Ang Hambog na Si Gagambino
Kwentong Pambata ni ANTHONY P. CAHILIG
A.K.A : SirTonypet
Tauhan:
Gagambino: Pasaway na gagamba
Langgamino: Ang matapang na langgam
Haribon:
Ang mapanilang ibon
Panahon: Tag-araw, Tag-init
Tagpuan: Kaharian ng mga langgam
Lungga ni Gagambino
‘Wag maging mayabang sa ating kapwa, bagaman sila ay maliit ay may magagawin rin
sila para s’atin. Sabi nga “ Walang maliit na di nakapupuwing”. Lahat tayo ay kanya-kaniyang
tungkulin at magagawa maliit naman tayo, o anuman ang ating katayuan sa buhay, tulad ni
Langgamino na may paninindigan sa sarili, maliit naman subalit kaniyang ipagtanggol ang
kaniyang mga kasamahan. Ang paninnindigan at tapangay di nakikita kung ano ang laki ng
katawan at katayuan.
1. Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan F5PN-Ic-g-7
2. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto F5PN-Ia-4
3. Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan F5WG-IIId-e-9
Takbo! Takbo! Takbo! Sigaw ng mga langgam, bakit kayo tumatakbo?
“tanong ni Langgamino sa mga kasamahan”. Andiyan na ang pilyong si
Gagambino “ sagot ng mga langgam kay Langganimo.” Ah ganun ba! Tara
magtago na tayo. “usal ni Langganimo sa mga kasamahan nito.”
Tag-araw, mainit at maganda ang sikat ng araw. May isang gagambang
napakapilyo, siya ay si Gagambino. Lahat ng kaniyang madadaang mga
gagamba ay kaniyang niloloko, pinaglalaruan maging ang ibang maliliit na
insekto. Kaya naman lahat ng mga maliliit na gagamba at mga kapwa insekto
ay takot sa kanya.
Minsan isang araw, itong si gagambino ay pumunta sa isang lugar na
kung saan lahat ng mga insekto dito ay takot sa isang gagamba tulad niya.
Mga insektong maliit kayo ay aking uubusin at kakain ko kayong lahat,’wika
ni Gagambino sa mga insekto”. Biglang nagsalita ang isang mallit na
langgam ito ay si Langgamino, maliit subalit matapang. Sige subukang mong
gawin ang gusto mo at may palalagyan ka “ wika ni Langgamino sa
mayabang na Gagamba”.
Biglang natakot ang gagamba, umalis si Gagambino, babalikan ko
kayong lahat at uubusin,” hahahhahahah” Ang sabi ni Gagambino sa mga
maliit na insekto. Wag tayong matakot sa kanya “ ang wika ni Langgamino
sa mga kasamahan ng may paninindigan”.
Umalis ng walang napala si Gagambino, at ito pinagtawanan ng mga
langgam at iba pang insekto.
Bumalik si Gagambino sa kaniyang lungga at nag-isip ng paraan kung
paano niya mauubos sina Langgamino. Naghanda at nag-isp ng matalinong
paraan si Gagambino.
Isang umaga , abala ang lahat di pansin ni Langgamino ang pagdating
ni Gagambino sa kanilang lugar. Humanda na kayo “wika Gagambino
uubusin ko na kayo. Aktong susugod si Gagambino ng biglang dumating si
Haribon at siya ang inataki nito. Walang nagawa si Gagambino.
Tulong..tulong...tulong sigawa ni Gagambino. Ito ang narinig ni
Langgamino nag-isip siya at nagwika “ tutulungan ba nating ang gagambang
gustong kumain
at umubos sa atin”. Parang awa n’yo na
tulong…tulong…tulong….Naglakas loob si Langgamino na atakihin si
Haribon at ang kaniyang mga kasamahan. Pinagtulungan nilang kagatin si
Haribon sa kaniyang mga paa upang mabitawan si Gagambino. At
nagawa nga ni Langgamino na mapakawalan si Gagambino sa matutulis nga
kuko ni Haribon.
Hindi nakatiis sa kating dulot ng mga kasamahan ni Langgamino si
Haribon at nabitiwan niya si Gagambino.
Laking tuwa ng mga langgam at ni Langgamino subalit may takot para
rin sila kay Gagambino. Nagwika si Gagambino “ wag kayong matakot sa
akin dapat ako ang magpasalamat sa inyo sa kabutihang ipinagkaloob n’yo
sa’kin” . Maraming salamat sa inyo lahat! “wika ni Gagambino” lalong-lalo
na sa iyo Langgamino minaliit ko ang inyong kakayahan. Walang anuman
wika ni Langgamino. Basta kapag nasa panganib ka sumigaw ka lang
darating kami. “ simula ngayon di ko na kayo gagambalin, at maari bang
maging kaibigan ko na rin kayong lahat. “wika ni Gagambino.”
Tanong :
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Anong katangian ng mga langgam na pweding ihalintulad sa mga tao
naiyong nabasa sa kwento?
3. Ibigay ang katangian ng mga tauhan sa kwento.
4. Tama ba ang ginawa ni gagambino na maging mayabang sa kanyang
kapwa?
5. Sino ang pipiliin mo sa dalawa si Gagambino o Langgamino?
Ipaliwanag.
6. Kung ikaw ang tatanungin, tutulungan mob a si Gagambino at bakit?
7. Anong aral ang iyong napulot sa kwento?