KABANATA 2
PAGSUSURI SA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Isang pormal na pangangalap ng propesyunal na
literatura na may kaugnayan sa isang partikular
na suliranin ng pananaliksik.
Ang salitang LITERATURA ay lahat ng mga naisulat
ng isang bansa o isang panahon o isang aklat na
tumatalakay sa isang mahalagang paksa bilang
sining tulad ng drama, piksyon, sanaysay atbp.
WEBSTER
LOKAL NA LITERATURA
Ang bahaging ito ay binubuo ng lipon ng mga artikulo,
dyornal, balita sa pahayagan, nalathalang istatistiko, at
iba pang lathalaing naipahayag sa loob ng ating bansa.
maaari ring kumuha ng literatura sa internet,
siguraduhin lamang na ang publikasyon ng materyal na
lokal.
BATAYANG LITERATURA
ang bahaging ito ay binubuo ng mga artikulo, dyornal
balita sa pahayagan, nalathalang istatistiko, at iba pang
lathalaing naipahayag sa labas ng ating bansa. maaaring
ring kumuha ng literatura sa internet, siguraduhin
lamang na ang publikasyon ng materyal ay banyaga
LOKAL NA PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay binubuo ng kumpaylasyon
ng mga pananaliksik na nailathala o
kinomisyon sa labas ng bansa.
BANYAGANG PAGAARAL
Ang basehan ng pagiging lokal o banyaga ng
isang pag-aaral ay hindi ang lugar ng
pagsasaliksik o ang nasyonalidad ng may akda
nito kundi ang lugar ng pagkakalathala o
institusyon na nagpagawa o pinagpasahan ng
pagsasaliksik.
SINTESIS
Ang bahaging ito ay naglalayong
pangatwiranan ang naiambag ng bawat
literatura at pag-aaral sa iyong pananaliksik.