SCHOOL: K to 12 KURIKULUM DETAILED LESSON PLAN TEACHER: TEACHING DATE AND TIME: I. LAYUNIN (Objectives) A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) B. Pamantayang Pagganap (Performance Standard) C. Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies) F.UBAY MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL DANICA V. GABUNIA GRADE LEVEL: 2 LEARNING AREA: MARCH 24, 2025 9:10 AM – 9:50 AM QUARTER: ARALING PANLIPUNAN FOURTH Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad. Ang mag-aaral ay nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad sa sariling pag- unlad at nakakagawa ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad. Napahahalagahan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kasapi ng komunidad (AP2PKK- IVg-j-6). D. Mga Layunin (Learning Objectives) Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad; b. Nasasabi ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad; at c. Napahahalagahan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad. II. NILALAMAN/PAKSA CONTENT III. MGA KAGAMITANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO LEARNING RESOURCES A. Mga Sanggunian References 1. Mga pahina sa gabay ng guro 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Magaaral 3. Mga Pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal Learning Resource B. Iba pang Kagamitan Other Learning Resouces IV. PAMARAANG PANTURO AT PAGKATUTO Panimulang Gawain (Preliminary Activities) Kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasapi ng komunidad K-12 Curriculum Guide (MELC) Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS) Powerpoint, visual aids, printed materials, cartolina, tape, and cardboard. Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral Tumayo ang lahat para sa panalangin. Samantha, pangunahan mo ang ating panalangin. (Nag-umpisa ng manalangin.) Salamat Samantha. Magandang umaga mga bata! Bago po kayo umupo, pakipulot ang mga kalat na nasa ilalim ng Magandang umaga din po aming guro! inyong mga lamesa at paki-ayos ang inyong mga upuan. Ngayon ay titingnan natin kung may lumiban sa klase. Wilson at Melanie meron bang lumiban sa lalake at babae? Magaling! Ako ay natutuwa na walang lumiban sa ating klase ngayong araw. Ngayon mga bata bago tayo magsimula sa ating aralin ano na nga ang ating mga alintuntunin? (Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at aayusin ang kanilang mga upuan.) (Sa lalake ay wala po at ganoon din po sa babae.) Lalake – 15 Babae – 19 Kabuuan - 34 Mga alituntunin: 1. Umupo ng maayos. 2. Makinig sa oras ng klase. 3. Huwag makikipagkwentuhan sa katabi. 4. Itaas ang kanang kamay kung may sasabihin. Mahusay mga bata! Handa na nga kayong simulan ang ating aralin kaya maupo ng maayos at humandang makisali sa talakayan. A. Balik-aral sa nakaraang aralin o pagsisimula ng bagong aralin (Reviewing previous lesson or presenting the new lesson) Ngayon mga bata sino sa inyo ang nakakaalala ng ating tinalakay kahapon? (Magtaas ng kamay ang mga mag-aaral.) Liam patungkol saan ang ating huling aralin? Ito po ay patungkol sa karapatan at tungkulin ng kasapi ng komunidad. Tama! Mahusay. Sino naman ang makakapag sasabi kung ano-ano ang inyong karapatan? Lovely? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Karatapang makapag-aral po at karatapang isilang at magkaroon ng pangalan. Tama! Anong tungkulin naman kaya ang dapat mong gawin kung ikaw ay may karatapang makapag-aral? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Jonathan? Ang aking tungkulin po ay magaral ng mabuti upang matupad ko ang aking mga pangarap. Mahusay! Anong tungkulin naman kaya ang dapat mong gawin kung ikaw ay may karatapang isilang at magkaroon ng pangalan? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Kent? Ang aking tungkulin po ay pangalagaan o ingatan ang aking pangalan. Mahusay! Natutuwa ako dahil natatandaan nyo pa ang tinalakay kahapon. B. Paghahabi sa layunin ng Bago tayo magsimula sa ating aralin aralin meron akong ipapakita sa inyong (Establishing a purpose for the mga larawan, Tingnan natin ito. new lesson) Ano ang nakikita niyo sa mga larawan? Sila po ay nag tutulungan sa mga gawain. Tama! Sila ay nagtutulungan at nagkakaisa sa mga gawain. Sa palagay niyo bakit kaya mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa? Princess? Tumpak! Para mas matutunan pa natin ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa, ang mga sumusunod ay bibigyang pansin natin ngayong umaga sa ating aralin. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Mahalaga po ito dahil kapag nagtutulungan at nagkakaisa po tayo ay mas napapadali ang ating mga gawain. Mga layunin: a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad; b. Nasasabi ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad; at c. Napahahalagahan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Presenting examples/ instances of the new lesson) Ngayon mga bata mayroon akong babasahin na isang kwento. Ang pamagat ng kwentong ito ay "Ang komunidad ni Oscar" Tignan niyo ang nasa larawan. Ito ang komunidad ni Oscar. Marumi at magulo ang paligid. Tambak ang basura sa mga gilid ng daan at barado ang mga kanal. Isang araw, nagkaroon ng bagyo. Mabilis ang pagbaha sa buong komunidad dahil sa mga baradong kanal at tambak na basura. Marami ang nagkasakit lalo na ang mga bata. Pagkalipas ng bagyo, nangamba ang Kapitan ng Barangay sa mga pangyayaring ito. Nagpatawag siya ng pagpupulong upang malunasan ang mga suliraning ito. Ang lahat ng tao, babae man o lalaki, bata at matanda ay nagtulong tulong sa paglilinis ng buong komunidad. Ang mga babae at lalaki ay magkatulong sa paglinis ng kanal at paghukay ng tapunan ng mga basura. Ang mga bata naman ay nagwalis at nanguha ng mga basurang kaya nilang dalhin. Maganda ang naging bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat kasapi ng komunidad. Tunay na mahalaga ang pagtutulungan sa paglutas ng problema sa isang komunidad. At jan nagtatapos ang ating kuwento. Nauunwaan niyo ba ito mga bata? At dahil nauunawaan ninyo meron akong mga katanungan mula sa kuwento. 1. Ano ang suliranin sa komunidad ni Oscar? Opo. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Mikko? Ang suliranin po sa komunidad ni Oscar ay magulo, madumi at tambak ang basuro dahil walang pagkakaisa ang mga tao. Tama! 2. Ano ang nangyari sa kaniyang komunidad? Melanie? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Ang nangyari po sa kaniyang komunidad ay bumaha dahil bumara ang mga basura sa kanal at madaming nagkasakit na mga bata. Magaling! 3. Ano ang ginawa ng kapitan matugunan ang suliranin ng komunidad? Jonathan? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Ang ginawa po ng kapitan ng barangay upang matugunan ang suliranin ng komunidad ay nagpatawag siya ng pulong. Mahusay! 4. Ano ang kinalabasan ng pagtutulungan ng bawat kasapi ng komunidad? Jasmine? Tumpak! Magaling mga bata! Natutuwa ako dahil tunay ninyong naunawaan ang kuwento. Mula sa aking mga ipinakitang larawan at sa kuwentong aking binasa lahat yun ay may kaugnayan sa ating aralin. Dahil ang ating aralin ngayong araw ay patungkol sa “Kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasapi ng komunidad” D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Discussing new concepts and practicing new skills #1) Mula sa kuwentong ang “komunidad ni oscar” ipinapakita saatin nito na ang pagkakaisa sa iba't ibang gawain ay lubhang mahalaga dahil ang pagtutulungan ay nagbubuklod sa mga tao sa komunidad. Nagiging daan ito tungo sa pagkakaisa. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Ang kinalabasan po ng pagtutulungan ng bawat kasapi ng komunidad ay naging maganda, maayos at malinis ang kanilang barangay. Laging tandaan mga bata! Ang anumang mabigat na gawain at suliranin ay mapapagaan kung may pagtutulungan at pagkakaisa ang bawat kasapi ng komunidad. Nauunawaan ba mga bata? Mahuhusay! Ngayon ay magkakaroon tayo ng gawain patungkol sa kuwentong aking binasa kanina upang matukoy ninyo ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa kasaping komunidad. Basahin ang panuto ng sabay-sabay. Opo. Panuto: Ipakita o gawin ang thumbs up kung ito ay tumutukoy sa pagtutulungan at pagkakaisa sa komunidad at thumbs down naman kung hindi. 1. Ang pagtutulungan at pakikipagkapwa ay kinakailangan ng isang komunidad sa paglutas ng mga suliranin. 2. Ang pagtutulungan ay mahalaga sa panahon ng suliranin o kalamidad. 3. Ang anumang mabigat na gawain at suliranin ay mapapagaan kahit hindi nagkakaisa ang mga kasapi ng komunidad. 4. Mahalaga ang pagkakaisa ng bawat kasapi ng komunidad upang maging maayos at maunlad. 5. Walang halaga ang pagtutulungan ng bawat isa sa paglutas ng mga suliranin sa komunidad. (Ang mga mag-aaral ay nagbahagi ng kanilang mga sagot.) Mahuhusay mga bata! Natutuwa ako na naiintindihan ninyo ang ating aralin dahil nasagot ninyo ng tama ang ating gawain. Mulinng tandaan mga bata na ang pagtutulungan at pagkakaisa sa komunidad ay mahalaga dahil ito ay nagpapakita ng malasakit at respeto sa isa't isa, na siyang tinatalakay sa (ESP). At sa Filipino naman, natututo tayong makipagusap at magtulungan upang mapabuti ang ating komunidad kapag nagsasama-sama ang lahat. Kapag nagtutulungan, mas madali at magaan ang trabaho, at mas maganda ang resulta para sa lahat. E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Discussing new concepts and practicing new skills #2) Ngayon mga bata magkakaroon kayo ng gawain. Ito ay isang pangkatang gawain dahil kayo ay hahatiin ko sa tatlong pangkat. Ang gawain na ito ay magpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasapi ng komunidad. Pamantayan ng Gawain: 1. Gumawa ng maayos at tahimik. 2. Tumulong sa gawain. 3. Ayusin o iligpit ang mga ginamit. Unang pangkat ito ay inyong gawain basahin ang panuto ng sabay-sabay. Panuto: Tukuyin ang tamang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasapi ng komunidad. Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa at malungkot na mukha kung hindi. 1. _______ Nanalo sa paligsahan ng pinakamalinis na komunidad dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa. 2. _______ Mabilis ang daloy ng trapiko dahil sa pagtulungan ng mga motorista at mga pulis. 3. _______ Naging maaliwalas at malinis ang paligid ng paaralan dahil sa mga magulang na tumulong sa mga guro. 4. _______ Mabagal ang pagunlad ng komunidad dahil walang pakialam ang mga mamamayan. 5. ______ Lahat ng mga mamamayan ay nakaligtas sa nagdaang bagyo dahil maaga silang lumikas sa tulong ng mga barangay opisyal. Nauunawaan ba unang pangkat? Mahusay! Pangalawang pangkat may larawan akong ibibigay sainyo upang malaman ninyo ang gagawin Opo. basahin ang panuto ng sabaysabay. Nauunawaan ba ikalawang pangkat? Panuto: Tingnan ang larawang ibibigay. Mula sa larawan na ito sabihin at ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasaping komunidad. Opo. Magaling! At sa ikatlong pangkat upang malaman ang inyong gagawin basahin ang panuto ng sabaysabay. Nauunawaan ba ikatlong pangkat? Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagpapahalahaga ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kasaping komunidad. Opo guro. Mahusay! Maari na kayong magsimula. Bawat pangkat ay mayroon lamang limang (5) minuto upang gawin ang lahat ng inyong gawain. (Pagkatapos ng (5) limang minuto.) Tapos na ang limang minuto ang bawat pangkat ay mag papaliwanag na at magpapakita ng kanilang ginawa. Maraming salamat tatlong pangkat! Napakagaling niyo mga bata! Natutuwa ako at lahat kayo ay tama ang ginawa, ibig sabihin naintindihan ninyo ang ating tinalakay. (Ang bawat pangkat ay nagbahagi ng kanilang gawa.) F. Paglinang sa kabihasan tungo sa Formative Assessment (Developing Mastery) Ngayon ay magkakaroon kayo ulit ng isang gawain at upang malaman ninyo ang gagawin basahin ang panuto ng sabay-sabay. Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag kung ito ba ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa ng kasapi ng komunidad. Iguhit ang puso kung tama at bituin kung hindi. Isulat ang sagot sa papel. _____ 1. Nagsasagawa ng bayanihan ang mga tao sa pamamahagi ng pagkain sa mga biktima ng bagyo. _____ 2. Ang mga nanay at tatay ay nagluluto ng lugaw na may malunggay para sa mga batang kulang sa timbang. _____ 3. Laging mabaho ang kanal dahil walang naglilinis. ____ 4. Ang mga batang lalaki at babae ay naglilinis ng silid aralan. ____ 5. Ang pagtutulungan ay mahalaga sa pagunlad ng komunidad. Sagutan nyo lamang ito sa loob ng tatlong (3) minuto. Tapos na ang tatlong (3) atin na itong sagotan. Mga sagot: 1. Puso 2. Puso 3. Bituin 4. Puso 5. Puso Mahuhusay mga bata! Nasagot ninyo ng tama ang lahat ng mga katanungan. G. Paglalapat ng aralin tungo sa pang araw-araw na buhay (Finding practical applications of concepts and skills in daily living) Ngayon mga bata ay may mga katanungan ako sa inyo patungkol saating aralin. Halimbawa, ang iyong komunidad ay may nangyaring sunog at maraming bahay ang nasira, paano ka makakatulong sa mga naapektuhan? Sam? (Magtataas ang kamay ng mga mag-aaral.) Maari po akong magbigay ng pagkain, tubig, o mga gamit na kanilang kailangan dahil kung magtutulungan po kami, mas mabilis nating matutulungan ang mga tao na mawalan ng tirahan. Mahusay! Isa pang katanungan, Kung ang inyong komunidad ay may problema sa kalat at basura, sa iyong palagay paano makakatulong ang pagkakaisa ng lahat ng tao? Kent? (Magtataas ang kamay ng mga mag-aaral.) Kung magkaisa po ang lahat at magtulungan, mas madali nating malilinis ang komunidad at magiging mas maganda po ang ating paligid. Magaling! Mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa ng kasapi ng komunidad dahil mas nagiging matibay ang komunidad at mas malaki ang pagkakataon na malutas ang mga problema. Nauunawaan ba ang ating aralin? Opo. H. Paglalahat ng Aralin Ngayon ay magkakaroon tayo ng (Making Generalizations and gawain upang matukoy ko kung abstraction about the lesson) talagang nauunawaan na ninyo ang ating tinalakay ngayong araw. Sino ang gustong sumagot sa unang patlang? Donnah? Tama! Sino naman ang gustong sumagot sa pangalawa at pangatlong patlang? Liam? Magaling! Tama ang inyong mga kasagutan, natutuwa ako at lubos na ninyong naunawaan ang ating aralin. I. Pagtataya ng Aralin (Evaluating learning) Ngayon ay magkakaroon na kayo ng pagsusulit patungkol sa ating naging aralin. Kumuha ng lapis at sagutan ang mga papel na aking ibabahagi sainyo. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Pagtutulungan po ang sagot. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.) Pagkakaisa at suliranin po ang sagot. Mayroon lamang kayong tatlong (3) minuto para sagutan ang inyong pagsusulit. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagtutulungan? A. naglalaba sa ilog si ate. B. isinasara ko ang gripo pagkatapos ko maligo. C. sama-samang namamasyal ang pamilya Pedroza. D. nagsasagawa ng bayanihan ang mga tao sa pamamahagi ng pagkain sa mga biktima ng lindol. 2. Nasunugan ang isa ninyong kapitbahay. Wala silang natirang gamit. Ano ang gagawin mo? A. hindi ako lalabas ng bahay. B. hahayaan ko na tulungan sila ng ibang tao. C. sasabihin ko sa kanya na wala akong maibibigay. D. ibibigay ko ang mga damit at ibang gamit ko na hindi ko na ginagamit. 3. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa komunidad? A. para maging malungkot ang lahat. B. para magkaisa at mapadali ang mga gawain. C. para maghanap ng mga problema. D. para magtulungan lang sa masama. 4. Isang Sabado ng umaga, nagkakaisa na naglilinis ng bakuran ang inyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin sa basura? A. hahayaan ko na lang ito sa gitna ng bakuran. B. paghihiwalayin ko ang nabubulok at di nabubulok na basura. C. itatapon ko sa tabi ng ilog ang mga basura para ipaanod. D. sasabihin ko kay tatay na sunugin na lang ang mga basura. 5. Paano mo malalaman na mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa sa iyong komunidad? Mga tamang sagot: 1. D 2. D 3. B 4. B 5. A A. nakikita ang mga tao na magkakasama at nagtutulungan. B. ang mga tao ay hindi nag-uusap. C. lahat ay nagtatrabaho mag-isa. D. wala nang nag-aalaga sa komunidad. Tapos na ba ang lahat? Opo. Kung gayon, atin na itong sasagutan. Sino sa inyo ang nakakuha ng limang puntos? Magaling! Sino naman ang nakakuha ng apat na puntos pababa? Magaling din! Palakpakan niyo ang inyong mga sarili. J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation (Additional activities for application and remediation) (Magtataas ang kamay ng mga mag-aaral.) (Magtataas ang kamay ng mga mag-aaral.) (Magpapalakpakan.) TAKDANG-ARALIN: Panuto: Iguhit sa papel ang nakikita mong pagtutulungan sa iyong komunidad. Lagyan ng angkop na kulay. At sumulat ng dalawang pangungusap na naglalarawan sa kahalagahan ng pagtutulungan sa iyong komunidad. Paliwanag:___________________ ____________________________ ____________________________ ___________________________. xV. REMARKS Vll. REFLECTION At para sa pagtatapos tayo ay muling manalangin. Anastasha pangunahan mo ang ating panalangin. (Nag-umpisa ng manalangin) Paalam mga bata! Paalam aming guro! A. No. of learners who earned 80% in the evaluation B. No. of learners who required additional activities for remediation C. Did the remedial work? No. of learners who have caught up with the lesson D. No. of learners who continue to require remediation E. Which of my teaching strategies worked well? Why did this work? F. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve? G. What innovation or localized materials did used/discover which I wish to share with other teacher? Prepared by: DANICA V. GABAUNIA Student Teacher Checked and Reviewed by: JASMIN A. SACAY Cooperating Teacher
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )