FIL 3 PANITIKANG FILIPINO _________________________________ MODYUL 1 INTRODUKSYON SA PANITIKANG FILIPINO MODYUL 1 MODYUL 1 Introduksyon sa Panitikang Filipino LAYUNING PAMPAGKATUTO • • • Makilala ang kahulugan, kahalagahan at pag-uuri ng Panitikan Maisaalang-alang ang iba’t ibang pag-aaral ng sariling panitikan. Malaman ang mga impluwensiya ng Panitikan sa ating bansa. PAUNANG-GAWAIN Bago simulang basahin ang nilalaman ng araling ito, isagawa muna ang gawain sa ibaba. Gamit ang akrostik sa ibaba, bilang isang estudyante ibigay ang sariling pagpapakahulugan ng panitikan: P - _____________________________________________________________________________ A - _____________________________________________________________________________ N - _____________________________________________________________________________ I - _____________________________________________________________________________ T - _____________________________________________________________________________ I - _____________________________________________________________________________ K - _____________________________________________________________________________ A - _____________________________________________________________________________ N - _____________________________________________________________________________ PAGTALAKAY Ang Panitikan Ang salitang PANITIKAN ay galing sa salitang Latin na LITTERANA na sa Wikang Ingles naman ay LITERATURE na ang ibig sabihin ay TITIK. PANG+TITIK+AN = “PANITIKAN” 2 MODYUL 1 Kahulugan ng Panitikan Ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito ay sumasalamin sa isang lahi at isa sa basehan at identidad ng isang bansa. Ito’y pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat. Sa panitikan nakakatalamitan ng isipan ng mambabasa ang isipan ng manunulat ng iba’t ibang panahon ng iba’t ibang bansa. Kahalagahan ng Panitikan Sa pagbasa ng panitikan, maaangkin ng mag-aaral ang isang kamalayan para sa katutubong tradisyon, na magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wika nasusulat ito, sa pananaw ng isang Pilipino. Sa gayo’y napatitibay ang mga pagpapahalaga sa sariling kultura’t kabihasnan. Masasabi niyang mayroon siyang sariling tradisyong maihahambing sa ibang tradisyon ng ibang pook sa daigdig. Makikintal din sa kanyang isipan na nararapat na pagyamanin ang magagandang kinagisnan at higit na pagbutihin ang kasalukuyan at hinaharap. Ang Pag-aaral ng Sariling Panitikan Ang pag-aaral ng sariling panitikan ay kasinghalaga sa isang bansa ng pagsusuri ng isang tao sa kanyang sarili. 1. Malalaman ng mga tao ang kanilang sariling kalinangan at kasaysayan. 2. Makikita nila ang kanilang sarili, ang kakalasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali. 3. Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at magiging matibay at matatag ang kanilang pagkakilala sa kanilang pagkalahi. 4. Malalaman nila ang kahalagahan ng kanilang sariling wika sa paglalarawan ng kanilang mahahalagang karanasan, mga pangarap, paniniwala at mga gawaing pang-araw-araw. Ang Impluwensiya ng Panitikan Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nang kakatulungan. Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensiya sa buong daigdig. Ilan lamang sa mga ito ang mga sumusunod: 3 MODYUL 1 BANAL NA KASULATAN - Ito ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. KORAN - Ito ay isang banal na aklat ng relihiyong Islam. ILIAD AT ODYSSEY - - Ito ang a dalawang dakilang epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap pagkaraan. Akda ito ni Homer na tinaguriang “Ama ng Oratoryo”. MAHABHARATA - Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng India. CANTERBURY TALES - Naglalarawan ito ng pananampalataya at paguugali ng mga Ingles noong unang panahon. Akda ito ni Geoffrey Chaucer UNCLE TOM’S CABIN - - Kinababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya. Akda ito ni Harriet Beecher Stowe. 4 MODYUL 1 DIVINE COMEDY - Nagpapahayag ito ng pananampalataya at paguugali ng mga Italyano nang panahong yaon. AKLAT NG MGA ARAW - Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya Akda ito ni Confucio AWIT NI ROLANDO - Nagsasalaysay ng gintong Kakristiyanuhan sa Pransya. panahon - Akda ito ni Doce Pares, Roncesvalles. 5 ng MODYUL 1 Mga Paraan sa Pag-uuri ng Panitikan 1. AYON SA PAGHAHALIN PASALINDILA • Pagsasalin ng panitikan sa dila at bibig ng tao. Ang mga ninuno noong unang panahon ay hindi pa maalam sa sistema ng pagsulat kaya puro pagibkas lamang ang paraan na kanilang ginagamit. • Paulit-ulit nilang pinapakinggan hanggang sa matanim sa kanilang isip ang mga tula, awit, o nobela. Sa palagian nilang pakikinig at pagbigkas, naisasalin ito hanggang sa susunod na henerasyon. • Isinatitik, isinulat, inukit at iginuhit ng mga ninuno hanggang sa kasalukuyan. Nangyari ito noong panahong natutuhan na ng ating mga ninuno ang alpabeto. • Ang mga panitikan ay isinulat o inukit at ginuhit sa balabak ng kahoy o mga dahun-dahon. • Pagsasalin ng makabagong paraan sa pamamagitan ng elektronikong kagamitan. • Sa kasalukuyan, dahil sa mabilis na pag-unlad ng mga kagamitang elektroniko, ang pamamaraan ng paghahalin ng panitikan sa pamamagitan ng pasalinsulat ay unti-unting napapalitan na. • Sa gamit ng tape recorder, plaka, VHS tapes at disk sa computer, darating ang araw na ang mga aklat ay halos hindi na mabubuklat. PASALINSULAT PASALINTRONIKO 6 MODYUL 1 2. AYON SA ANYO Ang pangkalahatang uri ng panitikan ay ang tuluyan at patula. TULUYAN PATULA Ang panitikan ay nasa anyong patula kung ito ay saknungan na ang bawat taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mga pantig at magkasintunog o magkatugma ang pantig sa hulihan. Ang panitikan ay nasa anyong tuluyan ung ito ay patalata sa halip na pataludtod ang porma at ang mga salitang gamit ay pangkaraniwan lamang o sa pang-araw-araw na takbo. Ito ay maaaring maging malaya at wala ang mga katangiang unang nabanggit. a. Mga Akdang Tuluyan NOBELA Ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. MAIKLING KWENTO Ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan. DULA Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo. ALAMAT Ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan na patungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksain nito. PABULA Layunin nitong gisingin ang isipan ng mga bata sa pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos ANEKDOTA Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat na tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa. SANAYSAY Pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. 7 MODYUL 1 TALAMBUHAY Ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. PARABULA Ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Layunin nitong makapagbigay ng aral. b. Mga Akdang Patula 1. TULANG PASALAYSAY naglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa buhay MGA URI NG TULANG PASALAYSAY EPIKO Ito’y nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan AWIT & KORIDO paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga tauhang hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa. BALAD Ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw na nilikha noong unang panahon 8 MODYUL 1 2. TULANG LIRIKO ito’y nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata ng batay sa isang karanasan. MGA URI NG TULANG LIRIKO AWITING BAYAN Paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. SONETO Ito’y tulang may 14 taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, malinaw na batiran ng likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa mambabasa. ELEHIYA Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. DALIT Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birheng Maria at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. PASTORAL Layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid ODA Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o masiglang damdamin 3. TULANG DULA o PANTANGHALAN KOMEDYA Naglalayong pukawin ang kawilihan ng manonood, nakapagpapasaya ng damdamin ng tao. MELODRAMA Ito’y karaniwang ginagamit sa dulang musikal. Ito’y malungkot ngunit kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan TRAHEDYA Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. PARSA Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa. SAYNETE Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang paguugali ng tao o pook. 9 MODYUL 1 4. TULANG PATNIGAN KARAGATAN Ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na nahulog niya sa dahat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. DUPLO Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan. BALAGTASAN Ito’y pumalit sa duplo. tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan Saklaw ng Panitikang Filipino 1. Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon ng mga Katutubong Pilipino hanggang sa kasalukuyan. 2. Ang mga akdang sinulat sa wikang banyaga ng mga Pilipino at dayuhang manunulat subalit ang nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino. 3. Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga paksain ay sa dayuhan. 4. Mga akdang sinulat ng mga manunulat na Pilipino at mga paksa’y nahihinggil sa lahi’t kalinangang Pilipino. SANGGUNIAN: Ramos, Maria, et.al. 1975. Ang Pag-aaral at Pagpapahalaga sa Panitikang Pilipino. Manila 10 MODYUL 1 EBALWASYON Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang panitikan? Ipaliwanag: “Ang panitikan ay salamin ng isang lahi.” __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ 2. Ano ang kasaysayan? Paano ito nauugnay sa panitikan? __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ 3. Ano-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapahyaag ng panitikan? Ipaliwanag ang bawat isa? __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ 4. Bakit dapat mag-aral ng panitikan? __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ 5. Ano-ano ang mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan? Ipaliwanag kung paano nakapagdudulot ng impluwensiya sa tao ang bawat isa? __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ SINTESIS Ilahad sa bahaging ito ang buod ng iyong natutuhan mula sa modyul na ito: _____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ 11
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )