Tingnan sa pahina 7 Bolyum 1 Tomo Blg. 1 Tingnan sa pahina 9 Mababang Paaralan ng Abuyogay Javier,Leyte Abuyogay ES, Handa na sa Pasukan! Isang napakalaking karangalan ng Abuyogay ES upang mapahusay at ligtas sa pangunguna ng kanilang napaka aktibong tagapamahala na si Gng. Modina. Ka tu wa n g ng paaralan ang mga walang tigil sa suporta ng mga Brgy officiials ng Barangay at ang mga magulang na tila walang kapagurang tumutulong sa bawat adhikain at hiling ng mga guro sa kanila para panatilihing malinis at ligtas ang paaralan sa Gawai’y gumagaan kapag lahat ay nagtutulungan.., para sa mga magaaral. Kamakailan lang ay binisita sila ng mga District Evaluators upang tingnan at busisiin kung talagang handa na ito sa pagbukas ng pasukan. “Ang pagtutulungan ang susi ng matagumpay na adhikain”,ang masayang sinabi ng mga tao at pamunuan, kaya sila’y mananatiling katuwang sa pagoapaulnad ng paaralan (Karl) Enero– Marso 2024 MG Teachers’, nagtipon Nagtipon– tipon ang mga Multigrade Coordinator sa buong Dibisyon na ginanap sa Tanauan Central School noong ika-7 ng Pebrero upang pagusapan ang mga importanteng bagay at isa na rito ang matukoy ang mga problemeng kinakaharap at matugunan ang mga pangangailangan nila. M a s a y a n g masaya naman sila sa balitang makakatanggap ng MG Allowance pagkat batid nilang mahirap at nararapat lamang na mabigyan din naman sila kaukulang pansin.(Mj Daffodyl) Implementasyon ng MATATAG,sinimulan na “Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang MATATAG Curriculum sa Pilipinas na layuning bawasan ang mga learning competency sa pagtatatag ng pundasyon ng isang bata. Parte ng MATA- “Naghahanda na ang pamahalaan”,DepEd TAG ang pagkakaroon ng asignaturang Makabansa na layuning linangin ang nasyonalismo ng na pasukan sa Diumano’y maitatatag nito ang pundasyon ng mga batang mag-aaral ngunit hindi maihuhulma ang kabataan sa tunay na nasyonalismo at pagiging isang bata.Gayunpaman, kung ang mga importanteng detalye hinggil sa ating kasaysayan ay tatanggalin, mabuo man ang kanilang abilidad na umintindi at umunawa, magreresulta ito ng kakulangan sa pagsusuri at kritikal na pag-iisip. Hindi magiging sapat ang Makabansa kung ang kurikulum mismo ay may pagtatago sa katotohanan .Hindi nila nais ang kabataang may malalim na nasyonalismo sapagkat sila ang pupuna sa paglaban para sa masa at bayan. Handa ang kabataang malay at mulat lipunan na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at katarungan sa Pilipinas. 2 BALITA SPA’s, dumaan sa matinding training Dumaan sa napakatinding training ang mga School Paper Advisers ng Leyte noong nakaraang Enero ng taong kasalukuyan na ginanap sa Javier District sa l a y o n n a Abalang-abala at seryoso., mapalaganap ang Suporta sa Nutrisyon, ipinagdiwang Ganadong– ganado ang mga mag – aaral sa pagsubo sa mga pagkaing inihanda ng kanilang mga guro sa nakaaraang Enero sa selebrasyon ng Nutrisyon sa Paaralang Elementarya ng Abuyogay. Maliban sa mga m a su su sta n siy a n g pagkain ay naghanda rin ang mga kabataan ng mga iba’t– ibang uri ng mga presentasyon na modernong sayaw at awit na talaga namang kinagiliwan ng mga magulang at mga manonood. Nagpaligsahan ang mga kabataan sa may pinakamaraming dalang gulay at prutas. Nagpakitang gilas din sila sa pagtukoy sa tatlong grupo ng pagkain ang Go, Grow at Glow. Tuwang– tuwa ang mga bata sa buong araw na programa at bakas sa kanilang mga mukha na naiintindihan nila kahit na sa murang edad ang kahalagahan at magandang dulot ng mga pagkaing may sustansiya. Nangako silang tatangkilikin ang tama at wastong nutrisyon upang nang sa gayon ay lumaki silang malulusog at matatalinong mga Sarap na sarap ang mga bata bata.(mj daffodyl sa inihain.., k a m a l a y a n patungkol sa Pampaaralang Pahayagan. Seryoso at determinado ang tugon ng namamahala ng programang ito sa pangunguna ng Education Program Supervisor na si Maam Grace Villanueva,sa pagnanais na mapanatili ang magandang record ng Leyte sa RSPC sa pagiging numero uno nito di kaya’y mahigitan pa anuman ang mga napanalunan noong nakaraang taon. Mga batikan at de kalibreng mga advisers ang masusing pinili bilang tagapagsanay para maging matagumpay at makabuluhan ang kalalabasan ng training. Princess Joy ASPC 2025, pinaghahandaan Puspusan na ang paghahanda ng mga manunulat ng Distrito ng Javier II para sa darating na Area Schools Press Conference na gaganapin ngayong Desyembre 6-7, 2024 sa Mahaplag, Leyte sa hangaring manalo at masungkit ang kampeonato. pakita nilang determi- Bahagi ng kanilang pagsasanay ang walang humpay na pagbabasa ng mga aklat, magasin at iba pang mga babasahin upang mahasa pa lalo ang kanilang talento at kakayahan sa pagsulat. Tahimik na nagbabasa.., Masayang– masaya naman ang mga coach ng mga bata sa determinasyon at dedikasyon nilang matuto at matinding pagnanais na manalo at magbigay karangalan sa paaralan. Todo suporta naman ang mga magulang ng mga bata sapagkat batid nilang malaki ang pag-asang manalo dahil sa sikap BALITA 3 Kahandaan sa sakuna,tinalakay Sa pagbubukas ng klase noong Hunyo sa taong kasalukuyan ay inimbita ng mga pamunuan ng mga Paaralan ang mga miyembro ng DRRM upang magsagawa ng pagsasanay sa kahandaan sa anumang sakuna. Ipinakita dito ang mga nararapat gawin bago dumating ang sakuna, sa panahon ng sakuna at ang paghahanda sa mga posibleng masamang dulot nito. Pinagtuunan ng pansin sa naturang seminar ang kahandaan para maiwasan ang mas malalang pangyayari. Ibinahagi ng mga tagapagsanay ang kanilang karanasan lalo na sa panahon na nanalasa ang bagyong Yolanda at ano– ano ang mga bagay na natutunan nila mula sa karanasang iyon. Kampanya laban sa droga,pinaigting kasamaang dulot ng ipinagbabawal na gamot. Masayang nakipagkwentuhan si Hepe.., Pinangunahan mismo ng mga hepe ng mga stasyon ng pulis ang paglilibot sa iba’t– ibang paaralan sa mga lungsod upang ipamulat sa mga kabataan ang mga Hinimok nila ang mga mag– aaral na maging bahagi ng solusyon sa lumalalang kaso ng droga at wag maging bahagi ng problema. Sinabi din nilang dapat ay mag– aral nang mabuti at maging mapagmatyag sa anumang nangyayari sa paligid. Ibinahagi ang kanyang di Masayang– masaya namang nakinig at sumali ang mga guro ng sa mga aktibidad tutulungan at pagkakaisa na ipinapagawa ng upang gumaan gaano mga tagapagsanay. man kabigat ang kinakaHabang nagkwekwen- harap na suliranin ng tuhan at nagpapalitan bawat isa. ng mga karanasan ay Handa na at di na panaging emosyonal ang titinag!!! (Mj Daffodyl Pagpapaganda ng AES, pinangunahan ng GPTA Bago paman magbukas ang klase sa school year 20232024 ay nagkapitbisig ang lahat sa pangunguna ng GPTA ng Abuyogay ang pagsasaayos at pagpapaganda ng paaralan upang paghadaan ang pasukan sa ika-13 ng Hunyo. Dagdag pa nila na wag mag atubiling isuplong ang sinumang tao na gumagamit at nagtutulak ng droga. Sinimulan din ang pagpapagawa muli ng “concrete pathway” upang hindi na mahihirapan ang mga bata sa paglalakad sa maputik na daanan. “Protektahan natin ang pag-asa ng atingbayan,”kayo!”(Jes iah) Tumulong din sila sa pagpipintura at pagli paglilinis ng mga silid– aralan. Walang pagod din silang namulot ng mga basura para ipakita ang pagmamalasakit at suporta.(Jenny Mutya) Di alintana ang pagod basta makatulong lang.., 4 EDITORYAL EDITORYAL Bullying tigilan na para lahat ay masaya!! Mga kaibigan at mga kalaro, ito ang isa sa mga pinapangarap ng bata na magkaroon sila maliban sa mga materyal na bagay. Pero paano kung imbis na kaibigan ay kaaway ang mahanap dahil sadyang may mga batang di mapakali kapag di nakikipag-away o di nakapambully? Nang ipasa ang House Bill 5496 o AntiBullying Act of 2012 sa House of Congress noong Enero sa nakaraang taon na naglalayong imulat ang mga tao lalo na ang mga kabataan sa masamang maidudulot ng bullying at paano ito mapipigilan o di kaya’y maiwasan man lamang. Ang mga bata na biktima ng bullying ay nakakaramdam ng matinding “emotional stress” at “depression” na nagiging dahilan ng ibang bata na tumigil sa pagpasok sa klase. Kailangan ngayon ang madaling aksyon laban sa bullying sa papamamagitan ng lagiang pagpapaalala ng mga magulang at guro sa mga anak at magaaral na ito ay masama at may masamang epekto sa puso’t pag- iisip ng mga bata. Kaya itigil na ang pambubully at laging isipin ang kasabihang”wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. (Emelyn) PATNUGOT NG EDITORYAL Implementasyon ng MATATAG CURRICULUM Hati pa rin ang saloobin ng mga mamamayan magpahanggang ngayon sa pagpapatupad ng K to 10 Program ng Deped. Ayon kay Senador Tulfo, maaring sagot ang programang ito sa hinahangad na “quality education” na minimithi ng mga nakar arami. A ng pagbawas ng taon sa pag aaral ay bawas sa gastos at marami pa ang makakatapos, dagdag pa ng senador. Dapat daw pagtuonan pang lalo ang modernisasyon ng mga facilities, guro at paaralan para sa dekalidad na edukasyon. Hindi sagot at di makatwiran ang dagdag na taon, pasakit lang ito sa mga mag– aaral lalong– lalo na sa mga magulang. Base sa aming nakalap na datos sa mga napagtanungan naming tungkol sa implementasyon ng K to 10, 85 % ang sang-ayon samantalang 15 % naman ang nagsasabing itigil ito. BALITA Mitz Dulce Amor C. Cerro EDITORYAL Judy Ann A. Caputol LATHALAIN Jesiah Rei D. PAntin Richelle G. Edloy ISPORTS Johan Ethaniel Cernio EDITOR –IN– CHIEF ANYO NG DESINYO Mylyn R. Bastistiana Judy Ann A. Caputol KARTONIST Chelsie R. Solis ASSOCIATE EDITOR MGA LARAWAN Mj Daffodyl a. Modina Jelean S. Jervoso AGHAM AT TEKNO. Je;lean S. Jervoso MANAGING EDITOR ADVISER Richelle G. Edloy CONSULTANT Myrel A. MOdina OPINYON PANANAW Social media, hanep di ba? Mapababae at mapalalaki, bata man o matanda, may ngipin o wala ay di maipagkakailang nahuhumaling sa social media particular na ang “facebook”. Dito ay makakakilala tayo ng mga bagong kaibigan ditto sa sarili nating bansa pati na sa buong mundo. Makikita din natin at makakachat ang mga dating kakilala na di mo akalaing makakausap mo pa dahil sa tagal ng panahon na di kayo nagkita. Pero dapat nating isaalang– alang ang pag– aaral ng mabuti para sa kabataan. Minsan ay wala ng panahon pang mag-stu dy dahil nakadikit na palagi ang mukha sa monitor ng kompyuter o di kaya’y tablet at cellphone. Sana ay wag pabayaan ang pag-aaral. Hindi naman masama ang social media. May tamang oras para diyan. Masaya nga at kakaiba ang magiging karanasan mo dito pero wag naman sanang ipagpalit sa panandaliang kasiyahan ang kinabukasan mong habambuhay ay siguradong pagsisisihan mo. Nasa mga magulang at mga guro nakasalalay ang susunod na pahina sa mga kabanata ng buhay ng mga mag-aaral. (Jesiah) English Speaking Policy!!!Talaga? Sa aking paglaki ay gusto kong maging isang guro tulad ng idol ko. Bakit ko siya idol? Dahil napakagaling niyang mag Ingles. Napakasarap niyang pakinggan tuwing nagkaklase siya. speak English when you are inside my c l a s s room”.’Kailangan ba talaga?”sabi ng kaklase ko na panay ang reklamo dahil bakit daw ipipilit ang pagsasalita ng wikang Ingles. Nang isang araw ay sinabi niyang”everybody should all the time Marami sa amin ang salungat dito pero para sa akin, gusto ko 5 Mahal na Patnugot, Di magandang tingnan ang isang bata pag di nakasuot ng uniform at maiiba pa siya sa lahat. Ano ang pwede niyong gawin tungkol dito? Mahal na Patnugot, Masakit isiping walang pakialam ang ibang mag-aaral sa kalinisan ng paaralan. May magagawa pa ba tayo para baguhin sila? Mahal na Patnugot, Gusto ko sanang magpasalamat sa mga bumubuo ng GPTA dahil sa proyekto nilang concrete pathway. Di na kami mahihirapan kapag umuulan at di na masyadong maiinitan kapag maliwanag ang Liham para sa Patnugot sikat ng araw. Mahal na Pat- nugot, Bakit kung sa sports activities ay malaki ang budget na nilalaan samantalang sa academics ay halos wala?Ano ba ang mas importante? Mahal na Adviser, Kailan po ba kayo pipili ng mga mag-aaral na maging bahagi ng ating pampaaralang pahayagan?Gustong– gusto ko po sanang sumali upang makapunta sa iba’t– ibang lugar at gusto ko yon. ito dahil pano ako matutulad sa idol ko kung di ko sisimulan ngayon habang bata pa. Baka nga mahigitan ko pa siya pagdating ng panahon. Bilang mag-aaral tungkulin nating sundin ang mga patakaran sapagkat ginagawa ito para sa ikabubuti. Makakatulong pa nga ito, di natin alam makakapunta tayo ng ibang bansa lalo na sa Amerika. Kung magkagayon ay di na tayo mahihirapan. Magpapasalamat pa tayo at magsasabing”buti na lang talaga.(Huehan LATHALAIN 6 Natatanging hiyas;iniidolo ng lahat! Ano daw kaya ng lalaki ay kaya rin daw ng mga babae. Pinatunayan ito ng iniidolo ng mga kabataan sa Barangay ng Guinadiongan. Ang Pagbabalik tanaw... Batay sa mga napagtanungan naming mga nakakatanda sa lugar ay naitayo daw ang Paaralang Elementarya ng Abuyogay sa taong 1969 at nagsimula lamang ito sa dalawang grado,una at pangalawang baiting lamang. Sa paglipas ng panahon ay nadagdagan ito ng mga grado at mga guro hanggang sa isa na itong ganap na “complete Elementary” na kung saan di na kailangan pang pumunta sa kabilang barangay para doon mag– aral. Naging madali na ang buhay ng mga mag– aaral at ganadong– Ganado na silang matuto. Sa ngayon ay may mahigit kumulang 90 ang mga batang dito ay sabik na sabik na pumasok araw– araw ng sa gayon ay magkaroon ng edukasyon at bukas makalawa ay gumaan at guminhawa ang buhay.( Mahirap man ang buhay ay ginagawa nila itong inspirasyon upang magpatuloy tungo sa inaasam-asam na k a g i n h a w a a n a t katagumpayan.(Alberto R.) Kumikinang ang kanyang kagandahan kahit na siya ay simple lamang. Sa anumang oras ay pwede mong lapitan. Sa mga importanteng pangangailangan ay lagi mong maa- asahan. Mapagmahal na asawa at maasikasong ina. Mapagmalasakit sa mga mag– aaral niya. Hangad lamang ay kabutihan at pagbibigay pag– asa. Sa aking paglaki, nais ko rin ay makatulong, gaya ng idol kong si Maam Susana Aropo, ang aming butihin at aktibong guro .(Shienowah) Ibahin nyo ang dalawang ito!!! Laman sa mga pahayagan, maririnig sa radyo at makikita sa balita sa telebisyon ang mga alagad ng batas na dapat sana poprotekta sa atin ay siya pa ang mga pangunahing suspek sa mga klase– klaseng krimen at kabulastugan. “ To serve ad to Protect”, ito ang nakaukit dapat sa kanilang isipan at pinanumpaan, pero anong uri ng serbisyo ang maasahan natin? At ang ibig sabihin ba ng tinutukoy na proteksyon ay laban sa kanila? Naging masama man ang imahe ng ating kapulisan ay mayroon pa rin namang marami ang patuloy Subukan niyong bisitahin ang Tabango Police Station at doon ,makikilala at maibabalik mo ang nawalang tiwala mo sa ating mga awtoridad. Kapwa hinahangaan lalong– lalo na ng mga kababaihan. Nirerespeto ng lahat at mapagkakatiwalaan. Madaling lapitan at masarap maging kaibigan. Dadamayan ka lalo na sa panahon ng kagipitan. Hangad lamang ay makapaglingkod sa mga tao at bayan. Magkaiba man ang kulay ng kanilang balat pero iisa ang kanilang hangarin, ang magbigay karangalan, di lamang sa sarili kundi para sa pamilya at sa bayan, tunay na maasahan Police Officer Cobre Panfilo at Police Oficer Ordinario, kaya ibahin niyo ang dalawang ito!( Alberto R.eubal) 7 LATHALAIN Bahay na puno ng Kababalaghan.., Pagmamay-ari ng isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa lungsod Pinakamalaki at kulay puti ang pinta nito. Maliit pa lang kami ay kinatatakutan na talaga ang bahay na ito. Ni isang beses ay di ko ito nasilayan, kaya tuloy nais kung pumunta sapagkat ako’y nahihigawaan. Siyempre natatakot pero may halong kasabikan. Malapit ito sa aming paaralan. Walang nangangahas na pumunta dahil kinakakatakutan. Pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga duwende at agta. Nais ko talagang pumunta pero walang nangangahas na sumama. Nais kung patunayan kung nakakatakot nga ba. Mula sa sa malayo ay natatangi ang kanyang ganda, bahay na mal ungkot marahil at dahil ito ay nagiisa. Naaalala ko tuloy na malapit ng mag Nobyembre. Sikat na naman ang lugar na ito dahil sa mga Diwata’t duwende . Mas lalo tuloy akong nangigigil na puntahan, ang bahay na sinasabi nilang punong– puno ng kababalaghan.Bahay ng katatakutan pero atat kang puntahan.(Christian Conje) Minsa’y Hadlang sa Paglinang “Ma’am mali yata ang sagot mo, hindi ‘yan ang sagot ng Cici ko.” Cici, ChatGPT, at Meta ay ilan lamang sa mga artificial intelligent na alam na alam na ng mga kabataan ngayon. Bakit nga ba magpapagod pa ang mga mag-aaral ngayon sa pagsasagot ng mga mahihirap na katanungan na ibinigay ng kanilang guro mula halimbawa sa isang akdang kanilang binasa sa paaralan kung sa isang pindot lang ay mayroon na silang isang napakatalino na kasagutan. Minsan pa nga mismong ang guro ay hindi naiisip ang mga out of the box na mga kasagutan na ibinibigay ng mga makabagong teknolohiyang ito. Talaga nga namang mamahangha ka sa mga magagaling at magagandang kasagutan ng mga mag-aaral kahit mapapatanong ka, “pare-pareho naman yata ang kanilang naging kasagutan?” Napakalayo na nga ang tinakbo ng ating mundo. Mula sa mga impormasyon kailangang hanapin mula sa iniukit sa bato hanggang sa ngayon na isang pindot mulang ay makukuha mo na ang lahat ng impormasyon na iyong kinakailangan. Sa panahong napakarami ng mga makabagong instrumentong naiimbento paano nga ba natin nasusukat ang kahasahan ng mga mag-aaral? Hindi naman sa minamaliit ko ang aking mga mag-aaral subalit minsan mapapahinto ka na lamang habang binabasa ang kanilang mga isinulat na mga sanaysay. Masyado naman yatang pambihira sa inaasahan ang kanilang mga gawa. Minsan hindi mo na alam kung paano mo sila bibigyan ng marka. Minsan kasi ang pangit ng pagkagawa pero alam mong orihinal, minsan naman ay napakaganda subalit mahirap tantsyahin kong ito nga ba ay orihinal o kinuha lamang sa internet. AGHAM AT TEKNOLOHIYA 8 Mukha ng makabagong Agham at Teknolohiya Isa siyang English Theoritical Physicist. Isa din siyang Cosmologist , manunulat at Direktor ng Pananaliksik sa Unibersidad ng Cambridge. Ilan sa kanyang mga akda ay ang “The Grand Design” at ang “Theory of Everything” na tumatak at Tubig at sabon;sa mga sakit ito ang simpleng solusyon Palagi ka bang naghuhugas ng iyong mga kamay? Ito ay bagay na napakadaling gawin pero isinasantabi natin. Tuwing ika-15 ng Oktubre ay ipinagdiriwang ng mundo ang Global Handwash Day at sa taong ito ang tema ay”Itaas ang kamay para sa hygiene” na tumutuon sa agarang aksyon lalo na sa pagpapalaganap ng adbokasiya sa lagiang paghuhugas ng kamay. Halimbawa, ang pagtataas ng kamay ay nagpapakita ng pakikibaka na nakikiisa ka sa pagtataguyod ng kalinisan sa sarili at maging kampeon sa larangan ng hygiene. Ang adbokasiyang ito ay makakabuo ng kaisipang ikaw, ang paaralan, ang kumunidad at ang rehiyonay magkapit-bisig para sa malusog na pangangatawan. M i l y u n milyong bata ang namamatay kada taon sa diarrhea na maiiwasan sana kung uugaliin ang paghuhuhugas ng kamay. Ang Global Handwash Day ay magandang opurtunidad para makuha ang atensiyon para sa pagbabago, sa mga magulang na magtaas ng kamay para sa maayos na pasilidad sa kalinisan ng paaralan at magtaas ng kamay para sa mga nasa pwesto upang hikayatin silang magbigay ng pundo sa proyektong pang hygiene.(Johan Ethaniel siyang nagpasikat sa kanya. Ipinanganak siya noong Enero 8, 1942,tatlong daan taon mula sa pagkamatay ni Galileo,at 73 taong gulang na siya ngayon. Gustong-gusto niya ang asignaturang Math pero ang gusto ng tatay niya ay kumuha siya ng kursong medesina. Dahil walang nag alok ng Math noong panahong yon ay kumuha siya ng Physics at pagkatapos ay nakatanggap siya ng parangal. Kahanga-hanga ang mukha ng Agham, walang iba kundi si Stephen Hawking,idol!(Jenny M). Dengue maiiwasan;maglinis sa kapaligiran Napakasimple lamang ang naging tugon ng Department of Health para maiwasan at tuluyan ng mawala ang lumalalang problema at sakit na ito; paglilinis at siguraduhing walang lugar na pwedeng pamahayan ng lamok. Ugaliing ibuhos ang mga containers na may mga tubig kapag di pa ito ginagamit dahil pwede itong gawing bahay itlugan ng mga lamok para dumami at makapinsala. Huwag tayong asa ng asa lang sa pwedeng gawing tulong sa para sa atin ng ating gobyerno. Maging bahagi ng kampanya laban sa pagsugpo ng dengue. Maging bahagi ng solusyon hindi ng problema. (Mitz Dulce Amor 9 AGHAM AT TEKNOLOHIYA Konting Kaalaman!!! Masamang amoy ng paa ay wag ng problemahin pa!!! Pusa mas magaling kumanta.., Meow, meow, meow……………….., Ang mga pusa ay nakakagawa ng 100 na iba– ibang tunog samantalang ang aso ay 10 iba’t– ibang tunog lang ang nagagawa.. Mamamangha ka pag nalaman mong ang hilaw na patatas kapag inilagay sa sapatos nang magdamagan ay mawawala ang anumang di kanais– nais na amoy nito. Napapanatili pa nitong malinis at mabango ang sapatos mo,galing di ba? Ang bango na!!! Lamok, mahilig pala sa mga babae.., Akalain niyong naaakit pala ang lamok sa amoy ng estrogen na taglay ng mga babae kung kaya kung magkasama ang lalaki at babae sa isang lugar saan maraming lamok, mas marami ang kagat ng mga babae kaysa sa mga lalaki.., Pambihirang Bato to!!! ” Ang tanging klase ng bato na lumulutang sa tubig ay tinatawag na “Pumice”. Pagpapahinog?Easy lang yan!!! Ang saging ay madaling mahihinog magdamag kung ilalagay mo ito sa isang brown paper bag na may mansanas o di kaya’y kamatis. Pahabaan tayo ng lapis.., Alam niyo bang ang isang lapis ay may potensyal na makaguhit ng linya h a n g g a n g tatlumpu’t walong milya ang haba..,? SAAN NGA BA? Sa Pilipinas lang naman matatagpuan ang pinakamaliit na isda sa buong mundo. Kilala ito sa siyentipikong ngalan nitong “Pandaca Pyg- mea”. “CLOWNFISH” Alam niyo bang ang lahat na ipinapanganak na isdang “clownfish” ay puro mga lalaki lamang at ang pinakadominante sa grupo ng lahing ito ay magiging babae tuwing mamatay ang babae sa grupo. Bakit lumulutang ang mansanas? Lumulutang ang mansanas pag inilagay sa tubig dahil ito ay naglalaman ng dalawampu’t– limang porsyentong hangin. Kahit ano pa yan,basta paborito ko ito! ISPORTS Mga manlalaro ng Capoocan ,todo Photo credit-Google.com Tagumpay na naiuwi ng Pilipinas ang dalawang gold ang ensayo medal sa larangan ng isports’ at dalawang bronze medals Mala kalabaw na ang kayod sa pag-eensayo ng mga manlalaro ng Capoocan District para paghandaan ang mga darating nilang laro sa AREA Meet 2016 na gaganapin sa . Naging energy booster ang kinalabasan ng Meet noong nakaraang taon kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay umakyat ang standing ng Capoocan sa pang-apat na pwesto. Dati ay palagi nalang itong kulelat sa standings. Nagkaisa ang mga namumuno ng distrito na kailangan na bigyan ng kaukulang pansin, panahon at budget ang programa. sa ginanap na the 2024 Paris Olympics. Bibigyan ng isang linggo ang mga coaches na sanayin ang kanilang mga players upang lumaki ang pag-asa nilang manalo para di na sila bumalik sa pagkapako sa pinakahuling pwesto. “Kung mamalasin talaga at matalo, atleast matatalo tayong lumalaban at di tayo susuko hanggang sa huli”,ang mga salitang binitiwan ng Punong Tagamasid. (Mylyn) Koordinasyon at teamwork ang ineensayo ng team. PBA balik-aksyon ngayon sa big dome Magbabalik ang hostilidad sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup tampok ang dalawang biga-ting laro sa Smart Araneta Coliseum. Magsusukatan ang magkapatid na Barangay Gi-nebra at San Miguel nga-yong alas7:30 ng gabi matapos ang upakan ng guest team Eastern Hong Kong at Meralco sa alas-5 ng hapon sa Big Dome. Target ng Gin Kings ang ikalawang sunod na ratsada para mapaganda ang kanilang 42 kartada habang magpipilit makabangon ang Beermen mula sa kabiguan para maitaas ang 3-3 marka nila. Winning like that on a day like Christmas made it extra special,” ani import Justin Brownlee. “A couple Christmases ago we got beat by 20 plus points by the same team so I’m happy for the guys and the fans.”Nakalasap naman ang San Miguel ng 91-99 pagkatalo sa Eastern sa huli nilang laban at inaasahang magpipilit makabawi.Makakatapat ni Brownlee si SMB reinforcement Jabari Narcis na pumalit kay Torren Samantala, ang back-toback wins ang target ng Eastern (6-2) sa pagsagupa sa Bolts (3-2) na nasa isang two-game losing skid. 11 ISPORTS Ormoc, yumukod sa Leyte sa pingpong,3-0 Naungusan ni Nayre, manlalaro ng Leyte ang kalaban nito mula sa Ormoc sa naganap na pang kampeonatong laro sa EVRAA sa pingpong noong Enero 29 hanggang Pebrero 7 dahil sa mala samurai na chop nito. Ano ang Pambansang laro ng Pilipinas? Mahigpit na talagang magkaribal ang dalawang koponan sa larangan ng pingpong dahil sila palagi ang nagkikita sa finals at dikit palagi ang score hanggang sa huli. Alam ba ninyo ang mga simbolo ng ating bansa?Eh! ang ating pambansang laro? Ginamitan ni Nayre ng matitinding serbisyo at mala buhawi na Matagal ng ipinamulat sa atin ng ating mga guro na “Sipa” ang pambansang laro ng mga Pilipino. Ang di natin alam ay wala palang batas na nagtatakda nito. smash,dagdag pa ang liksi at mabibilis na footwork at depensa, nito ay may kasama pa Isang mala samurai sa tabas ang chop na ipinapakita.., Noong Disyembre 11, 2009, sa bisa ng R.A. 9850 ay idineklara itong pambansang laro ng Pilipinas. Salamat sa tatlong taong nagsakatuparan nito, si dating senador na si Miguel F. Zubiri, Cong. Raul V. Del Mar at Cong. Narciso D. Monfort. Mga kinahuhumalingang isports sa Pilipinas 1. Basketball– dahil sa kasikatan ngayon ng Gilas. 2. Boxing– may Manny na may Nietes at Donaire pa 3. Football– sa nag gwagwapuhang Azkals 4. Badminton– social kasi ito! 5. Volleyball– sa mga nagagandahang manlalaro dito mga Photo credit– Google.com na mga smashes at matutulis na spins na tuluyang dumaig sa katungali kaya nahirapan ito. Pinasayaw din nya ang kalaban dahil sa mga placing shots nito kung saan takbo ng takbo sa iba’t-ibang direksiyon ang kalaban. Una pa lang ay lamang na si Nayre dahil sa karanasan nito. Manlalaro na siya mula unang baiting kumpara sa kalaban na unang beses pa lang sumabak sa ganitong lebel ng kompetisyon. Ganon pa man ay di ito nagpabaya at nasungkit nya ang gintong medalya ng walang kahirap– hirap.(Rineal Latorre) ISPORTS CARLOS YULO; ATHLETE OF THE YEAR MANILA, Philippines — Ito ang unang pagkakataon na nanalo ng dalawang gold medal ang isang Pinoy athlete sa isang Olympic Game. Ginawa ito ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa nakaraang 2024 Olympics sa Paris, France matapos pagharian ang men’s floor exercise at vault finals. Ang 24-anyos na si Yulo ang unang gymnast matapos si Pia Adelle Reyes noong 1997 na gagawaran ng Athlete of the Year award ng pinakamatandang media organization sa bansa sa traditional gala night na suportado ng San Miguel Corporation at co-presented ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest. 12 MANSUETO VELASCO Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng medalya sa Olympics noong 1996 bilang “Light Flyweight” sa larangan ng Boxing. Lumaban si “Onyok” para sa ginto na napuno ng kontrobersya dahil kitang-kita na panalo siya sa suntukan pero natalo sa desisyon ng mga hurado. Masakit para sa kanya ang nangyari pero sabi niya patuloy lang ang buhay. Mas masakit daw ngayon ay di pa niya natatanggap ang 2.5 million na ipinangako ng pamahalaan sa kanya. Prinsepe ng Phil.Boxing,nakalasap ng kauna-unahang pagkatalo kalaban ay siguradong sa luna siya pupulutin. Kung si Manny “Pacman” Pacquiao ang hari sa larangan ng boxing, may aabangan tayong bagong pangalan sa larong ito. Sa dalawampu’t apat na laban nito ay di pa nakatikim ng ni isang talo dahil sa bilis, liksi at di masukat na lakas na pag sinuntok at natamaan ang Ngunit sa laban niya kamakailan ay nalasap niya ang unang pagkatalo kay Juarez, isang Mexican slugger. Ang bagong mukha..,Prince Albert Pagara.., Sa kabila nito ay positibo siyang makabawi sa pagkakalugmok at natuto na siya sa pagkakamali.(Rineal L.)
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )