ARALIN 1:
Mga Pananaw, Kahulugan, at
Kasaysayan
ng Komunikasyong Teknikal
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Nasusuri ang kasaysayan ng komunikasyong teknikal;
2. Naipapaliwanag ang pag-unlad ng komunikasyong teknikal
bilang isang disiplina;
3. Napaghahambing ang mga unang tagapagsulong ng
komunikasyong teknikal;
4. Nabibigyang-kahulugan ang komunikasyong teknikal;
5. Naiisa-isa ang mahahalagang element at katangian ng
komunikasyong teknikal; at
6. Natutukoy ang mga prinsipyo at kaisipan ng tradisyonal at
modernong kaparaanan ng komunikasyong teknikal.
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal
Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa
mabisang komunikasyon. Sa Katunayan, ang mga guro,mga
pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga
hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya na lamang sa
pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang
panghihikayat sa argumento. Aniya, ang panghihikayat ay
nakatuon sa kaparaanan kung paano maiaangat ang interes ng
mambabasa at tagapakinig, samantala ang argumento naman ay
ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya. Sa
pananaw na ito mababakas ang pagsilang ng komunikasyong
teknikal lalo na’t pinahahalagahan dito ang proseso o pag
eestruktura ng isang mensahe. Sa Huli, ang pinakainam na
maisaalang-alang ay ang paglikha ng mabisang mensahe.
Sa paliwanag nina Martinez et al.(2011), ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay
ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Mahalagang ma isa
alang-alang ang awdiyens,layunin, at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon.
Sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slides, at iba
pang uri ng multimedia na kagamitan. Maituturing na susi ng tagumpay para sa isang
tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon, ito man ay sa pasalita o
pasulat na anyo.
Sa katunayan, isa ito sa mga hinahanap na katangian ng mga kompanya sapagkuha
ng empleyado.
Natukoy sa pag-aaral na ang komunikasyong teknikal ay nagmula sa mga Sumerian
subalit kinilala si Sextus Julius Frontinus bilang isa sa mga awtor nito.Ito ay dahil
sumulat siya ng manwal para sa gusali at paraan ng pagpapanatili nito noong A.D.97