Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE PANITIKAN MIDYEAR 2025 PAMAGAT: MGA TEORYANG PAMPANITIKAN ASIGNATURA: GE Fil 3: PANITIKAN MGA TAGAPAG-ULAT: ACERON, REIGN JANIECE C. CONCEPCION, CERINA YASMIN B. GALAPON. ALAYANNAH ELY FE A. PADOR, SHANTELLE B. PROGRAMA AT KURSO: BSN 2-F GURO: Bb. ABIGAIL T. RIVERA I. Panimula Ang teoryang pampanitikan ay mga pananaw o lente na ginagamit upang pampanitikan. masuri Sa at maunawaan pamamagitan nito, ang isang akdang naipapaliwanag ang nilalaman, anyo, at layunin ng isang akda batay sa iba't ibang aspekto tulad ng lipunan, kasaysayan, kasarian, at damdamin ng tao. II. Layunin Sa pag-aaral ng panitikan, mahalagang maunawaan ang iba't ibang pananaw na ginagamit sa pagsusuri ng mga akda: • Maunawaan ang iba't ibang teoryang pampanitikan bilang lente sa pagsusuri ng mga akda. • Maipakita ang ugnayan ng panitikan sa lipunan, kasaysayan, at kultura. • Mahubog ang mapanuring pag-iisip at masining na pagpapakahulugan sa binabasang akda. • Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa karanasang pantao sa pamamagitan ng panitikan. Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE III. Balangkas ng Pag-uulat I. Kahulugan ng Teoryang Pampanitikan II. Kahalagahan ng Mga Teoryang Pampanitikan III. Mga Teoryang Pampanitikan 1. Teoryang Klasismo 2. Teoryang Romantisismo 3. Teoryang Patriyarkal 4. Teoryang Eksistensyalismo 5. Teoryang Moralismo 6. Teoryang Sosyolohikal 7. Teoryang Pormalismo 8. Teoryang Realismo 9. Teoryang Marxismo IV. 10. Teoryang Kultural 11. Teoryang Humanismo 12. Teoryang Sikolohiyal 13. Teoryang Queer 14. Teoryang Feminismo 15. Teoryang Biyograpikal 16. Teoryang Historikal Intelektuwal na Pagtalakay I. Kahulugan ng Teoryang Pampanitikan Ang mga teoryang pampanitikan ay mga sistematikong pananaw o lente na ginagamit upang masuri, maunawaan, at mapaliwanag ang mga akdang pampanitikan. Sa pamamagitan ng mga teoryang ito, mas malalim nating nauunawaan ang nilalaman, layunin, estilo, at konteksto ng isang akda. Ang bawat teorya ay nakabatay sa partikular sikolohikal, ginagamit na pananaw—panlipunan, pampulitika, bilang moral, batayan sa o historikal, pilosopikal—na interpretasyon ng panitikan. Ang mga teorya ay nagsisilbing batayan sa pagbibigay-kahulugan sa iba’t elemento ng ibang panitikan tulad ng tauhan, tagpuan, banghay, tema, at Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE wika. Bunga ito ng pag-unlad ng kritisismo at humanidades sa iba’t ibang panahon at bahagi ng mundo. II. Kahalagahan ng Mga Teoryang Pampanitikan Ang mga teoryang pampanitikan ay mahalaga sa mas malalim na pag-unawa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. 1. Masusing Pag-unawa – Nakakatulong ito upang maunawaan ang masalimuot na tema, mensahe, at sining ng akda. 2. Kritikal na Pag-iisip – Hinuhubog nito ang kakayahang mag-analisa at mag-isip nang lohikal. 3. Malawak na Pananaw – Nagpapakilala ito ng iba’t ibang pananaw batay sa kasarian, lipunan, kasaysayan, at pilosopiya. 4. Pag-unawa sa Konteksto – Ipinapakita nito ang ugnayan ng akda sa panahon, lipunan, at personal na karanasan ng may-akda. 5. Gabay sa Pagsusuri – Nagbibigay ito ng estruktura sa pagbasa, kaya’t nagiging sistematiko at akademiko ang pagsusuri. III. Mga Teoryang Pampanitikan 1. Teoryang Klasismo Ang Klasismo ay isang teoryang pampanitikan na nagsimula sa panahon ng mga sinaunang Griyego at Romano, at pormal na naipaliwanag ni Aristotle sa kanyang akdang Poetics. Ang teoryang ito ay nakatuon sa kaayusan, katwiran, at kagandahan ng anyo at nilalaman ng akda. Sa ilalim ng teoryang ito, pinahahalagahan ang balanse, maayos na estruktura, at malinaw na pagkakaiba ng tama at mali. Karaniwan sa mga akdang klasikal ang paggamit ng mga tauhang may mataas na moralidad, at ang layunin ay turuan ang mambabasa ng tamang asal, disiplina, at lohikal na pag-iisip. Hindi binibigyang-diin ang emosyon o personal na pananaw ng tauhan, kundi ang pagpapanatili ng katwiran at kaayusan sa lipunan. Mga Katangian: • Pagpapahalaga damdamin sa lohika at katwiran kaysa • Paggamit ng maayos na estruktura sa banghay • Pagtuturo ng aral o moralidad Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE • Paggamit ng pormal na wika • May malinaw na pagkakahati sa mabuti at masama Halimbawa: • Florante at Laura ni Francisco Balagtas – Ipinakita rito ang malinaw na labanan ng tama at mali, paggamit ng talino sa halip na emosyon, at pagbabalik ng kaayusan sa lipunan matapos ang kaguluhan. 2. Teoryang Romantisismo Ang Romantisismo ay isang teoryang pampanitikan na unang lumaganap sa Europa noong ika-18 siglo, at pangunahing nauugnay kay Jean-Jacques Rousseau, na naniniwalang ang damdamin ay higit na mahalaga kaysa katwiran. Ang romantisismo ay nakatuon sa pagpapahalaga sa damdamin, imahinasyon, at kalayaan ng indibidwal. Sa ilalim ng teoryang ito, mas pinaiiral ang puso kaysa sa isip, at binibigyanghalaga ang karanasan ng tauhan sa pag-ibig, kalikasan, kabayanihan, at paglaya mula sa mga limitasyon ng lipunan. Itinatampok sa mga akdang romantisista ang pag-asa sa kabila ng trahedya, tagumpay ng mabuti laban sa masama, at tagumpay ng pag-ibig kahit maraming balakid. Layunin ng akda na gisingin ang damdamin ng mambabasa at ipakita ang kagandahan ng buhay at pagasa. Mga Katangian: • Pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin • Pagpapahalaga sa kalikasan bilang simbolo ng kapayapaan o pagdurusa • Pagtatakda karanasan • ng indibidwal bilang sentro ng Tema ng kabayanihan, pag-ibig, at trahedya Halimbawa: • Pagtatapat ni Lope K. Santos - nagpapahayag ng matinding damdamin ng pag-ibig. Sa tula, tapat at taos-puso ang pag-amin ng damdamin ng persona sa kanyang iniibig, kahit walang kasiguraduhang kapalit. Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE 3. Teoryang Patriyarkal Ang Teoryang Patriyarkal ay isang pananaw sa pagsusuri ng panitikan na nakatuon sa hindi pantay na kapangyarihan sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ipinapakita rito kung paano pinangungunahan ng kalalakihan ang lipunan mula sa tahanan, relihiyon, pulitika, hanggang sa kultura at panitikan at kung paano ang kababaihan ay karaniwang ipinapakita bilang mahina, sunud-sunuran, at walang boses. Sa teoryang ito, ang mga akda ay sinusuri upang ilantad ang mga istrukturang panlipunang pabor sa lalaki, na tinatawag na patriyarkiya. Layunin ng pagsusuring ito na maunawaan ang papel ng kasarian sa panitikan, at maipakita kung paano ang kababaihan ay naisasantabi, nasasaktan, o nalilimita ng mga paniniwala at gawi ng lipunang kontrolado ng lalaki. Mga Katangian: • Binibigyang-diin kababaihan sa panitikan ang representasyon ng • Kritikal sa dominasyon ng lalaki sa mga akda at lipunan • Nilalantad ang mga stereotype laban sa babae • Layuning bigyang kapangyarihan kababaihan sa panitikan ang tinig ng Halimbawa: • “Ang Mga Anak-Dalita” ni Patricio Mariano Ipinapakita sa akda ang kawalan ng kapangyarihan ng kababaihan sa isang lipunang pinaghaharian ng lalaki, kung saan ang mga babae ay salat sa karapatan, at madalas ay tahimik at sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga kalalakihan. 4. Teoryang Eksistensyalismo Ang Teoryang Eksistensiyalismo ay isang pananaw sa panitikan na nagtutuon sa kalayaan ng tao na gumawa ng sariling desisyon at humubog ng sariling kahulugan sa buhay. Ipinapakita ng mga akdang gumagamit ng teoryang ito na ang tao ay may kakayahang pumili at managot sa kanyang mga pasya, kahit ito’y labag sa kagustuhan ng lipunan, relihiyon, o moralidad. Sa ilalim ng teoryang ito, ang tao ang sentro ng kanyang sariling pag-iral (existence) at walang sinuman ang may kapangyarihang magsabi kung ano ang Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE tama o mali para sa kanya. Ang kanyang mga kilos at desisyon ang bumubuo sa kanyang pagkatao. Mga Katangian: • Tauhan ay malaya ngunit may responsibilidad sa kanyang mga pasya • Kalungkutan, pag-aalinlangan, katiyakan sa harap ng mundo at kawalang- • Tema ng paghahanap ng kahulugan sa buhay • Indibidwal bilang sentro ng pag-iral Halimbawa: • “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadill Ipinapakita ng persona na siya mismo ang may kontrol sa kanyang mundo at pag-iral. Hindi siya nakatali sa tradisyon o sa inaasahan ng lipunan bagamat siya ang gumagawa ng sariling kahulugan ng buhay. 5. Teoryang Moralismo Ang Teoryang Moralismo ay isang pananaw na nakatuon sa pagpapahalaga sa kabutihang-asal at paghatid ng moral na aral sa mga mambabasa. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang layunin ng panitikan ay hindi lamang libangin kundi turuan ang tao ng tama at mali, upang siya’y mamuhay sa isang matuwid na landas. Hindi gaanong binibigyang-pansin sa moralismo ang kasaysayan ng akda o estilo ng pagsulat; ang mas mahalaga ay ang epekto nito sa ugali, konsensya, at paninindigan ng tao. Nagsimula ang ganitong pananaw noong panahon ng Medieval at Renaissance sa Europa, kung kailan ginamit ang panitikan bilang instrumento ng simbahan upang maipakalat ang mga Kristiyanong aral. Ang mga pilosopong gaya nina St. Augustine at Thomas Aquinas ay malalaking impluwensiya sa ganitong paraan ng pagtingin sa akda. Hanggang ngayon, ginagamit pa rin ang moralistikong pananaw upang gabayan ang kabataan at mambabasa sa pag-unawa ng mabuti at masamang asal. Mga Uri ng Moralismo: 1. Didaktiko – Tuwirang nagtuturo ng leksiyon o moral na aral 2. Alegoryang Moral – Gumagamit ng simbolo o kwento upang ihatid ang aral Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE 3. Kristiyanong Moralismo – Batay sa Bibliya at pananampalataya Mga Halimbawa ng Akda: a. El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal b. The Scarlet Letter ni Nathaniel Hawthorne c. Ang Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute d. Parabula ng Alibughang Anak (mula sa Bibliya) e. Florante at Laura ni Francisco Balagtas 6. Teoryang Sosyolohikal Ang Teoryang Sosyolohikal ay isang pananaw na tinitingnan ang panitikan bilang produkto at salamin ng lipunan. Ayon sa teoryang ito, ang mga akdang pampanitikan ay hindi lamang kathang-isip kundi repleksyon ng mga isyung panlipunan tulad ng kahirapan, diskriminasyon, politika, at tunggalian ng mga uri. Layunin nitong ipakita kung paano nakaaapekto ang lipunan sa mga tauhan at sa kabuuan ng akda, gayundin kung paano maaaring gamitin ang panitikan upang himukin ang pagbabago sa lipunan. Nagsimula ito bilang intelektuwal na kilusan noong ika-19 na siglo kasabay ng pagsikat ng agham panlipunan, partikular na ng Sosyolohiya. Ang mga pilosopo at teorista gaya nina Karl Marx, Émile Durkheim, Max Weber, at Georg Lukács ay pangunahing mga personalidad na nagbigay-daan sa ganitong uri ng pagsusuri. Sa Pilipinas, ito ay naging mahalaga sa panahon ng aktibismo at Batas Militar, kung kailan ginamit ng mga manunulat ang panitikan bilang sandata laban sa opresyon. Mga Uri ng Sosyolohikal na Pananaw: 1. Kahirapan, 2. Katiwalian, 3. Diskriminasyon, 4. Tunggalian ng uri. MGA MAHAHALAGANG KONTEKSTO NA MAARING GAMITIN: • • • Panahon ng panulat – Kailan isinulat ang akda? May kaugnayan ba ito sa mga isyu ng panahon (hal. Martial Law, kolonyalismo, pandemya)? Posisyon ng may-akda sa lipunan – Siya ba ay kabilang sa mahirap, aktibista, o edukado? Impluwensiya ng kultura – Anong gawi o paniniwala ng lipunan ang isinalarawan? Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE Mga Halimbawa ng Akda: a. Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez b. Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal c. Dekada '70 ni Lualhati Bautista d. Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista e. The Grapes of Wrath ni John Steinbeck 7. Teoryang Pormalismo Ang Teoryang Pormalismo ay isang pananaw na nakatuon lamang sa mismong akda. Hindi isinasaalangalang ang may-akda, ang kasaysayan nito, o ang lipunang pinanggalingan ng panitikan. Sa halip, sinusuri lamang ang mga elemento ng akda gaya ng estruktura, wika, banghay, tauhan, tema, at simbolismo. Layunin nitong makita ang kagandahan ng anyo at pagkakabuo ng akda bilang isang sining. Ang pananaw na ito ay umusbong noong ika-20 siglo sa Russia sa pamamagitan ng Russian Formalism at sa Estados Unidos sa anyong New Criticism. Ang mga kilalang tagapagsulong nito ay sina Victor Shklovsky, Roman Jakobson, John Crowe Ransom, at Cleanth Brooks. Malaki ang naging papel ng pormalismo sa mga unibersidad bilang paraan ng “close reading” o masusing pag-aanalisa sa tekstong pampanitikan. Mga Katangian ng Teyoryang Pormalistiko: • • • • • • • • Ang akda ay isang hiwalay na nilalang. Hindi ito dapat iugnay sa buhay ng may-akda o sa lipunang pinagmulan. Masusing pagsusuri sa estruktura. Halimbawa: banghay, tauhan, punto de bista, tayutay, at iba pa. Wika ang pangunahing batayan. Mahalaga kung paano ginamit ang mga salita, hindi kung ano ang nais iparating ng may-akda. Obhetibong pagsusuri. Hindi emosyonal, hindi rin nakabatay sa interpretasyon ng mambabasa. Mga Halimbawa ng Akda: a. Footnote to Youth ni Jose Garcia Villa b. Mga tula ni Edith Tiempo c. Sa Tabi ng Dagat ni Iñigo Ed. Regalado d. The Road Not Taken ni Robert Frost e. The Raven ni Edgar Allan Poe Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE 8. Teoryang Realismo Ang Teoryang Realismo ay isang teoryang pampanitikan na naglalayong ipakita ang tunay na anyo ng buhay—ang hirap, tagumpay, suliranin, at kaligayahan ng tao—nang walang labis o kulang. Hindi tulad ng Romantisismo na may paglalabis at pantasya, ang Realismo ay nakatuon sa makatotohanang representasyon ng lipunan, lalo na ng mga karaniwang tao. Madalas, inilalarawan dito ang mga sitwasyong may kinalaman sa kahirapan, kawalan ng katarungan, o tunggalian sa pagitan ng indibidwal at ng lipunan. Ang Realismo ay lumitaw noong ika-19 na siglo sa Europa bilang tugon sa sobrang damdaming dala ng Romantisismo. Sa panitikan, ang mga manunulat gaya nina Honoré de Balzac at Gustave Flaubert ang nanguna sa pagpapalaganap ng estilo. Sa Pilipinas, naging aktibo ang mga realista tulad nina Lope K. Santos at Amado V. Hernandez, na gumamit ng panitikan upang ilantad ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa at mamamayan. Mga Uri ng Realismo: 1. Panlipunang Realismo – Paglalarawan sa kalagayang panlipunan ng masa 2. Psychological Realism – Pagtuon sa pag-iisip at damdamin ng tauhan 3. Critical Realism – Kritikal na pagsipat sa mga sistemang panlipunan 4. Magic Realism – Pagsasanib ng realidad at kababalaghan sa natural na paraan Mga Epekto ng Teoryang Reyalismo sa Mambabasa • • • • Nagiging mas mulat sa mga isyung panlipunan. Nakakarelate sa mga tauhang pinapakita bilang taong ordinaryo, hindi perpekto. Nakikita ang repleksyon ng sariling buhay o lipunan sa binabasang akda. Nag-uudyok ng pagninilay, pakikiisa, at pagkilos sa harap ng problema ng lipunan. Mga Halimbawa ng Akda: a. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez b. Titser ni Liwayway Arceo c. Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes d. Madame Bovary ni Gustave Flaubert e. The Death of Ivan Ilyich ni Leo Tolstoy Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE 9. Teoryang Marxismo Isang teoryang nagsusuri ng panitikan batay sa mga salik ng ekonomiya at lipunan, partikular na ang tunggalian ng mga uri (class struggle). Pinagaaralan kung paano ipinapakita ng isang akda ang mga relasyon sa pagitan ng mga maykapangyarihan at mga inaapi. Pinagmulan/Tagapagtaguyod: Karl Marx at Friedrich Engels, mga pilosopong Aleman. Mga Katangian: ◦ Pagtutok sa mga isyung pang-ekonomiya at sosyal. ◦ Pagsusuri ng tunggalian ng mga uri. ◦ Pagkilala sa papel ng ideolohiya sa pagpapanatili ng kapangyarihan. ◦ Pag-aanalisa ng mga simbolismo at alegorya na may kaugnayan sa mga isyung panlipunan. Mga Halimbawa: ◦ Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal (pagpapakita ng pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino). ◦ Mga akda ni Amado V. Hernandez kalagayan ng mga manggagawa). 10. (pagtutok sa Teoryang Kultural Nagbibigay-diin sa papel ng kultura sa pagbuo ng kahulugan sa panitikan. Sinusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng kultura, tradisyon, at paniniwala ang mga akda at ang pag-unawa ng mga mambabasa rito. Pinagmulan/Tagapagtaguyod: Iba't ibang antropologo at iskolar sa larangan ng cultural studies. Mga Katangian: ◦ Pagsusuri ng mga kultural na konteksto ng isang akda. ◦ Pagkilala sa interpretasyon. iba't ibang perspektiba at ◦ Pag-unawa sa mga simbolo at ritwal na may kaugnayan sa kultura. Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE ◦ Pag-aaral ng pagkakaiba-iba ng kultura at ang epekto nito sa panitikan. Halimbawa: ◦ Nobelang “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez, na naglalarawan ng mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng mga Pilipino tulad ng pagmamahal sa pamilya, pagtulong sa kapwa, at pagiging relihiyoso. 11. Teoryang Humanismo Nagbibigay-halaga sa dignidad at kakayahan ng tao. Sinusuri ang mga akda batay sa mga pagpapahalagang pantao, moralidad, at etikal na mga isyu. Naniniwala sa kakayahan ng tao na gumawa ng mabuti at magkaroon ng kalayaan. Pinagmulan/Tagapagtaguyod: Panahon ng Renasimyento Mga intelektuwal ng Mga Katangian: ◦ Pagbibigay-diin sa pagpapahalagang pantao. ◦ Pagsusuri ng mga moral at etikal na isyu. ◦ Pagkilala sa kalayaan at dignidad ng tao. ◦ Pag-aaral ng mga karanasan ng tao at ang kahulugan ng buhay. Mga Halimbawa: ◦ “Titser” ni Liwayway Arceo, na nagpapakita pagpapahalaga sa tao bilang sentro ng kwento. 12. ng Teoryang Sikolohiyal Nagsusuri ng panitikan gamit ang mga prinsipyo ng sikolohiya. Pinag-aaralan ang pag-uugali, motibasyon, at emosyon ng mga tauhan at kung paano ito nakakaapekto sa mga pangyayari sa akda. Pinagmulan/Tagapagtaguyod: at iba pang sikolohista. Sigmund Freud, Carl Jung, Mga Katangian: ◦ Pagsusuri ng pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan. Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE ◦ Pagkilala sa mga sikolohikal nakakaapekto sa mga pangyayari. na salik na ◦ Pag-aanalisa ng mga panaginip, simbolismo, at iba pang sikolohikal na elemento. ◦ Paggamit ng mga sikolohikal na teorya sa pag-unawa ng mga akda. Mga Halimbawa: ◦ “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino” ni Ponciano Pineda at ◦ “Maling Edukasyon sa Kolehiyo” ni Jorge Bocobo na kung saan ang parehong akda ay nagbibigay ng malalim na pagsusuri sa mga sikolohikal na epekto ng edukasyon at kolonisasyon sa mga Pilipino. 13. Teoryang Queer Ang Teoryang Queer ay isang modernong lapit sa pagsusuri ng panitikan na tumutok sa pag-unawa at pagkwestiyon sa mga tradisyonal na pananaw ukol sa kasarian at sekswalidad. Nagsimula ito bilang bahagi ng mas malawak na kilusang intelektwal sa larangan ng gender studies at LGBTQ+ rights. Sa ilalim ng teoryang ito, sinusuri kung paano inilalarawan ang mga queer na karakter at relasyon, at kung paano hinahamon ng akda ang mga heteronormatibong pananaw sa lipunan. Layunin ng teoryang queer na bigyang-pansin ang karanasang queer bilang bahagi ng panitikan at kultura, at hamunin ang mga paniniwalang nagpapalaganap ng diskriminasyon at eksklusyon. Mahalaga rin dito ang pagtukoy sa ambigwidad at fluidity ng identidad. Mga Katangian: • • • • Pagsusuri sa mga tema ng sekswalidad at gender identity Pagtatampok sa mga queer na karanasan at tauhan Pagbabasag sa mga tradisyonal o konserbatibong pananaw sa sekswalidad Paghamon sa heteronormatibong pananaw ng lipunan Halimbawa: • Ang Paglalakbay ni Joshua – isang kathang tumatalakay sa karanasan ng isang binatang bakla na kinakaharap ang diskriminasyon sa pamilya at lipunan, habang unti-unting tinatanggap ang kanyang sarili at hinahanap ang kanyang lugar sa Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE mundo. 14. Teoryang Feminismo Ang Teoryang Feminismo ay nakatuon sa pagsusuri ng papel, representasyon, at karanasan ng kababaihan sa panitikan. Layunin nitong ipakita kung paano naisasantabi, napapabayaan, o inaapi ang mga babae sa lipunang patriyarkal. Kaakibat nito ang pagbibigay ng tinig sa kababaihan at paglalantad sa mga istrukturang panlipunang nagpapalakas ng dominasyon ng kalalakihan. Sa ilalim ng teoryang ito, sinusuri kung paano inilalarawan ang mga babaeng tauhan—bilang malaya o sunud-sunuran, matapang o mahina, may sariling desisyon o umaasa lamang sa lalaki. Layunin din nitong ipakita ang posibilidad ng pagbabago at pag-angat ng kababaihan sa pamamagitan ng panitikan. Mga Katangian: • • • • Paglalantad sa hindi pantay na pagtrato sa kababaihan Kritikal sa pananaw na nagpapababa sa kababaihan Pagpapakita ng kapangyarihan ng babae at kakayahang makalaya Pagsusuri sa konstruksyon ng kasarian sa akda Halimbawa: • 15. Dekada ‘70 ni Lualhati Bautista – Ipinakita rito ang pagbabagong-loob ng isang inang nasa loob ng patriyarkal na tahanan tungo sa pagiging aktibo at mulat sa mga isyung panlipunan. Teoryang Biyograpikal Ang Teoryang Biyograpikal ay isang paraan ng pagsusuri na nakatuon sa kaugnayan ng buhay ng mayakda sa kanyang akdang pampanitikan. Naniniwala ang teoryang ito na hindi maihihiwalay ang karanasan, paniniwala, at personalidad ng manunulat sa kanyang mga isinulat. Sa madaling sabi, ang panitikan ay maaaring salamin ng karanasan ng may-akda. Sa pagsusuri sa ilalim ng teoryang ito, mahalagang tukuyin ang mga bahagi ng akda na maaaring konektado sa mga totoong pangyayari sa buhay ng may-akda— kabilang ang kanyang kabataan, pamilya, propesyon, relihiyon, o karanasan sa lipunan. Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE Mga Katangian: • • • Pagsusuri batay sa personal na karanasan ng mayakda Pag-uugnay ng mga tauhan, tagpuan, at tema sa buhay ng awtor Pagpapahalaga sa konteksto ng buhay ng manunulat bilang susi sa pag-unawa sa akda Halimbawa: • 16. Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes – Ipinapakita ang paghihirap ng isang lalaking manggagawa sa lungsod, na hango sa mga obserbasyon at personal na karanasan ni Reyes bilang mamamahayag. Teoryang Historikal Ang Teoryang Historikal ay nakabatay sa paniniwalang ang akdang pampanitikan ay produkto ng kanyang panahon. Layunin ng teoryang ito na ipakita ang kaugnayan ng akda sa mga pangyayaring historikal na naganap noong isinulat ito. Pinaniniwalaan na ang panitikan ay nagsisilbing salamin ng kasaysayan, o maaaring maging reaksyon sa mga krisis, suliranin, at pagbabagong panlipunan. Sa pagsusuri ng akda gamit ang teoryang historikal, isinasaalang-alang ang mga mahahalagang kaganapan, ideolohiya, at kalagayang panlipunan na nakaapekto sa mga manunulat at sa kanilang mga akda. Mga Katangian: • • • Pag-uugnay ng akda sa kontekstong historikal ng panahon ng pagkakasulat Pagpapakita ng impluwensiya ng mga kaganapan sa lipunan sa akda Pagsusuri sa akda bilang patunay o reaksyon sa kasaysayan Halimbawa: Noli Me Tangere ni Jose Rizal – Ipinapakita ang kalagayang kolonyal sa ilalim ng Espanya, at binibigyang-diin ang katiwalian sa simbahan at gobyerno bilang komentaryo sa kasaysayan ng bansa. Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE V. PANANAW AT REPLEKSYON Ang mga teoryang pampanitikan ay nagsisilbing mahalagang kasangkapan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Sa pamamagitan ng iba't ibang pananaw tulad ng historikal, sosyolohikal, feminismo, at iba pa, mas nagiging malalim ang pag-unawa sa nilalaman at konteksto ng isang akda. Naipapakita rin kung paano sumasalamin ang panitikan sa mga karanasan, isyung panlipunan, at damdaming pantao. Sa paggamit ng mga teoryang ito, nahuhubog ang mapanuring pagiisip at masining na pagpapakahulugan sa mga akda, na nagbubukas ng mas malawak na pagtanaw sa kultura, lipunan, at buhay ng tao. VI. SANGGUNIAN Limbo, D. (2015, October 7). Teoryang Eksistensyalismo. WordPress. https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang -eksistensyalismo-2/ De Guzman, M. J. (n.d.). Teoryang Klasisismo. De La Salle John Bosco College. Studocu. Retrieved June 12, 2025, from https://www.studocu.com/ph/document/dela-sallejohn-bosco-college/beed-major-in-generaleducation/teoryang-klasisismo/68780915 Lazaro, R. A. (n.d.). FIL 3 Kabanata 2 – Teoryang Pampanitikan. Nueva Ecija University of Science and Technology. Studocu. Retrieved June 12, 2025, from https://www.studocu.com/ph/document/nueva-ecijauniversity-of-science-and-technology/dalumat-ngsafilipino/fil-3-kabanata-2-teoryang/71620629 Marquez, J. A. (n.d.). Teoryang Romantisismo. Scribd. Retrieved June 12, 2025, from https://www.scribd.com/document/628905240/TEORYANGROMANTISISMO Tolentino, R. B. (2017). Reyalismo sa panitikang Pilipino: Isang pag-aaral sa mga nobela ng dekada 70. Kritika Kultura, 29, 85-109. https://doi.org/10.13185/KK2017.02906 Del Mundo, C. T. (2015). Pormalismo sa pagsusuri ng panitikan: Teorya at aplikasyon. Journal of Philippine Literature, 40(1), 45-67. https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/JPL/article/ view/325 Dela Cruz, M. J. (2019). Ang teoryang sosyolohikal at ang pag-aaral ng panitikang Pilipino. Philippine Journal of Social Sciences and Humanities, 12(2), 110-130. https://pjssh.upd.edu.ph/article/view/1123 Republic of the Philippines NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY Cabanatuan City, Nueva Ecija INSTITUTE OF LINGUISTICS AND LITERATURE Casal, G. R. (2018). Pananaw ng mga Pilipino sa panitikang moralistiko. Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints, 66(2), 123-145. https://doi.org/10.1353/phs.2018.0015 Casiro, K. R. (2024). Panunuri | Flashcards. Gizmo.ai. https://gizmo.ai/community/deck/5487503 Jabage, K. M. (2020). Teoryang Sikolohikal.docx - 1. Mga Teoryang Pampanitikan ni Joana Grace Isip: Hulyo 21. Coursehero.com. https://www.coursehero.com/file/53409884/TeoryangSikolohikaldocx/ Paano nagsimula ang teoryang marxismo - Sila ang itinuturing na mga pangunahing tagapagtatag ng - Studocu. (2023). Studocu. https://www.studocu.com/ph/document/st-pauluniversity-philippines/bsed-filipino/paano-nagsimulaang-teoryang-marxismo/80772385 St. Mary’s University. (2025). Mga Teoryang Pampanitikan. Coursehero.com. https://www.coursehero.com/file/86984089/Mga-TeoryangPampanitikandocx/ TEORYANG HUMANISMO. (2015, October 7). Donamaylimbo; donamaylimbo. https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/25/ Teoryang Pampanitikan. (2014). SlideShare; Slideshare. https://www.slideshare.net/slideshow/teoryangpampanitikan-36790003/36790003 Atienza, M. L., Ramos, A. R., & Salazar, L. A. (1996). Panitikan: Kasaysayan at pag-unlad (Reb. ed.). Rex Book Store. Dela Cruz, E. S., & Habana, A. (2003). Introduksiyon sa teoryang pampanitikan. Lorimar Publishing, Inc. Santos, R. E. (2007). Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito. Grandwater Publications. Villanueva, A. R., & Almario, V. S. (1994). Pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Abiva Publishing House.
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )