ANG PAG-AARAL NI RIZAL SA ATENEO AT UST
Rizal sa ateneo
Noong Hunyo 20, 1872, pumunta si Rizal at
Paciano sa Maynila upang kumuha ng pagsusulit sa
Colegio ng San Juan de Letran at naipasa niya ito.
Umuwi siya sa Calamba matapos ang pagsusulit
upang dumalo sa isang pista. Subalit bago pa ulit
siya makabalik sa Maynila ay nagbago na ang isip ng
kanyang ama at iyon ay ang pag-aralin siya sa
Ateneo imbis na sa San Juan de Letran.
Hindi siya tinanggap sa Ateneo dahil sa mga
sumusunod:
1. Huli na siya sa patalaan
2. Maliit para sa kanyang edad
3. Mukhang masasakitin
Ngunit sa tulong ni Padre Xerex Burgos (Pamangkin ni
Jose Burgos) si Rizal ay nakapasok sa Ateneo.
Edukasyong Heswita
Layunin nito na sanayin ang mga mag aaral sa mga
aral ng Katolisismo, sining at agham at iba pa.
Adbanse rin ang kanilang mga turo kumpara sa ibang
mga paaralan noon.
Ad Majorem dei Gloriam- ang pangunahing
pilosopiya ng Ateneo na nangangahulugang Para sa
Higit na Kadakilaan ng Diyos
Ang mga pangkat at rango sa paaralang ateneo
Ang dalawang pangkat
1. Impyernong Romano – Internos o ang mga magaaral na nakatira sa loob ng Ateneo
2. Impyernong Cartago – Externos o ang mga magaaral na nakatira sa labas ng Ateneo
Ang mga rango sa Paaralan ng Ateneo
A. Emperor
B. Tribune
C. Decurion
D. Centurion
E. Standard bearer
Rizal sa Ateneo (Una at Ikalawang taon)
Colegio de Santa Isabel- Dito nagpaturo si Rizal ng
wikang Espanyol sa mga panahon ng kanyang
pamamahinga sa tanghali.
Sa ikalawang taon niya sa Ateneo, hinuhulaan
niyang malapit na ang paglaya ng kanyang ina.
Nagsimula rin ang kanyang pagkahilig sa mga
libro, ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. Ang Konde ng Monte Kristo ni Alexandre Dumas
b. Kasaysayan ng Daigdig ni Cesar Cantu
c. Paglalakbay sa Pilipinas ni Dr. Feodor Jagor
Rizal sa Ateneo (Ikatlo at Ikaapat na taon)
Sa kanyang ikatlong taon, nakalaya na ang kanyang
ina.
Padre Jose de Paula Sanchez- siya ang humikayat
kay Rizal na mag-aral ng Mabuti, lalo na sa mga
pagsusulat ng tula.
Marso 23, 1877 nang makapagtapos si Rizal sa
Ateneo na may limang medalya at natamo sa
paaralan ang Bachiller En Artes.
Mga Nakilala Sa Ateneo
1. Padre Jose Bechj- Ang unang guro ni Rizal sa
kanyang unang taon.
2. Padre Magin Ferrando- Tagapamahala sa paaralan
na ayaw tumanggap kay Rizal sa Ateneo.
3. Padre Xerex Burgos- Ang tumulong kay Rizal upang
makapasok sa Ateneo.
4. Señora Titay- Sa kanya nanirahan si Rizal habang
siya ay nag-aaral sa Ateneo.
5. Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. – Ang
humikayat kay Rizal na Mag-aral ng mabuti
6. Agustin Saez- sakanya nag-aral si Rizal ng
pagguguhit
7. Romualdo De Jesus- dito nag-aral si Rizal ng
paglililok.
8. Padre Jose Villaclara- Sinabihan niya si Rizal na
itigil na ang kanyang pagsusulat ng tula.
9. Segunda Katigbak- Ang babaeng unang minahal ni
Rizal. Siya ay pumapasok sa paaralan na La
Concordia
10. Mariano Katigbak- Kapatid ni Segunda at kaibigan
ni Rizal
11. Manuel Luz- ang lalaking takdang mapangasawa ni
Segunda.
Iba pang Gawain ni Rizal Sa Ateneo
Mga Samahang sinapian ni Rizal:
1. Kalihim ng Marian Congregation
2. Kasapi ng Academy of Spanish Language
3. Kasapi ng Academy of natural Sciences
Mga tulang isinulat ni Rizal habang siya ay nasa
Ateneo:
1. Felicitation
2. El Embarque : Himno a la Flota de Magallanes
3. Y Es Espanol: Elcano el Primero en dar la Vuelta al
Mundo
4. El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo
5. Un Recuerdo A Mi Pueblo
6. 6. Alianza Intima Entre la Religion y la Buena
Education
7. Por la Education Recibe Lustre la Patria
8. El Cautiverio y el Triumfo: Battala de Lucena y Prison
de Boaddil
9. La Entrada Triunfal delos Reyes Catolices en
Granada
10. El Heroismo de Colon
11. Colon y Juan II
12. Gran Consuelo en la Mayor Desdicha
13. Un Dialogo Alusivo a la Despedida delos Colegiales
Ang Pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST)
Tutol ang ina ni Rizal sa pag-aaral niya sa UST dahil
sa panganib na siya ay ipabitay dahil sa malawak
niyang kaalaman. Ngunit itinuloy pa rin ito ni Rizal,
isinama siya ni Paciano sa Maynila para mag-aral.
Abril 1877 nang magpatala si Rizal sa Unibersidad
ng Santo Tomas.
Labing anim na taong gulang si Rizal nang siya ay
pumasok sa unibersidad ng Santo Tomas. Kumuha
siya ng kurong Pilosopia Y Letra dahil ito ang gusto
ng kanyang ama at wala pa siyang tiyak na kurso.
Humingi si Rizal ng payo kay Padre Pablo Ramon
SJ ukol sa kursong dapat niyang piliin kaya’t
pinadalhan niya ito ng sulat. Habang hinihintay ito ay
nag aral muna siya ng Perito Agrimensor sa unang
semester ng taon sa Ateneo. Sa ikalawang
semester, natanggap niya ang sulat ni Padre Ramon
na nagpapayong kumuha siya ng kurso sa medisina
dahilan sa kanyang pangarap na magamot ang
kanyang ina.
Naging biktima rin si Rizal ng opisyal na Espanyol
pagkatapos niya sa unang taon sa medisina. Siya ay
pinalo ng latigo sa likod dahil hindi niya Nakita ang
guwardiya sibil dahilan ng kadiliman kaya’t di siya
nakapagalis ng sombrero.
Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa tatlong babae
habang nasa UST:
1. Binibining L.- isang babaeng taga Calamba na
laging dinadalaw ni Rizal sa sa gabi sa panahon ng
bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay
Segunda Katigbak.
2. Leonora Valenzuela- kapitbahay ng inuupahang
bahay ni Rizal. Pinapadalhan niya ito ng mga sulat
na may hindi nakikitang tinta.
3. Leonor Rivera- Pinsan ni Rizal at anak ng kanyang
inuupahang bahay. Ginagamit niya ang pangalang
“Taimis” sa pakikipagsulatan kay Rizal.
Nagtayo rin ng samahan si Rizal na may layuning
ipagtanggol ang mga Pilipinong mag-aaral sa mga
pagmamaliit ng mga kamag-aral na Espanyol. Ang
samahang ito ay tinawag niyang Compañerismo.
Hindi rin nagging masaya si Rizal sa UST dahil sa
mga sumusunod:
1. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga
Espanyol.
3. Makaluma ang Sistema ng pag-aaral sa UST.
Mga gantimpala ni Rizal sa UST
Hindi kinilalang magaling na mag-aaral si Rizal sa UST
dahil sa kanyang mabababang marka ngunit mayroon din
siyang mga nagawang karangalan para sa mga pinoy.
Isa rito ang pagkapanalo ng kanyang isinulat sa Liceo
Artistico-Literario na may pamagat na “A La Juventud
Filipina”. Ang paligsahang ito ay para lamang sa mga
Pilipino.
Ang Panitikang ito ay kinikilalang isang klasik dahil:
1. Ito ang kauna-unahang tula na isinulat ng isang indio
sa wikang Espanyol
2. May Makabayan na tema na “Ang pag asa ng mga
Pilipino ay ang kapwa Pilipino at hindi dayuhan.
Noong sumunod na taon, lumahok uli si Rizal sa
paligsahang Liceo Artistico-Literario kung ukol bilang
parangal sa ika-400 na taon ng kamatayan ni Miguel
de Cervantes.
Nanalo uli siya ng ikaunang gantimpala sa kanyang
isinulat na pinamagatang “El Consejo De Los
Dioses”. Ang paligsahang ito ay bukas sa mga
Pilipino at Espanyol.