Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo Ester T. Rada, PhD, San Beda College-Manila, Philippines Abstract This paper discusses the bases of developing a test instrument to measure the cognitive academic language proficiency focusing on the writing skill of Filipino college students. The study consists of two parts: 1) development of a test instrument and 2) experts’ validation of the instrument and administration of the test instrument to first and second year students of the College of Arts and Sciences in San Beda College, Manila. The construction of the test instrument was founded on the basic principles stemmed from the following linguistic theories: Cummins’ Basic Interpersonal Communicative Skill (BICS) and Cognitive Academic Language Proficiency (CALP), Chamot and Malley’s Cognitive Academic Language Learning Approach (CALLA), Douglas and McNamara’s Language for Specific Purposes, Palma’s Curriculum Development System, and Process Writing Approach using Analytic scale particularly the modified Diederich scale for the evaluation of the essay part of the test. The test instrument is divided into two parts: 1) linguistic knowledge - composed of 75 items using varied test types such as multiple choice, matching type and cloze test pertaining to Vocabulary, Correct Usage, Phonology, and Morphology. 2) essay writing – composed of a rhetorical device particularly an expository text that serves as the stimulus/springboard for answering the guide questions employing lower-and higher-order thinking skills and for the prompt to come up with a whole essay integrating all the answers to the given questions. Based on the results of the study, 11 out of 214 respondents got a “good” mark, 201 got “average” mark and two (2) got “weak” mark. No one reached an “excellent” mark nor “poor” mark based on the scoring evaluation criteria made by the researcher. In the linguistic knowledge, most of the respondents find the “correct usage” and “vocabulary” items the most difficult. In the essay part, the respondents were marked “good” in the lower-order thinking skill and “average” in the higher-order-thinking skill. The results were consistent with statistical tools used: item analysis, degree of difficulty, point biserial correlation and cronbach alpha of .77 (base 50 mark). The items in the correct usage and vocabulary were the most difficult among the respondents. Statistical results though modest still conform to acceptable standard in statistics especially for a pilot test. The test made us realize that grammar lessons should be given utmost attention in the writing of the syllabus/curriculum even in the college levels. At present, grammar teaching is only incidental and no longer an important part of the curriculum in college especially in Filipino courses which is believed to be the first language of the students especially those located in Metro Manila. Proficiency in grammar and richness of vocabulary are essential knowledge in the development of the writing skill in the students. Academic Filipino language should be taught to the students at certain extent to develop their cognitive aspect of learning. The trend of bilingual speaking called “Taglish” (mixed Tagalog and English words instead of fluent English and Filipino) in media and elsewhere may be the culprit for the low proficiency of students in academic language. Therefore, teaching strategies should be well-thought out to be able to raise the proficiency level of students to develop their cognitive dimension in the process. Abstrak Ang pananaliksik na ito ay may kinalaman sa pagbuo ng instrumento upang masukat ang kakayahang pangwika sa Filipino na nakatuon sa kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang pag-aaral ay binubuo ng dalawang bahagi: una, ang pagbuo ng instrumento at ikalawa, balidasyon ng mga bihasa sa larangan ng wikang Filipino at pagsusulit gayundin balidasyon ng mga estudyanteng nasa Una at Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Kolehiyo ng San Beda. Naging batayang teorya sa pagbuo ng instrumento ang mga prinsipyong Basic Interpersonal Communicative Skill (BICS) at Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) ni Cummins, Cognitive Academic Language Learning Approach (CALLA), Language for Specific Purposes, Curriculum Development System, at Process Writing Approach. Gumamit ng Iskalang Analitik at Diederich scale sa pagtaya ng sanaysay. Binubuo ang pagsusulit ng 75 aytem na multiple choice, matching type at cloze test kaugnay sa Talasalitaan, Wastong Gamit, Ponolohiya at Morpolohiya. Ang ikalawang bahagi ng pagsusulit ay ang pagsulat ng sanaysay na may kinalaman sa retorika at kognitibong dimensyon tulad ng Kaalaman, Pag-unawa, Paglalapat, Pagsusuri, Pagbubuod at Pagtataya. Lumalabas sa pag-aaral na sampu sa 214 respondiente ang Magaling, 202 ang Katamtamang Galing at dalawa ang Mahina. Sa bahaging Wastong Gamit higit na nakita ang mababang marka. Sa kognitibong dimensyon, Magaling ang iskor ng karamihan ng mga respondiente sa mababang antas ng pag-iisip (lower-order thinking skill) at Katamtamang Galing naman sa mataas na antas ng pag-iisip (higher-order thinking skill). Sa estadistika, ginamit ang mga statististical tool sa item analysis na KR-20, degree of difficulty, point biserial correlation at coefficient alpha. Sinuri ang resulta ng pagsusulit sa pamamagitan ng Statistical Packages for the Social Sciences (SPSS). Lumabas sa resulta ang KR-20 = .50 at coefficient alpha na .70. Ganoong hindi kataasan ay acceptable at standard na resulta ito lalo na isang inisyal na pagsusulit o pilot test. Batay sa pag-aaral na ito, dapat bigyang-tuon ang kakayahan ng mga estudyante sa wastong gamit ng mga salita na bahagi ng balarila/gramatika ng wikang Filipino at talasaltaan. Sa kasalukuyang kalakaran ng pagtuturo at eksposyur ng mga kabataan sa wika lalo na sa media hindi pinagtutuunang-pansin ang wastong gramatika. Mahalagang bahagi ng paglinang ng kasanayang pagsulat at maging sa iba pang kasanayang pangkomunikasyon ang kaalaman sa gramatika. Kaugnay rin ng pag-aaral ang pagpaplano sa istratehiya sa pagtuturo upang mapataas ang kognitibong dimensyon ng pag-iisip ng mga estudyante na umabot na sa kolehiyo. Panimula Sa harap ng mga suliranin ukol sa pagbaba ng katatasan sa wikang Ingles at kaalinsabay nito ang hindi gaanong pag-unlad at pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang wikang panturo naging isang malaking usapin at hamon ang pag-aaral sa angkop na dulog at metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Maminta, 2001). Ayon sa mga paham sa wika, magkatuwang ang wikang Ingles at Filipino sa konteksto ng edukasyon sa Pilipinas bunga ng Edukasyong Bilinggwal kung saan nagtatakda ng mga asignatura sa paggamit ng wikang panturong Ingles at Filipino. Kung kaya’t dapat magkatuwang ang dalawang wikang ito kaysa nagsasapawan (“complementary rather than overlapping”). Ibig mabatid ng pananaliksik na ito ang kakayahang pangwika ng mga mag-aaral sa Filipino sa kognitibong domeyn sa tulong ng instrumento o pagsusulit na susukat o magtataya sa kakayahang ito. Nilalayon nitong makabahagi sa programa sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino kung saan itinatanghal ang wikang pambansa bilang instrumento sa pagkikipagtalastasan sa intelektwal na diskurso. Kaligiran ng Pag-aaral Ang Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika o ang tinatawag na Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) ay tumutukoy sa pormal na akademikong pagkatuto ng wika taliwas sa Batayang Interpersonal na Kakayahang Pangkomunikatibo o Basic Interpersonal Communicative Skills (BICS) na tumutukoy lamang sa kumbersasyonal na kakayahan sa pakikipagtalastasan. Sa bilinggwal na sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang BICS at CALP ang ginagamit na teorya at batayan ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino at Ingles (Cabuhat, 2002). Ipinakilala ni Jim Cummins (1979) ang mga akronim na BICS at CALP bilang pagtataya sa pagkakaiba ng pagkatuto o katatasan sa wika sa pangkaraniwang sitwasyong pangkomunikatibo at sa akademikong antas. Ayon sa pag-aaral ni Cummins, may mga mag-aaral na bagama’t masasabing matatas sa pakikipag-usap o may tinatawag na basic fluency ngunit batay sa mga pagsusulit ay nagpapakita ng mababang antas sa akademikong gawain at sa kanilang kakayahang mag-isip o sikolohikal na pagtaya (psychological assessments). Mababanggit na sinundan pa ang pag-aaral na ito ni Cummins ng iba pang teorista (hal. Bruner [1975] Communicative and Analytic Competence; Donaldson [1978] Embedded and Disembedded Language; Olson [1977] Utterance and Text) upang mapag-aralan pa ang pagkakaiba ng BICS at CALP. (Cummins and Swain, 1986; http://www.iteachilearn.com/cummins/bicscalp.html). Kaugnay ng CALP ang Interdependence Hypothesis ng unang wika (L1) at pangalawang wika (L2). Ayon dito, may kakayahan ang tao na maging matatas sa parehong wika, kung may angkop na motibasyon lamang at karanasan. Interdependence hypothesis maintains that experience in either language, language one or language two, promotes development of proficiencies in both, if the process of linguistic development is supported with adequate motivation and exposure (Maminta 2001, 76). Bahagi ng konseptong ito, pinaniniwalaang may tinatawag na Common Underlying Proficiency (CUP) para sa L1 at L2. Bagama’t may magkaibang istruktura (surface structures) ang kani-kaniyang wika, may tinatawag na base o pundasyon ang mga istruktura ng mga wika. Applying the concept of CUP to the BICS-CALP dimension, it means that interdependence of skills exists within the CALP or cognitive academic language proficiency. Therefore, developing higher level … thinking skills in Filipino or the first language for example, is also developing these skills in English or the second language, or vice versa (Maminta 2001, 78). Kaugnay pa rin ng teorya ni Cummins ukol sa pag-uugnayan (interdependence) ng dalawang wika ay ang tinatawag namang threshold level hypothesis. Itinatakda nito ang antas at uri (type) ng katatasan sa wika bilang kondisyon para sa matagumpay na pagsasalin ng kasanayan sa parehong wika. Malaking salik ang kahandaan sa mga kognitibong gawain sa unang wika sa pagkatuto sa pangalawang wika. Bagama’t sinasabing hindi ito ganap (absolute) may mga pag-aaral na nagpapatunay na nakaaapekto ang kakayahang pangwika gamit ang unang wika sa antas ng katatasan sa pangalawang wika. (Maminta 2001, 78-79) Banghay at Daloy ng Pag-aaral Ang teoryang CALP ang naging batayan ng pag-aaral na ito sa pagtataya ng katatasan sa wikang Filipino. Narito ang ilustrasyon ng pagkakaiba ng BICS at CALP ni Cummins (1982). Prosesong Kognitibo Kaalaman Pag-unawa Aplikasyon Analisis Sintesis Ebalwasyon Kahusayang Kumbersasyonal (BICS) Kahusayang Kognitibo/Akademik (CALP) Prosesong Pangwika Pagbigkas Bokabularyo Gramar Semantikang Kahulugan Punksyonal na Kahulugan Pigura 1 - Mababaw at Malalim na Antas ng Kahusayang Pangwika (mula sa manuskrito nina Constantino at Rada sa Filipino 2) (Isinaayos mula kay Marietta Otero (2000), “Content-Based Instruction For The Development of Cognitive Academic Language Proficiency,” nasa Philippine Journal for Language Teaching vol. XXXIX, Mayo, 2000 pp. 32-39.) Sa pag-aaral ni Montaňano (1993) na siya ring naging padron sa pag-aaral na ito, ginamit niya ang klasipikasyon ni Bloom (Bloom’s taxonomy) sa pagsukat ng kognitibong domeyn at kaagapay ang CALP ni Cummins para sa pagtataya ng kahusayang pangwika ng mga mag-aaral. Karagdagan sa pag-aaral na ito, isinaalangalang ang Akademikong Gamit ng Wika at antas ng kalidad ng pag-iisip batay sa Cognitive Academic Language Learning Approach (CALLA) na siya ring tinukoy bilang prosesong kognitibo. Tingnan ang kasunod na dayagram: Akademikong Gamit ng Wika Maghanap ng Impormasyon (Seek Information) Prosesong Kognitibo Kaalaman (Knowledge) Prosesong Pangwika C Sangkap sa Pagsulat Magbigay-kaalaman Pag-unawa (Comprehension) A (Inform) Maghinuha (Infer) Magbigay-katwiran (Justify) Talasalitaaan (vocabulary) Mag-ugnay (Relate) Paglalapat (Application) Balarila (grammar) Maghambing Pagsusuri (Analysis) (Compare) Magsunud-sunod (Order) Mag-isa-isa/ Maggrupo (Classify) Magsuri (Analyze) Magbuod(Synthesize) Pagbubuod (Synthesis) ng wika Magbigay-solusyon (Solve) Magbigay-dahilan Tayahin (Evaluate) Pagtataya (Evaluation) L P Semantikong kahulugan sa Punksyonal na kahulugan o gamit Filipino Pigura 2 – Antas ng Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino sa Kasanayang Pasulat Ayon kay Cummins (1979), may dalawang salik na nakaaapekto sa pang-unawa sa wika: konteksto at kognitibo. Mas matagal, aniya, natututunan ang akademikong wika kaysa wika sa pakikisalamuha (social language) dahil higit na nangangailangan ng kakayahang kognitibo ang wikang akademiko. May tiyak na mga layunin ang akademikong wika tulad ng pagbibigay-impormasyon, paglalarawan ng mga abstraktong kaisipan at paglinang ng kakayahan sa pag-unawa ng mga konsepto. Magkaugnay ang prosesong pangwika at prosesong kognitibo. Sa prosesong pangwika, nabibilang dito ang batayang kaalaman sa mga sangkap sa pagsulat, talasalitaan at balarila at sa mas malalim na antas ang pang-unawa sa semantikong kahulugan at punksyunal na kahulugan ng mga salita o gamit ng wika. Sa pagsasagawa ng mga gamit pangwika sa akademikong larangan, kailangan ang parehong mababa at mataas na antas ng pag-iisip (lower-order and higher-order thinking skills). Halimbawa ng mababang antas ng pag-iisip ang pagaalala o paggunita sa dati nang natutunan sa pagkilala ng mga talasalitaan at kahulugan. Sa mataas na antas ng pag-iisip naman ang pagsusuri, pagbubuod at pagtatasa. May malapit na ugnayan ang gamit ng wika at antas ng kakayahan sa pag-iisip (Chamot and O’Malley, 40-42). Sa pag-aaral na ito, matutunghayan sa ibaba ang naging daloy ng pag-aaral. Sa pagbuo ng instrumento naging batayan ang iba pang dulog sa kakayahang pangwika bukod pa sa CALP at CALLA. Isinaalang-alang din sa komponent ng pagsusulit ang Language for Specific Purposes (LSP) nina Douglas at McNamara (2000) kung saan isinasaad na may tiyak na wika partikular sa larangan o disiplina ng pag-aaral. Dito nasasangkot ang paggamit ng rehistro kung saan ang paggamit ng wika lalo na ang teknikal na mga termino ay depende sa larangan dahil sa pag-iiba ng kahulugan kaugnay sa larangan ng pag-aaral. Ginamit sa instrumento ang iba’t ibang akdang panretorika tulad ng agham at agham pampulitika kung kaya’t may mga ginamit dito na teknikal na mga termino. Sa pagbuo ng talahanayan ng ispesipikasyon ng pagsusulit, nakatulong ang Curriculum Development System (CDS, 1992) na isa sa mga batayang aklat sa mga kursong may kinalaman sa pagbuo ng kurikulum. Ang Process Writing Aproach ay bahagi ng programang CALLA at ang iskalang Analitik ay nakatuon sa pagtataya ng kasanayang pagsulat na tuon ng pag-aaral na ito. Ginamit ang Diederich scale na isang halimbawa sa pagtatasa ng pagsulat sa iskalang Analitik. Pagbuo ng instrumento ng mananaliksik Pagbibigay-bisa sa instrumento/ rebisyon Paggamit/pagpapasagot ng instrumento Pagsusuring estadistika Pigura 3 – Daloy ng Pag-aaral Batayan - Mga Teorya/Dulog ukol sa Kahusayang Pangwika: BICS/CALP CALLA LSP CDS Process Writing Approach Iskalang Analitik/Diederich scale Dalawang eksperto Una at Ikalawang Antas sa Kolehiyo Paglalahad, Pagbibigay-kahulugan at Pagsusuri ng mga Datos Matutunghayan dito ang presentasyon, interpretasyon at analisis ng mga datos batay sa mga layunin ng pag-aaral at resulta ng paunang pagsubok (pilot test) ayon sa iskor at estadistikang ginamit. A. Mga batayan ng pagbuo ng instrumento 1. Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika (Cognitive Academic Language Proficiency - CALP) - isa sa mga teorya ni Cummins (1979) na nagbibigay ng kaibhan sa isa pa nitong teorya na tinatawag na Batayang Interpersonal na Kakayahang Pangkomunikatibo (Basic Interpersonal Communicative Skill - BICS) na tumutukoy lamang sa kumbersasyonal na kakayahan sa pakikipagtalastasan. Ang CALP ang siyang wikang ginagamit sa akademikong larangan at nangangailangan ng mas malalim na pag-iisip. Nag-ugat ito sa kognitibong domeyn ng pag-aaral ni Bloom (1956) na tumutukoy sa mababaw at malalim na antas ng pag-iisip sa kahusayang pangwika ((lower-order and higher-order thinking skills). Halimbawa ng mababang antas ng pag-iisip ang pag-aalala o paggunita sa dati nang natutunan sa pagkilala ng mga talasalitaan at kahulugan o kaalaman (knowledge), pag-unawa (comprehension) at paglalapat (application). Sa mataas na antas ng pag-iisip naman ang pagsusuri (analysis), pagbubuod (synthesis) at pagtatasa (evaluation). Paano ito nagamit sa instrumento? Sa pag-aaral ng semantiks na nasa antas ng CALP, may iba-ibang kahulugan ang salita at ang pagpili ng angkop na kahulugan ng ibinigay na salita ay batay sa konteksto ng pangungusap. Halimbawa: Sa pagsagot sa bahaging Talasalitaan sa instrumento, sinusuri ng kumukuha ng pagsusulit ang kahulugan ng sinalungguhitang salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Tunghayan ang dalawang aytem mula sa instrumento kung saan nahirapan ang mga estudyante: 1. Iyon ang tawag sa kanya ng balana. a. sinuman b. masa c. mayayaman d. anuman Ang tamang sagot ay a. sinuman. Ibig sabihin ng balana ay lahat ng tao kaya kung susuriin hindi masa ang sagot dahil tumutukoy lamang ito sa mga taong nasa nakabababang antas sa lipunan at hindi naman mayayaman dahil sila naman ang nakatataas sa lipunan kung antas ng ekonomiya ang pag-uusapan at lalong hindi anuman dahil tumutukoy lamang ito sa bagay. Sa pagsusuri, pagbubuod at pagtataya ng pinakatamang sagot ang sinuman ang tumutukoy sa lahat ng tao maging anumang antas sa lipunan. Kaya masasabing hindi nakaabot sa mas malalim na pag-iisip ang mga estudyante sa unang bilang pa lamang ng aytem sa pagsusulit dahil 28% lamang ang nakakuha nito nang tama. 8. May tila bahaw na alingawngaw sa kanyang dibdib. a. mahinang tinig b. di mawari c. malamig na d. kaba pakiramdam Ang tamang sagot ay a. mahinang tinig. Karaniwang iniuugnay sa kaning lamig ang salitang “bahaw.” Subalit sa pangungusap kasunod ito ng salitang “alingawngaw” na maiuugnay sa tunog. Kung gayon hindi maaaring di mawari, malamig na pakiramdam at kaba dahil pawang mga damdamin ito at walang kinalaman sa tunog. Ang di mawari ay maaaring kaugnay sa pag-iisip din ngunit wala pa ring kinalaman sa tunog na kaugnay naman ng salitang alingangaw. Masasabing idyomatiko ang pangungusap na isa pa ring paraan ng 6 pagpapakahulugan sa salita sa linggwistika at ang pagsusuri at pagtataya ay nasa antas ng CALP. Sa item analysis, 13% lamang ng respondiente ang nakakuha nito nang tama. Ang mga aytem sa mga bahaging wastong gamit, ponolohiya at morpolohiya ay nangangailangan lamang ng batayang kaalaman sa wika kung gayon ay nasa antas ng BICS lamang subalit maaaring hindi nagkaroon ng pagalala sa dating kaalaman kung kayat mababa rin ang bilang ng mga estudyanteng nakakuha nito nang tama maliban sa bahaging ponolohiya kung saan lahat ng aytem ay madali sa mga respondiente. 2. Cognitive Academic Language Learning Approach – CALLA (Chamot at Malley, 1994) – Nagpapaliwanag ito ng modelong pampagtuturo upang matugunan ang akademikong pangangailangan ng mga estudyante sa pagkatuto ng wika. Naniniwala ang programang ito na ang kognitibong pagkatuto ng wika ay makatutulong sa mabilis na pagkatuto rin sa iba’t ibang asignatura (content area). Nag-ugat din ito sa CALP at iniisa rito ang gamit ng akademikong wika tulad ng mga sumusunod: 1) Maghanap ng Impormasyon – isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid at paggalugad sa kapaligiran; pagkuha ng mga impormasyon at pagtatanong. 2) Magbigay-impormasyon – magtukoy, mag-ulat o maglarawan ng impormasyon ang ilan sa mga gawaing kaugnay nito. 3) Maghambing – maglarawan ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay at ideya. 4) Mag-ayos – pagkakasunud-sunod ito ng mga bagay, ideya o mga pangyayari. 5) Mag-uri – paggugrupo ito ng mga bagay o ideya ayon sa mga katangian ng mga ito. 6) Magsuri – paghihiwalay ito sa bahagi; pagtukoy ng ugnayan at padron. 7) Maghinuha - pagbibigay ito ng mga palagay, implikasyon sa nabatid na mga impormasyon. 8) Mangatwiran at manghikayat – pagbibigay ng dahilan kung bakit ginawa ang aksyon o desisyon at kung bakit ganoon ang pananaw at sa huli, paghihikayat sa iba sa ganito ring kaisipan. 9) Lumutas ng suliranin – bigyang-kahulugan ang problema at tumukoy ng solusyon dito. 10) Magbuod – pagsasama ito ng mga ideya upang makabuo ng mga bagong kaisipan. 11) Magtaya – tayahin ang kahalagahan ng isang bagay, ideya o pasya. Higit na nagamit ang mga tanong na ito sa bahaging sanaysay ng instrumento. Mula sa pagbibigay ng sagot na tuwirang nagmula sa akda hanggang sa paglalahad ng mga dahilan sa pinaniniwalaang katotohanan. Halimbawa: Kaalaman – Ano ang tinutukoy na dalawang mukha ng syensya? Pag-unawa – Higit bang nakatutulong ang syensya sa tao kaysa nagiging sanhi ng kapahamakan? Ipaliwanag ang sagot. Paglalapat -Sampung taon mula ngayon, sa patuloy na pag-unlad ng syensya at teknolohiya, sa palagay mo ba, magdudulot ito ng higit na kapakinabangan sa tao o kapinsalaan? Magbigay ng maaaring sitwasyon o dahilan ng iyong mga palagay. Pagsusuri - Gumawa ng dayagram o web ng sanhi at bunga ng dalawang mukha ng syensya at ipaliwanag ang ginawang dayagram. Pagbubuod - Anong suliranin ang inilahad? May solusyon ba? Pangatwiranan. Iugnay ang paglalahad sa kabutihan at di kabutihan ng mga argumento sa akda. Ilapat ito sa karanasan, obserbasyon, o pagbabasa at hindi mula sa sariling opinyon lamang. Pagtataya - May magagawa ba ang tao upang maiwasan ang masamang dulot ng syensya? Ipaliwanag ang ibig sabihin ng huling talata. Sang-ayon ka ba rito o hindi? Bakit? 7 3. Curriculum Development System – CDS (Palma, 1992) – Ayon dito dapat may Talahanayan ng Ispesipikasyon sa gagawing pagsusulit. Iniisa-isa rito ang mga layunin, kasanayan o konseptong nililinang, uri ng aytem, dami ng aytem, bilang ng aytem, at porsyento ng mga aytem kaugnay sa layunin. Sa ginawang instrumento, ang dimensyon ng kognitibong domeyn na sinusukat sa bawat aytem ang isinama bilang kasanayan o konseptong nililinang gayundin ang akademikong kakayahang pangwika batay sa CALLA ang idinagdag. Naging batayan din ang CDS sa pagbuo ng ilang aytem sa talatanungan para sa mga bihasang nagsuri ng instrumento. Ilan sa mga nakapaloob dito ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pagsusulit: 1) pormat o dapat userfriendly. Dapat may “eye appeal” at hindi magulo ang espasyo (spacing) at palugit (margin), 2) wastong pagkakasunud-sunod ng mga test item – mula sa madali patungo sa mahirap upang maihanda muna ang isip ng kukuha ng pagsusulit, 3) pagsulat ng panuto na dapat tiyak kung ano ang hinihingi o gagawin ng estudyante. Dapat, malinaw (clear), maikli (concise) at nauunawaan (comprehensible), 4) tekstwal (o antas ng talasalitaan, haba ng pangungusap, tipo ng letra o kalidad ng pag-imprenta) at ilustrasyon (kalinawan ng detalye at katumpakan ng reproduksyon) at iba pa. 4. Wika sa Tiyak na mga Layunin (Language for Specific Purposes - LSP nina Douglas at McNamara, 2000) kung saan isinasaad na may tiyak na wika partikular sa larangan o disiplina ng pag-aaral. Dito nasasangkot ang paggamit ng rehistro kung saan ang paggamit ng wika lalo na ang teknikal na mga termino ay depende sa larangan dahil sa pag-iiba ng kahulugan kaugnay sa larangan ng pagaaral. Naging batayan din ito ng paggawa ng mga komponent ng aytem sa pagsusulit, prompt, rubrik at deskriptibong talahanayan ng ispesipikasyon. Kaugnay nito ang theory of communicative competence ni Hymes (Douglas, 2000). Inisa-isa nina Canale & Swain (1980) ang mga komponent ng kaalaman/kahusayang pangwika: 1) kahusayang pambalarila (grammatical or formal competence) – balarila, lexis (talasalitaan) at ponolohiya; 2) kahusayang sosyolinggwistika (sociolinguistic competence) – kaalaman sa panuntunan sa wikang gagamitin at kung ano ang angkop ayon sa sitwasyon tulad ng iba’t ibang nag-uusap, tagpuan at paksa. May kaugnayan ito sa diyalekto (wika batay sa lugar o rehiyon), rehistro/register (wika batay sa kurso o larangan/disiplina), pagiging natural, pagsasaalang-alang sa aspektong kultural at mga tayutay (figures of speech); 3) kahusayan sa istratehiya (strategic competence) – kakayahang umangkop sa sitwasyon gayong di wasto ang sitwasyon lalo na sa pangalawang wika. May kaugnayan ito sa metakognitibo (kontrol sa sariling proseso ng pagiisip) at komunikatibong kaalaman ng kasangkot sa komunikasyon. Ito ang paguugnay sa dating kaalaman at kaalamang pangwika ayon sa konteksto ng sitwasyon (Douglas). Kaugnay nito, binubuo ito ng pagbuo ng layunin (goal setting) o pagpapasya kung sasagot o hindi sa sitwasyon kung paano tutugunan ang sitwasyon, pagpaplano (planning) o pagpapasya kung anong elemento ng wika ang kailangan, at kontrol sa pagpapahayag (control of execution) o pagbubuo ng mga elemento kung paano maisasakatuparan ang plano. 4) kahusayang pandiskurso (discourse competence) - kaalaman ito kung paano palalawakin ang paggamit ng wika batay sa konteksto (McNamara). 5. Process Writing Approach (Roe et al., 1998) – may dalawang dulog sa pagtataya ng sulatin dito – ang holistik at analitik. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang analitik kung saan hindi lamang binibigyang-tuon ang mga katangian ng sulatin sa 8 epektibong pagsulat kundi may tiyak na puntos (point values) sa bawat katangian. Dito sinusuma ang iskor sa bawat katangian para sa kabuuang grado o marka. Ang Diederich Scale ang isang halimbawa ng iskalang analitik. Ang mga iskor dito ay: 1 napakahina (poor), 2 mahina (weak), 3 katamtamang galing, (average) 4 magaling (good), 5 napakagaling (excellent). Sinusukat dito ang mga sumusunod: 1) kalidad at pagbuo ng mga ideya at organisasyon, kabuluhan (relevance) at daloy. 2) istilo, sangkap, at indibidwalidad at pagbuo ng mga salita at parirala. At 3) gramatika at istruktura ng mga pangungusap, bantas, baybay at anyo at kalinawan ng sulat (legibility). 6. Mga institusyong nagsasagawa ng pagtataya sa antas ng kahusayang pangwika ACTFL, Assessment Analytics, Inc. Online Solutions, The APC Center, ACTU, KWF, IELTS, UETESOL, OET, at TOEFL. Pinagbatayan ito ng uri ng pagsusulit (standardized at criterion-referenced test), haba o tagal ng oras ng pagsusulit, pormat ng mga aytem, pagmamarka, metrics, descriptive bands, rubrik, prompt, at mga kalakasan at kahinaan nito batay sa pagsusuri ng mga eksperto upang mapabuti ang pagbuo ng instrumento. B. Proseso ng balidasyon ng mga bihasa Pumili ng mga bihasa mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Pamantasang De La Salle – Maynila (DLSU). Kapwa sila guro sa Filipino nang 38 taon. Kapwa administrador – kasalukuyang registrar ng UP ang una at dating vice dean ang ikalawa. Parehong professorial chair holder. Gayundin, kapwa kasapi ng CHED Panel sa pagbuo ng kurikulum. Gumagawa rin sila ng pagsusulit sa UPCAT, DOST, DepEd at civil service eligibility examinations. Sa pagsusuri ng papel, binasa nila ang kabuuan nito bago pinagtuunang-pansin ang instrumento. Ilan sa mga puntos na natutunan ko ay ang pagpili ng mga pagpipiliang sagot na maaari o posible ngunit may isa lamang pinakatamang sagot. Isa pa, ayon sa kanila, iwasan ang paggamit ng aytem na “lahat ng mga nabanggit” o wala sa mga nabanggit.” Hindi malilinang ang malalim na pag-iisip sa mga estudyante kung ganitong pagpipilian dahil ito ang pinakamadali nilang mapipili sakaling ayaw na nilang mag-isip. C. Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices) ng isang pagsusulit. validity – pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa itinuro ng guro (Palma, CDS). Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa isang criterion-referenced test (Popham, 1971). May kinalaman ang validity sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa hangarin ng pagtuturo (Popham at Douglas). May kinalaman din ito sa kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable) bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya (Brown, 1980 at Douglas). May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content validity, construct validity, face validity, at consequential validity (McNamara, 2000) . criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit. Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo, kurikulum at iba pa (Brown). 9 content validity, pinagtutuunan nito ang domeyn o kasanayan at personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang layunin ng pagaaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng mga bihasa sa larangan ng pagaaral sa mga aytem sa pagsusulit (Brown). construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral. Layunin nitong mailarawan ang katangiang sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan, ang construct validity ay kalipunan ng mga ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa iba’t ibang sitwasyon (Brown). Dahil pilot test lamang ang pag-aaral at mula lamang sa San Beda College ang sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang talatuntunang ito. face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung katanggap-tanggap sa gagamit nito (McNamara). consequential validity sinusukat dito ang magiging bunga (consequences) nito sa kumukuha ng pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit ng kakayahan ng mga estudyante (McNamara). reliability – nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at “dependable” o magagamit muli sa hinaharap (Palma, Popham, McNamara). May mga uri ng reliability: reliability coefficient at coefficient of equivalence (Brown). Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng tinatawag na error sa iskor. Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong domeyn?. objectivity – pagtiyak ito sa pagkawala ng mga salik na maaaring makaapekto sa resulta ng pagsusulit. Maaari itong internal o kalagayan ng kumukuha ng pagsusulit tulad ng kalusugan at sikolohikal o emosyon at eksternal na salik o kapaligiran tulad ng bentilasyon, ingay, ilaw at iba pa (Palma). Sa isinagawang pagsusulit, ilan sa mga salik na maaring nakaapekto sa pagsagot sa pagsusulit ang katatapos lamang na hating-semestreng pagsusulit kaya nahirapan ang mga estudyanteng magseryoso sa panibagong pagsusulit. May mga gurong nagbigay ng insentibo para ipasa ang pagsusulit ngunit ang ilan ay iniisip na isa lamang itong pananaliksik at hindi makaaapekto sa kanilang grado sa asignatura. Ang ilan ay gusto lamang ma-excuse sa kanilang klase kasabay ng pagsusulit at hindi gaanong seryoso. Sa kabuuan, marami ring pinag-igihan ang pagsusulit subalit maaring ganoon lamang ang kayang maabot ng pag-iisip sa pagkakataong iyon dahil ang iba ay nahirapan na raw matandaan ang pinag-aralan. D. Resulta ng Pag-aaral Batay sa resulta may 11 estudyante sa 214 sampol ang nakakuha ng markang Magaling at 5.1% ito ng populasyon, 201 naman ang Katamtamang Galing ang marka na 10 93.92% at dalawang (2) estudyante ang Mahina o .93% ng sampol. Walang nakakuha ng Napakagaling at Napakahinang marka. Batay naman sa iskor sa antas na kognitibo: Magaling ang marka ng kabuuang sampol sa Kaalaman (76%), Pag-unawa (68%), Paglalapat (63%) samantala, Katamtamang Galing ang marka ng kabuuang sampol sa mas mataas na antas (higherorder thinking skill) na Pagsusuri (56%), Pagbubuod (56%) at Pagtataya (54%). Sa bahaging linggwistika na kung saan scantron sheet ang ginamit ang seksyon sa Ponolohiya ang nagtala ng may mataas na bahagdan (84.11%), sinundan ng Morpolohiya (72.73%), Talasalitaan (56.41%), cloze test (51.32%) at ang pinakamababa ang Wastong Gamit (46.52%). Sa item analysis, ginamit ang degree of difficulty. Ang degree of difficulty ay nagsasabi kung ilang respondiente ang nakakuha nang tama sa bawat aytem. Ang aytem 1 ay nakakuha ng .28 – nangangahulugan itong 28% lamang ng respondiente ang nasagutan ang aytem nang tama. Ang pamantayang sinusunod sa pagsusuri nito ang mga sumusunod: 50% pababa ay mahirap, 51%-84% ay bahagya lamang, 85% pataas ay madali. Lumalabas sa pag-aaral na: mahirap bahagya madali A. Talasalitaan (aytem 1-25) 10 12 3 B. Wastong Gamit 10 9 1 (26-45) C. Ponolohiya (4650) 5 D. Morpolohiya (515 8 2 65) E. Cloze test (66-75) 5 4 1 Pigura 4 – Bahagdan ng kahirapan ng aytem ayon sa bahagi sa instrumento Ginamit din ang point biserial correlation. May mga aytem na maaaring tanggalin at baguhin kaya maaaring maging 50 aytem na lamang ang bahaging linggwistika upang mabigyang-tuon ang pagsulat ng sanaysay na siyang punto ng pagsusulit – ang gawaing pasulat. Sa kabuuan, nakakuha ng KR-20 na .77 (base 50) na maituturing na standard at acceptable statistics sa isang pilot test. Ang natitirang 50 aytem kung magrerebisa ay ideyal pa rin sa pamantayan ng estadistika. E. Pagsusuri Batay sa degree of difficulty higit na nahirapan ang mga respondiente sa bahaging Wastong Gamit at Talasalitaan. Dito matataya ang kasanayang pangwika na masasabing hindi pa nalilinang sa mga estudyante. Kung tatanungin ang pananaw ng mga guro sa wika, inaasahan na nila ito dahil talaga namang hirap sa pag-unawa at pag-alala ang mga estudyante sa mga salita sa Filipino bunsod na rin ng namamayaning wika sa lipunan ngayon na tinatawag na “Taglish.” Kung gayon, ang konseptong BICS o kumbersasyonal lamang ang higit na nalilinang sa mga estudyante at hindi ang akademikong wika na higit na nangangailangan ng kognitibong antas. Dahil dito, dapat pag-ibayuhin ang pag-aaral sa gramatika sa unang taon ng mga estudyante sa kolehiyo. Isama sa silabus sa unang bahagi ng semestre ang mga aralin 11 ukol sa gramatika at gawing palagian ang pagwawasto sa lahat ng gawain sa klase lalo na sa kasanayang pagsasalita at pagsulat. Bigyang-diin din ang ilang puntos sa mga gawaing pakikinig at pagbasa ang wastong gamit ng mga salita na karaniwang nagiging mali o common errors lalo na midya kung saan higit na nakaiimpluwensya sa mga tao. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Narito ang lagom ng pag-aaral at batay sa resulta ng pag-aaral, tunghayan ang maibibigay na mga kongklusyon: 1. Sa pag-aaral ng batayan sa pagbuo ng instrumento na susukat sa kognitibong akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyante sa kolehiyo, nabuo ng mananaliksik ang sumusunod na mga batayan mula sa mga teorya at prinsipyo ukol sa katatasang pangwika: • • Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika (Cognitive Academic Language Proficiency - CALP) - isa sa mga teorya ni Cummins na nagbibigay ng kaibhan sa isa pa nitong teorya na tinatawag na Batayang Interpersonal na Kakayahang Pangkomunikatibo (Basic Interpersonal Communicative Skill - BICS) na tumutukoy lamang sa kumbersasyonal na kakayahan sa pakikipagtalastasan. Ang CALP ang siyang wikang ginagamit sa akademikong larangan at nangangailangan ng mas malalim na pag-iisip. Nag-ugat ito sa kognitibong domeyn ng pag-aaral ni Bloom na tumutukoy sa mababaw at malalim na antas ng pag-iisip sa kahusayang pangwika ((lower-order and higher-order thinking skills). Halimbawa ng mababang antas ng pag-iisip ang pag-aalala o paggunita sa dati nang natutunan sa pagkilala ng mga talasalitaan at kahulugan o kaalaman (knowledge), pag-unawa (comprehension) at paglalapat (application). Sa mataas na antas ng pag-iisip naman ang pagsusuri (analysis), pagbubuod (synthesis) at pagtatasa (evaluation). May malapit na ugnayan ang gamit ng wika at antas ng kakayahan sa pag-iisip. Cognitive Academic Language Learning Approach (CALLA) – Nagpapaliwanag ito ng modelong pampagtuturo upang matugunan ang akademikong pangangailangan ng mga estudyante sa pagkatuto ng wika. Naniniwala ang programang ito na ang kognitibong pagkatuto ng wika ay makatutulong sa mabilis na pagkatuto rin sa iba’t ibang asignatura (content area). Nag-ugat naman ito sa CALP at iniisa rito ang gamit ng akademikong wika tulad ng mga sumusunod: 1) Maghanap ng Impormasyon – isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid at paggalugad sa kapaligiran; pagkuha ng mga impormasyon at pagtatanong. 2) Magbigay-impormasyon – magtukoy, mag-ulat o maglarawan ng impormasyon ang ilan sa mga gawaing kaugnay nito. 3) Maghambing – maglarawan ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay at ideya. 4) Mag-ayos – pagkakasunud-sunod ito ng mga bagay, ideya o mga pangyayari. 5) Mag-uri – paggugrupo ito ng mga bagay o ideya ayon sa mga katangian ng mga ito. 6) Magsuri – paghihiwalay ito sa bahagi; pagtukoy ng ugnayan at padron. 7) Maghinuha - pagbibigay ito ng mga palagay, implikasyon sa nabatid na mga impormasyon. 8) Mangatwiran at manghikayat – pagbibigay ng dahilan kung bakit ginawa ang aksyon o desisyon at kung bakit ganoon ang pananaw at sa huli, paghihikayat sa iba sa ganito ring kaisipan. 9) Lumutas ng suliranin – bigyang-kahulugan ang problema at tumukoy ng solusyon dito. 10) Magbuod – pagsasama ito ng 12 • • • mga ideya upang makabuo ng mga bagong kaisipan. 11) Magtaya – tayahin ang kahalagahan ng isang bagay, ideya o pasya. Process Writing Approach – may dalawang dulog sa pagtataya ng sulatin dito – ang holistik at analitik. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang analitik kung saan hindi lamang binibigyang-tuon ang mga katangian ng sulatin sa epektibong pagsulat kundi may tiyak na puntos (point values) sa bawat katangian. Dito sinusuma ang iskor sa bawat katangian para sa kabuuang grado o marka. Ang Diederich Scale ang isang halimbawa ng iskalang analitik. Ang mga iskor dito ay: 1 napakahina (poor), 2 mahina (weak), 3 katamtamang galing, (average) 4 magaling (good), 5 napakagaling (excellent). Sinusukat dito ang mga sumusunod: 1) kalidad at pagbuo ng mga ideya at organisasyon, kabuluhan (relevance) at daloy. 2) istilo, sangkap, at indibidwalidad at pagbuo ng mga salita at parirala. At 3) gramatika at istruktura ng mga pangungusap, bantas, baybay at anyo at kalinawan ng sulat (legibility). Wika sa Tiyak na mga Layunin (Language for Specific Purposes - LSP) nina Douglas at McNamara kung saan isinasaad na may tiyak na wika partikular sa larangan o disiplina ng pag-aaral. Dito nasasangkot ang paggamit ng rehistro kung saan ang paggamit ng wika lalo na ang teknikal na mga termino ay depende sa larangan dahil sa pag-iiba ng kahulugan kaugnay sa larangan ng pag-aaral. Naging batayan din ito ng paggawa ng mga komponent ng aytem sa pagsusulit, prompt, rubrik at deskriptibong talahanayan ng ispesipikasyon. Kaugnay nito ang theory of communicative competence ni Hymes. Inisaisa nina Canale & Swain ang mga komponent ng kaalaman/kahusayang pangwika: 1) kahusayang pambalarila (grammatical or formal competence) – balarila, lexis (talasalitaan) at ponolohiya; 2) kahusayang sosyolinggwistika (sociolinguistic competence) – kaalaman sa panuntunan sa wikang gagamitin at kung ano ang angkop ayon sa sitwasyon tulad ng iba’t ibang nag-uusap, tagpuan at paksa. May kaugnayan ito sa diyalekto (wika batay sa lugar o rehiyon), rehistro/register (wika batay sa kurso o larangan/disiplina), pagiging natural, pagsasaalang-alang sa aspektong kultural at mga tayutay (figures of speech); 3) kahusayan sa istratehiya (strategic competence) – kakayahang umangkop sa sitwasyon gayong di wasto ang sitwasyon lalo na sa pangalawang wika. May kaugnayan ito sa metakognitibo (kontrol sa sariling proseso ng pag-iisip) at komunikatibong kaalaman ng kasangkot sa komunikasyon. Ito ang pag-uugnay sa dating kaalaman at kaalamang pangwika ayon sa konteksto ng sitwasyon. Kaugnay nito, binubuo ito ng pagbuo ng layunin (goal setting) o pagpapasya kung sasagot o hindi sa sitwasyon kung paano tutugunan ang sitwasyon, pagpaplano (planning) o pagpapasya kung anong elemento ng wika ang kailangan, at kontrol sa pagpapahayag (control of execution) o pagbubuo ng mga elemento kung paano maisasakatuparan ang plano. 4) kahusayang pandiskurso (discourse competence) - kaalaman ito kung paano palalawakin ang paggamit ng wika batay sa konteksto. Pagbuo ng Talahanayan ng Ispesipikasyon – Iniisa-isa rito ang mga layunin, dimensyon ng kognitibong domeyn na sinusukat sa bawat aytem, akademikong kakayahang pangwika batay sa CALLA, uri ng pagsusulit, bilang ng aytem at porsyento ng pagmamarka ng mga aytem sa kabuuan ng pagsusulit. 13 • • Curriculum Development System – Ilan sa mga nakapaloob dito ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pagsusulit: 1) pormat o dapat userfriendly. Dapat may “eye appeal” at hindi magulo ang espasyo (spacing) at palugit (margin), 2) wastong pagkakasunud-sunod ng mga test item – mula sa madali patungo sa mahirap upang maihanda muna ang isip ng kukuha ng pagsusulit, 3) pagsulat ng panuto na dapat tiyak kung ano ang hinihingi o gagawin ng estudyante. Dapat, malinaw (clear), maikli (concise) at nauunawaan (comprehensible), 4) tekstwal (o antas ng talasalitaan, haba ng pangungusap, tipo ng letra o kalidad ng pagimprenta) at ilustrasyon (kalinawan ng detalye at katumpakan ng reproduksyon). Naging batayan din ang CDS ng talahanayan ng ispesipikasyon sa pag-aaral na ito. Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices) ng isang pagsusulit. validity – pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa itinuro ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa isang criterionreferenced test. May kinalaman ang validity sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa hangarin ng pagtuturo. May kinalaman din ito sa kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable) bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya. May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content validity, construct validity, face validity, at consequential validity . criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit. Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo, kurikulum at iba pa. content validity, pinagtutuunan ang domeyn o kasanayan at personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang layunin ng pagaaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa pagsusulit. construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral. Layunin nitong mailarawan ang katangiang sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan, ang construct validity ay kalipunan ng mga ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa iba’t ibang sitwasyon. Dahil pilot test lamang ang pag-aaral at mula lamang sa San Beda College ang sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang talatuntunang ito. face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung katanggap-tanggap sa gagamit nito. consequential validity sinusukat dito ang magiging bunga (consequences) nito sa kumukuha ng pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit ng kakayahan ng mga estudyante. 14 reliability – nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at “dependable” o magagamit muli sa hinaharap May mga uri ng reliability: reliability coefficient at coefficient of equivalence. Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng tinatawag na error sa iskor. Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong domeyn?. objectivity – pagtiyak ito sa pagkawala ng mga salik na maaaring makaapekto sa resulta ng pagsusulit. Maaari itong internal o kalagayan ng kumukuha ng pagsusulit tulad ng kalusugan at sikolohikal o emosyon at eksternal na salik o kapaligiran tulad ng bentilasyon, ingay, ilaw at iba pa. • Mga institusyong nagsasagawa ng pagtataya sa antas ng kahusayang pangwika - ACTFL, Assessment Analytics, Inc. Online Solutions, The APC Center, ACTU, KWF, IELTS, UETESOL, OET, at TOEFL. Pinagbatayan ito ng uri ng pagsusulit (standardized at criterion-referenced test), haba o tagal ng oras ng pagsusulit, pormat ng mga aytem, pagmamarka, metrics, descriptive bands, rubrik, prompt, at mga kalakasan at kahinaan nito batay sa pagsusuri ng mga eksperto upang mapabuti ang pagbuo ng instrumento. 2. Napag-alaman sa pag-aaral na mahina ang mga estudyante sa kolehiyo sa gramatika o wastong gamit sa Filipino. Bagama’t sa kabuuang marka, lumalabas na may Katamtamang Galing (average) ang mga respondiente sa wikang Filipino. Sa aspektong kognitibo Magaling (good) ang marka ng kabuuang sampol sa mababaw na antas ng kahusayang pangwika (lower-order thinking skill): Kaalaman (76%), Pag-unawa (68%), Paglalapat (63%) samantala, Katamtamang Galing ang marka ng kabuuang sampol sa malalim na antas (higher-order thinking skill) na Pagsusuri (56%), Pagbubuod (56%) at Pagtataya (54%). Walang nakakuha ng markang Napakagaling (excellent) at Napakahina (poor). Rekomendasyon Narito ang rekomendasyon, batay sa ginawang pag-aaral: 1. Naniniwala ang mananaliksik na masusi ang ginawang proseso upang matukoy ang mga batayan sa pagbuo ng instrumento bagama’t maaari pang suriin ang mga aytem ayon sa kalalabasan ng estadistika sa mga sumusunod pang balidasyon o administrasyon ng pagsusulit sa iba’t ibang grupo ng sampol ng populasyon. 2. Kaugnay nito, iminumungkahi ang pagpapatuloy ng administrasyon ng pagsusulit upang matiyak ang mga aspekto ng kahusayang pangwika na dapat malinang pa sa mga estudyante lalo na sa antas ng kolehiyo. 3. Sa kasalukuyang kalakaran ng pagtuturo, mapapansing hindi na gaanong napagtutuunan ang pagtuturo ng gramatika at masasabing incidental teaching na lamang ito. Dahil nasa antas na ng kolehiyo ang mga estudyante, dapat sana ay 15 nalinang na ang aspektong ito sa larangan ng kahusayang pangwika upang higit sanang mapaunlad pa ang kognitibong domeyn sa pagkatuto. Ang pag-aaral sa istruktura at gramatika ay napapaloob sa mababaw na antas ng kahusayang pangwika kung kaya’t nahihirapan ang mga estudyante sa mas malalim na pagkatuto dahil hindi pa nila nalilinang ang matibay na pundasyon ng pagkatuto ng wika kaya matatagalan pa upang makaakyat sila sa mas mataas na antas ng pag-iisip o mas malalim na antas sa kahusayang pangwika. Masasabing may kaugnayan ang pag-aaral ng wika sa paglinang ng mas malalim na pag-iisip dahil wika ang ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto sa anumang asignatura (content area). 4. Mahalagang mapag-aralan ang katangian (characteristics) ng mga estudyante na pumapasok sa kolehiyo upang mabatid ang angkop na pagbabago sa silabus. Iminumungkahi ang pre-test para sa naunang layunin at post test naman upang mabatid kung epektibo ang nilalaman o kontent ng silabus at istratehiya sa pagtuturo sa kolehiyo. Mga Sanggunian Aiken, L. R. (1998). Tests & examinations measuring abilities and performance. New York: John Wiley & Sons, Inc. Almario, V. S. (2001). “Panaginip ng Wikang Pambansa,” Daluyan, X:1. Diliman, Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – Unibersidad ng Pilipinas. American Council on the Teaching of Foreign Languages (ACTFL). (n.d.) New York: White Plains. Anderson, L.W. & Krathwohl, D. R. (2001). A taxonomy for learning, teaching and assessing: A revision of Bloom’s taxonomy of educational objectives. USA: Addison Wesley Longman, Inc. Assessment Analytics, Inc. Online Solutions. Makati City: Ayala Avenue, MM Phils. Asia-Pacific Computer Technology Center Inc. (The APC Center). Bisa, S. P. Magpahayag ka. Manila: De La Salle University Press. Bloom, B. S. Ed. (1956). Taxonomy of educational objectives: The classification of educational goals. USA: David Mckay Co. Brown, F. G. (1980). Guidelines for test use: A commentary on the standards for educational and psychological tests. Iowa State University National Council on Measurement in Education. Bumbao Jr., M. E. (2002). “Development and evaluation of computer-assisted Instruction on sining ng pakikipagtalastasan” A Special Project Presented to the Faculty of the College of Graduate Studies in Philippine Normal University (Manila) and Asia Pacific College (Makati). Cabuhat, A. S. (2002)“Ang Filipino bilang sabjek sa batayang edukasyon tuon sa interaktiv kurikulum: Tungo sa pagpapaunlad at pagbabago.” Pasig City: Department of Education. Center for Educational Measurement. Admission Test for Colleges and Universities (ACTU). (1996). Makati City MM Phils. Chamot, A. U. & O’Malley, J. M.. (1994). The CALLA handbook: Implementing the cognitive academic language learning approach. Massachusetts: Addison-Wesley Publishing Co. Cubar, N. I & Cubar, E. H. (1990). Writing Filipino grammar: Traditions and trends. Quezon City: Office of Research Coordination of the University of the Philippines. Cummins, Jim & Swain, Merrill. (1986). Bilingualism in education. London: Longman Group Limited. 16 Douglas, D. (2000). Assessing languages for specific purposes. United Kungdom: Cambridge University Press. Douglas, D. & Chapelle, C. Eds. (1993) A new decade of language testing research: Selected papers for the 1990 language testing research colloquim. Teachers of English to Speakers of other Languages, (TESOL) Inc. USA: Alexandria, Virginia, 98-122. Ilagan, J. G. (1985). “A test of communicative competence in the use of Pilipino in Social Studies for Grade 6 pupils.” PhD diss. PNC-DLSU-Ateneo Consortium, Manila. Komisyon sa Wikang Filipino. (2008). Manila: San Miguel. Kunman, A. J. Ed. (2000). Studies in language testing fairness and validation in language assessment: Selected papers from the 19th Language Testing Research Colloquim, Orlando Florida. Great Britain: Cambridge University Press, 129152. Lim, M. S. (1996). “Ang Kaugnayan ng saloobin ng mga mag-aaral sa Filipino sa kanilang kakayahang pang-akademiko sa mga asignaturang itinuturo sa Filipino.” Tanging Proyekto sa Gradwadong Antas sa Pamantasang Normal ng Pilipinas Tungo sa Pagtatamo ng Diplomang Gradwado sa Ispesyalisasyon sa Pagtuturo ng Filipino. Maminta, R. E. (2001). In Focus; Selected writings in applied linguistics. The Philippine Association for Language Teaching, Inc., 11-35, 69-119. Miclat, M. I. & Baquiran, R. P. Jr. Eds. (1999). Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, Sistemang Unibersidad ng Pilipinas. McNamara, T. (2000). Language Testing. Oxford University Press. Montañano, R. L. (1993). “Higher-order cognitive skills in Filipino towards measurable criteria for describing Cummin’s CALP.” PhD diss. Manila: De La Salle University. Montanano, R. L.. (1996). “The Cognitive/Academic Language Proficiency in Filipino of honor students at two selected secondary schools.” Philippine Journal of Linguistics. Vol. 27, Nos. 1-2, 73-80. O’ Grady, W., Dobrovolsky, M. & Katamba, F. (1997a) Contemporary linguistics: An introduction. New York: Addison Wesley Longman Ltd. Pagkalinawan, L. C. & Mambiar, A. F. Filipino para sa iskolarling pagpapahayag. University of Asia and the Pacific. Palma, J. C. (1992). Curriculum development system: A handbook for school practitioners in Basic Education. Mandaluyong City: National Book Store. ___________ & Mogol, Martha A. 1997 (2nd printing). Grammar and Composition. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. Panganiban, J.V. (1972). Diksyunaryo-Tesauro PILIPINO-INGLES. Popham, W. J. Ed. (1971). Criterion-referenced measurement. New Jersey: Englewood Cliff Educational Technical Publications. Roe, B. D. et. al. (1998). The content areas. New York: Houghton, Mifflin Co. Schachter, P. & Otanes, F. T. (1972). Tagalog reference grammar. London: University of California Press. Tobias, C. C. (2003). “The development of a Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) test.” A Seminar Paper Presented to the Faculty of Philippine Normal University. Wittrock, M. C. et. al., (1991). Testing and cognition. New Jersey: Prentice Hall. http://www.ncela.gwu.edu?pubs/wabe/brj/v19/19-34-chamot.pdf. http://www.mess. Learning.aau.dk/ProjDisc/Gellert.pdf. http://www.iteachlearn.com/cummins/bicscalp.html. (wikipedia, ^ TOEFL® iBT Locations and Dates). 17 (A paper presented to the 2nd International Conference on Filipino as a Global Language on January 15-18, 2010 at the Mission Valley Hilton, San Diego, California, USA.) 18