So, I’ll share po ng quote ni Rizal from El Fili:
“I die without seeing the dawn brighten over my native land. You who have it to see,
welcome it—and forget not those who have fallen during the night.”
This means po na, kadalasan yung mga lumalaban para sa kalayaan, hindi agad nila
makikita ang resulta ng mga sacrifices nila. Yung "dawn" dito ay symbol ng bagong
simula—yung kalayaan na gusto nilang makuha. But in reality po, hindi lahat ng
nagsakripisyo ay makakarating dun, kasi maraming namatay o naghirap "during the night"—
ibig sabihin, marami ang nawala at nagtiis bago pa dumating yung totoong freedom. And
yung mga nagsacrifice ng life nila for freedom ay hindi naman nila naranasan ang freedom
ngayon dahil inalay nila ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa Kalayaan so yung
present generation po ang nakatatamasa nito.
Sinasabi ni Rizal sa atin, na tayo, bilang future generations, kapag naabot na natin yung
"dawn" o kalayaan, kailangan natin itong i-welcome with gratitude. “You who have it to
see, welcome it—and forget not those who have fallen during the night.” Ibig sabihin,
hindi natin dapat kalimutan yung mga lumaban at nagsakripisyo para makuha natin yung
kalayaang ine-enjoy natin ngayon. Yung mga nauna, ginawa nila yung lahat kahit alam nila
na baka hindi nila makita ang resulta, kasi alam nila na ito ay para sa mas magandang
kinabukasan.
Yung significance nito, sinasabi ni Rizal na ang tunay na kalayaan o hustisya, hindi laging
mabilis o madali makuha. Minsan, hindi ikaw mismo yung makikinabang, pero yung mga
susunod na henerasyon. Kaya ang mahalaga, bilang nasa future tayo, may role tayo to
protect and continue yung freedom na nakamit ng mga nauna. Ang mga sakripisyo ng mga
lumaban ay hindi dapat masayang, at tayo na nandito ngayon, may responsibility na
ipagpatuloy yung laban para mapanatili at mapaunlad pa ang mga natamo nilang
tagumpay.
Ang reminder ni Rizal ay hindi natatapos ang laban sa isang henerasyon lang. Yung
kalayaan, responsibility siya na dapat ipasa-pasa sa bawat generation para hindi lang masustain pero mas lalo pang mapabuti. Tayo ngayon, dapat conscious tayo sa mga
sakripisyo ng mga nauna, at handa rin tayong gawin ang part natin para hindi masayang
yung pinaghirapan nila.