FILIPINO Tunog ng Alpabetong Filipino ( c, f, j, ñ)/ Ngalang Pantangi at Pambalana/ Mga Salitang Pantukoy (ang, ang mga, si, sina) QUARTER 1 WEEK 2 D A Y 1 Balik-aral: Isagawa ang pang-araw - araw na gawain. Bilangin ang pantig ng salita sa pamamagitan ng palakpak. 1. kahoy- 2. baka- 3. Zoo- 5. tigre- 4. manok- Tukuyin ang nawawalang tunog ng patinig o katinig sa bawat salita. 1. ___ahoy 2. bak___ 3. ___oo 4. ___anok 5. ti___re Paghahabi ng Layunin: 1. Matukoy at mabigkas nang wasto ang tunog ng mga titik na c, f, j, at ñ sa Alpabetong Filipino. 2. Magamit ang mga tunog na ito sa pagbasa at pagsulat ng mga salita. 3. Maunawaan ang gamit ng mga salitang pantukoy sa pangungusap. Gawain 1 Ipakita ang mga larawan 1. 2. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan? 2. Ano ang ginagawa ng magkakapatid sa ikalawang larawan? 3. Bakit kaya kumakain ng mga prutas at gulay ang magkakapatid? Paghahawan ng Balakid: 1. mapayapa- tahimik, di magulo Hal. Ang Carmen ay isang mapayapang lugar kung saan masayang naninirahan ang magkakapatid. 2. Malawak - malapad, maluwag Hal. Malawak ang hardin ng magkakapatid. Marami ang pananim dito. Basahin sa bata ang likhang kuwento ng guro Ang Buhay sa Probinsiya (Isinulat ni: Rosalina R. Zonio) Sa isang maliit na bayan ng Carmen sa Cebu, masayang naninirahan ang magkakapatid na sina Carlos, Felicia, Juan, Niña at Quintin. Gawa sa kahoy at kawayan ang kanilang bahay sa gitna ng malawak na bukirin. Tuwing umaga, tulongtulong sila sa paghahanda ng kanilang almusal bago gumawa ng kanikaniyang gawain. Pinakakain ni Carlos ang kanilang mga alagang hayop tulad ng manok at baka. Nag-iigib ng tubig si Juan. Nagwawalis sa bakuran si Niña. Patungo naman sa palengke si Felicia. “Quintin, ano ang ginagawa mo riyan?” tanong ni Felicia. “Ate, naglalaro lang ako ng violin at xylophone na binili ni nanay kahapon.”, sagot ni Quintin. Pagdating ni Felicia sa palengke, bumili siya ng isda, gulay at prutas sa kaniyang kaibigang si Juan para sa kanilang tanghalian at hapunan. “Kumusta, Juan? Sariwang-sariwa ang mga paninda mo ngayon. Maganda ito sa kalusugan natin. Marami ka na bang nabenta?" tanong ni Felicia. “Oo, Felicia. Marami kasi kaming napitas kahapon sa aming hardin.” sagot ni Juan. Dumiretso na sa pag- uwi si Felicia at nagkayayaan ang magkakapatid na mamasyal sa zoo. Napagkasunduan nilang pumunta sa Cebu Safari and Adventure Park. Nakakita sila roon ng iba’t ibang mga hayop tulad ng ibon, tigre, leon at iba pa. “Napakaganda ng lugar na ito, sayang nga lang at walang zebra. Gusto ko pa naman sana itong makita.” may panghihinayang na sambit ni Quintin. Tuwang-tuwa pa rin ang magkakapatid habang patuloy na namasyal sa zoo. Balikan ang motive question: 1. Ano ang pamagat ng Kuwento? 2. Tungkol saan ang kuwento? 3. Saan nangyari ang kuwentong napakinggan? 4. Paano ipinakita ng magkakapatid ng kanilang pangangalaga sa sarili? 5. Sa anong mga letra nagsisimula ang Pangalan ng magkakapatid? 6. Sabihin ang mga salitang nagsisimula sa C,F,J at Ñ na matatagpuan sa napakinggang kuwento. 7. Anu- anong mga salita ang binubuo ng 2 pantig? 8. Anu- ano ang mga salitang tumutukoy sa pangngalan ng tao, hayop, bagay at pangyayari? 