Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
DIVISION OF CALAPAN CITY
Name of Teacher
Leaning Area
Grade Level
Richelle Ann S. Marquez
Science
Grade 3
Section
Time
Date
Marso 25, 2025
CLASSROOM DEMONSTRATION
I. LAYUNIN
A.Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayang
Pagganap
C .Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
Ang mga mag-aaral ay nagpapakita ng pag-unawa sa mga uri at
epekto ng panahon dahil nauugnay ang mga ito sa
pang-araw-araw na gawain, kalusugan at kaligtasan.
Ang mga mag-aaral ay dapat na makapagpahayag ng mga
ideya tungkol sa mga hakbang sa kaligtasan sa iba't ibang
kondisyon ng panahon
Ilarawan ang mga pagbabago sa panahon sa loob ng isang
yugto ng panahon.
1. Natutukoy ang ibat ibang uri ng panahon.
2. Naiilarawan ang iba't ibang uri ng panahon nararanasan.
3.Naipapakita ang kawilihan sa pagkatuto sa oras ng talakayan.
II. NILALAMAN
Pagbabago ng Panahon
III.KAGAMITANG
PANTURO
Laptop, tsart, visual aids, lapis, worksheet.
A. Sanggunian
B. Iba Pang
Kagamitang Panturo
Laptop, tsart, visual aids, lapis, tsart,worksheets.
C. Integration
Math, Health
Values Integration: Pagiging Responsible
IV. PAMAMARAAN
Before the Lesson
Panalangin:
Bago tayo magsimula, tayo muna ay manalangin.
A. Balik-aral sa
Paalala:
nakaraang aralin at/ o Ano ano ang mga dapat tandaan ng mga mag-aaral habang
may klase?
pagsisimula sa
Mga alitutunin sa klase
bagong aralin
Makinig ng Mabuti sa guro
Maging maayos sa pag-upo
Maging aktibo sa talakayan
Mag-taas ng kamay kung may sasabihin
Balik – Aral:
Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na makikita sa anyong
lupa at tubig,
B. Paghahabi sa
layunin ng aralin
Pagganyak: 4 PICS IN 1 WORD
C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa
layunin ng bagong
aralin
Tignan ang iyong paligid at ang kalangitan. Obserbahan ang
panahon ngayong
araw, ito ba ay maaraw? Maulan? Mahangin? Maulap o
bumabagyo?
Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan na
magkakasama upang mabuo ang salitang tinutukoy ng mga ito.
During the Lesson
D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#1
1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
2. Ano kaya ang tawag natin dito?
3. Bakit kaya natin ito nararanasan?
Mahusay!
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
Sa tuwing ilalarawan natin ang kasalukuyang kalagayan ng ating
paligid, ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa panahon. Kung
tayo ay naglalarawan ng panahon kailangan natin
isaalang-alang ang presensya ng araw, kundisyon ng ulap, bilis at
lakas ng hangin at ang temperatura ng paligid.
Ang panahon ay kundisyon ng atmospera ng isang natatanging
pook sa loob ng nakatakdang oras. Ang limang uri ng panahon ay
maaraw, maulan, mahangin, maulap at bumabagyo
Uri ng Panahon
1. Maaraw – mataas ang sikat ng araw, mainit at mahina lang
ang ihip ng hangin. Mainam na magsuot ng manipis na damit
tuwing tag-araw katulad ng sando at shorts.
2. Maulan – makulimlim ang ulap, hindi sumusilip ang araw at
pumapatak ang ulan.
Karaninwang ginagamit sa tag-ulan ay ang payong, kapote, bota
at jacket upang hindi lamigin o mabasa ng ulan kapag lalabas ng
bahay.
3. Mahangin – mataas ang sikat ng araw, maulap ng kaunti o
malinaw ang kalangitan at
malakas ang ihip ng hangin. Ito ang panahon kung saan
maraming nagpapalipad ng
saranggola dahil sa lakas ng hangin.
4. Maulap – maliwanag ngunit hindi nagpapakita ang araw at
maraming maninipis na ulap sa kalangitan ngunit hindi umuulan.
Dito makikita ang iba ’ t ibang uri ng ulap na nabubuo sa
kalangitan.
5. Bumabagyo – maitim ang ulap, may malakas na hangin
kasama ng kulog at kidlat, at
malakas ang buhos ng ulan.
F. Paglinang sa
Kabihasaan
Pagtambahin ang uri ng panahon na nakasulat sa Hanay A at mga
katangian nito na nakasulat sa Hanay B.
G. Paglalapat ng
aralin sa
pang-araw-araw na
buhay
Mula sa ating pinag-aralan magtala mga gawaing
maaring gawin sa panahon na maaraw, maulan, mahangin at
maulap.
After the Lesson
H. Paglalahat ng
Aralin
Ang iba't ibang uri ng panahon ay maaraw, maulap,
maulan, mahangin, at bumabagyo.
Maaraw ay uri ng panahon na nagpapakita ng mataas na
sikat ng araw.
Maulap ay lagay ng panahon na kung saan makikita natin
ang kumpol ng mga ulap sa kalangitan.
Mahangin ay lagay ng panahon na nararamdaman natin
na malakas ang ihip ng hangin.
I. Pagtataya ng Aralin
Bumabagyo ang uri ng panahan na nagpapakita ng
malakas na ihip ng hangin. Ang sikat ng araw ang isang sanhi ng
pag-init ng panahon. Ginagamit ang thermometer upang
masukat ang temperature, ang antas ng init o lamig
Basahin ng mabuti ang pangungusap at punan ang patlang
ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Ito ay kung mataas ang sikat ng araw, mainit at mahina lang
ang ihip ng hangin.
2. Sa paglalarawan ng panahon kailangan natin
isaalang-alang ang
presensya ng araw, kondisyon ng ulap, bilis at lakas ng hangin
at ang ng paligid.
3. Ang ay kundisyon ng atmospera ng isang natatanging pook
sa
loob ng nakatakdang oras
4. Ito ay mataas ang sikat ng araw, maulap ng kaunti o
malinaw ang kalangitan at malakas ang ihip ng hangin.
5. Ito ay maliwanag ngunit hindi nagpapakita ang araw
at maraming maninipis na ulap sa kalangitan ngunit di
umuulan.
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation
Takdang Aralin: Gumupit ng limang (5) larawan na nagpapakita
ng pagkilos at idikit ito sa inyong kwaderno.
Prepared by:
Richelle Ann S. Marquez
(applicant)