Inihanda Nina: Baldo, Erika A. Maghuyop, Mizy Lyra G. Petsa/Oras April 25, 2024 I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa pagganap C. Mga Kasananyan sa Pagkatuto Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan. Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan. II. NILALAMAN III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa gabay ng guro 2. Mga pahina sa Kagamitang pangmag- aaral 3. Mga pahina sa teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang C. kagamitang panturo IV. PAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula sa bagong aralin Baitang Ika-apat Asignatura EPP Markahan Ikatatlo Nakikilala ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay EPP4HE-Ob-3 Napahahalagahan ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay MGA KAGAMITAN SA PANANAHI SA KAMAY EPP4 (Home Economics) Ikatlong Markahan Pahina 227-231 EPP 4, pahina 227-231 Mga larawan, chart, realia, Pag-ibig Tulad ng Batis Sing and Dance | robie317 – YouTube A. PANIMULANG GAWAIN Ihanda ang mga bata sa klase. Ipaawit ang awiting “Pag-ibig Tulad ng Batis” (Music Accompaniment) Pag-ibig Tulad ng Batis Sing and Dance | robie317 – YouTube Paupuin ang mga bata at ganyakin silang ibigay ang kanilang palakpak sa araw na ito. B. PAGBIBIGAY NG PAMANTAYAN Sabihin: Bago tayo magsisimula sa ating aralin ngayong araw ay kailangan muna nating tandan ang mga mahahalagang pamantayan upang magkaroon tayo ng maayos, masaya at mabungang pagkatuto. Pamantayan sa Silid – Aralan C. BALIK – ARAL – Mga Paraan ng pangangalaga ng kasuotan Itanong: Ano-ano ang mga paraan ng pangangalaga ng kasuotan? Bakit mahalagang alam ninyo ang mga ito? C.Paghahabi sa layunin ng aralin PAGGANYAK Gawain: SURIIN MO Magpakita ng mga larawan at ipasuri ito sa mga bata gamit ang mga katanungang nasa ibaba. Mga Katanungan: Ano ang masasabi ninyo tungkol sa larawan? Ano kaya ang damdamin ng batang may suot nito? ESP Integration-Pag-unawa sa damdamin ng kapwa. (Sabihin: Kung ang damit ng kaibigan mo ay luma at butas na, ano ang sasabihin mo sa kanya? Pagtatawanan mo ba sya? Bakit?) Naranasan nyo na rin bang nasira o nabutas ang inyong damit? Ano ang ginawa ninyo? Ano anong kagamitan ang inyong ginamit upang maayos ang inyong nasirang damit? D.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin PAGLALAHAD Gawain: ANG MAHIWAGANG KAHON Magpakita ng kahon sa mga bata ( Sewing Box) Pahulaan sa kanila ang laman ng nito. Pagkatapos maibigay ang kanilang mga hula, ipaikot sa klase ang kahon upang makita ng mga bata ang laman nito Mga katanungan: 1. Ano ang laman ng mahiwagang kahon? 2. Pangalanan ang mga bagay na 3awain mo sa loob ng kahon. 3. Alam nyo ba kung saan ginagamit ang mga ito? 4. Naranasan nyo na bang gumamit ng mga kagamitang ito? 5. Sa anong gawain ginagamit ang mga kagamitang ito? Science Integration – Push and Pull (Sabihin: Kapag ikaw ay nananahi,sa kamay gamit ang karayom anong lakas o force ang iyong gagamitin? Ipakita nga natin kung kailan tayo nagpu push at nagpu pull kapag nananahi.) B.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan.#1 PAGTATALAKAY TINGNAN AT MATUTO Magpakita ng mga iba’t ibang larawan ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay at ang gamit o kahulugan nito B. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan.#2 Talakayin ang bawat kagamitan sa pananahi sa kamay at ang gamit ng bawat kagamitan. C. Paglinang ng kabihasaan (Tungo sa formative assessment) PANGKATANG GAWAIN: (Ipaalala ang rubrik para sa Pangkatang Gawain) UNANG PANGKAT – Word Web Gumawa Ing graphic organizer at isulat sa organizer ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Mga katanungan: Ano ano ang mga bagay na inilahad at ipinakita ng guro? Para saan ang mga kagamitang ito? Naranasan nyo na rin bang gumamit ng mga kagamitang ito? Ano ang gamit ng bawat kagamitan? Mahalaga ba ang mga kagamitang ito? Bakit? [Text] Mga kagamitan sa pananahi sa Kamay [Text] [Text] IKALAWANG PANGKAT – [Text] Scavenger Hunt Hanapin ang kagamitang tinutukoy sa bawat pahayag na nakasulat sa papel. Ilagay sa loob ang kagamitang tinutukoy at isulat ang pangalan nito sa nakalaang espasyo. IKATLONG PANGKAT – Role Playing Magsadula ng sitwasyon na nagpapakita ng paggamit ng mga kagamitan sa pananahi. Mga katanungan sa pagtatalakay ng aralin. 1. Ano-ano ang mga kagamitan sa pananahi? (Tawagin ang unang pangkat para sa presentasyon ng awtput) 2. Ano ang gamit ng bawat isa? (Tawagin ang ikalawang pangkat para sa presentasyon ng awtput) 3. Ano ang kahalagahan ng mga kagamitan sa pananahi sa ating pang araw araw na buhay? (Tawagin ang ikatlong pangkat para sa presentasyon ng awtput) Pagbibigay ng puntos sa awtput. D. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay Gawain: PUPUSUAN O AAYAWAN? Panuto: Pusuan kung ang pahayag ay tama at ayawan kung ito ay mali. TAMA: 1. Ang karaniwang kagamitan sa pananahi sa kamay ay ang karayom, sinulid, at gunting. 2. Ang paggamit ng tamang kagamitan sa pananahi sa kamay ay mahalaga sapagkay nagkapagbibigay ito ng kakayahan na maging self reliant sa paggawa at pag aayos ng sariling damit at iba pang gawaing pananahi Mali: 1. Ang karayom ay hindi kasama sa mga kagamitan sa pananahi sa kamay. 2. Ang paggamit ng anumang kagamitan ay hindi importante sa pananahi sa kamay. E. Paglalahat ng aralin Game: IT’S SHOWTIME! Pangkatin ang mga bata at gawin ang It’s Showtime Game. Panuto: Isulat s papel ang sagot sa mga katanungan. 1. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagputol ng tela? 2. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagsukat ng telang tatahiin? 3. Anong kagamitan ang inilalagay sa gitnang daliri upang itulak ang karayon kapag nananahi? 4. Ano ang kasama ng karayom na dapat kasing kulay ng telang tatahiin? 5. Saan inilalagay ang aspile at karayom pagakatapos gamitin upang hindi mawala? 6. Saan itinutusok ang aspile at karayom kapag mapurol na? Ito ay may lamang buhangin. 7. Saan dapat inilalagay ang mga kagamitan sa pananahi upang madaling magamit pag kinakailangan? F. Pagtataya ng aralin Panuto: Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang. ______ 1. Ano ang ginagamit sa pagsukat ng telang tatahiin? A. didal B. gunting C. medida ______ 2. Itinitusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin. May laman itong buhangin. A. didal B. emery bag C. pin cushion ______ 3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela. A. gunting B. pin cushion C. medida ______ 4. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng kahalagahan ng kagamitan sa pananahi sa kamay? A. Ang pag-aayos ng mga damit ay hindi importante.B. B. Ang tamang kagamitan sa pananahi ay hindi kailangan. C. Ang kagamitan sa pananahi sa kamay ay mahalaga sa paggawa at pag-aayos ng mga damit. ______ 5. Bakit mahalagang malaman ang bawat gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay? A. Upang magkaroon ng mas maraming bagay sa bahay. B. Upang mapadali at mapabilis ang paggawa ng mga proyekto sa pananahi C. Upang maipakita ang yaman ng isang tao. G. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation Magdala ng mga kagamitan sa pananahi. Ilagay ito sa sewing box. Magdala rin ng telang tatahiin. Mrs. Stefany B. Turno, LPT, MAEd Instructor/Observer Mga Batayan Nilalaman 5 Naibigay ng buong husay ang hinihingi ng takdang paksa sa pangkatang gawain. Puntos 3 May kaunting kakulangang ang nilalaman na ipinakita sa pangkatang Gawain 1 Maraming kakulangan sa nilalaman na ipinakita sa pangkatang gawain Presentasyon Buong husay at malikhaing naiulat at naipaliwanag ang pangkatang gawain sa klase. Naiulat at naipaliwanag ang pangkatang gawain sa klase. Di gaanong maipaliwanag ang pangkatang gawain sa klase Kooperasyon Naipapamalas ng buong miyembro ang pagkakaisa sa paggawa ng Naipapamalas ng halos lahat ng miyrembro ang pagkakaisa sa Naipapamalas ang pagkakaisa ng iilang miyembro sa paggawa ng RUBRIK PARA SA PANGKATANG GAWAIN Takdang Oras pangkatang gawain paggawa ng pangkatang Gawain pangkatang gawain Natapos ang pangkatang gawain ng buong husay sa loob ng itinakdang oras Natapos ang pangkatang gawain ngunit lumagpas sa takdang oras Di natapos ang pangkatang gawain Prepared by: JASPER M. REYES Teacher 1
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )