MODYUL 1 jhemamorbatiles@gmail.com Ang modyul na ito ay ginawa upang magsilbing alternatibong kagamitan para sa mga magaaral na may asignaturang Filipino 1: Retorika/Masining na Pagpapahayag. Ang perquisite sa Filipino 1 bago ang Filipino 2 (Panitikan ng Pilipinas), kailangang ikaw ay kumuha ng asignaturang Filipino 1 bago ang Filipino 2. Sa pagtatapos ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay tinataya batay sa kanilang kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga, una ang kaalaman na kung saan inaasahan ang mga magaaral na matukoy ang katuturan, kahalagahan at element ng retorika, makilala ang wastong paggamit ng pangungusap at talata sa pagsulat ng komposisyon o sanaysay, maisa-isa ang mga alusyon, idyoma at tayutay na magagamit sa pagsasalin, matukoy ang mga paraan at anyo ng pagsasaling wika at matukoy ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag na magagamit sa paglikha ng komiks at awitin, pagtatanghal ng dulang panradyo at pantelebisyon, pakikipanayam at pagsusuri ng akdang pampanitikan at pelikula. Pangalawa, ang kasanayan ng mga mag-aaral na makasulat ng sanaysay o komposisyon, makalikha ng sariling komiks at awit gamit ang mga alusyon, idyoma at tayutay, gumawa ng panayan para sa pagsulat ng dulang panradyo, pantelebisyon at makasuri ng isang akda at pelikula. Pangatlo, ang pagpapahalaga na kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahan na mapahalagahan ang mga wastong salita o pahayag na magagamit sa mabisang pagpapahayag, maisapuso ang mga aral na makukuha sa salawikain, sawikain, kawikaan at kasabihan, maibahagi ang iba’t ibang istratehiya at talento sa klase, maipakita sa klase ang importansya ng iba’t ibang pagpapahayag at mapahalagahan ang mga akda na maririnig sa radio at makikita sa telebisyon. Sasagutin mo ang kasunod na mga paunang pagsusulit sa sagutang papel. Susukatin lamang sa pagsusulit kung ano ang mga nalalaman mo tungkol sa mga paksang inyong napag-aralan sa panggitnang markahan. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. PAALALA AT TAGUBILIN Ang pagkatuto mo sa modyul na ito ay nakasalalay sa pag-unawa at pagsunod mo sa mga panuntunan sa bawat gawain upang matamo ang mataas na pagkatuto na kinakailangan. Narito ang ilan sa mga dapat mong isaalang-alang as paggamit ng modyul na ito. 1. Ingatan at pahalagahan ang modyul na ito. 2. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain. 3. Sagutin nang buong katapatan ang mga gawain at pagsusulit sa modyul na ito. 4. Hangga’t maaari huwag kakaligtaan ang mga pahina na sasagutan. 5. Sikapin mong mapaunlad ang iyong pagkatuto sa mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. 6. Sakaling may mahirap na gawain na hindi mo maunawaan maaari kang sumangguni sa mga kasama sa bahay o ‘di kaya ay maari kang magpadala ng mensahe sa aking “messenger”. jhemamorbatiles@gmail.com LINGGO 1 MODYUL 1 RETORIKA: KATUTURAN, KASAYSAYAN, ELEMENTO, LAYUNIN, SAKLAW, SALIK, TUNGKULIN AT KAHALAGAHAN NG RETORIKA ARALIN 1. KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG RETORIKA Pag-aralan Mo Ano ang matututunan mo? Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na: Malaman ang kahulugan ng retorika at kasaysayan nito. Matukoy ang mga taong nabigyan ng kahulugan ng retorika at mga sophist. Mabigyan ng sariling interpretasyon ang retorika. Katuturan ng RETORIKA: Ito ay galing sa salitang Griyego na “rhetor” na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati. Ito ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaaya-aya at epektibong pagsasalita at pagsulat. Sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang mahikayat, maunawaan at tangkilikin ng mga nakikinig o bumabasa. Ayon kay Quintillan, ito ay sining ng maayos na pagsasalita (Bernales et.al,2006) Ito ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa. (Panganiban) Ito ay sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pasulat. (Diksyunaryo) Ito ay agham ng paghimok o pagpapasang-ayon. (Socrates) Ito ay ang kakahayang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit ng mga paraan ng paghimok. (Aristotle) Ito ay ang sining ng argumento ng pagsulat. (Richard Whatley) jhemamorbatiles@gmail.com Pag-aralan Mo Ano ang matututunan mo? Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na: Makilala ang elemento, saklaw, salik ng retorika at iba pa Matukoy ang katuturan, kahalagahan at layunin ng retorika Mabigyan ng sariling interpretasyin ang retorika. SAKLAW NG RETORIKA: Sining – Sinumang nagpapahayag ay gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyangbuhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa. Pilosopiya – Gumagamit ng Retorika ang isang nagpapahayag upang ipakita na ang argumento niya ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba. Lipunan – Nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa lipunan. Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mundong kaniyang ginagalawan. Wika – Ang pangunahing bihikulong ginagamit sa pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, kung gayon sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng wika. DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PAGPAPAHAYAG Maging matapat Maging malinaw Maging tiyak at matipid sa sasabihin Sikaping magkaroon ng barayti Langkapan ng patawa, talino, sigla at imahinasyon SANGKAP/ELEMENTO NG RETORIKA Ang kaisipang gustong ipahayag Ang pagbuo o organisasyon Ang estilo ng pagpapahayag KAHALAGAHAN NG RETORIKA Kahalagahang panrelihiyon jhemamorbatiles@gmail.com Kahalagahang pampanitikan Kahalagahang pang-ekonomiya Kahalagahang pampulitika LAYUNIN NG RETORIKA Makapagpahayag nang mahusay pasulat man o pasalita. Magkaroon ng isipang mapanuri Makabuo ng mga makabuluhang ideya. Makapamahala sa angking kakayahan. Pag-aralan Mo Ano ang matututunan mo? Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na: Malaman ang tungkulin at salik ng retorika, ang retorika bilang sining. Matukoy ang tungkulin ng retorika at salik at ambag ng retorika sa sining. Mabigyan ng sariling interpretasyon ang retorika sa pamamagitan ng grapich organizer. Ang Retorika bilang Sining Ang retorika ay isang sining ng pagsasalita at pagsusulat. Nagkaroon ng mabuti at mabisang komunikasyon kapag maayos ang daloy ng talamitan mula sa naghahatid ng mensahe, daluyan at tungo sa tumatanggap ng mensahe. Katulad ng ibang anyo ng panitikan, may mga natatanging uri ang retorika tulad ng: 1. Bukluring sining- makikita sa pagbubuklod-buklod o pagkakaisa at pagkakasundo sa diwa ng naghahatid ng mensahe sa tumatanggap. Isang halimbawa nito ay isang pulong para sa isang proyekto o programa. 2. Pantaong sining- sapagkat ang tao ang may katangian magsalita at ipahayag ang kaniyang sariling damdamin at iniisip upang siya ay higit na maunawaan ng kanyang kapwa, gumagamit siya ng pamamaraan gamit ang kanyang talin at pag-iisip. 3. Pamsamantalang sining- walang permanente sa ating mundong ginagalawan. Ang sining at retorika ay gayundin, ang mga salitang ginagamit noon ay maaring taliwas sa mga salita at kahulugan jhemamorbatiles@gmail.com na ginagamit natin ngayon at sa darating na panahon nagbabago ang sining ng retorika batay sa panahon at kalakaran ng lipunan na ating ginagalawan sapagkat ang wika ay umaayon sa pangangailangang pangkomunikatibong lipunang at kinabibilangan. 4. May hangganang sining- hindi lamang pansamantala ang sining, kundi may hangganan rin tulad ng karaniwang bagay sa mundo. Bagaman sa awit, tula, at ibang larangan ng panitikan ay maaari nating marating ang ibayong daigdig, sa katotohanan ay may hangganan o limitasyon din ang anumang sining kasama na ang sining sa retorika. Ang limitasyon ng sining ng retorika ay umaabot sa ating pangaraw-araw na pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. 5. Sining na may kabiguan- bagaman mabuti at nakahahalina ang sining sa retorika, may mga pagkakataon din na ito ay nagdudulot ng kabiguan tulad ng maling paggamit ng parirala at pangungusap. 6. Sining na lumalalang- ang retorika ay tulad ng isang batis na patuloy na bumubukal at dumadaloy sa kabundukan, mya burol at kaparangan. Gayundin ang retorika na dumadaloy at nagbibigay sigla sa makatatanggap nito. Bunga nito, magkakaroon siya ng reaksiyon na lumalang ng mga bagay na pakikinabangan ng kaniyang kapwa at ang makikinabang naman ay ang susunod na manlalalang. Salik ng Retorika: A. Tamang gamit ng balarila B. Lipunan C. Pagmamatuwid D. Katotohanan Tungkulin ng Retorika: Malaki at Marami ang ginagampanang tungkulin ang retorika sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talamitan ng tao. 1. Paraan ng talamitan- napakahalaga ng retorika sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o talamitan ng tao sa kanyang kapwa. Gumagamit tayo ng retorika upang mapadali at mapagaan ang mga bagay na nasa isip na nais iparating pasalita man o pasulat. 2. Nakakukuha ng atensyon- bunga ng mga nababasa at naririnig natin sa mga telenobela, pagbabalita, pagkukuwento ng mga pangyayari, naaagaw nito ang atensyon, anuman ang ating ginagawa. Ang mga ganitong naidudulot ng retorika ang makapagpagaan sa ating mga alalahanin at pangamba. 3. Nangangalan- dahil sa retorika sumisikat ang isang produkto o lugar dahil sa ngalang ibinigay rito tulag ng – dampa (restaurant ng mga panluto), “Jollibee” (burger store), “Starbucks” (coffee shop) at iba pa. jhemamorbatiles@gmail.com 4. Nagbibigay ng kapangyarihan- maraming kilalang tao sa mundo ang nakikilala at naging tanyag dahil sa galing nilang magsalita at maglahad tulad nina; Dr. Jose Rizal, Pang. Ferdinand Marcos, US President Abraham Lincoln, Adolf Hitler, Martin Luther King at Marami pang iba. Bunga ng talino nila sa pagsasalita, maraming tao ang sa kanila ay nakinig at napaniwala na nagluklok sa kanila ng kapangyarihan. 5. Nagpapalawak ng pananaw- sa pamamagitan ng retorika na ginagamit sa maikling kuwento, tula, sanaysay at iba pa ay napapalawak nito ang kaalaman ng taong bumabasa. jhemamorbatiles@gmail.com
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )