Banghay Aralin sa Filipino 2
I.Layunin: Pagkatapos ng aralin,ang mga bata ay inaasahang :
a.Malaman ang kahulugan ng diptonggo,
b.Makasulat ng mga salitang may diptonggo at
c.Mabigyang halaga ang mga salitang may diptonggo.
II.Paksang Aralin:
Paksa:Mga salitang may diptonggo
Sanggunian:Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2, pp. 51-54.
Kagamitan:manila paper, plaskards, mga larawan
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Awit:
2.Balik -aral: Itanong sa mga bata,
a. Paano natin malalaman na ang salita ay may kambalkatinig?
b. Magbigay ng mga halimbawa ng salitang may kambalkatinig.
B.Mga Gawain sa Pagkatoto:
1.Pangganyak: Basahin ang mga sumusunod na salita;
bahay
daloy
reyna
tanglaw
inay
aruy
aliw
kasoy
2.Paglalahad:Ipabasa sa mga bata ang nakasulat sa manila
paper.
3.Pagtatalakay:Ipaliwanag sa mga bata;
Ang diptonggo ay binubuo ng alinman sa mga patinig at
ng titik na w o y sa loob ng isang pantig.
Halimbawa:
langoy
awit
inay kalabaw liliw
ugoy
umapaw
ilagay palitaw
unggoy kahoy
kasaliw huwaran
Ang ay, ey, oy, uy, aw at iw ay mga diptonggo.
Ito ay maaaring matagpuan sa gitna,o hulihan ng salita.
Bihira lang itong makita sa unahan ng salita.
4.Paglalahat:
1.Ano ang tawag sa salitang binubuo ng alinman sa mga
patinig at titik na w o y sa loob ng isang pantig?
2.Ano ang diptonggo?
3.Anu-ano ang mga diptonggo?
4.Anu-anong mga titik ang bumubuo sa mga ito?
5.May mga diptonggo bang matatagpuan sa unahan ng
salita?Magbigay ng halimbawa.
6.Ang diptonggo ba at kambal-katinig ay pareho?Bakit
5.Paglalapat:
A.Basahin ang salita at salungguhitan ang diptonggo.
okoy
payaso
awit
bahay
langaw
duyan baboy
diwata saliw
buhay
daloy
ayungin
kulay
kasoy
agiw
ilaw
kahoy
kaway lumitaw away
B.Bumuo ng mga salitang may diptonggo
1.aw
2.iw
3.oy
4.ay
C.Sabihin kung ang diptonggo ay nasa unahan,gitna o hulihan.
1.kawayan
6.reyna
2.ilaw
7.malaya
3.sabaw
8.bayan
4.sakay
9.tibay
5.daloy
10.bughaw
IV.Pagtataya:Kilalanin ang mga nasa larawan at salungguhitan ang diptonggong ginamit.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Duyan
1.
hikaw
araw
sitaw bahay
apoy
kasoy
sisiw
tinapay
tulay
Banghay Aralin sa Filipino 4
I.Layunin:Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang;
a.Malaman kung ano ang pangngalan,
b.Matukoy ang pantangi at pambalana at
c.Malaman ang wastong gamit ng pangngalan.
II.Paksang Aralin:Pangngalan
Sanggunian:Hiyas sa Filipino 4, pp.30-35
Kagamitan:manila paper, flashcards
Pagpapahalaga:Mapagmasid
III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1.Awit:
2.Balik-aral:Itanong sa mga bata
a.Ano ang tatlong kayarian ng pangungusap?
b.Ano ang kahulugan ng payak, tambalan, at hugnayan?
B.Mga Gawain sa Pagkatuto:
1.Pangganyak:Sabihin sa mga mag-aaral na magbigay ng halimbawa ng;
a.pangalan ng tao
b.pangalan ng lugar
c.pangalan ng bagay
2.Paglalahad:Ipabasa sa mga mag-aaral ang nakasulat sa manila paper.
3.Pagtatalakay:Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang nakasulat sa manila paper.
Pangngalan- tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lunan, gawa, at pangyayari.
2 Uri ng Pangngalan
1.Pantangi-tiyakang ngalan ang tinutukoy.
– nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa:
tao- Aileen, Fe, Austria, Bb. Perez
bagay- Gintong Pamana
lunan- Magallanes, Cavite
pangyayari- Araw ng Maynila
2.Pambalana-karaniwang ngalan ang tinutukoy.
-hindi ito sinusulat sa malaking titik.
Halimbawa:
babae, guro, aklat, paaralan, aksidente
Dalawang uri ng pangngalan ayon sa nakikita at di-nakikita.Konkreto ang
pangngalan kung nakikita at di-konkreto kung di nakikita.