AY 2025-2026 | Semester 1 Ipinasa nina: JOEY C. BADANG KRISTINE A. MACURAY Reporters Ipinasa kay: Bb. CHARO MONTENEGRO, MAED-FIL Instructor I Agosto 29, 2025 Date of the Report Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph GURO: Joey C. Badang, Kristine A. Macuray KURSO AT TAON: BSED Filipino 3 PAKSA: Pagsulat ng Ulo ng Balita TAGAL NG ORAS: 45 minuto Layunin: a. Naiintindihan ng mga mag-aaral ang gamit, uri at katuturan ng ulo ng balita at ang papel nito sa pagbibigay-diin sa mahahalagang impormasyon. b. Nakikilala at nagagamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng ulo ng balita ayon sa wastong bilang ng titik, bantas, tambilang, at mga puwang. c. Nakakapagsulat ang mga mag-aaral ng malinaw at kapana-panabik na mga ulo ng balita habang pinalalawak ang kanilang talasalitaan. I. PAUNANG GAWAIN Papangkatin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay maghahanda ng Isang kapat na papel at dito isulat ang tamang sagot sa bawat scrambled words. Bawat tamang sagot ay may katumbas na 1 puntos. Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ay hihirangin bilang Headline Masters. Meroon lamang kayong 2 minuto para sagutan ito. II. PAGSUSURI Base sa gawaing inyong ginawa ano ang paksa na ating tatalakayin ngayon? III. PAGLALAHAT Katuturan ng Ulo ng Balita Ang ulo ng balita ay ang pamagat ng isang balita na nag- tataglay ng lalong malaking titik kaysa teksto o katawan nito. Gamit ng mga Ulo ng Balita: 1. Upang lagumin ang balita (To summarize the story). 2. Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive). 3. Upang bigyang antas ang bawat balita (To grade the news). Mga Uri ng Ulo ng Balita: 1. Baner (banner headline) - Ulo ng pinakamahalagang balita na nagtataglay ng pinakamalaking titik at pinakaitim na tipo. P a g e 1 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph 2. Bandereta (streamer) - Isang baner na tumatawid sa buong pahina. 3. Baynder (binder) - Isang ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina na nasa itaas ng panloob na pahina. 4. Kubyerta (deck, bank, readout or drophead) - Pangalawang ulo na bahagi pa rin ng baner na nagtataglay ng lalong maliit na titik at naiibang tipo sa unang ulo. 5. Payong (umbrella or skyline) - tanging pangalan sa ban- dereta na nasa itaas ng pangalan ng pahayagan (name- plate) na pumapayong sa lahat. 6. Sabhed (subhead) - isang maikling pamagat na ginaga- mit upang mabigyan ang mahabang istorya ng break o puting ispasyo (white space) upang hindi pagsawaan ang pagbabasa. 7. Taglayn (tagline) - tiser (teaser), o kiker (kicker) - binubuo ng isang maikling linya na inilalagay sa itaas ng pina- kaulo sa bandang kaliwa nito o sa sentro. Ito'y nagtataglay ng maliit na tipo at sinalungguhitan. Ginagamit itong pang-akit sa bumabasa. Maaaring ito'y isang salita o pari- rala lamang. Kung ang taglayn ay mas malaki kaysa ulo ng balita ito'y tinatawag na hamer (hammer). 8. Nakakahong ulo (boxed head) - ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakita ang kahalagahan. ulo ng jump story na nasa ibang pahina. Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo (According to Style) 1. Malalaking Titik (All caps) TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN 2. Malaki-Maliit na Titik (Cap and Lower Case or Clc) Torch Nanguna sa Paligsahan 3. Pababang Istilo (Down Style) Torch nanguna sa paligsahan Uri ng Ulong Balita Ayon sa Anyo (According to Structure) 1. Pantay-Kaliwa (flush left) - Binubuo ng dalawa o higit pang linya na pantay ang pagkahanay sa kaliwang bay- bayin. Ang kabaligtaran nito ay ang "pantay kanan" (flush right). Pantay-kaliwa (flush left) Proyekto ng paaralan isasagawa sa bakasyon P a g e 2 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph Patay-kanan (flush right) Proyekto ng paaralan isasagawa sa bakasyon 2. Draplayn (dropline or step form) - binubuo ng dalawa o higit pang linya na ang unang linya ay pantay kaliwa at ang bawat kasunod na linya ay inuurong pakanan. Seminar sa kabutihang asal gaganapin sa Paaralang Normal 3. Bitin-Pantay (hanging indention) - binubuo ng maraming linya - ang unang linya ay pantay kaliwa, at ang dalawa o tatlong magkakapantay na linya ay inurong pakanan. Punong patnugot nahalal na pinuno ng NSPCAA 4. Baligtad na piramide o tagilo (inverted pyramid) - binubuo ng dalawa o higit pang linya na paikli nang paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling linya ay nakasentro. Nagkamit ng unang gantimpala sa sabayang bigkas ang paaralan 5. Kroslayn o Barlayn (crossline or barline)-binubuo ng isang linya lamang na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong kolum. Torchbearer, nanguna sa NSPC 6. Plaslayn (flushline or full line) - dalawa o higit pang magkasinghabang linya na umaabot sa kaliwa at kanang mardyin. Buwan ng Wika, Inilunsad, Pineda, Punong Tagapagsalita P a g e 3 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph Mga Tuntuning Tradisyonal sa Pagsulat ng Ulo ng Balita 1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita (Avoid fat heads). ArawngMakakaisangBansa, ipinagdiwang 2. Iwasan ang madadalang na titik (Avoid thin heads). O p e r a t i o n L i n i s s i n i m u l a n 3. Iwasan ang ulong walang pandiwa (Avoid wooden heads). Limang guro sa seminar 4. Iwasan ang ulong pang-etiketa (Avoid label heads). Linggo ng Wika 5. Huwag maglagay sa ulo ng anumang wala sa balita. 6. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang kubyerta. Mali - Aklasan sa UST, nalutas Nagsipag-aklas, bumalik Tama - Aklasan sa UST, nalutas guro, kawani nagsibalik 7. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang tao'y tanyag o kilalang-kilala. Mali - Jaime Diaz, nahalal na pangulo ng Samahan Tama - Mag-aaral ng Mapa, nahalal na pangulo ng samahan P a g e 4 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph 8. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag. Mali - Mag-aaral, nagwagi sa paligsahan Tama - Mag-aaral ng Mapa, nagwagi sa pagsulat ng balita. 9. Iwasan ang opinyon sa balita (no editorializing). Ibigay ang tunay na pangyayari lamang. Mali - Paaralang Lakandula, lumaro nang kahanga-hanga Tama - Paaralang Lakandula, nanalo ng tatlo sa apat na laban 10. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago. Mali - Limang guro sa seminar Tama - Limang guro, dadalo sa seminar 11. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa. Mali - Paligsahan sa talumpatian, hindi matutuloy Tama - Paligsahan sa talumpatian, pinagpaliban 12. Gumamit ng mabisa at makakatawag-pansing pandiwa. Mahina - Tinalo ng Torres ang Osmeña, 50-36 Malakas - Pinataob ng Torres ang Osmeña, 50-36 P a g e 5 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph 13. Gamitin ang maikli at kilalang salita. Masalita - Bayang Pilipinas, sasali sa pandaigdig na palaro Maikli - RP, sasali sa olimpiyada 14. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol at ng layon nito lalo na sa unang linya (Avoid hanging prepositions). Mali - Pagligsahan sa pamamahayag, gaganapin sa Tagaytay Tama - Paligsahan sa pamamahayag, gaganapin sa Tagaytay 15. Gamitin lamang ang kilala at laging ginagamit na daglat. Mali - CA, panauhing pandangal sa pagtatapos Tama - Pangulong Aquino, panauhing pandangal sa pagtatapos 16. Hanggat maaari, iwasan ang paggamit ng pantukoy at ng pandiwang pantulong na hango sa verb to be. Mali - Si Joey Lina ay ang napiling punong patnugot ng 'Horizons' Tama - Joey Lina, napiling punong patnugot ng 'New Horizons' P a g e 6 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph 17. Isulat ang numero (figure) o isulat ang salita nito (spelled out) ayon sa pangangailangang batay sa ispasyong pinaglalaanan. Gamitin ang M at B para sa milyon at bilyon. 18. Iwasan ang nagbabanggaang ulo (bumping heads or tomb- stone heads). Ito'y mga ulo ng dalawang magkahiwalay ng balitang magkatapat sa isang linya at nagtataglay ng magkatulad at magkasinglaking tipo. Mga Tuntunin sa Paggamit ng Bantas 1. Huwag gumamit ng tuldok upang wakasan ang ulo ng balita. 2. Gamitin ang kuwit sa halip na ang pangatnig na "at" San Juan, Cruz napiling tagapagsalita 3. Gumamit ng tuldok-kuwit sa pag-uugnay ng dalawang kaisipan. Halalan sa YMCA itinuloy; Rey Malonzo, napiling pangulo 4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo. Maaaring gamitin ito sa maliit na kubyerta lamang. 5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotation Gamitin ang bugtong na panipi (single quotation) Sa ulo ng balita: Mahalin ang sariling Wika - Pineda Pagbilang ng Yunits Bawat pahayagan ay may takdang sukat ng kolum. Ang karaniwang pampaaralang pahayagan na sukat tabloid (12"×18") ay nagtataglay ng limang kolum na ang bawat sukat ay 12 ems (dalawang pulgada o dali), Bawat laki at istilo ng tipo ay may tiyak na bilang para sa espasyong kalalagyan. P a g e 7 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph 1/2 yunit jiltf at lahat ng bantas, maliban sa (em dash), dobleng panipi (double quotation marks) at sa tandang pananong (question mark) 1 yunit?, espasyo, lahat ng numero (0-9), malaking titik ng JILTF 1 1/2 yunits gatlang, maliit na w at mat lahat ng mala-laking titik maliban sa M at W (dalawang yunits) n.b. Kung computer ang gagamitin sa pag layout hindi na kailangang magbilang ng yunits. Gagampanan na ng com-puter ito subalit kailangan ding malaman ang basics ng headline writing. Hindi lahat ng paaralan ay may computer. 2 Yunits-Mat W (Capitals) I 1/2 P 1 i 1/2 n 1 a 1 t 1/2 u 1 t 1/2 u 1 r 1 o 1 = 12 p 1 a 1 g 1 p 1 a 1 p 1 l 1/2 a 1 n 1 o 1 =9½ n 1 g 1 p 1 a 1 m i 1 1/2 1/2 l 1/2 y 1 a 1 =9½ MGA MUNGKAHING GAWAIN 1. Pagkilala sa mga uri ng balita sa iba't ibang pahayagan Ingles at Filipino. 2. Pagsipi o paggupit ng halimbawa ng iba't ibang uri ng ulo ng balita at pagdidikit ng mga ito sa isang iskrapbuk. 3. Pagpuna sa mga ulo ng balita na lumalabag sa tuntunin ng pagsulat ng ulo ng balita. 4. Pagsasanay sa pagbilang ng mga yunit ng mga titik at mga bantas sa ulo ng balita. 5. Pag-uulo ng mga balita at ng mga lathalain sa susunod na sipi ng pahayagan. 6. Pagbibigay ng iba't ibang pamatnubay at pagsulat ng iba't ibang ulo ng balita. 7. Pagsulat ng ulo ng balita sa mga balitang ginupit sa paha-yagan na inalisan ng ulo at paghahambing ng ginagawang ulo sa dating ulo ng balita. 8. Gumawa ng talatakdaan sa pag-uulo ng balita (headline schedule) para sa inyong pahayagan. 9. Gumupit ng mga halimbawa ng paglabag sa mga tuntunin sa pagsulat ng ulo ng balita. Iwasto ang mga ito. P a g e 8 | 10 Republic of the Philippines North Eastern Mindanao State University Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300 Telefax No. 086-214-4221 Website: www.nemsu.edu.ph 10. Pag-aralang muli ang mga back issues ng inyong pam-paaralang pahayagan at suriin kung ang mga ulo ng balita ay nasa wastong pagkaayos batay sa kahalagahan (properly graded) at kaanyuan (properly laid out). 11. Gumupit ng mga halimbawa ng ulong pinangungunahan ng pandiwa (mandatory head), may nagkadikit-dikit na titik (fat head), ulong pang-etiketa (label head) at ulong walang pandiwa (wooden head). IV. APLIKASYON Pagbuo ng Ulo ng Balita Panuto: Ang klase ay papangkatin sa 4 na pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng isang balita na may kinalaman sa kasalukuyang pangyayari o isyo. Bawat pangkat ay gagawa ng isang ulo ng balita batay sa napiling balita. Siguraduhin na ang ulo ng balita ay maiksi ngunit nagbibigay ng malinaw na ideya ng nilalaman ng balita. Bawat pangkat ay pipili ng isang representante para ipakita ang ulo ng balita sa harapan. 1. Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang iba’t ibang anyo at istilo ng ulo ng balita upang gawing mas kaakit-akit at malinaw ang inyong pahayagang pampaaralan? 2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging layout artist ng isang dyaryo, paano ka pipili ng tamang anyo at istilo ng ulo ng balita para mas maingganyo ang mga mambabasa? 3. Bilang isang mag-aaral sa makabagong panahon na malapit sa teknolohiya at social media, paano mo maisasabuhay at mapapahalagahan ang mga aralin at kasanayang natutunan mo mula sa paggawa ng ulo ng balita at iba pang leksyon sa Filipino? V. SANGGUNIAN Malonzo, C. (2017, January 9). Pag-uulo ng balita [Slide presentation]. SlideShare. https://www.slideshare.net/slideshow/pag-uulongbalita/69313324 P a g e 9 | 10
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )