Narrator 1 - Luisa Narrator 2 - Camid Jose Rizal - Asares Don Kiko Fr. Ramon - Jay Fr. Jose Bech - Maryjoy Fr. Magin Ferrando - Baruc Fr. Vila Clara + Paciano - Bandejas Fr. Sanchez - Chelsey Manuel Luz - Cai Segunda Katigbak + Ina ni Leonor Rivera - Cyra Leonor Valenzuela - Natasha Leonor Rivera - Joella [Intro] Narrator 1: Bago siya naging pambansang bayani, si Jose Rizal ay isa ring kabataang tulad natin—may pangarap, damdamin, at damdamin ng kabiguan. Narrator 2: Sa maikling dula na ito, ating silipin ang kanyang buhay bilang mag-aaral, ang kanyang unang mga pag-ibig, at ang mga karanasang humubog sa kanyang kamalayan bilang Pilipino. Unang Yugto: Jose’s Early Years at Ateneo Narrator 1: Matapos ang pag-aaral sa Laguna, Noong ika 10 ng Hunyo ay pumunta sina Jose at ang kanyang kuya paciano sa College of San Juan De Letran, doon at nag take siya ng kanyang Exam dahil ito ang gusto ng kanyang ama para sa kanya at nakapasa naman ito. Ngunit, Pagbalik nila ng Calamba nagbago ang isip ng kanyang ama. Don Kiko: Jose, Alam mo parang mas maganda kung sa imbis na sa Letran ka mag aral doon ka sa mahigpit na kalaban nito sa ateneo. Narrator 2: Noon, ang Ateneo ang pinaka prestigious na unibersidad sa buong pilipinas at pinakamagandang lugar para mag aral ang isang lalaki ng secondary education. Kaya’t nagtungo agad sila Paciano at Jose rito, ngunit hindi naging madali ang pagpasok ni Rizal sa Ateneo. Fr. Magin Ferrand : Hindi ko matatanggap iyan, dahil huli na kayo sa pagpapatala upang makapasok rito, Maputla at maliit pa siya para sa labing isang taong gulang. Jose: Kuya paciano, paano ito? Paciano: Huwag ka mag alala jose, may paraan pa. Jose: Ngunit? paano? Narrator 2: Sa tulong ni Manuel Burgos na pamangkin ni Padre burgos ay natanggap si Jose sa institusyon subalit ang ginamit niyang pangalan ay hindi Jose Mercado kundi Jose Rizal dahil ang apelyidong Mercado ay matunog sa mga awtoridad. Narrator 1: Sa unang araw ni rizal sa ateneo ay nakinig muna siya ng misa sa kapilyo at taimtim na nagdadasal sa Diyos na ipagkaloob sa kanya ang tagumpay at gabay sa pag aaral sa ateneo. Narrator 2: Pagkatapos ay pumasok na siya sa kanyang klase at napansin niya na marami siyang mga kamag aral na Mestiso, Espanyol at Pilipino. Fr. Jose Bech: (Tinitingnan si Rizal mula ulo hanggang paa) "Ikaw ba ang bagong estudyante? Mukhang mahina ka sa Espanyol. Ilalagay kita sa huling hanay." Jose Rizal: (Bahagyang yumuko) "Opo, Ginoo. Ngunit sisikapin kong matuto." Narrator 1: Si Rizal, bilang isang “externo” o hindi nakatira sa dormitoryo, ay inilagay sa Carthaginians, ang pinakamababang pangkat sa klase. Ngunit sa loob lamang ng isang buwan, siya ay naging “emperor ”ng klase at nakatanggap ng gantimpala na isang “relihiyosong larawan” bilang pagkilala sa kanyang husay. (Isang tahimik na silid-aralan. Si Fr. Sanchez ay may hawak na isang aklat habang si Rizal ay nakikinig nang mabuti.) Fr. Sanchez: Jose, ang pagsusulat ay hindi lamang sining—ito ay isang sandata ng katotohanan. Sa pamamagitan ng panitikan, maaari mong ipahayag ang iyong damdamin at ipaglaban ang iyong paniniwala." Jose Rizal: (Nagningning ang mga mata) "Ginoo, nais kong ipahayag ang aking pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng tula." Narrator 2: Sa gabay ni Fr. Sanchez, lalong nahasa ni Rizal ang kanyang talento sa panitikan. Sa murang edad, isinulat niya ang "Sa Aking Kabata", isang tula na nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa sariling wika (classroom. Nakaupo si Rizal habang binabasa ng mahina ang tula.) Jose Rizal: “Ang wikang pambansa ay tulad ng isang mahalagang hiyas...” Fr. Vilaclara: "Jose, sayang ang oras sa pagsusulat. Mas mabuting ituon mo ang iyong isip sa mga aralin tungkol sa pananampalataya." Narrator 1: Sa kabila ng pangungutya, si Rizal ay nagpakita ng husay sa akademya, na nagbigay sa kanya ng respeto mula sa kanyang mga guro at kaklase Pangalawang Yugto: Segunda Katigbak, Rizal’s First Love Narrator 2: Sa murang edad na labing-anim, naranasan ni Jose Rizal ang unang tamis ng pag-ibig kay Segunda Katigbak, isang dalaga mula sa Lipa na mas bata sa kanya ng dalawang taon. Narrator 1: Nagkita sila sa bahay ng lola ni Rizal sa Trozo, Maynila. Nang makita niya si Segunda, agad na nahulog ang loob niya sa dalaga. Para kay Rizal, si Segunda ay may mapupungay na mata, mapulang pisngi, at nakakaakit na ngiti. Rizal: (Nahihiya) Ano ang iyong pangalan, binibini? Segunda: Ako si Segunda Katigbak. Narrator 1: Sinusulatan niya ito ng mga tula at iginuhit sa kanyang sketchpad. Ngunit sa kabila ng kanyang damdamin, alam niyang si Segunda ay itinakda ng pakasalan si Manuel Luz. (Rizal nagsusulat/dindraw si Segunda) Rizal: (Mahina yung boses) "Ang iyong mga mata'y tulad ng tala sa kalangitan..." Narrator 2:Ang kanyang damdamin ay nanatiling lihim. Sa huli, si Segunda ay ikinasal kay Manuel, at si Jose ay naiwan na may alaala ng kanyang unang pag-ibig, masakit ngunit matamis. Manuel Luz: Segunda, panahon na. Segunda: Oo, Manuel. (Tahimik na aalis silang dalawa palayo habang si Rizal ay nakatayo) Pangatlong Yugto: Rizal in UST Narrator 2: Pagkatapos ni Rizal sa Ateneo, pumasok ito na halos labing-anim pa lamang sa Unibersidad ng Santo Tomas noong Abril 1877. Pinili niya ang kursong Philosophy and Letters ayon sa kagustuhan ng kanyang ama. Narrator 1: Ngunit sa kanyang ikalawang taon, nagbago siya ng kurso at lumipat sa medisina upang matulungan ang kanyang inang may sakit sa mata. Humingi siya ng payo sa taong kanyang iginagalang na si Father Pablo Ramon, ang dating rektor ng Ateneo. Rizal: Padre, nais ko pong magpalit ng kurso sa medisina upang matulungan ang aking inang may karamdaman sa mata. Ngunit nag-aalinlangan ako kung ito ba ang tamang landas. Father Ramon: Jose, ang paglilingkod sa iyong pamilya at bayan ay mahalaga. Kung ang medisina ang magbibigay-buhay sa iyong adhikain, ipagpatuloy mo ito. Manalig ka sa iyong kakayahan. Narrator 2: At kahit mahirap, pinagsabay ni Rizal ang kursong medisina at ang kursong Perito Agrimensor. Sa UST din nakaranas si Rizal ng pagsubok, diskriminasyon ngunit dito rin nagsimula ang pag-usbong ng ng kanyang makabayang damdamin. Narrator 1: Dahil sa karanasang ito, naging mas mulat si Rizal sa hindi pagkakapantay-pantay, at nagsimulang sumulat ng mga akda gaya ng "A La Juventud Filipina" at "El Consejo de los Dioses" kung saan siya ay nanalo sa literary contest. Pang-apat na Yugto: Rizal’s Romantic Encounters - Leonor Valenzuela Narrator 2: Sa kanyang unang taon sa UST, Matapos ang masakit na alaala ni Rizal kay Segunda Katigbak. Nakilala niya ang isang dalaga sa Calamba na tinutukoy lamang sa kanyang memoir bilang “Miss L” ngunit ang ugnayan nila ay sandali lamang at mabilis ding naglaho. Narrator 1: Sa kanyang Sophomore year sa UST, nakilala at nahulog muli siya kay Leonor Valenzuela, anak ng kanyang kapitbahay. Upang mapalapit kay Leonor, gumamit si Rizal ng magic tricks at mga liham gamit ang invisible ink. (Setting: Bahay ng Valenzuela, gabi) (Nakaupo sa mesa si Rizal, nagsusulat ng liham) Leonor Valenzuela: (Pumasok, nagtataka) "Jose, ano ang iyong ginagawa?" Rizal: (Ngumiti) "Isang liham para sa iyo, ngunit hindi mo ito makikita—hindi pa ngayon." Leonor: (Nakakunot-noo) "Ano ang ibig mong sabihin?" Rizal: (Ipinakita ang papel) "Kapag pinainitan mo ito sa apoy, lilitaw ang aking mensahe." - (Pinainitan ni Leonor ang papel at unti-unting lumitaw ang liham ni Rizal.) Leonor: (Namangha) "Napakatalino mo talaga, Jose!" (Nagpapalitan sila ng ngiti) Narrator 1:Sa bawat liham at biro, unti-unting lumalalim ang ugnayan nila. Ngunit sa likod ng mga ngiti at palitan ng salita, may takot at alinlangan din. (Setting: Hardin ng Valenzuela, hapon) Rizal: (Nakatingin sa langit, tila nag-iisip) "Orang, may nais akong sabihin sa iyo..." Leonor: (Ngumiti) "Ano iyon, Jose?" Rizal: (Huminga nang malalim) "Ikaw ay isang natatanging babae. Ang iyong talino at kagandahan ay hindi ko maalis sa aking isipan." -Leonor: (Bahagyang namula) "Jose, hindi ko ito inaasahan.." Narrator 2: Ngunit sa kabila ng matamis na pag-uusap, hindi nauwi sa mas malalim na relasyon ang kanilang ugnayan. ( Setting: Intramuros, isang hapon) Leonor: (May lungkot sa mata) "Jose, alam kong may mas malalaking pangarap ka..." Rizal: (Hawak ang kamay ni Leonor) "Ngunit ikaw ay bahagi ng aking mundo, Leonor." Leonor: (Ngumiti nang bahagya) "Mahalaga ka sa akin, ngunit alam kong hindi tayo nakalaan para sa isa't isa." - (Nagpalitan sila ng huling tingin bago tuluyang naghiwalay.) Pang-limang na Yugto: Rizal’s Romantic Encounters - Leonor Rivera Narrator 1:Matapos ang sandaling pag-ibig kay Leonor Valenzuela, isang mas makabuluhang ugnayan ang sumunod sa buhay ni Rizal, ang pag-ibig niya sa kanyang pinsang si Leonor Rivera mula sa Camiling. Narrator 2: Nagkakilala sila noong 1879, habang si Rizal ay nanunuluyan sa isang boarding house sa Maynila. Sa umpisa'y payak na pagkakaibigan, ngunit kalauna’y nauwi sa isang tahimik ngunit malalim na pag-ibig. Jose Rizal:Leonor... Isa na namang liham mula sa aking puso. Nawa'y dumating ito nang ligtas sa iyong kamay. (habang nagsusulat ng liham) Leonor Rivera: Hindi ko man laging masabi, Jose… ngunit bawat sulat mo’y parang tinig mong kasama ko araw-araw. (habang nagsusulat ng liham) Narrator 1: Si Leonor ay madalas pumirma ng liham bilang "Taimis," bilang tanda ng lihim nilang ugnayan. Sila ay nagpapalitan liham sa loob ng walong taon habang si Rizal ay na sa Europe. (Setting: Casa Tomasina, gabi) Rizal: (Nagsusulat ng liham) "Mahal kong Taimis, kahit malayo ako, ikaw pa rin ang laman ng aking puso." Leonor Rivera: (Binabasa ang liham, may lungkot sa mata) "Jose, kailan ka babalik?" Narrator 2: Ngunit habang lumalalim ang damdamin, lalo ring lumalaki ang pagitan. Si Rizal ay abala sa pag-aaral at kilusang makabayan, habang si Leonor ay nasa poder ng pamilyang may tutol sa kanilang relasyon. (Setting: Bahay ng Rivera) Leonor Rivera: (Nagsusulat ng liham) "Jose, hindi ko na kayang ipaglaban ang ating pag-ibig..." Narrator 1: Ngunit bago pa man niya maisara ang sobre, dumating ang kanyang ina. Tahimik ngunit mariin ang kilos nito. Sa isang iglap, kinuha niya ang liham mula sa kamay ng anak. Inang ni Leonor: Hindi mo siya maaaring mahalin, anak. May ibang lalaking nakalaan para sa iyo. Narrator 2: Hindi na ito ipinadala. At mula noon, ang lahat ng liham ni Jose ay hindi na rin nakarating kay Leonor. Sa kalaunan, napilitan si Leonor na magpakasal kay Charles Henry Kipping, isang Ingles na inhinyero, sa kabila ng kanyang pagmamahal kay Rizal. Leonor Rivera: Patawad, Jose… kung ang puso ay pinilit ng panahon at pamilya. Huling Yugto: (nakaupo si rizal kunyare nagsusulat) Narrator 1:Sa mga bulwagan ng UST, natutunan ni Rizal hindi lamang ang medisina at agham, kundi ang realidad ng diskriminasyon, ang sakit ng kabiguan, at ang pait ng pag-ibig. Narrator 2: Mula kay Segunda Katigbak, kay Miss L, kay Leonor Valenzuela, hanggang kay Leonor Rivera ang bawat isa ay nag-iwan ng bakas sa kanyang puso. Ngunit higit pa riyan, ito’y naging gatilyo ng kanyang kamulatan bilang Pilipino. Narrator 1: At sa kanyang pag-alis sa UST, dala niya ang talino, alaala, at layunin ng mga sandatang magiging bahagi ng kanyang rebolusyonaryong buhay. Narrator 2: Dahil sa kanyang karanasan, si Rizal ay hindi na lamang estudyante ng medisina kundi siya ay naging guro ng kalayaan, manunulat ng katotohanan, at bayani ng sambayanan. (tatayo si rizal) Jose Rizal:Ang puso ko’y minsang nabigo… ngunit ang diwa ko’y kailanma’y hindi susuko. END.
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )