El Filibusterismo Narrator: (kanta) El filibusterismo o paghihimagsik Gawa ni Rizal para sa tatlong pari Gomez, Burgos at Zamora, GomBurZa ang siyang taguri Simulan natin ang kwentong ito Sa pagbalik tanaw sa naunang libro Noli Me Tangere ang titulo nito Para sa Espanyol, gawa ng isang Pilipino Nagbalik si Ibarra sa sarili niyang bayan Ito ay ang Pilipinas, Perlas ng silangan Matapos ng labintatlong taon siya¶y nagbalik Nag-anyong Simoun upang makapaghiganti Nagpanggap siya bilang mag-aalahas Dahil na rin sa kayamanang namalas Taguri sa kaniya ± Cardenal Moreno Indiyong Ingles at Amerikanong Mulato Simoun: (Kanta) Ako si Simoun isang mag-aalahas Mapagpanggap ako, utak ay matalas Bumalik ako upang ipaghiganti Mga mahal ko sa buhay na kanila¶y kinitil Kung kayo¶y nagbasa ng unang libro Iba ang pangalan, Ibarra doon Tulad ng nasabi, ako¶y nagpapanggap Dito¶y Simoun, inyo sanang matanggap Basilio: (Kanta) Ako si Basilio, inalagaan ni Kapitan Tiyago Simula ng mawala mahal na pamilya ko Dahil sa sariling sikap, nakapag-aral ako Medisina ang natapos, kagalakan ko ito Ang ina ko¶y nagngangalang Sisa Crispin naman ang kapatid na sinta Namatay sila ng µdi inaasahan Ako ri¶y naulila ng napakaaga Isagani: (Kanta) Ako si Isagani, kaibigang tunay ni Basilio Itinuturing na makata o manunugma ng Ateneo Malusog ang katawan, mataas ng kaunti Ngunit ako¶t sensitibi, di-karaniwan ang ugali Sa kwentong ito, isang bagong tauhan Subay-bayan ang aking pakikipagsapalaran Maraming pangyayaring inyong ikagugulat Ihanda ang mga isip, µpagkat kayo¶y mamumulat (Dance ng tatlong tauhan at mga back-up dancers) (Maiiwan si Basilio at Isagani. Iexit si Simoun, lalabas si Kapt. Basilio) SCENE 1 BARPOR TABO SCENE Narrator: (Kanta) Hirap na Hirap na sumalunga sa Ilog Pasig Ang Bapor Tabo ng mga taong iba¶t iba ang uri. May mga pari, reverendos at mga mayayaman May mahihirap din at kawani ng pamahalaan. Ilan sa mga lulan sa itaas na kubyerta Mamamahayag na si Ben Zayb, Donya Victorina. Sa Ilalim naman ay si Basilio at Isagani Isama pa si Kapitan Basilio at Simoun na tangi Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago Basilio? Basilio: Tulad pa rin ng dati. Ayaw pa rin po magpagamot. Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bati pa kami hindi pa uso ang droga na iyan. Hindi ko malaman saan ba nila nakukuha ang mga gamut na gaya ng mga yoon. Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri ng halaman. Ito ay hindi isang gamut na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan. Hindi ba Basilio? (Pasang-ayon na tango ni Basilio) Kapt. Basilio: Maiba ako, kamusta na ang balak niyong pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila? Sa tingin ko ay sasalungatin kayo ng Vice Rector na si Pari Sibyla. Kung sang-ayunan naman kayo, saan kayo kukuha ng pondo at ang magtuturo sa Akademya ninyo? Basilio: Diyan po kayo nagkakamali. Pahintulot na lamang po ang aming hinihintay mula sa heneral. Sa pondo naman po ay nagkasundo nap o kaming mga estudyante na magaambag-ambag para dito. Sa mga magtuturo naman po ay kalahati¶y Kastila, kalahati¶y Pilipino. Mga Estudyante rin ang nangako sa bagay na iyan. Ang gusali naman po ay isa sa mga inakala naming problema na nalutas na. ipinangako ng mayamang si Makaraigang isa sa kaniyang mga bahay. Kapt. Basilio: Mabuti kung ganun. Sana¶y matagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo. (Pag-alis na Kapt. Basilio ay siya namang pagdating ni Simoun.) Simoun: Magandang araw mga ginoo. Basilio, magbabaksayon ka ba? Sino ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya? Basilio: Hindi po ginoo, ngunit magkalapit lamang po kami ng bayan. Nasa kabilang baybayin lamang ang bahay nitong si Isagani. Simoun: Kamusta ang lalawigan? Basilio: Hindi pa po ba kayo nakakrating sa bayan nila ginoo? Simoun: Paano ko malalaman gayong hindi ko pa naman iyon nararating. Sa aking palagay ay wala ring hilig ang mga tao doon sa mga alahas ko. Isagani: Hindi lamang po talaga kami nabili ng mga bagay na hindi naman namin kailangan ng lubos. Basilio: Ipagpaumanhin niyo Ginoong Simoun ngunit kailangan na naming umalis. Ang Tiyo ng aking kasama ay hinihintay kami sa dakong hulihan ng Bapor. Simoun: Salamat sa napakagandang usapan, mauna na rin ako sa inyo sa taas. (Nauna umalis si Simoun at sumunod si Basilio at Isagani sa pag-alis) SCENE 2 LIBINGAN SCENE Narrator: (Kanta) Lulan ng isang kalesa itong si Basilio Sa Bisperas ng Pasko patungong San Diego. Tuwing uuwi, lagi niyang binibisita Libingan ng piankamamahal na Ina. Ngunit isang gabi, µ di inaasahan Isang sikreto ang kanyang nalaman Isang lalaki sa libingan ng Ina Hinid kilala, sino kaya siya? (Basilio, nasa gilid, nagmamasaid habang hawak ang lampara) (Simoun, naghuhukay sa isang parte ng l ibingan) (Basilio, lalapit kay Simoun) Basilio: Si G. Simoun! Nugnit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking Ina? Basilio: May maitutulong po ba ako sainyo Ginoo? (Simoun, magugulat ngunit hindi pa titingin kay Basilio) Basilio: Sa lugar din na ito, labintatlong taon na ang nakararaan, kayo po ang tumulong sa akin sa paglilibing sa aking ina. Pahintulutan naman po ninyo ako na makatulong sa inyo kahit papaano. (Enter Music, all dialogs pakanta) (Simoun, ilalabas ang baril at itututok kay Basilio) Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman Isang lihim na maaaring ikapahamak ninuman Hindi mo ba naisip, maaari kang masawi Buhay na iningatan, maaaring mapawi! Basilio:Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun Simoun: Ang pagkakatuklas mo sa aking lihim Isang napakalaking banta sa akin! Maaari itong makasira ng plano ko! Plano kong paghihiganti, planong inihanda ko! Ngunit bubuhayin kita at µdi pagsisisihan Inaasahan ko, kapwa tayo uhaw sa katarungan Kaya sa halip magpatayan, tayo¶y magtulungan Umanib sa akin, pabagsakin ang pamahalaan. Basilio: Salamat Ginoo sa napakalaking tiwala, Subalit hindi ko po iyan makakaya. Hindi po ako isang pulitiko ginoo Magpagaling ng karamdaman, µyan ang trabaho Simoun: May hihigit pa bang kasamaan Sa kamtayan ng isang lipunan? Walang kahulugan ang buhay Kung hindi iuukol sa dakilang layunin Parang batong natapon sa kaparangan Hindi nagamit sa pagtatayoi ng anuman Basilio: Ginoo, hindi po ako nagsasawalang bahala Pinilii ko lamang po kung anu ang tama Simoun: Anong ginagawa mo sa alaala ng mga yumao? Manangis na parang babae sa ibabaw ng kanilang puntod? Basilio: Anung magagawa ko, isa lamang akong mahirap Walang salapi o pangalan, masasawi lamang Anong mapapala ko kung ako¶y maghiganti? Hindi na sila mabubuhay, maraming pang masasawi. Simoun:Nasa iyo Basilio kung iyong itatago Isang lihim na pinagiingatan ko Subalit kung magbago ka man ng pasya Pumunta ka sa Escolta, at tatanggapin kita. (Music stops, dialogs are normal) (Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio samantalang nanatili sa kinatatayuan si Simoun) Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay ang mahihina at matira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting taas na lang. SCENE 3 Kabanata 15 G Pasta Ipinapayo kong iwaksi ninyo ang mga hakbanging iyan na, lubhang mapanganib. Pabayaan ninyong gumawa ang pamahalaan ng kaniyang sariling pamamaraan sa takdang panahon. Isagani Subalit ang pamahalaan ay kabaligtaran ang ginagawa. Dapat nilang isaalang-alang ang mga mamamyang hinihiling ang alam nilang lalong kailangan. G Pasta Ang mga bumubuo ng pamahalaan ay mga mamamayan na bihasa¶t mataas ang pinag-aralan. Isagani:Opo, ngunit sila ay mga tao r ing maaring magkamali, bukod pa sa kanilang pansariling kahinaan, kaya¶t nararapat lamang na makinig sa mga palagay at kuru-kuro ng iba. G Pasta Hindi maganda ang ganyang mga isipin. Hindi kaila sa inyo ang nangyarisa mga kabataan sa Madrid na nangagsihingi ng pagbabago. Makatuwiran«man ang hiningi, ang pamahalaan ay may kaniyang palakad (Aalis na sana ang binata ngunit nagpatuloy ang abogado) G Pasta Ipaubaya ninyo sa pamahalaan ang ganyang bagay. Tutol ang Vice Rector sa akademiya. Maghintay-hintay na lang kayo. Darating daw ang Rector na may mga dalang pagbabago sa pagtuturo. Huwag ninyong hangaring maituro ito nang bukod. Huwag na kayong pumasok sa gulong ito. SCENE 4 Kabanata 17-18 (Maingay ang mga tao, may musika tulad ng tunog ng tanbol, organo at kalantog ng maglalata) (maraming nagtitinda at nagpapalaro) Setting: Tanghalan o stage lang Tindera1: Oh! Mga dalaga¶t binata! Halina kayo dito. Bumili ng mga panregalo para sa inyong mga minamahal. Tindera2: Dito at lumapit. Mabibili ang mga damit na inyong magagamit sa kahit anong okasyon. Mamimili:Magkano po iyan? Para saan po ito? Mamimili2:Ang ganda! Bagay na Bagay sa akin. (Tuloy ang ingay, mangingibabaw boses ni Pari Camorra) (Sobrang nakangiti) P Camorra Tunay na napakagaganda ng mga dalaga dito sa Quiapo. Sana ako na lamang ang naging kura-paroko dito. (Patuloy par in si Pari Camorra at Ben Sabih sa pagtingin sa mga naggagandahang dalasa sa perya) (P Cammora, kinurot si Ben Zayb) Ben Zayb Aray ko! Padre Camorra, anong meroon at kinurot mo ako? P Camorra Lumayo ka at napapalapit ka na sa dalagang napakaganda at talagang tawag pansin dito sa perya. (Sa kabilang dako ng perya) P Gomez Tignan mo aking mahal. Sila¶y nagtitinginan sa napakaganda kong kasuotan Isagani Hindi iyan kasiya-siya Paulita. Tignan mo at agaw-pansin ka sa buong peryahan. (Lalapit si Juanito kay Donya Victorina) D VictorinaJuanito, humayo¶t batiin ng buong galak si Paulita (lalapit kay Paulita at Isagani) Juanito:Oh! Isang napakagandang dilag ang bumuo ng aking araw. Tunay na kaakit-akit ang iyong mala-anghel mong mukha at ang magarbo mong kasuotan. P GomezTunay na ako ay iyong pinapasaya Juanito (Maglalayo-layo na sila at naglibut-libot sa perya) D CustodioNapansin niyo ho ba si Simoun? Tila bigla siyang naglaho. P CamorraKuripot lang iyan si Simoun kaya umalis. Ben Zayb Sa tingin ko¶y hindi iyon ang dahilan. Natatakot lamang siya na mapahiya ang kaniyang kababayan sa pagtatanghal mamaya. Natitiyak ko na gumagamit lamang ng salamin si Mr. Leeds sa kanyang palabas (Sa tanghalan) Mr. Leeds Isang magandang araw sa lahat ng naririto sa bulwagan. Salamat sa inyong pagpunta. Marapat lang na siyasatin ang tanghalan bago at pagkatapos ng pagtatanghal ngunit mahigpit naming ipinapakiusap na tumahimik ang lahat. (Nag-uusap si Don Custodio at P. Salvi nang mahina) Ben Zayb Ginoo, wala namang Indiyo sa paligid, ipahintulot ninyong pakita ko sa kanila ang daya sa pamamagitan ng salamin (Pumunta sa gilid ng tanghalan si Ben Zayb at P Camorra) (Ben Zayb tinignan ang salamin sa ilalim ng mesa) Ben Zayb Nasaan ang salamin? P Camorra Nasaan ang salamin? B ZaybAng mga salamin, saan naroroon ang mga salamin? Mr. Leeds Salamin? Ibig nino ho bang manalamin? Kung salamin sa mga mata, ang sa akin ay nasa otel. Ewan ko ang sa inyo. (Tumawa ang mga manonood sa tanghalan sa pagkapahiya ni Ben Sabih, bumalik na sila sa upuan nila) (music, background) Mr Leeds-Nagtungo ako sa piramide ni Khufu, kabilang sa ikaapat na lipi ng mga Faraon. Nakatagpo ako ng isang libingang yari sa pulang batong buhay at nasa liblib na silid. Natuwa ako nang gayon na lamang pag-aakalang momiya ng isang anak-hari ang aking natagpuan. Subalit ako ay nabigo. Halos manghinayang ako sa hirap na dinanas ko sa pagbubukas ng libingan sapagkat ang kahon lamang na ito ang tumambad sa aking paningin. Maaari ninyong siyasatin kung ibig. Sandakot na abo ang laman nito at isang kaputol na papirong kinasusulatan ng ilang mahahalagang salita. Huwag lamang hihinga sapagkat baka masira ang aking espinghe kapag nabawasan ang abo. (umikot ang kahon na itim na may lamang abo, pagkabalik kay Mr. Leeds ng kahon) Mr. L Espinghe! Magpakilala ka! Ulo-Imuthis ang aking pangalan, isinilang noong panahon ni Amassis. Namatay ako noong tag-Persiya ang nakapangyayari at si Cambysses ay umuwing bigo sa pagsalakay sa Libya. Nag-aral din ako sa Gresya, Asiria at Persiya. Napadaan ako sa Babilonia sa anyaya ni Thot. Doon ko nabatid ang isang kikila-kilabot na lihim« isang di-tunay na Smerdis anf umangkin ng kapangyarihan habang ang pang ahas na maogng si Gautama ang namahala sa tulong ng mga pandaraya. Ibinulid niya ako sa kasawian sa takot na isumbong ko siya kay Cmbysses. Katulong niya ang mga saserdoteng taga-Ehipto. Sila ang makapangyarihan noon lalo pa nga¶t hawak rin nila ang halos lahat ng lupain. Pati katarunga ay nasa mga kamay rin nila kaya¶t nagawgang ilubog lalo sa kamangmanga ang baying lalong nagumon sa mga ugaling hamak. Wala rin silang tutol sa pgsipsip ng kanilang yaman. AAAAAAAH!!!!! Umibig ako sa isang anak ng isang saserdote na pinagnanasaan din ng isang batang saserdote ng Abydes. Isang kaguluhang siya ang may kagagawan ang nagpahamak sa akin. Isinakdal ako at napiit. Nakatakas ako subalit napatay sa lawa ng Moeris. Hanggan sa kabilang buhay, nakita ko ang pagtatagumpay ng mga kabuktutan, ang gabi ata araw na pag-uusig ng batang saserdote sa birheng nagkanlong sa simbahan ni Isis sa pulo ng Philae. Nagmistulang isang putting kalapati ang aking liyag na unti-unting pinapatya ng itim na paniki sa hirap at sindak. Ah! Saserdote ng Abydes, nagbalik ako upang ilantad ang iyong kasamaan. Nabuhay ako upang isigaw sa lahat ang pagiging Kriminal mo. Mapagparatang« lapastangan sa Maykapal! P Salvi Huwag«mabuhay«buhay pa! (Maraming nakichismis at lumapit kay P Salvi) (Mr. Leeds kinuha ang kahon at umalis) Don CustodioDapat nang ipagbawal ang palabas na ito B Zayb Lubos akong sumasang-ayon (Umalis na ang lahat) (Blackout, Music fades) (End of Scene) SCENE 5 (masamang-masama ang loob ni Placido Penitente nang lumabas sa klase. Iniisip niyang tumigil na sa pag-aaral at paghigantihan ang mga humuhamak sa kaniya) (Nadatnan ang inang si Kabesang Andang) K Andang Anong problema, anak? Tila yata iba ang iyong kinikilos. Placido Ayoko ng mag-aral ina. Hindi ko na masikmura ang aking guro at mga kamag-aral. Tsaka, ano ang mapapala ko sa pagiging abogado? K Andang Oo« ano ang mapapla mo? Ang ikaw ay ituring na pilibustero« ipatapon, ibilanggo o ipapatay. Sinabi ko sa iyo noon pa na matuto kang magpakumbaba. Huwag nang umimik at sumagot ng oo sa lahat. Ano ang ating magagawa? Ang mga prayle ay mayroong lahat ng bagay« kapangyarihan. Kung nanaisin nila, walang magiging abogado o doctor kaya, inuulit ko« magtiis ka, anak. Magtiis tayong lahat. (kinabukasan, patuloy sa panenermon si K. Andang, nagdesisyon na lang si Placidong magpaalam at pumunta sa daungan. Habang naglalakad, nakita niya si Simoun na may kausap) Simoun Placido! Aking kaibigan! Kamusta ka naman? Placido Maayos naman po ako, G. Simoun, saan po pala kayo patungo? Simoun Sa aking kaibigan (Maglalakad ng matagal, tunog ng pagkatok) Simoun Kumusta kaibigan? Ang mga pulbura? Kastilyero Naririto na po«ang mga kartutso na lamang ang hinihintay Simoun At ang mga bomba? Kastilyero Handa na pong lahat Simoun Mabuting gawain kaibigan Kastilyero Maraming salamat Ginoo SimounKailangan na nating magmadali. Naghihintay na lang ang tenyente, mga kabo, si K. Tales, rehimyento, carabinero at ang plano para kay M. Clara (umalis na sila) (End of Scene) (Blackout) Sa isang banda, nilabas ni Don Custodio ang lahat ng mga kuwadernong kinasusulatan ng mga panukala niyang nabuo. Habang nagbabasa si Don Custodio«) Don Custodio Eureka! Natagpuan ko na! (habang nagsusulat) Aking ipinapanukala na ang paaralang Artes y Oficios ay ilalagay sa kamay ng mga Agustino. (End of Scene) SCENE 6 Kabanata 22 Narration Masigla¶t magulo sa loob ng dulaan. Nagsisikip sa dami ng tao. Maging sa mga daraanan ay may mga nakatayo. Labinlimang minuto na lamang bago mag-ikasiyam, wala pa ang heneral kaya¶t nanggugulo na¶t nag-iingay ang mga nasa entrada heneral. Taong bayan 1 Alam mo ba ang lumalaganap na balita? Taong bayan 2 Anu naman iyon? Tamang-tama at may mapaguusapan tayo habang naghihintay sa napakatagal na heneral. Taong bayan 1 Ang sabi daw, napakaganda at napakagaling daw ng mga artistang iyon. Mpagbigay pa daw. Taong bayan 2 Talaga? Kung gayoon, tayo pala¶y sinuswerte. Taong bayan 3 Magandang umaga. Maaari bang makisama sa inyong paguusap? Taong bayan 1 Halika dito¶t sumama. Taong bayan 3 Maraming salamat. Teka, alam niyo ba kung anung ibig sabihin ng pagdalo ng heneral dito sa dulaan? Taong bayan 2 Gayong ipinagbabawal ito nga simbahan? Taong bayan 3 Oo, ganun nga. Taong bayan 1 Iginigiit ng ilan na tinitikis ng heneral ang mga prayle. Taong bayan 2 May mga nagsasabi din naman na talagang gustong manood ng pinunong bayan at makakita ng mga magagandang artista. (Dumating ang Kapitan Heneral, tumugtog ang Marcha Real at nagkaroon ng masigabong palakpakan) (Naupo na ang heneral at ang lahat ay umupo din, sabay nito ay ang pagtugtog ng pambungad na simula ng palabas.) Tadeo Parang si Pari irene iyon ah? Tignan mo Paulita, halatang-halata ang malaki niyang ilong kahit na siya¶y nagbabalat-kayo. Paulita Hindi ko alam Tadeo. Isa lang ang tintignan ko. Si Isagani, tila sobrang tahimik niya, kulang na lang ay maglaho siyang parang bula. D Victorina Tunay na kawili-wili ka Juanito. Ang dami mong alam na salitang Pranses. Ibang iba k asa aking asawa na si Don Tiburcio. Juanito Wala iyon Donya. Basta para sa inyong ikasasaya. Mang-aanunsyo Ang unang bahagi ng palabas ay nagwakas na. Ang ikalawang bahagi ay magsisimula sa loob ng labinlimang minuto. Salamat po. (Makaraig, galing sa pwesto nila D Custodio ay bumalik sa inuupuan ng mga estudyante) Makaraig Sandoval, heto na ang sulat mula kay Pepay (Binasa ni Sandoval ang sulat) Sandoval Wari¶t wala akong maktang masama sa nilalaman ng sulat. (Tumango sa Makarig nguni¶t malungkot) Sandoval Babasahin ko sa inyo ang nilalaman ng sulat. Mahal ko: huli na nang matanggap ko ang iyong sulat; naiharap ko na ang aking pasiya at napagtibay na. Gayon p aman, para ko na ring nahulaan ang nasa isip mo sapagkat ang pagkakalutas k osa suliraning ito ay alinsunod sa nais mangyari ng iyong mga kaibigan. Tutungo ako sa dulaan at magkita tayo pagkatapos ng plabas. Ang nagmamagal, Custodining. (tumahamik saglit) Oo nga, napakagaling nga kaniyang paglutas na ginawa. Na si Pari Irene n gaya malakas ang loob na bumati sa atin. Binabati pa nga raw tayo ng lupon sa pagiging makabayan. Sapagkat ayaw raw tayong maabala sa pag-aatal, ibibigay ang pamamahala sa isang samahan sa pananampalataya sakaling hindi pumayag ang mga Dominiko na ikatnig ito sa universidad. Ibibigay sa atin ang pangungulekta para sa pondo nito at nang magkaroon din daw tayo ng bahagi sa akademya. Tayo ang maniningil ng abuloy para sa pondo ng paaralan. Tadeo Cebeza de barangay pala ang tayo natin Makaraig May maganda pa ngang mungkahi si Pari Irene. Magkaroon daw tayo ng isang salu-salo o kaya¶y isang paradang may mga dala tayong sulo« magpapahayg tayo bilang pasasalamat sa lahat ng mga kalahok sa proyektong ito. Tadeo Magpiging na lamang tayo sa pansiterya ng mga Intsik, doon tayo magpatuloy. Mang-aanunsyo Magsisimula na po ang ikalawang bahagi ng palabas. Maaaring magsiupo po ang lahat. (Sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante at si Sandoval at umalis sil asa tanghalan.) (End of Scene) SCENE 7 Kabanata 23 Narration Tulad ni Simounm si Basilio ay hindi na nakadalo sa palabas. Inaalagaan niya kasi ang nag-ampon sa kanya na si Kapitan Tiyago. Palibhasa¶y lumalala ang kundisyon. Basilio G. Simoun! Anu pong ginagawa niyo dito sa aming tahanan? Simoun Ano na ang kalagayan ng matanda? (Music, background) Basilio Humihina po ang tibok ng puso, walang ganang kumain at pinapawisang mabuti sa madaling-araw. Kalat na po ang lason sa buong katawan. Ano mang oras, maaari siyang mamatay sa kunting pagkabigla laman. Simoun Katulad ng Pilipinas! Basilio Mga bangungot po at pagkatakot ang tunay namang nagpapahina sa kanya nang husto. Simoun Tulad ng pamahalaan! Basilio Ilang gabi na pong siya ay nanggigising« umiiyak na parang bata« minumura ako at nang pumasok akong may dalang ilaw, akala ay ako si Pari Irene at tinatawag na tagpagligtas. Simoun Wala ngang iniwan sa pamahalaan! Basilio« manainga kang mabuti µpagkat mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng isang oras, sasabog ang himagsikan. Bukas« wala nang aral-aral. Natitiyak ko na ang kaganapann. Mamili ka« kamatayan o kinabukasan? Sa piling ng pamahalaan o sa amin? Naparito ako upang iligtas ka alan-alang sa mga alaalang nakakatnig sa ating dalawa. Magpasiya ka! May sarili akong hukbong magdudulot ng lagim sa gabing ito. Nasa dulaan ngayon ang mga pinuno ng byana at labis na nagsasaya subalit wala ni isa man sa kanila ang makakikita ng liwanag bukas. Marami ang magkakaroon ng pagkakataong makapaghiganti sa mga nagdulot sa kanila ng kasawian. Ang mga hindi papanig sa amin ay kaaway at nangangahulugang kamatayan! Ano ang pasiya mo? Basilio Ano po naman ang maaari Kong gawin? Simoun Habang nagkakagulo, pangunahan mo ang isang pulutong sa paggiba sa mga pinto ng kumbento. Iligtas mo ang isang tao roon na ikaw, ako at sa Kapitan Tiyago lamang ang nakakakilala. Siya ang dahilan ng aking pagbabalik at pagbubunsod ng himagsikang ito. Ito lamang ang paraan upang mabuksan ang mga pinto ng kumbento. Basilio Huli na kayo! Hulin huli na! Patay na po si Maria Clara. Binawian siya ng buhay kaninang mag-iikaanim ng hapon. Simoun Buhay siya! Sabihin mo ang totoo. Iyan ay isang duwag na pagdadahilan. Iligtas mo siya ngayong gabi o patay ka bukas! Basilio Ilang araw na pong naglulubha si Maria Clara. Pumaparoon nga ako sa kumbento para makibalita. Narito po ang sulat ni P Salvi na dala ni P Irene. Kaya magdamag na nag-iiyak si K Tiyago. Kinakausap ang larawan ng anaka at hinihingan ng tawad. Lao siyang naghithit ng apiyan. Kanina po lamang tinugtog ang agunyas para sa kaniya. Simoun Patay na! Namatay na hindi ko man lamang nakita. Para sa kaniya ang lahat ng ito« at siya¶y nagtiis hanggang sa huling sandali. (Umalis si Basilio at isang napakalakas na sigaw ang narinig ni Basilio) Basilio Humimlay ka nawa sa kapayapaan at sa iyong libingan. Hindi kan a sana makarinig ng mga daing ng karimlan. Hindi kan a makakita ng mga anak na may pakpak ngunit nakatanikala at ininis sa kawalan ang laya. Lumisan kang kaalakbay ng mga pangarap sa langit na walang hanggan at taglay sa alaala ang mga taong lumuha sa pagyao. Oo« mabuti ngang ininis sa iyong sinapupunan ang mga anak na luluha lamang sa kawalan ng laya at dangal hanggang sa sisihin ang sa kanila ay nagluwal sa daigdig. (End of Scene, Music fades) SCENE 8 Kabanta 25 Narration Nagsimula na ang kasiyahan ng mga estudyante sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Maraming nagdala nag kani-kanilang ulam na ibababahagi sa pangkat. (Habang nagkwekwentuhan ang mga estudyante tungkol sa Akademya) Makaraig Maghinay-hinay kayo mga kaibigan. Posibleng may mga nagmamasid sa kanila at posible ring may pandinig ang mga dingding. Ibaba ninyo ang inyong mga tinig at magingat sa mga salitang sasabihin. Pecson Lalabas lang ako upang ipalabas ang iba pang mga ulam (lumabas si Pecson at dali daling bumalik) Pecson Nakita ko ang paboritong tao ni P Sibyla na umalis agad nang mapuna na napansin ko siya. (Umaktong tumingin ang mga binata sa labas) Makaraig May nagmamasid nga sa atin! (End of Scene) SCENE 9 Kabanata 26 (Basilio naglalakad) Basilio (kausap ang sarili) Pagkatapos kong pumunta sa ospital ay tutungo naman ako kay Makaraig upang mangutang ng pera upang matustusan ang mga gastusin sa nalalapit kong pagtatapos ng medisina.