Filipino Sa Piling Larang ARALIN 3: Lakbay Sanaysay Gawin Natin! Panuto: Mag-isip ng isang lugar (maaaring sa loob o sa labas ng Pilipinas) na iyong napuntahan. Ilarawan ang mga katangian nito sa pamamagitan ng pagguhit. Gawin ito sa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang nasa iyong isipan habang ginuguhit mo ang larawan? 2. Paano mo ihahambing ang lugar na ito sa lugar kung saan ka nakatira? 3. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa iyong paglakbay? 4. Sa lugar na iyong napuntahan, ano-ano ang iyong mga nagustuhan at hindi nagustuhan? 5. Sang-ayon ka ba sa obserbasyong kailangang lumayo upang lubos na makilala ang iyong pinanggalingan? Pangatwiranan ang iyong sagot. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya ,ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay,sanay at lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakisalumuha niya at higit sa lahat tungkol sa kanyang sarili. Kung gayon, ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay isang paraan ng pagkilala sa sarili. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang diary. Hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman o naisip sa paglalakbay. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Hindi ito record o simpleng pagdudugtongdugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito nang malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay (O’Neil, 2005) Lakbay-Sanaysay: Kahulugan Isa sa mga popular na sulating ang lakbay-sanaysay. Iba-iba rin ang estilo ng pagkakasulat nito-may seryoso, may magang basahin, may nagpapatawa. Ang ilan ay nagbibigay lamang ng impormasyon samantalang ang iba ay insight ang iniiwan sa mga mambabasa. Lakbay-Sanaysay: Kahulugan May mahuhusay ang pagkakasulat: impormatibo, nakaaliw at puno ng inspirasyon. Ngunit may ilan din naming hindi mahuhusay ang pagkakasulat: nagkukulang sa paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng mga tala, gumagamit ng malalalim na salita, kulang sa repleksiyon at iba pa. Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Ayon kina Dr. Lilia Antonio ;et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013) may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng LakbaySanaysay: 1)Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Halimbawa nito ay ang travel blog 2)Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 3) Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom , o kaya ay pagtuklas sa sarili . Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng upang maitala ang mga bagong bagay na nakita ,narinig , naranasan at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay. 4) Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang Lakbay-Sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay. Kahalagahan ng Lakbay Sanaysay Mahalaga ito sapagkatito ay ating magiging pamamaraan upang maibahagi ang naging karanasan ukol sa ating mga nakikita sa ating mga paglalakbay. Makapupukaw ito sa realidad Kahalagahan ng Lakbay Sanaysay Makapagbibigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon. Makikilala ang lugar na itinampok sa lakbaysanaysay Kahalagahan ng Lakbay Sanaysay Magkakaroon ng maraming kaalaman ang mambabasa at ang manunulat ukol sa lugar na inilalarawan o inilalahad ng sanaysay. Napahahalagahan at mapahahagahan ng mga tao ang lugar o kulturang itinalakay. Kahalagahan ng Lakbay Sanaysay Nagbubukas ng kaalaman sa mga taong mahilig maglakbay Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga at respeto sa kalikasang bigay ng Maykapal at mga kulturang o anumang makikita sa ibang lugar. Mga Katangian • Ito ay personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa. • Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan • Naglalaman ng mga larawan at paksa tungkol sa lugar Basahin nang mabuti ang isang lakbaysanaysay. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na makikita sa bahaging pagsusuri. Kawasan Falls ni: Jan Moises Estrada Ang daming taong nagagandahan sa lugar na tinatawag na Kawasan Falls sa Badian. Ano ba tagala ang meron sa lugar na ito? Bakit kaya dinarayo ito nang mga dayuhan? Bakit tinatawag nila ito na Beautiful Natural Wonders sa Cebu? Paano makakapunta sa Kawasan? Ito ang isa sa lugar na napuntahan namin sa parte ng Badian. Para maka punta sa Badian kailangan munang pumunta sa Cebu South Bus Terminal at sumakay ng bus papunta sa Badian o Moalboal. Ipaalam lamang sa driver o sa konduktor na ihihinto ka sa harap ng Matutinao Church. Mula roon, makakatagpo ka ng “Tour Guide” na maaari kang samahan sa paglilibot ng Area Falls o matulungan kang dalhin ang iyong bagahe. Ngunit kung minsan, nakakainis sila dahil pinipilit nila kami na samahan kahit alam na naming ang daan. Pero masaya naman ako dahil kasama ko ang aking mga kaibigan na masayang naliligo sa falls. Ang masasabi ko lang dito bilang isang dayuhan ay sobrang ganda talaga ng mga tanawin dito sa Kawasan Falls. Sa paglakbay ko marami din akong nakitang magandang lugar tulad ng Moalboal isa din siya dinarayo ng mga dayuhan katulad namin. At dito ko rin nalalaman ang lugar na Moalboal ay isang sikat na atraksyong panturista. Natuklasan ko sa aking sarili habang ako ay naglalakbay na dapat tangkilikin ang mga lugar na maipapagmamalaki natin sa iba (Ang kabuuan ng nabasang lakbay-sanaysay ay mababasa mo sa link na ito: https://bit.ly/33YZnxK) Sagutin ang mga katanungan Mga gabay na tanong: 1. Ano o sino ang tuon ng lakbay-sanaysay? 2. Bakit mas nakikilala ang lugar na pinanggalingan kapag malayo ka rito? 3. Bakit mahalagang mahatak ang atensiyon ng mambabasa sa simula pa lamang ng sanaysay? Lagyan ng tsek / ang kahon kung ang pahayag ay TAMA at lagyan naman ng X kung ang pahayag ay MALI. _____1. Makapagbibigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon _____2. Ito ay hindi personal at kalimitang tumutuligsa ng mambabasa. _____3. Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga at respeto sa kalikasang bigay ng Maykapal at mga kulturang o anumang makikita sa ibang lugar. _____4. Mahalaga ang isang lakbay-sanaysay sapagkat ito ang ating magiging pamamaraan upang maibahagi ang naging karanasan ukol sa ating mga nakikita sa ating paglalakbay _____5. Napapahalagahan lamang ng mga tao ang lugar na itinatampok sa isang lakbay-sanaysay. _____6. Kapag nagsusulat ng isang lakbaysanaysay, naglalaman ito ng maraming larawan kaysa teksto. _____7. Ang lakbay-sanaysay ay nagbibigay ng daan upang magbukas ng turismo sa isang lugar. _____8. Ito ay nagpapahayag batay sa larawan na may 3-5 na pangungusap lamang. _____9. Mahalaga ang lakbay-sanaysay upang mapukaw ang iba sa reyalidad. _____10. Makikilala ang lugar na itinampok sa lakbaysanaysay. _____11. Naglalaman lamang ng mga larawan ang mga lakbay-sanaysay. _____12. Ito ay naglalarawan ng posisyon sa isang partkular na isyu. _____13. Ang isang mambabasa ay magkakaroon ng maraming kaalaman dahil sa kanyang pagbabasa ng lakbay-sanaysay. _____14. Ito ay replektib na karanasang personal na buhay sa mga napanood. _____15. Nagbubukas ng kaalaman sa mga taong mahilig maglakbay
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )