1
Gawaing Pampagkatuto
sa Good Manners and
Right Conduct (GMRC)
Kuwarter4
344
Linggo
2
Gawaing Pampagkatuto sa GMRC 1
Kuwarter 4: Ikalawang Linggo
Ang materyal na ito ay gagamitin lamang para sa
pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral
sa MATATAG K to 10 Kurikulum. Layunin nitong maging
batayan sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan,
at
kasanayang
pampagkatuto
ng
kurikulum.
Ipinagbabawal ang anumang hindi awtorisadong
pagkopya, pagrebisa, paggamit o pagbahagi ng
materyal na ito. Anumang paglabag o hindi pagsunod sa
itinakdang saklaw ay maaaring magresulta sa
kaparusahan alinsunod sa legal na hakbang.
Ang ilan sa mga akdang ginamit sa materyal na ito ay
orihinal. Pinagsumikapan ng mga bumuo ng materyal na
makuha ang pahintulot ng mga manunulat sa paggamit
ng iba pang akda at hindi inaangkin ang karapatang-ari
ng mga ito.
Tiniyak din ang kawastuhan ng mga impormasyong
nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna,
maaaring sumangguni sa Tanggapan ng Direktor ng
Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng
pagtawag sa mga numerong (02) 8634-1072 / 8631-6922 o
pagpapadala ng email sa blr.od@deped.gov.ph.
Mula sa Kagawaran ng Edukasyon, isang taos pusong
pasasalamat sa United States Agency for International
Development and RTI International sa pamamagitan ng
ABC+ Project at UNICEF sa pagsuporta at pagbibigay ng
teknikal na tulong sa pagbuo ng MATATAG learning
resources.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Sonny M. Angara
Pangalawang Kalihim: Gina O. Gonong
Bumuo sa Pagsusulat
Manunulat:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Joyce F. Orillosa
Joselita B. Gulapa
Eric de Guia
Shirley O. Gliponeo
Namahala sa Pagbuo ng Materyal
Bureau of Curriculum Development
Bureau of Learning Delivery
Bureau of Learning Resources
Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd- BLR)
Office
Ground
Floor,
Bonifacio
Building, DepEd Complex
Address:
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax:
(02) 8634-1054; 8634-1072;
8631-4985
Email
blr.lrqad@deped.gov.ph;
Address:
blr.lrpd@deped.gov.ph
MGA PAHINANG GAWAING PAMPAGKATUTO 1
UNANG ARAW
Gawain 1:
Panuto:
Magbigay ng mga halimbawa nito. Isulat ito sa mga bilog
sa diagram. Kopyahin ang diagram sa inyong sagutang
papel.
1
Gawain 2:
Panuto:
Tingnan ang tsart. Magbigay ng halimbawa sa bawat
paraan ng pakikibahagi ng pamilya sa pamayanan bilang
bahagi ng pagiging mabuting mamamayan.
Mga Paraan ng
Pakikibahagi ng Pamilya
sa Pamayanan Bilang
Bahagi ng Pagiging
Mabuting Mamamayan
Halimbawa
Pagtulong sa kapuwa
Pagbibigay ng damit sa
mga nasalanta ng bagyo
Pagsunod sa mga batas at
alituntunin ng pamayanan
Pakikilahok sa mga
gawaing pangka-paligiran
Pagtuturo ng
kagandahang asal
Pagsuporta sa lokal na
ekonomiya
Pagpapa-laganap ng
kalinisan at kaayusan
2
Gawain 3:
Panuto:
Piliin ang mga larawan na tumutukoy sa mga paraan ng
pakikibahagi ng pamilya sa pamayanan bilang bahagi
ng pagiging mabuting mamamayan. Isulat ang letra ng
larawan sa kuwaderno.
a.
d.
b.
e.
c.
3
Gawain 4:
Panuto:
Isulat sa iyong kuwaderno ang tsek () kung ang
babasahin na pangungusap ay mga paraan ng
pakikibahagi ng pamilya sa pamayanan bilang bahagi ng
pagiging mabuting mamamayan, at ekis () kung hindi.
a. Hindi hinahayaan na gumagala sa kalye ang alagang
aso.
b. Tumatawid sa kalye habang nakailaw ang pula sa
stoplight.
c. Pagwawalang bahala sa bakuna na ibinibigay ng
Barangay Health Center para sa mga bata.
d. Masayang nakikipaglaro sa kapuwa bata sa parke.
e. Pinaghihiwalay ang basurang nabubulok sa hindi
nabubulok.
4
IKATLONG ARAW
Gawain 1:
Panuto:
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
Pagkatapos ay ipakita ang angkop na kilos. Piliin ang
sagot na nasa kahon.
1. Naisasakilos ko ang aking tungkulin sa ________ sa
kapaligiran.
2. Naisasakilos ko ang aking tungkulin sa pagbibigay ng
tulong sa ______.
3. Naisasakilos ko ang aking tungkulin sa ________ sa mga
batas.
4. Naisasakilos ko ang aking tungkulin sa __________ sa
mga proyekto ng barangay.
paglilinis
kapuwa
paggalang
pagboluntaryo
5
Gawain 2:
Panuto:
Isulat sa iyong kuwaderno ang tsek () kung naisasakilos
mo ang gawain at ekis () kung hindi.
(tingnan ang Gawain 2 sa LAS)
1. Tumutulong ako sa pag-aayos ng mga upuan sa
barangay.
2. Sinusunod ko ang alituntunin sa paggamit ng mga
kagamitan sa palaruan.
3. Sumasali ako sa “bakuna para ligtas ang bata” ng
barangay.
4. Tinatapon ko ang basura sa ilog.
5. Tinatanggal ko ang mga tuyong dahon sa aming
hardin.
6
IKAAPAT NA ARAW
Gawain 1:
Panuto:
Gumuhit sa iyong kuwaderno ng isang gawain na kusangloob mong gagawin bilang pagtulong sa pamilya sa mga
gawaing pampamayanan.
Gawain 2:
Panuto:
Iguhit sa iyong kuwaderno ang masayang mukha (😊)
kung ang gawain ay makapagsasanay sa iyo ng pagiging
mabuting mamamayan at malungkot na mukha (☹) kung
hindi.
1. Kusa akong magtitipid ng tubig sa pagdidilig ng
halaman sa palaruan.
2. Kusa akong sasali sa ehersisyo tuwing Linggo ng
umaga.
3. Kusa akong matutulog hanggang tanghali.
4. Kusa akong susunod sa mga alintuntunin ng paaralan.
5. Kusa kong kukunin ang mga lumang gamit para
ibahagi sa nangangailangan.
7
Gawain 3:
Panuto:
Kumpletuhin ang pangungusap.
Ako si _____________________.
Ako ay kusang tutulong sa aking pamilya.
Ako ay ______________ (gawi) upang maging mabuting
mamamayan
8