(titingin sa paligid) Tila ata kakaiba ang kinikilos ng mga tao. Tao 1 Ginoo, alam mo ba ang planong paghihimagsik ng mga estudyante? Basilio (kinakabahan) Walang akong nalalaman at kinalaman sa inyong mga sinasabi Tao 1 Mukhang hindi ito natuloy, maraming mga mag-aaral ang nasangkot. Mabuti pa¶t sunugin mo ang lahat ng kasulatang may kaugnayan sa paksang ito na meron ka upang hindi ka madamay. (lalayo si Basilio at makikita ang propesor) Propesor Basilio, pilitin mong lumayo sa mga mag-aaral na may kinalaman sa akademiya. Mabuti na nga rin at hindi ka dumalo sa piging Basilio Kasama po ba si Simoun, sa mga napagbintangan? Propesor hindi, subalit siya ay sinaktan ng isang di-kilalang tao Basilio mabuti kung ganoon, ang mga tulisan, may kasama ba sa kanila? Profesor Puro mag-aaral lamang, panay pagbabala, pagpatay at pagtuligsa sa mga prayle ang nilalaman ng mga paskin na kagagawan ng mga estudyante (makikita ni Basilio si Sandoval ngunit hindi ito papansinin) Tadeo (naglalakad) Sa wakas at wala na namang klase! Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa pumasok sa paaralan Juanito (nagpapaliwanag sa isang tao) Wala akong kinalaman sa mga mag-aaral, kasapi lamang ako upang gabayan sila, inosente ako. Tandaan mo, hindi ako kasama sa mga kilos ng kapisanan (makikita ni Basilio si Isagani na nagsasalita sa kapuwa nito mga kamag-aral) Isagani Mas mabuti na ang ganito dahil sa ganitong paraan masusubok ang ating pagmamahal sa bayan, sa Pilipinas. Sa panganib dapat pumaroon sapagkat naroon ang karangalan. (hindi na lumapit si Basilio kay Isagani at pumunta na lamang kina Makaraig) (blackout) (End of Scene) SCENE 10 (Sa bahay nila Makaraig) Basilio (sa 2 guwardiya sibil) Nais kong maka-usap si Makaraig, kaibigan niya ako 2 Guwardiya Sibil (magtitinginan ng makahulugan) GS 1 (kasama si Makaraig) indiyo, sino ka? Basilio ako si Basilio, nakatira sa San Diego, nais kong maka-usap ang taong katabi ninyo (Dinakip si Basilio) Basilio Ano ang ginagawa ninyo? Wala naman akong ginagawang kasamaan, anong dahilan at ako¶y inyong dadakpin? (End of Scene) SCENE 11 (maraming tao sa pintuan ng unibersidad at maraming paskin dito) Ben Zayb Sinabi ko na nga ba¶t ako lamang ang nag-iisip dito sa Pilipinas! Ang inilathala ko na tumatalakay sa kasamaang dulot ng pag-aaral ng mga kabataang Pilipino ay totoo! (maraming mga taong nag-uusap) Tao1 narinig mo na ba ang mga balita? Kaalam na raw ang mga estudyante ng San Mateo, may mga sasakyang pandigma na ring nakahanda kung sakaling ang paghihimagsik ay matuloy. Narinig ko r in na may nagtatangkang bihagin ang heneral. (Blackout) (sa bahay ng Heneral) Heneral Ipabaril ang mga estudyanteng makakasama sa kabuktutang gagawin, ipatapon ang iba at ibilanggo ang mga natira. Mari dingg ikalat sila sila sa lansangan kasama ng mga kawal. Iutos sa mga kawal na magdala ng mga armas ng sa gayon ay matakot ang mga mamamayan. (Blackout) (P Irene at kapitan tiyago, K. Tiyago nakahiga na at naghihingalo) (Music, background) P Irene Kapitan, malagim ang mga pangyayari ngayon sa bayan, may planong paghihimagsik at ang itinuturong salarin ay mga estudyante; may mga paskin ding natagpuan sa harap ng unibersidad na tumutuligsa sa aming mga prayle. Aking nararamdaman na may malagim pa na mangyayari. (Kapitan tiyago mamamatay) P Irene Kapitan! Kapitan Tiyago! Narration Naging malagim ang gabing iyon, maraming nagsipagsara ng pintuan nila nang maaga at nagsipagrosaryo. Hindi lamang ang mga estudyante ang pinaghinalaang may kagagawan ng paskin kundi pati na rin sina Quiroga, P Salvi at Simoun (Blackout, Music fades) (Narration lang, pero my action) (Music, main context) Narration Naging maringal ang libing ni K Tiyago kahit hindi ito nakapagkumpisal bago mamatay.Si P Irene ang hinirang ng n amatay na tagapagpaganap ng huling habilin. Maraming tao ang pumunta sa libing kabilang na dito ang mga kamag-anak, kaibigan, kakilala at iba pang gusting maki-usyoso. Pinagtalunan ang isusuot ni K Tiyago, nianis naman ni Donya Patrocinio na mamatay na rin kinabukasan dahil sa labis na inggit (End of Scene, Music fades) SCENE 12 (H Bali at Juli nag-uusap) (Music, background) Hermana Bali Juliana, narinig mo na ba ang balita? Mukhang napabilanggo ang kasintahan mong si Basilio. Juli Huwag po kayong magbiro nang ganyan (magkrus ang daliri ni H Bali at hahalikan sa pisngi si Juli; nahimatay si Juli) Juli (naiyak) Oh! Aking Basilio« Juli (sa sarili) Kailangan kong matulungan si Basilio, ngunit papaano?...(mag-iisip) kay Pari Camorra H Bali Humingi ka ng tulong kay Pari Camorra, di ba¶t siya ang tumulong sa pagpapalaya sa iyong ama (mag-isa na lamang si Juli) Juli Buo na ang aking pasya. (hahanapin si H Bali) Samahan niyo po ako sa kumbento upang katagpuin si P Camorra (Nang papunta na sila sa kumbento ay muling nagdalawang isip si Juli) H Bali Sige, pabayaan mo si Basilio. Wala akong utang na loob sa kaniya. Hayaan mo siyang mabaril sa daan at sabihing nagtangkang tumakas. Sino ang susumbatan kung hindi ikaw (tumuloy sa paglalakad) (Blackout) (Voice Over: Juli: Mahal kong Basilio! AAAAHHH!) (Music fades) Narration Matunog ang usap-usapan kinahapunan, isang babae ang tumalon sa kumbento at namatay. (scene ni K Tata Selo at K Tales) K Tales (introduction ng buhay niya, poem style;about sa buhay, kasawian, pagkuha niya ng baril at pagsapi sa mga tulisan) Tata Selo (introduction ng buhay,poem style; about sa pagkapipi at pagkamatay ni Juli kasabay ng pagsapi nito sa mga tulisan) (End of Scene) SCENE 13 (scene na lumalaya ang mga estudyanteng nakulong maliban kay Basilio;una si Makaraig at huli si Sandoval) Heneral Ang estudyanteng iyan ang dapat maiwan«estudiante nay alila pa! Mataas na Kawani Nabalitaan ko din pong magtatapos ito ng pagmemedisina ngayong taon Heneral Mas lalong mainam! Sa halip na makasama sa kaniya ay makabubuti pa at sa lahat ng mahuhulog sa kaniyang mga kamay Mataas na Kawani Ngunit sa palagay ko po ay siya ang may pinakawalang sala Heneral Ang mga aklat na nabibilang sa kaniya ang nagsasabi ng kaniyang kasalanan. Sa pamamahala, kailangan pasakitan ang isa sa ikagagaling ng marami (End of Scene) (si Basilio nakakulong pa rin at para nang isang maysakit) (nag-uusap sina Ben Zayb at Simoun) Ben Zayb Ginoong Simoun, narinig ko na magdadaos kayo ng isang piging na gugulat sa 4 na sulok ng Maynila, makaaasa ba kami ng malaYankee pagdiriwang? Simoun Bakit ba hindi? Kaya nga lang ay wala akong bahay na aangkop sa gayon salu-sal Ben Zayb Sayang nga lang at hindi ninyo nabili ang bahay ng yumaong si K. Tiyago. Nabili ito ni Don Timeteo Pelaez sa napakamurang halaga lamang« Simoun (nag-iisip) ganoon ba« (Blackout) (Sa tindahan ni Don Timoteo) Simoun Don Timoteo, ang inyong tindahan ay napakaganda, nais ko sanang makihati sa inyong negosyo Don Timoteo (Sa sarili) Si Simoun na anino ng Heneral ay gustong makasosyo ako sa negosyo? (kay Simoun) Ginoo, malugod kong tinatanggap ang inyong mungkahing paghahati (Blackout) (kinabukasan) Tao1 Narinig niyo na ba? Ang anak daw ni Don Timoteo at ang tanging tagapagmana ng mga Gomez ay mag-iisang dibdib Tao2 Oo, mukhang isa na naman itong malaking pagsasalo! (End of Scene) SCENE 14 (sa bahay ni Simoun, sa mga katulong) (Music, background) Simoun Kapag may binatang tumungo dito na Basilio ang ngalan, papasukin siya agad (sa silid ni Simoun, nag-iisip ng malalim si Simoun ng biglang may kumatok) Basilio Ginoong Simoun, naging masama akong anak at kapatid kaya heto ako at panarurusahan ng Diyos. Kung inyong mamarapatin ay nais kong sumanib sa inyong paghihimagsik Simoun (nakangiti)Salamat sa iyong pagdating, ikaw ang nagbigay katwiran sa aking mga binabalak. Salamat at namulat ka agad bago nagging huli ang lahat (pumunta sa laboratoryo ni Simoun, may kinuha si Simoun na isang hugis granada na sisidlan) Basilio Granada? Nitro-glicerina? Simoun Oo nitro-glicerina, granada! Ito ay naipong luha ng mga sawimpalad ng biktima ng mga pang-aapi at kawalang katarungan. Isang malaking kasaysayan ang magaganap sa gabing ito. Ilalagay ko ito sa hapag-kainan para sa mga pararangalan at mga piling panauhin, kabilang na rito ang Kapitan General. Maningning na hiwaga ang ibibigay nito sa piging, lalabo ang liwanag makalipas ang 20 minuto, sa sandaling itaas ang mitsa ay sasabog ito kasabay ng buong kabahayan. Ang buong bubong at sahig ay kakalatan ko ng mga bayong ng pulbura« (mapanlibak na ngiti) walang sinuman ang makaliligtas Basilio Hindi na po pala kailangan ang aking tulong, kung gayon Simoun Malaki ang iyong tungkulin, sa tiyak na ika-9 ay puputok ang Granada, hudyat ito ng paghawak ng mga inaba at sawimpalad ng sandata, dalhin mo sila sa bodega ni Quiiroga upang kunin ang mga armas. Ikaw ang mamamahala sa mga arrabal. Mag-antabay ka roon at humanda lagi sa pagsaklolo sa amin kung kinakailangan. Papalakpak ang daigdig at bibigyan niya ng katuwiran ang higit na malakas at lalong malupit! Basilio Sang-ayon po ako sa inyo. Ano nga ba kung tumuligsa man o pumalakpak ang daigdig na hindi naman marunong tumingin sa mga naaapi«sa kawawa at mahihinang babae. Simoun (nakangiti, iniabot sa binata ang isang rebolber) Salamat at nauunawaan mo ako, magkita tayo sa tapat ng San Sebastian sa ganap na ikasampu. Tandaan niyo na sa ganap na ikasiyan ay dapat malayo na kayo sa Kalye Anloague (End of Scene, Music fades) SCENE 15 Narration Sa bahay ni Don Timoteo, nagsidatingan ang maraming tao at panauhin sa piging na hinanda ni Simoun. Kasama ni D Victorina si Paulita at Juanito. Binati ng maykasal ang mga tao lalo na si Juanito Don Timoteo Bakit kaya wala pa siya? (kay Juanito) Anak, nakapaghanda ka ba ng talumpati sa heneral? Juanito Talumpati? Itay hindi na iyan uso (lalabas sila juanito) (nasa labas ng bahay si Basilio) (Music, background) Basilio (Sa sarili) Bakit ako magsusumbong? Upang mawala ang tiwala sa akin?Hindi«siya ang humukay sa li bingan ng ina ko na pinatay ng mga taong iyan. Bakit ako magmamalasakit sa kanila? Sinikap kong lumimot sa aking mga kasawian, nag-aral upang maging kapakipakinabang. Ano ang iginanti nila sa akin? Ah mabuti pang magliparan sa hangin ang lasug-lasog nilang mga buto. Labis na ang aking tiniis (narinig ni Basilio ang mga salitang ³Eskolta! Madali!´ at nagtatakbo ) (nakita ni Basilio si Isagani na naktingala sa bahay, lumapit si Basilio kay isagani) Basilio Kaibigan, lumayo na tayo sa lugar na ito Isagani (nakatingala pa rin) Bakit? Bukas ay iba na siya Basilio Ibig mo bang mamatay? Isagani makinig ka! Sasabog ang bahay na iyan! Isang higit pang sawi sa atin ang humatol. Ang ilaw na i ang natatanaw mo ang magdudulot ng pagsabog at kamatayan ng lahat Isagani Hindi, rito ako, gusto ko siyang makita pagkat bukas ay iba na siya Basilio Kung ganon ay magnyari na ang mangyari (sabay takbo) (lalabas si Basilio, maiiwan si Isagani) Isagani Mamamatay? Si Paulita ay mamamatay? Hindi maaari« (sabay takbo sa loob ng bahay) (Blackout) (sa loob) Tao1 Mane Thacel Phares? Mula kay Juan Crisóstomo Ibarra? (Music, backgorund) Heneral Ano itong papel na kumakalat at sino ang taong iyan Don Custodio Isang pilibustero na mahigit na sampung taon nang namatay Pari Salvi Iyan nga! Iyan ang sulat ni Ibarra (kinabahan at nagtinginan ang lahat) Heneral Magpatuloy tayo sa pagkain Don Custodio Hindi ba¶t ang ibig sabihin ng Mane Thacel Phares ay pagpapatayin tayong lahat? (nagkaroon ng isang napakahabang katahimikan, lumabo ang ilaw ng lampara) Heneral Pari Irene, itaas mo nga ang mitsa ng lampara (Nang kukunin na ito ni P Irene ay biglang may di-kilalang lalaking kumuha nito at sabay tumalon sa ilog) Mga tao Magnanakaw! Magnanakaw! (End of Scene, Music fades) SCENE 16 (sa lugar ng matanglawin) (maraming nakagapos at naglalakad) Tao1 (sa mga tulisan) Maari po ba akong makapagpahinga kahit sandali? (sabay hinagupit ng pamalo; may sumungaw si ibabaw ng isang bato) Sibil 1 Barilin mo! Kung hindi ikaw ang mapapatay (Binaril ni Tano ang tao at nilapitan ang tao sabay saksak ng bayoneta, napatigil ang lahat at labis na natigilan si Tano) Tano Lolo« (End of Scene, Music fades) (sa bahay ni P Florentino, may binabasang telegrama) Katulong Nais po kayong makausap ng ginoong maysakit (pumasok si P Florentino sa isang salid kung saan naroroon ang nakahigang si Simoun) P Florentino Kumusta ka na Ginoong Simoun? (tinignan ni Simoun ang pari sabay labas ng isang lason) (LAST SCENE, Music, Background) Simoun Malapit na ang ikawalo, buhay, hindi, patay, oo huwag na kayong kumilos pa. Wala Nang mangyayari, hindi ako pahuuhling buhay kaninuman. Sasabihin k osa indo ang lihim na matagal ko Nang itinatago P Florentino Subalit ginoo, mayroon akong panlunas sa lasong inyong ininom Simoun Huwag na kayong mag-abala pa o papanaw akong dala ang aking lihim! (Nakinig si P Florentino kay Simoun) Simoun Ang tunay kong pangalan ay Crisóstomo Ibaraa, namalagi ako rito 13 taon na n akararaan, umuwi ako dito sa Filipinas dahil sa pagkamatay ng aking ama,hindi, dahil sa pagkakapaslang ng aking ama sa kamay ng mga prayle. Sinikap kong limutin ang ginawa nila sa aking abang ama ngunit sa halip ay ako ang sinunod nilang abahin. Nagmahal ako ng isang babaeng minahal ko mula pagkamulat ngunit pinilit kaming magkalayo ay siya rin ay niyurakan ang pagkababae sa looban pan g kumbento. Nawala ang lahatlahat sa akin; yaman, pangalan, pag-ibig at kinabukasan. Sa kasawiang ito hinugot ko ang aking binabalak na paghihimagsik, nag-ipon ako ng sapat nap era upang makabangon muli at maipaghiganti ang tatlong taong mahalaga sa akin. Ngaon ay naririto, ako, subalit nabigo ang aking mga planong paghihimagsik. P Florentino Sumainyo ang kapatawaran ng Diyos, Ginoong Simuon, hindi kaila sa Kaniya ang mga tiniis nyo, kayo na rin ang humanap ng inyong kaparusahan. Simoun Ang ibig nyong sabihin, kalooban pa rin Niyang ang baying ito ay«? P Florentino Manatili sa kaniyang kinalalagyan? Sino kaya ang makatatarok sa kalooban ng Lumikha? Subalit batid kong hindi Niya pababayaan ang mga nananalig sa Kaniya. Kaya, siya na lamang ang tanging pag-asa ng mga nalulunod sa sarili nilang pagkakamali. Ginoong Simoun, habang ang mga mamamayan ay wala pang kahandaan, makabubuti pang di-hamak ang mabigo. (hinawakan ni Simoun ang kamay ni P Florentino at sabay din itong binitawan) P Florentino Nasaan ang mga kabataang handing ipagpakasakit ang lahat alang-alang sa bayan? Halina kayo at kami ay naghihintay. Walang bahid na dungis ang kailangan maging buhay na alay upang maging karapat-dapat ang handog (pinuntahan si Simoun, patay na si Simoun, lumuhod ang Pari at nanalangin) Narration (poetic form)Kinuha ni P Florentino ang maleta ni Simoun at itinapon ito sa ilog (kantahin yung huling talata sa kuwento, p. 318)
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )