6 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kwarter IV– Linggo 4 Pagmamahal at Pananalig sa Diyos CONTEXTUALIZED LEARNING-INSTRUCTION KIT SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 6 Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS) Kwarter IV – Linggo 4: Pagmamahal at Pananalig sa Diyos Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets Manunulat: Ma. Anita D. Gapulao Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD Editor ng Wika: Violah A. Villon Tagawasto: Loida A. Sernadilla PhD Mga Tagasuri: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD Tagaguhit: Carmina A. Amos Tagalapat: Maricel A. Zamora Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS Loida P. Adornado, PhD, ASDS Cyril C. Serador, PhD, CID Chief Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager Shirley F. Lilang, EPS-EsP Loida A. Sernadilla PhD., PSDS Eva Joyce C. Presto, PDO II Rhea Ann A. Navilla, Librarian II Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brilliantes Mary Jane J. Parcon Armor T. Magbanua Maricel A. Zamora Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS) Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City Telephone No.: (048) 434 9438 Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph Aralin 1 Pagmamahal at Pananalig sa Diyos MELC: Naipakikita ang tunay na pagmamahal at pananalig sa Diyos sa pamamgitan ng pagdarasal. (EsP6PD-IV-a-1-16) Mga Layunin: 1. Nabibigyan ng kahulugan ang mga salitang pananalig at pagmamahal sa Diyos; 2. Natutukoy ang mga sitwasyon na nagpapatunay ng pagmamahal at pananalig sa Diyos. 3. Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging mapagmahal sa pamamagitan ng pagdarasal. Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ipinangako ng Nanay mo na bibilihan ka ng bagong damit. Nang dumating siya, hindi mo nagustuhan ang damit na nais mo. Ang wika niya sa iyo ″Ana, pasensiya ka na, ito lamang ang aking nakayanang bilhin para sa iyo”. Ano ang magiging reaksiyon mo? A. Hindi na lamang kikibo B. Ipapangako sa sarili na hindi na masyadong aasa mula ngayon C. Maaawa sa iyong Nanay D. Tatanggapin ng buong puso 2. Ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ay nabigo sa isang pangako? A. Ibayong kalungkutan at panghihinayang ang mararamdaman. B. Ipagbunyi ang naging kabiguan. C. Malulungkot ng tuluyan. D. Matutuwa sapagkat nabigo sa isang pangako. 3. Bakit kailangan na tuparin ng isang tao o kaibigan ang kaniyang pangako? A. Ang pangako ay may intensiyon na mabuti. B. Ito ang sumasalamin sa isang indibidwal na pagkatao. C. Maging buo ang pagtitiwala sa kapuwa. D. Natural lamang na paniwalaan mo siya. 4. Tuwang-tuwa si Perlita sa kaniyang natanggap na sorpresa mula sa kaniyang kaibigang si Merlita. Ang ipinakita ba na ugali ni Perlita ay may pagmamahal sa Diyos? A. Oo B. wala C. hindi siguro D. dependi 5. Hindi na nagsasamba si Anita dahil batid niya na iba na ang kaniyang paniniwala. Ano ang magiging reaksiyon mo? A. Ang pagmamahal sa kaibigan ay may malawak na pag-unawa. B. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos. C. Iisipin ko ang pagpapahiram ay magdudulot ng hindi pagkakaunawaan. D. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung katabi ko siya. 1 Ating Alamin at Tuklasin Paghahawan ng Balakid Ang Pagmamahal at Pananalig ay ito ang nagtuturo sa atin na magtiwala sa Diyos para sa lahat ng hindi natin nakikita at nalalaman. Bago mo alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa araling ito, balikan muna natin kung may naalala ka pa sa nakalipas na paksang-aralin. Natatandaan mo ba kung ano-ano ang mga paraan ng pagbabago sa iyong sarili batay sa ispiritwalidad na gawain? Ano ang kahalagahan nito sa iyong sarili? Batid mo na ngayon na sa tulong ng mga teksto at ng iyong pamilya magkakaroon ka ng batayan kung paano gawin ang tamang pagdarasal sa Diyos. Upang maipakita na ikaw ay tunay na may pagmamahal at pananalig sa Diyos. Sa iyong palagay, paano ipinakikita ang pagkamapanagutan sa Diyos lalo na sa pagtupad sa kaniyang sampung (10) utos? Kamusta ka? Tinutupad mo ba ang mga utos na ito? Masasabi mo ba na, “Ako ay may isang salita”? Ikaw ba ay isang mabuting anak at mamamayang nilikha ng Diyos? Nagiging tapat ka nga ba sa iyong pagmamahal at pananalig sa Diyos lalo’t higit sa lahat ng bagay? Ito ay mga halimbawa ng katanungan na maaaring maging batayan mo kung ikaw ba ay isang tunay na may pagmamahal at pananalig sa Diyos. Pananalig at Mapagmahal sa Diyos Ang pagiging maka-Diyos ay isang konseptong na alam halos lahat ng tao. Sa bawat kilos na ating ginagawa ay madalas na may pagsasaaalang-alang sa pagiging tama nito sa tingin ng tao at sa paningin ng Diyos. Kaya naman marapat lamang na matutuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang bagay na dapat malaman tngkol sa ispiritwalidad, paniniwala sa Diyos at pagiging mabuting mamamayan. Ito ay maisasagawa sa pagtuturo sa kanila ng mga pagpapahalagang patungkol dito gaya ng ispiritwalidad at paniniwala sa Diyos na siyang laman ng aralin na ito. Ang pananalig at ang pagtitiwala sa Diyos. Naniniwala tayo na may Diyos na pumapatnubay sa lahat ng ating mga gawain. Ang pananalig sa Diyos ay hindi taglay ng isang indibidwal lamang. Lahat tayo ay may iba’t ibang antas ng pananampalataya sa Diyos. Maaaring mas malalim ang paniniwala ng isa kaysa sa isa, ngunit pareho silang mayroon nito. Mahalaga ito dahil gaano man kaliit ang paniniwala ng isang tao, taglay pa rin nito ang pag-asang siya ay matutulungan at mapapatawd ng Diyos sa kaniyang nagawang kasalanan gaano man ito kaliit o kalati. 2 Paano mo naipapakita na mayroon kang pananalig sa Diyos? Sa mga panahon an dumaranas ka ng mga suliranin sa buhay, patuloy ka pa rin ba na nananalig na malalampasan moa ng lahat ng mga pangyayaring hindi maganda at hindi kaayaaya? Ano-ano ang bagay na ginagawa mon a nagpapalalim ng iyong pananlig? Ganito rin kaya ang ginagawa ng ibang ka-edad mo na kaanib sa ibang relihiyon? Bakit kaya ninyo ginagawa ang mga ito? (Pinagkunan: Zenaida R. Ylarde, at Gloria A. Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Batayang Aklat 6. Pasig: Department of Education, 2016. 138-143.) Tayo’ y Magsanay Gawain 1 Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay patungkol sa pagmamahal at pananalig sa Diyos. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama at ekis (X) naman kung hindi. ____1. Sinasabi ko sa aking kaibigan na ako ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos. ____2. Ibinigay ko sa aking kaibigan ang damit na gusto niya. ____3. Kung bibigyan ako ng aking nanay ng pera, ibibili ko ng aking gusto kahit hindi pa ito kailangan. ____4. Matalik kong kaibigan si Mila, ngunit minsan hindi ko siya pinagkatiwalaan. ____5. Si Caloy at Cora ay magkaibigan mula pagkabata, lagi silang nanonood ng gawaing pang-ispiritwal sa internet online. Maliban sa mga pahayag sa itaas, mayroon ka pa bang idagdag upang maging mapagmahal at may pananalig sa Diyos? 3 Gawain 2 Panuto: Kilalanin ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) kung ang pahayag ay tama at ekis (x) naman kung mali. Mga Pahayag 1. Lahat ng kakilala ko ay marunong magpasalamat sa Diyos sa kanilang biyayang natatanggap. 2. Upang maging matibay ang aming pamilya lagi kaming magkasabay sa pagdarasal. x / 3. Interesado ako sa aking bagong kamag-aral dahil lagi niya akong binibigyan ng baon 4. Tapat ako sa aking kamag-aral kapag kaharap siya, pero kapag nakatalikod hindi ko na siya pansin. 5. Tuwing ikaanim ng gabi mataimtim kami na nanalangin. Masusi mo bang naunawaan ang nais ipahayag ng bawat sitwasyon sa itaas? Paano mo ito mapauunlad? Gawain 1 Panuto: Isulat sa patlang ang letrang M kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagmamahal at DM naman kung hindi nagpapakita ng pagmamahal. _________1. Nag-aaya ng makasama si Liza kapag gusto niya magdasal. ________2. Inaamin ni Peter sa kaniyang Ate kapag siya ay kumukuha ng gamit niya. ________3. Sobra ang sukli ng drayber kay Nina at hindi niya ito isinauli. ________4. Kumuha ng pera sa pitaka ni Nanay si Lydia nang hindi nagpapaalam. ________5. Nakapulot si Nida ng bag may pangalan ito ng kaniyang kaklase at kaniya itong ibinalik. Paano makatutulong ang pananalig at pagmamahal upang matamo ang ating mga layunin sa buhay? 4 Gawain 2 Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa loob ng kahon ang batayan sa pagiging mapagmahal at pananalig sa Diyos sa pamamagitan pagdarasal. A. Pananalig B. Pagdarasal C. Mapagmahal ______1. Nagkasundo sa iisang layunin ang pangkat nila Mando, dahil nanalig sila sa Diyos na matapos ang gawain kung ang lahat ay magtulungan. ______2. Ang masayang pamilya ay pinagbuklod ng pagmamahal ng bawat miyembro nito. ______3. Pangako ni Carlo na magdasal bago at pagkatapos kumain. ______4. Ang magkakapitbahay na Rey at Rene, ay handa magdamayan sa oras ng may nangangailangan dahil pinagpala ng Diyos ang taong marunong tumulong. ______5. Minsan naging mapagmahal sina Cory at Rea nang sila ay namigay ng regalo sa mga bata sa ampunan. Nagiging matagumpay ba ang pagiging mapagmahal at pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at paggawa ng kabutihan sa kapuwa? Gawain 2 Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa bawat patlang. pananalig mapagmahal pagdarasal • Ang pagiging _______________ ay ang nagbubuklod sa pamilya. • Ang matupad ang isang kahilingan ay tanda ng _____________ sa Diyos. • May kasabihan tayo na ang pamilyang sabay ang _____________ ay nagsasama ng matagal. 5 Ating Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Paano mapananatili ang pagiging mapagmahal sa Diyos? A. May malalim na pananalig sa Diyos B. May responsibilidad sa kaibigan C. Pagkakaroon ng malasakit sa isang tao D. Sandalan sa oras ng kagipitan 2. Bakit tinawag na may isang himala ang pagiging madasalin ng mga tao? A. dahil ito ay nagpapahalaga ng sarili B. dahil ito ang pundasyon ng pagmamahalan C. dahil ito ang nagsisilbing gabay sa bawat isa D. dahil ito ang repleksiyon ng ating pagkatao 3. Maagang pumasok sa trabaho si Ginang Marya, na may pananalig sa Diyos na marami ang magawa at maaga matapos ang trabaho. Anong kaugalian ang ipinakita niya? A. Pananalig sa Diyos B. Pagmamahal sa gawain C. Pagiging mapanalig D. Pagiging masunurin 4. May nakitang pitaka si Lita sa harap ng kanilang bahay at may laman itong pera. Nakita niya na may pangalan ang pitaka at agad niya itong ibinalik sa may-ari. Anong kahalagahan ang ipinamalas ni Lita? A. May takot sa Diyos B. Pagmamahal sa gawain C. Pagiging mapanalig D. Pagiging masunurin 5. Bakit kailangan ng isang tao ang maging mapagmahal sa kapuwa? A. Ang pagiging mapagmahal ay isang mahalagang pag-uugali na dapat isaisip, isapuso at isagawa sa araw-araw na pamumuhay. B. Daan at tulay ito ng pagiging isang mabuting tao. C. Ito ang ugaling Pilipino na dapat tularan ninuman. D. Nagsisilbing responsableng mamamayan sa anumang bagay. 6 Subukin Natin 1. D 2.A 3. B 4. A 5. B 2. / 3. X 4. X 5. / 2. / 3. X 4. X 5. / 3. A 4. C 5. C 3. B 4. A 5.A Tayo’y Magsanay Gawain 1 1. / Gawain 2 1. / Ating Pagyamanin Gawain 1 1. DM 2. M 3. DM 4. DM 5. M Gawain 2 1. A 2. B Ang Aking Natutuhan • • mapagmahal pananalig sa Diyos pagdarasal Ating Tayahin 1. A 2. D Aklat Ylarde, Zenaida R. at Gloria A. Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Batayang Aklat 6. Pasig: Department of Education. 2016. 7 FEEDBACK SLIP A. PARA SA MAG-AARAL Maraming salamat sa paggamit ng CLIK Modyul na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. 1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang modyul na ito? 2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto? 3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa pag-aaral gamit ang modyul na ito? 4. Mayroon bang bahagi sa modyul na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?) B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang modyul na ito? Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit) Wala Numero ng Telepono: __________________________________ PANGALAN NG PAARALAN: Pangalan at Lagda ng Guro: Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay: Petsa ng Pagtanggap ng Modyul: Petsa ng Pagbalik ng Modyul: 8 OPO HINDI
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )