Pagbuo ng PANUKALANG PANANALIKSIK ARALIN 13 1. Natutukoy ang mga bahagi ng isang panukalang saliksik; 2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng isang panukalang saliksik; 3. Nasusuri ang isang halimbawang panukalang saliksik; at 4. Nakabubuo ng isang panukalang saliksik. Layunin PAGKATAPOS NG ARALING ITO, INAASAHANG MAISASAGAWA NG MGA MAG-AARAL ANG SUMUSUNOD: ARALIN 13 Ang tagumpay ng anumang proyektong saliksik ay nakasalalay sa isang pinagisipan at sistematikong plano. Isang masalimuto na proseso ang pananaliksik na binubuo ng maraming hakbang. Kaya naman sa simula pa lamah, dapat ay malinaw na sa isip ng mananaliksik ang direksiyon ng kaniyang proyekto. Ang plano ay dinedetalye sa tinatawag na research proposal o panukalang saliksik. Gaya ng mahihiwatigan sa termino, ang planong tio ay isang panukala lamang, na ang ibig sabihin ay para sa konsiderasyon o pagsasaaang-alang ng eksperto o nakababatid tungkol sa proyekto. Sa gayon, maaari pa itong mabago sa sang-ayon sa mga komentaryo at mungkahi ng mga eksperto at iba pang magbibigay pansin o puna rito. Karaniwan, ang panukalang saliksik ay inihaharap sa isang tagapati o pangkat ng tagapayo, kundi naman ay sa isang tanggapan o institusyon na maaaring sumuporta saliksik. para maisagawa ang Sa una, ginagawa ito bilang kahingian bago sulatin ang tesis para sa digring batsilyer, master’s, o doktoral. Sa ikalawa naman, ginagawa ito bilang kahingian ng tanggapan o institusyong nagbibigay-pondo para matasa kung karapat-dapat ang proyekto paglaanan ng tulong pinansyal. na Gayunpaman, sa mga sitwasyon na ang gagawing saliksik ay hindi naman kahingian para sa isang digri o kaya ay hindi naman hinihingan ng pondo, makabubuti paring gumawa ng panukalang saliksik upang malabuo ng plano at maging malinaw sa simula pa lang ang magiging direksiyon ng saliksik. Ang isang panukalang saliksik ay karaniwang binubuo ng sumusunod na mga bahagi: 1. Introduksiyon 2. Paglalahad ng Suliranin 3. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral 4. Layunin 5. Kahalagahan ng Pag-aaral 6. Teoretikal na Balangkas 7. Metodo 8. Saklaw at Delimitasyon 9. Daloy ng Pag-aaral Dapat banggitin na ang mga bahaging nakalista ay ang nabuong kumbensiyon (kung paano nakagawiang gawin ang isang bagay o aktibidad) sa mga akademikong rekisito tulad ng pagsulat ng tesis at disertasyon. Bagaman sa ibang konteksto ay maaaring may ibang mga format at may ibang mga katawagan sa mga bahagi, humigit- kumulang ay hindi na rin nalalayo ang mga ito sa nabanggit na mga bahagi. Mga Bahagi ng Panukalang Saliksik INTRODUKSIYON Tinutukoy sa bahaging ito ang paksa at suliranin ng saliksik upang magkaroon agad ng ideya ang babasa ng panukalang kung tungkol saan ang pagaaral. INTRODUKSIYON Mahalagang mapag-iba ang oaksa at suliranin. Ang suliranin ng saliksik ay isang bahagi o aspekto lamang ng paksa. Ang suliranin ng saliksik ay isang katanungan hinggil sa isang aspekto ng paksa. INTRODUKSIYON HALIMBAWA Kung ang paksa ay “wika at agham,” isang posibleng suliranin ng saliksik ay, “Bakit kaunti o halos walang nagsusulat ng siyentipikong babasahin sa wikang Filipino?” INTRODUKSIYON Karaniwang ipinaliliwanag sa ang introduksiyon mga personal at panlipunang dahilan kung bakit napili ang paksa. INTRODUKSIYON Madalas, ang isang nagsisimula sa pansariling interes kuryosidad problema saliksik ay INTRODUKSIYON Hindi namang nakahihiyang banggitin ang mga personal na sirkunstansiyang ito, ngunit sana magtapos sa sarili lamang ang kahalagahang mapag-aralan ang paksa. Upang maipaliwanag ang kabuluhan ng paksa sa mas malawak na lipunan. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Gaya ng nabanggit, magkaiba ang paksa at suliranin ng saliksik. Kapag nakaisip na ng isang paksa, humanap pa ng isang mas maliit at mas espesipikong aspekto ng paksa-isang suliranin. Karaniwan, ang suliraning ito ay ipinahahayag sa pamamagitan ng isang tanong. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang suliranin ng saliksik ay dapat iisa lamang. Kung may iba’t ibang suliranin, hihilahin ang saliksik sa iba’t ibang direksiyon at magiging magulo ang pag-aaral. Gayunpaman, sa ilalim ng isang suliraning ito ay maaaring magkaroon ng iba pang kaugnay at mas tiya na mga suliranin. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Sa bahaging ito, kailangang muli ilahad ang paksa at suliranin ng pag-aaral. Maaari ding ipaliwanag kung paano natukoy ang suliraning ito. Maaari ding ilahad kung bakit mahalaga ding mapag-aralan ito. Dito rin pwedeng ipaliwanag ang mga susing konsepto na nakapaloob sa suliranin ng saliksik. REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL Ang kaugnay na pag-aaral ay tumutukoy sa mga nagawa nang pag-aaral na may kinalaman sa pinaplanong pag-aaral. Ito ay paglilista at anotasyon o deskripsiyon ng mga pag-aaral na ito. Pag-uugnay-ugnay sa mga pag-aaral para mapatingkad ang nasabi tungkol sa paksa o suliranin. REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL Ang kaugnay na pag-aaral ay tumutukoy sa mga nagawa nang pag-aaral na may kinalaman sa pinaplanong pag-aaral. Ito ay paglilista at anotasyon o deskripsiyon ng mga pag-aaral na ito. Pag-uugnay-ugnay sa mga pag-aaral para mapatingkad ang nasabi tungkol sa paksa o suliranin at kung ano ang dapat malaman dito. REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL Sa anotasyon o deskripsiyon, dapat na matalakay ang nilalaman ng pag-aaral at ang relasyon nito sa ginagawang sariling pag-aaral. Kaya ang rebyu ng kaugnay na pag-aaral o literatura ay hindi lamang paglilista kundi pagpapaliwanag sa babanggiting pag-aaral. nilalaman ng mga REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL Napakahalaga ng rebyung ito dahil dito makikita kung may nakagawa ng mga saliksik na katulad ng ipinapanukala. Dito rin malalaman ang kahalagahan ng saliksik dahil maipapakita kung ano ang nagawa na noon at kung ano ang magiging ambag ng sariling pagaaral. LAYUNIN Sa bahaging ito maaaring isa-isahin ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na tumutukoy sa mga espesikong gagawin sa saliksik. Dahil ang mga layunin ay tumutukoy sa dapat gawin, nakasulat ang bawat layunin gamit ang mga verb o pandiwa. LAYUNIN Karaniwan, may tatlo hanggang limang tiyak na layunin ang isang may katamtamang habang saliksik (mga 30 hanggang 50 pahina). LAYUNIN Ang bawat layunin ay dapat na espesipiko, maaaring isakatuparan, at nasusukat. Kapag naisulat na ang saliksik, karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin para matiyak kung natamo ang lahat ng ito. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang gawin ang pag-aaral. Maaaring mahalaga ang pag-aaral dahil sa maiaambag nito sa isang akademikong disiplina, maidaragdag na impormasyon o kabatiran hinggil sa isang napapanahong isyu, o maibibigay na sagot sa isang problema ng lipunan. TEORETIKAL NA BALANGKAS Para sa marami, isang mabigat na salita ang teorya. Karaniwan, inuugnay ito salitang nagtatapos sa “-ismo” tulad ng pormalismo Marxismo peminismo pos-estrukturalismo at iba pa. sa mga TEORETIKAL NA BALANGKAS Pero hindi lang naman ang mga salitang ito ang maituturing na teorya. Sa halip na salitang teorya, maari ding gamitin ang salitang konsepto o ideya. TEORETIKAL NA BALANGKAS Sa teoretikal na balangkas ipinaliliwanag ang mga ideyang gagamitin sa pagtingin, pagpapahalaga, o pagsusuri ng mga datos na natipon sa saliksik. TEORETIKAL NA BALANGKAS Sa bahaging ito rin ipinaliliwanag kung paano ilalapat ang mga ideyang ito sa datos. TEORETIKAL NA BALANGKAS Kapag sinasabing konsepto at ideya, maaring nasa anyo ito ng pangungusap. Ang mga konsepto o ideyang ito ay maaaring nabuo ng isang mananaliksik, iskolar, o eksperto mula sa kanilang malawakan, malaliman, o tuloy-tuloy na pananaliksik sa isang larang. TEORETIKAL NA BALANGKAS Dahil sa kahalagahan ng kanilang nabuo o nadebelop na konseptop o ideya, maaaring gamitin din ng ibang mananaliksik o iskolar ang mga konsepto o ideyang ito sa pag-aaral ng ibang paksa o aspekto ng paksang niluwalan ng konsepto o ideyang ito. METODO Ang metodo ay tumutukoy sa mga paraan ng pagsasagawa ng saliksik o sa mga paraan ng pagkuha at pagtitipon ng datos. Ilan sa pinakakaraniwang paraan ay ang saliksik sa aklatan, panayam questionnaire, obserbasyon. focus at sarbey, group sarbey, discussion, at SAKLAW AT DELIMITASYON Sa bahaging ito naman tinitiyak ang saklaw ng pag-aaral. Tumutukoy ito sa maliit na bahagi o aspekto ng paksa na pinagtutuunan ng pag-aaral. Ipinaliliwanag din kung bakit ang bahagi o aspektong ito ang napili. Kasama ring tinitiyak ang delimitasyon. SAKLAW AT DELIMITASYON Dapat linawin na ang delimitasyon ay iba sa limitasyon ng pag-aaral. SAKLAW AT DELIMITASYON Ang limitasyon ay hindi kontrolado ng mananaliksik. Halimbawa, walang informant, kulang sa pondo, o limitado sa panahon ng saliksik. Hindi na kailangan pang banggitin ang mga panukalang saliksik. SAKLAW AT DELIMITASYON Ang delimitasyon ay sadyang itinakda ng mananaliksik. Kung minsan, ang delimitasyon ng pag-aarl ay nakabatay sa limitasyon. DALOY NG PAG-AARAL Ang daloy ng pag-aaral ay ang balangkas ng pag-aaral. Ito ang pagkakasunodsunod ng mga bahagi kapag isinusulat na ang pag-aaral. HALIMBAWA MARAMING SALAMAT
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )