Layunin
1. Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
2. Natutukoy ang pang-abay na naglalarawan ng kilos at ang pandiwang inilarawan.
KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
I.
ANO ANG NANGYARI
Ang Balita
Ni Maxfil P. Lapig
Maagang gumising si Ramon dahil araw ng pagsusulit. Binuksan niya nang dahan-dahan
ang telebisyon upang malaman ang lagay ng panahon dahil maulan ng umagang iyon.
Mabilis na ipinakita sa balita na walang pasok.
Malungkot na pinatay ni Ramon ang telebisyon at agad na bumalik sa kuwarto upang
matulog.
Ilang sandal pa lang siyang nakakatulog ay ginigising siya ni Aling Lorna. Sunod-sunod na
kinatok ni Aling Lorna ang pintuan ni Ramon.
“Ramon, bumangon ka at humanda sa online class”, sambit ng ina.
“Opo, Inay,” matamlay na sinagot ni Ramon ang ina.
Nanlalatang bumangon at iniligpit niya ang higaan. Dumiretso na ito sa banyo upang maligo.
Unang buhos pa lang ng tubig,bigla niyang naalala ang pagsusulit ngayong araw. Mabilis
siyang naligo at masiglang kumain ng agahang inihanda ni Aling Lorna.
Kaya siya matamlay ng umagang iyon ay dahil napuyat siya sa pagbabalik-aral at ngayong
matutuloy ang kanilang pagsusulit sa pamamagitan ng online class ay nasasabik siya dahil
tiyak na mataas ang makukuha niyang marka.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino-sino ang tauhan ng kwento?
a. Sina Ramon at Mang Berto
b. Sina Mang Berto at Aling Lorna
c. Sina Ramon at Aling Lorna
2. Ano ang unang ginawa ni Ramon pagkagising?
a. Naligo
b. Nanood ng telebisyon
c. Kumain
3. Bakit nalungkot si Ramon sa balita?
a. Dahil walang pasok
b. Dahil maramin siyang natutuhan
c. Dahil malayo ang bagyo
4. Ano ang ginawa ni Ramon nang malaman na walang pasok?
a. Bumalik sa kwarto at natulog
b. Naglaro ng mobile games
c. Tumulong sa pagluluto
5. Bakit matamlay si Ramon ng umagang iyon?
a. dahil may pagsusulit
b. dahil napuyat siya
c. dahil hindi masarap ang ulam
II.
ANO ANG DAPAT MALAMAN?
Matutunan sa araling ito ang pagkilala sa pang-abay na naglalarawan ng kilos.
Nais kong suriin Ninyo ang mga salita sa ibaba.
Anong uri ng salita ang mga ito?
Gumisig
Naligo
bumangon
pinatay
binuksan
kumain
kinakatok
Ang salitang kilos o pandiwa ang iyong sagot,ikaw ay tama!
Ano-anong salita ang naglalarawan sa pandiwang nasa listahan?
Paano isinagawa ang mga kilos?
Balikan ang kwento at piliin ang sagot.
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
Dahan-dahan
Mabilis
Masigla
Maaga
Sunod-sunod
Nanlalata
Nalungkot
_______1.gumising
_______2. Binuksan
_______3. Pinatay
_______4. Kinakatok
_______5. Bumangon
_______6. Naligo
_______7. kumain
Ang mga salitang naglalarawan ng kilos o nagpapaliwang kung paano isinagawa ang kilos ay
tinatawag na pang-abay na pamamaraan.
III.
ANO ANG NATUTUNAN?
Natutunan ko sa araling ito ang pagkilala sa mga salitang naglalarawan sa pandiwa o salitang
kilos ay tinatawag na pang-abay na pamamaraan.
Basahin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang mga pandiwa at bilugan ang pang-abay na
pamamaraan.
1.
2.
3.
4.
5.
Si Pedro ay tahimik na nag-aaral.
Ang guro ay matiyagang nagtuturo ng aralin.
Padabog na sumunod si Rica s autos ng ina.
Magalang na nagtanong si Leona sa guro.
Masiglang nagtatanim ng palay ang mga magsasaka.
Punan ng wastong pang-abay na pamamaraan ang patlang sa pangungusap. Pumili sa kahon.
Masaya
Dahan-dahan
Mabilis
Taimtim
Matapang
1. _______________na tinakbo ni Juan ang bata upang iligtas sa mga nagdaraang
sasakyan.
2. Nagdarasal ng ______________si Rosa upang iligtas sa kapahamakan ang kaniyang
tatay na nasa ibang bansa.
3. _______________tinanggap ni Totoy ang premyo.
4. _______________umakyat sa hagdan ang lola.
5. Ang mga kalahok ay_________ nagtakbuhan patungo ng Finish line.
GAWAIN BILANG I
Basahin ang kwento at isulat ang mga salitang naglalarawan ng kilos (pang-abay na
pamamaraan). Sa tapat nito, isulat ang salitang kilos (pandiwa) na inilarawan.
Palaging Liban
Ni Maxfil P. Lapig
Wala na naman sa klase ni Gng. Maria si Kyla. Madalang pumasok ito sa hindi malamang
dahilan kaya nagtataka ang guro.
“Sino ang kapitbahay ni Kyla?” tanong ni Gng. Maria ang klase.
“Ako po, Ma’am,magalang na tumugon si Peter.
“Bakit kaya lagi siyang liban?” muling tanong ng guro.
“Maaga pong umaalis ang magulang niya at siya ang nagbabantay sa kaniyang mga batang
kapatid,”paliwanag ni Peter.
“Kawawa naman pala si Kyla,”malungkot na nasambit Ni Gng. Maria.
“Maari mo bang dalhan siya ng mga modyul upang meron siyang mabasang mga aralin at kahit
papano ay may mapag-aralan,”masuyong pakiusap ng guro kay Peter.
SALITANG NAGLALARAWAN SA KILOS
(Pang-abay na pamamaraan)
1.
2.
3.
4.
5.
SALITANG KILOS (Pandiwa)
1.
2.
3.
4.
5.
GAWAIN BILANG 2
Magsulat ng mga pangungusap gamit ang salitang kilos (pandiwa) at salitang naglalarawan
dito(pang-abay na pamamaraan.
6. Naglalaro-masaya
7. Nagluluto-seryoso
8. Binigkas-malakas
9. Nag-aaral-tahimik
10. Nagtatanim-matiyaga
GAWAIN BILANG 3
Piliin ang mga salitang maaring naglalarawan sa pandiwang nasa kahon.
1. nagsusulat
2.
umaawit
a.
b.
c.
d.
e.
Tahimik
Mataas
Seryoso
Mabilis
malakas
a.
b.
c.
d.
e.
Masigla
Malakas
Matiyaga
Buong-puso
mababa
GAWAIN BILANG 4
Isulat ang mga salitang kilos na maaring ilarawan ng pang-abay na pamamaraan.
a.
b.
c.
d.
e.
1.
matiyaga
a.
b.
c.
d.
e.
mabilis
2.
Kumakain
Nagtatanim
Nag-aaral
Nagtitinda
nagpapahing
a
Nagdarasal
Nagluluto
Tumutugtog
Nag-aaral
tumatakbo
GAWAIN BILANG 5
Punan ang patlang ng wastong pandiwa. Pumili sa kahon.
Nagsusulat
1.
2.
3.
4.
5.
nagluluto
tumutugtog
naglalaro
nagsisimba
Tahimik na __________ ng tula si Mario.
_____________ nang buong-puso ng mga mag-aaral ang pambansang awit.
Masayang ____________ ng hapunan ang nanay sa kusina.
Maagang ____________ang nagaaral tuwing Linggo.
Masiglang __________ng tumbang preso ang mga bata.