9.Anu-ano naman ang halimbawa ng pangngalang pambalana at Pantangi na narinig sa kuwento? Gawain 2 Basahin ang mga salita: Juan Carlos Felicia Niña Quintin hayop palengke bayan isda gulay Ano ang tawag sa mga salita na makikita sa itaas? Magbigay ng sariling halimbawa ng pangngalan ng tao ,lugar bagay, hayop at pangyayari ang mga bata. Ano ang pantangi o pambalana? Pantangi – Tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Karaniwan itong nagsisimula sa malaking titik. Pambalana – Tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Karaniwan itong nagsisimula sa maliit na titik. Gawain 3: Gumawa ng 5 pangkat Unang pangkat - Magbibigay ng 5 halimbawa ng pangalan ng tao Ikalawang pangkat- Magbibigay ng halimbawa ng pangalan ng bagay Ikatlong Pangkat- Magbigay ng halimbawa ng pangalan ng pook o lugar Ikaapat na Pangkat- Magbigay ng halimbawa ng pangalan ng hayop Ikalimang Pangkat-Magbigay ng halimbawa ng pangyayari Paglinang ng Kabihasnan: B. Tukuyin ang sumusunod na salita kung ito ay Pangngalang Pantangi o Pangngalang Pambalana. Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay pantangi at ekis naman kung ito ay pangngalang pambalana A. Tukuyin ang mga sumusunod na salita kung ito Pangngalan ng tao, hayop, bagay , lugar o pangyayari. Isulat sa patlang ang sagot. _________1. Quintin _________2. tindero _________3. isda _________4. Carmen _________5. palengke Paglalapat: Gawain 1 Magbigay ng halimbawa ng 5 pangngalang Pantangi at 5 halimbawa ng pangngalang Pambalana. Pantangi Pambalana 1. 1 2. 2. 3. 3. 4. 4 5. 5. Paglalahat: Sagutin ang mga tanong: Ano ang Pangngalan? Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ano ang 2 Uri ng Pangngalan? 1. Pangngalang Pantangi 2. Pangngalang Pambalana Pagtataya: Panuto: Tukuyin ang uri ng Pangngalan 1. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang tumutukoy sa ngalan ng tao? A. bahay B. Juan C. gulay 2. Anong uri ng pangngalan ang Quintin? A. pantangi B. pambalana C. wala sa nabanggit 3. Tukuyin kung aling pangngalan ang pantangi. A. ate B. Maria C. kuya 4. Alin sa sumusunod na pangngalan ang pambalana? A. aklat B. Carmen C. Cebu 5. Anong uri ng Pangngalan ang Cebu? A. Pantangi B. Pambalana C. Wala sa nabanggit Karagdagang Gawain: Sa isang papel, gumawa ng dalawang hanay. Sa unang hanay, isulat ang pangngalang pantangi na alam mo. Sa pangalawang hanay, isulat ang pangngalang pambalana. Magbigay ng sampung halimbawa sa bawat hanay. FILIPINO Tunog ng Alpabetong Filipino q, v, x, z) )/ Ngalang Pantangi at Pambalana/ Mga Salitang Pantukoy (ang, ang mga, si, sina) QUARTER 1 WEEK 2 D A Y 2 Balik-aral: Isagawa ang pang- araw-araw na gawain. Awit: https://www.youtube.com/watch?v=ZuBf4u SelxU Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang pamagat ng kantang ating inawit? 2. Anu- ano ang uri ng Pangngalan ayon sa napakinggan nating awitin? 3. Ibigay ang iba’t - ibang uri ng pangngalan na nabanggit sa kanta. 4. Ang babae at lalake ay halimbawa ng pangngalan ng tao. 5. Anu-anong mga patinig at katinig meron ito? 6. Itanong kung alin sa mga salitang ito ang may 2 pantig? 7. Anu anong patinig at katinig ang makikita sa salitang babae at lalake? Balikan natin ang ating kuwento kahapon? Natatandaan nyo ba ang pamagat nito? Paglalahad ng Layunin ng Aralin: 1. Matukoy at mabigkas nang wasto ang tunog ng mga titik na c, f, j, at ñ sa Alpabetong Filipino. 2. Magamit ang mga tunog na ito sa pagbasa at pagsulat ng mga salita. 3. Maunawaan ang gamit ng mga salitang pantukoy sa pangungusap. Gawain 1 Panuto: Sagutin ag mga tanong: 1. Mula sa ating kuwento, anu -anong mga salita ang nagsisismula sa letrang q, v, x at z? 1. Quintin 2. Violin 3. Zebra 4. Xylophone Mga iba pang halimbawa ng mga salitang nagsisimula sa Q,V,X,Z 2. Ilang pantig ang mga salitang ito nakasulat sa itaas Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang Pangngalan? 2. Anu-ano ang uri ng Pangngalan? 3. Ang mga salitang Carlos, Felicia, Juan at Quintin ay anong uri ng Pangngalan? 4. Ang palengke,manok,at baka ay anong uri ng Pangngalan? 5. Dapat ba nating tularan ang mga tauhan sa kwento sa uri ng pagkain na knilang binibili sa pamilihan? 6. Bakit mahalaga ang pangangalaga sa ating sarili? Gawain 2 Ipakita ang sumusunod na Pangungusap 1. Sa isang maliit na bayan ng Carmen sa Cebu, masayang naninirahan ang magkakapatid na sina Carlos, Felicia, Juan, Niña at Quintin. 2. Nagwawalis sa bakuran si Niña 3. “Kumusta, Juan? Sariwang-sariwa ang mga paninda mo ngayon. 4. Gawa sa kahoy at kawayan ang kanilang bahay 5. Anu ano ang mga salitang naka highlight? Sina ang Si ang mga 6. Ano ang Pantukoy? 7. Kailan ginangamit ang pantukoy na si at sina, ang at ang mga? hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang ginagamitan ng pantukoy na si at sina, ang at ang mga. Gawain 3 Hal. Si Quintin ay bunso sa magkakapatid. Sina Quintin at Felicia ay magkapatid. Ang prutas ay maganda sa ating kalusugan Ang mga prutas at gulay ay masustansya? 1. Basahin at unawain ang pangungusap Kailan gingamit ang pantukoy na Si at Sina? 2. Kailan ginagamit ang pantukoy na ang at ang mga? Paglinang ng Kabihasnan: Panuto: Lagyan ng pantukoy na Si at Sina, Ang at Ang mga ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang. 1.__________ Felicia ay kapatid ni Quintin. 2.__________ Carlos, Felicia at Quintin ay magkakapatid. 3.___________prutas at gulay ay mabuti sa katawan 4.___________ay naglalaro ng violin ay xylophone. 5.___________Carlos ay nagpapakain ng kanilang mga alagang hayop. Match Kolum A sa Kolum B. A B. 1. Si A. Rina at Quintin 2. Sina B. Carlos ay masipag 3. Ang C. manok ay busog 4. Ang mga D. baka at manok 5. Ang E. Zebra ay wala sa zoo Paglalapat: Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung tama ang pangungusap at malungkot na mukha kung ito ay mali. ________1. Sina Carlos ay masipag na bata. _______ 2. Ang manok at baka ay alaga ng magkakapatid. ________3. Ang prutas at gulay ay mahalaga sa ating kalusugan. ________4. Ang Cebu ay pangngalang Pantangi. ________5. Ang baka ay pangngalang pambalana Paglalahat: Sagutin ang mga tanong: 1. .Ano ang Pangngalan? 2. Anu -ano ang 2 uri ng Pangngalan A. Pangngalang Pantangi B. Pangngalang Pambalana 3. Anu-ano ang mga salitang pantukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari? Ang mga salitang pantukoy na ang, ang mga, si, at sina ay ginagamit upang tukuyin ang pangngalan sa isang pangungusap. Si – Ginagamit kapag tumutukoy sa isang tao. Sina – Ginagamit kapag tumutukoy sa dalawa o higit pang tao. Ang – Ginagamit kapag tumutukoy sa isang pangngalan na hindi pangalan ng tao. Ang mga – Ginagamit kapag tumutukoy sa maramihan o higit sa isang pangngalan Pagtataya: Panuto: Isulat ang T kung ang ipinapahayag ng Pangungusap ay tama at M kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay mali. ______1. Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at pangyayari ______2. Ang salitang bata ay halimbawa ng salitang pambalana. ______3. Sina Nena at Nene ay mababait na bata. ______4. Ang salitang ang mga ay salitang pantukoy. ______5. Ang salitang palengke ay halimbawa ng pangngalan. Karagdagang Gawain: Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin kung alin ang pangngalang pantangi at alin ang pangngalang pambalana. 1. Si Jose Rizal ay isang dakilang bayani ng Pilipinas. 2. Mahilig akong kumain ng prutas tuwing tag- init. 3. Ang Maynila ay isang lungsod sa Pilipinas. 4. Bumili si Ana ng bagong aklat sa tindahan. 5. Ang Chocolate Hills ay isang tanyag na tanawin sa Bohol. FILIPINO Diptonggo/ Salitang Magkakatugma/ Tiyak at Ditiyak na Ngalan/ Salitang Pang-ugnay (at, o) QUARTER 1 WEEK 2 D A Y 3 Panimulang Gawain: Isagawa ang pang-araw - araw na gawain. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino sa inyo ang kumakain ng prutas at gulay? 2. Anu-anong prutas at gulay ang kinakain niyo? Sa palagay ninyo, tungkol saan kaya ang kuwentong inyong maririnig sa araw na ito? Paghahawan ng Balakid: Nagtipon – tipon -nagsama - sama Si Luningning at ang kanyang pamilya ay nagtipon-tipon sa Hardin ng Kasiyahan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos basahin ang kuwento. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 2. Ano ang masasabi niyo sa ating pangunahing tauhan sa kuwento? 3. Ano ang dapat tandaan sa pakikinig ng kuwento? Si Luningning (Isinulat)ni: Rosalina R. Zonio) Sa isang malayong kaharian ng mga hayop, si Luningning ang pinakamagandang ibon. Matatagpuan sa Hardin ng Kasiyahan ang lahat ng mga bungangkahoy, prutas at gulay na kinakailangan ng mga hayop upang maging malusog at masigla. Isang araw, nagkaroon ng malaking salusalo sa kaharian. Nagtipon- tipon ang lahat ng hayop upang magsaya. Masusustansing pagkain ang pinagsaluhan ni Luningning kasama ng kaniyang pamilya. Ngunit napansin ni Luningning si Pipoy, ang kaniyang kapatid na kumakain ng mga sitsirya at tsokolateng dala mula sa labas ng kaharian. “Bakit hindi mo subukan ang mga masustansyang pagkain mula sa Hardin ng Kasiyahan?” tanong ni Luningning. "Mas masarap kasi ang mga ito, Luningning!" sagot ni Pipoy. Binigyan ng payo ni Luningning si Pipoy tungkol sa kahalagahan ng pagkain ng masustansya para sa kalusugan. Ngunit hindi ito pinansin ng batang daga. Nang sumunod na araw, nagkasakit si Pipoy. Sumakit ang kaniyang mga ngipin at pumayat ang kaniyang katawan. Nilapitan siya ni Luningning. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng tamang nutrisyon. Nagbago si Pipoy. Natutuhan niya ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagkain nang wasto, masusustansiya at sariwang gulay at prutas. Gawain 1 Panuto: Ano ang pamagat ng kuwento? 1. Sino ang sumulat nito? Balikan natin ang ating tanong kanina bago ang kuwento. 2. Sino ang pangunahing tauhan sa inyong napakinggang kuwento? 3. Anong uri siya ng ibon? 4. Nararapat ba siyang tularan? Balikan natin ang pabula. Patingnan ang mga salitang nakasulat Pipoy gulay 1. Ano ang masasabi ninyo sa dulo ng bawat salita ? 2. Ano ang tawag sa kanila? 3. Sila ay halimbawa ng diptonggo. Balikan natin muli ang ating maikling kwento meron pa bang salita sa kuwento na may diptonggo? Magbigay pa ng mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo. Ang mga sumusunod na salita ay galing sa kuwento: Kaharian - kahalagahan Pagkain - hardin Subukan - matatagpuan Basahin at pansinin ang mga sumusunod na salita ano ang kanilang pagkakapareho? Ang mga salita ay magkasing tunog o magkatugma. Magbigay pa ng halimbawa ng mga salitang magkatugma Hayaan ang mga bata na makapagbigay sila ng sarili nilang halimbawa ng salitang magkatugma. At ipagamit ito sa isang pangungusap. Gawain 2 Panuto: Muli nating balikan ang kuwento: Ang mga salitang nagsasabi ng pangngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at pangyayari. Tukuyin kung ito ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari at gamitin ito sa pangungusap. Luningning - barangay Kendi - tsokolate Prutas - gulay Halaman - bahay dahon - kaharian Sagutin ang mga tanong: 1. Sino nga ulit ang ating pangunahing tauhan? 2. Ano kaya ang kasarian ni Luningning? 3. Siya ba ay lalake o babae? 4. Ang puno ba ay may kasarian? 5. Ang salitang nanay ay anong kasarian? Ang pangngalan ay meron ding kasarian. Ang mga kasarian ng pangngalan ay ang sumusunod Panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang kasarian. Gawain 3 Panuto: Panoorin ang video https://www.youtube.com /watch?v=kwLaGofssE Base sa napanood na video. Sagutin ang mga tanong: Anu-ano ang 4 na kasarian ng Pangngalan? Magbigay ng halimbawa ng kasariang Panlalaki, Pambabae, Tiyak at di tiyak Ibigay ang kasarian ng mga sumusunod kuya lapis pulis hari ninang ninong ate pisara guro bunso Paglinang ng Kabihasnan: Pangkatin ang mga bata sa 4 na pangkat Unang Pangkat-Magbigay ng 5 halimbawa ng salitang may kasariang panlalaki Ikalawang Pangkat-Magbigay ng 5 halimbawa ng salitang may kasariang pambabae Panuto: Panoorin ang video https://www.youtube.com/ watch?v=r5F1WrZ6Evw Sagutin ang mga tanong: Tungkol saan ang inyong napanood? Ano -ano ang kayarian ng Pangngalan ayon sa inyong napanood Paglalapat: 1. Ating alamin kung ano-ano ang mga kayarian ng Pangngalan ng sumusunod na salita bilis laro inom naglaro kain linis masayahin 2. Sabihin kapag payak o may lapi. _________1. mausustansya _________2. lapis _________3. kapatagan _________4. gulay _________5. Kapatagan Gumawa ng 4 na pangkat Unang pangkat-gumuhit ng 5 salitang may kayariang payak Hal.babae – – – Ikalawang Pangkat-Sumulat ng 5 salita na may kayariang payak Ikatlong Pangkat-Sumulat ng 5 salitang may kayariang may lapi Ikaapat na Pangkat-Gumuhit ng 2 larawan ng salitang may lapi 1. Mula sa kuwentong Si Luningning, siya ba ay babae o lalake? 2. Anong uri siya ng ibon? Sabihin; Basahin ang mga pangungusap sa ibaba 3. Si Pipoy ay kumakain ng mga tsokolate at sitsirya. 4. Ano ang gustong pagkain ni Pipoy kendi o tsokolate? Ano ang 2 salita upang iugnay ang 2 salita o parirala? Kailan ginagamit ang pang-ugnay na o? • Kailan ginagamit ang pang-ugnay na at? Magbigay ng pangungusap gamit ang pang-ugnay na o at at. Paglalahat: Sagutin ang mga tanong: Ano-ano ang kasarian ng pangngalan? Ang 4 na kasarian ng pangngalan Ay ang sumusunod 1. panlalaki 2. pambabae 3. di-tiyak 4. walang kasarian Ano-ano ang 4 na kayarian ng Pangngalan? Ang 4 na kayarian ng pangngalan ay sumusunod: 1. payak 2. may lapi 3.inuulit 4.tambalan Pagtataya ng Natutuhan: Panuto: Lagyan ng T kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at M naman kung ang isinasaad ng Pangungusap ay mali. _______1. Ang tatay ay haimbawa ng kasariang panlalaki. _______2. Ang mesa ay may di tiyak na kasarian. _______3. Ang nanay ay may di tiyak na kasarian. _______4. Ang salitang kabundukan ay salitang may lapi. _______5. Ang salitang araw-araw ay halimbawa ng salitang inuulit. Karagdagang Gawain: Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang salitang may diptonggo. 1. Malakas ang sigaw ni Ana sa entablado. 2. Mahilig sumayaw si Miguel tuwing pista. 3. Bumili si Carla ng keyk para sa kaarawan ng kapatid niya. 4. Ang sisiw ay maliliit na anak ng manok. 5. Maraming kahoy ang ginamit sa paggawa ng bahay. FILIPINO Diptonggo/ Salitang Magkakatugma/ Tiyak, Ditiyak at Walang Kasariang Ngalan/ Salitang Pang-ugnay (at, o) D QUARTER 1 WEEK 2 Y A 4 Balik-aral: Isagawa ang pang-araw - araw na gawain. Panuto: Balikan natin ang pabula na ating binasa kahapon. 1. Sino -Sino nga ulit ang mga tauhan sa ating pabulang binasa? 2. Ibigay muli ang mga salitang may diptonggo na makikita natin sa ating pabulang binasa kahapon. Pipoy gulay 3. Ano ang tawag natin sa mga salitang nasa dulo ng Pipoy at gulay? 4. Magbigay muli ng sarili ninyong halimbawa ng salitang may diptonggo. Basahin ang mga sumusunod na salita: Gulay - bahay Pagkain - hardin Kahalagahan - kasiyahan Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang napapansin niyo sa kanilang tunog. 2. Ano ang tawag sa mga salitang pareho ang tunog. Ipakita ang mga larawan Sila ang mga halimbawa ng mga salitang tugma o magkasing tunog. Hayaang magbigay pa ang mga bata ng mga halimbawa ng salitang magkatugma. Sabihin: Balikan ang pabulang si Luningning. 1.Ano -ano ang mga salitang madalas gamitin sa pabula. 1. Ang-24 2. ng -23 3. sa -18 4. mga -12 5. at -10 2. Ilang beses ginamit ang ng, sa, mga at at? 3. Pumili ng isa sa limang mga salita na nasa itaas at gamitin ito sa pangungusap 4. Balikan ang pabulang napakinggan tungkol kay Luningning. 5. Magbigay ulit ng mga halimbawa na mga salitang tumutukoy sa pangngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at pangyayari Luningning - Hardin kaharian - sitsirya Kendi - Pipoy Tsokolate - pagkain Gamitin sa pangungusap ang mga hal ng pangngalan na nasa itaas. 1.Si Luningning ay isang mabait na hayop 2. Maraming masustansyang pagkain sa Hardin. Tanong: 1. Sa unang pangungusap, tukuyin ang pangngalan. 2. Ang salitang Luningning, anong uri ito ng Pangngalan? 3. Sa ikalawang pangungusap, alin dito ang pangngalan? Ang salitang hardin, anong uri ng pangngalan? Hayaang gamitin sa pangungusap ang iba’t ibang halimbawa ng mga Pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook at pangyayari. Paghahabi ng Layunin: 1. Matukoy at mabigkas nang wasto ang mga salitang may diptonggo tulad ng aw, ay, ey, iw, iy, oy, uy 2. Matukoy ang mga salitang may magkatugmang tunog 3. Maunawaan ang kahalagahan ng tugma sa pagpapaganda ng pananalita. Gawain 1 Panuto: Kahapon ay tinalakay natin ang mga kasarian ng pangngalan katulad ng pambabae at panlalaki. nanay ate tita lola tatay kuya tito lolo Ang mga salitang nanay, ate, tita at lola ay halimbawa ng pangngalang may kasariang pambabae samantalang ang tatay, kuya, tito at lolo ay halimbawa ng mga pangngalan ng tao na may kasariang panlalaki. Luningning- Pambabae Pipoy -Panlalaki Basahin ang iba pang salita na makikita sa pabula bata. 1. Si Luningning ay bata pa. Anong kasarian ang salitang bata? Ang salitang bata ay may kasariang di tiyak. Mga iba pang halimbawa ng pangngalang may kasariang di- tiyak Kaibigan guro Kaklase pulis Kaibigan kalaro Doctor nars Bumbero pamangkin Tingnan naman ang mga sumusunod na salita galing sa pabulang napakinggan. Prutas kaharian tsokolate gulay Kendi Sila ay halimbawa ng mga pangngalan na walang buhay. Sila ay ang halimbawa ng pangngalan na walang kasarian. Sabihin: Lagyan ng tsek ✔ ang mga larawan na walang kasarian. ______1. ______3. ______4. ______4. ______5. Gawain 2 Panuto: Kahapon ay napagaralan natin ang dalawang kayarian ng pangngalan. Ang payak at may lapi. Pumalakpak ng 1 beses kung ito ay payak at 2 beses naman kung may lapi. ______1. lolo ______2. isda ______3. Kaharian ______4. Pamilya ______5. Palayan. Gawain 3 Panuto: Basahin ang sumusunod na salita araw-araw gabi-gabi alun-alon sino-sino. Ang mga sumusunod na salita ay mga halimbawa ng pangngalang may kayariang inuulit. agad-agad gabi-gabi puting-puti alalang-alala Parehong -pare Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tambalang salita. Bahay -kubo silid -aralan Palo -sebo bahag -hari Silid -aklatan bahaghari takip-silim bukang-liwayway balikbayan hampaslupa Panuto: Tingnan ang mag salitang nasa kahon. Isulat kung ito ay tambalang salita o inuulit na salita Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap hango sa pabulang napakinggan. 1. Napansin ni Luningning na ang batang daga ay kumakain ng kendi at tsokolate. 2. Sina Luningning at Pipoy ay madalas pumunta sa Hardin. 3. Ano ang masasabi mo kay Luningning mabait o masungit. 4. Si pamilya ni Luningning ay kumakain ng prutas at gulay. Paano pinagdugtong ang salita o mga salita sa pangungusap? Gumagamit ng pang ugnay na at at o sa mga pangungusap -Ang pang-ugnay na at ay ginagamit na pandagdag samantalang ang o naman ay pagbubukod. Paglinang ng Kabihasnan: Gawain 1: -Ipakita muli ang pabula. Magtala ng 5 halimbawa ng pangngalan. Gawain 2: Panuto: Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang sumusunod na salita ay may kasariang tiyak at malungkot na mukha kung ang salita ay may kasariang di tiyak. ______1. guro ______2. artista ______3. sapatos ______4. papel ______5. bata Gawain 3: Panuto: Isulat ang I kung ang mga salita ay inuulit at T kung ito ay tambalan ______1. sabi-sabi ______2. kapit -bahay ______3. anak - pawis ______4. kitang - kita ______5. Litong - lito Gawain 4 Panuto: Gamitin ng pang-ugnay na at o ang mga salita 1. kutsara______tinidor 2. sapatos _____medya 3. manok ______itlog 4. Mabait ______masungit 5. malayo______malapit Paglalapat: Ibigay ang mga kasarian ng sumusunod na pangngalan. Isulat ang letrang L kung pang lalaki, Bkung pambabae, DT- kung di-tiyak at WK-kung walang kasarian 1. Rico__________ 2. lola___________ 3. upuan_________ 4. bata__________ 5. nanay_________ Gawain 2 Panuto: Isulat sa patlang ang titik P kung ang kayarian ng pangngalan ay payak, M kung ito ay may lapi, I kung ito ay inuulit at T kung ito ay tambalan ______1. bungangkahoy ______2. paaralan ______3. bagay-bagay ______4. hanapbuhay ______5. panahon Paglalahat: Ano ang diptonggo? Ang diptonggo ay isang tunog na nabubuo kapag ang isang patinig (a, e, i, o, u) ay sinusundan ng isang malapatinig (w, y) sa loob ng isang pantig. Ang kasarian ng pangngalan ay maaaring tiyak, di-tiyak, o walang kasarian. Ang pang- ugnay ay ginagamit upang pagdugtungin ang mga salita, parirala, o sugnay sa isang pangungusap. Panuto: Magsulat ng 5 halimbawa ng pangalan at sabihin ang kasarian nito kung ito ay panlalaki, pambabae, tiyak o di-tiyak. Pagtataya: Panuto: Iguhit ang bilog kung ang pangungusap ay tama at parisukat naman kung mali. _______1. Ang mga kasarian ng pangngalan ay pambabae o panlalaki. _______2. Ang salitang pulis ay may di-tiyak na kasarian. _______3. Ang salitang _______4. Ang Cebu ay halimbawa ng pangngalan ng lugar. _______5. Ang kahon at dahon ay mga salitang magka-tugma. Karagdagang Gawain: Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ang pangngalan ay tiyak, di-tiyak, o walang kasarian. 1. Si Juan ay isang masipag na mag-aaral. 2. Ang aso ni Carla ay mahilig maglaro sa parke. 3. Bumili si Ana ng bagong aklat sa tindahan. 4. Ang Maynila ay isang lungsod sa Pilipinas. 5. Maraming tao ang dumalo sa pista ng bayan. FILIPINO CATCH UP FRIDAY QUARTER 1 WEEK 2 D A Y 5
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )