Division of City School
Apopong District
Lozano High School
Purok Cabuay, Sinawal, General Santos City
_______________________________________________________________
August 26, 2022
BANGHAY ARALIN
ARALIN PANLIPUNAN 8
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang
kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa
kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.
I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang mga bahagi ng pag-aaral ng heograpiya.
2. Natatalakay ang konseptwal na pundasyon ng batayang heograpiya.
3. Natatalakay ang limang tema ng heograpiya.
II. Nilalaman
Paksa: Limang Tema ng Heograpiya
Sanggunian: Unang Markahan– Kasaysayan ng Daigdig - Modyul 1 para sa mga mag-araal
Kagamitan: Aklat, Modyul, Larawan, tsok.
III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng Liban
3. Pagganyak
B. Paglinang ng Gawain.
1. Balik- Aral
2. Paglalahad
* Ang mag-aaral ay aatasan na sagutan ang Photo Suri mula sa mga larawang ibibigay
ng guro.
3. Pagtatalakay
* Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan patungkol sa larawan.
4. Paglalapat
HEOGRAPIYA AT LIMANG TEMA NITO
Mahalagang bigyang diin sa ating pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig ang pisikal na
katangian nito sapagkat nakaaapekto ito nang malaki sa kilos at gawain ng tao. Heograpiya
ng Daigdig Ang heograpiya ay nagmula sa salitang Greek na geo at graphein. Ang geo ay
nangangahulugan ng mundo at ang graphein ay nangangahulugan sumulat o ilarawan.
Samakatuwid, ang heograpiya ay ang pagsulat o paglalarawan ng mundo.
Ang sumusunod ay ang mga batayang kaalaman na nauukol sa pag-aaral ng heograpiya
ayon kay Gutierez:
1. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng pagkakaiba ng mga lugar (areal differentiation) sa
balat ng mundo.
2. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng likas na pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao at ng
kanilang kapaligiran.
3. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng mga katangiang pisikal sa ibabaw ng mundo at ng
iba’t ibang gawain na nagaganap dito.
May dalawang kilalang sangay ng heograpiya, ang heograpiyang pisikal at heograpiyang
pantao. Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga
anyong lupa ng mundo at itinatakda ang mga rehiyon na patuloy na naaapektuhan ng mga
pwersa at proseso ng kalikasan. Sa kabilang dako, ang heograpiyang pantao ay nauukol sa
distribusyon ng mga tao, ang kanilang kultura at kanilang mga gawain sa ibabaw ng mundo.
Ang heograpiya ay nauugnay sa pag-aaral ng mga agham pisikal (natural sciences) dahil
nagkakaroon ng sandigan sa iba’t ibang larangan ng agham. Naiuugnay din ang heograpiya
sa mga agham panlipunan lalo na sa disiplina ng kasaysayan, ekonomiks at iba pa. Dahilan
dito, masasabing ang heograpiya ay hindi purong agham na pisikal o purong agham
panlipunan.
Sa taong 1984 nang simulang balangkasin ang limang temang heograpikal sa
pangungunangNational Council for Geographic Education atng Association of American
Geographers.
Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya
bilang isang disiplina ng agham panlipunan at upang mas madaling mauunawaan ng tao ang
daigdig na kaniyang ginagalawan.
Napapaloob dito ang limang tema ng heograpiya na pinabibilangan ng sumusunod:
1. Lokasyon. Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ang sumusunod ay ang
dalawang pamamaraan ng pagtukoy nito:
a. Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at
longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy
sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig;
b. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.
2. Lugar. Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ang sumusunod ay ang
mga paraan ng pagtukoy nito:
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman;
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga sistemang pulitikal.
3. Rehiyon. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na
katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan. Sakop ng pag-aaral nito ang kapaligiran bilang
pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga
pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.
5. Paggalaw. Ito ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar;
kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
Ang tatlong uri ng pagtutukoy ng distansya ay ang sumusunod:
a. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
b. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
c. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?
5. Paglalahat
* Saan nanggaling ang salitang heograpiya? Ibigay ang kahulugan nito.
* Ano ang mapapansin mo sa heograpiya ng Pilipinas batay sa limang tema nito?
* Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal
ng bansa?
* Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa
IV. Pagtataya
Sagutan ang Gawain na ibinigay ng guro.
V. Takdang Aralin
Ibigay at ilarawan nag bahagi ng daigdig.
Inihanda ni:
MA. BUENA KLIER M.ESTANIL
Tagapagturo
Iniwasto ni:
FRANKLIN A. LAGUESMA
Punong Guro