?

Hindi ako makapaniwala eh. Although nayakap ko na siya dati dahil sa kalandian ko, pero iba ngayon eh! Kasi nung una ako 'yung unang yumakap pero bakit ngayon? Mas kakaiba 'yung pakiramdam ko kasi siya 'yung unang yumakap sa akin.

Lechugas! Back hug mula sa isang Colosseus Zico Zarte! Tangina sinong hindi kikiligin?! >______<

Gusto ko nang kumalas eh. Pero hindi ko alam! Bakit parang mas gusto kong mag-stay sa ganung posisyon! Hindi ko alam kung bakit ayaw kong kumalas! At ang pinaka-ikinagugulo ng utak ko...

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO MASAYA!

Hindi man ako nakangiti, sa loob-loob ko nagtatatalon na ako.

But still, hindi ko pa rin alam kung bakit.

"U-Uyy, a-ano -b-bang g-ginagawa m-mo..?" Sht, I found my voice!

"Pass through." Sagot niya.

Feel na feel ko 'yung hininga niya sa tenga ko! Medyo mainit sa pakiramdam pero sheeeeet! It made my whole DYOSA body, shiver! Fvck! Ayoko ng ganito! Shet, shet, shet!

Ay teka, anong 'pass through'?

"A-Anong... p-pass -t-through?" Fvck! Stammering! Shet, why?!

Agad niyang ibinulong, "Tagos."

Uyyy, pa-check nga kung lahat na ng dugo sa buong katawan ko eh nasa mukha ko na! Tangina hindi lang dahil sa back hug ni Colosseus pero -eff! Talaga bang sinabi niya 'yung word na TAGOS?!

Putangina! Nakakahiya!

Pero, wala naman akong dalaw ngayon ah? Kung kakarating lang, bat 'di ko naramdaman? Dapat sana masakit na 'yung puson ko kung meron ako pero bakit ngayon wala?

Taeee nakakahiya ako! Grabiti!! >______<

"T-Talaga?" Tanong ko.

Tapos unti-unti na siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin.

Oh fvck, WHY?! -I mean, yes! Yes 'di ba? Hindi na siya nakayakap sa akin? Aish! Nakakabobo!

Mababaliw na ata ako!

Humarap ako sa kanya. Cold eyes, poker face -shet totoo nga! Si Colosseus nga 'to! Siya talaga 'yung yumakap sa akin! Puteek! Nakakakilig -este, nakakahiya!

"Augh, sorry. Design lang pala..."

WHAT THE HELL?! Design?! Design?! Niyakap niya ako mula sa likod nang dahil lang sa design?!

Puteek! Nang dahil sa design -kinilig ako?! Sheeeeeet! Salamat sa design na 'yun ha! Salamat lang talaga!

Ay wait, tekaaaaaaaaaaaa~! Anong design?!

Sa pagkakaalam ko, walang design 'yung suot ko. Kasi naka-suot ako ng denim shorts! Paano magkakaroon ng design 'yun?! O.o

Ibinulsa niya 'yung dalawang kamay niya, "Kung hindi ka sasabay, hindi kita pipilitin."

Okay? Di naman talaga ako papapilit sa'yo eh!

"Uutusan na lang kita." Tapos ngumisi siya. WHUUT?! "As your future brother, I am commanding you to go home... with me."

Aisshhh!

*dug.dug.dug.dug.dug*

What the hell! Yung puso ko na naman eh!! Ano ba Colosseus! Hirap na hirap na ako! As in gulong-gulo na ako kung ano talagang ginagawa mo sa akin!

--Zico's Pov--

Napansin ko lang kasi kaninang parang iniiwasan niya ako. Para rin hindi niya ako pinapansin. Hindi naman siya ganun dati. Hindi ako sanay.

Hindi ako sanay na hindi pinapansin ng babaeng gusto ko.

So I did something quite awesome.

Ano ngayon, eh 'di pinansin niya rin ako.

Psh. Ngayon pa na mas gusto ko nang mapalapit sa kanya, tyaka siya lalayo? Hell, no way!

####################################

{ TBUP -63: I hate you! }

####################################

{ TBUP -63: I hate you! }

--Ericka's Pov--

Haaay! As usual, ano na naman bang ikwe-kwento ko sa inyo? Syempre, ano pa ba! Eh 'di 'yung lintek kong pyutyur kafated na kung magpakilig eh wagas! Ano baaaaaaa~! Feeling ko nagiging abnoy na ako.

Sabihin niyo nga -ako ba eh naiinlab na sa magiging kapatid ko?

Pucha, hindi naman pwede 'yun 'di ba?! Magiging kapatid ko na eh!! Kaya no, no, no way! Tyaka baka pinagtri-tripan lang ako, alam niyo 'yun? Trolling in the deep? Tyaka baka tactics nga lang? Aish!

Parang mas gusto ko tuloy isipin na tactics lang talaga, kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nagkainlaban na. Tangina lang, sana hindi!

Papasok na nga lang ako. Ay teka, sasabay pala ako sa pyutyur kafated ko. Sabi niya eh. Tyaka ayoko na mag-commute! Langya nahihirapan na nga ako, nale-late pa ako! Hassle talaga! >______<

So ayun, no choice. Kasama ulit si pyutyur kafated. Ang pyutyur kafated na all around. Pwedeng maging kuya, driver at boypren xD Punyeta, never mind na lang 'yung last na sinabi ko. Pasensya, nadala lang ng kalandian :3

"Athena." Tawag sa akin ni pyutyur kafated =______=

Kay kulit ng lahi ni koya mga 'teh! Ilang beses ko na bang sinabing ayaw na ayaw kong tinatawag na

Athena?!

"Ang kulit mo rin eh 'nu?! Huwag sabing Athena eh! Bangasan kita eh!" Saway ko sa kanya.

Pero hindi rin niya pinansin 'yung sinabi ko. Inasar lang niya ako ng inasar ng Athena. Talagang mula nung umalis kami ng bahay hanggang sa makarating kami ng East Velvet eh puro 'Athena' ang

lumalabas sa bibig niya. Buong byahe, puro Athena! Punyeta naman eh! Nakakainis! Ayaw na ayaw ko pa naman ng pangalan na 'yun!

Pero bakit ngayon? Bakit parang nababaliw ako sa tuwing binibigkas niya 'yung pangalang Athena?

Bakit parang... lumulukso 'yung puso ko sa tuwa?

Aish! Shatap! Putanginang pangalan 'yan! Wala! Naiinis pa rin ako! Yun ang totoo!

"Aish! I hate you!" Sabi ko sa kanya bago lumabas ng kotse.

Bigla siyang napangisi at tumingin sa akin, "Bakit, sinabi ko NA bang 'I love you'?"

Ayan! Lumulukso na naman 'yung puso ko! Nakakainis! I love you raw o! Pero syempre hindi lang naman "I love you" 'yung sinabi niya 'di ba? May kasama pa >_____< K, basag na naman ako! Barado na naman! Tangina Colosseus! Nakahanap nga ako ng katapat ko sa katauhan niya!

"Psh. Bahala ka nga dyan!" Tapos lumabas na ako ng kotse at dumiretso sa klase ko.

Bahala siya dyan! As if naman gusto kong marinig 'yung "I love you" niya! Sa kanya na lang! Saksak niya sa baga niya! >___<

--Psyche's Pov--

Pinapanood ko mula sa 'di kalayuan si Ericka habang papalayo sa kotse ni Zico. Mukha siyang galit kasi naibagsak niya 'yung pinto nung kotse tapos mukha pang naiinis 'yung mukha niya -pero bakit nagblublush? May LQ ba sila?

Ay fvck! LQ?! IBIG SABIHIN SILA NA?!

Deep sht! Hindi pwede!

Hindi lang naman dahil sa mahal ko si Ericka kaya hindi sila pwede ni Zico eh. Hindi sila pwede kasi magiging magkapatid sila. Kaya hinahayaan ko na lang si Zico. Alam ko namang sa huli, kami pa rin ni

Ericka. Sa huli, sa akin pa rin siya babagsak.

Hindi sila pwede ni Zico. Magiging magkapatid sila. Mas matagal ang pinagsamahan namin ni Ericka.

Ang daming mga factors na magpapatunay na hindi pwedeng maging si Zico at Ericka.

Hindi pwede.

Kasi kami lang ni Ericka ang nararapat. Kami lang.

--Ericka's Pov--

Tao, bagay, hayop~~ blah blah.

Ang ingay kasi nila Scarlet at Carmeen -ULIT! Tinutukso kasi nila ako kay Colosseus. Nakakainis! Hindi ko nga kasi siya gusto! Magiging kapatid ko nga eh! Ano baaaaa~!

"Ang ingay niyong dalawa!!" Sigaw ko sa kanila.

"The more you hate the more you love kasi! Aminin mo na ngang mahal mo 'yung tao! Pinapahirapan mo 'yung mga tao eh!" Sabi ni Scarlet.

"Huh? Paano ko naman sila pinapahirapan?!"

"Eh basta! Di ba, mahal mo na si Zico?"

"Pucha! Isipin niyo gusto niyong isipin! WALA AKONG PAKE!"

Tapos umirap ako sa kanila at tumingin sa ibang direksyon pero putangina! Putangina sagad! Mas kumulo ata ang dugo ko sa nakita ko?! Sht, sht, sht! WHAT THE FVCK!

Si Colosseus may kahalikan?! TANGINA THIS! Walang kwentang lalake! Pagkatapos akong pakiligin eh makikipaghalikan na lang kung kani-kaninong butete! Punyeta ata 'yun ha! Hindi! Hindi ko 'yan hahayaan! NO, NO, NO WAY! OVER MY SEXY GORGEOUS DYOSA BODY! NO WAY!

Akmang susugurin ko na 'yung babae nang biglang humirit sila Carmeen at Scarlet.

"Kita mo na? Eh 'di selos ka!" Pucha, manahimik kayo! >___________<

Nakakuyom ang kamao ko habang papunta sa kinaroroonan nila Colosseus. Nag-uusap na sila ngayon matapos nung kissing scene. At aba! Parang wala lang para kay Colosseus ha! PUCHA WALA KANG

KWENTAAAAAAAA~! I HATE YOUUUUUUUUUUUUU~!

"Makipaglandian daw ba?!" Sigaw ko sa harap nilang dalawa.

Biglang tumaas 'yung kilay nung babaeng puta, "Excuse me, can you please mind your own monkey business?"

Aba! Maka-english parang taga-Amerika eh ang mukha naman mukhang galing ibang planeta! Tangina mo lang na babae ka! PAKYU KA! Akala ko kung sino ka! Makahalik ka kay Colosseus parang pag-aari mo?! Sino ka ba?! TAO KA BA?!

Teka -makapagselos naman ako parang pag-aari ko rin si Colosseus. Ayy sht -teka! Sinabi ko ba talagang 'selos'?! OH FVCKING SHT! BAHALA NA!

"Anong monkey business ka dyan?! HINDI AKO MONKEY! BAKA IKAW MONKEY! TANGINA MO!

Landiin daw ba BOYPREN ko?!" Sabi ko sa kanya =____=

"Excuse me?" Sabi niya. Aba! Parang walang narinig ah! Nakapulupot pa rink ay Colosseus!

"SIGE! MAKAKADAAN KA! " Sigaw ko sa babae.

"No, I mean..." tapos tinuro-turo niya kami ni Colosseus na parang naguguluhan.

Dun ko na na-realize 'yung sinabi ko. PUNYETAAA~! ANONG SINABI KO?! SINABI KO BA

TALAGANG BOYPREN KO SI COLOSSEUS?! Oh fvck! Whyy?! Whyy on Earth?! Tangina this!

Lamunin mo na ako Mount Olympus! Parang awa mo naaaaaaaaaaaa~!

"Wala kang pake!" Sigaw ko tapos hinatak ko na si Colosseus papalabas ng University.

Teka, bakit ba kami lumabas?! Tyaka bakit ba parang wala lang sa kanya?! Nilamog na nga 'yung labi niya tapos wala lang?! Talaga bang may something sa kanila nung babaeng mukhang ginahasa kanina?! Hindi na nga maganda, feeler pa! Amputa!

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya sa akin. Cold stares, poker face. Ganyan ka ba talaga ha

Colosseus?!

"Sino ba 'yun?!" Naiinis kong tanong.

"Kaklase ko sa Austen dati, bigla niya lang akong hinalikan."

Bigla tapos 'di mo lang tinulak?! ANO 'TO GAGUHAN?! Tyaka bakit parang wala ka lang reaksyon?!

Nakakainis ah!

"Eh bat parang wala kang pakialam?!"

"I was going to slap the btch before you bulged in." Walang emosyon niyang sagot.

Seryoso? Sasampalin niya talaga 'yung babae?! *Q*

"Eh bat di mo tinuloy?" Mataray kong tanong.

"Because I thought you're gonna do that for me."

"Why would I?"

"Because I'm your boyfriend?"

Fvcking sht. Di niya makalimutan 'yung sinabi ko?! Tangina naman kasi Ericka! Bakit kasi imbes na

'future kafated' ang sabihin mo eh bakit 'boypren' pa?! Kaylandi-landi ko rin kasi! Antae naman!

Nakakahiya tuloy.

Feeling ko nagblu-blush na naman ako. Punyetaaaaa~!

"Oy! Arte lang 'yun! Huwag mong seryosohin!" Sabi ko.

Tumalikod na ako para itago 'yung pamumula ng pisngi ko. Sht naman eh. Naglakad na ako papalayo, ewan ko rin kung saan ako pupunta eh pero bigla na lang akong natapilok. PUTANGINA MASAKIT!

>___<

"Aw sht!" Sabi ko dahil nakadapa na ako sa semento =___=

Tinignan ko si Colosseus pero tinitignan niya lang din ako with his cold aura and eyes. Amf! Di ba ako tutulungan?!

Tapos bigla na lang siyang tumalikod sa akin at pabalik na sana ng University.

"Di mo ba ako tutulungan?!" Pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang ako namimilipt sa sakit.

Aish! "I hate you! I hate you! I hate you!" Patuloy ko 'yang sinasabi sa kanya habang naglalakad siya papalayo.

Bigla siyang lumingon sa akin habang nakangisi. Sht. Eff you!

"You hate me, huh? Then I will not help you. Say the magic word then I will." Tapos ngumisi ulit siya.

Magic word?!

"Please?" Umiling siya, "Parang awa mo na?" Umiling ulit siya, "Zico?" Umiling ulit.

Eh ano bang magic word ang kailangan niya?! Eh namimilipit na ako sa sobrang sakit! Tangina

Colosseus! Pag ako 'di mo tinulungan dito ibabaon kita sa Mount Olympus ng buhay, pramis! >______<

At dahil sa sobrang inis ko, "Ya! I HATE YOUUU~!"

"Fine with me." Tapos naglakad ulit siya papalayo. Fvck!

"OO NA! I LOVE YOU NA! YUN BA ANG MAGIC WORD MO HA?! I LOVE YOU!" Sigaw ko. Augh! Fvck this sht!

Nanggalaiti na ako sa galit nang bigla siyang lumingon sa akin -bigla na lang nawala 'yung galit ko.

Tangina nakangiti kasi siya. Sht, ang gwapo lang niya! Nakakawala ng inis! Aish!

Ngumisi ulit siya at,

"Don't worry, the feeling is mutual." Tapos ngumiti ang loko.

Tangina anong mutual?!

Ibig sabihin...

Love?

Love niya rin ako? What the heck?!

"Anong mutual na sinasabi mo?! Love mo rin ako? Gusto mo rin ako?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Tapos tumango siya.

Sht. TUMANGO SIYA!

TUMANGO SIYAAAAAAAAAAAAAAA~!

Kung hindi lang masakit 'yung paa ko, siguro kanina pa ako nagtatalon dito. Pero uwaa! Ewan ko!

Masaya 'yung puso ko eh pero tumututol ang isip ko. Damn! Control yourself Ericka! Magiging kapatid mo 'yang maghulos dili ka! GAGA!

Nakatanga lang ako sa kanya.

"Confused?" Sabi niya, "Don't know what to say? Then, I'll help you to formulate an answer." Tapos ngumisi siya.

Iniabot niya 'yung kamay niya sa akin. Sht, ito na naman 'yung puso kong hindi mapakali sa pagtibok ng sobrang bilis! Walanghiya! Sabihin niyong panaginip lang 'to! Parang awa niyo na!

Tumayo ako sa tulong ng kamay niya. Sht lang dahil para talaga akong kinukuryente nung nahawakan ko 'yung palad niya. Tangina Colosseus, CHARGER KA BA?!

So ayun, nakatayo na rin naman ako =_____= Di na rin masakit 'yung paa ko. Siguro nabigla lang sa pagkakabagsak.

Hindi ko na sana siya papansinin dun sa sinabi niya. Hindi ko naman sinabing gusto ko talaga siya eh.

Nasabi ko lang 'yung 'I love you' kasi wala na akong ibang maisip na magic word tyaka 'di ba, 'yung I hate you ko kanina ang nagpalala ng pagiging bipolar niya. Kaya 'yun na 'yung naisip ko. Tangina naman kasi. Tyaka baka pinagtri-tripan niya lang ako!

Naglakad na ako pabalik sa loob ng University nang bigla siyang sumigaw.

"You're gonna leave, eh?" Psh, bahala ka dyan! Di naman kasi ako dapat mainlab sa'yo eh! "You're confused but I don't care. I need an answer, so yeah. Let's have a dare, this dare will help you to answer me."

Answer? Ano bang sasagutin ko?!

"Kailangan bang sagutin 'yun? Tanong ba 'yung sinabi mong, 'the feeling is mutual chu chu'?!" Naiirita kong tanong sa kanya.

"Nope, but I need an answer. Ayokong magmukhang tanga. I confessed and you'll ignore? Psh. Not okay with me." Coold niyang pagkakasabi. "Tatawagin kitang Athena, kapag lumingon ka... you're mine end of story." Then he smirked.

Fvck. Hindi ba talaga siya aware na magiging kapatid ko siya at ang kulit-kulit niya?! Aish! I hate it!

Ayoko ng ganito! Hirap na hirap na akong pigilan 'tong nararamdaman ko para sa kanya tapos siya papahirapan na lang ako?! Ano ba Colosseus! Magiging magkapatid na tayo! Tumigil ka na!

Pinapahirapan mo lang ako eh! Pinapahirapan mo lang 'yung sarili mo!

"Bahala ka!" As if naman lilingon ako!

Tumalikod na ako.

"Athena!" Tawag niya.

"..."

Tuloy ka lang sa paglalakad, huwag mong intindihin 'yan.

"Athena!"

"..."

"Athena!"

"..."

"Athena!"

Ang kulit niya po. Lakad lang Ericka! Wala kang naririnig! Ayan, nasa loob ka na ng University ulit!

Wohooo, wala kang naririnig okay?!

"Athena!"

"..." Sige lang, lakad lang pabalik kina Carmeen.

"Athena, MAHAL KITA!"

I turned around and I saw his eyes. Silvery, cold... romantic.

"ANONG SINABI MO?!" Then I saw he smirked.

Oh fvck. Why did I turn around?!

####################################

{ TBUP -64: Forbidden }

####################################

{ TBUP -64: Forbidden }

--Ericka's Pov--

Hindi ako makatulog :3

Ikot doon, ikot dito. Talukbong doon, talukbong dito.

Aughh! Ano bang klaseng buhay 'to! Bakit kasi sa lahat na lang ng sasabihin ng magiging kapatid ko

'yun pang bagay na kinatatakutan ko?! Eh kasi naman! Yun na nga 'di ba? Magiging magkapatid kami tapos parang ang pangit naman na magiging mag-boypren, gerlpren pa kami. Parang errr lang. Eh basta! Ayoko! Hindi pwede!

Kahapon nga eh, nung sinabi niyang mahal niya ako -sheeeeet! Naalala ko na naman!! Naalala ko na namang ang gwapo-gwapo niya habang sinasabi niya 'yun! Naalala ko na namang kinilig ako nung sinabi niya 'yun! Kyaaaaaaaaa~! Bakit kasi...

BAKIT KASI MAGIGING KAPATID KO SIYA?!

Oo natatakot ako na magkainlaban kaming dalawa pero... hindi naman ganun kasama 'yun 'di ba?

Siguro kung hindi lang talaga kami magiging magkapatid baka sinagot ko na siya! Pero hindi pwede eh!

KASI NGA PYUTYUR KAFATED KO SIYA!

Teka, balik tayo run sa sinabi niyang mahal niya ako -alam niyo bang tinakbuhan ko siya nun? Alam niyo bang nag-run devil run ang peg ko nang sinabi niya 'yun? As in talagang hindi ako nagpakita sa kanya kahit naghintay siya sa labas ng building namin nung dismissal. Ewan ba. Natatakot ako sa kanya eh :3 Mamaya bigla niya na lang sinabi kay Mama! Tapos ayun na -BOOM! Masisira na lahatlahat.

Yun lang naman ang kinakatakot ko eh -ang magparaya para sa akin si Mama. Ayokong maging malungkot siya nang dahil sa akin. Kaya hanggang maari iniiwasan ko si Colosseus, hanggang maaari iniiwasan kong mapamahal sa kanya.

Pero ngayon, mukhang mas mahihirapan pa akong gawin 'yun.

Aish! Bakit kasi ako pa ha Colosseus?! Dati naman ayaw mo sa akin! Dati naman inis na inis ka sa pagmumukha ko! Dati naman kulang na lang sapakin mo 'ko dahil sa inis mo! Pero bakit ngayon?! Bakit bigla na lang nagbago?!

Psh. Makaarte naman ako parang ayaw na ayaw ko talaga kay Colosseus eh kilig na kilig naman talaga ako. Pero... gusto ko ba talaga si Colosseus? Medyo clouded pa rin kasi 'yung utak ko. Hindi pa ako makapag-isip ng matino. Uwaaa!

Ah alam ko na! Iinom na lang ako chocolate milk para makatulog ako! Beri epektib pa naman 'yun.

Mwehehehe :3

So lumabas ako nang kwarto ko. Hephephep! NINJA MODE: ON! Silip-silip din baka nandito si

Colosseus ngay! Ayoko pa siyang makita eh. Ayoko pa siyang makausap! Di pa ako ready eh! Hindi ko pa alam gagawin ko =______=

Oh yes! No signs of pyutyur kafated! So dumiretso ako sa kusina para uminom ng chocolate milk.

Timpla-timpla rin! Yiheeee~! Epektib talaga 'tong pampatulog para sa akin! Higop-higop din! Sa-

"Athena..."

"AYY MASARAP KA!" Shet! Napaso tuloy 'yung dila ko :3

Bakit kasi bigla na lang susulpot 'yang Colosseus na 'yan?! Ayy punyetik! Uwaaa! Anong gagawin ko!

Baka kulitin na naman niya ako!!

Ayy shet papalapit na siya! Omegesh! What to do! What to do!!

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya sa akin.

Tengene! Bakit ang gwapo niya?! :""> Walang hiya hindi ko kayang magpigil ng kalandian! Umayos ka

Ericka! DYOSA KA! At ang dyosa, hindi nagpa-panic! Compose yourself! Stand straight! Chin up! Face the enemy!

-OH FVCK! THE ENEMY IS SO POGEEEE~!

"A-Ano... h-hindi ah! B-Bat naman kita iiwasan?" Sheeeeeet! "Hehe."

"Siguro naguguluhan ka pa rin." Wika niya.

Talaga! Bakit kasi bigla-bigla mo na lang sasabihing mahal mo 'ko! Buti sana kung may 'joke' na kasama kaso wala! Anak ng lenggwa! >_____<

"Ano... totoo ba talaga 'yung sinabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Mukha ba akong nagloloko? Yung pagsasabi ba ng 'mahal kita' eh joke para sa'yo?"

Okay! Ikaw na! Ikaw na magaling! Parang nagtanong lang eh =_______= Hindi lang naman kasi talaga ako makapaniwalang mahal talaga ako ng isang Colosseus Zico Zarte. Nakakakilig -I mean, nakakainis!

"Sige, hindi na lang kita mamadaliin."

Tapos mas lumapit pa siya sa akin. Tangina sobrang lapit naman na nito Colosseus! Grabihan damangdama na kita eh! At uwaaaaaaa! Hawakan daw ba ang magkabilang pisngi ko?! Ay shet, shet, shet!

Yung puso ko! Tangina nakaka-OA pero masisisi niyo ba ako kung tuloy-tuloy ang pagsu-superbass ng puso ko?!

"Basta kapag mahal mo na 'ko, sabihin mo kaagad sa akin." Tapos hinalikan niya 'yung noo ko. Tapos umalis na siya. Shet!

FVCK!! Colosseus naman eh! Bakit ganito ang dinudulot mo sa akin?! BAKEEEEEEEEEEET?!

Colosseus...

Oo naman eh.

Mahal naman talaga kita.

Natatakot lang akong magparaya si Mama.

//The Next Day | East Velvet University | 8:07 AM.

--Zico's Pov--

Hindi pa rin sumabay si Athena sa pagpasok. Talaga bang iiwasan niya ako? Talaga bang papahirapan niya ako?

Talaga bang ayaw niya sa akin?

Damn! Para tuloy akong nagsisisi sa pagsabi sa kanyang mahal ko siya. Parang mas maganda pa nung nag-iiwasan kaming dalawa. Nung hindi pa ako malapit sa kanya. Nung naiinis pa ako sa kanya.

But at least, she knows.

I shighed as I entered our building. And great, there is Psyche standing in front of me again. Is he gonna ask me again for a bet? Psh, so lame.

"You know it's forbidden." He started.

Forbidden what?

"I really don't know what you're talking about. Get out of my way." I said.

"Hindi naman kayo pwede 'di ba? Magiging magkapatid kayo."

Yun pala. So her ex-boyfriend's bitter about her? So lame. So damn lame.

"And so? At least I can still love her."

At nilagpasan ko na siya. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Wala rin namang kwenta eh. Hindi na niya mababawi si Athena. Kahit hindi pa sumasagot si Athena sa confession ko, I'm declaring her as mine.

End of story.

Oh speaking of there she is! Ano kayang ginagawa niya rito sa building namin? My heart leaped because of joy when I saw her. Damn, siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Yes it's cliché but, seriously, she's the most beautiful girl I've ever seen lalo na kapag nagtataray siya. Ewan ko ba. Sabi nila maganda ang babae kapag nakangiti but this girl, man! Mas maganda siya kapag nagtataray! I swear! Paano pa kaya 'pag ngumiti na siya?

She's right. She's a goddess.

Tumakbo ako papalapit sa kanya then I hugged her from the back. I really love the scent of her hair and it's driving me insane!

"U-Uyy! P-Pinapabigay lang ni Mama 'tong libro mo. Nakalimutan mo kasi." Sabi niya sa akin but I continue to hug her from behind.

Wala akong pakialam sa mga tumitingin. Wala akong pakialam sa mga magsasabi ng PDA, I just love hugging my girl. Yes, she's my girl. She's mine.

Sana lang talaga, mahal niya rin ako.

"Athena, I can no longer wait for your answer. From now on, I am declaring you as my girl. You're mine now, got it? So please, don't drift away from me. If I know it'll turn out this way, I'd rather continue being cold to you but I can't and I didn't. I risked it all to say that I love you. So please... don't go far away from me."

Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Basta ko na lang naramdaman na gusto ko siyang makasama, na gusto ko siyang mayakap. I want her all by my self. I love every inch of her.

Kahit magiging magkapatid pa kami -wala akong pakialam. Forbidden? Kailan pa naging forbidden ang magmahal?

####################################

{ TBUP -65: Loud & Clear }

####################################

{ TBUP -65: Loud & Clear }

--Ericka's Pov--

Anyareee pows? Niyakap ako ni Colosseus?! Sa harap ng... maraming tao?! Tengene, ang PDA lungs!

Buti na lang makapal ang mukha ko't nagawa ko pang makarampa palabas ng building nila. Grabihan!

Ibang level na talaga si Colosseus! Hindi ko na ma-reach! Sobrang laki ng pinagbago niya simula nung sinayaw niya ako sa prom! Para siyang nag-evolve ngay? Kilala niyo ba si Pikachu? Ayun siya, tapos naging si Raichu na! Talagang as in nag-evolve! Uwaaa! Nag-level up ng bonggang-bongga si koya!

Pati nga sa puso ko, nag-level up siya eh :3

K, korni. Tangina naman kasi. Kapag inlab ka talaga lahat ng sinasabi mo nagiging korni nu? Bakit kaya ganun? Ano kayang nagagawa ng lab para maging korni lahat ng tao? Haays.

Bahala na nga. Pupuntahan ko na lang sila ni Carmeen at Scarlet. Malamang, sino pa bang pupuntahan ko eh sila lang naman ang mga prenship ko rito sa University?

So ayun, umupo ako sa bench kung saan nakaupo rin ang dalawang gaga. Busy? Oo, busy sa pagtetext =_______=

"Hoy! Di ako hangin! Pansinin niyo naman ako!" Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Later~" Sabay nilang sabi.

So busy talaga sila?! Sige ha. Wait lang. I have a very bright (evil) idea. Mwhahahaha! >:))))))

"Pag ako hindi niyo pinansin, HUHULAAN KO BREAK-UPS NINYO!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Agad-agad nilang ibinaba 'yung cellphones nila. Mwhahahaha! See the power of Athena Ericka

Artemis? Hihi. Hindi lang pala ako DYOSA sa kagandahan eh. DYOSA AKO EVERYWHERE!

"Ano bang kailangan mo?" Mataray na tanong ni Scarlet sa akin.

Gagang 'to! Siya pa talaga ang may ganang magtaray?! Walang hiya! Nagka-boypren lang ang gaga, mataray na?! Ikaw na Scarlet! Ikaw na talaga ang papatayin ko! >_____<

"Oo nga, besh. Ginugulo mo ang aming landian session ni Elzid sa text eh!" *Q*

Landian session?! Tanginang Carmeen 'to. Kung ano-anong sinasabing kababalaghan. Jusme! Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?!

"So wala na kayong time para sa akin?" Tanong ko.

"Meron pa naman. Konti." Si Scarlet.

"KONTI?!"

"Joke lang! Sige na, ilabas mo na 'yang nasa loob-loob mo't para maituloy na namin ni Elzid 'tong landian session namin." Si Carmeen 'yan, sino pa ba?

Umupo ako sa gitna nilang dalawa. Wala, lumipat lang ng upuan. Gusto ko kasing makinig sila ng bonggang-bongga sa akin. Syempre, DYOSA ako.

Lels, anong konek? xD

"Mahal ko na si Colosseus." Sambit ko.

Reaksyon nila? Punyeta 'di man lang nagulat?! Wala nakatingin lang sila sa akin! Parang bored pa nga sila eh! Seryoso, 'di lang ba talaga sila magugulat?! Talaga bang ganito na ako ka-boring?!

"Huy! Magulat naman kayo!" Sabi ko sa kanilang dalawa.

Tapos...

"O TALAGA?! OMEGESH! LIKE, SERIOUSLY?! SHET! ME IS SO KINIKILIG! GAAAASH!" Silang dalawa. Grabe, halatang pilit!

Tinignan ko silang dalawa ng matalim, "Punyeta! Walang mananalo ng best actress sa inyong dalawa kasi halatang pilit 'yang pagkagulat niyo!"

"Eh sabi mo kasi magulat kami eh." Sabi ni Carmeen sabay pout. Eww!

"Bat kasi 'di kayo nagulat! Ano bang problema niyo?!" Wika ko.

"Hindi naman kasi kagulat-gulat 'yun, ogags. Alam naman naming mahal mo na talaga 'yun, matagal na.

Ayaw mo lang aminin sa sarili mo kasi nga, gaga ka." Pahayag ni Scarlet.

Eh 'di sila na magaling! Hala! Mas nauna pa talaga nilang nahalata na may gusto ako kay Colosseus kesa sa sarili ko eh nu? Tama nga ata si Scarlet, gaga nga ako. Pero at least, DYOSA pa rin! Hmmpf!

>_____<

"So kayo na?" Tanong nila.

"Hindi. Iniiwasan ko nga eh. Magiging kapatid ko kaya. Duuh!" Sabi ko.

"Duuh? Alam mo, ang pag-ibig parang tae! Mahirap iwasan, mahirap pigilan! Kung lalabas na talaga, huwag mo nang subukan pang itago! Kagagahan mo talaga!" Sabi ulit ni Scarlet.

:3

Jusme. Napunta na ang usapan sa tae. Ano kayang nakain ng dalawang 'to para maging tagapayo ko?

"Ikumpara raw ba ang pag-ibig sa tae?! Gross ka naman Scar!" Sabi ni Carmeen tapos bumaling siya ng tingin sa akin, "Alam mo Ericka, ang pag-ibig, parang ulan lang 'yan eh. Kahit ilang beses mong ipagdasal na hindi dumating, kung talagang planado ng Dyos na bumagsak, babagsak at babagsak

'yan!"

Like seriously? Trio tagapayo is that you? Ayy teka, dalawa lang pala sila. So dobleng tagapayo? Lels.

Mga utak nila nagiging flexible ha! In fairness! Mwhahaha! Nagi-impove! Ganyan ba talaga nagagawa ng may boypren sa kanilang dalawa? Tumatalino? Nice one!

"Sus, ulan-ulan pa. Porket may bagyo lang eh!" Hirit ni Scarlet.

"Paki mo ba! Ikaw nga sa tae eh! Yuck!" Sagot naman ni Carmeen.

"Tahimik! Sige na, kayo na! Kayo na matalino! Tengene, bakit kasi magiging kapatid ko pa siya!" Sigaw ko.

"Tanga, 'di kayo blood related!" Sabi ni Scarlet.

"Oo nga! Di 'yun incest besh!"

Oo nga naman. Hindi kami blood related. Hindi kami magkapatid na as talagang magkapatid. So may pag-asa? Eh! Kasi naman, inaalala ko talaga si Mama! Naalala ko nung pinaghinalaan niyang si

Colosseus ang bago kong lablayp, naalala ko 'yung mukha niya. Naalala ko 'yung takot at kaba sa mukha niya. Halatang ayaw niya eh. Kasi nga, magiging magkapatid na kami. Sa iisang pamilya na kami mabibilang =________=

Pagkatapos ng chikahan namin eh nauwi na rin kami ni Colosseus dahil unti lang klase :3 At eto, awkward sa loob ng kotse. Di ko alam kung anong sasabihin. Grabihan, sa kanya lang ako napipipi ng ganito eh!

Nang makarating na kami sa bahay, ayun, tahimik pa rin. Bukod sa wala si Mama at Tito Sev sa kadahilanang may date daw ulit sila, eh wala rin 'yung mga maids. Yung iba nag-live, 'yung iba siguro namalengke or nag-gorcery! As in talagang walang tao sa bahay kundi kami lang dalawa ni Colosseus

:3

So, what to do?

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla niyang hawakan 'yung kamay ko't hilain ako. Naknang teteng! Hilain daw ba ang DYOSA?! Saan naman kaya ako dadalhin nito?!

At dahil nga sa napipipi ako 'pag nandyan si Colosseus, hindi ako nakapagreklamo. Pumunta kami sa likod bahay nila. Akalain mo 'yun? May backyard sila? Asteeeg! Akala ko sa probinsya lang may ganun eh :3

So pagtapak ko run, tangina parang enchanted garden ang peg! Ang ganda eh! Puro rosas at mga bulaklak na iba-iba! At uwaaaa! Yung paborito kong bulaklak! Omegesh, TULIP!! Grabi, gusto ko silang pitasin lahat! Grabiti, NGANGA ang kaluluwa ko rito! Ang ganda talaga!

"Wow." Tanging nasambit ko.

Hinawakan ulit ni Colosseus 'yung precious hand ko, at as in naka-intertwine! Holding hands shet! :"">

Naglakad kami run sa buong garden. Manghang-mangha ako sa mga bulaklak at sa buong garden pero mas manghang-mangha ako sa lambot ng kamay ni Colosseus. Tangina, ang sarap hawakan!

Dear Lord, nasa heaven na po ba ako? Saan po ako nilibing? Sa Mount Olympus po ba?

Uwaaaaaaaaaaa! Shet, 'yung dibdib ko na naman parang sasabog eh! Parang -aish! Ibang-iba ka

Colosseus! Ibang-iba pramis!

"Your beauty are like these tulips." Sambit niya.

Nasa tapat kasi kami ng mga tulips eh :""> Peborit bulaklak ko pows!

"Augh? Tulips lang? Hindi ba lahat ng mga bulaklak dito?" Tanong ko.

Eh kasi! Bakit tulip lang?! Oo peborit flower ko 'yun pero lahat naman ng nandito sa garden na 'to magaganda! Eh ibig sabihin 'yung ganda ko tulip lang?! Gusto ko lahat eh :3

"Why? Tulip is my favorite flower." He moved closer, shet! "Favorite. And when I say favorite... I love it."

Fvck! Bakit pang-bed room voice ka ha Colosseus?! Ang husky ng boses! Parang ang sarap, ang sarap iuwi! -Ay de, nakauwi na pala kami :3 De seryoso! Tangina, kinikilig ang buong diwa't pagkatao ko! Hindi lang dahil sa ang lapit-lapit niya sa akin, kundi dahil pareho kami ng paboring bulaklak! Shemay gusto ko nang maniwalang meant to be kami eh! xD

"Uyy -ano..." Shet naman! Napapa-speechless talaga ako kapag isang Colosseus Zico Zarte na ang kaharap ko!

"No need to answer if you can't. I already told you, you're mine. You are mine since the day I laid my eyes on your goddess like face."

Punyetaaaaaaaa~! Tatakasan na ata ako ng kaluluwa dahil sa sobrang kilig at kaba! Shet, shet, shet!

Colosseus! Why you make my heart beat running away? Beating like a drum and it's coming your way!

LOL, napapakanta na lang ako ng superbass. Dahil 'yung puso ko, literal na nagsu-superbass!

"F-FYI! I-I... y-you're m-mine too!" Shet! Punyetang dila 'to! Umuurong kay Colosseus!

Napa-smile siya. Omegesh, that smile! That killer smile!

"So, you're declaring too, that I'm yours?"

"Y-Yes!"

He moved closer! As in closer! Closing the gap between us! Kulang na lang mag-lean siya at halikan ako! Pucha, ang churva! Ang assuming ko! xD Eh sino ba naman kasing babae ang ayaw matikman ang isang Adonis na katulad ni Colosseus? :"">

"Why? Do you... love me?"

Fvck! Buti nakakaya ko pang huminga ng bonggang-bongga eh! Siguro kung nakakamatay ang kilig baka kanina pa ako naglupasay dito! Shet! Tanginang kilig 'to!

Napakagat ako sa lower lip ko, "Y-Yes..."

Mas lumawak naman 'yung ngiti niya. Fvcksht! Huwag ka namang masyadong ngumiti Colosseus! Mas lalo akong nahihirapang kontrolin ang sarili ko eh! Mamaya bigla na lang kitang sunggaban dyan!

Nakow! Delikado ka sa akin, boy! xD

"Then say it. Loud and clear." Uwaaaaaa!

Nakakahiya!! T^T Kailangan pa ba?! As in?! Talagang kailangan ko pang sabihing mahal ko siya, loud and clearly?! Eh! Nakakahiya! Pucha naman eh! Minsan lang akong mahiya kaya muntanga ako ngayon!

Bakit kasi pagdating kay Colosseus nawawala ako sa sarili ko? Feeling ko ako na si kokey eh! Wala talaga ako sa katinuan, as in!

"H-Ha?" Sabi ko.

"Say it Athena. Say it. Loud and clear."

Athena. Talagang 'yun ang tawag sa akin? Pero bakit hindi ako nanggagalaiti sa inis? Bakit parang okay lang? Imbes na sumabog ako sa galit dahil sa pagtawag niya sa akin ng Athena eh bakit parang mas nadagdagan lang 'yung kilig na nararamdaman ko? Bakit parang sasabog na 'ko ngayon nang dahil sa kilig?

"I-I... Fvck this sht! I LOVE YOU!"

Then I heard him chuckled. Fvck! May nakakatawa ba?! Ngayon na ba 'yung tamang panahon para sabihing, "Nasa WOW MALI ka! Tingin ka sa camera o." Or baka naman pinagtatawanan niya ako kasi... kasi... ito 'yung plano niya?! Ito 'yung tactic niya para hindi na matuloy ang kasal ni Mama at Tito

Sev?! Fvck, sana hindi! T^T

Dahil kung totoo man -tangina kahit mahal ko 'to kaya ko 'tong gahasain -este, paslangin ng ilang beses!

"You love me that much?" Tapos nag-smile siya, "You cussed."

Then he kissed me! Puchaaaa~! May fireworks ba?! Bakit ang daming spark?! Seryoso, para po akong nasa cloud nine kanina pa! Akala ko kinakain lang 'yung cloud nine eh. Akala ko kaya lang masarap

'yun kasi kinakain lang -pero bakit para talaga akong nasa cloud nine dahil sa saya? Man, what have you done Colosseus?

"Bad mouth. That's a punishment. Don't ever say those words again, or else, I'll kiss you 'till your lips get swollen."

"Eh 'di araw-araw na akong magmumura! Minu-minuto pa!" Agad akong napatakip ng bibig. Pucha!

Omaygaaaaaaaaash! Sinabi ko ba talaga 'yun?! Yuck ang landi ko!! Punyeta! Ang landi-landi ko!

Grabihan, hindi ko inaakalang aatakihin ako ng kalandian at talagang masasabi ko pa! Uwaaa!

Nakakahiyaaaaaaa~!

"You're all red! Like this rose." Tapos out of nowhere, ewan ko kung paano niya nakuha 'yung isang pulang rosas eh ang layo naman nung mga 'yun sa kinatatayuan namin! Bigla na lang siyang naglabas mula sa likuran niya eh!

Kiniss niya 'yung rose tapos binigay niya sa akin. Uwaaaa~! Ang seksi lang nung pagkakahalik niya run sa rose! Tangina sana rosas na lang ako! xD

"Uhmmm... bakit ako?" Tanong ko sa kanya :3

"Bakit ikaw ang alin?"

"Ano... 'yung mahal mo?"

"Do I really need to give you reasons? Bakit? Sa love ba kailangan palagi ng reason? Kailangan palaging may dahilan para mahalin mo ang isang tao? Alam mo bang 'yang mga reason na 'yan ang sa huli ay magiging reason mo rin para iwanan mo ang isang tao? For example, you love him because he's handsome, but after years, his looks faded away. Would you still love him? Hindi 'di ba? It's because you're holding on to that certain reason but if you're not, if you don't have reasons why you love that person, alam mo ba kung anong tawag dun?"

"Ano?" Tanong ko.

"True love." He whispered. "Because true love knows no reasons. Kung mahal mo ang isang tao at hindi mo alam ang dahilan o wala ka talagang dahilan, it's real. No lies, no pretentions."

Ganun ba 'yun? O______O

"Bakit? May rason ka ba kung bakit mo 'ko mahal?" He asked.

Hmmm? Meron nga ba?

Sinubukan kong mag-isip. As in sinisid ko ang kailaliman ng utak ko para lang maghanap ng rason.

Palagi kong tanong, "Bakit ko siya mahal?" Pero wala talagang masagot 'yung utak ko. Siguro nga, mahal ko talaga si Colosseus.

"Wala?"

"That's true love."

Ilang saglit akong natahimik tapos bigla kong naalala si Mama. Si Mama at si Tito Sev <//3 T^T

"Paano sila Mama? Ang Daddy mo?" Tanong ko sa kanya.

"We'll tell them." Walang expression niyang sagot.

"Ha? Hindi pwede!! Baka magalit sila! Baka hindi na nila ituloy 'yung kasal dahil sa atin!" Sabi ko.

"But I want us to be official. Besides, we're not blood related."

"Kahit na! Tyaka, uy 'di pa pwedeng maging tayo! Gusto ko, kapag naging tayo na 'yung talagang hindi na kailangang itago kina Mama. Ayaw na ayaw ko pa man ding magtago kay Mama! Tyaka, hindi ko siya kayang saktan! Kaya pwede bang, secret muna natin 'to?" Protesta ko.

"Okay, I understand. Pero tandaan mo," He cupped my cheeks, "I will fight for you, I will fight for what I feel. Kahit pigilan ako ni Daddy o ng Mama mong mahalin ka -they will never win. I won't let them win."

He slowly kissed my forehead. Man, I just found peace.

"I love you, Athena. My goddess."

Mahal ko si Mama pero mahal ko rin si Colosseus. Hindi ko alam kung hanggang saan o kailan ako tatagal sa ganitong relasyon. Hindi ko alam kung kailan ko balak sabihin kay Mama pero ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sa kanya dahil dito. Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko na-kontrol ang sarili ko. Dahil nagmahal ako -ng magiging kapatid ko.

Mama, sorry. Mahal kita pero mahal ko rin ang magiging kapatid ko.

Hindi naman kami blood related 'di ba?

Ang hirap ng sitwasyon namin ni Colosseus, pero kung ito man 'yung simula ng pagiging kumplikado ng lahat -kung ito man 'yung simula ng pagbato ng problema sa amin, masasabi kong... handa na ako.

Handa na akong ipaglaban 'tong nararamdaman ko para sa magiging kapatid ko.

####################################

{ TBUP -66: Next Month }

####################################

{ TBUP -66: Next Month }

--Ericka's Pov--

2 weeks. 2 weeks na kaming naglalandian -este M.U ni Colosseus :""> Shet lungs dahil araw-araw akong kinikilig sa kanya! Punyeta naman kasi, kung hindi lang talaga kami magiging magkapatid baka tinalbugan pa namin sa kaharutan sina Mama at Tito Sev. Speaking of, andito kaya sila ngayon.

Actually, kumakain kami ngayon ng breakfast. Pero alam niyo ba kung anong mas nakakabusog? Ano pa ba eh 'di 'yung fact na katabi ko si Colosseus at magka-holding hands kami sa ilalim ng table! Oo alam kong mahirap kumain ng isa lang ang kamay pero... shet masisisi niyo ba kami? Ang lambot ng kamay niya eh :"">

"Anak, 'di mo ba gagamitin tinidor mo?" Tanong ni Mama. Hala! Nahalata nang hindi ko ginagamit 'yung isang kamay ko!!

"Uhmmm, ano, wala lang! Mas trip ko pong gumamit ng kutsara. Kanin naman 'to e." Palusot ko.

Tapos nagtinginan kami ni Colosseus. Tapos ngumiti siya ng bonggang-bongga. Shet ang pogi ng boypren ko! -Este, hindi pa pala kami, M.U lang. Haaaay, sana maging official na kami. Sana masabi na namin kina Mama at Tito Sev na mahal namin ang isa't isa. Syempre, sana hindi sila masaktan.

Humahanap pa kasi kami ng tamang tyempo e, 'yung tamang tyempo na kung saan kayang-kaya na naming sabihin 'yung totoo, hindi pa namin alam kung kailan pero sasabihin talaga namin. Pramis!

"Ikaw Zico, bakit ba nandyan 'yung isang kamay mo? Ayaw mo rin bang gumamit ng tinidor?" Tanong naman ni Tito Sev kay Colosseus.

Mwhahahaha! Shet, pinipisil ni Colosseus 'yung kamay ko. Tengene kinikilig aketch! :"">

"Augh, yes Dad. For a change?" Patanong na sagot ni Colosseus.

Ang cute naman ni Colosseus magpalusot! Parang bata! Mwhahaha! Ang cute cute talaga! Tengene, wala akong nakikitang dahilan para hindi ko siya mahalin.

"Uhmmm, mabuti naman at hindi na kayo nag-aaway ngayon." Komento ni Tito Sev sa aming dalawa.

Napatingin naman sa akin si Colosseus tapos nangiti ulit, fvck ang pogi talaga! Hahaha! Kung alam niyo lang Tito Sev! Kung alam niyo lang talaga na nagmamahalan na po kami kaya 'di na kami nag-aaway.

Lels :"">

"Oo nga mga anak! Jusme, nakatulong din pala ang pang-iiwan namin sa inyo kasi nakapag-bonding kayo ng bonggang-bongga!" Sabi ni Mama.

Hehe, higit pa sa bonding Ma! Kakantahan ko na lang kayo ng -we found love in a hopeless place! Lol, shet kung anu-ano nang sinasabi ko't nagiging buwang na ako! Imba talaga ang epekto ni Colosseus sa akin xD

"Hehe, kaya nga po." Sabi ko na lang kahit sa loob-loob ko kinikilig talaga ako!

Siguro, hindi namin iniisip 'yung mangyayari bukas. Kasi nga, baka bukas o sa makalawa may masaktan kami pero ewan ko, siguro talagang ganito kapag nagmamahal ka. Wala kang pakialam sa iba. Basta masaya ka, hindi mo iintindihin 'yung mga nasa paligid mo. Haaay... sana ganito na lang palagi.

"O sige, may pupuntahan pa kami ni Sev. Bibisitahin namin 'yung organizer ng wedding! Bye!" Si Mama sabay halik sa pisngi namin ni Colosseus.

Tapos ayun, nagbabayu na sila ni Tito Sev. So... MWHAHAHAHAHA! Kaming dalawa na lang ni

Colosseus ang natira. Nasa kusina kasi 'yung mga maids. Mwehehehe :3

"Nana..." Sambit ni Colosseus.

Nana? O______O Sino 'yun?!

"Sino 'yun?!" Mataray kong tanong sa kanya. Tapos napahagikhik siya.

"Ikaw."

"Ako? Kelan pa naging Nana ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmmm, galing sa Athena? Yung NA sa huli?" Ayy oo nga 'nu. Aww :""> Nana! I love it!

"Ah, ang cute naman."

Shet, parang nafe-feel kong nangangamatis na naman ako ah! Tengene, ang saya ko lang! Masasabi kong hindi talaga ako nagsisisi na minahal ko si Colosseus. Hindi talaga!

"Nana..." Tawag niya muli sa akin.

Bakit ganun? Ang sexy ng boses niya? Pati ba naman dito sa hapag kainan bed room voice pa rin?

Ikaw ba Colosseus e may balak na magpahalay sa akin? Kung ganun -game ako dyan! Mwhahaha!

Shet, kung anong sinasabi ko. Ang manyak ko na >_________<

"Hmmm?" Ako 'yan.

"Naalala mo pa 'yung nilutuan mo 'ko ng pagkain?" Tanong niya sa akin.

Teka, naaalala ko pa ba? Sandali, kailan ba 'yun? Anong niluto ko? Hindi naman ako nagluluto ng pagkain ah! Hmmm? AH! Nung inutusan niya ako! Nung mga panahong puro torture ang dinaranas ko sa kamay niya! Lels, naalala ko na. Tengene 'yun ba 'yung prinito ko 'yung kanin? xD Bullshet 'yun e, 'di ko kasi alam magluto.

"Aww~ 'yun ba? Hehe..." Pasensya na, ang abnoy ko pa nun.

"Kapag naging asawa kita, kahit araw-araw pang 'yun ang iluto mo, kakainin ko kasi ginawa't pinaghirapan mo." Pahayag nito.

Aww :""> Hindi pa nga namin nasasabi kina Mama at Tito Sev tapos asawa na ang nasa isip ni

Colosseus. Tengene, hindi ba pwedeng sabihin muna natin kina Mama? Tyaka ang taray ha!

Papakasalan niya ako kahit ang abnoy ko sa kusina at puro kabalbalan ang alam kong gawin! Hihi. Ang saya lang :))))))

"Weh? Yun ngang unang kita mo run sa niluto ko hindi mo man lang tinikman e!" Sabi ko.

"Because I hate you that time."

"E ngayon?"

"I love you."

Fvck! Yan kase Ericka! Yan kase! Bakit kasi magtatanong ka ng mga ganun e alam mo namang kung magpakilig 'yan e torture talaga! Tignan mo tuloy nangyari sa'yo! O ano Ericka? Nakakahinga ka pa ba?

Dumadaloy pa ba sa mga ugat mo 'yung dugo mo?

Punyetik! Bakit kaya 'pag si Colosseus ang magsasabi ng "I love you" e hindi nakakasawa? Alam mo

'yun, kasi kapag nanunood ako ng mga palabas sa TV tungkol sa pag-ibig chenes e kapag nagsasabihan sila ng I love you na 'yan e nakakasawang pakinggan pero bakit 'pag si Colosseus na bakit kahit ilang beses niyang sabihin hindi nakakasawa? Nakakakilig pa rin? Sheeeet~

Kinuha ko 'yung kutsara sa plato ko na may lamang kanin tapos sinubo ko sa kanya xD

"I love you too!" Hahaha! Ang sweet ko 'nu? Dali langgamin niyo na ako! :)))))))

"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!"

"AYY ANAK NG WHALES!"

Putangina sinong istorbo 'yung sumigaw?! Bakit parang boses ng bata?! Sino 'yun?! Dwende ba 'yun?!

Tengene nakakagulat ah! >_______<

"Ericka-unnie! Zico-oppa!!" Sabi nung bata habang papalapit sa amin, kami naman ni Colosseus biglang napabitaw sa kamay ng isa't isa.

"Augh, Sushi?" Sabi ni Colosseus.

Oo, tama. Yung kutong lupa na parang Koreana pero hindi naman talaga. Ano kayang ginagawa nito rito? Andito ba si Qaz? Tumingin ako sa may pinto at inaabangan ko si Qaz pero wala naman siya?

Paano naman napadpad dito 'to? Lumipad? Nag-teleport? Lels.

"ANNYEONG!!" Sigaw niya sabay kaway sa amin. Ang ingay =______=

Ano bang ginagawa nito rito?! Nakaka-istorbo sa alone time namin ni Colosseus e! Chos, de jk lang. Eh bakit kase nandito siya?

"Ottoke Jinaeseyo?" Tanong niya.

Putek ito na naman tayo sa pagsasalita niya ng alien e! Ano bang sinasabi niya? Kumakanta ba siya?

Humihingi ng pagkaen? Pwede naman niyang tagalugin bakit kino-koreana pa niya?! Bigwasan ko kaya

'tong batang 'to? >____________<

"We're fine." Sagot ni Colosseus.

O_______O Alam niya! Naiintindihan niya! Omegesh, nanganganib akong ma-OP dito ah! Gash, ano ba

'yan!

"Anong sinabi?" Bulong ko kay Colosseus.

"Nangangamusta."

"Ya! I see, you're not just fine! You two are doing great!" Sabay ngiti niya. Ang cute niya kahit papano~

Tapos lumapit na siya sa amin tapos kumandong siya kay Colosseus -buti pa siya nakakakandong kay

Colosseus =______= Shet, mainggit daw ba sa bata?! Eh kase! Makakandong naman 'tong si Sushi parang nang-aasar! Porket bata ka lang e! Gawin kaya kitang kimchi?

"Are you two dating?" Tanong niya sa amin. Pabalik-balik 'yung tingin niya sa amin ni Colosseus.

"Ne/NO!" Aww! Sabay kaming sumagot ni Colosseus pero iba 'yung sagot namin.

Di ba 'yung 'ne' sa Korea ay 'yes'? Eh ako ang sagot ko, 'no'. Baka mamaya ipagkalat nung bata e!

Mukha pa namang chismosa! Tyaka totoo naman ah! Hindi pa naman kami ni Colosseus >________<

"KYAAAAAAAAA!" Oh shet, 'pag nabasag eardrums ko babasagin ko mukha nitong batang 'to! "Yaaa

Ericka-unnie! You're sooooooooo~ lucky!"

Ako lang? Anong gusto niyang palabasin hindi swerte sa akin si Colosseus? :3 Langyang batang 'to.

Nakakainis! Bakit ko ba pinag-iinitan si Sushi?! Porket nakakandong lang siya kay Colosseus eh! Asar!

Si Colosseus naman nakatingin lang sa ibang side. Hala? Naging taong yelo ka na ulit? Sa bagay, ganyan talaga si Colosseus, sinabi niya na 'yan sa akin. Hindi na raw niya maalis sa sistema niyang maging cold pero pinipilit niya raw alisin para sa akin :"">

"Unnie!" Tawag sa akin ni Sushi, "Don't ever let Zico-oppa go, okay? Or else, I will steal his heart from you!" Tapos bumaba na siya run sa pagkakakandong kay Colosseus.

Lumapit siya sa akin tapos putangina! Kurutin ba naman ang precious face ko?! What the hell!

"Bye unnie! Remember what I said, huh? Never ever leave Zico-oppa! Don't you ever dare to break his heart!" Tumango na lang ako =________= "Bye Zico-oppa! I love youuu~!" Tapos nag-kiss pa sa pisngi ni Colosseus! Aish!

Tapos lumabas na siya ng mansion. Ano 'yun? Wala lang? Pumunta lang dito para tanungin kung kami na? Hanep na bata.

"Narinig mo 'yun? Aagawin niya raw ako sa'yo." Cold na sabi ni Colosseus.

"Subukan niya lang!" Bulalas ko.

"Woah! Pumapatol ka na sa bata?" Hindi makapaniwalang tanong ni Colosseus.

"Eh, kung ikaw ang aagawin eh 'di bale nang makasuhan ng child abuse." Sabay irap ko.

"Psh. You jealous because of that doll?"

Ako? Selos? Sa bata? HELL NO! Pati ba naman bata pagseselosan ko. Oh shet na malagket! Hindi po

'yan mangyayari! Pero kung aagawin si Colosseus? Eh tangina kahit bata pa 'yan! Di ba? Malay ko ba kung maging teenager 'yung Sushi na 'yun tapos i-seduce si Colosseus?! Well, fvck that thing! No way!

"Di ah! Wala naman kaselos-selos dun!" Tapos nag-cross arms ako.

Nasa harapan pa pala kami ng hapagkainan. Tapos ang ingay-ingay pa namin! Shet baka narinig na nung mga maid?! O_____O

"Uyy! Baka narinig na nung mga maid!" Sabi ko.

"Na-uh. They won't tell, I already warned them."

Warned?! Ibig sabihin...?!

"Sinabi mo sa kanila?!"

"Yes? Don't worry. They won't tell. Promise."

Haaay, sige na nga. May tiwala naman ako kay Colosseus e.

Tapos napagdesisyonan na rin naming umalis dun sa harap ng hapag. Hehe, ano na naman kayang gagawin namin? Hehe, nae-eksayt ang diwa ko! :"">

"Where do you wanna go?" Tanong niya sa akin.

"Eh?" Saan nga ba? Hmmm, alam ko na! "Pwede bang dun sa garden?"

"Sure, come on!"

Tapos pumunta ulit kami run sa likod bahay nila ng magkahawak ang kamay. Shet nasasanay na ako.

Pwede bang paki-glue na lang 'yung kamay naming dalawa? Mwhehehe :3 Joke lang.

Naupo kami sa dalawang swing. Di ko nakita 'to nung pumunta kami rito ah? Well, sabagay, paano ko naman kasi makikita eh naka-concentrate ang attention ko sa kagwapuhan ni Colosseus :"">

"Do you... still love him?" Biglang tanong ni Colosseus.

Sinong him? Tinutukoy niya 'yung sarili niya? Siya lang naman mahal ko e :3

"Sino?"

"Psyche?"

Psyche? Sino 'yun? De jk lang, ah si Psyche! Yung ex ko. Medyo humupa na rin naman 'yung galit ko run. Hindi na kasi niya ako kinukulit. Baka nakahalata nang may iba na ako or may nahanap na siyang bago. Maganda na rin 'yun para hindi na niya pinapahirapan ang sarili niya. Tyaka kahit anong pilit niya hindi na talaga ako babalik sa kanya. Tama na 'yung isang beses na sinaktan niya ako. Tyaka -mahal ko na si Colosseus e. Ano pang magagawa niya?

"Hindi. Paano ko naman magiging mahal 'yun e ikaw lang mahal ko? Ano 'yun dalawa ang puso ko?"

Sagot ko.

Then he smiled. My, my, that smile! Yang ngiti na namang 'yan eh. Ang pinaka-gwapong ngiting nakita ko sa tana ng buhay ko. Hihi :"">

"Bakit mo ba biglang natanong?" This time, ako naman ang nagtanong :3

"Wala. I... I... I suddenly thought about me being your rebound. I don't want that." Napayuko siya. Aww, ang cute niya!

"Sinong nagsabi sa'yong rebound kita? Bakit, basketball ba ang pag-ibig? Colosseus naman e, 'di ka ba naniniwalang mahal kita?"

"Naniniwala. Naisip ko lang naman..."

"Huwag mo nang isipin 'yun! Hindi maganda e. Tyaka abnormal ka! Kung hindi kita mahal e 'di sana hindi ako nag-take ng risk na pumasok sa ganitong sitwasyon!"

"Yeah. You're right."

Tapos nag-smile na ulit siya. Grabiti! Ang gwapo niya talaga! Ang tanga-tanga lang talaga ng babaeng makikipaghiwalay sa ganito ka-gwapo at ganito ka-perpektong tao! Oo, tama ang nabasa niyo, perperkto -dahil kapag nagmamahal ka magiging perpekto 'yung taong minamahal mo, kahit madami siyang flaws, kahit madaming bagay na hindi kaaya-aya sa kanya, makakalimutan mong lahat 'yun.

Dahil kapag mahal mo, para sa'yo, siya ang pinaka-perpektong tao.

Oha! Kung anu-ano na ring sinasabi ko! Parang Carmeen at Scarlet lang e! Nagka-lablayp lang tumalino na! Letche kung alam ko lang na nakakapagpatalino pala ang pagiging inlab eh! Mwhahaha

:))))))

Ay teka! Speaking of 'babaeng makikipaghiwalay' -'di ba may ex siya? Yung magiging kapatid niya sana? Aww, ang tangang babae. Pero ayus lang, kung hindi sila nag-break e 'di baka hindi ako maligaya ngayon xD

Thank you ex-girlfriend ni Colosseus! Mwah! Lels :D

"Eh 'yung ex mo? Ano bang pangalan nun?" Wala lang, total napunta na kami sa usapang mag-ex eh 'di isasagad ko na.

"Yanna?" Oh, Yanna pala ang namesung. Mas maganda naman 'yung Ericka 'di ba? Mwehehe, "Na-uh.

Past is past."

"Bakit ba kayo nag-break nun?" Tanong ko.

"Kasi nalaman nila Daddy. Ayaw nung Mommy niyang maging kami kaya pinilit siyang lumayo sa akin. I begged her to stay, sinabi ko sa kanyang mag-tanan kami, at first she agreed but later on, I found out

that she went to Europe, I don't know what country but all I know is, she left, without saying any single sigh." Yung mga mata ni Colosseus... nagrereflect 'yung nararamdaman niya. Nasasaktan siya?

"Malay mo... malay mo pinilit talaga siya."

"I really don't care. Now that I have you, can I be happier when I'm already the happiest?" Aww :"">

Napangiti ako ng wala sa oras. Tengene kahit malungkot siya nakukuha pa rin niyang palabasin 'yung spark at pakiligin ako ng bonggang-bongga. Ibang klase, araw-araw na lang na ganito eh. Araw-araw na lang na kinikilig ako pero hindi ako nagsasawa. Sana siya hindi rin. Kyaaaa~!

"Pero masakit pa rin... 'di ba?" Tanong ko.

"Yep, little bit. Kahit naman papano minahal ko siya. But it is slowly fading away. Parang wala na nga e, you know why? Because I'm in love. And I know, you're not like her. You will never leave me, right?"

Oo naman, hindi kita iiwan. Sinabi ko na. Ipaglalaban kita. Hindi ko naman hahayaang ikaw lang magisa 'yung lumaban para sa ating dalawa, para sa relasyong 'to. Syempre pati ako. At wala naman akong nakikitang ibang rason para iwanan ka -kasi mahal kita, masaya ako sa'yo. Yun, 'yun Colosseus.

"Oo naman. Bakit naman kita iiwan? Alangan naman na iwan kita eh na sa'yo 'yung puso ko."

He laughed. Bakit pati pagtawa niya ang gwapo pa rin? :""> Shet lang. Ka-gwapong nilalang.

Tumayo siya tapos lumapit sa akin, nasa harap ko na siya ngayon. Yumuko siya tapos...

"Ang corny mo." Tapos kiniss niya ako sa cheeks :""> Nyehehehe, sayang sana tinodo na sa lips :3

Mainggit ng lahat ng mainggit! Pero hinding-hindi ko isusukot si Colosseus. Kahit magka-tsunami pa rito~!

Bumalik na kami sa loob ng mansion tapos nadatnan namin sina Mama at Tito Sev na naghaharutan sa sala. Grabihan, mas malala talaga silang magharutan kesa sa amin! Nakakatuwa lang. Si Mama, masaya -masaya rin naman ako, pero ewan. Kapag nakikita ko 'yung ngiti ni Mama tuwing kasama niya si Mama nasasaktan ako, feeling ko ako 'yung sisira nung ngiting 'yun. Pero bahala na, bahala na.

"Ah mga anak! May balita pala kami sa inyo! Maupo kayo!" Sabi ni Tito Sev.

Nagkatinginan kami ni Colosseus tapos naupo kami sa sofa. Ano kayang balita?

"Next month -next month ikakasal na kami!" Masiglang sabi ni Mama.

Kung anong kinasigla ni Mama nang sinabi niya 'yun, 'yun din ang panlulumong naramdaman ko nang marinig ko 'yun. Masaya si Mama, ikakasal na sila next month. Next month, magiging magkapatid na kami. Next month -hindi ko na pwedeng mahalin si Colosseus.

Tangina naiiyak ako! Pucha, oo masaya si Mama. Masaya si Mama pero bakit ako? Bakit nasasaktan ako? Sa bagay, sino ba namang hindi masasaktan kapag nalaman mong NEXT MONTH, magiging kapatid mo nang legal 'yung taong mahal mo. Shet. Masakit!

Napatingin ako kay Colosseus. Alam kong nangingilid na 'yung luha ko kaya sa kanya ako tumingin.

Ayokong makita ni Mama. Ayokong makita ni Mama na hindi ako masaya -na nasasaktan ako.

"Next month, magiging mag-asawa na kami! Magkakaroon na kayo ng mga bagong kapatid!" Sabi naman ni Tito Sev.

KAPATID, kapatid. Fvck this sht! Naluha na ako!

Lalo akong nabigla nang hawakan ni Colosseus 'yung kamay kong nakapatong sa hita ko. Pinanlakihan ko ng mata si Colosseus at tinignan ng 'pakshet-anong-ginagawa-mo look'.

Napatingin ako sa gawi nila Mama at Tito Sev, nanlaki rin 'yung mga mata nila habang nakatingin sa kamay namin ni Colosseus. Fvck, anong nangyayari?!

####################################

{ TBUP -67: Secret? }

####################################

{ TBUP -67: Secret? }

--Ericka's Pov--

Pakiusap! Putangina! Huwag ngayon! Huwag na huwag mong sasabihin, ngayon! Shet! Kahit sa susunod na lang! O kahit, bukas! O kahit wag na! Parang awa mo na Colosseus! Huwag mong sasabihin kina Mama! HUWAG NGAYON!!

Pilit kong inaalis 'yung kamay ko mula sa pagkakahawak ni Colosseus pero hindi ko kaya. Masyadong mahigpit 'yung pagkakahawak niya to the point na nasasaktan na ako. Tangina! Pinag-usapan na namin

'to eh! Di ba nga secret muna?! Bakit mukhang sasabihin na ata niya kina Mama!

Shet, si Mama at Tito Sev nakatingin sa kamay naming dalawa eh. Si Colosseus parang walang pakialam! Tinitignan ko siya pero nakatingin lang siya kina Mama, 'yung mata niya... 'yung mata niya cold! Tangina hindi magandang senyales 'to!

"Daddy..." Tawag ni Zico kay Tito Sev. FVCK! KILL ME NOW!! "Tita... Stella..."

Shet! Naiiyak na ako! Kapag sinabi ni Colosseus sa kanila 'yung relasyon namin hindi ko alam kung anong mangyayari! Baka itakwil ako ng Nanay ko o mas worst baka hindi na matuloy 'yung kasal!

Magiging miserable 'yung Nanay ko! Magiging malungkot siya! Tangina mas pipiliin ko pa namang maging malungkot kesa 'yung Nanay ko ang magdusa! Shet! Pakingshet!

"Colosseus..." Bulong ko sa kanya pero damn it! Ayaw niyang tumingin!!

Si Mama at Tito Sev nag-aabang lang pero halatang kinakabahan silang dalawa. Sa tingin pa lang ni

Colosseus eh talagang kakaba-kaba na eh! Idagdag mo pa 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko!

"Is it wrong to love her?" Sambit ni Colosseus.

FVCK! SHET! TANGINA!

Wala na! Sira na! I'm doomed! At shet, naiyak na talaga ako! Hindi ko na mapigilan 'yung mga luha ko eh! Ano bang ginagawa ni Colosseus? Naiintindihan ko namang mahal niya ako eh! Pero bakit kailangan niyang gawin 'to?! Bakit ngayon pa?! Hindi ba pwedeng sa susunod na lang? Putek!

Oo mahal ko siya, mahal na mahal! Pero MAS mahal ko 'yung Nanay ko!

Shet tignan niyo nga siya! Kinakabahan na naiiyak na ewan! Fvck!

"Hoy Zico! Ano bang sinasabi mo?!" Napatayo si Tito Sev.

Tumayo rin si Colosseus pero hinila niya ako kaya napatayo na rin ako T^T

"Kung isa 'to sa mga plano mo-"

"I love her." Cold na pagkakasabi ni Colosseus, "I really do. And I don't wanna ruin your wedding. I've learn to accept that you're happy with her," Sabay tingin ni Colosseus kay Mama, "but you also need to accept that I love her daughter, that I'm happy with her."

"Aba't-" Tumayo agad si Mama tapos kinalma si Tito Sev.

Ang laking gulo nito! Ngayon pa lang! Ngayon pa lang sirang-sira na! Si Mama naiyak na rin. Yung mga kamay niya nasa braso ni Tito Sev pero 'yung mga mata niya, nakatingin sa akin. Tinitignan niya ako na para bang nagmamakaawa -na para bang sinasabi niyang huwag kong gawin 'tong ginagawa ko ngayon. Shet! Ericka anong ginawa mo sa Mama mo?!

"You wanna get married? Then go. But don't interfere with our relationship. We're not blood related at all, Daddy. We're not going to be siblings. I love her -and she loves me in return."

"TUMAHIMIK KA! Ano bang pinagsasasabi mo?! Hindi mo pa rin ba maintindihan na hindi ko na babalikan ang nanay mo?! BAKIT BA ANG TIGAS-TIGAS NG ULO MO HA?! ANO BANG NAGAWA KO

PARA MAGKAGANYAN KA?! PINALAKI NAMAN KITA NG MAAYOS AH!" Bulalas ni Tito Sev kay

Colosseus. Si Mama naiiyak pero nagagawa pa ring kalmahin si Tito Sev.

"Sev, huminahon ka..." Wika ni Mama.

"Why is it so hard for you to believe?! Can't you see?!" Sabay pakita ni Colosseus ng magkahawak naming kamay, "Every fiber of me loves her! We're in love with each other!" Paliwanag ni Colosseus.

"IT'S BECAUSE YOU SEDUCED HER LIKE WHAT YOU DID TO YANNA!" Sigaw ni Tito Sev.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung anong gagawin at sasabihin ko. Gulonggulo na 'yung utak ko. Takot na takot ako. Takong akong saktan si Mama. Pero tuwing tumitingin ako sa mga mata niya -pakiramdam ko daig ko pa si bagyong Ondoy sa pagsalanta sa nararamdaman niya.

Sorry Mama, sorry kung hindi ko napigilang mahalin si Colosseus -ang magiging kapatid ko.

Nabaling ang tingin ko sa kamay ni Colosseus na mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko. Kahit hindi halata sa kanya -'yung kamay niya, nanginginig. Bigla ko na lang naitanong sa isip ko, hanggang kailan mo 'ko kayang hawakan Colosseus? Hanggang kailan mo 'ko kayang ipaglaban?

"Seduced? Daddy, sa tingin mo ba ginawa ko talaga 'yun? Sa tingin mo ba ginusto kong gawin 'yun kay

Yanna? Alam mo ba kung ilang beses kong pinagsisihan 'yung ginawa ko sa kanya?! Minahal ko rin siya, at masakit din para sa akin 'yung ginawa ko sa kanya! -But of course, you'll never understand.

Because you only care for your self. For your self and for your damned happiness! Daddy... I have come to realize those things. Those mistakes that I did before. And If I am only doing this just to ruin your wedding, then I won't be speaking here in front of you. I won't have the guts to tell you that I love

Athena. Hindi mo ba napansin? When Yanna told you to call off the wedding? I didn't speak, I didn't let out a single sigh -I let her do whatever she likes. Even though I love her that time, I didn't care, for all I care about is the wreckage of your relationship with her mother. For all I care about is my Mother..."

Matatag si Colosseus pero habang sinasabi niya 'yung mga sinabi niya kanina -unti-unting nababasag

'yung tinig niya. Nasasaktan ako para sa kanya. Naaawa ako -at sinisisi ko 'yung sarili ko. Bakit? Kasi wala man lang akong ni isang salitang sinabi para ipagtanggol siya. Habang siya, buong lakas niyang pinaglalaban 'yung 'kami'. Yung pag-ibig niya para sa akin. Pakiramdam ko tuloy wala ang ka-kwentakwenta. Pakiramdam ko tuod lang akong nakatayo sa tabi niya. Walang magawa -walang masabi.

Hindi ko kasi kaya. Hindi ko alam kung saan napunta 'yung tapang ko. Yung pagiging mataray ko. Yung mga mura ko. Hindi ko alam kung nasaan na. Bigla na lang nawala nang makita ko si Tito Sev, si Mama at si Colosseus. Yung mga expression ng mukha nila -hindi ko makayanan. Ginagawa nila akong mahina. Ginagawa nila akong iyakin.

Hinigpitan ko na lang din 'yung hawak ko sa kamay ni Colosseus. Eto na lang 'yung paraan para mapiramdam kong nandito ako sa tabi niya, para maiparamdam kong hindi siya nag-iisang lumalaban para sa aming dalawa.

"Hindi ko sinasabing huwag na kayong magpakasal. Talagang nahanap ko lang talaga 'tong lakas ko para sabihin sa inyo 'to. We can't lie forever. We can't hide our feelings towards each other forever. So

I'm telling you this. Please..." Biglang lumuhod si Colosseus.

Taena! Lumuhod siya sa harap ng mga magulang namin?! Lumuhod siya... para sa akin!

Nabigla si Tito Sev at si Mama. Syempre, mas nabigla ako. You can really do this, huh? Damn, ngayon ko lang talaga napatunayang napaka-swerte ko para mahalin ng isang Colosseus Zico Zarte.

"Let us treat each other the way we want to. No 'sibling-relationship'. No 'forbidden-thing'. We want to be official. We want to love each other as lovers, not as siblings."

Naikuyom ni Tito Sev 'yung kamao niya. Nakikita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Parang gusto ko ng maniwala kay Colosseus -na wala nga talagang ibang iniintindi si Tito sev kundi 'yung kaligayahan niya. Paano pa niya nagagawang magalit sa anak niya ng sukdulan samatalang lahat-lahat na ng lakas na inipon ni Colosseus binigay na niya para lang masabi 'to?! Lahat ng pride ibinaba niya, lumuhod na siya't lahat-lahat bakit nagagawa pa ring magalit ni Tito Sev sa kanya?!

Hindi ko gustong sabihing selfish siya -kasi sino ba naman ako para sabihin 'yun? Para husgahan siya ng ganun eh alam ko sa sarili kong selfish din ako? Hindi ko rin inisip 'yung mararamdaman nila ni

Mama bago ko mahalin si Colosseus -pero gash! Ano bang magagawa ko? Sabihin niyo nga, paano ba pigilin ang magmahal?!

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pagkatapos neto!

"You're impossible! You're lying!" Sigaw ni Tito Sev. Kinakalma pa rin siya ni Mama. Si Mama na labis kong nasasaktan.

"Then ask her if I'm lying." Her? A-Ako?!

Tumayo na si Colosseus tapos hinawakan ulit 'yung kamay ko. Ngayon, ako naman ang nanginginig.

"Ericka," Tawag sa akin ni Tito Sev, "Is it true? Is it all true? Do you really love this man?!"

Naramdaman ko ang sobrang panginginig. Daig ko pa ang nasa loob ng ref dahil sa nararamdaman ko.

Shet! Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan? Oo, mahal ko siya! Pero hindi ko alam kung kaya kong isigaw dito -dito sa harap ni Mama. Nakatingin ako kay Mama, umiiyak siya, nasasaktan -nang dahil sa akin.

Naitanong ko sa sarili ko, kaya mo pa bang saktan 'yang babaeng nasa harapan mo?

Kaya ako pa ba? Makakaya ko ba? Kaya ko bang makita siyang miserable samantalang ako masaya?

Kaya ko bang makita siyang nangungulila kay Tito Sev samantalang ako kasama si Colosseus? Kung ngayon pa lang... kung ngayon pa lang hindi ko na kayang makita siyang umiiyak, paano pa kaya sa susunod? Paano pa kaya 'pag sinabi kong, "Oo, mahal ko siya."?

Litong-lito na ako. Nararamdaman ko na ang pagpisil ni Colosseus sa kamay ko pero mas nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Mama ngayon. Kung sasagot ako ng oo, magpaparaya siya. Kung sasagot ako ng oo, masasaktan siya. Kung sasagot ako ng oo, mahihirapan siya, magiging miserable siya -at magiging kasing selfish na rin ako ng lahat ng pulitikong kurakot sa

Pilipinas. Magiging masama ako -masasaktan ko ang sarili kong Nanay.

Tumingin ako kay Colosseus, hinihiling ko na sana ma-gets niya kung ano 'yung gusto kong iparating gamit ang mga mata't tingin ko -Sorry, sorry Colosseus...

Bumitaw ako sa kamay niya...

"H-Hindi. H-Hindi ko po siya mahal..." Sagot ko.

Mas lalong dumaloy ang luha mula sa mga mata ko. Agad akong tumakbo kay Mama. Niyakap ko siya.

Mas pipiliin kong saktan si Colosseus -mas pipiliin kong saktan 'yung sarili ko kesa sa kanya. Kesa sa nanay ko.

Niyakap ako ni Mama, "M-Mama, s-sorry..." Bulong ko kay Mama habang umiiyak.

Nakita ko na lang na sinuntok ni Tito Sev si Colosseus, bumagsak ito sa sahig. Sorry... sorry kung hindi ko kayang ipaglaban ka katulad ng ginawa mo. Sorry kung iniwan kita...

Maiintindihan mo naman, 'di ba?

"Sinungaling... mabuti na lang hindi natuto ng kasinungalingan sa'yo si Ericka. You're really a risk taker young man but I'm sorry, that's it for today."

Sinuntok ulit ni Tito Sev si Colosseus. Napapikit na lang ako -hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. Sorry...

Tumayo si Colosseus, pinagpagan niya 'yung damit niya. Pinunasan niya 'yung dugo sa labi niya.

Atyaka siya tumingin sa akin -'yung tingin niya, 'yung tingin niyang 'yun -'yun ang unang tingin na

ipinukol niya sa akin nung una kaming nagkita -para bang kinikilala niya ako. Para bang may kahalong galit... sorry...

Bago siya umalis, nakatingin siya sa akin tapos ngumisi siya at tumalikod na. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ngising 'yun, pero pakiramdam ko sinaksak ako ng ilang beses sa puso nang ginawa niya 'yun.

Pero bagay naman 'yun sa akin 'di ba?

Naglakad siya papalayo -ako? Pinanood lang siya. Dun naman ako magaling 'di ba? Ang panoorin siyang mag-isa.

Pumasok siya sa kwarto niya. Anong gagawin niya? -Ah mali, anong gagawin ko?

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mama para sundan si Colosseus, nung una ay pinigilan niya ako...

"Mama, kailangan niya ako." Paliwanag ko.

"Pero-"

"Kailangan ka ni Tito Sev."

Nabaling ang tingin niya kay Tito Sev na animo'y nahihirapang huminga. Nilapitan niya ito at pinakalma.

Ginamit ko 'yung pagkakataong iyon para pumanhik at pumunta sa kwarto ni Colosseus. Salamat naman at hindi niya ni-lock.

Ang kapal ng mukha ko 'nu? May gana pa akong magpakita sa kanya sa kabila ng ginawa't sinabi ko.

Do I really need to give him more pain? Hindi ko alam. Pero kailangan ko siyang makausap -kailangan ko siya, kailangan niya ako.

Pagbukas ng pinto, nakita ko siyang nakatayo pero nakatalikod sa akin. Agad akong tumakbo at niyakap siya mula sa likod. I can still remember when he gave me a backhug. Shit, naiiyak na naman ako.

"You wanna say sorry?" Tanong niya sa akin.

"I'm sorry..." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Inalis ni Colosseus 'yung mga kamay kong nakayakap sa kanya at humarap ito sa akin.

"Well, I'm sorry too because I can't accept your sorry..." Yung mga mata niya. Cold ulit. Katulad nung matang pinakita niya sa akin nung bago pa lang kaming magkakilala.

"Colosseus-"

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba?! Kaya kitang ipaglaban! Ang hindi ko lang maintindihan, sabi mo mahal mo ako, sabi mo hindi mo ako iiwan, pero bakit pakiramdam ko trinaydor mo 'ko sa ginawa mo?! Bakit pakiramdam ko, hindi mo talaga ako mahal?"

"Mahal naman kita-"

"Eh 'di sana sinabi mo 'yung totoo run kanina! Naiintindihan ko namang mahal mo 'yung Mama mo ehbut you heard it, right? Hindi ko hinihinging i-cancel nila 'yung wedding! Ang gusto ko lang, maging official tayo sa paningin nila kasi ayokong ikaw 'yung nahihirapan! I thought you'll cooperate. Akala ko... papanindigan mo 'yung sinabi mong hindi mo ako iiwan..." Then he walked out. He left me. Like what I did to him.

Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Magsisi. Oo nga naman. Bakit ba hindi ko naisip 'yun?

Bakit hindi ko naalalang lumaban para sa aming dalawa? -Oo nga pala, kasi si Mama. Pero sana naniwala na lang ako kay Colosseus, sana naniwala na lang ako na hindi naman talaga maca-cancel ang kasal ng dahil sa amin -kasi una pa lang, hindi naman 'yung ang gusto niya. Hindi 'yun 'yung hinihiling niya. Ang gusto niya lang, hindi na kami magtago -ang hindi na ako mahirapan. Sa lahat ng ginawa niya, ako 'yung inisip niya. Yung makabubuti sa akin. Yung ikagiginhawa ko. Pero bakit nagawa ko pa rin siyang iwanan sa ere?

Pilitin ko mang hindi magsisi-hindi ko magawa. Kasi kahit sabihin kong para kay Mama, alam ko sa sarili kong mali 'yung ginawa ko. Alam kong may nasaktan na naman ako...

Umalis ako ng bahay. Naglakad-lakad ako. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Gusto ko lang umalis dun sa bahay, gusto kong i-testing kung kaya kong kalimutan lahat ng nangyari run -pero hindi eh. Hindi ko kaya. Bakit? Kasi masyadong masakit. Yun lang naman 'yung dahilan kung bakit hindi kaya ng isang taong kalimutan ang isang bagay 'di ba? Kasi masyadong masakit...

"Ericka..."

Tumingin ako kung sino man 'yung tumawag sa akin.

Hah. Si Psyche.

May plano atang maging knight and shining armor ko. Psh...

Naglakad siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"Kung ano man 'yang nararamdaman mo, pwede bang sa akin mo na lang sabihin? Pwede bang sa akin mo na lang ibuhos para naman masabi ko sa sarili kong may pakinabang pa rin ako sa buhay mo?"

Napangiti ako ng mapait.

"Mahal ko siya Psyche. Mahal na mahal ko si Colosseus." Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko,

"Mahal na mahal ko siya..."

Taym pers muna sa away namin ni Psyche. Hindi ko kasi talagang maging matapang ngayon. Hindi ko siya kayang murahin ngayon. Hindi ko kayang makipag-away kasi sirang-sira na ako. Sirang-sira na

'yung puso ko. At kung ano ang nakakatawa? Dahil ako mismo 'yung sumira nun.

--Psyche's Pov--

Naglalakad ako papuntang University nang makita ko si Ericka. Naglalakad na para bang walang patutunguhan. Umiiyak. Malalim ang iniisip. Pinuntahan ko siya. Syempre, mahal ko pa rin naman siya.

Kahit papano.

"Kung ano man 'yang nararamdaman mo, pwede bang sa akin mo na lang sabihin? Pwede bang sa akin mo na lang ibuhos para naman masabi ko sa sarili kong may pakinabang pa rin ako sa buhay mo?"

Pakiusap ko sa kanya.

"Mahal ko siya Psyche. Mahal na mahal ko si Colosseus." Patuloy niyang sabi. "Mahal na mahal ko siya..."

Akala ko masakit makita an gang taong mahal mo habang nasasaktan -pero mas masakit pala kapag nakikita mo siyang nasasaktan para sa iba. Nasasaktan dahil sa pagmamahal niya sa iba.

Hindi ko alam kung anong problema nila ni Zico. Pero naiinggit ako sa kanya. Naiinggit ako kasi ngayon ko lang nakita ng ganito si Ericka. Ngayon ko lang nakitang masaktan siya ng ganito. Noon naman, nung naghiwalay kami, bakit hindi siya ganun nasaktan? Siguro, maaring mali ako dahil hindi ko siya nakita nung mga panahong iyon, pero bakit ang dali niyang naka-recover? Pero ngayon... bakit pakiramdam ko ang bigat-bigat ng pinagdadaanan niya? Pakiramdam ko sobra siyang nasaktan.

"Mahal na mahal ko si Colosseus... sobra ko siyang mahal... hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko't sinaktan ko siya. Ang sama ko... ang sama-sama ko dahil nagawa kong saktan 'yung taong mahal na mahal ko." Patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

Kinakalma ko siya. Pero parang mas kailangan kong i-comfort 'yung sarili ko. Ang sakit kasi. Oo, yakapyakap ko siya. Oo nandito siya. Pero iba 'yung bukambibig niya. Iba 'yung sinasabi niyang mahal niya.

Sobrang sakit... sobrang sakit kasi kahit ako 'yung kayakap at nasa tabi niya, iba 'yung may hawak ng puso niya.

"Bigyan mo 'ko ng isa pang chance Ericka. Pinapangako kong pangingitiin kita ulit. Please, isa pang chance." Hindi mapigilan ng bibig kong sabihin iyon sa kanya. Desperado na ako. Sobrang mahal ko talaga siya kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong humihingi ng isa pang chance sa kanya.

"Chance? Psyche, wala na akong maibibigay na chance sa'yo. Kasi ayokong lokohin 'yung sarili ko.

Alam ko sa puso ko na si Colosseus na 'yung mahal ko. Sorry... huwag mo na sanang pahirapan 'yung sarili mo. Marami pang mas better sa akin."

Namiss ko 'yung ganito. Yung boses niyang kalmado. Yung sweet. Pero imbes na matuwa ako.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Talaga bang wala na? Talaga bang masyado akong naging kampante at hindi ako umaksyon kaagad kaya nakuha na ng tuluyan ni Zico ang puso ng babaeng pinakamamahal ko?

Wala na ba talaga?

"Paano ako makakahanap ng better... kung ikaw na 'yung best?"

"Sana, naisip mo 'yan bago ka nagloko."

Yakap ko pa rin siya. Pero nasasaktan ako. Para siyang cactus, yakapin ko man ng sobrang higpit -ako pa rin 'yung nasasaktan. Ako pa rin 'yung nasusugatan.

Ayokong sumuko eh. Hirap pa akong mag-let go. Hindi ko pa kaya. Masyado ko pang mahal si Ericka kahit ilang beses niyang sabihing si Zico na 'yung mahal niya.

Pero kung hindi ako susuko...

...baka hindi ko na makayanan 'yung sakit. Baka imbes na magkaroon ako ng lakas ng loob agawin siya kay Zico, baka mas lalo lang akong matalo kasi mas lalo akong nasasaktan...

Kumakalas na si Ericka sa pagkakayakap ko pero, "Huwag muna. Please. Ayoko munang bitawan ka.

Hindi ko pa kaya. Hindi pa kaya ng puso kong palayain ka." Pakiusap ko sa kanya.

"Tama na Psyche. Tapos na ang era nating dalawa. Tapos na 'yung era kung saan mahal kita. It's about time para hanapin mo 'yung 'good' para maging 'better' para mapantayan ako, para mapantayan 'yung pagiging 'best' ko. Magsimula ka ulit. Hanapin mo 'yung tamang tao para sa'yo. Para sa era na 'to. Kasi ngayon, hindi na para sa atin 'to eh. Sorry Psyche, kahit anong gawin ko -iba na 'yung may hawak ng puso ko."

Hindi ko namalayang binitawan ko na pala siya. Hindi ko rin namalayang umiiyak na ako. Ulit...

"Kita mo na? Kaya mo akong bitawan -kaya mo na."

Ngumiti siya. Ngumiti siya at naglakad papalayo mula sa akin.

Tama kaya siya? Kaya ko na nga ba talaga? Feeling ko... hindi... hindi pa. Hindi ko pa talaga kaya.

//Meanwhile...

"Welcome po Miss Selene!" Bati ng katulong sa nagbabalik Pilipinas na si Selene.

"Wow. It is really nice to be back." Wika ni Selene.

Kumpara nang umalis siya ng Pilipinas -bagong Selene na ang bumalik mula sa Japan. Bagong Selene, bagong Selene na puno ng lungkot -at galit.

####################################

{ TBUP -68: Late }

####################################

{ TBUP -68: Late }

--Chron's Pov--

O, ano? Gwapo na ba ako? Takte! Ngayon lang ako ulit kinabahan sa isang date! Pers opisyal deyt namin 'to ni Scarlet kaya dapat maging maayos! Dapat maging masaya! Dapat perfect! Dapat hindi siya magsisi na sinagot niya ako!

Oo, tama ang nabasa niyo -sinagot niya na po ako. Galing 'nu? Pagkatapos ng lahat ng nangyari magiging kami rin pala. Pagkatapos ko siyang bastedin -aw, ang pangit ng term ko -pagkatapos ko siyang i-reject, magiging kami rin pala?

Ewan ko rin eh. Ang gago ko lang nung una kasi pinakawalan ko pa siya, nasaktan ko pa! Pero bumawi naman ako 'di ba? Sinundan ko sa East Velvet! Actually, hindi pa sana niya ako sasagutin kaso... mwehehehe :3 Ang kulit ko kase. Ayun, sinagot niya lang ako kasi nakulitan siya. Pero at least sinagot niya ako!

Napatingin ako sa mga litrato 'ko' sa table. O ayan ha, hindi na litrato namin ni Selene. Pinalitan ko na.

Yung pictures namin ni Selene tinago ko sa drawer, syempre hindi ko 'yun maitatapon kasi may pinagsamahan din naman kami! Pero hanggang dun na lang 'yun, lumipas na. Kasi may iba na ;)

Haay! Hindi nga ako nakatulog kagabi nang dahil sa kakaisip kung ano bang gimik ang gagawin ko para maging perpek 'tong date namin eh! Sana lang talaga maging perpek! Sana magustuhan ni Scarlet!

Baka mamaya pumalpak ako tapos bigla na lang makipaghiwalay 'yun tas sumama ulit sa iba't ibang lalake! Nako! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't mapatay ko 'yung lalakeng papatol sa kanya!

Tangina lang nung mga nakahawak sa kanya! >_________<

Tumingin ako sa wrist watch ko. Shet! Isang oras na lang date na namin! Dapat makapunta na ako run!

Ayaw na ayaw pa naman nung naghihintay.

Binuksan ko na 'yung pinto ng bahay namin para makaalis na ako -pero imbes na makaalis ako, tumambad sa akin ang mukha ni Selene.

--Scarlet's Pov--

Aish! Talaga bang gagawin mo 'to sa akin ha, Chron Epiales?! Talaga bang hindi mo 'ko sisiputin?!

Punyetik naman o! Nagpaganda ako ng sobra-sobra para lang dito tapos hahayaan mo lang malusaw nang dahil sa late ka?! Shitness! Akala ko ba gagawin niyang perfect 'tong date na 'to? Eh bakit sa simula pa lang palpak na agad?! Alam niyo bang 30 minutes na akong naghihintay dito sa hinayupak na restaurant na 'to?! Panay ang inom ko ng tubig pero puta! Malapit na talaga akong mainis!

Sige, pagbibigyan ko siya! Bibigyan ko siya ng 30 minutes pa! Pag siya hindi pa nakarating dito, pasensyahan na lang! Pero makikipagbreak talaga ako sa kanya...

...'yun ay kung kaya ko :)))))))))

--Chron's Pov--

"Sel-"

Bigla na lamang niya akong niyakap.

"I miss you." Bulong nito sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako.

Bakit? Bakit ngayon lang siya bumalik? Bakit ngayon lang kung kailan may iba na ako? Hindi ko maintindihan. Pero maiintindihan niya naman 'di ba? Kailangan ko lang sabihin na may iba na ako.

Kailangan ko lang sabihin sa kanyang may iba na ako -kailangan ko lang maging honest.

Pilit kong inaalis 'yung pagkakayakap niya sa akin pero masyado 'yung mahigpit.

"Selene please."

"I miss you. I miss you so much." Patuloy niyang sambit.

Namiss ko rin naman siya. Pero mas okay sana kung hindi na siya bumalik. Alam mo 'yun? Kasi baka magselos si Scarlet! Ex ko pa man 'din 'tong si Selene. Baka mamaya pagmulan ng away namin tapos mauwi sa break-up! Takte ayoko namang mangyari 'yun! Mahal ko si Scarlet eh! Na-realize ko nang mahal ko 'yung tao!!

"Hindi mo ba ako namiss?" Tanong nito sa akin.

Kumalas na siya sa pagkakayakap.

"Selene..."

"Ano? Tapos na ba? Yung unfinished business mo?" Tanong niya sa akin habang nakangiti.

Unfinished business? Oh, ni hindi ko nga alam kung ano 'yun eh. Kaya syempre hindi ko nagawa. Teka nga, ano nga ba 'yung unfinished business na 'yun? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam?

"Ano ba 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Si Ericka? Siya ang unfinished business mo 'di ba? Mahal ka pa rin niya nung mga panahong iniwan kita 'di ba? Ano? Ayos na ba kayo? Naayos mo na ba 'yung relasyon niyo? Wala na ba siyang feelings para sa'yo?" Tuloy-tuloy na tanong ni Selene.

Yun pala 'yun?

Psh. Kung alam niya lang. Marami nang nagbago simula nang umalis siya sa Pilipinas. Marami nang nawala, nasira, nadagdag. Kung bakit kasi siya umalis-pero syempre, masaya rin naman ako kasi kung hindi siya umalis, baka hindi ko nakilala si Scarlet.

"Naging sila ni Psyche, pero unfortunately, naghiwalay sila. That's it. Matagal na siyang walang nararamdaman sa akin. Atyaka..." Napatingin ako sa mga mata niya.

Teka nga, bakit parang ibang-iba na siya ngayon? Hindi na siya katulad ng dati na sobrang kalmado

'yung mukha. Sobrang bait, maamo, inosente. Mala-anghel. Bakit parang kumapal ata ang make-up niya? Bakit ang fierce niyang tignan? Bakit nag-iba na 'yung tingin niya? Yung mata niya? Bakit parang hindi na siya si Selene? Bakit parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon?

"Atyaka ano?"

"Selene, kung bumalik ka rito para sa atin -I'm sorry... may girlfriend na ako." Sabi ko sa kanya.

Ang ine-expect ko, magugulat siya. Iiyak, magagalit. Pero bakit parang wala lang sa kanya? Sigurado ba talaga kayong si Selene 'tong kaharap ko ngayon?

Mas higit kong ikinagulat ang pag-ngisi niya.

"Eh 'di hindi mo rin natiis. Sabi ko naman sa'yo bago ako umalis, okay lang na magkaroon ka ng ibang karelasyon. Okay lang." Tapos ngumiti siya. Huh? Bakit parang ang weird?

"B-Bakit? Meron ka na rin bang iba?" Tanong ko rito.

Huminga siya ng malalim, "Wala. Katunayan nga, ikaw pa rin. Pero anong magagawa ko? Iniwan kita

Chron, at hindi kita pwedeng sisihin kung nahulog ka man sa iba kasi ako 'yung nang-iwan."

That's it! Yan ang Selene na nakilala ko! Yan ang Selene na minahal ko! Mabait, angelic! Akala ko hindi na talaga siya si Selene. Akala ko iba na 'yung ugali niya. Siya pa rin talaga si Selene. Haaay...

Buti naman at hindi siya nagalit.

Nabaling ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa dingding namin -fvck! 9:39 na! Halos isa't kalahating oras na akong late sa date namin ni Scarlet! Taena! Papatayin ako nun!

"Sige, kailangan ko ng umalis! May date pa ako!" Paalam ko kay Selene at tumakbo na ako papunta sa kotse ko. Buti na lang may kotse ako!

Sana! Sana nandun pa siya! Ang tanga mo kase Chron! Makipagkwentuhan daw bas a ex-girlfriend?!

Ay shit! Patay ako neto sa kanya eh! Baka kung ano na namang maisipang ipagawa sa akin! Nung last time nga na late ako sa pagsundo sa kanya alam niyo ba kung anong pinagawa niya sa akin? -Da fvck!

Pinasayaw niya ako ng Lovey Dovey! Alam niyo 'yun? Yung sayaw ng T-Ara ngay? Pinasayaw niya ako nun sa harap ng mga kapatid niyang K-Pop adik! Pakshet nga kase may video pa! Buti naman 'di pa naiisipang i-upload! Shit!

Dumiretso ako sa restaurant kung saan dapat kami magkikita. Pumasok ako sa loob, at shit! Wala na siya run! Ibig sabihin nagalit na siya! Ibig sabihin... my life is in danger! Taena mukhang nanganganib akong maging single ah! Huwag naman sana!

Pinili kong pumunta sa bahay nila. Dito lang naman 'yun tatambay. Sana naman wala run 'yung mga kapatid niya at baka pag-tripan ulit ako >________<

Nag-doorbell ako sa gate nila. Naka-limang doorbell din ako nang biglang bumukas 'yung pinto at lumabas si Scarlet.

"O? Magpapaliwanag ka kung bakit 'di ka sumipot? Sige, makikinig ako." Naka-cross arms siya tapos nakataas 'yung isang kilay. Tengene bakit ang ganda pa rin niya kahit galit? O.o

"S-Sorry na! Hindi ko naman sinasadyang ma-late eh! Talaga... ano..." Teka, sasabihin ko bang pumunta sa bahay ko si Selene?! Pero shit baka magselos siya! Baka mas lalo kaming mag-away!

"Ano?" Mataray niyang tanong.

"Kasi-"

"Hep-Hep!! Huwag na huwag mong susubukang magsinungaling sa akin Epiales, ha! Alam mo nang mangyayari sa'yo 'pag niloko mo 'ko! Hala sige! Magsabi ka ng totoo!" Utos niya sa akin.

Under ba? Di bale ng under, mahal ko naman eh.

"Pumunta si Selene sa bahay." Sabi ko sa kanya.

Bigla siyang napatingin sa akin at napakunot ang noo niya. Sana hindi magalit!

"O tapos? Anong ginawa niyo? Nagbahay-bahayan?"

"Hindi! Scarlet naman! Kababalik lang nung tao galing Japan! Nangamusta lang!" Paliwanag ko.

"O bat defensive ka?"

"Eh ikaw eh! Sorry na! Kung gusto mo ituloy na lang natin 'yung date! Kahit saan! Please?"

"Sa isang kondisyon!"

Nakatingin lang siya sa akin. Para siyang nag-iisip. Tapos bigla siyang napangisi. -Oh shit. Huwag naman sanang 'yung iniisip ko ang naisip niya! Please! Huwag namang 'yun!

Pinindot niya 'yung keypad ng blackberry niya tapos...

"♫ Lovey dovey dovey~ Lovey dovey dovey!"

Oh shit. Sabi ko na nga ba eh! Kahihiyan na naman!

"Dali na! Alam mo nang gagawin mo." She giggled, "Mahal mo naman ako 'di ba?" Tapos kumindat siya.

Bakit kasi hindi ko siya matiis?! Bakit kasi... mahal ko siya?! Aish!

--Selene's Pov--

Pinipigilan kong hindi maiyak sa nakikita ko. So siya pala? Hah. What a small world. Okay na eh.

Tanggap ko nang hindi na ako ang mahal ni Chron. Tanggap ko nang may girlfriend na siya. Pero nang malaman ko kung sino? Para atang biglang nagbago 'yung isip ko.

That btch doesn't deserve to be happy.

Scarlet Movida, huh?

Kilala niyo ba 'yang babaeng 'yan?! Siya lang naman ang pumatay sa Kuya ko! Siya lang naman ang pumatay sa nag-iisang taong nakakaintindi sa akin maliban kay Chron! Siya lang naman ang pumatay sa nag-iisang kapatid ko.

My brother died because of him. Boyfriend niya dati 'yung Kuya ko eh. First year high school 'yang babaeng 'yan noon samantalang third year naman si Kuya Tristan. Palagi siyang kine-kwento ni Kuya pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ma-meet siya hanggang sa dumating 'yung araw na isinumpa ko siya.

Gabi nun, nagpaalam 'yung Kuya ko kasi date nila ng Scarlet na 'yan. Tinulungan ko pa nga siyang magpalusot kina Daddy para payagan siyang lumabas. Sabi namin may group project silang kailangang tapusin -kaya pinayagan siya.

Maghahatinggabi na nung magising ako -ginising ako nila Mommy dahil sa isang balita -namatay si

Kuya, nasagasaan siya ng isang truck. Bakit? Hinahabol niya lang naman 'yung mga adik na muntik ng gumahasa sa girlfriend niya, kay Scarlet. Sabi nila, patawid na si Kuya nun para habulin 'yung mga adik ng biglang may dumating na truck, nabundol si Kuya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing 'yun. Simula nun, hindi ko na ginustong makita pa si

Scarlet. Noon, kinukulit ko pa si Kuya na ipakilala siya sa akin kasi nga school mate naman namin siya, kaso hindi na niya nagawa kasi busy siya nun. Gustong-gusto kong makilala ang babaeng mahal ng

Kuya ko noon -gusto kong makilala 'yung nagpapasaya sa kanya. Pero nang mamatay siya, pinagdasal ko na sana hindi magkasalubong ang landas naming dalawa.

Pero hindi talaga umaayon sa akin ang kapalaran eh, nakita ko 'yung pangalan niya sa list ng mga honor sa kabilang section. Pagkatapos nun, nasilayan ko na 'yung mukha niya. Pasalamat siya noon nakapagpigil pa ako -kung hindi, baka matagal na siyang wala at matagal na rin akong nakakulong.

Hah. Pagkatapos ni Kuya, si Chron naman? Ibang klaseng babae. Walang kwenta.

Hindi niya deserve maging masaya. Pinatay niya 'yung Kuya ko -hindi siya dapat nagsasaya.

Well, hindi lang naman siya 'yung dahilan ng pagbalik ko rito eh -may mga ilang bagay pa akong dapat ayusin.

Sumakay ako sa kotse ko. Pinahid ko ang luha ko...

Hindi ngayon ang tamang panahon para makita ka nilang umiiyak Selene. Hindi ito ang tamang panahon para makita ka nilang mahina. Dahil simula nang bumalik ako, pinangako ko sa sarili kong mas magiging matapang na ako. Hindi na ako makukuntento sa pagiging inosente, sa pagiging angelic.

Ngayon, hindi na lang sila ang bitch dito, hindi na lang sila ang matapang -Coz I'm the new bitch in town, so be prepared.

####################################

{ TBUP -69: Long Lost Sister }

####################################

{ TBUP -69: Long Lost Sister }

--Ericka's Pov--

Halos isang oras na akong nakatayo sa tapat ng pinto ni Colosseus. Eff naman eh! Alam niyo bang kagabi pa hindi kumakain 'yan?! Hindi pa nga raw siya lumalabas ng kwarto niya eh! Taena nga baka kung ano nang nangyari sa kanya! Nakakainis! Nakakakonsensya! Nakakalungkot! Nakakamiss siya :3

Kanina pa ako katok ng katok dito. Dala-dala ko kasi 'yung breakfast niya pero hindi naman niya binubuksan 'yung pinto! Aish! Malamang galit 'yun sa akin nang dahil sa ginawa ko. Kung hindi naman kasi ako tanga. O ayan ha? Inamin ko ng tanga ako! Isa akong malaking T-A-N-G-A! Pakawalan daw ba si Colosseus? Huhuhu T^T Sorry naman! Naging impulsive ako! Sorry kung hindi ako nag-isip kaagad.

Nakakainis!

Kumatok ulit ako sa kwarto ni Colosseus.

"Uyyy~ " Tawag ko.

Tapos biglang bumukas 'yung pinto niya! OYES! Tagumpay! Nyehehehe :3 Shit ang pogi pa rin niya!

Gustong-gusto ko siyang yakapin pero alam niyo naman, may away pa kami =__________=

"Colo-"

Bigla niya akong hinila sa loob ng kwarto niya tapos ni-lock 'yung pinto! Shit, namimiss ko talaga 'tong mga ganitong kaganapan sa pagitan naming dalawa! Huhuhu T^T Sana mapatawad na niya ako!

Nakatingin lang siya sa akin. Yung mata niya kasing lamig pa rin ng ice. Aish! Nakakamiss kaya 'yung mga sweet lines niya! Nakakainis!

"Sorry..." Sambit ko sabay yuko.

Napangisi siya.

"It's easy to say you're sorry, but you know what's the hardest?" Cold niyang tanong, "The fact that you can't repair the damage that you've left."

Oo nga naman. Tama naman si Colosseus. Pero maayos pa naman namin 'to 'di ba? Mahal ko pa rin naman siya, ganun din siya sa akin. Pwede pa rin naman kami... kahit patago <///3

Hindi ko makatingin sa mga mata niya -bumalik ata 'yung takot ko sa mga matang 'yan. Yung mga matang kasing lamig ng yelo. Yung mga matang nagsasabi sa aking, "ayoko sa'yo."

"Sorry. Sorry kung... hindi ako nag-isip bago ako nag-desisyon. Sorr-"

"Duwag ka."

Agad kong naiangat 'yung ulo ko't napatingin sa kanya. Kulang na lang bumulagta ako rito nang dahil sa mga tingin niya eh. Shit, nagsisisi naman na ako ah!

"Duwag kang ipaglaban ako -tayo." Pagpapatuloy niya.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Oo, siguro nga hindi ako nag-isip kaagad bago ako nagdesisyon noon, pero masisisi ba niya ako?! Tanging iniisip ko lang noon ay si Mama! Di ba ganun din siya noon?! Di ba ganun din 'yung iniisip niya nung mga panahong gumagawa siya ng mga paraan para hindi matuloy 'yung kasal ng Daddy niya?! Di ba sarili niya ring ina 'yung dahilan ng lahat ng 'yun?!

Pareho lang kami eh! Pareho lang kaming duwag dito nang dahil sa mahal namin 'yung ina namin!

"Kung duwag ako, bakit ko pa rin piniling mahalin ka kahit alam kong sa huli masasaktan lang ako?

Tamang tapang lang ang meron ako kaya nagawa kong mahalin ka."

Alam ko naman noon pa na hindi kami pwede. Na forbidden 'yung magiging relasyon namin, pero anong ginawa ko? Tinanggap ko pa rin siya kasi mahal ko rin siya! Ngayon, sabihin niyo -duwag pa rin ba ako sa lagay na 'yun?

"Hindi ako kagaya mo, hindi ko kayang sirain 'yung nagpapasaya sa akin. Hindi ko kayang saktan si

Mama." Pahayag ko.

"Paano naman 'yung sarili mong kasiyahan?"

"Si Mama ang nagpapasaya sa akin. Kung malulungkot siya nang dahil sa akin, ang pinakamasasaktan sa aming dalawa ay ako."

Sino ba namang anak ang gustong masaktan ang sarili nitong ina? Di ba wala? Yun lang naman ang kasalanan ko eh, masyado kong inisip si Mama nung mga panahon na 'yun. Masyado akong nag-alala sa mararamdaman niya. Kasi nga mahal ko siya. Ayoko siyang masaktan dahil alam kong kapag nasaktan siya -mas masasaktan ako.

"Ako? Hindi ba ako isa sa mga nagpapasaya sa'yo kaya madali lang para sa'yong saktan ako?"

Akala ko matapang ako. Akala ko pagkatapos kong umiyak tapos na ang lahat, bakit ngayon umaagos na naman 'yung luha ko? Bakit pagdating kina Mama at Colosseus ang babaw ng luha ko? Bakit nawawala 'yung pagiging bitch ko? Yung pagiging leon ko? Yung pagiging matapang ko? Feeling ko tuloy, hindi ako si Ericka eh.

Pinahid ko 'yung luha ko, "Sa inyong dalawa ni Mama, mas pipiliin kong saktan ka."

Muli siyang napangisi, "That means... you really don't love me. Because no one can ever hurt the person they love, instead the love is fake."

Fake?! Fake pa bang matatawag 'yun?! Tangina naman eh! Kung peke 'yung pagmamahal ko sa kanya

-BAKIT KO PA SIYANG NILANDI-LANDI?! BAKIT PA 'KO SUMUGAL MAKIPAGRELASYON SA

KANYA KUNG PEKE 'YUN?! Kung peke 'yung pagmamahal na 'yun, BAKIT NANDITO PA RIN AKO SA

HARAPAN NIYA'T NAGSO-SORRY?! Putanginang 'yan! Ngayon niya sabihing peke 'tong nararamdaman ko para sa kanya!

"So anong gusto mong gawin ko?! Piliin kita?! Ipaglaban kita?! Sirain ko 'yung relasyon nila Mama at

Tito Sev?! SAKTAN KO 'YUNG MAMA KO?! Yun ba 'yung gusto mong gawin ko?!" Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Punong-puno na ako. Hirap na hirap na ako.

"Hindi ko sinabing gawin mo 'yun. Hindi ko sinabing piliin mo ako, just atleast... tell them the truth."

Napailing ako at tumalikod na. Ayoko na. Hindi ko isusuko si Colosseus pero siguro magpapalamig muna ako. Huwag muna ngayon. Masyado pang fresh 'yung sugat nung nangyari kahapon. Galit pa siya eh, nasasaktan pa rin ako. Hindi pa nga siguro ito 'yung tamang panahon para mag-usap kami. Para magkaayos kami. Siguro, hahayaan ko muna siyang ayusin 'yung sarili niya -at kung mahal pa rin niya ako pagkatapos nun, eh 'di go. Tyaka na namin pro-problemahin sina Mama at Tito Sev -nang magkasama ulit.

Handa na akong lumabas ng kwarto niya nang bigla ulit siyang magsalita...

"Tatalikod ka ulit? Tatakas ka ulit? Tss... dyan ka naman magaling eh... sa pang-iiwan sa akin sa ere."

Napabuntong-hininga ako kasabay ng pagpahid ko ng luha sa pisngi ko.

"Pasensya ka na ha? I'm sorry pero hindi ko kayang maging selfish... katulad mo."

Lumabas na ako sa kwarto niya. Magpapalamig muna ako. Hahayaan ko muna siya. Mas makakabuti muna siguro 'yun para sa aming dalawa.

--Zico's Pov--

"Pasensya ka na ha? I'm sorry pero hindi ko kayang maging selfish... katulad mo."

Psh. Siguro nga. Siguro nga selfish ako. Naging selfish ako noon, but this is the first time that I didn't care for my self. Ito ang unang beses na nag-stand out ako para sa iba -para kay Athena.

Sinabi ko sa harap nila Daddy at Tita Stella na mahal namin ang isa't isa para hindi na mahirapan pang maglihim si Athena sa kanila. Sabi ko naman sa kanila eh -hindi ko hinihingi 'yung cancelation. Gusto ko lang maging official kami. Yun lang naman. Pero iba ang nangyari eh -si Athena rin, imbes na maniwala sa akin, imbes na magtiwala -haist!

Hindi naman ako galit sa kanya. Ayokong magalit sa kanya -hindi ko kaya. Pero ewan ko, hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Mas lalo ko lang naaalalang iniwan niya ako sa ere.

Pero syempre... anong magagawa ko? Mahal ko pa rin siya. Ipaglaban man niya ako o hindi.

--Ericka's Pov--

Napaupo na lang ako sa kama ko. Hinilot-hilot ko 'yung ulo ko nang biglang tumunog 'yung cellphone ko. Tinignan ko 'yung pangalan pero unregistered number naman? Sino naman 'to?

Sabi nila don't talk to strangers daw, eh pano 'yan nacu-curious ako?

Pinindot ko 'yung "accept".

"Hello?" Sabi ko~

("Hi Athena.")

ATHENA?! What the heck! Ang lakas naman ng loob nitong tawagin akong Athena! Gagu 'to ah! Sino bang hinayupak 'to at kung makatawag ng Athena eh akala naman niya close na close kame!

"Hoy! Sino ka ba't tinatawag-tawag mo 'kong Athena?!" Pagalit kong tanong.

("Relax... it's me. Selene. Your long lost sister.")

SELENE?! LONG LOST SISTER?! ANO NA NAMAN BANG KAGAGUHAN 'TO?!

"Hoy! Ano bang sinasabi mo?! Selene ka dyan! Eh nasa Japan 'yun!"

("Seems so nonsense, right? But don't worry. I'll explain it to you later. See me at the asdfghjkl café.")

"Ano bang-"

("Take care. See you there, my long lost sister.")

*TOOT TOOT TOOT*

Fvck! Ano bang kagaguhan 'to?! Anong long lost sister?! What the heck! Ayoko maniwala pero feeling ko kailangan ko talagang puntahan 'yung Selene. Nacu-curious ako! Pakingshet!

####################################

{ TBUP -70: Selene }

####################################

{ TBUP -70: Selene }

--Ericka's Pov--

T-Teka! Si Selene ba 'yun?! Weh?! Di nga?! Seryoso?! Tangina anong nangyari run sa anghel?!

O________________O Bakit naging... bakit biglang naging mukhang demonyita! Tignan niyo nga o!

Dati sobrang inosente, ang simple-simple, sobrang hinhin, hindi makabasag pinggan! Pero bakit ngayon parang nag-evolve na siya?! Gaash! Ano bang nangyayari sa mundong Earth?!

Kahit manghang-mangha pa ako lumapit na ako sa table kung nasaan si Selene habang umiinom ng iced tea. Grabe talaga! Para na siyang ibang tao! In fairness, gumanda siya! Pero syempre mas maganda ako! DYOSA KAYA AKO!

"Hello there!" Bati niya sa akin habang nakangiti ng... teka? Bakit parang pati 'yung ngiti niya iba na?

Alam niyo 'yung parang ngiti na may balak na masama? Oo masamang mag-judge pero... iba talaga eh!

"H-Hello?" Bati ko naman pabalik.

"Upo ka." Tapos ngumiti ulit siya. "Ano bang gusto mong-"

"Ano bang sinasabi mong long lost sister, ha?" Eh ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa eh. Tyaka kating-kati na akong malaman! Pag eto talaga tino-troll lang ako sisipain ko 'to pabalik ng Japan!

Nag-smirk siya, which is nakakagulat para sa akin. "Excited much?"

"Hah! Niloloko mo ba ako?! Sasabihin mo ba o hindi?!"

"Relax! Yan ka na naman eh. Ang init na naman ng ulo mo..." Tapos uminom ulit siya ng iced tea, "Hindi ka ba, nacu-curious sa Ama mo?"

Ama ko? Psh. Curious? Alam niyo bang sa kanya lang ako hindi na-curious? Wala namang kwenta 'yun eh! Bakit pa ako macu-curious? Tengene. Ano pang dapat kong malaman sa kanya eh wala naman siyang kwenta? Di naman ako magkakaron ng interes dun eh! Ipinganak ako ng wala siya kaya ililibing din ako ng wala siya!

"Paki ko 'run?" Mataray kong sagot.

"Sigurado ka? Ayaw mo ba siyang makita man lang? Makasama?" Ang taray talaga nito ngayon!

Nakakapanibago. "Buuin ang pamilya ninyo?"

Putangina. Buuin ang pamilya?! Anong pamilya?! Anong niyo?! Di naman siya kasama run ah! Simula't sapul pa lang hindi na siya kasama sa pamilya NAMIN ni Mama! Iniwan niya kami nung nasa tyan pa lang ako ni Mama! Oo, nagplano siya ng pamilya kasama si Mama -siya nga nagbigay ng pangalan ko kahit hindi pa nila ako nagagawa nun eh pero nung nabuntis niya si Mama? Anong ginawa niya?!

Tinakbuhan niya! Gagawa-gawa ng tao 'di naman kayang panindigan! Putanginang 'yan walang kwentang tao!

"Saan ba patungo 'tong usapang 'to?" Tanong ko.

"Magkapatid tayo, Athena. Ako, ikaw, isa lang ang tatay natin."

May nilabas siya sa bag niya. Picture. Picture ng isang lalakeng naka-suit. Sino naman kaya 'yan?

"Siya ang Daddy natin. Evito Kai..."

Tinignan ko 'yung picture. Pero imbes na matuwa ako, mas lalong nagalit 'yung puso ko. Psh. Pa-suitsuit ka pa! Samantalang iniwan mo kami ni Mama na walang-wala! Kinuha ko 'yung picture sa table tinignan ko iyon. Bigla ko na lang na-crumple 'yung picture at ibinato 'yun. Binalingan ko ng tingin si

Selene at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

Akala niyo iiyak ako? Oh shit. Yun bang taong 'yun karapatdapat iyakan? Oh come on!

"Malaki talaga ang galit mo sa kanya?" Tanong niya sa akin.

"Tumigil ka na Selene. Ano bang gusto mo't nakipagkita ka pa sa akin?"

"Alam mo bang umuwi ako rito sa Pilipinas nang dahil kay Daddy? Alam mo bang nag-file siya ng divorce kay Mommy at balak niya kayong balikan?" Patuloy na sabi ni Selene.

Nanlaki ang mata ko, "ANO?!"

"Kaya ako bumalik dito. Athena, tulungan mo ako. Kung totoong wala kang pakialam kay Daddy, huwag na huwag mo siyang hahayaang bumalik sa inyo. Total, malaki naman ang galit mo sa kanya -gawin mo ang lahat para magbago ang isip niya. Para iatras niya 'yung pag-file niya ng divorce."

Wow. Yun lang pala ang gusto ni Selene? Kaya pala niya ako tinawagan at pinapunta rito? Grabe. So gamitan na lang ang peg niya ngayon? Wow. Amazing! Fvcking shit.

"Please. Ayokong masira 'yung pamilya namin. Kailangan ni Mommy si Daddy and at the same time, kailangan ko rin siya. Athena, MAS kailangan namin siya kesa sa inyo. Please..." Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa akin.

Jusme. Kahit naman hindi niya ipakiusap sa akin. As if naman hahayaan ko pang bumalik 'yang walang kwenta kong Ama sa amin! Ano siya sine-swerte? Matapos niya kaming iwanan babalik lang siya na parang wala lang?! Ano 'yun feel at home siya?! Putek! Tyaka masaya na kami ni Mama! Si Mama may

Tito Sev na siya! Magpapakasal na sila kaya sigurado akong hindi na niya tatanggapin 'yang taong 'yan!

At ako? Ibigay niya muna sa akin ang buong mundo bago ko siya mapatawad at tanggapin! Napakaimposible 'di ba? Oo, kaya imposible ko rin siyang tanggapin. Sige, patawarin pwede pa pero ang tanggapin? Hah, di bale na lang. Iniwan niya kami eh. Iniwan niya kami ng parang mga pusa.

"Kahit hindi mo naman na ipakiusap sa akin 'yan, hindi ko talaga siya tatanggapin. Hindi namin siya kailangan -at sabi mo nga, MAS kailangan niyo siya. Eh 'di isaksak niyo sa baga niyo!"

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad.

"Umaasa akong papanindigan mo 'yan, Athena."

Lumingon ako sa kanya. Bitch na siya ngayon? Wow, astig. Pero sorry Selene, mas bitch ako sa'yo. At kung iniisip mong kayang-kaya mo ako. Oh well, think twice. Maging bitch ka man, pantayan mo man ako -ayaw ko pa rin sa'yo. Ngayon pang nalaman ko nang kapatid kita sa walang kwenta kong Ama?

Ngayon pa na nalaman kong MAS inasikaso kayo ng Amang 'yun? Mas nagalit lang ako. Oo, hindi ko siya kailangan pero naiinis akong isipin na habang hirap na hirap sa panganganak si Mama noon, kayo nagpapakasaya. Bullshit lang.

"Huwag mo 'kong tatawaging Athena. Wala ka sa lugar..."

At tuluyan na akong lumabas sa café.

--Selene's Pov--

One down. Sana lang talaga panindigan ng babaeng 'yun 'yung sinabi niya. Wala naman akong tiwala run eh. At yuck, nagawa ko pang maging mabait sa harapan niya? Psh. Siguro noon mabait ako, pero simula nang mag-file ng divorce si Daddy at sabihin niyang may anak siya sa ibang babae -nagbago na ako. Oo, parang mababaw. Pero alam niyo ba 'yung pakiramdam na ang cold cold ng Daddy mo sa'yo?

Yung kahit ikaw na 'yung pinakamagaling sa lahat ng magaling -wala siyang pakialam? Ginawa ko naman 'yung lahat-lahat para maging proud si Daddy, pero bakit ganun? Cold pa rin siya sa amin.

Tapos ayun. Nalaman ko ngang si Athena 'yung anak ni Daddy sa ibang babae, nalaman ko ring minomonitor pa rin pala niya 'yung mag-inang 'yun samantalang kami ni Mommy parang wala lang siyang pakialam. Basta nagtratrabaho siya para may perang maipambili ng luho, tapos na. Kung tutuusin -Ama ko lang siya sa pera. Ang saklap 'nu?

Basta. Sana lang talaga gawin ni Athena 'yung sinabi niya.

Isa na lang. Si Scarlet. Para kay Kuya...

--Scarlet's Pov--

So? Bumalik na pala si Selene? Ah okay. As if namang dapat akong mabahala sa existence niya. Like duh? Mas maganda ako! Chos, kidding aside... bakit may dapat ba akong ikabahala? Oo alam kong ex ni Chron si Selene pero ako na 'yung girlfriend eh! Tyaka may tiwala ako sa boypreng ko ;)

Kasalukuyan akong lumalandi sa text nang biglang may mag-doorbell sa labas ng bahay namin malamang alangan naman na sa loob? Okay, kasing korni ko na si Ericka! Ewww~

Lumabas ako ng bahay para tignan kung sino 'yung nagdo-doorbell. Laking gulat ko nang makita ko si...

Oh? Selene? Siya ba 'yan? Bakit parang iba naman 'yung mukha niya run sa mga pictures nila ni Chron dati? Bakit parang ang bitch ng itsura niya? Anyare rito? Eh mali, ANONG GINAGAWA NIYA RITO?

O.o

Ngumisi siya. Nakakapagtaka kasi bigla na lang nagsitayuan ang mga balahibo ko -ano 'to exorcism of

Selene? Lels xD

"Kilala mo naman siguro ako 'di ba?" Wika nito.

"Malamang..." Nagcross arms ako tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Selene... KAI?" Tapos ngumisi ulit siya. Yung mga mata niya parang nag-aapoy.

Anong?! Selene... Kai?! Kung ganun... kung Kai nga ang apleyido niya... kaano-ano niya si...

"Ano? Naalala mo na? Naalala mo na ba kung kailan mo huling narinig ang apleyido ko? Naalala mo na ba kung sinong kapareho?"

Paanong?! Bakit ngayon ko lang nalaman?! Oo kilala ko si Selene pero never kong nalaman ang apleyido niya. Sinabi rin sa akin ni... Tristan noon na may kapatid siya pero hindi ko alam na si Selene pala 'yun.

Si Tristan... naalala ko na naman siya. Siya pinaka-unang boyfriend ko. Ang first love ko. Yung taong nagpahalaga sa akin ng sobra-sobra to the point na pati buhay niya... binigay niya.

"I hope hindi mo pa nakakalimutan si KUYA." Ipinagdiinan niya 'yung word na "kuya"? "Hindi porket nagka-boyfriend ka na kakalimutan mo na siya. Kasi ako? Hinding-hindi ko makakalimutan kong anong ginawa mo sa kanya!"

"Ano bang-"

"Pinatay mo siya 'di ba?! Kung hindi mo lang sana siya pinilit lumabas eh 'di sana hindi siya namatay!

Kung hindi mo lang sana siya hinayaang habulin 'yung mga adik eh! Kasalanan mong lahat!" Sigaw niya sa akin sabay duro.

Napaiyak na lang ako dahil sa pag-alala ng nakaraan. Akala ko kapag naging bitch ako, akala ko kapag naging matapang ako makakalimutan ko na 'yun, akala ko hindi na ako iiyak, akala ko hindi na ako matatakot -mali ako. Maling-mali ako. Hindi ko pala talaga matatakasan 'yung nakaraan, hindi ko kayang kalimutan 'yung nangyari.

Namatay si Tristan nang dahil sa akin...

"Kaya alam mo kung anong dapat mangyari ha? Dapat mamatay ka rin eh! Alam mo, kakalimutan ko na sana si Kuya eh! Kaso nakita kita kasama si Chron -nakita kitang MASAYA which is hindi mo naman deserve! Ang sama mo! Nagawa mo pa talagang maging masaya matapos nang nangyari kay Kuya?!

Wala kang kwenta! You're the worst!" Bigla na lang niya akong sinampal at umalis na.

Napadausdos na lang ako sa semento habang hawak ang kaliwang pisngi kong sinampal ni Selene.

Napangisi ako. Kulang pa 'yun 'di ba? Kulang pa 'yun sa nangyari kay Tristan. Kulang pa 'yun sa

kapabayaang nagawa ko. Tama si Selene. Ako lang naman ang may kasalanan sa lahat ng iyon. Ako na lang sana 'yung namatay... hindi si Tristan.

Pinili kong maglakad-lakad sa labas ng bahay namin -saan ako pupunta? Saan pa ba eh 'di sa puntod ni

Tristan. Total hindi ko naman deserve maging masaya, pupuntahan ko siya, hihingi ako ng tawad.

Hihingi ako ng tawad sa lahat-lahat ng nagawa ko.

Napatingin ako sa kabilang side ng daan -ano kaya kung tumawid ako? Katulad ng ginawa ni Tristan?

Mamatay din kaya ako? Mamatay din kaya ako katulad ng gusto ni Selene? Makakasama ko kaya si

Tristan? Sa ganoong paraan... mapapatawad na kaya niya ako?

Napangiti ako na parang baliw nang makita ko ang isang malaking truck na papalapit...

--Chron's Pov--

Ilang beses ko nang tine-text at tinatawagan si Scarlet pero hindi siya nagrereply o sumasagot man lang. Dati naman hindi siya ganun ah! Ano ba 'yan! Baka kung ano nang nangyari dun! O baka nagtatampo?! Imposible! Kausap ko pa siya kagabi sa phone eh! Okay pa kami! Imposible namang magtampo 'yun! Tyaka sinabi ko naman na sa kanya siya lang 'yung gusto ko at hindi na si Selene eh.

Ano pang ikakatampo niya run?!

Hindi na ako mapalagay, paikot-ikot na ako sa sala namin. Tawagin niyo na akong praning pero hindi talaga maganda ang kutob ko. Shit! Mabuti pa nga sigurong puntahan ko na sa kanila!

Inayos ko lang ng unti 'yung buhok ko tapos lumabas na ako ng bahay. Tengene wrong timing naman

'yung pagkasira ng kotse ko eh! Bullshit talaga! Taxi na lang?

Nag-taxi ako papunta sa bahay nila nang bigla kong nakita si Scarlet na tumatawid sa kalsada -fvck! Di ba hindi siya marunong tumawid?!

"Manong dito na ho!" Agad kong binigay 'yung bayad ko tapos lumabas nang taxi.

Tatawid na sana ako para makapunta sa gitna ng daan kung saan nandun si Scarlet -sht ang bagal niyang maglakad! Tangina naman 'tong mga sasakyan na 'to! Hindi ako makatawid!

Naiinis ako dahil wala akong magawa -wala akong magawa para maligtas siya dahil bigla na lang may dumating na malaking truck papunta sa kanya, ang lakas ng busina pero hindi 'yun napansin ni Scarlet sa halip ay napatingin siya sa akin -sa mga mata ko.

"SHIT!" Ang tanging nasambit ko.

//Hospital | 4:33 PM.

Hawak-hawak ko ng mahigpit 'yung kamay ni Scarlet. Hinihintay ko siyang magising nang biglang dumating sina Ericka at Carmeen.

"Omegesh! Si Scarlet! Bruha ka 'teh! Tumambay daw bas a ospital! Hoy bumangon ka na dyan! Langya ka! Huwag kang magdrama! Hindi mo bagay maging kawawa!" Bulalas ni Carmeen habang nakatingin kay Scarlet.

"Gaga, muntik na 'yang mabundol." Sabi naman ni Ericka.

Oo, muntik na siya mabundol. Pasalamat na lang ako kahit malakas ang preno nung truck. Bigla lang nahimatay si Scarlet pero hindi siya nabundol. Tangina akala ko mawawala na siya sa akin eh! Kung nangyari siguro 'yun baka nagpabundol na lang din ako! Shit lang. Laking pasasalamat ko lang talaga kasi walang nangyaring masama sa kanya!

"Ano? Okay na ba siya?" Tanong ni Ericka.

"Oo. Sa awa ng Diyos, nahimatay lang siya. Buti na lang talaga..."

"Nako! Yan pa! Eh bitch 'yan eh! May bitch bang kawawa?" Sabi naman ni Carmeen.

"Sige ha, iwan ko muna kayong tatlo rito. Bibili lang ako ng makakain natin." Paalam ko sa kanilang dalawa.

"Osige! Gorabels ka na! Kami ng bahala rito sa lab op your layp!" Pahayag ni Carmeen.

Lumabas na ako ng kwarto ni Scarlet para makabili ng maiinom at makakain. Hindi pa rin kasi ako naglu-lunch. Ewan ba pero nahimatay lang naman si Scarlet pero hindi pa nagigising. Haaay... sana naman walang ibang masamang nangyari run.

Napansin ko na lang na may humigit ng braso ko nang tignan ko kung sino... ah si Ericka lang pala.

"Nakita mo na siya?" Tanong niya sa akin.

"Si Selene ba?"

"Oo..."

"Kahapon ng isa. Pero ayos na ang lahat sa amin. Bakit ba?"

"Ah wala..." Tapos bumalik na siya run sa kwarto. Weird?

Lumabas ako ng ospital -oo nga pala, sa amin 'tong ospital. Hehe, ang yabang ko 'nu? Di rin.

Lumabas ako ng ospital para pumunta sa isang restaurant nang makita ko si Selene habang nakaabang sa pinto. Inaabangan niya kaya ako? Dito kaya sila nagkita ni Ericka?

Hindi ko na sana siya papansinin dahil gutom na gutom na rin naman na ako pero bigla niyang hinigit ang braso ko.

"Ano? Kamusta na siya?" Si Scarlet? Bakit naman niya tinatanong?

"Okay na siya."

Napangisi siya, "Sayang. Sana namatay na lang siya katulad ni Kuya..."

Ano bang sinasabi niya?! At bakit naman nadamay dito si Kuya Tristan niya na matagal ng patay?! Ano namang konek nun kay Scarlet?! At bakit ba niya hinihiling na mamatay na ang girlfriend ko?! Akala ko ba okay na sa kanya na hindi na maging kami?! Pero ano 'to?!

"Bakit mo ba sinasabi 'yan?!"

"Yung babae -'yung babaeng dahilan ng pagkamatay ni Kuya. Naalala mo pa ba? Well, si Scarlet 'yun.

Siya 'yung girlfriend ni Kuya Tristan na dahilan kung bakit namatay siya. Sayang... sana namatay na

lang din siya. Para kahit papano, sumaya naman si Kuya sa langit -ah mali! Paano kaya sila magkikita eh tyak namang sa impyerno babagsak 'yang Scarlet na 'yan?" Napangisi ulit siya.

Shit. Bakit ba biglang naging ganito si Selene?! Akala ko sa panlabas na anyo lang 'yung pagbabago niya pero bakit biglang naging ganito ang ugali niya?! Hindi naman siya ganito dati ah! Ano bang nangyari sa kanya?! Naalog ba ang utak niya sa Japan kaya nagkakaganito siya?!

"Tigilan mo na nga 'yan! Hindi naman niya kasalanang mamatay ang Kuya mo eh! Wala siyang alam na mangyayari 'yun!" Pagtatanggol ko kay Scarlet.

"O talaga? Psh. Wala akong pakialam. Basta maniniwala ako sa kung anong gusto kong paniwalaan."

Mataray niyang sagot.

Nakakapanibago talaga. Hindi ko inaakalang magiging ganito siya. Hindi ko talaga inakala.

"Bahala ka sa buhay mo."

"Sana mamatay na siya. Para mabawi na rin kita."

Tumingin ako sa kanya ng matalim at sinampal siya. Oo masamang manakit ng babae. Pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Kung si Scarlet ang sasabihan niya ng ganun -hinding-hindi ako magsisising sampalin siya kahit ilang beses pa.

//Meanwhile.

--Ericka's Pov--

Umalis na ako ng ospital dahil tinawagan na ako ni Mama para umuwi. Sabi ni Carmeen dun muna siya kaya iniwan ko na siya run.

Pagkaalis ko sa mismong kwarto ni Scarlet dumiretso na ako sa exit. Hindi ko na hinanap pa si Chron para magpaalam.

Nang nasa tapat na ako ng isang taxi eh bigla na lang may humintong limousine sa likod nung taxi.

Syempre dahil na-curious ako tinignan kong maigi tapos bigla 'yung bumukas at... fvcking shit!

"Athena... anak."

Oh well. Great! Just great! What do you expect me to say in return? "Hello my oh-so-good-for-nothing father?" Psh.

####################################

{ TBUP -71: Hell No! }

####################################

{ TBUP -71: Hell No! }

--Ericka's Pov--

"Anak? Anak your face!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

Oo, wala akong respeto. Oo, wala akong manners. Oo, masama ako. Oo, sobra-sobra ang galit ko.

Alam kong lahat 'yun. Alam kong siguro kung ikaw 'yung nakatayo sa harapan ko't sinabihan ko nun magagalit ka sa akin. Sisigawan mo ako. Sasampalin. Sasaktan. Pero ano bang magagawa ko?

Punong-puno ng galit 'yung puso ko. Siguro nga, kaya rin ako naging ganito -btch, palamura, mataray, hindi masipag sa pag-aaral, nanghuhula ng break-ups ng iba or in short walang kwenta -siguro naging ganito ako nang dahil sa lalakeng nasa harapan ko.

Oo, masamang manisi pero -sorry, nagawa ko na.

Sasakay na sana ako ng taxi nang bigla niyang hilain ang kamay ko.

"Anak, kausapin mo naman ako." Pakiusap niya sa akin.

Hangga't maaari iniiwasan kong tumingin sa mata niya -bakit? Ayokong makita niyang mahina talaga ako. Ayokong makita niyang nagtatapang-tapangan lang ako. Dahil sa totoo lang, gustong-gusto ko ng umiyak. Ang tagal-tagal ko ng gustong makita 'yung tatay ko, ang tagal-tagal ko na siyang hinahanap, ang tagal-tagal ko ng nangungulila sa kanya. Inaamin ko, gusto kong magkaron ng isang katulad niya sa buhay ko. Pero sa tuwing naiisip ko 'yung ginawa niya sa amin ni Mama? Sa tuwing naiisip kong iniwan niya kami, pinabayaan at hindi binalikan? Naiinis ako. Nagagalit ako. Kaya kahit gustong-gusto ko siyang makasama, kahit-gustong-gusto ko siyang makita -itatago ko na lang sa pamamagitan ng pagiging matapang.

"Kausapin? What the heck! Iniwan mo kami ni Mama tapos hihilingin mo sa aking kausapin kita?! Well,

WHO YOU?!"

Binubuksan ko na 'yung pinto nung taxi pero pinipigilan niya ako. Arrgh! Gusto ko ng umalis dito!

GUSTO KO NG UMIYAK!

"Patawarin mo 'ko..."

"Patawad. Hah!" Tumingin ako sa kanya ng matalim, "Kung papatawarin kita ngayon, para ko na ring kinalimutang iniwan mo kami. Para ko na ring sinabing wala lang sa aking umalis ka tapos babalik-balik ka ngayon na parang wala lang nangyari. Waw, bago 'yun 'nu? Bagong kagaguhan?"

"Parang awa mo na! Makinig ka naman muna sa akin, anak! Please, sorry na! Kaya kong ipaliwanag lahat kung bakit ko kayo iniwan. Please-"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya.

Nangingilid na 'yung luha ko eh. Sana hindi niya mapansin.

"Alam mo? Matatanggap pa sana kita kung noon pa lang nagpakita ka na. Kung noon pa lang na bata pa ako, nagpakita ka na! Pero ngayon? Ngayon ka sa akin magpapaliwanag kung kailan may isip na ako? Kung kailan alam ko ng magalit sa'yo? Sana sinamantala mo 'yung katangahan ko nung bata ako pero hindi mo ginawa. Ngayon ka pa talaga nagpakita!"

Galit na galit ako, oo. Pero hirap na hirap din akong itago 'yung tunay kong nararamdaman. Tama pala silang lahat -kahit anong gawin ko, Ama ko pa rin siya. May puwang pa rin siya sa puso ko kahit ilang katarantaduhan ang gawin niya sa amin ni Mama.

Gusto ko siyang yakapin eh, pero 'pag ginawa ko 'yun, para ko na ring binaliwala 'yung paghihirap namin ni Mama. Hindi, hindi pwede.

"Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para makapagpaliwanag sa'yo! Parang awa mo na... anak."

Waw, anak. Ang sarap sanang pakinggan kung hindi lang sana siya nagpakagago. Kung hindi niya lang tinarantado 'yung Mama ko. At oo nga pala! Hindi lang kami -pati sina Selene at 'yung Mommy niya. Kita mo nga naman? Hitting two birds in one stone ang peg mo, ha PAPA?! Psh.

"Anak? Waw. Sarap pakinggan ha! Pero 'di bale na lang, kung ikaw lang ang tatawagin sa'kin nun, 'di bale na lang. Ang gawin mo, asikasuhin mo na lang 'yung kabilang pamilya mo. Sina Selene? Tutal, sila naman talaga 'yung priority mo umpisa pa lang."

Hinablot ko na 'yung kamay ko't sumakay na sa taxi. At sa loob ng taxi na 'yun, bigla na lang dumausdos ang mga luha ko. Hah! Bilib talaga ako sa mga luhang 'to! Matapang din eh! Alam kung kailan papatak at kung kailan hindi dapat pumatak! Kaya mahal na mahal ko 'yung sarili ko eh! Ang dyosa ko kasi!

Psh. Sige, ngiti lang Ericka. Di ba ang sabi ko hindi naman karapatdapat iyakan 'yung taong 'yun?

Taena, walang kwenta eh.

Pinahid ko 'yung mga luha ko at tumingin na lang sa bintana.

Sana... sana hindi na lang niya kami iniwan noon...

Nakarating ako sa bahay pero mukha namang wala si Mama rito? Biglang tumunog 'yung cellphone ko at nagtext si Mama? Sabi niya may pupuntahan daw sila ni Tito Sev? Jusme. Magde-date na naman!

Nako, paano kaya kung nagpakita sa kanya 'yung oh-so-good-for-nothing kong Ama? Ano kayang magiging reaksyon nun? Well sana naman hindi maghiwalay si Mama at Tito Sev 'nu! Botong-boto pa naman ako run para kay Mama... kahit... kahit magiging magkapatid kami ni Colosseus <////3

Ano ba 'yan naalala ko na naman! Oh well, speaking of Colosseus... tangina! Ayun siya!

SUGURIN! xD

De joke lang. Galit pa sa akin eh. Pero yaan na! Kakapalan ko na lang mukha ko! Kailangang-kailangan ko talaga siya eh!

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Di bale ng mabara niya ang mahalaga mayakap ko siya. Punyemas kasi! Nakakamiss siya <//3 Tyaka hindi ko talaga kayang hindi siya pansinin! Kahit nagkasagutan pa kami nung isang araw eh hindi ko mapigilan eh!

Mahal ko eh, anong magagawa ko?

"Athena..."

Shitness! Heaven na 'to mga dre! Tangina nakakamiss 'yang pagtawag niya sa akin ng Athena kahit ayaw na ayaw ko 'yang pangalan na 'yan! Pag siya ang tumawag sa akin niyang nangingiti ako eh!

Tapos bigla na lang umagos 'yung luha ko. Pinipigilan ko 'to kanina pa eh! Akala ko kasi magkakaharap kami ni Mama -'yun pala hindi. Kaya ito na. Naiyak na ako ng bonggang-bongga. Napakapit na lang ako kay Colosseus habang umiiyak. Ang dami-dami nang nangyaring masakit sa akin ngayong week eh.

Letche!

"Shh. Stop..." Wika ni Colosseus.

Napangiti na lang ako. Sige lang. Magsalita ka lang. Kausapin mo lang ako. Namimiss ko eh.

"I love you." Sambit ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Aww! Magagalit na naman ba siya sa akin? Galit pa rin ba siya? Sasabihin niya bang ayaw na niya sa akin? <///3 Huwag naman sana. Huwag naman sana ngayon.

Hinawakan niya 'yung magkabilang pisngi ko.

"I thought I can stay mad at you but I can't and I never did." He kissed my temple and hugged me again.

Ngayon, tears of joy na ang nalabas sa mga mata ko. Salamat lang talaga. Salamat kasi andito si

Colosseus. Siguro kung wala siya baka matagal na akong basag. Simula pa lang eh. Simula pa lang ng pagkikita namin, alam ko nang magiging mahalaga siya sa akin hindi ko lang talaga alam na ganito kahalaga. As in sobrang mahalaga. Puro away pa kami noon eh -pero tignan niyo naman kami ngayon.

Shet nga eh, ang cliché.

Ngayon, ako naman ang kumalas sa yakap niya. Well, it's time for me to play :3 xD

"Nung nag-sorry ako sa'yo... hindi mo tinanggap." Tapos nag-pout ako.

Tinignan ko siya pero... ano 'to?! Pokerface lang?! No reaction at all?! Huhuhu T^T Sayang naman

'yung pagpapa-cute ko. Bad trip! Hmpf >___<

"Sige ka! Pag hindi mo tinanggap... ano... kwan... uhmmm..." Ano nga ba? "Ah! Babalik ako kay

Psyche!"

Tapos tumalikod na ako pero oh yes! Ito ang inaantay ko eh! Ginuyod niya ako tapos niyakap...

"Hell no! You're mine."

Awww :""> Backhug mga dre! Nakakamiss! Omegesh. May sparks na naman! Yung puso ko ayaw na namang magtino. Haay... ibang klase talaga! Si Colosseus lang nakakagawa nito eh. Nakakainis kasi ako 'yung unang lumapit pero hindi ako nagsisisi. Syempre, magsisisi ka ba kung isang Colosseus Zico

Zarte ang yayakap sa'yo? Tangina lang kung ganun!

Humarap ako sa kanya.

"Tinatanggap mo na 'yung sorry ko? Bati na tayo?" Tanong ko sa kanya.

"As if I have a choice."

Tapos kasing bilis ng kidlat nang bigla niya akong hinalikan sa leps xD Fvcking sht. Ang saya! Para tuloy akong naka-drugs! Nasa cloud nine eh. HAHAHA! Basta. Ganun na 'yun. Masaya ako. Sobrang saya ko po! Sabi ko naman sa inyo eh! Maayos namin 'to! Kami pa! Tiwala lang kasi! Tiwala lang kasi mahal namin ang isa't isa :)

"Pramis ko! Magsasabi na ako ng totoo! Di na 'ko magsisinungaling kina Mama! Tyaka... bukas! Bukas!

Sasabihin ko na kina Mama na mahal na mahal kita!" Sabi ko sabay ngiti ng sobrang lawak. Para tuloy akong bata :3

"Talaga?"

Tumango ako. Buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko na kina Mama at Tito Sev ang totoo. Nagawa na ni Colosseus 'yung part niya para maipaglaban 'yung relasyon namin eh turn ko naman ngayon. Hindi na ako matatakot. Kasi alam ko nang maiintindihan ni Mama. Mahal niya 'ko 'di ba? TIWALA LANG! :)

"Sorry din kung marami akong nasabing mali." Sabi naman ni Colosseus.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman eh. Ang importante, bati na tayo, baby ko." Tapos ngumiti ulit ako.

"Baby ko?" Nagtataka niyang tanong.

"Ops! Huwag kang tatawa! Wala kang kiss mamaya sige!"

He giggled, "It's cute. Baby ko." Tapos kiniss niya ako sa ilong. Kyaaaa >////<

Ay teka ang bading ko na! Shitness naman kase! Nakakabading eh! Ang sweet-sweet niya! Kinikilig ang buong pagkatao ko! Uwaaa~! Ngayon, iniisip ko, ilang tao kaya ang nainggit sa akin?

MWHAHAHAHAHA >:))))))

Pumunta kami sa hideout naming xD Well, saan pa ba kundi run sa likod bahay nilang may garden na maganda? :"""> Ehe! Ang landi-landi ko pero keri lang! Sa kanya naman eh.

Umupo kami sa may swing. Magkahiwalay 'yung swing pero magkahawak 'yung kamay naming dalawa.

"Nana..." Tawag niya sa akin. Napangiti naman ako ng bongga! "Baby ko..." Oh sht! Kung napangiti ako ng bongga run sa pagtawag niya sa akin ng "Nana" oh well, nangiti ako ng bonggang-bongga nang dahil sa tinawag niya sa akin ngayon! Uwaaa!

Napangiti akong nakatingin sa kanya.

"Ang ganda mo." Hutanghena! Yun lang pala sasabihin! Kahit naman aware na ako sa katotohanang

'yan dahil DYOSA ako, bakit hindi ko pa rin mapigilang mapangiti ng wagas at kiligin ng parang wala ng bukas? Jusme! Iba talaga 'pag mahal mo 'yung nagsasabi ng mga ganyan 'nu?

"I love you..." Sabi niya sabay pisil sa kamay ko.

Anobey! Magwawala na ako! Colosseus naman eh! Baka mag-overload 'yung puso ko sa kilig!

"I love you Athena, -two divided by zero." Huh?

Anong two divided by zero? May assignment ba siya't pinapasagutan niya sa akin? Anong ibig sabihin nun? Akala ko ba matalino siya sa Math eh bat pinapasagutan niya sa akin 'yan eh alam naman niyang nangangamote ako sa subject na 'yun? Ano ba 'yun?! O_________O

"Anong two divided by zero?" Confused kong tanong.

Umalis siya run sa swing tapos nag-squat siya sa harap ko. Alam niyo 'yun? Yung parang upong batang natatae xD Lols. Basta 'yun na!

"Alam mo bang kahit anong number ang i-divide mo sa zero ang sagot ay infinity? Kaya, I love you

Athena," Kinuha niya ulit 'yung kamay ko tapos pinag-intertwine 'yung mga kamay naming dalawa,

"infinity." Tapos ngumiti siya :""> Awww~

Ayy teka! "Di ba sabi mo kahit anong number? Bakit two ang napili mo? Bat ayaw mo ng three? Four?"

Tanong ko sa kanya.

"Because there's zero -there is no one who can divide the two of us." Ngumiti ulit siya. KYAAAAAA! >//<

Pwede bang maging fans club president ni Colosseus?! Pramis itataguyod ko! Shitness! Ang sweet niyaaaaaaaaa~!

Wala na! Namatay na 'ko dahil sa kilig! Lels. De jk lang. Uwaaaaaa! Ang saya-saya ko! Todo-todo!

Walang break, walang preno! K, nagiging korni na naman ako! Basta! Napapa-speechless na lang ako.

Ang masasabi ko lang...

MAMATAY KAYO SA INGGIT! *belat*

--Selene's Pov--

Aba. Akalain mo nga naman? Kahapon si Scarlet ang nakita ko ngayon naman... si Zico? Ang liit talaga ng mundo. Hindi ko inaasahang nandito lang pala ang matagal ng hinahanap ng bestfriend ko. Salamat kay Athena at sa pagsunod ko sa kanya natunton ko kung nasaan si Zico. At akalain mo nga naman ulit

-may relasyon pa silang dalawa? Wow. Buti na lang bukas ang bintana nilang dalawa't kitang-kita ko sila. Ang saya mo Athena ha? Hah!

Total, paborito naman ni Daddy 'yang Athena na 'yan, ano kaya kung pati siya sirain ko?

Masaya 'yun.

Masisira ko na nga siya, matutulungan ko pa ang bestfriend ko.

Muling nanumbalik ang mapanuksong ngiti sa labi ko. Hinanap ko ang pangalan ng bestfriend ko sa phonebook ko at tinawagan iyon.

"Nahanap ko na siya."Sambit ko habang nakangiti.

Sabi ko naman sa inyo eh. I'm the new btch in town.

####################################

{ TBUP -72: Zico the Second }

####################################

{ TBUP -72: Zico the Second }

--Selene's Pov--

Eksaktong alas otso ng umaga nang makarating ako sa airport para sunduin ang bestfriend ko.

Naghintay ako ng tatlumpong minuto para sa pagdating ng eroplanong sinasakyan niya at hindi nga ako nabigo dahil pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong iyon ay nasilayan ko siya at ang napaka-cute kong inaanak.

Nang magkita kami ng aking pinakamatalik na kaibigan ay agad ko siyang niyapos ng mahigpit na para bang wala ng bukas. Siya lang. Siya lang ang nakakaintindi sa akin kumpara sa kahit kanino pa man.

Siya, ang bestfriend ko simula pa lang nung ipinanganak ako sa Japan hanggang sa magbalik ako roon.

"Kamusta ka na? Akala ko hindi ka talaga uuwi eh." Sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko pa rin siya.

"Matitiis ba naman kita? Atyaka... 'yung sinabi mo-"

"Sa café na lang tayo mag-usap 'nu ka ba!"

At ayun nga. Pumunta kami sa isang mamahaling café at um-order ng maiinom. Kandong niya ang inaanak ko habang namimili ng makakain.

"Ang laki na niya, ano?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa inaanak ko.

"Oo nga e. Ang bilis ng panahon." Sabi naman ni Yanna sa akin.

Oo, si Yanna. Si Yanna Marie Cervantez ang bestfriend ko. Ang nakakaintindi sa akin mahigit sa kahit sino pa man. Ang dumadamay sa akin sa lahat ng pagkakataon, masaya man o malungkot. Ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko. Ang napagbabalingan ko ng sama ng loob. Ang bestfriend ko na handa akong saluhin kahit ilang beses akong mahulog o madapa.

"Ano? Handa ka na bang humarap sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at sumagot, "Noon pa ako handa Selene. Ayaw lang talaga akong payagan ni Mommy."

"Oo nga pala. Paano mo napapayag si Tita?" Tanong ko muli sa kanya.

"Tumakas lang ako. Tyaka sinabi kong nasa Japan ka pa, sigurado ako iisipin nun sa'yo ako nakituloy."

Ilang sandali pa ay binuhat ng inaanak ko ang bote ng gatas niya at uminom doon. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapamahal sa batang ito. Bukod sa pagiging cute ay magalang din siya at hindi gaanong pasaway. Hindi nga niya binigyan ng sakit ng ulo ang nanay niya eh. Iniisip ko tuloy kung kanino ba nagmana ang bata. Kung sa ina ba o... sa ama.

"Baby," Tawag ko sa kanya sabay ngiti, "alam mo ba kung nasaan ka ngayon?"

Tumango siya, "Philippines." Agad niyang sagot.

2 years old lang siya pero hindi gaya ng ibang bata, hindi siya bulol magsalita. Kagulat-gulat nga eh.

Dahil sa edad niyang 'yun straight na ang pananalita niya. Hindi siya bulol at magaling siya sa tatlong lenggwahe. Korean, Japanese at English. Hindi niya pa masyadong kabisado ang wikang Filipino, doon lang siya nabubulol. Pero hindi maipagkakailang, henyo talaga ang anak ni Yanna.

"Ang galing talaga ng inaanak ko!" Bulalas ko sabay pisil sa pisngi nito.

"Hoy Selene! Huwag mong masyadong panggigilan 'yang anak ko't baka hindi na maging kamukha ng

Ama niya kapag nagkita sila." Sabi naman ni Yanna sabay higop ng kape niya.

"Desidido ka na talagang ipakilala siya roon, ano?" WIka ko sa kanya, "Oo naman. Karapatan niya 'yun dahil anak niya rin si Zico."

Masyado bang nakakabigla? Oo. May anak na si Yanna sa kabila ng bata niyang edad. Umuwi siya ng

Japan noong sixteen years old siya. Napag-alaman kong buntis nga siya noon. Nabuntis siya ng noon sana'y magiging kapatid niya kung hindi lamang na-cancel ang kasal ng Mommy niya run sa Daddy nung lalakeng nakabuntis sa kanya. Ang nakakatuwa pa, natigil ang kasal nang dahil sa pagbubuntis ni

Yanna.

Umuwi sila sa Japan ng Mommy niya para itago ang katotohanan. Minahal kasi talaga ng Mommy niya ang lalakeng iyon at hindi niya matanggap na nang dahil sa sarili niyang anak ay hindi matutuloy ang kasal niya. Sinisi ng Mommy niya si Yanna. Naging malamig ang pakikitungo. Hindi inasikaso.

Pinabayaan. Nagalit talaga ang Mommy niya sa kanya kaya kinaladkad siya sa Japan noon para hindi sila magkita nung nakabuntis sa kanya. Pero huli na, buntis na kasi si Yanna nang umuwi sa Japan.

Mas lalong sumidhi ang galit sa kanya ng Mommy niya.

"Di ba alam mo kung nasaan siya?" Tanong sa akin ni Yanna.

At oo. Si Zico ang ama ng batang nasa harapan ko ngayon. Isinunod ni Yanna ang pangalan ng anak niya sa ama nito. Rin Zico Zarte, pero may palayaw siya. Ang kadalasang tawag namin sa kanya ay

Zee.

"Handa ka na bang-"

"Oo, Selene. Oo, oo, oo. Ilang beses mo bang itatanong 'yan at ilang beses ko rin bang sasaguting oo?"

"Pero Yanna, makinig ka muna -si Zico..."

"Ano?"

Sasabihin ko bang may iba ng mahal ang lalakeng mahal niya? Sasabihin ko bang nakahanap na ng kapalit ang lalakeng ama ng anak niya? Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon. Kahit btch ako, pagdating sa pamilya at sa bestfriend ko -malambot ang puso ko.

Ano Selene? Kaya mo bang sabihin? Kaya mo bang... saktan ang bestfriend mo?

--Ericka's Pov--

Kasalukuyang nanunood sina Mama at Tito Sev sa sala ng Saw IV at ang brutal lang. Lenggwang 'yan.

Pero feel na feel ni Mama! Kasi nakakapit ng bonggacious kay Tito Sev at may patakip-takip pa ng mukhang nalalaman ah! Ang lantod lang ni Mama! Parang teenager :3

Nagkatinginan kami ni Colosseus na nakaparada rin sa hagdan katulad ko. Wala lang. Nakatayo lang kami run kasi tini-tyempuhan namin si Mama. Kasi nga 'di ba? Magsasabi na ako ng totoo.

Magkokompisal na ang dyosa tungkol sa nararamdaman niya. Lels. Pero bakit parang feeling ko maganda ang kakalabasan nitey? Alam niyo 'yun? Ramdam na ramdam ko mga 'teh! Ramdam kong matatanggap nila ang bawal na pag-ibig namin ni baby ko :"">

Ilang sandali pa ay nginitian ko na si Colosseus at bumaba na ng tuluyan sa hagdan. Lumapit ako run sa sofa kung saan nagyayakapan, nagchachansingan at naglalandian sina Mama at Tito Sev. Sinadya kong sarhan 'yung TV na pinapanood nila para tutok talaga ang atensyon sa akin! Nako, sa ganda ko ba namang 'to dapat lahat ng atensyon mapunta sa akin 'no! Meygeeesh :"">

"Mama!" Tawag ko sa kanya kahit nasa harapan na niya ako, "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Anak, kung hindi ka ba naman gaga eh, nag-uusap na kaya tayo! Sabog ka ba?" Sabi ko nga. Umiral na naman ang pagka-pilosopa ng Mudrabels ko! Tsk tsk...

"Ha-Ha-Ha, Mama nakakatawa! Che! Walang common sense Ma? Inanod ng baha? Halika na kasi!"

Tapos hinila ko siya at agad itong napatayo. "Wait lang Tito Sev ha, hiramin ko lang si Mama!" Tapos nag-wave na ako sa kanya samanatalang nakangiti naman siya. Inakyat ko na si Mamas a hagdan at ipinasok sa kwarto ko.

O 'di ba parang kidnapper lang? Ako mismo kumaladkad eh :)))))))

So ayun, kasalukuyang nagaganap ang press conference para sa bago kong pelikula -ay mali, maguusap pala kami ni Mama :3 Okay, kay korni kong nilalang. Pasensya na ho T^T

"Mama may sasabihin ako." -Ako.

"Hay nako anak, may sinasabi ka na." Sabay irap niya sa akin.

Nasobrahan si Mama sa pagka-pilosopa jusme! Porket sinira ko ang landian session nila ni Tito Sev makapagtaray wagas?! Btch na rin ang peg mo Ma? Gumagaya ka na samin ni Scarlet? Lumalaganap na ang gayahan eh! Si Selene din gumaya na. Jusme! Gusto lang nilang pantayan ang pagiging

DYOSA ko eh. Pero sorry na lang sila. Ako ang one and only sugo ng Mount Olympus!

"Mama kasi! Tigil muna sa pagpipilosopa!" Saway ko sa kanya. O 'di ba parang ako na ang Nanay?

Palit na tayo Ma!

"O bilisan mo! Kita mong ang sarap ng panonood ko run sa baba eh!"

"Wushu! Panonood daw eh pakikipaglandian 'yun Ma! Jusme. Sige ha, makinig kang mabuti! Namnamin mo ang bawat salitang lalabas sa aking bibig at-"

"Hoy Ericka bilisan mo na nga!" Sigaw ni Mama. Nako, high blood na =_____=

"Oo na! Eto na! Ano kasi... kwan... uhmm... ayun... MAHAL KO NGA KASE SI COLOSSEUS!" Ayan!

Nakaraos din. Nailabas ko rin ang hinanakit ko. Ang sama ng loob ko!

Si Mama, 'yung reaksyon niya? Ayuuun, poker face. Seryoso! Tangina nga eh! Akala ko iiyak, magagalit, tatawa dahil ang akala eh joke 'yung sinabi ko pero -WHAT'S THE MEANING OF DIIIZ?!

Bakit wala lang sa kanya? Talaga bang nakakahawa si Colosseus at pati pokerface niya eh nasagap na rin ni Mama?! O____O

"Mama? Di ka magre-react? Di mo man lang ba ako papagalitan, sasabunutan-"

"Ogags, 'yan lang hinihintay kong sabihin mo." Seryosong sabi ni Mama.

Hinihintay?!

"Mama?"

"Alam ko naman eh. Alam ko namang mahal mo 'yun. Pero inuna mo kasi 'yang katangahan mo't nagsinungaling ka pa run sa harap ni sev nung tinanong ka kung mahal mo! Ayan tuloy, nagpakahirap pa kayo ng jowa mo!"

Omo! Alam ni Mama?! Alam ni Mamang jino-jowa ko na si Baby ko-I mean, Colosseus?! Omegesh!

Talaga bang nag-uumapaw ang kalandian ko't pati si Mama napansin na rin 'yun?!

KYAAAAAAAAAAAAA >///<

"Bobita ka kasi! Nung sinabi ni Colosseus na mahal niyo ang isa't isa anak, alam kong totoo ang sinasabi niya. Pero gusto ko pa ring marinig mula sa'yo iyon para maging sure ako. At kung iniisip mong magpaparaya ako para sa'yo -nako! Ano ka sine-swerte?! Sabog ka 'teh?! Jusme ayoko nga! Mahal ko si Sev, junakis ko at total napag-isip-isip ko rin noon na hindi kayo blood related eh, I therefore conclude na bagay naman pala kayo. Kaso nga lang, ewan ko kung anong masamang hangin ang napasok dyan sa utak mo't nagsinungaling ka noon."

O_______________O

Omaygaaaaaaaaaash! Alam nila?! Alam ni Mama noon pa lang?! Simula sa araw na 'to, hindi na ako magdududang anak nga ako ni Mama! Alam niya! Alam niya! Alam niya! Huhuhuhuhu T^T Ang laki kong boblaks! Putragis! >____<

"Eh bat ka naiyak nun?" Tanong ko sa kanya.

"Props? De jk. Eh kasi naiyak ako sa speech ni Colosseus! Huhuhu T^T Ang swerte nimo sa kanya junakis! Saan ka pa nakakita ng ganung lalakeng kaya kang ipaglaban kahit may pagka-forbidden love ang peg ng labstori niyo?! O 'di ba si Zico lang!"

NGA-NGA. As in, tangina! Nagdrama ako, umiyak, nag-POV ng pagkahaba-haba, nakipagsagutan kay

Colosseus at tiniis na hindi siya kausapin ng ilang araw at linggo ng dahil lang sa wala?! I mean, nang dahil sa pagiging OA ko?! Maygaaaaaaaash! Saang planeta ba ako galing at may taglay akong katangahan sa buhay?! Jusme! Sana pala happily ever after na ang peg namin ni Colosseus at sana matagal ng may Epilogue etong kwentong 'to kung hindi lang ako naging OA at sinungaling sa harap ni

Tito Sev! Pucha lang! Pucha lang talaga!

"Eh si Tito Sev?" Natanong ko.

"Ah 'yun? Nako! Under kaya 'yun sa akin! HAHAHAHA! Kasi naman, pinag-usapan namin kayo pagkatapos nung confrontation. Eh na-conclude niya rin na hindi kayo blood related at pwedeng-pwede kayo. Pinilit ko rin kasi siya. Eh ayun, nawili na rin sa Zicka labtem!" Pahayag ni Mama.

Zicka labtem?! Ano 'yun?! O_______O

"Eh bat 'di niyo kagad sinabi sa akin?!" Halos pasigaw kong tanong.

"Gaga ka kasi! Kung sinabi namin sa'yo kagad 'di hindi mo mare-realize na sobrang halaga ni Zico sa'yo! Hindi ka magkakaroon ng lakas ng loob na aminin na mahal mo 'yung tao at hinding-hindi mo mare-realize na mali kang impakta ka!" Sagot ni Mama.

Huhuhu T^T Oo nga. Nako. Dapat pala magpasalamat ako. Grabihan. Nang dahil sa katangahan ko umabot sa ganito 'yung relasyon namin ni Zico. Haaay... eh 'di ako na! Ako na tanga! Pero at least, free na kami ni Zico! Free na kaming gawin ang kahit anong gustuhin namin! Ngayon pang wala na kaming iintindihing Mama at Tito Sev! YEEES!

Napasuntok ako sa hangin nang dahil sa saya. Mwhahahahaha!

"Hoy Ericka! Yang ngiti mo po ayusin mo! Chura mo, churang manyak!" O___O

"Ako?!"

"Ayy hinde, hinde! Yung kama! Jusme. Dyan ka na nga! Maglalambingan ulit kami ni Sev sa baba.

Ciao~~!!"

Pero KYAAAAAAAAA! Ang saya-saya! Ang saya-saya ko lang! Sa wakas! Malaya na kami ni

Colosseus! Malaya na kami!

YAHOOOOOOOOOOO~!!

--Zico's Pov--

Nakaupo pa rin ako sa hagdan. Hinihintay ko pa rin si Tita Stella at Athena sa kwarto nila. Aaminin ko, inip na inip na ako at gustong-gusto ko ng malaman kung anong kahihinatnan nung pag-amin ni Athena sa Mama niya. Sana naman maging open minded si Tita Stella at payagan na kami. Pero malakas ang kutob ko -papayag 'yun. Di naman siya ganun kasama para hadlangan 'yung kaligayahan ng anak niya

'di ba?

Sana lang talaga. Sana-

*TOK! TOK! TOK!*

May kumakatok sa pinto. Dahil sa inip na inip na akong maghintay ako na mismo ang nagsipag na tumayo at lumapit sa pinto. Si Daddy napatingin sa akin pero dumiretso ako run sa pinto. Hinawakan ko

'yung door knob at pinihit iyon. Teka, may gate naman kami ah? Bakit hindi nag-doorbell? Don't tell me bukas na naman 'yung gate? Aish, si Manang talaga =__________=

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang isang napakagandang babae. Napatingin ako sa kamay nito at may hawak din itong isang maliit na kamay. Maliit na kamay ng isang bata. Isang batang... kamukhang-kamukha ko.

"Yanna Marie?" Napatingin ako kay Daddy na kasalukuyang nasa likod ko nap ala.

"Hi Tito. Nice to see you again." Ngumiti siya-'yung ngiti niya-ang ngiting kinahumalingan ko noon.

"Pumasok ka!" Pagyayaya ni Daddy.

Pero bago pa man makatapak ng pamamahay namin si -Yanna Marie, bumitaw sa kamay niya ang batang dala niya at lumapit sa akin.

"Are you my father?"

Shit! Huwag mong sabihing-!!

--Ericka's Pov--

Para akong takas ng mental na lumabas sa kwarto dahil sa ngiti ko. Nakita ko si Mama na halos lumuwa na ang mata sa kakatitig sa-teka! Saan ba siya nakatingin?! Sinong tinitignan niya?! Nagla-live show ba si Tito Sev at ganyan makatitig si Mama?!

Dali-dali akong bumaba sa sala at tumambad sa akin ang...

"Ah Ericka si-" Pagpapakilala sana ni Tito Sev pero naputol ito nang biglang tumayo ang babaeng... shit!

YANNA!

Lumapit ito sa akin habang nakangiti.

"Ako nga pala si Yanna Marie. Ikaw si Athena, hindi ba? Sinabi sa akin ni Tito Sev eh. Nice to meet you..." Nakangiti siya habang nakalahad ang palad sa akin.

Siya nga! Siya nga si Yanna! Siya 'yung nasa picture na nawala dati ni Colosseus! Fvck! Fvck this shit!

Bakit ngayon pa siya bumalik?! I mean-BAKIT PA SIYA BUMALIK?! Kasi parang... parang ang cliché!

Maayos na ang lahat-lahat tapos biglang may eentradang panira, sagabal, epal o kung ano mang tawag sa kontrabida! Tangina lang! Huwag niyong sabihin sa akin na panandaliang saya lang 'yung naramdaman ko kanina dahil may bago na naman akong kakaharaping KARIBAL?!

"Ericka..." Wala sa sarili kong sagot sabay kuha ng kamay niya at ayun, shake hands.

Shet! Shet! Shet! Mukha siyang anghel pero-tangina lang mas maganda ako! DYOSA AKO EH! DYOSA

AKO!!

Nginitian niya ako. Yung ngiting natural, hindi peke, hindi pilit. Natural na natural. Ngiting mabait, ngiting anghel. Putangina, dito ba nainlab si Colosseus sa kanya?! Fvcking sht 'di naman ako mukhang anghel ah! Nakaka-insecure! Pucha!

Pero imbes na ma-insecure ako lalo sa babaeng NAKARAAN- I repeat, NAKARAAN-Past, past tense, past participle! Basta lahat ng past -ni Colosseus eh napatingin ako sa lalakeng nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin.

Yung mga matang iyon, kasing lamig ng yelo. Animo'y nangungusap. Para bang sinasabi niyang,

"Huwag"? Bakit huwag? Pero sandali lamang akong napatingin sa mga matang iyon dahil naagaw ang atensyon ko ng isang batang lalake na naka-kandong sa kanya. Isang batang lalakeng kamukhakamukha niya. Lalong-lalo na sa mata. Cold din, parang buwan. Parehong-pareho sila. Sht, sht, sana mali ang iniisip ko!

"Ah, 'yun ba?" Napatingin si Yanna sa gawi nila Colosseus at sa batang kandong nito pabalik sa akin,

"Siya nga pala ang anak ko-anak NAMIN, si Baby Zee.

Rin Zico Zarte..."

Tangina sana bingi na lang ako! Sana hindi ko na lang naririnig ang sinasabi niya! Sana nabingi na lang ako!!

Pero alam kong hindi. Alam ko, sa sarili kong narinig kong lahat-dahil andito ang mga luha ko, umaagos nang dahil sa katotohanang narinig ko...

####################################

{ TBUP -73: Let's Just End This }

####################################

{ TBUP -73: Let's Just End This }

--Third Person's Pov--

//Narration.

Bakas sa mukha ni Ericka ang pagkabigla sa narinig niya mula kay Yanna. Napatingin ito kay Zico na kasalukuyang kandong ang anak nito at iniisip kung anong susunod niyang gagawin. Kahit maituturing na matalino at wais si Zico, ngayon, blangko ang isip niya, wala siyang plano, wala siyang maisip.

Umiwas ng tingin si Zico dahil hindi niya malaman kung anong mukha pa ang ipapakita niya kay Ericka.

Hindi naman niya alam na ang isang gabing noon ay pinagsaluhan nila ni Yanna ay bubuo ng isang

malaking problema sa hinaharap. Gustuhin mang magsisi ni Zico alam niyang hindi 'yun ang dapat.

Dahil alam niya sa sarili niyang nasa wasto siyang pag-iisip at ginusto niya ang nangyari sa pagitan nila

Yanna noong gabing iyon.

Samantalang hindi pa rin maalis ang ngiti ni Yanna. Hindi dahil sa may binabalak siyang masama kundi dahil sa wakas, ay magkakasama na sila ng lalakeng pinakamamahal niya, ama ng anak niya at ang kukumpleto sa pinapangarap niyang pamilya. Matagal na hinangad ni Yanna ang makasama muli si

Zico. Matagal na niyang inasam maiparamdam sa anak na si Zee kung gaano kasarap magkaroon ng ama, kung gaano katamis ang pagmamahal ng isang buong pamilya. Umaasa siya, umaasa siyang ito na ang simula ng masayang pamilyang hinahangad niya, sa piling ni Baby Zee at ni Zico.

Hindi rin naman niya alam kung ano ang namamagitan sa kanila ni Zico at Ericka. Basta ang alam niya magiging magkapatid na ang dalawang ito-'yun lamang ang sinabi ni Selene sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Yanna kay Ericka na nakatingin pa rin ng matalim kay Zico.

Nilapitan siya ng Mama niya at hinawakan sa braso.

"Tara muna sa labas..." Pag-aaya ng Mama nito sa kanya.

Alam ng Mama ni Ericka ang sakit na nararamdaman ngayon ng anak, dama niya ito at hindi niya kayang makita pang nasasaktan siya kung kaya'y dali-dali niya itong ginuyod papalabas ng mansion.

Pakiramdam ni Mama Stella ay nabigo siya, nabigo siyang protektahan ang anak niya dahil muli-duguan na naman ang puso nito.

Nang nasa labas na sila ng mansion ay hindi na nakayanan ni Ericka ang magpigil ng luha. Dali-daling umagos ang tubig mula sa kanyang mga mata na tila ba ulan na ayaw papigil. Nasasaktan siya, nahihirapan.

"M-Mama, b-bakit g-ganun? O-Okay na 'di ba? P-Pumayag na k-kayo 'di ba? A-Ano na naman 'to?!"

Niyakap na lamang siya ng kanyang ina at hinaplos-haplos sa likod. Kahit alam niyang hinding-hindi mapapawi ng simpleng yakap at paghagod na iyon ang sakit na nararamdaman ng anak ay ginawa niya pa rin-dahil sa ngayon, 'yun lang ang kaya niyang gawin.

Habang hindi pa rin mapakali ang isip ni Zico. Kahit patuloy ang kwentuhan nila Yanna at ng ama nito ay hindi niya magawang makinig at makisali. Paano ba naman niya magagawa iyon eh alam niyang ang babaeng mahal niya ay nasasaktan nang dahil sa kanya. Nang dahil sa kagaguhan niya noong makasarili at masama pa siya. Pati nga ang anak niyang kandong-kandong niya ay hindi niya magawang pansinin dahil ang puso't isipan niya kay Ericka ang focus.

"Zico? Nakikinig ka ba?" Tanong ni Yanna sa kanya.

Noon, ang boses na iyon ang pinakamagandang tinig para sa kanya. Noon, ang mukhang iyon ang pinakaperkpekto. Noon, ang babaeng iyon ang pinakamamahal at halos sambahin niya-pero ngayon, tila ba kahit anong tawag at ngiti ng babaeng iyon ay wala ng epekto sa kanya. Tila ba wala na siyang pakialam. Tila ba wala na siyang maramdaman. Iyon marahil ang mga patunay-na tunay ngang napalitan na ni Ericka ang pwesto ni Yanna sa puso ni Zico. Hindi lang napalitan-nahigitan pa.

Ibinaba ni Zico si Baby Zee at agad na tumayo. Ikinagulat iyon ni Yanna pero parang wala na lang sa ama nitong si Sev dahil inaasahan na niyang gagawin iyon ng anak. Alam ni Sev ang takbo ng pag-iisip ng anak. Alam niyang mahal nito si Ericka at wala itong pakialam sa mag-inang umaasa na nasa harapan niya.

"Zico..." Tawag ni Yanna pero bingi si Zico pagdating sa kanya.

Tumalikod na ito, "Anak!" Tawag ng ama nitong si Sev. "Nag-uusap pa tayo! Bumalik ka sa pagkakaupo!" Parang asong inutusan ni Sev ang anak. Subalit, buo na ang desisyon ni Zico.

"I know how to handle my responsibilities but at least let me follow where my heart is..." Sambit ni Zico bago tuluyang lumabas ng mansion.

Napahawak na lamang si Tito Sev sa kanyang noo. Hinilot-hilot niya ito. Alam niya na kahit anong utos at sigaw ang ipukol niya sa anak-alam niyang buo ang desisyon nito. Alam niyang na kay Ericka ang puso nito.

Sandaling nabigla si Yanna subalit nanaig ang lungkot sa kanya. Hindi niya maintindihan-o talagang ayaw niyang intindihin-ayaw niyang masaktan.

--Ericka's Pov--

Fvck sht! Bakit ang sakit?! Bakit ang sakit-sakit?! Akala ko okay na eh! Pumayag na si Mama! Pumayag na si Tito Sev! Wala ng forbidden love! Wala ng 'just siblings' drama! Pero ano 'to?! Bakit may bigla na namang susulpot?! Matatanggap ko pa sana kung isa lang sa mga ex niya na naghahabol sa kanya katulad ng mga dramang napapanood ko pero-may anak eh! May kasamang bata! Sa tingin niyo, paano ako lalaban kung alam kong simula pa lang talo na ako?! Putangina, ang sakit!

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap-yakap ako ni Mama. Ano pa bang gagawin ko? Tumawa ng malakas? I-congratulate sila? Tanginang 'yan! Nasasaktan ako at hinding-hindi ako magpapaka-martyr!

Kaya eto, iiyak na lang ako. Pero pucha! Sa lahat ng sakit na naramdaman ko ito ata ang pinakamasakit. Pakshet! Umaasa na ako! Andun na eh! Tapos biglang may eentrada?! Tangina talaga!

"Athena..."

Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Magiging masaya na sana ako nang tawagin niya ako pero naalala ko, may Zico Junior siya. Putangina! Sa lahat na nga lang ng magkakaanak siya pa! Ang dami-daming gustong magkaanak dyan bakit kay Colosseus pa nila binigay?! Hindi ako magpapakasanto, hindi ako magpapakabait dahil hindi ako ganun-oo, naiinis ako sa bata! Naiinis akong pinanganak siya! Kasi nang dahil sa kanya, hindi na ako sasaya.

"Zico please, huwag ngayon." Sabi ni Mama.

"Tita please kailangan ko siyang makausap. Please! Parang awa niyo na!" Pakiuap ni Colosseus kay

Mama.

Mama please huwag mo akong iwanan. Please huwag kang pumayag. Ayoko siyang makausap! Ayoko siyang makita! Kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-arte sa harap niya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hilingin ko sa kanyang iwanan niya 'yung maginang 'yun para sa akin. Natatakot akong maging makasarili.

"Huwag ngayon... maawa ka naman sa anak ko..." Wika ni Mama.

"Maawa rin po kayo sa akin... hayaan niyo po akong ayusin 'to. Please..."

Bigla ko na lamang naramdamang kumakalas na si Mama mula sa pagkakayakap sa akin-Mama!

Huwag! Hinigpitan ko ang kapit kay Mama pero nagawa niya pa ring makaalis. Hinalikan ako ni Mama sa noo atyaka umalis.

Tangina ayokong makita niya akong ganito! Ayokong makita nilang mahina ako! Matapang ako 'di ba?

Ako si Ericka 'di ba? Break-up planner ng campus, kinakatakutan ng lahat. Matapang ako! Matapang ako!

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Mas lalo akong naiyak sa ginawa niya.

"Makinig ka sa akin please-"

"Ayoko! Hindi ko kailangang makinig sa'yo kasi narinig ko na kanina! Kailangan mo pa bang ulit-ulitin sa aking may anak kayo ni Yanna?! Kailangan mo pa bang ulit-uliting saktan ako, ha?!"

Matapang ka... matapang ka Ericka... palagi naman 'di ba?

"Mahal kita..." Sabi niya sa akin.

Pakshet! Mas lalo kong gustong umasa eh! Sa sinabi niyang 'yan mas lalo akong nabubuhayan ng loob kahit ang totoo wala na. Ang totoo, dead end na. Tapos na. Kahit mahal namin ang isa't isa, kahit ipilit pa namin, wala na eh. Talo. Kasi may anak sila! May batang madadamay! Hindi 'yun kakayanin ng konsensya ko dahil ako mismo-ganung-ganun ang sitwasyon. Ayoko naman katulad ko, lumaki ng walang ama si Baby Zee.

"Mabibigyan ba ng buong pamilya ng pagmamahal na 'yan 'yung anak mo?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin ako sa kanya-hindi tulad ng mata niya noon, hindi na 'yun kasing lamig ng yelo ngayon.

Makikita mong naguguluhan din siya. Makikita mong nahihirapan din siya. Nasasaktan din siya. Ano nang gagawin natin ngayon Colosseus? Kaya pa rin ba nating ipaglaban ang isa't isa? Ipaglaban 'yung

'tayo' na parehas nating alam na talunan na?

"Hindi ko alam... naguguluhan ako. Pero please, huwag ka namang umalis sa tabi ko. Huwag mo naman akong iwanan..." Pakiusap niya sa akin.

Hawak niya ng mahigpit ang magkabilang braso ko. Nangungusap 'yung mga mata niya. Anong gagawin ko? Mahal na mahal ko rin si Colosseus eh. At sobrang sakit sa aking makita siyang hawak ng iba. Pero paano 'yung anak niya? Alangan naman na pabayaan niya 'yun?

"Anak mo si Zee 'di ba? Paano siya?"

"Susuportahan ko siya. Pero... hindi ko papakasalan si Yanna kung sakaling hilingin man niya 'yun sa akin."

"Pakasalan mo siya Colosseus. Kailangan ka nung bata-kailangan ka ni Yanna. "

Totoo naman 'di ba? Hindi naman kasi makakaya ng konsensya kong maging makasarili. Hindi ko kayang agawin 'yung ama ni Baby Zee. Kailangan niya ng ama. Kailangan niya ng buong pamilya.

Tignan niyo naman 'yung nangyari sa akin dahil sa wala akong ama, ayokong mangyari kay Baby Zee

'yun. Hindi kaya ng konsensya ko.

"Kaya ko namang maging ama sa kanya kahit hindi kami magpakasal ni Yanna!" Bulalas nito.

"Pero makakaya mo ba?! Makakaya mo bang hayaan si Yanna habang pinapalaking mag-isa 'yung anak NIYO?!" Ipinagdiinan ko ang salitang 'niyo'. "Makakaya mo bang makita si Baby Zee na umiiyak sa school kasi wala siyang mai-presentang tatay sa mga kaklase niya?! Makakaya mo bang araw-araw, pag-uwi ni Baby Zee sa bahay nila wala siyang tatay na makikinig, mag-aalaga at magbibigay sa kanya ng proteksyon?! Colosseus, kaya mo bang makita 'yung sarili mong anak-dugo't laman mong ganun?!"

Anak pa rin ni Colosseus si Baby Zee, sigurado akong kahit gaano niya ako kamahal hinding-hindi niya makakayang lumaki ng mag-isa 'yung anak niya. Tyaka kahit masakit-pwede pa rin namang mahalin ulit ni Colosseus si Yanna 'di ba? Alang-alang kay Baby Zee.

"Yung suportang sinasabi mo-'yung pagsuportang sinasabi mo, hindi lang basta pera Colosseus! Hindi lang basta pera ang kailangan ni Baby Zee! Kailangan niya ng amang makakasama niyang maglaro,

kailangan niya ng amang mapagsasabihan niya ng problema niya sa mga babae, kailangan niya ng isang pamilya kung saan may tatay siyang nakikita araw-araw. Kailangan niya ng mga magulang na gigising sa kanya para pumasok, makikita niyang nagmamahalan at sama-samang kumakain sa iisang hapagkainan. Kailangan ni Baby Zee ng isang buong pamilya! Hindi lang suportang pera!"

Napayuko na lamang ito. Hindi ko alam pero, bigla na lang tumulo 'yung mga luha niya. Gusto ko siyang yakapin at pagaanin 'yung loob niya pero sigurado akong 'pag ginawa ko 'yun, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Mas lalo lang akong mahihirapang pakawalan siya. Mas lalo lang naming sasaktan ang isa't isa.

"Sorry..." Sambit nito.

"Ayoko na... tapusin na natin 'to Colosseus." Napatingin siya sa akin, "Let's just end this..."

Masakit man sa akin. Halos ikamatay ko man nang sabihin ko iyon, kailangan ko. Kailangang-kailangan ko dahil hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan. Maiipit lang siya sa aming dalawa ni Yanna eh.

Mahihirapan lang siyang mamili, mag-prioritize. Mas mabuti na 'yung ganito. Tapos na 'yung sa aming dalawa. Hindi na siya mahihirapan, hindi na rin ako mahihirapan. Kailangang tanggapin, hanggang dito na lang.

Kailangan kong tanggapin-epic fail na naman. Hindi pa siya 'yung the one.

"Athena..."

"Hindi pangalan ko 'yung dapat mong sinasambit dito. Pangalan ni Baby Zee-pangalan ni Yanna..."

Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Papalayo sa kanya. Papalayo sa taong mahal ko. Yung inakala kong 'the one'. Pucha. Umiiyak na naman ako. Di bale, pagkatapos nito, pinapangako kung hindi

na ako iiyak-pipilitin ko. Matapang ako 'di ba? Ako si Ericka, matapang, mataray, palaban, btch... at syempre makakalimutan ko ba ang tawag sa akin ng sambayanan? The Break-Up Planner.

####################################

{ TBUP -74: Yanna }

####################################

{ TBUP -74: Yanna }

--Ericka's Pov--

Para lang akong tanga habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Pucha enjoy na enjoy nga ako eh. May paikot-ikot pa akong nalalaman. Sarap pa lang maligo sa ulan lalo na 'pag wasak ang puso 'nu? Ay taena! Absent pala ako sa University! Pakshet! May quiz pa naman kami? Yae na, bukas ko na lang iintindihin. Nanamnamin ko muna 'tong ulan. Sayang eh :3

Naglakad-lakad lang ako, ewan ko kung saan ako pupunta? Nagiging hobby ko na 'to ngay! Naglalakad kung saan-saan pero hindi alam kung san pupunta. Nako, delikado! Baka mamaya sa mental na 'ko mapunta. Huhuhu T^T

Lakad-lakad lang-ay takte! Sino ba 'tong humigit sa akin ng bonggang-bongga at sobrang sakit?!

Lumingon ako-uyy! Si Psyche ulit? Knight in shining armor talaga ang peg niya eh 'nu? Haaaay... isa rin

'to eh. Akala ko siya na rin 'yung the one kaso ayun nga, anak ng pating ginago ako. Pero ayus na, napatawad ko na siya sa ginawa niya pero wala ng second chance. May natutunan kasi ako, kapag binigyan mo ang isang tao ng second chance, binibigyan mo lang ulit siya ng pagkakataong saktan ka, i-disappoint ka at gumawa ng mali. Hindi uso sa akin 'yung kasabihang lahat ng tao may karapatang mabigyan ng second chance-para sa akin, 'yang second chance na 'yan, la kwents eh. Basta!

"Hi." Bati ko sabay ngiti.

"Hindi ka naman lasing? Bakit ka ba pagewang-gewang maglakad dito? Halika ka run sa silong!"

Hinila niya ako sa isang waiting shed at pinunasan ako ng panyo niya. Ako? Nakamasid lang sa bawat pagpatak ng ulan. Ganyan ba ako umiyak? Hehehe. Ang dami naman. Halos mabaha na 'tong lugar eh.

Hindi ko alam bigla na pa lang tumulo 'yung mga luha ko. Hala! Visible na kasi wala na ako sa ulan!

Anlaaaa~! Pigilan mo Ericka gaga ka!

"Umiiyak ka?" Tanong ni Psyche sa akin.

"Ah? Di ah. Ano... ulan lang!" Pinunasan ko 'yung mata ko syempre.

"I know you Ericka. Kahit naman limang buwan lang tayo sapat na 'yun sa akin para makilala 'yang side mong hindi marunong magsinungaling." Tapos natawa siya ng unti.

Ano raw?! Di ako marunong magsinungaling?! UWAAAA?! Ako?! Tengene! Ako kaya valedictorian 'dun!

Marunong ako oy mga tsong! Itong Psyche na 'to kung anu-anong sinasabi! Amfff >_________<

"Tell me..." Tapos ngumiti siya.

"I can't." Maikli kong sagot.

"Okay. Pero pwede ko bang malaman kung... kung... augh! Are we in good terms now?" Tanong nito sa akin.

Tutal, napatawad ko na siya. Wala na sa aking nakipaglaplapan siya sa iba nung kami pa. Wala na akong maramdamang bitterness sa kanya. Kaya siguro oo. Ayus na kami. Pwede na ulit kaming maging magkaibigan. Magkaibigan lang.

"Oo? Pagod na rin naman kasi akong takbuhan, murahin at sungitan ka! Tyaka jusme, Psyche! Sabi mo nga, limang buwan! May pinagsamahan tayo eh. Tyaka madali lang namang magpatawad kung gugustuhin mo." Wika ko.

"Thank you." Hinawakan niya 'yung kamay ko, "I won't ask for another chance ever again. Ayoko ng matarayan 'nu! Tyaka, alam ko namang kahit lumuhod ako sa harapan mo para sa isa pang chancehindi mo na 'ko bibigyan, kasi si Zico 'yung mahal mo."

Aww. Zico. Colosseus. Naalala ko na naman <///3 Saklap mga 'tol! Ang sakit poreber! Pero kung makaarte ako parang wala na lang 'nu? Syempre! Tapang ko eh! Ako pa!

"Umiiyak ka eh!" Sabi ni Psyche.

Kinapa ko 'yung pisngi ko... oo nga, umiiyak na naman ako. Haaay buhay parang life. Saklap eh.

"Psh. Huwag mong pansinin. Okay lang ako..." Wika ko sa kanya.

"Alam mo, nagsisimula na akong maghanap." Pagmamalaki niya sa akin.

"Ng?" Tanong ko.

"Bago-'yung good na magiging better at makakatalo sa'yo na best."

Ah! Naghahanap na siya ng papalit sa akin :3 Maganda 'yan! Buti ka pa ginagawa mo na 'yan! Eh ako?

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa kay Colosseus eh. Kahit sabihin nating nakipaghiwalay na ako, umayaw na ako-umaasa pa rin ako. Umaasa ako na hindi niya anak si Baby Zee, na nagloloko lang si Yanna, ganun ba? Parang teleserye. Sana maayos pa...

"Oh 'di maganda. Pero oy! Huwag mong gawing rebound!" Sabi ko sa kanya.

"Psh. Syempre, hindi naman ako kasing sama ni Chron at Selene na pareho tayong ginawang panakip butas. Alala mo pa 'yun? Yung nag-deal pa tayo para bumalik sila sa ating dalawa?"

Oo nga. Naaalala ko! Yun pa 'yung mga panahong wasted na wasted ako kay Chron eh. Yung mga panahong bulag at tanga pa ako sa kanya. Pero syempre dahil mabait akong dyosa, napatawad ko na.

Past is past na. Tyaka hobby ko na atang makipag-friendships sa aking mga ex lol. Ewan ko. Madali lang naman kasi talagang magpatawad-kung gugustuhin mo. Tyaka tagal na nun! Nagkainlaban, nagkagaguhan na kami ni Psyche, tapos na 'yung mga 'yun! Sabi ko nga 'di ba? Andito na tayo sa bagong era ng buhay ko.~

Shet ang korni ko naman. Bakit ba pa-korni na ako ng pa-korni?!

"Suuus! Yun makakalimutan ko? Nako, ako pa! Eh 'dun nagsimula ang labstori nating dalawa eh! Eh malay ko bang maiinlab pala ako sa'yo! Jusme ang saklap! HAHAHAHA!" Pagbibiro ko sa kanya.

"Makapagsalita ka parang hindi ka naging masaya ah! Mahal na mahal mo nga ako noon tapos gwapong-gwapo ka pa sa akin!" Hahahaha! Ampiling mo pa rin Psyche :3

"Noon po 'yun! Kung 'di mo 'ko ginago eh 'di sana masaya pa rin tayo! Abnormal ka rin eh! Nilandi ka lang bumigay ka na. Tsk tsk..."

It's very unusual para sa mag-ex na mag-usap tungkol sa naging past nila 'di ba? Pero nagtataka ako kung bakit nagagawa namin ni Psyche. Siguro nga naging magkaibigan naman kaming dalawa at kahit papano napasaya rin namin ang isa't isa. Mas maayos pala kami kung magkaibigan lang eh nu?

Hahaha! Ayus!

"Eh ikaw eh! Ang taas-taas ng pride mo!"

"Tama ka rin. Alam mo, na-realize ko pareho lang tayong nagkulang sa relasyon natin eh. Kaya siguro hindi nag-work kasi hindi tayo nagkaisa. Pero alam mo, sayang. Pero nagpapasalamat din ako kasi kung hindi mo nga ako ginago-hindi kami magiging close ni Mama, hindi ko mapagtutuunan ng pansin sina Carmeen at Scarlet, hindi ako matututong maging independent, hindi ako mas tatatag at... hindi ko makikilala si... Colosseus..."

Tuwing binabanggit ko talaga 'yang pangalan ni Colosseus kumikirot 'yung puso ko! Bakit kasi kailangan pang magkasira ulit kami. Tama na eh. Maayos na. Wala ng barriers. Ang wrong timing lang nung

Yanna na 'yun. Kakainit ng ulo. Sarap pektusan at tadyakan patungong Mars. Tsk tsk. Siguro nung naging sila hindi pa uso ang condom at pills? O talagang hindi na sila nakapagpigil at talagang excited na excited na sila nung gabing ginawa nila si Baby Zee?

O________O

Omegesh! Ang aking precious innocent mind! Gaaash! Kung anu-anong naiisip ko! Erase! Erase!

"At hindi ko mare-realize na ikaw 'yung best, na gago ako. Hindi ko mare-realize na na-take for granted kita. Ganun pala talaga ang buhay, may mga bagay na dapat mangyari kahit ayaw mo para matuto ka, para may ma-realize ka." Pahayag ni Psyche habang nakatingin sa 'di kalayuan.

Di nagtagal ay tumigil na rin ang ulan.

"Seksi kasi ni Irish eh!" Bigla niyang sabi.

"At anong ibig mong sabihin? Hindi ako seksi? Gagu ka talaga Epiales!" Pahayag ko sabay palo sa kanya.

"Joke lang. Pero at least, pareho tayong may natutunan sa relasyong 'yun. Pareho tayong nag-mature.

Tyaka buti ka pa may lablayp na! Ganun ba talaga ang karma? Kahit nagsisi ka na ng ilang ulit papahirapan ka pa rin? Bakit wala pa 'yung the one ko?!" Pagrereklamo ni Psyche.

Haaay Psyche... kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung anong nangyari sa amin ni Colosseus.

Kung alam mo lang na hindi pa talaga siya ang the one ko. Kung alam mo lang na sinuko ko na siya parasa mga taong mas nangangailangan sa kanya. Kung alam mo lang, duguan na naman 'yung puso ko. Kawawa na naman ako.

Pero syempre, hindi mo alam at wala akong balak ipaalam sa'yo. Kilala ko kasi si Psyche eh, 'pag nakakita siya ng butas hindi siya mag-aatubiling pumasok dun. Lalo na ngayon, 'pag sinabi kong wala nang 'kami' ni Colosseus eh 'di nagbago 'yung isip neto! Baka humingi ulit ng chance! Eh ayaw ko na rin naman na siyang saktan :3 Nako-konsensya rin ako oy!

"May ire-recommend ako!!" Masigla kong sabi sa kanya, "Bumalik na si Selene, uy!"

"O tapos?"

Grabihan! Makapang-basag naman 'to parang bading! Langya! Pahiya tuloy ako :33

"Eh sinasabi ko lang naman! Malay ko ba kung gusto mo ulit siyang patusin." Tapos kinindatan ko siya.

"Asa ka Artemis! Ayoko na 'nu! Nadala na ako. Tyaka ayoko na kay Selene. Alam mo naman, ginawa akong panakip butas nun! Tyaka 'di pa nagso-sorry sa personal 'yun!" Sabi niya.

Eh? Pero in fairness, iniyakan ni Psyche si Selene 'di ba? Ang bongga! Minahal niya talaga 'yung girlash na 'yun eh. Naalala ko pa nung umiyak siya nang dahil sa sulat. Lol much! Ang bading niya!

HAHAHAHAHA! :))))))

"Eh malay mo? Iba ang takbo ng isip ng otor natin tapos naisip na pagtagpuin ang landas ninyong dalawa tapos sa hindi inaasahang pagkakataon, matapos magtagpo ang inyong mga mata, matapos-"

"Aish! Tigilan mo nga 'yan Ericka! Ang korni mo! Di ka naman dating ganyan ah! Ewww~"

Shet maka-eww naman 'to para talagang bading! Tyaka malay ko ba kung biglang naalog ang isip ni otor at ginawang bading si Psyche! Hehehehe~ syor ako kukuyugin siya ng madla. MWHAHAHAHA!

Good luck na lang sa kanya at congrats dahil pulang-pula na 'yung storya namin, 200K na! Akalain niyo

'yun? Kahit puro gaguhan ang nangyayari sa storyang 'to naka-200K pa rin? Hehehe, salamat naman daw! :"">

Ay teka, ang epal naman niyan! Di bagay sa atmosphere! Broken hearted ako tapos kung anu-anong sinasabi ko! Gagu talaga 'yung otor nito, kung anu-anong sinisingit!

"Pero malay mo nga 'di ba?! Maging kayo ulit ni Selene-ayy alam mo ba! Kapatid ko 'yun! Anak ng lenggwa, mas dyosa naman ako sa kanya 'di ba?!" Sabi ko.

"Kapatid? Sabog ka ba? Isang anghel magiging kapatid mo?!"

At ano na namang gustong palabasin nitong ugok na 'to?! >___________<

"Hoy! Excuse me! Hindi na siya anghel ngayon! Nag-evolve ang loka! Di na siya mukhang anghel pramis! At hoy, kapatid ko talaga siya! Sinabi niya sa akin. Pareho kami ng pudra-bels!"

"Ganun? Astig 'yun ah."

"Astig?! Wala ka lang masabi eh! Takte ang laos mo!"

Ang totoo niyan, nililibang ko lang 'yung sarili ko. Alam ko namang nasasaktan ako eh, oo ayaw kong lokohin 'yung sarili ko pero pwede bang kahit minsan maniwala naman akong hindi talaga ako nasasaktan? Pwede bang kahit minsan magpanggap akong okay lang ako? Kasi nakakasawang sabihing "masakit" eh. Tyaka, wala namang mangyayari kung magpapaka-emo ako at magiging wasted.

Bakit pag ginawa ko ba 'yun babalik si Baby Zee sa pagiging egg cell, sperm cell? Di ba hindi naman?

Kaya, hayaan na. Ganito talaga ang kapalaran ko eh. Anong magagawa ko? <///3

"Pero seryoso Ericka, sorry ha? Sorry sa lahat-lahat..." Napayuko siya.

Takte! Kakasabi ko lang na ayaw kong maging malungkot bakit mukhang dramahan na naman ang kasunod nito?! Tangina naman! Nakakaloko na ah! Ang bipolar ng otor nito!!

"Matagal na nga kasi 'yun! Yaan mo na! Kalimutan na natin! Tutal naman nagtatawanan at naglolokohan na tayo rito eh 'di ibig sabihin okay na ang lahat sa atin! Magkaibigan na tayo dre!" Sabay akbay ko sa kanya.

"Salamat. Waw ha, mas astig pala tayong dalawa kung magkaibigan lang tayo. Bakit kasi hindi kaagad naisip ni otor na isali sa storyang 'to si Colosseus para siya 'yung nakatuluyan mo! Eh 'di sana ngayon magkaibigan tayo! Hindi na nagkagaguhan pa. Andugas ni otor 'no?"

"Oo nga. Tsk tsk..."

[A/N: SISIHIN DAW BA AKO?! T^T]

Nagkwentuhan lang kami ni Psyche tungkol sa mga buhay-buhay namin. Akalain niyo 'yun? Marami pa pala akong hindi alam sa kanya!-Teka, pati si Colosseus din naman ah?

Ayy shit. Siya na naman?! Nalungkot na naman ako. Punyeta kasi. Sana ang love parang tinik na lang sa puso, kapag nasaktan ka, konting opera lang ayus na, tanggal na. Di mo na mararamdaman ulit.

...

...

...

Pero hindi eh. Lintek na pag-ibig!

"OMAYGAAAAAASH! WHAT'S THE MEANING OF DIIIIZ?! KAKANTA NA BA KAMI NG... ~MULING

IBALIK ANG TAMIG NG PAG-IBIG~" Puta, 'yung dalawang gaga may radar at antenna ata at nagawa akong matagpuan dito =_________=

=___________= <--Ako 'yan.

?__________? <-- Psyche.

O_________O <-- Carmeen at Scarlet.

"K-Kayo na ulit?!" Tanong ni Carmeen.

Haaay... 'pag malisyoso talaga kung anu-ano pumapasok sa isip eh 'nu? Sarap bigwasan.

"Tunggak! Nag-uusap lang kami na agad?! Ayusin mo utak mo hoy Carmeen!" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga Carmeen. Kunganu-ano iniisip mo. Tsk tsk..." Si Psyche.

"At oyy Scarlet! Nakalabas ka na pala ng ospital?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang! Nakikita mo na nga ako rito eh! Chosera 'to naalog ata utak. Inanod ng baha ang talino...

=_______="

Shet! Basag na naman ako?! Palagi na lang ah! Bakit baso ba ako?! K, alam ko korni. Pero tengene!

Retarded na nga ata ako. Nakakabaliw ba ang pagiging broken hearted? *Q*

"Geh, alis na rin ako. May kikitain lang..." Sabi ni Psyche sabay tayo.

"Wushu! Kikitain si Selene! NYAHAHAHAHA!" Panunukso ko sa kanya.

"Asa. Kung magkikita man kami, syempre 'di ko siya papansinin."

"Ang bading mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Toot toot toot~ waw ha! Hiyang-hiya naman kami sa inyong dalawang dating magkasintahan! Di kami maka-konek sa wifi niyo! Nao-OP kami!" Pahayag ni Carmeen with matching cross arms pa!

Augh wait-cross arms? Aww, naalala ko na naman si Colosseus <//3 Lahat na lang ba ng makikita at maririnig ko si Colosseus ang maaalala ko? Pero sabagay, hindi naman siya naalis sa isip ko. Haaay!

>____<

"Sige na! Aalis na 'ko."

Tapo nag-wave siya at naglakad na papalayo. Mabuti naman 'di na siya lumingon. Kasi kapag lumingon ka sa isang tao-ibig sabihin curious ka sa kanya o talagang may pakialam ka sa kanya :3 Kekekeke~

Agad namang tumabi sa akin si Carmeen at Scarlet at talagang nasa gitna ako?! Sa bagay... dapat talagang nasa gitna ang DYOSA! :33

"Di ka ba magkwe-kwento?! Maygaaaash! Nagde-date na pala ulit kayo?! Sinalawahan mo na si fafa

Colosseus? Pwede ko na siyang salakayin-este-" Natigil si Carmeen nang tignan ko siya ng masama.

"Ulol. Sabi ko naman sa'yong nag-uusap lang kami! Just prens! Tyaka anong salakayin si Colosseus?!

You want sapak with matching tadyak straight to your face?" Pagtataray ko.

"Waw possessive much! Ang tanong, eh aprub na ba kayo sa parents niyo?"

May balak atang maging reporter 'tong Carmeen na 'to eh sa pagkakaalala ko eh ako 'yung kumukuha ng Mass Communication. Tsk tsk. Palit na lang kaya kami ng course?

"Aprub na ho. Kaso may problema..."

Teka nga, ang tahimik naman ata ni Scarlet? Anyaree? Iniisip pa rin siguro niya si Selene. Tsk tsk...

'yung babaeng 'yun naman kase kung anu-anong kagagahan ang naiisip. Ang bitter sa buhay! Pati pagkamatay ng kuya niya isisisi rito sa babaitang ito. Haaay nako, buhay talaga ang gulo-gulo!!

"Anong problema?"

"Si Colosseus eh, idol si Angelito..."

Tapos nanlaki ulit ang mata ni Carmeen. Haaay... 'di kaya bukas na bukas din ay ipatapon siya sa Bohol dahil baka mapagkamalan siyang tarsier? Lels, korni much!

"Talaga?! Like-omaygaaaaaaash! He's so bata pa para maging ama! Perooooo~ KYAAAAA! Ericka besh! Ako ninang niyan ha! Nako, syor akong ako ang kamukha niyan!"

Huh? Sinasabi nito? O.o

"Gaga! Hindi ako ang buntis! May anak na siya sa iba, bobita! Bad trip kasing Yanna na 'yan! Bumalik pa!" Sabi ko.

"Yanna?" Ayun! Sa wakas, nagsalita rin si Scarlet.

"Oo 'teh. Ang dakila niyang ex. Putragis. Bumalik na nga may extra luggage pa! Saklap!!"

"Ayy, parang pareho tayo ng sinapit. Ang kaibahan nga lang walang extra luggage si Selene.

MWHAHAHAHA!" O_______O Tangina akala ko may problema! Patahi-tahimik 'yun pala kakantyawan ako?! Eh 'di ikaw na! Ang swerte mo't hindi nabuntis 'yang Selene na 'yan :3

"So? Paano na kayo ni fafa Zico?" Tanong ni Carmeen.

"Tigilan mo nga 'yang kakatawag mo sa kanya ng 'fafa'! Mas lalo kong naaalalang may anak na siya eh!"

"K, payn. So, paano na kayo ni Zico?"

"Ewan ko. Bahala na. Dun na siya sa mag-ina niya. Pero tuloy pa rin ang buhay-mamahalin ko pa rin siya." Malungkot kong sabi.

Alam ko namang hindi ko kayang kalimutan kaagad si Colosseus eh. Syempre mahal ko! Paano ko makakalimutan? Mahaba-habang proseso na naman bago ako maka-move on eh. Saklap ng buhay ko.

Parang pang-drama. Hanap na tayo ng director <///3

"Okay lang 'yan btch, hanap ka na lang ng bagong boylet, o kung gusto mo pa-kidnap natin 'yung bata eh 'di ebribadi happy!" O______O

Nagugulantang talaga ako sa mga sinasabi ni btch! Eh kasi, hahaha! Naalala ko 'btch' po pala ang tawagan namin ni Scarlet. O 'di ba ang sweet-sweet namin? Lels :""> Ewan ba, ang astig kasi. Tyaka parehas naman talaga kaming btch :P

"Shunga! Ginawa mo pa 'kong kidnapper! Sige na, uuwi na ako. Naligo pa naman ako sa ulan, mamaya magkasakit ako. Mamaya may umagaw ng trono ko sa Mount Olympus! Ba-bye!"

At ayun, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.

Medyo gumaan na rin 'yung pakiramdam ko kasi at least may pangiti-ngiti na akong nalalaman. Salamat kina Psyche, Carmeen at Scarlet. Pero kahit ngumingiti ako, uuwi pa rin ako sa bahay namin, masasaktan ulit ako, malulungkot, iiyak. Haaay... saklap buhay.

Umuwi ako ng bahay syempre. Pagkapasok na pagkapasok ko run sa pinto eh agad na tumambad sa akin ang gwapong-gwapong si Colosseus na kasing lamig ulit ng yelo ang mga mata-matutuwa na sana ako kasi ang pogi ng nasa harap ko, naalala ko may anak na pala <///3

Lalagpasan ko na sana siya pero nahigit niya 'yung braso ko. Sht, papahirapan na naman niya ako eh!

Iiyak ulit ako mamaya neto eh!

"I love you Athena, remember that. I love you... so much." Wika nito sa akin.

Gusto ko siyang yapusin eh! Kaso naalala ko, wala na kami. Naknang pating kasi! Bakit kasi binuntis mo 'yung babaeng 'yun Colosseus! Eh 'di sana masaya na tayo ngayon! Sana nagde-date na tayo! Pero hindi eh! Kabaliktaran 'yung nangyari kasi hiwalay na tayo! Putek nga eh, isang araw lang na naging tayo! Ang saklap po! Sobra! At once again, hindi ko na naman na-predict 'yung sarili kong break-up!

Bakit ba ang purol ko pagdating sa sarili ko! Pero yae na! Mas litaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon eh! Pero syempre, mas litaw 'yung pagmamahal ko sa'yo Colosseus! Sobra!

Mangiyak-ngiyak na ako, "Ako rin eh. Sobra-sobra."

Tumalikod na ako sa kanya at pumasok sa kwarto ko, syempre para umiyak pero paano ako iiyak kung may tao sa kwarto ko?! At sa lahat na nga lang ng nasa kwarto ko, siya pa! Bakeeet?! Pinapahirapan niyo talaga ako eh nu?! Ang sakit na eh! Sobra! Tapos... aish! >_____<

"Dito muna raw kami sabi ni Tito Sev, maulan kasi sa labas, delikado. Okay lang ba?" Tanong nito sa akin.

Anong magagawa ko eh si Tito Sev ang nagsabi na dumito ka?! Kahit naman sipain kita papalabas ng bahay na to eh hindi pwede kasi hindi ko naman bahay 'to! Kaya sige, dyan ka! Ipagdasal mo lang na hindi umatake ang kagagahan ko at baka matadtad kita ng buhay! Makita lang talaga kitang lumalandi sa Baby ko-I mean kay Colosseus <//3 Pucha makikita mo!

Kung sinong nasa kwarto ko? Eh 'yung babaeng mukhang anghel lang naman. Nakakainis! Lagi na lang kalaban ko rito puro mukhang anghel, inosente, mabait! Di ba nung una si Selene? Eh sobrang bait pa niya nun parang anghel, ngayon ito namang Yanna na 'to na kung kumilos eh pinong-pino at animo'y palaging may pakpak sa likuran! Jusme! Minsan nga naiisip ko, ako ba talaga 'yung bida rito o kontrabida? Tignan niyo naman kasi! May bida bang ganito ugali sa akin? Amf!

"Sige lang." Matipid kong sagot sa kanya sabay ngiti ng peke. Amf! Plastik na kung plastik! At least lumulutang, at least kapag may baha napapakinabangan! Che!

"Ah teka! Basa ka ah! Nagpaulan ka ba?" Tumayo siya tapos lumapit sa akin. Suus, concern daw.

Punyeta ayoko ng mababait eh! "Sige, lalabas muna ako para makapagpalit ka."

Lalabas na sana siya nang makita niya akong nakatitig sa natutulog niyang anak. Hindi ko mapigilang mapatingin dun sa bata eh. Sinusuri ko kung kamukha talaga ni Colosseus. Malay niyo, 'di niya anak!

Kaso failed-kamukhang-kamukha po kasi niya. Para ngang siya si Colosseus nung bata eh. Haaay...

Napangiti si Yanna, "Kamukhang-kamukha niya ang Daddy niya, 'nu?"

Oo nga. Mas lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa. Amff! Grabihan. Ang imba lang ni Colosseus at sa isang gabi eh nakabuo kaagad! Idol ko na siya! Tengene!

"Sige, lalabas muna ako."

Tapos lumabas na siya ng kwarto. Lumapit ako run sa kama ko kung saan natutulog 'yung batang

Colosseus. Pinagmasdan ko ito. Mula sa pilik mata, ilong, labi-lahat, kuhang-kuha niya si Colosseus eh.

Ano kaya namana nito run sa Nanay niya? Parang wala na nga eh. Si Colosseus lang ata gumawa nito eh! Haay...

Baby Zee, wala ka namang kasalanan 'di ba? Pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong sisihin ka?

--Zico's Pov--

Napahiga na lang ako sa kama ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung paano ko pa maayos 'to. Kahit gusto kong isiping hindi sa akin si Baby Zee, alam kong ako talaga 'yung ama nun eh!

Nararamdaman ko tyaka kamukha ko 'yung bata. Kaya... paano ko pa kaya malulusutan 'to? Paano pa kaya ako makakabalik kay Athena kung ang laki-laki nitong problema ko?

Isa pa, nakipaghiwalay sa akin si Athena eh. Nakakainis isipin. Pinaglaban na namin 'yung isa't isa pero may problema ulit kami. Kailan ba kami sasaya?

Damn this sht. I really love her!

At si Yanna! Bumalik pa talaga siya! Alam ko namang babalik talaga siya eh, pero hindi ko naman inaasahang ganito! May dala siyang responsibilidad! Hindi sa ayaw ko siyang panagutan-iniisip ko kasi si Athena eh! Siya lang! Mahal na mahal ko siya eh, ayoko naman siyang iwanan para lang dun sa bata.

Augh sht! Hindi ko na alam! >______<

*creek* [A/N: Sound epek ng pinto! xD]

Napabangon ako ng bumukas ang pinto ko. Nakita ko si Yanna, pumasok siya sa kwarto ko. Aish! Ano na naman ba?!

"Wow, hindi mo pa pala tinatapon 'yang mga 'yan." Sabi niya habang nakatingin sa mga stuff toys sa kama ko.

Napangisi ako. Hindi kasi niya alam kung bakit nandyan pa rin 'yang mga 'yan. Ang dami na niyang hindi alam. Kaya ayaw ko na siyang makausap eh. Naba-bad trip lang ako.

"Tsss... nandyan pa 'yan para maalala kong iniwan mo ako. Para maalala ko at hindi na ulit ako mahumaling sa'yo." Biglang nawala ang ngiti sa labi niya, "Sige, papanagutan ko si Baby Zee pero hindi ako magpapakasal sa'yo."

Ilang sandali pa ay naluha na ang mga mata niya. Napaka-fragile niya pa rin. Kailangang ingat-ingatan.

Tsss...

"Hindi ko naman 'yun hinihiling eh. Hindi ko sinabing pakasalan mo ako. Oo, nung una akong dumating dito 'yun 'yung gusto kong mangyari-pero Zico, hindi ako manhid, hindi ako tanga. Alam kong may iba ka na. Si Athena 'di ba?"

Alam naman niya, bakit kailangan pa niyang itanong sa akin? Gusto ba niyang sabihin ko pa sa harap niyang mahal ko si Athena ? Gusto niya bang isigaw ko 'yun? Gusto ba niyang saktan ko siya? Tsss...

"Pero Zico, matitiis mo ba 'yung anak natin?"

Magpapaawa ka na naman ba, ha Yanna Marie? Tapos na tayo sa ganito eh. Nadala na ako sa ugali mong 'yan at hindi na 'yan gagana sa akin. Hindi naman talaga mabait si Yanna Marie. Rebelde siya sa mga magulang niya, at katunayan niyan, hindi ko naman talaga gustong may mangyari sa amin nung gabing 'yun eh, nakiusap lang siya at ako namang si tanga, naniwala sa kanya. Yun pala, ginamit niya lang ako para makapag-rebelde siya sa mga magulang niya.

Naggamitan lang po kami. Ginamit ko siya para masira 'yung kasal ni Daddy, ginamit niya ako para makapag-rebelde sa Mommy niya. But I loved her. Sabi niya rin, minahal niya ako.

"Hindi. Hindi ko siya kayang tiisin pero hindi ko rin kayang tiisin si Athena. Hindi naman kita tatakbuhan, kayo ni Baby Zee. Sinabi ko naman na 'di ba? I know how to handle responsibilities."

There. Umiyak na nga siya. Sorry, pero bato na ang puso ko para sa kanya. Hindi ko na siya mahal.

"Mahal kita, Zico. Please, tayo na lang ulit..." Pakiusap niya.

"Madaling gawin sabihin Yanna Marie, pero sorry, hindi ko kayang gawin-hindi ko gagawin."

Ako na mismo ang lumabas sa kwarto ko. Alam ko namang magmamakaawa lang siya sa akin kaya nilayasan ko na siya. Bahala siya dyan. Wala na akong pakialam sa kanya. Sa anak ko na lang ako may pakialam, kay Baby Zee na lang.

--Ericka's Pov--

SHITNESS! THIS IS LIFEEEE~~~!!

Lels, buti na lang lumabas ako ng bahay! Tengene naglipana ang mga naglalandian sa kalsada! Bakit kaya trip nilang lumabas 'pag gabi? Hahaha! Pero okay lang, mwhahaha! Nabuhay na naman ang kaluluwa ko mga 'teh! Makakapag "exercise" na naman ako! If you know what I mean! HAHAHA!

Hula rito, hula roon! YEBAAAAAH~!

"Tsk tsk... mukhang bading 'yung lalake. Hula ko mas malandi pa 'to sa gelpren niya! Mukhang diringdiri eh! Ganda kaya nung babae! Haay, bukas break na 'yan! Lalandi na 'yung lalake bukas pramis!"

HAHAHAHAHA! I love this!

"O 'yun pa! Lechugas ang pogi nung lalake! Mukhang may tinatagong chocolate abs! Kaso ayun, mukhang playboy! Hula ko flavor of the week niya lang 'yan! Next week wala na 'yan!" Ayy naalala ko si

Qaz! Kamusta na kaya 'yun?

"UWAAA! AYUN KAMUKHA NI SELENE! Tekaaaa~ kamukha niya talaga eh! Pero augh, masyadong singkit. Teka, hulaan ko muna may kasamang papable eh-uhmmm, Saturday?"

Leche! Ang saya! Ito lang pala ang makakapagpasaya sa buhay kong masaklap! MWHAHAHA! I really love doing this! Nakakagaan ng loob! Nakaka-tuwa :33

Teka, ang daming dumadaan na labers! Takte umaayon sa akin ang kapalaran!

"Hah! Yun sa Linggo! Eto naman... uhmmm, mamaya? At ayun! Sa likod ng poste, tangina maglaplapan daw ba? Di bale sa Monday wala na 'yan! Wushu! Ayun naman sa-"

"Anong ginagawa mo?"

"AYY TELEBER!" Ang pangit naman ng nasabi ko. Pasensya gulat lang :3

Ayyy~ si Colosseus baby!-Augh, Colosseus lang pala. Ano namang ginagawa nito rito?

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Binalik mo 'yung tanong ko sa'yo."

"Eh bakit ba! Kasarapan ng panghuhula ko eh! Dun ka nga sa loob!" Utos ko sa kanya.

Pero sa halip na magtaka, magalit, mainis siya eh biglang ngumiti?! Omaygash! Goodness, gracious!

You're so tempting naman! Pag 'yan 'di mo tinigilan baka makalimutan kong hiwalay na tayo't may magina ka sa loob! Magtigil ka please! Alam mo namang ang hirap iwasan ng kilig na ginagawa mo sa akin eh! >__________<

"Do you still believe that we'll get through this?" Tanong nito sa akin.

Ano raw? Hello~! Google translator! Calling, calling!

"Umayos ka nga! Break na kaya tayo." Sabi ko sabay cross arms.

"We broke up but we still love each other." Tapos ngumiti ulit siya. Aish! Paano ka pa ba nakakangiti eh nasa ganito na nga tayong sitwasyon?!

Hindi ako makasagot. Totoo naman kasi eh. Kahit break na kami, 'yung puso namin together pa rin.

Haaay... ang saklap!

Teka, napapansin ko kanina pa ako sabi ng sabi ng "saklap" -word of the day ko ba 'yun?

"We'll get through this. I know, I can feel it Athena. We'll be together until the end. Hold on to that."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi tyaka bumalik na siya sa loob ng bahay.

Haaay... ayoko na munang magsalita, aasa na lang ako. Sana nga kami pa rin... sana nga hanggang sa huli kami pa rin...

//Meanwhile...

Nakasilip si Yanna sa bintana habang nag-uusap si Zico at Ericka.

"You love her that much, huh Zico? You love her more than you loved me? That hurts, but that reason is not enough for me to let go. Hanggang nandito si Baby Zee, hindi ako pwedeng sumuko. You loved me once, you can love me again..."

She wiped her tears and went back to her sleeping child.

"Baby Zee, hindi naman masama si Mommy eh, alam ko masaya si Daddy Zico mo kay Athena, pero paano tayo? Ayoko namang sila masaya tayo nagdurusa. Baby Zee, love ka ni Mommy kaya gagawin niya lahat para bumalik si Daddy Zico mo sa atin." Hinaplos-haplos niya ang noo ng anak para mahawi ang buhok na nakatakip doon, "Sa akin naman talaga si Zico eh, sa akin lang..."

####################################

{ TBUP -75: Sisters }

####################################

{ TBUP -75: Sisters }

--Ericka's Pov--

Matapos ang umaatikabong panghuhula ko na sobra kong namiss :""> Eh bumalik na ako sa loob ng bahay at pumunta na sa kwarto ko, gusto ko na kasing mag-meme kaso pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko eh andun pa rin pala 'yung girlash na nagpabuntis at junakis niyang pagka-cute. Haaay... saan kaya ako matutulog neto? Sa papag? =__________=

"Ah, sa papag na lang kami ni Baby Zee matutulog. Nakakahiya naman eh kama mo 'to." Sabi naman ni

Yanna pagkakita niya sa akin.

So alangan naman na eh 'yung bata hayaan kong sa papag matulog eh bata 'yun?! Eh 'di ako naman ang binangungot ng konsensya ko kung hahayaan ko 'yun! Anak ng lenggwa! Papatayin ba 'ko neto?!

"Ah huwag na. Ako na lang sa papag. Kawawa naman 'yang anak mo kung sa papag matutulog."

Nginitian ko siya-oyy, pasalamat siya ngumiti ako ha! Mahal kaya 'tong ngiti ko! Lels xD

"Salamat." Tugon niya sabay ngiti rin. Andugas! Kay-anghel ng mukha!

Kumuha na ako ng extra bed sheet sa aparador kasama ang unan at kumot tyaka ko nilatag sa sahig eh dahil sa may anghel akong kasama sa kwartong 'to eh tinulungan niya akong maglatag. Bait 'no? Sana kunin na ni Lord. Syempre joke lang 'yun, hindi naman ako ganun kasama!

Matutulog na sana ako nang tabihan ako ni Yanna sa higaan ko-anak ng! Binigay ko na nga 'tong kama ko sa kanya tapos pati sa sahig makiki-share pa siya?! Sugapa ka 'teh?!

"Alam mo, dati ganito rin kami ka-close ng Mommy ko." So anong palagay niya sa akin? Mommy niya?!

Seriously, do I look like a mother?! Maygaaash! "Kahit 18 years old na ako tumatabi pa rin ako sa kanya sa pagtulog kaso... biglang nagbago ang lahat." Malungkot 'yung boses niya, sobra. "Athena, kailan pa naging mali ang magmahal."

Andrama ni Ate oh! Ano 'to taping ng MMK?! Makapagtanong naman kung maling magmahal-jusme!

Ang taray! Pang-MMK talaga ang peg! Imbes na maaawa ako natatawa ako eh. Letse! Ang korni! :)))))

"Hindi ko naman talaga iniwan si Zico." Eh laking pasasalamat ko nga nung iniwan mo eh! Kaso ampucha bumalik pa eh! Ang mas masaklap pa, leche may extra luggage! Shet lang! "Pinilit lang ako ni

Mommy, ayaw niya kasing malaman nila Tito Sev na may anak kami ni Zico, na buntis ako. Ayaw niyang ipakasal kami kasi mahal niya si Tito Sev. Kaya dinala niya ako sa Japan, sabi niya sa Europe pero ibinalik niya ako sa Japan. Bantay-sarado ako run, kaya hindi ako nakabalik hanggang sa manganak ako run sa Japan..."

Alam niyo, hindi ko talaga gets kung bakit niya sinasabi sa akin 'to. Ano kayang gusto niya?

Konsensyahan ako ng bonggang-bongga?! Sabihin sa aking mas matindi ang paghihirap niya sa Japan habang kami ni Colosseus eh nagpapakasaya? Pero syempre hindi niya alam. Ano namang alam niya sa relasyon grande namin ni Colosseus 'di ba? Pero mas maganda na 'yun, baka awayin pa 'ko netooyy! Di ako takot sa kanya! Ayoko lang matalo siya, kawawa naman :3

"Buti na lang may bestfriend akong katulad ni Selene. Tinupad niya 'yung pangako niyang hahanapin niya si Zico para sa akin." Biglang natuwa 'yung boses niya.

Pero wait lang, tangina, Selene daw?!

"Selene?" Tanong ko.

"Oo, si Selene. Selene Kai. Kilala mo?" Tanong nito sa akin.

Napabangon ako bigla, "Eh anak nampucha kapatid ko 'yun eh!"

Sunod din siyang bumangon at tumingin sa akin. Halatang gulat din siya.

"Ikaw 'yung kapatid ni Selene? Wow, small world!" At natuwa ka pa?! Kung alam mo lang ang hiniling sa akin ng walang hiya mong bespren. "Masaya ako kasi nagtagpo na kayo. Sige ha, tatabihan ko na si

Baby Zee."

Tumayo na siya tapos lumipat na run sa kama ko. Muli siyang tumingin sa akin at sinabing...

"Mahal na mahal ko si Zico, Athena..." Ngumiti siya ng mapait at humiga na.

O tapos? Ano kaya kung sabihin kong mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal times infinity-ko si Colosseus! O ano?! Laban ka?! Suntukan na lang o!

Tangina! Matutulog ka na nga lang sasabihin mo pa 'yan sa akin?! GAGO KA BA?! Alam ko namang mahal mo 'yun eh! Kaya ka nga bumalik with extra luggage pa! Shet!

Hindi na tuloy ako makatulog neto :3

Pero waitlalu! Tanginang 'yan! Muntik ko ng kalimutan! Kung si Selene ang nakahanap kay Colosseus kaya napabalik niya si Yanna... wait! Paano niya nahanap?! I mean-oo maliit lang ang mundong earth pero... shet 'di kaya gusto talagang sirain nung nag-evolve kong kapatid 'yung lablayp ko?! Aba, oo masamang mambintang pero hindi ko talaga maiwasang isipin! Lintek na Selene 'yun! Siya pala ang may dala ng delubyo sa buhay ko! >_____________<

//The Next Day | 7:30 AM | Café

So bago ako pumasok napagpasyahan kong makipagkita sa pokemon-este nag-evolve kong kapatid.

Tumawag kasi siya sa akin, miss na raw niya ako-pero syempre isa 'yung malaking JOKE dahil as if naman na mamimiss niya ako eh ayaw na ayaw niya nga rin daw sa akin! Hmmpf!

"Ano bang pina-plano mo?" Tanong ko sa kanya.

Mataray mode: ON!

"Pina-plano?" Pucha! Magmaang-maangan ka pa papasabugin kita rito!

"Paano mo nahanap si Colosseus, ha?!"

Humigop siya run sa kape niya at ngumisi sa akin. Punyeta!

"Oo nga pala, nakalimutan kong magpasalamat sa'yo. Nang dahil kasi sa'yo nahanap ko siya. Salamat, sis." Ngumisi ulit siya.

Puta. Tama nga ang hinala ko. Siya nga ang nagdala ng delubyo sa buhay ko! Sinundan siguro ako neto at hindi niya inaasahang mahahanap niya si Colosseus. Haaay... ang talino ko nga, nahuli naman!

Anak ng pating!

"Bakit mo ba ginawa 'yun, ha?!"

"Bakit? Masama bang tulungan ang best friend ko? Atyaka may anak sila-dapat lang silang magkita."

Tama ka nga Selene. May anak sila, dapat silang magkita. Dapat maging sila.

Nanlumo ako. Napagtanto kong tama nga, siguro kailangan talagang magkasama ulit si Colosseus at si

Yanna. Sila ang meant to be. Haaay... pati destiny tutol sa amin? Astig... psh.

"Hitting two birds with one stone." Ngumisi siya ulit, "Natulungan ko si Yanna-nasira kita."

"Nasira?!" Hindi makapaniwala kong tanong, "Hindi ko na nga tinanggap 'yung sinasabi mong tatay tapos sisirain mo pa ako?! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!"

"Kasalanan? Kasalanan mong mas minahal ka ni Daddy! Kasalanan mong mas mahal ka niya to the point na wala ng natira sa akin! I hate you, Athena. I hate you so much." Sabi nito sa akin.

"Ulol! Kasalanan ko ba 'yun?! Kasalanan 'yun ng tatay mo, gagu! Tyaka ano bang alam ko, ha?! Wala naman akong ginawa para mas mahalin ako ng tatay mong 'yan! Ni hindi ko nga siya nakasama eh!

Anong kasalanan ko run?! Hoy Selene ha! Hindi ako nakikipag-bobohan dito!" Napatayo ako nang dahil sa inis.

Kokonti lang naman ang mga tao sa café na 'to eh kaya wala akong pakialam kung magtinginan sila sa akin. Eh kung naiinggit sila eh 'di makipagsigawan din sila! Eh kesyo gago 'tong kaharap ko eh! Kapatid ko nga ang kitid naman ng utak! Di ko matanggap mga 'teh!

Aalis na sana ako kaso ayun, pinigilan ulit ako... sawang-sawa na ako!!

"Ang akala ko, ikaw lang ang aagaw sa amin kay Daddy-pati pala 'yang Nanay mo..."

Ang ayaw ko sa lahat 'yung sinasali 'yung nanay ko sa mga kung anu-anong walang kwentang usapan.

Idamay niyo ng lahat, wag lang nanay ko.

Lumingon ako sa kanya.

"Sa susunod nga Selene huwag kang pumapasok sa usapang hindi mo naman talaga alam ang topic!

Ano bang alam mo?! May iba ng mahal ang nanay ko! In fact, magpapakasal na nga sila ni Tito Sev eh!

Kaya pwede ba, huwag mong aakusahan ng pang-aagaw 'yung nanay ko!" Nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

"Eh anong tawag mo run?" Napatingin siya sa katapat na restaurant ng bintana ng café.

Tangina si Mama at 'yung tatay ko raw! Pucha anong ginawa nila run?! Bakit... bakit may pahawakhawak ng kamay?! Shet! Shet! Shet! Mama anong ginagawa mo?! Bakit mo hinahayaan 'yan!

Kung pwede ko lang basagin 'yung bintana sa café na 'to kanina ko pa ginawa. Putangina.

"Hindi ako naniniwala!" Bulalas ko kay Selene at dali-dali akong lumabas ng café patungo sa restaurant kung nasaan si Mama at 'yung tatay ko.

Agad akong pumasok dun na parang may sasalihang gyera. Sumugod ako sa table nila Mama at 'yung tatay ko raw.

"Mama!" Sigaw ko.

"Athena..." -'yung tatay ko raw.

"Shet naman eh! Akala ko ba kay Tito Sev ka! Boto na 'ko run eh! Bakit may ganyan-ganyan na naman!"

Sabi ko.

Agad na tumayo si Mama, "Huminahon ka nga!" Sabay hawak niya sa magkabilang balikat ko, "Hindi ako nangangaliwa, ogags! Nakikipag-usapan ako sa AMA mo para maayos namin 'yung noon!"

"Eh iniwan nga tayo niyan tapos makikipag-ayus ka pa!"

"Hindi ATHENA, mali. Mali ang pinaniwalaan mo, mali ang mga sinabi ko sa'yo."

Punyeta naman eh! Buong buhay ko 'yun ang pinaniwalaan ko tapos sasabihin lang nilang mali?! Ano bang tama?! Gulong-gulo, litong-lito na ako! Hindi ko na alam kung anong dapat kung isiksik sa utak ko eh!

Pinaupo ako ni Mama at nagsimulang magsalita.

"Nasa arrange marriage si Evito nang magkakilala kami, ikakasal na sila nung babae noon ng iwanan niya ako, ako ang nakipaghiwalay dahil naduwag ako, naduwag ako at hindi ko naipaglaban 'yung pagmamahalan namin-kaya nakipaghiwalay ako sa kanya, eh hindi ko naman alam na may anak na pala kami, na buntis ako nun. Eh huli na ang lahat, ikinasal na siya nung mismong araw na nalaman kong buntis ako."

Naluha ako nang dahil sa sinabi ni Mama. Napahiya pa nga ako eh. Naging leon ako sa tatay ko kahit hindi naman pala totoo 'yung mga alam ko. Hindi ako nakinig. Nagalit kasi ako. Pero bakit hindi sinabi ni

Mama?!

"Hindi ka niya pinabayaan-bumalik siya nung isang taon ka pa lang, ang sabi niya iiwanan niya 'yung pamilya niya pero tumanggi ako, ayokong maging kabit eh. Kaya pumayag na lang kami na ikaw na lang 'yung suportahan niya."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Ma?!"

"Utos niya..." Tumingin si Mama sa tatay ko.

He cleared his throat, "Ayokong hanapin mo ako Athena, ayokong malaman mong may iba akong asawa, pamilya. Ayokong madamay ka sa gulo ng pamilya ko. Ayokong magtagpo kayo ng asawa ko dahil sigurado akong sisirain ka niya, kayo ng Mama mo."

Ako pa rin pala ang iniisip ni Papa. Ako pa rin pala talaga. Hindi niya ako pinabayaan. Prinotektahan niya lang ako. Kami ni Mama. Pero nagawa ko pa ring magalit sa kanya kahit hindi ko talaga alam ang totoo. Minura ko siya, sinumpa ko siya, lahat ng mali ginawa ko sa kanya pero ako pala talaga 'yung mali. Sorry... Papa...

"Kaya sinabi ko sa'yong iniwan niya tayo. Hindi ko gustong magalit ka sa kanya pero 'yun ang nangyari.

Di ba sinabi ko sa'yo? Iniwan niya tayo, 'yun lang! Hindi ko sinabing pinabayaan, Athena. Mahal ka ng ama mo." Hinawakan ni Mama 'yung kamay ko.

Mas lalo akong naiyak. Mali pala ako. Maling-mali.

Tumingin ako kay Papa, "Papa, I'm sorry..."

Umiyak ako ng umiyak sa bisig ni Papa. Ganito pala kasarap. Hindi ko lang talaga siya hinayaang gawin

'to. Kasi nagbulag-bulagan ako. Kasi naging close minded ako. Nagpatanga ako. Sorry... Papa...

Promise, mas magiging mabait na ako =_______=

--Selene's Pov--

Napatakip ako ng bibig upang hindi makawala ang mga maliliit na hikbi mula sa akin. Masaya ka na ba

Daddy? Iiwanan mo na kami ni Mommy? Akala ko tuluyang masisira si Athena pero hindi, mali ako. Mas

lalo silang nagkalapit ni Daddy. Mas lalong nagkaron ng dahilan si Daddy para iwanan kami ni Mommy.

Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya. Bakit sila masaya? Di ba dapat kami ang masaya ni Mommy? Kami lang 'di ba? Kami lang naman ang pamilya mo 'di ba Daddy? Sa amin ka lang dapat masaya! Sa amin lang!

Hindi ko na kinaya, nasaktan na ako, naiyak. Umalis na ako sa restaurant na 'yun at dumiretso sa condo na tinutuluyan ni Yanna. Siya na lang ang makakaintindi sa akin, siya na lang ang mapagsasabihan ko ng sama ng loob ko. Siya na lang...

Agad ko siyang niyakap nang makita ko siyang nakaupo sa sofa.

"Best, bakit?" Tanong niya sa akin.

"Masaya sila, Yanna! Masaya sila! Hindi naman dapat sila maging masaya 'di ba? Kami lang nila

Mommy 'di ba?! Yanna, bakit ganun. Ako dapat ang nanakit pero bakit ako pa 'yung nasasaktan?!"

Hinagod ni Yanna ang likod ko pero wala akong maramdamang kaginhawaan. Puro sakit, puro lungkot.

Gusto ko lang namang maging masaya kami ni Mommy-maging buo kami, mahalin kami ni Daddy ng parang kami lang ang tao sa buhay niya. Yun lang ang gusto ko, pero mukhang ngayon, mas mahihirapan na akong makuha 'yun.

"Yanna, please. Gawin mo ang lahat para hindi maging masaya si Athena. Please, Yanna. Ikaw na lang ang meron ako. Ikaw na lang ang kakampi ko, ikaw na lang makakatulong sa akin. Yanna parang awa mo na, sa'yo si Zico 'di ba? Huwag mong hahayaang mapunta siya kay Athena. Huwag mong hahayaang sumaya siya." Pakiusap ko kay Yanna.

Tutulungan naman ako ni Yanna 'di ba? Mahal niya ako. Best friend niya ako. Kaming dalawa na lang ang magtutulungan dito.

Pasensyahan na lang Athena, pero hindi ang kaligayahan mo ang makakapagpasaya sa akin kahit magkapatid pa tayo.

####################################

{ TBUP -76: Best }

####################################

{ TBUP -76: Best }

--Ericka's Pov--

Kahit duguan ang puso ko-ayus na ako! Syempre ayus na kami ni Dadeehhhh eh xD Lol. Alam niyo ba,

MWHAHAHAHA! Binigyan niya ako ng credit card kaya nagbunyi ang kaluluwa ko! Eh kase, makakapag-shopping na ako ng wantusawa xD Oyes, oyes, oyes!!

"Oy anak!" Tawag ako ni Mama =____= Nasa restau pa rin kami. Umalis na si pudrabels kasi may meeting daw siya.

"Oy Mama!"

"Anong OY ka dyan!" Tapos kinutusan ako ni Mama :3 "Ano? Napatawad mo na ba 'yung pudrabels mo?" Tanong nito sa akin.

"Oo, mudrabels! Ayus na kami! Lalo na't binigyan niya akes ng credit card! MWHAHAHAHA!"

At dahil sa ang Mama ko'y sadista-binatukan niya po ako T^T

"Tsura mo Athena o! Umayos ka nga! Eh kayo ni Zico ngay?"

Awts. Kakasabi ko lang na okay na ako tapos bigla ba namang ipaalala?! <///3 Pero teka, kamusta na kaya 'yun? Gwapo pa rin kaya? Yummy pa rin? -Teka nga! Na-broken hearted na nga ako't lahat-lahat

'yun pa rin naiisip ko! Tigilan mo nga Ericka! Mag-move on ka na day! =____=

"Ewan ko Ma. Break na kame eh." Sabi ko.

"Psh. Nagsakripisyo ka?"

"Natural. Alangan naman na ipaglaban ko eh may anak sila? Mama, hindi ako ganun kasama." Pahayag ko.

"Alam ko. Pero naisip mo ba? Magiging masaya ka kaya? Magiging masaya kaya si Zico? Magiging masaya kaya si Baby Zee 'pag nalaman niyang hindi nagmamahalan 'yung magulang niya kahit nasa iisa silang bahay? Isipin mo nga 'yun."

Oo nga 'no? Pero kasi! Mas maganda naman 'yun kesa sa lumaki siya ng walang tatay 'di ba? Parang ako lang? Ayoko namang maging katulad ko naman si Baby Zee. O baka maging gangster pa 'yun.

Kawawa naman. Kaya kahit duguan ang puso ko, wasak na wasak ang heartlalu ko wala akong pakialam-kasi mas importante ang mararamdaman nung bata kesa sa akin.

"Sus, buti naman 'yon kesa sa walang pudrabels si Baby Zee! Tyaka matututunan ding mahalin ulit ni

Colosseus si Yanna..." Kahit sobra ang lungkot ko tuwing naiisip kong mamahalin ulit ni Colosseus si

Yanna tinitiis ko na lang... para kay Baby Zee naman eh.

"Eh paano kung hindi? Anak, bibigyan kita ng examples ha?" Tumango ako, "Hindi ako naging masaya dahil pinakawalan ko ang Papa mo, pati siya, pati ikaw. Lalong-lalo na ang pamilya nila ni Selene.

Tignan mo ang nangyari kay Selene, 'di ba napariwara siya?"

"Oo nga Ma, nag-evolve." Komento ko.

"Nang dahil 'yon sa isinuko ko ang Papa mo. Kung pinaglaban ko siya, kung naging matapang ako... eh

'di sana lahat tayo naging masaya. Ganun din sa sitwasyon niyo ni Zico. Sa tingin mo, magiging masaya si Baby Zee sa piling ng mga magulang niya na nakikisama lang sa isa't isa nang dahil sa kanya?"

Tama si Mama. Pero kasi... mas lamang sa akin 'yung mararamdaman ni Baby Zee dahil wala siyang ama. Dahil syempre ako mismo naranasan ko 'yon. Ayokong maulit 'yun sa kanya. Ayoko namang ako

'yung maging dahilan kung bakit magiging miserable 'yung batang 'yun. Ayokong paglaki ko, sisihin niya rin ako katulad ng ginagawa ni Selene ngayon. Kasi sa totoo lang, dalawa lang ang pwedeng maging kahihinatnan nito. Dalawa lang, pwedeng si Baby Zee maging katulad kong lumaking walang ama o katulad ni Selene na rebelled at naging demonyita. Tsk tsk...

"Bago mo isipin ang iba, isipin mo muna 'yang sarili mo. Hindi naman masamang maging selfish paminsan-minsan. Syempre 'yung tamang pagiging selfish din. Pero ang masama, ang pagiging selfless. Kung ibibigay mo sa iba kung anong meron ka kahit alam mo sa sarili mong pinaghirapan mo

'yun at hindi nila deserve, aba! Ang tanga mo naman kung ganun ka!" Payo sa akin ni Mama.

Deserve? Deserve naman siguro ni Yanna si Colosseus 'di ba? Deserve niya kasi... may anak sila?

Iniwan ko na si Mama run sa restau at umuwi sa bahay kaso nakita ko si Selene na lumabas dun sa bahay. Waw, kinamusta siguro niya 'yung bespren niya o si Baby Zee? Ay teka, so andyan pa 'yung babaeng haliparota?! Amfff >___________<

Nagkatinginan kami ni Selene. At dahil ayus na kami ni Papa ngingitian ko na rin siya :)

"Sis! Alam mo, 'di mo bagay 'yang makapal na make up eh. Light lang ayus na sa'yo." Tapos ngumiti ulit ako sa kanya at pumasok na sa bahay namin.

O 'di ba ang bait ko? Sabi ko naman sa inyo eh magpapakabait na ako kasi bati na kami ni Papa. Ahihi.

Pagkapasok ko ng bahay eh nakita ko si Colosseus habang nakayakap sa binti niya si Baby Zee. Ang cute naman nila. Mag-ama talaga ang peg. Ano kaya kung ako 'yung nanay ni Baby Zee? Eh 'di happy family? -Ayy teka nga! Kay bata-bata ko pamilya na agad?! Susme, ang harot ko na rin!

Lalagpasan ko na sana sila nang biglang yumakap sa akin si Zico-THE SECOND! Mwhahahaha! Ang sarap mag-troll, pero seryoso na... yumakap siya sa mga binti ko tapos nag-puppy eyes. Waaaa! Ang cute niya! Kamukhang-kamukha ni Colosseus eh :"""> Sarap i-pad lock sa kwarto't pisil-pisilin!

"Augh? Ano bang-"

"Please go with us to the park. Please? Please? Please?" Sabi niya sa akin tapos nagpapaawa talaga siya. Ang cute cute ni Baby Zee!

"Sumama ka na..." Biglang sabi ni Yanna with matching ngiti na pang-anghel =________=

Eh 'di sumama na ako. Nakakahiya namang tanggihan si Baby Zee eh ang cute cute niya! Ahihi :"">

Sana kasing cute din niya 'yung magiging anak ko. Tapos pupunta rin kami ng park kasama 'yung

Daddy niya-tapos kakasuhan ako ng adultery ni Yanna, tapos makukulong ako lol. Kung anu-anong naiisip ko. Ang abnormal ko na naman!

Naglakad kami papuntang park. Malapit lang naman 'yun dito eh. Nung andun na kami ay naglaro na si

Baby Zee. Ang cute niya! Para rin siyang doll katulad ni Sushi! Siguro kung 'di sila magpinsan bagay sila

:3

Nahahagip ng tingin ko si Colosseus pero ako na mismo ang umiiwas sa mga tingin na iyon. Kasama niya ang mag-ina niya, dapat sila ang binabantayan niya't pinagtutuunan ng pansin.

--Yanna's Pov--

Kahit kasama kami ni Zico feeling ko ang layo niya pa rin sa amin. Nakatingin nga siya kay Baby Zee pero hindi sa akin. Never sa akin. Nakatingin siya kina Baby Zee at... Athena. Sa tuwing makikita ko ang pagdaan ng mga tingin ni Zico kay Athena nasasaktan ako. Gusto kong umiyak para makita niyang nasasaktan ako pero hindi ko magawa dahil nandito ang anak ko. Ayokong makita ng anak ko na hindi ako masaya.

Ngumiti na lamang ako sa harap ng anak ko habang naglalaro siya, kahit peke lang, para lang masabi ko sa anak ko na masaya ako.

Pero hindi ko talaga mapigilang mapatingin kina Zico at Athena. Nagkatinginan silang dalawa. Alam mo

'yung pakiramdam na kahit simpleng pagtitinginan lang nila kumikirot na ang puso mo? Konting tingin lang nilang dalawa pakiramdam mo nag-uumapaw 'yung pagmamahal nila para sa isa't isa? Hindi naman kasi ako tanga't manhid, alam kong mahal nila ang isa't isa. Kitang-kita naman sa mga mata nila eh.

Mahal ko rin naman si Zico ah... bakit hindi na niya kayang ibalik 'yung dati? Ano bang meron kay

Athena na wala sa akin? Ano bang meron sa kanya na hindi makalimutan at hindi maiwan ni Zico kahit may anak na kami?

"Mommy, mommy, let's go home na..." Napatingin ako kay Baby Zee na kasalukuyang hawak ang dalwang daliri ko.

Ngumiti ako sa kanya, "Okay."

Hinawakan ko na ang kamay ni Baby Zee at sinabi kina Athena na gusto nang umuwi ni Baby Zee.

Naglakad muli kami. Nauuna kami ni Baby Zee habang nasa likuran naman si Athena at Zico.

Masakit... sobrang sakit... 'yun lang ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ba dapat masaya ako kasi buo na 'yung pamilya namin? Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ganito?!

Patuloy lang kami sa paglalakad ng biglang matapilok si Athena, napatingin kami ni Baby Zee sa kanya at nakita ko kung paano tulungan ni Zico si Athena.

"Ayus ka lang ba? May masakit ba? Ano? Sabihin mo lang?"

Napatingin ako sa ibang direksyon. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Naghuhumiyaw ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawang tumalikod. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Zico, 'yung sobrang pagmamahal niya para kay Athena.

Ang sakit... sobra...

"Ah, mauna na kami ni Baby Zee..." Pahayag ko at mabilis na naglakad papalayo sa kanila.

Basag na ang tinig ko, wasak na ang puso ko pero bakit nakakaya ko pa ring mahalin si Zico ng ganito?

Bakit sa kabila ng nakita ko gusto ko pa rin siyang makasama sa buong buhay ko? Bakit siya pa rin?

Bakit kahit alam kong magiging masaya siya kay Athena, kahit alam kong mahal niya si Athena, hindi ko magawang sumuko. Ayokong sumuko.

Napatingin ako kay Baby Zee... tama, si Baby Zee na lang ang lakas ko para mainda ko ang sakit na 'to.

Nakarating na kami sa bahay. Hawak ni Zico 'yung kamay ni Athena habang inaalalayan siya. Ipinasok ni Zico si Athena sa kwarto nito't lumabas naman kaagad. Bumitaw sa akin si Baby Zee at pumunta sa kwarto ni Athena.

Lalagpasan na sana ako ni Zico pero nagawa kong hawakan ang kamay niya.

Lumuhod ako sa harapan niya.

Pero imbes na awa ang makita ko sa mga mata niya-walang emosyon ang ipinakita niya sa akin.

Parang wala siyang pakialam.

"Zico... mahal na mahal kita. Paano mo ba nagagawa sa akin 'to? Paano mo ba ako nagagawang saktan? Zico, minahal lang naman kita 'di ba? Bakit nasasaktan pa rin ako?! Bakit hindi mo magawang mahalin na lang ulit ako? Bumalik na lang ulit sa akin! Sa amin ng anak mo! Bakit si Athena na? Please

Zico... ako na lang ulit... parang awa mo na..." Pakiusap ko sa kanya habang lumuluha.

"Ayoko."

Labis akong nasaktan sa isinagot ni Zico sa akin. Bakit ba parang wala lang para sa kanya?!

Tumingin ako sa mala-yelo niyang mga mata...

"Is she a thousand times better than me?" Tanong ko sa kanya.

Napangisi ito at, "Nope, but she's the best."

Iniwan na ako ni Zico at pumanhik sa kwarto nito.

Kahit sobrang sakit na... bakit si Zico pa rin 'yung gusto kong mahalin?

--Ericka's Pov--

Kitang-kita ko ang pagluhod ni Yanna sa harap ni Colosseus. At dahil malayo ako sa kanila hindi ko masyadong marinig 'yung pinag-uusapan nila. Nakasilip lang kasi ako run sa pinto ko. Pero kitang-kita ko pa rin ang pagluha ni Yanna. At sa kauna-unahang pagkakataon, naawa ako sa kanya. Dito pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni Mama...

Deserve...

Deserving...

Deserve ni Yanna si Colosseus. Dapat lang talaga akong magparaya.

####################################

{ TBUP -77: Daddy's Girl }

####################################

{ TBUP -77: Daddy's Girl }

--Selene's Pov--

Papunta na ako sa office ni Daddy para ibalik sa kanya 'yung divorce papers na ipinadala niya kay

Mommy. Pinirmahan na 'yun ni Mommy dahil ayaw na rin niyang makisama pa sa Ama ko dahil sa pangalawa nitong pamilya. Sa oras na pirmahan ni Daddy 'tong mga papeles na 'to tuluyan nang masisira ang kasal nila Daddy at Mommy. Tuluyan nang masisira ang pamilya namin...

Napapikit na lamang ako ng pihitin ko na ang seradura ng pinto ni Daddy. Pagbukas na pagbukas ng pintuan niya ay nahagilap siya ng mga mata ko habang nakatutok sa laptop nito. Business na naman ang inaatupag ni Daddy.

Kahit ayaw kong ibigay sa kanya ang mga papeles na 'to, kailangan ko, dahil 'yun ang utos ni Mommy.

Kahit ayaw ko silang maghiwalay, kahit ayaw kong masira ang pamilya ko-wala na akong magagawa, dahil noon pa lang sirang-sira na 'yon. Nang dahil kay Athena at sa Nanay niya. Kahit galit na galit ako, wala na akong ibang magawa. Sirain ko man si Athena, pahirapan ko man siya, wala na ring mangyayari-sira na 'yung pamilya namin.

Noong nakiusap ako kay Yanna na tulungan akong sirain ang buhay ni Athena-tumanggi siya.

Tinanggihan niya ako't sinabi niyang wala na akong magagawa. Sinabi niya sa aking hindi ko na maibabalik 'yung masayang pamilyang meron kami noon kahit ano pang pambubulabog ang gawin ko sa buhay ni Athena. Sinabi niyang-hindi rin naman ako magiging masaya.

Hindi ko alam... naguguluhan ako... ang gusto ko lang, kahit hindi ako maging masaya, basta maging miserable rin si Athena katulad ko. Maging malungkot siya katulad ko. Para naman masabi ko sa sarili ko na hindi pa rin sila sasaya kahit kasama na nila ang Daddy ko.

"Selene, maupo ka." Sambit ni Daddy.

Naupo ako sa upuan sa harap ng mesa ni Daddy. Napabuntong hininga ako at inilapag na ang envelope sa mesa nito.

"Ayan na ang pinakahihintay mo..." Sabi ko sa kanya habang tinitignan siya ng matalim.

Kinuha iyon ni Daddy at inilabas ang papel sa envelope. Binasa niya ito atyaka tumingin sa akin.

"Ano? Di ba 'yan ang gusto mo? Magiging malaya ka na. makakabalik ka na kina Athena. Pinirmahan na ni Mommy, 'yung iyo na lang ang kulang." Nakatingin pa rin si Daddy sa akin na tila ba nagtataka,

"O, ano pang hinihintay mo?" Tanong ko rito.

Nabigla na lamang ako nang punitin ni Daddy 'yung divorce papers sa harapan ko. Naguguluhan ako.

Bakit niya 'yon ginawa? Hindi ba 'yon naman ang gusto niya? Di ba 'yon naman ang pangarap niya?

Ano pa bang gusto niyang mangyari't hindi na lang niya pirmahan ang lintek na mga papel na 'yon?!

Ano 'to, nagpapakitang gilas siya?! Tsss...

"Sino bang nagsabi sa'yong gusto ko 'to?" Seryosong tanong ni Daddy sa akin.

Ano bang sinasabi ni Daddy? Hindi ba 'yun naman ang hinhintay niya?! Ang mapawalang bisa ang kasal nila ni Mommy para makabalik na siya run sa isa pa niyang pamilya?! Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isipan ni Daddy. Hindi ko na siya maintindihan...

"Pero 'di ba-"

"Hindi ako ang nag-file ng divorce Selene. Hinding-hindi ko 'yon gagawin." Sabi nito sa akin.

"Akala mo maniniwala ako? Ano bang ginagawa mo ha Daddy? Magpapaawa ka para hindi ko na guluhin si Athena?" Tactics ni Daddy, hindi uubra sa akin. Kung matalino siya, mas matalino ako.

"Maniwala ka man o hindi-hindi talaga ako ang nag-file ng divorce. Ang mommy mo! Sabi niya, ayaw na niyang makisama sa akin dahil sa may iba akong pamilya. Maniwala ka Selene," Hinawakan ni Daddy ang kamay ko na nakapatong sa mesa niya, "ayaw kong makipaghiwalay sa Mommy mo. Ayaw kong sirain ang pamilya natin. Mahal ko ang Mommy mo..."

Gusto kong magdiwang dahil sa sinabi ni Daddy pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Siguro dahil sa naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Sinabi sa akin ni Mommy na si Daddy talaga ang nagfile ng divorce papers at gustong makipaghiwalay sa kanya, na gusto raw ni Daddy na bumalik sa kabilang pamilya niya. Pero ano 'to?! Ano 'tong sinasabi ni Daddy?

Hindi ko alam, hindi ko na alam kung kanino pa ako maniniwala!

"Bumalik lang ako sa Pilipinas para bigyan ng space ang Mommy mo at para kamustahin sina Athena pero hindi sumagi sa isip ko na makipaghiwalay sa Mommy mo. Hindi sumagi sa isip ko na iwanan kayo." Paliwanag ni Daddy.

Halos mahulog ang panga ko dahil sa pang-nganga. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Daddy.

Hindi ko lubusang maisip na ganun pala. Pero bakit naman iba ang sinabi sa akin ni Mommy?! Bakit niya binaliktad ang kwento?! Anong gusto niyang mangyari?!

"Pero hindi ko maintindihan-bakit-bakit binaliktad ni Mommy 'yung kwento?! Sabi niya kayo raw 'yung-"

"Dahil ayaw niyang sa kanya ka magalit. At hindi lang matanggap ng pride niya na may iba akong pamilya-pero maniwala ka, ayoko siyang hiwalayan. Simula nung nagpakasal ako sa kanya, oo, aaminin ko nung una na kay Stella pa rin 'yung puso ko pero maniwala ka... natutunan kong mahalin ang

Mommy mo."

Hindi ako masaya. Hindi ako malungkot. Pero napaiyak na lamang ako dahil sa sinabi ni Daddy. Dala siguro ng pagsisisi. Grabe. Ang laki kong tanga dahil kumikilos ako nang hindi ko man lang alam 'yung katotohanan. Siguro, lahat kayo pagtatawanan ang katangahan ko-pero masisisi niyo ba ako? Syempre, si Mommy ang unang nagsabi sa akin ng problema nila ni Mommy kaya sa kanya ako maniniwala pero... hindi ko man lang nagawang tanungin si Daddy. Kung ano talaga 'yung nasa isip niya. Kung ano talaga 'yung gusto niyang mangyari. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ang tangatanga ko. Pakiramdam ko ang bobo ko.

Tumayo si Daddy mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Lumuhod ito at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

"Selene, anak, patawarin mo sana ako kung nagkaroon ako ng isa pang pamilya maliban sa inyo ng

Mommy mo. Patawarin mo ako kung naglihim ako sa'yo. Patawarin mo rin ako kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo. Eto tuloy, napilitan kang magbago, nakasakit ka pa ng iba. Patawarin mo sana ako, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito."

Sabi ni Daddy habang nakayuko. Mas lalong umagos ang luha ko. Napahawak ako sa left chest ko kung saan ang puso ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o magiging masaya. Malungkot dahil sa katangahan ko at sa mga nagawa kong mali kay Athena o masaya dahil hindi naman pala gustong mawasak ni Daddy ang pamilya namin, mahal niya pala kami ni Mommy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napayakap na lamang ako kay Daddy at umiyak sa bisig niya,

"Daddy! S-Sorry kung nagkamali ako. Sorry kung nagpadalos-dalos ako. Hindi ko alam... hindi ko naintindihan..." Wika ko habang umiiyak at nakakapit ng mahigpit kay Daddy.

Hinagod ni Daddy ang likod ko at pilit akong pinapatahan pero hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Ang sakit kasi alam kong ang dami kong nasaktan, ang dami kong nadawang mali lalo na kay Athena-kay Athena na kapatid ko.

"Tahan na anak, alam ko namang nagawa mo lang iyon dahil nagpadala ka sa galit mo pero pwede naman tayong magsimula ulit 'di ba? Magiging masaya ulit tayo. Alam mo ba, babalik ako sa Japan next week para pakasalan ulit ang Mommy mo. Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit may naging ibang pamilya ako, siya pa rin ang mahal ko, na pamilya pa rin tayo." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Daddy.

Hindi ko man lang naisip na ganito pala. Hindi ko man lang tinanong si Daddy. Ang laki-laki talaga ng pagsisisi na nararamdaman ko.

"Daddy... ang tanga ko..." Wika ko habang nakayakap pa rin kay Daddy at umiiyak.

"Shhh, huwag mong sabihin 'yan 'nak. Masyado mo lang talagang mahal ang pamilya natin.-Ah sandali!

Meron akong ipapakita sa'yo."

Kumalas sa pagkakayap sa akin si Daddy at may kinuha sa aparador niya. May kinuha siya roong isang square na box na may lamang make-up. Bumalik siya sa akin at iniabot 'yun sa akin. Bagamat nagtataka pa ako eh pinahid ko ang mga luha ko at kinuha sa kamay ni Daddy ang box na 'yun.

Tinignan ko iyon, "Para saan po ito?" Tanong ko.

Ngumiti si Daddy, "Anak, napansin ko kasing tinapon mo na 'yung mga make-up dati. Pinalitan mo na ng mga masyadong dark na kulay-pero anak, para sa akin, mas bagay mo 'yung mga make-up na 'yan."

Ibinaling ko ang tingin ko sa make-up na 'yun, "Mas bagay mo ang mga light colors."

Napatawa ako ng mahina. Mag-ama nga talaga si Athena at si Daddy-pareho kasi sila ng komento sa akin pagdating sa make-up ko. Panahon na nga yata para bumalik ako sa dati-sa dating Selene.

Tumingin ako kay Daddy at, "Salamat... Daddy." Sabi ko sabay ngiti.

Matapos naming magkaayos ni Daddy ay minabuti kong pumunta sa puntod ni Kuya Tristan. Pati kasi sa kanya kailangan kong humingi ng tawad. Ayon eh nang dahil sa sobrang galit ko ay napagbuntunan ko ng sama ng loob 'yung ex-girlfriend niya na ngayon naman ay girlfriend ni Chron. Masaya naman si

Chron kay Scarlet eh-'yon 'yung lamang niya sa akin ngayon.

Nang malapit na ako sa puntos ni Kuya ay namataan ko si Scarlet habang nakaupo sa harapan ng puntod ni Kuya at may dalang bulaklak. Kahit medyo nahihiya dahil sa mga nagawa kong mali ay lumapit pa rin ako sa kanya.

Agad siyang napatayo nang makita ako pero nginitian ko siya.

"Ah, pasensya na. Dumaan lang ako. Isipin mo na lang hindi mo ako nakita." Sabi nito sa akin at nilagpasan na ako.

Nagsalita ulit ako, "Bakit ko naman iisiping hindi kita nakita? Ano ako tanga?"

Humarap ito sa akin, "Ayoko nang makipag-away sa'yo, Selene. Dumaan lang ako..."

"Hindi rin naman ako naghahanap ng away ah-Scarlet..."

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Muli ay kumawala ang aking mga luha...

"Sa harap ni Kuya, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng nasabi ko. Hindi ko hinihinging patawarin mo ako kaagad pero gusto ko lang sabihing nagsisisi na ako sa lahat ng sinabi at ginawa ko. Aaminin ko, nagkamali ako. Patawad."

Nagulat ako nang yakapin din ako pabalik ni Scarlet. Napangiti ako-kahit pala talaga btch siya, may puso rin siya. Hindi nga talaga siguro nagkamali si Kuya Tristan at Chron mahalin siya.

"Patawad din kung... hindi ko nagawang protektahan si Tristan..." Wika nito.

"Scarlet, ayus na 'yon. Ang gusto ko na lang, sana, 'yung hindi mo nagawa kay Kuya, magawa mo kay

Chron. Protektahan mo siya, alagaan mo siya, mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo kay

Kuya. Kasi alam mo, mahal ko pa rin si Chron-pero alam ko mas masaya siya sa'yo. Sasaya siya sa'yo."

Damang-dama ko ang pagbuntong hininga ni Scarlet at ang tibok ng puso nito habang magkayakap kami. Tama nga sila-kahit btch, may puso rin.

"So... hindi ka na btch?" Pabirong tanong nito sa akin habang nakayakap pa rin.

"Hindi na, hindi ko kasi kayo kayang pantayan ni Athena."

Humiwalay na siya sa yakapan namin at nasilayan ko na ang ngiti niya.

"Salamat..." Sabi nito sa akin.

"Hindi Scarlet... Salamat." Ngumiti ako sa kanya.

Nagpaalam na siya sa akin at tuluyan nang nawala sa paningin ko. Nang makaalis na siya ay ako naman ang sunod na umupo sa harap ng puntod ni Kuya at kinausap siya. Hindi ko pa nga naibubuka ang bibig ko ay naramdaman ko na ang pag-agos ng tubig sa pisngi ko na sigurado akong mula sa mga mata ko.

"Kuya, nag-sorry na 'ko sa mahal mo. Ayus na ba tayo? Alam ko Kuya nagtampo ka sa akin dahil sa nagawa mo pero... nagsisisi na ako. Kaya bati na tayo ha? Tyaka Kuya, maayos na sila Mommy at

Daddy! Sana pala 'yun na lang 'yung ginawa ko kesa nagpaka-btch 'no? Haaay... nasa huli talaga ang pagsisisi. Pero Kuya, sana tulungan mo pa rin ako ha? Sana lagi ka pa ring nasa tabi ko." Hinaploshaplos ko ang lapida ni Kuya na para bang pisngi niya ang hawak-hawak ko, "Mahal na mahal ko kayo ni Mommy at ni Daddy... sobra..."

Tumayo na ako at nagsimula nang pagpagan ang damit ko.

"Kuya, aalis na ako ha? Secret muna natin 'to pero, magpapa-book na ako ng flight pabalik nang Japan.

May plano kasi si Daddy na pakasalan ulit si Mommy. Kaya sasama na ako sa Japan para tulungan si

Daddy. Pero Kuya, may isa pa akong problema, 'yung kapatid ko kasi-ayy mali! Yung kapatid natin, si

Athena? Nasaktan ko kasi siya ng sobra-sobra eh. Kailangan ko pang makipag-ayos sa kanya. Kaya

Kuya, tulungan mo 'ko ha?"

Ngumiti ako sa harapan ng lapida ni Kuya.

Umaasa akong tutulungan talaga niya akong ayusin 'yung mga gusot ko, 'yung mga pagkakamaling nagawa ko, lalong-lalo na kay Athena.

Sana hindi pa huli ang lahat...

####################################

{ TBUP -78: Drifting Away }

####################################

{ TBUP -78: Drifting Away }

--Ericka's Pov--

"Please? Athena?"

Alam niyo ba kung anong ginagawa ko ngayon? Well, malamang hindi =_____=

Nakataas lang naman ang kanang kilay ko, nakatingin ng matalim at nakakuyom ang kamao.

Pero syempre, lahat nang iyon ay isang malaking joke at kasinungalingan...

"Parang awa mo na. Hirap na hirap na ako eh..."

Sa mga panahong ganito, hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang pagiging btch ko. Kung bakit hindi ko magawang magtaray at mambasag ng trip. Bakit? Well, nakaluhod lang naman si Yanna sa harapan ko, punong-puno ng luha ang buong mukha at nagmamakaawa. Paulit-ulit niyang sinasabing nasasaktan siya, nahihirapan.

Gusto niyang pilitin ko si Colosseus na bumalik sa kanya.

Gusto niyang pakawalan ko na siya.

"Sobra ko siyang mahal Athena... sobra-sobra..."

Sa tingin niyo? Paano ko pa magagawang magtaray kung ang isang babaeng sobrang desente ay luluhod sa harapan ko't magmamakaawa? Pero sa tingin niyo, kung wala lang talaga akong puso-kung sobra lang talaga akong masama, baka kanina ko pa 'to nasipa. Pero dahil sa mabait ako at tuluyan ng nagiging anghel-sht, eww! Okay, ayun, hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang tarayan at ipagtabuyan.

Pero sa mga sinasabi niya? Kesyo nasasaktan daw siya. Kesyo nahihirapan daw siya. Kesyo mahal niya raw si Colosseus ng sobra-sobra? Eh tangina niya! Ganun din naman ako ah! Sobra rin akong nasasaktan, sobra rin akong nahihirapan at sobra-sobra ko ring mahal si Colosseus to the point na nandito na ako't naaawa sa kanya.

To the point na gusto ko ng mag-agree sa gusto niya.

To the point na gusto ko nang sabihin kay Colosseus na bumalik na siya kay Yanna.

To the point na gusto ko na siyang pakawalan...

Ganun ko siya kamahal. At gustong-gusto ko 'yung ipagsigawan sa lintek na pagmumukha ng Yanna na

'to para malaman niyang hindi lang siya ang may karapatang masaktan ng sobra-sobra sa mundong 'to!

Na hindi lang siya 'yung nahihirapan dahil sa lintek na pagmamahal na 'to! Pero paano kaya niya maiintindihan? Eh kay Colosseus lang ata umiikot 'yung buong mundo niya. Pero sabagay, may anak sila. Kailangan ni Baby Zee ng ama.

Kung tutuusin hindi naman talaga ako dapat maawa sa kanya eh-kung wala lang sana si Baby Zee.

Kung wala lang sana silang nabuo! Shet kasi! Shet talaga!

"Alam ko, mahal mo rin siya Athena. Pero... mas mahal ko siya."

Tuluyan ng sumara ang mga kamao ko. Yes, the left and the right. Bullsht. Ano bang alam niya sa pagmamahal ko kay Colosseus?! Ano bang alam niya kung gaano ko kamahal si Colosseus ha?! Ano

'yun, Diyos na siya ngayon at alam niya na ang lahat-lahat? Alam na niya na mas higit 'yung pagmamahal niya para kay Colosseus kesa sa akin?! Eh hindi eh! Wala kasi siyang alam! Hindi niya alam at kahit kailan hindi niya malalaman! Dahil sigurado akong hindi na niya gugustuhin pang alamin dahil sigurado ako, matatalo lang siya. Alam kong hindi kompetisyon ang pagmamahal pero kung magiging kompetisyon lang 'yun, kung padamihan at palakihan lang ng pagmamahal-talong-talo na siya.

If you really love the person, you'll let them go.

Napaka-cliché na quotation pero sobrang perpekto para sa sitwasyon namin. Gagawin ko na eh, aayaw na ako, susuko na ako. Papakawalan ko na. Pero naiinis lang ako. Naiinis ako kasi ang tanga-tanga ng babaeng nasa harapan ko. Hindi ba niya kayang akitin, kunin or whatsoever man lang si Colosseus nang siya lang?! Na hindi ako ginagambala at ginugulo?! Dahil sa totoo lang, ayokong tulungan siya!

Ayokong lumapit kay Colosseus para sabihin, 'oy bumalik ka na kay Yanna'-napaka-imformal pero kahit

'yan lang... kahit 'yan lang masakit ng sabihin. Masakit ng bitawan sa harap mismo ng taong mahal mo.

Masakit. Mahirap.

Yung taong mahal mo... ipapamigay mo na lang-oo, ipapamigay dahil akin siya! Akin talaga si

Colosseus kahit sabihin pang may Baby Zee. Ako 'yung mahal 'di ba? Pero tangina. Kailangan ko kasi eh! Kailangan ko kasi nga mas kailangan siya nung anak niya. Mas kailangan siya nung bata kesa sa akin. Pero akin siya... akin talaga...

"Bakit Yanna, ano bang alam mo tungkol sa pagmamahal ko kay Colosseus?" Tanong ko sa kanya.

Pilit kong binubuo 'yung sarili ko kahit alam kong sobra na akong wasak. Hindi ako iiyak, ipinapangako ko. Ngayong araw na 'to, hinding-hindi ako iiyak. Mananatili akong mataas, matapang, btch.

Nakakasawa kasing umiyak. Paulit-ulit na lang.

"Athena-"

"Papakawalan ko na siya eh pero bakit kailangan ko pang sabihin sa harap niyang bumalik na siya sa'yo?! Hindi mo ba kayang gawin 'yun?!" Galit ako. Like seriously, nagagalit na naaawa-kay Baby Zee.

"Sa'yo lang siya nakikinig... ikaw lang ang mahal niya..."

"Alam mo naman pala eh! Lalayo na lang ako, 'yung hinding-hindi niya ako makikita! Ganun na lang.

Pero Yanna, ayoko. Ayokong sabihin mismo sa harapan niyang bumalik na siya sa'yo. Hindi ko siya uutusan. Hindi ko siya pilitin."

Tumalikod na ako at handa nang lumabas ng bahay. Kakarating ko nga lang kasi galing sa University, pagod ako, stress, pero sht! Mas nakaka-stress pala rito sa bahay! Palagi nang andito 'to eh! Sarap tadyakan!

"Ayaw mo... o hindi mo lang talaga kaya?"

Napapikit ako.

Dahil totoo...

Yun ang dahilan.

Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko siya kayang ipamigay. Kaya ko lang siyang pakawalan dahil alam ko ako pa rin 'yung mahal niya pero 'yung sabihin sa kanyang magmahal siya ng iba? Bumalik siya kay

Yanna? Yun ang mahirap. Kakayanin kong lumayo sa kanya. Kakayanin kong kalimutan siya-pero labislabis akong masasaktan kung malalaman kong hindi niya ako hahanapin dahil din sa akin. Masakit na kalimutan niya ako dahil ako mismo ang nagsabi sa kanya.

Hindi ko kayang sabihin sa kanyang magmahal siya ng iba. Kasi masakit. Sobrang sakit.

Humarap ako sa kanya, "Sige-sige gagawin ko na! Sasabihin ko na sa kanyang mahalin ka na lang niya ulit! Sasabihin ko sa kanyang ikaw na lang ulit! PALIBHASA KASI, AKALA MO IKAW LANG 'YUNG

MAY KARAPATANG MASAKTAN DITO. Kung inaakala mong MAS mahal mo siya, tangina, pero wala

kanga lam! Sinasabi ko sa'yo-wala kang alam kung gaano ko siya kamahal. ITO! Ito na lang 'yung maging basehan mo kung gaano. Itong gagawin ko-kung ikaw 'yung nasa sitwasyon ko, gagawin mo kaya? UUTUSAN MO RIN KAYA SIYANG MAGMAHAL NG IBA? PAPAKAWALAN MO RIN KAYA

SIYA?! Dahil ako, KAKAYANIN ko. Pero tandaan mo-hindi 'to para sa'yo, para sa anak mo 'to. Para sa anak niyo. Hindi na ako makikipagplastikan pero-shet, ayaw ko talaga sa'yo! Kung maaari nga lang sampalin na kita ngayon eh! Kaya lang, may anak kayo-'yun lang naman 'yung lamang mo sa akin 'di ba?"

Dali-dali na akong lumabas ng bahay. Ayoko ko nang makipag-usap sa kanya. Ayoko nang makipagtalo sa kanya kasi alam kong talo na ako. Pagkatapos ng araw na 'to, magiging kanya na si Colosseus.

Magiging masaya na siya. Isaksak niya sa baga niya. Tangina niya.

Pero proud ako sa sarili ko, hindi kasi ako umiyak. Ganun talaga. Sana ganun na lang palagi... 'yung hindi ako umiiyak? Yung matapang ako? Sana ganun na lang palagi.

Maglalakad na lang sana ako ulit nang dumating na 'yung kotse ni Colosseus. Oo, hindi na ako sumasabay sa kanya sa pagpunta ng school at pag-uwi. Simula nang dumating 'yang Yanna na 'yan ganun na eh. Syempre, awkward na.

Hinintay ko siyang makababa sa kotse niya. Sige na, para matapos na 'to, gagawin ko na. Nang makalabas na siya ay agad ko siyang nilapitan.

"May sasabihin ako." Sabi ko sa kanya.

"Spill."

"Not here..."

Pumunta kami sa park. Para naman kahit papano, maging maaliwalas naman 'yung nasa paligid namin bago ko gawin 'yung pinakamasakit na desisyong gagawin ko sa buong buhay ko as of now. Gusto ko hindi magmukhang masakit 'yung gagawin ko. Kasi 'di ba? Masaya sa park...

Umupo kami sa magkabilang swing parehas.

"Si Yanna-"

"You wanna ask me to marry her..."

Napapikit ako. Kahit puro salita lang, sobra ng sakit. Paano pa kaya 'pag ginawa na niya? Eh 'di ikinamatay ko?

"You know you have to." Wika ko.

"I don't have to. I just have to be a good father to Rin, that's all." Sagot niya.

"Buong pamilya ang kailangan ng anak mo."

"I know. Complete family-not fake." Tumingin ito sa akin, "I don't want him to have a family that isn't real.

I don't want him to grow like me. I lived in a family full of lies. Fake fairytales, fake smiles, fake love. My father didn't love my Mom, look how devastated I am, now. Do you really wanna do this-not to me, but to my son?" Tanong nito sa akin.

Tama si Colosseus. Pinakasalan lang kasi ng Daddy niya 'yung Mommy niya dahil sa kanya-in fact, nagsinungaling pa 'yung Mommy niya. Nung time kasi na nagpakasal sila, hindi pa totoong buntis 'yung

Mommy niya. Parang-naloko lang si Tito Sev. Kaya ayun, sobrang laki nung impact kay Colosseus.

Pero hindi naman na siguro mangyayari 'yun sa kanila 'di ba? Kaya naman nilang maging masaya.

"Kaya mo naman siyang mahalin ulit 'di ba?" Tanong ko.

"If I can then why am I still holding on to you? Why am I still loving you?-And why are you asking me to do things that you know that I can't?!"

Kasi kailangan mong gawin. Si Baby Zee na lang ang isipin natin. Yung makakapagpasaya na lang sa kanya. Yun na lang.

"Kaya mo 'yun. Time lang ang kailangan-makakalimutan mo rin ako." Tuloy-tuloy kong sabi.

"You know that I can't."

"Kasi iniisip mong hindi mo kaya."

"Are you giving up on us?" Tanong nito sa akin.

Muli akong napapikit, "Oo, Colosseus. Ayoko na eh. Ayoko nang ipaglaban ka. Ayoko nang makipagcompete sa anak mo." Tumingin ako sa kanya, "Hindi naman kasi si Yanna 'yung kalaban ko rito eh-

'yung anak mo mismo."

"Then stop competing!" Mataas na tono niyang pagkakasabi.

Ngumiti ako sa kanya, "I am. Now. Kaya nga sinasabi ko na sa'yong si Yanna na lang ulit 'di ba? Kaya nga papakawalan na kita-kasi gusto ko nang tumigil makipag-compete sa anak mo."

Napatayo siya at pumunta sa harap ko, "Do you still love me?"

Yung mga mata niya-nakakapagtaka, hindi na kasing lamig ng yelo. May emosyon na, nag-level up na siya. Naalala ko pa noon nung una kaming nagkita. Talagang napapa-goosebumps ako 'pag napapatingin ako sa mga mata niya. Kasi para talaga siyang walang pakialam. Para talagang wala siyang emosyon. Poker face ngay? Pero ngayon... meron na. Marami na. Nasasaktan, nalulungkot, nahihirapan-at ang pinakagrabe? Lumuluha na siya ngayon. Umiiyak na siya.

Nag-level up ka na talaga... Colosseus.

"Yes I do. But sooner or later, I have to, not to love you."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"We can just run away. We can just stay away from everyone!"

"Ano ako, selfish?"

Bigla na lang siyang napasuntok dun sa malaking puno na katabi nung swing. Agad akong napatayo.

Dahil sa lakas nang pagkakasuntok niya, nagdugo 'yung kamao niya. Gusto ko siyang lapitan at gamutin-pero na-realize ko, mas mahihirapan ako 'pag ginawa ko 'yun. Mas mahihirapan akong pakawalan siya.

"You really want me to marry her?! You want me to forget you?!" Pasigaw niyang tanong.

"Oo, Colosseus, oo." Nakangiti kong sabi.

Ngiting peke. Ngiting nagtatago sa sakit na nararamdaman ko. Ang galing ko talaga. Nakakaya ko pa

'to. Hindi pa nga ako umiiyak eh. Astig. Astig lang talaga...

"Will you be happy?" Seryoso niyang tanong.

Tumingin ako sa mata niyang lumuluha. Naaawa ako, nasasaktan ako para sa kanya. Pero kailangan ko. Para kay Baby Zee 'di ba?

"I will be the happiest." Nakangiti ko pa ring sagot.

"Damn it!"

Bigla na lang niya akong niyakap. Sobrang higpit. Para bang ayaw na niya akong pakawalan. Para bang ayaw na niyang bumitaw. Umiiyak siya. Kaya niyakap ko na lang din siya ng sobrang higpit. Sorry kung ginagawa ko 'to. Sorry kung sinasaktan kita. Pero ito naman 'yung dapat 'di ba? Ito naman 'yung kailangan kong gawin. Kasi 'yung anak niya. Kailangan siya ng anak niya. Kailangan din siya ni Yanna.

Natutuwa ako, kasi hanggang ngayon hindi pa ako lumuluha. Mukhang matutupad ata 'yung pangako kong hindi ako iiyak ngayon ah?

Hindi ko pa rin talaga maintindihan, palagi kong tinatanong-kailan kaya ako sasaya? Yung alam niyo na, tuloy-tuloy? Kailan ko kaya mahahanp si 'the one'? Pero na-realize ko, siguro nga, hangga't nabubuhay ako, hinding-hindi matatapos ang mga problema ko-uyy 'di ako magbibigti ha! Naiisip ko lang, sa buhay ng tao, walang katapusan ang problema. Pero alam niyo kung anong pinaka-nakakatuwa? Kasi andito pa rin 'yung pag-asa, pag-asang bukas, paggising ko hindi pala 'to totoo lahat. Na wala pa lang Yanna, wala pa lang Baby Zee. Parang panaginip ngay? Na bukas, nasa garden kami ni Colosseus, magkahawak 'yung kamay habang pinagmamasdan 'yung mga tulips. Sana ganun na lang. Sana bukas, ganun na lang...

Kaso nga lang, kahit ilang beses kong kurutin 'yung sarili ko, kahit ilang beses ko pang sampalin 'yung mukha ko-hindi ako magigising. Kasi realidad na 'to. Totoong lahat. Hindi joke, hindi panaginip-totoo lahat.

"Do I really have to do this?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman." Sagot ko sa kanya. "Bitaw na. Please."

"I can't."

"Pagod na ako, Colosseus. Bumitaw ka na."

Bumitaw sa pagmamahal mo, bumitaw sa atin, bumitaw sa akin. Please, huwag mo na lang akong pahirapan...

"After this, I'll be drifting away from you." Wika niya.

"Much better."

Ako na mismo ang tumulak sa kanya. Kahit sobrang higpit-kahit ayaw ko, ginawa ko. Ganun naman ang love 'di ba? Sacrifice? Si Lord God nga eh, sinakripisyo anak niya para sa atin, dahil sa pagmamahal sa atin-ako pa kaya?

"Love her again." Sabi ko sabay tingin sa likuran ni Colosseus kung nasaan si Yanna na ilang metro ang layo sa amin, nakatingin. Lumuluha.

"Tsss..." Bumalik ulit 'yung mata niya sa pagiging cold. "I love you, two divided by zero, Athena. It will always be you, only you and it'll never be her."

Tumalikod na ito sa akin. Naglakad papunta kay Yanna. Nang makarating na ito sa harap niya, agad siyang niyakap ni Yanna. Though hindi siya niyakap pabalik ni Colosseus, damang-dama ko pa rin 'yung sakit. Yung pakiramdam na para bagang 'yung puso ko ipinako, 'yung puso ko nilatigo, 'yung puso ko, malapit nang mawala at madurog ng pinong-pino. Pero sana ganun na lang, para hindi na 'ko makaramdam ng ano mang sakit. Kasi alam ko, simula pa lang 'to. Simula pa lang 'to ng sakit, alam ko marami pa. Lalo na ngayong na kay Yanna na ulit si Colosseus.

"Thank you..." Yanna mouthed.

Ngumiti ako at tumalikod na.

Akala ko ang umiyak ang totoong nakakapagod at nakakasawa.

Mali pala ako?

Dahil ngayon, ang pagiging matapang ang nakakapagod at nakakasawa.

Leche kasi, ngayon tumulo 'yung luha ko. Akala ko pa naman kaya kong tuparin 'yung pangako ko sa inyo. Ang weak ko na. Ang weak, weak ko na...

####################################

{ TBUP -79: Temporary Happiness }

####################################

{ TBUP -79: Temporary Happiness }

--Zico's Point of View--

Sumama ako kay Yanna sa pad niya. Nandito si Baby Zee habang naglalaro ng crossword puzzle.

Hangang-hanga nga ako sa talino ng batang 'to. Hindi ko alam, sa akin kaya nagmana si Baby Zee?

Siguro nga. Kamukhang-kamukha ko kasi siya.

Hindi ko mapigilang magpakawala ng isang ngiti habang pinapanood ang anak kong nag-iisip. Napakagaling niya. Para siyang henyo.

Pero sana, sana wala siya ngayon kung hindi dahil sa pagiging padalos-dalos namin ni Yanna.

Napatingin ako sa sofa kung nasaan si Yanna. Nakatingin siya sa amin ni Baby Zee. Nagtama ang mga mata namin. Sinasabi ko na nga ba... hindi siya masaya.

Naglakad ako papunta kay Yanna. Umupo ako sa tabi niya.

"Hindi ka masaya 'di ba?" Tanong ko sa kanya.

Kitang-kita sa mga mata niya ang matinding lungkot. Alam kong alam niya na hindi ko 'to gusto. Alam kong alam niya, na hinding-hindi na ulit ako babalik sa kanya. Pero ang hindi ko alam, eh kung bakit pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa akin.

"Magiging masaya rin ako-lalo na ngayon na nandito ka na." She smiled. A fake one.

"I love her, Yanna."

Napasinghap siya at halatang pinipigilan ang luha, "Alam ko... pero pinamigay ka na niya. Hindi ka niya kayang ipaglaban."

I smirked.

Pinamigay? O ipinahingi? Ang dalawang 'yun... magkaibang bagay para sa akin. Alam kong hiningi ako ni Yanna. Alam kong nakiusap siya kay Athena. Alam ko ring ibibigay ako ni Athena. Pero alam ko... mahal pa niya ako. Alam ko... umaasa pa rin siya katulad ko. I know we'll get through this. I just need to get to the real plan.

Me being with Yanna? It won't be too long.

It won't be too long my love... Athena...

--Ericka's Pov--

So yeah? Asan ba ako? Well, nandito lang naman ako sa bagong tamabyan namin ng mga bitches-and when I say bitches-you know, Scarlet at Carmeen. Astig nga eh, yaman ni Carmeen! Pabili-bili na lang ng bar para may matambayan! Taray lungs! >:))))))

Ah! Andito rin si Psyche! Nababading na nga ata talaga kasi napapansin ko lately palagi siyang sumasama sa amin. Wala ata siyang ibang kaibigang lalake. Nababading na nga ata talaga =_______=

"Maka-upo Athena 'kala mo hindi galing sa heartbreak ah!" Bulyaw ni Carmeen habang umiinom ng juice niya.

"Sino bang nagsabing galing ako sa heartbreak?" Tanong ko with matching taas ng isang kilay.

Like duuh! I need to move on! Hindi naman ako 'yung klase ng babae na magmumukmok na lang sa isang tabi nang dahil sa isang lalake! It's not worth it! Ano 'yun hahayaan ko lang mabulok ang pagiging

DYOSA ko sa isang maliit na kwarto?! Hell no! I'm still alive and I'm not planning to live like I wanna die!

Sobrang saya ng buhay para sayangin ko sa pag-iyak at pagdradrama! Kung 'yung ibang leading lady sa ibang kwento ganun ang gagawin-aba! Ibahin niyo ako! Athena Ericka Artemis-is really different!

Very, very, different!

"Buti hindi ka pa sinasapian ni Pinocchio sa pagsisinungaling mo!" Bwelta ulit ni Carmeen.

"Like what the hell Carmeen?! What do you want me to do? Rot in my own room? Cry all day and night?! Kilala mo ako, Meenie, I won't settle for that." Sagot ko sabay inom ng aking juice.

At oy! Hindi porket bar ito ay umiinom na kami ng kung anu-ano! Nako, juice lang 'to! Juice as in TANG!

Alam niyo 'yun? Kung hindi eh baka 'yung tang-A alam ninyo?

Psh, k, korni. I know =__________=

"Buti nakaya mong gawin." Seryosong sabi ni Scarlet.

"Oo nga eh-buti nandito ka pa hanggang ngayon. Tsk tsk... buti wala ka pa sa mental hospital." Sabi naman ni Psyche.

Tinignan ko sila ng masama. Anong akala nila sa aking mababaliw nang dahil lang 'dun?! Putek! Ang babaw naman! Hmpf!

"Huwag mo na kasing itago! Alam naming nasasaktan ka! Iiyak mo lang!" Sabi ulit ni Carmeen.

Tumingin ako sa kanya, "At kung iiyak ako, aber? Babalik ba sa akin si Colosseus? Babalik ba si Baby

Zee sa pagiging sperm cell o egg cell?!"

Di ba? Yun naman ang point eh. Bakit ako iiyak eh wala namang maganda madudulot 'yun. As if I will earn a lot of money just by shedding 10 gallons of tears! >_______< Tama na 'yung umiyak ako ng paulit-ulit nang dahil sa ganung pangyayari. Lahat naman ng bagay lumilipas 'di ba? Time lang. Time lang ang kailangan ko. I will get through this.

"Makaka-move on din ako! Like-maygash! Ilang beses na ba akong na-BH?! BH as in, broken hearted?!

Chron, Psyche? Then Colosseus! Three fvcking times! Sure naman akong makakalimutan ko rin 'to!

Time-is all I need." Wika ko.

"Time isn't a healer Ericka," Psyche said, "it's more like a concealer for a scar."

At least... kahit papano may magagawa 'yun para maibsan 'yung sakit 'di ba? At least, it can cover up pains. At least...

"I hate this topic." Wika ko.

"Athena-paano kaya kapag hindi anak ni Zico 'yung bata?" Tanong sa akin ni Scarlet.

Punyetek. Noon ko pa 'yan iniisip! Dahil akala ko, 'yung buhay ko parang teleserye lang! Malalaman na

'yung babae nagpabuntis lang pala o may naka-one night stand tapos ipapaako 'yung anak sa ex! Ang dami ko nang napanood na ganyan! At oo, hindi ako magsisinungaling, minsan naisip ko rin 'yan. Na kesyo paano kung hindi kay Colosseus 'yung bata, kesyo paano kung sinungaling si Yanna... pero fvck, what we see on TV are not reality! Very far from reality! We have our own lives! We may be parallel in some aspects or whatsoever but at the end of the day-we're all fvcking different! Kaya hindi na ako umaasa na ganon ang magiging Epilogue ng walang kwentang storya kong 'to!

"Haaay... ano 'to teleserye?" Bored kong tanong.

"Why? After all-this is life, everything's possible." -Scarlet.

"Can't we just get over it?!" Naiirita kong tanong sabay tayo.

Lumabas ako nang bar na sobrang irita at naiinis. Lumabas ako actually para makapanghula dahil alam niyo naman, iyon lang ang nakakapag-alis ng stress ko sa katawan. Pero parang wala ata akong makikitang sweet dito! Tengene, walang tao! La kwentang bar, wala man lang nadaang tao!

>__________<

Papasok na sana ulit ako run sa bar nang biglang may pumaradang itim na sasakyan sa harapan ko.

Bakit naman kaya sa lahat ng titigilang niyang lugar, sa harap ko pa?! Papansin much?! Mayabang much?!

Inirapan ko lang 'yung kotse at tumalikod na pero may biglang tumawag sa akin-

"Athena!"

Oh~ another evil btch, wanna join our little party? Tsss... Selene, the new btch in town kuno! Fvck this sht! Parang shunga lang =__________=

"Ano? May bago ka na namang delubyong dala sa buhay ko?" Bored kong tanong sa kanya with matching bored na tingin.

"No, I-I-" Hinawakan niya 'yung wrist ko hanggang sa pumunta 'yung kamay niya sa kamay ko. "Alam ko, ang dami-dami kong nagawa sa'yong mali!"

"O, buti alam mo." Sabi ko sabay irap.

"But believe me! Athena-I-I wanna tell how sorry I am. Sorry sa lahat-lahat ng nagawa ko. Sorry kung napahirapan kita. Sorry kung ang dami kong nasabing mali towards you and your mother! Sorry kung tinulungan ko si Yanna para masira 'yung relasyon niyo ng boyfriend mo. Sorry for being so evil. Sorry for being a bad... sister."

Habang sinasabi niya 'yun, umaagos 'yung luha sa mga mata niya. Habang sinasabi niya 'yun, nangungusap 'yung mga mata niya. I thought I've seen the sadest eyes when I saw the stares of

Colosseus back then-but, no, this, is the sadest eyes I've seen in my entire life. It's Selene's.

Hawak-hawak pa rin niya 'yung kamay ko habang umiiyak siya. Nakayuko siya. Para talaga siyang guilty. Para siyang... sincere.

Pero binawi ko 'yung kamay ko sa kanya at nag-cross arms ako.

"What are you planning, Selene? Ano pa bang sisirain mo? Sirang-sira na ako, can't you see?! What else do you need to ruin?! What emotions do you need me to portray just to make you happy?!" Sigaw ko sa kanya.

Umiiyak pa rin siya. Bumabaha ng emosyon sa mukha niya, bumabaha ng luha.

"I won't expect you to believe. But at least... at least... you know that I am sorry. Sorry for all the troubles. Sorry for all the heartaches. Sorry for wrecking EVERYTHING in your life." Patuloy niyang sabi.

Huwag kang maawa Ericka. Alam mo naman kung anong nangyari nung huli kang naawa 'di ba? Kay

Yanna? Tangina, 'di ba nasaktan ka lang! And eventually, masasaktan ka ulit kapag lumambot pa ang puso mo dyan sa maldita mong kapatid dahil alam mo namang galit 'yan sa'yo! Tangina wala naman akong nakikitang rason para magbago siya eh! Kaya nakakapagtaka talaga! Ayoko ng maawa eh. Total, btch na ako, papanindigan ko na! Yung naawa ako kay Yanna? Pucha! Pinangako ko sa sarili kong 'yun na ang huli!

"Dear, Selene-please stop playing dumb in front of me because I might kick you to Pluto, intiendes?"

Inirapan ko siya at naglakad na papasok ulit sa bar.

Bago ko isara 'yung pinto-nakita ko ulit siya. Umiiyak pa rin... naaawa... naaawa... ako...

NO ERICKA! DON'T! MAAAWA KA TAPOS SASAKTAN KA LANG ULIT NILA! HELL NOOOOOO~!

Tuluyan ko nang isinara 'yung pinto. Ewan ko pero pakiramdam ko bumigat 'yung puso ko sa ginawa ko.

Then suddenly, biglang may pumasok sa utak ko, tama kaya 'yung ginawa ko? Napapikit ako, babalik na sana ako sa table nila Carmeen nang biglang mag-ring 'yung phone ko.

Unregistered number? Sige, curious ako kaya in-accept ko 'yung call.

"Hello? Dyosa speaking!" Sabi ko.

("Athena...")

Nanlaki ang mga mata ko... nagtatalon ang puso ko... nagdiwang... sumaya...

How can a one word from him make my heart leap because of joy?

("Athena, it won't be too long. I know, you're still holding on-to something that I'm also holding on to-WE, are still holding on to each other. Holding on to us. You can't fool me by saying that you're the happiest if

I will be with her. You can never fool me-you can never fool yourself-you can never fool your heart. I know, deep inside you, you're still hoping. Keep your hopes up, Athena, it won't be too long. I'll make sure, until the end, no one can divide the two of us. I love you... two divided by zero...")

*beep* *beep* *beep*

Why am I always crying when it comes to him?!

Paano mo ba nagagawa 'to sa akin ha, Colosseus?! Paano mo ba nagagawang paluhain na lang ako kahit sobrang lakas ko na, kahit sobrang tapang ko na?! How could you tame a lion like me? How could you make me feel that you're still here beside me? How could you make me feel like it's not yet the end for the two of us when I already closed the door? How could you make me like this? How could you make me... love you more and more, every single fvcking minutes of my life?

How could you, Colosseus Zico Zarte?

####################################

{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }

####################################

{ TBUP -80: Keep Your Hopes Up! }

//Narration...

Hawak-hawak ni Selene ang kanang kamay ni Yanna habang nakapatong ito sa lamesang nasa pagitan nila. Pilit niya itong tinitignan sa mata subalit pinili ng matalik nitong kaibigan na yumuko... itago ang mga mata nito... ang nararamdaman nito...

"Yanna, please..." Wika ni Selene.

Mas lalong humigpit ang hawak ni Selene sa kamay ni Yanna. Tinitignan niya ang mukha nito, puno ng awa, puno ng lungkot. Lungkot nang dahil sa kinahinatnan ng pakikipag-usap niya sa kapatid na si

Athena at lungkot dahil sa kinahinatnan ng matalik nitong kaibigan...

Nang dahil sa kanya.

Napabuntong-hininga ito at dahan-dahang hinimas ang kamay ni Yanna. Samantalang kahit umaagos ang luha ni Yanna sa kanyang mukha... hindi nito mapigilan ang unti-unting pagsara ng mga malalambot na kamay nito... pagsara dahil sa galit... desperasyon...

"Isang araw, tumawag ka, sinabi mong tutulungan mo akong makabalik sa kanya-makabalik siya sa akin tapos ngayon..." Sa wakas ay iniangat na ni Yanna ang kanyang mukha. Nagkasalubong ang dalawang mata nila. Nagtagisan ng tingin-galit, poot, sakit... lungkot. Lahat nang iyon ay nasa mata ni Yanna, sapat para matalo nito ang titig ni Selene. Bumaba ang titig ni Selene at ngayon siya na ang nakayuko,

"sasabihin mo lang sa akin na bumalik na tayo ng Japan?! Na hayaan na lang natin silang lahat?!"

Buong-buo ang boses ni Yanna, hindi mo aakalaing punong-puno na ng luha ang kanyang mala-anghel at inosenteng mukha. "Bakit? Dahil sa gusto mo na ulit maging anghel, ha Selene? Duwag ka na ngayon? O... naging duwag ka na ulit?"

Napapikit si Selene. Iniangat nito ang kanyang mukha. Ibinuka nito ang kanyang bibig ngunit tila ba nawala ang boses nito. Nawala, naduwag dahil sa tingin na ipinupukol ni Yanna sa kanya.

Huli niyang nakita ang kaibigan na ganoon nang ibalik siya ng kanyang ina sa Japan nang mabuntis ito.

Galit si Yanna nang mga panahong iyon at halos lahat ng nakikita niya ay kinasusuklaman niya, kahit si

Selene. Kahit ang pinaka-pinagkakatiwalaan nito.

"Yanna-"

"Hindi."

Nang muling tignan ni Selene ang mga mata ni Yanna nakita niya ang determinasyon. Determinasyon... saan? Para saan?

"Yun ang sagot ko Selene." Hindi na siya si Yanna-anghel, inosente, mahinang si Yanna-hindi na. "Hindi ako sasama sa'yo sa Japan. Hindi ako magtatago run nang dahil lang sa naduwag ako." Yanna crossed her arms. "Umuwi ka rito. Bumalik ka rito para sa isang bagay 'di ba? Bakit hindi mo napanindigan?"

Sumandal si Yanna sa upuan nito habang naka-cross arms pa rin.

Yung tanong ni Yanna-it's not like a question at all. It's more like a challenge. A challenge that Selene doesn't want to take.

"Marami na akong nagawa-maraming na tayong nagawa para maging miserable sila Yanna. At lahat ng iyon-lahat ng iyon pinagsisisihan ko. Hindi ako naging masaya. Hindi ako magiging masaya kung sisirain ko si Athena, 'yung buhay niya... 'yung puso niya." Pagpapaliwanag ni Selene.

Gusto na ni Selene na bumalik ng Japan, mabuhay sa Japan kasama ang mga magulang niya. Maging masaya ulit kasama ang mga magulang niya. Although hindi pa sila lubos na magkabati ni Athena... may mga plano pa rin si Selene para mapatawad siya nito. Kailangan niyang mapatwad si Selene bago man lang ito umalis sa Pilipinas.

"At anong gusto mong sabihin? Na hindi ako magiging masaya nang dahil sa gusto kong makasama

'yung mag-ama ko?" Yanna bitterly laughed, "Selene-'yun ang pinakamagpapasaya sa akin. Yung makasama silang dalawa!" Giit ni Yanna.

"Yung makita ang iba na nahihirapan? Nang dahil sa'yo... ha? Ganon ba Yanna?" Tanong ni Selene sa kaibigan.

"Hindi mo naiintindihan Selene. Wala ka sa lugar ko. Sa kalagayan ko. It's not about Zico anymore,

Selene. It's about my son." Huminga ng malalim si Yanna, "Matagal na akong sumuko kay Zico."

Tumayo na si Yanna sa kinauupuan nito. Tumingin ito saglit sa mataong paligid nito. Sa mga taong tahimik na humihigop ng kape nila. Sa mga taong dinadaan sa pag-inom ng kape ang mga problema nila. Sa mga taong... parang walang ibang inaalala... walang ibang problema... napaisip si Yanna,

Gaano nga ba kagaling ang kape pagdating sa pagdedesisyon? Napatawa siya ng mapait sa likod ng isip niya, dahil alam niyang ang sagot sa tanong niya ay negatibo. Dahil kahit ilang beses siyang pumarito sa maliit na café na 'to, kahit ilang beses siyang humigop ng mainit at mamahaling kape... hinding-hindi maiibsan nito ang problema at sakit na nararamadman nito at mararamdaman pa lang.

Muling nahanap ng maliliit na mata ni Yanna ang mga mata ni Selene na hanggang ngayon ay umaasa pa rin. Umaasa na magbabago ang isip nito, sasama sa Japan, at kakalimutan ang lahat ng nangyari sa

Pilipinas.

"Just so you know..." Tumalikod na ito.

"Pero bakit-"

Hindi na naituloy ni Selene ang gusto niyang sabihin nang muling bumalik ang tingin ni Yanna sa kanya.

"Change of plans, Selene... change of plans."

Naiwang tulala si Selene. Hindi niya maisip kung anong maaring tumatakbo sa isipan ngayon ng kaibigan. Pakiramdam niya, nagbago na si Yanna-tama, nagbago nga. Hindi na siya mahina, hindi na siya ang dating Yanna na magmumukmok na lang sa isang sulok at iiyak. Pilit kakalimutan ang nakaraan... mga nakaraan na nakasakit sa kanya. Pero ngayon-ngayon, si Yanna. Si Yanna ay naging katulad niya-hindi, naging higit pa. Pinapanindigan na ni Yanna ang pagbabago niya... Yanna is an angel... no more...

Agad na binuksan ni Yanna ang pinto sa pad niya. Alam niyang mali na iwanan niya ang anak na magisa subalit alam niya ring iba si Baby Zee. Matalino si Baby Zee. Mas matalino kesa kahit kanino pang mga bata na mas pipiliing maglaro sa isang playground kesa magbasa ng makakapal na libro na tungkol sa kalawakan.

Nang makita niya ang anak na tahimik na nagbabasa ng isang makapal na libro... natuwa siya.

Awtomatikong lumabas ang kanyang ngiti. Lumapit siya sa anak at niyakap ito. Niyakap siya pabalik ni

Baby Zee, pero hindi kagaya ng ibang bata, hindi siya nagtanong, hindi siya nagtaka-dahil alam nito ang sagot.

"Baby..." Sambit ni Yanna habang yakap ang anak. Lumuluha ito. Pero hindi niya malaman kung bakit,

"masaya ka ba?" Tanong nito sa anak.

"Mommy... you know that I can only understand few words in this country's dialect." Wika ni Baby Zee habang nakayakap pa rin sa ina.

Napatawa ng mapait si Yanna, "Baby, don't act like you don't know what I'm asking you."

Baby Zee giggled, "Sorry. Uhmmm, Mommy, are you happy?"

Napabitaw sa yakap si Yanna at hinarap ang anak. Hindi niya maintindihan kung pinaglalaruan ba siya ng anak, kung ginagawa niya bang katatawanan ang mga sinabi nito. Kung ano bang motibo nito sa pagbalik ng tanong niya. Nanibago si Yanna, alam niyang hindi gagawin ni Baby Zee ang pagkatuwaan siya. Ang pag-tripan siya. Simula noong isinilang ang anak niya, seryoso ito sa lahat ng bagay. Malimit ngumiti, tumawa, matuwa. Parang ang ama niya... ang lalakeng minamahal ni Yanna... Zico.

"Yes." Pinili na lang sumagot ni Yanna kesa sa tanungin ang anak kung bakit niya ibinalik ang tanong na iyon sa kanya. "Now, I will ask you, are you happy?"

"Mom, I don't know how to lie. You never taught me, but what I'm seeing... why are you lying? How could you?"

Of course, the genius child of Yanna and Zico will ask. What, where, when, why, how-he will ask everything to satisfy his knowledge. Pero ngayon, 'yung tanong ni Baby Zee ngayon, hindi kayang sagutin ni Yanna. Hindi niya alam kung paano.

"Baby-"

"I'm not happy, Mom. I will never be happy. I know, remember, I'm a genius? I know that my Dad-he's not happy, too, right? Me, you, him, we're all not happy. But why are you still together?"

Hindi alam ni Yanna kung paano nalaman ni Baby Zee lahat nang iyon. Hindi niya rin alam kung anong mararamadaman niya sa sinabi ng anak-hindi ito masaya. Taliwas sa palagi niyang iniisip na magiging masaya si Baby Zee kapag naging buo sila. Hindi alam ni Yanna... hindi niya maintindihan...

At sa kauna-unahang pagkakataon-hiniling niya na sana, hindi na lang genius ang anak niya. Sana katulad na lang siya ng ibang bata sa playground-naglalaro... walang alam.

This is too much for a two-year old boy... too much.

"Mom, let's go back to Japan." Pagyayaya ni Baby Zee sa ina.

Agad itong napatingin sa anak. Bakit ba hindi masaya si Baby Zee dito? Sa Pilipinas? Sa bansa kung nasaan ang ama niya? Kung saan, buo sila?

Buo nga ba?

"Baby, don't you wanna stay here? Don't you wanna be with your father?" Tanong nito sa anak.

Sinusuyod ni Yanna ang mga mata ng anak. Sinusuyod upang makita kung ano mang bumabagabag dito. Upang makita kung anong totoong nararamdaman nito.

"I don't. Seeing my father for me... is enough. I won't settle here anymore. I won't settle here where I can never be happy. Where you can never be happy. Please Mom... let's go back to Japan."

Niyakap na lamang ni Yanna ang anak. Muling dumausdos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Baby Zee. Palagi niyang pinipigilan ang mga luha niyang iyon dahil ayaw niyang makita nang anak na hindi siya masaya. Subalit... kahit pala hindi pumatak ang mga luhang iyon... makikita pa rin ni Baby Zee ang kalungkutang dala-dala ng ina.

"You're so smart, baby." Bulong na lamang nito sa anak.

Habang yakap ni Yanna ang anak ay bumukas ang pinto ng maliit na kwartong tinutuluyan nila. Iniluwa ng pintong 'yun ang lalakeng sanhi ng mga luhang umaagos sa pisngi niya. Ang sanhi kung bakit nandito siya sa Pilipinas. Desperada at malungkot.

Naglakad papalapit sa kanila si Zico. Napabitaw naman si Yanan sa anak nito.

Katulad ng mga mukhang ipinakita sa kanya ni Zico noon hanggang ngayon... blangko pa rin ang ekspresyon nito. Blangko, walang pakialam. Walang emosyon. Naitanong niya sa isipan niya, Paano niya ba nagawang mahalin ang isang 'to? At hindi katulad ng tanong na sumagi sa isipan niya noong nasa café siya, alam niyang hindi niya kayang sagutin ang tanong na iyon. Hindi niya kayang magbigay ng negatibo o positibong sagot. Dahil hindi naman talaga niya alam kung anong sagot. Nakakatawa... nakakalungkot...

Tumayo ng tuwid si Yanna. Gaya ni Zico, hindi na siya nagpakita ng kahit anong emosyon pa. Dahil alam niyang kahit anong emosyon ang ipakita niya-hinding-hindi na babalik si Zico sa kanya. Sumuko na siya, hindi ba?

"Ano?" Tanong ni Yanna. Naghihintay siya ng sagot mula kay Zico.

"Pupunta tayo sa bahay. Aayusin na natin 'to."

Bagamat walang alam si Yanna sa isinagot ni Zico, awtomatiko siyang sumama rito. Dala-dala ang anak niya na kamakailan lamang ay sinabing hindi ito masaya. Na gusto na nitong umuwi ng Japan.

Nakarating sila ng bahay ng mga Zarte gamit ang itim na kotse ni Zico na siya rin mismo ang nag-drive.

Agad silang pumasok sa bahay. Umupo sila sa sofa.

"Anong nangyayari, Zico?" Tanong muli ni Yanna.

Nakatayo si Zico habang nakatingin sa kanya. Blangkong tingin, walang emosyon. Mas lalong naguluhan si Yanna nang may dukutin si Zico sa bulsa niya. Inilabas nito ang kamay na may hawak na singsing?

Naguguluhan si Yanna-pero isang parte ng puso niya ang nagalak. Hindi niya pa rin alam kung bakit.

Hindi inaasahan ni Yanna ang biglaang pagbato ni Zico nang singsing sa kanya. Tumama ang singsing sa flooring, agad itong pinulot ni Yanna at tumambad sa kanya ang isang maliit na singsing na may apat na maliliit ng bato sa gitna. Dyamante, mamahaling dyamante, mamahaling singsing.

"P-Para san 'to?" Tanong muli ni Yanna.

Gusto niyang matuwa pero-hindi niya magawa. Ibinato ni Zico ang singsing, walang ekspresyon ang mukha nito. Para saan pa ang galak na mararamdaman niya kung pilit lang ang lahat ng ito?

"You said you wanted to give..." Tumingin si Zico kay Baby Zee na kasalukuyang nakatingin din sa kanya, "Rin, a complete family. I'm giving it now."

Napatayo si Yanna. Napakunot ang noo habang hawak ng mahigpit sa kaliwang kamay nito ang singsing. Akala niya kapag dumating ang ganitong pagkakataon ay lubos siyang magiging masaya.

Noon pa lang, ito na ang pangarap niya pero... bakit taliwas ang nararamdaman niya? Bakit hindi niya makayang ngumiti? Bakit hindi niya makayang magtatalon sa tuwa?

Hindi niya kaya, hindi siya masaya-dahil tama ang anak niya, hindi sila magiging masayang tatlo kahit mabuo pa ang pamilya nila. Dahil katulad ng ekspresyon na ipinapakita ni Zico-blangko, blangko ang puso ni Zico para sa kanya.

Pero unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Yanna. Dahil siguro sa pag-asa... pag-asa na baka kapag nagpakasal sila, magbago ang lahat. Bumalik si Zico sa kanya at maging masaya sila. Yun na lang ang pinaghahawakan ni Yanna ngayon... pag-asa.

Palapit na sana si Yanna kay Zico upang yakapin ito subalit umiling si Zico at lumabas na lamang ng mansion. Nawala ang ngiti sa labi ni Yanna.

Nabaling ang tingin ni Yanna sa hagdan kung nasaan si Athena-alam ni Yanna na nakita iyon ni Athena.

Kaya dali-dali siyang pumanhik sa hagdan at niyakap si Athena.

"Salamat." Bulong nito sa kanya.

Salamat dahil ibinigay niya si Zico sa kanya-kahit hindi ang puso nito.

"Congrats." Athena patted her back. Hindi katulad ni Yanna, basag ang boses ni Athena. Halatang nasasaktan. Halatang nalulungkot.

Napapikit si Yanna-at sa kauna-unahang pagkakataon, humingi siya ng tawad kay Athena, kahit sa likod man lamang ng isip niya. Sorry...

Parang tangang tumatawa si Athena sa kitchen habang gumagawa ng juice. Tinatawanan na lang niya ngayon ang sakit na nararamdaman niya nang makita niya ang galak sa mukha ni Yanna nang alukin siya ng kasal ni Zico. Hindi niya inaasahang nakakabaliw pala ang sobrang sakit.

Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Wala na 'di ba? Dahil ito ang pinili niya. Simula nang pakawalan niya si Zico. Simula nang piliin niyang maawa kay Yanna-pinili na rin niyang masaktan.

Move on-paano nga ba gawin ang dalawang salitang 'yan?

"Do you really wanna make my son miserable for the rest of his life?"

Nabigla si Athena nang may magsalita sa likuran nito. Agad siyang napalingon at nakita nito si Tito Sev habang nakangiti-well, smirk.

"Hindi naman po siya magiging miserable..." Malungkot na tugon ni Athena.

Magiging masaya si Zico sa piling ni Yanna-'yan ang nasa isipan niya. Pero sa tuwing maiisip niya at maaalala niya kung paano kalungkot ang mukha ni Zico nang sabihin niya at pakiusapan niya itong bumalik kay Yanna, sa tuwing maririnig niya ang bawat salitang binitawan ni Zico noon at noong tumawag ito sa kanya-hindi niya alam kung kaya pa niyang maniwala na magiging masaya si Zico kay

Yanna. Hindi niya alam kung kaya pa niyang pigilan ang sarili niyang guyudin si Zico papalapit sa kanya at ipagdamot kay Yanna-sa anak nila.

"Mas magiging miserable po si Baby Zee kung hindi ko ginawa iyon." Wika ni Athena.

"Baby Zee-alam mo bang-isang henyo ang apo kong iyon? 2 years old. Pero madami na siyang alam.

Alam niya ang mga bagay na hindi mo maiisip-hindi sasagi sa isipan mong alam niya." Inayos ni Tito

Sev ang neck tie nito, "Matalino si Rin." Rin Zico Zarte, buong pangalan ni Baby Zee. "Maiintindihan niya ang lahat ng ito-maniwala ka."

Nawala na sa harapan ni Athena si Tito Sev. Ni hindi man lang niya napansin dahil nakatuon ang isip nito sa sinabi ni Tito Sev. Hanggang saan ba ang alam nung bata? Hanggang saan niya kayang maintindihan?

Athena shook her head. Pilit niyang inalis ang pag-iisip na pwede pa niyang mabawi si Zico. Tinignan niya muli ang tinitimpla niyang juice para kina Yanna at Baby Zee na nasa sala pa rin. Handa na siyang tumungo roon nang biglang lumitaw si Baby Zee sa harapan niya.

"May kailangan ka?" Tanong ni Athena sa kanya.

"Accompany me to the park." Sabi ni Baby Zee.

Shocks! Ano ako yaya niya?! Sumagi sa isip ni Athena. Pero dahil cute si Baby Zee-at kamukhangkamukha ni Zico, hindi nakatanggi si Athena.

Nagpaalam sina Athena at Baby Zee kay Yanna. Naiwan ito sa mansion. Naisip ulit ni Athena nab aka hinihintay nito si Zico... Ang saklap. Isip-isip muli ni Athena sabay iling ng ulo nito.

Nakarating sila sa park. Pero hindi naglaro si Baby Zee-sa halip ay naupo ito sa tabi niya. Naupo sila sa isang malaking upuang kahoy.

"Akala ko ba maglalaro ka?" Tanong ni Athena kay Baby Zee.

"Did I even say that?" Tanong ni Baby Zee na parang iritado.

Pero hindi siya nainis. Natawa nga siya eh. Dahil nakikita niya si Zico sa maliit na lalakeng 'to.

Kamukhang-kamukha niya. Kaugali niya. Siyang-siya.

"Laughing like you're really happy, huh?" Tanong muli ni Baby Zee.

"Ano bang alam mo?" Mataray na tanong ni Athena.

"Everything?"

Muli ay natawa si Athena. Hindi siya naniniwala. Napaka-imposible kasi para sa isang bata ang malaman ang 'lahat'.

"I want you for my Dad." Biglang sinabi ni Baby Zee.

Napatingin si Athena rito habang nakanganga. Naguluhan siya. Nabigla. Hindi makapaniwala. Paano nasasabi ng isang bata ang mga ganun?! Hindi niya maintindihan.

"A-Anong-"

"I told you, I know everything." Sabi ng bata.

Parang nagsasalita si Baby Zee na para bagang hindi siya bata. Na para bagang... mas matanda siya kay Athena. Tulala pa rin si Athena. Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari.

"I know that my Mom, my Dad, I know that they're not happy. My Mom, is such a great pretender."

Tumingin si Baby Zee sa kanya, "Please, take him back to you. I don't wanna see my Mom and most especially my Dad to be miserable. I don't want them to be together just because of me. I wanna go to

Japan, with my Mom."

Hawak-hawak ni Baby Zee ang bola nito at pinapaikot niya ito sa kamay niya. Pinaglalaruan niya ito at

'yun na lamang siguro ang makakapagpatunay na bata siya-pero kung wala ang bola? Siguro, masisira na ang ulo ni Athena sa kakaisip kung bata nga ba talaga ang kaharap niya at hindi sinaniban ng kung sinong ermitanyo.

"P-Pero bata ka lang!" Giit ni Athena.

"I'm a genius."

Yeah right. Naisip ni Athena.

Nagkarun ng kakaibang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Iniisip pa rin ni Athena kung anong gagawin niya-kung susundin ba niya si Baby Zee. Pero 'di ba? Ang maging masaya si Baby Zee-'yun lang naman ang iniisip niya kaya niya pinalaya si Zico? Pero bakit... bakit ayaw ni Baby Zee? Bakit niya gustong bumalik ang Ama niya sa kanya? Ayaw ba nitong mabuo ang pamilya nila? Ayaw ba nitong maging masaya kasama ang nanay at tatay niya?

Pero sabi nga ni Baby Zee-" I don't want them to be together just because of me."

Hindi na alam ni Athena kung anong susunod niyang iisipin-kung anong susunod niyang gagawin.

Lutang ang isip niya.

Lutang ang isip niya hanggang sa maibato ni Baby Zee ang bola nito sa gitna ng kalsada. Nung una ay pinaglalaruan lang ito nang bata subalit naihagis niya ito ng sobrang lakas dahilan upang tumilapon ito sa gitna nang daan-dahilan upang tumakbo si Baby Zee papunta roon-dahilan upang tumakbo agadagad si Athena para sagipin ang bata mula sa papalapit na truck.

Tumakbo si Athena-mabilis ang pagtibok ng puso nito-hindi alintana ang pagod, dahil ang tanging nasa isip niya ay ang bata-ang batang dahilan ng paghihirap niya-ang batang ngayon ay nasa bingit ng kamatayan.

"Baby!!" Sigaw ni Athena.

Itinulak ni Athena ang bata sa kabilang side ng daan upang hindi ito mahagip ng truck subalit dahil sa kagustuhan niyang mailigtas ang bata... siya ang napahamak.

"Damn it Yanna! Bakit hindi mo man lang inalagaang mabuti si Rin?!" Galit na galit na bulalas ni Zico sa harapan ni Yanna.

Naka-upo si Yanna sa waiting area katabi ang anak nito na may ilang tahi sa kamay at gasgas sa binti.

Umiiyak ito habang yakap-yakap ang bata na blangkong nakatingin sa mala-tigreng ama nito.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam na magiging ganito-"

"Damn it! Paano 'pag siya 'yung nabundol nung truck?! Paano 'pag hindi siya nasagip ni Athena?!

Paano 'pag wala siya run?!" Sigaw ni Zico kay Yanna.

"But she's there! She saved our son! He's okay now!" Ganti ni Yanna.

"Yes, he's okay. Yes, he's safe. But what about her?! What about Athena?! Paano kung-paano kung namatay siya?!" Nakakuyom ang kaliwang kamay ni Zico samantalang nasa noo naman nito ang kanang kamay nito.

Galit na galit si Zico kay Yanna. Sinisisi niya ito sa nangyari sa anak-sa nangyari kay Athena. Hindi ito mapalagay. Kanina pa ito pa-ikot ikot at palakad-lakad sa harap ng mag-ina niya habang nag-iisip at nagdadasal sa kalagayan ni Athena. Alam niyang matapang at malakas si Athena pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala-lalo na sa taong mahal na mahal niya-sa taong hindi niya kayang mawala sa buhay niya.

"You only care about her, right?" Tanong ni Yanna kay Zico.

Kahit alam ni Yanna ang sagot-kahit alam niyang makakasakit sa kanya ang maririnig niyang sagot, hindi niya napigilang itanong pa rin ito.

"It's only her..." Malungkot na sabi ni Yanna.

"Yes, it's her. Now you know how much I care for her-now you know how much I do love her! I love her, I care for her, I care for her this much to the point that I could nearly die!" Zico growled. "This isn't the plan! This isn't what I exactly I wanted to happen!"

Napapikit si Yanna sa narinig niya. At mula sa pagpikit na iyon, bumuhos ang luha niya. Hindi gaya noon-hindi na niya nakayang pigilan ito sa harap ng anak niya.

Sinipa ni Zico ang mga upuan na nasa harapan niya, ang mga upuan na nasa tabi ng mag-ina niya at tuluyan na itong nawala sa harapan ni Yanna.

Nagising si Athena habang maraming kung anik-anik ang nakadikit sa katawan niya. Naramdaman niya ang sakit ng ulo niya. Kakapain na sana niya ito nang pigilan siya ng Mama niya.

"Don't touch!" Sabi ng Mama niya.

Napatingin siya rito. At nagulat siya dahil hindi lang ang Mama niya ang nasa puting silid na iyon.

Nandun ang Papa niya, si Carmeen, si Scarlet, si Tito Sev, si Psyche, si Chron at si... Selene. Nakangiti silang lahat expect for Selene na mukha pa ring nag-aalala. Hinanap ng mata niya si Zico pero wala ito sa puting silid na iyon. Natuwa na siya sa mga nasa silid subalit mas matutuwa siya kung naroon si

Zico.

"Kamusta?" Tanong ng Mama niya.

"Ma, ang sakit ng ulo ko. Parang... sht! Tinahi ba ako?!" Naiinis niyang tanong.

"Tinahi ka, btch! 5 stiches lang naman sa ulo tapos 7 stiches dyan sa arms mo at 4 stiches sa right foot mo." Nakangiting sagot ni Scarlet.

"Plus! Dalawang araw ka ng tulog. Congrats at naisipan mo pang bumangon." Nakangiting sabi ni

Carmeen pero bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging sarcastic.

Inirapan siya ni Athena at napatingin sa Epiales brothers na... minsan niya ring minahal. Napatawa siya sa likod ng isip niya noong maalala ang katangahang iyon.

"So, the epic Epiales brothers are here." Sabi ni Athena habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Napangisi ito.

"Ops! I'm taken!" Sabi ni Chron sabay lapit kay Scarlet at akbay doon.

"And so was I!" Bulalas naman ni Psyche.

Nanlaki ang mata ni Athena sa sinabi ni Psyche dahil parang kahapon lang nang sabihin nito na pangalan pa lang ang nalalaman niya tungkol sa, well, 'the one' daw niya eh ngayon... taken na rin siya?!

Namangha si Athena-tunay ngang mabibilis pagdating sa chix ang dalawang Epiales na nasa harapan niya.

"Bilis ah! Ano kayang ginawa mo't naniwala kagad sa'yo 'yung babae? Tsk tsk... kawawang Kathleen."

Pahayag ni Athena. Pero syempre, nagbibiro lamang siya run.

Itinaas ni Psyche ang phone niya, "Single but my heart is taken, missy. And I got her digits." Nakangiting sabi ni Psyche.

Inirapan niya ito at napatingin sa ama niya. Nginitian niya ito at niyakap naman siya nito.

"Natakot ako nang malaman ko ang nangyari sa'yo. Buti na lang ayos ka na." Sabi ng Ama nito sa kanya.

"Pa-alam kong pinaglihi ako ni Mama sa leon, no need to be worry." Sabay kindat nito.

Napatingin siya kay Tito Sev at sinuklian ang ngiti na ibinigay nito. Napadpad ang tingin ni Athena sa kapatid na gustuhin mang ngumiti ay takot pa ring masungitan. Alam kasi ni Selene na hindi pa sila okay ng kapatid nito pero...

...bigla na lamang nginitian ni Athena si Selene.

Ang nakakatawa? Pareho silang nagulat dahil sa ngiting iyon.

"Besh. Ang haggard ng fes mo." Komento ni Carmeen.

"I know right. Pero dyosa pa rin naman ako 'di ba?" Tanong ni Athena.

Hindi na sumagot si Carmeen, sa halip ay hinawakan ang kamay ni Athena at ngumiti sa kanya. Isang napakagandang ngiti mula sa isang tunay na kaibigan na kahit kailan ay hindi siya naiwan. Kahit muntik na talagang maging 'friendship over' sa pagitan nila, naging maayos pa rin. Dahil mahal nila ang isa't isa. Dahil magkaibigan sila.

Isa-isang nagsi-alisan ang mga bisita ni Athena. Naiwan si Athena na nakahiga at iniinda pa rin ang sakit ng mga tahi niya sa iba't ibang parte ng katawan. Pipikit na sana ito upang makapagpahinga nang may biglang pumasok sa kwarto niya.

Nakaramdam ito nang tuwa dahil inaasahan niyang iluluwa ng pinto ay ang lalakeng mahal niya subalit hindi-sapagkat si Yanna ang bumisita sa kanya.

Lumapit si Yanna sa higaan ni Athena. Nagkatitigan lang sila hanggang sa hawakan ni Yanna ang kamay ni Athena at nagsimulang... umiyak.

"It's enough." Pahayag ni Yanna, "It's... dead end."

Napakunot ng noo si Athena dahil hindi niya alam kung anong sinasabi ni Yanna.

"Now... I realized... my faults... I already realized... why he can't choose me. Why he can't love me... again. Now, I realized things... like, what makes him wants you more, what makes him love you more."

Sabi ni Yanna.

"Yanna-"

"He cares for you... he loves you Athena. And now I know why-it is because you, are who you are. I've realized that his heart... only distinguishes you. Ngayon alam ko na kung anong lamang mo, alam ko na kung bakit ikaw-Athena it's because you two are really in love with each other." Mas lalong humigpit ang hawak ni Yanna sa mga kamay ni Athena, "I am sorry... sorry if I need to tear you apart. Sorry if I interfere with your relationship. Sorry for showing you how selfish I am. Sorry... for everything."

Hinugot ni Yanna ang singsing sa daliri nito at isinuot sa kamay ni Athena.

"Happines is what he needs-and it is with you. Not me... never..."

Pinahid nito ang luha at dali-dali nang lumabas sa kwarto ni Athena.

Will she be happy now that her greatest rival surrendered?

She doesn't know.

Tinignan niya ang singsing na nasa kamay niya... ang tanging naisip niya ay si Zico... kung nasaan ito... at kung bakit wala ito sa tabi niya. If he really cares for her, if he really loves her... why is he not there by her side?

"Where are you now... Colosseus..." She said as she closed her eyes and begins to feel those tiny little diamonds in the ring.

####################################

EPILOGUE

####################################

EPILOGUE

--Zico's Pov--

Binuksan ko 'yung pinto ng kwarto ni Athena, lumapit ako sa higaan niya at pinagmasdan siya habang mahimbing na natutulog. Ang tahimik, ang inosente, ang ganda... sayang nga lang at kailangan ko siyang... iwanan.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya.

"Get well soon, Athena."

Hinalikan ko ang noo niya at pinagmasdan siyang muli. Tingin ko ay kailangan kong kabisaduhin ang lahat ng detalye ng mukha niya para hindi ko siya makalimutan habang malayo ako sa kanya. Pero paano nga kaya ako makakalayo sa isang katulad niya? Sa isang Athena Ericka Artemis? Sa babaeng mahal ko?

Paano nga kaya ako aalis sa tabi mo kung hawak mo ang puso ko?

"May mga kailangan lang akong tapusin. Pagkatapos 'nun, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo.

Promise." Bulong ko muli sa kanya.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Ayoko siyang iwanan. Ayokong lumayo sa kanya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan kong tumupad sa pangako. Sa kasunduan. Babalikan ko naman siya.

Sandaling-sandali lang akong mawawala... sana mahintay niya ako.

"I love you, Nana. Always and forever."

Naglakad na ako papalayo sa kama niya papunta sa pinto. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa kanya atyaka ako lumabas ng pinto.

Sandaling-sandali lang... babalikan ko rin siya...

===========================

2 effin' months later...

--Ericka's Pov--

*DING DONG!*

Dali-dali akong tumayo mula sa sofa na inuupuan ko at binuksan ang pinto. Shet sana siya na talaga 'to!

Pagbukas ko ng pinto...

"Pizza delivery po!"

Punyeta.

Agad akong napasimangot at ibinigay run sa delivery boy 'yung bayad at kinuha 'yung pizza na dala niya. Bumalik ako run sa sofa na lukot-lukot ang mukha at nilapag dun sa mesa 'yung pizza. Hmpf!

"O anak, bat lukot-lukot 'yang mukha mo?" Tanong ni Mama sa akin habang kumukuha ng pizza run sa box.

"Oo nga Athena, bakit? May ginawa bang masama sa'yo 'yung delivery boy? Sabihin mo lang at irereport natin." Wika naman ni Tito Sev.

Napasimangot ako at tinignan na lang 'yung kahon ng pizza.

"Hindi. Wala." Napabuntong hininga ako, "Hutanghena kase. Bakit hindi pa nagpapakita si Colosseus?!"

Kinuha ko 'yung maliit na unan sa tabi ko at niyakap 'yun.

"Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam sa'yo?" Tanong ni Tito Sev.

Nanlaki ang mata ko, "Patay na po ba siya?!"

Nagulat naman ako nang batukan ako ni Mama ng sobrang lakas. Huhuhu T^T hanggang ngayon ba naman battered child pa rin ako?!

"Boba! Huwag mo ngang sabihin 'yan!" Sabi ni Mama.

"Eh bakit wala pa rin siya? Simula nang ma-admit ako run sa ospital hanggang ngayon, magdadalawang buwan na Mama! Wala pa rin siya! Ni hindi nga siya umuuwi rito sa bahay eh!" Bulalas ko.

Dalawang buwan na mula nung ma-ospital ako hanggang sa makalabas ako eh wala pa rin kaming balita kay Colosseus. Nakakainis nga eh! Hindi na nga niya ako binisita run sa ospital hindi pa siya tumatawag o nagtetext sa akin! Kahit nga kay Tito Sev na sarili niyang Ama hindi siya nagpaparamdam eh! Minsan nga naiisip ko baka may masama nang nangyari sa kanya! Alam niyo 'yung pakiramdam na halos mamatay ka na sa pag-aalala?! And come to think of it, dalawang buwan na! Dalawang putanginang buwan na nag-aalala ako sa kanya! Nakakainis! >______<

Sabi ko kay Tito Sev i-report na sa pulis kasi baka may nangyari na ngang masama sa kanya pero ayaw naman ni Tito Sev. Sabi niya babalik din daw si Colosseus. Pero shet naman eh! Kailan?!

Aish! Kung kailan pwede na kami eh! Kung kailan wala ng Yanna, baby Zee tyaka pa siya mawawala?!

Teka-punyeta, huwag niyong sabihing sumama siya run sa Yanna?! Omaygash. Huwag naman sana 'di ba! Baka na-realize niyang kailangan siya nung mag-ina niya. Putek! Ayokong isipin na ganun nga kasi mas lalo lang akong naiinis! Sana man lang, kung babalikan niya si Yanna magpaalam siya sa akin!

Hindi 'yung unti-unti niya akong pinapatay sa pag-aalala!

"Anak, mabuti pa, panoorin mo na lang si Shomba, total paborito mo naman siya 'di ba? Maiwan ka na lang dito at magde-date na lang kami. Hihihi."

Agad akong napatingin kay Mama na para na namang butiki na kinikilig. Alam niyo bang kinasal na sila?

O 'di ba?! Kinasal na sila't lahat-lahat wala pa rin si Colosseus!

Pero teka, may good news kase! Buntis si Mama! O 'di ba?! Nabuntis pa siya! Lol. May magiging kapatid na kami ni Colosseus :3

"Sige, Athena. Bibili muna kami ng gamit ng baby namin." Sabi ni Tito Sev sabay ngiti. Tyaka na sila umalis.

Ibinaling ko ang tingin ko sa TV at ayun nga... si Shomba. Naalala ko pa 'tong babaeng 'to eh. Siya

'yung kinakatakutan ni Colosseus. Siya 'yung dahilan kung bakit muntik na kaming magkatikiman eh. Ay shet, pangit ng term. Mwhahaha! Pero... nakakamiss talaga 'yun. Nakakamiss 'yung mata niyang kung makatingin eh para kang tutunawin. Yung mukha niyang sobrang gwapo. Yung mga halik niya... shet!

Nakakaasar lang talaga at wala siya rito sa tabi ko. Kunti na lang siguro't mababaliw na ako.

Bumalik ka na kasi! T^T

*RING! RING! RING!*

Oyy ang pangit pala ng ringtone ko. Andugas :3

Wait. Sasagutin ko muna 'tong tawag. Galing sa kaklase ko sa Media Politics eh.

"Hello?" Sabi ko.

("Athena! Ano ka ba naman! Di ba ngayon 'yung usapan natin sa daycare center?! Bakit wala ka pa rito sa meeting place?! Nako, Athena! Dalawang oras na tayong late!") O_________O

Maygash! Nakalimutan ko! Sabado pala ngayon! Ngayon 'yung pinag-usapan naming araw kung kailan kami gagawa ng interview sa mga may ari ng daycare center! Shet!! Ako pa naman ang leader 'dun!

Putek! Putek!

"Ah! Putek! Nakalimutan ko! Sige, give me 10 minutes! Andyan na ako!"

Tapos ibinaba ko na 'yung tawag at kumaripas ng takbo sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad din akong nagbihis ng black sleeveless shirt tapos white shorts. Sinuot ko rin 'yung red converse ko tyaka hinablot 'yung shoulder bag ko na actually, wallet ang cellphone lang ang laman. Tumingin ako sa salamin at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Tangina, kahit siguro basahan ang suot ko

DYOSA pa rin ako! :3

Lumabas na ako ng bahay namin at ni-lock iyon. Pumara ako ng tricycle at agad naman akong ihinatid nun sa tapat ng isang drug store kung saan ang meeting place namin.

"Sa wakas! Andito na si Athena!" Sabi nung isa kong kaklase, Jinie ata pangalan?

"Pasensya naman daw at late ang dyosa niyo!" Sabi ko sa kanila.

"Tara na't mainit na ang ulo nung i-interview-hin natin!"

At dahil sila'y mayayaman, may dala silang van. Kaya dun kami sumakay at tumungo na run sa daycare center. Grabi, hindi ko naman kasi naalala kaagad na may gagawin pala kami ngayon! Alam niyo naman ako, puro Colosseus lang ang nasa utak. Nakakabwiset nga eh. Dahil sa pag-aalala ko sa kanya nakakalimutan ko na 'yung mga dapat kong gawin. Haaay... sige, hindi ko muna siya iisipin ngayon!

Tangina! Ang hirap T^T

Ilang sandali pa ay nakarating na kami run sa daycare center :3 Ang laki tapos mukhang bago pa.

Tapos 'yung pangalan ang simple-simple lang :3 Parang wala lang. DAYCARE CENTER, 'yun lang nakasulat. Ang boring 'nu? Sino kaya may ari neto at hindi man lang nag-isip ng magandang ipangalan dito sa business niya. Hmpf. Plain boring...

Pumasok kami run sa day care center, as usual, maraming bata. Malamang, day care nga eh 'di ba?

Ang gulo-gulo nila, actually. Nakakainis na nga eh. Ang dami-daming bumabangga sa aking bata. Pag ako talaga nainis ihahampas ko 'tong lahat sa pader! =_________= Pero syempre joke lang iyon, hindi naman ako sadista pagdating sa mga bata 'no. Mabait kaya ako :3

Anyway, naalala ko si Baby Zee =________= Yung batang iyon... kakaiba. Ni hindi pa nga ako nakapagpasalamat sa bubwit na 'yun eh. Sa sobrang talino 'kala mo kung sinong matanda kung makapagsalita. Tama nga talaga si Tito Sev, alam ni Baby Zee lahat. Naiintindihan niya.

Grabe sana ganun na lang ako katalino T^T

"O Leader, nandito na tayo sa tapat ng office nung owner. Pumasok ka na!" Utos sa akin nung isang kasama ko. Makapag-utos parang close kame eh 'no?

"Eh bakit ako lang?!" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Sino bang leader dito?" Tanong nung isa :3 Di ko kilala.

"Ako..." Sagot ko naman.

"O 'di pumasok ka na!" Sabi nilang tatlo sa akin sabay tulak.

Sabi ko nga, ako 'yung leader. Grabe, bakit hindi lang nila ako samahan?! Balita ko kasi ay nagmula sa mayamang angkan ang may ari ng daycare center na 'to, hindi kasi namin siya exactly na nakausap, secretary lang niya 'yung nakausap namin sa phone kasi nasa Japan siya nung mga panahong nakikipag-communicate kami rito tungkol sa interview. Eh balita ko nga rin ay kakarating lang nitong may ari ng day care last week. Yaman mga 'teh!

Speaking of Japan-naalala ko ang aking sister! Omegesh, hindi na kami war! Itinaas na namin ang puting bandila! Dahil ako'y DYOSA at lahat ng dyosa ay mababait at bilang mabait, alam kong magpatawad! Tyaka nakita ko kasing nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sa amin. Sa mga panggugulo niya. Tyaka, after all, kapatid ko pa rin siya. Bali-baliktarin man ang earth o ang Mount

Olympus na lupain ng mga dyosang katulad ko-still, kapatid ko pa rin siya. Pero syempre, mas dyosa ako sa kanya :3

Nagkabati pala kami bago siya bumalik ng Japan. Ewan ba, heart broken pa rin dahil kay Chron. Mahal pa raw kasi niya. Kaso etong si Chron may btch Scarlet na. Lab triangle na sana kaso sumuko na si sisterette Selene. Sayang. Pero sana mahanap na ni sisterette ang kanyang the one sa Japan. At sana hindi Hapon, dahil utang na loob, ayoko ng bayaw na Hapon. Ayokong mamilipit ang dila ko sa kakakausap sa kanya.

Speaking of btch-Scarlet. Wala. Wala akong updates tungkol sa gagang iyon. Iisa lang ang university na pinapasukan namin pero madalang na kaming magkita! Walang hiyang btch 'yun. Tinataguan ang kagandahan ko! Ang last kong balita tungkol sa kanya ay hindi niya raw tinitigilan ang pagu-upload ng videos ni Chron sa youtube habang pinapasayaw niya ng "Lovey Dovey". Kawawa naman si Chron.

Napunta sa luka-lukang babae =______=

Pero seryoso! Miss na miss ko na 'yung btch na 'yun kahit puro bangayan, murahan at walang katapusang tarayan ang ginagawa namin kapag nag-uusap o nagkakasama kami. Hmpf.

Anyways, balik tayo rito sa pagpasok ka sa loob ng office nung may ari netong daycare center. So ayun, pinihit ko na 'yung door knob at TENTENENTENTEN!! Isang gwapong-gwapo at oozing with sex appeal

na mukhang kabababa lang mula sa Mount Olympus ang kasalukuyang nakaupo sa isang itim na swivel chair. At talagang nakataas pa ang dalawang paa niya sa lamesa ha! Maygash, kay gwapong nilalang!

Syempre, ZARTE 'yan eh! Given na-GWAPO!

Zarte, QAZ ZARTE.

Siya, siya pala ang may ari ng boring na daycare center na ito?! Maygash. Bawas pogi points! Di man lang kasi alam magpangalan ng business! Ang boring boring tuloy. Pero in fairness, kahit boring at nameless ang day care center niya marami pa ring naaakit magpaalaga ng bata. Ang dami kasing batang nagkalat dito. Ano kaya ginagawa ni Qaz para maakit 'yung mga magulang 'non? Siguro naakit sila dahil gwapo si Qaz? Hehe. Pero in fairness, mas lalong naging pogi sa aking paningin ang isang ito

:""">

Pero syempre, forever Zico pa rin.

"Athena?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumayo siya tapos medyo lumapit sa akin. Ako naman, wala lang. Dalang-dala sa kagwapuhan ni Qaz.

Putek kasi. Kay gwapong nilalang! :""""> Ang hawt pa! Ang boba ni Carmeen 'no? Pinili si Elzid.

Pero syempre, joke lang iyon. Mas lalo ngang tumatag sina Carmeen at Elzid eh. Para ngang may balak na sila sa future nila. Tyaka lumipat na rin ng university si Elzid! Di kasi niya matiis si Carmeen iwanan tyaka gusto raw niya palagi niyang nakikita 'yung bespren kong 'yun. Ang swerteng baklita ni Carmeen

'no? Para ngang prinsesa ituring ni Elzid 'yun eh! Akala mo pigurin nab aka mabasag 'pag 'di iningatan.

Hmpf! Inggit ako :3

Ganun din daw si Psyche! Tinamaan ng lintek ang mokong at ayun, pinaglihi nga ata si Psyche sa buhawi at gerlpren kaagad 'yung Kathleen?! Ang tindi 'di ba?! Gaaash, ang malas ni Kathleen, like seriously! De jk lang. MWHAHAHA! Mabait naman si Psyche kahit papano, mapagmahal din. Di ko pa name-meet si Kathleen pero alam ko pesbuk niya! Ni-add ko nga siya eh! Ang ganda niya sa mga profile pictures niya! Ka-swerte ni Psyche! Pero nako, subukan niya lang paiyakin 'yung magandang iyon ang puputulan ko siya ng armas! If you know what I mean xD

Ahem, balik tayo kay hawt na hawt na si Qaz.

"So, business mo na 'to?" Tanong ko sa kanya.

Agad namang nanlaki ang mata nito at ngumiti, "Hindi ah! Ako?! Si Qaziel Zarte magpapatayo ng ganitong ka-cheap na business? What the hell?! My mother owns this..."

O____________O Ang OA mag-react?! Another bawas pogi points! Amf. Parang tinatanong lang or kinokumpirma, rather, ganun na ang expression?! Hay nako, Qaz, 'di ka pa rin nagbabago.

"Eh makapag-react wagas?!" Sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako, as in 'yung ngiting ginamit niya sa akin noon nung una kaming nagkita. So playboy pa rin siya? Ang huling kita ko nga kasi sa kanya eh nung parang binasted ata siya ni Carmeen? Tapos ngayon parang recharged ulit 'yung diwa niyang playboy at parang ako naman ang target! Hay nako, huwag mo ngang gawin 'yan at naaakit ako! Wala pa naman si Colosseus sa tabi-tabi! =______=

O____________O

Colosseus! TAMA! Baka alam ni Qaz kung nasaan si Colosseus! Kasi nga 'di ba, mag-pinsan sila!

Malay niyo baka nagkita sila.

Uwaaa! Sana alam niya!

"Ah, Qaz..." -Ako.

Binasa niya 'yung lips niya-fvck! Bakit ang sexy 'non?! Teka nga! Baka makalimutan ko 'yung itatanong ko sa kanya't bigla ko na lang basain 'yung labi niya sa pamamagitan ng dila ko-EWW, GROSS

=________=

"What?" Tanong nito sa akin.

"Alam mo ba kung nasaan si Colosseus?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot ang kilay ni Qaz. At umupo run sa table niya. Model ng Bench?! Ang gwapo eh :D

"Hindi mo alam kung nasan siya?!" Tanong nito sa akin =______=

"Jusme! Itatanong ko ba kung alam ko?! Ano ako, sabog?!" Sagot ko naman sa kanya.

Patience Ericka! Kailangan mo 'yun! Huwag na huwag kang maiinis! Tandaan mo-nagbabagong buhay ka na! Teka, para naman akong galing bilibid sa lagay na 'yun. Ah basta! Hindi dapat ako magalit.

Mabait na ako! Mabait na mabait! :3

"Putangina kasi! Umalis-alis hindi nagpapaalam!" Ayan! Kakasabi ko lang na ako'y mabait! Putek!

Patabas ko na lang kaya dila ko para hindi na ako makapagmura?

Huhuhu T^T Lintek na pagbabagong buhay 'yan! Ang hirap gawin!

"Hindi nagpaalam?" Tanong nito sa akin.

"Balak mo bang maging sirang plaka at inuulit-ulit mo 'yung mga sinasabi ko?!" Sabi ko sa kanya.

"Relax!" Wika niya sa akin habang nakangiti. Gash, basta Zarte ampogi! "Okay, alam ko kung nasaan ang pinsan ko-"

"ANO?! PUTANGINA NASAAN?! SHET! ILABAS MO SIYA! PUNYETA! ANG TAGAL-TAGAL KO NA

SIYANG HINIHINTAY HA! HALOS MAMATAY NA AKO SA PAG-AALALA SA KANYA! NASAAN SIYA?!

SAAN SIYA PUMUNTA?! BAKIT BIGLA NA LANG NIYA AKONG INIWAN NG WALA MAN LANG

PASABI?! AT TALAGANG-"

"Stop..." Bulong sa akin ni Qaz.

Kasalukuyan niya kasing tinatakpan ang aking precious red lips. Ang lapit-lapit niya sa akin at tinignan niya ako, mata sa mata. Kung kanina ay parang pinaglalaruan pa niya ako ngayon, sobrang seryoso na ng mukha niya. Parang as in sinasabi niya sa aking, 'manahimik ka kung ayaw mong halikan kita' -at dahil hindi naman niya 'yun sinabi as in, eh lutang ang dyosa kong diwa.

Teka~ kanina pa ako nalilinlang ng kagwapuhan ni Qaz ah! Kung anu-anong sinasabi't naiisip ko! Eh na kay Colosseus lang naman ang puso ko! Amf! Ang likot ko kasi! Eto tuloy =________=

"I said, relax. Don't shout. Don't talk. Just listen." Sabi niya sa akin.

Tapos pinakawalan na niya ang aking precious lips. Sige na nga, 'di muna ako magsasalita. Makinig kung makinig!

"He was in Japan-"

"ANO?! BAKIT-" Sinamaan ako ng tingin ni Qaz kaya huminto na lang ako. Oo nga pala, makikinig lang muna ako.

"Just listen, please..."

Pero bakit siya nasa Japan?! BAKEEEEEEEEEEEET?! At bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin?!

"2 months ago, nandun din ako. Nagkita kami. Sabi niya may aayusin lang siya sa Japan, sabi niya aayusin daw niya 'yung kanila ni Yanna-"

"What the-" Sinamaan ulit ako ng tingin ni Qaz. Okay, makikinig na ho. Di na magre-react.

Pero anak ng pusang gala! Bakit?! Ibig sabihin, pumunta siya ng Japan para kay Yanna?! Eh 'di ba nagparaya na 'yun?! Di ba sabi niya akin na si Colosseus?! Bakit kailangang habulin pa niya?! At anong aayusin niya?!

OMO!

Huwag niyong sabihin... huwag niyong sabihing magkakabalikan na sila?! Or should I say... nagkabalikan na sila?! FVCK! NO! NO!! I mean, huwag naman sanang ganun! Na hindi man lang nila sinasabi sa akin! Na hindi man lang pinaalam sa akin ni Colosseus! Parang sobrang sakit naman 'pag nalaman kong iniwan niya ako ng wala man lang sinabi para lang makipagbalikan dun sa Yanna na

'yun-oo may anak sila pero... putangina, karapatan ko pa rin namang malaman kung ayaw na sa akin ni

Colosseus 'di ba?!

Pinipigilan ko 'yung luha ko. Hinahawakan ko na lang 'yung singsing na binigay sa akin ni Yanna nung nasa ospital ako nun.

Sht... sht sana hindi ganun sa iniisip ko ang nangyayari...

"He lived in Japan for 2 months-with his son and Yanna..." FVCK.

Ayan na, hindi ko na napigilan 'yung waterfalls ng mata ko. Ayun na eh. Umiyak na ako ulit. Ilang beses na ba ako iiyak para kay Colosseus? Hindi ko na kasi mabilang sa sobrang dami eh. Tapos ngayon... ngayon malalaman kong iniwan niya ako para kay Yanna. Iniwan niya ako ng wala man lang sinasabi!

Iniwan niya akong muntangang naghihintay sa kanya. Iniwan niya akong malapit ng mabaliw dahil sa pag-aalala sa kanya.

Para sa pamilya niya-kay Yanna.

Masakit. Masakit kasi mahal ko siya. Pero mas masakit kasi hindi man lang niya sinabi sa akin. Hindi man lang siya nagpaalam. Matatanggap ko naman eh! Magsasakripisyo pa rin ako. Papalayain ko pa rin siya-pero sana sinabi niya. Sana sinabi niya para hindi ako parang tangang naghihintay sa kanya rito.

Siguro na-realize niyang kailangan siya ng anak niya. Siguro... na-realize niya ring si Yanna ang mahal niya.

Ang saklap. Ang saklap isipin. Pero mukhang totoo nga.

"Athena-Sorry, sorry kung hindi ko nasabi sa'yo. Nung nalaman kong nakatira siya sa mag-ina niya, umuwi na ako kaagad. Ayoko na kasing ma-envolve sa problema niya. You know what, I despise him so much. So I left. At dun nagsimula ang pagkakamali ko-hindi ko agad ipinarating sa'yo." Pahayag ni Qaz.

Nilapitan ako ni Qaz at hinagod ang likuran ko. Pilit niya akong pinapakalma at pinapatahan. Perot angina, baliwala lahat-lahat ng 'yan eh! Kasi sa loob ko 'yung masakit!-Yung mismong puso ko ang masakit! At wala kahit sino man ang makakapagpawala ng sakit na 'yun... wala... maliban kay

Colosseus.

Kaso nga lang wala siya rito. Na kay Yanna na.

Napatawa ako ng mapait. Na realize ko... ang tanga ko. Ang tanga-tanga kong naghintay at nag-alala para sa isang taong hindi man lang nagawang makaalala sa akin. Para sa isang taong hindi man lang nagawang magpaalam sa akin bago niya ako iwanan. Sana man lang kasi sinabi niyang ayaw na niya sa akin 'di ba? Sana sinabi niyang babalik na siya sa pers lab niya! Sana sinabi niyang hindi na niya ako mahal-o hindi niya talaga ako minahal para walang isang tangang DYOSA ang umiiyak at tumutulo ang sipon nang dahil sa kanya! Shet. Shet lang.

"N-Nasa Japan pa rin ba siya?" Tanong ko kay Qaz.

"No. Not anymore. He's... he's..."

Napabuntong hininga ito at napatingin sa likuran ko. Sa may pinto-napatingin din ako sa gawing iyon at ang mukha ng matagal ko ng hinahanap ang tumambad sa akin. Ang mukha niyang araw-araw ay laman ng panaginip ko. Ang mukha niyang oras-oras ay tumatakbo sa isipan ko. Ang mukha niya't pangalang... nakatatak sa puso ko.

"Zico..." Sambit ko.

"He's here..." Ani Qaz.

Napatingin ako sa mga mata niya-nung una kaming nagkita, nung unang beses na nagtama ang mga mata namin noong prom-bakit parang déjà vu? Parang bumalik kami noong mga panahong iyon. Yung tingin niya... 'yung tingin ng isang estrangherong bigla na lamang akong ginuyod sa gitna ng dance floor at isinayaw na wala man lang kahit anong salita ang binitawan.

Yung tingin niya... parang nung una kaming nagkita...

Dumako ang tingin ko kay Baby Zee na kasalukuyang nagtatago sa likod ng Ama nito. Napansin kong medyo tumangkad siya ng unti tapos medyo tumaba na rin.

Ikinagulat ko ang biglaang paglapit sa akin ni Colosseus-'yung tingin niya, nakakatakot pa rin. Para nga kaming bumalik noong mga panahong ayaw pa niya sa akin bilang future kapatid niya. Ang kaibahan nga lang, hindi ko na maialis ang tingin ko sa mga matang iyon. Kung noon ay takot na takot ako sa mga mata niyang iyon? Ngayon, pakiramdam ko, 'yun lang ang bagay na kailangan kong makita bago ako mamatay. Ang mga mata niyang iyon... ang pinakamagandang mata na nasilayan ko sa buong buhay ko...

Bigla na lamang niyang hinila si Qaz sa kwelyo nito at sinuntok. Napatakip ako ng bibig ko dahil sa pagkabigla. Agad na bumulagta si Qaz sa tindi ng suntok ni Colosseus sa kanya. Agad ding dumugo ang gilid ng labi nito.

Habang si Colosseus... galit na galit.... Para siyang... para siyang halimaw na handang pumatay ng taong wala namang sala. Malupit, mabagsik. Anong nangyayari sa'yo Colosseus?

"What was that for?!" Inis na inis na tanong ni Qaz habang nakasalampak pa rin sa sahig.

"For making her cry," Sambit ni Colosseus, "for messing up with my problems," Ipinatayo ni Colosseus si Qaz sa pamamagitan ng paghatak sa kwelyo nito, "and for telling her things you don't even know."

Muling sinuntok ni Colosseus si Qaz.

"Bakit?! Totoo naman ah! Tumira ka kasama si Yanna! Under one roof Zico! I saw it with my own fvcking eyes!" Sigaw naman ni Qaz.

"So you believed it?" Tanong ni Colosseus.

"Of course! Why shouldn't I?"

"You know nothing!" Sigaw naman ni Colosseus kay Qaz, "Get out!"

Nagtataka si Qaz dahil sa pinapaalis siya ni Colosseus. Malamang, office mo 'to tapos papaalisin ka?

Ano 'yun? Pero kasi, ngayon ko lang nakita si Colosseus na as in parang tigre kung magalit! Grabe, ganito pala siya magalit?

"Take him with you." Sabi ulit ni Colosseus sabay tingin kay Baby Zee na nakatingin din ng malamig sa

Ama niya. Tsk tsk, mag-ama nga sila.

Nakatingin ng matalim si Qaz kay hinawakan niya sa braso si Baby Zee at nagsimula nang lumabas ng pinto pero hindi pa rin naalis ang tingin niya kay Colosseus hanggang sa makalabas na ito ng sarili nitong opisina.

Bigla akong nakaramdam ng pagbilig ng tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan.

Bakit?

Dahil ba ngayon... sa wakas... ay nasa harapan ko na ulit siya? Kasama ko na ulit? Kaming dalawa ng lang ulit? May isang parte ng puso ko ang syempre tuwang-tuwa, sino ba namang hindi? Pero may isa ring parte ang nagluluksa-siguro kasi dahil sa sinabi ni Qaz pero hindi ko pa rin alam 'yung totoo... sana mali... sana iba 'yung katotohanang sinabi ni Qaz sa katotohanang sasabihin ni Colosseus.

Lumapit si Colosseus sa akin hanggang sa ilang inches na lang ang pagitan namin. Unti-unti ko ng nararamdaman ang paghinga niya. Unti-unti ko ng nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang mga puso namin, animo'y nagkasundo para makabuo ng iisang ritmo. Tila ba nagkakasundo.

Nahanap ng kamay niya ang pisngi ko. Hinawakan niya ito. Agad naman akong napapikit. Dahil sa wakas, naramdaman ko na rin ang hawak niya. Ang nakapapasong pakiramdam ng hawak niya. Ang masayang pakiramdam ngayong hawak-hawak niya ako.

Naramdaman ko rin ang unti-unting paglapit ng malalambot niyang labi sa labi ko-pero biglang namutawi sa akin ang sinabi ni Qaz kanina. Bigla ko ring naalalang... iniwan niya ako.

Mabilis ko siyang sinampal gamit ang buo kong lakas.

"Athena," Habang hawak niya ang namumulang pisngi niya ay biglang sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi, "even though you slapped me... I'm happy. I am now happy." Tumingin ito sa akin, "I will always be happy whenever your skin meets mine. It's been a long time, right?"

Napaiyak muli ako. Paano ba niya nagagawang ngumiti sa harapan ko?! Matapos niya akong iwanan pagkatapos ng dalawang buwan, ngingitian na lang niya ako?! Oo, dalawang buwan, sobrang ikling panahon pero tangina naman, hindi siya nagpaalam! At 'yun ang nakapagpabigat sa dalawang buwan na 'yun!

Tapos ngayon... paano niya nagagawang ngumiti?!

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri nito.

"I-Please, I don't wanna see your tears." Hinalikan niya ang noo ko at nagsalita, "I'm now here, in front of you. Aren't you happy?"

"Iniwanan mo ako, paano ako magiging masaya?" Tanong ko sa kanya.

Niyakap niya ako. At nang maramdaman ko ang init ng yakap na iyon, automatic na nagdiwang ang puso ko. Ito, ito ang matagal ko ng hinahanap, ang matagal ko ng gustong gawin. Ang mayakap siya.

Kung hindi lang sana siya nawala... kung nagpaalam lang muna sana siya...

"Pero bumalik na ako. You should be happy."

"Why did you leave?"

"It's so good to know that you didn't consider what that bastard told you a while ago," It's obvious, he's talking about Qaz, "I'll tell you everything okay?"

"Just... truths... please..." Pakiusap ko sa kanya.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa magkayakap kami, alam kong nakangiti si Colosseus ngayon. Alam ko, nararamdaman ko.

"Just truths." Humigpit ang yakap nito sa akin at nagsimula nang magpaliwanag, "Yes, I lived in Japan for 2 months, with Rin and Yanna," Napapikit ako. Ang sakit eh, kasi totoo pala 'yung sinabi ni Qaz. Ang sakit kasi nalaman mong sa 2 months na 'yun, si Yanna 'yung kasama niya, saklap lang. "But it's because of Rin. 2 months ago, remember when you took him to the park? When he told you he wanted you to be with me... it was a plan, Athena." Nanlaki ang mata ko. Plan? Anong klaseng plan? Paano? "I know how smart my son is, so I told him everything. I told him how much I love you, Athena. I told him that I wanna be with you. So he agreed with the plan. He helped me. But in return, I must live in Japan for 2 months together with his mother. He said he just wanted to make his mother happy, so I also agreed. Then Yanna, sacrificed, right?" Muli kong naalala 'yung singsing sa kamay ko na bigay ni

Yanna, "That ended all the conflicts that our love had. I took care of everything for 2 months. I settled everything that's between Yanna and I. That 2 months, that 2 months is for us, love."

Natawa ako. Kung bobo ako kanina, mas bobo pala ako ngayon. Hindi ko kasi pinaniwalaan 'yung sinabi niyang mahal niya ako. Hindi ko kasi pinaniwalaang ako lang. Kaya eto, nasaktan ako ng dahil sa maling dahilan. Akala ko, akala ko wala na siya eh. Akala ko sumama na siya kay Yanna. Yun pala... sumama siya para sa akin-para sa amin.

Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko-tears of joy na. Salamat naman...

Humiwalay siya sa yakap at tumingin sa akin, "I know, you thought that I left you? That I left you for

Yanna? That I have come to realize that what my love for you is nothing compared for the love that I had for Yanna?" Pinunasan muli niya ang mga luha ko, "Can't you trust me, Athena? Can't you trust this... this love that I have for you?" Yumuko ako, trying to avoid his eyes pero itinaas niya ang baba ko at nagtama muli ang mga mata namin, "Answer me."

"A-Akala ko kasi-Akala ko mawawala ka na. Akala ko sumama ka na kay Yanna. Akala ko na-realize mo nang hindi ako-na si Yanna talaga." Wika ko habang umiiyak pa rin. Humahagulgol, rather.

Ngumiti ulit siya, "Why is it so hard for you to believe? Why is it so hard for you to accept, the I do, love you?"

"Ewan ko-para kasing, para kasing you're so good to be true? Alam mo 'yun? Hindi ko kasi maisip naganito, na kaya mo akong mahalin ng ganito... ng-"

"Ng sobra-sobra?" Tanong nito sa akin sabay ngiti.

Hindi kalaunan ay napangiti na rin ako, "You're so good to be true." Sabi ko ulit sa kanya.

"But I am. I am true. Right in front of you. I am true." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilagay

'yun sa left chest niya, where his heart lies :""> "This love, is true."

"Colosseus..."

Bago pa man ako makapagsalita, ayun, inangkin na niya ng bonggang-bongga ang aking precious lips!

Putakte. Umiyak-iyak pa ako eh happy, happy naman pala kasunod nito! Hmpf. Sayang luha ng dyosa mga 'teh! xD

"Bakit pala galit sa'yo si Qaz?" Tanong ko kay Colosseus.

"I dunno. Maybe because I'm so much better than him." Sabay smirk niya.

O__________O

Omaygash! Si Colosseus natuto nang magyabang! Shet ang gwapo talaga niya! Huhuhuhu T^T Naiiyak ako, grabe ka-swerte ko ngay sa taong 'to! Never in my life na naisip kong magkakaron ako ng ganitong lalake sa buhay ko. At alam ko, walang permanente sa mundo, pero hanggang nasa akin pa, susulitin ko na at gagawin ko ang lahat para maging permanente siya sa mundo ko.

Mwehehehe. Ayuko na. Tapos na ako rito. Andito na ulit si Colosseus sa harapan ko. I won't let him go away, not anymore!

"Eh bakit pala hindi ka nagpaalam sa akin bago ka umalis?" Tanong ko muli sa kanya habang nakapout.

"Because I know, you will never let me. And I told you, I don't wanna see your tears." Tapos ngumiti ulit siya.

Yung ngiti niya talaga napaka-comforting! Alam mo 'yung feeling na ngiti pa lang niya feeling mo nasa langit ka na? Shemaaaaaaaay :"""> So saya! Mwhahahaha!

Teka! Matatapos na 'tong kwentong 'to, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya kung anong puno't dulo nito.

Hahahaha!

"Colosseus!" Tawag ko sa kanya sabay punta run sa may bintana, binuksan ko 'yun at itinuro 'yung dalawang couples na naglalakad, "Alam mo ba kung kailan 'yan magbre-break?" Tanong ko sa kanya sabay ngisi.

"Huh?" Nalilitong sabi ni Colosseus.

"September 7, 2012." Sagot ko sabay smirk.

"Ano bang sinasabi-"

"Ikaw pala ang huling makakaalam ng paborito kong libangan." Sabi ko with matching ngisi.

Nakakunot ang noo niya at halatang hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. MWHAHAHAHA!

Alam niyo naman ako, habang tumatagal lalong gumagaling. Tignan niyo nga naman! Nag-upgrade na ako oyy! Alam ko na ang EXACT date ng break-up! MWHAHAHA! Omegesh, I'm so brilliant! :)))))

"Libangan?" -Colosseus.

Lumapit ako sa kanya at ngumisi. Bumulong ako sa tenga niya...

"You're in love with The Break-Up Planner, baby."

e n d .

_________________

NOTE: WALA PONG BOOK 2;; SALAMAT PO.

Download